You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IV – A CALABARZON
City Schools Division of Cabuyao
Cabuyao Integrated National High School
City of Cabuyao, Laguna

SUMMATIVE TEST ( 3rd QUARTER)


FILIPINO BAITANG 10
Pangalan: _________________________________________________________ Petsa : ____________________

Kompetensi: Nasusuri ang pinagmulan ng salita (etimolihiya) (F10PT-IIIa-76)


A. Panuto:Tukuyin ang pinagmulan at ibigay ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit.
1. Ang salitang ebidensya ay mula sa salitang Espanyol na evidencia at sa salitang ingles na evidence. Anong
salitang Filipino ang kasingkahulugan ng salitang ito? _____________________________
2. Ang salitang inosente ay hiram natin mula sa salitang Ingles na innocent. Ano ang kahulugan ng salitang ito?
___________________________________

Kompetensi: Nagagamit nang angkop ang mga pamantayan sa pagsasaling-wika. (F10WG-IIIa-71)


B. Panuto: Ibigay ang saling-wika ng mga sumusunod na salita. Piliin ang titik ng tamang sagot sa loob ng kahon

_______3.masamang anak A. draw a blank E. cold feet


_______4. ninenerbyos a. goal
B. blacksheep F. second thought
_______5 walang maalala C. cold shoulder G. bring home the bacon
_______6 pagdadalawang isip
_______7 iuwi ang tagumpay

Kompetensi: Nabibigyang- kahulugan ang salita batay sa ginamit na panlapi. (F10PT-IIIb-77)


C. Panuto: Kilalanin ang kahulugan ng mga salita batay sa ginawang paglalapi. Piliin ang titik ng tamang sagot.

_____8 . minamahal A. dalawang taong may pag-ibig sa isa’t isa


_____9. mahalin B. isang bagay na mataas ang presyo at hindi mura
_____10. nagmamahalan C. taong pinag-uukulan ng pagmamahal
_____11. mamahalin D. taong nakadarama o nagbibigay ng pagmamahal
_____12. nagmamahal E. sinasabi sa bibliya na dapat gawin para sa isang kaaway

Kompetensi: Naibibigay ang katumbas na salita na ginamit sa akda.(analohiya) (F10PT-IIIf-g-80)


D. Buuin ang analohiya sa bawat bilang. Piliin ang tamang sagot sa loob ng kahon.

itinaas Hinanap pinuri kinuha nalaman


13. paglabag: pagsunod: : kinutya: ___________
14. inaresto: hinuli: : tinugis: ________________

Kompetensi: Nabibigyang- kahulugan ang mga salitang di lantad ang kahulugan sa tulong ng word association
(F10PT-IIg-h-69)
E. Ibigay ang kasingkahulugan ng mga salitang may salungguhit na di lantad ang kahulugan sa pamamagitan ng
gamit nito sa pangungusap. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa ibaba.

_____15. Sa pagtatakip-silim ng buhay ko ay isang pagsubok ang aking napagtagumpayang hinding-hindi ko


makalilimutan kalianman.
_____16. Wala sa hinagap kong isang bangungot ang nakatakdang maganap sa aking bayan.
_____17. Napakaraming mamamayan ng Silangang Berlin ang nag-alsa- balutan at tumakas patungong
kanluran.

A. Mahirap B. nag-alisan C. pagtanda D. pagsubok E. umunlad

F. Para sa bilang 18 at 19
Kompetensi: Nahihinuha ang damdamin ng sumulat ng napakinggang/ nabasang anekdota. (F10PN-IIIb-77)

Naalala ko pa noong kasalukuyan kaming nakasakay sa bangka nang humulagpos ang


isa kong tsinelas. Ang tsinelas ay ang gamit namin sa pagpasok at pagpunta sa mga
lakaran, kung saan ang bakya na gawa sa kahoy ay hindi nararapat. Mabilis itong
inanod sa tubig bago nahabol ko para kunin. Malungkot ako iniisip ko ang aking ina
dahil naiwala ko ang kabiyak ng aking tsinelas.Tiningnan ako ng nagsasagwan ng
kinuha ko ang aking isa pang tsinelas at dali-dali kong itinapon sa dagat. “Bakit mo
itinapon ang isa mo pang tsinelas?, tanong sa akin ng nakakunot na bangkero. “Kung
sino man ang makakuha ng pares ng tsinelas ay magagamit pa niya ito sa paglakad.

-Hango sa “Ang Tsinelas” ni Jose Rizal

18. Malungkot ako, iniisip ko ang aking ina dahil naiwala ko ang kabiyak ng aking tsinelas. Anong damdamin ang
ipinapakita ng pahayag?
A . pagkatuwa C. pagkatakot
B. pagkainis D. pagtataka
19. “Bakit mo itinapon ang isa mo pang tsinelas?, tanong sa akin ng nakakunot noong bangkero..
A . pagkatuwa C. pagkatakot
B. pagkainis D. pagtataka

Kompetensi: Nasusuri ang binasang anekdota batay sa paksa, tauhan, tagpuan, motibo ng awtor, paraan ng pagsulat
at iba pa. (F10PB-IIIb-81)
G. Panuto: Suriin ang anekdotang “Ang Buhay ni Nelson Mandela batay sa paksa, tagpuan, motibo ng awtor at
iba pa. Punan ang mga patlang ng hinihinging impormasyon

Ang Buhay ni Nelson Mandela

Si Nelson Mandela ay isa sa pinakadakila, hinahangaan, iginagalang at minamahal na lider sa


buong mundo. Kinilala siya dahil sa naging aktibong papel sa pagtataguyod ng pagkakapantay-pantay ng
tao sa kanyang bansang South Africa na noo’y pinamumunuan ng isang pamahalang racist o nag-uuri ng
mga tao batay sa kanilang kula. Sa loob ng dalawampung taon siya’y nanguna sa kampanya para sa
mapayapang pakikipaglaban sa ganitong kalakaran sa kanilang pamahalaan kahit pa nangahulugan ito ng
pagkakabilanggo niya ng dalawampu’t pitong taon. Noong 1994 si Nelson Mandela ay nahalal bilang
kauna-unahang Itim na Pangulo ng South Africa. Subalit maliban sa kanyang makulay na buhay politika,
ang labis na hinangaan ng taong nakakilaa at nakasalamuha niya ay ang kanyang pagiging mabuting tao,
mapagkumbaba, marangal, masayahin at isang tunay na maginoo.

Batayan ng Pagsusuri Anekdota : “Ang Buhay ni Nelson Mandela”


Paksa 20.
Tagpuan at Tauhan 21.
Motibo ng awtor 22.
Mensahe/Aral 23.

Kompetensi: Naibibigay ang sariling opinyon sa mga sinipi mula sa taong pinatutungkulan ng anekdota.
(F10PD-IIIb-75)
H. Panuto: Basahing mabuti ang mga sinipi mula sa pahayag ni Nelson Mandela. Piliin ang angkop na kaisipang
nakapaloob sa bawat isa.
24. “ Ang matatapang na tao ay hindi natatakot magpatawad sa ngalan ng kapayapaa”
A. Ang matapang na tao ay hindi natatakot mamatay.
B. Nagtatapang-tapangan ang isang tao para masabing siya’y bayani
C. Ang tunay na matapang ay ang taong nakikipaglaban at handang magpakumbaba para sa minimithing
kapayapaan
D.Matapang ang isang tao kung marami na siyang napatay upang makamit ang kapayapaan.

25 . “Huwag mo akong husgahan batay sa aking tagumpay kung hindi sa mga pagkakataong ako ay nadapa at
muling bumangon.”
A. Huwag husgahan ang mga taong makasalanan
B. Tingnan ang mga panahong siya’y nabigo ngunit bumangon at muling lumaban at ito tanda ng kanyang
pagwawagi
C. Huwag husgahan ang tao sa kanyang panlabas na kaanyuan
D. Lumaban at bumangon sa panahon ng problema

26. “Edukasyon ang pinakamalakas na sandatang magagamit upang mabago ang mundo”
A. Mag-aral na Mabuti
B. Ang taong may pinag-aralan lang ang magtatagumpay
C. Mababago ng mga nakapag-aral ang ating mundo
D. Edukasyon ang susi upang higit tayong magtagumpay

Kompetensi: Naiaantas ang mga salita ayon sa tindi ng damdaming ipinahayag ng bbawat isa (F10PT-IIIc-78)
I. Panuto: Iantas ang mga salitang nakasulat nang madiin ayon sa tindi ng damdaming ipinahahayag ng bawat
isa mula sa pinakamababaw hanggang pinakamataas. Gawing gabay ang konteksto ng mga pangungusap sa
pag-aantas. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

27 a. Naiinis ako sa panunukso niya sa akin


b. Nagngitngit ako nang saktan niya ako at kunin pa ang mga gamit ko.
c. Nagalit ako nang subukan niya akong saktan
A. c a b
B. a c b
C. b c a
28 . a. Makapagpapalungkot sa kanya ang agawin mo ang bagay na gusto niya.
b. Wala nang natira nang angkinin mo ang lahat ng pag-aari niya.
c. Huwag mo naming kunin ang gamit ng kapatid ko.
A. c a b
B. a c b
C. b c a
29. a. Ang panaginip niya ay nakakatakot kaya hindi mawala-wala sa isip niya.
b. Napangiti siya sa pangarap na naglalaro sa isip niya habang nag-iisa.
c. Isang bangungot ang labis na nagdulot ng sindak at takot sa kanya.
A. a b c
B. b c a
C. c b a
30.a. Umigpaw siya upang makatawid sa mataas na bakod sa kulungan.
b. Tumalon siya upang malaktawan ang makitid na kanal sa tabing kalsada.
c. Humakbang siya upang maabot ang dulo ng kalsada.
A. a b c
B. b c a
C. c b a

Kompetensi: Nabibigyang-kahulugan ang iba’t ibang simbolismo at matatalinhagang pahayag sa tula. (F10PB-IIIc-82)
J. Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga simbolismo at matatalinhagang pahayag na ginamit ng may-akda sa tula.
Bilugan ang titik ng tamang sagot.

31. Ngunit ang isang ibong nanlilisik sa kanyang makitid na hawla ay bihirang makasilip sa mga rehas ng kanyang
pagngingitngit.
A. Ang galit na nadarama ng isang ibong hindi makalipad na dapat sanang ginagawa ng isang ibong tulad niya.
B. Ang galit na kinikimkim at hindi maibulalas ng mga taong nagdaranas ng diskriminasyon at kaapihan sa kamay
ng iba.
C. Ang nadarama ng isang taong maysakit at pinagbabawalang makisalamuha sa iba.
32. Mga pakpak niya’y pinutulan at mga paa’y tinalian kaya’t siya’y nagbuka ng tuka upang makaawit.
A. Ang mga taong nakakulong sa mga rehas ng bilangguan ay dapat lang makapagsalita rin dahil ito’y bahagi pa
rin ng kanilang karapatan.
B. Ang mga taong inaapi at hinuhusgahan base sa kanilang lahi at kulay ay nangahas magsalita at manindigan
para ipaglaban ang kanilang karapatan.
C . Kahit itali o ikulong mo ang isang ibon ay hindi mo pa rin siya mapipigilang umawit dahil ito’y isang bagay na
likas sa kanya.
33. Ang malayang ibon nama’y nag-iisip ng ibang simoy ng hanging malamyos sa mga punong nagbubuntong hininga
ng matatabang uod na naghihintay sa damuhang sinisinagan ng umaga.
A. Ang mga oportunidad at pagkakataong naibibigay sa mga Puti na hindi basta natatamo ng mga Itim dahil sa
hindi pantay na pagtanaw ng lipunan sa kanila.
B. Ang mas malalakas na ibon ay umuubos sa mas maiinam na pagkain kaya naman wala nang naiiwan sa mga
mas mahihina.
C Ang taong likas na maramot dahil kapag nakakita ng oportunidad para umunlad ay sinosolo niya ito at hindi ma
lang ibinabahagi sa iba.

Kompetensi:Nauuri ang iba’t ibang tula at mga elemento nito. (F10WG-IIIc-73)


K. Panuto: Ang mga sumusunod na aytem ay nagpapakita ng iba’t ibang uri at elemento ng tula. Isulat ang titik
ng tamang sagot.
34. Ito ay isang uri ng tula kung saan itinatampok ng makata ang kanyang sariling damdamin at maging
ang kanyang pagbubulay-bulay.
A. Tulang Liriko C. Tulang Patnigan
B. Tulang Pasalaysay D. Tulang Dula
35. Ang elemento ng tula na ipinakita ng mga may salungguhit ay..

Putol na tinapay
At santabong sabaw
Sa nabiksang pinto’y iniwan ng bantay
Halos ay sinaklot ng maruming kamay

Mula sa tulang Tinapay ni Amado V. Hernandez

A. Sukat C. Talinhaga
B. Tugma D. Kariktan
36. Tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod
A. Sukat C. Talinhaga
B. Tugma D. Kariktan
37. Tawag sa elemento ng tula na pinipili at inaayos ang mga salitang ilalapat sa tula at ang kabuuan nito
A. Sukat C. Talinhaga
B. Tugma D. Kariktan

Kompetensi: Napag-uugnay ang mga salitang nag-aagawan ng kahulugan (F10PT-IIIh-i-81)


L. Panuto: Pag-ugnayin ang salita sa hanay A at hanay B upang makabuo ng tambalang salita o mga salitang
nag-aagawan ng kahulugan. Isulat ang iyong nabuong salita sa linya upang mabuo ang diwa ng pangungusap.

A B
bigay bawi
lakad bundok
langit lupa
taong sulong
urong takbo

38.Matagal ng nanirahan sa kabundukan si Okonkwo kaya naman siya ay binansagang __________________.


39. Anumang napagpasyahan ng tribo ay ibinibilang na sagrado at nararapat ipatupad kaya ang ugaling
_______________ ay walang puwang sa puso ng mga tao rito.
40.Pinagsakluban ng ________________ si Ikemefuna nang mahiwalay sa kanyang piling ang
pinakamamahal na ina at kapatid.
41. Nagmamadaling pumunta si Okonkwo sa kanyang obi nang makagawa siya ng krimen kaya naman
_____________________ ang kanyang ginawa para madali siyang makarating.
Para sa bilang 42-44
Kompetensi: Nagagamit ang wastong pahayag sa pagbibigay- kahulugan sa damdaming nangingibabaw sa paksa.
(F10WG-IIId-e-74)
M. Panuto: Ang mga sumusunod ay mga hudyat na ginagamit sa pagbibigay ng sariling pananaw. Piliin ang
angkop na hudyat na nakasulat sa loob ng panaklong.
42. ( Sa tingin ko, Maaaring) mas mahal pa niya kami kaysa sa kanyang sarili.
43. ( Siguro, Inaakala ko ) na manghihina ang kanyang katawang pisikal at ispiritwal subalit nanatili siyang matatag at
nakakapit sa Diyos.
44. (Sa totoo lang, Baka) hindi ako sang-ayon sa kanyang mga sinabi ngunit ayaw ko na lang siyang salungatin.

Para sa bilang 45-50


Kompetensi: Nakasusulat ng isang talumpati na pang SONA (F10PU-IIIf-g-82)
N. Panuto: Isipin mong ikaw ang kasalukuyang pangulo ng Pilipinas at kailangan mong sumulat ng isang
talumpating tatalakay sa isang napapanahong isyung pampolitika. Ang iyong isinulat na talumpati ay tatayain
gamit ang rubric sa ibaba.

Krayterya 3 2 1
1.Nilalaman Nagtataglay ng mga Kahanga-hanga ang Ang nilalaman ng
napapanahong isyung pagtalakay subalit hindi talumpati ay walang
panlipunan at may malinaw na inilahad kinalaman sa isyung
malawak na ang isyung panlipunan panlipunan at walang
datos/detalye na detalyeng nailahad
inilahad
2.Organisasyon Organisado at may Malinaw na nailahad Naglahad lamang ng
ng mga ideya kaisahan ang mga ang detalye subalit ilang pangungusap na
pangungusap sa lahat walang tiyak na simula naglalaman ng sariling
ng talata. Malinaw ang at wakas. pananaw o saloobin.
pagkakasunud-sunod
ng pagtalakay sa
simula, gitna at wakas.
3.Mekaniks Walang mali sa Kinakitaan ng isa May higit sa apat na
pagkakagamit ng mga hanggang apat na kamalian
bantas at malaking titik kamalian.

You might also like