You are on page 1of 3

Pangalan: ___________________________________________ ISKOR: _________

UNANG PAGSUSULIT – ESP 6


ENERO 22, 2021

Panuto: Isulat ang T kung ang sumusunod na pahayag ay tama at M kung mali.
________ 1. Tuparin mo ang pangakong hindi na mahuhuli sa klase.
________2. Isauli mo ang hiniram na bagay sa kaklase sa takdang oras na pinagkasunduan.
________ 3. Huwag mong tuparin ang tungkuling panatilihing malinis ang silid-aralan.
________ 4. Tuparin mo ang pangakong magsisimba tuwing Linggo.
________ 5. Gawin mo ang lahat para hindi matupad ang mga pangako.
________ 6. Huwag kang sumipot sa nakatakdang oras ng pagsasanay sa isports.
________ 7. Tuparin mo ang pangakong hindi na makikipag-away sa loob ng klase.
________ 8. Magtago ka sa nakatakdang araw sa pagbabayad ng utang.
________ 9. Sikapin mong makarating sa mahalagang pagdiriwang o okasyon ng pamilya.
________10. Kalimutan mo ang pinagkasunduang takdang oras sa pagpasa ng proyekto sa Science

Panuto: Basahin ang sitwasyon sa ibaba. Iguhit ang kung nagsasaad ng pagtupad sa pangako at
naman kung hindi.
_____ 11. Nagdriwang ng ika- 13 kaarawan si Athea. Hindi nakadalo ang kanyang kaibigang si Alicia dahil
nakalimutan niya ito.
_____ 12. Bagama’t hirap sa buhay, pinilit pa rin ni Mang Oscar na bumili ng masarap na pagkain bilang
pasalubong kay Isagani gaya ng pangako niya sa anak.
_____13. Hindi na nakikipag-away si Andrew ayon sa napag-usapang kasunduan nilang magkaibigan.
_____14. Nasabi sa sarili ni Melamie na makikiisa siya sa mga gawain sa bahay bilang usapan nilang
magkapatid.
_____15. Humiram ng laruan si Lucas sa kapitbahay na si Reneir. Hindi niya ito isinauli.
_____16. Sumama si Moises sa mga kaibigan dahil napagkasunduan nilang bisitahin ang isa pa nilang
kaklase.
_____17.Nakalimutan ni Mariz na i-text ang nanay pagkarating sa training venue tulad ng ipinangako niya.
_____18. Nagalit si Marco sa kaibigan dahil hindi ito pumunta sa pinagkasunduan nilang palaraun.
_____ 19. Nagtatampo si Nessan sa kanyang tatay dahil hindi umuwi sa araw na ipinangako nito.
_____20 .Tuwang-tuwa si Bechay dahil ibinili siya ng kanyang nanay ng ipinangakong laruan na
pinakapangarap niya.
Panuto: Basahing mabuti ang mga sitwasyon. Piliin ang titik ng wastong sagot at isulat sa patlang sa gilid ng
bilang.

21. Ipinangako ng ate mo na ibibili ka niya ng bagong sapatos bilang regalo sa iyong darating na kaarawan.
Sa kasamaang palad, nagkasakit ang inyong bunso kung kaya’t ang naipong pera ng iyong ate na pambili ng
iyong sapatos ay nagastos nyo sa pagpapagamot ng inyong bunso. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A . Magagalit ka sa iyong ate.
B. Magpasalamat ka pa rin sa iyong ate kahit di man nabili ang pangakong sapatos nito para sa iyo ay
naipagamot naman at gumaling ang inyong bunso.
C. Kamuhian si bunso.
D. Magtatampo ka kay ate at bunso.
22. Napagkasunduan ninyong magkakaibigan na maglalaro kayo ng volleyball sa volleyball court ng inyong
barangay. Nakatakda kayong magkita-kita sa tapat ng bakery sa may kanto ika-3 ng hapon para sabay-sabay
kayo na magtungo sa court. Matagal kang naghintay pero hindi dumating ang mga kaibigan mo. Nalaman mo
na lang na nauna na pala sila sa volleyball court. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. Magwawala ka dahil matagal kang naghintay.
B. Balewalain na lang ang nangyari dahil napatunayan mo naman ang tunay nilang ugali.
C. Huwag na silang kausapin kailanman.
D. Kausapin mo sila tungkol sa nangyari at ipahayag mo ang tunay mong damdamin.
23. Inutang ng kaibigan mo ang inilaan mong pera para sa iyong pamasahe pauwi pagkatapos ng klase.
Nangako siyang babayaran ka niya sa recess kapag naibigay na ng kuya niya ang baon niyang pera. Subalit,
naglakad ka na lang pauwi sa bahay dahil hindi ka niya binayaran. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. Magalit ka at huwag na siyang pautangin muli.
B. Awayin siya at isumbong sa inyong guro.
C. Paalalahanan siya sa kahalagahan ng pagbayad ng utang sa takdang oras na pinag-usapan.
D. Pagmumurahin mo siya.
24. Nangako ang bestfriend mo na ipapasyal ka niya sa Museum sa darating na Sabado. Isinugod sa hospital
ang kanyang nanay sa mismong araw ng inyong kasunduan. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A. Magalit ka sa kanya ngunit hahayaan mo na lang siya.
B. Pupunta ka sa Museum mag-isa.
C. Hindi mo siya papansinin kapag nagkita kayo
D. Intindihin na lamang siya at ipagdasal ang kaligtasan ng kanyang nanay.
25. . Hiniram ng kapitbahay mo ang pantalon mong itim dahil gagamitin niya itong costume sa folkdance
nila
sa PE. Nangako siyang isasauli ito kaagad dahil gagamitin mo rin ito sa susunod na araw ngunit
nakalimutan niyang
isauli ito. Ano ang magiging reaksiyon mo?
A.Puntahan mo siya kaagad sa bahay nila at kunin mo ang pantalon. Labhan ito kaagad nang may
magamit ka sa susunod na araw.
B.Ipagsabi mo sa iba ang ginawa niya.
C.Babatuhin mo ang bahay nila at sisigawan siyang ibalik ang hiniram niya
D. Hayaan na lang siya at ibigay na lang sa kanya ang pantalon.
SUSI SA APGWAWASTO – ESP

1. T
2. T
3. M
4. T
5. M
6. M
7. T
8. M
9. T
10. M
11.

12.

13.

14.

15.

16.

17.

18.

19.

20.

21. B
22.D
23. C
24. D
25. A

You might also like