You are on page 1of 3

Ikalawang Buwanang Pagsusulit

Filipino10
Pangalan:____________________________________ Petsa:______________
Pangkat:_____________________________________ Marka:_____________

I. Pang-unawa sa binasa: Basahin at unawain ang teksto. Bilugan ang titik ng wastong sagot.

Magagandang tanawin, sariwang hangin, malinis na katubigan at mga halaman at punong


kahoy na walang sawang nagkakaloob ng pagkain. Mga bagay na bumubuo sa kapaligiran. Patuloy na
lumalala ang suliraning pangkapaligiran dahil sa epekto ng iba’t ibang polusyong tao rin ang siyang
lumikha. Hindi lamang kalikasan ang naapektuhan nito kundi pati kalusugan ng tao. Nakasasama sa
katawan ang iba’t ibang kemikal na humahalo sa hangin. Nasisira na din ang komposisyon ng lupa sa di
tamang paggamit ng pestisidyo at pataba sa pananim. Pagbaha at pagguho naman ng lupa ang sanhi ng
pagkapanot ng kagubatan.
Ang redtide sa karagatan ay pabalik-balik lamang. Paano nga’y patuloy ang tao sa paglikha sa
iba’t ibang nakakasama sa katubigan. Maruming langis galing sa barko, sa mga pabrika, paggamit ng
dinamita at pagtatapon ng basura sa mga ilog at dagat. Mayroon namang programa at batas na
ipinatutupad tungkol dito. Subalit may nakakalusot pa rin. Sayang naman ang ginugol ng pamahalaan
para dito.
Oo nga’t kailangang kailangang mapaunlad ang pamumuhay at ekonomiya ng bansa ngunit
huwag naman sanang isakripisyo ang kalikasan sapagkat sa sandaling ito ay malusaw kasamang
maglalaho ang lahat ng buhay sa mundo. Magkapit bisig tayo sa pangangalaga sa kalikasan. Ngayon na!
Tandaan, malaki ang ating magagawa kung tayo ay sama-samang magtutulungan.

1. Kapalit ang kaunlarang tinatamasa ng tao ang unti-unting pagkalusaw ng kalikasan. Ang
kasingkahulugan ng salitang aytalisado ay:
a. nasaksihan b. natatamo c. nagagampanan d. nadarama
2. Unti-unting nalulusaw ang klikasan. Ang kalikasan ay:
a. sumusuko b. lumilitaw c. Umaalis d. nawawala
3. Ang pestisidyo ay kemikal na gamit sa :
a. Insekto b. lupa c. hayop d. damo
4. Itinatapon sa katubigan ang latak na kemikal na nanggagaling sa mga pabrika. Ang
kasingkahulugan ng salitang aytalisado ay:
a. dagta b. kalat c. Tira d. dumi
5. Patuloy na lumalala ang suliraning pangkapaligiran dahil sa polusyon na tao rin ang siyang
lumikha. Ang pahayag ay nangangahulugang:
a. Nakasasama sa katawan ang iba’t ibang kemikal na humahalo sa hangin at nalalanghap.
b. Tao ang maaapekthan ng lumalalang polusyon.
c. Suliranin din ng tao paglala ng polusyon sa kapaligiran.
d. Epekto ng polusyon ang suliraning pangkapaligiran ng tao.
6. Ang tekstong binasa ay nasa anyong:
a. nagsasalaysay b. pangangatwiran c. paglalarawan d. paglalahad
7. Ang pahayag na naglalahad ng pangangatwiran ay:
a. Nakasasama sa kapaligiran ang iba’t ibang kemikal na nalalanghap.
b. Hindi ba’t kay laki ng ating dapat na ipagpasalamat.
c. Oo nga’t kailangang-kailangang mapaunlad ang bansa ngunit huwag namang isakripisyo ang
kalikasan.
d. Mayroon namang programa at batas na ipinatutupad ukol dito.
8. Mahihinuha sa mga katwirang inilahad ng may akda ang sarili niyang:
a. haka-haka b. paninindigan c. kaalaman d. Pagkatao

9. Ang damdaming naghahari sa kabuuan ng teksto ay masasabing:


a. panghihinayang b. pagsisisi c. pagkatakot d. pag-aalinlangan
10. Ayon sa binasa, layunin ng teksto na:

2
a. Matutong magpahalaga ang tao sa kalikasan.
b. Ilahad ang epekto ng polusyon.
c.Isiwalat ang pagwawalang bahala sa polusyon.
d. Matukoy ang pananagutan ng tao sa kanyang kapaligiran.
11. Ang ikalawang pangungusap sa ikalawang talata ay nagsasaad ng:
a. sanhi b. solusyon c. paraan d. bunga
12. Ang pahayag na walang kaugnayan na walang kaugnayan sa tekstong binasa ay:
a. Hindi lamang kalikasan ang naaapektuhan ng polusyon kundi pati kalusugan ng tao
b. Nagtatakda ng batas at programang pangkalikasan ang pamahalaan
c. Kawalang ng disiplina ang pangunahing dahilan sa pagkasira ng kalikasan
d. Mayroong programa at batas na ipinatutupad tungkol dito pero may nakakalusot pa rin
13. Ang pahayag na nagsasaad ng positibong pahayag ay:
a. Sa kalikasan halos lahat nagmumula ang pangangailangan ng tao
b. Nakasisira sa komposisyon ng lupa ang paggamit ng pestisidyo
c.Tandaan, malaki ang ating magagawa
d. Mayroong programa at batas na ipinatutupad tungkol dito pero may nakakalusot pa rin
14. Ang paksang pangungusap ay matatagpuan sa talata bilang:
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
15. Ang kaisipang nangingibabaw sa kabuuan ng teksto ay:
a. Hindi dapat isakripisyo ang kalikasan sa kaunlaran ng bayan
b. Iba’t ibang paraan ang maaring isagawa sa pagsugpo ng polusyon
c.Bawat tao'y may pananagutan sa bayan
d. Sa kamay ng mamamayan nakasalalay ang pag-unlad na inaasam

II - TAMA O MALI. Isulat ang salitang TAMA kung wasto ang isinasaad ng pangungusap. Kung mali,
salungguhitan ang salitang nagpamali at isulat sa patlang ang tamang sagot upanf maging wasto ang
pangungusap.

________________1. Ang kasalan ng mga Hudyo ay karaniwang ginaganap sa hapon.


________________2. Sa labas ng tahanan ng babaeng ikakasal naghihintay ang sampung dalagang
ikakasal.
________________3. Maghahatinggabi dumating ang lalaking ikakasal.
________________4. Pinahiram ng limang dalagang matatalino ng kanilang baon na langis ang limang
dalagang hanagal.
________________5.. Dahil sa kanilang kapabayaan, hindi na nakapasok pa sa tahanan ng ikakasal ang
limang dalagang hangal.
________________6. Ang parabula ng sampung dalaga ay hango sa banal na aklat na Mateo 13: 1 - 25
________________7. Isang kaugalin sa bansang Israel ang pagpapapasok sa mga taong nag-aabang at
may dalang sulo upang maiwasan ang mga taong hindi imbitado.
________________8. Ang parabula ay isang uri ng panitikan na pumapatungkol sa mga aral na hango sa
bibliya
________________9. Nakagawian na ng mga Hudyo na maringal at malaki ang gaganaping kasalan.
________________10. Ang parabula ay pumapatungkol sa sampung dalaga na nahahati sa limang
dalagang matalino at limang dalagang hangal.

III – Lagyan ng angkop na pangatnig ang bawat patlang sa mga sumusunod na pangungusap. Piliin sa
kahon sa ibaba ang tamang sagot.

2
nang kung kaya’t kapag bagamat sakaling
maging o sapagkat kahit at

1. Nagalit ang ama ____________ gabi na nang umuwi ang kanyang anak.
2. ___________________ walang bayad ang gwaing ito, asahan mo pa ring tutulong ako.
3. Kapag hindi ako nakapunta sa pulong, ituloy ninyo ito ____________ wala ako.
4. Si Pedro ___________ si Juan ang maaari nating maging pinuno.
5. Mag-ipon ka ng pera ngayon ____________ hindi ka kinakapos kapag dumating ang krisis.
6. Mamahalin ka niya ______________ sino ka man.
7. Hindi kailanman maaaring pagsamahin ang tubig _____________ ang langis.
8. Ano ba ang nauna, manok ____________ itlog?
9. Maraming krimeng naganap __________________ nagpadala ng mga Marines sa mga malls.
10. Kung ______________ hindi ka makakapunta, magbilin ka lang nang hindi kami mag-alala.

You might also like