You are on page 1of 1

SISYPHUS

Araw-araw na akong gumigising,


Na parang ang buhay ko ay walang ningning!
Inihahanda ko na ang aking libing,
halos may taning na ang oras dahil di na kita kapiling.

Talambuhay na tulad ng perya?


Mga bagay na di tumitigil na walang aberya?
Pangyayaring nagiging alegorya?
Kamatayang kapalit lamang ay barya.

Siguro’y tadhana ko ay sadyang malas,


sa kabila ng lahat ng aking ipinamalas!
Kalungkutang kong lumalagaslas,
hindi ko na maalala dahil ang sakit ay lumipas.

Heto na naman tayo’t lumalaban,


pilit na ikinikintal sa puso’t isipan!
Hindi na kayang takpan ng mga kundiman,
palibhasa’y sa kathang-isip ay handa ng lumisan.

You might also like