You are on page 1of 24

SOCIAL SKILLS TRAINING

Title: Pakikipagusap
Objectives
- Upang matuto na makipag usap sa mga kasamang ibang pasyente
- Upang matuto na makinig kapag may nagk-kwento
- Upang matuto na magbahagi ng naayon sa katanungan at pinaguusapan
- Upang matuto na magbigay ng pagkakataon na makapagsalita ang kausap
Materials
- Visual aids (Laptop/Manila paper)
Procedure
1. Tatalakay ang kahalagahan ng pakikipagusap
2. Ipapaliwanag ng intern ang mga layunin
3. Sasabihan na maghanap ng kapares
4. Simulan ang pakikipagusap sa pagpapakilala ng buong pangalan
5. Tanungin sa kapares ang mga sumusunod:
a. Edad
b. Kaarawan
c. Paboritong pagkain
d. Paboritong kulay
e. Paboritong lugar
f. Paboritong kanta
g. Paboritong ginagawa sa OT
6. Makinig sa sasabihin ng kapares
7. Tandaan ang mga sinabi ng kapares at ibahagi ang mga natutunan tungkol sa kapares
sa buong grupo
Precaution
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat

Title: Pagpapahayag ng damdamin


Objectives
- Upang matuto na magmanman sa sariling saloobin
- Upang matuto na pakiramdaman ang kausap
- Upang matuto na pumantay sa antas ng emosyon ng kausap
- Upang matuto na kontrolin ang pagpapahayag ng emosyon
Materials
- Visual aids (Laptop/Manila paper)
Procedure
1. Magpapaliwanag ng kahalagahan ng tema ng gawain
2. Magpapaliwanag ng mga layunin
3. Maghanap ng kapares
4. Magbibigay ng sitwasyon ang intern
5. Bawat pares ay magpapakita papano nila ipapahayag ang saloobin sa kapares na ayon
sa sitwasyon na binigay
6. Ipapakita ang isa sa mga maaring tamang paraan o sagot sa mga sitwasyon na binigay
7. Ipapamahagi ang mga natutunan sa gawain.
Precaution
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat

Title: Paghingi ng pabor


Objectives
- Upang matuto na kausapin ng maayos ang hinihingan ng pabor
- Upang maintindihan na kung paano nila tratuhin ang ibang tao ay ganun din nila nai na
tratuhin sila ng iba
- Upang matutunan na gumamit ng naayon na kumpas o galaw ng kamay sa sinasabi ng
bibig
- Upang matuto magtulungan ng isa’t-isa ng di kakapos o kukulang sa pabor na hiningi
Materials
- Visual aids (Laptop/Manila paper)
Procedure
1. Magpapaliwanag ng kahalagahan ng tema ng gawain
2. Magpapaliwanag ng mga layunin
3. Ipapakita ng intern kung ano ang ibig sabihin ng pabor
4. Ipapaliwanag ang kahalagahan ng maayos na paghingi ng pabor
5. Magbibigay ang intern mga halimbawa na nanga-ngailangan humingi ng pabor
6. Tatawag ng pasyente na magpapakita ng kung papaano hihingi ng pabor ayon sa
halimbawa
7. Tuturuan ng mga tamang paraaan pagkataps ng bawat halimbawa
8. Ipapamahagi ang mga natutunan sa gawain.
Precaution
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat

COMMUNICATION SKILLS
Title: Fishbowl
Objectives
- Upang makapahayag ng iniisip sa mga kasama
- Upang makapagtanong na may kaugnayan sa paksang pinagusapan
Materials
- Papel
- Lagayan (tupperware, bowl, fishbowl)
- Visual aids (laptop, manila paper)
Procedure
1. Dudukot ng isang papel sa lagayan.
2. Magpapahayag ng sagot ayon sa nabunot na papel.
3. Mag tatanong ang mga kasama ng isang tanong na may kinalaman sa naturang paksa
na nabunot.
4. Ipapamahagi ang mga natutunan sa gawain.
Precaution
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat

Title: Picture perfect


Objectives
- Makipagugnayan sa ibang kagrupo upang makagapaglarawan ng isang bagay
- Makapagpaliwanag ng mga gawain sa ginawang aktibidad
Materials
- Visual aids (laptop, manila paper)
Procedure
1. Bumuo ng grupo na may tig-tatatlong miyembro
2. Magbibigay ang intern ng isang salita
3. Ilalarawan ang binigay na salita
4. Ipapaliwanag ng bawat grupo kung bakit ganoon ang kanilang pagpapalawaran
5. Ipapamahagi ang mga natutunan sa gawain.

Precaution
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat

Title: Human bingo


Objectives
- Makilala ang bawat isa sa grupo
- Mabigyan ng katangian ang mga kasama sa grupo
Material
- Bingo cards na may katangian
- Lapis
Procedure
1. Kukuha ng isang bingo card na may mga katangian.
2. Dapat makahanap ng isang kagrupo na tutugma sa katangian na nasa bingo cart.
3. Ipapamahagi ang mga natutunan sa gawain.
Precaution
- Babantayan ang pag gamit ng lapis. IIalabas lang ito habang isinanasagawa ang
aktibidad.

New
Title: Where is my other half?
Objectives
- Makilala ang bawat isa sa grupo
- Makipag Usap sa mga kasama
- Matapos ang gawain sa takdang oras
Materials
- Make shift cards cut in half
- Mixed and unmatched cards placed in 3 different envelopes
Procedure
1. Hatiin sa 3 grupo
2. Bigyan ng tig-isang envelope bawat grupo
3. Ilabas ang laman
4. Hanapin ang kahati o ang bubuong pares ng mga putol na cards na nasa envelope niyo
5. Hanapin sa mga ibang grupo
6. Bibigyan lamang ng takdang oras para matapos
7. Siguraduhin na may 7 na barahang buo sa inyo bago matapos ang oras.
Precaution
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat

Title: Hi My Name is *seatmate*


Objectives
- Makilala ang bawat isa sa grupo
- Makipag Usap sa mga kasama
- Matapos ang gawain sa takdang oras
- Matutong sumunod sa panuto
Materials
- Visual aids
Procedure
1. Bumuo ng mga pares
2. Alamin ang pangalan, edad, kaarawan, paboritong kulay, ulam at gawain sa labas ng
mental.
3. Tandaan ang mga sagot at ibahagi sa grupo pagkatapos ng lahat.
Precaution
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat

Title: Pass the message


Objective
- Makipag Usap sa mga kasama
- Matapos ang gawain sa takdang oras
- Matutong sumunod sa panuto
- Mapalago ang tagal ng atensyon.
Materials
- Lapis
- Papel
Procedure
1. Hatiin sa 2 grupo ang mga kasama
2. Papilahin ang mga kasali
3. Itakda ang unahan at dulo ng pila
4. Magbibigay ng larawan or salita
5. Ipapasa lamang ito sa pamamagitan ng pagdrawing sa likod o pagbulong sa kagrupo
6. Tignan kung parehas ba ang ginawa kumpara sa litrato.
Precation
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat

DANCE THERAPY
Title: Indakan
Objectives
- Upang matuto na sumunod sa panuto
- Upang matuto na gumalaw galaw na tulad ng sa nagtuturo
- Upang makalahok sa mga gawaing kinakailangan igalaw ang buong katawan
- Upang mapakita ang talento sa pagsasayaw
Materials
- Speakers
- Kanta
- Visual aids (laptop/manila paper)
Procedure
1. Ipaliliwanag ang kahalagahan ng pagsasayaw
2. Ipaliliwanag ang mga layunin
3. Magpapakita ng isang halimbawa ng isang sayaw
4. Gagayahin ang mga kilos na gagawin ng intern
5. Sayawin ang itinuro na mga kilos ng wala ang intern
6. Magpapahayag sa saloobin sa gawain
Precaution
- Maaring mapagod at mainitan ng sobra, siguraduhin na malapit sa maaring
mapagkuhaan ng tubig at may mga upuan na malapit sa kung saan nagsasayaw

Title: Stop Dance


Objectives
- Upang matuto na magbasa at intindihin ang panuto
- Upang matuto sumunod sa panuto
- Upang maipakita ang sariling pagkakaintindi sa kilos na nais ipagawa ng intern o ng
panuto
- Upang maipakita ang talento sa pagsayaw
- Upang matutong makipagsalitan sa mga kasama
Materials
- Speakers
- Kanta
- Visual aids (laptop/manila paper)
Procedure
- Ipapaliwanag ang mga ibig sabihin ng mga bilog na may kulay at kilos na nasulat
- Magpapakita ng 2 halimbawa kung paano ang kilos na sinasabi bilog na papel
- Papapilahin sa 2 ang mga pasyente
- Palalakarin sa unang bilog ang unang 2 pasyente at sasabihing gawin na ang kilos
kapag nagsimula na ang tugtog
- Titigil gumalaw ang pasyenteng nasa bilog kapag nawala ang tugtog
- Gagalaw muli kapag tumunog muli ang kanta
- Lilipat sa susunod na bilog kapag inatasan na ng intern na lumipat
- Magpapahayag ng nagustuhan sa gawain
- Magpapahyag ng mga natutunan
Precaution
- Maaring mapagod at mainitan ng sobra, siguraduhin na malapit sa maaring
mapagkuhaan ng tubig at may mga upuan na malapit sa kung saan nagsasayaw

Title: Sayawang sagutan


Objectives
- Upang maipakita ang talento sa pagsayaw
- Upang maipahayag ang sarili sa pamamagitan ng pagsayaw
Materials
- Speakers
- Kanta
- Visual aids (laptop/manila paper)
Procedure
1. Ipapaliwanag ang dapat gawin
2. Maghati sa 2 grupo na may parehas ng dami
3. Sisimulan ng intern ang sayaw at sasagot din ang pasyente gamit ang sayaw
4. Uulitin ang ganitong gawain hanggang sa matapos ang 3 kanta
5. Tatanungin kung ano ang paboritong kilos o indak na ginawa
Precaution
- Maaring mapagod at mainitan ng sobra, siguraduhin na malapit sa maaring
mapagkuhaan ng tubig at may mga upuan na malapit sa kung saan nagsasayaw

MUSIC THERAPY
Title: Musical Magazines
Objectives
- Maiugnay ang mensahe ng kanta sa mga larawan na matatagpuan sa magasin
- Bibigyan ng kahulugan ang mga lyrics ng kanta
Materials
- Speakers
- Cartolina
- Gunting
- Magasin
- Pandikit
- Visual aids (laptop, manila paper)
Procedure
1. Magpaparinig ng tatlong kanta na uulitin tig-dalawang beses
2. Bibigyan ng magasin, cartolina, at gunting
3. Gugupit ng mga larawan mula sa magasin na maiuugnay sa mga kantang pinakinggan
4. Ipapakita at ipapaliwanag ang ginawang collage sa mga kasamahan
5. Magpapahayag sa saloobin sa gawain
Precaution
- Ang gunting ay papahiram lamang kapag gugupit na ng magasin at itatago ulit pagtapos.
Ang mga magasin na papagamit walang nilalaman na bastos o malaswa.

Title: Interpretative dance


Objectives
- Makapagisip ng interpretasyon sa kanta
- Makagawa ng mga hakbang sa sayaw na maglalarawan ng interpretasyon
- Maipakita ang husay sa larangan ng musika at pagsayaw
Materials
- Speakers
- Visual aids (laptop, manila paper)
Procedure
1. Ipaparinig ang kanta nang 2 beses
2. Bibigyan ng oras upang makapagisip ng mga hakbang sa sayaw
3. Ipepresenta ang nagawang interpretasyon and sayaw sa mga kasama
4. Magpapahayag sa saloobin sa gawain
Precaution
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat

Title: Change the lyrics


Objectives
- Makapili ng salita o parte sa kanta na nais palitan
- Makaisip ng ipapalit na pasok sa tono ng kanta
- Makakaisip ng bagong kahulugan ng kanta sa inibang parte
Materials
- Visual aids (laptop, manila paper)
- speakers
Procedure
1. Magpaparinig ng isang kanta nang dalawang beses
2. Pipili ng salita o parte ng kanta na nais palitan
3. Papalitan ng salite o parte na pasok pa rin sa tono
4. Ipapaliwanag bakit ito ang pinalitan
5. Ipapaliwanag ang bagong kahulugan ng kanta
6. Magpapahayag sa saloobin sa gawain
Precaution
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat
PARLOR GAMES
Title: Color match
Objectives
- Masunod ang panuto ng laro
- Makatapos ng isang aktibidad sa loob ng inilaan na oras
- Makaisip ng diskarte para magawa ang aktibidad
Materials
- 20 Tanzan/bottle caps
- Cartolina na pininturahan
- Tape
- Lamesa
Procedure
1. Babanggit ng intern ang kulay na kailangan tamaan
2. Bibigyan ng tanzan/bottle cap
3. Iiitsa ang mga tanzan/bottle cap sa mesa na may ibat ibang kulay
4. Dapat lumapag ang anim na tanzan/bottle cap sa tamang kulay
5. Magpapahayag sa saloobin sa gawain
Precaution
- Siguraduhin na 20 na tanzan/bottle caps ang babalik sa dulo ng aktibidad

Title: Egg pong


Objectives
- Masunod ang panuto ng laro
- Makatapos ng isang aktibidad sa loob ng inilaan na oras
- Makaisip ng diskarte para magawa ang aktibidad
Materials
- 1 dozen egg tray
- 15 ping pong balls
- Lamesa
Procedure
1. Magbibigay ng ping pong balls
2. Kailangan tumalbog ang bola sa lamesa kapag tinira
3. Pupunuin ang egg tray ng mga tinirang ping pong balls
4. Magpapahayag sa saloobin sa gawain
Precaution
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat

Title: Blow the cup


Objectives
- Masunod ang panuto ng laro
- Makatapos ng isang aktibidad sa loob ng inilaan na oras
- Makaisip ng diskarte para magawa ang aktibidad

Materials
- 2 Tali
- 2 Papel na baso na may butas ang ilalim
- tape
Procedure
1. Ihahati sa dalawa ang grupo
2. Ang dalawang tali ay may tigisang papel na baso na nakasabit ay itatape sa
magkabilang dulo
3. Ihihipan ang mga cup mula isang dulo hangang kabila
4. Paunahan na makarating sa kabilang dulo
5. Bawal hawakan ng kamay ang mga baso
6. Magpapahayag sa saloobin sa gawain
Precaution
- Dapat makabalik ang dalawang tali sa intern

ADL’s
Title: Pagsisipilyo
Objectives
- Upang matutunan ang kahalagahan ng pagsisipilyo
- Upang matutunan kung kailan dapat na sisipilyo
- Upang matutunan ang tamang paraan ng pagsisipilyo
- Upang maensayo ang pasisipilyo
Materials
- Sipilyo
- Twalya
- Toothpaste
- Tubig
- Salamin
- Visual aids (laptop/manila paper)
Procedure
1. Ipapaliwanag ang kahalagahan ng pagsisipilyo
2. Ipapakita ang mga nangyayari sa bibig kapag hindi nagsisipilyo ng maayos
3. Ipapakita ang bibig at ang mga dapat naabot ng sipilyo
4. Maipakita ang tamang paraan ng pagsisipilyo
5. Magawa ang tamang paraan ng pagsisipiyo
Precaution
- Siguraduhin na walang inpeksyon o sakit sa bibig ang mga kalahok
- Alamin kung mayroon may kaso ng problema sa paglunok o pagkontrol ng tubig sa bibig

Title: Paghuhugas ng mukha


Objectives
- Upang matutunan ang kahalagahan ng paghuhugas ng mukha
- Upang matutunan kung kailan dapat naghuhugas ng mukha
- Upang matutunan ang tamang paraan ng pgahugas ng mukha
- Upang maensayo ang natutunang paghugas ng mukha
Materials
- Sabon
- Twalya
- Tubig
- Salamin
- Visual aids (laptop/manila paper)
Procedure
1. Ipapaliwanag ang kahalagahan ng paglilinis ng mukha
2. Ipapakita o ipapaliwanag ang mga maaring mangyari sa mukha kapag hindi hinugasan
ng maayos
3. Ipapakita ang tamang paraan ng paghuhugas ng mukha
4. Magawa ang paghuhugas ng mukha
Precaution
- Siguraduhin na walang may problema sa mata sa mga pasyente
- Alamin kung mayroong may problema sa balat na maaaring lumala kapag nahugasan o
nasabon ang mukha
- Siguraduhin na hindi madudulas ang mga pasyente sa kanilang banyo

Title: Managing menstruation


Objectives
- Upang maintindihan ang importansya ng maayos na pangangalaga sa katawan kapag
dinudugo
- Upang matutunan kung ano ang gagawin kapag dinudugo
- Upang matutunan ang mga tamang paraan ng pangangalaga at gagawin kapag
dinudugo
- Upang maensayo ang tamang paraan
Materials
- Napkin
- Panty liner
- underwear
Procedure
1. Umupo ng maayos na kita ang intern
2. Ipapaliwanag ang kahalagahan ng pangangalaga sa katawan kapag dinudugo
3. Ipapakita o ipapaliwanag ang mga maaaring mangyari kapag di pinangangalagaan ng
maayos
4. Ipapakita ang tamang paraan ng paglagay ng napkin o pantyliner
5. Ipapakita kung papaano dapat hugasan ang parte ng katawan at gano kadalas
maghuhugas at magpapalit.
Precaution
- Walang nakitang nangangailangan ng pagiingat.

ARTS AND CRAFTS


Title: DIY Cheek and Lip tint

Objectives
- Upang matuto sumunod sa dapat na magkakasunod na panuto
- Upang matuto gumawa ng paraan upang magawa ang isang bagay
- Upang mabigyan ng ideya ng mga maaring gawin kapag sila ay nakalabas na ng NCMH
Materials
- Vaseline/ Petroleum Jelly
- Food coloring (color of choice)
Procedure
1. Ig-grupo ang mga pasyente sa dalawa
2. Ipapaliwanag ang mga panuto at ipapakita ang mga kagamitan
3. Ihahanda ang mga lagayan at panghalo
4. Ilalagay ang 1 kutsarang vaseline sa lagayan
5. Hahaluin ito hanggang sa maging mas matubig ang itsura
6. Maglalagay ng food coloring na depende sa katingkaran ng kulay na nais ng pasyente
7. Ilalagay sa lagayan
8. Ilalagay sa palamigin ng 5-10 minuto.
Precaution
- Walang nakitang nangangailangan ng pagiingat.

Title: DIY Tshirt Headband

Objectives
- Upang matuto na sumunod ng panuto
- Upang matutong gumawa ng mga panibagong magagamit mula sa mga pinaglumaan o
di na ginagamit na mga bagay.
- Upang mapakita ang talento sa mga paghahabi o pag tirintas.
Materials
- Old shirt/s
- Scissors
- Glue gun/fabric glue
- Measuring tape
Procedure
1. Susukating ang ulo ng gagawan ng headband at isulat ito sa papel
2. Ilatag ang lumang damit
3. Gupitin and lumang damit mula sa baba paakyat ng may 1 inch na pagitan bawat gupit
4. Magsama-sama ng 5 hibla ng nagupit mula sa lumang damit at pagsamasamhin ito
gamit ang isang hibla na nakatali sa dulo.
5. Itirintas and mga tela
a. Kuhain ang nasa dulong kaliwa at ipatong sa ibabaw ng katabi
b. Kuhain ang nasa gitna at ipatong ito sa nasa kaliwa nito
c. Kuhain ang nasa dulong kanan at ipatong ito sa nasa kaliwa
d. Uliting ang mga panuto a-c hanggang sa matapos.
6. Idugtong ang dalawang dulo sa isa’t-isa
7. Gumamit ng sobrang tela kung kinakailangan.
Precaution
Siguraduhin na maingat sa paggamit ng glue gun, tanggalin lagi ang saksak kapag hindi
ginagamit. Iwasan din na masobrahan ng gamit ng fabric glue kasi maari itong dumikit sa damit
at balat.

Title: POM rugs

Objectives
- Upang matuto na sumunod sa panuto
- Upang matuto idirekta ang sarili sa ginagawa
- Upang matuto na magbigay ng buong atensyon sa ginagawa
- Upang matuto na maging mapagpasensya
Materials
- Yarns
- Scissors
- Fabric Glue
- Place mat or rug base
Procedure
1. Kumuha ng mga yarn na gagamitin
2. Ibalot ang yarn sa kamay
3. Lagyan ng isang hibla ng yarn sa gitna at ibuhol ng isa beses, para di maghiwa-hiwalay
ang yarn
4. Gupitin ang mga giild ng yarn ball na inipon sa kamay.
5. Itali sa rug mat o place mat
6. Punuin ang buong rug mat o place mat
7. Idikit ang mga dulo na nakalawit sa ilalim.
Precaution
- Walang nakitang nangangailangan ng pagiingat.

MEAL PREPARATION (High Function)


Title: Shawarma
Objectives
- Upang matuto na maipakita ang sariling kakayahan sa paggawa ng mga pagkain
- Upang matuto ng mga paghahanda ng pagkain
- Upang magbigay puna sa ginagawa
- Upang matutong mag isip ng iba’t ibang paraan ayon sa ginagawa
Materials
- Shawarma wrap
- Chicken strips
- Fries
- Mayonnaise
- Cucumber
- Plates
- Utensils
- Gloves
Procedure
1. Ihanda lahat ng gamit
2. Hiway-hiwalayin ang manok
3. Maglagay ng isang shawarma wrap sa isang plato
4. Ilagay ang mga sumusunod na nais ilagay sa sariling shawarma wrap
5. Irolyo ang shawarma
Precaution
- Siguraduhin na may mahigpit na pagbabantay sa paggamit ng mga kutsilyo at tinidor.
Kuhanin agad pagkatapos gamitin at siguraduhin na kumpleto muli ang mga gamit na
makukuha mula sa mga pasyente.

Title: Unicorn Omelette


Objectives
- Upang matuto na maipakita ang sariling kakayahan sa paggawa ng mga pagkain
- Upang matuto ng mga paghahanda ng pagkain
- Upang magbigay puna sa ginagawa
- Upang matutong mag isip ng iba’t ibang paraan ayon sa ginagawa
- Upang maipakita ang pagiging malikhain
Materials
- 12 eggs
- 3 food coloring (blue, red and violet)
- Salt
- Paper plates
- Utensils
- Stove
- Bowls
- Oil
Procedure
1. Ihanda lahat ng gamit
2. Magbasag ng 2 itlog sa isang lagayan, gawin ito sa 6 pang lagayan
3. Lagyan ng asin
4. Patakan ng magkakaibang food coloring ang bawat lagayan
5. Ihalo ang nasa mangkok
6. Buksan ang kalan at lagyan ng mantika
7. Lagyan ng 3 kutsarag dami ng hinalong itlog sa bawat kulay sa isang lutuan
8. Ubusin ang lahat ng inihalo
9. Ilagay sa plato ang natapos na gawain
Precaution
- Siguraduhin na may mahigpit na pagbabantay sa paggamit ng mga kutsilyo at tinidor.
Kuhanin agad pagkatapos gamitin at siguraduhin na kumpleto muli ang mga gamit na
makukuha mula sa mga pasyente. Bantayan din ang mga pasyente mula sa mga lutuan.

Title: Kesong Tikoy


Objectives
- Upang matuto na maipakita ang sariling kakayahan sa paggawa ng mga pagkain
- Upang matuto ng mga paghahanda ng pagkain
- Upang magbigay puna sa ginagawa
- Upang matutong mag isip ng iba’t ibang paraan ayon sa ginagawa
Materials
- Tikoy
- Lumpia wrapper
- Keso
- Tubig
- Langka (optional)
- Utensils
- Plates
- Gloves
- Oil
Procedure
1. Ihanda lahat ng gamit
2. Paghiwa-hiwalayin ang mga lumpia wrapper
3. Hiwain ang tikoy ng maninipis
4. Hiwain ang keso ng maninipis
5. Hiwain ang langka ng maninipis
6. Kumuha ng lumpia wrapper, lagyan ng isang tikoy
7. Lagyan ng keso at langka
8. Ibalot ang wrapper hanggang sa mabalot na ng buo ang lahat ng laman na nilagay
9. Painitin ang kawali
10. Ilagay ang isang balot na tikoy sa kawali
11. Ikot ikutin ito hanggang sa maging hilaw na kayumanggi ang kulay ng wrapper
12. Ilabas sa kawali at isala sa platong may tisyu
Precaution
- Siguraduhin na may bantay sa lahat ng pagkakataon, patnubayan maigi sa paghihiwa,
at pagluluto upang maiwasan ang mga paso at sugat. Siguraduhin na may kaagarang
lunas na malapit.

MEAL PREPARATION (Low Function)


Title: Nachos ala San Marino
Objectives
- Upang matutong makagawa ng simpleng mga pagkain
- Upang mapatunayan sa sarili na marami paring nagagawa sa kakayahan na meron
- Upang makatapos ng isang gawain ng may kasama
- Upang matutong sumunod sa panuto
- Upang matutong magtanong
Materials
- 2 cans of San Marino Tuna
- Nacho chips
- 4 tomatoes
- 1 Onion
- Eden cheese bar
- Easy squeeze cheese
- Plastic gloves
- Paper plates
- Spoon and fork
- Plastic knife
Procedure
1. Ihanda ang mga gamit sa lamesa
2. Hiwain ang kamatis at sibuyas ng pa-parisukat
3. Buksan ang San Marino at iinit sa kalan o microwave (optional)
4. Ilatag ang nacho chips sa plato ayon sa kagustuhan
5. Ilagay ang san marino tuna sa ibabaw
6. Maglagay ng kesong dinurog sa ibabaw
7. Ilagay ang kamatis at sibuyas
8. Lagyan ng disenyo sa ibabaw gamit ang easy squeeze cheese
Precaution
- Siguraduhin na may mahigpit na pagbabantay sa paggamit ng mga kutsilyo at tinidor.
Kuhanin agad pagkatapos gamitin at siguraduhin na kumpleto muli ang mga gamit na
makukuha mula sa mga pasyente.

Title: Class A Pianono


Objectives
- Upang matutong makagawa ng simpleng mga pagkain
- Upang mapatunayan sa sarili na marami paring nagagawa sa kakayahan na meron
- Upang makatapos ng isang gawain ng may kasama
- Upang matutong sumunod sa panuto
- Upang matutong magtanong
Materials
- Tasty/ Loaf bread
- Yema spread/ Peanut butter/ butter and sugar
- Plastic Knife
- Plates
- Plastic gloves
Procedure
1. Ilabas ang mga gagamitin
2. Kumuha ng isang pirasong tinapay
3. Tanggalin ang apat na dulo ng tinapay
4. Ipitin ang tinapay sa gitna ng dalawang palad
5. Lagyan ng palaman na ayon sa kagustuhan
6. Irolyo ang tinapay
7. Hatiin sa gitna ang nakarolyong tinapay
Precaution
- Siguraduhin na may mahigpit na pagbabantay sa paggamit ng mga kutsilyo. Kuhanin
agad pagkatapos gamitin at siguraduhin na kumpleto muli ang mga gamit na makukuha
mula sa mga pasyente.

Title: Crunchy Ham Sandwich


Objectives
- Upang matutong makagawa ng simpleng mga pagkain
- Upang mapatunayan sa sarili na marami paring nagagawa sa kakayahan na meron
- Upang makatapos ng isang gawain ng may kasama
- Upang matutong sumunod sa panuto
- Upang matutong magtanong
Materials
- Plates
- Gloves
- Chips
- Ham
- Loaf Bread
- Mayonnaise
- Strawberry Jam
- Lettuce
- Plastic Utensils
Procedure
1. Ihanda lahat ng gamit
2. Kumuha ng dalawang piraso ng tinapay
3. Pahiran ng mayonnaise ang isa
4. Pahiran ng strawberry jam ang isa
5. Durugin ang tsitsirya
6. Maglagay ng isang ham sa ibabaw ng tinapay na may mayonnaise
7. Maglagay ng isang lettuce
8. Maglagay ng mga during na tsitsirya
9. Ipatong and tinapay na may strawberry jam
10. Hiwain sa gitna
Precaution
- Siguraduhin na may mahigpit na pagbabantay sa paggamit ng mga kubyertos. Kuhanin
agad pagkatapos gamitin at siguraduhin na kumpleto muli ang mga gamit na makukuha
mula sa mga pasyente.

EXERCISE
Title: Stretching
Objectives
- Upang mabigyan ng gawain na magpapagalaw sa buong katawan
- Upang matuto sumunod sa panuto
- Upang magkaroon ng ibang paraan ng paglabas ng enerhiya
- Upang matutong magpahinahon ang sarili
Materials
- Speakers
- Visual aids
Procedure
1. Ipapaliwanag ang gagawin
2. Ipapaliwanag ang kahalagahan ng pagbabanat ng buto
3. Ippwesto ang mga pasyente
4. Ipapakita ang mga sumusunod na posisyon na gagawin
5. Uulitin sa simula at gagawin ang mga posisyon kasabay ang mga pasyente
6. Uulitin ng 8 beses ng may 4 na hati
7. Magbabahagi ng mga natutunan sa araw na iyon
Precaution
- Siguraduhin na lahat ng kalahok sa gawain ay maaring magehersisyo at walang sakit sa
puso.

Title: Zumba
Objectives
- Upang mabigyan ng gawain na magpapagalaw sa buong katawan
- Upang matuto sumunod sa panuto
- Upang magkaroon ng ibang paraan ng paglabas ng enerhiya
- Upang matuto na magbigay atensyon at pagpupuna sa gawain
Materials
- Speakers
- Visuals
Procedure
1. Ipapaliwanag ang gagawin
2. Ipapaliwanag ang importansya ng gawain
3. Ipapakita ang mga sayaw na gagawin ng mabagal
4. Sasabayan ng mga pasyente and intern
5. Ibabahagi ang mga natutunan sa araw na yon
Precaution
- Siguraduhin na lahat ng kalahok sa gawain ay maaaring mag ehersisyo at walang sakit
sa puso.

Title: Cardio Movements


Objectives
- Upang mabigyan ng gawain na magpapagalaw sa buong katawan
- Upang matuto sumunod sa panuto
- Upang magkaroon ng ibang paraan ng paglabas ng enerhiya
- Upang matuto na magbigay atensyon at pagpupuna sa gawain
Materials
- Speakers
Procedure
1. Ipapaliwanag ang gagawin
2. Ipapaliwanag ang importansya ng gawain
3. Tumayo ng magkakahiwalay sa isa’t-isa
4. Sumunod sa mga ipapakita ng intern
5. Ibabahagi ang mga natutunan sa araw na yon
Precaution
- Siguraduhin na lahat ng kalahok sa gawain ay maaaring mag ehersisyo at walang sakit
sa puso.

INDOOR
Title: Table tennis
Objectives
- Upang matuto na magbigay puna sa gawain
- Upang matuto dumiskarte
- Upang matutong maglaro ng hindi nagagalit o naiinis kapag hindi nananalo
- Upang matuto makihalubilo sa ibang pasyente
Materials
- 2 table tennis rackets
- 2 ping pong balls
- Lamesa
Procedure
1. Gamitin ang racket para tamaan ang bola
2. Ang bola ay pwede lamang tumalbog ng isang beses sa gilid ng mesa na malapit sa
kalaban
3. Bibigyan ng isang puntos kapag hindi natamaan ng kalaban ang bola
4. Bibigyan ng isang puntos ang kalaban kung tumalbog ang bola sa sariling gilid ng mesa
5. Bibigyan ng isang puntos ang kalaban kung hindi tumalbog ang bola sa gilid ng mesa ng
kalaban
Precaution
- Siguraduhin na dalawang racket ang babalik sa intern

Title: Spot it
Objectives
- Upang matuto na makahanap ng isang bagay na kailangan hanapin
- Upang matuto na magbigay atensyon sa gawain
- Upang mapatalas ang isipan at mata
- Upang matuto makihalubilo sa ibang pasyente
Materials
- Spot it cards
Procedure
1. Ang bawat manlalaro ay may mga baraha
2. Maglatag ng isang baraha sa gitna
3. Paunahan na magbababa ng baraha ang mga manlalaro kapag may nakita silang bagay
o imahe na nasa nakalatag na baraha na pareho sa barahang nasa kamay nila
4. Paunahan na maubos ang mga barahang hawak
Precaution
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat

Title: Four connect


Objectives
- Upang matutong dumiskarte
- Upang matuto makihalubilo sa ibang pasyente
- Upang matutong tumapos ng gawain ng may oras na nakalaan lamang
Materials
- Four connect board
- Four connect chips
Procedure
1. Isang manlalaro ang gagamit ng kulay pula
2. Isang manlalaro ang gagamit ng dilaw
3. Ang unang player ay maghuhulog ng isang chip kung saan nila gusto
4. Susunod naman ang kalaban na maghuhulog ng isang chip
5. Salitan na maghuhulog ng chips ang mga manlalaro
6. Kailangan kumonekta ng apat na chips na parehong kulay ng pahalang, patayo, o
palihis
Precaution
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat

OUTDOOR
Title: Dragon’s Tail
Objectives
- Upang matuto makipagusap sa mga kakampi at bumuo ng diskarte
- Upang makapaglaro ng may kalaban
- Upang matutong makinig sa panuto at palatuntunan ng laro
- Upang magkaron ng ibang paraan na mailabas ang enerhiya
Materials
- 2 Panyo
Procedure
1. Ipapaliwanag ang panuto ng laro
2. Hatiin sa dalawang grupo na may tig 4-5 na miyembro
3. Magtakda ng “ulo” at “buntot”
4. Paghawakin ang magkakagrupo sa may balakang na parang nakayakap
5. Dapat hindi makuha ng kabilang grupo ang buntot ng kabila
6. Unahan makakuha ng buntot ng 3 beses.
Precaution
- Iwasan na magkasakitan ang bawat isa. Iitigil agaran ang laro kapag nagsisimula nang
magkasakitan.

Title: Paper Frisbee


Objectives
- Upang matuto makipagusap sa mga kakampi at bumuo ng diskarte
- Upang makapaglaro ng may kalaban
- Upang matutong makinig sa panuto at palatuntunan ng laro
- Upang magkaron ng ibang paraan na mailabas ang enerhiya
Materials
- Red and Blue Ribbon
- Paper plate frisbee
Procedure
1. Hatiin sa dalawang grupo
2. Ipaliwanag ang gagawin
3. Magtakda ng “ate” na magsisilbing taong unang sasalo ng paper plate frisbee
4. Atasan na ipasa ang paper plate frisbee sa kakampi lamang
5. Paunahan na makaraming beses na malagay sa lagayan ang paper plate frisbee
Precaution
- Iwasan ang pagiging pisikal at sakitan sa laro. Ititigil ang laro kapag nagkasakitan na
ang mga manlalaro.

Title: Football
Objectives
- Upang matuto makipagusap sa mga kakampi at bumuo ng diskarte
- Upang makapaglaro ng may kalaban
- Upang matutong makinig sa panuto at palatuntunan ng laro
- Upang magkaron ng ibang paraan na mailabas ang enerhiya
Materials
- Football
- Chalk/tape
Procedure
1. Ang goal ay mamarkahan ng chalk/tape
2. Maghahati sa dalawang grupo
3. Sisipain ang bola
4. Kailangan mailampas ang bola sa goal para mabigyan ng isang puntos
5. Bawal hawakan ng kamay ang bola
Precaution
- Iwasan ang pagiging pisikal at sakitan sa laro. Ititigil ang laro kapag nagkasakitan na
ang mga manlalaro.

PARLOR GAMES
Title: Calamansi Relay
Objectives
- Upang mahasa ang koordinasyon ng ibat ibang parte ng katawan
- Upang masunod ang panuto ng laro
- Upang makatapos ng isang aktibidad sa loob ng inilaan na oras
- Upang makaisip ng diskarte
Materials
- 10 plastic na kutsara
- 6 upuan
- 2 kalamansi
Procedure
1. Maghahati sa dalawang grupo
2. Lahat ay may isang hawak na kutsara
3. May isang kalamansi bawat grupo
4. Pipila ang mga lalahok
5. Ang unang lalahok ay may kalamansi sa kanilang kutsara
6. Gagawa ng zigzag pattern paikot ng 3 upuan papunta sa dulong upuan at pabalik ng
linya
7. Ipapasa ang kalamnsi sa sunod na kalahok
8. Kailangan matapos ang lahat sa grupo
9. Kapag nahulog ang kalamansi, pulutin lamang ito kung saan nahulog at ituloy ang laro
Precaution
- Siguraduhing 10 kutsara ang babalik

Title: Speed Eraser


Objectives
- Upang masunod ang panuto ng laro
- Upang makatapos ng isang aktibidad sa loob ng inilaan na oras
- Upang makaisip ng diskarte
Materials
- 6 lapis
- 6 na baso
- Lamesa
Procedure
1. Hahati sa dalawang grupo ang mga lalahok
2. May 3 na baso at 3 na lapis bawat grupo
3. Kailangang mapatalbog ang eraser ng lapis sa lamesa papasok ng baso
4. Kailangan makaapsok ng isang lapis sa bawat baso
Precaution
- Huwag itasa ang lapis at siguraduhing 6 na lapis at baso ang babalik sa intern

Title: Chandelier
Objectives
- Upang masunod ang panuto ng laro
- Upang makatapos ng isang aktibidad sa loob ng inilaan na oras
- Upang makaisip ng diskarte
Materials:
- 30 paper cups
- 10 paper plate
- lamesa
Procedure
1. Hahatiin sa 2 grupo
2. Bawat grupo ay may 5 na paper plate at 15 na paper cup
3. Maglalagay ng isang paper plate sa itaas ng isang paper cup
4. Magpapatong ng dalawang paper cup sa itaas ng paper plate
5. Papatunagan ng paper plate ang dalawang paper cup
6. Lalagyan ng tatlong paper cup ang ibabaw ng paper plate
7. Uulitin ang proseso hanggang sa may apat at limang paper cup ang ipapatong
Precaution
- Walang nakitang kinakailangan ng pag-ingat

You might also like