You are on page 1of 3

MAHABANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 7

Pangalan: _________________________________________ Grade VII-TOPAZ


Paaralan: Bato National High School Iskor: ____________

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat bilang. Bilugan ang titik ng tamang sagot.
1. “Alam kong niloloko mo lang ako, pero hindi kita papatulan,” naibulong ni Lokes a Babay sa sarili nang
matuklasang niloko siya ng asawa nang pagpalitin ni Lokes a Mama ang hayop na nahuli ng kanilang bitag.
Anong pag-uugali ni Lokes a Babay ang mahihinuha rito?
A. Siya ay mapagbigay.
B. Mapagmahal na asawa.
C. Mahaba ang kaniyang pasensya.
D. Mapagpatawad sa kaniyang asawa

2. Bago pa man dumating ang mga Kastila may sarili ng sibilisasyon ang Pilipinas.
A. Tama, dahil pinatutunayan ito ng mga sinaunang paraan ng pagsulat at pamahalaan.
B. Tama, dahil may panitikan na nakasulat sa mga aklat.
C. Mali, umasa lang tayo sa tradisyong bitbit ng mga kastila.
D. Mali, dahil sila mismo ang bumuo ng sibilisadong mga Pilipino.
3. “Hindi ko na matiis ang pakikitungo mo sa akin. Alam ko na ang ginagawa mong panloloko sa akin.
Payag na ako sa dati mo pang sinasabing pakikipaghiwalay sa akin,” pahayag ni Lokes a Babay. Ano ang
mahihinuhang kalagayan ng mga kababaihan sa kanilang lipunan?
A. Makapangyarihan ang mga lalaki sa tahanan.
B. Makapangyarihan ang mga babae sa lipunan.
C. May kapangyarihan ang mga lalaking makipaghiwalay.
D. May kakayahan ang mga babaeng ipagtanggol ang sarili.
4. Ang mag-asawa sa kwentong-bayang “Ang Munting Ibon” ay kapwa nabubuhay sa pangangaso.
Mahihinuha na ang kanilang lugar ay _____________.
A. magubat at mapuno
B. nasa tabing-dagat
C. nasa lungsod
D. nasa kapatagang taniman ng palay
5. Tumutukoy sa mga ebidensiyang magpapatunay na maaring nakasulat, larawan o video.
A. dokumentaryong ebidensiya
B. nagpapakita ng datos
C. nagpapakita ng emosyon
D. dokumentaryong Analisa
6. Karaniwang ang mga pahayag na ito ay dinurugtungan ng _________ na lalo pang makapagpapatunay
sa katotohanan ng inilalahad.
A. datos o ebidensiya
B. pangungusap
C. Dahilan
D. pangngalan
7. Sa pagpapatunay ng isang bagay, mahalagang masundan ito ng __________
A. Ebidensiya o datos
B. solusyon
C. pangangatwiran
D. salaysay
8-20. Tukuyin ang SANHI at BUNGA sa bawat pangungusap. Bilugan ang SANHI at
salungguhitan naman ang BUNGA.

8. Nagsunog siya ng kilay sa pag-aaral kaya nakapagtapos siyang may mataas na mga marka.

9. Gumuho ang mundo niya nang yumao ang kaniyang ina.

10. Maraming tao ang hindi sumusunod sa batas at alituntunin kaya dumami ang kaso ng COVID sa bansa.

11. Dahil sa labis na inggit, natuto siyang magnakaw.

12. Malaki ang tiwala’t pananalig niya sa Maykapal kung kaya’t lahat ng problema’y sisiw lang sa kanya.

13. Nakamit niya ang kanyang mga pangarap sa buhay dahil nag-aral siya nang mabuti.

14. Nalulong siya sa alak at droga kung kaya’t labas masok siya sa kulungan.

15. Mabait at matulungin na bata si Alex kaya ikinararangal siya ng kanyang mga magulang.

16. Nakikinig sa aralin ng mga guro si Liza dahil dito napasa niya lahat ng mga pagsusulit.

17. Ang pagkain ng masustansyang pagkain ay nakatutulong upang maiwasan ang anumang uri ng sakit.

18. Sinusunod ni Bea ang lahat ng payo ng kanyang mga magulang kaya mahal na mahal siya ng mga ito.

19. Ilang buwang di pinayagan ang mga tao na lumabas ng bahay kung kaya maraming halaman ang
naalagaan at naitanim.

20. Dahil sa labis na pagkuha ng mga tanim sa gubat, nagpasya ang kinauukulan na magtalaga ng batas
na nagsasaad ng pangagalaga sa mga pananim na pinangangambahang malapit nang maubos.

Mga Anak,

Alam kong kayo’y nahihirapan na


Sa pagsagot sa mga module na kung ituring niyo’y parusa
Ni hindi niyo na binabasa isa-isa
Pagkat kayo’y umaasa sa answer key na sa likurang bahagi makikita.
Alam kong ito na ang makabagong paraan ng pag-aaral
Subalit anak, huwag sanang kaligtaang kinabukasan niyo’y dito nakasandal
Kahit may sagot nang sa inyo’y ibinigay
Nawa’y basahin niyo rin at unawain lahat ng araling tinatalakay.
Kung talagang pagod ka na’t tila di na kaya
Magpahinga ka muna sandali’t isiping may bukas pa
Huwag ding kalimutang si teacher ay laging nakamata
Sa pagtugon sa mga katanungan niyong may kaugnayan sa paksa.
May ilang bagay lang akong hihilingin
Pangalan niyo at ng subject, sana’y isulat din
Nang sa gayo’y si teacher ay di mangapa sa dilim
Bagkus ako’y di manghuhula’t may kahinaan din.
Nawa’y naintindihan niyo ang nais ko
Alalahanin niyo sanang mahalaga ang pagkatuto
Ginamit ko lang itong natitirang espasyo
Upang masabi ang kaunting paalala ko sa inyo.

Ma’am Eden

You might also like