You are on page 1of 10

UNANG MARKAHAN

Heograpiya at mga Sinaunang Kabihasnan ng Daigdig

LESSON 1
Heograpiya ng Daigdig: Heograpiyang Pisikal

Pamantayan sa Pagkatuto:
 Nasusuri ang katangiang pisikal ng daigdig

EXPLORE
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Ang heograpiya ay sinasabing reyna ng mga agham. Alin sa mga pahayag ang
sumusuporta dito?
a. Ang heograpiya ay batayan ng pag-aaral ng kasaysayan.
b. Saklaw ng pag-aaraal ng heograpiya ang iba’t ibang agham.
c. Maituturing ang heograpiya bilang maliit na bahagi ng agham.
d. Ang pag-aaral ng heograpiya ay nakatuon sa iilang sangay ng agham.

2. Alin ang isa sa limang tema ng heograpiya ang tumutukoy sa bahagi ng daigdig na may
magkakatulad na katangiang pisikal o kultural?
a. Lokasyon
b. Lugar
c. Paggalaw
d. Rehiyon

3. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa konsepto ng lugar bilang isa sa tema ng
pag-aaral ng heograpiya?
a. Ang Germany ay miyembro ng European Union.
b. Malaking bahagi ng populasyon ng Pilipinas ang mga Kristyano.
c. Ang Singapore ay isa sa mga bansang dinarayo ng mga dayuhang mamumuhunan.
d. Matatagpuan ang Pilipinas sa kanluran ng Pacific Ocean, timog ng Bashi Channel at
silangan ng West Philippine Sea.

4. Ang mga sumusunod ay saklaw ng pag-aaral ng heograpiya, maliban sa:


a. Anyong lupa at anyong tubig
b. Klima at panahon
c. Likas na yaman
d. Reaksyon ng mga kemikal

5. Tumutukoy ito sa matigas at mabatong bahagi ng planetang Daigdig.


a. Crust
b. Mantle
c. Core
d. Stratosphere

6. Ang malaking masa ng solidong bato na hindi nananatili sa posisyon, sa halip, ay patuloy
na gumagalaw.
a. Pangaea
b. Plate
c. Kontinente
d. Rehiyon

7. Linyang heograpikal na humahati ng daigdig sa hilaga at timog hemisphere.


a. Equator
b. Prime Meridian
c. International Date Line
d. Parallels

8. Ang pangkalahatang lawak ng katubigan ng mundo ay 361, 419, 000 kilometro kwadrado
o katumbas ng 70.9 % ng saklaw ng surface ng daigdig. Ano ang ipinahihiwatig nito?
a. Mas malawak ang kalupaan sa mundo.
b. Mas malawak ang saklaw ng katubigan kaysa sa kalupaan.
c. Malalim ang katubigan ng mundo.
d. Mas malalim ang saklaw ng katubigan kaysa sa kalupaan.

9. Hango ang heograpiya sa salitang Greek na geo at graphein. Ano ang ibig sabihin ng
salitang geo?
a. Paglalarawan
b. Bahay
c. Daigdig
d. Pamamahala

10. Ang 180 degrees longitude mula sa Prime Meridian, pakanluran man o pasilangan ay
______________________.
a. International Date Line
b. Tropic of Cancer
c. Zero degree longitude
d. Equator

11. Ang kalagayan ng atmospera sa isang partikular na lugar sa takdang oras.


a. Klima
b. Temperatura
c. Panahon
d. Season
12. Pinakamalaking dibisyon ng kalupaan ng mundo.
a. Isla
b. Bansa
c. Kontinente
d. Rehiyon

13. Kung ikaw ay nasa zero degree latitude, ang linya ng globo na iyong kinaroroonan ay
tinatawag na ___________________.
a. Prime Meridian
b. Equator
c. International Date Line
d. Tropic of Capricorn

14. Tumutukoy ito sa distansyang angular na nasa pagitan ng dalawang meridian patungo sa
kanluran o silangan ng Prime Meridian.
a. Longitude
b. Latitude
c. Grid System
d. Tropics

15. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng anyong lupa, maliban sa isa:


a. Bundok Everest
b. Tangway ng Siam
c. Baybayin ng Bengal
d. Talampas ng Tibet

FIRM-UP
Ang daigdig ay may katangiang hubog na nagbibigay ng buhay at tirahan sa lahat. Taglay
nito ang iba’t ibang elemento na kinakailangan para manatiling buhay ang mga nilalang.

Limang Tema ng Heograpiya


1. Lokasyon. Tumutukoy sa kinaroroonan ng mga lugar sa daigdig. Ang sumusunod ay ang
dalawang pamamaraan ng pagtukoy nito:
a. Lokasyong Absolute na gamit ang mga imahinasyong guhit tulad ng latitude line at
longitude line na bumubuo sa grid. Ang pagkukrus ng dalawang guhit na ito ang
tumutukoy sa eksaktong kinaroroonan ng isang lugar sa daigdig;
b. Relatibong Lokasyon na ang batayan ay mga lugar at bagay na nasa paligid nito.
Halimbawa ang mga anyong lupa at tubig, at mga estrukturang gawa ng tao.

2. Lugar. Tumutukoy ito sa mga katangiang natatangi sa isang pook. Ang sumusunod ay ang
mga paraan ng pagtukoy nito:
a. Katangian ng kinaroroonan tulad ng klima, anyong lupa at tubig, at likas na yaman;
b. Katangian ng mga taong naninirahan tulad ng wika, relihiyon, densidad o dami ng tao,
kultura, at mga sistemang pulitikal.

3. Rehiyon. Bahagi ng daigdig na pinagbubuklod ng magkakatulad na katangiang pisikal o


kultural.

4. Interaksiyon ng Tao at Kapaligiran. Ito ay tumutukoy sa kaugnayan ng tao sa pisikal na


katangiang taglay ng kaniyang kinaroroonan. Sakop ng pag-aaral nito ang kapaligiran bilang
pinagkukunan ng pangangailangan ng tao; gayon din ang pakikiayon ng tao sa mga
pagbabagong nagaganap sa kaniyang kapaligiran.

5. Galaw ng Tao. Ito ang paglipat ng tao mula sa kinagisnang lugar patungo sa ibang lugar;
kabilang din dito ang paglipat ng mga bagay at likas na pangyayari, tulad ng hangin at ulan.
Ang tatlong uri ng pagtutukoy ng distansya ay ang sumusunod:
a. (Linear) Gaano kalayo ang isang lugar
b. (Time) Gaano katagal ang paglalakbay
c. (Psychological) Paano tiningnan ang layo ng lugar

Mga Teorya ng Pinagmulan ng Daigdig


1. Nebular Ipotesis
Nagpapaliwanag sa pagbuo at ebolusyon ng solar system.
2. Planetisimal Ipotesis
Nabuo ang mga planeto mula sa cosmic dust na bumangga at nagdikit-dikit upang
makabuo ng mas malaking katawan.
3. Teoryang Gaseous o Tidal
Ay nagpapaliwanag sa pinagmulan ng solar system na resulta ng engkwentro ng araw at
isa pang bituin.
4. Teoryang Big Bang
Ang paglapad ng kalawakan ay nagsimula sa isang pagsabog o primordial fireball.

Mga Mito at Pagpapaliwanag ng Relihiyon


Karamihan ng mga mito ay nagpapaliwanag sa pinagmulan ng kalawakan at mga sangkap
nito na pawang likha ng malawak na imahinasyon ng tao. Sa ibang mito, ipinaliwanag na ang
paglalang ng kalawakan ay mula wala o ex nihilo. Ang isang diyos ay maaaring nabuhay sa
kawalan at gumawa ng bagay na nagresulta sa pagkabuo ng kalawakan.

Katangiang Pisikal ng Daigdig


Estraktura ng Daigdig
1. Litospera – solidong bahagi na sumasakop sa mundo.
2. Haydrospera – ang tubig na bumubuo sa mundo.
3. Atmospera – manipis na patong ng gas na lumulukob sa mundo.

Mga Panahon ng Mundo


1. Taglagas o autumnal equinox
2. Tagsibol o vernal equinox
3. Tag-araw o summer solstice
4. Taglamig o winter solstice

Klima
Tanging ang daigdig ang planeta sa solar system na kayang sumuporta sa buhay. Ang
planeta ay may kaaya-ayang atmospera at sapat na sinag ng araw (nasa goldilock zone), init at
tubig upang matustusan ang pangangailangan ng mga halaman at hayop sa balat ng lupa.
Klima ang kalagayan o kondisyon ng atmospera sa isang rehiyon o lugar sa matagal na
panahon. Pangunahing salik sa pagkakaiba-iba ng mga klima sa daigdig ang natatanggap na
sinag ng araw ng isang lugar depende sa latitude at gayon din sa panahon, distansiya mula sa
karagatan, at taas mula sa sea level.
Ang mga lugar na malapit sa equator ang nakararanas ng pinakasapat na sinag ng araw at
ulan na nararanasan sa buong daigdig. Dahil dito, maraming habitat o likas na tahanang
nagtataglay ng iba’t ibang species ng halaman at hayop ang matatagpuan sa mga lugar na ito.
Kabilang sa mga ito ay ang mga rainforest, coral reef, at mangrove swamp. Kapag bihira naman
ang pag-ulan at napakainit ng panahon sa isang pook, tulad ng disyerto, kakaunti ang maaaring
mabuhay na mga halaman at hayop dito. Ganito rin ang maaaring asahan sa mga lugar na
lubhang
napakalamig ng panahon.
Mga Anyong Lupa
Kontinente
Kapuluan
Mga Anyong Tubig
Bundok Karagatan
Bulubundukin Dagat
Bulkan Ilog
Burol Lawa
Lambak
Talampas
Kipot
Kapatagan Look
Tangway Golpo
Tangos
Isthmus
Disyerto
Pulo o Isla

Mga Yamang Likas ng Daigdig


Africa Asya Timog Europa Australia Hilagang Antartica
Amerika Amerika
Agrikultura Yamang Yamang Carbon Kagubatan Mineral Mineral
Mineral Mineral at
Pangisdaan
Kagubatan at Langis at Mineral na Petrolyo at Mineral at Yamang
Pangisdaan Natural Gas Panggatong Natural Gas Pagmimina Tubig
Pagmimina Yamang Kagubatan Uranium
Tubig at
Pangisdaan
Kagubatan Yamang Mga Metal
Lupa
Pangisdaan Non-
metallic na
Deposito
Yamang
Tubig

DEEPEN
Kumpletuhin ang mga pahayag sa ibaba.
1.) Ang limang tema ng heograpiya ay nakatulong sa pag-unawa sa heograpiya ng
isang bansa sapagkat ___________________________________________________________.
2.) Nakaaapekto ang mga plates sa pagbabago ng hitsura ng ibabaw ng daigdig
____________________________________________________________________________.
3.) Ang klima ay higit na nakaaapekto sa pamumuhay ng tao sa isang lugar dahil
_____________________________________________________________________________.
4.) Malaki ang impluwensiya ng klima at likas na yaman sa pag-unlad ng kabuhayan ng tao
sapagkat __________________________________________________________________.

TRANSFER
Lumikha ng poster-slogan na naglalarawan sa kasalukuyang sitwasyon ng heograpiyang
pisikal ng daigdig.
LESSON 2
Heograpiyang Pantao

Pamantayan sa Pagkatuto:
 Napapahalagahan ang natatanging kultura ng mga rehiyon, bansa at mamamayan sa
daigdig (lahi, pangkat etnolingguwistiko at relihiyon sa daigdig)

EXPLORE
Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Titik lamang ng tamang sagot ang isulat sa sagutang papel.

1. Ang Austronesian ay isang wika na kumalat sa rehiyon ng Pasipiko, Timog-Silangang


Asya kasama na rin ang isla ng Madagascar. Alin sa sumusunod na mga bansa ang
napapabilang sa Family of Language na ito?
a. Sicily
b. Pilipinas
c. Greenland
d. Great Britain

2. Ipinagmamalaki ng Rehiyon 12 ang pagkakaisa at pagtatag ng isang pamayanan ng tri-


people o pamayanang binubuo ng tatlong (3) magkaka-ibang grupo ng tao. Ang
sumusunod ay kabilang sa grupong ito maliban sa ___________.
a. Aeta
b. Lumad
c. Muslim
d. Kristiyano

3. Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa wika?


a. Gamitin ang wikang English sa lahat ng pagkakataon.
b. Higit pang palaguin ang kaalaman sa dayuhang wika.
c. Payabungin ang paggamit at ipakalat ang wikang pambansa.
d. Ipaglaban ang pagpapalit ng wikang Ingles bilang wikang pambansa.

4. Ang mga wikang Italian, French, German at Spanish ay mga wikang Romantic. Saang
protolanguage napapabilang ang mga ito?
a. Austronesian
b. Afro-Asiatic
c. Indo-European
d. Sino-Tibetan

5. Sa iyong paaralan, alin ang gawaing maaari mong salihan upang mahikayat ang kapwa
mag-aaral na buhayin ang kultura ng bayan?
a. Patimpalak para sa next top model
b. Paligsahan ng mga laro ng lahi
c. Advocacy campaign ng SWM
d. Pag-awit ng K-Pop para sa battle of the bands

6. Nagmula sa salitang Greek na ethnos na nangangahulugang mamamayan.


a. Etniko
b. Etnolingwistiko
c. Etnograpiya
d. Etnisidad

7. Anong ahensya ng pamahalaan ang nangangasiwa sa pangangalaga ng kultura ng bayan?


a. DOTr
b. PAGASA
c. NCCA
d. DOST

8. Ang limang pinakamalalaking relihiyon sa mundo ay matatagpuan sa Asia. Ano ang


relihiyon na nagmula sa India?
a. Islam
b. Buddhism
c. Christianity
d. Atheists

9. Paghahabi ng tela ay isang kapaki-pakinabang na hanapbuhay. Anong lalawigan sa


rehiyon 12 ang kilala sa T’nalak cloth?
a. Cotabato
b. Sarangani
c. South Cotabato
d. Sultan Kudarat

10. Ang pangunahing relihiyon sa daigdig na may pinakamaraming bilang ng taong


sumasamba ay ang:
a. Islam
b. Buddhism
c. Christianity
d. Hindusim
FIRM-UP
Ang Heograpiyang Pantao
Iisa-isahin at susuriin sa araling ito ang mga natatanging kultura sa mga rehiyon at bansa
sa daigdig. Ang mga ito ay may malaking ambag sa pagkakakilanlan ng bawat bansa.
Saklaw ng heograpiyang pantao (human geography) ang pag-aaral ng wika, relihiyon,
lahi, at pangkat-etniko sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Lahi ng Tao
Grupo ng taona may kaparehong katangian.
1. Caucasian
2. Mongolian
3. Negronoid
4. Australoid

Pangkat Etniko
Ang panlipunang pagpapangkat ng mga mamamayan ayon sa pagkakakilanlang batay sa
pinagmulang ninuno, lipunan, kultura, at pambansang karanasan.
Mga uri:
1. Lahi
2. Relihiyon
3. Lingguwistika
4. Pagkamakabayan
5. Rehiyon

Wika
Sinasabi na ang wika ang kaluluwa ng bansa. Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan sa isang
lahi o pangkat. Umaabot sa 7,105 ang buhay na wika sa daigdig na ginagamit ng mahigit
6,200,000,000 katao. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language family o mga
wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan (protolanguage). Tinatayang may 136
language family sa buong daigdig. Ang mga pamilya ng wikang ito ay nagsasangasanga sa iba
pang wikang ginagamit sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.

Talahanayan 1. Pangunahing Pamilya ng Wika


Sanggunian: https://www.worldatlas.com/articles/language-families-with-the-highest-number-of-speakers.html

# PAMILYA NG WIKA TINATAYANG DAMI LUGAR NA


NG GUMAGAMIT PINAGMULAN
1
Indo-European 2,910,000,000 Asia, Europe
2
Sino-Tibetan 1,268,000,000 Asia
3
Niger-Congo 437,000,000 Africa
4
Austronesian 386,000,000 Asia, Oceania
5
Afro-Asiatic 380,000,000 Africa, Asia
Relihiyon
Ang relihiyon ay ang bilang kalipunan ng mga paniniwala at rituwal ng isang pangkat ng
mga taong tungkol sa isang kinikilalang makapangyarihang nilalang o Diyos. Nagmula ito sa
salitang religare na nangangahulugang “buuin ang mga bahagi para maging magkakaugnay ang
kabuuan nito.” Dahil sa mga paniniwalang nakapaloob sa sistema ng isang relihiyon, ay nagiging
batayan ito ng pagkilos ng tao sa kaniyang pang-araw-araw na pamumuhay.
Ang mga paniniwala ay madalas na nagsisilbing gabay sa kanilang pamumuhay ng ating
mga ninuno. Ngunit hindi ito organisado at walang sistematikong mga doktrina. Naging malaki
ang bahaging ginampanan ng relihiyon sa buhay ng tao, bilang indibidwal at kasapi ng isang
lipunan. Naging malaking salik ito sa pagtatag at pagbagsak ng mga kaharian, at pagkasawi ng
maraming buhay, maging ng pagunlad at pag-iral ng mga kultura.
Makikita sa pie graph ang mga pangunahing relihiyon sa daigdig at ang bahagdan ng
dami ng tagasunod ng mga ito.
Mga Pangunahing Relihiyon sa Daigdig

Lahi/Pangkat-Etniko

DEEPEN
Lumikha ng graphic organizer ng heograpiyang pantao.

TRANSFER
Sanaysay
1. Ano ang importansya ng mga pangkat etniko (lahi, relihiyon, lingguwistika,
pagkamakabayan, at rehiyon) sa isang lugar? (Lima o higit pang pangungusap) 10 pts.
2. Ano ang iyong pananaw ukol sa mga pangkat etniko (lahi, relihiyon, lingguwistika,
pagkamakabayan, at rehiyon) ng daigdig? (Lima o higit pang pangungusap) 10 pts.
3. Bilang isang mamamayan ng Pilipinas, na kung saan maraming pangkat etniko, paano
mo maiuugnay ang iyong sarili sa mga tao na may ibang mga pangkat etniko sa
Pilipinas at pati na rin sa ibang bansa? (Lima o higit pang pangungusap) 10 pts.

You might also like

  • Lesson 3
    Lesson 3
    Document3 pages
    Lesson 3
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Lesson 1
    Lesson 1
    Document4 pages
    Lesson 1
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Yunit I - Weeks 1 & 2
    Yunit I - Weeks 1 & 2
    Document12 pages
    Yunit I - Weeks 1 & 2
    Kris Mitchel Albolote
    100% (1)
  • Ap7 1
    Ap7 1
    Document4 pages
    Ap7 1
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Lesson 3
    Lesson 3
    Document3 pages
    Lesson 3
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Week 3
    Week 3
    Document10 pages
    Week 3
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • AP8 Lessons 3 & 4
    AP8 Lessons 3 & 4
    Document6 pages
    AP8 Lessons 3 & 4
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Week 3
    Week 3
    Document3 pages
    Week 3
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • AP8 Perf
    AP8 Perf
    Document1 page
    AP8 Perf
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • AP8 Activities
    AP8 Activities
    Document3 pages
    AP8 Activities
    Kris Mitchel Albolote
    100% (1)
  • Lesson 1
    Lesson 1
    Document1 page
    Lesson 1
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Ap8 1
    Ap8 1
    Document9 pages
    Ap8 1
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Lesson 2
    Lesson 2
    Document2 pages
    Lesson 2
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Ap Exbi
    Ap Exbi
    Document5 pages
    Ap Exbi
    Kyla Uy Lucero
    No ratings yet
  • Reading Material 1
    Reading Material 1
    Document1 page
    Reading Material 1
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Week 3
    Week 3
    Document6 pages
    Week 3
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Week 3
    Week 3
    Document1 page
    Week 3
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Ap10 1
    Ap10 1
    Document2 pages
    Ap10 1
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Ap10 2
    Ap10 2
    Document5 pages
    Ap10 2
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Ap7 1
    Ap7 1
    Document4 pages
    Ap7 1
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Ap8 2
    Ap8 2
    Document5 pages
    Ap8 2
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • AP7 Extra
    AP7 Extra
    Document19 pages
    AP7 Extra
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Ap7 2
    Ap7 2
    Document1 page
    Ap7 2
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Ap7 2
    Ap7 2
    Document1 page
    Ap7 2
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • AP10 MExam
    AP10 MExam
    Document3 pages
    AP10 MExam
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • Ap7 1
    Ap7 1
    Document4 pages
    Ap7 1
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • AP7 MExam
    AP7 MExam
    Document6 pages
    AP7 MExam
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • AP8 MExam
    AP8 MExam
    Document5 pages
    AP8 MExam
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet
  • AP7 MExam
    AP7 MExam
    Document6 pages
    AP7 MExam
    Kris Mitchel Albolote
    No ratings yet