You are on page 1of 3

ARALING PANLIPUNAN 4 – IKATLONG MARKAHAN

LAGUMANG PAGSUSULIT # 2

Pangalan:_______________________________________ Seksyon:____________________

I. PANUTO: Piliin ang letra ng tamang sagot.

____ 1. Alin sa mga sumusunod ang programang pang edukasyong naglalayong mabigyan ng
pagkakataong makapag-aral ang mahuhusay na mag-aaral ngunit walang sapat na panustos sa pag-
aaral?
A. Day Care C. Abot-Alam
B. Iskolarsyip D. K to 12 Program
____ 2. Isa ito sa mga programang edukasyon ng pamahalaan sa bawat barangay na mangangalaga
sa mga batang naguumpisa pa lamang matuto.
A. Day Care C. Indigeneous People
B. Alternative Learning System (ALS) D. Out of School Youth (OSY)
____ 3. Ang programang ito ay naglalayong marating ang pinakamahihirap na mamamayan at
mabigyan ng kompletong gamot lalo na sa mga pangunahing sakit sa bansa.
A. Programa para sa mga Ina at Kababaihan C. Complete Treatment Pack
B. Department of Health (DOH) D. National Health Insurance Program (NHIP)
____ 4. Kasama sa programang ito ang regular na pagpapatingin sa sentrong pangkalusugan ng
mga nagdadalangtao, libreng bitamina at bakuna laban sa sakit gaya ng neo tetanus.
A. PhilHealth C. National Health Insurance Program (NHIP)
B. Programa para sa mga Ina at Kababaihan D. Pagbabakuna
____ 5. Ang ahensiyang ito ang naatasan ng pamahalaan na mamahala sa mga serbisyong
pangkalusugan ng buong bansa.
A. Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) C. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa (DND)
B. Kagawaran ng Hustisya (DOJ) D. Kagawaran ng Kalusugan (DOH)
____ 6. Tungkulin nitong ipagtanggol ang bansa laban sa mga kaaway o mananakop, lokal man o
banyaga upang mapanatiliang kaayusan ng bansa.
A. Department of National Defense (DND) C. Philippine National Police (PNP)
B. Local Government Units (LGU) D. Armed Forces of the Philippines (AFP)
____ 7. Tumutulong ang ahensyang ito sa pagpapanatili ng kaayusan ng kani-kanilang nasasakupan
sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga ordinansa na naglalayon ng kapayapaan sa lugar na
nasasakupan. Sa pamamagitan ng pagpapatupad ng mga ordinansang pangkapayapaan ay
napapanatili ng ahensyang ito ang kaayusan ng kanilang nasasakupan.
A. Local Government Units (LGU) C. Armed Forces of the Philippines (AFP)
B. Philippine National Police (PNP) D. Department of National Defense (DND)
____ 8. Ang ahensyang ito ang kaakibat ng mga lokal na pamahalaan sa pagsugpo sa mga krimen
at paghuli sa mga taong lumalabag sa batas.
A. Local Government Units (LGU) C. Armed Forces of the Philippines (AFP)
B. Philippine National Police (PNP) D. Department of National Defense (DND)
____9. Alin sa mga sumusunod na pangungusap ang nagpapahayag ng gampanin ng pamahalaan
sa larangan ng edukasyon?
A. Pinapangalagaan ang seguridad ng buong bansa.
B. Nagbibigay ng serbisyong medikal sa bawat barangay.
C. Nagpapatayo ng mga bagong tulay at iba pang impraestruktura upang mapabilis ang
transportasyon.
D. Nagpapatayo ng mga pampublikong paaralan at nagbibigay ng mga iskolarship sa mga
mag-aaral.
____ 10. Bakit itinataguyod ng Pilipinas ang Edukasyon para sa Lahat (Education for All)?
A. Upang mayroon silang programang naitaguyod
B. Upang ipagmayabang na ang lahat na Pilipino ay nakapag-aral.
C. Upang mapabuti ang kalidad ng edukasyon ng bawat Pilipino, bata o matanda.
D. Upang ipakita na matalino at magaling ang mga Pilipino pagdating sa edukasyon.

II. PANUTO: Tukuyin kung WASTO o HINDI WASTO ang isinasaad sa bawat bilang.

_____________ 1. Ang pamahalaan ay nagpatupad ng mga programa at serbisyong pangkalusugan


para sa malusog na mga mamamayan.
_____________ 2. Ang Complete Treatment Pack ay itinatag upang magkaroon ng seguro ang
lahat ng mamamayan ng may kalidad na mga pasilidad at serbisyong pangkalusugan.
_____________ 3. Isang epekto ng maayos na pamamahala ang paghirap ng mga mamamayan sa
bansa.
_____________ 4. Dapat na suportahan ng mga mamamayan ang programang pangkalusugan ng
pamahalaan.
_____________ 5. May mga kaparaanan din ang pamahalaan upang matiyak ang kaligtasan at
kapakanan ng mga mamamayan laban sa hindi patas na pagbibigay ng serbisyong pangkalusugan.

III. PANUTO: Basahin mo ang mga sumusunod na pahayag. Isulat mo ang PK kung may
kaugnayan sa programang Pang Kalusugan, PE kung Pang Edukasyon, at PKP naman kung
programang Pang Kapayapaan.
_____ 1. Pagtataguyod ng edukasyon para sa lahat o Education for All.
_____ 2. Pagbibigay ng libreng bitamina at mga bakuna upang malabanan ang malubhang
karamdaman.
_____ 3. Pagpapatayo ng mga health center at ospital sa mga bayan.
_____ 4. Pagtatanggol ng mga sundalo sa banta ng mga mananakop.
_____ 5. Pagbibigay ng libreng bitamina at mga bakuna upang malabanan ang malubhang
karamdaman.
_____ 6. ZAMBASULTA (Zamboanga-Basilan-Sulu-Tawi-Tawi)
_____ 7. Alternative Learning System (ALS)
_____ 8. Pagtatalaga ng pamahalaan ng mga nars at doktor sa mga barangay health centers.
_____ 9. Pagtatanggol ng mga sundalo sa banta ng mga mananakop.
_____ 10. PAMANA (Payapa at masaganang Pamayanan)
Susi sa pagwawasto: (AP 4 Lagumang Pagsusulit 1)
I II
1. C 1. B
2. B 2. C
3. D 3. A
4. C 4. A
5. A 5. C
6. A 6. B
7. D 7. C
8. B 8. C
9. A 9. A
10. C 10. A

Susi sa pagwawasto: (AP 4 Lagumang Pagsusulit 2)


I II III
1. B 1. W 1. PE
2. A 2. HW 2. PK
3. C 3. HW 3. PK
4. B 4. W 4. PKP
5. D 5. W 5. PK
6. D 6. PKP
7. A 7. PE
8. B 8. PK
9. D 9. PKP
10. C 10. PKP

You might also like