You are on page 1of 43

4

ARTS
Fourth Quarter

LEARNING ACTIVITY SHEET


Republic of the Philippines
Department of Education
REGION II – CAGAYAN VALLEY

COPYRIGHT PAGE
Learning Activity Sheet in
ARTS GRADE 4

Copyright © 2020
DEPARTMENT OF EDUCATION
Regional Office No. 02 (Cagayan Valley)
Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500

necessary for exploitation of such work for profit.”

purposes and the source must be acknowledged. Derivatives of the work including creating an edited version, an enhancement of supplem

Consultants:
Regional Director : BENJAMIN D. PARAGAS, CESO IV, DepEd
R02 Assistant Regional Director : JESSIE L. AMIN, CESO V, DepEd R02
Schools Division Superintendent : GILBERT N. TONG, PhD, CEO VI, CESO V, City of
Ilagan Asst. Schools Division Superintendent: NELIA M. MABUTI, CESE, City of Ilagan
Chief Education Supervisor, CLMD : OCTAVIO V. CABASAG, PhD
Chief Education Supervisor, CID : SAMUEL P. LAZAM, PhD
Development Team
Writers: ELMALIN S. DOMINGO, JENELYN D. APPANGAN, EVELYN B. SALVADOR
Content Editors: IMELDA L. AGUSTIN, EPS DIVISION City of
Ilagan Language Editors: IMELDA L. AGUSTIN, EPS DIVISION City of
Ilagan Layout Artists: ROLDAN R. RIVERO, BARIBAD ES, City of Ilagan
Focal Persons: IMELDA L. AGUSTIN, EPS DIVISION City of
Ilagan
EMILYN L. TALAUE, DIVISION LRMS
SUPERVISOR DENIS AGBAYANI – REGIONAL
EPS, DepEd R02
Printed by: Curriculum and Learning Management Division
DepEd, Carig Sur, Tuguegarao City

Address: Regional Government Center, Carig Sur, Tuguegarao City, 3500


Telephone Nos.: (078) 304- 3855; (078) 396-9728
Email Adress: region2@deped.gov.ph Website: region2.deped.gov.ph

ii
Talaan ng Nilalaman

Kasanayang Pagkatuto Pahina

Differentiate textile traditions in


other asian countries like China, ……………………………………….. 1
India, Japan, Indonesia and in the
Philippines in the olden times and
presently –A4EL-Iva

Discusses pictures or actual ……………………………………….. 6


samples of different kinds of mat
weaving traditions in the
Philippines-A4EL-Ivb

Discusses the intricate designs of mats ……………………………………….. 10


woven in the Philippines:
Basey,Samar buri mats; Ilolilo bamban
mats; Badjao and Samal mats; Tawi
tawi laminusa mats; and Romblon buri
………………………………………… 13
mats. A4EL-IVc

Explains the steps to produce good-tie-


dye designs. A4PL-Ivd ………………………………………… 21

Explains the meaning of designs,


colors, and patterns used in the
artworks. ………………………………………… 25
A4PL-Ive

Creates a small mat using colored


buri strips or any material that can ………………………………………… 29
be woven, showing different
designs: square, checks zigzags,
and strips. A4PR-IVf

Weaves own design similar to the style


made by a local ethnic group. A4PR-
………………………………………… 34
IVg

iii
Creates original tie-dyed textile design
by following the traditional steps in tie-
dying textile design by following the
traditional steps in tie-dyeing using ………………………………… 37
one or two colors. A4PR-IVh

iv
IKA-APAT NA MARKAHAN
Arts 4
Pangalan: Baitang:
Seksiyon: Petsa:
KALIPUNAN NG MGA GAWAIN SA PAGKATUTO
(Learning Activity Sheet)

3D at ISKULTURA DISENYO SA TELA

Background Information for Learners/Panimula (Susing Konsepto)

Ang kulay ay napapansin kahit saan sa ating kapaligiran. May


mapusyaw na kulay (light colors), may matingkad (bright) at may madilim na
kulay (dark colors). Ang tina ay isang uri ng pangkulay na inilalapat sa isang
may tubig na timpla na ginagamit sa pagkulay ng tela. Ito ay maaring ihalo
para makagawa ng panibagong kulay. Sa tie-dye may mga disenyong nabubuo
na kakikitaan ng hindi lang ng kulay kung hindi mga linya at hugis rin.

Learning Competency with code/Kasanayang Pampagkatuto at koda


Differentiate textile traditions in other asian countries like China, India,
Japan, Indonesia and in the Philippines in the olden times and presently – A4EL-
Iva

Kagamitan : lumang eco-bag o anumang lagayan ng gamit, retaso na may


sukat na 10x10 na pulgada, 3 pakete ng tina na may parehong kulay,
palanggana patpat na panghalo ng solusyon, mainit na tubig, lastiko o pantali,
asin at suka.

Gawain I: Pag Tie-Dye sa Lumang Eco-bag


Panuto
Paggawa ng makulay na disenyo sa lumang gamit.

Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Talian ang retaso ayon sa gustong disenyo.
3. Sa mainit na tubig ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang kutsara
ng suka at isang kutsara ng asin. (Ang guro ang gagawa ng timpla)
4. Ilagay ang tinaling retaso sa timpla ng lima hanggang 15 minuto.
1
5. Banlawan ang ginawa sa purong tubig. Alisin ang tali, patuyuin at kapag
tuyo na ay plantsahin.
6. Idikit sa harapang bahagi ng eco-bag o anumang lagayan para maging
disenyo at mabuo ang isang 3D na likhang sining. (Maaaring ipagpatuloy
ang Gawain sa bahay.)
7. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang sining.

Rubric for scoring/Rubrik sa Pagpupuntos (if necessary)


Panuto: Suriin ang iyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na
puntos gamit ang rubric.
PAMANTAYAN Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi nakasunod
pamantayan pamantayan sa pamantayan
nang higit sa subalit may ilang (1)
inaasahan pagkukulang
(3) (2)
1. Nakagawa
ako ng
orihinal na
disenyo.
2. Ang
katangian ng
kulay ay
naipakita ko
sa aking
likhang-
sining.
3. Nasunod ko
nang tama
ang
pamamaraan
sa paggawa.
4. Naipakita ko
ang
kahusayan
sa paggawa.
Gawain II: Pag Tie-Dye sa Lumang Damit/Kamiseta

Kagamitan: tali/pisi, lastiko (rubber band), lumang damit o kamiseta, tina


(dye), palanggana, patpat na panghalo, mainit na tubig, suka at asin.

Directions/Instructions/Panuto
Pagbuo ng iba’t ibang estilo at disenyo gamit ang iba’t ibang kulay.

Hakbang sa Paggawa:
1. Ihanda ang mga kagamitan.
2. Talian ang lumang kamiseta ayon sa gustong disenyo.
3. Sa mainit na tubig ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang kutsara
ng suka at isang kutsara ng asin. (Ang guro ang gagawa ng timpla.)
4. Ilagay ang tinaling kamiseta o damit sa timpla ng 5 hanggang 15 minuto.
5. Pagkatapos, banlawan ang kamiseta o damit sa purong tubig.
6. Alisin ang tali, patuyuin at plantsahin.
7. Alisin ang tali, patuyuin at plantsahin.
8. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang-sining.

Rubrik:
Panuto: Suriin ang iyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na
puntos gamit ang rubric.
PAMANTAYAN Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi nakasunod
pamantayan pamantayan sa pamantayan
nang higit sa subalit may ilang (1)
inaasahan pagkukulang
(3) (2)
1. Nakabuo ako
ng isang
orihinal na
disenyo.
2. Ang
katangian ng
kulay ay
naipakita ko
sa aking
likhang-
sining.
3. Nasunod ko
nang tama
ang
pamamaraan
sa paggawa
ng tie-dye.
4. Naipakita ko
ang
kahusayan
sa paggawa.

Gawain III: Pag-Tie-Dye sa Tela

Kagamitan: tali/pisi, lastiko (rubber band), tela, tina, palanggana, patpat na


panghalo, mainit na tubig,suka, at asin.

Panuto:
Pagbuo ng iba’t ibang estilo at disenyo.

Hakbang sa Paggawa:
1. Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo.
2. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot.
3. Magsuot ng dust mask/panyo o gloves bago maghalo ng tina (dye).
4. Maghanda ng dalawang timpla ng magkaibang kulay sa magkaibang
lalagyan.
5. Ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang kutsara ng suka at isang
kutsara ng asin sa tubig. Ganun din ang gagawin sa isa pang kulay. (Ang
guro ang maghahanda ng timpla).
6. Ilagay ang tinaling tela sa timpla mula 5 hanggang 15 minuto sa unang
kulay.
7. Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.
8. Alisin ang tali, patuyuin at plantsahin.
9. Tupiin nang panibago at talian ang tela ayon sa naisip na disenyo.
10. Pagkatapos ay ibabad naman ang tela sa ikalawang kulay.
11. Muli ay banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.
12. Alisin ang tali, patuyuin at plantsahin.
13. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang-sining.
Rubrik:
Panuto: Suriin ang iyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na
puntos gamit ang rubric.
PAMANTAYAN Nakasunod Nakasunod Hindi
sa sa nakasunod
pamantayan pamantayan sa
nang higit subalit may pamantayan
sa ilang (1)
inaasahan pagkukulang
(3) (2)
1. Nakabuo ako ng
isang orihinal na
disenyo.
2. Naipahayag ko ang
aking kaisipan at
damdamin sa
paggawa ng tie-
dye.
3. Nasunod ko ang
tradisyunal na
paraan sa pagta-
tie-dye..
4. Naibalik ko nang
maayos sa
kinalalagyan ang
mga bagay na
ginamit sa
pagtitina.

Reflection/Pangwakas:
Ang natutunuan ko sa gawaing ito ay

References for learners/Mga Sanggunian


Musika at Sining (Kagamitan ng Mag-aaral Pah. 245-248)

Answer Key/Susi sa
Pagwawasto Ay hindi
naaangkop

Inihanda ni:

ELMALIN S. DOMINGO
Pangalan ng may akda
IKA-APAT NA MARKAHAN
Arts 4
Pangalan: Baitang:
Seksiyon: Petsa:

KALIPUNAN NG MGA GAWAIN SA PAGKATUTO


(Learning Activity Sheet)
3D at Iskultura Tradisyon ng Paglalala sa Pilipinas

Panimula (Susing Konsepto)

Ang paglalala ay isang paraan ng pagsasalit salit ng material gaya ng buli


o pira-pirasong papel na inaanyo pahaba at pabalagbag upang maabuo ng
kahanga-hangang disenyo. Ang mga Pilipino ay gumagawa ng mga kaakit akit
na disenyo.Ang kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipapakita nila sa
paggawa ng kagamitang pantahanan katulad ng banig na nilala.Dito makikita
ang pagkakaiba sa paggawa ng banig at iba pang kagamitan na yari sa iba’t
ibang lokal na materyales at istilo sa pagdidisenyo. May iba’t ibang tradisyon
ang mga Pilipino pagdating sa paglalala ng banig. Isa na rito ang uri ng
materyales, kulay, at disenyo. Ang banig ay isang kagamitan na karaniwang
ginagamit bilang higaan sa pagtulog lalo na sa Pilipinas at sa Silangang Asya.
Bawat rehiyon ng bansa ay may sariling disenyo sa paglalala ng banig. Ang
banig ay maaaring gawa sa buri, pandan o dagat dahong damo. Isa sa bantog na
lugar sa paglalala ng banig sa Pilipinas ay ang Basey, Samar.

Learning Competency with code/Kasanayang Pampagkatuto at koda


Discusses pictures or actual samples of different kinds of mat weaving
traditions in the Philippines-A4EL-Ivb
Gawain I: Banig na Papel

Panuto: Makagawa ng isang nakawiwiling disenyo sa pamamagitan ng


paglalala.

Kagamitan: lumang magasin, gunting, at pandikit (glue).

Pamaraan sa Paggawa:

1. Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at mapusyaw


(light) na kulay.
2. Pagdikit-dikitin ang mahahaba’t makikitid na piraso ng papel habang
naglalala.
3. Upang mapantay ang paggupit sa papel na gagamitin sa paglalala,
maaaring lagyan ng patnubay na linya ang mga bahaging gugupitin.
4. Ihanda ang lugar na gagamitin sa paggawa at mga kagamitan, sundin
ang sumusunod na hakbang.
a. Gupitin ang papel na lalalahin.
b. Gawing mahaba at makitid ang mga piraso ng papel. Maaaring
isa o dalawang sentimetro ang lapad ng bawat isa.
c. Lalahin nang salitan ang papel.
d. Gamitin ang pandikit o glue ang dulo ng mga pira-pirasong
papel pagkatapos ng paglalala.
e. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar
na pinaggawaan.
Rubrik sa Pagpupuntos
Panuto: Ipasuri ang output sa magulang/kapatid upang mabigyan ng
kaukulang puntos ang iyong output. Isumite sa guro ang iyong output.

Nakasunod Nakasunod
sa sa
pamantayan pamantayan Hindi nakasunod
PAMANTAYAN nang higit subalit may sa pamantayan
sa ilang (1)
inaasahan pagkukulang
(5) (3)
1. Naipamalas
ko ang
kakayahan sa
paglalala.
2. Ang
kumbinasyon
ng kulay, linya,
hugis, disenyo
at pattern ay
naipakita ko sa
likhang-sining.
3. Nasunod ko
nang tama ang
pamamaraan
sa paggawa.
4. Naibahagi
ko ang
damdamin sa
kapareha
tungkol sa
likhang-sining
na nabuo.

Gawain II: Paggawa ng Pot Holder


Kagamitan : retaso o ginupit na lumang damit na may sukat na 2x8 na
pulgada

Panuto: Makagawa ng isang nakawiwiling disenyo sa pamamagitan ng


paglalala.

Pamaraan sa paggawa
1. Gumupit ng 20 pirasong tela na lalalahin na may sukat 2x8 na
pulgada.
2. Ilagay nang pasalungat sa ibabaw ng mesa ang isang piraso ng tela at
itali ang dulo ng sampung iba pa na magkaka-hilera.
3. Kumuha ng isang linas (strip) sa natitirang tela at itali ang isang dulo
nito sa unang nakabitin na tela.
4. Lalahin nang salitan ang tela.
5. Itali ang dulo ng tela, at gupitin ang sobrang tela.
6. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit, at linisin ang lugar na
pinaggawaan.

Rubric for scoring/Rubrik sa Pagpupuntos


Panuto: Suriin ang iyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na puntos
gamit ang rubrik.

Nakasunod sa Nakasunod sa
Hindi
pamantayan pamantayan
nakasunod sa
PAMANTAYAN nang higit sa subalit may ilang
pamantayan
inaasahan pagkukulang
(1)
(5) (3)
1. Naipamalas ko
ang kakayahan
sa paglalala.
2. Ang
kumbinasyon ng
kulay, linya, hugis,
disenyo at pattern
ay nakikita sa
aking likhang-
sining.
3. Nasunod ko
nang tama ang
pamamaraan sa
paggawa.
4. Natutukoy ko
ang pagkakatulad
at pagkakaiba ng
mga disenyo sa
paglalala.

Gawain III : Tissue Holder na Gawa sa Banig

Kagamitan : dahon ng niyog o buri o anumang lokal na materyales na maaring


gamitin sa paglalala, gunting, kahon ng sapatos at pandikit.
Panuto: Makagawa ng isang nakawiwiling disenyo sa pamamagitan ng
paglalala.

Pamaraan:
1. Ihanda ang mga linas (strip) ng dahon ng buri o niyog na gagamitin sa
paglalala.
2. Simulan ang paglalala gamit ang dalawang linas (strip) na maging
pusod ng banig.
3. Tupiin ang isang linas (strip) at isingit ang isang linas nang pasalit-
salit sa dalawang linas.
4. Gawin ito nang paulit–ulit hanggang sa makuha ang nais na disenyo
at lapad.
5. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis
tingnan.
6. Idikit sa kahon ng sapatos ang nilalang banig para gawing Tissue
Holder at mabuo ang isang 3D na likhang-sining.

7. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na


pinanggagawaan.

Rubric for scoring/Rubrik sa Pagpupuntos (if necessary)


Panuto: Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng inyong sagot sa tapat ng bawat
sukatan.

lubos na Hindi
Sumasang-ayon
PAMANTAYAN sumasang-ayon Sumasang-ayon
(3)
(5) (1)
1. Naisagawa
ko ang
disenyong
nais bilang
batayan sa
paglalala ng
banig?
2. Naisagawa
ko ang
paglalala ng
banig gamit
ang dahon ng
niyog/buri o
anumang
bagay na
nakikita sa
kapaligiran?
3. Nakagawa
ako ng
disenyo batay
sa mga
disenyong
napag-aralan?
4. Naisagawa
ko ng buong
husay at
malinis ang
ginawang
banig?
5. Natapos ko
ang paglalala
sa takdang
oras?

Reflection/Pangwakas

Ang natutunan ko sa gawaing ito ay

References for learners/Mga Sanggunian


Musika at Sining (Kagamitan ng Mag-aaral, 249-259)

Answer Key/Susi sa Pagwawasto

Batay sa Scroring rubrics

Inihanda ni:

ELMALIN S. DOMINGO
Pangalan ng may akda
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARTS 4

Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:
GAWAING PAGKATUTO
Mga Tradisyon Ng Paghabi Ng Banig Sa Pilipinas

Panimula (Susing Konsepto)


Ang mga Pilipino ay gumagawa ng mga kaakit akit na disenyo. Ang
kanilang talino at kasanayan sa paglikha ay naipapakita nila sa paggawa ng
kagamitang pantahanan katulad ng banig na nilala. Ang paglalala ay isang
paraan ng pagsasalit-salit ng materyal gaya ng buli o pira-pirasong papel na
iniaanyo pahaba at pabalagbag upang makabuo ng kahanga-hangang disenyo.
Ang banig ay isang handwoven mat na karaniwang ginagamit sa
Silangang Asya at Pilipinas para sa pagtulog. Ang paggawa nito ay may iba’t
ibang pattern. May plain, pa-zigzag, square, stripes atbp. at lumitaw ang mga
disenyo nito sa pamamagitan ng kumbinasyon ng mga kulay.

Ito ay maaring gawa sa buri, pandanus o mga dahon sa dagat depende sa


isang rehiyon ng ating bansa. Ang mga dahong ito ay pinapatuyo, karaniwang
tinitina, at pagkatapos ay ginugupit sa strips at hinahabi na sa mga banig. Ang
mga disenyo at motif ng banig, pati na rin ang mga materyales na ginagamit sa
paghahabi, ay magkaiba sa bawat pangkat etnolinggwistiko.

Kasanayang Pampagkatuto at koda


Discusses the intricate designs of mats woven in the Philippines:
Basey,Samar buri mats; Ilolilo bamban mats; Badjao and Samal mats; Tawi tawi
laminusa mats; and Romblon buri mats. A4EL-IVc
Alamin Natin!

Banig na Tikog
Basey, Samar

Ang sentro ng paggawa ng banig sa lalawigan ng Samar ay ang bayan ng


Basey, sa tapat lamang ng San Juanico Bridge mula sa Tacloban.
Ang materyal na ginagamit ay ang tikog, isang espesyal na damong tambo
na tumutubo sa mga lugar na maputik sa tabi ng mga palayan at karaniwang
tatsulok ang mga tangkay.
Ang tagagawa ng Basey mat ay karaniwang may isang disenyo, madalas
ay sa istilo ng mga bulaklak tulad ng sampaguita, gumamela, rosas, o ilang
orchid. Maaari ring yano (plain), sinamay (checkered) at bordado (embroidered).
Kadalasan, ang motif ay magkakaibang kulay o di kaya’y ang simpleng natural
na kulay lamang ng tikog.

Halamang Tikog

Banig na Pandan
Badjao and Samals Mats

Ang banig ng Badjao at Samal ay ang pinaka-kagiliw-giliw na tradisyon sa


buong bansa. Sila ay nasa lalawigan ng Tawi-Tawi sa arkipelago ng Sulu.
Ang pinaka-karaniwang ginagamit na materyal ay ang halaman ng pandanus na
sagana na lumalaki sa isla ng Tawi-Tawi. Ang pandanus ay lumalaki sa mga
baybayin at mabuhanging dalampasigan. Ang mga pamamaraan para sa
paghahanda ng pandan at paghabi ng banig ay karaniwang magkakatulad sa
buong Sulu.
Ang banig ng Badjao ay nailalarawan sa pamamagitan ng mga
matitingkad na kulay, geometric na mga pattern at mga simbolong
sumasalamin sa paraan ng pamumuhay ng kanilang pangkat katulad na lamang
ng mga alimango, alon, bangka at mga porma ng buhay sa dagat.
Sa kabilang banda, ang kilalang mga pattern ng Samal mat ay mga
guhitan, maraming kulay na mga parisukat, zigzag at mga checkered na pattern.
Ang banig ng Tausug, na nasa Sulu, ay katulad ng disenyo sa mga Samal.

Halamang Pandan o Pandanus

Banig na Buri
Romblon Mat

Ang isla ng Romblon ay may isang natatanging tradisyon ng banig na


ginagawang kapansin-pansin dahil sa napaka maselang laso sa gilid nito. Ang
mga banig ay mula sa halamang buri. Ito ay ginagamit ayon sa kaugalian bilang
ang liner para sa sayaw sa kasal ng mga bagong mag-asawa. Habang
kasalukuyan ang sayaw, ang mga kamag-anak ng mag-asawa ay maaaring
magtapon maraming mga barya sa mag-asawa o maglagay ng pera sa kanilang
mga damit. Humihinto ang sayaw kapag matapos na ang paglalagay ng mga ito.
Halamang Buri

Banig na Bamban
Iloilo
Ang iba pang kapansin-pansing tradisyon sa lugar ng Visayas ay ang banig ng
bamban ng Iloilo. Ginawa mula sa tambo ng bambam. Palagi itong ginagawa sa
natural na kulay. Ang banig ng bamban ay patuloy paring ginagamit sa buong
probinsya ng Iloilo.

Halamang Bamban

GAWAIN 1
Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin lamang ang titik ng tamang
sagot.
1. Saan ginagawa ang banig na bamban?
a. Romblon b. Samar c. Iloilo d. Tawi-tawi
2. Ano ang banig na bilang kaugalian ay ginagamit para sa sayaw sa
kasal ng mga bagong mag-asawa?
a. Banig na Tikog c. Banig na Bamban
b. Banig na Pandan d. Banig na Buri
3. Ano ang tawag sa halamang ito na siyang ginagamit sa Basey,Samar?

a. Halamang Pandan c. Halamang Buri


b. Halamang Tikog d. Halamang Bamban
4. Ano ang paglalarawan sa banig ng mga Badjao?
a. Matingkad ang kulay
b. Sumasalamin sa kanilang pamumuhay
c. May mga geometric pattern ito
d. Lahat ng nabanggit
5. Ito ay maaring gawa sa buri, pandanus o mga dahon sa dagat
depende sa isang rehiyon ng ating bansa. Kalimitan itong ginagamit sa pag-
upo o pagtulog.
a. banig b. halaman c. paghahabi d. pagtitiklop

GAWAIN 2
PAGGAWA NG TISSUE HOLDER NA GAWA SA BANIG
Pumili ng isang disenyo sa paggawa ng tissue holder na gawa sa banig.
Sundan ang mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa.

Kagamitan:
Dahon ng niyog o buri o anumang lokal na materyales na maaring gamitin sa
paglalala, gunting, kahon ng sapatos at pandikit.
Hakbang sa Paggawa:
Paalala: Maging maingat sa paggamit ng gunting at iba pang matutulis na
bagay.

1. Ihanda ang mga linas (strip) ng dahon ng buri o niyog na gagamitin sa


paglalala.
2. Simulan ang paglalala gamit ang dalawang linas (strip) na maging pusod
ng banig.
3. Tupiin ang isang linas at isingit ang isang linas nang pasalitsalit sa
dalawang linas.
4. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang sa makuha ang nais na disenyo at
lapad.
5. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan.
6. Idikit sa kahon ng sapatos ang nilalang banig para gawing Tissue Holder
at mabuo ang isang 3D na likhang sining.
7. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na
pinaggagawaan.
Gawain 3
PAGGAWA NG BANIG SA PICTURE FRAME

Pumili ng isang disenyo sa paggawa ng picture frame border na gawa sa banig.


Sundan ang mga sumusunod na mga hakbang sa paggawa.

Kagamitan:
Dahon ng buri, niyog o pandan na may iba’t ibang kulay o anumang bagay na
maaaring gamitin sa paglalala na nakikita sa kapaligiran, gunting, pandikit,
card board, at ruler
Hakbang sa Paggawa
Paalala: Maging maingat sa paggamit ng gunting at iba pang matutulis na
bagay.
1. Gumuhit ng sariling disenyo sa gagawing banig.
2. Ihanda ang mga linas (strips) ng dahon ng buri o niyog na gagamitin sa
paglalala.
3. Simulan ang paglala na sinusundan ang sariling disenyo.
4. Tupiin ang isang linas at isingit ang isang linas nang pasalit-salit sa
dalawang linas.
5. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang sa makuha ang nais na disenyo at
lapad.
6. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa kilid para malinis tingnan.
7. Gumawa ng isang kwadro na lagayan ng larawan (picture frame).
Gamitin ang nilalang banig bilang disenyong panggilid.
8. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na
pinaggagawaan.
Repleksyon/Pangwakas
Buuin ang pahayag na ito:

Ang natutuhan ko sa gawaing ito

Rubriks sa Gawain 2 at 3
Nakasunod sa Nakasunod sa Hindi
pamantayan pamantayan nakasunod
Pamantayan nang higit sa ngunit may sa
inaasahan pagkukulang pamantayan
(3) (2) (1)
Naisagawa ang disenyong nais
bilang batayan sa paglalala ng
banig.
Naisagawa ang paglalala ng
banig gamit ang dahon ng
niyog/buri o anumang bagay
na nakikita sa kapaligiran.
Nakagawa ng disenyo batay sa
mga disenyong napag-aralan.
Naisagawa nang buong husay
at malinis ang ginawang
banig.
Natapos ang paglalala sa
takdang oras.

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1 Gawain 2 at 3
1. C Gamitin ang rubriks
2. D
3. B
4. D
5. A
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARTS 4

Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO

Pagbibigay ng Kahulugan Sa Disenyo, Kulay At Anyo Na Ginamit Sa


Likhang –Sining

Panimula (Susing Konsepto)

Ang kulay ay napapansin kahit saan sa ating kapaligiran. May


mapusyam na kulay (light colors), may matingkad (bright, at may madilim na
kulay (dark colors). Ang tina ay isang uri ng pangkulay na inilalapat sa isang
may tubig na timpla na ginagamit sa pagkulay ng tela. Ito ay maaring ihalo
para makagawa ng panibagong kulay. Sa tie-dye may mga disenyong nabubuo
na kakitaan hindi lng ng kulay kundi mga linya at hugis rin.

Ang kulay, disenyo, at pattern ng mga likhang-sining ng iba’t ibang


pamayanang kultural ay nababatay sa kanilang paniniwala, tradisyon, at
kultura kaya dapat natin itong igalang at pahalagahan.

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Explains the steps to produce good-tie-dye designs. A4PL-Ivd


Pamamaraan:

Gawain 1. PAG DYE NG DAMIT

Kagamitan:
Tali/pisi, lastiko (rubber band), lumang damit o tuwalya, tina
(dye), palanggana, patpat na panghalo, mainit na tubig, suka at asin

Hakbang sa Paggawa:
Paalala: Maging maingat sa paghahalo sa tina at mainit na tubig.

1. Tupiin at talian ang tela ayon sa gusting disenyo.


2. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot.
3. Magsuot ng dust mask/panyo o gloves bago maghalo ng tina (dye).
4. Ihalo ang isang kulay ng dalawang pakete ng tina, dalawang kutsara ng
suka at isang kutsara ng asin sa tubig gamit ang patpat na panghalo.
5. Ilagay ang tinaling tela sa timpla mula 5 hanggang 15 minuto.
6. Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.
7. Alisin ang tali, isampay, patuyuin at plantsahin.
8. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang sining.
9. Tahiin ang natuyong tela upang makabuo ng isang maliit na unan o
throw pillow.

Gawain 2. SURIIN

Panuto: Isaayos ang sumusunod na hakbang ayon sa tamang pagkakasunod-


sunod.

1. Ilagay ang tinaliang tela sa timpla mula 5 hanggang 15


minuto.
2. Ibabad ang tela sa tubig para lumambot.
3. Magsuot ng dust mask o gloves bago maghalo ng tina (dye).
4. Tupiin at talian ang tela ayon sa gusting disenyo.
5. Pagkatapos, banlawan ang ibinabad na tela sa purong tubig.
6. Alisin ang tali, patuyuin at plantsahin.
7. Ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang kutsara ng suka
at isang kutsara ng asin sa tubig.

Gawain 3

Gabay na Tanong:
1. Paano mo mapapaganda ang isang likhang-sining?

2. Ano ang tie-dying?

1. Ano ang mangyayari kung hindi mo sinunod ang panuto/hakbang sa


paggawa?

Repleksyon/Pangwakas
Buuin ang pahayag na ito:

Ang natutuhan ko sa gawaing ito


Rubrik sa Pagpupuntos

Panuto: Sagutin ang tseklist. Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng napiling sagot
sa bawat sukatan.
Mga Sukatan Lubos na
Sinasang- Hindi Sinasang-
sinasang-
ayunan ayunan
ayunan
(3 puntos) (1 puntos)
(5 puntos)
1. Naipakita ko
baa ng aking
kakayahan sa
paggawa ng
tie-dying
design?
2. Naunawaan ko
ba ng mga
paraan sa
paggawa ng
tie-dying
design?
3. Nasiyahan ba
ako habang
gumagawa?
4. Natapos ko
baa ng aking
gawain sa
itinakdang
oras?

Mga Sanggunian:

Musika at Sining 4 pah. 241 at 244

Susi sa Pagwawasto
Pagsasanay 1:
1. Ang mga bata ay magkakaroong ng sariling pagpapaliwanag.

Pagsasanay 2:
1. 5 5. 7
2. 2 6. 6
3. 3 7. 4
4. 1
Inihanda ni:
JENELYN D. APPANGAN
May akda
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARTS 4

Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
PAGBIBIGAY NG KAHULUGAN SA DISENYO, KULAY AT ANYO NA GINAMIT
SA LIKHANG –SINING

Panimula (Susing Konsepto)

Nasubukan mo na bang gumawa ng isang nakahahalinang disenyo? Ang


mga Pilipino ay gumagawa ng mga kaakit akit na disenyo. Ang kanilang talino
at kasanayan sa paglikha ay naipapakita nila sa paggawa ng kagamitang
pantahanan katulad ng banig na nilala. Ang paglalala ay isang paraan ng
pagsasalit-salit ng materyal gaya ng buli o pira-pirasong papel na iniaanyo
pahaba at pabalagbag upang makabuo ng kahanga-hangang disenyo.

Ang kulay, disenyo, at pattern ng mga likhang-sining ng iba’t ibang


pamayanang kultural ay nababatay sa kanilang paniniwala, tradisyon, at
kultura kaya dapat natin itong igalang at pahalagahan.

Kasanayang Pampagkatuto at koda


Explains the meaning of designs, colors, and patterns used in the
artworks.
A4PL-Ive

ALAMIN NATIN!

Prinsipyo ng Sining
Ang Mga Prinsipyo ng Sining ay tumutukoy sa kung papaano gawin ang
isang likhang sining. Ang bawat prinsipyo ay binibigyang kahulugan kung
paano ginagamit ng ang Mga Elemento ng Sining, komposisyon at disenyo
upang ipahayag ang ideya at damdamin.

Disenyo
Ito ay anumang pag-aayos ng mga linya, form, texture, at kulay. Ang isang
mahusay na disenyo ay nagpapakita ng isang maayos na pag-aayos ng mga
materyales at, bilang karagdagan, lumilikha ng kagandahan sa natapos na
produkto
Ang pagpili at pag-aayos ay may dalawang layunin - kaayusan at kagandahan.

Kulay
Nagbibigay ito ng emosyon, pakiramdam at nakakapag-paalala ng mga
nakalipas na karanasan. May kakayahan ang kulay na mag-bigay kasiyahan,
may kakayahan din ang kulay na magbigay ng kapayapaan sa pakiramdam.

Pattern
Ito ay ang prinsipyo ng sining na may kinalaman sa umuulit na elemento
upang gawing aktibo ang isang gawain. Upang makalikha ng pattern ng, uulitin
hindi lamang ang mga elemento kundi pati na rin ang pareho at eksaktong mga
bagay nang paulit-ulit.

Ang kulay, disenyo, at pattern ng mga likhang-sining ng iba’t ibang


pamayanang kultural ay nababatay sa kanilang paniniwala, tradisyon, at
kultura kaya dapat natin itong igalang at pahalagahan.

GAWAIN 1
Basahing mabuti ang bawat katanungan. Isulat sa papel ang tamang
sagot.

1. Ito ay ay anumang pag-aayos ng mga linya, form, texture, at


kulay.
2. Nagbibigay emosyon at pakiramdam sa likhang sining.
3. Pag-uulit ng element pareho o eksaktong bagay.
4. Binibigyang kahulugan kung paano ginagamit ng ang Mga
Elemento ng Sining, komposisyon at disenyo upang ipahayag ang ideya at
damdamin.
5. Nagbibigay sigla at ganda sa likhang-sining.

GAWAIN 2
Gumawa ng sariling likhang-sining gamit ang kulay, disenyo at pattern.
Sundin ang Rubiks sa pagpupuntos bilang gabay.
RUBRIKS SA PAGPUPUNTOS PARA SA GAWAIN 2

Pamantayan Puntos
Orihinal na gawa 25%
Disenyo 25%
Kulay 25%
Pattern 25%
Kabuuan 100%

GAWAIN 3
BANIG NA PAPEL

Kagamitan: Colored paper, gunting at glue

Hakbang sa Paggawa:

1. Pumili ng tatlo hanggang apat na kumbinasyon ng


matingkad (bright), at mapusyaw (light) na kulay
batay sa larawan.

2. Pagdikit-dikitin ang mahahaba’t makikitid na piraso


ng papel habang naglalala.

3. Upang mapantay ang paggupit sa papel na


gagamitin sa paglalala, maaaring lagyan ng patnubay
na linya ang mga bahaging gugupitin.

4. Ihanda ang lugar na gagamitin sa paggawa at mga kagamitan, sundin ang


sumusunod na hakbang.
a. Gupitin ang papel na lalalahin.
b. Gawing mahaba at makitid ang mga piraso ng papel. Maaaring isa o
dalawang sentimetro ang lapad ng bawat isa.
c. Lalahin ng salitan ang papel.
d. Gamitan ng pandikit o glue ang dulo ng mga pira-pirasong papel pagkatapos
ng paglalala.
5. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na
pinaggawaan.
RUBRIKS SA PAGPUPUNTOS SA GAWAIN 3

Pamantayan Nakasunod Nakasunod Hindi


sa sa nakasunod
pamantayan pamantayan sa
nang higit sa ngunit may pamantayan
inaasahan pagkukulang (1)
(3) (2)
Naisagawa ang disenyong nais
bilang batayan sa paglalala ng
banig.
Naisagawa ang paglalala ng
banig gamit ang colored paper
Nakagawa ng disenyo batay sa
mga disenyong napag-aralan.
Naisagawa nang buong husay
at malinis ang ginawang
banig.
Natapos ang paglalala sa
takdang oras.

Repleksyon/Pangwakas
Buuin ang pahayag na ito:

Ang natutuhan ko sa gawaing ito

Susi sa Pagwawasto
Gawain 1
1. Disenyo
2. Kulay
3. Pattern
4. Prinsipyo ng Sining
5. Kulay

Gawain 2 at 3
Batay sa rubriks
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARTS 4

Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO
PAGBIBIGAY NG KAHULUGAN SA DISENYO, KULAY AT ANYO NA GINAMIT
SA LIKHANG –SINING

Panimula (Susing Konsepto)

Nasubukan mo na bang gumawa ng isang nakahahalinang disenyo? Ang


mga Pilipino ay gumagawa ng mga kaakit akit na disenyo. Ang kanilang talino
at kasanayan sa paglikha ay naipapakita nila sa paggawa ng kagamitang
pantahanan katulad ng banig na nilala. Ang paglalala ay isang paraan ng
pagsasalit-salit ng materyal gaya ng buli o pira-pirasong papel na iniaanyo
pahaba at pabalagbag upang makabuo ng kahanga-hangang disenyo.

Ang kulay, disenyo, at pattern ng mga likhang-sining ng iba’t ibang


pamayanang kultural ay nababatay sa kanilang paniniwala, tradisyon, at
kultura kaya dapat natin itong igalang at pahalagahan.

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Creates a small mat using colored buri strips or any material that can be
woven, showing different designs: square, checks zigzags, and strips. A4PR-
IVf
Gawain 1. PAGGAWA NG BANIG (Parisukat na Disenyo)

Kagamitan:
dahon ng buri, niyog o pandan na may iba’t ibang kulay o anumang
bagay na maaaring gamitin sa paglalala na nakikita sa kapaligiran, gunting,
pandikit, card board, at ruler

Hakbang sa Paggawa:
Paalala: Maging maingat sa paggamit ng gunting at iaba pang
matutulis na bagay.

1. Gumuhit ng parisukat na disenyo sa gagawing banig.


2. Ihanda ang mga linas (strips) ng dahon ng buri o niyog na gagamitin sa
paglala.
3. Simulan ang paglala na sinusundan ang sariling disenyo.
4. Tupiin ang isang linas at isingit ang isang linas nang pasalit-salit sa
dalawang linas.
5. Gawin ito nang paulit-ulit hanggang sa makuha ang nais na disenyo at
lapad.
6. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa kilid para malinis tingnan.
7. Gumawa ng isang kwadro na lagayan ng larawan (picture frame).
Gamitin ang nilalang banig bilang disenyong panggilid (boarder
design)upang makabuo ng isang 3D na likhang-sining.
8. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na
pinaggagawaan
Gawain 2. BANIG NA PAPEL (Parisukat na Disenyo)

Kagamitan:
Magasin, gunting at pandikit (glue).

Hakbang sa Paggawa:
Ang sumusunod na batayang kaalamanay makatutulong upang
makagawa ng isang nakawiwiling disenyo sa pamamagitan ng paglalala.
Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at
mapusyaw (light) na kulay.

1. Pumili ng dalawang kumbinasyon.


2. Pagdikit-dikitin ang mahahaba’t makikitid na piraso ng papel habang
naglalala.
3. Upang mapantay ang paggupit sa papel na gagamitin sa paglalala,
maaaring lagyan ng patnubay na linya ang mga bahaging gugupitin.
4. Ihanda ang lugar na gagamitin sa paggawa at mga kagamitan, sundin
ang sumusunod na hakbang.

a. Gupitin ang papel na lalalahin.


b. Gawing mahaba a makitid ang mga piraso ng papel.Maaaring isa o
dalawang sentimetro ang lapad ng bawat isa.
c. Lalahin nang salitan ng papel.
d. Gamitan ng pandikit o glue ang dulo ng mga pira-pirasong papel
pagkatapos ng paglalala.
e. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na
pinaggawaan,
Gawain 3. Sagutin ang mga tanong:

Gabay na Tanong:
1. Paano mo mapapaganda ang isang likhang-sining?

2. Ano ang paglalala? Ano- anong magagandang kaugalian ang natutunan


mo sa paggawa ng likhang sining na ito?

Repleksyon/Pangwakas
Buuin ang pahayag na ito:

Ang natutuhan ko sa gawaing ito

Rubrik sa Pagpupuntos sa Gawain 1 at 2

Panuto: Sagutin ang tseklist. Lagyan ng tsek (/) ang hanay ng napiling sagot
sa bawat sukatan.
Lubos na Hindi
Sinasang-
sinasang- Sinasang-
Mga Sukatan ayunan
ayunan ayunan
(3 puntos)
(5 puntos) (1 puntos)
2. Naipakita ko
baa ng aking
kakayahan sa
paggawa ng
banig?
3. Naunawaan ko
baa ng mga
paraan sa
paggawa ng
banig?
4. Nasiyahan ba
ako habang
gumagawa?
5. Natapos ko baa
ng aking
gawain sa
itinakdang
oras?

Mga Sanggunian:

Musika at Sining 4,249 at 264

Susi sa Pagwawasto

Paggabay na Tanong:
2. Napapaganda ang isang likhang-sining sa pamamagitan ng paglalagay
ng sariling disenyo na hindi nalalayo sa mga nilikha ng ating mga
ninuno.
3. Ang paglalala ay isang paraan ng pagsalit-salit ng materyal gaya ng buli
o pira-pirasong papel na iniaanyo pahaba at pabalgbag upang makabuo
ng kahanga-hangang disenyo.

Inihanda ni:
EVELYN B.
SALVADOR
Pangalan ng may akda
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARTS 4

Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO

Paglalala Na May Iba’t Ibang Disenyo

Panimula (Susing Konsepto)

Ang paglalala ay bahagi na ng tradisyong Pilipino. Dito makikita ang


pagkakaiba sa paggawa ng banig at iba pang kagamitan na yari sa iba’t ibang
lokal na materyales gayundin ang istilo sa pagdidisenyo.

Ang banig ay isang handwoven mat na karaniwang ginagamit sa Silangang


Asya at Pilipinas para sa pagtulog. Ang paggawa nito ay may iba’t ibang pattern.
May plain, pa-zig-zag, square, stripes atbp. at lumitaw ang mga disenyo nito sa
pamamagitan ng kumbinasyon ng mga kulay.

Ang pagpapayabong ng kaalaman at kahusayan sa paglalala ay


makatutulong sa pagpapanatili ng mayamang kultura ng mga Pilipino.

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Weaves own design similar to the style made by a local ethnic group. A4PR-IVg

Directions/Instructions/Panuto

Gawain 1. PAGGAWA NG PLACEMAT


Kagamitan: gunting, buri o dahon ng niyog o anumang bagay na maaaring
gamitin sa paglalala

Hakbang sa Paggawa:

1. Mag isip ng sariling ethnic pattern na disenyo.


2. Pumili ng dalawang kumbinasyon ng matingkad (bright), at
mapusyaw (light) na kulay bago magumpisa sa paglalala, at gumawa
ng sariling disenyosa paggawa ng placemat.
3. Lalahin nang salitan ang buri o dahon ng niyog na ginagawa ang
disenyong napili.
4. Gupitin ang sobrang buri sa dulo at itupi sa gilid para malinis tingnan.
5. Iligpit ang mga materyales na hindi nagamit at linisin ang lugar na
pinaggawaan.

Gawain 2. Sagutin ang mga tanong.


Gabay na Tanong:

1. Paano mo maipakikita ang angking kaalaman sa sining?

2. Bakit dapat hindi mawala ang disenyong etniko? Bakit Dapat itong
ipagmalaki?

Pangwakas:
Buuin ang pahayag na ito.

Ang pagpapayabong ng kaalaman at kahusayan sa paglalala ay


Rubrik sa Pagpupuntos

Panuto: Suriin ang iyong likhang-sining at lapatan ng kaakibat na puntos


gamit ang rubric.

Nakasunod sa
Nakasunod sa
pamantayan Hindi
pamantayan
PAMANTAYAN subalit may nakasunod s
nang higit sa
ilang pamantayan (1)
inaasahan (5)
pagkukulang (3)
1. Naipakita ko
ang
kakayahan sa
paglalala.
2. Ang
kumbinasyon
ng kulay at
disenyo ay
naipakita ko
ang aking
likhang-
sining.
3. Nasunod ko
nang tama
ang
pamamaraan
sa paggawa.
4. Naibahagi ko
ang sariling
likha sa
kagrupo.
5. Ang likhang-
sining ay
natapos ko sa
takdang oras.

Mga Sanggunian
Musika at Sining 4, 249 at 264

Inihanda ni:

EVELYN B.

SALVADOR
Pangalan ng may akda
IKAAPAT NA MARKAHAN
ARTS 4

Pangalan: Lebel:
Seksiyon: Petsa:

GAWAING PAGKATUTO

Disenyo Sa Tela

Panimula (Susing Konsepto)

Ang kulay ay napapansin kahit saan sa ating kapaligiran. May mapusyaw


na kulay (light colors), may matingkad (bright), at may madilim na kulay (dark
colors). Ang tina ay isang uri ng pangkulay na inilalapat sa isang may tubig na
timpla na ginagamit sa pagkulay ng tela. Ito ay maaring ihalo para makagawa
ng panibagong kulay. Sa tie-dye may mga disenyong nabubuo na kakikitaan
hindi lang ng kulay kung hindi mga linya at hugis din.

Kasanayang Pampagkatuto at koda

Creates original tie-dyed textile design by following the traditional steps in tie-
dying textile design by following the traditional steps in tie-dyeing using one or
two colors. A4PR-IVh

Directions/Instructions/Panuto

GAWAIN 1: TIE DYING


Kagamitan: lumang eco bag o anumang lagayan ng gamit, retaso namay
sukat na 10x10 na pulgada, 3 pakete ng tina na may parehong kulay,
palanggana patpat na panghalo ng solusyon, mainit na tubig, lastiko o pantali,
asin at suka

Hakbang sa Paggawa:

1. Ihanda ang mga kagamitan.


2. Talian ang retaso ayon sa gusting disenyo.
3. Sa mainit na tubig ihalo ang dalawang pakete ng tina, dalawang
kutsara ng suka at isang kutsara ng asin. (Ang guro ang gagawa ng
timpla.)
4. Ilagay ang tinaling retaso sa timpla ng 5 hanggang 15 minuto.
5. Banlawan ang ginawa sa purong tubig. Alisin ang tali, patuyuin at
kapag tuyo na ay plantsahin.
6. Idikit ang harapang bahagi ng eco-bag o anumang lagayan para
maging disenyo at mabuo ang isang 3D na likhang –sining.
7. Linisin ang lugar kung saan gumawa ng likhang-sining.

Mga Sanggunian

Musika at Sining 4, 249 at 264

Susi sa Pagwawasto
Paggabay na tanong:
Magkakaroon ng magkakaibang sagot.

Pangwakas:
Magkakaroon ng magkakaibang sagot.

Inihanda ni:

EVELYN B.

SALVADOR
Pangalan ng may akda

You might also like