You are on page 1of 8

ARALING PANLIPUNAN 6

Ikatlong Markahan
Ikapitong Linggo

LEARNING ACTIVITY SHEET


Division of Surigao del Sur
Disclaimer: This Learning Activity Sheet (LAS) is based from the Self-Learning
Modules, Learner’s Materials, Textbooks and Teaching Guides released by
DepEd Central Office. Furthermore, utilization of duly acknowledged external
resources is purely of non-profit, for educational use and constitutes fair use.
All Rights Reserved.

Development Team Quality Assurance Team

Developer: Welliam C. Galve Evaluator/s: Marites P. Alzate, EdD


Illustrator: Maria Eva B. Bongcayao
Layout Artist:
Learning Area EPS:
PSDS/DIC: Arlene B. Sumabat Analiza G. Doloricon, EdD

LAS Graphics and Design Credits:


Title Page Art: Marieto Cleben V. Lozada
Title Page Layout: Bryan L. Arreo
Visual Cues Art: Ivin Mae N. Ambos

For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Division of Surigao del Sur


Balilahan, Tandag City

Telephone: (086) 211-3225


Email Address: surigaodelsur.division@deped.gov.ph
Facebook: SurSur Division LRMS Updates
Facebook Messenger: Learning Resource Concerns

Telefax:

Email Address:
Pamantayan sa Pagkatuto: Natatalakay ang mga programang
ipinatupad ng iba’t-ibang administrasyon sa pagtugon sa mga
suliranin at hamong kinaharap ng mga Pilipino mula 1946 hanggang
1972.

Mga Layunin: Pagkatapos ng linggong ito, inaasahang magagawa


mo ang sumusunod:

o naiuugnay ang mga suliranin, isyu, at hamon ng kasarinlan noong


panahon ng ikatlong republika sa kasalukuyan na nakahahadlang
sa pag-unlad ng bansa;
o naipapakita ang naging sitwasyon ng ekonomiya ng Pilipinas sa
ikatlong republika; at
o naipapahayag ang sariling pananaw tungkol sa mga pagtugon ng
mga Pilipino sa patuloy na mga suliranin, isyu, at hamon ng
kasarinlan sa kasalukuyan.

Mga Gawain ng Mag-aaral

Leksiyon

MGA SULIRANIN, ISYU, AT HAMON NG IKATLONG REPUBLIKA

Maliban sa ang bansa ay nasa proseso ng pagbabagong-tatag o


yugto ng rehabilitasyon bunga ng mga naging epekto ng digmaan, ay
mayroon pa ring ibang mga salik na nakaapekto sa paglala ng suliraning
pangkabuhayan ng bansa. Narito ang ilan sa mga pangunahin dito:

1. Pamamayani ng mga dayuhan sa kabuhayan ng bansa.


Ang Pilipinas ay isang bansa kung saan napakikinabangan ng mga
dayuhan sa halip ng mga sarili nitong mamamayan. Ang mga Amerikano at
Tsino ang namamahala sa malaking korporasyon samantalang ang mga
Pilipino ay nagsisilbing mga manggagawa at mga upahan lamang.

2. Mababang produksiyon dulot ng di epektibong pamamalakad ng


pamahalaan.
Bunga ng mga katiwalian sa bansa, hindi lubos na nalinang ang mga
pinagkukunang-yaman nito. Karamihan sa mga mamamayan ay pawang
walang hanapbuhay, samantalang pataas naman nang pataas ang halaga
ng mga bilihin.

3. Mas mataas ang antas ng pag-aangkat kaysa pagluluwas.


Bunga ng pagkasira ng mga sakahan at taniman, mga impraestruktura,
gusali at ang maraming likas na yaman ng bansa ay napilitan ang
pamahalaang umangkat nang umangkat ng mga produkto sa ibang bansa.

1
Kaya mula 1946-1955 ay nagkaroon ng di balanseng kalakalang (unfavorable
balance) pang-internasyonal ang bansa na umaabot sa halagang Php 2 877
531 744. Kaugnay nito, bumababa ang halaga ng mga produktong iniluluwas
ng bansa gaya ng abaka, asukal at kopra.

4. Pagbaba ng pagpapahalagang moral ng mga tao.


Ang krimen at kriminalidad ay naghari sa maraming mga lugar. Dala ito
marahil ng malawakang pagkasira ng mga ari-ariang nagdulot ng kahirapan
at kapighatian sa mga tao.

PAGTUGON NG PILIPINO SA MGA SULIRANIN, ISYU, AT HAMON

Bawat pangulo ay nagsagawa at naglunsad ng mga programa at


patakaran para sa ikasusulong ng ekonomiya. Narito ang ilang
mahahalagang hakbang na isinagawa ng Republika upang mapabuti at
maisasayos ang kalagayan ng pamumuhay ng mga tao.

Nasyonalisasyon ng Tingiang Pangngalakal

Pinagtibay ng Kongreso ang batas


hinggil sa nasyonalisasyon ng tingiang
pangangalakal (Retail Trade). Ito ay
nagtatadhana na ang
makapangangalakal lamang ng tingian
ay ang mga korporasyon o samahang
ganap na Pilipino.

https://www.google.com/search?
q=retail+trade+in+barrio&tbm
Pagpapabuti ng Sistema ng Edukasyon

Sa pamamagitan din ng edukasyon ay sinikap ng pamahalaang


linangin sa kabataang Pilipino ang damdaming nasyonalismo at pawiin ang
kaisipang kolonyal nang sa gayon ay makita nila na sila ang dapat maging
panginoon sa sariling bayan. Nagtayo rin ng mga paaralang
pampamayanan ang pamahalaan.

Pagpapataas ng Produksiyon sa Pagsasaka

Sa pamamagitan ng Kodigo sa Reporma sa Lupa na inilunsad ni


Pangulong Diosdado Macapagal, ay napahalagahan ang karangalan ng
maliliit na magsasaka at nailigtas sila sa masasamang kinagawiang pinaiiral
sa mga sakahan.
Ang nakagawiang hatian sa ani ng bukid na 50:50, matapos na awasin
ang puhunan ng may lupa ay binago, sa halip ang kasama ay uupa na
lamang sa halagang 25% ng ani.

2
Pagpapabuti sa Sistema ng Pananalapi ng Bansa

Noong ika-3 ng Enero 1949 ang Bangko Sentral


ng Pilipinas ay kinikilalang charter ng ekonomiya ng
bansa. Una sa lahat, dahil ito ang nagpapanatili ng
katatagan sa halaga ng piso.

Upang maisagawa ang bagay na ito, ang


Bangko Sentral ng Pilipinas ay pinagkalooban ng
https://www.google.com
/search?q=bangko+sentr kapangyarihang panatilihin ang pandaigdigang
al+ng+Pilipinas&source=ln halaga ng piso at ang katumbas na halaga nito
ms&tbm
kontra sa pera ng ibang bansa.

Sa pangkalahatan, ito ang tumatayong tagapayo ng pamahalaan


pagdating sa mga usaping pinansiyal ng bansa. Ang talahanayan sa ibaba
ay nagpapakita sa naging sitwasyon ng ekonomiya ng bansa sa ilalim ng
Ikatlong Republika.

Pinagkukunang-yaman Bahagdang Nililinang Bahagdang Nililinang


ng Bansa ng Pilipinas ng Dayuhan
Transportasyon 76.1% 23.9%
Yamang-gubat 51.9% 48.1%
Pagmimina 42.4% 57.6%
Elektrisidad 17.8% 82.2%
Pangingisda 100% -
Komersiyo 46.1% 53.9%
Manufacturing 49.1% 50.9%

Sa ginawang census noong 1948 sa kalagayan ng ekonomiya ng


bansa, malinaw na lumalabas na ang pagkontrol at paglinang sa ating
pambansang kayamanan ay halos pantay na napakikinabangan ng mga
Pilipino at mga dayuhan, bagay na nakalulungkot sapagkat dapat sana ang
mga Pilipino ang siyang lubos na nakikinabang sa likas na yaman ng bansa.

Gawain 1

Panuto: Tukuyin ang mga suliranin, isyu, at hamong hinarap ng mga Pilipino
noon hanggang sa kasalukuyan. Pumili ng sagot sa kahon. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.

A. Pamamayani ng mga dayuhan sa kabuhayan ng bansa


B. Mababang produksiyon dulot ng di epektibong pamamalakad ng
pamahalan.
C. Mas mataas ang antas ng pag-aangkat kaysa pagluluwas
D. Pagbaba ng pagpapahalagang moral ng mga tao.

3
1. Maraming Amerikano ang nagmamay-ari ng malaking korporasyon ng
bansa.
2. Maraming patayan ang naghari sa maraming mga lugar sa Pilipinas.
3. Hindi lubos na nalinang ang mga pinagkukunang yaman bunga ng mga
katiwalian ng bansa.
4. Bumababa ang halaga ng kopra at bigas.
5. Nagkakaroon ng di balanseng kalakalang pang-internasyonal ang bansa.

Gawain 2

Panuto: Kumpletuhin ng mga detalyeng hinihingi sa bawat hanay. Isulat ang


iyong sagot sa sagutang papel.

Pinagkukunang-yaman Bahagdang Nililinang Bahagdang Nililinang


ng Bansa ng Pilipinas ng Dayuhan
1. Transportasyon 23.9%
2. Pagmimina 42.4%
3. Elektrisidad 82.2%
4. Komersiyo 46.1%
5. Manufacturing 50.9%

Gawain 3

Panuto: Ibigay ang iyong sariling pananaw tungkol sa usaping ito.

 Makatarungan ba ang pagbabawal sa mga kabataang tulad mo na


may edad na labinwalong taong gulang pababa na hindi palabasin sa
bahay kapag may Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa
pandemya?

Rubric sa Pagtataya:

Puntos Kategorya
5 Mabisang naipahayag ang saloobin hinggil sa sitwasyon.
4 May iilang pangungusap na hindi wasto ang pagkakabuo
ngunit naipapahayag ang saloobin hinggil sa sitwasyon.
3 Di-gaanong naipapahayag ang saloobin hinggil sa sitwasyon.
2 Hindi naipahayag ang saloobin hinggil sa sitwasyon.
1 Walang kaugnayan at hindi wasto ang mga salitang ginamit na
saloobin hinggil sa sitwasyon.
Pagsusulit

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag at tukuyin ang hinihingi nito.
Isulat ang titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

1. Ito ang taon kung saan nagkakaroon ng di balanseng kalakalang pang-


internasyonal ang bansa na umabot sa halagang Php 2 877 531 744.
A. 1880-1920
B. 1920-1936
C. 1946-1955
D. 1975-1990

2. Ang pangulong naglunsad ng Kodigo sa Reporma sa Lupa.


A. Diosdado Macapagal
B. Elpidio Quirino
C. Manuel Roxas
D. Ramon Magsaysay

3. Ito ang kinikilalang charter ng ekonomiya.


A. pagsasaayos ng elektripikasyon
B. RFC (Rehabilitation Finance Corporation)
C. Bangko Sentral ng Pilipinas
D. NARIC (National Rice and Corn Corporation)

4. Ito ang mga suliranin, isyu, at hamon ng Ikatlong Republika maliban sa isa.
Alin dito?
A. Pamamayani ng mga dayuhan sa kabuhayan ng bansa.
B. Mas mataas ang antas ng pag-aangkat kaysa sa pagluluwas.
C. Pagbaba ng pagpapahalagahang moral ng mga tao.
D. Mataas na produksiyon dahil sa epektibong pamamalakad ng
pamahalaan.

5. Bakit nagsisikap ang Kagawaran ng Edukasyon na mapabuti ang sistema


nito?
A. upang hindi tayo maging alipin sa ibang bansa
B. upang mapalago ang negosyo ng mga Intsik
C. para maging matatag ang ating piso kontra dolyar
D. para linangin sa kabataang Pilipino ang damdaming nasyonalismo
at pawiin ang kaisipang kolonyal

5
Susi sa Pagwawasto

Gawain 1

1. A
2. D
3. B
4. C
5. C

Gawain 2

1. 76.1%
2. 57.6%
3. 17.8%
4. 53.9%
5. 49.1%

Gawain 3

Iba-iba ang sagot.

Mga Sanggunian

Baisa-Julian Arlene G., Lontoc, Nestor S. Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 6,


p. 274-278, Phoenix Publishing House, Inc. 2016

https://www.google.com/search?q=bangko+sentral+ng+Pilipinas&source=lnms

https://www.google.com/search?q=retail+trade+in+barrio&tbm

You might also like