You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
Region V
Division of City Schools
SORSOGON CITY

SANAYANG PAPEL sa ARALING PANLIPUNAN


Baitang : 10 Quarter 2 Aralin 2
I. Layunin
Nasusuri ang konsepto at dimensiyon ng globalisasyon bilang isa sa mga isyung
panlipunan.
1. Nasusuri ang konsepto at dimensiyon sa pag-usbong ng globalisasyon bilang
isa sa mga isyung panlipunan.
2. Napag-aralan ang dimensiyon ,kasaysayan at simula ng globalisasyon.
II. Gawain sa Pagkatuto
Upang higit na maunawaan ang globalisayon bilang isang kontemporaryong
isyung panlipunan, mahalagang gumamit ng mga pananaw o perspektibo sa
pagsusuri nito.
LIMANG (5) Perspektibo o Pananaw tungkol sa Kasaysayan at Simula ng
Globalisasyon
Una ay ang paaniniwalng ang `globalisasyon’ ay taal o nakaugat sa bawat isa.
Ayon kay nayan Chanda (2007), manipestasyon ito ng paghahangad ng tao na
maalwan o maayos na pamumuhay na nagtulak sa kaniyang makipagkalakalan,
magpakalat ng pananampalataya, mandigma’t manakop at naging adbenturero o
manlalakbay.
Ang pangalawang pananaw o perspektibo ay nagsasabi na ang globalisasyon ay
isang mahabang siklo (cycle) ng pagbabago. Ayon kay Scholte (2005), maraming
globalisasyon na ang dumaan sa mga nakalipas na panahon at ng kasalukuyang
globalisasyon ay makabago at higit na mataas na anyo na maaaring magtapos sa
hinaharap.
Ang pangatlong pananaw ng globalisayon ay naniniwalng may anim na `wave’ o
epoch o panahon na siyang binigyang diin ni Therborn (2005).
Talahanayan na nagpapakita ng anim na panahon o epoch ng globalisasyon
(Therborn, 2005)
Panahon Katangian
Ika-4 hanggang ika-5 siglo (4th-5th Globalisayon ng Relihiyon
century (Pagkalat ng Islam at Kristiyanismo)
Huling bahagi ng ika-15 siglo (late 15 Pananakop ng mga Europeo
th

century)
Huling bahagi ng ika-18 siglo hanggang Digmaan sa pagitan ng mga bansa sa
unang bahagi ng ika-19 na siglo (late Europa na nagbigay daan sa
18 -early 19 century
th th
globalisasyon.

Rurok ng Imperialismong Kanluranin


Gitnang bahagi ng ika-19 na siglo

1
hanggang 1918
Post-World War II Pagkakahati ng daigdig sa dalawang
pwersang idelohikal partikular ang
komunismo at kapitalismo.
Post-Cold War Pananig ng Kapitalismo bilang sistemang
pang-ekonomiya. Nagbigay daan sa
mabilis na pagdaloy ng mga produkto,
serbisyo, ideya, teknolohiya at iba pa sa
pangunguna ng Estados Unidos.

Hawig ng Ikaapat ang ikatlo. Ayon dito, ay simula ng globalisayon, posibleng


maraming pinag-ugatan ang globalisayon. Ilan dito ang mga sumusunod;
 Pananakop ng mga Romano bago pa man maipanganak si Kristo (Gibbon 1998).
 Pag-usbong at paglaganap ng Kristiyanismo matapos ang pagbagsak ng
Imperyong Roamano.
 Paglalakbay ng mga Vikings mula Europe patungong Iceland, Greenland at
Hilagang America.
 Kalakalan sa Mediterranean nang Gitnang Panahon.
 Pagsisimula ng pagbabangko sa mga siyudad-estado sa Italya noong ika-12 siglo.
Ang huling pananaw o perspektibo ay nagsasaad na ang globalisasyon ay
penomenong nagsimula sa kalagitanaan ng ika-20 siglo.
III. Pagsasanay

Gawain 1. Tilamsik Kaalaman!


Punan ang grphic organizer sa Balangkas-Kaalaman batay sa iyong
nauunawaan sa binasang teksto. Isulat sa unang kolum ang pananaw tungkol sa
pag-usbong ng globalisasyon at sa pangalawang kolum naman ang mahahalagang
kaisipan kaugnay nito. Isulaat sa ikatlong kolum ang mga susing salita o esensyal na
kaisipan sa bawat pananaw.
BALANGKAS NG KAALAMAN
Perspektibo Detalye Susing salita
1.Pangunahing Kaalaman
2.Pangunahing Kaalaman
3. Pangunahing Kaalaman
4. Pangunahing Kaalaman

IV. Pagtataya
Gumawa ng maikling sanaysay tungkol sa pananaw at perspektibo ng
globalisasyon bilang isang isyung panlipunan. (Gamitin ang pamantayan sa
pagmamarka)

Pamantayan Puntos
1. Tiyak ang paksa/mensahe 2
2. Wasto at magkakaugnay ang mga
pangungusap 2
3. Malinaw na naipahiwatig ang ideya 1
Kabuuang Puntos 5

2
3

You might also like