You are on page 1of 2

FILIPINO 8 – Week 7

Pangalan: _____________________________ Petsa: ________________________ Iskor: ________

GAWAIN 1
Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Lagyan ng mukhang nakangiti  kung ito’y
nagpapahayag ng pagsang-ayon o mukhang malungkot  kung pagsalungat.

1. Lubos akong nananalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito sa mundo.
2. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda ang buhay
ngayon kaysa noon.
3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa mundo.
4. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay. Huwag natin
silang tularan.
5. Maling-mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan ang pahayag na iyan.
6. Kaisa ako ng lahat sa mga pagbabagong nais nilang mangyari sa mundo.
7. Hindi ko matatanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan sa ating
pag-uugali at kultura.
8. Maling-mali talaga ang mga pagbabago kung ito’y hindi makabubuti sa lahat.
9. Ganoon din ang nais kong sabihin sa kanyang tinuran.
10. Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito sa tamang paraan.

Gawain 2
Panuto: Ibigay ang iyong sariling opinion sa mga pahayag na makilala sa ibaba. Gumamit
ng mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa iyong pagsagot.

Ang mabuhay sa daigdig ay batbat ng pakikipagsapalaran. Bawat pangyayaring

nagaganap ay may kakambal: tagumpay sa kabiguan; halakhak sa luha; luwalhati sa
pagtitiis; ginhawa sa pagpapagod, at marami pang iba. Ang lahat ng iyan ay bahagi ng
pagiging nilalang. Sapagkat batas ng kaklikasan sa daigdig na kung may araw ay may
gabi, kung may lupa ay may langit, kung may dagat ay may bundok at kaparangan.

Bahagi ng akdang “Talinghaga ng Buhay” ni Amado A. Rayos

Ang aking opinion:

__________________________________________________________________________________________

_________________________________.
Ang tao ay dapat maging bathala o panginoon ng kanyang sarili dahil sa kanyang
mga katangiang ibiniyaya ng Diyos. Ang mga katangiang ito ay matitibay at malalakas na
kalasag upang mangibabaw ang kanyang pagkabathala o pagkapanginoon sa ano pa
mang kalagayan at sa ano pa mang tuksong susubok sa kanyang pagkatao.

Bahagi ng Akdang “Ang Tao sa Kanyang Sarili” ni Alejandro Perez

Ang Aking opinyon:

__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________
_______________________________________.

You might also like