You are on page 1of 3

Banghay Aralin sa Filipino 7

I. Layunin: Nasusuri ang damdaming namamayani sa mga tauhan sa pinanood na dulang


pantelebisyon/pampelikula.

II. Paksang aralin:


Paksa: Pitaka
Sangguinian: Youtube.com
Integrasyon: ESP

III. Pamamaraan:
A. Pagbabalik-aral
Pagtatanong ukol sa nakaraang aralin na nakatuon sa kanilang mga karanasan sa buhay.

B. Paggyanyak
Paglalaro ng turan mo kung ano ako. Ito’y isang uri ng laro na kung saan ay huhulaan ng
mga mag-aaral ang salita sa pamamagitan ng mga larawang ipapakita.

A+ = ALAK
+ AKA = PITAKA
C. Pag-alis ng Sagabal
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga salita batay sa pagkakagamit nito sa
pangungusap.

1. Nahabag ang nakababatng kapatid nang malaman niya ang paghihirap na


pinagdadaanan ng kaniyang kuya.
a. Natuwa b. nalungkot c. nagulat d. nasindak

2. Walang laman ni isang kusing ang pitaka niya.


a. Dolyar b. pera c. tatak d. punit

3. Labis ang kanyang paghikbi sa sinapit ng kanyang kapatid.


a. Pagtipid b. pagkatuwa c. pag-iyak d. pagsisisi

4. Namulat siya sa katotohanang mali ang kanyang mga nagawa.


a. Nagising b. nagulat c. napagtanto d. nalungkot

D. Paglalahad
Paglalahad sa layunin ng paksang tatalakayin.

E. Talakayan
1. Paglalahad ng mga alituntunin sa panonood ng telebisyon.
2. Paglalahad ng mga gabay na tanong.
3. Panonood ng dulang “Ang Pitaka”.
4. Pagsagot sa mga gabay na tanong.

F. Paglalahat
1. Ano-ano ang mga damdaming namayani sa akdang napanood?
2. Gaano kahalaga ang pag-ibig sa kapatid?

G. Pangkatang Gawain
Unang Pangkat- Gamit ang venn diagram, tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
katangian ng magkapatid.

Pangalawang pangkat- Ilahad ang mga damdaming namayani sa akda gamit ang vertical
bullet list.

Pangatlong Pangkat- Gumawa ng tula na may malayang taludturan na pumapaksa sa pag-


ibig ng magkapatid.

Pang-apat na Pangkat – Sumulat ng isang maikling awitin na may temang pagmamahal sa


kapatid.

Bawat pangkat ay mabibigyan ng iskor sa pamamagitan ng rubrik.


1. Nilalaman – 10
2. Organisasyon ng datos – 5
3. Pagganap – 5
Kabuuan – 20 puntos
H. Pagtataya
Panuto: Basahin at unawain ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1. Ano ang pamagat ng dula?
a. Pera b. pag-ibig ni Kuya c. Pitaka d. Bisyo

2. Alin sa mga sumusunod ang damdaming pinakanamayani sa dula?


a. Lungkot b. pagmamahal c. tuwa d. gulat

3. Kung ikaw ang nasa sitwasyon ng kuya, kaya mo bang isakripisyo ang iyong sariling
kaligayahan?
a. Oo, dahil kapatid ko siya at mahal na mahal ko.
b. Oo, dahil siguradong may kapalit na pera.
c. Hindi, dahil kaligayahan ko ‘to at kailangan kong makuha.
d. Hindi, dahil wala akong pake sa kanya.
Integration Differentiated materials Formative Assessment
Learner centered strategies that promote literacy and/or numeracy skills
Creative thinking/HOTS Learner’s activities Sequenced Instruction

You might also like