You are on page 1of 504

Sands of Time (Costa Leona Series #6)

By jonaxx

Sands of Time (CLS #6)


This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events and
incidents are either the products of the author's imagination or used in a
fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual
events is purely coincidental.

Do not distribute, publish, transmit, modify, display or create derivative works


from or exploit the contents of this story in any way. Please obtain permission.

-----------------------------------------

WARNING: THIS STORY MAY CONTAIN THEMES NOT SUITABLE FOR READERS BELOW 18. READER'S
DISCRETION IS ADVISED.

*it is our choices that define us.

Simula
Simula

Luck.

It is a very powerful word. The one thing that could change anyone's life forever.
It is brought to us by chance. Isang patunay na hindi natin kayang kontrolin ang
kahit ano sa buhay na ito. Pero kapag pinili ka ng langit na pagbigyan, swerte.

Tumingala ako sa langit, dinadama ang marahang init ng panghapong araw. My view of
the sky is dotted with the leaves of the tall trees. And each time I step, ang
malutong na tuyong dahon ang naririnig ko.

I spread my arms like frail wings. Tumingala ako at unti-unting dinama sa aking
balat ang marahang init na dala ng sinag ng araw. Umikot ako ng marahan sa bawat
hakbang. Nahahagip ko ang iilang halaman sa paligid pero binalewala ko iyon, gaya
ng madalas kong ginagawa.

I have always wondered who decides our destiny. Who gives us luck? Who decides that
you will be born in a happy family? Who decides that you won't?

Father said it's someone from above. And that I was born with the same gift. I
believe in that someone from above but I don't think I have that gift.

Patuloy akong umikot. Hindi ko na namalayan ang ngiti ko.

I don't always get a day off but when I do, I overdo it. Dumilat ako at nakita kung
saan na ako pinadpad ng mga paa ko. Nangiti ako nang nakita ang sapa na kinalakhan
ko. If I follow this route, it will lead me to the road. At sa kabilang dako ng
kalsada ay isang kulay abong simbahan na madalas kong binibisita sa ibang dahilan.

I was seven years old when I got introduced to the life that is destined for me.
Ang sabi ni Papa, ako raw ang magdedesisyon sa lahat ng iyon. Ako ang magsasabi
kung sino ang swerte, ako rin ang magsasabi kung sino ang hindi. Ako raw ang
ipinadala ng Liwanag ng Panginoon sa mundong ito para bigyang basbas ang mga taong
naniniwala.

Can you believe it?


At an innocent age, my mind was filled with those thoughts, instilled by my own
father.

"Uy! Andyan na si mangkukulam!" sigawan nang nadaanan kong mga kasing edad na bata.

Nagtatawanan ang ilan. Nagtatakbuhan naman ang iba, sa takot sa akin. I saw kids
trying to hide behind the big trees, scared of me.

I smiled and waved at them pero imbes na makita nilang ayos lang ako, mas lalo lang
silang nagtago. Napawi ang ngiti ko.

Why am I expecting a different reaction all the time? I should be used to it by


now.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang biglang may mga putik na tumama sa aking mukha.
Napapikit ako at agad na inekis ang mga maliliit na braso para pigilan ang iilan
pang tinatapon ng mga bata sa akin.

"Mangkukulam ka!" sigaw nila.

"Umalis ka rito!"

"Bruha! Mangkukulam!"

"Aswang!"

It was too late when I decided to run for it. Puno na ng putik ang aking mukha,
maging ang aking damit. Mas lalo kong binilisan ang takbo habang patuloy ang
pagbabato sa akin at ang pagsisigaw nila ng mga pangalang hindi na rin naging iba
sa akin.

My breathing was labored when I finally got away. Tumigil ako sa tabi ng sapa at
lumapit para makapaghugas ng maputik na kamay.

Kanina, nag-ayos ako ng mabuti. I took a bath and combed my long and loosely curled
brown hair. Nilagyan ko ng polbo ang aking mukha, to cover up some showing freckles
on my nose. I put on powder on my neck, too. I wore my favorite floral and lacy
dress at ang madalas kong sandals bago tumulak palayo sa aming bahay.

I saw my reflection on the stream. Nadismaya ako nang nakita ang putik sa aking
mukha. I washed it away with water.

Sa damit naman ako ngayon nagsimulang mag punas para matanggal din ang putik.
Sayang. This is my favorite dress. I wear it only during Sundays. Most especially
during summer since I was nine years old.

I am eleven now and I'm still doing it like a routine. Pero hindi gaya ng routine,
lagi akong excited tuwing ginagawa ito. Minsan, hindi ako makatulog.

I will probably never get satisfied with my look now. Kahit anong basa ko sa damit
ko, nariyan parin ang bakas ng putik. Sa huli, ang buhok ko naman ang nilinisan,
then I gave up. Ito na ang pinakamalinis kong itsura sa ngayon.

Tumayo ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Ang rumaragasang sapa, ang huni ng mga
ibon, at ang tunog ng nagsasayawag mga dahon ng puno lamang ang naririnig ko habang
naglalakad. And as I walk closer and closer to wherever I'm going, nag-iiba rin ang
itsura ng lupa.
From deep red mud to brown red. Nalalaman kong palapit na ako nang makitang unti-
unting naging mabuhangin ang lupa. The thick shrubs are thinning and there are more
coconut trees than any other trees unlike what we have back in the mountains.

Mahigit dalawang oras na paglalakad ay naririnig ko na ang ingay galing sa mga


makina ng sasakyan sa malaking kalsada na madalas ko ring tinatawiran.

When I got nearer, I immediately marveled at the concrete houses nearby. Ang inggit
na naramdaman ko para sa mga nakatira roon ay palaging nagpaparamdam tuwing narito
na ako. Ngunit hindi iyon masamang klase ng inggit. I envy them and I look up to
them. I want to have that kind of life but I don't blame them for it.

Namamangha at nangangarap ako pero hindi ko kailanman inisip na aagawin ko ang


buhay na meron sila. Maybe it's my innocence. But I am like that in almost all
things.

Nilingon ko ang simbahang tinutukoy. Pagkatapos ay luminga-linga sa kaliwa at kanan


bago tumakbo patawid ng kalsada.

"Pop corn? Hot cake?" tanong ng matandang lalaki na nagbibenta roon.

He eyed me from head to foot. His eyes were sticky as he looked at me. I smiled
innocently at him and continued walking. Hindi na ulit siya nagtawag ng mga
mamimili at hindi ko na inisip pa kung bakit.

Iilang bata ang nagkakasiyahan sa labas ng simbahan. Bubbles were blown from their
neon colored containers. Some parents brought their crying children outside of the
church to avoid commotion.

Ngumiti ako habang tinitingnan ang mga bihis na bihis na ginang at ginoo habang
tinatahan ang kanilang umiiyak na anak.

I never experienced that. Nilingon ko ulit ang simbahan at dahil sa bagal kong
kumilos kanina, batid kong patapos na ang misa rito.

Tumayo ako sa madalas kong tinatayuang corner ng simbahan. Doon, makikita ko kung
sinu-sino ang mga lalabas. At doon din, alam ko dadaan ang taong maituturing kong
swerte sa buhay ko.

Nagkantahan ang mga tao. Tumingala ako sa imahe sa harapan ng simbahan.

Sometimes I wonder if what I hear at school is true. Na iisa lahat ng sinasambang


Panginoon ng mga tao. Ang relihiyon lang ang naiiba. Kung tama iyon, does that mean
that I am The Lord's daughter? Were you the one who sent me here?

But... why is Papa angry with you? And... why are the people fighting over the "one
true religion"? Hindi ko alam. But in another life, I hope it the people will all
agree with each other. Dahil kung ganoon, walang mambabato ng putik sa akin. Walang
tatawag na mangkukulam. At hindi ko nanaisin pang baliin ang lahat ng gusto ni
Papa.

"Leil?! Nandito ka na naman!" sabi ng isang may katandaang ginang na pamilyar sa


akin.

"Magandang umaga po, Lola Brosing! Si Ma'am Avila, po?" nangingiti kong bati.

Ang matandang si Lola Brosing ay ang nanay ng teacher ko na si Ma'am Avila. Ubanin
na ang matanda at ang mga isinusuot na damit ay laging terno. Gaya ngayon. Isang
kulay dilaw na blusa, ang kapares ay slacks sa parehong kulay at textura. Her
sandals were flesh colored and her wooden fan is of the same color, too.

Hinila ako ng matanda palapit sa kanya. Ang maliit kong katawan ay walang nagawa.

"Anong ginagawa mo rito?" she whispered again.

"Bumibisita lang po," sabi ko.

Ma'am Luz Avila's eyes widened when she saw me. Isang mas batang bersyon lang ni
Lola Brosing si Ma'am Avila. Hindi siya makapagsalita kahit pa nakalapit na siya sa
akin. Ngumiti ako pero yumuko si Ma'am at mukhang nagdasal.

I slowly crept out of them to return to my usual spot. Hinayaan naman ako ng
matanda. Nilingon na lamang ako ni Ma'am nang tapos na siyang magdasal.

Nagsimula nang lumabas ang mga tao. Mas lalo akong nagtago sa takot na baka may
makakilala sa akin.

Sina Lola Brosing at Ma'am Avila ay nakipag-usap sa iilang kilala. Tawanan at


hagikhikan dahil tapos na ang linggo-linggo nilang routine sa pagsisimba.

I ducked when I saw Hades Riego. My heart started beating so fast. Napasandal ako
sa brick wall ng pinagtataguan kong corner. To see Hades Riego's cold dangerous
eyes is like seeing his son directly, too. At wala nang mas nakakakaba pa sa titig
ng anak nito.

Pinuno ko ng hangin ang aking dibdib at umahon muli para tingnan ang mga naroon.

Luck is certainly on my side at this moment. Raoul Vesarius Riego walked behind his
parents, palabas ng simbahan. Sa tabi niya'y iilang kaibigang lalaki at babae.

Rao or Raja for his closest friends and relatives is the most beautiful man I've
ever seen in this life. Beautiful not in a girly manner, but in a masculine and
powerful way. I've seen handsome men on television. Stars in the Philippines and
abroad but I must say that they are no match for Raoul. Tingin ko rin, ganoon ang
opinyon ng nakakarami.

Girls paraded behind him, laughing and smiling, wanting for his attention.

Raoul's spanish ancestry was evident in his light tan coloring, and in the
definite, strong bones of his face. His thick dark hair is a bit longer than those
clean cuts of his friends, making him a bit different and more dangerous looking.

He's tall and massive. He's taller than all of his friends and the way his muscles
protruded at an early age told me that he's athletic. Ang sabi nga ni Lola Brosing,
athletic talaga si Raoul. Sa Maynila, naglalaro raw ito ng basketball. Bukod pa
roon, narinig ko na magaling daw ito sa Mixed Martial Arts.

At first, I didn't know what it was so I researched at Ma'am Avila's library.


Nabasa ko roon na ang Mixed Martial Arts or MMA ay isang matinding combat sport
kung saan pwedeng gamitin ang teknik sa pagboboxing at wrestling.

Wow! I imagine Raoul being good at taking people down. Probably the reason why his
veins are showing on his arms. Umiinit ang pisngi ko tuwing naiisip ang paraan
niya, maaari, ng paghihila ng makakalaban at ang pagbagsak niya rito. He'd be
covered in sweat and he'd still look so damn good!

He was featured in their school's magazine as one of the best students of his year
despite the involvement in sports and other activities.
"Hindi iyan binibigyan ng pera ng ama," ani Lola Brosing nang nagtanong ako noon
kung marangya bang mamuhay si Raoul sa Maynila.

Ang sinabi ay nagtatrabaho raw si Raoul para magkaroon ng pera. All his expenses
and other things are the fruit of his hard work. Kung saan nagtatrabaho? Sa ilalim
ng construction site ng mga naglalakihang building na pinapangunahan ng pamilya
niya.

Yes. They are filthy rich. They are the richest family here in Costa Leona. With
their real estate company and their number one leading steel corporation in the
country, they are clearly even one, if not the richest family in the Philippines.

Mas lalo lang akong humanga sa mga kwento ni Lola Brosing tungkol kay Raoul. He's
rich but he's never a brat. He earns his keep and he's good in school.

Sinalo niya ata lahat ng swerte sa mundong ito. To be high born and honorable is
just perfect! All his friends are lucky to be his friends. All the people around
him is so lucky to know him.

At sa sitwasyon ko ngayon, swerte parin ako, dahil nasisilayan ko siya kahit paano.

I take another peek to see if he's still there. I saw him talking to two girls. Sa
tabi niya ay iilang kaibigang lalaki. Naglalakad sila palabas ng simbahan.

Sinundan ko ng tingin ang mga ito hanggang sa tuluyan nang nakalabas. When he
looked my way, I ducked again. Abot-abot ang tahip ng puso ko.

He knows me. We've been introduced when I was nine years old, the first time I saw
him, the first time I adored him. Simula noon, sinundan ko na lahat ng nangyayari
sa buhay niya. Halos alam kong lahat ng mga papuri sa kanya at mga nangyayari sa
kanilang pamilya. Madali lang mangalap ng impormasyon. They are the talk of the
town so it's easy to ask about their background and all those things.

But lately, naisip ko, bakit kaya hindi ko kailanman naitanong ang tungkol sa
lovelife niya? Siguro dahil sa nagdaang taon, hindi ko naman talaga inisip na
importante iyon. Ngayong taon ko lang madalas naisip iyon.

Seeing him now chatting with girls made me adore him more. Is he comfortable around
his opposite sex? Does he have a crush on someone? Nasubukan niya na bang manligaw?
Nagkaroon na ba siya ng girlfriend? Nakahalik na ba siya?

Uminit ang pisngi ko. Leil! Hindi ka dapat nag-iisip ng ganyan! That's too much!
That's private!

But then, I can't help it now. Something has changed since the first time I adored
him. I was nine then, now that I'm eleven, nagiging mas malikot na ang pag-iisip
ko.

Unti-unti kong nilebel ang mga mata ko sa dingding upang makapagnakaw ng tingin kay
Raoul. Raj, in my deepest and most private daydreams. Like I'm calling him that way
because we are very close friends.

He smiled devilishly at one girl. Nagligpit ng tikwas ng buhok ang babae sa likod
ng tainga at nakita ko ang ngiti niya pabalik para kay Raoul.

"Hay nako, Leil! Kapag may nakakita sa'yo rito... 'tong batang 'to talaga. Sumama
ka sa amin at ipagluluto kita ng meryenda," si Lola Brosing nang nakita ako sa
sulok na iyon.
Tumango ako ngunit nanatili ang titig ko kay Raoul. He combed his hair with his
fingers, his usual mannerism everytime. His mouth twitched and his head tilted
arrogantly. Parang nagsslow motion sa akin lahat ng ginagawa niya. It's like I'm in
a trance, drawn so much by his vivid movements.

Dumaan si Ma'am Avila sa harap ko. My eyes adjusted from blur to clear when I saw
her face.

"Leil!" she snapped.

I craned my neck to see a better view of Raoul but I saw him holding the elbow of
the girl he's with. Ngumuso ako at tumigil sa pagtingkayad. Inilipat ko ang tingin
kay Ma'am Avila.

"Po?"

"Tara na! Ang mabuti pa, sa bahay ka magpalipas ng hapon. Ang dumi-dumi mo at iyan
lang ang damit mo habang ilang oras kang naglakad papunta rito?"

Napatingin ako sa damit ko. Wala namang problema roon. Just a few smudges from the
mud. Manipis na dress pero maayos naman bukod lang sa putik.

Nang tuluyan nang nawala si Raoul kasama ang mga kaibigan ay 'tsaka ko pa lang
nilingon si Ma'am Avila at si Lola Brosing. Sumama ako sa kanila, gaya ng madalas
kong ginagawa tuwing nakikita nila akong palaboy sa kalsada.

Hindi man kasing yaman ng mga Riego, may disenteng tahanan ang mag inang Avila. Si
Ma'am Luz Avila ay hindi na nakapag-asawa. Siya ang nag-aalaga sa matandang Avila,
si Lola Brosing. Luma at gawa sa kahoy ang kanilang bahay. Malaki ito at may silid
na puno ng libro.

Their library is my favorite hang out. I like reading their books. Kung anu-ano ang
naroon. Minsan, nag-uuwi pa ako ng ilan at sa susunod na linggo ay binabalik ko
naman.

Tiningnan ko ang tatlong librong napili kong iuwi sa linggong ito. Nasa hapag ako
habang nagluluto si Lola Brosing at si Ma'am Avila naman ay umiinom ng kape,
nakatitig sa akin.

"Ayos ka lang ba?" Ma'am Avila asked. She always asks that. I mean... literally
always. Para bang may dapat akong problema.

"Opo. Ayos lang, Ma'am. Kayo po?"

She sighed at my almost automatic reply. Umiling siya at binaba ang tasa ng kape.
Nilingon ako ni Lola Brosing, may dala pang sandok sa nilulutong kung anong sopas.

"Inaway ka na naman ng mga bata?"

Nagkibit ako ng balikat. "Naiintindihan ko naman po."

"Hindi ibig sabihin na dahil naiintindihan mo, ayos lang," si Ma'am Avila, seryoso.

Ngumisi ako para maibsan ang tensyong nararamdaman pero hindi nangiti ang mag-inang
Avila. Ngumuso ako at hinawakan ang mainit na tasa ng tsokolate sa harap. The heat
feels so good.

"Ayos ka lang ba sa inyo? Hindi ka ba ginugulo ng tatay mo?" tanong ni Ma'am Avila
sa pang ilang beses sa linggong ito.

"Ayos lang, Ma'am. Sanay naman po ako."

She looked at me with eyes full of sorrow and hurt. I smiled to assure her that I
am really okay.

Luck, I say. I wasn't lucky enough to be born somewhere better. Minalas ako sa
parteng iyon pero positibo ako na balang araw, makakaahon ako sa kamalasang ito.
Positibo ako na kaya nating lahat hawakan ang ating tadhana. Luck will only
interfere when it realizes that the things you are reaching aren't for you. Kaya
habang walang sinasabi na hindi iyon para sa'yo, mananatili tayong mangarap at
magsikap.

Taliwas sa pinapangaral ni papa sa akin. Na ako raw ang sinugong magbasbas ng mga
tao. Na suswertehin ang sasamba sa akin. Isang bagay na hindi ko pinaniwalaan
kailanman pero wala akong magawa kundi magpatianod.

I adore Raoul for being born that lucky, with skills that much, but with the
humility to start from scratch gaya ng mga narinig ko sa mga tao rito sa Costa
Leona. Ganoon daw siya. Hindi umaasa sa mga magulang. Nagsisikap sa lahat. Kaya
anong karapatan kong sumuko sa mahirap kung buhay kung ang mayaman nga ay
nagsisikap parin?

"Sanay na ano?" Ma'am Avila sighed. "Leil, matanong nga kita... Sana ay hindi
sumama ang loob mo."

Napatuwid ako sa pagkakaupo. Bumaling si Lola Brosing sa amin, mariin akong


pinagmamasdan sa tsinita at kulubot na mga mata.

"Naniniwala ka ba sa ginagawa mo?"

I am forbidden to say my opinions about it. Father will kill me for it. Noong bata
pa ako, naniniwala ako. Habang nagkakamulat sa mas malaking mundo, hindi ko na
alam.

"All I know is we all worship the same God," tanging nasabi ko.

Namilog ang mga mata ni Ma'am Avila. Napabaling siya sa matandang ina bago tumingin
muli sa akin. "You are very brilliant, Leil. Kaya natitiyak ko na alam mo, ngayon
pa lang, na may mali sa lahat ng ginagawa sa'yo."

Hindi ako nagsalita. Truly. I know. Deep inside, I know. But do I have any other
choice when I don't have anything but my father and his people?

"Luz, tama na. Bata pa siya..." si Lola Brosing na ang nagsabi.

Pilit akong ngumiti para makita nilang ayos nga lang sa akin. I'm used to the
opinion of other people. Sumimsim ako sa mainit na tsokolate at muling nawala sa
pag-iisip.

Pinalipas ko ang tensyong iyon. Kalaunan ay nawala rin naman agad lalo na noong
tinanong na ako ni Ma'am Avila kung ano ang gusto kong maging paglaki ko.

"Hindi ko pa alam, Ma'am. Sana ay malaman ko kung ano pagdating ko ng Senior High."

"Mm. Baka naman kukuha ka ng pang negosyo, a?" malisyosang sinabi ni Lola Brosing.

Alam ko kaagad kung bakit ganoon ang tono niya roon. She knows I've been asking
about Raoul's studies for the past weeks. Maybe she thinks I'm interested with
business because of him?

"Kung gugustuhin ko po, bakit hindi?"

"Hay naku, Leil!" sabay iling ng matanda.

Tapos na ang niluluto. Nagsalin siya sa isang bowl ng para sa akin. Isang minatamis
na ginataan. Mainit pa ito kaya hinipan ko habang inaabala ang sarili sa mga tanong
para kay Lola Brosing.

"Honor student parin po ba si Raoul?" tanong ko.

"Hay!" the old woman sighed again. "Oo naman! Iyon pa ba?"

"Naku! Baka magbago iyon pag nagkagirlfriend na. Huwag naman po sana, ano po?" sabi
ko.

"Girlfriend? Anong alam mo roon?" si Lola Brosing.

"Nagkaroon na iyon, Leil. Kaya walang magiging pagbabago sa pag-aaral niya kung
sakali," si Ma'am Avila naman ngayon.

"Talaga po? Sino?" mangha kong tanong.

"Ewan ko. Taga Maynila?" si Ma'am.

"Eh sino iyong hinawakan niyang babae kanina sa simbahan? Hindi po ba iyon?"

"I don't know, Leil. But one thing's for sure, kung mayroon man siyang karelasyon,
one woman at a time iyon. The Riegos are known for that."

"Baka naman po may nirereto sa kanya?" kuryoso kong dagdag.

"Ay nakung bata ka! Saan mo ba 'yan natutunan, ha? Wala 'yon. Hindi ganoon ang mga
Riego."

Ngumiti ako. So that means he's allowed to marry anyone he likes, huh? Pero bakit
nga ba iyon ang iniisip ko? Uminit ang pisngi ko habang naiimagine si Raoul na
naghihintay sa altar para sa isang napakagandang babae. Matangkad, kasingkulay
niya, maganda ang hubog ng katawan, at mapupula ang labi. And I'm on the sidelines
clapping for them, in awe of everything. Adoring their lives from afar.

Pagkatapos ng pagkain at ilang sandali pang pakikipag-usap sa kay Ma'am Avila at


Lola Brosing, nagpaalam na ako para makauwi. Ilang oras pa kasi ang lalakarin ko
pauwi at ayaw kong gabihin sa daanan.

Parehong daanan ang tinahak ko. Maswerte na nga lang nang nakitang wala na ang mga
bata sa pinaglalaruan nila kanina kaya dire diretso ang lakad ko patungo sa
kagubatan hanggang sa isang maliit na sitio kung saan ang tatay ko ang lider.

I saw the smoke from the wooden huts. They are preparing for dinner. Mabilis akong
tumakbo sa pag-aakalang hindi makikita ng kahit na sino ngunit nagkamali ako. Ang
pinakamalaking kubo sa gitna ay dinayo ng mga tao. And father was furiously waiting
for me to come back since early this afternoon.

"Saan ka na naman nanggaling?!" palihim niyang galit sa akin nang sinalubong.

Hindi niya ipinapakita sa lahat ang galit niya. He pulled my hand so I'd walk
faster.

Father is in his late thirties. Ang sabi nila, namatay si Mama pagkapanganak sa
akin. My mama was a beautiful woman of spanish and chinese ancestors. She's
originally from Iloilo. She fell for Papa and they lived here all their married
life. Dito sa lupain ng mga Riego. We are the slums and the poor, squatting on
their lands. At sa laki ng lupain nila, they don't mind. Bukod pa sa matalik na
magkaibigan si Papa at si Felicia Riego, ang ina ni Raoul.

So we're fine here. Even when everyone thinks we are an abomination. Even if I...
even I... think we are that.

Isang altar na may nakasulat na iba't-ibang sinaunang letra. Maraming kandila ang
naroon at ang lahat ng nagtipon sa aming bahay ay nakaputing bestida at nakayuko.
The long hair of the women were down and the men were kneeling so hard. Wala ni
isang nakatingin sa akin, bilang respeto. Si Papa lamang ang nakatingin.

Father's messy hair and red eyes is scaring me so much. Iminuwestra niya ang
naghihingalong matanda sa harap ko. Her neck is swollen for some reason.

Bata pa lang ako, itinuro na ni Papa sa akin kung anong gagawin ko kung mayroong
ganyan. Kukuha ng dahon at itatapat sa isa sa mga matatabang kandila. I memorized
some unknown incantations and after that I will put the heated leaf wherever it
hurts. Another incantation is muttered while my eyes are closed. Pagkatapos noon ay
sasabihin kong magpahinga siya ng ilang araw at magpahid ng kung anong langis.

Iyon ang ginawa ko. Everyone looked at my process in awe. Silence filled the whole
wooden nipa hut. Only the candles lit the venue as the sun is slowly setting.

I murmured incantations over and over again until the old lady declared that she's
feeling better. Hindi ko alam kung milagro ba o may ibang eksplenasyon ang
siyensya.

May iilang hindi ko nagagamot. Iilang namamatay. Iilang nagsasabing peke naman daw.
At sa murang edad man, alam ko na kung gaano karaming kasinungalingan ang tinatago
ng lahat ng ito.

"Mabuhay ang Diwata ng Liwanag!" tawag nila sa akin.

"Ikaw ang pinagpala!" they all cheered and it sent shivers down my spine.

"Sinasamba ka namin!"

Each time they utter those words, mas lalo lang akong nagiguilty. Nilingon ko si
Papa. Ngumisi siya at lumaki ang mga mata. Magbabayad ang lahat ng nagamot at doon
kami kumukuha ng pondo para sa lahat.

I don't know if these are all true but I know that every little thing I tried to
learn is a fraud. Gawa gawa niya lang ang lahat. At ang langis na ibinibenta niya
ay langis lang ng niyog, walang ibang halo. But he's tellinb everyone that those
are my holy tears. He's telling everyone that my touch can heal. He's telling
everyone that I am the daughter of light. Sugo ng Panginoon. Dapat sambahin. Dapat
halikan ang paa. At dapat puriin.

That was my life before. Far from the normal lives of children my age. Fucked up
and almost evil.

Tiningnan ko ang isang bagay na pinakaiingatan ko. Nasa altar iyon, mistulang isa
sa mga antigong naroon kahit hindi. Bigay ng taong pinapangarap ko. Kalaunan naging
simbolo ng pinakasekreto kong pangarap.

The hourglass shined brightly when the candles' flames reflected on its glass.
Tumitig ako roon habang kumakanta ang lahat. Palihim akong nagdasal sa kung sino
man ang nakikinig.

I pray the time would run faster. For the sands to thin so it would pass the
hourglass' narrow neck faster, and eventually end another chapter.

Because I'm tired of this. Because while I'm a child, I do not know what to do. I
am not a master of the world, unlike what my father is telling everyone. And luck
will never side with me because of the lies we are telling people.

And right now, looking back, I must say... It never did... from the very beginning.

Kabanata 1
Kabanata 1

Name

Isang maputi at maliit na kambing ang nakatitig sa akin. Tumitig rin ako sa kanya.
Isang lubid ang nakatali sa kanyang leeg. Gumaling sa sakit ang nakababatang anak
ng isa sa pinaka mahirap na pamilya ng nayon.

They are all wearing muddy clothes, halatang kagagaling lang sa pagsasaka.
Nanginginig ang kamay ng kanilang padre de pamilya nang ihandog sa akin ang lubid
kung saan tinali ang kambing. I know that it's all they have.

"Tanggapin n'yo po, Mahal na Diwata, ang aming handog pasasalamat para sa inyo."

Kinuha ng isa sa mga babaeng tauhan ni Papa ang lubid ng kambing. Hindi ako bastang
nahahawakan ng kahit na sino, lalo na sa altar ko. Umiling agad ako. To take the
only possession they have is just so cruel. Kahit pa sabihing inihandog nila iyon.
It's cruel. Lalo na dahil alam ko, hindi malubha ang naging sakit ng bata. Pahinga
lang ng ilang araw at gagaling ito. I did not study medicine but through the years
of doing this, I slightly know some things about it.

"Huwag na po," banayad kong sinabi sa nakayukong pamilya sa harap ko.

My father's shadow slightly moved. Alam ko na ayaw niyang tumatanggi ako sa kahit
ano. Sigurado rin ako na naningil siya. Ang pagtitiwala at pagsasama ng mga taong
narito ang nagtutulak sa kanila na sundin ang gusto ni Papa. My father is just
taking advantage.

"Ang mabuti pa, iuwi n'yo na lang po ang kambing ninyo. Makakatulong po iyan sa
pangkabuhayan-"

"Pero, malinaw na nakasaad na ang sino mang gustong mabiyayaan ng pagpapala ninyo
ay magbibigay ng mga mahahalagang bagay galing sa kanila..." nakayukong sabi ni
Papa.

Umiling ako. Sa kauna-unahang pagkakataon, nagkaroon ako ng lakas ng loob at


paninindigan na hindi ko dapat tanggapin ang alay nila. Hinahayaan ko lang ito noon
pero ngayong mas malinaw na sa akin ang katotohanan, ayaw ko nang magpaloko pa.

We have almost a hundred constituents here. Lahat sila, sinasamba ako. Lahat sila,
nag-aalay para sa ikabubuti ng pamilya. They all give their sacrifices in form of
material or money. Kahit pa walang wala na sila. Kahit pa, hindi na makatarungan.
"Tanggapin n'yo na po ang alay namin. Para po talaga sa inyo ang kambing na iyan."

Hindi na ako natuto. Sa kagustuhan kong tumulong na itama ang mga pagkakamali,
nakakalimutan ko kung sino ang tunay na dapat sundin sa nayong ito.

"Hindi ba sinabi ko naman sa'yo na tatanggapin mo ang lahat ng iaalay?!" pagalit na


sinabi ni Papa pagkatapos niya akong higitin patungo sa isa sa mga pribadong kwarto
ng bahay.

Hinaplos ko ang aking palapulsuhan para maibsan ang hapdi ng pagkakahila niya sa
akin.

"Nakakaawa na po sila. Halos wala na silang makain dahilan ng paulit-ulit na


pagkakasakit-"

"Wala akong pakealam, Leil! Kapag sinabi kong tatanggapin mo, tatanggapin mo!"

"Papa, maawa naman kayo sa kanila-"

"'Yang mga 'yan ang nagpapakain sa'yo kaya bakit ka pa aangal!? Kaya ka nakakapag-
aral gaya ng gusto mo, dahil nag-aalay ang mga iyan!"

"Akala n'yo po ba hindi ko alam na kasinungalingan lang ang lahat ng ito?" I said
when I lost it.

Before I could continue, isang sampal na ang natamo ko galing sa ama.

Lumayo ako sa takot. Hanggang sa hindi niya na ako abot at may tatakbuhan ako
palabas ng silid. Nagkaroon agad ako ng lakas ng loob na magsalita ng ulit.

Namilog ang mapupulang mata ni Papa. Sumugod siya ulit sa akin at agad akong
tumakbo sa pintuan ng kwarto. Nang nakita niyang may tatakbuhan ako ay tumigil
siya.

"Ikaw ang pinagpala ng Panginoon. Ikaw pa ang hindi maniniwala sa kanya?" he said
bitterly.

Nagpupuyos ay nagpatuloy ako sa pag-alis sa silid. Nagdadalawang-isip ako kung


naniniwala ba talaga si Papa o ginagamit niya lang ang lahat ng ito para sa
pansariling interes. I want to think of the better of him. But I will always end up
confused after.

In my own home, I feel trapped. Dahilan kung bakit sinasamantala ko talaga ang
libreng oras ko. I make sure that I get out of the village. That's the only way I
can feel free. Basta't makauwi lang ako sa oras ng pagdadasal sa tamang araw, at
oras ng paggamot.

Bumukas ang pintuan ng mga Avila para sa akin. Inanyayahan ako ni Ma'am Luz na
pumunta sa kanila para makapag-aral naman ng kaonti ngayong summer. Para narin
maayos ang marka ko pagdating ng sunod na taon.

"Leil... Andyan ka na pala..." said my teacher.

Pero bumaba ang tingin niya sa dala-dala kong hayop. Ang batang kambing na inalay
sa akin noong nakaraang araw ay dinala ko ngayon. Hinayaan naman ako ni Papa na
gawin iyon. Mas gugustuhin ko pa ang may dala-dalang hayop kesa sa hayaan ito sa
nayon at baka maisipan lang ni Papa na kainin ito.
"Ba't may dala kang kambing?"

Nahihiya akong ngumiti at itinuro ang isang pandak na niyog sa bakuran. May mga
damo sa gilid kaya mainam itong lugar para itali ang kambing.

"Alaga ko po. Pwede ko po bang itali na lang muna siya?"

"Ay naku! Paano 'yan? Balak pa naman ng Lola Brosing mo na isama ka sa lakad. Hindi
naman pwedeng isama mo ang kambing na iyan."

"Ganoon po ba? Pero pwede ko po bang itali na lang siya rito hanggang sa makauwi
kami?"

"O... sige. Itali mo sa may puno, Leil."

Ngumiti ako at hinatak na ang kambing. Humiyaw ang puting kambing, mukhang
nagpoprotesta sa gagawin kong paghila.

"Halika na! Buti nga dinala kita rito. Kung iniwan kita sa bahay baka niluto ka na
ni Papa!" sabi ko sabay hila rito.

Ilang sandaling pag-aagawan namin ng kambing ay matagumpay ko naman siyang naitali


sa puno ng niyog. Sa loob naman ng bahay ay tiningnan ko ang kalagayan ng batang
kambing na dala ko, it looks fine so I felt relieved.

Ang gusto ko tuwing pumupunta ako rito kina Ma'am Avila, palaging may handang
meryenda. Ang mga pagkaing hindi ko madalas nakakain sa village, naroon.
Softdrinks, juice, cake, at kung anu-ano pa. Ang sabi nga nila, napag-iiwanan na ng
panahon ang pamumuhay namin doon. Kaonti lamang ang nakakarating sa sentro ng Costa
Leona. Ang iba'y ipinanganak at namatay na lang nang hindi nakakalagpas sa madilim
na kagubatang matapang kong tinatahak patungo rito.

Matakaw kong kinain ang isang chocolate cake. Pinanood ako ng dalawang
nakakatandang ginang sa harap ko. Nahiya tuloy ako kaya nangiti ako at huminahon.

"Sabihin mo nga sa akin, Leil, paano mo ba ginagamot ang mga tao?"

May mga bagay na kaya kong sagutin pero hindi ko pinapaniwalaan. Ginagamot ang mga
tao? Talaga bang ako ang gumagamot? Ang paniniwala ng iba? Pero kung
kasinungalingan ang pinaniniwalaan nila, sino, kung ganoon ang gumagamot sa kanila?

"Alam mo kasi, isang matandang taga karatig bayan ang dumayo sa inyo noong
nakaraan, hindi ba? Nagpagamot sa'yo."

Tumango ako. Ganoon nga ang nangyayari. Some new believers... hopeless with the
modern medicine... goes to us and offer my father money for the rituals I will
perform.

"May mga damo at dahon akong pinapainit sa isang kandilang alay ng Diwata. Sinasabi
ko rin ang sanitatem bilang dasal, pero depende po sa uri ng gagamutin ko," diretso
kong sabi. "Kung sugat, o pamamaga lang, o hindi kitang sakit, o kahit ano."

"And we're you taught by your holy god or goddess?" nag-aalalang tanong ni Ma'am
Avila.

Yumuko ako at hindi na nakasagot. Alam niya na ang sagot riyan.

I've read books about other religions. How they all rose. Tila lahat ay galing sa
isang milagro ng sugo. I cannot forget how my father just told me to memorize it
all and perform those things, holding my faith for Someone up above, as hostage. Na
kung susuwayin ko siya'y para ko na ring sinuway ang Panginoon.

"Pasensya na, Leil. Concern lang talaga ako sa'yo. Ang bata mo pa para sa lahat ng
ito. You have a bright future ahead," sabi ni Ma'am.

Ngumiti ako. "Alam ko po, Ma'am. Magsisikap po ako para balang araw masasagot ko ng
maayos ang lahat."

"Bukod sa panggagamot, hija, ano pa ang ginagawa mo?" singit naman ng matandang
Avila.

"Nagdadasal din po ako para sa maraming ani." Kumislot ako nang may naalala.
"Minsan na rin po akong nakapagsumpa ng iilang tao."

"Sumpa?" usisa ni Ma'am Avila.

I know. I've cursed a group of children because they bullied one of the children in
our village. Pumunta ang mga magulang noong bata sa amin at pinagdasal na
magkasakit ang lahat ng umaway sa anak nila dahil sa paniniwala. I hated that one
but like usual, my father made me do it.

Hindi ko alam anong nangyari sa mga batang sinumpa ko. Hindi na rin inalam ng
lahat. Parang kontento na sila, naniniwala na sila, na naaksyunan ko na ang
nangyari.

"Tama na, Luz. Umalis ang bata sa kanila para makawala. Hindi na dapat pa natin
siyang tinatanong ng ganito."

I can sense my teacher's protest. Tila marami siyang gustong ipaliwanag at itama sa
mga ginagawa ko pero tumigil na lang siya at tumango.

Espesyal sa akin ang araw na ito kumpara sa ibang araw na pinpapunta ako ng mag-
inang Avila. Isasama kasi ako ni Lola Brosing sa Casa Riego. Oo, Casa Riego. Ang
mansyon lang naman nina Raoul Riego.

I've been there before. Una ay iyong kasama ko si Papa, noong nine years old pa
lang ako. Birthday iyon ni Felicia Riego at naimbitahan kami. It's actually very
embarassing that time. May engrandeng party pala at tahimik ang mga tao noong
pumasok kami. PInagtitinginan kami ng Papa. Akala siguro nila sinong espesyal na
mga panauhin dahil talagang sinundo kami ni Felicia Riego sa pintuan pa lang.

It's a magical moment for me. To be in a very big mansion with people dressed like
princes and princesses. Hindi man kami nagsuot ng gaya nila'y nakaputing bestida
naman ako noon at ang mahabang buhok ay hinayaang nakalugay.

Kumain kami sa mahabang lamesa. Walang ibang tao kundi si Papa at si Felicia Riego.
She's very kind to me. Nang hawakan niya ako para ipakilala sa anak para akong
lumilipad sa ere. Her hand was so smooth and soft.

"This is my son, hija. Raoul, si Soleil, anak ng Tito Balthazar mo."

The first time I saw Raoul, I was instantly astonished. I have never seen anyone as
beautiful as him in the village. Kahit pa sa sentro ng Costa Leona. I adored him
from that day on.

"Eto nga pala ang give away ng party. Enjoy the night, hija," si Felicia Riego.

Raoul Riego handed me an hourglass. It's my first time to have a "give away" from a
party. I treasured it like a gift. Isang alaala na minsan akong napunta sa isang
lugar na mukhang papangarapin ko na lang buong buhay ko.

Sa mga sumunod na pagpunta ko ay si Ma'am Avila at Lola Brosing na ang mga kasama.
Parehong magaling ang mag-ina sa pag-aarrange ng mga aklat sa library. Dewey
Decimal Classification ang gamit nila, walang may alam kahit sino pa sa mga
kasambahay kaya kinakailangan ng tulong ng mag-ina. Sumasama ako pero wala ang
pamulya Riego dahil hindi summer kaya nasa Maynila sila.

Minsan naman, kahit hindi summer, si Felicia at Hades Riego ay nasa bahay lang.
Naaabutan ko sila, pero hindi kailanman si Raoul. Tuwing summer lang siya narito.
Gaya ngayon. Kaya naman, sobra ang excitement ko.

"Dito po..." sabi ng isang unipormadong kasambahay.

Diretso ang lakad ni Lola Brosing. Naiwan si Ma'am Avila dahil mukhang tumanggap
yata siya ng summer tutorial sa kanila kaya kaming dalawa lang ni Lola.

Sumulyap sa akin ang kasambahay. Tiningnan ako mula ulo hanggang paa. I smiled at
her. Hindi naman siya nagreact at dumiretso na patungo sa library.

Kahit ilang beses na akong napunta rito, namamangha parin ako sa buong mansion.
Galing sa katolikong simbahan, kung saan malapit ang bahay ng mga Avila, mahigit
isang kilometro pa kaliwa ang kinaroroonan ng Casa Riego. Pero ang lupaing harap ng
simbahan hanggang sa dulo ng mga bulubundukin ay sa mga Riego na. At iilang
kilometro pa ang lapad noon kung sa kalsada susukatin.

Galing sa gate nila, malayo pa ang tatahakin hanggang sa maabot mo ang mansyon.
Mahabang hilera pa ng mga sinadyang puno at halaman ang tatahakin bago ka makaabot
sa tatlong andanang puting mansion, ang ancestral house ng mga Riego, ang Casa
Riego.

Four large french pillars were on the protruding frontage of the mansion. Ang apat
na posteng iyon ay nililukan ng baging at dahon. Pagkapasok ay walang kapintasan
ang marmol na sahig ang makikita mo, karpetado ng pulang mamahaling tela. Pag-angat
ng tingin ay sa parehong kulay ng marmol, ang kisame. Ang mga iilang nahuhulog na
chandelier ay tila mga bituin. The large french windows and doors were all white,
like all the walls inside. At sa likod ng mga pintuang iyon, nakikita ko ang terasa
na may mga upuan at lamesa, perpekto sa isang araw ng pagbabasa ng libro.

The gold rustic bannisters and the grand marbled staircase in the middle sent
shivers down my spine. Oo, sa gitna. Dahil may dalawa pang mas maliit pero engrande
paring mga hagdanan sa magkabilang panig ng buong tanggapan.

All of it were whites. Only accented by rustic golds in the bannisters and some
outlines on the walls. Even the long and thick curtains were creamy white. Ang
tassel at iilang outline ay kulay ginto.

They also have sculptures. Dalawang sculpture ng ninuno ni Raoul ang nasa
magkabilang panig ng hagdanan. At kung ipagpapatuloy ko ang pagkakamangha, maiiwan
na ako ni Lola Brosing.

"Ang daming aklat!" puna ko pagkaalis ng naghatid na kasambahay.

Maayos naman ang pagkakalagay ng mga aklat pero may iilan nga lang daw na wala sa
tamang sistema ng Dewey Decimal kaya iyon ang inaayos ni Lola Brosing. Tinutulungan
ko siya tuwing may mga utos siya sa akin pero kapag wala naman ay sinasamantala ko
ang pagkakataon na tumitingin tingin sa mga librong wala sa library ng mga Avila.
Halos lahat ng naroon sa isang shelf ay tungkol sa arkitektura. And I got lost in
the beauty of the places outside the country.

Isa pang kumuha sa atensyon ko ay ang iilang kopya ng magasin sa isang malapad na
lamesa. On the small part of the cover is a picture of Raoul and some of his
teammates.

Nagmadali akong pumunta sa tamang pahina upang mabasa ang lahat ng tungkol sa kanya
at sa lahat ng nangyayari.

They are an over all champion in a competition. Ipinakilala ang bawat miyembro ng
team at ang tanging binasa ko lang ay ang tungkol kay Raoul.

Name: Raoul Vesarius Riego

Age: 18

Course: BS Civil Engineering

Height: 181cm

Binasa ko ang narrative tungkol sa kanya. Naka ilang panalo sa MMA, walang talo.
Miyembro rin ng basketball team, at minsan na ring naglaro para sa ibang sport para
irepresenta ang kanilang kurso. He's a consistent Dean's Lister and is known for
being good in Polo.

Polo? Damit?

"Leil, paki lagay nito sa shelf na pang arkitektura..." bilin ni Lola Brosing na
sinunod ko naman.

After all our hard work, pinag meryenda kami roon. Nag-usap si Aling Wanda at si
Lola Brosing. Panay ang tingin ko sa malalaking pintuan at wala namang
nagpapakitang may bahay. I wonder where Raoul is? Maybe with his friends?

Kontento naman ako nang umuwi kami ni Lola Brosing. Wala si Raoul pero nabasa ko
naman ang iilang impormasyon tungkol sa kanya kaya masaya na ako.

Kasama ang alaga kong kambing ay umuwi na kami. At dahil paniguradong didilim na
bago ako makauwi, kinuha ko ang isang shortcut patungo sa amin. Isang daanan na
hindi ko pinupuntahan sa takot sa mga ahas, baboyramo, at iba pa. Doon din malalaki
ang mga puno. Ang mga ugat nila'y nakalatag sa lupa kaya hirap ang pagtahak. Pero
kung ipagpapatuloy ko naman, isang oras lang ay nasa nayon na ako.

"Halika rito!" sabay hila ko sa kambing na nahihirapan din dahil sa naglalakihang


ugat ng mga puno.

Labing limang minuto, natanto kong mas matatagalan ako dahil sa kambing kaya
binuhat ko siya para mas mabilis ang lakad ko. Mabuti na lang at hindi naman
gaanong mabigat ang kambing kaya ayos lang.

Sa dulo ng gubat na ito, naroon ang isang may kalakihang kamalig ng mga Riego.
Walang tao roon madalas kaya pag nakikita ko na iyon, ibig sabihin susundan ko na
lang ang sapa, makakauwi na ako sa amin.

Nakakatakot na mga huni ang naririnig ko pero binalewala ko iyon. Ang iilang
halaman ay sumusugat na sa aking binti pero hinayaan ko na rin. If I stop, I will
waste time. Wala rin namang mangyayari kung titigil ako para tingnan ang mga
sugat.
Sa malayo ay tanaw ko na ang kamalig. Nagulat ako nang nakitang may usok sa kung
saan. Akala ko may nasusunog pero nang narinig ko ang tawanan ng iilan ay natanto
kong may mga tao roon.

My heart jumped when it dawned on me. Baka wala si Raoul sa kanila dahil nandito
siya sa sapa kasama ang mga kaibigan niya?

Binitiwan ko ang kambing nang nasa mas magandang lupa na kami. Humiyaw ito kaya
agad akong yumuko.

"Shhh!" sabi ko kahit na hindi naman naiintindihan.

Tawanan at asaran ang narinig ko, palapit pa lalo. But I figured the laughs were
from the loungers, barbecues, and tables near the stream, hindi sa kamalig. Hinatak
ko ang mabagal na kambing at nagpatuloy sa paglalakad.

I craned my neck to see who were there. I saw some familiar faces. Ang iba'y
pamilyar sa akin dahil sa nabasang magasin kanina. These are Raoul's friends from
Manila. Some are from here but most were from Manila, I'm sure.

Pati ang mga babae, mga kaibigan nga ni Raoul dito sa Costa Leona. They are all
easy to spot. At alam ko, purong mga anak ng mayayamang angkan ang mga 'yan, dito
sa Costa Leona, at karatig pang lalawigan.

Palapit sa kamalig ay mas lalong umugong ang tawanan. Pero isang halinghing ang
narinig ko nang natapat ako sa may bintana noon.

One glance and I saw a man and a woman, inside. My eyes widened when I realized
that the familiar shape of that body is Raoul.

Nagmamadali akong lumapit sa bintana, kasama ang kambing. Mahirap siyang hatakin
dahil ayaw lumapit pero pinilit ko. When the view from the window wasn't enough, I
went to the door. Ang siwang sa pintuan ng kamalig ay ang naging bintana ko para
makita ang nangyayari.

Isang maputing kama ang nakita ko sa loob. Nakaupo ang isang babae, hindi ko tanaw
ang mukha. Her long legs were spread far apart and Raoul's waist is in between
them.

I saw Raoul's hand move from her chest down her stomach... pababa hanggang sa hindi
ko na makita dahil natatabunan na ito ng kanyang malapad na likod. Their movements
were passionate and slow. Like a very slow primitive dance I'm sure I already saw
somewhere.

Uminit ang pisngi ko nang natanto iyon.

Raoul is topless. His body is muscular. He's wearing a faded jeans that hung so low
that I can properly describe a bit of his round and firm buttocks. His shoulders
were broad and powerful. His back is long, masculine, and fit. The thick layers of
muscle grooved his spine. At nang inangat niya ang bestida ng babaeng kasama ay
nakita ko ang pag-igtingan ng kanyang braso at ang mga ugat nito.

The girl moaned and laughed cutely. My eyes widened more when I realized that they
are kissing. I saw her lips turn so red after Raoul tilted his head for a deep
kiss.

Napabuntong-hininga ako. Tinabunan ko ng palad ang aking bibig. Bago pa ako makalma
ay humiyaw ulit ang batang kambing sa tabi ko. The girl shrieked with fear for the
unknown sudden sound. Napatalon naman ako sa kaba na baka makita ako lalo na noong
nilingon na ni Raoul ang pintuan.

Bago niya pa ako makita, tumakbo na ako. The poor baby goat looks so miserable when
I saw it almost choking because of my forceful pull.

"Tumakbo kasi tayo!" sabi ko pero sa huli ay niyakap ang kawawang kambing at
inangat na para hindi na makapag aksaya ng panahon.

"Uy! Uy may bata!" narinig ko galing sa isang lalaki malapit sa sapa.

Mabilis akong tumakbo at alam ko ang pasikot-sikot kaya ginamit ko iyon para
makalayo. But then, I forgot that his friends were older than me... have more
strength than me... and more athletic than me.

Dalawa sa mga lalaking hindi ko kilala ay humarang sa akin. Dahil mabilis ang takbo
ko, hindi ako agad nagkaroon ng lakas para tumigil kaya tumama kaming dalawa ng
kambing sa dibdib noong lalaki.

"Saan ka pupunta, huh? Nagnanakaw ka, 'no?" paratang noong isa.

Tinulak ako ng natamaan ko. Sabog ang aking mahaba at maalong buhok. Mahigpit ang
yakap ko sa kambing. Natatakot na baka hingin nila ito sa akin bilang kapalit.

"H-Hindi po. P-Pauwi lang po ako sa amin," sabi ko, takot.

"Pauwi? Bakit ka nakatayo doon sa barn house? May ninakaw ka roon? Naninilip ka?"
sabi ng lalaking tinamaan ko kanina.

"Sino 'yan?" tinig ng babae galing sa sapa.

Umiling ako at inayos ang sumabog na buhok. The other boy's eyes widened.
Nagkatinginan ang dalawa.

"Uuwi na po ako..." nagmamakaawa kong sinabi.

"Su-Sumama ka samin..." nag-aalinlangang sinabi noong isa at hinawakan ang sa


braso.

Hinila niya ako patungo sa sapa, kung nasaan ang ibang kaibigan. Yumuko ako at
hinayaang tabunan ang mukha ng buhok. Pati ang dala kong kambing.

"Sino ba 'yan?" tanong ng isa pang babae.

"Ay naku! Istorbo!" another girly voice said.

Through the strands of my brown hair, I leveled my head to see who's there. Nakita
kong naroon na si Raoul. Kasusuot niya lang sa isang kulay abong t-shirt. Ang
babaeng nakatayo sa likod ay nakahalukipkip. She's wearing a flowy top and white
mini skirt, gaya sa nakita kong eksena kanina sa loob ng kamalig.

Titig siya sa akin, mukhang galit. While Raoul went to a small round plastic table.
Nagsalin siya ng tubig at uminom. Sumulyap siya sa akin pagkatapos uminom ng tubig.

My heartbeat doubled. Inayos ko ang buhok ko. Nilagay ang iilang tikwas sa likod ng
aking tainga at inangat ang tingin sa lahat ng naroon. Natahimik sila. Siguro'y
namangha sa kambing na dala ko.

Binaba ko ang kambing. Humiyaw ito at agad kong sinaway na tumahimik na muna.
"Bitiwan mo, Peter..." Raoul's voice sounds like a growl from a large animal.

He sighed heavily and looked at me. Binitiwan ako ng lalaking katabi. Hinawakan ko
ang braso kong mahapdi dahil sa pagkakahawak ng kanyang kaibignan.

"Naninilip yata ito... O 'di kaya'y nagnanakaw, Raoul," sabi ng isa pang lalaki.

Raoul's eyes bore into me. He didn't look friendly. In fact, he looks dangerous and
almost brutal. The way his jaw moved and the way he licked on his lips sent shivers
down my spine. He looks harsh, cruel... Pero paanong matipuno at guwapo parin siya?
Hindi ko alam.

"H-Hindi ako nagnanakaw."

"Ah? So nanilip ka lang?" sabi noong babaeng kahalikan ni Raoul sa kamalig.

Nagtawanan ang mga kaibigan niya. Iilan sa mga lalaki ay nanatiling seryoso at
nakatingin sa akin. Kinagat ko ang labi ko at napayuko na lang.

"Bakit ka nandito? Galing ka sa gubat?" Raoul asked.

Tumango ako. Suddenly my heart is full of hope.

"Malapit nang dumilim. Hindi mo ba alam na maraming mabangis na hayop sa gubat?


Bukod pa sa masasamang tao?"

"S-Sanay naman ako..." sagot ko.

"Iyon naman pala, Rao. Dito na lang muna 'tong batang 'to. Ihahatid ko na mamaya,"
sabi ng isa sa mga kaibigan niyang lalaki.

Ano? Raoul turned his head towards that friend. Nakita ko ang pag-aalinlangan sa
ekspresyon ng kanyang kaibigan. Tumango ito na tila may naiintindihan.

"Just kidding, pare..."

Then Raoul turned to me again.

"What's your name again?" he asked.

"S-Soleil..." maliit ang tinig ko nang sagutin ko siya.

He nodded gently. He licked his lower lip before finally responding.

"Leil, saan ang bahay ninyo?"

Leil... Leil... Kailanman hindi ko inisip na maganda pala ang tunog ng pangalan ko.
Ngayon lang. Nang banggitin niya. Ngumiti ako at itinuro ang kalaunan ng sapa.

Sinundan niya ng tingin ang aking pagturo. He nodded then turned to me again.

"Are you sure you know how to go home alone?"

"Palaboy yata 'yan, Rao. Hayaan mo na..." sabi ng isang babae.

"Sanay ako."

Raoul nodded again. He did not listen to the other girl.


"Umuwi ka na, kung ganoon. Bago pa dumilim. And I'm sorry if we scared you."

"Ayos lang..." sabay ngiti ko.

"You should really get going. It's late..."

I nodded once more before I finally turned. Hinila ko ang kambing na dala at
nagpatuloy na kami sa paglalakad. Nang nakalayo ay nilingon ko ang kinaroroonan
nila. Nagtatawanan na ang mga kaibigan ni Raoul. Siya naman ay nakaupo na sa isa sa
mga silya, nangingiti sa asaran.

Nagtagal ang tingin ko sa kanya. Natigil lang ako nang nakita kong sumulyap siya sa
kinaroroonan ko. His eyes were intense and serious. And I love how he looks that
way, indestructible and dangerous. Pero nang kinausap ako'y walang kasing rahan.

The girl he's with is probably his girlfriend from Manila. I caught them kissing.
I'm happy for him. I hope he finds happiness. Sana ay sila hanggang sa huli. Sana
ay hindi siya masaktan.

Uminit ang pisngi ko nang nagtagal pa ang seryoso niyang titig sa akin. Tipid akong
ngumiti at nagpatuloy na sa paglalakad, nanghihinayang sa pagkakaputol ng titigan.

My heart is beating wildly. My chest hurt so bad. Parang lumilindol ang katawan ko
sa sobrang pagyanig ng puso. And even it it hurts in my chest, I still feel happy.
I am so happy.

And that was the highlight of my eleventh summer in this world.

Kabanata 2
Kabanata 2

Fate

Sinundan lamang iyon ng iilang pagkakasalubong at paninilip ko sa kagubatan. Ilang


araw din silang nagkatuwaan ng mga kaibigan niya sa kamalig. Nagtatago sa
malalaking ugat kasama ang batang kambing, wala nang nakakita sa akin sa nagdaan
pang mga araw.

I was twelve years old when some of my classmates started being friendly with me.
Bukod kasi sa palagi nila akong nakikitang nakakausap si Ma'am Avila, natutulungan
ko rin ang mga kaklase ko sa ibang subject na mahina sila.

"Huwag mong lalapitan 'yan! Sabi ng Mama ko, mangkukulam 'yan!" sabi ng mga kaklase
sa mga lumalapit sa akin.

Minsan, kontento na ako sa paminsan-minsang pagbati at pamamansin para sa mga


takdang-aralin.

"Leil, nakasagot ka na ba sa isang slam book?" tanong ng isang babaeng kaklase.

Umiling ako. Nakita ko ang pag-iiba ng kulay ng kanyang pisngi sa paglahad niya sa
isang makulay na notebook.

"Ayos lang ba kung pasagutin kita rito?"

Ngumiti ako at tinanggap na ang kanyang slam book. Naupo siya sa harap ko at
pinanood ang pagsagot ko sa iilang tanong na handog ng slam book na iyon. Ang ibang
kaklase namin ay inaasar at sinasaway na siya dahil sa pakikihalubilo sa akin. But
then they are all too scared to voice it out in front of me because I might curse
them or whatever.

Para maiwasan iyong iniisip nila, pinipilit kong ngumiti. Ayaw kong nagagalit ako
dahil mas lalo silang natatakot sa akin.

"Crush mo si Raoul Riego?!" sa gulat ng kaklase sa nakita niyang sinagot ko ay


narinig din ng iba iyon.

Kilala sila. Iilan sa mga kaklase ko'y kung hindi man crush din si Raoul, gusto at
pinapangarap naman ng nakatatandang kapatid nila.

"Naku! Nangangarap pa kayo, e, hindi iyon namamansin ng mahihirap na gaya n'yo.


Lalo na syempre, mga taga bundok na aswang!" pasaring ng isa sa pinakasikat na sa
aming baitang.

She's known for being pretty. Her hair is very straight, may make up na ring kaonti
sa mukha, at maiksi pa ang skirt. I often look at her group and kind of admire
their lives. It all seem easy.

"Bakit, Vera, magkaibigan ba kayo?" sarkastikong sagot ng isa pang kaklaseng


nakikinig.

"Hindi, pero kaibigan ni Ate ang girlfriend niya kaya alam ko."

Bumagsak ang mga mata ko sa slam book kung saan sinulat ko ang pangalan ni Raoul.
Hindi ba pwedeng humanga man lang? Kailangan bang magpaalam muna bago mo gustuhin
ang isang tao? Hindi naman yata. Besides, I know this will be all there is to it.
Hindi na hihigit pa o ano man. Our worlds are so far apart, I don't think it will
ever meet. Let alone collide.

Tuwing Biyernes, sa unang period namin, pinapapunta ang isang "katekista" para
maghatid ng aral sa amin tungkol sa pangunahing relihiyon ng bayan. Ang ibang hindi
kaparehong relihiyon ay hindi naman pinipilit na makisama sa usapan. We are only
requested to stay and respect whatever the discussion will be.

Hindi ko nga lang maiwasan ang makisali lalo na sa mga pa-quiz doon. Sa dami ng
nababasa sa mga libro, minsan ay nagugulat ako dahil kaya kong sagutin ang mga
tanong na iyon.

"Hija, ikaw lang ang nakakuha ng pinakamataas at perpektong marka sa walong klase
sa baitang mo," banayad na sinabi ng matandang katekista.

Iilan ang pumalakpak pero may bulong-bulungan akong narinig. Ngumiti ako sa balita
pero napawi rin agad.

"Syempre alam niyan ang sagot. May agimat yata 'yan," dinig kong asaran sa likod.

Sinaway agad ng katekista at pinag sorry sa akin ang mga lalaking inaasar ako. They
were asked to say sorry while looking straight in my eyes for being bullies.
Natahimik ang tatlong lalaki at ilang minuto pa bago ako diretsong natitigan.

Hindi na kailangang umabot pa sa ganoon pero natutuwa ako na naaksyunan ang


paminsan-minsang pang-aaway sa akin. Huminahon ang tatlong kaklase at sabay-sabay
na nag sorry sa akin. Ngumiti ako at tumango.

Simula noon, hindi na ako inasar ng grupong iyon. The main bully became a bit
gentle to me. Minsan ay pinagbuksan ako ng pintuan sa laboratory room.
"Salamat, Jeff," sabi ko at nginitian siya.

Nagkamot siya sa batok at nag-iwas ng tingin. I saw his face turned bright red.
Nilagpasan ko siya at dumiretso na sa upuan ko. That doesn't guarantee the attitude
change from my other schoolmates, though. Lalo na iyong ibang alam ang ginagawa
namin sa bukid.

"Ano 'tong naririnig ko, Leil?" sigaw ni Papa nang dumating ako sa bahay namin
isang araw pagkatapos ng klase. "Nagdadasal ka sa ibang diyos sa paaralan n'yo? At
nagpapasikat ka pa na alam mo ang mga ginagawa ng ibang relihiyon?!"

"Hindi po ba pareho lang naman ang-"

"Hindi!"

Sinugod ako ni Papa. Nanlilisik ang mapupula niyang mga mata. For some reason, mas
nakakatakot na siya nitong mga nakaraang buwan kesa noong isang taon. Nanginginig
ang kalamnan ko sa takot sa pag-aakalang masasampal ako muli.

"Pasalamat ka't pinapag-aral kita! Ipapatigil kita sa pag-aaral mo kapag


ipinagpatuloy mo 'yang kabulastugan mo!"

Nalaman rin ni Papa na madalas ay sumasama ako kay Lola Brosing galing simbahan.
Ayaw niya ng ganoon. Ayaw niyang nakikipagkaibigan ako kahit sa mga kaklase ko.
Kahit kanino! Pakiramdam niya, nalalason ang utak ko sa ng mga taong hindi pareho
ang paniniwala sa amin.

Huminga ako ng malalim at pinagmasdan ang aking kambing. Mahigit isang taon na rin
ang nagdaan ng natanggap ko siya. Summer na ulit at dahil sa nangyari sa taong iyon
sa eskwelahan, pinagbawalan na ako ni Papa na gumala.

Hinuhukay ko ang mga dayami sa harap ng kambing at inililipat ko sa aking likod


para may mahigaan. Father has included feasts in our rituals. Iyon daw ang sabi ng
Liwanag sa kanya. Na sasambahin sa ikaapat na kabilugan ng buwan sa bawat taon.
Mag-aalay ang lahat ng kahit anong ani o pera. Ang sino mang hindi makakapag-alay
ay mamalasin buong taon. Ang mag-aalay ay matutupad ang mga kahiligan.

"Tingin mo totoo 'yon?" tanong ko sa walang malay na kambing sa aking gilid.

Mamalasin daw.

"Subukan ko kayang mag-alay para matupad ang kahilingan ko? Kaso, anong iaalay ko?"
sabi ko.

Nakakatawa. Hindi ako naniniwala pero sa kagustuhan kong makaalis dito ay kumakapit
na rin ako. Siguro ganoon din sila. Umaasa na totoo nga ang lahat ng ito kaya pilit
na naniniwala.

Tumitig ako sa liwanag ng langit. Natatabunan ng mga ulap ang sinag ng araw at
tahimik ang buong nayon. It's time...

Pinikit ko ang mga mata ko at nagsimula nang managinip ng gising. I'm a normal girl
in Costa Leona. Nakagraduate ng senior high na may mataas na marka at nabigyan ng
scholarship pang kolehiyo. Kukuha ako ng kursong gusto ko at nagsikap na itaguyod
ang sarili.

Iyon ang pinagkaabalahan ko buong summer na iyon. Isinasantabi ko ang iilang takas
ng pangarap kay Raoul dahil alam kong kahit sa pangarap, hindi kami magkakatagpo.
"Ano na kayang balita sa kanya?" pagkadilat ko sabay lingon sa kambing.

Nagpatuloy sa pagnguya ang alaga ko.

"Tingin mo sila pa noong girlfriend niya?"

Bumangon ako at nagsimulang maglaro ulit sa mga dayami.

"Hmm. Sigurado akong nagbabakasyon na 'yon dito. Kasama niya parin kaya ang mga
kaibigan niya?"

And forgive if I confess that even while chanting the incantations, with my eyes
closed, and the people are worshipping me, my head is filled with thoughts far from
whatever I'm doing.

"Sinasamba ka namin. Ikaw ang Liwanag. Ikaw ang pinagpala!"

Nakapikit ako at tuwid ang upo sa isang malaking upuan. I'm wearing an all white
dress, my usual dress whenever there is a ceremony.

Magiging normal kaya ang buhay ko balang araw? Iyon ang nasa utak ko habang
sinasamba ako ng mga tao. I want to run away. I want to seek for the truth. Not
that I don't know it now. For the past months, I realized what this is all about.

Hindi masama ang magkaroon ng relihiyon. Walang masama sa paniniwala. Ngunit alam
ko na gawa-gawa lang ni Papa ang lahat ng ito sa amin. Alam ko na pera lang ang
habol niya sa mga tao rito. At ang mga taong narito, naniniwala at sumasamba ay
biktima niya. Biktima namin.

Biktima ko.

"Papa..." sambit ko nang naekisan ang huling numero sa kalendaryo ng Mayo.

It's the last day of summer. Hindi ko kailanman siya tinanong tungkol sa pag-aaral
ko dahil kumbinsido siyang pagkakamali ang lahat ng iyon. Ngayon, umaasa akong
magbabago ang isip niya. I have been good for the whole summer. Hindi ako kailanman
tumakas o nagtangkang umalis para pumislit at pumunta kina Lola Brosing at Ma'am
Avila.

"Ano?" he asked, after a long draw on his cigarette.

"Bibili po ako ng gamit para sa eskwelahan," nakayuko kong sinabi.

Hindi siya nagsalita pero may kinuha siya sa kanyang wallet. Nag-angat ako ng
tingin at nakita ang libu-libong pera na nasisiguro kong galing sa dugo at pawis ng
mga taong narito. Kinagat ko ang labi ko.

"Kita mo na, Leil? Sa huli pala, manghihingi ka ng pera pambili. Hulaan mo nga kung
saan tayo kumikita?"

Hindi ako nagsalita. This just proves how fraud all of these were.

"Iyan ang isipin mo! Hindi iyong ikaw mismo ang nagpapahamak sa atin!" sabay tapon
niya ng pera sa aking mukha.

Marahan kong pinulot ang mga pera sa sahig. This is all fraud. Habang tumatagal ang
mga araw, unti-unti kong napapatunayan.
Wala sa sarili akong umalis ng bahay. Diretso ang lakad ko patungo sa kagubatan.
Hindi ko alam kung makakaabot pa ba ako sa bayan gayong pasado alas tres na. I want
so bad to atleast see Ma'am Avila and tell her I will continue this year kaya
dumiretso parin ako kahit ganoon.

Humiyaw ang alaga kong kambing. Nilingon ko siya at nakita kong nakatingin siya sa
akin. Iilang damo ang nasa kanyang bibig habang patuloy ang mahabang paghiyaw.

Binalewala ko siya at nagpatuloy sa paglalakad pero mas lalo lang lumakas ang hiyaw
ng kambing. Bumuntong hininga ako at sa huli ay nagpasya na isama na lamang siya.

He's slightly a bit bigger than before kaya hindi ko siya basta-bastang mabubuhat.
Umiling ako pagkaraan ng sampung minuto sa gubat at nakikita siyang hirap na
tinatahak ang mga naglalakihang ugat.

"Nagshoshort cut ako para mas mabilis, e. Sige na nga. Dumaan tayo sa sapa para
hindi ka na mahirapan," sabi ko.

Mabilis naman ang lakad namin sa sapa kaya tuloy-tuloy na. Makakaabot naman siguro
ako kay Ma'am Avila, kung sakali. Hindi ko nga lang inasahan na paglapit ko sa
kamalig ay may maririnig akong tawanan.

Noong una, excited pa ako dahil akala ko sina Raoul iyon. Pero sa huli, nakita kong
may mga batang naglalaro lang ng luksong tinik malapit sa sapa. Nagpatuloy ako sa
paglalakad, inayos ang buhok para hindi na mapagkamalang bruha o ano man.

But then even with my all smiles and a friendly facade, some of them started
screaming and laughing.

"Andito si mangkukulam!"

"Aswang!"

"May dalang kambing baka alay!"

Lilihis sana ako ng daanan nang bigla silang nagsimulang mambato ng mga putik at
bato sa akin. Tinaas ko ang mga braso ko para tabunan ang sarili.

Nagtatawanan sila habang ginagawa iyon.

"Tama na!" sabi ko pero sa bawat bigkas ay may tumatama sa aking mga maliliit na
bato.

Binaba ko ang isang braso ko at nagulat nang nakitang may dalang isang malaking
bato ang pinakabata sa kanila. Agad akong pumikit at nag ekis ng braso. I was so
sure it'll hit me! I was so sure I'm screwed. Pero nagulat ako nang hindi. Nagulat
ako nang natahimik ang naghihiyawang mga bata.

Nagulat ako nang may sumigaw na... "Takbo!"

Pagbaba ko sa nakaekis na kamay ay nakita ko ang likod ng isang pamilyar na lalaki.

I have not seen Raoul for almost a year now, is this why I am hallucinating?
Imposimbleng dulo ng summer ay narito pa siya! Guni-guni ko lang ba 'to? Ganoon ba
ako kasabik? Ganoon ko ba nasikil ang sarili na ngayo'y nandito siya sa aking
panaginip?

When he moved and cursed loudly, natanto kong nagkamali ako. Mas lalo pa nang
nakita kong may tumulong dugo sa baba niya!
"Ayos ka lang ba?" his low growl was very familiar.

I am so sure I'm not dreaming. I am so sure he's true!

"A-Ayos lang!"

Namimilog ang mga mata ko nang nakita ang sugat sa kanyang noo. Mabilis ang dugo ng
sugat na iyon, siguradong natamaan ng batong dapat para sa akin.

Wala sa sarili kong itinali ang kambing sa pinakamalapit na puno. Malapit doon ay
naroon ang dahong madalas kong ginagamit para sa mga sugat.

"Fuck... The first aid's removed from the barn..." he murmurred.

Naglakad siya patungo sa kamalig. Hindi na ako nag-isip kung mag-isa ba siya o
hindi. Agad na akong sumunod sa kanya, dala ang mga dahon.

"K-Kaya ko 'yang gamutin," sabi ko.

Tatlong baitan ng hagdanan ay nasa balkonahe na kami ng kamalig. Umamba siyang


papasok pero nang narinig ako ay lumingon siya.

"Paano? May gamot ka riyan?" he asked.

Napakurap-kurap ako. Bahagyang namamangha sa itsura niya. Itim na itim ang kanyang
mga mata. Iyong tipong nakaliliyo at nakakawala sa sarili. The long blade of his
nose fitted perfectly on his utterly masculine face.

"Uh..." Tiningnan ko ang mga dahon sa aking kamay.

Nakuha niya agad ang gusto kong sabihin. He violently dragged a wooden chair to sit
in front of me. Pinalis niya rin ang dugong tumulo galing sa kanyang noo hanggang
sa kanyang pisngi. Nagulat ako sa bilis ng kanyang pagdedesisyon, walang pag-
aalinlangan.

Samantalang ako, nagdadalawang isip pa. Paanong hindi niya man lang ako pinag-
isipan ng masama?

I'm used to the people who doubt me. At ang makitang si Raoul ay hindi ganoon, para
akong nasa langit.

"Is that herbal?" tanong niya.

Nangangatog ang kamay ko lalo na nang nakita kong sinusundan niya ang bawat galaw
ko. Tumikhim ako at nilatag ang mga pinilas na dahon sa isang lamesita.

"Uh, n-nabasa ko sa library na epektibo i-ito pang gamot sa sugat," iyon ang totoo.

I researched most of what I'm doing. I'm just sure that the incantations were
bluffs but the herbs for wounds were fine. Iyon ang pinaka totoo sa lahat.

Walang pag-aalinlangan kong pinunit ang dulo ng palda ng damit ko.

"K-Kuha lang ako ng tubig," kabado kong sinabi at dumiretso na sa lababong minsan
kong nakita noong sumilip ako.

Kumuha ako ng tabo at nilagyan ng tubig galing sa gripong naroon. Dinala ko iyon sa
harap ni Raoul at binasa ko ang kaonting parte ng tela para mapunasan ang dugo.
He pursed his lips as he looked at me doing it on him. My heart is jumping like
mad. Kalaunan ay pumikit siya, lalo na noong idiniin ko ang tela sa kanyang noo.

Tumunog ang isang cellphone kung saan. Nakapikit ay kinuha niya iyon sa kanyang
bulsa at nilagay sa tainga.

"Yeah," sagot niya sa cellphone.

His lips curved a bit after that short english word. I've never seen him this
close. This close.

Nilapit ko ang mukha ko sa kanya. He tilted his head. I jumped a bit at napaatras
sa gulat.

"Bilisan n'yo na. Ang bagal n'yo..." he chuckled.

Kumalabog ang puso ko sa tawa niya. I can't help but grin. I like the sound of his
laugh.

Dumilat siya at nagkatinginan kami. Tumikhim ako at nagseryoso na lang. Nilingon ko


ang labas at nakita kong nakatali ang isang kabayo sa puno. Siguro ay dumating siya
at nakita niya akong inaaway kaya pumagitna.

I can't help but adore him more. He's like a hero. Itinago ko ang ngiti ko dahil
baka kung anong isipin niya.

"Sige. Bilisan n'yo," aniya bago binaba ang cellphone.

Nag-angat siya ng tingin sa akin. His pitch black eyes made me inhale longingly.

"Tanggalin mo. Tingnan mo kung malaki ba ang sugat."

Tumango ako at sumunod naman sa ginawa niya. Slowly, I removed the pressure on his
forehead. Nahirapan pa ako dahil malapit iyon sa buhok pero nang nakitang halos
kalahating pulgada lang ang haba ng maliit na sugat ay napabuntong-hininga ako.

"Hindi naman malaki. Tumigil na rin sa pagdudugo."

He nodded. Hinawakan niya ang telang nilagay ko sa kanyang noo. Our hands slightly
touched pero agad akong bumitiw. My heart is beating so fast and I can't breathe
properly.

"Aayusin ko lang ang mga dahon," sabi ko.

I rubbed my palms for heat. Pagkatapos ay hinawakan ang dahon para uminit din ito.
Nakatingin si Raoul sa akin habang ginagawa ito. I couldn't concentrate or remember
my incantations because of his stare. Not that I need those, anyway. I know it's a
fraud. Gawa-gawa ni Papa at itong dahon lang ang totoong nakakapagpagaling ng open
wounds.

"Bakit mo hinayaang awayin ka noong mga bata?" tanong niya nang balikan ko siya
para sa dahon.

"Ah. Sanay na ako."

"Sanay ka na?" his voice turned a bit harsh. "Hindi magandang rason 'yan."

Ngumiwi ako at nagpatuloy sa ginagawa. I can't help but adore him... adore him
more... and more...

"Pasensya nga pala at nadamay ka..." sabi ko.

He opened his mouth for another argument but I heard the gallops of some horses and
laughs from his friends. I cleaned up his forehead bago umatras para maharap niya
na ang mga kaibigan niya.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ng isa sa mga lalaki.

"Wala... Konting sugat lang."

Yumuko ako. I can't help but notice how he doesn't brag about his kindness. Pwede
niyang sabihin na niligtas niya ako sa mga batang iyon pero mas pinili niyang
ilihim iyon.

"Konting sugat?" tanong naman ng isa pa.

Nagsidatingan na sila papasok sa kamalig. Kinuha ko ang tabo para maglinis na sana
pero bago ko magawa ay may nakapuna na sa akin.

"Isn't she the witch in that cult?" isang babaeng kilala ko bilang kapatid ng aking
kaklase.

Napatingin si Raoul sa akin. Tumayo siya at kinuha na ang tabo.

"Stop talking nonsense, Bethany-" si Raoul na agad pinutol ng lalaking kaibigan.

"Siya nga iyon!" kumpirma nito. "Ginamot ka, Raoul? Ginamot mo?" sabay tingin sa
akin.

Tumango ako.

Nilingon ako ni Raoul. Lumapit ang lalaki sa akin at tumawa. Raoul immediately
pushed the man away.

"Stop it. You're scaring her."

"Are you kidding me, Rao? Nagpagamot ka rito? You don't know what she is! You're
probably cursed or whatever?"

"Anong kulto, Beth?" tanong ng isa pang babae.

Pinitik ni Raoul ang tabo sa labas para matapon ang tubig. Parang wala lang sa
kanya ang mga sinasabi ng mga kaibigan pero ang mga ito'y mangha at nag-aalala.

"I'm serious, Raj," ulit noong lalaki. "It's either you're cursed or she cast a
spell on you!"

Umiling ako. "Panggagamot lang ginawa ko," sabi ko.

"See? Pero alam mo paano sumumpa, hindi ba? Ikaw 'yon, 'di ba?"

Umiling ako para sa naunang tanong pero alam kong wala nang silbi iyon. Tiningnan
ko si Raoul na tumango lang sa akin.

"You're member of that cult?" he asked.

Parang gumuho ang mundo ko. Para akong nagising sa isang napakagandang panaginip.
And I can't blame him for asking me. It's natural.

"Oo..."

"You're the witch, right?" tanong noong babae.

Raoul's serious pitch black eyes remained on me. Huminga ako ng malalin.

Umiling ako. "Hindi ako mangkukulam-"

"What do they call you? Diwata? Lady of the Light?" natatawang sinabi ng isa pang
pamilyar na lalaki.

"Raoul, bakit ka nagpagamot, e baka kinulam ka na niya?" nag-aalalang sinabi ng


babae.

"Hindi ko siya kinulam."

"Stop it. You are all overthinking."

"Dapat ay sinabi mo nang tumawag si Peter. Kumuha sana kami ng pang first aid!"
giit noong isa.

Binalewala iyon ni Raoul at hinarap ako.

"Salamat sa paggamot. Umuwi ka na sa inyo at baka maabutan ka ulit ng mga batang


'yon."

Tumango ako at nagmadali na sa paglabas sa kamalig. Nakalayo na ako pero klaro


parin sa pandinig ko ang mga sinabi ng kanyang mga kaibigan.

"Bakit mo hinayaan? Kinulam ka noon!"

"She probably put a spell on you! I'm not surprised how you're so kind to her now,
actually. Maybe she's hypnotized you."

"Skwater ang mga 'yan sa lupain ninyo. Alam ko hinayaan lang ng Mama mo ang mga
'yan dahil matalik niyang kaibigan ang lider."

"Maybe your Mom got cursed, too?"

"Stay away from that girl! Hindi ba iyan din iyong last year?"

"She's creepy! Did you see her dress?"

Habang kinakalas ko ang tali ng kambing ay narinig ko ang malalim na boses ni


Raoul. Hindi ko matukoy ang mga sinabi niya dahil nakalayo na ako ng husto. Ang
alam ko lang, pagkatapos niyang magsalita ay hindi na muli nangulit pa ang kanyang
mga kaibigan.

I smiled bitterly as I walked back towards our village.

Hindi ko alam kung paanong galing sa pagtanggap ng katotohanan ay bigla akong


nadismaya ngayon. Noon, tanggap ko naman kung gaano kalayo ang agwat ng mundo ko sa
kanila. Pero ngayon-ngayon lang, pag-alis ko sa kamalig, nadismaya ako ng husto sa
buhay ko. Nadismaya ako na hindi ako makalapit sa kanila, kahit konti. Nadismaya
ako kahit na natanggap ko na naman ito noon pa.

Bakit? Anong nangyari, Leil?


Akala ko ba alam mo na hindi pwede? Akala ko ba tanggap mo?

Bakit nadidismaya ka pa? Bakit parang nalungkot ka pa kahit na alam mo na 'yon noon
pa?

This shouldn't be new to you, right?

Para sa panglabing tatlo kong summer, pinili ko na tanggapin ang aking sitwasyon.
Pinili ko na manatili sa village. The sudden disappointment I had last summer
scared me so much. I don't want to feel that again so that year... I chose the
village... I chose my fate...

Hindi ko pa alam noon na tayo ang gumagawa sa sarili nating tadhana. Ang mga
desisyon natin ang nagtutulak sa lahat. At kung pipiliin kong manatili at tanggapin
ang buhay na meron ako ngayon, walang mangyayaring pagbabago.

Kabanata 3
Kabanata 3

Caught

"Binasa mo 'yan?" tanong ni Ma'am Avila pagkatapos kong magsauli ng libro sa


kanilang library.

Sa ibang araw ay nakakapunta ako sa kanilang bahay lalo na kapag walang pasok. Sa
isang summer na pinili kong manatili ulit sa village, hindi na gaanong nangamba si
Papa. I did all his biddings, no matter how unjust they were to the people. I feel
so guilty. Pero natanto kong habang wala pa akong napapatunayan sa aking sarili,
wala pa akong magagawa.

Kalat na sa buong lalawigan ang tungkol sa amin. Ang iba'y gusto na kaming
palayasin pero dahil maimpluwensya ang pamilyang Riego at magkaibigan si Felicia at
si Papa, sa huli wala ring nagawa ang mga ito.

"Opo."

Ma'am Avila nodded. Alam ko kung anong ikinakatakot niya para roon sa binasa ko.
That was my first romance novel. I enjoyed it so much. More than I expected,
actually.

Sa paminsan-minsan kong panonood sa telebisyon, nakakakita naman ako ng mga ganoong


klaseng palabas pero iba pala kapag binasa. Mas dama ko. Mas maganda at mas
malinaw.

I have heard love stories before. I find them mediocre. Pero pagkatapos kong binasa
ang isang nobela tungkol doon, I realized it's not. It's magical and dreamy. Almost
as if it isn't true.

Ang sabi o pinapakita roon, ang pagmamahal ay perpekto. Tayong mga tao ang hindi.
And loving will push people to strive for perfection. We may not fully achieve it
because of our weaknesses, but striving hard for its glory is its greatest
execution for us sinners.

"Anong masasabi mo?"

Naupo ako sa isang malaking lamesa. Nagsalin siya ng juice sa harap ko. Gamit naman
ang hintuturo ay binilang ko ang mga babasahin pang libro sa sunod na linggo. Sa
limang librong kinuha, tatlo roon ay romance novels din.

"I think the most powerful thing in the world is love," sabi ko ng wala sa sarili.

Ngumiti si Ma'am Avila. Ganoon lagi ang reaksyon niya kapag may natututunan ako
galing sa mga itinuro niya.

"Natututong magpatawad ang mga tao dahil sa pagmamahal. Natututong magsakripisyo


dahil sa pagmamahal. Siguro... iyon po talaga ang susi para maging maayos ang
mundo."

"Napakatalino mong bata, Leil," naririnig ko ang sakit sa sinabi ni Lola Brosing.

Ngumiti ako at uminom na lamang ng juice.

"May iba ka bang relatives man lang na kilala, bukod sa Papa mo?" tanong ni Ma'am
Avila.

Umiling ako.

"Ang alam ko lang po, taga Iloilo si Mama. Bukod doon, wala na."

"Pasensya ka na, Leil. Hindi ko talaga mapigilan ang panghihinayang ko sa'yo.


Itinuturing na kitang anak at kung pwede lang ay ako na ang mag-alaga at magpalaki
sa'yo."

"Ma'am, hindi na po kailangan. Iyon na po ang ginagawa ninyo sa akin ni Lola sa


loob ng ilang taon," I said, honestly.

Nag ngitian silang pareho. I am so glad I met them. Kahit paano, hindi naman ako
ganoon kamalas para pagkaitan ng mga taong tunay na nag-aalala sa akin hindi para
sa dahilang baluktot.

"Kapag nasa tamang edad ka, pangarap kong dalhin ka sa mas malaking syudad, Leil.
Kung gusto mong mamuhay sa sariling paraan, pwede mo iyong gawin iyon doon. If only
you are willing to," si Ma'am Avila.

Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin. I have longed for that life but I wonder if it
will be worth living without my father and all his other people who I have
eventually grown to love? Ano ang mangyayari sa kanila? I have to find a way to
explain it to them when the time comes. Gusto ko rin sana na ako ang magmumulat sa
kanila sa nangyayari sa mundong pinagsaraduhan nila ng pinto.

"Hindi po ako sigurado roon. Hindi man ako sang-ayon sa kay Papa, wala po akong
ibang kamag-anak. Ayaw ko rin pong iwan ang mga ka-nayon. Kasalanan ko ang
pagbubukod nila sa taong-bayan. Gusto ko rin sanang ako ang maging dahilan ng
pagkakamulat nila."

Naramdaman kong nalungkot si Ma'am Avila sa sinabi ko. I smiled even when I cannot
say I am happy with my decision. I just want to be responsible for the things that
I've done. Maybe not today, but someday. Kapag natuto na ako ng husto at kaya ko
nang ipagtanggol ang sarili kong paniniwala.

"Sana magbago pa ang isipan mo riyan. Pakiramdam ko, hindi ka hahayaan ng ama mong
bigla na lang magkaroon ng ibang opinyon, Leil."

"Gusto ko nga pong matuto pa para tuluyan kong makumbinsi si Papa roon," paliwanag
ko.
"A man with a principle like that is very hard to convince, Leil. Pero siguro nga.
Sana magabayan ka namin ng Lola mo kung aabot nga sa panahong iyon."

I spent my fourteenth summer like my usual normal summers. Hindi narin gaanong
naging mahigpit si Papa. Siguro, para sa kanya, ang isang taong walang angal na
pagseserbisyo sa mga tao ang patunay na tuluyan ko na ngang pinaniniwalaan ang
lahat ng sinabi niya.

"Magbasa ka muna, hija," si Lola Brosing nang nakitang nagsisimula na akong mag-
ayos ng mga aklat sa library ng mga Riego.

"Hindi na po, Lola. Maraming nagkalat na aklat ngayon kaya tutulungan na kita."

For that summer, only the other Riegos were there. Si Hades at Felicia Riego,
kasama ang kapatid at pamangking Riego na siguro'y kasing edad o mas nakakabata pa
kay Raoul. Wala si Raoul doon. Hindi ko alam kung nasaan siya at hindi ko rin naman
naitanong.

Raoul Riego Tops on His Batch. Greatest on Structural Theory.

Iyon ang headline ng school paper na nabasa ko sa ilalim ng lamesa. Isang bagay na
dapat ay pinagmamalaki ng pamilya pero naroon lang sa ilalim at halos hindi pansin.
He really is great, huh? Siguro, wala siya sa summer na ito dahil abala siya sa
pag-aaral. O baka naman binigyan ng reward ng kanyang parents para sa nangyari sa
school.

I have not seen him in more or less two years. At ang makita ang seryosong mukha
niya sa school paper nila ay nagpasaya na sa akin. His hairstyle never changed.
Kung mayroon man, mas humaba ang buhok at mas nagmukha siyang mapanganib.

He looks like a warrior preparing for combat, like a gladiator stripped from his
chainmail armour. I've seen films like that a few times so I can definitely compare
him to those hard males.

Kontento na ako na makita ang larawan niya sa papel. Paminsan-minsan, naiisip ko


siya sa mga nagdadaang araw pero kapag napapansin kong masyado ko nang ginugugol
ang pag-iisip ko sa kanya, tinitigilan ko na.

"Brosing, halika at kumain muna kayo rito," sabi ni Aling Wanda nang nakita ang
pagbaba namin galing sa silid-aklatan.

Tapos na ang trabaho namin ni Lola Brosing sa taas. Aalis na sana kami pero
pinigilan kami ni Aling Wanda. Sa labas ng puting pintuan ay parehong kulay ng mga
silya at lamesa. The bannisters of their veranda were also white. Ang kubyertos ay
silver pero ang mga platito at mga palayok ay porselanang puti.

"Inanyayahan kayo ni Felicia sa hapag para sa meryenda. Sige na..."

"Ah... eh..." Hindi makatanggi si Lola. Nakakahiya naman kasi dahil lahat ng nasa
parihabang mesa ay nakatingin na sa amin.

Two pairs of Riego couple and the other two Riego boys. Ang isa'y mas bata kesa sa
isa.

Napatingin ako sa pinakabatang kasambahay na nandoon. Ilang taon lang siguro ang
tanda sa akin. I smiled at her but she gave me an angry look bago ako pinagsalinan
ng juice.

Yumuko ako at tahimik na naupo sa tabi ni Lola.


"Maraming salamat, Lola, sa ilang taon ninyong pagtulong sa pag-aayos sa library,"
si Felicia Riego.

"Walang anuman iyon, Ma'am. Naging parte na rin po ng buhay namin."

The older son of the Riego's eyes bore into me. Pagkatapos sa akin ay sumulyap siya
sa mas bata na tumango lamang pabalik sa kanya.

"Ano nga uli ang pangalan mo, hija?" tanong ni Felicia Riego sabay tingin sa akin.

"Soleil, po," banayad kong sagot.


She smiled. "How is your father? I hope he's doing well. We have not seen each
other for ages."

"Maayos naman po si Papa, Ma'am," sabi ko.

Tumango si Felicia Riego. Bahagyang tumawa ang nakatatandang lalaking Riego sa tabi
ni Hades.

"Si Balthazar ba ang tinutukoy mo, Fely? Balita ko'y-"

Pinutol ito ni Felicia. I was so ready to look down and hear the same thing about
my father. "Ares."

"Totoo ba iyon, hija? There is a cult squatting on our lands?" Hades Riego knows it
but he wants to hear it from a witness.

"Hades!" dumagungdong ang boses ni Felicia Riego pagkatapos ng tanong.

She looks so disappointed and angry. Nakita kong hinawakan ni Hades Riego ang kamay
ni Felicia, to assure her that he's sorry.

"I'm sorry, hija. It's the stories we hear from our workers," agap ni Hades.

"Hindi po kami kulto. Iba lang po ang tradisyon at kinagisnan ng mga tao roon sa
mga taong nandito," sagot ko nang hindi sila tinitingnan.

Natahimik sila pagkatapos kong magsalita. The tension and awkwardness intensified
every waking second.

"Fely, saan mo ba nakilala si Balthazar?" tanong ng babaeng Riego.

"Oh..." uminom ng tsaa si Felicia Riego. "He was my father's trusted apprentice,
Relani. And since then, we've became good friends since."

"Oh! That's understandable." Bumaling ito sa akin at ngumisi. "But you are
extremely pretty, my dear. I bet your father is very good looking. Is your mother
living with you?"

Umiling ako. "Patay na po si Mama."

"I'm sorry..." sabay inom din nito ng tsaa.

"Stress and probably heart conditions, her mother died, Relani. She's from a good
family in Iloilo. Their business failed at dahil dayong pareho ang ninuno, wala
nang kilalang ibang relative. I don't know if Balthazar's move from Iloilo to here
is a wise decision but it's too late to look back now."
Nanatili ang titig ko kay Felicia Riego pagkatapos sabihin iyon. Her view of my
family's past is correct. Gaya sa mga sinabi ni Papa at narinig kong usapan ng mga
tao sa amin. My grand father is spanish and my grand mother is chinese-filipino.
Dayong pareho sa Iloilo at nagsimula ng maliit na negosyo. My mother is their only
daughter, and father is her boyfriend. Bumagsak ang negosyo sa panahong nagkasakit
ang aking lolo at lola, leaving my mother nothing.

Iyon din ang dahilan ng paglipat ni Mama at Papa sa Costa Leona.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Lola Brosing nang nakaalis na kami sa Casa Riego.

Tumango ako. "Hindi po kaya nagbabalak ang mga Riego na paalisin kaming lahat sa
lupain nila?"

Iyon ang tanging pinag-aalala ko. Sa ilang taon naming pamamalagi roon, hindi naman
kami kailanman pinaalis pero hindi naman pwedeng laging ganoon. But lately, some of
the teenagers in our village had been threats to Costa Leona's safety. Ang iba
kasi, hindi sinisipag magsaka kaya imbes na magsikap ay nagnanakaw na lang.

Hindi pa namin napapatunayan iyon pero sabi ni Papa, sa oras na mapatunayan, may
mga aksyon naman kaming gagawin.

"Hindi nila gagawin iyon, hija, huwag kang mag-alala."

"Nitong mga nakaraang buwan, usap-usapan sa baryo na ang mga magnanakaw sa mga
maliliit na tindahan ay miyembro samin. Hindi pa napapatunayan, pero hindi ko
maipagkakaila na iilan nga po ang tumigil sa pagsasaka. Natatakot akong iyon ang
maging dahilan ng mga Riego para itaboy kami roon, Lola."

"Siguro naman bibigyan kayo ng palugit at kung sakaling maresolba n'yo 'yan,
magiging maayos ang lahat."

"O di kaya, paano po kung kakailanganin nila ang lupain para sa pagsasaka?" tanong
ko, exploring the other possiblities.

"Malawak ang kanilang lupain, hija. At tumigil man sila sa pagsasaka ngayon, tama
na ang kanilang mga negosyo at pabrika para mabuhay sila ng marangya sa magdadaan
pang panahon. Huwag mo nang alalahanin iyon. Mabubuting tao ang mga Riego."

I held on to that. At bilang aksyon ko naman sa inirereklamo ng iba, pinilit ko si


Papa sa pag iimbestiga sa mga nagnanakaw daw na parukyano namin.

"Papa, wala parin po bang balita?" tanong ko.

"Sa ano, Leil?"

"Marami na po kasing nagrereklamo tungkol sa pagnanakaw sa bayan-"

Pisil ang aking braso ay hinatak niya ako papasok sa maliit na altar. Walang naroon
tuwing hindi oras ng pagsamba kaya kaming dalawa lang.

"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na huwag ka nang makealam? Ang importante, Leil, meron
tayong pera. Hindi na natin problema kung saan galing-"

"Papa! Hindi ba napag-usapan natin ito? Hindi ba ipinangako mo na aayusin mo ito?"


giit ko.

He nodded impatiently.
"Oo na! Sige na! Lumabas ka muna roon at magpahinga! Ang kulit mo!"

Ibinagsak ko ang aking katawan sa dayami. Humiyaw ang kambing, ang tanging ingay sa
tahimik na hapon doon sa village. Nilingon ko ang kambing na ngumunguya ng mga
damo.

"Tingin mo papalayasin tayo ng mga Riego?"

Humiyaw ito, parang sumasang-ayon. Bumuntong hininga ako at tumingala sa mangasul-


ngasul na langit.

Naging pinakamahirap na taon iyon sa akin para sa eskwelahan. I was always


struggling with making friends and keeping them. Sa taong ito, lumala. We are all
growing teenagers and it is natural to want to belong to each group. Pero para sa
akin, tila wala na akong puwang sa lahat.

Bumagsak ang mga aklat na dala ko sa isang malakas na pagkakabangga sa isang babae
kasama ang kanyang grupo. Ang grupo ng mga babaeng iyon ay isa sa mga hinahangaan
ko. They are all very fancy and girly, something that I would never be.

"Ay sorry. Natapon ang mga aklat ng mangkukulam!" nagtatawanan sila habang paisa-
isa kong pinulot ang mga aklat na hiniram ko pa sa library.

Isang bangga ulit sa lider at pinakamaganda sa kanila at ang mga napulot ko'y
bumagsak muli.

"Beth, hiniram ko pa 'to sa library. Baka pagbayarin ako pag masira kaya-"

The anger on her face was very evident. Hindi pa ako natatapos ay nilampaso niya na
ang tatlong libro sa sahig dahilan ng pagkakadumi at gutay-gutay ng mga ito. My
eyes widened when I realized what happened.

I pushed her with all my might para matigil siya sa ginagawa. Naging matagumpay
naman ako. Napaatras siya at halos nadapa. Sa galit niya at ng mga kaibigan ay
sinugod nila ako at umambang sasabunutan.

Just when they were about to pull my hair, a group of boys settled between us.

"Tumigil kayo, Beth!" sigaw ng lalaking kaklase ko.

Ang ibang kaibigan niya'y tumulak sa mga babaeng kaibigan naman ni Beth. Hinagilap
ko ang mga aklat na nahulog at niyakap ko ito. Inawat ko ang mga luhang nagbabadya
dahil ayaw kong mas lumala pa ito.

"Ano, Raymond!? So totoo nga iyong sinasabi nila, huh?" si Beth na ngayon ay para
kay Raymond na ang galit.

Pinatayo ako ng isang lalaking kaklase. Tahimik akong nagpasalamat habang


tinitingnan ang pagtatalo ng dalawa.

"Na gusto mo nga ang mangkukulam na 'to?"

"Beth, pwede ba?" giit noong lalaki sabay sulyap sa akin.

"Eh, ginayuma ka ata nito, e! Nagpaturo ka lang sa isang subject ng isang beses,
nililibre mo na? Nababaliw ka na!?" si Beth.

"Tama! 'Yang aswang na 'yan ang dahilan ng pagbi-break namin ni Danny, e! Kaya tama
lang 'yan, Beth!" said one of her friends.
Tinulak at tinampal ng umiiyak na si Beth ang dibdib ni Raymond at silang dalawa na
ang lubusang nag-away.

Tulala ako sa opisina ng principal habang tinititigan ang mga librong siguradong
babayaran ko. Nagmamadaling pumunta si Ma'am Luz Avila roon at nang nakita ako'y
tinabihan agad ako at niyakap.

"Narinig ko ang nangyari. Ayos ka lang ba?"

Pinasadahan niya ako ng tingin. She's expecting me to have bruises and the likes so
I assured her that I'm fine.

"Nadamay lang po ako sa away nila," sabi ko sabay tingin sa mga aklat sa harap ko.

"Ako na ang bahala sa mga 'yan."

Napabaling agad ako kay Ma'am. "Ako po ang nanghiram niyan kaya responsiblidad ko
po 'yan. Ayos lang po. Makakagawa naman siguro ako ng paraan-"

"Ikaw talaga, Leil! Hayaan mo na ako! Huwag ka nang tumanggi..."

Ganoon ang mga nagdaan pang araw. While the boys were becoming friendly to me, the
girls are angry and mad. May iilan na akong naging kaibigan na sana pero sa hindi
malamang dahilan ay inayawan ako at hindi na muling pinansin pa.

"Leil, totoo bang ilang oras pa ang lalakarin patungo sa bahay n'yo?" tanong ng
isang kaklase nang palabas na ako sa gate ng paaralan.

Tumango ako. "Bakit?"

"Eh..."

He smiled and blushed. Hinagilap ko ang mga mata niya at nang nagkatinginan kami ay
natulala siya.

"Bakit? Ang inyo ba, saan?"

Umiling siya, nakaawang ang labi. "I-Ihahatid sana kita sa inyo."

Napawi ang ngiti ko. This isn't the first time a boy classmate wanted to walk me
home. Nauuna na ang utak ko tuwing may nagyayaya. I can imagine my father's
reaction. I don't want to complicate things so as usual, umiling ako.

"Malayo, e. Dalawang oras pa ang lalakarin. Gagabihin ka lang kung sakali. At...
kagubatan iyon kaya, mahirap na."

There's an easier way. The shortcut. Isang oras lang lalakarin pero sa gubat nga
dadaan hanggang sa kamalig. But then again, I don't want my father to see me being
friendly with anyone. Natatakot ako sa magiging reaksyon niya kaya sa ngayon, hindi
ko papaunlakan ang mga ganitong imbitasyon.

"Ah! Ganoon ba... E... pwede bang kahit sa bukana lang ng gubat?"

Iginala ko ang mga mata ko sa langit bago tumango at ngumiti. Once in a while, I
like the company of friends. Siguro dahil bukod sa kambing, wala na akong ibang
kaibigan pa. Parehong parang nanay ko si Ma'am Avila at Lola Brosing. At hanggang
ngayon, gusto ko paring makihalubilo sa mga kaedad ko.
"Abala silang lahat ngayon sa pagsasaka. Ang mabuti pa, mamili ka ng gamit mo at
sobrang liit na niyang suot mong damit..." si Papa sa isang mukhang maayos na araw
para sa kanya.

Napatingin ako sa puting bestida. My classmates can wear pants and shorts on our
washing day. Ako naman, sa bawat magdadaang araw puro uniporme lang. Kahit pa
washing day naman. Lumiliit na kasi ang mga damit ko. Hindi ko na maalala kung
kailan ako huling namili ng damit. Puro uniporme lang naman ang sinusuot ko. At may
ibibigay man si Ma'am Avila sa akin, sa paaralan ko naman iyon sinusuot tuwing P.E.

"Bilisan mo, ha! Naghahanda tayo para sa seremonyas. Hindi ka pwedeng gumala ng
basta-basta!" sabi ni Papa.

"Opo," sagot ko.

For my fifteenth summer, everything is usual. Sa pang apat na kabilugan ng buwan sa


taong ito, mag-aalay ulit ang lahat ng kanilang mga ari-arian sa amin. Father has
been leaving the village some days now. Lalo na dahil tingin niya, naging
responsable na rin ako bilang susunod na lider ng lahat. Ipinagkakatiwala niya ang
lahat sa akin. Hindi niya alam, minsan tinatanggihan ko na ang mga alay.

Humiyaw ang kambing ng nakita akong paalis sa village. Hindi matigil at kakaiba
kaya alam ko agad kung ano ang pinaparating nito.

"Sige na nga..."

Pakiramdam ko, pareho kami nitong kambing. Alive, but not really living. He is
trapped in this village when he should've been in the wild... pero gaya ko... ano
ang kasiguraduhan na mabubuhay nga ako sa mas malaking mundo? I'm not sure if I
know enough of how it actually works.

"Long cut tayo ngayon dahil nandyan ka. Dalawang oras na lakad. Hay naku! Pero gaya
ng dati ha, pagkadating ko sa bukana, itatali kita sa molave at iiwan kita ng mga
dalawang oras doon."

Humiyaw ang kambing. Ngumisi ako dahil iniisip kong naiintindihan niya ako. The
excitement on his voice told me that he is content with that. Sa bagay, ang
makakita ng ibang tanawin at makakain ng ibang pagkain ay nakakapagpasaya nga kahit
kanino.

"Huwag kang mag-alala, walang ahas doon. Noong nakaraan, nakatulog nga ako sa ugat
noong punong narra, e. Mga dalawang oras din iyon. Bukod sa kagat ng langgam, wala
nang ibang nangagat sakin kaya ayos lang, ha?"

Humiyaw ang kambing kaya natawa ulit ako.

For this summer, I want to read as many books as I can. I like love stories.
Somehow, they tickle my mind and heart. Hindi lang kasi ang pagmamahal sa kapwa ang
naroon, minsan, meron ding aral sa pamilya at sa buhay. It's entertaining and
informative at the same time. Bukod pa roon, mas nagkakaroon din ako ng ideya sa
mga nangyayari sa mga tao sa mga syudad at iba pang lugar.

Hindi pa kasi ako nakakapunta sa ibang lugar bukod sa Costa Leona. I find our
barrio big. But everytime I read about cities with tall buildings and busy streets
at night, my want to experience and see it for myself heightened.

"Kontento ka na ba sa village?" tanong ko sa kambing.

Palapit na kami sa malawak at medyo malalim na parte ng sapa, sa tapat ng kamalig.


During school days, it's empty. And the past summer, it was empty as well. Kaya
naman, sa summer na ito, wala na sa utak ko na maaaring may tao pa riyan.

Humiyaw ang kambing ko at humagikhik na ako. It's funny that he can answer me right
after a question. Hindi man maiintindihan ang sinabi, pakiramdam ko, alam ko ang
sagot niya.

Pero imbes na iyon ang isipin, nasamid ako sa sariling hininga nang narinig ang
pag-ahon galing sa tubig. Napahawak ako sa labi at napahila sa lubid ng kambing.

Sino 'yon? Ang mga batang dating nambabato sa akin ay tumanda na. They still talk
about me but they are all less violent now. Ganunman, ayaw ko paring makasalamuha
sila. Kung nandito nga sila, didiretso na ako sa lakad na parang walang nakikita.

I saw a silhouette of a man. Basa ang tinatapakan niya dahil kaaahon niya pa lang
sa tubig. The supposed untame hair on his legs tamed because of the trickling
water. His black shorts trailed the muscles of his thighs. It hung loosely on his
belt. Pinalupot nito ang puting tuwalya sa leeg dahilan ng bahagyang pagkakatabon
noon ng kanyang katawan.

Parang may umilaw sa utak ko nang nakita ito ng nakatalikod. But it's impossible.
The man was bigger and a bit taller than I remember so it can't be Raoul, right?
Nilagay ng lalaki ang cellphone sa tainga at nang nagsalita ito nalaman ko na siya
nga iyon.

"Yeah... just this mornin. You may..." aniya sa cellphone.

Para akong nakalutang. Walang pag-aalinlangan akong bumaling sa kagubatan - ang


shortcut na magiging mahirap ngayong dala ko ang kambing. But we'll get through it
all even with the snakes because we have to.

"Tara na..." bulong ko sa kambing sabay hila sa kanya patungo sa naglalakihang ugat
ng mga puno.

He chuckled. My stomach hollowed when I heard his low growl. Pero imbes na matulala
ay nagpatuloy parin ako. My chest hurt a bit from all the banging in my chest.\

"Fuck you, Zamiel. I'm not like you."

Napakurap-kurap ako sa narinig. Pilit ko paring hinihila ang lubid ng kambing.


Malapit ko nang maisip na mas mainam kung dadalhin ko na lang ang kambing sa aking
bisig.

Sumulyap ako sa kinaroroonan ni Raoul at nakitang nakaharap na siya sa banda ko.


Namimilog ang mga mata at kinakabahan ay tumigil ako sa pagkilos at nagtago sa
malaking puno ng narra.

"Sige..." aniya na minarkahan ng katapusan.

Pumikit ako ng mariin at mariin ding hinawakan ang lubid. I put my index finger in
between my lips to silence the goat pero gaya ng dati'y, imbes na ganoon, humiyaw
pa ito!

I groaned inwardly and closed my eyes tight.

"Who's there?" malalim na boses ni Raoul ang umalingawngaw sa gubat.

Hindi ako gumalaw. Hindi na rin humiyaw ang kambing, mukhang nalaman ang gusto kong
mangyari pero huli na ang lahat.
His groan echoed. The next thing I heard is the sound of his footsteps breaking the
dried leaves. Parang lalabas ang puso ko sa lakas ng pintig. Namamawis ang kamay ko
sa higpit ng kapit sa lubid. Pumikit ulit ako at tumingala, nagdadasal sa kung sino
mang nakikinig na sana huwag akong makita.

"Sino 'yan? Bakit ka nagtatago?" malinaw niyang sinabi.

Alam ko kaagad na malapit na siya. I have no choice. I don't think he'll give up
soon. He knows I'm here. Besides... Nilingon ko ang kambing na nakatingin sa kung
sino man ang naroon sa harap ng pinagtataguan kong puno.

Nasapo ko ang mukha ko sa dismaya nang natantong siguro'y nakita na ni Raoul ito!
Mabilis akong nagpakita at yumuko para humingi ng tawad.

"Sorry. Dadaan lang sana ako. Ayaw kong makaistorbo kaya nagtago ako," sabi ko.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Raoul. Unti-unti kong inangat


ang tingin ko sa kanya. Unang baling ko palang, wala na ulit akong nagawa kundi
mamangha.

Ang sinikil kong alab ng adorasyon at paghanga ay mas lalong nagliyab ngayon. I
want to know if it is his looks or his aura... his achievements... or his attitude.
What is it? I don't know him personally. I am not sure what he is with his friends.
I don't understand why the extreme devotion despite the years of not seeing him?

"Hm. Hindi mo naisama ang kambing mo sa pagtatago. It's staring right back at me
while you're hiding behind that tree..." he said cooly.

Uminuwestra niya rin ang puno gamit ang isang baso bago siya sumimsim doon. I heard
him enjoy the refreshing effect of the water. He put the glass back on the table.
Pagkatapos ay naglakad muli siya patungo sa akin.

My legs commanded me to run but my brain is too fuzzy to even think about it.
Nanatili akong nakatayo sa likod ng mga kahoy at naglalakihang ugat.

Galing sa akin, bumaling siya sa kambing at ngumisi.

"Is this the same goat years ago?" he asked, his voice like a low murmur of a large
beast.

"Uh... oo."

"You have a strange taste for a pet," sabay huli niya sa tuwalya at haplos nito sa
buhok para matuyo.

He squatted in front of the goat. Walang pag-aalinlangan niyang hinugot ang tangkay
ng isang halaman sa malapit at inilapit sa mukha ng aking kambing. Kumain ang
kambing galing doon. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili.

He smiled. Binaba niya ang tangkay at hinayaan ang kambing kong lantakan ang
halaman. He then turned to me. Our distance is about a two meters and I am so
stunned and speechless.

"Saan ka pupunta?" he asked, humor is etched on his perfect mouth.

"Uh, s-sa bayan sana."

He nodded slowly. Ang kanyang mga mata ay lumagpas sa akin bago bumalik.
"Doon ang bahay ninyo?" tanong niya.

Tumango ako.

"Isasama mo ang kambing patungo sa bayan?"

"Uh... Itatali ko ito sa m-may bukana. Babalikan ko lang mamaya."

"Hapon na, ah? Ilang oras mong lalakarin galing sa may bukana patungo sa inyo?"

"K-Kung dito sa m-may kamalig da-daan, isang oras pero kung sa sapa... dalawa."

Tumango siya at parehong tiningnan ang mga daanang tinukoy. "This way is safer..."
he suggested, itinuro ang sapa.

I nodded, too, because I know. Sa sapa, walang naglalakihang ugat at puno kaya kung
may hayop man, makikita ko agad at makakailag ako.

"Ba't ka diyan dadaan, kung ganoon?" tanong niya, tinutukoy ang malawak na gubat.

Hindi ako nakasagot. Uminit ang pisngi ko, ikinakahiya na umiwas ako sa kanya kaya
ako dadaan dapat dito.

"Eitherway, though, parehong delikado. Lalo na kung gagabihin ka. Our land do not
tolerate trespassers but it's too big. We can't see who's in there all the time.
Paano kung may mga masasamang taong mag-abang sa'yo rito, anong gagawin mo?"

"T-T-Tatakbo ako," sabi ko.

"Hmm. And you think you won't get caught?"

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya, hindi ko na alam kung anong isasagot.

"A-Araw araw ako dumadaan dito kapag may pasok. Natatakasan ko naman ang iilang...
masasamang tao."

Nagtama ang tingin namin. I saw the muscles on his jaw move like he's gritting his
teeth or something.

Pagkatapos kong magsalita at sa kalagitnaan ng tinginan namin, narinig ko ang mga


tunog ng palapit na mga kabayo. Hindi na nagdaan ang ilang segundo, naroon na ang
kanyang mga kaibigan. The first one who came is one of his closest friends since
then. Mabilis itong bumaba sa kabayo habang nakatingin sa akin. Nagsidatingan na
rin ang iba, pati ang mga babae.

"Pasensya na sa abala," sabi ko sabay hila sa kambing at diretso na lang sa sapa sa


mas malayong daanan.

Tutal at nakita na nila ako, hindi na ako iilag pa.

"Anong oras ka uuwi sa inyo?" Raoul's voice thundered past the galloping horses and
the greetings from his friends.

Narinig ko ang bahagyang bulungan.

"Sino 'yan?"

"Iyong anak ng engkanto."


"Why is she here?"

"Uh... Pagkatapos ko lang mamili," sabi ko at hinila na ang kambing para


makapagpatuloy kami sa paglalakad.

"Rao, hindi ba sinabi ko sa'yo na..." the voices were drowned by the other warning
from his friends.

Pero habang palayo ako, hindi parin tumitigil ang bilis ng pintig ng puso ko. Ang
mga dating alaala sa kanya ay muli kong nabalikan. Hindi ganoon karami pero malinaw
parin sa utak ko.

Sa isang oras na paglalakad patungo sa bukana, iyon lang ang naging laman ng utak
ko. And looking back, I realized how noble my adoration for him was. I wanted to
watch him successful. I wanted to see him marry the girl of his dreams. I wanted to
clap and cheer for them.

Today, I realized, something has changed somewhere. Hindi ko alam kung mabuti ba
iyon o hindi.

Binura ko ang sarili ko sa imahinasyong iyon. I no longer belong to the audience


who clapped and cheered for him while he marries the girl of his dreams. I was
simply not there. Hindi iyon dahil alam kong malabong imbitado ako, kundi dahil
hindi ako sigurado kung papalakpak nga ba ako kapag nangyari iyon.

I was simply not there. I was somewhere else far from it all. I was happy for him
but I will definitely not come to see it all.

Kabanata 4
Kabanata 4

Ritual

Pagkatapos kong itali ang kambing sa puno ng molave ay dumiretso na ako sa mga
tiangge sa may bayan. Sumakay ako ng tricycle at hinatid naman ako agad ng driver
doon.

Noong una, inisip ko pang pupunta na rin kina Ma'am Avila, kaso kung gagawin ko pa
iyon, tunay na gagabihin na ako. Natigil ako nang nakita ang isang stall ng
hotcake. Namangha ako sa paggawa at pati na rin sa amoy nito. Nakakagutom.

"Gusto mo nito?" the familiar old man offered me one when he realized that I'm
staring at it for too long.

Tiningnan ko siyang mabuti. His messy and dirty-looking hair reminded me of Papa.
May kung ano sa kanyang mga mata at ekspresyon na nagpailing sa akin. Ngumiti ako
kahit na hindi ako kumportable sa kanyang titig.

"Bakit? Sige na, hija. Matagal na kitang nakikitang naglalaway sa paninda ko.
Ibibigay ko ito sa'yo ng libre, kung gusto mo..."

Umiling ulit ako at nagpatuloy na lang sa paglalakad. I heard him call me. His
voice changed from tender to sudden anger.

"Sige na! Libre na nga, oh! Alam ko namang gusto mo nito, e! Lagi kang nakatingin!"

I heard his footsteps behind me. Mabilis akong naglakad hanggang sa naiwala ko ang
sarili ko sa biglaang dami ng tao sa tiangge. Huminga ako ng malalim at nilingon
muli ang pinanggalingan. I saw him looking for me in the sea of people. I ducked
more hanggang sa tuluyan na akong nakalayo roon.

Kung hindi ganoon ang trato ng iilan sa akin, malupit naman ang iba.

"Iyan 'yong sa kulto..." bulungan ng mga tindera nang nakalapit ako sa isang
tiangge na puno ng mga damit.

Namili ako ng maganda pero bago pa makahanap ay tinulak na ako ng babaeng tindera.

"Magnanakaw ka lang dito, e. Umalis ka na nga!"

"May pera po ako. Bibili po sana ako ng damit."

"Wala kaming pakealam! Umalis ka na!"

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na lang sa iba pang tindahan. Kung hindi ako
napagkakamalang magnanakaw, nalalaman namang ako iyong sinasamba ng mga tao. They'd
feel disgusted and scared. Dahilan iyon para ayawan ako sa pamimili.

I never thought buying things could be this hard. Sana pala nagpasama na lang ako
kay Ma'am Avila, kung ganoon.

"Bantayan mo 'yang paninda natin. Andyan 'yong taga kulto ng mga aswang, e.
Mananakawan na naman tayo!" sabi noong tindera sa loob nang nakitang natapat lang
ako sa tindahan nila.

Tumingala ako para hagilapin ang araw. It's almost sunset at wala pa akong
nabibiling kahit ano para sa aking sarili. Though, eventually, I figured how to do
it. Sa malayo, mamimili ako ng damit. Hindi ko na isusukat dahil paniguradong
papaalisin ako. Kapag nakapili na, ipapakita ko ang pera sa tindera at ituturo ko
na lang ang damit pagkatapos.

I had one successful transaction that way. Siguro na rin dahil kilala ko ang
tindera bilang nanay ng isa sa mga kaklase ko kaya hindi na naging mahirap. I
stayed there for a while after I bought a dress. Nakasunod ang isang tindera sa
akin, ayos lang. Basta hindi ako pinapaalis habang namimili, hindi ako nagreklamo.

"May pera ka pa ba?" tanong ng tinderang nakasunod.

Tumango ako. "Meron pa po."

"Hay naku, siguradong galing sa pagnanakaw ang pera niyan. Ginagawang negosyo ng
mga 'yan ang paniniwala ng mga tao, e."

"Oo, balita ko iilan din talaga sa kanila magnanakaw."

"Duda ako, sindikato ang mga 'yan..."

Umalis ako nang hindi na nakaya ang pamimili dahil sa mga usap-usapan ng iilan sa
katabing tiangge. Bagsak ang aking balikat nang nagpasyang uuwi na ako. Ayos na
itong pinamili ko. Hindi ko rin naman kailangan ng marami pa.

I felt guilty spending the money of the people who believed in me. Iyon ang naging
tanging laman ng isipan ko habang inaayos ang tali ng kambing pagkadating ko sa
bukana ng gubat. I have conformed too much with my father's ways for the past years
that I did not think about this anymore.
"Alam mo ba?" sabi ko sa kambing nang nagsimula na kaming maglakad sa madamong
bahagi ng gubat.

Isang oras na lakad patungo sa sapa ang gagawin namin at isang oras ulit galing sa
sapa hanggang sa village. Palubog na ang araw kaya nasisiguro akong gagabihin kami
pauwi.

"Bumili ako kanina ng mga pagkaing nasa loob ng lata. Kapag aalis si Papa,
ipapamigay ko 'yon sa mga tao."

Humiyaw ang kambing. Alam kong aalis si Papa bago ang seremonyas sa pang apat na
buwan ng taon kaya naisip kong gawin iyon. The people will give us their prized
possessions when the moon is full this month. Ayaw ko man, paniguradong magagalit
si Papa kapag tinanggihan ko kaya namili ako ng para sa mga tao. Kanilang pera
naman iyong pinambili ko kaya dapat sila rin ang nakikinabang.

Tumingala ako. Maliwanag pa pero ang hating buwan ay kita na sa langit. Pati ang
mga bituin. Iyon ang magiging tanglaw ko kung dumilim na sa paglalakad. Isa pa,
siguradong nasa sapa na ako sa mga oras na iyan. The half moon reflected on the
water of the stream is enough to light my way until the village.

"Isa lang ang nabili kong damit. Hindi rin kasi ako makapamili, e. Pero ayos lang.
May iilan pa naman akong natanggap galing kay Ma'am noong nakaraan. Hindi na kasi
kasya 'yong ibang damit ko. Tumangkad yata ako ng konti..."

I smiled. Nagpatuloy ako sa paglalakad at pakikipag-usap sa kambing. Ang madalas na


tunog ng gabi ang naririnig ko habang naglalakad. Nag-uunahan ang tinig ng mga
gangis at kung anu-ano pang hayop. It's peaceful even with their noises. It calms
my heart even when I know there might be dangerous wild animals somewhere.

Bahagyang natigil ang paglalakad ko nang narinig ang kakaibang tunog. Something
unnatural in the forests. Parang may dumagan sa puso ko nang nakita ang malayong
tapat. It is well lit, unlike all the other parts of the forest. I heard the slight
strum of a guitar and voices of men.

Hindi ako kailanman ginabi noon sa panonood sa mga kaibigan ni Raoul kaya hindi ko
alam kung ginagabi nga sila. Ito pa lang ang kauna-unahang pagkakakita ko sa grupo
nila na hindi pa nakakauwi kahit pa madilim na.

Apat na kabayo ang nakatali sa malayong parte ng gubat, hindi gaya kapag nariyan
ang halos lahat ng kaibigan niya. Madalas kasi, mas maraming kabayo, hindi lang
apat. Sino kaya ang mga nagpaiwan kung ganoon.

Humiyaw ang kambing, mas maingay pa sa kahit anong naririnig na tunog sa buong
gubat.

"Shh!" sabi ko kahit wala na akong magagawa pa.

Natigil ang pagkaskas ng gitara at iilang pag-uusap. Huminga ako ng malalim.


Siguro'y naisip nila na may kambing na gumagala pa kahit na gabi na.

Palapit ako ay nakita ko nang may iilang nakatingin na rin sa akin. Raoul's closest
friend is sitting in front of a man holding a guitar. Tumikhim ako at marahang
nagpatuloy sa paglalakad patungo sa kamalig.

"Ginabi ka..."

Halos napatalon ako sa bigla biglang pagsasalitang iyon. A shadow moved somewhere
near the dark part of the barn house. Nang nasinagan ng ilaw ay nakita kong si
Raoul iyon.

Wearing a white v-neck t-shirt, faded jeans, he moved out of the dark, revealing
himself to me. Hindi ko alam kung alin doon ang ikinakaba ko. Nakapamulsa siya at
mukhang kanina pa nakahilig sa dingding ng kamalig, tahimik na naghihintay ng kung
ano.

"Uh, o-oo."

Ipinakita ko ang mga dala ko. Bumaba naman ang tingin niya roon.

"Marami kasi akong binili."

"Do you always do this?" he asked.

"M-Minsan lang..."

Lumingon siya sa mga kaibigang nakatingin. Pagkatapos ay dumiretso ang tingin niya
sa daanan pang tatahakin ko pauwi.

"Ilang minuto pa bago ang bahay n'yo?" tanong niya.

Isang sipol ang narinig ko galing sa kanyang mga kaibigan. It was like a secret
code or something. Raoul ignored it and then turned to me.

"Uh, tatlumpong minuto pa, pero sanay na ako. 'Tsaka, walang masamang tao riyan..."

My heart is beating so fast and loud. May isang ideya akong ayaw nang pasukin pa
dahil imposible naman iyon. There are thoughts I forbid myself to think about and
it is one of those.

"You don't have any flash light or something to light your way?"

Bago pa ako makasagot ay nilingon niya ang mga kaibigan. His closest friend is
already looking at us like we're some puzzle he intends to solve. Pero nang nakita
ang senyas ni Raoul ay may kinuha ito at hinagis agad sa kaibigan. Nang natanggap
ni Raoul ay sinubukan niya agad na pailawin. Mabilis na tatlong beses ang pag click
niya bago inilahad sa akin.

"Maliwanag naman ang buwan ngayon kaya..."

He chuckled mockingly bago muling iminuwestra ang nilahad. Dahan-dahan ko iyong


tinanggap.

"Ihatid kaya, Raoul?" biglang sabi ng naggigitarang lalaki.

Mas lalo lang akong kinabahan. Hindi pa ito natatapos magsalita ay umiling ba ako
ng paulit-ulit sa takot. I cannot imagine them discovering the village and the
people. I cannot also imagine the villagers or my father seeing me with them.
Lubusan ang takot ko na hindi pa nakakapagsalita si Raoul ay nagsimula na ako sa
paglalakad ng mabilis.

"H-Huwag na. Kaya ko. Kailangan ko nang umalis. Sige... Salamat... dito..." sabay
pakita sa flash light na tinanggap at nagpatuloy na sa paglalakad.

"Tinakot mo..." said Raoul's closest friend.

Umiling ako at ngumiti para pabulaanan ang sinabi ng kanyang kaibigan. I saw Raoul
slowly walking behind me, with eyes wary and mysterious.
"Ayos lang ako. Makakauwi akong mag-isa," anunsyo ko.

"You sure?" Raoul's low voice thundered past me.

Mabilis akong tumango at tumigil sa pagmamadali. Huminga ako ng malalim at hinarap


siya para masagot ng mabuti.

"Makakauwi ako ng maayos," sabi ko.

He nodded slowly. I smiled for goodbye before I turned my back on them. Nilingon ko
ang kambing na tahimik namang sumunod sa mga lakad ko.

Ilang sandaling paglalakad, hindi pa nakakalayo ay 'tsaka ko pa lang narinig ang


parang tambol na habulan ng aking puso. I smiled weakly, defeated by the intensity
of my heart's content. You're crazy, Leil. You're going crazy.

Hinawakan ko ang aking puso para makalma pero mas lalo lang itong lumakas nang
dinama. I sighed and continued walking, never looking back.

Mahigpit kong hinawakan ang supot ng pinamili nang pagkatapos ng ilang minuto'y
nakita na ang mga ilaw galing sa kabahayan ng village. Hindi ko na kailangan
lingunin ang pinanggalingan para makita ang kamalig dahil sa layo ng nilakad ko, ni
ilaw o konting bakas noon ay hindi ko na makikita pa.

I heard a loud cry from one of the huts. Nakita ko rin ang iilang mga lampara na
nagsisipuntahan doon, hudyat na iilan ang nagpunta at nag-aalala.

"Wala, e. Anong gagawin natin ngayon?" narinig kong iyak.

Itinali ko sa isang maliit na puno ang kambing.

"Dito ka lang, ha. May nangyari na naman yata..." sabi ko habang nakikitang
nagkakagulo na nga sa isang dampa.

"Mahal na Diwata, mabuti at dumating ka na..." said an old woman as she bowed
before me.

I tapped her shoulders as a sign that I acknowledge her respect, isang bagay na
nakasanayan ko nang gawin noon. Hindi man ako sang-ayon. Umahon siya pero hindi
diretso ang tingin sa akin, gaya ng ginagawa ng lahat.

"Ang apo ko po'y inatake ng baboyramo pauwi galing pagsasaka. Duguan po siya at
hindi namin alam ang gagawin. Ang iyong Mahal na Ama ay kasalukuyang umalis kasama
sina Pedring."

"Po?"

I knew it. Madalas galante at mabait si Papa sa akin sa mga araw na nagbabalak
siyang umalis. Ngayong palapit ang seremonyas, sigurado akong makakauwi rin iyon ng
mas mabilis sa dati. Dalawa o tatlong araw lang siguro iyong mawawala.

"Saan po?" tanong ko.

"Sa bahay po, pero ilalatag namin siya sa gitna nang makita mo ng mabuti..."

Maagap kong ibinigay ang supot sa isang nag-aabang na bata at inutusan itong ilagay
sa aming bahay. Iginiya ako ng iba pang mga tao, syempre kasama ang respeto at
pagyuko tuwing nakikita ako.
I want to ignore all their routines but they were trained not to rise without my
attention so I had to tap them all or nod in approval. Dumiretso ako sa dampa ng
matanda para makita ang mabilisang paglilipat ng mga ito sa gitna ng village. In
the open space, just beneath the moon, nakaratay ang isang kasing edad kong lalaki,
duguan ang tuhod at tiyan. I saw blood violently coming out of his body, I
immediately turned cold.

Yumuko ang lahat at umatras nang nakita ang paglapit ko. Iniinda ng lalaki ang
sakit ng mga sugat. Umalis ang kanyang kamag-anak sa tabi ng kama para bigyan ako
ng espasyo.

Hindi na kailangang utusan pa, ang mga tagalingkod na babae'y agad nang kumuha ng
mga kakailanganin ko. Isang palanggana na puno ng mainit na tubig, mga tela, mga
dahon, matatabang kandila. Ang isa'y nagsimula nang maglagay ng belo sa aking
mahabang buhok, bilang tradisyon.

As much as I want to skip the traditions, I am more concerned of the boy's wounds.

I ordered for needle and thread while I am starting my usual rituals. Hindi man ako
sigurado kung mabisa ito, ayaw ko namang kaligtaan. Any ritual that would probably
lead me to saving someone else's lives, no matter how fraudulent they are, I will
exercise and believe. Takot akong may hindi masalbang buhay dahil lang sa kawalan
ko ng paniniwala at sariling pagdududa.

Gamit ang basang tela ay pinunasan ko ang sugat. Mabilis ko ring idiniin ang isang
tela para maibsan ang pagdurugo. Ganoon din ang ginawa ko sa ibang sugat.

Tahimik ang buong nayon. Tanging ang pag-aalab lang ng lampara ang naririnig ko.
Lahat ng nakatingin sa labas ng dampa ay nakayuko at nagdadamayan. Lahat ay unti-
unting lumuluhod at nagdadasal ng mga dasal na gawa gawa ni Papa.

Pumikit ako nang binalikan ang isang sugat. Kumuha ako ng dahon at itinapad sa
mainit na kandila. I muttered my usual incantations, clear in my mind. Narinig ko,
sa gitna ng katahimikan, ang mga yapak ng kabayo kung saan.

Usually, our men will turn and try to defend the village. Ngunit dahil mapayapa at
nagdarasal ako, walang ni isang gumalaw para harapin ang paparating.

Beads of sweat trickled down my forehead. Nakita ko ang sugat nang tumigil ito sa
pagdurugo. Hindi malaki ang sugat sa tuhod ngunit ang sa tiyan ay kailangang
tahiin. Father taught me how to do it and I've been doing things like that for
years.

Una kong nilagyan ng dahon ang mas mababang sugat. I muttered the incantations
while doing so. Paulit-ulit ko iyong ginawa kada lagay ng dahon. When satisfied,
itinali ko ang tela at inayos. Pagkatapos ay bumaling ako sa mas malaking sugat. I
performed the stitches fast dahil sa sobrang sakit, iyak at sigaw ang ginawa ng
batang lalaki.

Pagkatapos noon ay mas lalong lumakas ang mga yapak ng kabayo. Kinabahan ako. I
rose for the leaves. Itinapat kong muli sa kandila at sinabi ang mga dasal bago
itinabon sa sugat na nasa tiyan.

Umahon ang ilan nang narinig ag hiyaw ng mga kabayo. hindi ako lumingon sa kung
sino ang dumating ngunit ang iilan sa aming mga lalaki ay humarap na sa likod para
makita iyon.

Nang nasa tamang lugar na ang dahon ay muli kong iginapos ang katawan ng lalaki
gamit ang tela. Nag-angat ako ng isang sulyap at nakita kung sino ang nasa harap.

Hindi na kailangan pang magtagal ang tingin ko para makumpirma kung sino nga iyon.
Tatlong lalaki kasama ang tatlong kabayo. Nakababa na ang mga ito pero dala ang
kabayo sa gilid.

Raoul and his two friends are here! Parang may bumagsak sa puso ko nang natanto
kung ano maari ang iniisip nila habang nakikita ako ngayon sa gitna ng lahat ng mga
taong ito.

"Maraming salamat, Mahal na Diwata. Pagpalain ka ng Liwanag..." sabi ng matanda


nang yumuko ako para ipakitang tapos na ang ginagawa.

I washed my hand with water from a cleaner basin. Dahan-dahan ang ginawa ko.
Nakalutang ang sikmura, takot sa haharaping katotohanan.

They all started their chants and praises for me. Gusto ko silang pigilan pero
hindi na ako nagsalita. This is the life I live in. No matter how much I want to
conceal it, this is the truth. I was born and trained this way. Hindi ko alam kung
bakit lubusan ang kagustuhan kong tanggihan ang katotohanang ito ngayon.

Dahil ba nakakahiya? Dahil alam kong hindi ito tanggap ng lahat? Dahil natatakot
akong hindi ito maiintindihan ng lahat?

No, Leil. Hindi lahat ang gusto mo, hindi ba? Just a few people. Just the approval
of a few people... actually... just one.

Bumaba ako roon at agad na yumuko ang lahat.

"Pagpalain ang Mahal na Diwata ng Liwanag!" sabi ng matanda.

Kinagat ko ang labi ko at yumuko na rin. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa


harap at nakitang napaligiran si Raoul at ang kanyang mga kaibigan ng aming mga
lalaki.

His friends were looking cautiously at our men whiel Raoul's eyes is fixated on me.
Mas lalo ko lang iyong ikinahiya... pero sa huli, tinanggap ko.

"We mean no harm!" sabi ng matalik na kaibigan ni Raoul.

Raoul did not react at all. Nanatili ang tingin niya sa akin, siguro'y hindi
naiintindihan ang kahibangang ito.

"Kaibigan sila," sabi ko.

Some lowered their spears and knives. Umatras naman ang iba.

"Tara na, Rao. She's safe, anyway..." sumampa sa kabayo ang isa.

I smiled weakly at Raoul whose eyes remind on me, parang walang naririnig.

"Raj," his closest friend climbed his horse, too.

Tumango si Raoul at walang kahirap-hirap na ring sumampa sa sariling kabayo. Ang


sunod na narinig ay ang mabilis na pagkabig ng mga ito paalis sa nayon.

Maingay akong huminga ng malalim. Tinatabunan ko ang sinag ng araw gamit ang aking
mga daliri habang nakahiga sa dayaming malapit lamang sa kambing. Tulog pa halos
lahat ng taga nayon dahil sa seremonyas kagabi. Ilang gabi na ang nagdaan
pagkatapos noong nakita ni Raoul ang lahat ng ginawa ko at hindi parin iyon
matanggal tanggal sa isipan ko.

Nakauwi na si Papa, sa tamang araw ng seremonyas at marami siyang nakuhang pera


kumpara noong nakaraang taon. Maybe it's because the people are inspired to give
their all to us because of the secret sharing I gave them.

Nagtanong si Papa tungkol sa dayong pumunta noong gabing iyon at ang sinabi ko lang
ay maaring naligaw lang habang nangangaso. Hindi naman nagtagal at walang ibang
ginawa kundi tumingin bago umalis.

Binagsak ko ang kamay sa aking mukha para matabunan iyon. Hiyang hiya parin ako
hanggang ngayon.

He must thing I'm crazy? Or that I'm a witch? Aswang? Baliw? Kulto? Lahat ng mga
sinasabing masama ng mga tao!

Nakita niya! With his own eyes! Without a doubt!

I groaned dramatically. Halos saktan ang sarili para lang makalimutan ang lahat ng
iyon.

Hinampas ko ang dayami. Ang maliliit at magagaang piraso ay nagsiliparan ngunit


nahulog ulit sa akin. Sana ay makalimutan ko na lang ang lahat. Mas tahimik ang
utak ko kung mas konti ang nalalaman.

Nilingon ko ang kambing.

"Aalis ako," I said lazily.

Hindi ako umalis ng isang araw. I did not even dare look at the barn house to see
if Raoul and his friends are there. I did not even dare walk even past the first
row of trees. Hindi ako umalis sa village dahil hindi ko pa tanggap ang kahihiyan.

"Pero 'di kita dadalhin. Mapipilitan kasi akong dumaan sa kamalig kapag kasama
kita. Hindi bale na ngang makagat ako ng ahas sa gubat basta't 'di lang ako dumaan
dun!"

Umiling ako ng paulit-ulit. Humiyaw ang kambing pero nanatilang nakahiga ang
katawan. It's also a blessing that he's tired. Madaling araw na nakatulog kagabi
dahil sa haba ng seremonyas at sa dami ng nag-alay. Pati yata ang kambing ay puyat
kaya mukhang hindi rin ito interesadong gumala ngayon.

My father is happy that's why he's very lenient. Hinayaan niya ako nang sinabi kong
may gagawin lang. Inalok niya pa nga akong mamili ng pang eskwela kahit pa sa isang
buwan pa iyon.

Dumaan ako sa gubat, malayo sa kamalig. Kung pwede lang ay mas lalong maglakad pa
hilagang silangan para malayo lang talaga ng husto roon. I did not mind if I heard
and saw so many snakes. I did not mind that I had to run for my own life because of
the wild pigs attacking.

Pagod na pagod ako nang nakarating sa kalsada. Naupo ako sa tabi at hinilot ang
masakit na paa. I had to leave somehow. I'm tired of thinking about the same thing
over and over again for the past few days.

Nang nakarating kina Ma'am Avila ay tulala ako habang hinahawakan ang isang baso ng
orange juice, handa ng mag-ina.
"Ayos ka lang?" si Ma'am Avila sabay hawak sa noo ko, akala'y may sakit ako.

"Ayos lang po."

"Matamlay ka..."

Ngumiti ako at sumimsim sa juice.

"May ceremony lang po kagabi. Medyo napuyat."

Naupo si Ma'am Avila sa harap ko. Lola Brosing is baking a cake today because I'm
here. They missed me. Akala nila, hindi ako masyadong dadalaw dahil summer na
naman.

"Iyan ba iyong mag-aalay ang mga tao ng kayamanan nila?" maingat na tanong ni Ma'am
Avila.

Ngumiti ako dahil alam ko ang balibalita. Kapag nalalapit ang seremonyas na iyon,
lumalala ang pagnanakaw sa bayan.

"Leil..." she said pleadingly.

Parang may idudugtong pa siya pero hindi niya na itinuloy. Sa ilang taong pagsasabi
sa akin, alam niya na siguro ang magiging sagot ko roon.

"Hija, baka gusto mong sumama at maglibang para makalimutan mo man lang ang araw-
araw mong buhay. Sinabi ni Wanda sa akin na magpapaayos muli sa linggong ito ang
mga Riego ng library..." si Lola Brosing pagkatapos ay dumungaw sa bintana, para
bang may hinihintay.

Umiling agad ako. I like seeing Raoul. I live for it. Pero ayaw kong nakikita niya
ako sa ngayon. Hindi ko parin nakakalimutan ang nangyari at ikinakahiya ko iyon ng
lubusan.

"Oh, bakit?" natatawang sinabi ni Lola.

Napatuwid sa pagkakaupo si Ma'am Avila, gulat sa kawalan ko ng interes sa mga


Riego.

"Nahihiya po ako," sagot ko.

"Ba't ka nahihiya?" halos sabay nilang tanong.

Hindi ko masabi sabi. Looking back and telling them about what happened makes me
almost sick.

"Hija, kailan ka pa nawalan ng interes doon? Noon, magtatanong ka agad kung kailan.
Ngayon, nag-iba," natutuwang sinabi ni Lola Brosing.

Pagod akong huminga at nangalumbaba. Hindi ko masabi ng tuluyan kung ano ang
problema. Although, I intend to tell them about it. I'm just not sure how to.

"Hindi pa naman ngayon, apo. Ang sabi naman ni Wanda, pupunta si Lucio rito kapag
nangailangan na. Hindi pa naman pumupunta kaya duda ko, bukas o makalawa pa."

Hindi ako kumibo dahilan ng mas lalong pagkakakuryoso ng mag-ina. Sa huli, umamin
din ako.

"Napanood po kasi ni Raoul at ng mga kaibigan niya ang paggamot ko sa isang bata sa
amin."

"Huh?" sabay na gulat ang mga Avila.

Nagkatinginan sila. Kita ang mangha at pagtataka sa sinabi ko.

"Paano?"

Nagkibit ako ng balikat. "Napunta sila roon, isang gabi."

"Tapos?"

"Umalis din pagkatapos po akong mapanood."

Walang nagsalita sa kanila, tila namamangha pa sa sinabi ko.

"Baka po ano nang sabihin sa akin. Baka mapagkamalan akong mangkukulam o aswang."
Umiling ako. "Nahihiya po ako."

Pagkatapos kong umamin at sa gitna ng kuryosong tingin nila ay narinig namin ang
pagbukas ng gate sa labas. Napaahon si Lola Brosing.

"Si Lucio na siguro 'yon," aniya at nilingon ang bintana.

Sumabay ako sa ginawa nila at nakita ang pagtatali ng kabayo sa labas. Dumiretso si
Lola sa sala para dungawin kung sino iyon. Nilingon niya kami galing doon, may kung
ano sa ekspresyon.

"Hijo, napadalaw ka?" aniya bago pa masabi sa amin ang ibabalita.

"Sinama ni Papa si Mang Lucio sa planta kaya ako na lang po ang pumunta rito..."
Raoul's low voice echoed in the house.

Nanginig ako sa kaba at mabilis na napatayo sa gulat.

"Oh?" gulat na salubong ni Ma'am Avila.

Tumakbo agad ako patungo sa labasan sa kusina, sigurado akong iilag ako. Hindi ko
kayang maharap siya.

Kabanata 5
Kabanata 5

Kaba

"Magmeryenda ka muna, hijo," si Lola Brosing pagkatapos nilapag ang kakalutong


chocolate cake sa lamesa.

Tuwid na tuwid ang upo ko at diretso lang ang mga mata sa aking baso. I held on to
my glass like it's the only thing holding my sanity together. Pilit akong tumakas
kanina pero nang hilahin ako ni Ma'am Avila at sinabing ayos lang, siya ang bahala,
wala na akong nagawa.

Bukod sa naririnig ang usapan namin, tinawag pa ako ni Lola Brosing galing sa loob.
Leaving would only shame me more. Kaya naman nandito ako ngayon sa hapag,
nagdarasal na lang na sana matapos na ito. Sana... lumipas na agad ang oras.

Unti-unting lumapit si Raoul sa lamesa. Mas lalo lang akong nanigas sa pagkakaupo.
Humigpit na rin ang kapit ko sa baso. I can sense his eyes on me as he walks
towards the rectangular dining table.

"Kayo po ang nagluto?" he asked but his eyes never left mine.

"Ah, eh, oo, hijo."

He dragged a chair out of the table para makaupo. Naupo naman si Ma'am Avila sa
tapat ko, smiling towards me.

"E, sigurado ka ba talagang hindi ngayon?" tanong ni Lola Brosing habang isa-isang
nilalapag ang mga platito sa harap namin.

Nanatili ang mga mata ko sa baso. My heart is completely rocking my body. I can
sense my body slightly beating because of my violent heartbeats.

"My mom and her friends are in the library today so I'm sure they want it done
tomorrow," diretsong sagot niya kay Lola Brosing.

"Ganoon ba. O sige, bukas ng umaga kung ganoon?" si Lola Brosing, tinutukoy ang
pag-aayos ng library.

"Opo," sagot ni Raoul.

"Si Leil nga pala, Raoul," si Ma'am Avila ang nagpakilala sa akin.

Nanigas muli ako at sumulyap lang sa kamay ni Raoul na malaya at marahang nakahawak
sa kanyang platito.

"Yeah, I know her."

My heartbeat doubled. Para akong nahihilo sa sobrang kaba. Muli kong binalikan ang
naging desisyon kanina. Dapat talaga pinilit ko na lang si Ma'am na umalis ako.
Dapat sinabi ko na lang na may lakad ako. Though of course she knows why I'm
suddenly leaving. Pagkatapos kong sabihin ang kwento ko, hindi ko na maitatanggi pa
ang kahihiyan.

"Do you come here often?" tanong niya, hindi parin tinatanggal ang tingin.

I am overthinking! Wala lang sa kanya ang nakita! Wala lang sa kanya dahil maaaring
wala lang naman talaga siyang pakealam sa nangyayari. Nahihiya ako para sa aking
sarili kahit na wala lang sa kanya iyon.

"O-Oo..."

Humalakhak si Lola Brosing habang naghihiwa ng cake. Sa ibang pagkakataon, tutulong


ako. Ngayon, I am just too stunned to move.

"Ay naku, Raoul. Estudyante ko si Leil noong elementary at medyo napamahal na sa


amin kaya dito iyan naglalagi madalas," si Ma'am Avila.

Raoul nodded.

"Soleil, sasama ka ba bukas, kung sakali?" si Lola Brosing ang nagpaangat sa tingin
ko.

"P-Po?"

I want to lie and tell Lola that I have things to do. Pero ngumiti si Lola at
tumango, alam niya na tatanggi ako kaya iniencourage niya akong hindi. Alam niya
ang ikinakahiya ko pero gusto niya paring pumunta ako.

"Huwag kang mag-alala, hija. Kasama mo naman ako," dagdag niya na parang idudugtong
pa ang ikinakahiya ko kaya naman inagapan ko na.

"O-Opo! Sige po..."

"Hay, mabuti at nakapag desisyon ka. Kanina lang ay ayaw mong sumama noong niyaya
kita. Akala ko hindi ka na ulit sasama," dinagdag ni Lola.

Pumikit ako ng mariin, natatakot sa maaring idugtong pa.

"Wala kang dapat ikahiya, hija. Isa pa, mabait ang mga Riego. Siguro naman ay
napatunayan mo na 'yan sa ilang taon mong pagsama sa akin, hindi ba?" patuloy ni
Lola.

Hilaw na humalakhak si Ma'am Avila, pinuputol ang mga sinabi ni Lola para masalba
ako. "Palagi kasi itong sumasama kay Mama, Raoul, kapag nag-aayos sa inyo."

"Really?" he said with so much curiosity. "Nakapunta ka na sa amin, kung ganoon?"


His question is now directed at me.

Tumango ako at bumaling ulit sa kalalapag na cake sa aking platito.

"Kaya nga, hijo. Ilang taon na rin 'yang laging sumasama sa akin, at kanina lang
naisipang tumanggi..." patuloy ni Lola Brosing.

Tumawa si Ma'am Avila para pigilan muli ang matanda. "Kumain ka na, Raoul. Hindi ka
madalas nakakadalaw. Mabuti at napunta ka ngayon."

"Oo nga po, e. Medyo abala rin po kaya ganoon. Mabuti nautusan ako ni Wanda
ngayon."

"Lumalaki na talaga ang negosyo ninyo, ano? Balita ko sobrang lago na sa Maynila?
Mabuti at hindi ka naman pinapag-aral magtrabaho roon?"

Nagsimula na akong kumain sa cake. I am thankful for their conversation. I hope


this goes on. Hindi ko ata kakayanin kung dadako pa sa akin ang topic o 'di kaya'y
matahimik sila.

"Hindi po. Mas gugustuhin ko pong pag-aralan muna ang mga maliliit na trabaho rito
bago iyong pamamahala. Nakapagtrabaho na po ako roon sa construction kaya ngayon,
etong planta naman ang pinag-aaralan ko."

"Balita ko mataas ang mga marka mo. Naku, Raoul! Ang swerte talaga ng mga Riego.
Matatalino at mga gwapo ang mga apo," natatawang sinabi ni Ma'am Avila.
"Magkakandarapa ang mga manilena sa'yo."

He growled a laugh. The table vibrated at bahagya akong nagulat. His laugh is so
genuine and manly, with no reservations or whatever. I've never seen a person that
genuine and true.

Hiniwa ko ang maliit na parte ng cake bilang pagpapatuloy pagkatapos ng bahagyang


pagkakamangha. I glanced at his and I realized he is almost finished. He likes
sweets? Or he's hungry?

I smiled inwardly, a bit happy to know more things about him. Small things.
"Hindi naman po."

"Asus! Pa humble ka pa. Kung ang mga babae nga rito'y balita ko mabilis na
nagkakagusto sa'yo, roon pa kaya. Binabalita ni Gloria na iyong apo niyang si
Harriet, patay na patay umano sa'yo."

"Ah! Magkaibigan lang po kami noon. Si Tita talaga..." ani Raoul.

I remember seeing him with a girl inside their barn house years ago. Pinilig ko ang
ulo ko nang naalala iyon. Kung dati'y nabibisita ko ang alaalang iyon para isipin
ang iilang detalye sa kanya at para punahin ang nakakahiyang ginawa, ngayon, hindi
ko na kaya. Ano ang nagbago sa nagdaang panahon, hindi ko alam.

"Buti at hindi ka minamadali ng Papa mo, Raoul? Na mag-asawa?"

"Bata pa naman po si Papa kaya hindi naman iyon nagmamadali. Isa pa, mas inuuna ko
ang pag-aaral sa pamamahala."

"Oo nga at ikaw ba ang magmamana ng dalawa?" tanong ni Ma'am Avila.

"Gusto ko sanang tanggihan ang VHRV, naroon naman ang mga pinsan ko pero walang may
interes sa kompanya kaya..." nagkibit siya ng balikat.

Sumulyap ako sa juice niyang nangalahati na. Naabutan niya akong nakatingin doon.
His eyes is suddenly fixed on me for a moment. Para akong pinipigilang huminga ng
kanyang titig kaya umiwas ako.

"Hmm. It's only right. You are the first born of your generation," si Ma'am Avila.

"Leil," si Lola. "Nakapasyal ka na ba sa planta nila rito? Dulo pa ng farm iyon


pero baka sakaling napuntahan mo na?"

Umiling ako, kinakabahan sa biglaang pagtutungo ng topic sa akin.

"H'wag mong bigyan ng ideya, Mama. Malayo iyon at baka delikado."

"Delikado nga. Bukod sa maaring may mga bandido, marami pang mga ilap na hayop kaya
sana ay huwag na lalo kung galing sa kanila," si Raoul.

"Ah..." pahisteryang tumawa si Ma'am Avila.

"Gusto ko lang namang makakita ang batang ito ng mga gusali. Iyon ata ang
pinakamalaking gusali, maaari rito sa Costa Leona."

"Nakakita na po ako, Lola, sa mga libro..." sabi ko.

"Iba parin iyong sa personal, apo. Magbabago ang pananaw mo sa mundo kapag nakita
mong posible ang mga ganoong gusali. Hindi puro gubat at maliliit na kubo lamang,"
si Lola.

"Pwede ko kayong samahan mamasyal tungo roon," si Raoul, hindi parin tinatanggal
ang titig sa akin.

Hindi ako sumagot. Gusto ko na ayaw. Hindi ko alam kung bakit ganito ka nakakalito
ang nararamdaman ko.

"Pwede rin..." sabay tawa ni Lola Brosing. "Lumalaki na iyon ng husto. Kailan
mabubuksan iyong pangatlong gusali?"
"Sa susunod na taon. We actually offer more jobs for the people here in Costa
Leona. Kung may kilala po kayo na pwede nating ipasok, gagawan ko ng paraan."

"Ah? Kailangan ba iyan ng kurso o kahit senior high, hijo?"

"May iilan po kaming bakante na tatanggap basta masipag lang magtrabaho," he turned
to me, I didn't. I'm too scared to watch him.

"Ganoon ba? Mabuti. Sige, magtatanong ako sa kakilala at baka makatulong tayo."

Nagpatuloy ang kanilang pag-uusap. Tahimik lamang ako habang ganoon, nakikinig at
kontento na roon.

"Hindi na nga rin po ako magtatagal."

Napaangat ako ng tingin sa gulat. I saw him watch me closely. Binagsak ko kaagad
ang aking mga mata para iwasan ang titig niya.

"O, trabaho?"

"Opo. Salamat sa meryenda."

"Naku, sayang naman at hindi ka makakapagtagal," si Ma'am Avila.

"Sa susunod po." Then Raoul turned to me again. "Dala mo ang flash light?"

I panicked. How could I not think about it! Dapat dinala ko iyon! Hindi iyon sa
akin! Hinayaan ko lang sa altar iyon kasama ang hourglass! Dapat ay sinusoli ko ang
mga ganoon!

"H-Hindi. Uh, pero isosoli ko iyon. Bukas. Iiwan ko na lang sa inyo," sabi ko.

Parang binalewala niya ang sinabi ko. Sumulyap siya sa relong nasa palapulsuhan.
Tiningnan niya ang oras, bahagyang busangot at halos magkadugtong ang kilay.

"Anong oras ka uuwi?" tanong niya.

Nanuyo ang lalamunan ko. Hindi ko masagot ng diretso dahil iniisip ko pa kung ano
nga.

"M-Mga hapon," tanging nasabi ko.

"Huwag kang magpagabi, hindi mo dala ang flash light. At huwag mo nang isoli iyon."

I nodded. Hindi na siya naghintay ng sasabihin ko pa. Nagpaalam na siya agad sa


mag-ina. Tumayo sila para ihatid si Raoul sa pintuan. Napatayo na rin ako pero
hindi gaya nila, hanggang sala lang ako para tingnan ang pagsampa niya sa kabayo.

Wearing a black t-shirt, faded jeans, and a black boots, he proceeded. He rode the
horse smoothly. He maneuvered it with such skill I only see in some movies.

"Salamat po."

"Walang anuman, Raoul. Bisita ka ulit sa susunod."

He nodded and smiled to the old Avila before his eyes searched inside. Kumaway si
Ma'am na nasa pintuan. Nagtama naman ang tingin namin sa pamamagitan ng bintana. My
heart jumped a bit. Pagkatapos ay tumulak na siya.
Aamin ako, sa hindi malamang rason ayaw kong gabihin. Gusto kong sundin ang payo
niya.

But then again, I wonder what he thinks of me. Mangkukulam? Weirdo? Aswang? Kulto?
Sigurado akong hindi diwata... hindi naman totoo iyon. Sigurado rin akong hindi
siya naniniwala na sugo ako ng Liwanag.

"Oh, maayos naman ang tungo sa'yo, 'di ba?" si Ma'am Avila nang napuna ang
katahimikan ko.

Ngumiti ako. "Mabait lang po talaga siya."

"Mabait nga iyon. Huwag ka nang mag-isip ng kung ano."

I wish I can stop thinking about it, though. People in this town are actively
hating us... me, most especially. They think we're an abomination, fraud...
salot... sa lipunan. Iilan sa mga kaklase ko, ganoon ang tingin sa akin, masyado
lang mabait para sabihin ng harapan kaya imbes ay tahimik lang at kaswal akong
pakitunguhan.

Alam ko pero hindi ko na iniisip pa. I'm just thankful that they have the decency
to be casual with me, unlike the others. Ganoon din kaya si Raoul? Ganoon nga
siguro.

Pagod akong umuwi sa amin. Nakapangalumbaba kong tiningnan ang dalawang bagay na
naibigay ni Raoul sa akin. Una ay iyong hourglass, ang isa ay flashlight.

Pinitik ko ang salamin ng hourglass at nakita kong bumilis ang buhos ng buhangin
galing sa taas patungo sa baba. This indicates time. And I cannot wait to turn it
upside down over and over again just so I'd grow up fast and learn about my
destiny.

Ganito na lang ba talaga ako?

Umaatras ang sikmura ko nang maalala kinabukasan ang pangako ko kay Lola Brosing.
Bago ako umalis kahapon, nagrereklamo si Lola tungkol sa masakit niyang balakang.
Umo-o naman ako sa pagpunta sa library ng mga Riego pero napilitan lamang ako roon.
Ngayon, nagdadalawang-isip ulit ako pero mas pupunta kesa hindi.

Hindi ko hahayaan si Lola Brosing na mag-isa lalo na't masakit ang balakang niya.
Isang beses lang naman ulit, hindi ba? Isa pa, abala naman yata si Raoul kaya baka
wala siya sa kanila. He's probably busy.

Maaga akong umalis sa amin. Sinigurado ko kasing sa long cut ako dadaan. Ayaw kong
mapagod sa katatakbo kung sakaling may umatakeng baboyramo.

Imbes naman na umaga, hapon ang gusto ni Lola Brosing na pumunta. Nahihiya kasi
siya kapag umaga. Ayaw niyang doon kami magtanghalian kaya pupunta kami pagkatapos
ng tanghalian.

Eight in the morning, I'm already starting to walk. Alas diez pasado siguro ang
dating ko, kung sakali kaya may panahon pa para magpahinga. Doon na rin ako
manananghalian sa mga Avila.

Kabado ako palapit sa kamalig. I instantly regret wanting to pass through here.
Maingay at may nagtatawanan. Sigurado akong narito sila. Si Raoul at ang kanyang
mga kaibigan.

"Wohoo!" sigawan nila.


My stomach hollowed. Sobrang kabado ko na pero hindi na ako makaliko pa. Didiretso
na lang ako. Siguro naman magiging maayos din ito sa huli, hindi ba?

Natahimik nang namataan ako. Yumuko ako at diretso lang ang lakad.

"Ayan na ang mangkukulam," the whispering started.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Unconsciously, hinanap ko sa grupo si Raoul ngunit


tanging dalawang pamilyar na mukha lang ang nakita ko.

"Connie," a familiar man said warningly.

Sumulyap ako sa pamilyar na tinawag at nakitang schoolmate ko iyon. She's two years
older than me. Nakahalukipkip ito at simangot na nakatingin sa akin.

"Aswang... Aswang..." tawag ng isa pang kasing edad ni Connie.

Sumulyap ako roon at nagtawanan sila.

"Stop it, Vene," sabi naman ng isa sa dalawang kaibigan ni Raoul na nakasaksi sa
akin sa village.

Yumuko ako sa kahihiyan nang nagtama ang tingin namin.

Humagalpak sa tawa ang ilan, outnumbering those who are trying to stop them. Connie
went near me dahilan ng pagkakatigil ko.

"Hindi, Kajik, ang aswang na 'to. Nanggagayuma ito. Sigurado ka bang hindi mo ito
pinagtatanggol dahil nagayuma ka?"

"Nababaliw ka na ba?" sabay sugod noon sa babae.

He slowly pushed Connie back pero imbes na tuluyang magawa ay inabot ako nito at
nahila ang damit ko.

"Who wears those damn clothes, anyway?" sabay tawa niya ngunit agad napawi nang
sinigawan ng kaibigan ni Raoul.

"Tama na, Connie. Pasensya na..." another man said apologetically.

Tumango ako at nagpatuloy sa paglalakad ngunit nang natapat sa isa pang babae ay
nahila ako sa palapulsuhan.

"Kulto! Haba ng buhok mo, para kang lilipad kapag gabi. Pangit pa ng damit mo.
Nanggagayuma ka, 'no? Kaya ba ang mga lalaki rito-"

Pinigilan ulit siya ng parehong lalaki ngunit ang nakawalang si Connie ay nangalmot
sa akin. Namilog ang mga mata ko nang nakitang luhaan siya at sobra sobra ang
galit.

Boys went to stop her hysterics. The other one panicked. Hinawakan ako sa braso
para tingnan pero sa takot ko'y iniwas ko iyon at lumayo.

"I'm sorry. I'm sorry..." paulit-ulit na sinabi noong isa.

"Matagal nang mang-aagaw ang aswang na iyan! Nababaliw na kayo! Pinagtatanggol n'yo
'yan, Kajik dahil ginayuma kayo niyan!"
"Nakakahiya! Anong iisipin ng mga magulang natin kung sasabihin nating
pinagtatanggol natin 'yang kultong 'yan! Demonyo 'yan! Nabibighani kayo niyan kasi
nga demonyo! May mga orasyon 'yan para ipagtanggol n'yo!"

"Kadiri!"

Nanginginig ang tuhod kong umalis at lumayo roon habang nagtatalo na sila.
Namamanhid ang kaliwang braso ko. Sinulyapan ko iyon at nakita ko ang kalmot sa
likod na bahagi ng braso. Mahapdi ang tatlong marka ng kuko. Blood trickled a bit,
just enough to stain in my clothes.

Nanginginig ang labi ko sa takot. I know people hate me. I know they can be very
violent. Noon pa man, nadadanasan ko na ang lahat ng ito pero lately, puro mga
salita na lang. Wala na muling naging ganito ka bayolente, ngayon pa lang ulit.

Naupo ako sa bato, malayo na sa kamalig. Suminghot ako at dahan-dahang pinunitan


ang palda ng damit ko. Tinitigan ko ang puting bestida, isa sa marami kong ganito.

Sabi ko makakadating ako ng alas diez kina Ma'am Avila, matatagalan pa yata ako. I
sighed. Binasa ko ang telang pinunit bago binalingan ang mga dahong kinuha para
magamot ang sarili kong sugat.

Demonyo raw ako.

Nagpatuloy ako sa paggamot sa sarili. Gusto ko nang umuwi. Dadaan na lang ba ako sa
gubat? Paano si Lola? Hindi ako pwedeng umuwi. Masakit ang balakang ni Lola. Kawawa
si Lola kung hindi ko siya tutulungan. Kailangan kong tumupad sa usapan.

Kinagat ko ang kabilang dulo ng tela para maitali iyon pagkatapos lagyan ng dahon.

Wala si Raoul kanina. Sinasabi ko na nga bang abala nga siya. I wonder if it turns
that way kapag naroon siya? Or he's secretly disgusted with the village and its
people but he's too kind to tell me?

Tulala ako habang tinitingnan ang sariling repleksyon sa sapa.

How unlucky. And you can't accept your fate immediately, huh? Dapat tanggap ko na
talaga ito. This summer, I've been very reckless. Sa huling dalawang summer ko,
maayos naman ang naging buhay ko. Simple. Sa summer na ito, nagugulo ako.

Tumayo ako at nagpatuloy na sa paglalakad. Tatapusin ko lang itong pangako ko kay


Lola. From here on, I will concentrate on the village and nothing more. That should
be my only concern.

Maayos ang naging pagkakatali ng tela sa aking sugat. Ni hindi napansin ng mag-
inang Avila. Ang sabaw na niluto para sa amin ay sobrang nagpagaan ng loob ko kaya
halos nakalimutan ko rin ang nangyari.

Ala una nang tumulak kami patungo sa mga Riego. Like my first time, I adored the
scenery of the mansion and its land. Mas napapansin ko rin ang kaibahan ng mga
tanim malapit sa gate at ang mga tanim na matatanaw sa likod ng mansion. Behind the
mansion were the coconut trees. Makikita rin ang ibang lebel ng lupa sa likod at sa
malayong likod nito, tila ba pababa o bangin.

"Ako na po, Lola," sabi ko nang nakitang dala-dala ni Lola ang isang grupo ng aklat
para mailagay sa shelf.

"Salamat, apo," aniya.


Napaigtad ako nang naramdaman ang hapdi sa aking braso dahil sa sugat. The pain is
hurting but it's easy to get used to it. Patuloy akong tumulong hanggang sa hindi
ko na halos maramdaman pa iyon.

Nagpatuloy kami hanggang sa hinatid ang meryenda. Isang oras na kaming nag-aayos ni
Lola at pinaghintay na ang pagkain dahil sa pagiging abala.

The door creaked open. Akala ko'y kasambahay ulit, may nakalimutang ihatid sa
meryenda. Hinintay kong makita ang kasambahay. Dala ang anim patong ng makakapal na
libro, tumayo ako sa gilid ng bookshelve diretso sa pintuan para makita ang
pagdating.

Isang mabigat na yapak ay nakita ko agad si Raoul. His large, brooding frame
claimed the pathway between the large shelves. Para akong biglaang nasundot sa
bahagyang pagtalon.

"Kanina pa kayo?" he asked.

I nodded, panicking. Mabilis akong naglakad ng diretso pabalik para maihatid na ang
mga aklat. Nakalimutan ko pa kung saan ang tungo ko dahilan ng pagbalik ulit sa
pinanggalingan.

"Magandang hapon po. Akala ko umaga ang dating ninyo, Lola," narinig ko ang
mababang boses ni Raoul sa pagbati kay Lola Brosing.

"Pasensya na, hijo. Natagalan nga kami, e."

"Kumain po muna kayo ng meryenda," anang boses.

Wala na akong aklat. Kailangan ko nang bumalik kay Lola para sa utos niya pero
parang ayaw ko na naman dahil nariyan siya. Am I going crazy? I want so bad to see
him before all of these. Ngayon, para na akong nakakakita ng multo pag nariyan
siya. Ano ang nagbago?

"Mamaya na, hijo. Kapag natapos na ito. E, pareho naman kami nitong si Leil na
'tsaka na magpapahinga kapag tapos na ang lahat."

Tumawa si Raoul.

"Ganoon po ba? Kung ganun, lalamig itong kape..."

"Ay naku! Ayos lang! Leil? Eto pa..." tawag ni Lola.

Huminga ako ng malalim at dumiretso na roon. Kinalma ko ang sarili ko lalo na nang
nakitang nakatingin na si Raoul sa akin pagkaliko pa lang.

"Medyo mabigat 'yan," si Lola habang iminuwestra ang mas malalaking patong ng
libro.

Tumayo si Raoul. Nakuha ko agad ang gagawin niya kaya inunahan ko na. Hawak ang
grupo ng librong iyon ay inangat ko na. He tried to steal it away from me. Umiling
ako at ngumiti.

"Ayos lang. Kaya ko. May mas mabigat pa nito noong huli," sabi ko.

He opened his mouth to protest but instead, his eyes suddenly got fixed on
something. Huli na nang natanto ko kung ano iyon. Medyo marahas niyang hinawakan
ang aking braso para makita ng tuluyan.
"Anong nangyari rito?" tanong niya.

"Ah... Uh... Nagkasugat lang," sabi ko at mabilis na umalis habang distracted pa


siya.

Half running, I went to the high shelves just to get away from him. Ang mabibigat
na yapak ng kanyang bota ay mas lalong nagpakaba sa akin. Lalo na nang narinig kong
nakasunod iyon sa akin, ano man ang takbo ko at pagkakalito.

"Saan ka galing 'yan?" tanong niya, nakasunod lang.

"Uh... Sa gubat lang."

"Bakit nagkasugat sa gubat?"

"S-Sa mga sanga," maagap kong sagot habang isa-isang pinapasok ang mga aklat sa
shelf.

Nahirapan pa ako sa isang malaki. Hinawakan niya iyon at siya na mismo ang nagpasok
ng walang kahirap hirap. Inagaw niya rin sa akin ang iba at ganoon din ang ginawa.
I turned to him, slightly nervous.

"Salamat. Pero kaya ko naman... Totoo..."

Binalewala niya iyon. Hinawakan niyang muli ang braso ko. Balak ko sanang iiwas
iyon sa kanyang kamay but his moves were very swift and precise. Agad niyang
nahubaran ang aking braso, revealing the wounds I got earlier. Nahulog sa sahig ang
mga dahon at ang telang nilagay ko roon.

Nagkatinginan kaming dalawa. His jaw clenched for a moment. Luluhod sana ako para
kunin ang natapong mga dahon.

"Leave that alone. It's not your job to clean that. Gamutin natin ang sugat mo ng
maayos," aniya.

"Maayos naman iyon," giit ko.

"Come here..." he said, ignoring my words.

Wala akong nagawa kundi sumunod sa kanya pabalik kay Lola. He dragged a chair in
the middle of it all.

"Anong nangyari?" tanong ni Lola.

Iminuwestra ni Raoul sa akin ang silya. Umupo ako, abot abot na naman ang tahip ng
puso.

"Gagamutin ko lang po ang sugat niya sa braso. Magpahinga ka muna, Lola," he


declared.

Lola Brosing looked so confused. Yumuko ako at sinulyapan ang sugat na nasa braso
ko. Umalis si Raoul sa library at binaba naman ni Lola ang mga tiningnang libro.
Kinuha niya ang isang tasa ng kape bago ako nilapitan.

"May sugat ka?"

Tumango ako.

"Paano?"
"Sa gubat lang, Lola..." tanging sagot ko hanggang sa bumalik na si Raoul dala ang
iilang gamit.

I saw him wet a piece of cotton. Isang pamilyar na gamot ang binasa niya roon bago
hinawakan ng marahan ang braso ko. Dahan-dahan niyang dinantay ng bulak ang sugat
ko sa braso.

Inangat ko ang tingin ko sa kanya. He looks so serious. Ang dalawang kilay ay


nagkakasalubong at ang mga mata'y titig sa aking sugat. Nilingon ko ang mga gamot
na ginamit niya at minemorize iyon.

"This is for disinfection," aniya bilang impormasyon para sa akin.

Tumango ako at nagpatuloy na tiningnan ang paggamot niya sa aking braso. Ang isang
kamay niya'y mariing nakahawak sa akin para hindi makagalaw.

"Sa sanga ba talaga 'to?" the hooded mystery in his eyes claimed mine.

Patuloy ko lang na tinitigan iyon. He sighed heavily.

"O-Oo," sagot ko.

"Sa oras na malaman ko na iba ang dahilan nito..." he trailed off.

"Oo nga? Hindi kaya kalmot 'yan ng mabangis na hayop, Leil?" nag-aalalang sinabi ni
Lola.

Umiling ako at binagsak ulit ang tingin kay Raoul.

He did not speak again. May nilagay siyang parang puting tela roon, idinikit gamit
ang tape. Marahan at maingat ang kanyang galaw, nakapagtataka dahil base sa higpit
ng hawak niya sa akin, hindi ko inasahang kaya niyang maging maingat ng ganoon.

Hinaplos ko ang aking sugat. Our hands are centimeters away and I can see the big
difference between us. Maybe, because I am still very young? Or maybe, he's just
massive for a man? I'm not sure which pero kung iisipin at ikukumpara siya sa mga
kaibigan niya, he's more athletic and more masculine than all of them. Explains why
he's really good at sports, huh?

"Ako na ang tutulong kay Lola," deklara niya.

Umiling ako. "Kaya ko naman."

He only glanced at me with soulful and brooding eyes bago kinuha ang grupo ng mga
libro para maibalik sa shelf. I watch him languidly walking towards the shelves.
He's like art. A man sculpted perfectly, with hard flaws but still gentle and kind.
A man of honor and nobility. A man so masculine and almost elusive...

Nakaupo lang ako. Hindi dapat nakakaramdam ng kaba dahil wala namang nakakakaba sa
pagkakaupo pero sa hindi ko mawaring dahilan, narinig ko ang pintig ng puso ko.

I remember how vividly it is described on love novels. Ang sabi, pipintig talaga.
I've heard my heart violently beat like this around Raoul, pero lahat ng iyon pwede
kong matawag na kaba dahil sa sitwasyon. Pero ngayon... paano ako kakabahan kung
pinapanood ko lang siyang seryosong nagsasauli ng mga libro?

Hindi ito kaba.


Lalong hindi takot.

This is something else. Something I have known for a long time... denied it for a
long time.

Alam ko na anong nagbago, Leil. Ayaw kong maalala ang nangyari noon sa kanila noong
babae sa kamalig kasi ayaw kong tumatak iyon sa aking utak.

I don't want to clap on his wedding even when I can say I will be happy for him
because... because... it will hurt, for sure.

Pagod akong ngumiti, nagsisisi na natanto ang lahat ng ito. He's of age and I am
still very young. This will pass if it isn't nurtured. I will eventually forget
this hero-complex I have for him... Eventually... Soon...

Or so I thought.

Pinalipas ko ang pang labing limang summer ko sa village. Bukod sa takot na akong
dumaan sa kamalig, gusto ko na ring tigilan ang kahibangan ko.

Nagpaalam ako kay Lola at Ma'am Avila na mag coconcentrate muna ako sa mga tao sa
village para mapag-aral ako ng Papa sa pasukan. Sumang-ayon naman sila.

I spent most of my days laying beside my goat, watching the sand pass through the
hourglass' neck. Sana bumilis ang oras. Sana malaman ko na kung anong mangyayari sa
akin. Sana... lumaki na agad ako.

Sana lumaki na agad ako?

Hindi ko alam bakit iyon ang naging hiling ko. Who wants to grow old, anyway?

Ang sabi sa mga nabasa kong libro, growing old is a nightmare. Kaya bakit gustong-
gusto ko ang tumanda na agad? To speed up time and grow from a lady to a woman?

Payapang natapos ang mga araw. Father was very pleased again. Bukod sa mukhang
maganda ang takbo ng mga ginagawa niya, hindi pa ako nagrereklamo na sa lahat ng
kanyang pinagagawa.

Huminga ako ng malalim habang tinitingnan ang pagkakatuwaan ng mga kaklase sa


malayo. Nasa ilalim ako ng isang puno ngayon, kumakain ng tanghalian, mag-isa.

Nothing has changed for my Grade 11 year. I still don't have friends. Lahat ng
mapapalapit sa akin, kung hindi aawayin, magagalit sa hindi malamang dahilan. It's
easier to be friends with boys but I think every girl wants a girl friend for her
life? Hindi ako iba sa mga iyon.

Umihip ang pangtanghaling hangin. Nangiti ako nang nakita ang asaran ng
magbabarkadang babae sa malayo. They are all trying out their lipsticks. Nakita
kong nagkamali sa paglagay ang isa dahilan ng pagkakainis naman ng isa. Nagtawanan
sila dahil sa nakakatawang koloreteng nalagay sa mukha. They enjoyed doing it.

Tumikhim ako at nilingon ang nakitang anino sa hindi kalayuan. Nakatayo roon si
Gasper, isang Grade 12 na nakilala ko noong nagpaturo siya sa akin, isang beses sa
library.

"Oh Gasper?" sabay tabi ko sa baon.

Umiling siya at namula nang nakitang medyo naglinis ako sa inuupuang sarong.
"Huwag na, Leil. Uh, magtatanong lang sana ako kung pwede bang maupo... uh...
kasama ka?" he asked.

Tinagilid ko ang ulo ko. That's very unusual. Marami siyang kaibigan. Kakabreak
lang nila ng girlfriend niya. Noong nakaraan ay narinig ko pang umiiyak ito.
Ganunman ay hindi ko makitang nawalan siya ng ganoon karaming kaibigan para maupo
rito kasama ko.

Kahit nagtataka ako kung bakit, ayaw ko siyang tanggihan. Alam ko ang feeling na
walang kaibigan at hindi ko gustong maranasan nino man iyon.

"Sure!" sabi ko.

Tumango siya at lumapit sa akin. Tumabi ako para bigyan siya ng espasyo.

"Thank you. Matagal na talaga kitang pinapanood dito tuwing tanghalian," aniya.

"Nasaan ang mga kaibigan mo sa basketball varsity? Bakit mag-isa ka ngayon?" tanong
ko.

He blushed. I smiled. It's not an unlucky life some days, huh? Some days, I have
people trying to be friendly. This should be okay.

Kabanata 6
Kabanata 6

Stay

"Salamat," sabi ko kay Gasper nang hinatid ako sa faculty room.

Tuwing ganitong araw kasi, dumadaan ako sa kay Ma'am Avila. Nakasanayan ko na.
Minsan, tumutulong ako sa pagchi-check sa mga test papers. Minsan naman,
nagpapahinga lang kasama si Ma'am.

Sinalubong ako ng nahihiwagaang tingin ni Ma'am Avila. I smiled as a greeting for


her.

"Kumain ka na?" tanong niya.

I nodded.

"Sinong kasama mong kumain?"

"Si Gasper, po."

Kababalik lang namin sa eskwela pagkatapos ng short break noong December. Tulad
noong summer, hindi rin ako nakagala sa kanila Ma'am noong Disyembre. Inabala ko
ang sarili ko sa village. Nagbaon din ako noon ng napakaraming libro para kapag
mabagot ay hindi ko na maisipan pang umalis para manghiram.

"Kaibigan mo? Grade twelve iyon, ah?"

"Ah. Opo. Nagpaturo iyon sa akin noong isang taon. Wala kasi siyang kasamang kumain
kaya nagkasama na po kami."

Umupo si Ma'am sa kanyang lamesa, hindi ako tinitingnan. Naupo naman ako sa harap
na upuan. Pinasadahan ko ng tingin ang kanyang desk para makita kung may ichecheck
bang papel o ano pa man para makapag offer na ako, wala naman sa ngayon.
"Kailan pa kayo nagsimulang maging close noon? Siya ba ang dahilan bakit hindi ka
nakabisita noong pasko o 'di kaya'y noong nakaraang summer, Leil?"

Iyon lagi ang tinatanong sa akin ni Ma'am. Kung noon sa summer lang, ngayon,
nadagdagan pa ng pasko.

Ngumiti ako. "Ngayon lang po kami nagkasamang talaga, Ma'am. 'Tsaka bakit naman
magiging dahilan ang kaibigan para hindi na bumisita sa inyo ni Lola?"

She sighed. She looked relieved. Sa huli ay pagod siyang ngumiti.

"Naisip ko lang, Leil. You are really growing fast. Years ago, you come to our
house almost everyday to visit. Ngayon, madalang na. Minsan, hinahanap ka na ng
Lola Brosing mo."

My heart ached at that. Ngayon ko lang natanto na hindi lang pala dapat sarili ko
ang iniisip ko. Last summer, siguro'y sa loob ng dalawang buwan, limang beses lang
akong nakabisita sa kanila. Sa pasko naman, kahit isang beses ay hindi na.

"Hija, pinagbabawalan ka ba ng Papa mo na bumisita ulit sa amin?"

Umiling ako dahil iyon ang totoo. Hindi na ako pinagbawalan kasi nakikita naman ni
Papa na hindi na rin ako madalas umalis. Pinili ko ang hindi pagbisita. My heart
ached so much that I needed a hug for warmth. Niyakap ko si Ma'am Avila. Agad kong
naramdaman ang paghalakhak niya at bahagyang pagkakataranta.

"Pasensya na, Leil. Hindi naman sa nagtatampo ako. Naiintindihan ko naman ang
sitwasyon mo lalo na dahil ilang oras pa ang lalakarin mo bago ang bahay. Gusto ko
lang gawan ng rason para may masabi ako sa Lola mo..." nanginig ang boses ni Ma'am.

"Sorry, Ma'am. Siguro naisip ko lang kung gaano ka iba ang buhay ko sa buhay ng mga
tao sa inyo-"

"No, hija. Parehas lang. Iba lang kayo ng paniniwala at mga tradisyon. Hindi ako
nanunumbat sa'yo, ha. Gusto ko lang malaman kung may manliligaw ka ba o naging mga
kaibigan na para maubos ang oras mo sa ibang bagay imbes na roon?"

Tumawa ako at umiling. Naupo ulit ako sa silya. "Wala po, Ma'am."

Tumango siya. "Naisip ko lang. Noong bata ka pa, gustong gusto mo si Raoul. You try
hard to see him. Nang mga panahong hindi mo na kailangang magsikap para makita
siya, wala ka naman..."

Kumunot ang noo ko at nagtaas ng kilay.

"Po?"

"Well, people change preferences. Baka iba na ang tipo mo. Besides, Raoul is way
older than you are so I understand the change of your feelings..."

Hindi ko maintindihan ang pagpapatuloy ni Ma'am dahil sa naunang sinabi.

"Anong hindi ko kailangang magsikap, po?"

She laughed a bit. "Noong pasko kasi, halos araw-araw si Raoul sa amin. Sayang nga
at hindi ka nakapunta."

Napakurap-kurap ko. This is new. Hindi ko pa narinig kailanman na nariyan ang mga
Riego sa ibang bakasyon bukod sa summer. Well, minsan sabi raw nandyan pero hindi
magtatagal iyon ng ilang araw. Probably just for the Christmas day?

"Po? Bakit?"

"Tapos na ata iyong mag board at medyo napag-aralan na ang pamamahala sa mismong
kompanya kaya nandito iyon para naman sa planta nila."

Hindi ako nakagalaw.

I admit it. Iniiwasan ko talaga ang mapadpad sa kamalig o ang makita man lang ang
mga kaibigan ni Raoul dahil ayaw ko nang maging kumplikado pa.

"Hmm..." She smirked. "May ibang crush ka na pala, ha? Baka naman nagdidate kayo
niyan kaya ka hindi na bumibisita?"

Mabilis akong umiling. "Hindi po. At saka, 'di ko po crush si Gasper. Magkaibigan
lang po kami. May dating girlfriend po iyon."

"Dating girlfriend? Tinanong mo ba kung bakit nagbreak?"

Kumunot ang noo ko, hindi makasunod sa panunukso ni Ma'am Avila. Masyado akong
ukupado sa huli pang sinabi tungkol kay Raoul.

"Hay, Leil. Naglilihim ka ba sa akin? Sabihin mo nga. Noong nakaraang taon pa


bumabalik sa akin ang mga dati kong estudyante para magpatulong sa panliligaw
sa'yo. Hindi na kita tinanong dahil akala ko mag oopen up ka kalaunan sa akin. Pero
hindi ka kailanman nagsabi ng kahit ano..."

Nalaglag ang panga ko sa mga sinabi ni Ma'am. Natatawa ako at hindi ko talaga alam
ang sasabihin.

"Wala naman, po."

"Noong nakaraan, nakita kong magkasama kayo ni Dixon."

"Ah! May hiniram lang po siyang kopya ng dating project ko, Ma'am."

Umirap si Ma'am Avila, hindi kontento sa naging sagot ko.

"Totoo po..." giit ko.

She smiled. "No need to really explain it, Leil. I'm just pointing it out because
you are too innocent to think beyond friendship."

Magsasalita pa sana ako pero inunahan ako ni Ma'am.

"Boys of your age, even older, is attracted on you. You should be careful. Maganda
ka. Magandang maganda."

"But I'm weird, Ma'am. Alam mo naman sigurong pinandidirian-"

"How would you explain Brody, then?"

"Brody?" sabay angat ko ng isang kilay.

Isa siya sa mga batang nagtatapon ng putik at mga bato sa akin noon. Magkasing edad
lang kami, iba nga lang ang section.
"Bago mag break, nagtanong iyon sa akin kung paano raw ba mag apologize sa'yo sa
lahat ng ginawa niya noon. Bakit kaya?"

"Para malinis ang konsensya? At walang taong maaapakan. Pero... wala na iyon sa
akin. Matagal na rin naman silang tumigil at-"

"Because he's attracted with you. Leil, boys your age are very self centered. They
won't just say sorry because they want to clear their conscience. May iba pang
dahilan iyan."

Umiling ako, ayaw maniwala.

"O sige. Kung ayaw mong maniwala sa akin, simula ngayon, magtatapat ka sa akin kung
sakaling may magyaya sa'yo ng lunch o kahit ano. Hindi ka exposed sa mga kaibigan
at wala kang mapagtatanungan kaya naiintindihan ko kung bakit hindi mo makuha ito."

Now that I think about it, paano nga ba? Love novels taught me how a man pursues a
woman. Minsan, gusto nila palaging nakikita at nakakausap. Minsan din, nagtatampo
kapag nakitang may kasamang ibang lalaki ang babae. And... sometimes, they
caress... hold hands... kiss...

Uminit ang pisngi ko sa huling naisip. An image of Raoul's massive back and a
beautiful girl's sleepy eyes filled my brain. Ganoon. Kiss and do tender things in
private. That's how we'll know if men or women like each other.

In real life, hindi naman siguro ganoon kalayo ang diperensya ng nobela. Kung
ganoon ang reaksyon ng mga lalaki para sa babaeng gusto nila, ganoon din siguro sa
totoong buhay. So if Ma'am Avila's right and these boys are trying to pursue me...
which is impossible... they all think I'm a witch and monster of some sort... they
should try and make time for me, right? Hindi ko alam.

"Ano?"

"Nakakahiya naman po 'yon, Ma'am..." sabi ko.

"Hay naku! If you think I'm your mother, then treat me that way, Leil. Mothers
guide their daughters even with things like that."

Ngumiti ako. I appreciate Ma'am Avila's kindness. Naguilty rin ako sa hindi na
gaanong pagbisita sa kanila. I shouldn't foget about them just because I'm trying
to avoid the hurting.

At bakit nga ba iniiwasan ko na si Raoul ngayon? Matagal ko nang alam at tanggap na


paghanga lang talaga ang pwede sa kanya. Bukod pa sa mas matanda siya ng ilang taon
sa akin, nasisiguro ko ring may girlfriend na iyon. Maraming nakaaligid sa kanyang
babae at siguro sa Maynila, meron siya roong naghihintay na girlfriend.

I can taste the bitterness in my tongue as I pictured him out with a tall and
sophisticated girl. I can imagine his hand around her. I can imagine him whispering
sweet words and promises.

"Babalik ako ng Maynila. I just have work to do in Costa Leona. Will you wait for
me?"

Pinilig ko ang ulo ko para walain iyon sa pag-iisip. My heart hurt thinking about
it. Lalo na dahil alam kong hindi iyon malayo sa totoong buhay.

"Wala naman pong pumuporma, Ma'am."


"Ang paghatid noong Gasper dito sa'yo, porma na iyon, Leil. Kahit wala pa siyang
sinabi tungkol sa panliligaw o ano..."

Wala akong masabi. Ayaw kong pag-isipan ng masama ang lahat ng nakikipagkaibigan sa
akin. They are just kind and friendly. I am just lucky to know them.

"But don't overthink. Parte iyan ng pagiging teenager, hija. Parte ng paglaki mo.
Enjoy it. Kung may manligaw sa'yo, kung gusto mo naman, enjoy the feeling." Ma'am
Avila smiled. "I want you to live like a normal girl. Girls your age explore
friendship and a little bit of love. Huwag ka lang masyadong magseryoso. 'Tsaka na
pag nasa tamang edad ka. Ang gusto ko lang naman ay maging mulat ka at hindi maging
iba sa mga batang kaedad mo."

Tumango ako at ngumiti. Maybe Ma'am Avila is right. Naisip ko tuloy na magbasa ng
mga ganoong libro. I kind of heard a great book about relationships and growing up.
Hindi naman na nagbabasa ang mga kaklase ko ng ganoong libro, siguro dahil hindi
naman nila kailangan dahil nararanasan na nila iyon. O baka may gumagabay naman sa
kanila.

Nagulat ako nang bago tumunog ang bell para sa ala unang klase ay naroon pa sa
malayong gilid si Gasper. Ngumiti ako at pinuntahan agad siya.

"Oh?"

"Uh, hinintay kita. Ihahatid sana kita sa classroom mo..."

Bumaling ako sa pintuan ng faculty room. I saw Ma'am Avila smiling at me. Like
telling me that she's right all along. I smiled back at her.

"Thank you," sabi ko nang nakaalis na kami roon at nakarating na sa pintuan ng


classroom.

Nagkamot sa ulo si Gasper at binagsak ang mga mata sa sahig. Nahihirapan siyang
mag-angat ng tingin kaya hinuli ko ang mga mata niya.

"Thank you, Gasper," ulit ko.

"Walang a-anuman. May cellphone ka ba?"

Umiling ako. "Wala, e. Bakit?"

"Ah... Sige... Eh, itetext sana kita para m-makapagkita tayo kung sakali..."

"Pasok na raw sa loob. Malapit nang dumating ang teacher, Leil," isang boses ng
lalaking kaklase ang narinig ko.

Lumingon ako roon at nakitang si Jeff iyon. He eyed Gasper from head to foot.
Tumango ako kay Jeff bago bumaling ulit kay Gasper.

"Pasensya na. Puntahan mo na lang ako rito kung gusto mo. Wala kasi akong
cellphone. Papasok na ako. Pasok ka na rin..."

"S-Sige..."

Kumaway ako nang umalis na si Gasper. Pagkabaling ko sa mga kaklase ay nakita ko


agad ang mga nagtatagong nagbubulung-bulungan habang tinitingnan ako. I smiled at
some girls but most of them ignored me.

"Ginagayuma na siguro 'yan. Kaya nakipagbreak 'yong si Gasper sa girlfriend..."


narinig ko habang nakaupo kami at naghihintay sa teacher.

Yumuko ako at tinitigan na lang ang ballpen.

I doubt that the boys were attracted with me. They all think I'm a witch. Mas
posible pa siguro na pinagkakatuwaan lang ako. If so... I would be sad. Nasisiyahan
kasi ako kapag may nakikipagkaibigan. Nakakalungkot namang isipin kung nagpapanggap
lang ang mga ito.

"Pinopormahan ka noong Grade twelve?" narinig ko sa likod ko, kung saan nakaupo si
Jeff.

Nilingon ko si Jeff. Umiling ako.

"Narinig ko ang usapan sa team noon. Crush ka raw noon. Popormahan ka talaga yata
kaya nakipagbreak sa girlfriend."

Umiling ako. "Hindi naman siguro. 'Tsaka... kung totoo man, wala pa sa isip ko ang
ganyan. Masaya ako na may kaibigan..."

Nagkatitigan kami ni Jeff. Kita sa mga mata niya ang bahagyang gulat sa sinabi ko.
Nagulat siguro siya na malaking bagay sa akin ang pagiging magkaibigan. Syempre,
bukod sa kambing, hindi ko alam kung may matatawag pa ba akong ganoon. Sa amin sa
village, lahat ay hindi halos nakikipag-usap sa akin habang nakatingin sa mga mata.
They all think I'm a goddess of some sort and that they are unworthy of looking at
me.

"Kaibigan mo ako..." aniya.

Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya. To make friends with people who once bullied me
is an amazing thing. Tumango ako para kumpirmahin iyon sa kanya.

"Simula ngayon kaibigan mo na ako..."

"Sige..." nangiti kong sinabi.

Well, like I said, it's not that hard to be friends with boys. Pero hindi yata
talaga ako kuntento. May assurance man na kaibigan sa mga lalaking kaklase at ibang
schoolmate, natutuwa parin ako habang tinitingnan ang barkadahang babae.

"Malayo ba talaga ang inyo?" tanong ni Ronald nang nagsabay kami sa paglalakad
pagkalabas ng gate.

For today, I'm walking. Noong pasko kasi, naubos ko ang ipon ko kaya kailangang
mag-ipon ulit. Kung dadaan pa ako sa gubat, sa layo noon, kailangan kong
magtricycle kumpara sa sapa na ilang kilometro lang ang layo galing sa aming
paaralan.

"Oo."

"Dalawang oras talaga ang lakad?"

"Oo."

"Hindi ka ba natatakot?"

"Sanay na ako. Ilang taon na rin akong naglalakad doon, e."

"Kaya yata ang payat payat mo, e. Exercise ka nang exercise..." sabi niya sabay
ngiti.

Ronald is a bit chubby and fun to be with. Malapit lang ang bahay nila sa school
kaya nakakasabay ko siya sa paglalakad kapag sa sapa ako dadaan.

Hinawakan niya ag palapulsuhan ko gamit ang mga daliri para sukatin ang kapayatan
ko. Humagikhik ako nang nakitang sobrang liit ng sukat niya. Tumigil kami sa
paglalakad at nagkatitigan.

"Kumakain naman ako ng marami," sabi ko.

For some reason, he blushed profusely and evaded my eyes. Napawi ang ngiti ko.

"Bakit?"

Napakurap-kurap siya at mabilis na tinanggal ang kamay sa aking palapulsuhan.

"W-Wala..."

I massaged my wrist, kung saan niya sinukat ng mahigpit. Nakita ko kasing namula
ang libya ng kanyang daliri roon.

"A-Ang bilis mong mamula."

"Oo nga, e," sabi ko at nagpatuloy na sa paglalakad.

I combed my hair using my fingers. Halos hanggang baywang na ang haba ng buhok ko.
Pinuputulan naman ni Papa ito, ayaw ko lang na palagi dahil pinagbibili niya pati
iyon. Sinasabi niyang gayuma ang buhok ko at nakakabighani raw iyon ng swerte.

The mermaid curls of my hair loosened up. Parang walang siglang alon ng talon
galing sa aking ulo hanggang baywang.

"B-Bawal din ba sa relihiyon ninyo ang prom?" tanong ni Ronald nang nakaabot na sa
paglalakad.

"Hmm. Hindi naman. Bakit?"

"Kung ganoon, sasali ka? May damit ka na?"

"Hindi ko pa naisip iyon, e. Magtatanong pa ako sa kay Papa. Kung papayagan ako,
wala akong damit na maganda kaya siguro magpapatulong ako kay Ma'am Avila."

Tumango siya. "May dating damit ang kapatid ko. Baka gusto mong suotin?"

"Nakakahiya naman..." I chuckled.

Alam kong ayaw ng Mama ni Ronald na sumasama siya sa akin. Gusto man nito na
pahiramin ako ng damit, nasisiguro kong hindi siya papayagan ng Mama niya. Ayaw ko
ng ganoon. Hindi na dapat siya mag abala pa.

"Huwag na. Magagawan naman ng paraan ni Ma'am. Tsaka, 'di pa ako sigurado kung
sasama nga ako. Hindi pa ako nakakapagpaalam."

Girls are already planning their proms. Sa February na iyon. Ako, ngayon ko lang
naisip nang binanggit ni Ronald. Baka kasi gaya ng Christmas party, bawal din ako.
Ayon naman kay Ma'am Avila, socialization ang dahilan ng prom at hindi ang pista ng
kung anong santo ng mga puso. I will explain that to Papa next time.
Pagliko ko sa damuhan, mag-isa na lang ako. Lunes ngayon at may pagsamba mamaya
kaya kailangan kong maghanda. Nagsisimula na kasing maghanda rin para sa pang apat
na kabilugan ng buwan. The crime rates of Costa Leona is rising again because of
that. Kailan pa kaya matatapos ito?

Tumingala ako pagkaliko ko sa sapa. Tiningnan ko ang pagsisimula ng pagsakop ng mga


naglalakihang puno at ang mga siksik na dahong nagpipigil sa liwanag. Kahit na
maaraw pa naman, dumidilim talaga kapag nasa sapa na dahil sa nagtatayugang mga
puno.

Hinawakan ko ang puting telang shoulder bag na suot ko at nagsimula nang maglakad
papasok doon. Nilingon ko ang sapa, hindi ako kailanman nagsasawa sa lagaslas ng
tubig.

Ilang sandaling paglalakad ay narinig ko ang isang bagsak sa tubig. My breathe


hitched. I stopped my steps.

Gaya ng palagi ang itsura ng kamalig. Red and brown, mixed. Sa malapit sa sapa ay
ang mga pinaglumaang upuan at lamesa na madalas inuupuan ng mga kaibigan noon ni
Raoul.

The experience of coming here and hearing sounds from people is traumatic for me.
Lagi akong natitigilan kahit na minsan ay gawa lang ng ahas o 'di kaya'y mga ibon.
Hindi ito iba ngayon kaya ako natigilan. Pero hindi gaya ng mga nakaraang araw,
hindi ako agad nakabawi dahil sa mga nakita.

May mga gamit sa lamesa, isang bagay na 'tsaka lang magiging ganoon ang ayos kung
may tao. May kabayo ring nakatali sa malayong puno. May tao. May tao...

Nilingon ko ang sapa. Bago ko pa tuluyang maproseso ang lahat, nakita ko na ang
kaaahong Raoul Riego.

Umawang ang labi ko para mapakawalan ang paghingang napigilan kanina. His hair
remained the same but it looks longer now that it's dripping wet. Hindi ko na alam
kung tumangkad siya o ano. Ang alam ko lang, may nag-iba ulit sa katawan niya na
mas lalong nagpakaba ng husto sa akin.

His eyes bore into me in silence. His movements were like that of a big cat,
precise and silent. Lalo na nang nilagay niya ang tuwalya sa balikat at nagsimulang
magpunasa sa mukha at buhok.

Umihip ang hangin sa kagubatan. Hinawakan ko ang aking buhok para mapigilan sila sa
pagsayaw. Ang tanging naririnig namin ay ang pag-agos ng sapa at ang tunog ng
sumasayaw na mga dahon.

Tinikom ko ang bibig ko at binaba ang kamay. I smiled normally.

"Magandang hapon," banayad kong sinabi.

Tumango siya, his eyes remained a bit estranged and dark. Lumunok ako at ginawang
pahiwatig ang simpleng pagbati niya bilang pagtatapos. Nagsimula ulit akong
maglakad. Alam kong nakatitig parin siya sa akin.

"Did not see you around that much again..." aniya na siyang nagpabagal at
nagpatigil muli sa akin.

Inayos ko ang bag ko at nilingon ulit siya.

"Ah... Uhm... Oo nga."


"Dumalang ang pagbisita mo sa teacher mo?" he asked casually.

Naglakad siya palayo pa sa sapa at palapit sa isang upuan.

"M-Medyo. Uh... Ikaw? Dumalas ka roon?" I asked.

He opened a bottle of water. Natigil iyon sa ere para masagot ako.

"Ngayong pasko lang. Noong nakaraang summer din."

Tumango ako. My heart is beating violently that I feel like it's an earthquake.

Uminom siya ng tubig. The water from his damp skin dripped on his chest down.
Umiwas ako ng tingin, dahil mas lalong umigting ang ingay ng puso ko.

"You got busy or you found another way around the forest?"

"Uhm... Busy lang."

Tumango siya. Nagkatitigan kami saglit. I can almost hear the crickets between us.
I have to talk about something. I have to think! I have to say something! Mas lalo
akong kinabahan sa mga iniisip ko.

"Uh, d-dito kayo nagpasko?"

"Oo. Magtatagal din ako para sa planta."

Tumago ako at natahimik ulit kami. My heart is slowly aching and violently beating.
Lalo na kapag natatahimik.

"Galing kang school?"

"O... o..."

"May ibang daanan ka?" aniya at nag-iwas ng tingin para masarado ang tubig at
mailapag sa lamesa.

"Uh, wala naman. Minsan sa... gubat."

"Bakit? Ginagabi ka kapag dadaan ka rito?"

"Uhmm..." napapaos na ako. "Minsan. Kapag... matagal ang dismissal."

"Anong oras ba kayo umuuwi madalas?"

Ngumiti ako kahit na medyo nahihirapan. My heart is really beating so loud that it
is hurting me.

"Uhmm..." nanginig ang boses ko. "Three thirty or Four? Pero minsan may school
activities kaya..."

Nagkatinginan kami. Tumikhim ako para mapigilan ang panginginig ng boses.

"Kapag maaga ka, dito ka na dumaan..." aniya.

Humalakhak ako. Alam kong naaawa siya sa akin. Alam kong iniisip niya lang na may
mga ahas at baboyramo kapag sa gubat ako dumaan.
"Ah... Minsan naman meron ding naliligaw na baboyramo rito kaya medyo sanay na
ako..." Itinuro ko ang kamalig. "Noong nakaraan nga meron diyan malapit..."

"Nandito ako kapag hapon kaya hindi mo na dapat iniisip pa 'yon."

Napasinghap ako at napatango ng mabilisan sa pagkakaintindi sa sinabi niya.

"Uh... Hindi ka uuwi ng Maynila?"

"No. I'll really stay..."

I feel so stupid nodding over and over again. Naisip ko ang naisip kanina. The way
he assured a girlfriend that he'll be back. Inalis ko iyon sa isipan ko. Hindi ko
na dapat pa pinapakealaman iyon.

"Dito ka dumaan kapag maaga ka..." ulit niya.

Hindi ako nakapagsalita. Tumango lang ako ng mabilis. Kanina pa ako ganito.
Nababaliw na ba ako?

"Okay..."

Itinuro ko ang daanan patungo sa aming nayon. Alam niya agad ang ibig kong sabihin.
His jaw clenched and he stepped forward for a bit, giving me a clearer view of him.
I know what has changed on him overtime. Clearly he's matured so much. Hindi ko
alam bakit nakaramdam ako ng malubhang pagkabigo nang nakumpirma iyon.

"Uh, tutulak na ako. B-Baka gabihin pa ako..." sabi ko.

"Okay. Mag-ingat ka..."

I smiled and nodded once more. Tinalikuran ko siya at nagpatuloy ako sa paglalakad.
Pumikit ako ng mariin. Naninikip ang dibdib ko at hindi ko alam kung bakit
nanginginig ang labi ko.

Marahas ko siyang nilingon nang hindi na nakayanan. I saw him standing and still
watching me leave.

I tried to smile awkwardly. Tinuro ko ang kamalig.

"Mag-isa ka?"

"Oo."

"Uh... delikado kasi... kung... gabihin ka..." nag-aalala kong sinabi. "Pero...
kung may darating... ayos lang siguro."

Umangat ang sulok ng labi niya, tama lang para ipakita ang bahagyang pagkakatuwa sa
kung ano.

"Walang darating. Aalis din ako. Hindi na magpapagabi."

Lumaki ang mga tango ko. "Buti na lang..."

Itinuro ko ulit ang likod ko.

"Uuwi na ako."

He nodded once. Tinalikuran ko agad siya at nagpatuloy na ako sa paglalakad na


parang nakalutang. Nakalutang. Kahit nang alam kong 'di na ako tanaw sa kamalig at
nakarating na sa nayon, para parin akong nakalutang.

Napaluhod lang ako nang nakarating na sa pinagtalian ng kambing. I hugged my goat


so tight and I don't understand why my tears are falling fast and effortless.

"Nababaliw na yata ako..." I cried and embraced my goat tightly.

Nababaliw na talaga yata ako. Pinalis ko ang mga luha, walang pakealam kung ang
kahel na langit ay nanunuod at ang aking kambing ay tahimik na nakatayo, hinahayaan
akong yumakap.

Kabanata 7
Kabanata 7

Date

Ang sabi sa nabasa ko, para makalimutan ang isang tao, kailangan abalahin ang
sarili. Play sports, hang out with friends, learn a new hobby, at marami pang iba.

Paano naman kaya iyon sa aking konteksto?

For five consecutive days, I have consistently seen and interacted with Raoul near
the barn. Pauwi ako, naliligo o 'di kaya'y nakaupo siya at nagpapahangin. Iba-iba
rin ang reaksyon namin araw-araw.

For Tuesday, there's not much interaction. Tumango ako at ngumiti. Ganoon din siya
at hinayaan na akong umuwi. I was so scared to interact with him dahil sa
nangyaring pag-iyak ko kahapon kaya ganoon lang ang nagawa ko.

Pagkadating ko sa village, sising sisi ako. Nababaliw na ba ako? Ni hindi ko man


lang siya binati ng magandang hapon? O 'di kaya'y tinanong kung ayos ba ang araw
niya? O busy ba siya? O kahit ano?

That was one weird encounter. Kaya naman naghanda ako para sa pagkikita namin
pagdating ng Wednesday. But then I was so nervous the whole day, hindi na ako
makapagconcentrate sa kahit ano.

"So, sure ka na, Leil ha?" si Ma'am Avila nang nagkasabay kami sa corridor.

May meeting yata ang mga teachers habang kami nama'y pauwi na. I was so preoccupied
the whole day that I am sometimes spacing out.

"N-Na ano po?" tanong ko nang hindi nakuha ang ibig sabihin ni Ma'am.

Nakapamaywang siyang dismayado sa akin. Tumango agad ako nang natanto ang ibig
niyang sabihin.

"Oo, Ma'am, sa Sabado."

"Oo. Mabuti. Dahil naghahanda ang Lola Brosing mo ng magiging meryenda mo kapag
bumisita ka. Unang bisita mo pa 'yon sa taong ito."

"Ah... Hindi na po dapat nag-abala si Lola. E, bibisita na ako lagi."

"Asus-"

"Leil, tapos ka na?"


Napatingin ako sa nagtatanong. Bahagya akong nataranta nang nakita si Gasper doon.
Muntik ko nang makalimutan na niyaya niya nga pala ako ngayon. Sasabayan niya raw
ako sa paglalakad pero sinabi kong dapat hanggang sa kalsada lang siya. Pumayag
naman siya kaya pinaunlakan ko na. Besides, it's a friendly gesture gaya ng
ginagawa ni Ronald sa akin.

"Oo."

"Magandang hapon, po, Ma'am Avila," bati ni Gasper kay Ma'am Avila nang nakitang
istriktang nakatingin na sa amin si Ma'am.

"Ah, Ma'am, magsasabay lang po kami ni Gasper sa paglalakad pauwi..."

Matalim akong tiningnan ni Ma'am Avila. Tumango rin siya kalaunan pero hindi
nagbago ang kanyang reaksyon.

"Leil!" narinig ko sa malayo ang isang pamilyar na boses.

Sabay kaming lumingon ni Gasper. Ngumiti ako at kumaway nang nakita si Ronald.
Napawi naman ang ngiti ni Ronald nang nakita ang isang kasama ko.

"Ronald, sasabay si Gasper sa paglalakad natin pauwi..."

"Ah..." medyo matamlay na sinabi ni Ronald.

Bumaling ako kay Ma'am Avila. Tagilid na ang ulo niya at nanliliit ang mga mata.
Ngumiti ako.

"Papanhik na kami, Ma'am. Sigurado po ako sa Sabado."

"Sabado?" si Gasper nang narinig ang sinabi ko.

"Oo. Pinapapunta ko siya sa bahay sa Sabado. Sige na. Tumulak na kayo at gabihin ka
pa, Leil."

Tumango ako at naglakad na pagkatapos ng pagpapaalam. So the whole time we are


walking beside the road, iyon ang naging topic. Ang pagpunta ko kina Ma'am Avila sa
Sabado.

"So... pwede ka palang lumabas kapag Sabado?" tanong ni Gasper.

"Hmm. Oo, kung hindi abala sa nayon."

"Nagkita nga tayo noon sa tiangge, Leil, 'di ba?" si Ronald naman ngayon.

Ngumiti ako at tumango.

"Yayayain sana kitang lumabas. Kahit sa may dagat lang, alam mo na... Ligo...
kain... simple lang..." nahihiyang sinabi ni Gasper.

"Ah... Kailan 'yon?" tanong ko, medyo nagdadalawang isip.

"Uh, syempre, kung kailan ka pwede na Sabado. Kung mahihirapan ka sa pagpapaalam,


makakapaghintay naman ako kung kailan ka papayagan. 'Tsaka, marami tayo. Mga
kaibigan ko."

"Naku, Leil, baka dahil diyan, 'di ka na makapunta sa Prom ah?" si Ronald naman
ngayon.
I am seriously not thinking about those things. Masaya naman ang gusto ni Gasper. I
assume he'll be with his girl friends. Hindi ko nga lang sigurado kung ano ang mga
magiging reaksyon nila tungkol sa pagsama ko.

May tama rin si Ronald. Baka magalit si Papa at isiping maglalakawatsa ako. Sa
huli, baka hindi pa ako makasama sa prom.

"Susubukan kong magpaalam muna," sabi ko sa huli.

"Sige!" Gasper said in an enthusiastic tone.

Pansamantala kong nailipat ang atensyon doon. Kaya naman nang nagpaalam na ako kay
Gasper, bumalik ulit sa aking isip ang mangyayaring pagkikita namin ni Raoul ngayon
sa may kamalig.

Okay, breathe in, breathe out. I need to relax and think about my questions! I
don't want to be rude like what happened yesterday. Dahil lang kabado ako, ganoon
na ako makikitungo sa kanya? Kailangan hindi rin ako magpapahalata na kinakabahan
ako.

Tanaw ko na ang kamalig at pakiramdam ko'y mahihimatay na ako sa sobrang


anticipation. Paulit-ulit sa utak ko ang gagawin. Hindi maganda iyon. Mas lalo kasi
akong kinakabahan kapag ganoon kaya papalapit sa kamalig, inalis ko ang lahat sa
isipan ko.

Raoul is sitting on a chair in front of the stream. Mag-isa siya, gaya kahapon at
noong Lunes. Isa lang din ang kabayo. I can hear the slight strumming of guitar and
I'm sure it's him.

Tumigil iyon at nakita ko ang pag-angat niya ng tingin. Ilang saglit ang lumipas ay
nagpatuloy ang paggigitara pero ang mga mata niya'y nanatili sa akin.

Tumikhim ako nang nasa tamang distansya na para marinig.

"M-Magandang hapon."

Unang sinabi ko pa lang, nauutal na ako. Tumigil ako sa paglalakad para makalma ang
sarili. Hinawakan ko ang aking shoulder bag at sinubukang ngumiti.

Itinabi niya ang gitara at ibinaling na ang buong atensyon sa akin.

"Ah... Hindi na... Sige, magpatuloy ka..." nahihiya kong sinabi nang napansin ang
pagtigil niya.

Tumayo siya at umiling.

"It's okay. Done with school?"

"Oo..."

Awkward na naman. Nakalimutan ko lahat ng inensayong tanong. Kailan ko ba maitatama


ito? Ayaw kong umalis dahil natatakot akong magsisi ulit ako gaya kahapon.

"Great. Kailan ba madalas maraming activity ninyo? Friday?"

"Uh... Oo."

"Kaya sa Friday, sa gubat ka dadaan, ganoon?"


"Ganun na nga... Uh, gagabihin kasi ako kung dito pa dadaan."

"I have a bigger flashlight... and... I will also be here so..."

"Ah... Huwag na, nakakahiya naman."

"No, it's okay. If it's that scary, I can also... lead you till your village."

Nanlamig ang mukha ko. Naalala ko ang nangyari noong hiyang-hiya ako dahil sa
nasaksihan niya at ng kanyang kaibigan! Hindi ko na kayang maulit pa iyon!

In fact, hindi ko alam bakit lumipas ang ilang taon at ilang interaksyon ay hindi
niya na binanggit pa iyon. Hindi siya nagtanong kung anong ginagawa ko o kung ano
talagang meron doon. Maybe he didn't want me to feel uncomfortable.

Ganoon din yata ang gagawin niya ngayon. Siguro, kita sa mukha ko ang naging
reaksyon sa alok niya kaya maagap siyang dumugtong.

"Well, kahit sa malayong parte lang para hindi ka na matakot."

"Uh, hindi na... S-Sa gubat na lang ako dadaan kapag Friday."

He nodded slowly, like he's taking it all in.

Nakakabinging katahimikan ulit ang bumalot sa amin. Ni hindi ko na namamalayan ang


sariling paninitig sa kanya. I missed him so that today I indulged myself.
Pinagmasdan ko ang mga bago sa kanya at muling sinaulo ang lahat ng detalye.

He's wearing a faded jeans and a black t-shirt. Hindi yata siya mags-swimming
ngayon. Naka botang itim din siya gaya ng madalas na suot.

"Your goat still with you?" umangat ang gilid ng kanyang labi.

Nagulat ako roon. Hindi ko inasahan na itatanong niya iyon.

"Oo. Nasa... bahay."

"Have not seen it for a while now. Hindi mo na sinasama sa mga lakad mo?"

"Uh, hindi na masyado. Mabigat na kasi siya at... mahihirapan na ako dahil sa mga
ugat sa gubat."

"How about if you let the goat walk till here. Huwag na sa gubat para hindi na
mahirapan?"

Kitang-kita ko ang pag-asa sa tanong niya noon. Napakurap-kurap ako habang


nangangapa ng sasabihin.

"Uh... Pwede rin. Uh, sa ibang araw. Next week, siguro. Kapag... weekend na."

"Oh. You have things to do this Saturday?"

Hindi ako nakasagot agad. Nanunyo ang lalamunan ko sa biglaang mga tanong niya.

"It's okay, really... Don't bother..." he nodded and chuckled a bit.

Seryoso akong bumaling sa kanya. Tumango na rin ako para tuldukan na iyon pero may
pahabol pa.
"Baka sa susunod na Sabado."

Tumango siya. "Great... then..."

Kabadong kabado parin ako kahit ngayong nagbabalik tanaw na lang ako sa mga
nangyari. Thursday, we chatted a bit, too. Naligo siya noong dumating ako, hindi pa
umaahon kaya nagkaroon ako ng guts na magtanong tanong sa araw niya.

"Kanina ka pa rito?" tanong ko nang nakitang sinubukan niyang lumangoy patungo sa


kabilang parte ng sapa.

"Around two thirty."

"Anong oras pala natatapos ang trabaho mo?"

"Two. Ako lang naman ang gumagawa ng limit sa sariling trabaho pero maaga ako araw-
araw kaya pwede nang umalis sa ganoong oras. How about you? How's school?"

Nagulat ako sa tanong na iyon. 'Tsaka lang ako nakasagot nang nakabawi na.

"Ayos lang. Uh, masaya..."

Pinikit kong mariin ang mga mata ko nang naalala ang lahat ng nangyari sa linggong
iyon. I have been too awkward the whole time! Sana kainin na ako ng lupa ngayon! O
'di kaya'y makalimutan ko ang lahat?

"Ayos ka lang, Soleil?" si Lola Brosing pagkatapos ilahad sa akin ang cake na
niluto.

Sabado na ngayon. Hindi kami nagkita ni Raoul kahapon dahil gaya ng sinabi ko, may
activities kami sa school kaya sa gubat ako dumaan. Nanghihinayang ako pero tuwing
naaalala ko naman ang mga konting usapan namin, nahihiya naman ako.

"Ayos lang po..." miserable kong sinabi sabay hilig sa likod ng upuan.

"Bakit parang may bumabagabag sa'yo?"

I sighed and cleared my mind. Nandito na nga ako kay Lola, ganito pa ang inaasal
ko. Minsan na nga lang ako rito, kung anu-ano pa ang iniisip ko.

"Lola, dadalaw na po ulit ako rito madalas. Siguro... mga Sabado..." sabi ko para
gumaan lalo ang loob ni Lola sa akin.

"Oh... mabuti naman kung ganoon. Hmm..." tumaas ang kilay niya.

Ngumiti ako at niyakap ang baywang ni Lola. She smirked. Hinaplos niya ang buhok
ko. We stayed like that for a moment until I heard their gates open. Si Ma'am Avila
ba iyon? Dumating ako rito kanina, wala si Ma'am, e.

"Si Raoul na siguro iyon..." si Lola at kumalas na sa akin para puntahan ang kung
sinong tinukoy na dumating.

"P-Po?" namilog ang mga mata ko.

Narinig ko na ang boses ni Ma'am Avila galing sa pangalawang palapag ng bahay.


Tumayo ako para sumungaw sa kung sino ngang dumating at nang nakita ang pagbaba
galing sa kabayo ay napaupo ulit ako.
Bakit nandito siya?

Ngayon pa talaga na halos pagsisihan ko ang lahat ng nangyari?

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko malaman ang gagawin. Natataranta ako. Sa huli ay
pinili kong magsimula na lang sa pagkain para hindi masyadong halata ang
pagkakataranta.

"Nandyan na si Raoul, Ma?" si Ma'am Avila na bumababa na ngayong may dalang mga
papel.

Ma'am Avila smiled at me. Kumaway ako at nilagpasan niya para tingnan ang
kadarating lang na si Raoul.

"Pasok ka..." naririnig ko.

Patuloy ang pagkain ko sa cake. For sure aanyayahan nila itong kumain ng cake.
Pagkatapos ng pagkain ko, magdidilig na lang ako ng halaman para may ibang gawin
naman.

"Pasensya ka na, Raoul. Ikaw pa talaga ang pumunta rito. Kami na nga ang humihingi
ng pabor," si Ma'am.

"That's okay. Wala rin naman po akong gagawin ngayon."

"Naku! Pasok, hijo! Tamang tama at nakapagluto ako ng meryenda. Nandito rin nga
pala si Leil..."

Sumulyap ako. Nagkatinginan kami ni Raoul. Ngumiti ako sa kanya kahit pa kabadong
kabado ako. He nodded and smiled a bit, as well.

Hindi ako naging matagumpay. Nangangalahati pa lang ako sa cake nang naupo si Raoul
sa lamesa at nilagyan na rin ang cake ang kanyang platito. Nag-usap sila ni Ma'am
Avila.

Apparently, Ma'am Avila has few recommendations for the jobs their company will
soon offer for the region. Tatlo yata ang nirekomenda niya at mukhang makukuha nga
ni Raoul iyon.

He assured them. Nagpasalamat naman si Ma'am Avila at Lola Brosing sa tulong ni


Raoul. Nagpatuloy ako sa tahimik na pagkain nang bumaling si Ma'am sa akin.

"Buti natuloy ka?" panunuya ni Ma'am.

Nasulyapan ko si Raoul na ngayon ay magsisimula pa sa kanyang pagkain pero


nakatingin na rin sa akin. Naiintindihan ko ang pagiging kuryoso niya. Masyadong
malakas at madrama ang sinabi ni Ma'am Avila kaya nalingon din si Lola.

"Bakit? Hindi ba dapat iyan tutuloy, e, kasasabi niya lang na lagi na raw siyang
dadalaw rito? Tuwing Sabado."

Uminit ang pisngi ko. Hindi ko matingnan ng diretso si Raoul lalo na dahil
nakatingin na siya sa akin.

"Hmm. Akala ko may ka date na 'yan, e, kaya hindi na dumadalaw rito."

Pakiramdam ko'y dumoble ang init ng pisngi ko. I can literally feel the smoke come
out of my ears because of that!
"Wala po!" agap ko.

"Asus! Nakwento nga ni Luz na may mga manliligaw ka raw!" Naku!!!" gigil na sinabi
ni Lola.

Nilingon ko si Ma'am, baka sakaling pigilan niya si Lola gaya ng ginagawa noon pero
ngumisi lang siya ngayon at nagpatuloy sa paghiwa ng kanyang cake.

"Wala po!"

"Wala!? Eh, noong nakaraan lang niya naikwento na hinahatid ka raw sa inyo? Ano
'yon? Hanggang gubat, Leil?"

"Ah..." Napasulyap ako kay Raoul na nakakunot na ang noo habang nakikinig. "Hindi.
Si... ano lang po 'yon... Nagkasabay lang kami sa pag-"

"Ano? Si ano? Nakalimutan mo sa dami, 'no? Ilan ba iyong naghatid sa kanya noon,
Luz?"

"Dalawa, Mama..." si Ma'am.

Naghuhuramentado na ng husto ang aking puso. Hindi ko na mapigilan ang mag-inang


Avila sa mga sinasabi nila. Ayos lang naman sana pero ayaw kong naririnig ni Raoul!
Ano na lang ang sasabihin niya? Baka mag-iba ang tingin niya sa akin.

"Dalawa? Dala-dalawa ang naghahatid sa'yo?"

"Hindi po. Si Gasper lang po 'yon. Si Ronald, lagi ko iyong kasama at hindi naman
ako hinahatid ng mga iyon."

"Hmm. Naku, Leil... Dalaga ka na pero wala ka masyadong kaibigan kaya hindi mo alam
kung maganda ba ang pakay ng mga lalaking iyan sa'yo..."

Umiling agad ako.

"Pagkakaibigan lang naman po..."

"Asus! Kaibigan? Sa ganda mong 'yan? Kung hindi ka lang mahiwaga ay baka matagal ka
nang nagkaroon ng boyfriend... Iyon ay kung wala pa ngayon?" Nanliit ang mga mata
ni Lola.

"Wala po!"

"Eh, ang sabi noong anak ni Mang Edong, pumupunta ka raw ba rito at nang pupunta
rin siya kapag nariyan ka!"

"Huh?"

Raoul chuckled. Napabaling si Lola Brosing sa kanya dahil sa tawa. Umiling si Lola,
ngayon sinasali na si Raoul sa usapan.

"Dami, Mama. Naku, sa school, mga dating estudyante ko, nagpapalakad. Alam kasi ng
mga iyon na malapit sa akin itong si Leil."

"Naku, Raoul! Ikaw, lalaki ka at naranasan mo na 'to. Anong masasabi mo?"

Kinagat ko ang labi ko at nilingon na lang si Raoul. I feel so embarassed. Ang


akala kong tapos nang nakakahiyang linggo, hindi pa pala. May higit pa palang mas
nakakahiya sa nangyari sa buong linggo na 'to!
"Masyado pang bata para magpaligaw," si Raoul.

Para akong nakalutang habang nakatingin sa kanya. He looks so mysterious. May multo
ng ngiti sa kanyang labi at ang mga mata'y halos matalim na nakatingin sa akin.

"Ay, Raoul! Hindi ko alam na konserbatibo ka pala, hijo. Fifteen nga ako nang
niligawan ng Papa nitong si Luz, e. Normal iyon!"

"Siguro ang sinasabi ni Raoul, Ma, ay iyong magseryoso. Eh, huwag kang mag-alala at
tinrain ko na 'yang si Leil. Hindi 'yan agad magseseryoso lalo na't bata pa."

Nangigigil na ngumisi si Lola Brosing. Raoul shifted on his seat, hindi na


nakapagsalita pa pagkatapos ng huling sinabi.

"Oh, ayan, ha? Kung magpapaligaw ka, patagalin mo! Kilalanin mo ng mabuti kung
maayos ba. Hindi iyong agad mong sasagutin!"

"Po?"

"Oh, eh may crush ka ba sa school n'yo?" sumulyap si Lola kay Raoul ngunit binalik
din ang tingin sa akin.

"Uh..." nag-isip akong mabuti dahil ayaw kong humindi.

Kapag kasi humindi ako, baka sabihin ni Lola na talagang isa lang ang crush ko? Si
Raoul lang? Mamamatay yata ako sa kahihiyan kung sakali. Hinding hindi na ako aalis
ng village kapag nangyari iyon.

Well, I'm attracted to some of my schoolmates. Hindi naman kulelat ang Costa Leona
sa mga gwapo. Iyon nga lang, nahihiya ako sa iba dahil kung hindi anak mayaman,
mapanghusga naman ang ibang kaibigan.

"Meron naman po..." nahihiya kong sinabi.

"Yun naman pala!" maligayang sinabi ni Lola.

"Talaga, Leil? Bago 'yan, ah? Sino?"

"Uh..." uminit lalo ang pisngi ko.

Nakita kong seryosong uminom ng tubig si Raoul. Nakakahiya. He must be very bored
and unhappy because of all these petty topics.

"Hmm. Eh, gwapo naman po si Jeff. Pero... magkaibigan lang kami noon."

"Eh si Gasper? Naku, Leil! Mas gwapo 'yong si Gasper! Basketball player pa! Oh!"
mayabang na sinabi ni Ma'am Avila. "Matalino rin 'yon! Third honor 'yon sa akin.
Maintain din ang grades! Mabait ang mga magulang!"

Kumalabog ang puso ko. Sa bagay, tama rin si Ma'am. Kaso lang, ayaw ko roon.
Maraming sabit.

"Maraming nagkakagusto roon, Ma'am."

Tumawa si Lola habang lumapit naman si Ma'am Avila sa akin, bayolente sa kanyang
mga opinyon.

"Syempre, kasi gwapo nga! Nanliligaw na ba sa'yo? O kahit, niyaya kang lumabas?"
Naalala kong niyaya nga pala ako ni Gasper noong nakaraan. Nahihiya akong umamin.

"Niyaya ka 'no!" anunsyo ni Ma'am.

Ngumisi lang ako sabay tingin kay Raoul. Nakatitig siya sa akin at nanatiling
seryoso.

"Ma'am naman..."

"Saan, hija?" usisa ni Lola.

"Hindi naman ako pumayag pa..."

"Try mo lang! Make sure lang na marami kayo at magaan ang loob mo..." si Ma'am.
"Ano sa tingin mo, Raoul? I'm sure dumaan ka sa ganyan. Balita ko, marami nga
talagang nagkakandarapa sa'yo mula noon hanggang ngayon. Baka may payo ka rito sa
dalaga namin?"

This is so hopeless! Raoul's lips twitched. Parang may bumagsak sa puso ko nang
naisip na baka kung ano na ang iniisip ni Raoul sa akin ngayon. Pero bakit nga ba
big deal iyon sa akin? I should let him think whatever he wants to think about me!

I have long accepted that our worlds will never collide that way. Mayroon akong
hindi mapangalanang nararamdaman para sa kanya pero alam ko rin, at tanggap ko, na
kahit anong mangyari, hanggang doon lang talaga iyon. I will accept my reality the
way I accepted the reality of my life in that village.

"Huwag lang masyadong magpadalos-dalos sa desisyon."

I saw disappointment in Lola's face. Mukhang hindi siya naging kontento sa sagot ni
Raoul kaya dumugtong pa siya.

"Pumayag ka roon sa date, ha? Tapos magkwento ka sa amin."

"Saan naman 'yon?" singit ni Raoul, seryoso parin.

Ngumisi ako, nahihiya. "Sa... dagat daw."

"Just you two?"

"Uh... Marami kami. Naroon daw ang mga kaibigan niya."

"Mga lalaki lang?" may bahid na galit ang tinig niya.

"Eh, may babae yata. May mga babae naman sa mga kaibigan ni Gasper."

"Mabait iyon. Estudyante ko 'yon," giit ni Ma'am Avila.

Raoul sighed. Humilig siya sa upuan at nagtaas ng kilay habang nakatingin sa akin.

Sinundot ako ni Lola dahilan ng pagbaling ko sa kanya. Humahagikhik na siya, her


wrinkles saying hello.

"Kapag kayong dalawa lang, magkaka first kiss ka na!"

"La!!!" sigaw ko.

"Asus... ganyan talaga sa edad mong 'yan!"


"Mama naman..." si Ma'am Avila.

"Diba ganoon naman talaga? Magbabalik tanaw ka na lang kapag tumanda ka at


tatawanan mo na lang ang sarili mo kung maaalala mo 'yon... Oh... ha?" si Lola.

Pakiramdam ko, sobrang pula ko na. Umuusok sa init ang pisngi ko at parang
mahihimatay ako sa kaba.

"You think it is okay for her to try and entertain boys, Raoul?" si Ma'am Avila
naman ngayon.

Nilingon ni Raoul si Ma'am. Unti-unti naman itong tumango. I sighed. Well, at least
he thinks it's okay. Looking back, siya nga, 'di ba? Ilang taon kaya siya noong
nakita ko sila noong babae sa kamalig? For sure, hindi rin iyon ang una! May mas
nauna pa roon. At sa ilang taong nagdaan, hindi ako maniniwalang hindi na naulit
iyon.

At least sa akin, titingnan lang ang posibilidad ng pagkakamabutihan. This will


actually help. Maybe in time, if I get exposed like this, I will forget about the
extreme feelings I have for him. I shouldn't have that, right?

"Ayos lang. Huwag lang magpadalos-dalos. Huwag lang sagutin kung... hindi naman
talaga gusto."

Ngumiti ako, bahagyang namangha.

So does he like all the girls he kissed? Maybe he likes for a time, huh? At
kalaunan, hindi na naging mabuti ang relasyon kaya napalitan? Ganoon ba? In love
novels, usually both the lead characters love each other unconditionally till the
end. So ibig sabihin, para kay Raoul, hindi pa iyon 'yong huli na mamahalin niya ng
walang kapantay?

"Paano ba malalaman kung gusto?" matapang kong tanong dahil sa kuryusidad.

"You don't entertain if you don't like the boy," mataman niyang sinabi.

"Eh, hindi ba gusto mo nga si Gasper, Leil? So ayos lang..." si Ma'am.

Umigting ang panga ni Raoul at nanatili ang mga mata sa akin.

"Ayos lang po? Na... ano? Sagutin?" gulantang kong tanong.

"Hindi," agap ni Raoul. "Hindi ka pa sigurado sa nararamdaman mo kaya hindi mo pa


pwedeng sagutin iyon."

Tumango ako. I'm learning a bit. And from him, huh! "Paano ko malalaman na sigurado
na ako?"

"You'll know... eventually," napapaos na sagot ni Raoul.

"Kaya nga papayag ka dapat sa date para malaman mong gusto mo ba iyon," si Lola
naman ngayon.

Napalingalinga na ako sa kanila. Nakakalito ang pakikinig sa kanilang pagtatalo.

"Pwede namang hindi na magdate. You can just see each other in school. It will be
safer that way..." si Raoul.
"Mas maganda ang date, hijo! Ipaexperience naman natin si Leil sa ganoon!"
maintrigang sinabi ni Lola.

Ngumisi ako at umiling. Sumulyap ako kay Raoul na ngayon ay sa baso na nakatitig.
Pinuno ko ng hangin ang aking baga at inikot na ang mga mata dahil sa hagikhikan ng
mag-inang Avila.

"Tama na po 'yan! Nakakahiya na. Pag-iisipan ko na lang po muna. Mabuti pa, sa


labas na lang po muna ako. Magdidilig lang ng halaman."

Tumayo ako at dinala na ang platito sa lababo. Tumango naman si Lola Brosing bilang
pagsang-ayon pero hindi parin sila natatapos ni Ma'am Luz sa asaran galing sa
parehong topic.

Tahimik kong itinapat ang hose sa mga halaman sa bakuran ng mga Avila. Pagkatapos
ng asaran, bumalik ulit sila sa usaping trabaho. Seryoso si Raoul habang kinakausap
ang mag-ina. Pagkatapos noon, pinuri niya ang pagkain. Akala ko uuwi na siya pero
nagpaalam siyang magpapahangin lang sa labas kaya kinabahan ulit ako.

Nanatili ang mga mata ko sa halamanan at sinulyapan na lang siya nang palapit na.
Tumayo siya sa gilid ko at inayos ang nagkabuhol na hose sa likod. Sumulyap ako
roon at inayos na rin ang tupi malapit sa akin.

"Salamat..." sabi ko.

He slowly rubbed his hand for the possible dirt on it. Umusog ako para madiligan
ang iba pang halaman. Lumapit siya at nanatili roon.

"So... you're determined to go on a date, huh?"

Napasinghap ako. My face heated immediately. Kailangan niya pa bang ulitin ito?
Ngayon, kaming dalawa na lang talaga.

"Uh... okay lang. Mabait naman si Gasper," sagot ko.

"Classmate mo?"

Umiling ako. "Matanda sa akin ng isang taon."

"Akala ko ba classmate mo?"

Napasulyap ako sa kanya.

"Si Jeff siguro ang tinutukoy mo..."

The muscles on his face moved. Tumango siya at nag-iwas ng tingin sa akin.

"Kailan ang date n'yo?"

"Hmm. Hindi ko pa alam. Hindi pa naman ako umo-o."

"But you will?"

"Siguro..." sabi ko.

Hindi siya nagsalita na kaya nilingon ko siya.

"Bakit? Tingin mo hindi magandang ideya?"


Nagkatinginan kaming dalawa. Nag-antay ako ng isasagot niya pero hindi siya sumagot
kaya dinugtungan ko pa.

"Sabi... natural lang ang mga ganyan sa edad ko. Ayos lang naman, 'di ba? Dumaan ka
rin naman sa ganyan... Hindi ba?"

He nodded silently. I can't help but marvel on his pitch dark eyes, so mysterious
and wild at the same time. Kumakabog ang puso ko tuwing nagkakatinginan kami. Hindi
ko alam kung paanong nakatayo pa ako rito nang hindi hinihimatay.

"Sinong maswerte ang dinate mo, kung ganoon?"

His lips protruded. Bahagya akong nadistract doon.

"Can't remember."

Ngumuso ako nang natanto. Nag-iwas ako ng tingin. Marami. Sigurado ako. Ang swerte
naman...

"Sa bagay... iba sa Maynila..." bulong ko.

Nagkatinginan kaming dalawa. His eyes is more estranged now. Mas lalong nadepina
ang kaibahan naming dalawa. Ngumiti ako nang maramdaman ang literal na kirot sa
puso.

"Sabihin mo sa akin, kung matuloy kayo... Kung kailan... at saan."

Will my feelings for him eventually fade if he continues to be this caring? Kahit
pa concern at siguro'y awa lang ang nararamdaman niya para sa akin?

I chuckled to loosen up.

"Bakit? Pupuntahan mo kami?" panunuya ko.

"Oo," mataman niyang sinabi.

Napakurap-kurap ako. Napawi ang ngiti ko sa gulat.

"We can't trust anyone these days..." sabay iwas niya ng tingin.

Tinitigan ko siya ng husto, nagbabakasakaling makahanap ng sagot sa mga tanong sa


isipan ko. Masyado siyang misteryoso kaya hindi ako makahanap ng kahit ano.

"Susunod ka?" natatawa kong sinabi. "Kahit saan kami pumunta, kung ganoon? Paano
kung umalis kami na kaming dalawa lang?"

Bumaling ang matalim at madilim niyang mga mata sa akin.

"Why? Do you have plans going out with him alone?"

Umiling ako. "Wala naman. Nagtatanong lang..."

Our eyes stayed in each other for a while. Napawi ulit ang ngiti ko at napalitan
lang ng matinding paghuhuramentado ng puso. His eyes is giving off an aura of
dominance and darkness. Para akong nagui-guilty sa mga naiisip ko kasama si
Gasper... sa mga plano ko na makipagdate. Hindi ko alam kung bakit.

I tore my eyes off him.


"If you want it so..." marahan niyang sinabi bago bumuntong hininga. "I won't
disturb, then. I'm just worried. Hindi na kita pupuntahan kapag lumabas kayo."

Nanatili ang tingin ko sa mga bulaklak at nilingon siya.

"Baka rin... marami kang ginagawa. May trabaho ka pa... naman," dagdag kong
paliwanag para sa kanya.

His jaw clenched again. Naghari muli ang katahimikan sa amin. Sa amin. Dahil sa
akin, walang ibang naghahari kundi ang ingay ng aking puso. Lalo na nang naisip
kung paano siya kapag nagyayang lumabas. What it feels like to be one of those...
lucky girls?

"Raoul! May kulang pala ito, hijo! Tingnan mo nga ito..." tawag ni Ma'am Avila
habang nakatingin sa papeles.

Agad itong dumalo at lumayo sa akin. Yumuko ako. Hindi na dapat ako mag-isip pa ng
kung ano. He's concerned for me. Tama si Ma'am at wala akong masyadong alam sa
mundo, hindi gaya ng mga kaedad ko... Raoul thinks the same way... reason why he's
worried.

Kabanata 8
Kabanata 8

Smile

Alas kuatro ng madaling araw ay gising na ako. Kaya kong magluto ng pagkain ngunit
noon pa man, may nakatakda nang magluto para sa akin. Of course, my father takes
advantage of his power over the villagers.

"Ako na po..." sabi ko sabay kuha sa platong pinaglagyan ng almusal ko bago pumasok
ng school.

Yumuko ang matanda bilang pagpupugay sa aking kabaitan. Magsasalita pa sana ako
pero nanatili siyang nakayuko bago tumalikod at umalis na.

Nilapag ko ang pagkain sa lamesa at nagsimula na akong kumain. Tapos na akong


maligo. Sobrang lamig pa. Lalo na dahil basa pa ang buhok ko. Kaya naman medyo
mabagal ang mga galaw ko tuwing ganito.

Huminga ako ng malalim. Kagabi, tinanong ko si Papa tungkol sa prom.

"Wala kang mapapala sa mga ganyan. Gagastos ka lang sa walang katuturan! Huwag ka
nang sumali diyan! Pasalamat ka nga'ng hinahayaan kitang mag-aral!"

Hindi na ako nagpumilit pa. Ayaw kong maisip niyang patigilin ako sa pag-aaral
dahil lang gusto kong sumali sa prom. I just want to live like a normal girl my
age. But I guess I just have to look for the "normal" things in different ways.
Hindi na iyong prom. Sigurado akong malulungkot si Ma'am Avila kapag ibinalita ko
ito sa kanya.

Alas singko y media nang magsimula akong maglakad. Sa gubat ang tungo ko. Most of
the wild hogs are nocturnal kaya kapag malapit nang mag-umaga, wala na masyadong
ganoon.

Ito ang araw-araw kong ginagawa simula nang nag-aral ako. Minsan, umuulan kaya
nagdadala ako lagi ng malaking payong. Minsan, kapag bagyo na talaga, wala akong
magagawa kundi ang mag-absent. Sa dalas ng bagyo lalo na kapag tag-ulan, marami-
rami rin ang aking absences. Bukod pa riyan, may iilang mamahaling project ang
hindi ko natutugunan, iilang activity na hindi ko rin nasasalihan, kaya ano man ang
marka ko sa mga tests, bababa rin iyon dahil sa kakulangan.

I'm an honor student. But I have never been to recognitions and moving up
exercises. Hindi na raw kasi mahalaga iyon, sabi ni Papa. Pasalamat na dapat ako na
pinapag-aral niya ako kaya huwag na akong humingi ng sobra.

Papasikat ang araw, nasa gubat ako, naglalakad. Mga huni ng pang-umagang ibon, at
kung anu-ano pang hayop ang naririnig.

Iba ang amoy pagdating sa kalsada, kumpara sa gubat. Mas puro ang amoy ng lupa at
mga puno roon. Sa kalsada, nahahalinhinan na ng usok, pero mas malakas ang alat
galing sa dagat hindi kalayuan.

Yumuko ako para pagpagan ang medyas at ang saya. Sa mahabang lakad na iyon, laging
nadudumihan ang uniporme at sapatos ko. Pagkatapos doon ay naglalakad na ako
patungo eskwelahan. Minsan, papara ng tricycle kapag hindi punuan.

Papasok ako sa gate ng eskwelahan, nagulat ako at nakasabay ko si Jeff sa


paglalakad. I smiled at him. Tipid naman siyang ngumiti pabalik.

"Maaga ka palang pumapasok," aniya.

Tumango ako. "Maaga ka ngayon..." I smiled again.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Hindi na muna ako lumiko patungo sa aming building
dahil nakagawian ko nang magpunta kay Ma'am Avila bago pumasok. Kunot noo na si
Ma'am, malayo pa lang ako. Nagpapagpag siya ng rug nang nakita niya ako. Kumaway
ako sa kanya.

"Uh, hindi ka pa papasok?"

"Mauna ka na. Pupunta ko pa kasi muna si Ma'am Avila."

He nodded. Nagpatuloy naman ako at dumiretso na kay Ma'am. Nang nakarating ako'y
binati ko si Ma'am at nagpaalam na sa pag kuha ko na ang walis para mawalisan ang
labas ng kanyang classroom.

Nanatili ang mga mata ni Ma'am sa pinanggalingan ko.

"Hindi ako pinayagan ni Papa sumali ng Prom, Ma'am. Hindi naman siguro iyon
makakaapekto sa grades ko, hindi po ba?"

I traced her line of vision. Nakita kong nakatayo pa si Jeff doon sa pinag-iwanan
ko sa kanya, bago pa lumiko sa senior high building. Umiling si Ma'am bago bumaling
sa akin.

"Hindi naman, Leil. Pero sayang 'yon. Iyon dapat ang isa sa mga event na
mararamdaman mo na normal na high school student ka. Baka magbago pa ang isip ng
Papa mo. Kausapin mo ulit. Maghahanda ako ng damit para sa'yo, kung gusto mo. Ako
na rin ang magmimake up."

I smiled widely at that. Kahit pa sa tono ni Papa kahapon, parang hindi na


magbabago ang isip niya.

"Eh, gabi iyon, Ma'am. Baka mahirapan akong makauwi sa amin."

"Pwede kang matulog na lang sa amin sa gabing iyon. Kung hindi naman papayag ang
Papa mo, sigurado naman akong willing si Raoul na ihatid ka."

"Po?!" medyo napalakas ang boses ko roon.

Whenever I hear his name, think about his face, and our possible interaction, I
can't help but panic and blush profusely. I notice it's been so defined and intense
these past few days. Hindi ko rin maintindihan kung bakit noon, sabik akong makita
siya at hangaan, ngunit ngayon, nababahiran na ng hiya at kaba ang nararamdaman ko.

"Huwag na po!"

Nanliliit na mga mata ang iginawad ni Ma'am Avila sa akin. Pagkatapos ay sumulyap
siya sa pinanggalingan ko kanina.

"Bakit? Dahil, marami naman ding mukhang maghahatid sa'yo, kung sakali?"
makahulugan niyang sinabi.

"Wala naman po!"

"Si Jeff na naman pala ang kasabay mo ngayon. Magsabi ka ha, kung may pauunlakan ka
sa mga date ng mga manliligaw mo, Leil. Huwag na huwag kang maglilihim!" pagbabanta
ni Ma'am.

Mabilis na lamang akong tumango. Gulat ako sa gigil ng pagbibilin niya. Kinuha niya
ang hawak kong walis.

"Sige na. Pumasok ka na at hinihintay ka ni Jeff o!"

Binalingan ko ang kaklase. Nagkatinginan kaming dalawa. Tipid itong ngumiti bago
nagmamadaling mag-iwas ng tingin. Tama si Ma'am, nag-aantay nga si Jeff.

Sa huli ay iniwan ko nga si Ma'am pagkatapos magpaalam.

"Sana hindi mo na ako hinintay. Nakakahiya naman..." sabi ko nang nagtagpo ulit
kami ni Jeff.

"Ayos lang. Wala parin naman yatang tao sa classroom, e."

Tumango ako at nagpatuloy na sa paglalakad patungo sa aming classroom. Sa malayo pa


lang, kita ko na ang isang senior na nag-aabang sa aming pintuan. Namukhaan ko
kaagad iyon kaya nagmadali na akong lumapit. Nang namataan niya ako'y agad siyang
umahon at lumapit.

"Uh, Leil, isosoli ko lang ang hiniram kong ballpen sa'yo noong nakaraan," anito
sabay lahad sa akin ng ballpen.

"Ah! Nag-abala ka pa. Sana hindi mo na binalik, marami pa naman akong extra..."
sabi ko kahit na tinanggap parin naman ito.

He smiled shyly. I smiled back.

"Sorry. Hindi ko maalala ang pangalan mo. Ikaw si?"

"Ah ako si..."

"Leil, tara na..." ani Jeff sabay hila sa akin palayo sa lalaki.

Sa gulat ko'y napabaling ako kay Jeff. Nakita kong medyo busangot ang mukha niya.
Bumaling ulit ako sa lalaking medyo nahiya at naglakad na lang palayo.
"Jeff-" magpoprotesta sana ako.

"Huwag kang papaloko sa mga ganyan. Kunwari lang 'yong isosoli ang ballpen," anito.

Sumulyap ako sa paalis na senior. Inabangan siya ng iba pang mga kaklase. They
tapped his shoulders and told him something bago bumaling sa amin na tila nahihiya
at nangingiti rin.

So the rest of the day remained normal. Normal din sa akin pati ang pagsubok na
bumili ng softdrinks sa canteen. Sa labas pa lang, pinagtitinginan na ako ng mga
babae, mapa senior man o ka batch ko lang.

"Ayan na naman siya. Ginagayuma niya mga kaklase natin. Manghingi kaya tayo, 'no?"
sabay tawanan.

Hindi ko na kailangang kumpirmahin kung sino ang tinutukoy nila. Alam kong ako
'yon. The keywords are: gayuma, mangkukulam, aswang, kulto... at marami pang
related words na ganyan. Hindi ko na lang sila nililingon dahil nasanay na rin ako.
Sa iilang taon ba namang ganito, hindi na ito bago.

"Sabi nga raw ng ate ko, marami talaga 'yang nagayuma. Alala mo 'yong crush ng Ate
kong si Finn? Iyong barkada nina Zamiel Mercadejas, patay na patay daw diyan,
nahawakan lang 'yan sa kamay."

Napabaling ako roon nang narinig ang pangalan ng malapit na kaibigan ni Raoul. Nang
nakita nilang napatingin ako ay nagsiirapan lang sila.

Kinuha ko ang softdrinks at mabilis na lamang na umalis doon. Like usual, my spot
on that large tree is really fine with me. Ngayon nga lang, sinabayan ako ni
Gasper. Pagkalabas ko'y nagyaya agad siya na sumama sa akin. Pinaunlakan ko naman
dahil wala namang masama sa pagsama sa akin habang kumakain.

May baon ako. Siya naman, bumili sa canteen kanina pa siguro. Tinulungan niya ako
sa pag-aayos ng sarong na madalas kong ilagay. Pagkatapos namin doon, naupo na ako
at nagsimula nang ilagay ang baon at ang biniling softdrinks sa tabi.

"Gusto mo? Bumili ako ng sobrang ulam," ani Gasper sabay lahad ng kanyang pagkain.

"Sige. Konti lang..." sabi ko sabay tusok sa kanyang ulam. "Kuha ka rin ng sa
akin... kung gusto mo lang."

Masaya ako na may nakakausap kahit paano. Kahit pa gusto kong magkaroon ng babaeng
kaibigan, kontento at masaya parin ako na si Gasper ay sinusubukang makihalubilo sa
akin.

"Hmm. Nakapagpaalam ka na ba tungkol doon sa sinabi ko?" Gasper asked after a long
conversation about some hard subjects.

Ngumuso ako. "Hindi pa, e. Pero, pinapayagan naman akong umalis kapag Sabado. Huwag
nga lang akong magpagabi..." sabi ko.

"Naku! Hindi na tayo gagabihin! Syempre, umaga tayo at hanggang kahit lunch lang."

I suddenly got interested. I have never been to things like this. Lagi kong iniisip
na kakainin ang buong araw mo kapag sasama ka sa mga "outing". Ngayong narinig ko
na hanggang alas dose lang naman, papayag na ako.

"Talaga?"
"Oo! Excited nga pala sina Pinky na makasama ka. Nagagandahan daw sila sa'yo at
nahihiya lang makipagkaibigan."

Pinky is one of the achievers of their batch. Nagulat ako na binanggit iyon ni
Gasper. Lalo na dahil sinabi niyang gusto nitong makipagkaibigan.

"Talaga? E... Uh... Sige, sasama ako!"

"Sige! Saan kita susunduin?"

Ngumuso ako. Nahihiya akong kailangan pa akong sunduin.

"Hindi na. Sabihin mo na lang sa akin kung saan tayo pupunta."

"Hindi. Susunduin kita! Kahit sa may pinaghahatiran ko sa'yo tuwing hapon. Ano?"

Ngumiti ako at tumango na lang. Masaya ako at kontento sa naging desisyon ko.

Nang naghapon, napag-alaman ko na simula ngayon mag-iiba ang schedule ang mga klase
namin. Iiksi ang mga panghapong klase dahil sa practice ng prom.

"Soleil, sigurado ka bang hindi ka sasali? Malaki ang puntos nitong prom.
Pinagbabasehan namin ito bilang proyekto sa lahat ng subject kasi ang socialization
ay importante sa lahat."

Umiling ako. "Sorry, Ma'am..." sabi ko sa aking adviser.

Tumango siya at huminga ng malalim. "Nasabi nga ni Ma'am Avila sa akin. Pero kung
sakaling magbago pa ang isip ng guardian mo, sabihin mo lang sa akin. Kahit na
hindi ka sumali sa practice at wala ka sa listahan, mapapapasok kita at maki-credit
naman ang magiging pagsali mo."

"Okay po. Salamat, Ma'am."

Mas maaga na ang mga pag-alis namin sa hapong iyon. Pwede na akong umuwi kaso
naiinggit ako sa mga nananatili para magpractice para sa prom. Kaya naman nagpaiwan
muna ako at tiningnan ang kanilang practice sa malayo.

Napapangiti ako tuwing may kantyawan. Tinatawag kasi ang mga magiging magpartners
at iilan ay parang hinihiyawan ang lahat.

I wonder what it feels like to belong in a large group of friends who support each
other? Iyong tipong alam ng lahat kung sino ang crush mo at itutulak ka ng mga
iyon, susuportahan ka, at patatatagin ang loob mo. Natawa ako nang nakitang
nagbibiruan na sila sa covered court. Pati ang mga teachers ay nakikisali. Lalo na
nang tinawag si Gasper at mukhang iyong batch kong may gusto sa kanya ang naging
kapartner.

"Maaga tayo ngayon dahil first day of practice. Bukas, matatagalan tayo kaya mas
mabuting magbaon kayo ng snacks," anunsyo ng adviser ko sa lahat.

Napatalon ako roon. Hindi ko namalayang talagang tinapos ko pala ang practice nila
sa araw na iyon para lang makita ang mga mangyayari. Inayos ko ang gamit ko at
nagsimula nang maglakad. Bago uuwi, magpapaalam muna ako kay Ma'am Avila.

Hindi ko rin inasahan na maaabutan pa ako ni Gasper at Ronald.

"Buti naghintay ka..." si Gasper.


"Natutuwa kasi ako sa practice n'yo."

"Bakit ka kasi hindi talaga sasali?"

"Ayos lang 'yan, Leil. Hindi ko nga masyadong gusto sana sumali kaso baka bumaba
ang grades ko kapag hindi..." si Ronald naman ngayon.

"Sabi ni Ma'am, kung magbabago ang isip ni Papa, pwede pa naman akong sumali kahit
hindi nakapagpractice."

"Talaga?" natutuwang sinabi ni Gasper.

Sabay ulit kami sa pag-uwi. Pero alam ko, bukas, hindi na ganito. Syempre, hindi na
ako magtatagal para silipin sila sa practice. Iinggitin ko lang ang sarili ko, kung
sakali kaya huwag na.

"Nagtanong nga pala ako kay Mama, Leil, kung pwede ko bang ipahiram ang damit ng
kapatid ko. Pumayag siya. Kaya sabihin mo lang sa akin kung sasali ka nga.
Ipapahiram ko iyon sa'yo!" excited na sinabi ni Ronald.

"Naku salamat, Ronald! Nakakahiya pero kung sakali, pwede nga. Eh, nag offer si
Ma'am Avila sa akin na sagot niya ang magiging damit ko. Kaso baka mapabili pa si
Ma'am. Nahihiya kasi ako pag napagastos pa... Mas gugustuhin kong manghiram..."
sabi ko, ngayon kay Ronald na ang mga mata.

"Masaya ako para sa'yo, kung ganoon. Pero sa Sabado, huh? Wala na iyong bawian,
Leil..." si Gasper naman ngayon.

"Sabado?" si Ronald na mukhang nalilito.

Natawa ako. "Niyaya niya kasi ako sa lakad nila. Hindi naman ako bawal umalis ng
Sabado, huwag lang gabihin kaya pupunta ako."

"Ah..." sabay tango ni Ronald.

Ngumiti ako kay Ronald. Ngumiti naman siya pabalik sa akin.

"Excited na ako. Sagot ko na lahat sa'yo sa Sabado, ha? Kaya huwag ka nang mag-
abalang magdala ng pera para sa pagkain. Ako na ang bahala."

Tumango ako. "Hindi ba sabi mo maliligo tayo? Saan naman iyon?"

"Ah! May maliit na resort diyan may pampang. Nakapunta ka na ba riyan?"

Umiling ako. Nagulat siya.

"Pero nakapunta ka na ng beach, hindi ba?"

"Sa may likod ng simbahang katoliko, oo. Pero hindi pa diyan sa sinasabi mo."

Our conversation went on and on. Tumigil lang kami saglit nang nagpaalam na si
Ronald para sa kanilang bahay. I waved at him while he waved sadly back. Tumalikod
siya kaya nagtagal ang tingin ko sa kanya.

"Ayos lang kaya si Ronald?" sabi kong wala sa sarili.

Humalakhak si Gasper kaya napatingin ako sa kanya. Nagpatuloy kami sa paglalakad.


"Naku! Nagseselos 'yon," ani Gasper.

"Selos? Bakit naman?" napangiwi ako.

He smirked. Tiningnan niya ako tila hindi makapaniwala.

"Hindi mo ba nahahalata? May gusto 'yon sa'yo..."

"Huh? Eh, kasabayan ko lang 'yon pag-uwi, e. 'Tsaka... hindi naman siguro, Gasper."

"May gusto 'yon sa'yo. Wala lang guts na pumorma. Natotorpe..." kibit balikat niya.

"Hindi naman siguro."

"Mabuti na nga lang din, e..." sabay hawak niya sa batok at iwas ng tingin sa akin.
"Mabuti na lang babagal bagal 'yon. Baka maunahan pa ako."

Nagulat ako roon. Nanatili ang tingin ko sa kanya at unti-unting sumilay ang aking
ngiti. I don't want to assume that I get what he is saying but... I've read too
many love novels not to realize the advances.

"Anong ibig mong sabihin?" nangingiti kong sinabi.

He smiled awkwardly. Hinarap niya ako at tiningnan ng diretso sa mga mata.

"Crush kita, Leil. At kung ayos lang sana, manliligaw ako..."

Oh. Well... I don't know what to say. I mean... I have never done this thing.

Nanatili ang ngiti ko. Hindi ko malaman kung ano ang sasabihin. To be admired by
someone is a nice feeling. I just don't know what's next to it.

"H-Hindi kita minamadali, huh? Alam kong hindi pa masyadong matagal ang
pagkakaibigan natin. Sinasabi ko lang sa'yo. Natatakot akong maunahan, e..." sabay
halakhak niya.

Marahan akong tumango.

"S-Sana hindi magbago ang tingin mo sa akin, Leil..."

"Hindi naman. Hindi ko lang alam paano mag react. First time ko kasi ito na-"

"Hindi ako naniniwala! E sabi ng mga kalaro ko sa basketball, marami ka nang


binasted!" aniya.

"Huh? Wala naman..." sabi ko.

"May senior nga namin na crush ka. Sabi binasted mo raw!"

"Sino?"

Hindi ko naaalala na may nagsabi na sa aking pwede ba akong ligawan. I just know
some seniors who asked me out but I was too scared or too doubtful to say yes. Wala
pa kailanman ang nagsabing manliligaw sa akin. Si Gasper pa lang.

"Humble ka lang, e..." tukso ni Gasper.

Umiling ako. "Totoo. Wala pa akong manliligaw..."


Umiling din siya, hindi naniniwala.

The smile did not fade away the whole time. Kahit pa noong umalis na si Gasper at
nagpatuloy na ako sa pagtahak doon sa damuhan. My mind flew so high thinking about
the doors that are opening for me. Pakiramdam ko, unti-unti na akong napapalapit sa
mundong noon pa man ay itinataboy ako.

Belonging to a group of friends in the future feels good for me. Hindi ko pa nga
lang naiisip ang tungkol sa panliligaw ni Gasper pero ang isiping may isang taong
humahanga sa akin gaya ng paghanga ko siguro sa kay Raoul ay masarap sa pakiramdam.

"You've been smiling the whole time, huh?"

Halos mapatakbo ako sa biglaang narinig ko. I jumped a bit and saw Raoul tying a
nest on a tree's lower branch. His eyes lingered on me like a hawk. His expression
is too uptight and intense but I'm too shocked to process it.

"Ikaw pala 'yan!" I said relieved.

Hawak ko ang dibdib ko para damhin ang tumalong puso. Akala ko talaga baboyrami.
Hindi pa naman ako naging maingat sa paglalakad dahil sa kakaisip ko sa mga
nangyari. Napalinga-linga ako sa daanan. I'm still halfway away from the barn
house. Confident akong huwag siyang isipin muna dahil sa distansya pero narito
siya?

Matalim ang kanyang tingin nang bumaba sa isang ugat. Tumingala ako para tingnan
ang pugad ng ibon. Nakita kong dumapo ang isang ibon doon. He rubbed his hands
together to shake off the dust on them.

"Bakit ka nandito?" sabi ko, tinutukoy ang distansya ng kamalig sa tagpuan namin.

Bumaling ako sa pinanggalingan. Galing dito, kita ko pa ang kalsada sa malayo. Kung
kanina pa siya rito, ibig sabihin nakita niya ako roon kasama si Gasper.

"Is that your classmate Jeff?" he asked.

I knew it! He saw me with Gasper. Umiling ako.

"Ah... Si Gasper 'yon..." sabi ko sabay tingala ulit.

He helped a bird with its nest? Ngumuso ako at natuwa sa ginawa niya. Humanga.
Humanga na naman sa konting ginawa niya para sa isang walang muwang na hayop.

He inhaled violently and started walking. Ang mga tuyong dahon ay nagsusumigaw ng
pagkakawasak sa bawat yapak niya. Sumunod ako, bahagyang tumakbo para maabutan
siya.

"Inayos mo ang pugad ng ibon?" tanong ko, nakatitig lang sa likod niya.

He's wearing a gray plain t-shirt now and his dark jeans with his usual black
boots. He looks like a soldier. Kahit iyong hubog ng katawan niya, tila ganoon din
- toned and fine. Bumilis ang pintig ng puso ko habang tinititigan siyang ganoon at
pinagmamasdan.

I ran a bit again para lang mapantayan ko ang kanyang paglalakad. Ang mga kamay
ko'y nasa likod at pinipisil ang isa't-isa para mapigilan ang damdamin ko.

"Nahulog kaya inayos ko. Is that the boy who asked you out?"
He diverted the topic like it's nothing. We should spend more time talking about
his kindness to animals but I think he doesn't think it's a big deal.

"Uh, oo..." Uminit ang pisngi ko.

Sumulyap siya sa akin. I gave him a shy smile but he wasn't humored by it.
Kinabahan tuloy ako. Hindi ba sinabi niya na ayos lang? Iyon ang advice niya sa
akin. Sinabi niya nga lang na huwag sagutin kung hindi ko naman gusto pero pwede ko
namang pagbigyan para subukan.

"Pwede tayong magsabay patungo sa teacher mo sa Sabado. Bring your pet goat too so
I can see it again."

Natigilan ako roon. Naramdaman niya kaya tumigil din siya para seryoso akong
tingnan. I smiled awkwardly.

"Uh... Kasi... may gagawin ako sa Sabado. Pwede bang sa susunod na Sabado na lang?"

His jaw was clenched so tight I can see it moving. He nodded forcefully before
starting to walk again. Bahagya akong tumakbo para maabutan ko ulit siya.

"So you said yes when he asked you out, huh?"

"Hmm..." nanatili na naman ang kamay ko sa likod, nagpipisilan. "Oo. Kasama namin
ang mga kaibigan niya."

"Is that why you were smiling the whole time?" mapanukso ang tinig niya nang
tinanong iyon.

I chuckled. "Hindi naman... Pero... first time ko kasing sumama. Naisip ko, ayos
lang 'yon. Hindi kasi ako makakasama sa prom kaya at least makakasama ako sa kanila
at maramdaman kong... uh... medyo normal naman ang buhay ko."

He grew silent. Tumitig ako sa kanya ngunit sa bilis ng kanyang paglalakad, hindi
ko halos makita ang kanyang ekspresyon.

Ilang saglit ang katahimikang lumipas. Tanaw na namin ang kamalig pagliko. Naisip
ko tuloy kung may nagawa ba akong masama o may nasabing hindi maganda.

"Bakit? Sa tingin mo ba hindi magandang ideya iyon?"

He sighed heavily before responding.

"Huwag kang magtitiwala agad. Iba-iba ang mga intensyon ng mga tao."

"Mararamdaman ko naman siguro iyon, kung sakali."

"How will you know? You've never dated anyone."

Lumalayo ang agwat ng sagutan namin. Malalim ang iniisip ko bawat salitang
naririnig sa kanya. Ganoon din siya sa akin.

"Hindi ko alam. Pero siguro naman... mararammdaman ko, 'di ba?"

The silence stretched again. Tanging ang mga dahon lang ang naririnig namin.

"If he asks you to go with him to this peaceful secluded place. Anong iisipin mo?"

"Hmm. Sasamahan ko siya. Baka may kukunin lang?"


He barked a laughter but I can't hear humor in it. Bumaling siya sa akin,
nakarating na kami sa kamalig. He dragged a chair near the stream at inilagay niya
iyon sa harapan ko. Nakuha ko agad iyon.

"See? You don't even know it's a trick to get you alone."

Ngumiwi ako at naupo sa ibinigay niyang silya, iniisip kung tama ba talaga siya.
May mali bang gagawin si Raoul Riego? Hindi ko alam. In my mind he's everything.
He's right. He's the light. He's correct. He's all true.

Nang nag-angat ako ng tingin sa kanya nakahawak na ang mga kamay sa lamesa at
nakatingin sa akin. Nag-aabang siya ng marerealize ko. Napakurap-kurap ako dahil sa
ibinibigay niyang ekspresyon. Those underlying darkness in his eyes is making me
very nervous. He is so good-looking that he's affecting even my breathing.

"Hindi naman siguro."

"Why would you conclude that it's nothing. You have no experience with dating and
boys in general. Boys your age... are so..." he trailed off.

Hindi niya dinugtungan kaya tumagal ang titigan naming dalawa. My heart is pounding
really hard. I am so nervous. I can't even smile even when I am so happy deep
inside.

"Kahit na. Nakabasa ako ng mga nobela tungkol sa pag-ibig. Tingin ko, medyo may
alam naman ako-"

"This is very different from those love novels. And you think that boy is your
leading man, huh?"

Tumigil, bumagal, at lumakas ang pintig ng puso ko. Ramdam ko ang yanig noon sa
aking dibdib. His dark eyes gives off a calm but thick mystery. Lalo na ngayong
tumititig at seryoso ito sa akin.

"Hindi naman..." sabay iwas ko ng tingin.

"If he asks you to kiss him, what will you do?"

What? Uminit ang pisngi ko ulit. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. I saw his jaw
clenched again. His eyes grew darker. Hinawakan ko ang pisngi ko. Ramdam na ramdam
ko ang pag-init nito.

"Would you let him?"

"Hindi!" agap ko.

"What if he won't ask you that? Kung lalapitan ka nalang niya at hahalikan-"

"Hindi naman siguro, Raoul. Marami naman kami."

"You can't expect to be with his friends the whole time. Siya ang nagyaya sa'yo
kaya sigurado akong may mga oras na kayong dalawa lang."

Ngumuso ako at nag-isip na tama naman siya. Lalo na dahil kasasabi lang ni Gasper
sa akin kanina na manliligaw siya.

"Hindi naman siguro siya magpapadalos-dalos. Kung gusto niyang sagutin ko siya,
hindi ba dapat mag-ingat siya sa mga kilos niya?"
He rose from the table. Ngayon tumuwid siya sa pagkakatayo. Kunot ang kanyang noo
na tila ba may pagkakamali na naman ako.

"So... he's courting you, huh?"

"Kanina lang-"

"Reason why you're smiling the whole time?"

Ngumiwi ako, nahihiyang umamin.

"You like him?"

"Kaibigan, oo."

"Boyfriend?"

Umiling agad ako dahil iyon ang totoo.

Tinalikuran niya ako. He murmured some familiar english curses. Nang binalingan
niya ako ay nagkatitigan ulit kami. He's just concerned about me. I'm like his
younger sister. Kung ganoon, dapat mag "Kuya" ako sa kanya, 'di ba? But that's
awkward. Especially when I think about us, I don't call him that. I call him Raj...
like I'm his equal. I smirked at that.

"You're thinking that it's possible to like him as your boyfriend right now?"
mariin niyang sinabi.

Maagap akong umiling at itinago ang ngiti dahil sa iniisip. "Hindi. Hindi ko siya
gusto ng ganoon. Sabi naman niya, hindi siya nagmamadali..."

"Even so... if he asks you to kiss him, would you?"

"Hindi..." bigo kong sinabi.

"Why do you sound sad?"

"Hindi!" ulit ko, mas maganda ang tono ngayon.

Matalim ang titig niya bago siya nag-iwas at naglagay ng cellphone at iba pang
gamit sa lamesa.

"You text each other?" now he sounds more relaxed.

"Hindi. Wala akong phone..." sabay titig ko sa kanyang cellphone.

"Hm..." he mocked.

Matalim ko siyang tiningnan.

"Buti na lang," bawi niya. "Those are the cheap tricks of boys right now. Texting
their prospects because they can't say it in person."

Ngumuso ako. Akala ko minamaliit niya ang kawalan ko ng cellphone.

"Akala ko minamaliit mo ang kawalan ko ng cellphone," sabi ko, nakatitig sa kanyang


cellphone.
Hindi siya nagsalita. Kinuha niya ang cellphone at inilahad sa akin.

"Marunong ka bang gumamit."

Tumango ako. "Minsan sa lunch, naglalaro ako sa cellphone ni Ma'am Avila. Pero
hanggang doon lang. May Facebook ako, ginawa ko noon sa computer laboratory pero
hindi ko laging nao-open, e."

Inilahad niya ang cellphone niya sa akin. Kumunot ang noo ko.

"Open it here. I don't use it that much..."

Oh?

Para akong lumilipad. Lalo na nang nahawakan ko ang cellphone niya. This means
something. This feels like we're that close na kaya ko nang hawakan ang cellphone
niya. Nang nahawakan ko iyon ay agad niyang binitiwan.

Manghang mangha ako. Hindi dahil mamahalin at first time kong makahawak ng ganoong
cellphone, kundi dahil para na rin niyang ipinagkakatiwala sa akin ang privacy
niya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He's maneuvering a gray laptop now.

"Uh, ayos lang. Nakakahiya. Baka may mabasa akong pribadong sa'yo."

"Tulad ng ano?" aniya nang hindi sumusulyap sa akin.

"Hmm... Message ng girlfriend mo?"

"I don't have a girlfriend."

"Uh, nililigawan?" sabi ko para pigilan ang pagkakatuwa.

He looked at me with lazy eyes. He seems impatient or that I look like I'm talking
nonsense.

"Okay. Subukan ko kung alala ko pa ang password," sabi ko para hindi na niya ako
tingnan ng masama.

I opened the application. Hindi na ako nagulat nang nakitang profile niya iyon.
Ngumuso ako at mas lalong kinabahan. Hindi dahil sa takot kundi dahil sa saya.
Imagine, I can even browse his profile like this. Like there's no barrier between
us.

I opened his photos at nakita ko ang mga ginagawa niya sa Manila. All from a
picture with his friends in a dark place down to his looks when he's wearing a tux.
I saw the red notifications telling me of how much interaction does he have online.
At ni hindi iyon napapansin. Napatingin ako sa kanya. Gustuhin ko mang tingnan,
alam kong pribado na iyon.

"Hindi ka nagfi-Facebook madalas?" tanong ko.

Umiling siya. I logged out his account and typed mine. Nang nakapasok ay nakita ko
agad ang iilang notifications din. Marami, pero dahil iyon hindi ako laging
nakakapag-open. It beeped so many times that it got his attention.

"Ah... Maraming nag memessage," palusot ko.

He nodded but his eyes remained on me.


"Anong oras ang alis mo sa Sabado, kung ganoon?"

"Umaga. Hihintayin niya ako sa may kalsada. Pero tapos na kami paglunch."

"Hihintayin kita sa kina Ma'am Avila. Sabay tayong mananghalian doon."

"Okay. Ayos lang. Sabi naman ni Gasper, tapos na kami sa oras na iyan."

Tumango siya. "Huwag kang papahalik. Manliligaw mo pa lang iyon."

Ngumiti ako dahil alam ko iyon. 'Tsaka na nga naman pwede kapag boyfriend na. Wala
pa naman akong planong magkaroon. He eyed me with intensity and sharpness that
lingered for a while. I smiled wider because I find him very handsome lalo na kapag
ganito.

He tore his eyes off me and continued with what he's doing on his laptop.

Uminit ang puso ko sa nangyayari. I find it so hard to believe that I can hold his
phone like this. Kahit ang pag-upo man lang dito katabi siya. At kahit ang normal
naming pag-uusap at ang mga payo niya sa akin... lahat. I feel closer to him. I
feel like I'm living some parts of my dream.

Alam kong napakaimposible ng pangarap ko pero ang makasama siyang ganito, kontento
na ako. We don't always get what we want in this life. So bits of it is fine with
me. Scraps of it is everything to me.

Kabanata 9
Kabanata 9

Kiss

The next days flew like a whirling wind. Siguro, ganoon talaga. Kapag daw masaya
ka, mabilis ang oras.

Pinitik ko ang hourglass. Pumikit ako ng mariin at dinasal na sana bumagal naman
ang oras ngayon. Sana ang bawat buhanging nahuhulog ay kokonti at ang leeg ng
hourglass ay kumipot. Kung noon, hinihiling ko na bumilis para lumaki na ako,
ngayon, bumagal naman. I love my each passing day.

I love going home and interacting with Raoul. I love talking and laughing with him.

I love his advices and his intense eyes. I love it even when he looks pissed and
angry. I love his kindness and humility. I love my everyday.

"Raj..." I whispered slowly.

Nakaluhod ako sa kanyang gilid ngayon. Biyernes at sobrang aga ng aming pag-uwi.
Nang nagkita kami kanina, binalita ko sa kanya na babalik lang agad ako. I've
noticed how he wants to see my pet goat kaya inagahan ko ang pag-uwi at sinabi kong
babalik lang ako.

Ngayon, nakahiga siya sa damuhan sa gilid ng sapa. Basa ang kanyang buhok at
kumikinang din sa basa ang kanyang katawan. Mukhang kaliligo niya lang. He covered
his head with forearm giving me a full view of his armpits and his firm upper body.

Ngumiti ako at kinagat ang labi. He's sleeping. Alam ko dahil marahan ang paghinga
niya at kahit anong tawag ko sa pangalan niya ay hindi siya gumagalaw. Hindi ko rin
naman siya tatawagin ng ganoon kung hindi ako siguradong tulog siya.
"Raj..." I whispered softer.

Lumapad pa lalo ang ngiti ko. Nakakagaan sa loob ang pagtawag sa kanya ng ganoon.

Dinungaw ko siya. Beads of freshwater stayed on his body. His lips were reddish. It
looks soft. Medyo makurba rin ito dahilan ng minsa'y pagkakatutulala ko kapag
nagsasalita siya. There's just something about his lips.

My eyes trailed on his body. His muscles look full but not very much. Just the
right fullness of it. It matches his light tan coloring. I can imagine him taking
on so many boys with just his arms and his moves. Ang sabi'y magaling talaga siya
sa Mixed Martial Arts. He graduated and remained undefeated. He's just not
interested to pursue it as a career. Maiintindihan dahil may mas importante pa
siyang kailangang gampanan at iyon ay ang business nila.

"Raj..." I said in an undertone.

Humiyaw ang kambing sa tabi ko. Mabilis namang gumalaw si Raoul dahilan ng pagtayo
ko ng biglaan at ang paglayo ko sa kanya.

Napaka wrong timing naman talaga ng kambing! I tugged his rope a bit just to stop
him from his bleating but he only cried louder.

Naupo si Raoul sa damuhan. Ang putik ng lupa ay dumikit sa kanyang braso. Iyon sana
ang pupunahin ko para mawala ang katotohanang maaaring napansin niyang masyado
akong malapit kanina.

"S-Sorry. Nagising ka ng k-kambing..." sabi ko sabay pakita ulit sa aking alaga.

He nodded a bit, still sleepy. Bumaling siya sa sapa at nagpahulog na roon. Habang
nasa ilalim pa ng tubig ay sinimangutan ko ang kambing na patuloy sa paghihiyaw.

"Sige ka. Liliguan ulit kita gaya kahapon..."

Niligo ko kasi ito kahapon pagkauwi para sa paghahanda ngayon. Ayaw niya ng
nababasa kaya iniisip kong matatakot siya kung sakaling babanggitin ko.

I saw him swim nicely. Ngumuso ako at lumapit sa silya para makaupo na, mag-aantay
na umahon siya. Nang ganoon nga ay ipinakita ko muli ang lubid ng kambing sa kanya.
He put the towel on his shoulders. Ang isang kamay ay pinupunasan ang basang-basang
buhok.

"Buti at naisipan mong ipabisita rito."

He smirked.

He squatted in front of me, where the goat is. May kinuha siyang damo roon sa
malapit at ipinakita niya sa kambing. The spoiled goat ate from it.

I pouted when I remembered something. Kanina ko dapat iyon itatanong pero sa


pagmamadali kong makuha ang kambing, hindi ko nagawa.

"Hmm. Nagtanong nga pala iyong kaklase ko kanina. Si Jeff?"

Nag-angat ng tingin si Raoul sa akin. His eyes is all the same - as dark as the
night and as mysterious as a storm. For the rest of the week, whenever we see each
other here, I try his phone out for Facebook. Hindi naman talaga ako interesado
pero gusto ko iyong nakikita ang kanyang account. On Wednesday, my account was
logged out and his was on. Mas matagal pa ang pagba-browse ko gamit ang account
niya kesa sa account ko.

"In-add niya ako sa Facebook. Hindi ko pa iyon nakikita pero hindi ko raw
inaaccept. Baka... nakita mo?" tanong ko.

"I don't remember..." he said.

Kumuha ulit siya ng halaman at ipinakain sa kambing. Matakaw namang kinagatan ng


kambing iyon. He pat my goat's head. He's smiling and very preoccupied with the
goat.

"Ganoon ba? Sasabihin ko na lang sa kanya na i-add ulit ako. Baka nagkamali lang
siya."

Tumayo si Raoul at nilapitan ang lamesa. Inilahad niyang muli sa akin ang kanyang
cellphone.

"Check it. Just log out my account," aniya.

Tinanggap ko iyon. Ngayong sinabi niya na account niya ang naroon, hindi ko na alam
kung ich-check ko nga ang tungkol kay Jeff. I really like browsing using his
account. I'd rather do that than confirm if I really did decline Jeff's request.

I browsed his account. Wala namang bago roon pero ipinagpatuloy ko ang
paghahalungkat ng dating mga pictures. Raoul squatted in front of me again to pet
the goat.

"May pangalan ba siya?" he asked, distracting me from looking at some photos with
girls.

"Uh... wala..."

Ngumuso ako. Nagbaga ang aking puso nang nakita ang iilang pictures sa isang
madilim na lugar. Maraming tao pero ang katabi niya'y isang babae. The girl is
hooking her hand on his arms. Itinatago nito ang mukha sa leeg ni Raoul. Raoul is
smiling but the girl looks sad and weary.

I browsed more and I saw almost similar pictures of them that way. Kahapon, may
nakita akong picture niya kasama ang iba namang babae. Sa linggong ito, pangatlong
babae na ito. Sa lahat naman ng nakita ko, ito ang pinaka intimate.

Very intimate that I kind of felt the hurt somewhere in my chest.

"Your lady is going on a date tomorrow. You think she should go? O baka masama
talaga ang pakay noong lalaking iyon?"

My goat cried. Pilit akong ngumiti nang narinig ang tawa ni Raoul pero hindi maalis
sa isipan ko ang picture niya.

"The goat says you're not allowed to go on a date. Masama ata ang pakiramdam niya
sa lalaking iyon," aniya.

Mabilis kong nilog-out ang account niya. Lalo na nang nag-angat siya ng tingin sa
akin at napawi ang ngiti niya.

"What's your problem?"

Umiling ako at nilapag ang cellphone niya sa lamesa.


Tumayo siya at kinuha iyon. Ilang sandaling browse ay nag-angat siya ng tingin sa
akin. Tumayo naman ako at hinila palapit sa kakahuyan ang kambing.

"Ayaw mo bang sumama ako kay Gasper?"

The goat bleated softer. I equalled Raoul's stares. Ngumisi ako para itago ang
nararamdaman pero kita sa kanyang itsura ang hindi pagkakatuwa.

"What did you see on my Facebook?" aniya.

"Wala naman..." sabi ko.

"You did not open yours. The notifications are still here. Facebook ko ang
tiningnan mo kanina?" mataman niyang sinabi.

Ngayon ko lang natanto. He sounds serious and almost dangerous. Maybe he got angry
that I browsed his account. Hindi niya naman alam iyon at ngayon, buking na yata
ako! Oh no!

"Uh..." nanginig ang labi ko sa takot na madismaya siya sa akin. "Hindi ko naman
sinadya. Tiningnan ko lang ang photos... uh... mo... Sorry."

Kabadong kabado ako ngayon. Nanatili ang mga mata ko sa kanya. I feel like I
disappointed him. The happiness I felt for the whole week immediately came crushing
down like a broken brick wall. Lumapit ako para suyuin siya at humingi ng
paumanhin.

Lumapit din siya sa akin.

"Sorry. Curious lang ako. Iyon lang. Wala naman akong ginawa o inayos. Wala rin
akong message na binasa o kahit ano..." I am already panicking.

Nilahad niya sa akin ang kanyang cellphone, parang binabalewala ang aking sinasabi.

"I don't care. You may browse my account. Alin diyan ang hindi mo nagustuhan?"
aniya.

Sumulyap ako sa cellphone niya at nakitang inopen niya muli ang kanyang account.
Inilahad niya sa akin iyon na tila ba naghihintay kung alin ang ituturo ko.
Somehow, the pain from it all lessened. Takot akong madismaya siya sa akin. Mali
ang pagtitingin ko sa kanyang account kaya ang malamang hindi iyon big deal sa
kanya ay nagpagaan sa loob ko.

"Uh... Wala naman. Sorry..." sabi ko, mas kalmado na ngayon.

He browsed on it in front of me. He went through his messenger and then his
notifications.

"Wala naman..." sabi ko ulit pero hindi siya nakuntento.

Then he clicked the photos part. Nag-iwas na ako ng tingin. Ibinaling ko ang
atensyon ko sa kambing.

"These are just my friends in Manila. We go to bars... you know... Iyong mga
pupuntahan kapag may party sa gabi."

"Alam ko 'yon. Nabasa ko iyon sa libro," sabi ko nang 'di siya nililingon.
"Some close friends are a bit touchy so..."

Ngumiti ako para ipakita sa kanyang ayos lang. Ayos nga lang. Ayos lang.

Deep inside, I know it's different. Iba sa naramdaman ko noong nakita ko siyang may
kahalikang babae sa kamalig. I was young back then. I was just eleven years old. I
adore him like a hero of some kind and it did not affect me this way. Now that I'm
sixteen, maraming nagbago. Kasama na roon ang pagtingin ko sa kanya. This is not
the simple adoration anymore.

Mali iyon. Dapat alam ko kung hanggang saan lang ako. Alam ko na. I learned it the
hard way but I can't stop myself from hurting. Lalo na pag nakakita ng ganoon. Kung
noong bata pa ako'y ayos lang na makita ko siyang may kasamang iba, ngayon, iba na.

Pinilit kong ayusin ang reaksyon ko. To the point that I am almost over reacting my
laugh and smile.

"Wala naman... Alam ko 'yang mga ganyan. Nababasa ko iyan sa libro. Nagsasayawan
diyan, 'di ba? Parang prom lang na mas natural at mas mature ang naroon?" sabi ko,
tunog natutuwa.

He remained silent. Tila nananantya sa sinabi ko.

I smiled overly again. "I've read one book. Iyong leading lady, nakilala niya ang
leading man sa isang bar. Doon nagsimula ang nobela. Alam ko 'yan..."

"It only happens in books and some miracle cases. It's not true all the time..."
aniya.

Natawa ako. "Pumupunta kaba roon para makahanap ng-"

"Of course not! These are already my friends from college. Hugging is just normal
to us. Pero depende siyempre kung gaano ka reserve ang kaibigan."

Marahan akong tumango. For some reason, I felt better. Inilahad niyang muli ang
cellphone niya. The photos part is seen. It's like he's giving me access to that
part of his phone.

"Browse more, if you want. Let me walk the goat around while you do it..." aniya
sabay kuha sa lubid ng kambing.

Tinanggap ko ang cellphone niya. Iyon nga lang, imbes na magbrowse ay pinagmasdan
ko na lamang siya na iginigiya ang kambing sa kahit saang maraming damuhan. His
hair is a bit damp and it looks longer than when it's dry.

"You think it's a good idea for her to go out with that boy?" he asked the goat.

Ngumisi ako. Mas lalo na nang sagutin siya ng hiyaw ng kambing. Bumaling si Raoul
sa akin at umiling. He looks disappointed.

"Nakausap ko na 'yan. Pumayag naman siya..." agap ko.

Umangat ang gilid ng kanyang labi. "Payag daw. H'wag lang sagutin ang manliligaw.
H'wag ring papahalik..."

I put his phone down on the table. Nilapitan ko sila at ngayo'y dinungaw na ang
aking kambing.

"Hindi ko naman talaga sasagutin si Gasper. Pagkakaibigan lang ang gusto ko roon.
Lalong hindi ako papahalik..." sabi ko.

"Hindi na kailangan magdate kung gustong makipagkaibigan," ani Raoul.

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. "Iyon naman ang normal na ginagawa ng mga
ka age kong babae, hindi ba? Nag eentertain ng manliligaw?"

"Oo. Pero kung hindi mo naman talaga gusto, pwede mong diretsuhin para hindi na
humaba pa..."

Now that he mentioned it, he's right. Paano nga kung umasa masyado si Gasper sa
amin? Maaga pa naman para sabihin iyon dahil hindi pa naman nag-iisang linggo
simula nang sinabi niyang manliligaw siya... pero...

"Paano ko sasabihin?" lito kong tanong.

He shifted his weight. Now he looks so attentive and alive.

"Just tell him immediately. Pwedeng huwag mo na ring siputin bukas."

Ngumuso ako sa ideya ni Raoul. That's too harsh. "Nagkasundo na kami. Ayos lang
naman siguro. Maaga pa naman. Paano kung magustuhan ko siya kalaunan, 'di ba?"

Umigting ang kanyang panga. Dumilim din ang kanyang mga mata. I can't help but
smile even when I'm kind of nervous whenever I see him this way.

"You won't like him. I'm sure of that."

"Bakit?"

Nag-iwas siya ng tingin. That questioned remained unanswered. Gusto kong malaman
bakit ganoon ang opinyon niya. Sa sarili ko, alam ko na maaari ngang tama siya.
Hindi ko magugustuhan si Gasper gaya ng intensidad ng pagkakagusto ko sa kanya. Why
is his opinion the same with mine, I don't understand.

The smell of incense and heated sage filled the whole village. Everyone's been
diligently praising me longer these days. Iniisip kong dahil iyon sa nalalapit na
namang summer, ang pag-aalay ng mga kayamanan. But the men are claiming that
they're seeing visions in their dreams.

"Sabayan mo na lang kasi! Ang mabuti pa, sabihin mo rin na may nakikita ka na
sinusugo ng liwanag sa'yo! Mas malaki makukuha natin sa kanila, Leil, kung sa
ispiritual na parte ng buhay nila'y napapatunayan nila na tama ang turo mo!"

It's depressing. Lagi kaming nag-aaway ni Papa tungkol diyan. I am so sick of all
the lies. Hindi niya na ako maloloko.

In my private daydreams, I always include my baptism with another religion. I know


it's the same God, but I want a different tradition. Iyong hindi nagsasabing ako
ang sugo. Iyong hindi nagsasabing kailangan mag-alay sa akin. Iyong walang
kasinungalingan. Iyong hindi ko na kailangang magsinungaling pa.

Maaga si Gasper sa kalsada. Ngiting ngiti siya nang nakita niya ako. Naamoy ko rin
ang pabango niya. He smells really good. Magaan din siyang tingnan ngayong hindi
siya naka uniporme.

Nahihiya ako. Wala kasi talaga akong ibang maisuot kundi itong mga dress. Mayroon
naman akong pants pero sa dalang ng pagsuot ko noon, pangit na ito. My nice clothes
are all dress. Sa ngayon, isang royal blue na off-shoulder ang suot ko. Isa ito sa
mga binigay ni Ma'am Avila sa akin. Ganoon ang mga ibinibigay niya dahil siguro'y
kita niya ang madalas kong suot.

"Ang ganda m-mo..." unang bati ni Gasper sa akin nang nakita ako.

He blushed and stuttered slightly whenever he speaks. Kaya naman sinusubukan kong
magsalita ng magagaan para hindi na masyadong maging tensyunado sa gitna namin.

Sumakay kami ng tricycle. Ang sabi niya, nag-aantay na ang mga kaibigan niya sa
bukana ng pupuntahang maliit na resort. Nadaanan namin ang malawak na lupain ng
Casa Riego sa seaside, kung nasaan ang bahay nina Raoul.

Lumagpas pa roon ang byahe at tumigil sa isang maliit na karatulang "Shell Beach".

"Maliligo ka ba roon?" tanong ni Gasper.

Umiling ako. "Hindi naman ako marunong lumangoy at wala rin akong dalang ibang
damit. Baka kasi magduda si Papa kapag nagdala pa ako ng damit."

"Ah. Oo nga pala. Ayos lang!" aniya.

He's right. His friends are already there. Kami na lang ang hinihintay nila. May
dala pa silang mga plastic na mukhang may lamang pagkain. Nahiya tuloy ako dahil
wala akong dalang pwedeng iambag sa kanila.

"Uh, may pambili ako ng softdrinks dito," sabi ko kay Gasper.

"Huwag na. Hindi ba sabi ko ako ang bahala sa'yo?"

He introduced me to his friends. Boys and girls. That is one of the highlights.
Tinandaan ko talaga ang mga pangalan nila lalo na dahil palangiti at mukhang
mababait ang mga ito.

"Ang ganda mo talaga. Alam mo, crush na crush ka ng kuya ko..." sabi ni Pinky.

"Huwag na, Pink. Magseselos na si Gasper niyan!" sabay tawanan ng mga lalaki.

Nangiti ako. I feel like I've been dreaming for that kind of moment and today it's
coming true. Hindi man ako sigurado kung magpapatuloy ito, pero masasabi kong
masaya na ako ngayon palang.

Naghiyawan sila sa panunukso kay Gasper. Tumawa lang si Gasper sa kanila.

Nagsabay kaming lahat sa paglalakad patungo sa entrance ng resort. Medyo may


kalayuan pala iyon.

"Ito iyong mansion ng mga Riego, hindi ba? Tabi nito?" sabay turo ng isang kaibigan
ni Gasper sa kaliwang side ng nilalakaran namin.

Bumaling ako roon. It is their land but definitely not yet their mansion. Their
mansion is miles away within the whole area. I doubt if it's that near.

"Malayo pa. Nasa gitna ang mansion nila."

"Ang sabi ng Ate ko, madalas daw naliligo ang magpipinsan riyan."

Wow. They are talking about the Riegos.

"Sampung minuto ata galing mansion, makakababa na sa sea shore. Ang layu non!
Sobrang laki pala talaga ng lupain nila."

"Paano nakita ng Ate mo?"

"Magkaibigan 'yan sila. Sina Zamiel Mercadejas at Raoul Riego. Naging tropa rin ng
ate ko 'yon. Sobrang yaman talaga ng mga 'yan."

"Syempre, ikaw ba naman maraming factory sa buong Pilipinas, 'di ba?" nakisali si
Gasper.

"Isa lang 'yang nandito nila. Pinakamaliit pa 'yan, ha. Iyong malalaking planta
nila ay iyong nasa Mindanao at iyong sa Luzon din. Dito, ginagawang farm lang ang
iba sa sobrang lawak ng lupain nila."

I can't believe we are talking about these things. Kahit pala sa mga kaibigan ni
Gasper, napag-uusapan parin ang ganito.

"I really like Raoul Riego. He's so hot..." sabi noong isa pang kaibigan ni Pinky.
"Do you know that he's topnotcher in the Engineering board? He earned scholarships
for masters in big universities abroad! Grabe!"

Ngumuso ako roon. Suminghap ako at nagpatuloy lang sa paglalakad na parang hindi
nagulat sa narinig. I know he's an achiever but I never thought... wow...

Kalaunan ay nag-iba rin ang topic. Lalo na nang dumating na kami sa resort. Sampung
piso lang ang entrance fee. Sinubukan kong magbigay ng pera kay Gasper pero hindi
niya naman tinanggap.

Isang parihabang mesa ang ibinigay sa amin. May malaking payong ito bilang lilim,
bukod pa sa malaking niyog sa taas.

Kokonti lang ang taong naroon. Syempre, kung maraming libreng beach sa Costa Leona,
bakit dito pa pupunta, hindi ba?

Nilingon ko ang kaliwang bahagi ng beach resort. Beyond it is a more peaceful and
cleaner shores. Malawak din ang nasasakupan ng talahib at niyugan. Paakyat ito at
kitang limestones ang pangunahing pundasyon ng daanan.

The diagonal slope is also very visible. Diyan yata dadaanan. Tumingala ako at
nakita ang matabang lupain pagkatapos ng tatlong diagonal slope pataas. Hindi naman
kalayuan pero siguro'y aabutin nga ng sampung minuto kung lalakarin. Lalo na dahil
paakyat iyon.

Their mansion is not even seen from there. Just some flowers and many trees.

"Ligo tayo, Leil!" anyaya ni Pinky sa akin nang nakitang masyado na akong nakatitig
sa kabilang dako.

"Wala siyang damit. Hindi na siya maliligo," sagot ni Gasper para sa akin.

Naupo siya sa tabi ko.

"Ganoon ba? Pwede kitang pahiramin," si Pinky.

Umiling ako. "Hindi na. Wala naman talaga akong planong maligo, e. Ako na lang
magbabantay ng gamit ninyo rito."

"Sigurado ka?" si Gasper na ngayon ay mabilis na nag hubad ng t-shirt.


Tumango ako at nag-iwas ng tingin.

"Hindi ako magtatagal, ha? Babalikan agad kita. Maliligo lang ako." He smiled.

"Sure... Ayos lang."

Ilang beses pa akong concern na tinanong ng iba niya pang kaibigan. Panay lang ang
iling ko at ngiti sa kanila.

Nagmamadali sila sa pagpunta sa dagat. They all swim good and they're all having
fun. Maingay sa tawanan ang kanilang grupo at malapit din ang mga babae at lalaki.

I feel like I belong. Kahit pa mag-isa naman ako rito sa lamesa para magbantay ng
gamit nila pero may pakinabang ako kahit paano, sa grupo nila.

Bumaling ulit ako sa kaliwang bahagi ng shore. Sa malayo, may nakita akong dalawang
lalaki. One, I know it's a Riego. I'm sure I've seen him before. The other one, I
know is a Mercadejas.

Napabaling ako sa kalayuang diagonal slope. I saw another man. Sa layo ay hindi ko
na makita kung sino iyon. Napansin ko ring natahimik ang maingay na barkada ni
Gasper. Tiningnan ko sila at nakita kong naroon na ang atensyon nila sa naliligo sa
kabilang parte nitong resort.

The thought of seeing Raoul with them excites me. Pero nagdaan ang ilan pang
minuto, iyon lang naman ang nagpakita.

Binaling ko ang atensyon sa mangasul-ngasul na dagat ng Costa Leona. I remember


seeing this place for the very first time long ago. At tuwing nakikita ko ang laot,
naaalala ko talaga kung gaano kalaki ang mundo. Seeing the wide horizon gives me
hope... of a better looking world... and a better future.

Ngumiti ako. I am enjoying it here, even when I'm alone and just sitting.

Dalawang oras ang itinagal nila sa pagligo. Si Gasper, pabalik balik sa akin para
masiguradong hindi ako nababagot. I always tell him to go with his friends. Lalo
na't tinatawag siya ng mga lalaking kaibigan.

Alas onse nang nagbalikan ang mga kaibigan niya. Hinanda nila ang pagkain kaya
tumulong ako. One brought bananas and sweet potatoes. May nagdala rin ng kanin,
adobo, at inihaw na isda. May mga prutas gaya ng hilaw na mangga, mayroon ding
watermelon.

I find it adorable. They all made an effort to make this outing successful.
Nakakahiya nga lang dahil wala akong dala. Si Gasper, may dalang softdrinks.

"First time mo bang sumama sa outing?" tanong ng isang babaeng kaibigan.

"Oo, e."

"Naku! Sana naligo ka para mag enjoy ka!" si Pinky.

"Masaya naman ako kahit nakaupo lang. Natutuwa ako sa kakanood sa inyo."

Umupo si Gasper sa tabi ko. Abala na ang lahat sa pagkuha ng mga pagkain. Nilalagay
nila ito sa paperplate. Kumuha na rin ako ng akin kahit na nakakhiya talaga.

"Naku, Gasper. Gusto ko itong si Soleil, kumpara roon sa ex mo!" sabi noong isa
pang babae.
"E, baliw iyon si Nellie, e."

"Shh..." si Gasper. "Let's not talk about her."

"Oo nga. Baka maoffend si Leil."

Ngumiti ako at umiling. "Hindi naman. Ayos lang..."

Nakakaaliw ang biruan nila. May isang lalaking kaibigan na nakakatawa kaya sumakit
ang tiyan ko kakatawa. Gasper also made sure that I'm doing great so I feel really
comfortable.

Pagkatapos naming kumain, akala ko aalis na kami. Iyon naman pala, may iinumin pa
silang juice. I kind of know what it is. Alam kong may halong alak iyon. Inanunsyo
naman ni Gasper na hindi ako papainumin kahit na pinilit ako ng mga girls ng isang
tikim lang.

So while they are drinking that, we also played a game. Isang laro na sa malayo ko
lang nakikita sa school. Pinapaikot ang bote at kapag naituro ka, tatanungin ka ng
"Truth or Dare". I want to play that game, too. Hindi lang ako naaanyayahan dahil
wala masyadong kaibigan.

To play it with them right now is an honor.

"Truth or Dare!" tanong namin sa nakakatawang kaibigan nila.

Dare ang pinili nito. Nakakatawa ang pinagawa. He was asked to show his butt in
public on the shore. Pumikit ako at nakisali sa tawanan nila.

I don't think I can do any dare so I've decided to say Truth, kapag sa akin
napunta.

"Truth!" sabi ko pagkatapos ng hiyaw nila sa parehong tanong.

Si Pinky ang huling natutukan kaya siya ang magtatanong sa akin. Naghiyawan ang
lahat, mukhang maraming gustong itanong ang mga lalaki. Marami silang suggestions
pero dahil si Pinky ang masusunod, siya ang huling magsasalita.

I kind of expected that they'll ask me if I'm a witch. So I was so surprised with
their question.

"Do you like Gasper?"

"Ayieee!" hiyaw nila, hindi pa nga ako nakakasagot.

I know what they mean. It's with malice. I like Gasper but I want to say yes
because we're friends. I don't want to ruin it by asking if it's romantic or not.

"Yes," sagot ko.

They all cheered for us. Lumaki ang ngisi ko kahit na medyo awkward. I just hope
Gasper is still willing to take everything slow. Ngumiti lang naman siya sa akin at
hindi na pinalaki pa iyon.

Isang ikot pa ulit at naitutok ang bote kay Gasper.

"Dare!" sigaw niya agad.


Nagkaisa ang lahat. Hindi ko nakita kung ano ang desisyon nila. Nagulat na lang ako
nang sabay-sabay silang nagsabi.

"Kiss Soleil!"

I was so shocked that I had to shake my head! "Ha?"

"That's below the belt. Hindi pa kami!"

"Aww! Kahit sa cheeks lang!" si Pinky sabay tango sa akin. "Ayos lang 'yon, 'di ba?
Friendly kiss!"

Friendly kiss. That sounds okay?

I remember Raoul's words. Hindi pa naman ako niyaya ni Gasper na mapag-isa kami.
Laro lang naman ito. At Friendly Kiss lang daw, 'di ba? Friend. Friends naman kami
ni Gasper.

Tumango ako at pumikit na. Gasper slowly went to me. Naghiyawan ang lahat. Iyon na
ang pinakamaingay na hiyawan nila buong araw. Hanggang sa naramdaman ko ang halik
ni Gasper sa aking pisngi.

Natapos din. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sila sa hiyawan. Iyon ang tila
closing remarks ng outing. Kaya lang, nagsiluguan pa sila ulit bago magbanlaw at
magbihis ng tuyong damit.

Hindi ko inasahan na aabutin kami ng ala una bago makapaghandang umuwi.

Sana ay nakapaghintay si Raoul kina Ma'am Avila. Alam na ni Ma'am na roon kami
manananghalian. I am not hungry but I will eat again if given a chance.

"Thank you sa pagsama, Leil. Sigurado ka bang kina Ma'am Avila ka lang? Pwede
kitang antayin para mahatid kita sa inyo."

"Huwag na, Gasper. Ayos lang ako kina Ma'am Avila."

He blushed. Nag-iwas siya ng tingin kaya hinuli ko ang mga mata niya.

"Pasensya ka na sa mga kaibigan ko, ha? Pasensya ka rin sa pinagawa nila sa atin."

"Ayos lang. Friendly lang naman iyon..." sabi ko.

He smiled. "Nahihiya nga ako sa'yo, e. Alam mong gusto kita kaya alam mong
medyo..." humalakhak siya at mas lalong namula. "Nagustuhan ko iyon. Alam kong
medyo na awkward ka kanina."

"Ah! Ayos lang."

He smiled awkwardly. "I'm happy to know that you like me..." aniya.

"Leil!" sigaw ni Lola Brosing.

Napatingin ako sa gate ng kanilang bahay. Hinatid kasi ako ni Gasper dito.
Nakakahiya tuloy na nakita pa kami ni Lola.

"L-Lola!"

"Sino 'yang kasama mo?"


"Ah! Si Gasper po... Gasper, si Lola Brosing."

Ngumisi si Lola Brosing at kinawayan si Gasper.

"Ay ikaw pala iyong manliligaw nitong apo ko!"

"Magandang hapon po, Lola! Hinatid ko lang po si Leil..."

Tiningnan ako ni Lola mula ulo hanggang paa.

"Mabuti naman. Natagalan yata kayo? Umalis na si Raoul, Leil, nabagot yata
kakahintay sa'yo..." ani Lola.

Ano?

"Ah... Eh... Hindi na po namin namalayan ang oras, Lola," sabay tingin kay Gasper.

The awkward stare from Lola Brosing and the stretching silence made Gasper realize
that he should go. Mabilis itong nagpaalam. Pinaunlakan naman ni Lola. Nang umalis
ito'y agad akong hinila ni Lola sa loob ng bahay.

"Anong nangyari? Kayo na? Nahalikan ka? Natagalan kayo? Marami ba talaga kayo? O
kayong dalawa lang?" sunod-sunod na tanong ni Lola.

"Leil?" si Ma'am Avila galing sa kusina ang nakakita sa amin.

"Ma'am... M-Magandang hapon-"

"Mama! Mamaya na 'yan. Pakainin muna natin si Leil."

"Busog pa po ako, Ma'am. Alas onse kami kumain, e..." sabay tingin ko muli sa loob.

"Umalis na si Raoul. Medyo tahimik kanina at medyo suplado. Nabagot ata kahihintay
sa'yo..."

"Uh... Saan daw po? Umuwi?"

"Hindi ko alam, e. Baka... Bakit saan pa ba iyon pwedeng pumunta?"

Ngumuso ako at napaisip. Galit kaya iyon kasi hindi ko sinipot. Hindi ko naman kasi
namalayan ang oras, e. Suminghap ako at sinapo ang noo. Sana nasa kamalig siya.

"Ma'am. Balik po ako rito next Saturday. Uuwi na lang po muna ako sa amin."

"Huh? Bakit? Marami pa akong tanong, hija!" bigong sabi ni Lola.

"Magkukwento ako, La, promise sa Sabado. Kailangan ko lang po talagang umuwi..."


sabi ko.

Kabanata 10
Kabanata 10

Gusto

Ang isang oras sanang paglalakad patungo sa kamalig ay umiksi dahil sa bilis ng
lakad ko. I was already panting when I made it to the barn house. Nang palapit ay
binagalan ko ang lakad ko. Malakas ang pintig ng puso ko, siguro'y halo sa bilis ng
lakad at sa kaba na rin.
Habang nagmamadali ako sa paglalakad, paulit-ulit ang pag-iisip ko na baka umuwi
siya sa Casa Riego. Kung sakaling ganoon nga, baka sa Lunes pa kami magkita. Ayaw
ko ng ganoon. I feel like he's mad at me and prolonging these things isn't a good
idea.

Narinig ko ang lagaslas ng tubig. Ang kabayong madalas niyang dala ay nakatali rin
sa parehong puno. Nakita ko rin ang iilang gamit ni Raoul sa lamesa kaya
napabuntong-hininga ako kahit paano. At least, he's here.

Pinisil ko ang mga daliri ko para pigilan ang tensyon sa aking sarili. Slowly, I
treaded the dried leaves until I reached the grassy part, nearing the stream.

Umahon siya pero sa malayong parte ng sapa. Hinilamos niya ang kanyang kamay dahil
sa tubig na umagos galing sa buhok. Our eyes immediately met. His looked so forlorn
and dark. I tried to smile, kahit pa alam kong hindi iyon ang dapat kong gawin.
Hindi ko nga lang alam bakit ganoon ang opinyon ko. Basta alam ko, mali ang
pagngiti.

I moved past the chairs and tables. Isang dipa na lang ang layo ko sa sapa para
lang malapitan siya. Abot-abot ang tahip ng aking puso, parang kagagaling sa
pagtakbo kahit na hindi naman.

"Uh, sorry... N-Naghintay ka raw kina Ma'am Avila. E, hindi ko alam na lalagpas
kami..."

While I was talking, he started to swim near me, too. Umahon siya at nilagpasan
ako. Kokonting pisik ng tubig galing sa kanyang katawan ay tumama sa akin pero
hindi ko na inalintana iyon. Kinuha niya ang puting tuwalya na nakapatong sa lamesa
at nilagay sa kanyang balikat.

"It's okay," malamig niyang sinabi.

I tried to go near him but his steps were too fast and wide. Dumiretso siya sa
damuhan sa paanan lang ng sapa. Mabilis siyang naupo roon. Half of his legs were
submerged under the water. Akala ko lalangoy siya pero hindi naman yata. Lalo na
nang nakita kong pinapatuyo niya ang kanyang buhok gamit ng tuwalya.

It's okay? This is not our usual conversation. Tinalikuran niya ako at pinatay ang
usapan. Kung wala lang akong kasalanan, hindi naman ako mag-iisip ng masama pero
dahil alam kong meron...

Lumapit ulit ako sa damuhan. Dalawang metro ang layo ko sa kanya nang naupo rin ako
roon. Hindi basa ang damuhang inuupuan ko kaya tingin ko'y 'di naman mapuputikan
ang aking damit. Slowly, I plunged my left foot on the water. Nang nakalapat sa
tamang lamig ay saka ko nilublob ang kabila.

Nilingon ko siya. His face looks so dark and perilious. At parang may kung ano sa
kanyang nagsarado sa akin kaya hindi ko malaman ang tunay niyang nararamdaman.
Sadness crept in me.

Galit nga siya. Nagkasundo kami na magkita kina Ma'am Avila ng tanghalian, hindi ko
nasipot. Inuna ko masyado ang paggala.

"Galit ka?" Hindi ko alam saan ko nakuha ang lakas ko para tanungin siya ng ganoon.

Ang alam ko lang, ayaw kong magkagalit kaming dalawa. Ayaw kong magalit siya sa
akin. Ayaw ko siyang madisappoint o kahit ano.
"How was your date?" he asked coldly without looking at me.

Tinitigan ko muna siya. His brows were furrowed. Kahit na side view lang ang kita
ko, alam ko, dahil mas nadedepina ang kakapalan nito tuwing nagkakasalubong ang mga
kilay niya. His jaw was clenched, too. I can see it moving like he's gritting his
teeth very hard.

"Ayos lang naman."

"Sinagot mo na?" dagdag niya.

"Hindi!" agap ko, medyo nagulat sa tanong na iyon.

Hindi siya nagsalita. I sensed his heavy exhale. His lips twitched. I marveled at
it even with just half the view.

"Why'd you let him kiss you, then?" may diin sa tanong niya.

Pumikit ako ng mariin. Mas maayos sana kung nagpatuloy na lang siya sa diretsong
tingin sa sapa pero binalingan niya ako. His dark eyes makes me nervous. And to see
him this attractive whenever he's not in the mood is making me panic so bad.

"Uh..." Nanginig ang labi ko. "Laro lang naman iyon. 'Tsaka sa pisngi lang."

"Tss..." he scoffed and tore his eyes off me.

Parang tambol ang puso ko dahil sa kilos niya. Pakiramdam ko, sobra sobra ko siyang
nadismaya sa ginawa ko. My heart ached so bad seeing him this hard on me. Kinagat
ko ang labi ko. Napatuko na ang mga kamay ko sa damo, palapit sa kanya. I leaned
closer even when it won't do much with our distance.

"Hindi niya naman ako pinilit. Naglaro kasi kami ng Truth or Dare. Lahat naman,
nakagawa ng pinagawa sa kanila. Dare kasi ang pinili ni Gasper at mahirap kasing
tanggihan ang mga kaibigan niya. Sa pisngi lang naman..." paliwanag ko.

I saw his eyebrow shot up. Nilingon niya ako. The menacing look on his face made me
confused. Hindi ko alam kung relief ba ang mararamdaman ko o karagdagang kaba.

"What was asked of you in that game?"

"Truth..."

Hindi siya nagsalita. Alam kong gusto niyang magpatuloy ako sa pag eexplain.

"Gusto ko ba raw si... Gasper. Syempre, sabi ko, oo..." dagdag ko.

"Do you like him?"

"As a friend..." nagkibit ako ng balikat.

"Now they all assume that you like him romantically. You let him kiss you-"

"Sa pisngi-"

"Even so! People are quick to assume. He thinks you like him that way. Reason why
you let him kiss you..."

Umiling ako. "Hindi pwede iyon. Pagkakaibigan lang ang gusto ko sa kanya..."
He laughed mockingly. Ngayon nakatingin na naman sa unahan. Iniwas na sa akin ang
tingin.

"Baka naman touchy lang siya gaya ng kaibigan mo?" I asked.

"He isn't! He's probably assuming now that you two will be boyfriend and girlfriend
by the end of next week!" tumaas ang boses ni Raoul doon.

Natahimik ako sa gulat.

"Tss..." he tilted his head.

Inabot niya ang cellphone sa lamesa. Yumuko ako at bigong tiningnan ang aking mga
kamay. What have I done? Kinagat ko ang labi ko. Tama si Raoul.

Akala ko lalangoy ulit siya pero nagpahulog lang siya sa sapa. Hanggang baywang ang
lalim noon. Naglakad siya palapit sa akin. I was struggling with whatever
realization I have inside my head but when I saw him nearing me, parang nagdilim
ang aking utak. Tumigil sa pag-iisip ng kahit ano.

Halos umatras ako. I am not used to him this close. At least not when we're both
conscious. Kahapon ay tulog siya, 'tsaka ako nagkaroon ng guts na malapit sa kanya.
Ngayong gising siya at medyo hindi maganda ang mood, para akong sinisilaban.

He put his phone on my lap. Napatingin ako roon at bahagyang inayos ang pagkakaupo
para hindi iyon mahulog sa tubig. Nasa harap ko siya. We aren't touching but I am
too frozen to move more. Hindi ko yata kakayanin kung may maglapat man sa aming
dalawa.

Ang kanyang mga kamay ay nanatili sa magkabilang bahagi ng inuupuan ko, holding on
to the grassy part of it. In between him was me. Dahilan ng ayaw kong paggalaw
masyado.

He's so tall. Iyong tipong kahit na nakaupo ako sa lupa, at ang kalahati ng kanyang
katawan ay nasa tubig, pareho parin ang aming lebel. Our eyes met in the same
level. Even with him crouching a bit because of the stance.

"Which of my tagged photos is it? I'll untag myself in it," aniya sabay tingin niya
sa cellphone na nasa aking kandungan.

Agad kong nakuha ang ibig sabihin niya. I pointed his phone a bit and it moved.
Naharap na ito sa akin.

"Ayos lang. Alam ko namang ganoon sa Manila, 'di ba? Lalo na kapag lumalabas ang
mga kaibigan."

My breathing hitched when he picked his phone up and browsed it in front of me.
Mabilis niyang hinanap sa "photos" ang iilang picture na nakita ko kahapon. Unang
tingin ko nakita ko agad ang pagtatanggal niya sa pangalan niya roon kaya iniwas ko
agad ang aking tingin.

"Sorry..." sabi ko.

Iyon nga lang, hindi sa isang specific na dahilan iyon. Para sa lahat. Pakiramdam
ko, malaki ang kasalanan ko sa kanya. Pero ngayong nag-uusap kami, isa lang ang
gagawin kong dahilan.

"Tama ka. Sana hindi na lang ako pumunta roon."


"Don't be sorry about that. Ayos lang na pumunta ka. Naging masaya ka naman. You
earned friends. Don't be sorry if it made you happy..." he said in a cold tone.

Nabuhayan ako sa sinabi niyang iyon. Hindi ko alam kung saan ko pa ilalagay ang
pagkamangha ko sa kanya. I am just so amazed with him. Hindi siya makatingin sa
akin. Nanatili ang kanyang mga mata sa cellphone. Ibinalik niya rin sa aking
kandungan nang natapos ang kung anu-anong pindot.

"Pero tama ka... baka umasa si Gasper. Ginawa ko lang naman iyon kasi laro lang.
'Tsaka... sinagot ko lang naman ng maayos ang tanong. Gusto ko naman talaga si
Gasper pero... pagkakaibigan lang."

His lips twitched sexily this time. Uminit ang pisngi ko sa kakatingin doon.

"Then don't give him false hopes. Tell him that you only want friendship. If he's a
good person, he'll understand."

Tumango ako. I absorbed all of his words of wisdom thoroughly. Tama siya. Sa bagay,
sa mga nobelang nabasa ko, minsan nahihirapan at natatagalan dahil sa kawalan ng
komunikasyon. Kung hindi sasabihin ang tunay na nararamdaman, mahihirapan lang ang
mga taong sangkot.

If I prolong this, Gasper will get mad at me. Paano kung pati ang mga kaibigan
niya, 'di ba?

"His friends might think you like him romantically. Kung hindi mo lilinawin ito,
baka pati sila, magalit sa'yo."

Pumikit ako ng mariin. How can I take it all back then? I let Gasper kiss me. I
said I like him. Ngayon pa lang, iniisip na siguro ng lahat ang magiging future
namin ni Gasper! Pagkakamali talaga yata iyon!

"Sorry... Tama ka. Dapat hindi na talaga ako sumama!" sabi ko, puno ng pagsisisi.

Hinagilap niya ang tingin ko at mas lalo siyang lumapit sa akin. I did not look at
him because of what he's about to say. I looked at him because he is making me so
nervous with all his unconscious moves! He's making me euphoric. Pakiramdam ko,
panaginip ang lahat ng ito! Samahan pa ng marahang lagaslas ng mga dahon at ang
sinag ng araw na tumatagos sa mga puno.

"Don't regret. Ayos lang. You're happy. You experienced normal things. That is
what's important for me, so don't be sorry..."

Uminit ang pisngi ko sa titigan namin. Lalo na dahil alam kong nananantya siya.
He's making sure that I'm fine. That I'm feeling okay.

Ngumuso ako.

"Pero galit ka... 'di ba?"

His eyes turned vicious again. He blinked and it was like he's telling me that he
really is without saying yes.

"Hindi ko naman alam na matatagalan kami."

"Kumain ka na?" tanong niya, iniisip siguro ang aming tanghalian.

"Busog pa ako. Alas onse na kasi kami kumain noong mga pagkain nila. Ikaw?"
"Kumain na ako kina Ma'am Avila."

"Sorry..." bigo kong sinabi. "Ngayon nagkaproblema pa tuloy ako."

"Just tell him straight on Monday to clear things up."

Hindi ko na siya matingnan ng diretso. My heart feels like it's bursting from all
the happiness. I wish this will never end. Naalala ko ang hourglass. I imagine it
stopping right now. The sand will halt and everything will grow silent with it.

"Hindi ko alam kung paano."

"Let's practice..." aniya, mas relaxed na ngayon.

Napatingin ako sa kanya. Hindi ko maitago ang nagbabadya kong ngiti.

"Say... I'm that boy and you're you... Nagkita tayo sa school. Binati kita... anong
sasabihin mo."

Wow! I did not prepare for this. It's hard to look at him and think about Gasper.
Kinusot ko ang mga mata ko para mapilit ang sarili pero nang dumilat ako, siya
parin. The magnificent bone structure of his face and the perfect sculpted muscles
of his upper body. I cannot imagine Gasper right now! Ang hirap!

"Uh... Magandang umaga, Gasper!" sabi ko.

"Hmm..." Hmmm? Gasper won't do that! Uminit lalo ang pisngi ko. Oh, Raj...
"Ihahatid kita sa classroom mo..."

Mabilis akong nag-isip. He's serious about this! I should go with it! Tinutulungan
niya ako kaya dapat magconcentrate ako!

"Gasper... Tungkol noong Sabado. Doon sa... k-kiss?" nag-angat ako ng tingin kay
Raoul.

He looked at me intently. I can't begin to fathom how confident he is. Samantalang


ako, hindi ko siya kayang titigan ng diretso lalo na sa huling salita ko.

"At sa pagsabi kong gusto kita... Gusto kita bilang kaibigan lang..." pagpapatuloy
ko.

He did not react. Nanatili ang nakakanerbyos niyang titig sa akin.

"Pasensya na pero hanggang doon pa lang talaga ang kaya ko."

"Hanggang doon lang talaga..." pagtatama niya.

"Hanggang doon lang talaga ang kaya ko..." ulit ko naman. "Wala akong planong
magkaboyfriend pa..."

He nodded slowly at that. Ngumiti ako at gumaan ang loob. Akala ko matatapos ang
araw na ito na magkagalit kami. Mabuti na lang at mukhang umayos na naman ang
pakiramdam niya.

Bumagsak ang tingin niya sa aking kandungan pagkatapos ng ilang saglit na


katahimikan.

"Browse my account and tell me if you see anything you don't like..."
Umiling ako. "Sorry. Dapat hindi ko ginagawa iyon."

"Ayos lang. I do it on your account, too."

Pinulot niya ang cellphone at nilog-out iyong kanyang. Isang pindot lang, account
ko naman ang nag open. Nagulat ako na maraming notifications ang naroon.

I pointed at the red number. He opened it.

"There are more than ten boys here... trying to hit on you," sabay pakita niya sa
messenger na puno nga ng panibagong chat.

Iilan ay kilala ko bilang kaklase, iilan naman kilala ko lang sa pangalan.

"Do you know them?"

Umiling ako at itinuro ang mga hindi ko kilala. "Eto... seniors 'yan-"

"Kaibigan mo?"

"Hindi. Uh, nakikita ko lang sa school. Eto naman si Ronald 'yan. Itong iba,
kaklase ko..."

Nagkatinginan kami. His eyes remained menacing. Nagkibit ako ng balikat.

"Hindi naman ako masyadong interesado sa chat. 'Tsaka magkikita naman kami sa
school kaya huwag mo nang replyan. Hindi ko na rin rereplyan..." sabi ko.

His lips twisted again while he's nodding slowly. Inalis niya ang messenger at
ngayon sa account ko naman. I have only one picture and the rest was only tagged by
some of my classmates. Nasasama lang ako pag may picture o pag may class activity.
Bukod doon, wala na.

"You may browse my account. It's fine with me... I don't check my inbox so if
you're bored, you can check it yourself," aniya at iniwan niya na ako para lumangoy
sa sapa.

Dinampot ko ang cellphone niya at ngumiti. Kahit na ganoon ang sinabi niya, hindi
ko parin magawa iyon. Takot parin ako. Pakiramdam ko, mali talaga iyon. Siguro,
kung gagawin ko man ulit, palilipasin ko muna itong nararamdaman kong awkwardness
sa pagbrowse gamit ang account niya.

It all turned out well. Nakatulog ako ng mahimbing sa gabing iyon at naging maayos
naman ang Linggo ko. Of course with all the praises and my usual healing routines
for the villagers.

Hindi ko alam kung dahil ba abala ako o ano pero lately nakikita kong maraming
ginagawa ang mga tao sa amin na hindi ko alam. Someone celebrated a good harvest
the other day without my knowledge. My father knows it, though. Kaya nga umuwi ng
lasing noong nakaraan dahil nakipag inuman doon.

Sa eskwelahan naman, iyon ang una kong naisip pag dating. Kapag makita ko si
Gasper, iyon agad ang gagawin ko.

Alam ko na mamayang tanghalian pa kami magkikita pero dahil gustong-gusto ko nang


humingi ng paumanhin, sinadya ko talaga ang classroom nila.

Classmates sila ng tropa niya. Naghiyawan ang lahat nang nakita ako sa floor ng
seniors. Lalo na syempre nang lumabas si Gasper sa classroom nila para kitain ako.
Break noo. May thirty minutes kaming break at hindi pa nakakapagsnack, dumiretso na
ako rito.

"Oh... Gusto mong magsabay tayo sa snack?" sabay ngiti ni Gasper at lakad na sa
corridor.

Nilingon ko ang malayong field ng eskwelahan. Natatangi ang malaking puno na pinag-
uupuan ko roon. Beyond it is a diamond wire wall separating the basic education
department from the higher studies or college campus.

Tumigil ako at hinarap iyon. Hinawakan ko ang barandilya bago siya nilingon.
Nakaawang ang labi ni Gasper nang naabutan ko. Seryoso siyang nakatitig sa akin.

"Gasper, tungkol sa nangyari noong Sabado."

"Ah..." He blushed.

Mahirap pala ito kapag totohanan na. Kay daling sabihin noong kaming dalawa pa ni
Raoul.

"Doon sa halik... at sa pagkakagusto ko sa'yo..."

Now he turned bright red. Ngumisi siya pero bago pa ito nagsalita ay inagapan ko
na.

"Gusto kita, Gasper. Ayaw ko lang na maisip mong higit pa sa pagkakaibigan ang
gusto ko sa'yo. Sorry..." bigo kong sinabi. "Hi-Hinayaan kitang halikan ako dahil
sa laro. Sana huwag mong bigyan iyon ng kahulugan."

His jaw dropped. It remained that way for a moment before he finally nodded.
Suminghap siya at umiling.

"Sorry..." sabi ko, bigo parin.

"Hindi mo man lang ako mapagbigyan ng pagkakataon?"

Kinagat ko ang labi ko. I feel really bad for him but Raoul's right, prolonging
this is ridiculous.

"Mag-iisang linggo pa lang..."

"Sorry, Gasper..."

Umiling siya at tumangong muli. "Naiintindihan ko. Akala ko lang medyo mahabang
panahon ang ibibigay mo sa akin para mapatunayan ko sa'yo na maganda ang intensyon
ko. Hindi ko inasahan na agad mo akong babastedin."

"Hindi naman sa ganoon-"

"Naiintindihan ko, Leil. Pero gusto kong malaman mo na magkaibigan pa rin tayo at
susubukan ko parin..."

Susubukan parin?

"Ayaw mo lang sigurong paasahin ako. Pero gusto kong malaman mo, binasted mo man
ako, aasa parin ako... dahil gusto kita... gustong gusto kita... higit pa sa
pagkakaibigan."

Sa tanghaliang iyon, hindi ako sa ilalim ng puno kumain. Pumunta ako sa faculty
kung saan si Ma'am Avila. Hinilig ko ang ulo ko sa kanyang desk at pinaglaruan ang
parehong hourglass na naroon.

"Hay naku, Leil. Ganyan talaga. Kahit hindi mo gusto, maaapektuhan ka parin..." si
Ma'am Avila pagkatapos kong ikwento sa kanya na medyo naapektuhan ako sa pag-uusap
namin ni Gasper.

"Naawa ako, Ma'am. Feeling ko, ang sama sama ko..." sabi ko sabay tago sa mukha ko.

"Kesa naman patagalin mo. Pero sigurado ka ba talagang hindi mo iyon magugustuhan?
Hija, gwapo at matalino iyon. Mabait pa, gaya ng sabi mo..."

Pumikit ako ng mariin at bumuntong-hininga.

"Baka magsisi ka sa huli. Baka sa susunod na buwan, magustuhan mo na iyon tapos


nabasted mo na."

Hindi na ako nagsalita. Nang nakabawi, may sasabihin sana ako kaso naunahan na ako.

"Ma'am Avila, may naghahanap sa labas. Anak anakan mo raw..." sabi ng isa pang
teacher.

Napaahon ako. Nagkatinginan kami ni Ma'am Avila. Nahiya tuloy ako kasi ang ibang
teacher ay nagpapahinga dahil lunch break pa lang. Tumayo agad ako at dumiretso na
sa labas.

I saw Dixon, another senior on the door. Hawak niya ang isang librong pamilyar sa
akin. Noong nakaraan kasi sa library, may gusto akong hiraming libro pero isa lang
ang mayroon at naunahan niya ako. He promised me he'd lend it to me when he's done.

"Hi!" sabi ko.

"Uh... Tapos ko nang basahin ito. Gusto mo?"

Ngumisi ako. Tumikhim si Ma'am Avila na ngayon ay naroon na rin sa pintuan.

"Good noon, Ma'am Avila."

Dixon is the vice president of the student's government. He's a known good public
speaker at mas studios kung ikukumpara kay Gasper na mas athletic naman.

"Good noon, Dixon..." si Ma'am Avila.

"Sana sinoli mo na lang tapos hiniram ko na lang ulit para hindi na kita maaabala."

"Hindi na. Ayos lang. Kanina nga, hinanap kita roon sa puno. Hindi ba roon ka
kumakain madalas? Wala ka kaya naisip ko... baka rito..."

Tinanggap ko ang libro at dahil sa kanya nakapangalan ito, sigurado akong ibabalik
ko pa ito sa kanya.

"Poporma!" diretsahang sabi ni Ma'am Avila.

Tumawa si Dixon at namula na lamang. Ngumisi ako at medyo awkward na tumango.

"Sige... Sorry... nakakahiya..." ani Dixon at umalis na.

Nagkatinginan kami ni Ma'am Avila. Umiling si Ma'am, pinapalabas na dismayado.


"Hay naku, Leil. I am tracing your lineage to see if you have relatives. I can
marry your uncle or whatever..." pabirong sinabi ni Ma'am Avila.

Tumawa ako at hindi na sineryoso iyon.

By the end of the day, hindi ko alam kung paano kumalat pero naririnig ko na sa mga
kaklase ko ang balita.

"Binasted mo raw si Gasper?" tanong ng kaklase kong hindi ko naman close pero nang
uusisa ngayon.

Umiling ako. Alam kong mali na magsinungaling pero hindi ko gusto ang tunog noon.

"Sabi noong seniors, badtrip daw. Hindi naman sinabi na basted mo pero feeling
nila. Kasi ang huling kasama raw, ikaw. Pinuntahan mo raw kaninang break!"

"Naku! Galit na galit si Nellie. Iyong ex niya? Ginayuma mo raw!"

"Hindi ako marunong noon... Magkaibigan parin naman kami ni Gasper kaya..."

"Pati ang tropa niya, galit sa'yo!"

They all scrambled when our teacher came. It bothered me so much. Iyon ang inisip
ko hanggang sa huling period namin. Nagplano pa ako na huwag na munang umuwi para
makausap sina Pinky tungkol doon.

May practice pa para sa prom kaya kung hihintayin ko sila, matatagalan ako.

I was about to stay so I can talk to them when I saw a girl from their group
walking towards me. Mukhang kagagaling itong canteen, at aakyat na sa kanilang
classroom. Nakita niya ako at sigurado akong magkakasalubong kami.

I smiled shyly at her but she did not smile back. Kinabahan agad ako.

"Charie," tawag ko sa kaibigan ni Gasper.

Tinaas niya lang ang kilay niya bilang kumpirmasyon na narinig ako.

"Uh... Masaya ako noong Saturday. Nakakatuwa kayong magkakaibigan. Salamat sa


pagiging mabait sa akin-"

"Mabait lang naman kami kasi mabait ka kay Gasper." Humalukipkip siya. "Binasted mo
siya?"

Kung kanina, madaling itanggi. Ngayong kaibigan ni Gasper ang kausap ko, hindi ko
malaman saan humugot ng mga salita.

"Hindi niya sinabi pero naramdaman namin. Paasa ka rin, e. Ginayuma mo talaga yata.
Kung hindi ka lang niya talaga gusto, hindi ako makikisama sa'yo-"

"Charie!" Pinky pushed Charie away from me.

Nakita ko ang pagkakagulat ni Charie sa nangari. She calmed down. Bigo akong
binalingan ni Pinky. My heart hurt at the disappoinment I'm giving them. And
also... the disappointment I'm giving myself. Akala ko kaibigan na.

"Leil, sorry. Hindi sinasadya ni Charie 'to. Galit lang siya kasi... medyo badtrip
si Gasper, e."
Tumango ako.

"Charie!" she nagged and pushed her friend away.

"Sorry din. May kasalanan ako sa nangyari."

Nag-anunsyo ang mga adviser sa covered court. Napabaling kami ni Pinky roon. I
expected her to walk away from me but I'm kind of glad when she didn't.

"Pasensya ka na talaga. Hindi ganoon ang tingin ko sa'yo, gaya ng kay Charie kaya
sana huwag kang magalit sa amin. Dala lang siguro ng pag-aalala niya kay Gasper
iyon."

"Naiintindihan ko..." maliit na ang boses ko nang sinabi ko iyon.

Pinky smiled. "We're still friends, okay?"

My mood lightened up when she said that. Lalo na nang lumaki rin ang ngisi niya.

"Walang sinabi si Gasper sa amin pero hindi siya kailanman nagkaganito sa isang
babae. Sigurado akong, hindi iyon susuko sa'yo. Pero ano man ang desisyon mo,
tingin ko, mabait ka. Hindi gaya ng mga sinasabi ng mga tao. Kaya huwag mo nang
isipin iyon..." ani Pinky.

I smiled. "Thank you..." medyo nahahabag ako.

She waved at me, smiling, before she left for the practice.

Hindi na ako nag-antay. Minabuti kong umuwi na lang. Sa paglalakad pabalik sa amin,
iyon lang ang tangi kong inisip.

Kahit paano, naibsan ang nakadagan sa damdamin ko. Hindi man naging maganda, hindi
ko rin naman inasahan na magiging masaya iyon. I am bound to hurt someone for my
feelings. If I don't say it as early as now, I can hurt them more.

Tinawanan ko na lang ang problema ko. Ikukwento ko na lang kay Raoul pag-uwi.

Niyakap ko ang malaking libro na ipinahiram ni Dixon sa akin kanina at nagsimula na


akong maglakad patungo sa kamalig. I may not be that happy but I'm relieved. Nasabi
ko ang nararamdaman ko. Hindi man nagustuhan ng lahat.

Palapit na ako sa kamalig nang nakitang tatlo ang kabayong nakatali sa malapit na
mga puno. Kinabahan agad ako. Nang huli kong nakitang ganoon, may mga babaeng
kaibigan si Raoul.

I heard the strums of guitar and some voices. Namataan ko rin na mayroon ngang
kasama si Raoul, pero puro lalaki naman. I figured it's his closest friend and an
unfamiliar man. Kaedad niya siguro rin iyon. Nakatawa ang lalaking hindi ko
pamilyar pero nang nakita ang atensyon ni Zamiel Mercadejas sa akin, natigil siya.

Raoul stopped strumming the guitar. Itinabi niya iyon. Kinuha naman noong isang
lalaki at nagsitayuan na sila. Hinarap ako ni Raoul, his eyes already testing me.

Sinundan ko naman ng tingin ang dalawa niyang kaibigan. Parang awtomatiko silang
umalis doon at dumiretso sa kamalig ng tahimik. Wala nang imikan o ano pa man.

"They got bored so... they won't be here tomorrow. Don't worry," si Raoul na parang
mali pa ang pagdadala ng kaibigan.
I shook my head. "Ayos lang naman na nandito sila."

His brows furrowed and then eyed his friends on the barn house. He dragged a chair
for me at naupo na siya sa inupuan kanina. Hinawakan niya ang likod ng upuan ko.

"How was your day?" tanong niya. Alam ko na ang ibig niyang sabihin.

Nilapag ko ang malaking libro sa lamesa at huminga na lang ng malalim. Now, I'm
ready to tell him what happened with my day.

"Sinabi ko na..." sabi ko.

"And?" aniya ng wala sa sarili habang tinitingnan ang title ng aklat na nilapag ko
sa mesa.

"Naintindihan niya naman. Iyon nga lang, medyo nagtampo 'yong mga kaibigan niya..."
pagpapatuloy ko, medyo hinihinaan ang boses para hindi marining ng mga kaibigan
niya.

"Tapos?" ngumuso siya at may kinuhang nakaipit sa aklat na dala ko.

"Mabait iyong si Pinky, sabi niya magkaibigan parin kami..." patuloy ko pero hindi
ko na naidiretso nang nakita ang bilis ng pagpunit niya sa isang sobre.

He opened a letter up. Mabilis at marahas din ang pagbuka niya ng papel. His jaw
clenched. Nakalimutan ko tuloy ang dugtong sa sasabihin.

"Bakit?"

He laughed mockingly. Ang mga mata niya'y nanatili sa papel.

"You have a love letter."

Kabanata 11
Kabanata 11

Happy

Tinititigan ko ngayon ang isang buong papel na galing kay Dixon. Pagkatapos pinunit
ni Raoul ang gilid ng sobre para makita ang nasa loob ay ibinigay niya agad iyon sa
akin. He was staring right back at me with serious eyes.

Dear Soleil,

Pasensya ka na at dinaan ko pa talaga sa sulat. Nahihiya kasi akong magsabi sa'yo


sa personal. Gusto ko lang na malaman mo na natutuwa ako sa interaksyon natin,
kahit na simple lang at hindi mahahaba. Solve na ako sa mumunting pag-uusap natin.

Hindi ko alam kung bakit simula noong kinausap mo ako, hindi na kita matanggal sa
isip ko. I guess it is safe to say that I like you. At habang tumatagal ang
panahong nakikita kita sa malayo, hinahangaan at nagugustuhan, unti-unti ring
nahuhulog ang loob ko sa'yo.

You are so kind and beautiful. The kind that the world does not deserve. Dahil
nakikita ko lahat ng mga naninira sa'yo at nakikita ko rin kung paano mo sila
ituring. I want to be closer to you but I guess it's difficult. Kaya ito ang paraan
ko para mas mapalapit sa'yo. Ang sabihin muna ang tunay kong nararamdaman.
Liligawan sana kita. Handa akong maghintay. Alam kong hindi mo pa ako gaanong
kilala kaya bibigyan kita ng mahabang panahon para kilalanin ako at para na rin
mapatunayan ko sa'yo na totoo ang nararamdaman ko at hindi masama ang intensyon ko.

Sincerely yours,

Dixon

"Paano mo nalaman?" tanong ko pagkatapos magbasa.

Tiningnan niya lang ng saglit ito kanina at binigay agad sa akin. How come he
realized it immediately even with just the envelope?

"You don't need to be a genius to figure it out with the kind of paper he used."

Bumaba muli ang tingin ko sa papel. Yes, it is unusual. With the pink and red
combination and with a lacey cut on the sides.

Ngumiti ako para ipakitang ayos lang. I know exactly what to do.

"Mabait na tao si Dixon."

He sighed.

"How sure are you? Do you know him well?"

"Hindi, pero, base sa mga interaksyon namin, hindi siya masama."

"Is he your classmate?"

"Hindi," sabi ko at nagpatuloy sa pag-iisip.

"Maybe he's just kind to you because he likes you. Hindi ka pwedeng magtiwala agad
sa mga taong hindi mo pa lubusang kilala," matamang sabi ni Raoul.

Tumango ako dahil alam ko iyon. May natutunan ako kahit paano sa mga interaksyon
namin. Raoul's right. Gaya na lang ng pagiging mabait ng lahat ng kaibigan ni
Gasper sa akin. Sa huli, malalaman ko kung sino ang talagang maganda ang intensyon.
Malalaman ko rin kung sino ang mabait lang dahil may ibang rason.

"Medyo alam ko na kung anong gagawin ko..." I proudly said.

His brow shot up at that. Pakiramdam ko, hindi siya sigurado kung seryoso ba ako sa
sinabi ko o hindi. I wanna let him know that I don't need much of his help anymore
for this matter. Ayaw kong maging constant na sakit ng ulo niya dahil lang wala ako
masyadong alam. May natutunan naman ako, kahit paano.

"And what are you going to do?"

"Isosoli ko ang loveletter kay Dixon. Sasabihin ko sa kanya na hindi ako handa sa
mga ganyan."

His face lightened up a bit. He shifted on his seat, tila nakuha ko ang buong
atensyon niya.

"Hindi mo pagbibigyan?" marahang tanong niya.

Umiling ako. "Hindi rin magandang tingnan. Sinabi ko kay Gasper na hindi pa ako
handa sa mga ganoon. Kung malaman niya na pinagbigyan ko si Dixon, baka mapasama pa
ako."

Kitang kita ko ulit ang bahagya niyang pagkagulat sa sinabi ko. I smiled proudly at
him like a student recognized very well.

"Ako na ang bahala..." I assured him.

Though, for almost the rest of the week, I didn't have much time to do it. Dumami
ang school works. At dahil hindi ako sasali sa prom, mas kailangan kong pagbutihin
dahil marami akong mami-miss na points. Bukod pa roon, tuwing sinusubukan ko, hindi
ko nahahanap si Dixon.

Our meetings every afternoon remained the same. Kung naliligo siya o 'di kaya'y may
ginagawa sa laptop, sa cellphone niya naman ako nagkukulong. And I barely touch my
account, too. Simula noong sinabi niyang ayos lang na gamitin ko ang account niya,
iyon nga ang ginawa ko.

It makes me happy thinking that I can get that close to him. Pakiramdam ko, iyan na
ang pinakasukdulan sa paglalapit naming dalawa. To be able to see the things on his
account means seeing the other side of him. Iyong hindi narito sa Costa Leona. The
Raoul Riego of Manila.

"Hindi mo ba talaga rereplyan ang mga nagmemessage?" puna ko nang nakitang


pagkabukas ko pa lang sa cellphone niya, may pumasok na tatlo agad.

He replies to some of his friends. Lahat halos puro trabaho ang pinag-uusapan. Kung
hindi man, schedule yata ng mga appointment. Iyong iba, hindi ko na binubuksan
dahil pakiramdam ko sobra-sobra na at masyado nang pribado. Ang ginagawa ko nalang,
dahil ubos ko na ang pictures niya, nagbabrowse ng iilang videos na dumadaan sa
kanyang newsfeed.

"I will if it's important..." he murmurred lazily. His eyes left the laptop for me.

"Gaya ng trabaho?" sabi ko, tinutukoy ang iilang nabasa kong nareplyan niya naman.

"Yup. Why? Did something bother you?" buo na ang atensyon niya sa akin ngayon.

Umiling ako. "Kung eskwela pala ang icha-chat sa akin, rereplyan ko na rin."

I pouted. Nag-isip akong mabuti kung mayroon bang ganoon ang sinabi. Mukhang wala
naman. It's just all "Hi" and "Hello" or "Kumusta" and the likes.

"Hindi rin lahat ng nagtatanong tungkol sa eskwela, iyon lang ang intensyon."

Napaisip ako sa sinabi ni Raoul. Well, he's right. Pwede ngang ipapadaan lang ng
iba roon ang tunay na motibo, hindi ba?

On Friday, gaya ng nakaraang mga araw, maaga ulit ang uwi ko. Kahit pa nasanay
naman ako na hindi kami nagkikita ni Raoul noon kapag Biyernes, I am still looking
forward to it. Dadaan parin ako sa long cut. Hindi man ako sigurado kung nasa
kamalig nga siya o wala.

Katatapos lang ng klase at nag assemble na ang Grade 11 at Grade 12 sa covered


court para sa prom practice. Weekend na bukas kaya naisip kong mas mabuti sana kung
makausap ko si Dixon tungkol doon sa letter niya. Hindi ko kasi siya mahanap na
simula noong Lunes kaya ngayon, sinadya ko na naman ulit sa kanilang classroom.

"Sino kayang pinupuntahan niyan sa kabilang section, e, hindi ba si Gasper hindi


naman taga riyan?"
Nilingon ko ang nagsalita pero dahil dismissed na ang klase at nagsisilabasan na sa
mga classroom ang lahat para sa assembly, hindi ko na makita kung sino ang
nagsasalita.

Hugging the book tightly, I remained standing outside their classroom. Nang may
nakitang babaeng nakatingin ay 'tsaka lang ako naglakas loob na magtanong.

"Si Dixon?" tanong ko.

Luminga linga siya at umiling. Parang nagmamadali siyang sabihin sa akin.

"Hindi, e... Lumabas yata..."

Ganoon ang laging sinasabi ng mga kaklase niya.

"Ganoon ba? Sige, salamat!"

I smiled. Umalis na agad ako roon. Bumaba na at ayaw ko nang magtagal pa. Pababa
ako ay narinig ko ang iilang mga nagsasalita sa taas.

"Umalis na, Dix. Ba't ka ba kasi nahihiya? Ano bang nangyari?"

Kumunot ang noo ko at natigil sa pagbaba. He's there?

Bumaling ulit ako sa hagdanan pataas para makita kung naroon nga.

"Wala pa akong lakas ng loob..." boses ni Dixon ang narinig ko.

Lakas ng loob para saan? Na makita ako? Na kausapin ako? I'm torn between just
doing it and letting him have his pace. Pero kung patatagalin ko pa ito, pakiramdam
ko sa akin parin ang mali. Hindi magbabago ang nasa isip ko. Ayaw kong patagalin pa
kaya hindi na ako nag-alinlangang umakyat pabalik.

Hiningal ako paakyat. Nakita ko si Dixon na kinakausap ng mga kaklase niya. He


looks so stunned when he saw me on their floor. Pati na rin ang mga kaklase niya'y
natahimik.

He blushed so much that I realized I had to take it slow. And probably at least not
in front of his friends.

"Dixon, nandito ka lang pala... Uh, magsosoli sana ako ng aklat... at... pwede ba
kitang makausap?"

Hindi gaya ni Gasper, wala yatang alam ang mga kaibigan niya sa kung ano man ang
isinulat niya para sa akin. Sobrang tahimik nila. Walang hiyawang naganap.
Nagsiatrasan na lang ng tahimik hanggang sa naiwan kaming dalawa.

It took Dixon a while to nod and agree with me. Naglakad siya patungo sa dulo ng
corridors at sumama naman ako.

"Salamat sa pagpapahiram nito. Una kong binasa para masoli mo na talaga sa


library..." sabi ko.

He nodded. Tinanggap niya naman ang libro.

"Noong nakaraan pa kita hinahanap para masoli ko na, pero lagi kang wala kaya...
baka may penalty na 'yan-"
"Okay lang! Okay lang!" agap niya sabay awkward na tawa.

Natawa rin ako pero hindi rin nagtagal ay nagseryoso na. Raoul would be very proud.
Ikukwento ko sa kanya ito mamaya. Na hindi ko na kailangan ang tulong niya. I know
now how to say "no".

"Nabasa ko rin ang letter mo para sa akin," sabi ko.

Napawi ang tawa niya. Unti-unti siyang nag-angat ng tingin sa akin. His eyes were a
bit wary and guarded. Ramdam na ramdam ko ang kanyang kaba.

"Maganda. Magaling kang magsulat ng nararamdaman," I said.

"Th-Thank you..."

"Pero alam mo kasi, Dixon..." sabi ko at nahirapan na ulit.

This will probably never become easy.

"Wala pa kasi sa isipan ko ang pagboboyfriend. Pag-aaral pa ang inuuna ko at..."

"Leil!" agap niya habang pinong hinihingal sa kung ano. "Alam ko naman iyon.
Narinig ko sa iba na hindi mo rin sinagot si Gasper. Naiintindihan ko!"

Nagulat ako roon.

"Kaya nga... medyo kabado ako at iniwasan muna kita... Alam kong ganito ang
sasabihin mo sa akin."

Wow! I did not see that coming. He looked away shyly.

"Kaya nga sinabi kong maghihintay ako, 'di ba?"

Maghihintay. I remember Gasper saying that to me. We still smile with each other
till today. Busy nga lang kaya hindi gaanong nagkakasama na.

Kung pareho silang maghihintay kung kailan ko maiisip na gusto ko sila, paano iyon?
Hindi ba sila mapapagod? Paano kung hindi at magdadaan ang mahabang panahon ng
kanilang pag-asa sa isang bagay na walang kasiguraduhan tulad ng nararamdaman ko
para sa kanila?

"Ayaw kong maghintay ka pa. Unfair iyon. Wala akong maipapangako-"

"Leil!" agap niyang ulit. "Hindi mo naman kasalanan kung maghihintay ako..."

Natigil ako. He laughed shyly again.

"Mas mabuti pa nga si Gasper, kasi pina unlakan mo nang nag-ayang mag date. Ako..."
he smiled and sighed. "Hindi pa nga tayo nakakalabas. Yayayain pa lang kita.
Ibabasted mo na ako?"

Hindi ako nakakibo. Naiintindihan ko naman ang iniisip niya. Maybe he thinks I
never even considered giving him time.

"Kung buo na talaga ang desisyon mo, kahit isang labas na lang, Leil, pumayag
ka..."

Isang labas? Isang date?


"Huh? Kailan naman?" gulat kong tanong.

His face lightened up. Parang nabigyan ko siya ng pag-asa o konting kasiyahan. Ang
pakiramdam na kaya kong ibigay iyon sa kanya kahit pa nasabi ko na ang tunay kon
nararamdaman ay masaya.

"Ngayon!"

"Hindi ba may practice kayo?"

"Ipagpapaliban ko muna. Pwede naman iyon!"

Whoa! But I don't want him to be absent just for it. Lalo na dahil alam kong
seryoso siya sa pag-aaral.

"Pero Dixon, sayang naman-"

"Pwede iyon, Leil. Please... Kahit ngayon lang!" aniya sabay hawak sa kamay ko.

I don't exactly know how he got away with it. Hindi ko nga sana gustong gawin niya
iyon pero nang sinabi niyang magpapaalam naman siya ng maayos sa teacher, parang
mas gumaan ang loob ko.

"Pasensya ka na..." he laughed awkwardly again.

I waited for him in front of the school's gate. Hindi naman siya nagtagal.
Hinawakan ko ang aking shoulder bag at nginitian na siya pabalik.

"Hindi ka naman nagtagal. Saan tayo?" tanong ko.

"Uh... Sa may mga tiangge? Ayos lang ba? Uh... Ililibre kita ng pagkain doon-"

"May pera naman akong konti rito-"

"Hindi na, Leil! Nakakahiya naman. 'Tsaka matagal na kitang gustong yayaing lumabas
para malibre kita kaya huwag mo nang isipin iyon."

I admit it. May pera ako pero hindi na ako makakabili pa ng pagkain. Naubos na
kanina noong snack kaya pumayag na ako sa gusto ni Dixon.

Sumakay kami ng tricycle patungo sa mga tiangge. Naalala ko na 'tsaka lang ako
pumupunta roon kapag nabigyan ni Papa ng pera. Namimili ako ng damit at pagkain
para sa mga tao. Maraming street food doon, gustuhin ko mang bumili, mas inuuna ko
ang ibang mas importante kesa ganoon.

Kaya naman, nang nagyaya si Dixon na kumain kami ng streetfood na libre niya, hindi
ko maitago ang excitement.

Nakatingin ang iilang tindera sa amin. Nahihiya nga ako tuwing naiisip na baka
pagsalitaan ako ng masama at mapahiya ko pa si Dixon. Mabuti na lang at tahimik
lang naman silang nangungutya. Iilang pandidilat at bulungan lang ang na experience
ko, walang harap-harapang nagsasalita. Siguro na rin, nakita nilang may kasama ako
at ayaw nila itong maging hindi kumportable.

So literally, we are the only antagonists of the whole Costa Leona. Ang lahat na
hindi kasama ko sa village, kaibigan nila. Kaya mabuti ang tungo nila kay Dixon
kahit pa magkasama kami at maari siyang madamay sa tingin nila sa akin.

"Busog na busog ako!" sabi ko pagkatapos makakain ng tatlong klaseng streetfood.


Hindi naman talaga ako matakaw. Busog na nga ako sa pangalawa. Kaso lang, niyaya
ako ni Dixon na samahan siya sa pangatlo niya kaya tumikim na rin ako.

Akala ko uuwi na kami, nagkamali ako. Nagpasya si Dixon na tumingintingin muna kami
sa tianggihan. Pumayag naman ako. Lalo na dahil nakakapili ako ng kung anu-anong
gamit nang hindi kinukutya o tinataboy.

Hindi ko alam na ang simpleng ganoong bagay pala ay nakakatuwa. Nakatingin lang
sila sa amin at hindi na ako tinataboy pa.

"Gusto mo ba 'to?" he asked when I stared too much at a flower tie.

Hindi ako kailanman nakapagsuot ng palamuti sa buhok, pampusod man o kahit ano. Ang
sabi ni Papa, dahil ako ang Sugo ng Liwanag, kailangan laging nakababa ang aking
buhok. Hindi rin ito pinuputulan masyado, dinadagdagan pa ng belo kapag araw ng
pagsamba.

"Oo. Ang ganda kasi..." sabi ko.

"Magkano po ito?" tanong ni Dixon sa tindera.

"Bente pesos 'yan," maagap na sagot namna nito.

"Bilhin ko po..." aniya sabay abot agad sa kanyang bayad.

Namilog ang mga mata ko. Pipigilan ko sana pero nakita niya ang reaksyon ko. Agad
niyang tinanggap ang pampusod.

"Huwag na!" agap ko.

"Ayos lang, Leil. Isipin mo na lang na regalo ko ito sa pagsama mo sa akin-"

"Hindi ba regalo na iyong panlilibre mo? Ngayon, binilhan mo pa ako niyan!"

He smiled shyly and opened my hand. Ramdam ko ang panlalamig niya. Nilapag niya sa
palad ko iyon.

"Lulubus-lubusin ko na. Baka next time, hindi mo na ako pagbigyan kaya sige na.
Huwag ka nang tumanggi..." seryoso niyang sinabi.

"Soleil!" isang pamilyar na hiyaw ang narinig ko.

Napabaling ako sa pinanggalingan. Nakita ko si Lola Brosing na may dalang bayong sa


kabilang kamay. Ngumiti ako at kumaway sa kanya. Ngumiti rin si Lola at lumapit na.

"Lola!" sabay mano ko.

"Andito ka pala. Napasyal ka..." sabay makahulugang baling niya sa kasama ko.

"Ah. Lola, si Dixon po, kaibigan ko. Dixon, si Lola Brosing, nanay ni Ma'am Avila."

"Magandang hapon, po!"

"Magandang hapon naman, hijo..." ngiting ngiti si Lola. "Mabuti at pinasyal mo


itong si Leil."

"Lola..." masuyo kong sinabi dahil alam ko na kung saan ang tungo nito.
"Naku! Mabuti nga hong pinaunlakan po ako."

Tumawa si Lola. "Siya... hindi na ako mang iistorbo, ha? Namili lang ako sa
palengke, Leil, para bukas. Hindi ba sabi mo bibista ka lagi kapag Sabado?"

Tumango ako.

"Maiwan ko na kayo, kung ganoon. Mag enjoy kayo sa date n'yo..."

"La!"

"Asus! Itong batang ito. Normal lang 'yan! Sige na... masira ko pa ang porma nitong
si Dixon."

Nagtawanan kami bago tuluyan nang umalis si Lola. To be honest, I had fun. I
actually feel very normal now after that.

Lalo na dahil nang umalis si Lola ay marami pa kaming binisitang tiangge. Nanood
kami ng iilang mga isdang nasa loob ng aquarium. Sinubukan din namin iyong bunutan
at nanalo kami ng chichirya, pero pagkatapos pa iyon ng ilang subok kaya medyo
napagasta rin si Dixon doon.

I enjoyed it so much, actually. I can't believe it.

Papalubog na ang araw nang naglakad kami patungo sa gubat. Doon na ako dadaan dahil
kung sa longcut, gagabihin na ako. Hindi ko rin sigurado kung naroon nga si Raoul
kaya ayos lang siguro ito.

"Salamat!" sabi ko kay Dixon. "Sobrang natuwa ako."

He blushed profusely. Napahawak siya sa kanyang leeg at napayuko. "Masaya ako at


natuwa ka. Pasensya na sa mga libre ko, ha?"

"Naku ano ka ba? Ang swerte ko nga at nailibre mo ako. Dapat sa susunod huwag na.
Nakakahiya. Hindi bale, kung ako naman ang makaipon, ililibre kita. Hindi nga lang
kasing galante ng panlilibre mo..." sabi ko.

"Sasabihin ko sanang huwag na! Pero kung 'yan lang ang paraan para maulit ito..."
he trailed off.

Ngumiti ako nang natanto ang ibig niyang sabihin.

"Gusto kitang kaibigan, Dixon..." tanging nasabi ko.

Sa gulat niya'y nag-angat siya ng tingin sa akin. Our conversation ended there.
Nagpaalam siya at nagpaalam na rin ako.

I feel normal. I feel like these are the things teenagers like me are doing with
their lives. Tama si Raoul, hindi ko dapat pagsisihan ang mga bagay na ikinatuwa
ko. Dapat ay mamuhay ako ng normal, kahit pa hindi normal ang nakatalagang buhay sa
akin.

Iyon ang naging laman ng isipan ko habang nanggagamot. Ilang pahid ng langis at
paghahampas ng mga pinainitang dahon sa may mga lagnat at iba pang sakit, natapos
ang araw ko.

Maaga akong nagising at naligo kahit pa Sabado. Ang sabi ni Papa, aalis daw siya
kasama ang mga kaibigan kaya bahala na ako sa village habang wala siya ng ilang
araw.
"Saan ka naman pupunta, Papa?" tanong ko.

"Basta! Hindi naman sasama 'yang mga tao sa akin kapag hindi utos ng liwanag, hindi
ba?" katwiran niya.

Hindi ko alam kung niloloko parin ba ako ni Papa o nakasanayan niya lang na ganyan
ang gawing katwiran. Ano man ang ginagawa nila, may pagdududa akong para lang iyon
sa kanyang sarili at hindi naman talaga misyong sugo ng liwanag.

Sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon para pumunta sa kina Lola Brosing at
Ma'am Avila. Sa long cut ako dumaan kasi hindi kami nagkita ni Raoul kahapon kaya
umasa akong naroon siya.

Wala siya. Walang tao sa kamalig. Kaya dumiretso na lang ako sa kina Lola Brosing.
Natagalan pa tuloy ako. Inabot ng alas onse y media.

Inayos ko ang buhok ko. Kanina, nang natanto kong walang tao sa kamalig, nagpasya
akong subukan ang pag pusod sa buhok gamit ang bigay ni Dixon. Kaharap ang sapa,
inayos ko ang buhok ko. Maayos naman siyang tingnan, ayon sa repleksyon ko galing
sa bintana ng mga Avila.

"Magandang tanghali, po!" sabi ko nang nakarating na kina Lola Brosing.

Naririnig ko kasi ang mga boses nilang nag-uusap. Mukhang masaya ang araw nila.

Pumasok na ako sa loob. Walang tao sa sala kaya dumiretso na ako sa kusina. Laking
gulat ko nang nakita si Raoul doon, tahimik at seryoso.

"Soleil! Nandito ka na! Kanina ka pa namin pinag-uusapan!"

Sa gulat ko'y hindi ako nakangiti agad. Wala ang kabayo ni Raoul kaya sobrang
ikinagulat ko na naroon siya. Hindi ko inasahan iyon.

"Po? Ano pong pinag-uusapan ninyo?" sabay linga ko sa kanila pero sa huli kay Raoul
ulit bumaling.

He's sitting on his usual spot on the dining table. He's wearing a black v-neck t-
shirt, faded jeans, and even without looking at his feet, I know it's black boots.
The gold fine chain on his neck is beautifully hanging on it. The subtle hint of
bristles on his forearms is leading the way to his brown wristwatch.

Hindi yata talaga ako magsasawa sa nakakasindak kong paghanga... at higit pa... sa
kanya.

"Ano pa? E 'di iyong kahapon!? At iyong nakaraan din. Na hindi mo kinwento sa akin
kasi nagmamadali ka nang umuwi..." tunog nagtatampo na sinabi ni Lola Brosing.

"Leil, ngayon lang kita nakitang nag ponytail. Bagay sa'yo..." sabi naman ni Ma'am
Avila sabay haplos sa mahaba kong buhok.

I smiled and then looked at Raoul. He remained quiet and serious. Tipid ko siyang
nginitian. Naupo ako sa harap niya.

"Ay talagang nagdadalaga na. Maingat na sa suot at ayos, e!" natutuwang sinabi ni
Lola.

"Sinusubukan ko lang po naman itong pampusod. Bagay ba, Lola?" lambing ko.
"Oo naman! May hindi ba babagay sa'yo, hija?"

"Mukha na po ba akong mature na?" sabi ko, pinapangarap ang matagal nang
ipinagdarasal.

"Bakit? Gusto mo nang tumanda na?" si Ma'am Avila.

Uminit ang pisngi ko. HIndi na ako nagsalita pa.

Tumawa si Lola Brosing at tinapik na ang likod ko. Nilapag niya ang pagkain sa
lamesa at naupo na sa tabi ko.

"Naaaliw ka sa marami mong manliligaw, ano?"

"Hindi naman po..." sabi ko.

"Pero masaya ka kahapon?"

Sumulyap ako kay Raoul na nakatitig parin sa akin.

"Uh... Opo. Nilibre po ako ni Dixon. Siya rin po ang nagbigay sa akin nitong para
sa buhok."

"Patingin?" sabay na tiningnan ng mga Avila iyon.

Pagkatapos ng intriga ay naupo na sila at nagsimula na kaming kumain.

"Akala ko ba alam mo na ang gagawin?" si Raoul na sa pagkain na inaabala ang sarili


ngayon.

Bumagal ang pag kuha ko sa kanin sa kakaisip sa tanong niya at isasagot ko.

"Oo."

"Sinagot mo?" tanong ni Raoul.

"Uyy! Si Leil, may boyfriend na!" tukso ni Lola Brosing sabay pindot sa gilid ko.

Tumawa ako at umiling. "Lola naman! Wala po!"

"You agreed to have a date with him yesterday. Kaya ba hindi ka nakauwi ng maaga?"
si Raoul.

Natahimik silang lahat. Si Ma'am Avila ay kunot-noo na tumatango sa akin. Tumikhim


ako. Hindi ko inasahan na itatanong niya iyon. Mas lalong hindi ko inasahan na nasa
kamalig siya kahapon.

"Sinabi ko sa kanya na pagkakaibigan lang ang gusto ko. Pero humingi siya ng pabor
na magkasama kami kahit isang hapon lang. Kaya pinaunlakan ko na..." sabi ko,
inaabangan ang reaksyon ni Raoul na ngayon ay abala parin sa pagkain.

"Naku! Naku! Noong nakaraang Sabado, ha! Ibang lalaki iyon, 'di ba? Ngayong Sabado,
ibang lalaki ulit? Sige nga. Nakita ko naman ang ginawa ninyo kahapon. Magkwento ka
sa nangyari noong Sabado!"

Hiyang-hiya ako. Lalo na dahil inabot kami ng ala una, pinag-uusapan lamang ang
nangyari noong Sabado.

"E 'di sana, sa lips mo na! Sinagad mo na! Babastedin mo rin naman pala!" si Lola
Brosing.

"Mama!" concern na agap ni Ma'am Avila.

"Ay naku, Luz! Ikaw na rin ang nagsabi na alam na ni Leil paano umakto sa mga
lalaki, 'di ba? E, hindi na ito maloloko kapag bata pa lang ay mulat na!" katwiran
ni Lola Brosing.

"Bata pa si Leil, Lola, hindi yata magandang-" si Raoul na agad pinutol ni Lola.

"Ilang taon ka ba sa una mong halik, Raoul?" natatawang tanong ni Lola.

Napatuwid ako sa pagkakaupo. Now all my attention is on him. Ilang taon siya noong
unang halik niya? Sino? Nagkakausap pa ba sila noong babae? Anong naramdaman niya?
Gusto niya ba ang babae? Mahal... niya ba?

"Naku, Lola! Under sixteen, for sure na 'yan!" si Ma'am Avila ang sumagot.

Umangat ang gilid ng labi ni Raoul at umiling, natutuwa sa kakulitan ng matanda.

But I'm here now watching him carefully. Nang nagtama ang tingin namin ay bumalik
ulit sa seryoso ang kanyang ekspresyon.

"Kita mo na! 'Di ba?" katwiran muli ni Lola.

Laking pasasalamat ko nang natapos na ang aming usapan. Ayaw naman talagang tapusin
ni Lola pero ipinilit ko na magdidilig ako ng halaman sa labas para lang matigil na
iyon.

Para akong nakalutang nang pagkatapos ng ilang pasong diniligan ay nakita ko na ang
paglabas ni Raoul sa bahay, palapit sa akin. I wonder if what I'm feeling is still
normal. Hindi naman ganito ang nararamdaman ko sa ibang lalaki. Sa kanya lang
talaga. Sa kanya lang.

"Pasensya na kahapon..." inunahan ko na ang kaba ko.

Sumulyap ako sa kanya. Ang madilim niyang mga mata ay napaka misteryoso. Dagdagan
pa ng mga labing...

"Did you enjoy it, though?" aniya.

Napabaling ako sa kanya. He's looking at the plants. Natunugan ko rin ang kakaibang
tono at pahiwatig sa boses niya pero maaring guni-guni ko lang iyon.

"Oo... Masaya ako," marahan kong sagot.

Hindi siya nagsalita. Kinabahan agad ako. Hindi ko alam kung bakit.

"P-Pero sinabi ko na sa kanya na pagkakaibigan lang din ang gusto ko. Gaya ng sabi
ko noon kay Gasper."

"Bakit? Iyon lang ba talaga ang gusto mo?"

"Oo naman!" mabilisan kong sagot.

Nagkatinginan kaming dalawa. I cannot deny the hope and yearning in my eyes as I
look at him. He looked away, tila ba may nakakapaso o kung ano sa tingin ko.

"You look good in your ponytail..." aniya.


Hindi ko maramdaman ang kamay kong nakahawak sa hose. Hindi ko maalala kung kailan
niya ako napuri ng ganoon. Kaya namang pagkarinig ko sa nasabi niya, para akong
nililipad sa kaba at saya.

I look good, he says! But I am not sure if that's enough for me. I gripped on the
hose tighter.

"Soleil! Andyan ka pala!" sigaw ng iilan galing sa labas ng gate ng mga Avila.

I turned to see who's calling. Namilog ang mga mata ko nang nakita ang tatlong
kaklase kong nakasakay sa bike. Si Jeff, Charlie,at Sharlene ang naroon. Gaya ng
iba, hindi ko naman masyadong close pero hindi rin naman sila masama sa akin.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Sharlene nang nakita si Raoul sa gilid ko.
Immediately, I side stepped unconsciously to protect Raoul from any rumor.

"Uy! Jeff... si Soleil oh!" tukso ni Charlie kay Jeff.

Tahimik na nagsuplado si Jeff kay Charlie. Sharlene smirked. Binaba niya rin ang
bike niya at lumapit na sa gate.

"Dito ka pala naglalagi! At kasama mo pala si Raoul!" walang hiya-hiyang sinabi ni


Sharlene. "Close kayo, Leil?"

"Naku!" I shouted. "H-Hindi! Uh... Hindi..." sabi ko sabay tingin kay Raoul.

Sharlene shamelessly opened the gates. Sumunod naman si Jeff at Charlie roon. Nang
nakita ni Ma'am Avila kung sino ang mga bisita, inanyayahan niya agad kami sa loob.

"Jeff? Jeff ang pangalan noong crush ni Soleil, 'di ba?" anunsyo ni Lola Brosing sa
buong bahay dahilan ng sobrang pagkapahiya ko.

My face heated so bad. Tumalikod ako at pumikit ng mariin. Pagkadilat ko'y si Raoul
agad ang nakita ko dahilan ng mas lalong pagkapahiya pa.

"Nakakahiya!" sabi ko kay Raoul.

His lips parted. His eyes looked calm and sorrowful at the same time... or am I
imagining? Kasi agaran ang pag-iiba nito. Mabilis na hindi ko na mabasa ang kanyang
ekspresyon. May kinuha siyang mga susi sa kanyang bulsa.

"Si Lola talaga!" mas mahinahon kong sinabi.

Nagbabatian na sila ngayon sa sala.

"Leil! Halika na rito! Mamaya ka na magdilig ng halaman! May mga bisita ka pala!"
tukso ulit ni Lola.

Kinagat ko ang labi ko pero unti-unti nang nakakalma. I'm not sure but... Raoul
seems...

"Uuwi na ako..." he said.

"Maglalakad ka lang?" medyo mabilis kong tanong.

"I brought my car..." aniya at nilagpasan na ako para makapagpaalam na sa mga


Avila.
Kabanata 12
Kabanata 12

Love

"Naku! Pumupunta pala iyong gwapong iyon dito, Ma'am Avila?" si Sharlene,
nakikiusyuso na.

Kaaalis lang ni Raoul. Naupo ako sa sala kasama ang mga kaklase ko. Si Jeff at si
Charlie ay parehong nakatingin lamang kay Sharlene na kinakausap si Ma'am Avila.
Classmates kami noong naging adviser ko si Ma'am.

"Madalas siya ngayong buwan dito. Buti napadaan kayo?" ani Ma'am Avila.

Nakita kong nagdala ng panghimagas si Lola. Tumayo ako para matulungan na siya
habang nag-uusap pa sila.

"Oo. Nagbike lang kami kasi boring. E, nakita namin si Leil sa labas kasama si
Raoul. Ang gwapo talaga noon, Ma'am, 'no? Crush 'yon ng Ate ko, e."

Tumawa si Ma'am. Naglalapag ako ng mga baso ngayon. That's a usual thing to hear
about Raoul. Everybody likes him. He's too good looking. Nobody can't ignore that
fact. Hindi lang iyon, magaling din siya sa school at athletic pa. Mabait pa. Kaya
hindi ko masisisi kung bakit sa lahat dito sa Costa Leona, mahilig ang mga tao sa
kanya.

"Ay marami talagang nagkakagusto roon," si Ma'am Avila. "Kahit nga iyong anak ng
Mayor doon sa syudad, hindi ba?" si Ma'am Avila naman.

Nagsasalin na ako ng juice sa mga baso nila. Nanatili akong seryoso at tahimik
kahit pa marami akong naririnig sa kanila.

"Oo! Ang sabi, tipo raw noong si Raoul iyong mga matatangkad at sexy! Naku! May
ipinakita si Ate ko na ex niya noon. Grabe! Modelo! Nakikita sa mga commercial sa
TV. Naka bikini pa nga iyon, e!"

"Ay, oo! Kilala ko 'yon," ani Ma'am Avila.

"Tapos, nasabi rin ni Ate na mahilig talaga iyon sa mga mature type na babae. Hindi
lang sa pisikal na anyo, pati na rin sa istilo. Iyong tipong independent. Kaya nga
sabi ni Ate, wala siyang pag-asa roon, e. Lalo na mas bata siya ng isang taon kay
Raoul. Sabi hindi siya papansinin noon kahit tingin lang."

Tumawa si Ma'am Avila. "Ewan ko ba sa batang iyon. Ang dami rin talagang humahanga
sa kanya kumpara sa ibang kilala kong anak mayaman dito."

Ibinigay ko ang mga baso ng juice sa mga kaibigan ko.

"Sayang at umuwi na, hija. Sana inimbita mo rin ang Ate mo baka sakaling mapansin
na siya ni Raoul kapag nalagi rito..." ani Lola kay Sharlene.

"Salamat, Leil," ani Charlie at ni Jeff pagkatapos kong ibigay ang juice.

Naupo ako sa silya at tiningnan na lang ang brownies na nasa hapag. Kumuha si
Charlie at Jeff doon. Nanatili parin ang mga mata ko roon.

"Oo nga. Baka abala. Alam mo naman, Ma... daming trabaho noon. Siya yata ang
mamumuno sa Riegosteel at pati na rin sa iyong sa hinahawakan ni Ares ngayon."
"Oo nga raw. Balita ko kasi, iyong anak ni Ares nagtayo raw ng ibang kompanya."

"Ang alam ko, si Hades na rin ang mamamahala ng Vesarius, e. Kaya nga rito muna si
Raoul para sa Riegosteel, 'di ba? Kasi si Hades ang nasa Maynila."

"Ang tahimik mo, Leil! Ang swerte mo nga nakakasama mo 'yong si Raoul kahit hindi
kayo close."

Napatalon ako sabay tingin kay Sharlene.

"Naku!" sabay pahisteryang tawa ni Lola Brosing. "Natatameme lang 'yan. Nandito
kasi ang crush niya! Ehhhh!"

"Po?!" Uminit ang pisngi ko at umiiling na kay Lola.

"Sus! Kunwari ka pa..." tapos makahulugan ni Lola na tiningnan si Jeff.

"Mama, huwag mo namang ipahiya si Leil. Sige na. Magmeryenda kayo," si Ma'am Avila.

"Crush mo si... Jeff... Leil?" natatawang sinabi ni Sharlene.

Napasulyap ako kay Jeff. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mga mata. Umiling agad
ako pero nalunod na iyon sa ingay ng hiyawan nilang lahat.

"Huwag kang mag-alala, Leil! Secret lang natin 'yan!" si Sharlene na tila ba ang
tanging motibo ay ang mang-usisa ng kung anu-ano.

Umiling ako kay Jeff. Nakatingin ito sa akin ngayon. Hindi ko nga lang alam kung
tama ba ang pag-iling ko. Baka isipin niyang ayaw ko naman sa kanya? O ganoon ko
siya ka ayaw para ilingan ng ganito?

"Ayos lang 'yan. Tama na, Charlie. Nahihiya na si Leil. Huwag mo nang asarin!"
saway ni Ma'am Avila sa kanina pa naghihiyawan na si Charlie at Sharlene.

"Ayos lang 'yan! Ako rin naman may crush! Normal lang 'yan!" sabi ni Sharlene.

"Oo. 'Tsaka ito rin naman si Jeff, Leil, eh... crush-"

Tinakpan ni Jeff ang bibig ni Charlie. Humagalpak naman sa tawa si Sharlene sa


asaran nila. Pulang pula si Jeff habang halos sakalin na si Charlie. Charlie isn't
hurt, though. He's even laughing and swearing he won't say anything again.

Natawa na lang ako sa kanila. Kumuha ako ng sariling juice at uminom na rin.
Nagpatuloy kami hanggang sa hindi ko na namalayan ang oras.

Hindi ko nga lang alam kung hindi ko ba namalayan ang oras dahil masaya ang usapan,
o dahil may iniisip ako tuwi-tuwina.

"Uuwi na po kami, Ma'am... Salamat sa meryenda at kwentuhan," si Charlie sabay kuha


sa kanyang bisikleta.

Tahimik akong sumama sa kanila. Iniisip kong uuwi na rin ako at sasabay na ako sa
kanila.

"Sige! Isabay n'yo na si Leil. O kung ayos lang, ihatid ninyo sa may gubat..." si
Ma'am.

Nilingon ko sila.
"Syempre, po!" si Jeff ang maagap na nagsabi.

Naghiyawan ulit si Sharlene at Charlie dahil sa sinabi ni Jeff. Nagkibit lang ng


balikat si Jeff at pinatayo na rin ang bisikleta.

"Huwag na lang tayong mag bike para mas mahaba ang oras sa paghatid. Ayos lang?"
panunukso ni Charlie.

"Hindi n'yo naman ako kailangan nang ihatid..." banayad kong sinabi.

"Leil! Sige na. Ayan na, oh. Mga kaibigan na rin 'yan kahit pa hindi kayo madalas
magkasama..." ani Ma'am.

Now that she said it, I realized it's true. Hindi naman kailangan talaga ng label
sa magkakaibigan para malamang kaibigan mo nga. Kapag lang magkasama kayo at may
pag-aalala sa'yo, kaibigan na ang tawag doon.

I have been so excited to earn friends. True friends. Like Pinky... and some other
people. Hindi ko maintindihan kung bakit ngayon, parang binalewala ko siya.

"Salamat sa paghatid, ha?" sabi ko kahit na kalagitnaan pa lang ng paglalakad


naming apat.

"Dapat nga sumakay ka na lang sa bike ko para hindi ka na mapagod kakalakad..." si


Jeff sa aking gilid habang nakahawak sa manibela ng kanyang bike.

Si Sharlene at Charlie ay nasa likod namin. Nagtatawanan at may kung anu-anong


biruan.

"Hindi na. Baka mabigatan ka lang..." sabi ko.

He smiled. "Hindi naman ako ganoon ka hina, Leil..."

I simply smiled back. Ito ang isa sa bihirang pagkakataon na hindi ko inisip ang
pagsasalita. I always want to start a conversation with friends... or just
potential friends. Pero ngayon... wala akong ibang maisip.

"Dito ka na?" ani Jeff at tumigil na siya.

Nagpatuloy ako sa paglalakad. Nagulat na lang ako nang tama si Jeff at dito na pala
dapat ako. Nilingon ko ang malayong kanan, kung nasaan ang long cut na madalas kong
puntahan. It's already four thirty. Gagabihin ako kung sa long cut ako dadaan. Ang
araw ay umaamba na sa paglubog at nagiging kulay kahel na dahil sa katandaan.

Nilingon ko silang tatlo. Nakangising kumakaway si Sharlene habang patuloy na


inaasar ni Charlie. Jeff remained standing with his bike on both hands.

"Mag-ingat ka..." ani Jeff.

Tumango ako at muling tiningnan ang kanluran, kung nasaan ang umaambang palubog na
araw... kung nasaan ang long cut na dapat kong daanan... dahil gusto ko... lalo na
ngayon.

But is Raoul in the barn house anyway? Baka wala? Kung dadaanan ko na lang din ang
kamalig galing gubat? Pero gagabihin na ako, paano kung may mga baboyramo?

I sighed. Ngayon pa lang magdedesisyon na sa gubat na lang. I can deal with one
whole day, tomorrow, without him, right?
I was right. Pagkauwi ko, nagpahinga na ako at nanggamot na rin pagkatapos. Sa
Linggo, kung hindi ako nagbabasa ay kinakausap ko naman ang kambing.

"Umuwi siya kahapon. Hindi naman unusual, 'di ba?"

Naaalala ko na may mga panahong nauuna siyang umuwi galing kina Ma'am Avila, normal
lang siguro iyon.

"Pero kasi... may kung ano sa mga mata niya..." sabi ko.

Humiyaw ang kambing. Nilingon ko ito habang hinahagod ang likod.

"O baka guni-guni ko lang iyon. Gusto ko lang maging apektado siya... Tama. Guni-
guni lang iyon."

Humiyaw ang ulit ang kambing.

"Alam mo ba... Ang sabi ni Sharlene at Ma'am Avila, mahilig daw si Raoul sa mga
matatangkad, sexy, at mature na babae."

I smiled. I remember my thoughts when I was younger. Raoul Riego waiting for his
bride to come to him. Anticipating his wife's "I do"... and at the same time not
wanting the ceremony to end.

Pinikit ko ng mariin ang mga mata ko. Damang dama ko ang sakit para roon. Kinunot
ko ang noo ko at hinawakan ang aking dibdib, diretso sa puso.

I know I questioned so many traditions and I know the truth. But I believe that
someone out there can hear me. My heart is aching, maybe it's sick. Please heal it
and take all the pain away.

Ayos lang mangarap, Leil. Pero sana kayanin ng puso mo kung sakaling nasa harap mo
na ang totoo.

Monday went smoothly at school. The usual rumors about me hypnotizing people did
not surprise me anymore.

"Hay naku! Eto na pala iyong ipinalit ni Gasper sa akin? Syempre, witch, e. Hindi
ba ang mga witch, kunwari maganda? Kunwari mabait? Kunwari nangangailangan ng
tulong?" si Nellie nang dumaan ako sa canteen para bumili ng juice.

Nagtawanan ang lahat. Nasulyapan ko pa ang iilang kaibigan ni Gasper sa kabilang


lamesa. Nilingon lang nila ako. Nakita ko rin si Pinky na malungkot akong
tinitingnan. Ngumiti ako sa kanya.

Napatingin si Nellie sa banda nila. She's a beautiful grade 12, kasali sa cheering
squad at ang straight at mahabang buhok ay pinupuri ng lahat. Humalukipkip siya.

"Akala niya naman may kakampi siya. Walang kakampi 'yan. Mga kulto lang kakampi
mo..." ani Nellie sabay tawanan ulit.

Yumuko ako at kinuha na ang juice na para sa akin. Nagmadali agad akong umalis doon
kahit pa patuloy ang pangungutya ng mga schoolmates ko. Sumulyap ako kina Pinky na
nagpatuloy na lang sa pagkain habang panay ang masasakit na salita ni Pinky.

Naupo ako sa ilalim ng puno, sa madalas kong inuupuan noong nakaraan. I smiled when
I realized I wanted to talk.
"Sayang wala ang kambing dito..."

I can't wait to see Raoul later and tell him about it. I will tell him about
Nellie. Sasabihin ko rin sa kanya na naroon sina Pinky at iba pang kaibigan ni
Gasper. Malungkot ang mga tingin nila sa akin. I wonder if friends in real life are
very alike with the friends in novels? Sa mga nobela kasi, ang mga kaibigan ay
tagapagtanggol din kapag inaapi. Ganoon din kaya sa totoong buhay.

If Pinky's in trouble, I will definitely help her. But then we are not all the
same, right?

Sa hapon, nagpractice ulit sila ng para sa prom.

"Sayang, hindi ka ba talaga makakasama?" tanong nI Jeff sa akin habang nagliligpit


na ako ng gamit.

Umiling ako. "Hindi ako pinayagan ni Papa, e."

Tumango siya. "Sayang talaga..."

Naglakad ako pauwi. Kahit na ganoon, nabuhayan naman ako ng loob. For some reason,
I feel happier going home now that going to school.

Masaya kong tinahak ang daan hanggang sa nakarating ako sa sapa. I ponytailed my
hair. I remember Raoul telling me that my hair is nice that way so I did it again.

Natigilan ako nang nakita ang payapang kamalig. Walang kabayong nakatali at wala
ring mga gamit sa lamesa at upuan.

Mabagal akong naglakad patungo sa kamalig para makita ng husto kung may tao ba o
wala.

"Raoul?" tawag ko.

Nobody answered. Baka na late lang? Masyado ba akong maaga?

Ibinagsak ko ang aking bag sa lamesa at naupo na sa isang silya. I took my notebook
out and started making some of my assignments. Habang nag-aantay ako, at least
productive.

Huni ng mga ibon at lagaslas lang ng tubig ang naririnig ko. Paminsan minsan, may
tunog ng mga halamang nasasagi. Nilingon ko iyon, tingin ko'y baboyramo o ano.
Isang oras at kalahati, wala parin siya.

Bigo kong sinarado ang aking ballpen. Ano kayang nangyari? May problema sa planta
nila? O baka may lakad siya? Wala naman siyang sinabi sa akin.

Alas kuatro y media nang sumuko ako para sa araw na iyon. There's always a first,
right? Sa buong buwan na ito, ito pa lang ang unang hapon na wala siya rito. Siguro
may ginawang importante lang.

But for Tuesday, it's all the same. Ang kaibahan lang, alas singko na akong umalis
dahil nagsisi ako kahapon. Bakit kasi ang aga kong umalis noong Lunes? Baka
dumating siya pagkaalis ko?

I sighed. Binagsak ko ang aking bag sa tabi ng kambing pagkauwi. Madilim na at


kulay lila na ang langit dahil lubog na ang araw.

"Asan kaya siya?" tanong ko sabay yakap sa aking mga tuhod.


For Wednesday, all the hurtful words are the same.

"Bakit wala kang sinasabi?" sabay harang ni Nellie sa akin sa corridor nang
hinayaan ko siyang magsalita ng masama, hindi pinapansin.

"Wala naman akong ginagawang masama."

"Hindi ba binasted mo raw si Gasper? Ano ka, siniswerte? Ganda mo 'no?"


sarkastikong sinabi ni Nellie.

"Hindi naman siguro kasi tama na sagutin ko siya kung hindi naman talaga ako
interesado."

"Ang kapal mo naman! Wow!" sabay tawa niya at ng kanyang mga kaibigan.

"Nellie!" si Jeff sa aking likod.

Umalis ang mga kaibigan ni Nellie nang nakita si Jeff. Huminga ako ng malalim at
malungkot na nagpasalamat na lang sa kaibigan.

"Sorry sa abala, huh..."

"Bakit ka nagsosorry? Ganoon naman dapat talaga!" giit niya.

Ngumiti ako at tumango.

"Gusto mo labas tayo para mawala ang lungkot mo?" si Jeff.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Ngumisi ako at umiling na.

"Huwag na. May practice pa kayo."

"Ipagpapaliban ko muna!" aniya.

Ngumiti ako. "Huwag na, Jeff. Kailangan ko na rin kasing umuwi."

The only thing on my mind now is to plan how to wait for Raoul. Inisip kong tuwing
kasama ang kambing, lagi ko siyang nakikita kaya isasama ko ang kambing ko. Baka
good luck iyon.

"Kung ganoon, sa Sabado?" determinadong sinabi ni Jeff.

"Pupunta ako kina Ma'am Avila, e."

"E 'di pupunta rin ako. Doon na lang tayo magkita?"

"Hmm. Okay..."

Bigo akong umalis sa school.

For Wednesday, dumaan ako sa kamalig at umuwi na. Wala si Raoul doon pero iniba ko
ang paraan ng paghihintay ko. Kukunin ko ang kambing galing sa amin bago babalik ng
kamalig para mag-antay.

It's five thirty in the afternoon when I decided to go home. Kabado na ako... sa
nangyayari.

Wala si Raoul. Siguro tatanungin ko si Ma'am Avila bukas kung busy ba ito?
I remember his eyes again, the last time I saw him. My heart hurt a bit. I shrugged
it all off and continued my daily routines.

"Hindi ko alam. Baka sa Sabado nasa bahay din. Bakit? Anong problema?" tanong ni
Ma'am Avila.

Muntik ko nang makalimutan na wala nga palang alam si Ma'am at Lola tungkol sa
pagkikita namin ni Raoul sa kamalig. Hindi nila alam bakit ako naguguluhan sa
unusual na nangyayari ngayon.

"Leil, nga pala... I have been... tracing your family members..." ani Ma'am Avila.

Ngumiti ako. Nagpapasalamat na talagang may malasakit si Ma'am sa akin. Gusto niya
na talaga siguro akong makawala sa village.

"Talaga palang nag-iisa ang pamilya ng Nanay mo sa Iloilo, 'no?" bigo niyang
sinabi.

"Iyon ang sabi ni Papa sa akin."

"Akala ko'y nagsisinungaling ang Papa mo. At dahil ulila rin ang Papa mo, wala rin
siyang kamag-anak. Kahit distant relative, wala akong mahanap."

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy na lang sa mga araw. Thursday is also the
same. Nothing changed.

Panay ang tapon ko ng bato sa sapa. Wala parin si Raoul. For Friday, may ideya na
ako. Hihintayin kong matapos ang practice sa prom bago umuwi. Tutal ay naaaliw
naman akong tingnan silang nagpapractice, at least hindi ako nababagot.

"Maghihintay ka?" tanong ni Jeff nang napansin ang kawalang gana kong magligpit ng
gamit.

Tumango ako.

"Sige! Ihahatid kita sa uwian mo. Basta hintayin mo ako, ha?" determinado niyang
sinabi.

I agreed to that. It's fine that way, anyway.

Nangingiti ako habang nakatingin sa practice nila. Sayawan at kantahan ang


nangyari. How nice it is to be included there, huh? But if I have a chance to
choose right now... which is more important for me? Iyong... eto... or iyong
ganoon?

Bakit mas gusto ko na lang...

"Leil!" sigaw ni Ronald nang nakita akong nag-aantay.

"Hello!"

"Ang tagal nating hindi nagsabay. Buti naghintay ka ngayon!" si Ronald.

Ngumiti ako.

"Ako ang hinihintay niya, Ronald..." singit naman ni Jeff ngayon sabay masamang
tingin kay Ronald.
Natawa ako nang natahimik silang dalawa. "Ayos lang. Pwede naman siguro tayong
magsabay tatlo..."

Iyon nga ang ginawa ko. While walking, isa lang din ang naisip ko: sana nandoon
siya. Please. Limang araw ko na siyang hindi nakikita.

Halos wala ako sa sarili habang naglalakad at nagkukwentuhan kami. Hindi ako halos
makasabay.

"So bukas, Leil, ha? Anong oras ka ba madalas kina Ma'am Avila?" si Jeff pagkatapos
namin magpaalam kay Ronald.

"Uh... Siguro... mga alas nuebe. Depende sa... gising ko..."

"Anong oras ka naman uuwi?" aniya.

"After lunch? Baka..." sabi ko, hindi parin sigurado sa mga sinasabi.

"Ayos ka lang ba?" tanong ni Jeff na nagpagulat sa akin.

Ngumiti ako. Overacting na naman.

"Ayos lang!" sabi ko sabay tigil dahil nasa daanan na ako patungo sa kamalig.

Tumitig siya sa akin. For a moment, I think I saw Raoul in his eyes. The way he
fell silent, weighing my thoughts and my eyes. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.
Parang pinipiga ang puso ko.

Lumapit siya sa akin at hinawakan ang aking pisngi. Ngumuso ako. That is not
something Raoul would do. I don't think he'll hold me... or even try.

"Ayos lang ako..." ulit ko sabay tawa kahit na hirap na hirap na.

Kinagat ko ang labi ko nang naramdaman ang pag-iinit ng gilid ng aking mga mata.
Jeff pulled me closer to him. Wala akong naging lakas para magprotesta o kahit ano
pa.

It's been five days. Six, including this one. Please... be there.

Are you mad at me? Are you angry? Hindi na ba tayo magkikita? Kahit pagpapaalam na
lang?

Pinalis ko agad ang naglandas na luha sa aking mga mata. Ganoon din ang ginawa ni
Jeff. Kitang-kita ko ang pag-aalala niya.

Narinig ko ang kabig ng mga nagsidatingang kabayo. Sa takot at kaba ay isang hagip
kong pinunasan ang mga luha ko at bumaling na sa kalsada. Zamiel Mercadejas and his
friends maneuvered their horse behind the bars between the two big lands of the two
biggest families in Costa Leona.

Nagtagal ang tingin ni Zamiel sa akin. Pagkatapos sakin ay kay Jeff naman. Tumigil
ang kanyang kabayo malapit sa amin. Lumagpas naman ang mga kaibigan nito. Inisa-isa
ko, wala roon si Raoul.

Magtatanong sana ako, kung hindi lang nanginginig ang labi ko. At kung hindi niya
lang din pinaliko na ang kabayo.

Hinawakan ni Jeff ang kamay ko at hinarap niya ako para palisin pa ang luhang
natira. Zamiel's horse neighed before sprinting towards their land.
Bumaling ulit ako sa kanilang dinaanan.

"Ayos ka lang ba talaga, Leil?" ani Jeff. "May problema ba sa inyo?"

Umiling ako. "Wala naman, Jeff..."

Hinarap ko siya nang tuluyan nang nabigo dahil wala na sina Zamiel at mga kaibigan
niya.

"Magkita na lang tayo bukas kina Ma'am Avila," sabi ko.

At gaya ng mga nagdaang araw, bigo parin ako sa Biyernes.

I regret so many things. I regret not being able to tell him how much I treasured
our moments together. I regret not thanking him for the friendship. I regret it.

Sa mga panahong naging abala ako sa kanyang cellphone, imbes na titigan siya.
Nagsisisi ako. Nagsisisi ako ng husto.

Sa kamalig din ako dumaan nang nag Sabado. Baka sakali lang naman pero bigo ulit
ako.

Naroon na si Jeff kina Ma'am Avila. The usual jolly Avilas were already cooking our
lunch when I came. Tahimik ako sa kusina habang nakatingin sa likod ni Ma'am.
Nakaupo si Jeff sa silyang madalas inuupuan ni Raoul.

"Ang tahimik ni Leil, ah!" maligayang tukso ni Lola Brosing.

Sumulyap si Ma'am Avila sa akin. Tumuwid ako sa pagkakaupo.

"Syempre, andyan crush niya!" ani Lola sabay gulo sa buhok ni Jeff.

Nagtawanan si Lola at Jeff. Ngumiti na lang din ako, hindi na binawi. Nawawalan na
ng lakas.

"Lola naman. Huwag mo po kaming tinutukso... nakakahiya kay Leil. Hindi naman po
'yan totoo..." ani Jeff.

"Anong hindi? E, inamin niya sa amin!" ani Lola.

Pumikit ako at natawa na lang.

"Mama, ha! Tama na 'yan. Pinapahiya mo na ang anak ko!" si Ma'am Avila naman.

Iniba ko na lang ang usapan. Tinanong ko si Jeff kung tapos na ba siya sa kanyang
proyekto. Mabuti na lang at nakisabay na rin naman si Lola. Wala namang sinabi sina
Lola at Ma'am tungkol kay Raoul kaya sana wala namang masamang nangyari rito o sa
kanilang pamilya.

Pero kung meron man, aabot talaga sa amin ang balita. We are squatting on their
lands, after all. Any information about them is a bit essential to the villagers.
Nasisiguro kong walang masamang nangyari.

"Mamayang alas dos, gusto mo, pumunta tayo sa bahay namin? Pasyal ka lang?" ani
Jeff sa akin habang tinutulungan na namin si Lola Brosing sa mga kubyertos.

"Uuwi na ako pagkatapos ng tanghalian, siguro, e..." sabi ko.


I am not losing my hopes. Uuwi ako at maghihintay sa kamalig. Siguro, kukunin ulit
ang kambing. He's a good luck, right? Sabado ngayon. Mas malaki ang chance na
naroon siya.

"Ganoon ba? Sayang naman. Pero... sige... ihahatid ulit kita?"

Pumayag na ako sa alok ni Jeff. Nakakahiya nga kasi talagang buong oras ng pagkain
ay wala ako sa sarili ko.

Nakatingin na si Ma'am Avila sa akin habang tinutukso ni Lola si Jeff.

"Mahal na mahal ko itong apo ko. Kung magyayaya ka ng date, daan ka muna sa amin ni
Luz, hijo! Naku! Hindi kami istrikto pero kailangan mong rumespeto!"

Tumawa si Jeff. "Syempre, Lola..."

Sinubo ko ang panghuling kutsara ng pagkain ko bago binitiwan ang mga kubyertos.
Nag-angat ako ng tingin kay Ma'am Avila.

"May problema ka ba?"

Natahimik si Lola at Jeff. Napawi ang ngiti ni Jeff doon. Siguro ay naalala ang
pag-iyak ko kahapon.

"Wala naman po..." pagsisinungaling ko.

"Leil, anong problema sa inyo? Papa mo?"

Umiling ako. "Wala naman si Papa, Ma'am..."

"Kung ganoon, ano? Gusto mong sumali sa prom? Malapit na iyon, ah."

"Hindi naman po, Ma'am. Ayos lang na huwag na."

"Gusto mo ako na ang kakausap sa Papa mo?"

So the rest of the hour was spent that way. I'm convincing all of them that I'm
really okay. Mabuti naman at sa huli ay nakumbinsi kahit paano.

"Leil, alam kong may problema ka..." ani Jeff nang tahimik kaming naglakad na
patungo sa gubat.

Doon ako dadaan pauwi bago ko kukunin ang kambing. Ala una pa lang. Saktong alas
tres ang magiging oras pagkadating ko mamaya sa kamalig, kasama ang kambing.

"Wala, Jeff. Totoo!" mas maligaya kong sinabi.

"Hindi ba sinabi mong magkaibigan tayo? Nagsasabihan ng nararamdaman ang


magkaibigan, Leil..."

Hinarap ko siya. Seryoso ang kanyang mga mata. Umihip ang pangtanghaling hangin sa
gitna naming dalawa.

Natuturuan ba ang nararamdaman? If I tell myself to like someone, will I like him
eventually? Like... not in a friendly way... something different. Something like...
what I'm feeling for Raoul.

What is it?
Love?

Like those of love novels? Kaya bang turuan ang puso na magmahal ng iba? Can we
control it?

"Ayos lang ako. Medyo malungkot lang... Iyon lang."

"Kung ganoon, bakit?" tanong niya.

Hindi ko alam kung bakit kahit na itinuturing kong kaibigan si Jeff, hindi ko
masabi-sabi sa kanya ang nararamdaman kong ito. Wala akong takot na malaman ito
kahit nino. Pero wala rin akong planong ipagsabi. It's very personal. Very private.
I almost don't want to tell myself that, even. So why will I tell someone else?

Kung si Raoul kaya? Kung siya ang kaharap ko... masasabi ko ba?

Nag-angat ako ng tingin. Sa puso ko, tanaw si Raoul kahit pa hindi naman. Wala
naman ito rito.

"Ako rin nalulungkot..." dagdag ni Jeff.

"Bakit?" medyo nag-aalala kong tanong.

He looked away. Hinanap ko ang mga mata niya.

"Hindi mo ako tinuturing na kaibigan. Hindi ka nagtitiwala sa akin, Leil."

"Hindi ganoon 'yon, Jeff..." sabi ko sabay hagilap sa kamay niya.

Napababa ang tingin niya sa kamay kong nakahawak sa kanya.

"Huwag ka sanang magalit. Magiging okay din ako sa Lunes, Jeff. Pasensya na
talaga..."

Nagpaalam na ako at tahimik nang naglakad pabalik sa village. Pagkarating ko roon,


naligo muna ako para mahimasmasan bago kinuha ang kambing at nagsimula nang
maglakad patungong kamalig.

Tama ang kalkulasyon ko, alas tres nang natanaw ko ang kamalig. Alas tres din nang
nakita kong may tao nga roon.

Maingay sa tawanan at tubig na nagsasabugan. Kinabahan agad ako. My heart is


beating so fast and hard that my hands are sweating. Hindi ko maayos ang hawak ko
sa lubid ng kambing.

Malayo pa lang ay tuloy-tuloy na ang hiyaw ng kambing. Mas lalo akong kinabahan.
Lalo na nang natigil ang tawanan dahil sa ingay.

Zamiel Mercadejas, Raoul's closest friend got out of the water. His eyes remained
on me.

Luminga-linga ako. I counted the horses available. There were three. Si Zamiel, ang
kapatid nito na nasa likod lang ang nakita ko. Sigurado akong narito si Raoul!

Hindi ako nahiyang pumagitna sa kamalig at sapa. Nilingon ko ang kamalig at nang
nakitang ibang Riego ang lumabas, para akong bahagyang na dismaya. But... no... I'm
sure he's here.

"S-Si... Raoul?" tanong ko sa palapit na Zamiel sa akin.


He eyed me warily for a moment. He reminds me of Raoul so much. But I'm not sure...
I think Raoul reminds me of everyone.

Umahon din ang isa pang Mercadejas. Nakita ko ang pagtingin niya sa kambing.
Humiyaw ang aking kambing habang naghihintay ako ng sagot.

"Wala siya rito. Nasa Maynila. Umuwi sa girlfriend niya. Nabagot dito. Baka 'di na
babalik. Bakit?" ani Zamiel sa akin.

Napaatras ako roon. Hindi ba sinabi niyang wala siyang girlfriend? Pero kung
nagkaroon siya sa gitna ng mga araw na iyon, ano ngayon? Baka nag kagirlfriend siya
sa gitna ng mga araw na iyon. Sigurado ako.

"Bakit mo siya hinahanap?" ulit ni Zamiel.

Nag-iwas ako ng tingin. Umiling ako at umatras muli. My heart is aching and
bleeding so bad. Memories of my own imagination and some facts washed through me.

Iyong paghihintay ni Raoul sa kanyang bride. Ang saya at anticipation niya. At ang
nangyari sa kamalig noon. Iyong napanood ko. Halikan na parang walang bukas.
Passion that's burning so bright it hurts.

"Hindi na kita iiwan dito. I'm sorry I left you for that small town. It's all for
business..." I can hear his thick voice saying that to his tall and sexy woman.

I can imagine that woman sporting stilletos and edgy dresses, with a ponytail high
up, gaya ng gusto niya sa buhok ko.

"I love you. You are all that's important to me."

Parang gripo ang mga luha ko. Wala na akong tiningnan ni isa sa kanila. Tinalikuran
ko na silang lahat, kasabay noon ang pagtanggal ko sa pusod sa aking buhok. No
ponytails for you, Leil!

Sumabog ang umaalon kong buhok. Kasabay ng pag ihip ng napakalakas na hangin.

Kung noon, hahangaan ko ang babaeng papakasalan niya, ngayon... nagdidilim na ang
pananaw ko. I don't know what have I become. Kung sino man ang magustuhan niya,
hindi naman kasalanan ng babaeng iyon. I should be happy for them. For him...

Pero napakasama ng puso. Hindi marunong makisaya para sa ibang pusong nagsasaya.

Hirap akong tumakbo dahil sa kambing na dala pero ginawa ko parin. I can hear my
goat's strained cries. Kasabay ng pagtulo ng mga luha ko. Sa huli, nagsisi ako kasi
ganoon ang pagtrato ko sa kambing.

Sa huli, lumuhod ako at tumigil na sa paglalakad habang niyayakap ang natatangi at


matagal ko nang kaibigan.

Kabanata 13
Kabanata 13

Promise

Marahan at tahimik na tumutulo ang mga luha ko. Pumikit ako. The smell of incense,
flames, and heated leaves filled my nose. The croon and slow worship of the
villagers were the only thing I can hear right now.
Lahat sila'y nakayuko bilang paggalang sa akin. May hindi man, hindi naman
nakatingin sa akin. Hindi nila malalamang umiiyak ako dahil doon. Ganoon naman
lagi. Swerte lang na wala si Papa ngayon. Kung nandito siya, hindi na iyon
magtatanong kung bakit ako umiiyak. He will claim that my tears are holy and the
light is crying for all of them.

Maari niya pang ihalo ang aking luha sa langis at ipagbili sa mga tao.

Pinalis ako ang mga luha ko. Mabigat ang aking puso pero nakaramdam ako ng ginhawa
pagkatapos maluha. Iginala ko ang mga mata sa mga taong nakayuko. Ang puting lamesa
sa harap ko ay puno ng kung anu-ano. Kandila, langis, tubig, mga dahon, at iba pa.

Ang belo sa aking buhok ay nakapatong. Hanggang sahig iyon sa haba. This is the
life I live in. Very, very far from the life of other normal people. Very different
from him.

Hindi na kailangang isipin pa kung bakit mas lalo lang akong nabigo.

Pagkatapos ng panggagamot ay kumain na ang mga tao. Nanatili naman ako sa loob ng
bahay namin. Ngumuso ako at tiningnang mabuti ang hourglass. Binaliktad ko ito nang
naubos na ang buhangin sa taas.

Time moves slow everytime I'm sad. Kapag masaya, parang hinahabol sa bilis. Kaya
naman hindi ko namalayan na nagdaan na pala ang panahon. Ang isang buwan. Simula
noong nagkaroon kami ng interaksyon ni Raoul.

Hindi ko man lang na pahalagahan ang bawat araw ko nun. Sa sobrang saya ko,
nakalimutan ko nang mag-isip na maaaring iyon ang mga pinakamasasayang araw ko.

For Monday, I did the usual thing. Malungkot at medyo nanghihina nga lang. Nakita
ko kaagad si Jeff pagkapasok ko pa lang sa gate ng school. Sabay na kaming pumunta
ng classroom habang nagku-kwentuhan.

"Sayang talaga at wala ka sa prom. Hindi mo ba naitanong ulit ang Papa mo?"

Umiling ako. "Ayos lang naman, e. Gabi na rin kasi 'yon. Mahihirapan na akong umuwi
sa amin."

He sighed. Tumigil kami sa harap ng aming classroom.

"Iba parin ang pakiramdam kung kasama ka sa prom, Leil," si Jeff.

I want to assure him that it will be fine. He has a lot of friends so he can enjoy
with them. Kaya lang, nagulat ako nang lumapit si Dixon sa amin. Nagkatinginan sila
ni Jeff. Jeff looked at Dixon with sharp eyes. Si Dixon naman ay tila nahihiyang
lumapit kaya sa akin na lang siya bumaling.

"H-Hi, Leil! Uh... May i-susuggest lang sana ako na libro... sa'yo. Gusto mo?"
sabay lahad niya ng isang libro na sa pamagat pa lang, nahuhulaan ko nang fantasy.

"Sige ba! Babasahin ko 'yan... Kaso... baka ma late mo na naman 'yan sa pagsoli.
May penalty pa naman."

"Ah! Hindi ito sa library galing. Binili ito ng Tita ko sa Iloilo kaya kahit na
matagalan ka sa pagbabasa, ayos lang..."

"Oh?"
Tinanggap ko ang aklat. Mabigat ito at agad akong naengganyo.

"Series 'yan. Bale, may susunod pang book. Binabasa ko ngayon 'yong book 2 kaya
ipapahiram ko sa'yo 'yon pagtapos na ako."

"Sige ba!" sabi ko sabay ngiti.

Bumaling ako kay Jeff na nanatili ang pagduruda sa mga mata. Bago naman
makapagpaalam si Dixon ay nakita naming palapit si Gasper. Sa likod niya ay iilang
mga kaibigan.

"Si Leil oh!" sabi ng isang lalaking kaibigan.

Gasper's stone cold look at me slowly changed. Nakita ko ang pagpula ng kanyang
mukha at bahagyang pagyuko, tila nahihiya. Kumaway ako sa mga kaibigan niya. Akala
ko lalagpas sila pero nagulat ako nang lumapit.

"Leil, uh, mauna na ako..." si Dixon.

"Sige. Salamat din dito!" sabi ko at tiningnan na si Dixon na nag-aalinlangang


umalis.

Jeff sighed beside me.

"Tara na..." aniya pero hindi kami nakaalis.

"Pwede ba kitang makausap saglit, Leil..." ani Gasper.

Pinaunlakan ko iyon. Naririnig ko ang pagsinghap ni Jeff, tila nagsusumigaw ng


protesta. Pero hindi naman naisatinig at wala namang masama sa hinihingi ni Gasper.

"Pasensya ka na. Narinig ko na inaaway ka ni Nellie..." aniya habang naglalakad-


lakad kami sa halamanan sa tapat lang ng building namin.

Ngumiti lang ako roon. Hindi na nagsalita pa. As much as I want to assure him that
I can handle it, it's certainly isn't fine. Ayaw kong magkunwari na ayos lang iyon.

"Nagseselos lang iyon. Alam niya kasing naghihintay parin ako sa'yo hanggang
ngayon," ani Gasper.

Tumigil ako at hinarap siya.

"Dapat nag-usap kayong dalawa. Tingin ko, may hinanakit pa siya sa'yo. Kasi kung
wala, hindi niya ako aawayin ng ganoon."

"Nagkausap na kami. Klaro sa hiwalayan namin ang rason ko. Hindi niya lang talaga
matanggap. Pasensya na talaga... Sabihin mo sa akin kung inaway ka niya ulit.
Kakausapin ko ulit siya mamaya tungkol dito."

"Sige. Sana magkaayos na rin kayo."

Umiling siya. "Magkaayos tulad ng?"

Nanatili akong nakatingin sa kanya. He looks a bit gloomy at that.

"Leil, kung ang tinutukoy mo'y magkakabalikan kami, hindi na. May iba na akong
mahal... Alam mo 'yon."

Mahal.
That word.

That's an intense word. The only word I can use to describe what I'm feeling for...

"Alam mong ikaw iyon, 'di ba? Kahit na sinabi mo sa akin na hindi ka handa, hindi
parin ako matigil sa pagmamahal sa'yo."

I know. It's like that right? It's not a choice. You have no power over your own
feelings. I understand.

"Pasensya na talaga, Gasper..." sabi ko.

Tumango siya at nag-iwas ng tingin. "Sana pumayag ka ulit... kung yayain kita sa
susunod. Kahit bilang magkaibigan lang."

Ngumiti ako. "Syempre naman. Hindi ko mapapantayan ang nararamdaman mo sa akin pero
kaibigan mo ako, Gasper. Huwag kang mag-alala..."

For a moment, we remained silent. Dumami ang mga nagdatingang estudyante. Iyon ang
naging dahilan ng pagpapasya naming bumalik na sa aming mga classroom.

Nag-antay si Jeff sa akin sa pintuan. Kahit pa dumami na rin ang mga kaklase namin
sa loob ng classroom. Nanatili siya roon.

"Anong sinabi niya?" tanong ni Jeff nang nagkasalubong kami.

"Ah... Tungkol lang sa ginawa ni Nellie noong nakaraan-"

"Hindi ba binasted mo na 'yon?" agap ni Jeff.

I am still not comfortable with that word. Basted?

"Hindi lang talaga ako handa sa ganoon, Jeff."

"Hindi handa? O... may gusto kang iba?"

Namilog ng bahagya ang mga mata ko sa sinabi niya. Kahit paano, alam kong naiisip
ko iyon. Isinasantabi ko lang dahil alam ko na ang kahihinatnan ng lahat ng ito.

"May gusto kang iba, hindi ba, Soleil? Kaya mo tinanggihan ang mga manliligaw mo?"

Napaawang ang labi ko. Nag-iwas ako ng tingin kay Jeff. My heart is beating loud
and slow... thinking of a person.

Yes. I like someone else. I like him so much... too much, actually. Even when I
know there is no hope for anything.

"Uh..." Hindi ako makasagot. Yumuko ako at nanatiling tahimik.

He sighed heavily. "Ayos lang 'yan."

"Bata pa ako para sa... relasyon..." bigo kong agap.

"Ayos lang, Leil..." sabi ni Jeff, mas maganda na ang tono ngayon.

Pumasok na kami sa classroom. Tahimik lang naman si Jeff buong klase namin. Niyaya
niya akong magsabay kami sa pagkain ng lunch, iyon nga lang, tinanggihan ko. Gusto
ko kasi munang bumisita kay Ma'am Avila sa lunch na iyon.
"Maghihintay ka ba mamaya?" tanong ni Jeff.

Nag-isip pa ako kung maghihintay nga ako. Sa huli, umiling ako. I remember the last
time I stayed. Mas makikita ako nina Nellie kapag nagtagal ako. Mas gugustuhin kong
tahimik na umuwi mag-isa... kahit na... wala naman akong gagawin din pagkauwi.

"Hindi na. Next time na lang..." sabi ko.

Pinindot ko ang cellphone ni Ma'am Avila. Nang nasa faculty na ako, tapos nang
kumain, nanghiram ako ng cellphone ni Ma'am. I logged in to my account...
because... it's been a while.

Sinong niloloko ko? Alam ko kung ano ang dahilan ng biglaang interes sa pagla-log
in sa account ko.

My messages weren't read. Hindi naman niya rin binabasa iyon pero naisip ko lang...
na kung binisita niya'y maaaring may napindot siya kahit paano. Marami rin ang
aking notifications. Matagal na rin ang huling notifications kaya nasisiguro kong
hindi nga ito nabuksan.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang sarili kong profile. Naalala ko ang mga
itsura ng mga babaeng kaibigan ni Raoul. I am very different. Very... far from all
of it.

Nilapag ko ang cellphone ni Ma'am Avila sa lamesa.

"May problema ka ba, Leil?" tanong ni Ma'am.

Napabalik ako sa aking wisyo sa tanong niyang iyon. I sighed again. Nag-angat ako
ng tingin sa bilugang salamin sa lamesa ni Ma'am. Milya milya ang layo ko sa mga
iyon.

"Wala naman po..." sabi ko habang nakatingin sa salamin.

Iniba ko ang ayos ng buhok ko. My hairline had always been in the middle. Ginawa
kong sa gilid, nagulat ako sa laki ng pagbabago. Mabilis ko agad iyong binalik sa
dati.

"May napupusuan ka na, 'no?" si Ma'am Avila na mukhang hindi titigil kung hindi
malaman ang bumabagabag sa akin.

"Wala naman, Ma'am..." nag-aalinlangan kong sagot.

"Leil," mahinahon na ngumiti si Ma'am. "Normal lang 'yan. Ayos lang."

Tumitig ako ng ilang sandali kay Ma'am bago sumuko.

"Bata pa po ako, Ma'am? Para sa ganyan?" tanong iyon.

"Normal sa edad mo ang makaramdam ng ganyan. Dalaga ka na. Sa mga edad na iyan ka
talaga magkakagusto..."

Kinagat ko ang labi ko. "Bata pa po ako tingnan, Ma'am. Hindi maganda-"

"Anong hindi maganda?"

Tumitig lamang ako sa salamin.


"Huwag mong sabihin sa akin na nagmamadali kang lumaki, anak?"

Hindi ako kumibo dahil iyon nga ang gusto ko. I will never be like Raoul's friends
in Manila but at least I can be... better version of me.

Tumayo si Ma'am at pumwesto na sa likod ko. Kinuha niya ang suklay at inayos niya
ang buhok ko.

"Leil, let yourself grow slowly. Huwag kang magmadali. Enjoy this. Sino man ang
napupusuan mo, maghihintay 'yan kung talagang pareho kayo ng nararamdaman. Si Jeff
ba ito, Leil?"

"Hindi naman po..."

"Kung ganoon, sino?" nagtatakang boses ni Ma'am.

Natawa lang ako sa sarili. I feel silly. Gustong-gusto kong tumanda na agad...
pantayan si Raoul. Kahit na alam kong magkasing edad man kami, malabong malabo
parin.

He has a girlfriend, according to Zamiel Mercadejas. Taga Maynila. Sigurado akong


maganda. Hindi nga pumapasa ang mga taga Costa Leona na maganda. He likes mature
women. That means... I'm a child compared to them.

Nagalit kaya iyon? Galit. Malalim ang pakiramdam na iyan. Hindi iyan worth it na
damdamin para sa akin.

His feelings for me were probably any of the following: pity, care for a little
sister, and indifference. He might even be annoyed with me. Halata sa huling naging
ekspresyon niya bago siya umalis.

Bakit kaya siya iritado o yamot sa akin? Dahil nakakairita ang pagtatanong ko sa
kanya ng mga abiso tungkol sa mga bagay? Sinabi ko sa kanya noong "nakakahiya"
dahil sa ginawa ni Lolang pagtawag sa akin dahil naroon si Jeff. He probably finds
me silly and crazy. Maybe he thinks I'm shallow and childish. Naive.

Hindi ko nasagot si Ma'am Avila sa tanong niya. Hindi niya rin naman ako pinilit.
Pinagpatuloy niya lang ang pagsusuklay sa buhok ko. I find my face more mature when
my hair is parted sideways. Sa hiya ko ay ibinalik ko na rin iyon sa dating ayos.

"Bata ka pa, Leil. But you have wise old eyes... beyond your age. Siguro dahil
narin malawak ang pang-unawa mo kahit pa ganyan ang dinaranas mo. No need to want
to be older... it will come."

Pinipigilan ko ang pag-asa sa kamalig pagkauwi ko. Sa totoo lang, gusto ko ngang sa
gubat dumaan para hindi na madaanan ang kamalig pero dahil maaga pa naman at hindi
ko parin iyon mabitiwan, nagpatuloy na lang ako.

Tanging ang tunog lang ng mga dahon sa puno ang naririnig ko. Bukod pa sa yapak ko
sa mga tuyong dahon.

For today, I have no special ideas. I might not wait, too.

Tinatanggap ko na na umalis na nga siya. Gaya noon. Noon, tuwing summer lang naman
ako umaasa na masilayan ko siya. Ngayon, nasanay ako na pasukan pa'y nariyan siya,
siguro naman masasanay ulit ako na wala siya.

I refrained myself from thinking about his relationships. That way, I can let all
the memories stay with me... and make me happy.
Hindi na ako nagulat nang natagpuan ang tahimik na kamalig pagkatapos ng isang oras
na mabagal na paglalakad. Umihip ulit ang hangin dahilan ng halos bagyong pag-aliw-
iw ng mga dahon sa puno.

Tumigil ako sa paglalakad at sinaulo ang itsura ng sapa at ang walang taong silya
at lamesa. Diyan ako madalas umuupo, kasama siya. Ngayon, wala nang nakaupo riyan.
Ganyan lang ang magiging ayos niyan sa aking utak.

I memorized it all because starting tomorrow, kapag napadaan ako rito, hindi na ako
titigil sa paglalakad. Dire-diretso na ang magiging lakad ko pauwi. Hindi na ako
magbabalik-tanaw at hindi na rin sisilip man lang.

Binaligan ko ang kaliwang bahagi. Naroon ang kamalig at sa malayo ay naglalakihang


ugat ng iba't-ibang puno. Narinig ko ang iilang huni ng ibon.

I memorized it all. Kahit ang ayos ng mga puno. Naglakad ako patungo sa kamalig.
Tatlong maliliit na baitang ng hagdan ay beranda na ng kamalig. Hinawakan ko ang
barandilya pagkatapos umakyat.

There were wooden chairs and a table. Naaalala ko na rito ko ginamot si Raoul noong
nasugatan siya sa noo. Pinagtanggol niya ako noon sa mga batang nanunukso sa akin.

I smiled at that memory. Hangang hanga ako sa kanya. Pwede naman siyang hindi
makealam na. Dahil pa sa akin, dumugo ang noo niya. I performed my usual healing
process on him. Pinaratangan pa ako ng mga kaibigan niyang ginayuma ko siya.

Binuksan ko ang screen door ng kamalig. It croaked a bit. May spring ito kaya kung
bibitiwan ko, babagsak ito pabalik sa hamba. Akala ko sarado ang main door pero may
siwang ito kaya tinulak ko na.

I've seen the insides of the barn house but I don't remember being inside of it.

Isang yapak ko ay tumunog ang wood plans sa sahig nito. Hinayaan kong bumagsak ang
screen door nang nakapasok na ako pero nilakhan ko naman ang maindoor para
makapasok na rin ang liwanag.

The whole house is made of wood. Puti ang naglalakihang sofa nito sa sala. Naaalala
ko, diyan ko nakita si Raoul kasama ang magandang babaeng kahalikan. Iginala ko pa
ang mga mata at nakita kong may tatlong pintuan sa malayong looban pa nito.

Bukas ang kamalig pero alam kong mali ang ginagawa ko. Kaya, gustuhin ko mang
tingnan ang bawat isang pintuan, mas pinili kong hindi na.

Pilit kong sinaulo ang lahat ng iyon. I am back to my normal life. Lahat ng
nangyari last month ay parang panaginip. Ngayon, gising na ako. Ito ang aking
katotohanan. Kaya tatanggapin ko ito.

Mabilis ang naging pangyayari. The wood planks squeaked like they were hurt by
heavy footsteps. Sa kaba ko ay medyo matagal kong natanto iyon.

Sabay ng paglingon ko ay ang langitngit ng screen door dahil sa pagkakabukas.


Parang sasabog ang puso ko sa kaba. Halo. Kaba para sa kung sinong darating. Kaba
rin kung sakaling si Raoul, iyon.

I saw the familiar arrogant eyes. His brows were already furrowed and his jaw very
defined. Pareho lang ang buhok at ang damit ay gaya ng madalas na suot. There is no
doubt, it's him. I am not dreaming!
I saw how the expression of his eyes changed from serious and then to playful and
devilish. Balik ulit pagkatapos. He's wearing a dark gray t-shirt, faded jeans, and
black heavy boots. Napaatras ako nang naramdaman ang masyadong mabilis at malakas
na pintig ng puso.

Para rin itong pinipiga. Hindi pala ako handang makita siya, kahit pa hinintay ko
siya ng ilang araw. Hindi ako handa.

Seeing him and thinking about what Zamiel told me is breaking my heart. Alam ko na
kung ano ang nangyari. Hindi ko na buburahin pa iyon sa isipan ko dahil mas
masasaktan lang ako.

"Why are you here?"

The question jarred me to immobility. Umaamba pa akong aatras pa pero hindi ko


nagawa dahil doon. Hiyang-hiya ako na naabutan niya ako rito. Hindi kaya iniisip
niyang magnanakaw ako kaya ako pumasok? Hinigpitan ko ang hawak ng aking bag at
mabilis nang umiling.

"M-May tiningnan lang ako," my voice is shaking and I cannot control it anymore.

His brow shot up. Isang hakbang at tumigil siya. Laking pasasalamat ko roon dahil
hindi ko ata kakayanin kung magkalapit pa kami. Nangangatog ang binti ko at halos
nayayanig ang buong katawan ko dahil sa marahas na pintig ng puso.

"Really? O tiningnan mo kung nandito ba ako?"

Napaawang ang labi ko. Nanginginig ang bibig ko dahilan ng pagkakatameme.

"Did you miss me?" he asked slowly, now a smile rose on his lips.

Nanlalamig ako ng sobra sobra. Hindi ko yata kakayanin kung malaman niya ang totoo
kong nararamdaman lalo na dahil may girlfriend na siya. Halatang batang kapatid
lang ang turing niya sa akin. Mabait at maaalalahanin siya sa lahat kaya ganyan din
siya sa akin.

Anong klase akong babae kung mamasamain ko pa iyon?

"May pinuntahan lang ako sa Maynila."

"Alam ko," mabilis kong agap, hindi na ako naghintay kung may idudugtong pa siya.
"N-Nasabi nga ni Zamiel sa akin."

"May nasabi rin siya sa akin..." ani Raoul, ngayon mas seryoso na.

Humakbang siya patungong kanang bahagi. I walked sideways, too, opposite to him.

Anong sinabi ni Zamiel sa kanya? Na umiyak ako? Na tumakbo ako pagkatapos kong
malaman iyon?

I don't want him to feel bad... to pity me or whatever. I want him to be happy,
kahit pa anong mangyari. Kahit masakit sa akin, hindi ko kayang malaman niya na
ganoon nga.

I remember all the things I regret: not telling him how much I appreciate his help
and presence. Ito na siguro ang panahon na sabihin ko iyon. Ayaw kong magsisi.

Humakbang ulit ako pagilid, palapit sa screendoor. Kumunot ang noo niya nang nakita
iyon. Tumigil siya sa paglapit.
"Nagkakamabutihan na kayo noong crush mo?" aniya.

Kinagat ko ang labi ko. Sino ang tinutukoy niya? Si Jeff? I know that he doesn't
want me to do that. Hindi kami nagkakamabutihan ni Jeff. Mali iyon.

"May sasabihin a-ako..." nanginginig ang boses ko.

He shifted his weight and leaned forward a bit. Mas lalo lang akong kinabahan pero
kailangan na. Para matapos na ang lahat ng ito.

Hindi ko alam saan ko hinugot ang aking lakas para hindi umiyak.

"Thank you... sa pagtulong sa akin sa mga ginagawa ko. Salamat... sa concern... sa


akin. Salamat sa mga araw... n-na nagkakausap tayo. Sobrang natuwa ako sa lahat ng
iyon. Sa mga pag-uusap natin at sa tiwalang ibinigay mo sa akin tuwing pinapahawak
mo ako sa cellphone mo. Salamat sa pag-aalala tuwing..."

Nagbabara ang lalamunan ko. Nagbabadya ang mga luha ko at pakiramdam ko, hindi ko
na kakayanin pa ito. Hindi ko na siya tiningnan dahil pakiramdam ko, mas lalo akong
maiiyak pag nakita ang mga mata niya.

"Pasensya ka n-na... dahil minsan alam kong nagagalit ka sa pagsama ko sa iilang


kaibigan. Pasensya na kung sumama ako sa kanila, kahit ayaw mo. Pasensya na... k-
kung..." my voice broke and my tears fell like waterfalls.

Hindi ko na kayang magpatuloy! Lalo na noong humakbang siya palapit sa akin.


Mabilis akong tumalikod. Mabilis ko ring binuksan ang screen door.

I swear to God, I will never leave without telling him how much I appreciate
everything.

Mabilis niyang nahawakan ang screen door. Buong lakas ko naman itong isinarado para
mapagitnaan kaming dalawa. Kita siya sa loob kahit na hindi sobrang klaro.

"... nababagot ka rito. B-Boring kasi... talaga ako. Wala ako masyadong alam..."
Mas lalo akong naiyak.

"What the fuck are you saying? Open this..." the curse was loud but the last two
words were uttered slow.

Mas lalo kong hinila ang screen door. Dalawang kamay ang gamit para hindi niya
mabuksan. Pagkatapos nito, tatakbo na ako.

"G-Gusto kong malaman mo na n-naging mahalaga sa akin ang lahat ng n-nangyari noong
nakaraang buwan. Salamat, Raoul."

He forcefully opened the screen door from the inside. Nagulat ako roon. Isang kamay
lang ang gamit niya'y nabuksan niya iyon, pati pa ako'y nadala papasok sa loob.

It's too late to stop myself. Sumubsob na ako sa kanyang dibdib. I saw his hands
welcoming me as I fall on his chest.

Nang tumama ako sa kanyang dibdib, agad kong inilapat ang palad ko roon para
maitulak siya. Imbes na magawa ko iyon, walang nangyari. His hands were resting on
my back. His arms and elbows were locking me on that position.

"Fuck!" he cursed longer and louder this time.


Napakapit ako sa kanyang t-shirt. Wala akong nagawa kundi umiyak roon. Dahil hindi
ako makagalaw, ibinaon ko na lang ang mukha ko roon para maibsan ang kahihiyan.

"You don't have to say sorry for being with your friends... or boys. That's a
normal thing for your age-"

"Tinuruan mo akong tumanggi-"

"Damn it! Tatanggi ka kung hindi mo gusto! Pero... kung gusto mo, hahayaan kita!"

"Hindi ko... gusto..." marahan kong sinabi habang lumuluha sa kanyang t-shirt.

Pumikit ako ng mariin. He smells so manly... so good. I just want to capture this
moment. I don't think this will ever happen again. Sigurado ako roon. Ito na ang
pinakamalapit ko sa kanya. Tama na ito. Ayos na ito sa akin.

Masakit ang puso ko pero kontento na ako.

"Anong sinabi ni Zamiel sa'yo?!" parang kulog ang bigat ng boses niya.
Umalingawngaw ito sa buong kamalig.

Kinakalma ko ang sarili ko. Pinipigilan ko ang paghikbi.

Hindi ako sumagot. His curses grew louder and more vulgar.

"Anong sinabi niya sa'yo?" mas mahinahon niyang tanong sa akin.

He exhaled heavily. Kumalma ako pagkatapos ng ilang sandali. Yumuko ako, hiyang-
hiya sa pag-iyak ko sa harap niya.

"Leil, anong sinabi niya sa'yo?" ulit niya, ngayon lumayo ng bahagya para makausap
ako ng mas seryoso.

Hindi parin ako sumagot. Hindi rin ako makatingin sa kanya kahit na titig na titig
siya sa akin. He wiped my wet cheek with his thumb.

"Tell me... what did he tell you?" he said with controlled and strained voice.

Umiling ako. Ayaw ko nang sabihin pa iyon. Tunog... ano kasi...

Huminga ako ng malalim at umatras na lang para makalayo.

"I will ask him after this, anyway. I will know. But I want to know it from you,"
aniya sabay hagilap sa siko ko.

I stepped away again. Hinagilap niya ulit ang mga siko ko kahit pa marahan ko
siyang tinatanggihan.

"Fuck, baby, please, damn it, tell me..." he said with so much control and
frustration.

This time, he caught my elbows. He closed the distance between us until we're very,
very close again. Nakadungaw siya sa akin at ang mga mata ko'y lebel lang ng
kanyang dibdib na medyo basa sa luha ko kanina. His hand made its way to my upper
arm, making me shiver a bit because of his tender touch.

"What's bothering you? Tell me. We won't solve anything if you won't tell me..."

"H-Hindi naman kasi importante iyon-"


"Importante sa akin ang lahat ng iyon. Kaya... sabihin mo," mariin niyang sinabi.

Napalunok ako at nag-iwas ng tingin sa kanyang dibdib. Hinagilap niya agad ang mga
mata ko. He crouched just so our eyes would level. His dark burning eyes were very
serious and intense. Hindi ko kakayaning nagtititigan kami ng ganoon kaya umiwas
ulit ako.

"Umuwi ka ng Manila kasi nabagot ka r-rito... Pumunta ka na sa girlfriend mo...


Pero ayos lang-"

He cursed Zamiel Mercadejas. Mas lalong humigpit ang hawak niya sa braso at siko
ko.

"Umuwi ako sa Manila dahil may emergency sa kompanya. Hindi ako nakapagpaalam...
dahil sa huling pagkikita natin. I didn't expect it to last very fucking long.
Akala ko nakabalik na ako ng Lunes, hindi pa pala."

Tumango lang ako at wala nang sinabi. Tinatantya niya ang mga mata ko pero hindi ko
siya tiningnan pabalik.

"Wala akong girlfriend. Nagsisinungaling si Zamiel," mataman niyang sinabi.

Nagtagis ang bagang ko sa huling sinabi niya. I don't understand. Why would he lie,
right? But... I believe Raoul. Baka nagkamali nga lang si Zamiel? Baka akala niya
lang girlfriend? Kasi gaya ko noon, nakakita ng picture kasama iyong isang babae-

"Damn it! Tell me what's on your mind. Why are you this silent?" sabi niya, maingat
ang tono.

Suminghap ako at kinalma na lamang ang sarili.

"Believe me, please. Wala akong girlfriend. O babae. Wala, Leil..." punong puno ng
pagsusumamo ang boses niya. "Hmmm..."

He crouched more so our eyes will meet. Sumulyap ako sa kanyang mga mata. Kitang-
kita ko ang paghihirap, frustration, lungkot, naghahalo-halo roon.

"Wala akong iba, Leil..." he whispered gently.

Hindi ako nagsalita ng ilang sandali. He wiped my cheeks down my chin. His fingers
were rough but he controlled it gently. Para akong hinihele ng pagpupunas niya sa
luha ko.

"Bakit niya sasabihin iyon, kung... kung hindi totoo..." malungkot kong tanong.

He sighed heavily.

"I don't want to curse him again. Not in front of you."

Pero kung totoo man, ayos lang, Raj. Ayos lang 'yon. I'm happy for you. I will
hurt. But I will be happy.

"I'll deal with him. I promise..." mariin niyang sinabi.

Kabanata 14
Kabanata 14
Peace

Paulit-ulit sa aking utak ang nangyari. It's like a movie I keep on repeating. At
sa bawat ulit nito, mas lalong lumalakas ang pintig ng aking puso.

His hug was very warm. It gives me comfort. Parang mainit na kumot na pumalupot sa
akin, pero higit pa roon. Hindi mapapantayan ang nararamdaman ko noong niyakap niya
ako.

We spent the rest of the passing minutes quietly. Kinakalma ko ang sarili ko habang
tahimik niya naman akong pinagmamasdan. Nahihiya akong magsalita. Nasa labas na
kami, nakaupo ako sa isang silya. He's standing in front of me, looking intently,
while crossing his arms.

And for the first time, I'm happy and contented. Ayaw ko nang magtagal doon kahit
pa makakasama ko pa siya kung ganoon nga. Gusto kong umuwi at mag-ayos sa sarili.
Nahihiya ako sa nangyari. Lalo na dahil tahimik kaming dalawa at wala nang masabi
sa isa't-isa.

"Uuwi na ako..." sabi ko noon, hindi siya tiningnan.

"Are you still upset?" tanong niya at lumapit na sa akin.

Tumayo ako at inayos ang sarili. Trenta minutos din ang katahimikan namin. Kontento
na ako sa nangyari. Hindi ko nga lang alam anong gagawin ko pagkatapos nito.

Umiling ako bilang tugon sa tanong niya.

"Gusto ko nang umuwi."

He fell silent for a moment. Pagkatapos noon ay tumango na siya bilang pagpayag.
Dumiretso na agad ako pababa ng kamalig. Sumunod naman siya.

"I will be here tomorrow. I will expect you here, as well..."

Ibinaon ko ang aking mukha sa aking unan. Tuwing naiisip ko talaga ang nangyari,
hindi ko kayang hindi mangiti. At tuwing naiisip ko naman bukas, kinakabahan ako ng
husto.

Ayaw kong umasa. Baka may gagawin na naman siya at hindi siya nakapagpaalam kaya
hindi ko na muna iisipin na naroon nga siya. Doon ako dadaan bukas. Kung naroon nga
siya, ano naman ang gagawin ko? Hindi ko alam. Iniisip ko pa lang, pumipikit na ako
ng mariin sa kahihiyan.

I am extremely hyped the next day. Sobrang aga kong nagising at nag-ayos. I combed
my hair in a different way. I stared at my face in the mirror for a long time.
Inayos ko ng mabuti ang buhok kong hindi pa sanay sa ibang pagkakaparte. The loose
mermaid curls hung very low.

Hinawakan ko ang aking mukha. I look a bit pale. The small freckles below my eyes
and on my nose bridge were not very visible. 'Tsaka mo lang makikita kapag titigan
at mas lalong lalapitan. I am not very conscious of my skin, though luckily I don't
remember experiencing very bad pimple breakouts. Ngayon, wala naman. Ang biro pa ng
mga kaklase ko noon, meron daw kapag may crush ka. Kung totoo iyon, meron siguro
akong isa. At hindi na iyon nawawala.

Nasa classroom na ako nang dumating ang mga kaklase. Medyo nahuli si Jeff, o
talagang maaga lang ako. I smiled at him when he entered. Seryoso lang naman ang
ekspresyon niya nang nakita niya ako.
"Good morning," bati ko.

"Good m-morning... Ang aga mo, ah. Hinintay kita kanina sa gate. Sinabi ng ibang
kaklase na dumating ka na pala kanina pa."

"Oo. Napaaga nga ako ngayon," sabay ngiti.

Nilagpasan niya ako para maupo na siya sa likod ko.

"Sabay tayong mag lunch, Leil, mamaya..." ani Jeff sa likod ko.

Nilingon ko siya. I saw the glint of awe in his eyes. Tumango ako at ngumiti ulit.

Naninibago siguro ang mga kaklase ko. Kaya naman napapansin ko ang pagtatagal ng
tingin ng ilan, kahit mga babae, sa akin. Ganoon naman talaga. Some girls cut their
hair at pagkapuntang school ay pinagkakaguluhan agad. May iba, nagpapa salon,
pinagkakaguluhan ulit. Ganoon talaga pag may bago. Ako lang naman ang hindi
masyadong tinatanong tungkol sa kahit ano dahil na rin sa reputasyon ko.

Nasa ilalim kami ng puno ni Jeff pagka tanghalian. Tahimik kong kinakain ang aking
mga pagkain habang siya'y panay na offer ng sa kanya. Minsan pa, nagtatagal ang
tingin niya sa akin.

"Binago mo ang buhok mo?" sa huli ay nasabi niya rin.

"Sa pagpaparte lang..."

"Bagay sa'yo," si Jeff.

"Salamat."

Nagpatuloy ako sa pagkain samantalang nanatili naman siyang nakatingin. Kalaunan ay


nagsalita muli siya.

"Mukhang masaya ka... Ibang-iba noong nakaraang araw. Noong umiiyak ka."

Marahan akong natawa. I guess it really shows, huh? My mood since yesterday. Baka
nga. Kasi minsan, kapag naaalala ko, hindi ko mapigilan ang kagustuhang mangiti.
Ang sarap sa pakiramdam. Gusto ko sanang ganito na lang palagi. I wish time would
freeze so I will be this happy forever.

"Masaya ako para sa'yo."

"Salamat, Jeff. Tama ka. Medyo masaya nga ako..."

Nagkatinginan kaming dalawa. Siya ang unang nag-iwas ng tingin. Nakitaan ko ng


kahihiyan ang kanyang kilos.

"Ako rin... Masayang masaya," si Jeff.

I shifted. Now, I'm curious. Hindi ba, nagkukwentuhan ang mga kaibigan. Kung ibang
tao siya, mahihiya akong sabihin na kaibigan ko siya. Pero dahil sa trato niya sa
akin at sa sinabi niyang magkaibigan kami, siguro naman ayos lang kung magtanong.

"Bakit? Pero kung hindi ka handang sabihin, ayos lang kung hindi mo na sabihin."

His eyes widened. Kitang-kita ko ang nerbyos sa kanya. Nagsisi tuloy ako na sinabi
ko iyon.
"Masaya ako dahil magkasama tayo. M-Masaya ako dahil masaya ka na kasama mo ako."

For a moment, I processed what he said. Tumango ako. He smiled at me so I smiled


back at him.

"Hindi ka ba talaga pinayagan sa prom, Leil?" tanong ni Jeff pagkatapos ng ilang


sandali.

I smiled sadly at that.

"Kung sana, pinayagan ka, ikaw lang ang isasayaw ko buong gabi."

Nagulat ako sa sinabi niya. Mas maganda namang isayaw niya rin ang mga kaklase
namin. Naisip ko kung ako. Sino kaya ang isasayaw kong iba? I remember Ronald,
Dixon, Gasper... hmmm. O baka naman iniisip ni Jeff na baka walang sasayaw sa akin
kaya inaako niya ang lahat?

"Pwede naman ding si Sharlene. At iba pang kaklase natin, Jeff. Memorable iyon kaya
dapat lahat ng kaibigan."

"Ayos lang sa akin. Gusto ko, ikaw lang ang isayaw ko," aniya.

I have not been very good with differentiating friendship and something else. Kung
hindi lang paulit-ulit na sinabi ni Jeff na magkaibigan kami, mag-iisip ako ng iba.
I sighed my relief. We're just friends. He's just concerned.

Patapos pa lang ang klase, kabado na ako. Nakaupo pa lang ako sa upuan, para na
akong nililipad ng hangin. Ganoon ba talaga ka grabe ang epekto ni Raoul sa akin?

Pilit ko na lang na inabala ang sarili sa pakikinig sa kwentuhan ng mga kaklase.


They are talking about their dresses and their hairstyle for prom. Naiinggit ako sa
mga sinasabi nila but I'm also fine with not going. Hindi ko na pipilitin si Papa.
Hindi naman talaga kailangan sa eskwela. Hindi naman ako babagsak kung hindi
pupunta.

Nagpaalam na ako kay Jeff pagkatapos ng school. Wala na ako sa sarili palabas ng
gate. Hindi ko alam kung itutuloy ko ba talaga ang pagdaan sa kamalig o hindi.

Ano ngayon kung dumaan ako roon? Hindi naman sigurado na naroon siya, 'di ba?

But Raoul won't lie! He will be there. Pero kung may emergency, baka nga wala siya.

Dinala na ako ng mga paa ko patungo roon. Hindi ko yata kayang pigilan ang sarili
ko. Talagang doon ang tungo ko.

Bawat pagyapak palapit, mas lalong lumalakas ang pintig ng puso ko. It is seriously
taking over my whole system. I wonder how people who are in love can deal with
their hearts? Siguro kung tatagal ay kakalma naman ito, hindi ba?

Palapit sa kamalig, narinig ko na ang lagaslas ng tubig ng sapa. Alam ko kaagad na


si Raoul iyon. Nilingon ko ang kagubatan at nakitang isa lamang ang kabayong
naroon.

Sa totoo lang, mas inasahan ko na kasama niya sina Zamiel Mercadejas ngayon.
Ngayong mag-isa siya, nasisindak na ako ng husto. I don't think I can handle this.
I don't think my heart is stable enough to interact with Raoul.

Mabilis ang pangyayari. Nakita niya ako na dadaan. Diretso naman ang lakad ng
nangangatog kong tuhod. Sumulyap ako sa kanya at tumango lang. Hindi ko talaga alam
ano ang gagawin ko.

Dire-diretso ang lakad ko hanggang sa puntong nilagpasan ko na siya dahil sa


sobrang kaba ko. I heard the loud babble of dripping water. Bago pa ako makalayo ay
naramdaman ko na ang basang kamay niya sa aking siko.

"Nagmamadali ka?" he asked when I turned to see him.

Binitiwan niya agad ako. I saw him watch his hand leaving my arm.

I swear, I'm really not normal right now. Kabadong-kabado ako. Ito na yata ang
pinakanakakakabang pagkikita namin sa lahat. Mas kabado pa ako ngayon kesa noong
unang nagkaroon kami ng interaksyon dito.

"May gagawin ka?" tanong niya, seryoso.

"W-Wala naman... uh..." sumulyap ako sa silya at lamesa kung nasaan ang mga gamit
niya.

"Dito ka muna. Maaga pa naman."

My heart is pounding so hard and fast. Pilit ko iyong kinalma. Huminga ako ng
malalim at tumango. Nang nakita niya iyon ay umatras siya at lumapit sa bakanteng
silya. Nilagay niya iyon malapit sa lamesa at nilingon ulit ako.

Ngayong medyo malayo kami, nahagip ng tingin ko ang kanyang katawan. He's dripping
wet. His hair looks longer now that it is wet with freshwater. His neck is a bit
red and his chest is carpeted with very fine dark hair. Uminit ang pisngi ko at
napaangat ng tingin sa kanya.

His jaw clenched. Kinuha niya ang tuwalya at nilagay sa balikat para bahagyang
matabunan ang katawan. Sa kahihiyan ay mabilis na lang akong umupo sa silyang
hinanda niya.

Naupo na rin siya sa malapit na silya. Tinitigan niya ako. Hindi naman ako
makatingin sa kanya.

"You fine now?" he asked.

Mabilis akong tumango.

"Bakit hindi ka makatingin?"

Nilingon ko agad siya para ipakitang ayos lang ako. Umangat ang gilid ng kanyang
labi.

"Bakit nagmamadali kang umuwi? Iiwasan mo ako?"

"Uh... Hindi naman sa ganoon!"

Ayaw kong iwasan siya. Hindi ko lang talaga kakayanin ang paghuhuramentado ng
damdamin ko. Nagsalin siya ng tubig sa dalawang baso sa harap. Lumunok ako at
nagpatuloy.

"Hindi ko lang alam... paano..." hindi ko matuloy-tuloy.

"Paano?"
Hindi ako kumibo. Mas lalo pang uminit ang pisngi ko. Nasisiguro kong mukha nang
kamatis ang kulay ko ngayon.

"Paano ako pakitunguhan pagkatapos noon?"

Hindi parin ako kumibo. Natatakot akong iyon nga ang problema ko. Suminghap siya.

"Nag-usap na nga pala kami ni Zamiel tungkol sa sinabi niya sa'yo."

Kinuha niya ang baso at ibinigay sa akin. The way he was holding it made me realize
how different we are. He seems very manly and wild. Tinanggap ko ito ng marahan,
iba sa pagkakahawak niya.

"He said he's sorry but I'm not content with it. Pupunta siya rito para humingi ng
tawad sa'yo..."

Nag-angat ako ng tingin sa gulat. Umiling ako dahil hindi na kailangan iyon.

"Ayos lang. Huwag na!"

Kita ko ang galit sa mga mata ni Raoul. "I don't want you to be upset just because
of his intentional lie."

"Nagsorry na naman siya. Baka..."

"I want him to say sorry to you. Ikaw ang ginawan niya ng masama, hindi ako. Kaya
dapat lang na humingi siya ng tawad sa'yo."

Natigil na ako sa panlalaban. He sounds so sure and decided. Tama naman siya. It
was very painful for me. Umiyak ako roon. Kinabahan tuloy ako. I wonder if Zamiel
told him that I cried so much after that!

Pag-angat ko ng tingin kay Raoul ay kita ko ang titig niya sa akin. Kita ko ang
pananantya at bahagyang lagay ng loob.

"Nasabi niya sa aking nagsinungaling lang siya dahil nakita ka niyang umiiyak at
may kasamang lalaki."

Totoo iyon pero umiiling ako. Hindi ko alam kung bakit. I'm confused with myself,
too. Naningkit ang mga mata ni Raoul na tila ba may pagdududa sa ginagawa kong pag-
iling.

"Totoo?"

Tumango naman ako ngayon.

"Why did you shake your head like it isn't?"

"Ang... Ang ibig ko lang sabihin ay... na... baka maisip mo na... ano na kami ni
Jeff. Hindi naman."

"Ano na kayo?" nahimigan ko ang kunwaring pagdududa niya sa sinabi ko.

"Magkaibigan lang kami!" giit ko.

Tumango siya at uminom sa kanyang tubig.

"Hindi na kami nagsasabay pauwi kasi lagi silang may practice sa prom. Iyon lang
talagang araw na iyon kami nagkasabay-"
"I don't mind if you let boys accompany you till there, Leil."

Umiling ako dahil pakiramdam ko mali iyon. I want him to know that I am really
taking his advices seriously.

Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata. Hinawakan niya ang aking silya at sa
isang malakas na hila ay nailapit niya ako sa kanya. Our knees were almost
touching. He's crouching a bit just so our eyes would level.

"Listen... I want you to know that it's okay..." mataman niyang sinabi.

Hindi parin ako kumbinsido roon.

"Lahat ng sinabi ko sa'yo, totoo iyon. Hindi ka nga dapat basta-bastang


magtitiwala. You have to weigh the situation. Know that person very well until you
decide. But if you really want it that bad, at tingin mo, hindi naman masamang tao
ang kaibigan mo, ayos lang, Leil."

Somehow, I get him. Lahat ng pagdududa niya sa mga kaibigan, kaklase, at manliligaw
ko, dapat ganoon din ako. Hindi lahat ng tao'y maganda ang intensyon.

"Okay..." sabay tango ko.

"Did you get me... Leil?" marahan niyang sinabi.

Mas lalo akong tumango.

"If you want to be friends with someone, spend more time with him, and you think
he's a good person, then go and do the things friends are supposed to do. Pero
gusto ko, isipin mong mabuti kung mabuti ba ang intensyon niya sa'yo. Hindi iyong
magpapadalos-dalos ka lang dahil lang sa kagustuhan mong magkaroon ng kaibigan."

"Okay..."

"Okay?" puno ng pagdududa ang kanyang tono.

"Gaya lang ng..." may naisip ako. "Iyong matandang nagtitinda sa tiangge at sa
labas ng simbahan, gusto niyang bigyan ako ng paninda niya... pero..." nanliit ang
mga mata ko. "Medyo hindi ko gusto ang tingin niya sa akin."

Napaangat ako ng tingin kay Raoul. The dark storm in his eyes is forming. I can
sense his anger.

"Alin doon?" mariin niyang tanong.

"Iba-iba ang paninda noong matandang iyon, e. Lagi siyang nag-ooffer sa akin ng
paninda niya. Noong nakaraan, noong tinanggihan ko siya, medyo nagalit siya kasi
hindi ko raw tinanggap. Kakaiba kasi ang tingin niya sa akin-"

"Fucking pervert-" he cursed harshly.

Nagulat ako roon.

"Describe him," aniya, tunog may ibang gagawin.

"Uh... Matanda na? Hindi ko masyadong maalala. Pero... hindi naman ako sigurado
roon. Baka lang, masyadong masama ang iniisip ko-"
"Trust your feeling. Walang masama sa pagtitiwala sa nararamdaman mo. It can save
you. It is better for you to be always in doubt with the people around you. Okay?"

Ngumuso ako at tumango.

Ilang sandali siyang hindi nakabawi. Mukhang may iniisip.

"What about in your village? Maraming lalaki roon, hindi ba? Are you okay there?"
mas seryoso niyang tanong.

Nagulat ako roon. Hindi namin masyadong napag-uusapan ang nayon. Awkward para sa
akin iyon. Nakakahiya. Iniisip ko noon, ganoon din ang nararamdaman niya. Ayaw
niyang maalala kung ano talaga ang ginagawa ko sa nayong iyon.

"A-Ayos lang doon. Nirerespeto ako ng lahat doon..."

"Good..." Suminghap siya at muling nag-isip.

Tinitigan ko siya. Nakakatuwa siyang pagmasdan habang naliligalig sa kung ano.


Mukhang marami siyang iniisip. Mukhang magiliw rin siya sa naiisip niya. When he's
done, he leaned closer to me.

"What about your classmates and schoolmates? Sino sa kanila ang...


pinagkakatiwalaan mo?"

"Uh, si Jeff?"

His lips pouted. Tumango siya at hinayaan akong magpatuloy.

"Si Dixon, ayos lang. Si Gasper din..."

"These were the boys you dumped, right? They might be off with you, we just don't
know yet. Si Jeff ba... hindi mo pa nababasted?"

Kumunot ang noo ko roon. "Hindi pa naman siya nanliligaw. Friends lang kami noon."

Tumaas ang isang kilay niya.

"Why did you cry in front of him?"

Parang umusok ang tainga ko sa tanong niyang iyon. Ayaw kong magsinungaling pero
pakiramdam ko mahihimatay ako kung aaminin ko sa kanya ang totoo. Ano ba talaga?

"May ginawa siyang makakasama ng loob mo?" he probed when I didn't answer.

I fisted on my school uniform. Kinakabahan ako. Sana kainin na lang ako ng lupa!
Hindi ko kaya 'to!

"Did he hurt your feelings? Perhaps made you angry?"

"Hindi... Mabait 'yon!" giit ko.

"Bakit ka umiyak, kung ganoon? Zamiel said he saw it with his own eyes. The boy was
even actually wiping your tears... hm!" he mocked a bit.

"May iniisip lang ako noon! Hindi ako inaway ni Jeff! Mabait iyon!"

Nagkatinginan kami. The doubt in his eyes was very evident. Parang ipinapakita niya
talaga sa akin na hindi siya naniniwala.
"M-Malungkot lang ako nun..." amin ko.

"Bakit?" he probed again.

Ngumuso ako. Bahala na nga! Wala rin naman akong ibang idadahilan.

"Malungkot lang ako. Akala ko... galit ka sa akin kaya hindi ka na nag...
papakita."

He inhaled violently. Tumuwid siya sa pagkakaupo at bahagyang binitiwan ang gilid


ng silya ko. Nag-angat ako ng tingin ay nakita ko ang tuwa sa kanyang mga mata.
Mariin siyang pumikit ng ilang sandali, umaangat ang gilid ng kanyang labi. His
lips twisted and formed a devilish smile.

"Bakit ako magagalit sa'yo?" nahimigan ko ang tuwa sa tono niya.

Nagkibit ako ng balikat.

"Ano bang ginawa mo noong huli nating pagkikita?"

"Ewan ko. Baka noong... sinabi ko na masaya ako noong sumama ako kay Dixon?"

He groaned. "That's fine with me. You earned a friend. Bakit ako magagalit?"

"Ewan ko... sa'yo..."

"Ano pa bang ginawa mo nun?"

Inisip ko pa. Naaalala ko kung paano ko paulit-ulit na binalikan iyon para maisip
kung ano maaari ang problema niya sa akin.

"Noong dumating sina Jeff? O noong sinabi kong... hindi tayo close. E, hindi naman
talaga tayo close," sabi ko.

Nagkatitigan kami. The humor in his eyes is still present. But I sensed a bit of
irritation.

"Really, huh?"

"Oo! 'Tsaka... kung close tayo, dapat hindi ko pinagkakalat. Baka anong sabihin
nila sa'yo."

"So you want me to be your little secret, huh? That's what you want?" he said in a
playful tone.

Ngumuso ako. "Bakit? Ano ba kasi ang ikinagalit mo?"

He smirked then he shook his head. He leaned forward again. Hinawakan ulit ang
magkabilang bahagi ng silyang inuupuan ko.

"Wala. May emergency lang talaga sa Manila kaya ako umalis. I was just about to
tell you when your friends came. I realized it's not important to tell you that
anymore dahil uuwi rin naman ako ng Lunes. Magkikita rin tayo agad."

Ngumuso ako at tumango. Now, I understand. Wala rin naman kasi akong cellphone
kaya...

"Hindi mo rin kasi... tiningnan na ang Facebook ko," nahihiya kong sinabi.
He groaned and murmured something to himself.

"I'm not gonna be nosy with your account anymore. Mababadtrip lang ako," aniya at
kinuha agad ang cellphone.

Nilagay niya iyon sa aking kandungan. Tiningnan ko iyong pamilyar na screen. Akala
ko hindi ko na mahahawakan ulit ito.

"Ikaw na lang. Sa account ko. Ayos lang," he said.

Kinuha ko ang cellphone niya at nilapag pabalik sa lamesa.

"Next time na lang..." nahihiya kong sinabi.

Mag-usap muna tayo, please, Raj?

Nang tumingin ako sa kanya'y nakangiti na siya. Kinakagat ang pang-ibabang labi at
kita ang tuwa sa mga mata.

"So you missed me that much, huh?"

Binagsak ko ang tingin sa gilid ng aking silya at inabala ang sarili sa pagtalunton
ng maliliit na linya roon. Parang nagmamalfunction na ang puso ko sa tuwa.

"Umiyak ka nun kasi akala mo galit ako sa'yo kaya hindi na ako bumalik?" tanong
niya.

"Hindi ka kasi nagpaalam," hindi ko na naiwasan ang pagtatampo sa boses ko.

"I'm sorry. It was really my bad."

Nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba iyon o ano pero
nakitaan ko ng lambing at pagsusumamo ang kanyang mga mata.

"Will you forgive me?" he said.

I nodded and sighed.

"You also cried when Zamiel told you things, right?"

Marahan at kalmado akong pumikit. Pagdilat ay hindi ko na kailangang tingnan si


Raoul para kumpirmahin iyon. Alam niya ang nangyari. Nag-usap na sila ni Zamiel.

"That asshole is going to say sorry to you for that. Papupuntahin ko 'yon dito."

"Ngayon?" medyo alerto kong tanong.

Umiling siya. "Tayong dalawa muna ngayon..."

Nagkatinginan kaming dalawa. Parang may init na bumalot sa aking puso. I feel very
relieved and very happy. Kung sana pwede lang iukit ang araw na ito sa oras at
tadhana, paulit-ulit ko itong babalikan, hinding hindi ako magsasawa.

Luck. That's the only thing I can think of. I am very lucky. Despite growing in a
very sad community and life, I am lucky to know Raoul. I am very lucky to have
these little interactions with him. These are my treasures. Walang makakaagaw nito
sa akin dahil hindi nahahawakan ang mga alaala.
"Hindi pa nanliligaw si Jeff sa'yo? Pero kung manliligaw siya, sasagutin mo?"

"Ikaw..." sabi ko, ipinapaubaya sa kanya ang desisyon.

He groaned violently. He leaned closer to me tila ba 'tsaka ko lang siya


maiintindihan kung mas maglalapit kami. My heart skipped a beat.

"But that's not the way it is..." malambing niyang sinabi.

Parang pinipiga ang puso ko. Hindi ko alam kung bakit.

"You decide on things like that. Ikaw ang makikipagrelasyon, hindi ako. Dahil kung
ako ang ipagdedesisyon mo..." ngumisi at umiling siya, parang pinapahiwatig na
walang pag-asa kung siya ang magdedesisyon.

"Ano?"

"If you like him enough that you're ready to have a boyfriend, then-"

"Hindi no!" giit ko. "Hindi ganoon! Pagkakaibigan lang ang gusto ko sa kanya!"

Nagkatinginan kami. His lips twisted again, hiding a smile with a frown. Tipid
akong ngumiti, hindi kayang itago ang ngisi pabalik sa kanya.

"Okay, then... Meron ba sa school n'yo na gustong gusto mo? Na tingin mo kapag
nanligaw sa'yo, handa mong sagutin para maging boyfriend-"

"Wala!" agap ko.

He sighed heavily. Marahan din siyang tumango.

"Ah!" he groaned. "That's my peace of mind."

Ngumisi pa lalo ako.

"Are you sure?" ulit niya.

"Oo."

Bakit? Sino bang papantay sa'yo? Wala naman, Raj. Nag-iisa ka. Walang papantay... o
kahit makakalapit man lang.

His eyes drifted on my hair. Nagtaas siya ng isang kilay. I can sense his playful
side.

"Your new hairstyle looks good on you."

Ngumiti ako dahil napansin niya. "Thank you! Mas mukha akong dalaga nito kaya...
gusto ko."

Nagkatinginan kaming dalawa. His jaw dropped a bit and the he licked his lower lip.
Bumagsak din ang ulo niya na tila ba may kung anong bumagabag. Nang ibinalik niya
ang tingin sa akin ay para akong mababaliw na. His dark and fiery eyes looked so
mysterious and exciting at the same time.

"Ganito na ang magiging ayos ng buhok ko simula ngayon."

"Dadami ang manliligaw mo..." he said in a relaxed tone.


"Ayos lang. Hindi ko naman sila gusto bilang boyfriend. Hindi ko sila sasagutin."

Nanatili ang titig ng pananantya niya sa akin. Nagtagal iyon hanggang sa ako na
lang ang unang nag-iwas ng tingin.

Kinabahan agad ako. Paano na lang kung tatanungin niya kung sino pala talaga ang
gusto kong maging boyfriend? Uminom ako ng tubig at nilapag na ang baso pabalik sa
lamesa.

Mabuti na lang at hindi na dinugtungan ni Raoul. He just remained like that...


watching me closely with tender eyes. Masasanay na naman ako nito!

Binagsak kong muli ang mga mata ko sa upuan. I traced the lines on it. Hindi ko
sinasadyang mahagip ang kamay niya sa ginawa ko.

Tumalon ang puso ko nang marahan niyang hinawakan ang kamay ko at nilapag iyon sa
aking kandungan. He caressed my fingers with his thumb, masuyo at sobrang rahan.
Ngumiti ako.

I never thought I am capable of being this happy in this lifetime.

"I missed you very much..." napapaos niyang bulong.

"I missed you, too!" I said, very eager to say it from the very beginning.

Pumungay ang mga mata niya. I can watch his eyes be this tender all day. Iniwas
niya ang tingin na iyon sa akin. I smiled inwardly.

Am I in love with you, Raj?

Kabanata 15
Kabanata 15

Close

Luck has finally struck my life. Iyon lamang ang tangi kong naisip.

Pagkauwi ko sa village, pareho lang ang ginawa ko. Nanggamot ng iilang may sakit,
sinamba ng ilang minuto, at nagdasal para sa magandang ani ng buong kumunidad.
Lahat ng ginawa ko'y taospuso at maligaya kong naitawid.

The effect of my good mood probably affected every part of my being. Alam ko dahil
pagkauwi namin sa kabahayan at pagdating ni Papa kasama ang iilang kasamahan,
nagbago ang ihip ng hangin.

Stunned, I stared at the hanging dress just in front of my room's door. Tinatanggal
ang belo sa aking buhok. May kumuha rin ng ilang kwintas ko, kahit na madalas ako
naman ang nagtatanggal nito. I was just so stunned with what I saw.

A dark purple dress is hanging beautifully in front of me. Sobrang dilim noon, lalo
na sa taas na bahagi, mistulang itim na kapag hindi matatamaan ng ilaw. It's a tube
top dress with a graceful dark sparkling belt on the waistline. The skirt is also
very unique. Iba sa naririnig at nakikita kong suot na mga dress, mahaba at simple.
The skirt is short in front, and very long, flowy and sheer in the back, mistulang
usok dahil sa alon.

Hindi ko alam kung bakit ang unang naisip ko nang nakita ko ito ay mga paru-parong
kulay purple. Misteryoso at mahiwaga. Hindi ko rin alam kung bakit halos makaisip
ako ng magic at kababalaghan dahil sa kulay at anyo nito.

"Nagustuhan mo ba?" sabi ng boses sa likod ko.

Bumaling agad ako at nakita ko si Papa na nakangiti sa akin. Akala ko nagpapahinga


siya. Pagkatapos kasi ng pagtitipon ay dumiretso na siya sa kwarto dahil napagod
daw siya sa lakad nila.

"K-Kanino po 'yan, Papa?" tanong ko.

"Sa'yo, Leil..." he sighed.

Napakurap-kurap ako. Sa akin? Para saan naman? I remember only wearing white
dresses during worships and all. Kaya hindi ko maintindihan bakit niya ako binilhan
ng damit na iba ang kulay.

Lumapit si Papa sa akin. Hinawakan niya ang aking balikat para maiharap ako sa
damit.

"Pasensya na, Leil. Alam kong nagtitiis ka lang sa lahat ng ito, anak. Kung sana
lang ay maganda ang naging estado natin, hindi ka magdurusa ng ganito."

Bakit? Hindi ko naiintindihan! I stared at the dress. I can imagine myself wearing
it but for what? For...

"Nagsisikap din ako para sa atin. Sana, kalaunan, maisalba kita sa buhay na ito."

Nangilid ang luha sa aking mga mata. For the first time since we started all of
these, ngayon ko lang narinig si Papa na nagdurusa sa lahat ng ginawa namin. Could
this day get happier? Bumaling ako kay Papa at nakita ko ang nangingilid na luha
rin sa kanyang mga mata.

"Tatapusin na natin 'to, Papa?"

Ngumiti siya. "Konting tiis na lang, anak. Pasensya na talaga at wala akong alam na
pwedeng pagkakitaan sa buhay na 'to-"

"Marami po dyan, Papa! Hindi naman po natin kailangang kumapit dito!"

"Alam ko. Mag-antay ka na lang. Ako na ang bahala sa lahat, Leil."

Bumaling ako sa nakahanger na dress para manghingi ng paliwanag doon pero hindi pa
ako nakakapagtanong ay nagsabi na siya.

"Sasali ka sa prom ninyo. Alam kong hindi mo pinipilit pero gusto mo iyon. Binilhan
na kita ng damit. Ngayon lang ako nagkapera. Pinapayagan na kitang pumunta roon."

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Sa tuwa ay niyakap ko na ng mahigpit si Papa. He


laughed, but his voice shook from the emotions. Napaiyak din ako sa sobrang tuwa.

I cannot believe it. Sasali ako sa prom! Pinayagan ako ni Papa at binilhan niya pa
ako ng damit! I just can't believe it.

The days are getting better and better. Like luck is on my side. This is the
beginning.

Sa parehong gabi ring iyon, mabilis kung sinubukan ang damit. Kasyang-kasya iyon sa
akin. It feels like it's made for me. Bukod pa roon, may kapares din itong sandals.
A dark purple velvetty sandals with strings till below my knees. Kapares nga iyon
dahil kitang-kita ang ganda nito dahil sa istilo ng palda sa damit.

Paulit-ulit kong inisip ang itsura ko na iyon hanggang sa nakatulog na ako ng may
ngiti sa mga labi.

I have never been really this happy. It's not perfect but I'm content with
everything.

Hindi na ako makapaghintay na ibalita kay Ma'am Avila iyon. I wonder if I'm still
allowed to join. Ilang araw na lang, prom na. Baka hindi na?

Ganunman, masaya parin ako. Ang malaman ang totoong opinyon ni Papa sa nangyayari
sa village at ang pagbigyan niya ako sa prom, malaking bahagi na ng kasiyahan ko.
Hindi man ako makapunta sa prom, masaya parin ako sa nangyayari sa aking buhay.

Kahit na nagkita kami ni Jeff, umagang-umaga, hindi ko sinabi sa kanya ang balitang
iyon. Nagdesisyon ako na si Ma'am Avila ang unang sasabihan ko noon. Matutulungan
niya siguro ako sa bandang iyon.

I've been so interested with prom. Sa buong araw na iyon, napapalingon ako tuwing
may nag-uusap ng patungkol sa prom. Nangingiti ako tuwing naririnig ang excitement
nila. Nangingiti ako tuwing pinag-uusapan nila ang naglalakihang "ballgowns" na
nabili at iba pa.

"Jeff, kay Ma'am Avila muna ako kakain ng lunch, ah? Sorry..." sabi ko.

"Ayos lang! Hihintayin na lang kita kapag tapos ka na," agap niya.

Tumango na lamang ako. I am just too excited to tell Ma'am Avila about the prom.

Kaya naman, iyon nga ang unang sinabi ko kay Ma'am. Hindi pa kami nagsisimulang
mananghalian, iyon na ang ibinalita ko sa kanya.

"Really?" she said, shocked.

Tipid akong ngumiti at tumango. Alam kong hindi siya makapaniwala dahil alam niya
na mahigpit si Papa sa akin.

"Kung ganoon, ang damit mo at sapatos?"

"Bumili po si Papa, Ma'am. Kaya payag na payag siyang papuntahin ako sa prom!"

Unti-unting sumilay ang ngiti sa mukha ni Ma'am. Sa huli ay niyakap niya ako. For
the whole of our lunch, it was our topic.

"Hindi ko nga lang alam kung paano ito..." nanliliit ang mga mata ni Ma'am habang
nag-iisip.

"Pero... kung hindi na po pwede, Ma'am, ayos lang po. Huwag na lang ipilit. Handa
na rin naman ako na hindi ako sasali kaya ayos lang-"

"No, Leil! Sasali ka. Lalo na ngayong pinayagan ka!" giit ni Ma'am.

Ngumiti ako sa determinasyon niya.

"Ganito. Mamaya, habang nagpapractice sila, may meeting kaming mga teachers.
Magdodonate kasi si Hades Riego sa dekorasyon at iba pa sa prom ninyo."

"Oh?"
"Oo. Ang bait nga, e. Pati pagkain ay sinagot niya."

Napakurap-kurap ako. Hades Riego is Raoul's father. Nakikita ko siya, noon pa lang.
Siya nga ang inaabangan ko kasi mas madalas kapag nariyan siya, nariyan din ang
kanyang anak.

He's a tall and handsome man. He looks friendly. Though he's not friendly enough to
look approachable, hindi ako kailanman nakarinig ng masamang pag-uugali niya. I
imagine him to be like Raoul. Maybe he is, actually, now that I think about it.
Raoul looks ruthless, arrogant, and hard, but his attitude is very fine. Mabait
siya, mapagkumbaba, at wala ring kapintasan ang ugali.

I can imagine Raoul age like his father. Magiging mabait din siya at matulungin sa
kapwa. Dahil natural silang mabait, hindi na nila kami pinaalis sa village. We're
literally living there for free. It's not right but I still can't help but feel
thankful for Hades Riego's kindness to all of us.

"Talaga po?"

"Oo. Kaya kung good mood ang principal mamaya, isisingit ko ang tungkol sa'yo. Next
time ka na lang sumali sa practice dahil wala ka pang partner..."

Umiling ako. "Nahihiya po ako. May partner na po ang lahat. Ayaw ko na pong magulo
kaya kung sasali man ako sa practice, ayos lang po na wala akong partner."

Ngumiti si Ma'am. Alam kong mahihirapan siyang kumbinsihin ang principal na bigyan
ako ng partner. Ilang linggo na rin kasi silang nagpapractice at maaring nagkasundo
na ang mga magkakapareha.

"Sapat na sa akin ang makapunta, Ma'am. O hindi kaya... sapat na rin sa akin po na
pumayag si Papa. Ibig kasing sabihin noon, unti-unti nang nabubuksan ang kanyang
isipan."

"Hay naku, Leil..." she sighed. "You really have a wise old wisdom in you."

I chuckled. I am genuinely just happy to hear my father say those kind words to me.
Nakakakita ako ng pag-asa.

"Pero hindi ako papayag na pinayagan ka nga ng Papa mo, hindi ka pa makakasali.
Isasali kita. Ipipilit ko mamaya kahit pa wala ka nang partner, okay?"

I nodded happily.

"Ako na rin ang bahala sa make up mo. Pumunta ka lang sa amin. Pati sa buhok mo,
okay?"

"Okay, Ma'am. Salamat po."

Sa hapon ay hindi na ako nakatiis. Dala na rin siguro ng excitement, nasabi ko kay
Jeff ang tungkol sa pagsali ko sa prom.

"Jeff," sabi ko habang nagliligpit na kami ng gamit.

Ang mga kaklase ko ay pupunta na sa covered court, ako naman, uuwi na.

"Pinayagan na nga pala ako ni Papa na sumali sa prom."

Nanlaki ang mga mata niya. Naibagsak niya ang mga aklat sa kanyang desk.
"Totoo?"

Natawa ako sa kanyang reaksyon. Humalakhak ako at tumango.

"Talaga, Leil!? Sasali ka!?" napalakas ang boses niya.

"Shhh..." sabi ko. "Susubukan pa ni Ma'am na-"

Niyakap ako ni Jeff sa sobrang saya niya para sa akin. Tumawa lang ako at niyakap
na rin siya pabalik.

"Uy! Jeff, may naghahanap diyan sa kaibigan mo..." sabi ng kaklase ko, dahilan ng
pagkakatigil namin ni Jeff.

Sa pintuan ay naroon si Gasper. He's looking at us intently. He looks very serious.


Iniwas niya ang tingin sa amin, para bang may bahid na galit.

"Uh, si Gasper... teka lang..." sabi ko at maglalakad na sana patungo sa pintuan ng


biglang hinawakan ni Jeff ang aking kamay.

Agad niya naman itong binitiwan. Natigilan ako at napabaling sa kanya.

"Ako na ang bahala..." malamig na sambit ni Jeff sa akin bago naglakad patungo sa
pintuan.

Kahit na ganoon ang sinabi niya, sumunod parin ako. May kakaiba kasi akong
naramdaman sa tono ni Jeff.

"Anong kailangan mo?" matamang sinabi ni Jeff kay Gasper nang nakalapit.

Sumulyap si Gasper sa akin bago kay Jeff ulit. Kitang-kita ang gulat sa mga mata ni
Gasper. He shifted his weight and equaled Jeff's cold stare.

"Hindi ikaw ang hinahanap ko. Si Leil," matamang sinabi ni Gasper.

"Dadaan sa akin ang gustong makipag-usap sa kanya. Anong gusto mong sabihin?"

"Uh, Jeff, ayos lang. Ako na ang makikipag-usap kay Gasper-" singit ko.

"Ito ba ang gusto mo, Leil? Kaya ba hindi mo ako sinagot?" tumaas ang boses ni
Gasper, kitang kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

Hinila ko si Jeff para mapigilan. May umawat din kay Gasper kaya napaatras ito.
Pinagtulungan siya ng katropa paalis doon sa tapat ng classroom.

"Jeff, tama na. Ayos lang naman sa akin kung mag-usap kami ni Gasper."

He turned to me with cold eyes. Pero agad ding nawala iyon. He rested his hand on
my head.

"Hindi ayos sa akin, Leil..." sagot niya.

Kumunot ang noo ko roon. Magsasalita pa sana ako pero naglakad na siya pabalik sa
aming upuan at hinagilap ang mga gamit niya. Napasulyap ako sa mga kaklase namin na
tahimik na nagbubulung-bulungan.

"Grabe muntik nang nag-away 'yon, ah."


"Iba talaga pag nagayuma. Patay na patay talaga, e, 'no?"

"Tama na. Baka makulam tayo."

"Hindi 'yan totoo..."

"Anong hindi? Hindi pa ba 'yan totoo, e, ang dami niyang nagayuma na..."

Sinundan ko si Jeff palabas pero hindi ko na naabutan. Galit yata. Gusto kong
magtanong kung ano ang ibig sabihin niya sa hindi ayos sa kanya na mag-usap kami ni
Gasper.

Marami akong pagpipilian.

Una, baka may nalaman siyang masama tungkol kay Gasper kaya ayaw niyang lumapit ako
rito.

Pangalawa, baka ayaw niyang nakikita akong nakikipagkaibigan kay Gasper. Baka
iniisip niya na binubully ako ng mga tropa ni Gasper kaya dapat hindi ko na iyon
kinakausap.

Pangatlo... this is an impossible choice. But... Is he...

"She's here..." I heard a playful tone near the streams.

Tumigil ako. Sa pag-iisip ko sa nangyari, nakalimutan ko na ngayon nga pala


pinapunta ni Raoul si Zamiel Mercadejas sa kamalig.

Bumaling ako sa gilid at nakita ko ang tatlong kabayo na nakatali. Alam ko na agad
kung sinu-sino ang naroon.

Lumabas si Raoul sa kamalig. His dark smile made me forget all of my simple
schoolgirl worries. I smiled back at him.

Bumaling naman siya sa mga naliligo. Ang isang Mercadejas ay nakaupo sa silya.
Kumuha ng isa si Raoul at kinaladkad na ang silya medyo malayo sa mga kaibigan.
Iminwestra niya iyon sa akin, harap lang ng bilugang lamesa.

Tumango ako at lumapit na roon. Zamiel Mercadejas got out of the water. He's
dripping with freshwater when he snatched a black towel.

Hindi muna ako umupo gaya ng gusto ni Raoul. Hinarap ko ang magkapatid na
Mercadejas.

"Magandang hapon," sabi ko, medyo naiilang na tingnan ang dalawa sa mga mata.

I can sense it on their eyes. Alam ko na hindi man isinasatinig, nahihiwagaan parin
sila sa akin hanggang ngayon. Zamiel looks weary. Nagsalin siya ng tubig sa baso.
Nang gumilid ay nakita ko ang band aid sa kaliwang pisngi.

"Good afternoon, lady..." ang mas batang Mercadejas ang nagsabi.

I turned to him. He then turned to Zamiel, too.

"Ano na? Tell her the truth. Or you might get bad luck for seven years or so..."
sabay tawa nito.

"Shut up, Kajik!" agap ni Raoul.


Nagtaas agad ito ng kamay bilang pagsuko. "Kidding..." bumaba rin ang tingin niya
sa akin. "Sorry. Biro lang iyon."

"Ayos lang. Alam ko naman."

Umiling si Kajik at bumaling sa kapatid na palapit sa amin ngayon.

"Sorry, Leil..." he drawled. "I was just joking that time. I believe Raj will do
the same kung nakita niyang pinagtataksilan ako-"

"Enough, Zamiel!" agap naman ni Raoul ngayon.

Humagalpak si Kajik. Sumunod naman si Zamiel sa kanya bago bumaling ulit sa akin,
pilit na nagseseryoso.

"I hope you can forgive. I know what I did is wrong. I'm sorry for making you cry."

I nodded. "Wala na 'yon."

Nag-angat ng tingin si Zamiel kay Raoul. Kitang-kita ko ang panunukso nito bago
umiling at bumalik sa sapa.

"Seven years of badluck, bro."

"Shut up. Bad luck saan? I don't believe that..." Zamiel said.

"Maybe? Love life?" sabay tawa ni Kajik.

Natawa ako roon.

"Stop it, Kajik!" dumagongdong ang boses ni Raoul. "Makakaalis na kayong dalawa."

Kumalma naman ako at naupo na sa silyang kinuha ni Raoul kanina. Bumaling naman ako
kay Raoul para sawayin na masyado siyang mainit sa mga kaibigan niya. Ayos lang sa
akin ang mga sinabi nila. Alam ko namang nagtutuksuhan lang.

"Ah... You are very selfish. We are staying for the food and not for Leil, don't
worry!" agap ni Zamiel.

"Hm..." Raoul mocked.

Bumaling si Raoul sa akin. Nilingon ko naman siya.

"I cooked pizza. Nakakain ka na ba noon?"

Tumango ako. "Merong ganyan sa canteen namin. Iyong may cheese at hotdog?"

He nodded. "Iba ito sa canteen food. Kukunin ko lang sa loob ng barn house. Ayos ka
lang dito?"

"Oo naman!"

Sumulyap si Raoul sa mga kaibigan na ngayon ay abala na. Zamiel is swimming while
Kajik is looking at his phone. Raoul's phone is on the table pero hindi ko ginalaw
iyon.

Nagmamadaling umalis si Raoul para kunin ang pizza na tinukoy. Naisip ko tuloy na
siya ang gumawa noon. First time akong makakain ng luto niya. At mas lalo lang
akong humanga nang natantong marunong siyang magluto!
"I'm truly sorry, Leil," si Zamiel nang nakitang umalis si Raoul. "Naguilty ako
nang nakita kang umiyak pagkatapos ng sinabi mo."

Tumawa si Kajik. "Talaga ba o takot ka lang?" may pahiwatig iyon.

Tumawa rin ako. "Hindi naman ako manunumpa ng mga tao, kaya ayos lang."

"Wait! This isn't about me scared shit of your ability to curse someone. I am truly
sorry for what happened."

Kitang kita ko ang pagkunot ng noo ni Zamiel.

"Pero talaga bang marunong kang magsumpa ng tao?" pahabol niya.

Humagalpak si Kajik at binasa ng tubig sapa ang kapatid. Natawa na rin ako. Hindi
araw-araw na may nagpapagaan ng usaping ito. Ngayon lang ata ako nakarinig na
gumaan ang tungkol rito.

"Hindi... pero..." nag-isip ako tungkol sa mga isinumpa ko rin noong araw.

"Oh no, she really knows how to curse!" sabi ni Kajik, may bahid nang seryoso sa
tono.

"Tss. I don't believe you'll curse me. You're very kind..." ani Zamiel sabay balik
sa mas malalim na parte ng sapa.

Umiling ako at ngumisi.

"Isa pa, masumpa man ako, hindi ako maniniwala kung sa lovelife..." mayabang niyang
sinabi.

"Yeah... right. Whatever..." natatawa namang sinabi ni Kajik.

"Baka ikaw?" tukso naman ni Zamiel sa kapatid.

I heard Raoul's heavy footsteps behind. Nilingon ko siya at nakita ko ang paglapag
niya ng isang bilugang pizza sa harap ko. It smells soo good. Natakam agad ako.
Naglagay siya ng maliit na pinggan sa harap ko, kasama ang tinidor at kutsilyo.

Umupo si Raoul sa tabi ko. Iniisip ko na kinakain ito sa mas magaang paraan gamit
ang kamay lang pero nilagyan niya ng pinggan ang harap ko. Hindi lang iyon, isa
lang ang nilagay niya. Walang sa kanya. Wala rin para sa mga kaibigan.

Humiwa siya ng isa at nilapag niya sa pinggan sa harap ko. Ngumuso ako at mas
lalong natakam dahil sa cheese na ayaw humiwalay.

"You can eat this using your bare hands, pwede rin gamit ang kutsilyo at tinidor,"
he said.

Tumango ako. "Susubukan ko gamit ang kutsilyo at tinidor. Bakit walang sa'yo?"

"We'll just share... I'll eat with bare hands..." he said.

Kumuha siya ng isa pa at nilapag niya ang isa pa sa pinggan ko. Uminit ang pisngi
ko nang may naisip. Alam kong nilagay niya lang naman iyon sa pinggan ko pero
parang nagshare na rin kami ng pagkain. Hindi ko mapigilan ang pagkakatuwa.

"I'll get one," si Kajik sabay kuha ng isang pizza gamit ang kamay.
Umalis siya kaagad at bumalik sa malayong silya niya. Umahon si Zamiel at kumuha na
rin ng isa. Kita ko ang medyo makahulugang titig niya kay Raoul bago humalakhak at
umiling. Bumalik din siya agad sa sapa.

"Don't mind them..." Raoul said.

Tumango ako at sinubukan na ang kutsilyo at tinidor.

It's easy. Pormal na pormal. Naisip ko tuloy ang prom namin. Pormal din na okasyon
iyon kaya kakain ng pormal.

"Do you like it?" he asked after my one bite.

"Oo! Marunong ka palang magluto nito! Ang galing..." puri ko.

"I'll cook another next time."

Mas lalo akong namangha.

"Hindi lang ito ang alam mo? Marami pa?"

He only smirked at my reaction. Hindi 'yan aamin na marami pa. He's really very
humble! Tuwang-tuwa kong inisip na marunong siyang magluto ng iba't-ibang pagkain.
Ilang sandali pa tuloy bago pa naka move on.

"Narinig ko nga pala kay Ma'am Avila. Magdodonate daw ang Papa mo sa aming prom."

Raoul nodded like it's nothing. "He does that every year."

"Sigurado ako hindi lang sa school namin. Pati na rin sa iba pang mga
nangangailangan, hindi ba? Ang bait ng Papa mo..."

"Sayang at hindi ka makakasama, 'di ba?"

Ngumisi ako. Nahihiya akong umamin sa kanya na pinayagan ako pero kailangan.

"Pumayag si Papa..." sabi ko.

Natigilan siya roon. Kitang-kita ko ang gulat sa kanyang mga mata.

"Bigla na lang. Bumili siya ng damit at sapatos ko para sa prom."

"Talaga?"

"Oo. Kaso, hindi pa sure. Magtatanong pa si Ma'am Avila kung papayag ba ang
principal."

"My father can do something about that-"

"Naku! Huwag na!" agap ko. "Tingin ko naman, makakagawa ng paraan si Ma'am Avila.
Nakakahiya sa Papa mo."

"It's not a big deal, Leil."

"Bukas ko malalaman kung pinayagan si Ma'am-"

"Pag-uwi ko mamaya, dadaan ako sa mga Avila para magtanong. Kung hindi pumayag ang
principal n'yo, ako na ang makikiusap."
Tumawa ako. Hindi ko inasahan na ganoon kagusto ni Raoul na makasali ako sa prom.

"Sa totoo lang, tanggap ko na naman na hindi ako sasali. Kahit na hindi pumayag.
Masaya na ako dahil pumayag si Papa na sumali ako. Sapat na sakin 'yon."

He stared at me for a little while. His soulful dark eyes remained still even when
I tried to be goofy.

"Gusto kong pumunta ka..." aniya.

I can't believe it. My heart is beating very fast and loud again. He's very caring.
Alam niyang kailangan ko iyon.

"Wala rin akong partner. Huli na kasi ako sa practice. Kung sakali, baka bukas pa
ako makakasali."

"Ayos lang na wala kang partner. Ang importante nakapunta ka... Makakasama mo ang
mga kaibigan mo."

I smiled at that, remembering Jeff's reaction. Napawi rin nang naalala ang huling
nangyari.

"Tuwang tuwa nga si Jeff, e. Noong sinabi ko..."

Raoul looked away. Nagsalin siya ng juice sa dalawang baso sa harap. Nilapit niya
sa akin ang isa.

"Anong sabi niya?" he asked.

"Masaya siya para sakin."

"He'll try and dance with you, for sure," ani Raoul.

"Nasabi niya nga. Gusto ko ring isayaw ang iba na naging mabait sa akin."

Nagkatitigan kami ni Raoul. His eyes were very dark. I can sense his control taking
over him. He nodded, kasabay ng pag-igting ng panga.

"Sinu-sino?"

"Si Dixon... Si Ronald... Si Gasper..." bagsak ang tono ko sa huli dahil sa


naalala. "Kaya lang, kanina, muntik nang nag-away si Gasper at Jeff."

"Bakit?"

"Ewan ko kay Jeff. Kakausapin dapat ako ni Gasper pero hinarangan niya ako at siya
na mismo ang lumapit kay Gasper."

"Bakit ganoon ang ginawa niya?" now he looks so attentive.

"Hindi ko alam. Sabi niya ayaw niyang nakikipag-usap ako sa ibang lalaki."

Nagkibit ako ng balikat. Raoul sighed heavily. He murmurred so curses that I did
not get.

"How dare he treat you like his possession! Wala siyang pakealam kung gusto mong
kausapin ang iba."
Nagulat ako sa sinabi ni Raoul. Hindi ako nakakibo.

"Hindi pa ba iyan nanliligaw, talaga? O baka... akala niya kayong dalawa na?"

"Anong kami?!" gulat kong sinabi.

"Tss. Maybe you unconsciously gave him false hopes. Do you like him? More than
friends?" ramdam ko ang galit sa kanya.

"Hindi 'no! Hindi ba sabi ko naman sa'yo..." nag-iwas ako ng tingin. "Wala nga."

Raoul sighed. Naramdaman ko ang bahagyang pagkalma niya.

"You guys fighting or something? LQ?" Kajik asked slowly.

Umiling agad ako nang tumingin ito sa amin. Hindi kumibo si Raoul. Nanatili siyang
nakatingin sa akin.

LQ? Lover's Quarel 'yon, ah! Hindi kami maggaganoon, syempre! Hindi naman kami
lovers!

"I'm afraid he thinks you like him," balik ni Raoul sa topic.

Hindi ko alam paano siya napunta roon.

"Hindi!" giit ko sabay iling.

"You probably told him you like him. Gaya noong kay Gasper. Hindi mo dinagdagan ng
kaibigan lang."

"Hindi nga..." paulit-ulit ang iling ko para masuyo si Raoul.

Kita naman sa kanya na nagdududa siya. Na sigurado siyang may nagawa nga ako para
ganoon ang isipin ni Jeff.

"Maybe because you cried in front of him. He thinks you were crying for him." he
mocked again.

"Hindi nga..." I said, now a bit frustrated.

He sighed and licked his lower lip. Tinitigan niya ako na tila may naiisip talagang
kakaiba. Paulit-ulit parin akong umiiling sa pag-aalala.

He dragged my chair closer to him. Nagulat ako pero nakabawi rin agad.

"Hindi nga..." marahan kong sinabi.

"Look, Leil..." he said slowly and softly.

Ngumuso ako at tinitigan siya. Malapit na kami sa isa't-isa.

"You are very sweet. Even to your friends. You're unconsciously giving them false
hopes. I'm afraid you're going to break your own heart."

"Bakit?" gulo kong tanong.

"If Jeff thinks you like him at sasabihin mo ang tunay mong nararamdaman, ano sa
tingin mo ang magiging reaksyon niya? He'll get mad at you..."
Umawang ang labi ko. Kanina lang ay naisip ko iyon. Raoul can really open my eyes
to these truths, huh.

"There's no way in hell I'll let you cry over lost friends, okay?" malambing niyang
bulong.

Kinagat ko ang labi ko.

"You have to be careful with the way you treat them. Lalo na kapag may gusto sa'yo.
How about being friends with girls?"

Ngumuso ako. "Hirap akong makipagkaibigan sa mga babae, e."

"Eh, 'yong Sharlene? Pinky? Hmm?" he asked trying to catch my vision.

"Hindi naman 'yon namamansin sa school si Sharlene. At si Pinky, baka ayaw niya
sakin kasi ayaw ng ibang kaibigan niya sakin," sabi ko.

Now he looks problematic. Parang nag-iisip siya ng paraan para sa problema ko.

"Pero ayos lang naman. Alam ko naman na hindi dapat ako nagmamadali sa paghahanap
ng kaibigan. Mabait naman sina Gasper, Dixon, Ronald, at Jeff sakin... Andyan naman
si Ma'am Avila at Lola Brosing... tapos..."

Uminit ang pisngi ko nang naisip ang idudugtong.

"Nandyan ka naman..."

Sumulyap ako sa kanya. His lips twitched. His eyes relaxed a bit, too. Mas lalo
pang uminit ang pisngi ko sa idudugtong na tawag sa kanya.

"... Raj..."

Nahihiya ako dahil pakiramdam ko, wala akong karapatan na tawagin siyang ganoon.
Masyado yata akong masaya sa araw na ito na nagkaroon ako ng lakas ng loob.

His reaction was my cue. Hinaplos niya ang buhok ko pababa at marahang inilagay sa
likod ng aking tainga. Ang isang kamay niya ay nakahawak sa likod ng upuan ko.
Hindi ako natatakot na bumulong dahil sobrang hina noon na hindi dinig ng dalawang
nagtatawanang Mercadejas sa malayo.

"Pwede b-ba kitang tawaging... R-Raj?"

I swear my face heated so bad that I had to bite my lip. I need to stop talking.
Hindi ko na siya matingnan ng diretso.

Umawang ang labi niya. I can sense his amazing control taking over him.

Lumapit siya ng bahagya. Natanto kong baka nga ayaw niyang tawagin ko siyang
ganoon. Only his close friends and relatives can call him that. I'm not one of them
so I must stop it.

"S-Sorry..." agap ko.

"Why are you sorry?" he asked breathily.

"Hindi tayo close... p-para tawagin kitang ganoon."

"Gaano ka close pa, Leil, para matawag mong ganoon tayo? Hmm?" he asked painfully.
Hindi ako nagsalita. Bumagsak ang tingin ko sa aking kandungan. Pinisil ko ang mga
daliri ko, nakasanayan na tuwing kinakabahan.

"Say it again..." he commanded tenderly.

"H-Huh?" agaran ang pag-angat ko ng tingin sa kanya.

His eyes were dark and hooded. He looked so mysterious. Kumabog ang puso ko. Lalo
na dahil pakiramdam ko galit siya... o 'di natutuwa... o iritado. Hindi ko alam.
Hindi ko sigurado.

"Say my name again..." he said softly.

Napaawang ang bibig ko. Hindi ko parin malaman kung ano talaga ang emosyong iyon sa
kanyang mga mata. Patuloy ang pagpisil ko sa aking mga daliri.

He covered my hands with his large, warm hand to stop me from the tension.
Naramdaman niya yata ang nerbyos ko.

"Baby, call me again... please?" he whispered near my ear, almost begging.

My heart pounded violently. Nanuyo ang lalamunan ko. Something about the way he
pleaded made me tremble. I can't believe that these feelings could intensify more.
Akala ko sukdulan na noong nakaraan pero ngayon, mas lalo pa yata akong nahulog.

Huminga ako ng malalim. Nag-aalinlangan ako pero hindi ko maitago ang kagustuhan
kong sabihin nga iyon muli.

"Raj..." my voice broke a bit.

Sumilay ang ngiti sa kanyang labi kahit pa ang mga mata'y halatang hindi
komportable o may halong salungat na emosyon.

"I want that..." he said slowly.

Kabanata 16
Kabanata 16

Time

Time is cruel. Now that I think about it all. Now that I look back.

Kung kailan ko naramdaman na pinapanigan na ako ng tadhana, siniswerte at


binibigyan na ng pag-asa, 'tsaka ito nagdesisyon na bilisan ang pagpatak ng
buhangin. But I guess, life goes that way, huh?

Ang sabi ni Raoul, kailangan ko raw isipin ng mabuti ang mga kilos ko sa school,
lalo na kapag kasama si Jeff. Ayaw kong masaktan siya kaya dapat hindi siya umaasa
ng ganoon. Ang sabi rin ni Raoul, kailangan kong klaruhin sa mga kaibigan kong
lalaki ang totoo kong nararamdaman. Lalo na sa mga manliligaw.

In Jeff's case, he isn't a suitor. He's just a friend. Pero base sa sinabi ni Raoul
na maaaring may pagtingin ito sa akin, kailangan ko tuloy mag-ingat para hindi ko
ito mapaasa ng hindi sinasadya.

"Jeff, kay Ma'am Avila ako kakain ng lunch ngayon."


Jeff's brows furrowed. Napakurap-kurap ako, unti-unting nakikita ang katotohanan sa
sinabi ni Raoul sa akin.

"Iniiwasan mo ba ako?" he asked.

I recall it's been two straight days since I decided to eat my lunch with Ma'am
Avila.

"Naku, hindi, Jeff. Mag-uusap lang kami ni, Ma'am. Ba't naman kita iiwasa, 'di ba?"

Huminga siya ng malalim. Nakitaan ko siya ng konting pagkapahiya ngunit nakabawi


rin.

"Akala ko galit ka dahil sa pagbabawal ko sa'yong makausap si Gasper kahapon."

Nag-isip ako bago nagkibit ng balikat.

"Hindi naman, Jeff. Pero nahihiya rin ako kay Gasper dahil doon. Baka kasi ano pa
ang sabihin niya tungkol sa atin, magkaibigan lang naman tayo."

Kita ko ang gulat sa mga mata ni Jeff sa sinabi ko. Mas lalo ko tuloy natanto na
tama nga ang lahat ng nasabi ni Raoul.

"Pagkakaibigan lang kasi talaga ang gusto ko."

Tumango siya at kinuha na ang mga gamit. Tinitigan ko siya kahit pa hindi siya
makatingin. Ngumiti siya pero kita ang pagkakailang sa akin. I smiled back and
dismissed myself.

"Pupunta na ako kay Ma'am Avila, Jeff."

I think I did a good job, right? Kahit paano, naklaro ko naman ang sarili ko. Kahit
pa hindi diretsahan.

"Leil! Pumayag ang principal!" excited na sinabi ni Ma'am Avila sa akin.

"Talaga po?"

"Oo! Tuwang tuwa ang Lola Brosing mo! Masaya ra siya para sa'yo. Pwede ka nang
umattend sa practice mamaya. Wala ka nga lang kapartner."

"Naku! Ayos lang po! Basta ba makasali lang, ayos na ayos lang sa akin."

Bahagyang nanliit ang mga mata ni Ma'am. "Nasabi nga pala ni Raoul na nakwento mo
raw ang pagpayag ng Papa mo. Pumunta kasi siya kahapon sa amin."

I smirked shyly. Talagang tinotoo niya pala talaga.

"Sinabi ko sa kanya na payag na ang principal tungkol sa'yo. Syempre, good mood
iyon, e. Nag offer din si Raoul na siya na lang daw ang maghahatid sa atin sa
gabing iyon, patungo sa school at pabalik naman sa bahay."

"T-Talaga po?" now that's surprising. He did not tell me about that.

"Oo! Nakakahiya nga, e. Pwede naman tayong mag arkila ng tricycle. Mahihirapan nga
lang tayo kasi marami ring mag aarkila niyan sa mga estudyante."

"Oo nga po!" I agreed when I realized it's awkward and embarassing.
"Kaso itong si Lola mo..." Ma'am Avila's eyes widened with irritation. "Pinilit
ako. Wala rin naman daw gagawin si Raoul noon. Si Mama talaga..." sabay iling.

Kinagat ko ang labi ko. Nagdadalawang-isip ako ngayon. Gusto ko nga na makita si
Raoul sa araw na iyon pero nakakahiya naman ang offer niya.

"Excited na ako, Leil! Hinanda ko na ang gagawin sa buhok mo at pati sa make up.
Ano ba ang kulay ng biniling damit ng Papa mo?"

Our conversation went on and on about the prom. Na excite pa tuloy lalo ako nang
ikinwento ni Ma'am kung ano ang gagawin niya sa akin sa gabing iyon.

Nahihiya na naeexcite din ang pakiramdam ko nang naroon na ako sa covered court
para sa practice. Pinagtitinginan ako ng iba. Ako ang nasa pinakahuling linya ng
unang row. Walang ka partner at tahimik lang.

Nakakahiya pa nga, e. Kasi naman... minsan hindi ko alam ang mga gagawin. Sinaulo
ko na lang lahat, kung kailan kakanta, kailan uupo, kailan tatayo, at iba pa.

"Leil! May suot ka na?" excited na tanong ni Ronald.

Maligaya akong tumango. Hindi niya na kailangan ipuslit ang damit ng kanyang
kapatid para sa akin.

"Naku! Mabuti naman! Magsasayaw tayo sa prom, ah!"

"Oo naman!" sabay tawa ko.

Nilapitan din ako ni Dixon. Ngiting-ngiti siya sa akin. Tuwang-tuwa siya dahil
sasali na ako. Ganoon din sina Gasper at iba pang kaibigan nito.

We could not interact very much because of the practice. Noong break nila ako
nilapitan para batiin. Masaya na ako.

Si Jeff ay nakatayo katabi ng partner niya. Hindi lumalapit pero tumitingin-tingin.


Ngumiti na lamang ako sa kanya.

I can't believe that the only thing I'm worried about during practice, aside from
forgetting when to sing and when to stand and sit, iyon ay ang uwian. Alas tres y
media higit ang uwian. Ibig lang sabihin noon, alas kuatro y media higit ang dating
ko sa kamalig. Iyan madalas ang pagpapauwi ni Raoul sa akin, e. Ayaw niya kasing
gabihin ako sa daanan.

Baka mamaya... hindi na ako makaupo man lang roon. Yayayain niya na akong umuwi.

Pagkatapos na pagkatapos ng practice, halos tumakbo ako patungong gate. Nagsisisi


nga ako dahil naisip ko iyong mga kaibigang dating kasabay bago nagsimula ang
practice ng prom. Dapat, magsasabay ulit kami ngayon kaso... nagmamadali na ako.

Lakad-takbo ang ginawa ko patungong kamalig. Hiningal tuloy ako nang nakarating na.

I saw Raoul squatting in front of the body of water. Nakaitim na t-shirt, maong, at
boots. Napalingon siya sa banda ko at nang nakita ako'y tumayo na. He sighed
heavily.

"Sorry. Nagpractice kami sa p-prom."

He nodded like he knows why I'm late.


Kinuha ko ang isang silya para upuan. He stopped me from dragging it near me.

Nagkatitigan kami. Alam ko na agad ang gusto niyang mangyari base sa itsura. His
hard features darkened. Pinungay ko ang mga mata ko para ipakita sa kanya ang gusto
ko.

"Saglit lang, please?" pagsusumamo ko.

"Gagabihin ka na!"

"Dala ko ang flashlight na bigay mo."

"Anong magagawa ng flashlight sa mga baboyramo?" his brow shot up.

I sighed, defeated.

"I'll worry to death, Leil..." he explained a bit softer now.

"Sanay na naman ako, e..." giit ko.

"Hindi na ngayon."

Marahan akong tumango nang natantong tama naman siya. Alam ko naman talaga ano ang
dapat kong gawin. Hindi lang ako sanay na hindi kami nag-uusap ng matagal.

"Pagkatapos nitong prom mo, okay?" aniya bilang pampalubag ng loob ko.

"Okay..."

"Huwag kang magtatagal pagkatapos ng eskwela kapag regular na ang schedule mo," may
panunuksong bahid sa boses niya.

"Bakit ako magtatagal?"

"Baka dumami maka date mo dahil sa prom na 'yan kaya matatagalan ka ulit pauwi
rito?"

"HIndi! Didiretso ako rito!" giit ko.

His lips twitched in a boyish way. "That's good. Ngayon, umuwi ka na para hindi ka
na gabihin."

Ganoon din ang nangyari kinabukasan. Hinihingal pa ako nang sinabi ni Raoul na
umuwi na dapat ako. Iyon kasi ang naging pinakamatagal na pagtatapos ng aming
practice. Last practice na kasi iyon para bukas, relax na lang.

"Nagmamadali ka noong nakaraang araw, ah?" si Jeff.

Nakita niya kasi ako kahapon. I sprinted from the covered court till our gate when
the whole practice was dismissed. Alas kuatro na kasi noon at inisip kong alas
singko na talaga ako makakadating ng kamalig.

Naisip ko pa ngang sa gubat dumaan para tatlumpong minuto lang kaso baka magalit si
Raoul na roon ako dumaan.

"Oo, e..." sabi ko ng wala sa sarili.

"Kumusta? Handa ka na ba sa prom?"


Ngumiti ako kay Jeff. "Oo. Si Ma'am Avila ang magmi-make up sa akin."

"Gusto mong sumabay sa inarkila kong tricycle?"

Tumawa ako. "Huwag na. Magsasabay naman kami ni Ma'am Avila, Jeff."

Maaga ang dismissal ngayon. Tuwang-tuwa nga ako, e. Ibinalita iyon kahapon. Para
raw paghahanda sa prom na bukas na gaganapin. Alam ni Raoul iyon kaya sabi niya,
dahil maaga, kunin ko ang kambing sa amin. Magluluto rin siya ng barbecue sa
kamalig. Habang ginagawa niya iyon, nasa bahay ako para kunin ang kambing. Pagbalik
ko roon, luto na siguro.

"Nalaman ko nga pala... s-sa iba... na... marami ka raw pinangakuan sa sayaw,
Leil?" he sounds serious now.

Napabaling ako sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad kaya tumigil na rin ako.

"Oo. Sina Ronald, Gasper, Dixon. Marami... iyong iba kaibigan nila. Bakit?"

Nag-iwas siya ng tingin sa akin. I sensed his anger towards what I just said.
Naisip ko tuloy iyong sinabi ni Raoul. I don't want to assume but does he like me?

"Paano kung sabihin ko sa'yo na matuturn off ang crush mo kapag ginawa mo iyon?"

Crush ko?

Teka lang. Hindi ba sinabi ni Raoul na baka may gusto si Jeff sa akin? So si Jeff
ang may crush sa akin.

Bakit usapang crush ko naman ang binubuksan ni Jeff ngayon? Crush ko? Si Raj? Bakit
matuturn off si Raoul kapag makikipagsayaw ako ng iba? Matutuwa nga iyon, e. Kasi
magkakaroon ako ng mga kaibigan.

"Hindi 'yon, Jeff! Bakit matuturn off?" lito kong tanong.

"Ayaw kong may kasayaw kang iba, Leil, bukod sa akin."

Nagkatinginan kaming dalawa. For the first time, he didn't look away. Mataman niya
akong tinitigan kahit pa kita na ang unti-unting pagkakahiya at pamumula.

Suminghap ako at tumuwid sa pagkakatayo.

"Jeff, pasensya ka na pero mukhang nagkamali ka. May iba akong crush. Gusto kita
bilang kaibigan. Mabait ka sa akin. Naiintindihan mo ako."

Namilog ang mga mata ni Jeff sa sinabi ko. Kitang-kita ko ang pamumula nito sa
iritasyon.

"Sana huwag mong masamain ito-"

Hindi niya na ako pinatapos. Umalis si Jeff, mukhang galit at nagtatampo. Kinabahan
tuloy ako.

"Jeff!" tawag ko pero hindi niya ako nilingon.

Hahabulin ko sana pero naisip kong baka kailangan niya lang mag-isip. Baka galit
siya. Mas mabuting hayaan ko muna siya.

Iyon tuloy ang naging laman ng isipan ko habang naglalakad sa kamalig. Pagkatapos
kong dumaan kay Ma'am Avila sa faculty room, umuwi na ako.

"Ala una, pumunta ka na sa amin bukas, okay?" bilin ni Ma'am na sinang-ayunan ko


naman. "Kung pwede kahit before lunch."

Ayos lang ang kahit ano. Wala na ring sinabi si Papa tungkol doon kaya sigurado
akong papayag iyon. Magpapaalam parin ako mamayang gabi kapag nasa hapag na kami.

"Magsisimula ka na?" maligaya kong tanong kay Raoul nang nakarating na sa kamalig.

Isang barbecue stand ang nasa tabi ng sapa. Nakikita ko rin ang mga nakatusok na
karne. Pagkadating ko'y naabutan ko siyang inaayos iyon.

"Oo. Umuwi ka na at isama mo na ang alaga mo."

Tumango ako. Inisip kong gusto ko sanang tumulong kaso I'm too preoccupied to voice
it out. I'm worried with Jeff.

Dumiretso na ako sa bahay. Naligo ako at nagbihis. Nagpaalam ako kay Papa na
mamamasyal lang, pumayag naman ito. Kinuha ko ang lubid ng kambing at panay na ang
hiyaw nito.

Maaaring nagalit nga si Jeff sa akin. Masakit naman talaga masabihan ng ganoon.
Lalo na kung totoong may nararamdaman siya sa akin.

"Nalulungkot ako. Masaya na sana lahat, kaso nagalit pa si Jeff sa akin..." sabi ko
sa kambing.

Humiyaw ito bilang tugon.

"Minsan, naiisip ko, ano ba talaga ang gusto nating marinig? Ang katotohanan o ang
kasinungalingan?"

I sighed deeply.

"Pero siguro... gusto naman talaga natin ang totoo. Hindi lang talaga natin
mapipigilan ang sakit," sabi ko.

Naamoy ko na ang barbecue na ginagawa ni Raoul. Lumakas na rin lalo ang hiyaw ng
kambing. Alam yata nito na palapit na kami kay Raoul.

Ngumiti ako nang lumingon si Raoul sa akin. He's still doing the barbecue pero sa
lamesa, kita kong may iilan nang naluto na. Hinila ko ang kambing palapit doon at
naupo na sa silya. Inayos ko ang pinggan at mga kubyertos para sa aming dalawa.

Umunit ang pisngi ko nang natantong mukha itong date.

"How's school?" Raoul said after putting the last sticks on a plate.

"Ayos lang..." medyo mahina kong sinabi.

Nilapag niya sa lamesa ang pinggan bago tinapik ang ulo ng kambing. Ilang sandali
ang lumipas, pumunta siya sa pinakamalapit na halamanan at kumuha ng iilang tangkay
para ilagay malapit sa kambing.

Mabilis itong nilantakan ng alaga ko. Tumayo si Raoul at lumapit naman ngayon sa
sapa para makapag hugas ng kamay bago bumalik sa lamesa.

"Ang bango ng barbecue!" puri ko nang naupo na siya sa harap ko.


He looked at me cautiously for a moment bago nilagyan ng kanin ang pinggan ko.

"Matamlay ka. Kanina pa. Anong problema?"

I can't believe he's that thoughtful and attentive to realize it. Hindi ko naman
pinapakita. Kumuha ako ng dalawang piraso ng barbecue stick. Amoy pa lang,
nabubusog na talaga ako.

"Nagalit si Jeff sa akin kanina. Sinabi ko kasi sa kanya na nagkakamali siya sa


iniisip niya. Na kaibigan lang ang turing ko talaga sa kanya."

"Bakit? Ano ba ang sinabi niya?"

"Akala niya... crush ko siya."

Raoul sighed. Humilig ito sa kanyang upuan. Ngumiti ako at nagsimula nang kumagat
sa barbecue. Ang sarap talaga.

How can a man be this perfect? He's handsome, kind, humble, and also... a good
cook!

"Bigla siyang umalis kalagitnaan ng pag-uusap namin," sabi ko.

"Did you stop him?"

"Hindi naman."

"Good. Let him be. He likes you and he's hurt. It's normal," ani Raoul.

Tumango ako habang ngumunguya. Nagrelax naman si Raoul at nagsimula na ring kumain.
Pero habang tumatagal ay mas lalong gumulo ang isip ko.

Bakit? Si Raoul ba nakasubok na ng ganoon? Hindi ko binasted si Jeff dahil hindi


naman ito nanligaw pero kung nanligaw ito, ganoon na ang tawag doon, hindi ba?

"Nabasted ka na ba?" I asked.

Tumigil siya sa pagkain. Pumikit siya ng mariin na parang nahihirapan bago uminom
ng tubig. Nagpatuloy naman ako sa akin habang naghihintay sa magiging sagot niya.

"Hindi pa..." matamang sagot ni Raoul sabay titig sa akin.

Of course. Sinong babasted sa kanya, hindi ba? Lahat ng linigawan niya, oo na


kaagad! Uminit ang pisngi ko sa kaisipang iyon.

"Mmm. May umamin... na ba sa'yo na... gusto... o mahal ka niya?" nag-aalinlangan ko


nang tanong ngayon.

Kunot-noo ni si Raoul ngayon. Nararamdaman kong ayaw niyang manghimasok pa ako sa


buhay niya kaya tumawa na lang ako para pagtakpan ang sarili.

"Huwag mo nang sagutin!"

Umiling siya at nagpatuloy sa pagkain.

"Oo. Meron na."

Sinagot niya. I leaned closer to the table because it's an interesting topic.
"Sino? Naging kayo ba?"

Napainom ulit siya ng tubig. Matalim parin ang titig niya sa akin ngayon. Hindi
niya gusto ang topice pero sinasagot niya naman iyon. Nalilito tuloy ako.

"Hindi."

"Kung ganoon... n-nabasted sa'yo... 'yong babae?!"

Oh my gosh. That means he's scary! May nararamdaman ako para sa kanya. Paglaki ko,
balak kong umamin pero ngayong nalaman kong ganito. Nakakatakot pala!

"A-Ayaw mo ba sa... mga babaeng nauunang u-umamin?" now I'm pretty tensed. I can't
eat anything. I'm too curious.

He sighed. I can sense that he's a bit problematic with something.

"I don't have any specific ideal for that, Leil. Don't worry to much about Jeff.
Ganyan talaga. You'd rather tell the truth and hurt him than lie, right?"

Bigo akong bumuntong-hininga at tumango.

"Kung magsisinungaling ka rin naman, you will eventually you will be unhappy.
Eitherway, you'll hurt him. What you did is just right."

Tumango ako at ngumiti. Medyo nasiyahan ako. Kung pinatagal ko pa iyon, mas
masasaktan si Jeff kaya tama lang talaga iyon.

"Ang sarap nitong barbecue na ginawa mo! Hindi pa ako kailanman nakatikim ng
ganito."

Nilingon ko ang isang hindi pamilyar na sauce. Hindi rin naiintindihan ang salita
kaya inisip kong galing yata sa ibang bansa ang mga gamit niya rito.

"What else do you wanna eat? I can cook more, next time."

Malapad na ang ngiti ko. "Magbabasa ako. Titingnan ko kung ano pa ang masarap na
pagkain na gusto ko."

Umangat ang gilid sa kanyang labi. "I can lead you to our library. Pupunta ka na
roon para magbasa ng aklat, hindi para mag ayos."

"Sige!" maligaya kong sinabi.

Lumipad agad ang isipan ko sa madalas na pagpunta sa kanilang mansyon. Nakakahiya!


Umiinit ang pisngi ko sa kahihiyan pero ang saya saya isipin!

Raoul chuckled and shook his head. Napatingin ako sa kanya at mas lalo lang akong
nahiya.

"Susunduin ko kayo bukas ni Ma'am Avila. Ala una ka bukas doon, hindi ba? Ganoon
din ang dating ko."

Para akong nabilaukan sa sinabi niya. Humiyaw ang kambing, tila alam na alam ang
nararamdaman ko.

"Magmi-make up pa ako at mag-aayos pa ng buhok! Alas singko pa naman ang sabi, kaya
kahit alas kuatro na!"
"Hmmm. Why are you so alarmed? So what if I wanna see you earlier?"

Parang umuusok na ang tainga ko sa kahihiyan. Hindi na ako mapakali at


pinagpapawisan na ako ng husto.

"Raj, pwede namang alas kuatro na, 'di ba?" marahan kong sinabi. "N-Nakakahiya
sa'yo. Baka marami ka pang ginagawa."

He smirked. "Wala akong gagawin bukas. Pagkahatid ko sa'yo, sa labas na rin ako ng
school n'yo maghihintay."

"Huh?"

I can't imagine it. Walang hindi nakakakilala sa mga Riego rito sa Costa Leona.
Kahit ang mga sasakyan nila, saulo ng mga tao. To have his car waiting outside the
school is a big thing. Lalo na dahil nagdonate si Hades Riego sa aming prom!

Malaki ang puruhan na maimbita si Raoul kapag nakita ang sasakyan nito sa labas.
Kapag nangyari iyon, makikita ko siya sa prom! Iniisip ko kung mag-uusap ba kami o
hindi?

Syempre, hindi. Ayaw kong maisip ng iba na kaibigan niya ang isang tulad ko!

At kung oo naman... kung mag-uusap naman kami... kung kakausapin niya naman ako...
mahihimatay yata ako!

Everyone will look at us! Everyone will stare! I can only imagine the people's
reaction.

"Hihintayin kita hanggang sa matapos ang prom ninyo. You may dance with your
friends... whoever you like. No kissing, alright?"

Kissing? Sa dami ng iniisip ko at sa dami ng sinabi niya, iyon lang ata ang
naintindihan ko.

"Nakakahiya!" sabi ko.

He chuckled again. "Unti-unti kitang sasanayin, Leil."

Hindi ko alam kung anong ibig sabihin ng sinabi niya pero nasakop na ang utak ko
noong sinabi niya. He'll be there tomorrow, for sure!

My head is just so full of Raoul. Pagkatapos naming kumain ay nagligpit na kami ng


mga gamit. Pagkatapos namang magligpit, sabay naming pinainom ng tubig-sapa ang
alaga kong kambing.

Kahit hindi perpekto ang naging araw ko, kontento parin ako. I think that is what's
important, right? Contentment. Our days may be bad, but we can still be content
with our life.

"Leil, bukas na ang prom ninyo, hindi ba?" tanong ni Papa.

"Opo, Papa. Alas singko raw po baka hanggang alas otso o alas nuebe."

Gabi na. Masayang masaya ako. Tahimik kaming kumakain ni Papa sa hapag.

"Sige. Umuwi ka na agad pagkatapos, ha? Huwag ka nang sumama sa mga kaklase mo kung
gigimik pa sila."
"Oo naman, po..." I assured him.

I have no intention to do that. Isa pa... mag-aantay si Raoul na matapos ako. Iuuwi
agad ako noon. Lagi pa naman iyong nag-aalala kapag ginagabi ako.

I smiled at the thought.

"Wala ako bukas kaya siguraduhin mo, okay?"

"Opo!" sabi ko pero ngayon ay naisip na kung saan ang tungo ni Papa.

"Magpapadasal na naman kami ngayon para sa magandang kalalabasan ng mga lakad


namin."

"Sige po."

Ganoon sila lagi. Kapag aalis, magkakaroon ng espesyal na pagdarasal para sa


matagumpay na paglalakbay.

Sa harap ng mistulang altar, nakatayo ako. Dozens of our village's men are kneeling
before me. Inaayos ang belo sa aking likod. Ang gitnang pagitan ay walang tao dahil
doon ako dadaan mamaya.

I am heating the leaves of a healing herb. Umalingasaw ang mapait nitong amoy.

"Ang lahat ay para sa karangalan ng mahal na Diwata ng Liwanag. Sinasamba namin ang
Diwata ng Liwanag. Ikaw ang Sugo ng Panginoon. Ang aming paglalakbay ay para sa
iyong pangalan! Oh, Diwata ng Liwanag, ang aming buhay ay para sa'yo..."

Paulit ulit nila iyong sinabi habang ginagawa ko ang ritwal para sa halaman. My
father is kneeling on the first row.

Pinatuluan ko ng langis ang halaman. Pagkatapos ng ginawa ay bumaba na ako sa


altar.

Lumakas lalo ang awit ng mga tao. Pumikit ako at sinabi ang sanitatem para sa
paglalakbay. Litanya na pinasaulo rin sa akin ni Papa noong bata pa ako.

Gamit ang halaman, winisik ko ang langis para matamaan ang lahat ng manlalakbay.
They believe that it will grant them safety and good health the whole time.

Nagpatuloy ako sa ginawa. At nang natapos, gaya ng dating gawi, naligo na ako at
natulog na lang para sa isang magandang araw... kinabukasan.

Kabanata 17
Kabanata 17

Fire

"Andito na siya!" deklara ni Lola Brosing habang nagliligpit na kami ng pinagkainan


sa tanghalian.

Inagahan ko na ang pagpunta kina Ma'am Avila. Naisip ko rin kasing maligo ulit doon
para hindi naman ako pawisan pagdating ng ala una. Inangat ko ang tingin ko sa
orasan at nakitang alas dose y media pa lang at dumating na si Raoul dito.

"Kanina pa siya rito. Naligo na rin kasi. Kumain ka na ba? Katatapos lang namin,
hijo, pero may pagkain pa!"

"Tapos na po ako, La."

"Ganun ba? Hindi bale, magluluto ako ng pang meryenda. Maraming salamat sa alok
mong paghahatid kay Leil at kay Luz patungo sa school..." nagpatuloy pa si Lola sa
litanya ng pasasalamat.

Pinunasan ko ang kamay ko, tapos nang maghugas ng pinggan at magtoothbrush.


Pagkatapos ay sinuklay ko na ang basang buhok bago nagpakita sa sala, kung nasaan
si Raoul.

"Kung wala ka'y dagdag gastusin pa sa tricycle. Alam mo naman ang mga tricycle na
'yan. Kapag alam na marami ang kukuha ngayon, biglang tataasan ang presyo."

Nagkatinginan kami ni Raoul. He's already sitting on the living room's rattan sofa
couch. Ngumiti ako at lumapit sa pang-isahang silya.

"Naliligo pa si Luz. Pagkatapos noong maligo, magsisimula na sila sa pag-aayos sa


buhok ni Leil. Ang aga mo, hijo... baka mabagot ka rito?" patuloy pa ni Lola.

"Wala rin naman akong gagawin sa amin, Lola."

"Ganoon ba? Naku, e, tamang-tama. Pwede mo ba akong tulungan. May ihahatid kasi ako
bukas sa kabilang bayan. E, hindi ko pa nagagawa kasi sumasakit na ang likod ko."

Nakakahiya naman talaga itong si Lola. Mabuti na lang at mabait si Raoul. Tumango
lang ito at kitang gustong-gusto pang tumulong.

"Ayos lang ba? Mamaya na lang kapag tapos na si Luz."

"Oo naman po! Wala naman akong gagawin dito habang nag-aayos sila..." si Raoul
sabay sulyap sa akin.

Ang daming pinapagawa ni Lola. Pagsisibakin niya yata ng kahoy si Raoul, at kung
anu-ano pang tungkol sa paghahalaman. We did not have any time to talk lalo na nang
tinawag na ako ni Ma'am Avila sa pangalawang palapag ng bahay.

Umakyat na ako. Sumulyap ako kay Raoul na ngayon ay iginigiya ni Lola patungo sa
likod ng bahay. Even when he looks a bit dark, I can see the humor in his eyes.
Hindi ko mapigilan ang pagngisi. His lips twitched sexily at that. Parang nagulat
ang puso ko't bigla itong pumintig ng malakas.

Buntong-hininga ang sinalubong ko kay Ma'am Avila sa taas. May tuwalya sa buhok ni
Ma'am at nakatapis siya ng roba. Pinasadahan ko ng tingin ang pangalawang palapag
sa kanilang bahay.

May apat na pintuan doon. Apat rin kasi ang kanilang silid dito. Wala nga lang tao
sa dalawang silid dahil silang dalawa lang naman ni Lola Brosing ang naroon.

"Sigurado ka bang hindi ka rito matutulog, Leil? Gagabihin tayo.

Umiling ako. "Ayaw ko pong isipin ni Papa na pinagsasamantalahan ko ang ibinibigay


niyang pabor sa akin."

She sighed sadly. "Okay. Sayang naman..."

Pinapasok ako ni Ma'am sa kanyang kwarto. Sa tukador, naroon na ang mga


kakailanganin. Manghang-mangha ako sa dami ng make up ni Ma'am. Hindi ko na
napigilan ang sarili sa pag tingin sa isa.

"Minsan ko lang nagagamit ang mga ito. Excited na akong gamitin ito sa'yo, hija..."
ani Ma'am. "Upo ka rito."

Pinaupo niya ako sa tapat ng tukador. May pampatuyo siyang pinaandar at itinapat sa
aking mahabang buhok. Nahihiya tuloy ako dahil sa haba ng buhok ko, natagalan
talaga siya sa ginawang pagsuklay at pag blowdry.

My big loose mermaid curls loosened more. Siguro ay sa init ng hangin na hatid ng
blower.

"Medyo sexy ang damit mo sa balikat, Leil. Kaya hindi ko itatali ang buhok mo. Half
ponytail lang."

Nakatingin ako kay Ma'am sa salamin. Halatang seryoso siya sa iniisip at ginagawa
niya. Tumango lang ako.

"Ikaw na po bahala, Ma'am."

"Ilalagay ko ito," she declared.

Ipinakita ni Ma'am sa akin ang isang hairpiece na puting mga bulaklak. Tumango lang
ako kahit hindi ko naman talaga alam kung paano iyon ilalagay ni Ma'am.

Iniwan niya ang buhok ko at inuna na ang aking mukha. May nilagay siya sa aking
mukha. Ito iyong nababasa ko sa mga magazine. They were made so a woman's face will
look flawless.

Pagkatapos noon ay sa mga mata ko naman siya. Hindi ko inakalang medyo matagal pala
iyan. Unang pagkakataon ko yata itong nalagyan ng make up. Nagulat tuloy ako ng
narealize na medyo matagal pala sa bawat isang mata.

Pikit. Tingin sa baba. Pikit ulit. Pikit. Pikit.

May nilagay din siyang pampahaba ng pilikmata. Inayos niya rin ang aking kilay.
Kaya naman nang natingnan ko ang sarili ko sa salamin, nagulat ako. Hindi ko
inasahan na may mas ikaklaro pa pala sa bahaging iyon ng aking mukha. It was like
it was traced beautifully so everyone can see it clearly.

Hindi makapal ang makeup. Tama lang na makita ng husto ang aking mg mata. And all
the colors she used were neutral that it almost looked natural. Pagkatapos noon ay
ang pisngi ko naman. She used a soft brush on it and it's done.

She also painted my lips with subtle pink lipstick. First time ko 'yon kaya medyo
nanibago ako.

"Hindi pa masyadong tuyo ang buhok mo kaya mamaya ko na aayusin. Mag-aayos muna ako
ng make up ko. Kung gusto mo, magbihis ka na muna..." si Ma'am Avila.

Sinunod ko ang payo ni Ma'am. Tumabi ako sa kanyang kama pero hindi pa agad
nakapagbihis. Naaaliw kasi ako sa pagtingin kung paano ayusin ni Ma'am ang kanyang
mukha.

She regularly puts lipstick on her lips, hindi nga lang ang ibang bagay tulad ng
nilagay niya sa mukha ko. Wala ring kolorete para sa mga mata. Kaya ngayong nag-
aayos na siya para sa mas espesyal na okasyon, naaaliw ako.

Alas tres nang natapos si Ma'am sa pagmi-make up ng sarili. Tumayo na ako para
makapagbihis na habang pinapatuyo naman ni Ma'am ang kanyang buhok gamit ang
blower.

Sinuot ko na pati ang aking sapatos para hindi na ako mahirapan mamaya. Nilingon
ako ni Ma'am Avila pagkalabas ng banyo. Tumigil siya sa pagpapatuyo ng buhok.

"My gosh, Leil. You look so beautiful..." ani Ma'am.

Uminit tuloy ang pisngi ko.

"Thank you, Ma'am. Salamat din po sa pagmi-make up."

Ngumiti si Ma'am at iminuwestra na sa akin ang upuan sa harap ng tukador. Naupo ako
roon.

"Ano ka ba! Syempre, maganda ka na talaga noon pa. Mas lalo ka lang gumanda ngayong
nalagyan!"

I smiled sweetly. Totoong magaling si Ma'am sa pag-aayos. Hindi niya nga lang
ginagawa araw-araw.

Kahit sa buhok ko, parang alam na alam niya ang gagawin. She parted my hair in a
loose half ponytail. Pero bago niya sinelyo ay tinirintas niya ang magkabilang
gilid. She clipped half of the front side in place. May inispray siya roon bago
pinagpatuloy ang pagtirintas sa likod hanggang sa sinelyo niya na ng hairpins.

"Ang galing, Ma'am!" sabi ko habang nag-i-spray ulit siya.

"Libangan ko 'to, Leil. Noon pa... Ngayon nakakapagpractice na ulit," sabay tawa ni
Ma'am.

For the finishing touches, she clipped the flowers on my hair. Sa likod iyon. Hindi
ko kita kaya binigyan ako ni Ma'am ng mas maliit na salamin at itinapat niya iyon
sa aking likod para kita ang repleksyon sa tukador.

It looked so nice. Nakadagdag ito ng higawa sa suot ko. Ngumiti ako at nagpasalamat
muli.

Ma'am Luz Avila only straightened her hair. Medyo matagal iyon at tumulong na rin
ako habang naghihintay sa kanya. Alas kuatro y media nang natapos kami.

"Bumaba ka na, Leil. Magbibihis lang ako," ani Ma'am habang tinitingnan na ang
kanyang susuotin.

She'll wear a flesh colored long gown with a shawl. Bagay na bagay iyon kay Ma'am,
sigurado ako. Tumango ako at umalis na sa kwarto ni Ma'am para makababa.

Dinungaw ko muna ang sala bago bumaba. Raoul's already sitting on the sofa. Si Lola
ay naglalapag na ng meryenda sa lamesita roon. Nakatingin silang pareho sa
telebisyon. Bigla akong ginapangan ng kaba. Hindi ko alam kung bakit.

Pababa ng hagdanan, mas lalong tumindi ang kaba ko. I stopped my steps just to
breathe. Nang pinagpatuloy ay tumindi na naman.

"Tapos na, Leil?" si Lola nang naramdaman ang pagbaba ko.

Sumulyap ako sa baba at nakita kong tumayo si Raoul. Pumikit ako ng mariin at
tuluyan na lang na bumaba kahit pa hindi na ako makahinga sa sobrang kaba.
"Uh... Opo... Si Ma'am na lang, po," sagot ko.

Lumapit agad ang manghang si Lola Brosing. Ngiting ngiti siya nang hinawakan ang
magkabila kong pisngi at niyakap na rin ako.

"Naku, apo! Ang ganda-ganda mo! Dalagang dalaga ka na talaga!"

I smiled awkwardly. Si Raoul na nasa harap ko'y madilim ang tingin sa akin. Sobrang
lakas ng kabog ng puso ko. His lips twisted, covering a half smile. Mas lalo lang
nag-init ang pisngi ko. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya. Binitiwan naman ako ni
Lola.

"Magpakasaya ka roon, ha? Makipagkaibigan ka. Sumabay ka sa mga kaedad mo," bilin
ni Lola.

Tumango ako. "Opo."

"Naku!" sabay kurot ni Lola sa braso ko.

Kitang-kita ko ang pangingilid ng luha ni Lola. Hinagod ko ang likod ni Lola.


Naiiyak din ako dahil sa nararamdaman niya pero pinigilan ko ang mga luha ko.

"Ang saya saya ko para sa'yo, Leil..." dagdag ni Lola.

"Salamat, Lola..."

Ngumiti siya at pinahiran ng mga mumunting luha sa gilid ng mga mata. "Siya... kay
Raoul lang 'yang meryenda diyan. Pupunta muna ako sa kusina para makakuha ng sa'yo.
Kumain muna kayo bago umalis para hindi kayo magutom."

Mabilis na umalis si Lola roon. Naiwan tuloy kami ni Raoul sa sala. Tumikhim ako at
lumapit na sa malayong sofa sa kanya. Tahimik naman siya at sinundan ako ng tingin.

Sumulyap ako sa kanya. Pero bawat tingin ko, umiinit ang pisngi ko kaya hindi ko
matagalan. Lalo na kapag nakitang seryoso siyang nakatitig sa akin.

"O... heto na, Leil! Kumain ka na muna!" biglaang sulpot ni Lola Brosing.

"Ah! Salamat po, Lola."

Sinalubong ko ang ibinigay niyang casava cake. Meron ding juice.

"Naku! Maraming makikipagsayaw sa'yo, sigurado ako!" deklara niya.

"Mga kaklase ko pong iba..."

"Hindi lang 'yan! Pati pa ang ibang hindi mo masyadong kilala. Basta ba walang
ginagawang masama sa'yo, pumayag ka, Leil, ha?"

Masaya akong tumango kay Lola habang kumakain. Sa gilid ng mga mata ko, nakatingin
parin si Raoul sa akin. Kinakabahan parin ako ng husto.

"Sino bang manliligaw mo ngayon? Baka sagutin mo na, ha!"

"Naku, wala po! 'Tsaka hindi pa po ako handa sa mga ganyan, La!" giit ko.

Humagalpak ng tawa si Lola. Natigil siya nang nakita si Ma'am Avila pababa ng
hagdanan.
"Tapos na ako!" Ma'am Avila announced.

Nagtawanan kami. Ma'am Avila looks so beautiful in her dress. Lumapit agad si Lola
sa anak.

"Naku! Magugustuhan ka lalo ni-"

"Mama!" iritadong pigil ni Ma'am Avila.

Humagikhik ako sa asaran ng mag-ina.

"Ayaw mo noon! Makakapag-asawa ka na!" ani Lola.

"Shh!" pigil ulit ni Ma'am dahilan ng pagtahimik ni Lola at pagbabago ng sasabihin.

"O siya... Kumain na muna kayo at baka magutom kayo. Malalaman n'yo na lang na alas
syete pa pala ang hapunan. Baka mahimatay pa kayo sa gutom..." patuloy ni Lola
habang binibigyan naman si Ma'am ngayon ng meryenda.

Hindi kalaunan ay nagpasya na kaming umalis.

"Sigurado ka ba, Raoul? Wala ka ba talagang ginagawa?" si Ma'am Avila nang palabas
na kami ng bahay.

"Wala po. Ayos lang po talaga..."

"Salamat talaga..." ani Ma'am sabay lingon sa akin na nasa likod ng dalawa.

Nakalapit na kami sa isang puti at malaking pick up. Nasa likod nila ako. Binuksan
ni Raoul ang front seat noon. Inisip kong si Ma'am Avila ang papasok doon at sa
likod na ako.

"Leil, ikaw na rito sa front seat. Sa likod na lang ako."

"P-Po?" gulat na gulat ako sa desisyon niya.

I know it's just nothing. I know it should not be a big deal but my reaction was
too much. Bumaling silang dalawa sa akin. Kunot noo si Ma'am Avila habang si Raoul
ay nakataas ang isang kilay.

"Uh... Sige po..." mahinahon kong sinabi at nilagpasan na ang dalawa para makapasok
doon.

"Ang laki ng pasasalamat namin kay Hades sa lahat ng tulong niya. Napakabait ng
Papa mo, Raoul. Manang mana ka sa kanya."

Nakahawak pa si Raoul sa pintuan ng front seat. Nagkatinginan kami. Hindi niya pa


sinasarado kahit nasa loob na ako.

"Naku, malayo pa po ako sa kanya..."

"Sus! Humble ka pa! Ikaw ang magmamana ng halos lahat ng sa inyo kaya nasisiguro
kong manang mana ka sa Papa mo."

"Hindi po ako kasing bait ni Papa. Hindi rin kasing galing niya sa negosyo. Hindi
ko mapapantayan 'yon. Hindi ko pa kaya mamahala sa ngayon."

"Syempre, bata ka pa! Gagabayan ka ng Papa mo para tuluyan mo nang matutunan lahat
ng 'yan."
Raoul smirked and nodded.

Pinagbuksan niya rin si Ma'am Avila ng pintuan sa likod. Pumasok si Ma'am at


sinarado na rin ang likod. Bumalik siya sa front seat. Nagkatinginan kami.

My heart is beating loudly again. Hindi ako makatingin ng diretso sa kanya. Tahimik
kaming pareho. Alam kong kanina pa kami walang sinasabi sa isa't-isa.

Lumapit siya sa akin. Para akong mahihimatay. May ginalaw siya sa kanang bahagi ng
kotse at hinila niya iyon sa tapat ko hanggang sa kaliwang baywang. Hindi ako
nakahinga sa lapit naming dalawa. Hindi ako nakagalaw sa gulat na rin. Para akong
mahihimatay sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

"Seatbelts..." he drawled lazily without taking his eyes off me.

Tumango ako nang natanto kung ano ang ginagawa niya. I twisted my lips a bit. I saw
his eyes move from my eyes down to it. Pero agaran din nitong binawi iyon at lumayo
na.

Isang tinginan pa at sinarado niya na ang pintuan. Para akong nabunutan ng tinik
doon. Umikot siya paramapunta sa front seat, parang tinusok ulit ang tinik sa akin.

"Tiyak marami nang tao ngayon. Maraming excited!" ani Ma'am Avila sa likod habang
pinapaandar ni Raoul ang sasakyan.

This is my first time to ride his car. Hindi ko alam kung anong mararamdaman ko.
Hindi lang ako makagalaw, parang naninigas sa kinauupuan ko.

"Wala na rin yatang tricycle. Naubos siguro. Bawat pupunta, paniguradong nag
arkila!" ani Ma'am Avila.

Tumingin ako sa labas at nakita na halos lahat nga ay may sakay na patungo sa prom.
Patuloy ang puna ni Ma'am Avila sa lahat. Natigil lang nang nakarating na kami sa
gate ng school, medyo traffic sa mga sasakyan at tricycle.

"Andyan na sina Ma'am!" ani Ma'am Avila sabay turo sa aming principal na kalalabas
lang ng sasakyan.

Itinabi ni Raoul ang sasakyan. Iilang teachers ang nasa labas. Hindi pa pumapasok
dahil nagkakatuwaan pa sa pagpipicture picture.

"Salamat, Raoul! Lalabas lang ako para masali sa pictures!" deklara ni Ma'am Avila
at hindi na nagpaawat pa.

I was a bit alarmed at that. Ibig sabihin maiiwan na kami ni Raoul dito? May mga
estudyanteng papasok na sa gate! Dapat bumaba na rin ako para makapasok!

Bumaba ang tingin ko sa pinagkabitan ng seatbelts. Hindi ko alam kung paano iyon
pero nang may nakitang "push", iyon sana ang gagawin ko. Naunahan ako ni Raoul.
Hinawakan niya iyon. Hindi pa kinalas. Hinarap niya ako. Nag-angat ako ng tingin sa
kanya. Nakakabingi na ang pintig ng puso ko.

He swallowed violently. I eyed him curiously.

"You gonna dance tonight?" mariin niyang tanong.

I nodded slowly.
The "push" button clicked. Hawak ang seatbelts ay unti-unti niya iyong ibinalik sa
dati. Sa ginawa niya, mas lalo kaming nagkaharap. His jaw clenched a bit. Kinabahan
pa ako lalo.

"K-Kung ayaw mo, pwedeng hindi ako makikipagsayaw..." bawi ko.

Tumigil siya sa ayos na iyon. Nagkatinginan kaming dalawa bago siya umiling.

"Ayos lang."

He sighed painfully.

"Hindi rin naman ako sigurado kung marunong ba ako sumayaw... Pwedeng hindi ako-"

"It's okay, Leil. Enjoy your night," aniya.

Nagkatinginan kami. My face heated profusely. I wonder if I'll be a lot happier


here than the prom. Hindi ko kasi alam kung bakit kahit kabado ako, masaya ako.
Masayang masaya ako.

Ilang sandali pa bago siya muling bumuntong hininga. Umigting muli ang panga niya.

I have a strong urge to feel his jaw. Lalo na ngayong nakikita ko itong bahagyang
gumagalaw sa hindi malamang ikinagagalit. Inangat ko ang kamay ko. Nakita niya ang
gagawin ko. Akala ko huhulihin niya ang kamay ko, pero hinayaan niya iyon.

My fingers touched his a bit rough jaw. Gumalaw ulit ito dahil sa pagtatagis. The
feel of it made me happy. I don't know why.

"Dito lang ako buong gabi hanggang sa matapos ang prom ninyo. Hindi ako aalis..."
aniya.

"Baka matagalan kami..."

I'm too drawn with his jaw. I can't take my eyes off it.

Dito na lang din kaya ako?

Nagulat ako sa sariling inisip. Natakot ako sa sariling iniisip. My heart pounded
more. Binaba ko ang kamay ko para pigilan ang sariling nararamdaman. Kinuyom ko
iyon sa aking kandungan para parusahan ang sarili.

"Hihintayin kita," he said breathily.

I nodded again, this time controlling my own feelings.

Para akong lumulutang ako papasok sa loob ng school pagkatapos noon. Lumabas na
kasi ako ng sasakyan at nagkatinginan na lang kami ni Raoul bago ko iyon tuluyang
sinarado.

May iilang kumuha ng picture ko. Hindi nga lang ako sigurado kung maganda ba iyon
dahil medyo wala ako sa sarili.

"Leil!" si Ronald ang unang lumapit sa akin.

"R-Ronald!" para akong napabalik sa katotohanan.

"Ang ganda-ganda mo! Picture tayo!" aniya at kumuha agad ng cellphone para ganoon
nga ang gawin.
Marami siyang kinuha. Siya na rin ang kasama ko papasok. Binati kami ni Dixon at
sumama na rin ito sa amin sa loob ng covered court.

The naked ceiling of the covered court is now covered with a white cloth.
Nagmistula itong langit. Ganoon din ang mga dingding. The floor is covered with red
carpet, making it all clean and proper.

Lumapit si Dixon sa akin. He smiled shyly at me.

"Ang g-ganda mo..." he said, hesitant.

Ngumiti ako at pinuna na rin ang kanyang pormal na suot.

Ilang pictures din ang ginawa namin ni Dixon. May iilan din siyang kaibigang
lumapit sa amin para makakuha rin ng pictures.

Nasulyapan ko si Jeff sa malayo. He's wearing a black coat with a cute black
ribbon. Ngumiti ako sa kanya, nagbabakasakaling ayos na kami. Iniwas niya lang ang
tingin niya sa akin.

Lalapitan ko na sana pero nagsalita na ang Master of Ceremonies. Mabilis na kaming


nagsipuntahan sa assigned seats para maka upo na dahil magsisimula na yata ang
programme.

The programme was smooth. Manghang-mangha ako sa mga gown ng mga kaklase ko. Halos
lahat, malalaki at engrande. Kapag naglalakad sila, kailangan pang hawakan ang
palda para lang hindi nila maapakan.

The food was delicious, too. Alas siete nang nagdinner. Busog na busog ako. Iilan
doon, hindi ko kilalang pagkain.

I'm happy and content seeing my schoolmates laughing and taking pictures of each
other. Kinawayan ako ni Ronald sa malayo. Tapos na kasi kaming kumain at
magsisimula na ang second part ng programme.

Lumapit si Gasper sa akin.

"You are very pretty, Leil. Sayaw tayo mamaya, ha?" masayang sinabi ni Gasper sa
akin.

Tumango ako. Ang iilang mga kaibigan niya ay nasa likod. Si Pinky ay lumapit na rin
at nakipag picture. Nellie, Gasper's ex is watching us closely. Pero sa huli ay
umirap ito at lumayo na roon.

"Ang ganda ganda mo, Leil! Buti nakasama ka!" si Pinky.

"Thank you! Ang ganda mo rin. Ang ganda ng gown mo..."

She's wearing a red ball gown. Malaki ito na kapag lumapit siya sa akin ay halos
maapakan ko na rin ang palda niya. Inangat din ang buhok niya at nilagyan ng mga
kristal.

Some of her friends joined us. Pakiramdam ko kasali ako sa kanila. Lalo na dahil
pinagitnaan ako.

Bumalik ulit sila sa upuan nang nagsimula na ang pangalawang programme. Awarding
iyon ng mga panalo para sa gabing iyon.
Gasper was called Prom King. Si Nellie naman ang nanalo bilang Prom Queen. Syempre,
maganda rin ang gown niya. Kulay pink iyon at ballgown din. Maraming kristal at
mukhang sobrang mamahalin.

Pagkatapos ng awarding, dumilim na para sa sayawan. Tumingin ako sa labasan. I


wonder if Raoul really did wait? Paano ang pagkain niya? Dinner?

"Leil, sayaw na tayo!" sabay hila sakin ni Ronald.

We danced for a song or two. Tuwang tuwa ako kahit na sinusubukan ko pang sumayaw.
Medyo maingay ang kanta kaya katuwaan lang ang lahat.

"Pwede ba kitang maisayaw, Leil?" si Dixon naman ngayon.

Nilingon ko si Ronald. He smiled widely and nodded.

"Babalik ako mamaya..." anito.

"Sige!" sabi ko.

Si Dixon naman ang kasayaw ko ngayon. Hindi kasing ingay ni Ronald pero kahit
paano, nakakatuwa parin. Nag-usap kami tungkol sa librong pinabasa niya sa akin at
sinabi niya rin anong mangyayari sa book 2.

Tatlong kanta ang sinayaw namin. Ang panghuli, medyo seryoso dahil mellow love
song.

Nakahawak ako sa kanyang balikat habang siya'y hawak ang aking baywang. Hindi siya
makatingin sa akin.

Bumalik si Ronald at kami naman ang nagsayaw sa isa pang kanta na mellow love song
din. But as usual, our conversations were too funny to be serious. Nagtawanan parin
kami.

"Pwede ko bang masayaw saglit si Leil, Ronald?"

Napawi ang ngiti ni Ronald nang narinig si Gasper. Everyone is already looking at
us. Gasper is a bit popular. Dagdagan pa ng pagkakapanalo niya bilang Prom King,
lahat ng mga mata ay nasa kanya na.

Hindi na nagsalita si Ronald. Pinaubaya niya na ako kay Gasper. Gasper put his
hands on my waist. Nilagay ko naman ang mga kamay ko sa kanyang balikat. Titig na
titig si Gasper sa akin.

I smiled at him. He's too serious.

Magsasalita na sana ako nang bigla kaming natibag. Jeff pushed Gasper. Sa gulat
ko'y agad kong nahila si Jeff palayo roon. But he's too angry for it. Tinuro niya
si Gasper.

"Hindi ba sinabi ko sa'yong layuan mo siya!?" anunsyo ni Jeff.

Bahagyang natigil sa pagsasayaw ang mga taong nakakita. Tinulak ko si Jeff palayo
roon para sana kausapin.

"Jeff, tama na! Walang ginagawang masama si Gasper. Magkaibigan din kami. Anong
problema?" marahan kong sinabi.

"Leil..." Ma'am Avila suddenly came.


She looks very serious. Tumango ako kay Ma'am.

"Sorry, Ma'am. Jeff!" sabay baling ko kay Jeff na ngayon ay hinihingal pa.

"Leil, pwede ba kitang makausap?"

Paglingon ko kay Ma'am Avila ay hinila niya na ako palayo roon. Hindi ko
maintindihan. Kailangan ako roon dahil pipigilan ko si Jeff sa ginawa niya.
Nagkakagulo na. Nagalit na ang mga kaibigan ni Gasper. Mayroon ding mga lumaban
para kay Jeff. And yet, Ma'am Avila dragged me until we're outside the covered
court.

Hindi pa nakuntento si Ma'am. Talagang tuloy-tuloy ang lakad namin. Hinila niya ako
at inilag sa iilang taong naroon.

"Ma'am?"

She turned to me, shaking and crying. My eyes widened. What's wrong? Dahil ba sa
gulo? Are they blaming me for it?

"Bakit po?"

Nanlaki rin ang mga mata ni Ma'am Avila paglingon sa kaliwa niya. Kunot noo kong
nilingon ang kanan ko at nakita kung anong meron.

Nasisiguro ko na walang ibang nakatira sa malayong dakong iyon kundi kami.


Nasisiguro ko na sa amin iyon. Sa tagal kong nakatira roon, kabisado ko na kung
gaano kalayo ang nayon.

Ang madilim na langit ay nailawan ng nag-aalab na kahel. Sa itaas nito ay mas


madilim na usok, mistulang makapal na ulap. Sa sobrang gulat na naramdaman ko,
hindi ko na hinintay ang sasabihin ni Ma'am.

Tumakbo na ako palabas ng school.

"Leil! Leil! Sandali lang, Leil!" she screamed but I'm too determined to go home
right now.

Huli ko nang naisip ang nag-aantay na sasakyan ni Raoul sa labas ng gate. Ni hindi
ko napansin kung naroon nga ba iyon o wala. Hindi na iyon importante sa akin.

I ignored the long cut. Dumiretso ako sa gubat. Tinakbo ko iyon hanggang sa hindi
na ako makahinga. Sabay ang pag-iyak at paghingal.

Nasusunog ang nayon!

I've never ran this fast and this precise my entire life. Lalo na sa gitna ng
malalaking ugat sa gubat. Lalo na sa natatanging singaw ng ilaw ng buwan. Hindi
sapat pero nagpatuloy ako.

Ilang beses akong nadapa dahil masyadong madilim. Ilang beses akong nakarinig ng
kaluskos na siguradong sa mga ilap na hayop. Ilang beses akong natakot pero iisa
lang talaga ang gusto kong mangyari.

Who did it? Why did they burn our houses? What happened to our people? My father
isn't there!

Para akong mamatay sa katatakbo at kakaiyak. Pakiramdam ko, mamamatay na talaga


ako. Hindi na ako makahinga. There were moments when I think my heart stopped
beating. Involuntary akong sisinghap ng matagal 'tsaka ako makakabawi.

Iilang galos din ang naramdaman ko sa aking binti at mga braso pero hindi ko na
iyon inalintana. Ilang beses din akong nadapa pero bumangon ako.

Natigilan lamang ako nang nasa harap ko na ang nayon.

I screamed my tears away when I saw all the huts in big orange fire. Wala ni isang
hindi pinalagpas. May ingay akong narinig, iyakan, pero unti-unti ring nawala.

Tumakbo ako palapit at naramdaman ko ang init galing sa naglalakihang apoy.


Napaluhod ako sa gitna. I can hear the screaming of some. Hindi ako sigurado kung
sa loob ba iyon ng mga bahay o hindi. Ang alam ko lang, sa oras na ganito, tulog na
ang halos lahat. Plus our men are not here. Halos lahat, babae... bata...
matanda...

Hindi ko na inisip ang bahay namin. Iyon ang unang nakita kong malaki na ang apoy.

Ang ingay ng nasusunog na mga bahay at ang init ng apoy ay hindi ko na inisip. I
don't care if I burn alive! I just want to do something. Anything.

Wala ni isang tao roon. Ako lamang. Tumingala ako sa madilim na langit.

"Sino ay may gawa nito?!" I cried.

Tumayo ako at lumapit sa pinakamalapit na bahay para tingnan kung may maisasalba pa
ba ako.

"Leil!" kasabay ng sigaw na iyon, narinig ko ang iilang kabig ng mga kabayo.

Sa sobrang ingay, nasisiguro kong marami iyon. Hindi lang isa, dalawa, o tatlo.

Hindi ko na maintindihan ano ang gagawin ko.

"Leil!" sigaw ulit ni Ma'am Avila.

Niyakap niya ako galing sa likod. Akala ko pipigilan niya ako sa paglapit sa bahay
na nasusunog pero imbes ay hinila niya ako pabalik sa kagubatan.

"Ma'am! Sandali lang po, Ma'am! Ang mga tao, Ma'am!" I cried, trying to get out of
her hold.

Masyadong malakas si Ma'am. Hindi ko rin alam paano niya ako nahila palayo ng
tuluyan doon.

"Ma'am, ang alaga ko! Sandali lang po!" sabi ko nang naalala ang alaga kong
kambing.

Nakita kong may gumagalaw pa sa gilid ng bahay namin. Hindi ko na makita iyon dahil
masyadong malayo na ang pagkakahila ni Ma'am. Nasa kagubatan na kami. Kahit
nahihirapan si Ma'am ay patuloy niya akong hinila.

"Ma'am!" sigaw ko.

Mabilis na tinakpan ni Ma'am ang aking bibig. Lalo na nang nakita namin ang mga
taong sakay sa kabayo. Pinalibutan nila ang mga kabahayan. Sobrang dami nila.
Twenty or more... More, probably. I just couldn't see them all. And they're all
riding horseback.
"Anong gagawin natin dito?" mababa ang boses ng nagtanong.

He draw smoke from his own tobacco. Pagkatapos ay itinapon niya iyon sa nasusunog
naming bahay.

"Patayin, Raoul?" tanong ng tao.

I screamed so bad pero napigilan ang sigaw ko dahil sa diin ng pagkakatabon ni


Ma'am Avila sa aking bibig. I tried hard to remove her hand but her determination
was too strong, she didn't let me.

Raoul? Sila ang gumawa nito?

Kahit na maingay ang pag-aapoy ay narinig ko ang pamilyar na hiyaw ng aking


kambing.

I was desperately crying and trying to get out of Ma'am Avila's hold.

"Please... Ma'am... Please..." I pleaded but she did not hear me out.

Patuloy ang paghila niya sa akin habang nakagapos ang kamay sa aking bibig.

"Leil, umalis na tayo rito..."

Anong nangyayari?

Isang pamilyar na kabayo ang nakita ko. Isang pamilyar din na lalaki ang sakay
noon. I saw his dark angry eyes. It's in pain. Pero nangingibabaw ang galit at
poot.

Ang lalaking nagtanong kanina ay kumuha ng baril at itinutok sa kawawang kambing


ko.

I screamed again but Ma'am Avila's hold was just too tight. Isang putokng baril ay
natigil ang patuloy na hiyaw ng kambing ko.

Napapikit ako sa sakit. Madilim ang titig ni Raoul. Nawala rin siya sa paningin ko
dahil dumami ang lumapit dahil sa tunog ng baril.

"Shh... Shh... Leil... Shh..." patuloy ni Ma'am kahit ilang beses kaming halos
madapang dalawa.

"Nasaan ba iyon? Nasa prom? Hanapin na natin."

"Papatayin ba?"

"Barilin agad."

"Tangina nila. Hindi dapat binabaril agad!" pagtatalo nila. "Dapat doon, pahirapan
pa! Unti-unting putulin ang mga daliri!"

"I'll take her eyes out first!"

I heard more lewd and brutal things. Sobra sobra pa sa kabuuan ng mga sumpang
natamo namin galing sa mga tao rito.

"Gagawin kong alipin 'yang putang diwatang 'yan!"


Nanghina ako.

"Shhh... Leil..." ani Ma'am.

Nagpatianod ako habang umiiyak. Nakalayo kami hanggang sa wala na kaming marinig na
usapan. Hirap na hirap na si Ma'am pero nagpatuloy siya. Tinanggal niya na ang
kamay sa aking bibig pero patuloy ako sa paghagulhol.

"Ma'am, ang mga tao po..." I begged but I'm too weak to stop her steps.

Umiling si Ma'am. Nanginginig ang kamay niya.

"Leil, kailangan kitang ilayo rito, Leil..."

"Ano po bang nangyayari, Ma'am? Bakit ganoon si Raoul? Ma'am, sila ba ang may gawa
noon?"

"Shh..."

Kinuha ni Ma'am ang kanyang shawl at niyakap niya iyon sa akin. Hindi ako
nakakaramdam ng lamig. Inangat niya iyon at sa ulo ko itinabon. Just enough for me
to see.

"Leil, pinaghahanap ka. Papatayin ka, Leil... Kailangan mong umalis."

Umiling ako sa pagsuko. "Wala akong mapupuntahan, Ma'am. Dito lang po ang buhay
ko..."

Umiyak si Ma'am pero umiling din. Kitang-kita sa kanyang mga mata ang
determinasyon.

"Ano po bang nangyari? Bakit nila ginawa iyon? Hindi ko po naiintindihan-"

"Your father shot Hades Riego. Hades Riego, Raoul's father is dead, Leil."

Natigil ako sa paghinga sa sinabi ni Ma'am Avila. Tumango siya para kumpirmahin ang
sinabi. Umiling ako dahil hindi ako makapaniwala.

"Your father claimed that it's for the glory of the Lady of the Light, ikaw."

Hindi ako nakakibo. Pabagsak na hinawakan ni Ma'am ang aking balikat para
pagisingin ako sa pagkakatulala.

"Aalis ka rito. Hindi ako sasama para hindi sila magduda. May kilala ako, Leil..."

"Ma'am, hindi totoo iyon!" giit ko nang naisip ang huli kong pagdarasal para kina
Papa.

"Alam ko, anak. Pero... walang maniniwala sa'yo rito. Mga Riego 'yan!" naiiyak na
sinabi ni Ma'am. "Wala tayong laban. Lahat ng taga Costa Leona, pinaghahanap ka
na... at ang mga tauhan ng Papa mo."

Umiling ako. Hindi parin ako makapaniwala hanggang ngayon. Inayos ni Ma'am ang
shawl sa aking mukha.

"Itago mo ang mukha mo. Nag-aantay ang Lola Brosing mo sa terminal. Doon kita
itatakas ngayon."
Kabanata 18
Kabanata 18

Luck

Tumutulo ang luha ko habang naglalakad. Hawak hawak ang magkabilang dulo ng
nakataling shawl ni Ma'am Avila, nanginginig pa ang mga kamay ko.

Maingay ang kanilang mga taong nadaanan namin. Everyone seemed very busy shouting
and panicking.

"Nasa eskwelahan daw!" sigaw nang sigaw ang mga nadaanan nang sumakay na kami sa
tricycle.

"Tumakbo kayo galing sa eskwelahan, Ma'am?" tanong ng driver.

Mas lalo kong inayos ang balabal para hindi makita ang aking mukha.

"O-Oo!" si Ma'am na tunog takot parin ang boses.

"Mabuti na lang! Naroon daw ang mga kultong 'yon. Hindi namin alam sinong pinunta.
Baka may papatayin o may kukunin. Hindi ba nag-aaral yata iyong sinasamba nilang
diwata? Baka iyon ang kukunin nila. Magulo ba roon, Ma'am?"

"O-Oo! So-Sobrang gulo..." natatanging sinabi ni Ma'am.

Kung ibang tao ang makakarinig sa boses ni Ma'am, iisiping takot lamang ito. Pero
dahil alam ko ang totoo, alam kong nahihirapan lang din siyang magsinungaling.

Mariin ang hawak niya sa aking palapulsuhan. Nang narinig ko kasi ang sinabi ng
driver, napa-angat ako ng tingin. Binaba ko ulit ang mukha ko para hindi ako makita
nito.

Hindi namin alam o naabutan na pumunta ang mga taga nayon sa eskwelahan. Siguro,
nang papunta ang mga ito roon, pauwi ako sa amin.

I don't understand anything. I cannot think straight. How did it all happen? Why
did my father kill Hades Riego? Hindi kaya kasinungalingan lang iyon? My father may
be a liar and a user, but he's not a killer! Definitely not! Hindi, lalo, na
palapit na kami sa katapusan ng kahirapang ito. We were almost there. He's decided
to end the lies. Kaya imposibleng ganito ang mangyari!

Umiling ako at nagpatuloy sa tahimik na pag-iyak.

Sa daanan, nakita namin ang iilang mga sasakyan ng pulisya at mga grupo na patungo
sa gubat. Maiingay sila at determinado sa kung ano.

"Nakatakas ang iilan sa kanila! Nasa gubat ang mga babaeng kulto! Iniwan ang
kabahayan bago nasunog!"

Namilog ang mga mata ko at sinundan ng tingin ang grupo ng mga police na pumapasok
sa bukana papasok sa planta ng mga Riego. Sa dami ng mga sasakyang tumigil at sa
mga usisero, hindi agad naka lagpas ang tricycle.

Ma'am Avila pushed my head down. Lalo na nang may sumulyap sa amin sa loob ng
tricycle at bahagyang nagtagal ang tingin.

Red lights from the police mobiles filled the night.


"Kung bakit ba kasi nila hinayaan 'yang kultong 'yan! Dapat matagal na 'yang
sinunog!"

"Team Alpha is on the school. Siguradong naroon si Balthazar kasi nandoon daw ang
anak!"

"Pauwi na si Ares! Huwag na 'yang mga putang inang mga babaeng kulto ang tugisin
n'yo! Unahin n'yo ang diwata nila at si Balthazar!"

Kinuyom ko ang nanginginig kong kamay at mas lalong yumuko.

"Dapat talaga noon pa pinalayas ang mga paganong iyon," sabi ng tricycle driver
nang lumagpas na kami roon.

Patuloy ang buhos ng mga luha ko. I feel so weak and confused. The image of the
burning houses flashed on my mind. The screams of the villagers kept playing back
on my ears. Nakatakas raw sila. Kaaalis lang siguro nila noong dumating ako at ang
iyakang narinig, hindi kalayuan, ay kanila. Saan sila nagpunta? Sa malayong bukid?
Sa likod?

Anong mangyayari sa kanila? Kailangan ko silang hanapin.

Si Papa... ang mga kasama niya... nasa eskwelahan. Kukunin nila ako, hindi ba?
Dapat bumalik ako sa school!

Nilingon ko si Ma'am Avila.

"Ma'am, sa school na lang po ako-"

"Shhh!" she hushed me angrily and painfully. Sumulyap siya sa driver na napatingin
na rin sa amin.

Yumuko ako agad. Pagkarating se terminal ng bus ay binigyan na ni Ma'am ng pera ang
driver. She muttered about the change, hindi niya na ito kinuha.

Hinila niya na ako patungo sa isang bus na bumubusina bilang hudyat na malapit nang
umalis. Si Lola Brosing, may dalang bayong, may balabal, at umiiyak din, ay nag-
aantay sa paanan ng bus. Niyakap niya ako nang nakasalubong. Pumikit ako ng mariin
at hinayaan siyang gawin iyon.

"Leil, Leil..." tawag ni Ma'am at mabilis akong hinarap.

Umiling ako. Hindi ko maisatinig ang pagmamakaawa na sana ay ibalik niya na lang
ako sa school.

"Alam kong gusto mong sumama sa Papa mo. Pero sana, maintindihan mo itong gagawin
ko para sa'yo kalaunan. Tatawag ako sa iyo. Mag-uusap tayo-"

"Luz! Umuwi ka na! Nasisiguro kong hahanapin ka! Alam ni Raoul na roon pumupunta
ang bata! Sa'tin hahanapin!"

"Oo, Ma. Mag-iingat kayo. Tatawag din ako roon para may sumundo sa inyo. Mag-ingat
kayo..."

Nanghihina ako. Tulala habang umiiyak, sumunod na lamang ako kay Lola Brosing.
Pumasok kami sa loob ng bus. Tanging ang mga mata ko lang ang makikita sa suot na
balabal. Iilan ang tulog na sa loob, iilan ang gising at isang beses lang akong
sinulyapan.
Hinila ako ni Lola sa pinakahuling pangdalawahang upuan. Ako ang naupo sa malapit
sa bintana, siya naman ang sa tabi ko. Gumalaw na ang bus at bumisina ulit. Tulala
parin ako, bumubuhos ng tahimik ang mga luha.

Bumilis ang takbo ng bus at unti-unti na kaming lumalayo roon pero wala paring
kapaguran ang aking mga luha. Hindi parin ako makapaniwala.

Hindi magagawa ni Papa iyon. Hindi niya papatayin si Hades. Matalik na magkaibigan
si Papa at si Felicia Riego. Baka may ibang pumatay at pinagbintangan lang si Papa?

I recalled the image of the burning houses again. I cried harder. I recalled how
the villagers cried for it. I recalled how my one and most loyal friend was killed
by the bidding of...

Bakit?

Kung totoo, bakit sinunog ang mga bahay? Kung sumuko ba ako, hindi ba mangyayari
iyon? Hindi masusunog, hindi aalis ang mga ka-nayon, at hindi papatay ng kambing?

Habang lumalalim ang gabi, mas lalo akong humihikbi. Sobrang sakit ng puso ko.
Hindi matanggal sa isipan ko ang nangyari.

Hinagod ni Lola ang likod ko. Tahimik lang din siya. Minsan, naririnig ko ang
mumunting hikbi ni Lola habang hinahagod ako pero hindi na rin siya nagsasalita.

Hindi ako nakatulog ni isang minuto, buong byahe. Wala akong ibang inisip ng
paulit-ulit kundi ang nayon, ang mga tao, si Papa, at ang aking kambing.

Akala ko noon, ang byahe palabas ng Costa Leona ay magiging masaya para sa akin. I
have never been outside the province. It will be such a good experience to see new
things and sceneries. Hindi ganito. Hindi umiiyak at walang interes sa kahit ano
kundi ang nayong iniwan.

Pagkakamali lang ang lahat. Pinagbintangan lang si Papa. Hindi magagawa ni Papa
iyon. Iaahon ako ni Papa sa lahat. He lied to many people but he can never kill
anyone. Lalo na si Hades Riego. Hades has been good to us. Hindi niya kami pinaalis
sa lupain nila, ilang taon man ang lumipas. Imposible!

"Lola..." tawag ko pagkatapos ng ilang oras na pagkakatulala.

Pagod ang mga mata ni Lola nang harapin ako. Pinunasan niya ang luha sa aking mga
mata.

"Pagkakamali lang 'yon. Bumalik po tayo. Kailangan kong sabihin kay Raoul na
napagbintangan lang si Papa..." I cried softly.

Umiling si Lola Brosing at mas lalong naiyak.

Wala akong nagawa. Wala rin akong ebidensya. Just my faith for my father.

Hindi ko alam kung ilang oras ang lumipas. Lumipat kami sa ibang bus at tuloy-tuloy
ulit ang byahe.

Nang tumigil, tulala parin ako. Hindi na umiiyak pero wala na ring kibo.

"Leil, apo..." marahang tawag ni Lola sa akin.

Nagsisibabaan na ang mga tao sa loob ng bus. Nakaupo pa kami ni Lola.


"Pagbaba natin dito, maghahanap tayo ng matutuluyan para makapagpahinga ka. Bukas,
may bibisitahin tayo..." Lola Brosing informed me.

Hindi ako kumibo. Wala akong ginawa kundi ang sundin ang lahat ng sinabi ni Lola.
Hindi rin ako makapagsalita. Maiiyak ako kapag nagsalita ako.

Hawak ni Lola Brosing ang palapulsuhan ko habang naglalakad kami palabas ng


terminal. Kinuha ko ang bayong na dala niya nang nakita ang paghihirap niya. Lalo
na dahil katawagan niya si Ma'am Avila sa cellphone.

"Saan, Luz? Anong sasakyan?"

Malamig ang panggabing hangin. Hindi ko na alam kung anong oras na. Base sa hangin,
mukhang madaling araw na.

Nilingon ko ang terminal at nakita ang kalakhan nito. A number of yellow colored
buses settled down in one row. Hindi pa ako nakakakita ng ganoon ka daming bus sa
buong buhay ko. The thought of it hurt me. Dahil alam ko, ang mga taong iniwan ko
sa Costa Leona, ganito rin siguro ang maiisip kung makakita ng ganito.

"Meron. Tama lang ito. Huwag ka nang sumunod! Magmamakaawa ako, Luz..." nabasag ang
boses ni Lola Brosing.

Bumagsak ang tingin ko sa bayong. Pati sina Ma'am Avila at Lola Brosing,
pinapahirapan ko.

Hinila ako ni Lola at pumara na siya ng jeep. Sumakay kami roon, kasama ang iilang
pasahero noong bus. Ilang sandali ang lumipas, nakita ko na ang napakaraming ilaw
galing sa iba't-ibang naglalakihang gusali.

My tears formed again. The lights remind me of the embers I've seen. Pumikit ako at
hinayaang tumulo ang mga luha.

Tulala ako hanggang sa nakarating at pumasok kami sa isang gusali. Nakaupo ako sa
isang sofa habang tinatanaw ang nanginginig na kamay ni Lola Brosing. Ibinibigay
niya ang isang malaking halaga ng pera sa tanggapan noong gusali.

Tinitingnan ako ng kausap niya. Nginingitian pero wala akong ibang naging
ekspresyon kundi ang panghihina.

Nakatulog ako sa isang malinis at malambot na kama. Sa ilalim ng mainit na kumot at


sa tunog ng pagtitiwala ni Lola.

"Luz, baka naman pwede... Kakausapin ko. Wala na rin ba talagang iba? Baka
nagkakamali ka lang?" mahina ang sinabi ni Lola pero nagawa ko ang magising.

Unti-unti kong dinilat ang mga mata ko at nakita ang maaliwalas na langit sa labas
ng isang maliit na bintana sa silid na iyon. Bumangon ako. Nang nakita ni Lola ang
pagbangon ko, nagpaalam agad siya kay Ma'am at dumalo na kaagad sa akin.

Kinusot ko ang mata ko at bumaling kay Lola na nakaupo na ngayon sa kama.

"Si Papa, Lola? Ang mga ka-nayon? May balita po ba roon?"

"Leil," nanginginig parin ang boses niya at may luha sa mga mata. "Alam kong gusto
mong bumalik para sa Papa mo at sa ka-nayon mo. Sana balang araw, maintindihan mo
itong ginagawa namin ng Ma'am mo ngayon. Kailangan ka naming ilayo roon."

"Ano pong nangyari? Hindi naman po totoo na pinatay ni Papa si Hades Riego, 'di
ba?"

Kitang-kita ko ang paghihirap at sakit sa mukha ni Lola. Umiling siya. Nagmamakaawa


ako na bawiin niya ang lahat ng iyon. Na sabihin niya sa akin ngayon, na panaginip
lang talaga ang lahat.

"Leil, nakatakas ang mga kanayon mo. Ayon sa balita, walang nasaktan sa mga babae.
Pero sa mga tauhan ng Papa mo, may iilang napatay ng mga pulis habang tinutugis."

Hindi parin natanggal ang pag-aalala ko. Hindi nabawasan ang sakit kahit pa ganoon
ang narinig.

"Nahuli ang ibang kasamahan ng Papa mo, Leil..."

Umiling ako. "Napagbintangan lang siya, Lola."

"May nakakita sa nangyari. Mayroon ding video. Leil, pinatay ng Papa mo si Hades
Riego..." may idudugtong pa sana siya pero hindi niya itinuloy.

My heart is breaking so bad. There must be a problem or something. Hindi pwede 'to!

"Umuwi lahat ng mga Riego. Nakatakas sa barilan ang Papa mo. Iilan lang silang
nakatakas. Nakatakas lamang sila dahil sa gulong nangyari sa eskwelahan. Naroon
sila. Hula namin ng Ma'am mo'y, ikaw ang sadya nila. Iilang estudyante rin ang
nasugatan at nadamay. Nahirapan ang mga pulis na hulihin ang Papa mo dahil sa dami
ng sibilyan. Kasalukuyan pa siyang tinutugis ngayon."

Humagulhol ako. Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari.

"Pinuntahan ang Ma'am mo sa bahay. Iniimbistegahan ngayon. Dahil kahit anong haka-
haka na naitakas ka nga ng Papa mo, may iilan ding nagsasabi na baka tinatago ka ni
Luz."

Hindi ko yata kakayanin ang lahat ng ito. Gusto ko na lang sumuko sa mga pulis. At
kung gusto ng mga taga Costa Leona na patayin ako, magpapaubaya na ako sa kanila.

"La, ibalik n'yo na lang po ako sa Costa Leona-"

"Shhh... Apo, galit na galit ang mga tao. Maaaring-"

"Kahit patayin na lang din ako roon, Lola-"

"Leil!" pagalit na yugyog ni Lola sa akin. "Huwag na huwag kang magsalita ng


ganyan!"

Humagulhol ako.

"Makinig ka! Mananatili ka rito. Mag-aaral ka at magbabagong buhay."

Wala akong kilala rito. Wala akong pera. Hindi ko alam kung paano. Wala akong lakas
para sa ganoong buhay. Lalo na ngayon.

"Sa paghahanap ni Luz sa kamag-anak mo, nakilala niya ang isa sa pinakamatalik na
kaibigan ng Mama mo rito sa Iloilo. Nakausap niya ng ilang beses at mabait naman
iyon. Kung kakausapin natin ngayon, baka pumayag na pansamantala kang titira sa
kanila..."

Hindi ako tatanggapin doon. Given my background, I don't think so. Huminga ako ng
malalim.
"Kahit na hindi na niya nakausap ang Mama mo pagkatapos ng highschool, naaalala
niya parin ito. Matalik na kaibigan siya ng Mama mo. Kung sakaling makita ka niya,
maaalala niya ang Mama mo, Leil."

Naligo ako at nagbihis. Kumain na rin kami roon at pagkatapos ay umalis na sa


gusaling iyon. Tulala parin ako, dala-dala ang bayong ni Lola Brosing. Si Lola ang
hirap na pumara at magtanong-tanong sa mga tricycle at jeepney. Wala akong ibang
maitutulong kundi ang pagdala sa bayong.

Ni hindi pa ako makapagdesisyon kung tama ba ito o ano. Hindi ko rin alam kung
gusto ko ba ito. Kung tatanungin ako, mas gusto kong umuwi ng Costa Leona.

Sa isang napakalaking gate kami itinigil. The gate reminded me of the grand gate of
Casa Riego. Akala ko'y isang mansion ang sasalubong sa loob pero nang sumilip ako,
isang napakalaking lugar nito na puno ng malalaking bahay.

"Sa mga Ledesma po kami..." sabi ni Lola sa isang security guard malapit sa gate.

May sinabi ang security guard sa kanyang telepono. Ilang sandali kaming nanatili
roon bago tumango ang guard at pumayag na na pumasok kami.

Mainit. Kokonti ang puno kaya pawis na pawis kami ni Lola. Itinuro ng guard kanina
kung saang bahay iyon at medyo malayo pala galing sa gate.

Naglalakihang bahay ang nakita ko bawat bloke. I've never seen big houses this many
before. Pero kung ikukumpara ko iyon sa pinakamalaking mansyong nakita ko, walang
wala parin ang mga ito.

The pain attacked my heart so bad. Naiiyak ulit ako.

Tumigil kami sa isang malaking kulay langit na bahay. Isang de unipormeng babae ang
nagpapasok sa amin sa gate. May naalala akong agad ko ring inalis sa isipan.

Pinapasok kami sa malaking bahay at pinaupo sa may kalakihang tanggapan. Lola


Brosing is a bit nervous while I just sit there and focus on one thing just so I
could think.

Bakit ako narito? Kailangan kong umuwi. Kailangan kong panagutan ang nangyari.

Hindi ko kasalanan. Wala akong kakayahan na ipagtanggol ang sarili ko. Walang
maniniwala sa akin. And... Raoul... Raoul's father died. My Papa killed Hades
Riego. He's angry. He'll never believe me. Baka akala niya na ako nga ang may
pakana ng lahat.

"Magandang umaga, Ma'am... Ako po si Ambrosia Avila, nanay ni Lucinda Avila..."


panimula ni Lola nang biglaang dumating ang isang magandang babae.

Tumayo na rin ako. Napatingin ang babae sa akin.

She's very fair. Her eyes were doe and her short hair was very black. Hula ko, mas
matanda ito ng konti kay Ma'am Luz. She's wearing a red lipstick, and her jewelries
were all gold. Naka pares na kulay abong slacks at blusa ito. Sa likod ng babae ay
ang de unipormeng kasambahay kanina.

"Ito si Soleil Cervantes. Anak ni Solene Villegas, kung naaalala mo."

"Of course! Sol was a dear friend of mine..."


Napatingin ang babae sa akin. Kitang-kita ko ang pananantya niya pero agad na
iminuwestra ang upuan namin.

"Have a seat..."

Sabay kaming naupo ni Lola. Nakatitig na ang babae sa akin ngayon.

"Well, there's no doubt that she really is Sol's daughter. Kamukhang kamukha niya
ang kaibigan ko..."

Lola laughed awkwardly.

"I have not met Sol's husband. Ni hindi ko alam na nag-asawa siya. We parted ways
when I left Iloilo for college. Nanatili kasi siya rito. Though she visits me in
Manila... but..." kumunot ang noo noong babae. "I only remember her crushing on
someone I know. Hindi iyong hindi ko kilala."

Huminga ng malalim ang babae at ngumiti. Lola Brosing smiled back but I couldn't. I
remained silent.

"I'm Rosalia Ledesma. Just call me Tita Sally, hija... It's nice to meet Sol's
daughter after so many long years. It's like seeing her again."

Napawi ang ngiti ng babae pagbaling niya kay Lola Brosing.

"Naikwento nga po ni Lucinda sa akin na hindi maganda ang trato ng Papa nitong anak
ni Sol sa bata." Malungkot siyang ngumiti. "Nasabi na rin sa akin ni Lucinda kung
ano ang sadya n'yo ngayon dito..."

Tumango si Lola. Nakangiti ito pero kita ang kahihiyan.

"Makakatulong ako sa pinansyal pero kung ipapatira rito, hindi ako sigurado. Hindi
pa kami nakakapag-usap ng asawa ko at tingin ko'y masyado naman yatang biglaan. May
dalawang anak ako at hindi maganda ang takbo ng negosyo namin ngayon. Kung
magpapatira pa ako ng isa pang bata rito, baka mahirapan kami."

"Ma'am... baka naman po pwede... Marunong po ito si Soleil sa gawaing bahay.


Mauutusan po at mabait na bata naman. Masisilungan lang naman ang kailangan niya."

"Pwede naman pong sa inyo na lang muna ni Luz itong si Soleil. Pasensya na pero
hindi kasi ako nakapaghanda. Magbibigay na lang ako ng pera-"

"Ma'am, sige na po. Hindi siya pwede sa amin sa Costa Leona kasi baka bawiin siya
ng Papa niya-"

"All the more we can't afford to have her here! We are not her foster parents! Baka
pa kasuhan kami-"

"Nagtatago po ngayon ang Papa niya. May kasalanan kasi sa batas. Hindi po noon
kayang kasuhan ang sinuman dahil bukod sa walang pera, hindi rin po siya
magpapakita sa awtoridad. Kung sa amin po siya, Ma'am, manganganib ang buhay niya.
Hindi po eksklusibong village ang tuluyan namin, gaya n'yo. Isang maliit at lumang
bahay lang. Hindi po namin mapoprotektahan si Leil. Gustuhin man namin."

Kitang-kita ko ang pag-aapila sa kay Rosalia Ledesma pero inunahan na siya ni Lola.

"Ang totoo, kung kami ang pagdedesisyunin, sa amin lang si Leil. Masakit po sa amin
ito. Pero kung hindi po namin siya mapo-protektahan laban sa karahasan, wala rin
pong silbi. Nagmamakaawa po kami, Ma'am. Hindi po kami lalapit kapag hindi
nangangailangan-"

Natigil si Lola nang may biglang sumulpot. A teenager appeared and hugged Rosalia
Ledesma. Mas matanda lang ng konti ang babae sa akin at kamukha niya ang babaeng
Ledesma. Tingin ko'y isa ito sa mga anak niya.

"Good morning, Mommy! Good morning, po!" bati niya sa amin.

Nagtagal ang tingin niya sa akin. She's wearing something very fancy and sexy.
Sobrang iksi ng skirt niya, at ang damit ay spaghetti strap lamang. Pinaglalaruan
niya ang isang itim na susi.

"Where are you going this early?" tanong ni Rosalia Ledesma sa anak.

Parang hindi iyon narinig ng anak. Nakatitig lang sa akin ang babae at unti-unting
naupo sa tabi ng Mama.

"Ah! This is my daughter, Primrose Ledesma. Prim, Ambrosia Avila, and Soleil.
Soleil is my bestfriend's daughter. Naalala mo iyong kwento ko? The one in the
picture frame?"

"Oh yeah! I think I remember her mother!" nakatitig parin ito sa akin.

May idudugtong pa sana si Mrs. Ledesma nang biglang naglabasan ang iilan de
unipormeng kasambahay. I heard them talking about the arrival of "Sirs". Tumayo si
Lola kaya gumaya na rin ako.

Ilang sandali ang lumipas ay binuksan na ang mga pintuan at pumasok na ang mga
lalaking tinukoy. Ang isa'y matanda. Siguro'y mas matanda ng konti sa kay Papa. Ang
isa namay bata, tingin ko'y anak din nila. Siguro ang panganay.

Nakatingin na ang dalawang lalaki sa amin ni Lola. Natawa si Rosalia Ledesma at


iminuwestra kami sa mga bagong dating.

"Dad, this is Ambrosia Avila of Costa Leona. She's with Soleil, Solene's daughter."

Naglahad ng kamay ang nakangiting matandang Ledesma sa akin. Nanatili namang


tahimik at nakatingin lang ang anak.

"This is my husband, Preston Ledesma and my son, Prince..."

Ilan pang pakikipag-usap ay naimbitahan na kami ni Preston Ledesma sa kanilang


hapag. Nahihiya ako. Ramdam ko rin ang hiya ni Lola Brosing pero mas ramdam ko ang
pagiging desperada niya.

Tinanong nila ang tungkol sa pagkamatay ni Mama pero dahil bata pa ako noon, si
Lola Brosing lang ang sumagot. Naintindihan naman nila iyon.

"Sir..." panimula ni Lola Brosing. "Bumisita po talaga kami rito dahil gusto kong
makiusap..."

Primrose Ledesma stopped eating a bit. Uminom naman ng tubig ang lalaking anak.
Tingin ko, alam na nila ang sasabihin ni Lola.

"Kailangan po ni Soleil ng matutuluyan. Manganganib kasi siya sa amin dahil sa


tatay niya. May sala kasi sa batas, pinaghahanap kaya walang matukuyan si Leil
bukod samin. At kapag sa amin naman siya, mahihirapan kaming protektahan siya. Wala
po kaming... gaya n'yo na mga security at kung anu-ano pa..."
Naiyak na si Lola. The awkward silence filled the room. Pumikit ako ng mariin ay
hinagod na lamang ang likod ni Lola.

"Tama na po. Ayos lang, Lola. Umuwi na lang po tayo sa Costa Leona. Huwag na po
kayong mag-alala sa akin," sabi ko sa wakas.

Umiling si Lola. "Hindi, Leil-"

"Why not!?" sabi ng matandang Ledesma.

Nagulat ako roon. Pumalakpak si Primrose at ngumisi.

"Sige, Mommy! Kasya pa po siya sa guestroom! Kahit sa maid's quarter-"

"Kaya niya po ang gawaing bahay! Marunong siya!" mabilis na sinabi ni Lola.

"Iyon naman pala," ang lalaking Ledesma.

"Pres, we're in the middle of bankruptcy. Mapapagastos tayo..." si Rosalie.

"Hindi natin papag-aralin sa mamahalin, at marunong naman sa gawaing bahay. And


trust me, before this month ends, we're good with the business!"

Nagmakaawa ako kay Lola nang napagdesisyonan iyon. Gusto kong bumalik sa Costa
Leona kahit na alam kong wala na akong babalikan pa roon. Gusto kong umuwi. Ayaw
kong mag-isa rito.

But then I guess, that's how life goes. You don't always like where you're at. You
won't always like the decisions.

Luck.

Muntik ko nang makalimutan na may hangganan nga pala ang swerte. Mas masakit pala
ang paniningil nito.

I cried and prayed for time to pass me by fast. Lalo na ngayon na hirap akong
tanggapin ang kahit ano. Pero imbes na dinggin ako, bumagal lamang ito.

"Leil, magpakabait ka riyan, ha?" si Ma'am Avila, umiiyak sa kabilang linya.

Iniwan ni Lola Brosing ang kanyang cellphone para sa akin. Wala akong nasabi sa
linya. Halos wala akong tinig. Tanging hikbi lang ang iginawad ko.

"Thank God!" anunsyo ni Tita Sally sa hapag.

Dala ang pitsel ay nilalagyan ko ng juice ang kanilang mga baso. Isang linggo na
ako rito sa kanila. Hindi man nauutusan, pinipilit kong manilbihan. Sinasaway ako
lagi na itigil ko ang ginagawa at maupo na sa hapag pero tinatapos ko ang
pagsisilbi bago iyon ginagawa.

Sa isang kwarto sa maid's quarter ako natutulog. May bakante kasi dahil may
tinanggal silang mga kasambahay. Isang taon na yatang "losing" ang kompanya nila.

"I can't believe it! After months! Ngayon lang talaga!" sabi naman ni Tito Ton.

"Yehey! The company will surely be strong again, Dad!" si Prim naman ngayon.

Bumaling ang mag-asawang Ledesma sa akin. Naglalagay ako ng juice sa baso ni


Prince.
"Tama na 'yan, Leil. Tingin ko, swerte ka! Simula noong dumating ka rito, sinwerte
kami. Nakuha ang deal, tumaas ang demand, dumami ang customer! Lahat! Maupo ka na
at kumain na tayo. Hindi ka narito para pagsilbihan kami!" si Tita Sally.

"You're right. Ikaw yata talaga ang may dala ng swerte, hija. For almost a year,
ngayon lang kami nakabawi ng ganito!" sabi naman ni Tito Ton.

Ngumiti ako pero tahimik na nagpatuloy. Naupo ako sa tapat ni Prince at tahimik na
naglagay ng pagkain sa aking pinggan.

Nagpatuloy sila sa usaping negosyo. Sumali si Prim and Prince sa kanila. Nasisiguro
nila ang pagbangon noon. Nagplano na sila agad ng mga gagawin.

Tahimik akong nagpatuloy sa pagkain. Nakikinig lamang sa kanilang mga gusto.

Ang dalawang anak ng mga Ledesma ay nag-aaral sa Maynila. Umuuwi sila tuwing
weekends. Hindi naman daw palagi pero umuwi rin sila ngayon.

Primrose is nineteen years old. Prince is twenty or older, I don't know. Hindi pa
kasi kami nakakapag-usap. Si Prim lang ang kumakausap madalas sa akin. She's a bit
bubbly and good.

Kapag nariyan siya, inuutusan niya akong maglinis sa kanyang kwarto o 'di kaya'y
magblowdry ng kanyang buhok. Minsan, naiinis siya kasi hindi ako nagsasalita.
'Tsaka lang ako nagsasalita kapag tinatanong.

"Kung totoong swerte siya, Mommy, bakit ako minamalas sa babae?" si Prince na
nagtataas ng kilay sa akin.

Dahan-dahan kong nginuya ang pagkain ko hanggang sa tumigil na lang, nawawalan ng


gana sa paratang ni Prince sa akin. I know he doesn't like me very much.

"E 'di maganda! Titigil ka na sa pambababae mo!"

"Hindi talaga. Malas itong si Soleil. Kung totoong swerte siya, dapat sinagot na
ako!" he said a bit playfully.

Nanatili akong nakayuko.

"Prince!" saway ni Tita Sally sa anak.

It was very hard. Umiiyak ako gabi-gabi. Gabi-gabi ko ring napapanaginipan ang
nangyari sa nayon. Sa umaga, nagigising ako na may luha sa pisngi.

I don't know why I even exist anymore. Dapat ako 'yong nawala. Dapat ako na lang
iyong namatay.

Minsan, nakareplay sa isipan ko ang pag-uwi sa Costa Leona. Uuwi ako roon,
pagtutulungan ng lahat at papatayin na. Kapag ba namatay ako, maghihilom ang sugat
nilang lahat?

Hindi. Oo. My life can't take Hades Riego's life back but maybe it can lessen their
pain? At gusto kong magawa ang kahit ano makatulong lang kahit paano sa mga taong
iyon.

And yet, I still wake up everyday. I still stand and continue helping in the
kitchen and doing many chores. Gaano man kabigat ang nararamdaman ko, nagpapatuloy
parin ang katawan ko. Gaano man kasakit ang puso ko, gaano ko man kagustong tumigil
na, hindi ko alam kung ano ang nagtutulak sa akin na magpatuloy.

Is it the memories I left? Ma'am Avila's voice? Lola Brosing? My hope for a
brighter future? I don't know.

Nakita ko ang unti-unting pagbangon at pagsaya ng mga Ledesma dahil sa kanilang


negosyo. After a month, they bought a new car. I don't know what it was but I heard
it's very expensive.

Summer nang narinig ko na sobrang nakabawi na sila sa lahat ng nawala sa negosyo.


Nagbakasyon sila. Inanyayahan ako pero tumanggi ako. Bumisita rin kasi sina Ma'am
Avila kaya hindi na ako pinilit ng mga Ledesma.

I realized that their family is powerful. Hindi ko alam paano ako nagkaroon ng mga
dokumento. Hinayaan din nila akong pag-aralan ang iilang relihiyon dahil iyon ang
abiso ni Ma'am Avila sa kanila. Though, they didn't know of my past, they also
didn't ask about it.

Sa katapusan ng buwan, inabisuhan ako ng mga Ledesma na gumaya sa kanila.


Naniniwala ako kaya iyon na rin ang pinaniwalaan ko.

That didn't make me forget of everything. I still cry myself to sleep at night. I
still dream about it.

"Ako na nito," sabi ko sa kasambahay sabay kuha sa iilang tuwalya.

Ihahatid ito sa mga bisita ni Prince sa swimming pool. Summer kaya naglagi siya
rito sa bahay kasama ni Primrose. Lagi nga lang umaalis kaya madalas hindi kami
nagkakasalamuha. Ngayon, narito siya kasama ang mga kaibigan para makapagswimming.

May dalang meryenda ang mga kasambahay kaya nag offer ako sa mga tuwalya. Apat na
tuwalya ang meron so I assume he's with three friends.

I stepped out of the house. Narinig ko kaagad ang ingay nila. May naaalala ako pero
agad na isinantabi iyon.

"Uyy!" sabi ng unang nakakita sa akin.

Tumayo ako malapit sa lamesa at inayos na ang mga tuwalya sa likod ng upuan. Bago
ko mailagay ang una ay kinuha na ng isang basang-basang lalaki ang tuwalya. Nag-
angat ako ng tingin rito. He looked a bit stunned. Ngumiti ako at kinuha ang isa pa
para mailagay ulit sa likod ng upuan.

May sumipol. Umahon din ang isa at kinuha ang tuwalya. His hand brushed my hand a
bit. Napasinghap ako roon. Ngumisi ang pangalawang lalaki.

"What's your name? Are you a housemaid?"

"Hindi naka uniporme, dude. Are you kidding me?" sabi ng nauna.

"What are you doing?" Prince's tone was hard behind me.

Bumaling ako sa kanya. His brown eyes and messy hair made him look like an angel.
Pero sa ekspresyon niya ngayon, mas mukha siyang galit na anghel.

"Inaayos ko ang mga tuwalya-"

He dragged me away from there. Nabitiwan ko ang mga tuwalya. Kinabahan ako at pilit
na inisip kung ano maari ang kasalanan ko.
I know his family has been very good to me but with him, I just can't get it right.
Lagi siyang iritado. Lagi siyang inis sa akin. Gaano ko man kagusto na
makipagkaibigan sa kanya, talagang hindi epektibo.

I know. I regret it. Maybe I'm trying too hard.

Marahas niya akong binitiwan pagdating namin sa sala. Tinuro niya ako sa galit.

"Bakit ka tumutulong sa mga kasambahay! Gusto mo lang talagang makita ka ng mga


lalaki kong kaibigan, 'no!?" he accused.

Umiling ako. "Hindi, Prince. Akala ko lang-"

"Maybe you should just lock yourself in your room so my friends won't see you!"
tuloy-tuloy niyang sinabi.

"Sorry. Sinusubukan ko lang naman na tumulong sa mga kasambahay. Lagi ka kasing


galit sa akin kaya nagsisikap akong magustuhan mo..."

Yumuko ako sa kabiguan. Akala ko sisigawan niya akong muli pero wala nang sumunod.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Matalim ngunit nagdadalawang-isip ang kanyang mga
mata.

"Sorry. Hindi na mauulit..." sabi ko at nagpaalam nang umalis.

Bago ako tuluyang makaalis sa harap niya, hinawakan niya ang palapulsuhan ko.
Napabaling ako sa kanya. His flushed a bit but his face remained angry.

"I'm sorry... I just don't want..." hindi niya maituloy.

I smiled painfully at that. Nabitiwan niya bigla ang kamay ko. He looked at me with
wide eyes.

"Naiintindihan ko."

Tinalikuran ko siya at tumuloy na ako sa pag-alis.

Kabanata 19
Kabanata 19

Justice

The news about Costa Leona were all the same. Narinig ko noong bago pa lang ako
rito na nag-uusap ang mag-asawang Ledesma tungkol sa pagkamatay sa isa sa
pinakamakapangyarihang tao sa larangan ng construction, si Hades Riego. It was a
private conversation so I did not hear the rest of it.

Hindi rin nagtagal ang balita. Parang bigla na lang nawala. Naglaho. Ayon kay Ma'am
Avila, nanahimik daw ang mga Riego. Patuloy ang pagtugis pero ayaw nilang
isapubliko ang lahat-lahat.

Hindi na rin nagpainterview pa ang kahit na sino sa mga Riego. Si Ares Riego lamang
ang humarap at nagkumpirma sa balita. Sinabi niya rin na gusto ng mga Riego ng
pribadong imbestigasyon para rito.

Kulang na lang ang pagkakahuli ni Papa. Base sa ebidensya, both witness and CCTV,
my father really did it. The rest of the details were concealed. Kahit pa sa mga
taga Costa Leona.

Ang sabi-sabi rin, kahit na pinagbintangan ako ni Papa bilang nag-utos sa pagpatay,
menor de edad pa ako kaya hindi pwedeng rason iyon.

"Hindi ko alam kung pinapahanap ka pa, Leil, pero sariwa pa ang lahat. I guess not.
In the eyes of justice, the killer is your father. But your presence here will
trigger Raoul and his mother," sabi ni Ma'am Avila nang nakiusap ako sa kanya na
ibalik na ako sa Costa Leona.

Bigo ako sa kagustuhan kong bumalik sa Costa Leona. Gustong-gusto ko parin kasing
umuwi. Parang may hindi ako natapos doon.

The Ledesmas were fine. Iba nga lang talaga kapag nasa kinalakhan ko. Maayos naman
ang pakikitungo ni Tita Sally at Tito Ton sa akin. Hindi rin naman malupit si
Primrose sa akin. At simula noong pinagalitan ako ni Prince, mas maayos na rin ang
tungo niya sa akin.

Pero hindi ba ito naman ang dati ko pang pinangarap? Ang makaahon sa nayon at
makapagbagong buhay?

Pero hindi ko naman inisip na ganoon nga ang mangyayari. Na may masamang kaakibat
ang pangarap ko.

End of summer, Tita Sally randomly talked about her loving memories of my mother.
Dati pa, hindi naman ako umiiyak kapag ganoon. Halos wala kasi akong alaala kay
Mama bukod sa mga panaginip.

"Your mother was an intelligent woman. She was also very kind!" ani Tita Sally sa
hapagkainan.

Ngumiti ako.

Napag-usapan kasi ang pag-eenrol ko sa isang eskwelahan. Ayos lang sa akin na hindi
pa ako mag-aral pero dahil sobrang laki ng inunlad ng kanilang kompanya, hindi
nagpatanggi si Tita Sally.

"After high school, hindi na kami masyadong nagkakasama. She enroled here in Iloilo
while I enroled in Manila for college. Pero minsan, lumuluwas siya. We both had a
huge crush on Hades Riego. Do you know him, hija? He's from Costa Leona, too. But I
heard he got killed just this year."

Hindi ako nakagalaw sa sinabi ni Tita Sally. My mother liked Hades Riego?

Nagpatuloy ang usapan. Hindi ko alam paano ko sasabihin kay Tita Sally ng tungkol
kay Papa pero sa sobrang gulat ko sa nalaman, hindi ko na nasundan pa ang mga
sinabi.

"Mom, dumami na ang housemaids. Ilipat natin si Leil sa guestroom para mas
komportable siya..." si Prince sabay ngiti sa akin.

Napainom lamang ako ng tubig. I am speechless. Hindi ko na alam saan ilalagay ang
kuryusidad ko.

After dinner, I called Ma'am Avila to confirm it. Something about it is bugging me
so I had to call. Hindi ko alam na sa oras na malaman ko iyon, iyon na ang
katapusan ng kagustuhan kong bumalik sa Costa Leona.

"Ma'am, nasabi ni Tita Sally sa akin na nagkagusto raw si Mama kay Hades Riego.
Gaano po ba ito ka totoo?" I asked pagkatapos ng kumustahan.

Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Ma'am. She even muttered excuses but in the
end, she stopped herself.

"Hija, matagal na 'yan."

"Gusto ko lang pong malaman, Ma'am," sabi ko.

Something really is bothering me. Lalo na sa tono ni Ma'am Avila na mukhang may
itinatago sa akin. Hindi naman siya madalas ganito.

Hinawi ko ang kurtina ng aking bagong kwarto. Pagkasabi ni Prince na ilipat ako sa
guestroom, agad na hinakot ang gamit ko rito.

"Okay, Leil. Aaminin ko. Alam ko ang tungkol diyan. May nalaman din ako pero hindi
ko gustong sabihin sa'yo lalo na't hindi kumpirmado."

My heart raced. What is it. I knew there's something about my mother liking Hades
Riego.

"Solene loves Hades Riego. Your father loves Felicia. Alam mo naman siguro paano
nagkakilala si Felicia at Balthazar, hindi ba?" maliit ang boses ni Ma'am.

Nasa bahay lang siya pero sa takot niya sigurong may makarinig, kahit doon ay
hinihinaan niya na ang boses.

"Si Papa ay tumutulong sa Papa ni Felicia Riego, Ma'am. Anong mayroon doon."

"Yes, hija. I just know he's in love with Felicia Riego. But Fely loves Hades. And
Hades is in love with Fely, too. Alam mo naman siguro ang nangyari, hindi ba?"

Kinagat ko ang labi ko.

"Years after... Your father met your mother. And they married. Nabuo ka. That's all
there is to it..."

She sighed heavily.

"May usapan kasi, Leil. Huwag ka sanang mabigla. Ayaw itong palabasin kaya rin
nanahimik ang mga Riego rito, pinagsamantalahan ni Balthazar si Felicia sa gabing
iyon. Hades defended her and stopped Balthazar kaya nabaril."

Parang nagdilim ang utak ko sa sinabi ni Ma'am Avila. Hindi ako nakapagsalita sa
sobrang gulat. Bakit gagawin iyon ni Papa?

"Leil, hindi ko sana 'to sasabihin sa'yo pero matagal nang haka-haka 'yan dito.
Hindi kinumpirma ng mga Riego at hindi rin naman tinanggi."

Bumuhos muli ang luha ko. Parang ang sugat, hindi pa nga naghihilom, muling
sinugatan. Is this really true? How could my father do that?

"Leil, Leil..." marahang tawag ni Ma'am Avila. "Sorry. Hayaan mo, susubukan kong
kumpirmahin ang lahat. Alam kong mahal mo ang Papa mo, pero-"

"Bakit ganoon, Ma'am? Ang sama naman ni Papa kung g-ganoon nga..." hagulhol ko.

"Shh... Leil, hindi pa nakukumpirma. Pasensya na, anak..."


I want to believe my father. Gusto kong isipin na hindi totoo iyon. Pero sa dami ng
ebidensya, hindi ko na alam.

And if it's true, I don't know what to do. My father killed Hades Riego. My father
violated Felicia Riego.

Kung iyon ang iisipin ko, may dahilan nga kung bakit galit na galit ang mga tao sa
Costa Leona. May dahilan nga kung bakit galit ang mga Riego. Bukod pa sa ipinahamak
ng grupo ang buong eskwelahan para lang makatakas sila.

We made a disaster. Hindi man ako direktang may kinalaman, iisipin ng lahat na
kabilang ako, kung hindi man lider.

My father took my name in vain. He justified his cruel acts with his faith in me.
Hindi na ako magtataka kung hindi na ako makakabalik pa sa bayang kinagisnan ko.

My emotions were mixed. Faith for my father. Anger for him. Sorry for the Riegos.
Sorry for the people of Costa Leona. Paano ko iyan mababayaran? If I go back, will
they find justice? What about my father who is still on the loose?

"Dito ako nagtapos ng Senior High. Dito ka rin ngayon..." ani Prince pagkalabas ko
sa kanyang sasakyan.

Today is my first day of school. Araw-araw akong ihahatid ng driver dito. Pero
dahil narito pa si Prince, he volunteered to do it. Aalis na siya mamaya para
makapagpatuloy sa pag-aaral sa Maynila.

"Ayos lang naman sana sa akin kung hindi sa mamahaling eskwelahan."

Prince smiled. "You deserve to be here, Leil. Plus, you're part of the family now.
Dapat lang dito ka talaga sa magandang paaralan."

I'm lucky to have the Ledesmas. They are very kind to me. Minsan lang, naisip kong
hindi na naman talaga kailangang mamahalin ang mga tutuluyan ko. But I guess that's
just their lifestyle.

"Halika. Ihahatid kita sa classroom mo," ani Prince.

Tumango ako at sumunod na kay Prince. Palapit pa lang kami sa building, may iilan
nang bumati sa kanya. Iilan din ang nagtatagal ng tingin sa akin.

Iba ang itsura ng paaralan dito kumpara sa Costa Leona. Dito, isang napakalaking
building ang nasa harap. Sa harap ay isang barikada at grassland. It looks
peaceful. Tanging ang mga estudyante lang ang nagdadala ng ingay.

"Kuya Prince! Sino 'yan? Pinsan mo? Ipakilala mo naman ako, oh!" a boy said.

May kasama itong grupo ng lalaki. Tumigil si Prince. Ngumiti ako. May naaalala ulit
ako. I remember my guy friends back in Costa Leona. How are they? Nadamay kaya
sila? Naaalala pa ba nila ako? Ano kaya ang opinyon nila sa akin ngayon? Galit ba
sila? Isinantabi ko ang kaisipang iyon. I should stop thinking about it now. It's
not the time to look back.

Humugot ako ng malalim na hininga. I wonder if I can make friends here, too.

Kakaway na sana ako sa iilang grupo na lalapit sa akin nang bigla akong inatras ni
Prince sa likod niya.

"Huwag n'yong lalapitan 'to. Sa oras na may marinig ako..." hindi niya dinugtungan.
Napawi ang ngiti noong lalaki. Natigil din ang mga papalapit. Kumunot ang noo ko at
sumungaw para makita ng husto iyon.

"S-Sige, Kuya..." sabay atras noong naunang bumati.

Sinalubog niya ang mga kaibigan niya at iminuwestra na ang paglayo. Prince turned
to me.

"Mga kapatid iyon ng ilang kaibigan ko. Baka kausapin ka ng mga iyon. Ignore them.
You should only be friends with girls..." sabay iwas niya ng tingin.

"Bakit naman?" tanong ko. "Uh... Sa Costa Leona, marami akong kaibigang lalaki."

He turned to me, looking irritated. He looked like an angel trying to execute a


sinner.

"This isn't Costa Leona. You're here now and that's my rule."

Tumango agad ako. Matagal ko na rin namang gustong magkaroon ng kaibigang babae.

Sasabihin ko sana na nahihirapan naman akong makipagkaibigan sa mga babae pero


natanto kong baka nahihirapan ako sa Costa Leona dahil iniisip nila na mangkukulam
ako. Maybe here, I can find real friends. I'll start a clean slate. And everything
will be fine.

Hindi ko alam bakit nalulungkot ako. Matagal ko na itong pangarap pero


nakakalungkot pala.

Hinatid ako ni Prince sa classroom ko. Pumasok ako habang may kinakausap siyang
iilang lalaki.

Pinagtitinginan na ako ng mga babae. Ako lang yata ang transferee kaya lahat,
nagkakasundo na.

Naupo ako sa pinakadulo, ang tanging upuang walang tao. Inayos ko ang mga gamit ko.
Nakita ko ang pagpasok ni Prince sa aming classroom.

"Hi Prince!" iilang kaklase ko ang naghagikhikan.

Tumango lang si Prince sa mga iyon at dumiretso na sa akin. Tiningnan niya ako bago
nagdesisyon.

"I'll go now. Kukunin ka ng driver mamaya. Doon din sa pinagparkingan ko. Huwag ka
nang gumala pagkatapos n'yo rito. Umuwi ka na agad."

"Okay, Prince."

He smiled and nodded. Umalis din siya agad. Ilang sandali na ako rito sa classroom,
wala paring nakikipagkaibigan. Lahat sila, nagbubulungan sabay tingin sa akin.
Ngumingiti naman ako pero walang ni isang lumapit.

So... I guess there's a problem with me, huh? Ganito ako sa Costa Leona, ganito
parin ako kahit dito.

Nagsidatingan ang iba pang kaklase. I smiled at each and everyone. Some smiled back
pero agad ding hinila ng mga nauna at pinagsabihan.

I really don't know what's going on. But when a tall girl came in, I knew. She was
pretty but she doesn't look very friendly. Parang galit ito lalo na nang nakatingin
sa akin. May mga kasama rin siya sa likod na kinakausap siya. Her bag is pink with
so many gems in it. It looks very expensive. Hindi na kataka taka dahil mayayaman
daw ang nasa school na ito.

"Ledesma ka?" Pabagsak niyang hinawakan ang aking desk.

Napapikit ko sa sobrang gulat. Umiling agad ako. Kumunot ang noo niya.

"Sinungaling ka. Mana ka kay Prim. Kaano ano mo 'yon? Pinsan? Dalawa lang sila ni
Prince, 'di ba?"

"Hindi ko siya pins-"

"Liar!" she shouted and I knew that everyone of her classmates respected her.

Lumapit ang iilang lalaki. Isa sa kanila ay iyong pinagsabihan ni Prince kanina.

"Cresia, tama na. Pagagalitan tayo ni Prince niyan-"

"I don't care. I'm not scared of them," diretsahang sinabi ng babae.

Nanlilisik parin ang mga mata nito sa akin. Kung hindi lang ganoon, masasabing kong
mukha siyang maamo. With her thin lips, almond eyes, and narrow nose, hindi ko
aasahang ganito siya.

"Did she lie to my brother or not?"

I seriously have no idea what she's talking about. Ni hindi ko nga alam kung sino
ang kapatid niya.

"Sorry pero hindi ko alam ang sinasabi mo-"

Tinampal niyang muli ang desk ko. Kabadong kabado na ako. Unang araw ko pa lang,
mas hirap na ako rito kesa sa Costa Leona.

"Tama na, Cresia," nakisali pa ang ibang lalaki.

"Anong hindi mo alam? Hindi mo alam na nagsisinungaling iyong si Prim sa kapatid


ko?"

"Hindi ko talaga alam ang kahit ano. H-Hindi ko alam ang tungkol sa kapatid mo at
kay Prim."

"Shut up! You're a liar, too..." she concluded.

So that's for my first day. Buong araw, walang kumausap sa akin. Hindi iyon dahil
sa sinabi ni Prince. Iyon ay dahil doon kay Cresia. Ni hindi ko alam kung ano ang
problema niya sa mga Ledesma, lalo na kay Primrose. Something about her brother and
Prim lying to him?

When I think about it, wala talaga ako masyadong alam kay Primrose. Hindi rin naman
siya nagkukwento. Pero base sa mga pagsasaway na ginagawa ng mag-asawang Ledesma,
pareho sila ni Prince. Pareho silang hindi sumusunod sa mga magulang. Primrose
would go out at night even without her mother's approval. Mapagagalitan agad siya.
Ganoon din minsan si Prince, but lately, he's okay.

Ayon din sa mag-asawang Ledesma, hindi rin maganda ang grades nilang dalawa. Pero
iyon lang talaga ang alam ko. Hindi ko na inalam ang iba pa.
Binubunggo ako sa corridors, sa mismong araw na iyon. Lahat ng bumunggo, sinadya.
Tinawanan pa ako. Lalo na nang nabiwitiwan ko ang iilang libro.

After lunch, I went to the library to read some books. May iilang lumapit sa akin
para makipagkaibigan. Pero naabutan ko ring binulungan ng kung sino kaya hindi na
umulit pa.

Bumuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagbabasa. Maybe it's because it's


just my first day. Baka iba na sa mga susunod na araw.

Lumabas ako ng building pagka dismiss. Medyo maaga sa schedule namin ang dismissal.
Siguro dahil unang araw pa lang.

Maraming estudyante ang palabas. Marami ring papasok. Nagtatakbuhan. Ang iba'y
kagagaling sa labas para maglaro.

Niyakap ko ng husto ang mga librong dala at nagpatuloy sa paglalakad. A tall man in
all black appeared in my far front. Naglalakad ito patungo sa akin, patungo sa loob
ng school. Kumalabog ang puso ko. Nakasuot ng hoody kaya hindi ko kita ang buong
mukha pero parang pamilyar.

My heart pounded very loud. Lalo na noong ilang metro na lang ang layo namin.

Sigurado akong hindi siya mag-aaral dahil mas matanda ito ng konti sa amin. He's
probably in college or is now a graduate. Sa sobrang kaba ko, inalis ko ang mga
mata ko sa lalaki. Humigpit ang hawak ko sa aking mga libro at diretso lang ang
lakad.

Lumagpas siya sa akin. Para akong nabunutan ng tinik.

Nilingon ko pabalik ang paaralan at nakita na nagpatuloy siya sa paglalakad papasok


doon.

"Leil," tawag ng driver sa akin.

Hindi parin ako lumingon. I can't recall where I saw him. Pero ang tanging naaalala
ko na may ganoong pangangatawan... ay... sina...

Maybe I'm just generalizing it. The world is big. Siguradong maraming magkapareho
ang anyo sa pangangatawan.

Iniwan ko ang kaisipang iyon at bumaling na sa driver para makauwi na.

For the whole first month, ilang beses ko iyong nakita. Minsan, aksidente. Minsan,
naririnig ko ang kaklase kong nakakapansin din doon.

"My prince charming visited again today. He's so handsome! Nakita n'yo ba iyon?" si
Cresia ang madalas kong naririnig.

Pangatlong magkakaibang araw na ito ngayon. Kaya nasisiguro ko kung sino ang
tinutukoy niya. It's that man in all black. Nakita ko rin iyon kaninang umaga, naka
shades at nakaitim parin.

"Baka naman bodyguard 'yon?" anang ibang babaeng kaibigan ni Cresia.

Nasa loob kami ng classroom at pinapalibutan na siya ng mga kaibigan. She calls
that man her "prince charming". Hindi ko alam pero pamilyar talaga sa akin ang
lalaking iyon.
"Kanino naman? I've memorized the uniforms of your bodyguards. Ako lang naman ang
may pinakamaraming bodyguard dito, e..." aniya.

So that's how my day goes. Isang buwan na ako rito, ganoon parin. Kinakausap minsan
pag may kailangan at madalas na pinagtatawanan.

Pagkatapos kong kumain ng lunch sa cafeteria, didiretso na ako sa library. I am


looking forward to it now. Lalo na dahil maingay ang cafeteria ngayon at medyo
nahihiya akong kumain.

Nilapag ko ang aking tray sa madalas kong lamesa. Mag-isa lang ako lagi roon.

Something is different on that day. Cresia's "prince charming" is eating in our


cafeteria. Naka itim itong sumbrero habang kumakain. Tinitigan ko iyon. Nakita kong
tumigil din ang tingin niya sa akin. Sa sobrang layo namin, hindi ko halos maitsura
ang mukha niya. But now that he's not wearing shades, I can somehow recall where I
saw him.

Napatuwid ako sa pagkakaupo. Kumabog ulit ang puso ko. I know this person.
Someone... from... Costa... Leona?

Tinapon nito ang table napkin sa harap ng lamesa at tumayo na. Uminom siya ng
tubig. Naririnig ko ang hagikhikan sa ilang table. May nagtutuksuhan pa para
malapitan ang lalaki.

He eyed me again one last time before he left the cafeteria. Sinundan ko ng tingin
ang lalaki habang inaalala kung alin talaga siya roon.

Natigil lang ang pag-iisip ko nang biglang hinampas ulit ni Cresia ang lamesa ko.

"Don't tell me that's your bodyguard?" pauna niyang sinabi.

Umiling ako. "Hindi. Wala ako nun!"

Ngumiwi siya at umikot sa ere ang mga mata. Nagtawanan ang iba sa kabilang table.
Umupo siya sa tapat ko para lang makausap na naman ako ng ganito.

"Ikaw, napaka sinungaling mo talaga, 'no? Una, pinagtatanggol mo ang Prim na 'yan.
Ngayon, dideny ka pa? I saw him look at you. Kung hindi mo 'yon bodyguard,
boyfriend mo?"

"Hindi!" agap ko.

"Ay oo nga pala. Si Prince ata ang boyfriend mo? Hindi ba family friend ka lang. At
ang sabi, bawal ka raw makipagkaibigan sa mga lalaki. Pinagsabihan ni Prince mga
kaklase natin. Ano? Baka bff kayo ni Prim, pareho kayong nangangaliwa sa mga
boyfriend n'yo?"

Umiling ako. "Wala akong boyfriend! Kaibigan lang kami ni Prince. Malaki ang utang
na loob ko sa kanya. At wala akong alam tungkol kay Prim-"

"Argh! You're so annoying! Wala kang alam?" she mocked. "Prim lied to my brother.
Ang sabi niya, wala siyang ibang lalaki kahit na nakita ko siya ng ilang beses na
may kasamang iba. Sige nga, ipagtanggol mo si Prim sa akin!"

I just really don't get it. Maybe I'm not paying attention that much. Wala talaga
akong alam sa kahit anong nangyayari kay Prim.
"Sorry pero wala talaga akong alam-"

Iniwan na ako ni Cresia, hindi na pinakinggan ang ilan pang pagpapaliwanag ko.
Umirap siya at nagsimula na sa pakikipag-usap sa kanyang grupo.

That's the last day I saw that man. At dahil medyo marami ang nangyari, hindi ko na
ulit maalala kung saan ko siya nakita.

Isang buwan pa ulit ang lumipas, hindi na nga nagpakita iyon. Ni anino. Somehow,
I'm relieved. Minsan kasi naiisip ko kung tauhan ba iyon ng mga Riego, just waiting
for me to be free. Minsan naiisip ko na baka kunin nila ako at dalhin pabalik sa
Costa Leona.

Hindi ko na naikwento iyon kay Ma'am Avila. Ayaw ko kasing mag-alala siya. Hindi ko
rin nasabi na kay Prince. He's serious with his studies now. Iyon lagi ang pinag-
uusapan namin kapag narito siya kaya wala rin.

Pagkatapos ng lunch, dumiretso na ako sa library. For my second month in my new


school, nothing really happened. I have less and less friends. Iba naman ang rason
ngayon. Sa mga lakaki, pinagbawal ni Prince. Sa mga babae naman, ipinagbawal ni
Cresia.

Sa dalawang buwan ko rito, nalaman ko na medyo maimpluwensya si Cresia. I am very


close to concluding that she's the richest student here in our school.

Padabog na nilapag ni Cresia ang mga aklat sa harap ko. Humugot ako ng malalim na
hininga at unti-unting sinarado ang akin, bilang paghahanda sa pag-alis. She's
going to start pestering me and I don't intend to use my free time hearing all her
accusations of me.

"Aalis na ako..." paalam ko pero hinawakan niya ang aklat ko para hindi ko iyon
makuha.

I sighed. Hinarap ko siya.

"Wala akong alam sa relasyon ni Prim at ng kapatid mo. Hindi kami masyadong
nagkakausap sa bahay. Lagi siyang nasa Maynila. Si Prince lang ang umuuwi. Ayaw ko
ring makealam. Nakikituloy lang ako sa kanila at ayaw kong magalit sila sa akin..."
inunahan ko na si Cresia.

She pouted. I saw her blush a bit. Lately, her bubbly and loud attitude diminished.

"Asan na 'yong lalaking nakaitim?" she suddenly asked without looking at me.

Oh. Yes. Isang buwan ko nang hindi nakikita si "Prince Charming".

"Hindi ko alam, e. Hindi ko na rin nakita."

Her eyes widened. Kitang-kita ko ang interes sa kanya.

"Kilala mo ba 'yon?"

Umiling ako.

"Liar!" she said.

"Hindi ako sinungaling."

"Lagi ka niyang tinitingnan. Napapansin ko 'yon. Pinaghahanap ka 'no?"


Natigilan ako roon. Hindi ako nakapagsalita dahil sa panunuyo ng lalamunan.

"Is that a police? A special armed force? I saw him with a gun last time."

What? Kumabog lalo ang puso ko. Umiling lamang ako. Nanliit ang mga mata niya. Sa
sobrang kaba ko ay iniwan ko na siya roon.

That's how I met her.

Siguro ganoon talaga. Binigay na alay sa akin ang kambing noon, hindi ko inakalang
magiging matalik ko itong kaibigan. Cresia started as my number one bully, hindi ko
inakala na pagkalipas ng ilang taon, siya lang ang natatanging mapagkukwentuhan ko
sa buong nangyari simula sa simula.

The image of the hourglass blurred when my tears pooled in my eyes. Nasa isang
restaurant kami sa mall malapit lang sa Unibersidad na pinapasukan namin. I did not
plan to tell her about it but when I saw the hourglass, hindi ko na napigilan ang
pagbabalik tanaw.

She looked very stunned in front of me. Hindi ata siya makapaniwala sa tunay na
nangyari sa aking buhay, dahilan ng pagkapadpad ko rito.

Ang malaking hourglass na centerpiece sa aming lamesa ay binaliktad ko nang naubos


ang buhangin sa itaas na bahagi nito.

"Y-You kept this from me... for years?" nanginig ang boses ni Cresia pagkatapos
kong sinabi iyon.

"I'm so sorry, Cres. Nahihirapan akong magtiwala kahit k-kanino..."

Pinalis ko kaagad ang luha na naglandas sa aking mga mata.

"Hindi mo ito kinwento kahit kay Prince, Leil?" tanong ni Cresia na ngayon ay
napaiyak na rin.

Umiling ako.

Tumayo si Cresia. Umupo siya sa tabi ko at niyakap ako ng mahigpit. Apat na taon na
ang lumipas pero walang araw na hindi ko binalikan ang lahat.

"Thanks for trusting me then. Magagalit sana ako kasi sa ilang taon, Leil, marami
ka palang inilihim sa akin... pero s-sige... dahil ako lang ang sinabihan mo nito,
ayos lang," she cried.

"I'm sorry..." sabi ko. "Dapat matagal ko nang sinabi sa'yo 'to. Hindi ko lang
talaga alam paano..."

Simula noong madalas niya na akong kinakausap tungkol sa misteryosong Prince


Charming niya, unti-unti na ring nag-iiba ang topic namin. Nakalimutan niya na ang
lalaking iyon, at puro school na ang pinag-uusapan namin.

I like her. I learned so many things from her.

Lucresia Lopez is the daughter of Don Lopez of the Lopez Shipping Lines. Yes, she
is very rich. They have almost a hundred cargo and roll on/roll off vessels
traveling in Luzon, Visayas, and Mindanao. She's well respected in our school
because she's a strong girl, bukod pa sa estado nila sa buhay.
Magkasama kami sa mall ngayon dahil nagpapatulong siya sa akin sa paghahanap ng
accessory na babagay sa magiging suot niya sa kasal ni Primrose at ng Kuya Arthur
niya. For years, she wanted me and her brother to date, instead. She hates Primrose
a lot.

"Akala ko talaga nahihiya ka lang aminin na kayo ni Prince, Leil. You have someone
else in your heart-"

Maagap akong umiling doon. "Wala na!"

Kitang-kita ko sa mukha ni Cresia ang paghihirap na intindihin lahat ng nangyari.


Nilagay niya ang kanyang palad sa kanyang labi, kita parin ang pagkakagulat sa
naikwento ko.

I told her everything. From the very start. All the details of it. I understand
that it's too much to take in in just one sitting. Hindi na namin halos makain ang
aming pagkain.

"That man likes you, Leil!" mabilis niyang agap. "Hindi kaya iyong Prince Charming
ko noon, siya 'yon?"

Umiling ako. "Makikilala ko siya agad, kahit nakatalikod, Cres. Hindi siya 'yon.
At... hindi ako gusto nun," masakit kong nasabi. "Wala nang halaga ang lahat
ngayon."

Noon ko pa pinangarap na magkaroon ng kaibigang babae. Pero nang nagkaroon naman


ako, ilang taon bago ko pinagkatiwalaan ng husto. Buti na lang hindi nagalit si
Cresia.

She trusts me so much. She even declined her father's offer to study in Manila
dahil lang dito ako mag-aaral ng college sa Iloilo. Ayaw kasi ni Prince na sa
Manila ako. Marami raw bad influence kaya nanatili ako rito. Sumama naman si Cresia
kahit na hindi naman talaga dapat.

"Ayos ka lang?" nangingiti kong tanong habang tinitingnan siyang halos tulala.

"Are you kidding me? I can't process that in just one sitting! You just told me
that you were once treated like a goddess! Literal, Leil. This is so hard to
process! My gosh!" sabay hawak niya sa dibdib.

Natawa ako. Pinawi ko ang luhang tumakas sa gilid ng aking mga mata.

Sa totoo lang, gumaan ang loob ko. Dapat pala noon ko pa ito ginawa. Ang magkwento
sa isang kaibigan ay nakakagaan pala ng loob. Pero nangalabit lang naman lahat ng
alaala ngayon dahil sa hourglass na nakita ko, at dahil na rin kahapon.

"Tinawagan ako ni Papa kahapon," nangilabot ako sa sariling salita.

Napayakap din si Cresia sa kanyang mga braso. Naramdaman ko ang pangingilabot din
nito.

"Hindi ko inakala na siya iyon, noong una. Pero kalaunan, nakilala ko ang boses
niya."

"He's a criminal!"

"Marami akong gustong sabihin sa kanya pero hindi ko nagawa... It was a very fast
conversation. Nagtanong siya kung kumusta ako. Sumagot ako na ayos lang pero hindi
ko alam kung sino ang kausap ko."
"Leil! You should report this to the police!"

Kinagat ko ang labi ko.

"Sinabi niya sa akin na nagtatago siya. Sa Negros."

"God! Leil! I swear to you my father can help with the investigation..." agad na
natigilan si Cresia. "But... wait... Kung ikaw ba... ipakukulong mo ba ang tatay
mo?"

Ngumuso ako. Iyan ang pinakamahirap na tanong sa lahat. My father isn't exactly a
good man but I love him. Mahal ko ang Papa ko. Pero kung hustisya ang pag-uusapan,
oo, gusto kong makamit ng lahat ng nadamay sa gulo ang hustisya. Kahit pa masakit
sa akin iyon.

"If there is enough evidence. If he's really... guilty..." bigo kong nasabi.

"Kung sa bagay... Kung ang mga Riego na nga ang nag-iimbestiga at hindi pa
nahahanap, grabe na talaga iyon. Your father is very good at hiding then."

Nagkatinginan kami ni Cresia. Kitang-kita ko sa mga mata niya na hindi parin siya
makapaniwala. She trusts me. She believes me. But the story is too much to be real.

"Now I'm very determined to really make you successful!"

Sakin naman ang nanliliit na mga mata ngayon. Sa ilang taon naming pagkakaibigan,
ilang taon ko na rin siyang tinutulungan sa pag-aaral niya. Lagi niyang sinasabi na
kukunin daw niya ako sa Lopez Shipping Lines pagkagraduate namin.

"Pupunta tayo ng Manila pagkatapos natin ng college, Leil. Doon ka sa company namin
magtatrabaho!"

"Cresia, nangako ako kay Prince."

Umirap siya. "Mas malaki pasahod sa company namin!"

"Tama na. Tinulungan nila ako makagraduate kaya dapat lang na tumulong din ako sa
hotel," sabi ko.

Nag-isip na siya ng iba pang paraan para makumbinsi ako. Sa huli, tumigil na kami.

"Kailangan ko nang umuwi..." sabi ko nang nakita ang oras.

May dinner sa bahay mamaya. Nakauwi galing Manila si Prince at sinabi niya sa aking
kailangan 5pm, nakauwi na rin ako galing sa pagsama kay Cresia.

"It's almost five..." sabi ko sabau kuha sa cellphone para maitext na ang driver na
kailangan na akong kunin dito sa mall.

Nagbayad na kami at umalis na sa restaurant na iyon. Sinundo na agad si Cresia. She


offered a ride pero tumanggi ako dahil malapit na raw ang driver sa mall.

Para makasakay ako agad, lumabas ako roon at lumapit sa kalsada. Palapit ako,
napansin ko ang isang itim na SUV sa harap.

Tumingala ako para matingnan lahat ng mga gusali sa paligid. The world is really
big. Parang kailanlang ang lahat ng kwento ko kay Cresia. Parang kahapon lang.
Parang kahapon lang, Costa Leona lang ang alam kong lugar. Ngayon, narito na ako sa
isang syudad.

Napakaraming mga tao, gusali, at sasakyan. Somehow, I'm still lucky to be here.

Parang tumigil ang mundo ko nang pagbaba ko ng tingin ay nakita ko ang isang
pamilyar na pares ng mga mata.

Leaning on the black SUV in front of me is a man I am very familiar with. Marami
ang nagbago sa kanya. He was already very lean before but right now his body
matured more. Nakahalukipkip siya, the veins and the muscles showed on his arms.
His black v neck t-shirt hugged his body enough to inform everyone how well cut he
is.

His signature faded jeans and black boots made me, once again, remember of the
bronzes and greens of the forest back in Costa Leona. Kung saan madalas kaming
nagkikita.

Ang kanyang buhok ay parehong ayos lamang. Ang kanyang mukha, madilim. Hindi ko
maintindihan kung bakit mas gumwapo... hindi ko maintindihan kung bakit sa paglipas
ng panahon, ganoon parin ang opinyon ko sa kanya.

At hindi ko rin maintindihan kung bakit mas lumala ang nararamdaman ko ngayon. My
heart is hyperventilating. Nagwawala ang aking puso at ang aking isipan. Nanginig
ako sa takot at... sa saya.

I cannot believe the betrayal of my own feelings! I cannot be this hopeless for
him.

Na sa ilang taon kaming nagkalayo, at sa ilang taon kong gustong magkagusto sa iba,
ganito parin, unang tingin ko pa lang sa kanya?

How dare you, Soleil!? How dare you feel this way!?

He was hurt, I understand. I got hurt, too. Kaya hindi pwedeng ganito ang
maramdaman ko para sa kanya!

Umigting ang kanyang panga at tumuwid sa pagkakatayo. Kinalas niya ang


nakahalukipkip na braso. Tumigil ako, ilang metro lang ang layo sa kanya.

My tears formed when I realize that things have changed. For the worst. I am still
deeply in love with him. I am more in love with him. Even after everything.

And here I am bravely standing in front of him, I know what he wants.

"Kukunin mo ako?"

His dark heavy-lidded eyes is very mysterious and vicious. The brute moved to open
the door of the front seat of his car. His movements are laced with hard
masculinity.

"Get in," he commanded.

Yumuko ako at marahang tumango, accepting my fate.

Kabanata 20
Kabanata 20

Communicate
My father loved Felicia Riego. My mother loved Hades Riego. Hindi ko na dapat
pinagtakhan pa ang pagkakagusto ko sa isang Riego.

My father's way to get her love was very cruel and inhumane. Hindi ko makakalimutan
iyon at ang galit na naramdaman ko, unang beses kong nalaman iyon.

Umikot si Raoul sa sasakyan para makapasok na sa driver's seat. Inayos ko naman ang
seatbelts ko.

Hindi parin ako makapaniwala sa nangyayari, kahit pa inasahan ko na ito. I expected


this to happen, in worst ways. Pwedeng may kukuhang bigla sa akin, pwede ring
patayin ako. Gaano man ka bait ang mga Riego, I understand the raw rage they're
feeling with Hades dead and Felicia violated that way.

Pumasok si Raoul sa sasakyan. Nasulyapan ko sa likod ang pagdating ng susundong


sasakyan sa akin. Hindi ko pa alam kung sasabihin ko ba kay Kuya na huwag na akong
hintayin o mas maiging mawala na lang ako na parang bula.

Raoul stepped on the gas. Pagkaalis sa lugar ng mall ay mabilis agad ang patakbo
niya. Iniliko niya ang sasakyan sa kaliwa, hindi na ako nagtaka kung saan niya ako
dadalhin.

Humugot ako ng malalim na hininga at kinalma ang sarili. Pilit kong inisip na ito
naman talaga ang kapalaran ko. I don't want this but I know this will eventually
come.

Dire-diretso ang pagdadrive niya, natitigil lamang sa mumunting traffic. Tahimik


lang din siya kahit pa ilang minuto na ang nagdaan.

Malayo ang Costa Leona rito. Magiging mahaba ang byaheng ito. Pagkarating ko roon,
kung hahawakan ng mga Riego ang batas, baka patayin na nga ako. Kung hindi naman,
papahirapan gaya ng narinig ko galing sa mga tauhan nila.

Yumuko at nakita ang diin ng pagkakahawak ko sa aking bag sa kandungan. We have not
seen each other for years. I was hurt. But I know he's gone through so much pain as
well.

The ripples of pain create neverending waves. Kung mananakit ako dahil nasaktan ako
sa puntong ito, mas maraming masasaktan ulit. In my most private daydreams, I dream
about meeting him again. Iyon nga lang, hindi ko na magawang managinip na nagkikita
kami sa magandang sirkumstansya. Lagi iyong komprontasyon at panunumbat. But I know
exactly what to do when I see him. I memorized it all everyday for four years.

"Alam kong..." tanging ang boses ko lang ang narinig bukod pa sa ingay ng bilis ng
sasakyan.

He drove past the road leading to the subdivision of the Ledesmas. Hindi ko na
nilingon pa iyon. I have no regrets. I lived my life with them in a very kind way.
Bilang pasasalamat iyon sa lahat ng kabaitan at tulong nila sa akin.

"... galit ka sa akin dahil sa ginawa ni Papa..." patuloy ko.

He gripped so hard on the steering wheel that his veins protruded more. Alam ko,
Raj, you are still in pain. I am in pain for you. Hindi ko man nakasalamuha ang
Papa mo, alam kong mabait siyang tao. Hinahangaan mo nga, 'di ba? And then my
father took his life away from you. Hindi lang iyon, your mother is in pain, too,
right?
"Gusto ko lang malaman mo na wala akong kinalaman doon. Hindi ko sila inutusan na
gawin iyon sa pamilya mo. Alam kong mahirap paniwalaan pero gusto ko l-lang na
masabi iyan... habang tayong dalawa pa lang ngayon. Kung may maitutulong ako para
makuha ninyo ang hustisya, gagawin ko," nanginginig ang boses ko.

Nilingon ko siya. Mainit ang tingin niya sa daanan. Hindi nawawala ang galit at
poot sa kanyang mga mata.

I want to make sure that I say everything right. I shouldn't have any regrets.

Kahit paano, nakita ko ang mundo. Nagkaroon ako ng mga kaibigan. Naging normal ang
pamumuhay ko. If that's the end of everything for me, then I would gladly accept
it. I lived a life with no regrets.

"Hindi ako tatakbo. Hindi rin ako m-magrereklamo. Sa kung ano man ang gusto ninyong
gawin sa akin, sana maibsan ang sakit na nararamdaman ninyo. Sana mas malapit kayo
sa hustisya-"

Natigil ako sa sobrang gulat. Halos matapon ang katawan ko sa biglaang pagtigil ng
sasakyan niya. Naitabi niya ito ng maayos pero ang kaba ko ay abot langit.

Palabas na kami ng syudad. Malapad ang kalsadang ito ngunit kaunti lamang ang
dumadaan kasi bagong gawa. The fields of green pastures is the view on both the
left and the right side. Ang matalim na liwanag ng pababang araw ay nasa tanawin,
providing us a yellow light inside his large vehicle.

Hinawakan ko ang dibdib ko at dinama ang puso. Sobrang kaba ko ngunit nang nilingon
ko si Raoul ay nakahilig lamang siya ng mabuti sa kanyang upuan. Mariing nakapikit
ang kanyang mga mata. He gritted his teeth like he's controlling all the words he
wanted to say.

Pati ang buntong-hininga ko ay nanginig sa takot.

"A-Ayos ka lang ba?" napatanong ako, lalo na nang kumunot ang noo niya habang
nakapikit ang mga mata.

He sighed heavily. Hindi siya gumalaw. Nanatili siya sa ganoong ayos. He licked his
lowerlip. Nagtagal pa iyon. Nang sa wakas ay dumilat siya at gumalaw ay kinuha niya
ang kanyang cellphone.

Napabaling ako sa aking mga gamit. Kinuha ko rin ang akin at nakita kong may iilang
mensahe roon galing sa driver. Magrereply na sana ako nang bigla akong tinanong ni
Raoul.

"Do you communicate with your father?"

Normal na tanong lamang iyon pero para nang tumakbo ang puso ko sa kaba. Nilingon
ko siya. His black eyes were still hard and prudent.

"Hindi..."

Mas lalong tumalim ang kanyang tingin. Napakurap-kurap ako. He held out his hand in
front of me.

"Give me your phone."

'Tsaka ko pa lang naalala ang misteryosong tawag kahapon. Sigurado akong si Papa
iyon. Sa boses pa lang. Hindi ko nga lang alam saan niya nakuha ang numero ko.
Kinuha ko ang cellphone ko. Hindi ko maiwasan ang panginginig ng aking kamay habang
inaabot iyon sa kanya. Naabutan ko siyang kunot-noong nanonood sa akin.

Nang natanggap niya iyon ay agad niyang tiningnan. Wala akong passcode kaya diretso
lang pagbukas niya roon. Kinabahan ako. Agad kong binawi ang sinabi.

"P-Pero, may tumawag sa akin kahapon... Hindi ko alam kung sino 'yon pero tingin
ko... s-si... Papa 'yon," lumiit lalo ang boses ko.

I turned to him. I caught him looking darkly at me before he continued to scan my


phone. He browsed on it. May kung ano rin siyang pinindot sa sariling cellphone.

"What did you talk about?"

"Uh... Hindi ko kilala pero nangumusta lang at nagsabing... nasa Negros."

His sharp eyes remained on me for a few moments. His jaw clenched and he tore his
eyes off me. Bumaling siya sa mga hawak. Iilang pindot ang kanyang ginawa bago
muling nilahad sa akin ang aking cellphone.

Hindi ko maitago ang gulat. Akala ko kukunin niya na iyon lalo na ngayong inamin ko
ang pagtawag ni Papa. Akala ko gagawin niyang ebidensya o ano pero ibinabalik niya
sa akin ngayon?

Napaawang ang labi ko. Sa sobrang kaba ko, nanginginig parin ang kamay ko nang
tinanggap ko iyon. I gripped on my phone tightly. Sumakit ang palad ko sa sobrang
higpit.

"Wala nang iba pang tawag?"

"W-Wala..." bigo kong sinabi.

Naabutan ko ulit siyang madilim na nakatingin sa akin. I shook my head to show him
my sincerity. Nag-iwas lamang ang madilim niyang titig at ibinalik na ang cellphone
niya sa lalagyanan.

Yumuko ako at tinitigan na lamang ang aking cellphone. Hindi pa umaandar ang
sasakyan. Nanatili kaming ganoon. Kahit pa ngayong halos lubog na ang araw. Alam
kong matalim niya akong tinitingnan ngayon.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya, agad niyang iniiwas ang mga mata sa akin. He'll
cock his head to the other side and check on his phone. Bumalik ulit ako sa
pagtingin sa sariling cellphone.

Dumidilim na ang kalsada at unti-unti nang umiilaw ang lamp post ng kahabaan.
Pinaandar niya ang sasakyan. Umingay ang makina bilang pag-amba ng pagtakbo.
Pumikit ako ng mariin dahil alam ko, ito na 'yon.

Ang tanging nagpadilat sa akin ay ang pakiramdam ng pagliko pakaliwa ng sasakyan.


With wide eyes, I lifted my eyes to the front. Nag-U-turn ang sasakyan ni Raoul. Sa
parehong kalsada, ngunit pabalik sa syudad.

Napabaling ako sa kanya. His deep-set eyes remained on the road. Tanging ang ilaw
lang ng lamp post ang nagdadala ng liwanag sa kanyang mukha.

Nasindak ako ng husto sa ginawa niya. Baka naman may ibang daanan papuntang Costa
Leona? Baka naman...

Nanatili ang pagkamangha ko. Patuloy ang kanyang pagdadrive, hindi ako nililingon.
"H-Hindi ba doon ang daanan patungong Costa Leona?" I asked softly.

He pulled the gear stick. Bumilis pa lalo ang takbo ng kanyang sasakyan papasok sa
syudad.

"Wala kang kasalanan," he said coldly.

Madilim na kaya hindi ko na lubos na kita ang kanyang mga mata. Nanginginig akong
tumango. Hindi ko alam kung bakit sobrang sakit ng puso ko, parang pinipiga.
Tahimik na bumuhos ang luha ko.

Pinalis ko ang mga luhang naglandas. I can't believe it.

Ang paghanga, gulat, at sakit, ay sabay-sabay kong naramdaman. How can he still
think justly despite the injustice he suffered from my father. Kahit pa hindi ako
ang kriminal, malaki parin ang maitutulong ko sa mga nasaktan. Hurting me will
lessen their pain. And some even believe that it was my fault. I'd understand it.

Pero ito? Hindi ko inasahan ito. Hindi ko inasahan na ganoon ang magiging desisyon
niya sa huli.

Sobrang lamig ng kamay ko. Kumalma ang mga luha ko ngunit ang puso ko'y nanatiling
alerto at kumakabog ng husto. Sa muli kong pag-angat ng tingin ay nakita kong
nakabalik na ako sa mataong mall, kung saan niya ako kinuha kanina.

He stopped in front of the same mall door. Swiftly, inabot niya ang abredor ng
pintuan at hinila iyon para bumukas na. I know he's dismissing me.

Hindi ko na siya nilingon. Dumiretso na ako sa pag-alis sa kanyang sasakyan.


Naglakad na rin ako palayo. Umandar naman kaagad ang sasakyan niya. Iniwan na ako
sa parehong pinagkunan niya sa akin.

"Saan ka galing, Leil? Naku! Kanina pa kita hinahanap. Hindi mo sinasagot ang tawag
ko..." sabi ng driver.

Hindi pa ako nakakabawi sa mga nangyari. Wala akong nasabi kundi ang paghingi ng
tawad at ang pagpasok na sa sasakyang magsusundo sa akin.

Ginabi kami. Buong byahe, patuloy ang sermon ng driver sa akin. Tinatawagan na raw
siya ni Prince. Ganoon din ang cellphone ko, kanina pa, dahilan ng pagkamatay ng
baterya bago pa lang ako nakabalik sa mall.

"Pasensya na po talaga..." ulit ko.

Nagpatuloy parin ang driver sa bwelta hanggang sa nakarating na kami sa


subdivision. Pinarada ang sasakyan sa garahe ng mga Ledesma. Hindi pa kami
nakalalabas ay nakita ko na si Prince na naghihintay doon. He looks angry. Hindi
ako kailanman umuwi ng disoras sa sinabi niya kaya ngayon ko lang din nakita ang
galit niyang ito.

"Where have you been?" panimula niya sa akin.

Lumabas na rin ang driver sa sasakyan pagkatapos ko.

"Prince, pasensya na. May-"

"Sinasabi ko na nga ba! Kapag talaga si Cresia ang kasama mo, kung anu-ano ang
ginagawa ninyo. Did she introduce you again to her boy friends, Leil?"
"No, Prince. Natagalan lang talaga ako... Pasensya na..." habang nagsasalita ako ay
bumaling na si Prince sa driver.

"Eh, pasensya na, Sir. Hindi ko siya agad nahanap..." paliwanag ng driver sa likod
ko.

"Pumasok ka na, Leil, magbihis ka na para sa dinner."

Tumango ako sa sinabi niya at pumasok na sa loob. Ngayon ko lang natanto na


pinaghintay ko nga pala sila dahil sa tagal ko. Dumiretso na ako sa kwarto para
makaligo at makapagbihis. Naririnig ko na ang ingay sa hardin, kung saan ang
kanilang mga kamag-anak.

It's Primrose and Arthur's wedding tomorrow. This is their sort of send off party
for Prim. Wala si Arthur dahil naroon din siguro sa bahay naman nina Cresia para sa
parehong party niya.

Pagkatapos kong maligo at magbihis, bumaba na ako. Pinagsabihan agad ako ng


kasambahay na dumiretso na sa hardin dahil naroon na si Prince.

Lumabas ako ng bahay. Ang ibang bata ay naliligo sa pool. Their Aunts and Uncles
were sitting on the rectangular table. The food was already served and they were
all alread eating.

Tumigil si Prince at inilahad ang upuang katabi niya sa akin. Naupo ako at ngumiti
na kay Tita Sally at Tito Ton.

"Sorry po, natagalan."

Ngumiti si Tita Sally at tumango. "It's fine, hija. Sorry sa medyo mainit na ulo ni
Prince."

Nilingon ko si Prince. Hindi parin ito nagsasalita. Hindi rin tumitingin sa akin.
Galit pa yata.

"Buti na lang at nakakuha agad ako ng bagong driver sa parehong agency, Prince.
Kung hindi, walang maghahatid kay Leil sa Lunes! Agaran pa naman ang lipad mo
pagkatapos ng kasal para sa ibang bansa."

Isang subo pa lang sa dinner ay natigilan na ako. What does Tito Ton mean by that?

"P-Po?"

Sumulyap ako kay Prince at muling kinumpirma ang sinabi ni Tito Ton. Walang
dumugtong lalo na nang nakita nilang palapit si Primrose. She looked so beautiful
in her silver dress robe and a champagne on her hand. Ngumisi siya, mukhang
naabutan ang usapan.

"Sinisante lang naman ni Prince si Kuya-"

"Shhh... Prim..." saway ni Tita Sally.

Nanatili ang tingin ko kay Prince. Bakit niya ginawa iyon? Walang kasalanan ang
driver! Napatingin si Prince sa akin. Tumigil siya sa pagkain at binigyan na ako ng
pansin.

"Dapat lang. That's his only job tapos hindi niya pa magawa ng maayos-"
"Wala siyang kasalanan. Ako iyong nagtagal, Prince. Kawawa naman si Manong!" nag-
aalala kong sinabi.

"Don't worry, Leil. He's going to be one of the drivers in the hotel. He's not
totally jobless. The same compensation but more stressful..." agap ni Tito Ton para
maibsan ang pag-aalala ko pero hindi.

Bumaling ulit ako kay Prince. I cannot believe it. Kasalanan ko pero si Manong ang
nagbayad!

"Don't worry about it, Leil. Next time, huwag ka nang magpa late. Lalo na kapag
kasama mo 'yang si Cresia."

"Kasalanan ko iyon, Prince."

"I don't care. It's done," he said and then he continued eating.

Bumuntong-hininga ako at unti-unting nagpatuloy na lang din sa pagkain.

Hindi natanggal sa isipan ko ang nangyari sa araw na iyon. I space out at times. I
think I need to tell Ma'am Avila about it. I need to tell Cresia, too. Kahit paano,
gumaan ang loob ko ngayong marami na akong mapagsasabihan sa problema ko.

Tiningnan ko si Prince. Tapos na kaming kumain at nagkakatuwaan na ang kanyang


pamilya at si Primrose sa harap. Malapit na ang sayawan. Nag hire sila ng quartet
para sa sayawan. It's fun but I'm just really preoccupied.

Hindi ko alam kung bakit hindi ko magawang magsabi kay Prince. Sa magkapatid na
Ledesma, mas close ako kay Prince. Mas palagi kaming nagkakausap at nagkakasama.
Minsan lumalabas kami. Nanonood kami ng sine at binibilhan niya ako ng mga gamit.

Cresia said he's treating me like his girl. Sabi rin ni Cresia, hindi na nagkaroon
ng girlfriend si Prince simula nang dumating ako. He never said anything about our
relationship. Hindi niya rin naman ako niligawan kaya ayaw kong maniwala.

"Leil, maraming factors. Pwedeng dahil mayaman siya at ikaw, hindi. Pwede ring
iniisip niya na anak ang turing ni Tita Sally at Tito Ton sa'yo. Pwede sa dalawang
iyon."

"Hindi naman siguro," sabi ko noong iminulat ako ni Cresia sa mga kilos ni Prince.

"Anong hindi? Don't tell me he treats you like his sister? He doesn't care much
about Primrose! Kita mo ngang nanlalaki pa kahit sila na ng Kuya ko, 'di ba? Kung
pinagbawalan niyang lumapit si Prim sa mga lalaki, maniniwala pa akong kapatid nga
ang turing niya sa'yo."

Hindi na ako nakadugtong. Kahit paano, nakitaan ko ng tama si Cresia. I already


have a hint. I just don't want to believe it yet as longs as Prince won't ask me
about it.

"Bakit ka niya pagbabawalang makipagkaibigan sa mga lalaki? Simple? Selos!


Magseselos siya," sabay irap ni Cresia noon.

Even with that knowledge, I am still not comfortable with telling Prince about my
history. Maybe in time... pero ngayon, talagang hindi ko pa magawa.

"Let's dance," ani Prince sabay hawak sa kamay ko.

Tumango ako at tumayo na. Marahang pumalakpak ang mga Auntie at Uncle niya. Ganoon
din si Primrose na sinasaway ng isa sa mga uncle niya.

Naririnig ko na ang bulungan ng mga kamag-anak ng Ledesma. Ganito kapag may reunion
o kahit anong party sa kanila. Lalo na pag nakikita ako sa harap.

"Ang gandang bata talaga nitong anak ni Sol, 'no?"

"Oo nga, e," sabay tawa ng iilan. "The problem with the Villegas' business was
really the management..."

Nagpatuloy ang pagbabaliktanaw nila sa naglahong kayamanan ng pamilyang Villegas


dito sa Iloilo.

"You're spacing out again," sabi ni Prince nang natulala na naman ako habang
iniisip ang pinag-uusapan ng mga tao.

Ngumiti ako. "Sorry."

He sighed. He's a very handsome man. Nakasuot si Prince ng kulay cream na tuxedo.
His messy hair almost covered his eye brows. His brown eyes looked so good with the
dim lights of the garden.

Inayos ko ang kamay kong nakapatong sa kanyang balikat. He smiled.

"Ikakasal na talaga si Prim bukas."

Tumango ako at sinulyapan si Prim na tumatawa ngayon habang ipinapasa sa isang


lalaking pinsan.

"I'm happy for her," I said.

"And she's twenty two. You should be ready to marry by twenty two."

Napabaling ako kay Prince. Cresia's voice echoed in my ears.

"He likes you. He thinks you're already his girlfriend. The only thing that's
stopping him from kissing you is your naiveity."

Hilaw akong natawa at umiling. "Hindi ako sigurado. Marami pa akong gustong gawin."

"Tulad ng ano?" He smirked.

"Uh... Magtrabaho, Prince-"

"You can surely do that in our company. What else?"

"Kapag nakaipon na ng pera, travel?"

"I can pay for your travel money. What else?"

Bumuntong-hininga ako. He laughed at my reaction.

"Ngayon lang 'yan. Eventually you'll realize you're ready," he said sweetly.

Hinawakan niya ang pisngi ko. Marahan ang kanyang haplos. Tinitigan ko siya.

"Anong ibig mong sabihin, Prince?" nalilito ko nang tanong.

Umiling siya at kumalma. "Don't mind it, Leil. We'll take everything slow-"
"Prince, can I borrow Soleil for just one song?" isang lalaking pinsan ni Prince
ang lumapit.

Madalas silang magkaaway ni Prince. Lalo na kapag may salu-salo. Madalas kasi akong
kinakausap nito kapag hindi ko katabi si Prince kaya medyo naiirita si Prince.

"Why don't you dance with Primrose, instead?" mariing sagot ni Prince.

"Why don't you dance with her? You're her brother?"

"Tama na. Prince, pagod na ako. Uupo na lang muna ako..." pigil ko.

I've seen that scene before. Kapag hindi ito ang sasabihin ko, magkakaaway lang ang
dalawa. Iniwan ko na si Prince doon. Nagtitigan ang magpinsan bago naghiwalay.

"Sorry about that..." Prince said nang naupo na sa tabi ko.

Kinausap siya ng kanyang mga kamag-anak tungkol sa negosyo. Hindi na rin nagtagal
ang sayawan dahil maaga pa bukas. Kailangan nang maghanda. kahit pa alas dos na
naman ang kasal ni Prim at ni Arthur.

Pagod akong humiga sa kama. Kinuha ko ang cellphone ko pagkatapos ng ilang


sandaling pag-iisip. Si Ma'am Avila lang talaga ang nasa isipan ko.

Ako:

Magandang gabi, Ma'am. Gusto ko lang pong ipaalam na nagkita kami ni Raoul Riego
rito sa Iloilo.

Bumangon ako para makapaghubad na ng damit. I'm wearing a wholesome black floral
printed silky dress and a cream stilletos. Medyo masakit ang paa ko. Hindi ako
sanay sa ganoong sapatos. Sa school man, puro flats lang ang gamit ko kahit na
gusto na ni Cresia na pagsuotin ako ng may heels. Ayaw niya kasing sobrang tangkad
niyang tingnan pag magkasama kami. She's already tall plus her heels. I'm not very
tall and I'm not wearing heels, too.

Tumunog ang cellphone ko sa tawag ni Ma'am. Narinig ko kaagad ang pag-aalala niya.
Pareho nga kami ng reaksyon.

"Tapos? Anong nangyari? Kasama mo pa siya, Leil? Sinaktan ka ba niya!?" natataranta


niyang tanong.

"Hindi mananakit si Raoul, Luz..." nag-aalinlangan ang boses ni Lola Brosing sa


background.

"We don't know. Napatay ang Papa niya, Mama!" giit ni Ma'am Avila.

I sighed. We really have the same thoughts about it.

"Hindi naman po. Nagtanong lang siya kung nagkakausap ba kami ni Papa."

Kinwento ko sa kanila ang pagtawag ni Papa kahapon. Our conversation lasted very
long. Nag-aalala na sila sa akin. I assured them that I'm fine here.

Kung talagang gusto ni Raoul na ibalik ako sa Costa Leona para hulihin, diniretso
niya na ako kanina. Hindi niya na ako binalik dito.

He's still... very kind and just... just like before. Noong hindi niya pa ako
kilala at marami pang nagsasabing aswang o mangkukulam ako. He never judged me.

Minsan, naisip ko... sana naging malupit na lang siya. Sana hindi na lang siya
naging mabait. That way, I have reasons to stop adoring him.

That night, I couldn't sleep thinking about everything. As if the tears I shed
earlier that day for recalling the past isn't enough.

I remember some most specific memories. How it felt the very first time I liked him
as a person... and how it changed overtime... and how it is right now.

It's been four years. Raoul is handsome, kind, and successful. Hindi na malabo na
gaya ni Primrose, malapit na rin siguro siyang ikasal sa babaeng napupusuan. Wala
akong balita sa parteng iyan sa kanya. Hindi na kami kailanman napadpad sa pag-
uusap ni Ma'am Avila sa ganyan.

Pumikit ako ng mariin nang nakita si Primrose na sinusundo ni Arthur sa altar ng


simbahan. For some reason, in my head it's Raoul and another woman. I don't know
why I keep on thinking about this when I shouldn't.

Iniwas ko ang mukha ko sa bandang altar, parang pisikal na nasasaktan sa naiisip.

"What's wrong?" Cresia whispered to me.

Nasa loob na kami ng simbahan. It was a very busy day. Photoshoots and wedding
rush... all sorts of stuff for it. Ngayon lang ako nakapagrelax pero ito naman agad
ang nasa isipan ko.

"Nothing," sagot ko kay Cresia at dinilat ko ulit ang mga mata.

The theme of the wedding is blush rose gold. Pareho kaming bride's maid ni Cresia
kaya nasa iisang hilera lang kami ng mga upuan.

"Sisigaw ako mamaya ng itigil ang kasal. I don't get why Kuya Arthur is so inlove
with Prim! Nakakainis!" she ranted.

Nagsimula na ang seremonyas. Pinilit kong mag concentrate hanggang sa matapos.


Another Photo op after the ceremony and then we're done.

Sumabay na ako kay Prince patungo sa hotel, kung saan gaganapin ang party
pagkatapos ng ceremony. Bago kami bumaba ay may binilin siya sa akin.

"Don't join the bridal games. I won't. Okay?" ani Prince.

Pangatlong kasal na ito na napuntahan ko. Kinasal din kasi ang dalawang pinsan ni
Prince last year. Pareho ang paalala niya sa akin.

The bridal games during the reception are usually the highlight for those who want
fun parties. Noong una, hindi ko alam kung ano iyon. Pero pagkatapos ng unang kasal
na napuntahan ko, nalaman ko na iyon 'yong ipapamana ang bouquet sa isang dalaga.
Who ever wins or loses in the games, her price will be the bouquet. Ayon sa kanila,
iyon daw ang magiging susunod na bride.

Tumango ako kay Prince at ngumiti. At times I wonder what it feels like to join the
crowd of fun girls. Katuwaan lang. Hindi naman ako interesadong manalo. Gusto ko
lang masubukan.

"Talaga? Kahit na yayain ka ni Cresia?" he asked and caressed my cheek.


"Oo."

Pagkalabas namin ng sasakyan, ipinaubaya niya na iyon sa valet. Isang may katandaan
at matangkad na lalaki ang lumabas sa driver's seat ng sasakyan ni Tita Sally at
Tito Ton. Lumabas na rin si Cresia sa kanyang sasakyan. Lumapit agad sa amin.

"Leil, this is Manong Roy."

Nakatingin ang lalaki sa akin. Tantya ko'y nasa late thirties na ito. Hindi ko lang
sigurado.

"This is your new driver. Siya ang nag drive sa sasakyan ni Mommy at Daddy ngayon.
Manong, this is Leil. I think you know your job, right?"

"Yes, sir!" mabilis na sagot ni Manong Roy.

Kumunot ang noo ko. Cresia elbowed me. Naramdaman ko ang pagkakainip at kuryosidad
niya. I elbowed her back to stop her from all the questions until we get inside.

Magkaiba kami ng lamesa ni Prince. Doon siya sa mga pinsan niyang lalaki. Ako naman
nasa mga bride's maids kasama si Cresia. The waiting game for the bride and the
groom was a bit long.

Siniko ulit ako ni Cresia pagkaupo namin sa assigned seats.

"Bakit may bago kang driver? Nasisante ang driver mo dati?"

I turned to her. I really don't know how to tell her about it. Kasasabi ko lang sa
kanya ang buong detalye ng pagkatao ko tapos may bago ulit akong pasabog.

"What?" she probed when she noticed my expression.

"May sasabihin ako, Cres..." marahan at halos pabulong kong sinabi.

Nagpipicture-picture ang mga bisita. Nagkukumustahan naman ang iba. The Ledesmas
were fine but I'm not that close to their relatives na aabot sa puntang
makikipagkumustahan na rin ako. Isa pa, kung may lalapit mang interesado, lalaking
pinsan naman ni Prince. Alam ng lahat na ayaw ni Prince ng ganoon.

"Nagkita kami kahapon..."

Kumunot pa lalo ang noo ni Cresia. Her beautiful cheek bones protruded. Kitang-kita
ang kamalditahan. Sanay na ako sa kanya.

"Ni?"

"Raoul..." sobrang liit ng boses ko.

She paused. "You're kidding me?"

Sana nga ay ganoon.

"You just told me the whole story. Then... nagkita kayo?!" napalakas ang boses
niya.

I motioned hush. Napatutop siya sa kanyang labi. Namimilog parin ang kanyang mga
mata sa gulat.

"Sinaktan ka ba niya? Inaway ka? Bakit nasisante ang driver? Na sisante ba o


napatay?"

Umiling ako dahil sa bilis ng mga hula niya. I told her everything in a low voice.
She's both very curious and obsessive about it. Dumating na sa puntong nagtatanong
tanong na siya sa mga pinsan niya tungkol sa mga Riego.

I tried to stop her but she reasoned out, nobody will realize it. Mabuti na lang at
dumating na ang bagong kasal at nagsimula na ang programme. Akala ko matatahimik
siya dahil magsisimula na. Natahimik lang pala siya nang nagdasal.

"He showed up because your father called you. That's for sure! I mean after four
years, bakit ngayon lang? Ngayon ka lang din tinawagan ng Papa mo, 'di ba?" she
whispered.

Napatingin ako kay Cresia. She nodded like she was sure of everything. Tama siya.
Iyon nga siguro ang dahilan. Hindi ko nga lang alam paano nalaman. Matagal na
nilang pinaghahanap si Papa at maaaring gamit ang mga high tech na gamit, nalaman
nila ang interaksyon.

"Tama ka..." sabi ko.

She smiled wickedly bago ipinakita sa akin ang kanyang cellphone. Muntik ko nang
mabitiwan iyon. Mabuti na lang at nasalo ko kaagad at patalikod na binaba sa
lamesa. Uminit ang pisngi ko.

She smiled wider. She clasped her hands, tila nagdadasal sa akin.

He searched Raoul Riego's picture on the internet! Talaga naman, Cresia! Biglaan
akong kinabahan sa ginawa niya. Napabaling tuloy ako sa mga katabi namin. Kaming
dalawa lang ang magalaw dahil lahat sila'y tahimik na nakikinig sa mga messages ng
mga magulang.

"He's so handsome, Leil! My gosh! I researched about him last night. Akala ko kasi
siya 'yong Prince Charming ko, 'di ba? Hindi naman pero gosh! He's very hot and
handsome!"

"Cres..." sabay tago ko sa cellphone ni Cresia.

She snatched it on my hand. Tumili siya nang nabitiwan niya iyon at bumagsak sa
sahig. Napatili na rin ako sa takot.

Napatingin ang mga guests sa aming dalawa. Kunot-noo namang sumungaw si Prince sa
amin. Umiling ako at tumuwid sa pagkakaupo. Pinulot ni Cresia ang cellphone niya at
nginitian lang ang lahat ng naistorbo sa tilian namin.

The speech continued like nothing happened. Daddy niya ang nagsasalita at talagang
walang makakapalag kapag si Cresia na ang nagkamali o anuman. Napabuntong hininga
ako. Matalim kong binalingan ang kaibigan.

My phone beeped. Kakakalma ko lang sa ginawa ni Cresia nang nakita ko ang isang
mensahe galing sa hindi kilalang numero. Kabado, tiningnan ko iyon. Iniisip kong
baka si Papa ulit. Wala masyadong hindi nagtitext sa aking hindi ko kilala.

Unknown Number:

Tell me when your father tries to communicate with you again.

Natulala ako sa habang dinudungaw ang cellphone ko. Ni hindi ko namalayan na


nakatingin din si Cresia roon.
"Oh my gosh! Oh my gosh!" she fanned herself.

Sasawayin ko sana pero sa bilis ng pindot niya sa cellphone kong walang passcode,
naunahan niya na ako.

Ako:

Who's this?

Cresia typed that reply. Kahit pa sinubukan kong alisin iyon, nakita kong nasend na
iyon!

"Cresia!" saway ko sa kaibigan.

She smiled wickedly and nodded again.

"Hindi ba gusto mong makamtan nila ang justice. This is your chance to help,
Leil..." ayon sa kanya na tila may tamang rason kahit na alam kong iba naman talaga
ang pakay niya.

My phone beeped again. Binasa ko ang mensahe nang hindi ipinapakita kay Cresia. She
didn't mind. Imbes ay ngumisi lang siya, ang ngising madalas kong nakikita kapag
may binabalak.

Unknown number:

Raj

Natulala ako saglit. My heart is beating irrationally loud. Raj. I typed in my


reply.

Ako:

Ok. Ititext kita.

"You think he knows my Prince Charming?" Cresia started her litany of questions
again.

Uminom siya ng champagne.

"I really think he hired that man or something. That was our first month sa school.
Iyon din ang unang labas mo sa mga Ledesma. Posibleng pinahanap ka niya ilang taon
na ang nakalipas..." patuloy niya kahit na walang pumapasok sa utak ko dahil sa
huling reply ko.

I don't get how she thinks that her Prince Charming is connected with Raoul.

"Or maybe, it's another Riego? What do you think?" she whispered. "Isang gabi lang
kasama si Prince Charming, Leil, ayos na ako. I'll be forever content by then," she
whispered more lewd plans with her Prince Charming on my ears.

Sinapo ko na lang ang noo ko. Hindi ko alam kung bakit natatawa ako imbes na malito
at mataranta.

Kabanata 21
Kabanata 21
Together

"Sayang, hindi ka nanalo," sabi ko kay Cresia nang nakabalik na ito sa upuan
pagkatapos ng mga laro.

Nagkibit siya ng balikat. "No big deal. Wala naman akong kahit sinong gusto sa mga
sumaling lalaking guests. Sayang hindi ka sumali."

Napasulyap ako kay Prince na maraming kausap sa malayo. Uminom na lamang ako ng
tubig, hindi na ikinwento kay Cresia kung ano talaga ang tunay na dahilan.

Nagsibalikan na rin sa mga upuan ang mga kasali sa laro. Nagtatawanan ang mga tao
dahil sa ginagawa ng nakakuha ng bouquet at doon sa lalaking nakakuha ng garter.
Tumigil ang isang lalaking pinsan ni Cresia sa aming tabi. Yumuko ito at umambang
may sasabihin sa katabi ko.

"The party's almost over. Wanna go to the after party tonight?"

I saw how Cresia's face glowed at that. "Oo naman! Saan ba?"

Cresia's social life is very alive. Iyan din ang dahilan kung bakit kahit college
na kami ngayon, sobrang dami niyang kilala. Though it's really understandable,
being the daughter of the wealthiest family in the city.

Bumaling ang pinsan ni Cresia sa akin. He's a fourth year student in our
university. Parehong kurso sa akin at minsan ko na ring nakausap.

"Sama ka, Leil," Rem said.

Ngumiti ako at tumango.

Isa iyan sa mga gusto ko, noon pa. Ilang beses na akong niyaya ni Cresia sa mga
lakad. Akala ko makakalabas na ako noong birthday ko, pero hindi rin pumayag si
Prince noon kaya wala akong nagawa.

"Ihahatid kita, Leil. At sisiguraduhin kong hindi ka lalagpas ng midnight. Okay?"


Cresia encouraged me.

Tumango ako. "Sige, sasama ako!"

"That's great! See you, then!" ani Rem.

Umalis din ito pagkatapos. Nanggigigil na tinampal ni Cresia ang aking braso.

"Finally! Siguro naman papayagan ka na ni Prince, hindi ba? Understandable ang


night out kasi may celebration!"

Tumango ako, nahahawa sa kasiyahan ni Cresia.

I am excited. Tama si Cresia. At kung gusto rin naman ni Prince, isasama na namin
siya. Naiinggit kasi ako minsan kapag naririnig ko ang kwentuhan ni Cresia at
iilang mga kaibigan naming nakikita niya sa mga pinupuntahan tuwing gabi.

Nang natapos ang programme, nagsiuwian na ang mga bisita. Cresia's family remained.
Ganoon din siya. Binilin na siya ng mga pinsan na magkita na lang sa napag-usapan.
Ganoon din ako. I nodded and smiled.

Kinausap si Cresia ng kanyang Mommy. Nagkaroon pa sila ng mas pribadong photoshoot


kasama ang bride at groom. I smiled as I watch their happy and jolly family enjoy
their moment.

"Anong sinabi sa'yo noong pinsan ni Cresia?" Prince suddenly appeared behind me.

Nilingon ko siya at nginitian. He looks serious now.

"Ah. Si Rem, ba? Niyaya nila ako na lumabas. Saglit lang naman daw at ihahatid
naman ako ni Cresia, gusto mong sumama?"

Kunot-noo niya akong tinitigan. For years, Cresia speculated so many things about
Prince. Most of it was about Prince's feelings for me. Hindi ako naniniwala. Noong
college pa siya sa Manila, I know he had a lot of admirers. Wala rin siyang
direktang sinabi sa akin tungkol sa nararamdaman niya kaya ayaw kong mamaratang ng
kahit ano.

"Hindi ka sasama," aniya na parang pagtatapos ng usapan namin.

"Uh. Saglit lang naman, Prince. Matagal na kasi akong niyaya nina Cresia na-"

"Anong gagawin mo roon? You're not going there, Leil," medyo iritado niyang sinabi.

Slowly, I nodded. Bumaling ako sa banda nina Cresia. Nagpatuloy ang photoshoot nila
kaya maghihintay pa ako na matapos ito bago ko maibalita ang sinabi ni Prince.

"Umuwi na tayo."

"Uh, kakausapin ko lang si Cresia."

"Just text or call her when we get home," ani Prince.

Sa huli, iyon nga ang nangyari. Pagkauwi at pagkapasok ko sa kwarto, nakita ko ang
daming missed calls at text galing kay Cresia.

Cresia:

Where are you? Akala ko ba sasama ka?

Cresia:

Pinapahanap kita sa hotel premises!

Cresia:

Answer my call, Leil! Wala na si Prince! Do not tell me umuwi ka? Hindi ka
pinayagan?

Cresia:

Anong karapatan niya na magdesisyon para sa'yo? Ask him that!

I called her to explain what happened and her usual litany started. Naguilty tuloy
ako. She's supposed to have fun tonight with her cousins but she's here on the
phone, cursing and ranting.

"Napaka KJ talaga ng lalaking 'yan, 'no? He used to be fun. Hindi ko alam na ganyan
siya. Napaka seloso!"

"Cres, tama na. Wala rin naman akong magagawa, e. Nakakahiya naman. Nakikitira lang
ako sa kanila. Ayokong sumuway sa ano mang sinabi-"
"So you mean to say that just because you're living under the Ledesma, lahat na ng
gusto nila gagawin mo? Try mong tumira samin, hahayaan kita sa lahat ng gusto mo,
Leil!" she exclaimed.

I smiled at that. It is my choice to respect the opinion of the Ledesma family,


too. Malaki ang utang na loob ko sa kanila.

"When we graduate and you can earn by yourself, umalis ka sa kanila. Bumukod ka
para magawa mo lahat ng gusto mong gawin."

"Sa kanila ako magtatrabaho-"

"Oo. Pero kahit na sa tutuluyan na lang! Gosh! That's very toxic!" she ranted all
night.

Kinabukasan, maaga ang gising namin. Everyone looked happy with the result of the
wedding. Maaga rin rito si Arthur at Primrose kasi inanyayahan silang mag
breakfast.

Maingay at masaya ang disposisyon ng lahat. Ang sabi'y magsasabay sila sa flight
mamaya. Prince will go out of the country for a meeting with some hotels. Primrose
and Arthur will go out of the country for their honeymoon.

Kumuha ako ng toast at nilagay sa aking pinggan. I spread out the butter evenly
while listening to all the plans of their family.

"In three or four years, may be. We'll develop a world class hotel, for sure!"
deklara ni Tito Ton.

Tumawa si Primrose. "I cannot wait. Pinipigilan ko ang sarili kong hindi magmalaki
sa planong hotel. By then, Prince will manage whatever's in Luzon, right, Daddy?
Dito na ako..."

"Tutulong ka rin kay Prince, hija..." si Tita Sally naman ngayon.

"He's got Soleil here. Silang dalawa ang sa Manila!" giit ni Primrose.

Napatingin si Tita Sally sa akin. Pagkatapos ay kay Prince naman ngayon. Hindi
umimik si Prince sa sinabi ni Primrose.

"Prince, I think Prim is right. It's healthier if sasama si Soleil sa'yo sa Manila
pagkagraduate niya. And that's... what? A year more from now?"

"Ayos lang, Tita. Ayos lang po ako rito sa Iloilo," agap ko kasi alam kong ayaw ni
Prince na mag Manila ako.

Seriously, I'm not interested to go to Manila. I've never been there but I've seen
pictures and videos on television. Mas malaking syudad iyon, I can imagine the
pressure. Though I am interested to see and experience a bigger world, I'm fine
here.

Minsan na rin akong nalapitan ng isang talent scout at inofferan na lumuwas ng


Manila. Kasama ko si Cresia noon, namimili ng damit sa isang malaking mall. May
ginaganap audition sa mall na iyon. They told me I should try out. That for sure,
I'd make it. At pupunta ako ng Manila pagkatapos. Kikita raw ako but I refused it
immediately. Hindi rin gusto ni Cresia iyon kaya hindi na kami pinilit.

"I'll decide on that, eventually..." malamig na sinabi ni Prince sabay tingin sa


akin.

Cresia's words keep on echoing on my mind. Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Arthur
sa akin. Natigil siya sa pagkain.

"God! I can't believe this week is going to be very stressful for us!" baling ni
Tita Sally sa ibang usapan.

Tumawa si Primrose. "You can do it, Mommy."

"Isang linggo kami sa Manila dahil wala si Prince..." sabay tingin ni Tita Sally sa
akin.

Tumango ako at nagpatuloy na lamang sa pagkain.

"Uuwi rin naman ako. Don't worry," Prince assured his Mom.

Tita Sally tapped Prince's shoulders. Tumawa naman si Tito Ton.

Sabay-sabay silang aalis mamayang gabi papuntang Manila. Si Primrose, Prince, at


Arthur, didiretso sa flight nila patungong abroad. Maiiwan ako rito sa buong
linggong iyon, kasama ang mga kasambahay. This isn't the first time, though.
Siguro, ito lang ang pinakamahaba dahil madalas, pagkatapos ng tatlong araw, andyan
na si Prim.

We did our usual activities during Sundays. Nagdilig ako ng halaman pagkahapon.
Nakasanayan ko na kasi iyon tuwing Linggo. Natutuwa naman ako. Madalas naroon din
si Prince at Tito Ton na nag-uusap sa hardin habang ginagawa ko iyon. Pero sa
Linggong iyon, wala. Nag-aayos sila ng gamit para sa pag-alis.

Alas singko nang pumasok na sila sa sasakyan. Ang mag-asawang Ledesma ay sa naunang
SUV sumakay. Si Primrose, Arthur, at Prince naman ay sa pangalawa.

Nakatayo ako sa baba ng pintuan habang tinitingnan ang mga kasambahay na nag-aayos
ng mga gamit ng magkapatid. Lumapit si Prince sa akin. He smiled at me so I smiled
back.

"Magpakabait ka dito," aniya.

Ngumiti lang ako at tumango.

"I'm gonna miss you," he said.

"I'm gonna miss you, too."

Ganyan lagi kapag aalis siya, sa Manila man o sa ibang bansa. Lagi parin kasi siya
sa Manila para sa mga hotel nila roon. Siya ang inaasahan nila. Umuuwi lamang siya
rito kapag weekends. Minsan, kapag nasa Manila naman ang mag-asawang Ledesma, rito
siya sa Iloilo ng isang linggo.

Hinawakan niya ang aking pisngi, gaya ng madalas niyang ginagawa. He kissed my
right cheek. Ngumiti ako. I'm used to it. Primrose does it, sometimes. Pero si
Prince, palagi, lalo na kapag aalis. Hinayaan ko rin siyang halikan ang kaliwang
pisngi, gaya ng madalas na pagtatapos ng kanyang halik.

Madalas, binababa niya na ang kamay niya para makapagpaalam ng mabuti sa akin pero
ngayon, hindi niya ginawa. Tinitigan ko siya. He smiled again and moved closer to
me. I don't need to be a genius to realize that he's going for my lips now. And
that's not his usual goodbyes for me.
Napaiwas ako sa ginawa niya. Tumama ang labi niya sa kanang pisngi ko, malapit
lamang sa aking labi. Kinabahan agad ako. Binitiwan niya ako at nagkatinginan kami.
I saw the irritation in his eyes.

"S-Sorry... Hindi talaga ako komportable," agap ko.

Kumunot ang kanyang noo. The anger was very obvious in his eyes. "But I've kissed
you there..."

Nagulat ako roon. He kissed me there, once. Noong June, pagkatapos ng summer at ang
pagbalik niyang muli sa Manila pagkatapos ng dalawang buwan dito sa Iloilo. Nagulat
ako nang hinalikan niya ako sa labi.

I told him that I've never been kissed on my lips before.

"Kung ganoon, nahalikan ka na sa pisngi? Nino?" tanong niya sa akin noon.

"Isang kaibigan. Sa Costa Leona."

Ngumiwi siya pero nakabawi rin agad. "Well, then, there's always a first time for
it."

Umiling ako. "Hindi ako kumportable. Magkaibigan lang tayo. Hindi pa ako handa sa
kahit anong... ganoon..."

That's the first and last time he kissed me that way. Hindi niya naman inulit pa
kaya tingin ko, nagkaintindihan kami. Ngayon lang niya ako hinalikang muli.

"Good bye, then..."

Tinalikuran ako ni Prince at diretso na siya sa kanilang sasakyan. I sighed heavily


when I saw their car move out of the driveway. Kumaway ako hanggang sa nawala na
ang sasakyan sa aking paningin.

I spent the whole night talking to Ma'am Avila. Ikinwento ko sa kanya ang tungkol
sa kasal ni Primrose at ni Arthur.

"Leil, may espesyal ba sa inyo ng panganay nila?" she asked curiosly.

Huling punta kasi nila rito ni Lola Brosing, magkasama kami ni Prince. Noong
summer. Kaya naiintindihan ko ang pagtatanong.

"Wala po, Ma'am."

"Sigurado ka?" she asked, doubtful.

I sighed. "Hindi niya po ako nililigawan."

She laughed. Napangiti ako. I missed seeing the Avilas laugh. Ilang taon din simula
nang muli kaming nagtawanan na parang walang inaalala. Noong nakaraang taon pa lang
talaga kami nagdesisyon na unti-unti nang kalimutan ng husto ang nangyari sa
nakaraan.

"Ayos lang, Leil, kung gusto mong magsimula na ulit, okay? Don't deprive yourself
of happiness. You are a woman now so if you feel romantically inclined with
someone, don't ever stop yourself-"

"Ma'am, wala naman po. Kaibigan lang ang tingin ko kay Prince, iyon lang 'yon."
"Hay, anak! Kung ganoon nga, sana ganoon lang din ang tingin niya sa'yo."

"Ganoon lang din naman po siguro," sabi ko kahit naalala ulit ang nangyari kanina.

Sana nga tama ako. Dahil kung hindi, hindi ko na kayang suklian iyon.

Ilang beses ko nang naisip iyon pero lagi kong kinukumbinsi ang sarili ko na
imposible iyon. Prince is rich. He has many girl friends and that's more realistic
than him liking someone inferior.

Parang iyong kay... Raoul lang din. I can't imagine him liking me that way.

"Nakakainis, ha!" paunang sinabi ni Cresia sa akin.

Hindi pa ako nakakarating sa school, naroon na siya sa parking lot. Nang nakita ang
sasakyan, sinundan niya na ito para masalubong ako ng kanyang mga sasabihin.

Lumabas ako sa backseat. Tiningnan ko ang bagong driver na si Manong Roy. He nodded
at me. Sumungaw si Cresia sa loob ng sasakyan para kumpirmahin ang presensya ng
bagong driver.

"Pinaasa mo akong noong Saturday! I really thought you'll come with us!"

"Sorry, Cres," sabi ko.

Sinarado ni Cresia ang pintuan ng sasakyan at nagsimula na kami sa paglalakad.


Nilingon ko ang malawak na field ng aming school. Iilan ang pinagsamantalahan ang
panahon at naglaro ng soccer doon. The red and pointed roof of the school's church
somewhere in the far middle of the field made me feel at peace.

"Kakausapin ka ni Rem mamaya. Nalungkot din iyon, e."

I don't know why I feel more at home here in school than back in our home. I just
feel more "myself" here than anywhere else.

Dumiretso na kami sa aming klase. Papasok, pinagtitinginan na agad kami. Even with
our usual school uniforms, Cresia likes to express her love for fashion through her
accessories, bags, and shoes. Lagi iyong agaw pansin. Minsan, sa mga hindi
nakakakilala, akala'y Lopez din ako o 'di kaya'y totoong anak ng mga Ledesma. Hindi
nila alam na hindi naman ako related sa dalawang pamilya.

"Thank you," I said when a classmate gave me a hand out.

Tumingin ako sa kanya. Ngumiti ang lalaki at nag-iwas ng tingin, namumula.

Pagkatapos ng dalawang klase, nagpunta na kami sa sunod na classroom kung saan


malapit sa pinsan ni Cresia na si Rem. Lumabas ito nang palapit na kami sa kanila.

"Hindi ka pinayagan noong Sabado?" Rem asked.

Tumigil ako, hindi muna kami pumasok. Niyakap ko ang aklat na dala at umiling na.

"Hindi, e."

"Nino? Ni Tita Sally at Tito Ton or ni Prince?" he asked blocking my view a bit.

Lumapit siya at nilagay ang kanang braso sa dingding ng classroom namin. Cresia is
busy talking to more boys around us.
"Si Prince," sagot ko.

"Tsss. Why does he have a power over you. Kayo ba?"

"Hindi naman pero nirerespeto ko ang mga desisyon nila ni Prim. Malaki ang utang na
loob ko sa kanila."

"Even so! That's not how it should work. He's not your boyfriend!" seryosong sinabi
ni Rem.

Pagkalipas ng ilang sandali, pumasok na kami sa aming mga classroom. It's a hectic
day. Marami ang ginawa dahil malapit na ang Christmas break. Naghahanda na rin kami
para sa exams kahit pa sa susunod na buwan pa naman iyon.

Susunod na buwan. I sighed. I can't help but remember many things when the year
starts. I will probably never forget it while I live.

Mabilis ang lunch namin ni Cresia. Natagalan kasi kami kaya hindi naayos ang oras.
Bumili lang kami ng pwedeng madala sa sunod na klase at muling pumasok.

"Grabe! Napaka hectic ngayon. Lalo na bukas!" Cresia exclaimed.

All of our subjects and classes are the same. Lagi iyon, simula pa noong Freshmen
kami. Hindi ko alam kung may minamanipula ba siya para magkasama kami o ano. But I
like it, though. I realized I don't want to have many friends. I just want to have
one that's true. Gaano man karami ang kaibigan naming dalawa bukod sa isa't-isa,
siya lang parin ang talagang pinagkakatiwalaan ko.

"Magyayaya sana ako sa'yo ngayon kaso kailangan mo pang gumawa ng assignment
natin!" she said dramatically.

My eyes narrowed at that. Ganito siya lagi. Ako ang pinapagawa ng assignments
naming dalawa. May alam naman siya pero tamad lang.

I want to suggest that we should just go out in a coffee shop or dessert shop to do
it. Lalo na't maaga pa naman natapos lahat ng klase namin. Pero alam ko na ang
mangyayari. Manonood lang ito ng mga tao sa mga coffee shop, maghahanap ng gwapo.
In the end, I won't finish the assignment. Sa bahay na. Kaya wala ring mangyayari.

"Umuwi na lang tayo!" sabi ko.

"Mabuti pa nga!"

Naglalakad na rin kami pabalik sa parking lot. I took my phone out to text the new
driver. Hindi niya nga pala alam ang schedule ko kaya sigurado akong wala pa siya
sa parking.

Nakita ko kasing naroon na ang sundo niya. She kissed my cheek and waved. I waved
back and smiled at her. Tumabi ako para makadaan ang kanyang sasakyan. Pumasok na
siya roon at mabilis namang umandar ito.

Ganito palagi. Ilang metro lang din naman, doon na ang space ng sasakyan namin.
Hinintay kong tuluyang mawala ang sasakyan nina Cresia bago ako tumulak sa kung
saan ako binaba ni Manong kanina.

Ako:

Manong, tapos na po ako. Asan ka na po?"


Halos mabitiwan ko ang cellphone ko nang pagkaangat ng tingin ay may isang itim na
SUV ulit akong nakita. Leaning on the shotgun's door is a familiar frame. His sharp
eyes were directed on me. Tumuwid agad siya sa pagkakatayo at binuksan na ang
pintuang hiniligan kanina.

Kumabog ang puso ko. I don't understand. Why is he here again? My father did not
contact me anymore.

A gray t-shirt and dark pants, paired with black boots. Hindi ko mapigilan ang
pagpupuri sa kanya kahit na kabadong-kabado at litung-lito na ako.

Without a word, nakuha ko agad ang gusto niyang mangyari. I walked past him slowly.
Pumasok ako sa kanyang sasakyan. Tumikhim ako nang nasa loob na. Hindi ko makalma
ang sarili ko. Nanginginig ang kamay kong inabot ang seatbelt para ayusin.

Hindi niya sinarado agad ang pintuan. Pinanood niya pa akong nag-ayos ng seatbelt.
Nang pumirmi na ako roon. Sinulyapan ko siya.

"Don't worry. I just want an hour," he said.

Tumango ako at lumunok. Marahan niyang sinarado ang pintuan bago umikot para
pumasok na rin sa driver's seat. I checked my phone again for the driver but he did
not reply.

Pagkaandar ng sasakyan ni Raoul, naiwan ang mga mata ko sa parking lot para tingnan
kong naroon ba ang driver. Wala si Prince ngayon pero kung gabihin ulit ako at
malaman niya, baka masisante ulit ang driver!

"H-Hindi ako pwedeng gabihin," sabi ko at nilingon si Raoul.

He nodded.

Hindi parin ako kuntento sa pagtango niya kaya dinagdagan ko pa.

"Marami akong assignments. Kailangan kong umuwi ng maaga."

Pagilid na sumulyap ang mga mata niya sa akin pero agad ding binalik iyon sa
kalsada. Tanging ang kanang kamay lang ang nakahawak sa manibela. Lalo na nang nasa
gate na kami at may kung anong interaksyon siya sa security guard ng school.

My imagination grew wild. Saan niya ako dadalhin? Eto na ba iyong pupunta na kami
sa Costa Leona? Nagdesisyon na ba siya na iuwi na ako? Na may kasalanan ako? But he
assured me it's going to be just an hour!

Inalis ko sa isipan ko iyon. Hindi dapat ako nag-iisip ng masama!

Pero hindi ko yata maiiwasan iyon. Lalo na ngayong tinititigan ko si Raoul at


nararamdaman ko ang matinding galit niya. Ni hindi ko na inisip kung saan niya ako
dinadala.

"Uh, hindi na ulit nagtext o tumawag si Papa," sabi ko nang naalala na iyon nga
pala ang pakay niya.

"Let's talk about that later," he said.

Later? Tumingin ako sa daanan at nakita isang magandang hotel sa syudad. The beige
and brown hotel is standing peacefully near a popular landmark.
Napalunok ako. Anong gagawin namin dito? Parang sasabog ang puso ko. Supressed
feelings resurfaced and I can't handle the noise inside my head.

Sumulyap siya sa akin. Hindi ko na mapigilan ang kaba ko. Nanlamig ang mukha ko.

"We'll just eat," he said.

"Oh!" Mabilis akong tumango.

Bumaba ang tingin niya sa aking suot. Napakurap-kurap ako at napatingin na rin sa
sarili. I'm wearing my usual uniform. The blouse and the skirt. Kinagat ko ang labi
ko.

Tumigil ang sasakyan niya sa harap ng isang valet parking. May inabot siya sa
backseat pagkatapos ay inilahad niya sa akin. It's a black trench coat.

"Wear that over your uniform," he commanded.

Tumango agad ako. Kinuha ko iyon at inilagay sa kandungan. Sinikop ko ang buhok ko
at itinabi sa kaliwang balikat. Kakain kami sa hotel na ito? That's why he wants me
to wear a coat because it should be formal?

Muntik na akong mapasobra sa pag-iisip. Mabuti na lang at napigilan ko ang sarili


ko at mas naisip ko pa na baka nariyan ang ibang mga Riego at diyan na rin ako
huhulihin?

Pero bakit kailangan naka coat pa? Kailangan pormal?

Inayos ko ang coat. Pagkatapos ay nilingon ko na si Raoul. He's looking at me


intently. Mukhang kanina pa. Hinihintay lang akong matapos.

"Uh..."

Binaba ko ang tingin ko sa mga malalaking butones sa harap ng coat at inayos ko na


iyon. Pag-angat ko ulit ng tingin sa kanya ay nag-iwas na siya ng tingin.

"Let's go," he said.

I nodded. Lumabas kami ng sasakyan pagkatapos noon. Umikot ako, hinintay niya ako
bago kami sabay na naglakad papasok sa hotel.

Uminit ang pisngi ko lalo na nang nakita ang sarili sa salamin. I suddenly regret
not wearing heels. He is very tall. Hanggang balikat lang yata ang mga mata ko sa
kanya. Maybe if I wear heels, I'd look more... bakit ba ito ang iniisip ko?

What if he'll lead me to a table where the Riegos are?

Diretso ang lakad namin patungo roon sa elevator. Kabado ako. Lalo na nang pumasok
kami.

Tiningnan ko ang sapatos kong suot. I look hideous beside him. My long hair wasn't
even combed properly. Inayos ko iyon gamit ang aking mga daliri. Hindi masyadong
kita ang freckles ko pero dapat ay nakapagpowder man lang ako. Huling powder ko
kasi ay kaninang lunch pa. I licked my lips. Nagsisi na naman ako na hindi ko
nilagyan ng kahit ano ang aking labi.

Alam kong hindi iyon kasing advance ng kay Cresia na may mga pangalan na talaga.
Kapag lang nakakapagsuot ako ng ganoon, pakiramdam ko mas maayos akong tingnan.
"You should wear the lipstick I gave you! Iyong Nars? But you know, I like Diors so
much! 'Tsaka na kita bibigyan ng ganoon kapag nakita kong ginamit mo talaga ang mga
binigay ko!" naririnig ko si Cresia sa aking utak.

Hindi ko kasi talaga ginagamit ang make up na binibigay niya. I'm content with the
"drugstore" make up she's telling me. I'm content with Lipice. Pero ngayon, ni
Lipice wala ang suot!

Lumabas kami ng elevator at dumaan na sa isang restaurant. Kokonti ang tao roon.
Kung mayroon man, iilang foreigner at matatanda. Akala ko, naghahanap si Raoul ng
lamesa sa pinakamalayo. Laking gulat ko nang iginiya kami sa isang pintuan.

Ang salaming mga bintana ay natatabunan ng blinds. Malaki ang looban, karpetado ang
sahig, pero ang pangdalawahang lamesa ay nasa gitna. Natatangi iyon. Walang iba.

Pagkapasok ko ay bumaling si Raoul sa akin. He pulled a chair out. Gulat pa ako


pero hindi ko na napigilan ang pag diretso. Naupo ako roon sa iminuwestra niya.
Mabilis din siyang naupo sa aking harap.

A waiter is waiting for an order. May isang babae naman malapit sa pintuan,
nakangiti sa amin.

Tumikhim ako. I feel awkward. Ginalaw ko ang mga paa ko sa loob ng aking sapatos.
Dapat talaga hindi ganito ang suot ko. Bakit ba kasi nandito kami?

"Do you have anything you want to eat?" he asked.

Napatingin ako sa menu. Gaya ng ginagawa ko sa mga Ledesma, ang presyo ang unang
tinitingnan ko. Lahat ng naroon, mahal. May pera ako pero ayaw kong gumastos ng
ganoong halaga.

"T-tubig na lang," sagot ko.

Nagtagal ang matalim na tingin ni Raoul sa akin. Iniwas ko naman ang mga mata ko sa
kanya. May sinabi siya sa waiter. Tumango ito at ngumiti na rin sa akin bago
umalis. Sumama ang babaeng bantay sa pintuan sa pag-alis.

Napatingin ako sa lamesa na kumpleto sa kubyertos. Nakita kong may isang baso ng
tubig na pala roon. Iyon pa ang inorder ko! Nakakahiya!

"Uh..." nangapa ako ng pwedeng sabihin pero isa lang talaga ang tingin kong may
pakinabang sa kanya. "Walang text o tawag galing kay Papa."

He nodded slowly.

Nagkatinginan kami. The intensity of his dark mysterious eyes is too much to
handle. I really can't make the eye contact last.

"Uh, bathroom lang ako..." I said awkwardly.

I did not wait for his approval. He shifted on his seat. Tumayo na ako at halos
kumaripas sa bathroom. Pagkarating doon, mabilis kong kinalkal ang bag ko para sa
suklay.

Hindi na kasing haba ang buhok ko dati pero mahaba parin iyon. The loose curls need
to be tamed every now and then. Kumuha rin ako ng pressed powder na madalas kong
gamit at inayos na ang mukha. Kinuha ko ang Lipice. Two swipes and I'm done.

Mas lalo akong kinabahan. Pakiramdam ko, nagwawala na ang puso ko ngayong nakapag-
ayos na ako! Sobrang bilis at lakas ng pintig ng puso ko. Parang nayayanig ang
katawan ko.

I inhaled and exhaled properly. Hindi ko parin maayos ang paghinga pero hindi ako
pwedeng matagalan sa loob ng bathroom kaya lumabas na ako.

Pagkalabas ko, para parin akong mahihimatay. Lalo na nang nakita ko ang likod niya.
Nilalapag ang iilang appetizer sa lamesa. Nang nakita ako ng waiter, mabilis bigla
ang paglalagay niya. Mabilis din itong umalis bago pa ako nakaupo.

Hindi ako agad tumingin kay Raoul. Lalo na nang napansin ko ang titig niya sa akin.
I glanced at him and saw the way his jaw clenched. Tumuwid ako sa pagkakaupo.

"W-Wala namang kung anong... impormasyon kay Papa," ulit ko.

Uminom siya ng tubig. 'Tsaka lang ako nagkakaroon ng lakas ng loob na tumingin sa
kanya kapag hindi siya nakatingin.

Nang ibinalik niya na ulit ang tingin niya sa akin, sinubukan kong suklian iyon
kahit na halos sumabog na ang dibdib ko sa nagwawala kong puso.

"Are you willing to cooperate if there's a need to?" he drawled lazily.

Tumango lamang ako.

It's my father he's talking about. Mahal ko si Papa. Kung pwede lang, pinigilan ko
na siya noon pa. His actions caused all of these. If the way for other people to
find justice is through this, then I will help even though it will hurt me so much
eventually. Naniniwala rin kasi ako na matatahimik lamang ang isipan ni Papa kapag
inamin at pagbayaran niya ang kanyang kasalanan. Alam kong alam niya na mali ang
kanyang ginawa.

"Kasalukuyang pinaghahanap ang Papa mo ngayon sa Negros. Do you know anyone who's
probably helping him?" he asked.

Umiling ako, bigo dahil walang maibibigay na impormasyon.

"Maybe he's alone. Mas mahirap nga namang hanapin kapag walang taong tumutulong..."
nakatitig siya sa akin na parang may pinapahiwatig.

Kumunot ang noo ko. Naalala ang sariling pagtakas sa Costa Leona. Ma'am Avila and
Lola Brosing helped me. Mas madaling hanapin, kung ganoon, kapag may tumutulong?
Gaya ko?

"Paano mo ako nahanap?" biglaan kong tanong.

"You weren't exactly hiding," sagot niya.

Ngumuso ako. I want to open what happened years ago but I'm too scared. I'm not
prepared for the emotional roller coaster I'll feel.

"Let's eat..." aniya nang natahimik na kaming dalawa.

Tumango ako at nagsimula na sa soup. Madalas akong sumusulyap sa kanya. Hindi ko


kasi maiwasan. Hindi ako gutom. Hindi ko nga lang alam dahil ba busog ako o dahil
kinakabahan.

So we're here to talk about my father's whereabouts. Paano iyon, wala naman akong
maibibigay na impormasyon? Nakakahiya. Walang kwenta. And he went all through
these, bought expensive food, just for the zero information that I have?

Maybe he has a plan? May pakinabang ba ako sa plano niya? Anong gagawin ko? Maybe
use me as a bait or something?

Tinitigan niyang muli ako. His eyes drifted on my body. Nawala agad ako sa linya ng
iniisip.

"Anong araw ba ang hindi ka nakauniporme?" he asked.

Nataranta agad ako sa tanong. "F-Friday."

He nodded again. He licked his lower lip. Nilapag niya ang kubyertos, tapos na sa
pagkain.

Pumasok ulit ang waiter at naglagay ng sunod na pagkain. Everything looks very
expensive. Naisip ko tuloy na mukhang mauubos ang perang ipon ko nito mamaya kapag
magbabayad na. Hindi bale na nga. Ayos lang. Busog naman ako... at... hmmm...

May naalala akong bigla. I took my phone out to see if the driver replied to my
text! Mag iisang oras ko nang kasama si Raoul, ah! Sabi niya isang oras lang kami?
Pero hindi pa kami tapos kumain! Pwede pa siguro basta hindi pa gabi, 'di ba?

"I'll drive you back to your school, later..." anito nang napansin ang biglaan kong
pagkakataranta.

"Sige. Hindi pa kasi nagrereply ang driver. Kanina ko pa tinext. Hindi ako pwedeng
m-magpagabi. May mga assignment ako."

His lips twisted in a familiar way. But his eyes were dark and mysterious. I forgot
if his eyes were really like that or they are just more intense after four years.

"What are your assignments? Maybe I can help," he said.

Uminit ang pisngi ko. "K-Kaya ko namang gawin. 'Tsaka... tungkol sa... business
'yon. Hindi... Engineering."

What? Talaga bang sinabi ko iyon? Bakit ko alam na engineering siya, kung ganoon?
Well, it's common knowledge back in Costa Leona! Not a big deal, right?

"I know things about business," aniya.

Oo? Dahil nagnenegosyo siya, hindi ba? Pero nakakahiya. Baka isipin niya na wala
akong alam kahit na nag-aaral naman ako.

"K-Kaya ko naman..." ulit ko.

"Sabihin mo lang kung nahihirapan ka," he said. "We can meet... for that." Nag-iwas
siya ng tingin doon.

Napaawang ang labi ko. Tumitig ako sa pagkain. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.
Hindi ko alam kung paano pa paamuhin ito.

Marami akong tanong. Hindi ko maisatinig. Marami akong gustong itanong, pero mas
gusto kong ipagpatuloy ang pag-uusap namin.

"B-Bakit... hindi ka ba uuwi... sa Costa Leona. O Maynila?"

Nagkatitigan kami. His eyes were grew more intense and mysterious. Kinabahan ako.
Pakiramdam ko, napasobra ako sa pagtatanong. Pakiramdam ko, masyado akong
nahumaling sa mga alaala. Masyado kong naramdaman na parang dati lang ang lahat.

Simple. Iyong walang pumapagitnang problema at tensyon sa aming dalawa. When the
truth is, it's different now. We can't be this light to each other when things
around us are messy.

"Sorry," agap ko. "Hindi ko na dapat tinanong pa iyon."

"Dadalas ako rito..." agap niya.

Nagpatuloy siya sa pagkain. Tinitigan ko siya. Ilang sandali ay tumango lamang ako.
Dadalas siya rito dahil kailangan niya ng impormasyon para kay Papa. Dadalas siya
dahil nandito ako. I will be his only source of information for my father.

Mariin kong hinawakan ang aking mga kubyertos. Hindi ko alam bakit sumisikip ang
dibdib ko pagkatapos kong maisip iyon. Pinilit kong makabawi. Hindi dapat ganito,
Leil. Kinagat ko ang labi ko. I drowned the pain with the food. It's not enough but
that's the only thing that can help me mask it.

"Paano kung hindi na ulit ako tawagan ni Papa?" tanong ko habang nakatingin lang sa
aking pagkain. The hope in my voice was very shameful.

Hindi man ako nakatingin, kita ko sa peripheral vision ko ang pag-inom niya ng
tubig.

Binalot kami ng katahimikan. Nanuyo ang lalamunan ko. I figured he'll never answer
my question. Bakit ko ba kasi siya tinanong ng ganoon?

"I'll stay here," he said.

Ayaw ko nang magtanong pa ng dagdag. We finished our food till the dessert with
only silence. Ayos lang. Hindi ko na kayang magtanong pa. Pakiramdam ko, ganoon din
ang nararamdaman niya.

I'm scared to ask him more questions.

Hinatid niya ako pabalik sa eskwelahan. Dalawang oras ang pagkain namin. Papalubog
na ang araw. I should worry for my new driver but I've decided to worry after all
of these. Mabilis na lumabas si Raoul sa sasakyan pagkapark. Nagtatanggal pa lang
ako ng seatbelts ay umiikot na siya patungo sa akin.

He opened the door for me. The setting sun reflected on the school's field behind
him made him look like art. Not like he's not an art himself.

I made short and fast exhales. He opened the door widely for me. Nilapag ko naman
ang bag ko sa front seat para maayos na matanggal ang mga butones ng kanyang coat.
Sumulyap muna ako sa kanya sa harap ko. I can't see his dark eyes. Yumuko ako at
dahan-dahang hinubad ang coat.

Inayos ko iyon bago nilapag sa front seat. Kinuha ko ang bag ko at bumaling na sa
kanya.

"Thank you."

"You're welcome."

Tumango ako. Sa gilid ng aking mga mata nakakita ako ng imahe. Pagkalingon ko,
ilang metro ang layo sa amin ay si Manong Roy at ang sasakyan ko. My eyes widened a
bit with shock. Pero nakabawi rin ako agad.

"I'll be here again tomorrow," Raoul said.

Gulat naman akong napabaling sa kanya.

"Matagal akong matapos bukas," sabi ko. "Hindi ako pwedeng gabihin."

"We won't stay together that long, then."

I don't know why I feel so hurt. Pumikit ako ng mariin, pinipigilan ang mga luha.
What is my problem? Why am I feeling this way?

Tumango ako kahit na nahihirapan. Hindi ko na siya tiningnan pabalik. Pakiramdam


ko, kapag nagkatinginan ulit kami, tutulo na ang mga luha ko.

And when I got inside our car, that's when my tears came falling down. Hindi ko
maintindihan kung bakit ganito lang katindi ang nararamdaman ko sa kanya.

I thought the years we spent apart will lessen whatever I felt for him years ago!
Akala ko, wala na... o kahit hindi naman ganoon katindi na. Pero bakit ganito
parin? Bakit humigit pa yata?

My hero complex for him is gone. Right now, when I think about his scene kissing a
girl, my heart will totally break apart. I feel so hurt. I feel so mad at him. I
feel jealous of his girl. Kung noon, masaya ako kapag ikakasal siya, ngayon hindi
na. Nakakahiyang aminin pero wala ako sa kasal niya, at hinding hindi ko iisipin
man lang iyon. I won't smile a bit. Or pretend that I will be happy.

I feel more for him now. Intensely. Fiercely. I feel so much more. I don't know
what to do with it. My heart is going to burst for it.

"Kuya, sorry. Sabihin m-mo na lang p-po kay Prince... kung m-magtanong na kasalanan
ko. Na sumama ako sa iba kaya tayo natagalan..." I said crying so hard.

Sumulyap lamang ang driver sa akin gamit ang salamin. Pauwi na kami. Madilim na.

"Ayos na, Ma'am. Huwag mo nang alalahanin 'yon," he said like he knows the
Ledesmas.

Hindi ko na dinugtungan. I'm crying so much that I'm not capable for words anymore.

Kabanata 22
Kabanata 22

Mature

Titig na titig si Cresia sa akin pagkadating ko. She even walked backwards just to
look at my face properly. Kinunot ko lamang ang noo ko sa kanya, nagpatuloy parin
sa paglalakad.

"Did you put on your drugstore lip thing?" she asked.

Tumango ako at nag-iwas ng tingin. Kahit simple iyon, hindi ko parin magawang
ilagay iyon sa labi. Ngayon lang talaga ako nagkalakas ng loob.

"Whoa! Whoa!" Patawa na siya pagkatapos mamangha.


Umiling na lamang ako.

Hindi ko nasabi sa kanya ang nangyari kagabi. I was busy doing our assignments
after all the crying. Matagal nga akong nakatulog, e. I cried harder when I
received a text from Raoul.

Raoul:

Are you home safe?

Ako:

Yes.

Tumunog ang cellphone ko. Kanina'y nakadapa ako sa kama. Nang tumunog ang cellphone
ko sa tawag ni Raoul, mabilis akong bumangon. Nagpalis ako ng luha at huminga ng
malalim para masagot na ang kanyang tawag.

"H-Hello?" I said hesitantly when I did not hear anything.

I sighed heavily, pampatanggal ng bara sa lalamunan.

"Are you okay?" he asked like he knew I cried hard.

"Y-Yes..."

"Is it okay if I see you again?"

Bumuhos ang luha ko. Pinilit kong hindi humikbi.

Bakit ako ang tinatanong niya? Hindi ba dapat ako ang magtanong sa kanya niyan? Is
it okay for him to see me again? I don't have any information about my father. I
don't think I could be of use as a bait, too. Kasi kung matagal na akong gustong
kunin ni Papa, dapat noon pa.

I am the daughter of the man who killed his father. Of the very man who violated
his mother. Raj, is it okay if I see you again?

"Ikaw?" hindi nakatakas ang pait sa aking boses.

He paused for a moment. More tears came. Tinakpan ko na ang bibig ko para mapigilan
ang panginginig ng labi.

"I want to see you again," his voice was strained and husky.

Hindi ako agarang nakapagsalita dahil pakiramdam ko manginginig ang labi ko. He did
not speak, too. Or even forced me to speak out. Kahit pa natagalan muli nang may
nagsalita sa aming dalawa.

When I tried to speak, my voice shook. Wala na akong magagawa.

"E 'di, m-magkita ulit tayo..."

I heard him sigh. Kinagat ko ang labi ko.

"Are you done with your homeworks?" he said in a relaxed tone.

"Hindi pa... Gagawin ko pa ngayon," mas relax ko ring nasabi.


"Then I'll hang up so you can do it?"

Kumunot ang noo ko at pumikit ako ng mariin.

"Okay."

"I'll see you tomorrow, then?"

"Okay."

Hindi siya nagsalita. Hinihintay ko na mamatay ang linya pero hindi nangyari.

"You hang up first," he said.

"O-Okay..." nataranta ako at agad binaba ang cellphone para matigil ang tawag.

Hindi ko alam kung paano ko naipagpatuloy ang gabi ng walang aberya. Tintigan ako
ni Cresia pagkadating sa classroom. Hindi siya kuntento na umamin akong naglagay
nga ako ng kolorete sa labi.

"There's something about you today!" she declared.

"Ano?"

Umiling siya, hindi ko alam.

I don't know how to tell her about it. I don't know where to start. Basta ang alam
ko, mababawasan ang nararamdaman kong bigat kung may pagsabihan ako. We ate our
lunch together in the cafeteria. Iyon ang naging hudyat ko sa pagsasabi sa kanya
tungkol doon.

Cresia being Cresia, she became obsessed with it. Milagro na hindi niya naisipan
ang "Prince Charming" niya. Mas inuna niya ang mga detalye ng date namin ni Raoul.

"What the hell? Bakit 'di mo sinabi sa akin kagabi?"

"Abala ako sa assignment, Cres." Uminit ang pisngi ko nang may naalalang ibang
pinagkaabalahan.

"Sure ka bang hindi ka nananaginip?"

I sighed. Is it that hard to imagine?

She obsessed about it the whole time. Kung may pagkakataong pwedeng pag-usapan,
ginawa niya na. Kahit sa gitna ng lecture, nangangalabit siya. May ginagawa pang
kababalaghan.

"I searched on the internet, there's nothing much about him. They are very private,
huh? Just a few pictures," bulong niya sa akin.

"Cresia!" pabulong kong saway dahil nagsasalita ang prof namin.

"So I texted my Daddy instead. He told me that Raoul Riego is the CEO of
Riegosteel. He will assume VHRV, Inc., soon when Ares Riego retires..."

I eyed her violently to stop all the talking. Sigurado akong tatawagin siya ng
teacher.

"He's a Civil Engineer, he topped the board, and he has Masters in Business!"
"Miss Lopez, can you answer this problem?" ang professor namin.

Pumikit ako ng mariin. Matapang na tumayo si Cresia kahit na ang kamay ay


sumisenyas ng tulong sa akin.

"Sure, Ma'am!" she said.

I knew this was gonna happen. Confident siya kasi magpapatulong siya sa akin. I
don't even know how to answer the problem pero ngayon, magsisikap pa ako kung hindi
wala siyang maisasagot!

Buong araw niya iyong naging topic. She didn't stop there, too.

"Kaya ka naglipstick!?" she declared after our last class.

I powdered and swiped my lips in the powder room. Nagpapatuloy parin siya sa
pamumuna.

"You... You should put blush on! Mag uuniform ka lang ba talaga? Ang sagwa! H-How
about your hair?" she's panicking.

Halos ungkatin niya na ang make up bag niya para lang malagyan ako ng tamang halaga
ng kolorete sa pisngi. I stopped her from putting other unnecessary things. May
inispray na rin siya sa buhok ko kanina.

"Come on, Leil! You are extremely beautiful. We all know that! Pero alam mo ba kung
anong klaseng mga babae ang nakakasalamuha niyan sa Manila? They are not just
beautiful, sexy, and professionals, they clean up nicely, too!"

Ngumuso ako. "Hindi naman ako nakikipagkompetensya..."

Mabuti na lang at kaming dalawa lang ngayon dito. I let her do subtle colors on my
face. Mabuti na lang at hindi naman marami ang nilagay niya. Just a simple blush, a
better swipe on my lips, and a dry shampoo for the hair.

She was very excited to go to the parking lot. At nang nakita naman doon si Raoul
ay natahimik na.

Raoul looked at me, maybe he's wondering who the girl I'm with is.

"Hi! Hi!" paulit-ulit na kumaway si Cresia, parang tinamaan ng hiya.

"This is my friend, Cresia. Cresia, this is Raoul Riego."

Naglahad ng kamay si Raoul kay Cresia. Cresia smiled sweetly. Namumula na siya nang
tinanggap ang kamay ni Raoul.

"Nice to meet you," Raoul said in a hard formal tone.

Tinanggap ni Cresia ang kamay nito. Kinagat niya ang kanyang pang-ibabang labi at
mas lalong lumapad ang ngiti. Nilingon ko si Raoul. Sumulyap ito sa akin.

"Sobrang gwapo mo pala sa personal!" Cresia said shamelessly.

"Hm," Raoul mocked.

After a few shameless introduction, Cresia let us go. Malapad ang kanyang ngiti,
tila may hindi magandang pinapahiwatig sa akin. Kumunot ang noo ko. She nodded
meaningfully.

"Good luck sa date n'yo!" she announced.

Pumikit ako ng mariin. Nakatitig lamang si Raoul sa akin at sinulyapan na ang aking
kaibigan. Pumasok na ako sa sasakyan ni Raoul bago pa may masabing iba si Cresia.

"Pasensya ka na," sabi ko nang nakapasok na ako sa saskayan ni Raoul.

"It's okay. I'm glad you found a friend," he said.

I turned to him. Somehow, his concern reminded me of the past. He wanted me to have
real friends, right? Hindi lang mga lalaking kaibigan na madalas ay panliligaw ang
pakay. He wanted me to experience real friendship.

Raj, I have a friend now. Ngumuso ako at bumaling na sa kalsada.

For Tuesday, we didn't talk much. Siguro sa takot ko sa nangyari kahapong pag-iyak,
hinayaan kong ang pag-aaral ang naging topic namin. And it was a short moment.
Konti lang kasi ang oras at kailangan ko nang umuwi. We just had tea and that's
all.

For Wednesday, mas lumala pa si Cresia.

"Magkikita ba kayo mamaya? Anong nangyari kahapon? Oh my gosh, Leil! He's very
handsome! Grabe! I feel so lonely!" she exclaimed.

Nilingon ko siya. Ano na naman kaya ang pinapahiwatig niya sa akin ngayon?

"May usapan tayo, Cresia!" sabi ko.

My plan is to delay my meeting with Raoul first because we have to finish a very
long assignment. Ngayong may linyang ganito si Cresia, alam ko na ang susunod!

"Kaya mo na 'yan! Inspired ka naman, e. Please, Leil!" she sounded so miserable.


"Nainggit ako! Ilang buwan na rin akong walang boyfriend! I need to at least go out
with a man!"

Hindi pa siya natatapos ay nakita ko na ang isang lalaki sa kanyang likod.


Bumuntong-hininga ako. I can't believe this.

Kahapon, tinulungan ako ni Raoul sa assignment namin. Ayaw ko namang abusuhin iyon
at patulungin siyang muli ngayon dahil lang wala si Cresia. Sa bahay ko na nga lang
iyon gagawin.

Cresia waved goodbye at me before I could say a word. Nagpatuloy ako sa paglalakad
patungo sa parking lot. On the usual spot, Raoul's car is parked. Umilaw iyon,
hudyat na naroon siya sa loob at nakita niya na ako.

I already texted Manong Roy na mamaya na ako kunin. For some reason, hindi kami
nabubuking. Usually, Prince asks the driver if I'm already home. Duda ko ay
nagsisinungaling si Manong Roy para sa akin.

"Leil!"

Halos mapatalon ako sa tawag ni Rem. Napabaling ako sa kanya. I heard the opening
of the car door. Sumulyap ako at nakita si Raoul na lumabas para siguro pagbuksan
ako. He did not do anything when he saw me with Rem.
"Rem!"

"Nakita mo ba si Cresia?"

"Ah! Oo. Umalis!" I said impatiently.

I glanced at Raoul again. He's still there, looking at us.

"Pauwi ka na? Wala pa ang sasakyan n'yo? Gusto mo ako ang maghatid-"

"Huwag na!" I said, smiling awkwardly.

Rem is a jolly and friendly person. Ayaw ni Prince sa kanya. Hindi ko naman siya
iniiwasan pero sa sitwasyon ngayon, kailangan ko talaga siyang itaboy. I'm sorry.

Marahan kong hinila ang braso ni Rem palayo roon. He chuckled at my actions but I
continued. Nang nakalayo sa sasakyan ni Raoul ay hinarap ko na si Rem. He looked
very happy when I turned to him.

"Rem, sorry. Kailangan ko nang umalis, e. Mauna na ako, huh?" sabi ko.

Sumulyap ako kay Raoul. I hope he takes the hint! Please don't open the door for me
anymore. Of course, hindi siya pwedeng pagkamalang driver. With that face and body
plus the outfit, I don't think anyone could ever think he's a new driver of mine.

He opened the driver seat's door. Bumuntong-hininga ako. Hindi siya agarang pumasok
pero at least hindi na siya umikot para pagbuksan ako.

"Bye! See you tomorrow, Rem!" sabay kaway ko at lakad na palayo kay Rem.

Luckily, Rem did not call me anymore. Nagpaalam na lang ito at hindi na ako
sinundan. Pumasok agad ako sa sasakyan ni Raoul nang nakarating na. I was panting
hard when I locked my seatbelts.

Inilahad ni Raoul sa akin ang mabangong itim na trenchcoat. This is the third day
I'll wear it to cover up my uniform. Nilingon ko si Raoul at nakitang medyo
busangot ang mukha. I know he always looks ruthless but this time, I can feel that
it's not just an expression.

"Uh, kaibigan ko si Rem. Inilayo ko lang... baka... makita tayo," paliwanag ko.

Raoul started the car engine. Akala ko okay na ang paliwanag ko.

"You're not allowed to be seen with anyone?"

Ngumuso ako. "Madalas akong pinagbabawalan. Lalo na ang s-sumama sa ibang lalaki.
Pero okay lang!" bawi ko agad.

Sumulyap siya sa akin. His dark eyes made me nervous.

"By who?" he asked coldly.

"Uh... By Prince? Panganay na anak ng mga Ledesma."

I don't remember us talking about the Ledesmas. This is the first time. I feel like
I need to explain everything.

"Doon ako dinala ni Lola Brosing noong... gabing iyon."


Now, I feel so nervous. I swear we did not talk about that night a bit. I feel like
it's a taboo topic for us. Tumango siya at hindi na nagtanong pa. Akala ko, tapos
na. The silence stretched.

"Are they good to you?" he suddenly asked while we're stuck in traffic.

"Oo naman!" medyo natawa ako roon.

"Is their son good to you?"

"Si Prince? Ayos lang."

"Why do you allow him to decide for you?"

Umiling ako. "Hindi naman sa ganoon. Nirerespeto ko lang ang desisyon niya."

"You like him?" he asked.

Napabaling ako sa kanya. His eyes looked very dark, like a large storm is coming
and I don't know what I can do to save myself from it. Umandar ulit ang sasakyan at
dire-diretso na ang pagmamaneho niya.

"Bilang kaibigan lang. O kapatid."

"Friends allow you to be friends with other people. I'm sure you know that by now."

Bumagsak ang tingin ko sa trenchcoat na nasa kandungan. Alam ko ang pinapahiwatig


niya. He must be very disappointed with me. Gaya na lang ng mga sinabi ni Cresia sa
akin. Pero wala namang sinabi si Prince na kahit ano. And I'm living under their
roof. I can't just disagree with him and still sleep under their roof.

"Alam ko..." tanging nasabi ko.

He sighed at that. Now that we touched a topic near the past, I can't help but
wonder if we should open it? Nag-angat ako ng tingin sa kanya. He's still looking
at the streets.

Alam kong masakit sa kanya ang nangyari noon, mabilis akong nagdesisyon na huwag na
lang. Na hahayaan ko na lang iyon na ganoon. I should just ask Ma'am Avila and Lola
Brosing if I want clarification over anything. Ayaw kong saktan si Raoul sa
pamamagitan ng pag-alala sa nakaraan.

Kaya naman... nagulat ako nang siya na mismo ang nagsimula.

"You went to Iloilo, immediately, after that night?"

Napaawang ang labi ko. Are we going to talk about this?

"Oo. Hindi ko na tinapos ang prom."

"I did not wait for your prom to finish, too, when I heard about my father," his
voice was etched with pain.

"Ayos lang!" agap ko.

Hindi ko na kailanman inisip pa kung hinintay niya ako o hindi. Hindi na iyon
naging importante sa akin. His father was shot dead. That alone can make his whole
world crumble and forget about the littlest details like my prom.
"Kahit sino naman siguro, uunahin ang pamilya sa ganoong sitwasyon."

He gritted his teeth. I can see his strained and weary expression. He's controlling
his emotions pero napakawalan ko na ang akin. He drove past the street to his
hotel. Nagulat ako roon.

"Kahit ako. Walang halaga ang prom sa akin noong nakita ko na nasunog na ang
nayon!" I said, with gritted teeth as well.

His bloodshot eyes told me that even to him, the scenes were very clear and
painful. I know, Raj, kahit sa akin naman. Lalo na dahil gaya ng nakaraang taon,
Enero hanggang sa araw ng pagkasunog, lagi akong malungkot. And it's going to be
January next month, the month when we started talking to each other everyday. The
very month that made me feel happy and free.

Gritting his teeth, he parked the car. Tahimik lamang akong lumabas. Nakagapos na
sa aking katawan ang trench coat. I can sense that he did not plan this. Obviously,
dapat sa hotel ang punta namin.

Naglakad siya pababa sa boardwalk. Kokonti pa lang ang tao roon, tahimik, at
mahangin dahil sa hanging galing sa ilog. Baka gusto niyang magpahangin. To let
steam out of him since our topic has been very sensitive for us. Especially for
him.

Sumunod ako sa kanya. Bumaling siya sa akin. His bloodshot eyes told me that I'm
right. He's still hurting about it.

"How did you know that the village is on fire?" mariin ang tanong.

"Lumabas kami sa covered court ni Ma'am Avola at nakita ko ang sunog sa nayon.
Hindi na ako naghintay ng kahit ano. Dumiretso na ako sa gubat-"

"You went there?" his cold baritone thundered past me.

Kitang-kita ko ang gulat, pag-aalala, at galit sa kanyang mukha. Naalala ko agad


kung gaano siya kalakas bilang lalaki, kung gaano ka mapanganib, kumpara sa aking
parang tupa na ang tanging kaya ay manginig sa takot.

Tumango ako. Tears pooled in my eyes. Sumulyap ako sa kanya, he looked so stunned
and angry about something. I've never seen him intensely angry before. Bigo akong
bumuntong-hininga.

"Wala sina papa at ibang mga lalaki namin. Babae, matanda, bata lang ang natira.
Gabi na iyon, madalas tulog na ang mga tao, kaya inisip kong baka masalba ko sila-"

"Umalis sila bago nasunog ang mga bahay!"

I nodded. I know that now, at least.

"Hindi ko alam noon. Nag-alala ako para sa kanila-"

"What about you? You did not worry for yourself?"

Hindi ko maintindihan. Umiling na lamang ako dahil hindi ko na naisip ang kahit ano
noon.

He closed the distance between us. Kumalabog ang puso ko. He look pained.

"You were their leader. They were telling everyone that it's all for your name,
pumunta ka pa roon-"

Umiling ako. "Hindi iyon totoo. Wala akong alam sa ginawa nila. Nagulat na lang
ako-"

He groaned at that. Hinawakan niya ang palapulsuhan ko at hinila pababa pa noong


hagdanan. Diretso ang lakad namin hanggang sa puting barandilya ng boardwalk.
Without much effort, hinarap niya ako. He pushed me slowly so I could lean on the
boardwalk's bannister before my tears fall.

May iilan kasing mga tao at siguro'y gusto ni Raoul na mas pribado ang pag-uusap na
ito, lalo na't nag-uumapaw na ang emosyong nararamdaman ko.

Hinawakan niya ang magkabilang gilid para maikulong lang ako, para maitago sa mga
taong posibleng kuryoso sa aming dalawa.

Nagpatuloy ako sa pag-iling at pag-iyak.

"Wala akong alam. Kung alam ko lang na ganoon, pinigilan ko na sila-"

"God damn it! I know you're innocent!" he whispered with emphasis on each word.

Hindi na ako nagsalita. Humikbi na lamang ako. Mas lalo niya akong ikinulong,
almost leaving no space between us. Tila ba gusto niya, sa kanya lang ang pribadong
pag-iyak kong iyon.

"All the Riegos were irrationally angry at your village, your father, and you!
Tapos pumunta ka roon? Mag-isa?"

Hindi na ako nagsalita. Kinagat ko ang labi ko. I just want to save them.

"You think you can save the villagers alone? While your houses were already
burning?"

"Baka lang naman, e! Kasalanan ko 'yon. Alam kong kasinungalingan lang ang
pinapagawa ni Papa sa akin. Wala lang akong magawa kasi-"

He muttered curses on the sides without looking at me.

Kinalma ko ang sarili ko para madugtungan pa ang sasabihin.

"Alam kong hindi sapat ang sorry sa nangyari. Handa ako sa panganib na dala noong
ginawa ko. They were blind following me and my father. Tama lang na-"

"You were a minor! You're under your father! At hindi iyon maiintindihan ng lahat!
You should've escaped immediately! Paano kung naabutan ka namin! We were there in
your village!"

"Alam ko. Nakita ko kayo," nanginig ang boses ko.

Pumikit ng mariin si Raoul. I tried to smile but the pain just won't go away.
Huminga ako ng malalim.

"Kasama mo ang mga tauhan ng mga Riego, ilang Riego rin. Nandun ako noon. Nasa
gubat."

He muttered curses but that did not stop me.

"Narinig ko ang lahat ng sinabi nilang plano sa akin. Lalapit na sana ako para
matapos na pero-"

"What the fuck!?" bagsak ng kanyang mura.

Natigilan ako sa kaba at takot dahil sa galit niya. I can sense that he's shaking.

"Nakita ko rin 'yong baril."

Naalala ko ang natatangi kong kaibigan. How the noise stopped after he's shot. I
remember the very first time I laid my eyes on that goat. Puting puti siya,
inosente, at maliit. Nakakatawa na nakakaawa. Na ibibigay sa akin bilang alay.
Ibabalik ko sana pero sa huli naging kaibigan ko na. I remember the years we spent
together. How I believed that whenever I bring him, Raoul will be there. And I
remembered Raoul's eyes when he looked at the goat cried for one last time.

Inintindi ko iyon.

Nasaktan siya kaya nanakit siya. Namatayan kaya pumatay.

I did not hold it against him. But whenever I think about it, I cry for my dearest
friend. For all the memories.

"Tinutok at pinutok, 'di ba?"

Nagkatinginan kami. My eyes were blurry for the new unshed tears. Kaya hindi ako
sigurado kung ganoon din ba siya.

"Sa alaga ko?" I said.

Umiling siya. "I brought him in our mansion."

Humikbi ako at nagpatuloy sa pag-iyak. Ilang sandali pa bago ko natanto ang sinabi
niya. I blinked the tears away. Kinalma ko ang sarili ko. Tinitigan ko siya.

"Ang katawan niya?" I asked, confused.

Umiling siya, malungkot parin ang mga mata. "Ang alaga mo."

Litung-lito na ako ngayon. Huh?

"Oo nga. Na patay na?" I clarified.

"No. He was still alive then."

"Pero natamaan siya?" tanong ko sa sobrang gulat.

"Hindi..." kitang-kita ko ang pagkunot din ng noo ni Raoul sa akin, lito rin yata
siya.

Instinctively, I whacked his hard chest softly. I thought he's joking or something
pero nanatili siyang seryoso at madilim ang mga mata.

"Nakita ko 'yon! Tinutok sa kanya ang baril."

"Oo. Tinutok."

"Tinanong ka kung papatayin ba! Tapos pinutok! Natigil iyong hiyaw ng kambing ko!"

"Did I say yes?" he asked, still serious.


Umiling ako dahil wala nga akong naalalang nagsalita siya.

"Our men won't do things like that without orders. Did you think your goat died
that night, all these years?"

Sa sobrang gulat ko ay hindi ako nakapagsalita agad.

"Buhay pa siya?!"

I know it's a ridiculous question. Hindi ko alam kung ilang taon ang life span ng
mga kambing pero kung nabuhay nga iyon, siguradong sobrang tanda na noon ngayon,
baka mahina na.

"He died that year, too."

Ngumuso ako. I mourned for a friend differently. This time, I still mourn for him
but somehow hindi na kasing sakit noong nakaraan kong pagluluksa. I can't believe
it.

"That was very dangerous. Dapat ay hindi ka na pumunta roon. Tumakas ka na agad..."
he said lightly.

I still can't process the new things I learned. Nag-angat ako ng tingin kay Raoul.
He licked his lips, nakadungaw siya sa akin. Pinalis niya ang basa sa aking pisngi,
gamit ang hinlalaki. His warm and hard hand comforted me so much that I almost
forgot that it's been years.

His father died in the hands of my father. In the end, he wanted me to run from it.

His mother was violated by my father. In the end, he doesn't want me violated that
way by his men and relatives.

Kumalabog ang puso ko habang tinitingnan siya. The wind blew his hair a bit making
him more handsome than ever. Some of it went to his forehead. Pinigilan ko ang
sarili kong abutin iyon at ayusin.

Now I know why it's always been him, from the very beginning, until now. I cannot
imagine myself loving someone else. If in time he will love someone and settle
down, hahayaan ko siya, kahit pa ang ibig sabihin noon para sa akin ay wala na...

I might love someone else, but never with the same intensity. I feel sorry for
whoever it will be. Nobody deserves that so I'd rather not commit to anything other
than... him.

"Hindi mo ba naisip na... patayin ako?" kalmado kong sinabi.

Mabilis akong nagsisi. Muling nagbalik ang sakit at galit sa kanyang ekspresyon.
Tinikom ko ang bibig ko para matigil na ako sa pagsasalita. Binaba ko ang tingin
ko.

Using his index finger, he traced my jaw. Tumigil iyon sa aking baba at marahan
niyang inangat para mapabalik ang tingin ko sa kanya. The same dark, mysterious,
and perilious eyes bore into me ardently.

"How could I kill you?" he whispered.

Ngumuso ako at nag-iwas parin ng tingin kahit na nakaangat na ang mukha ko sa


kanya.
"Listen..." patuloy niya. "I want you to remember this, from now on."

Pilit kong inangat ang mga mata ko sa kanya.

"I will never hurt you..."

Halos matawa ako roon. Naalala na kayang kaya niya akong saktan. Well, not in the
physical way he's talking about right now.

"What's wrong?" he immediately noticed.

Umiling ako at natawa na. Iniwas ko ang mukha ko sa kanya dahil naramdaman kong
muli ang aking mga luha.

"You don't believe me?" he asked.

My heart hurt so much at that. Umiling ako habang tumutulo ulit ang mga luha. Hindi
ako naniniwala na hindi niya ako sasaktan. Sasaktan niya ako. Masasaktan ako rito.
Pero ayos lang.

He groaned again and muttered curses. Hinila niya ako at niyakap ng mahigpit. He
crouched so he'll reach my ear. Ang mga luha ko'y tumatama na sa kanyang t-shirt.
His scent made me lose it more. I want him. I love him so much. If only I can hold
him like this... always.

"Sasaktan m-mo rin ako," basag na basag kong sinabi.

He chuckled slowly at that. Kinagat ko ang labi ko.

"What kind of hurt are you talking about?" he whispered on my ear.

Kumunot ang noo ko roon at mas lalong ibinaon ang mukha sa kanyang dibdib. I want
to hide from him. From the embarrassment.

"I missed you so much..." he whispered.

"I missed you... more..." I said on his chest.

Humigpit ang yakap niya sa akin. His heart is beating wildly and I can hear it even
when mine is as loud.

We stayed that way. Hindi ko alam kung ilang minuto ang lumipas na ganoon ang aming
ayos. Nakalma ako at naging payapa sa kanyang bisig. He remained that way, standing
for my frailty.

"Are you happy living with the people you're with?" he asked when everything was
peaceful between us.

Kitang-kita naming dalawa ang kahel na langit, papalubog na ang araw at halos wala
na akong pakealam kung magtagal kami o hindi. Maybe I'll just text the driver to
get me here, instead.

"Mabait sila sa akin," tanging nasabi ko.

"You like their son?" naulit na tanong iyon.

Umiling ako dahil alam ko na ang ibig niyang sabihin doon. Hindi bilang kaibigan,
kundi bilang boyfriend.
"Did you tell him that?"

I nodded, still looking at the setting sun and leaning on his chest. "Hindi mo na
ako kailangang turuan. Marunong ako."

"Sure. Sa dami ng naging manliligaw mo sa loob ng ilang taon, hindi ba?" he mocked.

Kinunot ko ang noo ko.

"I'm not the same young innocent girl anymore," matapang kong sinabi.

May halo iyong pagmamalaki. Kailangan kong mapatunayan iyon. That I'm mature now.

He chuckled a bit and renewed his embrace for me. This time, tighter.

"I can see that," he whispered.

Pinilit kong huwag mangiti dahil nagustuhan ko ang sinabi niya pero hindi ko na
kaya. Sumilay talaga ang ngiti sa aking labi.

Kabanata 23
Kabanata 23

Missed

Ngayon ko lang natanto, na sa ilang taon kong pagtira rito sa Iloilo, hindi ko
kailanman naramdaman ang ganitong klaseng gaan ng loob. Even with the safety,
family, and shelter the Ledesmas gave me, I never felt this comfortable. Ngayon
lang.

"How are you?" Prince asked over the phone.

Ngayon lang siya tumawag simula noong umalis siya. Madalas, palagi naman. But then
maybe he did not like our goodbyes the last time.

"Ayos lang."

"Good. Uuwi ako riyan ng Saturday."

"Okay," sabi ko.

"Galit ka ba?" he asked.

Pumikit ako ng mariin. Naalala ko ang lahat ng mga ginawa ni Prince para sa akin sa
nagdaang apat na taon. He didn't like me at first but eventually, it turns out,
siya ang pinaka nag-aalala lagi para sa akin sa kanilang pamilya.

Inilipat niya ako sa mas malaking kwarto kahit na sapat na sa akin kasama ang mga
kasambahay. It's more than enough for me, actually. He suggested that I go to
school. He chose my course for me. Pinapasyal niya ako, kahit na hindi na naman
kailangan at hindi na iyon mahalaga. But still, those little things, little by
little, opened my eyes to the world beyond Costa Leona.

Some of my first experiences were spent with him. My first movie in a theater, my
first restaurant experience, and many more.

"Hindi lang ako kumportable sa ganoon, Prince."


"Just forget about it. I'll just call you again soon, okay."

That was the end of the call. I sighed. If Cresia's right about Prince, I should do
everything to make him understand how I truly feel about him.

"How's the date?" makahulugan agad ang ngisi ni Cresia sa akin.

Date. Is it really that way, though? I wonder what happened with her date, too?

"Ayos lang."

Pinilit ko mang maging normal lang sa reaksyon, hindi ko naman mapigilan ang
pagngiti nang maalala ko ang yakap ni Raoul. Hindi nakatakas iyon kay Cresia.
Kinalabit niya ang aking pisngi, her smile grew wider.

"Aha! Oh my gosh!" she narrowed her eyes to emphasize her accussation. "So this is
why you don't like Prince, Kuya Arthur, or anyone in our school!"

Sinipat ko siya pero tila wala siyang pakealam doon.

"Kung sa bagay. Gosh! That man is so hot! Plus he's mature! So dreamy!" nanggigigil
niyang kinurot ang aking braso at nagpatuloy. "It's understandable! And he likes
you, too!"

Nilingon niya ako. She stared at me impatiently.

"Cres, hindi naman. Naghihintay lang siya ng balita sa Papa ko."

"Weh?" she made a face. "I don't believe that reason!"

"Gaya ng sabi mo, maraming magaganda, propesyunal, at mature sa Manila. Sa dami,


imposible na na lilingunin pa niya ako."

Cresia rolled her eyes. "Hindi ka lang nilingon! Sinadya ka rito!"

"Dahil nga iyon sa tatay ko. I know of his types. Alam ng lahat noon sa Costa Leona
na gusto niya ng mga kasing edad niyang sexy at-"

"I don't buy that! I got a feeling..." she narrowed her eyes.

Huminga ako ng malalim at iniba na lamang ang usapan. Ayaw kong isipin pa lalo
iyon. Aasa lang ako.

"Ikaw? Kumusta ang date mo kahapon?"

She rolled her eyes. Bago pa makasagot ay nakita ko na sa malayo ang lalaki,
tinatawag si Cresia. We started walking faster. Hinila na ako ni Cresia para mas
bumilis pa ang lakad namin.

I sighed. I know this one. I've seen this one so many times.

Cresia is beautiful. Siya ay matangkad, makinis, at magaling makihalubilo lalo na


sa mga lalaki. She's very outgoing that's why she has so many friends. Bukod pa sa
mayaman siya at maraming gustong makipagkaibigan sa kanya, adventurous din siya at
nakakapunta na sa maraming lugar. She's fun to be with. I learn so many things from
her.

Pero pagdating sa mga lalaki, ganito siya. She likes one at first, eventually, ayaw
niya na. Marami siyang manliligaw na sinagot dahil gusto niya raw, sa huli wala
ring nangyari dahil bigla na lang ayaw niya na.

Naisip ko tuloy na ang obsession niya roon sa kay "Prince Charming", baka
panandalian lamang. Kapag nakasalamuha niya na ito, nakausap, o nagustuhan siya
pabalik, malaki ang posibilidad na aayaw na siya roon.

"Tapos ko na ang assignment natin pati 'yong para sa Friday."

"Huh? Tinulungan ka ng date mo?" gulat kong tanong nang natakasan na namin ang
lalaki.

She rolled her eyes at my remark.

"Ayoko na pala sa kanya."

"Bakit?" mas lalo lang akong nalito.

"Mayabang, e." Makahulugan niya akong tiningnan. "Nagkakausap na ba kayong mabuti?


Tanungin mo kaya kung kilala niya ba iyong si Prince Charming?"

"Cres, malabo yata 'yang sinasabi mo..."

"Try mo lang naman, e! Leil, gusto ko lang naman malaman kung sino!"

"Imposible kasing may kinalaman si Raoul doon sa lalaking iyon," sabi ko.

Our conversation about her mystery Prince Charming went on and on. Sa bagay, tuwing
naaalala ko nga ang lalaki, parang namumukhaan ko. But I doubt Cresia's serious
about this. I mean, kapag nakilala niya, wala rin ito.

For Thursday, hinatid ulit ako ni Cresia kay Raoul. She's smiling like an idiot.
Tuwing nakatingin naman sa akin ay puro senyas lang tungkol sa tanong ang
natatanggap ko.

Friday morning when I told her that I forgot to ask. Kumain kasi kami ni Raoul ng
desserts at medyo maiksi lang ang naging panahon namin.

For Friday, though, we will have more time so I decided to always remember about
the question, just so Cresia will stop it with the obsession.

"Hay naku!" Umiling si Cresia nang nakita niya ang suot ko.

She reminded me last night that I should wear something nice. Maayos naman ang
sinuot ko ngayong hindi kami nakauniporme. Mas nagtagal pa nga ako sa pamimili ng
suot pero mukhang hindi yata kontento itong si Cresia.

"Ito lang kasi ang pwede, 'di ba?" inunahan ko na siya dahil alam ko na ang
sasabihin niya.

Tumango si Cresia, naiintindihan ang rules sa unibersidad. Kaya naman, imbes na


magreklamo, aniya'y tutulungan niya na lang ako sa pag-aayos. Dala pa roon sa pag-
aayos ang paalala niya tungkol sa pagkuha ko ng impormasyon tungkol doon sa lalaki.

I know it's impossible but I will try.

Suot ang isang fitting skinny jeans, flat shoes, at kulay pink na t-shirt, handa na
ako sa usapan namin ni Raoul ngayon. Hindi ko maalala kung paano napadpad ang
usapan namin kahapon sa isang palabas sa sine. Kaya iyon ang gagawin namin ngayon!
"Hi! Ingatan mo ang kaibigan ko, huh? May kapatid ka pa ba o pinsan na lalaki?"
Cresia shamelessly asked.

Sinenyasan ko siya para tumigil sa pagkapahiya pero hindi siya nakinig.

"Uh, I have cousin."

"Ilang taon? May girlfriend na?" patuloy ni Cresia.

"Cres!"

Cresia laughed but I know she's forcing it. Seryoso siya sa tanong niya kaya mas
lalo akong nahihiya. Kitang-kita ko kay Raoul na medyo nag-iisip siya sa isasagot
kay Cresia.

"Joke lang! Sige! Mauna na ako, enjoy kayo!" aniya at umalis na kaagad bago ko pa
muling masaway.

I apoligized for Cresia's behavior pagkarating namin ni Raoul sa sasakyan. He said


it's okay.

"Ganoon na ba talaga siya?" he asked.

"Oo, e..."

He nodded slowly as he drove the car near a large mall, kung saan kami unang
nagkita noon. "That's good. You need an outgoing friend..."

Ngumiti ako dahil iyon din ang naisip ko noong nagsimula na kaming magkalapit ni
Cresia. We were total opposites yet she can't stop being with me. She likes my
silence and my curiosity. She likes talking and goofing around. She's a little bit
liberated, too. Siguro na rin dahil sa iba niya pang kaibigan at kulturang
kinagisnan na.

Tahimik kaming naglakad sa mall. Dumiretso kami sa sinehan dahil hindi kami pwedeng
kumain muna dahil sa oras. Nagulat ako nang nakitang may tickets na siya. Kinuha ko
ang wallet ko para kumuha ng pera para sa aming makakain sa loob.

I was about to hand the money to the girl who's selling food pero dahil hindi
napansin ni Raoul ang pagkuha ko ng pera, naunahan niya na ako. Their transaction
was so fast na kahit ang pagtawag ko ay hindi na rin napansin.

"Uh... eto oh," sabi ko sabay pakita sa kanya ng pera.

Uminit ang pisngi ko. Lalo na nang nakitaan ko ng amusement ang kanyang mukha.
Marahan siyang umiling. Ngumuso ako at tiningnan ang kamay kong may nakalahad na
pera.

"Keep that," he said.

Oh. Binalik ko iyon sa aking wallet. Tahimik na lang ako, hindi na nagprotesta pa.
I don't want to make it more awkward. It's already very awkward.

Mabuti na lang at konti lang naman ang tao sa labas ng sinehan. Pagkapasok, marami
pero madilim naman kaya hindi na kita kung sinu-sino ang mga naroon.

Kabado ako. Hindi ko alam kung bakit. This isn't the first time I watched a movie
with a man. Si Prince noon, hindi naman ako kabado. Kahit pa noong first time ko.
Mangha lang ang naramdaman ko noon. Mangha sa dilim ng sinehan. Mangha rin sa laki
ng screen. Ngayon, kahit na malamig ay para akong sinisilaban sa init.

He gave me the snack he bought. Kahit pagtanggap lamang noon, kabado ako.
Nababalisa ako ng hindi ko alam kung bakit. Tahimik naman kami. Hindi ko alam kung
anong inaalala ko.

Kumain ako. Nagsimula na rin ang palabas kaya tuloy-tuloy na. Nang naubos ang
pagkain ay pareho na kaming walang ginagawa kundi ang manood lamang. But then the
airconditioning was too low, kalaunan, nararamdaman ko na ang kanipisan ng t-shirt
na suot.

It is extremely cold. Siguro dahil medyo konti ang tao, kumpara sa tuwing nanonood
kami ni Prince. Sa gilid ko, walang nakaupo. Diretso sa aircon iyon. Sa likod
namin, meron namang tao, maging sa harapan.

I compressed my body to feel more warm. Nilagay ko ang aking nakakuyom na mga kamay
sa aking kandungan pero ramdam ko ang ihip ng aircon sa aking braso. Raoul shifted
on his seat. Sa gilid ng mga mata ko ay nakita kong tumingin siya sa akin. Sumulyap
naman ako sa kanya. I smiled shyly. Kahit na madilim at hindi ko naman talaga kita
ang ekspresyon niya, nininerbyos ako.

Mabilis akong bumaling sa palabas kahit pa nakatingin parin si Raoul sa akin.

"Are you cold?" he asked.

Bumaling ulit ako sa kanya at bahagyang pinasadahan ng palad ang braso para maibsan
ang lamig sabay iling.

"H-Hindi naman," I lied because I don't want him to think that I can't take care of
myself.

It's bearable. Hindi naman iyong tipong hindi na ako makakagalaw sa sobrang lamig.
He pushed the arm rest up, para mawala ang pumagitan sa aming ganoon. He shifted a
bit, lumapit sa akin. Hindi ko na napigilan ang matinding kaba lalo na nang
nilingon ko siya.

"Come here," he whispered.

Umakbay ang kaliwang braso niya sa akin at tumigil ang kanyang palad sa aking
braso. Naramdaman ko kaagad ang init ng kanyang palad. Mas lalo tuloy akong nahiya.
I just lied to him. At ngayon, nasisiguro kong alam niyang nilalamig ako dahil
sobrang lamig ng braso ko.

Umusog ako ng konti palapit sa kanya gaya ng gusto niyang mangyari. Kinakabahan ako
ng husto pero unti-unti ko ring naramdaman ang ginhawa sa hawak niya.

He leaned closer on me, leaving no space in between us. His right hand traveled
near my stomach and stopped on the left side of my waist just to pull me closer to
him. Hindi na ako makahinga ng maayos sa kaba ko. Para na akong kiti-kiti sa
sobrang pagkakabalisa, hindi ko man pinapahalata.

Hinaplos niya ang aking braso. Nanuyo ang lalamunan ko.

"Feel better?" he whispered.

His lips were near my ear now. At kung hindi lang nakakahiya, humagikhik na ako sa
kiliting dala ng kanyang hininga sa aking tainga. I tired so hard to control my
feelings and my reactions. Hindi pa ako nahirapan ng ganito kailanman. Usually, I
say and show what I feel. This time, showing it would be embarrassing. Dahil
sigurado ako, kung isasadula ang nararamdaman ko ngayon, paniguradong ang mga kilos
ay magiging kahiya-hiya.

"Hmm... Oo."

Nilingon ko siya. Nakatingin na siya sa akin. Diretso ang tingin niya sa mga mata
ko at ilang inches lang ang layo namin. Nahulog ang mga mata ko sa kanyang labi.
Agad akong umiwas ng tingin doon nang naramdaman ko ang kakaibang init sa aking
mukha, batok, na mabilis na kumalat sa aking katawan.

Bahagya kong kinagat ang labi ko. I have never felt this way before. The feeling of
wanting to do something I usually don't do.

The memory of him kissing a woman passionately back in Costa Leona flashed in my
mind. Noong bata pa ako, kapag naaalala ko iyon, nahihiya ako at nasisiyahan para
sa kanya. Nasisiyahan dahil I feel like he's found a girl for him, who he will
cherish and take care of. Nahihiya dahil alam kong hindi maganda na nakita ko iyon
bilang bata.

Kalaunan, hindi ko na iyon iniisip dahil for some reason, while I was growing and
interacting with Raoul, I realized that I don't like it. I don't like what I'm
feeling whenever I think about him kissing someone else.

Ngayon? Somehow, I can picture myself being that girl! Nakakaloko mang isipin at
hindi man maganda, hindi ko maitatanggi iyon. In my most private daydreams, like
today, like right now, I dream about being that girl Raoul is kissing. Nakakahiya!
Mabuti na lang at sa isipan ko lang iyon. Walang paraan na malaman ni Raj na ganoon
nga ang iniisip ko.

"What are you thinking about?" he asked slowly.

Napadilat ako. Ni hindi ko na napansin na napapikit na ako sa mga iniisip na


kababalaghan!

"W-Wala!" medyo napalakas ang tinig ko.

He sighed. I can hear the amusement in that. Bahagyang humagod ang kamay niya sa
aking braso dahilan ng paglipad muli ng aking isipan. Pinigilan ko na iyon dahil
nakakahiya na. Pakiramdam ko pinapanood niya ang iniisip ko sa pamamagitan ng mga
mata ko.

"Are you comfortable like this?" he whispered huskily.

"Hmm. Uh-hmm..." tanging naisagot ko.

Umangat ang kanang kamay niya at muling ibinaling ang aking mukha sa kanya. I swear
I'll have a heart attack because of that. He swiped his thumb below my lower lip.
Nakaliliyo ang tingin niya sa aking labi. Para akong mahihimatay sa saya, kaba, at
anticipation na pinaghalo.

"Who taught you to put on make up?" he whispered.

"S-Si Cresia."

"Hmm..." he caressed my chin languidly using the back of his index finger.

Para akong batang nagpakabait na ginawakan ng paghaplos dahil sa ginawa. I pouted


when I realized something.
"B-Bakit? Hindi ba bagay?"

It's just Lipice, pressed powder, cheek tint, and a bit of maskara. That's all.
Baka kailangan pang kapalan? Pero gusto ko ng ganito lang, e.

"It looks good on you..." he whispered.

Napangiti ako. Tumitig ako sa palabas kahit pa medyo hindi ko na naiintindihan ang
parteng ito simula nang niyakap niya ako. Mas lumapit ang kanyang mukha sa aking
tainga.

"You always look good to me," he whispered softly.

Hindi ko na napigilan ang ngiti. Para hindi na lumaki pa ang ngisi, kinagat ko na
lamang ang labi ko at nagpatuloy sa pagtitig sa screen. Hindi ko na maintindihan
ang palabas pero nagpatuloy ako sa pagtitig. I am very aware of his touches, too.
Iyon ang mas naging dahilan kung bakit hindi na rin ako makapag concentrate.

"Uuwi siguro ang mga Ledesma bukas," sabi ko nang nasa sasakyan na kami ni Raoul.

Naitawid ko naman ang panonood ng sine kahit na medyo hirap sa daming naiisip.
Mabuti na lang.

"Uh-huh," he said while driving.

"Wala naman akong pasok bukas kaya hindi na muna tayo magkikita, 'di ba?"

He nodded at that. "Uuwi rin muna ako."

Natigilan ako roon. He's going home already?

"Babalik din ako ng Lunes. I'll pick you up on the same place?" bawi niya.

Tumango ako. "Okay."

I forgot to ask him about Cresia's Prince Charming. Bukod sa hindi ako naniniwalang
may koneksyon siya roon, naisip kong marami pa naman kaming oras dahil babalik
naman siya.

My days were more colorful. Lalo na kapag weekdays at naghihintay ako sa kanya.
There were days na nagpapaalam siya kapag uuwi at may aasikasuhin, pero hindi ako
tumatamlay kahit na ganoon. Inspirado parin akong pumasok, knowing I'd see him
again the next day.

I have never felt this positive about life.

Tuwing Sabado at Linggo, umuuwi si Prince sa bahay. We sometimes go out or just


have a simple dinner at home. Nangungumusta siya sa aking pag-aaral. Sinasagot ko
naman ng maayos. Pero hindi ko kayang ikwento sa kanya ang isang bahagi ng araw ko.

Alam kong hindi alam ng mga Riego ang pagkikita namin ni Raoul. Naiintindihan ko
iyon dahil siguradong magagalit sa kanya ang mga ito. It's taboo. He's befriending
the enemy. If I tell Prince about it, I will need to tell him about my history with
the Riegos, too. Kapag nagkataon, malalaman din ng mga taga Costa Leona o ng mga
Riego ang nangyayari. Hindi ko alam kung bakit tingin ko, kapag nalaman ni Prince,
masisiwalat na agad iyon.

Minabuti kong itago na lang iyon. I told Cresia about that logic and she agrees
that I must keep that secret to myself. Wala rin siyang sinabihan noon at
mapagkakatiwalaan ko naman siya.

Christmas break is fast approaching. Nalulungkot ako dahil hindi man namin napag-
uusapan, alam kong hindi kami magkikita sa mga araw na iyon. Malaki rin ang
posibilidad na maging sa Enero at Pebrero, hindi rin kami magkikita. It's the
anniversary of what happened in Costa Leona. For sure the Riegos are doing
something those days. Maiintindihan ko rin kung abala si Raoul sa mga araw na iyon.

"Saan ka magpapasko?" I asked him once while we were eating on our usual private
dining hall in the hotel where he was staying.

"Siguro sa Manila," he said without looking at me.

Tumango ako at natahimik na. Ang susunod kong dapat tanungin ay ang tungkol sa
January at February pero hindi ko kayang sabihin.

"I won't be here for Christmas," he said like I don't know.

Natawa ako at tumango. "Alam ko naman. Uh, ititext na lang kita kapag may balita
tungkol kay Papa."

Tinitigan niya ako. I feel like his sharp and dark eyes knows so many things about
me. Pati ang mga bagay na hindi ko alam, alam niya.

"We'll text and call each other."

Tumango ako at huminga ng malalim. "S-Sagutin ko lang kung hindi ako abala sa mga
Ledesma."

Ilang sandali niya akong tinitigan bago siya hirap na tumango at nag-iwas ng tingin
sa akin.

Mas lalong lumamig ang hangin at dumalas na rin ang pag-ulan. Ang mga kulay at
palamuti sa pasko ay nagsilabasan na at naging mas masayahin ang lahat.

Sinuklay ko ang buhok ko habang nakatitig sa salamin ng tukador. Ganoon ba talaga?


Kapag masaya ang mga araw, parang lumilipad ang buhangin ng panahon?

Bakit ba kapag kasama ko siya, parang ang bilis ng lahat? The time we had for each
other is more than enough. Dapat, magpasalamat pa ako dahil nabigyan ulit ako ng
pagkakataong masilayan siya at magkaroon ng bagong alaala sa kanya kahit pa hindi
makakaligtaan ang mapait na nakaraan.

Iyon na lang dapat ang isipin ko. Ayaw ko nang isipin at sisihin ang bilis ng
panahon. I should just thank our God, who gave me luck, for that span of time. Sa
pagkakataong maipaliwanag ang aking sarili kay Raj at sa sayang hatid tuwing kasama
ko siya.

I should just appreciate what was given to me.

Isang katok ang narinig ko sa pintuan. Si Prince na iyon. Siguro ay nainip na sa


baba, kahihintay sa akin.

Binaba ko ang suklay at tumayo na. It's the New Year's eve. Gaya noong Christmas,
late din ang dinner namin para salubungin ang bagong taon.

Binuksan ko ang pintuan. Prince smiled at me.


"You're taking so much time again dressing up," he said.

"Sorry. Hindi ko namalayan ang oras."

Tumango siya at sumulyap sa aking kwarto. Sinarado ko na iyon at sabay na kaming


bumaba.

Maingay ang bahay. Narito kasi si Primrose at Arthur para bumisita. Sa hardin kami
kakain para maaliwalas at para na rin makarinig o makapanood ng mga fireworks, kung
meron man.

Lumiko kami ni Prince sa labasan patungo sa hardin. Hinawakan niya ang aking
baywang bilang pag-alalay sa akin pagkaliko. Nilingon kami ng apat na naghihintay
sa hapag.

"Andito na sila!" Primrose declared.

Nakita ko ang pagsulyap ni Tita Sally sa kamay ni Prince sa aking baywang. Ngumiti
si Tita at iminuwestra na sa amin ang upuan. Prince pulled the chair out for me.

"Thank you," I said.

Naupo na ako. Natahimik agad ang lamesa dahil sa pagdating namin. Umupo si Prince
sa tabi ko.

"Ang bilis talaga ng panahon!" Tita Sally said and she sipped on her wine.

Napatingin ako kay Tita na ngayon ay nakangiti na sa akin. I smiled at her, too.

"Dalagang-dalaga ka na talaga, hija."

"Oo nga, Mommy. I remember the first time Soleil went here. Ayaw mo pa nga siyang
patirahin dito, hindi po ba?"

Malungkot na bumaling si Tita Sally sa anak. "Well, that was because we were losing
so much that time, hija. Medyo stressed ako sa nangyayari."

"She's our lucky charm!" deklara naman ni Tito Ton.

I smiled at that. We started our dinner. Alam kong naisip lamang iyon ni Tita Sally
dahil sa mga ayos namin ngayon. Pormal kasi kaming lahat para sa dinner na ito.

"Isang taon na lang talaga, hija, gagraduate ka na!" si Tita Sally habang kumakain
kami.

Tipid akong ngumiti roon. "Oo nga po, e."

"Sa susunod na taon, sa Manila ka na!" dagdag naman ni Primrose.

Ngumiti ako. "Ayos lang naman ako rito."

"Right. She's fine here, Prim..." segunda ni Prince doon.

Ngumiwi si Primrose sa sinabi ng kapatid. "Naku! Paano iyon? E, nasa Manila ka


lagi? Uuwi ka na naman every week dito sa Iloilo?"

Umiling ako roon. "Ayos lang naman na hindi na umuwi si Prince dito everyweek.
Pwede namang katawagan na lang kung sakaling magkaproblema sa hotel o kung may mga
tanong ako."
Nagkatinginan kami ni Prince. Kunot ang kanyang noo sa aking sagot. Primrose
laughed at that. Tahimik naman si Arthur na nakinig sa pinag-uusapan.

"Bakit ba kasi ayaw mo talagang sa Manila si Soleil, anak?" si Tito Ton naman
ngayon ang nagtanong kay Prince.

Umirap si Primrose. "Ay naku! Siguradong ayaw niyan kasi ang daming lalaki roon,
lalo na sa larangan ng-"

"Prim!" pagalit na pigil ni Prince.

"Prim!" saway naman ni Tita Sally.

Nilingon ko si Prince. Totoo kaya iyon? Anong koneksyon ng mga lalaki?

"Ayos lang naman ako rito sa Iloilo. Kontento naman ako, 'tsaka, gusto ko rin dahil
makakabisita sina Ma'am Avila at Lola Brosing sa akin dito kumpara sa kung sa
Manila ako."

"But Prince will need your helping hand in Manila, hija. Ngayon pa lang sa
pagtulong mo kay Prim dito sa Iloilo, masasabi kong magaling kang humawak ng
negosyo. What more kung sa Manila ka at magkasama kayo ni Prince. Lalo na dahil may
balak kaming magtayo ng five star!" si Tita Sally.

"Sigurado naman akong papayag 'yang si Leil. Iyon lang ay kung papayag ba talaga si
Prince, Mommy," tukso naman ni Primrose ngayon.

Bumaling ang lahat kay Prince. Tinabi ni Prince ang mga kubyertos. Tinapos niya na
ang pagkain.

"I'm fine here, Prince," I assured him.

Tinitigan niya ako ng ilang sandali bago siya nagdesisyon.

"Ayos lang din siya sa Manila..." anito.

Tumawa si Primrose. Ngumisi naman si Tita Sally at makahulugan akong tiningnan.

"Natatakot lang 'yan baka maraming manligaw sa'yo roon. Marami na kayang nanliligaw
sa'yo rito!" si Primrose.

Umiling agad ako. "Wala pa sa isip ko ang ganyan, Prim. Wala pa akong balak mag b-
boyfriend..."

"Asus! It's fine, Leil. You are of age. Nakalimutan mo ata kung ilang taon ako
noong nagpakasal?"

"That's right!" si Tita Sally. "Besides, you don't have to worry. Kilala mo naman
si Prince noon pa. And you two are good friends so that's a good foundation-"

Umiling na agad ako sa sobrang gulat sa mga sinabi ni Tita Sally.

"Naku! Hindi po! Kaibigan lang ang tingin ko kay Prince. O kapatid!" natawa ako
roon. "Hindi po ganoon, Tita. Nakakahiya naman po."

Kita ko ang gulat sa itsura ni Tita Sally. Tumingin siya kay Prince. Tito Ton
sipped on his wine. Tumkhim naman si Arthur dahilan ng pagtingin ko sa kanya. He
smirked at me. Kunot-noo naman si Primrose na nakatingin sa akin.
Iniba ni Tito Ton ang usapan. For a moment, it was very awkward. Mabuti na lang at
nakisali naman si Arthur sa sunod na topic kaya natabunan na kaagad.

We had a toast after the count down for the new year. Picture taking na rin ang
nangyari at nagsindi ng mga sparklers. Ilang taon na namin iyong ginagawa at
palagi'y nagpapasalamat ako sa bagong buhay na ibinigay sa akin.

Despite the dark past, I have here a family and an over all good life. Swerte parin
ako. Hindi parin ako pinabayaan ng tadhana. Hindi parin ako kawawa kahit pa madilim
ang nakaraan.

Habang natutuwa ako sa pagtitig sa namumukadkad na sparkler, lumapit si Prince sa


akin with his wine glass. Ngumiti ako at ipinakita sa kanya ang ginagawa.

"You are going to Manila after your graduation," aniya.

Nagulat ako sa biglaan niyang desisyon.

"Huh?"

He looked at me like he's trying to decipher whatever I'm feeling. Binalik ko ang
tingin ko sa sparkler.

"Ayos lang talaga rito, Prince-"

"Sa bahay ka titira," he declared.

Nagtagis ang bagang ko. I've decided to work for the Ledesmas pero noon ko pa
kinlaro na kapag may sariling pera na ako, bubukod ako rito sa Iloilo. May mga
mauupahan namang hindi gaanong mahal. Kung sa Manila nga nila ako gustong dalhin,
ganoon parin ang desisyon ko.

"Prince..."

Binaba ko ang namatay na sparkler at hinarap na si Prince.

"Sobra sobra na ang binigay ninyo sa akin. Hindi ko masusuklian ito kapag patuloy
akong titira sa inyo. Gusto ko rin naman kasing tumayong mag-isa."

"Bakit mo pinipilit iyan kung pwede ka namang tumira sa bahay namin? Hindi ka na
gagastos pa at hindi ka naman iba sa amin kaya dapat lang na roon ka rin tumira."

"Prince, I know. Pero gusto ko lang talagang maging independent. Tutulong ako sa
kompanya ninyo pero ayaw kong umasa sa inyo para sa matutuluyan ko. Eventually, I
will need to stand on my own without the help of your family."

"You are our family, too, Leil! Insulto iyang ginagawa mo sa amin. Tinuring ka
naming pamilya pero ikaw, iba ang tingin mo sa amin."

Kinurot ang puso ko sa sinabi ni Prince. Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin
doon.

"Hindi naman ganoon, Prince. Ayaw ko lang na-"

"No! You want to do things alone because you don't really treat us as your own
family. I want you to go to Manila with me. And by with me, that means you are
going to live in our house and work in our company. Tutulong ka sa amin, hindi ba?
Bakit hindi ka na lang din tumira sa amin? You are just creating your excuses!"
giit niya.

Bago pa ako makapagsalita ay iniwan na ako ni Prince doon. Susundan ko sana siya
pero bago ko pa magawa, lumapit na si Tita Sally sa akin.

"May problema ba sa inyo ni Prince, hija?"

Nanatili ang tingin ko sa kay Prince na nagmamartsa na papasok sa bahay hanggang sa


nawala. Mapait akong bumaling kay Tita. Hindi ko talaga gusto na nag-aaway kami ni
Prince. Parang mabigat kasi sa pakiramdam.

She sighed when our eyes met. Hinagod ni Tita Sally ang aking likod.

"Alam mo hija, simula nang dumating ka sa bahay na ito, nagbago talaga ng husto si
Prince."

Hindi ako nagsalita. Nanatili ang mga mata ko kay Tita habang nagkukwento siya sa
magiliw na paraan.

"He used to be a typical bad boy. Siguro na rin dahil nasanay at medyo hindi namin
sinasaway. His grades were bad and his performance at school..." umiling si Tita
Sally para bigyan ng stress ang sinasabi. "When you came, and you two got along
pretty well, medyo gumanda ang grades niya at nakita mo naman siguro ang epekto ng
mga sinabi mo noon sa kanya, hindi ba?"

May iilang pagkakataon kasi na nag-aaway si Tito Ton at Prince tungkol sa mga
kabulastugan nito sa school. Madalas kasing mapaaway at masangkot sa kung anu-ano
pang gulo si Prince. Sa iritasyon at dismaya, nakakapagbitiw si Tito Ton ng
masasamang salita sa anak.

Ako lang ang kinakausap ni Prince tuwing ganoon. Primrose will make his mood worse.
Ayaw niya ring harapin si Tita Sally. Pero kapag ako, pinagbibigyan niya.

"Maswerte ka, Prince, suportado ka ng Mommy at Daddy mo. Dapat sinusuklian mo iyon
ng mabuting gawain para sumaya sila," that's always my line for him.

Hindi siya kumikibo. Minsan, iniisip kong gusto niya akong sumbatan pero hindi niya
naman ginagawa.

"You should treasure the things you have now," I said to him once after a big fight
with Tito Ton.

"Nagbago siya dahil sa'yo, hija. Seryoso rin siya ngayon sa negosyo dahil sa'yo.
He's very protective of you when it comes to boys and friends because he treasures
you so much..." paliwanag ni Tita Sally sa akin.

Ngumiti ako. "Alam ko naman po iyon, kaso hindi naman po pwedeng ganito palagi."

"I'm sure Prince won't mind if you stay this way always, hija."

Nagulat ako sa pangungumbinsi ni Tita.

"Gusto ko po kasing maging independent. Hindi ko po iyon mararamdaman kung palagi


akong nakasandal sa inyo. Tumatanda na po si Lola Brosing at Ma'am Avila. Gusto ko
pong-"

"Hija, magagawa mo namang suportahan sila kapag magkasama kayo ni Prince.


Maiintindihan ni Prince iyon. Tutulong pa siya sa'yo," ani Tita Sally.
Bigo akong napabuntong hininga.

"May isang taon pa naman. I'm sure you'll eventually decide on that, right?
Magbabago pa ang isip mo."

Prince resumed his casual treatment on me. Umalis na sila pa Maynila pagkatapos ng
Christmas break. The new year started. At tulad ng nakaraang bagong taon, it's all
gloomy days for me.

January was very slow. Lalo na tuwing naaalala ko ang bawat araw na nagdaan noon.
Ang simula ng paglalapit namin ni Raoul at ang unti-unting pagdating ng Pebrero.
The prom night was on February. That means his father's death anniversary will fall
on that same month. Naiintindihan ko ang hindi niya pagbalik sa mga buwang iyon.

"Nagbakasyon rito ang mga Riego para hindi masyadong depressed si Felicia, Leil,"
balita ni Ma'am Avila sa akin, palapit na ang Pebrero.

Nag-uusap at nagtitext kami ni Raoul araw-araw. He's busy sometimes but he has time
to text me. Minsan nga lang, nakatitig na ako halos buong araw sa cellphone ko,
kahihintay sa sagot niya.

"Ganyan talaga siguro! Hindi na uso sa kanya 'yong text nang text, Leil!" si Cresia
nang napanood ang pagtitig ko sa cellphone pagkatapos lang ng reply ko.

Tumango ako.

"He's a working man. He's busy. Hindi gaya nating mga estudyante pa at kung hindi
nag-aaral ay nakatitig sa cellphone! Speaking of, I wonder if my Prince Charming is
already working?" She smiled sweetly. "Mature na 'yon, e. Baka ka edad ni Raoul.
Bakit ba kasi nakalimutan mong magtanong?"

"Pasensya na. Laging nawawala sa isipan ko."

"Tsk! Anyway... I tried to date another guy. Two years older. Baka magustuhan ko
pero hindi parin, e. Nababaliw na talaga yata ako!" reklamo ni Cresia.

I turned to her. She's right. Raoul's busy with his work. I should stop obsessing
much about his replies.

"Malaman ko lang talaga ang pangalan noong lalaking iyon, ipapahanap ko na iyon.
Para makalimutan ko na siya!" she said in a frustrated tone.

"Huwag naman, Cres. Paano kung magustuhan ka noong lalaki? Masasaktan siya-"

She laughed so hard at my statement. Kumunot ang noo ko. Tinapik niya ang balikat
ko na tila ba napaka inosente ko sa lahat.

"Men that hot only wants one night stand, Leil. They're afraid of commitments kaya
sigurado akong sport iyon kung sakali."

Ngumuso ako at naisip ang sinabi niya. Men that hot, huh, only want one night
stands? Kung ganoon...

Hindi namin napag-uusapan ni Raoul ang tungkol sa nalalapit na death anniversary ng


Papa niya. Ayaw kong umabot kami roon. Pakiramdam ko ay tinatraydor niya ang
pamilya niya dahil nag-uusap kami. Minsan, iniisip ko na nagtitext kami para sa
impormasyon kay Papa kaya hindi tinatraydor ni Raj ang pamilya niya.

I am not sure which one is a better thought, though.


By the end of February, he told me that he's leaving for Manila para asikasuhin ang
negosyo. He still texts me every now and then. When he's free, mabilis ang reply
niya. Kapag hindi naman, halos wala akong matanggap.

"Hiniwalayan ko na! Naiinis ako, e. Hindi nagtitext kung gumagala!" deklara ng


isang kaibigan namin ni Cresia sa school.

Tahimik kong pinakinggan ang usapan nila.

"Ay naku! May ibang babae 'yan! Iyang mga lalaking ganyan, may ibang ka text 'yan!"
sulsol ng isa.

Nag-iwas ako ng tingin. Sumulyap ako sa aking cellphone na walang text. Kapag
umaga, ganito talaga. I understand, though. At hindi naman kami para itext niya ako
ng ganoon ka dalas. At abala rin siya.

Pinilig ko ang ulo ko sa mga iniisip. Bakit ko iniisip na posibleng maging kami!
Nag-iiba na talaga yata ang pananaw ko! Dapat hindi ganito! Mali ito!

"Hay naku! Napakatradisyunal n'yo kasi. You're all obsessive. Hayaan n'yo kung
hindi mag text. Mind your own business. Ang dami n'yong iniisip. Puro kayo mga
overthinker!" si Cresia naman ngayon.

Ngumiwi ang mga kabarkada niya sa kanya. Nagpatuloy ang usapan.

Days stretched and it's all dull for me. Nagbeso ako kay Cresia pagkatapos ng unang
araw ng final exams namin sa 2nd semester ng taong iyon.

"Buti na lang konti lang ang exams bukas!" ani Cresia.

Tumango ako at ngumiti.

"Labas kaya tayo after exam bukas?" aniya na binawi agad. "Kasi mahaba naman ang
exam the next day. Sige! Sa huling araw na lang ng exam natin?"

"Sige. Mabuti pa nga."

We parted ways like the usual. Dahil naroon na ang sasakyan nila, nauna na siya.
Palapit ako sa madalas na parking ng sasakyan namin, wala pa si Manong Roy. Kanina
ko pa iyon tinext pero baka papunta na. He's efficient kaya imposibleng ngayon,
nakaligtaan niya ang text ko.

I had a mini heart attack when I saw an SUV na katulad noong kay Raoul. Ganoon lagi
kahit saan simula noong umalis siya. Sa huli, malungkot na lang akong ngumingiti.

Nagpark iyon sa gilid ko kaya tumabi ako habang hinihintay si Manong Roy. The door
opened. Kahit na alam kong imposible na si Raoul iyon, sinulyapan ko parin iyon.
Nakasanayan ko na talaga kapag parehong SUV at parehong kulay ang nakikita ko.

My heart raced bad when I saw who it is. Namilog ang mga mata ko nangiti na ng
husto. His lips twisted at my reaction and his dark and sexy eyes sharpened a bit.

Hindi na ako nakapag-isip pa. Nabitiwan ko ang mga aklat na dala. Pati ang aking
bag para lang masalubong siya. My heart is overflowing with joy that I couldn't
stop myself. Pero agad din akong natauhan nang nakita ang gulat sa kanyang mga
mata. Nang nakalapit na ako ay tumigil ako sa pagtakbo. Hiningal ako pero hindi ko
na itinuloy ang pagyakap na gustong gawin.
Yumuko ako at unti-unting lumapit. Hindi ko mapigilan ang ngiti. Hindi ko rin
mapakalma ang sariling puso.

He crouched to find my eyes. He chuckled when I didn't let him. Tumigil ako sa
harapan niya. Ngumuso ako. Ramdam na ramdam ko ang init ng pisngi ko.

"You left your books and your bag," he pointed out.

Halos umusok ang tainga ko sa kahihiyan. Mas lalo akong yumuko. He chuckled. He
lifted my chin. Kunot noo ko siyang tiningnan pero agad ko ring iniwas, hindi ko
mapigilan ang pagtatampo. Lalo na nang nakita kong nakaangat ang gilid ng kanyang
labi. He's so amused. He finds this funny!

"Hindi k-ka nagsabi na p-pupunta ka... rito..." sabi ko.

"Were you surprised, then?" he said in an amused tone.

Yumuko akong muli. Nahihiya na umaming nagustuhan ko nga ang surpresa niya.

"I missed you," sabi ko nang hindi siya tinitingnan.

Hindi siya nagsalita. Ilang sandali pa ang lumipas, wala parin siyang sinabi.
Pagalit akong nag-angat ng tingin. Nang nakitang namumungay ang mga mata niya at
nakangiti ay hindi ko na napigilan ang sarili ko. Marahan kong hinampas ang matigas
niyang dibdib. Mabilis niyang nahuli ang mga kamay ko.

Binaba niya iyon pero hindi niya na binitiwan. He crouched, his eyes were menacing
and playful. Nakataas ang isang kilay niya at para akong nagliliyab sa kanyang
titig.

"I missed you more," he said.

Pilit kong tinago ang ngiti ko pero ang pamumula, hindi ko yata kayang pigilan. My
face heated so bad that I was sure it was bright red.

"Get in the driver's seat," he said.

"Ano namang gagawin ko diyan?" nakanguso kong tanong.

"We'll talk for a while. Pupulutin ko lang ang mga nahulog mong gamit."

Ngumiti ako at tumango. Sinunod ko na rin ang gusto niyang mangyari.

Kabanata 24
Kabanata 24

Assume

Nasa driver's seat na ako. Nilapag ni Raoul ang mga gamit ko sa aking kandungan. I
feel so small in his seat and the space in between it and the steering wheel.

Nakatayo lang si Raoul sa bukana ng pintuan sa driver's seat. The car door was
opened just enough for him.

"It's your exam week, right?" he asked.

Tumango ako. It's useless to ask about his days. Kahit na hindi kami buong araw
nagti-text, wala namang palya iyon. Sa gabi, nakakareceive naman ako ng text galing
sa kanya, nagtatanong kung kumusta ang araw ko. Ganoon din ang ginagawa ko sa
kanya. Sometimes, he'd call to hear about my day.

Iyon nga lang, hindi sapat sa akin iyon. I want his presence everyday. Ngayon ko
lang natanto ang kaibahan ng presensya niya sa pag-uusap lamang namin sa cellphone.

"Did you study for your exams tomorrow?" he asked.

"Medyo. Magbabasa rin ako mamaya..."

"Hmm..." His lips protruded sexily. I can't take my eyes off it. "The reason why
I'd rather talk to you here than we go somewhere else. Baka matagalan tayo kapag
lumabas pa tayo."

I nodded. Ako, ayos lang sa akin basta ang mahalaga ay nagkita kaming dalawa. I'm
fine with anything.

"How was your exams, then?"

"Fine..." simple kong nasabi.

Simula noong nalaman ko na may MBA siya, pinagbubutihan ko pa lalo. I want to be


better in it. Ayokong mapahiya sa kanya. Magaling siya at achiever tapos ako, wala
lang. Kailangan ko pang pabutihin ang pag-aaral ko. Maganda naman ang grades ko,
may puruhang magkalatin honors pero kailangan lang i maintain.

"That's good..." aniya at lumipat sa backseat.

Sinundan ko siya ng tingin. May kinuha siyang isang pulang box na may ribbon doon.
I smiled when he gave me that.

"Ano 'to?" maligaya kong tanong kahit na alam kong regalo iyon.

"Open it."

I opened the red box almost frantically because of excitement. Napangiti ako nang
nakita ang sandamakmak na iba-ibang chocolates doon. Tingin ko hindi ko mauubos
iyon ng isang araw na kainan sa dami noon.

"You like sweets, right?" he said.

I smiled widely at tumango na rin. "Thank you!"

He sighed. Nanatili ang mga mata ko sa iba't-ibang klase ng tsokolate. Nakakain na


ako noong iba pero mas marami ang hindi. Halos lahat imported at malalaki.
Nangingiti parin akong pinagmamasdan ang mga iyon.

I saw a red box in the middle of it all. Maligaya kong binuksan iyon at nakita sa
gitna ang nakapatong na kulay pink at gintong bangle. Kinuha iyon ni Raoul at
marahang sinuot sa aking palapulsuhan. It was a bit hard to wear. Kailangan pa ng
screw bago masarado at maisuot ng mabuti.

I was all smiles when saw it shined on my wrist. The small pink gemstones glittered
more nang tumama ang panghapong araw.

"Thank you!" sabi ko ulit.

Naisip ko tuloy na matagal pa naman ang birthday ko. Pero baka naman regalo niya
ito sa pasko? Nahihiya tuloy ako kasi hindi ko naisip magbigay sa kanya sa pasko. O
kahit sa birthday niya. Uminit ang pisngi ko. Sa linggo ng birthday niya simula
noong bata pa ako hanggang sa taong iyon, iniisip ko lagi kung ano maaari ang
maibibigay ko na wala pa sa kanya. Lagi akong bigo. Pakiramdam ko wala akong kayang
ibigay na wala pa sa kanya.

Tinitigan ko ng husto ang manipis na bracelet sa aking palapulsuhan. It's very


simple but elegant at the same time. Naalala ko noon na pinakainingatan ko ang
bigay niyang give away sa birthday ng Mama niya.

"Anong oras matatapos ang huling exam mo bukas? I'll wait for you, too."

Napabaling ako sa kanya sa gulat. Nagbalik siya pero hindi ko inasahan ang
pananatili niya. Alam ko kasi may bagong pabrika ang Riegosteel at siya ang
namamahala roon. Mas madalas siya sa Costa Leona at sa bagong site noong pabrika sa
Luzon.

"M-Magtatagal ka ulit dito?" tanong ko.

Huli ko nang natanto na pagkatapos ng exams ay bakasyon na. Vacation means not
leaving the Ledesma's house. Vacation means Prince will be home. I can't see him
during the summer.

Ibang-iba na talaga sa nangyayari noon. Kung noon, excited akong mag summer dahil
magkikita kami. Ngayon, baka buong summer, hindi.

"Hmm. No. Hanggang bukas lang ako."

"Oh!" hindi nakatakas sa tono ko ang pagkabigo.

Inasahan ko iyon pero hindi ganoon ka bilis. Tumitis si Raoul sa akin, nanunukat sa
reaksyon ko. I smiled to hide my dismay.

"I'm sorry. I will still call you everyday."

"Ayos lang. Malapit na rin namang matapos ang semester. Buong araw na ako lagi sa
bahay kapag nag summer na."

His adam's apple moved, telling me that he swallowed hard.

"Will the boy Ledesma be at home, then?" he asked.

Boy Ledesma? Kahit na ganoon ang sinabi niya, alam ko kaagad kung sino ang ibig
niyang sabihin.

"Hmm. Baka madalas. Kung hindi busy sa hotel."

He nodded slowly at the information. "I will be abroad for weeks. After that,
aasikasuhin ko ang branch sa Luzon. We will call and text everyday, okay?"

I smiled and nodded. Ngayon pa lang, nangungulila na ako sa kanya. Kakain na lang
ako ng chocolate kapag nami-miss ko siya. Kaso, kung araw-araw ko siyang mami-miss,
baka maubos ko agad ang lahat ng ito?

Hindi kami friends sa Facebook. I abandoned the Facebook I had back in Costa Leona
at gumawa ako ng bago. Naiintindihan ko kung bakit hindi namin napag-uusapan iyon.
Baka friends niya roon ang mga pinsan. Anong sasabihin ng mga iyon kapag nakitang
naroon ako sa Facebook niya.

Kahit na ganun, hindi ko na hinihingi pa iyon. I'm content with his texts and
calls. I'm fine that we're communicating that way.

Inangat niya ang kaliwang paa at inapakan ang sahig ng sasakyan. Hinawakan din ng
kaliwang kamay niya ang manibela. Tinitigan ko iyon at nagawa na ring hawakan ang
kabila gamit ang kanang kamay.

This is his car. Iginala ko ang mga mata ko sa buong lugar. Sa maliit na detalyeng
iyon muli kong naramdaman ang layo at agwat naming dalawa. He really has his own
life. A life that doesn't include me even when we're seeing each other like this.
Hindi mapait ang kaisipang iyon, imbes, mas lalo akong humanga.

I wonder how his admirers view him? Gaya ko rin ba sila? Na ang tingin sa kanya'y
ibang-iba. Na tila siya nakatanaw sa ibang direksyon kaya hindi niya makita ang
nararamdaman ko para sa kanya. Not that I want him to see or know what I feel for
him. I'm just wondering.

"Saan abroad?" I asked.

"In Hong Kong and Singapore," aniya nakatitig parin sa akin.

Ngumiti ako. "Maganda ba roon?"

Umangat ang sulok ng kanyang labi. "Do you want to go there?"

Uminit ang pisngi ko at agad umiling. Gusto ko pero hindi ako papayagan. At lalong
alam ko na hindi pwede sa kanya.

He chuckled at my reaction.

"You've never been to Manila, right?"

"Hindi pa."

"Iloilo pa lang talaga ang napuntahan mo?" he asked.

Tumango ulit ako at ngumiti.

"Don't worry..." he said carressing some strands of my unruled hair. "We'll have
time to travel."

"Ayos lang naman ako rito sa Iloilo," sabi ko nang 'di siya tinitingnan.

Our conversation about travel went on and on. Inalam niya ang mga lugar na gusto
kong puntahan. I shared to him some of my secret thoughts. Iyong mga bagay na kahit
kay Cresia, hindi ko nasabi. I'm surprised that I can tell him some of my secrets
that fast.

Noong dumating si Manong Roy, hindi na ako nag-abalang magtago. Sa ilang beses
kaming nahuli ni Raj, hindi ito kailanman nagtanong kung sino ang kasama ko at iba
pa. Hindi rin ako kailanman nabuking kay Prince o sa kahit na sinong Ledesma.

I secretly thank Manong Roy for that. Preparado naman akong mabuking noong una
kaming lumabas ni Raoul. Pero inisip ko na hindi kami magtatagal sa pagkikita gaya
ngayon kapag nabuking nga ako noon pa. So I'd rather keep a secret and continue to
see him that be honest and not see him at all.

Matagal na akong nacha-challenge na pagbutihan ang pag-aaral. Ganoon ang ginagawa


ko. Pero sa araw na iyon, nakita at nakausap ko si Raoul kaya mas lalo lang akong
nabuhayan ng loob. I studied the whole night with a little bit of texts from Raoul.
Ako:

Tapos ka nang mag dinner?

Raoul:

Yes. I'm trying out their gym here.

Gym? Nag ji-gym siya? Well, I imagine his body that well cut, lean, and dark,
because he's athletic and vigorous. Alam kong magaling siya sa MMA, undefeated pa
nga. Hindi lang iyon, may iilang sport din siyang sinalihan.

Ako:

You gym in Manila?

Ewan ko ba kung bakit naiisip ko ang ilang palabas na nagfifeature ng iilang


karakter na nagji-gym? With girls and boys in the same place. Sexy and sweating.
Kung ako ang naroon, baka hindi na ako makapag exercise katititig kay Raoul.

I pouted when I realized that maybe some girls do that? Ano kayang ginagawa niya
kapag ganoon? Will he stare at those girls, too?

He did not reply and I can't stop thinking about it so I had to text.

Ako:

Mag-isa ka ba o may ibang nag g-gym? Girls and boys?

He replied after a few minutes.

Raoul:

I don't gym much. I do MMA.

Raoul:

Both. Why?

Aha! Ganoon nga, hindi ba? Pumangalumbaba ako at tinusok ang lapis sa nakabun na
buhok. I can imagine the girls watching Raj shamelessly. I can imagine him smirking
at them.

Ako:

Nothing :)

Bumaling na ako sa mga aklat ko kahit na medyo lumilipad parin ang imahinasyon sa
mga ginagawa ni Raoul sa gym ng hotel na iyon.

Raoul:

Just another two sets of push ups and I'll go back to my suite, okay? Are you
studying?

Hindi ko alam kung paano niya talaga ako napapaginhawa ng ganoon. I smirked at his
first sentence. Muli ko iyong binasa. Tatlong beses para maintidihan kong mabuti.
Tapos na siya! Babalik na siya sa room niya!
Ako:

Yup. I'll just text you later, then?

Raoul:

You should.

So the next day, maganda ang disposisyon ko pag pasok sa school at pagtake ng
exams. We were a bit serious about it, too. Even Cresia is memorizing things kaya
inaalalayan ko na lang siya. Hindi ko na muna sinabi na nandyan si Raj. Baka kasi
si Prince Charming na naman ang maging laman ng utak niya kapag binanggit ko pa.

Habang tumatanda ang araw, nagiging mas excited ako. I feel like I'm an inch closer
to seeing Raoul. Nagpasya akong huwag sabihin kay Cresia na nariyan ito para tuloy-
tuloy ang study niya.

Papunta kami ng parking lot, bukambibig niya parin ang tungkol sa pag-aaral para sa
exam bukas. Ang utak ko naman ay pinaghaharian ng antisipasyon sa pagkikita namin
ngayon. Though it's going to be the last day we'll see each other bago siya umalis,
ayos lang. Masaya parin ako.

"Labas tayo pagkatapos ng exams, huh? Na sstress na ako!" si Cresia.

"Okay."

She then waved at me goodbye. Hinintay ko siyang makaalis bago nagpatuloy sa


paglalakad patungo sa madalas na parking space ng sasakyan ni Raoul. Inayos ko ang
suot na bracelet, ang buhok, at ang damit. Palapit na ako nang nakita na imbes ang
kanyang SUV ang naroon, isang ibang pamilyar na sasakyan ang nakita ko.

Natigilan ako at mabilis na ginala ang mga mata sa paligid. Mabilis lang ang
pagmamasid ko dahil lumabas agad si Prince sa driver's seat. Nakalahad ang kanyang
mga braso, bukas para sa yakap.

"Suprise!" he said gently.

Bahaw na ngiti ang naibigay ko sa kanya. Hindi ako agad nakagalaw kaya siya na
mismo ang lumapit. Hindi naman sa hindi ako masaya na narito siya. Hindi ko lang
inasahan na makita siya rito.

Bumangon ang kaba sa akin. What if Raoul suddenly comes? Paano kung makita siya ni
Prince?

"You're so shocked," Prince said playfully.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Hindi ako nakagalaw sa sobrang gulat.

"N-Nakauwi ka?" gulantang kong tanong pagkalas ng yakap niya.

He kissed my right and left cheeks. Hinayaan ko iyon, gaya ng dati. He smirked.
Nanatili kasing gulat ang ekspresyon ko.

"You missed me so much, huh?" he said and stole a quick smack on my lips.

"Prince!" iritado kong sigaw sa ginawa niya.

He licked his lower lip. Kunot-noo niya akong tinitigan.


"Hindi ba nagkasundo na tayo sa bagay na ito? Sinabi ko naman sa'yo na hindi nga
ako komportable sa ganoon!" Hindi ko na napigilan ang pagsasalita.

"Come on, it's just a friendly kiss... Sign of welcome, Leil."

Umiling ako at nilagpasan siya. Aalis sana ako. Lalo na dahil nag-alab ang galit ko
sa ginawa niya pero hinila niya ako pabalik. Hinila niya ako patungo sa pintuan ng
sasakyan.

"Come on, Soleil! Umuwi na nga lang tayo! Akala ko masisiyahan ka na sinorpresa
kita!"

He opened the door for me. Tinitigan ko siya habang nakatayo roon. I reflected on
my sudden angry outburst. Alam ko na bukod sa ayaw ko talaga sa ginawa niya, medyo
nairita rin ako dahil hindi ito ang ineexpect ko na mangyari.

"Masaya ako na narito ka, Prince. Pero sana naman naisip mong irespeto ang sinabi
ko sa'yo noon. Sinabi ko na na ayaw ko ng ganoon, 'di ba?"

"I said it's a friendly kiss, Leil. Ikaw lang naman ang nagbibigay ng malisya sa
mga halik ko sa'yo, e!" giit niya.

"Kahit na! Friendly kiss man 'yan o ano. Ayaw ko na hinahalikan ako ng ganoon,
Prince. Ano man ang dahilan!"

He opened the car door wider. Napabaling ako roon.

"Fine! I'm sorry! Now will you get in so we can go home?" he said.

Ilang sandali ko pang pinilit ang sarili kong pumasok. Pagkapasok, agad kong inayos
ang seatbelts ko. Nagpupuyos ang aking damdamin habang iniisip ang nangyari at
dinarama ang kabiguan sa araw na iyon.

Umuwi kami ng maagad. We didn't talk much in the car pero pagkadating sa bahay ay
nagsimula na siyang magsalita.

"Mag meryenda muna tayo. Mamaya ka na magbihis," aniya.

"Magbibihis lang ako saglit, Prince. Bababa rin ako..." sabi ko.

"Leil, come on! You are being difficult."

Nag-angat ako ng tingin kay Prince. Wala talaga ako sa tamang mood. I don't even
want to eat with him but as a sign of respect, I should.

"Saglit lang ako. Bababa rin ako," tanging nasabi ko at mabilis nang umakyat sa
hagdanan para makapunta ng kwarto.

Nagmamadali akong maligo at magbihis. In between what I was doing, I texted Raoul
to check if he knew I'm not in school anymore.

Ako:

Nakauwi na ako. Biglang dumating si Prince. I'm sorry.

Raoul:

Yeah. I saw you two.


Oh!

Magrereply pa sana ako pero kinatok na ako ng kasambahay. Sa pagpapanic ay hindi ko


na nagawa. Lumabas na agad ako para makababa na at makaharap si Prince.

Naubos ang mga sumunod na minuto sa pag-eexplain ko sa kanya na ayaw ko nga sa


ganoon. Ilang beses niyang iginiit na ako lang ang nagbibigay ng malisya roon.

I lost focus. Hindi kami magkasundo ni Prince at gusto ko nang sumuko sa pag-
eexplain ko. In the end, he said sorry. Nagpaalam na rin ako para makapagstudy na
kahit na alam kong mahihirapan akong ibalik ang focus ko.

"Hindi muna ako aalis ng Manila. I'll stay here," he said bago ako pinakawalan para
makapag-aral na ako sa kwarto.

Bago ako nagsimulang mag-aral, I texted Raoul.

Ako:

Naroon ka sa school kanina? Sorry. Hindi ko talaga inasahan.

Raoul:

It's okay. You should study for your exams tomorrow. I'll board the plane in a
while.

Ako:

Okay. Take care.

Ilang beses kong sinubukang magfocus pero hindi matanggal sa isipan ko ang nangyari
sa school. Nakita kami ni Raoul. Does that mean he saw Prince's kiss, too? Wala
iyong malisya. Gusto kong mag explain kay Raoul. Lalo na dahil alam ko, noon pa
man, malaking bagay sa kanya ang mga halik.

But he didn't ask me about it. Hindi niya rin sinabi na nakita niya iyon. Kaya ayos
lang naman siguro, hindi ba? This should be okay. He probably did not see it.
Ganunman, patuloy ko paring ipapaliwanag kay Prince na ayaw ko nga sa ganoon. Hindi
man kita ni Raoul ang nangyari.

"Ayos ka lang ba?" Cresia asked.

Tapos na ang huling exam namin sa semester na iyon. Gaya ng gusto ni Cresia noong
nakaraan, pagkatapos sa school pumunta na kami sa malapit na mall upang makagala at
makakain. Kanina pa siya nag kukwento tungkol sa exam. I did well, I think.

"Ayos lang naman," sagot ko.

Umalis si Prince kahapon. Bumalik siya ng Manila. Pero sa katapusan ay babalik


siya. Magpapalit sila ni Primrose. He's going to manage the Iloilo Branch so he can
be with me on April and May. Gusto naman iyon ni Prim dahil sasamantalahin niyon
ang pagkakataon na makapamasyal sa Manila sa summer. Ganoon naman lagi ang
nangyayari.

Naupo kami ni Cresia sa mismong restaurant kung saan ko ikinwento sa kanya ang
nangyari simula pa noon. I tapped the usual centerpiece of the restaurant's square
table. Hindi umani ng bilis ang nahuhulog na buhangin dahil sa pitik ko.
"May problema ba kayo ng boyfriend mo?" she asked, smirking.

Nagkatinginan kaming dalawa. Hindi ko na kailangang tanungin kung sino ang


tinutukoy niya. Alam kong si Raoul iyon. She would never claim Prince as my
boyfriend.

"Hindi ko boyfriend 'yon," sabay ilag ko ng tingin sa kanya.

"Hmm. Pero gusto mo?" she said with so much playfulness.

I sighed. "Imposible 'yon."

"Pero gusto mo nga?" ulit niya.

Nagkatinginan kaming dalawa. She sighed heavily at that.

"Bakit? Miss na miss mo na?"

Ikinwento ko sa kanya na nagkita kami ni Raoul noong nakaraan. Sinabi ko rin ang
paraan ng huling pagkikita namin. Na si Prince ang sumundo sa akin at si Raoul ay
nasa paligid lang, nakatingin.

"Nagtitext pa ba?"

"Oo. Kapag hindi siya busy..."

"Hmmm..." Nag-isip si Cresia.

Nag-antay ako sa mahihinuha niya. I kind of believe in her opinions. Lalo na dahil
tingin ko, ang ibang opinyon niya ay nagkakatotoo.

"E 'di ayos lang pala? Hindi ba siya cold sa texts n'yo?"

"Ewan ko..." tanging nasabi ko.

"Text mo nga kung kilala niya ba 'yong nakaitim na lalaki noong high school pa lang
tayo?" pasaring niya.

I narrowed my eyes at that. She grinned.

"Kidding! Well, we only have two options..."

Nagtawag si Cresia ng waiter. Sinabi niya ang order niya, ganoon din ako. Pagkaalis
noong waiter, 'tsaka siya nagpatuloy.

"This is either he's fine with it because he's very liberated. Or! He's jealous but
he's too mature to show it!"

Bahagya akong natawa sa sinabi ni Cresia. Madaling pagdesisyunan iyon.

"Siguro ang nauna," sabi ko.

"Bakit?"

"Bakit naman siya magseselos, 'di ba?"

Umikot muli ang mga mata niya. "I don't know if your humble, unassuming, naive, or
all of the above, Leil. Ano nga ulit ang nasa loob ng regalo niya?"
"Chocolates at bracelet..." sabi ko, medyo bigo dahil sa mga sinabi ni Cresia sa
akin.

Hindi ko alam kung masama ba ang inisa-isa niyang mga katangian ko. She's always
brutally honest. Ilang beses ko nang narinig sa kanya ang mga katangiang iyon
bilang description sa akin. I wonder if she ever wants me to be the exact opposite
of those? Assuming and all?

"Bracelet?" tumaas ang kilay ni Cresia.

Ipinakita ko sa kanya ang aking palapulsuhan. Kitang-kita ko ang pagkakagulat sa


kanyang mga mata. Hinawakan niya ang aking palapulsuhan at tinitigang mabuti ang
kulay pink na bracelet at mga dyamante roon.

Isang beses siyang nag-angat ng tingin sa akin bago binalik ulit sa aking bracelet.
She gently put my hand down. Pinuno niya ng hangin ang kanyang baga bago nag
deklara.

"He's jealous," sigurado niyang nasabi.

"Bakit naman? Nakita niya kaya-"

"Text him later!" aniya.

"Nagtitext naman talaga kami-"

"Send him a picture!"

"Huh?" Uminit ang pisngi ko nang naisip agad ang sinabi ni Cresia.

"Send him a picture!" ulit niya, ngayon mas natataranta.

"Anong picture?" tanong ko.

She smirked at my question. Kinabahan naman ako roon. Kapag ganito siya tingin ko
may masama siyang binabalak. Pero wala naman akong mapagtanungan kaya wala rin
akong magagawa kundi ang maniwala sa gusto niyang gawin ko.

So I laid on my bed wearing my usual clothes. Minsan, tinitext ako ni Raoul


eksaktong alas singko hanggang gabi. Kapag abala siya, gabi na kapag nagtitext
kami. His texts were the usual but sometimes I feel like he's a bit cold. O baka
naman bothered lang talaga ako dahil sa huling pagkikita namin?

Raoul:

I'm done with work. How's your day?

Ngumiti ako at nagtext na gaya ng utos ni Cresia sa akin.

Ang sabi kasi ni Cresia, ganoon daw ang ireply ko sa text niya, lagyan ko rin ng
picture.

Ako:

Fine. I was just waiting for your text.

Kumuha ako ng picture habang nakahiga sa kama. Nakakahiya man dahil wala akong make
up at nagkalat ang buhok ko sa unan, ginawa ko parin.
Pagkatapos kong masend lahat ng iyon ay ibinaon ko na ang mukha ko sa unan dahil sa
kahihiyan. Huli na nang naisip kong pwede ko namang hindi sundin si Cresia sa mga
kalokohan niya, e! Kaso dalawang buwan higit kaming ganito ang turingan kung
sakaling ganoon nga? I can't stand it! I want to know if he's seen the kiss. I want
to know his opinion of it!

I saw the dots icon telling me that he's preparing for a reply. Ilang minuto pa at
hindi parin nagkakaroon ng reply hanggang sa nawala na iyong mga dots na icon. Muli
akong pumikit ng mariin. Sinipa sipa ko ang kumot sa sobrang kahihiyan.

Kaya naman nang tumunog ang cellphone ko, hindi ko na mahabol ang hininga ko. Pilit
kong kinalma ang sarili ko. Tumihaya ako pero para akong nalulunod kaya umahon ako
at naupo sa kama para masagot ang tawag.

"Hello..."

He didn't say anything. Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagsasalita. Nang
naramdaman ang gigil sa pagsasalita ay pilit ko nang sinarado ang labi gamit ang
mga daliri.

"Done with all of your exams?" he asked.

"Oo," tanging sagot ko.

I heard him groan in his deep baritone. Pumikit ako ng mariin. Ibang klase ang
sayang nararamdaman ko.

"All of it?" he asked again.

"Oo. Bakit?"

"Good." He sighed, still cold.

Ngumuso ako. Parang may pumipiga sa puso ko sa sobrang sarap ng sakit. Hindi ko
alam kung bakit ganito.

"Nasa opisina ka p-pa?" I shifted our topic.

"Uh-hmmm... I won't go home yet until we're done talking about something."

"Ano?"

He sighed again. I can imagine him sitting on his swivel chair. Hindi ko naman
naisip na attractive iyon noon. Ilang beses kong nakitang ganoon si Prince sa
opisina niya pero ngayong si Raj na...

"You let the boy Ledesma kiss you?"

Natutop ko ang namimilog kong labi sa tanong niya. After days... really?

"Nag protesta naman ako. Ayaw ko sa ganoon-"

"Was that the first time?" his voice was very stern.

"Hindi pero lagi ko naman siyang pinipigilan. Nag-away nga kami, e."

Hindi siya nagsalita. Kinabahan tuloy ako.

"Ayaw ko ng ganoon, Raj. Hindi pa ako handa sa mga ganoon. Hindi ko rin siya gusto
ng higit pa sa kapatid o kaibigan. Nagulat lang ako nun. Pati sa una. Sa pangalawa,
umilag ako kaya hindi niya ako nahalikan."

Hindi parin siya nagsalita.

"G-Galit ka ba?" marahan kong sinabi.

"I know you know what to do whenever you're uncomfortable with something, right?"
mariin niyang sinabi.

"Of course," bigo kong sinabi. "Kaya nga sabi ko na pinagsabihan ko naman siya, 'di
ba?"

"Okay. I'm glad you know how to handle that," matigas parin ang boses niya.

Ngumuso ako. Bigo parin dahil sa tono niya. Galit parin yata siya.

"Hmm. Do you send him your pictures when you text him?" he asked.

"Hindi." Uminit ang pisngi ko. Pati ang batok ko. Hindi ko alam kung bakit. "We
don't text."

"Is he your first kiss on the lips?" he asked, ngayon mas mahinahon na.

"O..." simple kong nasabi.

"Okay."

"Galit ka b-ba?" tanong ko ulit.

"Oo," simple niyang sinabi.

Parang dinurog ang puso ko sa sagot niya. At hindi ko alam saan nanggaling ang
kasiyahan. Hindi ko alam kung para saan iyon.

"Ilang araw ka nang galit sa akin, kung g-ganoon?"

"Since the day I saw you kiss that boy."

"B-Bakit ngayon lang tayo nag-usap?" I bit my lower lip.

"I don't want to disturb you. You have your exams."

Napangiwi ako sa sakit at saya na naghalo. Marahan akong pumikit at dinama ang
pagwawala ng aking puso. I really like him. I'm really in love with him. Will I
ever find someone I can love more than him? I guess, I won't. Siya lang talaga yata
ang mamahalin ko ng ganito ka tindi. Siya lang talaga.

We sometimes go back to that topic. Tuwing ganoon, I assure him that I know what
I'm going to do.

Noong bumalik si Prince galing Manila para magbakasyon, I was so proud that I only
hugged him and that's all. Hindi ko na siya binigyan ng pagkakataong mahalikan ako
kahit sa pisngi. Pagkatapos kong yakapin si Prince, dumistansya na ako at ngumiti.

Kunot-noong nakatingin lamang si Prince sa akin noon pero hindi na rin siya
nagreklamo. Naintindihan naman niya ang gusto kong iparating.

My summer was very boring. Niyaya ako ni Prince na pumuntang Boracay pero tumanggi
ako. Lalo na dahil ang libreng mga araw niya ay siyang mga araw ng pagbisita ng mga
Avila sa akin. Isang linggo sina Lola Brosing at Ma'am Avila rito sa Iloilo. At
hindi gaya noon, medyo maalam na ako sa mga pasyalan kaya nagagawa ko silang
ipasyal dalawa, though with Manong Roy as our driver.

Hindi ko na rin sinabi pa kay Ma'am Avila at Lola Brosing ang tungkol kay Raoul.
Tutal, alam naman nila na dahil iyon sa paghahanap kay Papa.

There was no signs of my father, too. Inisip kong baka sobra-sobra nga ang
pagtatago nila. Sa dami ng koneksyon ng mga Riego, I'm sure he's having a hard time
hiding even when he's alone and in the middle of some mountains.

Mayo sa taong iyon nang nagpaalam si Raoul na aalis abroad. He will be gone for
weeks or months depending on his schedule. It's fine with me. Not that he needs my
opinion. Pareho lang naman iyon dahil nakakapag text naman kami sa ibang paraan.

Pasukan nang nakawala muli ako kay Prince. He's back in Manila and I'm ready for my
last year in college. Hindi ko man kasama si Raoul, naging mabilis ang oras. Siguro
dahil masaya at kontento ako sa bawat araw.

Kahit pa noong nasa abroad siya, madalas hindi kami nakakapag text ng maayos dahil
iba ang oras niya roon. Minsan, gumigising pa siya ng madaling araw para lang
makapagreply ng maayos sa akin. Though, when he replies in the morning, I cannot
properly text him, too, because I have school.

"Hay naku! Nakakalungkot lang talaga isipin na inakala kong magugustuhan ko na ang
isang iyon. Hindi parin pala. He's three years older, you know. A bit mature but
then eventually he sucked!" si Cresia habang pinupulot ang isang magazine sa rack
ng isang spa.

After our midterms, she promised to take me to the spa. Hindi ko ugali iyon pero
dahil maimpluwensya siya sa akin, minsan nagagawin na rin ako. I pay for some of
the services I would like to avail but for extras like this, siya na raw at
ililibre niya ako. Ayaw kong manamantala kaya madalas tinatanggihan ko. Nagkasundo
lang kami noon kaya napapayag niya ako ngayon.

It's her mani-pedi session. Nakapikit ako habang nakikinig sa mga sinasabi ni
Cresia tungkol sa dinate niya noong nakaraan.

"Huwag mo na lang pilitin ang sarili mo."

"Hindi ko pinipilit ang sarili ko, Leil. I liked him. Seriously. And then suddenly,
nawala na parang bula! Will I ever find someone who can make me feel content? Hay!"

Marahas niyang binabago ang pahina ng magazine na binabasa. Narinig ko ang biglang
katahimikan sa kanya.

"Nasa Manila na si Raoul?" she asked, suddenly.

"Hmm. Oo. Dalawang Linggo na ata. Bakit?"

Napadilat ako roon. Bumaling ako sa kanya na ngayon ay titig na titig sa isang
makapal na lifestyle magazine. Nakita ko kaagad ang picture ng isang pamilyar na
katawan ng isang lalaki. With him was a tall girl in a flesh colored long bejeweled
gown.

Nanuyo ang lalamunan ko.

"Ano 'yan?" tanong ko sabay hawak sa magazine na binabasa ni Cresia.


She looked stunned. I swear I've never seen Cresia look a bit fearful. Lalo lang
akong nakuryoso noong bahagya niyang inilayo ang magazine sa akin.

"These are rumors, for sure! Magazines like these are misleading. Alam ko dahil
madalas kaming biktima ng pamilya ko sa ganito..."

Kabado na ako. Bakit? Anong naroon? Hindi ko alam kung saan ko nakuha ang tapang at
lakas para kunin ang magazine kay Cresia at tingnan kung anong meron.

Raoul Riego is seen with a woman in an exclusive elite party in Manila. This woman
is from an elite family. Kilala ko rin ang babaeng ito. She appears in some ads and
she's a beauty queen.

Hindi ko alam kung paano nangyari ang unti-unting pagsakit ng puso ko habang
tinititigan ang dalawa. Maliit lang ang tungkol sa kanila ngunit ang picture ay
halos kalahati ng pahina sa magazine.

According to rumors, the elite bachelor and the beauty queen model are dating.

Marahan akong bumuntong hininga, medyo kabaliktaran sa nararamdamang pagkakapunit


ng puso.

"Rumors lang naman 'yan, e. Ayos lang 'yan, Leil. Huwag kang maniwala."

Binalik ko kay Cresia ang magazine. Nanuyo ang lalamunan ko.

The image of him kissing a girl inside the barn house is now different in my mind.
Iyong dating halos hindi ko na maalalang mukha ng babae ay napalitan na ngayon ng
babaeng ka date niya sa social function na iyon. The image of him waiting for his
bride on the aisle is now also different. May mukha na ang bride at iyon 'yon.

"A-Ayos lang, Cres..." sabi ko nang nakita ang pagpapanic sa mukha ng kaibigan.
"Alam ko naman na hindi ako."

"Come on, Leil! You text each other and he-"

"Gusto niya lang mahanap si Papa kaya kami nagtitext!" mas kinukumbinsi ko ang
sarili ko kesa sa kanya.

"These are just rumors, okay? Ang mabuti pa tanungin mo siya," mas mahinahon at
kalmadong boses ni Cresia ngayon.

I can sense her pure concern for me. Nararamdaman ko rin na medyo kinabahan siya at
pinipilit niya lang magpakatatag para sa akin. I smiled at her.

"Hindi na kailangan. Ayokong manghimasok sa buhay niya. Alam ko naman na


naghihintay lang siya sa balita kay Papa, Cres."

"You are just trying to be unassuming! Come on!" ulit niya.

Umiling ako. "Wala naman kasi akong dapat i-assume."

I smiled at her to assure her. Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata.
Nag-iwas ako ng tingin at tiningnan ang pinipinturang mga kuko.

Ang mga babaeng ganoon ay marangya ang kinagisnang buhay. Hindi kailanman nadapuan
ng mga lamok noong bata pa sila habang ako'y naglalaro sa gitna ng putikan. Raoul
deserves women like that. The ones who were showered with luck from the very
beginning. The ones who were born amidst the gentleness and pleasantness of the
world. Like a princess in a castle, trained only to be elegant and proper.

He deserves women like that.

I like him. I love him that I would bleed. But I know exactly that I am not for
him. I know that I don't deserve him.

Masakit. Inalis na ng panahon ang purong paghanga ko noon. I cannot be happy for
him but I sure can let him go. Not that I can hold him if I want to. That's
selfishness. I may not be perfect like the real "Lady of the Light", but I will
always try to be.

Habang nakaupo ako roon, pinagmamasdan ni Cresia, at kinukumbinsi ko naman siyang


ayos lang ang lahat, parang sinakop ng malaking guwang ang nararamdaman ko.

Kabanata 25
Kabanata 25

Easy

Kahit anong gawin ko, hindi ko parin kayang isipin na wala lang iyon. Nakauwi na
ako sa bahay at nakapagpaalam na kay Raoul na matutulog na pero tanging iyon parin
ang laman ng aking isipan.

I did not sleep. I cannot. Ang ginawa ko habang nakahiga sa malambot na kama, sa
ilalim ng madilim na silid, ay ang pagkilala sa girlfriend ni Raoul.

I searched for her in the internet. Her accounts and her background. Madali lang
dahil nasa mundo siya kung saan kuryoso ang mga tao sa buong buhay mo. She's from a
big university in Manila, probably how they met? She received latin honors noong
gumraduate at isang beses lang sumali sa local pageant ay nanalo agad ng korona.

She's an advocate for marine life preservation. Nakita ko sa isinusulong niya sa


accounts niya ang pagpoprotekta sa mga pawikan at iba pang yamang dagat. She's over
all a good person. Raoul is fine, then. I'm fine with her. Not that anyone needs my
opinion.

Pinikit ko ang mahapding mga mata. Habang binabasa ang tungkol sa babae, naluluha
ako. Hindi ko alam kung dahil sa puyat o sakit... o pareho.

Nakatitig si Cresia sa akin habang nilalapag ko isa-isa ang aming mga biniling
pagkain sa canteen. Sinulyapan ko siya ngunit iniwas ko kaagad ang tingin dahil
kita ko sa mga mata niya ang pananantya.

"Are you okay?" she asked.

I smirked. "Oo naman. Bakit?"

Pilit kong pinagaan ang loob ko kahit na noong weekend pa ako walang gana at medyo
nanghihina. Nagtitext kami ni Raoul gaya ng dati. I was very enthusiastic on my
texts but deep inside I know I'm faking it all.

Maaayos din ako. Para namang hindi ako nasanay. And besides, I know I will
eventually feel this way. Temporary lang iyong ginhawang nararamdaman ko noon. It's
okay. Mas maayos 'yon dahil naramdaman ko kahit sandali lang. Kesa hindi kailanman.

Bumaba ang tingin niya sa aking suot. Alam ko kaagad ano ang hinanap niya. I
sighed. Bago pa ako makapagsalita, naunahan niya na ako.

"You did not wear his bracelet," aniya.

"Muntik na akong ma late kanina. Medyo mahirap suotin."

Umikot ang mga mata niya. Tumigil ako at tinitigan siya. I'm serious. Masyado akong
maraming inisip kagabi na natagalan ako sa paggising. Iyon tuloy, nagmamadali na
akong pumasok ngayon.

"Did you ask him about it?"

Gusto kong magmaang maangan sa tanong ni Cresia pero alam ko naman ang tinutukoy
niya. I shook my head.

"Hindi ko naman kailangang magtanong. Hindi na dapat ako manghimasok sa kung ano
man ang gagawin niya."

"Well, I know that. But at least find a way to make yourself feel alright," nag-
aalalang sinabi ni Cresia.

Hindi na ako nagsalita. Gusto ko sanang sabihin kay Cresia na magiging maayos din
ako kalaunan pero hindi ko na tinuloy. She doesn't believe in that. Kung may gusto
siyang mangyari, siya na mismo ang gagawa ng paraan para mangyari iyon. We are
complete opposites.

"Hmm. Sige. Siguro nga wala lang 'yon sa kanya. Baka girlfriend niya na nga iyong
beauty queen na 'yon," si Cresia na biglang nag-iba ang ihip ng hangin.

Napatingin ako sa kanya. Kitang-kita ko ang pananantya sa kanyang mga mata. Siguro
ay sinusubukan niya kung ano ang magiging reaksyon ko. Hindi na ako nagsalita pa.
Nagsimula na lamang ako sa pagkain.

"Sa kalibre ni Raoul, it's not impossible na may girlfriend siya. Kung hindi man
isa, baka marami..." dagdag niya na.

Parang kumalat ang pait sa aking tiyan dahil sa sinabi niya. Nanatili akong tahimik
doon.

"He's very hot and successful. Maiintindihan kung ang mga magagandang babae at mga
successful din ay magsisilapit sa kanya."

Tumango ako, natamaan sa sinabi ni Cresia. I've noticed during the weekends how
inferior I am compared to all of Raoul's girl friends. Nasisiguro kong halos lahat
sa kaibigan niya, successful na at puro magaganda at maalaga sa katawan. Halos
lahat din sila nakakapunta na ng ibang bansa. That's the kind of girl Raoul
deserves, iyong maraming alam sa buhay. Someone strong and more vital than I could
ever be.

"Magtanong man ako o hindi, hindi ko na mapipigilan iyon."

Natahimik si Cresia sa sinabi ko. Nagkaroon lang naman ako ng magandang edukasyon
at mga damit. Nakatira lang sa mansion dahil sa mga Ledesma. Pero alam ko namang
iba parin ako sa kanila.

"Why don't you ask him nga?" she said impatiently. "Ask him if it's true..."

She went on and on with her convincing tactics. Hindi ko nga alam kung susundin ko
ba siya this time. I always do whatever she says and they seem effective.
"Iyon ah!" bilin niya bago sumama sa date niya sa araw na iyon.

Tumango lamang ako at kumaway na sa kanya. Tinuruan niya ako kung ano ang itatanong
ko kay Raoul. Hindi ko nga lang alam kung gagawin ko nga iyon.

I watched her walk with the man she'll date for today. Nang nawala na sila sa
paningin ko ay nagsimula na akong maglakad patungo sa parking lot ng aming
sasakyan.

It is a sunny August afternoon. Uuwi na ako para makapagpahinga na. Somehow I feel
more exhausted than usual. I texted Manong Roy beforehand pero nang nakitang wala
pa roon ang SUV ay nagpakaba na sa akin.

Tumigil ako sa paglalakad nang nakita ang isang pamilyar na itim na SUV. At times,
ipinagkakamali ko ang ibang kaparehong sasakyan bilang kay Raoul. Hindi na iba ang
mini heart attack na hatid nitong parehong sasakyan sa akin.

Huminga ako ng malalim at nagpatuloy sa paglalakad. Nang mas lalong napalapit ay


nakita ko ang pamilyar na katawang nakasandal sa pintuan ng front seat noong
sasakyan.

My breathing hitched. Nangatog ang binti ko. Lalo na noong tumuwid siya sa
pagkakatayo. His eyes were dark and brooding. Nakatitig sa akin na seryoso at
madilim. Para akong mabubuwal sa kinatatayuan ko. Gusto kong tumakbo pero ayaw
makinig ng mga paa ko.

Pero bakit nga ba ako tatakbo, hindi ba? Wala namang problema sa aming dalawa.

Matapang akong humakbang ng isang beses lamang. I smiled at him bitterly. Humigpit
ang hawak ko sa aking bag. Kung sana ay binigyan pa ako ng ilang araw pa bago
nakita siyang muli. Baka pa maayos ang nararamdaman ko.

"W-Wala pang balita tungkol kay Papa," bigo kong sinabi.

Hindi ko mapigilan ang panginginig ng boses ko. Lalo na habang tinititigan siya.
Iniwas ko ang tingin ko dahil hindi ko na kaya.

He did not answer. Imbes ay humakbang siya patungo sa akin, dahan-dahan. Mas lalo
tuloy akong kinabahan. My heart is pounding fast and hard against my ribcage that
my breathing hurdled a bit.

Bahagya akong umatras dahil hindi ko yata kakayanin ang kaba. I don't think I could
ever let him go near me. Or he can go near me without me breaking down and I don't
want that to happen!

"Ititext na l-lang kita kapag may balita na ulit," tanging nasabi ko sa nanginginig
na boses.

His image is blinding me. Apat na buwan kaming hindi nagkita. Hindi ko naramdaman
ang pangungulila noong mga nakaraan dahil parati akong masaya pero dahil lang sa
isang balita ay parang ilang taon na ulit simula noong huli ko siyang nasilayan.

Ngayong mas malapit siya sa akin, parang may bumubulong sa akin. Ito ang hindi para
sa'yo, Leil. Hahangaan mo lang siya at hanggang doon lang iyon. Wala nang hihigit
pa because you don't deserve him.

Gusto kong pagbawalan ang sarili kong masaktan. Lalo na sa harap niya. Pero ayaw
kong kawawain pa ng husto ang aking sarili. I will allow myself to get hurt. Maybe
not in front of him but I will let myself get hurt.

Umigting ang panga ni Raoul. His steps immediately became fast. Sa kaba ko at sa
mga luhang nagbabadyang tumulo, hindi na ako nakapag-isip pa ng sasabihin.
Tinalikuran ko na siya at umamba na akong tatakbo. If I get hurt, at least not in
front of him. We can see each other again next time. When I'm fine. And not this
vulnerable.

Pero bago pa ako tuluyang nakatakbo ay nahuli niya na ang palapulsuhan ko. Mabilis
akong umigkas pabalik sa kanya. Tumindi lang lalo ang kaba ko lalo na ngayong hindi
ko na napigilan ang pagtulo ng mga luha.

He muttered a curse before he dragged me towards the car. Pinalis ko ang mga luhang
naglandas sa mga pisngi ko. Pinigilan ko ang paghinga sa pag-aakalang titigil din
ang sakit ng puso ko kung sakali pero hindi, mas lalo lang itong tumindi.

"Hihintayin ko na lang ang sasakyan namin," naiiyak kong sinabi nang nasa harap na
ako ng bukas na pinto ng front seat.

"Get in," mariin at sigurado niyang sinabi.

Huminga ako ng malalim at pumasok na lamang gaya ng gusto niyang mangyari. Akala ko
isasarado niya na ang pintuan pero nanatili siya sa bukana ng pintuan. Nilagay niya
ang isang paa sa sahig ng sasakyan at halos binilanggo ako ng kanyang katawan.
Inabot niya ang seatbelts at hinila hanggang mailock iyon sa aking tagiliran. Hindi
niya binawi ang kamay niyang nanatili roon.

"What's wrong?" he asked.

Umiling ako kahit na panay ang tulo ng aking mga luha. Hindi ko siya tiningnan.

"Do we have a problem, Leil?"

"W-Wala..." ulit ko at pinalis ang mga luha para mapanindigan ang sariling sagot.

He sighed heavily. Nanatili siyang naroon, naghihintay sa isasagot ko.

Pinilit kong umayos. Huminga ako ng malalim at kinalma ang sarili para hindi na
maiyak pa. Napakababaw talaga ng luha ko. Lalo na pagdating sa kanya.

"You're lying," he said.

Wala naman kasi talagang problema. Ako lang ang meron. Hindi ko na dapat siya
dinadamay pa sa mga ganitong problema ko.

But his accusation hurt. I don't want him to think that I'm a liar. Or that I can
lie to him because I couldn't. I really couldn't.

Pero paano iyon? Paano ko ipapaliwanag sa kanya iyon? Na ako lang naman talaga ang
may problema. Hindi na niya dapat pang malaman o mamroblema sa problema ko!?

"What is it? Tell me," he said in a deep baritone.

Umingay nang may dumaang iilang babaeng estudyante. May tumuro sa sasakyan ni Raoul
at may iilang nagtilian sa grupo. Kumunot ang noo ko habang pinagmamasdan sila.
Napalingon din si Raoul sa mga estudyante.

He sighed before he removed his hand on my side. Sinarado niya ang pintuan ng front
seat at umikot na para makapunta sa driver's seat. Habang ginagawa niya iyon ay may
nakita akong iilang nanginginig sa tuwa.

Binagsak ko ang mga mata ko sa aking kandungan. Para hindi na makita ang iilang
estudyanteng siguro'y nakapansin sa kanya rito. Humahanga rin gaya ko.

Pinaharurot niya ang sasakyan paalis ng eskwelahan. Nanatili naman ang ayos ko.
Paminsan minsan ay tumutulo ang luha kahit na pinipigilan ko na ng husto.

Kinuyom ko ang aking mga kamay. Pumikit ako ng mariin at inisip kung paano ko
sasabiin sa kanya. I don't want him to think I'm lying to him.

Without a word, he handed me the trench coat. Sinunod ko naman ang ibig sabihin
noon. Lumabas kami sa parking lot ng hotel. Umikot siya para salubungin ako.
Naninimbang ang kanyang madilim na mga mata pero iniiwasan ko na lang iyon ng
tingin.

"Let's go," he whispered.

I felt his large hand slowly claiming mine. Isa-isang inangkin ng kanyang mga
daliri ang aking daliri habang naglalakad kami patungo sa isang elevator. Nanatili
ang mga mata ko sa aming kamay na ganoon ang ayos. I bit my lowerlip and blamed my
stupid heart for fluttering even when I know where I stand in his life.

Pagkapasok sa elevator ay nilingon niya ulit ako. Nanatili lamang akong nakayuko at
nanghihina sa halu-halong emosyong nararamdaman.

Akala ko sa parehong silid kami pupunta, kung saan kami madalas dito kumain at mag-
usap pero nagkamali ako. Pagkalabas namin sa elevator ay isang pasilyo ng mga hotel
suites.

Matikas siyang naglakad patungo sa pinakahuling pintuan, with his hand still firmly
claiming mine.

He opened the door with a card. Pumasok kaming dalawa. Binitiwan niya ako ng nasa
loob na. Nanatili akong nakatayo habang isang beses na pinasadahat ang kanyang
suite.

There's a kitchen. May four-seater roundtable din. Sa gilid ay ang sofa at sa likod
ng sofa, ang tanawin ng syudad. There's a large door leading to his bedroom.
Pagkatapos niyang magsarado ng pintuan ay naabutan niya akong pinasadahan ng tingin
ang loob ng buong silid.

Muli akong yumuko. He sighed and held my hand again. My treacherous heart fluttered
stupidly at his simple gesture, almost forgetting what I'm crying about.

Iginiya niya ako sa sofa. Naupo ako roon, umupo rin siya sa tabi ko. But his stance
is facing me. Ang kanyang kaliwang kamay ay nakahawak sa likod ng sofa at ang kanan
ay nakapatong sa kanyang tuhod, bahagyang hawak ang aking mga daliri.

His head tilted a bit. Umigting ang kanyang panga at mas lalong dumilim ang kanyang
mga mata. His eyes were very mysterious and agonizing. Hindi ko kayang titigan lalo
na kapag ganito ka tindi ang nararamdaman ko.

"Tinext ko s-si Manong Roy. B-Baka naghihintay na iyon sa s-school," palusot ko.

"You won't go home until you tell me what's bothering you," mariin niyang sinabi.

Nag-angat ako ng tingin sa kanya at sinimangutan siya. Iniwas ko ang kamay ko pero
agad niya itong nahuli.
"And you tell me we don't have a problem, huh?" may bahid ng galit at sarkasmo ang
tono niya.

Kinabahan pa lalo ako dahil sa tono niya. Kinagat ko ang labi ko at muling yumuko.

"You think I didn't notice it from your texts last night?"

Muli kong binawi ang kamay ko pero hinigit niya ito at nilagay na sa kanyang
kandungan. He caressed my fingers nonchalantly habang ako'y kung anu-ano na ang
naiisip sa rahan ng kanyang pag haplos.

"And your first words after four months is about your father? Sino ba ang
nagtatanong nun, Leil?"

Ngumuso ako habang nakikinig sa mga sinasabi niya.

"I won't stop until you tell me what is it. We won't solve anything if you keep it
to yourself."

"Hindi mo naman kailangan ayusin 'to. Ako lang naman ang may problema."

"Hmm..." bumuntong-hininga siya. "Really?"

Sumulyap ako sa kanya. Nanatiling seryoso ang kanyang mga mata kahit na nahihimigan
ko ang paglalaro sa kanyang tono.

"What is it, then?"

"Akin lang naman n-na problema iyon," halos bulong kong sinabi.

"Tell me..." mariing ulit niya na tila ba hinding-hindi ko siya mapipigilan sa


gusto niyang mangyari.

Nakakahiya pala. Nakakahiyang aminin na iyon ang iniiyakan ko. Nakakahiya. Paano ko
ieexplain sa kanya kung bakit ganoon ang nararamdaman ko? I can't tell him that
without confessing some things.

"May nakita lang kami ni Cresia sa isang lifestyle magazine..." hindi ko na


pinagpatuloy sa pag-aakalang makuha niya agad iyon.

Tumaas ang isang kilay niya. Amusement is now etched on his dark, handsome face.

"And?" he probed.

"N-Nakita namin ang picture mo... na... may kasama..." marahan kong sinabi.

"May kasamang ano?" he's trying hard to make his tone serious now.

"Babae!" medyo iritado ko nang sinabi.

Pakiramdam ko alam niya naman ang tinutukoy ko pero gusto niyang sabihin ko ng
diretso sa kanya.

"Girlfriend mo!"

Paano ko 'to ngayon eexplain? His eyes widened at that. The amusement in it grew.
Para akong sinisilaban sa init na unti-unting kumalat sa aking mukha hanggang
batok.
"Really? Did you read it well?"

"Malaki ang picture ninyo sa magazine. Alam ko naman n-na ganun ang tipo mo... noon
pa. Magaganda... matatangkad... s-sexy..."

He cursed softly.

"Pero ayos lang 'yon... M-Medyo... masama lang ang... loob ko."

"But did we kiss, though, in those pictures?" he said.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. Naisip ko agad ang kiss na ginawa ni Prince sa akin
bago kami nagkahiwalay noong March.

"I don't know! Baka! Hindi lang nakuhanan!" pagalit kong sinabi na agad ko ring
binawi. "Pero ayos lang dahil girlfriend mo naman iyon!"

Hinila niya ang kamay ko. He closed the space between us but I continued.

"Hindi na kailangan ilagay pa roon. Lahat ng mambabasa noon, ganoon na ang iniisip.
Hindi na kailangan lagyan pa ng picture!"

His left arm snaked around my waist. Pilit kong pinanatili ang nag-aalab kong galit
pero unti-unting humuhupa dahil sa haplos niya sa aking likod. He even pulled me
closer around my waist.

He chuckled when I half heartedly pushed him away. Nag eeskrima na ang kilay ko
nang binalingan ko siya.

"Anong nakakatawa?" I asked.

Namumungay na ang mga mata ni Raoul at ang ngiti ay matamis. I can't stop looking
at his soft lips, probably the only part of his face that looks very soft and
tender.

"My baby is throwing a fit. This is new..." He chuckled.

Nangingiti ako kahit na galit pa rin. Hindi ko na maintindihan ang nararamdaman.


Pilit akong sumimangot at pilit ko ring inisip ang iniyak ko kanina... ang lahat ng
sama ng loob... para lang hindi ako mahulog muli.

He pulled me closer to him. Dahil sa mga hila niya'y napapahilig na ako sa backrest
ng sofa. Mas lalo niya pa akong hinila nang nakitang unti-unti na akong natutunaw
sa kanya.

"Ayos lang din. Bagay naman kayo noong girlfriend mo. Beauty queen tapos matalino
rin. Maganda at sexy pa. Ganoon naman talaga ang tipo mo noon pa... Alam ko na
'yon..." patuloy ko sa mas marahang paraan.

"Uh-huh..." he said playfully while caressing my chin.

Uminit ang pisngi ko nang natantong masyadong mapait ang tunog ko.

"Ganoon naman ang bagay sa'yong babae. K-Kasama mo ba 'yon noong nag travel ka?"

Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya. Sobrang lapit niya na sa akin. Ang
mapupungay niyang mga mata ay nakatitig sa aking labi. His lips parted a bit.
Kumalabog ang puso ko.
"You did not read it properly, did you?" he said breathily.

Nag-iwas ako ng tingin sa kanya.

"Hindi naman siguro magkakaroon ng rumors kung hindi totoo, 'di ba?" marahan kong
sinabi. "Ayos lang. Bagay naman kayo. Siya rin siguro palagi ang date mo sa
parties."

He groaned. Napapikit ako ng marahan nang naramdaman ang paglapat ng labi niya sa
akin. My heart fluttered stupidly. Heat marked my body at tuluyan ko nang
nakalimutan ang tampo at galit ko sa kanya.

His kiss was very soft and tender. Mabilis lang din iyon. Namumungay parin ang mga
mata niya habang tinititigan ako ng sobrang lapit. Hindi ko na kayang tumitig
pabalik. Inabala ko na lang ang mga mata ko sa pagtitig sa aking mga daliri.

"We were just talking and then suddenly the media took a picture of us, that's
all."

Nagkibit lamang ako ng balikat. Sa totoo lang, unti-unti ko pang inaalala kung ano
nga ang kinakagalit ko.

He kissed me! Raoul Vesarius Riego kissed me! Ayokong umasa pero bakit niya ako
hinalikan?!

"Hindi kami magkasama abroad at lalong hindi kami date sa party na iyon," he said
in a deep baritone. "We were just seen talking. Just like how the rumors came
about. Pangatlong party na iyon na nakuhanan kami ng picture na magkausap kaya
siguro may rumors."

"Hmm... Hindi mo naman kailangan magpaliwanag. Ayos lang sa'kin."

"God damn it, hindi ayos sakin..." bulong niya at muling marahang nilapat ang labi
sa akin.

This time it's a bit longer. Tenderly, he kissed me. He parted my lips with each
suckling kiss. Para akong nahihilo at nawawala sa sarili. My heart pounded harshly
against my chest. Hindi pa ako kailanman nalalasing pero pakiramdam ko ganito ang
nararamdaman noon. Dahil pakiramdam ko rin ganoon na ang itsura ko.

He stopped a bit. Hiningal ako pero siya'y nanatiling steady. His eyes were
watching my lips sharply. He licked his lowerlip sexily before he plunged another
deeper kiss.

He brushed his lips lusciously against mine. Napahawak ako sa kanyang t-shirt,
hindi para itulak siya, pero para mapanatili ang aking kawastuhan. But it's not
effective. I am still so lost and so crazy for the kisses he's giving me.

Para akong nasa pinakailalimang bangin. Hulog na hulog na pero tinulak pa ulit para
tuluyan nang mahulog ng walang pagkakasalba.

I moaned a bit when I felt his tongue dive and twirl sexily in my mouth. He groaned
and stop from there. Pulang pula ang kanyang nakaawang na labi. Siguro ay ganoon
din ang akin. Hiningal ako kaya bahagya ko ring inawang ang labi.

I shut my legs tightly. Nararamdaman ko ang sapatos niya sa gilid ng aking mga paa.
Just the thought of it's distance sent shivers down my spine.
"That's how to kiss. Not like what your boyfriend showed you," his tone is laced
with a bit of hotness.

"Hindi ko boyfriend si Prince," pagtatama ko. "Baka ganyan ka humalik doon sa


girlfriend mo?"

"She's not my girlfriend, too," he said softly.

Napatingin ako sa kanya. He looks terribly devoted while looking at my lips.


Bahagya akong lumapit sa kanyang katawan, mas lalong napapalapit sa kanya dahil sa
nararamdaman.

"You probably can't handle me if I lose my temper because of jealousy," aniya.

Hinuli niya ang kamay ko at marahang tinalunton ang aking mga daliri. Inabala ko
ang mga mata sa pagtitig doon.

"Bakit ka naman magseselos?" I said, pouting a bit.

"Who wouldn't get jealous if I see you kiss another man?"

Kumalabog ang puso ko sa tuwa. Hindi ko yata kakayanin pa ang usaping ito.

"Ang tagal na noon ah. Hindi na naman naulit pa."

"Yeah. But it did not leave my mind one bit."

"Hindi ko naman gusto si Prince. Huwag mo nang isipin iyon..."

He shifted a bit. Parang may distansya pa kung makahila siya sa katawan ko. Kahit
wala na, pakiramdam ko hindi parin sapat kay Raoul ang lapit naming dalawa.

"Hindi ko rin gusto ang pinagseselosan mo. Will you stop thinking about it, too?"
he whispered.

Hinawakan ko ang daliri niya. His fingers were big, manly, and hard. Nilibang ko
ang sarili ko noon para lang maibsan ang nakahihimatay na tensyon sa aming dalawa.
Lalo na dahil titig na titig siya sa akin.

"Ikaw ang gusto ko, Leil. If that isn't obvious to you."

Natigil ako sa paghawak sa kanyang daliri. Parang pinipiga ang puso ko. Parang
pinipisil-pisil hanggang sa maubos ang dugo.

"I terribly have it bad with you," anas niya.

Napapikit ako ng marahan at bahagyang napahilig sa kanyang dibdib. Mahihimatay na


yata ako sa sobrang bilis at lakas ng pintig ng puso ko. Kung may sakit ako sa
puso, baka kanina pa ako sinugod sa ospital.

"I don't know where I stand in your life. Pero alam ko ang gusto ko at gusto kong
maging tayo."

Is this real? Anytime now someone can wake me up!

Kinurot ko ang kaliwang kamay ko. Agarang nahuli ni Raoul iyon at pinigilan ang
pananakit ko sa aking sarili.

"You're the one I want to be my girlfriend, Leil..." he said slowly.


Kinagat ko ang labi ko at dumilat. Inakala kong gigisingin ako ni Cresia sa
classroom pero wala. Nasa parehong silid parin ako. With colors of the earth and a
flatscreen television in fron of us, dark because it's off.

"H-Hindi ka pa nga nanliligaw..." tanging nasabi ko.

He inhaled. "Pwede bang manligaw, kung ganoon?"

Marahan akong tumango. Uminit ang pisngi ko dahil napakawalanghiya ng agaran kong
sagot.

He chuckled.

"Well, then, I can wait until you say yes to my question..." he said.

"Ano ba ang tanong?" I murmurred.

"Will you be my girlfriend..." he said it like a statement.

"Hmmm... E... 'di... sige..." tanging nasabi ko.

Uminit lalo ang pisngi ko dahil sa kahihiyan. Pumikit ako ng mariin. Baka kasi
umalis siya ng Manila bukas o mamaya tapos matatagalan pa ulit kami magkita. Gusto
ko siyang masagot ng harap-harapan. Ayaw ko sa text o kahit sa tawag.

"Sige?" he asked.

"Girlfriend mo na ako," matapang kong sinabi.

He chuckled. Hindi ko parin siya matingnan. Inangat niya ang kamay niya at
hinawakan ang aking baba. He lifted my chin so our eyes would meet. Namumungay na
ang mga mata ko nang tingnan ko siya.

I still can't believe what's happening. Parang panahinip. This can't be real,
right? This is impossible!!!

"No kissing other boys," he said.

Marahan akong tumango. "No kissing other girls, too..."

He chuckled. He bit his lower lip and tilted his head.

"That's very easy," he whispered.

He softly kissed me again. Parang nawawasak ang puso ko. Hindi ko maintindihan kung
bakit. Sobra sobra ang saya ko na nasasaktan na ako.

I smiled when our lips parted. Hinawakan ko ang braso niya at bahagya siyang hinila
palapit sa akin. Hindi ko alam na pwede pala akong maging ganito kasaya.

He crouched lower to kiss me thoroughly again. He stopped and licked his lower lip
pleasurably.

"I will stay here for a month. Hindi muna ako uuwi sa Manila o sa Costa Leona."

I smiled. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang dibdib. I inhaled his manly scent.
This is just a dream, for sure. This can't be true. This is too good to be true!
"If you're bothered with something next time, tell me. Even over texts, okay?"

This is really happening! Naghihintay pa ako ng gigising sa akin sa panaginip na


ito pero wala. Pero naisip ko, kung panaginip nga ito, sana huwag na lang akong
magising pa.

Kabanata 26
Kabanata 26

Kiss

"Where's your bracelet?" he asked gently, stroking my wrist.

Ngumuso ako. Totoo naman ang dahilan ko kanina kay Cresia. Muntik na nga akong ma
late sa school at mahirap iyong isuot kaya hindi na ako nag-abala. But partly,
sinadya ko rin iyon dahil... nagtatampo ako.

"Muntik na akong ma-late kanina..." may pag-aalinlangan sa boses ko na hindi yata


kakatakas kay Raoul.

His eyes narrowed while waiting for me to complete my reasons. Ngumuso ako nang
natanto na wala yata akong maitatago sa kanya.

"Sinadya kong hindi suotin... din..."

"Because you were jealous?"

Hindi na ako nagsalita. Huminga siya ng malalim at pinagsalikop ang mga daliri
namin.

"We were only talking about business during that party. The rumors aren't true," he
whispered while stroking my hair.

Tumango lamang ako. Hindi na yata masisira pa ang kasiyahang nararamdaman ko


ngayon. Kahit pa isipin ko ang nakita namin ni Cresia sa magazine, walang halaga na
iyon para sa akin.

Paulit-ulit ko iyong inisip kahit noong nasa bahay na. Hindi matanggal sa isipan
ko. Hindi ko alam kung paano ko ikukwento kay Cresia iyon. Pakiramdam ko,
magsisimula pa lang ako ay mahihimatay na ako sa kaba. I can't even tell Ma'am
Avila about it. Hindi kailanman sumagi sa isipan ng mga Avila na may pag-asa, kahit
konti, na magustuhan nga ako ni Raoul.

Kahit naman ako, hindi parin makapaniwala.

Niligawan niya ako. He said he wants me... he likes me... I wonder if it means...
he likes me the way I like him? Hindi ko alam.

We kissed. I blush everytime I remember his tender lips brushing mine. Sa paraan ng
mapusok niyang halik. Para akong tuyong dahon na sinisilaban, kalat agad ang apoy
hindi pa nagsesegundo.

Naisip ko tuloy kung paano ko gagampanan ang pagiging mabuting girlfriend? First
time ko ito kaya hindi ko alam kung ano ang mga gagawin. Magtatanong kaya ako kay
Cresia? But I have to tell her that it's a secret.

Hindi man namin napag-usapan ni Raj ang tungkol doon, alam kong alam niya na hindi
ko pa pwedeng sabihin sa mga Ledesma o kahit kanino ang tungkol sa relasyon namin.
Ganoon din sa parte niya. The past cannot be erased and while justice wasn't served
yet for his family, I am taboo for them.

Naisip ko rin na maaaring ginagawa niya lang ang lahat ng ito para mahanap si Papa.
But I know he doesn't have to do anything if he wants information from me. Kami man
o hindi, sasabihin ko sa kanya kung may alam man ako sa kalagayan ng aking ama.

Tulala ako sa bracelet na suot habang nasa canteen kami ni Cresia. Sa hectic naming
schedule at sa medyo mahirap na subject kanina, hindi ko naikwento sa kanya ang
nangyari kahapon. Ngayon ko planong ikwento sa kanya pero masyado akong nababaliw
sa pagbabalik tanaw pa lang.

Nilapag niya ang isang bote ng juice sa harap ko dahilan ng paglipat ng tingin ko
roon. She smirked. Umupo siya at nagsimula nang ayusin ang pagkain niya sa lamesa.

"Hmm. May nangyari ba? Suot mo na, ah? Nagkausap na kayo?" she said.

I can't stop the smile from my eyes. Gulo si Cresia habang binabasa ang ekspresyon
ko. Alam kong hinding-hindi niya mahuhulaan ang nangyari kaya ikinwento ko na sa
kanya ang buo.

"Oh my gosh!!!" she cried so loud that I think a part of the canteen went silent
because of her scandalous reaction.

Yumuko ako at hindi na siya napigilan pa. Nakangiti kong tinitingnan ang pagkain
ko. Susubo na sana ako nang niyugyog niya ang kamay ko dahilan ng pagkakatapon ng
pagkain galing sa kutsara.

We did not stop there. Buong araw iyon ang bukambibig niya. She's almost violent
everytime we talk about it. Sobra-sobra ang panggigigil, inasahan ko na ganoon ang
magiging reaksyon niya.

"This is a big scoop! This is totally the biggest scoop of the year!" aniya.

"Cres..." pigil ko sa kanya.

"Alam ko! Wala akong pagsasabihan! Sinasabi ko lang na sobrang masaya ako at hindi
rin makapaniwala!" paulit-ulit niya iyong sinabi.

Nag-offer din siya na isama ko mamaya sa parking lot kung saan madalas si Raoul.
Aalis din naman siya agad. I'm just not sure if I want that. Imagining the moment
we see each other again after yesterday makes me want to faint. Maiibsan ang kaba
ko dahil kasama ko si Cresia. Pero kung aalis din siya pagkatapos akong ihatid,
muling aahon ang aking kaba.

"Tatanungin ko na siya mamaya... tungkol sa-"

Hindi niya na ako pinatapos. Itinuro niya na ang langit na tila ba may bumababang
sasambahin niya roon.

"Finally!" she joked beautifully.

Tumawa ako at umiling na lamang sa kaibigan. She's always very loud, funny, and
beautiful at the same time. The boys she once dated go crazy over her. Sayang lang
at hindi niya nagugustuhan ang kahit isa roon pabalik.

I wonder if she's just that infatuated over this mystery guy. Kung masasagot kaya
iyon, titigil na siya at magseseryoso na sa isang taong babagay sa kanya?
"Well, you can ask the name. Kahit pangalan lang, Leil. Ako na ang bahala magpa
imbestiga kung sino iyon!" she said with so much enthusiasm.

Ngumiwi ako sa sinabi ng kaibigan. She is that crazy over that man?

"Cresia, nakakatakot naman ang gagawin mo..."

"Just ask for the name, Leil!" aniya.

Bumagal ang lakad namin patungong parking lot. Naroon na nga ang parehong sasakyan.
Nakahilig na rin si Raoul sa pintuan ng front seat pagkadating namin.

His sharp eyes remained on me. Ngumiti ako at dinamdam ang kumabog na puso.

"Hi!" Cresia said happily and waved at Raoul.

"Good afternoon!" Raoul said curtly at bumaling kay Cresia.

Cresia's creepy and almost hysterical laugh began. Alam ko kung para saan iyon. Mas
lalong uminit ang pisngi ko.

Ikinwento ko sa kanya ang lahat, hindi man puno ang detalye. I told her that Raj
kissed me. Iyon lang naman kaya hindi ko alam paanong sobrang matingkad ang
imahinasyon niya sa parteng iyon.

"Masarap ba? Matagal? Ilang minuto? Sa lips lang? Hindi ba bumaba sa leeg?"

Lahat ng tanong niya, mahalay at ayaw kong pakinggan sa kahihiyan. If that would
ever happen, I won't tell her the exact details. I don't think she's expecting me
to tell her anything, too. Besides, hindi na kailangan sa dami niyang naiisip.

Kung anu-ano na ang tinuro niya sa akin pagkatapos ng kwento ko. Hindi ko nga lang
alam kung susundin ko ba. Though, all of her ideas were effective.

"Ingatan mo ang kaibigan ko!" Cresia giggled and waved again.

Matalim ko siyang tinitigan kahit na hindi mawala ang tipid na ngiti sa aking labi.
She waved at me too until she disappeared for another date after school.

Tahimik kaming naiwan ni Raoul. He opened the door for me kaya pumasok na rin ako
sa loob. Hindi ko alam kung bakit mas kabado ako ngayon kumpara noon. Ultimo pag
aayos ng seatbelts, kinakabahan ako. Nanginginig ang kamay ko. Lalo pa nang
nakitang pumasok na siya sa loob ng sasakyan.

Girlfriend niya na ako. Am I dreaming? Ako ang girlfriend ni Raoul Riego!

"D'you wanna go somewhere else?" he asked after a long silence between us.

"Uh... Ayos lang ako roon!" sabi ko sabay tarantang tingin sa kanya.

His jaw clenched painfully but he nodded.

"Pero kung may gusto kang puntahan, pwede tayo sa iba."

Kagabi kasi, nag-usap kami kung saan kami pupunta sa araw na ito. He asked if I
wanted to watch a movie, I said no. Wala naman akong gustong palabas sa ngayon.
Nagtanong din siya kung may gusto ba akong puntahan na lugar tumanggi na rin ako.
Konti lang ang oras namin kaya mas gusto kong sa malapit lang at kahit ano basta
magkasama kami.
Finally, I told him I'm fine in his suite. Sinabi niya na sa restaurant na lang
kami, kumain ng dessert o pagkain, but whenever I think about it, I always consider
the fee he's paying for it, lalo na dahil eksklusibong silid ang pinapasukan namin
sa restaurant.

"Kung kakain ng dessert, nakita kong may upuan at lamesa naman sa suite mo. Doon na
lang tayo," sabi ko kagabi nang tumawag siya.

Hindi ko alam kung ano ba ang gusto niya pero tila yata ayaw niyang nakakatipid
siya sa date naming dalawa. Date. Napangiti ako roon.

"No, it's fine. I just think you might get bored."

Umiling ako. "Hindi naman. Pero next time, pwede tayong lumabas din."

He nodded again and continued with the car's engine. Umalis na kami sa school. At
gaya ng dati, muli kong ipinatong ang coat sa aking uniform.

We walked silently towards the elevator door. Marahan ang pagkakahawak niya sa
kamay ko. Pinapanood ko iyon habang hinahayaan ko siyang hilahin ako.

Para akong nakalutang habang nasa tabi niyang naglalakad. Kahit pa noong lumiko na
kami sa pasilyo patungo sa kanyang suite. Nang nakapasok na kami ay agad ding
kumatok ang room service para sa order na sinabi niya na yata kanina pa bago kami
pumunta rito.

A foreign dessert was served on the round table. Naupo ako roon habang inaayos ng
waiter ang pagkain. Kinuha ni Raoul ang bag ko at nilagay sa sofa. Nang bumalik
siya sa bilugang lamesa, sa upuang katabi ko siya naupo.

"Thank you," Raoul said to the server.

Umalis na ito at naiwan na ulit kaming dalawa. A bottle of a sparkling champagne is


also on the table. Tiningnan ko ang dessert na ginagalaw niya para lang malagyan
ang platito ko. Inalis niya ang isang platito roon na dapat ay para sa kanya.

"How was your day?" tanong niya.

"Ayos lang naman. Ikaw?" tanong ko sabay tingin sa kanya.

His intense gaze at me made me tremble a bit. Parang hindi yata ako masasanay na
ganito. Agad kong binawi ang aking titig sa kanya.

"Fine, too."

Binaba niya ang tinidor at inilipat niya ang kamay sa akin. Parang tumalon ang puso
ko nang inangkin niya ang aking mga kamay. Ang isang kamay niya ay nasa likod ng
upuan ko. His right knee is losing the gap between my knees, too.

"Are you nervous?" he asked.

Tinanong niya pa talaga! Mas lalo pa tuloy akong ninerbyos. Parang tambol ang
reklamo ng puso ko.

"M-Medyo," sabi ko.

He sighed. "Nothing much will change between us. Don't worry..."


Ngumuso ako at tiningnan ang mga daliri naming nagsasalikop. Nothing much will
change? Really? Hinahawakan niya ba ang kamay ko ng ganito noong hindi pa kami?

Iginala ko ang mga mata sa kanyang silid para may ibang pagkaabalahan. Sinundan
niya ng tingin ang mga tinitingnan ko.

"Saan ka pala nakatira... sa Manila?" tanong ko, kuryoso sa itsura ng bahay nila sa
Manila.

It's probably as big as their house in Costa Leona? I can imagine it now.

"Hmm. I have a condo near my work place."

Oh!

"Mag-isa ka lang sa condo mo?" napatanong ako.

"Uh-huh. My mother has her own house but she doesn't go there very often."

Napakura-kurap ako sa nabanggit niya. Ang mama niya. I know it's taboo to talk
about our past. Halos ayaw kong pag-usapan iyon. Kahit pa kuryoso ako.

Ilang sandali pa bago ako nagsalita.

"Hindi na muna natin ipapaalam ang... tungkol sating dalawa, ha? Kay Cresia ko lang
sinabi. Bukod sa kanya, wala na."

He stopped caressing my fingers for a moment. It resumed after a while.

"Hindi ka ba pinapayagan ng mga Ledesma na magkaroon ng boyfriend?" he asked.

Uminit ang pisngi ko sa katagang iyon. He is my boyfriend! Raj is my boyfriend!!! I


still can't believe it.

"Parang ganoon."

"You are old enough to decide for yourself." He said with gritted teeth.

"Alam ko naman iyon. Magagawan ko iyon ng paraan kailangan ko lang ng oras. Hindi
ko naman sinasabing ilihim natin ito palagi, Raj..."

Umaliwalas ang kanyang mukha. He caressed my fingers slowly again.

How many times do I have to stress it? I can't believe that this is really
happening to me.

"Hindi ba hirap ka rin na sabihin ito?"

Kunot-noo siyang nag-iwas ng tingin sa akin. Alam ko, hindi ba? I know the wrath of
the Riegos. Imagine them knowing that he's in a relationship with me? Ang anak ng
pumatay sa kanyag ama. I can't blame him for keeping it a secret.

"Susubukan ko kay Mama," aniya sa napapaos na boses.

Pinatong ko ang kaliwang kamay sa kamay niya para matigil siya sa paghahaplos sa
aking mga daliri. He looked at me sharply and viciously. It almost made me tremble
in fear.

"Hindi mo kailangang agarang sabihin ito. Bago pa lang naman tayo. Hindi pa natin
alam anong mangyayari paglipas ng ilang buwan-"

"What do you mean by that?" his voice turned into a cold baritone, almost angry.

Ngumuso ako at bumuntong-hininga. "'Tsaka mo na sabihin kapag matagal na tayo..."

O... kung sigurado ka na sa akin... His sharp eyes prowled on me, waiting for a
strike. Hindi ko na tinuloy ang dapat na idudugtong dahil alam kong magagalit siya
roon. Lalo na dahil mariin ang igting ng kanyang panga habang pinapakinggan ako at
nagpipigil lamang sa iritasyong nararamdaman.

"Alam kong hindi na mababawi pa ang nangyari. Galit ang pamilya mo sa akin at ayaw
kong magalit din sila sa'yo dahil lang sa ginawa mong ito."

"That doesn't mean I won't tell them about us!" mas tensyunado niyang sinabi.

I saw how his jaw moved after his soft outburst. The urge to touch and feel its
hardness and roughness was too much. Inangat ko ang kamay ko upang mahawakan ang
kanyang panga. Sinundan niya ng tingin ang aking kamay hanggang sa marahan kong
nahawakan ang kanyang panga.

Mangasul-ngasul iyon, probably because of shaving or something. It's rough and


hard, too. Lalo na dahil ngayon alam kong medyo tensyunado siya sa pinag-uusapan
namin.

"Makakapaghintay naman siguro ang lahat ng ito. Konting panahon lang..." bulong ko.

Slowly, I heard the dragging of my chair towards him. I smiled when I felt us
slightly touching because of the closed distance.

I can't believe it. Kaya ko siyang hawakan ng ganito. Marahan kong pinadaan ang
aking mga daliri sa kanyang panga. Binaba ko iyon at inilipat malapit sa kanyang
labi.

This is the only man I will love. It wasn't my choice from the start. It's not my
choice right now. But if we are to love each other, I will choose him over and over
again during the hard times... and the times when we are not free to choose.

"Kaya mo naman 'yon, 'di ba?" I asked.

Ginagap niya ang aking kamay at binaba niya iyon. He leaned closer so his nose
would touch my hair.

"I can't promise you that," mas kalmado niyang sinabi.

"Pwede naman sigurong huwag mo na munang banggitin..." tulak ko.

He sighed and remained silent. Pakiramdam ko pagbibigyan niya naman ako.

Bumaba ang tingin ko sa kanyang labi. His tender lips were a bit reddish. Napadila
ako sa sarili kong labi. Nakita ko ang pagkakaagaw ko sa atensyon niya. He cocked
his head to the other side, his weak eyes watching me marvel at his lips.

Uminit ang pisngi ko. Lalo na nang naisip ang halikan namin kahapon. Nababaliw na
yata ako dahil iyon lamang ang naging laman ng utak ko buong araw. At kung
mangyayari pa kaya iyon ulit.

He rewarded me with a dream come true. His lips brushed mine torridly. Napapikit
ako para damhin ang halik. Ngayon pa lang unti-unting tumatatak sa isipan ko na ako
nga ang girlfriend niya! Na pwede ko siyang hawakan at halikan kung kailan ko
gusto! That power which I thought was only for special girls he will like is now on
me!

He groaned after the kiss.

"We'll date somewhere else tomorrow..." he whispered on my ear.

Kinagat ko ang labi ko. Nakita kong nakahawak na ang kamay ko sa kanyang t-shirt na
para bang sabik na sabik parin.

"Bakit naman? Ayos lang dito..."

He groaned again in an exaggerated tone. Hindi ko na napigilan ang pagngisi ko. He


slightly squeezed my thigh.

"You're doing this on purpose..." he accused me playfully.

Sinimangutan ko siya. I saw his adam's apple move after his hard swallow. Manghang-
mangha ako. Kung hindi ako nagkakamali, isa iyong hudyat na may epekto talaga ako
sa kanya!

"We won't talk much if we date here the whole month. We'll just make out until you
go home!"

Palihim akong ngumisi. "Ayos lang..."

Matalim niya akong tinitigan, tila siya hirap na hirap. Iniwas ko na lang ang
tingin ko sa kanya.

"Ayos lang, huh?" he mumbled.

Ngumuso ako at hindi na binawi ang sinabi ko.

"It's gonna be hard for me so we'll date outside this hotel tomorrow!" he said with
finality.

I chuckled and played with his fingers. I think I know what he means but I really
mean it when I said that it's fine to date in his suite. Bukod sa hindi kami
gagastos, makakapag-usap pa kami ng komportable dahil walang nakatinging kahit na
sino. Kaming dalawa lang talaga.

"Siya nga pala..." I said when I finally remember Cresia number one concern.

Inisip kong mabuti ito kanina. Ayaw kong malaman ni Raoul ang damdamin ng kaibigan
ko. It's not a secret to our friends but if that man is Raoul's hired men, I don't
want to expose Cresia's feelings.

"Noong bago pa lang ako rito sa Iloilo... Noong nag-aral ako sa high school, may
lalaki kasi akong napapansin na madalas sa school namin."

He nodded and remained in our position. Nagpatuloy naman ako.

"Nakaitim lagi ang lalaki at kung hindi mo ka edad, siguro mas bata ng konti. N-
Naisip ko lang kung... kilala mo 'yon?"

He did not say anything. Nawalan agad ako ng pag-asa. Pakiramdam ko hindi. Mukhang
hindi niya kilala.
"What about him?" he said in a deep undertone.

"Hmm. Kilala mo ba?"

Bahagya akong kumalas para maharap siyang mabuti. Raoul's brooding and hot eyes
looked at me intensely. It was in between frustration and brutal. Ganoon naman
lagi. Kaya lagi rin akong kabado.

I rested my palm on his thigh to get his attention more.

"Kilala mo ba 'yon? Your men? Or... pamilyar sa akin kaya... naisip kong kamag-anak
o kaibigan mo ba?"

Nagtaas siya ng isang kilay.

"Why are you asking about him?" he said suspiciously.

So he knows that man!? Hindi ako sigurado pero bakit siya magtatanong ng ganoon
kung hindi?

"Pero kilala mo nga?" I said impatiently.

"Kaibigan ko... bakit?" mataman niyang sinabi.

Wait. Now I'm a bit confused which one to think about first. Kaibigan niya. So
pinasundan niya nga ako! As early as that, he already knows where I am. Alam niya
pero hindi niya naman ako pinagtangkaan o kahit ano para makaganti. Not that I
think he's that kind of person. Hindi rin siya pumunta o nagpakita rito, which was
understandable because he was mourning for years!

Pinasundan niya ako!

Nagduda ako noon pero iba parin ngayong alam ko na totoo nga!

"What about him?" ulit niya.

"Wala lang..." sabay kibit ko ng balikat. "What's his name?"

Nagkatinginan kami. Unti-unting mas lalong dumilim ang kanyang titig sa akin. Unti-
unti rin akong nakaramdam ng kung ano... pero imposible naman yata?

"Did you find him handsome?"

Napakurap-kurap ako. Nagseselos ba siya? Imposible naman yata 'yon! Paano siya
magseselos kung sa buong buhay ko siya lang ang nagustuhan ko?

"You like him?" he probed more.

Umiling ako at ngumisi. His eyes narrowed. Nagdesisyon agad ako sa gagawin. Ayaw
kong ibuko si Cresia pero mas ayaw kong maisip ni Raoul na may gusto ako sa ibang
lalaki. Siya lang ang tanging nagustuhan ko. Siya lang ang mahal ko.

"Gusto siya ni Cresia. Pero huwag mong sabihin 'yan."

Nanatiling naniningkit ang mga mata ni Raoul. I played with his fingers this time.

"Noon pa niya gusto. Kinukulit niya ako simula noong nagkita tayo ulit. Feeling
niya, kilala mo o tauhan mo. Tama nga siya. Pinasundan mo ako, noon pa lang?"
He nodded. His eyes remained on me. I don't know what's bothering him. O lahat ba,
nagkakahalo-halo?

"Sa? Kaibigan mo? Pamilyar siya sa akin, hindi ko sigurado kung naipakilala mo na,"
sabi ko.

"I guess you met him once back in Costa Leona," aniya.

Marahan akong tumango roon. Sinasabi ko na nga ba. Bukod kaya roon, may iba pa
siyang binayaran o pinakiusapan na sundan ako? I wonder.

"Anong pangalan niya?"

His eyes remained narrowed and doubtful. I smirked.

"Gino," may pag aalinlangan sa tono niya.

"Gino..." Napaisip ako kung saan ko ba iyon narinig.

His arm snaked around my waist. Agad akong napatingin sa kanya. His expression
remained the same. Mangha ako na ganito siya. Hindi ako makapaniwala na
naaapektuhan siya sa ganoong bagay. Ngayon ko lang napansin ang lahat.

"Raj, si Cresia nga ang may crush noon. Hindi ako," I assured him.

His touch grew tighter. Mas napalapit ang katawan ko sa kanya dahil doon.

"Why? Who's your crush, then?" he asked coldly like he's ready to hear someone
else's name.

Ramdam na ramdam ko ang paghahanda niya. Ramdam ko sa pagkakahawak niya sa akin na


kaya niyang tiisin kung hindi man siya ang pangalang sasabihin ko.

"Ikaw..." sagot ko.

His eyes left me when I felt his relief and another tension building up.

"Kahit tanungin mo pa si Cresia. Alam noon na... i-ikaw ang crush ko," I whispered
gently at him.

He exhaled. Inangat niya ang namumungay niyang mga mata sa akin. Uminit ang pisngi
ko nang natantong masyado akong naging totoo sa kanya. I wonder if it's okay. I
wonder if that's how a girlfriend should be?

He tilted his head and attacked with a deep kiss. Napapikit ako nang naramdaman ang
rahan at masusuyo niyang halik. Nanghina ang mga kamay ko. Tama siya. Wala kaming
gagawin dito sa hotel kundi ang maghalikan lang. Not that I don't want all the
kisses. Of course, I want it.

Tingin ko, tama siya sa sinabi kanina. Kung dito nga kami araw-araw sa isang buwan
niya rito sa Iloilo, baka ganito ang gagawin namin palagi.

"May ibang tauhan ka pa ba na... pinasunod sa akin?" I asked while eating the
dessert after a long while.

Nagsalin siya ng champagne sa wine flutes. His lips twisted at that.

"Hmm. That I think you know?" he asked.


Tumango ako.

Nilapit niya sa akin ang sinalin na champagne. Tinabihan niya rin iyon ng isang
baso ng tubig bago bumaling sa akin.

"Well, your driver."

Ilang sandali akong nagulat sa sinabi niya. Bakit hindi ko iyon naisip? Imposibleng
hindi ako masumbong sa ilang beses naming pagkikita ni Raoul. Tauhan niya si Manong
Roy?!

"So you don't have to worry if there's something wrong with anything."

Ang buhangin ng panahon ay mabilis ang pagkakahulog tuwing masaya. Alam ko na iyon
noon pa. Back in Costa Leona. Everytime I'm happy, time passes by like a whirling
wind eager to hit something and burst.

Tuwing Sabado at Linggo, sa bahay lang ako. I text or call Raoul at night while he
works the whole day. Umuuwi kasi ang mga Ledesma kapag weekends. Most especially
Prince.

Wala akong planong sabihin sa kanya ang tungkol kay Raoul but I don't think I can
lie to him about it, too. If ever he asks about it, aamin siguro ako.

"Wala talaga, e? Baka alias niya lang 'yon? Tingin mo?" si Cresia pagkaraan ng
isang buwan nang naitanong ko iyon at wala parin siyang makuhang impormasyon.

Umiling ako. "Tingin ko naman, totoong pangalan iyon, Cres. Naaalala kong may
kaibigan nga siyang Gino noon."

For a month, Cresia did not entertain boys because she's busy with her search for
"Gino". Ayon sa kanya, wala naman daw sa mga kilalang pamilya na close ng mga
Riego.

Isang buwan na rin simula noong naging kami ni Raj. Nakauwi na siya ng Manila so
we're back to texting and calling each other everyday. Though he promised he'll
visit me every month.

And it's true! Sa pangalawang buwan, umuwi siya ng Iloilo sa mismong monthsary
namin.

"Hindi na uso ang monthsary sa mga gaya niyan, Leil! Naku! Anniversary na lang ang
icelebrate mo! Baka macornihan 'yan at iwan ka!" Cresia declared when I asked her
about it.

Hindi rin naman binabanggit ni Raj iyon pero sa isipan ko, alam kong monthsary
iyong tawag sa mga araw na umuwi siya ng Iloilo.

"Matutulog ka na?" tanong ni Prince.

It's a Saturday of November. Madalas, pagkatapos naming kumain, hindi muna ako
aakyat. Minsan, kwentuhan muna kami kasama ang pamilya ng Ledesma sa living room o
sa garden. This time, I promised Raj to go to my room early so we can text each
other.

May party kasi siyang pupuntahan. He won't have a date, like always. So I promised
him we'd text each other, instead. The party will be published in a lifestyle
magazine. Medyo tanyag kasi ang host.
"Uh, oo, sana..."

"Mamaya na, Leil. Minsan na nga lang akong umuwi, didiretso ka pa sa kwarto mo?"
nagtatampong sinabi ni Prince.

Nag-alinlangan pa ako noong una. I left my phone in my room so kung hindi ako
aakyat, talagang hindi ko maitetext si Raj. Pero ayaw ko namang sumama ang loob ni
Prince. Makatarungan naman ang gusto niya.

"And we have to talk about your birthday," he said.

"Prince, ayos lang sa akin ang gaya noon. Hindi ko kailangan ng engrande..." sabi
ko.

Huminga ng malalim si Prince. "Fine. A simple dinner again, will do. Kaya halika na
at kausapin na natin si Mommy at Daddy tungkol diyan."

Wala akong nagawa. Sumunod na lamang ako kahit pa ang tanging iniisip ko lang ay
makapagreply sa text o makasagot ng tawag ni Raj.

The planning for my birthday lasted for an hour and half. Ang kalahating oras doon,
ginugol ko para kumbinsihin sila na huwag akong bigyan ng engrandeng party. They
want me to have it since expected na raw na sa hotel ako magtatrabaho
pagkagraduate.

"Thank you, Tita," sabi ko nang natapos ang usapan.

Kunot-noo akong pinagmasdan ni Prince nang tumayo ako. Tumayo rin siya.

"Magpapahinga na po ako..." sabi ko.

"Okay, hija. Good night!" si Tita Sally.

"Good night din po, Tita Sally at Tito Ton... Primrose... Arthur..." sabi ko sa
kanila bago bumaling kay Prince.

"Ihahatid na kita sa kwarto mo," Prince said in a cold tone.

"Ah! Huwag na, Prince. Nakakahiya naman..."

Hindi niya na hinintay ang dugtong ko. Nauna na siyang umalis at inabangan na
lamang ako sa bukana papasok sa bahay. Lumapit ako at nagpatuloy na lamang.
Nagsabay kaming maglakad pagkapasok.

His arm snaked around my waist when we started for the stairs. Napalingon ako kay
Prince sa gulat.

"Uyy! Kayo na ba?!" kantyaw ni Primrose na pumasok na rin yata sa bahay.

Sumunod si Arthur sa kanya na nanatiling nakatitig. Prince lowered his hand for
modesty. Umiling naman ako para itanggi ang sinabi ni Primrose.

"Ayus lang 'yan! We kind of expected it to happen, anyway!" deklara ni Primrose na


naabutan naman agad ni Tita Sally.

"Anong meron?" si Tita Sally.

"Si Prince at si Soleil, PDA. Sila na yata-"


"Prim!" saway ni Prince sa kapatid na agad nagtutop ng bibig.

Kinabahan ako. Lalo na nang ngumiti si Tita Sally sa akin. Pumasok si Tito Ton at
nakita ko ang nagtataka niyang ekspresyon.

"Hindi pa kami, Prim!" agap ni Prince na agad kong sinegundahan ng tango.

"Primrose, stop the teasing! Awkward na tuloy ang dalawa!" saway naman ni Tita
Sally. "Nevermind that, Leil, hijo... Sige na at magpahinga na kayong dalawa..."

Tita Sally dragged Primrose. Dumiretso naman si Arthur sa countertop kasama si Tito
Ton na tumango lamang sa amin.

Nagpatuloy kami sa pag-akyat. This time, Prince did not guide me with his arms
snaked around my waist. I thank god for that. I was about to ask him to stop.
Mabuti na lang at alam niya naman na hindi tama iyon.

"Magpapalipat ako rito by April..." he said to me.

Napalingon ako sa kanya. Kitang-kita ko ang panantya sa kanyang mga mata.

"Para lagi na tayong magkasama sa trabaho. Pumayag na si Primrose na siya ang


mamamahala sa Manila. Tayong dalawa rito."

"O-Okay..." mapait akong tumango.

"Para na rin mabantayan kita," he said in almost a whisper.

Napalingon ako sa kanya. Palapit na kami sa kwarto nang nakita ko ang kanyang
pagseseryoso.

"Hindi ko kayang laging nasa Manila. Laging nangangamba sa'yo rito. Umaasa sa isang
text mo kada araw at sa ibabalita ng driver kung nakauwi ka na, Leil."

Napayuko ako sa sobrang kaba. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin.

"Hindi ko kayang umasa lang sa Sabado at Linggo, which you spend most of your time
in your room."

"Prince, nag-aaral ako-"

"I know. Kaya nga sa April ako lilipat dito, 'di ba? Tapos ka na nun. You won't
lock yourself in your room and say you're studying," mataman niyang sinabi.

He smiled at me weakly. I opened the door of my room.

"Okay, Prince. Good night!" sabi ko at dumiretso na sa loob.

Kabanata 27
Kabanata 27

Congratulations

Raj promised to be spend some of his Christmas vacation days in Iloilo. Sinabi ko
sa kanyang hindi na naman kailangan dahil nagkita na kami noong nakaraan. No matter
how much I want to be with him, I know that he needs to be with his family on the
holidays.
"Huwag na!" sabi ko pagkatapos niyang sabihin sa akin na magtutungo naman siya sa
graduation ko.

Kinabahan ako sa sinabi niya. Sekreto ang relasyon namin. Kung may magtatanong sa
akin at mabuking man ako kalaunan, maaaring aamin ako pero habang walang
nakakaalam, gusto kong manatiling lihim ang lahat.

If he shows up to my graduation, where the Ledesmas will be, sadya ang


pagkakabuking namin.

"I want to see you on your graduation," he said seriously.

Uminit ang pisngi ko. Pinapanood niya ang reaksyon ko, seryoso at talagang hindi
nagbibiro. Nakahilig ako sa sofa ng kanyang suite habang siya'y nakaharap sa akin,
ang isang kamay ay nasa back rest.

Ito ang isa sa pinakamapangahas naming pagkikita. Prince is around but he's in the
hotel for work. Medyo marami daw bisita dahil holidays. I was allowed to go out in
search for gifts for the annual family exchange gifts. Mabilis akong namili at
dumiretso na rito sa hotel ni Raj pagkatapos. It's the only way we can see each
other.

Ang unang mapangahas naming pagkikita ay noong birthday ko. But it was very short.
He waited outside the hotel. Lumabas ako ng ilang sandali sa venue at nagkausap
kami ng ilang minuto sa loob ng kanyang sasakyan. Believe it or not, my birthday
was just suddenly perfect because of that little time we spent with each other.

"Sige, pero hindi tayo magkikita. Manonood ka lang at hindi na kita hahanapin,"
mabigat ang loob ko nang sabihin ito pero iyon talaga ang dapat.

He sighed and remained serious.

Ngumuso ako. Baka magtampo siya pero...

"Raj... mahirap 'yon. For sure nandoon si Tita at Tito, pati si Prince, pati pa si
Arthur at Primrose," paliwanag ko sa isang maliit na boses.

"Okay, then..."

"Kahit after graduation na lang? Susubukan kong tumakas sa bahay..." sabi ko.

Nagkatitigan kaming dalawa. Alam ko kung ano ang nasa isip niya pero alam niya rin
kung ano ang sasabihin ko kung sakali. He wasn't keeping our relationship a secret.
Kung naglilihim man siya, dahil lang iyon sa akin. Noong nakaraan, tumawag sa kanya
si Zamiel. Tahimik akong nakinig sa usapan ng magkaibigan at kaswal niya lang na
inamin na magkasama kami. And Zamiel Mercadejas wasn't surprised at all, so I think
he already knew that we were always together... o baka pa pati ang relasyon naming
dalawa.

"That will be the first time we'll see each other in person for the next year," he
said.

Gumapang ang kamay niya sa mga kamay kong nasa aking kandungan. Hindi ako makahinga
pagkahawak niya roon. His hand was hard and large pero sobrang rahan nito kung
humawak sa akin.

"Gusto ko rin namang makita ka sa graduation ko, e..." sabi ko nang hindi siya
tinitingnan ng diretso.
He will be gone starting January. Gaya noong nakaraang taon. Naiintindihan ko.
February was the death anniversary of his father. Enero pa lang, inaalala ko na ang
lahat ng nangyari noon. I assume his mother does the same. Sa Maynila sila
maglalagi hanggang sa katapusan ng unang buwan sa susunod na taon. By February,
they'll be home to visit his father's grave. Naroon ang mga Riego noon at inasahan
ko nang magtatagal sila hanggang March.

"Then that's easy..." he said.

Sinimangutan ko siya para ipahayag ang hindi ko pagsang-ayon. Umangat ang gilid ng
kanyang labi. He looks so amused.

"I'm gonna miss you," he said.

Ngumiti ako, hindi maipaliwanag ang kasayahang nadarama. "Araw-araw akong magsi-
send ng picture ko sa'yo, para hindi mo ako ma miss..."

His eyes suddenly became wicked. Hindi ko alam kung may mali ba akong nasabi.

Tinuruan ako ni Cresia noon na magsend madalas ng picture kay Raou.

"Dapat nasa kama ka, nakahiga!" Cresia said once while I was listening to her
advices.

Ayon pa kay Cresia, dapat mas damihan ko raw ngayong magiging mahaba ang long
distance relationship namin ni Raj. Tatlong buwan kaming hindi magkikita kaya dapat
daw mas ayusin ko ang aming communication. I don't know what she means by that but
one of the steps to strengthen it is to send him pictures of myself everyday.

"Who taught you that?" his deep baritone echoed.

Kunot-noo ko siyang binalingan. "Bakit? Hindi ba maganda 'yon?"

He groaned a bit and crouched so our eyes would level.

"Send it to me at night. I might get distracted if you send it to me while I'm


working," aniya.

Ayaw ko mang ipakita ang kasiyahan ko sa sinabi niya, unti-unting sumilay ang hindi
ko mapigilang ngiti. Sa simpleng pagkikita namin, kumpleto na agad ang taon ko.
Ayos na ako. I could last for days idle and remain happy. That's his effect on me.
Kahit noon naman ganoon, iba lang ngayon dahil tinatamasa ko na ang sekretong
pangarap ng bata kong puso.

"Saan ka galing?" si Prince na hindi na ako pinagsalita pa.

Bumaling siya kay Manong Roy. He looked so serious as he interrogated the poor
driver. Lumapit ako para magpaliwanag na. Medyo masama ang loob ko dahil tatlong
oras lang naman akong nawala at ganito na kaagad siya makaasta.

"Prince, anong problema?" tanong ko bilang panimula.

I want to question his over reaction. Hindi na ako bata para sa ganitong bagay. Isa
pa, hindi pa madilim sa labas kaya ano ang problema niya?

"I thought two hours is enough for you," mahinahong sabi ni Prince.

"Hindi pa naman dumidilim, Prince, at-"


"I know, Leil. Nakausap ko na si Manong Roy..." mas marahan niyang atake sa akin.

Napabaling ako sa driver. Tipid itong ngumiti sa akin bago tumalikod at dumiretso
na sa sasakyan. I sighed. Bumaling muli ako kay Prince.

"Tara na sa loob at ilagay na natin ang mga regalong dala mo sa ilalim ng Christmas
Tree," he said.

Bumuntong-hininga ako at hindi na dinugtungan pa ang paliwanag sa takot na lumalim


ang usapan at mapaamin ako.

The days were very slow. Lalo na ngayong kung hindi kami nagti-text o tawag ni
Raoul, naiisip ko ang lahat ng nangyari sa Costa Leona noon. Noong nalingunan ko
ang kahel na langit sa gitna ng gabi. Noong tinakbo ko ang gubat para lang maabutan
ang nayon na nasusunog... lahat ng iyon. Ganito lagi tuwing Enero.

Ano na kaya ang itsura ng Costa Leona? I am forbidden to go back there because the
people might attack me. Alam ko. Dahil kahit ako, hindi man malapit kay Hades
Riego, masakit sa akin ang nangyari. Paano pa sa mga taong malapit sa kanya... sa
mga natulungan niya? Paniguradong sobrang sakit na sasaktan din nila ang sino mang
may gawa noon.

My thoughts go around the whole scenery of the memory. Minsan, naiisip ko ang
nangyari sa amin ni Raoul noon. Pero hindi gaya noong nakaraang taon, wala nang
halong pait iyon ngayon. Masaya ako dahil hindi lang ang nakaraan meron kami.

Though at times, I feel lonely everytime I think about us. In my most private
memories, I imagine myself coming to Costa Leona with the people finally accepting
me... pati si Felicia Riego.

Alam kong malabo pero nangangarap ako.

Then my thoughts drift to the future. Sa kaisipang may kinabukasan ba ang relasyon
naming ito? If we continue will the people of Costa Leona or the Riegos accept us?
I know the answet to that: No.

Mabait si Raj. Nakaya niyang tanggapin ulit ako. Pero sa mas pribado kong isipan,
minsan ay naiisip ko rin na baka niya ginagawa ito para mahuli si Papa. That he is
just using me to get justice. Though he was never that way, we don't know what pain
can do to people. Sana lang... hindi.

At kung ganoon man, maiintindihan ko ang nararamdaman niya. I'd understand his
eagerness for justice. Nakakatawa dahil iyon nga ang nasa isip ko. Kung masasaktan
niya ako sa ginagawa niya, maiintindihan ko. Hindi ko alam kung naiintindihan ko ba
talaga o tinatanggap ko na lang dahil lang mahal ko siya.

My father is lost. Pagkatapos ng tawag na iyon, wala na ulit akong narinig galing
sa kanya.

Napag-usapan na rin namin ni Raoul iyong tungkol sa tawag. Apparently, their


investigators were suspecting that my father is using a certain phone number. The
investigators sent a random text for my father, giving away my number. Nang tawagan
ako ni Papa, agad nilang nakumpirma na kanya nga iyon. That's how he got my number.

Raoul formed a team to search for my father. Hirap nga lang dahil bukod sa mag-isa
si Papa, magaling pa itong mangumbinsi ng mga tao sa ibang katauhan niya.

The last whereabout of the phone number they are tracking is in Palawan. At ilang
buwan na rin iyon kaya hindi nila sigurado kung naroon pa nga ito.
"Bye. See you again tomorrow," si Cresia sabay halik sa labi ng lalaking ka-date
ngayon.

She's dating a tall national basketball player. Isang linggo pa sila noong lalaki
at kung makatingin sa kanya'y tila siya lang ang babae sa mundo. I am happy for
her. I am just not sure if she's happy for herself.

"Masaya ako at nakatagpo ka rin ng magiging boyfriend mo, Cresia."

Sa ilang buwan niyang paghahanap kay Gino, hindi siya nakipagdate sa kahit kanino.
Wala raw siyang gana.

Tinanong ko si Raoul tungkol sa lalaki, ang sabi niya pribado raw ang mga
impormasyon nito dahil sa trabaho. Hindi naman nanghingi pa ng tulong sa akin si
Cresia dahil malaki rin ang tiwala niya sa mga binayarang imbestigador para mahanap
ito.

I thought she was too obsessed with him that it's not healthy. Ilang beses niya pa
lang nakita si Gino at ang tagal na noon tapos ganito ka grabe ang puhunan niya
makita lamang ulit ito. I understand. She has the resources and I understand the
infatuation she's going through. Iyon nga lang, kakaiba ito sa madalas niyang
attitude sa mga lalaki.

"Hindi ko 'yon boyfriend!" she said matter-of-factly.

Napawi ang ngiti ko. I want her to be normal again. Date men and all that. Pero
ayos lang siguro, it's a start, right? At least, lumalabas na ulit siya kasama ang
ibang lalaki.

"Pero at least may prospect ka..." tanging nasabi ko.

She turned to me.

"Hindi rin prospect. He's just there to fill the gap."

"Huh?" medyo nalilito kong tanong.

Bigo niya akong tiningnan.

"Leil, hindi ko parin mahanap si Gino..." tanging nasabi niya.

I cannot believe her. She dramatically crumpled her face just to show me how
miserable she is. Minsan, hindi ako sigurado kung totoo ba talaga ito o ano.

"Naiinis na ako! Wala sa listahan ng mga kaibigan ng mga Riego! Wala rin sa school
dati ni Raoul at kahit doon kay Radleigh na pinsan niya!" aniya.

"Dahil ata sa trabaho, Cresia. Bawal ata sa trabaho nila na sabihin ang mga
detalye. Pero..." nilingon ko kung saan nawala ang lalaking kasama niya kanina.
"Paano iyon?"

"Wala lang 'yon!" giit niya.

"Hindi kayo noon? Akala ko boyfriend mo?"

"Fling lang!" sagot niya.

"Fling?" kunot-noo kong tanong.


I heard that word many times pero hindi ko na inisip pa kung ano ba talaga ang ibig
sabihin noon. Alam ko lang na maraming ganoon si Primrose noon. Kay Prince, sabi
meron din daw pero hindi ko na inisip pa. Now I'm hearing it from Cresia, too.

"Fling! Iyong parang kayo pero minus the commitment! Hindi niya ako kailangang
ipakilala kahit kanino bilang girlfriend niya. Ganoon din sakin kasi hindi ko naman
siya gusto. Si Gino nga ang gusto ko, Leil!" anas niya.

Umiling na lamang ako. Cresia cried dramatically again to stress that she's really
broken hearted for Gino.

Sinabi ko na kay Raj noon na kung pwede niya bang matulungan si Cresia. Pero maging
siya man, hirap na mapakiusapan ang kaibigan para sa isang bagay na ganito. How
cold-hearted. I'm starting to think that Cresia should stop thinking about him.

Ilang araw bago ang graduation ko, nasa bahay na kaagad ang mga Ledesma. And Prince
will be here in Iloilo for good, like what he promised.

Kinusot ko ang mga mata ko. Hindi parin ako makapaniwala na malapit na akong
gumraduate. Magtatrabaho na ako. I'll earn money and I can finally save for myself!
Hindi na ako makapaghintay na ganoon.

Raoul:

Good morning! I have a surprise for you.

Kakaibang mensahe iyon. Madalas, binabati niya lang ako at nagtatanong kung ano ang
gagawin ko sa araw n iyon.

Ako:

Good morning! Ano 'yon?

Pumasok na ako sa banyo para maligo at magbihis. Pagkababa ko, wala si Prince sa
lamesa. Ipinagkibit ko na lamang iyon ng balikat at nagsimula nang magbreakfast.
Last day ng practice for graduation ngayong umaga. Mamayang hapon, wala na kaming
gagawin. Bibili na lang ng kailangan para sa Baccalaureate Mass bukas.

Ilang subo ko ng pagkain ay 'tsaka lang nagpakita si Prince. Galing siya sa labas
at kunot-noo nang pumasok sa dining area.

"Good morning!" bati ko kay Prince.

"Good morning! Manong Roy is absent today. Ako na sana ang maghahatid sa'yo pero
may ipinalit naman siya na sa kaparehong agency lang."

Manong Roy is absent? First time iyon, ah. Ano kayang nangyari kay Manong? Naisip
ko ang mensahe ni Raoul kanina.

"He seems good but a bit young..." patuloy ni Prince habang tinitingnan ako. "I'm
not comfortable."

"Kung ayaw mo, pwede rin naman akong mag commute-"

"You shouldn't. We have cars and there's a driver available. Pwede nga'ng ako na
lang ang maghatid at magsundo sa'yo mamaya. But I have to finish work for your
graduation tomorrow."
Hindi ko alam kung bakit na momroblema si Prince doon. Hindi ko maintindihan. May
driver naman daw na papalit kay Manong Roy sa araw na iyon, pero bakit niya
pinoproblema pa iyon?

"This is Gino, Leil," Prince said when we went out of the house to meet my driver
for the day.

Namilog ang mga mata ko. Ito ang surpresa ni Raoul! Did he finally convince him to
show up! At bilang driver ko! Manghang-mangha ako na hindi ko na namalayan ang
sinabi ni Prince.

"Leil! Naiintindihan mo ba ako?" medyo pagalit na sinabi ni Prince.

"H-Huh?" napabaling ako sa kanya.

Gino is almost as tall as Raj. Naka itim siya ng t-shirt at pants. Kahit sa kaswal
na damit ay kita na gaya rin ni Raj, he's lean and well cut. He's very formal.
Pormal man si Raoul, nararamdaman ko parin ang pagiging laid-back niya sa mga kilos
pero itong si Gino, tila robot na kalkulado lahat ng gagawin.

Nag-angat siya ng kamay para sa akin.

"Gino..." he said.

"S-Soleil-"

"No need for that. You're just her driver for the day..." ani Prince bago ko pa
matanggap iyon.

Gino's fac hardened. Bumaling siya kay Prince at ilang sandali kong nakitaan ng
galit ang mga mata, taliwas naman sa salita.

"Sorry, sir..." he said to Prince.

Tumango si Prince. "After your practice, sa mall ba ang tungo ninyo ni Cresia,
Leil?"

"Oo... sana. May mga bibilhin ako para bukas, Prince."

He nodded and carefully watched the new driver. "Okay, then. Huwag kang magtatagal
doon."

Sumang-ayon naman ako roon. Hindi naman talaga ako magtatagal kaya lang...

Pumasok ako sa SUV at nanatili ang mga mata ko sa rearview mirror kung saan kitang-
kita rin ang mga mata ni Gino. He did not glance at me. Nanatili ang mga mata nito
sa kalsada at pinaandar na ang sasakyan.

Sa byahe, si Raoul agad ang tinext ko.

Ako:

Ilang araw si Gino bilang driver ko?

Raoul:

Just today or that boy Ledesma will fire Roy for it. Hindi rin 'yan makakapagtagal
dahil sa trabaho.
Nag-angat ako ng tingin kay Gino. I can't believe it. Iba parin pala kapag nakita
ko na siya ng malapitan sa personal. Noong sinabi ni Raoul sa akin na kaibigan niya
nga ito at pinasundan niya nga ako, nagulat ako pero mas nakakagulat ngayong
kaharap ko na ito.

Unti-unting gumapang sa akin ang excitement para kay Cresia. I thanked Raj for it.
I can't believe he's doing us a favor! Naiisip ko pa lang ang reaksyon ni Cresia,
hindi na ako makapaghintay.

"Diyan lagi nakapark ang sasakyan namin," sabi ko kay Gino nang iginiya siya sa
parking lot.

Lucresia Lopez was already there. In her boyfriend jeans, sweetheart top covered
with a black jacket, and a small hand bag on her right forearm, gaya ng dati
mistula siyang modelo sa isang fashion magazine habang nakahilig sa kanilang
malaking SUV, naghihintay sa pagdating ko. Hindi niya alam kung anong meron!

Ngumisi ako. Madalas ako na ang nagbubukas sa pintuan ko para makalabas. Ngayon,
sinadya kong hayaan si Gino na pagbuksan ako para lang makita ni Cresia kung sino
ang driver ko sa araw na iyon.

Kitang-kita ko ang unti-unti niyang pagtuwid sa pagkakatayo nang nakita kung sino
ang magbubukas ng pintuan ko. Palabas ako, nanatili akong titig sa kaibigan. Parang
tumigil ang mundo niya. Nakaawang ang labi sa gulat t hindi makagalaw sa
kinatatayuan.

Gino closed the door behind me. Aalis na sana siya para sa driver's seat pero
humugot ako ng lakas ng loob para maipakilala ang kaibigan sa kanya.

"Uh, G-Gino... Si Cresia Lopez nga pala, best friend ko..." sabi ko sabay lahad kay
Cresia.

"Hi!" Cresia said and she held out her hand.

Malamig na tinitigan ni Gino iyon at tinanggap naman. Cresia looked like a


speechless kitten, maamo at hindi makapaniwala. Palipat-lipat ang tingin niya sa
akin at kay Gino. Hindi ata alam alin ang uunahin.

Binawi ni Gino ang kanyang kamay at bumaling na sa akin.

"Just text Manong Roy's number. I'm using his phone now."

"S-Sige..." sabi ko at tinalikuran niya na agad kaming dalawa.

Umalis ang sasakyan, iniwan kami sa parking lot. Pagkaalis ay nayugyog yata ni
Cresia ang buong pagkatao ko.

And like what I expect, iyon nga ang bukambibig niya sa practice namin. Wala siyang
inisip na iba kundi si Gino. Ang gwapo ni Gino. Matipuno! Iyon na talaga raw ang
gusto niyang lalaki. Hindi magsasawa si Cresia kay Gino. Hindi ko nga lang alam
kung totoo ba itong mga sinasabi ni Cresia o hindi.

"Oh my gosh! Thank Raoul again, please, for me!"

Ilang beses na akong nagthank you kay Raoul para kay Cresia ngunit nakukulangan
yata ang kaibigan ko. Tumawa na lamang ako.

"Ganito, Leil..." she said in a low tone, gaya tuwing may plano siya.
"Ano?"

"Pagkatapos ng practice natin, pupunta tayo ng mall, 'di ba? Imbitahin mo sa lunch
natin! Sabihin mo, sagot mo pero syempre ako ang manlilibre, okay?"

Tumango ako kahit na may pag-aalinlangan sa sinabi ni Cresia.

"Syempre, pinauwi ko na ang driver namin. Kayo maghahatid sa akin sa bahay, ah?
Sabihin mo lang na nasa talyer sasakyan namin!"

Tumango ulit ako sa plano ni Cresia.

Then she shrieked her excitement. Some of our friends were asking us what is it all
about, pareho kaming ayaw sumagot. Kaya hindi rin mahirap na pagsabihan ng sekreto
si Cresia dahil maging siya masekreto rin sa buhay niya. Maybe because she's very
elite and they are very rich here in Iloilo. They were told at a young age to
maintain their privacy. Sanay na siya na ganoon.

Mabilis ang naging practice pero para kay Cresia, sobrang bagal nito. Masyado kasi
siyang excited sa lunch.

At nang oras na para maglunch at tapos na rin ang practice, dumiretso na kami sa
parking lot. Nag-aantay na nga roon si Gino. Pinagbuksan niya ako ng pintuan.
Cresia is again speechless behind me, pushing me to say something.

"U-Uh... Gino, si Cresia pala sasabay sa akin sa mall. Nasira kasi ang sasakyan
niya kaya tayo na rin ang maghahatid sa kanya sa kanilang bahay."

Sumulyap si Gino kay Cresia. I felt Cresia's sudden grip on me. Ramdam ko ang
tensyon sa kanya, halos pareho sa tensyong nararamdaman ko kay Raj.

"No problem," Gino said coldly at tinalikuran na kami.

Pumasok kami sa loob ng backseat. Pinaandar na ni Gino ang sasakyan. Kaaayos ko pa


lang sa pagkakaupo, iba naman ang pabor ni Cresia ngayon. Tumango ako at binulong
sa kanya ang paghihintay but she's too eager to stop pushing me. Nahuli tuloy kami
ni Gino na medyo magulo sa likod.

"Uhh..." panimula ko. "Magla-lunch kami sa SM, Gino. Sumama ka na sa amin sa lunch.
Ako na ang bahala sa'yo-"

"Hindi 'yan kasali sa usapan. Pagagalitan ako ni Prince Ledesma..." tanging sagot
niya.

Naiintindihan ko. Laging ganoon sa kasambahay ng mga Ledesma. Lagi silang tila ba
may ibang lugar sa mundong ito kaya hindi pwedeng humalo sa amin.

"Ako na ang bahalang magpaliwanag kay Prince, Gino," sabi ko.

"Wala rin 'yan sa usapan namin ni Rao, Soleil..." malamig niyang sinabi sa akin.

Halos matutop ko ang labi ko sa diretsahang sinabi nito. Cresia nudged me so I can
talk more but I was so stunned with his statement that I could not.

"Lunch lang naman, Gino. Kahit pagkatapos, bumalik ka na sa sasakyan," si Cresia


nang hindi na napigilan ang sarili.

"Wala nga iyan sa usapan," mas malamig na sabi ni Gino.


"Wala nga pero hinihingi ng amo mo, oh. Sigurado akong hihingin ni Raoul na pumayag
ka sa gusto ni Soleil kung malaman niya ito-"

"I live by the rules of professionalism. I think Raoul will understand that if I
tell him I won't eat lunch with you two. Unless, ikaw, hindi mo maintindihan ang
pagiging propesyunal."

Sa kauna-unahang pagkakataon, nakita kong namula ng husto si Cresia. It was a


borderline of embarassment and other things. Hinawakan ko ang kamay niya para
mapigilan siya lalo na't iba na ang tono ni Gino. He sounds very irritated. He's
Raoul's friend, not a hired guard or what so we cannot really bring that up.

"Chill with the professional thing. Then let's have lunch as friends. Ayos na ba?"
si Cresia.

"We're not friends so why will I have lunch with you?" he said brutally.

Wait! What?

"Uh, G-Gino, ang nakabubuti lang naman ang iniisip namin-"

"Because you're Soleil's driver? Natural naman talaga na pwedeng mag offer ang
ibang tao-"

"I said no. I'll just wait in the car until you're done."

Ramdam na ramdam ko ang panginginig ni Cresia. Hindi ko alam kung nagagalit na rin
ba siya o ano.

"You were hired to follow orders! Soleil is asking you, kay Prince man o kay Raoul,
na sumabay mag lunch sa amin. Anong masama sa pagkain ng tanghalian sa labas kasama
ang driver? I do that to our driver's all the time. But they are still very
professional. They have lunch with me because they are human. Professional but
still human!" giit ni Cresia habang pulang-pula at halos manggalaiti.

"I stand by my decision-"

"Whoa! Grabe! You are very difficult. It's just lunch! Just food, come on-"

"Ang pinaka ayaw ko sa lahat ay ang mga mayabang na mayayaman na akala'y kayang
bilhin ang lahat, pati mga tao. I'm not hired by anyone. I'm here for a favor. Now,
I'm not sure if Raoul sent me here to protect Soleil from harm..."

Sumulyap siya sa akin galing sa rearview mirror.

"You are making it big. Konting pagyayaya lang naman iyon," patuloy ni Cresia.

"And I already said no. It's a matter of respect on my decision."

"You are very... difficult!" Cresia said in a frustrated tone. "Pinalaki mo ang
isang simpleng bagay. I regret..."

Hindi niya tinuloy ang idudugtong. Bumaling si Cresia sa akin, halata sa kanyang
mga mata ang galit at pagtitimpi.

"I hate your new driver, Leil. Sana ay si Manong Roy na ulit..."

Hindi na nagsalita si Gino. Natahimik na rin ako, hindi ko alam anong sasabihin
para kumalma ang dalawa. Gusto kong humingi ng tawad sa kanilang dalawa pero ayaw
kong magsimula ulit ng pagtatalo.

Cresia was devastated. Wala siyang gana na kumain sa lunch kahit ilang beses kong
sinubukan na baguhin ang topic. Nakikisabay siya pero sobrang tamlay na pakiramdam
ko may sumanib sa kanyang ibang kaluluwa.

"Cres, pasensya ka na talaga kay Gino. Hindi ko alam na-"

"Ang suplado niya! Akala niya kung sinong gwapo!" deklara ni Cresia.

So... this is it, huh? This is the end of her years-long obsession with a man she
never even met yet.

Ayos na rin para matigil na siya. Ikukwento ko na lang kay Raoul mamaya. But...
Gino is a bit brutal. Though I'm not sure if he is o talagang hindi niya gusto ang
pinipilit siya? Ganoon din kaya si Raoul kapag pinipilit siya ng ibang babaeng ayaw
niya? He's kind... Then, pinapagbigyan niya kaya dahil mabait siya?

Nagtagal ang isip ko sa kaisipang mabait siya. Mabait siya. Pero sa pisikal na anyo
at sa ekspresyon, mukhang hindi. I smirked and wondered if he really is that kind
to other girls or... just me?

"Gwapo siya, alright! Pero nakakadismaya ang attitude niya!"

Mariing pumikit si Cresia, tila nahihirapan sa kung ano.

"Pero baka kasalanan ko rin dahil masyado akong makulit? Tingin mo?"

I remained speechless. Pinanood ko kung paano nagbago ulit ang ekspresyon niya
galing sa panghihina patungo sa pagkakairita.

"Hindi! Suplado siya! 'Yan na lang ang iisipin ko! Ayaw ko sa kanya!" she said like
she's convincing herself more.

Kaya naman, nang natapos kami sa pamimili at nasa parking lot na, negatibo ang
nararamdaman ko kay Cresia. Nagtataray at halos iniirapan si Gino. Kilala ko ang
kaibigan ko. Mataray minsan pero dala lang iyon ng kaartehang nakagisnan. This
time, her attitude is not from her usual shallow reason, dala iyon ng galit.
Mataray siya dahil iritado at galit siya.

"Buti na lang mabait ang driver ko. Hindi tulad nitong driver mo, Leil. Kung samin
pa 'to napunta, sisisantehin 'yan ni Daddy..." ani Cresia, pang-iinis.

Nasulyapan ko ang mga mata ni Gino na nakatitig kay Cresia galing sa rearview
mirror. Wala naman itong sinabi pero nakita ko ang galit niyang ekspresyon.

"I don't think that can be called professionalism, too..." patuloy ni Cresia.

"Cres... tama na..." pabulong kong sinabi.

Her rants continued. Ako na ang nagturo kay Gino sa kung saan liliko patungo sa
bahay nina Cresia dahil hindi na makausap ng matino si Cresia sa sobrang galit.
Gino drove silently even when I felt that he was angry.

Isang block ang sinasakupan ng bahay nina Cresia sa subdivision na iyon. Walang
katabi o kaharap na bahay at natatangi iyon sa block na iyon. Hula ko, binili ng
tatay niya ang nakapalibot na mga lupain para talagang mabahagi iyon sa ibang
nakatira roon.
If the Ledesma's mansion was big, the Lopez's mansion was bigger! I feel like they
never ran out of money. Hindi kailanman na bankrupt o ano man. Hindi rin takot ang
pamilya niyang ipangalandakan ang yaman nila.

"Cres," sabi ko at sinubukang buksan ang pintuan sa banda ni Cresia.

Pinigil ni Cresia ang kamay ko at humalukipkip siya. Lumabas si Gino. Nakita ko ang
pagsuyod ng kanyang mga mata sa napakalaking bahay ng mga Lopez sa harap.

"Hayaan mo siyang pagbuksan ako," ani Cresia sa malamig na boses.

Kinagat ko ang labi ko at pinagmasdan na lang ang alitan ng dalawa. Binuksan ni


Gino ang pintuan para kay Cresia. Ilang sandali pa silang nagtitigan bago tuluyang
lumabas ang aking kaibigan.

"You know what? You disappointed me so much," Cresia said in a very bitter tone.

Halos napasinghap ako sa mapangahas na sinabi ng kaibigan. Gino's eyes turned


darker. Umiling siya at nilakhan pa ang buka ng pintuan. Nakita ko ang mas lalong
pagkairita ni Cresia sa reaksyon nito.

"Crush pa naman kita noon. Hindi na ngayon. I hate you," dinagdag niya pa.

Namilog ang mga mata ko. I cannot believe she said that!

"Don't worry. I don't like young, loud, and rich girls like you, too," he said in a
cold tone bago sinarado ang pinto at tinalikuran na si Cresia para makabalik sa
driver's seat.

Tumakbo si Cresia patungo sa malaking gate nila at hindi na lumingon pa. Tahimik
naman ako buong byahe, hindi alam kung ano maaaring ang sabihin kay Gino gayong
alam kong galit din ito. Sa huli, noong nakarating na kami sa bahay, 'tsaka lang
ako nagkaroon ng lakas ng loob.

"S-Sorry nga pala, Gino, sa kaibigan ko..." I said.

He only nodded and that's the end of our interaction for Prince was already
standing on the garage, waiting for me to come home.

Hirap na hirap akong ikwento iyon kay Raoul kinagabihan pero hindi ko na napigilan.
Wala rin siyang masabi bukod sa kakausapin niya raw si Gino tungkol doon. Sinabi ko
sa kanyang huwag na dahil nakakahiya na masyado. I know Raj only wanted Gino to
meet Cresia and it turned sour. Kasalanan ko pa na kinulit ko siya tungkol doon.

And on the graduation day, pinanood ko kung paano masyadong seryoso at mukhang wala
sa sarili si Cresia. She's all glammed up with her make up and what not but she's a
bit silent for the rest of the programme.

I graduated with Latin Honors. Bumabyahe pa si Lola Brosing at sa bahay na siya


didiretso para sa party mamaya. Wala si Ma'am Avila dahil natuon na graduation din
yata sa pinagtuturuan niya at hindi siya pwedeng umabsent. But she will be here
tomorrow to congratulate me, too.

Sa stage kanina, noong yumuko ako para mag bow bilang graduate, nahanap bigla ng
mga mata ko si Raoul na nasa harap ng mga upuan, katabi ang presidente at iilang
propesor ng unibersidad. Halos mabuwal ako sa nerbyos. I know he'd be there but not
that close! And not in front of me or with the university president!

Dashing in his crispy coat and tie, this is the first time I saw him wear that in
person. At parang hindi ako makapaniwala ulit na boyfriend ko nga siya! Imbes na
tumaas ang tingin ko sa sarili ko, mas lalo lang iyong bumaba. I feel so inferior
but I have to strive and feel otherwise. This is not the time for a pity party.

Ngumisi siya nang napansin ang biglaan kong kaba. Kinagat ko ang labi ko pababa ng
stage at dumiretso na, parang nakalutang, pabalik sa aking upuan.

Pagkatapos ng graduation rites, gumulo na dahil sa picture taking. Sandamakmak ang


picture namin ni Cresia. Pati na rin sa mga kaibigan namin.

Prince, Primrose, and Arthur were together just watching us. Nilapitan sila ni Tita
Sally at Tito Ton.

Sa dami ng tao, hindi ko halos makita ang nangyayari sa kanila pero nang lumapit
ang iilang propesor kasama ang iilan ding mukhang special guest, natigilan na ako.
I saw how the president of our school talked to the Lopez's and Ledesma's.
Pinakilala nila ang iilang panauhin at nagkataong kasama si Raoul doon.

Kinabahan agad ako. Imbes na magpapapicture pa ang iilang lalaki kong kaibigan,
iniwan ko sila para makita kung anong mayroon doon.

"I'm sure you know him, Mr. Ledesma?" sabi ng isang propesor habang tumatawa.

Ipinakilala nito ang mga panauhin. Huli si Raoul na kakapakilala lang din sa mga
Lopez.

"Of course we know Engineer Riego. You are very famous in your conglomerate," si
Tita Sally na mukhang manghang-mangha kay Raoul.

Sumulyap si Raoul sa akin. Para akong mahihimatay. Hindi ko alam kung dahil ba sa
titig niya o dahil kakausapin niya lang naman ang mga Ledesma.

"Thank you!" si Raoul.

"That is expected. He is a Riego. They are known for being geniuses in the
construction business," sabi ng Papa ni Cresia na nasa tabi lamang.

"Tama! Hoping to work with your company soon," si Tito Ton naman. " By the way, let
me introduce the heirs of our chain of hotels..."

Mabilis na lumapit si Primrose. Kitang-kita ko sa mga mata niya ang pagkakamangha


sa lalaking nasa harap. Prince pulled me closer so I could get introduced, too.
Nakita ko ang pagbaba ng mga mata ni Raoul sa kamay ni Prince na nasa akin.

Mabilis kong pilit na binawi ang kamay ko. Nilingon ako ni Prince. Raoul stared at
me for a while before he turned to Tito Ton who's talking now.

"This is Primrose, my daughter, with her husband Arthur Lopez, Jr. Eto naman si
Prince, ang aking anak na lalaki," maligayang sabi ni Tito Ton.

Naglahad ng kamay si Arthur. Pagkatapos ay si Primrose naman. Sa huli ay si Prince.


Raj shake his hand firmly and briefly. Napabaling si Tito Ton sa akin na katabi
lang ni Prince.

"And this is Soleil, daughter of a friend..." ani Tito Ton.

Parang tambol ang puso ko. Hindi ko inasahan na ganito ka lapit kami ngayon. Na sa
harap ng mga Ledesma ay ipinakilala kaming dalawa.
Raj offered his hand on me. My breathing hitched. I was too stunned to say anything
kaya tinanggap ko na lang ang kamay niya.

"Congratulations..." he said in a softer tone.

Nagkatitigan kaming dalawa. Nanuyo ang lalamunan ko. Nakatingin ang lahat sa amin.
Naramdaman ko ang reaksyon ni Prince sa tabi.

Nagbitiw kami ng kamay pareho. Nakita ko ang mariin at matalim na titig ni Raoul
kay Prince bago ito bumaling kay Tito Ton sa mas magandang ekspresyon naman.

"We hope we can soon work together," si Tito Ton.

Umangat ang gilid ng labi ni Raoul. "We'll know in time..."

Sumulyap ulit si Raoul sa akin. At tuwing ganoon ang ipinupukot niyang tingin, para
akong makikitilan ng hininga.

The university president tried to get Raj's attention para maipakilala sa iilan
pang kaibigan. Nakita ko ang pagsusubok ni Tito Ton na makuha ulit ang atensyon ni
Raoul pero tuluyan na itong bumaling sa bagong ipinakilala rito.

Nakita ko ang pag-angat niya ng cellphone ng ilang sandali. Pagkababa niya noon,
naramdaman ko naman ang pagvibrate ng akin sa aking bulsa. Napasinghap ako at
napapikit ng mariin. I'm sure he just texted me!

"Umuwi na tayo, Leil. May party pa sa bahay," si Prince sa aking tabi.

Tumango ako at sumunod na sa kanya sa huli. I took my phone out to see Raj's text
message.

Raoul:

Enjoy your party tonight. Can I expect to enjoy you the whole day tomorrow?

Ngumisi ako sa text niya. Pupunta kami ng school ni Cresia bukas para kumpletuhin
ang iilang huling requirements. Nagkasundo kaming dalawa na pagkatapos namin doon,
makikipagdate siya sa iba na namang lalaki (baka panakip butas), at ako naman ay
sasama kay Raoul.

Raoul:

The boy Ledesma likes you.

Ngumuso ako at nagtipa na ng reply. I cannot wait to be with him.

Kabanata 28
Kabanata 28

Love

"Masayang masaya ako para sa'yo, Leil..." mangiyak-ngiyak na sambit ni Ma'am Avila.

They were allowed to stay in the Ledesmas house for the weekend. Linggo ngayon at
aalis na sila mamayang gabi patungong Costa Leona.

"Nakapagtapos ka sa wakas. Sa dami ng pinagdaanan mo..."


I smiled. "Utang ko po ang lahat ng ito sa inyo ni Lola Brosing, Ma'am."

Iyon ang totoo. Hindi ko alam kung paano kumbinsihin ang mga Avila na para sa
kanila nga ang lahat ng ito. Living under my father, I never thought I have a
chance for this kind of life. Maybe, I wished and hoped for it. Pero hindi ko
talaga inisip na magkakatotoo iyon kalaunan.

I was content with the life I had. Maybe I'd like to change a bit, gaya ng tigilan
ang panloloko sa mga ka-nayon, pero bukod doon, hindi ko na naisip pang
magkakatotoo ang pangarap kong makapag-aral at makapagtapos ng kolehiyo.

Ang mga Avila ang nag-isip na kailangan akong umalis sa nayon na iyon. Sila rin ang
nagpilit at nagtulak sa akin na pumarito sa Iloilo. They initiated the change that
I wished for. Kung hindi dahil sa pagtutulak nila sa akin, hindi magiging ganito
ang buhay ko.

"Ano ang plano mo pagkatapos nito, Leil? Huwag kang magmadali. Bata ka pa..." ani
Ma'am Avila.

Tumango ako. "Plano ko pong bumukod sa mga Ledesma. Magtatrabaho rin po ako sa
kanila."

Ma'am Avila smiled. "Ang bilis talaga ng panahon. Ngayon kaya mo nang magdesisyon
para sa sarili mo."

Nag-uunahan ang mga plano sa utak ko. Minsan, naisip kong maganda sana kung ako
naman ang bumisita kay Ma'am Avila at Lola Brosing, but they both disagree to that.
Kahit pa sabihin kong wala akong naging kasalanan sa nangyari noon, I can feel that
the whole town hated me dahilan ng pag-ayaw ng mga Avila sa pagbabalik ko roon.

I did not enjoy an idle summer. I expected that, too. Dahil isang linggo pagkatapos
ng graduation ko, pumasok na agad ako sa hotel ng mga Ledesma bilang Sales Manager
sa ilalim ng pamamahala ni Prince.

"Anong gusto mong bilhin ko para sa'yo?" Cresia asked over the phone while I was at
work.

Nangibang bansa siya. Hindi ko maalalang plano niya iyon pero biglaan niyang sinabi
na magbabakasyon muna siya noong huling pagkikita namin at medyo matagal iyon.

"Wala, Cres. I miss you. Kailan ang uwi mo?"

She sighed. "Isang buwan pa muna. Sana dinala kita. Nababagot tuloy ako rito."

"Hindi rin naman pwede. Kailangan kong magtrabaho-"

"Pwede namang ipagpaliban 'yan. Prince will understand!"

"Ayaw kong madagdagan pa ang utang ng loob ko sa kanila, Cres. Gusto ko na ring
magtrabaho at makapag-ipon. Alam mo naman, 'di ba?"

Sometimes I wonder if her sudden want to go out of the country was because of the
incident with Gino or not. Hindi naman siguro.

Naisip ko rin kung ganoon ba kadali makalimot sa isang taong ilang taon mong
pinangarap? Siguro? Kung hindi naman matibay ang pundasyon at purong ala-ala sa
mukha lang at iisang negatibong interaksyon pa ang meron?

We never talked about Gino again. Natatakot din akong simulan ang topic. Kung pag-
uusapan man namin iyon, mas gusto kong si Cresia ang unang magsalita tungkol doon.
Especially that I felt a sudden change with her after graduation. Hindi ko nga lang
alam kung nakabubuti ba iyon. She's a bit less jolly and more silent. Hindi ako
sanay at tingin ko hindi ko gusto iyon.

Naikwento ko na rin kay Raj iyon. Ang sabi niya, hindi naman daw ganoon si Gino
peri baka nga nawalan lang ng pasensya kay Cresia. Nalungkot ako roon. I can only
imagine Cresia's feelings when she realized she pisses him off. Ang tagal niyang
pinangarap si Gino at ganoon na lamang ang nangyari.

She extends her vacation. Noong nakaraan sabi'y isang buwan pero biglang naging
dalawa.

"Do you already have a dress?" tanong ni Prince sa akin, matamis ang kanyang ngiti.

Bumuntong hininga ako at itinabi ang keyboard ng computer. Medyo marami akong
trabaho ngayon pero ang buong pamilya, iba ang pinagkakaabalahan ng lahat.

"Meron naman siguro sa closet ko, Prince. Hahanap na lang ako ng pwede roon,"
tanging nasabi ko.

Kanina pa nakatayo at nakahilig si Prince sa pintuan ng opisina. Hindi kami pareho


ng opisina pero madalas siyang pumupunta rito lalo na sa mga ganitong oras. He
laughed at my response.

"Why? Do you think you have a golden dress?"

Ngumuso ako at nag-isip. "May champagne colored cocktail ako, naisuot ko sa isang
party noong nakaraang taon-"

"Oh come on, Leil!" aniya sabay lapit sa aking lamesa. "Pwede kang bumili, kung
gugustuhin mo."

I grinned at him.

"Pwede na 'yon. Nag-iipon ako, Prince. Hindi ako pwedeng mamili kung meron naman
akong dati..."

Napawi ang ngiti niya. Kahit kailan, hindi niya nagustuhan ang tungkol sa pag-iipon
ko.

Tuwing nagtatanong kasi siya kung bakit ako nag-iipon, lagi kong sinasabi na gusto
kong bumukod. O 'di kaya'y gusto kong bilhan sina Ma'am Avila at Lola Brosing ng
ilang gamit para sa kanila.

"Fine, then! But I bought you one for it!" he smirked.

I narrowed my eyes. Bumaba ang tingin ko sa paperbag na nilapag niya sa aking


lamesa.

This weekend is his father's golden birthday. Fifty years old na si Tito Ton at
medyo engrande ang hinanda ni Tita Sally para sa asawa. They invited Ma'am Avila
and Lola Brosing pero parehong hindi makakadalo ang mga ito, bukod sa nahihiya sila
dahil engrande ang party, nagsimula na rin yata ang klase sa school.

Tumayo ako at binuksan ang paperbag. Nakita ko roon ang isang napakagandang long
gown na nasa tamang kulay ng theme at mukhang mamahalin.

"Prince..."
Natutuwa ako pero hindi na dapat pang ganito.

"Salamat... Maganda, pero sana hindi ka na nag-abala."

He rolled his eyes. "Para ka namang iba sakin. I know you won't buy things for
yourself so I did. Masanay ka na, Leil. 'Yan ang susuotin mo sa birthday ni Dad,
okay?"

Tumango ako at muling pinasadahan ng tingin ang gown.

Nasa abroad si Raj. Bago siya umalis, abala iyon sa pag-aaral kasama ang pinsan
niya kaya hindi siya makabisita. He said we'll see each other before June ends at
ayos lang iyon sa akin. Hindi niya ako kailanman binigo sa mga tawag at texts. In
fact, I was the one who's always busy at times that I miss his calls more.

Imbitado ang mga Lopez sa birthday ni Tito Ton. Iyon nga lang, wala si Cresia dahil
nasa ibang bansa pa kaya wala ring mag-aayos sa akin. Although, Primrose promised
that her make up artist will take care of me. Sinabi ko namang ako na lang ang mag-
aayos sa sarili ko pero hindi pumayag si Prim dahil may make up artist naman daw.

Trabaho ang iniisip ko noong inaayusan ako. Half day kasi kami dahil nga sa
birthday ni Tito kaya marami akong hindi natapos.

"Grabe, this is the most expensive birthday Mommy has ever hosted!" ani Primrose
habang inaayusan na rin siya.

"Sayang at wala si Cresia," tanging nasabi ko.

Primrose laughed. "Hindi lang mga Lopez ang nariyan sa lista! The most prominent
businessmen in the country are here in Iloilo for it! Grabe talaga ang paglago ng
negosyo kaya gumanda ng husto ang connections ni Dad!"

Nanatili ang tingin ko sa aking mukha na ngayon ay nilalagyan ng kolorete sa


pisngi. Ang dalawang make-up artist ay tahimik lang. Nginingitian ko ang akin
tuwing pinapapikit ako at may miminsang munting puri.

Primrose mentioned some of the more prominent names in the country. I don't know
them pero sa tono ni Prim, tila sobrang lalaking mga tao nito. Pumikit ako ng
nilagyan pa ng kaonting kolorete.

"... Riegos... name it... grabe!" she exclaimed.

Napadilat ako at npatingin sa kanya. I was so sure that Raoul is abroad so it's not
him! Sino sa mga Riego ang dadalo sa party ni Tito Ton, kung ganoon?

"S-Sinong Riego?" tanong ko.

Primrose was caught off guard at my question. Nag-isip siya pero nang walang maisip
ay nagkibit siya ng balikat.

"Iyong nasa graduation mo lang ang kilala ko. Baka iyon? O baka... Papa noon?"

Si Raoul? For sure it's not his Dad, obviously. Maybe Primrose doesn't know a thing
about the private family of the Riegos.

"Pero... ang gwapo nun, ha! He's very manly and his aura screams of authority and
power. Kung 'yon ang napangasawa ko, sigurado na akong kabilang ako sa socialites
ng bansa!" she laughed.
Kumabog ang puso ko habang naririnig ang patuloy niyang pagpuri kay Raoul.
Natahimik lamang siya nang pumasok si Arthur para tingnan kung tapos na ba kaming
mag-ayos.

Kabadong-kabado ako. Sino sa mga Riego ang nasa party? Felicia? And what will
happen to me? I don't know.

Hindi ko alam kung alala pa ako ng ibang Riego. O kung namumukhaan pa nila ako.
Pero kung namumukhaan nila ako, ano kaya ang magiging reaction nila? Will they
condemn me? Mapapahiya ba ako sa party na ito?

I tried to search for the guestlist. Nakita kong walang pangalang nakalagay roon
pero dalawa ang para sa mga Riego. Mr. and Mrs. Riego... that's all.

I went to the comfort room. Lahat ay nagsidiretsuhan na sa ballroom at nagpaalam


ako kay Prince na mag aayos na lang muna bago pumasok. I texted Raj after the make
up session. He replied while I was in Prince's car so now I'm gonna read his
message.

Raoul:

Si Tito Ares at Tita Relani ang nandyan. Don't worry about it, okay?

I sighed and typed in my reply. Pagkatapos ay tumulak na ako roon para makapasok na
sa ballroom.

I'm wearing a square neck line gold dress, na ibinigay ni Prince ilang araw na ang
nakalipas. I'm wearing my hair down naturally dahil gusto kong simple lang ang
hitsura ko. Naiiwan ang mga mata ng iilang bisita sa akin habang naglalakad kami
papasok. Siguro ay iniisip nilang ako ang girlfriend ni Prince, lalo na dahil
nakaalalay si Prince sa akin.

Tuwing ipinapakilala naman ako, lagi namang sinasabing anak ng kaibigan at hindi
kamag-anak o girlfriend kaya ayos lang sa akin. After a long while, the party
started. Hindi pa nakakalayo sa simula ay nakita kong pumasok ang magkapares na
Riego.

Hindi ko halos maalala kanina ang mga itsura nila pero nang nakita ko silang
papasok, namukhaan ko agad. Sinegundahan pa ng kompirmasyon nang inanunsyo kung
sino ang importanteng panauhing dumating. Sinalubong sila ni Tito Ton at Tito Sally
bago ibinigay sa usherettes para maigiya sa tamang upuan.

Sinundan ko ng tingin ang mag-asawa. In a soft golden gown and with an updo, the
Riego woman sat with pure grace and elegance almost foreigh to everyone here.
Sumunod ang maginoong asawa nito na kahit sa pag-upo ay tila mararamdaman mo ang
kapansin-pansing kaangkupan sa pormal na selebrasyong ito.

I saw some of our guest obviously and shamelessly talked about the couple. Narinig
ko rin ang bulong ni Primrose sa katabing si Arthur tungkol sa kadarating.

"Akala ko 'di sila dadating. They are busy people after all..."

Yumuko ako nang naramdaman muli ang kaba. Hindi dapat ako mangamba, ayon kay Raj
pero hindi ko maiwasan. I've been introduced to them before. I am not sure if they
remember me but I hold on to Raj's words and the possibility that they are too busy
to remember a child like I was.

Kahit totoo nga, hindi naibsan ang kaba ko. Pagkatapos ng programme at ng pagkain,
ipinakilala ni Tito Ton si Primrose, Arthur, at Prince sa mga panauhin, kabilang
ang mga Riego. Hindi makakapayag si Prince na hindi ako isama kaya nasa tabi niya
ako. Nang iharap sa mga tao, ang mag-asawang Riego ay hindi naman ako binigyan ng
espesyal na pagpuna.

But the woman, Relani Riego, looked at me intently. My breathing hitched at that.
Lalo na noong naglahad ito ng kamay at tinanggap ko naman.

"Nice to meet you," she smiled but one of her brows shot up for a moment.
Pagkatapos ay binalingan niya naman si Primrose para paglaharan ng kamay.

Para akong nabunutan ng tinik nang sa iba naman kami ipinakilala. Malapit sa
kanilang lamesa ay iilan pang mga magarbong panauhin. We were called so we have to
go there. Ilang dipa lang ang layo sa lamesa ng mag-asawang Riego.

Kahit pa may ibang ipinakilala, bumabalik ang mga mata ko sa mag-asawa. Ilang
minuto na ang lumipas, napalayo na sila sa amin dahil sa mga kakilala, napapabaling
parin ako sa kanila.

The next few minutes was spent that way. Nakasunod kami sa kay Tito Ton at Tita
Sally habang pinapakilala kami. Ni hindi ko na namalayan na nakabalik na kami
malapit sa naunang mesa. Nalaman ko na lang nang may narinig ako galing doon.

"You think your nephew is stupid, Ares?" medyo tumaas ang boses ng babae.

Napalingon ako kung saan iyon galing at nakitang sa mag-asawa iyon. Humakbang ako
palapit kay Prince para sana hindi na marinig ang usapan pero hinanap yata ng
tainga ko iyon. Hindi ko marinig ang usapang nasa harap at ang tanging napo-proseso
ko ay ang pribadong usapan sa hindi kalayuan.

"He's probably just using the girl to get to the killer. He was as devastated as
you when Hades was killed. Imagine the possibilities of his anger!"

Parang tumigil ang mundo ko sa narinig. Hades was mentioned! Use the girl to get to
the killer?

Parang tambol na unti-unting lumakas ang pintig ng puso ko. Napabaling ako sa banda
nila para mas makita ang usapan.

"No. I'm removing him from both the Riegosteel and VHRV," baritono ang boses ng
lalaking Riego.

Umiling si Relani Riego sa asawa. "You think Radleigh is willing to handle it? You
know your son is busy with other things, Ares. And Rao, you know how skilled he is,
he will make it bigger than ever! It is not right to-"

"He needs to come to his senses, Relani. Kahit si Fely, iyon ang naisip na paraan!"

"You really think he is that stupid to connect with the girl without anything in
return? He will use her as pawn. Kung may mas kakayahang maghiganti sa inyong mga
Riego, si Rao iyon, Ares..."

Napasulyap si Relani Riego sa akin. Nagkatinginan kaming dalawa. I saw the fear in
her eyes for a moment. Siguro ganoon din ang naipakita ko. Pero higit sa lahat,
pagkabigo. She retained her cold aura and whispered to her husband.

Iniwas ko ang tingin ko roon, gulo ang isipan sa mga narinig pero nananaig ang
paniniwala ko kay Raoul.
Isa sila sa naunang umalis. Malungkot si Tita Sally dahil doon. Iniisip niyang
hindi nagustuhan ng mga Riego ang party o baka hindi kasing engrande ng inaasahan
ng mga ito. Hindi ko alam kung ano ang dahilan ng maagang pagpaalam nila sa party
pero tingin ko may kinalaman sa narinig ko.

They stopped talking after that. Hindi ko naman maintindihan ang pinag-usapan pero
alam ko na ako ang tinutukoy na babae. Ang naintindihan ko lamang ay ang
paghihiganti ni Raoul.

Maghihiganti siya kay Papa kaya siya nakikipag-ugnayan sa akin! I want to believe
it but I may be to blinded by his promises and by my adoration for him.

Hindi na ako makausap ng maayos sa buong party. Wala akong nasabing ibang dahilan
kundi ang pagod. Kaya umuwi rin kami ni Prince pagkatapos.

Nanghihina akong humiga sa kama. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Should I
ask Raoul about it? But he told me that he won't do that to me! Naniniwala ako sa
sinabi ni Raoul! Hindi niya magagawa sa akin iyon.

At kung iyon nga, maiintindihan ko. I want to find my father, too. I want him to
speak his side. To hear his side. And if he is guilty, I want to convince him that
the people he wronged deserves justice. Kaya kung totoo man iyon, na ginagamit ako
ni Raoul, I am more than willing to help find my father.

But it's been years or so since the last time we connected. I don't even know if
he's still alive or what!

Hindi ko na binanggit iyon kay Raoul. Bukod sa nahihiya akong umamin na nakinig ako
sa isang pribadong usapan, kumbinsido naman ako na hindi siya nagsisinungaling sa
akin. But then something about it is bothering me, I don't know why.

"Ayos ka lang ba?" tanong ko isang linggo bago kami magkita.

"Yeah..." napapaos niyang sinabi.

He's already in Manila. He calls me every night pero simula ata noong nakaraan,
nararamdaman ko ang sobrang pagkakabusy niya at ang madalas niyang pagod. I know he
doesn't want us to stop the night calls so he's trying his best even when he's
still in his office.

"Nasa opisina ka pa ba?" tanong ko dahil ganoon madalas kahit dis oras na ng gabi.

"No. I'm in my condo..." he said.

Oh? He's home. Maaga, ah?

"Maaga ka pala. Hindi busy?"

"Hindi. Hmm. I'm sorry..."

Natigilan ako roon. Kinabahan ako. Ano kaya ang meron. Hindi siya madalas na
ganito.

"I can't go home to you yet next week. I have so many things to do."

Weird. He's not busy today but he has many things to do. Naiintindihan ko naman
pero pakiramdam ko talaga may kakaiba.

"Ayos lang. Busy rin ako sa trabaho. Weekends lang ako pwede at alam mo namang
laging sa bahay lang ako kapag weekends, 'di ba?"

He sighed heavily. Kinagat ko ang labi ko.

"Raj, may problema ba?"

"I have a problem at work but I can fix it, soon, probably, okay? I'll go home to
you next month, I promise."

"Huwag na. 'Tsaka na lang kapag ayos na ang problema mo sa trabaho. Makakapaghintay
naman ako-"

"But baby, I miss you..." he said tenderly.

Malungkot akong ngumiti. "I miss you, too."

He groaned at that. Ilang sandaling walang nagsalita sa aming dalawa. Marahan akong
pumikit at inisip na katabi ko siya. Ibinaon ko ang mukha ko sa aking unan. He
sighed.

"I'll see if I can find time even just for a day, okay?"

"Huwag na. Tapusin mo muna ang trabaho mo. Please?"

Ilang sandali ulit siyang hindi nagsalita.

"Let's video call, please?" he said.

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan ang paligid ng kwarto ko. I turned the lights
off. Sinabi ko kasing matutulog na ako kanina.

"Okay. Ibaba ko lang 'to..." sabi ko para makalipat sa banyo.

Nagpapasalamat naman ako na hindi muna kami magkikita because the hotel is very
hectic. Dumadami ang turista at nagiging busy rin. May issue pa sa mga staff na
kailangang pagtuonan ng pansin dahil si Prince, bilang General Manager, ay hindi na
nakekealam sa mga trabahante.

I swear I need a break. I mean, kung noon, nakakagala ako pagkatapos sa school,
ngayon madilim na kung umuwi kami ni Prince. Ang Sabado, madalas inuubos ko sa
laptop dahil parin sa trabaho at sa Linggo ay naghahanda naman para sa Lunes.

A call from Raoul and Cresia is my only happiness as of the moment.

And Raoul's concern about work worried me so. Kinwento ko kay Cresia iyon at
ipinagkibit lamang niya ito ng balikat.

"The Riegos will never go bankrupt. That's nothing. Mas mababankrupt pa kami sa
kanila. He recently made it to the top fifty list in Forbes. With Ares in top
ten..." ani Cresia.

Pero kung kausap ko si Raoul, nararamdaman ko na mukhang stressed nga siya sa


trabaho.

"Alam ko na!" Cresia said in a sudden call after work.

"Ano 'yon?"

"I overheard my Mom yesterday. Ngayon ko lang narealize ang ibig sabihin noon!
Raoul Riego was removed bilang chairman ng Riegosteel at VHRV!"

"H-Huh?"

I seriously don't understand. It kind of shocked me actually that he was the


chairman! Mas nagulat ako roon kesa sa katotohanang natanggal siya. He is the
chairman of the two huge companies? Well... He was!?

"B-Bakit daw?"

"Hindi ko alam. Radleigh Riego assumed the position on VHRV. Ares, his father for
Riegosteel. Pero ayon kay Mommy, ibibigay ni Radleigh kay Ares ang Chairmanship ng
VHRV dahil mabigat na para sa kanya iyon!"

I know now that Raoul doesn't want to talk about work when we talk over the phone.
We talk about what happened with our day. I talk about my work and such pero kung
tinatanong ko siya sa kanya, wala siyang sinasabi kundi maayos naman daw.

Hindi ko na rin pinipilit dahil pakiramdam ko, ayaw niyang malaman ko.

Isang gabi, naalala ko ulit ang pinag-usapan ng mag-asawang Riego sa party ni Tito
Ton. It was about removing someone from something. Hindi kaya si Raoul iyon?
Aalisin sa pwesto... dahil.

Namilog ang mga mata ko nang natanto ang lahat. Kinabahan ako.

Gabi noong tumawag ako kay Ma'am Avila para makapagtanong. At nasisiguro kong tama
nga ang hinala ko.

"Hmm. Oo. Narinig ko nga iyon, Leil. Tinanggalan yata si Raoul ng karapatan. At...
ayon kay Lucio, galit yata si Felicia sa anak. Hindi lang namin alam kung anong
pinag-awayan."

My eyes widened. Hindi kaya? Alam ni Felicia Riego ang tungkol sa akin?

"W-Wala po bang nabanggit na kahit ano? Kung bakit siya tinanggalan ng karapatan?"

"Wala, Leil. Ang alam ko lang, hindi rin mabuti ang opinyon ni Ares kay Raoul. Ewan
ko ba."

It bothered me so much. To know that Felicia Riego is not in good terms with Raoul
because of an unknown reason, dumarami ang mga haka haka ko. Hindi rin niya
sinasabi sa akin kung ano ang problema niya sa trabaho na mukhang lumalala.

"Frozen daw lahat ng projects ni Raoul sa VHRV, ayon kay Dad! He's just there as a
major investor. Sayang ang kakayahan niya!" si Cresia na siyang pinagtatanungan ko.

Kahit nasa ibang bansa siya, may koneksyon siyang malalakas para malaman ko kung
ano ang problema sa trabaho ni Raoul.

"Tingin mo... sinabi niya sa Mama niya na... kami?" nag-aalinlangan kong tanong kay
Cresia.

She sighed. "Hindi ko alam... Leil, pero hula ko... oo..."

Raoul said he'll be here next week. He'll be free for a long time. At tingin ko,
hindi iyon dahil umayos na ang trabaho niya. Iyon ay dahil... halos wala na siyang
trabaho.
Tulala ako habang tinitingnan ang laptop ko sa isang meeting namin sa hotel. Prince
is talking in front but I am very preoccupied with something.

Ares Riego assumed the Chairman and president post of the Vesarius Hidalgo Riego
the fifth, holdings, incorporated. With all the board members votes. Ibig sabihin,
walang kahit isa na umapila at pinaglaban si Raoul?

Pumikit ako ng mariin. While my career is slowly soaring, his is drowning. And I
just hope it is not because...

"Nabanggit mo ba ako sa Mama mo?" tanong ko noong nakaraan.

Ilang sandali pa bago siya nagsalita. Naramdaman ko ang pag-aalinlangan niyang


umamin.

"Yeah..."

"Talaga? Tapos? Anong sinabi niya..."

"She'll understand it eventually. Don't worry about it."

Hindi pwedeng coincidence lang ang lahat. Alam na ni Felicia Riego... ng mga
Riego... ang tungkol sa akin. Hindi lang nababalita dahil pribadong mga tao sila.
Sino ang masisiyahan kung malaman mo na girlfriend ng anak mo ang anak ng lalaking
pumatay at lumabag sa'yo? Who would be happy? Who would think he is sane for it?

Kaya ba sa narinig kong usapan ng mag-asawang Riego, tila galit si Ares kay Raoul?
Iyon ba ang dahilan?

"Congratulations, Leil! The hotel reviews are all outstanding! Magaling ka pala sa
pamamahala! Hell, I think you're better than me!" Prince said after we saw all the
reviews of our recent guests.

Mapait akong ngumiti. Habang tumatagal, dumarami ang naririnig ko tungkol sa mga
proyekto ni Raoul. Habang tumatagal, mas lalo kong nararamdaman na ako ang dahilan
ng pagkakasira niya sa larangang pangarap at pinaghirapan niya.

"Hindi ako magtatagal," sabi ko nang pumasok na ako sa kanyang sasakyan.

This is the first time we see each other after months away. I am thrilled to see
him but I'm also crushing. He smiled at me viciously. Gumapang ang kamay niya sa
aking kamay. I fisted so he won't caress it the way he usually does.

Alam kong sa huling interaksyon namin sa text, nagpaparamdam na ako sa plano kong
ito. I bet he felt that, too.

"Do we have a problem, Leil?" he said.

Nanatili ang titig niya sa akin. Ramdam na ramdam ko sa kanyang boses ang pag-
aalala pero hindi ko siya kailanman nilingon.

"Busy ako..." tanging nasabi ko.

"Hmm. Okay. I'll just wait until-"

"Hindi mo naiintindihan," nanginig ang boses ko at nilingon ko siya.

I saw the defense in his eyes. Ramdam ko ang pag-iingat at panantya niya pero buo
na ang loob ko sa mga oras na iyon.
I fed on every negative thing I have in mind. Sinadya ko para magkaroon ako ng
lakas ng loob ngayon na sabihin sa kanya ng harap harapan ang natatanging desisyon
na makakapagsalba sa kanya.

Inisip ko na ginagamit niya lang ako. He wants justice for his father so he takes
me as his pawn to get to him. Kapag nahuli niya si Papa, iiwan niya ako. Masakit,
'di ba? Papaasahin niya lang ako para makuha niya ang loob ko at masabi ko sa kanya
kung may lihim man ako tungkol sa ama.

I researched intentionally about the girls he's with. Marami pero bago pa iyon
naging kami. Pero mas pinili kong maniwala na ganoon parin ngayon. Na imposibleng
ako, sa lahat ng magaganda at mayayamang babaeng nakapaligid sa kanya.

"There's a reason why he's not eager to come to you. He's bedding another woman,"
abiso ng isang staff sa mas batang staff. Isinapuso ko iyon para sa araw na ito.

At higit sa lahat, inisip ko ng paulit-ulit na walang patutunguhan ito.

The Riegos despise anyone connected to my father and the villagers. Me, in
particular. I am the Lady of the Light. I am their goddess. I allegedly ordered the
villagers to rape Felicia Riego and kill Hades Riego. There is no hope for us. It
is an absolute truth that I cannot just be Raoul Riego's girlfriend... more so
anything more than that!

Para saan ang relasyong ito, kung ganoon?

"Magbreak na tayo!" sabi ko sa nanginginig na boses.

Mataman ko siyang tinitigan para makita niya na taos-puso ang desisyon kong iyon. I
saw his jaw clench hardly. He did not speak but the darkness in his eyes told me
that he's overwhelmingly angry.

"What is the problem? We can talk about it, Leil," he said, trying to control the
situation.

Umiling ako. "Ayoko na! Ayoko... na..."

He licked his lower lip and clicked the lock of the car. Kunot noo ko siyang
tiningnan. I saw fear in his eyes then it's gone after a blink.

"Let's talk about it."

He tried to get my hand pero inilayo ko iyon sa takot na sa haplos niya'y matauhan
ako.

"Raj, busy ako sa trabaho ko. Iba ang priority k-ko ngayon. Hindi ito-"

"We just met after months. Were my calls taking so much of your time?" he said in a
strained voice.

Hindi ko kayang sagutin ang sinabi niya. Sinubukan kong buksan ang pintuan pero
nakalock ito. He removed himself from the car as I unlocked it so I could go out
pero bago pa ako nakababa ay nasa harap ko na siya, kinokontrol ang laki ng
pagkakabukas ko sa pintuan.

"What is it? Let's talk about it..." he said calmly.

Umiling ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.


"I will stay here for a month. I will wait until you're not busy-"

"Busy ako palagi. Priority ko ang trabaho ko! Hindi na tayo magkikita ulit dahil-"

"We can see each other if you try!"

He licked his lower lip and shook his head.

"Sabihin mo sa kanila na tayo, Leil..."

"Hindi pwede 'yon!"

"Bakit hindi pwede? You can just explain it properly-"

"Ayoko na, Raj! Ayaw ko muna ng ganito!"

Yumuko ako. Unti-unting nangilid ang mga luha sa aking mga mata.

"Baby..." he whispered sweetly as he cupped my chin so our eyes. "What is it,


please?"

Punong-puno ng pagsusumamo ang kanyang boses. Hindi ko siya matingnan sa kanyang


mga mata dahil kung sakaling titingnan ko siya, pakiramdam ko yayakapin ko na lang
siya at magbabago na ang isip ko.

"Leil..." aniya para makuha ang atensyong hindi ko ibinibigay.

He caressed my face. Sinubukan niyang hulihin ang tingin ko.

"Leil, I can wait until you're not busy. I won't take much of your time, please...
I'm sorry for the long distance we had months ago," bulong niya habang inilalapit
ang mukha sa akin.

Iniwas kong muli ang tingin ko sa kanya. Nabaon ang mukha niya sa aking leeg.

"Baby, please... I am in love with you," he whispered on my ear.

Pumikit ako ng mariin. Parang pinunit ang puso ko habang naririnig siya na ganoon
ang sinabi. I am in love with you, too. I am fiercely in love with you, too! But to
love is to care for you so much that I can do this!

"Ayoko na sabi, e! Bakit mo ako pinipilit?" sabi ko habang tumutulo ang mga luha.

He stiffened at that. I felt his whole body petrified. Tila ba may mali siyang
nagawa na ayaw niyang ulitin pa. Unti-unti siyang tumuwid sa pagkakatayo. Napapikit
ako ng mariin sa sobrang sakit na naramdaman.

Hindi siya nagsalita. Yumuko siya. His eyes were closed and I can feel his amazing
control.

"Mag break na tayo. Gusto kong magtrabaho lang. Ayaw kong ganito..."

He remained that way for a while. Nakakuyom ang kanyang kamay na nanatili sa
dashboard. Umiigting ng paulit-ulit ang kanyang panga at sa kabila ng matinding
galit niya hindi ko alam kung bakit tumitibok parin ng malakas at mas mabilis ang
puso ko.

Seeing him this way right now made me fall harder in love. I want to touch his face
and feel his anger but I know doing such will only melt my heart.

"Ayoko na. Please, let's break up, Raj..."

"Give me one good fucking reason why you're asking for this..." mahinahon ngunit
mariin ang pagkakasabi niya noon.

Natigil ang luha ko at halos tumigil din ang pagtibok ng puso ko sa takot. He's
devastatingly dangerous. Silent and deadly. Lalo na nang nag-angat siya ng tingin
sa akin. His bloodshot eyes directed at me. His pitch black irises were almost
moving like the eye of a big perilous storm, almost unknown and brutal to me.

"Marami akong-"

"Don't give me that damn reason! We can see each other even if you're busy!"

Sa sobrang gulat ko sa galit niya'y halos napatalon ako roon. I can sense his
desperation and pleading.

"We can tell them we are-"

"Hindi kita mahal!" diretsahan kong sinabi na nagpaputol sa kanyang sinabi.

Nakaawang ang bibig niya nang lumayo siya sa akin. His red lips were almost as if
screaming to me how I will lose them right now.

Umangat ang mga mata niya sa akin. His strained eyes hurt me so much but my
determination was just to the moon.

"Don't lie to me."

Umiling ako. "May iba akong mahal-"

"Bullshit!"

"Huwag mo na akong pilitin, please... Raj..."

Bumuhos ang mga luha ko. Pakiramdam ko, hindi ko na kayang sabihin pa ulit ang
napakalaking kasinungalingang iyon.

Paulit ulit akong umiling habang bumubuhos ang aking mga luha sa aking kandungan.
Hinawakan niya ang aking braso, marahan, tila hindi ko maintindihan kung bakit
kahit sa sitwasyong ito, ganoon parin ang tungo niya sa akin.

"Please... Please..." marahan kong ulit.

Dahan-dahan siyang umatras at binuksan ng malaki ang pintuan. Hindi na ako nag-
alinlangan pa. Isang beses kong mabilis na tiningnan ang kanyang mukha bago ako
umalis at tumakbo pabalik sa hotel, pinupunasan ang mga luha sa aking mga mata.
Never looking back. Never wanting to see what he'll do after.

Wala akong tiningnan ni isang staff. Kahit na tinanong ako kung anong problema ko.
Dumiretso na ako sa opisina ko habang patuloy ang pagbuhos ng mga luha.

Ito naman talaga ang para sa akin. I am not meant for him so ending it this way is
right. Bukod sa masyadong matayog na pangarap ang mahalin siya, nakakasama rin ako
para sa kanya.

Go on, Raj. Tell your mother that we're now apart. Tell the Riegos that you only
used me to get to my father. Tell them you lost me so you'll gain everything again.
Tell them.

"Anong nangyari, Leil!?" ani Prince nang naabutan niya akong umiiyak sa aking
lamesa.

Umiling ako pero mas lalo lang bumuhos ang aking mga luha. He ran fast towards me
to comfort me. Niyakap niya ako ng mahigpit at niyakap ko siya pabalik, gustong-
gusto ang kahit anong ginhawa na maiibibigay kahit nino.

But then... I realized... isang tao lang talaga... ang makakaalis sa lahat ng sakit
na nararamdaman ko. At ang taong iyon ay hindi pwede sa akin. I should start living
my life and accepting that from the very beginning, Raoul Vesarius Riego was just a
dream. That way, I won't hope. That way, he won't try. And that way, everything in
our lives will be alright.

Kabanata 29
Kabanata 29

Present

The Ledesmas were worried about me. Kahit anong gawin kong normal at kahit anong
kumbinsi ko na ayos lang ako, Prince never believed me. At walang makakapagpaamin
sa akin sa tunay kong nararamdaman.

They wanted me to take a vacation. They gave me money for it pero sinoli ko iyon. I
am earning now. Kung gusto ko ng bakasyon, kaya kong gumastos para roon pero hindi
ko iyon priority so I did not take the chance.

They are all so worried at me. Sinabi kasi ni Prince ang nangyari sa pag-aakalang
aamin ako sa tunay na dahilan ng biglaang pag-iyak noong nakraan kay Tita Sally.
But I didn't.

Sa kagustuhan nilang gumaan ang loob ko, hindi ko man ipinapakitang masama ang loob
ko, nagplano sila ng ilang araw na bakasyon para sa pamilya. Kaming lahat ang
pupunta dahil noong sinabi ni Tito Ton na pwedeng kami lang ni Prince, I expressed
my unwavering disagreement. Kaya ngayong kaming lahat ang pupunta, pumayag na rin
ako dahil wala na akong magagawa.

"You what?" Cresia is back after months of being abroad.

Nanatili ang mga mata ko sa screen ng aking computer. Sinabi ko sa kanya kanina na
pagkatapos na lang ng trabaho kami magkikita pero hindi niya yata kayang maghintay
ng ilang oras.

Pumasok siya sa opisina ko dala ang napakaraming pasalubong para sa akin. Prince
uploaded some of our pictures from that trip. Pinapili nila ako ng gustong
pagbakasyunan. They all think I'd choose to be out of the country or anything very
far pero mas nauna ang takot sa akin na mas dumagdag lamang iyon sa utang na loob
ko kaya pinili kong malapit lang sa syudad.

I appreciate their effort to cheer me up, kahit hindi nila alam kung anong problema
ko.

"You did something stupid while I was away!" she declared.

Huminga ako ng malalim at pagod siyang binalingan. Tumayo ako at nilapitan na siya
para mayakap. She looks so confused while she embraced me.
"I missed you," napapaos kong sinabi sa kaibigan ko.

I felt her stiffen at my hug. Sa huli, imbes na bitiwan ko na siya para maharap na
ay mas lalo niya akong niyakap. Hindi siya pumayag na bitiwan ko siya at nanatili
kaming ganoon ng ilang sandali, with her silently sobbing for whatever reason.

I told her I broke up with Raoul pagkatapos niyang makita ang iilang picture namin
ng pamilyang Ledesma sa Facebook. Sinabi ko sa kanyang pumunta kami roon para
makapagbakasyon dahil naabutan ko ni Prince na umiiyak sa opisina. So of course, I
also included the reason why I cried.

And now, I think I know why she's crying here, too.

Bahagya niyang tinapon ang palapulsuhan ko nang nahawakan ang bracelet doon. Mapait
akong ngumiti.

"You're kidding me?" she said after a long catching up.

Ikinwento niya ang naging karanasan abroad. It seems like a nice place. But she
wasn't completely happy there, too. In fact, mas lalo lang siyang nalungkot.
Sinubukan niyang itago sa akin ang rason ng kalungkutan. Natatakot siyang sabihin
kong masyado siyang mababaw para malungkot sa isang bagay na ganoon lamang.

Mas marami pa raw mga tao na mas malalaki ang problema. Hindi niya maintindihan
kung bakit sa ganoon ka liit na bagay ay sobra sobra na nagpalungkot sa kanya.

But I felt that one too, once. I cried for something very petty. It was like my
world depended on it. I was very young to think that my world did depend on it.
Hugging my small and innocent friend, I cried scared of my own feelings. I thought
it was the worst problem of all.

Hindi minamaliit ang ganoong problema, no matter how petty anyone think it is. We
all need a little encouragement so we can go through anything in our life. And I
guess that was what Cresia wanted and needed to hear.

"Bakit mo suot pa ang bracelet niya?" paratang niya.

Napalunok ako. "Ayos lang. Nasanay na akong suot ito..."

Itinago ko ang kamay ko kung saan naroon ang bracelet at nag-iwas ako ng tingin kay
Cresia.

"At... suot niya ang screwdriver," maliit ang boses ko sa huling sinabi.

Cresia sighed. "You are crazy! Ilan ang nangangarap sa mahal nila na mahalin sila
pabalik, Leil? At ikaw na maswerteng minamahal pabalik, ganyan lang ang gagawin
mo?"

Ramdam na ramdam ko ang pinaghuhugutan ni Cresia sa sinabi. Wala akong naisagot


doon. I feel bad for my friend but I know she's doing really fine now.

At ang tinutukoy niyang maswerteng minamahal pabalik, kalaunan, hindi na totoo,


gaya ng inaasahan ko.

Walang tinatrabaho si Cresia. Bukod sa pinapatulong siya sa kuya Arthur niya at iba
pang mga pinsan niya, ang tanging pinagkakaabalahan niya ngayon ay ang pagbisita sa
akin sa opisina. I think we both stayed sane and happy that way: by being together.
Gusto ng Mommy at Daddy niya na lumipat na muna siya sa Maynila para mas mabantayan
ng husto pero tumatanggi siya dahil sa akin. She wants to always be with me.
Sometimes, I feel guilty for it. Maybe she can do more things there but because of
me, she wants to stay in Iloilo.

"It's going to be worse than this once my Dad makes it to the Senate!" she
exclaimed after reading a creepy death threat from an unknown sender.

It sent shivers down my spine. Ang maisip ang bayolenteng mga bagay ay sadyang
nakakapagpaalala sa akin sa nangyari ilang taon na ang nakalilipas. It's like
murder... of Hades Riego all over again. Ni hindi ko namalayan na ganito pala ka
grabe ang magiging reaksyon ko sakaling makakita ng ganoon.

"Kaya dapat ka nang sa Manila, Cres, dahil doon mas marami ang security ng Daddy
mo," sabi ko.

Nagkibit siya ng balikat. "I can say that it's better here, Leil. Ako lang ang
babantayan ng security kumpara sa Manila na kasama pa si Mommy, Daddy, at Kuya,
pati pa ang mga pinsan ko. Though, for my father, it's because he's running for the
Senate. And for some of my cousins, they have threats because of having too much
money."

Narito parin si Manong Roy sa amin. Minsan siya ang nagd-drive sa akin kapag wala
si Prince. At hindi ko alam kung bakit umaasa akong may sabihin siya sa akin sa
kahabaan ng pagmamaneho. Sa huli, wala rin siyang sinasabi. Hindi na rin ako
nagtanong pa.

May mga araw na hindi ko nararamdaman ang pagkawala niya. Siguro dahil bukod sa
dati na kaming ganito, hindi nagkikita araw araw, abala rin ako sa trabaho. It's
only at the end of the day, when I see my phone smothered only with texts from
Prince and from the people at work, then I realize that we really are over.

"Happy birthday, Leil," Prince said to me while holding out a cute chocolate cake.

Katatapos lang ng celebration sa hotel. Umuwi na kaming dalawa at susunod na raw


ang mga Ledesma kalaunan.

"Thank you, Prince," sabay ngiti ko.

Sinadya yata ang dilim sa garahe para sa sorpresa niyang ito. The candle's light
shined brightly. Marahan ko iyong hinipan at nang namatay ay ang madilim na mukha
ni Prince na lamang ang natanawan ko.

I smiled. The lights from the lamp posts illuminated our eyes. He's smiling sweetly
at me. Nag-iwas ako ng tingin nang may maalala.

Hinayaan niya akong hawakan ang ibinigay niyang cake. Kalalabas ko pa lang kanina
sa sasakyan nang salubungin niya ako nito. Napawi ang ngiti ko ngayong dahil abala
ang mga kamay ko'y ang mga kamay niya nama'y lumipad sa aking baywang para
mahawakan ako ng marahan.

"I've waited all my life for this, Leil," he said.

Kinabahan agad ako. Nitong mga nakaraang linggo, naramdaman ko ang turing ni Prince
sa akin. Ganoon siya dati pa pero inisip kong lumala lang ngayon dahil sa mas
madalas naming pagkakasama.

Pinatawad ko ang iilang pagkakataong lumabas kaming dalawa upang i-celebrate ang
iilang matagumpay na operasyon sa hotel. Pero ngayong sa kaarawan ko'y ganito,
kaming dalawa lang ulit, at sa ganitong ayos pa, pakiramdam ko iba na.

Ang huling balita ko kay Raoul ay ang pagpunta niya sa ibang bansa. Bukod doon,
wala na. Maging si Cresia ay hirap nang makapagnakaw ng impormasyon sa kanya. Mas
mainam din iyon. It's not good to continually hear about him now that we're done. I
should continue with my own life as he's doing the same for sure.

Naibaba ko ang cake nang ang isang kamay niya'y hinaplos na ang pisngi ko. Nilapit
niya ang kanyang mukha.

Prince is good looking. He's like his name. With the messy boyish hair, an angelic
features, and snobbish almond eyes, hindi mahirap intindihin kung bakit marami ang
nagkakagusto sa kanya. I heard he's dated girls before at papalit palit pa ng
magagandang girlfriend. Hindi mabilis malimutan ng mga babae at hinahabol pa
minsan.

Iyon nga lang, walang puwang sa akin ang kaisipang iyon tungkol sa kanya. All my
life, I've anchored myself on the only man I have ever loved since my childhood
years. I couldn't see anyone. I couldn't appreciate anything other than him.

Ngayon ko lang naramdaman na mabigat iyon. Like a curse from my mother and my
father, who both have the same unrequited love for his parents. Ipinasa yata sa
akin ng mga magulang ko ang pagkakabighani sa isang partikular na Riego at hindi ko
alam kung may hangganan ba ito.

"I hope you know by now what I'm feeling for you," said Prince in a breathy
whisper.

Nanatili ang mga mata ko sa baba, hindi kayang harapin ang intensidad ng kanyang
mga mata dahil sigurado ako sa nararamdaman ko.

I have broken myself months ago and I'm still a wreck now. Ang matinding pagmamahal
ko kay Raoul ay dala ko parin hanggang ngayon. Nararamdaman kong hindi man lang
napawi ng isang linya iyon. Halos masiguro kong siya lang ang mamahalin ko pero
hindi ako nawawalan ng pag-asa. The breakthrough stories of people who went through
devastating heartaches and in the end, found a new love for themselves is inspiring
me.

Magmamahal akong ulit. Hindi man ngayon pero alam ko na hindi ako hahayaan ng
tadhana na magdusa ng ganito buong buhay ko.

Pero alam ko kung kailan iyon at kailan hindi. Hindi ako manggagamit ng tao para
lang mapatunayan sa sarili ko na tama ang paniniwala ko. Na hindi ako magagaya sa
mga magulang kong natatangi ang adorasyon para sa nag-iisang tao, nagdaan man ang
mga panahon.

"Prince..."

"I love you, Leil. I want us to be together, officially. I want you to be my


girlfriend..."

Nag-angat ako ng tingin kay Prince. His sincerity made me tremble. Knowing what I'm
feeling right now for him made me heartbroken.

Hindi ako nakapagsalita. Hindi ko alam paano sisimulan.

The stretched silence probably made him feel secure. Inangat niya ang pisngi ko at
inilapit niya ang kanyang mukha sa akin. The familiar gesture made me step back.
Natigilan siya sa ginawa ko. Nakita ko ang pagtataka at bahagyang galit sa kanyang
mga mata.

"Prince..."

Napatingin ako sa cake na hawak. Kumawala ako sa kanya upang makalapit sa isang
lamesita sa 'di kalayuan. Sumunod naman siya kaya nang bumaling ako'y agad na nasa
likod na siya.

"Pasensya na, pero hindi ko masusuklian ang nararandaman mo."

Kunot-noo niya akong tinitigan. Bigo akong umiling.

"I don't love you that way. Tanging pagkakaibigan at-"

"Leil, ang tagal na nating palaging magkasama! Inuulit mo 'yan sa akin pero alam
kong may nararamdaman ka sa akin kahit konti..." he said almost pleading.

"Prince, talagang pagkakaibigan lang ang nararamdaman ko para sa'yo."

Hawak ngayon ang aking magkabilang braso. I can sense his desperation as he held on
to it.

"I will court you, then! Give me a chance, please! Hinintay ko ang pagkakataong
ito. I have protected you from all the guys who tried to be friends and more with
you. We are always together, imposibleng kahit konti wala kang nararamdaman sa
akin."

Bigo akong umiling para ipakita ang nararamdaman. I hoped to forget Raj one day but
it is certainly not this day. I will not let anyone wait and hope when I have
nothing to really give from the start.

"Prince, pasensya ka na talaga. Ayaw kong umasa ka..."

"Maghihintay ako, Leil..." halos bulong niya sa akin sa pagmamakaawa.

"Ayokong may maghintay ngayong alam ko na wala akong maibibigay-"

"You're lying to me!" he said with gritted teeth. "I know what you want. You want
to stand on your own. To be responsible for the people you love and to be
independent! Ibibigay ko iyan sa'yo, Leil. Just assure me that we can be together
when the time is right!"

Nakaramdam ako ng guilt. Hindi ko gustong makita na ganito si Prince. All my life,
I see him as someone who's strong. To see him pleading like this is heartbreaking.
But to hurt him more just because of my guilt is an even bigger sin I don't want to
experience.

"I'm sorry..." Umiling ako para ipakita sa kanya na buo ang loob ko sa desisyon.

Pumikit siya ng mariin at hinampas ang lamesa sa gilid ko. Halos napapikit ako sa
sobrang gulat. Yumuko ako at magdadagdag pa sana ng sasabihin nang naunahan niya
ako.

"Why can't you give me a chance, then? Kaya kong maghintay, Leil! Please!" he
pleaded again, trying to calm himself.

"Ayaw kong may maghintay sa akin, Prince. Lalo na dahil alam ko sa sarili kong wala
akong maibibigay-"
"Hindi ko matatanggap na explanation 'yan! Magkasama tayo lagi, Leil! Lagi! Araw-
araw! Paanong hindi mo maibibigay sa akin ang pagkakataon na ganoon? Being with you
everyday is like courting you without the label! Ngayon, lalagyan ko lang ng
pangalan para makita mo ang tunay kong intensyon!"

"Prince, I'm really-"

"I don't need your fucking apology! I want a better explanation on why you can't
fucking give me a chance when that's what we do everyday!"

Parang kinukurot ang puso ko habang nakikinig sa sama ng loob ni Prince. Bigo akong
pumikit ng mariin.

"I waited for you until you grow up and learn things about this! I protected you! I
spent most of my time with you kaya hindi ko maintindihan kung bakit simpleng pag-
asa lang, hindi mo maibigay sa akin-"

"May mahal akong iba, Prince!"

That was the truest of all truth I said today. Simula pa kanina, nang sinabi kong
masaya ako. Totoo man iyon pero hindi lubusan. Ngayon, eto lamang ang totoo at
walang duda.

May mahal akong iba. Mahal na mahal.

Kitang-kita ko ang gulat sa mga mata ni Prince. Tumuwid siya sa pagkakatayo, sa


gulat. I can sense his anger intensifying pero wala akong planong bawiin ang sinabi
ko.

"Sino?"

Hindi ako kumibo. Suminghap siya, tila naintindihan ang reaksyon ko. He punched the
wall behind me. Napapikit ako ng mariin. Pagdilat ko'y umalis na siya, iniwan ako
roon na mag-isa.

The next days were very painful. Akala ko, lalayo si Prince sa akin. Akala ko nga
uuwi siya ng Maynila para makalayo pero nagkamali ako. Nagpatuloy siya sa pagsama
sa akin sa trabaho, papunta man o pauwi.

Hindi kami gaanong nag-uusap. Nakita iyon ni Tita Sally at medyo nag-aalala siya sa
amin. She just didn't know what was bothering us both. Hindi ko na rin muling
kinausap si Prince tungkol doon at mas lalo kong inabala ang sarili ko sa trabaho.

Sa New Year's eve, hawak-hawak ko ang sparkler katabi ni Primrose. I smiled


watching the sparks from its end. Napasulyap ako sa lumapit sa gilid ko. Akala ko
si Arthur pero nang natagalan ako ng titig nakita kong si Prince pala iyon.

"Happy new year..." simple kong sinabi.

"Happy new year," he said slowly, too.

Ngumiti ako. Kahit na ganoon ang nangyari sa amin noong nakaraang buwan, gusto kong
mapanatili ang dati naming pagkakaibigan.

He watched my sparkler, too. Tawanan ang narinig ko galing kay Primrose at Arthur.
Pinagmasdan ko silang dalawa ng ilang sandali bago nilipat muli ang mga mata sa
sparkler.
"Here..." Prince said when he noticed it was slowly dying.

Binigyan niya ako ng bagong sinding sparkler. Ngumiti ako sa kanya.

"Thanks..." sabi ko.

Nasulyapan ko si Tita Sally at Tito Ton sa harap ko na nakangiti sa aming dalawa.


Kinukulit nila si Prince noong nakaraan kung may problema raw ba kami, hindi naman
nagsasalita si Prince. Hindi rin naman ako natanong ni Tita Sally at ayaw kong sa
akin manggaling ang eksplenasyon noon. Maybe now that they see us slowly going back
to normal, they feel relieved.

"I love you, Leil. Maghihintay ako sa'yo, sa ayaw man at gusto mo."

Napawi ang ngiti ko. Nilingon ko siya at bigong inilingan para ipakita muli ang
tunay kong nararamdaman. He smiled widely, pretending that it's all okay.

Nagsindi rin siya ng kanyang sparkler at ipinakita na sa akin iyon. Umilag ako at
natawa na lamang.

Hindi na muli naming napag-usapan iyon. Hindi ko alam kung naintindihan niya ba ang
ibig kong sabihin o ano. Pero nasisiguro kong kung mag-uusap muli kami tungkol
doon, kaklaruhin ko na sa kanya ang totoo.

"Bakit nakasunod lagi, Leil?" tanong ni Cresia nang nakita ang aking driver kasama
ang isa pang bodyguard na kinuha ni Prince para sa akin.

Ang sabi ni Prince, kailangan ko raw iyon dahil bukod sa malapit ako kay Cresia,
kilala na akong bilang magaling na Sales Manager sa hotel. Hindi ako naniniwala sa
pangalawang dahilan. Mas naniniwala pa ako na baka nga dahil kay Cresia. But Cresia
has other speculations.

"Ayos lang, Cres. Hindi naman sila problema..." sabi ko sabay tingin ko sa mga ito.

"You think your driver is still under Raoul's orders?" tanong ni Cresia.

Huminga ako ng malalim. "Hindi ko alam. Pero kung oo man, siguro nandito lang siya
para malaman kung may koneksyon pa ba ako sa Papa ko."

Cresia sighed. It's a wonderful summer morning and she's supposed to leave again
for a trip. Hindi ako pumayag na sumama kaya stuck ulit siya rito sa Iloilo.
Cresia's been so obsessed with making me leave this city. Pero wala naman siyang
magawa sa desisyon ko kaya sa mga araw na ganito, inaabala na lang namin ang mga
sarili namin sa pagpupunta sa mga mall at kumain, manood ng movie, mag-usap, o 'di
kaya'y magpa ayos.

"Tingin ko, hindi ka nilagyan ni Prince ng bodyguard para sa ibang dahilan. I think
he's really fishing out information about you and your mystery man!" she exclaimed.

May sasabihin sana ako pero hinila niya ako at tinakbo para makawala sa tingin ng
dalawang nakasunod sa amin. Nakita ko ang pagsunod parin ng mga ito pero tuluyan
naming naiwala ang dalawa nang lumiko kami sa isang pasilyong maraming tao.

"Cres!" nag-aalala kong sinabi.

Tumawa si Cresia. "Just trying it out..."

Sabay naming nakita si Manong Roy sa kung saan, kalmado at tahimik na nakatingin.
"Oh well... That one's pretty tough, huh?"

Umiling ako at bumaling sa kanya. "Ikaw? Bakit wala kang bodyguard. Ikaw dapat ang
mayroong ganyan."

"Andyan sila, Leil. 'Di mo lang makikita kasi pinagtatago ko. I don't want them
stalking me all the time. Lalo na kapag may ka date ako. Ang awkward naman kung
maghahalikan na kami tapos may klarong nakatitig na bodyguards, 'di ba?"

She rolled her eyes and pulled me inside her usual favorite nail spa.

Natutuwa ako sa trabaho. I earn a lot and that means slowly I can be independent.
May iilan na rin akong nabili para kay Ma'am Avila at Lola Brosing. Masaya ang
dalawa sa mga regalo ko sa kanila pero bukod doon, nag-iipon din ako ng pera para
sa sarili. Sometimes, I spoil myself and pay for things like manicure and pedicure.
Iyon ang hilig ni Cresia na kalaunan ay nakahiligan ko na rin.

"Speaking of date..."

She started to talk about her recent date with a man. She filled me in with some of
the details habang ang mga mata ko naman ay inaabala ko sa isang magazine.

Tumawa ako pagkatapos malaman ang nakakatawang experience ni Cresia. Iniba ko ang
pahina sa magazine. And like a deja vu, I saw a big picture of someone I know.

Nangyari na ito noon. At pagkatapos ng ilang araw, umuwi siya rito at naging kami.
Ngayon, alam kong malabo na na magkaganoon. Bukod sa paninindigan ko ang desisyon
ko, hindi na iyon mapapadpad pang ulit dito.

Raoul Vesarius Riego brought this model to an elite event in Manila. They were also
spotted together in a high end restaurant abroad bago nangyari ang event na ito.

Hindi ko na marinig ang mga sinasabi ni Cresia dahil lulong na ako sa pagbabasa ng
mga detalye roon.

Raj was looking serious and snobbish in his dark tux and dark blue tie. Hindi ko
alam kung sa picture lang ba o sa personal din pero may maliit na pagbabago sa
kanya. A change that made him look hotter and mature. His jaw and face is matted
with small dark hair enough to make him look like a brooding spanish model.

Katabi niya ay ang model na tinutukoy. Minsan na itong nagmodel sa shampoo at ang
mismong pinagmomodeluhan nito ay gamit ko. I bit my lower lip bitterly as I read
the woman's background.

She was a graduate of a prestigious university in Manila, with latin honors. She
pursued her masters abroad. She was offered by a local pageant to join because she
has a potential to be a Miss Universe representative pero hindi siya pumayag dahil
abala siya sa pag-aaral at sa trabaho.

She's a philanthropist. Born from a rich family, she used their money to help so
many charitable institutions which were enumerated in that magazine.

"Huy? Anong nangyari sa'yo?" si Cresia nang napansin ang pagkakatahimik ko.

Everything is like a deja vu. Pero hindi gaya noon, pakiramdam ko, totoo na ito
ngayon. Nagtagal ang titig ko sa mga kamay ni Raoul na nakita ko sa kabilang
baywang ng babae. He's holding her that way. I know this is different from the
first time I saw him rumored to another woman.
"Ano 'yan? Patingin?"

Hinablot ni Cresia sa akin ang magazine na iyon. Sa kahinaan ko, matagumpay niya
iyong nakuha at mabilis na binasa. Natutop niya ang bibig nang nakita ang picture.
Sumulyap siya sa akin bago nagpatuloy.

"Just r-rumors again!" aniya pero ramdam ko ang pag-aalinlangan sa kanyang boses.

I smiled at her. "Kung totoo, ayos lang..."

Muli niyang binasa ang magazine. My heart ached so much. Alam kong hindi dapat ako
makaramdam ng ganito dahil iyon naman ang naging tanging sulusyon ko pero hindi ko
parin maiwasan. I want to rip my heart into pieces so it would stop aching but I
couldn't kaya bumabawi na lang ako sa ekspresyon at sa pagdala sa sarili.

"They were spotted together in St. Regis!? Whoa!" puri ni Cresia.

Ngumuso ako at nanatili ang titig kay Cresia. Sumulyap si Cres sa akin at nanlaki
ang mga mata niya. Binago niya kaagad ang ekspresyon.

"Hindi to totoo. Alam mo naman ang media, Leil..." aniya.

Ngumiti ako dahil taliwas iyon sa nararamdaman ko. I feel like she knows that it is
kind of serious but she's trying to cheer me up.

"Wala na kami. Ayos lang kung totoo..." sabi ko.

Nanatili ang mga mata niya sa magazine. Tinatapos yata ang article na hindi ko
matapos-tapos kanina.

"He's back as chairman of Riegosteel! Binigay ulit ang VHRV sa kanya pero hindi
niya tinanggap so it's still on Ares Riego!" ani Cresia.

I sighed at that. Ngumiti akong bumaling kay Cresia.

Alam ko na dahil nga iyon sa akin. Ngayon, mas napatunayan ko iyon. Muling napasa
kanya ang Riegosteel pagkatapos ng ilang buwan. Hindi ko nga lang alam bakit 'di
niya tinatanggap ang VHRV gayong ibinibigay na rin sa kanya ang pamamahala noon.

"He's really a monster in this field. They made it to the top again because of
him!" ani Cresia habang nagpapatuloy sa pagbabasa.

"Kilala mo ba ang girlfriend niya?" tanong ko sabay iwas ng tingin kay Cresia.

"Hindi niya siguro 'to girlfriend, Leil... Rumors lang 'to gaya ng dati. E, lagi
naman siyang na-iissue sa iilang sites sa ibang babae. Gaya lang din ito ng mga
iyon."

"Aksidenteng nakikita siya sa ibang lugar kasama ang ibang babae. Iba 'to ngayon.
Niyaya niya 'yan bilang date sa event na 'yan, 'di ba?"

Hindi nakakibo si Cresia. I know, Cres. You don't have to cover up for him or for
me.

Sumulyap ako sa kanya. Nakita ko ang malungkot na mukha ng aking kaibigan. I know
she cares for me the way I care for her. Iba nga lang kaming dalawa. Kung hinaharap
ko ang problema, siya'y tumatakas. She tried to forget by dating so many men. I
didn't. At kung may impormasyon mang ganito, gaya ng dati, haharapin ko rin iyon.
"Well, this woman is one of Kuya Arthur's crush. Medyo mailap daw noon pa man kaya
hindi niya... Leil, maniniwala ka sa article na 'to?"

Padabog na hinampas ni Cresia ang magazine sa lalagyanan. Kalmante akong tumingin


pabalik kay Cresia na mukhang tensyunado na dahil sa nabasa.

I sighed heavily at that. I can feel my heart slightly breaking. Alam ko na alam ni
Cresia ang totoo, ayaw niya lang talaga akong masaktan. Alam ko na isang basa sa
article na iyon, alam niya na kaagad na hindi iyon basta-bastang rumors lang.

"Hindi na importante ang opinyon ko tungkol sa article, Cres."

Ngumiti ako at nag-iwas ng tingin.

"Kung totoo 'yan o hindi man, labas na ako riyan."

"But it's just r-rumors! Gaya ng sabi ni Raoul noon. Why don't you ask him?"

Natawa ako sa sinabi niya na tila ba madaling gawin. Para saan pa? Bakit ko pa
kailangang malaman kung totoo man o hindi?

I ended us almost a year ago. If he tries to move on and be with another girl, it
shouldn't matter to me. Lalo na dahil alam niyang naghiwalay kami dahil hindi ko
siya mahal... dahil may ibang mahal na ako.

I drowned myself with work. Ni hindi ko na halos mapansin kahit si Prince dahil sa
sobrang determinado kong magtrabaho ng maayos.

I have fallen in love with it and the things it can give me. Matutulungan ko si
Lola Brosing at Ma'am Avila sa mumunting problema nila sa pera. Napapasaya ko sila
sa mga plano ko. Lalo na nang sinabi kong kung makaipon ako ng pera, baka makabili
ako ng lupa. Mag-iipon muli ako para dahan-dahang makapagpatayo ng bahay.

My goal for this year was to finally be independent and get an apartment for
myself. Ilang beses ko nang sinabi kay Prince iyon pero tila hangin iyon sa
pandinig niya.

I am planning to tell Tita Sally on my 23rd birthday but everything crushed that
same day. That November morning, when the first greeting I had was from an unknown
call.

"Leil... Happy birthday, anak..." a familiar voice sent shivers down my spine.

Kagigising ko lang at hindi pa umaahon sa kama. Dahil sa tawag na iyon, napaahon


ako sa pagkakaalarma.

"Pa?" kabado kong sinabi.

"Ang papa mo 'to, anak. Nasa Luzon ako ngayon. Miss na miss n-na kita..." His voice
broke.

Ilang beses kong inisip na tawagan niyang muli ako pero hindi ko kailanman inisip
na magiging emosyonal ako kung sakaling matawagan niya nga akong muli.

"Papa, saan ka po? Pa, pinaghahanap ka. Kung totoo man iyon, please, sumuko ka na
po..." natataranta kong sinabi.

"Hindi pwede, Leil. Ayokong makulong. Mas gusto kong mamuhay sa bukid ng malaya
kesa sa-"
"Papa!"

The line went dead. But I have too many questions to ask that the beeping line did
not stop me.

"Totoo ba iyon, Pa? Ginawa mo ba talaga 'yon? Bakit mo ginawa 'yon?" I sobbed at
that.

Natanto ko sa araw na iyon na kahit na ilang ebidensya at ilang tao man ang nagsabi
sa akin ng totoo, gusto ko paring marinig iyon galing sa tatay ko. Pa, pinatay mo
ba si Hades Riego? Pa, gumawa ka ba ng kasalanan kay Felicia Riego? A part of me
wants to believe that he didn't even when most of the part inside of me knew that
he really did.

Ayokong makulong, sabi ni Papa. Positibo siya na makukulong siya. Ginawa niya nga
iyon.

I cried harder when I realized it at my own logic. Ginawa niya talaga iyon sa
pamilya ni Raoul. Tama lang na kamuhian ako ng mga Riego. May rason kung bakit
talagang ayaw nila sa akin at hindi nila ako kailanman magugustuhan.

It was a normal working day. Iyon nga lang, nasa bahay ang lahat ng Ledesma dahil
mamayang gabi, may hinanda silang espesyal na intimate dinner dahil kaarawan ko.
Prince told me that I shouldn't work that day but I insisted. Ngayon, mas lalo lang
akong determinadong magtrabaho dahil sa tawag na iyon. Baka mabaliw ako sa kakaisip
kay Papa kung nanatili pa ako sa kwarto o sa bahay ng matagal.

"I have a surprise for you later so don't go home late, okay?" bilin ni Prince sa
akin bago ako umalis patungong trabaho.

Hindi pumasok si Prince. May pinagkakaabalahan yata siya. Hindi ako mapigilan ni
Tita Sally sa pagpasok kaya sa huli, wala rin silang nagawa.

I was bothered the whole day at work. Halos wala rin akong nagawa dahil sa tawag ng
ama kaninang umaga. At times, I couldn't help my tears. Cresia will be in our house
later at wala pa akong ikinwento sa kanya tungkol sa nangyari kaninang umaga. Hindi
ko alam paano ko sasabihin iyon.

Nanghihina akong umalis ng hotel pagkatapos ng aking araw. I should put on a mask
to hide what I'm feeling. Paniguradong masaya ang mga tao mamaya sa bahay pagkauwi
ko.

Wala sa sarili akong pumasok sa sasakyan. Manong Roy was driving like usual pero
ang bodyguard na madalas nitong kasama ay wala roon. Itinuring ko iyong normal pero
nang lumiko ang sasakyan sa ibang bahagi, hindi patungo sa mga Ledesma ay nagulat
na ako.

"M-Manong, kailan ko pong umuwi ng maaga dahil..."

Hindi ko pa natatapos ang sinabi ko ay nakita ko na kung saan niya ako hinahatid.

The sun is almost setting. Kita iyon sa natatanaw na field sa kanang bahagi. Isang
bago ngunit parehong SUV ang nakita ko sa harap ng sasakyan namin. Napalunok ako at
nakita ang paglabas ni Manong Roy sa harap, pag-ikot, at pagbukas sa akin sa likod.

Yumuko ako. Gulat ako sa nangyayari pero naiintindihan ko rin. Ganito rin ang
nangyari noong unang beses akong tinawagan ni Papa. Alam ko ang sadya niya ngayon.
Nahabag man ako kay Papa, alam ko parin ang dapat na gagawin.
Tumango ako kay Manong Roy at lumabas na. Unti-unti akong naglakad patungo sa
naunang SUV. Habang palapit ay nabuksan ang pintuan ng front seat para sa akin.

Kumalabog ang puso ko. Hindi ko nga lang alam kung para saan iyon. Ayaw kong isipin
na sa kasabikan iyon. Gusto kong maniwala na sa takot.

I pulled the door and glanced at the driver inside. Gaya ng inaasahan ko, siya nga.
My breathing hitched. I lost count kung ilang buwan o taon higit na nang huli
kaming magkita. And to see him beside me, materializing is cruel to my heart. I
immediately noticed the difference. He's just more mature, intense, and
authoritative right now.

Pati ang titig niya, hindi ko na makilala. Diretso at empunto ang titig niya sa
akin. He gripped on the steering wheel tightly, making his veins appear and his
lean muscles form. He's not wearing a t-shirt, instead, he's wearing a white button
down long sleeves with the sleeves crumpled on his forearm. Tila siya galing sa
trabaho at pumunta lang dito para sa isang importanteng sadya.

Napalunok ako at muli siyang sinulyapan. Hindi ko alam anong unang sasabihin sa
kanya. Should I greet him? Good afternoon, Raj. Raj, am I going to call him that
way?

"Alam mo kung bakit ako nandito ulit, hindi ba?" he said in a cold tone.

Mapait akong tumango. So much for thinking about greetings. He means business. He
means my father. He needs what my father told me.

"Anong pinag-usapan ninyo?" he said in a tone almost unfamiliar to me.

Tinanggap ko iyon. Ano ba ang inaasahan ko?

"Uh, sinabi niyang nasa Luzon siya," sabi ko nang hindi sinusulyapan si Raoul.

"Ano pa?"

Napalunok ako. Hindi ako sigurado kung dapat ko bang sabihin ang iilang pribadong
usapan gaya ng pag... pag babati sa akin ng "happy birthday".

"A-Ayaw niyang makulong. Gusto niyang mabuhay ng malaya sa mga bukid."

"Uh... hmm..." he said while reaching for his phone.

Sumulyap ako at nakitang binuhay niya ang cellphone. It's a new phone. Hindi ko
binura ang number niya pero hindi ko rin tinext. Paminsan minsan, binabalikan ko
ang mga mensahe niya noong kami pa... pampalubag loob lang sa akin. Pampasaya ng
panandalian. Nakakalungkot mang isipin ang ginagawa ko pero masaya na ako na mabasa
ang mga mensahe niya noon.

"What else?"

"W-Wala na... Iyon lang. B-Bukod sa... binati niya ako..."

Parang nahulog ang puso ko sa huling inamin. Before I could complete the whole
statement, his phone rang. Napabaling ako sa kanya. Nakita ko ang pag-igting ng
panga niya at ang mabilisang pagtanggap ng tawag.

Napaawang ang labi ko. He's looking at the setting sun on the fields. Matalim at
mariin ang kanyang mga mata. He looks so hard and strong. Noon man, pero mas
tumindi ngayon. He looks so manly... more and more unreachable than ever.

"Yes," he said it like a whisper.

Parang kinukurot ang puso ko habang pinagmamasdan siya. He licked his lower lip
before he continued talking to whoever is on the other line of the phone.

"Don't worry, I'll be home in Manila tonight..." aniya.

Yumuko ako. Nanginilid ang mapangahas na mga luha. Huwag kang umiyak, Leil. Alam mo
ang dapat mong gawin, 'di ba? Tama lang 'yon.

My thoughts about him talking to his girlfriend, assuring her that he'll be home,
materialized. Para akong nagbalik sa dati. Sa dating Soleil Cervantes na
nangangarap lang kay Raoul Riego. Only this time, I lost my chance and I will
probably never have it again. Chances like that only comes once.

Pero ayos lang. Tama naman ang ginawa ko. Pinakawalan ko siya dahil hindi kami
pwede. My father is guilty of killing his father and abusing his mother. My father.
Not just anyone but my father, Balthazar Cervantes.

At kung uulitin iyon, ganoon parin ang gagawin ko.

"Uuwi ako. I promise..." he said in a tender whisper.

Huminga ako ng malalim at idiniretso ang mga mata sa kalsada. Nakababa na ang araw
at madilim na sa labas. It's the middle of the afternoon and night. Iyong hindi pa
umiilaw ang mga lamp posts sa kalsada dahil hindi pa tamang oras. Pero alam ko na
ano mang segundo o minuto ngayon, bubukas na ang mga iyan. And by then, its light
will illuminate my face making Raoul see the unshed tears of my eyes.

I don't want him to see it. I don't want him to pity me. Or even to make him
guilty. Or even to make him think that it's my fault at tama lang na masaktan ako
ngayon.

"K-Kailangan ko nang umuwi. May gagawin sa bahay," sabi ko sabay baling sa pintuan
na hindi naman naka lock kaya mabilis kong nabuksan.

"Okay. Salamat sa impormasyon," malamig na sinabi ni Raoul.

Dumiretso na ako sa aming SUV. Hindi pa nakakapasok ay bumuhos na ang mga luha ko.
Hindi naman ito kita ni Raoul, sigurado ako dahil mabilis ang pagpasok ko at
nakatalikod ako sa sasakyan niya kanina.

Pagkapasok ni Manong Roy sa loob ay hindi ko na mapigilan ang paghikbi. Lalo na


nang nakita ang mabilisang pag-alis ng sasakyan ni Raoul.

"Manong Roy, h-huwag n'yo pong sabihin kay Raoul, please, na umiiyak ako, h-ha?"
hikbi ko habang mabilis na pinapalis ang mga luha sa aking mga mata.

Hindi siya sumagot pero umaasa ako na susundin niya ang kaisa-isa kong kahilingan
kahit kailan.

"Please, Manong..." sabi ko at inutusan siyang mag park muna saglit habang
kinakalma ko ang sarili ko.

Inabot ako ng kalahating oras sa pag-iyak. Mahapdi at namamaga pa ang mga mata ko
pero kailangan ko nang umuwi. Tinatawagan na ako ng lahat at nag-aalala na dahil
natagalan ako. Sinunod naman ni Manong Roy ang utos ko at hinatid na ako sa bahay.
Bago pa ako makalabas ay sumugod na si Prince sa driver's seat.

"You're fired!" he screamed at Manong Roy without any explanation.

Namilog ang mga mata ko. Nakita ko ang pagtakbo ng iilang kasambahay sa loob ng
bahay. Nakita ko rin ang paglapit ni Primrose at ni Cresia sa pintuan nang narinig
ang sigaw ni Prince. Lumabas ako ng sasakyan at agad na dinipensahan si Manong Roy.

"Prince, ako ang may kasalanan. Ako ang nag-utos kay Manong Roy na-"

"That's just right for him! Sinasabi ko na nga bang nagsisinungaling iyan, e! Ang
tagal kong naisip iyon pero ngayon ko lang napatunayan!" he said.

"Prince, ako ang nag-utos na magtagal kami. May pinuntahan ako..." sabi ko.

"At saan ka galing? Saan ka nagpunta?" Prince narrowed his eyes.

Natigilan ako sa tanong niya. Hindi ko maapuhap paano ko sasabihin sa kanya iyon.
Bago pa makapagdesisyon ay inunahan niya na ako.

"Galing ka sa lalaki mo?!" he said angrily.

"Anong nangyayari, Prince, Soleil?" ani Tita Sally nang nakitang hindi makalapit si
Primrose man o si Cresia sa amin dahil sa galit ni Prince.

"Galing ka sa lalaki mo?!" ulit niya nang nakitang hindi ako makasagot.

"Prince, please calm down..." I said but he's too angry.

"Boyfriend mo?" paratang ni Prince.

Natigil din si Tita Sally dahil sa galit na ipinamalas ni Prince.

Umiling ako bilang sagot sa tanong niya. Ginulo ni Prince ang kanyang buhok.
Frustrated, he closed his eyes tightly. Pagkadilat ay sinuntok niya ang nguso ng
SUV na sinakyan ko kanina.

Tumili si Primrose at Cresia sa ginawa ni Prince. Sinubukan ni Tita Sally na


lumapit pero sa huli ay hindi niya nagawa.

"Alam mong mahal kita, 'di ba? Tapos ganito ang ginagawa mo sa akin, Leil?"

Bumuhos ang luha ko habang tinitingnan si Prince na sobra-sobrang nasasaktan.

"Sumama ka sakin sa Maynila kung ganoon! Iwan mo 'yang lalaki mo rito!"

Umiling ako. "Prince, hindi ganoon. Ayos lang ako rito sa Iloilo-"

"Kaya ayaw mong sumama na sa Manila, 'di ba? Kasi taga rito 'yang boyfriend mo!?"

"Prince!" si Tita Sally.

Umiling ulit ako. "Wala akong boyfriend, Prince-"

"Kung ganoon, bakit hindi mo ako masagot-sagot? Bakit hindi mo ako mahalin, Leil?
Huwag kang magsinungaling sa akin dahil alam ko! Nararamdaman ko!" he screamed out
loud.
Kinagat ko ang labi ko.

"Prince, may iba akong-"

Alam kong hindi niya tatanggapin ang sinabi ko. Bago ko pa maidiretso ay mabilis
siyang naglakad patungo sa kanyang sasakyan. Hinabol siya ni Tita Sally ngunit
halos mahagip si Tita nang patakbuhin iyon ni Prince ng mabilis at iwan ang bahay
sa ganoong ayos.

"Prince! Anak!" sigaw ni Tita Sally habang umiiyak.

Dumalo si Cresia sa akin. Niyakap niya ako while Primrose hugged her mother tight
as they both cry for Prince's sudden outburst.

From then on till the next month, Prince was always preoccupied with friends and
alcohol. Hindi halos umuuwi araw-araw at kung umuuwi man, lasing at walang malay.
He got involved in a minor car accident which made Tita Sally and Tito Ton worry
for him more.

"Prince, halika na..." sabi ko isang gabi nang naabutan si Prince na lasing na
lasing at halos walang malay.

Pinapatayo ng mga bodyguard si Prince ngunit nanuntok na siya at nagiging bayolente


na. I tried to reach for him. He's not that drunk to not recognize me. Kumalma siya
nang nakita ako.

"Halika na sa kwarto mo..." sabi ko.

"Sumama ka sakin sa Manila. Iwan mo 'yang lalaki mo rito kung ganoon, Leil..."

Hindi ako sumagot. It's just one of his drunken litany. The morbid January has come
and it's more morbid than ever. With all my memories and all that's happening here,
I think this is the worst ever.

"Taga rito pala siya, huh? Taga Iloilo kaya ayaw mong iwan ang Iloilo?"

"Prince, sige na..." sabi ko.

"Prince, anak... please... you should sleep," si Tita Sally naman.

Lumipas ang dalawang buwan at ako na lamang ang namamahala sa hotel nila rito dahil
laging ganito si Prince. Tita Sally is devastated. Minsan, nararamdaman ko na
sinisisi niya ako pero hindi niya lang maisatinig.

I am working hard to be the Sales Manager and the General Manager at the same time.
Maganda sanang isipin na magaling pala ako sa larangang ito dahil lumago pa lalo
ang hotel pero nakakalungkot na kaya ako naging General Manager dahil hindi na
makapagtrabaho ng maayos si Prince.

"Leil, pwede ba kitang makausap?" si Tita Sally pagkatapos naming ihatid si Prince
sa kanyang kwarto.

Alam kong it's only a matter of time now. Though at least she finally wants to talk
to me, hindi gaya noong pasko na halos hindi niya ako kausapin sa galit niya para
kay Prince.

"Sige po, Tita..."

Tahimik kami sa hardin. She's drinking her usual wine. Si Tito Ton ay nasa kwarto
niya na at ayaw nang harapin pa ang lasing na anak at baka gaya noong nakaraan ay
masuntok niya lang sa galit.

"Alam mo, simula noong dumating ka sa pamilya, nagbago si Prince..." she started.

Natulala ako. Alam ko kung saan patungo ito. I have come to love Tita Sally and
Tito Ton. Hindi man ako sobrang malapit sa kanila gaya ng sa mga Avila, wala silang
ginawa sa akin kundi purong kabutihan lang. If this will make Tita Sally's heart
light, then I'll hear it all.

"He's very stubborn as a teenager. Girls and alcohol, kahit saan. His grades were
low, kung hindi man bagsak. At nakita ko ang pagbabago niya noong naging malapit
kayo. He's more responsible. His grades improved. Siguro, inspirado sa'yo dahil
kahit mahirap ka, maganda ang performance mo sa school... o baka naman..."

She sipped on her wine again. Kahit sa dilim, nakitaan ko ng luha sa gilid ng mga
mata ni Tita Sally.

"Iniisip niya na ang kinabukasan niya... kasama ka. Kaya siya nagbago ng ganoon."

Gusto kong umapila roon. Tita Sally sighed. She knew I was about to say something
and her heavy sigh stopped me.

"Ngayon, parang bumabalik siya sa dati. And we both know why he's going back to his
old habits. My son loves you, Leil. And he's broken hearted that you can't love him
back-"

"Tita, pasensya na talaga. Hindi ko kayang magsinungaling sa'yo, kay Prince, o sa


aking sarili-"

"Alam ko. I've known you're really this kind of lady. Probably why Prince likes you
so much. But..."

She sighed again. Yumuko ako dahil alam ko, kung papakiusapan niya ako na mahalin
si Prince, hindi ko kakayanin iyon.

"I don't want to lose my son this way, hija..." she cried.

Pumikit ako ng mariin.

"We were already happy with how he's doing until that night!"

"Tita, kung hihingin mo po sa akin na..." uunahan ko na sana siya pero umiling
siya.

"I know. I don't want to force you to love my son, Leil. Pero alam ko, mahal mo
siya, hindi man gaya ng pagmamahal na gusto niya, hindi ba?"

Tumango ako ng marahan.

"You care for him, right? You don't want to see him like this?"

Hindi na ako nakakibo. Totoo iyon. Hindi ko lang alam ano pa ang gagawin. Dahil
kung ang tanging magagawa ko para ibsan ang sakit ay ang magsinungaling sa sarili,
mas gugustuhin ko pang mawala na lang. I cannot lie to myself like that. Sapat na
ang ilang beses kong pagsisinungaling sa sarili. May hangganan ang pagsisinungaling
ko.

"Be with him in Manila, Leil. Umalis kayong dalawa rito sa Iloilo. He wants that
and maybe it will calm him down."

Namilog ang mga mata ko sa hinaing ni Tita Sally. Hindi ko naisip iyon pero
natatakot ako.

"Tita, kahit sa Manila po, hindi ko maipapangakong-"

"I am not asking you to love my son the way he loves you, Leil. I am asking you to
at least help him a bit through that. He can't forget you in a snap. But at least
make it easy for him. In time, kapag nasa Manila kayong dalawa, he'll eventually
find someone else-"

"Hindi po ba mas mahihirapan si Prince kung naroon ako? Baka umasa pa po siya dahil
sinamahan ko siya sa Manila gayong-"

"But that's better than having him drunk everynight here in Iloilo, right? Kung
iisipin niyang ganoon, panandalian lang iyon, for sure. Help him find another girl
for him, Leil. He will have many distractions there than here. Mas malaki ang
tsansang mas maaaliw siya roon sa ibang bagay kesa sakit at alak dito. Please,
Leil. I am begging you. It is for my son. For you friend. And brother."

Tanging ang iyak lamang ni Tita Sally ang narinig ko sa gabing iyon habang tahimik
akong nag-isip sa tamang gagawin.

"Sige po..." sabi ko pagkatapos ng ilang sandaling katahimikan naming dalawa. "Pero
hihingi po ako ng isang kondisyon sa inyo, Tita..."

Looking back at it all now, I cannot say that luck was never by my side.

Luck was with me when I found the Ledesmas. It was with me when I graduated. It was
with me when I met Cresia. It was with me when I loved Raoul.

Pero kaakibat ng mga iyan ay ang sakit. I found the Ledesmas but it wasn't always
rainbows and butterflies with them. I had my hard times with Prince and hard
decisions with the whole family. I graduated but school was also hard for me. I met
Cresia but it began with her bullying me. And... I loved Raj, but it all ended with
pain.

Ganoon nga siguro talaga ang buhay. Nobody has it all. I have luck once, but I
cannot have it forever.

I realized it is all the same for all, no matter what we believe in. Life is the
same for everyone. We all have good times and bad times equally. At kahit na
ngayon, tila puro malas ang nakikita ko, nagpapatuloy parin ako sa pangangarap na
sa huli ng lahat ng ito, I will be rewarded, with yet again, another lucky day.

I smiled as I look at the night full of lights from so many big skyscrapers. My
heart ached at a memory that will probably never leave me even after dozens and
dozens of happy days. At ayos lang iyon sa akin. Masaya at kontento na ako sa mga
alaala. That was my past. This is my present.

Kabanata 30
Kabanata 30

Jerk

"This place is so small!" Cresia said.


Pinasadahan ko ng tingin ang higit twenty thousand pesos studio condo unit na
nakuha ko para sa aking sarili. I arranged my clothes in a nice and sleek closet
while Lucresia Lopez was sitting on my single bed.

Kaninang umaga, hinatid ako ng mga Ledesma rito pagkatapos namin mag-agahan sa
kanilang bahay sa Manila. I was with Prince, Primrose, and Arthur, kasama ang mag-
asawang Ledesma.

Dumiretso kami rito ni Cresia para makapag-ayos ng gamit at makita kung alin ang
kulang. This was also checked by the Ledesma family, except Prince, at gaya ng
komento ng kaibigan, naliliitan din sila sa unit na ito.

"I can get you a better and more spacious condo, hija. Huwag mo nang isipin pa ang
gastos!" nag-aalalang sabi ni Tita Sally.

Hindi na sumama si Prince dito dahil ayaw niya sa desisyong ito. He thinks I will
change my mind after a few months of paying an incredibly big amount of money just
for my stay. Ganoon din ang iniisip ko. Tataas ang sahod ko rito sa Manila at sa
opisina ako mananatili imbes na sa hotel pero kung iisipin, malaking kawalan ng
pera ang makakaltas sa akin buwan-buwan.

Inisip ko na rin iyon. I was tempted to just stay with the Ledesmas so I can save
more pero nanindigan ako. Iisipin ko na lang na hindi tumaas ang sahod ko. At ang
natitirang pera ay ibubuhos ko sa nirentahang lugar.

This is my way to start the independence I so long. Ma'am Avila and Lola Brosing
encouraged me to do it, too. In fact, gusto pa nilang magpadala sa akin ng pera
para makabili ako ng mga kakailanganin sa condo unit ko.

"I can get you a better condo than this, Leil. O 'di kaya'y sa akin ka na lang
tumira?" pang ilang ulit na ito ni Cresia ngayon.

Ngumiti ako. "Ayos lang ako rito, Cres."

"Magkano matitira sa sahod mo? Fifteen? Twenty?" she said with a disgusted face.

Umiling ako at tumawa na lamang. Hindi niya maintindihan kung paano ako mabubuhay
sa ganoong pera. I can certainly even save kahit pa ganoon. Hindi niya nga lang
alam paano ko magagawa iyon.

Magtitipid ako. Hindi kakain sa labas, kung kumain man ay dapat mumurahin. Hindi
rin ako mamimili masyado. Tutal, halos dala ko naman ang lahat ng damit ko kaya may
susuotin parin ako sa trabaho.

I chose this condo because it's only a few blocks away from the building where the
office is. Hindi gaya ng mas mga mura pa na kailangan ko pang mag MRT. Hindi pa
naman ako maalam sa Manila. This is my first time here. I want to explore but I'm
also scared to death. Masaya na ako na malapit lang ito sa trabaho.

"Baka pumayat ka lalo kakatipid, ah?" tukso ni Cresia sa akin.

Tumawa na lang ako sa sinabi niya. The all white room is very clean. Walang TV at
ref pero may aircon naman, pandalawahang lamesa, lababo, at malinis na bathroom.
May isang rectangular na bintana na kapag hinawi mo ang makapal na puting kurtina
at naglalakihang building agad ang tanaw. Overall, I find it okay. Iyon nga lang,
iisipin ko na hindi na parte ang perang gagastusin ko rito sa tunay na sweldo ko.

"Hay! My extrang rice cooker ako sa condo ko at meron ding TV, ibibigay ko 'yon
sa'yo rito," ani Cresia.
Ngumiti ako. "Thank you. Babayaran ko-"

"Ano ka ba naman, Leil! It's extra! It's not like I bought that for you. You can
keep it. Don't pay me anymore!"

Naupo ako sa kama sa tabi ni Cresia. She hugged me jokingly then.

"Kasya naman yata tayo rito sa bed mo kung sakaling gusto kong mag sleep over.
Pwede ka rin sa condo ko."

"Dito ka na rin sa Manila for good?"

Umirap siya. "Oo naman! I actually like it here. Pasyal tayo kapag may oras ka,
okay? Bukas kaya? After work? Punta tayo sa Luneta... ganun... I'm not interested
but I know it's your first time so..."

Nagkibit ako ng balikat. "Hindi ako sigurado. 'Tsaka na lang siguro tayo mamasyal,
Cres, kapag nakapag adjust na ako rito. Abala yata kami bukas, alam ko."

"Oh? Why?"

"Hindi ba magpapalit si Primrose at Prince ng kalagayan. Kailangan naming tapusin


iyong iilang sinimulan ni Prim na project."

Cresia's eyes widened at that. Pagod akong bumuntong hininga. Alam kong alam niya
ang ibig kong sabihin.

Ang bagong itatayong world class hotel ng mga Ledesma ay papangunahan ng VHRV. I
don't know how since according to my research, the VHRV Holdings does medium to
high rise development and real estate. Hindi ko alam na pwede rin sila sa leisure
residences, more so, hotels.

"So it is going to be big, huh? Kasi sa VHRV talaga pinagawa. The last hotels they
did were all five stars!" ani Cresia.

Ngumuso ako. "Oo."

Nanliit ang mga mata ni Cresia. Nagpatuloy naman ako sa pagtupi ng iilang damit
para iwasan ang nagdududang tingin ng kaibigan.

"He won't be in your meeting tomorrow, right?"

Umiling ako. "Sabi ni Prim, head engineers lang daw ang pinapunta sa huling meeting
nila. 'Tsaka, hindi naman siya ang may hawak sa VHRV ngayon, hindi ba? It's Ares
Riego."

Marahang tumango si Cresia na tila ba may nahihinuha.

"Isa pa, abala ako bukas dahil silang lahat ang dadalo sa meeting. Ako lang ang
mag-aayos sa operations."

Truth is, I am very, very nervous. Pagkatapos noong pag-uusap namin ni Raoul sa
birthday ko, wala na si Manong Roy pero feeling ko may nakamasid at nagbabantay
parin sa akin. Siguro guni-guni ko lang pero naisip kong kumuha si Raoul ng ibang
tao para mabantayan parin ako.

Now, I'm nervous. He probably knows I'm in Manila. It's not like he cares about
it... but that means there's a big chance we'll see each other again sooner. At ang
malamang may meeting ang pamilya bukas sa VHRV ay mas lalong nagpakaba sa akin.
Like he's just out there... near me.

Maganda ang opisina ko sa building na iyon. Hindi man kasing laki ng opisina ko sa
Iloilo, mas malinis at mas organisado naman. Prince will also office here and in
the hotel, too. Ako naman, minsan lang bibisita sa hotel.

Inaayos ko ang tatlong malaking box na pinadala pa rito galing sa Iloilo. Iyon lang
ang gagawin ko dapat sa unang araw ko sa opisina pero biglang kumatok si Tita
Sally.

"Leil, pwede ka bang sumama sa meeting namin?"

I tried to tell her that I need to do so many things pero inoffer niya ang
sekretarya ni Prince bilang gagawa sa mga kakailanganin ko. Wala akong ibang rason
para tumanggi kaya inalu ko na lang ang sarili ko sa kaisipang hindi naman si Ares
Riego ang pupunta sa meeting kundi ang mga head engineer lang, umano. This should
be fine, right?

"I really, really need your opinion, in some cases, Leil. I cannot deny that you
really are good at dealing with things like this."

Inayos ko ang skirt na suot at nagpahid ng kamay sa kandungan. Marahan akong


tumango sa tanong ni Tita Sally.

Muli niya akong ipinakilala sa mga iilan lang na empleyadong naroon sa opisina. Sa
labas kasi nitong opisina ay iilang empleyado na siyang nagrereply sa mga bookings
sa lahat ng hotel ng mga Ledesma. They work here 24/7 but with three alternating
shifts or so.

Prince is the General Manager and he will usually be in the hotel along with his
Executive Assistant. Ako sana iyong ilalagay sa Executive Assistant pero tumanggi
ako sa ngayon. I want to try the Sales here and if I did good, then I can accept
the Executive Assistant Manager.

Though, nagdadalawang isip parin ako. Kapag nangyari iyon, mas dadalas ang
pagkikita namin ni Prince. I'm not saying that I don't want to see him. What I'm
saying is that it will help him get better if we don't see each other that much.

Tahimik akong pumasok sa loob ng conference room kung nasaan naroon na si Prince,
Primrose, Arthur, at Tito Ton. Nagkatapat kami ni Prince sa lamesa. Katabi kasi ni
Tito Ton si Tita Sally, sa kabila ay si Primrose. Arthur remained standing while
Prince is beside his sister.

They are all with laptops. Notebook lamang ang dala ko para mag take notes dahil
hindi ko pa naaayos ang lahat. Nilapag ko ang cellphone sa tabi ng aking ballpen at
tahimik na naghintay.

"How's your condo? I heard it's very small?" Prince asked in his normal tone.

Tumango ako. "Pero ayos lang. Malinis naman."

Umiling si Prince, tila dismayado parin sa aking desisyon.

"Stop fighting, you two!" pigil ni Primrose na katatapos lang sa pakikipag-usap sa


kanyang sekretarya. "Nakakahiya kapag nandito na ang team nila. Ang sabi'y dahil
huli na, mukhang ang mga Riego ang pupunta!"

Napatuwid ako sa pagkakaupo. Well? Ares Riego? Who is it? My heart started beating
fast. Halos malasahan ko iyong kaba ko sa mabilis na panahon. Bago pa ako
makapagtanong ay bumukas na ang pintuan ng silid at ang ingay galing sa mga bagong
dating at sa nagtayuang Ledesma ay umalingawngaw na.

"Nice to see you, Engineer!" si Tito Ton sabay kamay sa naunang pumasok. "Akala
ko'y wala ka. They said you're busy."

"Yes, he just got here from Iloilo," sabi ng isang kasamang lalaki.

My eyes darted at who it was. Even with his side view, I clearly remember him. Ako
na lang ang nakaupo. Maging si Prince ay nagpahayag ng pagbati sa iilan pang
dumating kaya napatayo na rin ako.

At... galing Iloilo sino?

I was suddenly deeply rattled and motionless when I saw who he's with. Anim silang
lahat. Apat na lalaki at dalawang babae. Kahit sa picture ko lang nakita ang isa'y
alalang alala ko siya.

Venice, the woman he's with in an expensive hotel abroad is part of his powerhouse
team. Nakipagbeso ito kay Tita Sally na tila ba kaibigan lamang. Dumikit ang mga
mata ko sa babaeng naka itim na dress, hapit na hapit sa katawan at ang artipisyal
na kulot ay madramang kumurtina sa kanyang balikat.

Soliel, sasabihin ko sana sa babaeng kumuha ng kamay ko ngunit agad itong lumipat
sa kay Tita Sally. May naglahad din ng kamay na lalaki pero sa kahihiyan ko sa
unang attempt na magpakilala ay hindi ko na nasabi pa ang aking pangalan.

"Architect!" sabi ni Tita Sally sa kaninang kinamayan kong lalaki.

"Amos," a man in his black tux and grin told me.

Palakaibigan ang ngiti ng pangalawang lalaki. Habang abala ang lahat sa batian,
nagtagal ito sa akin. He looks clean. Not as tall as the other three men but he
looks more friendly than all of them, too.

"Soleil..." sabi ko.

"Ledesma?" aniya sabay palakaibigang ngiti ulit.

"Uh..." umiling ako, nag-aalinlangang banggitin ang pangalan. "Soleil Sierra


Cervantes."

"Oh! Nice to meet you!"

"Amos!" si Tita Sally naman kaya napabaling ang lalaki kay Tita.

"Huxley," sabi ng pangatlong lalaki.

Ngumiti lamang ako, nakalimutan na paano magpakilala sa sobrang kaba. Mahihimatay


yata ako. Nang nahagip ko ng tingin si Prince ay napansin ko ang pagtitig niya sa
akin.

Though, nagdadalawang isip parin ako. Kapag nangyari iyon, mas dadalas ang
pagkikita namin ni Prince. I'm not saying that I don't want to see him. What I'm
saying is that it will help him get better if we don't see each other that much.

Tahimik akong pumasok sa loob ng conference room kung nasaan naroon na si Prince,
Primrose, Arthur, at Tito Ton. Nagkatapat kami ni Prince sa lamesa. Katabi kasi ni
Tito Ton si Tita Sally, sa kabila ay si Primrose. Arthur remained standing while
Prince is beside his sister.

They are all with laptops. Notebook lamang ang dala ko para mag take notes dahil
hindi ko pa naaayos ang lahat. Nilapag ko ang cellphone sa tabi ng aking ballpen at
tahimik na naghintay.

"How's your condo? I heard it's very small?" Prince asked in his normal tone.

Tumango ako. "Pero ayos lang. Malinis naman."

Umiling si Prince, tila dismayado parin sa aking desisyon.

"Stop fighting, you two!" pigil ni Primrose na katatapos lang sa pakikipag-usap sa


kanyang sekretarya. "Nakakahiya kapag nandito na ang team nila. Ang sabi'y dahil
huli na, mukhang ang mga Riego ang pupunta!"

Napatuwid ako sa pagkakaupo. Well? Ares Riego? Who is it? My heart started beating
fast. Halos malasahan ko iyong kaba ko sa mabilis na panahon. Bago pa ako
makapagtanong ay bumukas na ang pintuan ng silid at ang ingay galing sa mga bagong
dating at sa nagtayuang Ledesma ay umalingawngaw na.

"Nice to see you, Engineer!" si Tito Ton sabay kamay sa naunang pumasok. "Akala
ko'y wala ka. They said you're busy."

"Yes, he just got here from Iloilo," sabi ng isang kasamang lalaki.

My eyes darted at who it was. Even with his side view, I clearly remember him. Ako
na lang ang nakaupo. Maging si Prince ay nagpahayag ng pagbati sa iilan pang
dumating kaya napatayo na rin ako.

At... galing Iloilo sino?

I was suddenly deeply rattled and motionless when I saw who he's with. Anim silang
lahat. Apat na lalaki at dalawang babae. Kahit sa picture ko lang nakita ang isa'y
alalang alala ko siya.

Venice, the woman he's with in an expensive hotel abroad is part of his powerhouse
team. Nakipagbeso ito kay Tita Sally na tila ba kaibigan lamang. Dumikit ang mga
mata ko sa babaeng naka itim na dress, hapit na hapit sa katawan at ang artipisyal
na kulot ay madramang kumurtina sa kanyang balikat.

Soliel, sasabihin ko sana sa babaeng kumuha ng kamay ko ngunit agad itong lumipat
sa kay Tita Sally. May naglahad din ng kamay na lalaki pero sa kahihiyan ko sa
unang attempt na magpakilala ay hindi ko na nasabi pa ang aking pangalan.

"Architect!" sabi ni Tita Sally sa kaninang kinamayan kong lalaki.

"Amos," a man in his black tux and grin told me.

Palakaibigan ang ngiti ng pangalawang lalaki. Habang abala ang lahat sa batian,
nagtagal ito sa akin. He looks clean. Not as tall as the other three men but he
looks more friendly than all of them, too.

"Soleil..." sabi ko.

"Ledesma?" aniya sabay palakaibigang ngiti ulit.

"Uh..." umiling ako, nag-aalinlangang banggitin ang pangalan. "Soleil Sierra


Cervantes."

"Oh! Nice to meet you!"

"Amos!" si Tita Sally naman kaya napabaling ang lalaki kay Tita.

"Huxley," sabi ng pangatlong lalaki.

Ngumiti lamang ako, nakalimutan na paano magpakilala sa sobrang kaba. Mahihimatay


yata ako. Nang nahagip ko ng tingin si Prince ay napansin ko ang pagtitig niya sa
akin.

"It's nice to know that the powerhouse team made it to this meeting. Akala ko'y
head engineers lang ang nandito gaya noong nakaraan!" si Tita Sally.

"It's a brief meeting and we have time..." si Raoul sabay sulyap sa akin.

Sa kanilang lahat, siya lang ang hindi nagpakilala sa akin. Hindi naman sa
kailangan pa iyon.

"Well then, shall we start?" si Tita Sally sabay senyas sa mga sekretarya.

Sabay silang umupo sa natitirang upuan. Sa kabisera si Raoul at ang kanang upuan ay
sa kanyang girlfriend at ang kaliwa ay sa Architect na tinukoy ni Tita.

Iniwas ko ang tingin sa kanila at bahagyang napatingin sa sarili. I'm only wearing
a simple button down blouse and a skirt while they are all very corporate like the
Ledesmas. Sumulyap muli ako sa babaeng katabi ni Raoul at naabutan ko ang pagturo
nito sa papel kay Raoul. Raoul nodded at her and then they suddenly got engaged in
an animated conversation about something.

Nanatili ang mga mata ko sa babae. She's more stunning in person. Akala ko sa
picture lang sa commercial lang siya maganda pero pati pala sa personal, walang
kapintasan. Nahagip ko ng tingin ang huling lalaking nagpakilala sa akin. Tahimik
siya at seryoso pero nakatitig sa akin.

I tried to smile at him to hide my embarassment. Naabutan akong nakatitig kay Raoul
at sa girlfriend niya! Napakurap-kurap ito bago pilit na ngumiti sa akin.

Yumuko ako. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. Tito Ton started the talk at
nanatili akong nakayuko. Sumusulyap lang ako kay Prince kapag may komento siya.
Iniisip ko na mabuti rin pala ang dulot, hindi ko na maalala kailan ko siya huling
nakitang nakikisali sa usapan ng negosyo nila.

"What is it, son?" sabi ni Tito Ton, pinagbibigyan ang anak.

"Maybe we should make another restaurant near the poolside restaurant. Para sa
akin, if we count the rooms available, assuming we will be fullybooked, hindi
kakayanin ng dalawang restaurant lang. Maybe we should add another."

"But son... this design was already approved," si Tita Sally.

"No it's okay. Surely, you still can do that?" si Tito Ton na kay Raoul idinirekta
ang tanong.

Sumulyap ako kay Raoul at nakita kong isang tingin niya lang sa kaliwang lalaki ay
nagsalita ito.

"Yes, I can do that. But if you're planning to start the construction this week, I
wonder if we can make it? Lalo na dahil kung ang gusto ni Mr. Ledesma ay ielevate
ang kanang bahagi ng poolside, that will mean we have to review everything and
approve of everything."

Tumango si Tito Ton, mukhang nag-aalinlangan na rin sa gusto ni Prince.

"What if..." Raoul's girlfriend said.

Napatingin ako sa babae. She looks so flawless. Kapag nagsasalita siya, nadedepina
ang kanyang mapupulang labi. Her brows were well made and her eyelashes were thick.
Ilang sandali akong tumitig sa babae. My heart ached slowly and painfully. Nailipat
ko bigla ang aking tingin nang naramdaman ang titig sa tabi lamang nito sa akin.

Raoul's watching me carefully while his girlfriend is talking. His dark brooding
eyes is dripping with passionate anger?

"What do you think, Engineer Riego?" si Tito Ton naman ngayon.

Kinabahan ako roon. Habang nagsasalita ang kanyang girlfriend ay nakatitig lang
siya sa akin. Gaya ko, pakiramdam ko hindi niya narinig ang sinabi nito. Anong
ikukumento niya kay Tito?

Inilipat ni Raoul ang kanyang mga mata kay Tito Ton. He shifted on his seat cooly.

"I agree with her. We can make another additional restaurants without elevating
that floor and just tweak the interiors. Architect?" sabay tingin niya sa katabi at
isang beses namang sinulyapan muli ako.

"I agree, too. Para mas mapabilis. Besides, I think elevating that floor will
defeat the purpose. Hindi ba ang gusto ninyo ay may kaparehas sa mid-class chain
ninyo? If we do that, the hotel's look will be completely different."

Humilig si Prince sa kanyang kinauupuan at tumango na. Sumulyap ako kay Raoul at sa
girlfriend niya at nakita ko ulit ang pag-uusap ng dalawa. He withdrew after a
small silent talk and his eyes darted on me again.

Marahan kong hinilig ang likod sa aking upuan. The hurt intensifies slowly. Halos
mapapikit ako sa pisikal na sakit ng puso na nararamdaman.

I sighed heavily while Tito Ton is talking about the new hotel. Kinuha ko ang
cellphone ko, at gaya ng dati kong ginagawa para maibsan ang sakit, I revisited our
old texts.

Hindi ko nga lang alam kung maiibsan ba ito ngayon. The world is suddenly small for
us in this city. Pero siguro, ngayon lang ito. Bukas, normal na ang lahat at walang
nang meeting pa. The hotel will start building and I will do my work.

I scrolled up and up to read old texts.

Ako:

Hindi ako marunong. :(

Raoul:

You are slowly learning. Don't worry about it, okay?

Ako:
Baka magsawa ka sa mga halik ko na ganito lang.

Ngumuso ako. Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan. This was sent after I tried kissing
him back pagkatapos ng graduation ko.

Raoul:

Baby, your kisses make me tremble. Why are you even fucking worried?

Hindi na ako nakapagreply dahil tumawag na siya noon, alala ko. Napalunok ako at
binaba pa sa ibang dating mensahe.

Huli ko na namalayan na mariin na ang titig ni Prince sa akin. Huminga ako ng


malalim at binaba ang cellphone para makapag concentrate na sa meeting. Nang
bumaling ako sa kaliwa ay nakita ko ang mariin ding titig ni Raoul sa akin. He
glanced at his phone and then back to me again.

Ipinatong ko ang kaliwang kamay sa aking notebook para sana buksan ito. The table
thudded a bit dahil sa pagtama ng aking bracelet doon. Bahagya akong kinabahan at
unti-unting binaba ang aking kamay para maitago ang bracelet. Sumulyap ako kay
Raoul at nakitang nanatili ang mga mata niya sa aking kamay.

He shifted on his seat. Tumuwid siya sa pagkakaupo. Yumuko ako at pinaglaruan na


lamang ang ballpen dahil wala naman akong masabi o magawa sa meeting na ito.

"Executive Assistant?" Amos who's beside me whispered.

Ngumiti ako at umiling. "Marketing and Sales Manager."

Tumango si Amos at ngumiti sa akin. Nagtagal ang titig niya. Binalik ko na lang
muna ang tingin ko sa notebook.

"Matagal ka na rito?" he asked.

Napilitan ulit akong bumaling sa kanya. "Sa Iloilo branch ako."

"Oh!" Unti-unti siyang tumango.

"Engineer, what do you think?" Huxley asked Amos.

Nagulat ako roon. He's an engineer. Ngumuso ako at nanatili ang tingin sa dalawa na
ngayo'y sila naman ang nagpapaliwanag sa mangyayari sa site. Mukhang engineer din
pala itong dalawang kasama ni Raoul bukod sa Architect, isang babae, at girlfriend
ni Raoul.

Mabilis akong umalis pagkatapos ng meeting. After saying goodbye shortly, I did not
look at all of them again. Diretso na ang lakad ko patungo sa aking silid, afraid
to mess up or what.

At sa totoo lang, buong araw nga akong nanatili sa opisina. Inaayos ko ang
arrangement ng lahat pero madalas natutulala sa nangyari kanina. That's the last
time we'll see each other at work. Uuwi na sina Primrose at Arthur para mamahala sa
Iloilo branch na hotel. Hudyat din ito na tapos na ang meeting at magsisimula nang
gawin ang hotel.

Tita Sally and Tito Ton will stay here to check the building of their new hotel,
pero bukod pa roon, gusto rin nilang bantayan si Prince.

We had dinner in a fancy restaurant that night. Binilin na ni Arthur at ni Prim ang
mga gagawin ko dahil si Arthur yata ang dating Sales bago kami nagpalit.

"The design is on your desk. Bukas ng hapon ang deadline noon. Ipasa mo sa opisina
nila, okay?"

"A-Ako?"

Nagulat agad ako. Bakit ako? Hindi ako marunong paano pumunta sa opisina nila at
mas lalong hindi ko kaya iyon.

"Ikaw, Leil. Their office is just walking distance from your condo so it's gonna be
fine," si Arthur na seryoso sa sinabi.

Nahihiya akong tanggihan siya kaya tumango na lamang ako. Besides, hindi naman
mahirap gawin iyo, hindi ba? Pero sa opisina talaga ng mga Riego? What if I run
into Ares? Or whoever that Riego will be? Or... Raoul?

"It will be needed by four in the afternoon. Mag half day ka na lang bukas, tutal
nag aarrange ka pa naman sa opisina mo, hindi ba?" Arthur smirked.

Unti-unti akog tumango at inisip kung paano na ang gagawin ko bukas.

Cresia is literally the most bored girl in the world. Pagkauwi ko, pumunta agad
siya sa condo ko na may dalang pajama dahil mag s-sleep over na raw siya. Ni wala
pa akong nabili na grocery para sa condo pero dala niya na ang rice cooker at extra
TV na flatscreen at malaki pa. I wonder if it's really an extra TV.

So we spent the night watching movies until we fell asleep. And as expected,
kinabukasan, pareho kaming walang makain.

"Kailan ka mag gogrocery?" tanong ni Cresia habang naglalakad kami patungo sa


trabaho ko.

"Hindi ko alam. Mamaya o bukas," tanging nasabi ko.

"Oh. I have a date later..." she said, smirking.

Umiling na lamang ako. Kahit pala rito ay ganoon parin ang mga ginagawa niya.

So for the rest of the morning, nag arrange parin ako ng mga bagay. Si Prince ay
nasa hotel nila. Tita Sally assured me that he's doing pretty well so there is
nothing to worry.

"May kailangan ka pa ba, Ma'am?" tanong ng mga lalaking kabilang sa reservations sa


akin.

Nautusan ko kasi silang baguhin ang ayos ng lamesa ko. Ngumiti ako at nagpasalamat
na. They smiled back. One of them slightly blushed before leaving.

Huminga ako ng malalim at tiningnan ang mga kamay kong punong puno ng alikabok sa
kakaayos ng mga bagay dito.

Alas dose ng tanghali at kinuha ko na lang ang isang malaking folder na iniutos sa
akin ni Arthur. Umuwi ako para bumili ng pagkain sa isang convenience store at
makaligo ulit dahil napuno na yata ng alikabok pati ang buhok ko.

Habang nagsusuklay mag-isa, naalala ko na naman ang nangyari kahapon. Raoul's with
his beautiful girlfriend. I remember her skimpy dress and the way she confidently
carried herself. She's a fine woman. Mapait akong ngumiti at binaba na ang suklay.
Sabi ko sa sarili ko kahapon, kailangan kong abalahin ang sarili ko para hindi na
masyadong maisip pa iyon. Having Cresia here last night made me almost forget about
it. At ngayong hindi ako nagtrabaho sa hapon, mag-iisip dapat ako ng
pagkakaabalahan.

Huminga ako ng malalim. Tuyo na ang buhok ko. My loose mermaid curls hung naturally
behind me. Mahaba na ulit iyon gaya noon at hindi ko pa naman naiisipang putulan.

Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Isang puting sleeveles button down shirt ang
suot ko, paired with an old black peplum skirt. Sinuot ko ang itim ding sapatos.
For some reason, I feel like I'm in the mood to dress up now.

I shook my head at that. I know why. Magpapasa lang ako ng inutos ni Arthur, ganito
na ang suot ko?

I took my time doing a little bit of powder and lipstick. I used one of Cresia's
gifts. Pagkatapos noon ay bumaba na ako sa condo upang makapagsimula na sa
paglalakad patungo sa building na tinukoy ni Arthur.

I hugged the folders tightly. Habang palapit ako, lalo akong kinakabahan. It was
situated in a more modern block and more crowded, too. Iilang mga tao ang nakita
kong labas pasok doon at may mga restaurant pa sa paligid lamang nito.

Engrande ang tanggapan ng building. Mukhang hotel.

"Saan po kayo, Ma'am?" tanong ng receptionist sa unang palapag.

"VHRV, p-po..." sabi ko.

Nanatili ang mga mata ng babae sa akin. She smiled and asked for my I.D. Ibinigay
ko naman iyon at nag fill up ng kung ano bago dumiretso sa tinukoy na elevator.

I was told to go to the 17th floor. Pagkabukas ng elevator ay dumiretso muli ako sa
isa pang tanggapan sa palapag na iyon.

The woman-receptionist smiled at me. Ang naunang lalaki sa akin ay dalawang beses
akong tiningnan. Ngumiti ako bilang pagbati. Natulala ng saglit ito bago ngumiti at
unti-unting umalis.

"Saan ka po, Ma'am?" tanong ng receptionist.

"Excuse me..." with an accent a woman cut through it.

Laking gulat ko nang nakita kung sino iyon. Venice, Raoul's girlfriend in her red
more corporate but still smoking hot dress with a cleavage very fine and her butt
out.

"Engineer Raoul Riego?" aniya sa receptionist.

"Ah! Ma'am!" anang babae na tila ba inasahan na ang pagdating nito. "Diretso ka na
lang sa hall."

Mangha kong pinagmasdan ang paglalakad niya ng diretso roon. With all the men in
their office watching her strutting towards a door, probably Raoul's office.

"Ano nga po ulit sa'yo, Ma'am?" ulit ng babae sa akin.

Startled and a bit shaken, wala sa sarili ko itong nasagot. "Engineer Raoul
Riego... din, p-po..."

Huli na nang narealize ko na medyo nakakahiya pala iyon. Nakita ko ang galak at
pagtataka sa mukha noong babae. Gusto ko na lang matunaw ngayon sa kahihiyan.

"Uh, ano pong kailangan ninyo kay Engineer?" she asked.

"M-May ipapasa lang ako. Uh, sa Ledesma. Uh... Saan po ba ito ipapasa?"

Halos mapapikit ako sa kahihiyan. Bakit ko ba naisip na gayahin ang girlfriend ni


Raoul? Of course she'll immediately go to his office! She's the girlfriend! What am
I? Nobody even knows me here!

"Ah! Pwede lang po 'yan dito na iwan. Pakilagay na lang po ang pangalan at contact
number mo."

Nagmadali ako sa ginawa dahil sa kahihiyan. Iniwan ko sa tanggapan ang files at


pagkatapos mag fill up ay nagpasalamat na ako at nagpaalam. Dumiretso na ako sa
elevator para makaalis na.

Nakakahiya! Bakit ko ba ginawa iyon? I cringed everytime I think about it.

Bago pa ako makalagpas sa tanggapan sa unang palapag ay nakatanggap na ako ng


tawag.

"Hello?"

"Hello, Ma'am, this is from VHRV. About your files?"

Natigilan ako. Boses ito ng babaeng receptionist kanina, ah? Anong problema?

"Opo. Bakit po?"

"U-Uh... Are you still inside the building, Ma'am? This is supposedly for the 20th
floor po kasi. At for approval pa."

"Oh!"

Nasapo ko ang noo ko.

"Alright. Sige... Balikan ko na lang at ipasa ko roon?"

"Yes, po. Please. Thank you!"

And of course there's a take two! Muli akong umakyat. Nagmamadali kong kinuha iyon.
Hindi na ako makatingin sa mga mata noong babaeng receptionist at mabilis nang
pinindot ang elevator para makadiretso na rin sa 20th floor at matapos na itong
lahat! Nakakahiya na!

When I got to the twentienth floor, a woman in her late thirties, with black
corporate uniform greeted me. Ibibigay ko sana sa kanya ang folder nang ngumiti
lamang siya sa akin.

"This way, Ma'am..." aniya at iginiya ako papasok sa isang mas malaking opisina.

Dire-diretso ang tungo ko roon. Hindi gaya ng naunang floor, walang tao roon bukod
sa security. Wala ring cubicle at kung anu-ano pa. Tanging ang double doors lang
ang nakita ko na binuksan naman noong babae.
I went inside a huge office. Iilang sofa sa harap ng isang malapad na lamesa at
isang swivel chair sa gitna na may coat sa likod. Nagpatuloy ako sa pagpasok nang
naramdaman ang pagsarado ng pinto. Nilingon ko ang sekretarya para magtanong pero
si Raoul ang nakita ko roon.

Halos maputol ang hininga ko. Nanginig agad ang kamay ko. He stared darkly at me
with a glass of brown liquor on his hand. Napalunok ako.

"Uh, ipapaapprove daw itong files. N-Na utusan lang ako ni Arthur," I can't stop
stuttering!

Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili. Sa nangangatog na binti ay


tinungo ko ang malapad niyang lamesa. Sumunod siya sa akin sa mabagal na paraan.
Pagbaling kong muli sa kanya ay para nang tambol ang aking puso.

His eyes were dangerous and his brows were furrowed. Nilapag niya ang baso sa
malapad at malinis niyang lamesa, sa tabi lamang ng mga files namin.

Nakatayo pa ako roon. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko.

"Umupo ka muna," he commanded.

Tumango ako at dumiretso na sa sofa. He examined the files I gave him. Tuwid na
tuwid ang upo ko roon sa malaking sofa. Sa huli, nilapag niya pabalik ang files at
nilapitan na ako roon.

My heart won't stop beating wildly. Hindi ko alam alin ang uunahin ko: ang files o
ang naghuhuramentado kong puso?

Nakatuwid ako sa pagkakaupo roon habang magkahawak ang aking kamay. Nakita ko ang
pagbaba ng tingin ni Raoul sa aking palapulsuhan. I immediately understood what
he's looking at. Marahan kong binaba ang kanang kamay ko para hawakan ang bracelet
sa kaliwang palapulsuhan para sana itago sa kanya kahit na alam kong kita niya na.

My heart beated violently. Lalo na nang naupo siya sa tabi ko. Umuga ang sofa dahil
sa bigat niya. His legs almost reaching mine because they were wide apart.

"A-Ayos na ba 'yon?" tanong ko sabay tingin lang sa lamesa niya.

"I will approve that later," he said.

Nilingon ko siya. Madilim parin ang kanyang tingin. His authoritative and powerful
aura intensified. It is more noticeable than ever.

Kumunot ang noo ko sa kanya.

"Kung g-ganoon, babalikan ko lang-"

"Let's talk..." agap niya sa isang mariing boses.

Mapait akong ngumiti at umiling.

"Wala na akong ibang balita kay Papa. Iyong huli nating kita, iyon din ang huli
naming pag-uusap," bigo kong sinabi.

His jaw clenched tightly. Mas lalo ko lang siyang nakitaan ng matinding galit.
Hindi ko alam kung para saan. Mariin kong hinawakan ang palapulsuhan ko nang hindi
namamalayan. Namula at nagmarka ang bracelet doon dahil sa ginawa ko. Bumaba ang
tingin niya roon at mabilisang pinalitan ang kanang kamay ko sa paghawak noon. His
touch was soft and tender, very unlike how I touched my own.

"Hindi ba magagalit ang boyfriend mo na may suot kang bracelet ng ibang lalaki?" he
said with so much malice I am almost offended.

Pinigilan ko ang sarili ko. Kasalanan ko iyon. Umiling lamang ako.

"Talaga?" he said again with a troubling tone. "Who's your boyfriend, anyway? Not
that boy Ledesma, right?"

Nagtagis ang panga ko. Hindi ko na alam paano ko siya pakikitunguhan ngayong ganito
siya ka agresibo. I get that he's angry at me but...

Pilit kong inalis ang kaliwang kamay ko sa kanyang pagkakahawak ngunit masyadong
maingat at pirmi ang kamay niya na kahit anong baba ko, hindi dumudulas.

"What's the name of your boyfriend, Leil?" he said in a mocking tender voice.

Ngumuso ako at patuloy na pilit inaalis ang kamay niya sa aking palapulsuhan.

"Siya ba ang tinext mo kahapon habang nag memeeting tayo?" tanong ni Raoul na
nagpagulat sa akin.

Kunot-noo ko siyang tiningnan. He equalled the anger I'm giving him. My blood
boiled at his questions. Ano ngayon? Bakit siya nakikialam? Nakealam ba ako sa
girlfriend niya? Bakit pa siya nagtatanong? Ano ngayon kung tinext ko nga ang
boyfriend ko kahapon?

Sa iritasyon at galit ko, sa takot na maluha at sa sakit ng aking puso, buong lakas
ko siyang pagalit na naitulak. It frustrated me so much that he wasn't even moved
by my all out push so I could get away from him. Tumayo ako at nagpatuloy sa
planong pag-alis ngunit nanatili ang kamay niya sa aking palapulsuhan.

He pulled me back to him like a spring. Sumubsob ako sa kanyang kandungan at bago
pa ako makapiglas ay naroon na ang kaliwang braso niya, locking me into place on
his right thigh and his left trying to stop me from kicking him.

"O baka nagsisinungaling ka lang. Wala ka naman talagang boyfriend," he whispered


on my ear while we are in that awkward position.

Sinubukan kong pumiglas. I pushed his chest but he did not even move an inch by
that. I tried to kick but it only gave his leg an access to jail me more! Mas lalo
tuloy niya akong nabihag dahil sa pagpiglas ko.

Bigo akong tumigil at itinago na lang ang mukha sa mga palad. His right hand is
supporting my back, snaked behind me to my waist. His right hand ready to lock my
hands if ever I do something bad.

"Wala ka naman talagang mahal na iba..." he said with certainty that scared me to
bits.

Pakiramdam ko kinakanta ako ng puso ko. Ng mga kilos ko. Ng mga mata ko. Everything
in me betrayed me. They all want Raoul. They all cheered for him. They want him to
know how much I want him! And it's very unfair!

Hinawakan niya ang kamay ko at binaba para magtama ang mga mata naming dalawa. He
slowly cut through my fingers, taking a claim with each of them. Kunot noo kong
padabog na binaba ang kamay niya at iniwan doon.
"Huwag mo akong hawakan! May girlfriend ka!" sigaw ko.

Mabilis niyang ginagap muli ang mga kamay ko at muli ko iyong padabog na binaba sa
aking kandungan.

"Huwag mo sabi akong hawakan!" I glared at him, determined to cast anger and
intimidation.

Kitang-kita ko ang pagkakamangha niya. He looks amazed, amused, and shocked all at
the same time. Hindi iyon ang gusto kong maramdaman niya! I want him to fear me but
instead he thinks it's funny and amazing?!

I pushed his chest again kahit na alam kong walang silbi iyon.

"Wala akong girlfriend-"

"Sinungaling ka! Alam ko! Nakita ko sa magazine!" I said in a frustrated tone.

Tinitigan ko siya ng mariin. His perilious eyes slowly smiled. He licked his lower
lip for a while. Bumaba ang tingin niya sa aking labi. Mas lalo kong sinimangot ang
mukha ko para mas maipakita ang galit.

"Alin dun? Marami 'yon..." He chuckled.

To my anger, I pushed his chest again. I punched it, thinking I could get away this
time. Marami 'yon?! Marami?! Maraming babae?!

Not that I care but he's seriously being an asshole right now!

Muli ko sana siyang susuntukin ngunit bumuhos na ang mga luha ko. I covered my face
with my palms. Nanatili na lang ako roon dahil bigo na akong makatakas. Sana kainin
na lang ako ng lupa ngayon. Ang magpakita sa kanya ng kahinaan ay hindi pwede pero
ang tanging magagawa ko ngayon ay ang palisin ang luha at magdasal na sana'y hindi
niya mapansin iyon.

I know it's impossible. He pulled me closer to him. His breathing rested on my neck
until I felt his nose and his lips on it.

Inalis niya ang kamay ko at tumulong pa siya sa pagpalis sa mga luha ko. He cuffed
my hands with his and put it down on my thighs, freeing my face from its cover.
Kinagat ko ang labi ko.

Sa iritasyon ko sa ginagawa niya sa akin ay wala na akong ibang panlaban pa.

"Jerk!" I spat bitterly.

He sighed heavily. "Look who's talking."

I bit my lower lip again, knowing what he meant by that. Na mas masama ako dahil sa
ginawa ko noon sa aming dalawa.

Pumikit ako ng mariin. He ran his nose on my neck, slowly. Nagpakawala siya ng
mumunting maiinit na hininga bago niya nilatagan ng mararahang halik ang akking
leeg hanggang pisngi patungo sa gilid ng aking labi.

Parang kinukurot ang puso ko. Parang pinipiga. Parang nilulukot. Parang pinupunit,
isa-isa, at dinurog durog. I can feel it breaking so bad, into more and more pieces
and I don't understand because... for some reason, I am extremely happy right now.
I am unbelievably euphoric.
"I am at my limits, baby," napapaos niyang sinabi.

Napasinghap ako. Hindi na malaman kung paano pa papakalmahin ang puso.

"Let's get back together," he whispered slowly.

He kissed my hair and inhaled on it.

"Please..."

Binaba ko ang tingin ko sa mga kamay kong nanatili na lang sa aking kandungan kahit
hindi niya na pinapatawan ng lakas. His other hand pulled me closer to him that I
am already leaning sideways on his chest, with full weight.

"I want my baby..." he said gently against my ear, almost begging for his life.

Kabanata 31
Kabanata 31

Feelings

For a few minutes, hinayaan ko ang sarili kong magpakalunod sa damdamin. Without
inhibitions and fears, I rested on his chest. Kahit sa ilang sandali lang naman.
Miss na miss ko na siya. Sabik na sabik ako sa kanya, hindi ko man maamin sa sarili
ko, iyon ang totoo.

Isinantabi ko ang naramdaman ng ilang taon. Right now, I want to spoil myself. Even
just for this moment. Just this time. I want to at least feel it again. And I
realized it's very addicting. Nasa gitna na ako ng pagkukumbinsi sa sarili na ayos
lang ito. That I can have him as long as we want it. Na 'tsaka ko na dapat
poproblemahin ang magiging resulta ng lahat ng ito kapag naroon na kami sa dulo.

Umahon ako at bahagyang tumuwid sa pagkakaupo. I angled my forearm on his chest


just so I could fully recover because I realized my thoughts are starting to get
dangerous.

"Where are you going?" he whispered when he notice my determination to stand up and
let go of him.

He pulled me back to him. I hopelessly fell again on his chest and he renewed his
hold of me.

Bumuntong-hininga ako. Para akong nahulog sa kumunoy at wala akong magawa para
masalba ang sarili. I showed him my left wrist. Kuminang ang kulay rosas na mga
bato kasabay ng paggalaw ko sa pulseras.

"Tanggalin mo," utos ko.

Binaba niya ang kamay ko na tila ba hindi narinig ang utos. Nilingon ko siya. He
looked at me with equal wrath. Nanghihina ako pero sinusubukan ko parin. Itinuro ko
ang leeg niya kung saan ko huling nakita ang kinwintas niyang screw nito. From his
collars, I couldn't see the gold chain. Mahaba iyon kaya siguradong kailangan pang
abutin sa dibdib niya para makuha at wala akong intensyong hawakan siya ng ganoon.

He only glared at me. Huminga ako ng malalim at muling sinubukang bumangon galing
sa kanya.
"I wanna stay like this for a while," he said as he pulled me back again on his
chest.

"May mga gagawin pa ako. May gagawin ka rin," maliit ang boses ko sa huling sinabi.

"We'll do your things later, okay?"

Kumunot ang noo ko. Kanina pa naglalaro sa isipan ko ang iilang bagay, hindi ko nga
lang masabi.

Dito ba ang opisina niya? Obviously, this is his office. Pero akala ko ba sa
ibabang floor siya, kung saan iginiya ang babaeng iyon? Babaeng iyon. He said she's
not his girlfriend. Should I believe him? Raoul doesn't lie to me with things like
that.

Paano iyong sa magazine? But he said which one kasi marami! Marami siyang babae!
Anger glazed once more in me.

"May mga gagawin ka pa! May meeting ka sa baba! Nandon na nga ang babae mo, e..." I
said, wanting to sound concerned but ending in a bitter tone.

"Hmmm..." he whispered slowly, again trying to kiss me ear.

I tsked. Iniwas ko ang ulo ko sa kanya. He chuckled at my attitude. Kinunot ko ang


noo ko at nanatili ang mga mata sa aking mga kamay. He pulled my thigh more para
lang mas umayos ang pagkakaupo ko.

"Kanino ka ba nagseselos?" mataman niyang tanong.

"Hindi ako nagseselos," agap ko.

"Uh-hmm..." he said leisurely. "Sige. Sino ang tinutukoy mo?"

"Sa dami ba, hindi mo maalala? Bakit? Sino pa bang iba?" medyo pagalit ko nang
sinabi.

Nilingon ko siya. He did not even bother to hide the amusement in his face. Bakit
ba tuwang tuwa siya na nagagalit ako? Well, hindi dapat ako nagagalit ng ganito
pero mas lalo akong nagagalit sa ipinamamalas niyang reaksyon.

"Bukod ba sa dinala mo roon sa St. Regis, marami pa?"

Nagsalubong ang kilay niya. His lips protruded sexily even with that suddenly
innocent face, he looks like a daredevil. Tila siya nag-iisip ng isang sagot na
hindi niya maalala. Hinampas ko ang dibdib niya sa iritasyon ko! Hindi niya
maalala? Do not tell me that he's brought so many women in that expensive hotel
kaya hindi niya maisip iyong si Venice?

"Hmm. Architect Chua?" he said in a lazy drawl.

Nanlisik pa lalo ang mga mata ko sa pagtitig sa kanya. I can sense that he's about
to smile but he's a bit shocked with my expression. Binaba niya ang kamay niya sa
ilalim ng tuhod ko. And in a swift motion, he carried it up so that my shoes is on
the sofa, too.

Gusto kong umapila pero masyado akong ukupado sa sinabi niya. Architect Chua? Who's
that?

"Hindi! Iyong kasama mo kahapon, 'yong magandang model sa shampoo commercial?


Venice!"

"That's Architect Chua, alright..."

"Bumaba ka na, kung ganoon. Magkikita pa kayong dalawa!"

"No. This is more important than that meeting."

Nagpupuyos sa inaalagaang galit ay nanatili ang mga mata ko sa aking mga paa na
nakapatong na ngayon sa sofa. I removed my black shoes. Nakahiga ang mga iyon sa
gilid lamang. Ipinatong ko ang kanang paa ko sa kaliwang paa, parehong mamula-mula
sa sakit na dinulot ng heels na suot ko kanina.

"Do you regret now that you broke up with me?" he whispered.

Mabilis akong umiling. I am partially regretting it but I know it's for him. Ayaw
kong maghiwalay kami pero sa mga oras na iyon, iyon ang tingin kong tama. Gipit
siya dahil sa akin. Hindi niya sinasabi dahil ayaw niyang mag-alala pa ako pero
hindi ko maiiwasan iyon.

"I regret I let you broke up with me..." he whispered huskily. "But I know I will
regret it more if I force you in a relationship you don't want anymore."

Biting my lowerlip, namumungay na ang mga mata ko habang tinitingnan ang aking mga
daliri. As if something about them is interesting.

"Nagmahal ka ba ng iba?" I silently asked when I couldn't help myself anymore.

Iyon ang tanging bumagabag sa akin sa iilang buwan at taon naming paghihiwalay. I
did not research about it because I know he's allowed to be with someone else, and
knowing about it will only hurt me. Kaya naman nang nakita ko ang magazine na
ganoon ang nilalaman, para akong sinakluban ng langit at lupa.

"Hindi kailanman," he said firmly.

Marahan akong pumikit. Just for this moment, I want to spoil myself with the feel
and scent of Raoul. Pouting, I made an effort to formulate another question.

"Paano iyong mga babae mo?" tanong ko habang nakahilig na sa kanyang dibdib.

His left hand slid on my skirt a bit almost making me jump at his touch on an area
I've never thought about before. Napapikit ako roon, nakaawang ang labi dahil sa
elektrisidad na biglang naramdaman.

"Iiwan m-mo sila?" I said in a soft whisper, a bit affected of his touch.

He sighed harshly at that. Uminit ang pisngi ko nang naisip kung ano maari ang nasa
isipan niya. He brushed his hand again on that same spot. Ngayon, nakumpirma ko
lalo ang nararamdaman. The fire ignited within me and it is burning. Hindi ko na
maitago ang nararamdaman.

He groaned and did it to me again. My toes curled in anticipation. Nakalimutan ko


na ang sasabihin. Hiyang-hiya ako habang iniisip na maaaring aksidente lang iyong
nauna pero nang nakita niya ang reaksyon ko'y inulit niya.

"Wala akong ibang babae," he whispered sexily.

I felt his hand brush that same spot of my skirt again. And this time, hindi lang
iyon pasada, his hand stopped there slowly teasing me.
The extreme heat slowly burned within. Para akong tuyong dahon na sinilaban ng
apoy, agaran at mabilisan ang pagkalat at pag-aalab. I couldn't understand what
he's trying to do to my body and my mind. I just know that I feel extremely hyped
because of what he's doing.

I whispered a moan. Sa nahahapong ekspresyon ay nilingon ko siya. I tried to hold


on to his chest pero nalukot ko lang ang kanyang damit dahil sa pagkapit. His jaw
clenched and his eyes were critical. I can sense his control was already at the
edge.

He tilted his head and I did not yield his kiss on my lips. Nakaliliyong mga halik
ang iginawad niya. At hindi ko maituon ang pansin ko roon dahil sa galaw ng kamay
niya. I withdrew from his kisses violently when I felt his hand forcefully parted
my knees so he could bury it inside my skirt down to where he was brushing a moment
ago.

Kung kanina'y pinagitnaan ng dalawang saplot, ngayon, isa na lamang. The cotton-
material of my panties felt so harsh now that he's fingers are brushing against it.

"Raj..." Hiyang hiya ako sa tono ng pagtawag ko sa kanya kaya ibinaon ko ang mukha
ko sa kanyang dibdib.

I felt him beside me, slowly growing. Gusto ko siyang awatin pero kahit ang sarili
ko'y hindi ko na maawat. Namumungay kong tiningnan lamang ang kanyang braso. His
veined forearms disapearring at the hem of my skirt. I felt his fingers brushing my
underwear and making me deliriously lost.

My skin was hypersensitive. His touch was very defined. The slow strokes of his
fingers were almost violent for me. And the teasing was making me incredibly
frustrated!

Slowly, I felt a very foreign feeling. It is building up inside me at hindi ko alam


kung anong magagawa ko para pigilan iyon. Raoul kissed my jaw down and he crouched
to reach my neck.

His forearm moved skillfully when the rhythm of his strokes on me changed.
Hinahabol ko na ang hininga ko. Sabayan pa ng nakakabaliw niyang halik sa akin,
hindi ko na yata kakayanin.

Napadaing ako nang sa isang iglap ay tila ba may nabitiwan ako sa kalooblooban. The
build up I was holding back moments ago bursted into so many powerful tremors.
Kagat ang labi at pikit na pikit ang mga mata ay kumapit ako kay Raoul para hindi
mabitiwan ang sarili.

I moaned loud and soft at the same time at the height of it all. Hinihingal ako
nang unti-unting naramdaman ang biglang pagbagal. I feel so exhausted. Dumilat ako
at nakita ang unti-unting pag-alis ni Raoul sa kanyang kamay doon. He pulled my
right thigh back to join my knees together. His veined forearm a bit forceful at
that.

Uminit ang pisngi ko. Pati batok at likod, dahil sa kahihiyan.

"Bakit mo 'yon ginawa..." I half-heartedly asked him.

Tanging bayolenteng paghinga lamang ang sagot niya sa aking tainga. Namungay ang
mga mata ko nang inangat ito para matingnan siya. His eyes were full of ardent
passion and desire as he looked at me. I felt a renewed tingle within me, a hunger
so powerful that I couldn't control.
"Nasa opisina tayo, R-Raj..." tanging nasabi ko.

He enhaled heavily again. He pulled me closer for a tight hug. Ramdam na ramdam ko
ang nararamdaman niya. Mas lalong uminit ang pisngi ko.

"Raj..."

"Shh... Give me a minute."

Ngumuso ako at muling nagpaubaya sa posisyon namin. Sinapo ko ang noo ko nang
maalala ang nangyari kani kanina lang. Siya lang ang naging boyfriend ko pero hindi
ako ganoon ka inosente para hindi malaman kung ano ang ginawa niya sa akin. Cresia
was very successful in informing me about it and she was very graphic.

Mas lalo ko siyang hindi makakalimutan nito! Not that I even had a chance to forget
him before.

He crouched to watch me again. Hindi ko siya matingnan ng diretso sa kahihiyan sa


naging reaksyon ko sa ginawa niya kanina lang. I couldn't even try and look at his
forearm or his fingers. Nakakahiya talaga! Bakit ba ganoon?!

He then showered kisses under my jaw down to the hollow of my throat. Paimpit kong
itinago ang daing sa nararamdamang kiliti. He stopped and licked his lips,
nakatitig siya sa aking leeg.

"Is my kiss too rough?" napapaos niyang sinabi.

Hindi ako kumibo. Masyadong nakakahiya pa kung kukumento pa ako sa tanong niya. He
pulled me closer again and whispered on my ear.

"I'll shave tomorrow."

He sighed and lazily stroked my back.

"Anong gagawin mo mamaya?" he asked huskily.

"Mag gogrocery..." maliit ang boses ko pag sagot.

He nodded. "I will talk to my secretary later and we'll go get your groceries,
okay?"

Sasama pa siya? Gusto kong mag reklamo pero wala pa akong lakas makipagtalo.

"We'll have dinner, too."

Pumikit ako at hinilig na lamang ang aking ulo sa kanyang dibdib. We stayed like
that until I can finally carry myself. Hindi ko na namalayan na ilang oras na kami
sa ganoong ayos. Basta't nakita ko na lang sa labas ang pag-iiba ng kulay ng
langit, hudyat ng oras sa araw na iyon.

Hindi niya na napuntahan ang meeting. Paano kaya iyong si Venice? Umuwi na? Wala
bang gagawing trabaho si Raj ngayon at buong hapon kami halos na ganoon lang.

Nag-ayos ako sa sarili nang lumabas siya para makausap ang sekretarya. Ilang minuto
lamang iyon at nakabalik na siyang agad. His secretary served an ice cold juice on
the table for me. Mataman akong tinitigan ng babae at nginitian.

Ngumiti ako pabalik at hindi na nakatitig pa sa kahihiyan. Pakiramdam ko, alam niya
ang nangyari kanina. Nakakahiya! Pumunta lang ako rito para ganoon? Ugh!

Pagkatapos kong mag-ayos at pagkatapos ng iilang sandali ay niyaya na ako ni Raoul


na umalis. Kinuha niya ang kanyang coat. His right hand claimed my left and we
started walking together towards the double doors.

"Have a good night, Engineer, Ma'am!" sabi noong babaeng sekretarya.

Ganoon din ang sinabi ng lalaking katabi nito. Iginiya naman kami ng dalawang
nakaitim na bodyguard sa elevator.

Tuloy-tuloy na iyon hanggang sa parking lot ng building. We went to a sleek black


car. Hindi ako maalam sa mga sasakyan pero iyon ang kauna-unahang ganoong klaseng
sasakyan na nakita ko. I am very sure that it is a luxury car.

Napalunok ako nang pinagbuksan ako ni Raoul ng pintuan sa front seat. Nanunuyo ang
lalamunan ko kaya hindi ko na masabi ang mga iniisip. Pumasok na lang ako sa loob
at nag-ayos na ng seatbelt na medyo moderno rin.

He slid on the driver's side and started the engine. The bodyguards saluted and
then we left the whole building.

Nauna kami sa grocery. He went to a far one but still on the same place. Medyo
konti lang ang tao, malinis, at mukhang mamahalin din ang mga bilihin.

Nagdesisyon ako na dadamihan ko ang mga gulay. At hindi rin ako bibili ng sobrang
dami dahil wala akong ref. Mag go grocery na lang ako every other day para hindi
masayang ang pagkain.

Raj was behind me, patiently pushing a cart. Tinitigan ko siya at naisip kung nag
gaganito ba siya? I bet not. He looks so out of place. Lahat ng nakakakitang babae
ay kuryoso sa kanya at nagtatagal ang tingin. HIndi ko nga lang alam kung dahil ba
iyon napuna nilang hindi siya nababagay rito o nagugwapuhan sa kanya. I'm sure it's
both.

"Eto lang?" he asked me.

Tumango ako at lumayo nang may nakita.

Isang maliit na refrigerator na tingin ko'y kasya sa munting space sa condo unit
ko. Kaya ko namang bilhin iyon ngayon pero naisip kong mag-ipon na lang muna
hanggang sa magkakasya ang sahod ko riyan. Kaya ko pa namang mabuhay ng wala ito,
iyon nga lang, dadalas ang pag go grocery ko.

Ilang sandali ko iyong tinitigan. Nawala sa sarili ko na nakatingin din si Raoul sa


akin. Nang nagtama ang aming mga mata ay kita ko ang pananantya niya.

"You don't have a fridge in your place?" he asked.

Agad akong nakaramdam ng hiya. Our differences are more defined now. For sure he's
living in a pent house in the most expensive condo here in Manila. May interior
designer at mamahalin lahat ng gamit. Malaki rin, sigurado, ang kanyang lugar.
Samantalang ako, hirap na bumili ng ref!

"Bibili ako, hindi pa lang muna ngayon," sabi ko, pambawi sa kahihiyan.

"Let's buy it now so I can bring it in your condo," deklara niya.

Mabilis akong umiling para pigilan siya. Tinulak ko siya palayo roon para hindi
niya na maisipan pa. Alam ko ang ibig niyang sabihin at nasisiguro kong pati itong
mga pinamili ko'y aangkinin niya.

"Ako ang magbabayad ng lahat. Sinusubukan kong maging independent gaya ng pangarap
ko. Ako ang magdedesisyon," mataman kong sinabi.

Nanatili ang nananantyang titig niya bago siya bumuntong hininga at tumango na tila
bigo. I smirked and pushed the cart a bit. Pinagpatuloy niya iyon at idiniretso na
sa cashier.

Habang naroon kami at nilalapag niya ang pinamili ko, hindi ko mapigilan ang
pagngiti. I know I shouldn't think about it but I can't help myself. To see Raoul
trying to help me out with my groceries is a wonderful feeling. Para bang kami.
Parang walang problema. Parang maayos ang lahat.

It's like we're in another life where I can bravely accept our relationship. Where
the people can easily accept us, too. Gusto kong lunurin ang kaisipan ko sa ganoon
kahit na alam kong nagdadalawang-isip parin ako ngayon.

Sa isang malapit na restaurant kami kumain. And although he did not choose a VIP
room this time, we were almost isolated from some people. Nasa pinakamalayong
lamesa kami at halos ang mga waiter lang ang nakakadalo.

"Paano nga pala 'yong pinasa ko kanina?" tanong ko nang ngayon lamang naalala.

Kalagitnaan ng pagkain ay iyon ang naisip ko. Ayaw ko munang isipin ang tungkol sa
amin. Gusto kong manindigan sa desisyon ko pero hindi ko kakayanin iyon. I have to
think through it all again. Tingin ko rin, pagbibigyan niya naman ako. Hindi naman
siya nagmamadali.

"It's already approved."

Napaisip ako sa sinabi niya. Paano? Pinasadahan niya lang ng tingin ang lahat ng
iyon, ah? Hindi niya inayos sa pag check?

"O-Okay..." sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

I asked him a few questions about the new hotel. Maayos niya namang nasagutan at
mukhang napag-aralan niya namang mabuti. He offered to send me home. Sumang-ayon
naman ako dahil bukod sa talagang hindi ko alam kung paano na umuwi ngayon,
mahihirapan pa ako dahil sa pinamili.

I cannot stand an eye contact with him. Tatlong segundo lang, umaatras na ako. The
image of us in his office would always cross my mind and I don't like remembering
it much.

Kunot-noo ko siyang nilingon nang nakita ang pamilyar na daang tinahak. Ni hindi ko
pa nasabi sa kanya kung saan o anong pangalan ng condo ko pero roon na ang tungo
niya. Alam niya ba kung saan? Kadudaduda naman!

"Alam mo kung saan ang condo ko?" gulantang kong tanong.

His jaw dropped a bit. He glanced at me before resuming his seriousness on the
road. Hindi siya sumagot. Nanatili akong tahimik hanggang sa lumiko nga siya sa
tamang daan.

I cannot believe it. Humalukipkip ako at hinintay na makapag park siya. Nilingon
niya ako sa naninimbang na titig.
"I don't know which floor," he said like I should calm down because there's an
information about me that he doesn't know.

I doubt it. Bakit may pakiramdam akong alam niya rin kahit ang floor at room number
ko?

Matalim ko siyang tinititigan habang nasa elevator kami. Matapang lamang ako dahil
diretso lamang ang tingin niya at hindi sumusulyap sa akin. Umiling ako nang
naihatid kami sa tamang palapag. I went out of the elevator and started walking
towards my room with him and my groceries behind me.

I thought quickly of an excuse para lang hindi siya mapapasok doon. Ayaw kong
makita niya ang liit ng condo ko. I feel like if he finds out about it, the
distance between us would only be more defined than ever.

Binuksan ko ang pintuan ng aking condo at mabilis akong pumasok doon. Niliitan ko
kaagad ang pagkakabukas, binitin para hindi siya tuluyang makapasok. He leered at
me. Nag-iwas ako ng tingin. My heart is beating loud and fast. Hindi ako sigurado
kung isa nga lang ba ang dahilan ko kung bakit ayaw ko siyang pumasok sa loob o may
iba pa.

"M-Maliit lang ang condo ko. Matutulog na rin agad ako. Salamat sa paghatid," sabi
ko.

With shaking hands, I tried to get my groceries from him to test if he's letting me
do it. Akala ko ibibigay niya pero imbes ay inangat niya ang kanang kamay at
hinawakan ang itaas ng pintuan ko.

With a hard but effortless push, he opened the door widely, enough to make him
enter. Huminga ako ng malalim. Pinasadahan niya ng tingin ang aking maliit na
kwarto.

Bigo akong tumabi, wala nang nagawa sa ginawa niya. He put the groceries down on
the small table. Umatras ako at medyo kabadong nakaharap parin sa kanya. Sinusuri
ng kanyang mga mata ang bawat sulok ng aking condo. With clenched jaw, he walked
towards me. Hinawi niya ang makapal na kurtina ng aking bintana.

Tumabi ulit ako. His large frame looks so misplaced inside my tiny condo. Tila ang
tulad niya'y hindi nababagay sa ganitong klaseng kwarto. Kumawala ako roon para
bigyan siya ng espasyo.

After a few moments of his check up, nilingon niya ako. His eyes dropped on the bed
behind me. Mas lalo lang nag-init ang pisngi ko. Pakiramdam ko sing pula na ng
kamatis ang aking mukha.

He walked towards my bed. Aapila sana ako pero dumiretso na siya at naupo na roon
na para bang kanya iyon.

"Matutulog na rin ako pagkatapos m-maligo," sabi ko, baka sakaling maisip niyang
nakakaistorbo siya.

He nodded.

"Go and use the bathroom. I'll wait here until you're done. Kapag tapos ka na,
'tsaka ako uuwi."

Marahan akong tumango. Actually, at first I was kind of scared to use the bathroom
when I'm alone the room. Ngayong nariyan siya at magbabantay habang naliligo ako,
parang naibsan ang kaba ko.
Kinuha ko na ang tuwalya at ang mga damit ko para doon na rin ako magbihis. At nang
nasa loob na ng banyo, wala na akong ibang maisip kundi ang nangyari kanina sa
opisina. Everything blurred and stopped on a certain event.

Pumikit ako ng mariin. Pakiramdam ko ilang araw man kaming hindi magkita ni Raoul,
babaunin ko iyon at paulit-ulit na magrereplay iyon sa utak ko, ayaw ko man!

I remember a very old memory of him kissing a woman in that barn house. Kahit sa
murang edad, alam ko saan ang tungo ng nangyari kung hindi lang nagkagulo sa labas.
I have long accepted that Raoul Riego was that kind of man, but I loved him even
so.

And in my most private daydreams recently and a few years back, I was already
jealous of that woman he was kissing. In my daydreams, I am not longer that modest
to think ill of what they were doing. Privately, secretly, only on special
occassions when I allow myself to, I replaced that woman...

Ako ang kahalikan ni Raj. Ako ang ginagawan niya ng ganoon. At ako ang dadaing ng
ganoon.

Gusto kong tumili. Buti na lang naalala ko na nariyan siya sa labas. Screaming here
would worry him and that's just embarrassing!

Kanina sa opisina niya, muntik na iyong mangyari. Kung hindi niya lang pinigilan
ang sarili niya. And that euphoric physical feeling I had when it happened, I never
thought I'd experience it! Hindi ko alam na ganoon! At mas lalong hindi ko inasahan
na kahit ganoon lang ang ginawa ni Raoul sa akin... mararamdaman ko na iyon!

Gusto kong umiyak. Was I too easy? Ganoon ba ako kasabik para...

Gusto kong saktan ang sarili ko para makalimutan ang lahat ng iniisip na ganito. Is
this even legal? Am I even allowed to think this way?

Kahit noong nagbibihis na ako, hindi parin maalis iyon sa isip ko. I'm wearing my
pink silk pajama and its ruffled spaghetti top. Kabadong kabado ako kaya nag
breathing exercise muna ako bago tuluyang lumabas.

I caught Raoul watching TV while sitting on my bed. Naagaw ko agad ang mga mata
niya. Sinundan niya ako ng tingin nang lumapit ako sa isang lamesa at kinuha ang
suklay. Sumulyap muli ako sa kanya at nakita ko ang pananatili ng titig niya sa
akin.

"Tapos na ako," sabi ko.

He nodded. I saw his adam's apple move after a violent swallow. Tumayo siya. Tumabi
ako para makadaan siya.

He then proceeded to the door, like what he promised. Hindi ko alam kung
mabubunutan ba ako ng tinik o mangungulila sa pag-alis niyang ito. He opened the
door widely at lumabas na siya. Hawak ang doorknob ay unti-unti ko iyong niliitan.
I stopped so I could say goodbye pero bago ko pa nagawa, naunahan niya na ako.

He crouched and cupped my chin. Siniil niya ako ng marahang halik. Napapikit agad
ako at inasahang medyo matagal pero mabilis lamang iyon. When his lips left mine,
hindi ko na napigilang damhin ang labi ko, tasting him longer.

His lips twisted and his eyebrow shot up at my gesture. Ilang beses ba akong
mapapahiya sa kanya sa araw na ito?! Hindi ko na alam!
"Lock the doors. I'll text you when I'm home, okay?"

"Wala akong number mo..." I said hurriedly.

"I did not change my number," he said.

Para akong tanga. Habang hinihintay ang pag-uwi niya, nagresearch ako sa internet
ng mga babaeng maaring nakasalamuha niya habang wala kami noon. I figured there are
lots, actually. Kaya pala nagtanong siya kung alin doon!

I furiously scrolled up and down everytime I see an article about him and the
rumors. Iba-iba pagkalipas ng dalawang buwan. Ang ibang babae ay mas maganda ang
mukha at credentials doon kay Venice!

Some were even very high profiled that I'm pretty sure my confidence will be
crushed kapag nakita ko silang magkasama!

He can easily get whoever he wants. Rich, beautiful, talented, and intelligent
girls. Hindi ko talaga alam bakit sinasabi niyang ako ang mahal niya. Hindi ko
makuha.

Halos mapatalon ako nang may nakitang mensahe galing sa number ni Raoul. I stared
at it for a few moments, tinatatak sa utak na ngayon, sa araw na ito, muli siyang
nagtext sa akin. I won't backread anymore.

I smiled at the thought. I so want to be with him again. To try and love him again.
Ayaw kong magpadalos-dalos. Gusto kong pag-isipan muna ng mabuti.

Just like that. After seeing all the profiles of his women in the internet, just
one text and I'm crazy over him again. I want to rant and tell him about it. But I
stopped myself. We are not yet back with each other.

Raoul:

I'm in my condo. I'll just shower, then I'll call you.

Ako:

Okay.

Kung pwede lang tanggalin ang parte tungkol sa aming nakaraan at sa koneksyon ng
buhay naming dalawa, matagal ko nang ginawa.

I am sad. I cannot hold on to my words and decisions. My love for him is too strong
and too bright to be ignored. Hindi ako makawala sa kanya.

And I deeply wonder if he's that way, too. If he ever did try to forget me because
I am the daughter of the man he probably so wanted to kill as well. I wonder if he
had a hard time making sense of his own feelings. I wonder... he doesn't tell me
anything. He wants my life to be easy and smooth. Gaya nang hindi niya sinabi sa
akin na nahihirapan siya sa pamilya niya at sa trabaho niya.

My phone rang after a few idle moments. My heart violently beated when I read his
name.

In my most private daydreams, it was like this. It felt like this. At hindi ako
makapaniwala na ngayon, hindi na panaginip ito. Hindi na pangarap. Ito na ang
totoo.
Kabanata 32
Kabanata 32

Warning

Mahirap palang mag adjust. The hotel we handled back in Iloilo was a bit small
compared to this branch in Manila. Kaya naman, naging abala ako sa expectations na
mas palaguin kumpara sa pamamahala ni Primrose at Arthur.

Dahan-dahan, habang tumatagal ako rito sa Maynila, mas lalo kong natutuklasan ang
kaibahan ng buhay rito kumpara sa buhay na nakagisnan ko. The difference is like
heaven and earth. Kung may kinalaman man ang pagiging independent ko'y mas lalo
kong maiintindihan.

Raj would spend time with me after work. Minsan nga lang, kapag nasa opisina si
Prince at niyaya akong mag dinner, natatanggihan ko si Raoul. He'd call and text me
when I'm home but I know he's just trying to understand my situation imbes na
magreklamo sa pagsama ko kay Prince. Although, I swear everything between me and
Prince is just casual.

Prince is getting better, I think. Sa isang linggo namin dito sa Manila, he got
invited to parties with his old friends and he's enjoying it. Minsan, niyaya niya
ako pero tumatanggi ako dahil nakakahiya.

Raj got invited with a party, too, Friday that week. It's a formal party, hindi
gaya noong mga pinupuntahan ni Prince na mga party. We texted each other the whole
time with him explaining that he needs to be there for a friend.

Ayos lang iyon sa akin. Pero sa gitna ng mga text naming dalawa, pagkatapos kong
isend ang isang mensahe at sa panahong naghihintay ako ng sagot niya, lagi kong
nararamdaman ang kaibahan ng aming buhay.

I would see pictures of him in the internet from famous extravagant photographers.
Kasama niya ang iilang kaibigan na isang tingin pa lang, alam ko nang puro
mayayaman. I don't need to research about them to confirm it.

Hindi ko man sinasadya, lagi kong naiisip ang kaibahan ko sa lahat ng mga iyon.
That I will never belong to his group, even if I try.

"Grabe ka! Ang sabi mo sa akin, pwede ka?" Cresia said early Saturday morning.

Sinamahan ko siyang mag shopping. I did not buy anything pero natuwa ako sa
katitingin sa mall dito. Mamahalin ang mga bilihin. Ultimo t-shirt, hindi bababa ng
five hundred pesos. At kung hindi lang nagpumilit si Cresia na ilibre ako ng
pagkain, baka tubig lang ang inorder ko sa restaurant na pinili niya.

"Next time na lang, Cres," sabi ko.

Isa pa itong si Cresia. Last night, she told me she saw Prince in one of the night
bars. Sinabi niya sa aking sumama pero tumanggi ako. Sinabi ko rin sa kanyang
isasama dapat ako ni Prince, pero tumanggi rin ako. Bukod sa gusto kong magkaroon
ng buhay si Prince na labas ako, ayaw ko ring makaharap ang mga tao sa buhay na
iyan. Nanliliit ako. Hindi ko alam kung bakit.

"Bakit? Ano bang gagawin mo mamayang gabi?"

Hindi ko pa nasasabi kay Cresia ang tungkol sa muli naming pag-uusap ni Raoul. She
never asked about the meeting. Besides, she thinks wala roon si Raoul at tanging
mga head engineers lang ang tatayo bilang contractor para sa building. Hindi ko
nabanggit sa kanya na naroon nga.

Hindi parin ako makapagdesisyon sa tungkol sa amin ni Raoul. If we will be in a


relationship again, gaya ng dati, pareho naming mas gugustuhin na walang makaalam.
Gugustuhin ko iyon dahil ayaw kong mangyari ulit ang dati. Gugustuhin niya rin iyon
dahil sigurado akong masasaktan ang Mama niya kapag nalamang ganito.

It's complicated. We cannot just have a normal relationship like what I want.

"Uh, sa condo lang," hindi ako makatingin nang sinabi ko iyon.

Nagyaya siya na magpunta kami sa isang club. Sasagutin niya raw lahat ng gusto ko.
Hindi ko siya kailanman napaunlakan sa gusto niyang pamamasyal kaya eto naman ang
offer niya. Ang sabi'y malapit lang sa condo ko kaya hindi na ako mahihirapan pa.
Ihahatid niya rin ako pag uwi.

I find no harm in that. I may be intimidated by their world but I think I can do
it. Hindi nga lang muna ngayon. Alam ko kasing aalis si Raoul mamaya, may sasalihan
ulit siyang party ng kaibigan. At alam kong sa isang bar din iyon at hindi kasing
pormal sa party na dinaluhan kahapon.

"Anong gagawin mo dun?" nanliliit ang mga mata ni Cresia sa akin.

Nagkibit ako ng balikat. "Manonood ng TV?"

"Sana pala hindi kita binigyan ng TV at nang ma bore ka roon," she said while
rolling her eyes.

"Sasama ako next time, Cres," I assured her.

"Fine. Hihintayin ko ang next time na sinasabi mo."

We continued our chitchat. At times, natetempt akong banggitin sa kanya ang tungkol
sa kay Raoul pero palaging naaantala.

Her phone rang. Nagpatuloy na lamang ako sa pagkain habang tinitingnan si Cresia na
kunot-noo na sinagot ang tumawag.

"Yes, dad?" salubong niya.

She paused for a while, probably trying to hear her father. Sinulyapan ko ang
cellphone ko.

Raj visited the site this morning hanggang bandang hapon. Mamayang hapon ay pupunta
siya sa opisina niya bago uuwi para makapagbihis sa party na dadaluhan. He's a busy
man and I understand it. Kaya nga naiisip ko kung gaano ka iba ang buhay dito sa
buhay ko noon sa Iloilo. Makakaadjust din naman siguro ako kalaunan.

"These are enough for me. Halos hindi na nga ako makagalaw sa dami ng..." ang tono
ni Cresia ay may halong galit na.

Sapo ang noo ay pumikit si Cresia. She looked impatient and frustrated now.
Nagpatuloy naman ako sa pagkain.

"Kailangan pa talaga ng well trained? Ayos lang, sige po. Pero ipalit na lang, Dad.
If you want well trained men, ipalit n'yo sa tingin n'yong hidi well trained na
bodyguard ko!"
When her dad engaged into politics, eto na ang naging problema ni Cresia. Her
parents were very concerned with her safety na parami nang parami ang bodyguards
niya. At kahit na sinasabi niyang nagtatago naman daw ang mga ito, minsan ay
napapansin ko ang iilang nagmamasid sa amin.

"Bye, Dad, I love you."

She sighed as she put the phone down. Nag simula na agad ang kanyang litanya
tungkol sa iritasyon niya sa mas mahigpit niyang seguridad para sa kanya ngayon.
Nakinig na lamang ako sa mahabang reklamo niya. Alam ko sa huli, wala rin siyang
magagawa. Pagbibigyan niya rin ang ama. Para rin naman iyon sa kanya.

"Hay naku! E 'di yayayain ko na lang si Klaus mamaya, kung ganoon," si Cresia.

Nagtaas ako ng isang kilay. Heto na naman. Pangalan na naman ng isang panibagong
lalaki ang binanggit.

"Sino ba 'yon?" tanong ko.

"Ka-fling ko." Nagkibit siya ng balikat.

"Bakit hindi mo na lang gawing boyfriend?" I asked curiously.

Hindi kailanman tumatak sa akin ang sagot niya sa tanong kong iyon kahit ilang
beses ko nang ginawa.

"Alam mo, Leil, hindi uso 'yan. 'Yan din ang mas gusto ng mga lalaki. They can
explore other girls while you two have each other. Ganoon din ang gusto ko. Isa pa,
I'm not ready for the drama of commitment. Ipapakilala pa sa family at friends?
Tapos, kikilatisin. Sa huli, maghihiwalay din. Mas gusto ko 'tong fling," sabay
tango tango ni Cresia sa desisyon niyang iyon.

I nodded, too. A bit enlightened.

"Men like your ex, example..."

Napatuwid ako sa pagkakaupo nang nabaling ang usapan kay Raoul.

"Diba ang dami niyang babae, sabi mo? Pero wala namang talagang inamin na
girlfriend. For sure that's his flings. Besides, who wouldn't say no if he offers
you that? He's got money and looks. Ano pa ba ang hahanapin ng mga babae? Sigurado
akong kahit side chic, papatulan ng mga iyon!" siguradong sinabi ni Cresia.

Nanuyo ang lalamunan ko. Pilit kong isinantabi ang sinabi ni Cresia kahit na hindi
naman ako bulag sa ganoong klaseng bagay. I know that. I've seen it on the
television, heard it with my classmates' experiences, and read it on books. At gaya
ng sabi ni Cresia, maaaring ganoon nga ang ginagawa ni Raoul sa mga babae niya.

Hapon nang tinanggihan ko ang alok ni Tita Sally na sumama sa kanila sa Cavite.
Bukod sa short notice iyon, kasama ko pa si Cresia kaya hindi na rin nila ako
napilit. So I spent the remaining hours of my afternoon in my condo, cleaning and
doing the laundry.

I felt productive that day. Nang dumilim ay nagluto na rin ako para sa aking
sarili. The little fulfillment I felt because of the simple things I did made me
smile.

Raoul:
I'm already here. I won't stay for long. What are you doing?

Kanina pa kami nagtitext. Minsan, natatagalan ako sa pagrereply dahil sa


paglilinis. Alas nuebe na at nag-iisip na akong matulog na. Although I have time to
stay awake since wala namang trabaho bukas dahil linggo.

Kanina, pagkatapos kong kumain, tiningnan ko ang mga larawan niya sa event kahapon.
He went to that event alone, without a date. Pero may iilang pictures siya kasama
ang isang grupo. I find it petty everytime I feel sour when I see him beside a
woman. Minsan, malaking oras ang ginugugol ko para hanapin ang background ng
babaeng katabi niya. Sa huli, hindi ko na sinasabi sa kanya. I don't want him to
think that I am that jealous over just about anyone when it comes to him.

Isa pa, hindi pa kami. Nanghihingi pa ako ng oras. Kaya walang puwang ang
pagseselos ko sa aming dalawa.

Then I wonder, does he really want a relationship with me or he's fine with just
fling. Gaya nga ng sabi ni Cresia, maganda ang fling. Hindi na kailangang magselos
dahil nagkasundo na kayo na walang ganoon. Hindi rin kailangang ipakilala sa mga
magulang dahil hindi naman committed. Iyong panghuling dahilan ang pinaka
nakakaengganyo. I think if Raj would make me say yes to fling, he would try. Hindi
niya lang siguro masabi sa akin dahil hindi niya alam na mulat ako sa mundo niya.

Ako:

Okay. Mag-enjoy ka. Nasa condo parin ako. Nakahiga na sa kama.

His reply was fast.

Raoul:

Are you sleepy?

Ako:

Hindi naman. Hindi pa patay ang mga ilaw ko. Manonood na lang ako ng TV.

Wala sa sarili kong kinuhanan ng picture ang aking sarili. Yakap ang unan at halos
kalahati lamang ng mukha ang kita, I sent that picture to him to further elaborate
my statements.

Raoul did not reply. Humiga ako ng patihaya at binalewala na ang TV. Siguro, nag
enjoy na siya sa ginagawa. I've been to bars in Iloilo but I think their bar here
in Manila is way way different. More... liberated or something.

Kaya nga noong nakita ko ang picture niya sa isang bar kasama ang isang babae,
tingin ko normal lamang iyon. Nagselos ako noong nakita ko sa Facebook niya ilang
taon na ang lumipas pero sa mas makatwiran kong isipan, alam ko na normal lang
iyon.

Sobrang tagal ng reply niya. Ibang-iba kanina. Sa bagay, lumalalim na ang gabi kaya
baka nga naging abala siya. Mapait akong ngumiti. Ito ang isa sa mga sandali na mas
lalong nadedepina ang layo ng agwat naming dalawa.

I lazily reached for my phone when I heard it beep. Kay Raoul galing ang mensahe.
Without any other expression and with the slight pang of bitterness inside me, I
opened it.
Raoul:

I'm done here. Can I visit you tonight? Hindi ako magtatagal.

Napaahon ako sa text niya. Pupunta siya rito!? Pinasadahan ko ng tingin ang aking
malinis na kwarto. Buti na lang naglinis ako kanina!

Hindi pa ako nakakapagreply ay nag ring na ang cellphone ko. My heart beated so
loud that it hurt. Mabilis kong naisantabi ang hinanakit ko. Napapikit na lamang
ako. Hindi ako makapaniwala na ganito talaga ako kabaliw sa kanya.

"Hello..."

"Hi," maliit ang boses ko.

"Can I... go there or are you preparing to sleep?"

Ngumuso ako. "Paano ang party mo?"

"I just went to greet and I'm done."

Tiningnan ko ang orasan. Halos hindi pa siya nag trenta minutos simula noong
dumating siya roon, ah? Sinabi niya namang hindi siya magtatagal pero hindi ko
inasahan na dito ang punta niya pagkatapos.

"If you're sleepy... I can just... go back to my condo. Can you... wait for me till
I'm home?"

Parang nabuhayan ako sa sinabi niya. Siguro ay nabagalan sa sagot ko.

"Uh, hindi pa naman ako inaantok... pero kung pauwi ka na... sige..."

"Hmm. Gusto kong puntahan ka..." he said in a serious tone.

Hindi ko na napigilan ang pagsilay ng ngiti ko. Kung nakikita lang ako ni Raoul
ngayon, iisipin niya talagang inaakit ko siya ng husto.

"Ikaw..."

"Do you want anything? I can bring you something to eat," he said.

"Uh... Icecream?" Pumikit ako ng mariin sa suhestyon ko.

He chuckled. "I'll bring you one, okay?"

"Hmm. Huwag lang 'yong marami. Baka masayang lang. Wala akong ref."

"Okay, baby. I'll be there in a while, okay?"

Pagkababa ko ay muli akong naglinis ng kwarto. Hindi lang iyon, pati pagsusuklay at
paglalagay ng kung anong simpleng kolorete sa mukha ay nagawa ko na. I checked my
silky pajama and recalled if this was what I wore the last time he went here, hindi
naman. Today it's a powder blue terno.

Nang narinig ko na ang hudyat na nariyan siya, kinalma ko na ang sarili ko at


maging ang ekspresyong ipinakita ay tila normal at pagod lang. I opened the door
for him. At pinilit ko na lang ang sarili kong magmukhang walang gana dahil nang
makita ko siya sa pintuan, halos bumagsak ako sa panghihina.
Wearing a dark v-neck t-shirt, a dark jeans, and black boots. He looked and smelled
very fresh. Tila kay hirap hindi makitaan ng pagkamangha kaya iniwas ko na lang ang
tingin sa kanya at tumabi na para makapasok siya.

Mataman siyang nakatingin sa akin.

"Pasok ka..." sambit ko.

He went in without taking his eyes off me. Dala ang isang pint-size na lalagyanan
ng hindi ko kilalang ice cream ay lumapit siya sa lamesa at nilapag na iyon doon.
Sinarado ko ang pintuan.

Nang nakitang nakatayo lamang siya malapit sa bathroom ay kinabahan na ako. Hindi
ko alam saan siya pauupuin. Nakita kong sinundan niya rin ng tingin ang mga
tiningnan ko kanina. Ang kama, at ang dalawang upuan sa pang dalawahang lamesa.

He walked past the chairs and immediately made his way to the far side of my bed.
Napalunok ako at kinuha na ang pint-size icecream at isang kutsara para makatabi na
sa kanya. The TV is still on pero sobrang hina ng volume nito na tingin ko'y hindi
maiintindihan nino ang palabas.

Nagkatinginan kami saglit bago ako naupo sa kanyang tabi. I opened the ice cream. I
tried to scoop a spoonful but it's a bit too hard.

"Let me," he said.

Kinuha niya ang pint sa aking kamay at ang kutsara na rin. He dug once and got me a
bit. Binigay niya sa akin ang kutsara at tinanggap ko naman iyon. Uminit ang pisngi
ko nang may kakaibang naisip.

"Ayos lang ba sa'yo na umalis ka sa party?" I asked.

"I don't intend to stay there for long. I went to greet and that's all..." maingat
niyang sinabi.

Tumango ako at bahagyang idiniin muli ang kutsara sa icecream. May nakuha na ako sa
ngayon. I held on to the pint and touched a bit of his hand. Nagkatinginan kami.
Kumalabog ang puso ko. Sa kaba ko ay binitiwan ko agad iyon.

Tumikhim ako at nagpatuloy sa ginagawa. Kunwari normal lang ang lahat kahit na
hindi na ako halos makahinga sa nararamdaman. I am very aware of our distance. Our
knees were just an inch apart and slight movements, we will touch.

"Ayos lang naman kung nagtagal ka," sabi ko habang patuloy ang ginagawa para lang
maabala ang sarili.

I'm scared to look at him. Hindi ko alam kung bakit.

He sighed. Sumulyap ako sa kanya at nakita ko ang amusement sa kanyang mukha.


Seryoso ako sa sinabi ko sa kanya. Baka nagi-guilty siya kaya hindi siya nagtagal.
Gusto kong malaman niya na malaya naman siya. Lalo na dahil hindi pa ako
nakakapagdesisyon tungkol sa aming dalawa.

His arm snaked around my waist. Halos napatuwid ako sa pagkakaupo nang naramdaman
ang kanyang haplos. And in a swift movement, he pulled me so our thighs would touch
firmly and the distance between us will not include air.

Ang kanang kamay niya ay nakahawak sa kamay kong nakahawak din sa pint ng icecream.
Mabuti na lang at inalalayan niya ako, kung hindi ay baka kanina ko pa nabitiwan
ang icecream. Napalunok ako. Hindi ko na kailangan siyang balingan para makita ang
kanyang ekpresyon.

Dahan-dahang umakyat ang kanyang kamay sa aking tiyan. Ngumuso ako at naalala ang
sinabi ni Cresia. No commitments but can enjoy the feeling of being in a
relationship. Sanay kaya si Raj sa ganyan? Ganoon kaya ang gusto niya?

Binawi niya sa akin ang kutsara ko. Nagulat ako nang sumandok siya ng konti at
sinubo niya agad. Napasunod ako ng tingin sa aking kutsara na ginamit niya na rin.

"Hindi pa tayo nagkabalikan, Raj," sabi ko sa kanya nang nakita ang ginawa at
maalala ang pagkakahawak niya sa akin.

Nilagay niya sa pint ang kutsara. Dalawang kamay na ang nakahawak sa pint ng
icecream at ang kanyang mga braso ay pumalupot na sa akin.

"I can wait..." he whispered.

"P-Pero, ginamit mo ang kutsara ko..." sabi ko.

He chuckled at that. "It's not like I have not tasted your lips."

I pouted at that. Tinitigan ko ang nanginginig kong kamay. He rested his chin on my
shoulders. Slowly, I started scooping for myself. He sighed. Ang takas na buhok ay
hinawi niya at nilagay sa likod ng aking tainga.

"Are you bothered when I party?" he asked languidly.

Umiling ako. Hindi ko alam kung bakit isinasatinig niya kahit ang pinakapribadong
pag-iisip ko.

"Hindi. Ayos lang naman 'yon. Hindi pa naman tayo..."

He groaned at that. "But you can tell me what you don't want. I'll gladly oblige."

Mas lalo lang akong ngumuso sa hamon niya. Hindi ko siya kailanman pagbabawalan sa
kung ano. Bukod sa alam kong may buhay din siya bukod sa akin, alam kong kailangan
niya iyon para sa koneksyon sa negosyo. The parties he's been were from his
friends, colleagues, and probable investors.

Tumunog ang cellphone ko sa kalagitnaan ng katahimikan at dahan-dahan kong pagkain


ng icecream. Kinuha ko iyon at nakita kong si Cresia ang tumatawag. Raoul buried
his face on my neck as I answered the call from my best friend.

"Hello,"

"Leil!" Cresia sounded like a wounded cat.

"Anong nangyari?" kabado kong tanong.

The panic in my voice startled Raj. Bumaling siya sa akin, still his chin was on my
shoulder, like a lover, patiently waiting for his turn.

Cresia was crying. Isang iyak na tila ba inagawan ng kendi. I can't recall when I
last heard her cry this way. When she cried to me years ago, seryoso ang iyak na
iyon. Ngayon, hindi ko alam.

"Nakakainis! Paakyat na ako ng condo mo! May sasabihin ako!" she said in hysterics.
"Oh?"

Naputol agad ang linya. Napatayo ako sa kaba. Pupunta siya rito at maaabutan niya
si Raoul? Raj only looked at me with sleepy eyes. Kinuha niya ang unan ko sa gilid
niya at iyon na ang niyakap nang pinagkaitan ko siya ng yakap galing sa akin.

"Pupunta si Cresia rito!" I said.

The bed looked so tiny. Maliit na nga ito, nandyan pa si Raj na medyo malaki.
Isinantabi ko ang kaisipang iyon para maisip ang dapat na alalahanin.

"Makikita ka niya!" sabi ko para ipaalam kay Raoul na dapat nagpapanic na rin siya.

His eyes turned menacing, immediately. "You did not tell her about me?"

Bago ko pa masagot iyon ay tumunog na ang bell ng kwarto ko. Sapo ang noo ay
dumiretso na ako sa pintuan para pagbuksan ang kaibigan. Laking gulat ko nang hindi
lang siya ang nakita ko sa labas.

Shock flooded in me when I saw a very familiar man with her. Parang eksena sa isang
boxing game ang nakita ko. With Lucresia on the left corner and Gino, in his all
black outfit, taller and more mature than ever, on the right corner. Iyon nga lang,
si Cresia lang ang agresibo at hindi sila magsusuntukan, magsasagutan lang.

"Pakealamero ka kasi!" Cresia screamed at Gino.

Nawala na sa isipan ko ang sariling problema sa pagtatago kay Raoul. I felt Raj
behind me, watching them. Natutop ko ang labi ko, hindi ko maintindihan ano ang
nangyayari. Mabilis ang hininga ko, iniisip kung paano nagkita ang dalawang ito.

"You're professional, right? That means you should just disappear and wait until I
get shot by someone."

Gino looked so impatient and violent. The growing anger in him is very evident.

"At sumunod ka pa rito? Bakit hindi ka na lang nagtago doon sa halamanan! Bakit mo
pa kailangang makita kung kaninong condo itong pinupuntahan ko?! Ha?!" Cresia said
in mad hysterics.

Raoul's forearms slowly snaked on my waist. Galing sa likod. Imbes na


magconcentrate ako sa nangyayari sa kaibigan ko sa labas, natuon ang pansin ko sa
hawak niya sa akin.

"Sumusunod lang ako sa utos ng Papa mo. At kung sinabi niyang alamin ko ang mga
kinakasalamuha mo, aalamin ko-"

"Ugh! You are annoying the hell out of me! Hindi naman ganyan ang mga dati kong
bodyguard!"

"Kaya nga pinalitan ang mga iyon, 'di ba?" Gino said.

Raj rested his chin on my shoulders again. I stiffened at that. To see him very
comfortable with me, para akong unti-unting nahuhulog sa kung anong panibagong
bangin.

"Hmmm. I think Gino's new assignment is to be your bestfriend's bodyguard."

Nagmartsa si Cresia papasok sa condo ko, iniwan ang galit na si Gino sa labas.
Dire-diretso si Cresia nang nakita kung sino ang kasama ko sa loob ay natigilan
siya. Her jaw dropped. I shut my eyes tightly knowing a long explanation ahead.

"Nagkabalikan kayo?!" she accused.

Umiling ako at agad na tumuwid sa pagkakatayo. Marahan ang pagkalas ni Raoul, tila
kahit bibitiwan ako'y malambing parin.

And I thank God he knows what to do at that moment. Lumabas siya at kinausap si
Gino. While Cresia's really in the mood to get angry. Sinaraduhan niya ng pintuan
ang dalawa. Nang nagkaharap kami, parehong maraming gustong sabihin at marinig sa
isa't-isa.

Nalaman ko na tama ang hinala ni Raj. Gino was assigned to be her bodyguard.
Niligawan kasi siya at nakafling niya ang anak ng isang kalabang senador ng Daddy
niya at pinagtangkaan siya ng masama. But she took it lightly. She did not even
bother to tell me. Lasing daw siya kaya hindi niya masyado maalala. Kaya kanina'y
pinatawag siya sa kanila para ipakita ang mga bagong miyembro ng kanyang bodyguard,
si Gino.

"I was dancing with Klaus de la Vega tapos bigla siyang nagpakita roon at nag
eskandalo! Sa iritasyon ko at sa kahihiyan ko, umalis akong mag-isa sa bar."

Tumango ako habang nakikinig sa frustration ng kaibigan.

"Nakakainis lang!" nanggigigil niyang sinabi. "We were just dancing and it's not
like Klaus's a son of whoever's into politics! Isusumbong ko siya kay Daddy at nang
palitan na agad siya!" sumulyap si Cresia sa akin at nakitaan ko ng loophole ang
kanyang sinabi dahil sa tinging iyon.

Kilala ko ang kaibigan ko. At alam ko na ang huling sinabi ay hindi talaga totoo.

"Talaga? Papalitan mo?" tanong ko.

Tumaas ang kilay ni Cresia tila paghahamon sa akin pero sa huli ay bumuntong
hininga siya.

"Sino kaya ang ipapalit? Sabi'y isa 'yan sa pinakamagaling, kung hindi man
pinakamagaling na... ewan ko! Ayaw kong bodyguard siya! Ayaw kong nakikita siya..."
marahan ang huling pangungusap.

I sighed.

"Okay."

Nagkatinginan kaming dalawa. Umiling ako at ngumiti na lang sa kaibigan. She can't
even smile back. And no need to tell me what's on her mind because I know. Ayaw
mong nakikita siya dahil bumabalik ulit ang nararamdaman mo, 'di ba? Kung hindi man
bumabalik, tumitibay ba?

Doon na natulog si Cresia pagkatapos kong sabihin sa kanya ang maiksing


eksplenasyon kung bakit nandito ang "ex" ko sa condo ko. And I think she has lots
of comments about it, hindi niya lang masabi pa dahil sa sariling problema.

The business world is small for us. Pagkatapos ng gabing iyon, at paglipas ng
linggo, pagkapasok ko pa lang sa building, nakita ko na si Raoul.

In his tux and fresh look, kasabayan niya sa tawanan at pakikipag-usap ang iilan
ding kaedad na mga lalaki sa parehong damit. Hula ko mga kaibigan niyang
businessman din ang mga iyon.
His eyes darted into me and his expression changed. Napalunok ako at parang
lumulutang agad ang paglalakad ko. Bakit siya nandito? Ano ang meron?

I can't just go to him and ask. Walang nakakaalam sa ugnayan namin at wala akong
planong ipaalam iyon dahil lang nagkita kami ngayon sa lobby nitong building.

Our lobby is very crowded with so many businessman. Hindi ako halos makadaan sa
sobrang daming tao. Kung makakadaan man ay nahihirapan pa. At sa mga dala ko'y mas
lalo akong hirap.

With me is my large laptop and some files I brought home last Friday. Naka heels
ako at skirt ulit kaya mas lalo akong hirap gumalaw. Natanawan ko pa ang isang
pamilyar na babae'y tingin ko'y nakasama na ni Raoul sa isang picture.

"Excuse me," I told that girl, may kaonting espasyo kasi sa kanya na pwede kong
daanan.

She smiled at me politely and moved so I can pass through. Napalunok ako. Walang
kapintasan talaga ang mga babaeng naiuugnay kay Raoul. Mabait, maganda, mayaman,
matalino... the four Ms are complete.

Nagpatuloy ako sa paglalakad nang biglang may nakabanggaan akong lalaki. He was a
bit strong dahilan ng pagkakabitiwan ko sa mga files na dala at pagkatapon nito sa
sahig. Kinabahan agad ako sa nangyari! Hindi ko inasahan iyon.

"What the fuck?"

"S-Sorry!" agap ko nang nakita ang iritasyon sa lalaki.

Sinubukan kong sikupin ang mga nahulog ngunit nahihirapan ako sa damit ko. I smiled
awkwardly at the man in front of me. May galit pa rin sa kanyang mukha pero
nanatili ang tingin niya sa akin at hindi na dinugtungan ang mura.

A familiar man, I think it was Amos, picked up some of my files.

"Naku, salamat!" sabi ko kahit hindi pa niya tapos.

Ang lalaking nakabangga ko ay lumuhod na rin para tumulong sa pagkuha ng mga


papeles na nahulog. Kinabahan ako roon. I am causing such a scene. I can see the
eyes of some women in me. Meron ding mga lalaki na palapit na kaya para mas
mapadali ay yuyuko na sana ako, walang pakealam sa suot, para makatulong lang sa
pagkuha ng mga papel.

Bago ako makayuko ay may humawak na sa braso ko. The strong familiar hold put me in
place. Pagbaling ko'y igting na panga ni Raoul at ang titig niya sa mga lalaking
tumulong ang nakita ko.

"Are you okay?" he asked me in a mellow tone.

Tumango ako at muling pinasadahan ng tingin ang mga tao.

Sabay na tumayo ang dalawang lalaking tumulong. Ngumiti si Amos nang nakita si
Raoul. Raj reached out for the files. Binigay naman ito ng kanyang kaibigan. Ganoon
din ang estrangherong nakabangga ko.

"I'm sorry..." I said slowly to the man.

"Ah. Walang problema. Hindi mo naman sinasadya..." he laughed awkwardly a bit.


Nilingon ko si Raoul para makuha na sana ang mga papeles at maiwasan na ang mga
nakatitig na mga mata but he did not give it to me.

"I'll escort you to your office," he said.

Umawang ang bibig ko. Gusto kong umapila lalo na sa nakitang mga mata at bulong-
bulungan but Raj was persistent that if I won't come with him, he will definitely
hold my hand and drag me. Hindi na ako hintay pa ng ganoon. Sumunod na lamang ako
sa kanya patungo sa elevator.

May affiliate silang mag oopen ng office sa parehong building at kasama lahat ng
affiliates sa opening kaya naroon siya. But from then on, nakilala yata ako sa
building na iyon, kasama ang mga bagong mag-oopisina sa ibang floor.

"Hindi ba ikaw iyong tinulungan ni Raoul Riego noong opening?" salubong ng isang
babae sa akin sa elevator.

Tahimik kaming pumasok na dalawa pero sa pangalawang palapag ay hindi niya na yata
napigilan ang sarili niya. She's pretty but very unlike Raj's linked girls. I don't
know why I can sense that she's not one of his probable flings before. Maybe just
another nosy girl.

"O-Oo..." sabi ko.

Pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa bago tinawanan.

"Probinsyana ka, 'no?"

Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng takot sa tono niya.

"My boss was once Raoul's woman, and sorry to burst your bubble pero hindi 'yon
nagseseryoso. Baka umasa ka. Warning lang..." nakangiti niyang sinabi.

Mabilis akong tumango, medyo naguguluhan sa sinabi.

"Hindi nga sineryoso ang boss kong maganda at mayaman, ikaw pa kayang probinsyana
at madaling utuin. Sigurado na..." she said cockily until her floor.

Kumaway siya sa akin hanggang sa nagsarado na ang pintuan. Kaya naman, naging
mahirap na sa akin ang pagsakay sa elevator. With the newly opened office, at halos
lahat ng empleyado'y nakita ang nangyari, lagi iyong usapan kapag nasa elevator
ako. Hindi ko alam kung pinaparinig sa akin o hindi sinasadya.

One time, nakasabay ko sa elevator ang boss nila. The woman looked at me with
disgust in her face. Hindi ko siya nilingon. Tiningnan ko lang ang blurry na imahe
niya sa elevator door habang umaandar iyon. She's tall and sophisticated. I don't
need to see her clearly to identify her as beautiful because even with a blur
image, I know she is.

Noon pa man, alam ko na ang estado ni Raoul sa mga babae. He has his women. And to
be here in his world now, mas lalong naging klaro sa akin kung paano ang lahat ng
iyon para sa kanya... bago ako.

Hindi ko namamalayan na habang tumatagal ako rito sa mundo niyang pilit kong
pinapasukan, mas lalo akong nanliit sa sarili.

I answered my phone after a long afternoon of sighs. An unknown number filled my


screen at wala sa sarili kong sinagot iyon.
"Hello..."

"Hello... anak..." my father's voice filled my ear.

Napatuwid ako sa aking upuan. Unti-unting bumilis ang pintig ng puso ko.

"Pa..."

"Anak, kumusta na?" he sounded old. I cannot imagine his face now.

"Pa, nasaan ka po?"

"Nasa Tugegarao ako, anak. Huwag mong sabihin kahit kanino, ha? Tumawag lang ako
dahil miss na miss na kita..."

Naiiyak ako pero mas pinangunahan ako ng takot at gulat sa tawag na iyon. Malapit
lang ang agwat ng tawag niya at medyo mahaba ang usapan namin ngayon.

"Nawala ko ang mga tauhan ng mga Riego, anak." He laughed at that.

Napapikit ako ng mariin.

"Paano kaya nalaman ng mga iyon na nasa Luzon ako? Buti na lang at inakala nila
ngayong bumaba ako ng Bicol. Kaya nakatakas ako!"

"Pa..." I said while my voice is starting to shake. "Pa, please... sumuko ka na.
Kung may kasalanan ka nga-"

"Anak, nababaliw ka na? Sariling ama mo, gusto mong isuko sa awtoridad? Papatayin
ako ng mga Riego!"

"Pa, please, pwede kong pakiusapan si Raoul na huwag kang saktan basta sumuko ka
lang. Akuin mo ang kasalanan-"

"Raoul? Ang hayop na anak ni Hades Riego? Nagkakausap kayo, Leil?" now he sounded
violent.

Hindi ako sumagot. Suminghap ako at pinigilan ang mga luhang nagbabadya.

"Nagkakausap kayo noon, Leil!? Bakit? Sinasabi mo sa kanya kung nasaan ako?"

"Pa... Sige na po. Maiintindihan ni Raj-"

"Nagkakausap nga kayo? Tinatawag mo pa sa palayaw. Aba'y lintik kang bata ka! Huwag
mong sabihin sa akin na..."

"Hindi po ganoon, Pa. Gusto ko lang namang-"

He laughed loudly like a mad man. Nahahapo akong natigil sa pagsasalita.

"Huwag mong sabihin sa akin na nagustuhan mo ang batang iyon, Leil!"

He laughed louder.

"Parehong pareho kayo ng Nanay mo 'no? Kahit anong taboy ni Hades, nakatayo parin
at naghahabol. Ano, Leil, sabihin mo nga? Bakit palayaw ng anak ni Felicia ang
gamit mo? Anong meron, anak, na hindi ko alam?"
Hindi na ako nagsalita. Bumuhos na ang mga luha ko.

"Sige nga. Sabihin mo sa batang 'yon na ibaba ang patong sa ulo ko at huwag akong
papatayin. Leil, sabihin mo na susuko ako pero huwag akong ikukulong-"

"Papa! A-Ang batas ang magdedesisyon at hindi s-si Raj-"

He started laughing again hysterically. Hindi na ako nakadugtong sa kaba ko at sa


pag-iyak ko.

"Haaay, Leil. Anak nga talaga kita. Anak ka rin talaga ni Sol. Tapunan mo lang ng
Riego sa harap, agad na luluhod, patay na patay, at susunod sunod, gaya ng nanay
mo. Baka kinakausap ka lang niyan, Soleil Sierra, para makalap ng impormasyon
tungkol sa akin? Sige nga, itanggi mo sa akin 'to anak. Sabihin mo na mali ako..."

Suminghap ako at umiling.

"Hindi totoo 'yan-"

The call faded with my father's hysterical laugh and my sobs.

Kabanata 33
Kabanata 33

World

Raoul's dark eyes bore into me lethally. Pinili ko lamang ang mga sinabi ko.
Tanging ang impormasyong mahalaga lang ang sinabi ko.

"Are you okay?" Raoul asked after everything.

Tumango ako, medyo kalmado na.

He nodded back pero nanatili ang naninimbang na titig niya sa akin. He put his
phone on his ear for another call.

He informed his men about it. Na tumakas si Papa at wala siya sa Bicol kundi nasa
Tuguegarao. Hindi ko na sinabi kay Raj ang tungkol sa sinabi ni Papa sa akin.

"Haaay, Leil. Anak nga talaga kita. Anak ka rin talaga ni Sol. Tapunan mo lang ng
Riego sa harap, agad na luluhod, patay na patay, at susunod sunod, gaya ng nanay
mo..."

Ang sinabi niyang iyon ay nanatili sa aking isipan. Raoul thinks I'm a little
preoccupied with my father's call and I admit it, I am. Pero hindi sa nasabi kong
rason kundi sa mga kwento niya sa akin tungkol kay Mama.

My mother was that inlove with Hades Riego na kahit tinataboy na umano siya ni
Hades, humahabol parin. Hades must think that my mother was pathetic. Naiiyak kong
naisip ang maamong mukha ng aking ina na nakita ko lamang sa mga picture, mahal na
mahal ang isang Riego.

Hindi mabuti ang ipilit ang pagmamahal. I know she gave up eventually and had my
father and me. Naalala ko ang sarili ko sa kanya. Sa pagmamahal ko sa isang Riego.
Hindi ko makitaan ng mali.

The week continued. Nagpaalam si Raoul sa akin na may pupuntahang kasal. He assured
me that we will communicate, gaya noon. Kahit pa ilang araw ang magdadaan. And he
was always true to his promise.

Binaba ko ang cellphone ko pagkatapos mabasa ang text ni Raoul. Napaangat ako ng
tingin kay Prince na nasa harap ko at nakatitig. Tahimik siyang uminom ng tubig.
Nagsabay kami ng dinner gabi ng Wednesday. Kasama namin si Tito Ton at Tita Sally
sa isang restaurant malapit lamang sa aking condo.

"I am very, very pleased, Leil. Everything is very smooth!" ani Tita Sally.

Ngumiti ako at tumango pero inilipat agad ang tingin kay Prince na ngayon, busangot
ang mukha.

Bumaling si Tita Sally kay Tito Ton at sila naman ngayon ang nag-usap.

"So... you are still texting your boyfriend, huh?" Prince said accusingly.

Binaba ko ang mga kubyertos. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.

"Who is it, Leil? Why can't you tell me?" he said bitterly.

Sumulyap ako kina Tita Sally at Tito Ton na abala ngayon dahil may nakitang
kaibigan. They greeted each other. Bahagya rin kaming pinakilala at pareho naman
kaming ngumiti ni Prince.

"Ang panganay n'yo na ba ang susunod?" sabi noong babae.

Tumawa si Tita Sally at pabirong hinampas ang babae.

"Hindi pa, 'no!"

The woman raised her camera. Mabilisan niya kaming inutusang dalawa ni Prince na
tumayo at magpapicture. I don't what's up but I did it politely. For the picture
purposes, hinawakan ni Prince ang baywang ko. Nakangiting tumingin si Tita Sally at
Tito Ton sa amin habang kinukuhanan.

Nang matapos ay bumalik muli kami sa aming mga lamesa at nagpatuloy sa pagkain. Si
Tito Ton at Tita Sally naman ngayon ang kinuhanan noong babae. Prince eyed me with
his usual doubtful eyes.

Nagpatuloy ako sa pagkain. Halos magpasalamat ako na hindi na binalik ni Prince ang
usapan sa tanong niya kanina pero ilang sandali lamang iyon.

"And you really think that boys these days are serious when it comes to
relationships, Leil?" he whispered at me mockingly while the Ledesma couple are
busy again with someone else.

"Prince, wala akong-"

"Hanggang kailan ka magsisinungaling sa akin?" he cut me off.

Nanatili na lamang ang titig ko sa kanya. He wiped his mouth. Uminom muli siya ng
tubig bago nagpatuloy.

"Ikaw na nga ang nagsabi na may mahal kang iba, hindi ba? Tingin mo mahal ka rin
noong mahal mo? Tingin mo hindi ka niloloko, Leil?"

I swallowed hard. My head was already filled with so many negative thoughts that
Prince's statement hurt like a punch for me.
"Walang nagseseryoso ngayon, Leil. At kilala kita, you're naive and innocent. Too
innocent that I think you are an easy prey for boys who-"

"Hindi ganoon, Prince," I cut him off to save myself and my mind.

Masyado nang marami ang gumugulo sa utak ko ngayon pero nananaig ang tiwala ko.
Though at some point, I am not sure if it really is trust or I am just too in love,
like how my father described my mother?

"Look, Leil. You come from the province. You weren't exposed to cities before
Iloilo. And even at school, I forbade you to interact with boys so how will you
know? Huh? At kung totoong hindi ka niloloko niyang kung sino mang lalaki mo,
sabihin mo sa akin, bakit hindi ko iyan kilala at bakit mukhang siya rin, walang
planong ipakilala ka?"

Kahit anong ilag ko sa mga patama niya, alam kong nanunuot ang mga salita ni
Prince. Hindi ko gustong maipakilala ako o ipakilala si Raoul. Naging kumplikado
noon ang sitwasyon naming dalawa at ayaw kong magkaganoon ulit ngayon. Hindi ko
kailanman inisip na ayaw ni Raj na ipakilala ako kahit kanino.

Though, maybe, deep within him he doesn't want to hurt his mother. Natural iyon
dahil Mama niya iyon at ang malaman na ako nga ang karelasyon ng anak ay masakit.

Prince laughed mockingly.

"Napapaisip ka, 'no? Nararamdaman mo ba, Leil? Whoever that is, he's probably just
using you-"

Natigil si Prince nang balingan kami ni Tita Sally at Tito Ton upang ipakilala ang
bagong nakita sa parehong restaurant. We greeted politely pero nagkatinginan kami
ni Prince.

"I heard your new hotel will be built by the VHRV. Totoo ba iyon?" may halong puri
ang sinabi noong kausap ni Tita Sally.

Napabaling ako roon. Si Prince naman ay nanatiling nakamasid lamang sa akin.

"Oo, e."

"Naku! So that project will be huge, huh? Kapag ang mga Riego na talaga ang
gagawa."

"Oo! We really wanted this so much even before. Buti at na close ni Primrose at
Arthur ang deal sa kanila!"

"Their heir is still very single. Nirereto ko nga sa pamangkin ko, e. Kaya nandon
siya ngayon sa family gathering nila. Sana magkaigihan," magiliw na kwento ng
kaibigan ni Tita Sally.

"Oo at ang gwapo pa noong Raoul Riego," si Tita Sally naman.

"Men like that..." sabay iling ni Tito Ton. "Hard to please. Girls flock to their
feet. Everything comes easy for them kaya mahirap makahanap ng talagang
magugustuhan nila..."

"Based on experience, Ton?"

Nag-iba ang topic nila at nagtawanan na kaya ibinalik ko ang mga mata kay Prince.
Prince gave me a dismayed look. Bumuntong hininga ako at hindi na nagsalita pa
laban sa mga sasabihin ni Prince.

"If you get hurt because of that, I'm sure you'll cry and tell me I was right all
along, Leil."

Maybe, Prince. Maybe, you're right. Maybe, like my mother, mabibigo rin ako. Iiyak.
At sasabihin ko sa'yong tama ka.

Naiintindihan ko ang lahat ng iyon. Sa sulok ng aking puso, may matinding


pangangamba ang nararamdaman ko, hindi ko iyon maitatago. And with the words of
other people, from their experiences, I know that they can be right.

Thursday lunch, lumabas ako ng opisina para makapaghanap ng pagkain sa baba lamang
ng building kung saan maraming fast food. Madalas kasi nagpapabili na lamang ako
kaya ngayon, ako na mismo ang sumadya para roon.

Abala ang mga tao. Ganito pala pag lunch dito. Sobrang dami ang pumipila at maingay
na ang fast food. Tahimik akong pumila. I smiled curtly at those who were courteous
enough to me. At nakipag-usap din sa mga nauunang nakikipag-usap sa akin.

Hirap akong makakuha ng upuan. Nagsisi tuloy ako na pinili ko rito kumain na pwede
namang i take out na lang at sa opisina na lang. Nandito na ako kaya wala na akong
magagawa.

"Miss, upo ka rito oh. Walang nakaupo riyan!" sabi ng isang lalaki.

Dala sila sa lamesang pang apatan. Ngumiti ako at lumapit na roon. At least, some
are kind enough to offer.

Ngumiti ako sa kasama noong lalaki na nakatitig lang sa akin. The one who offered
me was smiling widely.

"Salamat," sabi ko.

The man started talking to me. Nagtanong siya kung saan ako nagtatrabaho at nalaman
ko naman na sa ibang kompanya siya pero sa parehong building ko lamang. I couldn't
finish my meal fast because the man was talking too much.

Natigilan lang ako sa ngisi at tawa nang nakita ang isang pamilyar na babae sa
linya ng mga bibili ng pagkain. Naaalala ko siya. Isang alaala ang kumakaway sa
kadulo-duluhan ng isipan ko.

Hindi ako pwedeng magkamali. She changed. She matured. But I can still clearly
remember what her prominent features were. Ito iyong babaeng sinama ni Raoul sa
kamalig ilang taon na ang nakalipas.

Now she looks like a model. Napapatingin halos lahat mapababae man o lalaki sa
kanya. She's wearing a dark blue tight dress and her hair was up in a ponytail.
Ibang-iba ang ayos niya sa lahat ng nandito at nakita kong may iilang bumati, tila
nagbibigay ng respeto sa kanya.

After ordering her food, she strutted towards the table where I was. Kabadong
kabado ako lalo na nang nagtama ang tingin namin. Masyado akong titig sa kanya,
puno ng pagkamangha at gulat. Maaaring hindi niya na ako maalala pero ang titig
ko'y nakakuha ng atensyon niya.

Lalagpasan niya na sana ako pero nakita ko ang pagkakaliwanag sa mukha niya. Mas
lalo tuloy akong kinabahan. Tumigil siya sa lamesa ko at itunuro niya ako.
"Hindi ba ikaw iyong batang taga Costa Leona noon?" she asked a bit hesitant.

Kinagat ko ang labi ko at marahang tumango. She eyed me from head to foot, then she
smiled. Ngayong mas malapit na siya sa akin, mas lalo ko lang naalala ang lahat.

The way Raoul kissed her. The way she looked happy when he did. The way his muscles
firmly protruded when his hands reached for her. Lahat ng iyon, bumalik sa akin.
Ang naramdaman ko noong bata pa ako hanggang sa noong unti-unti nang namulat.

"Oh my! You've grown! At hindi ko inaasahang dito tayo magkikita ulit. Do you
remember me?" she asked.

"Oo..." sabi ko.

Mas lalo siyang ngumisi.

"Ikaw iyong batang naninilip sa amin ni Rao, hindi ba?"

Hindi ako makapagsalita. Kunot-noong nakatingin ang mga katabi kong lalaki sa
kanya. Iginala niya rin ang mga mata sa dalawang lalaking katabi ko. She smirked
evilly after that.

"I heard things about you, but I'm not quite sure..." nag-isip siya at sa huli ay
ngumisi ulit.

She crouched. Sa gulat ko'y bahagyang namilog ang mga mata ko. She's taking my
personal space so she can whisper more without being heard by anyone.

"Alam ba ng mga Riego na nandito ka? Hindi ba pinapahanap ka at huhulihin dapat?"

Mabilis akong umiling.

"Or maybe they are just buying their time, huh?"

Nagkibit siya ng balikat. Tumuwid siya sa pagkakatayo at ilang sandaling ngumiti


bago nilagpasan ang lamesa ko.

"Ayos ka lang ba?" the man beside me asked.

Ilang saglit pa bago ako nakabawi. At nang nakabawi ako, tango lamang ang tanging
naipakita ko. I am very nervous for some reason. Makahulugan ang mga binitiwang
salita noong babae. Lagi akong bumabalik sa pagdududa ni Papa. Laging nahahaluan
ang isipan ko ng pagdududa sa lahat ng nangyayari.

Hindi ko alam ang gagawin ko, iyon ang totoo.

It is very painful to think ahead of it all.

Posible ang lahat. Pwedeng ginagamit ako ni Raoul. Nakikipaglapit siya sa akin at
sa huli'y sasaktan ako at mahuhuli na si Papa. Wala akong reklamo sa kagustuhan
nilang makaganti at makamit ang hustisya pero kung ganoon nga, paano ko pa
ipapaliwanag na wala akong kinalaman sa nangyari noon?

Raj has all the reasons to fool me. Gaya ng sinabi ng mga tao sa paligid ko, ang
katulad niya'y hindi basta-basta nahuhulog sa kung kani kanino lang na babae. Men
like him are dangerous. They play and leave, gaya ng sinabi ni Cresia. Kaya anong
espesyal sa akin at bakit siya nananatili?

Dito ko masasabi na ang tanging espesyal lang sa akin ay ang pagiging anak ni
Balthazar Cervantes, ang lalaking kinamumuhian niya. Ang pumatay sa kanyang
hinahangaang ama.

The Riegos can kill me but they wouldn't because my father calls me. They need me.

Through the strands of my brown hair, I watched the glittering lights of the whole
city. Kasabay ng pagkisap ng aking mga mata ay ang pagtulo ng aking mga luha. My
small sobs silenced the whole room.

Maybe my father's right. I am very doomed. I am doomed to love Raoul this way.
Maaaring nakaya ko siyang itulak noon, pero hindi iyon para mapabuti ako. I could
not push him away just so my heart could be saved. I pushed him years ago so he
could be saved. Right now, my only dilemma is the overwhelming doubt I have for
him.

Ang mga taong nasa tamang pag-iisip ay mas gugustuhing manaboy para masalba ang
sarili. Pero ang taong nagmamahal, gaya ko, hindi kakayanin iyon. I will believe
even if it is painful. I will be blindly faithful, no matter how hard it will be.

At hindi ko alam kung katapangan ba iyon o kaduwagan.

"Thank God, pumayag ka rin. I knew it! Bagot na bagot ka na siguro sa condo mo.
Especially that Raoul's out of town," binulong ni Cresia ang huling sinabi.

Palabas kami sa condo ko. Inayusan niya ako at siya na rin ang pumili ng susuotin
ko sa pupuntahan namin.

For a few nights, masyado akong naging malungkot. Tawag lang ni Raoul ang
nakakapagpasaya sa akin at abala pa siya sa family gatherings niya. Hindi ko lang
alam kung kaninong kasal ang dinaluhan niya.

Ang pagsama kay Cresia ang tanging naisip ko kanina. Raj did not reply much after
six in the evening. Nang nag alas syete, wala na akong natanggap na text kaya
naisip kong mas mangungulila lang ako kung maghihintay ako buong gabi.

I am hitting two birds in one stone right now. Napaunlakan ko si Cresia, hindi pa
ako malungkot sa condo ko.

Inayos ko ang damit ko. Cresia made me wear a black spaghetti strapped plunging
neckline bodysuit. I paired it with a gray tulip skirt. Hinayaan ko lang ang
buhayhay kung buhok at inayos niya naman ang aking make up.

I think it's a little bit too much pero tuwing tinitingnan ko si Cresia, naiisip ko
na ayos lang siguro ito. She curled her hair at buhayhay rin. Her top is a white
plunging neckline midriff and an old rose tulip skirt. She's very sexy na tingin
ko'y ayos lang itong damit ko.

Pinasakay niya ako sa kanyang sports car at sabay na kaming tumulak sa bar na
sinasabi niya. I shivered at her car's aircon. Hindi ako sanay na ganito lang ka
liit ang damit.

"Huwag kang mag-alala, Leil, mainit na roon sa loob. Maraming tao at isang wine
glass lang, mainit na rin ang tiyan mo."

"Hindi ako iinom," paglilinaw ko.

"Yeah, yeah! Well, it's just one glass! Alangan naman hindi ka iinom kung nauuhaw
ka?"
Bumuntong hininga na ako.

Sa labas pa lang ng bar na sinasabi ni Cresia, nakita ko na ang sobrang abalang mga
sasakyan at mga taong papasok. Nilapitan kami ng isang valet.

"The usual," Cresia confidently said.

Nang lumabas ang kaibigan ko'y kinalas ko na rin ang aking seatbelts at lumabas na
gaya niya. Umirap si Cresia sa kung sinong nasa likod. Nang nilingon ko'y wala na
akong naabutan. She dragged me to the doorstep of the bar at walang kahirap-hirap
kaming pumasok.

Sa pintuan pa lang, marami nang binabati si Cresia. Hawak niya ang kamay ko habang
pumapasok at para akong kuting na nawawala, hindi alam alin ang uunahin.

The bar is huge. I have never seen a bar that big before. Dalawa ang palapag ayon
sa nakikita ko ngayon. May mga upuan sa magkabilang gilid at may malaking screen sa
harap. Inangat ko ang tingin ko at nakitang mayroon pang mga upuan sa taas. The
couches and tables were hexagonal-shaped. Ngunit mas maraming nakatayo at
nagsasayaw.

Ilang beses akong ipinakilala ni Cresia sa mga kaibigan. Marami akong nakashake
hands pero hindi tumatak sa akin ang pangalan. Nakakahiya kasing paulitin gayong
hindi ko gaanong narinig sa ingay.

Dahil sa ingay, kailangan pang lumapit kapag may sasabihin. Aktong bubulungan pero
halos pasigaw na. It's not offending because you won't think he or she is screaming
because of the noise from the stereo.

Iba't-ibang kulay ang ilaw. Nakakahilo ngunit mukhang iyon ata ang gusto ng lahat.
They all cheer for it, the music, and the fake smoke.

Sa may harapang hexagon table ako dinala ni Cresia. Mas kitang-kita ko ang mga
nagsasayawan. Pero bago ako makatitig sa mga nagsasayawan ay nakita ko sa lamesa
namin si Prince! He's with some of our friends from Iloilo! Alam kong kaibigan niya
rin ang mga iyon at posible nga ito pero maging si Cresia ay nagulat.

"Sorry, Leil. Hindi ko alam na may nag invite sa kanya rito."

Ang pinsan ni Cresia na si Rem ay naroon kasama ang iilang kakilala namin. Sa tabi
naman ni Prince ay isang lalaking hindi ko kailanman nakita. Tumayo ito at
pinalupot ang braso sa baywang ng aking kaibigan.

"Leil, this is Klaus..." she said joyfully.

I smiled at him. Naglahad ako ng kamay bilang pagbati.

"Soleil..." sabi ko.

"Nice to meet you. Kinikwento ka lagi ni Cresia sa akin," anito.

Ngumiti ako at ilang sandali pang nag-usap, hirap dahil sa ingay. Sa huli ay naupo
na ako. Pinagitnaan namin ni Cresia ang dalawang lalaki. Katabi ni Cresia si Klaus.
Katabi ko naman si Cresia at si Prince.

Tahimik na ako dahil nagbubulungan pa si Cresia. Rem was looking at me with


amusement in his eyes. Tipid akong ngumiti sa kanya.

We can't speak normally since it's too loud kaya nagpakita na lang siya ng wine
glass bilang pagbati. Bilang ganti, kumuha na rin ako ng wine glass at ipinakita sa
kanya ang parehong pagbati.

Pinangalahatian ko ang wine glass. It's not my first time to drink wine but this
one is a bit strong. Nag-init nga ang aking tiyan, gaya ng sabi ni Cresia.
Pagkalapag ko'y nanginig bahagya ang kamay ko.

"Don't tell me it's Rem?" bulong ni Prince sa akin.

Nakuha ko kaagad ang ibig niyang sabihin. Pagod akong umiling sa kanya.

"Tss..." he shook his head and down a different liquor.

Habang tumatagal at habang dumadami ang nakikita kong mga tao, mas lalo ring dumami
ang aking mga iniisip. This is the life he's used to. This kind of life. With all
the beautiful girls, some are models and in the show business, hindi na siya
magugulat pa kung may makitang ibang magandang babae.

Nakita ko ang dami ng nagkakagusto sa kanya at maaaring siya na ang pipili kung
mayroon man siyang gusto. He won't need to chase anyone. Women are more than
willing to be chosen. Kahit ako... hindi ba?

Pero ibang iba ang buhay ko sa buhay ng mga babaeng nandito. Tumayo si Cresia at
nakipagbeso sa isang sikat na kaedad naming artista na taga Iloilo noon. They
laughed and took a picture of each other.

Nang nawala ang babae ay sinundan ko ng tingin. Sumama siya sa mga kaibigang ganoon
din ang kalibre. With their designer bags and killer shoes, they all seemed
surreal. Parang sa movies at magazines ko lang nakikita pero heto ngayon sa harap
ko.

Humigpit bigla ang hawak ni Cresia sa akin. Lumapit siya para bumulong.

"Your ex is on the other table!" she said impatiently.

Hinanap agad ng mga mata ko ang sinabi ni Cresia. Halos sumabog ang puso ko sa
sinabi. Para akong tinapunan ng malamig na tubig. At nang nahanap ko nga siya,
nakita ko siyang nakatayo at binabati ng iilang babae at lalaki sa naturang lamesa.
He glanced my way and our eyes locked immediately.

"Tapos na ba ang kasal?" Cresia said while scanning her phone.

Kinuha ko ang aking bag at tiningnan ang aking cellphone. Huli na nang natanto kong
hindi ko pala dala iyon! Sa liit kasi nitong purse na pinahiram ni Cresia, hindi
magkakasya ang gamit ko!

Mabuti na lang at naitext ko iyon bago kami umalis.

Inangat ko ang tingin ko sa kay Raj na nasa kabilang lamesa parin. He is talking to
some very sophisticated and high end women. Some of them are celebreties. May
kumausap ding pamilyar na lalaki at halos matabunan na sila ng crowd na sumasayaw.
I craned my neck to watch but it's not enough.

Pagbaling ko kay Cresia, nakita ko ang iniiscan niyang mga picture ni Raoul. He's
with his mom at sa gitna ng mag-ina ay isa pang mas bata at mas magandang babae.
Hindi alam ni Cresia na nakikitingin ako, she clicked the photo and read the
comments.

Maraming comments doon pero ang tanging tumatak sa akin bago ako nagsalita ay ang
mga katagang: "Sila na ang susunod na ikakasal." And below it is a comment from
Felicia Riego: "Hopefully, yes."

"Sino 'yan?" marahan kong bulong kay Cresia.

Bitterness dripped within me like acid trying to burn down my senses. These past
few days were very negative. Pero hindi ko inasahang may mas negatibo pa pala sa
lahat ng iyon. And no matter how hard I try to fight it, I know that it's tearing
me apart.

Here comes a girl his mother wants. A girl with him in family gatherings. A girl he
can proudly show everyone. And not some girl like me from rags. A girl like me
whose father is a criminal. A girl like me whose father killed his beloved dad. A
girl like me whose just a dot in his glittering big world.

Natatandaan ko ang pakiramdam na ito. Noon, habang nakatayo at hinahangin ang buhok
sa kagubatan, nararamdaman ko ang kaibahan ng aming mundo. The hues of sepia filled
my eyes, from the dried leaves and huge trees. The sound of the splashes of water
from the streams and rivers. His roaring laughter, like a large beast, because of a
humor I could not grasp.

Ngayon, sa ibang paraan naman. With dark hues and neon lights, I sit here trying to
watch him as he glides towards his friends. Ang malamig na hangin galing sa aircon
at ang usok sinamahan ng maingay na musika, pinapanood ko silang nagkakatuwaan sa
mga bagay na hindi ko kailanman maiintindihan dahil hindi kami pareho ng mundo.

I smiled bitterly and finished the last half of my wine.

"Ewan ko. Just one of-"

Sinubukang isarado ni Cresia ang cellphone at itinago pero nakuha ko iyon bago niya
magawa. I don't need to browse for more comments to see their opinion of her.
Binalik ko na agad iyon.

"Oh my gosh! It's my song!" she screamed randomly after a long stretch of silence
between us.

Hindi ko alam kung totoo ba iyon o gumagawa lang siya ng paraan na maiba ang
atensyon ko.

Mabigat ang aking puso'y napatayo ako at nagpatianod sa hila ng kaibigan. Her
energy was to the moon and I am trying to equal it even with heavy heart. She moved
my hands up and down alternately while giving me sensual expressions while her eyes
were closed.

Dumilat siya at nagkatinginan kaming dalawa.

"Come on, Leil! Let's just enjoy the night! Stop thinking about the bad vibes!" she
declared.

Pagod akong ngumiti at sinabayan na lamang ang trip niya. Sinubukan kong sumayaw
gaya ng turo niya. Tuwang tuwa si Cresia. Tumango siya at mas lalong inayos ang
pagsasayaw.

"That's it! Great, Leil! You are learning!"

Bumagal ang sayaw ni Cresia nang nakita si Prince sa tabi ko. He looked at me with
serious eyes. Bahagyang pabirong tinulak ni Cresia si Prince.
"Kami muna, Prince, mamaya ka na!" aniya.

At habang nagtatalo ang dalawa, muli, lumipad ang tingin ko sa lamesa ni Raoul.
He's not there anymore. Luminga-linga ako para mahanap siya pero wala na akong
nakita. Umalis siya? Hindi ko alam.

Pero nagtagal ang tingin ko sa mga babaeng nakasalamuha niya kanina. And then I
realized... that this is not me. This is not the life I know. Or I want. This is
foreign to me. I do not belong in this world in any way.

Maraming nagbago sa akin pero ako parin si Leil, iyong batang may alagang kambing,
simple ang pamumuhay sa gubat, may pangarap pero hindi ang mapabilang sa buhay at
mundong ganito. Sa mundo niya.

But I love him so. I love him dearly. I love him too much, I cannot just simply
turn my back on his world. I want him and if being in his world means I could touch
him, then I will try my best to fit in.

Mapait akong ngumiti at sinabayan na lang si Prince at Cresia sa sayaw. Lumapit si


Klaus kay Cresia. He snatched Cresia away in front of me, leaving me and Prince
alone. I tried to dance with Prince as he subtly danced with him.

We stayed like that for a long while until the music intensified.

Hinawakan niya ako sa baywang. Inilapit niya rin ang kanyang mukha sa akin at
nararamdaman kong may ibubulong siya.

"Do you really love someone else, Leil, or you're just using that as an excuse to
reject me?" he whispered.

Umiling ako at bahagyang lumayo sa kanya. A man from behind me grinded lewdly. I am
not sure if Prince noticed it. Napapikit ako.

This is the world I so wanted to touch for him. Very different from mine.

"Excuse me, Prince. Bathroom lang ako," sabi ko para makatakas sa masikip na lugar
na iyon.

I want to escape from the world I so wanted to touch, and at the same time the
world I could not fit in - his world.

Kabanata 34
Kabanata 34

Remember

Bago ako nakalapit sa malayong bathroom ng naturang bar, iilang tingin ang naibigay
sa akin ng mga lalaking nasa paligid. Ang isang nakatinginan ko ng ilang saglit ay
lumapit at nagpakilala. I politely introduced myself but after that...

"Sorry, kailangan kong pumunta sa powder room," sabi ko nang medyo tumagal ang
usapan at hindi ako naging kumportable sa kanyang tingin.

Dumiretso na ako sa paglalakad but then he was very persistent.

"Miss, we can talk for a while," he said while trying to get a hold of my arm.

Sa damii ng tao, may isang lalaking humarang sa kanya. Hindi ko alam kung sinadya
ba iyon o nataon lang. Hindi na rin ako nakapagpasalamat o nakangiti man lang. Mas
inuna ko ang paglalakad ng mabilis paalis sa lugar na iyon.

Nakahinga lamang ako pagkalabas ko ng bar. Maraming papasok sa loob kaya tumabi
ako, tama lamang para makasilong dahil naramdaman ko ang ambon. Mabilisang dumami
ang tao galing sa labas kaya napilitan akong umalis sa kinatatayuan ko.

Naglakad ako palabas. Bawat isang tingin sa isang estrangherong lalaki, mas lalo
akong naging determinado na makalayo roon.

This is part of that life. Maybe, I will get used to it eventually. Pero hindi pa
sa ngayon.

Noong bata pa ako, gusto kong magkaroon ng maraming nakakasalamuhang kaibigan. But
somehow, I learned along the way that it was not about the number of friends, it's
about the quality.

Unti-unting lumaki ang bawat patak ng ulan habang wala sa sarili akong naglalakad
palayo sa bar na iyon. Tumingala ako sa sobrang dilim na langit at dinama ko sa
aking mga palad ang malalaking patak na agad bumasa sa aking balat.

Isang kisap ng mga mata'y bumuhos agad ang ulan. Hirap akong tumakbo sa
pinakamalapit na gilid kung saan pwedeng makasilong pero nabasa na ako ng husto
bago pa nakarating doon. And funny how in just a blink, too, bumalik sa ambon ang
kanina'y biglang buhos na ulan.

Ang malamig na panggabing hangin ay umihip. Kasabay ng pagbaling ko sa naramdamang


mga kilos sa kanan ay ang pagyakap din sa akin ng mainit at makapal na tela ng
isang coat. My eyes widened when I saw Raoul's stern and controlled dark face.

Kumabog ang puso ko. Sinubukan kong ngumiti habang inayos niya ang coat sa aking
likod.

"Ikaw lang p-pala..." I said to ease the tension.

Unti-unting napawi ang ngiti ko nang nagpang-abot ang sakit at kaba. Sakit na
kanina pa tinatago at kaba dahil sa galit na namamanaag sa kanyang mga mata.

Galit niyang tiningnan ang aking damit habang mariing sinasarado ang butones ng
kanyang coat para matabunan nanlalamig kong dibdib.

"L-Lumabas ka... 'Yong mga k-kasama mo?" I said with shaking lips. Hindi maitago
ang pait at sakit sa aking tono. It was almost accusing.

"Umuwi na tayo," agap niya sabay salikop sa aming mga daliri. Ignoring my obvious
bitterness.

His black luxurious car was immediately parked in front of us. Hinigit niya ako
patungo roon. Lumabas ang isang mas matandang lalaking nakaitim at ibinigay sa
kanya ang susi ng sasakyan.

Sa bilis ng pangyayari, hindi ko na halos masundan. He drove past the bars. Tahimik
ko siyang pinagmamasdan na nagmamaneho. Kunot ang kanyang noo at ang galit ay
nakaukit sa itsura.

"Nababasa ko ang sasakyan mo," marahan kong sinabi para malaman niya na kahit
nakayakap sa akin ang kanyang damit ay nakatakas parin ang tubig-ulan sa akin.

He did not respond to that. I swallowed hard when I realized that he's a bit angry
at me. Hindi niya ako pinapansin!

Bumaling ako sa kalsada at nakita ko ang hindi pamilyar na daanan. I heard him
murmur something. Nilingon ko siya at nakita kong may katawagan siya sa cellphone.
Mabilis niyang binaba iyon pagkaliko ng sasakyan sa dalawang napakatayog na
building.

The twin blue large towers of the beautiful skyscrapers are like no other. Ngunit
agad ding nawala iyon sa paningin ko nang tuluyan nang pumasok ang kanyang sasakyan
sa isa. Pagkalabas niya'y may agarang sumalubong na lalaki. Another man opened my
door kaya lumabas na rin ako.

With hard and firm hold, he claimed my hand and started walking towards the
building's concierge and past it. Hindi ko na masundan ang lahat dahil abala ako sa
pagtitingin sa mga footprints ko na sumusugat sa malinis at makintab na sahig ng
lobby roon.

Kahit sa elevator ay abala ako sa pagsusuklay ng sariling buhok, gamit ang aking
mga daliri, sa pag-iisip na matutuyo iyon kung ganoon ang gagawin ko.

Nakarating kami sa tamang palapag. Ang bungad ang ang isang engrande at mukhang
mamahaling lugar. Sa mga kulay na brown, grey, at cream, nabuo ang sala na may
napakalaking TV at salaming dingding na tanaw ang kalakhan ng iba pang matatayog na
building.

The lights were dimmed so I couldn't see my wet footprints. Bago pa ako makatanggi
ay hinila na ako ni Raoul patungo sa mas malayong parte ng lugar na iyon. Kinabahan
agad ako nang natantong condo unit niya ito. I am very sure that this large unit
costs a lot! At kung iisipin kong mabuti, mukhang sangkapat lang ng sala niya ang
condo unit ko!

Sa isang pasilyo na may iilang pintuan, dumiretso kami sa isang pintuan. He opened
the door and revealed a large bedroom. The cove lighting above, on the left side,
and in its walk in closet slowly and automatically illuminated.

Sinarado niya ang pintuan sa likod ko at nanatili akong nakatayo malapit doon. He
continued to the bed while unbuttoning his longsleeves. Sa likod ng kama, muli, ay
ang salaming dingding na tanaw ang parehong lokasyon sa sala kanina.

"Remove your clothes so I can dry it up," ani Raoul pagkatapos ay mataman akong
tiningnan.

Napakurap-kurap ako sa gulat. Hinawakan ko ang coat na suot ko pagkatapos ay


nilingon ang isang pintuan sa kwarto.

Nasa kanyang condo ako. Hindi iyon halos manuot sa isipan ko habang tinitingnan ang
mga bula sa ibabaw ng tubig. Iniligid kong muli ang aking mga mata sa napakalaking
banyo ng kanyang bedroom.

It was so big. Even bigger than my condo unit, can you believe it? His bathroom is
bigger than my condo unit! Ang transparent na shower room ay iba pa sa tub na
inuupuan ko ngayon. Ang buong katawan ko ay nasa ilalim ng tubig at ang mababangong
bula ay pinaglalaruan na lamang ng kamay ko.

The sink has two water basin and below it were clean white towels waiting to be
used. At gaya ng kanyang sala, parehong kulay lang ang bumubuo nitong kanyang
malaking bathroom. With wood planks as the bathroom's floor and ceiling, cove
lighting sa kisame at dingding, at ang iba'y kung hindi puti ay kulay abo naman.
Pumikit ako ng mariin at unti-unting binaba ang mukha sa tubig. Hanggang sa tanging
ang mga mata ko na lang ang kita.

Eto ang buhay ni Raoul. Ilang beses kong maiisip iyon sa isang gabi, hindi ko alam.
Ilang beses akong masasaktan dahil lang hindi ako nababagay. At ilang beses kong
pinigilan ang sarili kong magtanim ng galit sa lalaking mahal ko... I am just
bitter. I couldn't accept it.

Tahimik kong hinubad kanina ang aking mga damit dito sa loob. He made me use a
bathrobe. Kinuha niya ang mga damit at iniwan na ako rito sa loob ng bathroom.
Nagbabad na lang ako rito, hindi ko na alam ilang minuto na ang lumipas.

Inangat ko ang aking mga daliri at nakita ko ang kulubot dahil sa tagal na
pagkakababad sa tubig. Huminga ako ng malalim at pinili nang tumayo at abutin ang
roba.

Habang inaayos ang sinturon ay pumasok siya roon. I jumped a bit cuz of his
presence, pero agad ding nakabawi. His eyes traveled from my face down, with a
mysterious expression. Binawi niya ang kanyang titig at nilingon ang nilapag na
puting damit.

"Use this. Your clothes are still wet," aniya.

Raoul is wearing a white cotton t-shirt and a fresh gray shorts. Para akong
nasindak sa ayos niya. Mukhang kagagaling lang din ng ligo, ayon sa mamasa masa
niyang buhok. Hindi ko pa siya kailanman nakitang ganoon ang ayos! Ngayon pa lang!

Nanuyo ang lalamunan ko kaya hindi ako nakasagot. I nodded. Umiigting ang mga
panga'y umalis siya at naiwan muli akong mag-isa.

Nilapitan ko ang iniwan niyang damit. It's a fresh big cotton t-shirt and a pink
lacey panty with a tag on it. There is no bra. Kunot noo kong binalikan ang
pintuan, iniisip kung asan na ang shorts at bra pero nang sukatin sa labas ang t-
shirt, natanto kong pwedeng wala dahil medyo mahaba at makapal naman ito.

Sinuot ko na iyon. Naisip ko tuloy kung bumili ba siya ng bagong panty para sa
akin? Uminit ang pisngi ko pero agad ding napalitan ng ibang isipan. O baka naman
may stock siya rito at ibinibigay niya sa babaeng dinadala?

Parang natapon ang pait sa aking kalooblooban. Parang tinarakan ng punyal ang aking
dibdib sa sakit ng nararamdaman. And still, I try to be fine. Inayos ko ang roba sa
hanger. I combed my hair a bit before I went out of the bathroom.

Nanatiling dim ang lights ng kanyang kwarto. Malinis at organisado ang lahat. The
room smells like lavender and aftershave and mint all at the same time.

Lumapit ako sa kama at naupo na roon. Nasaan kaya si Raoul? Nasa labas?

Dito ba ako matutulog? Pwede namang hindi. Pwedeng umuwi. Pero... pwede ring...

Inangat ko ang aking mga paa at ipinatong sa kama. His large bed feels so
comfortable na ikinakahiya ko ang kama ko sa condo unit. Inayos ko ang puting t-
shirt dahil sa laki nito'y ipinapakita na ang aking balikat sa kanang bahagi.

I hugged my knees and slowly played with the comfortable white duvet.

The door creaked open. Natigil ako at nag-angat ng tingin. Raoul went inside with a
tall glass of water. Nilapag niya iyon sa side table. Sinundan ko siya ng tingin at
nakita kong naroon parin ang galit sa kanyang ekspresyon.
Nilingon niya ako. Agad kong binawi ang titig ko. My heart beated wildly for some
reason. The deafening silence worsened it. I can hear its every pump. Uminit ang
pisngi ko nang may naisip at unti-unting binaba ang tuhod sa kama, folding both
sideways.

"Let's talk..." he said.

Umuga ang kama nang naupo siya sa harap ko. His large body overshadowed everything
behind him. Iniwasan kong magsalubong ang aming mga mata. Ayaw kong makita niya ang
hapding tinatago ko. I am on the edge and I don't think I can help my feelings
anymore.

"Ayaw kong makipag-usap sa'yo," I said without looking at him.

Nanatili siyang nakaupo at nakatitig sa akin. I feel like he got stunned by my


choice and my tone.

"Pahiram na lang ng shorts at magtataxi na ako pauwi," dagdag ko at sinubukang


ibaba ang mga paa sa sahig nang makagalaw na pero hinawakan niya ang aking mga paa
at pinirmi sa kama.

I glared at him. He stared back at me with an intensity that made me melt. He is


screaming with so much authority at inis na inis ako sa sarili ko dahil nadadala
ako. I want to defy my feelings. For once in my life, I want to prove to myself
that my love for him is not that strong! Na hindi niya ako maaakit sa simpleng
tinginang ganito!

"Hindi ako papayag," he said firmly.

I glared more at him. But slowly, I know my anger is melting like an ice cube above
a blue fire. There's no other choice but to slowly melt and give in.

"Hindi ako nagtatanong kung papayag ka o hindi! Uuwi ako kahit ayaw mo!" I said,
holding on to whatever's left of my anger.

His eyes widened with a hint of amusement on his dark and angry face. Hindi ko alam
kung bakit natutuwa talaga siya pag nagagalit ako. Nag-umalpas lalo ang puso ko sa
galit at iritasyon.

I tried to put my feet on the floor. Agad niyang hinawakan iyon at umusog para
makulong niya ako sa malaking kama na iyon. He put his right hand beside the left
of my waist so I won't move in the oposite direction. I saw him swallow hard, his
eyes drifted on my left shoulder.

I was stunned with our closeness. Kung iniisip niyang hindi na talaga ko gagalaw
ngayon, tama siya. I am scared that he'll even move closer when I try. I know he
will. Kilala ko siya at kapag may gusto siya, makukuha niyang talaga.

Or maybe, I am just half-hearted with my decisions and he felt it.

Inayos niya ang damit ko. My heart pounded so fast and hard against my chest that
it hurt. Our distance and position right now made me panic.

"Doon ka na lang sa mga babae mo! Sana hindi ako ang dinala mo rito, tutal marami
naman doon! Mamimili ka lang, 'di ba?!" hindi nakatakas sa tono ko ang pait.

His expression remained the same: amused and a bit angry at me.
I pushed his chest away even when I know he's too strong to move a bit with my full
force.

"O baka dala mo 'yong kasama mo sa wedding kaya ka nawala sa lamesa n'yo? Bakit mo
pa ako hinanap sa labas? Sana n-nag enjoy ka na lang doon!" I said with unshed
tears waiting on the sides of my eyes.

With a swift motion, he pulled me by the waist. Mas napalapit ako sa kanya at wala
akong nagawa para manlaban. Napahawak na lang ako sa kanyang braso para sa balanse.
His eyes drifted on my hand on his arm.

"Which one is making you jealous?" he said with a relaxed tone.

"Hindi ako nagseselos!" agap ko.

"Okay, then. Which one is upsetting you?"

I glared at him for a few moment of silence. He stared back at me with amusement
and adoration now. Umiwas ako ng tingin nang naramdaman ang unti-unting pagpatak ng
aking mga luha. I pity myself for loving him this much.

"Ang dami dami mong babae! Sabi mo ako ang mahal mo!" I said, frustrated.

"Shh... Baby," he whispered leisurely, parang hinihele ako para tumahan.

He wiped my tears with his thumb. Huminga ako ng malalim at pilit na tinigil ang
mga luha. Inangat niya ang baba ko para magtama ang aming mga mata but I was
rebellious, my eyes remained on my fisting hands.

"You have a problem with me and you don't want to talk about it," aniya sa isang
matigas na boses.

Suminghap ako. Kinagat ko ang labi ko, medyo guilty sa sinabi niya.

"I have a problem with you too but I choose to talk about it. We won't solve our
problems if we both run from it."

Huminahon ako pero nanatili ang tingin ko sa aking mga kamay. Namumula na ang aking
kandungan sa riin ng pagkakadikit ng kamao ko roon.

"The one in that bar? They were just my friends. Ilang sandali lang kaming nag-
usap, umalis din agad ako sa lamesa nila," he explained but I'm not pleased about
it.

I leveled our eyes and I glared at him. I want him to know how angry I am. Tumaas
ang isang kilay niya. His mouth twisted upward.

"At saan ka pumunta? Sa ibang babae naman?" I said it like a wounded and defensive
cat.

He licked his lips leisurely. He looked at me with so much fascination that for a
moment, I got confused.

"I went to Zamiel's table so I can have a clearer view of you."

Pilit kong pinanatili ang galit ko. I crumpled my face just to prove a point. My
broken heart is telling me so many things and I couldn't ignore them.

"And which girl were you talking about in that wedding? We have lots of family
friends-"

"'Yong gusto ng Mama mo para sa'yo!" pagalit kong sinabi.

He tilted his head and gave me a confused look. Mas lalo akong nagalit.

"Nakita ko sa Facebook ni Cresia! Sabi sana kayo na ang susunod na magpakasal!" I


spat angrily with a breaking heart.

I pushed him and with full body force, I tried to escape his bed. Halos sumugat ang
kamay niya sa pagkakahawak sa akin. His head tilted and his lips found mine.

He brushed it slowly on me making me calm, for whatever reason. His slow and tender
kisses made it so hard for me to remember what I was angry about. Nang tumigil siya
ay nawala na ang lakas ko. It is so unfair. He can control all my emotions
skillfully. It is so unfair!

His dark eyes turned a shade darker with desire. Hindi iyon nakatakas sa akin.
Parang umaatras ang pinilit kong mabuo na tapang. Suminghap ako at ginamit ang
kahuluhulihang lakas para masabi ang hinaing.

"Siya rin ba ang katawagan mo noong binisita mo 'ko sa birthday ko last year?" I
said sideways, all the bitterness, hurt, and his kisses made me weak.

"It was my mother who called that day, Leil. At hindi ko alam kung sino ang
tinutukoy mong gusto ni Mama para sa akin, but do you really believe my mother can
control my preferences? Hmm?" mahinahong wika niya.

He tilted his head arrogantly to let me see that nobody has the power over him.

"Bakit? Hindi b-ba..." marahan kong tanong nang 'di parin siya matitigan.

He lifted my chin again. Our eyes met. The overwhelming desire on his eyes made me
tremble.

"Hindi..." he said coldly.

Suminghap ako. Hindi ako makapaniwala na unti-unting nawawala ang bigat sa puso ko.

"But there's one person who can control me, though..." he said suggestively.

Uminit ang pisngi ko. Hindi na ako nagtanong kung sino. Pakiramdam ko, kung marinig
ko ang sagot niya at malaman ko na ako iyon, bibigay ako ng husto sa kanya. I will
blindly love him so much, not that I am not doing it ever since. Pero mas lalala
ako!

"Hmm. My baby's turn is done. My turn now, huh?" he said with a tone he only used
whenever he's mocking.

Ngumuso ako at pinisil na lamang ang aking mga kamay.

"Did you purposely leave your phone so you won't have to answer my calls?" mariin
niyang sinabi.

Umiling ako.

"Hmm. Did you have fun dancing obscenely with the boy Ledesma and another man?"

Namilog ang mga mata ko. The blazing anger in his bloodshot eyes made me tremble.
Umiigting ang kanyang mga panga, all humor and amusement is gone now.

"Hindi! Kaya nga umalis a-ako... 'di ba?" agap ko.

The grimness in his mouth told me that it really is making him tick. His jaw moved
I can only imagine his force while gritting his teeth and controlling his potent
anger.

"You are allowed to socialize but not in that fucking way, Soleil!" he striked
angrily.

Kinagat ko ang labi ko at guilty na umiling. His hand raked the hair above my nape.
He tilted my head enough for my lips to fall. It gave him an access to my mouth.
Napapikit ako nang naramdaman ko ang kanyang halik na punong puno ng pagnanasa.

Warmth flowed in my body down my stomach at his sensual move. Tumigil siya at
lumayo, his jaw clenching so bad.

"Sa akin lang 'yon," mataman niyang sinabi.

He forcefully pulled my hair more for an access on my jaw and my neck. Nagpatianod
ako sa gusto niya, with a euphoric feeling of contentment, devotion, and an
overwhelming desire.

"Sa akin ka lang," he whispered on my neck as he showered it with slow and tickling
kisses.

Heat hummed my insides. The familiar feeling ached and stirred stonger than ever.

"Akin," he growled with every possessive kiss on my neck down my collarbones.

His large arms moved firmly when he crouched to reach my neck. The strength I felt
from it made me weaker. His nose trailed down my neck, and I shivered.

Hindi ko na napigilan ang daing ko. A long sweet moan escaped my lips when he
nipped the top of my chest, his hand caressing the top of my breast.

With a force so certain, he slowly withdrew from the kisses. Halos sumugat sa aking
palapulsuhan ang kanyang pagkakahawak. Ramdam na ramdam ko ang lakas ng kanyang
pagpipigil.

But for me, it is too late. Sumiklab na ang kagustuhan ko at lunod na lunod na ako
para hayaan siya.

I arched my back. I watched his clenching jaw in awe. Lumunok ako at inangat ang
mga kamay para damhin iyon. My fingers touched his rough jaw tenderly.

He gazed at me with both control and crazy craving. I bit my lip and a small smile
played on my lips, kahit pa hindi na makangiti si Raj sa init at sa pagtitimpi.

"Sa'yong sa'yo lang ako," I whispered.

I arched my back more. Inangat ko ng konti ang sarili para maabot ang kanyang labi.
I gave him my sweetest kiss. His jaw moved again after that. I smiled.

"Akin ka rin," I said.

I kissed his lips again, this time, tilting my head a bit. His lips were in a grim
line, for sure, still part of his incredible but crumbling restraint.
"Akin ka lang," inabot kong muli ang kanyang labi, mas matagal siyang hinalikan
ngayon.

He held on to my arm firmly. Ang isang kamay niya ay nasa likod na ng aking hita
bilang suporta sa bahagyang pag-angat ko. I rose more so that I can kiss him again.

"That's enough," he said harshly and swallowed hard after.

I smiled sensually while looking closely at his lips.

"Oh, for fuck's sake, baby, stop seducing me..." punong-puno ng pagsusumamo ang
kanyang boses.

"Bakit? Ayaw mo ba sa akin?" may bahid ng kalungkutan ang boses ko.

Pumikit siya ng mariin, tila ba ang laki-laki ng problema niya. I waited until he
opened his eyes. When our eyes met, halos matupok ako sa init at pag-aalab ng
kanyang mga mata. He was live fire now and I think I made him that way!

He pulled me closer to him. Ang isang kamay niya'y dinala ang kamay ko sa kanyang
hita. Natutop ko ang bibig ko nang naramdaman siya. My breathing hitched while his
eyes remained on me with fiery passion.

Twitching angrily behind his clothing is his large erect maleness.

I couldn't believe it! He proved his point by doing that! And I think I will faint
feeling his large and thick shaft underneath his thin clothing.

"Matagal na akong sabik na sabik sa'yo. Masasaktan kita kapag hindi tayo tumigil
ngayon," he said hoarsely.

I smiled and kissed his lips again, ignoring his warning.

"Matagal na rin akong sabik na sabik sa'yo..." I said with flushed face.

With his collapsing restraint, he cursed erotically. Inangat niya ako dahilan ng
bahagya kong pagtili. While recovering from that, he removed his t-shirt in a very
manly way. His thighs were now sprawled in between me, forcing me to part my thighs
more.

I feel so small on top of him. At kung hindi niya hawak ang balakang ko'y sumubsob
na akong muli sa kama. I am effortlessly kneeling in front of him the way he wants
it. I towered a bit over him but it's still enough for us to kiss.

Ang isang kamay niya ay pumilas na sa ilalim ng t-shirt ko at dinama na iyon. The
shocks and volts of electricity intensified that I stopped kissing him just to
watch his hand mold my breast.

Hinalikan niya ang tungki ng ilong ko at tinitigan ang namumungay kong mga mata.
Pilit kong tinitingnan ang gumagalaw kong t-shirt. I moaned when I felt another
shock of electricity.

He groaned and harshly pulled the hem of the t-shirt to my neck just so I can have
a clearer view of what he's doing to my breast. Using his index finger and thumb,
he sensually pinched my peak. I moaned louder and closed my eyes.

"Hmm. My baby likes this, huh?" he whispered.


Uminit ang pisngi ko sa kahihiyan pero nawala na ang lahat sa akin nang
pinagpatuloy niya iyon. Nangatog ang mga tuhod ko. Lalo na nang inilipat niya ang
kamay niya sa isa.

He stopped for a moment. Nawala ang hawak niya sa akin dahilan ng pagkakaupo ko. My
knees are too weak to hold that position. He quickly removed my t-shirt.

He lifted me up again forcefully at walang kahirap-hirap niyang pinalitan ng halik


ang kanyang mga daliri. I moaned violently. I shivered because of his hot mouth and
his playful tongue.

I arched my back and my head fell back when I felt his hand enter my panties. With
one poke at my entrance, I cried.

He groaned and slowly caressed my creamy folds. My moaning was already continuous
na kinailangan ko nang kagatin ng marahas ang aking labi para lang matigil ako.

Sa bawat marahan at masuyong pagkakahawak sa akin, he slowly dived his finger on my


entrance. Tumakas ang paimpit na daing sa akin.

He cursed violently. He deliberately pushed me back on bed! And on a swift motion,


he pulled my underwear and throw it randomly somewhere.

I closed my eyes tight, thinking of the embarrassment I will suffer later when I
have my senses back! He exposed all of me!

Napadilat ako at napatingin sa kanya sa baba. Holding both my heels as he pulled me


back towards him, I can see his ruthless and lustful craving.

He buried himself in between me. I felt the flick of his tongue on my folds,
caressing and fondling me with no restraint and full of cruelty.

Halos mabaon ang daliri ko sa kumot para lang may hawakan habang ginagawa niya iyon
sa akin. Unknowingly, my moans began.

I felt his tongue on my entrance, slowly delving in, wet and hot. Umalon ang tiyan
ko nang naramdaman ang namumuong tension. Quickly, in just a split second, I
gathered the courage to fall a bit back when I felt how my walls clench and squeez
for a powerful spasm.

Pero hindi ko nagawang umatras. He held metightly into place!

"Raj!" pagalit sanang sasabihin pero hindi ko nagawa. It only sounded like a cry.

He licked and sucked the flowing liquid heat in me na pakiramdam ko'y pagsisisihan
ko ito mamaya. Nakakahiya! But then he's determined to finish it all that even
after the spasms, he continued licking me clean.

He lavished kisses around my bud that another fire is building up in me.

"Ahh!" I cried when I felt a more powerful tension building up.

Umangat ang halik niya sa aking tiyan. He left me there that I immediately longed
for him. He kissed the valley in between my mounds. Pagkatapos ay hinaplos ang
aking dibdib. His hot mouth covered one and alternately gave the other one his
attention.

Then I felt him on my entrance, slowly making his presence known. He kissed me on
my collarbones up to my neck again.
His member lingered and tormented my entrance softly na pakiramdam ko'y sinasadya
niyang bitinin iyon. I bucked my waist, in time for his push and I felt him enter
me a bit.

"Stay fucking still, Soleil!" he demanded at me once.

"H-Huh?" I said erotically, wondering why he's delaying this so much.

Hinawakan niya ang aking baywang para matigil ako sa ginagawa. His knee pushed my
left knee away making me excruciatingly exposed. He pushed to me again, this time
making me feel that same sensation, slowly addicting me.

Pilit kong sinalubong ang kanyang galaw. His lips were busy kissing me and his hand
was on my breast, but all I think about was him on my entrance.

His restrain was slowly crumbling. Naramdaman ko iyon dahil naangat ko ang baywang
ko at nasalubong siya. His manhood slightly penetrated me that I cried from the
pain I felt.

"Oh, baby, if you won't stay still, you'll get hurt," he whispered and renewed the
restrain again.

I opened my eyes and I saw the blazing intense passion in his. I grinded on his
shaft without leaving his eyes. Kitang-kita ko ang galit at tensyon sa kanya. He
clenched his jaw, his arms tightened.

Nilagay ko ang aking mga kamay sa kanyang dibdib, slightly feeling the bristles of
thin hair on it. I bit my lower lip and grinded again.

He sighed heavily while watching me enjoying the pleasure of it all until I felt
him slowly enter me. Napalitan ng lamig ang init sa aking kaibuturan nang
naramdaman ang sakit na unti unting pumilas sa akin.

"Ahh!" I said while shutting my eyes, bracing for more pain.

I tried to capture his lips just to forget about the pain pero kahit hinahalikan ko
na siya, parang wala na akong ibang maisip kundi ang sakit at ang hapdi nito.

I kissed him wildly just to ease the pain. He stopped pushing and remained that
way. Alam kong hindi niya pa nasasagad iyon. I kissed him more. I tried to mimic
the way he kissed me with his tongue.

A deep, harsh groan rumbled up on him.

"Fuck!"

Pumikit siya ng mariin. His neck and forehead corded. Umangat siya at nilayo ang
sarili sa akin na tila ba may nakakahawang sakit ako. Akala ko'y aalis siya pero sa
isang mabilis na galaw, he pulled my right knee. My foot fell and hanged beside the
bed.

I slanted on the bed. He hooked his forearm on my left knee for leverage. With much
force, he entered me fully.

Bago ako napapikit sa sobrang sakit ay nakita ko ang pamumula niya at ang
pagtingala. It was like he's finally relieved or something. That thought consoled
me. Na kahit nasaktan ako'y, may nagawa ako para sa kanya.
But the hurt was so strong that it resonated on my whole system. Pakiramdam ko,
nagdurugo na ang labi ko sa kakakagat at kakapigil na maiyak ng husto.

He renewed his hook on my knee and pulled me closer on him. Biting his lip and
watching himself enter me again was enough for my mind to push the pain back and
rekindle the hot pleasure I felt.

My breasts and stomach rippled when he thrusted himself on me once. I cried from
both pain and pleasure.

Hinihingal na tumigil ulit si Raj. Hinanap niya ang aking namumungay na mga mata.
Without tearing my eyes off him, I tried to push myself against him, grinding on
his bulky erection, slowly discovering the pleasure after all the pain.

The obscene sexuality of my movements liberated the firestorm in him. He renewed


his hold on me, this time very firm and forceful.

My body, my skin bouncer at his each powerful pump. The bed vibrated because of his
movements. Mas lalong bumilis ang galaw niya. I cried from pain. The pleasure was
on the end but his movements were too fast. I couldn't enjoy the pleasure that
comes with every thrust. The pain is just too much.

"Aw! Raj!"

His thrust slowed down, but he went deeper that my senses immediately picked up the
pleasure that I wanted.

"Ah!" I moaned loudly when I felt the new foreign pleasure.

"That's it, baby. Come for me again..." and I realize, he knew. And he's skillfully
triggering me to the edge.

My inner muscles eagerly clasped the intruder, tightening on its broad body until I
was moaning in return of desire. Madness was upon me.

Raj hurled at me, pumping very hard that my body is slowly moving up. My head
almost reaching the headboard.

But he pulled me with each push at wala akong magawa kundi magpaubaya ng buo. His
harsh groan rumbled as he pounded on me relentlessly, evidence of his violent lust.

Beads of sweat damped my chest and forehead as I slowly reached my limit.

I arched when I felt the explosion of spasms on my body. Natutop ko ang labi ko
para mapigilan ang paniguradong sigaw. Hindi pa nakakabawi ay naramdaman ko ang mas
mabilis niyang pagtulak. And when my own release slowed down, I felt him filling me
hot and wet.

Isang marahang buntong hininga ang pinakawalan ko. My shoulders and limbs sagged. I
am very weak.

"Wala akong iba, Leil. Ikaw lang," he whispered with full of intense devotion.

I slowly gathered my last remaining energy to open my eyes and look at him.
Dinaganan niya ako. His weight felt so comforting. Shielding me from the cold.

"You are the only one I will ever love. Remember that," he whispered.
Kabanata 35
Kabanata 35

Real

I am tired and limp. He silently cleaned me up until he was satisfied. Isang


panibagong panty ang ipinasuot niya sa akin. Tinabunan lamang ang aking katawan ng
makapal na kumot habang ihinihiga ang ulo a napakalambot na unan.

Lumalim pa lalo ang gabi at wala na akong plano pang umuwi sa condo. He claimed
that he already texted Cresia so I have nothing to worry. Maaaring si Cresia na rin
ang magsasabi kay Prince ng tungkol sa akin.

Huminga ako ng malalim at marahang dinama ang mga balahibo sa kanyang dibdib. Using
my index finger, I traced the shallow valley in between his pectorials down to his
abdomen and back.

This is Raoul Vesarius Riego, my one and only love ever since. Malayo sa akin.
Imposibleng para sa akin. Hanggang pangarap lang dapat. Tinanggap ko iyon noon.
Kaya ngayong nahahawakan ko siya ng ganito, at mahahawakan ko siya sa ano mang
paraang gusto ko, hindi parin ako halos makapaniwala!

Marahan niyang hinuli ang kamay ko. Nagkatinginan kami. Dinala niya iyon sa kanyang
labi. My heart pounded merrily when his soft lips tickled me with kisses.
Pagkatapos ay iginiya niya ang kamay ko sa kanyang panga. Bumaba naman ang kamay
niya sa aking palapulsuhan.

Banayad kong hinaplos ang matigas niyang panga. His smooth jaw told me that he
really did shave his stubble. But, I can't decide. Gusto ko rin siyang makita na
may ganoon.

Pinaglaruan niya ang bracelet sa palapulsuhan ko at hinaplos na rin ang namumulang


marka nito. I don't remember how I got the red marks but all I know is that it's
from our passionate night.

"Does it hurt?" he asked, seriously.

"Eto?" I asked him back, confirming if he means the red marks.

His mouth twisted, trying to hide the smile with a serious and angry expression. I
immitated his expression. I know what he's thinking.

"Kung eto, hindi naman," sagot ko.

He then pulled me closer. His arm is on my pillow kaya madali lang niya akong
mapapalapit sa kanya.

"I tried hard to be gentle..." he whispered on my ear.

Ang isang braso niya ay inangkin na ang aking dibdib at niyakap na ako ng medyo
mahigpit. His heavy leg covered my legs. He pushed it to close the gap of my knees.

I pouted. I am sore down there. May mga namula rin sa aking katawan gaya na lamang
nitong sa palapulsuhan pero hindi ko naman ramdam ang sakit doon kaya okay lang.
And besides... I love everything that happened. Kahit pa masakit at halos maiyak
ako.

"Okay lang. Next time... hmmm..." hindi ko maituloy ang sasabihin.


His nose carressed my cheek and my ear.

"You want a next time, huh?" aniya.

I twisted my lips. Unti-unting nangibabaw ang hiya sa akin. Pumikit ako ng mariin.
Alam kong nakatitig siya sa akin. He chuckled.

"I can't just stop myself. You make me lose my control," napapaos niyang sinabi.

Tiningnan ko ang braso niya. Marahan ko ring hinawakan iyon. Dahan-dahan, isa-isa
ang mga daliri na dumapo sa tigas ng kanyang braso. I still can't process it all. I
can touch him whenever I want wherever I want. Ang dating pinapangarap ko lang,
ngayon nasa harap ko na.

And for a moment, we remained that way in silence. Tanging ang paghinga lamang ang
naririnig naming dalawa. I thought he's asleep. Nang nilingon ko siya'y nakatitig
lamang siya sa akin, tila ba hindi makapaniwala na naroon ako. Hinaplos niya ang
aking buhok habang nanatili kaming tahimik pareho.

"Sandali lang, babangon lang ako..." sabi ko nang kinain na ng kuryusidad.

I am wide awake now. Tired and sore but there are so many things inside my head. It
won't let me sleep. Inangat niya ang kamay niya at hinayaan akong makawala.

Dahan-dahan akong bumangon. He sighed heavily, just watching me move a bit. Nang
naparte ang aking mga hita para sa pagbaba sa sahig ay naramdaman ko ang hapdi.
Napapikit ako ng mariin at napatigil dahil doon. His large hand immediately covered
my waist. Naramdaman ko ang pagbangon niya.

"A-Ayos lang ako," sabi ko at pilit na inangat ang sarili para ipakita na ayos lang
talaga ako.

It hurt, alright. But then I can walk a bit, just slowly. Nakatapis sa akin ang
isang manipis na kumot at hinayaan niya akong kunin iyon doon para lang maitapis sa
sarili. With my long brown hair freely falling behind me, the white cloth covering
my whole body making it look like a small pyramid with my head on top of it, I
started walking around the bed slowly.

Nakaupo na si Raj sa kama. His upper body is naked. Natatabunan naman ang kanyang
baywang pababa ng puting kumot. Sinundan niya ako ng tingin sa ginagawa ko.

"We still have to talk," I hear the slight pang of fear in his voice. "You can't
go..."

Umiling ako. "Hindi ako aalis."

Unti-unti akong lumapit sa salaming pintuan na ipinapakita ang kabuuan ng masiglang


syudad. Kahit gabi, punong-puno ng ilaw ang natatanaw ko. Hindi ganito katayog ang
condo ko at iba pala ang pakiramdam kung nasa pinakatuktok ka ng isa sa
pinakamatayog na building sa lugar na iyon.

Bumaba ang tingin ko sa lock ng pintuan. Using my right hand, I clicked it so I can
have a clearer view of it all. Nang umapak ako sa balkonahe ay agad akong
sinalubong ng malamig na hangin. I shivered the moment I realized that even the
sheets can't handle the cold.

Sa malamig na mga paa, lumapit ako sa konkretong barandilya ng balkonahe para mas
matingnan ng mabuti ang mundong tingin ko'y hindi para sa akin. The wind blew my
hair slowly, reminding me that I am naked.
Dalawang upuan ang nasa tabi ng bilugang lamesa. Naisip kong lumapit pero nanatili
ang mga mata ko sa kabuuan ng syudad. The lights glittered differently. Ang mga
matatayog na building sa harap ay nag-uunahang abutin ang langit.

Naramdaman ko agad ang init ng katawang nasa likod ko. Bago ko pa malingon ay
niyakap na ako ni Raj galing doon. He's already dressed with a white cotton t-shirt
and cotton shorts, too. He inhaled the scent of my hair making me move a bit
bracing the sensation of his lips.

"Do you like this view?" he asked huskily.

Marahan akong tumango. Tumingala ako at nakitang ilang palapag na lang ay dulo na
ng building. He's on the topmost floor. This is the second floor of his penthouse.
At kanina, kahit sa dilim ay nakita ko sa pasilyo ang isa pang hagdanan at tingin
ko'y patungo iyon sa pangatlong palapag na parte parin ng kanyang pag-aari.

Nawala ang lamig na nararamdaman ko dahil sa init ng kanyang yakap. And I wonder if
he is cold, instead. He is sheltering me from the cold, even when he's cold, too,
for sure.

"Ang laki pala talaga ng mundo..." I said randomly.

Hindi ko maikakaila na noon man, akala ko ang Costa Leona na ang mundo ko. Nang
lumaki at napunta ako sa Iloilo, I never asked for anything more. Alam ko na malaki
ang mundo pero hindi na ako nangarap pa. I was contented where I was. Just enough
for me, even though I know there are so many things to explore.

"There are bigger cities than this, Leil," he said slowly.

Tumango ako. I've read it on books. Nasabi rin ni Primrose at Cresia sa akin. The
Ledesmas go abroad sometimes and I see it on pictures. Nang sinabi ko noon kay
Prince na gusto ko rin makita ang ganoong tanawin o makapagtrabaho sa ganoong
lugar, sinasabi niya sa akin na tama na sa akin ang Iloilo.

Now, I'm here because of Prince. I thank him for letting me see a bigger and more
wonderful world. Chaotic but beautiful.

"We'll spend all our days going from cities to cities. Sabihin mo lang sa akin kung
saan mo gustong pumunta."

My face heated at his words. Hindi ko alam bakit nasasaktan ako. Gusto ko iyon,
Raj. Hindi ko alam na pwede ko palang pangarapin iyan. Akala ko, pili lang ang
pwedeng pangarapin ng mga tao. Akala ko may limitasyon lang ang pangarap ng isang
tulad ko.

"Gusto kong... puntahan ang mga napuntahan mo na," tanging nasabi ko.

I remember dreaming of being with him wherever he goes. I remember thinking about
it over and over again. Na anong pakiramdam kung kasama niya ako sa lugar kung
nasaan siya. Dahil ngayon, pakiramdam ko, ito ang pinakamagandang tanawin para sa
akin. Dahil kasama ko siya. Dahil sa wakas, nagkatotoo ang noo'y iniisip ko lang.

"Okay, then. Let's start with the nearest countries," he said.

Ngumiti ako at narealize na kahit sinasabi niya na, parang imposible parin. Paano
ang trabaho naming dalawa?

Paano...
Paano kami? Paano ang mga tao sa aming paligid?

Paano ang hustisya na kailangan ng pamilya niya? Paano ang pamilya niya? Paano ang
kanyang Mama? Paano ang lahat?

I sighed heavily thinking hopelessly about it. Hinigpitan niya pa lalo ang
pagkakayakap sa akin at pilit na tiningnan ang aking mukha.

"I'm serious, Leil," he said.

Yumuko ako at tiningnan ang kanyang mga braso na nakapulupot sa aking katawan.
Kinalas niya ang yakap sa akin at hinila niya ako patungo sa upuan. Naupo siya
roon. With his thighs spread apart, he pulled me to him.

Iginiya niya ako sa pag-upo sa kanyang kandungan. My feet went cold from all of it.
Naramdaman niya iyon kaya sinalo ng kanyang mga paa ang akin para makaramdam ako ng
init sa kanyang katawan.

He hugged me tighter while we were sitting. Hindi ko maikakaila na mas mainit nga
kapag nakaupo kaming dalawa.

Nanatili ang mga mata ko sa tanawin. Siya naman ay nanatiling nakatitig sa akin. He
sighed heavily again. Like something is really bothering him.

"I want to know..." sabi niya habang inaayos ang konting tikwas ng mga takas kong
buhok.

Nilagay niya iyon sa likod ng aking tainga. Then his hand went to my chin for a
little carressing.

"Where do I stand in your life?" he asked huskily.

My heart thudded very loud at his question. Bumaon ang kanyang mukha sa aking leeg.

"Jesus, I sound desperate!" he murmurred.

Parang nilulukot at tinarakan ng punyal ang aking puso. My face heated so much that
I couldn't even try to look at him. Nakabawi siya at muling nanatili ang titig sa
akin.

"What am I to you?" mas paos niyang tanong ngayon.

Pinaglaruan ko ang bracelet ko. Hindi ko sigurado kung kaninong puso ang
nararamdaman kong sobrang bilis at lakas. Kung sa akin ba. Sa kanya. O sa aming
dalawa... sabay.

"You can't take back what you said. You just told me that you're mine! And I am
fully giving you all of me, Leil," aniya.

He murmurred some curse words again. Nararamdaman ko ang frustration niya pero alam
kong maiintindihan niya ang mga dahilan ko.

"And..." he whispered. "You said we can make love again next time. Hindi mo gagawin
iyon kasama ang kaibigan mo... o kakilala mo lang, Leil. It has to be with your...
boyfriend... though, in fact, it should only be with your... husband," he said with
an emphasis to the last word.

"H-Huh?!"
Para akong natunaw. My heart beated wildly at the thought of him marrying me! No!
Hindi niya sinabing gusto niyang pakasalan ako pero bakit iyon agad ang naisip ko!?

Ang imahe ng hindi kilalang babae na naglalakad sa altar patungo kay Raj, habang
ako'y pumapalakpak at masaya para sa kanya, ay unti-unting napapalitan ngayon.
Nakakahiyang isipin at aminin na masyado na talaga yata akong matayog mangarap
ngayon! Hindi na makuntento sa konting atensyon na ibinibigay niya! Gusto na ang
lahat ng sa kanya!

But it will be really hard! I know he knows that!

"Baby, you know where this will lead to..." he whispered softly. "I can't be your
boyfriend forever. I will marry you..."

My breathing hitched. I am literally panicking right now. Tingin ko ay pansin niya


iyon kaya mas lalong itinama ang sinabi. Mas lalong kinlaro! Kaya mas lalo tuloy
akong nataranta!

Is this real?

"Tell me we're back together right now, please..." punong-puno ng pagsusumamo ang
kanyang tinig na pakiramdam ko'y mahihimatay na ako.

Kinalma ko ang sarili ko at kinagat ko ang aking pang ibabang labi. Kanina ko pa
ito naisip at may desisyon na ako para sa aming dalawa. I just don't know if he
will like it or he will settle for it. Pero sa ngayon, alam kong hindi pa tama.

I want him but we can't tell everyone that we're together. Hindi pa nahahanap si
Papa at wala pang hustisya ang kanyang pamilya. At kahit mahanap man si Papa at
magkaroon ng hustisya, hindi parin ako sigurado na matatanggap ako ng kanyang
pamilya.

"Para n-na rin namang tayo..." marahan kong sinabi habang inaabala ang sarili sa
paglalaro sa bracelet.

Hindi ko na hawak ang kumot ngayon kaya bahagya itong bumuka, revealing a bit of my
chest. Si Raj na ang mismong humawak sa kumot para matabunan ang buong katawan ko.

"I want the label. Hindi pwedeng ganito, Leil."

I sighed. "Hindi pa ako handa para magka boyfriend."

He stiffened at that. Ngumuso ako at nanatili ang mga mata sa kawalan. My heart is
aching and bleeding but I am happy for whatever reason. I am extremely happy.

"Really..." his tone went darker and lower. "You're using that line for me..."

I pouted more when I realized that he's right. He muttered more curses.

"Kung ganoon, maghihintay ako..." he said huskily.

Umiling ulit ako. "Pero... pwede tayong..."

Hindi siya nagsalita. It was like he's looking forward to whatever I am going to
say. Natakot tuloy ako na madismaya siya masyado sa offer ko sa kanya.

"Fling muna..."
He did not react immediately but after a long while, he gave out a low growl of
laughter. Uminit pa lalo ang pisngi ko sa kahihiyan sa offer ko para sa kanya. He
hugged me tighter and shook my body a bit. I can sense that he's growing a little
impatient.

"Do you even know what you're talking about, Leil? That's not what I want us to
be!" he said in another frustrated but humorous tone.

"Alam ko 'yan. Ganyan ang ginagawa kapag gusto mong parang kayo pero ayaw mong may
makaalam o... at... walang commitment-"

"But I want your commitment. I gave you mine!" paliwanag niya.

Hindi na ako nagsalita. Alam kong hindi niya magugustuhan ang offer ko.

"And I'm done with the secret thing about us! I want everyone to know, baby. But if
you want so much to still keep us a secret, then, I will try my best! Please, I
don't want flings with you."

Hindi parin ako nagsalita. Konting-konti na lang talaga makukumbinsi na ako ni Raj.
Mahirap ang ganito. Mahirap kapag alam mong gustong gusto mo rin ang gusto niya.
Pero kung walang mag-iisip sa amin ng tama, at puro nararamdaman lang ang
paiiralin, mahihirapan kaming dalawa.

"I want a fling," tanging nasabi ko pagkatapos ng ilang sandali niyang pag-aabang.

He groaned. Tumingala siya, tila nauubusan na talaga ng pasensya. Pagkatapos ng


ilang sandali muling katahimikan sa aming dalawa ay ibinaon niya ang kanyang mukha
sa aking leeg at mas lalong hinigpitan ang yakap sa akin.

"You want me to be your boytoy, huh?" he said with anger dripping like acid.

"Kung ayaw mo-"

"Fine. If that's what you can only offer, I'll take it!" he whispered on my neck.

Napapikit ako ng marahan. Nabunutan ako ng tinik doon. Akala ko mag-aaway kaming
dalawa dahil doon. O papaalisin niya ako rito at hindi na kami magkikitang muli
dahil don! I was prepared for the worst!

"I'll take anything you'll offer for me, anyway..." he said in a weaker tone.

We remained that way for a long while. Tinitigan kong muli ang dagat ng mga ilaw sa
aming harap. I wonder if we can ever have a normal relationship? The one involving
our families happy for us. Not that I have anyone but... I have Lola Brosing and
Ma'am Avila, the Ledesmas, and Cresia.

"But I am your boyfriend," aniya.

"Huh?" sumulyap ako sa kanya.

Nakatitig na rin siya sa akin ngayon, seryoso. Ang kanyang mga mata ay punong puno
ng hindi ko mapangalanang emosyon. It was like devotion with pride, and so many
other feelings that I couldn't fathom.

"For me, I'm your boyfriend. You're not a fling. You are my girlfriend."

Iniwas ko ang mga mata ko sa kanya. May naaalala.


"Pero kung tatratuhin mo ako gaya ng trato mo sa mga ka fling mo, okay lang-"

He put his palms on my lips softly trying to stifle my words and he was successful.
Hindi ko na nadagdagan pa ang aking mga salita.

"I never treated you that way. And I will never, Leil. Girlfriend kita. And it
won't be long until we step this up. Kaya... huwag mo akong paglaruan ng ganito,"
he said like I am the evil one.

Though, maybe. Maybe I am. Maybe he's right. Kasi ako ang may gusto nito.

Binaba niya ang kamay niya sa aking dibdib. Wala na akong sinabi. Hindi na rin muna
siya nagsalita. Just his little sighes every now and then. His hairy legs playing
with my cold feet and his lips kissing my nape softly. Bawat ilang segundo ay
naninindig ang balahibo ko.

Bumaba ang kanyang isang kamay sa aking tiyan. Hinagod niya iyon ng ilang sandali
hanggang sa unti-unti kong natanto kung ano ang maaaring iniisip niya. Bago ko
maisatinig ay nagsalita na siya.

"You're worried about my family," he stated.

My other thoughts blanked. Alam naming dalawa iyon. Hindi niya na kailangang
magtanong. It was like a silent language between us. We don't have to talk about
it. We knew what was the problem and we knew how to solve it. Hindi nga lang ako
sigurado kung talaga bang matatapos ang lahat ng iyon kapag nahuli na si Papa.

"Naiintindihan ko ang pamilya mo, Raj..." sabi ko.

"But they have no choice when you are my choice," mataman niyang sinabi.

Maagap akong umiling. "May karapatan silang lahat na magalit sa akin at kamuhian
ako. Raj, anak ako ng taong..."

Tears formed beside my eyes. Tumigil ako para pigilan ang panginginig ng boses
ngunit nang nagsalitang muli ay ganoon parin.

"T-Taong pumatay sa Papa mo!"

Tears rolled down my cheeks. I know he's affected even when he says he's not. Or
pretends he's not. He buried his face on my hair and renewed his embrace again.

"Ang taong lumabag sa Mama m-mo..."

Humikbi ako. Umahon siya at dinama ang aking pisngi para mapalis ang luha roon. He
positioned me properly in his side view para mas madali ang tinginan namin at mas
mapadali rin ang pag punas niya sa luha ko.

"Pero hindi ikaw 'yon..." diniinan niya ang bawat salita na tila ba matatanggal ang
galit ng pamilya niya sa akin kung ganoon ang gagawin niya.

Tinitigan ko siya. He wiped some of my tears away. Hindi siya nakatingin sa akin,
kundi sa mga luhang pinapalis niya.

"Pero galit parin sila, hindi ba? At hindi ko sila masisisi, Raj. Kahit ikaw, hindi
ko masisisi kung nagalit ka sa akin... o kung gusto mo akong patayin-"

"They will understand it eventually!"


"At habang hindi pa, ano? Gigipitin ka lang muna? Tatanggalan ka ng karapatan sa
inyo?"

Kahit sa dilim, sa mumunting ilaw lang na nagliliwanag, at sa buwang nasa itaas,


nakikita ko ang pag-igting ng kanyang panga. Paulit ulit at mariin. Pakiramdam ko'y
nagulat ko siya. Hindi ko kailanman sinabi sa kanya na alam ko ang nangyari noon.
Na kaya kami naghiwalay noon ay dahil dito.

Though, for sure it was one of his guesses. Pero paano niya maiisip na alam ko kung
hindi niya kailanman sinabi sa akin na nahihirapan siya sa kompanya o sa trabaho?
Na nagalit sa kanya ang pamilya?

Unti-unti kong iniwas muli ang aking tingin sa kanya. I suddenly feel guilty that I
did not tell him about the reason why we broke up years ago.

"I know this is one of the reasons why you broke up with me years ago," aniya sa
isang malamig na tono.

"This is... the only reason why, Raj," pagtatama ko.

Pumikit siya ng mariin. When he opened his eyes, a new level of anger were on it.
He snaked his hand on my waist and pulled me closer to him. Kapag gumalaw pa ako
pakaliwa ay tatama na ang kanyang labi sa akin kaya hindi muna ako gumalaw.

"Sorry. Alam kong 'di mo ako papayagang umalis k-kung iyon ang s-sinabi ko..." I
said guiltily.

Nilapit niya ang labi niya sa aking tainga. Akala ko hahalikan niya ako pero
nagkamali ako.

"Don't fucking do that again."

"I'm sorry," I said miserably. Mas bigo pa kanina.

He pulled me closer and he rested his nose on me cheek. The silence stretched again
while the night is slowly getting old.

"Buti alam mo na hindi kita pakakawalan kung ganoon ka babaw ang rason mo."

Hinampas ko ang braso niya. I know he'll get mad but I never thought he'd say those
words!

"Mababaw? Para iyon sa'yo!" giit ko.

"Kaya kong makuha ulit ang mga kompanya. Kaya ko ring magsimulang mag-isa. I was
taught independence at an early age, I am very sure I won't fail in anything. You
should've trusted me more!"

"P-Pero-"

"We wasted years without each other! I was almost angry with you! I thought you
fell for someone else just because I am busy with my fucking work!"

Natutop ko na lang ang labi ko. Ramdam na ramdam ko ang nanginginig niyang galit.

"I even thought my baby fucking cheated on me..." he said weakly.

Umiling lamang ako, takot na kung magsasalita pa ay mas lalo siyang magalit.
"But I know you never got involved with anyone. Not even that boy."

Yes, Raj. Because maybe, I will be just hopelessly in love with you eternally. Kasi
noon pa lang, baliw na ako sa'yo. Ngayon, lalo. At siguradong sa mga susunod na
taon, mas matindi pa.

"Subukan mong gawin ulit sa akin 'yon, Leil. Makikita mo..." banta niyang nagpakaba
at nagpasakit sa aking puso.

Mabilis ang kanyang hininga. Ramdam na ramdam ko ang galit na namuo kanina. At
ramdam ko rin ang pagkokontrol at pagkakalma niya sa kanyang sarili. Hinaplos ko
ang kanyang braso. He then kissed my cheek slowly until he found my lips. He kissed
me tenderly until he found peace in his own emotions.

"I'll find your father. We'll end it all. And you're going to marry me," aniya.

Ayaw kong isiping muli ang eksenang kanina pa naglalaro sa isipan ko. Soleil, not
clapping on his wedding day. Soleil, not away, broken and hurt because he's getting
married. But... Soleil, the bride... his bride.

"Hindi tayo sigurado kung mapapatawad ako ng pamilya mo kapag nahuli na ang Papa
ko, Raj."

"My mother will eventually accept it. My family will eventually support-"

"Paano kung gipitin ka ulit-"

"Wala akong pakealam sa ibang bagay, Leil."

Huminga ako ng malalim at nagpaubaya na lamang. I don't always find peace in this
life but incredibly, even with all the problems we have... I found peace right now.

Tumingin ako sa buong syudad. Humilig at nagpaubaya ako sa dibdib ni Raj. Smelling
his wonderful manly scent made me feel secure for whatever reason. It made me
forget about anything.

I rubbed my cheek on his chest and he renewed his embrace to me again. Hinaplos
niya ang aking buhok. Pumikit ako ng marahan, finally feeling at peace and ready to
rest.

He has Riegosteel but I cannot tell if he can still have it kapag nalaman ang
tungkol sa akin. At nagrerepresent na rin siya sa VHRV, ang pinakamalaki sa Riego
Industries. Ibig sabihin, naghahanda na rin si Ares Riego, na ipasa kay Raoul ulit
ang pamamahala noon. And all of that just because they think we're over years ago.

"I can start on my own. I can easily do it. Just trust me."

I have no doubt about that. A Riego, his calibre, and most especially Raoul
Vesarius Riego, can surely do whatever he wants and still end up successful.

But it hurts me everytime I think I complicate his life that way.

"No matter what, I have to have you," he whispered.

My heart ached at that. Nalukot ang mukha ko sa sakit ng naramdaman. Sa sakit sa


tinig niya. Sa sakit para sa aming dalawa. I buried my face on his chest and
inhaled his scent. I want him on my system forever. I want him to rule my senses...
I want him to flow in my veins. I just simply want him.
"And you have all of me. From the very beginning."

Mas lalong humigpit ang hawak ko sa kanya.

"Sa'yong sa'yo lang ako. Kahit anong mangyari, sa'yo lang ako."

It was very comforting to fall asleep it his arms. At unti-unting dumilat ang aking
mga mata nang nilapag niya ako sa kama. Ngunit natulog din ulit ako nang naramdaman
ang yakap niya at ang buntong hininga sa aking tabi. Knowing that we are together,
even amidst the chaos, is comforting me... making me at peace.

Gaya ng tanawin sa labas. Kahit gaano kagulo, maganda parin. Kahit gaano ka
masalimuot, sa huli, magiging payapa rin. And I hope against all hopes that when I
wake up tomorrow, this isn't just another dream. Another of my make believe.
Another of my most private daydreams. Because Raj feels so real... my feelings for
him feels more real than anything in my life.

Kabanata 36
Kabanata 36

Secret

"I cannot believe you risked that, Leil! Paano na lang kung may nangyaring masama
sa'yo?" Prince sounds hysterical on a Monday morning.

Tinabi ko ang mga papel na binabasa kanina nang wala pa siya. Tatlumpong minuto pa
lang simula nang dumating ako rito sa opisina, he quickly walked towards my office
just to tell me about my behavior last Friday.

"Pasensya na, Prince. Hindi lang ako naging kumportable sa bar."

"You could've texted me, instead!? Or told me that you want to go out! Sasamahan
kita, Leil!"

Pagod akong bumuntong-hininga.

"Naiwan ko sa condo ko ang cellphone ko, Prince-"

Prince looked at me with rage in his eyes. Bago niya pa ako mabugahan ng susunod na
sasabihin ay isang katok na ang narinig ko sa pintuan. Laki ng pasasalamat ko kay
Cresia. Lalo na nang walang pag-aalinlangan niyang binuksan ang pintuan ng opisina
at agad na nag-ingay.

"Hello! I brought you snacks!!! Oopps..."

Natutop ng kaibigan ko ang kanyang labi. Prince glared at me for a few moments bago
ito tuluyang tumalikod at nilagpasan si Cresia palabas.

I sighed. Alam ko ang pinunta ng kaibigan ko. At kahit na tingin niya'y awkward ang
nangyari, nakitaan ko parin ng ngisi ang kanyang ekspresyon habang sinusundan ng
tingin si Prince palayo. She closed the door slowly bago bumaling sa akin na tila
may sisingiling utang.

Last Friday, when Raoul texted her that we're together, si Cresia na ang gumawa ng
paraan para ma explain sa mga kaibigan namin ang nangyari. Hindi ko alam paano niya
napapaniwala si Prince na sa condo niya ako natulog.

Ang sabi'y sa pag-aalala ni Prince, pumunta siya sa condo ko at kinatok iyon. When
he realized that there's no one there, he called Cresia. Mabuti at mabilis namang
nakagawa ng excuse si Cresia para sa akin. Hindi na nangulit pa si Prince
pagkatapos doon.

Well, looking back, I must say I owe Cresia everything. Alam kong sasabihin ko rin
dapat kay Prince ang mga nangyayari pero hindi pa ako makahanap ng tamang tyempo.
Kaya tama lang ang ginawa ni Cresia.

And that weekend had been the most wonderful and memorable weekend of my life, yet.

Saturday morning, Raj cooked our breakfast. Pinagmasdan ko siya habang ginagawa
iyon. Nasa counter ako, nakaupo sa high chair, at umiinom ng kape. At ang tanging
naiisip ko lang sa oras na iyon ay kung gaano ako ka swerte para makaupo rito at
mapagmasdan siya.

"What are your plans for today?" tanong ni Raoul habang kumakain na kami.

Pinagmasdan kong mabuti ang mga ulam na niluto niya. While he's interested with my
day, I'm interested with his small details. Inangat ko ang tingin ko sa kanya para
masagot.

"Hm. Baka mamili. Pagkatapos... wala na. Ikaw?"

"Sasamahan kita," he said.

My eyes lingered on him. I saw an invitation to a party on an exclusive hotel here


in BGC for him. Mamayang gabi iyon. It looks formal and important. Kaya imposibleng
hindi siya dadalo roon.

"Nakita ko 'yong party invitation mo sa side table, hindi mo ba pupuntahan 'yon?"

Tumaas ang isang kilay niya at nanatili ang mariing titig sa akin. I equalled his
hard stare with a soft one. Natigil lamang ang titig ko nang naramdaman ko ang
kamay niyang pumatong sa hita ko.

"Well, we can go. I'll just let one of my secretaries buy you a dress for it?"

Hinagod niya ang hita ko. The move sent shivers down my spine. I feel like he can
damn well manipulate me easily. At alam ko kung bakit niya ginagawa ito. Having me
join him on that party will mean we'll be seen by people. Hindi man kami kailanman
nakita na magkasama, alam ko kung gaano kalaking intriga iyon kapag nangyari. It
will defeat my request to a fling with him.

"Alam ko ang ginagawa mo..." marahan kong sinabi, hindi matakasan ang pang-aakit
niya.

"What?" he said innocently while his hand is nearing my inner thigh.

Ngumuso ako at matalim siyang tiningnan.

"Alam mong hindi ako pwedeng pumunta, 'di ba?"

"Then, I won't go, too. We can just stay here tonight and cuddle."

Hindi pa nga ako nakakauwi sa condo ko, may plano na siya na dito ulit ako matulog.
I continued glaring at him. His playful eyes remained at me, too. Uminit ang pisngi
ko at sapilitan pa ang pag-iling.

"Pumunta ka na lang sa party mamaya."


"It isn't important. I can skip. And you won't join me... so..." nagkibit siya ng
balikat, ginagawa pa akong rason.

I don't know why I want him to join the party. Siguro dahil gusto kong kahit narito
ako sa buhay niya, hindi niya makakalimutan ang sarili niyang buhay. Without me,
he'd go to that party and enjoy himself for sure. Now that I'm here, he's using
that to convince me to show up with him to the public, or he won't show up at all.

I covered his hand on my thigh. Dahan-dahan ay inangat ko ang haplos sa kanyang


palapulsuhan. His eyes fell on it. Pinagmasdan niya ang ginagawa ko, nakaigting ang
panga.

"Hihintayin kita sa labas ng hotel, kung pupunta ka..."

"Why don't you join me instead?" pilit niya kahit alam niya ang dahilan ko roon.

"Sasama ako sa'yo pag-uwi. Dito ulit ako matutulog."

His eyes lifted on me. Bumuntong hininga siya at tumuwid sa pagkakaupo. I smirked.
He glared at me, looking defeated. But then his eyes turned vicious again!
Kinabahan tuloy ako.

"Bring your things here, then,' he bargained.

I cannot believe him. Simple lang naman ang hinihingi ko sa kanya pero mukhang
seryoso siya sa mga plano niya sa akin.

"Hindi pwede. Uuwi ako pagka Sunday dahil may trabaho ako sa Lunes, Raj."

"I'll drive you to your workplace."

Bigo ko siyang tiningnan. Sa huli ay sumilay ang ngiti sa aking labi. Hinagod ng
kamay niya ang aking hita at paakyat sa aking tiyan bago ako pinalupot at hinila
patungo sa kanya.

He hugged me tight. He buried his face on my left shoulder. At sa higpit ng yakap


niya'y parang hindi na ako makakatakas ano man ang gawin ko.

"Fine. You always have it your way, huh. One day..." he uttered the last words like
a warning, hindi man nadugtungan kung anong gagawin niya balang araw.

Ngumiti ako at niyakap din siya ng mahigpit. Umangat ang aking damit dahil sa yakap
ko sa leeg niya. I can feel my inner thighs and butt showing a bit. Wala mang tao
maliban sa amin dito sa unit niya, nakakahiya parin iyon. He pulled the hem of his
shirt down just to cover my showing skin.

Mas lalong humigpit ang yakap ko sa kanya. Hindi ko alam kung bakit biglang umalon
ang damdamin ko. Parang kinukurot ang puso ko.

"Bakit kasi panty lang ang pinabili mo sa sekretarya mo? Sana pati s-shorts..." I
said with a shaking voice.

"I'll put a stock of your clothes here from now on," tanging nasabi niya habang
magkayakap kami.

Hindi matanggal iyon sa aking isipan habang nasa isang coffeeshop sa labas lamang
ng hotel na tinukoy doon sa invitation. Raj did what I wanted him to do. Ayaw niya
man, ramdam ko iyon, pinilit niya ang sarili niya.
Nag grocery kami at pumuntang condo unit ko para ilagay doon ang mga pinamili.
Nagbihis ako at bumalik ulit kami sa condo unit niya para makapaghanda na siya sa
party na tinukoy ko.

He had been patient with my social life. I should be patient with him, too. Hindi
pwedeng dahil nandito ako, wala na siyang ibang gagawin kundi sumama sa akin. May
buhay siya, maliban sa akin. May buhay siya, bago ako. At meron parin, ngayong
nandito ako.

The strip was full of so many people trying to find entertainment in this place.
Sumimsim ako sa kapeng iniinom habang naaaliw na tinitingnan ang mga taong kung
hindi mukhang pupunta ng party ay nagkakatuwaan naman habang naglalakad.

I'm ready for a night full of reading while waiting for... Raj to pick me up. At
makauwi na kami. Pinagpatuloy kong muli ang pagbabasa ng libro nang biglang may
naaninag akong anino sa harap ko.

He dragged the chair out, like a lion slowly moving, at naupo na siya roon. Raoul
Riego, my fling and secret boyfriend in his dark and manly tuxedo, sat in front of
me like nothing happened. Bumuntong hininga ako. Isang oras pa lang siyang
nawawala. Not quite what I expected.

"Tapos na ang party?"

Umangat ang gilid ng kanyang labi.

"At least I showed up like what you want."

Binaba ko ang libro at binigyan na lamang siya ng bigo pero naaaliw na titig. He
equalled it with a more intense stare.

"By the way, I got interviewed by some random press. They asked me if I have a
girlfriend, I said yes."

Napatuwid ako sa pagkakaupo sa kaba at gulat sa sinabi niya. Mukhang natuwa siya sa
naging reaksyon ko. He rested his hand on my thigh.

"Tapos?"

"I said it's still a secret. And I meant you. So you can't make the rumors about it
an issue anymore..." he said while slightly glaring at me.

Ngumuso ako para pigilan ang ngiti pero sa kalaunan ay hindi ko na nakayanan. I
smiled shamelessly thinking about it. I'm Raj's girlfriend. In public! Hindi
sekreto!

Alam kong ayaw kong may makaalam pero hindi ko maiwasang matuwa kapag naiisip ang
posibilidad na ganoon nga.

"Let's go home," he said while slowly stroking my thigh, making me a bit feverish
from it all.

Uminit ang pisngi ko habang idinidetalye sa kaibigan ang nangyari. Just except of
course on the part about how we did it.

Tulala si Cresia, isang bagay na ikinagulat ko. I expected her to be loud but after
my last revelation, natulala na lamang siya sa harap ko.
Kagat-labi akong ngumiti. Sobrang init ng pisngi ko.

"WHAT?" she screamed out loud dramatically.

Unti-unting napalitan ng malaking ngisi ang kanina'y gulantang na mukha. Sumabog


agad ang pintuan ng opisina ko sa gitna ng pagdiriwang ni Cresia.

Gino, with a offensive stance and a serious face force opened my office door.
Kitang-kita ko ang kuryosong mga empleyado sa labas, inaangat ang mga leeg para
makita kung anong meron.

Gino's eyes filtered the room.

"What's wrong?!" Cresia's tone changed immediately.

Kung kanina'y tuwang tuwa siya, ngayon, she sounds offended.

Tumingin si Gino sa akin. Wala akong naigawad kundi pagkamangha at pagtataka sa


bigla niyang ginawa. Gino licked his lower lip then turned to Cresia.

"Stop screaming like that," he said in a serious tone.

Nahahapong tinuro ni Cresia ang sarili.

"What? I can't be excited now?"

Gino turned away. He closed the door at iniwan nang muli kami. Ang kaninang
magandang disposasyon ng kaibigan ay napalitan ng galit. Agaran din naman itong
nakabawi. Although, I am not sure if she's alright or she just doesn't want to look
affected with his bodyguard.

"Stupid bodyguard. Professional daw..." she hissed. "Anyway..."

Napalitan agad ng excitement ang kanyang mukha para sa detalyeng hindi ko naman
sasabihin. Kinulit niya ako kahit na may ginagawang trabaho.

I arranged my things and she's tailing me for the juicy details of all of it.

"Magaling ba, Leil?" then she screeched at her own words.

Uminit ang pisngi ko sa tanong ni Cresia. Kaya nagdadalawang-isip ako kaninang


ikwento sa kanya ito dahil alam kong walang preno ang mga magiging tanong niya.

"For sure he's good in bed. Daming 'di nakamove on sa Riego na 'yan!"

Huminga ako ng malalim at nilingon siya. I want her to notice my exaggerated


annoyance but she's too dense for it.

"And oh my! He's your first! Baka mabaliw ka niyan sa sobrang galing niya! Baka ma
obsess ka, ha!" She laughed.

Mas lalong uminit ang pisngi ko. Sinapo ko na lang ang noo ko. Talagang nagsisisi
ako ngayon na sinabi ko sa kanya ito.

"Kaya dapat... galingan mo! Next time, mag explore ka ng ibang positions! Huwag
'yong lagi kang nasa ilalim-"

"Cresia!" hindi ko na napigilan.


My thoughts about it were so graphic that I imagine our positions some nights ago.

Lalong lumapad ang ngisi ni Cresia. Nakikita niyang hindi ako kumportable and she
lives for moments like these!

"Sinasabi ko lang naman, para hindi ka niya iwan, dapat medyo matuto ka rin!"

Oh that's enough! Hindi ko na kayang makinig na seryoso ang mukha.

"Hindi pa kami, okay? Huwag ka na muna masyadong mag-isip ng kung anu-ano-"

Napawi ang ngiti ni Cresia. I'm not sure if it's a good thing or bad thing.

"E 'di ano kayo?"

"Fling!" sabi ko na para bang maiintindihan niya kaagad ang sinasabi ko kapag
ginamit ko ang katagang madalas niyang label sa kanyang mga lalaki.

I thought she'd stop and understand. Or just at least stop teasing me about it.
Pero imbes ay mas lalo siyang bumunghalit sa tawa.

"Raoul Riego, ginawang..." she laughed again without finishing her statement.

Kumunot ang noo ko habang hinihintay na ipagpatuloy ni Cresia ang sinabi pero hindi
niya na natuloy sa sobrang tawa.

"Oh my! This is probably the first time in history!" aniya at nagpatuloy ulit sa
pagtawa. "Bakit mo siya ginawang fling!?"

"Hindi pa panahon para maging maayos kami."

She laughed louder again. Para bang sobrang nakakatawa ang estado namin ni Raj.
Nakakahiya tuloy.

"He really is so damn crazy for you, huh?" aniya pagkatapos ng mahaba habang tawa.

Ngumuso ako at nagpatuloy sa mga ginagawa. Kahit pa hindi masyadong makapag


concentrate, ayaw ko namang makipag chikahan na lang kay Cresia the whole time.

"Magkikita ba kayo mamaya?" she asked.

Umiling ako. Kanina kasi'y binilin ni Prince sa akin na magdidinner kami sa bahay
mamaya. Nandito kasi sina Primrose at Arthur at binalitang buntis na si Prim kaya
bilang celebration, magdidinner kami. Sinabi ko na kay Raoul iyon kaya sa araw na
ito, hindi muna kami magkikita.

"Bakit?"

"May dinner kami ng mga Ledesma mamaya dahil sa balita."

"Oh, right! Nandito nga pala si Kuya," ani Cresia habang nagkikibit balikat.

She gave me another creepy smile again.

"Hmm. Sige, may mga bagong advice ako sa'yo."

"Ano?" kunot-noo kong tanong.

"Send him a picture of you na naka underwear ka lang-"


"Cresia!" agap ko and she started laughing hysterically again.

Dumami pa ang mga abiso niya. Hindi ko alam kung seryoso ba iyon o niloloko niya
lang ako. But then she has more experience than me so maybe they are all effective.

Nakakabinging katahimikan ang bumalot sa aking opisina nang umalis si Cresia. I'm
smiling like an idiot habang inaalala ko lahat ng mga sinabi niya na nakakagulat.
Sa huli ay umiling na lamang ako para pigilan ang mga iniisip.

Nagpatuloy ako sa pagtatrabaho. Hapon nang dumating na muli si Princ para sunduin
ako pero hindi kami gaanong nag-usap. Medyo galit parin siya sa akin sa nangyari
noong nakaraan.

My phone rang. I thought it's Raj. Kami kasi iyong nagtitext kanina pero nang
nakita kong galing iyon kay Ma'am Avila, sinagot ko naman iyon.

"Hello..."

"H-Hello, Leil..."

Bahagya akong natigilan sa narinig na tono kay Ma'am. Ma'am Avila's usual formal
voice turned shaky today. Kinabahan tuloy ako. Lalo na dahil nang nilingon ko ang
orasan, alam kong hindi pa niya out sa trabaho ngayon. Madalas kasing tumawag si
Ma'am at Lola tuwing gabi, kung kailan maaaring parehong wala nang ginagawa ang
dalawa.

"Ma'am, a-ano pong nangyari?" nag-aalala kong tanong.

"'Yong Lola mo, isinugod sa ospital k-kanina, Leil."

"Po?"

Bumangon ang kaba sa aking puso. I imagine Lola Brosing lying on a hospital bed.
Kailanman, hindi sumagi sa isipan ko iyon. Buong buhay ko, I imagine the Avilas to
be always healthy. Hindi kailanman nagkakasakit o ano man. At ngayon, parang langit
na bumagsak sa akin ang kaisipang iyon.

"Hinimatay siya habang nagdidilig ng halaman sa bakuran, Leil. Medyo matagal bago
siya nakita kaya lumubha ang kalagayan. Nasa kabilang bayan kami ngayon pero
itatransfer naman daw bukas pabalik sa ospital ng Costa Leona kapag maayos na ang
kalagayan. Hindi pa siya nagigising, L-Leil."

Kinagat ko ang labi ko. I don't know how to support Ma'am Avila while I'm here. At
ang tanging nasa isip ko lamang ngayon ay ang umuwi ng Costa Leona. Pakiramdam ko,
hindi magiging sapat ang suportang pera o salita. Gusto kong pumunta roon at
personal na tumulong sa kanila. They are my family. Kahit pa hindi kadugo o anuman.
I can feel a deep connection with them ever since.

"Uuwi po ako," tanging nasabi ko.

"Leil, hindi na kailangan. Sinasabi ko lang 'to para malaman mo. Kaya ko pa naman
p-pero..." suminghap si Ma'am Avila. "Mag le-leave muna ako sa trabaho para
maalagaan ang Lola mo-"

"Ma'am, uuwi po ako. Tutulungan kita-"

"Leil..." nahahapong pigil ni Ma'am na hindi niya natuloy dahil sa pag-iyak.


Mas determinado na ako ngayon. Uuwi ako para kay Lola at para matulungan ko si
Ma'am Avila. Hindi kailanman nanghingi ng pera sa akin si Ma'am. Kusa akong
nagbibigay. At alam kong hindi rin siya manghihingi ng tulong ngayon kahit na alam
kong mahihirapan siya sa pag-alaga kay Lola kaya ako na mismo ang tutulong.

I've made up my mind. Tamang tama at magkikita kami ng pamilya Ledesma mamaya. I'm
ready to ask for a break para matulungan si Ma'am Avila sa kalagayan ni Lola.

"Prince," I said while we were stuck in traffic inside his car.

Kanina pa kami tahimik. Naiintindihan ko iyon. Bukod sa abala rin ako sa pagtitext
kay Ma'am Avila at Raj, galit parin si Prince sa akin hanggang ngayon. But I want
to be honest with him no matter the situation.

Nilingon niya ako. He looks a bit annoyed. Bumagsak ang mga mata niya sa cellphone
na itinago ko.

"Tapos ka nang makipagtext sa lalaki mo?" aniya.

I texted Raj earlier. Pero ang huli kong katext ay si Ma'am Avila na. Pagod akong
umiling sa kanya.

"Si Ma'am Avila ang katext ko. Prince, sinugod si Lola Brosing sa ospital..."

Bumaling siya sa kalsada at nagsimulang mag maneho ulit nang dumiretso ang traffic
sa harapan. Nagpatuloy ako kahit mukhang hindi siya interesado sa sasabihin ko.

"Uuwi ako ng Costa Leona bukas..." sabi ko.

He remained silent. Nanatili ang kanyang mga mata sa kalsada. Huminga ako ng
malalim.

"Babalik din ako. Pasensya na. Mukhang makaka absent ako ng ilang araw para rito.
Walang ibang katuwang si Ma'am Avila kundi ako."

"Or maybe you are just making this as an excuse?" he accused me.

"Bakit ko gagawin iyon?" nahahapo kong tanong. "Mahal ko si Lola Brosing at kung
gagawa ako ng dahilan, hindi ko kayang paglaruan ang kalagayan niya, Prince..."

"Tsss..."

Hindi ko alam kung ano ang ikinagagalit niya. Kung ano ang iniisip niya at bakit
iyon ang naging paratang niya sa akin.

He parked his car inside their house. Sa garahe pa lang, tanaw na sa hardin ang
engranding rectangular table na hapag. Naroon na ang pamilya at kami na lamang ni
Prince ang hinihintay.

I glanced at my phone to see Raj's message.

Raoul:

Sasamahan kita.

I sighed. I can do it alone. I know he's just worried about me, too. Hindi niya
hawak ang isipan ng mga Riego, lalo na ang mga tao sa Costa Leona na galit parin sa
akin hanggang ngayon. He's worried for me but I know I can do it.
Nagkatinginan kami ni Prince habang nagtitipa ako ng sagot. Sa galit niya'y iniwan
niya ako at nauna na siya sa hardin. Sumunod naman ako at narinig na ang bati ni
Tita Sally para sa aming dalawa.

"My gosh! You're late!" anunsyo ni Primrose sabay beso at yakap na rin sa akin.
"Galing bang date?"

Umiling ako at ngumiti.

Bumaling si Primrose sa kapatid na malamig lamang ang turing nang naupo sa tabi ng
ama. Tumawa si Prim at kunot-noong bumaling sa akin. I silently sat down beside
Prince, too. Napansin agad ng mga tao ang medyo mababang mood ni Prince.

"What's wrong, Prince?" si Tita Sally.

Tito Ton raised his glass to divert the sudden gloomy attention from us. "Let's
just all celebrate because Primrose is pregnant! Magkakaapo na ako!"

They raised their glasses. Sumabay na rin ako. Huli si Tita Sally at napilitan si
Prince na gawin iyon.

"Yehey!" ani Primrose.

"Congratulations!"

I nodded at Arthur. Tumango siya pabalik sa akin bago sumimsim sa champagne na


hinanda.

"I imagine your father very happy about this, Arthur?" si Tito Ton na ngayon ay
pilit na iniiba ang usapan.

Ngumisi si Tita Sally at nakisali na rin sa usapan. Samantalang sa kuryusidad ay


nakatitig naman si Primrose sa aming dalawa ni Prince. Pilit akong nakisabay sa
pinag-uusapan sa hapag habang kumakain. Hindi naman kailanman nakisali si Prince.
At si Primrose, nanatiling kuryoso sa amin.

Panghimagas na ang kinakain nang nakapagreply si Raoul. My phone beeped. I lowered


it down. Lalo na nang naramdaman kong iritado na lalo si Prince dahil doon.

Ako:

Huwag na. Ayos lang ako.

Raoul:

I'm finishing all the meetings tonight. I'll call you later so we can book our
tickets. Please, let me go with you.

Ako:

Raj, please. I can do this. Hindi ko gustong naaapektuhan ka sa problema ko.

"So what is the score between you two? Mukha kayong mag boyfriend na nag-aaway,
ah?" ani Primrose sa kalagitnaan ng ibang topic.

The forced topic immediately died down. At dahil tensyunado na kanina, natahimik
ang lahat at napatingin na sa amin ni Prince. Alam kong gustong baguhin ni Tito Ton
ang usapan pero dahil si Primrose na ang nagbukas, hindi niya magawang ibahin.
"Prim..." pigil ni Tita Sally.

"I just want to know, Mom. I mean..." Binalingan ni Prim ang mga taong kausap bago
nagpatuloy. "We all know that Prince likes Soleil. And Leil... I don't know..."

"Prim," mababang boses ni Arthur ang sumaway sa asawa pero nagpatuloy ang buntis.

Handa na ako sa muling sasabihin. My line from the very beginning is the same and I
don't know why they don't understand or remember it. Bago ko pa masabi ang estado
ng pagkagusto ko kay Prince, inunahan niya na ako.

"She claims that she likes someone else..." ani Prince pagkatapos uminom ng
champagne at binalik na sa hapag.

Namilog ang mga mata ko habang tinitingnan ang katabi. I have no intention in
telling everyone that. Iniisip kong pwedeng si Prince lang ang sabihan ko noon,
tutal ay siya lang naman talaga ang kailangan ng eksplensyon kung bakit hindi ko
kayang suklian ang nararamdaman niya.

Now that he told them that, bahagya akong nagtampo kay Prince. Why would he do
that?

Nang pasadahan ko ng tingin ang pamilya, nasa akin na lahat ng mga mata nila. Tita
Sally looked shocked and offended. Tito Ton looked curious. At si Primrose ay
mukhang bahagyang galit na rin.

"Well, it's not a sin to like someone else..." ani Primrose sa tila pilit na tinig.

Napainom ako ng tubig. Nilingon ko si Prince na ngayon ay matalim ang titig sa


akin.

Hindi ko pwedeng bawiin iyon dahil bukod sa totoo, ayaw kong magsinungaling. Ngunit
kung hindi ko iyon babawiin, they would all ask me who it is. I want to keep it a
secret but I know for sure they all won't settle for it.

"Is it true, Leil?"

Huminga ako ng malalim at bahagyang tumango. Magpapaliwanag pa sana ako pero


naunahan na ako ng medyo galit na si Prim.

"Sino?"

I don't know how this dinner turned like this. Ayaw kong maging mapait ang
kalabasan nito.

"P-Pwede naman siguro natin itong pag-usapan sa ibang pagkakataon-"

"Sino nga? Ang tagal nang nag-aantay ng kapatid ko sa'yo, ah?" Prim said in a more
demanding tone.

Hinawakan siya ni Arthur bilang pag-awat. Tita Sally whispered something to stop
her from lashing out, too.

"She's just making it as an excuse to reject me..." si Prince sa tunog na nang


aakusa.

Umiling ako kay Prince dahil totoo namang may iba akong gusto. Ibang mahal.

"Who is it, Prince? Kilala mo?" si Primrose sa kapatid.


"Hindi niya nga masabi sa akin. I am convinced now that she really is making up
stories to-"

"Raoul Riego..." halos napapikit ako sa sinabi.

How ironic. Ako ang nagsabi kay Raj na fling lang kami dahil ayaw ko munang may
makaalam sa amin. Ngayon, ako naman ang aamin na siya ang mahal ko. I don't want to
lie. At naiipit ako sa sitwasyon ngayon.

"S-Sino?" si Prim na ngayon ay bahagyang natigilan.

Tumuwid sa pagkakaupo si Tita Sally. Tito Ton sipped on his water. And Prince was a
bit shocked with what he heard, kahit pa maliit lamang ang boses ko noon.

"R-Rao... Rieg-"

Hindi ko pa natatapos ay humagalpak na sa tawa si Primrose na tila ba kiniliti ng


kung ano.

Yumuko ako at tiningnan ang panghimagas sa harap. Tita Sally smiled and laughed a
bit with her daughter. At nang nilingon ko si Prince ay nakita ko siyang nakangisi
na rin.

Para makumpirma ang reaksyon ng pamilya, iginala ko ang aking mga mata sa kanila.
Kahit si Tito Ton ay umiling sa akin na parang hindi makapaniwala. Tanging si
Arthur lang ang tahimik at seryosong nakatingin sa akin. The whole family is
laughing at me like I told them a funny joke.

"So for sure you o-only have a crush on him, r-right?" sabi ni Primrose sa boses na
nanginginig sa tawa.

Hindi ako nagsalita. Prince laughed more and shook his head. Paglingon niya sa akin
ay binigyan niya ako ng titig na tila dismayado.

"Leil, do you mean Raoul Vesarius Riego of the VHRV?" nangingiting tanong ni Tita
Sally.

Hindi ako nagsalita. Hindi ko na kailangang ulitin iyon. Dinig nilang lahat pero
mukhang hindi sila naniniwala. I like Raoul Riego. He's not even hard to love. Kaya
bakit hindi sila naniniwala na siya ang gusto ko?

"Leil..." natatawang sinabi ni Tita Sally.

Primrose laughed more. Hinawakan siya ni Arthur, pinipigilan sa pagtawa pero hindi
nito magawa.

"The Riegos are... how do I explain this to you?" bigo niya akong tiningnan.
"Radliegh Riego married Zariyah Leviste and Archer Riego married Nieves Galvez. I
don't think their first born would even..."

Hindi tinuloy ni Tita Sally ang sinabi niya. Yumuko ako. Pakiramdam ko, alam ko na
ang ibig niyang sabihin.

Ang pinakatuktok ng insekyuredad ko ang tinatalakay niya. Mahirap kung ako lang ang
nagsisikap na mabawasan ang tiwala sa sarili. Kung ang ibang tao'y hindi kayang
maniwala, napanghihinaan din ako ng loob.

"Come on! My brother is a Ledesma! Dapat ay masaya ka na sa kanya, Leil! Masyadong


matayog ang pangarap mo!" sabay tawa ulit ni Primrose.

"Stop it, Prim. It's just a crush, I guess..." natatawa ring sinabi ni Prince.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Wala akong pruweba
sa kahit ano at hindi rin kami ni Raj kaya...

"Men like that don't take relationships seriously, Leil," si Tito Ton sa concern na
boses.

"Yes, and here is my son serious about you... pero..." Umiling si Tita Sally bilang
pahayag ng pagkadismaya.

I want to stop the conversation. I feel so down and awkward. Pero hindi ko alam
kung paano sila pipigilan sa lahat ng mga sinasabi. Kaya naman nang may tumawag,
hindi ko na tiningnan kung kanino galing iyon. Ang inisip ko lang ay ang makawala
sa usaping hindi ko na gusto.

"Excuse me..." sabi ko dahil maingay na ang cellphone.

Hindi pa nakakalayo ay tinanggap ko na. The familiar rough breathing and voice told
me that it was my father.

"Leil..." si Papa.

Halos matigil ang paglalakad ko palayo sa gulat.

"Napaka walang kwenta mo talagang bata ka, e, no?" biglang sigaw ni Papa.

"P-Pa..." nanginginig kong sinabi.

"Ikaw talaga ang nagsasabi sa hayop na Riego na 'yan kung saan ako pupunta, ano?"

I was too caught up with everything. Hindi ako agad nakapagsalita. Tuloy-tuloy din
ang sinabi ni Papa. Hindi niya na hinintay ang sasabihin ko.

"Sabihin mo sa walang kwentang hayop na 'yan na luluwas ako ng Maynila! Magtutuos


kami! Papatayin ko siya gaya ng ginawa ko sa kanyang ama!" at sa huling sinabi'y
naputol ang linya ng tawag ni Papa.

Kabanata 37
Kabanata 37

In Love

"Uuwi po sana ako ng Costa Leona..." sabi ko pagkabalik sa hapag at pagkatapos


maipaliwanag ang nangyari kay Lola Brosing.

I am more torn than ever now. Gusto kong puntahan si Lola Brosing. Iyon ang gagawin
ko. Ngunit paano ko maiiwan si Raj dito gayong may pagbabanta si Papa?

"Well, ilang araw ka ba roon?" si Tita Sally na hindi parin nakakabawi sa pagtawa
kanina.

The smile is still on Prince's lips, too. Binalewala ko na lamang iyon. I have more
important matters to think about right now. Especially after my father's call.

"Mga dalawa o tatlo po. Depende kung kaya na ni Ma'am Avila na mag-isang alagaan si
Lola."

"Oh. Okay. Though if it's really that hard, Leil, I suggest you get someone para
maalalayan ang Lola mo. Hindi naman pwedeng lagi kang nakatutok diyan. Just get a
maid to deal with it eventually."

Tinapos ang gabing iyon ng iilang pag-uusap nila tungkol sa negosyo. At gaya ng
napagkasunduan, si Prince nga ang maghahatid sa akin pabalik sa condo ko.

We were very silent during the first few minutes inside his car. Nag-aantay ako ng
reply galing kay Raoul. He knows that my father called, he's just busy with the
meeting. Kinakabahan ako habang hindi siya nakakapagreply.

"Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na iyon ang gusto mo?" Prince asked in a cold
tone habang nag-aantay ako ng reply.

I really don't know what to say to him. Lalo na ngayong tunog relieved siya sa
nangyari.

He laughed again like something funny is really bugging him. Nilingon ko siya.
Sumulyap siya sa akin, may ngising plaster parin sa kanyang labi.

"Well, at least now you know that you have been dreaming quite an impossible dream.
Might as well change it, huh?"

My phone beeped. Binasa ko ang reply ni Raoul.

Raoul:

Can I pick you up? If not, I'll wait in your condo.

Ako:

Ihahatid ako ni Prince. Sa condo na lang tayo magkita.

Hindi na ako nakipagtalo kay Prince. Hahaba lang ito kapag nag-usap pa kami. Kaya
naman nang tumapat na ang sasakyan ni Prince sa building ay nagpaalam na ako.

"Salamat sa paghatid. Magkita na lang tayo pagbalik ko," tanging naging bilin ko.

With a still smile on his face, Prince waved at me goodbye.

Hindi ko na siya nilingon pagkaalis. Dumiretso na ako papasok sa lobby at pagkaliko


ko sa sofa kung saan tinatanggap ang mga bisita, tumayo si Raoul na mukhang kanina
pa naghihintay.

Tahimik kaming pumasok sa elevator. Nang napag-isa kami'y hinawakan niya ang siko
ko at inilapit sa kanya.

"Are you okay?" he asked.

Tumango ako at mapait siyang tiningnan.

I feel so sad for our situation. Kung bakit pa kailangang ako ang anak ng taong
pumatay sa kanyang ama.

He never once blamed me pero hindi niya naman talaga kailanman ipinakita sa akin
ang tunay niyang nararamdaman sa pagpatay ng ama ko sa kanyang ama. At anuman iyon,
negatibo man, matatanggap ko lahat.
"Nagbanta si Papa na papatayin ka niya. Dito... sa Manila," sabi ko nang nakapasok
na kami sa condo unit ko.

Umigting ang panga ni Raoul.

Naka tuxedo pa siya at mukhang talagang kagagaling lang talaga sa trabaho.

He dragged a chair. Naupo siya roon. Naupo naman ako sa aking kama. Nahahapo akong
tumingin sa kanya. Alam ko kung bakit lubusan na lamang ang galit ni Papa kay
Raoul, bukod sa dahil anak siya ni Hades. He's chasing him endlessly for the past
years.

At kahit pa nag-iisa lang si Papa na nagtatago sa mga bulubundukin ay mabilis na


naaabutan iyon ng mga tauhan ni Raj.

"Sorry. Mukhang nagalit lalo si Papa nang nalaman niyang sinasabi ko sa'yo ang mga
detalye na ito."

Kumunot lalo ang noo ni Raoul. Lumalim ang gitla sa kanyang noo, tila may seryosong
naiisip.

"Kaya tumindi ang galit niya sa'yo. Naisip niya sigurong ilang beses siyang
muntikan nang mahuli-"

"If he knows that you are telling me this, bakit niya sinabi sa'yo ang balak niya?"
si Raoul sa seryosong tono.

Natigilan ako sa sinabi niya. Tama siya. Hindi kaya patibong ito? But then if
that's a lie, that doesn't mean that we shouldn't take it seriously!

"Hindi ko alam pero bukod kasi diyan, wala na siyang ibang sinabi. Kung hindi tayo
mag-iingat, kung hindi natin 'yan papaniwalaan, baka mapahamak ka..."

Pumikit siya ng mariin at pinasadahan ng mga daliri ang buhok. My heart leapt a bit
beacuse of his movements.

"Kaluluwas lang ni Mama rito!" he said.

My eyes widened. Nandito sa Manila si Felicia Riego?

"Papauwiin ko siya ng Costa Leona."

Hinawakan ko ang kamay niya. He should get out of Manila, as well. Kung ganoon nga
ang plano ni Papa. Mukhang nabasa ni Raj ang iniisip ko.

"Dito lang ako. Hindi kita masasamahan sa Costa Leona pero kapag naayos ko na ang
ibang bagay, susunod ako."

"P-Pero... baka mapahamak ka-"

"If your father wants to kill me, then I'll be the bait, Leil."

Hindi nag-iisip ay maagap akong nagdesisyon para sa aking sarili.

"Sasama ako sa'yo!" sabi ko.

Umiling siya. "You will be safer if you're not here. Isa pa, kailangan ka ng mga
Avila sa Costa Leona..."
Kaya lang nag-aalala ako ng husto sa kanya. Hindi ko alam kung nasaan si Papa kaya
hindi ko masabi kung ilang araw o oras ang hihintayin para sa kanyang pagdating
dito sa Manila. Raj is already preoccupied by it. He started calling people through
his phone habang ako nama'y nagliligpit ng mga gamit.

Nakakuha na si Raj ng ticket para sakin. First flight ang alis ko bukas. At ayon sa
narinig ko'y aalis na rin si Felicia Riego rito sa Manila. Kinalma niya ang ina.
Medyo matagal ang naging tawag at mukhang sobra sobra lamang ang kaba ng nasa
kabilang linya. Though for sure, Raj is also tensed but he needs to stand firmly to
guide his mother.

Hindi siya umalis sa condo ko. Nakaligo at nakapagbihis na ako ng pantulog at


naroon parin siya, abala sa pagtawag ng kung sinu-sino. I patiently waited for him
to be done pero naunahan na ako ng pagod. Nakatulog ako nang nasa tabi siya,
nakaupo at abala parin.

Sa gitna ng tulog at pagkakagising, naramdaman ko ang haplos sa aking pisngi. A


very warm embrace made me drift more into my dreams.

Kinabukasan, nagising ako sa alarm. Raj already bought us breakfast. I suddenly


wonder if he slept. Hindi na ako nagtanong dahil naiintindihan ko na hindi na
talaga siya mapanatag sa nangyayari.

Hinatid niya ako sa airport sa tamang oras. At pahalo na ako sa pila ay nilingon ko
siyang muli, hindi ko alam ang gagawin. Gusto kong magpaiwan para samahan siya pero
natatakot din akong magiging pabigat lang ako. Gusto ko siyang umalis dito para
isalba ang sarili niya pero alam kong hindi ko na mababago ang desisyon niya.

Marahan kong dinala ang mga palad ko sa kanyang umiigting na panga. A few rough
hair from his stubble can be felt now.

"Mangako ka sa akin na hindi mo ako iiwan," sabi ko habang hinahanap ang mga mata
niya kahit na nakatitig naman ito sa akin.

Pakiramdam ko, malayo parin siya sa akin. Pakiramdam ko, maraming bagay parin ang
hindi ko alam tungkol sa kanya. But then I have all my time to know so many things
about him. I will patiently get to know him day by day. Kaya habang hindi pa
nangyayari iyon, hindi ako makakapayag na may mangyaring masama sa kanya.

"Lumayo ka na lang dito," I sabi ko.

Hinawakan niya ang aking kamay. Then he shook his head with serious intense eyes.

I feel frustrated. Alam kong marami siyang tauhan at nag-iisa si Papa. But then the
horror my father brought us years ago made me forget about the logic. I feel like
everything is possible. That hurting Raj even with his manpower is possible. I
don't want that to happen!

Muli siyang umiling.

"I want to end this all," he said with gritted teeth.

Mapait akong ngumiti. Mas lalo lang akong kinabahan.

"Hindi matatapos 'to kung aalis ako," he said.

His arm snaked behind me. Umangat ako ng konti sa ginawa niya. He crouched lower so
our lips would touch.
"I love you, Leil..." he said.

Kinagat ko ang labi ko. Binaba niya na ako pero pakiramdam ko, kulang parin iyon.
Tumingkayad ako para maabot muli siya. I hooked my arm on his nape just so he would
crouch again for another kiss.

"I love you, too, Raj..." I said in a very womanly voice.

Naramdaman ko ang paghigpit ng kanyang hawak sa akin. Yumuko ako, hindi kayang
tingnan ang mga mata niya pagkatapos ng sinabi. Wala ng bakas ngayon na pakakawalan
niya ako sa kanyang pagkakahawak. Hindi na ito lumuwang man lang. Imbes, ay mas
lalong naghigpit.

"B-Baka ma late na ako..." sabi ko.

Aangat sana muli ako ng tingin pero naramdaman kong nakadungaw parin siya sa akin.
He pulled my body closer to him. He lifted me a bit and kissed my ear.

"And you chose this time to say it back, huh?" he whispered.

Ngumuso ako. I tried to tell him that years ago. Habang kami pa. Hindi ko alam kung
bakit hindi ko kailanman nagawa. At naisip ko noon, mabuti ngang hindi. Para mas
kapanipaniwala ang pagsabi kong may iba akong gusto nang naghiwalay kami.

"I look forward to seeing you again. By then, I hope you'll finally decide about
us."

"H-Huh?" gulat kong tanong.

"Flings don't fall in love."

Kinagat ko ang labi ko.

"They only fuck," the bad word made me feel a bit weird. Hindi ko alam bakit uminit
ang pisngi ko.

"A-And... I f-fucked and fell in love..." bigo kong sinabi.

"Damn you. Don't call it like that," aniya sa kalmado ngunit mariing boses.

He tilted his head a bit. Umigting ang kanyang panga at tumalim ang kanyang tingin.
Namumungay na ang mga mata ko ngayon. Bigong bigo ako sa sariling desisyon. Kung
gusto kong manatili kami sa ganoong estado, sana pala... but then it's true. I love
him so. So much. From the very beginning. At walang pagsisisi kapag simula pa lang
ay naging totoo ka.

"Mag-uusap tayo tungkol dito pag nagkita na ulit tayo. I don't want to talk about
this over texts or calls. Make sure you have answers when I ask you..." he said.

Tumango lamang ako.

Sa loob ng eroplano, iyon ang paulit-ulit kong naisip. Tunog pagbabanta ang mga
sinabi niya sa akin ngunit hindi ko alam kung bakit kahit takot ako'y mas excited
parin. This is not the time to dream about that. I have problems ahead of me. Iyon
ang dapat kong isipin sa ngayon.

Then suddenly my thoughts drifted to my father. Maraming tauhan ang mga Riego. At
gaano ko man kagustong makamit nila ang hustisyang inaasam, kahit paano ay
natatakot ako para sa sariling ama. Kung sana ay makausap ko siya at masabihan na
tumigil na. Na sumuko na. Para walang masaktan si Raoul man o siya.

Maybe in the end, even if my father is a criminal, I still care for him. He's my
family. At marami siyang ginawang kamalian sa akin pero hindi ko parin maiwasang
mag-alala para sa kanya.

Mabilis na bumangon ang pag-aalala ko nang nakalapag na ang eroplano sa airport ng


isla. Naiisip ko si Lola Brosing at Ma'am Avila. Tumawag ako bago bumyahe sakay ng
isang van patungong Costa Leona.

Nasa ospital na raw sila sa Costa Leona ngayon. Nagkamalay na si Lola ngunit hindi
pa nakakausap dahil masyado pang mahina. I brought enough cash in case they need it
for the hospital bills. Ni hindi ko na masyadong naisip ang magiging kalagayan ko
pagkauwi ng Costa Leona.

'Tsaka ko na lang natanto nang binaba na ako sa babaan ng mga pasahero.

The hot morning wind, the long peaceful road, and the smell of salt in the air made
me remember so many things about this place. Tila ba binabalik ako sa dati. Sa
batang Soleil na simple lamang ang mga pangarap.

The image of the empty highway made me realize that I am really back in Costa
Leona, after so many years. At ang huling pagpunta ko rito ay noong sinunog ang
aming baryo.

Nilingon ko ang banda ng nayon. Kahit ilang taon na akong hindi nakakabalik, tanda
ko pa kung saan banda iyon. At kung ano ang naging itsura noong gabing iyon. Tanda
ko rin ang ekspresyon ni Raoul noon. Nang pagmasdan niya ang nasusunog naming mga
kubo. May bahid ng galit doon. Galit na alam kong hinding hindi na mawawala pa, ano
man ang mangyari.

Yumuko ako at pinutol ang pag-iisip para makapagpatuloy na sa araw. Nilingon ko ang
terminal ng mga tricycle at naabutan ko ang iilang mga matang nakatingin sa akin.

Ang mga tindera sa loob ng tindahan ay nagbubulong bulungan at bumabalik ang tingin
sa akin. Lumapit ako para makabili ng tubig bago sumakay sa tricycle pero napansin
ko ang biglaang paglayo ng mga tao.

"Pabili po ng mineral water," sabi ko sa tinderang masama na ang tingin sa akin


ngayon.

Hindi siya gumalaw para kumuha ng tubig na tanaw ko sa kanyang likod. Nanatili ang
mabigat na tingin niya sa akin.

Tinuro kong muli ang nasa kanyang likod para mas maintindihan.

"Tubig po-"

"Ubos na ang tubig namin," anito sa isang galit na boses.

Ilang sandali akong natulala sa mukha ng babae. She withdrew her stare at me kaya
lumapit na lang ako sa tabing tindahan nito kung nasaan may ref din sa likod ng
tindera. Kita roon ang mas maraming display ng bote ng tubig.

"Pabili po ng tubig," sabi ko sa nakatitig na mas matandang tindera.

She smirked at me. Binaba ko ang pera ko sa pagtataka sa nangyayari.


"Hindi ba ikaw iyong mangkukulam na anak ni Balthazar Cervantes noon?"

I stiffened. Ang kaninang tahimik nang terminal ay mas lalong mas natahimik
pagkatapos ng tanong na iyon. Pinasadahan ko ng tingin ang mga taong naroon. Ang
iilang lalaki ay bumubuga ng usok galing sa sigarilyo'y nakatitig lamang sa akin,
naghihintay ng sagot. Ang mga babaeng may ginagawa ay natigilan para marinig ang
sasabihin ko. At ang may iilang nagbubulung bulungan pagkatapos ay titingnan ako.

"Ang kapal din ng mukha mong bumalik dito sa Costa Leona, ano? Umalis ka na rito!"
sabi ng tindera sa akin.

Ang naunang tindera ay nag angat ng walis at umaambang iikot para makalapit sa
akin. Ang iilang lalaking naninigarilyo ay naghahagis ng upos, tumatayo, at umaamba
rin sa paglapit sa akin.

Without a word, and with so much fear, I ran as fast as I can away from the stores.
Iilang tawa ang narinig ko ngunit sa huli'y narinig ko rin ang pagmumura nila sa
akin at mga pagbabanta.

Sumakay ako sa naunang tricycle. Wala pa roon ang driver pero alam kong iyon na ang
susunod na aandar sa pila. Then a man approached me. Siguro ay driver nitong
tricycle. Hindi pa ako nakakabawi sa kaba sa sinapit kanina ay hinablot na ang
kamay ko at sapilitang tinanggal ako sa loob.

"Akala mo makakasakay ka sa tricycle ko?" the man said.

Bumuga siya ng usok galing sa kanyang sigarilyo at ilang sandali akong tinitigan.
Tinapon niya ang sigarilyo at muli akong hinawakan. Bago pa ako makaatras ay nagawa
niya na.

"Pero pwede rin... Sige, pasok ka..." he said in a very malicious tone.

Ngumisi siya. Ang isang ngipin niya ay nababalutan ng pilak at ang iba'y
nangingitim. Sa paraan pa lang ng pagkakahawak nito, alam ko na kung ano ang ibig
sabihin nito.

"B-Bitiwan mo ako!" sabi ko at ginamit ang buong lakas para mabawi ang kamay.

Nang nagawa ko'y tumakbo na ako palayo sa terminal. Tumakbo ako hanggang sa
hiningal ako. Tumakbo ako hanggang sa wala na akong makitang bahay o
establisyimento.

Pagod na pagod akong naglakad. Uhaw at gutom na'y pinagpatuloy ko iyon. Kumuha ako
ng scarf at tinabunan na ang mukha gamit iyon dahil sa tuwing may nakakadaang
pampublikong sasakyan at nahahagip ako ng tingin, nagtatagal ang titig sa akin na
tila ba kilala nila agad ako.

The hatred our village gave this town was too deep-rooted. Hindi ko alam kung
masisisi ko ba sila.

Pinili kong maglakad na lang patungo sa ospital. Hindi ko na sinubukan pang sumakay
o bumili ng tubig para sa akin. At sa ospital, nakatulong ang scarf para hindi ako
masyadong pagtuonan ng pansin ng mga taong naroon.

"Leil!" si Ma'am Avila nang nahanap ko ang tamang room number ni Lola Brosing.

Niyakap ko si Ma'am. Hinayaan kong bumagsak ang balabal sa aking balikat. Ma'am Luz
Avila cried on my shoulder for a while. Si Lola Brosing ay nasa kama, walang malay
at may mga nakakabit na tubo sa katawan.
I cried, too. I feel like I owe them an apology. For only coming here at a time
like this.

"Kumusta po si Lola?"

She filled me with Lola Brosing's health status. Maayos na naman daw sa ngayon,
iyon nga lang, ipinagbabawal ang masyadong pag galaw. Maaaring ang sanhi rin ng
kanyang pagkakahimatay ay ang init ng panghapong araw.

"Kumusta ang pagpunta mo rito?" ani Ma'am Avila nang naisip na siguro ang naging
kalagayan ko kanina.

Mapait akong ngumiti. She knows what I've been through and she's also sad for it.
Hinawakan niya ang kamay ko.

"Madaling alagaan ang galit sa'yo lalo na dahil hindi ka nila kilala, anak. Sana
pagpasensyahan mo na. Ako man ay galit sa kanila pero ayaw kong magtanim ka ng
galit pabalik sa mga taong ito-"

Umiling ako at ngumiti ulit. "Naiintindihan ko ang galit nila, Ma'am."

Umiling din si Ma'am at mas tinabunan ang kamay ko. "Hindi, anak. Hindi
makatarungan ang galit nila sa'yo."

Yumuko ako.

"Makinig ka, Leil. Biktima ka lang. Bata ka at wala kang muwang sa lahat. Your
father was the one to blame..." agap ni Ma'am.

Nag-angat ako ng tingin. "At anak niya ako, Ma'am..."

Umiling siya. "Oo. Ganoon ang mababaw na iisipin ng mga taong hindi ka kilala. Pero
ako, ang Lola mo, Leil, kilala ka namin. Alam namin na hindi mo iyon magagawa,
anak. Kaya huwag mong akuin ang kasalanang ibinintang lang sa'yo."

For a moment, I feel so secured with everything. Tumango ako at niyakap lamang ulit
si Ma'am Avila. I really feel so good whenever I am with them. Mas pamilya ko sila
kumpara sa kay Papa. And I feel guilty for thinking so.

Si Ma'am na ang bumili ng tubig at pagkain para sa amin. Nanatili ako sa silid ni
Lola upang maalagaan ito habang wala si Ma'am Luz.

Nagkasundo rin kami ni Ma'am na ako muna ang magbabantay kay Lola sa araw na iyon.
I told her that I can also be with Lola tomorrow pero sabi niya'y susubukan niya at
baka pwede nang ma discharge si Lola at sa bahay na alagaan.

I feel happy and fulfilled serving and helping Lola Brosing. Nang nagkamalay ito na
kaming dalawa lamang ay umiyak ito, hindi pa makapagsalita ng mabuti.

I cried too and hugged her tight.

"Lola, tsaka na tayo mag-usap kapag maayos ka na po. Magpahinga ka muna..." sabi ko
nang napansin ang pagsisikap niyang makausap ako.

She was smiling when she fall asleep. Hawak ko ang nangungulubot niyang kamay
habang unti-unti na rin akong hinila ng antok.

Kinabukasan ay pinayagan na ring mag discharge si Lola sa iilang pag-iingat.


Tumulong ako sa pagbayad ng bills at kinumbinsi ko rin si Ma'am Avila na huwag na
munang bumalik sa pagtatrabaho kung maaari at ako na ang bahala sa iilan pang
gastusin.

May ipon naman ako noon pa at para iyon sa kanila. O kahit anong emergency ng
pamilya.

Sinundo kami ng isang auto. Ang driver nito'y kasing edad ko lang o matanda lamang
ng iilang taon. Umalalay ito kay Lola kasama ni Ma'am Avila habang dala dala ko
naman ang mga bag namin.

Tumitig ito sa akin ng ilang saglit bago ako siniko ni Ma'am Avila.

"Iyan 'yong anak ni Mang Edong. Si Jun, naaalala mo ba?" bulong ni Ma'am Avila
pagkatapos maalalayan si Lola papasok sa auto.

Umiling ako dahil hindi ko ito maalala.

Sinarado ng lalaki ang pintuan ng sasakyan at muling nag-angat ng tingin sa akin.


He looks fresh with his green t-shirt and pants. Tingin ko'y hindi siya rito naka
destino, kung ano man ang trabaho niya.

"Seaman 'yan. At crush ka noon pa. Isang taon na simula noong nagbreak sila ng
girlfriend niyang sumama sa iba..." mas lalong bumaba ang boses ni Ma'am.

Tumango ako sa impormasyon pero tumigil din si Ma'am nang lapitan kami.

"Sa likod na rin po ba, Auntie Luz, ang wheel chair?"

"Sige, sige, hijo!" maagap na sinabi ni Ma'am tapos ay ngumisi sa akin. "Si Leil na
rin ang sa front seat, huh, Jun?"

"S-Sige po..." anito.

Mabilis akong lumapit sa front seat nang nakita si Ma'am na nagbukas na ng pintuan
sa likod para matabuhan si Lola. Ang huli kong nakita ay ang makahulugang ngiti ni
Ma'am sa akin pagkaupo ko roon.

Somehow, I feel relieved with everything. Nakauwi na raw dito si Felicia Riego Raj
is assembling his men in Manila secretly so my father could take the bait. At
nadischarge na rin si Lola. Everything seems to be going well so I think it is only
fine to feel light today. Lalo na sa asar ni Ma'am Avila sa akin.

"Naku, alala ko noon, Jun, nagbabike ka pa patungo sa bahay para masilayan si


Leil!" tukso ni Ma'am Avila sa akin sabay tawa.

Nilingon ko ang katabi kong nagdadrive na patungo sa mga Avila. He blushed


profusely at sumulyap na rin sa akin. Ngumiti ako sa kanya. Hindi ko siya maalala
talaga noon.

"Auntie naman. Tama na po. Nakakahiya na..."

Nakinig lamang ako sa asaran nila hanggang sa nakadating na sa bahay. Tumulong din
si Jun sa pagdidiskarga kay Lola. Nagtulungan kami sa paglagay kay Lola sa
wheelchair at nag-agawan pa sa kung sino ang magpapapasok kay Lola sa bahay.

"Ako na, Jun," sabi ko.

He blushed again at umiling. "Kaya ko na ito. Ako na..."


Hinayaan ko siya at kinuha na lang ang iilang bag namin para maipasok na sa bahay.
Nagpaalam din siya na may lalakaring mga dokumento kahit na inanyayahan ni Ma'am
Avila na kumain muna.

"Salamat sa tulong mo. Halika at ipagluluto ko kayo ni Leil ng tanghalian!" si


Ma'am Luz.

"Gusto ko po sana kaso may gagawin talaga ako. Pero bukas, po, pwede bang bumisita
ulit?"

Sumulyap ito sa akin. Ngumiti lamang ako.

"Oo naman! Anong oras bukas, hijo?" tanong ni Ma'am. "At nang makapag handa ako."

"Sa ganitong oras din po sana. Nandito ka pa ba bukas, Leil?" tanong nito sa akin.

Nagulat ako roon. Mabilis akong tumango. "Ah. Oo. Nandito ako."

"Good." He smiled boyishly pagkatapos ay nagpaalam na sa amin.

Tumulong ako kay Ma'am Luz sa kusina habang si Lola ay nagpapahinga sa sala.
Paminsan minsan naming tinatanaw si Lola habang nagluluto at ang pinag-uusapan
namin ni Ma'am ay purong tungkol sa kay Jun na mabait at guwapo.

"Anak, ayaw kong magaya ka sa akin. Iyong Prince Ledesma sana pero mukhang hindi
mapagkakatiwalaan..." Tumawa si Ma'am.

Umiling ako. "Ma'am naman... mabait naman po si Prince."

"O sige, hija. Pero sinasabi ko lang naman na mas mainam kung may pagpipilian ka.
Etong si Jun kasi, kilala ko na talaga bilang mabait at mapagmalasakit. Kita mong
siya pa ang nag offer na kunin ang Lola mo sa ospital. Kung hindi siya nag offer
noong nakaraan ay baka mag tricycle lang tayo..."

Natigilan si Ma'am ng ilang sandali.

"Pero, nag offer din si Lucio na magpapahiram ang mga Riego ng sasakyan pero ayaw
kong magkaroon ng utang na loob sa kanila lalo na't... alam mo na..."

Napalingon ako kay Ma'am Avila. Nag offer sila? Si Raj ba ang nag offer noon?
Malamang!

Hindi halos nagbago ang bahay. Ang kurtina nga lang nito ay mas matitingkad at ang
pintura ay mukhang inayos. Bukod doon, wala na. Bago rin ang TV kumpara sa dating
nakagisnan ko rito at may dumagdag pang appliances.

Hindi matanggal sa isipan ko ang maaaring itsura ng buong bayan ngayon. Ano na kaya
ang istura ng mga tiangge? Ang simbahan? Ang gubat? Ang kamalig... at ang nayon...
Kahit paano, may parte sa akin na gustong balikan iyon.

"Tsk..." si Ma'am Avila habang tinitingnan ang ref. "Hindi nga pala ako nakabili ng
mga pagkain! Wala tayong makakain mamayang gabi at pati bukas! Pupunta pa naman si
Jun dito!"

Ngumiti ako. "Ako na lang po ang mamamalengke pagkatapos nating mananghalian,


Ma'am."

Umiling siya. "Leil, alam mo naman na-"


"Hindi naman po siguro lahat ng tao sa Costa Leona ganoon, di po ba? 'Tsaka gusto
ko ring makita ang itsura ng mga lugar dito."

"Naku!" problemadong sinabi ni Ma'am.

I smiled again to assure her that I will really be fine.

"Uuwi po ako agad dito kung sakaling hindi po nila ako payagang mamili. Gusto ko
ring makapagpahinga ka muna, Ma'am. Lalo na't medyo mainit din sa labas at ilang
araw ka nang puyat sa pagbabantay kay Lola."

Tinitigan ako ni Ma'am. May pagdududa sa mga mata niya. Nararamdaman kong hindi
niya ako papayagan kaya ngumiti pa lalo ako.

"Hindi ko gusto ito, Leil."

Ngumiti ako at iniwan ang hinihiwang mga rekados sa lulutuin naming tanghalian para
mayakap si Ma'am galing sa likod.

"Hindi na po ako iyong batang Leil, Ma'am. Kaya ko na 'to."

She sighed, defeated.

Kabanata 38
Kabanata 38

Salamat

Pagkatapos na pagkatapos naming mananghalian ay tumulak na ako patungong tiangge.


Minabuti kong maglakad na lamang patungo roon. Isang scarf ang nakapulupot sa ulo
ko hanggang bandang ilong, hindi lang para ma protektahan ako sa init, kundi para
na rin hindi ako makilala. Epektibo iyon. Nakadaan ako sa maraming tao ng dalawang
beses na hindi masyadong nililingon nino.

Masaya. Nakita ko ang mga pagbabago sa mga kalye rito. Nadaanan ko rin ang iilang
kalsada na madalas kong lakarin lamang noon.

Namilog ang mga mata ko nang may mga nakilalang mga tao. Iilan ay naging classmate
ko noon, ang iba'y dating teacher o 'di kaya'y dating tindera na nakakasalamuha ko.
Gusto ko mang batiin, 'di ko ginawa. Ayaw kong makilala ako at hindi ko rin alam
kung ano ang opinyon nila sa akin ngayon.

I smiled. Narealize ko na masarap pala sa pakiramdam ang makita ang mga taong
nakilala ko na noon pa. Ilang sandali ko silang pinagmasdan habang ginagawa ang mga
pang-araw-araw na gawain.

Ang isang kaklase kong babae ay tinanggap ang isang batang babae sa isang
schoolmate ko ring lalaki noon. Natutop ko ang labi ko nang natantong maaaring anak
nila iyon at kasal na ang dalawa.

It warmed my heart for whatever reason. I think it was really worth it to take the
risk of being bullied here after all.

Nagpatuloy ako sa paglalakad.

Isang lalaking kamukha ni Ronald ang nakita ko sa malayo. Natutop kong muli ang
labi habang sinusundan ng tingin ang lalaking hindi ako nalingunan o napansin. His
chubby cheeks were gone now. Gusto kong sumugal at tawagin ito pero abala ito sa
ginagawa at pumasok na kaagad sa pick up para umalis.

Little by little, I figured that it is all worth it. At tuwing lumalapit ako sa
tindahan, hindi ako na kikilala kaya mas lalo akong naging confident na maayos ang
ginagawa ko.

Iilan pang kilala ang nakita ko sa tiangge. Isang kilala rin ang nakita ko sa
karinderya. I saw Pinky with a man. Nagtatawanan sila habang kumakain. I saw Pinky
blushing at the man she's with. Ngumiti ako habang pinagmamasdan sila, sa huli ay
nagpatuloy na lamang at inisip na ang mga bibilhin.

Sa unang tindahang pinuntahan ko, naging maayos naman ang tungo. Hindi ko alam kung
dahil ba hindi ako kilala ng mga tindera o dahil hindi nila naklaro ang itsura ko
dahil sa scarf.

Nakabili ako ng iilang naroon sa listahan. Mangha pa ako dahil ang isang dating
tindahan ay naging isang mini grocery store na ngayon na may tatlong automated
cashier! Costa Leona is really slowly booming, huh?

Paatras akong lumabas habang namamangha sa establisyimento nang nabunggo sa isang


lalaki.

"Sorry po!" agap ko ngunit hindi ako nilingon ng medyo madungis at may sumbrerong
nakatagpo.

Tumigil ako at sinundan ng tingin ang estranghero. My eyes stayed on him for a
moment. He's tall and a bit sun burnt. Mahaba haba na ang buhok at ang suot ay
medyo madungis na kulay abo at itim. Ang kanyang mga kamay ay nasa loob ng mga
bulsa at dire diretso ang lakad niya.

Inayos ko ang balabal ko dahil medyo nagalaw iyon. Nakita ko ang pagsunod ng tingin
ng iilang tao sa ibang parte ng tiangge. Sinundan nila ng tingin ang lalaking
bumunggo sa akin. Ganoon din ang ginawa ko.

Lumiko ito patungo sa mas malawak na kalye kung saan mas maraming tiangge. To my
curiosity, sinundan ko ang tinahak ng lalaki.

Nalunod siya sa dami ng mga tao sa kalyeng iyon. Inayos ko ang aking balabal. For
some reason, I find my heart beating a bit louder than usual. Kunot-noo akong
naglakad habang sinusundan ng tingin ang estrangherong bumunggo sa akin kanina.
Nawawala siya sa dami ng taong naroon.

Bumuntong-hininga ako at kinalma ang sarili. HIndi ko maintindihan kung bakit


lubusan na lamang ang aking kaba.

Sa bilihan ng mga pampalasa, tumigil ako para mamili ng bibilhin ayon sa gusto ni
Ma'am Avila.

"Eto po..." sabi ko sabay bigay sa plastik na pinaglagyan ko ng mga sibuyas.

Tinanggap ito ng tindera, walang pag-aalinlangan ngunit nagtagal ang mga mata sa
akin. Inayos ko lalo ang balabal sa paraang kahit ang ilong ko'y hindi na kita. I
refused another chance of eye contact and I proceeded with the garlic.

Sunod na pag-angat ko ng tingin ay nasa ibang bagay na ang atensyon ng tinderang


kinausap ko kanina. I sighed with relief at that.

Pinulot ko ang isang bawang at ipinasok sa plastik. Sunod kong kuha ay parang
natigil ang mundo ko.

"Leil..." isang pamilyar na namamalat na boses ang narinig ko.

By instinct, I was about to look at where the voice came from but he talked again.
Ngayo'y ramdam ko na ang presensya niya sa likod ko at ang diin ng katawan, tila ba
hindi ako pinapayagang lumingon.

"Kumusta na, anak?" I can almost hear the creepy smile at that question.

Hindi ko na kailangang kumpirmahin kung sino iyon! It was the voice of my father!
He's here!

Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ako nakagalaw sa gulat sa nangyayari. Hindi
ako makapaniwala pero hindi rin ako pwedeng magkamali.

"Halika. Sundan mo ako at mag-usap tayo..." aniya.

Mabilis na nawala ang presensya niya sa likod ko. Nang nilingon ko'y ang
estranghero iyon na nabunggo ko kanina! Lumiko siya sa isa pang kalye na noon pa
ma'y wala masyadong tao.

"Eto rin ba, ineng?" tanong ng tindera.

Umiling ako ng wala sa sarili bilang pagtanggi. Nagtagal ang tingin ng tindera sa
akin. Siguro'y sa gulat, hindi ko na namalayan ang balabal ko. And even so with the
way she probably recognized me, I was not bothered. I was more bothered with my
father!

Iniwan ko ang tindahan kahit pa unti-unti nang kumalat sa mga tao roon ang tungkol
sa akin. Inayos ko ang balabal at mas lalong binilisan ang paglakad para lang
maabutan si Papa na agad nawala sa dami ng tao.

Lumiko ako sa kalyeng kanal at talahiban lamang nasa isang bahagi. Sa kabila ay
isang malaking pader na parte na yata ng isang malawak na junk shop sa roon.

Nakisabay ang pagkulimlim ng panghapong langit sa kabang nararamdaman ko. Ang bawat
hakbang ay naging napakahirap. Lalo na nang unti-unting lumiit ang boses ng
palengke, hudyat na talagang nakakalayo na ako.

"P-Pa..." sabi ko sa nanginginig na boses.

I was positive that he will show up at the end of the gray and eerie wall of the
junkshop kaya doon natuon ang mga mata ko. Nanatili sa espasyong iyon at bawat
segundo'y iniimagine si Papa na magpapakita para makipag-usap.

I have no time to understand or think about why he was there. Everything went very
fast that when a thick blade was directed on my waist, I suddenly couldn't move.

"P-Pa!" mangiyak-ngiyak kong sinabi.

Tinanggal ni Papa ang tinutok na balisong sa akin at hinarap niya ako.

Namayat si Papa kumpara sa huling alaala ko sa kanya. Parang kalansay na may balat
ang kanyang mukha, hollow on the sides of the mouth and almost hollow below the
eyes, too. Mahaba at madungis ang kanyang buhok na hindi na naayos pa ng kanyang
sumbrerong tila nginatngat ng daga.

Isang lumang kulay itim na jacket. Kulay abong pantalon at itim na tsinelas ang
suot niya.

"Leil, makinig ka..." he said in a tight whisper.

He looked excited. He looked even happy. Pero ako'y hindi na alam ano ang magiging
reaksyon. My father is in front of me. He steered a knife on me just a few moments
ago! And he's supposed to be in Manila! To try and kill Raj like what he told me!
Kaya bakit siya nandito?

Mas lalo akong nanlamig nang natantong lahat ata ng tauhan ng mga Riego ay nasa
Maynila para lang...

Ni hindi ko matapos ang kaisipang iyon!

"Bakit k-ka nandito?" nangangatog na ang tuhod ko sa takot.

"Anak..." papalit palit ang kanyang ekspresyon galing ngisi at pangungumbinsi.

Umiling ako kaya hinawakan niya ang aking magkabilang braso. And his grip was very
tight that I couldn't move. Though, I am not sure if it was because he's strong or
I am just too stunned, too.

"Tulungan mo ako. Halika!" he said.

Umiling ako habang nangingilid ang luha sa aking mga mata.

Everything dawned at me all at once. My father being here. Ang kanyang anyo. Ang
nangyayari. At ang mga mangyayari pa.

"Samahan mo ako sa mga Riego. Hindi ba nakakausap mo ang mga 'yon?


Pinagkakatiwalaan ka nila, hindi ba?" nagsusumamong sinabi ni Papa.

"H-Huh?" halos maghisterya ako sa nagkahalu-halong emosyon.

"Pinauwi ng batang Riego si Fely, 'di ba? Samahan mo 'ko sa kanya."

My eyes widened at my father's almost disgusting words. Natauhan ako roon na nakaya
kong makawala sa kanya pero maagap niya akong nahuli at niyugyog, ngayon galit na
siya.

"Tutulungan mo ako, Leil!" he said in a demanding tone.

Umiling ako at nagpumiglas lalo.

"Wala ang mga Riego rito, hindi ba? Naniwala sila sa'yo? Kaya maniniwala ulit sila
kung ikaw ang kasama ko patungo sa Casa-"

"Bitiwan mo 'ko!"

Titili na sana ako para makahingi ng tulong. I would try to ask for help even when
I know I don't have the sympathy of the people here pero natabunan ni Papa ang
aking bibig. My words drowned.

"Anak ng puta! Sige na at nang matapos na ito!" he spat angrily.

Patuloy akong umiling at nanlaban kahit pa panay na ang hila niya sa akin.

"Sige na, Leil! Nagawa mo na ang unang gusto kong gawin, hindi ba? Na paikot mo na
ang mga Riego? Kaya anong mahirap sa gusto kong ipagawa sa'yo ngayon?"
I was already screaming so many hurtful things for my father but it's all muffled
because of his hand on my face.

Marahas niya akong hinablot at ibinagsak sa kanyang dibdib. His arm snaked on my
neck, almost strangling me. Mabilis ang pangyayari na sa muling pagharap ko sa
kinatatayuan namin kanina ay isang pamilyar na imahe ang nakita ko.

Raoul Vesarius Riego was standing mightily in front of us, with a black gun
directed at us, and veins protruding because of the force he's giving the firearm.

Humagalpak sa tawa si Papa.

"Kita mo? Walang tauhan, 'di ba? Pero bakit nandito ang hayop na 'to?" bulong ni
Papa sa akin habang unti-unti akong nilalayo sa nasa harap namin.

Raj's jaw clenched. Kinasa ng isang beses ang baril at pinanatiling nakatutok sa
amin ni Papa. My father laughed again in a demonic way.

I can sense Raoul's impatience to fire. His bloodshot eyes told me that if he
wasn't holding it almost against me, kanina pa nakahandusay si Papa sa maraming
tama ng baril dito!

Bumuhos ang luha ko sa kaba, sa sakit, at sa frustration. Tumatama ang talim ng


balisong sa aking leeg konting galaw lang ni Papa palayo kay Raoul. And Raj did not
back down, he's advancing, too, though little by little.

"Diyan ka lang o papatayin ko ito!" banta ni Papa.

Hindi ko alam kung ginagamit niya ba iyon dahil alam niya ang estado namin ni Raoul
o dahil alam niya na mabait ito at hindi kayang may ibang taong madamay. But then
my father is shielding himself with my body. Kung ipuputok iyan, ako ang
matatamaan.

Hindi ko rin maipagkakaila. Raj's eyes is giving way too much information about his
anger for my father. Alam ko. Alam kong kung wala ako rito, marami na ang tama ng
baril ni Papa.

I've never seen Raj move or look that way. Kahit noong nasusunog ang nayon at galit
siya sa nangyari. Hindi ganito kalala ang nakita kong galit sa kanya noon. Today,
he's just especially ruthless, brutal, harsh... merciless.

His jaw moved again and he firmly pointed the gun at me with so much precision na
pakiramdam ko'y talagang matatamaan na ako kung kakalabitin niya iyon.

"Ah... Mas agresibo pala ang anak ni Hades sa kanya, huh?" Tumawa si Papa.

Umawang ang bibig ni Raj. Nararamdaman ko ang hustong pagkakaupos ng pasensya niya
sa mga sinasabi ni Papa.

"Kung nakita mo lang ang ayos ng Papa mo nang nakita si Fely na gutay-gutay ang
damit habang dinidilaan ko, baka nabaril mo na itong si Leil..."

Raj closed his eyes tightly, trying to get a hold of his patience. I can completely
understand why he needs to do it. Sa mga sinabi pa ni Papa tungkol sa kanyang mga
magulang, kung ako iyon, baka nga nakabaril na ako! I tried to stop my father from
talking but my words were drowned!

"Sarap ni Felicia. Kaya naman hindi malingon ni Hades noon kahit ang nanay ng
batang ito, hindi ba..."

Suminghap si Raoul. His eyes seethed with rage and loathing. Ito ang kauna unahang
pagkakataon na nakita ko ang walang habag niyang ekspresyon. The feelings I feel
from him right now is raw and passionate resentment na mas lalong naging mahiwaga
kung paano niya naatim na mahalin pa ako.

"Mahina parin, Hades!" my father mocked. "Takot parin manakit ng inosente kaya
hindi mo ako mabaril, 'di ba? Dahil lang... inosente ang anak ko. Tinulungan ka na
mahanap ako?"

My father laughed harder.

"Niloloko ka lang nito! Anak ko 'to, e. Sino ka para ikaw ang masunod, huh? Syempre
papanig 'to sa akin!"

Umiling ako kaya piniga ni Papa ang aking bibig nang hindi na makagalaw ang aking
ulo. Raj advanced more that my father had to almost run backwards to maintain
space. Tumawa ulit si Papa sa nangyari.

"Mahina rin pala itong anak mo, Hades!" my father screamed in delight again. "Kung
sana kami ni Felicia iyong nagkatuluyan, e 'di sana-"

Hindi ko alam kung paano nangyari. Sobrang bilis ng pangyayari.

While my father was busy talking, Raoul moved very fast to run and kick him down.
Marahas akong hinaklit ni Raoul patungo sa kanya. Ang diin ng pagkakahawak ni Papa
sa akin ay nakalas dahil sa biglaang paghandusay nito sa sahig.

Nakawala ako at napunta kay Raoul. And he firmly put me behind him. I was positive
that he got my father. That his next move will be to shoot him mercilessly. Lalo na
dahil iyon ang nakita ko sa kanyang mga mata. Raw anger. Kumukulong poot ang
dumadaloy sa kanyang titig para sa aking ama. Ang kanyang braso ay nanggigigil na
punteryahin at barilin ang lalaking kinamumuhian sa harap.

For the last second, I was sure he'd do it. And I was sure my father won't be shot
just once. Raoul's anger was too much to take that I'm sure he'd shoot my father
down until all of his bullets are done! Ganoon siya kagalit!

Tumili ako dahil nasisiguro kong ganoon ang gagawin niya. Nilagay ko ang aking mga
kamay sa aking mga tainga para pigilang makarinig ng putok. I shut my eyes tightly,
too, to stop myself from seeing my father butchered like an animal.

Gaano man kasahol ang ugali ni Papa at gaano ko man kagusto ng hustisya para sa mga
Riego, hindi ko maikakaila na sa huli, ama ko siya. That I will bleed if he dies.
It will still be painful to me. I will still hurt. That the death of my evil father
is the death of my only family... The death of my evil father is the death of a
part of me.

My father, no matter how evil, is still my father.

Umalingawngaw ang aking sigaw para sa pagkawala ng ama. Sa kasiguraduhang papatayin


siya ni Raoul!

But the sound of the gun did not come. Mabilis akong dumilat at nakita ko si Raoul.
He glanced at me painfully and then he lowered his gun down to my father's legs.

His neck and forehead corded with the painful hold of his vanishing patience. Isang
bagay na akala ko'y nawala na kanina dahil sa nakakabulag niyang galit para sa
aking ama.

He groaned like a beast trying so bad to stop himself from doing something.
Nakahawak ang isang kamay niya sa aking braso na tila ba iyon lang ang magiging
lakas niya sa puntong ito.

Tumayo si Papa at sa gulat ay umambang tatakbo paalis. Raj clicked his gun once.
Ramdam ko parin ang nag-aalab niyang galit. Ramdam ko na unti-unti siyang natutupok
nito kaya hindi ko alam kung bakit nagawa niyang kalasin ang lalagyanan ng bala at
parehong binagsak ang dalawang parte sa lupa.

He pulled me closer to him for an embrace. Dilat na dilat ako lalo na nang nakita
ang kunot-noo at pilit niyang pagyakap ng mahigpit sa akin. Kasabay niyon ang
pagtakbo ng napakaraming armadong lalaki. Hindi pa nakakalayo si Papa ay nahuli na
siya ng mga iyon sa tamang panahon.

I did not blink to see my father strangled and cuffed.

Raj continued hugging me tight, tila ba nagpapakawala ng napakatinding galit. Ang


galit na kanina ko pa lang nakita. Ang galit na tila hayop sa kalupitan at
karahasan. Galit na nasisiguro kong tama lang para sa anak na namatayan ng ama at
nalabagang ina. Galit na nasisiguro kong kayang pumatay - cruel, barbaric, and
brutal anger for my father.

It's a miracle he got out that frenzied moment.

It's a miracle he did not shoot my father once.

It's a miracle!

"Are you okay?" he said in a controlled dark voice.

Tumango lamang ako, masyado pang namamangha sa nangyari kanina.

Nilingon niya ang isang lalaki sa kanyang tabi. At hindi na siya nagdalawang isip
na manduhan ito.

"Ihatid mo siya sa mansyon. Maglagay ka ng tao sa mga Avila at kumbinsihin mo


silang sa mansyon muna manatili. Sasama ako sa presinto. Ilagay ang lahat ng tauhan
sa Casa..."

"Sige, Raoul..." sabi ng lalaki at gumalaw na ayon sa utos ng nauna.

Hindi ako halos makagalaw sa paulit ulit na pag-iisip sa nangyari. Hindi ako
makapaniwala na hindi nabaril ni Raoul si Papa. Hindi ako makapaniwala na sa
intensidad ng galit niyang iyon, nakaya niyang magpigil.

"Ihahatid ka ng kasambahay sa kwarto na hinanda para sa'yo," sabi ng lalaking


inutusan ni Raoul kanina.

He looked at me with curious eyes. Hindi pa nagsisink in sa akin na nasa labas na


kami ng Casa Riego ngayon. Sumama lamang ako kanina ayon sa kagustuhan ni Raoul. At
kung hindi ko narinig na may tao rin sa mga Avila ay baka hindi na ako sumama pa
rito.

But then I don't want to make Raj worry more right now. I know he has a lot in his
mind already so being here, as he wishes, is already a big help for him.

Tumango ako at lumabas na ng sasakyan. Sumama ako sa naunang lalaki. Hindi ko halos
madetalye ang bagong tanawin sa mansyon dahil masyado pa akong gulat sa nangyari.

A housemaid is on the wide doors waiting for me. Nilingon ako ng lalaki at
iminuwestra na nito ang kasambahay. Hindi na ako umimik at sumama na rin sa babaeng
kasambahay.

Pumasok kami sa loob. Dalawang hakbang ko pa lang papasok sa pintuan ay narinig ko


na ang ingay ng iilang nag-uusap sa loob. Naagaw din ng atensyon ko ang lalaking
sumalubong sa amin.

"Si Lucio?" the cold baritone made me look.

Radleigh Vesarius Riego is asking the housemaid about it. Nagtagal ang titig ni
Radleigh sa akin, kuryoso ngunit hindi na halos nagulat.

"Tatawagin ko po," sabi ng kasambahay.

Sumulyap ang babae sa akin bago nagpaalam at lumabas na muli. Isang babae naman ang
naglakad patungo kay Radleigh. A woman in her mid twenties or so, in an elegant
longsleeve dress and heels, I figured it must be his wife.

"Rad, calm down..." she said with her eyes on me. Gaya ng asawa'y kuryoso ang
kanyang mga mata pero hindi rin nagulat sa akin.

Unti-unti kong natanto kung sinu-sino ang naroon sa pinanggalingan nilang malapad
na lamesa sa terasa. The cold and elegant Riegos were complete on that white
rectangular outdoor table. At sa pinakagitna ng lamesa ay si Felicia Riego.

Tumayo ang isa pang lalaking Riego. He's in a better mood that Radleigh Riego and
his eyes were on me.

"Sumama si Raoul sa mga pulis," anang mas batang Riego.

"Archer..." a familiar Riego woman called.

Nilingon ng lalaki ang tumawag na babae. Relani Riego gave the man a stern look.

"Tama lang na bumalik si Lucio sa presinto, Rad. We have enough men here and we're
both here, too. There will be no problem..." dugtong nito na hindi pinakinggan ang
sinabi ni Relani Riego.

Unti-unti kong naramdaman ang pagiging entremitido sa lugar at panahong ito.


Umatras ako ng isang beses, hindi alam ang gagawin.

Muli kong iginala ang mga mata sa kanilang lamesa. Sa gitna ay ang nakatitig at
galit na mga mata ni Felicia Riego. Sa tabi nito ay si Relani Riego. At sa tabi ni
Relani ay si Ares, Achilles, then Archer Riego's seat beside his wife and their
child.

On Felicia Riego's right are the vacant seats na sigurado akong kay Radleigh at sa
asawa nito. And there was another couple beyond it. Muli akong umatras. Hindi ko
alam ang gagawin.

"Saan ka pupunta?" umalingawngaw ang malamig na boses ni Felicia Riego sa buong


malawak na tanggapan.

Radleigh's eyes were brutal. His wife's eyes were also very intimidating.

Hindi ako nakasagot.


"Nandito ka na rin naman, lumapit ka rito at mag-uusap tayo."

Iilang kasambahay ang dumating galing sa kung saang parte ng mansyon. Ang
pinakamatanda ay naupo sa huling upuan. Tumayo si Felicia at nakita ko ang pagiging
concern ng titig ng lahat.

Bumalik si Radleigh sa hapag kasama ang kanyang asawa na lumapit at umalalay kay
Felicia Riego.

"Narinig mo ba ang sinabi ko?" Felicia Riego said in a hard tone.

Nanginig ako sa utos. Para akong nagkukumahog na sundin iyon kahit pa hindi ko
gustong gawin iyon.

Unti-unti akong lumapit sa hapag. At sa bawat hakbang ko'y tumatayo ang iilang
miyembro ng pamilya upang umalalay at sumuporta sa kay Felicia Riego. Ibang klaseng
kaba ang naramdaman ko. I feel so out of place. I feel so weak. But I'm sure that
the right thing to do right now is to follow her command.

Ilang metro na lamang ang layo namin ni Felicia nang tumigil ako sa mumunting mga
hakbang. Nangangatog ang aking mga tuhod at nanginginig ang malamig kong labi. Nag-
angat ako ng tingin sa kanya.

Her beauty was timeless and a classic. She's like a beautiful painting. Hindi lang
maganda, may pinaparamdam din. But for me, she chose to make me feel intimidated
and small. Tumaas ang isa niyang kilay at doon ko nakita ang matinding galit na
kinokontrol lamang ng kanyang pagiging kalmante at marangal.

"Totoo ba ang narinig kong ikaw ang nagbigay ng impormasyon sa anak ko, tungkol sa
tatay mo?" she asked coldly.

Kabado akong tumango, hindi makatingin sa kanila ng diretso dahil nanliliit ako.

I heard Felicia Riego's heavy sigh. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya at
nakita ko ang lamig sa kanyang ekspresyon.

"Tumulong ka ba?"

Umawang ang labi ko para mapakawalan ang namuong hininga sa aking lalamunan. Hindi
ko masasabing tumulong ako. Gusto kong tumulong, oo. Ginawa ko ang lahat pero hindi
ko gustong ipagmalaki gayong hindi ako sigurado kung nakatulong nga ba talaga ako.

"Iyon ba ang tulong na tinutukoy mo?" Felicia Riego said with a suggestive tone.

Parang tinarakan ng punyal ang puso ko. Lalo na nang nakita ang mga mata nilang
lahat, cold and unforgiving. Mabilis kong binagsak ang mga mata ko. I wonder if I
will ever be forgiven. Wala man akong kasalanan pero pakiramdam ko... kailangan
kong humingi ng tawad. For being that girl. For being involved. For being my
father's daughter. For... even simply existing.

"You told my son that your father is in Manila?" nanginginig boses ni Felicia, may
akusasyon sa tono.

"I-Iyon po ang sinabi ni Papa sa akin-"

"Na ano? Na umuwi ako dahil naroon si Balthazar sa Maynila? Pero ang totoo ay
nandito siya!? And how weird that you are here too, right!?" sigaw niya.
Inawat siya ng mga kasama. Unti-unting pumatak ang aking mga luha. Agad ko iyong
pinalis. Pilit kong tinapangan ang boses ko para maipaliwanag ang sarili.

"Nandito po ako kasi na ospital po si Lola Brosing-"

"After how many years! Ngayon mo pa pinili na bumalik dito!? You expect me to
believe your reason!?"

Pinalis kong muli ang aking mga luha. Pwede bang huwag muna ngayon? Masakit, oo,
pero tama na ang pag-iyak. Ayoko na.

"Nagkataon lang po talaga-"

"O baka may plano kayo ng ama mong pumunta rito sa ngalan ng anak ko!? For sure you
only pretended to help my son!"

Umiling ako. "Umuwi po ako para kay Lola. A-Ayaw ko nga pong umalis ng Manila nang
nalaman ko ang plano ni Papa dahil natatakot ako para kay Raj..."

Felicia Riego's face distorted with disgust and anger. Umiling si Ares at si
Achilles Riego ay napainom na lamang. Hinawakan ni Aling Wanda at ni Relani Riego
si Felicia.

"Stop calling my son that way!" nanggagalaiting sigaw nito.

Yumuko ako. Sa sobrang kaba ay halos namamanhid na ako.

"Manang mana ka sa nanay mo! Parehong pinipilit ang sarili sa taong hindi para sa
inyo!" she shouted with so much hatred.

Tumitig na lamang ako sa sahig. Her words are like cold silver cutting through me.

"I know what you're doing with my son!" she said. "Siguro nga ay tama sila at
marunong ka ngang manggayuma."

My tears formed silently on the side of my eyes. Pinilit kong huwag humikbi.
Pinilit kong huwag umiyak.

"Ginagamit mo 'yan para mapaniwala ang anak ko na tumutulong ka kahit ang gusto mo
lang ay ang kapahamakan ng pamilya namin!"

Umiling ako at nag-ipon ng tapang para makatitig sa kanya. Umiling akong muli.

"Tumulong po ako sa abot ng makakaya ko. Maaaring Papa ko po siya pero alam kong
masama ang ginawa niya sa inyo. Alam kong kailangan n'yo ng hustisya-"

"That is why you told my son that your father is in Manila?"

"N-Niloko rin po ako ni Papa. Sinabi niya rin sa akin na-"

"At sinong maniniwala riyan? Hindi namin narinig ang pag-uusap ninyo ng ama mo!
Wala kang ebidensya na hindi ito parte ng mga plano ninyo!"

"Fely..." Relani hushed her a bit.

"She's right! Paano natin malalaman na ultimong pagpunta niya rito sa mansyon ay
hindi nga parte ng plano nilang mag-ama," si Ares.

"May ebidensya ka ba, hija, na naloko ka rin ng ama mo?" tanong ni Achilles Riego.
Bigo akong unti-unting umiling.

"Pinapahamak mo ang anak ko! Ang pamilya namin! Pero makapal parin ang mukha mong
pinipilit ang sarili mo rito!" Felicia Riego said with more rage now.

Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Dinala ko ang aking mga palad sa aking mukha
nang nanlumo na ako sa pagbuhos ng luha. Umiling ako para pabulaanan ang mga
paratang niya.

"Anak ka ng taong pumatay sa tatay niya! Your father violated me! And yet you are
one insensitive girl still trying to find her way in the family! You are
sickening!"

Nanginginig ang mga kamay ko nang binaba ko iyon. Halos hindi na ako huminga para
lang mapigilan ang mga luha.

"Ni hindi ka marunong lumayo! Hindi ka marunong mag-isip ng tama at disente!


Talagang pinipilit mo ang sarili mo! Bakit pa nga ba kami magtataka? Ganyang ganyan
ang nanay mo! Kahit hindi gusto ni Hades, parang asong kating kati, tangang tanga
sa paghihintay kahit sa konting atensyon!"

Naisip ko si Mama. Wala man akong maalala masyado tungkol sa kanya pero ang maamo
niyang mukha sa mga larawan ang nabuhay sa isipan ko. Si Mama na naghihintay kay
Hades. Si Mama na... parang asong...

Parang pinagsusuntok ang puso ko. Parang pinapatay.

"Gaya ng hayop mong ama! Gaano man ako naging mabait sa kanya, wala paring iniisip
kundi ang mga kababuyang paniguradong namana mo!"

Pumikit ako ng mariin at mas bumuhos pa ang mga luha.

"Akala mo ba nababagay ka rito? Given your history? You will never fit in here! You
have no chance!"

Tumango ako bilang pagsang-ayon.

Hirap na hirap nang intindihin ang lahat. Felicia Riego's hatred is understandable.
And I am very sure that it's not just hers...

Sa malabong mga mata ay nakita ko ang galit ng bawat isa sa akin. Buhay na buhay
ang kanilang poot at naiintindihan ko iyon. Sino ang matutuwa sa akin? Sino ang
masisiyahan sa koneksyon ko sa taong pumatay sa mahal nila sa buhay?

"Pasensya na po..." tanging nasabi ko.

Natahimik sila, mukhang nabigla sa pagsasalita ko.

Pinilit kong lunukin ang bukol sa aking lalamunan para matiwasay na makapagsalita.

"Alam ko naman na mali ito dahil anak ako ng taong pumatay sa mahal n-ninyo sa
buhay pero..."

Bigo akong pumikit.

"... ang hirap niya kasing iwan dahil... mahal na mahal ko siya."

Napahikbi ako sa sinabi. Tumango ako bilang pagkukumpirma na naiintindihan ko sila.


"You're just creating your own excuses!" Felicia Riego exclaimed with anger.

Suminghap ako at muling nag-angat ng tingin. Kinagat ko ang labi ko para pigilan
ang panginginig.

"Bago po ako umalis dito, p-paki sabi po sana... huwag niya na akong hanapin. Tutal
nahuli na si Papa. Paki... sabi na rin po..."

Humagulgol ako sa sobrang sakit. Nakaramdam ako ng hiya pero nagpatuloy ako.

"Na pasensya na pero... ang hirap hirap niyang mahalin," pumiyok ang boses ko roon
kaya tumigil ako ng ilang sandali.

Nagulat ako dahil walang ni isang nagsalita sa kanila. No reaction or whatsoever


even from Felicia Riego who's probably disgusted with everything I say.

Sana... Raj... totoo na lang iyong masamang naisip ko.

Sana totoong ginamit mo na lang ako. Sana totoong titigilan mo na ako kasi nakamit
mo na ang hustisya.

Para totoong mahirap ka ngang mahalin.

"At salamat. Sa lahat."

Yumuko ako at mas lalong tinibayan ang sarili para lang matalikuran ang mga matang
punong puno ng galit para sa akin.

Kabanata 39
Kabanata 39

Decision

Kinakalma ko ang sarili ko palabas ng gate ng mga Riego. Tahimik kong nilakad ang
kahabaan ng kanilang bakuran. Tahimik din akong lumabas doon at sa kabutihang palad
ay mayroon namang dumaang tricycle.

Pumasok agad ako roon at nagsabi na ng pupuntahan. Pinunasan ko ang mga luha ko at
tahimik na lang pinagmasdan ang mga naiiwang tanawin habang umaandar ang aking
sinasakyan.

"Galing ka sa Casa Riego, ah. Anong balita? Pinatay ba 'yong kriminal?"

Gulat ako sa interaksyon ng driver sa akin. Naiintindihan ko na paniguradong usapan


sa buong bayan ang tungkol sa nangyari pero hindi ko inasahan na itatanong sa akin
ito.

"U-Uh..."

Hindi ako makahanap ng salita. Nagtagal ang tingin ng driver sa akin. Kumunot ang
kanyang noo, tila may naiisip. Nag-iwas ako ng tingin at nag-isip ng isasagot pero
bago pa ako nakapag-isip ay naunahan niya na ako.

"Sandali nga lang..." anito at unti-unting binagalan ang andar ng tricycle.

Napalunok ako roon. Unti-unti ring gumapang ang kaba sa akin.


"Ikaw iyong anak ni Balthazar, ah?" he said in an alarmed tone.

Mabilis ang naging pangyayari. Hindi pa nakakatigil ang tricycle ay halos tumakbo
na siya palabas doon para umikot at hilahin ako palabas. My wrist hurt at his
sudden forceful move.

"Tang ina mo, malas ka, ah! Tahimik ka pa iyon pala anak ka noong kriminal!" sabay
turo ng lalaking gigil sa galit sa akin.

Sobra-sobra ang kaba ko. Mabuti na lang at pinakawalan niya naman ako at nakaatras
ako ng napakalayo para lang maprotektahan ang sarili kung sakaling may gawin man
itong masama.

"Diyan ka na!" deklara ng driver bago bumalik sa kanyang tricycle.

He murmurred more hurtful words at me until the tricycle is gone. Suminghap ako. Sa
bilis ng nangyari ay ngayon lang bumuhos ang takot at sakit para sa akin.

Humakbang ako ng isang beses. Iniisip ko kung kukuha ba ako ng tricycle o


maglalakad na lamang pauwi. But then when I saw where I was, the options blurred.

Katabi ko ang masukal na kagubatan ng Costa Leona. Isang parte na alam na alam ko
kahit pa ilang taon na ang nagdaan. Ang mga pamilyar na puno ay mas lalo pang
tumayog habang ang iba'y pumayat tumanda tingnan.

Wala sa sarili akong naglakad patungo sa naglalakihang mga ugat ng mga puno roon.
Bawat paghakbang ko, maraming alaala ang naiisip ko. Noong bata pa ako hanggang sa
panahong tinakbo ko ito habang umiiyak, durog sa nalamang nasusunog ang nayon.

Hindi ko alam kung ano ang susunod kong hakbang pagkatapos ng nangyari. Mahal ko si
Raoul pero alam ko rin na hinding hindi ako matatanggap ng pamilya niya kaya paano
kaming dalawa? I won't ask him to walk away from his family. Alam ko ang pakiramdam
ng pangungulila sa pamilya at ayaw kong maranasan niya iyon. Though I doubt he'd do
it, too. Raj is an honorable man to his family. He loved them dearly. And that's
probably one of the reasons why I adore him so, his love for his family.

Mas posible at mas madali na ako ang umalis. Mas madaling itulak siyang palayo.
Madaling ipagkait sa akin ang kasiyahan ko. But then if Raj will tell me that I can
make him happy, iyon ang mahirap.

Mahirap tanggihan ang taong mahal. Mahirap siyang pagkaitan ng pagmamahal na alam
kong kaya kong ibigay.

So all I'm hoping now is for him to give us up. For him to realize that I was only
a tool for him to get justice and nothing more. For him to understand that I set
his family free from all the pain my father caused them. I set him free from that
same pain which almost turned him into a barbaric and savage person. I set them
free.

I hope he will realize that it was the only reason why we met. To set them all
free.

Suminghap ako nang namataan na ang pamilyar na tanawin sa harap. The shades of
sepia. The small rays of light shining through the leaves of the big trees. This is
a view I miss the most. Ang banayad na lagaslas ng tubig at ang indayog ng mga
dahong hinihipan ng panghapong hangin, ang payapang ito ay matagal ko nang gustong
maramdaman ulit.

Mayroon nga bang nagbago?


Wala.

Marahan akong naglakad patungo sa kamalig. It is the usual. After all, it is owned
by the Riegos. For sure the barn house is made with premium hardwood, na magdaan
man ang panahon, hindi masisira o mabubulok man lang.

Walang nagbago dahil gaya noon, ako parin ang batang si Soleil. The girl who loved
a Riego so much that it hurt her young heart. The girl who knew that she can never
touch his world, and yet still keeps on dreaming. Dreams are free, after all.

Naaalala ko noon. Nagtatago ako sa kakahuyan habang pinagmamasdan siya - masaya


kasama ang mga kaibigang may masasabi sa sosyedad. People who were confident with
their lives. I was their audience. At habang tumatagal ko silang pinagmamasdan, mas
lalo kong naiisip na ito ang mundong hindi ko kayang hawakan man lang. I couldn't
be that girl sitting with them laughing, or that girl swimming with Raj and talking
to him.

It is impossible.

And right now, it is still impossible.

Kaya walang nagbago. Ako parin iyon. Ang nanonood sa kanila. Nangangarap ng tahimik
pero tanggap na ang lugar ko sa mundong ito.

And while I watched them have fun, I knew that after all the smiles I had, sa huli
tatalikod din ako at aalis patungo sa aming nayon, kung saan ako nababagay at kung
saan ako nararapat.

Lumapit pa ako sa kamalig at sa paghakbang sa unang baitan ng hagdanan ay muli kong


nilingon ang maingay na daloy ng tubig. This was where my dreams started to grow.
This was where I started to talk to him. Dito ko siya nakilala ng husto, hinangaan
pa ng husto, at minahal pa ng husto.

Nagpatuloy ako sa pagpasok sa loob. The doors weren't locked. Pumasok ako at nakita
ang looban. Pareho parin ang ayos nito sa huling alaala ko. At sa itsura ng lugar
ay mukhang inaalagaan ito. No traces of dust and cobwebs anywhere.

Pinagtuonan ko ng pansin ang mga palamuti sa tanggapan doon. And my eyes stopped at
a familiar hourglass. I once owned that give away from Felicia Riego's birthday
years ago and to me it was a treasure.

The hourglass that tells time. I remember how I wished so bad for the sand to fall
faster so the time would pass faster, para lumaki na ako, para maabot ko si
Raoul... para mapalapit ako... para malaman ko kung sa pagdaan nga ba ng panahon ay
may pagbabago.

Ngayon, nagdaan na ang panahon at ang tanging nasabi ko lang ay wala. Walang
nagbago.

And to me, it became clearer now. I will be in a far away place when Raoul decides
to marry someone else. I will be very broken but I will never be angry at him. I
will be happy for him but I will choose not to know more about his life. At kung
magiging miserable man ako, I will try my best to find joy in other small things.

At sana mabilis ang paglimot. Kung hindi pala ito para sa akin, sana huwag akong
pahirapan sa paglimot sa pagdaan ng panahon.

Ilang sandali akong nanatili roon bago nagpasya na lumabas para makita na rin ang
sapa. At maaaring maging ang nayon, sa huli sanang pagkakataon.

Lumapit ako sa sapa. Gaya ng dati, malinaw parin ito. Kita parin ang mabato nitong
sahig at ang bilis ng daloy nito patungo sa mas malaking anyo ng tubig sa hindi
kalayuan.

Ang katahimikan ng lugar ay biglaang nabasag nang narinig ko ang iilang yapak ng
kabayo sa 'di kalayuan. Sa kaba ko'y hindi ko alam saan lilingon lalo na't hindi ko
rin alam saan nanggaling iyon. Bago ko pa nalaman ay nakita ko na si Raoul patungo
sa akin.

My breathing hitched at that. Sa gulat ko'y hindi ko na alam ano ang gagawin ko.
Mabuti na lang at ilang metro ang layo ay tumigil siya sa paglalakad, siguro'y kita
ang pagkabalisa ko.

I heard more horses. May narinig din akong nag-uusap ngunit sa huli ay nawala rin
ito kasabay ng unti-unting pagkawala ng mga yapak ng kabayo.

My heart is almost on my throat sa sobra nitong likot sa paghuhuramentado. Hindi ko


inasahan na magkikita pa kami pagkatapos ng pag-alis ko sa kanila. And how did he
find me here is a big question to me, too. Tapos na ba ang ginagawa niya?
Napakulong na ba si Papa? Galing ba siyang mansyon? Sinabi ba ng mga Riego ang mga
huling salita ko? For sure they told him that, right? They want him to stop seeing
me so they must tell him what I told them!

His eyes bore into me and I saw both pain and sorrow in it. Para saan kaya iyon? I
secretly wish that it is because he is guilty. That he wants to set me free now but
he's just too guilty to do it which explains the pain and sorrow in his eyes.

"T-Tapos na ba sa presinto?" I asked awkwardly.

Kinakalma ko ang sarili ko at para mangyari iyon ay dapat kalmado lang din ang pag-
uusapan naming dalawa.

"Yes. He's in prison."

Napatingin ako sa kanyang mahabang binti. Humakbang siya patungo sa akin at sa


pagkakaalarma ko'y napaatras agad ako ng iilang hakbang palayo sa kanya.

Sumulyap ako sa kanyang mukha at nakitaan ko ng galit at pagsusumamo sa kanyang mga


mata. It was like he knew what I was doing and he was pissed about it and he can
also beg just so I'd stop doing it. Tumikhim ako at inayos ang sarili.

Binalot kami ng matinding katahimikan. Tanging ang hangin, indayog ng mga dahon, at
lagaslas ng tubig lamang ang naririnig. His eyes bore into me like I could escape
from his grasp if he didn't watch me closely. At ako'y hindi malaman kung titingin
ba o aayaw sa kanya.

"N-Nag-usap nga pala kami... ng Mama mo," sabi ko nang narealize na wala na kaming
patutunguhan dito kung mananatili akong tahimik.

He relaxed a bit. He advanced a step once.

"And?"

Muli pa siyang gumawa ng hakbang at mas nagkalapit kami. Umaatras ako pero paunti-
unti lamang at ang kanyang hakbang ay mas lalo lang nagpakaba sa akin.

"P-Pwedeng huwag ka munang lumapit sa akin?" sabi ko nang hindi na nakayanan ang
kaba.

I sound so frustrated that I almost begged him. Mas lalo ko lang nakita ang galit
at sakit sa kanyang mga mata. His jaw clenched repeatedly at imbes na sundin ako'y
lumapit pa siya ng husto.

My heart pounded harshly. Lalo na nang hindi niya sinunod ang hiningi ko. Lalo na
nang tumulo ang mumunti kong luha at sinalo ko na lang ito gamit ang aking mga
palad. I covered my face with it and I felt his warm embrace shielding me.

"Sabing huwag mo muna ako l-lapitan!" iritado kong sinabi sa kanya kahit na
nanghihina na

"Why can't I, huh?" he equalled my frustration with his.

Mas lalo niyang hinigpitan ang yakap niya. Ibinaon ko ang aking mukha sa kanyang
dibdib. Nakakapanghina. Lalo na kapag nariyan siya, malapit sa akin. Lalo na
ngayong niyayakap niya ako.

I can't help but notice how comfortable he feels. Parang wala akong pangamba kapag
ganito kami. I feel at peace whenever we're together. And I wonder if I make him
feel this way, too? That in the midst of all the chaos of his life, I make him feel
at peace?

Nanghihina ko siyang hinampas ng paulit-ulit. I feel so frustrated that I couldn't


even form my own words. I couldn't even exactly explain what I'm feeling. And it is
because I love him so dearly! Hirap na hirap ako!

"Pakawalan mo na lang ako..." mangiyak-ngiyak kong sinabi.

"No," namamaos niyang balik.

Umiling ako. Alam kong alam niya ang tinutukoy ko. Hindi ko na kailangan
ipaliwanag. He knows what's going on. He knew this from the very beginning kaya
hindi ko maintindihan kung bakit pinagpatuloy niya.

"Alam mo namang hindi talaga tayo pwedeng dalawa, 'di ba? Kahit nahuli na si
Papa... alam mong hindi pwede-"

He hugged me tighter. Ang kanyang haplos sa aking buhok ay nakakapangulila. Mas


lalo lamang akong umiyak. Gustong gusto ko siya. Mahal na mahal ko siya. Kahit ang
haplos niya, naaamo ako ng husto.

I pushed his chest away to tell him what I told his mother a while ago so he'd
understand. I pushed him so he'd stop winning me back through his touch!

"Mahal n-na mahal kita, pero ang hirap hirap na, Raj. Napapagod na ako s-sa
kapipilit sa sarili k-ko sa mundong hindi para sa k-kin..."

I heard his heavy sigh. He pulled me back to him again like my words don't matter.
And then his lips touched my hair until I heard him whisper desperately.

"Hindi pa ako pagod, Leil."

Parang nilulukot ang puso ko sa desperasyon at pag-asa sa tinig niya. Ibinaon ko


ang mukha ko sa kanyang dibdib.

Those words were very simple but somehow it calmed my confused heart. Ganoon ang
kaya niyang gawin sa akin.
"Baby, if you are tired, then let me be our strength now. Please. We can't give
this up."

I cried more. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko. Kung paano makakawala sa
kanya. Hindi ako ganoon kalakas para muli siyang saktan. Hindi ko kayang pagkaitan
siya ng pag-ibig na kayang kaya kong ibigay.

"Let me do the rest."

He scooped me from where I was. Kahit kinabahan ay hindi ko na nagawang umapila o


tumili sa gulat. Hinayaan ko siyang iangat ako. I covered my face with my palms and
his chest. I let him lift me up. Naglakad siya patungo kung saan. Hindi ko na
tiningnan kung saan niya ako dadalhin o anong mangyayari. Hinayaan ko siya sa
lahat.

Hindi ko alam gaano ka tagal bago ako kumalma. I just know that I am now leaning on
his chest while we were sitting somewhere. Nang dumilat ako'y nakita kong nasa loob
na kami ng kamalig.

He was slowly and gently stroking the strands of my hair habang nakahilig ako sa
kanya. Kalmado na siya, ayon sa tibok ng kanyang puso. At bahagyang kalmado na rin
ako pero mahapdi ang mga mata ko sa pag-iyak kanina.

I sighed. Hinawakan ko ang kanyang braso para sana maangat ko ang sarili ko pero
natanto kong masyado parin akong mahina para umahon. Kaya pinanatili ko na lamang
ang kamay ko roon.

"Raj..." tawag ko.

"Yes, baby," he said very gently.

Kinagat ko ang labi ko at hindi na siya nilingon para kumpirmahin ang kanyang
atensyon.

"Makakahanap ka pa ng ibang mamahalin," sabi ko.

He stopped stroking my hair for a few moments then he sighed heavily again.

"I won't," mataman niyang sinabi.

Bigo ko siyang nilingon. His eyes bore into me and it was too much. Mariin ang
kanyang titig, may halong galit at kawakasan. Tila ba hindi siya tatanggap ng ibang
opinyon. Nagtaka pa ako. He's always been this way. I wonder if his mother is fine
with his decision?

Probably not? Of course not!

Nag-aaway kaya sila? At dahil pa talaga sa akin.

"Hindi pwedeng makaaway mo ang pamilya mo dahil lang dito," sabi ko.

"Stop worrying. Let me handle that."

Galit ang pamilya mo sa akin, sasabihin ko sana pero hindi ko tinuloy. That's a
given fact now. He knows that.

"Hindi na maaayos ito. Hindi na magbabago ang katotohanang anak ako ng taong sumira
sa pamilya ninyo. Alam kong naiintindihan mo ang Mama mo sa opinyon niya sa akin."
"They will eventually understand us," he said in a controlled voice.

"At tayo? Kailan natin sila iintindihin? Kailan natin maiintindihan ang gusto nila?
Na talagang hindi ako pwede dahil magpapaalala ako ng sakit at pait ng nakaraan?"
gumaralgal ang boses ko.

His eyes bore into me with an agonizing pain. Ganoon din siguro ang titig ko sa
kanya.

He cupped my chin with his fingers. He licked his lower lip and sighed.

"And your solution is to leave me, is that it? We both understand my family so we
are going to break up, that's what you mean?" he said stubbornly.

Kinagat ko ang labi ko. Alam kong alam niya na ganoon nga. Wala na kaming ibang
sulusyon sa problemang ito.

"Hindi ko na mababago ang pagkatao ko-" umiling ako.

"God damn it, I am not asking you to change anything!" agap niya.

Tumigil ako sa pagsasalita. Pagod ko siyang tiningnan. He looked at me with both


fear and longing in his eyes. Takot sa maaaring pinal kong desisyon at pang-aasam
na maaayos na ang lahat ng ito.

"Kahit nakakulong na si Papa, hindi parin mabubura ang katotohanan na anak niya
ako."

He shook his head at that but I continued.

"Na... ako iyong sinasamba ng mga tao noon, na inakala ng lahat na ako ang nag-utos
noon, na baliw rin ako, na kakampi ako ni Papa-"

"You are innocent! Wala kang kinalaman sa lahat ng nangyari, Leil."

"At kahit alam man ng lahat na wala akong kinalaman, Raj, I will remain to be the
face of that crime. Maaalala ng lahat ang nangyari tuwing nakikita ako!"

"It will change in time!" he said with certainty.

Umiling ako. "Para matapos 'to, lalayo ako sa'yo at-"

"You can't run away and stop trying! I'm gonna pursue you, Leil, until you're
exhausted! Until you stop running away from me!" agap niya habang mas lalong
hinigpitan ang hawak sa akin.

Bumuntong hininga ako. Sobrang sakit na makita siyang nasasaktan. Para akong
pinapatay habang nakikita ko ang takot sa kanya. Wala siyang dapat ipangamba. Siya
lang ang mamahalin ko, maghiwalay man kaming dalawa.

"Kung pagod ka na, hayaan mo akong lumaban para sa ating dalawa! Let me do the
fighting, just don't you fucking leave me, Soleil..." he said firmly.

Dinala ko ang nanginginig kong kamay sa kanyang pisngi para damhin ang nakatiim na
panga. His rough and hard jaw is very opposite with my soft and gentle hand, and
yet they fit so perfectly. At alam kong ramdam niya rin iyon.

He half-heartedly avoided my hand. Suplado niyang iniwasan ang haplos ko dahil sa


galit sa mga sinasabi ko. Hinabol ko ang kanyang panga at muling dinama.

How could I ever let you go, Raj? I would probably find you even in another life...
and love you this way... or harder!

"Nasaktan at nawasak ang Mama mo sa nangyari at taon man ang lumipas, alam kong
mananatili ang sakit. She was violated. And her loving husband was killed, Raj.
Baka kung ako 'yon, mamamatay ako sa sakit."

His grip tightened. I can sense his anger just thinking about what I said.

"I was hurt, too..." he said in a shaking voice.

My eyes widened a bit at that. Alam kong nasaktan siya. Ng sobra sobra. Pero hindi
ko inasahang sasabihin niya sa akin ito. He was always strong in front of me. He
never gave me a chance to understand his emotions this way kaya ang malamang
sinasabi niya na sa akin ito ay nakakamangha.

Nag-iwas siya ng tingin sa akin na tila ba takot paring malaman ko ang mga kahinaan
niya. Pero nanatili ang mga mata ko sa kanya.

Oh, the man I love so much. I can imagine him so broken years ago. With his mother
suffering, and his father taken away from him in a brutal way!

Kung sana iba lang ang sitwasyon at binigyan ako ng pagkakataong mahalin siya sa
pinakamadilim na mga panahon ng buhay niya, ginawa ko na. I would love him, all of
him, until the last drop of me.

I would hurt and bleed for him just so he would feel fine for a few moments. I
would gladly break myself until I make him happy again.

"And angry. So angry..." he said.

Kinagat ko ang labi ko.

Mas lalong humigpit ang hawak niya sa aking baywang, tila ba natatakot siyang
kumawala ako ngayong sinasabi niya na sa akin ang kanyang kahinaan.

Hinigit niya akong bigla at niyakap ng napakahigpit. Noong una'y nabigla ako at
gusto kong kumawala pero nang naramdaman ang sakit niya'y nagpaubaya na ako. I
hugged him tighter, as if my embrace could take all his pain away.

"My father was brutally killed while saving my mother!" he said in an angry tone.

I can almost taste his pain. Mas lalo akong nagkaroon ng lakas ng loob na yakapin
siya ng mahigpit. This is my Raoul Vesarius Riego. He is mine and only mine. I will
have his happiness and his successes. And right now, I will have and embrace his
pain and sorrow. Because he is mine.

"Gusto kong pumatay sa sakit!" he said, shaking.

Pakiramdam ko ay kayang kaya niya akong durugin sa higpit ng kanyang yakap. Kaya
niyakap ko siya pabalik. I embrace all of him, his gentleness and his ruthlessness.

"Gusto kong gumanti. And I tell you, I am not as kind as my father. No matter how
much I try to copy the way he is kind to others, I just can't!"

Ibinaon niya ang kanyang mukha sa aking dibdib. He hugged me so tight that I almost
ran out of breath. Hinayaan ko siya na yakapin ako sa ganoong paraan. I will love
him devotedly!

"I want so much to brutally kill the man or the people who did it to my family!"

Marahan kong pinatakan ng halik ang kanyang buhok. Slowly, I stroked his hair.
Hindi na ako nagsalita. I want him to pour his feelings on me. Everything.

"Because those moments, I feel like I lost both my parents. My mother mourned
heavily, and she lost herself, too. Ako lang ang tumayo para sa aking sarili at
para masandalan ni Mama. I did everything to make it all at least fine, after
years."

"Alam ko..." sabi ko dahil pakiramdam ko, walang nakakita sa lahat ng ginawa niya
para sa kanyang pamilya. And I feel so hurt for him.

I can only imagine the sacrifices he went through. I can only imagine him trying
his best to appear strong because he's the head of the Riegos, and he can't be
weak.

"Until now, I'm still doing my best to make everything fine for the family. At kaya
kong ipagpatuloy lahat ng ito, Leil... sa halagang sa akin ka..." he whispered.

Huminga ako ng malalim. Nag-angat siya ng tingin. The profound grief in his eyes
made me decide bravely.

How can he bare his soul to a woman who made his heart broken so many times? How
can he love me this way despite of the hurt and pain I gave him?

His bloodshot eyes remained on me, waiting for my decision to touch my lips.

How can you love me this hard when I am a living memory of your darkest days, halos
isatinig ko iyon. At tila ba narinig niya ang tanong ko nang sinabi niyang bigla
ito.

"I'm in love with you, Leil. My days will continue to be dark without you," he said
huskily.

I sighed slowly and caressed his hard jaw.

"Baby, you are for me," he whispered gently.

Ngumiti ako. Sa namumungay na mga mata ay tinitigan ko siya. He looked at me with


fearful eyes, like a boy scared of his demons. And I imagine a boy this strong-
looking, with eyes as dark as the storm, and with determination as fierce as his...
at habang tumatagal ay natanto kong, magmamahal ulit ako.

Hinaplos ko ang kanyang panga gamit ang dalawang kamay. Dahan-dahan, dinala ko ang
aking mukha sa kanya para mahalikan siya ng marahan.

Magmamahal ulit ako, Raj.

With a boy like you... the strong and dark but kind and gentle Raoul Vesarius
Riego. I smiled thinking about it.

"What are you thinking?" he said with curious eyes and accusing eyes.

Ngumiti ulit ako. Hindi ko maintindihan kung bakit sa gitna ng sakit ay nakakaya
kong mag-isip ng ganito ka gaan na damdamin. Siguro dahil sa sarili ko,
nakapagdesisyon na ako.
Hindi ako nagdesisyon dahil lang nandito siya sa harap ko. Nagdesisyon ako ngayon
dahil nasisiguro ko na hindi ko kakayaning ipagkait sa kanya ang pagmamahal ko. Not
now that he gave his all to me. Not now that I'm pretty sure I'd wreck him if I
leave him. Hindi ko kayang gawin iyon sa kanya dahil mahal na mahal ko siya.

Sure it is easier to just let him go and give up, but it is braver to love him. And
if being brave means I'd make him happy, then I don't need easy.

"Na magmamahal pa ako, bukod sa'yo..."

His lips twisted in his usual manly way. Halos maramdaman ko ang galit niya para sa
akin. Siguro ay iba ang kanyang iniisip? Na magmamahal ako ng ibang lalaki?

"Kung magkakaanak tayong dalawa ng gaya mo ulit, maaiinlove ulit ako ng sobra
sobra..." sabi ko.

He stared at me intensely for a few heated moments. His eyes drifted on my body.
His other hand then rested on my thigh. Bumalik muli ang kanyang madilim na mga
mata sa akin.

"We can only have children if you marry me," he said.

Nagkatinginan kaming dalawa. Ngumiti ako pagkatapos ng ilang sandali. Kakalas na


sana ako sa kanya pero hinila niya ako pabalik.

"We're not yet done talking..."

Napawi ang ngiti ko nang naramdaman ang kamay niya sa aking baywang na tinutulak
ako para mas lalong bumagsak sa kanyang dibdib. Our nose touched at kung hindi ko
tinuko ang mga kamay ko sa kanyang dibdib ay baka higit pa roon ang inabot namin.

My eyes drifted down on his lips. Kumalabog ang puso ko. His jaw clenched with
anger coated with desperation.

"Ano pa ba?" marahan kong tanong.

"I still have my questions, remember..."

Suminghap ako at dahan-dahang tumango. Iniwas ko ang ilong ko sa kanya at nang


idiniin niya ako'y matagumpay niyang nahalikan ang aking pisngi.

"You won't leave me," mataman niyang sinabi.

I slightly nodded at that. Kung mahihirapan ako, hindi bale na. At kung ayaw man ng
pamilya niya sa akin, hindi ko ipipilit ang sarili ko.

I will love him and his family this way. The love that understands pain, and will
never hurt back. The love that embraces wrath in the hopes to fill a sad heart with
joy one day.

"There will be no more flings for us."

Ngumuso ako. "Okay. Boyfriend na kita," nahihiya kong sinabi.

"Hindi. I'm your fiance. You'll marry me."

Nilingon ko siya. His dark eyes told me that he's not going to take any funny
business or statement from me. Hindi niya ako pagbibigyan lalo na kapag hindi
masusunod ang mga sinasabi niya.

His eyes drifted on my fingers. Inangat niya iyon at mabilis na tinutok at pinasok
ang isang kulay gintong singsing na may isang bato sa gitna. It was a simple ring.
Sa sobrang simplisidad nito, nagsusumigaw ito ng pagiging elegante at karangyaan.

Hindi pa lubusang mag sink in sa utak ko na sinuotan niya nga ako ng singsing.
Nanatili ang mga mata ko sa aking daliri.

"Akala ko ba magtatanong ka?" malambing kong sinabi. "Bakit puro utos?"

"And lastly you're not going to leave my sight again from this day on," he said
ignoring what I said.

I stared at him for a few moments. He really is wise, proficient, and sharp. Na
kahit sa relasyon ay kaya niyang hawakan ng ganito.

I slowly nodded. Binaba ko ang kamay ko at tinitigan ang singsing doon. Isang
buntong-hininga ang kanyang pinakawalan bago ako lumingon sa labas ng kamalig.
Dumidilim na ang labas. Tingin ko'y hindi pa naman gabi pero dahil sa nagtatayugang
mga kakahuyan ay mas mabilis dumilim dito.

"Gusto ko sanang bumisita sa nayon," bigo kong sinabi at ibinalik ang titig sa
singsing.

"Bukas na..." he said against my ear.

Tumango ako. "Oo nga. Kailangan ko nang umuwi. Baka nag-aalala na si Ma'am Avila."

Ikinulong niya akong muli sa kanyang yakap.

"Let's stay here for the night," he said while his nose touched my ear.

I groaned. "Raj, ayokong dumagdag sa sakit ng ulo ni Ma'am. Kahit pa utusan mo ang
mga tauhan mo roong sabihin na ayos lang ako, alam kong mag-aalala parin siya."

Namumungay ang mga mata niya. Hindi ko alam kung narinig niya ba ang sinabi ko. I
glared at him. Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Hinilig niya ang kanyang
ulo sa backrest ng sofa at pinagmasdan lang ako sa isang banayad at kontentong
paraan. I feel like he's fine just by watching me on him like this.

"Raj..."

"Sa inyo ako matutulog. Sa kwarto mo," aniya.

Bigo akong sumimangot.

"Sa sala..." he negotiated. "Tutulong ako sa pag-aalaga kay Lola Brosing."

"Kailangan mong umuwi sa inyo."

"I will do that soon. Let's spare this day, please?"

Well, it was a long day. Pagod siya sa nangyari at ganoon din ako. Pisikal at
emosyonal na pagod.

"Magpaalam muna tayo kay Ma'am Avila," sabi ko.

He smiled wearily. Hindi ko mapigilan ang pag ngiti rin. I am so madly in love with
him that even his sudden smile makes my heart leap! Napailing na lamang ako sa
aking sarili.

"She'll say yes. She loves me. Boto 'yon sa akin..." aniya.

I playfully made a face at pagkatapos ay nagkibit ng balikat. "May iba siyang gusto
para sa akin, e."

Mabilis ang pagkunot ng kanyang noo. And can you believe it, kahit sa ganoon ay mas
lalo lang nahuhulog ang loob ko? Ni hindi niya alam na sa konting pag-uusap lang
namin, mas nababaliw ako sa kanya! He has no clue what he's doing to me internally!

"Sino?"

"Iyong seaman na kapitbahay lang nila. Nirereto niya sa akin-"

"Hindi ka tumanggi?"

Nanatili ang iritasyon sa kanyang mga mata. I smiled at that.

"Mahirap iexplain kay Ma'am na tayo. Wala siyang alam tungkol sa atin kahit noon."

Nanatili parin ang gitla sa kanyang noo. I find it really adorable. Hindi matanggal
ang ngiti sa aking labi.

"Gaya ng mahirap din papaniwalain ang mga Ledesma kung sasabihin kong tayo kasi..."
bumaling ako sa kanya.

Do you understand, Raj? You are so high up. Kung mayaman at tanyag ang mga Ledesma,
mas lalo na ang mga Riego. Lalong lalo na ang mga Riego. And he's not just a Riego.
He is that great na pangarap siya kahit ng mga Ledesma kaya anong panama ko?

"Naiintindihan mo ba?" I wondered.

Mas lalong kumunot ang kanyang noo habang naghihintay sa sasabihin ko. He looked
confused.

"Hinahangaan at respetado ka kahit ng mga Ledesma. Sobrang taas mo para sa kanila


na kung sasabihin kong gusto kita, nakakatawa, Raj."

He licked his lips and his eyes drifted on my lips like it's distracting him. Hindi
ko alam kung nakuha niya ba ang gusto kong iparating.

Marahan kong inangat ang aking sarili para maungusan siya. I slightly towered over
him. Slowly, he parted my thighs just so I can have the strength I need to tower
over him. At nang nagawa ko ay pinatakan ko siya ng marahang halik sa kanyang labi.

My heart pounded so fast and loud. Tumigil ako at napahawak sa aking dibdib para
damhin ang pintig ng puso. Bumaba ang tingin niya sa aking dibdib. Uminit ang
pisngi ko, lalo na nang pinalitan niya ang kamay ko ng kanya.

Mas lalo lang bumilis at lumakas ang pintig ng puso ko. At mas lalo lang akong
nahiya dahil siya na mismo ang nakakaramdam ng kaba at pagkakabaliw ko sa kanya.
Nakita ko ang pagkakamangha sa kanyang ekspresyon habang dinadama ang aking kaba.

"Kailan pa 'to nagsimula?" he asked like he never knew.

Alam kong alam niya. Hindi ko alam bakit pa siya nagtatanong pero sinagot ko parin.
"Kahit noon pang bata pa ako. Dito..." simple kong sinabi.

He then gave me a long deep kiss. Nakakaliyo ang kanyang halik na nang tumigil siya
halos nahihilo pa ako. I arched my back. Heat conquered my stomach down my body.

"You were very young. How are you sure that it was love?" namamalat niyang tanong.

Ngumiti ako. Mas lalong naghuramentado ang puso ko. Lalo na ngayong nakita siyang
seryoso sa kanyang tanong.

"Kasi... hanggang ngayon, ikaw parin? At ikaw lang?" naiiyak kong sinabi.

Kung hindi ko siya inawat ay baka tuluyan na nga kaming doon natulog sa kamalig. I
secretly smiled thinking about a memory of him kissing another girl inside that
house. Noon ay palihim kong pinangarap na mapalitan ang babaeng iyon, ngayon
nangyayari na!

Hawak ko ang kamay niya at nauuna ako sa paglalakad sa naglalakihang ugat ng mga
kakahuyan. He's holding a flashlight, lighting my way, and at the same time
guarding whatever will attack us from the back. Positibo naman akong hindi kami
mapapano kahit pa nag-aagaw na ang dilim at liwanag.

Sa wakas ay nakarating din kami sa bahay. His car was waiting on the highway at
iyon na ang sinakyan namin patungo sa mga Avila.

Naroon nga ang mga tauhan niya sa labas ng bahay upang magbantay. At tahimik naman
akong kumatok pagkarating, kung saan si Lola Brosing sa kanyang wheelchair ang una
kong nakita.

"S-Si Leil... Luz..." ani Lola.

Nagulat ako dahil mukhang umayos na nga ang pakiramdam nito dahil nakakapagsalita
na ng paunti-unti! Lumabas si Ma'am Avila sa kusina at mabilis na dumalo sa akin.

Yumakap ako kay Lola Brosing ngunit ang mga mata ng matanda ay nanatili sa aking
likod.

"Leil! Nag-alala ako sa'yo! Jusko!" nag-uunahan ang mga sinasabi ni Ma'am Avila.

Nag-aagaw din ang kanyang mga mata sa akin at sa lalaking nasa likod ko. Niyakap
ako ni Ma'am agt nagulat naman ako sa mga taong nasa kanyang likod.

"Leil!" tawag ng isang pamilyar na lalaki.

Sa pagkakamangha ko ay hindi ko na namalayan ang pagkamangha ni Ma'am Avila at Lola


Brosing sa kasama ko. Ma'am Avila invited some of my friends! Nandito sina Ronald,
Jeff, Pinky, Charlie, Sharlene, Dixon, Gasper, at maging si Jun!

Sa sobrang saya ko'y ako na mismo ang unang lumapit sa kanila. Isa isa nila akong
niyakap. Bumuhos din ang kumustahan at nag unahan ang tanong tungkol sa nangyari
kanina.

"Ayos ka lang ba?" si Pinky.

"Nong narinig ko na nandito ka, agad akong nag-isip na pumunta rito sa mga Avila
dahil sigurado akong dito ka titira!" si Ronald.

"Kumusta na?" si Gasper.


Marami pa silang mga tanong. Nilingon ko si Ma'am Avila para magpasalamat pero
nakita ko ang gulat, pagtataka, at saya sa kanyang mga mata. Hindi niya na
kailangang isatinig ang mga tanong.

"Magandang gabi po," sabi ni Raj pagkatapos lumuhod at magmano kay Lola Brosing.

"Naku! Ang gwapo gwapo ni Raoul! Ang gwapo gwapo mo, hijo!" paulit-ulit na sinabi
ni Lola Brosing, tuwang tuwa.

Nagkatinginan si Ma'am Avila at si Raoul. Pagkatapos ay walang tinig muling


bumaling si Ma'am Avila sa akin. Naroon parin ang pagkamangha niya at ang mga
mata'y nangingilid ng luha. Ngumiti ako.

Natahimik ang mga kaibigan ko. Siguro'y nagulat na rin sa presensya ng isang Riego
rito... kasama ko.

"Boyfriend ko po, M-Ma'am..." sabi ko.

Napasinghap si Ma'am sa gulat. Nilingon niya si Raoul. Kinuyom ko ang kamay ko at


naramdaman ang singsing na binigay ni Raoul.

"P-P-Paanong..." hindi magkandaugaga si Ma'am sa sasabihin.

Natutop naman ni Lola Brosing ang kanyang labi sa gulat. Kinagat ko ang labi ko
habang pinagmamasdan si Ma'am na medyo gulo pa.

Narinig ko ang bulung-bulungan galing sa mga bisita pero agad ding nawala.

"Raoul?" Ma'am Avila called with shaking voice.

Raj curtly nodded.

"B-Boyfriend, Leil? Raoul? H-Hindi ba..." hindi matuloy ni Ma'am Avila ang kahit
ano.

"Fiance, po..." pagtatama ni Raoul bago ako marahang hinigit patungo sa kanya.

Ma'am Avila's jaw dropped. Sa sobrang gulat niya ay ilang sandali pa bago siya
nakabawi... bago niya ako nayakap ng mahigpit habang umiiyak.

"Ano? P-Paano 'to, anak? Totoo ba? Ginugulat mo ako! Dios ko!" she laughed while
crying.

Nakita ko ang palihim na pangungumpirma ni Pinky at Sharlene sa akin. Sumenyas sila


ng tanong kung totoo ba. I smiled at them to confirm it bago nila nilingon si Raoul
an para bang nakakamangha ang lahat.

Sa gulat yata ng lahat ay halos hindi namin pinag-usapan ang tungkol doon habang
kumakain kami at buong gabi na rin. Puro kumustahan lang ang nangyari at marami
akong nalaman tungkol din sa kanila.

It feels so good to reconnect with old friends again. It feels so good to know that
they are now living different lives. It feels so good to hear their concern for me
and their opinion regarding what happened years ago. Kahit pa nasa kanilang mga
mata parin ang pagtataka sa parteng kasama ko si Raoul Riego, hindi na sila
nanghimasok pa. Kita ang mga tanong sa kanilang mga mata pero hindi ko na rin
dinala pa ang sagot. Baka kasi hindi ko rin alam kung ano ang sagot. Ang importante
sa akin ay nagdesisyon na akong harapin ito... na kasama siya. Whatever the results
may be...
Kontento na ako sa napag-usapan namin ng mga kaibigan ko.

Kaya naman nang umalis ang mga kaibigan ko'y parang mas lalong gumaan ang
pakiramdam ko. Naiwan kami nilang apat sa bahay. Kahahatid lang namin ni Lola
Brosing sa kwarto nito sa baba nang naabutan ko si Ma'am Avila na medyo natataranta
sa mga kumot at unan.

"Uuwi ba 'yan, Leil?" she whispered to me, talking about Raoul. "Dahil kung hindi
ay maghahanda ako ng isang kwarto. At... magtatabi ba kayo o ano?"

Maagap akong umiling kay Ma'am Avila sa kahihiyan. I know she's like my mother but
it is so awkward to talk about this with her!

"Sandali lang po..." paalam ko bago lumapit kay Raoul.

Sumunod siya sa akin sa sala at kahit habang nag-aayos ay alam kong pinagmamasdan
niya kami. Alam kong kuryoso siya. Lalo na't hindi pa namin napag-uusapan kung
paano nagkaganito ang lahat.

"Maghahanda kami ng isang kwarto para sa'yo. Sigurado ka bang hindi ka uuwi?"
tanong ko.

His sharp eyes darted on Ma'am Avila. I can sense his plan or whatever. Bahagya
kong hinampas ang kanyang braso. Then he smirked at me.

"Dito na lang ako sa sofa matutulog."

"May isang kwarto pa sa tabi ng kwarto ko..." sabi ko.

He smirked again. "Pwede rin..." he said with a suggestive tone.

I sighed. Nagkatitigan kami. Nanatili ang kanyang ngisi.

"Dito na lang po siya sa sala, Ma'am..." sabi ko nang 'di na nilingon si Ma'am.

"Talaga? E, may kwarto pa naman, Leil..." si Ma'am Avila na concern kay Raoul.

Raj's lips twisted to hide his smirk. What a way to end a long day, huh?

Kabanata 40
This is the final chapter. Thanks for giving me the opportunity to improve.

---

Kabanata 40

Alaala

Pababa ako sa hagdanan nang nakita ko ang tahimik na umaga sa bahay ng mga Avila. I
saw Raj outside the house, mukhang nag-aayos ng mga plorera sa front yard ng mga
Avila. Si Ma'am naman ay nasa kusina at kung hindi niya ako palihim na tinawag ay
baka lumabas na ako para lapitan si Raj.

Ma'am Avila waved at me. Pagkatapos ay bumaling siya sa labas na tila ba


tinitingnan kung nakatingin ba si Raoul o hindi, at nang nakumpirmang hindi ay
'tsaka lang nang usyoso.
"Nakakahiya, Leil. Nakapagluto na si Raoul ng almusal para sa atin bago pa ako
nagising. Baka hindi nakatulog ng maayos sa sofa..." bulong ni Ma'am.

"Ganoon po ba?"

Nilingon ko ang nakahanda nang almusal sa lamesa. Pagkatapos ay inabot ko ang


pitsel ng tubig para makapagsalin at makainom na ako.

"Leil, hindi pa tayo nakakapag-usap! Paano nangyari 'to? Hindi ba..." Parang
sumakit yata ang ulo ni Ma'am kaiisip kung paano nangyari ang lahat.

Naupo ako sa silya at nagpasya na panahon na siguro para ikwento ko ng buo sa


kanya.

"Okay," kinalma ni Ma'am Avila ang kanyang sarili. "Noon, alam kong crush mo siya.
Naramdaman ko na may kung ano siyang pagtingin sa'yo pero hindi ko naisip na
posible ito. Lalo na sa lahat ng nangyari... Nagulat ako, anak!"

Natatawa na naiiyak si Ma'am Avila sa pagsasabi sa akin. So I spent almost the rest
of my first waking hours telling her what happened. Tumigil lamang kami nang
pumasok na si Raoul at nagpasya na rin si Ma'am Avila na ayain na kaming mag-
agahan.

Tumulong ako sa kay Lola Brosing. Today, she can already talk very well. At kanina
sa pagbangon niya'y naabutan namin na siya na mismo ang naglakad patungo sa kanyang
wheelchair. We all got worried but in the end we all laughed about it.

Kuryoso ang bawat tingin ni Ma'am Avila sa amin ni Raj. Lalo na nang naglagay ako
ng mga plato at kubyertos sa hapag at si Raoul ay sinusundan ako habang abala.

"Where's my morning kiss," Raj said naughtily, kanina ko pa tinatanggihan.

"Mamaya na nga. Hindi pa ako n-naliligo..." sabi ko habang iniiwasan siya kahit pa
panay na ang hawak niya sa siko ko.

He smirked at that. Hindi ko alam kung inaasar niya lang ba ako o ano. Nang nakita
kong nanonood si Ma'am Avila sa amin ay para akong nabuhusan ng malamig na tubig.
Ma'am smirked at me before pushing Lola Brosing's wheelchair to the kitchen.

Nagtitigan kami ng ilang sandali ni Raoul. I gave him a warning look. He gave me a
forlorn expression but in the end, he managed a playful smile. Umiling na lamang
ako at hinila na siya patungo sa kanyang silya.

Tumikhim si Ma'am Avila na para bang inanunsyo na nandyan na sila.

"Ang sweet sweet naman..." sabay hagikhik ni Lola.

Ngumiti lamang ako kay Lola. I'm happy to see her this way. Nanunukso na at mukhang
masaya.

Naupo na kaming apat sa lamesa at nasabi na rin ni Ma'am Avila ang mga plano niya
para kay Lola. At syempre, tutulong ako sa kung ano man ang kakailanganin. Isa iyon
sa pinag-usapan namin sa hapagkainan kung hindi lang nang intriga na rin si Lola
Brosing.

"Sinong mag-aakalang kayong dalawa?" si Lola sabay hagikhik.

"Mama..." pigil ni Ma'am Avila.


Uminit ang pisngi ko. Lalo na nang nakita ang kuryosong tingin ni Ma'am Avila sa
amin. Sa huli ay pagod na ngumiti si Ma'am Avila sa akin bago siya tumingin kay
Raoul.

"Nagtataka l-lang ako paano nangyari, Luz..." sabay ngisi ni Lola habang nananatili
ang mga mata sa amin ni Raoul.

Ngumiti ako kay Lola Brosing.

"Ay naku, Mama. Ikukwento ko na lang sa'yo mamaya."

Tumawa ulit si Lola Brosing. "Noo'y tinutukso ko pa itong si Soleil dahil halatang
gustong gusto ka, hijo..."

Raoul smirked then looked at me. Tumawa na lamang si Ma'am Avila sa pamumuking ni
Lola sa akin. Nang bumaling si Ma'am sa akin ay puno na ng pag-aalala ang mga mata.

"Ano ang plano n'yo ngayon, Raoul, Leil?" she sighed. "Alam kong alam n'yo ang
maaaring kalabasan nito? Anong plano n'yo sa araw na ito?"

I can sense that Raj is ready to answer that question kaya inunahan ko na siya.

"Dito lang po ako, tutulong sa inyo. At... bibisita rin sana ako kay Papa... kung
maaari..." sabay baling ko kay Raoul.

Nanatili ang mga mata ni Raoul sa akin, tila may gustong sabihin. Nauna na si Ma'am
sa pagsasalita.

"Alam mo, Leil, ayos lang ako rito. Bibisita naman ang iilang estudyante ko at
tutulong din ang isang kapitbahay na pinag-aaral ko. Kaya ko na rito kaya huwag mo
nang alalahanin. Gusto kong ayusin mo muna ang mga dapat mong ayusin. Kung gusto
mong bisitahin si Balthazar, pumunta ka roon. At kung kailangan namang pumunta sa
mga Riego..."

Bumaling si Ma'am kay Raoul.

"Pumunta kayo."

Umiling ako. "Nagkausap na po ako ng mga Riego. Sa ngayon, tanggap ko po na sariwa


parin ang lahat kaya hindi ko po muna ipipilit ang sarili ko."

Pagod na ngumiti si Ma'am Avila sa akin. Ramdam ko ang awa niya para sa akin kaya
ngumiti ako. I want to assure her that I know what I'm doing. I know all the
consequences and I will face it all head on.

Hinawakan ni Raoul ang kamay ko.

"Inilipat na kagabi sa syudad ang Papa mo, Leil. Pupuntahan natin kung gusto mong
bumisita," ani Raoul.

Tumango ako at ngumiting muli. "Bibisita rin sana ako sa nayon..."

So we plotted what we have to do for that day. Konti lang naman at sa huli'y
babalik din kami rito. Hindi na rin ako niyaya ni Raoul na pumunta sa kanila, I
think we both agree to that part at least.

Ang una naming plano ay ang bumisita muna sa nayon. Pagkatapos doon ay 'tsaka kami
tutulak para mabisita ko si Papa sa presinto. I actually told him that it's okay if
I go alone at siya nama'y umuwi pero hindi siya pumayag.
Katatapos ko lang maligo. I prepared a small bag for our planned short trip. Siya
naman ang naliligo ngayon at naghihintay na lamang ako na matapos siya nang may
hindi inaasahang bisita sa mga Avila.

Kabadong kabado kong pinagbuksan ng gate. Lalo na nang kita kung sino ang naroon.
Ang dalawang Riego ang naroon, isang babaeng tingin ko'y asawa ni Radleigh Riego
ang pangatlo sa kanila.

Rad's eyes bore into me like a hot steel. I am not sure if that's because he's
angry or he's just that way, just like how Raoul watch people.

"M-Magandang umaga... P-Pasok kayo."

"Leil?" tawag ni Ma'am Avila galing sa bahay, mukhang nakita na kung sino ang mga
bisita.

Umatras ako at pumasok ang mga Riego. The woman's eyes bore into me with curiosity
bago binalik sa asawa.

"Good morning! We're wondering if Rao is here?" sabi ni Sibal Riego.

"No, he's here, of course," Radleigh interrupted bago bumaling muli sa akin. "Pwede
ba namin siyang makausap?"

Maagap akong tumango. "Naliligo pa siya. Tatawagin ko lang."

"Sino 'yan?"

"Magandang umaga, Ma'am..." sabi ni Sibal sa parating na si Ma'am Avila.

Umatras ako para makatalikod at mapuntahan na si Raoul pero naunahan ako ng tawag
ni Radleigh.

"Kung ganoon, pwedeng ikaw muna ang kausapin namin?"

It was followed by a long stretch of silence. Narinig ko na lang ang pag-


aalinlangang pagpapaalam ni Ma'am Avila. Nagyaya siyang pumasok ang mga Riego,
Sibal assured her that they will if they need to. Sa huli ay naiwan kaming apat
doon sa lilim ng mga puno sa bakuran ng mga Avila.

"I believe we haven't been formally introduced, yet? Radleigh Riego. This is my
wife, Zariyah Riego..." anito sabay lahad ng kamay sa akin.

Kabado kong tinanggap ang kamay ng dalawa. At sa pahabol pag papakilala ni Sibal sa
akin. Kilala ko na sila noon pa pero kung pormal na pagpapakilala'y hindi nga.

"Soleil..." marahan kong sinabi.

"We're sorry for what happened yesterday at Casa Riego," ani Radleigh.

I smiled for assurance then I shook my head. "Naiintindihan ko iyon."

Naisip ko kung ano maaari ang dahilan ng pagpunta nila rito. Will they tell me
hurtful words again? Beg me to stay away from Raoul? Ano kaya?

Bago may makapagsalita sa amin ay nakita ko na ang sabay nilang pagtingin sa likod
ko. Nang nilingon ko'y nakita ko si Raoul, bagong ligo at handa na rin sa lakad
naming dalawa. Sa tinginan ng magpipinsan, pakiramdam ko may sariling mundo silang
hindi ko malaman. At nang naglapit ay nagpahayag ng pagkakasundo at pagbati ang mga
ito.

Sumulyap si Radleigh sa akin bago nagsalita.

"You're called at home," anito.

Tumango ako sa aking sarili. Maaaring maantala ang lakad naming dalawa. Ayos lang
naman at mananatili muna ako rito sa bahay kung ganoon. Maghihintay na lang ako sa
kanya.

"I will be home but not today. Baka may asikasuhin ako para sa kaso," ani Raoul.

"Just a quick visit, I guess? Before you go and do what you need to do?" agap ni
Radleigh.

Raoul sighed. I can sense his disapproval.

"Rao, Papa is worried about you. You should at least assure them," sabi ni Zariyah.

Hinawakan ko ang braso ni Raoul para malipat ang kanyang atensyon sa akin. Bumaling
siya sa akin. Naramdaman ko rin ang pagbaling ng tatlong Riego sa aming harap.

"Sige na. Hihintayin kita rito. Tutal ay gusto ko rin naman talagang tumulong muna
kina Ma'am Avila."

"And I mean you two..." agap ni Zariyah pagkatapos marinig ang sinabi ko.

Napabaling ako sa kanila. She looked at me with pure assurance and kindness in her
eyes. She tried to give me a small smile. I gave her one back, too. Maganda man ang
intensyon niya sa pag iimbita sa akin, alam kong hindi magiging maganda ang resulta
kung pupunta ako.

"Okay lang na si Raoul lang ang pumunta." Bumaling ako kay Raj. "Hihintayin na lang
kita rito. Pwede ring bukas na lang tayo tumulak para mas mahaba ang oras mo roon."

"No, you're invited, too..." Radleigh said, looking at me.

Bahagya akong nagulat sa sinabi nito. Hindi ko alam kung sino ang nag-imbita sa
akin. Whoever it is, he or she might be out of his or her mind. If it is because
they want to discourage me, then I can go and hear it all out. Pero dahil alam ko
na ano man ang rason ng pag imbita sa akin, masama man o maganda, masama parin ang
magiging epekto ko kay Felicia Riego.

Forgiveness is not easy to give. It is not mine to take, pero alam ko na wala man
akong kasalanan, kailangan ko parin ang kanyang kapatawaran. Hindi ko rin aasahan
na magiging madali o mabilis iyon. Ni hindi ko na iniisip na mangyayari pa, but in
my most private dreams I'd hope that she will eventually heal. Not for myself, but
for her peace of mind.

"Salamat pero alam ko ang magiging epekto ng presensya ko sa Mama ni Raj. Gustuhin
ko mang sumama, ayaw kong maalala niya ang mga napagdaanan niya. Raj can go with
you. Dito na lang ako..." sabi ko.

Hinila ako ni Raoul. His hand snaked on my waist. Pagkatapos ay pinatakan ako ng
halik sa sentido.

"You can come with me to our house. I won't stay long," bulong niya sa akin.
"Paano? Sa sasakyan lang ako maghihintay? Pwede rin..." bulong ko pabalik sa kanya,
naiisip na pwede naman din iyon basta huwag lang akong makita.

"Rao, si Tita Fely ang nag imbita sa inyo..." agap ni Zariyah pagkatapos ng ilang
sandali.

Sa gulat ko'y napabaling ako sa kanila. Kinabahan akong bigla. Gustuhin ko man na
maisip ang pangarap kong matanggap, alam kong hindi ito iyon. Alam kong maaring may
ibang pakay ang pag imbita, hindi ang pagtanggap sa akin.

"Saglit lang ako," anunsyo ni Raoul.

"Sa labas lang ba ako? Sa sasakyan na lang ako..." medyo natataranta kong sinabi.

"You can go in with me..." he said.

Parang nakalimutan ko na may nakatingin at nakikinig sa amin. Masyado akong nagulat


sa reckless na desisyon ni Raoul. I know he doesn't want to hurt his mother. I
would understand if he asks me to stay in the car.

"Ayokong maalala ng Mama mo ang lahat..."

He nodded. "I don't want my mother to hurt, too. But if this is her decision to
try, then this is our chance to try, too."

Umiling ako. "Gusto ko iyon, Raj. Pero napakaimposible na sa ganoon kaliit na


panahon ay ayos na siya..."

He nodded at me again. "I don't expect her to be okay with this, too. But I want to
think that she's trying to fix it. I don't want to hurt her or to cause her pain,
Leil, but I want her to heal."

Kinagat ko ang labi ko. Sa huli ay napabaling ako sa mga nanonood sa amin. Kitang-
kita ko ang titig ng tatlo sa akin. Uminit ang pisngi ko nang natantong nakita nila
ang pagkakataranta ko.

"Susunod kami ngayon," ani Raoul sa kanila.

Radleigh nodded, looking assured. Tinapik naman ni Sibal ang balikat ni Raoul bago
nagdesisyon ang grupo na umalis na. Nagpaalam sila kay Ma'am Avila at kami naman ni
Raoul ay bumalik sa loob para kunin ang iilang gamit. Sumunod ako sa kanya habang
maraming tanong sa isipan.

Kabadong kabado ako. Kaya naman kahit paliko na kami sa Casa Riego ay hindi ko
parin tinantanan ang kaisipang hindi na ako aalis sa sasakyan. Na rito na lang ako
maghihintay kay Raoul hanggang sa matapos sila sa pag-uusap.

The last minute, I offered him that again.

"Dito na lang ako," sabi ko ulit.

If there is a need to face his mother, I would. But I also don't want to hurt her
so I'd rather stay here. Litong-lito na ako na tanging ang desisyon na lang ni
Raoul ang pinagbasehan ko sa sariling desisyon.

He said we should go so we did. Kahit pa takot akong makasakit, mas kilala ni Raoul
ang kanyang ina. Alam kong gusto niya mang matanggap kami, hindi rin siya mamimilit
dahil naiintindihan niya ang pinagdaanan nito.
Pareho kaming tahimik papasok pa lamang ng mansion. Banayad niyang hinanap ang
aking kamay at hinawakan ng marahan habang papasok kami. Nilingon niya ako ngunit
sa kaba ko'y huli na nang lingunin ko rin siya.

Ngayon ko lang napansin ang nakakabinging katahimikan sa buong mansion. Ang


kaonting tunog ng ultimo kutsaritang tumatama sa tasa ay rinig na rinig kahit sa
pintuan pa lang. At gaya nang nadatnan ko kahapon, nasa parehong ayos sila sa
lamesa.

Nakatayo ang mga batang Riego na tila ba papaupo pa lamang. At may dalawang vacant
seat sa kanang bahagi lamang ni Felicia Riego. My eyes darted on Raj's mother.
Nagkatinginan kami ng ilang saglit bago ito bumitiw at bumaling sa katabing si
Relani Riego. She slowly sipped on her glass of water. Hindi ko namalayan ang
paghigpit ng hawak ko sa kamay ni Raoul.

I am terribly nervous. Palapit kami'y 'tsaka nag si upuan ang mga nakatayo.
Tumikhim si Ares at pagkatapos ay mas lalong tumahimik ang lahat. Raj dragged the
chair beside him. Napasulyap muli ako sa mga matandang Riego sa aming harap at
nakita ko ang panonood nila sa ginawa nito.

My heart is pounding hard. Naupo ako at agad naramdaman ang pagkakamali ng pagpunta
rito. Dito pa lang, naramdaman ko na na dapat ay wala ako... na hindi pwedeng
narito ako.

Raoul then went to his mother. He kissed her forehead. Tahimik at seryosong
tinanggap ni Felicia Riego ang halik bago bumaling sa akin. Iniwas ko kaagad ang
tingin ko sa takot na pati iyon ay hindi pwedeng gawin. I am not allowed to watch
her or interact with her.

"I heard you are going to be busy today, Rao?" si Ares nang paupo na si Raoul.

Tumango si Raj. Nagsimula na ang pagsasalin ng tubig sa aming mga baso at nilapag
na rin ang pagkain sa kani kanilang mga plato.

"Yes, Tito. I will check the case again and talk to our lawyer."

Hindi ko maalis sa isipan ko na kaya ako tahimik na nakaupo parin dito ay dahil kay
Raoul. Iginala ko ang mga mata ko sa mga batang Riego na tahimik ding nakikinig sa
pinag uusapan.

"I-Itutuloy mo ba, Raj?" banayad ang boses ni Felicia Riego nang tanungin noon ang
anak.

Nakita ko ang pagbaling ng iilan sa kanila sa akin. Huminga ako ng malalim at


pinagmasdan na lang ang pagkain. Tapos na kaming mag almusal sa mga Avila pero
nakakahiyang tumanggi rito lalo na sa sitwasyong ganito.

"Yes," Raoul said with no hesitations.

Sumulyap si Felicia Riego sa akin.

"This will be a quick justice for sure..." Relani Riego said.

Sumulyap ako sa babaeng nagsalin ng juice sa baso ko.

"Salamat..." I smiled at her.

Tumango naman ito at ngumiti rin pagkatapos ay kay Raoul naman nagsalin. Raj raised
his hand bilang pagsasabing huwag na siyang bigyan ng ganoon. Pagkatapos ay
bumaling ito sa pinggan kong puno ng pagkain. Nagkatinginan kaming dalawa. Alam ko
kaagad ang iniisip niya bago niya pa isatinig.

"You want your food replaced with sweets instead?" he asked.

Nanonood na ang lahat. Mataman ding tumitig si Felicia Riego sa amin at hindi ko
maiwasang maramdaman ang tensyon nito. Tumikhim ako. Nagtatanong lang si Raoul sa
akin pero pakiramdam ko'y hindi iyon pwede.

"Hindi na. A-Ayos lang 'to," sabi ko dahil ayaw kong makaabala pa.

He nodded. Yumuko ako at tinitigan na lamang ang pagkain. Nahihiya ako sa


ibinibigay na atensyon ng lahat.

Nang muli akong sumulyap ay nakita ko ang pagtagal ng tingin ni Felicia Riego sa
aking kamay na may hawak na tinidor. Napatingin din ako sa kung ano ang maaaring
tinitigan niya. Kumalabog ang puso ko sa kaba. Lalo na nang nagkatinginan ang
dalawang babaeng Riego na tila ba alam ang iniisip ng isa't-isa.

Bahagya kong binaba ang kamay ko. Both the jewelries Raoul gave me were on that
hand. Ang bracelet at ang singsing ang paniguradong tiningnan nila. Ang singsing...
Mas lalo kong binaba iyon at itinago nang natanto kung ano maaari ang iniisip nila
ngayong nakita ang singsing.

"I do not doubt your decision for this issue, Raoul..." baritono ang boses ng
matandang Riego. "Alam kong itutuloy mo ang kaso pero..." his eyes went to me for a
few moments bago ibinalik sa kausap. "Talaga bang..."

Hindi niya man tinuloy ni Ares ang sasabihin ay para akong nailagay sa hotseat. Si
Raoul man ang tinanong, pakiramdam ko ay ako dapat ang sumagot. Raj looked at me
with assurance in his eyes. Hindi siya sumagot. Tila ba tinutulak ako ng mga mata
niyang sumagot sa tanong na iyon. Ngunit siguro'y nakita niya ang kaba ko kaya
inunahan niya na.

"I will seek for justice, Tito. For my parents... For us..." he said firmly.

Malungkot na ngumiti si Felicia Riego. Nangilid ang mga luha sa kanyang mga mata.
Hinawakan ng ginang ang kamay ni Raoul. Raoul squeezed it gently and smiled
reassuringly to his mother. Bumuntong hininga ako. Nang muli akong nag-angat ng
tingin ay nasa akin na ang mga mata ni Relani Riego.

"How about you, hija?" She shifted on her chair.

Nakita ko ang pagsulyap niya kay Raoul, tila ba may kaonting takot sa sariling
tanong. Mas lalong bumilis at lumakas ang pintig ng puso ko. I know my stand for
this but I don't want to cause anything dahil lang nagsalita ako.

Nagkatinginan kami ni Raoul. Kung kanina'y mukhang tinutulak niya akong magsalita,
ngayon nagdilim ang kanyang mga mata. I don't know why his mind changed. Maybe
because the question was too direct for me. Maaring ayaw niyang pilitin akong
sagutin iyon lalo nang alam niyang nagdadalawang isip pa ako kanina.

"K-Kailangan pong pagbayaran ang kahit anong kasalanan," tanging nasabi ko.

"So you're on our side..." pahabol nito.

Ilang sandali akong napatingin sa bawat isa sa kanila. Lahat sila'y hinihintay ang
positibo kong sagot. Even Felicia Riego is waiting for whatever I say and I am sure
that they want me to say yes. Raj sighed heavily. I was positive he'd stop it all
para lang hindi ako mahirapan kaya inunahan ko na.

"Pumapanig po ako sa katotohanan. I want justice served to the people who need it.
And I want those who are guilty of a crime to pay for it sa paraang ayon sa batas.
No matter if he's my father."

Nasorpresa ako sa tapang ng pagkakabanggit ko sa mga huling salita. Nilingon ko si


Raoul. He smiled at me then after a few moments ay binalingan niya ang mga kausap.
Yumuko ako para magsimula na sa pagkain gaya nila.

Pagkatapos ng tanong na iyon ay bumalik na sa mga magagaang tanong kay Raoul.


Radleigh Riego said he and his wife will probably stay in the mansion till the
weekend. Si Sibal naman ay mukhang lilipad ng Manila kasama ang anak at asawa.
Sinabi ng lahat ang kanilang mga plano habang ang mga matatandang Riego ay
mananatili na rin muna sa mansyon. Si Ares Riego ay may planong bumisita rin sa
presinto upang makausap ang iilang abogado.

Tahimik lamang ako habang minsan ay napapatingin si Felicia Riego. Titig lamang ang
ginagawa sa akin, wala nang ibang ekspresyon na naintindihan ko naman. However, the
wives of the Riegos started talking to me a bit with the simplest question.
Naaappreciate ko ang pagsisikap na makausap ako.

"You work under the Ledesmas, right? Or did you already resign?" tanong ng asawa ni
Sibal sa akin.

Ngumiti ako. "Naka on leave lang. Babalik ako. Bumisita lang ako sa Lola ko na...
naospital."

Then she smiled at me. "Do you really like working in hotels o dahil lang sa mga
Ledesma kaya ka nakapagtrabaho roon?"

"Uh, natuto na rin akong magustuhan ang hotel dahil sa mga Ledesma. Pero gusto ko
rin subukan ang ibang trabaho."

Iyon lamang ang naging interaksyon ko bukod sa tipid na ngiti para sa kay Zariyah
Riego at iilan pang tinginan sa mga matandang Riego. May kanya kanya nang usapan sa
ibang topic nang nilingon ako ni Raoul. His hand rested on my thigh to get my
attention.

"Let's go?" he said.

Tumango lamang ako sa desisyon niya. Magtatanghali na ngunit hindi ko na namalayan


ang oras. Hindi ko maipagkakaila na kahit halos ma estatwa ako rito dahil sa titig
nila'y nasisiyahan akong makita si Raoul na kinakausap ang kanyang mga kamag-anak.

"We have to go. Baka gabihin kami sa byahe," ani Raoul sabay tayo.

His mother looked at him with pure longing for her beloved only son. Raoul crouched
to kiss his mother's forehead. Nakita ko ang pagpikit ni Felicia Riego, damang dama
ang halik at pagmamahal ng anak. Nang dumilat ito'y nakangiti na ang mga mata. At
nang bumaba sa akin ang tingin ay napawi ang kanyang ngiti.

Tumayo ako at nag-iwas na lamang ang tingin sa kanya. Payapa akong kumain dito,
kasama sila, pero alam kong hindi ibig sabihin noon na tanggap na ako. This is only
a step. I don't know how many steps are there but my decision will stay the same.
My decision is to try, even if it will take me a lifetime.

"I will call..." Raoul said simply to his mother.


She nodded at him. Bumaling naman si Raoul kay Ares.

"I'll see if I can go later..." sabi ni Ares.

Tumayo si Radleigh at nilapitan si Raoul. Nag-usap sila saglit bago tinapik ng


nauna ang balikat ni Raoul. Lumapit din si Sibal at nakisali ngunit pagkatapos ng
ilang sandali ay hinanap na ako ni Raoul sa likod nila.

"Let's go..." yaya ulit ni Raoul.

I slowly nodded. Bumaling ang dalawang Riego sa akin. Iniwas ko na lamang ang
tingin ko at pinanatili kay Raoul. He claimed my hand slowly habang naglalakad kami
palabas doon pagkatapos niya ring magpaalam sa kamag-anak. Napalingon na lamang
kami nang narinig namin ang banayad na tawag ng kanyang Mama.

"Raoul," she called.

We both turned to see her. Nakatayo na ito. May bahid na pag-aalala sa mukha.

"Mag-ingat... kayo..." namutawi sa kanyang labi, ang huling salita ay tila naiwan
dahil sa bagal at hina ng pagkakabigkas.

Raoul nodded at her. "I'll come back here before leaving for Manila."

Malungkot na ngumiti ang kanyang ina bago tumango. Yumuko ako at nagpatianod na
lang nang hilahin ni Raoul palabas sa kanilang mansyon.

Tahimik kami habang nasa sasakyan. I know that it's not yet okay. I don't think it
will be okay soon. I don't expect it to be okay in a short time pero ayos lang.
Alam ko ang haharapin ko at handa ako kung ano man ang matanggap ko rito.

Pareho yata naming inisip ang nangyari na 'tsaka lang ako natigil nang nakitang
niliko niya ang kanyang sasakyan sa daanang madalas kong tahakin patungo sa kamalig
noong bata pa lamang ako. Nilingon ko siya.

"Hindi rin naman ito makakapasok, hindi ba?" sabi ko.

Lubak-lubak ang daanan doon. At kung hindi ako nagkakamali at kung hindi nagbago
ang daanan ay alam kong kalaunan, hindi na makakapasok ang sasakyan dahil sa mga
kakahuyan.

"We'll just walk by then."

Iyon nga ang ginawa namin. Iniwan namin ang sasakyan nang nagsimula na ang
naglalakihang puno. Kinuha niya ang duffel bag. He draped it on his shoulders and
then claimed my hand again while we start walking beyond the woods.

Tahimik, habang tumatagal. Naaalala ko ang mga panahong mag-isa akong naglalakad
dito. Ngayon, kaming dalawa na. At hawak niya ang kamay ko. Tinitingnan ko siya
habang nauuna sa aming paglalakad.

The swell of his smooth male muscle is reflected on his white shirt. At gaya noon,
pareho parin ang tingin ko sa kanya. Kahit pa hawak ko na ang kamay niya, tila kay
hirap niya paring abutin. Like he's someone so impossoble for me... and yet, still
mine.

"Are you okay?" baling niya sa akin pagkatapos ng mahabang katahimikan.

Tumango ako at ngumiti. Pinanood niya ang ekspresyon ko, maaaring naghahanap ng
butas na maaaring magsasabi na nagsisinungaling ako. Pero sa totoo lang, ayos lang
talaga ako. Kahit pa alam kong hindi parin ako tanggap sa pamilya niya, ayos lang
ako.

"Okay lang ako..." sabi ko sabay hagod ng tingin sa paligid. "Hindi ko naman
ineexpect na matatanggap agad ako. Masaya na ako na napakitunguhan ng maayos.
Malaking bagay na iyon."

He pulled me closer to him. He crouched to taste my lips slowly. Uminit ang pisngi
ko. Tila gatilyo ang pagiging intimate niya na agad na namungay ang mga mata ko. I
am immediately melting on his arms.

Iniwan namin ang bag sa kamalig nang nakarating kami. Pagkatapos noon ay dumiretso
na kami patungo sa nayon. Habang naglalakad, pareho kaming tahimik. Siguro, pareho
kaming nagbabaliktanaw sa nangyari ilang taon na ang nakalilipas sa lugar na
pupuntahan namin ngayon.

My mind drifted to what happened years ago. Ang paraan ng mabilis kong pagtakbo at
ang pag-iyak ko habang nakikita ang nasusunog na nayon namin. Hindi ko man paborito
ang mga nangyayari sa akin sa nayon na iyon, iyon lamang ang mayroon ako sa
panahong iyon. I treasured it so much, even the people. I treasured everything even
when I did not like it one bit.

"This is where I buried him," ani Raoul nang palapit na kami.

Sa gitna ng isang patag na talahiban ay ang mga natitirang konkretong pundasyon ng


dating nakatayong mga bahay roon. The ruins were covered with black, siguro ay
galing pa sa pagkakasunog ng mga kabahayan. Wala nang bakas ng mga nasirang mga
bubong o dingding. Ang tanging natitira roon ay ang pundasyon na lamang.

Kung hindi mo alam ang dating nakatayong mga bahay roon, hindi mo maiisip na
mayroon nga.

Raoul turned to me when we stopped near where our house was. Ngumiti ako upang
pigilan ang pangungulila at sayang naramdaman. I missed him. But I am happy that
for the remaining days of his life, he spent it better than I imagined.

"A-Akala ko talaga..." hindi ko na naipagpatuloy iyon.

Maaaring ilang taon na ang lumipas nang nalaman ko ang totoo, hindi parin ako
makapaniwala na sinalba nga ni Raoul ang kaibigan kong kambing. Hinayaan niya akong
lumuhod para makita ang lupang pinaglibingan niya roon. Hinaplos ko ang damong
nakalatag sa lupang pinaglibingan. At pagkatapos ng ilang sandali ay tiningnan ko
ang buong lugar sa ganoong perspektibo.

"Dito ako lumaki," sabi ko na tila ba hindi niya pa alam. "At bata pa ako, sinabi
na ni Papa sa akin na pinadala ako ng Liwanag sa mundong ito. Na dapat akong
sambahin ng mga tao."

Tumayo ako at nilingon siya. Mapait akong ngumiti. He looked at me with serious and
pained eyes. I can only imagine the rush of his judgement and opinions of me
before... at kahit ngayon. Kahit tapos na ang lahat.

"Naaalala mo ba noon? Noong naabutan ninyo akong nanggagamot dito? Kasinungalingan


lahat ng turo ni Papa sa akin at sa mga tao pero totoo ang pagsisikap kong magamot
ang mga taong iyon."

Bumaba ang tingin ko nang natantong hindi ko siya kayang titigan ng diretso ngayong
nagbabalik-tanaw ako sa kahiya hiya kong nakaraan. Kahiyahiya pero iyon ang totoo.
Without it, I won't be the Soleil I am today.

"I know," he whispered. "You really think I did not spend so much of my time
thinking of you and your situation, Leil?"

Huminga ako ng malalim.

"You were all I think about."

His rough hand gently stroked my cheek and then cupped my chin. Nagtagal ng ilang
sandali ang kapayapaan bago siya humabol ng sasabihin.

"Others were eventually educated, Leil..."

Sa gulat ko'y mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya. Napakurap-kurap ako.


Anong ibig sabihin noon?

"May iilan na hindi umalis ng Costa Leona. Pero marami ang lumayo rito. Those who
did not leave were condemned by the people here but at the same time, they learned
more about the world. Nakapag-aral at natuto rin sa ibang bagay. I have three young
employees in Riegosteel who were once living here. At ang mga magulang ay minsan na
ring nakapagtrabaho sa planta."

"T-Talaga?"

He smiled and nodded.

Mabilis ko siyang niyakap ng mahigpit. Hindi niya alam kung gaano niya ako
pinasaya. Bata man ako noon, pakiramdam ko responsibilidad ko parin ang nangyari.

"Gusto ko silang makita!" sabi ko.

"We'll set another time for that, okay?"

Matamis akong ngumiti habang tumatango.

Ilang beses akong nagdasal para sa kanila. Hindi nagdadaan ang panahon na hindi ako
humihingi ng tawad sa pagiging irresponsable kong lider nila. Ilang beses akong
nagsisi dahil lang sa nangyari.

Hindi ko na alam kung ilang minuto na ang lumipas habang pinagmamasdan ko ang lugar
na iyon. Umihip ang mainit na pantanghaling hangin at unti-unting hinipan ang lilim
ng matatabang ulap sa itaas. Uminit lalo ang kapatagan, nawala ang konting dilim
hatid ng mga ulap.

Pakiramdam ko, ngayong nakita ko na ito rito, mapapanatag na ako. Makakapagbalik-


tanaw ulit ako sa kinahinatnan ng lahat pero kaya ko nang isarado ang pinto ng
bahaging ito sa aking buhay.

My new beliefs taught me many other important things in life. It taught me letting
go and acceptance. Na magsisikap tayong lahat hanggang sa abot ng ating makakaya
pero sa huli ay bibitiw tayo at magpapaubaya sa kung ano man ang kahihinatnan ng
gagawin. Sometimes life has better plans for us, better than what we think we
deserve.

It taught me of forgiveness. It taught me how to ask for forgiveness. It is a


humbling experience that I so want to do one day, to all the people I have wronged.
Lalong lalo na sa mga dating ka-nayon ko, na naniwala at tinanggap ang mga
kasinungalingan ko.
And above all, it taught me to forgive. Not only to forgive those who have wronged
me, but also, my self. Dahil kung hindi ko mapapatawad ang sarili ko'y hindi ako
makakausad sa buhay.

Umihip ang mainit na hangin. Ang sikat ng araw ay sinusubukang manuot sa mga hibla
ng lumilipad kong buhok.

I closed my eyes and prayed hard for the forgiveness of everyone. Balang araw,
hihingi ako ng tawad. Sa ngayon, dito muna. Sana marinig ninyong lahat.

Somehow, leaving the village today made me feel better and lighter. Noon ko pa
gustong bumalik. At kung nalaman kong ganito ang pakiramdam pagkatapos kong pumunta
roon, baka matagal na akong bumalik dito.

Raoul pulled me close and hugged me sideways while we walk past the large towering
trees. Ngumiti ako sa kanya.

"Magpahinga muna tayo," anyaya ko sa kanya.

Nilingon niya ako. The worry in his eyes is evident. I smiled to assure him that I
am fine. Lalo na ngayon.

"Pagod ka na?" tanong niya.

"Medyo."

Tumango siya. "Tingnan ko rin kung may maluluto ako sa barn house para rito na tayo
magtanghalian."

"Busog pa naman ako kaya ayos lang..."

Nagkatinginan kaming dalawa. I smiled at him again. Nagpatuloy siya sa paglalakad


habang hawak parin ang kamay ko.

"This was where you usually walk alone everyday..." aniya paglipas ng ilang
sandali.

"Oo. Memorize ko parin ang daanan kahit pa ilang taon na ang lumipas."

Ilang sandali siyang hindi nagsalita habang naglalakad kami.

"I always worry for you, years back..." he said after a few moments.

Bahagya akong namangha sa sinabi niya. Noong bata pa ako?

"When I think about you walking alone in the middle of this dangerous forest, I
always worry. Lalo na dahil minsan sa mas delikadong daanan ka dumadaan."

Nilingon niya ako at naabutang nakangisi.

"Hindi mo ba naisip na baka kaya ko namang kalabanin ang ano mang mabangis na hayop
dito o masasamang tao?"

Nagtaas siya ng kilay. Kahit na mukhang suplado ay ang guwapo guwapo niya parin.
Parang may mainit na kamay ang humawak sa aking puso.

"Na baka... totoo ang kwentong may powers ako?"


Tumigil kami at hinarap niya ako. Kung noon ay nakakahiyang pag-usapan ang bagay na
ito, ngayon kaya ko nang pagtawanan. Kahit pa may konting hiya parin akong
nararamdaman tuwing naiisip iyon.

"Don't be ridiculous. The only power I thought you have is bewitching boys..." he
said while his brow was up.

Kumunot ang noo ko. My lips pouted, too.

"Bakit? Nagustuhan mo ba ako noon?"

Mataman niya akong tinitigan. Hindi siya nagsalita. Kahit pa nag-abang ako sa
isasagot niya, tila ayaw niyang sabihin sa akin ang sagot noon.

"Hindi naman, ah... Wala kang sinabi. Kaya hindi totoong kaya kong pagustuhin ang
mga lalaki sa kin," patuloy ko nang nagpatuloy din siya sa paglalakad.

Marahas niya akong nilingon. I smirked when I saw him losing a bit of his patience
because of what I said.

"Tingin mo sasabihin ko sa'yo 'yun? You were very young! Bukod sa magkakasala ako,
I don't want to corrupt you! Besides, you are not ready for a serious relationship
yet."

Namilog ang mga mata ko. Uminit ang pisngi ko, sigurado akong namumula na ako
ngayon. I chuckled. Nag-iwas naman siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.
Hinila ko ng marahan ang kamay naming magkahawak para makuha ang atensyon niya.
Hinihila niya rin ako pabalik na tila ba ayaw akong lingunin at iritado pa.

So... did he like me then?

"Tss..." he said while pulling my hand.

"Raj..." I called trying to stop my chuckles.

He sighed heavily. Mas lalo akong natawa.

"Raj... matagal na kitang gusto. Ikaw rin ba?"

Sinulyapan niya ako, suplado ang mga mata habang nagpapatuloy kami sa paglalakad.
Hindi na natanggal sa isipan ko ang mga sinabi niya. I heard he desires women his
age. I can only imagine his horror when he realized that he likes me - someone
years younger than him! So it is impossible that he liked me years ago!

Natatawa parin ako nang nalapit na kami sa kamalig. Seryosong seryoso siya at
mukhang ayaw niya sa topic namin.

"Raj..." I called again.

Hindi niya parin ako pinapansin.

"Ang usap usapan noon, gusto mo ng mga ka edad mo. Kaya imposibleng gusto mo ako
nun."

Halos napatili ako nang mabilis niya akong hinila patungo sa kanya na tila ba
naubusan na ng pasensya. Pinalupot niya ang kanyang braso sa aking baywang.
Mayabang niya akong tiningnan, tila ba naghahamon ng kung ano sa akin.

Napahawak ako sa braso niya.


"The only important thing here is... you're not a child anymore..." he whispered.

Tumindig ang balahibo ko sa sinabi niya. Ang kaninang excitement ko ay naglaho at


napalitan ng panghihina. Hindi siya umaamin! Hindi niya inaamin kung gusto niya na
nga ba ako noon pa!

Ngumuso ako at binagsak ang mga mata sa sapa habang idinidiin niya ako sa kanyang
katawan.

"Huwag mo na lang palang sagutin ang tanong ko..." nanghihina kong sinabi habang
binababa ang hawak ko sa kanyang braso.

Hindi ko siya matingnan pero ramdam ko ang pagtatanong sa kanyang mga mata.

"Alam ko naman noon pa na may iba kang gusto. May mga dinadala ka ngang babae rito,
'di ba? Nakikita ko naman noon."

He sighed heavily.

"Naliligo kayo rito kasama ng iilang babae. At iniisip ko lagi na hindi ako
kailanman magiging isa sa mga babaeng iyon."

"Damn it, don't tell me you wished to be those girls!" iritado niyang sinabi.

Kinagat ko na lamang ang labi ko. Unti-unti akong nag-angat ng tingin sa kanya.
Galit at pagsusumamo ang naghahalo sa kanyang mga mata.

Nagkibit na lang ako ng balikat at bumaling sa sapa.

"Nakita nga kita sa loob na may kahalikang babae..." sabi ko habang umiinit ang
pisngi. "Hindi ko pa maintindihan ang bagay na iyon noong una... pero noong nagdaan
ang ilang mga taon... narealize kong... nakakapagselos pala."

Binitiwan niya ako. Nahihiya muli akong nag-angat ng tingin sa kanya. Alam kong
dapat hindi ko na sinabi iyon pero kung ginambala ako ng alaalang ito ng ilang
taon, nasisiguro kong gagambalain ako nito paulit-ulit pa.

Para akong kuting na pinapagalitan ng amo. Lalo na ngayon sa titig ni Raoul sa


akin. I smiled bitterly but he only gave me an fiery gaze.

"Pero noon 'yon," bawi ko habang medyo awkward nang tumatawa. "Tingin ko noon,
hinding hindi kita maaabot. Hindi ako pwede sa mundo mo... Kaya naman..." lumiit
ang boses ko. "Kapag iyan ang isusumbat sa akin, medyo naaapektuhan talaga ako."

Pilit ang ngiti ko habang naaalala muli ang sinabi ng Mama niya kahapon.

"Pero-" agap ko para sana iassure siyang muli na sinasabi ko lang ang insekyuredad
ko, hindi para sumuko.

"You brought clothes, right?" he like patience is straining his voice.

Tumango ako.

Marahan siyang lumapit sa akin. His hand raked the hair above my nape and he
attacked me with a hot kiss. Mabilis akong nanghina at nagpaubaya. Warmth flooded
inside me. Halos mabuwal ako sa kinatatayuan.

"Strip," he whispered.
Hindi pa nakakabawi sa halik niya'y hindi na ako nagulat. Imbes ay mas lalong
namungay ang mga mata ko.

"Maliligo tayo sa sapa. I'll cover all your memories of me with other girls with a
new one."

He attacked my lips with another kiss habang inaangat niya ang dulo ng aking t-
shirt. At ang isang kamay niya'y hinawakan ang mga palapulsuhan ko at inangat iyon.
Tumigil siya sa paghalik nang inangat niya ang t-shirt ko at walang kahirap-hirap
na tinanggal. He removed his t-shirt in a manly way.

He licked his lower lip. Bumagsak ang nag-aalab niyang mga mata sa aking katawan at
ginawaran niya agad ng halik ang aking pisngi pababa sa aking panga at leeg.

"You've fucking charmed me for years, baby. And now, after everything, you're
telling me that it was not obvious?"

Kinagat ko ang labi ko habang niyayakap siya. He crouched for the kisses. Binagsak
ko ang tingin ko sa kanyang likod. Namimintog ang pinipwersang muscles dahil sa
pagyuko at kasabikan sa paghalik sa akin.

"Really, Leil? Hindi pa halata na matagal na akong baliw sa'yo?"

Parang lumundag ang puso ko sa sinabi niya.

His hand forced my pants to open and unzip. Umiwas ako para matulungan siya sa
ginagawa. Pinagbigyan niya ako para lang tumulong sa akin.

Inangat niya ako. Napatili ako. Lalo na nang naramdaman ko na ang malamig na tubig
na sumusugat sa aking balat, at ang init ng kanyang katawan na sumasangga sa ano
mang lamig na narararamdaman ko.

He kissed me thoroughly. Pinalupot ko ang aking mga braso sa kanyang leeg.


Hinawakan niya ang aking baywang at ang isang kamay ay nasa aking batok,
pinipigilan akong tumigil sa paghalik. Nang bumitiw kaming dalawa sa halikan ay
bumagsak ang tingin ko sa kanyang labi. Ganoon din siya sa akin.

His lips were swelling from my kisses. He looks so hot with his lips half opened
and very red. At tila siya walang kontrol sa sarili nang tingnan ko siya.
Namumungay ang kanyang mga mata, nagpapaubaya. He showered me tender kisses on my
neck down my chest, tila ba bawat halik ay nagpapahayag ng dedikasyon, debosyon...
at malamyos na pagsamba.

"P-Paano 'yong alaala k-ko sa kamalig?" I asked shyly thinking about his kisses.

"Tingnan natin kung maaalala mo pa 'yon pagkatapos ng gagawin natin doon..." he


whispered sexually that in an instant, I am crazily clinging to him.

Wakas
I did not proof read this. Sorry :( Thank you so much for being a part of this. I
will never forget the experiences Wattpad and all of you gave me. It's a blessing
to be here that I wish to be a blessing, too. Enjoy reading the ending of my 6th
attempt of Costa Leona Series.

---

Wakas
Tumingala ako at pumikit. The stream covered my lower extremeties with cold water.
Tinukod ko ang aking mga siko sa mga ugat ng kahoy at hinayaan ang sariling damhin
ang ginhawa na dala ng paligid.

My friends are noisy. Well, I can't blame them. We all want to have fun.

Dumilat ako para tingnan ang pagbagsak ng iilang babaeng kaibigan malapit sa akin.
Sumabay ako sa tawanan ngunit dumaan ang tingin ko sa malayong kakahuyan nang hindi
sinasadya. The rays of the sun are like steady rain trying to reach the ground,
dotting the dark forest with light. At may gumalaw na nagpapawi sa aking ngiti.

I saw someone behind a far tree. Puting bestida, kulot at maliwanag na buhok, at
isang matang maamo na agad nawala para magtago sa likod ng puno. I sighed, I know
that young girl.

Nakita kong tumakbo siya palayo. Sumasayaw ang kanyang mahabang buhok at nang
napadpad sa mas malaking puno ay muling nagtago.

"Sino 'yon?" Bethany asked when she noticed the moving leaves behind.

Nakita rin yata nito ang batang babae. Muli akong tumingala at pumikit dahil ang
atensyon ng mga kaibigan ko ay nabaling na roon.

"Ah. 'Yong batang madalas dito..." si Kajik.

"Naninilip na naman?" si Peter.

"Yan 'yong kasali sa kulto, 'di ba? Iyong mangkukulam at aswang?" kumpirma ni
Bethany.

Sumipol si Trev at humalakhak. "Gandang ganda ako sa batang 'yon! Lapitan natin,
Peter."

Dumilat ako at mabilis na hinampas ang tubig para mabasa si Trev na nasa gilid
lamang ng sapa at hindi dapat maliligo. Napawi ang ngisi niya dahil sa ginawa ko.
Tinawanan siya ng mga babae.

"Yuck! Bukod sa bata pa 'yon, Trev, mangkukulam pa kaya baka mapahamak ka lang!" si
Sophia.

Tumawa si Zamiel habang pinapanood ako. Kunot noo akong umahon ng tahimik.
Pinalagpas ni Trev ang ginawa ko at hinarap ang panghuhusga ng mga babae. I lifted
my body up at mabilis na kinuha ang tuwalya para magpunas sa buhok at katawan.

"Do you seriously still think that those things exist today?" si Zamiel na inaasar
na ngayon si Sophia sa mga pinapaniwalaan.

"Oo nga! Ang ganda ganda ng batang 'yon para sabihing aswang!" si Trev na
naghuhubad ng t-shirt dahil sa pagkakabasa.

"Paano mo masasabing hindi ka nga kinukulam ngayon? Baka naman ginagayuma ka na


kaya mo 'yon gusto?"

"Tsss..." iyon lamang ang naging reaksyon ni Trev sa sinabi ni Sophia.

"Shut up, Sophia. Naiinggit ka lang, e. Totoong maganda ang batang iyon. Kapag
nagdalaga 'yon, lalo na, sigurado..." si Peter naman.
Nag-angat ako ng tingin sa kanila. Kunot-noo kong pinagmamasdan ang pagtatalo.

"Hindi n'yo ba talaga naririnig ang mga sinasabi ng mga tao? May kulto diyan sa 'di
kalayuan. Nayon na puno ng mga aswang at mangkukulam at kilala n'yo kung sino ang
sinasamba nila na patrang Panginoon? Iyong batang iyon! Why do you think you are
both drawn to that kid, huh?" si Bethany naman.

"Ask Raoul. Kanilang lupain ito," natatawang sinabi ni Zamiel. "Totoo bang may
kulto rito, Rao?"

Napabaling silang lahat sa akin, all curious if the rumors are true.

"There's a community beyond the woods," tanging nasabi ko.

"So, totoo ang kulto?" si Bethany ulit. "Ang mga aswang?"

"Iba lang ang paniniwala nila sa atin, Bethany. They are not harming you so stop
thinking about them."

"Oo nga. Tama si Raoul, Bethany," dagdag ni Peter.

Alam kong pumapanig siya sa batang iyon pero hindi ko gusto ang paniguradong
dahilan niya. I looked at him with sharp eyes and yet he was oblivious with what I
was thinking.

"Imposibleng ang magandang bata na 'yon ay mangkukulam."

"Oh, Rao's on the girl's side. Baka pati ikaw, ginayuma?" Bethany smirked.

Hinaplos niya ang braso ko ng marahan. Alam ko agad kung ano ang gusto niyang
marinig pero umiwas ako at nagpunas na lang sa katawan.

"Quit it, Bethany. It's not funny..." tanging nasabi ko dahil totoo, hindi na
nakakatuwa ang lahat ng ito.

The girl looks innocent. No, she is very innocent. Alam ko dahil noong nakausap ko
siya, naramdaman ko na walang bahid ng kasamaan sa kanya.

Nakita ko kung paano niya tinanggap na lamang ang pang-aasar ng ibang bata sa
kanya. Kung paano siya nagmakaawa na tumigil na sila, nang hindi lumalaban at hindi
rin nagagalit. Somehow, I worry for her. Ano ang ginagawa niya sa gubat na ito?
Paano siya naging lider ng grupong iyon? Alam niya ba ang ginagawa niya? Totoo ba
ang paniniwala nila? At kung hindi'y hindi ba siya makakatakas man lang?

"K-Kaya ko 'yang gamutin," she said in a hesitant voice.

I don't believe the rumors about their religious beliefs. I don't believe that
she's a witch of some kind, at lalo na ang pagiging aswang niya 'di umano. Ayaw ko
mang makaabala sa kanya, mas lalong ayaw kong isipin niya na tinanggihan ko siya
dahil iniisip kong kukulamin niya lang ako.

"Paano? May gamot ka riyan?" tanong ko.

Nilingon ko siya. Nakasunod na siya sa akin patungo sa kamalig. Her scared and
guilty eyes told me everything about her thoughts. Nag-aalala siya dahil iniisip
niyang siya ang dahilan kung bakit nasugatan ako. I saved her from those mean kids.
Ngayon iniisip niyang utang niya sa akin iyon, na kailangan niyang pagbayaran sa
kahit anong paraan.
"Uh..."

Sabay kaming napabaling sa mga dahong dala niya. Ni hindi ko namalayan kailan niya
iyon pinagpipitas.

I dragged a wooden chair loudly. Naupo ako roon at pinalis ang dugong naramdaman
kong tumulo. I don't want her to think that I'm like the rest of them. Hindi ako
naniniwalang masamang tao siya. Lalo na dahil kailanman, wala siyang ginawang
masama sa amin.

"Is that herbal?"

Sinundan ko siya ng tingin. Nilatag niya ang dahon sa lamesa. Nanginginig ang kamay
niya, halatang kabado. Ngunit nang naglakad bahagya ay para siyang hangin sa
sobrang gaan. Her brown curly hair and white dress gently moved with her. At ang
concentration niya sa mga dahon ay totoong totoo na ultimo takot niya ay naramdaman
ko.

"Uh, n-nabasa ko sa library na epektibo i-ito pang gamot sa sugat."

Now I see what they are talking about. She's very pretty for someone as young as
her. Walang kapintasan ang kanyang itsura na animo'y diwata na. She's, not paper
white, but fair. Her skin is like milk.

"K-Kuha lang ako ng tubig."

Ang kanyang kilay ay kakulay ng kanyang buhok. The bridge of her nose were dotted
with smooth light brown freckles but they are not very visible especially when
she's away. 'Tsaka lang kapag ganito ka lapit, ngayong ginagamot niya ang sugat ko.

Her lips are pink, nasa tamang sukat at kumukurba na para bang arko. Her chin is
small and cute. Her eyes were almond shaped at mataas at makurba ang pilikmata.
Maliit at matangos ang kanyang ilong, nababagay sa kabuuan ng itsura. Minsan, kapag
tinititigan mo siya, hindi mo maiisip na bata pa. With her gentle movements and the
way she carries herself, she looks like a maiden, older than her age.

Pumikit ako para pigilan ang pag-iisip. Naramdaman ko ang marahang haplos ng
kanyang mga daliri habang ginagamot ako. Biglang tumunog ang aking cellphone at
kahit paano'y ipinagpasalamat ko iyon.

"Yes."

"Hello, tol, nandyan ka na?" si Peter.

"Bilisan n'yo na. Ang bagal n'yo..." I chuckled.

Dumilat ako at natanaw muli siya sa aking harapan. Naramdaman ko ang pagkakailang
niya sa lapit namin pero nagpatuloy siya sa pag gamot.

"Ang bagal kasi nitong si Sophia, e. Pero malapit na kami."

"Sige. Bilisan n'yo."

Binaba ko ang cellphone at ibinigay sa kanya ang buong atensyon ko. She sighed
heavily.

"Tanggalin mo. Tingnan mo kung malaki ba ang sugat."

She nodded. Sinunod niya ang sinabi ko.


"Hindi naman malaki. Tumigil na rin sa pagdugo," marahan niyang sinabi.

Hinawakan ko ang tinanggal niya. Nakita ko ang bahagyang pamimilog ng kanyang mga
mata at ang pagkakagulat sa biglang pagsayad ng kamay ko sa kanya.

"Aayusin ko lang ang mga dahon," nag-aalinlangan niyang sinabi at mabilis na


kiniskis ang mga palad.

Hindi ko matanggal ang titig ko sa kanya.

"Bakit mo hinayaang awayin ka noong mga bata?"

"Ah. Sanay na ako," she said.

Somehow, it made me furious. Sanay siya?

"Sanay ka na? Hindi magandang rason 'yan," seryoso kong sinabi.

"Pasensya nga pala at nadamay ka..." tanging nasabi niya.

I want to talk about how wrong it is to just let other people treat her that way
pero mas pinili niyang humingi ng pasensya dahil sa pagkaka "damay" ko? Magsasalita
pa sana ako pero naunahan na ako ng pagdating ng mga kaibigan.

The sepia colored scene. The woods and the greenish brown leaves on the ground. The
rays of the sun. The splash of the water. The barn house. And the girl running away
from me, with her long curly hair dancing harshly. Gustong-gusto lumayo at ayaw
paawat!

Hindi ko maintindihan ang galit na naramdaman ko. Iyon ang gumising sa akin sa
isang umagang mainit. Muntik ko nang makalimutan na nakahiga ako sa hita ni
Claudia. Tinanggal ko ang braso kong nakatabon sa aking mga mata at mabilis akong
bumangon.

My heart is beating wildly, remnants that dream. At hindi ito ang unang
pagkakataon. I've been dreaming about that randomly. At ngayon, kahit sa idlip ko
rito, napapanaginipan ko na!

"Ayos ka lang?" Claudia asked when she noticed my sudden movement.

Hinawakan ko ang aking batok at bahagyang ginalaw iyon para mas lalong magising.
Kaliligo ko lang sa dagat at bumalik ako rito para makapagpahinga. Hindi ko
namalayang nakatulog na ako sa kandungan ni Claudia, at iyon pa ang panaginip ko.

"We're going to the barn house this afternoon, right?" Zamiel said while looking at
me.

Naliligo ang iba naming kasama at kaming lima lang ni Bethany, Claudia, Zamiel, at
Sophia ang nasa lilim. Nandito kami sa beach ng aming mansyon. Tama man ang gusto
ni Zamiel, parang nagbago ang plano ko.

"Sa inyo na lang muna tayo," sabi ko dahil napapadalas ang panaginip kong ganoon.

"Tsss. I'm bored. That's my view everyday. I like the barn house better," si
Zamiel.

"Huwag na dun. Tama si Rao, Zamiel. Andun na naman iyong mangkukulam," sabay tawa
ni Bethany.
Patayo na ako nang narinig ko iyon. Bumaling ako sa kanya, galit ang mga mata.

"Stop talking about that girl, Bethany!" banta ko.

Kita ko ang gulat sa kanila. Ngumisi si Bethany.

"Tingnan mo 'to, nagamot lang, tagapagtanggol na. Baka nagayuma ka, Rao?" she said
jokingly.

"I said stop talking about it! Or I'll throw you out of here!" napigtas ang
pasensya ko sa paulit-ulit na sinasabi ni Bethany.

"Whoa! Chill, Raoul! I'm sorry... Okay?" si Bethany.

"Rao, calm down..." ani Claudia sa isang malambing na boses.

Nagtagis ang bagang ko at iniwan na sila roon para makaligo na ulit sa dagat. I
want to wash away the anger I'm feeling. Nasisiguro kong hindi lang ito para kay
Bethany. Pagkagising ko pa lang kanina sa munting panaginip ay galit na ako.
Dinagdagan lang ng mga sinasabi ni Bethany.

"Ayos ka lang?" salubong ni Zamiel sa akin pagkabalik ko sa kanila.

Tumango ako at uminom na lamang ng tubig. Pinanatili ko ang aking tingin sa malawak
na dagat ng Costa Leona.

Sa totoo lang, hindi ko na alam kung totoo ba ang usap-usapan o hindi. What is
happening to me? Is this really sorcery?

"Pasensya na talaga..." banayad na sinabi ni Mama habang kumakain kaming tatlo sa


hapag.

Lately, the crimes in town rose. Ang sabi'y madalas na suspetsado ay kabilang sa
kumunidad sa aming lupain. May isang araw na ang limang insidente ng pagnanakaw sa
isang araw ay tanging galing sa kumunidad na iyon.

"I still believe that Balthazar will one day stop this nonsense," si Mama,
kinakausap ni Papa.

I don't have much information about everything but I know that Balthazar Cervantes,
the father of that girl, is my mother's friend. Iyan ang dahilan kung bakit hindi
kayang paalisin ni Papa ang mga taong iyon sa lupa namin, bukod pa sa hindi naman
namin ginagamit ang parteng iyon.

"I will talk to him one of these days, Hade... We'll talk to him."

Tumango si Papa bago bumaling sa akin. "What do you think, son?"

Ganito siya palagi. Palaging gustong marinig ang masasabi ko sa halos lahat ng
bagay. Sa negosyo man o sa mga ganitong sitwasyon. Maybe that's his way of knowing
about my ideals in life.

"I think they all just need to be educated. That way, they will later understand
that their way of life is outdated. Na pwede silang magtrabaho ng maayos, hindi
iyong nakadepende sila sa pananim sa bukid at lupa natin."

"Do you think we should get rid of them?" he probed.


"Hindi naman natin ginagamit ang lupain sa ngayon kaya ayos lang na naroon sila. I
just don't like it when they cause crimes in town."

"I know, son," si Mama. "Bukod pa riyan ay mukhang baluktot din ang paniniwala
nila. They give their hard earned things to their god or goddess sa pag iisip na
mas pagpapalain sila kapag ganoon. I mean, it's fine that way, Raj, but if they all
resort to stealing and all, mali na iyon. Maling turo na ayos lang magnakaw kung
ibibigay naman sa Panginoon!"

"Bakit hindi kayang pigilan ni Balthazar iyon?" tanong ni Papa. "Paano ang lider
nila?"

"Their goddess is Balthazar's child. Iyong batang minsan niya nang dinala rito?
They all believe that she can heal and curse people pero ayon sa mga nagpunta na
roon at naniniwala, it's all a fraud. At tanging ang mga walang alam ang
nabibiktima."

"So you're telling me that the child is making them do all of that?"

I shifted on my seat. Napatingin silang dalawa sa akin. Umiling naman si Mama kay
Papa.

"No. The child is innocent. Sunud-sunuran sa ama. I mean, sa murang edad tingin mo
may alam siya sa lahat ng ito? Wala, Hade, she's being manipulated. At sarado ang
utak ni Balthazar tuwing pag-uusapan namin ito. Siguro ay tinatamad lang siyang
magtrabaho at nakitang pwedeng pagkakitaan ang anak."

Pinanood ko silang pinag-uusapan ang tungkol doon. Kaya mas lalong hindi natanggal
sa isipan ko iyon.

Kaya naman, hindi ko na rin napigilan ang sarili ko sa pagtatanong sa mga taong
maaaring may alam.

Nasa kuwadra ako nang naabutan si Mang Lucio. Matagal na itong nangangalaga sa
iilang lupain namin at hindi ako magtataka kung may alam ito sa lahat.

"Kababata ni Felicia si Balthazar, Raoul. At noon pa man, ang alam ko, may gusto
ito sa Mama mo," ani Mang Lucio.

I did not dwell at that much. Lalo na dahil ilang taon na siguro ang lumipas at may
anak na silang pareho. Pinanood ako ni Zamiel. He's crossing his arms, waiting for
me to be done so we can leave and go to the barn house. Hindi nga lang ako nag-
iisip na matatapos na ito dahil sa dami parin ng tanong ko.

"Si Mama ba, nagkagusto minsan kay Balthazar?" tanong ko kay Mang Lucio.

Tumawa si Mang Lucio at umiling. "Hindi kailanman. Hades was your Mom's first and
only love. Hmm. Speaking of your father, si Solene Villegas din ay may gusto sa
Papa mo."

I shifted my weight. Who is Solene Villegas? Nakita siguro ni Mang Lucio ang tanong
sa aking mga mata kaya hindi niya na hinintay na magtanong pa ako.

"Iyong asawa ni Balthazar? Patay na 'yon pero ang alam ko, mayaman iyon noon sa
Iloilo. Nabankrupt lang ang pamilya. Maganda," Mang Lucia laughed a bit. "And I
mean... she's really pretty. Spanish and chinese blood, halos banyaga tingnan. Mana
ang anak na sinasamba ng kulto ngayon."

"Ano pong nangyari? Nagkagusto rin ba si Papa kay Solene Villegas?"


Umiling muli si Mang Lucio. "Ang gusto lang ni Hades ay si Felicia, Raoul. Nang
nakilala ng ama mo, hindi na ulit lumingon sa iba. Kaya kawawa nga iyong si Solene.
Siguro..." nagkibit ng balikat si Mang Lucio. "Sa pagsisikap na mapansin, nakilala
nito si Balthazar na malapit din kay Felicia... at doon sila nagkatuluyang dalawa."

I've seen Balthazar Cervantes. Hindi ko makita ang resemblance nila ni Soleil, ang
anak. He's very thin, tila kalansay. Siguro ay mana si Soleil sa kanyang Mama?

"Hmm..." nakisali si Zamiel. "Talaga bang Papa niya 'yon? Hindi sila magkamukha.
Sobrang payat ng lalaking iyon, muka nang may sakit o adik. Marumi pa ang itsura
palagi..."

"Hm!" Mang Lucio slightly mocked a laugh. "Maganda si Solene Villegas, Zamiel. At
isa pa, hindi ko alam ano ang nangyari kay Balthazar pero noong kabataan niyan,
magandang lalaki at makisig din. Malinis ang itsura niyan at sobrang layo sa itsura
ngayon."

Ilang sandaling nagtagal ang titig ko kay Mang Lucio. Mariin at seryoso ko siyang
tiningnan, pinoproseso ang lahat. My eyes drifted on Zamiel's curious eyes. Tumuwid
ako sa pagkakatayo at iniwas ang tingin sa kanila para makuha na ang aking kabayo.

Kasama ko si Kajik at Zamiel patungo sa kamalig, isang tahimik na hapon. Nag-


aasaran ang dalawa habang seryoso kong iniisip ang mga impormasyong nalaman galing
kay Mang Lucio.

Drops of water dripped on my hair. Hindi ko na inabala ang sarili sa pagpupunas


dahil sa dami ng iniisip ko. Nasa sapa si Zamiel at si Kajik ay tumatawa sa biro sa
kapatid. Tulala ako habang nakaupo sa isa sa mga monoblock chair na naroon.

"Tss... Look who's watching us..." ani Zamiel sa isang natatawang boses.

Nag-angat ako ng tingin kay Zamiel. Mabilis kong nilingon ang madalas niyang
pagtaguang puno at doon ko naabutan ang kanyang buhok. Sa gulat ko'y ilang sandali
pa ako bago nakatayo.

"You know, I think she likes someone," si Zamiel ulit.

"Sino naman?" si Kajik.

Sumilip ulit siya at nang nakitang nakatayo na ako ay tumakbo siya pabalik, dala-
dala ang isang maliit na puting kambing. Ngumuso ako at sinundan ng tingin ang
imahe niyang tumatakbo, madalas pareho sa mga panaginip ko.

"It's so obvious. That girl likes you, Raoul," Zamiel said. "Sa paraan ng pakikipag
usap niya madalas sa'yo... Sayang, hindi ba, at bata pa."

Kunot-noo kong nilingon si Zamiel nang nakawala na iyon sa aking tingin.

"Baka type mo 'yon, Raoul?" biro ni Kajik.

"Shut up. Anong akala mo sakin?" agap ko.

Tumawa si Zamiel sa kapatid. "Gago ka pala! Alam mong pareho naming gusto 'yong
kasing edad lang. Hindi kami gaya mo!"

Nakisali ako sa tawanan bago bumaling ulit sa kakahuyan, kung saan naroon siya
kanina.
"Ewan ko sa inyo!" iritadong sinabi ni Kajik sabay balik sa kamalig para siguro sa
pagkain.

Tumatawa pa si Zamiel at nang-aasar pa habang tahimik na akong nag-iisip. Bumabalik


ang isipan ko sa lahat ng impormasyon.

Pagkatapos ng ilang sandali ay bahagyang sinubukan ni Zamiel na sumisid. Nang


umahon ay umiling sa akin habang sinusundot ang tainga.

"Baka naman totoong nanggagayuma 'yon, tingin mo?" seryoso niyang sinabi.

Nagtagis ang bagang ko at mabilis na nag-iwas ng tingin. Nagulat ako sa sinabi


niya. Hindi ko inasahan iyon pero sa huli ay narealize ko kung bakit niya alam.

"You believe that it's possible?" I asked.

Umahon siya at mabilis na kumuha ng tuwalya sa lamesa. Nanatili ang mga mata ko sa
tubig.

"I don't. Pero bakit ka nagkakaganito para sa babaeng hindi mo naman talaga tipo?"

Huminga ako ng malalim at tumayo na lang. Ayaw ko nang pag-usapan ito. Tinapik ko
ang kanyang balikat at iniwan na siya roon.

Maybe, I'm just curious and that's all. Kaya naman sa dami ng naging interaksyon ko
sa batang iyon, nakita ko rin kung paano talaga siya sa nayon, mas lalo kong
pinipilit na ilayo ang loob ko. When I'm in Manila, I make sure I'm occupied in all
the aspects of my life.

Sports, women, work, school, lahat. Kaya naman.

"Are you sure you want to study the Riegosteel? Pwedeng sa VHRV ka agad, Raoul," si
Papa.

Umiling ako. "I want to try Riegosteel, Pa."

After passing the board exams, iyon na ang diretso kong pinagkaabalahan. Noong nag-
aaral pa kasi ako, sa VHRV ko binuhos ang pagtatrabaho. Doon ako kumita ng pera at
doon ko rin natutunan paano talaga ang pinakamababang trabaho sa kompanya. Only
during summers, I manage the Riegosteel. Kaya hindi ko masyadong napag-aaralan
iyon. Kaya iyon din ang gusto kong pag-aralan ngayon.

Napatuwid ako sa pagkakatayo nang nakita ang pamilyar na imahe sa malayo. I can see
Soleil sashaying her way past the barn house, siguro pauwi. Mabilis akong umahon at
marahang naglakad para sana sa lamesa.

Tumigil ang masayang paglalakad niya. Bumagal iyon at mas naging pormal. Kumapit
siya sa kanyang lumang bag at tipid na ngumiti.

"Magandang hapon," she greeted.

I nodded. "Afternoon..."

Kitang-kita sa kanyang mga mata ang pagbabawal niyang tumitig sa akin. Tumitingin
siya gamit ang gilid at kapag nakita ang titig ko'y bumibitiw. Nagpatuloy siya sa
paglalakad, parang excited na umalis.

"Did not see you around that much again..." agap ko.
Nilingon niya ako. Bumagal ang kanyang paglalakad.

"Ah... Uhm... Oo nga."

"Dumalang ang pagbisita mo sa teacher mo?"

Dumiretso ako sa isang upuan. She really looks tensed. Ayaw kong ganito.

"M-Medyo. Uh... Ikaw? Dumalas ka roon?" hindi siya makatingin.

"Ngayong pasko lang. Noong nakaraang summer din," sabi ko para maalala niyang
sinabi ko iyon noon. Iyon nga lang, hindi na ulit siya nagpakita. O baka mali lang
lagi ang timing ko.

She nodded. Ramdam ko ang kawalan niya ng sasabihin. Konti na lang at magpapaalam
na siya ulit.

"You got busy or you found another way around the forest?" agap ko para humaba ang
usapan.

"Uhm... Busy lang."

Nagkatinginan kami. It's painful to see how much she wants to go. Para bang
naiintimidate ko siya o tinatakot ko siya, pero ayaw niyang makita iyon kaya
magsisikap siya na tabunan iyon.

"Uh, d-dito kayo nagpasko?"

"Oo. Magtatagal din ako para sa planta."

Nauutal siya. Naramdaman ko na huli nang subok niya sa tanong iyon. Aalis na ito
kapag hindi pipigilan.

"Galing kang school?" pigil ko.

"O... o..."

"May ibang daanan ka?" I said casually.

"Uh, wala naman. Minsan sa... gubat."

"Bakit? Ginagabi ka kapag dadaan ka rito?"

Kunot-noo na ako habang iniimagine siya na naglalakad sa gubat. Alam ko ang itsura
ng gubat. Maraming naglalakihang ugat at mga puno. Marami ring baboyramo at iba
pang hayop.

"Uhmm... Minsan. Kapag... matagal ang dismissal."

Not to mention some other high school kids making the huge trees their hide out.
Noong nakaraan ay may naabutan ako sa gubat, apat na senior high, naninigarilyo at
nag-iinuman. Paano kung iyon ang maabutan niya?

Fuck!

"Anong oras ba kayo umuuwi madalas?"

"Uhmm... Three thirty or Four? Pero minsan may school activities kaya..."
"Kapag maaga ka, dito ka na dumaan..." mataman kong sinabi.

Tumawa siya na para bang 'di seryoso ang pagyaya ko.

"Ah... Minsan naman meron ding naliligaw na baboyramo rito kaya medyo sanay na
ako... Noong nakaraan nga meron diyan malapit..."

"Nandito ako kapag hapon kaya hindi mo na dapat iniisip pa 'yon," agap ko.

"Uh... Hindi ka uuwi ng Maynila?"

"No. I'll really stay..."

She smiled genuinely while nodding over and over again. Para akong nabunutan ng
tinik, hindi ko alam kung bakit. Natawa siya.

"Dito ka dumaan kapag maaga ka..." I said with conviction.

"Okay..."

Itinuro niya ang daanan patungo sa kanilang nayon. I can't help but notice how much
she changed. Tumangkad siya ng konti. Her body matured but her face looked the
same. Only with a different gleam in her eyes from before. Kung noon ay batang bata
pa siyang tingnan, ngayon, hindi na. There's a different feel in her eyes, I
couldn't quite describe it.

"Uh, tutulak na ako. B-Baka gabihin pa ako..."

"Okay. Mag-ingat ka..."

Humakbang ako palapit. Hindi ko alam kung bakit gusto ko siyang lapitan pero
tumigil din kalaunan. Nilingon niya ako, hindi pa nakakalayo. She smiled awkwardly
and pointed at the barn house gently. Ramdam na ramdam ko ang kaba niya na pati
ako'y kinakabahan na rin.

"Mag-isa ka?"

Of course, I'm alone. Isang kabayo lang ang nakatali, hindi ba? I'm not with a
friend. Or are you thinking that I'm with a... hmm...

"Oo."

"Uh... delikado kasi... kung... gabihin ka... Pero... kung may darating... ayos
lang siguro."

Umangat ang sulok ng aking labi. I don't know why I find this funny. Lalo na nang
nakita ang pagkakabalisa ng mga mata niya at ang pag-iwas ng tingin kapag
nagkakatitigan kami. She blushed profusely. Her movements are so fragile that I'm
scared I might intimidate her more.

"Walang darating," banayad kong sinabi.

Tumango siya at nag-iwas ng tingin.

"Aalis din ako. Hindi na magpapagabi," I assured her. Kinakabahan ako.

Napawi ang ngiti ko. I have never been this nervous around a girl.

"Buti na lang..." she sighed. "Uuwi na ako."


Hindi ako natanggal sa kinatatayuan ko kahit pa nawala na siya sa paningin ko.
Pagkaraan ng ilang sandali ay nilingon ko ang umaagos na sapa, tempting me to try
and dip my body again but... I remember what I told her. Aalis din ako. Hindi na
magpapagabi.

Hinagilap ko ang mga gamit ko sa lamesa at umiling sa sarili. This can't be good.
I'm screwed!

I said I have no choice. I need to run the Riegosteel from here and I am bored
every afternoon kaya libangan ko ang barn house, at hindi ako uuwi ng Manila. I
have no choice, right, I lied to myself.

Kahit na sa totoo lang, sinasadya ko talaga. Naroon talaga ako sa kamalig lagi sa
tamang oras. Kahit konting silay lang, ayos na.

She's not my type, I said. And it's true. Libangan lang habang nandito ako sa
boring na probinsyang ito. Pampatanggal ng alalahanin, talaga ba? Bakit parang mas
dumami ang inaalala ko ngayon? Kay simpleng bagay, pinoproblema ko na! Kahit mga
nagkakagustong lalaki sa kanya, malaking problema ko na!

She's not a normal teenage girl, I realized that everytime we talk. Wala siyang
kaibigan dahil kilala siya bilang lider ng kulto. Hindi siya mulat sa kasamaan ng
mundo at lagi niyang iniisip na lahat ay may kabutihan.

Well, that might be true but sometimes the light in us is swallowed by the
darkness. Minsan, mas malakas ang kasamaan sa ating lahat.

"Uh, sorry... N-Naghintay ka raw kina Ma'am Avila. E, hindi ko alam na lalagpas
kami..."

Lumangoy ako patungo sa kanya at umahon na. Kumuha ako ng tuwalya.

"It's okay," malamig kong sinabi.

Gusto kong makipagkaibigan siya para naman mamulat siya sa mundo. Normal ang lahat
ng ginawa niya kaya hindi ko maintindihan kung bakit simpleng paghalik niya sa
kaklase ay hindi ko matanggap.

Today, darkness swallowed the light in me. Hindi talaga ako kasing bait ni Papa.
Kung ako siya at alam kong may gusto kay Mama ang lalaking pinapatira nito sa
lupain namin, matagal ko nang pinalayas iyon. Gaya ngayon. Gusto kong
makipagkaibigan si Soleil, alam kong normal na ligawan siya o kahit halikan man
lang, pero ayoko.

Sinubukan niyang lumapit sa akin pero hindi ko siya pinansin. Naupo ako sa damuhan,
sa paanan ng sapa at hinayaan ang paa na mabasa sa tubig.

I should get a hold of myself. Baka matakot 'to. Baka dahil sa galit ko, iisipin
niyang lumayo. Pero hindi ko kaya pang pigilan ang galit ko. Nakita ko lang naman
siyang hinalikan iyong manliligaw niya! Tama ba iyon? Hindi niya naman iyon gusto!

Naupo rin siya malayo sa akin. I sighed and did not look at her. Bumaling siya sa
akin, sobrang rahan ng bawat galaw. Ibang-iba siya sa kilos ko. My movements are
often precise, fast, and strong. She's always soft, gentle, and hesitant.

"Galit ka?"

Nagtagis ang bagang ko.


"How was your date?"

"Ayos lang naman."

Ayos, huh? Gusto mo rin?

"Sinagot mo na?" diretso ko.

"Hindi!" naramdaman ko ang pagkakataranta niya.

My mouth twitched. Hindi? Ba't mo hinalikan?

"Why'd you let him kiss you, then?"

Bumaling ako sa kanya. Kitang kita ko ang kaba niya. Dapat lang. Akala ko ba...
tsss...

"Uh... Laro lang naman iyon. 'Tsaka sa pisngi lang."

"Tss..." I scoffed.

Umiwas ako ng tingin sa kanya. Pisngi lang? Lang? Hindi mo gusto pero nagpapahalik
sa pisngi? Kung ganoon, sa crush mo, pwedeng higit pa?

"Hindi niya naman ako pinilit. Naglaro kasi kami ng Truth or Dare. Lahat naman,
nakagawa ng pinagawa sa kanila. Dare kasi ang pinili ni Gasper at mahirap kasing
tanggihan ang mga kaibigan niya. Sa pisngi lang naman..." paliwanag niya.

My brow shot up. A malicious and leery smile stayed on my lips when I realized what
they were playing.

"What was asked of you in that game?"

"Truth..."

I knew it.

"Gusto ko ba raw si... Gasper. Syempre, sabi ko, oo..." dagdag niya.

Well, can you believe it? Alam kong inosente siya kaya kailangan kong pigilan ang
galit ko! If she were living a normal life, we won't go through this! She won't do
that and I won't get mad at her! I have to face it. Mahihirapan talaga ako dahil sa
sitwasyon niya pero hindi ibig sabihin noon na susuko ako! Kahit pa nakakainis na
minsan.

Luck. Something that will never come to me. Alam ko, dahil simula pa lang dito,
hindi ko na kailanman naramdaman iyon.

Little by little, no matter how much I try to deny it, I fell for a girl years
younger than me. Alam kong hindi maganda iyon. That's a sin in all aspects so I
tried hard to keep myself away from her, to remain her friend, and guard her with
all that I have.

Doon pa lang, hindi na pumanig ang swerte sa akin. At sunod-sunod pang hindi
pumanig ito.

"Rao, nasaan ka?" tanong ni Mang Lucio sa cellphone. "May nangyari. Pumunta ka sa
planta, ngayon din!"
That one fateful night, everything crumbled down.

Kung noon, oras lang ang kalaban ko, ngayon dumami pa. And I accepted everything,
my fate, my lack of luck, and the darkness that's consumming me.

My body numbed when I saw my father, lifeless. Ang galit ko, lumagpas pa nang
nakita ang ayos ng umiiyak na ina. Binalot ng duguang kumot habang umiiyak sa
paanan ng walang buhay kong ama.

"Sino ang gumawa nito?!" galit na sigaw ng kamag-anak.

"Iyong kulto..."

Halos hindi ko na maproseso ang lahat ng sinabi. Maging ang ipinakitang ebidensya,
kung paano nilapastangan si Mama. Maraming tao roon pero nang paunlakan ni Mama si
Balthazar na pumasok sa opisina ay wala ring nagawa ang lahat. They talked for a
while but eventually he started his plans. Ang kanyang mga tauhan sa labas ay
pinigilan ang walang kaalam-alam naming tauhan.

Father arrived on time. He fought some of Balthazar's men. Duguan na pagpasok pa


lamang sa opisina at mabilis na sinuntok ang nakapatong kay Mama.

My mother cried but she tried to stand up and run to my father. Para akong
pinapatay habang tinitingnan ang lahat. Kayang kaya ni Papa na labanan si Balthazar
but the man had a gun. Bago pa makuha ni Papa ang baril sa pinagtaguan ay nauna
nang nagpaputok ang lalaki ng ilang beses bago ito tumakbo paalis.

Umapaw ang galit ko. My first instinct was to kill every last one of those
ungrateful bastards!

Pinatira at hinayaan sila ni Mama sa lupain namin at ganito ang ginawa nila?
Nilapitan ko ang duguang katawan ni Papa. The hard expression was etched on his
face reminding me of how angry he was before he died.

"Hade... Please, gumising ka! Please, ako na lang... Mahal na mahal kita..." my
mother cried hysterically.

Without warning, my tears fell. My father is an honorable man. Wala siyang kalaban
at laging iniisip ang kapakanan ng ibang tao! Hindi ko maiisip na may gagawa sa
kanya ng ganito! Mas kaya ko pang isipin na ako ang gawan ng ganito!

And my mother... my beloved mother was violated painfully.

"Hindi ko kaya, Hade. Huwag mo 'kong iwan, p-please... Hindi ko kakayanin..."


bigong bigo na iyak ni Mama.

"Raoul! Ano? Sasama ka? Pupuntahan namin ang nayon na 'yan!" anyaya ng ilang
tauhan, galit sila, kitang kita iyon. Pero ako, wala yatang paglalagyan ang
matinding galit ko ngayon.

My anger sees no justice or fairness. I don't care about the right way of dealing
this, the only thing I care about is revenge! To get back at them! To kill back! To
torment them more than how they tormented my family!

"Paalisin ninyo ang lahat sa kultong iyon," Tito Achilles commanded.

Hindi ako gumalaw dahil higit pa ang gusto kong gawin doon.
"Sunugin ang kabahayan. Patayin ang makita," dagdag ng mga tauhan.

I watched everything slowly actualized. Nangabayo kami patungo sa bayan, may dalang
sulo para masunog iyon. May dalang baril para patayin ang lahat ng naroon.

Pero habang palapit kami, nakita ko na ang isa sa mga kubong nasusunog. Lahat ng
tao, nasa labas na, nagyayakapan at tinitingnan ang bahay na nasusunog. Walang pag-
aalinlangang tinapat ng mga tauhan namin ang mga sulo sa iba pang bahay.

I maneuvered my horse to stop. I saw my relatives pointing the gun at one of the
oldest female member. Tito Achilles was holding his gun a bit far from them pero
alam ko ang kakayahan niya, kahit gabi at malayo, kaya niyang asintahin ang kahit
ano.

The large orange fire filled my eyes. Ang baril na hawak ko ay gusto ko na ring
itutok sa mga taong naroon. Umaatras at nag-iiyakan ang mga matatanda, babae, mga
bata, habang tinutulak sila ng baril sa iisang banda. Their defeaning cry did not
touch my heart at all. The anger was too much na kahit ang iyakan at pagkakasunog
ng kabahayan ay maliit na bagay lang para sa akin.

"Wala po kaming alam! Ang sabi lang po sa amin sugo ng diwata ang lahat. Naniniwala
po kami kaya hinayaan namin ang lahat-"

"Tumahimik ka! Nasaan si Balthazar at ang mga lalaki rito!?" sigaw ni Mang Lucio.

"M-Maglalakbay raw sila-"

"Sino ang tinutukoy na diwata?" tanong ni Achilles.

"N-Nasa eskwelahan p-po..."

Parang may humawak sa aking puso. Mabilis kong naibaba ang baril ko. For a few
moments of anger, I forgot something.

"Ang putang inang 'yan. Paano naging tama ang pagpatay, huh?!" a relative pointed a
gun at the woman who answered us.

"Akala po namin-"

"Kahit ang mga pinaka bobong tao, alam na hindi magandang pumatay! That's a fucking
basic thing! Pero naniniwala parin kayo na tama iyon dahil lang utos ng putang
inang diwata ninyo?!"

I looked at them all mercilessly. The anger swallowed whatever sympathy I should
have right now.

Nag-iyakan pa sila lalo.

"Pietro..." banta ni Tito Achilles.

"Papatayin namin ang sinasamba ninyong diwata at tingnan natin kung sino sa inyo
ang sasalangit!" sigaw ng isa ko pang kamag-anak.

Papatayin.

Si Leil.

"Put your guns down. These are women, old people, and children. Their men are not
here. Gustuhin man nating gumanti, tanggapin nating maling mga tao ang
pagbabalingan nating lahat," si Tito Achilles.

"At sino ang pagbabalingan natin? Puntahan na natin ang diwata nila, Achilles!"

Wala akong masabi. I feel like everything is falling apart for me that I no longer
have the power to decide properly.

My father is died. He was murdered! My mother was defied.

Unti-unti kong inangat ang baril ko, itinutok sa mga taong naroon. Nag-iyakan sila
nang nakita nag pagtutok ko. Nagyakapan, nanginginig at iniilawan ng lumalaking
apoy ng kanilang mga bahay.

I cocked the gun.

"Raoul!" Pietro called with a shaking voice.

Sa galit ko, kayang kaya ko itong iputok. Kayang kaya kong pumatay.

"Huwag natin silang pagbalingan! Ang mabuti pa, hanapin natin ang lider nila. Iyon
dapat ang hinuhuli dahil iyon ang nag-utos!"

For a few moments, I thought I could do it. I can certainly pull the trigger. Lalo
na tuwing iniisip ko si Balthazar. Ang video na nakita ko. Ang iyak ng Mama. Ang
duguang si Papa. Lahat.

Binalik ko sa dating ayos ang baril at mabilis kong binaba iyon. The anger was too
much that if they all defied me, I'd shoot them all.

"Umalis kayong lahat sa lupa namin! Bilisan n'yo at kapag nahabol namin kayo,
papatayin ko kayong lahat!" sabi ko sa sobrang galit.

Nagkukumahog at nag-uunahang tumakbo ang mga tao patungo sa gubat, mas malalim pa
at palayo sa Costa Leona. Mabilis ang hininga ko habang yumuyuko at hinaharap ang
nasusunog na nayon. Pinanood namin ang mabilis nilang pag-alis habang tahimik
kaming nanatili roon.

I directed my horse back to the woods, sa side patungo sa Riegosteel, takot na baka
bumalik ang mga iyon doon. Sumunod ang mga tauhan sa akin at muli naming binalikan
ang planta.

Habang nangangabayo ay panay ang usapan nila na pupunta ng eskwelahan kung saan
marahil ang diwata. Bumalik kami ulit sa nayon nang narinig na sa eskwelahan ang
tungo ng mga hayop na kulto.

Doon sana kami dadaan kung hindi ko lang nakita...

The poor and lonely goat is standing near the largest burning house of the village.
Wala sa sarili kong tiningnan ang kambing habang tinututukan ng baril ng mga kasama
ko. Nagpatuloy sila sa pagtatalo. Walang bumabaril, naghihintay sa sasabihin ko.

"Tangina nila. Hindi dapat binabaril agad! Dapat doon, pahirapan pa! Unti-unting
putulin ang mga daliri!"

"I'll take her eyes out first!"

"Babalatan ko ang putang 'yan!"

"Gagawin kong alipin 'yang putang diwatang 'yan!"


"Maganda ba at papahirapan ko muna, tingnan natin kung totoo bang may
kapangyarihan," sabi ng isa sa mga tauhan namin sa galit.

Alam kong pareho kaming galit. Galit na galit din ako. But I can't seem to
associate my sweet and innocent Soleil. I can't seem to understand how is this
related to her.

Inangat ko ang baril ko at itinutok sa tauhang pinakabastos. Pagilid kong itinutok


iyon sa sobrang panggigigil. Mabilis na inilag ni Tito Achilles iyon at pumutok sa
kawalan.

Pinahanap ko siya pagkatapos ng gabing iyon, hindi para makita siya ulit pero para
magkaroon ng impormasyon. In my search for justice, I need her. It was her father
who killed my father, after all. At tuwing naiisip ko iyon, nagdidilim ako sa
galit.

Ako ang tumayo para sa aking pamilya. With my mother grieving so much, needing the
emotional attention, I feel like I could not get past everything.

Alam ko kung nasaan si Leil. Alam kong kayang kaya ko siyang puntahan at dalhin sa
Costa Leona para masagot ang mga tanong pero alam ko rin, na gaya ng sabi ng mga
Avila, wala siyang alam sa lahat. The Avilas refused to tell Soleil's whereabout,
though, I don't need information from them because I know where she is.

Nakatakas ang kanyang ama at ilang taon naming pinaghahanap. We manage to track his
number but failing miserably when he's on the mountainous part of the regions, kung
saan hindi na matatrack.

"Do you communicate with your father?" tanong ko pagkatapos ng ilang taon, at sa
muling pagkikita naming dalawa.

Her physical appearance changed. Nanatili at mas lalong gumanda ang maamong mukha
at ang katawan ay hindi na sa isang dalaga ngayon. She looked like a full grown
women even when she's still in college.

"Hindi..."

"Give me your phone," I commanded and she obeyed.

The first time we saw each other again, I knew what was gonna happen eventually. I
know I could never fool myself again. She's innocent. Hindi niya pwedeng pagbayaran
ang kasalanan ng ama. At mas lalong hindi ko pwedeng pagbayaran iyon sa pamamagitan
ng pagpipigil.

Radleigh pushed me with all his force in the office. Kakameeting lang at nalaman
niya ang lahat dahil sinabi ni Tito Ares iyon. I accepted their decision. And I
will face the consequences...

"I can't believe you!" he growled angrily.

Hinayaan ko siyang itulak ako. Inayos ko ang damit at mataman siyang tiningnan.

"She's innocent, Rai-"

"Oh, yeah! We both know that! Pero paano ang Mama mo? Hindi mo ba inisip si Tita
Felicia? After all those years of trying to make it all okay again, you'll ruin it
through this?"
Hinilot ko ang sentido ko. Humilig ako sa aking lamesa at nilingon na lang ang
lalagyanan ng alak. I poured some on a glass to calm my nerves.

Alam kong mangyayari ito. Haharapin ko. Tatanggapin ko na kasalanan ko. Tatanggapin
ko ang lahat ng sisi.

"Tinanggal sa'yo ang mga kompanya pero alam kong ipagpapatuloy mo 'to, Raoul!"

Natawa ako roon bago matalim na bumaling sa pinsan. I know he's basing this on
experience.

"Fuck you, man! Sa dami ng babae mo, sa kanya ka pa talaga..." Pumikit siya ng
mariin, kasing frustrated ko sa lahat ng nangyayari.

"If only there's a way to separate her from those people, Rad..." bigo kong sinabi
habang pinaglalaruan ang alak.

"Engineer Riego, sorry to disturb you but your mother wants to see you," sabi ng
intercomm.

Nagkatinginan kami ni Radleigh. He eyed me seriously before leaving the office. At


nang umalis siya'y alam ko na kung ano ang kahihinatnan nito.

I tried to kiss my mother's forehead, gaya ng dati, pero iniwas niya iyon. Tumikhim
ako at pinanatili ang mga mata sa baso. Isang lagapak ang narinig at naramdaman ko
sa aking pisngi. Napapikit ako at nanatili sa kabilang direksyon, hindi makabawi sa
sakit.

"How dare you do this, Raoul!" ani Mama.

Suminghap na lamang ako at tumuwid sa pagkakatayo. Inangat ko ang tingin sa kanya.

I don't want to hurt my mother. I don't want her to remember it all. I don't want
her to go through that pain again but everytime I see Soleil, para akong natutunaw.
Nahihirapan ako pero gusto kong umasa na maaayos ito.

It's cruel and selfish. I can just waste this life. Just be unhappy until the end,
enjoy it while it lasts, and just go through it all. Pero tuwing nakikita ko talaga
si Soleil, parang kaharap ko ang lahat lahat na makakapagpakontento sa akin, pero
hindi ko maabot.

"Please tell me you are just using that girl for information!" umiiyak na sinabi ni
Mama.

Ngayon ang dating niya galing Costa Leona. Narinig niya ang desisyon ni Tito Ares.
Matagal niya na ring naririnig ang tungkol sa akin at kay Leil pero ngayon niya
lang tuluyang napatunayan. I tried to tell her before pero nagalit siya at umasa na
titigil ako. Ngayon, nalaman niyang ipinagpatuloy ko ang lahat.

"She's not like her father," maliit ang boses ko nang sinabi ko iyon.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo sa akin, Raj?" sigaw ni Mama.

Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siya. Umaatras siya, gulat at hindi


makapaniwala sa naririnig galing sa akin.

"You don't care for me at all! Hindi mo ba naiisip na mahirap sa'kin 'to?"

My heart twisted painfully at that. Alam kong mahirap kay Mama. Mahirap din ito sa
akin. Mahirap tanggapin dahil parehong importanteng mga tao ang naaapektuhan
pero... paano?

"Then what do I do? Leave her?" napapaos kong sinabi.

Hindi iyon tanong na kayang sagutin nino man, para sa akin.

"Oo! Oo, Raoul!" she said hysterically. "If you really care for your mother, you've
done it a long time ago!"

Kunot-noo akong tumingala at pumikit. I seriously don't know what to fucking do. I
don't want to hurt my mother, but I don't want to leave Soleil, too. Dumilat ako at
pinagmasdan ang umiiyak kong ina.

Nilapitan ko siya at marahang niyakap. Umiyak siya habang ginagawa ko iyon.

"I'm sorry, son. I still mourn for your father. I cannot forgive them."

I let her pour all her pain to me. Hinayaan ko siya sa lahat lahat dahil hindi ko
kayang makita ang Mama ko na ganito.

Pero... paano ako? Sino ang makikinig sa akin? Who will hear my pain and soothe me?

"Hello, h-how's your day?" Soleil's voice echoed after a long day.

Hindi ko na kailangang sabihin sa kanya lahat ng problema ko para lang makalma niya
ang aking puso. Her voice can hold and tame my soul. Effortlessly.

"Fine. How 'bout my baby?" sabi ko.

"Hmm. Ayos lang din. Boring. Kanina nanood kami ng sine ni Cresia. Lalabas pa sana
kami para mag Starbucks pero tumawag na si Prince at pinapauwi na ako."

I sighed, feeling sad for her. If only I can hold her and keep her with me she'd be
more free. "Maybe next time you can go out earlier so you can spend more time with
Cresia?"

"Oo nga. Try namin next time, umaga manood ng sine." Humalakhak siya.

I feel at peace. One laugh again, please, baby.

"R-Raj..." malambing niyang sinabi.

"Yes, baby?"

"Ayos ka lang ba?"

Natigilan ako roon. How does this girl know that something is bothering me? I
unbuttoned my white longsleeves at pinagmasdan ang kalakhan ng nagtatayugang
skyscraper, nangangarap maabot ang langit. I smiled.

"No," sabi ko.

Pero ayos na ako ngayon. Ayos na ako.

"Anong nangyari? Mag video call tayo. Nag-aalala ako sa'yo."

"I'm not fine because I terribly miss you."


"I miss you, too. Please, anong problema?"

"Let's video call, okay? I wanna see you."

It's not hard to tell how ruined I was when she chose to leave me. Ang sabi niya,
may mahal siyang iba. Hindi ako naniniwala pero ano pa nga ba ang pwedeng dahilan
nun? Imposibleng malaman niya ang tungkol sa problema ko! My family is very
private. They wouldn't tell anyone whatever is going on with us. Kaya kung iyon ang
dahilan niya, paano niya nalaman?

They say time heals everything. I hoped for that. I hoped that maybe in time, it
will all be okay.

"Trying to see her again, huh?" Zamiel said while we were in a bar one night.

Nakita niya siguro kung sino ang katext ko. Soleil and I broke up but I still have
my eyes with her. Umiling ako kay Zamiel.

"Nakikibalita lang, baka lang may lead."

Tumawa si Zamiel sa sagot ko. Sumimsim na lang ako sa iniinom na alak.

"Ilang taon ka nang nakikibalita, ah? Sana mahuli mo na ang kriminal na 'yon. I'd
like to see you make excuses for all your stalking."

"Shut up, Zamiel. Huwag kang magmalinis."

I spend the next years developing the company and strengthening its weak areas.
Nakamit ko na yata ang lahat at naging mabilis ang pag-angat ko. Maybe because I
have nothing to think about but work... and a just a little bit of...

"Raj," tawag ni Mama pagkapasok sa opisina ko.

Nilipat ko ang tingin sa kanya galing sa computer. Kagagaling ko lang sa isang


malaking meeting at gaya ng dati nakuha ko rin ang lahat ng pinakamagandang deal.

"Congratulations! I heard what happened in the meeting," aniya.

Ngumiti ako at tumango na lang kay Mama. "Thank you, Ma."

Lumapit siya sa aking lamesa at dinungaw ang aking computer. Nagkatinginan kami
dahil hindi niya naman ito madalas ginagawa.

"You know that Radleigh's getting married, right? To Zariyah Leviste."

Tumango ako.

"Sinong mag-aakala na silang dalawa parin talaga sa huli? After a broken


engagement!" tumawa si Mama.

"Well, Rad was ready to marry that time. Let's just say, nadelay lang ng konti..."
I said lightly.

Ilang sandaling katahimikan ay muli siyang lumapit sa akin. My mother is stunning


even in her fifties. She's fashionable and elegant. Nang namatay si Papa, sobrang
dami ng manliligaw niya. But she was mourning and I don't really think she'll love
again. Father is her one and only great love. Nothing can ever beat a Riego, huh?

"Hmmm. Ikaw kaya, kailan?"


Tumawa lang ako. "I have no prospects."

I lied. Well. Though, it's true. She's just out there in Iloilo, trying to live her
life without me. Habang ako'y nakikibalita pa para lang makausad araw-araw. How
funny.

"How about Avery? I heard you went out with her for dinner?"

Huminga ako ng malalim.

"Matagal ka nang crush non, sabi ng Mommy niya. And... no boyfriend since birth!"

"I'll think about it, Ma..." sabu ko at nilingon muli ang computer.

"How about Claudia? You once had a thing, right?"

Mataman kong tinitigan si Mama. She smirked guiltily. Ngumiti na lang ako pabalik.

"Not interested-"

"But... you can date her?"

Pagod ko siyang binalingan ulit. Hindi iyon ang huling pagkakataon na may nilakad
siya sa akin. She once invited Venice Chua in our Forbes house on a Sunday just so
we could both "talk" and "date". Pagkatapos noon, nagkita ulit kami ni Venice sa
iilang party kaya lumago ang usap-usapan na kami.

Damn it! Hindi pa naman naririnig ni Soleil sa Iloilo. Thank God she's far from
this stupid social life. Full of intrigues and speculations of my cheating just
because I was seen, yet again, with another random pretty girl in a party.

I hope nothing will reach her, please. Naiisip ko pa lang ang mga iisipin niya,
nagwawala na ako!

"Raj..." si Mama ulit sa opisina pagkatapos ng ilan pang attempt na ireto ako sa
kung sinu-sino.

"Hmm?" I said with no interest.

"I want a grandchild... Dalawa o tatlo o kahit ilan. Pero hindi pwedeng isa
lang..."

Napatingin ako kay Mama. Malungkot akong ngumiti sa kanya. I know she's lonely.
Laging iniimbita si Sibal at Snow sa mansyon dahil gusto niya mag-alaga ng apo at
sa amin lahat, si Sibal pa lang... well... yata? ang mayroong anak.

"For sure Zariyah's pregnant-"

"Magpapakasal pa nga lang, e. I don't know why the delay again but I'm sure-"

"I'm sure she's pregnant. Riego pa..." I said nonchalantly.

"Hmm. Don't tell me makakabuntis ka? Hindi magpapakasal? Raj, please get married
first?" she said, smiling.

Natahimik na lang ako at ibinaling ang mga mata sa trabaho. May iilan akong
pinirmahan pero nanatili si Mama sa harap ko.
"Your thirty. You can't stay like this forever. Malulungkot ka lang!" nag-aalala
niyang sinabi.

"Don't worry about me, Mama," sabay tayo ko at halik sa kanyang noo.

Nagpaalam ako dahil may meeting ako sa hapon. But that was not the last day for it.
She tried again on a Sunday, bago pa dumating sina Tito Ares sa baya namin sa
Forbes, para sa Brunch namin tuwing Linggo.

"Raj..." she called again while I'm sipping on my coffee.

"Hmm?"

Nilingon ko si Mama. She smiled sadly at me.

"No girl for this brunch, too? Pupunta si Zari ngayon. Isasama ni Rad."

Tumawa lamang ako at ibinalik ang tingin sa malawak na hardin. She sighed heavily
after a long silence. Sumimsim muli ako sa aking kape.

"Nasaan ba siya ngayon?" medyo pumormal ang boses ni Mama.

"Hmm?" Bumagsak ang tingin ko sa aking kape.

I know who she's talking about but it's almost impossible.

"Nakapagtapos ba?"

Sa gulat ko'y bumaling ako kay Mama. Ngayon siya naman ang nakatingin sa hardin,
hindi makabaling sa akin.

"Sa Iloilo, hindi ba? Nakapagtapos ba siya ng college? Nagtatrabaho na?" sunod-
sunod niyang tanong sabay malamyos na tingin sa akin.

I smiled bitterly at that.

"Don't try too hard. I know you don't like her..." tanging nasabi ko.

"Ayaw kong sayangin mo ang buhay mo ng ganito. If only there's a way for you to
like someone else-"

I gritted my teeth at that. I don't like it when we talk about this.

"I can manage, Mama. Huwag mo nang isipin pa ito. Huwag mo nang pahirapan ang
sarili mo-"

"But, Raj... what if-"

"I don't want to talk about this..." sabay iling ko.

KItang-kita ko ang takot sa mukha ni Mama pero nagsisikap siyang subukan ulit.

"Baka naman-"

"I don't want any more of this! Please?" sabi ko dahil ayaw kong masaktan pa siya.

I'm still so in love with Leil. I'm still down with her. I can imagine my future
with her, at siya lang talaga. Hirap ako pero gusto kong mangyari 'to balang araw.
Time can heal. I wish for it to fall faster para malaman ko kung maaayos ba ito.
Kung tatanggapin niya ba ulit ako. Kung susugal pa ba siya kahit na ganito ang
sitwasyon ko? Cuz frankly, she can just be with another man and have an easy
relationship! Dahil ako? Mahihirapan siya!

It makes me so damn insecure to know that she can have a better relationship with
someone else! I feel so lost everytime I think about it!

I want to assure her that I will protect her with all of me. Na kapag nahuli namin
ang Papa niya, mas magiging maayos na sa amin ang lahat. I want to assure her that
I will die protecting her from pain! Pero alam ko, kilala ko siya, she can't bear
to hurt someone else. She'd rather hurt than see my mother hurt... She can leave me
just so she can see others happy.

Pero paano kaya ako? Kung nakita niya bang miserable ako, babalikan niya ako? Kung
makikita niyang nahihirapan ako, sapat ba iyon para mahalin niya ako? Sapat ba iyon
para ako naman ang isipin niya?

Fuck!

"Raj, I-I heard that she's under the Ledesmas of Iloilo, is that true?" muling
pagtatangka ni Mama, isang hapon sa aking opisina.

Pagod kong ibinaling ang buong atensyon ko sa kanya. She smiled bitterly.

"Why you were in Iloilo just this morning, right?"

Bumuntong-hininga ako at hindi na sinagot pa ang aking Mama.

"Kailan ka babalik ng Iloilo? Bukas? Next week?"

"Wala pa akong plano." Umiling ako para mas lalong dagdagan.

"H-Huh? Bakit? What happened?"

I looked at her again. She looks scared and worried at the same time. Buong
atensyon ang ibinigay niya sa akin na para bang may problema siyang aabangan.

"She found someone else?" she asked, a bit shocked.

Tumitig lamang ako sa kanya. Hindi ko alam kung bakit parang nakumpirma niya na
tama siya dahil sa pagwawalang kibo ko.

"S-Sino? Did y-you see it with your own eyes? O-Or she just told you-"

"Wala na kami, Mama. Matagal na. Ilang taon na ang lumipas, 'di ba?" tanging nasabi
ko.

"I-I know... but..." kumunot ang noo niya at nag-iisip siya. "You still communicate
with her, right? For h-her father, at least?"

Nagulat ako dahil diretso niya iyong nasabi nang hindi naiisip kung sino ang pinag-
uusapan.

"Hindi ba nangangalap ka ng impormasyon sa kanyang ama? From her?"

"Hanggang doon lang 'yon," sabi ko ulit.

Bahagya siyang natawa, kilala ako ng aking ina. "Raj... Ano? Totoo ba?" concern na
concern ang tinig niya. "May iba bang gusto 'yong babae? Bakit 'di mo na
bibisitahin sa Iloilo?"

Ngumuso ako at tinitigan si Mama. Is she serious? Is she concerned?

"Because she's already here in Manila."

Nawala ang concern sa mukha ni Mama. Napalitan iyon ng iritasyon para sa akin.

"Ugh! Well, then! I know what you'll do. Uuwi muna ako ng Costa Leona. Will be back
soon!" anunsyo niya sa akin.

Pinagmasdan ko siya at naisip na masyado niyang pinipilit na maging maayos ito para
sa akin. While I'm trying to make it all okay for her, she's doing her best to make
it fine for me, too. I know that she's slightly changed her stand about this pero
alam ko rin na sinusubukan niya pa lang. Na nahihirapan parin siya. Whatever I do,
I can't just be reckless.

Isa sa aking pagkakamali ay ang hayaan si Soleil sa mansyon pagkatapos kong


maipahuli ang kanyang Papa. The situation triggered my mother's emotions that maybe
seeing Soleil in front of her made her lose control.

"R-Raj, I-I'm sorry..." agap ni Mama pagkadating ko sa mansyon.

Wala ni isang nagsabi sa akin na umalis si Soleil na mag-isa. Walang nangahas na


kasambahay na magbalita sa akin noon. Radleigh, Vincent, and Sibal were not there
anymore. Zari tried to calm me down but I couldn't think straight.

"U-Umalis siya-"

"Pinaalis mo siya?" I said harshly when I realized what is happening.

"Raoul!" agap ni Tito Ares.

Kinagat ko ang labi ko at ginulo ko ang aking buhok.

The moment when I was about to pull the trigger and kill her father, I realized how
much I've changed because of her... and over time. She cried but she never stopped
me from killing her father. She mourned but she never blamed me for it. She's hurt
but she will still love me the same.

Hindi niya na kailangan ng mahabang panahon para matanggap iyon. She was pure a
long time ago and it did not change one bit today. She's the light in my cold dark
nights. Her light made all the darkness in me fade away. Her love enveloped my
cold, hard soul with an unending warmth. She is the very reason why I put that gun
down and let the law of men take care of it all. She is the reason why the darkness
in me subside, after years of living in it.

At kung mawawala siya sa akin ngayon, hindi ko na alam kung masasalba pa ba ako.

"I-I was..." sinubukan ni Mama na mag paliwanag.

And like what Soleil would probably want me to do, I hugged my mother tight.

"I'm sorry... Alam kong nasasaktan ka pa rin. I'm sorry, Ma..." my voice broke.

She cried and nodded.

Binitiwan ko si Mama. I bowed painfully and slowly turned away from her.
"Raj, saan ka p-pupunta?" tawag niya sa nag-aalalang boses.

Tears formed in my eyes. Bumaling ako sa pinakamamahal kong ina. Ang pagod at sakit
ay hindi ko na maitago.

Kinagat ko ang labi ko. Hindi ko na kailangang ipaliwanag o sabihin sa kanya kung
saan ako pupunta. Alam kong alam niya kung saan ako pupunta. Kung sino ang
pupuntahan ko.

"B-Baka babalik d-din 'yon, dito..."

Mapait akong umiling. "Kung pinaalis mo, baka kahit sa'kin, Ma, 'di na 'yon
bumalik..."

Tinalikuran ko sila at dumiretso na ako sa labas. Hinabol ako ni Zari at sinigawan


ng bilin.

"Hina hanap na nina Radleigh, Sibal, at Vince! Tawagan mo, Raj!" she called.

Hindi na ako nag-alinlangan pa. Ginawa ko ang lahat na pwedeng gawin, mahanap lang
siya. I love my mother, but I love Soleil, so much, too. Loving my family doesn't
mean unloving Leil. And loving Soleil does not make my love for my family invalid.

Sadyang ganito lang ang sitwasyon ko. Sadyang mahal ko lang talaga si Soleil na
kahit alam kong mahihirapan ako, hindi ko parin siya kayang pakawalan.

I've waited for her for years. I pushed back my feelings for years, just because of
so many reasons. I supressed everything for years even when I know I'd never be the
same again without her. Alam kong aabot din ako sa puntong ito. Aabot ako sa
panahong hindi ko na siya kayang pakawalan pa. Dahil kung pakakawalan ko pa siya,
parang pinakawalan ko na rin ang buhay na 'to.

She looked at the slowly burning city lights nervously. Kadarating lang namin sa
Manila. Tumulak kami noong isang araw sa Papa niya. Hindi man ito matino na kausap
ay nakita ko kung paano sinabi ni Soleil lahat ng gusto niyang sabihin. I saw how
she felt lighter after that. And she saw me light up after talking to my mother
about getting married with her.

"Iyong mga damit ko?" she said slowly.

Galing sa likod ay niyakap ko siya. I can claim her small waist easily. She moved
closer to me nang hinila ko pa siya sa akin.

"Bibili na lang tayo ng bago."

"Hindi naman ako matutulog sa condo ko, Raj. Bibisita lang tayo para kunin ang
ibang gamit. Sayang naman. Sayang ang damit ko. Ang TV ni Cresia..."

"Hmm. Fine. But if you try to trick me again at pauuwiin mo akong mag-isa rito,
bibilhin ko ang unit na 'yon at papalayasin kita roon."

Ngumuso siya, medyo galit sa banta ko. Ilang beses niya kasing sinabi sa akin na
hindi siya pwedeng tumira rito sa akin. Sinusubukan niyang kumawala. Now, I'm kind
of guilty thinking about her looking like a sad kitten thrown out by her master. At
syempre, ako parin ang kukuha sa kanya at magdadala sa kanya rito.

"Hmp! Eh, kababalik lang natin sa isa't-isa, gusto mo na akong tumira rito."
"We'll get married, anyway. Dagdag gastos lang 'yang condo mo, Leil."

Mas lalo siyang ngumuso. "Ikaw magbayad?"

Ngumisi ako at hinalikan siya sa leeg. Nakita ko ang pagpikit niya sa simpleng
lapat lang ng labi ko roon.

"Ah, you know how to use our money, huh?"

Ngumiti siya. "Pwede 'yon, 'di ba?"

"Hindi!" pagalit kong sinabi. "I can pay for your condo but I won't pay for it
because I want you here. Stop fucking trying."

"Paano ang mga Ledesma? Anong sasabihin nila?"

I smirked at her words. Sa araw na ito, pareho kaming bihis na bihis dahil may
appointment kami, alas syete, in a restaurant just here in BGC. And she's nervous
because of it. Freaking nervous because we're meeting with the Ledesmas.

"Let's go and see, then?" hamon ko.

Kinuha ko sa kamay niya ang hawak na hourglass, dala niya galing sa kamalig. I
still remember what she told me. How she wished for the sands to thin and pass
through the tube faster just so the time will speed.

Nilapag ko iyon sa lamesa. Hindi ko maiwasang isipin na itinuring niyang yaman ang
isang bagay na pinamimigay lang namin noon. It speaks so much of our differences,
in status... in life.

I loved her more for that. I loved her more for finding light in the simplest
things. I loved her more for staying happy and kind despite every bad luck in her
life. And I've fallen even deeper with her when she made me this kind of person.

Alam kong kaya niyang maging masaya ng wala ako. At alam kong hindi ko kayang
maging masaya ng wala siya. She stayed because she knows I will be nothing without
her. She stayed because she doesn't want me to be miserable forever. She stayed
because she loved me that way.

Ang pag-ibig na kaya mang magpakawala, nananatili. Ang pag-ibig na kaya mag
bumitiw, nangangako.

I owe her that. I dedicate my life to her, the angel who saved me.

Ang sabi nila, tanging ang Langit lang ang makakapagsalba sa ating lahat. Tingin ko
naman, the Heavens send angels to do the saving. The Heavens sent me the Lady of
the Light. Siguro alam Nito na sobrang hirap kong isalba, na maubos man ang
buhangin, hindi ako magpapatawad. Na magdadaan ang panahon, magiging madilim para
sa akin ang lahat. But if you send her to me... if you just show her to me... I'd
forgive and heal easy.

"Kinakabahan ako," aniya.

papasok na kami sa hotel. She's wearing a hot black spaghetti dress and black
stilletos. Wala pa kami sa VIP, may iilan na akong kilala. Some of them flocked to
us to greet me. Hindi kilala si Soleil. Nilingon ko ang kasama at nakita ang
bahagyang pagtatago sa gilid ko.

I snaked my arm around her waist. Kitang-kita ko ang gulat sa itsura ng iilang
kaibigan.

"Oh! Girlfriend?" tanong ng lalaking wedding planner nina Radleigh.

Kasama nito ang isa sa may-ari ng hotel na ito. Nagkatinginan ang dalawa. I know
the other one has connections with the lifestyle magazines where I'm usually
featured. Iyong madalas na binabasa ni Leil at pinagseselosan niya pa?

"Fiancee..." sabi ko.

Humigpit ang hawak ni Leil sa akin. Humigpit din ang hawak ko sa kanya. Parang
natigilan ang dalawang kausap.

"Oh! That was surprising. Akala ko girlfriend pa?" sabay tawa ni Tim.

Ngumisi rin ako. "Long time girlfriend, too."

"Ah! Congratulations, Rao! Is it okay to publish this somewhere or?"

"My gosh! I'm kind of shocked!" deklara noong isa, hawak pa ang dibdib.

Ngumisi lang ako at nagpaalam na dahil may dinner pa kaming pupuntahan. Tumulak na
kami ni Leil patungo sa iginiyang double doors patungo sa VIP room nitong
restaurant.

Pagkabukas pa lang ng mga pintuan ay nakita ko na ang gulat sa mukha ng mga


Ledesma. Sabay-sabay silang lumingon sa amin. Tumayo ang batang Ledesma sa gulat.
Prince, is it? He looked like a shocked frog prince now.

Nilingon ko si Soleil. I leered at her cockily. Ngumiwi siya at bahagya akong


sinimangutan. Lalo na nang hinawakan ko ang siko niya para maigiya sa upuan.

"Good evening, Mr. and Mrs. Ledesma..." bati ko.

"G-Good evening, Raoul..." medyo nag-aalinlangang bati ni Mrs. Ledesma.

"Primrose, Arthur..." sabay tango ko sa dalawa.

The girl Ledesma looked so shocked that her mouth remained open. Nakatayo si Prince
kahit pa noong naupo na si Soleil. Naupo ako sa gitna nila at tumango ako sa gulat
na si Prince Ledesma. Ilang sandali pa bago siya napakurap-kurap at natatarantang
umupo.

"Uh? Leil? P-Para saan ang... uh... dinner na 'to? Business? Meeting?" si Mrs.
Ledesma.

Leil put her hand on my thigh. Sa gulat ko'y natuon ang buong pansin ko sa kanya.
Kinagat niya ang labi niya at biglang namula ng husto bago nagsalita.

"G-Gusto ko lang pong pormal na sabihin sa inyo n-na... Magpapakasal na po ako."

"Magpapakasal?!" si Mr. Ledesma.

Kitang kita ko ang pagkakabitin sa ere ng bibig ni Mrs. Ledesma, ang pag-inom ng
tubig ni Primrose, at ang pagtawa ni Arthur. I turned to see Prince Ledesma's
expression. He looked at me with disbelief in his eyes. Pagkatapos ay lumipat kay
Leil na tila ba nagsisinungaling ito.

"O-Opo."
"I'm sorry for the sudden news, Mr. and Mrs. Ledesma."

Wala ni isang nagsalita sa sobrang gulat ng lahat kaya isang opportunidad iyon sa
akin.

"But after getting back with her, I don't want to make our boyfriend-girlfriend
relationship long. We are now engaged. And I don't think it will be a long
engagement either."

"Engaged?!" si Primrose sa gulantang na boses.

Kitang-kita ang gulong itsura niya. Pabalik balik ang tingin niya sa akin at kay
Leil ngunit sa huli, kay Leil.

"S-Siya 'yong boyfriend ko... n-na sinasabi ko."

"'Yong taga Iloilo? Hindi ba taga Iloilo, Leil?" sa wakas ay nagsalita rin si
Prince.

I want so bad to block him but I'm trying my best to be kind. Though, I know I'm
never kind. Especially when it comes to this.

Inangat ko ang gilid ng aking labi at binalingan ang medyo galit na si Prince
Ledesma. I just hope he won't punch me or what. I punch real hard and I'm still
active with my MMA.

"I visit her in Iloilo most of the time. Pero hindi ako taga Iloilo."

Bumagsak ang balikat ni Mrs. Ledesma. Nang bumaling ako sa kanya ay pinilit niyang
ngumiti.

"W-With all due respect, Engineer Riego. But... is this really? Soleil?" si Mr.
Ledesma.

My baby nodded like a little kitten, scared of things.

I leaned closer to her so I can whisper.

"Aren't you proud of me, hmm?"

Sinimangutan niya ako. I gazed at her longingly.

I remember the first time I saw her throw a fit. I remember the first time I saw
her very angry. Mas lalo siyang nagalit dahil nangingiti ako. Hindi niya alam na
para sa akin, para akong nakakita ng dyosa na nagwawala. Sumasabog ang buhok, galit
ang mga mata, tumataas ang boses, at malakas na sinisigawan ako. I feel like it's a
goddess' wrath. I can't take it seriously.

Damn!

I deity looking down at a mortal. Or maybe... a devil who's trying to be good to


reach her.

"We'll work on that."

"My gosh! T-Totoo ba 'to? T-Talaga ba?" si Mrs. Ledesma na hindi parin yata
makapaniwala, gaya ng buong pamilya.
I nodded. "Sa condo ko na rin po siya titira, pansamantala, habang naghihintay kami
sa kasal. The wedding preparations will start shortly after our appointment
tomorrow with the planner."

"Oh! Wow! I am so shocked! I... we didn't know. Soleil, hindi mo sinabi na siya ang
boyfriend mo!" si Primrose.

"S-Sinabi ko naman, e. Hindi lang kayo naniwala."

Ang sabi niya, lagi niyang naiisip noon na manonood siya sa kasal ko. Na papalakpak
siya kapag ikakasal ako. And eventually, she realized that she doesn't want to
watch me marry someone else. That she was already jealous of the idea of me
marrying someone else.

Gusto kong patunayan sa kanya na hindi siya papalakpak dahil siya ang papalakpakan.
Hindi siya manonood, dahil siya ang panonoorin. At hindi ibang babae ang susunduin
ko sa altar, kundi siya.

"W-Well, congratulations! I guess?" si Mr. Ledesma.

I nodded formally at the old man. Nakita kong medyo gulat pa si Prince pero
nakakainom na ito ng tubig. Walang sinasabi at kunot lamang ang noo.

Soleil sighed heavily after a long awkward night with the Ledesmas. Masaya lang
siya na natapos naman ni Prince ang dinner nang hindi nagagalit. While I'm happy to
know that finally, she introduced me to the people who are dear to her. Not as a
friend... or boyfriend... but as her soon to be husband.

The label that I wanted.

Her husband. Her only love. Her first and her last. Her heart.

I kissed her cheek. Nasa loob na kami ng sasakyan ngayon. It's comforting to know
that she'll come home to me tonight. That we will never be apart again.

I kissed her neck slowly and her ear. Naramdaman ko ang bahagya niyang
pagkakakiliti. Nang tiningnan ko siya ay sobrang pula na ng pisngi at hindi na
makatingin sa akin. Mas lalong lumapad ang ngiti ko. I know exactly what she's
thinking.

"Come here..." sabi ko sabay walang pasubaling hila sa kanya para makulong ko siya
sa aking braso.

She blushed profusely. Pumikit siya ng mariin at sinapo ang mukha na para bang
nahihiya. Alam ko talaga kung ano ang iniisip niya. Hinilig niya ang ulo niya sa
akin at itinago ang mukha sa aking dibdib nang narealize na wala siyang ibang
pagtataguan.

I removed her hand on her face pero mabilis niyang binalik iyon.

"Do you still remember what I did in the barn house?" I asked.

Hinampas niya ako sa dibdib. I chuckled. Ayan! Nakalimutan mo na 'yong nakita mo


noong bata ka pa, 'di ba? Now your memories are defiled and corrupted with our new,
more intense and sultry scenes!

"Don't be shy. That's just a start, baby..."

Umiling siya at mas lalong ibinaon ang mukha sa aking dibdib. I stroked her long
hair to ease her a bit. But I'm kind of entertained with her reactions that I can't
help but tease her.

"I'm in love with you so much, Raj. Please?" I whispered playfully.

Kinurot niya ang dibdib ko. Humalakhak ako at mas lalo siyang niyakap.

"Don't worry. I think I'm more in love with you, Leil," anas ko bago siya pinatakan
muli ng halik.

Now I wish for the sands to stay still and never leave the upper glass. I want to
stop the time. Kung hindi man posible, kahit mabagalan na lang. Gusto kong dahan-
dahang palipasin ang mga oras naming dalawa na magkasama.

Please, Lady of the Light. Stop the time so we can spend more and more time with
each other. So I can love you longer. I can love you wilder. Please, baby.

You might also like