2nd Monthly16

You might also like

You are on page 1of 3

Ikalawang Buwanang Pagsusulit

Pangalan:______________________________________ Guro:_________________

o 8 – WHITE o 8 – BEIGE o 8 – FUCHSIA o 8 – MAROON


o 8 – o 8 – MAGENTA o 8 – TANGERINE
BURGUNDY

I – PAG-UNAWA : PAGPILI: Basahin ang seleksyon, sagutin ang mga katanungan kaugnay sa binasa. Bilugan ag titik ng
wastong kasagutan.

Magagandang tanawin, sariwang hangin, malinis na katubigan at mga halaman at punong kahoy na walang
sawang nagkakaloob ng pagkain. Mga bagay na bumubuo sa kapaligiran. Patuloy na lumalala ang suliraning pangkapaligiran
dahil sa epekto ng iba’t ibang polusyong tao rin ang siyang lumikha. Hindi lamang kalikasan ang naapektuhan nito kundi pati
kalusugan ng tao. Nakasasama sa katawan ang iba’t ibang kemikal na humahalo sa hangin. Nasisira na din ang komposisyon ng
lupa sa di tamang paggamit ng pestisidyo at pataba sa pananim. Pagbaha at pagguho naman ng lupa ang sanhi ng pagkapanot ng
kagubatan.
Ang redtide sa karagatan ay pabalik-balik lamang. Paano nga’y patuloy ang tao sa paglikha sa iba’t ibang
nakakasama sa katubigan. Maruming langis galing sa barko, sa mga pabrika, paggamit ng dinamita at pagtatapon ng basura sa
mga ilog at dagat. Mayroon namang programa at batas na ipinatutupad tungkol dito. Subalit may nakakalusot pa rin. Sayang
naman ang ginugol ng pamahalaan para dito.
Oo nga’t kailangang kailangang mapaunlad ang pamumuhay at ekonomiya ng bansa ngunit huwag naman sanang
isakripisyo ang kalikasan sapagkat sa sandaling ito ay malusaw kasamang maglalaho ang lahat ng buhay sa mundo. Magkapit
bisig tayo sa pangangalaga sa kalikasan. Ngayon na! Tandaan, malaki ang ating magagawa kung tayo ay sama-samang
magtutulungan.

1. Kapalit ang kaunlarang tinatamasa ng tao ang unti-unting pagkalusaw ng kalikasan. Ang kasingkahulugan ng salitang
aytalisado ay:
a. nasaksihan b. natatamo c. nagagampanan d. nadarama
2. Unti-unting nalulusaw ang klikasan. Ang kalikasan ay:
a. sumusuko b. lumilitaw c. Umaalis d. nawawala
3. Ang pestisidyo ay kemikal na gamit sa :
a. Insekto b. lupa c. hayop d. damo
4. itinatapon sa katubigan ang latak na kemikal na nanggagaling sa mga pabrika. Ang kasingkahulugan ng salitang
aytalisado ay:
a. dagta b. kalat c. Tira d. dumi
5. Patuloy na lumalala ang suliraning pangkapaligiran dahil sa polusyon na tao rin ang siyang lumikha. Ang pahayag ay
nangangahulugang:
a. Nakasasama sa katawan ang iba’t ibang kemikal na humahalo sa hangin at nalalanghap.
b. Tao ang maaapekthan ng lumalalang polusyon.
c. Suliranin din ng tao paglala ng polusyon sa kapaligiran.
d. Epekto ng polusyon ang suliraning pangkapaligiran ng tao.
6. Ang tekstong binasa ay nasa anyong:
a. nagsasalaysay b. pangangatwiran c. paglalarawan d. paglalahad
7. Ang pahayag na naglalahad ng pangangatwiran ay:
a. Nakasasama sa kapaligiran ang iba’t ibang kemikal na nalalanghap.
b. Hindi ba’t kay laki ng ating dapat na ipagpasalamat.
c. Oo nga’t kailangang-kailangang mapaunlad ang bansa ngunit huwag namang isakripisyo ang kalikasan.
d. Mayroon namang programa at batas na ipinatutupad ukol dito.
8. Magkapit bisig tayo sa pangangalaga ng kalikasan. Ngayon na! Ang pahayag ay:
a. nangangaral b. napapaalala c. nakikiusap d. nanghihikayat
9. Sapagkat sa sandaling malusaw na, kasamang maglalaho ang lahat ng buhay sa mundo. Ang pahayag ay
nagpapaliwanag ng:
a. katwiran b. epekto c. paninindigan d. solusyon
10. Mahihinuha sa mga katwirang inilahad ng may akda ang sarili niyang:
2

a. haka-haka b. paninindigan c. kaalaman d. Pagkatao

11. Ang damdaming naghahari sa kabuuan ng teksto ay masasabing:


a. panghihinayang b. pagsisisi c. pagkatakot d. pag-aalinlangan
12. Ayon sa binasa, layunin ng teksto na:
a. Matutong magpahalaga ang tao sa kalikasan.
b. Ilahad ang epekto ng polusyon.
c. Isiwalat ang pagwawalang bahala sa polusyon.
d. Matukoy ang pananagutan ng tao sa kanyang kapaligiran.
13. Ang tekstong binasa ay sinimulan sa paraang:
a. paglalarawan b. pagsasalaysay c. pangangatwiran d. paglalahad
14. Ang ikalawang pangungusap sa ikalawang talata ay nagsasaad ng:
a. sanhi b. solusyon c. paraan d. bunga
15. Sa pag-unlad ng kabuhayan, labis na naaapektuhan ang:
a. katubigan b. kabundukan c. kalikasan d. kalupaan
16. Ang pahayag na walang kaugnayan na walang kaugnayan sa tekstong binasa ay:
a. Hindi lamang kalikasan ang naaapektuhan ng polusyon kundi pati kalusugan ng tao
b. Nagtatakda ng batas at programang pangkalikasan ang pamahalaan
c. Kawalang ng disiplina ang pangunahing dahilan sa pagkasira ng kalikasan
d. Mayroong programa at batas na ipinatutupad tungkol dito pero may nakakalusot pa rin
17. Ang pahayag na nagsasaad ng positibong pahayag ay:
a. Sa kalikasan halos lahat nagmumula ang pangangailangan ng tao
b. Nakasisira sa komposisyon ng lupa ang paggamit ng pestisidyo
c. Tandaan, malaki ang ating magagawa
d. Mayroong programa at batas na ipinatutupad tungkol dito pero may nakakalusot pa rin
18. Sa pag-unlad ng kabuhayan, labis na naaapektuhan ang:
a. katubigan b. kabundukan c. kalikasan d. kalupaan
19. Ang paksang pangungusap ay matatagpuan sa talata bilang:
a. 1 b. 2 c. 3 d. 4
20. Ang kaisipang nangingibabaw sa kabuuan ng teksto ay:
a. Hindi dapat isakripisyo ang kalikasan sa kaunlaran ng bayan
b. Iba’t ibang paraan ang maaring isagawa sa pagsugpo ng polusyon
c. Bawat tao'y may pananagutan sa bayan
d. Sa kamay ng mamamayan nakasalalay ang pag-unlad na inaasam.

II A – Pagtatapat-tapat: Piliin sa hanay B ang kahulugan ng mga salitang may guhit sa hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.

Hanay A Hanay B
_____1. Marahas na itinaboy ng palalong asendero ang batang dukha a. Bumaba
_____2. Ang pagpanaw ng ina ay nagdulot ng lungkot sa buong pamilya. b. Dumating
_____3. Turan mo ang nais mong matamo sa iyong buhay. c. Gumawa
_____4. Walang maaring makapantay sa pagpapakasakit ng isang ina d. Hinukay
_____5. Binungkal nila ang lupa sa likod-bahay upang ihanda ito sa itatanim na gulay. e. Konsensya
_____6. Salat man sa pera ay nakukuha naman nilang itaguyod ang pag-aaral ng kanilang bunso. f. Kulang
_____7. Kaya mo kayang kumatha ng tula? g. Kumakawala
_____8. Hindi maatim ng kanyang budhi na iwanan ang bata sa lansangan. h. Mahirap
_____9. Ligats na lumapag ang eroplanong kanyang sinasakyan. i. Nag-iisip
_____10. Kasalukuyan siyang nagmumuni kung sasama sa protesta o hindi. j. Paghihirap
k. Pagkamatay
l. Sabihin

II B – Pagtatapat-tapat: Piliin sa hanay B ang pangkat na kinabibilangan ng mga epiko sa hanay A. Isulat sa patlang ang titik ng
tamang sagot.

Hanay A Hanay B
_____1. Maragtas a. Kalinga
_____2. Darangan b. ARMM
_____3. Biag ni Lam-ang c. Hilagaynon
_____4. Hudhod at Alim d. Ifugao
_____5. Ibalon e. Iloko
_____6. Labaw Donggon f. Bicol
_____7. Kudaman g. Palawan
_____8. Ulod h. Bukidnon
_____9. Tuwaang i. Visayas
_____10. Ulalim j. Mindanao
k. Bagobo

III - Tukuyin kung ang uri ng pang-abay na ginamit sa pangungusap. Isulat sa patlang ang PMH kung pamanahon ang
pangungusap, PMR kung pamaraan, PNL kung panlunan, PNG kung panggaano at INK kung Inklitik .
2

_________1. Inaasahan tayo roon sa gabi, hindi sa araw.


_________2. Kinamayan niya ako nang mahigpit
_________3. Natulog siya nang patagilid.
_________4. Huwag sanang dumating kaagad an gating mga bisita
_________5. Kapag Mahal na Araw ay sinisikap niyang mag-abstinensya at mag- ayuno.
_________6. Manonood kami bukas ng pambansang pagtatanghal ng dulang Pilipino.
_________7. Iligtas muna ninyo ang mga matatanda bago ang mga mas nakababata.
_________8. Noong Lunes siya nagsimula sa kaniyang bagong trabaho.
_________9. Lumapit ditong tumatakbo ang bata
_________10. Pitong pangunahing alagad ng sining ang tumanggap ng “National Artist Award” buhat sa Pangulo.

IV - Tama o Mali (Modified): Basahin at unawain ang mga pangungusap. Isulat sa patlang ang salitang LAHI kung wasto ang
isinasaad ng bawat bilang at SAWI kung mali.
_____________1. Nakilala ni Francisco Balagtas si Maria Asuncion Rivera sa Arabal ng Tondo.
_____________2. Ipinanganak si Kiko noong ika-2 ng Abril 1878 sa Panginay Bigaa, Bulacan.
_____________3. Hinango ang pangalan ni Maria Asuncion Rivera sa pintakasi ng musika na si Santa. Cecilia.
_____________4. Hinalintulad ni Kiko ang katangian ni selya sa isang Serbeza na may halong katas ng trigo.
_____________5. Sa tulong ni Pari. Mariano Pilapil, natutunan ni Kiko ang Filosofia sa Colegio de San Jose.
_____________6. Tinulungan si Kiko ng malayo nilang kamag-anak na si donya Trining upang makapag-aral.
_____________7. Tutol ang mga magulang ni Juana Tiambeng sa kanilang pag-iibigan dahil sa agwat ng kanilang edad ni
Kiko.
_____________8. Namatay si Kiko sa sakit na tuberkulosis sa edad na 74.
_____________9. Naging kaagaw ni Kiko sa pag-ibig kay Selya si Mariano Ponce.
_____________10. Nakatapos ng pag-aaral si Kiko sa Colegio de San Jose sa edad na 24.

Sagutan ang palaisipan para sa karagdagang Limang puntos 5 pts (Optional)

May 12 buwan sa isang taon. Pito sa mga buwan ang may 31 araw, at apat na buwan ang may 30 araw lang. Ilang buwan naman
ang may 28 na araw?

You might also like