DALAWANG MAG-AARAL NA NAGTAPOS NG CIVIL ENGINEERING SA URSAC,
NAKAPASA SA LISENSURE EXAMINATION
Sa ginanap ng licensure exam, nakapasa ang dalawang mag-aaral sa unang batch na
nagtapos ng civil engineering sa University of Rizal System noong November 2018.
Matagumpay na naipasa ng dalawang mag-aaral na sina Eng. Zamwelle
Rodriguez at Engr. Ailene Ronatay ang Licensure Examination para sa Civil Engineering noong November 2018. Nagtapos ang dalawang mag-aaral na unang batch ng Civil Engineer na nagsimula noong taon 2012 sa pangunguna ng programa ng ACES ng Antipolo City katuwang ang University of Rizal System upang mas maging maayos maitawid ang programa. Sa kabuuang 13,887 na kumuha ng licensure exam, 6,262 lamang ang pumasa base na rin sa nilabas na resulta ng PRC at kabilang na sa mga pumasa sina Engr. Zamwelle Rodriguez at Engr. Ailene Ronatay na nagtapos sa University of Rizal System. Sa naganap na pagsusulit, inilabas online ang resulta ng mga nakapasa at mga nangunang paaralan noong Novmeber 15 2018.