You are on page 1of 78

Mystique Academy: The Bodhisattva Eye

Prologue:
The battle is not yet over.
Another darkness is reborn.
Another enemies will appear.
The seal will soon to be broken.
Demons will hunt the one who's possessing the ultimate power of healing,
resurrection and death.
The child of the goddess and the ace.
Will she be the savior or the one who'll destroy the world?
Will she able to control herself or she will be the one to be controlled by her own
power?
Another school year will start.
Mystique Academy will soon to open again.
A new battlefield is built.
A new game is set.
A school that soon to be a bloodbath field, for the second time.

=================

Chapter 1: Normal Life

"Bakit ba ang boring ng buhay?" agad akong humilata sa sofa ng bahay namin. Hindi
ko naabutan si Mommy o si Daddy sa bahay. Kaasar.
"Naandyan ka na pala. Ang aga mo ata?" napatingin ako kay Kuya Haze, kapatid ko.
"Nagcutting ako. Nakakatamad sa school." kumunot ang noo ni Kuya.
"Ano?! Alam mo bang kapag nalaman 'yan nila Mama-"
"Oo, alam ko. Joke lang naman 'yon. As if kaya kong magcutting classes 'no. Maaga
kaming pinauwi. Ang boring boring naman kasi sa school." umupo sa tabi ko si Kuya.
"Hindi boring ang school, tamad ka lang talaga." Tingnan mo 'tong kapatid ko.
Palibhasa siya masaya sa buhay. Parang gusto ko na ring magcollege!
"Nasaan sila Mommy?" iniba ko nalang ang topic, kasi naman. Naiinis talaga ako.
Bwisit.
"Si Mommy, may kaylangang puntahan. Si Daddy, office." kinuha ko yung basong hawak
niya at ininom ang laman noon.
"Ya! Bastos kang bata ka ah." tinawanan ko nalang siya. Minsan napapaisip ako, ang
weird ng pamilya namin. May mga pagkakataon na pakiramdam ko may itinatago sila
sakin. May mga pagkakataong nararamdaman ko na may kulang sa pagkatao ko.
"Kuya, naniniwala ka ba sa superpowers?" napatigil si Kuya sa itinanong ko. Out of
nowhere nilabas nalang iyon bigla ng bibig ko. I don't know, parang gusto ko lang
itanong.
"B-Bakit mo naman nasabi iyan? Anong klaseng tanong 'yan? Superpowers, nag eexist
ba talaga 'yon?" pinanliitan kong mata si Kuya. OA niyang magreact.
"Madalas akong managinip na may kung ano anong kakayahan ang kaya kong gawin."
napatigil si Kuya. Hinintay ko siyang magsalita pero mas pinili niyang

tumayo. Mas bastos pala siya eh, kausap ko siya tapos ganyan.
"Astrid..." tumingin ako sa kanya. Ang weird. Bigla siyang naging seryoso.
"Nababaliw ka na ata." sinimangutan ko siya, sabi na pinagtitripan na naman ako ng
gagong 'to eh.
"We're home." napatakbo ako sa pintuan ng bahay namin at agad na sinalubong sila
Mommy at Daddy. Sabay silang umuwi.
"Oh, Astrid bakit ang aga mo?" sumimangot ako.
"Maaga kaming pinauwi. May meeting daw po ang mga teachers namin." pumunta kami sa
sala at naupo.
"Mommy, Daddy kamusta ang highschool niyo noon? Masaya ba?" nagkatinginan sila
Mommy at Daddy bago ngumiti si Daddy.
"Oo, masaya." kumunot ang noo ni Mommy na para bang hindi sang ayon sa sinabi ni
Daddy.
"Masaya naman talaga ah? Bakit ganyan ka makatingin, Hel?" nakasimangot pa rin si
Mommy nang bigla niya nalang irapan si Daddy.
"Saan ba kasi kayo nag aral ng highschool? Gusto ko din doon." sabi ko sa kanila.
"Sa Mystique Academy-Aray!" sinipa ni Mommy si Daddy kaya napatigil ito at
napasigaw.
"Mystique Academy? Never heard about that." sabi ko sa sarili ko. Pangalan palang
nakakaattract na. Waah, gusto ko din doon.
"Hindi ka na pwedeng mag aral doon. Nasira na ang Mystique Academy noon dahil sa
isang aksidente kaya marami na ang hindi nakakaalam tungkol sa school na iyon."
sabi naman ni Mommy. Aww, sayang naman. Mukha doon hindi magiging boring ang buhay
ko.
"I'm going now." sabi ni Kuya Haze.
"Take care." sabi nila Mommy sa kanya.
"Yeah, I can handle myself." ngumiti ito samin bago siya umalis.
Tumayo rin ako sa pagkakaupo

ko. "Punta lang ako sa garden." Gusto kong pumasok sa Mystique Academy na iyon pero
mukhang malabo nang mangyari. Hindi ko alam pero para bang sa lugar na iyon ako
nabibilang.
"Hey!" napatingin ako sa kanya ng itulak niya ang swing na inuupuan ko. Nakita ko
si Luca.
"Ikaw lang pala eh!" umupo siya sa tabi ko habang tumatawa.
"Wala kang galang, kasing idaran ako ng mga magulang mo tapos Luca lang tawag mo
sakin." Kasing idaran nga pero mukha naman silang kasing idaran ko.
"Bakit ba hindi kayo tumatanda?" tanong ko sa kanya. It was a joke. Kahit na
nagtataka talaga ako kung bakit pakiramdam ko hindi sila tumatanda.
"May iniinom akong gamot. Hahaha" kumunot ang noo ko sa kanya. Ang corny ng joke
niya.
"Luca, alam mo ba yung Mystique Academy?" halata ang pagkagulat sa mukha niya nang
banggitin ko iyon.
"B-Bakit mo naitanong?"
"Gusto ko kasi sanang mag aral doon kaya lang sabi ni Mommy, matagal na daw nasira
ang Mystique Academy." sabi ko sa kanya bago huminga ng malalim.
"A-Ah, oo matagal na ngang sira ang Mystique Academy." muli akong natahimik. Bakit
ganito, pakiramdam ko tinatawag ako ng school na iyon. Pero paano, matagal na ngang
sira diba?
"Astrid, naandyan ang mga kaibigan mo. May lakad ba kayo?" napatingin ako kay
Mommy. Naalala ko, may gagawin nga pala kaming project sa bahay ng isa sa mga
kaklase ko.
"Opo, Mommy may gagawin lang ako sa bahay ng mga kaklase ko. Papasundo nalang ako
mamaya kapag uuwi na ako." tumango si Mommy.
"Mag iingat ka ha?" tumango ako at agad bumalik sa loob ng bahay.

Hel's Point

of View
"Hel.." napatigil ako at napatingin kay Luca. "Wala ka pa bang balak sabihin sa
kanya ang totoo?" ito na naman ba ang magiging isyu? Nagkasundo na kami ni Kreios
na hindi namin sasabihin ang lahat kay Astrid.
"Mas mabuti nang wala siyang alam." matipid na sagot ko sa kanya. Tumayo si Luca at
lumapit sakin.
"Pero hindi mo ba naisip na malalaman niya rin ito sa tamang panahon. Darating ang
oras na mawawasak ang seal na inilagay niyo sa kanya. Dadating ang araw malalaman
niya na isa siyang cursed-"
"Luca, my daughter is not a cursed." matalim kong tiningnan si Luca. Huminga siya
malalim.
"About Mystique Academy, alam mo naman siguro na matagal na rin simula nang muli
itong buksan. Bakit mo nililihim ang tungkol doon?"
"Mas gusto kong mabuhay ng normal ang anak ko. Masyado nang maraming nangyari sa
Mystique Academy. Ayokong maranasan niya iyon." Tama naman ang ginagawa namin sa
pagpapalaki sa mga anak namin hindi ba?
"Bakit si Haze, hinayaan niyong malaman niya kung anong meron sa pagkatao niya pero
namumuhay naman siya ng ng normal-"
"Haze is different. Hindi si Haze ang nagmamaya ari ng..." napatigil ako. Hanggang
ngayon hindi ko pa rin matanggap na si Astrid..
"Nagsisisi ka bang nagkaanak kayo ni Kreios?" napatingin ako kay Luca. Nakatingin
siya sa kawalan.
"No." Hindi ako nagsisising nagkaanak kami ni Kreios, alam ko naman ang magiging
consequences lalo na't siya ang ace pero bakit si Astrid pa.
"Dahil sa kapalaran ni Astrid, you sealed her power even her left eye." Mas mabuti
na iyon. Ayokong dumating ang araw na paghahanapin siya ng mga iba't ibang nilalang
para gamitin sa kasamaan.
"Do you think, it will be the best for her?" napakunot ang noo ko sa sinabi ni
Luca. "Dadating ang araw malalaman niya rin ang lahat. Kapag nangyari iyon,
matanggap niya kaya? She can bring peace and balance to the world but if she can't
control it, it can bring chaos and imbalance to the world. Mas malaki ang impact
kaysa kay Spade." Alam ko naman iyon pero hangga't maaari, hangga't may talab pa
ang seal, gusto kong maranasan ni Astrid ang mamuhay ng payapa at normal.
"It's the best for her." napailing si Luca sa sinabi ko.
"Hel, you're an omnipotence. You're a genius bakit hindi mo maisip na pwedeng hindi
ito ang makakabuti sa kanya? She has the right to know the truth, to know
everything, to know her true self." huminga ng malalim si Luca. "Astrid is not a
normal girl. Pagbali-baliktarin man natin ang mundo, she will never be normal.
Astrid is more than normal. She's possessing the Bodhisattva Eye." napakuyom ang
kamay ko sa sinabi niya.
"I'll tell her everything, when the right time comes." Natatakot ako, natatakot ako
sa magiging reaksyon niya kapag nalaman niyang may kakayahan siyang i-maintain ang
kapayapaan at ang balance ng mundo pero may kakayahan din siyang magdulot ng
kasiraan at imbalance ng buong mundo.
Ayokong maiba ang tingin niya sa sarili niya.
xxx

Hiii~ Inuulit ko, hindi lang sa anak nila nakafocus 'to since wanted si Kreios
ditey. Hahaha. Anyways, thank you sa mga hanggang dito ay patuloy na nagbabasa.
Alam ko namang book 3 ang habol nung iba. Haha
May nagtanong sakin bakit daw inuna ko ang anak nila bago yung kila Hel. Sagutin ko
na, kasi naandito ang cause ng mangyayari kila Hel sa book 3.
Kamusta chapter 1? Sana naenjoy niyo. Mabilis ang update ko since bakasyon na ako.
Woo~ Salamat <3

=================

Chapter 2: The Academy

"Oh Astrid, ano bang problema mo? Kanina ka ba nakasimangot diyan." tanong sakin ni
Mei. Paano ba namang hindi, pakiramdam ko may tinatago sakin ang mga magulang ko.
"Wala." matipid na sagot ko sa kanya. Napapaisip ako, bakit nga ba hindi sila
tumatanda? Sila Tita Chloe, Tita, Dalia, Tito Alvis, Tito Theo at si Tita Bellona,
lahat sila nag iiba ang itsura kahit papaano, lahat sila tumatanda pero bakit sila
Mommy at Daddy maging si Luca ay hindi. Dahil tuloy doon nasanay ako na tawagin si
Luca na Luca lang. Kaya madalas napapagalitan ako ni Mommy dahil wala daw akong
galang.
"Astrid, may sakit ka ba? Stop zoning out!" napailing ako at gumawa nalang ng
projects. Ito ang hirap sa school puro projects. Nagbabayad kami tapos yung ibang
teacher hindi nagtuturo.
"Oy narinig niyo ba yung rumor?" wala akong balak makinig sa mga pinag uusapan nila
since baka puro mga lalaki na naman 'yan.
"May nakita daw na parang lumilipad kagabi. Hindi naman daw ibon o eroplano. Tao
daw." Lumilipad na tao? Parang imposible naman. Diba, kasi wala namang ganon.
"Baka nananaginip lang yung nakakita ng mulat ang mata" sabi ko sa kanila habang
ginagawa yung project ko. Puro sila daldal, hindi nga totoo yung mga magic at mga
powers na 'yan. Si Kuya narin ang nagsabi.

Hindi na ako nagpasundo pa kay Daddy since maaga naman kaming natapos. Naalala ko
pating may dadaanan ako. May gusto akong bilhin. Lagi kasi silang wala sa bahay
lalo na si Mommy. Gusto ko silang bilhan ng gift.
Pumasok ako sa isang store at tumingin tingin doon. Ano kayang bagay ang
magugustuhan nila? Si

Daddy mabilis bilhan pero si Mommy...Hindi kasi si Mommy yung sobrang girly.
Actually kabaligtaran nga nila ako. Sila tahimik lang, seryoso sa buhay tapos ako
easy going, maingay, madaldal. Minsan naiisip ko, ampon ba ako?
Syempre hindi, hindi naman siguro pero pakiramdam ko talaga minsan, naiiba ako sa
kanila. May mga pinag uusapan sila na hindi ko magets katulad ng Niflheim. Anong
lugar iyon? I mean, naririnig kong doon daw madalas galing si Mommy kapag naguusap
sila nila Kuya.
"Hello Miss, anong hanap niyo?" napatingin ako sa lalaking nagtitinda ata dito.
"Mukha ka kasing naguguluhan kung anong bibilhin mo. Para ba sa boyfriend mo?"
Boyfriend? Wala nga akong manliligaw. Lahat ng lalaking nakikilala ko takot kila
Daddy. Everytime na may dadalhin ako sa bahay, ang sama ng tingin nila Daddy, mga
tito ko at nila Luca dito. Akala mo naman nagpapasok ako ng magnanakaw.
"Hindi, para sana sa parents ko sana." Pero ayon nga, hindi ko alam kung anong
dapat kong ibigay kay Mommy.
"Ah, may new arrivals po kami-" hindi ko na siya pinakinggan pa at tumingin sa
paligid. Nakakita ako ng picture frame. Maganda siya at medyo expensive. Naalala
ko, ni isang picture wala kami sa bahay. Siguro isang dahilan kung bakit kapag
umuuwi ako sa bahay ang lungkot lalo na't maabutan kong wala sila doon.
"I'll buy this one." sabi ko doon sa lalaki. Ngumiti siya at sinamahan ako sa
counter para makapagbayad.
Lumabas na ako ng store at ready na sanang umuwi nang lumakas ang hangin. Shit,
naka-skirt lang ako. Tumigil ako sa paglalakad ko lalo na noong may fliers na
tumama sa mukha ko. Kinuha ko ito at binasa. Ano ba

ito, sa lahat naman ng pwedeng matamaan mukha ko pa.


Enroll now!
Mystique Academy is still open for enrollment!
Do you feel like you're possessing powers or different kinds of ability? Then
Mystique Academy is where you belong. We'll be waiting!
"Mommy, Daddy saan kayo pumasok ng high school noon?"
"Mystique Academy."
Tama ito iyon. Ito yung school kung saan pumasok sila Mommy noon. Nagmamadali akong
tumakbo para umuwi. Pwede pa naman ako magtransfer ng school hindi ba?
Napangiti ako. My dream school! Agad akong tumakbo papauwi sa bahay namin.
Sasabihin ko agad kila Mommy na itransfer ako ng school. Hindi ko rin maintindihan
pero para bang tinatawag ako ng school na ito.
Habang tumatakbo ako, sa sobrang excitement ko hindi ko napansin na may nakabunggo
ako. Aray ang sakit. Laking harang naman kasi.
"Aba, Miss hindi ka ba marunong tumingin sa dinaraanan mo?" tumalsik ako doon ah.
Ang sakit. Masyadong malakas ang impact ng pagkakaupo ko.
Iminulat ko ang mga mata ko. Holy shit! Ang lalaking tao nila. Omygod!
"Aba, boss chix 'yan."
"Magandang bata!"
"Boss, maganda." ako ba ang tinutukoy nila? Rape ba ito? Tanghaling tapat, wag ako.
Ngumisi yung lalaking malaki na nakabunggo ko. Dahan dahan siyang lumapit sakin.
Mariin kong ipinikit ang mata ko. Someone, please save me!

Luca's Point of View


"Ano bang problema niyo? Bigla bigla niyo nalang akong hinila dito. Kinakausap ko
pa si Hel eh." pagrereklamo ko sa kanila. Nakakainis.
"Ito

naman, minsan na nga lang tayo magkasama sama. Buti ikaw mukha ka pa ring bata, eh
kami? Kaylangan naming mag enjoy hangga't kaya pa namin." makapagsalita naman ang
mga 'to akala mo bukas mamamatay na.
"Dito tayo dumaan, shortcut." hindi na ako nakaangal dahil bigla nila akong
hinigit. Tangina 'tong mga 'to ang sarap sipain.
"Miss, wag kang mag alala hindi ka naman namin sasaktan." napatigil ako sa
paglalakad. Anong meron doon?
"Oy, may binabastos na babae." sabi ko doon sa dalawa.
"Hayaan mo na, hindi naman natin kilala 'yon." napakunot ang noo ko. Tiningnan kong
mabuti kung sino yung babae. Fuck, is that Astrid?
"Tangina niyo eh si Astrid yung binabastos." napatigil sila sa sinabi ko at agad
kaming napatakbo doon pare-pareho.
Humarang kami sa harapan ni Astrid bago pa man siya magalaw o mahawakan ng mga
lalaki. "Hoy, bata tabi." sabi nito sakin. Bata? Ako bata? Ulol, hindi lang ako
tumatanda pero hindi na ako bata.
Sinilip ko si Astrid, nakapikit pa rin ang mga mata niya. "Kei.." huminga ng
malalim si Kei bago tumango.
"Pakasaya kayo." may isang malaking void ang lumabas sa likuran ng mga lalaki at
hinigop sila papasok doon. "Easy." natatawang sabi ni Raven.
Lumapit kami kay Astrid. "Wag!"
"Hoy!" sigaw ko dito. Agad niyang iminulat ang kanyang mga mata at tumingin samin.
"L-Luca.." tiningnan niya ang paligid. Halatang hinahanap niya yung mga lalaki
kanina. "N-Nasan na yung..."
"Nagsi-swimming sa void." tiningnan ko ng masama si Kei dahil sa sinabi niya.
Halata naman ang pagtataka ni Astrid. Pilit akong ngumiti sa kanya.
"Wala na, tumakbo na sila

papalayo." nakahinga naman ng maluwag si Astrid sa sinabi ko.


"Ah!" mukhang may naalala siya at biglang tumayo tapos ay nagsimulang maghanap.
Anong hinahanap nito?
"Hala!" lumapit kami sa kanya para lang makita na may hawak siyang frame. Anong
meron sa frame? "Binili ko ito kanina kasi naisip kong bigyan ng regalo sila Mommy
at Daddy. Since hindi ko alam ang gusto nila ito nalang ang binili ko kaya lang
ngayon, nasira na siya." nabasag yung salamin nung frame na hawak niya. Sayang
naman.
"Bakit picture frame?" pagtatanong nila Raven.
"Kasi ano, walang kahit na isang family picture sa bahay. Naisip ko na baka matuwa
sila Mommy kung kahit isang family picture magkaroon kami." malungkot na sabi niya.
Tinapik ko ang ulo ni Astrid.
"Wag ka nang malungkot, bibili nalang tayo ng bago mamaya." ngumiti ako sa kanya.
Dahan dahan naman siyang ngumiti at tumango.
"Ano? Mystique Academy?" naglalakad na kami papauwi at ang kapal ng dalawang kasama
ko, nagpalibre pa sakin ng ice cream.
"Oo, kanina may lumilipad na flier. Tumama nga sa mukha ko eh. Nakalagay doon, nag
aaccept pa daw sila ng mga enrollees." masayang sabi ni Astrid. Sabagay, matagal na
rin namang bukas ang Mystique, tinatago lang namin kay Astrid since ayaw nga nila
Hel.
"Gusto mong pumasok sa Mystique Academy? Bakit? Hindi ka ba masaya sa school mo?"
sumimangot si Astrid sa itinanong ni Kei. Umiling ito.
"Hindi, pakiramdam ko naiiba ako sa kanila. Pakiramdam ko, hindi ako belong sa
lugar na iyon." sambit nito.
"Please..tulungan niyo akong kumbinsihin sila Mommy." halata ang pagkagulat

nila Raven. Agad silang tumanggi.


"H-Huh? Ayoko pang mamatay!" sigaw ni Raven. Gago talaga 'to. Alam naman nilang
walang alam si Astrid tungkol sa kung ano talaga si Hel at Kreios eh.
"Ano?"
"Wala, nakakatakot ang Mommy mo. Ayoko. Takot ako. Parang mangangain ng buhay iyon
kapag galit. Kay Luca ka nalang magpatulong. Close naman sila." sabi pa ni Raven.
Bakit ba ang gago niya?
"Naalala ko, may kaylangan pala akong puntahan ngayon." sabi ni Kei sa isang tabi.
Isa pa ito, akala mo seryoso sa buhay pero hindi.
"Ah oo nga, sama ako Kei." matapos iyon ay agad silang umalis na dalawa. Ang
bibilis talaga.
"Luca, tutulungan mo naman siguro ako diba?" huminga ako ng malalim. May magagawa
pa ba ako? I mean, nagpapacute na siya oh.
Pumunta kami ni Astrid sa bahay nila. Saktong naabutan namin na naandon si Hel at
Kreios. "Hel, Kreios gusto kayong kausapin ni Astrid tungkol sa isang bagay."
napatingin sila Kreios samin. Tiningnan agad ako ni Astrid, halatang kinakabahan
siya. Nginitian ko siya at sinabi kong ako ang bahala.
"Pwede ba tayong mag usap? Ako pala ang may kaylangan sa inyo." sabi ko sa kanila.
Tiningnan ko si Astrid "Punta ka muna sa kwarto mo, balitaan nalang kita mamaya."
sabi ko sa kanya. Nagdadalawang isip man ay sinunod niya pa rin ang sinabi ko.
Bago umalis si Astrid ay may iniabot siya sakin. Tiningnan ko ito at nakita ang
flier ng MA. Natawa ako kay Astrid, dala dala niya pa rin pala 'to hanggang ngayon.
Nang makasigurado akong umalis na si Astrid ay inilapag ko ang flier na ibinigay
niya sakin. Tiningnan ito ni Hel at Kreios. "Astrid wants to transfer to Mystique.
Nakita niya 'yan sa labas kanina." tiningnan ako ni Hel. Nakakunot ang mga noo.
Hindi dapat ako matakot hindi naman ako papatayin ni Hel dahil dito hindi ba? "Alam
mo namang ayoko-"
"Alam ko pero gusto ni Astrid. Akala ko ba gusto mong maging masaya ang anak mo?
Ito na 'yon." sabi ko sa kanya.
"Alam mong hindi magiging masaya si Astrid sa Mystique Academy. Wag mo nang
ipagpilitan pa Luca." huminga ako ng malalim at tumingin ng diretso kay Hel.
"Alam kong pinoprotektahan mo si Astrid pero Hel she has the right to know who she
really is. Hangga't hindi niyo sinasabi sa kanya ang totoo, mananatili siyang
kulang. Hindi niya makikilala ang totoong siya." bahala na kung anong kalabasan
nito pero nakikita ko kay Astrid na gusto niya talagang hanapin ang sarili niya.
"Can't you see it Hel, she looks like a lost kid. Hindi niya mahanap ang lugar kung
saan siya nabibilang kasi pakiramdam niya hindi niya kilala ang sarili niya. If
you're troubled about her being in Mystique Academy, then I'll go with her."
nagulat sila Kreios at Hel sa sinabi ko.
Okay, nakapagdesisyon na ako. Sasamahan ko si Astrid sa loob.
xxx
Magba-back to school si Luca. Hahaha, nahihiwagaan ba kayo kung anong kapanyarihan
ni Astrid? Ako din. Hahaha
Thank you sa lahat ng nagbabasa. <3
You can tweet me @_b2utyfulcarat

=================
Chapter 3: Unsealing

Alam kong sinabihan ako ni Luca na manatili sa loob ng kwarto ko pero hindi kasi
ako mapakali. Dahan dahan akong lumabas ng kwarto ko at sumilip sa kanila sa sala.
Hindi naman siguro nila ako mapapansin o makikita since nasa may hagdanan ako.
"If you're troubled about her being in Mystique Academy, then I'll go with her."
teka, nasaang banda na ba sila ng pag uusap nila? Pumayag na ba sila Mommy?
"Hel, you need to tell her who she really is. She has the right to know." Anong
tunay na ako? Ampon ba talaga ako? Omygosh!
"Natatakot lang ako. Kapag nalaman niya matanggap niya kaya ang tunay na siya?
Ayokong ultimong siya kamuhian ang sarili niya." napahawak ako sa may hagdanan,
baka kasi mahulog ako.
"She will understand. Anak mo siya hindi ba? Maiintindihan niya ang lahat kung
ipapaliwanag mo sa kanyang mabuti." Tungkol saan ba kasi ang pinag uusapan nila?
Bakit ba ayaw na ayaw nila akong papasukin sa Mystique? Hindi ko talaga sila
naiintindihan.
"Handa na ba siyang malaman ang lahat? Parang masyado pang maaga para doon."
narinig ko ang boses ni Daddy. Waa, ano ba kasing pinag uusapan nila?
"It can't be help. Maybe we should tell her." narinig ko ang pagbuntong hininga ni
Mommy. Ano ba kasing dapat kong malaman sa katauhan ko? Ang gulo naman nila.
"Astrid, lumabas ka na diyan." nagulat ako nang tawagin ako ni Mommy. Alam niya
bang nakikinig ako sa kanila. "Kanina ka pa nagtatago diyan hindi ba? Don't pretend
you didn't hear me. Halika na dito." natakot ako kay Mommy kaya agad akong lumabas
sa pinagtataguan ko at lumapit sa kanila.
"Mommy,

wala naman akong naintindihan sa pinag uusapan niyo eh. Wala talaga akong narinig-"
"You're not normal." napatigil ako sa pagsasalita. Anong sabi ni Mommy? Hindi daw
ako normal. So, abnormal ako, ganoon? "Alam ko ang iniisip mo. Hindi sa abnormal
ka. You're not normal compare to those mere humans around us. You're special." I-
I'm special?
"In what way, Mommy? Saang bahagi ng pagkatao ko ako espesyal? Parang wala naman"
talaga naman hindi ba. Katulad ng iba, ganon lang rin ako.
"You have powers and ability that ordinary humans don't have." Talaga? Totoo ba ang
sinasabi ni Mommy? Pero..kilala ko si Mommy, hindi siya mahilig magjoke.
"Astrid, we try to hide it from you. We want you to have a normal life. Ayaw naming
matulad ka sa nangyari sa buhay namin noon. We want you to be free. Ayaw naming
kamuhian mo-" napakunot ang noo ko nang patigilin ni Mommy si Daddy. Ano, LQ na
naman sila?
"Ayaw namin na ipasok ka sa Mystique Academy pero ayaw rin naman naming hadlangan
ang gusto mo. We don't want to be strict. We want you to be happy. If Mystique
Academy will make you happy then we must support you. That's the role of being a
parent, right?" matipid na ngumiti si Mommy. Natuwa ako, madalang lang kasing
ngumiti si Mommy. Mas malamig pa siya sa yelo.
"Talaga Mommy? Hahayaan niyong pumasok ako sa Mystique Academy? Thank you po." agad
kong niyakap si Mommy at Daddy. Tiningnan ko rin si Luca at ngumiti. Nginitian niya
rin naman ako.
"Astrid, Mystique Academy have a very different system in terms of education. Hindi
sila katulad ng normal na school na makikita mo dito. In

order to enter that academy, you need a supernatural ability or superpowers."


huminga ng malalim si Mommy. Wala naman sigurong problema doon hindi ba? Sabi nila
meron ako.
"Okay lang naman iyon Mommy hindi ba? Sabi niyo po may kakayhan din ako-"
"But we sealed it." napatingin ako kay Daddy nang magsalita siya. "We sealed your
powers." natahimik ako. Ibig sabihin hindi ko rin iyon magagamit?
Tiningnan ko si Mommy nang hawakan niya ang balikat ko. Naramdaman niya sigurong
nag aalala ako tungkol doon. "But don't worry, I already unsealed it. Kaylangan mo
nalang maghinaty ng tamang oras para tuluyang masira ang seal at magamit mo ito."
napangiti ako at tumango kay Mommy at Daddy.
"Thanks Mom, Dad." nagpaalam na ako sa kanila at masayang pumasok sa kwarto ko.

Third Person's Point of View


"Bakit hindi mo sinabi sa kanya ang totoo?" sabi naman ni Luca.
Tiningnan siya ni Hel at tila ba hindi niya naiintindihan ang sinabi nito. "Anong
ibig mong sabihin? I really unsealed her powers but she must also unseal it on her
own. She can use it whenever she's in trouble." aniya.
"About her other power." napakunot ang noo ni Hel bago maupo sa tabi ni Kreios.
"Hindi na niya kaylangan pang malaman. Ayokong matakot siya sa sarili niya."
seryosong sabi ni Hel at nakatingin ng diretso kay Luca.
"Bakit si Kreios? Hindi naman niya kinatakutan si Spade kahit alam niya ang tungkol
dito ah-"
"No, you're wrong. Takot ako. Natakot ako nang malaman ko ang tungkol kay Spade.
Hindi ko alam kung anong kaya niyang gawin. Ayokong maramdaman ni Astrid ang takot
na naramdaman

ko noon. Hindi katulad namin ni Hel, baka panghinaan siya ng loob at ituring na
sumpa ang sarili niya." sabi naman ni Kreios.
"Hindi namin katatag si Astrid. Kita mo naman hindi ba, ibang iba siya samin.
Almost opposite kaya ayaw naming mainvolve siya sa Mystique Academy pero mukhang
wala na talaga kaming magagawa." sabi naman ni Hel.
"Her cursed- No, I mean the Bodhisattva Eye, there's nothing to be afraid of. It's
not really harmful." napatingin ang lahat sa likuran nila. Nakita nila si Loki.
"Papa.." lumapit si Loki sa kinaroroonan nila Hel.
"Once controlled, it will never harm anyone but once a demon or other human who
have bad intention in using the Bodhisattva Eye, that's the time it will be
uncontrollable and harmful." umupo si Loki sa tabi ni Luca. "Wala kayong dapat ipag
alala kahit na masira pa ang seal sa kaliwang mata ni Astrid." sabi ni Loki.
"Sabi naman sa inyo, wala dapat tayong ikatakot-"
"Sana lang walang may nakakaalam kung paano i-possess ang mayroon ng Bodhisattva
Eye." natigilan ang lahat at tumingin kay Loki. Halatang hindi rin nila
maintindihan.
"Ang user o ang taong mayroon ang Bodhisattva Eye, siya lang ang may kakayahang
kontrolin ang kapangyarihang iyon pero kapag may isang taong nakakaalam kung paano
i-possess ang taong may Bodhisattva Eye, doon tayo pwedeng mangamba lalo na't kung
may masama itong balak." huminga ng malalim si Loki. "Hindi mabilis sapian o
manipulahin ang taong mayroong Bodhisattva Eye pero baka may ilang taong nakakaalam
kung paano sila manipulahin." sabi ni Loki bago magkibit balikat.
"Hindi ko pa rin po maintindihan." sabi ni Luca.
"Alam ko, mahirap talagang intindihin." tumayo si Loki. "Maiintindihan niyo kapag
nangyari na iyon pero sana..sana wag." matapos sabihin iyon ni Loki ay nagpaalam na
ito at naglaho.
"A human who can manipulate and possess the user of the Bodhisattva Eye? Is that
even possible?" nagtatakang tanong ni Luca.
xxx

Next stop Mystique Academy. Papasok na siya. Makakakilala na naman tayo ng mga
bagong gwapo-characters. Hahaha. Konting pasilip sa Bodhisattva Eye.
Thank you guys! Mwua :* Tsaka na ako magtatanong kung sinong gusto niyo para kay
Astrid kapag na-meet na natin ang iba pang characters. Haha excited na ako, hindi
ko alam kung bakit. XD

=================
Chapter 4: The Mystique Academy

Hel's Point of View


"Ingat kayong dalawa. Sigurado ba kayo na hindi na kami sasama?" umiling si Astrid
sa sinabi ko at nakangiting tumingin sakin.
"No Mommy, Luca and I can handle it." nagpaalam na sila at tuluyan nang umalis para
pumunta sa Mystique Academy. Sana..sana walang mangyaring masama.
"Feeling unwell?" napalingon ako, nakita ko si Kreios. Dahan dahan akong tumango sa
kanya.
"Yeah, I mean hindi sa wala akong tiwala kay Astrid. Kasama niya si Luca alam kong
mapo-protektahan siya nito. Kaya lang, hindi ako mapalagay. Ang daming nangyari
satin sa Mystique Academy, ayokong mangyari kay Astrid iyon-"
"Hush, she'll be fine. Luca will be there. Walang mangyayaring masama, okay?"
niyakap ako ni Kreios. Tumango ako, atleast kahit papaano nawala yung pag aalala
ko.
"Ay shitness! Dadating kami dito kalandian agad nung dalawa ang makikita namin.
Wtf!" napahiwalay ako kay Kreios nang makita ko sila Chloe. Anong ginagawa nila
dito?
"Oh well, we're here to visit you. Teka nga nasan ba sila Haze at Astrid?" sabi ni
Bellona. Pinapasok naman namin sila sa loob.
"Wala si Haze, may lakad siya. Si Astrid naman kasama si Luca papuntang..." Sabihin
ko ba? Ultimong sila nga kahit alam nila na nabuo ulit ang Mystique Academy hindi
na nila pinapasok doon ang mga anak nila.
"Papunta saan? May something ba kay Luca at Astrid?" napairap ako sa tanong ni
Chloe. Bakit ba lahat nalang ng bagay may meaning para sa kanya?
"Wala. Magkasama sila papuntang Mystique Academy." natigilan sila at dahan dahang
tumingin sakin. Sa mga reaksyon nila,

para silang nakarinig ng nakakatakot na ghost story mula sakin.


"Ano?! Seryoso? Sa ating magkakaibigan ikaw yung pinakatutol na papasukin ang mga
anak natin sa Mystique Academy. Isa pa, hindi ba nakaseal at walang alam si Astrid
tungkol sa kapangyarihan niya? Paano niya nalaman ang tungkol sa academy?" Sabi ni
Dalia.
"Nalaman ni Astrid ang tungkol sa academy eh. Simula 'non ginusto na niyang
pumasok. Ang dami na nga naming dahilan para lang pigilan siya pero mukhang yung
school na mismo ang tumawag kay Astrid." sabi ni Kreios. Naupo kaming lahat at
muling nagkwentuhan.
"Paanong tinatawag?" nagtatakang tanong ni Alvis.
"Sinabi kasi namin na matagal nang nawasak ang academy at hindi na nag eexist kaya
lang biglang may nakita si Astrid na flier at ayaw niyang magpapigil. Sabi ni Luca
para daw hindi na kami mag alala pa kay Astrid, sasama daw siya sa loob."
pagpapaliwanag ko.
"Teka nga, alam na ni Astrid ang tungkol sa totoong pagkatao niya?" tanong naman ni
Theo.
"Not really. Sinabi ko lang ang tungkol sa kapangyarihan niya pero ang tungkol sa
kaliwang mata niya. Hindi pa. .ayokong maging problema niya pa iyon." sabi ko sa
kanila.
"Pagkatao niya naman iyon. Do you think hindi niya tatanggapin?" umiling ako. Hindi
ko rin naman kasi alam.
"Nakadepende sa tao kung paano niya tatanggapin ang pagkatao niya pero sa kalagayan
ni Astrid, nagdadalawang isip kaming ipaalam sa kanya ang tungkol sa Bodhisattva
Eye." sabi ni Kreios. Sumimangot naman si Chloe. Bakit ba ang daming angal nito sa
buhay?
"Ganoon ba kapanganib ang Bodhisattva Eye? I mean, mas mapanganib kay
Spade?" nagkatinginan kami ni Kreios at nagkibit balikat.
"Who knows."
"Siya nga pala, ano bang kapangyarihan ni Astrid? Since bata palang kasi sineal
niyo na ito, wala kaming chance na makita iyon." nagtatakang tanong ni Bellona.
Napangiti ako. Nakakainis! Nasasanay na tuloy akong ngumiti.
"Since sabi niyo nga bata palang si Astrid ay naka-seal na ang kapangyarihan niya,
gusto rin naming malaman kung anong kakayahan meron siya." ngumisi si Kreios
matapos niyang sabihin iyon.

Astrid's Point of View


"Ang layo naman pala tapos nakakatakot pa yung daan, napapaligiran ng gubat.
Nakakasurvive ba sila dito?" natawa si Luca sa sinabi ko. Ano bang nakakatawa, sa
nakakatakot naman talaga.
"Gusto mo na bang umatras? Pwede pa naman. Baka mas matuwa pa ang magulang mo kapag
umatras ka." sabi naman niya.
"Wala nang atrasan 'to. Naandito na tayo eh." sabi ko naman.
Mga ilang minuto pa ang nakalipas ay may malaking gate na sa harapan namin. "A-Ayan
na ba ang gate papasok ng academy?" napatingin ako kay Luca. Tumango naman siya.
"Amazing, right?" nakangiting sabi nito. Hindi ko alam kung bakit ayaw akong
papasukin nila Mommy dito, mukha namang maayos ang lugar na ito.
Nang makapasok kami sa loob ay agad akong namangha. Ang ganda ng pagkakagawa.
"Wow, ang daming nagbago dito ah." napatingin ako kay Luca. "Shall we go?" tumango
ako. Hinawakan niya ang kamay ko at agad akong hinila kung saan. Hayaan ko nalang
siya. Mukha namang pamilyar siya sa lugar.
"Buti nalang hindi pa rin nagbabago ang pwesto ng mga office dito." natatawang

sabi ni Luca habang hinahanap namin ang opisina ng Principal. "I wonder kung sinong
principal ngayon."
Tumigil kami sa harap ng isang pintuan. Siguro'y ito na yung Principal's office.
Kumatok si Luca at binuksan ang pintuan. Isang nakangiting lalaki ang nakaabang
samin at nakangiti.
"Oh, hi. I'm expecting you to come. Mr. Luca, Ms. Astrid." nagulat ako nang
banggitin niya ang panaglan ko. How did he...
"Mind reader, Mr. Principal?" nakangiti namang sabi ni Luca bago ako agad hilahin
papalapit sa upuan sa harapan ni Mr. Principal at umupo doon. Katapat ko naman si
Luca.
"Why are you locking my power, Mr. Luca?" napakunot ang noo ko. Anong sinasabi
niya? Hindi ko gets.
"Mas masaya kung hindi mo siguro pinapasok ang isip ng ibang tao lalo na't ako ang
kausap mo." bakit ganito ang ngiti ni Luca, nakakatakot. Hindi siya yung normal na
ngiti niya.
"Anyway, there's still slots for freshmen. You both can attend-"
"Sorry Mr. Principal, masyado na po ata akong matanda para pumasok sa freshmen. 2nd
year will do." sabi ni Luca. "Si Astrid lang ang sa freshmen." nagulat ako nang
tumingin ito sakin bago ngumiti.
"Ah! Astrid... Ikaw pala ang anak nila Hel at Kreios. Talagang tumatak sila sa
history ng Mystique Academy." napatingin ako kay Mr. Principal.
"Talaga po? Ibig sabihin sikat sila dati dito? Wow. Bakit ganoon hindi man lang
nila naikwento sakin." nagpout ako. Ang childish ko naman. I wonder kung kaylan ako
magiging ladylike kagaya ni Mommy.
"Siguro may mga bagay silang sinisekreto-"
"Masyado ata kayong maraming alam, Mr. Principal?

Parang wala naman po ata kayo noong naandito sila Hel at Kreios." ngumiti si Mr.
Principal. Bakit ang weird nilang dalawa?
"Hindi naman pero bilang principal ng Mystique Academy, kaylangan kong pag aralan
ang history ng school." nagkibit balikat nalamang si Luca at hindi na nagsalita pa.
Maraming sinabi si Mr. Principal katulad ng rules, examinations at power
qualification exam. "Paano ako, hindi ko alam kung may kapangyarihan ba talaga
ako." pagtatanong ko. Baka kasi dahil doon di ako tuluyang makapasok dito.
"Since anak ka ni Hel at Kreios nakakasigurado kaming may kapangyarihan ka.
Siguro'y hindi palang ito lalabas ngayon. Sa Power Qualification Exam o PQE na
tinatawag dito sa academy, doon mo malalaman kung anong ranking mo at kung deserve
mong makapasok sa MA." Paano ako? Hindi ko malalama ang ranking ko?
"Since mukhang hindi pa nalabas ang kakayahan mo ito muna ang ranking mo." may
inilapag siyang black box. Kinuha ko ito para makita ang isang pin na may #44.
"Since lahat ng klase dito simula first year hanggang fourth year ay meron lamang
44 students ikaw ay nasa pinaka huling ranking ng klase niyo. Hanggang sa mailabas
mo ang tunay na kapangyarihan mo mananatili ka muna sa pagiging rank 44." dismayado
man ako ay hindi na ako umangal pa. Kaylangan ko ba kasi magagamit ang
kapangyarihan ko?
"Well then, if you don't have any questions Miss Claire, my secretary will now
guide you to your designated rooms." tumayo na kami ni Luca sa pagkakaupo at
nagpaalam sa Principal. Si Luca kasi ay kukuha pa rin ng PQE.

Third Person's Point of View


"Playtime is over, Mr. Principal." nawala ang kanina lang na nakadikit na ngiti
mula sa labi ng Principal ng Mystique Academy. "Did you already find her? Is that
her?" nabuo ang pagngisi sa labi ng Principal bago sagutin ang lalaking nasa
likuran niya.
"Yes. She's the one who's possessing the Bodhisattva Eye pero mukhang hindi siya
aware tungkol dito." May isang babae pa ang lumitaw malapit sa table ng principal
habang nakahalukipkip.
"So, what's your plan now?" tanong ng babae sa lalaking nasa likuran ng Principal.
"Hmm, makipaglaro muna tayo. Masyado pang maaga para gisingin ang Bodhisattva Eye.
Isa pa, makakapaghintay naman ang mga magulang ko at ang buong angkan ko."
nakangising sabi ng lalaki.
"I thought playtime is over?" nakataas ang isang kilay ng babae.
"Then, let's set another game." ngumisi ang lalaki. "I'll make sure they will pay
for what he did to my family. His daughter will be the one to pay it.."
xxx
Okay, spoiler lang haha joke. Gusto ko lang i-note na si Theo at Chloe ay parehong
single. Bakit? Si Chloe malandi, walang tumatagal. Hahaha si Theo naman, broken pa
din. Forever single!
Anyways, thank you sa pagsuporta at sa mga comments niyong nakakatuwa <3

=================

Chapter 5: Confusion

"This is your room." nagapasalamat ako sa kanya at pumasok sa loob ng kwarto. Solo
ko ito. Ang astig!
Inilagay ko ang mga gamit ko sa tabi, mamaya na siguro ako mag aayos. Humiga ako sa
malambot na kama at tumingin sa kisame. Kamusta na kaya sila Mommy? Ako kasi okay
lang. Si Kuya kaya? Siguro nagwawala na siya sa inggit. Haha.
Kinuha ko yung pin ko at tinitigang mabuti ito. "Rank 44?" Pinakahuli ako sa klase.
Makahanap kaya ako ng kaibigan dito? Baka isipin nila loser ako. "Si Mommy at Daddy
kaya, ano kayang rank nila noong napasok pa sila dito dati?" Oo nga ano, kapag
nagakaroon ako ng chance na makausap sila itatanong ko sa kanila kung anong ranking
nila.
Hindi dapat ako malungkot, mababago pa naman ito hindi ba? Sana lang talaga,
magamit ko na ang kapangyarihan ko.
"Astrid.." napatayo ako at pinagbuksan ng pintuan si Luca na kanina pa kumakatok.
"Bakit?" may iniabot siya sakin. Uniform ko ata.
"Uniform mo iyan. Bukas na daw tayo pumasok sa kanya kanyang klase natin." Tumango
ako sa kanya. Nagpaalam na sakin si Luca at agad naman akong pumasok ulit sa loob
ng kwarto ko.

"Good morning everyone, I'm here with your new classmate." tumigil yung teacher
namin. Nakakahiya, lahat sila nakatingin sakin. "Introduce yourself." sabi nito
sakin. Tumango ako at dahan dahang tumingin sa mga magiging kaklase ko.
"I-I am Astrid." Shit, ano ba 'tong ginagawa ko. Kaylangan kong kumalma.
"Is that all?" napatingin ako sa babaeng nagsalita. "What's your power?" seryoso
nitong sabi sakin habang nakahalukipkip.
"I-I don't know...." napatungo ako. Hindi

ko naman kasi alam talaga. Ayoko namang magsinungaling.


"What?! You don't know your power? Paano ka nakapasok dito kung hindi mo naman pala
alam ang kapangyarihan mo? What if, wala ka naman pala talagang kapangyarihan. Oh,
little girl you're not belong here." napakagat ako sa ilalim na bahagi ng labi ko.
Wag kang papatol, wag kang papatol.
"At bukod pa doon, look guys rank #44 siya! Pinakahuli ang ranking!" nagsimula na
silang magtawanan. Ganoon ba dito? Porke't hindi mo alam ang kapangyarihan mo ibu-
bully ka na agad?
"You may take your seat sa tabi ni Hunter." itinuro ni Ma'am ang isang lalaking
mahaba ang buhok at tahimik lang sa dulo. Tumango ako at pumunta na doon. Kumpara
sa mga iba sa mga kaklase ko, medyo kakaiba siya.
"Hello.." bati ko sa kanya. Hindi man lang niya ako tiningnan, hindi niya rin ako
binati. Suplado? Bakit napunta ata ako sa klase na puro may kakaibang attitude ang
mga estudyante?
"HAHAHA! Magkatabi sila ni Mr. Creepy Guy. Oh well, bagay sila. Isang loser at
isang creepy. Perfect!" sinilip ko si Hunter pero mukhang baliwala lang sa kanya
ang mga sinabi nila.
"Magkaibang magkaiba talaga sila ni Flynn. Atleast si Flynn kahit tahimik lang,
hindi sya creepy." Oh, sino naman yung Flynn na iyon?
Muli kong tiningnan si Hunter at palihim na sinilip ang pin niya. Rank #2 siya?!
Rank 2 siya pero binubully siya ng mga tao dito? Seryoso, ano bang qualifications
ang dapat meron ka para hindi ka mabully?

Natapos ang klase, okay naman pero hindi ko pa rin magets ang mga sinabi nila.
Bakit nga ba ako pumasok dito? Simple lang, nagbabakasakali na

mabago ang boring na buhay ko.


"Wag kayong lalapit sa loser ha? Baka mahawa kayo!" nagsimula na naman silang
magtawanan. Ako ba ang pinaparinggan nila. Excuse me, ano ako sakit?
"Hoy, pwede bang wag niyong guluhin si Ms. Transferee. Ang sasama talaga ng mga
ugali niyo. Kung nag aaral kaya kayo ng may saysay naman yang mga buhay niyo at
magkaroon ng laman ang kasing laki ng tuldok niyong utak." napairap yung mga babae
at umalis ng classroom. Break time rin kasi namin.
"Hayaan mo na ang mga 'yon. Mga nagpi-feeling bitch kasi." tumabi muna siya sakin.
Ngayon ko lang napansin, wala na pala yung Hunter sa tabi ko.
"By the way, my name is Demi. What's your name again?" Hindi ko napaigilang hindi
mapangiti. May naaalala ako sa kanya. Yung way niya ng pagsasalita, para siyang si
Tita Chloe.
"Hey, pipi ka ba o loka loka? Una, hindi mo sinasagot ang mga tanong ko. Pangalawa,
tumatawa kang mag isa. Anong problema mo?" tinaasan niya ako ng isang kilay.
Umiling ako bago ngumiti ng maayos.
"Astrid. Hindi ako pipi at hindi rin loka loka. May naaalala lang ako sayo."
kumunot ang noo niya pero umiling nalang.
"Bago ka lang sa school hindi ba? Gusto mong samahan kitang maggala gala?" pumayag
ako since gusto ko rin namang libutin ang Mystique Academy. Ayokong isama si Luca,
baka kasi busy pa siya. Hindi ko alam ang schedule niya.
"Isa ako sa mga students council dito. Class representative ako ng klase natin
kahit na hindi ako ang rank 1. Pinaka active kasi ako. You know, kapag active ka
mapapansin ka ng mga gwapo dito sa school.
Okay, para talaga siyang si Tita Chloe.
"Hindi

mo pa alam ang kapangyarihan mo hindi ba?" tumigil siya sa paglalakad at tumango


naman ako. "Kasi malimit kapag nasa kapahamakan ka tsaka nalabas ang kapangyarihan
mo." Ah, so kaylangan ko munang mapahamak bago ko malaman kung anong kapangyarihan
ko ganoon?
"Demi, ano bang ginagawa mo dito. Tara na nga muna sa Student Council's office.
Kaylangan ka don." napatingin ako sa isang babaeng lumapit sa kanya, mukhang hindi
galing sa klase namin.
"Hoy bastos kang bata ka ah! Kitang may kausap ako dito. Hindi marunong mag
excuse?" Sabihin man nating mukhang mas masahol si Tita Chloe kay Demi pero
nakikita ko talaga siya dito.
Tumingin sakin si Demi bago bumuntong hininga. "Astrid, pasensya na mukhang
kaylangan ako ng student council. Okay ka lang bang mag isa?" tumango ako. Hindi
naman siguro ako maliligaw dito hindi ba?
"Okay sige ha. See you later." nagpaalam na siya pati ang kasama niya bago umalis.
Huminga ako ng malalim bago libuting mag isa ang school. Okay, bahala na.

Hindi ko alam kung saan ako napadpad. Hala, Luca nasan ka na ba? Tulungan mo naman
ako. Mukhang nilalamon na ako ng gubat ng Mystique Academy eh.
Napatigil ako sa may lake. Maganda ito at nakakarelax. Umupo ako sa tabi at
sumandal sa puno. Ang sarap tumambay dito tahimik lang. I wonder kung alam ni Mommy
ang lugar na 'to? Mahilig kasi 'yon sa tahimik na lugar.
Dahan dahan kong isinandal ang ulo ko sa puno at ipinikit ang mga mata ko.
"Sleeping?" agad kong iminulat ang mga mata ko at napatingin sa matangkad na lalaki
sa harapan ko. Nakangiti ito habang nakatingin sakin.
"M-Masama bang

matulog dito?" Alam kong hindi, wala namang sign na nakalagay. Kaya lang, ewan.
Hindi talaga ako komportable kapag may nakakakita sakin habang natutulog o
nagpapahinga.
Umupo siya malapit sa kinauupuan ko at kumuha ng bato at ibinato sa lake. "Hindi
naman. Natutuwa lang ako kasi may ibang taong naandito ngayon. Madalang kasing may
ibang estudyante ang pumupunta dito. Bukod kasi sa natatakot sila dahil masyadong
liblib ang lugar na ito ay baka daw kung anong meron sa ilalim ng tubig. Nakatatawa
sila 'no?" Wala naman akong nakikitang nakakatawa sa sinabi niya. Medyo ang babaw
niya ha.
"Ganoon pa man, maganda ang lugar na ito, hindi ba?" tumango ako. Hindi ko naman
kasi talaga maitatago ang katotohanang maganda ang lugar na ito. Medyo creepy lang
kasi liblib nga.
"Bago ka dito 'no?" tiningnan ko siya. Hindi halatang madaldal siya. "Hahaha, wag
kang matakot sakin hindi naman ako nangangagat. Pwede ka namang magsalita." Eh
paano kung ayoko palang magsalita? Naandito ako kasi napagod ako kakalibot sa
Mystique Academy tapos pakiramdam ko pa naliligaw ako kasi hindi ko alam kung saan
ang pabalik.
"Oo." sagot ko nalang. Gusto ko sanang magpahinga pero parang imposible kasi may
madaldal akong kasama. "Teka nga, dito ka ba napasok?" hindi kasi siya nakauniform.
Nakakapagtaka, paano nakakapasok ang mga outsider dito?
"Napasok dito? Hmm, pwede mong sabihing oo, pwede rin namang hindi." sabi niya
habang nakangiti.
"Ano bang pangalan mo?" ngumiti siya at tumayo.
"Naandyan na siya. Susunduin ka na niya." tumalikod na siya sakin at nag umpisang
maglakad "Magkikita pa naman tayo sa

susunod." matapos niyang sabihin iyon ay bigla siyang naglaho.


Ang creepy niya pero mukha naman siyang mabait-
"Astrid!" napalingon ako at nakita ko si Luca parang may hinahanap. "Astrid-"
"Hoy Luca, naandito ako." sabi ko sa kanya. Ang lapit lapit na ng pwesto ko sa
kanya hindi niya pa ako makita.
Tumingin siya sakin at lumapit. "Naandito ka lang pala, kanina pa kita hinahanap."
nanatili akong nakaupo at nakatingin sa maliit na lake sa harapan ko.
"Kanina pa kasi ako naglilibot sa Mystique, naligaw ata ako. Anyways, paano mo nga
pala ako nahanap?" umupo si Luca sa tabi ko at tumingin din sa lake.
"Wala, nagbabakasakali ako na makikita kita dito since anak ka ni Hel. Haha,
mahilig tambayan 'to ni Hel dati eh." napatingin ako sa kanya. Laging naandito si
Mommy dati?
"Talaga?"
Tumango si Luca, "Yeah. Actually lagi ko siyang nakikitang naanditong mag isa,
hindi ko nga lang siya nilalapitan. Nakakatakot yung Mommy mo eh. Para bang konting
lapit mo sa kanya hihilahin ka niya papuntang kabilang mundo." tumawa si Luca sa
sinabi niya. Nakakatakot ba talaga si Mommy? Parang hindi naman.
"Kabilang mundo?"
"Oo, yung Niflheim o Helheim, mas kilala rin bilang Hell. Hindi ka ba nagtataka na
Hel ang pangalan ng Mommy mo?" ngayong nabanggit niya ito sakin tsaka ko lang
narealize na oo nga. "Because Hel is a goddess. She's the goddess of the dead."
sabi ni Luca. Agad akong napatingin sa kanya.
"Hindi ko alam ang tungkol diyan..." napatungo ako. Ngayon ko lang rin narealize na
wala akong masyadong alam tungkol sa mga magulang ko. Itinatago nga kasi nila sakin
ang lahat hindi ba?
"Well siguro kasi hindi naman importante iyon-"
"Bakit nga ba? Bakit nga ba nila tinatago sakin ang lahat? Ang pagkatao ko at ang
pagkatao nila?" hindi ko mapigilang mapaisip at malungkot. Okay, sabihin na nating
hindi ako ampon pero kasi anong rason.
"Siguro para rin sayo. They are hiding it from you for your own good. Who knows."
nagkibit balikat si Luca. Pakiramdam ko may nililihim din siya sakin.
Natahimik kaming dalawa, mga ilang minuto rin siguro bago ulit siya magsalita.
"Astrid, ano mang mangyari, ano mang malaman mo sana hindi ka magbago."
Bakit ako magbabago? Ano pa bang lihim ang dapat kong malaman?
xxx
Ipapa-raffle ko sana si Theo kaya lang ayaw niya. Haha (joke) Anyways, kung gusto
niyong malaman ang kapangyarihan ni Astrid medyo dalawang chapter pa siguro bago ko
ilabas 'yon.
Thank thank you sa mga sumusuporta. <3
You can tweet me @_b2utyfulcarat

=================

Chapter 6: Curiosity

Inihatid ako ni Luca sa classroom ko. "Okay ka na ba talaga?" tumango ako. Okay na.
Ang problema ko nalang is makikipagbakbakan na naman ako sa mga walang kwenta kong
kaklase.
"If you say so. See you later then." nagpaalam na siya sakin at umalis. Huminga ako
ng malalim at pumasok na rin sa loob ng classroom.
Hindi ko pinansin ang mga mata ng mga kaklase kong nakatingin sakin hanggang sa
makaupo ako sa pwesto ko. Napatingin ako kay Hunter. Naandito na siya at katulad
nang una ko siyang makita, tahimik na naman siya. Ano bang problema nito sa buhay?
Gwapo naman siya, kung ikukumpara sa iba ditong lalaki stand out siya ang problema
lang medyo tahimik kaya creepy.
Nagulat ako nang bigla siyang tumingin sakin. Napaiwas ako ng tingin. Nakakatakot
naman palang makatitig ang isang 'to.
"Hunter, I have another mission for you." napatingin ako sa gwapong lalaking nasa
harapan ko naman. Sa lahat ata ng kaklase ko siya lang ang may lakas ng loob na
kausapin si Hunter-Oh bakit parang hindi ko pala siya kaklase?
Napatingin ako sa pin niya. Rank #1 siya. Wow.
Napansin niya ata na nakatingin ako sa kanya kaya't napatingin din siya sakin. "Hi,
you're the transferee right? My name is Flynn. And you, what's your name?"
nakangiti siya. Ang gwapo. Ibang iba siya dito sa katabi kong bukod sa hindi
marunong ngumiti ay hindi rin marunong magsalita.
"A-Astrid.." sabi ko sa kanya. Ngumiti siya ng malawak sakin.
"Well Astrid, welcome to Mystique Academy. Again, I am Flynn and I am the President
of the Student Council. 2nd year." Teka, kaklase kaya siya ni Luca?
"May

kilala ka bang Luca?" medyo nagulat si Flynn sa sinabi ko pero agad din namang
ngumiti. Siya pala yung Flynn. Ano kayang koneksyon niya kay Hunter?
"Yes, we're in the same class. Do you know him?" tumango ako. Dapat bang sabihin
kong chaperon ko siya o sabihin ko nalang na kaibigan. Psh, kung alam lang sana
nila kung ilang taon na si Luca.
"Yes, he's a friend of mine." Siguro nga. Sa lahat kasi ng mga kaibigan nila Mommy
at Daddy sila lang nila Raven ang hindi ko ginagalang. Hindi naman sa bastos, I
mean hindi ko sila matawag na Tito. Mukha kasing kaidaran ko lang sila kahit na
sila Raven medyo nag iiba ang istura at tumatanda pero sobrang bagal talaga kaya
parang hindi halata. Unlike sila Tita Chloe, halatang kahit mabagal (pero mas
mabagal talaga sila Raven) ay nagbabago ang itsura. Dati nagtataka ako kung bakit,
ngayon parang hindi na.
Ngumiti siya sakin bago tumango. "Sana maenjoy mo ang pagpasok mo dito sa
Mystique." muli siyang tumingin kay Hunter. Nawala ang mga ngiti nito at seryosong
kinausap si Hunter. "Do it tonight. Make sure na walang makakahuli sayo." matapos
niyang sabihin iyon ay nginitian niya ulit ako at umalis na.
Tiningnan ko si Hunter at ang red envelope na iniabot sa kanya ni Flynn kanina.
Kumunot ang noo niya at dahan dahang itinago ang red envelope na iyon. Secret
missionl ba iyon at parang ayaw niyang ipakita?
"Naandito si Flynn kanina!" napatingin na naman ako sa mga kaklase ko.
"Oh? Sayang di ko naabutan. Ang tagal kasing kumain nito eh. Ay pero wag kayo,
nakakita na naman kami ng gwapo. 2nd year din siya." sigawan nila. Kakapasok lang
nila

ng classroom ang ingay na agad.


"Teka, narinig ko yung name niya nang tawagin siya ng mga kasama niya kanina eh.
Wait-Ah! Luca." napataas ang isang kilay ko nang marinig ko ang pangalan ni Luca.
Sikat pala ang mokong na iyon. Hindi ko inaasahan.
"Yo!" nagulat ako nang tapikin ni Demi ang balikat ko. "Hahaha, nerbyosa ka pala.
Anyways, I want you to meet Irish. She's my bestfriend. Hindi katulad ng mga
mukhang butiking babaeng naandito sa classroom mabait 'yan." lumapit si Demi sakin
at bumulong. "Pero weird. Takot sa kanya ang iba dahil akala nila kukulamin siya
nito." natatawang sabi nito.
Tiningnan ko si Irish, katulad ng sinabi ni Demi medyo mukhang weird nga siya. Ang
dull din at walang buhay ang mga mata niya.
"Hi." matipid nitong sabi
"Hello, my name is Astrid." sabi ko sa kanya. Dahan dahan siyang tumango.
"I know." matipid akong ngumiti. Siguro masasanay rin ako.

Hel's Point of View


"Hilig niyong tambayan ang bahay namin 'no?" sarkastikong tanong ko sa kanila.
Parang araw-araw ata naandito 'tong mga 'to. Kulang nalang dito na sila tumira.
"Wag kayong mag alala. Sa susunod na pagdalaw namin dala na namin ang mga gamit
namin." sabi ni Dalia habang tumatawa. Oo nakakatawa, sumakit yung tiyan ko
kakatawa. Kainis.
"Ano ba kayo, nag aalala lang naman kami sa inyo." napakunot ang noo ko at
nagkatinginan naman kami ni Kreios.
"Nag aalala?" nagtatakang tanong nito. Tumango si Chloe bago ituloy ang sasabihin
niya.
"Oo, nag aalala kami na since wala si Haze dito at si Astrid naman ay nasa Mystique
Academy

baka kung anong gawin niyong dalawa at masundan pa sila Astrid." Bakit ang dumi ng
utak ni Chloe? Napuno ata ng miasma.
"Bakit kaya hindi nalang kayo mag asawa nang may magawa kayo sa buhay niyo?" sabi
ko naman sa kanila. Bakit ba kasi nananatiling single 'tong si Chloe. Ano bang
hinihintay nilang dalawa ni Theo? Hindi naman sila kagaya namin na imortal.
Tumatanda sila at dadating ang panahon mawawala.
"Ayoko nga, masyado pang maaga para doon. Hindi katulad ng normal na tao tumatanda
man kami pero mabagal." sabi ni Chloe.
"Si Theo daw mananatiling single." natatawang sabi ni Alvis.
"Tumahimik ka nga Alvis, yung relasyon niyo ni Dalia ang problemahin mo." sabi
naman ni Theo.
"Theo tayo nalang kaya? Single din ako-"
"Hel, magiging okay lang ba si Astrid doon? Nag aalala pa rin kasi ako." hindi ko
alam kung maaawa ako kay Chloe dahil sa pagputol ni Theo sa sasabihin niya kanina.
"Naandon naman si Luca, hindi niya naman siguro pababayaan si Astrid." tumango
tango sila.
"Kreios, hindi na sumasakit yung likod mo? I mean yung may mark?" tanong ni
Bellona. Napatingin ako kay Kreios. Naalala ko, minsan especially sa kalagitnaan ng
gabi sumasakit yung likod niya. Minsan kinakabahan ako na baka nasa loob niya pa
rin si Spade pero sabi naman nila Papa wala na si Spade hindi ba?
"Ah, yes. Minsan nalang naman." natahimik ang lahat. Mukhang pare-pareho kami ng
iniisip. "Wag kayong mag aalala. Ano mang nangyayari sa marka sa likod ko ay walang
kinalaman kay Spade." Lagi niyang sinasabi iyon pero hanggang ngayon hindi pa rin
ako mapakali. Pakiramdam ko kasi may mali.
Naalala

niyo? Huling sumakit ang likod niya noong malapit nang magising si Spade? Paano
kung hindi pala talaga nawala si Spade?
"Maiba ako, Hel since wala na ang seal ano na nga bang mangyayari kay Astrid?
Magagamit na niya ang kapangyarihan niya?" tumango ako.
"Oo, but she needs to find a way how to use it correctly. Her power is rare and
it's really dangerous. And once she truly realize her true power, magsisimula na
ring balutin ng yelo ang puso niya." napakunot ang noo nila Dalia.
"Bakit?" tanong ni Alvis.
"Since she's my daughter, normal nang maging kasing tigas ng bato at kasing lamig
ng yelo ang puso niya. Possessing that kind of power she need to be a heartless.
Lahat ng atakeng gagawin ni Astrid ikamamatay ng kalaban niya nang hindi nito
namamalayan." Yeah, Astrid's power is rare and frightening.
"How?" napangisi ako.
"It's a secret." halata ang pagkadismaya nila sa sinabi ko.
"Eh yung Bodhisattva Eye?"
"Of course naka-seal pa rin iyon. Maraming tao at demon ang may interes doon. I
don't want them to use my daughter as their toy." simpleng sabi ko.
"Ano bang kapangyarihan talaga ng Bodhisattva Eye? I mean, anong kaibihan niya kila
Master Loki at Spica? Sila Master Loki nakakabuhay ng patay kahit walang gamit na
Bodhisattva Eye." huminga ako ng malalim bago tumingin kay Kreios.
"Sila Master Loki nakakabuhay ng patay sa pamamagitan ng pagta-transfer nila ng
life energy nila sa taong namatay pero isang beses lang nila pwedeng gawin iyon.
Ang Bodhisattva Eye hindi. Isang sabi lang niya na mabuhay ka, mabubuhay ka na at
kapag sinabi niyang mamatay ka, wala man siyang ginagawa sayo, you'll die right
away." pagpapaliwanag ni Kreios.
Bukod pa doon, nakakapanggamot ang Bodhisattva Eye ang kaibihan lang nito kay
Dalia, hindi napapagod ang may dala ng Bodhisattva Eye.
"Anong mapanganib doon?"
"Mapanganib kapag ginamit sa kasamaan. Pwedeng maging imbalance ang mundo at maging
sanhi para masira ito. Evil over good, impurity over purity and chaos over peace"
sabi ko.
And this time, baka hindi na namin ito mapigilan pa kung sakali.
xxx
Pasensya na kung ngayon lang ako nakapag update nagpa-enroll kasi ako eh ngayon
lang nakauwi. Anyways, malapit ko na talagang ilabas ang kapangyarihan ni Astrid.
Sinasabi ko sa inyo, pinaka-harmless yung kanya. HAHAHA!
Thank you! Sana naenjoy niyo <3

=================

Chapter 7: First Step--Open the Dark Path

Unang araw ko palang ang sakit na ng ulo ko. Sila pasiklaban sa klase, ako nganga.
Naniniwala na ako na ang Mystique Academy ay school of magic and powers. Grabe,
others na others ako kanina. Wala man lang akong naipagmalaki sa kanila.
"Why so depressed, Astrid?" napalingon ako sa kama ko. Nasa study table kasi ako at
gumagawa ng assignment. Nakita ko si Luca na nakahiga sa kama ko habang kumakain ng
mansanas. Buti pa 'tong lalaking 'to, chill lang.
"Paano ba naman kasi, nagkaroon kami ng activity kanina. Sila nagpakita ng mga
kakayahan nila. Ako wala." nakita ko ang pagbangon ni Luca sa pagkakahiga niya at
tamad na tumingin sakin-Teka nga, paano pala 'to nakapasok dito?
"Bago ko sagutin ang katanungan mo kung paano ako nakapasok, bigyan muna kita ng
advice." At paano niya nalaman na iniisip kong 'yon? Seriously, ano bang
kapangyarihan nitong si Luca?
"Lalabas ang kapangyarihan mo sa oras na kaylangan mo ito." sabi ni Luca. Alam niya
kaya kung anong kapangyarihan ko? "At nakapasok ako dito dahil kaya ko lang
pumasok. Galing ko 'no? Hindi ko nabasa ang iniisip mo. Napansin ko lang sa kung
paano ka magreact." Gago, bwisit.
"May alam ka ba sa kung anong kapangyarihan ko?" tanong ko sa kanya. Gusto ko lang
magkaroon ng hint kahit papaano.
"Wala." tumingin ako kay Luca. Wala? "Simula pagkabata mo nakaseal na ang
kapangyarihan mo kaya wala kaming alam kung anong kapangyarihan mo. Si Hel at
Kreios lang ang nakakaalam, ata." nagkibit balikat ito.
Huminga ako ng malalim at ipinatong ang mukha ko sa table. Tinatamad na tuloy akong
gumawa ng assignment ko.
"Ikaw?

Anong kapangyarihan mo?" nakita ko ang pagngiti ni Luca. "Tsaka, anong rank mo?
Hindi pa rin ako makapaniwala na napunta ako sa rank 44 dahil hindi ko alam kung
anong kapangyarihan ko at kung paano ito palabasin. I'm pathetic." bumuntong
hininga ulit ako.
"Ako? Omnilock. It's a rare power. I am existing outside of everything. Ibig
sabihin, out of this world ang kakayahan ko. Rank ko? Rank 2 lang naman. Ayoko
kasing masyadong standout." agad akong napatunghay nang marinig ko iyon.
"Rank 2 ka?! Seryoso?! Tapos minamaliit mo pa? Wow!" naalala ko. Kung magkaklase
sila ni Flynn ibig sabihin, si Flynn ang rank 1 sa kanila, diba? Muli akong
napatungo at ipinatong ang mukha ko sa table.
"Look Astrid, you're not pathetic and being in the last rank is not a disadvantage.
I heard, your Mom was also rank 44 when she was in first year." natigilan ako sa
sinabi niya. Si Mommy, rank 44 dati? "But despite of being in the last rank she's
full of confidence. Ipinakita niya sa lahat na hindi porke't rank 44 siya kaylangan
niyo na siyang maliitin. She's powerful, fierce and I admire her for that kahit na
nakilala ko siya noong rank 1 na siya, second year na kami." nakita ko ang pagngiti
ni Luca. Is he...
"She used her ranking as one of her weapon and I hope you used yours too as a
weapon." umayos ako ng upo at tumingin sa kanya bago humalukipkip.
"Say..." pinanliitan ko siya ng mata. "Do you like my mother?" nagulat siya sa
sinabi ko. Halata naman. The way na puriin niya si Mommy, it's not a simple
admiration.
"Siguro nga. Kahit sino naman, magugustuhan si Hel. Swerte lang talaga

ni Kreios, sa kanya nagkagusto si Hel." tumayo si Luca. Batuhin ko kaya 'to. Ang
lakas ng loob sabihin iyon sa harapan ko. Sa harapan ng anak ng pinaparinggan niya.
"I should be thankful though, kung hindi sila ang nagkatuluyan, hindi ipapanganak
si Astrid, hindi ba?" nagulat ako nang nakangiti siyang tumingin sakin.
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "You..." hindi ko alam kung maiinis ako o maaasar
pero alam kong hindi ako dapat matuwa. "You're a two timer bastard." Hindi ko siya
magets sa sinasabi niya. Utang na loob. Ang landi ni Luca.
"Hoy Luca, matanda ka na para sakin. Get lost." muli kong kinuha yung ballpen ko at
nagsimula na ulit magsulat.
"Bakit? Hindi ko naman sinabi na gusto kita ah. Masyado ka naman ata kung mag
assume." natatawang sabi niya. Kinuha ko yung makapal na libro sa tabi ko at binato
sa kanya. Pasalamat siya nakailag siya.
"Sadist." nakangiting sabi nito. "Isang katangian na meron ka na wala si Hel.
Assuming ka, si Hel hindi." tumaas ang isang kilay ko sa sinabi niya."Don't compare
me with my Mom. Umalis ka na nga. Istorbo ka. Bwisit!" natatawa naman siyang
lumapit sa may pintuan.
"Oo na po. Aalis na. Goodnight!" matapos niyang sabihin iyon ay umalis na siya.
Tumahimik na rin ang buong paligid. Hayy, buti naman.

"Hoy loser, punta ka sa backyard. Naiwan yung trash can doon. Since isa kang trash
ikaw nalang ang kumuha"
"Excuse me, may pangalan ako. Since mas mukha kang basura bakit kaya hindi ikaw ang
kumuha?"
Pero bakit in the end ako pa rin ang kukuha? Simple lang, naalala ko isa ako

sa naka-duty ngayon para maglinis ng classroom. Err, kaasar. Pero ang sarap sa
pakiramdam na mambara at makikita mo ang inis na mukha niya.
Nakita ko yung trash can ng klase namin at kinuha ko. Ano kaya kung ipasok ko dito
yung kaklase kong mala-bomba ang bibig? Good idea. Shit, sabi ko sa sarili ko
magiging mabait na ako, anong nangyari?
Aalis na sana ako nang mapatigil ako dahil sa hindi kalayuan may nakita akong
dalawang lalaki. Nakakatakot sila at mga mukhang adik at gangster. Naninigarilyo
din-Wait, hindi ba't bawal iyan sa school? Isa pa, paano sila nakapagpasok 'non?
Huminga ako nang malalim at hindi nalang sila pinansin kaya lang mukhang huli na
ang lahat. "Hoy, anong tinitingin tingin mo?" Dapat umiiwas ako sa gulo since hindi
ko kayang protektahan ang sarili ko sa ganito. You know, may kapangyarihan sila ako
wala, isang simpleng kabute lang.
"Teka, tingnan mo naman. Maganda..." Ang hirap naman kasing maging maganda lagi
nalang nagpagti-tripan.
"Hah! Tama, atleast bago niya tayo isumbong mas maganda kung sabihin niya na rin
ang gagawin natin sa kanya." Hindi ko alam pero nang marinig ko iyon ay agad akong
napatakbo. Omygod! Ano ba ito. Bakit lagi nalang ang role ko dito is yung tipong
mare-rape, mabubully pwede namang hindi. Jusko!
"Wag ka nang magpahabol, alam ko naman na susuko ka rin." hindi ko alam kung saan
ako papunta basta't tuloy lang ako sa pagtakbo. Ayoko na. Pati ba naman dito may
mga ganitong tao.
"Agh!" dahil sa sobrang kaba ko hindi ko napansin na may bato pala sa daraanan ko
at nadapa ako. Shit, fucking shit masakit!
"Ano? Pagod ka

na ba?" napatingin ako sa kanila. Hindi ko na ring nagawang tumayo at tumakbo pa


ulit. Ano? Tapos na ba kwento ng buhay ko? Ano ba talagang role ko dito? Bait sa
mga rapist at mga adik? Tanginang buhay.
"Rank 44? HAHAHA! Panghuli ka sa klase mo? Freshmen ka lang 'no? Sabagay, mas
masaya kung fresh hindi ba?" dahan dahan silang lumapit sakin. Hindi ko alam ang
gagawin ko.
"Kilala kita! Naririnig ko ang tungkol sayo. Ang transferee na hindi alam kung
anong kapangyarihan niya. Haha." umusod lang ako nang umusod para kahit papaano ay
hindi nila ako tuluyang malapitan. No, ayoko. Wag kayong lalapit sakin.
"Now, be a good girl and obey us." nakangisi nilang sabi.
Ipinikit ko ang mga mata ko. Gusto kong umiyak pero hindi ako pinalaki ng mga
magulang ko para umiyak lang sa mga ganitong bagay. Kaylangan kong lumaban.
"What do you desire?"
Ha? Kaninong boses iyon? Bakit, parang may taong kumakausap sakin?
"Tell me, what do you desire?"
Desire? What's my desire? Simple lang. Ayokong pinoprotektahan ng ibang tao.
Ayokong nagde-depend ako sa iba. Gusto kong protektahan ang sarili ko.
"I want my power."
Hindi ko alam pero ayon ang nasabi ko.
"Very well. Power unseal."
"Ha?" pagmulat ko ng mata ko nakita ko ang dalawang lalaki sa harapan ko. Teka
anong nangyari? Sino iyon? Kaninong boses iyon?
"Ano? Suko na? Wag ka nang manlalaban ha? Mabilis lang 'to." unti unti silang
lumalapit sakin. Hindi, no. Hindi nila ako dapat mahawakan.
"Don't...Don't touch me! Umalis kayo sa harapan ko!" nang isigaw ko iyon biglang
lumakas ang hangin sa paligid namin. Napatigil silang dalawa.
Nakita ko ang pagbuo ng isang malaking bilog sa likuran nila. Tila ba'y ibang
dimesyon ang nasa loob nito. Napatingin ang dalawang lalaki doon at walang ano
ano'y hinigop sila ng malaking bilog papasok sa loob. Nang makapasok sila sa loob
ay agad naglaho ang bilog ganoon na rin ang malakas na hangin. Wala na rin kahit
isang trace ng dalawang lalaki kanina.
"W-What was that?" Napatingin ako sa palad ko, nanginginig ang magkabilang kamay
ko. A-Ako ba ang gumawa ng malaking bilog na iyon? Teka, anong nangyayari?
xxx
Naalala niyo parang ganito rin ang kay Kei na kapangyarihan. Ano nga bang kakayahan
ni Astrid? Saan napunta ang dalawang lalaki? Anong kaibihan ng kakayahan niya sa
Reality Expulsion? Lahat iyan masasagot sa next chapter. Wait, there's more.
Patikim palang ito sa kung anong kakayahan ni Astrid. I told you harmless ang
kapangyarihan ni Astrid. Hahaha.
Love, love guys~ <3

=================

Chapter 8: The Meidō

Luca's Point of View


"Okay, the lesson is all about-"
"Luca..."
Napamulat ako ng mata ko. Kung kanina'y inaantok ako ngayon ay nawala ito.
Pakiramdam ko narinig ko ang boses ni Astrid.
Napatingin ako sa labas ng bintana. Iba ang paghangin sa labas, parang may hindi
magandang nangyari.
Tinaas ko ang kamay ko. "Ma'am, CR lang." matapos kong sabihin iyon ay agad akong
lumabas ng klase. Iba ang pakiramdam ko dito. Si Astrid, baka may masamang nangyari
sa kanya.
Hindi ako pumunta sa CR, excuse ko lang naman iyon para makalabas ng classroom.
Since wala namang kwenta ang klase wala na rin ako sa wisyong bumalik pa.
Napadaan ako sa classroom nila Astrid. Isang tingin ko palang doon, alam kong wala
na siya sa loob. Agad akong tumakbo at nilibot ang mga lugar kung saan pwede siyang
pumunta.
Tumigil ako sa pagtakbo. Ano ba 'tong ginagawa ko. May mas mabilis na paraan naman
eh. Ipinikit ko ang mata ko bago magfocus at hanapin si Astrid.
"Find her, find Astrid-Found her!"
Agad akong tumakbo sa lugar kung saan ko nakita ang kinaroroonan ni Astrid. Hindi
naman nagtagal ay nakarating ako doon. Nakita kong walang malay si Astrid.
Nilapitan ko siya at tiningnan kung ayos lang ang lagay niya. Mukha namang okay
siya, nahimatay lang talaga.
"Astrid? Astrid, wake up." inalog ko siya ng kaunti pero hindi pa rin bumabalik ang
malay niya. "Fuck! What the hell happened to you?" tiningnan ko ang paligid,
nakakasigurado naman ako na walang ibang tao dito. Nakakasigurado rin naman ako na
walang nangyaring masama sa

kanya.
"Patay ako sa magulang mo kapag nalaman nila ito. Tsk! Hindi mahalaga iyon,
kaylangan kitang dalhin sa infirmary." Binuhat ko siya at agad na dinala sa
infirmary. I'll inform her parents later. Bahala na kung anong sabihin ni Hel sakin
basta kaylangan nilang malaman na nawalan ng malay si Astrid.

Binantayan ko si Astrid. Sinabi ko nalang sa mga teachers niya at teachers ko na


nagkasakit si Astrid at kinailangan kong bantayan siya. Mukha namang naniwala sila
sa sinabi ko kaya't inexcuse na nila kami.
Tiningnan ko si Astrid na kasalukuyang nakahiga sa infirmary bed. "Mr. Luca?"
napalingon ako sa nurse ng school. Tumayo ako at kinausap siya.
"Yes?"
"Wala naman kaming nakitang problema sa kanya. Mukhang namang okay siya except
nalang sa sugat niya sa tuhod." Sugat sa tuhod? Teka nga, hindi ko napansin iyon
kanina ah? Siguro'y sa sobrang kaba ko dahil sa wala nga siyang malay.
"Siguro'y nadapa ito kaya't nagkasugat. Nilagyan na namin ng ointment, siguro by
now okay na ito." nakangiting sabi niya sakin. Nakahinga naman ako ng maluwag sa
sinabi niya. "And we assumed na kaya siya nahimatay ay dahil nagulat siya sa isang
pangyayari kanina at masyado niya ring nagamit ang energy niya." Ginamit ang
energy? Paano niya iyon magagamit, hindi nga niya alam ang kapangyarihan niya.
"Bukod pa doon, wala na naman kaming nakitang mali sa kanya. Any time soon
magkakamalay na rin siya." matapos niyang sabihin iyon ay nagpaalam na siya.
Nagpasalamat naman ako at muling bumalik sa pagbabantay kay Astrid.
Sana magising na siya, gusto ko na rin kasing itanong

kung anong nangyari sa kanya. Hindi kasi ako mapakali. Alam ko talaga, nasa
panganib si Astrid kanina pero fuck wala ako doon para protektahan siya. Obligasyon
ko ang protektahan siya.
"Uh-hmm." napatingin ako kay Astrid. Naramdaman ko kasi ang paggalaw ng daliri
niya. Unti unti niya na ring iminulat ang mga mata niya.
"Astrid?" dahan dahan siyang tumingin sakin.
"Bakit ako naandito? Anong nangyari sakin?" Teka, hindi niya matandaan na nawalan
siya ng malay? Dapat nga ako ang nagtatanong sa kanya kung bakit siya nasa gitna ng
gubat ng Mystique Academy at kung anong nangyari sa kanya.
"Wala kang matandaan?" Nakita ko ang pag iling niya. She also looked puzzled.
"Wala. Ang huli kong maalala ay yung kukunin ko yung trash-Hala, late na ako!"
tatayo pa sana siya nang pigilan ko siya at pwersahing bumalik sa pagkakatulog
niya.
"Hindi na kaylangan. Kinausap ko na mga teachers mo. Humiga ka nalang diyan at
magpahinga." ang weird lang. Bakit wala siyang maalala? Gusto ko pa naman siyang
tanungin.

Kreios' Point of View


"Haze, sinong tumawag?" Nag iba kasi ang mood ni Haze matapos niyang kausapin yung
nasa kabilang linya ng telepono.
"Si T-Tito Luca..." Buti pa si Haze tinatawag na Tito si Luca, si Astrid, Luca lang
talaga ang tawag.
"Anong sabi ni Luca?" napatingin ako kay Hel. Ang bilis nito kapag tungkol na kay
Luca o Astrid ang pag uusapan. Alam ko pa rin naman kasi na hanggang ngayon ay nag
aalala siya sa anak namin.
"Astrid collapsed." napatigil kaming dalawa ni Hel sa sinabi ni Haze. Paanong?
Bakit nagcollapse si Astrid?

"Hindi alam ni Tito Luca kung anong nangyari. Nakita nalang daw niya si Astrid na
walang malay."
Napatingin ako kay Hel. Kinuha niya yung isang baso ng tubig pero bago man niya ito
tuluyang mahawakan ay nabasag ito.
"Hel!" agad akong lumapit sa kanya at tiningnan ang kamay niya.
"I'm fine. Hindi ako mamamatay dahil lang dito." hinawakan ko ang kamay niya.
Natamaan siya ng mga bubog dahil sa biglaang pagbasag ng baso.
"Haze kunin mo ang first aid kit." agad naman akong sinunod ni Haze. Tiningnan ako
ni Hel tila ba sinasabing ang OA kong magreact.
"Ano bang nangyayari sayo? Para kang wala sa sarili mo." tiningnan ko siyang
mabuti. Hindi naman masyadong malala pero hindi pa rin ako sanay na nasusugatan si
Hel.
"The Meidō" Kinuha ko kay Haze iyong first aid kit. "She already unsealed her
power." Napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin kay Hel.
"Mama, curious din ako. Anong klaseng kapangyarihan ang meron si Astrid?" Huminga
ako ng malalim. Ako nalang siguro ang magsasabi.
"Nether Manipulation." Kung tutuusin, parang pinagsama kapangyarihan ko-ni Spade at
ni Hel ang kapangyarihan ni Astrid. Since I am the Ace at naiwan sakin ang dark
energy ni Spade she can control dark energy and since Hel is the goddess of the
dead and the underworld may kakayahan din si Astrid na kontrolin ang ano mang bagay
na may kaugnay ng life and death.
"Ano yung Meidō?" tanong ni Haze. Bukod sa sinabi ko. Hindi ko na alam kung ano
yung Meidō.
"Ang Meidō ay isang mapanganib na ability. Pinapatay mo ang kalaban mo nang hindi
man lang sila sinasaktan." Pinapatay mo ang kalaban mo nang hindi mo man lang siya
nasasaktan? Anong ibig sabihin 'non?
"Simple lang ang explanation. Meidō or the Dark Path is an immensely strong
offensive ability that creates a path that sends anyone who is hit with it directly
to the Netherworld itself, killing them without actually harming them. Ibig
sabihin, ang target mo na ginamitan mo ng Meidō ay agad na mapapadala sa kabilang
buhay kahit hindi mo sila pinapatay o sinasaktan and there's no way out." huminga
ng malalim si Hel.
"And Astrid already unsealed it and already sent two guys to the Netherworld."

=================

Chapter 9: Changes
Itsura ng Meidō nasa multimedia
xxx
Heol, bakit wala akong maalala sa mga nangyari. Gayunpaman bakit pakiramdam ko may
nagbago sakin?

Hinawakan ko ang dibdib ko, pakiramdam ko ang lamig ng loob ng katawan ko. Unti
unti rin nagiging limitado ang mga emosyon na ipinapakita ko. Pakiramdam ko nag
iiba ako, nagiging iba ang pagkatao ko-
"Hoy!" nagulat ako nang may tumapik sa likuran ko. Tiningnan ko siya at nakita ko
si Demi kasama si Irish. "Anong ginagawa mo dito? May pumunta sa classroom kanina
at ipinagpaalam ka. May sakit ka daw. Okay ka na ba?" tumango ako. Hindi ko alam
kung bakit iyon ang dinahilan ni Luca.
"Okay na ako, kakalabas ko nga lang rin ng infirmary." matipid akong ngumiti sa
kanila. Nakakatuwa, kahit kakaunting araw palang kaming magkakasama, nag aalala na
sila sakin.
"Sino yung lalaking 'yon? Ano mo siya?" nagtaka ako sa tinanong ni Demi samantalang
si Irish ay nakikinig lang samin.
"S-Sino?"
"Yung ngang lalaking nagpaalam sa mga teachers natin na may sakit ka. Dahil doon
lalo kang naging hot topic sa klase." sabi ni Demi.
"Si Luca?" paninigurado ko.
"Kung ano mang pangalan niya. So, ano mo nga siya? Oh well, gwapo siya." Wala
naman. Kaibigan lang siguro?
"Kaibigan?" bakit parang hindi pa ako sigurado sa sagot ko? Kaasar!
"Anyways, mag iingat ka nalang lalo na't kung mag isa ka especially na hindi mo pa
alam ang kapangyarihan mo. Alam mo bang wanted ka dahil sa lalaking 'yon. Biruin
mo, sikat din pala siya. Narinig ko pa nga na sabay daw kayong nagtransfer, no
wonder.

Magkaibigan pala kayo." nagkibit balikat nalamang si Demi at nagsimula nang


maglakad.
"Di ka sasama samin?" tanong nito.
Umiling muna ako, "Hindi na muna. Sabi ng doktor magpahinga muna daw ako."
Pakiramdam ko nga pagod na pagod rin ako ngayon.
Tumango si Demi bago maglakad. Napatingin ako kay Irish, hindi pa kasi siya
sumusunod kay Demi at nakatingin lang sa kawalan.
"May problema ba?" tanong ko sa kanya. Dahan dahan siyang tumingin sakin bago
umiling.
"Wala, I'm happy for you. You already used your power." matipid na ngiti ang nakita
ko sa mga labi ni Irish bago ito sumunod kay Demi. Power? Nagamit ko na nga ba ang
kapangyarihan ko?
Napatingin ako sa palad ko. Kaylan ko nagamit ang-Tama! Naalala ko na. May mga
lalaking humahabaol sakin tapos dahil sa gusto kong mawala sila sa harapan ko at
protektahan ang sarili ko biglang may isang malaking itim na bilog na tila isang
pintuan papasok sa ibang mundo ang lumabas at hinigop sila papasok doon pero anong
tawag doon?
"Meidō"
Napatingin ako sa paligid ko. May narinig na naman akong boses. Natatakot na ako,
baka nakukulam na ako ng kung sino dito.
Pero Meidō...is that my power?
"Astrid! Hayop kang babae ka!" naalingon ako sa kanila. Nakita ko yung mga babaeng
inutusan ako kaninang kunin yung trash can.
"Paano ako naging hayop?" plain na sabi ko sa kanila. Limang babae sila. Ano na
naman bang kaylangan nila sakin ngayon?
"Anong koneksyon mo kay Luca?" Uulitin ko na naman ba na kaibigan ko lang si Luca.
Bakit ba masyado nilang sineseryoso ang relasyon na meron kaming dalawa ni Luca?
Isa pa, ano bang pakealam nila.
"Anong
meron sa relasyon namin ni Luca?" Hindi ko maintindihan ang sarili ko. All of a
sudden, ibang iba ako kung magsalita. Parang, parang naging katulad ako ni Mommy.
"Sabihin mo nga, kayo ba? May relasyon ba kayo?!" What's the big deal? Kahit naman
wala, hindi pa rin sila mapapansin ni Luca.
"Yeah." simpleng sagot ko.
"Ano?!" Gaga ba sila? Magtatanong sila tapos ganito ang magiging reaksyon nila.
"We're friends. Bata palang ako, nasa sinapupunan palang ako ng Mommy ko, kilala na
ako ni Luca. Angal ka?" Fuck, ano bang nangyayari sakin? Alam kong may pagkamaldita
ako minsan pero saan ko nakukuha ang lakas ng loob ko? Hello, Astrid may
kapangyarihan sila ikaw hindi mo nga alam kung paano gagamitin ang kakayahan mo.
"How dare you-"
"Die." Holy shit. Anong sinabi ko?
"What?"
"I said, just die already." Hindi ko makontrol ang mga salitang lumalabas sa bibig
ko. Bakit ganito. Iba yung gusto kong sabihin sa sinasabi ng bibig ko.
"Naghahanap ka ba ng gulo?" napangisi ako-Wait, bakit ako ngumingisi? Something is
wrong with me.
"Want to fight with me?" Hindi, ayoko. Ayokong makipaglaban. Paano kapag
pinagtulungan nila ako? Hindi sa duwag ako pero wala akong laban.
"Saan mo nakukuha ang lakas ng loob mo, loser? Ano bang kaya mo-"
Hindi ko alam pero ang bilis kong kumilos at lumapit sa kanya. Nakaturo ngayon ang
daliri ko sa noo niya. "Asking me, what can I do? It's simple, I can separate your
soul from you and let the demons in hell to eat them. Do you want me to try it?"
kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi agad siya nakapagsalita. Hindi
ko na

talaga makontrol ang sarili ko. "Bitch, answer me. Don't test my patient." Oh shit,
ano ba 'tong sinasabi ko.
"Clara, let's go." inilayo ng mga kasama niya yung babaeng kausap ko sakin. Hindi
niya maialis ang tingin niya sakin. Halatang halata ang takot niya.
Huminga ako ng malalim at tumakbo papapunta sa CR. Tiningnan ko ang sarili ko. Is
that really me? Did I really do that? I can't believe myself.
"Ah shit! Hindi ako makatulog!" Iniisip ko pa rin talaga yung nangyari kanina. Can
I really do that? I mean, separating her soul from her? After that, what will
happen? Demons, huh.

Bumangon ako, napag isipan ko munang lumabas ng kwarto ko. Since wala rin namang
mangyayari. Mas okay siguro kung magpapahangin muna ako. Baka doon dalawin ako ng
antok.
Naglakad lakad lamang ako nang mapadpad ako sa may garden ng dormitory. Ang tahimik
naman, siguro'y dahil na rin sa halos kalagitnaan na ng gabi.
Tumingin ako sa kalangitan. Kamusta na kaya sila Mommy? Miss ko na sila. Hayy pero
at least hindi na boring ang high school life ko.
Noon kayang napasok sila Mommy dito, binubully rin kaya siya? Sabi ni Luca panghuli
rin daw si Mommy noong una pero naging rank 1 din siya. Ang galing, sana ako din.
Gusto ko na ring mabago yung ranking ko kaya lang hindi ko pa nga makontrol 'tong
kapangyarihan ko.
"You can't control it, if you have no confidence."
Tiningnan ko ang paligid ko pero wala namang tao. Kanina pa ako may naririnig na
boses na kinakausap ako, pakiramdam ko tuloy nai-untog ko ang ulo ko at naloloka na
ngayon.
"S-Sino ka?"
"Can't figure it out, Astrid. I am you.."
Matapos niyang sabihin iyon ay may isang babae ang lumitaw sa harapan ko. She is
me? Oo nga, kamukha ko siya.
"You and me?"
"I am your soul. Since you have the ability to talk to souls, spirits and ghost you
can hear me. I am the one who's helping you. The one who help you to unsealed your
power."
"Ibig sabihin yung kapangyarihan na iyon ay hindi akin?"
"It's yours but you're not ready yet. You need to trust yourself more, Astrid. You
need to trust your own ability to able to control your own power."
"Paano?"
"I can't answer it. May mga nangyayaring pagbabago sayo ngayon dahil sa tuluyang
pagkawala ng seal ng kapangyarihan mo. Unti unting tumitigas ang puso mo."
Ang puso ko?
"Just a simple advice, Astrid. Don't do anything reckless if you don't want to
break another seal."
"Another seal? Teka hindi ko gets."
Dahan dahan dahan siyang lumapit sakin at itinuro ang kaliwang mata ko.
"Your left eye."
Matapos niyang sabihin iyon ay agad siyang nawala.
"Am I hallucinating?" umiling ako. Inaantok na siguro ako.
Aalis na sana ako sa lugar na iyon nang may makita ako sa kalangitan. May
taong...may taong lumilipad!
Pinagmasdan ko siyang mabuti. He's wearing black. "Wow~" Agad akong napaatras nang
bigla siyang tumingin sakin. Those eyes, it's color red. Who is he?
Teka, bakit parang pamilyar sakin ang mga matang iyon? Saan ko nga ba nakita iyon?
xxx
Hulaan tayo, sino yung lalaki? Hahaha.

=================

Chapter 10: Hunter

Naglalakad ako ngayon papunta sa classroom. Kahit wala akong masyadong tulog sa
tingin ko naman ay okay lang ako, magiging okay lang ako.
"Oo, kahapon. Ang sarap nung ice cream-"
Napatigil sila sa pag uusap nang makita ako. Sila yung mga babaeng sumugod sakin
kahapon pero agad ding nagback out. Tinaasan ko sila ng isang kilay ko at dali dali
naman silang tumakbo papasok ng classroom. Ano ngayon, takot sila sakin?
"Good morning!" nakita ko sila Demi. Matipid akong ngumiti sa kanila at binati rin
sila.
"Morning." simpleng sabi ko. Nakita ko ang pagkunot ng noo ni Demi. Inilapit niya
ang mukha niya sakin at para bang sinusuri ako. "Anong problema?" tanong ko.
"You looked...different. Parang may nagbago sayo." sabi niya sakin. Nagbago sakin?
Wala naman akong napapansing nagbago sakin.
"Ano nga bang nagbago sayo? Hmm.." sinuri niya pa rin akong mabuti.
"Her eyes." napatingin kaming dalawa ni Demi kay Irish. "Her eyes is dull and
emotionless unlike when we first met her." sabi niya pa.
May nagbago sa mata ko? Parang wala naman akong napansin. "Anyways, kung hindi pa
tayo papasok sa loob baka maunahan tayo ng teacher natin. Ayokong mapagalitan."
pumasok na si Irish sa loob at agad naman namin siyang sinundan.
Pagkapasok na pagkapasok namin ay agad natahimik ang mga kaklase ko. Malamang
naikalat na nila Clara yung nangyari kahapon. Bahala nga sila.
Dumiretso na ako sa upuan ko. As usual naandon na si Hunter pero tahimik lamang
ito. Pagkaupo ko sa upuan ko nadali ko siya. "Sorry." napatingin ako sa mga mata
niya. Teka yung mga matang iyon-Ah! Katulad ito

ng mga matang nakita ko kagabi. Hindi kaya siya yung lalaking lumilipad? Pero
paano? Kulay pula at nakakatkot ang mga matang iyon samantalang kay Hunter
nakakatakot lang pero hindi kulay pula.
Kumunot ang noo niya. Sino ba talaga si Hunter?

"Nakakapagod. Malapit na naman pala ang exam natin. Sana ma-maintain ko ang ranking
ko." napatingin si Demi sakin, "Ikaw Astrid, galingan mo para maipakita mo sa
kanila na magaling ka at deserve mo ang ranking na mas mataas pa diyan." matipid
akong ngumiti bago tumango.
Napaisip ako bigla, may alam kaya sila tungkol kay Hunter? "Demi, Irish may
tatanong ako. Gaano niyo kakilala si Hunter?" napatigil sila sa pagkain nila.
Kasalukuyan din kasi kaming nasa cafeteria ngayon.
"S-Si Hunter?" hindi ko alam pero para bang namutla si Demi sa sinabi ko.
"Oo. Talaga bang hindi siya nagsasalita? Since dumating ako dito, ni minsan hindi
ko pa narinig ang boses niya." sabi ko sa kanila. Napatingin ako kay Irish ng
magsalita siya.
"Hunter is a mystery. Walang nakakaalam sa katauhan niya. Ang tanging alam lang ng
lahat ay kapatid siya ni Flynn." napatigil ako sa sinabi niya. Kapatid?
"Yung President ng Student Council, kapatid ni Hunter?" Hindi ako makapaniwala?
Magkaibang magkaiba kasi sila to the point na hindi mo iisiping magkapatid sila.
"Oo. Hindi mo ba alam ang tungkol doon?" plain na sabi ni Irish. Umiling ako, wala
nga akong ideya.
"Hoy, may hindi ka ba sinasabi samin? I mean, hindi ka ata binubully ng mga kaklase
nating mukhang catfish" sabi ni Demi bago inumin yung juice niya.
"Ah, wala. Siguro napagod na sila."

sabi ko sa kanila bago kumain.


"Astrid.." napalingon ako. Nakita ko si Luca na nakatayo doon. May kasama rin
siyang ilan sa mga kaklase niya at nakarinig ako ng sigawan ng mga babae.
"Ano?"
"Wala lang, madalang na kasi kitang makita. Kamusta? Ayos na ba ang pakiramdam mo?"
umupo siya sa tabi ko. Madalang magkita? Parang kahapon lang kasama ko siya sa
infirmary.
"Okay na ako. Wala naman akong sakit." ngayon lang ata ako hindi naging
komportableng kasama siya. Paano ba namang hindi, lahat ng tao dito nakatingin
samin.
"Ehem.." napatingin ako kila Demi. Naalala ko, hindi nga lang pala kaming dalawa
ang naandito ni Luca.
"Ah, Luca by the way sila Demi at Irish kaklase ko." tiningnan sila ni Luca at
ngumiti ito bago magpakilala.
"Hi, I'm Luca. Astrid's friend" Bakit parang ineemphasize niya pa yung friend?
Pwede niya namang sabihin ng normal.
"Nasabi nga ni Astrid samin. Hi, nice to meet you Luca. Totoo nga sabi nila, gwapo
ka. Hahaha" Ay ang landi ni Demi.
"Ano pa bang ginagawa mo dito-"
"Omygod!"
Napatingin ako sa uniform ko. Natapunan kasi ito ng softdrinks. Shit!
"Pre, bakit hindi ka marunong tumingin sa dinaraanan mo? Mukha bang daan si
Astrid?" napatingin ako kay Luca. Imbis na matuwa ako sa kanya naaasar ako.
Huminga ako ng malalim bago tingnan ang kung sino mang walang modo ang gumawa nito
sakin- "Hunter..." Crap! Hindi ko inaasahan na si Hunter ang gumawa nito sakin. Did
he do this on purpose? Gawa kagabi? May galit ba siya sakin?
"Hindi ka man lang ba magso-sorry?" naiinis na sabi ni Luca. This time tumayo na
siya

at humarap kay Hunter. Jusko Luca, alam kong malakas ka, since rank 2 ka nga ng
klase mo pero kasi yung aura ni Hunter parang serial killer. Wag mo ng patulan.
"Luca okay lang. Hindi naman niya sinasadya-"
"I did it on purpose." nagulat ako nang magsalita siya. Tiningnan namin si Hunter.
Ang honest niya naman masyado para aminin ang kasalanan niya.
"Bakit mo ginawa 'yon?" nakakunot ang noo ni Luca. Hala, halatang seryoso na talaga
si Luca. Ayoko ng gulo dito, ayokong maging referee.
"No particular reason." Minsan ko na nga lang marinig ang boses nitong si Hunter sa
ganitong sitwasyon pa. Isa pa, bakit ba ang intense niya makatitig? Kanina pa siya
nakatitig sakin. Hindi na ako mapaigi dito.
"Luca, okay lang. Magpapalit nalang ako ng uniform-" Napatigil ako nang hawakan ni
Hunter ang kamay ko. Nagulat si Luca at napatingin din dito.
"Since it was my fault, I'll help you change." hindi na ako naka-angal. Hindi na
rin nakapagsalita pa sila Luca dahil agad akong hinila ni Hunter papalabas ng
cafeteria. What the fuck! Anong iniisip ng lalaking 'to? Is he a pervert?!
"You..." napatingin ako sa kanya. Dahan daha siyang tumigil sa paglalakad. "You saw
me last night, right?" So, iyon ang dahilan kung bakit niya ako hinila dito?
"H-Hindi ako 'yon. Baka kamukha ko lang-"
"It's you." simpleng sagot niya. Bakit ganito, kinikilabutan ako sa kanya. Baka
patayin ako nito.
"Sorry, hindi ko sinasadyang makita iyon pero kasi-"
"Keep it a secret." binitawan niya ang kamay ko. "Don't tell anyone." matapos
niyang sabihin iyon ay agad siyang umalis. Ayon na 'yon? Tinapunan niya ako ng
softdrinks para kausapin at sabihing wag kong ipagsabi? Luh, ang labo niya ha.
Dumiretso na ako kwarto ko at agad na nagpalit. Nakakainis talaga, ang weird at ang
creepy talaga ni Hunter. Nakakatakot na tuloy siyang tabihan sa klase baka mamaya
gumugulong na ang ulo ko sa classroom. He's really giving me that aura na mamatay
tao siya. I don't get it though.
"Nasan na yung lalaki?" nanlaki ang mata ko nang makita ko si Luca sa harapan ko.
Pinaghahampas ko siya. Hindi pa ako totally bihis!
"Pervert!"
Tumalikod ako sa kanya at dali daling nagbihis. Nakakainis 'to. "Maka-pervert ka
naman. Akala mo naman hindi ko pa'yan nakita. Hoy Astrid noong baby ka minsan ako
ang nagpapalit ng pampers mo!" tinutubuan ako ng angry veins. Grr!
"Iba ang katawan ng baby sa katawan ng isang grown up!" halatang nagulat siya sa
sinabi ko.
"Sinong grown up?" iniinis ba talaga ako nito?
"Umalis ka na nga lang. Tsk!" pagtataboy ko sa kanya. Inayos ko ang buhok ko
kaylangan ko nang magmadali, male-late ako kapag inuna ko ang pakikipagtalo sa
kanya.
"Tss, hindi man lang marunong makiramdam. Nag alala ako kaya sinundan kita. Paano
pala kung anong gawin sayo ng lalaking 'yon?" napatigil ako at napatingin sa kanya.
Nag alala siya sakin? Sweet naman this guy.
"Nag alala ka sakin? Yes naman. Haha pasensya ka na Luca ha? Masyado ka ng matanda
para sakin eh." tinaasan niya ako ng isang kilay dahil sa sinabi ko.
"Asa ka naman." tumayo na siya at lumapit sa pintuan. "Bilisan mo na diyan. Mauna
na ako." pagkatapos noon ay umalis na siya. Dati pa talaga, over protective na 'yan
sakin. I wonder kung...kung nakikita niya sakin si Mommy kaya siya ganito?

=================

Chapter 11: Klaus

Maraming araw ang nagdaan simula nang huli kong makausap si Hunter, magmula noon
bumalik na rin naman kami sa dati. Hindi niya ako pinapansin o kinakausap. Anyway,
wala rin naman akong balak ikalat ang nakita ko noong gabing iyon. Wala naman akong
mapapala.
"Aware naman siguro kayo sa nalalapit na Ranking Status Examination, right? Malapit
na iyon. I'll give you some time to practice today." nakita ko ang pagdidiwang nga
mga kaklase ko. Practice? Well, mukha ngang kaylangan ko 'non. "Bahala kayo kung
saang parte ng school niyo gustong magpractice basta at bumalik kayo dito after 2
hours para umattend ng ibang klase niyo. Kung gusto niyo pang magpractice magpaalam
kayo sa ibang teachers niyo." pagpapaliwanag ni Ma'am. Tumango ang lahat at
nagsimula nang maglabasan.
"Sa field kami magpa-practice, Astrid. Ikaw ba?" nagkibit balikat ako.
"Bahala na, kahit saan" Basta hindi sa mataong lugar. Pakiramdam ko kasi, hindi
safe ang kakayahang meron ako. "Hahanap nalang siguro ako ng lugar kung saan ako
pwede. Ayoko ng matao eh." Hindi ko na sila hinintay pang sumagot at nagpaalam bago
tumakbo papalayo sa kanila.
Saan kaya akong pwedeng magpractice-Ah! Alam ko na, sa may lake!
Tumakbo ako papunta doon, tama tama. Bukod sa hindi ito puntahan ng tao kung sakali
mang biglaan kong mailabas ang kapangyarihan ko, walang taong madadamay.
Nang makarating ako doon ay agad akong naghanda. "Okay, paano ko ba 'to sisimulan?"
huminga ako ng malalim bago humarap sa may lake.
"Inhale, exhale" I closed my eyes and stretch my hand and try to focus myself and
my energy.

Sana lumabas yung Meidō-


"What are you doing?" napatigil ako sa ginagawa ko at napatingin sa may gilid ko.
Nakita ko yung lalaking nakausap ko dito isang beses!
"Hey, we see each other again. It's been a while, Astrid." Paano niya nalaman ang
pangalan ko? Hindi ko natatandaang ibinigay ko iyon sa kanya.
"Ah, ikaw...anong ginagawa mo dito?" nakangiti siyang nakatingin sakin para bang
tuwang tuwa siyang makita ako.
"Lagi akong naandito, nagbabakasakali na baka dumating ka, buti dumating ka
ngayon." Anong meron sa lalaking 'to. Bakit niya ako hinihintay?
"S-Sino ka ba?"
"You can call me Klaus." Klaus, huh? Nice name. "So, anong ginagawa mo ngayon
dito?" nakangiting sabi niya. Masyado siyang carefree.
"Hindi ba't malapit na yung tinatawag nilang Ranking Status Exam? Naghahanda ako
para doon. Hindi ko pa rin kasi alam kung paano gamitin ng maayos ang kakayahan ko.
Ikaw? Hindi ka maghahanda?" nakita ko ang dahan dahan niyang pagngisi. Umiling ito.
"Hindi, hindi ko naman kaylangang maghanda. Isa pa, hindi ako nag aaral sa MA."
nanlaki ang mata ko sa huling sinabi niya. Hindi siya estudyante sa MA? Sabagay,
hindi ko siya nakikita sa loob.
"Kung ganoon, anong ginagawa mo dito?" tumawa siya, malamang dahil sa itsura ko
ngayon.
"Well, I have a mission." Mission? "There's a legend na dadating ang araw na
isisilang ang batang nagtataglay ng isang kakayahang buhayin ang patay ng walang
kahirap hirap. Gusto ko siyang makita, may gusto akong buhayin." Nawala ang mga
ngiti niya. Ngayon ko lang ata nakitang nag iba ang ekspresyon ng mukha niya.
"Sino naman? Hindi

ba marami naman diyang marunong bumuhay ng patay?" Matipid siyang ngumiti bago
umiling.
"Ibang kaso ito, this time ang taong nasa legend, siya lang ang makakagawa 'non."
malungkot na sabi niya. "Namatay ang pamilya ko dahil sa massacre, ako lang ang
nakaligtas." sabi niya pa sakin. Dahan dahan siyang tumingin sakin bago ngumiti
"Gusto ko sana ulit silang makita." tinitigan ko siyang mabuti. Sincere na sincere
siya sa sinabi niya.
"Sorry sa pagda-drama. May nakapag sabi kasi sakin na dito daw napasok ang taong
makakatulong sakin." Ano kayang pinagkaiba ng taong sinasabi ni Klaus sa mga tao
dito sa MA na marunong bumuhay ng patay? "Alam mo kasi, mahirap bumuhay ng patay na
lalo na yung matagal ng wala. Ang mga taong sinasabi mong marunong bumuhay ng patay
may isina-sacrifice sila para bumuhay ng patay pero ang taong sinasabi ko, wala.
Kapag sinabi niyang mabuhay ka. In a blink of an eye, mabubuhay ka."
"Paano ka nakapasok dito? Hindi ka naman pala nag aaral dito. Hindi ka ba
nahuhuli?" umiling siya bago tumawa ng kaunti.
"Hindi, magaling akong magtago eh." natatawang sabi niya.
Ngayong alam ko na kung anong pangalan niya kahit papaano naging komportable akong
kausap siya.
"Want me to help you with something?" napatingin ako sa kanya. Tumingin siya sakin
at nakangiti na naman. "Mukha ka kasing namomroblema kanina nang maabutan kita
dito." mahinahong sabi niya.
"Kasi naman, hanggang ngayon hindi ko pa rin makontrol at mapalabas ang
kapangyarihan ko." Totoo naman eh. Nailabas ko lang iyon noong nanganganib ako
pagkatapos noon hindi ko na ulit nagawa.
"Alam mo kasi, hindi mo mapapalabas ang kapangyarihan mo kung may doubt ka at kung
wala kang determination lalo na kung wala kang tiwala sa sarili mong kakayahan.
Dapat may lakas ka ng loob i-summon o i-command ang kapangyarihan mo. You need to
have a strong will to command it. By that, mailalabas mo ang kung anong kakayahan
ang meron ka." tiningnan ko si Klaus. Nakangiti siy habang nakatingin sa lake.
"Focus. Magfocus ka sa kung anong gusto mong mangyari. Training lang naman ang
kaylangan para mahasa mo ang sarili mo. Kahit anong turo sayo ng mga tao dito sa MA
kung hindi mo naman alam ang purpose mo sa paggamit ng kakayahan mo, baliwala rin
ang lahat." tumayo si Klaus sa pagkakaupo niya. "Kaya mo 'yan." matapos niyang
sabihin iyon ay nagpaalam na siya sakin at umalis.
Tiningnan ko ang palad ko. Tama siya, kaya ko 'to. Kaylangan ko lang mas magtiwala
sa sarili ko. "Okay, let's try it again." huminga ako ng malalim. Nagconcentrate
ako sa abot ng makakaya ko.
"Say it, Meidō"
"Meidō!" umihip ang malakas na hangin. Iminulat ko ang mga mata ko at nakita ko ang
pagkakaroon ng bilog sa harapan ko. Nakita ko rin na ang mga bagay na nahahagip
nito ay unti-unting nawawala. Seriously, what's this thing.
Sinubukan kong lapitan ito. Meidō nga ba tawag dito? Anyways, siguro naman hindi
ako masasaktan nito o malalagay sa kapahamakan since kapangyarihan ko ito hindi ba?
Pinagmasdan kong mabuti ito. Mukhang ngayon kapag pumasok ka dito ay sa ibang
dimensyon ka mapupunta.
Humawak ako sa magkabilang gilid nitong Meidō at sinilip ko ang loob. Wala naman
akong masyadong makita. Ang dilim pero medyo malamig ito-
"Ahhh!" hindi ko napigilang mapasigaw nang maramdaman kong may tumulak sakin
papasok sa loob. Hindi ko nakita kung sinong tumulak sakin pero, pero paano ako
makakalabas dito?

=================

Chapter 12: Inside the Meidō

Third Person's Point of View


"Hel, may problema ba?" tila may naramdamang kakaiba si Hel kaya't hindi ito
mapalagay. "Kanina tulala ka tapos ngayon para kang may naramdaman na kung ano."
sabi ni Kreios sa kanya at tumabi ito kay Hel. Hinawakan ni Kreios ang noo ni Hel.
"Mukhang wala ka namang sakit." tumayo si Hel sa pagkakaupo.
"Pupunta lang ako sa Netherworld." sabi nito. Napakunot ang noo ni Kreios.
"Why? May problema ba? May bagong kaluluwang na-trap?" pagtatanong nito. Umiling si
Hel.
"Hindi. May iba akong pakiramdam dito. Kaylangan ko munang bumalik doon. I need to
check on something." huminga ng malalim si Kreios bago tumango.
"Okay, mag ingat ka." sabi ni Kreios dito bago halikan si Hel sa noo nito.

"Tingnan niyo, isang tao. Mukhang masarap..."


"Mas masarap pa siguro siya doon sa dalawang lalaking kinain natin noon."
"HAHAHA! Mukhang mag eenjoy tayo dito."
Dahan dahan nang hahawakan ng mga kung anong nilalang si Astrid nang may pumagitna
dito at patigilin sila.
"Hellhound, ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Kung gusto mong kumain ng kaluluwa ng
tao wag mo kaming agawan ng kakainin namin."
"Ano sa tingin niyo ang ginagawa niyo? Hindi niyo siya pwedeng kainin. Mga inutil!"
nanlilisik ang mga mata ni Hellhound nang sabihin niya iyon sa mga nilalang na
kaharap niya.
"Ano bang pakealam mo, Hellhound. Umalis ka diyan at hayaan mong kainin namin ang
babaeng

iyan. She's our meal."


"Baka gusto niyong tuluyang itakwil dito sa Netherworld. Naandito kayo para
mangolekta ng mga kaluluwa. Ang kung sino mang tao ang maglakas loob na pumasok
dito, libreng kainin niyo but this girl is an exception. You can't eat her!"
"At bakit kami makikinig sayo. Umalis ka na diyan Hellhound. Wag mong protektahan
ang pagkain namin-"
"If my Mistress will know about this, all of you will get punished. You can't eat
her daughter!"
Tila napatigil ang mga nilalang na nasa Netherworld na may intensyong kainin si
Astrid.
"Anong sinasabi mong anak?! Hindi iyan ang anak ni Hel. Amoy na amoy ko sa kanya
ang pagiging tao!"
"My Mistress is protecting her lalo na sa mga demons na hinahanap siya. Imbis na
gawin niyo siyang pagkain, ang kaylangan niyong gawin ay ang protektahan siya."
Natahimik sila sa sinabi ni Hellhound.
"Lilith.." May isang babae ang lumabas sa tabi ni Hellhound.
"Yes, Master Hellhound?"
"Isakay mo sa likuran ko si Lady Astrid." Nagulat si Lilith sa iniutos sa kanya ni
Hellhound.
"Saan po natin siya dadalhin?"
"Niflheim. Mas ligtas siya doon."
"Hindi ba mas maganda kung dalhin na natin siya sa mundo ng mga tao?"
"Lilith, hindi tayo pwedeng basta pumunta sa mundo ng mga tao lalo na't walang
permiso ni Lady Hel."
Wala nang nagawa si Lilith at sinunod nalamang ang iniutos sa kanya ni Hellhound.
Inilalayan niya

ang walang malay na si Astrid at isinakay siya kay Hellhound.


"Pagbibigyan ko kayo ngayon at hindi sasabihin ang nangyari pero sana sa susunod
hindi na ito mauulit. Hindi niyo ba alam na ang babaeng muntikan niyo ng kainin ay
ang babaeng may kakayahan para buksan ang Meidō? Dahil sa kanya sa mga susunod na
araw may mga makakain kayo."
Umalis na sila Hellhound matapos niyang sabihin iyon at dumiretso sa Niflheim.
Nang makarating sila sa Niflheim ay nakita agad nila si Hel. "Anong nangyari?"
tanong nito.
"Mistress, mukhang nagagamit na ng maayos ni Lady Astrid ang kapangyarihan niya.
Ganyunpaman ay hindi pa siya aware sa kung anong purpose ng kapangyarihan niya at
kung anong ibig sabihin ng mga ito." sabi ni Hellhound.
"Hindi pa aware si Astrid sa ibang kakayahan niya. Ang alam niya lang ay ang Meidō
pero hindi pa sya aware sa Nether Manipulation na meron siya lalo na ang tungkol sa
kaliwang mata niya." sabi ni Hel.
Lumapit si Hel sa kinaroroonan nila Hellhound at kinuha si Astrid. "Aalis na kami.
Mas magandang makabalik kami sa mundo ng mga tao hangga't wala pa siyang malay."
sabi ni Hel kay Hellhound. Tumango naman si Hellhound.

Astrid' s Point of View


"Astrid..."
Teka, sinong tumatawag sa pangalan ko?
"Soon, when the seal is broken we will become one."
Iminulat ko ang mga mata ko. Hindi ko maalala kung anong nangyari. Ang huli kong
naaalala ay nang mapalabas ko ulit ang Meidō pagkatapos 'non, wala na.
Bumangon ako at tiningnan ang paligid, mukha namang

walang nagbago. Nananaginip na naman ata ako.


Tumayo ako at akmang aalis na nang biglang dumilim ang paligid. A-Anong nangyayari?
"Ah!" napatigil ako, may humawak sa paa ko.
"B-Bitawan mo ako-" tinakpan niya agad ang bibig ko at hinila ako kung saan. Para
bang may pinagtataguan kami.
"Wag kang maingay." malamig na sabi nito. Dahan dahan akong tumingin sa kanya at
doon ko nakita kung sino siya.
"H-Hunter.." Bakit kami nagtatago? Sinong pinagtataguan namin?
"Hunter, you bastard kapag nakita kitang hayop ka papatayin kita!" napatigil at
nagulat ako nang makarinig ako ng sigaw at pagbabanta ng mga lalaki. Kaya ba kami
nagtatago ay dahil sa kanila?
"Tsk!" napatingin ako kay Hunter. Ano bang ginawa niya para magalit ng ganoon yung
mga lalaking iyon?
"H-Hunter, bakit pati ako kaylangang magtago-"
"Keep your mouth shut. They will kill you if they see you." Since takot akong
mamatay, tumahimik nalang rin ako. Agh! Hanggang kaylan ba kami magtatago dito?
"Hunter baka pwede na tayong luma-" napatigil ako nang may makita akong patulo ng
dugo. Nakita ko ang braso ni Hunter, may sugat ito.
"M-May sugat ka." hinawakan ko ito at agad na pinagmasdan. Patuloy sa pagtulo ang
dugo niya. Tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa braso niya.
"I-It's nothing. Don't touch it." napakunot ang noo ko at pinilit pa ring hawakan
ito.
"No! Kaylangan nating gamutin ang sugat mo. Baka kung anong mangyaring impeksyon
diyan." sigaw ko sa kanya. Nagulat man siya'y bigla ring bumalik ang kunot na noo
niya.
"Sabi ko sayo, wag kang sumigaw. Isa pa, ano bang pakealam mo. Kahit mamatay ako
dito, it's none of your business-"
"Kung iniisip mo na lahat ng tao masayang nakakakita ng namamatay na tao sa harapan
nila p'wes hindi ako. Alam kong hindi mo ikamamatay ang sugat mo sa braso mo pero
mahirap pa rin kapag hindi natin 'yan nagamot-" napatigil ako nang paghawak ko sa
kanya ay tila may naramdaman ako. Hindi ko maexplain pero pakiramdam ko may kung
anong nangyari nang hawakan ko ang braso niya.
Dahan dahan kong tinaggal ang kamay ko sa braso niya. Halatang ultimong si Hunter
ay nabigla. "P-Paanong.." Hindi ako makapaniwala. Nang makita ko ang lugar kung
saan kanina lang ay may sugat ngayon ay wala na ito, as in wala!
"How did you do that?" nagtatakang tanong ni Hunter. Hindi ako makasagot, hindi ko
rin alam. Wala namang nakapagsabi sakin na may kakayahan akong manggamot.
"You...ano ka ba talaga?" tiningnan ko si Hunter. Hindi ko alam pero para bang
natakot ako sa sarili ko. Ang daming masyadong misteryo ang nakapaloob sa sarili
kong pagkatao. Para bang hindi ko kilala ang tunay na ako.

=================

Chapter 13: He's a Pureblood

"Ano ka ba talaga?" Tiningan ko si Hunter, hindi ko rin alam ang isasagot ko. Hindi
ko alam, paano ko siya nagamot sa simpleng paghawak ko lang ng direkta sa sugat
niya. I-It's impossible right?
"Enough with the talk. They are here." hinila ako ni Hunter at hinarangan, tila
ba'y itinatago niya ako.
"Pinahirapan mo pa kaming hanapin ka. Dito ka lang pala sa Mystique Academy
nagtatago. Pagbabayaran mo ang pagpatay mo sa Papa ko." Pagpatay? May pinatay si
Hunter?
"He deserves to die, he's an idiot after all." napatingin ako kay Hunter. Likod
lang niya ang nakikita ko kaya't hindi ko masabi ang ekspresyon ng mukha niya,
gayunpaman alam ko, alam kong may nakakatakot na ekspresyon sa mukha niya.
"Hindi ko alam kung anong kasalanan ng tatay ko sayo pero hindi tamang patayin mo
siya lalo na't sa harapan ko!" sigaw ng lalaking nasa harapan namin.
"Ayokong pumatay sa loob ng school, mahihirapan akong maglinis ng kalat pero since
nag effort kang sundan ako dito at pumasok sa Mystique Academy, pagbibigyan kita sa
gusto mo." kinilabutan ako sa tono ng pananalita ni Hunter. Wala siyang bahid ng
takot. Para bang sanay na siyang may ganitong eksena.
"Ikaw, wag kang aalis diyan." sabi sakin ni Hunter.
Mabilis itong kumilos. Mananalo ba siya nang wala man lang siyang dalang kahit na
anong armas? Ano ba talagang kakayahan ang meron si Hunter?
"You dare to fight a pureblood. You really want to die, don't you?" Pureblood?
Teka, saan ko nga ba narinig ang mga salitang iyon?
Muli kong tiningnan si Hunter, gamit ang kamay niya mabilis niyang hinawakan

ang mukha ng lalaking pasugod sa kanya at inihampas ito sa sahig. Napakapit ako sa
dibdib ko at napatakip ako sa bibig ko. Kitang kita ko kung paano dumanak ang dugo
nung lalaki. Napaatras ang mga kasama nito nang biglang lumakas ang hangin at tila
ba naging blade ang bawat ihip ng hangin at isa isang tinamaan ang mga natitira
pang lalaki.
Nakita ko ang pagngisi ni Hunter at ang duguan niyang kamay. Dugo ng lalaking
pinatay niya. Tiningnan niya ang kamay niya at dahan dahan dinilaan ang dugo sa
kamay niya na para bang nilalasahan ito. Lalo akong napatakip sa bibig ko.
"Just like your old man, your blood are both disgusting." tumingin si Hunter sakin.
Napaatras ako, natatakot ako. Ang mga pulang matang nakita ko noong gabing iyon
nakikita ko na naman ngayon sa panglawang pagkakataon.
"H-Hunter..." napatigil si Hunter at napatingin sa lalaki, sa lalaking inihampas
niya ang ulo sa sahig. Buhay pa pala ito. "B-Bakit mo pinatay ang t-tatay ko?"
tumigil ito at tila nahihirapang magsalita. "A-Anong ginawa naming m-masama sayo.."
lumapit si Hunter dito. Hinawakan niya ng mahigpit ang buhok ng lalaki bago
magsalita.
"Wala kayong kasalanan sakin pero sa nag utos sakin siguro meron. Ano mang dahilan
iyon, wala na akong pakealam. Now, die!" nag utos sa kanya?
May inilabas si Hunter na isang baril at itinutok ito sa ulo ng lalaki bago iputok.
Napatakip ako sa mata ko, hindi ko kayang tingnan. Hindi ko kayang panoorin. Hindi
ko makayang may makitang pinapatay sa harapan ko.
Si Hunter..anong klaseng tao siya. T-Tao ba talaga siya?
"Are you scared?" napatingin ako sa harapan ko. Napatigil

ako nang makita kong nasa harapan ko na siya. Nanginginig ang buong katawan ko.
Napaatras ako hanggang sa mapasandal ako sa isang puno. Oh crap! Trinap niya ako sa
pamamagitan ng pagtuon niya sa puno gamit ang magkabilang kamay niya. Now, there's
no way out. "Y-You killed them" Shit Astrid! Wag kang manginig! Baka kapag pinakita
mo sa kanya na takot ka dahil sa nakita mo patayin ka din niya.
"So?" Bakit parang wala lang sa kanya na may pinatay siya? "As if it's a sin to
kill-"
"Of course it's a sin! Bakit ang bilis sayo para pumatay? Ano ka ba talaga-"
"It's normal for a vampire to kill someone so easily." Vampire?! So hindi nga siya
tao? Astrid, ano na naman ba 'tong pinasok mo?! "Kung ano mang nakita mo ngayon,
wag mong ipagsasabi kahit kanino." lumapit siya sa leeg ko bago muling magsalita.
"Seems like you have good blood in here." nagulat ako nang hamplusin niya ang leeg
ko. Natatakot na ako.
"Luca, please save me!"
"Once you spread my true identity and my doings, I'll drink your blood nonstop
until the last drop." Yung tibok ng puso ko sobrang bilis dahil sa sobrang kaba ko.
Please, someone...someone save me-
"Hunter!" napatingin kami sa kanya. Si Flynn!
Nakakunot ang noo ni Flynn at dali daling lumapit samin. Hinila niya ako papalapit
sa kanya. "What the hell are you doing?!" Bakit ganito, hindi ba't magkapatid sila?
Bakit nagbibigay sila ng magkaibang aura?
"I killed them." plain na sabi ni Hunter habang tinuturo yung mga lalaking pinatay
niya kanina.
"That's my point! Bakit sa school? Isa pa sino sila? Estudyante ba sila

dito?" nakita ko ang pagngisi ni Hunter. This is the first time na makita ko siyang
ngumisi.
"Kamag anak ng lalaking pinatay ko kagabi. Sinundan nila ako dito, hindi ko alam
kung paano sila nakapasok pero anong gusto mong gawin ko? Hayaan silang magpagala
gala dito sa school?" sarkastikong sabi ni Hunter.
"Kung papatay ka siguraduhin mong marunong kang maglinis." seryosong sabi ni Flynn.
Wait, kinukusinte niya bang pumatay 'tong si Hunter?
"Malinis naman ah? Isa pa kaya ka nga naandiyan hindi ba? Taga linis ng kalat ko."
nakataas ang isang kilay ni Hunter, tila ba nanghahamon ito.
"Shut up!" sabi ni Flynn. "Mamaya na tayo mag usap." sabi pa nito.
"Bakit hindi pa ngayon? Natatakot ka na marining ng babaeng 'yan ang pag uusapan
natin? Natatakot ka na masira ang good-guy image mo?" Hindi ako makapagsalita. N-
Nag aaway na sila. Anong dapat kong gawin?
"Just shut up, Hunter!" napailing si Hunter at tinalikuran niya na kami.
"Hey woman!" napatingin ako sa kanya. "Wag mong ikakalat lahat ng nalaman mo ngayon
kung ayaw mong ubusin ko ang dugo sa katawan mo." matapos niyang sabihin iyon ay
agad siyang umalis. Those eyes, it's creeping me out.
Huminga ng malalim si Flynn bago ako tingnan. Ngumiti ito. "Astrid, pagpasensyahan
mo na si Hunter. Okay ka lang ba? May ginawa ba siya sayo?" Umiling ako, wala
namang ginawa si Hunter sakin. "Bakit ba kasi kayo magkasama?"
"Hindi ko rin alam, bigla niya nalang akong isinama sa pagtatago niya. Nakita kong
may sugat siya kaya balak ko sanang tulungan siya-"
"You don't need to. Mabilis gumaling ang mga galos o sugat ni Hunter since he is
a..." hindi na naituloy ni Flynn ang sasabihin niya at ngumiti nalang ito sakin.
"Basta wag mo nalang ikalat lahat ng nalaman mo ngayon. Baka kung ano pang gawin ng
lalaking 'yon sayo." tumango ako. Wala naman talaga akong balak ipagsabi.
"Alis na ako." aalis na sana si Flynn nang pigilan ko siya.
"Flynn, b-bampira ka din ba katulad ni Hunter?" napatigil ito sa paglalakad at
tumingin sakin. Muli siyang ngumiti.
"No, I'm not."
Nagulat ako sa sinabi niya. Hindi ba't magkapatid sila? Edi dapat p-pareho silang
bampira. Agh! Naguguluhan na ako.

=================

Chapter 14: Angry

Hindi na ako pumasok. Matapos akong iwan nila Flynn sa may lake ay agad akong
dumiretso sa kwarto ko. Hindi ko alam pero natatakot ako. The way na pumatay si
Hunter, para siyang walang pakealam at walang puso. Hindi ko akalain na ganoon
siya. Isa pa, paano ko napagaling ang sugat niya? Hindi ko natatandaang may
kapangyarihan akong manggamot-Hindi kaya meron nga? Sadyang kulang palang ang
kaalaman ko sa totoong kakayahan ko kaya para sakin nakakagulat ang lahat ng ito?
Niyakap ko ang unan ko, mahigpit na mahigpit. Kinikilabutan pa rin talaga ako lalo
na kapag naaalala ko ang matatalim na tingin at ang pulang mata ni Hunter. So, he's
a vampire, didn't expected that.
"Astrid!" napatingin ako sa pintuan ko. Nakita ko si Luca, halatang hinahapo ito.
"Thank goodness you're okay." tila ba'y nakahinga ng maluwag si Luca nang makita
ako. Hinahapo itong lumapit sakin at umupo sa kama ko. Tiningnan niya ako. "Bakit
hindi ka pumasok sa klase niyo? Dalawang oras lang naman daw ang ibinigay sa inyo
para magpractice ah? Saan ka galing?" napaatras ako dahil sa sunod sunod niyang
pagtatanong.
Bumuntong hininga si Luca, "Pasensya na, nag alala lang naman ako lalo na't nang
malaman kong pati yung lalaking nagbuhos sayo softdrinks ay hindi rin pumasok."
Tama, hindi nga rin pala pumasok si Hunter, kaya nga kami magkakasama kanina, kaya
ko nasaksihan ang pagpatay niya.
"Luca..." isinubsob ko ang mukha ko sa unan na yakap yakap ko. "Do you believe in
vampires?" hindi ko alam kung anong reaksyon ni Luca ngayon, ayokong harapin siya.
Ayokong makita niya ang natatakot kong ekspresyon.
"Yes,

well they do really exist pero matagal na rin nang huli silang makita dito sa mundo
ng mga tao. Maybe, most of them are having a long sleep inside their coffin. Who
knows. Wala naman akong masyadong alam tungkol sa kanila pero katulad ko at katulad
mo they are immortals. Bakit mo naitanong?" sinilip ko si Luca pero agad ring
isinubsob ang mukha ko sa unan.
"Wala." Hindi ko dapat sabihin kahit kay Luca ang tungkol kay Hunter. Hindi ko isyu
iyon para ipagkalat ko at pagusapan.
"Astrid, you're bad at lying. Alam kong may problema ka." sabi ni Luca. Kilalang
kilala niya talaga ako. "Pero hindi kita pipilitin kung ayaw mong sabihin sakin."
napatingin ako kay Luca. Kalmado siyang nakatingin sakin habang nakangiti.
"Luca..." Gusto kong sabihin sa kanya. Gusto kong sabihin na 'Luca, protektahan mo
ako kasi si Hunter pinagbabantaan ang buhay ko. Kasi bampira si Hunter' pero ayoko.
Ayokong didipende na naman ako kay Luca. Nagagamit ko na ang Meidō, gusto kong ako
mismo ang pumrotekta sa sarili ko.
"Sige, aalis muna ako. Mukhang kaylangan mong magpahinga-" Hindi ko alam kung bakit
nang makita kong tumayo si Luca at akmang aalis na ay agad ko siyang pinigilan.
Hinawakan ko ang laylayan ng damit niya.
Gulat na napatingin si Luca sakin, nakatingin rin naman ako sa kanya. "Please..."
Nanginginig ang mga kamay ko. Hindi ko matanggal sa isip ko ang pagdanak ng dugo
kanina. Ang nakangising labi ni Hunter habang pumapatay at ang tila'y tinitikman
niyang dugo ng mga pinapatay niya. Lahat iyon, lahat iyon nakakatakot.
"Please, wag ka munang umalis." Gusto kong samahan ako ni Luca hanggang

kumalma ang sarili ko. Hindi ako kagaya nila Mommy at Daddy, hindi rin ako katulad
ni Kuya na makakayanan ang mga ganitong sitwasyon. Ako, ako ang pinakamahina ang
loob sa pamilya ko.
Huminga ng malalim si Luca bago hawakan ang kamay ko. Humarap siya sakin at lumuhod
bago titigan ng mabuti ang mata ko. "Hindi ko alam kung anong gumugulo sayo ngayon.
Gusto ko mang malaman pero kung ayaw mo hindi kita pipilitin." ngumiti si Luca bago
tapikin ang ulo ko. "Hindi ako aalis, okay? Babantayan kita." Hindi ko alam pero sa
sinabing iyon ni Luca kumalma ako. Pakiramdam ko kapag kasama ko si Luca ligtas
ako.
"Magpahinga ka na. Alam kong medyo maaga pa pero mas makakabuti iyon para sayo para
kumalma ka kahit papaano. Hindi ka na ba kakain? Gusto mong dalhan kita dito?"
humiga ako sa kama ko bago umiling.
"Ayoko. Wala akong gana." matipid na sabi ko. Alam kong hindi nagustuhan ni Luca
ang isinagot ko pero hindi na siya nagpumulit pa.
Kinuha ni Luca ang upuan sa may study table ko bago dalhin iyon sa tabi ng kama ko
at umupo doon. "Magpahinga ka na. Hindi ako aalis." ngumiti ako. Pinilit ko ang
sarili kong makatulog pero hindi ko magawa. Ang daming gumugulo sa isip ko.
"Luca?"
"Hmm?"
"Alam mo bang nadiskumbre ko na ang kapangyarihan ko." dahan dahan akong tumingin
sa kanya. Nakahalukikip ito habang nakasandal sa bangkuan at nakatingin sakin.
"Meidō. Hindi ko pa alam kung anong klaseng kakayahan iyon pero masaya ako kasi
atleast alam kong may kakayahan ako." nakita ko ang pagngiti ni Luca.
"Good for you. Buti naman. Atleast ngayon hindi mo na kaylangan pang maliitin ang
sarili mo." sabi

nito.
"Pero alam mo Luca, nagtataka ako. May kakayahan kaya akong manggamot? Kasi nang
hawakan ko ang sugat ni Hunter kanina bigla itong nawala-" napatigil ako nang
marealize kong nasabi ko pala sa kanya ang bagay na hindi ko dapat sabihin.
"Magkasama kayo nung Hunter kanina?" napatingin ako kay Luca. Nakatingin ito ng
diretso sakin at seryosong nakatingin. Shit! "Iyon ba ang dahilan kung bakit ka
nagkakaganyan? Sabihin mo nga, anong ginawa ng Hunter na iyon sayo? Sinaktan ka ba
niya, ha?!" napatayo si Luca. This time, pakiramdam ko galit siya.
"Hindi, wala. Wala namang ginawa sakin si Hunter-"
"Nag aalala ako sayo. Nag aalala ako sa kung anong nangyayari sayo tapos ngayon
malalaman ko na magkasama pala kayo ng lalaking iyon, hindi ba't dapat nilalayuan
mo siya?! Astrid for Pete's sake hindi natin alam kung anong klaseng tao ang gagong
'yon!" ito ang unang pagkakataong nakita kong ganito si Luca. Lagi kasi siyang
kalmado, lagi siyang nakangiti. Mali bang itinago ko sa kanya na magkasama kami ni
Hunter kanina?
"Wala naman talagang ginawa si Hunter-"
"Astrid, wala akong ibang ginawa dito kundi protektahan ka pero bakit pakiramdam ko
pinagtatakpan mo pa rin si Hunter? Bakit pakiramdam ko mas kinakampihan mo siya?"
kalmado man niyang sinabi iyon pero mas lalong bumigat ang pakiramdam ko. No, wag
kang magalit sakin Luca.
Napatingin ako sa kanya nang makita kong maglakad siya. "L-Luca..."
"Mukhang hindi mo naman ako kaylangan para bantayan ka. Babalik na ako sa kwarto
ko." napakagat ako sa ilalim na bahagi ng labi ko.
"Luca, don't leave me here alone." halos ibulong ko ang pagsasabi ko noon. Galit
sakin si Luca. This is the first time na magalit siya sakin.
Narinig ko ang pagsara ng pintuan ng kwarto ko. Awtomatiko kong naitakip ang
magkabilang palad ko sa mukha ko. Hindi ko napigilang umiyak dahil sa halo halong
emosyong nararamdaman ko. Fear, confusion and pain.
Anong dapat kong gawin? Hindi ko na alam, hindi ako makapag isip.

=================

Chapter 15: The Talk

Luca's Point of View


Sumandal ako sa pintuan ng kwarto ni Astrid matapos kong lumabas ng kwarto niya.
Agh! Nakakainis, hindi ko napaigilang mainis. Marinig ko lang talaga na magkasama
si Astrid at yung manyak na lalaking iyon kumukulo ang dugo ko. Hindi ako
mapalagay, paano pala kung isa rin siya sa may interes sa Bodhisattva Eye? Alam
kong nakaseal pa iyon at mahirap na malaman kung sinong nagmamay ari pero fuck lang
talaga.
Huminga ako nang malalim at naglakad muna papaalis. Kaya naman siguro ni Astrid
'yan. Sabi nga niya hindi ba, napalabas na niya ang kakayahan niya.
"May kakayahan kaya akong manggamot?"
"Bodhisattva Eye can heal people by just touching the affected area and by saying
it."
Hindi naman siguro hindi ba? Hindi naman siguro dahil sa Bodhisattva Eye kaya
napagaling ni Astrid ang lalaking iyon? Pero paano kung...
Napatigil ako sa paglalakad ko nang makasalubong ko yung gago. Alam niyo na naman
siguro kung sinong tinutukoy ko hindi ba?
Tiningnan niya lang ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Nang malapit na siya sakin
nagsalita na ako. "Wag mo nang tangkain lumapit kay Astrid." nilagpasan niya ako
pero nakita ko ang pagngisi niya.
"Why should I? She's quite interesting." napalingon ako sa kanya pero nakita kong
wala na siya doon. That guy, ano ba talaga siya?

Nang mapakalma ko ang sarili ko ay bumalik ako sa kwarto ni Astrid. Nakapagdesisyon


na ako kanina na hayayaan ko nalang muna siya since simula nang makilala niya yung
lalaking 'yon at nang pumasok kami dito ang dami nang bagay ang nagbago at ang

dami na rin niyang isinisekreto sakin.


"Hindi ko pa rin pala kayang iwan ka sa ganyang kalagayan mo." huminga ako nang
malalim at pinagmasdan ang natutulog na mukha ni Astrid. Napakunot ang noo ko nang
may mapansin ako. Hinaplos ko ang glid ng mata ni Astrid. Basa ito, "Umiyak ka ba?"
Your pathetic Luca, sa tingin mo ba sasagot iyan? Pero seryoso, umiyak si Astrid?
Bakit ganito hindi ko mapaigilang mapangiti. Umiyak si Astrid dahil sa pag alis ko.
How rare.
Muli akong umupo sa upuan sa tabi ng kama ni Astrid at pinanood lang siyang
matulog. "I swore to your parents that I will protect you so I must. Hindi ko alam
kung anong mangyayari sakin kapag hindi ko nagawang protektahan ka at hindi ko rin
alam kung anong gagawin ng magulang mo sakin kapag hindi kita naprotektahan."

Astrid's Point of View


Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Ang bigat ng pakiramdam ng mata ko.
Siguro kasi..Shit! Umiyak nga pala ako kagabi!
"Uh-hmm." napatigil ako, napatingin sa gilid ng kama ko, nakita kong natutulog doon
si Luca. Teka, hindi ba't umalis si Luca dito kagabi? Wag mong sabihing bumalik
siya?
Dahan dahang nagigising si Luca. Tumunghay ito at nagtama ang paningin naming
dalawa. "Good morning, Astrid." nakangiting sabi nito sakin. Hindi ako
makapaniwala. Parang kagabi lang galit siya sakin ah.
"Luca, b-binantayan mo ako?" Hindi na kaya siya galit?
"Oo, sabi mo sakin kagabi wag kitang iwan hindi ba?" He showed me a faint smile.
"Sorry kagabi." napatungo ako sa sinabi niya. Hindi niya naman kaylangang magsorry.
Wala naman siyang ginawang masama, ako yung

mali.
"Sorry din. Kapag nagkausap kami ni Hunter o kapag nagkita kami promise kong hindi
ko na itatago sayo." napatawa si Luca sa sinabi ko bago muling tapikin ang ulo ko.
"Hindi mo naman kaylangang i-report sakin lahat. Ang sakin lang, mag iingat ka
kapag kasama mo ang lalaking iyon. Hindi tayo nakakasigurado kung mabuti ba siyang
tao o hindi. Sa MA kasi hindi tinitingnan kung villain ka ba o hindi, kung kalaban
ka ba o hindi as long na may kapangyarihan ka at nakapasa ka sa mga examinations
nila pasok ka." Tumango ako. So gusto lang pala talaga niya akong mag ingat.
"About sa kakayahan mong manggamot, I'll ask your parents about that" tumango ako.
Tumayo na si Luca at nagpaalam sakin. "Since wala namang pasok ngayon, magpahinga
ka muna dito. May pupuntahan lang ako." ngumiti ako at umalis na si Luca.
Mga ilang minuto lang akong tulala simula nang umalis si Luca nang mapagisipan kong
lumabas ng kwarto ko. Nag ayos ako at ginawa ang mga dapat gawin bago lumabas ng
kwarto.
Habang naglalakad ay nakasalubong ko si Irish. "Good morning." bati ko dito.
Tumingin sakin si Irish, "Morning." matipid na bati niya.
"Saan ka papunta?" tanong ko sa kanya. Wala kasing pasok ngayon dahil Sabado pero
parang busy ang mga tao ngayon.
"Nabigyan ako ng special permit para makalabas ng school at madalaw ang mga
magulang ko." pinagmasdan ko siyang mabuti. Purong itim ang suot niya.
"May ganon pala dito? Hindi ko alam." Gusto ko ring makita ang magulang ko kahit
saglit lang.
"Oo, una na ako." napansin ko rin na may dala siyang bulaklak.
"Ah, Irish para kanino yung bulaklak?

Sa magulang mo?" Bakit parang hindi naman ganyan ang bulaklak na ibinibigay ng
kanilang anak sa kanilang magulang para kasing...
"Oo, ilalagay ko sa puntod nila pagdalaw ko." Wag mong sabihin sakin na patay na
pala ang magulang niya.
"Sorry.." Bakit ko ba kasi naitanong iyon sa kanya. Matipid na ngumiti si Irish.
"Okay lang, una na ako." tumango ako at sinabi kong mag ingat siya.
Nang umalis si Irish, mag isa na naman ako. Okay, ako na talaga ang takot mag isa.
Kainis.
Naggala gala ako at nakasalubong ko si Flynn, "Hi Astrid, good morning."
nakangiting bati niya sakin. Sa way ng pagbati niya sakin akala mo walang nangyari
nitong nakaraang araw.
"Ah, morning." bati ko pabalik sa kanya.
"Flynn, halika na male-late tayo." sigaw ng isang babae sa kanya.
"Sige, Astrid mamaya nalang. May meeting kami eh. Ingat." matipid akong ngumiti sa
kanya bago siya panooring maglakad papalayo.
Gumala gala ako sa school. Saan kaya makatambay? Ayoko sa loob ng kwarto ko, wala
naman akong ibang makikita doon kundi ang apat na sulok ng kwarto ko tsaka mga
gamit ko. Mamimiss ko lang ang bahay namin.
Napadaan ako sa isang maliking glass-greenhouse. Wow, may greenhouse pala dito,
hindi ko alam. Lumapit ako dito at pumasok sa loob. "Wow, ang ganda." naglakad
lakad ako at tiningnan ang bawat sulok ng greenhouse. Malaki ito at madami kang
makikitang iba't ibang uri ng bulaklak. Ang ganda talaga.
Nakakita ako ng malaking puno sa may gitna. Lalapitan ko sana ito nang makita kong
may nakaupo sa tabi nito. Omygod! Si Hunter na naman.
Aalis palang sana ako nang mapatingin

siya sakin. No, kaylangan ko na nga pala siyang layuan. "It's you again." Bakit
pakiramdam ko simula nang malaman ko kung ano talaga siya malimit na niya akong
kausapin.
Gusto ko na sanang umalis nang mapansin kong para bang ang lalim ng iniisip niya at
ang lungkot ng mga mata niya. Tahimik lang siya at blangko ang ekspresyon ng mukha
niya kaya't naninibago akong makita siyang ganito.
"What? If you don't need anything just go." Pero imbis na umalis ako ay lumapit ako
sa kanya at umupo sa kabilang bahagi ng puno. Napatingin ako sa magagandang
bulaklak na makikita ko dito. "Aren't you scared?" Oo takot ako, natatakot ako sa
kanya pero alam kong hindi rin naman siya gagawa ng krimen kung wala siyang mabigat
na rason.
"Hindi ko alam kung anong rason sa likod ng pagpatay mo pero alam kong hindi ka
masama." Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang ideya kong iyon pero nararamdaman
ko lang siguro.
"Tss, paano mo nalaman na hindi ako masamang tao. Actually ngayon, pwedeng pwede
kitang patayin-"
"That's the point. Kung masama ka talagang tao, hindi na para sabihin mo iyan
sakin. Kung masama ka talaga, papatayin mo na agad ako pero hindi mo pa rin
ginawa." sabi ko sa kanya.
"You're a weird one." Napangiti ako. "I know." sinilip ko si Hunter. Nakapikit ang
mga mata niya. May something sakin na gusto kong kilalanin si Hunter. Pakiramdam ko
kasi, may kung anong nakaraan ang itnatago niya.
"Hunter, ano ka ba talaga?" Hindi ko mapigilang hindi magtanong. Err.
"Vampire."
"Hindi iyon, I mean bakit ka pumapatay ng tao?" tanong ko ulit.
"Simple lang, I'm an assassin. I kill people for money. That's my work." A-
Assassin?! "Bata palang ako assassin na ako. It's normal for me to kill. Wala ng
bago." Simula pagkabata? Ibig sabihin, bata palang siya pumapatay na talaga siya?
Oh no, I can't imagine.
"Si Flynn, hindi ba't magkapatid kayo? Bakit hindi siya bampira kagaya mo?"
natahimik ng matagal si Hunter bago ako sagutin.
"Flynn is my half brother. Sa tatay ko lang siya kapatid. So it's either magiging
vampire siya o taong may ibang abilidad at sa sitwasyon niya ngayon halata namang
hindi siya naging bampira hindi ba?" Ah may option naman pala kapag isa lang sa
magulang mo ang bampira.
Napatingin ako sa kanya. "Hindi ko akalaing sasagutin mo ang mga tanong ko."
nagulat ako nang tumingin sakin si Hunter.
"Handa ka rin namang makinig hindi ba? So why not telling you."

=================

Chapter 16: Tsuchigumo

Hel's Point of View


"What the hell are you doing here, Luca?" hindi ko inaasahan na pupunta siya dito.
Alam kong wala silang pasok ngayon pero bakit siya pupunta dito nang walang
pahintulot sa school?!
"Babalitaan ko lang kayo kay Astrid. Ayaw niyo?" Hindi nalang ako nagsalita. Tumabi
sakin si Kreios at parehas kaming nakinig sa sasabihin ni Luca.
"Okay naman si Astrid, mukhang may mga kaibigan na rin siya sa klase nila. Kaya
lang..." napakunot ang noo ko. Hindi niya kasi itinuloy ang sasabihin niya. Kaasar
'tong lalaking 'to.
"Kaya lang, may iba akong nararamdaman sa ilang taong nakapaligid kay Astrid. Isa
pa, mukhang unti unti nang humihina ang seal sa kanang mata niya, Hel." napakunot
ako ng noo ko. Anong sinasabi nito.
"How did you know na nanghihina ang seal?" That's impossible, matagal pa bago
masira ang seal.
"Sa pagkakaalam ko may kakayahang manggamot si Astrid hindi ba? May kakayahan
siyang manggamot dahil iyon ang isa sa kakayahan ng Bodhisattva Eye. Kung wala ang
Bodhisattva Eye, hindi ba't wala rin ang kakayahan niyang iyon. May nasabi sakin si
Astrid, nakapanggamot siya sa pamamagitan lamang ng paghawak niya sa sugat ng isa
sa mga kaklase niya. How can you explain that?" Hindi kaya may nakakaalam na kung
sino ba talaga si Astrid at unti unting sinisira ang seal?

Astrid's Point of View


"Alam ba ng school ang tungkol sayo?" umiling si Hunter.
"Walang nakakaalam bukod sakin, kay Flynn at sayo." sabi nito sakin. Muli akong
napatingin sa kanya. Hindi naman pala masyadong nakakatakot si Hunter.
"Bakit

nga pala naandito kayo sa MA? Hindi ba't mas magiging malaya kang pumatay kung wala
ka dito?" Hindi naman sa kinukunsinte ko siyang pumatay pero hindi, tama naman?
"Hindi ko alam kay Flynn. Simula nang mamatay ang mga magulang namin, wala na akong
ibang ginawa kundi sundan siya. Malaki ang kasalanan ko sa kanya at siguro ito
nalang ang alam kong paraan para kahit papaano mapatawad niya ako. Sabi ni Flynn
may hahanapin daw siya dito sa loob ng Mystique." Hahanapin? May kayamanan ba dito
sa MA?
Natahimik na ako. Wala na akong maisip an itatanong pa sa kanya. Hindi naman nag
oopen ng topic si Hunter.
"Yung lalaking lagi mong kasama. Ano mo siya?" Wooh! Nagtatanong siya sakin? Anong
masamang hangin ang nasinghot nito?
"Kaibigan ko. Simula pagkabata lagi na siyang naandiyan para sakin." napangiti ako.
Oo, simula pagkabata talaga ganyan na si Luca. Kulang na nga lang ikulong niya ako
para hindi ako masaktan.
"Oh? But he's acting like a lover." napatigil ako sa sinabi niya sakin. Napatingin
ako kay Hunter and he's staring at me, too.
"S-Si Luca? Lover? Oh no, you've got the wrong idea. Overprotective lang talaga
siya." Parang hindi ko maimagine. Me and Luca together? Baka gumunaw ang mundo,
magagalit magulang ko. Isa pa may pagkababaero kaya si Luca hindi lang halata.
Mahilig siya sa cute na babae, weakness niya daw 'yon.
Nakita ko ang pagtayo ni Hunter. Sinundan ko lang siya ng tingin, "Want to come
with me?" tiningnan niya ako. Iyan na naman yung mga walang buhay niyang mata.
"Saan?" Saan na naman ba siya pupunta?
"Outside." napatayo ako sa gulat.
"Sa

labas ng MA? Pwede ba 'yon? Hindi ba't bawal?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
Napangisi siya sa naging reaksyon ko.
"Well, it's fun to break the rules, right?" Oo nga pala, pumapatay nga siya hindi
ba? Balewala sa kanya ang hindi pagsunod sa rules ng school.
"Ayoko nga, mapahamak pa ako-"
Napatigil kami sa pag uusap namin nang makarinig kami ng sigawan sa labas.
Napakunot ang noo ko, anong meron sa labas at bakit parang nagkakagulo sila.
"Istorbo naman 'tong mga sumisigaw." naglakad na si Hunter. Sumunod ako sa kanya.
Nakita namin na nagkakagulo nga. Maraming estudyante ang tumatakbo papalayo sa
field.
"Excuse me.." hindi ako nagdalawang isip na manghila para magtanong. "Anong meron?
Bakit kayo tumatakbo?"
"M-May kakaibang demon na nasa field. Hindi namin alam kung ano iyon pero
nakakatakot! Kinakain niya ang mga taong nakikita niya! Wala rin itong ibang sinabi
kundi Bodhisattva Eye!" halata ang takot sa kanya. Nanginginig ang boses niya
ganoon na rin ang buong katawan niya.
"Hoy, anong pang ginagawa niyo dito?! Pumunta na kayo sa main building. Mas safe
doon kaysa dito. Mga teachers na ang bahala dito!" sigaw samin ng isang babae. Tama
siya yung babaeng tumawag kay Flynn kanina.
"Why should I listen to you?" kumunot ang noo ng babae at tumingin kay Hunter. Hala
naman 'tong si Hunter, pati ba naman babae papatulan.
"Kung mahal mo pa ang buhay mo, mas mabuti pang umalis na kayo dito-"
"What if, wala ng halaga ang buhay ko sakin, okay lang bang magstay?" nakangising
sabi ni Hunter. Jusko po, itong lalaking ito.
"Grr-"
"Thalia, ako

na dito. Sige na, umalis ka na dito." Napatingin kami sa lalaking nasa harapan
namin, si Flynn. Tumingin ito kay Hunter, seryoso na naman ang mukha. "Hunter, kung
hindi mo pinahahalagahan ang buhay mo wag mong idamay ang babaeng iyan at si
Astrid." sabi ni Flynn.
Yung babaeng pinagtanungan ko kanina ay agad na tumakbo papalayo. Ako, si Flynn at
si Hunter nalamang ang naandito.
"Astrid, umalis ka na. Hayaan mo na lang si Hunter." sabi sakin ni Flynn.
Napatingin ako kay Hunter nakangisi ito.
"Pero Flynn, naisip mo ba na huli na ang lahat para tumakbo?" napansin kong dahan
dahang dumidilim ang paligid, tila nagiging pula ang kaulapan.
"Flynn! Flynn! Tingnan mo, na-corner na tayo!" sa daan papunta sa field may isang
malaking gagamba, sa daan naman papunta sa main building ay ganoon rin. Marami pa
ring estudyante ang nasa labas. Na-trap kami. Pinagigitnaan kami ng dalawang
higanteng gagamba. Kumpara sa ordinaryong gagamba ay mas nakakatakot ito.
"Tsuchigumo, huh?" napatingin ako kay Hunter. Mukhang alam niya ang tawag sa demon
na ito. "An earth spider." tiningnan niya ako na para bang sinasabi sakin na iyon
ang ibig sabihin ng unang sinabi niya.
Muli kong tiningnan ang demon na tinatawag na tsuchigumo. Bakit ganito parang may
hinahanap ito?
"Walang gagalaw sa inyo..." mahinahon na sabi ni Flynn kahit na ang dami nang
natatakot dito. Ultimong ako, medyo kinakabahan.
Napatigil ang tsuchigumo sa harapan namin at bigla itong tumingin sakin dahilan
para lalo akong kabahan. Dahan dahang lumapit sakin ang isa. Hindi ako makakilos.
Gusto kong tumakbo pero paano? Wala naman akong tatakbuhan.
"Oy! Wag mong ilapit ang maduming mukha mo sa kanya." Walang ano-ano'y itinulak ni
Hunter ang ulo ng tsuchigumo papalayo sakin. Humarang ito sa harapan ko.
"You want a fight?" Hunter...ano bang ginagawa mo?
"Hunter kapag nilabanan mo siya baka..baka maraming makakita at makaalam kung ano
ka talaga." Humarap sakin si Hunter.
"Kapag hindi ako lumaban, ikaw naman ang mapapahamak. Anong mas gusto mo?" Ginagawa
niya ito para protektahan ako? "Wala yung lover boy mo dito hindi ba? Walang po-
protekta sayo." Sinong lover boy? Agh! Hindi ko nga lover boy si Luca!
"Hoy para sa kaalaman mo hindi ko-" napatigil ako nang may tumalsik na dugo sa
mukha ko. Napakunot ang noo ni Hunter pero nakita ko na may tama ito sa may tiyan
niya. No way!
"Boring na. Hindi pwedeng nakukuha niyo pang magkwentuhan habang may kalaban kayong
kaharap. Matatalo kayo." nawala ang tsuchigumo sa harapan namin ni Hunter.
Napaluhod si Hunter kaya't inalalayan ko siya. No, paano naging ganito?
Napatingin ako sa isang babae. May maliit itong sungay at may balat rin itong
parang sa gagamba ganoon rin ang kanyang mga mata. "Now tell me, sino sa inyo ang
nagpo-possess ng Bodhisattva Eye?"

=================

Chapter 17: Destructive Energy Manipulation

"Sino sa inyo ang nagpo-possess ng Bodhisattva Eye?" Bodhisattva Eye? Ano iyon?
"Kung sino ka man, ang lakas ng loob mong sirain ang barrier ng school at basta
pumasok dito para saktan ang mga estudyante namin at manggulo sa school! Umalis ka
ngayon din!" dumating na ang mga teachers namin. Dapat na ba akong makahinga ng
maluwag?
"Hold on, Hunter." Agh! Alam kong bampira si Hunter at mabilis gumaling ang sugat
niya pero bakit ganito, ang bagal!
"Hindi ako aalis dito hangga't hindi napapasaakin ang Bodhisattva Eye. Kapag hindi
niyo inilabas ang nagmamay ari noon, mamamatay ang lalaking iyon." itinuro niya si
Hunter. "May lason ang ipinansaksak ko sa kanya." nakangising sabi nito.
"Hindi namin alam ang sinasabi mo! Umalis ka na dito!" sigaw ng mga teachers namin.
"Eh? Wala dito? Pero sabi naandito daw? Isa pa, nararamdaman ko ang presensya ng
Bodhisattva Eye. Malapit lang siya sa kinatatayuan ko." ngumisi ang babae at
biglang lumingon sakin. "Hindi kaya ikaw ang hinahanap ko?" nanlaki ang mata ko.
Bigla siyang lumapit sakin. "Ang ganda ng mga mata mo, posibleng nasa iyo nga ang
Bodhisattva Eye." ilalapit niya pa sana sakin ang kamay niya ng pigilan ko ito.
"Hindi ako ang hinahanap mo. Kung ayaw mong tapusin kita, umalis ka sa harapan ko."
nagulat ako. Hindi ko na naman makontrol ang sarili ko.
Binawi niya ag kamay niya at kumunot ang noo nito "Ang lakas ng loob mong sumagot
pabalik sakin." sabi nito. "Want to fight me, little bitch?" sabi pa niya.
"You're just a piece of cake." No, hindi ko siya kaya. Anong gagawin ko? Ipapahigop
ko siya sa Meidō?

Paano kapag may nadamay?


"Ang taas naman ata ng tingin mo sa sarili mo?" sarkastikong sabi nito. Hala, anong
gagawin ko?
"Astrid, let me control you and beat that bitch."
Ako ba iyon? Siya ba yung nagsasabing siya ay ako? Inihiga ko muna ang halos
mawalan na ng malay na si Hunter. Huminga ako ng maluwag bago ko harapin ang
babaeng gagambang ito.
Tiningnan ko ang mga taong nakapaligid samin. Pinaisod ko sila at baka madamay sila
dito.
"A-Astrid, teka mapanganib!" narinig kong sigaw ni Flynn. Alam kong mapanganib pero
ano pa bang magagawa ko? Hindi ko ma-kontrol ang sarili ko.
"Kaya niya ba? Hindi ba, wala nga siyang alam sa kapangyarihan niya?" napatingin
ako sa kanya. Jusko, kapag ganito ang kalagayan ko nakikiusap ako, wag niyo akong
nilalait.
Nakita kong ito yung Thalia, yung babaeng tumawag kay Flynn kanina. "Baka gusto
mong ikaw ang unahin ko bago siya?" sabi ko, napakunot ang noo ko. Wag! Ano ba,
mapapahamak tayo dito eh.
"Ang dami mong usap." may tumama sa pisngi ko. Tila matulis na sapot. Hinawakan ko
ito at pinahid ang dugo galing dito bago dahan dahang tumingin sa babaeng gagamba
sa harapan ko.
"How dare you." naramdaman ko na ang hapding nararamdaman ko kanina ay dahan dahang
nawawala. Hinawakan ko ulit ito at nakita kong nawala na yung sugat sa pisngi ko.
How?!
Nakita ko ang pagngisi ng babae sa harapan ko. "Katulad ng inaasahan, ikaw nga ang
hinahanap ko. Come, sumama ka sakin para hindi ka na masaktan." tinaasan ko siya ng
isang kilay ko. Inuutusan niya ba ako?
"Bakit ako susunod sayo?" Bahala na, hindi ko talaga makontrol

ang sarili ko.


"Okay lang naman, kung ayaw mong sumama sakin according sa kagustuhan mo pwede
namang pwersahin kita. Hindi naman kaylangan buhay ka. Ang kaylangan ko lang ay ang
kaliwang mata mo!" agad niya akong sinugod dahilan para mapangisi ako-Bakit ako
ngumingisi?
Umayos ako ng tayo at inextend ang dalawang kamay ko "Check...mate" nanlaki ang
mata ng babaeng gagamba at napatigil ito. "Destructive Energy!"
May pulang liwanag na lumitaw nang bitiwan ko ang mga salitang iyon. May kung anong
tila isang kulay pulang bilog na lumabas sa harapan ko na may kung ano anong
characters ang nakalagay. Hindi ko ito maipaliwanag.
"Yung buhok ni Astrid naging kulay pula! Yung mata rin niya!" Hindi ko alam kung
ano bang nangyayari.
Sa pulang bilog na mukhang ginawa ko ay may isang kung anong itim at pulang
enerhiya na lumabas dito at inatake ang babae sa harapan ko. Wala akong ibang
marinig kundi ang pagsigaw niya.

Nang mawala ang pulang liwanag sa paligid ay nawala na rin ang babaeng gagamba sa
harapan ko. Walang kahit na anong trace ang natira mula sa kanya.
Hinahapo ako, pakiramdan ko masyado akong madaming enerhiyang nagamit.
Tiningnan ko si Hunter lalapitan ko palang sana siya nang bigla akong mawalan ng
malay.
"Astrid!" T-Teka, si Mommy at Daddy 'yon...

Third Person's Point of View


"Hel, anong problema? Bigla ka nalang natutulala." tanong ni Dalia. Dumating siya
sa bahay nila Hel at naabutan niya rin si Luca. Ilang minuto lang ay dumating din
si Chloe.
"Oo nga, nakakadrugs ka ba?" hindi pinatulan ni Hel ang sinabi ni Chloe at agad
itong napatayo.
"Kreios, ready the car." nagtatakang tumayo si Kreios.
"Bakit?"
"We will go to Mystique Academy." sabi ni Hel.
Nang makarating sila Hel sa Mystique Academy ay naabutan nila ang paggamit ni
Astrid ng Destructive Energy Manipulation. "Omygod! What is that?! What a strong
power." tila hindi makapaniwala sila Chloe sa nakikita. Kakaibang enerhiya ang
bumabalot sa paligid.
"S-Si Astrid ba talaga ang may kagagawan nito? Grabe, malakas pala talaga siya."
sabi ni Dalia. Hindi naman makapagsalita si Luca. Hindi niya mapigilang hindi mag
alala para kay Astrid.
Nang mawala ang malakas na enerhiyang bumabalot sa school ay nakita ng lahat na
nawalan ng malay si Astrid.
"Astrid!" agad napatakbo sila Hel nang makita nila ang pagkawala ng malay ni
Astrid.
Inalalayan ni Kreios ang anak at pinipilit itong magising. Tiningnan ni Dalia si
Astrid

bago ngumiti "Wag kayong mag alala, nawalan lang siya ng malay." nakahinga ng
maluwag si Hel at mahigpit na hinawakan ang kamay ni Astrid.
"Okay lang po ba siya?"
"Hindi ako makapaniwala na ganoon ang kapangyarihan ni Astrid."
"Ano yung Bodhisattva Eye? Sabi nung babaeng gagamba kanina, si Astrid daw ang
meron 'non." napakunot ang noo ni Hel sa narinig. Sa lahat ng nangyari ngayon, ang
tungkol sa Bodhisattva Eye ang pinaka ayaw niyang marinig.
Tumayo si Hel at agad tumingin sa mga tao doon. Tila natakot ang mga ito nang
makita si Hel at medyo napaatras.
"Hel, don't overdo it. Wag mong burahin ang lahat ng alaala nila sa araw na ito."
pagpapaalala ni Kreios. Yakap yakap pa rin niya ang anak.
"Don't worry, tungkol lang sa Bodhisattva Eye ang aalisin ko sa mga alaala nila."
ginawa na ni Hel ang proseso at binura ang mga alaala ng mga tao doon tungkol sa
Bodhisattva Eye maging ang kay Astrid. Nawalan naman ng malay ang mga ito.
"Dalhin na natin si Astrid sa infirmary?" tumango ang lahat, bago pa man sila
umalis ay may nilapitan si Dalia. "Teka lang, may lalaking sugatan dito." sabi
niya. Lumapit din si Luca dito at nakita si Hunter.
"Hayaan niyo nang mamatay 'yan diyan." binatukan ni Chloe si Luca.
"Hoy Luca, ang gwapo niyan oh bakit hahayaan nating mamatay. Hala, dalhin din 'yan
sa infirmary." utos ni Chloe
"Aba sinong magbubuhat diyan. Wag ako." naiinis na sabi ni Luca.
"Hindi na natin kaylangang buhatin pa 'yan. Magteleport nalang tayo. Para saan pa't
naandyan si Hel." natatawang sabi ni Chloe.
Nang makarating sila sa infirmary ay agad naman nilang inihiga si Astrid sa
infirmary bed. May ilang lalaking nurse ang naghiga kay Hunter sa kabilang higaan.

"Kamusta yung lalaki sa kabilang kama?" tanong ni Hel kay Dalia.


"Okay na, natanggal ko na yung lason sa katawan niya. Nakakapagtaka lang,
pagkatanggal ko ng lason sa katawan niya kusang gumaling yung sugat niya." sabi ni
Dalia.
"Well, he's a vampire. Normal lang sa kanila iyon." nagulat ang lahat sa sinabi ni
Hel.
"How did you know?"
"Because I know it. I know everything." nakangising sabi ni Hel.
"Well, well. What a pleasant surprise from Hel and Kreios. Ang dami kong narinig
tungkol sa inyo." napatingin ang lahat sa lalaking pumasok sa kwarto.
"Who are you?"
"I'm the principal of MA." nakangiting sabi nito. "Anyway, I am really sorry for
what happened to your daughter. Hindi namin inaasahan na may papasok dito para lang
hanapin ang Bodhisattva-" Napataas ng kilay si Hel sa narinig kaya hindi na
naituloy ng Principal ang sinasabi niya.
"I am really sorry." Sa pagkakaalam ni Hel ay wala ang Principal sa pangyayari
kanina kaya't nakakasigurado siyang dapat ay wala itong alam tungkol sa Bodhisattva
Eye. "I need to go. Enjoy your stay in our school." agad na umalis ang Principal.
"Alam niyo, unang kita ko pa lang sa kanya iba na talaga ang kutob ko sa Principal
na 'yan." sabi ni Luca.
"He's giving me a strange feeling. Luca, don't let your guards down around him."
tumango si Luca sa sinabi ni Hel.

=================

Chapter 18: Possessive

Hel's Point of View


"Bakit everytime na ginagamit ni Astrid ang kapangyarihan niya lagi nalang siyang
nawawalan ng malay?" tanong ni Luca.
"Nag aadjust pa ang katawan ni Astrid sa energy na nilalabas niya kapag ginagamit
niya ang kapangyarihan niya. Once na nasanay na siya, magiging okay na rin ang
lahat." sabi ko sa kanila.
"Grabe ang kapangyarihan ng anak niyo, Hel. Medyo mapanganib." sabi ni Chloe.
"Luh, hindi lang medyo. Talagang mapanganib!" sabi naman ni Dalia.
"Hoy, maiba ako. Luca, anong year na nitong lalaki dito?" napakunot ang noo ko sa
sinabi ni Chloe. Ano? Wag mong sabihing...
"Ang hottie kaya niya. Look oh.." napasapok ako sa noo ko dahil kay Chloe.
"Wag ka ngang child abuse diyan. Kilabutan ka." sabi ni Dalia.
"Isa pa Chloe, okay lang sana kung katulad ka naming imortal at hindi natanda eh
kaya lang hindi. Tatanda ka. Iiwan ka rin niyan." sabi naman ni Luca.
"Ano ba kayo, kapag gwapo walang edad edad. Isa pa, maganda pa rin naman ako!" At
nagbuhat na naman siya ng sarili niyang bangko. "Tabihan ko na kaya siya ngayon
diyan?" lalong kumunot ang noo ko sa narinig ko.
"Chloe, wag kang lumandi dito." narinig kong sabi ni Kreios na nakaupo sa may
uluhan ni Astrid habang nilalaro ang buhok nito. Sweet ng asawa ko.
"Pero grabe ang henerasyon ngayon 'no. Ang gwapo ng lalaking 'to kahit ang haba ng
buhok. Iuwi ko na kaya 'to?" Hinila ni Dalia si Chloe kasi lalapitan niya ang
lalaking nasa kabilang kama.
"Hoy, mahiya ka nga Chloe. Pati ba naman si Hunter." sabi ni Luca.
"Hunter ba ang pangalan niya?

Shit, kinikilig ako." Wala na 'tong pag asa. Kung sakit lang ang kalandian, stage 4
na si Chloe.
Napatigil sila sa pagbabanatan nang magising yung lalaking nasa kabilang kama.
Tumingin ito sa paligid niya at agad na tumayo. Lumapit si Dalia sa kanya.
"Okay ka na ba?" tumingin ito kay Dalia. Those cold eyes, I like it. Matipid itong
tumango. Tumayo na siya at akmang maglalakad na.
"Hello, gusto mo alalayan kita? Kasi baka nanghihina ka pa-"
"Is she okay?" Maaawa na talaga ako kay Chloe. Lagi nalang napuputol ang sinasabi
niya.
"Yeah, she's fine." sagot ko sa kanya dahil sa pagtatanong niya tungkol kay Astrid.
Mukha namang nakahinga siya ng maluwag. Matapos niyang tingnan si Astrid ay
tumingin lang ito samin. Matipid itong tumango ulit bago lumabas ng infirmary.
"Ano ba 'yan, hindi na naman ako napansin." sabi ni Chloe.
"Ang harot mo kasi." sabi ko naman sa kanya.
"Hel, dumadami ang lahi mo." Anong lahi ko? Pagiging cold?
Tiningnan ko si Chloe bago ngumisi, "Pero hindi ba't mas dumarami ang mga kalahi
mo, Chloe?" natahimik si Chloe. Tumawa naman sila Luca.
"Burn!"

"Aalis na kami, hindi kami pwedeng maabutan ni Astrid dito. Alam mo naman, baka mas
lalo kaming mahirapang umalis kapag nagkataon." sabi ko kay Luca. Tumango naman
ito.
"Luca, alagaan mo si Astrid. Alam kong kaya na niyang protektahan ang sarili niya
kaya lang mahirap pa din sa sitwasyon niya. Baka sa sobrang paggamit niya ng
kapangyarihan niya masira ang seal sa hindi inaasahang pagkakataon. Tungkol sa
kakayahan niyang manggamot, ipapaalam namin ito kay

Master Loki." sabi naman ni Kreios.


Matapos naming sabihin iyon ay nagpaalam na kami. "Luca, si Hunter pakisabi
hahantayin ko siya." hinila na namin si Chloe. Ayaw papigil nitong babaeng 'to.

Astrid's Point of View


"Astrid?" Si Luca agad ang nakita ko nang imulat ko ang mga mata ko. Mukhang
nakahinga siya nang maluwag nang makita niyang may malay na ulit ako.
Nang maalala ko ang nangyari kanina ay agad akong napabangon. "Oy, wag ka munang
kumilos. Kaylangan mo pang magpahinga." hinawakan ni Luca ang magkabilang balikat
ko. Hinawakan ko ang buhok ko at tiningnan ito. Normal naman ang kulay at hindi
kulay pula. Totoo kaya ang nangyari kanina?
"Checkmate"
Nakadiscover na naman ba ako ng panibagong kakayahan ko? Teka nga, may sinasabi
yung babaeng gagamba kanina eh. Hindi ko maalala, hindi ko maalala kung bakit siya
naandito para manggulo. Hindi ko matandaan ang bagay na hinahanap niya.
"Luca, nakita ko sila Mommy kanina naandito ba sila?" nagulat si Luca sa narinig
niya pero agad din namang ngumiti.
"Naandito sila kanina pero kinailangan rin nilang umalis agad. Sila ang nag alaga
sayo." Tama, nararamdaman ko pa ang paghawak nila sakin. Ang pagyakap sakin ni
Daddy, alam kong si Daddy iyon. Their scents, I can still smell it.
"Si Hunter?!" napatakip ako sa bibig ko. Dapat atang hindi ko sabihin sa harapan ni
Luca ang pangalan ni Hunter.
"Okay na si Hunter, kanina pa siya lumabas ng infirmary." nakahinga ako ng maluwag.
Buti naman at walang masyadong nangyari sa kanya.
May narinig kaming nagbukas ng pintuan at pumasok

si Flynn. Nakangiti ito, "Hi Astrid, okay ka na ba?" ngumiti ako bago tumango.
"Buti naman. Akala namin kung anong mangyayari sayo dahil sa pagharap mo sa babaeng
tsuchigumo. Hindi ko ineexpect na may ganoon ka palang kakayahan." Ako rin, hindi
ako makapaniwala. Bukod sa Meidō, may mas malakas pa pala akong kakayahan.
"Pero nakakapagtaka lang, nakalimutan ko kung anong rason kung bakit sila sumugod
dito sa school." Natahimik ako, ako rin kasi walang maalala sa mga sinabi nung
babaeng nakalaban ko kanina. "Astrid, wag kang kikilos kapag alam mong pwede kang
mapahamak. Nag alala ako kanina." nagulat ako sa sinabi ni Flynn, hindi ako
makapaniwala na narinig ko ito sa kanya.
"Ah, s-sorry. Dahil sakin nag alala kayo." Shit, nahihiya ako. Hindi ko alam kung
bakit. I heard him chuckled.
"You don't need to say sorry, you did nothing wrong. Nag alala lang talaga ako sayo
kanina." tinapik ni Flynn ang ulo ko. Err, bakit parang nag iinit ang pisngi ko.
"Close kayo?" bigla akong napatingin kay Luca. Nakalimutan kong nasa harapan nga
pala namin siya. "Parang wala kasing nababanggit si Astrid sakin na close kayong
dalawa." Diretso lang itong nakatingin kay Flynn. Tinaggal ni Flynn ang kamay niya
sa ulo ko at tumingin rin kay Luca.
"Masamang makipagkaibigan kay Astrid?" nakataas ang kilay ni Flynn habang
nakatingin kay Luca. Ngumiti naman si Luca.
"Nope, kasi alam ko kahit gaano na kadami ang kaibigan ni Astrid. I will always be
her number 1." tumingin sakin si Luca at lalong lumawak ang ngiti. "Right?" huminga
ito ng malalim.
"I'm going to buy something to eat. What do you like to eat?" tanong sakin ni Luca.
"The usual." Anything with strawberries. Aww, heaven.
"Seryoso? Pahihirapan mo na naman akong maghanap. Parehong pareho kayo ng Mommy
mo." napanguso ako. Ayokong ayoko talagang ikinukumpara ako ni Luca kay Mommy,
hindi ko alam kung bakit.
"Well, I'll be right back. Wag kang aalis diyan, okay?" tumango ako at pinanuod
lang umalis si Luca.
"What's with him? Ang possessive niya masyado." tumingin ako kay Flynn, "Habang
wala siya, ako muna ang magbabantay sayo. Is that okay with you?" tumango ako. Wala
namang kaso sakin iyon.
Yeah, Luca is possessive sometimes. I don't know but I like him being possessive
and over-protective-Wait, what am I saying?

=================

Chapter 19: Intention

Someone's Point of View


"Naandyan sila Hel kanina?! Anong ginagawa nila dito?" sab ni Ingrid. Nakakairata
siya. Hindi ko alam kung bakit binubuhay ko pa siya ngayon.
"Kinilabutan nga ako kanina nang tingnan niya ako. Ngayon ko lang siya nakita sa
personal. Totoo pala talaga, nakakatakot siya" sabi ni Mr. Principal.
"Oh? Natakot kayo sa kanya? She's nothing special. How about Spade?" Tanong ko sa
kanila.
"Naandon din si Kreios, I don't know if Spade is still inside him." napangisi ako.
Bobo ba talaga sila? Kapag ako nainis pare-pareho ko silang tatapusin dito. Ang
bilis humanap ng kapalit nila.
"Spade and that Kreios is the same. Iisa lang silang dalawa. Iisang pagkatao lang
ang ginagamit nila. We need the Bodhisattva Eye first, before killing them all. I
need to resurrect my clan. After that, we will use their own daughter to kill them.
What a happy ending, isn't it?" nakangising sabi ko sa kanila.
"How can we do that? There's a strange power that sealing the Bodhisattva Eye."
tiningnan ko siya. Kumunot ang noo ko. Konti nalang, maiinis na ako sa kanya.
"Gamitin mo ang utak mo. Kaya ko nga kinukuha ang loob niya hindi ba? Para kapag
nagkataon, mabilis kong masisira ang seal. Besides sa ginagawa ko ngayon, unti unti
nang humihina ang seal sa Bodhisattva Eye. Isa pa, anong silbi ng paglalakbay ko sa
iba't ibang mundo para lang makuha ang potion na ito?" sabi ko sa kanila at
ipinakita ang isang potion. Ito ang sisira sa seal ng Bodhisattva Eye.
"That tsuchigumo clan leader is not a good choice. Dapat pala nagpadala ako dito a
school ng mas malakas

na demons para mas mabilis masira ang seal. Mas masaya kasi kung may labanang
nagaganap kaysa effortless nating sisirain ang seal hindi ba? Pero dadating tayo sa
point na gagamitin talaga ang potion na ito." dagdag ko pa.
"Paano masisira ang seal dahil sa pakikipaglaban?" napangisi ako. Kinuha ko ang
wine sa tabi ng table ko at nagsalin sa baso ko.
"Hindi niyo ba alam? Habang pinepwersa ni Astrid ang sarili niyang palabasin ang
kapangyarihan niya ang seal sa kaliwang mata niya ay unti unting nanghihina. Kapag
maging si Astrid ay nanghina dahil sa sobrang gamit niya ng enerhiya niya wala
siyang ibang kakapitan kundi ang kapangyarihan ng Bodhisattva Eye, dahil doon unti
unti masisira ang seal at kapag nagkataon kukunin ko ang pagkakataong iyon para
manipulahin siya." lalo akong napangisi. "Besides, her power is all about energy.
Lahat ng kapangyarihan niya ay kinakailangan ng sobrang daming energy para mailabas
at magamit ito. Kapag nainip ako, tsaka ko gagamitin ang potion." tumayo ako at
akmang aalis na.
"Saan ka pupunta?"
"May surprise akong gagawin."
"Baka nakakalimutan mong kaylangan nating pagtuunan ang larong isasagawa natin para
kay Astrid-"
"What are you saying? I am already playing my game. Astrid is one of my pawns."
tinalikuran ko na sila at hinawakan ang doorknob.
"If you need anything don't hesitate to call us, Klaus."

Hunter's Point of View


"Hunter, naandito na siya. Iiwan ko na kayong dalawa dito." hindi ako sumagot.
Tumingin lang ako sa kanya at hinintay ang pagpasok ng babaeng iniutos ko

sa kanya.
"Oh, Hunter nag aalala ako sayo. Ilang araw mo na rin kasi akong hindi
pinapatawag." hindi ako nagsalita at hinintay lang siyang lumapit sakin. Wala ako
sa wisyong makipagdaldalan sa kanya. Maraming dugo ang nawala sakin dahil sa
pagprotekta ko sa babaeng iyon.
"Tumakas ka na naman sa school mo? Ano ba kasing ginagawa mo doon. Mabubuhay ka
naman kahit hindi ka nag aaral doon hindi ba?" umupo siya sa hita ko at ipinulupot
sa leeg ko ang kamay niya.
Tiningnan ko lang siya, pinagmamasdan ang katawan niya. "Want to drink my blood?
Here." ipinakita niya sakin ang leeg niya. "Drink my blood." matapos niyang sabihin
iyon ay inalis ko ang buhok niyang nakaharang sa leeg niya at dahan dahan ko itong
nilapit sakin.
I put my hand on her nape and lean towards her neck. I lick it before I bite her
with my fang and drink her blood.
"Ahhh, that feels good" Hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman niya.
Normally, masasaktan siya. "You're so gentle today, Hunter." Gentle? Me? What the
fuck.
Diniinan ko ang pagkagat ko sa leeg niya and this time, medyo napasigaw siya sa
sakit. There, feel it. Feel the pain. Ipinikit ko ang mata ko at pinagpatuloy lang
ang pag inom sa dugo niya.
"Alam kong hindi ka masamang tao."
"That's the point. Kung masama ka talagang tao, hindi na para sabihin mo iyan
sakin. Kung masama ka talaga, papatayin mo na agad ako pero hindi mo pa rin
ginawa."
"H-Hunter, nasasaktan na ako."
"Hunter kapag nilabanan mo siya baka..baka maraming makakita at makaalam kung ano
ka talaga."
"Kapag

hindi ako lumaban, ikaw naman ang mapapahamak. Anong mas gusto mo?"
"Hunter ano ba-"
Itinulak ko siya. Napasigaw naman siya sa sakit dahil tumama yung likod niya sa
isang table. "Agh! What the hell is happening to you? Balak mo atang tapyasin ang
leeg ko." hinawakan niya ang leeg niya kung saan ko siya kinagat at tumayo bago
muling bumalik sa pagkakaupo sa hita ko.
"Hay nako, kung gusto mo pang inumin ang dugo ko okay lang naman, just be gentle,
okay-"
"Get out." I run my fingers through my hair. Why do I keep thinking about that
girl?
"Ano?! Hunter, alam mo bang pwede na kitang hindi painumin ng dugo ko dahil sa
inaasal mo-" Tumayo ako at mahigpit na hinawakan ang pisngi niya.
"Are you threatening me? I can replace you. I can replace a garbage like you! So
now, get out!" matapos kong sabihin iyon ay agad akong umupo sa kinauupuan ko
kanina.
Napasabunot ako buhok ko. Bakit ba bigla bigla ko nalang maalala ang babaeng iyon-
Ah yeah, siya ang unang babaeng kumausap sakin na may ngiti sa mga labi niya. Siya
ang kauna unahang babaeng kumausap sakin kahit alam niya ang sekreto ko. That girl
is different.
"You want her, Hunter. You want her and her blood."
That's stupid. Hindi ko iinumin ang dugo ng babaeng iyon kahit na sabihin natin na
nagbibigay ng kung anong excitement sakin ang amoy ng dugo niya.
"Hindi ko alam kung anong rason sa likod ng pagpatay mo pero alam kong hindi ka
masama."
Napangisi ako at napailing. Hindi ako masamang tao? Where did she get that idea?
Kung alam niya lang, kung alam niya lang ang mga pagpatay na ginawa ko, masabi pa
kaya niya iyon sakin? Lumapit pa kaya siya sakin? Hindi na.
"Stupid, bakit ko ba siya iniisip? There's no way, no way na matatanggap niya ako."
Wala pa sa mundong ito ang tumanggap sa kung ano ako. Kahit sarili kong kapatid,
ayaw sakin. Kahit sarili kong pamilya nagawan ko ng kasalanan pero kahit ano pang
gawin ko, wala akong maramdamang guilt sa lahat ng pagpatay ko. This is me, a
fucking heartless vampire.
Tumunog ang telepono sa tabi ko.
"Yes?"
[Hunter, where are you?]
Dapat ba akong magpasalamat na hindi si Flynn ito?
"Underground" alam na niya iyon. Hindi ko na kaylangan sabihin ang
pinakakinaroroonan ko.
[Pumunta ka dito, I have another mission for you]
Matapos iyon ay tumayo na ako at nag ayos. Oh yeah, another killing time.
xxx
Sana magsilabasan ang mga shipper nila Hunter at Astrid sa next chapter kasi
ano..Bwisit medyo hindi ko kinaya scene nila sa next chapter. Hahaha anyways, thank
you ulit guys!

=================

Chapter 20: Temptation

Kung gusto niyong may background music pakipatugtog nalang yung nasa multimedia
mamaya sa scene na magkikita sila Hunter at Astrid. Haha
xxx
Balik klase na naman kami. Hindi pumasok si Hunter, I wonder kung okay lang siya.
Simula kasi nang mangyari ang aksidenteng iyon sa tsuchigumo ay hindi ko pa ulit
siya nakikita at nakakausap. Hindi ko mapigilang mag alala.
"Good morning everyone. Bago ako mag umpisa sa klase ko may gusto lang bumisita
satin." may isang lalaking pumasok sa loob ng classroom namin. Nanlaki ang mata ko,
anong ginagawa niya dito?
"This is Mr. Klaus, the director of Mystique Academy." Nanlaki ang mata ko sa
narinig ko. Wait what?! Si Klaus ang nagpapalakad ng MA? Seryoso? Yung lalaking
lagi kong kausap sa lake? Pero parang ang bata pa niya para dito.
"Good morning everyone, I'm glad to meet you all. Nandito ako para tingnan kung
paano magturo ang mga teachers ng MA at kung may natututunan ba ang mga estudyante.
Let's say, I am here to evaluate your performance. Lalo na ngayon at papalapit na
ang Ranking Status Examination." Medyo iba siya ngayon. Ang pormal niya kasi, hindi
ako makapaniwala.
Tumingin si Klaus sakin medyo nagulat naman ako. Ngumiti ito at tumingin sa teacher
namin. "Siguro sa bakanteng upuan sa likod nalang ako uupo?" napatingin si Ma'am sa
tabing upuan ko bago tumango kay Klaus. Lumawak ang ngiti ni Klaus at naglakad
papalapit sakin. Ohgod! Bakit ako kinakabahan?
"Ang gwapo~"
"Kaya nga ang swerte natin at nakapasok tayo sa MA eh."
Iyon ba ang rason nila kaya sila nasa

MA? Dahil sa mga gwapong tao? Ohh, wag ako.


"Hi." mahinang sabi ni Klaus sakin, tila ba pabulong ito. Oh, iniiwasan niya bang
marinig kami ng iba? Baka maisyu kami ganon? HAHAHA! Ang galing ng imagination ko,
kaasar.
"Ah, h-hello." hindi ako tumingin sa kanya pero atleast binati ko siya diba? Hindi
ko ineexpect na director pala ng school 'tong kinakausap ko lang dati sa lake.
Mygod!
"Haha, act normal, Astrid. Besides magkaibigan naman tayo hindi ba?" napalingon ako
sa kanya. Magkaibigan kami? Talaga?
Hindi nalang ako nagsalita at matipid nalang na ngumiti sa kanya bago ibalik ang
atensyon ko sa teacher ko.
"I heard what happened last weekend, you collapsed. Are you okay now?" Ngayon lang
ata ako hindi naging komportable sa kanya. Kasi naman, hindi ko talaga alam na
director siya ng school.
"Y-Yeah, okay na ako."
"Buti naman, balita ko hinahanap daw ng isang babaeng tsuchigumo ang nagmamay ari
ng Bodhisattva Eye hindi ba?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Bodhisattva Eye?
Iyon ba yung bagay na hinahanap ng tsuchigumo na hindi ko maalala?
"B-Bodhisattva Eye? I never heard about that." Oo, first time kong marinig ang
tungkol doon.
"Really? By any chance, are you interested in that?" medyo napasimangot ako sa
sinabi niya.
"No, hindi ko naman alam ang tungkol doon so bakit ako magiging interesado?" Isa
pa, ang weid naman ng tawag. Eye? Mata? Err.
"Malay mo maging interesado ka kapag nalaman mo ang tungkol doon." Oh well, curious
nga din ako pero hindi ko pa masabi kung interesado ako doon.
"Sige nga, ano ba ang Bodhisattva Eye?" Leche, hindi na

ako nakikinig sa teacher ko. Ah bahala na nga, kapag pinagalitan ako ituturo kong
si Klaus ang may kasalanan. Dinadaldal niya naman talaga ako.
"Well, Bodhisattva Eye is the ultimate power of healing, resurrection and death.
Ang taong nagtataglay nito ay may kakayahang magpagaling, bumuhay ng patay sa isang
sabihan lamang nito at kaya ring pumatay sa pamamagitan ng pagsasabi nitong mamatay
ka. And oh, baka makalimutan ko kaya rin niyang manipulahin o pabilisin ang
pagtanda ng isang tao." What?! Seryoso? May ganoong kakayahan?
"Interesado ko na ba?" napasimangot ako. Dahil sa mga sinabi niya mas lalo akong
hindi naging interesado.
"No, ang creepy kaya. I mean, paano kung nagjoke na sana mamatay na yung kaaway mo,
sa isang iglap mamamatay iyon kahit hindi mo naman talaga intensyong patayin siya?
Scary." mahinang tumawa si Klaus.
"Ganoon na nga. Kung sakaling mangyari ang sinabi mo. You can still revive him if
you want to after killing him. Haha." huminga ako ng malalim. Bakit parang may
pinaparating si Klaus?
"Bakit kung itanong mo at i-explain sakin ang bagay na iyan parang konektado sakin?
Parang meron ako? Wag ako okay, ayoko 'non. Nakakatakot." muling tumawa ng mahina
si Klaus.
"Hindi ko naman sinabing meron ka noon ang sakin lang baka interesado ka. Ako kasi
oo, siya nalang ang pag asa kong buhayin ang angkan ko." tumingin ako sa kanya.
"Katulad nga ng sinabi ko, namatay silang lahat ako lang ang natira." Pero hindi ba
dapat ay hindi na binubuhay pa ang namatay na?
"Ay ewan, makikinig nalang ako sa teacher ko. Quiet ka lang diyan." sabi ko sa
kanya. Ngumiti

naman siya bago magkibit balikat.

Natapos na ang klase ko, hapon na. Ang bilis namang tumakbo ng oras. Hindi na
talaga tuluyang nagpakita si Hunter. Nasan na kaya 'yon? Baka naman may pinapatay
na naman? Hay nako, balak pa ba niyang magbago? I mean killing is a sin kahit anong
gawin mo.
Papunta na sana ako sa kwarto ko nang mapatigil ako sa paglalakad. Nakasalubong ko
kasi si Hunter. Thank goodness he's okay.
"Hunter, bakit hindi ka pumasok kanina?" tiningnan niya lang ako. Napatingin ako sa
kamay niya, alam kong may dugo pa iyon. Pumatay na naman siya.
Tiningnan ko ang mga mata ni Hunter, it's cold as an ice. What happened to him? The
last time na magkausap kami hindi naman ito ganito kalamig makatingin ah?
Pumikit si Hunter at umiling bago maglakad. Nilagpasan niya lang ako. Nagulat ako
sa ginawa niya kaya't hinabol ko siya ng tinigin. Akala ko okay na kami? Akala ko
kahit papaano naiintindihan ko na siya pero bakit ngayon parang hindi na naman?
"Hunter..." napatigil si Hunter sa paglalakad niya. Ano na naman bang problema?
Alam kong dapat hindi na ako mangealam pero since nakausap ko siya sa greenhouse
gusto kong kilalanin pa siya. Nararamdaman ko, may dahilan ang lahat. Ang ugali
niya, ang pagpatay niya, at kung bakit siya naandito.
"Stay away." matipid na sabi niya sakin. Maglalakad pa sana ito nang pigilan ko
siya sa pagsasalita ko.
"Why? Akala ko ba okay na tayo? Akala ko, kahit papaano may chance na magiging
magkaibgan tayo-" nagulat ako nang mabilis niyang hinawakan ang magkabilang kamay
ko at i-pin ito sa pader. Sobrang lapit niya sakin,

pakiramdam ko hindi ako makahinga.


"Friends? Magkaibigan? Hindi ako marunong makipagkaibigan. Hindi ko sila kailangan.
Ikaw, lumayo ka na sakin." kumunot ang noo ko. Tinitigan ko ang mga mata niya. Alam
kong nakakatakot ito pero hindi ako dapat magpadala sa takot ko.
"No. Hangga't hindi mo ako binibigyan ng valid reason para layuan ka, hindi ako
lalayo sayo." sabi ko. Humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
"You're so stubborn. Basta't layuan mo ako. That's it." madiin niyang sabi. Bakit
ba siya nagkakaganito? Ilang araw lang kaming hindi nagkausap tapos ngayon ganyan
siya.
"Bakit nga? Kung ayaw mo talagang lapitan kita then give me a reason-"
"Because I will end up sucking your blood and hurting you, can't you understand?!"
nanlilisik ang mga mata niya habang diretso itong nakatingin sa mga mata ko.
Pakiramdam ko ay dahan dahan akong tinutunaw ng mga titig niyang iyon.
"Bakit? May ilang bampira naman na napipigilan ang sariling uminom ng dugo ng tao
ah." He smirked.
"I am a real vampire, I am born to suck and drink blood. Iyon lamang ang
ikinabubuhay namin. Don't compare me to some characters in a book. Hindi ako
ganoon, it's natural for me to drink blood until I'm satisfied. If you don't want
to be one of my victims, just stay away from me." Anong akala niya matatakot niya
ako ngayon niyan? Hindi.
"Then drink my blood!" nagulat si Hunter sa sinabi ko. Maging ako man ay nagulat.
Am I offering my blood to him? Am I stupid? What the fuck I am doing?
Matagal na katahimikan ang bumalot saming dalawa. Itinuon ni Hunter ang ulo niya sa
pader malapit sa leeg ko, nararamdaman

ko ang paghinga niya. Shit! Ramdam na ramdam ko ang init ng paghinga niya.
"Why..." Sinilip ko siya pero hindi ako masyadong gumalaw "What are you doing to
me? I can't resist the smell of your blood." naramdaman ko kung paano niya amuyin
ang leeg ko. Shit, nakikiliti ako. "You and your blood is making me damn crazy."
Tama ba? Tama bang sinabi kong inumin niya ang dugo ko? Parang gusto ko na agad
magsisi sa sinabi ko kanina. Nakakatakot. Baka kapag kinagat niya ako gamit ang mga
pangil niya masaktan ako.
Of course, masakit talaga! Matusok ka nga lang ng karayom masakit na hindi ba?
Fuck, I am so stupid.
"Astrid..." bakit parang nang se-seduce si Hunter sa tono ng pagtawag niya ng
pangalan ko-and wait, first time niyang tawagin ako sa pangalan ko. "Can I drink
your blood?" ang husky ng boses niya. Shit, bakit?!
"G-Go on." Tangina, Astrid bakit?! Hindi dapat. Masakit! Masakit 'yan!
Ipinikit ko ang mga mata ko, jusko wala sanang masamang mangyari sakin. Dahan dahan
na ring binitiwan ni Hunter ang kamay ko.
Nakaramdam ako na parang may bumaon sa leeg ko. Agh! Sabi na masakit. Mahigpit
akong napahawak sa likuran ni Hunter. Unti unti rin namang nawala ang sakit.
"Astrid?" napatingin ako sa paligid, boses ni Luca iyon. Holy shit! Hindi niya kami
dapat makita sa ganitong posisyon. Baka kung anong isipin niya.
"H-Hunter, kasi ano..."
"I know." matapos iyon ay pinunasan niya ang ilalim na bahagi ng labi niya. Dahan
dahan niyang hinawakan ang labi ko. Fuck! "I don't know why you affect me so much.
Your blood is such a temptation. I can't control myself. Astrid, we're not done
yet." Mabilis na nawala si Hunter, ako naman ay nag ayos para harapin si Luca kahit
na gumugulo pa sa isip ko ang mga sinabi niya.
"Luca!" bati ko sa kanya nang magkita kaming dalawa. Napakunot ang noo niya.
"Ano pang ginagawa mo dito sa hallway?" tanong niya.
"Ah, wala papasok na sana ako ng kwarto ko nang marinig ko ang boses mo. Anyway,
bakit?"
"Ano kasi-" napatigil si Luca sanhi para magtaka ako. Kumunot ang noo niya. He
gently grab my chin and slightly tilt it.
May hinawakan si Luca sa leeg-Shit!
Napatingin ako kay Luca, nakatingin rin siya sakin ng diretso. "Why do you have
this mark? Why do you have this vampire mark?"
Oh no.
xxx
Mga shipper ng dalawang malanding ito, I mean ni Hunter at Astrid labas! Hahaha, di
ko kinaya. Kayo ba? Buhay pa? Hahaha. Hindi pa tapos 'yan, may coming soon na
mangyayari pa. Hahaha.

=================

Chapter 21: Unforeseen

Fenrir's Point of View


Hindi ko sila maintindihan. Bakit nila ako pinadala dito? Sabi pa nila mag anyong
tuta daw ako. Grr, naiinis na talaga ako. Bakit kaya hindi si Jormungandr ang
ipinadala nila dito sa school na ito? Mas mabilis kumilos ang ahas. Paano ko
hahanapin si Astrid? Baby pa siya simula nang huli ko siyang makita. Hanapin ko
nalang kaya si Luca?
"Fenrir, ipapadala kita sa Mystique Academy. Bantayan mo si Astrid. Tinangnan mo na
rin kung may kakaibang presensya doon."
Seryoso, paanong pagbabantay? Ang sabi naman nila naandito si Luca hindi ba? Hindi
pa ba sapat iyon para maprotektahan si Astrid. Nakakainis, ang dami dami naman
kasing epal sa mundo.
"Wow, ang cute~" napatigil ako sa paglalakad. May dalawang babae sa harapan ko. Mas
cute sila sakin. Mukhang kahit papaano ay may magandang maidudulot naman ata ang
pagpunta ko dito.
Kinuha ako ng isa sa kanila bago yakapin. Ito ang tinatawag nating, heaven.
"Sinong nagmamay ari sayo?" Wala akong ginawa kundi ang tumahol. Kaylangan kong
magpasalamat kay Daddy mamaya.
"Habang hindi pa siya hinahanap, satin muna siya. Ang cute niya talaga." Napangiti
ako. Minsan pala maganda ring maging tuta.

Astrid's Point of View


"Why do you have this mark? Why do you have this vampire mark?" Seryosong
nakatingin sakin si Luca. Hala, anong sasabihin ko? Kinagat ako ni Hunter? Bumagsak
ang mukha ni Luca, at pinanliitan ako ng mata. "That bastard have guts to sucked
your blood, huh?" Alam niya? Alam niya kung sinong may gawa nito sakin?
Nakita ko ang paglalakad
ni Luca, nilagpasan niya ako at sa tingin ko ay may pupuntahan. Hindi kaya..
"Luca.." Hinabol ko siya at hinawakan ang kamay niya napatigil naman siya sa
paglalakad niya. "Saan ka pupunta?"
"I'll beat the hell out of that asshole." nagulat ako pero pinilit kong pigilan
siya.
"Luca, wag. Please." nakita ko ang pagkuyom ng kamay ni Luca. "Please Luca wag mong
gawin 'to." Hindi ko alam kung bakit ba galit na galit si Luca. Alam kong ayaw niya
kay Hunter pero hindi naman para magalit siya ng ganito.
"You're too innocent, Astrid."
Agh! Ito na naman ang mga boses na naririnig ko na nanggagaling sa sarili ko.
"Please..." mahigpit kong hinawakan ang likuran niya habang nakapatong ang ulo ko
dito. Kapag nagkaharap sila alam kong lalabanan ni Luca si Hunter, ayokong mangyari
iyon. Ayokong may masaktan sa kanilang dalawa.
"Looks like, I am no longer your number 1." napatunghay ako at napatingin sa kanya.
Hindi ko makita ang ekspresyon niya dahil nakatalikod siya sakin pero bakit ganito
bigla bumigat ang dibdib ko sa sinabi niya.
Dahan dahang humarap si Luca sakin, hinawakan niya ang kamay ko at dahan dahan
itong ibinaba. "I understand now." matipid siyang ngumiti. Tinapik niya ang ulo ko
at muli akong tinalikuran bago magsimulang maglakad. Gusto kong isigaw ang pangalan
niya. Gusto kong tawagin siya at pigilan siyang umalis pero wala..walang lumalabas
na kahit na anong salita mula sakin. Nilalamon ako ng nararamdaman ko ngayon. Ang
bigat, ang bigat bigat ng dibdib ko.
Huminga ako ng malalim at ipinikit ang mga mata ko. Hinawakan ko ulit ang iniwang
bite mark

ni Hunter. Siguro'y dapat lagyan ko ito ng gauze bandage kahit papaano para hindi
maexpose.
"Hala, nasan na yung tuta. Ang cute niya pa naman" napalingon ako sa dalawang
babaeng sumisigaw. "Astrid! May nakita ka bang itim na tuta dito?" Itim na tuta?
Saan naman manggagaling ang tutang iyon?
"Wala." matipid na sabi ko. Ngumuso sila bago muling umalis. Huminga ulit ako nang
malalim at pumunta na ng kwarto ko.
Nang makarating ako sa tapat ng kwarto ko ay bubuksan ko na sana ito nang may
maramdaman akong kung ano sa may paanan ko. Tiningnan ko ito at nakita kong ito
yung itim na tuta. Bakit naandito ito?
Tumingin ako sa paligid, walang tao dito kaya't napagdesisyunan ko munang papasukin
yung tuta sa loob.
Ibinaba ko ang bag ko bago siya buhatin. "Hi, anong pangalan mo?" Sige lang Astrid,
para namang sasagot iyan.
"Fenrir." nanlaki ang mata ko nang marinig ko ang boses niya.
Ibinaba ko ito, anong klaseng aso iyan? "Tingnan mo ito, magtatanong ng pangalan ko
tapos matatakot sakin." Totoo nga, nagsasalita siya! "Teka nga, ikaw ba si Astrid?"
Kilala niya ako?
Lumuhod ako at tiningnan ko siya, inilapit ko ng kaunti ang mukha ko sa kanya.
"Bakit mo ako kilala?" huminga ito ng malali.
"Wait lang, mahirap makipag usap sa ganitong anyo." may tila isang usok ang
lumabas. Napapikit ako at napatakip sa ilong kahit hindi naman iyon mabaho. Nang
mawala ang uso at imulat ko ang mata ko ay nakita ko ang isang lalaki. Siguro kahit
sabihin nating mukhang bata pa siya at kasing edaran ko, masasabi kong mas matanda
siya kay Mommy.
"Great! Hi Astrid." nakangiti nitong

bati sakin. Hindi ko siya kilala. "Siguro hindi mo na ako maalala since baby ka pa
simula nang huli ka naming makita. Busy rin kasi kami sa Asgard." Asgard? "By the
way, I am Fenrir, Hel's older brother. Which means, I am your uncle." Uncle? Shit
oo nga pala may nabanggit si Mommy about sa dalawang nakakatandang kapatid niya.
Ohgod! Hindi ko ineexpect na magkikita kami ngayon.
"Ah, hala sorry po hindi ko kayo mamukhaan." Hindi ko naman talaga alam itsura
nila.
"Okay lang, okay lang. Naandito ako para makipag usap sayo." pinaupo ko siya sa
kama ko at ako naman ay kumuha ng bangkuan at tumapat sa kanya.
"Tungkol saan, Uncle?" tungkol saan kaya ang pinag uusapan namin? "Pero bago po
iyon alin sa dalawa ang totoong anyo mo? Yung tuta o yung ngayon?" natahimik saglit
si Uncle bago tumawa.
"Wala sa choices. Hahaha, my true form is a giant black wolf. Nasa lahi natin ang
pagiging giants since my mother is a giantess." Wow, bakit si Mommy hindi? Gusto ko
sanang itanong kaya lang wag na muna.
"Anyways, naandito ako para pag usapan ang tungkol sa Bodhisattva Eye." napakunot
ang noo ko. Teka, hindi ba't ito rin yung sinabi ni Klaus? Yung creepy na
kapangyarihan.
"Anong tungkol doon?" Bakit ba parang hot topic ang tungkol doon.
"Ang Bodhisattva Eye ay isang kakayahan para manggamot, bumuhay ng patay,
magpatanda ng tao at maging pumatay pero isa rin itong kakayahan para mai-balance
at maging imbalance ang mundo." Anong koneksyon 'non sakin? I mean, as if naman
nasa akin ang Bodhisattva Eye 'no.
"Teka lang, Uncle. Bakit tungkol sa Bodhisattva Eye ang kaylangan nating pag
usapan? I mean, anong kinalaman 'non sakin-"
"Dahi ikaw ang nagtataglay ng Bodhisattva Eye." namutla ako sa sinabi niya. Ako?
Bakit ako?
"Alam kong gusto mong malaman kung bakit ikaw? Hindi na dapat tanungin pa. You're
the child of the goddess, Hel and the Ace, Spade." Sa pagkakaalam ko hindi Spade
ang pangalan ng tatay ko.
"Maybe, iniisip mo na hindi Spade ang pangalan ng ama mo pero iyon ang isa pa
niyang katauhan, si Spade." Oh? Hindi ko alam ang tunkol doon. "Spade is the demon
form of your father, Kreios. Kahit sabihin nating wala na sa loob ng katawan ni
Kreios si Spade, nananatili pa rin sa kanya ang Ace of Spades mark, nananatili pa
ring siya ang Ace." ngumiti si Uncle. "At alam mo bang madaming pinatay si Spade
maging sa katauhan man ni Kreios?" hindi ko alam pero kinikilabutan ako sa ngiti ni
Uncle.
"S-Si Daddy, pumatay? Parang imposible-"
"That's possible, Astrid. Your father is a killer." tumayo siya sa pagkakaupo niya
at lumapit sakin. "And I am here to unseal the Bodhisattva Eye." hindi ko na
nagawang makakilos pa dahil bigla niyang ipinatong ang palad niya sa kaliwang mata
ko.
Pakiramdam ko, may kung anong pumapasok dito.
xxx
Pahinga muna tayo kay Hunter at Astrid, jusko. Haha.
Hi guys, gumawa ako ng page at group ng MA kasi may nagsabi sakin. Haha choss.
Anyways, sana ilike at magjoin kayo. Ilalagay ko sa comment box yung link.
Thank you!

=================

Chapter 22: Start of the Plan

Luca's Point of View


Agh! Sabi na nga ba, hindi magandang ideya ang mapalapit si Astrid sa lalaking
bampira na iyon. Fuck, hindi ko maialis sa isip ko ang bite mark sa leeg ni Astrid.
"Luca! Luca!" napalingon ako sa likuran ko. Papasok palang kasi ako sa kwarto ko.
May tumatawag sa pangalan ko pero wala akong nakikitang ibang tao. Guni-guni ko
lang ata iyon. "Luca, sa baba ka tumingin." ibinaba ko ang tingin ko at doon ako
nakakita ng isang itim na tuta-Teka, kung hindi ako nagkakamali...
"F-Fenrir? Anong ginagawa mo dito?" hinahapo siya, mukhang kanina pa siya
tumatakbo. "Tsaka anong nangyari sayo? May sugat ka." sabi ko. Napuna ko kasing may
dugo sa may ulo niya.
Kinuha ko siya at pumasok kaming dalawa sa kwarto. Habang nag aayos ako ay
nagtransform na siya. "Ano nga?" huminga ng malalim si Fenrir, mukhang may masamang
balita 'to.
"Naandito kasi ako para kay Astrid kaya lang nakuha ako ng dalawang babae. Humanap
ako ng timing para makatakas nang makatakas ako ay nagsimula na akong maghanap kay
Astrid. Narinig ko ang pangalan niya at akmang pupuntahan na sana siya kaya lang
may biglang humarang sa daraanan ko." sabi ni Fenrir sakin.
"'Look who's here. What a pleasant surprise from Fenrir to visit our school.' Iyon
ang sinabi sakin ng isang lalaki. Hindi ko siya kilala. May kasama rin siyang isang
babae." pagsisimula ni Fenrir sa kwento niya. "Tinanong ko kung sino sila pero
hindi nila ako sinagot. Tapos sabi ng lalaki, 'Masyado pang maaga para sirain ang
seal pero mukhang mas mag eenjoy tayo kapag wala na ang sagabal na seal na iyon.'

Sa sinabing iyon ng lalaki, kinabahan na agad ako. Alam kong alam nila ang tungkol
sa Bodhisattva Eye." huminga ng malalim si Fenrir.
"Tapos? Anong nangyari?" pagtatanong ko.
"Ginaya ng lalaki ang itsura ko. Hinawakan ng babae ang ulo ko at tila ba binabasa
ang mga alaala ko bago ito sabihin sa lalaki. Nakangisi silang dalawa hanggang sa
sabihin ng lalaki na 'Ako na ang bahalang magbigay ng mensahe mo kay Astrid.' Pero
alam ko, may iba silang binabalak. Alam kong hindi nila ipaparating kay Astrid ang
mensahe ko. Luca, nanganganib si Astrid. Gusto ko silang pigilan nang may humampas
sa ulo ko at nawalan ako ng malay. Nang muli akong magkamalay ay wala na sila sa
harapan ko. Hindi ko alam kung saan ako pupunta hanggang sa maamoy kita kaya agad
kong sinundan ang amoy mo." pagpapaliwanag ni Fenrir. "Luca, hindi ko alam kung
tama ba itong nararamdaman ko pero binabalak ng mga iyon na sirain ang seal sa
kaliwang mata ni Astrid." hindi na ako nagdalawang isip tumayo.
"Lalabas na ako, pupuntahan ko si Astrid." nagtransform ulit si Fenrir sa pagiging
aso at tumalon sakin.
"Sama ako." sabi niya.

Third Person's Point of View


Iminulat ni Astrid ang mga mata niya, nakahiga siya sa sahig. Wala siyang maalala
sa nangyari. Hindi niya rin alam kung anong ginagawa niya at nakahiga siya sa
sahig.
Nakahawak siya sa ulo niya nang tumayo siya. Humarap sa salamin at napatingin ito
sa kaliwang mata niya. "Bakit pakiramdam ko may nagbago sa mata ko? Weird." plain
at walang emosyong sabi niya. Tila wala ring buhay ang mga mata niya.
Napag isip isip

ni Astrid na lumabas ng kwato niya. "Hindi ko maintindihan pero ang sakit ng ulo
ko." napatigil si Astrid sa paglalakad nang makasalubong niya si Luca. Napatingin
si Astrid sa asong dala dala ni Luca.
"Cute." matipid na sabi nito. Nagkatinginan sila Fenrir at Luca dahil tila wala
namang masamang nangyari kay Astrid at mukhang hindi pa nakakapagpakita ang mga
taong nanggaya ng anyo ni Fenrir.
Hinahapong nagsalita si Luca, "Okay ka lang ba? Wala bang masamang nangyari sayo?"
napakunot ang noo ni Astrid at napaisip. Umiling ito, "Wala naman. Why?" nakahinga
ng maluwag si Luca.
Inilapit ni Luca si Fenrir kay Astrid, "Hindi mo ba siya natatandaan? Hindi pa ba
kayo nagkakausap?" kumunot lalo ang noo ni Astrid.
"Bakit ako makikipag usap sa aso?" nakataas ang isang kilay nito. Muling napatingin
si Astrid kay Luca at naalala niya ang napag usapan nila kanina. Bumagsak ang mukha
nito. Huminga siya ng malalim bago kausapin si Luca.
"Luca, yung kanina..." napatigil si Luca at napatingin kay Astrid. "I'm sorry."
nakita ni Luca kung gaano kadismaya si Astrid. Matipid itong ngumiti bago tapik
tapikin ang ulo ni Astrid. Iniangat ni Astrid ang tingin niya at nakita niya ang
nakangiting si Luca.
"Hanggang ngayon ba iniisip mo pa rin iyon? Okay lang. Naiintindihan ko naman.
Normal lang sa edad mo ang magkagusto sa isang lalaki lalo na sa kaedaran mo. Nag
overreact lang siguro ako kanina. Kalimutan mo na iyon pati ang mga sinabi ko.
Nadala lang ako ng sitwasyon-"
"Hindi iyon." napatungo si Astrid bago magsalita. "Wag mong isiping dahil may bago
akong naging kaibigan o nakilala kinakalimutan na

kita." tumingin si Astrid kay Luca. "Kahit anong mangyari, Luca will always be my
number 1." nagulat si Luca sa narinig niya mula kay Astrid.
Napaiwas ng tingin si Astrid at napatungo, tila'y nahihiya. "Si Luca kasi yung
higit na nakakaintindi sakin. Simula pagkabata siya na yung laging naandiyan para
sakin, kapag may nang aaway sakin pinoprotektahan mo ako. Kapag pinapagalitan ako
nila Mommy lagi kang nasa side ko at hindi ako hinahayaang mag isa. At alam ko,
walang makakapalit sa pwesto mo. Kaya sorry, sana hindi mo na maisip ang bagay na
iyon. Hindi ko ipagpapalit si Luca kahit kanino, hindi kita ipagpapalit kahit
kanino." hindi nakapagsalita si Luca sa mga narinig niya. Hindi niya ineexpect na
sasabihin ito ni Astrid.
"Maraming nagpapahalaga kay Luca, sayo. Maraming naandyan para sayo. Sila Raven at
Kei. Sila Tita Chloe, Tita Bellona, Tita Dalia, Tito Alvis, Tito Theo. Sila Mommy,
Daddy, Kuya Haze at ako. Lahat kami pinapahalagahan ka pero kasi si Hunter..." yung
sayang nararamdaman ni Luca kanina ay biglang nawala nang marinig niya ang pangalan
ni Hunter. "Si Hunter kasi, pakiramdam ko ako palang ang nakakaintindi sa kanya.
Maging ang kapatid niya, maging ang pamilya niya, hindi. Nag iisa lang si Hunter.
Kaya Luca sana hayaan mo muna akong maging malapit sa kanya. Malungkot mag isa
hindi ba? Kaya alam ko kahit sinasabi ni Hunter na okay lang sa kanyang mag isa
siya alam kong hindi. Nakakatakot mag isa, it's scary to be trap inside the
darkness. Gusto kong ipakita kay Hunter na hindi siya nag iisa. Na mas magiging
masaya siya kapag hindi niya ikinulong ang sarili niya sa kadiliman." tumingin ng
diretso si Astrid sa mga mata ni Luca.
"Kaya sana Luca, wag kang magalit sakin kapag nakikita mo kaming dalawa. Hindi
naman masamang tao si Hunter. So please-"
"Stupid, naiintindihan ko naman. Hindi mo kaylangan magpakita ng ganyang ekspresyon
sakin. Kinabahan at nainis lang ako nang makita ko ang marka sa leeg mo." ginulo ni
Luca ang buhok ni Astrid.
"Boluntaryo kong ipinainom ang dugo ko kay Hunter." sabi ni Astrid.
Napaiwas ng tingin si Luca at pabulong na sinabing, "Alam ko, iyon nga ang mas
nagpainit ng ulo ko."

"Klaus, bakit natin binura ang alaala ni Astrid tungkol sa nangyari kanina?"
napangisi si Klaus sa kanyang narinig. Medyo malapit sila sa kinaroroonan nila
Astrid at pinapanood sila.
Ngumisi si Klaus, "Simple lang, kapag hindi ko ginawang burahin ang alaala ni
Astrid, malamang sa mga oras na ito buking na tayo sa intensyon natin. Kapag
nagkita sila ng totoong Fenrir, ano nalang kaya ang magiging reaksyon ni Astrid?
Malamang sasabihin niya ang mga pinag usapan namin kanina noong nagpapanggap akong
si Fenrir. Malalaman nila ang ginawa natin kay Astrid at kapag nagkataon, masisira
ang mga plano ko. Malalaman ni Astrid na hindi talaga si Fenrir ang kausap niya
kanina at malalaman agad nila ang ginawa ko sa seal.." pagpapaliwanag ni Klaus.
"Bakit hindi mo pa siya minamanipula?" tanong sakin ni Ingrid.
"Bakit? Mas masaya kung itutuloy pa rin natin ang laro hindi ba? Masyado pang maaga
para doon. Makakapaghintay naman ang angkan ko." ngumisi si Klaus.
"Ang mahalaga ngayon, sira na ang seal ng Bodhisattva Eye."

=================

Chapter 23: Sweet Bite


"Okay ka lang ba? Hoy, Astrid!" nagulat ako sa pagtawag sakin ni Demi. Yung tibok
ng puso ko sobrang bilis.
"Okay lang ako." Hindi ako okay. Hangga't nasa akin ang bite mark na 'to hindi ako
magiging okay. Hanggang ngayon kasi iniisip ko pa rin yung nangyari samin ni
Hunter-Wait, wag madumi ang utak. Ang tinutukoy ko ay yung ininom niya ang dugo ko.
"Isa pa, anong nangyari sa leeg mo? Bakit may bandage? May sugat ka?" hahawakan
sana ni Demi iyon nang pigilan ko siya.
"Na-blade." lame excuse. Sino namang tangang ibe-blade ang sarili.
"Love bite or maybe love mark?" gulat akong tumingin kay Irish. Anong sinasabi
nito?
"Wag ka ngang ganyan Irish, wala namang boyfriend si Astrid eh." nakahinga ako ng
maluwag kahit papaano. "Anyways, wala na naman si Hunter. Ilang araw ba siyang
balak umabsent. Sabi ng teachers natin may sakit daw. Oh, that's rare." May sakit?
Baka nalason sa dugo ko.
"Balik na tayo sa classroom? Ano mang oras baka dumating na rin ang teacher natin."
pumayag naman sila. Nasa cafeteria kasi kami.
Bumalik na kami ng classroom, wala pa rin naman ang teacher namin. Papunta na ako
sa pwesto ko nang mapatigil ako. I gasped, "Shit." bulong ko sa sarili ko. Pumasok
si Hunter, pumasok na siya!
Hindi ba dapat matuwa ako kasi nagkaoras na siyang pumasok? Pero bakit bigla akong
kinabahan nang makita ko siya?
Muli kong sinilip si Hunter na nakatingin sa bintana habang nilalaro yung ballpen
niya. Shit! Shit! Shit! Paano ko siya haharapin? Agh! This is frustrating.
Huminga ako ng malalim bago maglakad muli at dumiretso na sa upuan

ko. Nanatili akong nakatungo at hindi tumitingin kay Hunter. Pakiramdam ko


lalamunin na ako ng sahig mamaya, sana nga.
"Yo." nagulat ako nang may tumusok na ballpen sa pisngi ko tila ba'y pinipindot ang
pisngi ko. Damn it, Hunter. Don't play with me. "Ang tagal nating hindi nagkita,
hindi mo ako babatiin?" Ohgod! Save me please. Someone please save me. Sana
dumating na teacher namin but knowing Hunter, hindi siya papapigil kahit naandiyan
na ang teacher namin.
"I want your sweet blood, again." napatakip ako sa kaliwang tenga ko, bigla kasi
siyang bumulong. Jusko Hunter anong ginagawa mo sakin? Ninenerbyos akong tumingin
sa kanya.
"Bakit parang sobra kang kinakabahan ngayon?" nanatili lang akong nakatingin sa
kanya pero hindi ako nagsalita. "Oh, mukhang alam ko na." ngumisi siya dahilan para
mag init ang pisngi ko.
Nilapit ni Hunter ang kamay niya sakin pero umiwas ako. Ilalapit niya kasi ito sa
leeg ko. "Let me see." hindi na ako kumilos, nakakunot ang noo niya eh.
"Bakit mo nilagyan ng gauze bandage?" Bakit ano bang gusto niya? Ilantad ko na may
kagat ako ng bampira sa leeg ko? No way.
"Ayokong maexpose." sabi ko sa kanya. Ngumisi na naman siya. Bakit ba kasi siya
ngumingisi?
"Dapat pala hindi ako nag iwan ng marka. Kung hindi lang dumating yung lover boy mo
siguro nagawan ko pa ng paraan 'yan." What the fuck, ilang beses ko bang sasabihin
na hindi ko lover boy si Luca. Kaasar naman 'to.
"Hindi ko lover boy si Luca." humarap siya sakin at tiningnan akong mabuti. Hindi
ako humarap sa kanya kasi yung dibdib ko ayaw kumalma. Tanginang abnormal na
pagtibok

ng puso ko oh. Parang anytime aatakihin ako.


"So, you're single?" Luh, malamang. Hindi ako sumagot. Hindi ko alam kung inaasar
ako ng gagong 'to o may pinaparating siya.
Naramdaman ko na naman ang paghinga ni Hunter malapit sa tenga ko at bumulong. "So
we're free to do whatever we want to do." Agad akong lumayo sa kanya.
"A-Anong ibig mong sabihin?"
"Exactly what I say. You're free, I'm free. We can do whatever we want." Hindi
naman siguro siya nag iisip ng kung anong bagay, hindi ba? We're just in high
school!
"Alam ko iniisip mo. Hindi ko akalaing madumi pala ang utak mo." Sino kayang
nagsimulang magbigay ng mga double meaning na salita?
"You offered me your blood, there's no turning back especially now that I am
drowned in the taste of your blood.." Agh! Yung pisngi ko, nag iinit na naman.
"Bakit namumula ang pisngi mo?" Fuck, Hunter you're such a teaser!
"Are you embarrassed or it is because of me?" Shit, Hunter tama na. Sana dumating
na yung teacher namin. Ayoko na, ayoko nang kausapin si Hunter.
"Hoy, Astrid. Bakit pulang pula ang mukha mo? May sakit ka?" hinawakan ni Demi ang
noo ko. Dahil kay Hunter hindi ko na napansin na nasa harapan ko na pala si Demi.
"Hunter, anong ginawa mo kay Astrid?" sinilip ko si Hunter, balik na naman siya sa
normal na ekspresyon ng mukha niya. Poker face.
"Nothing." plain na sabi niya. So, ako lang talaga ang trip niyang asarin at
kausapin? Wow.

Nasa kalagitnaan ako ng tulog ko nang bigla kong maramdaman ang malakas na hangin.
Agh! Bakit ang lakas ng hangin? Sarado naman ang bintana

ng kwarto ko.
Dahan dahan kong iminulat ang mga mata ko. Tumayo rin ako sa pagkakahiga ko.
Tiningnan ko ang bintana ng kwarto ko and to my surprise bukas ito. Kinusot kusot
ko ang mata ko, baka kasi nananaginip lang ako.
Tatayo na sana ako para isara ang bintana nang may makita akong anino dito. Hala,
sino iyon?
Nakita ko na ang paglalakad niya papalapit sakin. Dahil sa liwanag nang buwan ay
nakita ko kung sino siya. "H-Hunter.." Anong ginagawa niya dito? Sa kalagitnaan
talaga ng gabi?
"I-I'm thirsty," bigla niya akong itinulak pahiga ng kama ko, hinawakan na naman
niya ang magkabilang kamay ko para hindi ako makakilos.
"H-Hunter..." Hindi ko alam pero parang mas agresibo siya ngayon. Naramdaman ko ang
pagtanggal niya sa bandage na nasa leeg ko.
He licked the mark, dahilan para mapapikit ako. Hindi ko alam ang mararamdaman ko,
pakiramdam ko kasi sasabog ako dahil sa nararamdaman ko.
Naramdaman ko na naman ang pagbaon ng pangil niya sa leeg ko kasabay ang pagbitaw
niya sa kamay ko. Napakapit ako sa buhok niya. Ang haba talaga nito at ang lambot
pero wala ba siyang balak magpagupit? I mean, bagay sa kanya ang mahaba ang buhok
pero hindi kaya mas bumagay sa kanya ang gupit na kagaya ng ibang lalaki?
Nagulat ako nang magsalita si Hunter, "Alam ko ang iniisip mo. Kapag iniinom ko ang
dugo ng isang tao alam ko at nababasa ko ang mga iniisip nila." napaiwas ako. Shit,
nababasa niya. Err.
Ipinagpatuloy niya lang ang pag inom ng dugo ko. Bakit pakiramdam ko nahihilo ako?
Nanghihina ako. Madami na atang naiinom si Hunter.
"H-Hunter, nahihilo na ako." hinawakan ko ang magkabilang balikat niya para dahan
dahan siyang itulak pero ayaw niyang tumigil.
"H-Hunter.." pakiramdam ko anytime kapag hindi pa siya tumigil mawawalan na ako ng
malay. Hinahapo rin ako sa hindi malamang dahilan.
"H-Hunter..please," tila pabulong ang pagtawag ko sa pangalan niya. Nanghihina na
talaga ako.
Tumigil si Hunter sa pag inom ng dugo ko at tiningnan ako bago itinuon ang noo niya
sa noo ko. "That's why sabi ko sayo, layuan mo na ako. Once na nainom at natikman
ko ang dugo mo alam kong hindi ko na mapipigilan ang sarili ko." sobrang lapit ng
mukha niya sakin. Nakatingin siya sa mga mata ko pero hindi ganoong kalamig ang
titig niya. Muli niyang tiningnan ang leeg ko. Hindi pa ba siya tapos?
Nagulat ako nang hindi na pangil ang lumapat dito kundi ang labi niya. Did he just
kissed the bite mark?
Tiningnan niya ako at tiningnan ko rin naman siya pero wala akong lakas para
makagalaw. Nanghihina ang buong katawan ko. "Don't make that kind of face." sabi
niya sakin. Hindi ko alam ang ibig niyang sabihin pero pakiramdam ko talaga init na
init ako. Ang init ng buong katawan ko.
"Tsk, it can't be help." lumapit si Hunter sakin. Laking gulat ko nang halikan niya
ako sa labi ko.
xxx

Ano?! Buhay pa ba?! Nagcomeback si Hunter. Hahaha jusko ka Hunter. Ang harot mo.
Dahil sa ginagawa mo may ilan na gusto ring magpakagat sayo. Hahaha.
#TeamLuca o #TeamHunter? Ipaglaban niyo ang shiniship niyo. Go! Haha.

=================

Chapter 24: Half Awake

Iminulat ko ang mga mata ko. Tumama kasi sa mukha ko ang sinag ng araw. Nanlaki ang
mata ko nang makita ko si Hunter na natutulog sa tabi ko.
"Ahhhh!" agad akong napabangon at kinuha ang kumot para ipangtakip sa katawan ko-
Wait, may damit pa pala ako, ibig sabihin wala namang nangyari samin hindi ba? Ang
dumi lang talaga ng utak ko.
Nanlaki ang mata ko, bakit naandito pa rin siya sa kwarto ko? "Anong ginagawa mo
dito?! Bakit ka naandito?!" kumunot ang noo niya pero nanatili pa ring pikit ang
mga mata niya at natutulog.
"You're noisy." sabi niya sakin. "Tinamad akong bumalik sa kwarto ko kaya dito
nalang ako natulog."
"T-Teka, hindi ko natatandaang pumayag akong dito ka matulog tsaka hindi ko
matandaang nakatulog ako kagabi."
Iminulat ni Hunter ang mga mata niya at tumingin sakin. "You passed out after I
kissed you." Namula ang pisngi ko sa sinabi niya. Shit oo nga pala, hinalikan niya
ako kagabi.
"Errr, umalis ka na sa kwarto ko!" sigaw ko sa kanya. Ipinikit na naman niya ang
mata niya.
"Mamaya na. Maaga pa naman hindi ba, isa pa walang klase ngayon." Walang klase?
Bakit hindi ko ata alam. "What's with your reaction? Don't tell me, hindi mo alam
na walang klase ngayon? Hindi ka nakikinig kahapon?" Paano ako makikinig sa teacher
namin kahapon eh dinidistract ako ng lalaking 'to.
Hinila niya ako papahiga ulit sa tabi niya, "Bakit ba-"
"Diyan ka lang, it makes me calm whenever you're near." sabi nito habang nakapikit
ang mga mata. Hindi ko mapigilang mamula ang pisngi ko. Bumibilis na naman ang
tibok ng puso ko. Bakit ganito lagi ang reaksyon

ko? Hindi kaya...


Napatigil ako sa mga iniisip ko nang mapansin kong nakatitig sakin si Hunter. Lalo
tuloy namula ang mukha ko.
Bumangon ako, "Shower lang ako." agad akong umalis doon at pumasok sa loob ng banyo
sa loob ng kwarto ko. Nilock ko ang pintuan ng banyo ko at napasandal sa pintuan.
Hinawakan ko ang dibdib ko. Bakit ganito ako magreact kay Hunter? Agh! Impossible.
Naglakad ako papalapit sa salamin at tiningnan ang sarili ko, napansin kong wala na
yung vampire mark ni Hunter sa leeg ko. Naalala ko, hinalikan niya nga pala ang
parteng ito-Shit, ayoko nang isipin iyon namumula lang ang mukha ko kapag naiisip
ang mga nangyari kagabi.
"May gunting ka?" narinig kong sabi ni Hunter mula sa labas.
"Oo, nasa may study table ko." Aanhin niya naman ang gunting? Wag mong sabihing,
tsk, imposible talaga lahat ng iniisip ko.
Matapos kong magshower ay agad kong sinuot ang bathrobe ko bago lumabas.
Pagmamadali ko nakalimutan kong kumuha muna ng damit sa closet ko. Bwisit kasi si
Hunter.
Paglabas ko ng banyo, nagulat ako nang maabutan ko sa may salamin si Hunter.
Nanlaki ang mga mata ko, this is impossible.
Tumingin sakin si Hunter. Kaya ba siya naghanap ng gunting kanina ay para gupitin
ang buhok niya? Holy shit!
"Okay ba?" tumingin sakin si Hunter habang nakangisi. Hindi okay. Yung puso ko kasi
ang bilis na naman kung makatibok. Ang gwapo ni Hunter, mas lalo siyang naging
gwapo. Shit! Ayoko na.
Lumapit sakin si Hunter. Umatras naman ako nang umatras hanggang sa mapasandal ako
sa kung saan. Trinap niya ako gamit ang mga kamay

niya at dahan dahan nitong inilapit ang mukha niya sakin, "I want to kiss you
again," matapos niyang sabihin iyon ay agad niya akong hinalikan. Putangina,
Hunter!
Hinahapo ako nang ilayo ni Hunter ang labi niya sakin. "Your blood is such a
temptation. Your lips are such an addiction."

Nagdaan ang mga araw, hindi na ulit ako ginambala ni Hunter I mean, dinidistract
niya pa rin ako pero hindi na siya pupunta sa kwarto ko para lang inumin ang dugo
ko. In short, hindi na niya iniinom ang dugo ko.
Nang makapasok ako sa loob ng classroom namin nagkakagulo sa may pwesto ko. Sinilip
ko iyon, puro babae. Nagkakagulo silang lahat kay Hunter. Dahil kasi sa paggupit ni
Hunter sa buhok niya mas lalong umangat ang itsura niya. Sabihin na nating
nagbibigay pa rin siya ng nakakatakot na aura pero mukhang wala nang pakealam ang
mga tao doon.
"Excuse me." sabi ko sa kanila. Padaanin naman nila ako 'no. Nakapwesto ako dito.
"Hunter, may gagawin ka after school?"
"May girlfriend ka na ba?"
"Hunter tayo nalang."
"Hunter wala ka naman sigurong dine-date na babae hindi ba-"
"I'm not dating someone, I don't have a girl I like, I don't have a
girlfriend...but" napatingin ako kay Hunter bigla itong tumingin sakin at ngumisi.
"But I already belong to someone." Omygod!
"What? Kanino?"
"Sinong bitch 'yan?"
"No way!"
Napaiwas ako ng tingin sa kanya. Belong to someone, kanino naman? Sakin? Hindi,
mukhang imposible. Ano ba 'tong mga iniisip ko!
Napatigil ako at napahawak sa kaliwang mata ko, bigla kasing sumakit ito.
Shit, bakit

ang sakit ng kaliwang mata ko? Napatakip ako dito. Anong nangyayari?
Napatungo ako dahil sa sobrang sakit ng nararamdaman ko. "Astrid, okay ka lang?"
tanong sakin ng isa sa mga kaklase ko pero hindi ako sumagot, hindi ko magawang
makapagsalita.
"Hoy, Astrid anong nangyayari sayo?"
Hindi ko rin alam, hindi ko alam kung anong nangyayari sakin. Shit. Lumuluha ng
walang dahilan ang kaliwang mata ko, hindi ko maipaliwanag ang sakit na
nararamdaman ko.
"What's happening to you?" narinig ko si Hunter. Napalingon ako sa kanya napakunot
ang noo niya nang makita niyang lumuluha ang mata ko nang walang dahilan. Umiiyak
ba ako dahil sa sobrang sakit ng mata ko ngayon?
"Ahh!" Hindi ko mapigilang hindi mapasigaw.
"Astrid! Astrid!" may humawak sa magkabilang balikat ko. Nang tingnan ko siya ay
nakita ko si Luca. Humawak ako sa braso niya para suportahan ako dahil nga
nanghihina ako dahil sa sakit na nararamdaman ko.
"Astrid, bakit parang namumula ang kaliwang mata mo?" Nakita ko ang pagkagulat sa
mukha ni Luca. Napakunot din ang noo nito.
"Can you walk?" Umiling ako, nanginginig kasi ang buong katawan ko kaya't hindi ko
alam kung paano ako makakalakad ng maayos.
Binuhat ako ni Luca na siyang kinagulat ng lahat maging ako man. "Let's go."
tiningnan ko siya. Dali dali kaming lumabas ng classroom.
"Saan?" hindi sumagot si Luca pero alam ko, halatang halata sa mukha niya ang takot
at pag alala. Bakit? Ano bang nangyayari?
"Master Loki..." napatigil si Luca sa pagtakbo. Napatingin ako sa lalaking nasa
harapan namin. Pamilyar ang mukha niya sakin pero hindi ko alam kung saan ko siya
nakita. "Si Astrid-"
"I know, kaya ako naandito." lumapit ito sakin at tiningnan ang kaliwang mata ko.
Nagulat siya bago sabihing, "This is bad. The Bodhisattva Eye is half awake. The
seal is broken." matapos niyang sabihin iyon ay napatakip ulit ako sa kaliwang mata
ko at napasigaw sa sobrang sakit.
xxx
Last ko na talaga 'to! Tama na muna ang kilig. Simulan na natin 'tong kaliwang mata
ni Astrid. Choss. Pakiramdam ko madami sa inyo ang magrereklamo sa ending pero
kasi..basta! Haha.
Bibigyan ko ng moment si Luca at Astrid wag kayong mag alala mga Team Luca. Haha.
Hindi nga lang kasing wild ng kila Hunter at Astrid. Edi tinusta ni Kreios si Luca.
Haha.
#MystiqueAcademyTrilogy

=================

Chapter 25: Reviving the Dead

Luca's Point of View


"Paano po nasira ang seal? Hindi ba't parang imposible?" nagtatakang tanong ko.
Imposible naman talaga hindi ba lalo na't si Hel, Kreios at Master Loki pa ang
nagtulong tulong bumuo ng seal na ito.
"Alam kong nanghihina na ang seal pero hindi pa rin iyon sapat na dahilan para
masira mo agad ito. Pakiramdam ko hindi lang ordinaryong tao ang gumawa nito. Pero
sino? Wala na si Spica para manira ng seal. Alam kong marami siyang alam tungkol
dito pero kitang kita natin kung paano siya namatay hindi ba? Imposible." sabi ni
Master Loki.
Nawalan ng malay si Astrid, siguro'y napagod kakaiyak at dahil sa sobrang sakit ng
kaliwang mata niya. "Let me try kung magagawan ko ito ng paraan." sabi niya.
Huminga ng malalim si Master Loki at nagbigkas ng hindi ko maintindihang salita.
Napakunot ito ng noo niya.
"Master Loki, anong nangyari?"
"This is impossible. May nagpe-prevent sa kapangyarihan ko para maseal ulit ang
Bodhisattva Eye." aniya.
Ibig bang sabihin niyan ay hindi na namin magagawang i-seal muli ang Bodhisattva
Eye?
"Master Loki, hindi po ba't pinadala niyo dito si Fenrir dati?" napatingin si
Master Loki sakin at tumango. "Oo, pero sabi niya may nangyari daw kaya't hindi
niya nasabi kay Astrid ang pinapasabi ko at hindi niya nabantayan ito ng maayos."
Tumango ako, "Sabi po kasi ni Fenrir may gumaya sa kanya at sinabing sila na daw
ang bahalang magdala ng mensahe kay Astrid. Hindi niya lang daw po alam kung sino
ang mga ito. Hindi kaya may kinalaman sila sa pagkasira ng seal?"
Huminga ng malalim si Master Loki,
"Hindi imposible iyon. Kakausapin ko si Fenrir tungkol dito. Sasabihan ko na rin
sila Hel tungkol sa mga pangyayari at tungkol sa seal. Luca, bantayan mo si Astrid.
Kapag may nangyari, alam mo naman kung paano kami tatawagin." may kinuha at iniabot
sakin si Master Loki.
"Eye patch?" tanong ko sa kanya.
Tumango ito, "Pansamantala, hangga't hindi pa ulit namin nalalagyan ng seal ang
Bodhisattva Eye ay itakip niyo muna iyan sa kaliwang mata ni Astrid. Kahit papaano
ay mape-prevent niyan ang pagsakit ng mata nito." tumango ako. Nagpaalam si Master
Loki samin bago mawala.
Dinala ko muna si Astrid sa infirmary. Baka kasi kahit papaano ay may magawa sila
para mawala ang sakit ng kaliwang mata ni Astrid. Nagbabakasakali parin kasi talaga
ako na sana...sana hindi ito tungkol sa Bodhisattva Eye kahit na sinabi na ito ni
Master Loki.
"I'm sorry, hindi ko nagawang bantayan at protektahan ka." hinimas ko ang buhok ni
Astrid at pinagmasdan lamang itong matulog.

Astrid's Point of View


Nagising ako, nawalan pala ako ng malay. Pagkagising ko, narealize ko na nasa
infirmary na pala ako. Bumangon ako, hahawakan ko palang sana ang kaliwang mata ko
nang mapagtanto kong may eye patch ito. Bulag na ba ito? Bakit may eye patch?
"Hi, Miss Astrid. Buti naman gising ka na. Pinapasabi ni Mr. Luca na may kukunin
lang siya sa kwarto niya at kapag nagising ka ay sabihin ko sa inyo. Tungkol daw po
sa eye patch, makakatulong daw po iyan para maiwasan ang infection sa kaliwang mata
niyo." Infection? Na-infect ba ang mata ko kaya ito sumasakit kanina. Teka nga..
"Master

Loki.."
"Excuse me, may kasama ba si Luca nang dalhin niya ako dito?" napaisip yung nurse
bago umiling. Nananaginip lang ba ako noong mga panahong iyon?
Nagpaalam na yung nurse at nawala na sa harapan ko. Humiga nalang muna ulit ako.
Hindi ko pala pwedeng tanggalin itong eye patch na nasa kaliwang mata ko. Kaylangan
kong matiyaga.
Ipipikit ko pa sana ulit ang mata ko nang may marinig akong umiiyak sa kabilang
kama. Isang kurtina lang kasi ang nagse-separate saming dalawa.
"Miss, okay ka lang?" sabi ko sa kanya nang silipin ko siya. Tama ako, umiiyak
siya.
"O-Okay lang ako." sabi niya habang humihikbi. Sa lakas ng iyak niya sa tingin ko
hindi siya okay.
"Kung kaylangan mo ng makakausap naandito lang ako, pwede mo akong sabihan ng
problema mo." Pinilit kong ngumiti sa kanya. Gusto kong mabuhayan siya ng loob.
Dahan dahan siyang tumingin sakin, "Narinig ko kasing sabi ng mga nurse kaya ako
nanghihina ay dahil nawawalan na ako ng kapangyarihan." Eh? Posible ba 'yon?
"Nawawalan ka ng kapangyarihan? Bakit? Pwede bang mangyari 'yon?"
"Oo, kapag malapit ka na sa kamatayan mo." umiiyak na sabi niya.
"M-Mamatay ka?" hindi ko makapaniwalang tanong sa kanya. Nagdadalawang isip man ay
tumango siya.
"Ayoko na, sana patayin nalang nila ako ngayon. Madidisappoint ang mga magulang ko
kapag nagkataon! Ayoko na. Gusto ko nang mamatay!" pinigilan ko siya, nagwawala
kasi siya.
"Wag mong sabihin iyan. May pag asa pa naman ata hindi ba?"
"Hindi, wala na! Bakit hindi nalang nila ako patayin since doon rin naman ako
papunta!" napatigil ako

sa sinabi niya. Bakit ganito mag isip ang mga tao?


"Mahalaga ba kung bilang na ang mga araw mo sa mundo? Kaylangan mo bang maging
malungkot dahil malapit ka nang mamatay? Hindi naman hindi ba? Life is not about
how long you live but how you spend your life. Sa natitirang araw mo bakit kaya
hindi mo ito sulitin at magpakasaya para sa huli wala kang pagsisihan." Hindi ko
alam kung saan ko iyon nakuha, pero iyon lang talaga ang naisip kong sabihin
ngayon.
Tumingin siya sakin at nginitian ko naman siya.

Nagpaalam ako kay Luca na pupunta lang ako sa may lake. Ayaw niya mang pumayag pero
kinulit ko pa rin siya. Sa huli pinayagan niya rin naman ako. Gusto niya sanang
sumama pero alam kong busy siya kaya sabi ko wag nalang.
Nang nakaupo na ako sa damuhan malapit sa lake kumuha ako ng maliliit na bato at
itinapon ito sa lake. Alam ko, hindi lang normal na inpeksyon ang meron ang
kaliwang mata ko ngayon. Tiningnan ko ito kanina sa salamin, imposibleng inpeksyon
ito.
"Sabi na dito kita makikita." napalingon ako sa kanya, nakita ko si Hunter. "Kanina
pa kita hinahanap. Hindi man kapani-paniwala pero nag alala ako sayo and what's
with the eye patch?" umupo si Hunter sa tabi ko. Paano niya nalaman na naandito
ako?
"Sumasakit pa kasi ang kaliwang mata ko paminsan minsan. Paano mo nalaman-"
"Kasi madalas kitang makitang naandito dati. Lagi ka pa ngang may kausap na lalaki.
Hindi ko kilala kung sino iyon. Since wala pa akong pakealam sayo noon, hindi kita
nilalapitan." Tapos ngayon, may pakealam na siya sakin, ganoon?
"Anong nangyayari sayo?" nagkibit balikat

ako. Hindi ko nga rin maintindihan. "Ewan ko ha, pero kung hindi kita masyadong
kilala iisipin kong ikaw ang sinasabi nilang merong Bodhisattva Eye." sabi ni
Hunter. Napalingon ako sa kanya, may alam siya?
"Paano mo nalaman ang tungkol doon?"
"Wala naman talaga akong masyadong alam tungkol doon bukod sa kaya nitong bumuhay
ng patay. Si Flynn ang madaming alam doon since siya naman talaga ang interesado.
Dahilan kung bakit kami naandito. May nakapagsabi daw sa kanya na pwede niyang
makita ang nagmamay ari 'non sa school na 'to. Gustong buhayin ni Flynn ang
magulang niya." sabi ni Hunter. Infairness dito kay Hunter ang haba ng mga
sinasabi.
"Paano ba namatay ang magulang niya?"
"Yung Papa niya, hindi ko alam. About sa pagkamatay ng Mama niya kasalanan ko."
sabi niya. Napatingin ako kay Hunter, "Nawalan ako ng kontrol noon at uhaw na uhaw
ako sa dugo kaya't hindi ko napigilang inumin ang dugo ng Mama niya hanggang sa
maubos ito. Sanhi para mamatay siya." nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. "And my
father, he despised me and end up killing himself. Nagpakamatay siya sa sobrang
galit sakin. See, wala talagang tumanggap sakin."
"Ako." matipid na sabi ko. Tanggap ko naman talaga siya.
"I know. Kaya nga importante ka sakin." titingnan ko pa nga lang sana siya nang
makarinig kami ng sigawan.
Agad kaming pumunta doon ni Hunter. Nagkakagulo ang lahat habang nakatingin sa taas
ng isang building.
"Mia please, wag kang tatalon. Pupunta kami diyan. Please wag mo itong gawin."
tiningnan ko kung sinong kinakausap nila sa taas ng building. Nagulat ako nang
makitang siya yung babaeng nakausap ko sa infirmary

kanina.
"Mia, Mia ang pangalan mo hindi ba? Wag kang tatalong please." sigaw ko sa kanya.
Alam kong wala naman dapat akong pakealam pero hindi ko hahayaan na may
magpakamatay sa harapan ko.
"Wag niyo na akong pigilan, mamamatay rin naman ako hindi ba? Bakit hindi ko pa
tapusin ngayon ang paghihirap ko?" sigaw niya.
"Mia please pupunta na kami diyan." papasok palang sana sa building ang mga
kaibigan niya nang tumalon siya bigla.
"Mia!" nanlumo ako sa nakita ko. Sa mismong harapan ko pa siya bumagsak. Tinakpan
ni Hunter ang mata ko pero dahan dahan ko rin naman itong tinaggal.
Lumapit ako sa babaeng tumalon at pinagmasdan siyang mabuti. Hindi ko mapigilang
hindi mapaluha. Sensitibo ako sa mga ganitong bagay.
Napaluhod ako at hinawakan ang kamay niya. "Sabi ko sayo diba, kung alam mong
mamamatay ka na at bilang na ang araw mo dapat mas lalo mong i-enjoy ito."
natahimik ako saglit at humikbi. "Hindi man kita gaanong kilala pero dapat hindi ka
pa rin nagpakamatay." Alam ko, hindi naman dapat ako umiiyak pero kasi...
"Please, don't die. Hindi ka dapat mamatay. Sana, sana hinayaan mo munang makasama
mo ang pamilya mo sa huling araw mo dito. Kaya bakit?! Don't die please." hawak
hawak ko pa rin ang kamay niya.
"Everyone, look..."
"This is impossible."
"Hindi ba't namatay na siya kaya paanong..."
"Astrid.." narinig ko ang boses ni Hunter pero hindi ko pa rin binitawan ang kamay
ng babae.
Iminulat ko ang mga mata ko nang maramdaman kong gumagalaw ang kamay niya.
Tiningnan ko siya, kahit halos maligo na siya sa sarili niyang dugo ay naimulat
niya ang kanyang mga mata.
How? Hindi ba't patay na siya kanina?
xxx
Sinong may pasok na ngayong araw? Aww, may two weeks pa ako. Hahaha. Anyways,
malapit na siyang matapos? Di ko pa rin sure. Tingnan ko kung medyo mapapahaba pa
ko pa since iniisip ko pa ng bongga ang gagawin ko sa book 3.
Ang daming maka-team Hunter. Haha.
You can tweet me @_b2utyfulcarat
#MystiqueAcademyTrilogy

=================

Chapter 26: Disappearance

"Wait! Paano nabuhay si Mia?"


"Binuhay ba siya ni Astrid?"
"May kakayahan bang bumuhay ng patay si Astrid?"
"I mean, wala pa akong naririnig na kapangyarihan na isang sabi mo lang mabubuhay
na agad ang isang namatay na."
"Errr, medyo creepy."
Napalayo ako kay Mia. Tumayo ito na para bang hindi siya tumalon ng building, para
ngang walang nangyari sa kanya.
"B-Buhay ka Mia.."
Napaatras ako hanggang sa may nabangga ang likod ko. Napatingin ako sa kanya,
nakita ko si Luca. "L-Luca, yung babae, namatay na siya tapos nabuhay. Paano?"
hindi ako makapaniwala. Ako ba talaga ang may gawa non?
"I know." ngumiti si Luca at hinawakan ang pisngi ko. "Let's go?" nakahalata ata si
Luca na natatakot ako kaya't niyaya niya akong umalis doon. Hindi ko na nagawang
makapagpaalam pa kay Hunter, nanginginig rin kasi ako.

Hunter's Point of View


Nanginginig ang buong katawan ni Astrid. Napaatras siya nang makita niyang nabuhay
ulit yung babaeng bumagsak sa harapan niya. Posible nga kayang siya ang sinasabi
nilang Bodhisattva Eye? Siya nga kaya ang may hawak noon?
Sinamahan siya ni Luca na umalis sa lugar na ito. Napatingin ako sa isang tabi,
nakita ko si Flynn. Seryoso siyang nakatingin kay Astrid. Sinasabi ko na nga ba,
ngayong alam na niya na si Astrid ang matagal na niyang hinahanap nakakasigurado
akong hindi na siya magdadalawang isip na gamitin si Astrid.
Napangisi ito bago maglakad papalayo. Sinundan ko siya, hindi ako natatakot sa
kanya. Kayang kaya niya kasing kontrolin ang kapangyarihan niya kaya siya naging
rank 1 pero

kung ikukumpara sakin, kaya ko siya.


"Flynn," tawag ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad at nilingon ako.
"Hunter, nakita mo ba yung kanina? Nakita ko na ang hinahanap ko. Biruin mo 'yon,
si Astrid lang pala ang hinahanap ko." nakangiting sabi niya.
"Tapos?" plain na sabi ko sa kanya.
"Kukumbinsihin ko siyang buhayin ang magulang ko-"
"Kita mo naman kung gaano natakot si Astrid sa nangyari kanina hindi ba? Wag mo
nang ituloy ang balak mo." sabi ko.
Kumunot ang noo niya, "Sino bang dapat sisihin dito kung bakit namatay ang Mama ko.
Isa pa, ano bang pakealam mo? Wala ka namang koneksyon sa kanya hindi ba-"
"She's my girl."
"Oh? Kaylan pa? Kaylan ka pa natutong-"
"Hindi na importante kung kaylan. Hindi ko hahayaang gamitin mo si Astrid sa
binabalak mo. Isa pa, hindi na dapat binubuhay pa ang namatay na." sabi ko sa
kanya. Tatalikuran ko na sana siya nang magsalita ito.
"Oh? Sa tingin mo ba ako lang ang interesado sa kanya? Hindi lang. May iba't ibang
demons din ang gustong mapasakanila ang Bodhisattva Eye. Kung gusto mo siyang
protektahan, maghanda ka." ngumisi ako.
"Kaya kong protektahan si Astrid." matapos kong sabihin iyon ay tinalikuran ko na
siya at umalis.

Pumunta ako sa kwarto ni Astrid, nakakasigurado kasi ako na naandito siya. Bubuksan
ko palang ang pintuan nang magbukas ito at lumabas si Luca.
"Si Astrid?" tumingin sakin si Luca bago tumingin sa pintuan ng kwarto ni Astrid.
"Nasa loob, umiiyak." kumunot ang noo ko. Umiiyak si Astrid tapos nagawa niyang
iwanan. "Ayaw ni Astrid na nakikita siya

ng ibang tao na umiiyak kaya't hiniling niya sakin na lumabas muna ako."
"Luca," tiningnan ko siya ng diretso. "Isa lang naman ang gusto nating gawin kay
Astrid hindi ba?" tinaasan niya ako ng isang kilay.
"Anong pinaparating mo?"
"Let's both protect Astrid." matagal niya rin akong tinitigan na para bang hindi
niya maintindihan ang sinabi ko. Maya maya pa'y bigla siyang ngumiti.
"Yeah, let's protect her." sabi niya.
"Luca, si Astrid?" napalingon ako sa nagsalita. May dalawa akong lalaking nakita at
isang itim na tuta.
"Nasa loob po, Master Loki. Hindi parin tumitigil sa pag iyak. Aware na siya sa
Bodhisattva Eye dahil sa nangyari kanina." sabi ni Luca. Master Loki? Hindi kaya
siya ang tatay ni Astrid?
Napatingin sakin ito at ngumiti, "A friend of Astrid?" dapat ko bang i-consider ang
sinabi niya? I mean, we all know what relationship I have with her.
"Is he the father of Astrid?" gulat na tumingin sakin si Luca. Tumawa naman ang
lalaki sa harapan namin. Bakit siya nagtatawa, wala naman akong sinabing joke.
"No, I'm her grandfather." napakunot ang noo ko. Grandfather? Ang bata niya para
sabihing grandfather siya ni Astrid. "Her parents will arrive soon. Fenrir also
explained what happened."
"Hel is angry as hell." What?
"Gusto ko sanang matawa sa sinabi ni Fenrir pero wala tayo sa sitwasyong iyon. Isa
pa normal lang kay Hel ang magalit na nawala ang seal. Ilang taon niyang inalagaan
si Astrid para lang hindi tayo makarating sa puntong ito pero wala, nangyari pa
rin." sabi ko.
"Alam naman natin na dadating talaga ang araw na masisira ang

seal pero hindi kasi nating inexpect na ngayon mangyayari iyon. Naiinis si Hel kasi
pumayag siyang pumasok dito si Astrid which is pinagbabawal niya noong una." sabi
naman nung Loki.
Pakiramdam ko ang weird ng pamilya ni Astrid.
"Mas maganda siguro kung hayaan muna natin si Astrid mag isa." sabi naman ng isa
pang lalaking kasama nila.
Maya maya pa'y may apat na babae at limang lalaki ang dumating. "Si Astrid?"
naalala ko yung iba sa kanila. Kung hindi ako nagkakamali ay sila yung nakita ko sa
infirmary.
"Sa loob." sagot ni Luca.
"Nakita niyo na? Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong papasukin si Astrid
dito." Parang kalmado lang siya pero sa totoo ay galit ang tono niya. Ngayon lang
ata ako natakot.
"Hel, wag na tayong magsisihan. Walang dapat sisihin, wala namang may gusto ng
nangyari." sabi ng isang lalaki. Hindi ko sila kilala.
"Tama si Hel, kasalanan ko." pag aako ni Luca. "Hindi ko nabantayan ng mabuti si
Astrid katulad ng naipangako ko sa inyo."
"Hindi Luca, ginawa mo ang dapat gawin mo."
"Don't blame yourself."
"Hindi kita sinisisi, okay? Ang sakin lang dapat hindi na talaga ako pumayag." sabi
naman nung Hel. Pasensya na hindi ko talaga sila kilala.
"Wala na tayong magagawa, hindi man pumasok dito si Astrid. Alam pa rin naman
nating malapit nang masira ang seal." sabi naman ng isang lalaking nakahawak ang
kamay sa kamay nung Hel.
"Well, siguro magstay na muna tayo dito para mabantayan natin si Astrid." sabi nung
babaeng nilandi ako sa infirmary.
"Good idea."
"Bago ang lahat, I want to see her. I want to see Astrid." sabi ulit nung Hel.
Hinawakan niya na ang doorknob pero bago pa man niya mabuksan ang pintuan..
"Teka nga, hindi niyo isinama si Haze?"
"No, busy si Haze sa parating na exams niya. Ayokong madamay siya." sabi ulit nung
Hel.
"So anong balak mo, Hel kapag nagkaharap na kayo ni Astrid?"
"I'll get rid of that eye! Kaylangan ulit nating i-seal." sabi niya.
"Pero Hel-"
"Alam niyo naman hindi ba? Kapag tuluyang nagising ang Bodhisattva Eye, may
posibilidad na hindi ito makontrol ni Astrid. She can barely control her own power.
Masyadong malakas ang Bodhisattva Eye para sa kanya. Astrid can't handle such
power!" sabi nung Hel. "Isa pa, pwedeng masira ang mundo. Alam niyo 'yan." dagdag
niya pa.
Muli niyang hinawakan ang doorknob at dahan dahang binuksan ang pintuan ng kwarto
ni Astrid. Nang mabuksan ito ay malakas na hangin ang sumalubong samin. Napatakip
kami, hindi kasi ito ordinaryong hangin lang.
Nang imulat ko ang mata ko at tingnan muli ang kwarto ni Astrid, laking gulat namin
dahil wala doon si Astrid. Walang tao sa kwarto niya.
xxx
Hi ulit guys! Medyo, medyo palang naman. Malapit na pala talagang matapos. Hanggang
chapter 30 something lang siguro 'to. Sinisimulan ko na rin ang pagta-type ng book
3. Haha shet, chapter 1 palang drama na! Mygod! I hate dramas pa naman. Haha.
Anyway, thank you very much!

=================

Chapter 27: Finding Her

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Natatakot ako. Bakit siya nabuhay? Paano ko
siya nabuhay? Hindi kaya ito na yung sinasabi nilang Bodhisattva Eye? Kaya ba lagi
ko nalang naririnig ang salitang iyon dahil ako ang may kakayahan 'non?
Pero bakit ako? Ayoko.
"Astrid, anong ginagawa mo ditong mag isa?" napatingin ako sa kanya. Nakita ko si
Klaus. Paano siya nakapasok dito?
"Paano ka nakapasok dito?"
"Hindi na iyon mahalaga, naramdaman kong kaylangan mo ng makakausap ngayon kaya
pinuntahan kita. Anong nangyari sayo? Isa pa bakit may takip ang kaliwang mata mo?"
lumapit si Klaus sakin. Lumuhod ito sa harapan ko para maging magkapantay kami.
Napaiwas ako ng tingin, "Kasi ang pangit ng kaliwang mata ko." Hinawakan ni Klaus
ang baba ko at iniharap ang mukha ko sa kanya. Ngumiti ito at dahan dahang
tinanggal ang eye patch sa mata ko.
"It's beautiful." nagulat ako sa sinabi ni Klaus. Nakangiti ito at para bang
manghang mangha siya sa kaliwang mata ko. Beautiful? Para nga namamaga yung mata ko
dahil sa sobrang pula nito.
"Wag mong sabihin iyan para lang pagaanin ang nararamdaman ko. Alam ko namang
hindi-"
"No, it's really beautiful. Hindi dapat itinatago ang ganitong kagandang mata,
Astrid." pinahid ni Klaus ang mga luhang bumabagsak galing sa mata ko. "Kung hindi
nila matanggap ang kalagayan mo naandito ako. Tanggap kita."
Umiling ako, "Walang tatanggap sakin. Kung nakita mo ang nangyari kanina. Nakabuhay
ako ng patay. Lahat ng tao doon halatang natakot, maging ako man natakot sa sarili
ko."
"Astrid, hindi ka dapat matakot. Dapat maging proud ka

pa dahil may kakayahan kang ganyan. Hindi mo dapat katakutan ang sarili mo. Dapat
niyayakap mo kung anong meron ka." Bakit ganito, pakiramdam ko sinusunod ng katawan
ko at ng isip ko ang mga sinasabi ni Klaus.
Matipid akong ngumiti sa kanya, "Siguro naman tanggap ako ng magulang ko hindi ba?
Imposibleng itakwil nila ako." Tama. Imposible.
Hinawakan ni Klaus ang kamay ko, "Hindi, Astrid. Sa mundong ito ako lang ang
makakatanggap sayo." nagulat ako sa sinabi niya. "Pakinggan mo sila, pakinggan mo
ang pinag uusapan ng mga magulang mo sa labas."
Naandiyan sila Mommy?
Sinamahan ako ni Klaus hanggang sa may pintuan ng kwarto ko. Hindi ko pa man
nabubuksan ang pintuan ay narinig ko na agad ang sigawan nila.
"Nakita niyo na? Ito na nga ba ang sinasabi ko kaya ayokong papasukin si Astrid
dito."
Si Mommy iyon ah. Galit na galit ang boses niya. Ngayon ko lang ata narinig na
ganito ang tono ng pananalita ni Mommy.
"Tama si Hel, kasalanan ko."
Narinig ko ang boses ni Luca. Sinisisi niya ang sarili niya. Hindi naman niya
kasalanan hindi ba? Kaya't bakit kaylangan niyang akuin ang bagay na wala naman
siyang kasalanan?
"Bago ang lahat, I want to see her. I want to see Astrid."
Naramdaman ko ang paggalaw ng doorknob pero mukhang hindi nila iyon naituloy dahil
may kung ano pang tinanong ang isang pamilyar na boses.
"So anong balak mo Hel kapag nagkaharap na kayo ni Astrid?" Si Tita Bellona ito,
nakakasigurado ako.
"I'll get rid of that eye! Kaylangan ulit nating i-seal." sabi ni Mommy. Napatakip
ako sa kaliwang mata ko. Ultimong sila Mommy ayaw sa

kung anong meron sa kaliwang mata ko.


"Pero Hel-"
"Alam niyo naman hindi ba? Kapag tuluyang nagising ang Bodhisattva Eye, may
posibilidad na hindi ito makontrol ni Astrid. She can barely control her own power.
Masyadong malakas ang Bodhisattva Eye para sa kanya. Astrid can't handle such
power!" napaatras ako sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala na maririnig ko ito
galing kay Mommy.
"Isa pa, pwedeng masira ang mundo. Alam niyo 'yan." dagdag pa ni Mommy.
Hindi ko napigilang hindi maluha sa mga narinig ko. Hinawakan ni Klaus ang balikat
ako. "Kita mo na? Ultimong pamilya mo ayaw sa kapangyarihan mo. Para sa kanila
ikakasira lang ng mundo ang kakayahan mo pero para sakin isa itong kakaiba at
magandang kapangyarihan." humarap ako kay Klaus. Nakangiti siya sakin.
"Come, Astrid. We will show to them what's the real power of the Bodhisattva Eye."
inilahad ni Klaus ang kamay niya sakin. Nagdadalawang isip akong hawakan ito. Alam
kong hindi tama pero bakit ganito? Parang hinihila ako ng mga salita niya.
"Come..." Hindi ko na nakontrol ang sarili ko. Ayoko mang sumama sa kanya pero ayaw
makinig ng katawan ko sakin.
Hinawakan ko ang nakalahad niyang kamay at nakita ko ang pagngisi niya. Hinila niya
ako papalapit sa kanya at isang malakas na hangin ang bumalot sa loob ng kwarto ko.
Unti-unti rin akong nawalan ng malay.

Third Person's Point of View


Nang mawala ang malakas na hangin ay agad nilang hinanap si Astrid pero hindi nila
ito nakita. "Astrid!" Kahit anong gawin nilang pagtawag dito ay walang sumasagot.
"Saan naman

kaya pupunta si Astrid?"


Napakuyom ang kamay ni Hunter at agad na lumabas ng kwarto ni Astrid. Hindi man
siya sigurado sa kanyang nararamdaman pero sa tingin niya may kinalaman ang taong
iniisip niya.
"Flynn!" haharap palang sana si Flynn sa kanya nang bigla niya itong sinuntok.
Tumilapon naman si Flynn. "Nasan si Astrid?!" Kumunot ang noo ni Flynn at pinunasan
ang dugo na tumutulo galing sa gilid ng labi niya.
"Ano bang sinasabi mo? Tsaka bakit ka nanununtok?!" tumayo si Flynn at inayos ang
sarili niya.
"Hindi ba't interesado ka sa Bodhisattva Eye? May intensyon kang kunin si Astrid.
Ilabas mo si Astrid-"
"Hindi ko kinidnap si Astrid, okay?! Pwede ko namang pakiusapan siya na buhayin ang
magulang ko ah. Anong saysay ng pagdukot ko?" pinagpagan ni Flynn ang damit na suot
niya at muling tumingin kay Hunter. "Sabi ko naman sayo, hindi lang ako ang
interesado sa kapangyarihan ni Astrid."
"Shit!" napasabunot si Hunter sa buhok niya at muling tumingin kay Flynn.
"Do you want to know where is she? Maybe I can help?" tiningnan siya ng masama si
Flynn.
"Tss, ano namang magagawa ng mga kuryente mo para mahanap si Astrid?" tatalikuran
na sana ni Hunter si Flynn nang muli itong magsalita.
"Baka nakakalimutan mo Hunter, gumagamit ako ng electricity para malaman kung
nasaan ang kahinaan ng kalaban ko o kung nasaan ang target ko kahit nasaan pa sila
basta't kilala ko at namumukhaan ko siya. Pagkatapos 'non tsaka ko siya gagamitin
ng Electricity Manipulation." nakangisi sabi ni Flynn. "Nagbabakasakali ako na
since kilala ko naman si Astrid, maybe I can find her using my electricity pero wag
kang mag alala kung sakali mang mahanap ko siya hindi ko siya kukuryentihin."
dagdag pa nito.
Hindi na nagsalita si Hunter. Nagconcentrate si Flynn at sinubukang hanapin si
Astrid. Huminga ito ng malalim bago imulat ang mga mata. "Nakasilip ako kung nasaan
si Astrid. I saw her. Wala siyang malay pero hindi ko masabi kung saan ang
eksaktong kinaroroonan niya. Madilim ang lugar. Hunter, hindi basta basta ang
kinakalaban niyo dito." Tinalikuran na ni Hunter si Flynn bago ito magsalita.
"Wag kang mag alala. Hindi naman ikaw ang mamamatay kung sakali. Ako naman ang
lalaban dito hindi ba?" matapos niyang sabihin iyon ay naglakad na siya papaalis.

"Ano ba 'yan hindi natin mahanap si Astrid." sabi ni Dalia.


"Baka kung napaano na iyon. Nagmana pa naman sa kagandahan ko ang batang iyon."
kumunot ang noo ni Hel sa narinig niya kay Chloe pero hindi na nagsalita pa.
"Tsk," tumayo si Luca at akmang aalis na nang magsalita si Theo.
"Saan ang punta mo Luca?" tanong nito.
"Hahanapin ko si Astrid."
"Alam mo ba kung paano mo siya hahanapin?" tanong naman ni Kei.
Napakuyom ang kamay ni Luca, "Hindi, pero mas magiging okay ang pakiramdam ko kung
nag eeffort ako sa paghahanap sa kanya kaysa umaasa sa swerte at nakaupo lang
diyan."
Matapos sabihin iyon ni Luca ay lumabas na siya.

=================

Chapter 28: Unconscious

Third Person's Point of View


"Anong nangyari kay Luca?" nagtatakang tanong ni Dalia dahil sa pag alis ni Luca.
"Baka nag aalala lang para kay Astrid." sabi naman ni Kreios.
"Yeah, isa pa malapit sila sa isa't isa hindi ba? Lalo na ngayon na silang dalawa
lagi ang magkasama dito sa MA." sabi naman ni Hel. Wala pa ring emosyon at tila
busy sa paghahanap kay Astrid.
"Sus! Don't play numb, Hel and Kreios. Alam kong nararamdaman niyong may iba na."
sabi naman ni Chloe.
Iminulat ni Hel ang mga mata niya at tumingin kay Chloe. "So what's your point?"
nakakunot noong sabi naman ni Hel.
"Oh well, sa sobrang lapit ni Luca at Astrid hindi pwedeng kahit isa sa kanila ay
walang nararamdaman para sa isa. This may sounds cliché pero, what if Luca loves
Astrid or maybe Astrid likes Luca. Maybe both of them. Imposible naman kasing ang
tagal na nilang magkakilala tapos walang ma-fall sa kanilang dalawa. Maybe for our
eyes, they are just friends but for them they are not. At the end of the day, Luca
is a guy and Astrid is a girl. There's a big chance na mahulog ang loob nila sa
isa't isa." sabi ni Chloe.
"Iniisip mo pa talaga 'yan sa sitwasyon natin ngayon?" seryosong sabi ni Kreios.
"Alam niyo, nakakatakot kayong maging magulang na dalawa. Parehas seryoso, parehas
strict. Minsan lang magjoke. Jusko, normal lang naman na mainlove si Astrid sa edad
niya." sabi naman ni Chloe. "Parang hindi tayo nagdaan diyan." dagdag pa niya.
"No, not with Luca. The age, Chloe!" sabi naman ni Bellona.
"Age doesn't matter guys. Isa pa, natanda ba si Luca? Para sa inyong

mga imortal age is just a number. Walang epekto iyon sa inyo kaya bakit natin
aayawan kung sakali mang may nabuo ng relasyon kay Luca at Astrid." napairap sa
hangin si Hel dahil sa mga sinasabi ni Chloe.
"But I thought that hot guy earlier was Astrid's boyfriend." kumunot ang noo ni
Kreios sa sinabi ni Dalia.
"Walang boyfriend si Astrid." giit nito.
"Over protective father." natatawang sabi ni Bellona.
"Anyways, nahagip na ba ng radar niyo si Astrid?" sabi ni Chloe.
"Hindi. Hindi namin makita si Astrid. Para bang may humaharang sa kakayahan kong
hanapin siya." sabi naman ni Loki.
"Shit! Hindi na ako mapakali. Paano nalang kung may hindi na magandang nangyayari
kay Astrid?!" depress na sabi ni Hel.
"Hindi. Kung sino mang kumuha sa kanya hindi niya sasaktan si Astrid." sabi naman
ni Loki.
"So sobrang lakas nitong kumuha kay Astrid kahit kayo hindi niyo mahagilap ang
kinaroroonan niya?" nagtatakang tanong ni Chloe.
"No. Not really. Masasabi kong hindi siya ganoong kalakas, masyado lang siyang
maraming nalalaman para kontrahin ang kakayahan namin." sabi naman ni Loki.
"Pero sino? Sinong maaring may intensyong gamitin si Astrid?"
Umiling si Hel, "Katulad ng sinabi namin dati. Maraming gustong mapasakanila ang
Bodhisattva Eye. Isa pa, hindi lang naman pangbubuhay ng patay ang kakayahan ng
Bodhisattva Eye. Pwede nga nitong wasakin ang mundo sa isang sabihan lamang."

Pumunta si Luca sa may lake kung saan laging napunta si Astrid. Nagbabakasakali
siya na baka makita niya dito si Astrid. "Shit, wala pa rin dito." napapikit ng
mata si Luca. Ayaw niya kasing maniwala

na dinukot si Astrid. Hinihiling niya na umalis lang si Astrid para magpahangin


pero alam rin niyang imposible iyon.
Aalis na sana doon si Luca nang may gumalaw sa mga halaman na naandon. Napatigil
ito at napatingin doon. Hinintay niyang may lumabas at nang may lumabas nga dito,
isang higanteng ahas.
"White snake demon, huh?" walang emosyong sabi nito. "I don't have enough time to
waste on you." tatalikuran na sana niya ito nang bigla siyang sugurin nito.
Napangisi si Luca at hinayaan lamang ang white snake na iyon. Hindi kumilos si
Luca, hindi rin ito umatake.
Nang maatake niya si Luca ay biglang naglaho si Luca at tila ba naging isang poison
gas ang katawan ni Luca. Nagwala ang white snake dahil sa lason na nalalanghap
nito.
Sa likuran niya ay muling lumitaw si Luca, "I told you, I don't have time to
waste." matapos niyang sabihin iyon ay may isang itim na enerhiyang lumabas mula sa
kamay niya.
Walang ipinapakita si Luca na emosyon, "Alam ko na kung saan ko mahahanap si
Astrid." ngumisi ito at agad na sinugod ang demon na nasa harapan niya. Tinira niya
ang itim na enerhiyang nasa kamay niya sa ulo ng white snake. May tila isang
pintuan papunta sa ibang dimensyon ang lumabas dito. Hindi nagdalawang isip si Luca
at pumasok na agad dito.

"Shit! Saan ko naman kaya makikita si Astrid. Tangina, hindi ko na mapigilang mag
alala!" sinipa ni Hunter ang puno sa harapan niya. Halata rin sa mukha niya ang
pagkairita niya.
Napasabunot si Hunter sa sarili niya. Hindi niya alam kung saan siya magsisimula
para hanapin si Astrid. "Tanginang buhay, minsan na

nga lang may magustuhang babae mawawala pa. Tapos ngayon,wala kang magawa para
makita siya. This is so fucked up!"
Naupo si Hunter sa tabi ng isang puno. Pagod, dahil kanina niya pa hinahanap si
Astrid.
"Nasan ka na ba?" nakatingin ito sa kalangitan. Isinandal ni Hunter ang ulo niya sa
puno at ipinikit ang mga mata. "Sana okay ka lang, hindi ko alam ang gagawin ko
kapag may nangyaring masama sayo."

Tuluyan nang nakapasok si Luca sa loob. Madilim ito, halos wala kang makita. Walang
ibang ginawa si Luca kung hindi ang maglakad nang maglakad. Napatigil lang siya
nang may isang babae siyang nakita sa di kalayuan. Nanlaki ang mata ni Luca. Agad
siyang tumakbo papalapit sa kanya. Alam niya kung sino ito.
"Astrid!"
Matapos niyang isigaw ang pangalan ni Astrid ay bigla siyang nakaramdam ng paglakas
ng hangin. Ipinansalag niya ang magkabilang braso niya. Nang mawala ang hangin ay
nakita niya si Klaus, si Ingrid at ang Principal ng MA.
"Mr. Luca, hindi ko akalaing matatagpuan mo kung nasan kami." napakunot ang noo ni
Luca nang marinig niya ito mula sa Principal ng MA
"Sinasabi na nga ba namin, kalaban ka. Unang pasok palang namin sa MA, iba na ang
pakiramdam ko sayo." naiinis na sabi ni Luca.
"Kaya nga eh, alam ko iyon. Sana pinakinggan mo ang pakiramdam mo. Kung ginawa mo
iyon, wala siguro sa ganitong kalagayan si Astrid." natatawang sabi nito.
"I'll kill you-"
Hindi agad nakakilos si Luca nang may isaboy sa kanya si Klaus. "Opps, wala pa kami
sa mood makipaglaban. Hinihintay pa namin ang tuluyang paggising ng Bodhisattva Eye
at ayokong maistorbo ang mahimbing na tulog ni Astrid." napakunot ng noo si Luca.
Nagtataka kung bakit hindi siya makakilos.
"Nagtataka ka Mr. Omnilock kung bakit hindi ka makakilos? Simple lang, hindi sa
mundong ito ginawa ang bagay na isinaboy ko sayo. Alam mo ba kung anong epekto
niyan? Kahit papaano, matatablahan ka ng kapangyarihan namin sa loob ng dimensyong
ito." nakangiting sabi ni Klaus. "At kaya ka hindi makakilos ay dahil kinokontrol
ni Ingrid ang katawan mo. Ang saya 'no? Isa kang omnilock pero nagawan ko ng paraan
para makontrol ka. Iba talaga kapag may omnipresence ka." Shit! May omnipresence
siya?!
"Ang saya 'no, nakakapunta ako sa iba't ibang mundong gustuhin ko pero at the same
time naandito pa rin ako. You should know that, since you can access such power
too." tumawa si Klaus. "Pero katulad nga ng sinabi ko, hindi pa kami handang
makipaglaban. Malakas ka Luca at alam kong kaya mo kaming patayin sa galit mo dahil
sa ginagawa namin kay Astrid pero sa ngayon, habang may talab pa ang potion mas
malakas kami sayo at habang kaya pa naming manipulahin ang mga bagay ayon sa gusto
ko ngayon, ibabalik muna kita sa mundo niyo. Ipakalat mo ang balita. Sabihin mong,
nakita mo si Astrid." matapos sabihin ni Klaus iyon, may malakas na hangin muli ang
umihip. This time para itaboy si Luca at ibalik sa mundo nila.
Nang makabalik si Luca sa loob ng Mystique Academy ay agad niyang sinuntok ang
lupa. Tumayo ito at agad pumunta kila Hel para sabihin kung sinong may hawak kay
Astrid.
xxx

Okay, nakita na si Astrid pero tulog pa ito. Gising na natin? Hahaha.


Anyways, let the battle begin. Hahaha chos!

=================

Chapter 29: Astrid and Hel

Hel's Point of View


"What? The principal?" sabi ni Chloe.
"Sabi ko na nga ba, hindi maganda ang kutob ko sa principal na 'yan. Wag talaga
siyang papakita sakin, tutunawin ko siya." naiinis na sabi ko. Hindi ako mapakali,
alam kong wala silang ginagawang masama kay Astrid, physically pero ginigising nila
ang Bodhisattva Eye!
"Sinong mga kasama niya?" tanong ni Theo.
"Kung hindi ako nagkakamali, yung director ng school. Minsan na siyang nagpakita
samin at nagpakilala. Klaus ang pangalan." pagpapaliwanag ni Luca.
"Weird, ano naman kayang intensyon niya?" tanong ni Bellona.
Hindi ako nagsalita. Totoo ang sinabi ni Papa, mukha ngang madaming alam ang
lalaking iyon. Maging ang maaring pangkontra kay Luca ay nalaman niya.
"Anong ngang kakayahan ng lalaking iyon?" nagkibit balikat si Luca.
"Hindi ko masabi pero sabi niya may omnipresence siya." Omnipresence? Existing in
all places/worlds at once. No wonder, ang dami niyang alam.
"What's omnipresence?" tanong ni Alvis.
"Ang omnipresence ay isang kakayahang mag exist sa lahat ng lugar, mundo na
gustuhin mo." pagpapaliwanag ni Papa.
"Nakita niyo na si Astrid, Luca?" napatingin kami sa isang lalaking dumating. Kung
hindi ako nagkakamali ay siya yung kinahuhumalingan ni Chloe ngayon. Siya yung
lalaki sa infirmary.
"Hunter baby~!" tiningnan ko nang masama si Chloe.
"Tumahimik ka diyan kung ayaw mong gawin kitang yelo." sabi ko sa kanya. Lumapit pa
samin yung Hunter at umupo sa tabi ni Luca.
"Yeah." napatingin siya kay Luca.
"Nasan?" Ano siya ng anak ko?
"Astrid is currently in another dimension.We

can't access it." napatingin siya sakin nang magsalita ako. Gusto kong malaman kung
sino talaga siya at kung ano siya ng anak ko.
"Now, tell. Who are you to my daughter?" nahalata ko ang pagkagulat niya.
"You mean, ikaw ang mother ni Astrid?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Yes. And you, sino ka sa anak ko?"
Nagkibit balikat siya, "I don't know. Hindi ko masabi kung anong exact relationship
ang meron kami ni Astrid."
Hindi na ako nagtanong pa. Mukhang hindi naman siya ang boyfriend ng anak ko.
Dadaan muna sakin at kay Kreios ang pangahas na manliligaw kay Astrid.
"Anyways, we need a plan. Hindi malakas, by strength ang kakalabanin natin pero
masyado siyang maraming nalalaman kaya naman kaylangan tayong maghanda." sabi ni
Papa.
"Sus, talino lang pala ang kaylangan. Si Hel lang 'yan o kaya Kreios." kumunot ang
noo ko sa sinabi ni Raven. Isa pa 'to eh. Bakit kaya hindi sila magsama ni Chloe,
bagay naman sila.
"Pero sino ba dito ang may omnipresence? Gamitin din natin iyon para matalo yung
Clown-Klaus - kung ano mang pangalan niya." sabi ni Chloe. Sa totoo lang ang daldal
niya.
"No, hindi natin magagamit pang defense ang omnipresence. Luca and I can actually
access omnipresence." sabi ko.
"Shit, this is hard." Tama siya. Hindi rin ako masyadong makapag isip, I can't
think of anything knowing my own daughter can be in danger at this moment. Fuck!
Una si Kreios, ngayon yung anak ko. Tantanan naman nila ang pamilya ko.

Third Person's Point of View


"Oh my dear, Astrid. Hindi ka pa rin ba gigising? Hindi na makapaghintay

ang angkan ko." malapad na nakangiti si Klaus habang pinagmamasdan ang natutulog na
si Astrid. "Wag kang mag alala, paggising mo ibang mundo na ang makikita mo."
"Klaus, anong balak mong gawin kapag nabuhay mo na ang angkan mo? At paano mo
bubuhayin ang angkan mo? Pupunta kang sementeryo?" naiinis na tumingin si Klaus sa
Principal ng MA.
"Bobo! Principal ka pa naman ng MA pero ganyan kang mag isip. Nakalimutan mo na ba.
Bago natin muling itayo ang Mystique Academy ay inilibing ko ulit sila dito mismo
sa kinatitirikan ng MA? Isang sabihan lang ni Astrid na mabuhay lahat ng nakalibing
sa Msytique Academy mabubuhay silang lahat!" tinapik ni Klaus ang balikat ng
Principal.
"Pagkatapos 'non? Malamang naman na makakalaban natin ang pamilya ni Astrid.
Imposibleng hindi sila kumilos para mabawi si Astrid lalo na si Hel at si Kreios."
dagdag pa ng Principal.
"Alam ko, kaya nga pinaghandaan ko na iyan. I already do some research."
nakangising sabi ni Klaus. "We cannot underestimate Hel since siya ang nakapatay
kay Spade. We also can't underestimate that Kreios since nananatili pa rin sa kanya
ang kapangyarihan ni Spade. We can't underestimate Loki since he is intelligent.
Jormungandr and Fenrir are giants, we can't defeat them easily. Tapos syempre may
mga back up sila. Mahihirapan din tayo since omnilock si Luca at vampire naman yung
Hunter. This will be a bloody battle." naiiling na sabi ni Klaus.
Lumapit ito kay Astrid at hinawakan ang pisngi nito. "Pero naisip ko na ang gagawin
ko. Nakapaghanda na ako. Matatalo tayo kung tayo tayo lang ang lalaban. Masyadong
malakas ang kalaban. Kaya
may back up din tayo hindi ba, Astrid?" nakangising sabi ni Klaus.
"Gising na, hinihintay ka na namin."
Ilang minuto pa ay biglang nagmulat ng mata si Astrid.

"Saan naman natin hahanapin kung saan nakalibing ang angkan ng lokong Klaus na
'yon?!" naiinis na sabi ni Raven.
"Tsk, what a pain." sabi naman ni Kei.
Kahit na nagrereklamo sila ay wala pa rin silang nagawa since utos ito ni Hel.
"Hel, naramdaman mo ba talaga na may nakalibing dito?" tanong sa kanya ni Kreios.
Tumango ito, "Banda dito, nararamdaman ko na nakalibing sila sa lugar na ito." sabi
naman ni Hel.
"Wala ba kayong napapansin? Parang dito rin natin huling nakita si Spade. Dito ang
lugar kung saan natalo ni Hel si Spade." Napakuyom ang kamay ni Hel. Hindi maganda
ang kanyang nararamdaman.
Umiling si Hel para mawala ang mga bagay na naiisip niya. "Wag niyo nang isipin pa
si Spade. Matagal na siyang wala. Magsikilos na tayo. Iba na ang nararamdaman ko
dito." sabi ni Hel.
Kumilos na ang lahat. Naghukay na sila sa mga posibleng paglibingan ng bangkay.
"Holy shit!" sigaw ni Raven. "Meron nga!" napatakip ito ng ilong, "Pero mabaho. Ang
bangis ng amoy. Baka mamaya ako naman ang nakalibing dito. Cause of death, amoy ng
bangkay."
Lumapit si Hel sa kanila. Tinulunga silang maghukay para mapabilis ang trabaho.
Lumapit din si Kreios sa kanila. Tutulong na sana ito nang pigilan niya sila Hel at
obserbahang mabuti ang bangkay.
"Bakit, Kreios?"
Napakunot ang noo ni Kreios sa nakita. "Para kasing pamilyar." tila may iniisip si
Kreios.
"Pamilyar ang alin?"
"Yung kwintas.

Parang nakita ko na ito kung saan." malalim na inisip ni Kreios kung saan niya
nakita ang kwintas na nakita niya sa isang bangkay nang bigla niyang maalala.
Nanlaki ang mga mata ni Kreios, hindi siya makapaniwala.
"Kreios? Okay ka lang?" tanong nila Bellona sa kanya.
"Imposible." napahawak si Kreios sa noo niya. Hindi pa rin makapaniwala, ayaw
niyang paniwalaan. "Siya yung founder ng MA." huminga ng malalim si Kreios. "Siya
yung nagmanipula sakin dahilan para mapatay ko ang buong pamilya ko. Siya yung
umampon sakin at-"
"At siya rin yung pinatay mo." pagpapatuloy ni Hel sa dapat ay sasabihin ni Kreios.
"Ibig sabihin ang kumuha kay Astrid ay posibleng ang batang nakatakas nang patayin
mo ang buong angkan nila." hindi man makapaniwala sa mga pangyayari ay sumang ayon
si Kreios dito.
Napatingin si Hunter kay Luca dahil wala itong maintindihan. "Anong pinag uusapan
nila?" tumingin saglit si Luca kay Hunter bago umiling. "Mahabang istorya." sagot
nito.
"Ang dami talagang ginawa ni Spade na dapat tayo ang magbayad." sabi naman ni
Dalia. "Puro gulo ang iniwan niya dito." dagdag pa nito.
"Sino naman si Spade?" tanong ni Hunter.
"Mas mahabang istorya. Kahit sabihin ko sayo, baka hindi mo rin maintindihan." sabi
naman ni Luca.
"Feeling nostalgic, Spade? Masaya bang makita ang angkang pinatay mo ng walang awa
noon?" napalingon ang lahat isang white snake demon ang lumabas mula sa ilalim ng
lupa. Sa tuktok nito ay nakatayo sila Klaus.
"Ikaw ba si Klaus? Nasan ang anak ko?!" Sigaw ni Kreios. "Isa pa, wag mo akong
tawaging Spade. That bastard

died a long time ago." napangisi si Klaus.


"But the fact that you and him is still the same person doesn't change. Kasama ka
niya sa pagpatay sa angkan ko. Kamay mo ang ginamit niya para tapusin ang buhay ng
pamilya ko." naging seryoso ang tono ng pananalita ni Klaus.
"Kung may galit ka sakin, wag mong idamay ang anak ko."
Tumawa si Klaus sa narinig. "Bakit? Tito ko lang naman ang may kasalanan sayo hindi
ba? Bakit pati pamilya ko dinamay mo? Ngayon, sino kaya satin ang nagsimula ng
lahat?" sabi nito.
"Nasan si Astrid?" walang emosyong sabi ni Hel.
"Oh, so you're Hel. The goddess of the dead. Hinahanap niyo si Astrid? Wag kayong
mag alala, mamaya lang makakasama na natin siya." malaki ang ngiti ni Klaus sa
kanyang mga labi.
"Wag mong idamay si Astrid."
"Huli na ang lahat para magmakaawa. Gagamitin ko si Astrid para buhayin ang angkan
ko. Pagkatapos, gagamitin ko siya para sirain ang mundo. Sama sama tayong mapunta
sa hell-"
"Akala mo ba iwe-welcome kita don." nang sabihin iyon ni Hel, ang white snake demon
na tinatayuan nila Klaus ay biglang sumabog.
"Wow, I'm amazed. Iba talaga kapag omnipotence. Tingnan mo lang ang isang bagay
kung gusto mo itong pasabugin magagawa mo." tumungtong sila Klaus sa sanga ng isang
puno.
Ngumisi si Hel, "Mali ata ang napili niyong puntahan. Katulad ng sinabi mo,
omnipotence ako. Isang tingin ko lang kaya kong kontrolin ang lahat ng bagay."
Biglang gumalaw ang sanga ng punong tinatayuan nila Klaus at pinaliputan ito. "Now,
I'll kill you with my own hands."
Lalapitan palang sana ni Hel ang kinaroroonan ni Klaus nang ngumisi si Klaus.
Napatigil si Hel nang may kung anong matilos na bagay ang pumalibot sa leeg niya.
Nagulat ang lahat sa nakita, hindi sila makapaniwala. "Now, sino kayang mamamatay
satin? Masaya kayang mamatay sa kamay ng sarili mong anak?"
Dahan dahang inilingon ni Hel ang ulo niya. Nakita niya si Astrid ganoon narin ang
Bodhisattva Eye sa kaliwang mata nito.
xxx
Hel vs. Astrid nga ba ang labanan dito? Duwag ni Klaus kainis. Hahaha, anyways
masaya akong mabasa ang mga damdamin niyo - opinyon niyo pala. Haha.

=================

Chapter 30: Bodhisattva Eye

Third Person's Point of View


"A-Astrid..." lalapitan sana ni Kreios si Astrid nang mapatigil ito dahil itinutok
ni Astrid ang espadang hawak niya kay Kreios. Samantalang mula sa likod ni Hel ay
nakahawak sa leeg niya ang isang kamay ni Astrid at tila ba sinasakal ito.
"Ano na? Labanan niyo! HAHAHA!" sigaw ni Klaus na tila ba natutuwa sa mga
nangyayari.
"W-What's with Astrid's eye? P-Parang yin yang." tila ba'y natatakot na sabi ni
Chloe.
"That's the Bodhisattva Eye and looks like Astrid is under some spell and that
Klaus is manipulating her." hindi makakilos ang iba. Hindi nila alam ang gagawin.
"Omygod! Astrid, are you trying to kill your own parents?"
"You can't reach her, she's being controlled." sabi ni Loki.
"Now...now. Calm down my dear Astrid. We should revive my clan first before doing
some killing spree. HAHAHA!" sigaw ni Klaus na hanggang ngayon ay nakatali.
"That loser!" tiningnan ni Dalia si Klaus.
"Hoy! Duwag kang hayop ka! Bakit kaya hindi ikaw ang lumaban kila Hel? Bakit
kaylangan mo pang gamitin si Astrid? Ano takot ka 'no? Alam mo kasing talo ka!
Leche!" sigaw ni Chloe.
"Edi duwag. Atleast, nasa akin pa rin ang huling halakhak." ngumiti si Klaus.
"Ingrid! Anong ginagawa mo diyan, tulungan mo kami dito." utos nito. Agad namang
kumilos si Ingrid na nasa likuran lamang ni Astrid. Maglalakad na sana ito
papalapit kay Klaus ng harangan siya ni Hunter.
"Where do you think you're going, Miss?" namula si Ingrid nang marinig niya ang
boses ni Hunter. "Can I taste your blood first? It smells so good." nakangising

sabi ni Hunter at ipinakita ang kanyang pangil.


Ingrid gasped in surprise. Sa hindi malamang dahilan ay tumango ito. Kumunot ang
noo ni Klaus sa nakita. "Oh, bitch! Mamaya na ang landi!" sigaw nito pero tila na-
hypnotized si Ingrid at nakatingin lamang kay Hunter.
Lumapit si Hunter sa leeg ni Ingrid at pumikat naman si Ingrid. Lalo namang namula
ang mukha nito. Tumingin muna si Hunter kay Astrid. Walang emosyong nakatingin sa
kanila si Astrid.
"Agh!" tila humigpit ang paghawak ni Astrid sa leeg ni Hel kaya tila kinakapos na
si Hel sa paghinga nito.
"Fuck! Ano nang gagawin natin. Ayokong saktan si Astrid pero kapag wala tayong
ginawa-"
"No, wait parang nagrereact si Astrid sa kung saan." sabi ni Theo. Sinundan nila
kung saan nakatingin si Astrid. Nakita nila ang kinaroroonan nila Hunter at Ingrid.
"Ahhh!" nabitawan ni Astrid ang espadang hawak niya at ang leeg ni Hel. Napakapit
ito sa ulo niya at nagsisigaw.
"Hel okay ka lang?" agad nilapitan ni Kreios si Hel. Tumango si Hel at tiningnan si
Astrid. Lalapitan pa sana niya ito nang lumayo mismo si Astrid sa kanya.
"No..." nakatakip ngayon ang dalawang kamay ni Astrid sa mukha niya at umiinda ng
matinding sakit.
"Is she fighting with the spell?" takang tanong ni Alvis.
"No, she's fighting with herself. She's fighting with the Bodhisattva Eye." sabi ni
Loki.
Tiningnan ni Astrid si Hunter at si Ingrid, tila nasa katinuan na ulit. Nagulat ang
lahat nang makita nila ito. Lalapit na sana sila nang muling sumigaw si Astrid.
Ngumisi si Hunter, "Sorry, I can't drink your blood. Someone is jealous." umayos

ng tayo si Hunter. "Isa pa, I can't really drink your blood. It's disgusting."
tumingin si Hunter kay Luca, "Luca, anong gagawin natin dito. Hindi ako pumapatol
sa babae." nanginig ang katawan ni Ingrid. Hindi kasi siya makaalis dahil
hinaharangan siya ni Hunter.
Lumapit si Luca sa kanila, "Hindi ka napatol sa babae?"
"Yeah, nagkapuso ako eh."
"That's not a big deal. Chloe, gusto mong may gawin?" nakatingin si Luca kay Chloe
at nakaturo naman kay Ingrid.
Napangiti naman si Chloe at tinawag sila Bellona at Dalia, "Let us handle that
bitch." sabi ni Chloe. Umalis na doon sila Hunter at Luca at patungo na sa
kinaroroonan ni Klaus na hanggang ngayon ay hindi makaalis sa may puno.
"Fuck that bitch, inuna kasi ang landi. Ayan, bahala kang mamatay." bulong ni
Klaus.
"Astrid, are you okay-" lalapitan sana ni Hel si Astrid nang itulak ito ni Astrid.
Mabilis hinawakan ni Astrid ang nabitawan niyang espada at agad na itinutok kila
Hel.
Kinagat ni Hel ang ibabang bahagi ng labi niya at huminga ng malalim bago umiwas ng
tingin.
"Hel, okay ka lang?" iwas na tumango si Hel. Pinipigilan niya ang nararamdaman
niya. Hindi niya makayang nakikita niyang nagkakaganito ang anak.
"Astrid, wake up!" sigaw nila Theo. Sinusubukan pa ring i-approach si Astrid pero
tila ba walang naririnig si Astrid.
"Astrid!" sigaw ni Klaus. Napatingin si Astrid doon at nang makita niyang malapit
na sila Hunter kay Klaus ay mabilis itong tumakbo papalapit doon, tila ba'y
nagteleport ito. Humarang siya sa daraanan nila Hunter. Napatigil naman sila Luca
sa paglalakad.
"Haha,

sorry. Isang tawag ko lang sa pangalan ni Astrid at ipagtatanggol niya na ako.


Sakin lang siya nakikinig." nakangising sabi ni Klaus. "Kung mahal niyo talaga si
Astrid, hahayaan niyong patayin niya kayo." sinugod ni Astrid sila Hunter. Agad
namang umiwas ang dalawa.
"Shit, paano natin kakalabanin si Astrid?" nag aalalang sabi ni Luca habang umiiwas
sa bawat tira ni Astrid sa kanila.
"Hmm, exciting." sabi ni Hunter habang nakangisi at iniilagan lahat ng atake ni
Astrid sa kanya.
"Anong exciting?! Teka bakit nga ba ako umiilag eh hindi naman ako masusugatan
niyan-Shit!" napakapit si Luca sa braso niya ng tamaan siya ng espada ni Astrid.
"How?" Alam niya kasi na hindi siya basta basta masusugatan ng kung anong gamit
lang.
"Nagtataka ka? A very good friend of mine I met in the other world says that this
sword is made of something that is existing outside of everything. Kaya nitong
sugatan ang isang taong may omnilock. Astig 'no?" nakangising sabi ni Klaus. Sunod
namang sinugod ni Astrid si Hunter, dahil sa nawalan ito ng konsentrasyon ay
nasugatan din ito ni Astrid.
"Damn you, Astrid. Kapag nagkamalay ka paparusahan kita. Iinumin ko ang dugo mo,
non stop!" sabi ni Hunter habang nakahawak sa tagiliran niya.
"Astrid, tama na muna iyan. Pakawalan mo na kami dito at may gagawin pa tayo. Inip
na inip na ang angkan ko." ginawa ni Astrid ang sinabi ni Klaus. Nakawala si Klaus
at ang principal. "Bakit ba kita isinama dito? Wala ka namang kwenta." sabi nito sa
Principal.
Tumingin si Klaus kay Astrid, "Hand me the sword. We will begin the ritual." nang
marinig iyon nila Hel ay agad silang tumakbo papalapit doon pero hindi sila
hinayaan ni Klaus. Lumakas na naman ang hangin na tila ba'y nagtataboy sa kanilang
lahat.
"Fuck you! Kanina ka pa." sigaw naman ni Raven.
Pumunta si Astrid sa harapan nila Klaus at ipinikit ang mga mata. Ngumisi si Klaus.
Nagbigkas siya ng kung ano anong salitang naayon sa ritwal. May isang bilog na
pumalibot sa kanila na may nakasulat na iba't ibang characters. Napaiwas sila Hel.
Gusto man nilang pigilan ang ginagawa ni Klaus pero huli na ang lahat, hindi sila
hinahayaang makapasok ng spell na nagmumula sa ritwal na ginagawa nila Klaus.
"Revive the dead that are buried in Mystique Academy..."
Sa huling sinabi ni Klaus ay umangat sa ere si Astrid. Nakapikit ang mga mata nito.
"Say it, Astrid!" sabi ni Klaus, malawak ang ngiti sa kanyang mga labi.
"Revive the dead that are buried in Mystique Academy" matapos sabihin ni Astrid ang
mga salitang iyon ay iminulat na niya ang kanyang mga mata. Isang liwanag ang
lumabas sa kaliwang mata nito. Maya maya pa'y sumigaw ng malakas si Astrid,
sumisigaw sa sakit.
Dahan dahang yumayanig ang lupa, may mga katawan ng patay na bumabangon mula dito.
Nagsimulang tumawa ng malakas si Klaus nang makita niya ang dahan dahang pagbangon
ng angkan niya.
Wala kang ibang maririnig kundi ang pagtawa ni Klaus at ang sigaw ni Astrid at
hindi na rin napigilan ni Hel ang luhang kanina niya pa pinipigilan.

=================

Chapter 31: The Curse of her Left Eye

"Astrid!" tatakbo sana si Hel kung nasan si Astrid pero pinigilan siya ni Loki.
"Hel, kapag umapak ka diyan alam mo ang mangyayari sayo. Kahit isa kang goddess of
dead masusunog ka." sabi ni Loki.
Napatakip ito ng mukha, hindi alam ang gagawin. Rinig na rinig mo pa rin ang
pagsigaw dahil sa sakit na nararamdaman ni Astrid.
"Kreios, si Astrid..." napakuyom ng kamay si Kreios at niyakap si Hel ng mahigpit.
Alam niya sa mga oras na ito wala silang kayang gawin.
Nang mawala ang ilaw sa kaliwang mata nito ay agad bumagsak si Astrid sa lupa at
nawalan ng malay. Agad rin namang lumapit si Hel sa kanya. "Astrid...please, wake
up." lumapit na rin sila Kreios. Iminulat ni Astrid ang mga mata niya.
"Mommy...Daddy..." tumulo ang luha ni Astrid. "I'm sorry." napailing sila Hel at
pinunasan naman ni Kreios ang luha ni Astrid.
"No, wala kang ginawang masama, okay?" nakangiting sabi ni Kreios kahit na
dinudurog na ng kalagayan ng anak ang puso niya.
"Wait, hindi pa ako tapos kay Astrid, gagamitin ko pa siya." ngumisi ulit si Klaus,
"Lalo na't buhay na ulit ang angkan ko." pinapalibutan na sila ngayon ng mga angkan
ni Klaus pero hindi sila mukhang tao.
"Astrid...come" tila nawala ulit si Astrid sa sarili nang banggitin ni Klaus ang
pangalan niya. Mabilis na kumilos si Astrid at umalis sa tabi nila Hel. Ibinigay
ulit ni Klaus ang espada kay Astrid.
"Kill them, pero magtira ka para samin. Hahahaha!" natutuwang sabi ni Klaus. "My
clan, it's time for revenge!" umayos na ng tayo sila Hel.
"Hindi kita patatawarin sa ginawa mo kay Astrid." seryosong sabi nito.

Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay muling naging pula ang mata ni Hel.


Pinapalibutan din siya ng malakas na na enerhiya. "Sige nga Hel, try natin ang
lakas mo...sa anak mo." ngumisi si Klaus.
Sumugod naman ang angkan ni Klaus ng bigla nalang silang isa isang tumalsik at tila
ba nasusunog. Nagulat ang lahat, hindi nila alam kung paano iyon nangyari.
"Tsk, hindi niyo man lang ako isinama. Seriously, am I part of this family?"
"Haze!"
"Hoy! Kakabuhay ko pa lang sa anagkan ko pinatay mo na agad! How dare you-"
"Ang how dare you to use my sister as your puppet!" napakunot ang noo ni Klaus
dahil sa ginawa ni Haze.
"Hoy Principal, patayin mo yang lalaking 'yan. Nag iinit ang ulo ko." sabi ni Klaus
bago lumapit kay Astrid. "My dear lovely Astrid, sila ang gusto kong patayin mo."
at itinuro si Luca at Hunter, "Then, sila" itinuro naman niya si Hel at Kreios.
"Go!"
Sinunod ni Astrid ang sinabi sa kanya ni Klaus at agad sinugod sila Luca. Walang
ibang ginawa sila Luca kung hindi ang umilag sa mga atake ni Astrid.
"Astrid, gumising ka nga. Hahalikan kita diyan" sabi ni Hunter. Tiningnan naman
siya ng masama ni Luca nang bigla siyang mahagip ni Astrid.
"Ah!" napahawak ni Luca sa may paanan niya nang mapuruhan siya ni Astrid.
"Luca!" sigaw nila Bellona.
"Umalis ka diyan Luca or else mapapatay ka ni Astrid!"
"Fuck Luca, umalis ka na diyan. Alam mo namang napupuruhan ka ng espadang hawak ni
Astrid!"
Napatingin si Luca kay Astrid, malapit na tong makakalapit sa kanya. Huminga ng
malalim si Luca bago tumayo. He smile at her and opens

his arms like he's waiting for Astrid.


Bago ipinikit ni Luca ang kanyang mga mata nakita niyang ang pagtulo ng luha sa mga
mata ni Astrid kahit na minamanipula pa rin ito. Ipinikit ni Luca ang mga mata niya
bago ngumiti nang tumama sa kanya ang espadang hawak ni Astrid.
"Fuck, Luca!"
Masakit man ay hindi ininda ni Luca ito at niyakap lang si Astrid, lalong bumaon
ang espada sa may tiyan niya. "Please, come back. Come back to us." nang sabihin
iyon ni Luca ay hinalikan niya sa noo si Astrid agad nagising si Astrid at bumalik
sa ulirat nito.
"L-Luca..." nakita ni Astrid ang pagngiti ni Luca bago ito mapahiga sa lupa. Tumulo
ang luha ni Astrid nang makita niya ang kalagayan ni Luca.
Napaluhod ito, "L-Luca, no I'm sorry." sabi ni Astrid habang patuloy sa pag iyak.
Ngumiti si Luca at pinahid ang mga luha ni Astrid. "You're not at fault, Astrid.
Please don't cry. I don't want to see you cry." sabi ni Luca.
Umiling si Astrid, "Let me heal you-"
Pinigilan ni Luca si Astrid, "No. Kapag ginawa mo iyan hahayaan mo lang ulit na
makontrol ka ni Klaus at sasakit na naman ang kaliwang mata mo. Hayaan mo nalang
ako." mahigpit na hinawakan ni Astrid ang kamay ni Luca at walang ibang nagawa
kundi ang umiyak.
"Astrid, I want you to know...." ipinikit ni Luca ang mata niya bago ngumiti. "I
love you." iminulat ni Astrid ang mata niya sa gulat. Hindi siya nakapagsalita,
hindi niya alam ang sasabihin. May part sa kanya na masaya pero may part din sa
kanya na hindi niya alam kung malulungkot ba sa sinabi ni Luca.
Lumapit ang iba sa kanila kay Luca. Lumuhod si Dalia, "Let me

heal him." nakangiti nitong sabi kay Astrid. Umusod ng kaunti si Astrid at hinayaan
si Dalia ngunit walang nangyari. "How? Bakit ayaw?" umiling si Luca at muling
ngumiti ito.
"It's not an ordinary wound, Dalia. A weapon or power inside this world can't wound
me, right and since your power is existing in this world, it's not an exception.
You can't heal me." sabi ni Luca.
Lumapit si Hunter sa kanila. "Oy, ngayong nagdeklara ka na ng nararamdaman mo para
kay Astrid hindi ka naman pwedeng basta nalang mamatay. I won't accept your defeat
without you even trying to win. Tumayo ka diyan, alam ko namang hindi ka pa
mamamatay."
Napangiti si Luca. Bago tumayo. "Okay then, ngayon laban naman natin para kay
Astrid?" ngumisi si Hunter. Napatayo rin si Astrid.
"Ano bang sinasabi niyong dalawa. Luca, wag ka munang kumilos." sabi ni Astrid.
Hinila ni Hunter si Luca.
"Tatapusin na namin 'to dito, kayo na muna bahala sa Klaus na iyon." umalis na si
Hunter kasama si Luca.
Nang hindi na nila napigilan si Luca at Hunter ay wala nang nagawa si Astrid kung
hindi ang lumapit kila Hel. "Mommy, Daddy, Kuya..." matipid silang ngumiti bago
yakapin si Astrid. Wala namang tigil sa pag iyak si Astrid.
"Hush now, stop crying Astrid" sabi ni Hel. Tumayo si Haze, sa isang tirahan lang
kanina ay natunaw ang Principal ng MA. Tumingin ito kay Klaus. Nakakunot ang noo ni
Klaus.
"A-Anong tinitingin tingin mo?!"
"You..." nakatungo si Haze at nakakuyom ang kamay. "You messed with the wrong
family.." tiningnan ni Haze si Klaus at akmang susugod na nang pigilan siya ni
Kreios.
"Don't

do it alone, Haze. Let's do it together. Ipaalam natin sa kanya kung anong


nangyayari kapag inargabyado niya ang isang miyembro ng pamilya natin." napangisi
si Haze at tumango sa sinabi ni Kreios. Pareho nilang sinugod si Klaus.
Gamit ni Haze ang Destruction Embodiment at si Kreios naman ay Fire. Kahit kayang
kaya nilang tapusin si Klaus sa isang tirahan ay mas pinili nitong pahirapan siya.
Halos mahati ang katawan ni Klaus sa ginawang atake sa kanya ng mag ama.
"You're a piece of trash. You're disgusting!" sabi ni Haze.
Babalik na sana sila kung nasaan sila Hel nang magsalita pa si Klaus. "Akala niyo
ba dahil nakaya niyo akong patayin ay matatapos na ang lahat?" sumuka ng dugo si
Klaus pero nagawa pa rin nitong ngumisi. "Nagkakamali kayo." lumawak ang pagngisi
nito.
"Anong ibig mong sabihin?" naiinis na sabi ni Kreios.
"Exactly what I say. Alam kong alam mo ang ibig kong sabihin, god of mischief,
Loki." napatingin ang lahat kay Loki.
"Papa anong ibig niyang sabihin?" napaiwas ng tingin si Loki at hindi nagsalita.
Ayaw niyang sabihin ang nalalaman niya dahil alam niya madami siyang masasaktan.
"Can't say it?" tumawa si Klaus. "Hindi matatapos ang delubyong ito hangga't
nabubuhay ang Bodhisattva Eye." napatigil ang lahat. "Hangga't buhay si Astrid,
hindi pa tapos ang lahat. Ang tanging sagot lamang para matapos ito ay..." ngumisi
si Klaus.

"Ang patayin si Astrid."


xxx
Epilogue will be posted tomorrow.
Sinong magpapatunay ng forever? Si Hunter o si Luca?
Actually guys hindi talaga si Klaus ang kalaban dito. Ang Bodhisattva Eye talaga.
Let's say Klaus is just an instrument to awake the Bodhisattva Eye. Yung kaliwang
mata talaga ni Astrid ang totoong kalaban. Nagagawa niyang selfish ang ibang tao.
Haha choos.
Anyway, masaya akong mabasa ang mga comments niyo :)

=================

Epilogue

Matagal ko ring pinag isipan ang ending na ito, tatanggapin ko lahat ng pwedeng
sabihin niyo pagkatapos niyong basahin ito.
Please play the video in the multimedia. Pinaghirapan kong i-upload yan sa youtube.
xxx
Third Person's Point of View
"Ang patayin si Astrid."
Natigilan ang lahat. Tumawa ng malakas si Klaus. "Masaya akong masaksihan ang
lahat. Masaya akong makitang magdusa kayo habang pinapanood mamatay si Astrid.
She's the sacrifice. This is the curse of the Bodhisattva Eye!" lalong lumakas ang
pagtawa ni Klaus.
"Nonsense." tumayo si Hel at nakatungong lumapit kay Klaus. "Masyado ka nang
maraming nasabi. Ayoko nang makita ang pagmumukha mo." natigil sa pagtawa si Klaus
nang makita niya ang blangkong ekspresyon sa mukha ni Hel.
"Hellhound." agad lumitaw si Hellhound, nagulat man si Astrid ay hindi na siya
nagsalita pa.
"Yes, Mistress?"
"Bring him to the Netherworld. And let the demons eat him." matapos niyang sabihin
iyon ay tinalikuran na niya si Klaus. Walang ibang marinig kung hindi ang pagsigaw
nito hanggang sa tuluyan na siyang mawala kasama ni Hellhound.
Napatingin si Hel at ang iba pa ng sumigaw ng malakas si Astrid. Nakahawak ito sa
kaliwang mata niya. Agad naman silang lumapit dito. "Astrid, bakit? Tell me, anong
nagyayari sayo?" nag aalalang sabi ni Hel.
Nagulat ang lahat nang may dugo silang nakita galing sa kaliwang mata ni Astrid.
"No, nag uumpisa na." sabi ni Loki. Napatingin si Hel kay Loki at nilapitan ito.
"Papa, sabihin mong hindi totoo ang lahat.

Sabihin mong hindi totoo ang sinabi ng lalaking iyon. Hindi naman kaylangang
mamatay ni Astrid hindi ba? Hindi ba?!" napapikit si Loki at umiwas ng tingin.
Nanlumo si Hel. Alam niya ang ibig sabihin ni Loki doon.
Lumapit siya kay Astrid at pilit na pinapakalma pero wala siyang magawa. Hindi niya
mapigilan ang pagdaing ni Astrid sa sakit ng kaliwang mata nito.
Napalayo sila ng may isang liwanag ang bumalot kay Astrid. "Astrid!" sigaw ni Hel.
Pilit siyang pinapakalma ni Kreios kahit alam ni Kreios na imposible.

"Astrid!" napatigil sila Luca at Hunter sa pag uusap nila nang marinig nila ang
pagsigaw ni Hel.
"Wala akong balak labanan ka sa ganyang kalagayan mo. Unfair naman hindi ba?" sabi
ni Hunter. Napangisi si Luca.
"Mabait ka rin pala." natatawang sabi nito.
"Well, Astrid taught me how to use my heart properly. Mas masaya pala kung kahit
papaano may gusto kang protektahang tao kahit isa lang." sabi ni Hunter.
"No, Astrid! Don't die!" this time sa pagsigaw na iyon ni Hel ay hindi na
nagdalawang isip sila Hunter na tumakbo papunta kung nasan sila Astrid. Naabutan ni
Hunter na nagdudusa si Astrid dahil sa kaliwang mata niya habang sila Hel ay walang
magawa kundi ang isigaw ang pangalan ni Astrid at ang umiyak.
"Anong nangyayari?" tanong ni Hunter kay Theo.
"Dahil sa tuluyang paggising ng Bodhisattva Eye, mas nangingibabaw ang kasamaan sa
mundo. Magtutuloy tuloy ang delubyo hangga't hindi namamatay si Astrid. Astrid
needs to sacrifice herself in order to save the world." sabi nito.
"Wala ba tayong pwedeng magawa?" tanong ni Luca.
Umiling si Theo,

"At this very moment wala. Bodhisattva Eye can be a sign of salvation or the cause
of destruction and since nagamit na ito sa masama, it will destroy the world. It
will cause chaos."
Lumapit sa kanila si Loki, "And there's no way we can defeat the Bodhisattva Eye.
Killing it or getting rid of it means ending Astrid's life. Hindi natin pwedeng
tanggalin ang kaliwang mata ni Astrid since ikamamatay rin ito ni Astrid. Kapag
nawala ang Bodhisattva Eye kay Astrid, mamamatay ito. Iba ang kaso ni Astrid sa
kaso ni Spade at Kreios. Wala na ring magagawa ang seal, it will be useless." sabi
nito.

"Astrid..."
"Sino ka?" hindi pa rin tumitigil sa pagtulo ng dugo ang kaliwang mata ni Astrid.
"I am you, the Bodhisattva Eye in your left eye." tumigil ito saglit. Habang
nakatakitp sa kaliwang mata ay tumingin si Astrid dito. Isang maliit na bilog na
liwanag lamang ang nakita niya. "In order to save the world you need to sacrifice
yourself but you have options. The first option is you will be the sacrifice and
the second is the world will be destroyed but you still can live. Now, choose. You
don't have any other options. Even the gods can't stop me from destroying the
world. Ikaw lang ang makakapagsabi sakin kung anong dapat kong gawin. The decision
is for you to make. Your death equals the world salvation or your salvation, I'll
take the whole world and destroy everything."
Natahimik si Astrid, hindi niya alam ang isasagot.
"Think about it Astrid, can you sacrifice yourself in order to save this world and
the other remaining 8

worlds or will you let others sacrifice for you. Your friends, your family, the
person you love and those people who surrounds you together with the nine worlds.
They will be the sacrifice in your stead if you choose to live."
Napatingin si Astrid kay Hel na walang magawa kundi ang umiyak.
"Astrid, no! Please!"
Naluha si Astrid, ngayon niya lang makitang hugulgol si Hel. Humarap siyang muli sa
nagpakilalang Bodhisattva Eye sa harapan niya bago sumagot.
"My death. I will choose my death to save the world so please, don't harm my
family."
Matapos sabihin iyon ni Astrid ay lalo niyang ininda ang kaliwang mata niya. Mas
sumobra kasi ang sakit nito.
"I will choose my death. I will die alone. Natatakot ako, natatakot akong mag isa
pero ayokong madamay sila. Ayokong may ibang madamay-"
"A-Astrid!" tumigin ito dito nakita niya si Hunter na nahihirapang lumapit sa
kanya. Inilahad ni Hunter ang kamay niya "T-Take my hand." umiling si Astrid.
"No! Kapag ginawa ko iyon, mamamatay ka rin-"
"That's my point! I won't let you die alone. Take my hand o gusto mo ipagpalit kita
sa iba!" hindi pa rin hinawakan ni Astrid ang kamay ni Hunter.
"No, I want you to stay alive. I want you to live. Hunter, just go-"
"Stupid! Do you think I can live without you here? My life will be meaningless
again. You taught me so many things about life. My life will not be the same if
you're not around. If you die, I will die with you. Let's die together!" hindi
napigilan ni Astrid ang mga luha niya. Ngumiti ito kay Hunter at hinawakan ang
kamay niya.
Nang tuluyan nang makalapit si Hunter kay Astrid ay niyakap niya ito ng mahigpit.
"I won't let you die and suffer alone, Astrid." ngumiti ito kay Astrid at ngumiti
rin naman si Astrid sa kanya. Ang takot na nararamdaman niya kanina ay dahan dahang
nawala.
Tumingin siya kila Hel. Nagulat si Hel nang ngumiti si Astrid sa kanila, Isang
matamis na ngiti bago sila tuluyang maglaho ni Hunter.
Bumagsak si Hel sa lupa, walang tigil ang pag agos ng luha niya. Hindi niya
akalaing ganoon nalang kabilis mawawala si Astrid.
Hindi nakapagsalita si Luca, hindi niya namalayan na bumagsak na din pala ang
kanyang mga luha. Wala kang ibang maririnig kundi ang paghikbi at ang mga pag iyak
nila.
"Please, don't forget me."
Iyon ang huling salitang narinig nila kay Astrid. Niyakap ng mahigpit ni Kreios si
Hel na walang ibang ginawa kundi ang umiyak.

"Death is not the end of everything. Sometimes, death is the beginning of


something, especially for those people who you left behind. Every beginning has an
ending and every ending has a new beginning. Every story doesn't have a happy
ending but can also be tragic." - Author
xxx
Book 3: Mystique Academy 3: Cursed Academy

=================

Please Read.

You might also like