You are on page 1of 49

8

Edukasyon sa
Pagpapakatao 8
Quarter 3 - Module 2
Pagsunod At Paggalang Sa Magulang,
Nakakatanda, At Awtoridad

Government Property

1 NOT FOR SALE


Edukasyon sa Pagpapakatao - Grade 8

Alternative Delivery Mode

Quarter 3 – Mod.2 (Module 10: Pagsunod at Paggalang sa Magulang,)

Nakatatanda, at may Awtoridad

Unang Edisyon

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work
of the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or
office wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit.
Such agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of
royalty.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders.
Every effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from
their respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim
ownership over them.

Published by the Department of Education – Division of Gingoog City

Division Superintendent: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI

Development Team of the Module


Author/s: Kriska Perine C. Millana
Reviewers:
Illustrator and Layout Artist: Joemar Valdevilla
Management Team
Chairperson: Jesnar Dems S. Torres, PhD, CESO VI
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Conniebel C.Nistal ,PhD.


Assistant Schools Division Superintendent

Pablito B. Altubar
CID Chief
Members: Rodrigande Miole, EPS-LRMS

Himaya B. Sinatao, LRMS Manager

Jay Michael A. Calipusan, PDO II

Mercy M. Caharian, Librarian II

Printed in the Philippines by

Department of Education – Division of Gingoog City

Office Address: Brgy. 23,National Highway,Gingoog City


Telefax: 088 328 0108/ 088328 0118

E-mail Address: gingoog.city@deped.gov.ph


8
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Quarter 3 - Module 2:

Pagsunod at Paggalang sa Magulang,


Nakatatanda, at may Awtoridad
Table of Contents
Paunang Salita ......................................................................................................................................... i

Alamin ......................................................................................................................................................... ii

Paano Matuto sa Modyul na Ito ..........................................................................................................iii

Icons of this Module ...............................................................................................................................iii

Subukin.................................................................................................................................................... iv

Aralin 1: Unang Linggo

Leksyon 1.1. Pasusuri sa mga Umiiral na Paglabag sa Paggalang sa Magulang,

Nakakatanda at may Awtoridad............................................................................................

Alamin.............................................................................................................................1

Tuklasin ......................................................................................................................1

Pagyamanin ..................................................................................................................2-3

Suriin ...............................................................................................................................4

Isaisip..............................................................................................................................4

Isagawa ..........................................................................................................................5

Leksyon 1.2. Umiiral na Paglabag sa Paggalang sa Magulang, Nakakatanda, at may

Awtoridad

Balikan.............................................................................................................................. 6

Alamin.............................................................................................................................6-7

Tuklasin ......................................................................................................................8

Suriin ..............................................................................................................................8

Pagyamanin .................................................................................................................9

Isaisip..............................................................................................................................10

Isagawa ..........................................................................................................................10
Aralin 2: Ikalawang Linggo

Lekyon 2.1. Paghinuha sa Dapat Gawin sa Pagsunod At Paggalang sa mga Magulang,


Nakakatanda, at may Awtoridad dahil sa Pagmamahal, sa Malalim sa Pananagutan at sa
Pagkilala sa Kanilang Awtoridad na Hubugin, Bantayan at Paunlarin ang mga Pagpapahalaga ng
Kabataan

Balikan ............................................................................................................................11

Alamin.............................................................................................................................11

Tuklasin ......................................................................................................................12

Pagyamanin .................................................................................................................12

Suriin ..............................................................................................................................13

Isaisip..............................................................................................................................14

Isagawa ..........................................................................................................................14

Aralin 3: Ikatlong Linggo

Leksyon 3.1. Pagsagawa ng mga Angkop na Kilos ng Pagsunod at Paggalang sa mga


Magulang, Nakakatanda at may Awtoridad at Pagimpluwensya sa Kapwa Kabataan na
Maipamalas ang mga Ito

Balikan ............................................................................................................................15

Alamin .........................................................................................................................15

Tuklasin ..........................................................................................................................16

Pagyamanin .................................................................................................................17

Suriin ..............................................................................................................................18

Isaisip..............................................................................................................................18

Isagawa ..........................................................................................................................18

Buod ....................................................................................................................................................... 19

Pagtatasa: (Post-Test) ..................................................................................................................... 20-22

Key to Answers .................................................................................................................................. 23

References ........................................................................................................................................... 2
Paunang Salita
Meron bang pamantayan ang paggalang? Gaano ba kalalim na
ang pagkaintindi ng mga kabataan sa pagsasagawa ng paggalang? At
paano ba ang wasto o angkop na pagsunod at paggalang sa
magulang, nakakatanda at may awtoridad?

Sa kasalukuyang hinaharap natin na pandemya sa kalusugan


malaking hamon sa mga kabataan ngayon ang pagsagawa sa angkop
at wastong kilos kung paano sumunod at gumalang sa kanilang mga
magulang, nakakatanda, at may awtoridad. Kung magabayan ng
wasto at matutunan ng mabuti ang angkop na kilos kung paano
sumunod at gumalang ang ating kabataan maaring maibsan o
malunasan ang mga suliranin sa pamayanan. Lalo na ngayon na
kinakailangan ang pagsunod at paggalang sa mga magulang at may
awtoridad para maagapan at masolusyunan ang pandemyang -
Covid19.

Sa modyul na ito, inaasahan na matutunan mo ang mga birtud


sa pagsunod at paggalang para sa ikauunlad ng pakikipagkapwa-tao.

i
Alamin

Sa modyul na ito, inaasahang maipamamalas mo ang sumusunod na kaalaman at pag-


unawa:

➢ Nasusuri ang mga umiiral na paglabag sa paggalang sa magulang, nakaktanda at may


awtoridad; (EsP8PB-IIIc-10.2)

➢ Nahihinuha na dapat ang pagsunod at paggalang sa mga magulang, nakakatanda at


may awtoridad sa pagmamahal, sa malalim na pananagutan at sa pagkilala sa kanilang
awtoridad na hubugin, bantayan at paunlarin ang mga pagpapahalaga ng kabataan; at
(EsP8PB-IIId-10.3)

➢ Naisasagawa ang mga angkop na kilos ng pagsunod at paggalang sa mga magulang,


nakakatanda at may awtoridad at nakaimpluwensya sa kapwa kabataan na maipamalas
ang mga ito. (EsP8PB-IIId-10.4)

Para magawa ito ng maayos, inaasahang mapahusay mo ang sumusunod na kasanayan:

❖ Pakikipanayam sa mga tao para makakuha ng karagdagang impormasyon

❖ Pagsususulat ng repleksyon sa Journal, liham, tula, o kanta

❖ Pananaliksik sa mga batas

❖ Pagamalikhain sa pagguhit at pagpinta

ii
Paano matuto sa Modyul na ito

Para makamit ang layunin na nabanngit sa itaas, gawin ang mga sumusunod:

• Basahin ng mabuti at unawain ang mga aralin.

• Sundin ng mabuti ang mga panuto sa mga gawain, pagsasanay at pasulit

• Sagutin lahat ang nailahad na mga gawain, pagsasanay at pasulit

Icons of this Module

Sa bahaging ito, malalaman mo


Alamin ang mga dapat mong matutuhan
sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin


kung ano na ang kaalaman mo sa
aralin ng modyul. Kung nakuha mo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaari
mong laktawan ang bahaging ito ng
Subukin modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-


aral upang matulungan kang
Balikan maiugnay ang kasalukuyang aralin
sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin


ay ipakikilala sa iyo sa maraming
Tuklasin paraan tulad ng isang kuwento,
awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng


maikling pagtalakay sa aralin.
Suriin Layunin nitong matulungan kang
maunawaan ang bagong konsepto at
mga kasanayan.

iii
Binubuo ito ng mga gawaing para sa
mapatnubay at malayang
pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan
Pagyamanin sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit
ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng
Isaisip pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin
Isagawa ang bagong kaalaman o kasanayan
sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


Pagtatasa masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


Susi sa Pagwasto lahat ng mga gawain sa modyul.

ii 9
Subukin

Bago mo simulang pag-aralan ang mga konsepto sa modyul na ito, subukin

mo muna ang iyong sarili.

Mahalaga ring maunawaan mo na kung anuman ang maging resulta ng

paunang pagtatayang ito, hindi ito magiging bahagi ng pagbibigay sa iyo ng marka,

kundi isang mahalagang pagbabatayan ng iyong pag-unlad.

Unang Pagtataya

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan. Bilugan ang tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod ang pagpapakita ng paggalang?

a. Pagbabahagi ng talento sa kapwa

b. Pagsunod sa mga alituntunin


c. Pakikibahagi sa mga kaganapan sa komyunidad

d. Paglalaan ng panahon sa pamilya at kaibigan

2. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kasanayang gawi o ritwal ng pamilya?

a. Nabubuklod nito ang pamilya

b. Nakikita ang mga gawi ng pamilya

c. Nakakasalamuha nito ang miyembro ng pamilya

d. Napagtitibay nito ang presensya ng pamilya

3. Paano mo ipapakita ang paggalang sa mga nakakatanda sa iyo?

a. sumunod sa lahat ng kanilang ipinag-uutos


b. kung may mali sa kanilang pinapatupad na batas ay ituwid mo ito

c. magsalita ng maayos kung makikipag-usap sa kanila


d. sundin ang mga payo na binigay nila sa iyo

iv
4. Paano mo maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

a. Sumoporta sa kanilang proyekto at sumunod sa batas.

b. Ipahayag ang iyong pananaw sa mga bagay na alam mong mali.

c. Ipahayag at huwag manahimik kung may nakikitang mali sa programa nila.


d. Suportahan ano man ang kanilang programa at batas na pinapatupad.

5. Paano natutunan ng isang bata ang pagsunod at paggalang?

a. paggaya sa nakikita sa mga tao sa paligid

b. pagsangguni sa mga taong pinagkakatiwalaan niya

c. pagsasabuhay sa mga itinuturong aral ng mga magulang tungkol sa paggalang

d. pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda sa kanilang maling gawain

6. Saan nagsimula ang pagkatuto ng bata na sumunod at gumalang?

a. sa kanyang kapaligiran na kinalakihan


b. sa mga itinuro ng kanyang mga magulang
c. sa kanyang natutunan sa paaralan

d. sa mga nakikita niyang gawi ng mga tao sa nakakasalamuha

7. Nagkaroon ng malalim na paghanga si Lucy sa isang social media influencer. Lahat


ng mga ginagawa nito sa mga video vlog ay ginagaya niya. Naging keyboard warrior
siya para idepensa ang kanyang iniidolo sa mga bashers nito. Kahit may klarong mali na

iv
8. ang pinagsasabi nito ay todo pa rin ang pagdepensa at paghanga niya. Si Lucy ay
nagpapkita ng _____________.

a. katarungan b. kasipagan c. pagpapasakop d. pagsunod

8. Ano ang karaniwang hadlang sa isang tao para sumunod sa utos?

a. pagkakaroon ng sariling isip na sumuway dahil hindi nila nagustuhan

b. hindi nauunawaan ang pinag-uutos

c. nagpapailalim sa katamaran
d. nakasanayan sa bahay na kinalakihan

9. Alin sa sumusunod ang pagpapakita ng paggalang sa magulang?

a. Nakalimutang ang kaarawan nila


b. Tatakas kung hindi pinayagan na gumala.

c. Paghingi ng permiso na kumuha ng pagkain na nasa refrigerator

d. Lahat ng utos nila ay susundin kahit hindi kaya

10. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay


magpapakita pa ng paggalang at pagsunod sa awtoridad dahil sa mga balita na
gumagawa sila ng taliwas sa kanilang gampanan. Ano ang pinakamabuting gawin
mo dito?

a. Alamin ang mga batas at alituntunin na dapat sundin at karapatang pantao na

ipaglaban. Gawin ang nararapat na kilos ayon sa nalaman.

b. Sumangguni sa mga nakakatanda kung ano dapat ang gawin at isakilos

c. Palagpasin ang nagawang pagkakamali dahil ngayon lang nangyari at hindi ka

naman naapektuhan.

d. Ipahayag ang saloobin sa social media tungkol sa mga pagkakamali ng may


awtoridad.
Lesson Title of the Lesson
1.1 Pagsusuri sa mga Umiiral na Paglabag sa Paggalang sa
Magulang, Nakakatanda, at may Awtoridad

Alamin

Bago ka magsimula sa aralin na ito, subukin mo muna ang iyong sarili sa mga
kaalaman sa mga nagdaang aralin tungkol sa konsepto ng pagsunod at paggalang. Sagutin
ang Unang pagtataya na makikita sa unang bahagi ng modyul na ito.

Tuklasin

Gawain 1. Pagtuklas ng Dating Kaalaman!

Balikan mo ang nakaraang karanasan sa mga paraan mo kung paano sumunod at


gumalang sa magulang, nakakatanda at may awtoridad. Punan ang talaan.

Sumunod Paggalang
• Magulang
• Nakakatanda
• Awtoridad

1
Batay sa Gawain 1, sagutin ang sumusunod na tanong:

a. Meron bang relasyon ang pasunod at paggalang? Ano-ano ang mga


ito?
b. Bakit kailangang sumunod at gumalang sa mga magulang,
nakakatanda at may awtoridad?

Batay sa mga sagot ninyo bumuo ng graphic organizer o gumuhit (picture story o
poster)
Hal.

Kraytirya 5 4 3 2
Organisasyon Tugma ang May mga ideya na Hindi naitugma Hindi tugma
pagkakahimlay hindi tugma ang ang mga ideya ang ideya sa
ng ideya sa pagkakahimlay. sa paksang paksang
paksang tinalakay tinalakay tinalakay.
Nailabas ang Maayos, malinis, Hindi masyadong Magulo at hindi Walang
pagkamalikhain at at malikhaing maayos, malinis, malinis na pagkamalikhain
Pulido ng paggawa paggawa. at malikhaing pagkagawa at maduming
o pagguhit paggawa. pagkagawa.

Pagyamanin

Para sa pagpapalalim sa iyong kaalaman tungkol sa paggalang at pagsunod,

basahin at unawaing mabuti ang mga impormasyon sa ibaba.

2
Natututuhan ng bata ang paggalang at pagsunod sa pamamagitan ng:

1. Pagmamasid sa kanilang magulang at ibang kasapi ng pamilya kung paano

sila gumagalang sa ibang tao, sa nakatatanda, sa mga may awtoridad, sa

pamahalaan, mga opisyal nito at sa mga batas na kaniyang ipinatutupad;

maging ang paggalang sa Diyos at sa kinikilalang pananampalataya ng

pamilya.

2. Pagkikinig at pagsasabuhay ng mga itinuturong aral ng mga magulang tungkol

sa paggalang at pagsunod. Ang pagtuturo at paggabay ay isa sa mga

pangunahing tungkulin ng mga magulang upang mapalaki nila ang kanilang

mga anak na nagagabayan ng kagandahang-asal.

3. Disiplina at pagwawasto nang may pagmamahal at pagmamalasakit. Hindi

maiiwasan ang mga di sinasadyang pagkakamali kaya’t mahalaga ang

pagwawasto ng mga magulang at nakatatanda upang ang tunay na diwa ng

pagiging magalang at masunurin ay makasanayan at maisabuhay.

(mula sa: http://www.bibleclassbooks.com/teaching-values/respect.html)

Kung naging maayos ang paghubog sa mga naunang taon ng iyong buhay,

mauunawaan mo ang kahalagahan ng marapat na paggalang at pagsunod,

dahil sa pagkilala mo sa pamilya bilang hiwaga, halaga at presensiya.

Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod at sa mga magulang?

Ang paggalang at pagsunod sa magulang ay maipakikita sa pamamagitan

ng sumusunod na gawain (http://www.ehow.com/info_12004304_5-ways-

respectparents.html):

1. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon.Kapag ang magulang ay nagtakda

ng hangganan, dapat itong igalang sa pamamagitan ng di pag-abuso sa

itinakda. Ang pagkatok sa kuwarto ng iyong mga magulang bago pumasok at

paghingi ng permiso bago kainin ang anumang pagkaing nakatago sa

refrigerator ay nagpapakita ng paggalang.

2. Paggalang sa kanilang mga kagamitan. Naipakikita mo ang paggalang kung


3
naiingatan mo ang mga bagay na iyong ginamit at hiniram.

3. Pagtupad sa itinakdang oras. Naipakikita mo ang paggalang kung umuuwi ka

nang maaga at di na kung saan-saan pa pupunta nang walang paalam.

3. Pagiging maalalahanin. Isa pang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa

kanila ay ang pag-alaala sa mga mahahalagang okasyon sa buhay nila, tulad

ng kaarawan, anibersaryo, at iba pa.

5. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal. Maipakikita ang paggalang sa

pamamagitan ng paggamit at pagbigkas ng mga magagalang na pananalita at

pakikinig sa kanilang mga sinasabi o ipinapayo.

Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda?

Ang pagpapakita ng paggalang sa nakatatanda ay isang magandang bahagi

ng kultura ng mga Pilipino. Sa simula pa lamang, ang mga bata ay tinuturuang

gumamit ng ‘Po’ at ‘Opo’ sa kanilang pakikipag-usap at pagmamano sa mga

nakatatanda. Narito ang ilang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga

nakatatanda (ayon sa aklat ng Respect for the Elderly: Implications for Human

Service Providers ni Sling, 2004):

1. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na

pakikipag-usap. Sa kanilang edad, marami na sa kanila ang lubhang

maramdamin, kung kaya’t maging maingat sa mga gagamiting salita at kilos.

2. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng

kanilang mayamang karanasan sa buhay.

3. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging

matiisin at matiyaga sa maraming bagay.

4. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng

pagsasama sa kanila sa mga karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal

na pagdiriwang.

5. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na makabubuti sa

4
kanila. May mga pagkakataong sila ay nagiging makulit at mapilit sa kanilang

nais kainin, inumin o gawin. Maging sensitibo sa kanilang mga kagustuhan,

kakayahan at damdamin. Hindi lahat ng nais nila ay makabubuti sa kanilang

kalusugan at kalagayan. Isaalang-alang lagi ang kabutihang maidudulot ng mga

bagay na kanilang hinihiling.

Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

Narito ang ilan sa mga paraan upang maipakita ang paggalang sa mga

taong may awtoridad (ayon kay Wolff, n.d.)

1. Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa mga

taong may awtoridad. May mga taong pinili ang Diyos upang pagkalooban ng

tungkulin at pagkatiwalaan ng Kaniyang awtoridad. Malaki ang maitutulong ng

kanilang taglay na karunungan at kakayahan upang magampanan ang

tungkuling ipinagkaloob sa kanila sa pagkamit ng layunin at pagtugon sa

kabutihang panlahat.

2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan.

Ang pagkakaroon ng awtoridad ay isang maselang tungkulin dahil nakasalalay

ang kapakanan ng mga nasasakupan sa mga pagpapasiya na kaakibat ng mga

ipinatutupad na batas o patakaran. Sa pamamagitan ng panalangin, hilingin na

pagkalooban ang mga taong may awtoridad na magkaroon ng sapat na

karunungang gagabay sa makatwirang pagpapasiya, lakas ng loob at malusog

na pangangatawan upang makapagpatuloy sa paggawa at paglilingkod sa

kapwa.

3. Maging halimbawa sa kapwa. Kung nais mong makaimpluwensya ng kapwa

upang sila ay maging magalang at masunurin, mas maraming pakinabang ang

maidudulot nang pagsasabuhay ng birtud ng paggalang at pagsunod. Mas

madaling mauunawaan ng iyong kapwa ang kahalagahan ng paggalang at

pagsunod kung nakikita nila ang iyong pagsusumikap na igalang at sundin ang

iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad, at nakikita rin nila ang
5
mabuting naidudulot nito sa kanilang pagkatao at sa lipunang kanilang

kinabibilangan.

4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat

sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay

nagkakalapat ang mga pananaw at paniniwala. Subalit, maipakikita pa rin ang

paggalang kahit na magkasalungat ang mga pananaw at paniniwala. Kailangan

lamang ng maayos na diyalogo upang maisaalang-alang ang kabutihang

panlahat.

Suriin

Pakikipanayam at Pasasaliksik

Panuto: Magtanong sa mga magulang o guardian o mga kasama sa bahay o


kapit-bahay ( sumunod sa Standard Health Protocol e.g social distancing at pagsuot
ng mask) sa mga sumusunod na tanong:
(Note: Dalawang tao lang ang tatanungin)

a. Paano po ninyo ipinapakita ang pagsunod at paggalang sa inyong


mga magulang, nakakatanda at may awtoridad?

b. Ano-ano po ang mga paglabag sa paggalng sa mga magulang,


nakakatanda at may awtoridad na nagawa o nakita ninyo?

c. Paano nakaaapekto sa buhay ninyo ang mga paglabag na ito?

6
Isaisip

Punan ang Talaan

Isulat sa talaan ang nakalap na impormasyon ay suriin ng mabuti at iwasan ang


mga paglabag na nabanggit. Magsaliksik sa mga kasalukuyang paglabag na
nasaksihan, nabalitaan o nagawa. Tigdadalawa sa paglabag sa paggalang sa
magulang, nakakatanda at may awtoridad.

Hal.

Pakikipanayam Pananaliksik
Magulang 1. 1.

2. 2.
Nakakatanda 1. 1.

2. 2.
Awtoridad 1. 1.

2. 2.

Isagawa

Repleksyon

Sumulat ng repleksyon sa mga nakalap na impormasyon sa pakikipanayam sa


kapamilya o kapit-bahay. Isulat ito sa Activity notebook o Journal notebook

7
Lesson Title of the Lesson
Umiiral na Paglabag sa Paggalang sa Magulang,
1.2 Nakakatanda, at may Awtoridad

Balikan

Balikan Natin!

Kung merong dapat balikan, ito ay ang nakaraang talakayan. Gumawa ng

concept map para sa gabay sa pagbalik mo.

Concept Mapping
Panuto: Gumawa ng Concept Map sa mga paglabag sa paggalang ng
magulang, nakaktanda at may awtoridad na natutunan mo sa nakaraang aralin.

8
Alamin

Mang-aawit ba ako?

Mahilig ka bang kumanta? Kung oo, madali lang ito sa iyo. Kung hindi, gawin
mo pa rin dahil may kinalaman ito sa susunod na gawain. Huwag kang mag-alala walang
kriteryang susundin at hindi ka mamarkahan nitong gagawin mo.

Ang gawin mo ay simple lang - Kantahin ang kanta ni Freddie Aguilar na “Anak”
sa ano mang paraan na alam mo basta huwag lang baguhin ang tono. Isapuso at damdamin
ang mga lyriko habang kinakanta ito.

Anak
Freddie Aguilar

Noong isilang ka sa mundong ito


Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila ang iyong ilaw
At ang nanay at tatay mo'y
Di malaman ang gagawin
Minamasdan pati pagtulog mo
At sa gabi'y napupuyat ang iyong nanay
Sa pagtimpla ng gatas mo
At sa umaga nama'y kalong ka
Ng iyong amang tuwang-tuwa sa iyo

Ngayon nga ay malaki ka na


Ang nais mo'y maging malaya
Di man sila payag
Walang magagawa
Ikaw nga ay biglang nagbago
Naging matigas ang iyong ulo
At ang payo nila'y sinuway mo

9
Di mo man lang inisip na
Ang kanilang ginagawa'y para sa iyo
Pagkat ang nais mo'y
Masunod ang layaw mo
Di mo sila pinapansin

Nagdaan pa ang mga araw


At ang landas mo'y naligaw
Ikaw ay nalulong sa masamang bisyo
At ang una mong nilapitan
Ang iyong inang lumuluha
At ang tanong,"anak, ba't ka nagkaganyan"
At ang iyong mga mata'y biglang lumuha ng di mo napapansin
Pagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali
Pagsisisi at sa isip mo'y
Nalaman mong ika'y nagkamali

Tuklasin
Tanong Mo, Sagot Mo

Palakpakan ang sarili sa pagkanta nasa tono man o hindi. Para mapalalim ang
pagkakaintindi mo sa pagsunod at pagalang ng iyong magulang, tanungin mo
ang iyong sarili sa mga sumusunod na tanong sa tungkol sa kantang “Anak” ni
Freddie Aguilar? Sagutin ito sa kailaliman ng iyong kaalaman at damdamin.
Isulat sa activity notebook.

a. Ano-ano ang mga paglabag na nabanggit sa kanta?


b. Ano ang mga dahilan sa paglabag na naganap?
c. Ano ang bunga o maaring bunga sa paglabag na naganap?

10
Suriin

Self-Discovery
Panuto: Sa journal notebook, isulat ang iyong personal na karanasan sa paglabag sa
paggalang sa iyong magulang, nakakatanda at maw awtoridad at ano ang naging bunga
nito.

11
Pagyamanin

Bakit umiiral ang mga paglabag sa pag-utos at hindi paggalng sa mga


magulang, nakakatanda at may awtoridad?

Nalaman ninyo sa nagdaang mga modyul ang kahalagahan ng pamilya. Dito sa


usapin na pagsunod at paggalang, ang pamilya ay may malaking gampanin sa paghubog
nito. Sabi nga, ang tahanan ay unang paaralan ng isang bata.

Saan ba natutong sumunod at gumalang ang isang indibidwal? Natutunan ba ito? Kailan
dapat ituro?

Mahalagang isaalang-alang ang edad ng bata sa paghubog ng magagandang ugali,


tulad ng pagiging masunurin o pagsunod sa magulang, nakatatanda at may awtoridad.
Kritikal ang ikatlo hanggang ikaapat na taon dahil kinikilala ng bata ang awtoridad ng
kinagisnan niyang pamilya nang walang pagtatangi o bahid man ng pag-aalinlangan. Mas
madali para sa isang bata ang sumunod sa kaniyang mga magulang at nakatatanda dahil sa
direktang pagtanggap niya mula sa mga ito ng seguridad, pagmamahal at pag-aaruga para
sa kaniyang kaayusan at kagalingan. Pagkatapos ng tatlo hanggang apat na taon,
nagsisimula nang mahubog ang kilosloob ng isang bata. Kaya’t habang siya ay
nagkakaedad, nabibigyang katwiran niya ang kaniyang ikikilos kung kailangang sundin ang
ipinag-uutos at tuluyang magpasakop o mangangailangan muna siya ng pagsangguni kung
ang ipinag-uutos ay kaniyang gagawin o hindi (Isaacs, 2001; nabanggit sa Kurikulum ng
Edukasyong Sekundarya Gabay sa Pagtuturo ng Edukasyon sa Pagpapahalaga, 2010;
Sheen, .

Sa kabila nito, hindi natin mapigilan na merong hamon na dadating sa ating pamilya at sa
mga birtud na ating natutunan. Ang mga hamon na ito ay maaring magdulot para malabag
ang birtud ng pagsunod at paggalang.

Mga Hamon sa Buhay

Maraming suliranin ang naidudulot nang pagkawala o untiunting paghina ng nakagisnang


gawi o ritwal na dulot ng pagkawala ng mahal sa buhay, paglipat ng tirahan o

paghahanapbuhay ng magulang sa malayong lugar, at epekto ng teknolohiya at


industriyalisasyon. Kung ikaw ay nasanay na sabay-sabay kayong kumakain, hindi ba’t

hahanap-hanapin mo iyon kung ang iyong magulang ay abala sa paghahanapbuhay

12
upang maitaguyod ang pangangailangan ng pamilya? Kung nasanay ka sa mapagkalingang
pag-aalaga ng iyong magulang at ikaw ay nakatira ngayon sa inyong kamag-anak (sa kung
ano pa mang kadahilanan) na malayo sa inyong tirahan, hindi ba’t nakalulungkot iyon?
Maaaring humina ang ugnayan dahil sa mga pagbabagong nararanasan ng mga kasapi sa
pamilya. Kadalasan, ito rin ang nagiging sanhi ng di pagkakaunawaan, paghihiwalay, at
minsan ay humahantong pa sa pananakit, dahil unti-unti nang nawawala ang paggalang at
pagbibigay ng halaga sa pamilya at sa mga kasapi nito. Nakalulungkot isipin na may mga
pamilyang hindi naiingatan ang mga kasapi laban sa karahasan mula sa mga tao o bagay

sa labas at maging sa loob ng pamilya. Unti-unti na ring dumarami ang insidente ng


karahasan at pangaabuso sa mismong kasapi ng pamilya.

Kung ang pansariling interes ng mga tao ang patuloy na mangingibabaw, magdudulot ito
ng kaguluhan. Dahil dito, tungkulin ng lipunan na mapangalagaan ang kapayapaan, disiplina
at kapakanan ng mga taong kaniyang nasasakupan, alang-alang sa kabutihang panlahat.
Sa pamamagitan ng mga batas na ipinatutupad, maiingatan at maipaglalaban ang dignidad
at karapatan ng mga tao at mapagbubuklod sila tungo sa pagkamit ng layuning maging
ganap.

Isaisip

Sagutin ang mga sumusunod na tanong at isulat sa Activity/Journal notebook:

1. Bakit may mga paglabag sa pagsunod sa pag-uutos ng mga magulang,


nakakatanda at may awtoridad?

2. Ano ang mga dahilan bakit may mga umiiral na paglabag sa paggalang ng mga
magulang, nakakatanda ta may awtoridad?

3. Gaano kahalaga ang pamilya sa paghubog ng indibidwal sa pagsunod at


paggalang sa kanila [magulang], nakakatanda, at may awtoridad?

Isagawa

• Sa EsP Journal/Activity Notebook, sumulat ng karanasan kung saan ay


hindi ka sumunod sa utos ng iyong mga magulang. Ano ang naging
bunga nito, at aral na napulot mo?

13
14
Lesson Title of the Lesson
Paghinuha sa Dapat Gawin sa Pagsunod at Paggalang
Sa mga Magulang, Nakakatanda, at may Awtoridad dahil

2 Sa Pagmamahal, sa Malalim na Pananagutan at sa


Pagkilala sa kanilang Awtoridad na Hubugin, Bantayan
at Paunlarin ang mga Pagpapahalaga ng Kabataan

Balikan

Gunitain ang batas sa inyong silid-aralan. Balikan ang mga


pangyayari na ito ay nalabag mo.

Pagtuklas sa Sarili

Magmunimuni at tanungin ang sarili sa mga dahilan kung bakit nilabag mo


ito. Isulat sa Journal notebook ang lahat ng impormasyong nakalap mo sa iyong
sarili.

Alamin

Ihambing ang mga batas sa paaralan sa batas ng inyong lungsod/komyunidad at


pamamahay.

15
Tuklasin

Pagkatapos mong ihambing ang mga batas, ano ang nahinuha mo tungkol sa

pagsunod at paggalang sa magulang, nakakatanda at may awtoridad?

Sagutin ang mga gabay na tanong:

1. Bakit nararapat na igalang at sundin ang mga magulang, nakatatanda, at may

awtoridad?

2. Gaano kahalaga ang pagsunod sa mga batas sa pamamahay at pamayanan o bansa?

3. Nakakapekto ba kung paano ginabayan at tinuruan ang isang bata sa pagsunod at

paggalang sa maaring asal niya sa kasalukuyan?

16
Pagyamanin

Paano mo maisasabuhay ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at


pagmamahal?

Maipakikita mo ang paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang, nakatatanda at may


awtoridad kung kinikilala mo ang kanilang halaga. Dahil dito, kinikilala at pinahahalagahan

mo ang kanilang tungkuling hubugin, subaybayan at paunlarin ang iyong mga magagandang
ugali at mga pagpapahalaga. Mapagtitibay mo ang mga birtud na ito sa pamamagitan ng

pagpapakita ng pagmamahal, pananagutan at pagkilala sa kanila bilang biyaya ng


Maylalang.

Maisasabuhay natin ang paggalang na ginagabayan ng katarungan at pagmamahal sa


pamamagitan ng sumusunod na mungkahi ayon kay David Isaacs

(Character Building, 2001)

1. Panatilihin ang pagkakaunawaan, bukas na komunikasyon, at pagkilala sa halaga ng


pamilya at ng lipunang kinabibilangan.

2. Kilalanin ang kakayahan ng bawat tao na matuto, umunlad at magwasto ng kaniyang


pagkakamali.

3. Pagtugon sa pangangailangan ng kapwa, sa pamamagitan ng patuloy na pagtulong at


paglilingkod sa kanila.

4. Laging isaalang-alang ang damdamin ng kapwa sa pamamagitan ng maayos at marapat


na pagsasalita at pagkilos.

5. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng pagpapakita


ng angkop na paraan ng paggalang.

6. Suriing mabuti ang kalagayan o sitwasyon ng kapwa upang makapagbigay ng angkop na


tulong bilang pagtugon sa kanilang pangangailangan. Hangga’t maaari makipagtulungan
sa mga institusyong maaaring makatulong sa kanila.

7. Bilang bahagi ng katarungan, ibigay sa kapwa ang nararapat sa kaniya at ang nararapat
ay ang paggalang sa kaniyang dignidad.

8. Sa pakikipag-usap sa kapwa, iwasan ang madaliang panghuhusga at pagbibitiw ng


masasakit na salita. Mahalaga ang aktibong pakikinig at pag-iwas sa anumang uri ng
diskriminasyon.

17
9. Laging isaisip ang kahalagahan ng tunay na paglilingkod sa kapwa na may kalakip na
pagmamahal at pagpapatawad. Bilang kabataan, inaasahan na magiging mabuting
halimbawa ka sa lahat ng aspeto ng iyong pamumuhay. Kung ikaw ay kinakikitaan ng
iyong kapwa ng pagiging magalang at masunurin, hindi mahirap para sa iyo ang
makaranas ng paggalang mula sa iyong kapwa. Sa pag-iingat mo sa iyong karangalan sa
pamamagitan ng patuloy na paggawa ng mabuti at pag-iwas sa paggawa ng masama,
ang paggalang ng iba ay iyo ring mararanasan at ipagkakaloob ito sa iyo nang may kusa
at may lakip na pagmamahal.

Tungkulin ng lipunan ang pangalagaan ang dignidad ng matatanda sa pamamagitan ng

pagkakaroon ng mga batas na mangangalaga sa kanila. Nararapat na tugunan ng

lipunan ang pangangailangan ng bawat kasapi nang walang pagtatangi.

(Pope John Paul II, 2002)

Suriin

Panuto: Pagkatapos ng diskusyon, punan ang angkop na salita ayon sa paksang


tinatalakay sa itaas.

PAGGALANG + PAGSUNOD _______________

18
Isaisip

Gumawa ng tula o kanta, poster o guhitin ang mga dapat


gawin sa pagsunod at paggalang sa magulang,
nakakatanda at may awtoridad.

Isagawa

Gumawa ng liham para sa iyong mga magulang.Nakapaloob sa


liham ang paghingi ng tawad sa pagsuway o hindi pagsunod at
paggalang at pasasalamat sa gabay at pangaral na binigay nila
para matuto kang sumunod at gumalang sa kanila, sa nakakatanda
sa iyo at sa may awtoridad.

19
Lesson Title of the Lesson
Mga Angkop na Kilos ng Pagsunod At Paggalang Sa Mga
Magulang, Nakakatanda at may Awtoridad at

3 Pagimpluwensya sa Kapwa Kabataan na Maipamalas ang


mga Ito

Balikan

Basahin ang ginawang liham. Tanungin ang sarili kung paano


maisasabuhay ang mga nilalaman ng iyong liham.

Alamin

Gumawa ng checklist sa mga bagay na dapat mong gawin para mapatibay ang
iyong paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang.

Hal.
Palagi Paminsa- Madalang Hindi Nagawa
minsan
Pagmamano

20
Tuklasin

Batay sa nagawa mong checklist gumawa ng matrix kung paano


maisasakatuparan ang mga nabanggit mo sa checklist.

Mga Dapat Gawin Petsa Lugar Para Mga Taong Hadlang sa


Isagawa Kaagapay Gawain
Pagmamano Araw-araw Sa bahay Mga magulang Nakalimutan
at kapatid

Hal.

Pagyamanin

Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod at sa mga magulang?

Ang paggalang at pagsunod sa magulang ay maipakikita sa pamamagitan

ng sumusunod na gawain (http://www.ehow.com/info_12004304_5-ways-

respectparents.html):

2. Pagkilala sa mga hangganan o limitasyon.Kapag ang magulang ay nagtakda

ng hangganan, dapat itong igalang sa pamamagitan ng di pag-abuso sa

itinakda. Ang pagkatok sa kuwarto ng iyong mga magulang bago pumasok at

paghingi ng permiso bago kainin ang anumang pagkaing nakatago sa

refrigerator ay nagpapakita ng paggalang.

4. Paggalang sa kanilang mga kagamitan. Naipakikita mo ang paggalang kung

naiingatan mo ang mga bagay na iyong ginamit at hiniram.

3. Pagtupad sa itinakdang oras. Naipakikita mo ang paggalang kung umuuwi ka

nang maaga at di na kung saan-saan pa pupunta nang walang paalam.


21
5. Pagiging maalalahanin. Isa pang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa

kanila ay ang pag-alaala sa mga mahahalagang okasyon sa buhay nila, tulad

ng kaarawan, anibersaryo, at iba pa.

5. Pagiging mapagmalasakit at mapagmahal. Maipakikita ang paggalang sa

pamamagitan ng paggamit at pagbigkas ng mga magagalang na pananalita at

pakikinig sa kanilang mga sinasabi o ipinapayo.

Paano maipakikita ang paggalang at pagsunod sa mga nakatatanda?

Ang pagpapakita ng paggalang sa nakatatanda ay isang magandang bahagi

ng kultura ng mga Pilipino. Sa simula pa lamang, ang mga bata ay tinuturuang

gumamit ng ‘Po’ at ‘Opo’ sa kanilang pakikipag-usap at pagmamano sa mga

nakatatanda. Narito ang ilang paraan ng pagpapakita ng paggalang sa mga

nakatatanda (ayon sa aklat ng Respect for the Elderly: Implications for Human

Service Providers ni Sling, 2004):

1. Sila ay arugain at pagsilbihan nang isinasaalang-alang ang maayos na

pakikipag-usap. Sa kanilang edad, marami na sa kanila ang lubhang

maramdamin, kung kaya’t maging maingat sa mga gagamiting salita at kilos.

2. Hingin ang kanilang payo at pananaw bilang pagkilala sa karunungang dulot ng

kanilang mayamang karanasan sa buhay.

3. Iparamdam sa kanila na sila ay naging mabuting halimbawa lalo na sa pagiging

matiisin at matiyaga sa maraming bagay.

4. Kilalanin sila bilang mahalagang kasapi ng pamilya sa pamamagitan ng

pagsasama sa kanila sa mga karaniwang gawain ng pamilya at mga espesyal

na pagdiriwang.

5. Tugunan ang kanilang mga pangangailangan at kahilingan na makabubuti sa

kanila. May mga pagkakataong sila ay nagiging makulit at mapilit sa kanilang

nais kainin, inumin o gawin. Maging sensitibo sa kanilang mga kagustuhan,

kakayahan at damdamin. Hindi lahat ng nais nila ay makabubuti sa kanilang

22
kalusugan at kalagayan. Isaalang-alang lagi ang kabutihang maidudulot ng mga

bagay na kanilang hinihiling.

Paano maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

Narito ang ilan sa mga paraan upang maipakita ang paggalang sa mga

taong may awtoridad (ayon kay Wolff, n.d.)

1.Magbasa at pag-aralan ang tunay na tagubilin ng Diyos sa paggalang sa mga

taong may awtoridad. May mga taong pinili ang Diyos upang pagkalooban ng

tungkulin at pagkatiwalaan ng Kaniyang awtoridad. Malaki ang maitutulong ng

kanilang taglay na karunungan at kakayahan upang magampanan ang

tungkuling ipinagkaloob sa kanila sa pagkamit ng layunin at pagtugon sa

kabutihang panlahat.

2. Lagi mong ipanalangin ang mga taong may awtoridad na ikaw ay pamahalaan.

Ang pagkakaroon ng awtoridad ay isang maselang tungkulin dahil nakasalalay

ang kapakanan ng mga nasasakupan sa mga pagpapasiya na kaakibat ng mga

ipinatutupad na batas o patakaran. Sa pamamagitan ng panalangin, hilingin na

pagkalooban ang mga taong may awtoridad na magkaroon ng sapat na

karunungang gagabay sa makatwirang pagpapasiya, lakas ng loob at malusog

na pangangatawan upang makapagpatuloy sa paggawa at paglilingkod sa

kapwa.

3. Maging halimbawa sa kapwa. Kung nais mong makaimpluwensya ng kapwa

upang sila ay maging magalang at masunurin, mas maraming pakinabang ang

maidudulot nang pagsasabuhay ng birtud ng paggalang at pagsunod. Mas

madaling mauunawaan ng iyong kapwa ang kahalagahan ng paggalang at

pagsunod kung nakikita nila ang iyong pagsusumikap na igalang at sundin ang

iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad, at nakikita rin nila ang

mabuting naidudulot nito sa kanilang pagkatao at sa lipunang kanilang

kinabibilangan.

23
4. Alamin at unawain na hindi lahat ng pagpapasiya at mga bagay na dapat

sundin ay magiging kaaya-aya para sa iyo. Hindi sa lahat ng pagkakataon ay

nagkakalapat ang mga pananaw at paniniwala. Subalit, maipakikita pa rin ang

paggalang kahit na magkasalungat ang mga pananaw at paniniwala. Kailangan

lamang ng maayos na diyalogo upang maisaalang-alang ang kabutihang

panlahat.

Suriin

Panuto: Balikan ang checklist na ginawa at sagutan ang ito ng makatutuhanan. At


sagutin ang mga sumusunod na tanong:

a. Ano ang natuklasan mo pagkatapos gawin ang checklist?


b. Paano mo mapapatibay ang mga gawain na nakasanayan mo na?
c. Paano mo mapapahusay ang mga mga gawain na nakakaligtaan
mong gawin?

Isaisip

Pagninilay

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:


1. Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay mo nang may katarungan at pagmamahal
ang paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang, nakatatanda at may awtoridad?
2. Paano mo maipakikita ang marapat na paggalang at pagsunod mo sa iyong mga

magulang, nakatatanda, at may awtoridad?

24
Isagawa

Gumawa ng Diary ,sa loob ng isang buwan, sa mga gawain na nakapaloob sa matrix
o plano kung paano ang nararapat na pagsunod at paggalang sa magulang,
nakakatanda at may awtoridad

25
Buod

26
27
Pagtatasa: (Post-Test)

Pagkatapos mong magkaroon ng mas malalim na pagkaintindi at kaalaman sa mga


konsepto sa modyul na ito, alamin natin kung gaano na kalalim ang iyong ito.

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga katanungan at pangungusap.

I. Multiple Choice. Bilugan ang letra sa tamang sa sagot.

1. Gaano ka importante ang pamilya sa sa paghubog ng birtud ng paggalang at

pagsunod?

a. Mahalaga, dahil sila ang pinagkukunan ng lakas at ikakabubuhay ng isang bata

b. Mahalaga, dahil sa kanila una natuto ang bata at malaki ang kanilang

impluwensiya

c. Mahalaga, dahil sila ang sandalan kung merong unos na dumating sa pamilya

d. Mahalaga, dahil sila ang nagbibigay suporta sa mga hakbang na gagawin mo

sa iyong buhay

2. Paano mo maipakikita ang paggalang sa mga taong may awtoridad?

a. Sumoporta sa kanilang proyekto at sumunod sa batas.

b. Ipahayag ang iyong pananaw sa mga bagay na alam mong mali.

c. Ipahayag at huwag manahimik kung may nakikitang mali sa programa nila.

d. Suportahan ano man ang kanilang programa at batas na pinapatupad.

3. Paano mo mas higit na maipapakita ang paggalang sa mga nakakatanda?

a. Pagmamano sa kanila tuwing kayo ay magkikita

b. Magbigay pugay kapag sila ay bumisita sa iyo.

c. Ibigay ang iyong upuan kung nakita mo silang nakatayo sa pampublikong sasakyan.

d. Palaging gumamit na “po” at “upo” tuwing magsasalita


28
4. Nagsisimula nang mahubog ang kilos-loob na isang bata pagkatapos ng edad na tatlo

hanggang apat. Ano ang implikasyon nito?

a. madaling makasusunod sa mga ipinag-uutos ng kaniyang mga magulang.

b. nagkakaroon ng pagkilala sa kahalagahan ng pagsunod sa kaniyang buhay.

c. nagkakaroon ng pag-unawa sa kahalagahan ng mga tuntuning itinatakda.

d. kumikilos ayon sa mga ipinatutupad na utos ng kaniyang magulang.

5. Bakit mahalaga ang pagkakaroon ng kasanayang gawi o ritwal ng pamilya?

a. Nabubuklod nito ang pamilya

b. Nakikita ang mga gawi ng pamilya

c. Nakakasalamuha nito ang miyembro ng pamilya

d. Napagtitibay nito ang presensya ng pamilya

6. May kaklase ka na hindi marunong gumalang at sumunod sa opisyales ng inyong

silid-aralan. Ano ang maari mong gawin para siya ay matutong sumunod at gumalang

sa kanila?

a. Hayaan siya at ang guro na nag magdidiplina sa kanya

b. Magsawalang kibo at hindi ka naman naapektuhan sa kinikilos niya

c. Pagsabihan siya kung gaano kahalaga ang paggalang sa mga taong may

awtoridad

d. Ipaunawa at ipakita sa kanya kung paano gumalang at sumunod sa mga taong may

awtoridad sa inyong silid-aralan.

7. Ano ang iyong gagawin upang maisabuhay mo nang may katarungan at pagmamahal

ang paggalang at pagsunod sa iyong mga magulang?

a. Magsaliksik at unawaing mabuti ang mga alituntunin at batas.

b. Mag-aral ng mabuti para sa iyong pamilya.

29
c. Maging mapagmalasakit at mapagmahal sa kanila sa pamamagitan ng pakikinig sa

kanilang sinasabi o pinapayo..

d. Maging tapat sa kanila at sasabihin palagi kung saan ka pupunta.

8. Kailangan ba na lahat ng pinag-uutos sa atin ng ating mga magulang at nakakatanda ay

palaging sundin?

a. Oo, dahil sila ay may mayaman na karanasan na sa buhay

b. Oo, dahil alam na nila kung ano ang mas nakabubuti sa iyo

c. Hindi, dahil hindi naman lahat tama ang kanilang pinag-uutos.

d. Hindi, sa mga pagkakataon na ang utos nila ay magdadala sa iyo sa kapahamakan at

taliwas sa kabutihang-asal.

9. Ano ang karaniwang hadlang sa isang tao para sumunod sa utos?

a. pagkakaroon ng sariling isip na sumuway dahil hindi nila nagustuhan

b. nakasanayan sa bahay na kinalakihan

c. hindi nauunawaan ang pinag-uutos

d. nagpapailalim sa katamaran

10. Maraming kabataang tulad mo ang nagkaroon ng pag-aalinlangan kung sila ay

magpapakita pa ng paggalang at pagsunod sa awtoridad dahil sa mga balita na

gumagawa sila ng taliwas sa kanilang gampanan. Ano ang pinakamabuting gawin

mo dito?

a. Alamin ang mga batas at alituntunin na dapat sundin at karapatang pantao na

ipaglaban. Gawin ang nararapat na kilos ayon sa nalaman.

b. Sumangguni sa mga nakakatanda kung ano dapat ang gawin at isakilos

c. Palagpasin ang nagawang pagkakamali dahil ngayon lang nangyari at hindi ka

naman naapektuhan.

d. Ipahayag ang saloobin sa social media tungkol sa mga pagkakamali ng may

awtoridad.

30
II. Tama/Mali.

Isulat ang T kung tama ang pangungusap kung hindi ay isulat ang M sa patlang bago ang
bilang.

____1. Natutunan ng bata ang paggalang sa pamamagitan ng pagmamasid sa kanilang


magulang at ibang kasapi ng pamilya.

____2. Ang pakikinig sa pauli-ulit na paalaala ng ina ay pagpapakita ng paggalang.

____3. Ang pagsasabuhay ng birtud ng paggalang at pagsunod ay mabuting paraan para


makaimpluwensya sa kapwa mo kabataan.

____4. Isaalang-alang ang pagiging bukod-tangi ng bawat tao sa pamamagitan ng

pagpapakita ng angkop na paraan ng paggalang.

____5. Ang presensya ng isang pamilya ay nakakagawa ng kagawian na maghuhubog sa


isang bata para matutong gumalang.

____6. Ang paggalang at pagsunod sa magulang, nakakatanda at maw awtoridad ay likas


na gawain at hind na dapat matutunan.

____7. Sumangguni sa mga kapamilya o awtoridad na pinagkakatiwalaan mo kapag ang


iniuutos sa iyo maghahatid sa kaphamakan at lumbag sa kabutihang asal.

____8. Hingin ang payo ng mga nakakatanda at pananaw bilang pagkilala sa

karunungang dulot ng kanilang mayamang karanasan sa buhay.

____9. Kapag may nakitang maling nagawa sa mga taong may awtoridad dapat

punain ito at ibahagi sa social media.

___10. Kritikal ang ikatlo hanggang ikaapat na taon ng bata dahil kinikilala ng nila

ang awtoridad ng kinagisnan niyang pamilya nang walang pagtatangi o

bahid ng pagaalinlangan.

31
Key to Answers

Kraytirya 5 4 3 2
Organisasyon Tugma ang May mga ideya na Hindi naitugma Hindi tugma
pagkakahimlay hindi tugma ang ang mga ideya ang ideya sa
ng ideya sa pagkakahimlay. sa paksang paksang
paksang tinalakay tinalakay tinalakay.
Nailabas ang Maayos, malinis, Hindi masyadong Magulo at hindi Walang
pagkamalikhain at at malikhaing maayos, malinis, malinis na pagkamalikhain
Pulido ng paggawa paggawa. at malikhaing pagkagawa at maduming
o pagguhit paggawa. pagkagawa.

Pre-Test/Unang Pagtataya Answer Key


1. b
2. d
3. c
4. a
5. c
6. b
7. c
8. d
9. c
10. a

32
Post-Test Answer Key
I. Multiple Choice II. Tama.Mali

1. b 1. T

2. a 2. T

3. c 3. T

4. d 4. T

5. d 5. T

6. d 6. M

7. c 7. T

8. d 8. T

9. b 9. M

10. a 10. T

33
References

Bognot et. al., 2013. Edukasyong Pagpakatao 8 Modyul Para sa Mag-aaral (Unang
Edisyon).Vibal Publishing House, Inc.

https://www.metrolyrics.com/anak-lyrics-freddie-aguilar.html

https://www.youtube.com/watch?v=D4f7ZxgzmXQ

34
35
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City

Fr. William F. Masterson Ave Upper Balulang Cagayan de Oro

Telefax: ((08822)855-0048

E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph


36

You might also like