You are on page 1of 8

STI College Ortigas-Cainta

INFORMATION AND COMMUNICATIONS


TECHNOLOGY PROGRAM DEPARTMENT - TERTIARY
A.Y 2020-2021

Porfolio sa
Filipino
(Pagsulat sa Filipino
sa Piling Larangan)

Ipinasa ni: Glen C. Ugpo


Ipinasa kay: G. Larissa S. Santos

I. PROLOGO
 Ang portfolio na ito ay naglalaman ng lahat ng detalye at dokumentasyon na
ginamit sa nasuring panitikan gamit ang mga dulog na napag-aralan. Isa din
itong gabay upang malaman ang kahalagan ng bawat dulog na napag-aralan.
Ang layunin ng sulating ito ay makatulong sa mga estudyante upang mas
madagdagan ang kanilang kaalaman tungkol sa Panitikang Pilipino.

II. PANITIKAN
 Sa pinakapayak na paglalarawan, ang isang panitikan o panulatan ay ang
pagsulat ng tuwiran o tuluyan at pagtula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit
upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o
patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may
anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana.
Samakatuwid, may hugis ang mga ito, may punto de bista at
nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating
pampanitikan. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan,
pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng
damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa,
pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang
dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan.

III. HALIMBAWA NG PANITIKAN:


Maikling Kwento - ay isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad ng nobela at
dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento
lamang o iyong isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing
tauhan.

IV. HALIMBAWA NG MAIKLING KWENTO:


Si Boy Nicolas
Nagsimula ang kwento sa pamamagitan ng pagpapakilala kay Boy Nicolas
at paglalarawan sa katauhan nito. Hindi niya tunay na pangalan ang Boy. Ang
totoong pangalan niya ay Macario Michael Banal Suarez. Naging matunog ang
pangalang Boy Nicolas dahil naging siga ito sa lugar ng Tondo, Maynila. Ayon sa
kaniya kung ilalarawan si Boy Nicolas noon ay isang uri ng tao na hindi mo
iisiping gagawa ng masama dahil may maamo itong mukha o baby faced na kung
tawagin sa wikang banyaga. Kahit galit siya, ang kaniyang mga mata ay parang
inosenteng bata na hindi kakikitaan ng poot, sa kaniyang makinis at bilugang
mukha, wala ni bakas ng anumang kapaitan o lupit. Katamtaman ang kaniyang
taas, laki ng katawan, ngunit inihahayag ng namimintog na mga kalamnan ng bisig
ang pambihirang lakas.
Ang unang pagkikita nila ay sa bilangguan ng Maynila dahil sa kaso ni Boy
ng pagpatay sa matandang lalaki at anak nitong labing isang taong gulang. Nabatid
niya ito ng kapanayamin niya si Boy at ipinagtatanggol ang sarili na wala itong
kasalanan. Nakita niya sa mukha ni Boy ang walang bakas ng pag-aalala, takot o
sumbat ng budhi sa kaniyang ginawa. Ayon sa salaysay ni Boy kaya lamang niya
ito nagawa ay dahil ipinagtanggol lamang niya ang bata subalit pati ang bata ay
napatay din niya at hindi niya ito nabigyan ng konkretong kapaliwanagan. Ang
naging tugon lamang niya ay lasing siya noon at wala siya sa kaniyang huwisyo
kaya napatay din niya ang bata. Naisip niya ng mga oras na iyon na kung dapat ba
niyang paniwalaan ang sinabi ni Boy dahil kapag ganon ang kaniyang katwiran ay
malabong manalo ang kaso niya o paboran siya ng mataas na hukuman.
Sa pakikipanayam ng reporter kay Boy nabatid niyang hindi ito nakapag-
aral. Hindi siya marunong bumasa at sumulat. Ulila na siya sa magulang at wala ni
isang kapatid. Isinilang siya sa panahon ng digmaan. Ang kaniyang ina ay namatay
sa pambobomba ng mga kano sa Maynila at ang kaniyang ama ay napatay naman
ng pulis. Lalong naging interesado ang reporter sa buhay ni Boy dahil nga
napansin niya na iniiwasan ni Boy na pag-usapan ang kaniyang ama. Nagsaliksik
pa siya ng iba dahil nga yugtu-yugtung artikulo ang sinusulat niya tungkol sa
kriminalidad. Nabatid niya buhat sa mga talang iniingatan sa kagawaran ng pulisya
ng lunsod ang pakikipag-usap niya sa ilang nakakakilala sa ama ni Boy. Nagsimula
ito sa karerang kriminal noong panahon ng liberasyon sa pakikipagsabwatan sa
mga sundalong Amerikano, maraming ulit na nagnakaw sa mga depo sa Port Area.
Sa kanilang pook ng San Nicolas ay pinangingilagan din ang ama ni Boy dahil sa
kalupitan nito, hindi lang sa mga kagalit nito pati na rin sa sariling anak.
Nakaranas din ng kalupitan si Boy sa kaniyang sariling ama ng ito ay limang
taong gulang pa lamang. Nang minsang nagalit ito ay ibinitin niya ito ng patuwarik
at inasbaran ng sunud-sunod na hataw ng latigo ng kabayo. Nilubayan lamang niya
ang bata ng nawalan ito ng malay dahil na rin marahil sa hirap na dinanas nito.
Isang kapitbahay ang sumaklolo sa kaniya, ginamot ang mga sugat niya at
inalagaan ito na parang isang tunay na anak. Subalit ang mapait na karanasan na ito
ni Boy ay hindi na niya maalala pa ng minsang inusisa ito ng reporter sa kaniya.
Gayunpaman ang mapait na karanasan na ito ay hindi basta napaparam at naisip ng
reporter noon na ang nangyayaring ito kay Boy ay may kaugnayan sa kaniyang
karanasan sa buhay, na isang haka-haka lamang niya noon dahil kakaunti pa ang
kaniyang kaalaman at hindi pa siya nagtatapos sa pagmamaster ng sikolohiya sa
Unibersidad ng Maynila. Hindi nagtagal namatay ang ama ni Boy at tuluyan na
siyang inampon ng babaeng nag-alaga sa kaniya noon.
Sa kauna-unahang pagkakataon, nalasap ni Boy ang pagmamahal ng isang
magulang subalit hindi ito nagtagal dahil nagkasakit ito ng maluba na siya nitong
ikinamatay. Simula noon naging palaboy na si Boy. Naghahalungkat sa mga
tambak ng basura. Nanghihingi ng mga labing pagkain sa mga karihan, sa mga
palengke. Nag-uumit. Natutulog sa malalamig na bangketa. Nadakip sa paggawa
ng mumunting pagkakasala at ikinulong sa repormatoryo sa unang hakbang. Sa
edad na dalawampu, si Boy Nicolas ay naging siga sa purok nila at naging
matunog ang kaniyang pangalan dahil sa kaniyang kakayahan sa pakikipag-away
at paglabag sa batas sa kanilang lugar. Nasaksihan ng reporter ang ginawang
paglilitis sa kaniya. Ang mga sagot ni Boy sa hukuman na kaya lamang daw
nagawa iyon ni Boy dahil sa pagpalahaw ng bata ay nanuot sa kaniyang puso at
pumukaw sa kaniyang habag kaya napatay niya ang matandang lalaki subalit ang
pagpatay sa bata ay hindi niya maipaliwanag. Pagkatapos ng ginawang paglilitis sa
kaso ni Boy ay kamatayan ang naging hatol sa kaniya at nang marinig niya ito ay
nasaksihan ng reporter ang pagtataka sa mga mata ni Boy pero hindi siya umiyak,
walang takot at lungkot sa kaniyang mukha.
Hindi na niya nasubaybayan pa ang kaso ni Boy, wala na rin siyang balita
kung nag-apila pa ito sa mataas na hukuman dahil umalis na siya sa peryodiko.
Pinili na lamang nito na magturo ng kolehiyo sa kanilang lalawigan nang magtapos
ito ng M.A. medyor ng sikolohiya at nalimot na niya ang kaso ni Boy. Napukaw
ulit ang atensiyon ng dating reporter kay Boy dahil kamakailan ay nabasa niya sa
peryodiko ang takdang araw ng pagbitay kay Boy Nicolas. Sa paghahangad na
masaksihan ang mahalagang pangyayari sa buhay ni Boy. Naisip ng dating reporter
na dalhin ang mga estudyante niya sa Bilangguang Pambansa dahil nais niyang
makita ang reaksiyon ng mukha ni Boy Nicolas sa huling sandali. Ang gagawing
reaksiyon naman ng kaniyang mga estudyante sa pagsaksi sa kaganapan ng buhay
ni Boy Nicolas ay may kaugnayan naman iyon sa sikolohiya. Ngunit hindi ito
nangyari dahil naisip niya na bata pa ang kaniyang mga estudyante at hindi pa
handa ang kanilang kaisipan at damdamin sa gayong malagim na pangyayari.
Gayunpaman ay nagtungo pa rin siya sa Maynila para makabalita kung ano
ang naging kaganapan dahil may kakilala naman siya doon. Si Velasco, nakilala
niya ito noong reporter pa siya at hilig din pagsusulat. Di naman kalayuan ang
muntinlupa sa lugar na pinagtuturuan niya kaya nagtungo siya ng hapon doon dahil
umaga naman ang klase niya para magkita sila ni Velasco. Pagkatapos ng
kumustahan nila ni Velasco ay isiningit na niya ang pagtatanong kay Boy Nicolas
at ang naging sagot nito ay pambihirang tao ito. Akala ni Velasco kaya siya
nagtatanong ulit ay magsusulat siya ng artikulo tungkol kay Boy Nicolas subalit
sinabi niya rito na nais lamang niyang makabalita sa huling kaganapan sa yugto ng
buhay nito at ibinigay na lamang niya rito ang pagsusulat ng artikulo tungkol kay
Boy Nicolas. Ipinakita ni Velasco ang mga larawan na kuha niya kay Boy. Nakita
niya ang larawan ni Boy na nakaluhod, nagungumpisal, nakatungo sa paglakad na
kasabay ng pari, si Boy na nakaupo sa tabi ng isang radyo-ponograpo.
Sa huling larawan ni Boy nagtaka ang dating reporter dahil napansin niya sa
mukha ni Boy ang matinding kalungkutan, nakita niyang may luha. Ibinalik niya
ulit ang tingin sa larawan, nakita niyang payat si Boy, nagka edad. Napansin niya
na hindi na parang isang musmos, may nababakas na roon, hindi lamang lungkot,
hindi lamang pangungulila, naroon din ang pagtatanong, paghahanap. Kung ano ay
mahirap ipaliwanag ng isang tumitingin. Waring walang sapat na pangungusap na
makapaghahayag sa ekspresyon ng kaniyang mukha. Sapagkat ang ekspresyon na
iyon ay nadarama lamang ng isang sensitibong tumitingin. Anupa’t ang anyo ng
mukha ni Boy ay parang sa isang taong biglang nakaalis sa kamusmusan,
nakaunawa sa buhay at nakamalas sa isang kalagimang gumimbal sa kaniya. At
naitanong niya sa sarili niya na kung may kinalaman kaya sa pagkaunawang yaon
ang kung anumang mga sinabi ng pari kay Boy.
Bigla sumagi sa isip niya ang sinabi ni Velasco bakit sinabi nito na
pambihirang tao si Boy Nicolas kaya tinanong niya ito tungkol dito. Itinuro nito
ang larawan ni Boy na nakaupo sa radyo-ponograpo at sinabi nito kung ano ang
huling kahilingan nito bago namatay. Ayon kay Velasco, si Boy ay hindi humiling
ng masarap na pagkain at ang hiniling niya ay isang awit na tungkol sa
pangungulila at paghahanap sa kaniyang ina at dahil hindi marunong ng Ingles si
Boy ay ipinaliwanag niya ang bawat salita ng kanta kung ano ang kahulugan nito
sa kaniya.
Hindi agad nakaimik ang dating reporter at muling nanariwa sa kaniya ang
mga kapaitang naranasan ni Boy Nicolas sa kaniyang buhay. Nakita niya ang
larawan ng pagkasanggol pa lamang ay inagawan na ng digmaan ng ina, lumaking
palabuy-laboy, naghahanap hindi lamang ng pagkain sa tambak ng basura kundi ng
pagmamahal. Nakita din niya ang batang halos pinatay sa palo ng isang malupit na
ama kaya pala naging gayon ay dahil din sa kung anong mga karanasang natamo sa
kaniyang kamusmusan. Nakita din niya ang babaing yaong nagpala sa bata, at
parang nadama niya sa kaniyang sarili ang hagod ng kaniyang malalambot na
kamay, at nadama din niya ang lagim sa puso ng bata nang kunin ng tadhana ang
isa pang inang yaon. Nagunita niya ang pagkakapatay ni Boy sa lalaking yaong
nagpaparusa sa kaniyang anak at nasambit na niya ang katagang, “alam ko na,”
“alam ko na.”
Nang umalis siya sa Pambansang Bilangguan at habang sakay siya ng Bus
pabalik ay alam niyang maisasalaysay niya sa kaniyang klase ang nasaksihan niya
at napagtanto subalit ng nasa harap na siya ng klase niya sa sikolohiya ay
nakadama siya ng labis na katamlayan at parang tinatamad sa pagsasalaysay.
Ninais na lamang niya na huwag ng banggitin sa klase si Boy Nicolas subalit hindi
maalis sa kaniyang isipan ang larawan ng mukha ni Boy sa harap ng ponograpong
iyon at isa-isa niyang tiningnan ang larawan ng mukha ng kaniyang estudyante at
naibulong niya sa kaniyang sarili: Mapapalad kayo, mapapalad kayo!
Isinulat ni: Pedro L. Ricarte

V. TALAMBUHAY NG MAY AKDA:


Si Pedro L. Ricarte ay isang kwentista, mananaysay, mandudula,manunuri
at makata. Siya ay nabilang sa patnugutan ng Liwayway sa loob ngsampung taon.
Ang kaniyang kaalaman sa pagsusulat ay kanyang naibahagisa mga mag-aaral ng
LCBA Graduate School ng Calamba, De La SalleUniversity-Manila, Don Bosco at
iba pang University. Nakilala siya noong1950-1960s.
VI. PAGLALARAWANG-TAUHAN:
Boy Nicolas - Ulila na sa magulang. Lumaki siyang palaboy-laboy sa lansangan.
Siga sa kanilang lugar. Nagtataglay ng maamong mukha kaya walang mag-
aakalang siya ang uri ng taong kayang gumawa ng masama.
Propesor - Nagkaroon ng interes sa buhay ni Boy Nicolas at minsan na niyang
naisip na gawan ito ng artikulo noong siya’y nasa larangan pa ng pahayagan.
Velasco - Nagtatrabaho sa tanggapan ng pagbabalita ng Pambansang Bilangguan.

VII. Mga Dulog na ginamit sa Panitikang nabanggit:


Bayograpikal:
Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay
ng may-akda. Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa
buhay ng may-akda na siya niyang pinakamasaya, pinakamahirap,
pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang magsilbing katuwang ng
mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo. Ang teoryang bayograpikal ay
tumutukoy sa background ng may akda sa kanyang sinulat na akda, makakabasa
tayo ng ilang mga pangyayaring nangyari sa tunay na buhay ng may-akda upang
masmapaganda pa nito ang paghubog sa kanyang sinulat na akda. Base sa maikling
kwento na pinamagatang Boy Nicolas, makikita natin na halos magka pareho sila
ng dinanas sa buhay.
Naturalismo:
Ito’y teoryang pampanitikan na naniniwalang malayang kagustuhan ang
isang tao dahil ang kanyang buhay ay hinuhubog lamang ng kanyang heredity at
kapaligiran. Sa panitikan, layon nito na ipakita nang walang panghuhusga ang
isang bahagi ng buhay. Nabibigyang pansin dito ang mga saloobin, damdamin,
kilos at gawi ng mga tauhan. Base sa maikling kwentong ating nabasa, ito ay
teoryang naturalismo dahil ang buhay na kinabibilangan ni Boy ay isang maruumi,
mabangis, at walang awang kagubatan. Ipinapakita ng may-akda ang mga
kasuklam-suklam na mga pangyayaring naganap kay Boy.
Patunay:
Noon nagsimula ang pagpapalabuy-laboy ni Boy. Naghahalungkat sa mga
tambak ng basura. Nanghihingi ng mga labing pagkain sa mga karihan sa
palengke. Nang-uumit. Natutulog sa malalamig na bangketa. Nadakip siya sa
paggawa ng mumunting pagkakasala at ikinulong sa repormatoryo. At mga unang
hakbang lamang iyon. Sa edad na dalawampu, si Boy Nicolas ay nagtataglay na
ng pangalan ng kanyang purok, bilang pagkilala sa kanyang kakayahan sa
pakikipag-away at paglabag sa batas sa kanilang lugar.

VIII. MGA SALIK NA GINAMIT:


Kaganyakan:
Sinaklolohan si Boy ng kapitbahay na babae mula sa kalupitan ng kaniyang
ama. At nang namatay ang kaniyang ama ay tuluyan na siyang kinupkop nito
itinuring na parang anak. Ngunit nagksakit ang babae ng malubha at namatay.
Kabangyahan:
Ang paraan ng pagpapaunlad ng banghay ay sirkular o paikot-ikot.
Sinimulan ito sa paglalarawan kay Boy hanggang sa siya ay makapatay. Napiit sa
bilangguan. Binalikan ang mga pangyayari noong kaniyang kabataan, mga
pangyayaring maaring dahilan ng kaniyang kinasadlakan. At natapos ang kwento
sa kaniyang kamatayan.
Tunggalian:
Tao laban sa kalikasan.
Naging malupit ang tadhana kay Boy. Namatay ang kaniyang ina
pagkasilang sa kaniya. Ang kaniyang ama ay malupit. May mabait na umampon sa
kaniya ngunit ito’y namatay. Lumaki siyang palaboy. Binuhay mag-isa ang sarili.
Hinayaan ng pamahalaan ang isang tulad niya.
Kasukdulan:
Napatay ni Boy ang isang matanda matapos na makita nitong sinasaktan ang
sariling anak. Napatay din niya ang bata nang hindi niya alam.
Kakanyahan:
Ang may akda ay gumamit ng teknik na baliktanaw ng mga pangyayari sa
buhay ni Boy pasulpot-sulpot upang maging nalinaw ang mga panyayari.

You might also like