Professional Documents
Culture Documents
"This will be the unforgettable moment of your life. I'm so happy for you, Amber."
Sharmaine held my hand and smiled at me.
"Thank you, Sharm." I said and kissed her cheek.
"Ang ganda mo din." Papuri ko habang sinusuyod ko ito ng tingin.
She's wearing a cinnamon rose off-shoulder dress. Mas lalong lumitaw ang kaputian
nito dahil sa suot nito.
And I saw Krystal walking towards us. As well as Princess and Destinee Kim. I saw
Arianne and Christine, too. They are all wearing the same dress just like
Sharmaine's.
Well, they are all my bridesmaid. And Krystal is my maid of honor.
Kahit kasal na sina Princess at Christine ay kinuha ko pa ring bridesmaid ang mga
ito.
Ilang sandali lang ay nauna na sa simbahan ang mga bridesmaid. At sumunod ako sakay
sa itim na limousine.
Nang makalabas mula sa sasakyan ay napangiti ako habang nakatingala sa isang
napakalaking simbahan.
I can't wait to see Renz. Isang araw ko itong hindi nakasama dahil bawal. At alam
ko na ito rin ay sabik na ding makita ako.
Humigpit ang pagkakahawak ko sa hawak kong bouquet of flowers habang naglalakad
papasok sa simbahan.
At nang bumukas ang malaking pinto ng simbahan ay kaagad na pumailanlang ang intro
ng wedding song na pareho naming pinili ni Renz.
He was the one who pushed the song as our wedding song. Ang sabi nito ay bagay na
bagay sa amin ang kanta. Bagay na bagay sa buhay pag-ibig nito na kasama ako.
Naglakad ako at sinalubong ako ng mga magulang ko. Nagmano ako at niyakap ko ang
mga ito.
And I smiled as I looked at the man who stands at the front of the altar while I'm
walking.
Ngumiti ito sa akin habang puno ng paghanga at pagmamahal ang mababanaag sa mga
mata nito.
And tears dropped from my eyes when I heard the first stanza of the song.
Our wedding song: Your Love by Jim Brickman.
It's not the flowers, wrapped in fancy paperIt's not the ring, I wear around my
fingerThere's nothing in all the world I needWhen I have you here beside me, Here
beside meSo you could give me wings to fly And catch me if I fallOr pull the stars
down from the skySo I could wish on them allBut I couldnt ask for more'cause your
love is the greatest gift of all
Nabigla ang lahat nang maglakad si Renz patungo sa akin kahit malayo pa ako sa
altar. Walang pumigil dito at natawa na lang ang mga tao sa simbahan. Maging ako ay
napangiti at napailing sa ginawa nito.
Lumapit ito sa akin at nagmano sa mga magulang ko. Napangiti na lang ang mga ito
habang ibinibigay ang kamay ko kay Renz.
"Take good care of our daughter." Nakangiting habilin ng mga magulang ko.
Tumango si Renz at nangakong aalagaan ako nito hangga't nabubuhay ito.
Nagkatinginan kami ni Renz at kapagkuwan ay magkahawak-kamay na sabay na naglakad
patungo sa altar.
The wedding song continued to play as we walked together.
In your arms, I found a strength inside me And in your eyes there's a light to
guide meI would be lost with out youAnd all that my heart could ever wantHas come
trueSo you could give me wings to fly And catch me if I fallOr pull the stars down
from the skySo I could wish on them allBut I couldnt ask for more'Cause your love
is the greatest gift of all
You could offer me the sun, the moonAnd I would still believeYou gave me everything
When you gave your heart to me
So you could give me wings to fly And catch me if I fallOr pull the stars down from
the skySo I could wish on them allBut I couldnt ask for more'Cause your love is the
greatest gift of all
Nang pareho na kaming nasa harap ng altar ay ako naman ang nagmano sa mga magulang
ni Renz. They gave us their blessings. Si Renz ay hindi na binitawan ang kamay ko.
Mahigpit ang pagkakahawak nito doon.
"I love you. I love you, my Amber." He softly whispered.
Nginitian ko ito.
"Mahal din kita, Mr. Anderson." Tugon ko.
"Napakaganda mo." Papuri nito.
Mahina akong natawa nang mabanaag ang pagnanasa sa mga mata nito.
"Looks like you can't wait us to be alone together." I teased.
He nodded. Ni hindi ito tumanggi.
"I miss you so fucking much and can't wait to lick you until your last drop." He
hoarsely whispered.
Mahina ko itong hinampas sa braso.
"Bastos ka. Nasa simbahan tayo." Saway ko na natatawa.
Tumawa lang ito at pareho kaming humarap sa pari. Nagkatinginan kami ni Renz at
sabay na nag I love you sa isa't-isa.
Ilang sandali lang ay inumpisahan na ng pari ang seremonya ng kasal. Hanggang sa
ang pagsuot na ng singsing at pagsabi ng vow namin ang susunod.
Una kong kinuha ang singsing at tumingin kay Renz.
"I, Amber Patterson, vow to cherish and to honor you. I promise to love you every
single day. I promise to be with you always, through sickness and health. For
richer and for poorer, I promise to stay with you. I promise to hold on with you
even at times that you're on your weakest point. I will be your strength, Renz.
Just trust me as your wife. I love you, you know that. I love you every seconds,
minutes and every hours. And thank you for choosing me as your wife. I love you so
much." As I finished my vow, Renz wiped my tears that I didn't noticed.
Nginitian ko ito at isinuot ang wedding ring sa daliri nito.
Ito naman ang kumuha ng wedding ring at nginitian ako.
"I, Renz Anderson, vow to respect, to cherish and to love you until my last
breath..." Mataman itong tumitig sa mga mata ko.
Napangiti ako nang makitang namumula ang mga mata nito. Pinipigilan nito ang pag-
iyak.
Tumikhim ito bago nagsalita ulit.
"Ang tagal kong hinintay ang araw na ito. Ang araw na haharap ako sa altar na
kasama ka, babe. Ang araw na ipapangako ko sa harap ng Diyos at sa harap ng mga
taong importante sa buhay natin na mamahalin kita hanggang sa kamatayan ko."
Umangat ang kamay nito at hinaplos ang pisngi ko.
"At kung mamatay man ako ngayon, bukas o sa makalawa ay masaya akong mawawala sa
mundong ito. Masaya ako dahil ako ang pinili mo, ako ang minahal mo at ako ang
pinakasalan mo." Hindi ko alam pero imbes na masiyahan ako sa sinabi nito ay bakit
tila kinikilabutan ako?
Why is he talking about death on our wedding day, for heaven's sake!
"Renz-"
"Listen to me, babe." Agaw nito sa pagtangka kong pigilan ito.
Ngumiti ito sa akin.
"Mahal na mahal kita at patuloy kitang mamahalin kahit anong mangyari. I promise to
make you happy and promise not to hurt you. Mahal na mahal kita, Amber. Sobrang
mahal na mahal kita. At ang araw na ito ay hinding-hindi ko makakalimutan sa buong
buhay ko. You are my greatest gift of all, my Amber babe." Nakangiting pagtatapos
nito sa sasabihin at isinuot ang singsing sa daliri ko.
Nagpalakpakan ang mga tao pagkatapos mag-anunsyo ng pari na mag-asawa na kami.
Sabay-sabay na nagsigawan ng "Kiss the bride" ang mga ito na ikinangiti naming
dalawa ni Renz.
Kinabig ako nito sa beywang at buong pagmamahal na sinakop ng halik ang mga labi
ko.
Masigabong na palakpakan ang pumaibabaw at tilian habang tinutugon ko ang halik ng
asawa ko.
"Mabuhay ang bagong kasal!" Sabay-sabay na sigawan ng mga Phoenix.
Sumabog sa paligid ang mga red rose petals na alam kong ang mga Phoenix ang may
kagagawan.
Masaya kaming nagpalitrato kasama ang mga magulang at mga kaibigan. Ilang minuto
bago natapos ang picture taking at ang iba ay nauna na sa venue ng reception.
"Babe." Tawag ni Renz sa akin.
Kasabay ng paglingon ko ay ang pag-click ng camera nito na nakasabit sa leeg nito.
Sinimangutan ko ito. Kanina pa ako nito kinukuhanan ng litrato na biglaan. Halos
lahat ng iyon ay stolen shots.
"Ang daya mo." Kunwari ay batang usal ko.
Sa halip na pansinin ang sinabi ko ay sunod-sunod ang pag click ng camera nito. He
was enjoying taking my pictures using his camera.
Napailing na lang ako at hinayaan ito.
Tawa kami ng tawa habang papunta ng bridal car namin. Masaya ang lahat. Ang mga
bisita, ang mga magulang namin at higit sa lahat ay kaming dalawa ng asawa kong si
Renz.
"Let's go to our reception. Naghihintay na ang ibang bisita." Anyaya ko kay Renz.
Tumango ito at dinampian ako ng halik sa mga labi.
"I love you, babe." Usal nito.
Pinisil ko ang matangos na ilong nito. Napapansin ko na halos minu-minuto yata ay
hindi ito pumapalyang magsabi ng I love you sa akin mula kanina pa.
"Ang sweet naman ng asawa ko." Malambing na wika ko.
"I am the sweetest man alive." Pagmamayabang nito.
Natawa na lang ako.
Kinabig ako nito sa beywang.
"Mahal na mahal kita, Amber Anderson. Always remember that. Sobrang mahal na mahal
kita." Madamdaming usal nito.
What's with him today? Marahil ay sobrang masaya lang ito dahil sa kasal naming
dalawa.
"Mahal na mahal din kita, asawa ko." Wika ko at pinisil ito sa pisngi.
Hinawakan nito ang dibdib nito.
"Asawa ko. Sobrang sarap sa pandinig and my heart has been slain." Malapad ang
ngiting usal nito.
Napailing na lang ako.
Binuksan nito ang pinto ng bridal car.
"Sakay na aking mahal na asawa." Pilyong sabi nito.
Akmang sasakay na ako nang biglang mapahawak sa sariling ulo nito ang asawa ko.
Natatarantang hinawakan ko ito sa braso pero tinabig lang nito ang kamay ko.
"Renz, are you okay?" Nag-aalalang tanong ko.
Sa halip na sagutin ako ay napasigaw ito habang hawak-hawak ang ulo nito.
Nanginginig ang mga kamay na ikinulong ko ang mukha nito sa mga palad ko.
"Renz, look at me. Dadalhin kita sa ospital, okay?" Kinakabahang sabi ko.
Patuloy ito sa pagsigaw na tila sobrang sakit ng nararamdaman nito. Tumingin ito sa
akin at doon ko nakita ang mga luhang pumatak sa magkabilang pisngi nito.
"I'm sorry, babe. I'm sorry." Wika nito at mahigpit akong niyakap.
Naramdaman ko ang malamig na pawis nito.
"Mahal na mahal kita. Mahal na mahal kita, Amber." Bulong nito.
At labis ang pagkabigla ko nang bigla itong bumagsak sa semento.
"Renz!" Malakas na sigaw ko sa pangalan nito.
Kaagad ko itong dinaluhan.
"Oh my god! Renz!" Niyugyog ko ito. "Renz! Wake up, please! Renz!" Paulit-ulit
akong sumigaw.
Pero nanatili itong nakapikit, walang malay at namumutla.
Ang panginginig ko ay mas lalong nadagdagan. Nasa ganoong ayos ako nang maabutan
ako ni James.
Napamura ito at kaagad nitong inutusan ang asawa nitong si Princess na ilayo ako
kay Renz.
"K-Kailangan ako ng asawa ko. P-Please." Wala sa sariling sambit ko habang
ipinapasok si Renz sa loob ng ambulansya na tinawagan ni James.
Bago pa man makatugon ang mga ito ay dumilim na ang paningin ko at nawalan ako ng
malay.
To be continued...