You are on page 1of 2

Pamamaril na nagdulot

ng pagkamatay ni

Calbayog Mayor Aquino

at 5 iba pa.

Ni:Avelino E. Hermo Jr.


03/10/2021

Pagpaslang sa Mayor ng
Syodad, ambush sa hulboong
sandatahan ng [military] AFP at
PNP, pagtambang sa mga relief
goods ng mga NPA para sa
mamamayan! Ilan lamang ito sa mga karahasang madalas mong maririnig tungkol sa isla ng
Samar.

Sa kasalukuyang pangyayari nagmistulang bahay ng bubuyog ang isang van na sinakyan ng


ilang opisyal ng gobyerno dahil sa tadtad ito ng bala, na tila isang bahay ng bubuyog na
pinagtulong-tulongan na gibain ng kung sinong walang kaluluwang nilalang sa walang awang
pagpaslang sa mga nasa loob nito.

Dakong alas 5:30 ng hapon ika-8 ng Marso sa tulay ng Laboyao ng Lonoy Village sa Calbiga
Eastern Samar isang kagimbalgimbal na pangyayari ang naganap na mala-teleseryeng mga
kaganapan tulad ng makikita sa palabas na ‘Ang Probesiyano’ dahil umano sa palitan ng bala
[putok] ng baril sa makabilaang panig. Sa inisyal na imbestigasyon sinasabing habang
tinatahak ni Aquino ang patungong Norte ay may bumubuntot umano sa kanila na puting van,
pinaputukan naman ng isa niyang guardia ang hinihinalang bumubuntot sa kanila.

Ayon sa mga saksi nagmistulang bagong taon ang mga pangyayari dahil sa palitan ng putok
ng dalawang panig. Samantalang hindi naman mabilang sa daliri ang mga basyu ng bala na
makikita sa kung saan naganap ang karumaldumal na pangyayari.

Mapag-aalaman na ang sakay pala ng kabilang van ay mga tauhan ng PNP mula sa IMEG
(integrity monitoring and enforcement group) at DEU (drug enforcement unit) na gumanti
lamang ng putok batay sa sabi ng PNP regional office.
Nalagutan ng hininga at bahagyang naging payapa na may halong malamig na ihip ng hangin
ang paligid at umuugoy sa pakiramdam ng mga nakasaksi ang tunog ng magkahalong hiyaw,
sigaw at busina ng tambutso ng mga sasakyan. Sa mabilis na pangyayari bangkay na nang
makalapit ang mga residente, na kinilalang sina Mayor Ronald Aquino, S/Sgt. Rodeo
Balonzo, S/Sgt. Romeo Laoyon, and Dennis Abayon, tagamaneho ng Mayor. Habang duguan
at sugatan si S/Sgt. Neil Cebu; Manfield Labonite at Clint John Pual isang empliyado ng
lokal na gobyerno.

Nakamotor lang si Laoyon na nagsisilbing mata, tainga at boses at nag-ulat na may


nakabuntot na sasakyan habang si Balonzo Cebu at Labonite ay kaisa ni Aquino sa isang
sasakyan.

Dumadaan lang ang sasakyan ni Yaunder ng siya ay madamay sa engkwentro na kalaunay


nakipag-aagaw buhay kay kamatayan habang ginagamot sa St. Camillus Hospital.

Alas 6 ng hapon nang maiulat ito sa malapit na estasyon ng pulis sa parehong gabi, batay sa
mga saksi ay may tumalon sa tulay habang nangyayari ang putukan, dito na napag-alaman
ang bangkay ni Capt. Joselito Tabada, chief of Samar PNP DEU at acting chief police
malapit sa poblasyon ng Gandara.

Si Aquino, 59, na nasa ikatlo na niyang termino bilang Mayor ng lungsod mula pa 2011
pagkatapos mapaslang sa isang pyesta si Reynaldo Uy sa Hinabangan, Samar. Ang
pangyayari ay nagpaalala sa nakalipas na sampung taong hindi pa nareresolbang kaso.

You might also like