You are on page 1of 1

Ang Alamat ng Aswang

Noong unang panahon, lima pa lamang ang tao sa mundo.Isa na dito ay ang batang si
Lam-eng. Kasama niya sa kanilang kahariang patag ang kaniyang Tiyo Samuel. Nandoon
din ang dalawa nilang alalay na sina Inas dilim at si Amir-ika sinag. Gabi-gabing
nananaginip si Lam-eng tungkol sa isang lalaking kamukhang kamukha niya na nakatira sa
bundok. Dahil sa pagkabahala, tinanong niya ang kaniyang Tiyo Samuel ukol dito. 

Sinabi sa kaniya ng kanyang Tiyo Samuel na kambal silang ipinanganak ng kanilang inang
supremong bathala. Siya ay pinatira sa patag kasama ng ng kanyang tiyo at ang kaniyang
kambal na si Asuw-eng naman ay mag-isang iniwan sa bundok. Napatigil ang kaniyang tiyo
sa pagkukuwento. Naisip kasi nito na kung sakaling magkasama ang dalawang
magkapatid, ay magsasama din ang malalakas na kapangyarihan ng mga ito na maaring
makapagpawala sa taglay na kapangyarihan ni Tiyo Samuel. Kaya naman sinabi agad nito
na napakabangis na taong may pakpak at dalawang malalaking pangil si Asuw-eng. 

Kaya umano ito inilagay sa bundok para doon kumuha ng mga karne ng hayop bilang
pagkain. Mas malakas din umano ito kay Lam-eng at maaari itong lapain sakaling lumapit si
Lam-eng kay Asuw-eng. Gayumpaman, nais pa ring makita ni Lam-eng ang kaniyang
kapatid. Hindi siya pinayagan ng kaniyang Tiyo Samuel kaya sinabi nito na uutusan na lang
niya ang dalawang alalay na umakyat sa bundok para makuha si Asuw-eng. Gagawin ito
pagsikat ng araw kinabukasan.

Gabi bago ang araw ng pag-akyat sa bundok, pasikretong tinawag ni Tiyo Samuel si Amir-
ika. Sa kanilang pag-uusap, ibinigay ni Tiyo Samuel kay Amir-ika ang dalawang malalaking
karayom. Kailangan umanong itusok ang dalawang karayom sa leeg ni Inas bago pa sila
makarating sa tuktok ng bundok. Dagdag pa rito, kailangan ding sugat-sugatan si Inas na
para bang nilapa ng isang mabangis na hayop.

Umakyat na nga ang dalawang alalay sa bundok, at nangyari ang ayon sa plano. Bumaba
si Amir-ika na dala-dala ang bangkay ng kasamang si Inas. Sinabi nito kay Lam-eng na
inatake sila ng isang lalaking may pakpak at malalaking pangil. Buti na lang daw at
nakatakbo siya ngunit si Inas ang nabiktima. Natakot si Lam-eng sa nangyari at
paniwalang-paniwala siya na halimaw nga ang kanyang kapatid. Bumaba ang dalawang
babaeng anghel na itinakdang magbibigay ng anak sa magkapatid.

Ang isa ay pumunta sa bundok at ang isa kay Lam-eng. Nang magkaanak na si Lam-eng,
binalaan niya ang mga ito na huwag pupunta sa bundok dahil nandoon ang halimaw niyang
kapatid na si Asuw-eng. Nagpasalin-salin sa lahi ni Lam-eng ang kuwento tungkol kay
Asuw-eng.

Unti-unti ding nabago ang tawag sa halimaw, mula sa Asuw-eng ay naging asuwang at
ngayon nga ay aswang. Nagkaroon din umano ito ng mga anak. Ang isa ay nahahati ang
katawan na kung tawagin ay manananggal at ang lalaking malaki't matikas na tinatawag na
kapre, ang lalaking anak ni Asuweng.

You might also like