You are on page 1of 203

Clueless (Candy Stories #3) (To be published)

by TheCatWhoDoesntMeow

"It's not love unless we say it." - Mimi

_____
Minsan, kung sino 'yong lagi mong kasama, 'yon pa ang hindi mo mabasa. Kung ano
'yong madalas mong maramdaman, 'yon pa ang mahirap maintindihan. At kung ano 'yong
madalas mong hilingin, 'yon pa ang malabong abutin. May tamang panahon daw lahat ng
bagay. Kailan kaya nalalaman kapag tama na ang panahon?

Novel | Young Adult

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Copyright

This is a work of fiction. Names, characters, businesses,


places, events and incidents are either the products of the author's imagination or
used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or
actual events is purely coincidental.
The original image used for the book cover of this work is not the author's
property. No copyright infringement intended.
07:33 PM | Oct. 10, 2017

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Teaser

***
No boyfriend since birth. No crush since birth (maliban sa fictional
characters, so, counted ba 'yun?). No MU since birth. Food is life. Wattpader.
Kdrama addict. Kpopper.
Maliit lang ang mundo ko. Kaunti lang din ang tao. Sina Yanyan at Iya. Sina
Mama, Papa, at Kuya.
At si Warren na rin pala.
Karamihan sa mga kilala ko, problemado sa pagiging single o sa love life nila.
Mas problemado ako sa taghiyawat ko at sa lapad ko sa camcorder tuwing may
projects. Saka, sa third party sa wattpad story na binabasa ko. Dapat mawala na
'yun para magkatuluyan na ang mga bida.
Pero minsan, kapag nalulungkot ako, kapag nag-iisip ako nang malalim, at kapag
kasama ko si Warren tapos nakangiti siya... may something. 
___
TCWDM: Tweet using #CluelessWP :)

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 01: Always is Easy

TCWDM: Please use #CluelessWP for tweets you'd like me to


see. Labyu :3
***
Nag-blink ang cellphone na hawak ko sa isang notification.
Pusang Mamon updated Clueless - Chapter 3: Love is exclusive
Tinakpan ko ang bibig ko para pigilan ang kakawalang tili. Hininaan ko rin ang
pwersa ng padyak ko sa sahig at ang hampas ko kay Warren na natutulog sa tabi ko.
Nakaunan siya sa braso niya, nakaharap ang mukha sa'kin.
"Sorry," bulong ko. "Kinilig lang ako. May update sa wattpad, eh."
Kababata ko si Warren. No'ng eight years old ako, lumipat ang pamilya namin sa
isang upahang bahay sa compound kung nasaan din ang bahay ng mga Tejeron (pamilya
nina Warren) at ng mga Hernandez (pamilya ng kaibigan kong si Iya). Magha-high
school na nang magkaroon kami ng permanenteng bahay sa ibang block na walking
distance sa compound. Hindi nawala ang closeness ng pamilya namin sa mga pamilya
nila. Nang mag-college na kami, nahiwalay ng course at school sa'kin sina Iya at
ang kapatid kong si Yanyan. Si Warren ang nakasama ko sa school na kumukuha ng
parehong kurso sa'kin: AB Broadcast Communication.
Matipid lang na ngumiti si Warren habang nakapikit. Alam ko namang hindi siya
magigising. Kahit yata umulan ng isanlibong updates sa mga stories na hinihintay
kong basahin tapos hampasin ko siya ng isanlibong hampas din, made-deflect lang ng
biceps niya ang energy ko. Tapos, parang hele na makakatulog pa siya lalo.
I don't know why, but he really loves sleeping during our group meetings.
Speaking of meeting...
"Anong nangyayari, Amy?" tanong ni Libby na sa'kin nakatingin.
Nasa Performance studio ang buong block namin. Nililingon nila kaming nakaupo
sa bandang likuran. Itinaob ko sa desk ko ang cellphone ko para hindi ako kiligin
sa notif no'ng update. Hindi ko pa rin naman mababasa dahil sa meeting.
"Wala. May ano lang... sa phone," sagot ko at ngumiti. "Sorry, distracting."
Nawala na agad ang atensyon ni Lib sa'kin. Siya ang direktor at group leader
para sa final project namin sa Broadcasting 132: Live Broadcast. Ang gusto ni
Prof., mag-live broadcast kami ng isang news program sa school channel at school
radio namin. Ang bagal naming mag-decide sa mga roles ng bawat isa dahil 21 kami at
dapat, lahat may parts.
"Hindi pa natin nase-settle kung sinong News Manager, writer, tatlong anchors,
at dalawang floor director," sabi ni Libby sa group.
Lahat kaming nakaupo, nagtitinginan. May mga roles na kasi 'yung iba. 'Yung iba
pa na wala gaya ko, either mag-step up para kunin 'yung mga roles na natitira o
tumulong na lang sa props at set-up para sa live.
Kung mas malakas ang loob ko, magbo-volunteer ako parang maging isa sa mga
anchors. Pangarap ko 'yun, eh. Kaso...
"Ako na lang ba mag-decide?" sabi ni Libby. "Oo na lang kayo 'pag okay kayo,
ha?"
Sumang-ayon ang majority. Magaling mag-assign si Libby ng roles kaya madalas
siyang group leader. Mabilis din siyang mag-isip ng remedyo 'pag may problema.
Nang magturo na siya ng roles, nakatingin ako sa kanya. Sinusubukan kong
hulihin ang mga mata niya lalo na no'ng sa mga anchors na. Baka kasi maramdaman
niyang gusto ko 'yun. At halos nasabi ko naman na sa buong klase na gusto ko 'yun.
Kaso, ang ending, writer ako at news manager. Sina Roxie, Sam, at Gwen ang mga
anchors. Si Warren, naging Floor Director kahit natutulog.
Asado na naman ako. Alam ko namang wala akong aasahan. Mahirap piliing maging
anchor ang gaya ko kasi ang taba ko. Hindi rin ako maganda.
Tinapik ko si Warren nang mag-usap-usap na sa mga roles na gagawin.

"Warren..."
Kumibot lang ang labi niya sa pagbulong ko.
Inilapit ko ang bibig ko sa tainga niya. "Warren... gising na. May sinasabi si
Libby."
Tinakpan niya ng palad niya ang tainga niya. Pinitik ko naman.
" 'Oy, gising ka na. Uuwi na tayo."
Iminulat niya ang isang mata niya at itinuon sa'kin.
"Liar," bulong niya at nag-nibble sa lips niya.
"Naririnig mo ang usapan?" tanong ko.
Naglalatag na si Lib kung ilan ang target na news bits.
"Kaunti. Let me sleep..." mababa ang boses na sabi niya.
"Matatapos na ang meeting."
"Hindi pa." He hushed me after. " 'Wag kang bumulong sa tainga ko, Amethyst.
Nahihirapan akong matulog."
Ngumuso lang ako. Pagtingin ko kay Libby, nakatingin din sa'kin.
"Uh... ginigising ko lang si Warren..." paliwanag ko.
"Hayaan mo na siyang matulog," mahinang sabi nito. "May tennis practice siya
after, 'di ba?"
Tumango ako.
"Nakikinig ka naman, eh. Just tell him about the meeting after," sabi pa.
Sinulyapan ko si Warren. Tumaas 'yung isang sulok ng labi niya. Arogante. Alam
na alam niyang hindi siya sisitahin ng kahit na sinong kaklase namin.
Nakinig ako hanggang sa ma-settle lahat ng roles. Ang mangyayari, kanya-kanya
kaming gagawa ng news reports on national issues and local school news. Ang mga
footages o video clips, pwedeng kunin online basta may proper watermark. Ang mga
school news naman, pwede naming i-film by smaller groups kung kailangan. Kanya-
kanya na rin ng edit. After magawa ang news clips, ipapakita sa'kin para mai-line
up ko. Ako rin ang maghe-headline ng mga 'yun for the live recording. Tapos,
gagawan ng script ang mga anchors. May limang rehearsals kami before the live
recording. Kami ang tatao sa lahat ng post ng broadcast: pre-recorded clips (vtr),
camera, production, streaming, at recording.
May isa't kalahating buwan kami para gawin lahat 'yun.
"Panonoorin sana namin today 'yung movie na assign sa papers natin sa
Humanities. Sama kayo?" tanong ni Roxie sa'kin bago ngumuso kay Warren. Nakatayo na
siya mula sa desk niya.
I mouthed "natutulog" to her.
Napatango siya.
"Saka, may practice siya sa tennis," dagdag ko.
Ang totoo, gusto ko talagang sumama sa kanila para maki-bonding. Ang kaso,
kapos na ang allowance ko. Sigurado pa naman akong hindi lang nood ng sine ang
gagawin nila kundi kain at arcade din. Nahihiya naman akong humirit kay Kuya o kina
Mama at Papa dahil mahina ang kita ngayon sa tindahan namin at sa talyer. Sobrang
laki ng ginagastos ko sa mga video at radio projects sa Broadcasting course ko.
Wala naman akong scholarship. Si Yanyan na may scholarship, maliit ang gastos sa
Business Management na course niya.
"Okay. See you tomorrow na lang," sabi ni Roxie.
Nagtayuan ang mga kaklase ko at kumaway nang palabas na sila sa Performance
studio. Maliit lang akong nagbalik ng kaway sa kanila bago balingan si Warren na
nakapikit pa rin.
Kinalabit ko siya sa braso. "Tulog ka pa rin talaga?"
Nag-tsk siya.
"Hindi nga? May tennis practice ka," paalala ko.

"Five minutes," tinatamad na sabi niya.


Tumitig ako sa makapal na kilay at sa mahahabang pilikmata niya. Kapag
nakapikit siya, nakakainggit talaga eh. Kitang-kita ang pungay ng mata niya. Ang
kinis pa ng mukha. Ako, may kapuputok lang na taghiyawat. Kaasar. Kung
magkakataghiyawat si Warren kahit na isa lang, siguradong gagaan ang pakiramdam ko.
"C.R. muna 'ko," sabi ko sa kanya.
Hindi siya kumibo. Lumabas naman ako sa studio.
***
Ilang hakbang mula sa pinto ng restroom ng mga babae nang marinig ko ang boses
ng mga kaklase ko sa loob.
"Tulog na naman si Warren, 'no?"
Boses ni Gwen 'yun.
"Oo. Kinukunan kaya ni Amy ng picture 'yun 'pag natutulog? Hingi kaya tayo?"
sabi ni Roxie at mahinang tumawa. "Gusto ko ng picture niya sa cellphone ko!"
"Nakita ko one time, nagni-nibble siya ng lips!"
Nagtilian sila nang pigil. I could make out their voices to be from Gwen,
Libby, and Roxie. Dahil nando'n silang tatlo, siguradong kasama rin nila sina
Penelope at Eula. Sila ang limang pinakamagaganda sa block namin. Matatangkad.
Brainy. At tatlo sa kanila, confirmed na may gusto kay Warren.
Mula first year college kami, kung sinu-sino na ang may gusto kay Warren.
Understandable naman. He's smart. He plays basketball and tennis in our school
(no'ng first year, nasa basketball siya bago mag-tennis nang third year). And he's
a Tejeron. Ang mga Tejeron, mula kay Jacob na kuya niya hanggang kay Maxwell na
bunso nila, may snobbish appeal. Artistahin ang mukha. Pang-male leads sa wattpad
ang tikas ng katawan. Sila 'yung inaabangan ngumiti kasi hindi palangiti.
Inaabangan magsalita dahil hindi palasalita.
Si Iya nga, baliw na baliw kay Jacob mula bata kami. Kahit kapag parang
sinusungitan siya o sinisita, kinikilig pa. Hindi ako maka-relate kasi hindi ko
alam 'yung gano'ng pakiramdam. Feeling ko, kung susungitan ako ng magiging crush
ko, iiyak ako.
Speaking of crushes, wala pa 'kong nagiging crush since birth. Hindi ko alam
kung bakit. Gustong-gusto ko pa namang makipagkuwentuhan tungkol do'n. Sina Yanyan
at Iya no'ng high school kami, madalas mag-usap tungkol sa love life. In love kasi
si Iya kay Jacob tapos parang wala siyang pag-asa. Si Yanyan naman, maraming
nagkakagusto pero parang wala lang sa kanya. Wala akong maiambag kasi wala na nga
akong lovelife, wala pa 'kong crush. Minsan, naki-crush ako sa pinaka-school crush
no'ng high school. Tapos, kinuwento ko kina Iya at Yanyan. Sinasabi ko lang 'yung
sinasabi rin ng ibang girls na dahilan ng pagka-crush nila kay Robin. Hindi
naniwala sa'kin sina Iya at Yan.
Pa'no kaya magka-crush, 'no? Gusto ko ring kiligin nang legit, eh. Sa wattpad
na lang ako kinikilig. Mas marami pa 'kong crush na fictional kaysa crush sa
totoong buhay.
"Pero kanina... napansin mo, Libby? Nakatingin sa'yo si Amy," sabi ni Roxie.
"Gusto siguro no'n ng anchor role."
Nawala ang ngiti ko sa pagbabago ng usapan nila. Kinakabahan ako.
"Alam ko naman na gusto niya..." sabi ni Libby, "kaya lang kasi..."
Natahimik sila sandali.
" 'Oy, hindi naman sa sinisiraan natin si Amy, ha? She's nice and all. Smart
din siya," si Libby uli. "Pero kasi, ang taba niya talaga ngayon."
Napahawak ako sa isang braso ko habang nakikinig.
"Alam n'yo 'yun? Mas mataba siya ngayon kaysa no'ng first year tayo, 'di ba?"
si Libby.
"Oo. No'ng first year, chubby lang siya, eh," sabi ni Penelope. "Lately, ang
bilog niya talaga."
"Ang laki pa naman ng boobs niya, 'no? Tapos, ang laki na rin ng bewang at iba
pang parts," si Eula.

"Ang sagwa na naman nga niya tingnan sa uniform natin,"


dagdag ni Roxie.
" 'Yun nga. Eh... 'ayun. Alam n'yo naman 'yung rule sa broadcast. 'Di bale kung
radio broadcast lang, walang problema sa kanya kasi ang ganda ng boses niya sa
radio. DJ na DJ," si Libby uli. "Pero kapag may visual nang kailangan, mahirap kasi
ang laki niya sa camera."
"Yeah. May dagdag na pounds pa naman sa camera," si Gwen.
"Saka alam n'yo, minsan iniisip ko, she should try harder to make herself
presentable kung talagang gusto niyang maging anchor or announcer. Kasi 'yung post
na 'yun, kailangan ng visual lalo na kung television." Bumuntonghininga si Roxie.
"I'm not judging her or anything, ha? Basta, alam n'yo 'yun? Kung gusto niya talaga
mag-anchor, she should sweat it out."
Nag-agree halos silang lahat. Nakatungo naman ako sa sapatos ko.
In my head, I agreed with them, too. Totoo naman 'yung mga sinabi nila.
Nasasaktan lang ako kasi ayoko no'ng katotohanan.
Mas mataba talaga ako ngayon kaysa no'ng first year kami. Hindi pa uli ako
nagtitimbang pero more than seven kilos siguro ang na-gain ko. Pagkain kasi ang
takbuhan ko sa lahat ng oras at lahat ng bagay. Kumakain ako 'pag nai-stress, may
sini-celebrate, o nabo-bore. Kaya kahit tambangan at tambakan ako ng stress, tataba
pa rin ako.
Narinig kong kumikilos na sila palabas kaya tinapik-tapik ko ang mga pisngi ko.
I have to smile when they see me. Baka isipin nilang may problema kapag hindi ako
nakangiti.
Nagkasalu-salubong kami sa mismong pinto ng banyo. Papalabas sila at papasok
ako. Natigilan sila pagkakita sa'kin.
" 'Oy, nandito pa pala kayo," bati ko sa kanila.
Nagkatinginan silang lima. Si Libby ang unang nakapagsalita.
"Oo. Ang dadaldal kasi ng mga 'to."
Ngumiti lang ako.
"Uh... kanina ka pa? O kararating mo lang?" tanong ni Roxie.
"Ha? Ngayon lang," sabi ko. "Bakit?"
I saw relief on their faces. Mabuti naman. They shouldn't feel bad for saying
the truth.
"Wala naman," sabi ni Pen. "Una na kami, ha?"
"Okay. Enjoy kayo sa movie!"
Nakangiti kami sa isa't isa nang kumaway at magpaalam. Nang wala na sila sa
paningin ko, do'n pa lang ako pumasok sa restroom.
Sinalubong ako ng imahe ng sarili ko sa malalaking salamin. I couldn't help but
stare.
Namumula 'yung pumutok na taghiyawat ko sa noo, oily na ang mukha ko dahil
hapon na, at ang siopao ng pisngi ko. Tinusok ko ng hintuturo ko ang pisngi ko.
Nagba-bounce lang do'n ang daliri ko. Babaon. Babalik. Babaon. Babalik.
Matangos naman ang ilong ko. Mapungay ang mata. Mamula-mula ang labi. Pero
hindi ako maganda kasi mataba ako.
Mula pagkabata, sanay akong hindi ako maganda. Sanay na rin akong maging
mataba. Sanay akong panabla sa pagitan ng mga babaeng magaganda, smart, at talented
gaya nina Yanyan at Iya. Ako 'yung side character lang sa mga theater play namin.
Ako 'yung lalapitan lang ng mga lalaki para magpatulong sa panliligaw kay Iya o kay
Yanyan. Ako 'yung ang pinakamatinding compliment na makukuha ay 'Ang nice mo'.
It's always like this. I'm the nice one but that's it. Wala nang iba pang
pwedeng i-compliment. Ngayong napapalibutan ako ng mga tao sa course namin na
magaganda at matatangkad, lalo akong lumulubog. I wasn't specially pretty nor
specially smart. I wasn't rich nor talented. I wasn't specially interesting. Kung
ilalagay ako sa loob ng isang kwento, siguradong pang-supporting character lang
dahil ang mga concerns ko, hindi pwedeng maging pang-lead character.
I realized from experience and through the stories that I read that if you're
not specially this and that, if you're not superior in some way over the others, if
you're not more than ordinary, you cannot be loved.
Kaya dahil ordinaryo lang ako, kasama ako sa iba pang ordinaryong taong
naghihintay ng plot twist sa sarili naming mga kwento. I'm hoping for a surprise
that would change my fate into something worthy of a story.
Kaso, ang tagal dumating ng plot twist ko.
Ngumiti ako sa reflection ko sa salamin at hinayaan ang pag-umbok ng siopao
cheeks ko. Dapat, hindi ako mag-dwell sa mga nakakalungkot na thoughts. Ang sagwa
naman kung mataba na nga ako, hindi na nga ako kagandahan, pessimistic pa. Matu-
turn off na talaga ako sa sarili ko 'pag nagkataon. So, maybe I should just think
about other things like... ah! 'Yung wattpad update, babasahin ko na. Gigisingin ko
si Warren para sa tennis practice niya at...
Napatingin uli ako sa mukha ko sa salamin. Parang cute naman din ako minsan,
eh. Wala lang nakakapansin. Tinusok-tusok ko uli ang pisngi ko.
Whatever. 'Di bale nang mataba ako, basta hindi ako gutom. #848 g / 10252017

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 01: Always is Easy (part 2)

***
Pagbalik ko sa studio, nag-iinat na si Warren. Iniikot ang mga balikat niya
habang nakaupo pa rin. Nakatingin siya sa'kin hanggang sa makalapit ako sa desk ko.
"Anong problema?" tanong niya pagkatapos sipatin ang mukha ko.
"Ha? Anong anong problema?" balik-tanong ko sa kanya.
Umupo ako sa tabi niya at kinuha ang phone ko. Pagbukas ko ng wattpad notif ko,
nag-vote na agad ako bago ko pa makita ang first line ng story. Makaambag man lang
sa vote count ni Author dahil hindi naman ako nagko-comment talaga. Silent reader
ako, eh.
"Pangit update sa binabasa mo?" he asked. Humikab pa. 'Yung kabilang balikat
naman niya ang inikot niya.
"Hindi ko pa nga nababasa ang update," mahinang sabi ko. "Magbabasa pa lang
sana ako."
Nakatingin sa'kin si Warren. "Ba't ganyan mukha mo?"
"Ano?"
Sinalubong ko ang mata niya. Ilang segundo na nakatingin lang kami sa isa't
isa. Kumunot ang noo niya, nagbago ng topic.
"Wala na pala sila," aniya.
Ngumuso ako. Akala mo talaga, hindi niya alam, eh. Modus nito. Lagi kaya siyang
saktong gumigising 'pag tapos na ang meeting at wala na ang mga kaklase namin.
"Natutulog ka ba talaga kanina?" tanong ko.
"Medyo lang. Ingay, eh."
Luh. Maingay talaga kasi meeting 'yun. Ni hindi nga siya dapat natutulog.
"Floor director ka," ani ko.
"Narinig ko pa 'yun," sabi niya. "Wala akong news report na gagawin?"
"Wala."
"Nagugutom ka? Kain tayo."
Sumimangot ako. Kaya wala akong ligtas sa pagtaba eh. Kapag sa bahay namin,
puno ng pagkain ang ref. Kapag nasa compound ako, laging may cupcakes, muffins, o
cake na libre kay Auntie Mona. Kapag nasa school naman, laging nagyayaya si Warren
na kumain. Eh hindi naman ako blessed ng mabilis na metabolism gaya niya, ni Iya, o
ni Yanyan.
"Ang taba ko na," sabi ko.
Tumiim ang lapat ng labi niya. "Anong problema ro'n? May nagsabi uli sa'yong
mataba ka?"
Lulubog sana ako sa upuan ko pero hindi ako kasya. Hays.
"Wala. Anong kakainin natin?" sabi ko na lang.
Okay naman na 'ko kanina bago ako umalis sa restroom. Naghilamos ako para
mawala 'yung oil sa mukha ko. Hindi rin ako umiyak. Pero dahil nagtanong si Warren
ng 'Anong problema?' parang gusto kong magsumbong.
"Wala ka naman yatang gana," aniya.
Nakiramdam ako sa tiyan ko. Medyo nalulungkot lang ako pero gusto niya ng
pagkain.
"Lilibre mo 'ko?" tanong ko sa kanya.
"Oo."
"Wala kang dalang cake ni Auntie Mona?"
"Wala eh."
Ang sarap sanang kumain ng cake ni Auntie. It was comforting like warm days and
good friendships and familiarity. Mabilis makagaan ng loob.
"Magdadala ako bukas," sabi ni Warren.
Namilog ang mata ko sa kanya. "Totoo?"
"Oo."
Nangiti ako. "Sige. Dala akong lemonade bukas?"
"Sige."
"May tennis practice ka, 'di ba? Pupunta ka na?"

Dumukwang siya sa gym bag niya na nasa katabing upuan at


kinuha ang cellphone niya ro'n. Nag-check siya.
"Time na nga. May text na si Coach."
Kinuha ko ang bag ko at nag-ayos na rin ng gamit. "Hihintayin kita? O mauna na
'kong umuwi?"
Nakatingin siya sa'kin. Nag-iisip. "Nood tayo no'ng movie na assign sa
Humanities pagkatapos ng tennis ko."
Narinig niya ba kahit 'yung yayaan para manood ng sine? "Hahabol tayo kina
Libby? Wala na 'kong pera, eh."
"Ayokong humabol. Ang dami nila, maingay."
"Eh, wala na talaga 'kong pera," ulit ko.
"May pera ako."
Nakatanga ako.
"Libre kita," dagdag niya.
I stared into his face. Seryoso pa rin. Magaan, kahit hindi siya nakangiti.
"Eh..." Parang ayokong magpalibre. Nilibre niya 'ko no'ng nakaraan lang na may
museum kaming kailangang puntahan. Kami rin ang partner tapos wala rin akong pera.
Lagi na niya 'kong nalilibre. Abuso na.
"Gawan mo na lang ako ng paper sa Humanities," aniya. "Magbibigay ako ng input
sa'yo pero ikaw magsulat. Katamad eh."
"Ah..." Napatango na 'ko. Mas okay na 'yun kaysa kung manghihingi ako ng dagdag
na pera sa bahay para lang mapanood 'yung movie. "Sige. Ako na lang magsusulat para
sa'yo."
"Nood din tayo bukas no'ng isa pang showing din ngayon. Gusto kong panoorin
'yun, eh."
May gusto rin akong panoorin na animated film pero dahil nga walang pera,
kinalimutan ko na. Buti pa si Warren, laging may allowance.
"Bagong padala ba ng allowance sa'yo si Uncle Juan?" ani ko.
He grinned.
Ngumuso ako. Naiinggit ako minsan sa allowance niya.
"Nagbigay rin kasi si Jacob," sabi niya. "Si Auntie, nagbigay rin para sa
delivery ko ng bakes niya."
Maki-deliver na rin kaya ako sa mga client ni Auntie para magkaro'n ako ng
extra na pera? Wala akong ambag sa bahay, eh.
"Okay na? Hintayin mo 'kong matapos sa practice. Magpapaalam ako agad kina
Coach, tapos nood tayong sine bago umuwi."
Napa-sige uli ako. "Ite-text ko na lang sina Mama na gagabihin tayo. Hiramin ko
rin laptop mo, ah. Titingin na 'ko ng reviews no'ng movie."
Tumango siya. Tumayo kami sa desk namin at naglakad na palabas ng performance
studio. "Pero kain muna tayo bago ako mag-practice. Kagutom."
"Anong kakainin?" ani ko.
"Cake."
Tumikhim ako para pigilan ang ngiti ko. "Cake talaga?"
"Oo. Ayaw mo ba?"
Napangiti na 'ko nang tuluyan. "Gusto ko."
Magaan siyang ngumiti. " 'Yan. 'Wag kang sisimangot."
I showed him my grin. "May nagsabi kasing ang taba ko, eh."
"Sino?" aniya.
" 'Wag na nating pangalanan. 'Di naman importante 'yung nagsabi," sagot ko,
kahit ang totoo, importante sa'kin ang opinyon ng mga kaklase namin.
"Kung hindi importante, hindi ka dapat apektado."
Tumungo ako sa black shoes ko. Pinanood ko ang paghakbang ko kasabay ng mga paa
ni Warren. Papunta kami sa restroom dahil magpapalit pa siya ng damit at sapatos
niya para sa practice.
"Pangit ba 'ko?" mahinang tanong ko. Ni hindi ako nagtaas ng mukha dahil
nahihiya ako sa tanong.
"Hindi. May nagsabi ring pangit ka?"
Umiling ako. "Wala naman."
I wish he could tell me I'm beautiful or even cute. I think it would help. Pero
wala na siyang sinabi. Saka, hindi naman trabaho ni Warren na pagaanin ang loob ko.
Ang laking bagay na nga sa'kin na kaklase ko siya sa college. From day one, may
kaibigan at kakilala na ako agad. Hindi ko kinailangang mangapa sa mga bagong tao.
Ang tagal lang talaga dumating ng plot twist. Ilang buwan na lang, tapos na ang
third year namin pero hindi pa 'ko nagkaro'n ng anchor role sa mga projects. Hindi
ko naman masisisi ang mga nagiging groupmates namin kasi talagang malapad akong
tingnan sa camera. Maaagaw ang pansin ng mga manonood sa itsura at hugis ko kaysa
sa sinasabi ko. I don't want that. I don't want to be failure before I even start.
Pero itong pagiging mataba sa kurso at propesyon na gusto ko, failure na agad
'to.
"Warren..."
Bumaling sa'kin si Warren, naghihintay ng sasabihin ko.
"Kung magpapapayat ako, tingin mo, may pag-asa?" tanong ko.
"Oo naman."
Ang bilis ng sagot niya, nakaka-encourage.
"Ano bang iniisip mo?" tanong niya sa'kin.
I was thinking that maybe, instead of waiting for a plot twist, I should make
one. I read once that we write our own stories. If I wanted to be the lead in my
own story, I should take control in writing the content. Kasi kapag ibinase ko ang
buhay ko sa iba, magiging side character na lang ako lagi.
I should take charge of my own body, at least.
"Lagi kang nag-e-exercise sa umaga, 'di ba? Bago pumasok?" ani ko.
Nakatingin pa rin siya sa'kin. Parang binabasa ako. "Oo. Tumatakbo ako 'pag
madaling-araw."
'Yun.
"Papayat kaya ako kapag tumakbo ako kasama mo?"
I don't know why but he seemed to smile a little. May nagsayaw na amusement sa
mata niya dahil sa sinabi ko. Hindi naman nakakatawa 'yung tanong ko.
"Tingin ko naman," sagot niya.
"Makikitakbo ako kasabay mo. Anong oras ka tumatakbo?"
"Five."
Namilog ang mata ko.
"Dadaanan kita ng four sa bahay n'yo para matulungan kitang mag-warm up," aniya
pa.
Four? Nang madaling araw? Ang sarap pang matulog no'n, ah. Parang nabibigla
lang pala 'ko sa plot twist.
"We start tomorrow," pinal na sabi ni Warren.
"Teka lang..."
"Magpapaalam ako agad kay Coach mamaya para maaga rin tayong makauwi from the
movies."
"Sandali lang naman..."
Pero natahimik na 'ko sa naging ngiti niya. It was bright and gentle and
appreciative and... basta, nakaka-speechless. Hindi ba niya halata sa mukha ko na
discouraged at demotivated na 'ko? Ba't mukha siyang masaya?
"Kaya mo 'yun," sabi pa niya. "Just own it."
"Pa'no 'pag 'di ko pala kaya?" alanganing tanong ko.
His grin turned into a mischievous smirk. "Kakayanin mo. Kasama mo 'ko."
Lalo akong nawalan ng tiwala. But I should try at least. Para sa plot twist.
#0718u / 10262017
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 02: Something to Look Forward to

***
Sa bibig na 'ko humihinga habang mabigat ang mga paa ko sa pagtakbo. Ang init
na ng katawan ko. Gumagapang ang pawis sa noo ko samantalang wala pa kami sa park
na iikutan namin. Si Warren, malabo na sa paningin ko.
"Okay ka pa?" I heard him asked.
Huminto ako at suminghap ng hangin. Gusto ko nang sumuko sa gravity. Okay lang
kung gugulong na lang ako sa kalsada at hihilahin na lang ni Warren pauwi. Hindi ko
na kayang dalhin ang katawan ko. Yumuko ako at tumukod sa mga tuhod ko.
Ang alam kong usapan, magja-jogging kami. When he said running, takbo pala
talaga. But jogging or running, this is too much too soon for a plot twist.
"Hindi pwedeng ganyan ang posture mo. Mahihilo ka," sabi ni Warren sa'kin.
Umiling ako. I was catching my breath that I couldn't speak. I couldn't even
check on him.
Naramdaman ko ang palad niya sa mga balikat ko. Iniaayos ako ng tayo.
"Wait..." 'Wag mo 'kong patayin, please.
"Stand straight," aniya.
Nagawa niya 'kong ituwid ng tayo. At bago ko pa maisip kung pa'no magagalit,
tumuwid din siya ng tayo sa likod ko at idinikit ako sa katawan niya.
"Sumandal ka na lang sa'kin. Basta 'wag kang yuyuko dahil lalo kang mahihilo."
Hala. Ang bigat-bigat ko, eh. Baka madaganan ko siya.
Hahakbang sana ako para dumistansiya pero pinigil niya 'ko sa balikat.
"Hep. Dito ka lang sa'kin," sabi niya.
"Bahala ka diyan, ah. Mabigat ako."
"Sumandal ka."
Sumandal ako sa katawan niya. He's so warm and steady against the late February
chill. Hindi man lang ba siya napagod o nilamig? Kahit nang tumatakbo kami kanina
at naka-jogging pants at sweater ako, damang-dama ko ang lamig na sinasagasa namin.
"Tubig?" alok niya.
Umiling ako. Siya ang may dala ng tubig namin sa hydration vest na suot niya.
Pocketed vest 'yun na naka-strap sa balikat at dibdib niya; nakapatong sa jersey.
Shorts ang pang-ibaba niya. Naka-running shoes.
Sumampay ang braso niya sa balikat ko nang buksan niya ang bote ng tubig na
dala. Narinig ko ang paglunok niya nang uminom siya. Tiningala ko siya.
Grabe. Hanggang leeg niya lang ako 'pag naka-running shoes ako.
Madilim pa dahil alas-sinco pa lang ng umaga pero malinaw ko siyang nakikita sa
streetlight na nakapwesto sa likuran namin. Ang ganda ng side profile niya habang
umiinom sa bote. Pang-commercial ng softdrinks or beer.
Unfair. Mukha siyang magso-shoot ng commercial habang ako, mukhang bloated na
suman.
"Ilang oras na tayong tumatakbo?" tanong ko.
He chuckled. Ibinalik niya ang tubig sa vest na suot. "Fifteen minutes pa lang.
At ako lang ang tumatakbo. Nagja-jogging ka lang."
"Hindi ah! Fifteen minutes lang?"
Tumingin siya sa'kin. "Oo nga."
I pursed my lips. "Sure nga?"
"Oo nga."
Hala. Hingal na hingal na 'ko, fifteen minutes pa lang 'yun? At jogging pa lang
'yun?
"Tama ba'ng paghinga mo habang tumatakbo... nang mabagal?" tanong niya. Idiniin
niya pa talaga 'yung mabagal eh.
Hindi ako makasagot kasi hindi ko masyadong sineryoso 'yung
itinuro niya tungkol sa paghinga. Inaantok pa kasi 'ko no'ng nagtuturo siya
hanggang no'ng nagwa-warm up kami.
Ang aga-aga ko kayang nagising. Kagabi, pag-uwi namin galing sa movies,
dumiretso siya sa bahay at ipinagpaalam 'yung exercise namin kina Mama at Papa at
Kuya. Maaga akong ginising ni Mama. Pagdating ni Warren ng alas-kuwatro, pagong pa
'ko sa pagkilos. But by four twenty-five in the morning, he was coaching me about
proper breathing.
Sabi niya, mas magpapawis ako sa pagtakbo at less injury kung tama ang paghinga
ko. Ilang minuto kaming nagbe-breathing lang. Nakapikit pa 'ko. Kahit nang mag-warm
up, nakapikit ako. Nagising lang talaga 'ko nang tuluyan nang pitikin niya 'ko nang
mahina sa noo.
Tapos nang tumakbo na kami, wala na. Nagising nga ako pero 'di ko alam kung
pa'no ia-apply 'yung sinabi niya.
"Hindi mo ginawa, 'no?" he probed.
Umiling ako nang marahan. "Sorry na. Inaantok ako kanina, eh."
"Kaya hindi mo 'ko narinig talaga kanina?"
"Narinig kita kaunti."
"Ga'no kaunti?"
Humarap ako sa kanya at ipinakita ang ngiti ko. Baka magalit siya sa sagot ko,
eh.
" 'Yung kaunti na wala akong maalala sa sinabi mo."
He just tsked it away. "Ulitin ko."
Tumango ako to buy time. Kailangan pang makabalik ng lahat ng hininga ko bago
niya 'ko patakbuhin uli. Sana magpaliwanag siya nang mahaba.
"Inhale with three steps, exhale in two. That way, minimal ang damage sa kahit
saang side ng katawan mo. You're heavier than your height kaya kapag tumakbo ka,
mas may potential ang injury sa mga paa mo. We want to avoid that." Hinawakan niya
'ko sa magkabilang tainga. His hands felt so warm. "Kaya tandaan mo ang sinabi ko.
Okay?"
Tumango ako. Tapos na ba agad ang explanation niya? Ang bilis. Kailangan ko
pang huminga.
"Bakit three to two 'yung proportion ng steps?" tanong ko.
"Longer intake of air expands our diaphragm and tightens our core." Inilapat
niya ang palad niya sa sikmura niya. "Mas solid ang core, mas kayang i-endure ang
impact ng katawan sa pagtakbo. Exhalation softens the core, makes us vulnerable to
injuries. Three to two steps balances the impact on our left and right body."
Nagkatinginan kami pagkatapos.
"Bakit?" he asked. "Inaantok ka uli? Narinig mo 'ko?"
Ang cute niya mag-explain, eh. Alam na alam niya 'yung sinasabi niya.
"Para kang coach," sabi ko.
Hindi siya kumibo. Nakatingin lang siya sa'kin.
"Nagba-basketball ka, tennis, swimming... uhm... ano pa ba?"
"Marathon. Biking. Badminton. Billiard. Baseball. Soccer. Muay Thai. "
"Wow. Ang dami. Bakit hindi ka nag-take ng course na related sa sports? Gaya ng
Sports Science?"
He gave it a thought. "Pwede naman akong mag-sports kahit nasa Comm. I like
cameras."
"But you don't love it. 'Di ba mas okay kung love mo?"
Ngumiti lang siya sa'kin. "Are you buying time? Pagod ka pa tumakbo nang
mabagal?"
Sumimangot ako. "Nagtatanong naman kaya talaga ako."
"Okay."
Huminga ako nang malalim. Kailangan kong tandaan na talaga 'yung three to two
steps na sinasabi niya. Three steps inhale. Two steps exhale. I have to focus
but...
"May itatanong pa pala 'ko," ani ko.
He just looked at me, waiting for what I was going to say.
"Hindi ka curious kung bakit ako biglang nakikitakbo sa'yo?"
"Para pumayat, 'di ba?"
"Hindi ka curious kung bakit bigla kong gustong pumayat?"
"Okay na 'ko sa gusto mong pumayat at gusto mong tumakbo kasama 'ko."
Tumango-tango ako. Okay rin 'yung hindi siya palatanong. Hindi ko kailangang
mag-isip nang malalim na magpapaalala rin sa'kin ng nakaka-insecure na mga bagay.
Kung kay Yanyan ako nagsabi, mahabang usapan 'yun. Si Kuya nga lang kagabi,
nagtanong kung may nambu-bully ba raw sa'kin sa school kaya gusto kong magpapayat.
Ilang ulit ko pang kailangang kumbinsihin na wala talaga 'kong problema. Sa amin
kasi ni Yanyan, ako ang prone ma-bully.
"Are you done buying time?" he asked playfully. Parang sigurado talaga siya na
nagde-delay lang ako ng oras sa pagtakbo.
"Curious talaga 'ko."
"Okay na curiosity mo, Amethyst?"
Humarap uli ako sa daan papunta sa park. Ang layo-layo-layo pa no'n. Ilang
kanto pa ang dadaanan namin tapos iikot kami sa park, tatakbo ng ilang kanto
papunta sa bahay bago tutuloy sa kalsada pabalik sa compound. Hindi ako sure kung
papayat ako sa pagtakbo. At... nagugutom na 'ko.
"Bakit ko ginagawa 'to? Ang hirap tumakbo." Busangot akong bumaling kay Warren
na nakatingin lang sa'kin. "I need something to look forward to. Ano'ng makukuha ko
nga uli 'pag tumakbo ako?"
"Ito." Ibinuka niya ang mga braso niya sa pagpresenta ng katawan niya.
"Ha? Alin diyan?"
Ang laki ng ngiti niya sa'kin. "Fitness, 'di ba?"
"Ano ba..."
"Kaya mo 'yan," aniya pa. "Hindi mo kailangang bilisan tumakbo. Nasa tabi mo
lang ako."
" 'Pag natumba ako?"
"Bubuhatin kita."
"Mabigat ako."
"Malakas ako." Tinapik niya pa ang braso niya.
"Sabagay."
Huminga ako nang malalim.
"Tara na uli?" aniya. "Sayang time."
Nagkamot ako ng ulo. Ang hirap naman kasing ma-motivate. Hindi ako nag-exercise
ever!
"Masarap ang almusal," sabi ni Warren.
Nag-flash sa isip ko ang iba't ibang pagkain na posibleng nasa mesa nila.
Umuusok pa lahat. Generous kasi magluto si Auntie Mona. Kulang na lang talaga ng
voice-over para lalo akong maakit.
"Ano kaya 'yun? Plano ko kayang mag-diet," ani ko sa kanya.
"Diet is eating right, not eating too little. You just have to burn what you
eat."
"Marami ako kumain, eh."
"Burn it all."
Nakakainis. Maikli lang siyang magsalita pero hindi ko makwestyon.
"Three to two steps, okay?" untag niya pa.
Coach na coach talaga siya, eh.
"Yes, coach."
Ngumiti siya sa sinabi ko. "Run as slowly as you like. Ready?"
Ako na ang nagdugtong, "Get set! Go!"
I bounced on the pavement like a lost ball.
***
Nakatakbo naman ako—kahit mabagal—hanggang sa park. Pinagtiyagaan ko talaga
para sa goal na maging mas okay sa camera. Focus na focus ako sa paghinga ko na
hindi ko na halos mapansin si Warren. Sisiw lang sa kanyang tumakbo-takbo eh. Buti
na lang, hindi naman siya mukhang nabo-bore kasama ako. Sabi niya, mag-three lapse
daw kami sa park para masulit 'yung oras na wala pang masyadong sasakyan at
polusyon.

Pero nasa ikalawang ikot pa lang kami, naninigas na ang


kalamnan ko sa paa. Nagdahan-dahan pa 'ko lalo hanggang naglalakad na lang ako
talaga.
"Pagod ka na uli?" tanong ni Warren na nagja-jogging sa tabi ko.
Iwinasiwas ko ang palad ko sa kanya. Hindi ako pagod. Mamamatay na 'ko.
Paputol-putol ang speech ko nang magsalita. "Pwedeng umupo?"
Kinakawayan na 'ko ng mga upuan sa park. Gusto nila 'kong paupuin. Mahirap
humindi. 'Yung mga paa ko, do'n na papunta.
Hinawakan ni Warren ang tagiliran ng sweater ko. "Hep."
"Paupo saglit..."
I want to crawl to the smooth chairs. I want to hug them. Eksakto ako ro'n.
"Hindi pwede. Kung pagod ka na, pwede kang maglakad. Pero kung uupo ka, bibigat
lalo ang paa mo."
"Hindi..."
"Oo."
Naninigas na talaga ang kalamnan ko sa paa.
"Ang sakit na ng paa ko, eh," reklamo ko.
"Totoo?"
"Oo. Kaya paupo lang saglit..."
Hinayaan niya 'kong makalapit sa bench. Halos yakapin ko kahit malamig ang
konkreto. Ang init ng katawan ko sa pagtakbo at parang nagkukrus ang laman sa binti
ko.
"Sa'n masakit?" tanong ni Warren sa'kin. Pinapahid niya ng likod ng palad niya
ang pawis sa panga o leeg niya.
"Binti..." sabi ko. Naupo ako nang maayos sa bench. Nakakainis kasi walang
sandalan. Itinukod ko na lang ang braso ko.
Hala ka. Pati braso ko, namimigat.
"Anong klaseng sakit?" tanong niya pa.
'Yung sakit na parang ayoko nang tumakbo uli, gusto ko sanang sabihin. "Pulikat
yata."
"Pulikat?"
Iniunat ko ang paa ko. Gumagalaw na talaga mag-isa ang kalamnan ko sa binti.
"Oo! Masakit!" Mabilis ang paghinga ko nang malalim. Naiiyak ako.
Inabot niya sa'kin ang bote ng tubig ko. "Uminom ka."
"Iinom lang ako tapos mawawala na 'yan?"
Kaysa sumagot, tumalungko siya sa harap ko at hinawakan ang binti ko. Pinisil
niya. "Dito ba?"
"Diyan! Masakit!"
Minasahe niya ang kalamnan ko. Nanigas naman ako. Ang init kasi ng kamay niya,
ba't gano'n? Naka-jogging pants na 'ko, tumatagos pa rin. Pero ang sarap niyang
pumisil. Pwedeng gawing kabuhayan.
Tinapik ni Warren ang binti ko. " 'Wag mong labanan. Relax."
"Sorry."
Itinitikom ko ang bibig ko sa tuwing mapapaaray ako. Ang aga-aga pa at unang
araw pa lang ng pakikitakbo ko, quota na 'ko sa pagpapaalaga sa kanya.
"Masakit pa?"
Maliit ang boses ko sa pagsagot. "Oo."
"Doble ingat pa sa susunod, ha?"
Ang bigat ko siguro talaga kaysa sa height ko kaya namumulikat ako.
Napatingala ako pagpisil niya sa isang parteng masakit.
Maliwanag na ang langit, mala-kahel. Hindi ko makita kung saan sisikat ang araw
pero may ilang silahis nang tumatagos sa mga puno sa parke.
Ang ganda.
Kung kukunan 'yun para sa pelikula o telebisyon, kumikinang 'yun sigurado. The
dew will be running from the stem of the leaf to its tip, glittering of the sun.
Leaves will be soft green. Rays will be gold. And...
Napababa ang mga mata ko kay Warren na nakatungo sa paa ko. Nag-angat siya ng
mukha sa'kin na para bang naramdaman niya 'kong nakatingin.
He's a scene from a movie somewhere. The sun showers him, lit the strands of
his hair, framed his face and body, made him glitter. Even his eyes on me were
warm.
"Amethyst?"
Napakurap ako sa pagtawag niya sa pangalan ko.
"Ha?"
"May problema? Masakit pa?"
Umiling ako.
Why does he look... different to me? He's Warren... but different.
"Mi?" tawag niya uli. "Okay ka lang?"
Suminghap ako ng hangin. How long am I out on air?
"May... araw na, oh," sabi ko at tumingala sa mga puno sa paligid namin.
Tumingala rin siya. "Oo nga. Papasok pa tayo."
Pagbalik uli ng mata ko sa kanya, mas normal ko na siyang nakikita. Anong
nangyari? Parang may pumasok na direktor sa utak ko tapos naging photographic
lahat.
"Kaya mo nang tumayo? Masakit pa'ng binti mo?"
"Hindi na yata," sagot ko. "Kaya ko na yata uli."
"Sigurado?"
I nodded.
"Hindi na tayo tatakbo. Lalakad na lang muna tayo para hindi ka mahirapan. Pero
tatakbo uli tayo bukas hanggang masanay ka."
"Okay. Mas aayusin ko bukas."
Inabot niya ang palad niya sa'kin at itinayo ako mula sa bench.
"Tara sa almusal."
Naunang sumagot sa kanya ang tiyan ko. #0914 u / 10272017

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 02: Something to Look Forward to (part 2)

***
"Hindi ka kumakain nang maayos," sita ni Warren sa'kin sa pagitan ng lunch
namin sa school canteen.
Hati sa dalawa ang serving ng kanin ko, piccadillo, at chop suey. Naitaob ko na
ang mangkok ng free soup. At tinidor ang ginagamit ko para makasubo.
"Maayos naman, ah," nakasimangot na sabi ko sa kanya. "Kainin mo 'yang maraming
pagkain mo diyan kaysa sa'kin ka namumuna."
Nakakainis ang kanin. Puting-puti 'yun at umuusok. 'Yung piccadillo, kahit
hindi ko ilapit ang ilong ko, naaamoy kong masarap. At 'yung chop suey,
nangingintab sa plato ko. Maraming cauliflower 'yun at may atay. Gusto ko ang atay.
Hindi ko naman pwedeng kainin lahat.
Ilang araw na 'kong tumatakbo at nagkokontrol sa pagkain. Nabawasan lang ang
pamumulikat ko pero ang timbang ko, halos gano'n pa rin.
"Nakakainis..." bulong ko bago tusukin ng tinidor ang carrots sa chopsuey.
Isinubo ko 'yun. "Nakakainis talaga."
Tumikhim si Warren. Tumingin ako nang masama sa kanya.
"Ano na naman?" tanong ko. Puna nang puna 'tong Warren Tejeron na 'to. Por que
gwapo siya tapos maganda katawan niya tapos, wala siyang taghiyawat.
Mahina akong umangil.
Hinawakan niya 'ko sa pulsuhan at kinuha sa kamay ko ang tinidor na gamit ko.
Pinalitan niya 'yun ng kutsara. Pinagdikit niya rin sa plato ko ang hinati kong
kanin at hinalo ang ulam ko.
"Ano ba?! Bakit mo 'ko pinapahirapan?" Naiiyak ako. Nagutom lang ako lalo sa
ginawa niya.
At parang hindi pa tapos ang torture, inilabas niya sa bag niya ang baunan na
may dalawang slice ng cake na siguradong bake ni Auntie Mona.
Naunang tumulo ang luha ko kaysa sa laway ko. Gutom na gutom na nga ako,
pakikitaan pa 'ko ng cake! Alam na nga niyang umiiwas ako sa lahat ng klase ng
cake!
"Hey..." aniya.
"I hate you," sabi ko kay Warren at pinahid ang luha sa pisngi ko. "Ayoko sa
cake na 'yan. Ayoko sa pagkain na 'to. Ayoko sa lunch. Ayoko sa'yo. Ang sama-sama
mo!"
Nangiti pa siya kahit sinabi ko nang ayoko sa kanya. Akala niya ba, hindi totoo
'yun? Ayoko na talaga sa kanya mula ngayong araw hanggang sa mga susunod!
"Hindi totoo 'yan. Nagugutom ka lang," aniya.
"Alam mo naman palang nagugutom ako!"
"Kaya kumain ka," sabi niya at tumango sa pagkain ko. "Isang cup lang ng kanin
'yan, hindi ka tataba diyan. 'Yang ulam, protina 'yan. At 'yang chop suey, puro
gulay lang 'yan. Kailangan mo 'yan para may energy ka. Sabi ko naman sa'yo, you
have to eat right, not necessarily eat less."
Ngumuso ako. Bumulong-bulong. "Eat right, eat right..."
Pinisil niya ang magkabilang pisngi ko.
"Ano ba..."
"Bubuyog ka ba?"
" 'Wag mo 'kong pisilin sa pisngi. Iiyak ako..." banta ko.
"Magmumukha kang sipunin," aniya.
Tinapik ko ang kamay niya sa pisngi ko pero ayaw niyang tanggalin. "Ano ba,
Warren?!"
"Makinig ka sa'kin para hindi ka magutom."
Sumimangot ako at nag-iwas ng tingin sa kanya.
"Siyam na araw ka pa lang na tumatakbo. Wala pa talagang mababawas sa timbang
mo."
Huminga ako nang malalim. Tinanggal naman niya ang pagkakapisil sa pisngi ko.
"Eh kasi... ang bagal-bagal," reklamo ko.

He tsked. "You're sulking."


"Ang bagal naman kaya talaga!"
"Bakit ka ba kasi nagmamadali? Nasasanay pa lang ang katawan mong mag-burn. At
ang tiyan mo, hindi pa sanay na tinitipid sa pagkain. Kaya ka sulky dahil gutom
ka," sabi niya.
Napatingin lang ako sa pagkain.
"Nagtanong ako sa dati kong coach kung pa'no ka maglo-lose nang maayos. Bigay
ko sa'yo mamaya 'yung notes."
Tumitig ako sa kanya. "Weh? Totoo? Kaninong coach ka nagtanong?"
"Kay Coach Troy, 'yung sa swimming no'ng high school. Nagtanong din ako kay
Coach Aldrin dahil 'yun ang nutritionist ng mga athlete dati."
"Anong sabi?"
He tsked again. Nagbukas siya ng gym bag niya at kinuha mula sa loob ang isang
maliit na notebook. Inabot sa'kin.
Binuksan ko agad ang notebook. May profile ko sa unahan no'n.
Amethyst De Vera
Birthday: May 29
Age: 19
Height: 5.53 ft.
Weight: 81 kg.
Body frame: Medium
Napasulyap ako kay Warren na prenteng ngumunguya. Sumulyap lang din sa'kin.
Alam niya pala ang height at weight ko. Hindi ko matandaan na nagtanong na siya
sa'kin.
Binalikan ko ang note niya. Ang sabi ro'n, ang ideal weight ko ay 55 kilograms.
Na ibig sabihin, may twenty-six kilos akong kailangang i-lose. May workout plan din
na nakasulat. Sa 10th day ng running namin, magdadagdag kami ng jump rope. Bukas na
'yun. Sa 15th day, may crunches at squats. Sa 35th, may boxing?
"Magba-box tayo?" tanong ko sa kanya.
Uminom muna siya ng tubig. "Kung gusto mo lang. I'll show you how."
"May note ka rin para sa nap ko..."
"Yep. Nino-note ko 'pag natutulog ka."
Ilang beses na 'kong nag-nap 'pag mahaba ang break namin sa pagitan ng mga
subjects. Kahit pigilan ko, inaantok ako sa hapon dahil sa pagod sa umaga. Nino-
note niya pala.
"Bakit?" tanong ko.
"Kailangan mo ng nap for recuperation. Hindi pwedeng puro takbo pero walang
proper rest ang katawan. Mai-stress ka."
Napatango ako. Amazing, eh. Pangarap siguro talaga nito ni Warren na maging
coach, tapos sa'kin nag-eeksperimento.
Nagbasa-basa naman ako ng tungkol sa working out at sa diet at nutrition. Ang
daming klase ng diet na recommended ng kung anu-anong sites para mabilis na
pumayat. May mga diet pills pa. Pero parang mas reliable 'yung notes ni Warren kasi
tungkol talaga sa'kin.
"Wala naman ditong tungkol sa food," sabi ko matapos magbasa sa notebook.
"Maayos naman kasi ang mga kinakain mo. Hindi ka naman mahilig sa junk food at
sa softdrinks. Marami ka lang magkanin."
Pati extra rice ko, napapansin niya? Dahil ba 'yun lagi kaming magkasabay mag-
lunch?
"At ginagawa mong bisyo ang desserts, lalo na ang ice cream," dagdag niya pa.
"Nakakataba ang sobrang matatamis. Hindi mo naman nabu-burn dati."
Masama akong tumingin sa baunan niyang may cake. "Tapos, nagdala ka ng cake eh
bawal pala ang matatamis?"
Binuksan niya ang baunan. "Fruit cake lang 'yan. Low-fat."
"Low-fat?" Inamoy ko ang cake. Muntik tumulo ang laway ko. 'Pag si Auntie ang
nag-bake, siguradong masarap. Saka, kailan pa nag-bake si Auntie ng mga low-fat
cakes? "May ganito pala si Auntie? Bago sa menu niya?"
"Nag-worry kasi sa'yo. Hindi ka raw magana kumain ng almusal. Magpapadala sana
ng caramel cake niya, sabi ko bawal sa'yo. Nag-bake na lang siya ng low-fat."
"Hala... Kailangan ko bang pabayaran 'to?"
Umiling siya. "Nag-suggest akong mag-bake siya ng mga low-fat cakes para sa mga
health conscious. Eh, gusto niya ring pumayat. Isasama niya raw sa menu niya at
iaalok sa mga regular clients niya."
"Totoo?"
Tumango si Warren.
"Eh 'di libre 'to?"
"Oo. Kaya kumain ka nang maayos."
Ngumiti ako sa kanya.
"Ang ganda ng ngiti mo eh, 'no?" aniyang nangingiti rin.
"Siyempre, libre eh."
"Dalawang slice 'yan. Isang dessert mo ngayon, isang merienda mo mamaya. 'Wag
kang ma-guilty kumain," sabi niya. "Tumatakbo ka na sa umaga. 'Wag mong madaliin
ang katawan mo."
"Yes, Coach."
Sumubo na siya uli. Nakatingin naman ako.
Bakit nga ba 'ko nagmamadali, 'no? If I'm doing this for myself, I should do it
right. Kailangan kong irespeto 'yung phase ng katawan ko. Pwede naman akong pumayat
nang dahan-dahan kaysa ma-stress. Saka, reliable naman si Coach Warren.
Napangiti ako.
"What are you smiling about?" tanong niya.
Ha-ha. Curious si Coach.
"Wala, ah."
"You're too happy about the cake?"
Masaya naman ako sa cake pero... "Hindi lang sa cake. Masaya rin ako sa'yo."
Tumitig siya sa'kin.
"Gutom nga lang ako kanina no'ng sabi kong ayoko sa'yo," sabi ko. "Sorry, ha?"
Namungay ang mata niya. Bakit na naman kaya?
"You're forgiven. Kain na."
Naki-bonding ako sa pagkain. #1052 u / 10282017 

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 03: Love is Exclusive

***
"Amy, alam mo kung nasa'n si Warren ngayon?" tanong ni Libby sa'kin.
Inalis ko sandali ang mata ko sa laptop ni Warren kung saan ko pinanonood ang
news clips ng buong block namin para sa live reporting. Nasa performance studio
kami. Nakapwesto ako sa conference table sa likuran ng studio, nagno-note para sa
script na isusulat ko. May isang linggo na lang kami bago ang performance.
"Uhm... Hindi eh." Pagkatapos kong hiramin ang laptop ni Warren, hindi ko na
alam kung nasa'n siya. Pero ang alam ko... "Parang may tumawag yata sa kanya
kanina? Galing sa tennis club ba 'yun?"
Lumapit sina Gwen at Roxie at tumabi kay Libby.
"Kausap ni Warren 'yung isang girl sa Block D," sabi ni Gwen.
"Ah."
"Seryoso sila," dagdag pa ni Libby.
Napatango lang uli ako at napasulyap sa laptop. Anong gagawin ko kung may
kausap na babae sa Warren galing sa Block D at kung seryoso sila? Parang may ini-
expect kasi sila sa'kin. Hindi ko naman alam. Dapat diretsuhin na lang nila kung
may ipapagawa sila.
"Amethyst..." tawag ni Libby na nagpabalik ng mata ko sa kanya, "hindi ba
humingi ng tulong sa'yo 'yung girl or something? Parang nagko-confess kasi kay
Warren."
"Ah. Sino bang girl?" usisa ko. 'Yun pala ang pinoproblema nila: confession.
"Georgette yata name no'n?" sabi ni Roxie. Sila nina Libby ang nagtitinginan.
Wala namang Georgette na humingi ng tulong sa'kin para kay Warren. Pero dahil
mukhang hindi sila mapapalagay, tumayo na lang ako.
"Nasa'n ba sila?" ani ko. "Silipin ko 'yung girl?"
"Nasa tapat lang sila ng auditorium."
Malapit lang ang auditorium sa studio namin. Isang hall at isang pakanan lang.
"Sige, puntahan ko lang."
Napatango sila. Alam kong ang concern nila ay baka magka-girlfriend si Warren.
Wala pang nagiging girlfriend si Warren mula nang mag-college kami, kahit na marami
nang nagbigay ng love letters sa kanya o nag-confess na may gusto sa kanya. May iba
na humingi pa ng tulong sa'kin para magpalakad pero tinanggihan ko. Sa wattpad
kasi, nakikita ko sa mga stories, kung sino ang nag-aastang tulay, siya ang
nakakatuluyan. Kung hindi naman nakakatuluyan, nagiging dahilan ng miscommunication
tapos nahihirapan ang mga bida. Ayokong magkaroon ng miscommunication si Warren sa
babaeng magugustuhan niya.
May mangilan-ngilang babae papunta sa auditorium na napatingin sa'kin. Nakilala
ko 'yung iba. Mga may crush kay Warren.
Grabe si Warren. Alam kaya niya na para na siyang si Robin na crush ng school
no'ng high school kami? Feeling ko, hindi niya alam.
Malayo pa 'ko, napalingon agad si Warren sa gawi ko. Passive ang mukha niya.
Pero dahil nakatayo siya na parang gusto niyang sumandal saanman at nakapamulsa sa
pants niya, siguradong inaantok na siya. Maliit lang akong kumaway.
Napalingon din sa'kin ang kausap niya. Natigilan ako. Nangilala.
"Mariejo?" tanong ko nang makalapit sa kanila.
Hala. Nakalapit ako kahit ayoko dapat.
"May problema sa laptop?" tanong ni Warren sa'kin.
Kumumpas ako ng kamay kay Warren. "Wait lang." Kay Mariejo ako curious.
"Mariejo? Ikaw nga?"
Tumango ang payat na babae sa harapan ko.
Payat. Unbelievable na payat!
"Ang payat mo na!" sabi ko rito.

Bumalik ang mata ni Warren sa kausap niya dapat. "Bakit?


Hindi ba siya payat dati?"
Umiling ako. "Chubby rin siya dati. 'Di ba, 'no?"
Ngumiti si Jo. Namumula ang pisngi nang mapatungo. "Nag-work out ako eh. Kasi,
'di ba, ano... sabi mo..."
Tumingala ako kay Warren. Pangarap niya siguro talagang maging coach. Pati si
Jo, na-coach niya para mag-work out? Nasa Block D si Jo!
"Nag-coach ka sa kanya para mag-work out?" tanong ko kay Warren.
Kumunot ang noo ni Warren. "Hindi ah."
"Nasabi mo sa'kin no'ng first year. No'ng nakipag-usap ako sa'yo sa
acquiantance party?" sabi ni Jo. Kumikinang ang mata nito tuwing mapapatingala kay
Warren. Ang cute-cute niya.
Napatango lang si Warren.
"Hindi mo na siguro naaalala?" si Jo.
"Hindi."
Siniko ko si Warren.
"Bakit?" tanong niya sa'kin.
Napaka-insensitive talaga ng mga lalaki sa ganito. Hindi ba niya nakikita 'yung
stars sa mga mata ni Jo kapag tumitingin sa kanya? O 'yung pagba-blush? Bulag ba
siya? Mula first year kami, may gusto si Jo kay Warren. Nagpapatulong ito dati na
magpalakad pero tinanggihan ko.
Pwede mo namang sabihin na 'di mo naaalala nang mas hindi nakakasakit!
"Sorry, hindi ko na maalala," ulit ni Warren. "What exactly did I tell you?"
Napatungo si Jo pero mukhang hindi naman iiyak. "I told you that I wanted to
tell you something but I lack confidence. Tinanong mo 'ko kung bakit wala akong
confidence. Tapos, sabi ko, kasi mataba ako. Sabi mo, kung papayat ba 'ko, magkaka-
confidence ba ko? Sabi ko, siguro. Tapos, 'yun, binigyan mo 'ko ng tip kung pa'no
mag-work out."
Napatango si Warren. Hindi naman nagsalita. Hindi niya ba alam na dapat may
dialogue siya sa part na 'to?
Siniko ko uli siya pero walang epekto. Hindi siguro niya naaalala na mas mataba
pa si Jo kaysa sa'kin dati. Pero ngayon, ang payat nito. She looked soft and
feminine. She looked fragile.
"Ang ganda mo ngayon," sabi ko kay Jo. " 'Di ba, Warren? Maganda siya?"
Sumipat si Warren kay Jo. "Yes. Maganda siya."
Pinipigilan kong sumimangot o apakan sa paa si Warren. Pwede naman niyang
sinabi na 'maganda ka' directly kay Jo para mas may effect. Reward man lang sa hard
work no'ng tao. Mahirap kaya pumayat! Ako nga, nag-isang buwan na, tatlong kilo
lang ang malinaw na nabawas.
"Thank you..." mahina ang boses na sabi ni Jo.
Natahimik kami pagkatapos no'n. Napapasulyap si Jo kay Warren. Si Warren,
nakapamulsa pa rin. At ako... ay, hala. Ano'ng ginagawa ko sa gitna nila?
"Sorry, hindi pala 'ko dapat nandito." Napahawak ako sa buhok ko.
"Nakakaistorbo pala 'ko."
Kimi lang na ngumiti si Jo. Hala, baka hindi pa niya nasasabi 'yung gusto
niyang sabihin kay Warren tapos gumitna ako. Umeksena. Lagot na.
"May problema ba sa laptop, Mimi?" tanong ni Warren sa'kin.
Sinimangutan ko siya. Alam niyang ayokong tinatawag niya 'ko sa palayaw ko sa
compound kapag nasa school kami.
"Ano?" untag lang niya uli sa'kin.
"Wala," sabi ko.
"Hinahanap mo 'ko?" tanong niya at ngumiti.
"Hindi ako. Hinahanap ka ng block natin."
Sumeryoso siya. "Bakit?"
"Hinanap ka lang. Makakapaghintay naman," sabi ko at ngumiti kay Jo. Ang ganda
niya talaga ngayon. Slim. Maputi. Mahaba ang buhok. Soft. Tumingala ako kay Warren.
"Kausapin mo muna si Jo. May sasabihin pa yata siya eh."

Paghakbang ko...
"Aalis ka na?" tanong ni Warren sa'kin. "Hintayin mo na 'ko, Mi."
"Makipag-usap ka muna diyan," sabi ko.
"Hintayin mo na 'ko."
"Makipag-usap ka muna."
Nagbuga siya ng hangin. Parang annoyed. Pinandilatan ko naman siya ng mata.
"Makinig ka sa sasabihin ni Jo."
Sumimangot siya. Pinaypay ang isang kamay niya para itaboy ako.
Tingnan mo 'to. Biglang bago ng mood. Parang babae.
"Babalik lang ako sa ginagawa kong script," sabi ko pa. "Ha?"
Bored siyang sumenyas uli para umalis na 'ko. Now, I feel bad. Parang may
ginawa akong mali.
"Busy kasi ako," dagdag ko. "Balik na 'ko sa studio, ha?"
Tumango lang si Warren pero hindi na nakatingin sa'kin. Pumadyak naman ako at
pumihit.
Bahala ka diyan, Tejeron. Ewan ko sa topak mo.
***
"May nagko-confess nga kay Warren?" tanong nina Roxie pagbalik ko sa studio.
Halos nakapalibot silang lahat na mga babae sa'kin.
"Eh... hindi ako sure."
"Pero may gusto 'yung girl kay Warren, 'di ba?" si Libby.
Tumango ako. "Sa pagkakaalam ko."
Nagkatinginan sila.
"Mabait naman 'yun si Jo," sabi ko.
"Jo?" si Libby.
"Mariejo. Sa Block D."
Blangko pa rin ang mga mukha nila. Si Roxie ang unang nagsalita.
"Ah! That girl before na fatty rin," aniya at napatingin sa'kin. Napahawak siya
sa bibig niya. "Sorry."
Hindi naman dapat offensive word ang fat maliban kung may offensive kang
gustong ipakahulugan. Ngumiti na lang ako. Hindi pa nila napapansin na nabawasan na
'ko ng tatlong kilo. Sad. "Oo. Mataba siya dati gaya 'ko. Tingin ko, nagpapayat
siya para makaharap kay Warren today. Ang ganda na niya ngayon."
May bumuntonghininga kina Libby pero hindi ko nakita kung sino.
"Kaya, iniwan ko muna si Warren do'n. Para masabi ni Jo ang gusto niya."
Walang nagsasalita sa kanila pero alam kong parehas pa rin ang concern nila.
Alam kong lagi silang nakaabang kung kailan magkaka-girlfriend si Warren. Nag-
confess si Gwen no'ng second year kami pero na-friendzone. Pagkatapos no'n, wala
nang naglakas-loob sa kanila na blockmates namin.
"Pero hindi naman mukhang interested si Warren do'n sa girl kanina?" tanong ni
Roxie.
"Hindi ko masabi, eh." Wala naman akong napansing bago o iba sa kilos ni Warren
o kung anuman. Saka... "Hindi ko pa nakikita si Warren na may gusto kahit kanino o
interesado kahit kanino."
Parang nakahinga sila nang maluwag dahil do'n. Nag-usap-usap sila at iniwan na
'ko sa ginagawa ko.
Laging may kumakausap kay Warren o nagbibigay ng love letters pero ngayon ko
lang sila nakitang anxious talaga. Siguro dahil unlike sa iba, maganda talaga si Jo
nang pumayat na. Mukhang Korean na delicate tingnan. Threatening siguro.
Gano'n kasi 'yun, 'di ba? Kahit sabihin natin na love is blind, love conquers
all, all is fair in love and war, sa likod ng isip natin, alam nating may
qualification ang pagmamahal. To find love and be worthy of love's attention, we
have to conform to the standards of beauty and awesomeness. Mas madaling mahalin
kapag maganda, payat (kung hindi sexy), matalino, may talent, o interesting.

Alam natin na halos zero ang chance nating mapansin ng


taong gusto natin kung hindi man lang tayo gano'n. That's why fat girls like me can
be friends with Warren without problems. Non-threatening. Walang mag-iisip ng
malisya dahil sa dami ng babaeng maganda sa bawat block ng Broad Comm, imposibleng
sa isang kagaya ko mapunta ang atensyon niya. Bukod pa 'yun sa alam nilang
magkababata kami at platonic ang relationship. That's also why pretty girls like Jo
confessing to him are trouble. Kasi, pa'no kung makuha ang atensyon niya, 'di ba?
Pa'no kung maisip bigla ni Warren na makipag-date dahil maganda si Jo?
Kaya lang, dapat inisip din nila na hindi naman gano'n kababaw si Warren. Kahit
naman kasi hindi ko pa siya nakitang magkagusto sa babae, siguradong hindi lang
puro ganda ang tinitingnan niya. Or else, dapat nakipag-date na siya kay Gwen dati
dahil maganda at matalino si Gwen.
Nailing na lang ako at ipinagpatuloy ang panonood ng video clips sa laptop.
***
Nagta-type ako nang pumasok si Warren sa studio at maupo sa tabi ko. Sumilip
siya sa laptop at nakita ang nakabukas na word file.
"Nagsusulat ka na," sabi niya.
Tumango lang ako.
Humilig siya sa mesa, umunan sa braso niya. Inaantok na naman siguro 'tong
Tejeron na 'to. Hindi naman dapat nakakaantok kapag may nag-confess sa'yo. Kung ako
'yun, kahit siguro hindi ko gusto ang aamin ng feelings sa'kin, matutuwa ako kahit
pa'no.
"Matagal ka pa?" untag niya.
"Medyo," sagot ko. Nararamdaman ko na nasa amin ang mata ng mga kaklase namin
na nasa studio. Malamang na gusto nilang malaman kung anong nangyari sa confession
ni Jo.
"Nagugutom ako."
Bumaling ako sa kanya. "Nagugutom ka na naman. Tapos, maiinggit na naman ako."
"May dala akong cake ni Auntie."
Natahimik ako sandali. Lagi siyang may dalang low-fat cake. Kaya tatlong kilo
lang ang ibinaba ng timbang ko sa isang buong buwan na exercise namin, dahil lagi
niya 'kong pinapakain. Halos lawit-dila ako sa jumping rope, crunches, at squats.
Tinuruan niya pa 'ko ng basic ng kick boxing at boxing. Sumisipa at sumusuntok kami
sa hangin. Sa tagaktak ng pawis ko, tatatlong kilo lang talaga ang nabawas.
"Kakain ka rin ng cake?" tanong ko sa kanya.
"Hindi. Dalawang slice lang 'yun, sa'yo na lang. Bibili ako ng pagkain sa
canteen," sabi niya. "Kain tayo."
Nagbuga ako ng hangin. Gusto ko talagang ireklamo sa kanya 'yung tatlong kilo.
Hindi ko lang magawa kasi ang tiyaga niyang samahan akong tumakbo at mag-exercise.
Linggo lang kami nagpapahinga. Naisip ko, kung siya nga na wala namang mapapala sa
pagpayat ko ay patient, dapat ako rin.
"Okay."
Pero nararamdaman ko pa ring nakatingin sa amin ang mga babae sa studio.
Patayo na dapat si Warren pero hindi ako kumilos.
"May itatanong muna pala 'ko," sabi ko sa kanya.
Sumandal uli siya sa upuan niya at nag-unat ng paa. "Ano?"
"Anong nangyari kay Jo?" tanong ko.
"Ah. 'Ayun. Bumalik na sa lecture room nila."
"Nag-confess siya sa'yo?"
Tumango lang si Warren.
"Anong sabi mo?" Alam kong naririnig ng mga kaklase namin kahit pa'no 'yung mga
sagot niya. Ang tahimik sa studio eh.
"Eh 'di thank you," sagot niya.
"Thank you lang?"
"Oo. Wala naman akong ibang sasabihin."
Napatango rin ako. "Buti naman."
"Curious ka?" usisa niya.
"Oo," sagot ko.
Natigilan si Warren. "Talaga?"
"Oo. Pumayat siya, eh. Ano kayang exercise ginawa ni Jo, 'no? Naaalala mo siya
no'ng mataba siya?" tanong ko.
Umiling siya.
"Mas mataba siya sa'kin."
Hindi siya kumibo.
Inilagay ko ang magkabilang kamay ko sa magkabilang tagiliran ko, sinusukat
kung gaano kalaki sa'kin si Jo dati. "Mga ganito pa siya kalapad kaysa sa'kin."
"Oo na."
"Nag-thank you ka talaga nang maayos sa kanya, ha? Matagal na no'n gusto mag-
confess," sabi ko.
"Oo nga. Sabi mo, mag-thank you lang ako 'pag wala akong masabi."
Tinapik ko siya sa braso. "Very good, Coach."
Nailing lang siya uli. "Pwede nang kumain?"
Ngumiti ako sa kanya. "Sige. Iwan na lang natin 'tong laptop mo rito."
Tumango siya at tumayo. Tutukod pa lang ako sa desk ko para tumayo nang hawakan
niya ang isang kamay ko at hilahin ako.
" 'Oy..."
Pisil-pisil niya ang kamay ko. Tapos, ang weird, kinakabahan ako.
"Sandali..."
"Bagal mo," sabi niya at hinila ako sa tabi niya. "Gutom na 'ko."
Nang naglalakad na 'ko sa tabi niya, binitiwan niya ang kamay ko at namulsa.
Hindi naman tumigil ang kaba ko.
Hala. May palpitations ako sa hapon. Baka may mali sa kinakain ko o sa exercise
namin. Kailangan ko rin bang sabihin sa kanya?
Pero baka sobra lang ako sa kape tapos pabawasan niya rin. 'Wag na lang. #341
h/ 11012017
_____
TCWDM: I dedicate this Chapter to APM.
Kahapon, official group name na ng mga readers ko ang APM o Asosasyon ng Pusang
Mamon. De, joke lang. APM is Abangers ni Pusang Mamon. May humirit pa ng Avengers
ni Pusang Mamon. Hahahaha. Kaloka. 

But I also like to fondly call you my AMs or mornings (officially). Pwede ring
Abangers, Kutings, Meow op da Pilipins, kapusa, at iba pang endearment na maisip ko
sa future kasi kung di n'yo napapansin, ako at ang aking mga characters ay mahilig
magbinyag ng palayaw. Hahahaha.
But you are my APM collectively. You are my AMs or mornings officially. Tapos,
dahil nagdadaldal na rin ako, ibalita ko lang. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag
may group name (na matino, bwahahaha). Parang ang daling mag-dedicate ng ginagawa.
May feeling of belonging din, ganun. Ayun lang. Labyu, AMs! Thank you for always
reading! ^__^

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 04: Eyes on Me

***
"Eat properly, Amethyst," sabi ni Warren sa'kin.
Tagusan ang tingin ko sa kanya bago nagbuga ng hangin. Masikip ang tiyan ko sa
tensyon. Hindi ako maakit ng umuusok na kanin at masarsang ulam. Mahirap ngumuya at
lumunok.
"Eh kasi eh..." simula ko at ngumuso, "wala pa si Gwen. 'Di makontak nina Libby
mula pa kaninang umaga."
May dalawampung minuto na lang bago ang live broadcast namin. Pagkatapos lang
ng tanghalian, may dry run kami. Wala pa ang anchor.
Hindi pumasok si Gwen sa mga morning classes namin. Hindi rin makontak. Wala
tuloy kaming malay kung darating pa ba siya o kung kailangan naming magbago ng
plano para sa live. Nakasalalay pa naman ang final grade namin sa performance.
"Hindi naman makakatulong sa broadcast kung hindi ka kakain," Warren reasoned
out.
"Alam ko naman 'yun... kinakabahan lang talaga ako," sabi ko.
"Eat just enough to keep you going the whole day. You need energy."
I did as I was told. Sumubo ako kahit hirap akong lumasa. Mabagal akong ngumuya
at mas mabagal na lumunok. Nang tumunog ang cellphone ko at lumitaw sa screen ang
pangalan ni Libby, mabilis pa sa kidlat kong sinagot 'yun.
"Nakontak mo na si Gwen?" tanong ko kaagad.
"I still couldn't reach her. At kahit na makontak ko siya ngayon, hindi na siya
aabot sa dry-run. Tapos na ba kayong kumain?" sabi ni Libby.
Napatungo ako sa namumuting kanin sa tray ko at ang apaw pang ulam sa platito.
"Anong gagawin natin?" tanong ko.
"Kailangan nating baguhin ang set-up natin," sabi nito.
Napatango ako habang nakatingin si Warren. I checked his plate. Mabuti na lang
at matatapos na siyang kumain.
"Kung tapos na kayong mag-lunch, head over to the studio," sabi ni Libby.
"Let's discuss."
"Sige, Libby. Papunta na kami."
"What happened? 'Di pa rin makontak si Gwen?" tanong ni Warren pagkababa ko ng
cellphone ko.
"Oo, eh. Sabi ni Libby, pumunta tayo sa studio kung tapos na tayong mag-lunch.
May pag-uusapan daw na panibagong plano."
Bumaba ang mata ni Warren sa plato ko, bago sa'kin. Pumatalak siya.
"Okay lang ako," una ko sa kanya. "Mas importante 'yung broadcast. Finals
'yun."
Pero tumayo siya kaysa madaliin ang natitira pang pagkain niya sa plato.
"Hintayin mo 'ko sandali."
"Bakit? Sa'n ka pa pupunta? Matagal ka?"
"Bibili lang ng prutas para sa'yo," sabi niya.
"Hala, hindi naman na—"
He cut me with a glance. Ayaw niya 'kong magreklamo.
"Okay na, sige na," sabi ko na lang at lumabi. "Kainis kang Warren ka."
He walked away with a smug.
***
"Who can take Gwen's place for the broadcast?" tanong ni Libby sa buong block
namin na nasa studio. "Hindi pwedeng saluhin ni Roxie o ni Sam ang parts niya."
Tahimik kaming lahat. Main anchor sina Gwen at Sam. Naka-arrange ang script
para sa tandem reporting. Silang dalawa ang sentro ng stage ng newscast. May bukod
na maliit na espasyo sa tagiliran para kay Roxie na magbibigay ng showbiz at kicker
news (light news).

"Walang kayang pumalit?" tanong pa uli ni Libby. Gumagala


ang mata niya sa mga blockmates namin.
"It's hard to take over her role," sabi ni Penelope. "Kailangan na alam ng
papalit ang buong script or kahit flow man lang, as well as the camera movements."
Nagsimulang magdiskusyon ang mga kaklase namin.
"Pwede namang senyasan na lang ng floor director ang papalit kung saang camera
titingin, 'di ba?"
"Yes. But the replacement will look like an idiot doing that. Magmumukha tayong
hindi nag-practice para sa broadcast."
Totoo 'yun. Tatlo ang camera sa floor namin. Naka-feed iyon sa monitoring room
na adjacent ng Performance Studio. Mula sa monitoring room ay idinidirekta ni Libby
kung alin ang ibo-broadcast sa buong school.
"Baka naman pwede tayong humingi ng consideration since bigla na lang nawala
ang main anchor natin?"
"Si Prof, magbibigay ng consideration? We are given a full month and a half to
prepare. We should have made back-up plans."
At hindi talaga mahilig magbigay ng consideration si Prof. De Castro. Make or
break ang motto nito. Gaya ng totoong broadcast, you can only go through a live
showcase once.
"Oo nga. Dapat gumawa tayo ng back-up plan para kung sakaling may aberya gaya
nito."
"Pero hindi natin nagawa at hindi na rin natin pwedeng gawin ngayon. Let's look
for a solution now."
"Ang option natin ay mamili ng replacement."
Pero lahat ay may role nang ginagampanan.
"So, sino nga ang pwedeng replacement?"
May katahimikan uling pumagitan habang nag-iisip ang bawat isa.
"Alam sana ni Libby ang script at ang flow. Pero hindi na siya pwede dahil
direktor siya."
"Mas mahirap palitan ang direktor."
Natahimik kami. Napatungo ako sa script na hawak ko. Sayang, wala man lang
akong maitulong. Kung mas payat lang ako, siguradong hindi sila magdadalawang-isip
na sa'kin ipasa ang responsibilidad. Pero kasi, kung gusto namin ng mas mataas na
grade, mas okay kung visually appealing ang mag-a-anchor. Lalo na, panonoorin sa
buong school ang broadcast.
Sayang talaga. Four kilos pa lang ang bawas sa timbang ko.
"Si Amethyst na lang ang main anchor kasama si Sam. Alam niya ang buong script,
ang flow, at ang camera movement."
Nanlaki ang mata ko sa pagsasalita ni Warren. Lumingon sa amin ang buong block.
May apprehension sa mga mata nila.
" 'Wag n'yong isipin ang sinabi ni Warren," sabi ko. "Sigurado akong merong isa
na kayang pumalit kay Gwen."
"Amethyst wrote the whole thing," dagdag ni Warren.
Hinawakan ko siya sa braso para patigilin sa pagsasalita pero patuloy lang
siya. Hindi pati siya tunog namimilit. He was talking in a matter-of-factly, almost
bored tone.
"Nakabantay siya sa bawat rehearsal at nanonood sa direksyon ng camera. She
even wrote down Libby's directions for me. No one can replace Gwen but her."
Sa akin na natuon ang paningin ng lahat. Libby sighed.
"Warren's right. Okay ba sa inyo si Amy, team?"
Nagkatinginan ang mga blockmates namin pero tumango.
"Kaya mo ba, Amethyst?" tanong sa'kin ni Libby. "Can we count on you?"
Kaya ko ba? Ang pressure ng final grade, ang pagharap sa camera, ang mata ng
mga tao?
Bumaling sa'kin si Warren. Tumapik nang magaan sa likod ko.

Napatingin ako sandali sa kanya bago huminga nang malalim


at sumagot kay Libby, "Kaya ko pero..."
"Okay." Libby clapped her hands. Nalunok ko na ang pero ko. "I asked for thirty
minutes of preparation bago ang dry-run. Sabi ni Prof, manonood sa broadcast natin
ang ibang block so let's make good use of the time." Hinagod ako ng tingin ni
Libby. "Pen, make-up-an mo si Amy. She is wearing slacks but the blouse is tacky.
We need a coat for her..."
"Use mine," sabi ni Warren at hinubad ang coat na suot niya. Inabot niya
sa'kin.
"Wala ka nang coat," sabi ko.
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ako kailangan sa visual."
Hindi naman pati nakabawas sa itsura niya na wala siyang coat. Lapat na lapat
sa kanya ang kamiseta niya, eh. Kaunting galaw niya, nagse-strain ang tela sa
muscles niya. Grabe. He always looks good. Hindi kailangang mag-effort.
"Let's proceed with your make-up. Halika, Amy."
Tumayo ako at lumapit kay Penelope.
***
Wala pang thirty minutes ay tapos na 'kong ayusan ni Penelope. May make-up ako
at kinulot lang nang bahagya ang maikling buhok ko. Madali raw akong i-make-up
dahil maganda ang skin ko. Tinanong niya pa 'ko kung anong beauty products ang
ginagamit ko para maiwasan ang break-out. Sabi ko naman, nag-e-exercise lang ako
tuwing umaga (pero hindi ko na binanggit na kasama ko si Warren).
Maraming benefits ang exercise ko. Dati, lagi akong problemado sa break-out.
Tinanggap ko na nga na parte 'yun ng puberty at growing up. Ng hormones. Ng
katabaan. Pero kapag regular ka palang nagpapawis, regular ding nakakahinga sa
toxin ang katawan. Mas gumaganda ang skin ko. Mas madali ring kumilos at huminga.
At higit sa lahat, pumapayat ako kahit mabagal.
Kinakabahan pa 'ko nang magtawag si Libby para sa dry run pero nang tumutok na
ang spotlight sa stage namin sa studio at tumugtog ang ginawa naming program ID,
nabuhay ang dugo ko.
I really love anchoring. I want to live for this. Lagi akong nagpapraktis sa
bahay mula nang maging Broad Comm student ako, kahit na alam kong walang pag-asa na
ako ang piliing anchor. Hindi ako kasingtalino ni Yanyan o kasing-talented ni Iya,
pero ako ang pinakamatatas sa pagsasalita. Sana, makita 'yun ng mga kaklase ko.
Sumenyas si Warren para i-cue ang pagsisimula. Ngumiti siya nang magtama ang
mata namin.
Good luck, he mouthed.
I relaxed a little. Nag-fade out ang program ID at tumutok sa amin ang camera
na nasa gitna ng studio.
"Sa ulo ng mga nagbabagang balita..."
***
The dry run lasted for an hour and a half. The live broadcast lasted for one.
Hectic ang buong studio at alerto ang lahat sa block namin. On point ang baling ng
mga camera. Kapag nalilimutan ko kung saan titingin, pasimple akong sumusulyap kay
Warren na pasimple ring itinuturo sa'kin kung aling camera ang gagalaw.
Nanood sa studio namin ang buong Block D at Block B. Ang Block A naman, naka-
monitor sa LED panel sa reception ng Liberal Arts building, kasama si Prof.
Naririnig din sa campus radio ang broadcast namin.
Nang mamatay ang spotlight, saka pa lang ako nakahinga nang maayos. Nagugutom
din ako at nauuhaw. At higit sa lahat, magaang-magaan ang pakiramdam ko. Maganda
kasi ang make-up ko at hindi nahulas kahit na mainit ang ilaw. Niyakap din ako ng
mga blockmates namin dahil maganda raw ang broadcast namin.
"Congratulations, Block C!" sabi ni Prof nang pumasok sa studio namin kasama
ang Block A. Pumalakpak siya. Gumaya ang mga naroon. "I was expecting for something
to go wrong since your main anchor didn't make it today." Natuon sa'kin ang mata ni
Prof. De Castro. "But Amethyst left me speechless. I didn't know that you have a
commanding presence on camera."

Hindi ko alam kung pa'no titingin kay Prof. nang ngumiti


ako. "Thank you po."
Lumapit ito at tinapik ang balikat ko. "You did well, Ms. De Vera. For a
replacement, you exceeded my expectations."
Nag-thank you lang uli ako.
Pagkatapos, humarap si Prof sa mga nakasalampak sa sahig ng studio. "Dinig ba
'ko hanggang sa pinto?"
Nag-thumbs up ang mga Broad Comm students na halos nasa labas na ng studio.
Pinaurong ni Prof. ang ilang gamit at mesa sa loob ng studio para makapasok ang
iba. Pinatayo ng block namin sa stage na ginamit namin. Napuno ng estudyante ang
silid.
"Since we're all here, I wanted to hear evaluations for their performance,"
sabi ni Prof. at iginala ang mata sa mga naroon. "Anyone?"
May isang tumayo. Babae.
"I am observing here in the studio and I noticed that the anchor and the floor
director has good working rapport," tukoy nito sa amin ni Warren. "Kapag hindi alam
ng anchor kung saan titingin, nagbibigay ng hint ang FD sa kanya. Hindi obvious
malito ang anchor... na, uh, replacement lang, tama ba?"
Tumango ang mga blockmates ko.
"Our main anchor is sick today," paliwanag ni Libby.
" 'Ayun nga. Hindi siya halatado ma-confuse pero nakakapagbigay agad ng
direction ang FD niya. It looks professional."
"Anyone else?" tanong ni Prof.
"Magaling ang dynamics ng mga nag-anchor, Prof. Kahit mukhang nagpraktis sila,
hindi tunog pinagpraktisan ang palitan at saluhan ng linya. Kahit 'yung mga adlib
sa side ng showbiz reporter, very smooth and non-distracting," komento ng isang
lalaki.
"I also like to commend their director, Prof." sabi ng isa pang lalaki na
nakatingin kay Libby. "Maganda ang transition ng camera works sa screen. Pang-
professional."
"You were watching with me sa labas, ano?" sabi ni Prof.
"Yes, Prof. Sa Block A po ako."
"Anyone else?" anito.
"Cute 'yung mga commercials nila, Prof," one girl said. "Spoof 'yung iba.
Enjoyable. In-effort-an talaga nila kahit na pwede naman silang mag-download sa
youtube. Na-threatened kami!"
Nagtawanan ang Block B.
"Ang ganda rin ng ilaw nila. Effort kay Kuya na humawak at nag-control sa
spotlight. Sana, hindi ka napaso."
"How about the script, class? Any reaction?" tanong pa ni Prof.
"Magaling ang script nila for me," sabi ng isang babae. "Easy sa tainga.
Maiintindihan ang balita kahit na hindi panoorin ang nangyayari sa screen at
makikinig lang."
"Nakaka-pressure kasi parang na-ace rin nila 'yung simultaneous na radio
broadcast ng show, Prof." sabi ng isa.
Sumang-ayon ang mga nando'n.
"Anything else?"
May nagtaas ng kamay na nakatayo na halos sa pinto. Parang nakatingin siya
sa'kin kaya medyo natakot ako. Baka kasi papansinin na, na mataba ako. Napatabi ako
kay Warren.
"May napansin pa 'ko, Prof. Sabihin ko na habang may chance," sabi ng lalaki.
Sa akin pa rin siya nakatingin.
"What is it?" ani Prof.
"Ang ganda ng main anchor nila," sabi nito at bahagyang ngumiti.
Bumaling ako sa likuran ko. Ako ba ang kinakausap? O nalilito siya? Akala niya
si Roxie ang main anchor?
"Amethyst, right?" patuloy nito, sa'kin pa rin nakatingin.
"Uh... ako?" tanong ko na itinuro ang sarili ko. "Ako 'yung tinutukoy mo?"
"Yes," sabi niya. "You're Amethyst, right?"
Tumango ako.
"Ang ganda niya sa screen," patuloy ng lalaki. I looked at him like looking at
something alien. "Pero mas maganda pala siya sa personal."
Tumaas ang mga balahibo ko. Hindi nga? Sa'kin talaga siya nagsasabi? Na maganda
ako?
Nagkantiyawan ang mga nasa studio. Nag-cheer.
"Mr. Ybarraz, I know you're young and impulsive but I am asking for a feedback
for their performance, not about a crush," sabi ni Prof. na natatawa.
Tumango ako. 'Yung performance talaga dapat ang pagtuunan ng pansin.
Pero lalo lang nanukso ang mga nasa studio. Hindi raw dapat humahadlang si
Prof. sa first love.
"Sige, Prof. Ganito po. Amethyst looked good on screen. She's beautiful but she
has a commanding presence like all established anchors that we have today. When she
speaks, kahit soft voice siya at parang mas bagay sa radyo, may authority. Firm.
Convincing. We have no choice but to take her every word seriously. Kahit na no'ng
nagre-report lang siya ng result ng Literary contest natin last time." Tumingin ang
lalaki sa mga nasa studio. " 'Di ba?"
Tumango-tango ang mga naroon.
"One last thing..." anito pa.
Nakatingin kami sa isa't isa.
"Pwede bang makuha ang number mo?" tanong nito at ngumiti nang malapad.
"Mr. Ybarraz!"
Hala ka. Hindi ko alam kung saan ako magtatago para hindi ako makita.
Pinagtitripan ba 'ko?
Nanukso uli ang mga kaklase namin. Nangantiyaw na ibigay ko raw ang number ko.
But Warren cut through the voices. Firmly, he said, "No, you can't." #520ma /
11072017

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 04: Eyes on Me (part 2)

***
"Oo nga. Sorry pero hindi ako nagbibigay ng number ko," dugtong ko sa sinabi na
ni Warren. "Ano... thank you sa compliment. I know you're being kind but you're
being too kind."
"Hindi naman—"
Pero naputol na ni Prof. ang sasabihin ng lalaki. Mabuti na lang.
"Bukas, Block B at D naman ang magkasunod na magla-live. I am hoping na may
natutunan kayo sa Block C na maia-apply ninyo sa sarili ninyong broadcast. Ang
buong evaluation paper ninyo ay ipapasa sa'kin sa isang linggo bago magbakasyon.
I'm expecting deeper analysis of the broadcast kaysa sa mga sinabi na ninyo
ngayon." Pinagsalikop ni Prof. ang mga palad niya. "That's all for today. You're
all dismissed."
Naglabasan ang mga estudyante mula sa studio. Nagligpit naman kami ng stage at
equipments. Si Prof, nag-stay at kinausap si Libby. At 'yung lalaking nagsabi na
maganda ako, tumayo pa muna sa labas at nginitian ako. Hindi ko alam kung anong
ire-react ko. Buti na lang, naharangan ni Warren.
"Una na tayo," yaya ni Warren sa'kin. Ang hirap basahin ng mukha niya.
Nilingon ko ang mga kasama naming nagliligpit sa studio.
"Eh, nagliligpit pa tayo," sabi ko. "Gutom ka na ba?"
"Oo. Kain tayo sa mall," aniya. "Nagsabi na 'ko kay Libby na mauuna na tayo.
Okay lang naman daw."
Mag-o-okay talaga sa kanya si Libby dahil crush siya ni Libby. 'Di pa rin niya
nahahalata.
"Sige. Kunin ko lang bag ko," sabi ko sa kanya.
"Ako na," aniya at nagpatiunang lumakad sa standby area bago ang monitoring
room, kung saan nakatambak ang lahat ng mga gamit namin.
Lumapit naman ako sa mga kasama namin at nagsabi na mauuna na kami. Humingi rin
ako ng pasensiya. Pagbalik ni Warren dala ang bag ko, mabilis kaming lumabas ng
studio.
***
"Bad mood ka ba?" tanong ko kay Warren habang kumakain kami ng shawarma at
potato fries. Iba kasi ang pananahimik niya. Sakal-sakal niya pa ang cup ng iced
tea niya.
"Hindi," sagot niya.
"Gutom?" Pero sa aming dalawa, ako ang gutom. Ang bilis ko ngang nakalahati ang
fries namin.
Umiling siya.
"Uhm... Pagod?" ani ko.
"Medyo."
Sumipsip ako sa iced tea ko. Bihira kong makita na wala sa mood si Warren.
Madalas, antok lang siya o walang pakialam. Pag ganito siya, ang tigas ng anggulo
ng mukha niya tingnan. Tiim na tiim ang lips. At kaunti na lang, kukunot na ang noo
niya.
Bakit kaya nagbago ang mood niya? Parang okay naman siya kanina.
"Amethyst, 'wag mo 'kong titigan," sabi niya at nangalumbaba sa mesa namin.
Bumaling siya sa tagiliran niya kaya akala ko may nakakuha ng atensyon niya, pero
wala naman. Nagbuga pa siya ng hangin.
Inubos ko ang shawarma ko at nagdahan-dahan sa fries.
"Mauubos ko na 'tong fries," sabi ko sa kanya. "Kain ka pa."
Hindi siya kumibo.
"Bigay ko sa'yo 'tong malaking fries," sabi ko at inilapit sa labi niya ang
mahabang potato fries.
He nipped it between his lips and chewed on it slowly like a rabbit. Parang
bata.
"Gusto mo pa? Marami pang mahabang fries." Tumungo ako sa serving ng fries sa
mesa namin at naghanap ng mahabang piraso. "Gusto mo ba 'yung maraming barbecue
powder? O mas gusto mo ang cheddar cheese?"

" 'Yung lalaki kanina..."


Nag-angat ako ng mata sa kanya. "Alin do'n? Maraming lalaki kanina."
He licked and nibbled on his lips. Ang pink ng lips niya eh. Mukha ring
malambot.
" 'Wag mong ibibigay ang number mo kahit mangulit," aniya.
"Ah... Hindi naman talaga," sabi ko. "Magagalit si Kuya. Pagalitan pa 'ko."
"Tama."
"Saka, hindi naman siguro 'yun mangungulit. Nag-thank you naman na 'ko kanina
sa compliment niya. He's just being kind."
"He's not just being kind," sabi ni Warren. Nakapangalumbaba pa rin siya nang
tumitig sa'kin. "Totoo ang sinabi niya."
Natigilan ako.
"Talaga?"
"Oo."
"Talaga nga? Totoo 'yun sa tingin mo?"
"Oo. Totoo."
Napatunganga ako sandali. Parang hindi kasi kapani-paniwala. Pero kung gano'n
din ang tingin ni Warren... eh 'di totoo nga?
"Wow. Eh 'di anchor-material nga ako? Totoo?"
Napakurap siya bago ngumiti. "Oo. Anchor-material ka."
Hindi ko napigilan ang lapad ng ngiti ko. "Sabi ko na, eh. Lagi kaya akong
nagpa-practice para sa diction at sa delivery ko. Pati 'yung paghinga. Pati kung
pa'no hindi ma-conscious kapag nakatitig sa camera lens. Nag-pay off naman pala
lahat ng practice ko.
"Alam mo 'yun? Kinakabahan kaya ako kanina. Nanginginig nga kamay ko kahit na
nakaupo lang naman kami ni Sam sa set. Kaya hindi ko masyadong itinataas 'yung
script na hawak ko kapag magde-deliver na kami.
"Buti na lang, kahit nakakalimutan ko kung saang camera titingin kapag kabado
ako, nasa harap ka lang. Natuturuan mo 'ko agad. Galing mo mag-cue."
Nakapangalumbaba na lang siya at nakikinig sa'kin.
"Tapos ang init din ng spotlight kanina. Akala ko, malulusaw 'yung make-up na
ginamit sa'kin ni Pen. Mamahalin siguro 'yun. Parang gano'n 'yung make-up sa'min
nina Iya no'ng graduation natin no'ng high school, eh. No'ng nag-hire kami ng
stylist?"
Tumango si Warren.
"Buti talaga hindi ako nabulol o nagkamali kanina. May isang camera naman tayo
na nagre-record, 'no? Makakakuha naman tayo ng kopya kapag in-edit na?"
Mas magaan na ang ngiti niya nang tumango uli. "Kukuha tayo ng kopya ng live
kanina. Don't worry."
" 'Oy. Hindi ka na bad mood?" tanong ko sa kanya.
"Hindi naman ako bad mood kanina."
Tss. Nag-deny pa siya. "Eh ano pala? Hindi ka naman mapapagod lang sa live
natin. Mas nakakapagod pa nga 'yung tennis practice mo kaysa ro'n."
"May iniisip lang ako kanina," aniya.
"Ano?" Anong iniisip niya na magpapaseryoso nang sobra sa kanya.
"Wala na. Hindi na importante."
"Sabihin mo pa rin sa'kin kahit na hindi na importante."
"Ikuha mo na lang ako ng mahabang fries."
Tumungo ako sa fries namin. Baka maubos ko 'yun kung dadaldal lang ako at
mangungulit. Mas mabuting maghanap ng kakainin ni Warren. "Sige, sandali."
Iniabot ko sa kanya ang mga nakita ko. Napunta na sa summer OJT ang usapan
namin nang tumunog ang cellphone ko sa isang text.
Unregistered number:
Hi, Amethyst. Si Jeron Ybarraz to.
Block A, AB Broad Comm.
Nangunot ang noo ko. Pa'no niya nakuha ang number ko?
"What's that? Who texted?" tanong ni Warren nang magkatinginan kami.
"Uh... Si..." Sasabihin ko ba? Pero kaka-okay lang ng mood niya. "Si Yanyan."
May pumasok uling text message.
Unregistered number:
May kaklase ka na nagbigay ng
number mo sakin. Okay lang ba?
Hala ka. Hindi ko alam kung anong ire-reply ko na hindi offensive. Pero nakuha
niya ang number ko sa ibang tao.
Amethyst De Vera:
No, it's not okay. Sinong nagbigay sayo?
Unregistered number:
Ah. Sorry kung ganun. Basta may kaklase
mo lang na nagbigay. Anyway, nagbakasakali
lang naman akong mag-text. I understand if
you're offended.
Amethyst De Vera:
Hindi naman ako offended. Pero hindi kasi
talaga ko sanay na nagbibigay ng number.
Sorry rin. Ang rude ko tuloy.
Unregistered number:
You're not rude. :)
Unregistered number:
Eh di hindi ako pwedeng mag-text sayo?
Amethyst De Vera:
Bakit ka magte-text sakin? Hindi ako
mahilig mag-reply. Saka, bihira ako
mag-load.
Unregistered number:
Haha. Can I be your friend?
Napatingin uli ako kay Warren na kumakain ng fries. Sabi niya, 'wag kong
ibibigay ang number ko kay Jeron. Eh, pa'no 'to, hindi naman ako ang nagbigay pero
nakuha niya pa rin? Hindi naman bawal kung makikipagkaibigan ako, 'di ba?
Amethyst De Vera:
Pwede naman. Pero yun nga. Hindi
ako pala-reply at bihira ako mag-load.
Unregistered number:
Haha. It's okay. :)
Amethyst De Vera:
Eh di okay rin. :)
Unregistered number:
Kakaway ako minsan sayo pag nakita
kita.
Amethyst De Vera:
Okay. :)
Unregistered number:
Save mo number ko, ha?
Amethyst De Vera:
Sige.
Unregistered number:
Nice meeting you, Amethyst. :)
Amethyst De Vera:
Nice meeting you rin, Jeron. :)
Isinave ko ang number ni Jeron. Pagbalik ko ng cellphone ko sa bag ko, nahuli
kong nakatitig sa'kin si Warren.
"Si Yanyan 'yun?" tanong niya.
"Uh... oo." Pero hindi ako makatingin sa kanya.
"Anong sabi? May ipinapabili?"
"Wala naman."
Tumikhim ako. Nakatitig pa rin siya. At hindi ako komportable.
Wala naman talaga akong ginawang masama, 'di ba? Hindi naman ako ang nagbigay
ng number ko kay Jeron. Tapos, tumanggap lang ako ng friendship. Ang sama ko naman
kung nakuha na niya ang number ko tapos nag-o-offer lang siya ng friendship,
tatanggihan ko pa. Isa pa, magsasawa rin 'yun ng kaka-text si Jeron, lalo na kung
'di ako magre-reply.
"Wala talaga," sabi ko. "Kain pa tayong fries."
Hinayaan ko na lang na nakatitig si Warren. #0842g / 11092017

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 05: Stealthily

***
Jeron Ybarraz (Block A):
Hello, Amethyst. Anong gina...
Napasulyap ako sa text message na umilaw sa cellphone ko. Nag-text na naman si
Jeron kung kailan ako walang load. May ginagawa pati ako. Nasa salas ako ng bahay,
nakasalampak sa sahig at nag-e-edit ng video sa laptop ni Warren.
Tatlong araw na lang, tapos na ang semester namin. Pero walang bakasyon. Summer
kasi ang on-the-job training namin. Pagdating ng April 15, magte-training kami sa
ilang television networks na kinausap ng University. Bukas daw ibibigay ang
schedule.
Mahigit isang linggo na rin na tumatanggap kami ni Warren ng part-time video
editing sa isang video service na kakilala ni Kuya Ivan. Homebased lang naman.
Karamihan ng videos na ini-edit ay wedding, save the date, at anniversary
celebrations. Dahil wala akong laptop, kay Warren lagi ang gamit namin. Hati kami
sa trabaho, hati rin sa kita. Pandagdag din 'yun para sa gastusin ng summer.
Ilang araw na rin na masipag mag-text si Jeron. Ewan ko ba. Ang tiyaga niya
kahit na hindi naman ako pala-reply. Lagi siyang may kumusta, good morning, good
evening, at goodnight. Minsan, nagse-send ng quotes. Minsan naman, trivia. Hindi ko
alam kung group message ba 'yun. Kahit 'yung mga pinanonood niya sa tv at sa
youtube, itini-text niya minsan.
Friends na rin kami sa facebook, pati na ang iba pa niyang ka-block. Mahilig
siya mag-tag sa mga meme. Nagre-reply ako minsan. Pero madalas, reaction lang.
Dahil sa kanya, na-realize kong hindi ko alam kung pa'no makipag-usap sa iba na
hindi si Warren.
Nag-control+S ako bago damputin ang cellphone ko.
Jeron Ybarraz (Block A):
Hello, Amethyst. Anong ginagawa
mo?
Jeron Ybarraz (Block A):
Natalo yung contestant na gusto
namin sa singing show. Magaling

pa naman sa instrument. Nano


nood ka rin ba?
Kawawa siya. Wala na naman akong load. Hindi rin pati ako mahilig manood ng
talent shows.
Nag-exit ako sa messages at ibinalik ang atensyon ko sa laptop. Na-trim ko na
nang maayos ang mga video clips at nakapag-apply na rin ng transition effects per
clip. Okay na rin ang duration ng mga titles at texts. Ang natitira na lang ay
maglagay ng background music. Kaso, wala akong naka-save na pang-background music.
At wala rin kaming internet para makapaghanap ako.
Napabuntonghininga ako. Kung hindi lang dadagdag sa bill namin ang internet,
re-request ako kina Mama, eh. Kaso, no money.
Warren Coach-nim >_< :
Tapos ka na mag-edit?
Hala siya. Bakit nagte-text si Warren nang wala akong load? Pa'no ko siya ire-
reply?
Warren Coach-nim >_< :
I'll call.
Pagkabasa ko sa message niya, nag-ring ang phone ko.
"Wala akong load," sabi ko agad kay Warren nang sagutin ko ang tawag niya.
"Naalala ko nga," aniya. "Tapos ka na mag-edit?"
"Hindi pa. Gagamitin mo ba ang laptop?"
"Hindi. Nagche-check lang ako. Kailangan 'yang video bukas."
"Oo nga eh. Tapos ko naman na halos lahat. Uhm... kailangan na lang ng
background music nito, kaso as usual, wala ako."
Narinig ko ang 'hmm' niya sa telepono. "Dito mo na lang tatapusin sa bahay?"
"Oo sana kasi wala naman kaming net, eh," sagot ko. "Kaso, hindi pa 'ko pwedeng
umalis. Nag-e-expect si Mama na dadatnan ako rito, eh. Pwede akong magpaalam by
text kaso..."

"Wala kang load," pagtatapos niya.


"Oo. Wala akong load."
Natahimik sandali ang linya namin.
"Pa-load-an muna kita," sabi ni Warren.
"Hindi na. Ako na lang mayamaya."
"Ako na. Gabi na at walang tao sa bahay n'yo, 'di ba?"
Oo nga naman. "Sige. Bayaran ko na lang sa'yo mamaya."
"Okay. Mag-text ka na lang 'pag susunduin kita diyan sa inyo, ha?"
"Okay."
Ibinaba niya ang tawag. Bumalik naman ako sa video na ginagawa ko. I played it
one more time to look for errors. Sa dami ng video clips, nagawa kong maging 31
minutes at 46 seconds lang ang duration ng isang buong debut party, mula sa
preparation ng debutante at mismong celebration.
Jeron Ybarraz (Block A):
Ah, hindi ka nga pala mahilig
manood sa tv. My bad. :)
Napangiti na lang ako. Ang tiyaga niya talaga mag-text eh. Kahit sa facebook,
maingay ang comment section ng mga posts niya. Makwento siguro talaga siya.
Warren Coach-nim >_<:
Nasa tindahan na ko. Hintayin mo
na lang daw ang load mo.
Ilang minuto bago matapos ang video na pinanonood ko, pumasok ang load sa
cellphone ko. Nag-text ako agad kay Warren.
Amethyst De Vera:
Nandito na yung load.
Thank you! >_<</i>
Warren Coach-nim >_< :
Okay.
Warren Coach-nim >_< :
Kumain ka na?
Amethyst De Vera:
Hindi pa. Wala pang tao eh.
Nagsaing pa lang ako.
Warren Coach-nim >_< :
Wala pa kayong ulam?
Amethyst De Vera:
Wala pa. :3
Si Yanyan o si Mama kasi ang nagluluto sa'min. Ang alam lang ni Kuya Ivan sa
kusina ay mag-ayos ng lababo, tubo, at gas tank. At ang alam ko lang ay magbukas ng
de-lata at kumain. Wala na kaming de-lata. Bukas pa raw mag-grocery si Yanyan.
Jeron Ybarraz (Block A):
Nag-dinner ka na?
Ay, nagte-text pa rin si Jeron. At may load na ko.
Jeron Ybarraz (Block A):
Ang kulit ko ba? Haha.
I-reply ko na kaya siya? Masama naman kung may load ako tapos hindi ako magre-
reply, 'di ba?
Amethyst De Vera:
Hi, Jeron. Hindi pa ko kumain.
May ginagawa pa kasi ako ngayon.
Jeron Ybarraz (Block A):
Ah. Anong ginagawa mo?
Amethyst De Vera:
Nag-e-edit ng video. Home-

based job. :)
Jeron Ybarraz (Block A):
Nice, ang sipag. Pero mas
okay kung kakain ka na. Mag-8
na ng gabi.
Alam ko naman. Nagugutom na nga ako eh. Wala lang talaga kaming de-lata.
Warren Coach-nim >_< :
Diyan ka ba kakain? O ipagtabi
kita ng ulam dito?
Amethyst De Vera:
Sasabay na lang akong kumain sa kanila.
Warren Coach-nim >_< :
Buko salad?
Ngumuso ako. Aalukin ako nito ni Warren ng buko salad tapos kinabukasan,
iiyakan ko lang sa running namin. Kapag sumosobra kasi ako ng kain ng carbs o ng
matamis, pinapa-burn niya sa'kin sa exercise. Ang istrikto ni Coach.
Amethyst De Vera:
Itatakbo ko lang yan bukas eh. :/
Warren Coach-nim >_< :
Hindi muna tayo tatakbo bukas
dahil pagod ka ngayon.
Wow. Mabait si Coach. Masarap siguro ulam nila. Ang sarap titigan ng text niya.
Pagod na 'ko talaga ngayon dahil sa pag-e-edit.
Amethyst De Vera:
Totoo, Coach-nim?
Warren Coach-nim >_< :
Yes.
Amethyst De Vera:
Sige, ipagtabi mo kong salad. >_<<br>
Warren Coach-nim >_<:
Okay. :)
Bumalik ako sa text ni Jeron.
Amethyst De Vera:
Hinihintay ko pa kasi Mama at Papa
ko. Sabay-sabay kami nagdi-dinner eh.
Jeron Ybarraz (Block A):
Tradisyon nyo, ganun?
Hindi lang naman kami ang may tradisyon na gano'n. Gano'n din kina Iya at kina
Warren.
Amethyst De Vera:
Oo. Parang ganun. Ikaw?
Nag-dinner ka na?
Si Warren pala, hindi ko natanong kung kumain na. Pero maaga silang kumakain sa
bahay nila. Kaso, unfair. Si Jeron, tinanong ko. Dapat, si Warren din.
Amethyst De Vera:
Kumain na pala kayo?
Warren Coach-nim >_< :
Oo. Kani-kanina bago ako
tumawag sayo.
Amethyst De Vera:
Ah. Buti naman.
Warren Coach-nim >_<:
May ulam pa kung kailangan

mo mamaya. Nagpapapak na
lang si Max.
Amethyst De Vera:
Hindi na. Tinanong ko lang naman kung kumain ka na.
Jeron Ybarraz (Block A):
Nagdi-dinner pa lang ako. :)
Amethyst De Vera:
Nagdi-dinner ka habang nakikipag-text
sakin? Kumain ka muna nang maayos.
Ilang minuto na walang bumalik na reply sakin.
Warren Coach-nim >_< :
Sinong ka-text mo?
Napatitig ako sa palitan ng messages namin ni Warren. Hala! Sa kanya ko na-text
'yung para kay Jeron!
Amethyst De Vera:
Sorry, wrong sent, Warren.
Warren Coach-nim >_<:
I know. Sinong ka-text mo?
Hindi ko alam pero kinakabahan ako sa tanong niya. Parang harmless pero parang
seryoso. Parang kalmado pero parang may iba.
Amethyst De Vera:
Kaibigan ko lang.
Matagal nanahimik ang cellphone ko.
Warren Coach-nim >_<:
Kaklase natin?
Hindi ko alam kung pa'no 'ko sasagot. Sina Yanyan at Iya lang naman ang
kaibigan ko. Ang mga kaklase namin, alam ang number namin ni Warren pero hindi
naman nagte-text ng kasing-friendly tulad ng balitaan ng dinner. Siguradong
malalaman niya na may itinatago ako kapag mali ang sagot ko.
Dapat kasi, hindi na lang siya nagtanong. O dapat, hindi na lang ako na-wrong
sent.
Amethyst De Vera:
Hindi.
Warren Coach-nim >_< :
I see.
Napatitig ako sa cellphone ko na biglang nanahimik. Nawalan na rin ako ng
ganang mag-text kay Jeron. Ayokong magsinungaling kay Warren pero baka kasi magalit
siya na nagte-text ako kay Jeron. Sabi pa naman niya, 'wag kong ibigay ang number
ko kahit may mangulit.

Natuwa ako nang mag-text uli siya. Pero ang lamig ng


pakiramdam ko sa text niya.
Warren Coach-nim >_<:
Text ka pag nandiyan na sina Tita
at pag susunduin na kita.
Amethyst De Vera:
Okay.
Wala na talaga pagkatapos no'n. Hindi tuloy ako mapakali.
***
Mag-a-alas dies na nang sunduin ako ni Warren sa bahay. Siya ang nagbitbit ng
laptop niya at maliit na bag ko. Dala ko na ang uniform ko at gamit panligo.
Makikiplantsa na lang ako sa bahay nila bago pumasok kinabukasan.
Tahimik kami nang sumakay sa tricycle. Tahimik kahit nang pumasok kami sa mini-
studio na ipinagawa namin kina Jacob, at nang sumalampak siya sa tapat ng punggok
na table namin, para panoorin ang in-edit ko na. Hindi siya nagsalita nang abutan
ako ng mangkok ng buko salad at mag-edit ng ilang mali na hindi ko napansin sa
project namin. Kahit nang naghahanap na siya ng pwedeng gamiting background music,
hindi niya 'ko pinapansin.
Hindi ko alam kung anong gagawin ko dahil hindi ako sigurado kung galit siya o
kung ano eksakto ang ikinagagalit niya.
"Tapos na 'kong kumain..." mahina kong sabi sa kanya nang maubos ko ang salad.
Ni hindi siya lumingon sa'kin. Sa laptop nakatutok ang mata niya habang may
nakapasak na earphone sa isang tainga. Naririnig niya kaya ako?
"Ilabas ko lang 'tong mangkok," sabi ko uli at tumayo. "May ipapakuha ka sa
kusina?"
"Wala."
Tumitig ako sa kanya pero ni hindi siya nag-angat ng mata sa'kin. Lumabas na
lang ako at hinugasan ang mangkok. Hindi talaga 'ko sanay na para siyang galit.
Wala naman akong panuhol.
Nagbukas ako ng kabinet at cup board nila. Pati ng refrigerator. Nagdala ako ng
orange juice sa clear na tumbler pagbalik ko sa studio.
"Juice," sabi ko at inilagay sa tagiliran niya ang tumbler.
"Thanks."
Tahimik akong nanood sa ginagawa niya. Marami siyang nakabukas na tabs ng mga
free royalty at free use na kanta. Pinapakinggan niya isa-isa at kahit na wala pa
siya sa kalahati, itinitigil niya 'pag hindi niya gusto. Sinusulyapan ko ang mukha
niya pero hindi talaga siya tumitingin sa'kin.
Kinalabit ko siya sa braso. "Ako dapat ang maghahanap ng songs, 'di ba?"
"Ako na."
"Ikaw na nag-note ng mga gagamiting clips para sa video. Task ko 'yung edit
hanggang sa songs, 'di ba?"
Hindi siya kumibo. Kinalabit ko uli.
" 'Oy, Warren..."
Kumunot ang noo niya. Dinamihan ko ang kuwit sa braso niya.
"Ako na niyan," ani ko. "Wala ka bang ibang gagawin?
He tsked. Simangot talaga siya, eh. Bad trip talaga.
Kalabitin ko nga lalo.
"Amethyst!" saway niya at lumingon sa'kin.
Bumelat ako at hindi tumigil sa pagkalabit. "Ako na nga kasi eh."
Hinuli niya ang kamay ko at hinila ako. Sumubsob ako sa balikat niya bago niya
iipit ang braso ko sa braso niya. Itinukod ko ang libreng kamay ko sa sahig. Para
na kasi akong nakayakap sa kanya.
"Teka, teka..."
Nagpatuloy siya sa ginagawa niya sa laptop na parang walang mataba sa tagiliran
niya. Hindi ako makabalanse.

"Hindi na 'ko mangungulit, Warren," sabi ko. "Pakawalan mo


na 'ko."
Wala siyang kibo.
"Pansinin mo naman ako. Oy. Bitawan mo na 'ko..."
"Hindi."
Kumurap ako. "Anong hindi? Hindi ako makaupo nang maayos dito. Alangan namang
yakapin kita? Hindi na 'ko mangangalabit, promise."
Bumuntonghininga siya at kumiling sa'kin. Kunot ang noo niya at nakatiim ang
labi. Parang naasar ko siya talaga, eh. At ang lapit-lapit ng mukha namin.
Kinakabahan tuloy ako. May mga ganitong eksena sa mga Kdrama, eh. Pero sa romance
naman 'yun. Maganda ang babae at lalaki ro'n. Hindi gaya namin—isang leading man at
isang supporting lead. Misleading scene 'to.
"Hindi. Dito ka lang. Parusa mo 'yan," sabi niya at ibinalik ang mata niya sa
laptop.
Huminga-hinga ako nang malalim para kumalma. Hala. Nagpa-palpitate na naman
ako. Hindi ko alam kung saan itutukod ang braso ko na iniipit niya kaya humawak na
lang ako sa tuhod niya.
"Be still," sabi niya.
Panay ang tambol sa dibdib ko. Nahihirapan akong huminga. Tapos, masyado siyang
mabango. Normal bang maging mabango sa gabi? May pabango ba siya kahit matutulog na
lang siya? At may lagnat ba siya? Parang nahahawa kasi ako.
Huminga ako nang malalim at nagbuga ng hangin. Ilang ulit hanggang kumiling uli
siya sa'kin. Wala naman siyang sinabi. Nakatingin lang siya.
"B-bakit?" tanong ko. "Bibitiwan mo na 'ko?"
He nibbled on his lips. Kumurap ako. Pinilit kong ngumiti.
"Ano? Bitiwan mo na 'ko..."
Pumalatak siya at tinanggal ang kamay ko sa tagiliran niya. Tapos, ibinalik
niya ang atensyon niya sa laptop. " 'Wag mo na 'kong kalabitin."
"Oo."
Umayos ako ng upo. Naglagay ako ng distansiya sa pagitan namin.
"Masyado kang malayo. Hindi ka ba tutulong sa paghahanap ng background music?"
sabi niya. "Task mo 'to, 'di ba?"
Hala siya. Sabi niya kanina, siya na lang ang gagawa.
Bumaling siya sa'kin, iniabot ang kapares na earphones ng nasa tainga niya.
Umisod ako sa tabi niya at ipinasak ang earphones sa tainga ko. Nahihirapan pa
rin akong huminga at mag-focus.
"Listen to this well," sabi niya at in-adjust ang volume ng laptop bago i-play
ang isang music file.
Napunta ang atensyon ko sa music kaya nakalma ako. Bagay 'yun na opening track
sa video namin.
"How about it?" ani niya.
Bumaling ako sa kanya. Para lang magbalik ng tingin sa laptop dahil nakatitig
siya sa'kin. Wala naman dapat na kakaiba dahil mahilig naman talaga siyang tumitig.
Pero nagre-react ang palpitations ko.
"Gusto ko 'to," sabi ko. Lumipat ako ng tab at pinatugtog ang kasunod na track.
"Pakinggan din natin 'tong isa."
'Hm' na lang niya ang narinig ko.
***
Lagpas hatinggabi na nang makapag-shortlist kami ng mga tracks na pwedeng
gamitin para sa video. Iti-trim pa 'yun sa parte na kailangan namin, aayusin ang
fade in at fade out bago i-transition ang pagkakasunod-sunod sa video. Pagkatapos
no'n, saka pa lang pwedeng i-export as final video file ang video project namin.
Matagal ang rendering ng raw format papunta sa video format. Malamang, madaling-
araw na 'yun matapos.
May pasok pa kinaumagahan at napipikit na 'ko sa antok. Ayokong magpahalata
pero nahalata.
"Pumunta ka na sa kuwarto ni Auntie para makatulog ka na," sabi ni Warren
sa'kin. "Ako na ang bahala sa audio."

Pero mapungay na rin ang mata niya sa antok.


"Inaantok ka na rin, eh. Saka, task ko naman 'yan. Ako dapat ang gumawa. Ikaw
na lang ang matulog," sabi ko.
Pumalatak siya. "Ako na, Amethyst. Matulog ka na."
Nagsukatan kami ng inaantok na tingin. Ayoko talaga siyang iwan ro'n.
"Sige, ikaw na mag-edit ng tracks," suko ko. "Pero dito ako sa studio
matutulog. Gisingin mo 'ko 'pag rendering na lang para ikaw naman ang makatulog."
"Kaya ko naman tapusin 'to hanggang final output," aniya.
"May tennis practice ka bukas. 'Pag napuyat ka, masyado kang mapapagod."
Hindi siya kumibo.
"Dito na lang uli tayo sa studio matulog," ani ko. "Maluwag naman ang sahig."
Green ang buong studio namin. Soundproof. Walang ibang laman kundi ang punggok
na mesa at kabinet na lagayan ng microphones at ilan pang gamit namin sa audio o
video projects. Madalas kaming maglatag lang do'n ng kutson. Palitan kaming matulog
'pag may nira-rush na projects.
"Kunin mo na lang uli ang kutson mo," sabi ko pa.
He thought about it for a while before agreeing. "Sige."
Tumayo siya at lumabas ng studio. Pagbalik niya, bitbit na niya ang foldable na
kutson niya at ilang unan. May manipis na kumot din.
"Pagagalitan tayo ni Auntie mamaya," aniya habang naglalatag ng mahihigan.
"Sanay na siya. Sanay na rin tayo," sabi ko.
Pagkalatag niya ay nahiga na 'ko.
"Matulog ka na," aniya.
"Gisingin mo 'ko 'pag rendering na, ha?"
Hindi siya sumagot. Nakatalikod na siya sa'kin at nasa laptop ang focus.
Kinalabit ko uli siya sa likod.
"Gisingin mo 'ko, ha?" pilit ko. "Task ko 'yun."
"Oo."
Pumikit ako nang nagpapaalala sa sarili ko na gigising ako 'pag rendering na.
***
Automatic akong napamulat nang maramdaman kong parang mahaba na ang tulog ko.
Inabutan kong humihikab si Warren at iniuunat ang mga braso niya. Masakit na siguro
ang likod niya sa pagsalampak sa sahig.
Maliit ang bukas ng mata ko nang silipin ang monitor ng laptop. Rendering na.
37 percent.
"Sabi ko, gisingin mo 'ko, eh," sita ko kay Warren.
Lumingon siya sa'kin. "Ang sarap ng tulog mo, eh."
Bumangon ako at inalis ang pagkakalapat ng kumot sa baywang ko. Gusto ko pa
talagang matulog pero... "Kahit na. Ang usapan, gigisingin mo ko." Umupo ako sa
tabi niya at mahina siyang tinabig. "Ako na rito. Tulog ka na habang may kaunti
pang time."
Humikab uli siya. Nadamay ako.
"Okay ka na sa tulog mo?" aniya.
"Okay na 'ko. Kaya ko nang bantayan 'to. Tulog ka na."
Humiga siya sa kutson at hinila ang kumot sa paa niya. "Sige. Gisingin mo 'ko
'pag may problema."
"Oo, Coach."
" 'Pag mabilis natapos, punta ka sa kuwarto ni Auntie para matulog," dagdag
niya.
"Oo."
"Okay."
Napapa-headbang na naman ako sa antok nang pumalo sa 80% ang rendering. Nag-
check ako ng update sa wattpad at um-experience ng kilig. Nagising ako kahit pa'no.
Buti na lang, may update 'yung isang author na binabasa ko.
Rendering pa rin nang lumingon ako kay Warren at mapatitig. Nakatagilid na siya
paharap sa pwesto ng mesa namin. Tahimik ang paghinga niya. Mahimbing ang tulog.
Hindi sobrang attractive ni Warren no'ng bata pa kami. Pero nabundol siya ng
trak ng puberty no'ng mag-high school. Kung mas madalas nga siguro siya sa
classroom kaysa sa sports competition, baka mas maraming may crush sa kanya noon
kaysa kay Robin. Saka, kung magiging mas friendly siguro siya.
Kapag ganitong natutulog siya nang pagod, mas maamo ang mukha niya pero halata
pa ring suplado. Sa kilay siguro na makapal at sa tabas ng panga niya. Gano'n 'yung
mga gwapong panga sa wattpad, eh. Parang nakakasugat 'yung anggulo. Matangos din
ang ilong niya. Makinis ang balat. Pang-wattpad romance talaga siya, eh. Kahit
'yung height at built niya, gwapo. Ilang taon pa lang kami ngayon. Kapag nag-mature
pa siya at na-build 'yung katawan niya sa kaka-sports niya, pang-ano na siya...
Hala. Binawi ko ang tingin ko kay Warren. Ipiniksi ko ang ulo ko para iwaksi
ang inappropriate thoughts. Nakakahiya!
Sorry, Warren. 'Yung nabasa ko kasing update eh... may SPG.
Pinanood kong gumalaw ang percentage ng rendering ng video namin, mula 86
hanggang 100%. Hanggang sa umikot ang buffer at i-confirm ang import ng project sa
isang single video file. Pinanood ko ang final output ng video namin. At lumingon
lang uli ako kay Warren nang wala nang impurity ang thoughts ko.
Ang himbing pa rin ng tulog niya. Napagod.
Warren really fits the role of a male lead in romance stories. Sino kayang
magiging female lead niya? Pa'no kaya siya 'pag na-in love? Ang swerte no'ng babae
kasi hindi lang looks ang meron si Warren. He has a great personality, too. Minsan
nga lang, mahirap ispelingin dahil hindi siya palasalita.
Pero sana hindi muna siya ma-in love kahit kanino. Para sa ngayon, kami munang
dalawa. Akin muna siya. #502h / 11102017
_____
TCWDM: Hello, y'all! Bukas, November 11, ay 3rd year anniversary ko bilang writer
dito sa wattpad. Yehey! May twitter party po mula 6PM hanggang 930PM kung saan
pwede kayong magparating ng feels nyo at magtanong ng kahit na ano. Gamitin lamang
ang #AskPusangMamon para makita ko ang inyong mga tweets. 
It's a date. Bukas, ha? Wuv you ~

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 05: Stealthily (part 2)

***
Napipikit-pikit ako nang sumabay sa almusal kina Auntie Mona at kahit nang
sumakay kami ni Warren sa kotse ni Jacob. Hindi ko tuloy nakunan ng picture si
Jacob para kay Iya. Kapos na kapos ako sa tulog. Nabawasan lang ang antok ko nang
nasa school na kami at nagkakagulo ang mga kaklase namin sa posting sa bulletin
board. May schedule na ro'n para sa OJT sa summer.
Apat na broadcasting channels ang kinausap ng school para sa OJT namin. Tatlo
ro'n ang mainstream at ang isa ay government. Nagpasa kami ng voice recording at
sample writing namin para sa reference nila.
Sisingit pa lang sana ako sa mga nakaumpok sa bulletin board pero nauna na si
Warren. Sasandali lang, bumuwelta agad siya. Halos nakaharang sa'kin.
"Parehas tayo ng station pero nasa technical room ka. Ako, nasa radio," sabi
niya. "Palit tayo."
"Eh? Parehas tayo ng station?"
"Oo. ABS."
Napasulyap ako sa direksyon ng board na nahaharangan pa rin ng mga estudyante.
"Pwede raw magpalit ng position kung may concern sa schedule. Sasabihin lang
kay Dean," dagdag pa ni Warren.
"Bakit? Ano bang schedule ko?" tanong ko.
"Eight to four, gabi hanggang madaling-araw," aniya.
"Eh..."
Hindi pwede sa'kin ang gano'ng schedule. Siguradong hindi papayag sina Mama at
Papa. O kung papayag man, siguradong ipapahatid-sundo ako kay Kuya. Mapapagod lalo
si Kuya samantalang nasa talyer na nga siya lagi.
"Ikaw? Anong schedule mo?" tanong ko.
"Five to one, madaling-araw hanggang tanghali."
Napatango ako. "Ah. Pwede akong magpahatid kay Kuya no'n pero sa umaga lang. Sa
hapon, kaya ko nang umuwi mag-isa."
"Yes."
"Pero okay lang 'yun sa'yo?"
"Mas bagay ako sa technical room," sabi niya at nagkibit-balikat. "Kaunti ang
gagawin."
Baka tulugan niya nga lang ang technical room dahil madaling-araw ang schedule.
"Sige. Palit na tayo. Sabihin natin kay Dean?"
Maliit lang siyang tumango at nagpatiunang lumakad sa Dean's office.
Bago magsimula ang unang klase namin, nagkapalit na kami ng schedule.
***
Nagla-lunch kami ni Warren sa canteen nang may mag-text sa'kin.
Jeron Ybarraz (Block A):
Nakita mo na schedule mo sa OJT?
Sumulyap muna ako kay Warren bago mag-attempt mag-reply. Baka kasi magalit siya
na nagte-text ako. Ayaw niya no'n minsan, eh. Kapag kumakain kami tapos inuuna ko
ang cellphone ko o pagte-text. Sa wattpad update lang siya mabait kasi inaaway ko
siya 'pag ayaw niya 'kong suportahan na magbasa agad.
Amethyst De Vera:
Oo. :)
Jeron Ybarraz (Block A):
Haha. See you kahit summer
kung ganun.
Amethyst De Vera:
Eh? Bakit?
Jeron Ybarraz (Block A):
Hindi mo nakita? Sa technical
room din ako na-assign. Sa ABS din.
Parehas tayo ng schedule.
Uminom ako ng tubig. Sa tech din pala siya na-assign na may pangit na schedule.
Kaya lang, hindi na 'ko ro'n.
Amethyst De Vera:
Ah. Hindi na ko sa tech.
Nagpalit kasi kami ng

schedule ni Warren.
Jeron Ybarraz (Block A):
Nagpalit kayo? Bakit?
San ka na?
Amethyst De Vera:

Sa radio na ng ABS.
Jeron Ybarraz (Block A):
Bakit kayo nagpalit? :(
Amethyst De Vera:
Conflict kasi eh. Hindi ako
pwede sa schedule na na-assign
sakin. Buti nga nakipagpalit siya eh. :)
Wala pa ring kibo si Warren kaya nagte-text lang ako. Ni hindi siya nagtatanong
kung sinong kausap ko. Mabuti naman.
Jeron Ybarraz (Block A):
Sayang.
Hindi na muna ako nag-reply. Patapos na 'kong kumain nang mag-text uli si
Jeron.
Jeron Ybarraz (Block A):
Tanong ko lang...
Boyfriend mo ba si Warren?
Naubo ako sa nginunguya ako dahil sa text nito. Inabutan ako ni Warren ng
tubig. Sumama rin ang tingin sa'kin.
"May ano... kausap lang ako..." paliwanag ko sa pagitan ng pag-ubo.
"Do one thing at a time," dismissive na sabi niya at sumulyap sa cellphone na
hawak ko.
Halos itago ko ang cellphone sa kandungan ko. Baka kasi masulyapan niya 'yung
text ni Jeron. Nakakahiya. Bakit maiisip nito na boyfriend ko si Warren?
"Ano... ire-reply ko lang," mababa ang boses na sabi ko kay Warren.
He grunted.
"Mabilis lang naman," sabi ko at nagmadaling mag-type.
Amethyst De Vera:

Pano mo naisip yan?

Kababata ko si Warren.

Hindi ko siya boyfriend!


Kabado akong naghintay sa text ni Jeron. Napapatitig na sa'kin si Warren.
Sigurado akong malapit na siyang magtanong kung sinong tini-text ko. Parang ayaw pa
naman niya kay Jeron.
Jeron Ybarraz (Block A):

Akala ko boyfriend mo. Lagi


kasi kayong magkasama.
Amethyst De Vera:

Hindi! Hindi talaga!

Pano mo naisip yan?

Hindi talaga!
Jeron Ybarraz (Block A):

Okay. I get it. Haha.


Amethyst De Vera:

Totoo, ha? Gets mo na, ha?


Jeron Ybarraz (Block A):

Yes. Kain mabuti. Haha. :)


Saka lang ako nakahinga nang maluwag. Grabe. Pa'no nito naisip 'yun sa'kin at
kay Warren?
Pagtingin ko kay Warren...
"Sino bang kausap mo?" tanong niya, kunot ang noo.
"Wala."
He was looking at me in disbelief.
"Wala talaga," sabi ko. Sa tagiliran ng mga mata ko, may nakikita akong
kumakaway galing sa entrance ng canteen. Pagbaling ko, si Jeron.
He mouthed, Hi, Amethyst.
Ngumiti lang ako at kumaway nang maliit. Kaya pala sabi niya, kain mabuti.
Nakita siguro agad ako sa canteen. Lumingon din si Warren sa tinitingnan ko bago
ako sitahin.
"Kumain ka nang maayos. 'Wag kung sinu-sino ang pinapansin mo," aniya.
"Hindi naman eh..." bulong ko. Itinago ko ang cellphone ko sa bag ko at bumalik
sa pagkain. Kahit kailan, para siyang matandang nagsasaway.
"Sa tech room din pala na-assign si Jeron," sabi ko kay Warren kapagdaka.
"Sinong Jeron?" aniya.
" 'Yung kinawayan ko. Si Jeron Ybarraz."
"O?"
"Magkasama kayo sa OJT."
Hindi siya kumibo.
"Kung hindi tayo nagpalit, magkasama pala kami sa OJT," ani ko pa.
Tumingin sa'kin si Warren. "Bakit? Gusto mo siyang kasama?"
"Ha?" Nanlaki ang mata ko sa kanya. "Hindi ah. Wala naman akong sinabi. Grabe
ka..."
"Kumain ka na lang," sabi niya. "Pag-uusapan pa natin ang schedule ng exercise
mo sa summer at kung pa'no ka magre-report sa'kin."
"Ano? May exercise ako ng summer? Na ako lang mag-isa?"
"Gusto kitang samahan pero masyadong magkaiba ang schedule natin."
"Hindi naman 'yun..." reklamo ko. Ang akala ko, may pahinga kami ng summer.
Mainit kaya 'yun. Magpapawis ako kahit hindi ako mag-exercise.
"No slacking off kahit summer," aniya. "You'll report to me."
Sumimangot ako at pinagdiskitahan ang fruit salad na dessert ko. Ang tindi ng
tusok ko sa mga prutas. Nagpapaka-coach na naman 'tong Warren na 'to.
"Oo na."
"Eat. Properly."
"Oo na."
A few days more and our semester ended. Nagsimula ang summer, ang OJT, at ang
pag-e-exercise ko nang mag-isa. #0303h / 11182017

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 06: Who caught your eyes?

***
"Last segment na. Pwede nang kumain 'yung iba," sabi ni Miss Mae, ang
production assistant namin sa radyo. "Sino'ng hindi pa nagla-lunch?"
Tatlong kamay agad ang umangat sa ere, maliban sa'kin. Na-late ako sa
pagpepresenta.
"Okay, sige. Yuri, Kena, at Joel, mag-lunch na kayo." Bumaling sa sulok ko sa
teleprompter si Miss Mae. "Tayong dalawa muna ang maiwan dito, Amy."
Ngumiti na lang ako at tumango kahit na gutom na gutom na 'ko. Mula kaninang
alas-singko sa simula ng shift ko, chiffon bread, mansanas, at tubig pa lang ang
nailalaman ko sa tiyan ko. Hindi ako nakapagsingit kahit na maliit na kagat sa
crackers na dala ko.
Dalawang programa ang hawak ng team kung saan ako na-assign, kasama ng apat
pang trainees. Ang unang program namin, 6 a.m. hanggang 9 a.m., morning rush.
Nagpapatugtog ng kanta sina DJ Jana at DJ Axel para sa mga nata-traffic sa Metro
Manila. Nagkukuwentuhan sila sa ere tungkol sa kung anu-ano. Sumasagot din on-air
sa mga tweets sa kanila. Pagdating ng 11 a.m. hanggang 12:30 p.m., Daily Top Ten
music naman ni DJ Nina. Pinatutugtog ang sampung pinakapopular na musika sa bansa.
May papremyo rin para sa mga callers na makahuhula ng ranking ng songs.
Ang load ko sa umaga ay twitter moderator (iba ang naka-assign sa facebook at
sa livestream namin). Nagsa-scan ako ng tweets na pwedeng sagutin nina DJ Jana at
DJ Axel sa programa. Taga-retweet, taga-thank you sa tweets, at taga-ambag ng sagot
na tina-type sa teleprompter. Sa noon time program, ang load ko ay sa telepono pa
rin. Tagatanggap ng calls at taga-cue ng callers para sa hulaan. Pagkatapos ng
programa, trabaho ko ring balikan ang callers para kunin ang detalye nila para sa
premyo.
In less than an hour, closing na ng program namin at huling mga tasks na lang,
makakakain na 'ko ng kanin. Mas iikli ang paghihintay kung mas mabilis akong
matatapos. Kinabukasan naman, nasa family outing ako. Hindi ako magugutom bukas.
Kaya okay na rin sigurong lubusin ko ang pagpapaka-trainee ngayon.
Nasa gitna ng panghuhula sa top 2 song ang caller nang dumating sa booth namin
si Sir Ricky, Executive Producer ng isa pang radio program. Nakipagdaldalan kay
Miss Mae. Hindi naman ako dapat makikinig kasi hindi naman ako tsismosa, kaya lang
nahagip ng tainga ko ang pangalan ni Warren.
"My goodness, Inday, hindi dumating si Warren sa casting," sabi ni Sir Ricky.
Napapatingala siya at napapahawak sa noo niya na para bang umaakyat ang dugo niya
papunta ro'n.
"Sino 'yun? 'Yung matangkad na malapad ang balikat o 'yung matangkad na may
biceps?" natatawang usisa ni Miss Mae.
Lumalaki ang tainga ko sa kanila. Nasa booth kami ng Prod. Assistants at wala
pang dalawang dipa ang layo nila mula sa kinauupuan ko.
" 'Yung may biceps na matangos ang ilong. Susupladuhin. 'Yung parang batang
Mark Anthony Fernandez ang dating!" sabi ni Sir Ricky.
Ngumuso ako. Hindi naman kaya hawig ni Mark Anthony Fernandez si Warren. Mas
guwapo naman kaya si Warren.
"Ah."
"Si Jeron 'yung matangkad na malapad ang balikat at mukhang basketbolista,"
patuloy ni Sir Ricky.
"Ah. Si Jeron, dumating?" tanong ni Miss Mae.
"Nag-show up pero nag-decline lang sa fashion director. Itong Warren... no
show, beb, nang-isnab!" Tumawa si Sir Ricky na hindi ko alam kung natutuwa o
naiinis o naa-amaze kay Warren.
Ang nabalitaan kong iniaalok kay Warren ay mag-model ng jeans para sa fashion
show ng isang clothing line. Hindi naman daw main model pero nanunukso ang bayad.
"In denial ang beauty ni Manay Kelly na naisnab siya!" si Sir Ricky pa rin.
"Sinabi ko naman kasi sa kanya na 'wag nang umasa ro'n sa bagets dahil unang tanong
ko pa lang, tangging-tanggi na. Tinaasan niya pa ang alok, mag-model lang. Kaloka
si Manay. Type na type talaga 'yung bagets."

Grabe. Parang importante 'yung Manay Kelly na pinag-


uusapan. At bakit kasi sila umaasa kay Warren? Wala namang paki 'yun sa showbiz o
modeling. Kung inalok na lang nila siya na mag-tennis o kahit na anong sport,
papayag pa 'yun.
"Sayang din 'yung chance niya, 'no? Si Manay na 'yun eh," sabi ni Miss Mae.
"Pero baka kasi wala talagang hilig 'yung bagets."
Napatango ako. Wala naman talaga. Mas marunong pa 'yun si Warren mag-bake kaysa
maglakad sa catwalk. Saka, bakit model ng jeans ang alok nila? 'Di ba 'pag model ng
jeans, naka-jeans lang rumarampa? Shirtless? Nakita ba nila ang katawan ni Warren?
Hala ka.
"Hindi raw pati sumasagot ng tawag 'yung bagets," si Sir Ricky. "Nakakaloka
talaga. Inisnab si Manay!"
Eh baka naman kasi tulog si Warren, iniistorbo pa nila. Kung umayaw na 'yun
mag-model noon, hindi naman basta magbabago ang isip no'n.
" 'Yung girlfriend, kinuha ni Manay? O hindi?"
Napatingin ako kay Miss Mae. Anong girlfriend? Sinong girlfriend? May
girlfriend na si Warren? Wala naman akong alam ah.
"Tumanggi rin, eh. Kahapon pa," sagot ni Sir Ricky.
Hala. Bakit parang sure sila na may girlfriend si Warren. Pa'no? Kailan pa?
Gustong-gusto kong magtanong kung sino'ng girlfriend ang pinag-uusapan nila,
pero pangit naman ang sumabad. Lalo na, mga boss ang nag-uusap. Wala pating
nakakaalam sa station na magkababata kami ni Warren. First week pa lang namin,
sinabihan ako ni Warren na 'wag sasabihin sa iba ang tungkol sa amin kung wala
namang direktang nagtatanong. Hanggang ngayon, walang nakakaalam kasi wala namang
interesadong magtanong tungkol sa'kin. Mas interesting 'yung mga trainees na
kasabay ko na magaganda at matatangkad.
"Baka sinabihan ni Warren na tumanggi," natatawang sabi ni Miss Mae.
"Siguro."
Napunta na sa iba ang usapan nila hanggang sa matapos ang shift ko. Ini-remind
ko lang kay Miss Mae ang ipinagpaalam kong off kinabukasan, bago ako umalis sa
booth namin.
***
Sumasabay sa pagnguya ko ang pagkulo ng tiyan ko. Parang nagrereklamo talaga na
matagal akong walang kain. Kung wala lang ibang tao sa food hub, baka sunod-sunod
ang subo ko sa pagkaing baon ko. Nagpapakahinhin lang ako dahil nakakahiya sa
makakakita. Kapag mataba pa naman, pinag-iisipan lagi na matakaw.
Ngumunguya ako nang may maglapag ng matangkad na shake sa table ko. Halos
ramdam ko ang sumisingaw na lamig niyon. Naaamoy ko ang strawberry.
"Umiinom ka naman ng strawberry milk shake, 'no?"
Napatingala ako kay...
"Oy, Jeron..." Nilunok ko ang natitirang pagkain sa bibig ko. "Kain ka..."
Pag-upo niya sa tapat ko, napatungo agad ako sa pagkain ko. Wala naman talaga
kasi akong maiaalok na pagkain. Isang hiwa na lang ng karne ng baboy at tatlong
patatas ang natitira sa adobo. Iilang kutsara na lang ang kanin. Kahit ang mansanas
na baon ko, may kagat ko na.
"Kumain na 'ko kanina pa. Nakasabay ko 'yung mga co-trainees mo. Buti naabutan
pa kita rito," sabi niyang nakatingin sa'kin. Lalo tuloy akong huminhin sa pagsubo.
"Tapos na shift mo, 'di ba?"
Tumango na lang ako dahil ngumunguya pa 'ko. Napansin ko ang eyebags ni Jeron.
Parehas na sila ni Warren na umaani ng puyat dahil sa shift nila. Buti na lang,
guwapo sila kaya hindi damaging ang eyebags sa itsura nila. Kung ako pala ang nasa
pang-madaling araw na shift, magmumukha na talaga akong panda.
"Ikaw? Bakit ka nandito? Tapos na shift n'yo, 'di ba?" tanong ko sa kanya.
Iniurong niya pa palapit sa'kin ang milk shake. "Inom ka. Para sa'yo 'yan."

Ang bilis kong nahawakan ang malamig na inumin. "Thank


you."
"Nakauwi na 'ko kanina after ng shift ko. Bumalik lang uli ako ngayon para
makipag-usap kay Miss Kelly do'n sa alok niya sa modeling," sabi ni Jeron.
Ang sarap ng sipsip ko sa shake. Maraming gatas 'yun at sakto ang tamis.
Malamig ang hagod sa lalamunan ko. Tumango-tango lang ako sa sinabi niya.
"Si Warren? Hindi ba pumunta?"
Umiling ako.
"Ah. Akala ko, pupunta eh. Sinabihan din siyang pumunta sa casting ngayon."
"Baka natutulog 'yun," sabi ko. "Hindi ko alam na may casting kayo."
"Hindi niya sinabi?" usisa ni Jeron. Napatingin siya sa mansanas na nasa table.
"Pakagat, ha?"
Pero hawak na niya ang mansanas ko bago pa 'ko makatango. Kumagat siya nang isa
malapit sa kinagatan ko.
"Uh... Wala naman siyang sinabi." Hindi kami madalas nagkakasama ni Warren
nitong summer. Nagme-message ako sa kanya ng tungkol sa exercises ko after ng shift
ko. Minsan, nagkakausap kami sa phone pero sasandali lang. "Uh... Bakit hindi mo
tinanggap 'yung offer sa modeling?"
Nawili na si Jeron sa mansanas ko. Uubusin niya kaya 'yun?
"Hindi ko hilig, eh."
"Ah." Hindi rin hilig ni Warren ang mga gano'n.
"Pero nakakapanghinayang din 'yung bayad. Malaki sana," sabi niya at mahinang
tumawa.
Bukod sa bayad, tingin ko, nakaka-flatter din maalok no'n. Parang may nag-
confirm ng kaguwapuhan nila.
Napangiti na lang ako. Cute niya tumawa, eh.
"Hep."
"Ano?"
"Ngumiti ka," sabi niya.
"Ah. Oo nga."
"Ang cute mo ngumiti."
Natigilan ako. Sinasabi niya bang... Lumingon ako sa likod ko. Baka may iba
siyang kausap.
"I'm talking about you, Amethyst," aniya. "Ang cute mo ngumiti."
Hala... ano'ng sasabihin ko?
"Uh... Thank you." Napatungo ako sa nag-iisang hiwa ng patatas sa baunan ko.
Do'n na lang kaya ako mag-focus?
"Pumayat ka rin. Nagpapapayat ka?"
Napaangat ang mata ko kay Jeron. Napansin niyang pumayat ako! May nakapansin na
pumayat na 'ko!
"Nag-e-exercise lang," sabi ko. "Totoo? Halata nang pumayat ako?"
"Oo. Ang laki na ng ipinayat mo."
Napalaki rin ang ngiti ko. Kasi naman... pumayat na raw ako. Good news. Akala
ko, sinungaling ang timbangan at wala namang nagbabago maliban sa madalas akong
nagugutom.
"Thank you. Sulit 'yung pag-e-exercise ko pala."
Ang laki ng ngiti sa'kin si Jeron. Hindi ko alam kung bakit.
"Alam mo—"
Nag-ring ang phone ko. "Teka lang, may tumatawag."
Tumango si Jeron.
Si Warren ang nasa screen ng telepono.
"Hello?"
"Pauwi ka na?" tanong ni Warren.
"Katatapos lang ng shift ko," sagot ko sa kanya. "Nasa food hub pa 'ko,
kakakain pa lang."
"Lunch mo pa lang 'yan? Lagpas ala-una na."

"Eh kasi... naiwan ako sa shift namin."


"Naunahan ka na naman ng mga kasama mo sa booth," aniya.
"Oo, eh." Sumenyas ako kay Jeron na maghintay. "Bakit ka napatawag? Dapat,
natutulog ka ngayon, ah."
Dinig ko sa linya ang pagbuga ng hangin ni Warren. "Ang init kasi. Nagising
ako. Sira 'yung aircon sa kuwarto."
"Ah. Kaya pala."
"Umuwi ka na kung tapos ka nang kumain, ah. Si Auntie, pinatawag lang ako.
Dumaan ka raw rito mamaya. May bagong recipe siya ng cake, tikman mo raw."
"Cake?! May bagong cake?" Tumikhim ako. "Ano... puwede akong kumain ng cake?"
I could imagine him smiling. 'Yung excitement ko naman kasi, masyadong bulgar.
"Oo, puwede. Basta mag-exercise ka nang maayos mamaya," sabi niya.
Ngumuso ako. "Lagi kaya akong nag-e-exercise nang maayos. Kahit ang init-init."
"I know. That's why you should keep it up."
Naku. Ni hindi man lang nga niya pinapansin kung may nagbago ba sa'kin sa kaka-
exercise ko. Kung pumayat na ba 'ko o mas cute na ba 'ko, gano'n. Buti pa si Jeron,
napansin. "Okay. Dadaan ako sa cake mamaya pagkauwi ko at pagkatapos kong mag-
exercise."
"Sige. Umuwi ka kaagad, ha?"
Paulit-ulit 'tong Warren na 'to sa pagpapauwi. Umuuwi naman talaga ako agad.
Wala naman akong ka-close na trainee o pera para gumala.
"Mommy mo? Kapatid?" mahina ang boses na singit ni Jeron. "Pinapauwi ka na?"
"Sino 'yun?" tanong ni Warren sa'kin.
Hala, ang laki ng tainga niya. Ang hina lang naman ng boses ni Jeron.
"Ah. Si Jeron," sabi ko. "Nandito siya sa station para ro'n sa offer sa inyo sa
modeling. Ibinili niya 'ko ng shake."
"Umuwi ka na," sabi ni Warren.
Sumimangot ako. "Sandali lang." Tinakpan ko ng palad ko ang mic ng telepono at
bumulong kay Jeron. "Si Warren 'to. May pinapasabi lang si Auntie."
"Ah, si Warren. Pinapauwi ka na?" tanong ni Jeron.
"Uh, uuwi naman talaga ako agad. Marami kasi akong gagawin ngayong hapon."
"Ah, marami kang gagawin. Sayang. Akala ko, puwede kang mayaya."
"Ha? Mayaya saan?"
"Wala lang. Mag-mall? Magmeryenda? Maglakad-lakad?"
Wala bang friend si Jeron sa mga co-trainees niya o sa mga kaklase niya na
trainees din dito sa station, kaya wala siyang mayayang mag-mall, magmeryenda, o
maglakad-lakad? Bakit ako? Wala akong pera.
"Sorry. Wala akong pera pang-mall o pang-meryenda, eh. Kaya nga ako nagbabaon,"
sabi ko sa kanya.
Ang lakas ng tawa ni Jeron. Hindi naman ako nag-joke.
"Kung yayayain kita, libre ko, siyempre."
Wow. Marami siguro siyang pera tapos kulang ang friends.
"Eh, uuwi na talaga 'ko ngayon, eh. Sorry."
Ngumiti si Jeron. "Next time na lang, puwede?"
"Next time? Sige."
"Okay."
Sumenyas uli ako kay Jeron bago bumalik kay Warren. "Hello? Warren?"
"Umuwi ka na ngayon," sabi ni Warren. Ang kasunod na narinig ko ay puro beep na
lang.
Naku, binabaan ako. May topak na naman siguro.
Wala akong nagawa kundi ibalik sa bag ko ang phone.
"Ubusin ko na 'tong mansanas mo," sabi ni Jeron.
"Sige lang."
Nagpaka-busy ako sa milk shake. Kailangan ko nang maubos 'yun para makauwi na.
Baka lumala ang topak ni Warren tapos maorasan pagtawag niya at ang pag-uwi ko sa
bahay. Isa-silent treatment na naman ako no'n tapos may kaunti lang siyang gawin,
magpa-palpitate ako. Ayoko.
Tumayo na 'ko nang maubos ko ang shake at maubos ni Jeron ang mansanas. Pero...
"Sabay na 'ko sa'yo pauwi. Parehas tayo ng way, eh," sabi ni Jeron sa'kin.
"Commute ka lang, 'di ba?"
Tumango ako. Parehas pala kami ng way? Hindi naman namin siya nakakasabay ni
Warren kahit noon sa university, ah.
"Tara," aya niya.
Sabay kaming lumakad palabas ng food hub. At ang weird dahil parehas nga kami
ng way. Magkasama kami hanggang sa palengke. Hindi ko lang alam kung anong sinakyan
niya dahil pinauna niya 'kong sumakay ng tricycle pauwi.
Weird. #0136 ma / 12132017
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 06: Who caught your eyes? part 2

***
Nanonood ng youtube videos ng BTS si Yanyan nang dumating ako sa bahay. Korean
idol group 'yun na parehas naming paborito bukod sa BIGBANG, SHINee, at B.A.P.
Makikinood sana ako dahil pagod ako at gusto kong mag-fan kay Yoongi. Pero
nakaidlip ako na suot pa rin ang damit ko galing sa OJT. Alas-tres na ng hapon nang
gisingin ako ni Yanyan para magmeryenda sana. Tumanggi lang ako dahil naalala ko
ang cake ni Auntie na pinapatikman sa'kin. Hindi ako puwedeng magmeryenda nang
dalawang beses. Pagagalitan ako ni Warren. Nag-exercise na lang ako habang
nagbabasa si Yanyan ng libro niya sa Management.
Mag-a-alas-kuwatro na nang makarating ako sa compound. Apat na taon nang
tahimik do'n at slow ang activity, pero hindi pa rin ako sanay. Sarado ang bahay
nina Iya. Dati-rati, maghapong bukas ang pinto n'on at ang bintana ni Iya sa second
floor. Pasiguro para makasulyap si Iya kay Jacob sa kabilang bahay. Mula nang
magpunta sa New York si Iya para mag-aral, wala nang nagbubukas ng bahay nila
tuwing weekends. Madalas sa talyer si Jepoy, kuya niya. Kapag nasa compound naman,
hindi na rin nagbubukas man lang kahit ng pinto. Maririnig na lang namin na may
nanonood ng telebisyon o nagpapatugtog ng music. Minsan, nakikigulo at nakikikain
din kina Auntie. Bakante rin madalas ang tree house sa bandang likuran ng compound.
Nanonood si Auntie ng talk show sa telebisyon nang kumatok ako sa bukas na
pinto nila. Ang ganda ng ngiti niya sa'kin.
"Mimi! Kanina pa kita hinihintay," sabi ni Auntie Mona. "Sa kusina tayo. Naku,
magugustuhan mo 'yung bagong cake ko."
Nakasunod ako nang lumakad siya papunta sa kusina kung saan siya nagbe-bake.
Tumingala ako sa hagdan papunta sa studio namin pero walang bakas ni Warren. Nasa'n
kaya 'yun? Natutulog kaya sa kuwarto niya?
"Nasa tree house si Warren," sabi ni Auntie nang buksan ang cake chiller at
kunin do'n ang isang maliit na cake na kulay green. "Nagising 'yun sa init kanina
dahil sira ang aircon sa kuwarto niya. Maingay rin si Koko. Nag-aalboroto kaya
ipinapasyal ko muna kay Max."
"Ah. Nasa labas po sina Koko at Max," ani ko habang pinanonood si Auntie na
humiwa sa maliit na cake. Maingat niyang inilipat sa platito ang slice bago umikot
at kumuha ng tinidor.
"Oo. Sabi ko, dalhin muna kina Norma." Iniabot ni Auntie sa'kin ang cake.
"Tikman mo. Nagdala si Jacob ng kiwi at strawberry galing sa inspection nila sa
Baguio. Kaya ito, gumawa ako ng cake."
Mabilis kong tinikman ang cake ni Auntie habang nakatayo pa rin kami sa gitna
ng kusina. Lasang kiwi na parang may zest ng lemon. Matamis na medyo maasim. Ang
pino sa dila ng matamis na cream. Yum.
Nag-thumbs up agad ako kay Auntie.
"Masarap naman, ano?" sabi niya.
Ninamnam ko muna ang cake bago sumagot. "Ang sarap po! Ibebenta n'yo 'to,
Auntie? Magkano?"
Nakakatuwa tumawa si Auntie. Parang kinikiliti. "Hindi. Sinubukan ko lang naman
na gawin dahil maraming kiwi na iniuwi si Jacob. Pinicture-an ko lang din at
itinabi ang recipe."
"Ay... sayang po." Panay ang subo ko. "Masarap talaga, Auntie. Hit 'to. Kahit
taasan n'yo ang presyo, may bibili nito panigurado. Lalo na 'yung may pera. Ang
cute pati! Green na green!"
Nawiwili lang akong pinanood ni Auntie na kumain.
"Natikman na po ni Warren 'to? Ni Max?" usisa ko pa.
"Hindi pa. Ikaw pa lang. Mamaya raw sila kakain."
"Naku, 'pag natikman nila 'to, ubos ka'gad 'to."
Nag-ayos si Auntie sa kusina habang kumakain pa rin ako. Kumuha rin siya ng
orange juice at ipinatong sa maliit na mesa ro'n. Tapos, hinawakan niya 'ko sa
balikat at iniupo.

"Pumapayat ka na, ah," puna niya. "Okay ang exercise n'yo


ni Warren."
Tumango-tango ako. Napansin na ni Max no'ng nakaraan pa ang pagpayat ko. Pansin
na rin sa bahay. Kanina, si Jeron. Ngayon, si Auntie. Si Warren na lang ang walang
sinasabi.
"Baka puwede ka nang mag-swim suit bukas sa outing!" malaki ang ngiting sabi ni
Auntie.
"Hala, hindi po." Hindi ko ma-imagine ang sarili ko na naka-swimsuit. Mabuti
kung magpapaipit ang bilbil ko. Eh, siguradong magmamalaki 'yun at magpapapansin.
"Hindi po ako puwedeng magsuot nang gano'n."
"Puwede. Tingnan mo ako. Lagi akong naka-swimsuit kapag may outing tayo."
Totoo 'yun. Nagsi-swimsuit si Auntie kahit na malaki rin siya at may bilbil.
Pero nagso-shorts naman siya at may alampay. At hindi masagwa tingnan. Ang ganda
kasi ng mukha ni Auntie. Puwedeng pang-pictorial.
"Maganda po kasi kayo," sabi ko.
"Naku ka. Bakit? May nagsabi sa'yong pangit ka? Hindi inaway ni Warren?"
Ngumiti lang ako. Hindi maiintindihan ni Auntie dahil kahit na plus size siya,
maganda talaga siya. Eh, ako? Alam ko namang hindi ako pangit. Pero maraming mas
maganda at mas payat sa'kin. No'ng elementary at high school, sina Iya at Yanyan
ang mas. Beauty and talent si Iya. Beauty and brains si Yanyan. Ang sexy pa ni
Yanyan. Ako? Siksik. Parang sa'kin naiipon lahat ng extra rice, extra sweets, at
extra merienda na kinakain namin.
Ngayong college, sa course pa lang namin, nakakalito na kung sino ang unang
titingnan. Wala namang requirement sa height at sa mukha sa course namin. Pero
dahil majority ng mga kaklase ko ay nangangarap na maging host, announcer, o kahit
na anong may kinalaman sa paglitaw sa telebisyon, lahat sila ay pupuwedeng artista.
Kaya nga kami na hindi masyadong suwerte, madalas ma-assign sa radio stations.
Alam kong hindi ako pangit. Napapaligiran lang ako ng maraming mas magaganda.
"Kapag mas pumayat ka pa, magsuot ka ng swimsuit sa outing natin," sabi pa ni
Auntie.
"Naku, matagal pa po 'yun," sabi ko. "Si Warren kasi, 'yung routine na ibinigay
sa'kin, gradual lang ang pagpayat."
"Mas okay nga 'yun. No'ng sinubukan kong magpapayat nang mabilis dati, umiiyak
ako sa gutom. Pinagagalitan ako nina Jacob at Warren." Tumawa nang mahina si
Auntie. "Ayaw ni Warren na nagugutom ka."
Nagugutom pa rin naman ako ngayon.
"Hindi kasi dapat minamadali ang ganyang bagay," dagdag pa ni Auntie. "Noon,
ang concern ko lang ay pumayat kaya diet ako nang diet at exercise. Ang sabi ni
Warren nitong nakaraan, mas okay raw kung ang tinarget ko ay lifestyle. Kapag araw-
araw kang nag-e-exercise at kumakain nang tama, natural kang mababawasan ng
timbang. Makokorek ang body functions... at ano pa nga ba 'yung sinabi niya? Basta
gano'n. Magiging fit at healthy ka."
Napatango ako. Alam ko kung pa'no posibleng sinabi ni Warren 'yun. Seryoso na
kunot-noo na parang nangungunsumi. Talaga naman. Pati si Auntie ni-lecture-an niya.
"Kaya kung nagugutom ka man, dadalang din 'yan."
Totoo 'yun. Noong unang buwan na nagbawas ako sa pagkain, parang ikamamatay ko
ang gutom. Maya't maya pati ako maghanap ng pagkain. Pero nitong mga nakaraan,
parang nasasanay na ang tiyan ko na kumain sa tamang oras. Malakas pa rin ako
kumain pero hindi na maya't maya.
"Ako lang ang hindi makasunod sa itinuturo ni Warren dahil masyado akong busy.
Paiba-iba ang dami ng orders na ibini-bake ko. Hindi ako makapag-fix ng schedule."
"Oo nga po," ayon ko. "Mas dapat kayong magdagdag ng oras matulog o
magpahinga."
Ubos na ang cake at mauubos ko na ang orange juice nang mapatingin si Auntie sa
orasan.

"Napapatagal si Warren sa tree house, maghahapon na. Baka


walang banig o sapin 'yun do'n," sabi ni Auntie.
"Puntahan ko po? Gisingin ko?"
"Mabuti pa nga. Dalhan mo na lang din kaya ng panapin at kumot sakaling ayaw
bumangon do'n? Hindi ko pa na-check ang mga sapin at unan n'yo ro'n sa tree house.
Baka maalikabok na lahat."
Tumango ako kay Auntie. "Dalhan ko na rin po kaya ng meryenda? Baka gusto
niyang kumain 'pag nagising."
"Mabuti pa nga."
Mabilis na tumayo si Auntie at humiwa ng panibago sa cake. Inilagay niya sa
pakuwadradong mangkok. Naglagay rin ng juice sa tumbler.
"Sandali at kukuha ako ng panapin at kumot."
Lumabas si Auntie sa kusina. Inilagay ko naman ang mangkok at tumbler sa maliit
na basket. Saka ako naghintay sa sala.
May bitbit nang ecobag ng panapin at kumot si Auntie nang bumalik sa sala.
"Kaya mo bang umakyat sa tree house na maraming bitbit?" usisa niya.
Inilagay ko sa iisang kamay ko lang ang basket at ang ecobag.
"Puntahan ko na po si Warren."
"Sige. Mamaya, kung uuwi ka ay dumaan ka muna uli rito, ha? Magdala ka ng kiwi
cake sa inyo para matikman din nina Judy."
"Opo."
Lumakad ako papunta sa tree house namin sa likuran ng bahay nila.
***
Dahil mahirap umakyat sa hagdan na may dalawang bitbit, binuksan ko muna ang
pinakapinto ng tree house sa ilalim nito at inihagis papasok ang bag ng panapin.
Saka ko binalikan ang basket ng pagkain.
Pagsilip pa lang ng ulo ko sa entrada, nanlaki na ang mata ko nang makita si
Warren. Nakahiga siya paayon sa malaking bintana ng kubo. Tulog. Walang suot na
pang-itaas bukod sa manipis na kuwintas niya. Jersey shorts lang ang pang-ibaba.
Nakaunan sa isang throw pillow pero walang sapin.
Alam ko naman na maganda ang katawan niya kasi nakikita ko lagi 'pag may
swimming kami. Pero no'ng huling beses na nakita ko siya, hindi naman... ganito.
May abs kahit nakahiga lang siya. May linya sa tadyang niya kahit na humihinga lang
siya. Tapos 'yung dibdib at braso niya... argh. Ayokong tumingin pero...
Kaya siguro siya kinukuhang model. Bagay siyang magsuot ng jeans lang at wala
nang iba pa. Buti na lang tumanggi siya. Dahil kung magmo-model man siya, sigurado
akong hindi jeans ang titingnan kundi mukha at katawan niya.
Kumurap ako. Tumingin. Tumingala. Tumingin. Kumurap uli.
Hala! Napapatingin talaga 'ko sa kanya! Ang sama-sama kong tao. Natutulog siya
tapos ginagawan ko siya nang kasalanan. Ano'ng gagawin ko?
Lagi ko na naman siyang tinitingnan pero iba kasi ngayon eh. Ito na naman 'yung
moment na siya si Warren pero may iba siyang epekto. Hindi lang 'yun dahil
nakahubad siya o dahil maganda ang katawan niya. Maraming magagandang katawan sa
instagram. He's just too... there. Natutulog lang siya pero sumisigaw 'yung
presensiya niya sa buong compound. Nagde-demand. Dini-distract ako tapos inaakit
akong tumitig sa kanya.
Bakit ganito?
Huminga ako nang malalim kasi parang mainit.
Makikita ko naman siya uli bukas na ganito. Baka nga trunks lang ang suot. So,
practice-in ko nang tumingin ngayon? Puwede naman... 'di ba?
Tumingin uli ako sa kanya. Nag-focus ako sa mukha niya. Ang guwapo niya talaga
eh. Kahit tulog.
Nang okay na 'ko at tuluyang umakyat sa tree house, kinalabit ko siya sa braso
para gisingin. Pumuwesto ako sa uluhan niya para umiwas sa view ng sikmura niya,
pero pasaway ang peripherals ko. Nakikita ko pa rin kahit sa mukha niya ako
nakatingin.
"Warren, lumipat ka raw ng higaan sabi ni Auntie. Do'n ka na raw sa kuwarto
mo."
Kumunot lang ang noo niya pero hindi nagmulat. Kinalabit ko uli.
"Warren... lipat ka na ng higaan," sabi ko.
Nakailang kalabit at "Warren" na 'ko sa kanya pero humalukipkip lang siya.
Nahihinaan siguro siya sa boses ko.
Hinawakan ko siya sa braso at mahinang niyugyog.
"Oy, Warren, lipat ka na... Hapon na, oh. Wala kang sapin at matinong unan dito
kapag gumabi."
Nagmulat siya nang kaunti sa patuloy na yugyog ko. Tumingala lang sandali sa
mukha ko at hinawakan ako sa pulsuhan. Akala ko, babangon na siya pero umisod lang
siya at umunan sa hita ko.
Hindi ako nakagalaw agad.
"Better..." bulong niya at tumagilid.
Napatingin lang ako sa tainga niya at sa buhok. Pitikin ko kaya siya sa tainga?
"Lumipat ka na," sabi ko. " 'Wag ka sa'kin umunan."
Hindi niya 'ko pinansin. Akala niya ba por que mataba ako, puwede na 'kong
gawing unan?
"May... cake. May naaamoy akong cake," mahina ang boses na sabi niya.
Pakiramdam ko, nakapikit pa rin.
"Nagpadala si Auntie ng meryenda mo kung gusto mong kumain."
"Tutulog na lang ako."
" 'Wag mo nga sabi akong unanan," sabi ko.
"Bakit?"
"Hindi ako unan."
Humugong lang siya.
"Hindi nga kasi ako unan, eh," reklamo ko.
"Mi... gusto kong matulog. 'Wag kang maingay."
Ano'ng gagawin ko ngayon? Gusto niyang matulog pero ayokong maging unan.
"Tumawag kanina si Mama..." mahinang sabi niya.
"Ano?" Mama niya? Si Auntie Delia? Bihirang tumawag 'yun.
"Umuwi raw siya rito sa Pilipinas," patuloy niya. "Makipagkita raw kami ni Max.
Nagsabi na raw siya kay Papa at kay Jacob."
Kaya ba siya hindi nakapunta sa casting kahit na para lang tumanggi dahil
tumawag si Auntie Delia? Kaya ba siya nandito sa tree house kaysa sa bahay nila?
Si Auntie Delia ang nanay nina Warren at Max. Naging pangalawang asawa ni Uncle
Juan nang mamatay sa panganganak ang nanay ni Jacob. Pero nine years old pa lang
kami, umalis na si Auntie Delia. Iniwan sina Warren at Max. Hindi umiyak si Warren
no'n. Nagmukmok lang sa likod-bahay. High school na kami nang makipag-communicate
uli si Auntie Delia kina Auntie Mona.
"Makikipagkita ka? Isasama mo si Max?" tanong ko. Gusto kong silipin ang mukha
niya para siguruhin na hindi siya malungkot pero baka ma-conscious siya. Si Warren
kasi 'yung klase na hindi magaling magsalita ng tungkol sa feelings niya.
"Makikipagkita ba 'ko?" balik niya sa'kin.
"Kung kaya mo at okay lang sa'yo."
Natahimik kami sa tree house. Bumuntonghininga siya.
"Nakakaantok," sabi niya.
Inilagay ko ang kamay ko sa ulo niya. Pinaglaruan nang kaunti ang mga hibla ng
buhok niya.
"Matulog ka pa," sabi ko.
Hindi siya kumibo nang ilang minuto. Akala ko, natutulog na uli siya. Pero
tinawag niya 'ko.
"Mi..."
"Okay na 'kong maging unan," una ko. "Matulog ka pa."
"Samahan mo 'ko 'pag nakipagkita ako kay Mama."
"Sige. Sabihin mo lang kung kailan."
"Okay."
Umayos siya sa pagkakatagilid niya at hindi na uli nagsalita. Tinaptap ko naman
nang marahan ang ulo niya.
Nang mahimbing na uli ang tulog niya, maingat kong inalis ang ulo niya sa hita
ko at iniayos siya sa unan. Kinumutan ko rin siya nang manipis.
Sa kanila ako naghapunan. #1147u / 12142017

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 07: Who are you thinking about?

***
Mataas na ang sikat ng araw nang magkakasunod kaming pumarada sa beach resort
na recommended ng isa sa mga kaklase ko. Nauna sina Auntie Mona, kasunod sina Tita
Rose. Nahuhuli kami. Pinalakpakan nina Jacob at Jepoy ang van namin na nakaabot
do'n nang hindi tumitirik. Sirain na kasi 'yon. Matiyaga lang ayusin ni Kuya.
Dahil overnight kami, umupa kami ng dalawang palapag na casa. Tatlo ang silid-
tulugan sa itaas na palapag, kusina at receiving area naman ang sa ibaba.
Mabilis naihanda ang mga dala naming pagkain sa pahabang mesa sa balkonahe,
mataas ang echo ng videoke, at tanaw ang asul na dagat ilang metro lang mula sa
kinalalagyan namin.
Kalmado ang alon. Nagkalat ang mga bisitang naglalaro sa buhangin at
nagtatampisaw sa tubig. Sa tuwing pipikit ako at hihinga nang malalim, halos
naaamoy at nalalasahan ko ang alat. It was a good day. Sayang. Wala si Iya.
Magkasama kami ni Yanyan nang magbihis sa kuwarto namin. Nagsuot siya ng two-
piece bikini na tribal ang design. Makapal naman ang straps at hindi hi-cut sa
singit niya. Pero apaw na apaw ang dibdib niya sa panligo. Kahit nang patungan niya
ng see-through na kaftan, eskandalosa ang dibdib niya.
Sexy.
Ako, gaya ng dati ay walang choice kundi magsuot ng kamiseta at short. Pangarap
ko ring mag-two-piece kahit minsan sa mga outing namin. Pero sa ngayon, pangarap at
plano na lang muna. Alam kong magmumukha akong trying hard at agaw-atensyon kapag
nag-attempt ako ngayon. Kapag talaga mas payat na 'ko sa susunod na taon, magto-
two-piece ako.
Paglabas namin sa balcony, si Mama na lang ang nando'n. Nakaupo sa barandilya
at nakasandal sa column ng casa. Napipikit-pikit. Pagod malamang dahil ang dami
nilang iniluto ni Yan. Kahit sa van papunta namin sa resort, tulog siya.
"Ma, swimming na kami," sabi ni Yanyan sa kanya.
Ang tagal humagod ng mata ni Mama kay Yanyan. Nahuhulaan ko na kung ano ang
unang sasabihin.
"Nakita na ba ni Kuya mo 'yang suot mo?" usisa ni Mama.
Napatango ako. 'Yon din ang itinanong ko kay Yan eh.
"Hindi naman indecent. Pagtanggol mo 'ko mamaya kay Kuya."
Kahit ako, ipagtatanggol ko siya. Dalaga na kaya kami. Puwede na kaming magsuot
ng gano'n, lalo na kung may magandang katawan gaya ni Yan. Nakaka-frustrate kaya
kapag may gusto kang isuot pero hindi mo masuot dahil hindi bagay sa'yo. Lagi akong
napu-frustrate 'pag usapang damit dahil marami ang hindi bagay (hindi kasya)
sa'kin.
"Sige, lumangoy na kayo," sabi ni Mama.
Palabas na kami sa balkonahe pero nagpahabol si Mama. Tumawag daw si King.
Nandito rin daw sa resort.
Nakabantay kami ni Mama sa reaksyon ni Yanyan dahil alam naming may gusto sa
kanya si King. Pero kalmado lang siya. Hindi niya siguro crush man lang 'yong tao.
Kaklase ni Yanyan si King sa bago niyang block section. Ilang ulit na itong
nagpunta sa bahay kasama nina Des at Gail na mga kaklase niya rin. Mabait si King.
Laging may bitbit na meryenda kapag dadalaw. Lagi ring bumabati at nagpapaalam kina
Mama at Papa. Hinihintay lang namin na magsabi si Yanyan na manliligaw ito.
"Una ka na sa tubig, Mi," sabi ni Yan. "Tawagan ko muna si King."
Ipagpapalit na naman niya 'ko sa boyfriend. Nakailang boyfriend na siya nang
mag-college kami. Tuwing may boyfriend siya, nababawasan ang bonding namin.
"Bakit? Ayoko," ani ko. "Sabay tayo. Boyfriend mo ba 'yon?"
Inirapan ako ni Yanyan. Rereklamuhan ko sana siya para hindi ako ipagpalit kay
King pero...

"Sinong may boyfriend?" tanong ni Jepoy na sumulpot. May


nakabuntot na ex-girlfriend at sakit sa ulo na si Denise. Nagkabalikan kaya sila?
Bakit kasama si Denise sa outing namin?
"May boyfriend ka na, Mimi?" si Jepoy pa rin. "Uunahan mo si Ishayana?"
Ako ang tinanong niya pero kay Yanyan naman siya nakatingin. 'Yong hagod ng
mata niya talaga saka 'yong kunot ng noo... parang may ibig sabihin, eh. Si Yanyan
naman, nagusot ang mukha. Sina Denise at Jepoy lang talaga ang mabilis na
nakakasira ng mood ni Yan. May feelings pa kaya siya (o feelings uli) kay Jepoy?
Nabasa ko dati sa journal ni Yan na crush niya si Jepoy, eh.
"Hindi ako," sabi ko. "Si Yanyan ang may boyfriend."
Nakabantay ako sa reaksyon nilang dalawa. Mahirap basahin ang mukha ni Jepoy,
pero si Yanyan...
"Wala, ah!"
Ang lakas ng tanggi. Ang sarap tuksuhin.
" 'Oy, defensive," sabi ko. "Boyfriend niya si King. Nandito rin daw sa
resort."
Akala ko, may sasabihin si Jepoy pero hindi naman nagsalita.
"May boyfriend ka na?" sabad ni Denise. "Good for you."
Hala. Hindi naman kaya kailangan ang opinyon niya.
Namula sa asar ang mukha ni Yanyan. Lalo na nang titigan niya sina Jepoy at
Denise. Napatingin din tuloy ako.
Parehong basa ang dalawa. Naka-two-piece string bikini si Denise, naka-display
ang dibdib, baywang, at hita. Flawless. Parang model ng pagligo. Namumula pa sa
init ng araw. Si Jepoy naman, naka-trunks na lang, naka-display ang abs. Tumutulo
pa nang bahagya ang basang buhok. Gumagapang ang ilang butil ng tubig sa katawan.
Wah. Pang-wattpad din pala si Jepoy. Hindi ko napapansin dati. Ang pangit kasi
mag-joke.
Paglingon ko uli kay Yan, sumisingaw sa'kin ang inis niya. Wala namang
nakakainis sa itsura nina Denise at Jepoy.
Umilag si Jepoy sa paghawak dapat ni Denise sa braso niya. Nanggilid sa mesa ng
pagkain.
"Hindi ko boyfriend," sabi ni Yan. "Kayo? Nagkabalikan na kayo uli? Alam ba ni
Ishayana? Nagtatanong kanina sa'kin eh."
Hala si Yan, parang nagseselos. Ang cute niya, eh.
"Oo," sagot ni Denise.
'Oy, assumera na naman si Denise. Por que nakasama siya sa swimming namin,
feeling na naman niya nagkabalikan sila. Ayaw kaya sa kanya ni Iya.
"Totoo? Nagkabalikan talaga kayo?" tanong ni Yan kay Jepoy.
"Hindi," sagot ni Jepoy. "Nakiki-swimming lang 'yan si Denise. Bored siguro."
Natawa ako.
Lumakad si Jepoy papunta kay Mama nang didikit dapat si Denise.
"Tita oh, si Denise, hinahabol ako kanina pa," sabi nito.
"Hay naku, Jesuah, kay Rose ka magsumbong," natatawang sabi ni Mama.
Sumunod naman si Jepoy. Nagtawag kay Tita Rose. "Ma! Tulong! Hinahabol ako ni
Denise!"
Tumakbo pababa ng balkonahe si Jepoy. Nakabuntot si Denise. Nakahabol ng tingin
si Yanyan.
"Hindi mo talaga boyfriend si King, Yanyan?" tanong ko para ma-distract siya.
Inirapan uli ako ni Yan. Sira na talaga ang mood. "Hindi talaga. Mag-swimming
ka na."
Sa inis niya, nakalimutan niyang hindi ako marunong lumangoy. Tradisyon ng mga
pamilya namin ang mag-outing tuwing summer. Pero ilang taon na ang lumipas, hindi
talaga 'ko natututong lumangoy. "Maglalakad-lakad lang ako. Hindi naman kaya ako
marunong lumangoy."

"Paturo ka kay Warren."


Umingos ako. Pa'no kaya ako magpapaturong lumangoy kay Warren kung idi-distract
ako ng swimming trunks niya? Baka mamaya, mahalata pa ni Warren na nagagandahan ako
sa katawan niya tapos padagdagan ang exercise ko para makahabol ako sa abs niya.
Saka... basta, mahihirapan akong makitang naka-trunks lang si Warren.
"Hanapin mo na si Warren," taboy sa'kin ni Yan. Pumasok siya uli sa kuwarto.
"Kasabay 'yon kanina ni Mona na nagpunta sa dagat," sabi ni Mama sa'kin.
"Madali mo 'yong makikita. Naka-brown na panligo si Mona."
Tumango ako kay Mama. "Ikaw po, Ma? Hindi ka pa magsi-swimming?"
"Iidlip muna ako. At wala ring maiiwan dito sa casa."
"Gusto mo, Ma, dito na lang muna ako?"
Pero kumumpas lang si Mama sa direksyon ng dagat. "Mag-swimming ka na."
Sigurado akong mas gusto ni Mama na i-enjoy ko ang dagat kaysa samahan siya.
Nag-aalala siya lately dahil sa mga loads ko sa OJT. Akala niya, nahihirapan ako
kahit na hindi naman.
"Sige po, Ma."
Kumaway pa 'ko nang lumakad papunta sa dagat.
***
Hindi naman ako marunong lumangoy kaya nakipaghabulan na lang ako sa alon.
Naglulublob ako, tapos aahon. Magbabasa ng buhok at ulo, tapos aahon. Sisisid
kaunti at aahon. Sa mababaw na parte lang ako ng dagat kaya mas lamang ang ahon ko.
Sina Yanyan at Auntie Mona na kasama ko sa tubig, stressful. Nasa malalim sila.
Magagaling naman silang lumangoy kaya taga-cheer o tagakunsumi na lang ako kapag
parang delikado ang laki ng tubig.
Sina Kuya, Jacob, Jepoy, Warren, at Max, naglaro naman ng beach volleyball.
Pinalibutan sila ng mga babaeng nanonood at nagche-cheer. Pasaway pa 'yong trunks
ni Kuya. Parang maluwag na malalaglag. Buti na lang, hindi nalaglag. Sina Papa
naman at Titos, nagbi-videoke, kuwentuhan, at kain as usual.
Bandang hapon, dumaan sa casa namin sina King, Gail, at Des. Nagmeryenda. Akala
ko talaga no'ng sinabi ni Mama na nasa resort si King, stalker mode lang. Kasama
pala ang mga friends at family members. Bago ko mayaya si Yanyan na bumalik sa
tubig, nagkayayaan na sila ni King na maglakad sa tabing-dagat. Sunset. Natulog na
lang tuloy ako.
Paggising ko, madilim na pero wala pa si Yan. Halos walang tao sa casa maliban
kay Warren na kumakain sa balkonahe. Sina Mama at Papa at Tita Rose at Tito
Herbert, katutulog lang daw sa kani-kaniyang kuwarto.
"Sina Kuya?" tanong ko kay Warren nang umupo sa mesa, katapat niya. Humugot ako
agad ng stick ng pork barbecue sa salansan sa harapan ko. 'Yong tustado. Mapula sa
sauce ang barbecue. Inamoy ko. Matamis na maanghang, sigurado. Kumagat ako nang
isa.
"Nagche-check ng alak dito sa resort. Iinom daw sila," sabi ni Warren.
"Magkakanin ka? Marami pang kanin."
"Baka spaghetti na lang."
Tumingin ako sa plato niya. Pansit, barbecue, at buko salad lang ang nando'n.
Ang nasa baso niya, tubig lang.
Nauuhaw ako... pero sa softdrinks. May baon kaming Coke, nasa ref. Pero dahil
si Warren ang kasabay ko... uh. Kaya ayokong kasabay kakain si Warren, eh.
"Bakit mo 'ko iniirapan?" untag niya sa'kin.
"Ha?" Inirapan ko ba siya nang hindi ko alam? "Hindi ako umiirap..."
He smirked. 'Yong nakakainis na smirk.
Tumayo siya sa mesa at pumasok sa casa. Bakit kaya? Imposible namang tapos na
siyang kumain dahil marami pang pansit sa plato niya at iisa pa lang sa anim na
karne sa barbecue ang nababawas sa stick niya. Parang kalalagay pa lang din ng buko
salad sa maliit na mangkok. May mga kristal pa ng yelo, eh.

Sandali lang siyang nawala. Pagbalik niya, may bitbit nang


12 ounce na bote ng Coke. Inilapag niya sa tabi ng plato ko na sinisimulan ko pa
lang lagyan ng spaghetti.
Napatingin ako sa namamawis na bote ng Coke. Tapos sa kanya. Puwede ko ba
talagang inumin 'to? Nauuhaw talaga 'ko.
"Ano..."
"Isang bote lang. Hindi ka na puwedeng humirit pa mamaya," una ni Warren sa
sasabihin ko. "Nagdala kami ng lemon juice ni Auntie kung gusto mo ng beverage na
may lasa. May apples din. Puwede kitang gawan ng apple shake."
Lumunok ako. Wow. Ang bait yata ni Coach. Papayagan niya talaga 'kong uminom ng
Coke? Parang may something.
"May yelo tayo?" tanong ko at sinimplehan ng kabig ang bote ng softdrinks.
Sinalin ko sa babasahing baso bago sumimsim. Matipid na simsim lang para hindi
maubos agad. Ang sarap ng hagod ng lamig at fizz sa lalamunan ko.
"May gatas din. May asukal. May honey," pag-iisa-isa niya habang pinanonood
akong kumain. "Igawa kita ng shake?"
"Ikaw? Hindi ka magse-shake?"
Tumayo lang siya uli sa kinauupuan niya at bumalik sa kusina. Nanginginain ako
ng barbecue nang marinig ko ang ugong ng blender. Pagkaubos ko ng barbecue, tumayo
muna ako at sumilip kay Warren.
Bahagya siyang nakatalikod pero kita pa rin ang side profile niya. Nakatukod
ang braso niya sa countertop kung saan nakapatong ang blender na naghahalo ng yelo
at mansanas. Ang seryoso niya lalo tingnan 'pag ganito, samantalang gumagawa lang
naman siya ng shake. Ang tangos ng ilong niya, bahagyang nakaawang ang mga labi...
at parang matigas ang kalamnan sa braso niya.
Lumunok ako. Ba't gano'n? Nakatayo lang naman siya pero parang inuutusan na
naman niya 'kong tumitig sa kanya. Nilalamon ng presensiya niya ang buong kusina,
ang buong casa.
Lagi ko siyang pinanonood gaya nito. Ako kaya? Pinanonood din niya?
Hala. Bakit ganito ang mga iniisip ko?
"Sandali na lang 'to. Hindi mo naman kailangang bantayan," sabi niya at
lumingon nang kaunti sa'kin. Bahagya ang ngiti niya. Maamo ang mga mata.
Laging maamo tumingin si Warren sa'kin. Exception lang kapag alanganing oras na
at dadalawa kami sa studio namin. May inaantok siyang mata na parang nakikiusap
tapos sasandal siya sa'kin. Exception din kapag sina-silent treatment niya 'ko.
Pero iba ang amo ng mata niya ngayon. Pagod lang ba 'ko? O siya? Inaantok na ba
'ko? O siya?
Napalunok uli ako. Nauuhaw ako... pero parang hindi na sa Coke. Nanunuyo ang
lalamunan ko at parang nanlalambot ako. Sa gutom ba 'to?
"Bakit? Okay ka lang?" tanong niyang nangunot ang noo at pumihit sa'kin.
Humakbang siya.
Bawat hakbang niya, nagdidispalinghado sa kilos ko.
"Mimi?" tawag niya sa'kin nang nasa harapan ko na siya.
Tumingala ako sa kanya.
Nakikita ko sa maliwanag na ilaw sa kusina kung paanong namumula nang bahagya
ang balat niya. Namumula ang labi. Mukhang malambot. Tapos ano...
Inilapat niya ang palad niya sa noo ko. "Hindi ka naman mainit. Masama
pakiramdam mo? Mabigat katawan mo?"
Umiling ako. Anong nangyayari? Hindi ako makahinga nang maayos.
Nang pilitin kong huminga nang malalim, naamoy ko ang alat ng dagat at ang
pabango ni Warren. Nahilo ako.
"Medyo nahihilo lang ako. Gutom lang..." halos bulong ko.
Hinawakan niya 'ko sa pulsuhan ko at iginiya palabas ng kusina. Abot-abot ang
kaba ko nang iupo niya 'ko sa mesa at bigyan ng isa pang stick ng barbecue. 'Yong
tustado.
"Kumain ka lang. Malapit na 'yong shake."
Tumango ako. Pagpihit niya para bumalik sa kusina, saka lang ako nakalma.
Nasobrahan yata ako sa init ng araw maghapon. Hindi kasi ako masyadong
lumangoy. Pero, bumababa ang temperatura ng tao 'pag natutulog, 'di ba? Dapat,
hindi na 'ko apektado ng maghapong init ng araw dahil nakapagpahinga na 'ko.
Gutom lang ba talaga 'to?
Pagkurap ko, bumalik sa isip ko ang side profile ni Warren. Siya na seryoso sa
panonood sa blender. Wala namang interesting sa paggawa ng shake pero gano'n na
lang ang titig niya.
Sino kayang babae ang tititigan nang gano'n kaseryoso ni Warren? Sana wala pa.
Sana wala na lang.
Naubos ko na ang pangalawang stick ko nang bumalik si Warren. Kalmado na rin
ako at hindi minumulto ng side profile niya o ng titig niya.
Nakalagay sa tall glass ang shake. Malamig at makrema. Nakatusok ang isang
malaking straw. Iniayos niya sa tabi ng baso ng Coke ko.
Wala siyang shake.
"Hindi ka gumawa ng sa'yo?" tanong ko nang tikman ang shake. Honey ang ginamit
niya kaysa asukal. Nalasahan ko. "Ang sarap!"
Ngumiti lang siya.
"Isa lang ginawa mo? Para sa'kin lang?" tanong ko pa uli. "Gusto mong
makisipsip?"
"Para sa'yo lang 'yan. Uminom ka rin ng tubig bago ka matulog uli para hydrated
ka. Mainit buong araw."
Totoo 'yon. Panay lagay kami ng sunblock para hindi matusta.
"Matutulog ka na ba pagkakain mo?"
"Hindi pa," aniya. "Ikaw? May plano ka na?"
"Hihintayin ko si Yanyan bumalik. Magsi-swimming pa 'yon. Hindi siya masyadong
naka-swimming dahil kay King eh."
At hindi pa rin kami nakakapagdaldalan talaga ni Yan.
"Kakain kayo ng cake mamaya? May dalang kiwi cake si Auntie."
Napalaki ang ngiti ko. Bakit parang maluwag si Warren na kumain ako nang kumain
ngayon?
"Kakain talaga 'ko. Ang sarap ng gawa ni Auntie eh."
Nagpatuloy kaming kumain. Dahil hindi naman siya nagsasaway, panay kuha ako ng
barbecue, salad, afritada, at lechon kawali. May isaw rin kami at kalamay.
Punumpuno ang tiyan ko nang matapos akong ngumuya. Si Warren naman, nakaupo na
lang din. Tapos nang kumain.
"Ngayon na lang ako uli nakakain nang ganito karami," sabi ko sa kanya.
He smirked then tsked. "Hinihintay ko nga kung kailan ka titigil, eh."
"Ha?"
"You ate at least four times the portion you're allowed to. Ang expected ko,
doble lang," sabi niyang nakatitig sa'kin.
For some reason, I felt bothered.
"Eh kasi... hindi mo naman ako sinasaway," depensa ko.
"Titigil ka lang ba kung sasawayin kita? Alam mo dapat ang limit mo."
"Outing naman ngayon."
"Oo nga. Pero ipapawis mo naman lahat ng kinain mo ngayon, 'di ba?"
Napatanga ako sa kanya. Nasa outing kami. Iniisip niya bang mag-e-exercise ako?
Dito? Sa dagat?
"Don't stay late tonight. Tumakbo tayo mamayang madaling-araw."
Kumurap ako. Tatakbo kami rito sa resort? Sa buhanginan? Kahit outing?
"Hindi ba puwedeng pass?" ani ko. Kasinghaba na siguro ng straw ng shake ang
nguso ko. "Break dapat ngayon ah."
"Kakain ka pa ng cake mamaya. Madadagdagan ang ipapawis mo."
Inirapan ko siya. Alam kong sabi niya, araw-araw mag-exercise. At sanay na rin
naman ako. Pero bakit parang binu-bully niya 'ko? Puwede naman niya 'kong sinaway
kaninang masarap ang kain ko kung sobra-sobra na pala. Para siyang nananadya.
Hinayaan niya 'kong kumain nang marami tapos patatakbuhin ako nang madaling-araw.
Malamig kaya.
"Pa'no kung hindi ako magising mamaya? Magagalit ka?" tanong ko.
Mataman siyang tumingin sa'kin. "Gigising ka nang maaga at tatakbo tayo. Nang
magkasama."
Umingos ako. Desidido talaga siyang patakbuhin ako eh.
"Turuan mo na lang akong mag-swimming," sabi ko. Ilang beses na niya 'kong
inalok na turuan tuwing nakikita niya 'kong nangungunsumi sa paglangoy nina Auntie
Mona at Yanyan, pero nahihiya akong magpaturo nang may nakakakita sa'kin. "Mahirap
tumakbo sa buhangin. Pauwi na rin tayo nang umaga. Mas okay na turuan mo na lang
akong lumangoy."
He seemed to think about it before finally answering. "Sige."
Nakahinga naman ako nang maluwag.
"Pero magpapawis ka pag-uwi sa inyo bukas. I'm going to check on you."
Grabe. Coach na coach talaga siya. "Yes, Coach."
Ngumiti lang siya sa'kin.
Kakain sana uli ako ng panlimang portion ko pero nagsaway na siya. Kapag hindi
raw ako tumigil, itatago niya ang cake na dala ni Auntie Mona. Nangupit na lang ako
ng isa pang stick ng barbecue. Alam kong nakita niya kaya pumalatak siya pero hindi
na 'ko pinagalitan. #0711u/12222017
_____
TCWDM: Hi, readers! Alam kong damang-dama n'yo na ang holiday with the weather,
Christmas traffic, and all. Bongga kayong mga naghihintay ng update. I really
appreciate it. I also wanted to apologize. Lately, I'm receiving messages asking
for updates kasi Pasko na at holiday... uhm... it's unfortunate, but I have to tell
you that I don't have a holiday. Haha. Sorry. I write sa kakarampot pa rin na oras.
Marami akong gawain every day, every night... Puno ang schedule ko hanggang May
next year because of books to edit, books to self-pub, freelance jobs, advocacies,
business, etc. I'm barely on social media lately because no time. 'Yong personal
time ko for myself, halos wala na rin. Huhu. 
So, please, I ask for your patience. Please let me take the time I need to take
to write stories. Wala naman akong hindi tatapusin kaya 'wag masyadong mangamba. 
Ayun lang. Salamat. Malamig na lately, so stay warm. Labyu ~
P.S. Hindi naman aabot uli ng one week bago ang kasunod na update nitong
Clueless so stay tuned. Haha ~

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 07: Who are you thinking about? part 2

***
Nag-update nang madaling araw ang kuwentong binabasa ko sa wattpad. Dahil
nagising akong wala si Yanyan sa tabi ko, nagbasa na lang ako hanggang makarinig
ako ng ingay sa labas. Umiinom sina Kuya Ivan, Jacob, at Jepoy nang matulog kami.
Baka ginigising ni Yan si Kuya. Kailangan ding gisingin si Jacob. Magagalit si Iya
'pag pinabayaan namin 'yong matulog sa malamig o malamok.
Paglabas ko ng kuwarto, inabutan ko si Warren na ginigising si Kuya sa mesa ng
mga ito. Wala sina Jepoy at Jacob. Wala rin si Yan.
"Gising ka na," sabi ni Warren nang malingunan ako.
"Sina Jepoy at Jacob? Nasa kuwarto n'yo na?" ani ko. Sa iisang kuwarto
natutulog lahat ng mga lalaki.
"Si Jepoy, hindi ko alam kung nasa'n. Si Jacob, nasa kuwarto na kani-kanina
lang."
Napatingin kami kay Kuya na nakasubsob sa mesang may kalat ng pulutan at
plastik ng chichirya. Nakahawak ito sa isang baso na parang may laman pa. At halos
said ang bote ng alak na padala ni Tito Juan.
Tinapik ko si Kuya sa pisngi. Sinubukang gisingin. Hindi siya gumagalaw man
lang.
"Buhatin na lang natin papunta sa kuwarto," sabi ni Warren.
"Hala. Ang laki-laki ni Kuya, eh," ani ko. "Mabigat 'yan siya."
"Dalawa naman tayo. Ako sa kanan, ikaw sa kaliwa."
Nag-aalangan ako. Kaso...
"Iwan na lang natin siyang matulog dito sa labas?" si Warren.
Ngumuso ako. "Siyempre, hindi puwede."
"Kaya nga tara."
Maingat na isinampay ni Warren ang isang kamay ni Kuya sa balikat niya bago ako
tanguan. Lumapit ako sa isinampay rin ang isa pa nitong kamay sa balikat ko. Grabe,
may kadikit akong dalawang higante.
Matangkad na si Kuya pero halos maabutan siya ni Warren sa height. Hindi naman
nakakapagtaka kasi matangkad talaga ang lahi ng mga Tejeron. Kapag may crowd, para
silang posporo. Nakalitaw ang ulo.
Kina Kuya at Jepoy, si Jacob ang pinakamatangkad. Sa aming tatlo nina Iya at
Yan, si Iya naman ang pinakamaliit. Petite pa. Kaya minsan, sabi ko kay Yan, ang
ideal ng height nina Iya at Jacob. Pang-wattpad at manga story. Kapag may kissing
scene sila, siguradong maganda tingnan.
Nakarating kami sa kuwarto ng mga lalaki na kinakapos na 'ko ng hininga at
masakit ang balikat. Inihiga namin si Kuya sa nakalatag na kutson sa sahig at
kinumutan. Knocked out talaga siya, eh. Ang hina sa alak, ang hilig uminom. Kaya
siguro kina Jacob at Jepoy lang siya sumasama. Mapipikot siya kung sa ibang bahay
siya malalasing tapos may babae. Ang dami pa namang may gusto sa kanya mula college
kahit wala siyang pakialam. Gano'n ang pinakanagugustuhan ng mga babae, eh. 'Yong
hard-to-get.
Hindi nila alam, madali lang magkainteres si Kuya. Kausapin lang nila ng
tungkol sa machine technologies.
"Okay ka lang?" tanong ni Warren sa'kin paglabas namin ng kuwarto nila.
"Oo. Medyo masakit lang sa balikat," sagot ko. "Pero okay ako."
"Tara'ng mag-swimming," aniya at nagpatiunang lumakad palabas ng balkonahe.
"Ngayon na?" Anong oras na ba?
"Oo. Gumising ka para mag-swimming, 'di ba?"
"Uh..." Nagising ako sa update. "Hindi pa kasi 'ko nakakapagpalit ng pampaligo.
Ikaw? 'Yan na ang suot mo?"
Tumingin siya sa katawan niya. Nakakamiseta lang siya at malambot na shorts.
"Oo. Bakit? Magpalit ba 'ko ng trunks o—"
Trunks? "Hindi! 'Wag kang mag-trunks! Okay na 'yan! Mas okay yan!"

Nangunot ang noo niya bago mangiti sa'kin. "Okay na nga


sa'kin 'to. Magpalit ka na. Hihintayin kita sa balkonahe."
Tumango ako sa kanya bago bumalik sa kuwarto.
Maluwag na shirt at fitted na shorts ang isinuot ko. May sports bra ako na
panloob para kung sakaling tumaas ang kamiseta ko, hindi masagwa. 'Yon din ang
isinusuot ko 'pag tumatakbo kami nang magkasama, para hindi masakit 'pag nagba-
bounce ang dibdib ko. Ang bilog kasi.
Nakaupo si Warren sa mahabang mesa sa balkonahe nang lumabas uli ako. May mug
ng umuusok na tsokolate.
"Uminom muna tayo ng mainit bago pumunta sa tubig," sabi niya at kumiling
sa'kin.
Naupo ako sa tapat niya at bago magpasaway ang kamay ko at magbuklat ng mga
natatakpang pagkain sa mesa, kumapit na 'ko sa mug ng tsokolate. Humigop ako. Ang
init sa tiyan.
"Ano 'yang ano... 'yang board?" tukoy ko sa board na nasa katabing upuan niya.
"Kickboard. Gagamitin mo 'yan mamaya."
Napaaga ang lunok ko sa hinihigop kong tsokolate. May pa-kickboard si Coach.
Dala niya ba 'yon o...
"Nirentahan ko kanina sa shop bago magsara," dagdag niya.
Tumango ako. Mukhang seryoso na naman si Coach mag-coach. Pa'no kung hindi ako
matutong lumangoy? Okay lang kaya 'yon?
"Anong iniisip mo?" untag niya.
"Uh... Wala."
"Takot ka sa tubig?"
Ngumuso ako. "Baka ano... hindi ako agad matuto."
"Okay lang 'yon."
Okay lang 'yon eh may pa-kickboard siya na nirentahan?
"Don't entertain unnecessary worries. Hindi kita pipiliting matuto agad ngayong
araw lang. May iba pa namang araw."
"Ibig mong sabihin, 'pag hindi ako natuto ngayon, tuturuan mo pa 'ko sa iba
pang araw?" ani ko.
"Kung gusto mo, oo."
Napatango ako. "Okay."
Coach na coach talaga siya, eh. Sigurado ako, 'pag hindi ako natuto ngayon
which is likely, ika-calculate na niya kung kailan, saan, at paano ako matututo pa.
Baka nga nagka-calculate na siya ngayon pa lang.
"May malapit naman na swimming pool sa compound. Kung nahihiya ka, maghanap
tayo ng mas private. May bakante naman tayo kapag Linggo."
'Ayun na nga. Calculated na niya.
Ngumiti lang ako uli at humigop sa mug ko. Pagkaubos namin ng inumin, namaybay
kami sa tabing-dagat at naghanap ng puwesto na medyo tago bago lumusong sa tubig.
***
"Don't worry, kasama mo 'ko," sabi ni Warren habang hanggang kili-kili ang
tubig na kinalulubluban namin.
Sabi niya, kailangan daw na maging pamilyar ako sa pakiramdam ng malalim na
tubig para mabawasan ang takot ko. Kanina, tinuruan na niya 'kong mag-floating pero
sa hanggang hitang tubig pa lang. Ang totoo, sa high tide ako takot. Mababa pa kasi
ang tubig kahit ang layo na ng pampang sa amin dahil madaling-araw pa lang.
"Baka kasi ano... 'di ba, tumataas bigla ang tubig?"
"Nag-check ako kanina. 6:28 pa ang high tide dito," aniya.
"Nag-check ka talaga?" Parang biglaan lang naman kaming nag-usap na tuturuan
niya 'kong mag-swimming, ah. Nakapagrenta na siya ng kickboard no'n at nakapag-
check ng high tide?
"Nag-check ako. Pati sunrise, tiningnan ko. 5:26 pa magsisimulang magliwanag.
Kaya 'wag kang mag-alala na baka may makakita sa'yo."
"Woah. Ang amazing mo talaga."

"Alam ko," aniya.


Sinimangutan ko siya. Makulit lang siyang ngumiti.
"Kaya 'wag ka nang masyadong matakot. Ako'ng bahala sa'yo. Magaling akong
lumangoy."
Sumalpok ang ligamgam ng alon sa dibdib ko. Ramdam ko ring medyo nakataas na
ang kamiseta ko sa tubig.
"Kahit naman magaling kang lumangoy, mabigat ako. Mahihirapan ka sa'kin."
"Kaya kitang buhatin. Kaya ko ring lumangoy kasama ka," balewalang sabi niya.
Ang taas ng kumpiyansa niya, eh. Alam kong posibleng nagsasabi siya nang totoo
pero posible ring hindi niya 'ko kaya.
"Ang bigat ko kaya..."
"Kaya kita."
Ngumuso lang ako.
"Hindi ka naniniwala?" sabi niyang nangingiti pa sa'kin.
"Eh kasi nga, mabigat ako."
Lumapit siya sa'kin at binuhat ako. Ni hindi ako nakatili pag-angat ng paa ko
mula sa buhangin. Napakapit ako sa magkabilang balikat niya na malaki ang mga mata.
"Hoy, Warren Tejeron!" Hinampas ko siya sa balikat. "Ibaba mo 'ko!"
"Kaya kita, 'di ba?"
"Madali raw magbuhat ng tao kapag nasa tubig!" sabi ko pa rin. 'Kala niya, ah.
Alam ko kaya 'yon.
Mahina lang siyang tumawa pero hindi ako binitiwan. "Alam mo, ang kulit mo."
"Ibaba mo na 'ko."
"Ayoko."
"Ibaba mo ko..." nakukunsuming sabi ko.
Lumakad siya sa mas malalim na parte. Abot na sa leeg niya ang tubig. Na ibig
sabihin, lampas-tao ko na. "Ibaba kita?"
Hinampas ko uli siya sa balikat. "Anong ginagawa mo? Malalim na rito! Bahala ka
diyan! Bumalik ka sa pampang!" Ni hindi ako makapalag dahil baka mabitawan niya
'ko. Yakap na yakap ako sa leeg niya. "Ayoko na sa'yong Warren ka! 'Pag ako
nalunod, ah. 'Pag ako, namatay, mumultuhin kita!"
Malakas siyang tumawa. "As if I'd let you. Hangga't buhay ako, buhay ka."
"Ang yabang mo! Bumalik ka sa mababaw! Ayoko na talaga! 'Kala mo, ayoko na
talaga."
Tumatawa pa rin siya nang lumakad pabalik sa pampang. Ibinaba niya 'ko sa
hanggang tuhod na tubig.
Ilang ulit ko siyang hinampas sa balikat at sa dibdib. Por que mas matangkad
siya, por que mas magaling siyang lumangoy, por que coach ko siya, tatakutin niya
'ko!
"Ayoko na!"
Hinawakan niya ang magkabilang pulsuhan ko. Parang natatawa pa talaga siya, eh.
"Sorry. Hindi naman totoo 'yon. Hindi naman kita bibitawan sa malalim."
Umangil ako. "Natakot talaga 'ko!"
"Oo nga. Kaya nga sorry na. Hindi ko na siguro uulitin..."
"Siguro? Siguro? Hindi na siguro?"
"You're so agitated," aniya lang.
"Talaga!"
"Hintayin kitang kumalma."
Masama ang tingin ko sa kanya kahit nang makailang sorry siya.
" 'Wag ka na kasing makulit. Hindi kita pababayaang malunod o tangayin ng alon
o kung ano pang pangit na nai-imagine mo. Kung sa mababaw nga, hindi kita
binitawan. Lalo na kung nasa malalim tayo."

He could blabber all he want. Ayoko na talaga!


"Kailangan mong maging pamilyar sa tubig. At mahirap matutong lumangoy sa
mababaw."
Humalukipkip ako pag-ihip ng malamig na hangin. Mas mainit ang pakiramdam nang
nakalublob ang buong katawan.
" 'Pag kalmado ka na, balik na tayo?" aniya.
Umangil ako.
"Sorry na nga. Hindi ko na talaga uulitin."
Huminga ako nang malalim. Alam ko namang hindi niya 'ko bibitawan. Nakakainis
lang.
"Ano'ng gagawin? Sabihin mo na lahat ngayon para hindi magbago ang isip ko."
"Magpo-float ka uli. Pero sa mas malalim," aniya.
"Ano? Pa'no 'ko lulutang do'n?"
"Parehas pa rin sa ginagawa mo kanina. You inhale, tapos parang hihiga ka lang
sa tubig."
Bumibilis ang kabog ng dibdib ko. "Pa'no kung hindi ako lumutang?"
"Mas probable na lulutang ka basta relax ang katawan mo. A tensed body is
heavier in the water. Wala namang gagawing masama sa'yo ang tubig."
Niyakap ko ang katawan ko. Kiniskis ang magkabilang braso ko. "Pagkatapos? Ano
pang gagawin?"
"You'll try to swim with your face up."
Ngumuso ako. Alam niya palang nakakalangoy ako pero nakababa ang mukha sa
tubig.
"Pa'no 'yon?"
"Hahawakan muna kita sa baba. Tapos, susubukan mong gamitin ang kickboard."
"Pa'no 'pag hindi ako—"
He shot me with a look. "Sayang ang oras, Mi. Kaya mo 'yon."
Bumulong-bulong ako. Ang higpit ng coach na 'to.
"Tara."
Hinayaan kong hawakan niya 'ko sa kamay at igiya sa mas malalim.
***
"Just plunge kapag ready ka na," sabi ni Warren sa'kin. 7th lap na namin. Ilang
metro ang layo niya sa'kin. Hanggang dibdib ang tubig. I was using the kickboard
and the goal is to swim towards him.
Namumula na ang langit at papusyaw na ang dilim tanda na sisikat na ang araw.
Kasunod no'n ang high tide. Pagkatapos, wala na kaming oras pang magpraktis.
Huminga ako nang malalim bago dumapa sa tubig. Pumadyak ako.
"Ano nga 'yong pinag-uusapan natin?" tanong niya.
I kicked. "Sabi ko, 'yong story na binabasa ko sa wattpad, nag-update kanina.
Kaya maaga akong nagising."
"Ah. Maganda 'yong update?"
"Maganda. Muntik nga akong mag-comment, kaya lang, mahina ang signal ng data
connection dito."
Huminga uli ako nang malalim. Parang kutson na gawa sa tubig ang dagat.
Maligamgam pa rin iyon.
"Nagbasa ako ng mga comments do'n kanina eh. Naiinis 'yong ibang readers do'n
sa bidang babae kasi ang manhid-manhid daw. Hindi raw maramdaman 'yong feelings
no'ng bidang lalaki. Sana raw kahit mag-assume lang."
Umurong nang ilang hakbang si Warren.
"Aling story ba 'yan sa binabasa mo?"
" 'Yong Clueless. 'Yong magkakabata 'yong mga bida. Ano kasi 'yon..."—kinakapos
ako ng hininga sa pagpadyak habang pinipilit iangat ang ulo ko—"sa chapters ngayon,
parang may feelings na talaga 'yong bidang lalaki do'n sa babae. Attentive kasi
siya at maalaga. Tapos, ang sweet kasi."

Tumango lang si Warren. "May feelings ba talaga?"


"Parang meron kasi eh. Pero puwede rin kasing sanay at komportable na sila sa
isa't isa kasi nga, mula pagkabata, magkakilala na sila. Kaya rin tingin ko, hindi
sila mag-a-assume kasi sanay nga sila sa isa't isa."
"Puwede. 'Yong babae, may feelings na rin?"
"Eh... parang. Pero tingin ko, hindi pa nare-realize no'ng babae."
"Ah."
"Ano kasi 'yong babae.... parang kagaya ko. Kaya nga naiintindihan ko 'yong
sinasabi nila na manhid-manhid."
"Anong kagaya mo?"
"Ano... na hindi bida ang tingin niya sa sarili niya. Kaya hindi siya nag-a-
assume na may lalaki na magtuturing sa kanya as special or anything. Alam mo 'yong
gano'n? Hindi kasi siya leading girl material."
Hindi nagkomento si Warren. At bakit parang ang layo pa rin niya kahit na
padyak ako nang padyak palapit?
"Kahit sa sarili niyang story, feeling pa rin niya, supporting lang siya. Saka
ano, hindi naman niya priority ang love. Kaya tingin ko, kahit mag-confess 'yong
lalaki, walang mangyayari. Kasi, hindi pa iniisip ng bidang babae 'yon."
"Gano'n ka rin? Hindi mo priority?" tanong ni Warren.
"Hindi. Hindi naman kasi lahat ng babae, concern ang love. 'Yong iba siguro.
Pero ako? Hindi ko pa iniisip 'yon. Gusto ko munang maka-graduate tapos maging
anchor para tutulong ako kina Papa at Kuya."
Ngumiti si Warren. "Ah. Pa'no kung may magkagusto sa'yo?"
"Sa'kin?" Hinihingal na talaga 'ko. Ang layo pa rin niya. "Walang magkakagusto
sa'kin."
"Pa'no nga kung meron?"
"Wala nga."
Nailing siya. "Pa'no kung may magustuhan ka?"
"Ako? Wala nga akong crush!"
"Crush mo si Robin no'ng high school."
Lumubog ako sa tubig at tumigil sa paglangoy. Pagod na 'ko talaga. Tumayo ako
nang maayos sa kiliti ng alon. "Hala. Pa'no mo nalaman 'yan?"
"Nalaman naman ng buong section natin dati."
Ipinahid ko ang likod ng palad ko sa mukha ko. "Hindi ko talaga crush si Robin
no'n. Sinabi ko lang kina Iya at Yan na crush ko, kasi may mga crushes sila na
ikinukuweno sa'kin. Dahil maraming may gusto kay Robin, naki-crush na lang ako."
Lumapit si Warren sa'kin. "Naki-crush ka?"
"Oo. Wala akong mai-share sa kanilang dalawa eh."
Mahina siyang tumawa. Umabot ang kamay niya sa ulo ko at inayos ang buhok ko.
Napahawak din tuloy ako sa buhok ko.
"Okay," aniya.
"Kaya wala akong magugustuhan," sabi ko at huminga nang malalim. Lumingon ako
sa malaking bato na pinanggalingan namin. Sobrang layo na. "Mandaraya ka! Ang layo
na pala no'ng bato. Lumakad ka palayo 'no?"
Ngumiti lang siya. "Magaling ka na sumikad. Puwede ka nang magpraktis nang
walang kickboard, kung gusto mo."
Nilibang niya ba 'ko para pumadyak lang ako nang pumadyak sa tubig? Mandarayang
Warren. Ang ganda pa talaga ng ngiti niya eh.
"Pero pagod ka na yata."
"Nangangalay na ang braso at hita ko."
Tumango siya. "Kanina pa tayo sa tubig, eh. Magliliwanag na rin. Tara sa
pampang?"
"Oo. Gutom na rin ako."
Kinuha niya sa'kin ang kickboard at lumakad kami pabalik.
"Ano, may itatanong din ako sa'yo," ani ko.
"Ano?"
Napalunok ako. Ang hirap ilabas sa bibig ko ng itatanong ko. "Ano kasi..." May
girlfriend ka na ba? Na hindi ko alam? Kasi sabi nila sa station...
Sumulyap siya sa'kin. "Ano 'yon, Mi?"
"Ano... may nagugustuhan ka na ba?" Wrong question ako, bakit gano'n? " 'Pag
meron, sabihin mo sa'kin, ah. Kung okay lang."
"Meron na," sabi niya.
Napatigil ako sa paglalakad ko. "Ha? Ano?"
"Meron na 'kong gusto," sabi niya sa'kin. Hinawakan niya 'ko sa pulsuhan ko at
hinila ako papunta sa pampang. "Bakit bigla kang tumitigil maglakad?"
"Totoo? Sino? Kilala ko?"
"Kilala mo," sabi niya na nakatingin sa buhangin.
"Sino?"
Ngumiti siya nang bumaling sa'kin. "Secret."
"Anong secret?"
"Tara sa casa."
"Anong secret?" pilit ko. "Sino'ng gusto mo?"
"Basta."
"Ano siya? Kaklase natin? Broad Comm din?"
"Curious ka?" aniya.
"Bigyan mo 'ko ng clue. Ang daya mo!"
"Ah, clues."
"Maganda siya?"
"Oo naman."
"Matalino?"
"Oo."
"Broad Comm?"
"Oo."
"Nakakasama mo?"
"Oo."
"Lagi tayong magkasama, ah."
"Oo nga."
Natigilan ako. Napatunganga sa kanya.
"Bakit, Mi?"
Woah. Lagi na kaming magkasama pero naisingit pa niyang samahan 'yong babaeng
gusto niya? Woah.
"Wala. Na-amaze lang ako sa time management mo. Lagi na tayong magkasama pero
may time ka pa rin do'n sa gusto mo."
Lalong lumapad ang ngiti niya. "Siyempre."
"Liligawan mo ba 'yon?" tanong ko.
"Hindi pa siguro."
"Alam ba niyang gusto mo siya?"
"Hindi pa siguro."
"Gusto ka rin ba niya?"
Matagal siyang tumingin sa'kin. "Hindi ko pa alam, eh. Alamin ko?"
Tumango ako. Tapos, umiling. Kapag nagkagusto kay Warren 'yong babaeng gusto
niya at nagligawan sila, hindi ko na makakasama si Warren. Gusto kong maging masaya
si Warren pero 'pag nagka-girlfriend na siya... pa'no ako?
Napatitig ako sa kanya.
"Ano 'yon, Amethyst?" aniya sa'kin. "Bakit ganyan ang tingin mo?"
Kumurap ako. "Ano... hindi mo pa naman yata liligawan eh. 'Wag mo na munang
alamin kung may gusto sa'yo."
Ngumiti siya. "Ah. Pa'no kung gusto ko nang malaman?"
" 'Wag na muna. May OJT pa tayo. Tapos, may thesis pa sa fourth year."
Nakatingin lang siya sa'kin.
"Kapag nalaman ko na, you'll be the first to know. Okay?"
Lumunok ako.
"Okay."
Bakit parang... nalulungkot ako? #1127h / 01012018
______
TCWDM: Happy New Year everyone. :3

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 08: Some expectations

***
"Happy birthday, Mi!" pakantang sabi ni Yan pagbungad ko sa kusina. May hawak
siyang decorated paperbag.
Luminga ako. Wala nang ibang tao kundi siya.
"Nasa tindahan na si Mama. At nasa talyer na sina Kuya at Papa," sabi ni Yan.
"Pero iniwan na nila 'yong regalo mo."
Totoo nga. Nakaupo sa puwesto nila sa mesa 'yong mga regalo. Sumimangot pa rin
ako.
"Tanghali na kasi." Hinila ako ni Yan paupo sa puwesto ko sa hapag. "Ayaw naman
nilang gisingin ka kanina para sumabay mag-almusal. Alam naming puyat ka ro'n sa
isang video project n'yo ni Warren."
"Dapat ginising pa rin ako," nakangusong sabi ko. Nilalagyan ni Yan ng kanin at
ulam ang plato ko. Sinalinan ng kape ang baso ko. "Lagi naman tayong nag-aalmusal
nang magkakasama eh."
" 'Sus, nagtampo pa raw siya." Inilagay ni Yan sa kamay ko ang isang kutsara.
"May text sa'yo sina Mama at Papa."
Hindi nawawala ang simangot ko. Birthday ko. At tuwing birthday ko, umulan man
o umaraw, lagi kaming sabay-sabay kumakain ng almusal. Sa almusal ibinibigay ang
mga regalo ko. Madalas, almusal pa lang, may cake na. Ngayon lang wala.
"Pati si Kuya, may text sa'yo," sabi ni Yan at kumindat.
"Ha? Si Kuya? May text?!" Pang-headline 'yon. Hindi marunong mag-text si Kuya.
'Pag may kailangan kami sa kanya tapos nasa talyer siya, itatawag pa namin 'yon kay
Tita Rose sa talyer para alam niya. 'Pag naman nasa compound siya, itatawag pa
namin 'yon kay Jepoy o Auntie Mona para sabihan siya. At kapag nawawala si Kuya,
wala talaga kaming malay kung nasaan siya.
Mahilig si Kuya sa machines pero hindi sa gadgets. 'Yong cellphone niya,
puwedeng ikandidatong martir. Puro gasgas at bangas. May crack ang screen. May
pintura ang likuran. Napuputikan. Nagagrasahan. Minsan, kasamang napaikutan sa
washing machine 'yong phone niya. Mabuti at nakuha agad ni Yan no'ng narinig nitong
may tumutunog sa washing machine. D-in-isassemble lang, pinatuyo nang ilang araw,
at gumagana na uli. Hindi alam ni Kuya kung pa'nong napunta ro'n. Kaya kung may
text si Kuya... effort 'yon. Siguradong napagod siyang maghanap ng cellphone niya
sa buong bahay.
"Oo. Mamayang gabi na lang daw tayo mag-celebrate sa compound. Maaga raw silang
magsasara ng talyer. Magluluto kami nina Auntie Mona at Tita Rose. Tapos, gagawa si
Auntie ng ice cream cake para sa'yo. Basta umuwi ka nang maaga," sabi ni Yan.
"Pupunta ka pa sa station ngayon, 'di ba?"
Tumango ako. Isang linggo nang tapos ang OJT at patapos na rin ang summer.
Babalikan na lang namin sa station ang certification ng training namin at
magpapapirma ng ilang requirements na hinihingi ng school. Ilang araw pa uli at
pasukan na naman. Maaga ang simula ng semester namin.
"Sabay kayo ni Warren pupunta sa station?"
"Hindi, eh," sagot ko. "Nauna na si Warren pumunta ro'n kasi may kailangan daw
sa kanya 'yong head ng tech. Sasabay pa nga rin sana ako kahit na maaga siyang
aalis para maaga rin akong matapos, pero ayaw naman. Matulog daw ako nang mahaba."
Tumango si Yan. Nagsimula naman akong sumubo.
"Ikaw? Wala kang lakad ngayon? O iimbitahin mo mamaya 'yong mga kaklase mo?"
tanong ko sa kanya. Si King lang naman ang interesado akong usisain. Sina Gail,
Des, at Ryan kasi, minsan lang nagpupunta at dumadalaw. Lalo na nang mag-Mayo. Pero
si King, consistent. Bukod sa merienda, nagdadala na rin ng bulaklak.
"Hindi ko sila inimbitahan para tayo-tayo lang," ani ni Yan. "Gusto mo bang
invite ko sila? Para mamaya?"
Matagal akong napatingin sa kanya. Wala kaya siyang sasabihin sa'kin? Para
kasing gusto niya rin si King. Madalas ko na uli siyang nakikitang ngumiti at
nangsa-savage kapag kasama si King. Pero... parang mas gusto niya si Jepoy. No'ng
tinuruan ako ni Warren lumangoy, nakita namin siya at si Jepoy sa tabing-dagat.
Parang nag-uusap sila nang seryoso. Makikinig sana ako kaso pinigilan ako ni Warren
no'n.

"Ikaw? Gusto mo ba silang i-invite?" balik ko.


Lumikot ang mata ni Yan bago sumagot, "Kahit 'wag na muna."
"Okay."
Tapos, sabay kaming nagsalita. " 'Wag lang sanang pumunta mamaya 'yong Denise."
Nagkatinginan kami.
" 'Di ba, 'no? Nakakainis. Sana 'wag matunugan no'ng bruha na may celebration
ng birthday mo sa compound mamayang gabi. Lilitaw na naman 'yon."
Napabungisngis ako kay Yan. Namumula agad sa inis ang mukha niya, eh. Parang
galit agad, eh.
"Eh alam naman no'n na laging sa compound nagse-celebrate ng birthday kahit
sino sa'tin, eh. Kahit nga birthday mo, lumilitaw."
Umikot ang mata ni Yan. Nakakatuwa talaga siya 'pag inis na inis. Nakakalito
rin siya. Wala kaya talaga siyang sasabihin sa'kin? Tungkol kay King? O kay Jepoy?
"Bakit nakatitig ka?" aniya.
"Wala. Iniisip ko lang kung may sasabihin ka dapat sa'kin."
"Ano'ng sasabihin?"
"Tungkol kay King? Boyfriend mo na ba 'yon?"
Nangiti lang siya. Naningkit ang mata. "Hindi. Friends lang kami no'n."
"Pero may gusto 'yon sa'yo, 'di ba? Halata kaya."
"Uhm... Oo. Sabi niya."
"Tapos? Friends pa rin kayo? Hindi siya nanliligaw no'n kahit may pa-bulaklak
na siya sa'yo?"
"Sabi ko, ayoko muna ng dating."
Tumango ako. Wala siyang ikinuwento na detalye sa'kin no'ng naghiwalay sila
no'ng huli niyang boyfriend. Basta sinabi lang niyang tapos na.
"Baka mamaya, may sikreto ka sa'kin ah. Kapag may lalaking bad sa'yo, sasabihin
mo pa rin dapat sa'kin kahit na mas magaling kang mag-handle."
"Opo. Sasabihin ko sa'yo kapag nahirapan ako."
" 'Sus. Kahit hindi ka nahihirapan, o kahit kapag nahihirapan ka pero kaya mo,
sabihin mo pa rin dapat sa'kin. Wala si Iya. Ako lang ang natitira. Dapat maalagaan
din kita."
Pinisil ni Yan ang pisngi ko. "Ang cute mo, eh 'no. Mas baby ka kaya sa'kin."
"Por que mas baby sa'yo, hindi mo na puwedeng dependehan? Awayin kita."
Pinisil niya pati kabilang pisngi ko. "Sasabihin ko sa'yo kapag may kailangan
akong sabihin. Okay na?"
Inirapan ko siya.
"Ikaw? Wala kang sasabihin sa'kin?" untag naman niya.
"Ano'ng sasabihin?"
"Wala. Wala ka bang nagugustuhan, ganyan? Fourth year ka na, oh. Balita naman
diyan."
Napaisip ako. Wala naman nga kasi akong nagugustuhan maliban kay...
"Si Ahn Min Hyuk! Bagong crush ko 'yon. Ang cute niya sa Strong Woman Do Bong
Soon eh."
Lumiit ang mata ni Yan sa'kin. Kaka-marathon pa lang namin ng mga episodes ng
koreanovela na 'yon. "Korean actor na naman."
"Ang cute naman talaga ni Park Hyung Sik, eh. Saka si Park Seo Joon, crush ko
rin."
"Sa mga kaklase mo, wala kang crush?"
Ngumuya ako ng pula ng itlog. "Wala eh."
" 'Yong laging nagte-text sa'yo? Hindi ba pumuporma 'yon?"
"Si Jeron? Hindi, ah. Nagte-text lang talaga 'yon."
"Laging nagte-text pero hindi pumuporma? Sigurado ka?"

"Hindi. Baka lagi lang siyang may load tapos bored."


Nailing si Yan. "Baka may gusto 'yon sa'yo, hindi ka lang nag-a-assume."
"Walang gusto 'yon. Ang dami-daming magaganda sa mga kaklase no'n pati sa buong
Broad Comm. Mamimili siya mula first year to fourth year," ani ko.
"Bakit? Maganda ka rin naman, ah. Saka, pumapayat ka na. Ilang kilo na nabawas
mo?"
"Ten kilos sa huling timbang namin ni Warren."
"Nice. Effective pala 'yong pagtakbo-takbo mo."
"Oo nga, eh. Magaling si Warren."
Napatingin sa'kin nang matagal si Yan. "Eh si Warren, kumusta?"
Napatingin din ako kay Yan. Dapat yata... sa kanya ko itanong 'yong iniisip ko,
'no? Kasi marami siyang alam sa relationships. Nakailang boyfriend na siya. Tapos,
marami na siyang nakilala na gustong manligaw sa kanya. Mas matalino rin siya kaysa
sa'kin.
"May itatanong ako sa'yo," intro ko sa kanya.
"Ano?"
"Kasi no'ng nag-swimming tayo, nag-usap kami ni Warren. Tapos sabi niya, may
nagugustuhan na raw siya."
"Oh. Sino raw? Sinabi sa'yo? Kilala natin?"
"Hindi nga sinabi, eh. Secret daw. Pero nagbigay naman ng clues."
"Hindi sinabi? Ano raw ang clues?"
"Sabi niya, maganda raw na matalino na Broad Comm student din na nakakasama
niya lagi."
"Ah... gano'n pala." Nangiti si Yan na parang... nanunukso? Hala. "Ano'ng
sinabi mo?"
"Eh 'di sabi ko, ang galing niya. Nakakasama niya pa 'yong babaeng gusto niya
kahit lagi kaming magkasama."
Nawala ang ngiti ni Yan. Nagbuga siya ng hangin. Mahaba. " 'Yon ang naisip mo?"
"Bakit? Ano ba dapat?"
"Isa-isahin natin ang clues, ha?"
Tumango ako.
"Maganda raw."
"Oo. Sabi niya."
"Kasama sa maganda 'yong telegenic, 'di ba? 'Yong maganda sa camera?"
"Oo."
"Tapos, matalino raw. Siguro 'yong tipo na nakakasama sa dean's list o matataas
ang grade. O 'yong mga gumagawa ng script, gano'n. Broad Comm din."
"Oo."
"Sino ang nakakasama lagi ni Warren mula first year bukod sa'yo? Meron bang
iba?"
Napatingin ako nang matagal kay Yan. Kung telegenic na dean's lister na
scriptwriter na Broad Comm na nakakasama lagi ni Warren...
Ako ba 'yon?
Tumigil sa pagtibok ang puso ko kasabay ng pagtayo ng balahibo ko. Nakalimutan
kong huminga. Nakatanga lang ako kay Yan na parang sinabi niya sa'king magugunaw na
ang mundo dahil sa'kin.
"Kuha mo na?" tanong niya pa.
Ako... ba? Hindi nga?
"Mi?"
Pero... marami naman sa Broad Comm ang telegenic. Mahaba ang dean's list. At
may oras din na hindi ko kasama si Warren. Kaya ibig sabihin...
Hindi. Hindi ako 'yon.
Nakahinga ako nang maluwag. Bumalik sa normal na pagtibok ang puso ko at
nagbabaan ang balahibo ko.
"Baka nasa tennis club ni Warren 'yong gusto niya. Iche-check ko nga."

Matagal na napatingin sa'kin si Yan. "Itanong mo na lang


uli kay Warren kapag may chance. Humingi ka ng dagdag na clues. Gaya nang ga'no
katagal na niya kakilala 'yong babaeng gusto niya. Gano'n. O kung sa anong letter
nagsisimula ang pangalan."
Napatango ako. "Oo nga, 'no? Sige, 'yan ang itatanong ko sa kanya sa susunod."
Nailing si Yan. "Kumain ka na lang nang mabuti para makapaghanda ka na papunta
sa station. Umuwi ka nang maaga mamaya, ah."
"Manonood daw muna kaming sine ni Warren. Bago umuwi."
"Isang popcorn lang ang bilhin n'yo sa sinehan para hindi ka masyadong mabusog.
Mag-share na lang kayo. Maraming pagkain mamaya."
"Sige."
Hindi nawala ang iling at ngiti ni Yan. Ano kayang pinagtatawanan niya?
***
"Hintayin lang natin sandali si Kena. Pinakukuha ko na 'yong certificate na
napirmahan ni Big Boss," sabi sa'kin ni Miss Mae. "Nag-lunch ka na ba? Nagla-lunch
'yong ibang trainees."
Prente akong nakaupo sa swivel chair sa puwesto ko. Ilang linggo lang akong
nag-OJT sa station pero nakaka-miss na agad. Kahit na puro off-air ang naging
trabaho ko at hindi ako nabigyan man lang ng chance na magsalita kahit sa
timecheck, na-enjoy ko ang mga ginawa ko ro'n.
"Okay lang po ako. Late po akong nag-breakfast kaya medyo busog pa," sabi ko.
Saka, bawal akong matagalan dahil naghihintay na si Warren sa food hub. Baka gutom
na 'yon. Hindi naman 'yon kakain nang hindi ako kasabay.
"Ah." Tumaktak ang daliri ni Miss Mae sa mesa niya. Parang nag-iisip. "Ay,
kasama ka sa may offer para i-absorb dito sa station, 'di ba? After lang ng fourth
year n'yo?"
Tumango ako. Ibinalita kanina ni E.P. kung sinu-sino ang posibleng bigyan ng
employment offers. Kasama ako ro'n at si Warren. Ang kailangan na lang naming
siguruhin ay maabot ang general average na required ng station. Kapag first sem pa
lang at bagsak na sa required average, ika-cancel ang offer. Kapag naman nakapasa
hanggang second sem, practical examination na lang ang dadaanan at puwede nang
magtrabaho talaga ro'n.
"Baka gusto mo na ring mag-apply sa scholarship ng station. In-open 'yon nina
Big Boss ngayon pati na sa mga nagiging trainees. Originally, for probationary
workers lang 'yon."
"Ano pong scholarship?"
"Mag-aaral ng masteral degree either sa Broadcast Communication o Filming.
Abroad 'yon. Kapag natapos ang degree, considered 'yon na working contract."
"Wow. Puwede na po 'yong i-apply ngayon pa lang?" usisa ko.
"Ang alam ko, oo. Kumuha ka lang ng form sa HR bago ka umalis, then, ipa-file
mo rin sa kanila kapag kumpleto na ang requirements mo. But same rules apply. Ipa-
process lang ang application kapag umabot sa required general average ang first at
second sem mo."
Woah. Ang galing no'n kung makakapasok ako ro'n. Libre akong makakapag-aral ng
Masteral degree. Alam kong hirap na hirap ngayon sa bahay dahil ang mahal ng
ginagastos sa course ko. Marami akong mga location at set shootings. May
recordings. Nagbabayad kami ng magandang camera at bumibili ng professional
software para sa audio at video editing. 'Yong mini-studio pa lang namin ni Warren
na ginawa nina Jacob, Kuya, at Jepoy, sa soundproofing pa lang no'n, nakakakamote
na.
"Ilang taon naman po 'yong pagkuha ng degree?"
"Ang start ng semester do'n ay August, eh. Three-year study 'yon. May apartment
naman para sa mga bibigyan ng scholarship. Pero magkahiwalay ng school ang Broad
Comm at Filming. Interested ka?"
Sunod-sunod ang tango ko.
"Okay. Kumuha ka lang ng form sa HR kanina. Bibigyan kita ng endorsement
letter. Sandali, magpi-print ako para mapirmahan ni E.P."

Tumayo si Miss Mae mula sa teleprompter at umikot sa parte


ng printer namin. Nagbantay naman ako sa prompter at hanay ng mga telepono. On-air
pa kami sa Top 10 countdown. Baka may tumawag.
Pagka-print ng endorsement letter ay ipinabahala sa'kin ni Miss Mae ang pag-
assist sa mga DJ. Ilang minuto rin siyang nawala. Pagbalik niya, patapos na ang
program. Hawak na rin niya ang endorsement letter na pirmado ni E.P.
"Here you go," aniya at iniabot sa akin ang papel.
Kinuha ko 'yon at maingat na inilagay sa envelope na hawak ko. Mayamaya pa,
dumating na rin si Kena, bitbit ang mga certificates namin. Ibinigay sa'kin ni Miss
Mae ang para sa'kin.
"Pa'no? We'll see you again. Sana, makuha mo ang scholarship," sabi ni Miss
Mae.
"Opo. Thank you po. Marami po akong natutunan dito."
Ngumiti lang si Miss Mae at tumango. Sumabay naman akong lumabas ng silid kay
Kena.
***
Pagdating ko sa food hub, may pagkain nang nakahanda para sa'kin. Akala ko,
kumakain na si Warren pero wala pang bawas ang pagkain niya. Umupo agad ako at
sumubo.
"Hindi ka pa kumakain?" usisa ko.
"Hinintay na kita no'ng mag-text ka. Kumain ka na muna habang mainit pa'ng
pagkain," aniya.
Tumingin ako sa mukha niya. Parang may mali. Hindi siya palangiti kaya hindi ko
siya hinahanapan ng ngiti... pero iba ang seryoso sa mukha niya.
"May problema ba?"
"Kumain ka na muna."
Sumubo ako nang ilan. Uminom ako ng tubig. Sunod-sunod kong tinusok ang gulay
sa plato ko at nginuya nang mabuti. Seryoso pa rin siya.
Ang hirap kumain.
"Ano ba? May problema ba talaga? Sabihin mo na kaya? Nahihirapan akong lumasa
nitong isda at gulay ko."
Nagbuga siya ng hangin. "Makikipagkita muna tayo kay Mama bago manood ng sine."
"Ngayon na?"
"Oo raw. Baka raw puwede ngayon."
"Ano'ng sabi mo?"
"Sabi ko, tatanungin muna kita."
Napatingin ako sa plato ng pagkain niya na walang kabawas-bawas. Wala siguro
siyang ganang kumain dahil sa Mama niya.
"Eh si Max? Nasabihan mo na?" tanong ko.
"Ayaw niya eh. May delivery raw sila ngayon ni Auntie Mona," sagot ni Warren.
"Hindi ko naman mapipilit 'yon. Pinagsabihan na nga ni Jacob."
"Eh ikaw? Okay lang ba sa'yo?"
Hinawakan niya ang tinidor niya. Akala ko naman, tutusok na siya ng kahit ano
sa plato niya para isubo. Pero itinaltak niya lang ang dulo no'n sa plato niya.
"Basta kasama kita, okay lang 'yon."
"Sasamahan naman talaga kita. Okay lang kahit makipagkita muna tayo kay Tita
bago manood ng sine. Basta uuwi rin tayo agad dahil maghahanda sila sa compound."
Lumambot ang mukha niya. Umamo. "Oo nga pala. Birthday mo kasi."
"Oo. Nasa'n na regalo ko?" Inilahad ko ang palad ko sa kanya.
Kinuha niya ang backpack niya at naglabas ng kahon do'n. Obvious ko agad na
sapatos kahit nakabalot.
"Sapatos 'to, 'no?" ani kong malaki ang ngiti nang abutin ang regalo. Dinala
niya talaga 'yong gift niya kahit na puwede naman niyang ibigay pagbalik namin sa
compound.
Ngumiti siya. "Buksan mo para makita mo."
Winarak ko ang wrapper at binuksan ang kahon. Sapatos nga. Pero running shoes.
Pink at grey.
Sumimangot ako.
"Bakit? Hindi mo nagustuhan?" tanong niya.
"Gusto ko naman. Para may pamalit ako sa running shoes na gamit ko 'pag
tumatakbo tayo. Mukha pating matibay."
Nag-check ako ng kahon. Branded. Matibay nga 'to.
"Bakit parang hindi mo gusto?" Sumimangot din siya.
Naku. Totopakin ba siya dahil sa Mama niya? Tsk.
"Gusto ko naman nga. Akala ko lang, dahil shoes..." Nag-expect kasi ako na
pambabaeng shoes. 'Yong high heels na kumikinang, gano'n. Mahilig ako sa
magagandang heels, eh. Babae naman pati ako. Hindi niya ba napapansin? Kung 'yong
babaeng gusto niya ang reregaluhan niya ng sapatos, siguradong high heels ang
ibibigay niya. O kahit hindi heeled shoes, kumikinang siguro 'yon. O girly.
Ewan ko na rin kung bakit naiinis ako kahit na gusto ko naman 'yong shoes na
bigay niya. Baka tinotopak din ako.
"Gusto mo pero nakasimangot ka," aniya.
"Sorry na. Gusto ko talaga." Nagpilit akong ngumiti. Ayoko namang maging
demanding pero... "Next time, puwede mo 'kong regaluhan ng high heels."
"Masakit sa paa 'yon. Nakikita ko sa'yo at sa mga kaklase natin 'pag may shoot
tayo at broadcast. Hindi ka ba nahihirapan kapag naka-heels ka?"
Hindi naman 'yon ang point. "Nahihirapan din. Pero gusto ko ang heels."
"Kahit nahihirapan ka?"
"Oo. Basta 'pag gusto ko, kahit nahihirapan ako, gusto ko. Parang pagpapapayat.
Nahihirapan akong magutom pero ginagawa ko pa rin, 'di ba?" Mas mataas kaysa normal
ang tono ko kahit na ayoko naman talagang magsungit. Nakakaawa si Warren. Nasasalo
niya ang topak ko kahit na may topak din siya.
"Okay, sige. Tatandaan ko."
Tumingin ako nang matagal sa kanya. Ang sama ko talaga ngayon. "Sorry, Warren.
Hindi ko alam kung bakit parang naiinis ako."
"Nakakapanibago nga, eh. Akala ko, nagkaka-temper ka lang 'pag gutom."
Iningusan ko siya. "Maarte lang siguro ako ngayon kasi birthday ko."
"Kahit naman maging maarte ka kahit kailan, okay lang."
"Ayoko ngang maging maarte lagi."
Mahina lang siyang tumawa. "Imposible naman 'yon sa'yo. You're too kind."
Too kind. Compliment 'yon pero naiinis na naman ako. Nabawasan na 'ko ng ten
kilos pero wala pa rin siyang sinasabi bukod sa 'good job', 'keep it up', 'you're
doing good'. Itong bago niyang compliment, 'you're too kind'. Wala bang iba?
"Marami nang nagsabing nice ako," flat na sabi ko.
"Hindi ko sinabing nice ka. Sabi ko, kind ka."
"Gano'n na rin 'yon. Meaning, mabait."
"Hindi magkaparehas 'yon. Anyone can act nicely. But not everyone can act
kindly. You're not nice. You're kind. You're m—" Nagbuga siya ng hangin.
Naghintay ako sa kasunod ng 'you're' niya pero wala na siyang balak tapusin.
"Kind..." Tumango ako. Gusto ko 'yong sinabi niya tungkol do'n. "I like it.
Thank you."
Nakatingin lang siya sa mukha ko. "You have no idea about yourself at all."
Lumabi ako. "Hindi, ah. Meron naman kaya."
Umiling siya. Bumulong.
"Ano'ng sabi mo?" untag ko.
"Wala. Kumain ka lang. Makikipagkita pa tayo kay Mama. Magte-text ako kina Tita
Judy na nagpapasama ako sa'yong i-meet si Mama."
"Magte-text din ako sa bahay," sabi ko.
"Okay."
Nagpatuloy akong kumain habang nanonood lang siya. Wala ba talaga siyang balak
na kainin ang in-order niya? Mag-aaksaya ba siya ng pagkain? Hindi pa ba sapat sa
kanya ang magandang katawan niya kaya nagda-diet siya? Tsk.
"Kumain ka rin," sabi ko. "Birthday ko ngayon. Maarte ako. Ayoko sa hindi
kumakain."
Nangingiti siya nang damputin ang kutsara niya. "Sige, birthday Missus.
Masusunod."
Inirapan ko siya. Dapat lang. #556h / 01022018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 08: Some expectations part 2

***
"Sino 'yang kasama mo?" tanong ni Auntie Delia kay Warren nang magkakaharap na
kami sa isang restaurant.
Iyon din sana ang gusto kong itanong ni Warren sa Mama niya. May kasama kasing
binatilyong lalaki si Auntie. Kahawig ni Warren.
"Si Mimi," kaswal na sagot ni Warren dito.
"Si Mimi na ba 'yan?" Napapatango si Tita habang nakatingin sa'kin. "Hindi ko
na nakilala. Matagal na rin talaga no'ng huli tayong nagkita-kita."
"Yes."
Second year high school kami nang makipag-usap uli si Auntie Delia kina Auntie
Mona. Wala pang cellphone no'n kaya sa sulat, postcard, at telepono pa lang.
Pangalawang beses pa lang ngayon nang pakikipagkita nito nang personal kay Warren.
Iyong unang beses ay nang dumalaw ito sa compound para ibalita ang pangingibang
bansa nito kasama ang napangasawang Amerikano. Hindi nagtagal si Auntie Delia no'n
sa compound dahil sa malamig na pakikitungo ni Auntie Mona.
"Kumusta po, Auntie," sabi ko rito. "Ang ganda n'yo po ngayon."
Nagbuga ng hangin si Warren. Ayaw niya ba no'ng sinabi ko? Eh, totoo namang
maganda ang Mama niya ngayon.
Bahagyang kulot ang hanggang balikat na buhok ni Auntie Delia. Naka-make-up din
ito. Belted ang dress pero free-flowing ang skirt. Naka-flats. Nang humalik siya sa
pisngi namin ni Warren kanina, naamoy kong mamahalin ang pabango. Mayaman yata
talaga ang napangasawa ni Auntie pagkatapos ni Uncle Juan.
"Thank you, Mimi. Ang laki rin ng ipinayat mo. Dalagang-dalaga ka na."
Ngumiti ako kay Auntie habang nag-aapurang mag-isip ng iba pang sasabihin para
hindi masyadong tahimik. Siguradong mas tinatamad magsalita si Warren ngayon.
"Sandali. Ipahahain ko na ang pagkain," sabi ni Auntie at sumenyas sa mga
attendant.
Naglabas ang mga ito ng pagkain. Naghain sa mesa namin.
"We can't stay long," ani ni Warren. "May lakad kami ni Mimi. At kailangan din
kami sa compound."
Expected ko nang sasabihin 'yon ni Warren pero kinikindatan at sinasayawan ako
ng platter ng pasta. Red sauce 'yon. Base sa naaamoy ko, pomodoro-style kaysa sweet
style. Siguradong masarap. Umuusok ang mashed potato na naka-single serve sa
maliliit na mangkok. Kumikintab ang kebab at makinang sa sauce ang pork ribs.
Pero ibinalik ko ang mga mata ko kay Warren. Nagtanghalian kami na pilit na
pilit siya sa pagsubo sa in-order niya. At walang kahit na anong kinang ng interes
sa mga mata niya ngayon kahit na paborito niya ang pork ribs. Hindi ako dapat
magpatukso sa pagkain.
Ayoko ng pomodoro ngayon. Ayoko ng pomodoro ngayon. Ayoko ng mashed potato,
pork ribs, at kebab. Hindi ako nagugutom.
"Kumain muna kayo. Hindi naman uubos ng mahabang oras 'yan," sabi ni Auntie.
Bumaling sa'kin si Warren matapos sumulyap sa nakahain. "Gutom ka ba, Mi?"
Umiling ako nang ilang ulit. "Hindi. Kumain na tayo bago nagpunta rito, eh."
Bumaling ako kay Auntie. "Sorry po. Kumain na po kasi kami sa station. Galing po
kami ro'n bago nagpunta rito sa inyo, eh."
"Station?"
"Sa OJT po namin."
"Ah. Nakapag-OJT na kayo? Fourth year na pala kayo?" anito.
"Opo. Fourth year po kami ngayong pasukan. Summer po kasi pina-schedule ang OJT
ng course namin," sabi ko. Nakikita ko sa tagiliran ng mga mata ko si Warren.
Seryoso ang mukha niya at panay ang buga ng hangin. "Broadcast Communication po ang
course namin."

Tumango-tango si Auntie.
"Magaling po 'yan si Warren sa camera, Auntie. Siya ang lagi naming cameraman.
Kung hindi siya cameraman, video editor namin siya. Magaling din po siya—"
"Mi."
Lumunok ako. Ang bigat ng tunog ng 'Mi' ni Warren. Nilingon ko siya. Nginitian.
Ayoko lang naman na masyadong walang alam si Auntie tungkol sa kanya. Kasi...
halatadong walang alam si Auntie.
"Bakit ka nakipagkita, Ma?" tanong lang uli ni Warren.
"Si Max? Hindi ba darating?" si Auntie.
"May deliveries sila ni Auntie Mona ngayon, eh."
"Hindi ba siya pinayagan ni Mona na—"
"Si Max ang ayaw pumunta. Pinagsabihan nga ni Jacob."
Si Auntie naman ang bumuntonghininga. "Hindi ka pa rin ba tumatawag ng Kuya kay
Jacob hanggang ngayon?"
"Komportable na rin naman siya na hindi ako nagku-Kuya. Wala namang kaso sa
kanya."
"Kahit na, anak."
"Hindi rin kailangang tumawag ng Kuya sa'kin nitong..." Tumingin si Warren sa
binatilyong kaupo namin sa mesa. "Anong pangalan mo?"
"Carter," sagot nito.
Matipid na ngumiti si Warren dito. "Kilala mo na 'ko?"
"Nabanggit lang ni Mama," anito.
"Dalawa lang kami na half-brothers mo. Ako ang panganay. Si Maxwell ang bunso.
Now I guess, ikaw na ang bunso? O may kapatid ka pa?"
"May bunso pa. Si Kelsey," sabi ni Carter. "She's just nine years old."
"Ikaw? Ilang taon ka na?"
"Thirteen."
Matagal na tumingin si Warren kay Auntie Delia. "You waste no time."
"Anak... it's all in the past."
Hindi nagkomento si Warren doon. "Ano po uli ang pag-uusapan? Ipapakilala mo
lang ba si Carter?"
Kunot ang noo ni Carter sa pag-uusap ng dalawa. Habang pakiramdam ko, nanunulay
kami sa alambre. Isang maling salita o maling tono, may malalaglag. May masasaktan.
Alam kong hindi babastusin ni Warren si Auntie Delia kasi hindi siya gano'n
pinalaki ni Auntie Mona. Masyado siguro siyang uncomfortable sa pagkikita na
ganito.
"Si Kelsey," ani ni Warren na kay Carter nakatingin, "Is she pretty?"
"Yes. But she knows so I don't tell her."
Ngumiti lang nang matipid si Warren dito. "Tell her she's pretty when she wants
to. Dalawa lang kayong magkapatid. Walang ibang manghihingi ng compliment sa'yo."
Uhm... Actually, apat o lima silang magkakapatid? Kung isasama si Jacob, siya,
at si Max.
"I don't mind having siblings, Ma. Tingin ko, wala rin namang kaso kay Max.
Hindi ka naman nakipagkita para sa approval, 'di ba? They're already existing.
There's nothing to change."
Dumikit ako nang kaunti kay Warren. Sumiko nang kaunti. Hindi matalas ang
pananalita niya kay Auntie Delia pero malamig. At walang amor. Mahirap makita
siyang gano'n.
"I just wanted to see you, anak. And I wanted to offer Brighton's house in Long
Island if you want. Sabi niya, pupuwede kayong magbakasyon do'n ni Max kung gusto
n'yo," malumanay na sabi ni Auntie Delia. "It's large. It's near the lake, too.
Puwedeng mag-fishing o boating do'n."

"We're okay here," mabilis na sagot ni Warren. "Hindi naman


namin kailangang magbakasyon."
"Lagi kasi kayong nasa compound ni Max. So, if you want a change in scenery,
Long Island will be good."
"Masaya naman kaming laging nasa compound."
"I know. But if you change your mind? Can you give it a try? Nagsabi naman ako
kay Juan, he says okay if you're okay with it."
"And I say I don't want it, Ma," pinal na sabi ni Warren. Bumuntonghininga
siya. "Sorry. Hindi ko lang talaga alam kung anong dapat nating pag-usapan o
kung... I don't know. I'm happy to meet Carter and to know about Kelsey. Sila na
ang pamilya mo, Ma. Matagal na. Tanggap na namin 'yon. You don't have to be
bothered thinking about us, too. Masaya kami ni Max sa compound. Maalaga si Auntie
Mona. Kilala mo naman 'yon. Si Jacob, kahit hindi ako nagku-Kuya ro'n, magkasundo
kami. Sina Tita Rose at Tita Judy, parang extended families na namin. Don't worry
about us."
Matagal na nakatingin lang si Auntie Delia kay Warren. Mahirap basahin ang
mukha nito, gaya ni Warren. Sigurado akong wala rin itong masyadong salita, gaya ni
Warren.
"Okay. But if you change your mind and if you want to spend a little more time
with me and with Carter and Kelsey, call me," anito.
"Okay, Ma."
"I have gifts for you and Max." Iniabot ni Auntie Delia ang ilang malalaking
paperbags kay Warren. "There's something for Mona, too."
"Okay."
Dumaan ang katahimikan sa mesa namin.
"Can we go, now?" untag ni Warren.
Napatingin ako sa bandehado ng pasta, mashed potatoes, pork ribs, at kebabs.
Nagpaalam ako.
"Are you sure you don't want to eat?" habol ni Auntie.
"Busog talaga kami, Ma. Next time na lang kapag may oras ka."
"Sige, Warren."
Tumayo kami ni Warren. Gano'n din si Auntie Delia. Kagyat na yumakap si Auntie
sa'kin bago yakapin nang mahigpit si Warren.
"Ang tangkad mo na. Will I get to know when you have a girlfriend?"
"I'll tell you," sabi ni Warren dito.
"Okay. You take care, anak."
"You, too." Bumaling si Warren kay Carter. "Yo. Take care of yourself and
Kelsey, too. Add me on facebook."
"Alright."
Tumango lang si Warren at mahigpit na hinawakan ang isang kamay ko. Malamig na
malamig ang palad niya. Tumuloy kami sa upper floor ng mall para manood ng sine.
***
Sigurado akong sira ang mood ni Warren kaya iba 'yong klase ng tahimik niya—
mabigat at malungkot. Bumili siya ng tickets namin. Bumili naman ako ng isang
tumbler ng popcorn at dalawang bote ng juice drinks.
Pagpasok namin sa sinehan at pagrolyo ng pelikula, nakatingin si Warren sa
screen pero hindi ako sigurado kung nanonood siya. Marvel movie 'yon. Paborito
namin. Pero wala siyang kibo. Wala ring ibang reaksyon.
Kinalabit ko siya habang sumusubo ng popcorn. "Okay ka lang?"
"Okay lang."
Obvious namang hindi. Dapat, hindi na 'ko nagtanong.
"Guwapo si Carter, ah. Kamukha mo."
"Guwapo rin ako?" aniya.
Sumilip ako sa mukha niya dahil akala ko, nagbibiro na siya. Flat pa rin ang
expression niya.

"Iko-compliment pa ba kita? Lahat na yata ng kaklase natin,


nagsabing guwapo ka."
"Hindi mo pa sinasabi," sabi niya.
Ngumuso ako. Bakit ikaw? Sinabi mo na rin bang maganda ako? O na pumapayat ako?
Pinigil ko ang gustong ilabas ng dila ko. Malungkot si Warren ngayon. Kahit na
puwede akong mag-inarte 'pag birthday ko, priority pa rin dapat ang mga malulungkot
o mga bothered.
"Guwapo ka. Tejeron ka, eh."
"Ah. Ibig sabihin, guwapo rin si Max at si Jacob?"
"Oo. Kaya nga ang daming may crush kay Max, 'di ba? Gano'n din kay Jacob."
Bumuntonghininga siya.
Itiniim ko naman ang labi ko. Mabigat ang buntonghininga niya. Mali yata ang
sinabi ko.
"Pero pinakagusto ko ang mukha mo," bawi ko. Nakatingin ako sa mukha niya para
abangan ang ngiti niya. Wala. Hindi lumitaw.
Bumuntonghininga lang uli siya.
"Popcorn, gusto mo?" subok ko pa rin.
Nilingon niya sandali ang tumbler na hawak ko. Inilapit ko 'yon sa kanya para
makakuha siya. Dumakot siya nang kaunti pero hindi naman isinubo.
" 'Wag kang masyadong mag-worry sa'kin, Mi. May iniisip lang ako. Manood ka
na," aniya.
Nanood ako. Pero ang dami ko nang tinawanan at sininghapan na eksena, 'yong
dinakot niyang popcorn, nasa kamay pa rin niya. Didikit na sa daliri niya ang
cheese no'n. Panay pati ang buntonghininga niya.
Kumuha ako ng wet tissue sa bag ko at inabot ang kamay niya. Ibinalot ko sa
tissue ang popcorn na kamal niya. Pagkatapos, nilinis ko ang cheese sa palad at mga
daliri niya.
"Hindi mo naman kinain, eh," sabi ko.
"Sorry."
'Aysus. Siyempre, palalampasin ko siya dahil minsan lang naman siyang
magkaganito. Mahirap siyang tingnan 'pag ganito siya. Nagmumukmok kahit nasa
sinehan.
"Nakakapanood ka pa ba?"
He sighed. Again. "Hindi masyado."
"Sabi ko na, eh. Ikukuwento ko mamaya sa'yo."
"Sige."
Lumubog ako sa upuan ko habang tuwid na tuwid siya. Hindi ako komportable.
Tumuwid ako ng upo at hinawakan siya sa balikat. "Sit comfortably, Coach."
Itinulak ko siya pasandal sa upuan niya. "Okay na?"
Ngumiti siya nang matipid. "May alaga ka bang bata?"
"Para kang bata, eh."
"Okay na," sabi lang niya at humalukipkip.
Lumubog uli ako sa upuan ko. Aalukin ko sana uli siya ng popcorn pero baka
kumuha lang siya uli tapos hindi niya kakainin. Paubos na ang wet tissue ko.
"Popcorn," sabi ko habang hawak ang ilang piraso ng popcorn malapit sa bibig
niya.
"What are you doing?" tanong niya nang tumingin sa'kin.
"Binibigyan ka ng popcorn."
"Tapos?"
"Ngunguyain mo 'yong popcorn pagkasubo mo."
Ngumiti siya nang... hindi ko alam kung ano'ng ibig sabihin.
"Bakit, Coach?"
Umiling siya. "Wala. Hindi mo 'ko kailangang subuan, Mi."
"Eh, 'di pa'no ka magiging okay?"
"Ah. Gusto mo 'kong maging okay..."
"Siyempre."
Natahimik siya sandali. "Sandal ka lang sa seat mo at manood."
"Hala. Pa'no ka magiging okay kung—"
Pumalatak siya.
"Okay. Sasandal na po, Coach."
Sumandal ako nang maayos sa upuan ko. Iaalok ko pa lang sana uli ang popcorn sa
kanya nang maramdaman kong dumikit siya sa'kin. Inihilig niya ang ulo niya ulo ko.
"Mabigat ako?" mahinang tanong niya, mababa ang tono ng boses.
Napalunok ako. "H-hindi..."
Pero hala ka, nagmamadali ang heartbeat ko. Mali-mali ang counting. Dahil ba
hindi ako nakakain ng pomodoro na pinaglawayan ko kanina? O dahil do'n sa mashed
potato? O sa ribs? O sa kebab?
Huminga ako nang malalim. Naamoy ko si Warren.
Hala! Ang bango niya, hoy.
Nanlaki ang mata ko. No! Ano 'tong mga napapansin ko?
"Okay ka lang, Mi?" aniya.
"Okay lang... s-siyempre."
Humugong siya. Dumikit ang braso niya sa braso ko. Hindi naman ako lamigin pero
naramdaman kong malamig ang balat ko dahil mainit siya. At kinakapos ako ng hangin.
"Warren..."
"O?"
Hindi ako makagalaw sa pagkakaupo ko kasi baka maistorbo siya sa pagsandal
niya.
"Wala... pala."
"Pasandal lang sandali."
Bumuntonghininga uli siya. Mahaba. Malalim. Then he sighed... of relief?
"Magiging okay ka ba sa ganyan?" tanong ko sa kanya.
"Oo."
"Okay." Hindi pala talaga ako dapat gumalaw.
"Manood ka lang ng movie. Sandali lang 'to," sabi niya.
Pero nakatulog yata siya. Dahil hindi na siya naalis sa pagkakadikit sa'kin sa
buong pelikula. At parang may alcohol content 'yong juice na binili namin. Dahil
pagkatapos ng movie, nanghihina ang tuhod ko at nahihilo ako. Nangyayari lang 'yon
sa lasing, 'di ba? #1227h / 01042018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 09: Undertones

***
Pagdating namin ni Warren sa compound, nakahain na ang iba't ibang putahe sa
mahabang mesa sa bakuran. May mga kapitbahay na ring nakikikain ang sumalubong ng
bati sa'kin. Nagba-barbecue si Papa sa isang sulok, kumakanta si Tito Louie sa
videoke, at nag-aasikaso ng bisita sina Mama at Tita Rose. Pati si Koko, pagala-
gala sa bakuran.
"Magpapalit ka? Baka nasa bahay na 'yong damit mo," sabi ni Warren sa'kin.
Magpapalit talaga 'ko dahil iniinitan na 'ko sa damit ko. Hindi pati birthday
clothes ang suot ko. May binili raw si Yanyan na damit para sa'kin.
Nakita kong nakaupo si Yan sa dulo ng pahabang mesa, may kausap sa cellphone.
Tinumbok ng mata ko si Jepoy na nasa kasalungat na dulo niyon. Nakatungo si Jepoy
sa cellphone nito pero tumitingin lang talaga kay Yanyan. Hala ka.
Nang mapatingin sa'kin si Yan, kumaway ako. Kumaway rin siya nang maliit bago
takpan ang mic ng cellphone niya. "Nasa kuwarto na ni Warren 'yong damit mo."
Ngumuso ako. Bakit nasa kuwarto ni Warren ang damit ko? Puwede namang sa sala
na lang niya inilagay. Nag-thumbs up pa siya.
"Tara. Nasa kuwarto na raw," sabi ni Warren at nagpatiunang lumakad papunta sa
bahay nila.
Sumalubong sina Auntie Mona at Max sa pinto ng bahay nila. Halatadong
naghintay. Mababa ang boses ni Auntie nang magsalita, " 'Wag kayong masyadong
maingay, ha? Umidlip sandali si Jacob. Mukhang pagod na pagod."
Sumilip ako at nakitang may paang sumobra sa mahabang sofa nila. Wala nang
sapatos pero nakamedyas pa. Si Jacob nga. Nakahalukipkip ito at nakabaling sa
backrest ang mukha. Tulog.
Mag-aalala si Iya 'pag nakita niya si Jacob na tulog nang ganito. Ang tangkad-
tangkad, pinagkakasya ang sarili sa maiksing sofa. Dapat, nagpahinga na lang siya
sa kuwarto niya. Maingay na pati ang mga nasa labas.
"Mukhang pagod nga po," sabi ko.
"Ewan ko ba diyan. Si Jepoy naman, hindi kasing-lupaypay niya," ani ni Auntie
Mona na sumulyap kay Jacob. "OT raw nang OT itong isa."
Ngumiti lang ako. Binubuhusan kasi lagi ni Jacob ng damit at gamit si Iya.
Hindi naman alam ni Iya na galing sa kanya. Effort talaga siya, eh.
"Kumusta? Ano 'yang mga dala mo?" tanong ni Auntie Mona kay Warren.
Bahagyang itinaas ni Warren ang paperbags na bitbit niya sa isang kamay.
"Regalo raw ni Mama sa'kin, sa'yo, at kay Max. Tiningnan ko na kanina. May regalo
rin siya kay Jacob."
"Sa kusina tayo mag-usap," yaya ni Auntie Mona.
Bumaling sa'kin si Warren. "Magbihis ka na. Inayos ko 'yong hot shower sa banyo
kung gusto mong maligo. May sabon mo rin do'n."
Tumango ako. "Okay."
Naglakad sila papunta sa kusina. Lumiko naman ako para umakyat sana sa hagdan.
Pero nalingunan ko ang natutulog na si Jacob.
"Ikaw rin umayos no'ng shower sa banyo ko?" naulinigan kong tanong ni Auntie
Mona kay Warren.
"Opo. Sa susunod, sabihin n'yo agad sa'kin 'pag nasira. Lagi kayong nagbe-bake.
Mas masarap iligo ang maligamgam na tubig."
"Si Jacob sana ang hihintayin kong mag-ayos no'n eh."
"Ako na ang gagawa sa susunod. Pagod na 'yan sa trabaho."
Napalingon sa'kin sandali si Warren nang palapit ako sa sofa. Halatado ang
question mark sa mukha niya.
Itinuro ko si Jacob. "Picture. For Iya."
Tumango siya bago magbalik ang atensyon kay Auntie.
Nakasunod pa ako ng tingin sa kanila hanggang sa magharap-harap sila sa kusina.
Napitik pa ni Warren si Max sa tainga. Ewan ko kung ano'ng sinabi.

Patingkayad naman akong naghahanap ng puwesto at anggulo sa


tagiliran ng sofa. Kailangan kong kunan ng picture si Jacob.
Nang komportable na 'ko sa kinatatayuan ko, inayos ko ang camera setting ko at
tinanggal ang flash pati na ang capture sound. Tapos, kinunan ko nang ilang shot si
Jacob. Nirebyu ko ang photos. Perfect 'yon. May medium-shot na kita ang suot ni
Jacob. May close-up din.
"Tapos na?" mahinang untag ni Jacob na iminulat ang isang mata niya.
Natutop ko ang bibig ko para hindi makagawa ng ingay. "Gising ka pala..."
Inilapat ni Jacob ang isang daliri niya sa labi para patahimikin ako. Itinuro
niya nang bahagya ang mga nasa kusina.
Tumango ako. Tsismosong Jacob 'to. Gusto lang palang makinig kina Auntie Mona.
"Magbihis ka na. Ako na lang ang makikinig," sabi nito sa'kin.
"Okay."
"Si Iya..."
"Ipapadala ko agad pictures mo," sabi ko kay Jacob.
"Hindi 'yon."
"Hingian ko siyang bagong pictures mamaya 'pag nakausap ko," dagdag ko.
Ngumiti siya. " 'Yon. May regalo ako sa'yo."
"Dapat lang."
Sumenyas si Jacob. Itinataboy na 'ko.
Nailing ako. Kung pumunta na lang siya sa New York tapos mag-confess kay Iya at
mag-propose, mas romantic. Pang-KDrama at wattpad. Ay. Kaso, mahal ang ticket
papunta sa New York. At 'pag masyadong naging masaya si Iya, baka umuwi nang hindi
tinatapos ang course nito. Yari sila kay Jepoy at kina Tito Louie.
"Bihis na 'ko," bulong ko. Napatingin ako uli kina Warren, Auntie Mona, at Max.
Nakatagilid si Warren. Seryoso.
Inangat ko ang cellphone ko at tiningnan siya sa camera. Ang guwapo niya, eh.
Nag-zoom ako sa mukha niya na laging seryoso.
Tapos, napindot ko ang capture. Kasabay ng pag-save ng image ni Warren ang
pagtalon ng puso ko.
Hala ka. Bakit? Ano'ng ginawa ko?
Nagmamadali akong lumakad nang patingkayad papunta sa kuwarto ni Warren. Do'n
ko tiningnan ang picture niya.
Ang bilis pa rin ng heartbeat ko. At ngayong tinitingnan ko ang picture niya,
may kasabay na 'yong pakiramdam na parang... masaya na nakakapanlambot?
Pinakalma ko muna ang palpitations ko bago pag-isipang i-delete ang picture
niya. Pero sa pangalawa kong pagtitig, parang may iba. Naduduling ba 'ko? Bakit sa
picture kahit nakatagilid si Warren sa pagkakatayo, parang nakatingin din siya
sa'kin?
Hala talaga.
***
Pagkaligo at pagkabihis ko, nawala si Warren. Sabi ni Auntie Mona, nagpaalam
daw na aalis sandali. Lumabas naman ako at tumanggap ng regalo sa mga taga-
compound. Nakiagaw kami ni Yan sa videoke habang kumakain ng kung anu-ano.
Binabantayan ko pa rin ang food intake ko dahil kahit na birthday ko, siguradong
hihigpitan ako ni Coach-nim. Ayokong madagdagan ang rollercoaster ng feelings niya
ngayong araw.
Nang hindi ako makatiis, nag-text ako kay Warren.
Amethyst De Vera:
Nasan ka? Baka ilabas na yung
cake ko.
Ilang minuto na wala siyang reply. Pagtunog ng cellphone ko, mabilis pa sa
pulis kong nabuksan ang message niya.
Warren Coach-nim >_<:

May kailangan lang bilhin.


Wag ka munang mag-blow ng cake.
Ngumuso ako. Hindi naman kaya mapipigilan 'yon. 8:15 ng gabi ako pinanganak.
Gano'ng oras din ilalabas ang cake ko.

Amethyst De Vera:
Malayo ka ba? Aabot ka ba?
Warren Coach-nim >_<:
Pilitin kong umabot. :)
Amethyst De Vera:
Pano pag hindi ka umabot?
Warren Coach-nim >_<:
Magagalit ka ba pag hindi ako umabot?
Nanliit ang mata ko. Siyempre, magagalit ako. Maarte nga ako 'pag birthday ko,
eh. Pero...
Amethyst De Vera:
Depende sa rason mo. Hmp.
Warren Coach-nim >_<:
Haha. Aabot siguro ako. :)
Amethyst De Vera:
Okay. Ingat ka.
Warren Coach-nim >_<:
:)
Amethyst De Vera:
Wag kang magpilit kung di ka aabot.

Okay lang naman. Basta maganda


rason mo.
Warren Coach-nim >_<:
Susungitan mo na lang ako no?
Amethyst De Vera:
Siyempre. -_-
Warren Coach-nim >_<:
Na-send mo na kay Iya yung
pictures ni Jacob?
Amethyst De Vera:
Oo. Kase-send ko pa lang.

Bakit?
Warren Coach-nim >_<:
Delete mo na sa cellphone mo.
Amethyst De Vera:

Bakit?
Ide-delete ko ba agad? Back-up file rin 'to, eh.
Warren Coach-nim >_<:
Anong gagawin ng pictures

ni Jacob sa cp mo?
Amethyst De Vera:
Back-up file ni Iya.
Warren Coach-nim >_<:
I-send mo na lang din sa email ni Iya.
For back-up.
Amethyst De Vera:
Okay, sige. Delete ko pagka-email
ko kay Iya.
Warren Coach-nim >_<:
:)
Amethyst De Vera:
Dali na. Uwi ka na agad.
Warren Coach-nim >_<:
Yes. Bibilisan ko. :)
Amethyst De Vera:
Ingat <3
"Sino'ng ka-text mo? Si Jeron?" untag ni Yan sa tabi ko.
"Hindi. Si Warren. Tinanong ko lang kung nasa'n."
Iniangat ni Yanyan ang cover ng laptop ni Jepoy na binitbit niya sa mesa.
Magbi-video call na siguro si Iya.
"Bakit kailangan mong malaman kung nasa'n?"
Nagkibit-balikat ako. "Wala siya, eh. Siyempre, hahanapin ko."
Ngumiti si Yan. "Hindi naman lahat ng wala, hinahanap. Si Max nga, wala rin."
"Baka nasa kuwarto lang 'yon si Max," ani ko. Saka, bakit ko naman hahanapin si
Max eh hindi ko naman laging kasama 'yon? Siyempre, ang hahanapin ko, 'yong lagi
kong nakakasama. Kasi 'pag lagi mong kasama, nakakapanibago 'pag biglang wala sa
malapit sa'yo, 'di ba?
Nailing si Yan. Sabay kaming napatanghod sa screen ng laptop nang magkonek ang
video call kay Iya.
Naka-spring dress si Iya nang lumitaw sa camera. Si Jacob ang bumili no'n.
"Happy birthday, Mimi!" pakantang sabi ni Iya. May hawak siyang maliit na cake
na may nakasinding kandila. "Blow mo 'to."
Nag-blow ako sa screen kasabay niya. Pumalakpak siya.

"Miss na miss ko na kayo ni Yanyan. Maganda ang weather


dito ngayon. Full on ang spring," nakangiting sabi niya.
Ang ganda lalo ni Iya ngayon. Nagpagupit siya ng hanggang balikat na buhok. May
bahid ng pintura ang daliri niya. Tingin ko, nagbihis lang siya nang maganda para
sa video. Pero nagpipinta siguro siya bago tumawag.
"Saka, ang payat mo na, Mi!" sabi niya pa sa'kin. "Pa'no kakasya sa'yo 'yong
mga damit mo na binili ko?"
Totoong maluluwag na sa'kin ang mga damit na binili niya at ipinadala rito
no'ng isang buwan. Kaya si Yanyan pa ang bumili ng birthday dress ko. Buti na lang,
hindi pumili si Yan ng mababa ang neckline. Ang bilog kasi ng dibdib ko sa damit na
binili niya. Nag-bra na lang ako ng walang foam.
"Nagpapapayat talaga ako, eh. Ang ganda mo ngayon. Bagay sa'yo 'yong haircut
mo," ani ko. "At parang may pintura sa kamay mo. Nagpipinta ka ba kanina?"
"Hindi. Nag-sculpt ako. Project namin sa isang subject. Mini-sculpture lang
naman kaya ayos lang. Pero dahil ambitious na naman 'yong idea ko, nahihirapan
ako," alanganin siyang tumawa. "Si ano... nasa'n?"
Nagkatinginan kami ni Yanyan. Si Jacob na hinahanap niya, umupo sa katapat
namin bago pa magsimula ang video call. Kaya kung ipipihit namin ang laptop,
magkikita sila. Kaso, nag-shhh si Jacob sa'min.
"Natutulog pa, eh. Galing sa provincial inspection nila," sabi ni Yanyan.
Woah. Buti na lang, tama ang sinabi ni Yan. Hindi nito puwedeng sabihing wala
dahil nagpadala na 'ko ng pictures ni Jacob na natutulog. Nakalimutan ko lang
banggitin.
Nanulis ang nguso ni Iya. "Wrong timing na naman tawag ko."
"Tumawag ka na lang uli," sabi ko.
Bumuntonghininga siya. "Aalis ako mamaya, eh. 'Di bale na. Sabihan n'yo naman
pagdating ng Pasko at New Year na sumulpot sa video. Kahit dumaan lang siya sa
likod n'yong lahat. Hindi siguro ako iniisip niyan. May girlfriend na naman ba siya
diyan?"
Ang lapad ng ngiti ni Yan nang sumagot. "Walang girlfriend 'yon. Bantay-sarado
sa'min ni Mi. Pati si Jepoy, nagbabantay."
Sumimangot si Iya. " 'Wag na nga siya ang pag-usapan natin. Ano'ng balita sa
birthday mo, Mi? May boyfriend ka nang dadalhin diyan?"
"Hala siya. Wala!" natatawang sabi ko. Boyfriend pa talaga ang hahanapin niya
eh totoong crush nga, wala ako. "Daig n'yo pa ni Yanyan si Mama. Hanap kayo nang
hanap ng boyfriend."
"Eh crush?" hirit nito.
"Si Park Hyung Sik at Park Seo Joon. Saka gusto ko rin si Jackson ng GOT7
ngayon. At si Ro Woon ng SF9," mabilis na sagot ko.
"Puro Oppa ang inspirasyon niyan ni Mi. O 'di kaya, korean idols," sabi ni Yan
at humarap sa'kin. "Ibang crush naman. 'Yong nakakasama mo. 'Yong nagpapakilig
sa'yo nang tunay."
Kilig? Ano ba 'yong kilig? Parang iba naman 'yong nababasa ko sa wattpad at
napapanood ko sa koreanovela. Hindi ko alam kung naramdaman ko na 'yon.
Pero naalala ko ang picture ni Warren na kinuha ko nang panakaw. Naalala ko ang
mata niya na parang nakatingin sa'kin kahit na nakatagilid siya kausap sina Auntie
Mona at Max. May something do'n eh. Pero parang hindi naman kilig 'yon?
"Wala talaga, eh," apologetic na sabi ko.
"As in, wala? Walang nanliligaw sa'yo sa school?" tanong ni Iya.
"May nagte-text sa kanya. Lagi," singit uli ni Yan. "Pero sabi niya, textmate
lang daw 'yon. Na baka bored at laging may load."
Matunog ang tawa ni Iya. Nangalumbaba si Jacob sa mesa namin, nakakiling sa
direksyon ng laptop. Nakangiti.

"Grabe. Kaklase mo ba 'yon?" tanong ni Iya.


"Si Jeron? Hindi. Ibang block siya."
"Tapos, 'pag bored siya at may load, ikaw ang laging itini-text? Bakit ikaw?"
si Iya pa rin.
"Eh..." Bakit nga ba ako? "Hindi ko alam. Itanong ko sa kanya."
Lalong tumawa si Iya. Natatawa rin si Yanyan.
Itong dalawang 'to talaga 'pag nagsama, parehas mag-isip. Kaya mas close sila,
eh.
Alam ko naman kung ano'ng gusto nilang iparating. Kaya lang...
Puwede ngang isipin ng kahit na sino na may gusto sa'kin si Jeron kaya laging
nagte-text. Bumati nga rin 'yon kanina. Hindi ko alam kung pa'no nalaman na
birthday ko. Gusto rin akong i-treat dahil birthday ko raw. Tumanggi lang uli ako.
Sabi ko, next time na lang.
Kung ang ibig sabihin ng mga gano'ng kilos ay diskarte ng taong may gusto
sa'kin, hindi pa rin ako maniniwala. Mahirap kasing mag-assume na may gusto ang
isang tao lalo na kung hindi ko naman nakikita kung bakit sa lahat ng tao, sa'kin
pa magkakagusto. Marami namang iba. Marami namang options. Kahit sabihing maganda
ako, o matalino, o special siguro... hindi naman ako nag-iisa. Maraming ibang
babaeng maganda, matalino, at special in their own way.
Kapag nag-assume ako sa feelings ng isang tao at umasa ako dahil sa assumption
na 'yon, masasaktan lang ako kapag mali. Kapag gusto talaga ako ng isang tao, hindi
ako maniniwala sa diskarte at palipad-hangin. Maniniwala lang ako kung sasabihin
sa'kin nang personal.
Kaya, no. Puwedeng may gusto sa'kin si Jeron pero hindi sapat para sabihin niya
sa'kin. Kaya, hindi pa rin.
"Pa'no mo itatanong 'yon? Ang awkward no'n," sabi ni Iya. "Hayaan mo na kung
tingin mo, wala siyang gusto sa'yo. Pero 'wag mong masyadong i-entertain kung hindi
mo naman gusto."
"Gusto ko naman siya as a person," sabi ko.
"Sinabi mo sa kanya?" tanong ni Yan.
Napaisip naman ako. "Parang nasabi ko na yata once. Sabi ko, gusto ko siya as a
person and a friend."
Nagtawanan uli nang mahina sina Yanyan at Iya.
"Na-friendzone pala," sabi ni Iya. "Mas malala si Jacob diyan. Sister-zoned
ako."
Lumapad ang ngiti ni Jacob na katapat namin.
"Puro ka pa rin Jacob, ah," tukso ni Yan.
Umirap si Iya sa video. "Nakakainis na nga eh. Si Bran nga, gusto pa ring
manligaw..."
Muntik mahatak ni Jacob ang laptop papihit, pero napigil ni Yanyan. Humawak si
Yan sa tagiliran ng laptop.
Si Bran 'yong Fil-Am na kaklase at friend ni Iya sa New York. May gusto kay Iya
'yon.
"Pero?" supply ko ng salita.
"Wala eh. Si Jacob eh..." sabi ni Iya. "Napapagod na nga ako."
"Malapit ka naman nang umuwi. Malay mo, pag-uwi mo, may magbago," sabi ko sa
kanya. Kasi, meron naman talagang nagbago. Kailangan niya lang ng pasensiya pa.
"Tumututok na nga lang ako sa mga artworks ko, eh." Tumango si Iya. "Tama.
Isang taon na lang, uuwi na 'ko. Kaya bantayan n'yong mabuti si Jacob. Baka may
makalusot."
Kalmado na uli si Jacob sa tapat namin.
"Wala. Kami'ng bahala," sabi ni Yanyan.
Nag-usap pa kami tungkol sa school ko at sa school ni Yan. Nang matapos ang
video call, bumalik kami sa pagkain at pagkanta.

Eksakto sa oras nang ilabas ang special ice cream cake ko


at hipan ko ang kandila ko. Hindi umabot si Warren.
***
Bandang alas-nueve y media, nagra-rap na si Jepoy sa videoke habang nagtatawa
lang si Jacob. Si Kuya naman, antok na agad kahit na apat na shot lang ang bilang
namin sa nainom niyang alak. Ayaw niya raw malasing pero pangatlong shot pa lang
niya, gusto na niyang baklasin ang washing machine nina Auntie Mona para ayusin ang
motor. Dapat yata, isang shot lang ang ibigay sa kanya.
Sina Papa at Mama, nagbilin lang na patayin namin ang videoke pagpatak ng alas-
dies. Babalikan daw 'yon kinaumagahan n'ong nagparenta. Nauna silang umuwi sa
bahay, bitbit ang mga tray ng ilang sobrang pagkain. Si Auntie Mona, nagliligpit na
rin ng mga baking materials niya. Sina Tita Rose at Tito Louie na lang ang
nakikigulo pa sa amin. Nakikipagkuwentuhan at nag-aalok ng pagkain. Kahit si Max,
nagkulong na sa kuwarto niya. Naglalaro na yata ng computer games.
Panay ang sulyap ko sa cellphone ko para sa text ni Warren. Sabi niya, mabilis
lang siya pero hindi siya umabot sa pag-blow ng cake. Ano kayang binili niya?
Bago pa mag-alas-dies, pumasok ako uli sa bahay nila. Nagliligpit na 'ko ng mga
damit at gamit ko na nasa kuwarto pa ni Warren nang mag-text siya.
Warren Coach-nim >_<:
Asan ka? Umuwi ka na sa inyo?
Amethyst De Vera:

Nandito ko sa kuwarto mo.


Inaayos ko mga gamit ko.
Warren Coach-nim >_<:
Okay. Hintayin mo na ko diyan.
Amethyst De Vera:
Okay.
Wala pang limang minuto, bumukas ang pinto ng kuwarto ni Warren. Ang laki ng
ngiti niya sa'kin. Naku. Hindi niya alam na tinotopak ako dahil late na late siya.
"Bakit ngayon ka lang nakabalik?" nakasimangot na tanong ko sa kanya.
Nakangiti pa rin siya nang tuluyang lumapit. May hawak siyang paperbag.
"Sorry. Nahirapan akong hanapin 'to, eh," sabi niya. Itinaas niya ang hawak
niya sa'kin. "Happy birthday, Mi."
Nakatanga ako sa iniaabot niya. "Ano 'yan?"
"Birthday gift uli," aniya.
"Ibinigay mo na ang birthday gift ko, ah."
Inilagay niya lang sa kamay ko ang handle ng paperbag. Kinuha ko naman sa loob
niyon ang nakabalot na box.
"Buksan mo na," sabi niya.
Malamig ang daliri ko nang buksan ang wrap ng kuwadradong kahon. Para iyong
matangkad na cake box. Cake kaya 'yon? Pigurine? Porcelain?
Nang tanggalin ko ang takip ng kuwadradong kahon, tumambad ang pares ng high
heels na naka-prop sa loob. Grey iyon pero makintab. Decorated ng silver domes ang
suwelas at ang takong. May arrangement ng ribbons, flowers, at jewels mula sa ankle
area hanggang kalahati ng sapatos. Kumikinang.
"Mi? Gusto mo na 'yan?"
Nagtaas ako ng mata kay Warren. Binili niya 'to? Para sa'kin? Dahil nag-inarte
ako sa running shoes na una niyang iniregalo?
"Ano?" untag niya uli.
Sumulyap uli ako sa sapatos, bago sa kanya. At bago ko pa naisip ang sasabihin
ko, nayakap ko siya. Saka ako tumalon-talon.
"Thank you," ilang ulit na sabi ko.
He could have bought the shoe when we were together. Pero dahil binili niya
nang hindi ako kasama, nakakasorpresa. Hindi rin regular shoe box 'yong pinaglagyan
niya ng sapatos kaya hindi ko nahulaan agad ang regalo.

Ang saya ko masyado.


Mahina siyang tumawa sa pagtalon ko. "Gusto mo nga ang high heels."
Tumango ako habang nakayakap pa rin. Nang bibitawan ko na siya, hahalikan ko
dapat siya sa pisngi pero...
Napatutop ako sa bibig ko nang bumitaw ako kay Warren. Nakasapo naman siya sa
panga niyang nakagat ko. We're both dumbfounded.
"Hala... Ano, sorry... 'Di ko alam kung ano..." Pumikit ako nang mariin. Nag-
uunahan ang mga salita sa dila ko pero walang sense lahat. "Hahalikan dapat kita,
eh. Hindi ko alam kung bakit ano... bakit nakagat kita." Nanghina ang lalamunan ko
kasabay ng boses ko. "Sa panga pa." Maganda ang panga niya pero... hindi ko naman
intensyong kagatin. "Sorry."
Nakatitig pa rin siya sa'kin. Gumalaw ang panga niyang nakagat ko. Nagalit ba
siya? O baka nasaktan?
"Malakas ba? Masakit ba? Sorry talaga," sabi ko uli. Ano bang nagawa ko?
Nangangagat lang naman ako 'pag nanggigigil ako. Bakit ko siya nakagat kung gusto
kong mag-thank you?
Nagbuga siya ng hangin at kiniskis ang panga niya. Pagkatapos, seryoso siyang
tumingin sa'kin. "Binilhan kita ng sapatos, kinagat mo 'ko."
"Hindi ko naman sinasadya kasi. Promise."
Mukhang hindi siya kumbensido sa promise ko.
"Totoo talaga. Hindi ko sinadya," dagdag ko.
"Paganti," sabi niya.
"Ha? Ano?"
"Paganti," ulit niya. Seryosong nakatingin sa'kin.
"Ano'ng paganti? Kakagatin mo rin ako?" natatarantang sabi ko. God, bakit niya
'ko kakagatin? Inappropriate 'yon! Maliban kung sa kamay ko. Kung kakagatin niya
'ko sa kamay, okay lang!
"Hindi siguro," natatawang sabi niya.
"Anong siguro? Eh 'di ano?" Nakakapagduda. Kung kinagat ko siya, ano'ng
igaganti niya? Saka... "Teka. Hindi ba puwedeng palampasin mo na 'yong kagat ko
kasi birthday ko naman?"
"No."
Humakbang siya palapit. Humakbang ako paatras. Pumalatak siya at hinawakan ang
dalawang kamay ko.
"Umaatras ka, eh," aniya.
Lumunok ako. Nakakatensyon kasi siya. Nagkukusa ang paa kong humakbang.
"Ano ba kasi..." maktol ko sa kanya. Hindi na 'ko makatitig nang diretso sa
kanya. Nakakailang.
Pero tumitig siya sa'kin kaya wala akong nagawa kundi ang salubungin ang mga
mata niya. Nakangiti pa siya nang bahagya no'ng una hanggang nawala. Pagkatapos,
yumuko siya sa'kin. Pumikit ako nang mariin kasabay ng pagragasa ng dugo sa buong
katawan ko.
Lumapat ang halik niya sa pisngi ko, sa gagahiblang distansiya mula sa sulok ng
labi ko. Hindi ako nakagalaw. Hindi makagalaw.
Pagtuwid niya ng tayo, tumitig siya sa'kin.
"Sorry. Kakagatin talaga dapat kita pero iba ang nagawa ko," sabi niya.
Tumikhim siya. "Labas muna 'ko."
Nang hindi ako magsalita, tumalikod na lang siya at lumabas ng kuwarto niya.
Ilang sandali na nakatitig lang ako sa saradong pinto. Nang sigurado nang hindi
muna bubukas uli 'yon, napasinghap ako ng hangin at nanghihinang napaupo sa kama
niya.
Ano'ng nangyari? Ano'ng nangyayari?
Napahawak ako sa sulok ng labi ko habang nahihilo sa ingay ng tibok ng puso ko.
Sht. #0719g / 01042018
_____
TCWDM: Para sa nalilito, si Auntie Mona po ay younger sis ng tatay nina Jacob,
Warren, at Max na si Uncle Juan. Ang mother ni Jacob ay namatay sa childbirth.
Then, pangalawang asawa si Auntie Delia na mother nina Warren at Max. Pero iniwan
ni Auntie Delia sina Warren at Max sa compound at nag-asawa ng iba. Ayern.
At... heto ang pic ng heels na ginalugad ni Warren para kay Mi ~

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 10: Guesses

***
Wala akong pinagsabihan n'ong ganti ni Warren no'ng gabi ng birthday ko. Hindi
ko alam kung pa'no ikukuwento kay Yanyan o kay Iya. Pagka-alas-dies no'n, nagpatay
lang kami ng videoke. Pinauwi kami nina Auntie Mona at Tita Rose kahit na gusto pa
sana naming tumulong sa pagliligpit. At napanaginipan ko ang nangyari hanggang sa
mga sumunod pang gabi.
Sa ibang panaginip ko, lumingon daw ako no'ng gumanti siya tapos 'ayun. Sa iba
naman, kinagat niya raw ako sa tainga. Tapos 'don sa iba, natutuloy sa iba pa 'yong
muntik na kiss. Nagigising ako sa gitna ng gabi na nagpa-palpitate. Nakakahiya.
Hindi ko naman maaway si Warren dahil wala naman siyang kasalanan na nananaginip
ako tungkol sa kanya inappropriately. At kahit na muntik nang kiss 'yon, hindi
naman talaga kiss. Kaya pa'no ako magtatanong o magrereklamo?
Pagdating ng pasukan, pareho pa rin ang schedule namin ni Warren—tumatakbo kami
sa madaling-araw at sabay na pumapasok sa school. Ikasiyam ng umaga ang simula ng
klase namin ng fourth year—mas late kumpara sa nagdaang schoolyear.
Mahigpit pa rin siya sa stretching, exercise, at takbo. Walang nagbago sa
pakikitungo niya sa'kin. Samantalang ako, may mga pagkakataon na nahihiya akong
tumingin sa kanya o salubungin ang mata niya.
Tapos, nakaabot sa school 'yong balita ng 'girlfriend' ni Warren no'ng OJT. Ako
ang nagigisa ng mga kaklase ko.
"Hindi mo talaga alam kung sino'ng sinasabing girlfriend ni Warren do'n sa
station? Hindi ba siya nagsabi sa'yo?" tanong ni Roxie sa'kin.
Kaming mga girls lang ang nasa studio. Nakapalibot sila sa kinauupuan ko.
"Hindi ko talaga alam, eh. Gusto ko nga ring malaman." Kailangan ko rin kayang
sabihin sa kanila na no'ng muntik na 'kong magtanong, nagsabi si Warren na may
nagugustuhan na siya? Na Broad Comm na babaeng maganda at matalino? Makikihula kaya
sila sa'kin o iha-hunt down nila 'yong babae? Parang mas okay na hindi ko na lang
sabihin.
"Ang nalaman ko, inihahatid daw kasi ni Warren pauwi 'yong girl after shift,"
sabi ni Libby. Naupo na ito sa katabing upuan ko. "Maganda raw 'yong babae.
Petite."
"Kung trainee rin 'yon sa station, hindi natin malalaman kung sino 'yon.
Unless..."—sa akin na naman nakatingin si Roxie—"itatanong ni Amy."
Alam kong gusto nilang mangako ako na magtatanong ako kay Warren. Pero pa'no ko
gagawin 'yon? 'Yong unang attempt ko, failed.
"Itanong mo na, please," si Gwen.
Tumunog ang cellphone ko sa isang text habang nag-uusap-usap pa rin sila.
Warren Coach-nim >_<:
Nasa studio ka? Magla-lunch na.
"Si Warren 'yan?" tanong ni Libby.
"Oo. Sandali lang."
Amethyst De Vera:
Oo. May meeting ang mga girls.
Meeting na tungkol sa kanya. Pero hindi ko na babanggitin.
Warren Coach-nim >_<:
Okay. Kasama ko sina Coach.
Sa mga girls ka ba sasabay mag-lunch?
Ngumuso ako. Bakit gano'n tanong niya?
Amethyst De Vera:
Bakit? May kasama kang iba
na magla-lunch?
Warren Coach-nim >_<:
Sina Coach kasi, niyayaya ako
ngayon. Sabay ka samin.
Kung sasabay siya kina Coach Richie, kasama nila ang ibang athletes sa swimming
at basketball. Mag-o-occupy sila ng malaking space sa canteen at nganga lang ako sa
mga pag-uusapan nila. Puro pati sila lalaki. Hindi ako sanay na hindi kasabay si
Warren kumain pero...

Amethyst De Vera:
Wag na. Kina Libby na lang ako
sasabay. Kakain na rin siguro
kami mayamaya.
Warren Coach-nim >_<:
Kumain ka nang maayos.
Wag kang mahihiya sa
kanila.
Amethyst De Vera:
Yes, Coach.
Warren Coach-nim >_<:
Nagtatawag na si Coach. :)
Amethyst De Vera:
Okay. Kain mabuti!
Pagtingala ko uli sa mga kaklase ko, 'yon pa rin ang topic. Pero nasa studio na
rin 'yong ibang girls galing sa ibang block.
"Si Jo pala 'yong laging inihahatid ni Warren no'ng OJT," sabi sa'kin ni Gwen.
"Si Mariejo?"
Nagtanguan sila. Kung si Jo ang inihahatid ni Warren, si Jo rin 'yong pinag-
iisipan na girlfriend? Pero sigurado ako na hindi gusto ni Warren si Jo. Nag-thank
you nga lang si Warren nang nag-confess ito.
"Kaya baka hindi nga totoo 'yong girlfriend thingy," sabi ni Roxie. "Nag-assume
lang siguro si Jo."
Libby snapped her fingers. "O may nag-assume para kay Jo."
Naku, nakakapahamak ang assumptions. Kahit ang ginagawa namin ngayon,
assumptions din.
"Gusto n'yo itanong ko kay Warren?" offer ko. Kung may pangalan na kasi, mas
madali nang magtanong. Pero malamang, hindi alam ni Warren na may natsi-tsismis
nang girlfriend niya. Gano'n siya eh. Madalas walang pakialam sa mga babae sa
paligid niya.
Tumamis ang ngiti nila sa'kin.
"Yep. Nasa'n ba si Warren ngayon?" si Gwen.
"Nagla-lunch na raw kasama sina Coach Richie. Itatanong ko na lang sa kanya
mamaya sa susunod nating klase," sabi ko.
Gumaan ang mood sa studio. Nagkayayaan na ring kumain. Sasabay sana ako sa
kanila pero masyadong malaki ang grupo namin kaya pinauna ko na sila.
Mas okay ako kung kakain akong mag-isa.
***
Maraming bakanteng mesa nang magpunta ako sa canteen. Hinanap agad ng mata ko
ang puwesto nina Warren pero wala namang malaking grupo roon. Grupo nina Libby ang
nakita ko sa isang sulok, nakatingin sa isang pares na katapat ng tapsilogan.
Nangunot ang noo ko nang makilalang si Warren ang lalaking nakatalikod. Lalong
nangunot dahil sa babaeng kasama niya sa table.
Maputi ang babae. Mahaba ang straight na buhok at may bangs na pang-
koreanovela. May dimple kapag ngumingiti. Kapos sabihing maganda ito. She glows
with beauty. She moves with grace. Parang walang sasabihin, ikikilos, o ingingiti
na mali sa isang magandang eksena.
Sino ito? Nasa'n sina Coach na dapat na kasabay ni Warren sa lunch?
Nakatanga lang yata ako sa kanila kaya nang mapansin ng babae na nakatingin
ako, kasunod ding lumingon si Warren. Kumaway sa'kin. Pinalalapit ako.
Kuyom ang kamao ko nang maupo sa table nila, sa tabi ni Warren. Nakakapangliit.
Ayoko rito. Guwapo si Warren at maganda ang babae. Panira ako sa view.
"Kumain ka na, Amethyst?" untag ni Warren sa'kin.
"Hindi pa. Kakain pa lang sana," sabi ko. "Bibili muna ako ng—"
"Ako na," una ni Warren at tumayo. "Ano'ng kakainin mo? May sinigang na bangus
sila. May lechon kawali rin."
Parehas kong paborito 'yon. Pero lagi akong natitinik sa bangus kaya kadalasan,
nakikihimay sa'kin si Warren 'pag 'yon ang kinakain ko. Alangan namang ipaghimay
niya 'ko ngayon na may kasama siyang babae. Nakakahiya.

"Ako na lang ang bibili," pilit ko.


"Bangus o lechon?" ulit niya lang sa tanong niya.
Kinunutan ko siya ng noo. "Lechon na lang."
Iiwan niya ba 'ko sa babaeng kasama niya na ni hindi ko alam ang pangalan?
"Okay. Sandali lang ako," aniya at bumaling sandali sa babae. "Ikaw? May
ipapabili ka?"
"Will you get me a juice? Buko juice na lang," sabi nito at ngumiti.
Napapatunganga ako. Woah. Ang ganda nito lalo sa malapitan. Nakaka-starstruck.
Mag-aartista ba 'to?
"Okay. Sandali lang."
Nang iwan ni Warren ang table namin, umiiwas sana akong tumingin sa babaeng
katapat ko. Pero bumabalik nang paulit-ulit ang mata ko sa kanya. Namamansin. Ang
kinis at pino ng balat niya. Binoycott ng taghiyawat. Ang haba rin ng pilikmata. At
brown ba ang mga mata niya?
"Nakalimutan ni Warren na i-introduce tayo sa isa't isa," una ng babae.
"Ah. Oo nga," sabi ko.
"I'm Anya Deogracias," aniya at iniabot ang kamay niya sa'kin. Namumula iyon sa
sobrang puti niya. Parang malambot.
"Amethyst De Vera." Ginagap ko ang kamay niya at pinisil. Malambot nga. Binawi
ko agad ang kamay ko.
"Pamangkin ako ni Coach Richie. I transferred in this university this year.
Broad Comm. Pero third year pa lang ako."
She looked friendly. "Welcome sa school."
"Thank you. I'm still adjusting. I joined the swimming club to get involved
pero mostly boys sila ro'n." Mahina siyang tumawa. Ang hinhin. "Buti na lang,
kilala ko na si Warren before because of Tito. He's helping me get adjusted here."
Hindi ko alam ang sasabihin ko. Pero... magkakilala na sila ni Warren dati pa?
Dati pa? Bakit hindi ko alam?
"Magkakilala na kayo ni Warren bago ka pa lumipat?" ani ko.
"Yep. Nagpupunta siya sa bahay, eh. Tito and I are neighbors. Sa amin sila
nagche-chess at merienda most of the time."
"Ah."
"Soccer coach din ang Dad ko."
"Ah."
"You're his childhood friend, right?"
"Oo."
"Nakukuwento ka niya."
"Talaga?"
"Yep. He told us that you want to get fit. Nagtanong siya kay Tito at Dad ng
ilang tips," aniya.
Napatango na lang uli ako. Tinanaw ko si Warren na nasa stand na ng buko juice
bitbit ang tray ng pagkain ko. Parang chinichika pa ng tindero.
"Uh... Kasabay n'yo ring kumain si Coach Richie?" tanong ko sa kanya.
"Ha? No. It's just the two of us."
Napalunok ako. Dalawang sila? Bakit? Ang sabi ni Warren, niyaya siya ni Coach.
Nagkamali ba ng dinig si Warren?
"Uh... Forgive me for asking but...—"
Napatingin ako kay Anya. "Ano 'yon?"
"—si Warren at ikaw... is there something between the two of you? Or is it
purely a childhood friend thing?"
Woah. Ang straightforward niya para magtanong agad. Kahit ang mga kaklase
namin, ilang buwan pa ang lumipas bago ako matanong ng tungkol sa amin ni Warren.
'Yong tanong din nila no'n, walang bahid ng paghihinala na baka may romantic sa
pagitan namin ni Warren.

Ikinumpas ko ang mga kamay ko kay Anya para tumanggi.


"Something between us na romantic, gano'n? Naku, wala," sabi ko. "We used to live
sa iisang compound. Magkapitbahay kami. Kaya 'ayun. Childhood friend ko lang si
Warren."
Bumaba ang tray ng pagkain sa tapat ko kaya napatingala ako kay Warren. Hindi
ko siya naramdamang nakalapit.
"Binilhan na rin kita ng buko juice," sabi ni Warren sa'kin bago maupo. Nang
magsalita siya, kay Anya siya nakatingin. "Ano na'ng pinag-uusapan n'yo?"
"Nothing. Just stuff," sabi nito. Sumipsip ito sa malaking cup ng buko juice na
bigay ni Warren.
"Nakalimutan ko kayong i-introduce," si Warren.
"Don't worry about it. I introduced myself to her," sabi ni Anya at ngumiti
sa'kin.
"Good."
Nilinga ko si Warren sa tabi ko. Halos hindi siya tumitingin sa'kin. Dahil ba
kasama namin si Anya?
"And I'm sorry but I already asked her if there's something between the two of
you. Like kung more than childhood friends kayo," patuloy nito.
"Childhood friends lang kami, Anya," sabi ni Warren. "Nakatira kami dati sa
iisang compound bago sila lumipat ng bahay." Bumaling sa'kin si Warren. " 'Di ba?"
Nagtagpo ang mata namin ni Warren. Bakit parang nagagalit siya? Parehas lang
naman kami ng sinabi pero 'yong pagkakasabi niya, masakit. Hindi ko malunok ang
lechon kawali na nginunguya ko.
" 'Yon nga rin ang sabi ni Amethyst," anito.
"Then it's clear," sabi ni Warren at nagbawi na ng mata sa'kin. All-eyes na uli
siya kay Anya.
"I-clear mo rin 'yong rumor na may girlfriend ka no'ng nag-OJT kayo,"
natatawang sabi ng babae.
"Ano'ng girlfriend?" tanong ni Warren.
"You didn't know? Narinig ko kanina sa juniors at seniors. No'ng OJT n'yo
during summer, may inihahatid ka raw na babae. Everyone thought it's your
girlfriend," anito.
Kinagat ko ang labi ko. Ako dapat ang magtatanong no'n kay Warren. Bakit siya
ang nagtatanong? At bakit kung mag-usap sila, parang close sila? Hindi naman
madaling makalapit kahit sino kay Warren, ah. Bakit si Anya...
Lumunok ako para lang masamid. Luminga si Warren sa'kin. Iniabot ang buko juice
ko.
"Dahan-dahan kasi sa pagkain," sabi niyang kunot ang noo.
Nagdadahan-dahan naman ako! Hindi naman ako nagmamadaling ngumuya o lumunok!
Hindi mo 'ko kailangang kunutan ng noo na parang maling-mali ako!
Pero itinikom ko lang ang bibig ko. Tinotopak na naman siguro siya. Hindi ako
dapat pumatol.
"Here," sabi ni Anya at nag-abot ng tissue sa'kin. "May sauce ka sa lips."
Kinuha ko 'yon at ipinahid sa labi ko.
Ang hirap kumain sa table nila. Bakit ako nandito? Magmumukha akong extra na
matakaw na mataba. Panira ako sa perfect view nilang dalawa.
"Wala akong girlfriend no'ng OJT," sabi ni Warren dito.
Wow. Balik lang talaga sila sa pag-uusap.
"Well, that's just what I heard," sabi ni Anya.
"Baka si Jo ang napagkakamalan nila. Isinasabay ko si Jo pauwi no'ng summer."
"Really? Why? Do you like her?" sunod-sunod na tanong ni Anya.
Umiling si Warren. "Ano lang 'yon... parehas kami ng oras ng shift. Parehas din
'yong sinasakyan pauwi. Sabi ko, sumabay na lang siya sa'kin 'pag sasakay para
hindi masyadong delikado."
"Woah. Baka ma-misinterpret 'yon."
"Ma-misinterpret na ano?"
"Na gusto mo siya. You're being too kind kasi."
"Madaling-araw kasi 'yon."
"Kahit na. Hindi mo naman responsibility ang safety niya," sabi ni Anya.
Nagkibit-balikat si Warren. "Concern lang ako."
"If you're too kind like that, mami-misinterpret ng girls 'yan."
Hindi sumagot si Warren.
"May gusto ba sa'yo si Jo?"
Mahinang natawa si Warren sa tanong ni Anya. "You're nosy."
Pabiro lang na umirap ang babae. "Sorry but I'm really like this. Put up with
it."
Nailing si Warren dito pero hindi nagsalita. Nakangiti siya.
Nagpatuloy si Anya sa pagtatanong ng kung anu-ano at si Warren sa pagsagot
dito. Ako, nagpipilit na kumain kahit na wala na 'kong kagana-gana. Ayokong sitahin
ako ni Warren sa harap ni Anya.
Gustong-gusto ko nang umalis agad sa table nilang dalawa dahil mukha akong
extra. Pero sa kabilang banda, natatakot din ako.
Natatakot akong pag-alis ko, mas lalong titingin si Warren at ngingiti kay
Anya. Mag-uusap sila nang matagal at makakalimutan ni Warren na may childhood
friend siyang kaklase.
Natatakot ako kay Anya. #0146h / 01062018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 10: Guesses part 2

***
Wala kaming kibuan ni Warren nang pumasok sa kasunod naming klase. Hindi ko
alam kung ano'ng problema niya sa'kin at parang sina-silent treatment na naman niya
'ko. Hindi ko rin alam kung ano'ng problema ko sa kanya. Basta ayoko siyang suyuin
o kausapin.
Dahil nakita nina Libby sina Anya at Warren sa canteen, in-expect ko nang
magtatanong sila sa'kin. Nang magpaalam akong magpunta sa restroom sa last subject
namin, nakasunod sina Libby, Gwen, at Roxie sa'kin.
"Sino 'yong babae kanina na kasabay ni Warren kumain?" tanong ni Roxie.
Nasa harap kami ng salamin sa restroom. Nagre-retouch sila ng lipgloss,
lipstick, at powder sa mukha. Ako, nakatingin lang sa sarili ko sa salamin.
"Si Anya 'yon," sagot ko kahit tinatamad ako. Ayokong sumagot sa mga tanong
nila. Ayokong maalala 'yong lunch. Ayokong makita uli si Warren sa isip ko na
nakangiti kay Anya.
They were still looking at me expectantly.
Bumuntonghininga ako. Bakit kasi hindi na lang sila ang magtanong kay Warren
kung sino si Anya o sila ang magtanong kay Anya kung ano'ng ugnayan nito kay
Warren? Bakit laging ako ang kinukunan nila ng impormasyon? Dahil childhood friend
ako? Dahil childhood friend lang ako?
Lumunok ako.
"Pamangkin ni Coach Richie si Anya. Third year Broad Comm. Hindi ko lang alam
kung ano'ng block. Hindi niya nabanggit," dagdag ko.
Nag-usap-usap sila sa mga bagay na wala akong pakialam.
"Oh. Baka siya 'yong transfer student?" sabi ni Libby. "May pinagkakaguluhan
sina cousin sa third year eh."
May pinsang lalaki sa third year si Libby. 'Yon siguro ang tinutukoy niya.
"Beauty and brains daw."
Kinagat ko ang labi ko. Gano'n? Broad Comm... na maganda at matalino?
"Balik na tayo sa classroom," sabi ko sa kanila.
Pero parang hindi nila 'ko narinig.
"Close sila? Ni Warren?" tanong ni Gwen sa'kin. There was worry in her eyes.
Ang hirap makita.
"Magkakilala na kayo ni Warren bago ka pa lumipat?"
"Yep. Nagpupunta siya sa bahay, eh. Tito and I are neighbors. Sa amin sila
nagche-chess at merienda most of the time."
Nagbuga ako ng hangin. "Oo raw."
Ilang sandaling tahimik kaming lahat sa restroom.
"Amy, tanungin mo naman kung—"
"Ayoko," una kong sagot kay Libby.
Napatanga sila sa'kin. Ayokong i-reject ang request nila pero ayoko na rin
talagang magtanong pa kay Warren o magtanong pa kay Anya. Kung may gusto silang
malaman, sila na lang ang magtanong.
"Sorry. Hindi kasi maganda pakiramdam ko today. Balik na 'ko sa studio," sabi
ko at naunang lumabas.
***
Nakatingin sa'kin si Warren pagbungad ko pa lang ng studio. Tumungo ako. Nagdi-
discuss pa si Prof. pero mukha na naman siyang distracted.
"Ang tagal mo sa C.R," sabi niya pag-upo ko sa katabing upuan.
Pati ba naman pag-stay ko sa C.R., pakikialaman niya? Kailangan ko rin bang i-
report 'yon? Bakit? Dahil ba sa trainee niya 'ko o dahil childhood friends kami?
Hindi ako kumibo. I shouldn't lash out at him for no reason. Dahil wala talaga
akong matukoy na eksaktong rason. Nagagalit ako nang walang rason. Naiinis ako sa
kanya nang walang rason. Mali.

"Okay ka lang?" tanong niya.


Sinalubong ko ang mata niya. Bakit may Anya ka? Gusto mo ba siya? Bakit kayo
sabay mag-lunch? Bakit mo siya nginingitian? Bakit na-OP ako kanina dahil lang
magkasama kayo?
Binawi ko rin agad ang mata ko. Ang demanding kong childhood friend kung
itatanong ko ang mga 'yon. "Okay lang. Sina Libby kasi, may itinanong lang sa'kin."
He grunted. "Tungkol saan?"
Tungkol sa'yo. "Girl things."
Kunot ang noo niya sa'kin. "Bakit hindi ka okay?"
"Okay lang ako." Itinutok ko ang mata ko kay Prof. na nagsasalita. Nakikita ko
naman sa tagiliran ng mga mata ko na nakatingin pa rin si Warren. "Kay Prof. ka
tumingin. 'Wag kang pasaway."
He hissed.
Hah. Mainit ang ulo niya? Ako rin.
"May practice ako sa tennis mamaya. Hintayin mo 'ko," sabi niya.
Ako naman ang nag-grunt. Bakit ko siya kailangang hintayin? "Uuwi ako nang
maaga."
"Hintayin mo na 'ko."
Ayoko nga! "Kailangan kong umuwi nang maaga sa bahay."
Nangalumbaba siya sa desk niya at bumaling sa'kin.
"Umayos ka. Makita ka ni Prof," sabi ko.
"Mimi..."
Ayoko. 'Wag mo 'kong tawagin nang ganyan.
Pero makulit ang mga mata ko. Napatingin ako sa kanya kahit ayoko.
"Hintayin mo 'ko mamaya. Sabay tayong umuwi," mababa ang tono na sabi niya.
"Ha?"
Makakauwi naman siya kahit na hindi niya 'ko kasabay. May Anya siyang
kailangang tulungang mag-adjust sa school. Baka mamaya, delikado rin pauwi kina
Anya, ihatid na rin niya pauwi.
He tugged at the sleeve of my blouse. "Sabay na tayo. Sige na. 'Wag ka nang
mainis sa'kin."
"Hindi ako naiinis sa'yo," sabi ko at umirap. Galing. Umiirap ang mata ko kahit
hindi kailangan.
"Bakit hindi ka tumitingin sa'kin?"
"May Prof. May klase," sabi ko. Hindi lang ikaw ang kailangan kong tingnan.
"Hindi na lang ako pupunta sa practice kung kailangan mong umuwi nang maaga."
Napabaling ako sa kanya. Seryoso ba siya?
Ngumiti siya nang matipid. "Sorry. Bad mood ako kanina."
Lumunok ako. Hindi naman niya kailangang mag-sorry. Bad mood din naman ako. Mas
worse kasi ni hindi ko alam kung bakit ako naiinis.
"Sorry rin," sabi ko. "Bad mood din ako eh."
"Bakit?"
"Hindi ko alam, eh. Ikaw?"
Nagkibit-balikat siya.
"Ano nga—"
"De Vera! Tejeron! Nasa klase tayo," sita ni Prof. Mendez. "Mamaya ang
kuwentuhan!"
"Sorry po, Prof." Inirapan ko si Warren bago tuwid na tumingin sa harap ng
klase. "Dinadaldal mo kasi 'ko, eh."
"Ayaw mo kasi akong hintayin mamaya," sabi niya. Sa harap na rin siya
nakatingin. Nakapangalumbaba pa rin.
"Oo na. Hihintayin na kita. Pero dito lang ako sa studio tatambay."
"Okay."
"Hiramin ko laptop mo. Magsusulat ako ng script."

"Okay."
"De Vera! Tejeron!" sita uli ni Prof.
Nanahimik na kami. Nabawasan na rin ang inis ko.
***
Pagkatapos ng huling klase, nag-stay ako sa studio gamit ang laptop ni Warren.
Nagpunta naman siya sa gym para sa tennis practice. Nasa kalagitnaan na 'ko ng
pagsusulat ng radio script namin nang mag-text siya.
Warren Coach-nim >_<:
Okay ka pa dyan?
Amethyst De Vera:
Oo. Ikaw? Matagal pa kayo?
Warren Coach-nim >_<:

Medyo. Nag-break lang kami


sandali.
Amethyst De Vera:

Okay. Don't worry sakin. :)


Warren Coach-nim >_<:

Gusto mong meryenda? May

inihaw na mais sa labas. Bilhan kita?


Woah. Inihaw na mais! Kaso...
Amethyst De Vera:

Wag na. Break nyo, di ba?

Pahinga ka sandali. Inom

kang tubig.
Warren Coach-nim >_<:

Sigurado ka? Malapit lang bilihan ng

mais dito. Mabilis lang akong makakatakbo.


Tatakbo siya para bumili ng mais tapos tatakbo uli siya papunta naman sa'kin?
Tapos, tatakbo uli pabalik sa gym? Mapapagod lang siya.
Amethyst De Vera:
Wag na. Pahinga ka na lang sandali.
Ilang set pa kayo?
Warren Coach-nim >_<:
Dalawa pa raw. Pag natalo ko

si Pao at Kiko, makakauwi na ko.


Seniors din sina Pao at Kiko. Pero mas magaling naman siya ro'n.
Amethyst De Vera:

Okay. Talunin mo sila agad ~


Warren Coach-nim >_<:

Haha. Okay. :)
Hindi ko namalayan kung gaano katagal akong nagsulat. Pero nang mapagod ako,
tumigil na lang muna ako at nanood ng youtube videos. Nakapanood na ako nang
mahigit sa sampung videos pero ang tagal talaga ni Warren. Papadilim na rin.
Nagligpit na lang ako ng gamit ko at nagpunta sa gym. Baka kasi kapag nakita ako
nina Coach na naghihintay, pauwiin na agad siya.
Pagbungad ko pa lang sa gym, namataan ko na agad si Warren. Pawisan pa siya at
hindi pa nakakapagpalit ng kamiseta niya. Umiinom siya ng tubig sa plastic bottle.
Tatawagin ko sana siya pero may nauna nang lumapit.
Si Anya. Na naman.
Bakit ito nasa gym? Akala ko ba, swimming ang sinalihan nito?
Nag-usap sila. Hindi ko naman dinig.
Magmamadali na sana akong lumapit pero ngumiti si Warren kay Anya. 'Yong ngiti
na minsan ko lang makita. Naestatwa ako sa kinatatayuan ko.
Bakit siya... ngumingiti nang gano'n? Kay Anya?
Gusto kong malaman ni Warren na nando'n na 'ko pero wala nang lakas ang
lalamunan ko para tawagin siya. Kung tutuusin, kung pipihit lang siya nang kaunti,
makikita niya 'ko. Pero pa'no siya pipihit at babaling sa'kin kung buong atensyon
niya, nasa babaeng kaharap niya? Ang lapit-lapit nila sa isa't isa. Bagay silang
tingnan.
Kaya pinanood ko lang silang mag-usap at magngitian habang unti-unting
sumisikip ang dibdib ko. Nauupos ako sa kinatatayuan ko. Why do they look so good
together?
Nakamata pa rin ako nang itaas ni Anya ang kamay nito sa mukha ni Warren at
pinahid ang pawis ni Warren gamit ang panyo nito. Hinawakan naman ni Warren ang
pulsuhan nito. Matagal silang tumingin sa isa't isa.
At sa dibdib ko, may napupunit. May sakit na unti-unting nagpapahina sa
kalamnan ko at nagpapahapdi sa mga mata ko.
Alam ko ang ganitong eksena. Marami na 'kong nabasa at napanood na ganito.
Tumalikod ako.
They looked so good together. Ang sikip sa dibdib. Ang hirap tingnan. Nagkusa
ang mga paa kong tumakbo palabas ng gym.
Pagsinghap ko ng hangin sa labas, tumulo ang luha ko. The image of them looking
at each other was stuck on my mind. They looked perfect. They looked suited for
each other. They looked like they belong together.
Alam ko na kung bakit ako natatakot kay Anya at naiinis kay Warren. Dahil Broad
Comm student si Anya na maganda, matalino, at nakakasama ni Warren. She's someone
special.
At si Warren... bakit ko sinabi na childhood friend ko lang? Ang tanga ko.
'Yong lahat ng kaba ko kapag masyado siyang malapit, 'yong lahat ng paghahanap ko
sa kanya, 'yong inis ko dahil lang may Anya siyang binibigyan ng atensyon, alam ko
na ang ibig sabihin.
I like him more than just a childhood friend. I like him so much to cry right
now. I like him so much to feel invalidated dahil lang hindi siya sa'kin
nakatingin.
I like him so much. Romantically. Kahit na hindi ko naman concern ang magkaroon
ng love life o ang magkaroon ng boyfriend. Mas higit pa ang pagkagusto ko sa kanya
kaysa sa mga Kpop idols at mga oppa.
I like him so much that I want to monopolize him.
Pero hindi puwede. Dahil may taong espesyal sa kanya at hindi ako 'yon.
#1054g / 01062018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 11: Slipping away

***
Pagdating sa bahay, dumiretso ako sa kuwarto ko at nagtago sa ilalim ng kumot.
Ayaw paawat ng luha ko.
Bakit ganito? Bakit kailangang may iba akong maramdaman para kay Warren? Bakit
masakit dahil lang may Anya siyang gusto? Okay naman ako dati sa platonic. Okay
naman dapat ako.
But I cannot un-see what I already saw. I cannot un-feel what I already felt. I
cannot ignore something after I named it. I like him so much that I don't know how
to calm down.
Sinisipon na 'ko sa kaiiyak nang mag-text si Warren. Nagtanong siya kung nasa'n
ako. Puwede akong mag-reply pero ang isip ko, punumpuno ng mga tanong na hindi
naman dapat: Bakit siya nagpapunas ng pawis kay Anya? Bakit niya ito hinawakan sa
kamay? Bakit 'yon ang babaeng espesyal sa kanya kahit na mas matagal naman niya
'kong kasama?
Pero sa likod ng isip ko, alam ko, wala naman talaga akong karapatang magalit.
Wala namang kasalanan si Warren kung childhood friend niya lang ako. Bilang
kaibigan niya, dapat nga, masaya pa 'ko para sa kanya at kay Anya. Dapat nga,
tinutukso ko pa siya. Kung kaibigan lang ako, hindi sana ako naghahangad ng hindi
dapat o naiinggit nang hindi tama. Hindi sana ako nagseselos. Pero lampas na 'ko
ro'n.
Sana, hindi ko na lang na-realize na gusto ko si Warren nang higit pa sa
pagiging kaibigan niya. Dahil gustuhin ko mang maging masaya para sa kanya,
mahirap. Masakit.
Kawawa naman siya. Lagi siyang concern at mabait sa'kin samantalang ako, hindi
magiging totoong masaya para sa kanya. Iniwan ko pa siya sa university dahil lang
hindi ko sila kayang makita ni Anya. Hindi naman niya piniling may maramdamang
espesyal para sa babaeng gusto niya. Gaya ng hindi ko rin naman conscious na pinili
na magkagusto sa kanya. Kasi kung may choice, ayoko ng ganito. Kung may tsansa para
tumanggi sa feelings, tatanggi ako. Para walang magbago sa pagitan naming dalawa.
Para makakalapit pa rin ako sa kanya at siya sa'kin nang hindi nakokompromiso kung
ano'ng mayro'n na kami.
Nalaman ko lang ang feelings ko, parang katapusan na ng mundo. Buti na lang,
wala pang tao sa bahay kundi ako. Puwede akong ngumawa at pumadyak sa higaan
hangga't gusto ko.
Pagkatapos ng tatlong text ni Warren na walang reply, nag-ring na ang cellphone
ko. Hindi puwedeng hindi ako sasagot. Mag-aalala siya.
Bumuntonghininga ako. Kailangan kong maging objective. Hindi ko puwedeng isisi
kay Warren na iba ang gusto niya at hindi ako. Wala siyang kasalanan kung hindi
niya 'ko gusto.
Suminga ako sa tuwalyita ko at ilang ulit huminga nang malalim bago sagutin ang
tawag niya.
"Nasa'n ka, Mi? Naghanap ako sa studio, wala ka. Nasa canteen na 'ko ngayon."
Pumikit ako nang mariin. Wala namang nagbago sa boses ni Warren. Parehas pa rin
'yon ng dati. Pero ang puso ko, sumasakit lalo.
"Ano... umuwi kasi ako." Tinakpan ko ang mic ng cellphone ko at ilang ulit
tumikhim. Ang paos kasi ng boses ko. At baka mahalata niya ang panginginig ko.
"Umuwi ka?" Nagbuga siya ng hangin. "Bakit hindi ka nagsabi sa'kin? May
nangyari ba? Okay ka lang ba?"
May gusto ako sa'yo. 'Yon ang nangyari. Nagseselos din ako kay Anya. Pero alam
kong wala ka namang kasalanan. Sorry. "Okay lang ako. Ano, pinauwi lang ako agad ni
Mama. May inutos kasi sa'king bilhin, eh."
Matagal na walang nagsalita sa aming dalawa.
"Tapos ka na sa practice?" tanong ko. Pinipilit kong gawing malumanay ang boses
ko. Kasama mo pa ba si Anya? "Sorry na kung hindi na kita nahintay. Nadala ko rin
pati ang laptop mo. Kunin mo na lang bukas kung hindi mo naman gagamitin ngayong
gabi."

"Tapos na'ng practice." Malalim siyang huminga. "Okay ka


lang ba talaga? Parang... ewan. Parang may iba."
"Okay lang." 'Wag ka nang magtanong, please. Masakit sa puso. "Ikaw? Okay ka
lang? Nakapagpalit ka na ng kamiseta?" Wag mo nang isama si Anya sa locker n'yo.
"Umuwi ka na agad."
"Nakapagpalit na 'ko."
Wala uling nagsalita sa'min.
"Mi..."
"Tinatawag yata ako ni Mama," sabi ko sa kanya. "Umuwi ka na agad, ha? Ingat
ka."
Bumuntonghininga uli siya. "Okay."
Ibinaba namin ang tawag. Pagkatapos, itinago ko ang mukha ko sa ilalim ng unan
at nagpatuloy sa pag-iyak.
***
Magulo ang kuwarto ko nang kumalma ako. Natadyakan ko kasi ang bed cover ng
higaan at ang mga unan ko. Naligo ako, nagbihis, nanood ng youtube videos. Umiyak
sa mga commercial ads ng Thailand. Pagkatapos, tumingin ako sa mga pictures ni
Warren sa facebook.
Sa profile niya, ang dami naming pictures na magkasama lalo na nang mag-college
kami. Naaalala ko, kinabahan akong mag-college dahil nagpunta sa New York si Iya
para mag-pursue ng arts at si Yanyan naman ay nasa ibang university. Pero nang
malaman kong magbo-Broad Comm din si Warren, nawalan ako ng alalahanin. Magkasama
kami mula entrance exam hanggang day one ng college, hanggang ngayon. Blockmates
kami. Seatmates. Lagi kaming magkausap. Lagi ko siyang kasama, nakaalalay.
Alam ko, kung hindi dahil kay Warren, baka mas pangit ang trato sa'kin ng mga
kaklase ko. Kahit no'ng high school, madalas akong tuksuhin dahil mataba ako. Lagi
ko pang kasama sina Iya at Yanyan noon kaya litaw na litaw na ako 'yong mataba at
taghiyawatin sa aming tatlo. I was the ugly one. I was the lesser one. Nang mag-
college, akala ko, mako-compare naman ako kay Warren. But girls are nicer to me
because of him. Boys are good to me, too.
Hindi ko kailangang ipilit ang sarili kong magustuhan ng iba dahil kasama ko si
Warren. Hindi ko kailangang ipilit ang sarili ko sa anumang grupo dahil okay kami
ni Warren kahit dadalawa lang kami lagi na magkadikit. Hindi ko kailangang
kumaibigan ng iba dahil may Warren ako.
Laging nasa tabi ko si Warren.
Sanay na sanay na 'kong magkasama kami kaya nahirapan akong tukuyin ang iba
pang pakiramdam. Na hindi lang ako masaya para sa kanya, kundi masaya ako dahil sa
kanya. Na hindi lang ako komportable na nasa tabi ko siya, kundi hinahanap-hanap ko
siya sa tabi ko. Na hindi lang ako humahanga sa kanya bilang kaibigan, kundi bilang
babae sa isang lalaki. Na hindi kaba ang kaba kundi pagmamahal. Na hindi inis ang
inis kundi selos. Na hindi tampo ang tampo kundi paghahangad. Na kahit na ayoko
naman ng ganitong pakiramdam at hindi naman ako handang magbago ng pakikitungo sa
kanya, wala akong magawa.
Wala na 'kong magagawa.
Pero hindi ako puwedeng maging unfair kay Warren. Kung gusto niya si Anya,
kahit na masakit, dapat kong intindihin 'yon. Malamang, lahat ng hinahangad ko,
hinahangad niya rin. Malamang, nararamdaman niya rin para kay Anya 'yong
nararamdaman ko para sa kanya.
He will crave her. He will want her. He will long to be with her. Pipigilan ko
ba 'yon? Magiging third party ba 'ko sa kanila? Gusto ko ba siyang maging
malungkot?
Kung hindi ako ang babae para sa kanya, dapat, ako pa rin 'yong kaibigang lagi
niyang tinutulungan, 'di ba? I cannot be unfair to him just because I'm bitter that
he doesn't feel the same. Bago ang pakiramdam na 'to, kaibigan niya 'ko. Kailangan
ko siyang suportahan.
Ayokong matulad do'n sa mga wattpad stories at mga movies na napaka-annoying ng
third party. Ayokong sirain 'yong diskarte niya sa babaeng gusto niya.

Kaya hindi niya dapat malaman na may iba akong


nararamdaman. Hindi siya dapat mag-worry sa'kin. At kahit na anong inggit, selos,
at sakit ang abutin ko, dapat maging tunay na kaibigan ako sa kanya.
If I like him like this, I should root for his happiness even though it will
mean that I have to break my heart.
***
Magdamag akong naghanda mentally kung pa'no haharapin si Warren, nang hindi
niya napapansin na may iba akong nararamdaman para sa kanya. Pero madaling-araw pa
lang, nasulyapan ko pa lang siya sa bakuran namin na naka-jogging pants at
nakaabang sa paglabas ko sa pinto, nagmadali na sa pagtibok ang puso ko. Nanlambot
ako sa tingin niya. Ang hirap salubungin ng mga mata niya.
I was melting at the first sight of him.
Kailangan kong umakto gaya ng dati.
"Good morning!" bati ko kay Warren. Panay ang kurap ko para hindi ako
magkamaling tumitig nang matagal sa kanya.
"Okay ka lang?" aniya sa'kin. "Panay kurap ka."
"Okay lang." Ngumiti ako... sa paanan ko.
"Mi," tawag niya sa'kin.
Tumingala ako sandali sa kanya bago sumulyap sa kalsada. "Ano 'yon? Takbo na
tayo."
"Okay ka lang ba talaga? May masakit ba sa mata mo?"
Umiling ako sa kunot ng noo niya.
"Sigurado ka? 'Yong boses mo rin, eh. Parang may iba."
"Okay lang ako. Tara."
Pero hindi siya naniniwala. Lumapit siya sa'kin at inilapat ang palad niya sa
noo ko. Nagsalubong ang mga mata namin nang magtaas ako ng paningin sa kanya.
Babawiin ko sana pero na-magnet niya. Hindi ako makakalas.
"Wala ka namang lagnat. Akala ko, sinisipon ka."
Sana nga sinisipon na lang ako.
"Okay nga kasi ako, Coach. Makulit ka," sabi ko. Umuna ako ng hakbang sa kanya
palabas sa gate. "Tara na. Takbo na tayo."
"Sakto na ang stretching mo, ah."
"Yes, Coach."
"Okay." Sumulyap siya sa wristwatch niya, siguradong naghihintay ng pagpapalit
ng digital numbers doon. Nagsamantala naman akong tumitig.
He stood lean and tall against the dawn. Pabor sa kanya ang anino at liwanag sa
porch namin. Pabor din sa kanya ang puso ko. My heart was beating loudly, sadly,
longingly.
Ang suwerte ni Anya dahil gusto siya ng lalaking ito.
Nagtagpo uli ang mata namin nang tumingin siya sa'kin. Automatic ang ngiti ko.
"Tara na?" ani ko.
"Tara."
We started running.
***
Gaya ng dati, sabay kami ni Warren sa pagpasok. Pinipilit kong alalahanin at
gayahin kung pa'no ko siya itrato dati pero mahirap pala. Hindi ko alam kung ano
ang pagkakaiba ng ako na may gusto sa kanya at ako na walang gusto sa kanya. Parang
parehas naman kasi. Naiisip ko tuloy, baka sobrang tagal ko nang may gusto sa
kanya, hindi ko lang napapansin. Lagi rin kaming nagkakahulihan ng tingin. Buti na
lang, hindi naman niya 'ko sinisita.
Nakatulong ang mood sa klase namin para hindi ako masyadong ma-conscious kay
Warren. Pinag-usapan ng mga kaklase namin ang papalapit na Foundation Week ng
school. Kapag Foundation week, may Literary-Musical contest, Cheering Competition,
Sports Festival, at Grand Ball kami. Kasali si Warren sa tennis competition. Ako,
laging taga-cheer. But to summarize it all, busy ang linggong 'yon. Puwede akong
ma-distract sa feelings ko.

Pagdating ng tanghalian, niyaya nina Coach Richie si Warren


pero tumanggi siya. Sa akin siya sumabay.
Masaya ako pero kinakabahan din. Makulit kasi ang mga mata ko. Kahit lagi kong
i-remind na huwag tumitig sa kanya, tumititig sa kanya. Baka mahuli ako ni Warren.
"Mi? Kanina ka pa nakatungo," untag ni Warren sa'kin.
Natatakot kasi akong matukso sa'yo. Pasaway kasi ang mata ko. "Titingnan ko
lang 'tong pagkain."
Humugong siya. "Tumititig ka sa bangus?"
Nag-angat ako ng mata sa kanya. Kumurap para hindi mapatitig. Pero may sariling
visual effects ang mga mata ko. Masyado siyang maliwanag. Kulang na lang, may
bubbles at puso-puso na mag-shoot mula sa likuran niya.
Nahahawa lang ako sa Kdrama. This is my own doing. Self, stop na, please.
Dumukwang siya sa plato ko at ekspertong hinati ang pritong bangus gamit ang
tinidor. Pinanood ko ang deboning niya. Iginilid niya sa plato ko ang tinik.
"Okay na. Kain ka na," sabi niya.
Pa'no akong hindi mahuhulog sa lalaking 'to? Mula first year kami, pinaghihimay
niya 'ko ng bangus. Alam niya lahat ng paborito kong pagkain. At 'pag may mali sa
pakiramdam ko, siya ang unang nagtatanong.
Sayang. Kung sa iba siguro ako nagkagusto tapos pinoproblema ko, masasabi ko
rin siguro sa kanya. Gagawan niya rin siguro ng paraan. He roots for me more than I
root for myself. Pa'nong hindi mahuhulog sa ganitong lalaki?
"Thank you," sabi ko at ngumiti. Kahit na masakit magkagusto kay Warren, he's
the best person I have around. I shouldn't forget that.
Ngumiti rin siya sa'kin. Maamo. "That's your first real smile today."
"Ha?"
"Wala ba talagang problema? Wala ka bang sasabihin sa'kin?" aniya.
Meron sana pero complicated. Mas okay 'pag hindi mo alam para hindi ka mag-
alala. "Wala. Kung anu-anong iniisip mo."
Nagsimula kaming kumain. Bukod sa pritong bangus, may munggo kami at ginataang
kalabasa.
"Ikaw kasi."
"Anong ako?" ani ko.
Umiling siya. "Wala. Kumain kang mabuti."
"Kumakain na nga. Kumain ka rin," sabi ko. "May tennis practice ka uli mamaya?"
Alam kong meron dahil malapit na ang Sports Fest.
"Hindi mo na naman ako hihintayin?" una niya.
Hala ka. Bintangero siya. "Hihintayin kita," sabi ko. Anuman ang mangyari,
hihintayin ko siya. Para hindi niya maramdamang may nagbago. Hindi na lang ako
sisilip sa gym para wala akong makitang nakakasakit.
"Talaga?" Ang laki ng ngiti niya, eh. "Baka mawawala ka na naman tapos
maghahanap na naman ako rito sa school."
"Hindi na. Kahapon lang 'yon kasi kailangan ko na talagang umuwi. Nahiya naman
akong mang-istorbo sa'yo."
Pumalatak siya. "Mag-aalala ako 'pag bigla kang nawala. Magsabi ka sa susunod."
Lumunok ako. Ang sarap lagyan ng malisya no'ng sinabi niya, kahit na alam kong
hindi 'yon gaya ng gusto kong isipin.
"Magte-text ako agad sa susunod."
"Okay."
We ate with gusto. Papatapos na siyang kumain nang dumating si Anya. Ako ang
unang nakakita kaya sa akin ito unang kumaway. Parang may kamay na pumipiga sa puso
ko habang palapit ito. Hindi ko rin alam ang gagawin.
"Found you," pakantang sabi nito at naupo sa tabi ni
Warren.
Nakuyom ko ang kamao ko. Hindi ako dapat na tumingin sa kanila kung ayokong
maalala na naman at umiyak na naman sa matatandaan kong eksena. Pero kung hindi ako
masasanay na makita silang magkasama ngayon, mas mahihirapan ako kalaunan. I should
be able to root for Warren's happiness. Si Anya 'yong kaligayahan niya.
"Kumain ka na?" tanong ni Warren dito.
Lumunok ako. Kailangan ko na yata talagang umalis. Pero pa'no?
"Yep. Sumabay ako kina Tito at sa club n'yo," sagot ni Anya. "Akala ko, sasabay
ka sa kanila."
"Nagyaya sila pero walang kasabay kumain si Mi," sabi ni Warren.
Nakagat ko ang labi ko. Nang-agaw ba 'ko ng moment sana nilang dalawa para ma-
develop? Pa'no sila magkakalapit kung lagi akong iisipin ni Warren?
Tumayo ako pero nahawakan ni Warren ang pulsuhan ko.
"Sa'n ka pupunta?" tanong niya.
Hindi ako makahinga nang maayos dahil sa pagkakahawak niya sa'kin. At
nakatingin sa amin si Anya! Ano bang ginagawa niya? Baka ma-misinterpret ni Anya
'yong paghawak niya sa'kin.
"Bibili lang ng inumin," sabi ko at tinanggal ang kamay niya sa pulsuhan ko.
Tumayo si Warren. "Ako na. Ano'ng gusto mo?"
Ako na lang dapat, eh. Pero nakatayo na siya at hindi ko kayang tumanggi kapag
gano'ng nakatingin na siya sa'kin. "Gulaman na lang."
"Sige." Bumaling siya kay Anya. "Juice?"
"Buko na lang uli," sagot ni Anya rito.
"Okay. Sandali lang ako."
Nang mawala si Warren para bumili, nakatungo lang ako sa mesa. May pagkain pa
sa plato niya. Kung hindi pa pala siya tapos kumain, bakit tumayo agad siya sa
table? Nahihiya ba siyang kausaping mag-isa si Anya? Naiilang ba siya gaya ko?
"Amethyst," tawag ni Anya sa'kin. "Are you okay?"
"Ha? Okay lang," sabi ko. May nakasakal na sakit sa lalamunan ko. Gaya kahapon,
maganda si Anya ngayon. Naka-pony sa tagiliran ng mukha nito ang mahabang buhok.
Halos bumabangga ang pilikmata nito sa dulo ng bangs nito.
I'm jealous of this girl. Kahit kailan siya tumabi kay Warren, walang magsasabi
na hindi sila bagay.
Nilingon ko si Warren na nasa stand pa ng gulaman. Nakatingin din siya sa table
namin. Siguradong kay Anya.
"Uh... Can I ask you a favor?" untag ni Anya sa'kin.
"Huh? Ano 'yon?" tanong ko pabalik.
"Kasi..." Lumikot ang mga mata nito. "Malapit na kasi ang Foundation Week. And
actually, I asked Warren kung puwede ko siyang maging escort sa Grand Ball natin."
Ibinaba ko ang mga kamay ko sa hita ko at magkasamang kinuyom. Alam ko kung
saan papunta ang usapan. She's going to take him away.
"Ano'ng sabi ni Warren?" tanong ko.
"Sabi niya, gusto raw niya pero wala kang magiging partner." Nagbuga ng hangin
si Anya. It was easy to read disappointment in her face. "I may sound selfish but I
know of this Senior who can be your partner and... I'm sorry. I shouldn't be asking
you for this."
Maingat si Anya sa pagsasalita. Pero kahit na anong ingat nito, nasasagasaan
ang tibok ng puso ko. Gusto kong akin lang si Warren. Pero siguradong mas magiging
masaya siya kung si Anya ang ka-partner niya sa Grand Ball. Tatlong taon ko naman
siyang naging escort. Sapat na dapat 'yon. I shouldn't be selfish.
"Ah. Actually, ano..." Ano'ng idadahilan ko? "May iba na 'kong ka-partner sa
Grand Ball. Hindi ko pa lang nasasabi kay Warren." Halos makurot ko ang kamay ko.
"Don't worry. Sasabihin ko sa kanya para kayo ang maging magka-partner."
"Really? You'd do that?" Sumigla ang mukha ni Anya. "Tama nga si Warren. You're
really kind."
Muntik kong makagat ang labi ko. No. I'm not being kind. Ngayon nga lang, gusto
kong awayin si Anya o si Warren. O 'di kaya ay mag-walk out at tumakbo pauwi. Pero
mali 'yon. Gusto kong maging mabuti kay Warren at sa kung sinuman ang magugustuhan
niya. Bilang kaibigan niya.
"Wala 'yon," nanghihinang sabi ko.
Pagbalik ni Warren, mataman siyang tumingin sa'kin at kay Anya.
"Ang seryoso yata. Ano'ng pinag-uusapan n'yo?" tanong niya.
"Wala. Don't be nosy," sabi ni Anya rito.
Iniabot ni Warren ang buko ni Anya at ang gulaman ko. Tumungo uli ako sa plato
ko. At tiniis kong makinig sa usapan nilang dalawa hanggang matapos ang tanghalian.
Kailangan kong maghanap ng escort sa Grand Ball namin para masabi ko kay Warren
na hindi na niya kailangang mag-alala sa'kin.
Pero sino'ng papayag maging escort ko?
Napabuntonghininga ako nang maalala ko. Mayro'n nga pala 'kong puwedeng mayaya:
si Jeron. #1031g / 01082018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 11: Slipping away part 2

***
Lumipas ang araw na gaya pa rin ng dati ang ginagawa namin ni Warren. Tumatakbo
kami sa madaling-araw, sumasabay sa kotse ni Jacob kapag papasok, sabay na kumakain
ng tanghalian, at naghihintayan sa pag-uwi. Pero kapag may pagkakataon, sumasama
ako kina Libby mag-lunch kahit na hindi ako komportable. Minsan naman, nauuna na
lang akong kumain para kapag niyaya siya nina Anya at Coach, wala siyang excuse. Sa
uwian kapag naghihintay ako sa kanya, kahit ga'no ako ka-curious, hinding-hindi ako
sumisilip sa gym.
I know my place and I'm doing everything I can to stay within my bounds. Gabi-
gabi akong nagme-mental practice para hindi ako talunin ng sakit, selos, o inggit.
Childhood friend ako kaya kailangan kong umaktong kaibigan. I should be able to do
this much for Warren if I want to support him.
Pero rollercoaster ang pakiramdam. Masaya ako kapag magkasama kami at
pinagtutuonan niya 'ko ng pansin. Malungkot kapag nasa practice siya at alam kong
baka kasama niya si Anya. Nagseselos kapag parang may ka-text siya na alam kong
hindi ako. Tinotopak ako at sumisipa ng trash can sa restroom kapag napu-frustrate
ako. Pero 'pag kaharap ko siya, automatic ang ngiti ko. At kapag tinatanong niya
'ko kung may problema, nagagawa kong mai-divert ang usapan sa ibang bagay.
'Yong pag-e-escort naman ni Jeron para sa Grand Ball namin, ilang ulit ko nang
naisipang magyaya through text pero nauunahan ako ng hiya. May utang pa 'kong meet-
up tapos bigla kong aalukin na mag-escort? Ayoko sanang madamay si Jeron sa pagse-
set-up ko kina Warren at Anya. Kaso lang, wala naman akong ibang ka-course na
lalaki na puwedeng yayain.
Tumitiyempo pa lang sana ako kung pa'no siya tatanungin pero isang araw nag-
text siya kung puwede raw kaming manood ng sine pagka-weekend. Pumayag agad ako.
Saktong may tennis practice din si Warren sa university.
Nang malaman ni Yanyan na may date ako (kahit sinabi kong friendly date lang),
inayusan ako nang sobra. Nilagyan ako ng make-up sa mukha kahit na hindi naman ako
sanay mag-make-up. Pinilian ako ng dress kahit sabi ko, magpapantalon lang ako.
Wala naman akong magagawa kapag excited si Yan. Apaw ito sa energy. Mahirap
tanggihan.
Sampung minuto bago ang oras na sinet namin ni Jeron na magkita, nasa mall na
'ko. Panay ang plantsa ko sa skirt ng dress. Hanggang tuhod 'yon pero naiiklian
ako. Muted peach ang kulay pero parang sumisigaw dahil napapatingin sa'kin ang mga
tao. Flowy. Sleeveless kaya kahit mainit nag-cardigan ako. Pero nakakailang pa rin.
Ang pangit ko siguro. Bulag lang si Yanyan kaya gandang-ganda no'ng nagsusukat ako.
Dumiretso ako sa cinema area na katabi rin ng food court. Kumaway si Jeron
sa'kin nang makita ako. Nakaupo siya sa isang mesa.
Kabado ako habang naglalakad palapit. Ano'ng sasabihin ko sa kanya tungkol sa
dress ko? Baka isipin niya na nag-iisip ako ng iba sa kanya. Baka isipin niyang
nag-effort akong magbihis. Baka ano...
"I should have worn something better," sabi niya nang makalapit ako. Tumayo
siya sa bench. Nakangiti sa'kin. "Para hindi nakakahiyang tumabi sa'yo."
"Hala." Maganda naman ang suot niya. Boyfriend shirt na blue, jeans, loafers.
Saka, hala, ang tangkad niya pala talaga sa malapitan. Kapag ganitong magkalapit
kami, kailangan kong tumingala. "Si Yanyan kasi, ano... kapatid ko 'yon... na-
excite kasi siya na lalabas ako tapos pinilian ako ng dress. Maganda naman ang suot
mo. Itong suot ko nga ang ano..."
Nahihirapan akong pumili ng salita kay Jeron. Hindi ko alam kung pa'no makipag-
usap sa iba na hindi si Warren.
"Sorry." Tumungo ako. "I'm rambling."
"Cute mo nga, eh. Buti puwede kang lumabas ngayon. Walang chores sa bahay
n'yo?" aniya.
Naglakad kami papunta sa isang steakhouse. Kakain ba kami?

"Meron pero nagpaalam ako. Si Yanyan na raw gagawa ng


chores ko."
"Si Yanyan ay younger sis mo?" tanong niya nang maupo kami sa isang table na
may nakalagay na reserved. Lumapit ang isang attendant at nagbigay ng menu sa'min.
"Pili ka ng food. Sorry, hindi pa kasi ako nagla-lunch."
"Hindi ka pa nagla-lunch? Anong oras na, oh. Past one na," ani ko. Nag-browse
ako sa menu. Ang mamahal. Isang piraso lang ng steak, nasa 800? Marami talagang
pera 'to si Jeron. Kapag nagugutom, may pa-800 na steak.
"Nag-skip ako dahil walang tao sa bahay kanina. Naisip ko, hintayin na lang
kita bago mag-lunch," sabi niya habang nakatingin din sa menu. "Si Yanyan..."
"Ah. Hindi ko younger sis si Yanyan. Mas matanda siya sa'kin nang isang taon.
Pero hindi ako nag-a-ate kasi naghahabulan lang ang edad namin. Ayaw niya rin.
Parang kambal daw kami," sagot ko.
Tumango siya. "Nakapili ka na ng pagkain?"
Binasa ko uli ang nasa menu. "Hindi ko alam kung ano'ng masarap dito, eh. Ikaw
na lang pumili para sa'kin."
"Steak o pork ribs?" aniya.
"Steak na lang." Kapag pork ribs kasi, ipinaghihimay rin ako ni Warren.
Hay. Kailangang hindi ko muna isipin si Warren. Kumain na kaya 'yon? Baka puro
practice siya, tapos hindi pa kumakain.
Kailangan talagang hindi ko muna isipin si Warren.
"Ano'ng drinks mo?"
"Lemon juice na lang," sabi ko.
Kumumpas si Jeron sa isang attendant at ibinigay ang order namin. Pagkatapos...
hindi ko na alam ang gagawin. Mas madali talagang kumain kaysa makipag-usap.
"Consider this my birthday treat to you," aniya sa'kin.
"Thank you. At sorry. Nagutom ka para sa birthday treat."
"Okay lang 'yon."
Natahimik kami sandali.
"Alam ni Warren na lumabas ka ngayon?" untag ni Jeron.
"Uh... Hindi, eh."
"Hindi mo sinabi?"
Umiling ako. Ngumiti siya.
"Ano'ng gusto mong panoorin mamaya? May korean movie at thai movie na
available."
Nabanggit ko na sa kanya sa text na mahilig ako sa K-drama at sa Kpop. Alam
niya ring nanonood ako ng lahat ng movies pero nabo-bore ako minsan sa action.
" 'Yong Thai movie na lang siguro? Nagbasa ako ng reviews no'n kagabi, eh.
Maganda raw."
Nahihirapan talaga akong makipag-usap kay Jeron nang personal. Iba kasi 'yong
kulit niya sa text.
"Naiilang ka, 'no?" aniya at mahinang natawa. "Sorry. Medyo naiilang din ako."
Tumikhim siya. "Nagulat kasi ako no'ng pumayag kang lumabas. Akala ko, mane-next
time ako uli."
"Ah..." Nahawakan ko ang dulo ng buhok ko. "Ano kasi..."
"Ano 'yon?"
"Kasi ang totoo..." Pumikit ako nang mariin. Dapat magtanong na 'ko ngayon.
Kapag na-miss ko 'tong chance na 'to, baka mahirapan uli akong tumiyempo. "Ano
kasi... 'di ba, may Grand Ball sa Foundation week? Ano..."
"May date ka na sa Grand Ball?" tanong niya.
Umiling ako. "Wala. Wala nga, eh. Ano, puwede ka ba?"
Nagkatinginan kami nang matagal. Napaglapat ko nang mariin ang labi ko bago
makagat. Mali ba'ng nagtanong ako?
"Hindi mo date si Warren sa Ball?"

"Date ko na siya for three years, eh. Saka, parang may iba
siyang gustong i-date. Kaya ano... kailangan ko ng partner."
Kumunot ang noo ni Jeron. Hindi ko naman alam kung bakit o para saan.
"I heard from other blocks na kayo nga raw ang laging magka-partner sa ball."
"Eh, oo. Pero hindi ngayong year."
"Hindi ngayong taon. But it's not that you want to date another but that he's
going to have another date?"
"Partner," pagtatama ko. Weird sabihin kapag 'date'. Nakakailang. "Kailangan ko
ng ibang partner para mai-date ni Warren 'yong gusto niya."
"Ah. That's why you need a partner for the Ball." Ngumiti uli si Jeron. "Sure.
Tayo na lang."
Ngumiti ako. "Yes. Tayo na lang."
"But before that, alam mo bang crush kita?"
Napatitig ako kay Jeron. Bago kumurap. Ano'ng... sinasabi niya?
He leaned on the table and looked closer at me. "Hindi mo alam, 'no?"
Hindi ako makapagsalita. Sinabi naman nina Iya at Yanyan pero... bakit sinasabi
niya? Nagko-confess ba siya?
"You're pretty on-screen. You're composed no'ng Broadcast exam. Nakakabilib.
Ako kasi, nauutal 'pag may camera. Lalo na no'ng first year. Na-lessen na lang
nitong fourth year na."
Ibinaba sa table namin ang lemon juice ko at iced tea niya. Sumipsip ako agad
dahil parang nauhaw akong bigla sa confession niya.
"Nitong nakaka-text na kita, lalo akong na-amaze sa'yo. I realized that you're
a good person, too. I started liking you more, though it's obvious that you either
ignore my advances or you're really clueless."
Nakalahati ko ang lemon juice ko. Malamig ang aircon sa steakhouse pero malapit
na 'kong pagpawisan.
"But I think you like someone else." Jeron looked longer at me, na para bang
sinasabi niyang alam naming pareho kung sino 'yon. "I'm just telling you I like you
para alam mong kung pupunta tayo sa Grand Ball, I'm considering it a date."
Napatingin siya sa juice ko. "Am I making you nervous? Mauubos mo na 'yong lemon
juice mo."
Tumigil ako sa pagsipsip sa straw. "Ano kasi... hindi ko alam ang sasabihin."
Napatungo ako sa rustic na mesa. "Ngayon lang may nagsabi sa'kin nang ganyan. Alam
mo 'yon? Ikaw pa lang."
"What do you mean? No one confessed to you before?"
Tumingin ako sa kanya. "Oo, eh. Laging kay Yanyan o kay Iya may nagko-confess."
"Iya is your sister, too?"
"Hindi. Childhood friend namin si Iya. Parang si Warren," sabi ko. "Maganda si
Iya at magaling mag-paint. Si Yanyan naman, kahit kapatid ko siya, wala siyang
problema sa weight. Mataba kasi ako mula pagkabata."
"Ah. Hindi ka naman na mataba ngayon."
"Oo. Tinutulungan kasi ako ni Warren na pumayat." Nag-iwas ako ng mata kay
Jeron. "Kaya 'yon. Ikaw pa lang ang unang tao na nag-confess sa'kin."
"I'm happy to be the first who confessed to you, Amethyst," sabi niya.
Ngumiti ako. "I'm happy, too. Ganito pala 'yong pakiramdam."
"Ano'ng pakiramdam?" he asked playfully.
"Masaya? Na nakaka-proud? Parang maganda ako, gano'n."
Tumawa siya. Mahina rin akong napatawa.
"Thank you for liking me," sabi ko sa kanya. "I like you, too. But as a person
and a friend."
"Nasabi mo na nga dati," aniya. "Totoong may gusto kang iba?"

Tumango ako.
"Si Warren."
It's a statement. Parang hindi na kailangan ng confirmation ko.
"Obvious ba? Hala. Hindi niya puwedeng malaman."
"Lagi mo kasi siyang binabanggit sa text. Mas alam ko pa yata ang favorites
niya kaysa sa'yo."
"Talaga?" Napabuga ako ng hangin. "Lately ko lang nalaman na may iba na 'kong
feelings, eh. Akala ko, normal lang 'yong mga nararamdaman ko dati."
He looked amused while listening to me.
"Hala, sorry. Bad manners. Hindi ko yata dapat sa'yo sinasabi 'yong tungkol sa
feelings ko o kay Warren?"
"Okay lang," aniya.
Alam kong ang weird ko kausap. Nag-confess siya sa'kin tapos nagko-confess ako
ng feelings ko para sa iba.
Ibinaba ang steak sa harap namin. Finally. Naglaway agad ako sa amoy.
"Pero partner pa rin tayo sa ball?" tanong ko. "Kahit ano... 'yon. Nag-confess
ka tapos may iba akong... gusto? Okay lang kung ayaw mo na 'kong maging partner."
"Don't worry about it, Amethyst. Partner pa rin tayo sa Ball."
"Sigurado ka? Okay lang talaga kung ayaw mo na. I don't want to be unfair to
you."
"Hindi ka unfair," aniya. "Tayo pa rin sa Ball."
"Thank you."
Tumango siya sa'kin. " 'Wag ka nang mag-isip ng iba."
"Eh kasi..."
Inilagay niya sa kamay ko ang knife at tinidor. "Let's eat the steak. I'm
really starving."
"Okay."
***
Pagkatapos kumain, nag-arcade kami ni Jeron. Bumaril kami ng zombies sa machine
at nag-shoot ng basketball. Nag-picture din kami sa photobooth machine. Papunta na
kami sa cinema nang mag-text si Warren.
Warren Coach-nim >_<:
Nasan ka?
"Sino 'yan?" tanong ni Jeron sa'kin nang mapatigil ako sa paglalakad.
"Nag-text kasi si Warren. Ire-reply ko lang," sabi ko.
Gumilid kami sa isa sa mga kiosk na nagtitinda ng french fries para makapag-
reply ako.
Amethyst De Vera:

Tapos na yung practice mo?


Warren Coach-nim >_<:
Oo. Nasan ka?
Nag-check ako ng oras. Alas-tres pa lang naman. Dapat, nasa practice pa siya.
Sa tantiya ko, alas-sinco pa dapat siya makakauwi sa compound. May usapan kaming
magre-record ng radio script na project namin pagka-alas-sais.
Bakit maaga siyang natapos? Kailangan kong magsinungaling.
Amethyst De Vera:
Nasa bahay lang.
Warren Coach-nim >_<:
Totoong nasa bahay ka?
Kinabahan ako sa text niya. Parang nakikita niya 'ko ngayon. O baka may topak
siya?
Amethyst De Vera:
Oo.
Naghintay ako sa reply niya pero walang dumating.
"Okay na, Amethyst?" untag ni Jeron sa'kin. "Baka ma-late tayo sa movie."
"Oo," sagot ko. Yata. "Okay na."
"Tara."
Pero bago ako makahakbang kasama si Jeron, may humatak sa kamay ko. Bumangga
ako sa tagiliran ni Warren. Kunot na kunot ang noo niya sa'kin.
"Warren," tawag ko sa kanya. Ang lakas ng kalabog sa dibdib ko. Ang higpit din
ng hawak niya sa pulsuhan ko.
"May project tayong kailangang i-record," sabi niya sa nagngangalit na ngipin,
bago tumingin kay Jeron. Tinatanggal ko sana ang kamay niya sa'kin pero lalo lang
niya 'kong hinihigit sa tagiliran niya. Inakbayan niya 'ko.
Nanlaki ang mata ko.
"Manonood kami ng movies," sabi ni Jeron kay Warren. Kalmado lang ito.
"May project kami. Kailangan nang umuwi ni Mimi," sabi ni Warren.
"Eh, Warren, kasi..."
Warren glared at me. Bakit galit na galit siya? Ano'ng ginawa kong mali? Dahil
ba nagsinungaling ako sa text? At bakit siya nandito?
"Sino'ng kasama mo?" tanong ko kay Warren.
"Sina Coach dapat."
Na ibig sabihin, kasama rin si Anya. "Bumalik ka na kina Coach. Manonood muna
kami ng sine ni Jeron. Balikan mo na lang ako 'pag uuwi na tayo."
Nag-igting ang panga niya. "Hindi na kailangan. Uuwi na tayo."
"Pero sina Coach..."
"Ite-text ko na lang."
Pa'no si Anya? "Eh si Jeron..."
"Ano si Jeron?"
Napatingin ako kay Jeron. Nararamdaman ko ang init ng ulo ni Warren sa'kin... o
kay Jeron. Hindi yata maganda kung totopakin siya lalo. Baka mapaaway o kung ano.
"Sorry, Jeron. Ano... kailangan na yata naming umuwi," apologetic na sabi ko.
Binabaklas ko ang braso ni Warren sa balikat ko pero hindi ko matanggal.
Nagbuga ng hangin si Jeron. "Sure ka?"
Tumango ako. "Sorry. Bawi na lang ako next time?"
"Walang next time," singit ni Warren.
Siniko ko siya. "Ano ba? Singit ka nang singit."
Hindi ko kailangan ang pagiging protective niya ngayon. Hindi naman masamang
tao si Jeron para magkagano'n siya.
"Walang next time, Amethyst," ulit niya. "Tara na."
Kasama ako nang pumihit siya patalikod.
Pinilit ko pa ring lumingon kay Jeron habang akbay ako ni Warren. Kailangan
kong mag-apologize mamaya sa text. Nag-sorry ako nang walang sound. Tumango lang
ito.
Tinangay naman ako ni Warren palabas ng mall at inihatid pauwi sa bahay.
Sigurado ako, isa-silent treatment na naman niya 'ko 'pag nag-record kami.
Bahala siya. #1022u / 01092018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 12: Wrong Confession

***
Ayoko sanang pumunta sa compound para mag-record. Pero eksakto alas-sais,
kumatok si Warren sa pinto ng bahay at kunot ang noong nagyaya.
Kung nalalasahan ang tensyon sa pagitan namin, busog na busog na 'ko. Sakal na
sakal na rin. Iilang minuto pa lang, mula sa bahay, sa pagsakay namin ng tricycle
papunta sa compound, hanggang sa pagpasok sa studio, mabigat ang hangin.
May tumbler ng tubig at plato ng puto at kutsinta sa tabi ng maliit na mesa
kung nasa'n ang laptop ni Warren. Naka-set-up na roon ang microphone at head
phones. Naka-open na ang recording software. I checked. May pangalan na rin ang
naka-save na work station ng recording namin. Uupo na lang ako at ire-record ang
script na printed na rin at nasa sahig.
"P-in-repare ko na lahat," mabigat ang boses na sabi niya. "Mag-record ka na
lang."
Pagkatapos, tumalikod siya at bumagsak ang mabigat na pinto ng recording studio
sa pagitan namin.
Pumadyak ako sa inis. Siya ang may ginawang masama, pero parang ako ang may
kasalanan? Siya ang nakialam sa lakad namin ni Jeron pero siya ang nag-walk-out?
Siya talaga? Ako dapat ang magdabog at mainis! Siya dapat ang mag-sorry at manuyo!
Kuyom ko ang kamao ko nang tadyakan ang ibabang bahagi ng pinto. Isang beses.
Dalawang beses. Nang tatatlo ako, bumukas iyon nang bahagya at nagkahulihan kami ng
mata ni Warren.
May kinang ng tinitimping galit sa mga mata niya. Bakit ba siya gigil na gigil?
At kanino? Sa'kin? Kay Jeron? Argh!
"Don't break the door," mabigat ang bawat pantig na sabi niya.
Kung siya kaya ang sipain ko? Kala niya ba, kahit mas maiksi ang paa ko kaysa
sa kanya, puwede ko siyang sipain nang mahina sa bandang tuhod!
"Why are you glaring at me?" sita niya at pasitsit na ibinagsak pasara ang
pinto.
Ginaya ko siya. "Why are you glaring at me?" Magtatanong ka tapos isasara mo
ang pinto? Pa'no ako sasagot?! Ah! Kung hindi lang kita mahal, sisipain talaga kita
sa tuhod!
Bumukas uli 'yon. "Mag-record ka na."
Bago niya maisara uli ang pinto, inunahan ko na siya. Hinawakan ko ang seradura
at itinulak 'yon pasara. Ini-lock ko rin.
Kumatok siya. May sinabi siguro pero hindi ko narinig. Mayamaya, nag-text siya.
Warren Coach-nim >_<:
Don't lock the door.
Mabigat ang daliri ko sa keyboard ng cellphone ko.
Amethyst De Vera:
Pati pag-lock ng pinto
hindi ko pwedeng gawin?
Warren Coach-nim >_<:

Pano ako magche-check sayo

kung naka-lock?
Amethyst De Vera:

WAG KANG MAG-CHECK!

HINDI MO KAILANGANG

MAG-CHECK. HINDI AKO

BATA.
Warren Coach-nim >_<:
Pero para kang bata ngayon.
Amethyst De Vera:

AKO PA TALAGA?
TOPAKIN KA!
Warren Coach-nim >_<:

Mag-record ka na. Unlock

the door.

Amethyst De Vera:

AYOKO. ITE-TEXT KITA PAG


TAPOS NA!
Warren Coach-nim >_<:

Okay.
Amethyst De Vera:

I HATE YOU!
Warren Coach-nim >_<:
Hay.
Pinalitan ko ang pangalan niya sa phone book ko. Mula Warren Coach-nim >_<
ginawa kong Warren Topakin. Tapos, napatingin ako sa nakabukas na laptop at sa
nakahandang meryenda. May maliit na mangkok ng cheese para sa puto at may kalamay
para sa kutsinta. Alam ni Warren na ayoko sa niyog.
Sumisikip na naman ang dibdib ko.
How could he know so much about me and know exactly how I like things... but
not like me romantically? Ang annoying ng nararamdaman ko. Araw-araw, sinasabi ko
sa sarili ko ang limit ko. Araw-araw, ipinapaalala ko sa sarili ko kung ano lang
ako sa buhay niya. Bakit si Jeron, nagustuhan naman ako? Bakit siya...
Huminga ako nang malalim bago pa pumatak ang luha ko. Kinagat ko nang mariin
ang labi ko. This is not good. I was supposed to be angry at him. Pero habang
nagagalit ako kay Warren, nahuhulog din ako sa kanya. Pa'no naging posibleng lalo
mong nagugustuhan ang isang tao habang naiinis ka? Akala ko dati, kapag nagkagusto
ang isang tao sa isa pang tao, kapag nagsimulang magmahal, puro pagmamahal lang ang
mararamdaman. Ang saya basahin sa mga kuwento 'yong butterflies in the stomach. Ang
saya basahin ng selosan. Ang saya basahin ng biglang pagkakalapit. Pero sa totoong
buhay pala, nakaka-frustrate. Nakakalito. Nakakabobo. Asa ka nang asa kahit hindi
ka dapat umasa. Pigil ka na nga nang pigil sa feelings mo, lalo pang lumalalim.
Magre-record lang ako nito pero kung anu-anong naiisip ko na naman, dahil lang
may mangkok ng keso para sa puto at may kalamay para sa kutsinta.
Warren is annoying. I'm annoyed at myself, too. Kawawa naman si Jeron.
Sumalampak ako sa harap ng laptop na nakabukas at kinalma ang sarili ko.
Recording na lang muna ang isipin mo.
Dinampot ko ang script sa tabi ko at nag-test record. Nang makontento ako sa
phrasing ko at enunciation, saka ako nag-record nang seryoso.
***
Katatapos ko pa lang ng unang set ng recording ko nang tumunog ang cellphone
ko.
Jeron Ybarraz (Block A):
Nakauwi ka nang maayos? :)
Hala. Nauna pang mag-text sa'kin si Jeron samantalang dapat na nauna akong
humingi ng pasensiya sa kanya. Si Warren kasi... wala nang itinirang espasyo sa
isip ko para sa ibang bagay at ibang tao.
Amethyst De Vera:
Oo. Sorry pala sa kanina. :(
Amethyst De Vera:
Sorry rin na nauna ka pang
mag-check kung okay ako.
E ikaw ang iniwan ko. :(
Jeron Ybarraz (Block A):
Haha. Okay lang yun.
Amethyst De Vera:
Sorry rin sa ginawa ni Warren.
Mali siya run. :(
Jeron Ybarraz (Block A):
Okay lang yun, Amethyst. :)
Jeron Ybarraz (Block A):
Kumusta kayo?
Amethyst De Vera:
Ewan ko sa topak nun. Di kami
nagpapansinan.
Jeron Ybarraz (Block A):
Ah. Maaayos din yan. Don't be
too sad.
Nakaka-guilty na kino-comfort ako ni Jeron samantalang ako ang may ginawang
mali sa kanya.
Amethyst De Vera:
Bawi na lang ako sayo next time.
Libre kita minsan. Basta sa
mura lang, ha?

Jeron Ybarraz (Block A):


Kahit wag na. Baka umasa ako sa
feelings mo. Hahahaha. :P
Amethyst De Vera:
Hala...
Jeron Ybarraz (Block A):
Haha. Don't be too cute
and too kind if you're not
going to be my girlfriend.
Amethyst De Vera:
Hala...
Jeron Ybarraz (Block A):
Hahahaha. Wag kang masyadong
kabahan. Joke lang yun.
Amethyst De Vera:
Sorry. :(
Jeron Ybarraz (Block A):
Okay nga lang. I just checked
on you. Nanood pa rin ako ng sine
kahit wala ka. Kwento ko sayo
ang nangyari?
Amethyst De Vera:
Wag na. Nagre-record ako ng
project namin ngayon.
Jeron Ybarraz (Block A):
Ah, may project talaga kayo.
Amethyst De Vera:
Oo. Bakit?
Jeron Ybarraz (Block A):
Akala ko dahilan niya lang.
Haha.
Amethyst De Vera:
Hindi. Meron talaga. Pero OA
ang ginawa niya. Kaya sorry.
Jeron Ybarraz (Block A):
Wag ka nang mag-sorry. Isa pang
sorry mo, aasa na ko sayo.
Hahahaha.
Amethyst De Vera:
Uy... Wag naman. :(
Jeron Ybarraz (Block A):
Hahaha. Joke lang.
Sige na. I'll continue
watching.
Thank you sa date kanina.
Amethyst De Vera:
Friendly date. :(
Jeron Ybarraz (Block A):
Thank you sa date kanina. :P
Amethyst De Vera:
Thank you for being considerate. :)
Jeron Ybarraz (Block A):
;)
Nabawasan kahit papa'no ang bigat ng loob ko dahil okay naman si Jeron. Buti pa
siya, mabait. Kahit na sinabi niyang gusto niya 'ko pero sinabi kong iba ang gusto
ko, parang kalmado lang siya. Si Warren, dadaigin si Kuya Ivan kung makahatak
sa'kin pauwi.
Itinupi ko ang manggas ng kamiseta ko at tiningnan kung nagkapasa ba 'ko sa
kanina. Pang-konsensiya ko rin 'yon kay Warren. Pero wala. Mahigpit ang hawak at
akbay niya kanina pero hindi tinablan ang taba ko. Kinamal ko ang braso ko. Hindi
na pala gano'n kataba. Pero hindi pa rin nagpasa.
Kumukulo pa rin ang inis ko kay Warren nang dugtungan ang recording.
***
Alas-nueve na nang mag-text si Warren sa'kin para kumain ng hapunan. Lumabas
ako sa recording studio at nag-expect na kasabay sina Auntie at Max sa mesa, pero
nauna na raw ang mga ito. Kaming dalawa ni Warren ang magkaharap na kumain. Walang
kibuan.
Sa gitna ng hapunan, tumunog ang cellphone niya. At hindi ko kailangang
manghula kung sino'ng tumawag dahil...
"Ano 'yon, Anya?" tanong niya habang hawak sa tainga niya ang cellphone.
Humigpit ang hawak ko sa tinidor at padaskol na tinusok ang hipon na ulam
namin. Napatingin sa'kin sandali si Warren habang nakikinig pa rin sa kausap niya.
"Ah. 'Yon ba? Okay lang," aniya.
Ano'ng pinag-uusapan nila? At kailan pa sila nagpalitan ng numbers? Lagi ba
silang nagtatawagan?
"Sige, dalhin ko para sa'yo," sabi niya. "Oo."
Ngumuya ako nang masama ang loob. Gusto kong kumalma pero mahirap. Dapat,
bilang kaibigan, matuwa ako na may progress sila ni Anya. Pero wala. Walang-wala na
'ko sa pagiging kaibigan niya lang. Wala rin akong pasensiya ngayong gabi.

"Dalhan din kita ng cake ni Auntie?"


Napatingin ako kay Warren. Dadalhan niya ng cake si Anya? Bakit? Mahilig din ba
ito sa cake? O gusto niya lang dalhan?
Nawawalan ng lasa ang pagkain ko.
"Sige. Okay, bye."
Nagkatinginan kami nang matapos ang phone call niya.
"Hindi ka dapat nagpo-phone kapag nasa mesa, ah," sita ko. Rule 'yon sa hapunan
kina Auntie. Gano'n din ang rule sa bahay namin.
"Importante 'yong tawag."
'Yong tawag ang importante o 'yong tumawag? gusto kong igiit pero tumusok na
lang uli ako ng hipon.
"Tapos ka nang mag-record?" aniya.
"Oo."
Wala na uli kaming kibuan hanggang matapos kumain.
Naghugas siya ng pinagkainan namin. Nagtuyo naman ako. Pagbalik ko sa studio,
nakasunod na siya. Kailangan niyang i-check ang ni-record ko dahil siya ang mag-e-
edit no'n.
Sumalampak siya sa harap ng maliit na mesa at inilagay sa tainga niya ang
headphones. Umupo naman ako sa bandang tagiliran niya.
Mabigat pa rin ang tensyon sa pagitan namin pero mas lamang nang galing sa'kin
'yon. Dahil si Warren, kahit papa'no, mas malamig na.
O akala ko lang 'yon? Dahil sa gitna ng pakikinig niya sa recording, kumunot
ang noo niya at unti-unting lumatay sa mukha niya ang papasabog na inis.
Mabigat ang kilos niya nang tanggalin ang headphone sa tainga niya.
"Chineck mo ba 'yong ni-record mo?" untag niya sa'kin.
Alam ko na kung saan papunta ang tanong niya.
Kunot din ang noo ko. Kala niya ba? May sita rin akong hindi pa naipaparating
sa kanya.
"Kung may problema, sabihin mo na lang agad," nakasimangot na sabi ko.
"May audio feedback sa mga records mo," flat na sabi niya.
Kinuha ko ang headphone sa kanya at pinakinggan ang sinasabi niya. May
screeches at beeping nga. Na-pick-up siguro ng mic no'ng nagte-text si Jeron.
"Hindi mo chineck. Sino na namang ka-text mo kanina?" mainit ang ulong sita
niya.
Naghinang ang mga mata namin. Parehas gusot ang mukha namin. At pakiramdam ko,
kung ibubuka ko ang bibig ko, may lalabas na apoy.
Puwede naman niyang sitahin ang feedback sa recording, pero...
"Pati ba naman kung sinong ite-text ko, sisitahin mo?" tanong ko sa kanya.
Lahat na lang, sinisita niya. Hindi na nakakatuwa.
"Narinig kasi sa recording. Puwede ka namang mag-text bago ka mag-record o
pagkatapos. Kailangan mong ulitin lahat ngayon."
"Eh 'di uulitin ko! Ano ba'ng big deal do'n?"
Nag-check siya sa orasan sa bisig niya. Nagbuga siya ng hangin at tumayo mula
sa sahig. "Sige. Ulitin mo na ngayon."
Alam kong lalabas siya ng studio kahit naiinis siya. Pagkatapos, maiiwan akong
naiinis din. Siguro, mas masama kung mag-uusap pa kami nang nagkakainisan. Pero mas
masama sa loob kong maiwan do'n na parang hindi importante sa kanya kung frustrated
ako o naiinis ako sa ginawa niyang dapat ihingi ng apology.
"Ano ba'ng problema mo talaga?" sabi ko sa kanya. Masikip ang dibdib ko sa
tampo at selos. Hindi naman kami nag-aaway dati. At kahit kapag may isa sa'min na
wala sa mood, nalulusaw naman agad at nagiging okay kami. Bakit nitong mga
nakaraan, mas madalas na hindi kami okay? Hindi ko alam ang iniisip niya. Hindi ko
rin masabi sa kanya ang iniisip ko. Nakakasakal. "Sita ka nang sita! At hindi ka pa
nagso-sorry sa'kin sa ginawa mo kanina. Mali 'yon! Binastos mo 'yong kasama ko."

Nag-iinit na ang mata ko sa pagbabanta ng luha. Nang


lubusan siyang humarap sa'kin, nasa mata na uli niya ang tinitimpi niyang galit.
Minsan ko lang makita 'yon. Nakakatakot harapin. Pero kailangan naming mag-usap
dahil hindi mawawala ang tensyon sa pagitan namin kung mag-iiwasan kami.
"Mali ang ginawa ko? Bakit 'yong ginawa mo, tama ba? Nagsinungaling ka sa'kin!"
maigting ang pangang sabi niya.
Binastos niya si Jeron dahil lang nagsinungaling ako?
"Hindi ko gustong magsinungaling!" Ginawa ko lang 'yon dahil ayokong magalit
ka!
"Pero nagsinungaling ka pa rin!"
"O sige na, nagsinungaling na! Pero kailangan ko bang sabihin lahat ng bagay
sa'yo?!" Hindi mo rin naman sinasabi lahat ng bagay sa'kin!
"Hindi mo kailangang sabihin lahat sa'kin. Pero 'yong nakipag-date ka? Alam ba
nina Tita Judy at Tito Herbert 'yong kanina? O si Yanyan lang ang may alam?"
Pa'no niya nalamang alam ni Yanyan ang tungkol sa meet-up ko kay Jeron? Si
Yanyan ba ang nagsabi sa kanya?
"Ano'ng masama sa date? Bakit ka ba galit na galit?"
"Masama! Dahil sabi mo, hindi ka pa handa sa gano'n! Sabi mo, hindi mo
priority! Pero tumakas ka at nakipag-date! Kasama 'yong lalaking 'yon!
Nagsinungaling ka pa para sa kanya!"
No. It's not for him! It's for you!
Hindi ako makapaniwalang nagsisigawan kami dahil lang sa ganito.
"Ano? Gano'n mo ba siya kagusto?!" mainit na tanong niya.
Hindi... Ikaw ang gusto ko. At nakakabaliw magkagusto sa'yo!
Pero hindi ko puwedeng sabihin 'yon kay Warren. Kahit ga'no pa 'ko ka-
frustrated, kaselos, o kainggit, hindi ko puwedeng sabihin sa kanya lahat ng
nararamdaman ko. The moment I tell him that I feel differently for him, something
will change between us. Mahihirapan akong makasama siya lagi. Mahihirapan akong
makita siya. Iiwas siya sa'kin.
Pero hirap na hirap na rin ako ngayon.
"Gusto ka rin ba niya?!" aniya.
Gusto kita!
"Oo! Gusto ko siya! Gustong-gusto ko siya at nahihirapan ako!" Pumatak ang luha
ko. "Gusto ko siyang laging kasama. Gusto ko, sa'kin lang siya nakatingin. Gusto
ko, ako lang ang bigyan niya ng lahat ng atensyon niya. Nagseselos ako sa babaeng
lagi niyang kasama. Nagagalit ako na may ibang mas bagay sa kanya kaysa sa'kin!
"Hindi ko naman gustong maramdaman lahat 'to! Ayoko naman talaga eh. Kung
pipili ako, hindi ko na lang siya gugustuhin dahil okay naman kami nang platonic.
Maraming mas bagay kaysa sa kanya. Maraming may gusto sa kanya. Pero wala.
"Ano'ng magagawa ko? Bago ko pa mapigilan ang sarili ko, nahulog na 'ko.
Gustong-gusto ko siya! Hirap na hirap na 'ko kaya 'wag mo na 'kong pakialaman..."
Itinakip ko ang palad ko sa mukha ko habang umiiyak. Tahimik naman si Warren.
Matagal na walang gumalaw sa aming dalawa.
Nang saglit na humupa ang pag-iyak o at salubungin ko ang mga mata niya, wala
na 'kong mabasang galit sa kanya. He looked... shaken.
"Ah. Gusto mo siya," sabi niya sa'kin at lumunok. Nagbaba siya ng mata sa
sahig. Mababa rin ang boses niya nang magsalita. "Sorry sa ginawa ko kanina sa date
mo. I was wrong."
Hindi ko makilala ang boses niya sa pagsasalita. At sumasakit lalo ang puso ko
dahil lalong lumaki ang distansiya sa pagitan naming dalawa. Lalong napuno sa luha
ang mga mata ko.
It hurts... so much.
Wala akong mabasa sa mukha niya nang tumingin uli siya sa'kin. " 'Wag kang
masyadong umiyak. Hindi bagay sa'yo." Nagbaling siya ng tingin sa pinto. "Lalabas
na 'ko. Mag-record ka na lang uli. Dadalhin ko rito sa studio 'yong hihigaan mo
kung sakaling gusto mong matulog."
Malumanay at mahina ang boses niya na halos hindi ko siya marinig. At kahit na
karaniwang mga bagay lang ang sinasabi niya, bawat salita niya, sumusugat sa'kin.
I did something wrong. I can feel it. Pero wala siyang sinasabi kung ano.
"Sige, Mi."
Lumabas si Warren ng studio na mabigat ang paghakbang. Umiyak naman ako uli
nang maiwang mag-isa.
Nang gabing 'yon, tumakas ako sa studio para matulog sa tree house dahil
ayokong nasa iisang espasyo ako kasama ni Warren, kapag nag-edit siya ng records
ko. Pero nagising ako kinabukasan na may sapin, may unan, at may kumot. Kay Warren
ang mga 'yon.
At kahit ayoko, may nagbago na sa pagitan namin. #738g / 01112018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 12: Wrong Confession part 2


TCWDM: Sana naman, ma-post na 'to nang matino. Hays.
***
Dumaan ang Linggo na tahimik kami pareho ni Warren. Tinext ko siya at sinabing
hindi ako sasabay sa exercise pagka-Lunes, na hindi rin ako sasabay sa kanya
pagpasok, at na si Jeron ang escort ko sa Grand Ball. Nag-reply lang siya ng
'okay'.
Pagdating ng Lunes, nagising ako sa oras ng pagtakbo namin. Sinubukan kong
matulog uli pero nakamulagat lang ako sa kisame. Masyado na 'kong sanay na nasa
labas nang gano'ng oras para tumakbo kasama si Warren. It became a habit.
He's a habit.
Dahil inihahatid ni Kuya Ivan si Yan sa van, nakisabay ako. Hindi naman sila
masyadong nagtanong. Pero si Yan, iba ang tingin sa'kin. Nginitian ko na lang nang
nginitian para hindi mag-usisa. Inihatid siya sa opisina kung saan siya nag-o-OJT.
Ako naman, inihatid sa University.
Unang araw ng linggo pero pagod na agad ako. Pagpasok ko pa lang sa klase at
nakitang nakasubsob si Warren sa desk na katabi ng akin, sumasakit na uli ang puso
ko.Alam kong mali ako. Gaano man ako nasasaktan sa nararamdaman ko, hindi ako dapat
na nagsinungaling sa kanya. I hurt him when I told him not to meddle in my affairs.
Nagpadala ako masyado sa emosyon ko. Kinalimutan kong mula nang mag-college kami,
siya ang kasama ko. Siya ang nakaalalay sa'kin sa bawat araw, sa lahat ng oras.
Pero hindi ko alam kung pa'no ko babawiin ang mga nasabi ko na. Kapag nag-sorry
ako, kailangan kong sabihin na nagsinungaling ako. At kapag sinabi kong
nagsinungaling ako, kailangan kong sabihin na para sa kanya ang nararamdaman ko.
Hindi pa 'ko handang umamin. Hindi ako dapat umamin.
Tahimik ako nang umupo sa tabi niya. Wala naman siyang pagkilos. Natutulog na
naman siguro.
Nang bahagya akong sumulyap, nakita ko siyang nakakiling sa'kin. Nakatingin.
We held eyes for a moment, bago kami sabay na magbawi ng tingin.
Bago pa 'ko magnakaw uli ng sulyap, dumating ang prof.
***
Pagdating ng tanghalian, nauna akong magpunta sa canteen at umorder. Nasa
kalagitnaan ako ng pagkain ko nang maupo si Warren sa tabi ko bitbit ang tray ng
pagkain niya.
Napatingin lang ako sa kanya.
"Hindi kita pakikialamang kumain," una niya. Iniusod niya ang isang tupperware
ng cake slices sa'kin. "Cake mo. Bigay ni Auntie 'yan. Hinahanap ka niya kanina."
Walang imik kong kinuha 'yon at iniusod sa tabi ng plato ko.
"Ang dami namang ibang upuan," sabi ko sa kanya. Puwede naman siyang makiupo
kina Coach, o sa mga members ng club nila na tanaw namin ilang mesa ang layo.
"Dito ko gustong umupo," aniya.
"Ano'ng sinabi mo kay Auntie?"
"Sabi ko, wala tayong exercise kanina."
Hindi na 'ko umimik.
Malumanay at mababa ang boses niya. Halos tulad nang huli naming pag-uusap.
Naghahalo naman ang sakit at paumanhin sa dibdib ko. I was hurting. I was sorry.
Still, I want him this near.
Parang may mali sa mundo kapag may mali sa pagitan namin. Nag-alala ako na
hindi na niya 'ko papansinin talaga sa school dahil hindi ako nag-exercise kasama
niya at hindi sumabay sa kanya pagpasok. I thought, he would give up on me. Pero
nasa tabi ko pa rin siya.
Naiiyak na naman ako.
Iniusod niya ang isang bote ng iced tea sa'kin.
"Inumin mo," aniya.

Ang sama ng lalaking 'to. Tumalon na nga ako mula sa


pagkagusto hanggang sa pagkahulog, lalo pa 'kong ihuhulog. Wala na 'kong kalaban-
laban.
"Kay Auntie rin galing 'yan?" flat na tanong ko.
"Sa'kin, Mimi."
Lumunok ako. Bumuntonghininga siya.
"Susubukan kong 'wag kang pakialaman gaya ng gusto mo. Pero kakain pa rin ako
kasabay mo. Kung hihintayin mo 'kong matapos sa tennis practice, uuwi pa rin akong
kasabay mo. Kung gigising ka sa oras tuwing umaga, tatakbo pa rin akong kasabay mo.
Hindi kita pipilitin kung ayaw mo pa 'kong kausapin. Sinasabi ko lang na gagawin ko
pa rin ang mga dati nating ginagawa."
Napatitig ako sa umuusok na kanin sa plato ko. He was so gentle, I don't
deserve it.
"Bahala ka," mahina ang boses na sabi ko. Masikip ang lalamunan ko sa emosyon.
Mabigat ang dibdib ko sa halo-halong pakiramdam.
Bakit kasi mahirap ma-in love sa'yo?
"Okay," aniya at sumubo ng pagkain niya.
***
Nang matapos ang lahat ng klase namin, dumiretso si Warren sa tennis practice
nito. Hindi siya nagpapahintay sa'kin pero hindi ko rin magawang umuwi na lang. Sa
tuwing susubukan kong lumabas ng studio, ni hindi ako umaabot sa pinto.
Kahit hindi siya nagpapahintay, kahit ayokong malaman niyang hinihintay ko
siya, puwede ko naman siyang makasabay pag-uwi, 'di ba? Kahit malabo kaming mag-
usap ngayon, sabi naman niya, okay lang siya sa dati naming ginagawa, 'di ba?
Umupo ako sa desk ko at nagkalikot sa cellphone ko. Kailangan kong humanap ng
gagawin para may dahilan akong mag-stay ng late doon. Pero wala akong maisip.
Ilang minuto pa lang akong naghihintay ro'n nang bumukas ang pinto ng studio at
pumasok si Anya.
Nakangiti ito nang lumapit. May bitbit na inihaw na mais.
"Pinabibigay ni Warren," sabi niya sa'kin.
Kinuha ko ang iniaabot niyang meryenda. Kumunot ang noo ko. Bakit may
mantikilya ang inihaw na mais? Alam ni Warren na ayoko ng mantikilya sa inihaw.
"Matagal pa siya sa practice?" ani ko.
"Oo eh," sagot ni Anya.
Naupo si Anya sa katabing desk ko. Gaya ng dati, maganda siya. Mabango rin.
"Wala ka nang klase?" untag ko.
"Tapos na. Nanonood ako sa practice nina Warren. Bakit hindi ka nanonood?"
Ngumiti lang ako. Itinabi ko ang mais na nasa supot sa tagiliran ko.
"Ayaw mo no'ng corn?"
"Medyo busog pa," sabi ko lang.
"Ah."
Pumagitan ang katahimikan sa'min.
"Ano kasi... may itatanong ako," aniya.
"Ano 'yon?"
Tumingin nang diretso sa mga mata ko si Anya. Nakangiti na naman siya ng
alanganin. Sigurado akong tungkol kay Warren ang itatanong niya.
"Magbi-birthday na kasi si Warren."
Tumango ako. Sa isang linggo, birthday na ni Warren. At isang linggo pa uli,
Foundation week na.
"Ano kasi... in-invite niya kasi ako sa birthday celebration niya sa compound."
Namula ang pisngi ni Anya. "Ipapakilala niya raw ako kay Auntie Mona."
Lumunok ako. Parang pinupunit na naman ang puso ko. Ipapakilala na agad ni
Warren si Anya sa compound? Sila na ba?
"Ah. Gano'n pala..."
"Yes. At... uhm... nahihirapan kasi akong mag-isip ng ireregalo sa kanya. Saka
ng ibibigay kay Auntie niya. Ano kayang magugustuhan nila?" tanong nito. "Will you
tell me?"
Hindi ako makahinga nang maayos. Sa akin niya talaga itinatanong kung ano ang
gusto ni Warren? Bakit?
"Anything na related sa sports na nilalaro niya, magugustuhan no'n. Running
shoes din dahil adik 'yon tumakbo. Don't bother with clothes kasi mapili siya sa
damit. Pero kung gusto mo pa ring regaluhan siya ng maisusuot, go with black.
Paborito no'n ang black." Napangiti ako kahit na halos naluluha ako. "He likes
puzzles, mula pa no'ng bata kami. Kung puzzle ang ireregalo mo, pumili ka no'ng
mahirap buoin. Go with 500 or 1000 pieces. Never mind sa action figures. Hindi siya
mahilig mag-display ng mga gano'n sa kuwarto niya. Never mind din sa accessories.
Hindi siya mahilig sa accessories."
Tumatango at ngumingiti si Anya.
"Kung ipapakilala ka kay Auntie Mona, isa lang ang kailangan mong dalhin."
"Ano?"
"Tableya. Magugustuhan ka agad no'n."
"Wow. Thank you."
Matagal kong tiningnan si Anya sa pagkakangiti nito. Kapag ipinakilala ni
Warren si Anya sa compound, baka dumalas ko na itong makita hanggang do'n. I should
learn to accept this set-up. Hindi na 'ko dapat na nagta-tax pa sa feelings ni
Warren. Mas okay rin kung may distansiya sa pagitan naming dalawa para hindi ako
masaktan sa kanya at kay Anya. Ayokong laging sumakay sa rollercoaster ng
pakiramdam ko. Hindi ko alam kung kailan na naman ako tatalunin ng insecurities at
selos, tapos si Warren ang maiipit.
"And kami na nga pala ni Warren ang magka-partner sa Grand Ball. Sabi niya, may
partner ka na raw na iba, eh," anito. "Thanks for helping, ha?"
Hirap akong nagbuga ng hangin. Pilit akong ngumiti.
"You're welcome. Pero... huli na 'tong pagtatanong mo ng tungkol sa kanya, ha?
Ayoko na next time. Sorry," sabi ko.
"Ha? Bakit? May problema ba kayo?" anito.
"Marami na 'kong babaeng nakilala na gustong mapalapit kay Warren. Lahat sila,
'pag humihingi ng tulong sa'kin, tinatanggihan ko. Kasi mali 'yon. Kailangan na
sarili mong effort 'yong mapalapit sa kanya." Lumunok ako. "Kaya sorry. Last na
'to." Tumayo ako sa desk ko at isinukbit ang shoulder bag ko. "Pakisabi kay Warren,
umuwi na 'ko."
Tumango lang si Anya. Lumabas naman ako sa studio at dumiretso ng uwi.
Ayoko rin palang tulungan si Anya na makalapit kay Warren, kahit pa sabi sa mga
kuwento, nahuhulog sa tulay ang itinutulay. I don't want anything to do with them
anymore.
Okay na 'kong masaktan mag-isa, nang walang masyadong nakikita at naririnig na
nakakapagpabaliw.
Sana, kahit dumalas sa compound si Anya, maging okay ako. #507ma / 01122018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 13: My heart is for...

***
Ilang araw kong tiniis si Warren. Nag-e-exercise ako pero sa bakuran na lang
namin. Umiwas na muna akong tumakbo sa umaga. 'Pag papasok, sumasabay ako sa van ni
Kuya. Nataong umalis para sa provincial inspection sina Jepoy at Jacob, kaya hindi
naman sila nagtataka ni Yanyan.
Sa block namin, ilang ulit na nagtanong ang mga kaklase namin kung may problema
kami dahil bihira kaming mag-usap. Hinayaan ko na lang silang mag-speculate dahil
hindi ko naman responsibilidad na sumagot. Hindi rin naman nila matanong si Warren.
Tuwing tanghalian, iisang table pa rin kami kumain pero iniiwasan kong sumulyap
sa kanya. Masyado akong madaling mahulog at kiligin. Kaunting tingin niya,
nasasaktan ako, natutuwa, nahuhulog. Mahirap ang laging makisama sa halo-halong
pakiramdam.
At sa hapon kapag uuwi, sinasadya kong umalis ng classroom nang nakikita niya.
Para hindi niya isipin na hihintayin ko siya sa tennis practice niya.
Lumipas ang araw ng gano'n lang. Ako, na sinasabi sa sarili kong umiiwas ako
kay Warren para protektahan ang sarili ko sa sakit, kahit na ang totoo, masakit pa
rin naman. Makita ko siya o hindi, masakit. Tumingin siya sa'kin o hindi, masakit.
May Anya man siyang kasama o wala, masakit.
At nami-miss ko siya. Kahit baka mas okay ang mag-isa para hindi ko siya hanap-
hanapin, hinahanap-hanap ko pa rin naman. Kahit baka mas tama na hindi ako
dumidepende sa kanya, nakadepende pa rin naman ang emosyon ko sa kanya. Kahit baka
mas okay ang may distansiya sa pagitan namin, may kirot sa puso ko ang kumukontra
at iginigiit na hindi 'yon totoo.
Pakiramdam ko pa rin, mas masaya ang masaya kapag magkasama kami. Mas maganang
kumain, mas madaling mag-exercise, at mas mabilis ang projects nang magkasama kami.
Mas malungkot ang malungkot at mas masakit ang masakit, dahil wala siya sa tabi ko.
Naisip ko tuloy, gano'n pala ang love. Kapag hindi kayang ibalik sa'yo ng taong
mahal mo ang parehong pakiramdam, masasaktan ka. Love seeks to be answered back.
Love demands to be noticed. Love longs to be felt. Masyadong papansin ang pag-ibig
na kahit na anong ingat at iwas, masakit. Kaya siguro sabi ng iba, walang
nagmamahal na hindi nasasaktan. Kasi mula sa malalaki hanggang maliliit na bagay,
madali ang masaktan kapag nagmamahal.
Pagkatapos, habang hirap ako sa pag-iwas, darating pa ang birthday niya.
Biyernes pa lang ng hapon, pag-uwi ko galing school, naghahanda na sina Mama at
Papa para sa birthday celebration sa compound. Inabutan ko si Mama na nagma-
marinate ng laman ng baboy na iba-barbecue. Si Papa naman, naglilinis ng isaw ng
baboy sa lababo.
"Nakauwi ka na pala. Si Warren, nasa kanila na rin?" untag ni Mama nang magmano
ako.
"May tennis practice po siya," sagot ko.
"Nagmeryenda ka na?" Sumenyas si Papa sa nakataklob na bagay sa mesa. "May
cassava diyan. May kape rin sa maker."
"Magbibihis po muna ako," sabi ko at didiretso sana sa kuwarto pero, "Kayo, Pa?
Gusto n'yong kape?"
Ngumiti nang maluwang si Papa. Gano'n si Papa, eh. Madalas, 'pag nag-aalok
siya, gusto niya ring ikukuha siya.
"Puno ng sebo itong kamay ko, eh," sabi ni Papa sa'kin.
Si Mama naman, puno ng toyo at seasoning ang kamay.
"Sandali lang po." Ibinaba ko ang shoulder bag ko sa isang upuan at kumuha ng
dalawang mug. Nagsalin ako ng kape roon at naghalo ng asukal. Inilagay ko ang isang
mug malapit kay Mama, habang ang isa naman ay kay Papa. Hindi umiinom ng masyadong
mainit na inumin si Mama. Pero si Papa... "Hihigop ka, Pa?"

"Oo. Pakisuyo na nga."


Inalalayan ko si Papa na humigop ng kape sa mug niya.
"Cassava cake po, Pa?"
"Hindi na." Bumaling siya kay Mama. "Ikaw, Judy? Cassava?"
"Hindi na muna," sagot ni Mama. "Magbihis ka na, anak."
Ngumiti lang ako at naupo na muna ro'n. Kumuha ako ng mug ko ng kape at tumusok
sa cassava.
"Kumusta ang school n'yo? May darating kayong kaklase bukas?" tanong ni Mama
sa'kin.
'Ninyo' talaga ang tanungan ni Mama kahit ako lang ang tinatanong. "Hindi ko po
alam. Hindi naman nag-invite si Warren sa mga kaklase namin."
At hindi rin naman kayang magtanong ng mga kaklase ko, kahit alam nilang may
celebration ng birthday sa compound.
"Pupunta raw ang buong tennis team bukas, sabi ni Mona."
Napatingin ako kay Mama. Hindi lang tennis team, Ma. Pati 'yong babaeng gusto
niya, pupunta.
"Ah, opo," sabi ko na lang.
"Nakabili na ng regalo sina Yanyan at Ivan para kay Warren. Iyong sa'yo, okay
na?" si Mama pa rin.
Tinagalan ko ang pagnguya ng cassava sa bibig ko. Paano ko isasagot na wala
akong maisip bilhin na regalo para kay Warren?
Nang nagdaang taon, nagregalo ako ng jacket. Ginamit 'yon ni Warren nang
lumaban sila sa intercollegiate competition sa tennis. Kahit may varsity jacket ang
school at pinagalitan siya, 'yong jacket na bigay ko ang suot niya hanggang
awarding.
Pero ngayong taon, hindi ko alam kung ano pang puwede kong ibigay. Hindi naman
puwedeng puzzle, sports things, running shoes, o ano pa man na nasabi ko na kay
Anya. Ayokong maging magkatulad kami ng regalo dahil siguradong hindi na pipiliin
ni Warren 'yong ibibigay ko.
Wala akong laban kay Anya.
"Hindi ka pa nakabili? Nakaligtaan mo?" si Papa na nakalingon sa'kin.
Pagpasok pa lang ng buwan, naalala ko nang birthday ni Warren. Hindi ko
makakaligtaang bumili. Hindi ko lang talaga alam ang bibilhin na maa-appreciate
niya.
"Wala pa po akong maisip, eh," amin ko.
"Aba ay bukas na 'yon," si Mama.
Napabuntonghininga ako nang hindi sinasadya.
"Nag-away ba kayo ni Warren? Ilang araw na kayong hindi tumatakbo nang
magkasama," si Mama.
Umiling ako. "Hindi po. Busy lang po siya sa tennis practice niya tuwing gabi.
Kaya sabi ko, 'wag na muna kaming tumakbo sa umaga. Kaya ko namang mag-isang mag-
exercise."
"Oo nga. Ang laki na ng ipinayat mo, nak," si Mama. "Bumangon ka na lang nang
maaga bukas para makabili ka ng regalo kay Warren. Sa gabi pa naman ang kainan,
pagkatapos ng practice niya at mga ka-team niya."
May maisip kaya akong regalo hanggang bukas? Parang wala kasi.
"Naku, may sale pa naman ang mga mall bukas. Siguradong napakaraming tao," si
Mama.
"Mabuti sana kung marunong kang magluto o mag-bake, nak," salo ni Papa. "Parang
si Auntie Mona mo. Kada mayro'ng may birthday, iginagawa na lang niya ng cake na
regalo."
"Naku, magprito nga, hindi maalam 'yang anak mo," biro ni Mama.
"Oo nga eh. Sayang 'yong biniling pam-bake ni Yanyan no'ng summer pa. Hindi
naman nagagamit dito sa bahay. Maige pang ibigay na lang niya kay Mona 'yon," si
Papa.

Natatandaan ko rin ang baking tools na binili ni Yan. Kung


susubukan kong mag-bake, matututunan ko ba agad 'yon? Bago gumabi bukas? Hindi
naman siguro nagbe-bake si Anya, 'di ba?
Naubos ko ang cassava at nasaid ang kape. Nagpaalam ako kina Mama at Papa para
pumasok sa kuwarto. Pagkatapos, nagpa-load ako para sa mobile data. Nanood ako ng
mga youtube videos sa pagbe-bake hanggang madaling-araw.
***
Kinabukasan, mabigat ang katawan ko nang maagang bumangon at magpatuloy sa
research sa baking. Nag-notes ako ng terms at tools na hindi ko naiintindihan.
Kapos kasi talaga ang talent ko sa kusina. Ang alam ko sa pagbe-bake at cooking ay
'yong nakikita ko lang kay Auntie Mona at Yanyan. Mas marunong pa si Warren kaysa
sa'kin pagdating sa pagluluto. One time nga, may project na nagsolo kaming dalawa.
Ang ginawa na lang namin ay nag-shoot ng cooking show. Shinoot ko si Warren na
nagluluto sa kusina nila habang nakasuot ng chef uniform.
Pagbukas ng mga superstore, umalis ako ng bahay at namili ng ingredients na
kailangan ko para sa napili kong i-bake. Sinobrahan ko ang binili ko para magkamali
man ako, may magagamit pa rin ako. Pagdating ng alas-onse ng umaga, nanganganib na
ang kitchen namin sa'kin.
Sumaklolo si Mama nang mapaso ako. Sumaklolo si Yanyan para tulungan akong mag-
set ng tamang temperature ng oven. At sumaklolo si Kuya nang gumulong ang mga itlog
na inilabas ko sa ref, sa buong mesa.
Butterless sponge cake lang ang ibe-bake ko pero nakailang tawag ako kay Auntie
Mona para magtanong. Bagsak ang una kong gawa. Literal na bagsak kasi nang
tanggalin ko sa tin ang cake, gumuho. Ang ikalawa naman, matigas. Puwedeng
makasakit ng tao. Bandang hapon, gusto nang tumulong ni Yanyan pero binawalan ko
siyang humawak ng kahit na ano sa ingredients ko. Pinagbantay ko lang siya sa'kin
para sabihan ako kung may ginagawa akong mali (na marami kasi panay sita siya).
Parang madali lang naman kasi ang recipe. Parang lang pala. Ang dami palang
dapat i-consider. Gaya ng dapat, lahat ng ingredients, nasa room temperature bago
i-prep. Dapat, eksakto ang sukat ng ingredients at istrikto ang pagsunod sa recipe.
At hindi dapat gumamit ng itlog na direktang galing sa ref.
Ako ang gumawa ng lahat kahit na nagkapaso-paso ako. Puwede na siguro 'yon para
sa birthday ni Warren. Kahit na hindi ko ma-perfect 'yong gift ko, ang mahalaga,
hindi makatulad ng posibleng ibigay ni Anya.
Bago magdilim, nakagawa na 'ko nang dalawang maayos na sponge cakes. 'Yong
pinakapresentable, inilagay ko sa food container at dinekorasyonan ng strawberries
sa ibabaw. Pandaya lang para kunwari, masarap talaga. Saka ko iyon isinilid sa
maliit na birthday bag. Masakit pa rin ang ulo ko nang matapos kaya umidlip muna
ako habang may oras pa bago ang celebration ni Warren.
***
"Bakit ko kailangang mag-dress?" tanong ko kay Yan.
Nasa kuwarto ko siya. Inayusan niya 'ko nang kaunti para raw presentable ako sa
mga bisita. Tapos, pinapalitan niya sa'kin 'yong pants na suot ko. Mas bagay raw
sa'king mag-dress.
Nakasuot ako ng baby blue na button-down dress. May sleeves iyon at hanggang
tuhod. Naka-flat sandals ako. Nag-dress din si Yan para hindi raw ako mailang.
Brown na casual dress ang suot niya. Naka-flats din.
"Para nga presentable ka," sabi niya lang.
Hindi na 'ko umangal. Gusto ko rin namang mag-effort sa itsura ko dahil
birthday ni Warren. Kahit hindi ako magiging kasingganda ni Anya, at least, maganda
pa rin.
"Ano'ng regalo mo kay Warren?" tanong ko kay Yan nang palabas na kami ng
kuwarto.
"Puzzle lang 'yon. Pina-customize ko," sagot niya. May something sa ngiti niya,
eh. Kumukutitap din ang mata. "Ikaw? Bakit ka nag-bake kaysa bumili ng regalo?"

Nagkibit-balikat lang ako. Ilang ulit na niyang tinanong


'yon pero 'di ko masagot nang maayos.
"Effort, ha?" aniya.
"Gusto ko rin namang matutong mag-bake kasi," sabi ko. "Ikaw nga, magaling kang
magluto."
Hindi na kumibo si Yan. Paglabas namin sa bahay, nasa van na sina Mama at Papa.
Naikarga na rin sa sasakyan ang mga iba-barbecue.
Umalis kami agad pagkasakay. Kalong ko ang regalo ko kay Warren. Ang plano ko,
ibibigay ko agad 'yon sa kanya pagkakita ko. Casual lang. Parang pakikipagbati na
rin.
Pagdating namin sa compound, bukas na ang videoke pero wala pang kumakanta.
Sina Jepoy at Jacob, naghahain na ng mga tray ng pagkain sa mahabang mesa. At
nakaumpok na sa pahabang upuan ang mga teammates ni Warren sa tennis.
Hindi ko makita kung nasaan si Warren. Wala rin si Anya.
Mabilis na kumilos sina Mama at Papa para ilabas ang mga pagkain sa van.
Sumalubong si Auntie Mona.
"Nasa loob ng bahay si Warren. Nagbibihis pa yata," sabi sa'kin ni Auntie.
"Kararating-rating lang nila ng mga kasama niya, eh."
Tumango ako. Bakit ko kinalong ang gift ko? Dapat pala, isinabay ko na lang sa
mga regalo nina Mama na ilalagay sa sala ng bahay nila. Pero, baked goods 'yon.
Baka maipit o tumaob-taob kapag kasama ng ibang regalo.
"Pumasok ka na lang do'n," susog ni Auntie.
Iginala ko ang mata ko sa compound. Busy lahat. Wala naman sigurong mag-iisip
nang masama kung ibibigay ko muna kay Warren ang gift ko bago tumulong. Hindi naman
nila alam ang feelings ko o ang malisya ko.
"Abot ko lang po muna sa kanya 'tong regalo ko," sabi ko.
Ngumiti lang si Auntie. Tumuloy naman ako sa bahay.
Ang lalim ng paghinga ko paglampas ko pa lang sa pinto. Sumuot sa ilong ko ang
matamis na amoy ng kusina ni Auntie. Nang igala ko ang mata ko sa paligid,
napangiti ako sa nakikita ko, kahit na parehas naman 'yon sa naaalala kong itsura.
Na-miss ko ang bahay nila. Parang ang tagal na mula nang huli akong tumapak do'n.
Napatingin ako sa stack ng regalo sa kalapit na mesa. Uusisain ko sana ang mga
'yon at hahanapin ang regalo ni Anya kay Warren nang makarinig ako ng mga yabag sa
bandang hagdan. Kilala ko ang bigat at lumanay no'n—kay Warren. Pero may kasabay
ang yabag. Dinig ko rin ang boses nilang nag-uusap.
Nagtago ako sa bookshelf malapit sa pinto.
"Uminom ka muna ng malamig na tubig bago ka lumabas. Pagagalitan ka ni Coach
kapag ganyan ka," sabi ni Warren.
Hindi ko kailangang sumilip para malaman kung sino ang kausap niya.
"Sorry. Nahilo lang talaga 'ko bigla. Sa init siguro maghapon," sagot ni Anya.
"Saka sa dami ng activities natin."
Papahina nang kaunti ang boses nila. Papunta sa kusina. Puwede akong mabilis na
humakbang palabas ng bahay pero natuod ako ro'n. Umiikot ang isip ko sa kung bakit
nasa loob ng bahay si Anya, kung nakapasok ba ito sa kuwarto ni Warren kaya galing
sila sa may hagdan, at kung nakilala na ito nina Auntie Mona. Naiinis ako sa
posibilidad na oo ang sagot sa ilang tanong.
Paglapit uli ng boses nila, sigurado akong nasa may couch na sila.
"Okay na? Mas maayos na pakiramdam mo?" tanong ni Warren.
"Yes. Thank you."
Lumunok ako sa pakikinig.
"Ano, okay lang bang mauna ko nang ibigay ang regalo ko sa'yo? Delikado kasi
kung kasama ng ibang regalo. Baka masira," sabi ni Anya.
"Okay lang."
Nakarinig ako ng kaluskos ng wrapper na iniaabot.
"I hope you like it. Siguradong hindi 'yan magiging kasingsarap ng gawa ni
Auntie Mona but I tried my best making it."
Nakarinig ako ng nag-pop. Masama ang kutob ko sa regalo ni Anya. Sumilip ako sa
kanila at...
"Shortcake," sabi ni Warren at ngumiti kay Anya. "Thank you."
Nakagat ko ang labi ko nang makita ang shortcake sa food box ni Anya. Makulay
iyon. May strawberries na nakatanim sa frosting. Mukhang masarap.
Humigpit ang hawak ko sa regalo ko dapat. Ang malas ko talaga. Kahit sa regalo
kay Warren, hindi ako makalamang kay Anya. Anong laban ng sponge cake na first time
ko ginawa sa shortcake na may frosting?
Nang may pagkakataon ako, umalis ako sa tagiliran ng bookshelf at tuloy-tuloy
na lumabas ng bahay. Nag-tricycle ako pauwi.
Ang hapdi ng mata ko sa pagpipigil ng iyak. Hindi maalis sa isip ko 'yong
mukhang masarap na shortcake. Ang hirap talagang ma-in love. Kahit sa sobrang liit
na bagay gaya ng parehas na regalo, nakakasakit.
Itinapon ko sa daan ang sponge cake na gawa ko. #0238g/01152018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 13: My heart is for... (part 2)

***
Yanyan:
Nasan ka? Umuwi ka?
Nakasubsob pa rin ako sa kama ko nang mag-reply sa text ni Yan. Ang bigat na ng
ulo ko. Ang sakit din ng mga mata ko. Pero ang pinakamasakit, ang puso ko.
Amethyst De Vera:
Umuwi ako, Yan. Pakisabi na lang
sa kanila diyan na masama kasi
pakiramdam ko.
Yanyan:
Nabigay mo gift mo kay Warren?
Amethyst De Vera:
Hindi e.
Yanyan:
Nasan na? Ako na lang
magbibigay. Pinaghirapan mo yun.
Pinaghirapan ko nga, pero siguradong hindi maa-appreciate dahil mas maayos ang
gift ni Anya. Sana, bumili na lang ako ng puzzle o sports clothes. Nagkapaso-paso
lang ako sa paggawa ng cake. Lumolobo na 'yong isang paso ko sa kamay, malapit sa
hinlalaki.
Amethyst De Vera:
Hindi ko na ibibigay. Nakakahiya.
Hayaan mo na.
Yanyan:
Anong nakakahiya? Pinaghirapan mo
yan. Ibigay mo.
Pumikit ako nang mariin.
Amethyst De Vera:
Ayoko nga.
Matagal na nanahimik ang cellphone ko pagkatapos ng huli kong text. Ang bigat
ng buong katawan ko. Mainit din ako.
Kinapa ko ang leeg at noo ko. Nagdadahilan lang naman ako na masama ang
pakiramdam ko. Pero parang totoong may lagnat na 'ko.
Yanyan:
Sino tong Anya na nandito?
Bakit feeling close kina Max
at Auntie?
Napabuga ako ng hangin.
Amethyst De Vera:
Baka naman hindi feeling
close kundi close talaga.
Yanyan:
Yuck. Ang off kaya. Kakikilala
pa lang niya tapos sobrang feeler?
Napailing ako kay Yan. Mabigat agad ang dugo nito kay Anya. Maganda naman si
Anya. Parang mabait din.
Yanyan:
May gusto to kay Warren.
Halatang nagpapa-impress e.
Si Auntie, tumatabi sakin kaysa
kausapin siya.
Amethyst De Vera:
Baka akala mo lang yan. Mainit
agad dugo mo kay Anya.
Yanyan:
Plastikada to. Sa dami ng
nakilala kong plastik? I can spot
one a mile away ~
Amethyst De Vera:
Masama talaga pakiramdam ko,
Yan. Tulog na lang ako.
Yanyan:
Totoo talaga?
Amethyst De Vera:
Oo nga kasi.
Yanyan:
Hinahanap ka ni Auntie.
Amethyst De Vera:
I-sorry mo na lang ako sa
kanya.
Yanyan:
Hinahanap ka rin ni Warren.
Natigilan ako sa text niya. Bakit ako hahanapin ni Warren? May Anya siyang
kasama, do'n siya mag-focus.
Amethyst De Vera:
Pakisabi na lang sa kanya,
Happy Birthday.
Yanyan:
Ayoko nga. Ikaw magsabi.
Or mag-text.
Pasaway talaga 'to si Yanyan. Puwede naman niyang sabihin na lang kung
hinahanap na 'ko ni Warren sa kanya, uutusan pa 'kong magsabi o mag-text.
Yanyan:
Nasabi ko na kina Mama na
masama pakiramdam mo. Uuwi
raw si Mama dyan.
Amethyst De Vera:
Wag na. Tulong na lang siya
dyan kina Auntie. Iinom naman
ako ng gamot pagkakain ko.

Yanyan:
May fever ka ba?
Kinapa ko uli ang noo at leeg ko. Tumataas ang temperatura ko. Sumisingaw na
rin ang init sa mata at katawan ko.
Amethyst De Vera:
Oo.
Yanyan:
Uminom ka ng gamot
at matulog na.
Amethyst De Vera:
Oo. Wag mo nang papuntahin
dito sina Mama at Papa a.
Mas kailangan sila dyan.
Yanyan:
Okay. Rest well ~
Sumubsob uli ako sa kama ko. Ilang minuto, nang subukan kong bumangon, nahihilo
na rin ako. Kumain ako ng cup noodles sa kusina at 'yong kakaunting natirang ulam
ng tanghalian. Uminom ako ng gamot.
Pagbalik ko sa kuwarto ko, nangumot na 'ko at talagang matutulog na nang
tumunog uli ang cellphone ko.
Warren Topakin:
Nasan ka?
Matagal kong tinitigan ang text ni Warren. Hindi pa ba sinabi ni Yanyan sa
kanya na nasa bahay ako at may sakit?
Warren Topakin:
May sakit ka raw.
Nilalagnat ka?
Bumuntonghininga ako. Birthday niya. Hindi ko dapat pairalin ang selos ko.
Amethyst De Vera:
May lagnat ako e. Sorry.
Happy birthday na lang.
Warren Topakin:
Uminom ka na ng gamot?
Amethyst De Vera:
Oo.
Warren Topakin:
Nag-dinner ka na?
Amethyst De Vera:
Oo.
Warren Topakin:
Anong kinain mo?
Gusto kong ibato ang cellphone ko. Pinapa-report niya ba sa'kin ang kinain ko?
Por que maraming pagkain sa compound?
Amethyst De Vera:
May pagkain dito sa bahay.
Matutulog na ko, Warren.
Warren Topakin:
Ah, sige. Pahinga ka. :)
Amethyst De Vera:
Okay.
Naghintay pa 'ko kung may idadagdag siya sa text, gaya ng gusto niya 'kong
makita o ano, pero alam kong nag-iilusyon lang ako. Halos mapasabunot ako sa buhok
ko nang magtalukbong ako ng kumot.
May sakit na 'ko at lahat, mas lamang pa rin sa sistema ko ang mga pakiramdam
ko para kay Warren.
***
"Sinubukan kong mag-apologize sa'yo at itrato ka na gaya ng dati dahil akala
ko, magkaibigan tayo. 'Yon pala, nagagalit ka sa'kin, hindi dahil sa ginawa ko sa
date n'yo ng Jeron na 'yon kundi dahil may iba kang nararamdaman para sa'kin?"
Kunot ang noo ni Warren sa pagkakatingin sa'kin. May pag-aakusa.
"At nagagalit ka kay Anya dahil siya ang gusto ko? Hindi ko naman pinili 'yon,
Mi. Sana, kahit itrato mo lang siya o ako nang maayos. Hindi naman namin alam ang
nararamdaman mo."
"Sorry, Warren... Kasi ano..."
"Nagsinungaling ka pa sa'kin. Pinaramdam mo na ako ang masama samantalang ikaw
pala ang may ibang nararamdaman. Did you know how much I feel bad because of you?
Dahil akala ko, may nagawa akong mali sa'yo? Alam mo ba kung ga'no kahirap
manimbang? Ano bang kasalanan ko kung hindi ikaw ang gusto ko?"
He's almost pleading in his voice. Nasasaktan ko si Warren dahil lang may iba
akong nararamdaman para sa kanya. I was unfair.
"You made me the bad guy. I despise you."

Tumalikod si Warren sa'kin pagkatapos magtapon ng tingin.


Maigting ang panga niya. Makintab ang galit sa mga mata.
"Warren!"
Sinubukan kong humabol pero hindi ako makahakbang. May maiitim na baging na
gumagapang sa mga paa ko, paakyat sa katawan ko. Ilang ulit kong tinawag si Warren
pero ni hindi ito lumingon.
At nang tuluyan akong babalutan ng mga itim na baging...
Napamulat ako sa dilim ng kuwarto ko. Mainit ang pakiramdam ko. Pawisan din.
Naghahabol ako ng hininga kasabay ng masakit na ulo.
Parang totoo ang panaginip ko. Malinaw ang mukha ni Warren at ang galit niya.
Malinaw rin ang mga salita niya.
Naiiyak ako.
"Gising ka?" untag ng isang boses sa tagiliran ng higaan ko. "Nanaginip ka nang
masama?"
Mangha akong bumaling kay Warren na nakaupo malapit sa'kin. Itinatago ng anino
sa silid ang kabuuan ng mukha niya.
"Warren?" tawag ko.
"Buksan ko ang study lamp mo para may ilaw," sabi niya.
Nakarinig ako ng click. Bumuhos ang liwanag mula sa study lamp sa tagiliran ng
kama. Ikiniling niya ang ulo niyon palayo sa'kin, para hindi ako masilaw.
Si Warren nga.
"Bakit... nandito ka?" tanong ko.
Nakikita ko na ang ngiti niya. Maging ang maamo niyang tingin sa'kin.
"Tumakas ako sa compound," aniya.
Lumunok ako. Tuyong-tuyo ang lalamunan ko. "Bakit ka tumakas sa compound?"
Nagkibit-balikat siya. "Maingay masyado."
Ilang sandali na nakatingin lang kami sa isa't isa. Pati ba naman sa sarili
niyang birthday celebration, naiingayan siya?
"Ano'ng oras na?"
"Mag-a-alas-nueve pa lang," aniya.
Napakapa ako sa cooling gel patch sa noo ko.
"Bumalik ka na sa compound. Baka hinahanap ka na nila ro'n."
Pumalatak siya. "Ayoko. Mamaya na lang."
Matalas akong tumingin sa kanya.
"Nauuhaw ka?" tanong niya. Walang balak pansinin ang talas ng mata ko.
Tumango na lang ako dahil talagang tuyo ang lalamunan ko.
Kinuha niya ang tumbler ng tubig sa mesa sa tagiliran. Pagkatapos, inalalayan
niya 'kong umupo sa higaan ko para uminom.
"Ano'ng gamot ang ininom mo kanina? Paracetamol? Ibuprofen?"
"Paracetamol 'yon," sabi ko nang alalayan niya akong bumalik sa paghiga.
"Okay. Ano'ng kinain mo?"
"Cup noodles. Saka, pritong isda," sabi ko.
"May dala akong pagkain. May cookies din. At slice ng cake ko," aniya.
Matagal akong tumingin sa kanya. "Bakit ka ba talaga nandito?"
Bumuntonghininga si Warren. "Bakit, Mi? Bawal ba?"
Nag-iwas ako ng tingin.
"May sakit ka sa araw ng birthday ko. Nag-aalala ako," aniya. "Bawal ba?"
Umiling ako. Ano ba'ng problema ko? Tumakas si Warren sa compound para pumunta
rito, painumin ako ng tubig, lagyan ako ng cooling pad, at tanungin kung ano'ng
gamot ang ininom ko, pero parang sinisita ko pa siya.

Gaya sa panaginip ko, I'm making him the bad guy dahil lang
sa hindi kami parehas ng nararamdaman. Mali ako.
"Sorry..." mahinang sabi ko. "Happy birthday pala."
Nagbuga siya ng hangin. "Regalo ko?"
Hindi ko alam kung ano'ng isasagot. Hindi ko naman alam kung ano'ng nangyari sa
regalo pagkatapos kong itapon.
"Wala, eh," sabi ko. "Sorry uli."
"Do you hate me that much? Kaya wala akong regalo ngayong taon?" malumanay na
tanong niya.
Umiling uli ako. Mukha na bang gano'n? Na parang hate ko siya? Na parang ayaw
ko sa kanya? Kahit na ang totoo ay mahal ko siya?
Ayoko na ng ganito.
Tumingin ako sa kanya. "Hindi naman kita hate."
Lumamlam ang mata niya. Lumungkot. "Then why are we not okay?"
Kinagat ko ang labi ko sa sakit na nasa boses niya. At bago pa 'ko huminga nang
malalim para mapigil ang luha ko, pumatak na 'yon nang tuloy-tuloy.
Am I making him feel miserable just because I'm miserable? Am I hurting him
consciously just because I'm hurting? If that's the case, I'm unfair. Wala naman
siyang kasalanan sa'kin.
"Sorry, Warren," sabi ko na sumisigok. "Sorry..."
"Okay. 'Wag kang umiyak," maamong sabi niya at pinahid ng palad niya ang mga
luha ko.
"Ang lala lang ng sumpong ko nitong nakaraan. Wala ka naman talagang
kasalanan," sabi ko pa. "I'm sorry. Bati na tayo."
Ngumiti na siya. "Okay. 'Wag ka nang umiyak."
Pero lalo lang akong naiiyak dahil masyado siyang maamo at malumanay. Wala man
siyang nararamdaman para sa'kin, inaalagaan pa rin naman niya 'ko. He cares for me
more than anyone. He always looks after me. Ano pa ba ang laging ipinagdadabog ko?
" 'Wag na tayong mag-away, ha? Sorry na talaga, ha?" ani ko sa kanya. Kinuha ko
ang kamay niya at pinisil. "Sorry na talaga. Ang sama ko."
"Hindi na tayo mag-aaway. Okay na. 'Wag ka nang mag-sorry."
"I don't hate you." Umiling ako para kumbinsihin siya. "Hindi talaga. Sorry."
"Okay, Mi."
"Na-miss kita." Nakagat ko ang labi ko sa biglang paglabas ng mga salita.
Traydor na bibig. Nagko-confess.
"Na-miss din kita. Ikaw kasi, eh. Iniiwasan mo 'ko."
"Hindi na kita iiwasan. Promise."
"Okay." Pinisil niya rin ang kamay ko. "Tatakbo na uli tayo nang magkasama?"
Tumango ako. "Oo."
"Kakain tayo nang magkasabay, nang nag-uusap."
"Oo."
"Sabay tayong uuwi sa hapon."
"Oo. Hihintayin na kita uli."
"Okay." Nagbuga siya ng hangin. "Okay. 'Wag ka nang umiyak, please."
Pero hindi ko mapatigil ang luha ko. I know it will be okay. Kahit na masakit
ma-in love at mahulog sa kanya, kailangan kong samantalahin 'yong panahon na may
oras pa siya at atensyon para sa'kin. Kailangan kong samantalahin na special pa 'ko
sa kanya bilang kaibigan. Kasi 'pag hindi, 'pag ngayon pa lang ay itinapon ko na
ang tsansa kong makasama siya dahil sa selos, baka pagsisihan ko.
Ayoko. Gusto ko pang mag-ipon ng memories na magkasama kami ni Warren. Na
inaalagaan niya ako gaya ngayon. Na nakangiti siya sa'kin gaya ngayon. Para kahit
na isang araw, malaman niya ang feelings ko, makikita niyang nag-consider akong
mabuti para hindi kami masira. Na sinubukan kong mag-stay sa tabi niya kahit na
masakit. Na kahit na hindi ako magiging babae para sa kanya, magiging kaibigan pa
rin ako.

I should do this much. Dahil mahal ko siya.


"Wala ka talagang regalo sa'kin?" untag niya uli nang humupa ako sa pag-iyak.
May hawak na 'kong kamiseta ko para sa sipon.
"Eh... meron..." maliit ang boses na sabi ko.
"Nasa'n?"
"Eh... nasira."
"Ano'ng nasira?"
Huminga ako nang malalim. "Nag-bake kasi ako... ng ano... sponge cake. Para
sa'yo. Kaso... nasira eh."
Ang kulit ng ngiti niya sa sinabi ko.
"Ba't ganyan ngiti mo?" untag ko.
"Nag-bake ka?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"Oo." Umirap ako. "Napaso pa nga ako nang ilang ulit."
"Ikaw mismo?" ulit niya.
"Oo nga. Ako gumawa lahat," sabi ko at suminghot.
Kinuha niya ang isang kamay ko at ininspeksyon. Nakita niya ang paso ko sa
kanang kamay. Nagtutubig na 'yon.
"Napaso ka pa dahil lang do'n," sabi niya. Magaan niyang kinapa ang paso ko. "
'Wag mong papuputukin 'to. Natutuyo naman 'to mag-isa."
Tumango ako. Lumunok dahil parang wala siyang balak na bitawan ang kamay ko.
"Tapos, wala man lang natira ro'n sa nasirang cake?" aniya.
"Gusto mo ba talagang makita?" tanong ko.
"Siyempre. Unang bake mo 'yon."
Bumangon ako. Umalalay naman siya.
"Tara sa kusina," yaya ko.
" 'Wag na kaya. Ituro mo na lang kung nasa'n, ako na'ng kukuha."
Inirapan ko siya. "Nagugutom din ako, eh. Sabi mo, may dala kang pagkain. May
barbecue?"
Mahina siyang tumawa. "Meron."
Inalalayan niya 'kong bumangon. Kinuhaan pa niya 'ko ng jacket sa cabinet ko at
isinuot sa'kin. Nag-iwas naman ako ng tingin nang humagod ang mata niya sa dress na
suot ko. Dapat pala, nagpalit ako ng pantulog bago nangumot kanina. Baka halatadong
pam-birthday niya ang damit na suot ko.
Pagdating namin sa kusina, kinuha ko sa ref ang nakatabing sponge cake. Siya
naman, nagplato ng afritada, pansit malabon, sinukmani, at barbecue.
Pag-upo namin sa mesa, iniabot ko sa kanya ang sponge cake. Inabutan naman niya
'ko ng plato, kutsara, at tinidor.
"Kain na," aniya.
"Ikaw rin," sabi ko.
Binuksan niya ang food container at tinikman ang sponge cake na gawa ko.
Nakabantay naman ako sa reaksyon niya. Subukan niya lang ngumiwi o dumura... 'di ko
alam ang gagawin ko.
Tumango siya. "Medyo dry. Pero masarap." Nagbaling siya ng tingin sa'kin. "Good
job on your first try."
"Totoo?"
"Totoo."
Kumuwit din ako sa sponge cake gamit ang tinidor ko. Ang totoo, 'di ko 'yon
malasahan nang maayos kanina. Dahil siguro sa lagnat na paparating pala. Ang lasa
ko, matabang.
" 'Di ko malasahan, eh," ani ko.
"May lagnat ka pa kasi."
"Kaya siguro 'di ko rin masyadong malasahan kanina."
"Siguro."
Pinanood ko siyang kumain ng sponge cake. Parang totoo ngang masarap naman.
'Yong shortcake kaya ni Anya... Umiling ako. Never mind. Hindi ko dapat na isipin
kung pa'no niya kinain 'yon.
"Ba't ka umiiling?" untag ni Warren.
"Wala."
"Baka mahilo ka. Dahan-dahan sa pagkilos."
"Yes, Coach," sabi ko at ngumiti. Na-miss kong ngitian siya.
"Na-miss ko 'yong ngiti mo."
Muntik sumabit sa lalamunan ko ang kanin at barbecue na bigla kong nalunok.
Ano'ng sasabihin ko?
"Uh... 'yong unang cake na nagawa ko, gumuho. Gusto mong makita?" tanong ko.
"Sige."
Inilabas ko sa ref ang hindi maintindihang itsura ng una kong bake. Tinikman
din 'yon ni Warren. Tumango-tango siya.
"Maayos din ang lasa?" tanong ko.
"Oo. Pero masyadong moist. At maraming itlog."
Inilabas ko rin sa ref ang cake na deadly weapon. "Ito naman, masyadong
matigas."
Sinubukan ni Warren na tusukin ng tinidor 'yon pero... "Matigas nga," sabi
niya. Nang makakuwit siya at sumubo, umiling siya. "Makakasakit 'to."
"Oo, 'di ba? Parang deadly weapon, 'di ba?" ani ko sa kanya.
Mahina siyang tumawa. "Oo. Ibigay mo 'to sa'kin 'pag galit ka sa'kin."
Ngumuso ako nang bumalik sa upuan ko. "Kung galit ako sa'yo, bakit kita
bibigyan ng kahit na ano?"
"Ah, oo nga."
"Kumain na tayo uli. Tapos, bumalik ka na sa compound," sabi ko. "Hahanapin ka
nila."
"Sige. 'Pag nakatulog ka na uli, babalik ako."
Ngumuso lang uli ako. Hindi pala 'ko dapat kumain nang marami para makatulog
ako agad at makabalik siya sa compound.
"Okay."
Nanood kami sandali ng tv pagkatapos kumain at magligpit. Nang antukin na 'ko
uli, sinamahan niya 'ko sa kuwarto ko. At hindi ko na namalayan ang pag-alis niya,
pagkatapos kong makatulog. #441ma / 01152018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 14: Deep Waters

***
"Go, Warren!"
"Go, Tejeron!"
"Go, Flares!"
Nag-e-echo ang sabay-sabay at magkakahalong boses ng mga manonood sa MOA arena
habang naglalaro si Warren. Fourth day ng Foundation week namin. Last day ng
Intercollegiate competition ng tennis. At mag-iisang linggo na uli kaming
magkadikit ni Warren mula sa madaling-araw na pagtakbo hanggang sa pag-uwi ng gabi
galing sa school.
Si Auntie Mona ang unang tuwang-tuwa nang sumasabay na uli ako ng almusal sa
kanila. Na-miss niya raw ako. Kahit sina Max at Jacob, masaya. At si Koko,
dumadamba na sa'kin na hindi naman dating ginagawa kapag nasa bahay nila 'ko.
Kahit may mga pagkakataon na complicated pa rin ang nararamdaman ko (lalo na
kapag nasa eksena si Anya), mas maluwag huminga dahil hindi ko sapilitang inaalis
si Warren sa buhay ko. Gigiit pa rin naman 'yong feelings. If I can't refuse it, I
have to learn to breathe with it. Saka, ayoko ring um-absent sa pagche-cheer sa
kanya sa mga panahong ganito. Ako ang number one na cheerleader niya kapag may
laban siya. Kahit pa marami ang may pa-tarpaulin at pa-poster na Junior at Seniors
para sa kanya.
Second set na ng laro ni Warren, kalaban ang kalbong si Nolan (pero semi-kalbo
lang talaga). Panalo si Warren sa unang set sa score na 7-5. Siya ang nag-serve.
Pero dito sa ikalawang set, kabado kami. Ang haba na ng palitan nila. Ayaw patalo
ng kalaban.
Naalala ko last year, si Nolan din ang katapat ni Warren para sa Junior
Division. Easy win kami. Ngayong taon, mukhang pinaghandaang mabuti ni Nolan si
Warren kaya parang may forever ang rally.
Nakapuwesto kaming magkakaklase sa East benches ng arena, malapit sa court.
Maganda ang visual namin sa game. Pero nakasunod lang ang mata ko sa pagtalbog ng
bola sa pagitan ng magkalaban.
Gusto kong matapos na ang game nila dahil pawisan na sa pagod si Warren. Puyat
din siya ng nagdaang gabi sa pagtapos namin ng video edit sa part-time namin. Sabi
ko naman kasi sa kanya, ako na lang ang gagawa dahil may game siya kinabukasan,
pero hindi siya nagpapigil na tumulong. Mas nakatulog pa 'ko. Medyo nakokonsensiya
tuloy ako kahit na, ano, nakakakilig.
Sumayad sa net ang serve ni Warren. Huminga siya nang malalim nang ibigay ng
ref ang score sa kalaban. Halos deuce na naman sila. Hahaba na naman ang game.
Nang mag-serve siya uli, nakatingin lang ako sa mukha niya. Seryoso at kalmado
pa rin siya, na ibig sabihin, kontrolado niya pa ang laro. Mabilis kong makilala sa
ekspresyon ni Warren sa game kapag alam niyang nasa disadvantage na siya.
Pero naka-score uli ang kalaban. Tie na naman sila.
Nag-boo ang crowd sa parte namin. Nag-yey naman ang sa West benches. Nag-ingay
ang cheers at nagsigawan ng apelyido sa arena. Pero ako, nakatingin lang kay
Warren.
Pagod na siguro talaga siya. Makintab na ang pawis sa mukha niya. Basa na rin
ang dibdib at likod niya. Gusto ko siyang hubaran at palitan ng damit, pero wala pa
silang break. Kung mananalo si Nolan sa second set, tie sila sa score na 1-1 at
magkakaro'n ng third set. Saka pa lang siguro sila ia-allow ng mahaba-habang break.
Sa dalawang set, ilang ulit akong pumikit sa tuwing lalapit si Anya kay Warren
para mag-abot ng tuwalya o ng tubig. Temporary manager nila ito. In-charge sa
refreshments at towels. Okay lang naman. Hindi ako masyadong nagseselos kasi
magaling kong tumalikod at pumikit ngayong araw.
Nag-hurray ang crowd sa West benches. Pagkatapos, in-announce ng ref ang score:
5-7. Panalo si Nolan.
Napatingin ako kay Warren na panay ang buga ng hangin. Saglit lang kumunot ang
noo niya bago umiling.

Kawawa naman ang Warren ko. Ay.


Tumunog ang cellphone ko.
Yanyan:
What time kayo uwi?
Amethyst De Vera:
Nasa match pa si Warren.
Tapos, may victory celeb
pa mamaya, after match.
Yanyan:
Bakit may victory party
na agad? Kala ko, nasa match
pa?
Amethyst De Vera:
Mananalo naman siya e.
Yanyan:
Hahaha! My God, Mi!
Amethyst De Vera:
Totoo ~
Sumulyap uli ako kay Warren. May hawak na siyang bote ng tubig. Umiinom.
Natumbok agad ng mata ko si Anya na nakatayo malapit sa kanya. Buti na lang, hindi
ko nakita nang mag-abutan sila ng tubig.
Pagkatapos uminom ay gumala ang mata niya sa East benches. Kumaway ako.
Iwinagayway ko rin ang malaking cut-out ng high five na hawak ko para sa kanya.
Nilakihan ko ang ngiti ko.
Pagod na siya sa set. I should give him my best smile.
Sumingkit nang kaunti ang mata niya sa pagngiti pabalik. Pinahid niya ng hawak
niyang tuwalyita ang pawis sa mukha at leeg niya.
Tapos, sumenyas siya para lumapit ako. Tumango ako habang nanggilid siya sa
benches ng mga players sa court. Break na nila.
Pagdating ko sa puwesto nila, nakaabang na agad siya sa'kin. Nakapagpalit na
siya ng kamiseta niya.
"Pagod?" tanong ko agad.
"Medyo lang. Ang haba ng sets."
Napatango ako. 'Yon nga ang ipinag-aalala ko. "Kayang-kaya mo naman 'yan siya."
"Talo nga 'yong second set," aniya.
"May third set naman. Talunin mo agad, Coach-nim!"
Mahina siyang tumawa. " 'Yon ang plano. But we'll see."
Nagpunas uli siya ng pawis. Nangingintab ang balat niya sa bawat may bakas
niyon—sa leeg, sa sulok ng panga, sa may tainga, sa collarbone, sa dibdib...
Ibinalik ko ang mata ko sa mukha niya. Masama ang mata ko. Delikado gumala.
Tumunog uli ang cellphone ko.
"Sino'ng nagte-text?" kaswal na tanong ni Warren.
"Si Yanyan. Nagtatanong kung ano'ng oras tayo uuwi," sabi ko. "Eh, baka nagwo-
worry lang 'yon kasi dadaanan ko pa 'yong gown na susuotin ko sa rental shop.
Tapos, ipapa-dry clean ko pa 'yon bukas ng umaga."
"Ah."
Naghintay ako sa iba pa niyang sasabihin pero wala na. Pagod siguro talaga
siya.
"Uminom ka pa ng tubig," sabi ko.
"Okay na 'ko. Na-energize na 'ko."
Hala. Wala naman kaya siyang ginawa kundi magpalit ng shirt, uminom ng tubig,
at magpunas ng pawis. Na-energize ba siya dahil lang sa malapit sa kanya si Anya?
Hindi man lang 'yon lumalayo sa court eh. Laging nakabantay.
" 'Yong susuotin mo bukas para sa Grand Ball, meron na? O si Auntie Mona ang
nag-asikaso para sa'yo?" usisa ko.
Kaysa sumagot, pakurot niyang inangat mula sa katawan niya ang bandang dibdib
ng kamiseta niya na para bang iniinitan pa rin siya. Nagbubuga siya ng hangin.
Napabaling siya ng tingin sa court. Nakitingin ako. Wala namang ganap.
"After ng match, sama lang tayo sandali sa kainan nina Coach tapos daanan natin
'yong gown mo sa rental shop. Sa palengke lang ba 'yon? O sa mall ka nagrenta?"
aniya.

"Sa palengke lang 'yon. Malapit sa tindahan."


"Nasukat mo na 'yong damit mo?"
Tumango ako. Dalawang beses ko nang nasukat at napa-adjust 'yon. Ang bilis daw
kasing magbago ng sukat ko, sabi ng sastre. "Na-adjust na rin 'yon para sa'kin.
Ipi-pick-up na lang talaga."
"Sige. Daanan na lang natin mamaya pag-uwi."
"Okay."
"Third set na," aniya at nag-stretch ng braso. Ang tikas niya, eh.
Tumikhim ako. "Galingan mo. Talunin mo agad si Nolan para marami tayong time
pauwi."
Mahina siyang tumawa at sandaling humawak sa ulo ko. Nasanggi niya pa ang pony
tail ko. "Yes, I will."
Nag-high five kami bago ako kumakaway na bumalik ng benches namin.
Sa third set, 2-6 ang final score, pabor kay Warren. Mukhang na-energize nga
siya masyado o napagod na si Nolan sa haba ng rally nila, dahil ang bilis natapos
ng set.
Nag-text agad ako kay Yanyan pagkatapos ng match.
Amethyst De Vera:
2-1 ang score. Panalo
na si Warren. Sabi sayo e. :3
Yanyan:
Haha. You're so :D
Amethyst De Vera:
Ano?
Yanyan:
Wala. :D
Amethyst De Vera:
Ano nga?
Yanyan:
Wala. Umuwi na kayo
at daanan ang damit sa
rental.
Amethyst De Vera:
Yep ~
Gaya ng usapan, sumama kami sandali sa team nila para kumain sa labas bilang
celebration. Sa isang linggo pa ang awarding ng buong Intercollegiate competition,
pagkatapos ng laban sa basketball. Player naman do'n si Jeron. Igo-good luck ko rin
siguro si Jeron sa susunod na linggo kung hindi nito lalagyan ng malisya.
Pagkatapos naming kumain at makipagkuwentuhan sandali, nagpaalam kami ni Warren
na mauuna para dumaan sa rental shop. Pero lumampas kami sa palengke dahil
nakatulog siya sa jeep habang nakasandal sa'kin.
Hinayaan ko na lang.
***
Kinabukasan, maaga akong nagpa-dry clean ng damit. Pagkatanghalian naman,
dalawa kami ni Yanyan na nagpunta sa mall para magpa-manicure at pedicure. Um-
absent siya sa OJT niya para lang samahan ako buong araw, kahit na tumutol ako.
Nanood na rin kami ng sine at kumain ng bibimbap. Bago mag-alas-kuwatro, nasa salon
na kami para magpaayos. Kinulayan ng stylist ang buhok ko—brown—sa suggestion ni
Yanyan. Hindi pinutulan kahit abot na sa kalahati ng braso ko ang haba. Iniayos sa
messy bun. Pagkatapos, minake-up-an ako.
Nang i-pick-up uli namin ang damit sa dry cleaner, kabado na 'ko sa mga
nakatingin sa'kin. Pakiramdam ko, ang agaw-atensyon ko. Nakakahiya. Pero si
Yanyan...
"Maganda ka kasi kaya ka tinitingnan. Ang payat mo na. Tapos lalong lumaki
'yong boobs at butt mo," natatawa niyang sabi sa'kin. Ang lakas ng boses niya sa
loob ng taxi na sinakyan namin pauwi.
Nahihiya tuloy akong mapasulyap sa driver. Baka mag-react kay Yan.
Sa huling timbang namin ni Warren, nasa 9 kilos pa ang kailangan kong i-lose
do'n sa original goal namin. Pero sabi nito, kahit daw 5-6 kilos na lang ang ibawas
ko. Hindi na raw kailangang ibawas ang iba. Tinanong ko kung bakit, hindi naman
sumagot nang naiintindihan ko.
Pagbaba namin ng taxi, tinusok pa ni Yan ang puwet ko. Tumatalbog daw.
Nakakainis.
Bandang alas-sais, ready na 'ko para sa Grand Ball. Nakabihis na 'ko ng gown na
nirentahan namin. Black-laced dress 'yon na may black slip sa loob. Long-sleeved.
Crew neck. Eksakto ang belt line. Totoong lumaki ang puwetan at dibdib ko kaya 'yon
ang damit na pinili ko. Hindi masisilipan ang dibdib ko. Hindi rin agaw-pansin ang
puwetan ko. Hindi naman sa sisilipan ako ni Jeron pero maiilang ako kapag may
nakikitang dibdib o anuman sa'kin.

Suot ko rin ang sapatos na bigay ni Warren.


"Nice shoes," sabi ni Yan sa'kin. Ang kulit ng ngiti niya.
Inirapan ko siya. Lagi siyang may ibang ngiti 'pag tungkol kay Warren. Parang
nang-iinis siya eh. Asarin ko rin kaya siya kay Jepoy kahit si King ang idini-date
niya?
"Okay lang ba 'to? Hindi ba parang ang OA pala ng damit ko?" tanong ko sa
kanya.
"Okay 'yan. Ang ganda kaya," aniya. "Maraming magsasayaw sa'yo niyan. Tapos,
may magagalit."
"Hindi naman magagalitin si Jeron."
Pero lumapad lang ang ngiti ni Yanyan.
Saka kahit naman anong ganda ng damit ko, siguradong mas maganda pa rin ngayong
gabi si Anya. Kasi, natural na siyang maganda, payat, at mukhang Koreana. Bangs pa
lang niya, mahirap nang kalaban. Tapos, katabi niya pa si Warren mamaya. Sobrang
eye-catching nilang dalawa.
Dapat, mas magaling akong pumikit at tumungo ngayong gabi.
"Susunduin ka ba ng date mo?" tanong ni Yan sa'kin.
Sumulyap ako sa oras sa wall ng kuwarto ko. Dapat na 'kong umalis. Magta-taxi
na lang ako.
"Sabi ko, 'wag na niya 'kong sunduin, eh," ani ko.
"Bakit? Nakalibre ka sana ng pamasahe kung may kotse 'yon."
"Eh... ayoko eh. Abuso. Okay na 'yon na do'n kami sa ball magkita."
Umupa ng isang event place ang school namin para sa Grand Ball ng juniors at
seniors—ang Jardin Harmonica. Malapit lang naman sa school namin kaya hindi hassle.
Garden iyon na may mga event halls. Magkakasama ang institute ng Business,
Communication, at Liberal Arts.
"Mag-picture ka nang marami, ha? Gusto kong makita 'yong decoration ng garden
sa event n'yo."
"Sige. Dalhin ko na rin pala power bank ko," ani ko.
"Ano'ng bag mo?"
"Uh..." 'Yon ang 'di ko naisip. Wala pa pala akong bag.
"Dalhin mo 'yong clutch bag ko," una niya. "Nag-iisa 'yon na maganda para sa
ball dresses kaya ingatan mo, ha?"
Alam ko na ang tinutukoy niya. 'Yong regular envelope-sized niya 'yon na silver
bag. Sakto 'yon sa sapatos ko.
"Kunin ko lang."
Sandaling nawala si Yan sa kuwarto ko. Pagbalik niya, ipinresenta sa'kin ang
bag.
"Put your things."
Inilagay ko ang ilang essentials doon—cellphone, power bank, wallet, ID,
lipgloss.
Nagdagdag si Yan ng pressed powder, oil control film, at lipstick. "Mag-retouch
ka kapag napagod ka kasasayaw."
As if naman, sasayaw ako nang sasayaw buong gabi. Hindi ko naman kailangang
mag-retouch. Walang masisirang make-up o lipstick.
" 'Wag na," tutol ko.
"Dalhin mo na. 'Wag ka nang magreklamo."
Hinayaan ko na siya. Mahirap ka-argument si Yan. Mas mabuting sumunod na lang.
"Itawag na kita ng taxi?" tanong niya.
"Sige."
Bigla naman akong kinabahan sa suot ko. Pakiramdam ko, overkill talaga 'yon.
Nagpa-salon pa 'ko. Sana, si Yan na lang ang nag-make-up sa'kin. At ano'ng
sasabihin ni Warren kapag nakitang isinuot ko ang sapatos na bigay niya?
Ilang minuto lang, dumating ang taxi na tinawag ni Yan para sa'kin. Dumating
din sina Mama, Papa, at Kuya galing talyer. Pinasadahan ako ng tingin at thumbs up.
Tapos, nagbilin si Kuya na 'wag akong masyadong sumayaw. Eh, hindi naman talaga.

Malakas pa rin ang kaba sa dibdib ko habang nasa loob ng


taxi. Medyo nagagandahan ako sa sarili ko. Sana, makapagsayaw kami ni Warren kahit
isa lang. Tapos, magpapa-picture kami. Kahit isa lang uli.
Magkakabuntot ang mga sasakyang pumapasok sa Jardin Harmonica. Ang gaganda rin
ng mga babaeng bumababa sa bawat sasakyan. Palobohan at pabigatan ng gown ang
labanan. Parang okay naman pala ang suot ko at ang make-up ko, kung ang
pagbabasehan ay ang ayos ng iba pa.
May limang event hall doon. Ang unang apat ay paikot sa napakalaking hardin ng
mga bulaklak at paru-paro. Ang pinakamalaki, kung saan ako tutuloy, ay nasa gitna.
Halos mahilo ako sa kaba at sa amoy ng mga bulaklak. Naglakad ako papunta sa
gitna ng hardin, tinitiis ang mga matang tumitingin. Itinuon ko na lang ang isip ko
kay Warren. Gusto ko siyang makita agad. Gusto kong makita ang ayos niya.
Pero nakarating na 'ko sa event hall na para sa mga Seniors, nakaikot sa ilang
tables, at nabati ng mga kaklase namin, hindi ko mahanap si Warren. Kahit si Anya
na naka-silver na princess dress, nakangitian ko na. Bagay sa kanya ang suot niya.
May tiara pa siya sa ulo. Kaso, napansin ko, kulang din pala siya sa dibdib.
Napaliyad tuloy ako, kahit ang bad.
Itatanong ko rin sana sa kanya si Warren dahil sila ang mag-partner pero nag-
hold back ako. Ako dapat ang unang may alam, hindi siya.
Nang mapagod ako, umupo ako sa table kung nasaan sina Libby at nag-check ng
phone ko. Do'n ko nakitang may missed calls ako at ilang messages. Akala ko si
Warren pero si Jeron pala.
Jeron Ybarraz (Block A):
Hello, Amethyst. This might
stress you out or anger you,
but I have an emergency.
Family matters.
Jeron Ybarraz (Block A):
Hindi ako makakapunta sa
sa Grand Ball mamaya.
Jeron Ybarraz (Block A):
Amethyst? Nasa inyo ka pa
ba?
Jeron Ybarraz (Block A):
I don't know how to find
a replacement partner for
you. I already called several
friends.
Jeron Ybarraz (Block A):
I don't know what else to
do for you.
Jeron Ybarraz (Block A):
You're not answering my
call. I'm so sorry for this.
Jeron Ybarraz (Block A):
Text back as soon as you
read this.
Jeron Ybarraz (Block A):
I'm really sorry.
Nanlaki ang mga mata ko sa text ni Jeron. Pinanlamigan din ako ng katawan. Nag-
ayos ako nang ganito para sa Ball kung saan ka-partner ni Anya si Warren, pero
hindi darating si Jeron? Wala akong partner?
Napalunok ako. Pa'no ako? Walang magsasayaw sa'kin. Lalangawin ako rito sa
party.
"Amy? Are you okay?" tanong ni Libby sa'kin. "May problema ba?"
Umiling ako.
Malaki ang problema. Ayokong makagulo kay Warren at kay Anya. Ayokong maging
kawawang third party ngayong gabi.
Luminga ako sa paligid ko. May lalaki kayang walang date ngayong gabi ang
puwede kong mayayang partner? Umiling ako. Imposible 'yon. Bawat Grand Ball, may
partner ang lahat. Hindi ko lang pinroblema sa loob ng tatlong taon dahil may
Warren ako.
Pero wala akong Warren ngayon.
Ilang table mula sa amin, nakaupo si Anya kasama ang ilang Broad Comm Seniors.
Wala pa rin doon si Warren.
At habang nag-iisip pa 'ko ng gagawin, bumukas nang todo ang mga ilaw sa gitna
ng hall namin at nagsimulang magsalita ang mga professors. May dinner muna kami
bago ang maikling program at ang sayawan.
Aalis na lang siguro ako pagkatapos ng dinner. Wala namang makakapansin sa'kin.
They will be too engrossed with the happenings or the beautiful people.
Mabilis akong nag-type ng reply kay Jeron.
Amethyst De Vera:
Sorry kung late reply. Nasa
ball na ko. But don't worry,
aalis din ako after dinner dahil
hindi ako komportable.
Amethyst De Vera:
I hope everything's okay on
your end. Wag kang mag-worry
sakin. Keep safe. :)
Hindi na naka-reply pa si Jeron. Nakakapag-alala pero ayoko namang mag-text uli
dahil baka importante ang ginagawa niya. Ayokong makadagdag pa 'ko sa iisipin niya.
Nag-dinner kami. Nag-stay pa 'ko sa maiksing program. Umiwas akong tumingin
nang madalas sa table nina Anya, kahit na sa iilang sulyap ay hindi ko makita si
Warren. Nang bumaba ang ilaw at opisyal na in-announce ang socialization part ng
Ball, tumayo na 'ko para umalis.
Pero may pumigil sa pulsuhan ko bago ako makalabas sa pinto ng hall. Pumihit
ako sa humihingal na si Warren. Black ang buong suit niya. At ang weird ng ayos ng
kurbata niya.
"Sa'n ka pupunta?" tanong niyang napapalunok, nakikipaghabulan sa hininga niya.
Hinagod ko siya ng tingin. "Uh..." Bakit ngayon lang kita nakita? "Bakit ka
hinihingal? Sa'n ka galing?"
Ngumiti siya. "Tatakas ka ba? Balik tayo sa ball. Let's dance this year, too."
Hindi ako alam kung pa'no tumanggi sa alok na gano'n. Parang maling tumanggi.
Parang kasalanan.
"Okay?" untag niya pa.
Nanghihina ako sa hawak niya pa lang sa pulsuhan ko. Nag-brush up lang siya ng
buhok at nag-all black na suit, hindi na 'ko makapanlaban. Wala pa siyang ibang
ginagawa n'on.
"Okay," mahina ang boses na sabi ko.
Hawak niya 'ko sa kamay papunta sa dancefloor. Sa unang salang ng tugtog,
nagsasayaw na kami.
Sa ganda ng ngiti niyang miminsang naliliwanagan ng nagsasayaw na ilaw,
nakalimutan ko na wala akong partner at na may Anya na nanonood sa'ming sumayaw.
#0158ma / 01162018
_____
TCWDM: Damit nina Warren at Mi sa grand ball. Wag nyo na pansinin yung mga models.
Hahahaha.

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 14: Deep waters (part 2)

***
"Komportable ka ba sa sapatos?" tanong ni Warren sa'kin habang nagsasayaw kami.
Nakahawak siya sa baywang ko at ako sa mga braso niya. Dama ko ang kalamnan niya sa
ilalim ng suit. Dama ko ang init ng kamay niya sa damit ko.
Masyado bang manipis ang lace na suot ko o... masyado siyang mainit?
"Masarap nga sa paa, eh," sagot kong pinipilit gawing kaswal ang boses ko.
"Thank you uli."
Hindi naman kasi ako sa sapatos nahihirapan kundi sa tibok ng puso ko.
Sinasalakay ako ng lahat ng tungkol kay Warren— 'yong amoy niya, 'yong suot niya,
'yong buhok niya, 'yong mata niya, 'yong buong katawan at init niya na sobrang
lapit sa'kin. Ganito ba magkamalisya? Parang sinasakop niya ang lahat ng espasyo sa
pagitan at sa paligid namin. Nahihirapan akong makakita ng ibang detalye at ibang
bagay kung hindi siya.
Nawala sa mga mata ko ang makukulit na liwanag na naglalaro sa dancefloor.
Nawala ang mga taong nagkukuwentuhan at nagsasayaw rin sa paligid namin. Nawala ang
mga professors na nagsasalita sa hindi kalayuan. Nawala ang mga kristal na palamuti
na nakabaging mula sa bubungan ng hall pababa.
He overpowers everything.
Pumikit ako nang mariin at pinilit na maghabol ng huminga. Hindi ako makapag-
isip nang maayos. Kahit ang tugtog, hindi ko masyadong marinig. Sumusunod lang ako
sa galaw ng mga paa niya.
"Uuwi ka na ba dapat kanina?" untag niya.
"Uh... sana." Natakot akong magdugtong pa ng detalye.
"Bakit? Dahil wala 'yong partner mo?"
Tumingala ako sa kanya at nasalubong ang mga titig niya. Nakatitig ba siya
sa'kin kanina pa? Kanina pa? Kanina pa?
Kanina pa?
Bumilis lalo ang tibok ng puso ko. 'Wag mo 'kong titigan nang nasa malapit ka
lang, Warren. 'Yong puso ko, nagwawala!
Tumungo ako sa dibdib niya. "May ano kasi, emergency si Jeron. Nag-text naman
siya nang maaga sa'kin pero nakita ko lang no'ng nandito na 'ko sa ball. Kaya
'ayun..."
Narinig ko siyang humugong. "Okay."
Naghintay akong magalit siya o kung ano pero wala naman. Gumagalaw lang kami
nang marahan sa tugtog. Sinubukan kong pakinggan ang kanta at lalo lang akong hindi
mapakali. Feelingera naman kasi akong bagay sa'min 'yong isinasayaw namin—Perfect
ni Ed Sheeran.
Nag-focus na lang ako sa kurbata niya. Bakit ba kasi gano'n 'yon?
"Bakit ang weird ng tie mo?" untag ko sa kanya. "Hindi ka nagpakurbata kay
Auntie Mona?"
Tumikhim siya. "Busy kasi si Auntie kanina. Eh, nagmamadali ako."
Nangunot ang noo ko. "Bakit ka nagmamadali? Nakatulog ka bago mag-prepare?"
"Parang gano'n."
"Bakit ka kasi natutulog nang alanganin na sa oras? Ang hilig mong matulog,"
sabi ko sa kanya.
Mahina siyang tumawa. "Mahilig akong umidlip, hindi matulog."
Inirapan ko siya. "Gano'n na rin 'yon, eh."
"Lagi akong may ginagawa o may binubuhat, eh."
Totoo naman din 'yon. Sa bahay nila, siya ang numero unong tagabuhat at taga-
deliver ni Auntie Mona. Lately lang nauutos-utosan si Max. Tapos, late kami matulog
sa gabi, lalo na kapag may ini-edit kaming video sa part-time namin, pero maaga
namang gumising sa umaga para tumakbo. Sakto lang na nagna-nap siya during the day.

Gumagawa lang ako ng pag-uusapan para hindi mahimatay.


Pagbalik ng tingin ko sa kurbata niya, hindi na talaga 'ko mapalagay.
Pagdiskitahan ko na rin 'yon kaysa magpokus sa pagsakop niya sa lahat ng pandama
ko.
"Ayusin ko 'tong kurbata mo," ani ko.
Tumigil kami sandali sa paggalaw sa dancefloor. Nakahawak pa rin siya sa
baywang ko nang abutin ko ang kurbata niya. Tabingi 'yon at nakikita ang buntot sa
ilalim pagkatapos ng loop. Niluwangan ko 'yon bago ayusin ang loop at higpitan uli.
Tapos, pinadaan ko ang palad ko sa linya ng kurbata sa dibdib niya.
Hala. Mali.
Tumingala ako saglit kay Warren para i-check kung napansin niyang may ginawang
masama ang mga kamay ko pero hindi ko mabasa ang iniisip niya.
Tinatamaan ng pula at dilaw na ilaw ang mukha niya. Seryoso siyang nakatitig.
"Okay na, Amethyst?" mababang tanong niya.
Napalunok ako nang wala sa oras. "Uh... okay na."
Inilagay ko ang mga kamay ko sa braso niya. Nagpatuloy kaming sumayaw nang
walang kumikibo. Hindi ako makapagsalita dahil pakiramdam ko, pipiyok ako. O kung
hindi naman, tatraydorin ako ng bibig ko at bigla kong masasabi ang mga hindi ko
dapat sabihin sa kanya—na mahal ko siya, na buti dumating siya, na masaya akong
nagsasayaw kami uli. Hindi ko naman alam kung bakit siya tahimik.
Hinayaan kong balutin kami ng musika. Hinayaan kong malunod ako sa tibok ng
puso ko. Dahil natatakot akong kapag masyado akong nag-isip o naghangad na
magkaroon ng kontrol sa sitwasyon, mabibigo lang ako.
Wala naman akong laban kay Warren.
"Saan ka nakaupo kanina?" aniya nang magpalit ang tugtog.
"Uh... sa ano..." Luminga ako at hinanap ang table nina Libby. Bakante na ang
karamihan ng mga mesa, pero naiwan sa dating mesa namin si Roxie. "Nakiupo ako kina
Libby."
Sumulyap siya sa tinutumbok ng mga mata ko. "Ah, doon."
Hinahanap niya ba 'ko kanina? Pero ilang mesa lang ang agwat ng mesa nila ni
Anya sa'kin.
Si Anya nga pala.
Nakumos ko ang manggas ni Warren. Si Anya nga pala ang ka-partner niya ngayong
gabi pero kami ang nagsasayaw mula pa kanina.
Ayoko man, napalingon ako sa mesa kung saan nakaupo si Anya. Nagkahulihan kami
ng tingin.
At kahit madilim, nakita ko sa mukha niya kung gaano siya kalungkot. May worry.
May selos. May sakit.
Gano'n din siguro ang itsura ko bago ako umiyak.
Tumungo siya sa damit niya.
Tumungo rin ako.
Sana hindi na 'ko lumingon kay Anya.
Ang saya sana kung hindi matatapos ang magic. Kahit hirap akong huminga dahil
kay Warren, kahit parang tatakbo palabas ng dibdib ko ang puso ko, kahit nalilito
ako kung paano magsasalita o titingin sa kanya, may masarap na kaba na nagpapabugso
ng dugo ko. I love drowning in his nearness like this.
Pero mali kasi. Hindi kasi ako 'yong dapat na ka-partner at kasayaw. Hindi ako
'yong dapat na binibigyan ng atensyon. Hindi rin ako ang dapat na priority.
Kailan natatapos ang magic? Kapag nakakasagasa at nakakasakit na ng iba.
Ayokong makasakit dahil alam ko kung pa'no ang masaktan at magselos. Kaya
pagtingala ko uli kay Warren, ang sinabi ko, "Ilang sayaw ba'ng sasayawin natin?"
"Hindi ko alam, eh. Ilan na ba nasayaw natin?" balik niya.
Hindi ko rin nabilang. Tatlo ba o lima?

"Upo muna tayo," sabi ko. "Magsayaw ka ng iba."


Kumunot ang noo niya. " 'Pag nagsayaw ako ng iba, may magsasayaw sa'yong iba."
Ngumuso ako. "Wala kaya. Bakit naman nila 'ko isasayaw?"
Napailing siya.
"Walang makikipagsayaw sa'kin," dagdag ko. "Para kang si Kuya. Pero hindi ikaw
si Kuya kaya hindi mo kailangang maging protective sa'kin lagi."
"I'm not protective," sabi niya, parang napipikon.
"Hindi? Eh ano pala?"
He hissed.
Ang hot pa rin niya kahit parang napipikon eh. Lugi talaga magka-feelings sa
lalaking ganito. Laging guwapo.
"Magre-restroom muna ako," sabi ko. "Ang dami kong ininom na juice kanina, eh."
Matagal na tumingin sa'kin si Warren.
"Isayaw mo rin si Anya. Kawawa siya ro'n sa table, o. Wala siyang kasama," ani
ko at tinumbok ng mata ko ang table nila.
Lumingon naman siya ro'n.
Kitang-kita ko, kahit sa kapos na liwanag at dilim, kung paanong gumaan ang
mukha ni Anya. Nagpilit itong ngumiti.
Ginagawa ko rin ang gano'n para hindi mag-alala si Warren.
"Sa restroom muna ako. Isayaw mo si Anya, ha?" sabi ko.
Bumuntonghininga si Warren. "Sige."
Ngumiti ako bago bumitaw sa kanya. Nakita ko pa nang lumapit siya sa table nila
ni Anya bago ako magtuloy-tuloy sa restroom.
Humigpit ang hawak ko sa clutch ko. Magre-restroom lang ako tapos uuwi na para
hindi na 'ko isipin ni Warren. Nagsayaw naman na kami. Kahit na wala kaming picture
ngayong gabi, okay na rin. Nasa memory ko naman lahat ng nangyari— 'yong sayaw,
'yong pagkakalapit, 'yong lumanay, 'yong ngiti, 'yong init ng katawan.
Hindi na 'ko dapat magpasobra pa. Ayokong mang-agaw.
Nag-selfie ako sandali sa restroom para hindi masayang ang ayos ko. Pagkatapos,
sumilip ako sandali sa dancefloor. Nakita ko sina Warren at Anya na magkasayaw.
Nakatingin sila sa isa't isa. Matamis ang ngiti ni Anya.
Bagay sila. Bagay talaga sila.
Lumunok ako at tumalikod.
***
Amethyst De Vera:
Yan? Gising ka pa?
May cake diyan sa
bahay?
Okay naman ako nang lumabas ng hall. Akala ko, ang tapang ko na kaya kinaya
kong makita sina Warren at Anya na nagsasayaw. Sinadya ko pang sumilip. Pero habang
naglalakad ako palayo sa hall namin, habang lalong tumatatak sa isip ko 'yong imahe
nilang dalawa na magkalapit, habang lalo kong naiintindihan kung ga'no sila kabagay
na magkapareha, sinasaksak ako.
Bakit laging masakit na makita sila? Ang damot-damot ng puso ko. Kahit na alam
ng isip ko na baka tama ang ginagawa kong pagbibigay ng tsansa kay Warren at Anya
para magkalapit, tutol na tutol ang puso ko. Ayoko silang magkalapit. Ayoko silang
magkadikit. Ayokong maging childhood friend lang o third party.
I want to mean more to Warren. Kahit na alam ko namang hindi puwedeng ipilit na
lang basta 'yon.
Our worth cannot be forced upon other people. They either see it or ignore it.
They either acknowledge it or belittle it. Hindi mapupuwersang maging mas mahalaga
pa tayo sa buhay ng isang tao, sa kung gaano na ang halagang naituring sa'tin.
Yet, I still want to mean more to him.
Napakapit ako sa katawan ng isang malaking puno nang tumulo ang luha ko. Parang
winawasak ang puso ko habang lalo akong humahakbang palayo. Kung may dahilan lang
sana para ilaban ko 'yong pakiramdam ko, ilalaban ko. Pero ako 'yong third party.
Kahit sa wattpad, ayoko sa mga third party.

Huminga ako nang malalim nang tumunog ang cellphone ko sa


reply ni Yan.
Yanyan:
Gising pa. Bakit ka nagtatanong
ng cake? May dinner kayo diyan,
di ba?
Nanginginig ako nang mag-type.
Amethyst De Vera:
Nag-crave ako e. Nakakain
naman ako rito. Pero pauwi
na ko.
Yanyan:
What? Bakit pauwi ka na?
Ang aga pa.
Amethyst De Vera:
Maya ko na lang ikwento sayo.
Yanyan:
Ihahatid ka ba ng date mo o
ni Warren?
Pinahid ko ang luha ko gamit ang likod ng palad ko. Ano kayang magiging
reaksyon ni Yanyan kapag ikinuwento ko sa kanya kung ga'no ako kamalas ngayong
gabi? Wala na nga akong partner, wala pa 'kong Warren.
Amethyst De Vera:
Hindi. Mag-taxi lang ako.
Hintayin mo ko pauwi ha?
Yanyan:
May problema ba?
Okay ka ba?
Napapikit ako nang mariin at napahikbi. Hindi naman problema ang ma-in love
pero nakakaproblema kasi hindi ako 'yong mahal. Nakakainis.
Amethyst De Vera:
Walang problema.
See you.
Yanyan:
Okay. Hintayin kitang
makauwi.
Nanggilid akong lalo para umiwas na makita ng mga taong naglalakad sa pathway
ng hardin. Humarap ako sa malaking puno at doon nakipagtitigan habang ayaw paawat
ng luha ko.
Ang dali-dali ko talagang umiyak.
Sasabihin ko kay Yanyan pag-uwi ko 'yong tungkol kay Warren. Hindi ko na kayang
laging mag-isang nagkikimkim ng nararamdaman.
It's okay. Tama lang ang ginawa mo kahit masakit. Magkasama si Anya at si
Warren, 'yon ang tama.
Pero ang hirap maniwala sa mga salitang inulit-ulit ko sa sarili ko.
Ang nararamdaman ko para kay Warren, parang pag-aaral lumangoy. Mahirap
pakisamahan 'yong lalim ng tubig kaya nakakakaba, nakakalito, nakaka-panic. Kapag
hinahayaan ko lang na tangayin ako ng pakiramdam ko, parang bang matututo rin akong
sumabay sa alon. Parang magagawa kong lumutang at makaligtas. Pero kapag ganitong
puro perpektong imahe nila ni Anya ang nakikita ko sa isip ko, nahihirapan akong
huminga. Nalulunod ako sa sakit. Hindi ko magawang magalit sa tubig kundi sa
kawalan ko ng kakayahang lumutang.
Warren is the sea and I'm just someone lost in his power. I'm foolishly trying
to survive him without a boat.
Kaya 'eto, useless.
Sa pagpahid ko uli ng luha ko, natigilan ako sa pamilyar na tunog ng mga
hakbang na palapit.
No. Hindi niya 'ko puwedeng makitang umiiyak.
Humakbang ako palayo sa puno pero...
"Amethyst!"
Natuod ako sa kinatatayuan ko dahil lang tinawag niya 'ko sa pangalan ko. Lalo
akong napaiyak. Naririnig kong palapit siya at ayokong humarap.
"Mi? Bakit nawala ka sa loob?" untag ni Warren.
Suminghot ako at pinatatag ang boses ko. "Wala. Gusto ko na kasing umuwi."
Lumapit pa siya hanggang sa dama ko na ang init ng katawan niya.
"Bakit?" tanong niya.
Umiling ako. "Wala nga."
Humawak siya sa braso ko. Gumapang ang takot mula sa init ng palad niya
hanggang sa bawat himaymay ng katawan ko.
Hindi siya puwedeng magtanong dahil baka magtraydor ang dila ko at magsabi sa
kanya ng mga bagay na hindi ko dapat sabihin. Hindi ako puwedeng umamin. Hindi
dapat umamin.

Nang ipihit niya 'ko paharap sa kanya, pumikit ako nang


mariin para hindi siya makita.
Hindi siya nagsalita agad, na akala ko, wala na siyang sasabihin. Pero...
"Bakit ka umiiyak?"
Kinagat ko ang labi ko. Umiling ako.
Hindi ako dapat magsalita.
"Mi, bakit ka umiiyak? Sino'ng nagpaiyak sa'yo?" mas matigas na tanong niya.
Lalo akong umiling. "Wala."
"Ano'ng wala? Hindi ka iiyak nang ganyan kung wala." Naririnig ko na ang
ngitngit sa boses niya. "Dahil ba wala si Jeron? Nag-text ba uli sa'yo? Ano'ng
sabi?"
"Hindi. Hindi siya."
"Eh bakit ka nga umiiyak? Tumingin ka sa'kin."
"Ayoko."
"Bakit?"
"Ayoko lang."
"Hindi puwedeng ayaw mo lang. Ano bang problema?"
Nagmulat ako at nagsalubong ang mga mata namin. He looked perfect. He is always
perfect. Mahihirapan ang kahit na sinong babae na pumantay sa kanya dahil masyado
siyang perpekto. Akala ko, walang babaeng babagay sa kanya. Kaya siguro ang tagal
natulog ng pakiramdam ko para sa kanya. Dahil sa likod ng isip ko, alam ko, hindi
siya mawawala. Walang babagay sa kanya, kaya hindi siya mawawala.
But someone perfect for him came. Maganda, matalino, at gusto rin siya.
There's someone perfect for him. Hindi ako. 'Yon ang problema ko.
"Wala ngang problema!" sigaw ko. Dahil hindi naman niya dapat problemahin kung
mataba ako at hindi ako importante. He deserve to be happy with someone suited for
him.
Mukha siyang bidang lalaki, do'n siya sa bidang babae. Hindi siya dapat
nagpapa-sidetrack sa mga third party.
"Bakit ka sumisigaw?!" mainit na tanong niya.
"Dahil ang kulit mo! Wala nga akong problema!" God! Ang sabi ko, ayoko nang
makipag-away sa kanya pero ganito... I hate myself.
"May problema ka! Ayaw mo lang sabihin! Matagal ka nang may pinoproblema nang
mag-isa pero hindi ka nagsasabi sa'kin kahit lagi akong nasa tabi mo! Dahil na
naman ba ro'n sa gusto mo?!"
"Oo! Dahil do'n!" Nanginig ako sa pag-iyak. "Dahil do'n..."
Matigas ang pagkakalapat ng panga niya.
"Akala ko kasi, okay lang na makita ko silang nagsasayaw no'ng babaeng gusto
niya. Bagay sila, eh. Wala akong panama..." sabi ko. Suminghot ako. "Eh, ang petty
ko. Selos na selos ako hanggang sa point na gusto ko na lang umuwi nang mag-isa."
Kinagat ko nang mariin ang labi ko. Sht. Lumalabas mag-isa ang salita kahit ayoko.
Sinusuhulan ng nararamdaman ko.
Kumunot ang noo ni Warren. "Ano'ng sinasabi mo? Wala naman rito si..."
Natigilan siya at napatingin sa'kin.
Matagal na naghinang ang mata namin. Alam kong kung hindi ako magbabawi ng
tingin, malalaman niya na siya ang gusto ko at hindi si Jeron. Pero nando'n na.
Mahirap nang bawiin pa ang mga sinabi ko. Ayoko na ring magsinungaling.
Kaya kagat-kagat ko ang labi ko habang nilalason ako ng takot. Napanaginipan ko
na 'to. Ayoko nito.
"Uuwi ako. Magsayaw na kayo ni Anya mo!" sabi ko. "Siya naman ang gusto mong
ka-partner, 'di ba? Ayokong sumawsaw!"
Tumalikod ako pero humawak lang uli si Warren sa braso ko. Nang hindi niya 'ko
mapihit paharap sa kanya, siya ang humakbang para harangan ako sa dadaanan ko.
"Linawin mo ang sinasabi mo kaysa sumisigaw ka," madiin
pero mababang sabi niya.
"Gusto mo si Anya, 'di ba? Alam ko. Siya 'yong sinasabi mong Broad Comm na
maganda at matalino. Ipinakilala mo siya kina Auntie Mona no'ng birthday mo.
Nagustuhan mo 'yong iniregalo niyang shortcake sa'yo. Dinala mo pa siya sa kuwarto
mo! Tapos siya ang gusto mong ka-partner sa ball ngayon kaya niyaya ko si Jeron!"
Nahihiya akong umiyak sa harap ni Warren pero huli na. Umiiyak na 'ko. Wala na
akong pakialam kung malaman niya lahat ng selos na nararamdaman ko. Ang hirap din
namang pigilin, eh. Kung magiging sila ni Anya ngayong gabi, bahala siya sa buhay
niya. "Alam kong gusto mo si Anya. Ayokong humadlang sa inyo. Kaya uuwi na 'ko para
masolo n'yo ang isa't isa. Ayokong maging third party."
Nagtiis akong tumungo habang hindi siya nagsasalita.
"Sino'ng nagsabi na gusto ko si Anya?" aniya.
Hindi ako sumagot.
"Tumingin ka sa'kin, Amethyst. Sino'ng nagsabi na gusto ko si Anya o na gusto
ko siyang ka-partner sa Grand Ball ngayon?"
Nagtaas ako ng tingin sa kanya. "Si Anya!"
Nagusot ang mukha ni Warren at lalong umigting ang panga niya.
"'Yon ang sabi niya?"
"Oo. Bakit?!"
Kunot na kunot ang noo ni Warren sa'kin. "Dito ka lang sa punong 'to," sabi
niya. "Hintayin mo 'ko. 'Wag kang aalis."
"Ayoko! Aa—"
Pero ang sidhi ng mata niya sa'kin. "Kapag bumalik ako rito na wala ka,
ipamamalita ko sa compound na may gusto ka sa'kin."
Nanigas ako sa pagkakatingin ko sa kanya. "Ano?! Ang sama mo, ah! Hindi ko pa
naman sinasabi talaga na ano ah..."
"Maghintay ka rito," pagdidiin niya. "Kapag bumalik akong wala ka, bago ka pa
makauwi sa inyo, malalaman na ng buong compound na may gusto ka sa'kin."
Napalunok ako. Nanghina. "Seryoso ka?"
Kunot lang ng noo at matagal na tingin ang sagot niya sa'kin bago siya
tumalikod.
Halos mabilang ko ang hakbang ni Warren papunta sa hall at matantiya ko ang
distansiya niya sa'kin. Saglit lang siyang nawala. Pagbalik niya, kasunod na si
Anya.
Pinahid ko ang natitira pang bakas ng luha sa mukha ko.
"Bakit dinala mo pa si Anya rito?" sita ko kay Warren. Alam ko na ngang third
party ako, ipapamukha niya pa ba sa'kin?
Bumaling si Warren kay Anya. "Tell us right now kung kailan ko sinabi na gusto
kitang maka-partner sa ball."
Napatungo si Anya. Nakakumos sa skirt ng damit nito.
"Ano'ng ginagawa mo?" tanong ko kay Warren.
Pero seryoso siya sa pagkakatingin kay Anya. "Bakit mo sinabi kay Mi 'yon?"
Hindi makatingin si Anya sa amin. Ano'ng nangyayari?
"Let me go back to the ball," nanginginig ang boses na pakiusap nito. Halos
hindi namin marinig. "Please, Warren."
Nakita kong kumuyom ang kamao ni Warren bago ito magbuga ng hangin.
"Go."
Mabilis na pumihit si Anya at tumakbo pabalik sa hall. Nakayuko pa rin. Nag-
alala akong matapilok o madapa ito sa pathway. Nang mawala na ito sa paningin
namin, napatanga ako kay Warren.
Ano'ng nangyari? Ano'ng nangyayari?
"Bakit ka nakatingin nang ganyan?" untag ni Warren. "May itatanong ka?"
"Ikaw at si Anya... I mean..." Hindi ako makapag-isip nang maayos. "Ano'ng
nangyari?"
"Tinanggal ko 'yong third party, Amethyst."
Napatanga ako lalo. Pero ako ang third party, 'di ba? O... hindi ako?
"Hindi ko sinabi sa kanyang gusto ko siyang maka-partner sa ball. Tayo ang
magka-date mula first year. Gusto kong tayo pa rin hanggang fourth year. In-invite
ko siya sa birthday ko dahil invited din sina Coach. Nagbe-bake siya at sabi niya,
gusto niyang makilala si Auntie Mona," patuloy ni Warren.
"Eh 'di, ibig sabihin..." Nauutal ako. Nanginginig ang labi ko at alam kong
'pag nagsalita ako, manginginig din ang boses ko. "Ibig sabihin..."
"Hindi si Anya ang gusto ko, Mi," sabi ni Warren. "Hindi siya 'yong Broad Comm
student na maganda at matalino na gusto kong malaman kung may gusto rin sa'kin."
Totoong hindi na 'ko humihinga habang magkahinang ang mga mata namin.
Tensyonado ang katawan ko na pakiramdam ko, sasabog ako anumang oras.
" 'Yong gusto mo... alam mo na kung may... gusto sa'yo?" tanong ko.
"Hindi mo pa rin naiintindihan, 'no?" aniya.
Lumunok ako. Sana, kunin ako ng punong katabi ko at itago ako saanman.
Sumeryoso ang mukha ni Warren. At habang hindi pa rin ako makahinga, hinawakan
niya 'ko sa pulsuhan at hinila. Tangay-tangay niya 'ko papunta sa isang gazebo sa
sulok ng hardin na mahinang naiilawan. Pero kaysa pumasok do'n ay dumiretso kami sa
likuran niyon.
"Teka, Warren..."
Walang lakas ang boses ko nang isandal niya 'ko sa column ng gazebo. Bago pa
'ko maka-Teka uli, naramdaman ko ang palad niyang sumapo sa mukha ko at ang labi
niyang umangkin sa labi ko.
Nakatingala ako para sana huminga. Pero kinukuha niya ang hininga ko.
Tumirik ang isip ko. Tumigil ang mundo ko.
Nang pakawalan niya ang labi ko, tinakpan ko 'yon ng dalawang kamay ko.
"Ikaw ang gusto ko. Ikaw ang mahal ko. Ikaw ang kailangan ko," sabi niya
sa'kin. "Ikaw lang. Lagi."
Totoo ba ang naririnig ko? Boses niya 'yon at labi niya 'yon. Totoo rin ang
lamlam ng mga mata niyang nakatingin sa'kin.
"Sa'yo ako. Malinaw na ba?"
Umiling ako. Tapos, tumango. Tapos, nangunot ang noo. Naiintindihan ko pero...
Pa'no niya 'ko gusto kung may mas perfect na Anya? Bakit ako? Kailan pa?
Pagsalubong ko uli sa mata ni Warren, nagbuga siya ng hangin at niluwangan ang
kurbata niya. Sinubukan kong humakbang paatras pero napasandal lang ako lalo sa
column ng gazebo.
"Hoy, Warren... teka lang..." Nanginginig ang boses ko. At kung maliwanag,
siguradong makikita kung gaano ako kapula.
Gusto ko siyang pigilan sandali sa paglapit pero nahawakan niya agad ang
dalawang kamay ko at isinampay iyon sa balikat niya. Suminghap na lang ako ng
hininga. Paghapit niya sa'kin at pagbaba uli ng labi niya sa'kin, pumikit ako.
He is the wave and he is the sea. He overpowers me so easily. Wala akong ibang
puwedeng gawin kundi ang magpatangay kaya sinundan ko ang gagad ng labi niya. Kung
aangkinin niya ang hininga ko, aangkinin ko rin ang sa kanya. That way, we would
both survive this whirlpool of emotions.
Hindi ko namalayan kung gaano na kami kalapit sa pagkakayakap o kung gaano
katagal namin kakayaning kunin ang hininga ng isa't isa. Basta naririnig ko ang
tibok ng puso namin at nararamdaman sa ugat ko ang bugso ng dugo namin. I revel in
this special kind of attention.
Buti na lang, may dala akong lipstick dahil siguradong sira na ang lipstick ko.
#0839g / 01162018
______
TCWDM: Perfect ni Ed Sheeran, kutings, ladies, and gentlemen ~
- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 15: Mutual

***
"Tahan na, Mi," alo ni Warren sa'kin.
Nakasubsob ako sa dibdib niya at umiiyak sa yakap niya. Nasa may gazebo pa rin
kami. Ewan ko kung bakit ang weird ko, pero pagkatapos ng halik, bumuhos uli ang
luha ko sa saya at sakit ng hindi ko in-expect na confession niya. Kung kanina,
parang sasabog ako sa tensyon, ngayon naman ay parang sasabog ako sa pagmamahal.
Parang hindi totoong nangyayari ang mga nangyayari kahit na nando'n naman
talaga 'ko. Ang sarap tumalon at sumigaw at magpagulong-gulong. Ang sarap ding
magpayakap lang.
"Bakit ka umiiyak? Galit ka ba dahil sa halik?" maingat na tanong niya.
Magagalit ba 'ko ro'n eh gumanti nga ako? Ang tagal pati. "Hindi 'yon..."
Makapal ang boses ko sa emosyon at pag-iyak. Sinisipon na rin ako.
"Masisira na 'yang make-up mo," aniya. "Patingin nga ng mukha mo."
" 'Wag!" Sumubsob ako lalo sa kanya. " 'Wag mo muna akong tingnan..."
"Bakit?"
"Ang pangit ko..."
"Hindi ka naging pangit kahit kailan sa paningin ko," aniya.
"Sabog ang make-up ko..."
"Ano naman?"
"Eh..." Nakumos ko ang likurang tela ng suit niya na kinakapitan ko. "Nahihiya
ako..."
Mahina siyang tumawa. "Bakit?"
"Nakakahiya eh."
"Bakit nga?"
Umangil ako. Kailangan ko pa bang i-explain? 'Pag tumingin siya sa mukha ko,
kikiligin ako. Eh, umiiyak pa nga ako. Nakakahiya kayang kiligin habang umiiyak.
"Dito muna ako..." sabi ko.
Hinaplos niya ang buhok ko at hinigpitan ang yakap sa'kin. "Ano'ng muna? Kahit
dito ka lagi, okay lang."
'Ayan na naman siya. Umiiyak pa nga ako, hinahalukay niya pa lalo ang emosyon
ko.
Nagpatuloy ako sa pag-iyak sa dibdib niya hanggang sa abutan na niya 'ko ng
panyo. Kahit nang makalma ako, pinagbawalan ko pa rin siyang tumingin. Pumasok kami
sa gazebo at naupo ako sa barandilya ro'n. Umalis naman siya sandali.
Pagbalik niya, may dala na siyang wet tissue. Iniaabot sa'kin.
"Sa'n 'to galing?" tanong ko.
"Kina Libby," aniya. "Punasan mo 'yang mukha mo. Sira na 'yong make-up mo."
Sinubukan kong punasan ang mukha ko pero...
"Ako na nga."
Kinuha ni Warren sa mga kamay ko ang wet tissue at itinaas ang mukha ko sa
kanya. Napalunok ako habang nakabantay sa kilos niya.
Maingat niyang pinunasan ang ilalim ng mga mata ko, ang pisngi ko at ang ilong
ko. Pagtigil ng mata niya sa labi ko, napigil ko ang hininga ko.
"Sira na'ng lipstick mo," sabi niya at tumingin sa'kin.
Napatingin ako sa labi niya. May mantsa 'yon dahil sa'kin.
"May lipstick na kita," sabi ko naman.
Ngumiti siya at napahawak sa labi niya. "Talaga?"
Inirapan ko siya. "Bakit parang natutuwa ka pa?"
Pero lumapad lang ang ngiti niya. Nakakainis.
Kinuha ko ang isang malinis pang tissue sa kamay niya at hawak sa kurbata na
hinila siya palapit. Maingat kong pinahid ang lipstick sa labi niya.

" 'Wag kang tumitig sa'kin," angal ko. Kahit hindi ko


salubungin ang mga mata niya, nakikita ko kung paano siyang nakatitig. Hindi man
lang ba niya inisip na mahirap tumingin lang sa labi niya nang gano'n? Dati na
'kong curious kung malambot 'yon. Tapos, malambot pala talaga. Mainit din. At bawat
tingin ko ro'n, naaalala kong kanina lang, nakadikit 'yon sa'kin.
Natigilan ako.
Hala! First kiss ko pala 'yon!
"Mi? Bakit?" untag niya.
"First kiss ko kanina!" sabi ko.
"Alam ko. Ako rin."
Napatanga ako. "Eh? Totoo?"
Kumunot ang noo niya. "Siyempre. Wala naman akong ibang hahalikan."
Pero maraming gustong humalik sa kanya. Sigurado 'yon. Puwede siyang mag-
kissing spree at walang magagalit. "Ang dami mo kayang puwedeng halikan..."
"Ano naman? Ikaw lang ang gusto kong halikan. Kung hindi ikaw, 'wag na lang."
Natahimik kami. Hindi pa talaga masyadong umaandar ang isip ko. Kaunting tingin
ko kasi sa kanya, nabablangko ako. Tapos, naririnig ko nang paulit-ulit 'yong mga
sinabi niya kanina. Na sa'kin na siya. Na mahal niya 'ko. Lagi.
Teka... kung mahal niya 'ko at mahal ko siya... kami na ba?
Hala! May boyfriend na 'ko?! Ako?! Naunahan ko pa sina Iya at Yanyan?
"Mi?" untag ni Warren sa'kin. "Ano'ng nangyayari? Why are you making weird
faces?"
Malaki ang mata ko sa pagkakatingin sa kanya. Girlfriend na ba niya 'ko? O
magtatanungan pa kami? At puwede na ba 'kong mag-boyfriend? Hindi ba siya aawayin
ni Kuya? Si Jacob, hindi ba siya aawayin kung uunahan niya? At pa'no namin
sasabihin sa compound?
"Amethyst..." tawag niya sa'kin.
Hindi ako makahinga.
Mahina siyang tumawa. "Ano ba kasing iniisip mo?"
Umiling ako. Hindi pa nga ako dapat mag-isip, eh. Mali. Ibig kong sabihin,
kailangan ko ng oras na mag-isip muna.
Kinuha ni Warren ang kamay ko at mahigpit na hinawakan. Naupo siya sa tabi ko
sa barandilya ng gazebo. "Hintayin kitang matapos mag-isip."
Napahinga ako nang malalim. Mainit ang kamay niya. Nakakakalma. Nang sumulyap
ako sa kanya, sinalubong niya ang mga mata ko.
"Ano 'yon? Balik na tayo sa ball?" aniya.
Napatingin ako sa pathway na pabalik sa sentro ng hardin at sa grand ball.
Babalik pa ba kami sa loob? Nang maga ang mata ko at sira ang make-up ko?
At hala! Ga'no katagal na ba kami ro'n? Naghihintay si Yanyan!
Napatayo ako. "Uwi na tayo!"
Natatawa siya nang tumayo. "Bakit?"
"Uh... Nasabi ko na kanina kay Yanyan na uuwi na 'ko, eh. Nagpapahintay pa nga
ako."
"I-text mo na lang kaya at sabihin na 'wag ka nang hintayin?"
Napatitig ako sa mukha ni Warren. Kung naibang gabi siguro, gugustuhin ko pang
mag-stay nang matagal kasama siya. Pero papalit-palit ang isip ko sa pagkablangko
at pagkagulat sa sarili kong thoughts. Kailangan ko ng kaunting distansiya sa kanya
para makapag-isip nang maayos.
"Uwi na lang muna tayo. Please?"
Matagal siyang tumingin sa'kin. "Okay. Tara."
Magkahawak-kamay kami mula sa gazebo, hanggang sa loob ng taxi pauwi.
***
"Bakit ngayon ka lang dumating?" bungad ni Yanyan pagpasok ko sa bahay. Pinatay
niya ang telebisyon na pinanonooran.
"Sina Mama? Tulog na?" ani ko. Napapakapit ako sa lace na skirt ko. Hindi naman
siguro mabubuko 'yong activities ko kanina lang kahit ano'ng titig ni Yanyan, 'di
ba?
"Oo. Ano'ng oras na, eh." Tumayo siya at lumapit sa'kin. Sinipat ang mukha ko
bago mangunot ang noo. "Bakit ganyan mukha mo?"
"Ha?" Hala. Malalaman ba ni Yan na nakipag-kiss ako? Madali lang ba sa kanyang
malaman 'yon? Itinago ko ang mga labi ko. "Ano?"
"Umiyak ka ba?"
Lumuwag nang bahagya ang buhol sa sikmura ko. 'Yon pala ang itatanong niya.
"Ano? Bakit ka umiyak? May nangyari ba? May ikukuwento ka ba?"
Nakatitig kami sa isa't isa. May ikukuwento ba 'ko? Pa'no ko ikukuwento sa
kanya 'yong sa amin ni Warren? Ang dami na ng mga nangyari mula sa nalaman kong
gusto ko si Warren, tapos mahal ko na pala, tapos may Anya na akala ko ay gusto
niya pero akala ko lang pala, tapos may Jeron na hindi nakapunta sa ball, tapos
naisandal ako sa gazebo, tapos...
Kumurap ako. Hindi ko pa rin alam kung ano'ng iisipin ko sa amin ni Warren.
Kaya, "Okay ba kayo ni King?"
Napailing si Yan. "Bakit mo itinatanong si King?"
"W-wala naman." Tumikhim ako. "Ano... cake? May cake?"
Kunot pa rin ang noo niya sa'kin pero nagpatiuna na siyang lumakad sa kusina.
"Ihanda ko na 'yong cake?" tanong niya.
Tumango ako.
"Hindi ka muna magpapalit ng damit?"
"Hindi na muna. Gusto ko pang suot 'tong damit," sagot ko. I wanted to wear the
dress a little longer. Gusto ko malunod pa nang kaunti sa pakiramdam na naiwan ni
Warren sa'kin at sa damit ko.
Sa kusina, gumawa ako ng kape. Nag-slice naman si Yanyan ng cake. Pag-upo namin
nang magkaharap sa mesa, 'yon pa rin ang tanong ko.
"Kumusta kayo ni King? Masaya ka?" tanong ko sa kanya.
"Talagang gusto mong malaman 'yan, ah," aniya.
"Siyempre."
Sa platito ng cake niya siya tumingin. "Okay kami. Masaya ako."
Nakatitig ako sa kanya. 'Yon na ba ang masaya niya? Parang casual lang? Wala
'yong parang kumukutitap ang mata niya. O 'yong parang ang gaan ng mukha niya? "
'Yong masaya na kapag naiisip mo si King, parang gusto mong tumalon-talon?"
Mahina siyang tumawa sa'kin. "Bakit ko naman gugustuhing tumalon-talon?"
Bakit ako? Gusto ko kayang tumalon-talon dahil ano, sabi ni Warren, ano...
'Ayan. Gusto ko na ngang tumalon-talon na naman. "Uh... Dahil mahal ka niya at
mahal mo siya."
"Gusto ko pa lang si King. Hindi ko pa mahal."
Nangunot ang noo ko kay Yanyan. Ang strange talaga sa'kin ng konsepto ng dating
niya. "Boyfriend mo pero hindi mo pa mahal?"
"Yes. Hindi naman bawal 'yon. It's okay to date someone to see if he's good for
you."
"At 'pag hindi?"
"Eh 'di magbe-break."
"Tapos?"
"Magmo-move on ka."
Ngumuso ako. Nakaka-disappoint naman pala.
"Ba't nakanguso ka?" aniya.
"Hindi romantic, eh."

Nailing si Yan. "Yeah, it may not be that romantic but


that's what you do when you want to find romance. Ang preferable scenario, you meet
someone, you fall in love with them, and make relationships with them. 'Yon ang
ideal. But the world does not cater only to the ideal. May mga taong gaya 'ko na
kahit ilan ang makilala, hindi agad nai-in love. So what I do is, I date guys that
I like, hoping I'd fall in love with them."
Malabo pa rin sa'kin 'yon. "Eh kaya nga fall, 'di ba? Kasi malalaglag ka lang
nang hindi sinasadya?"
"Hindi ko naman pinipilit na mahulog sa ka-date ko. Kaya nga kapag hindi nag-
work out, may break-up. It may not be ideal or super romantic pero kapag inisip mo,
kahit naman 'yong mga relationships na nag-start ng very romantic, pupunta pa rin
sa break-up kapag hindi nag-work out. Kasi, hindi lang 'yong pagkahulog ang concern
sa relationship. Concern mo rin kung pa'no mapananatili ang feelings. Falling in
love and staying in love are two different things."
Napatango ako.
"At iba ang relatioship sa feelings," dagdag ni Yan. "You can be in a
relationship with someone you're not in love with. You can even be committed. Hindi
por que nasa isang relationship, ideal na agad na in love pareho o committed
pareho."
"Iba pa 'yong committed sa in a relationship?" ani ko.
"Yes. You can be in a relationship or make it plural, relationships. May nagto-
two-time, three-time. May cheaters. Kasi, may mga relasyon na relasyon lang pero
walang commitment. When you're committed in a relationship, you do everything to
save the love and the relationship." Pinaglaruan ni Yanyan ang tinidor na hawak
niya sa platito ng cake. Napangiti siya na parang... malungkot? "At iba pa 'yong
pagiging devoted. You can be devoted to someone without having a relationship with
them."
Natahimik kami.
" 'Yan ba ang itatanong mo kaya ka nagpapahintay?" untag niya. "Grabe, ha?
Puwede namang pag-usapan bukas 'yan."
Nginitian ko lang siya. Isusumbong ko kasi dapat si Warren sa kanya at magda-
drama ako. Pero wala naman pala akong dapat i-drama.
"At bakit ka nga umiyak? 'Wag kang magsisinungaling. Halata sa'yong umiyak ka."
"Wala naman."
Sumingkit ang mata niya sa'kin. "Ano nga? Sabihin mo na."
Matagal akong tumingin sa kanya. "Wala kasi akong partner kanina. Pero okay na
'yon. Dumating naman si Warren."
"Wala kang partner? Hindi ka sinipot ni Jeron?"
"May emergency siya, eh. Valid naman. Buti na lang, nando'n naman si Warren."
Pero parang hindi pa rin kumbinsido si Yan. "Sigurado kang gano'n lang ang
nangyari?"
Mabilis ang pagtango ko. Saka ko na sasabihin 'yong tungkol kay Warren.
Protective sila ni Kuya sa'kin. Masyado nila 'kong iisipin. Mas okay siguro kung
'yong relasyon muna niya kay King ang isipin niya.
"Eh bakit ang tagal mong umuwi mula no'ng nag-text ka?" untag pa niya.
Humigop pa muna ako ng kape at kumuwit sa cake. Mahirap magsinungaling pero
kasi... "Mahirap kasing sumakay pauwi."
"Nag-taxi ka, 'di ba? Nasilip ko sa bintana kanina."
Tiniis ko ang kaba ko. Hindi naman siguro niya napansin na may kasama ako sa
taxi, 'di ba?
"Nag-taxi naman. Pero ano, mahirap kumuha ng taxi, eh. Saka, may kumausap pa
sa'king Coach kanina bago ako nakaalis."
"Coach? Sino?"
"Coach sa tennis." Nakagat ko ang labi ko. Coach naman si Warren na nagte-
tennis. Kaya hindi naman talaga ako nagsisinungaling nang buo. "Niyayaya pa nga
sana ako ni Warren na mag-stay sa ball. Pero sabi ko, nasabi ko na sa'yong uuwi ako
kaya umuwi na 'ko."

Napatango si Yan. "Buti naman. Ang tagal ko kayang


naghihintay."
"Alam ko. Sorry, ha?"
Maarte lang siyang umirap sa'kin. "Ano pa nga ba?"
Nilihis ko na ang usapan sa OJT niya.
***
Nang makapagpalit na 'ko ng damit at mahiga sa kama ko, lutang pa rin ako. Sa
tuwing maaalala ko ang mga nangyari sa ball, napapakagat ako sa unan at gumugulong
sa kama ko.
Gano'n pala ang pakiramdam 'pag mahal ka ng taong mahal mo. Parang pagmamay-ari
mo ang mundo. Parang lahat ng bagay, dapat ikangiti. Parang ang ganda ng buhay.
Sa mga movies at mga stories, kapag nag-aminan na ng feelings ang babae at
lalaking bida, nagiging sila na. Pero handa na ba 'ko sa romantic relationships? Sa
commitment? Ang sabi ni Yanyan, iba ang relationship, sa commitment, at sa
devotion, 'di ba? Handa ba 'ko sa lahat ng 'yon?
May school pa 'ko. Gusto ko pang maka-graduate muna. Kung matatanggap ako ro'n
sa scholarship para mag-Masteral, gusto ko rin muna 'yon. Puwede bang sabay-sabay
ang parehong malalaking priorities gaya ng studies at relationships? Hindi ba
magsa-suffer ang isa dahil magkasingtimbang sila?
Ang hirap isipin.
Nakikipagtitigan pa 'ko sa kisame nang tumunog ang cellphone ko.
Warren Topakin:
Mi? Gising ka pa?
Bumilis agad ang tibok ng puso ko dahil sa iisang text lang niya.
Amethyst De Vera:
Gising pa. ><</i>
Warren Topakin:
Ah. Nagche-check lang
ako. Wala kang text e.
Amethyst De Vera:
Hindi naman talaga ako
mahilig mag-text nang
ganitong oras.
Warren Topakin:
Alam ko. Nag-expect lang
talaga ko.
Napangiti ako habang hawak ang cellphone ko.
Warren Topakin:
Anong ginagawa mo?
Nasa kuwarto ka na?
Amethyst De Vera:
Yes. Nakahiga na nga ako.
Warren Topakin:
Ako rin. :)
Amethyst De Vera:
Bakit gising ka pa?
Warren Topakin:
Wala naman.
Dumapa ako sa kama ko.
Warren Topakin:
Iniisip ko lang kung
iniisip mo ko.
Hala siya. Bakit gano'n ang text niya? Nilalandi niya ba 'ko? Ako? Ako? Ako?
Warren Topakin:
Iniisip kita. Iniisip mo
ba ko?
Napapadyak ako sa ere at napakagat sa unan ko. Teka lang naman. Kailangan niya
ba 'kong i-text nang ganito ngayon?
Amethyst De Vera:
Nandadamay ka lang yata
ng feelings para hindi ako
makatulog e! ><</i>
Warren Topakin:
Haha. Pero iniisip mo ko?
Hala siya! Mukhang kailangan ko talagang sagutin!
Amethyst De Vera:
Iniisip kita. Kahit kanina
nung magkasama pa tayo.
Natahimik ang cellphone. Sumubsob ako sa unan at pinakiramdaman ang puso ko.
Kaya ko bang masanay sa ganito kalakas na kalabog at ganito katinding pakiramdam?
Sobra ang saya at pagmamahal. Parang hindi kakayanin ng iisang puso lang na hawakan
lahat.
Warren Topakin:
I think of this all the time.
Warren Topakin:
Maraming beses na gusto
kitang tanungin kung
sinong iniisip mo.

Warren Topakin:
I know what you always
think about. Pero minsan
iniisip ko kung pano kaya
kung iniisip mo rin ako. O
kung kailan mo kaya ako
naiisip.
Warren Topakin:
Hay. Lunod pa rin ako sa kanina.
Warren Topakin:
Mi? Tulog ka na?
Kagat-kagat ko ang labi ko sa pagbabasa ng message niya. Iniisip niya 'ko?
Lagi?
Ikaw lang. Lagi.
Nagtalukbong ako ng kumot bago nag-reply.
Amethyst De Vera:
Kapag may oppa sa mga
pinapanood ko, naiisip ko,
mas guwapo ka pa run.
Amethyst De Vera:
Kapag nanonood ako ng kahit
na ano sa tv, naiisip ko, sa
future kaya, magtatrabaho rin
tayo nang magkasama? Ikaw
pa rin kaya ang cameraman?
Anchor na kaya ako nun?
Amethyst De Vera:
Dati, kapag may love story
akong binabasa o pinapanood,
hindi naman kita naiisip. Pero
lately, iniisip ko, aling kuwento
kaya ang kaparehas ng kuwento
natin?
Amethyst De Vera:
Kapag sa mga binabasa ko,
nagkakagustuhan na yung mga
bida... kapag inaalagaan ng
bidang lalaki yung babae, kapag
inaalalayan, kapag sinusuyo, kapag
sinasamahan... naiisip ko, nagawa
mo na pala ang maraming bagay
para sakin.
Amethyst De Vera:
Sa maraming maliliit at malalaking
bagay, kasama man kita o hindi,
lagi kitang iniisip.
Nakumos ko ang unan ko nang mai-send ang mga replies ko. Nang tumunog uli ang
cellphone ko, ring na 'yon kaysa beep. Tumatawag si Warren.
Abot-abot ang paghabol ko sa hininga ko nang sagutin ang tawag.
"Hello. May gusto lang akong sabihin," sabi niya. Mababa ang boses niya.
Malalim din.
Nanginginig naman ang boses ko. "A-ano 'yon?"
"Uh... Mali. May gusto akong marinig."
Napalunok ako. "A-ano?"
" 'Yong kanina..." Tumikhim siya bago ang mahabang katahimikan. "Wala pala.
Maggo-goodnight na lang ako."
"Ah. Okay..."
"Goodnight, Mi. Panaginipan mo tayo."
Tumango ako. "Okay. Goodnight."
Higit ko ang hininga ko habang nakapagitan ang katahimikan sa amin.
"I love you," malumanay na sabi ni Warren. "See you tomorrow."
"Oo. See you..."
"Okay."
Alam kong ibababa na niya ang linya kaya lumunok ako at pumikit. "T-teka..."
Hinang-hina ang boses ko. Pero sasabog ako kapag hindi ko pa nasabi ngayong
gabi ang dapat kong sabihin sa kanya.
"Ano 'yon, Mi?"
"I love you..." nanginginig na sabi ko.
Natahimik siya bago, "Huh? Ano'ng sinabi mo? Sorry, may interference."
"Eh?!"
Mahina siyang tumawa. "May buzz kasi kanina. Ano nga 'yong sinabi mo?"
"Hindi ko na uli uulitin, ah. Makinig kang mabuti."
I hear laughter in his voice. "Okay. Ano uli 'yon?"
Huminga ako nang malalim. Isang beses pa uli. "I love you, Warren."
Natahimik uli siya. "Teka lang..."
"Hala! 'Wag mong sabihing may interference uli!"
Narinig ko siyang tumawa sandali bago sumeryoso. "I love you. Goodnight."
"Goodnight."
Pagkaputol ng tawag niya, umayos ako ng higa sa kama at inilapat ang palad ko
sa dibdib ko. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Masayang ligalig.
Inaayos ko na ang kumot ko sa katawan ko nang magpahabol siya ng text.
Warren Topakin:
Narinig ko talaga yung
sinabi mo kanina. Gusto
ko lang marinig agad
uli pagkasabi mo. :>
Amethyst De Vera:
Hala ka! :<</i>
Warren Topakin:
Cute. Love you. :>
Amethyst De Vera:
Hindi ko alam kung pa'no 'ko nakatulog pagkatapos no'n. #1232ma / 01182018
_____
TCWDM: FYI. Hanggang Chap 17 o 18 lang yata to. Tapos, epilogue ~

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -
Chapter 15: Mutual (part 2)

***
Kinabukasan, ayon sa schedule ay magkasama kaming tumakbo ni Warren. Pero
habang lalawit na ang dila ko sa hingal, siya ay apaw pa ang energy. Pangatlong
ikot na namin sa park.
"Ilang laps pa?" halos walang boses at walang hininga na tanong ko sa kanya.
"Two."
Dalawa? Dalawa?!
Sigurado akong tumalas ang mata ko sa kanya dahil mahina siyang natawa sa'kin.
Kinakaladkad ko na ang binti ko sa kalsada. Sanay na akong tumakbo ng limang rounds
sa paikot na istruktura ng parke, pero nahihirapan ako ngayon. Kasalanan 'to ng
puso kong hindi makalma sa masayang ligalig dahil kasama ko siya. Masyadong mabilis
ang tibok ng puso ko. Mabilis akong kapusin ng hininga. It's bad. Pero dahil mahal
niya 'ko, dapat, mas maluwag siya sa'kin, 'di ba?
"Tatlong laps na lang muna..." pakiusap ko. "Sige na, please. Pahinga na
tayo..." Mahal mo naman ako, gusto kong idugtong pero 'wag na lang. Wala pa 'kong
lakas ng loob.
"Dalawa na lang. Tapos, okay na."
Papabagal na talaga ang mga paa ko. Pinilit kong huminga nang malalim. "Tama na
muna... sige na. Please..."
"Bakit ang hina ng cardio mo ngayon? Kanina ka pa hingal na hingal," aniya.
Tumigil na talaga 'ko sa pagtakbo at umirap sa kanya. Naghahabol ako ng
hininga.
Nagtatanong pa talaga siya, eh 'no?
"Hindi ko alam. Walang dahilan," sagot ko.
"Wala?" tanong niya.
Bakit kaya siya, okay na okay lang? Wala ba 'kong epekto sa kanya? Hindi ba
bumibilis ang tibok ng puso niya? Hindi ba siya naliligalig? Nakakainis. Dapat,
siya rin, mahirapang huminga.
Nag-jog siya palapit sa'kin at tumigil sa harapan ko. Sumipat siya sa mukha ko.
"Ano'ng iniisip mo? May itatanong ka?"
Naku. Nakakahiya naman kayang itanong. "Wala."
"Puro wala, ah."
"Wala naman talaga." Huminga uli ako nang malalim. "Tama na, Coach. Tatlong
laps muna."
"Hindi ka humihinga nang maayos kaya napapagod ka agad," aniya.
"Gusto ko namang huminga nang maayos eh. Hindi naman ako ang may problema,"
angal ko.
"Ano ngang problema?"
Nag-iwas ako ng mata sa kanya at bumulong. "Ikaw."
"Ano 'yon?"
Umangil ako. Tumawa naman siya.
"Bakit ako ang problema?" aniya.
Umiling ako. Narinig naman pala niya, ipapaulit na naman niya sa'kin? Sus.
Ayoko ngang sabihin sa kanya na kinikilig ako. Baka tuksuhin niya 'ko. O 'di
kaya, lalo niya 'kong pakiligin.
"Ba't hindi ka makatingin sa'kin, Mi?"
Pinahid ko ng likod ng palad ko ang pawis na gumagapang sa noo ko. "Wala."
Pumalatak siya. Namalayan ko na lang na tinutuyo niya ang pawis ko gamit ang
maliit na tuwalyita na dala niya.
"Pagod ka na talaga?" malumanay na sabi niya.
"Ikaw, eh. Hindi nga ako good to run nang mahaba at matagal ngayon, eh," maliit
ang boses na sabi ko. "Kala ko naman dahil ano, ano na."
"Ano?" aniyang nakasipat sa mukha ko.
Sumulyap ako nang kaunti at ngumuso. Dahil mahal mo 'ko, dapat paligtasin mo
'ko!
Mahina siyang tumawa at lumapit lalo. "Dalawang laps na
lang tapos may reward ka."
"Ano'ng reward?" Inagaw ko ang tuwalyita niya at ipinunas sa leeg ko.
Pagkatapos, inabot ko siya at pinunasan din ang pawis niya. 'Wag niya lang talagang
sisitahin pa 'tong ginagawa ko. Pinipigilan ko na ang sarili kong mag-blush.
"Ganitong reward." Humawak siya sa magkabilang balikat ko at pinatakan ako ng
halik sa noo.
Naibuka ko ang bibig ko para magprotesta pero nale-late lahat ng salita ko.
Mahina siyang tumawa. "Mamaya uli, pagkatapos ng dalawang laps. Tara!"
Pagkatapos, umuna siyang tumakbo. "Tara, Mi!"
Napahawak ako sa noo ko habang lalo akong hindi makahinga. "Hoy, Warren!"
Magnanakaw ng kiss! "Ang sama mo, ha?! Hindi ko naman sinabing gusto ko 'yon ah!"
"Ayaw mo ba?" sigaw niya pabalik.
Ah! Hindi ko rin masasabing ayaw ko! "Nakakainis ka, ah!"
Nag-echo ang pagtawa niya. "Kung ayaw mo, gumanti ka! Halikan mo rin ako!"
"Ano?! Hindi mo dapat isinisigaw 'yan!"
"Tara na! May dalawang laps pa!"
Sumunod ako sa kanya.
Ah! Mahirap tumakbo nang ganito kabilis ang heartbeat!
***
Tinotoo ni Warren 'yong halik uli sa noo nang matapos namin ang dalawang laps.
Hindi na 'ko umangal kasi... sayang naman.
Madilim pa rin. Karaniwan, pagkatapos ng takbo, nagbo-boxing kami sa compound.
May punching bag sila nina Jacob at Max sa likod ng bahay. Pero ayaw pa ni Warren
pumunta kami sa kanila. Siya raw muna ang babalik. Pinaghintay niya muna ako sa
bench sa park.
Pagbalik niya, may dala siyang popsicle.
"Ano 'to? Okay lang na kainin ko 'to?" tanong ko sa kanya kahit na nauna ko
nang isubo iyon. Malamig 'yon. Presko.
"Pineapple popsicle lang 'yan. 'Yan talaga ang reward mo," sabi niya. "Gumawa
ako kagabi. Baka nami-miss mo nang mag-popsicle, eh."
Umupo na siya sa tabi ko sa bench at kumain ng popsicle. Tumanaw siya sa
langit. Nakabaling naman ako sa kanya.
"Ginawa mo kagabi? Bago matulog?" tanong ko.
"Hindi. Ginawa ko pagdating ko ng bahay. Bago kita tawagan."
'Yon siguro 'yong nakikipag-usap pa 'ko kay Yanyan.
Tinitigan ko ang popsicle na gawa niya. Ang perfect ng shape no'n eh. Hindi
mahahalatang pineapple kahit na dilaw. At totoong nami-miss ko nang mag-ice cream
at popsicles. Nang magsimula kaming tumakbo para sa pagpapapayat ko, bihira na
'kong kumain ng matatamis.
"Thank you," sabi ko.
Ngumiti lang siya.
"Dapat sa compound na lang tayo kumain nito. Napagod ka pa pagtakbo pabalik sa
inyo."
"Okay lang. Mas okay na dito tayo kumain."
Hindi ko masyadong maintindihan. Para kasing... "Bakit parang ayaw mo pang
pumunta sa compound?"
"May bagong cake na bini-bake si Auntie, eh. 'Pag nagpunta agad tayo ro'n,
kakausapin ka nang kakausapin n'on."
"Siyempre. Ano'ng problema ro'n?"
"Wala ka nang oras sa'kin."
"Hala siya."
Nagbaling lang siya ng ngiti sa'kin. "Kaya mas okay rito, 'di ba?"
Ngumiti ako pabalik.
Ilang minuto na nakaupo lang kami. Magkatabi pero hindi gaanong magkadikit.
Tumanaw kami sa paligid na may lambong pa ng dilim at sa langit na unti-unti nang
nagbabago ang kulay. Nothing exceptional is really happening. Madalas kaming
tumakbo sa umaga at maupo ro'n. Pero may tahimik na saya dahil nando'n kaming
dalawa. Kontento ako. Parang anuman ang dala ng buong maghapon, kakayanin ko dahil
nagsimula ang araw ko nang kasama siya.
Alam kong espesyal ang ganitong kaligayahan. Alam ko ring kay Warren ko lang
puwedeng maramdaman 'to. Sigurado ako.
"Ano'ng gagawin mo mamaya?" tanong niya sa'kin.
"Uhm... ipapa-dry clean 'yong gown tapos ibabalik sa rental. Tapos,
makikipagdaldalan lang siguro kay Yanyan sa bahay. Bakit?"
"Wala akong practice ngayon, eh. Nood tayong sine mamaya?"
Nakabaling siya sa'kin kaya kita ko ang ngiti niya. Sobrang na-miss ko 'yong
lagi siyang nakangiti.
"Sine? May pelikula kang gustong panoorin?" ani ko.
"Wala. Gusto lang kitang i-date."
Date.
"Date tayo."
Ang hirap tanggihan ng ngiti ni Warren. Pa'no ko ba sasabihin sa kanya ang
dapat kong sabihin?
"Uh... tungkol diyan. Ano..." 'Wag naman sana akong mautal ngayon. 'Di bale
nang papahina ang boses ko. "Ano kasi... tayo na ba?"
Kumunot nang kaunti ang noo ni Warren. "Hindi pa ba?"
"Eh... hindi ko rin... alam?"
Matagal kaming nagkatinginan bago siya mahinang tumawa. "Hindi ko rin alam.
Ikaw ang magsabi."
Lumunok ako. Paubos ko na ang popsicle. "Eh... 'yon nga. Ano kasi, nag-isip ako
kagabi. Saka, kaninang umaga. Tapos..." Sumulyap ako sa kanya. "Tapos, naisip ko...
gusto ko pa sanang maka-graduate muna bago magka-boyfriend."
Pinilit kong hindi tumungo o umiwas sa pagkakatingin sa'kin ni Warren. Magulo
'yong mga iniisip ko at baka mali ako sa gusto ko, pero alam kong maiintindihan
niya.
"Ah. Hindi mo pa kasi priority," sabi niya.
Nakasunod ako ng tingin sa mukha niya. Hindi naman siya mukhang galit, pero,
"Alam kong ano... parehas na nating alam 'yong feelings natin. Nag-first kiss na
rin tayo. Pero, tingin ko, hindi ko pa talaga kayang mag-handle ng relasyon.
"Sabi ni Yanyan, iba 'yong relationship sa commitment. Iba rin 'yong devotion.
Kapag naging tayo officially, kailangan nating sabihin sa compound, 'di ba?
Kailangan nating sabihin kina Auntie Mona at sa bahay.
"Sigurado naman akong wala tayong magiging problema kina Mama at Papa kasi
kilala ka naman nila. Alam nilang mapagkakatiwalaan ka. Pero ayokong mag-worry sila
na may magbabago sa priorities ko dahil do'n. Gusto ko munang maka-graduate tapos
saka ako maghaharap ng boyfriend."
Tahimik lang si Warren. Maliit akong humawak sa manggas ng kamiseta niya at
hinila 'yon.
"Naiintindihan mo ba 'ko? Ang gulo ko ba?" mahinang tanong ko.
"Nakikinig akong mabuti. Sabihin mo pa 'yong mga iniisip mo," sabi niya at
kinuha ang kamay ko. Ikinulong niya 'yon sa mga kamay niya.
"Ano... iniisip ko rin si Iya. Hindi niya pa alam na mahal siya ni Jacob. Mas
gusto ko sana, mauna siyang maging masaya. Kasi ang tagal na niyang may feelings,
eh. Hindi niya pa alam hanggang ngayon na hindi na one-sided 'yong feelings niya.
"Kung magiging tayo tapos malalaman niya, baka malungkot siya. Mararamdaman
niya ring masyado na siyang left out sa maraming bagay sa compound. Ayoko sana
no'n.

"Si Yanyan din. Kahit na nagde-date sila ni King, hindi ko


pa siya talaga nakikitang masaya ng kung paano ako masaya sa'yo. Ayoko siyang
biglain. Alam ko namang magiging masaya siya para sa'kin pero for sure, sasabihan
din ako no'n na 'wag munang magsabi kahit kanino para hindi malungkot si Iya," ani
ko. Bumuntonghininga ako sa pagpisil ni Warren sa kamay ko. "Sorry kung parang
hindi man lang kita iniisip. Ayoko lang din na bigla tayong tatalon sa romantic
relationship pero hindi ko naman mapa-prioritize dahil mas focused akong maka-
graduate. Hindi mo naman deserve ng girlfriend na gano'n."
Marahan siyang nagbuga ng hangin. "Ano'ng gusto mong gawin natin? Hindi
magiging tayo? Kahit na alam na natin ang nararamdaman natin?"
"Hindi ko nga alam eh."
Natahimik kami.
"Hindi ko na babawiin ang confession ko," sabi ni Warren. "At hindi mo rin
puwedeng bawiin 'yong sinabi mo kagabi."
Ngumuso ako. "Hindi ko naman talaga babawiin 'yon."
"Hindi na talaga puwede.."
"Saka, hanggang maka-graduate lang naman tayo at makabalik si Iya. Kapag okay
na sila ni Jacob, puwede nang maging tayo? Kung ano..." Lumiit ang boses ko. "Kung
gusto mo pa rin ako no'n."
"Gusto pa rin kita no'n," mabilis na sagot niya.
Parang sure na sure siya, eh.
Lumabi ako. "Pa'no mo naman nasiguro? Sabi ni Yanyan, madali lang ma-in love
pero 'yong magpa-stay ng feelings, hindi. Baka magbago pa ang feelings mo."
Hinigit niya 'ko lalo sa tagiliran niya. Ramdam ko na ang init ng katawan niya
kaysa sa sumisingit na lamig ng madaling araw.
"Hindi mo alam kung ga'no katagal na kitang mahal, kaya mo nasasabi 'yan," sabi
niya sa'kin.
"Bakit? Matagal na?" mahinang tanong ko.
"Hindi ko alam kung nagsimula no'ng elementary tayo o no'ng high school."
Nangunot ang noo ko. Sobrang tagal na no'n. "Hindi naman tayo masyadong close
no'ng elementary, ah. Lumipat ka pa nga ng upuan no'ng dapat, seatmates tayo."
Malamlam lang siyang tumingin sa'kin. "Patpatin kasi ako masyado no'n."
"Eh, ano naman? Mataba ako no'n."
"Kaya nga." Ang baba at lumanay na naman ng boses niya. "Kapag nagkakadikit
tayo, lagi tayong may kaklaseng nang-aasar. Number 10 daw tayo. Payat ako. Mataba
ka. Ayaw mong inaasar na mataba, kaya hindi na lang ako dumidikit sa'yo.
"No'ng high school naman, nag-break out 'yong taghiyawat ko. Araw-araw yata
akong may pimple. Eh, may pimples ka rin. Tinatawag naman tayong pangit ng mga
kaklase natin kapag nakikita tayong magkasama. Alam kong ayaw mong tinatawag kang
pangit, kaya hindi na lang uli ako dumikit sa'yo."
Grabe. Parang hindi si Warren ang nagkukuwento sa'kin. Ang gaan ng boses niya
at ng mukha niya. Parang nasa past talaga siya at nakikita 'yong matabang ako at
payat na siya. O 'yong kaming dalawa na puro taghiyawat.
"No'ng kuminis na 'yong mukha ko 'nong high school, medyo malakas na sana loob
ko para lumapit. Kaya lang, nalaman ko naman na crush mo si Robin. Nainis ako no'n.
Naki-crush ka lang naman pala."
Mahina akong tumawa. "Nainis ka no'n?"
"Oo. Naisip ko, hindi naman gwapo si Robin."
"Oo nga. Mas guwapo ka pa."
"Hindi rin naman gano'n katalino."
"Oo nga. Mas matalino ka pa."
"Kaya bakit si Robin?" tanong niyang bumaling sa'kin. Nakasimangot.

Ang cute niya tingnan, eh. Nagselos ba siya nang ganito


noon?
"Naki-crush nga lang ako," sabi ko.
"Marami na ring may crush sa'kin no'n. Bakit hindi ka sa'kin naki-crush?"
aniya. "Kahit sabihin mo noon na joke lang na may crush ka sa'kin, okay lang 'yon."
Hindi ko na napigilan ang pagtawa ko. Binawi ko ang kamay ko sa kanya at
ikinulong ang mukha niya sa palad ko.
"Ang cute-cute mo," sabi ko at pinisil ang pisngi niya.
"Hey... ano'ng cute?"
Nakayakap na 'ko sa kanya bago ko maalalang mahiya.
Ah. Masyado akong masaya. Masyado akong in love. Ang hirap i-handle.
"Hindi ako puwedeng maki-crush sa'yo no'n. Kasi, kahit pa-joke, mahihiya ako
sa'yo," mahinang sabi ko. "Pero naki-crush lang talaga ako kay Robin. Ikaw ang
first crush ko talaga. At ang first love ko. At ang first pagseselos ko."
Yumakap siya pabalik. "You're all my firsts, too."
Humilig ako sa balikat niya at bumuntonghininga. Gusto ko pa nang maraming
first time kasama siya. Pero hindi pa kasi ngayon ang tamang panahon para do'n.
Nang magbitaw kami, tumitig ako sa kanya.
"Hindi ko pa kayang makipagrelasyon ngayon, nang official, nang malalaman ng
compound. Pero sigurado ako, na kaya kong maging devoted sa'yo." Uminit ang pisngi
ko at gustong magbuhol ng mga salita ko. Pero nagpatuloy ako. "Kahit na mas matagal
na 'yong feelings mo kaysa sa'kin, sigurado rin ako na pagbalik ni Iya rito, mahal
pa rin kita. Mamahalin kita lagi na gaya ng pakiramdam ko ngayon."
Bumuntonghininga siya at magaang hinaplos ang pisngi ko. "Okay. Alam natin ang
feelings ng isa't isa pero wala munang requirements ng relasyon. Gano'n ba?"
Tumango ako. "Parang gano'n? May gano'n ba 'yong iba?"
Mahina siyang tumawa. "Malay ko sa iba. Okay na 'ko sa tayo lang."
"Hindi ka galit?"
"Hindi ako magagalit sa'yo," aniya. "At dati pa, sinabi mong hindi mo priority
ang boyfriend. Kaya nga dati pa, balak ko nang maghintay."
"Totoo? Maghihintay ka? Dahil lang sinabi ko 'yon noon?"
"Totoo."
Lumapad ang ngiti ko. "Hanggang maka-graduate lang at makabalik si Iya."
"Okay." Kinuha niya uli ang kamay ko. "Pero manood tayong sine mamaya. Ha?"
Ngumuso ako. "Date?"
"Hindi. Nood lang ng sine."
Alam kong inuutakan niya 'ko pero kahit naman no'ng hindi pa namin alam ang
feelings ng isa't isa, lagi na kaming nanonood ng sine nang magkasama.
"Isama natin si Yanyan?" nanunubok na tanong ko.
"Hindi. Tayong dalawa lang," nakangiting sabi niya.
"Pero hindi date?"
Lalong lumapad ang ngiti niya. "Hindi date."
Siguro gano'n talaga. 'Pag mahal mo, kinukunsinti mo. Ang ganda ng ngiti niya,
eh.
"Okay. Samahan mo na rin akong ibalik 'yong gown sa rental."
"Sasamahan kita kahit sa dry-cleaning."
"Sige."
Hinintay namin ang pagsikat ng araw bago umalis sa park.
***
Napalagay ako sa usapan namin ni Warren. Malapit naman na kaming maka-graduate.
Ilang buwan lang pagkatapos no'n, babalik din si Iya mula New York.
Balik lang kami sa dati naming mga routine. Sabado, nanood kami ng sine at
naglaro sa arcade. Linggo, tumulong kami kay Auntie Mona sa deliveries. Pero
pagdating ng Lunes, sa unang break pagkatapos ng first subject, dinumog ako ng
grupo nina Libby.
Lumabas pa naman sandali si Warren.
"Ano'ng nangyari kay Warren no'ng grand ball?" tanong ni Gwen sa'kin. Nanlalaki
ang mata niya sa curiosity.
"Ano'ng... ano'ng nangyari?" tanong ko pabalik. Napapatingin ako sa pinto.
Sana, bumalik na agad si Warren. Tatahimik sila 'pag bigla siyang bumalik.
"No'ng socialization time kasi, lumapit si Warren sa table namin at nanghingi
ng wet tissue. Nagbigay sa kanya si Libby. Pero bago siya umalis, nakita namin, may
lipstick stain siya. Sa lips." si Roxie.
Hala ka. Oo nga. May lipstick ko no'n si Warren. Nakita pala nila.
Ano'ng sasabihin ko?
"May girlfriend na ba si Warren?" si Libby.
Gusto kong lumubog sa upuan ko. Pakiramdam ko, wala akong takas sa kanila.
Hindi ko naman alam ang sasabihin.
"Ano? Amy?"
"Ano kasi..." Wala akong mahagilap na kasinungalingan.
"Hindi ko pa girlfriend kasi ayaw niya pa."
Napalingon kaming lahat kay Warren na biglang sumulpot.
"What do you mean? Wala ka pang girlfriend pero... nag-confess ka no'ng grand
ball?" tanong ni Gwen dito.
"Yes." Naupo si Warren sa tabi ko bago bumaling. " 'Di ba, Mi?"
Hala siya! Bakit niya 'ko idinadamay?!
"So, kaya ka may lipstick no'ng grand ball..." si Libby.
"I kissed her and confessed," amin ni Warren.
Natahimik lahat sa studio. Nanigas naman ako sa kinauupuan ko. Siguradong
namumula na rin ako.
"Sino siya?" tanong pa ni Libby. "Kilala ba namin?"
Ngumiti nang malapad si Warren. Hala! Hindi naman niya sasabihin sa kanila na
ako 'yong gusto niya, 'di ba?! Baka magalit sila sa'kin!
"Hoy..." mahinang sabi ko sa kanya. Ayusin mo lang, ah. 'Pag sinabi mong ako...
"Ayaw niyang ipasabi, eh," sabi ni Warren sa mga ito bago hawakan ang kamay ko.
Mabilis akong humila pabalik pero hindi ako makawala.
Napatingin sa'kin sina Libby.
"Ayaw ipasabi?" si Roxie.
"Yes. Masunurin ako kaya, let's leave it at that."
Sinusubukan ko pa ring bawiin ang kamay ko pero walang pag-asa. Kahit walang
sinabi si Warren na pangalan, baka malisyahan 'yong paghawak niya sa kamay ko!
Kukuyugin ako! Ayoko!
"Good luck, then. Sana, sagutin ka."
Natigilan ako at napatingin kay Libby na nakangiti sa'min.
Nag-good luck ito? Nang pasadahan ko ng tingin sina Roxie, Penelope, Gwen,
atbp, puro sila nakangiti.
"Thanks," malapad ang ngiting sabi ni Warren.
Nag-blush ang mga babae. Ngayon lang yata nila nakitang halos nakabungisngis si
Warren.
Nakalma naman ako at tumigil sa paghila ng kamay ko. Nang bumalik sa kani-
kaniyang upuan ang mga babae, sumubsob si Warren sa desk at umunan sa isang braso
niya. Nakabaling siya sa'kin.
"Walang prof. sa susunod na subject. Iidlip muna ako, Mi," aniya.
Mahina akong umangil. Itong Warren na 'to! Aatekihin ako sa puso!
"Kinabahan ka?" bulong niya.
Kinagat ko ang labi ko. "Oo."
Mahina siyang tumawa. "Ang cute mo 'pag nagpa-panic ka, eh. Lumalaki ang mata
mo."
Inangilan ko uli siya. "Bully ka. Matulog ka na."
Hinigit niya pa lalo ang kamay ko para mapadikit ako sa kanya. "It's okay. Okay
lang sila," sabi niya. " 'Pag may umaway o nagalit sa'yo, sa'kin mananagot."
Pinisil ko ang kamay niya. "Okay. Tulog na."
"Dito ka lang sa tabi ko," aniya. "Sandali lang akong iidlip."
Tumango ako.
Ngumiti siya at magaang hinalikan ang likod ng palad ko bago pumikit. #0122ma /
01192018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 16: Rendezvous


***
"Are we okay with the groupings? This is your only requirement in my subject. I
won't be meeting you in our scheduled classes so I expect the best output, okay?"
Sabay-sabay kaming sumagot ng 'Yes, Sir' kay Sir Centreno. Ito ang professor
namin sa Broadcast documentary, isa sa mga elective subject ng huling sem namin sa
Broad Comm. Sa iilang klase ay itinuro sa amin ang principles ng documentary
stories for television and for radio. Nagkasundo ang lahat na para sa telebisyon
ang gagawin bilang huling output.
We were divided into four big groups: Team Vigan, Team Baguio, Team Tagaytay,
at Team Rizal. Ang instruction ay gumawa ng historical documentary sa mga naturang
lugar. Nasa Team Vigan kami ni Warren kasama ang apat pa naming kaklase.
"You can always consult me if you need it. Naibigay ko na sa inyo ang number
ko."
Nag-yes lang uli kami kay Sir. Panay na ang tingin niya sa orasan sa kamay
niya. Panay na rin ang kusot niya sa malabong mata. Nasa sixties na yata si Sir
pero hindi ako sure.
"Then, if we're good, class is dismissed. See you next year!"
Lumabas si Sir Centreno. Nagsimula namang magsipag-ayos ng gamit ang mga
kaklase ko. Broadcast Docu ang nag-iisang subject namin tuwing Sabado. Uuwi na
siguro sila.
Kailangan ko na ring umuwi.
"Aalis na rin ba tayo?" untag ko kay Warren.
"May meeting ako kina Coach," sabi niya. "At may ipinapakisuyo si Auntie Mona
sa'kin ngayong hapon."
May gagawin din muna ako sa bahay. Ibig sabihin, hindi kami sabay makakauwi.
"Eh 'di mauna na lang muna ako?"
Alanganin ang pagkakatingin sa'kin ni Warren. Parang ayaw akong pauwiing mag-
isa.
"Tanghali pa lang naman. Hindi ako mapapahamak sa daan," una ko.
"Alam ko naman," aniya.
"Eh 'di ano?"
Nagbuga siya ng hangin. "Wala. Sige, mauna ka na. Ite-text na lang kita 'pag
patapos na 'ko sa inuutos ni Auntie."
Mahina akong tumawa. Gano'n si Warren 'pag ayaw niya 'kong hindi kasabay. Ang
laking tao, ang clingy. "Okay."
"Tinatawanan mo 'ko, 'no?" kunot ang noong sabi niya.
"Hindi, ah." Pero nakakatawa talaga siya.
Pinisil niya 'ko sa pisngi. "Por que cute ka, tinatawanan mo lang ako."
Nanlaki ang mata ko at mahinang tinampal ang kamay niya sa pisngi ko.
Napalingon ako sa mga kaklase naming nando'n pa. Pero nag-uusap-usap lang sila na
parang walang pakialam sa amin.
"Kabado ka na naman," mahinang sabi ni Warren at kiniskis ng hinlalaki niya ang
pisngi kong pinisil niya. "Ayusin mo na 'yong gamit mo. Pasasakayin muna kita bago
ako pumunta kina Coach."
"Hala. Kahit hindi na."
Pero tumango lang si Warren sa gamit ko. Siguradong hindi siya papayag na hindi
ako maihatid sa gate at mapasakay sa jeep, kaya sumunod na lang ako.
Kaswal kaming nagpaalam sa mga kaklase naming naroon pa. Kaswal lang din silang
nagsabi na mag-ingat kami. Nakatungo ako nang lumabas ng studio.
Dapat, kahit papa'no, sanay na 'ko. Gaya ng sabi ni Warren, wala kaming
problema sa mga kaklase namin. O sila sa amin.
Wala nang nag-usyoso kung ano ang eksaktong nangyari no'ng Grand Ball. Um-
attend kami sa awarding ng Intercollegiate Sports Competition na ako ang may suot
ng varsity jacket ni Warren. Walang nanunukso kapag makulit si Warren at
hinahawakan ang kamay ko. O kapag sumasandal siya sa'kin. O kapag umaakbay. O kapag
pinipisil ang pisngi ko.
Pero natataranta at namumula ako. Lalo na dahil madalas
magpalusot si Warren para lang dumikit.
Nakatungo ako hanggang sa makarating kami sa gate.
"Nahihiya ka pa rin?" natatawang tanong ni Warren.
Sino naman kasi ang hindi mahihiya? Ang alam ng buong college, boyfriend ko
siya. Hindi ko naman mai-deny kasi hindi naman din niya dini-deny. Parang ang sama
kapag nagsabi akong hindi. Magmumukha siyang nabasted kahit hindi ko naman
binabasted. Saka, baka umasa si Anya o si Jeron kaya hinayaan ko na lang din.
Si Jeron pa naman, nag-text lang uli sa'kin nang minsang kumustahin ko 'yong
emergency niya. Dinala niya raw sa ospital ang lola niya no'n. Gusto pa rin daw
niyang maging friends kami pero inappropriate kung may Warren na 'ko. Nag-congrats
pa. Isa siya sa mga taong labas sa block namin na unang nakaalam ng tungkol sa'min
ni Warren kahit hindi naman ako nagsabi.
At si Anya, hindi na umaaligid sa tennis club o kay Warren. Nakasalubong ko ito
minsan sa library, pero umiwas. Hinayaan ko na lang din.
Sa ilang buwan na nagdaan, naghintay ako ng magsasabing hindi kami bagay ni
Warren. Wala naman. Parang masaya naman sila para sa'min. Kahit si Jo. Napansin pa
ng mga kaklase namin na lalo raw akong gumaganda at pumapayat. Nabawasan na uli ako
ng isa't kalahating kilo eh. Lumalapit na raw ako sa ideal weight ko kaya mabagal
na ang pag-lose. Binago ni Warren ang sets ng exercises namin. Mas nag-focus sa
body toning.
Gano'n lang lumipas ang first sem. Madaya sa oras. Masyadong mabilis kapag
magkasama kami ni Warren. Mabagal kapag magkahiwalay kami.
Ang sumalubong sa second sem namin ay puro production projects, thesis, at sem
evaluation para sa scholarship na in-apply-an ko.
" 'Pag may maluwag na jeep, parahin mo na, ha? Para hindi ka masyadong ma-late
sa meeting mo kay Coach," ani ko.
Tumango si Warren. "Baka makaidlip ka pa pag-uwi. Magte-text agad ako
pagkatapos ng meeting."
"Hindi. May gagawin din ako, eh. Kaya take your time," ani ko.
"Anong gagawin mo?"
Ngumiti lang ako. Ayoko ngang sabihin sa kanya.
"Ano nga?"
"Makikita mo rin mamaya 'pag magkasama na uli tayo," sabi ko.
Natahimik na siya ro'n.
Nang may dumaang maayos na jeep, pumara siya at pinasakay ako. Inihatid niya pa
ng tingin ang sasakyan hanggang sa pagliko sa isang kurba at hindi ko na siya
makita.
***
Warren ><:
Nakauwi na ko. Nakakain na rin.
Ikaw?
Warren ><:
May isang delivery lang
ako para kay Auntie. Sa
palengke lang. Pahintay
kaunti. :)
Tinanggal ko muna ang plastic gloves sa kamay ko para makapag-reply.
Amethyst De Vera:
Kumain na rin ako.
Text ka agad pag
aalis na ko, ha? ><</i>
Warren ><:
Yes.
Amethyst De Vera:
Sa mall na tayo magkita, ha?
Warren ><:
Ayaw mo sa sakayan sa
palengke?
Amethyst De Vera:
Wag dun. Baka may makakita
satin na kakilala.
Warren ><:
Lagi naman tayong magkasama.
Walang kaso yun.
Amethyst De Vera:
Basta sa mall na lang. Please ~
Warren ><:
:<</i>
Amethyst De Vera:
Please ><</i>

Warren ><:
Sige na nga.
Amethyst De Vera:
Yey ~
Thank you. ><</i>
Warren ><:
Thank you lang?
Amethyst De Vera:
Ano pa ba? ><</i>
Warren ><:
:<</i>
Amethyst De Vera:
Lamonayun ~
Warren:
Hindi ko alam e.
Nakalimutan ko na. :<</i>
Amethyst De Vera:
Lamoyun ~
Warren ><:
Hindi nga. :<</i>
Amethyst De Vera:
Haha. Sa susunod ><</i>
Warren ><:
Lagi na lang sa susunod. :<</i>
Amethyst De Vera:
Haha. ><</i>
Warren ><:
Dinadaan na lang ako sa
tawa. At sa susunod. Tsk.
Amethyst De Vera:
Sorry na. Haha. Mag-deliver
ka na, Coach~
Ingat ~
Warren ><:
Okay. Love you. :)
Amethyst De Vera:
><</i>
Nang maibulsa ko ang cellphone ko, nagsuot ako ng panibagong plastic gloves sa
kamay at kinapa ang sponge cake na kabe-bake ko lang. Malamig na 'yon. Hinango ko
'yon mula sa molder at inilagay sa nakahandang food container. Nag-squeeze ako nang
manipis na frosting do'n bago budburan ng choco sprinkles. Maingat ko 'yong
inilagay sa backpack ko. Para kay Warren 'yon.
Hinango ko rin ang dalawa pang nasa molde at inilagay sa food container bago
dekorasyunan ng frosting at strawberries. Inilagay ko ang mga 'yon sa ref.
Nagliligpit na 'ko sa kusina nang pumasok si Yanyan. Nakabihis ito.
"Tapos ka nang mag-bake?" aniya. Dumiretso siya sa ref at kinuha ang tumbler ng
tubig niya roon.
Inabutan ko siya ng baso.
"Tapos na. Parang okay naman na 'yong sponge cake ko ngayon. Gusto mong
tikman?" ani ko at ipinresenta ang isang molde na may undecorated cake pa.
Nang lumapit sa'kin si Yan, kumuwit ako sa cake gamit ang tinidor at sinubuan
siya. Tumatango-tango siya habang nilalasahan ang iniluto ko.
"Masarap naman, 'di ba? Hindi naman masagwa, 'di ba?" ani ko.
"Yep. Masarap."
Lumapad ang ngiti ko. May ibinunga ang pagbili ko ng mga measuring cups at
pagpapraktis kong mag-bake nang mag-sembreak kami.
"Ilan ang ibinake mo ngayon?" aniya.
"Ani—Lima!" ani ko. "Tatlo para rito sa bahay, isa na ipapatikim ko kay Auntie
Mona at isa para kina Tita Rose."
"Ang dami."
"Maliliit lang naman kaya kasya sa oven," sabi ko. Hindi ko pa kayang mag-bake
ng malaki. Nang minsan na i-try ko, hindi naluto nang maayos ang cake. Gumuho.
"May pinagpapraktisan ka ba? Susunod ka sa yapak ni Auntie Mona?"
Grabe. Mahirap kayang sundan ang yapak ni Auntie Mona. "Hindi, ah. Gusto ko
lang talagang matutunan."
Para kay Warren talaga 'yon. Nakakahiya kasi. Mas marunong pa siya sa kusina
kaysa sa'kin. Ni hindi ako marunong magprito nang maayos na sunny side up egg,
samantalang siya, ipinag-bake ako ng non-fat cake no'ng nakaraan. Akala ko pa no'n,
si Auntie Mona ang nag-bake no'ng ipinatikim sa'kin. Siya na pala.

"Sa susunod, mag-aral ka na ring magluto ng mga simpleng


ulam," sabi ni Yan at ibinalik ang tumbler ng tubig sa ref namin.
"Sige. Kapag pareho tayong naiwan dito sa bahay, turuan mo 'ko." Magsimula
siguro kami sa pagprito ng itlog.
Matagal na napatingin sa'kin si Yan pagkatapos.
"Bakit?" ani ko.
"Wala naman." Nakatingin pa rin siya na parang may gusto siyang sabihin sa'kin.
Pero huminga lang siya nang malalim at ngumiti. "Wala. Whatever."
Nakahinga ako nang maluwag. Akala ko may napapansin siyang iba sa'kin. Gaya ng
baka masyado akong cheerful. O na, nakaayos ako ngayon.
"Marunong ka nang mag-eyeliner, ha."
Hala! Napansin nga! Nanood-nood ako ng mga videos lately tungkol sa pagme-make-
up. Bumili rin ako ng ilang cosmetics para makapag-ayos. Gusto ko na mas
presentable ako 'pag magkasama kami ni Warren.
"Inaaral ko lang sa youtube nitong mga nakaraan. Para kapag mag-a-apply na 'ko
ng trabaho, marunong na 'ko. Hindi na kita masyadong aabalahin." Partly true 'yong
rason ko pero ang pinaka talaga ay si Warren. Sana wala nang ibang mapansin si Yan.
Mauubusan ako ng rason.
"Nakabihis ka rin. Paalis ka?" aniya.
"Oo. May bibilhin ako sa labas." Hinagod ko siya ng tingin. Naka-dress siya at
low-heeled sandals. Paalis din siya? "Ikaw? Aalis ka rin?"
Lumingon si Yan sa arko ng kusina namin bago sumagot.
"Uh... Yes."
"Sa'n ka pupunta?" ani ko at nakagat ang labi ko. Dapat pala, hindi na 'ko
magtanong pa. Baka ibalik sa'kin.
"May bibilhin din."
Nagkatinginan kami. Hala, lagot! Karaniwan kapag pareho kaming may bibilhin,
magkasama na lang kaming lumalabas. Pero hindi ko siya puwedeng yayain ngayon dahil
may lakad kami ni Warren.
"Sa'n ka ba bibili ng bibilhin mo?" tanong ni Yan. "Sa mall malapit sa school
n'yo?"
Ang tindi ng iling ko. "Hindi. Sa Divisoria ako pupunta."
"Ang layo naman. Kasama mo si Warren?"
Mas marami ang naging iling ko. "Hindi!"
Tumango-tango siya.
"Ikaw? Ano... sa mall ka bibili ng kailangan mo?"
"Hindi. Sa stores malapit sa school ako pupunta," aniya.
Nakahinga ako nang maluwag. Buti na lang, hindi siya sa mall.
"Matagal ka pa ba?" tanong ni Yan. "Sabay na tayong umalis?"
"Mayamaya pa 'ko aalis. Una ka na."
"Sige..." Matagal uli siyang tumingin sa'kin bago umiling. "Sige, una na talaga
'ko."
"Ingat!" Sinabayan ko ng ngiti ang pagkaway ko.
Nang makalabas si Yan sa kusina, saka lang ako nakahinga nang maluwag.
Nagpatuloy ako sa pagliligpit at naghintay ng oras.
***
Kumaway ako kay Warren pagdating ko sa mall kung saan siya naghihintay.
Sumalubong naman siya sa'kin at tumabi.
"Sa electronic store muna tayo?" aniya.
"Yep."
Lumakad kami papunta sa fifth floor ng mall, sa electronics at gadgets section.
Bumili kami ng bagong video editing software at headphones.
Pagkatapos do'n, tumawid kami sa cinema section para bumili ng ticket. May
lagpas isang oras pa bago ang showing ng panonoorin namin kaya tumambay muna kami
sa food court at umorder ng french fries. Ibinigay ko rin sa kanya 'yong cake na
gawa ko. Sabi ko, sa bahay na niya tikman. Gusto kong i-open sa kanya 'yong tungkol
sa scholarship na in-apply-an ko pero hindi ko alam kung pa'no.

"Bakit titig na titig ka sa'kin?" untag ni Warren sa'kin.


"Gusto mong subuan kita?"
Sumimangot ako sa ngiti niya. "Hindi 'yon."
Pero inilapit na niya sa labi ko ang isang mahabang piraso ng fries. "Ito na."
"Hindi nga."
Kinuwit niya ng fries ang labi ko. Wala akong nagawa kundi tanggapin ang
isinusubo niya.
Mahina siyang tumawa habang ngumunguya ako.
Gusto ko siyang nakikitang ganito. Magaan ang mukha at madaling tumawa. Nang
mag-confess kami sa isa't isa, lalong mas madaling makipag-usap sa kanya. Pero
hindi ko alam kung ano'ng magiging palagay niya kapag sinabi ko 'yong tungkol sa
scholarship.
"May sasabihin ka?" aniya.
Tumikhim ako. "Uh... ano kasi..." Kumuha ako ng french fries at isinubo sa
kanya. "May sasabihin ako."
"Ano 'yon?"
"Ano... alam mo 'yong scholarship do'n sa OJT? In-offer ba sa'yo 'yon?" ani ko.
"In-offer pero hindi ako nagpasa ng form. Nagpasa ka?"
Tumango ako habang nakatingin sa kanya.
"Nag-evaluate na sila para sa grade ng unang sem?" tanong uli niya.
"Oo. Eh... wala pa namang result..."
"Mataas ang grades mo. Siguradong pasado ka."
Totoong mataas ang grades ko. Kaya nga sure ako na pasado ako sa first
evaluation kahit na wala pang ini-email na result.
"Ano'ng problema?" aniya.
"Ikaw? Wala bang problema 'yon? Bakit hindi ka nagpasa ng form?"
Nagkibit-balikat siya. "Hindi ko inisip na umalis no'ng nag-offer sila. Ikaw?
Bakit ka nagpasa ng form?"
Kagat-kagat ko ang labi ko nang sumagot. "Eh kasi scholarship grant 'yon eh.
Makakapag-masteral ako sa ibang bansa nang hindi gagastos sina Mama at Papa at
Kuya. Saka, gusto ko 'yong course natin."
"Alam ko. Kaya nga hindi ako nagtatakang nagpasa ka."
Kaya nga. Na ibig sabihin... "Kapag nakapasa ako sa second evaluation..."
"Siguradong makakapasa ka hanggang second evaluation," walang anumang sabi
niya.
Bumuntonghininga ako. "Kapag nangyari 'yon, aalis ako ng Pilipinas."
"Oo nga."
"Uh... ano... okay lang ba 'yon?" maingat kong tanong.
Ngumiti siya at pinisil ang pisngi ko. "May offer sa'kin sina Coach kanina sa
meeting."
"Ano?"
"Scholarship din para maging pro tennis player. Sa Singapore."
Hindi ko alam kung pa'no kikibo.
"Uh... Ano'ng sabi mo?"
"Sabi ko, iko-consult ko muna kina Papa at Auntie. Pati na kay Jacob."
Pinaglaruan ko ang serving ng fries sa paper bowl namin. "Kung papayag sila,
kukunin mo 'yong offer?"
"Kunin ko ba 'yong offer, Mi?" nakangiting tanong niya.
"Oo! Gusto mo 'yon, 'di ba? Tennis ang pinakamatagal mong nilaro kaysa ro'n sa
ibang sports. Magaling ka sa singles at sa doubles! Ang guwapo mo rin maglaro—"
Itinikom ko ang bibig ko.
Mahina siyang tumawa. "Yes. Gusto ko nga ang tennis. Naisip ko nang mag-pro
dati pero akala ko, imposible." Maamo siyang tumingin sa'kin. "Gusto mo rin 'yong
scholarship na in-apply-an mo, 'di ba? Gusto mong maging anchor."
Nagbaba ako ng mata sa mesa. "Oo, eh. Nasabi ko na nga 'yon kina Mama at Papa.
Okay naman sila. Pero tayo... ano'ng gagawin natin?"
Inabot ni Warren ang isang kamay ko at ikinulong sa mga kamay niya. "Ano nga
bang gagawin natin?"
"Ewan ko... Tatlong taon 'yong scholarship sa Broadcasting."
"Tatlong taon din 'yong sa tennis."
Tumingin kami sa isa't isa.
"Ang gusto mo ba ay magdesisyon tungkol sa'tin pagkatapos pa no'n?" aniya.
"Magagalit ka na ba kung i-extend ko pa hanggang three years pa 'yong request
ko sa'yo?"
"Ngiti ka."
"Ano?"
"Ngumiti ka," masuyong sabi niya.
Sumimangot ako lalo.
"Ngiti na. Isa lang," aniya.
Alanganin akong ngumiti. Tumitig siya.
"Yan. Kung magiging masaya ka, okay lang ako."
"Sigurado ka?"
"Kung sakali, aalis din naman ako. Wala naman tayong ibang babalikan kundi ang
compound."
"Hindi rin pati sure na makukuha ko 'yong scholarship," ani ko.
"Sigurado 'yon. Matataas grades mo, eh."
Hindi ako kumibo. Nagbuga naman siya ng hangin.
"Mami-miss lang kita sigurado. Hindi ako sanay na hindi ka nakikita bawat araw.
Pero marami pa namang araw na magkakasama tayo bago ang graduation. Puwede namang
sulitin."
Tumango ako. "Oo nga. Sulitin natin."
"Puwede ka nang magsimula sa pagsasabi no'ng susunod," aniya.
"Ano'ng susunod?"
Matagal na tumingin sa'kin si Warren bago sumimangot. " 'Wag na lang."
Mahina akong tumawa. Mula no'ng unang beses kong nasabi 'yong gusto niyang
marinig, hindi ko na uli masabi. Ang hirap kasi. Umuurong talaga ang dila ko.
"Galit ka na?" tanong ko sa kanya.
Umiling siya uli. "Kumain na lang tayo."
"Subuan uli kita," ani ko sa kanya. Kumuha ako ng mahabang fries at idinikit sa
labi niya. "Fries, oh. Dali na."
Kinagat niya 'yon at nginuya nang hindi hinahawakan.
Ang dami niyang hinihintay sa'kin—ako, 'yong gusto niyang marinig, at 'yong
pagsasabi namin sa compound. Hindi ko alam kung ano'ng mangyayari sa tagal ng
panahon. Sabi ng iba, nagbabago ang maraming bagay—kasama ang feelings. Gusto kong
isipin na exempted kaming dalawa sa mga bagay na lilipas at magbabago. O kung
magbabago man kami, sa ganito pa rin kami mauuwi—sa laging magkasama.
Pero hindi nasisiguro 'yon. All we can do is promise and try to keep that
promise. Kaya hangga't may ibang bagay pa na dapat naming pagtuonan ng pansin bukod
sa pagiging para sa isa't isa, gusto ko pang maghintay.
"Lapit ka kaunti sa'kin, may sasabihin ako," sabi ko sa kanya.
"Ano?"
"Lapit ka nga. Ibubulong ko lang."
Nangalumbaba siya sa mesa at kumiling sa'kin. Inilapit sa'kin ang tainga niya.
Dinampian ko naman siya ng halik sa pisngi bago bumulong, "Thank you."
Kinuha niya ang kamay ko at pinisil. Mahaba siyang bumuntonghininga.
"It's okay. I'll wait for you."
Pinisil ko rin ang kamay niya. "Hindi lang ikaw. I'll wait for you, too."
#0506u / 01242018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 17: Beautiful sunsets

***
"Magsasabay-sabay ba tayo ng pag-alis? O ihahatid mo na lang sina Mimi at
Warren sa school nila, Ivan?" tanong ni Papa kay Kuya na katabi niya.
"Sabay-sabay na lang tayo, Papa," salo ko. "Prepared na 'yung gamit ko, eh.
Tapos kanina pa nag-text si Warren na ready na siyang umalis. Sabi ko, mag-aalmusal
lang tayo."
Araw ng alis ng grupo namin para sa documentary project sa Vigan. Anim kaming
magkakasama—sina Warren, Libby, Penelope, Eula, Gwen, at ako. Sa school kami
susunduin ng van na nirentahan namin.
Sina Mama at Papa, pupunta sa kasal ng tiyahin namin sa Tondo. Si Kuya naman,
nasa talyer gaya ng dati. At si Yanyan, sa bahay lang daw. Pinagluluto ni Mama ng
puchero na request ni Kuya.
May iba kay Yanyan eh. Ang gaan-gaan niya ngumiti kumpara sa nakaraang mga
linggo na matamlay siya at namamaga ang mata. Naka-move on na siguro siya sa break-
up nila ni King. Puwede ring may ibang nagpapangiti sa kanya. 'Yong saya niya kasi,
parang 'yong saya ko no'ng nalaman kong gusto ako ni Warren.
"Isang linggo ba talaga ang itatagal n'yo sa Vigan? May matitirhan ba kayo
ro'n?" untag ni Papa sa'kin.
"May bahay po kaming na-rent, Papa. Tapos, five days lang po kami. Makakabalik
na kami ni Warren bago mag-weekend uli," ani ko.
"Ilan kayong magkakasama?" si Kuya.
"Anim."
"Ilan ang babae?"
"Lima. Si Warren lang ang lalaki."
Sumimangot si Kuya. "Bakit hindi na lang kayo puro babae?"
"Hala, mahirap 'yon. Mabigat ang tripod na gamit namin. Kawawa na nga si Warren
kasi siya lang ang tagabuhat naming lahat. Mas okay kung may isa pa kaming lalaki."
Seryoso pa rin ang mukha ni Kuya kaya nagdagdag ako. "Predecessor ng mga handheld
cams na bitbit namin 'yong main cam namin."
Hindi ko alam kung naiintindihan ni Kuya ang sinasabi ko. Pero hindi nawawala
ang simangot niya.
"Magte-text ka lagi kapag nando'n na kayo, ha?" bilin naman ni Mama. "At lagi
kang mag-charge ng cellphone mo para ma-contact ka namin anumang oras."
Tumango ako.
"Umuwi agad kayo 'pag puwede nang umuwi. Baka gumala pa kayo ro'n," si Kuya.
Balak naman talaga naming gumala nang kaunti kapag smooth ang shooting namin.
Sayang naman kasi. Kung nando'n na rin lang kami, dapat na ma-enjoy na rin namin
ang Vigan, hindi bilang estudyante kundi bilang turista.
"Kasama naman niya si Warren, Ivan. Hindi mapapano 'yang kapatid mo," sabi ni
Papa.
Sumegunda si Mama pero nangunot lang ang noo ni Kuya.
"At saka po pala..." Hinintay kong tumingin silang lahat sa'kin bago
magpatuloy, "Pasado po ako sa first semestral evaluation no'ng scholarship na in-
apply-an ko. Kapag pasado uli ako sa final evaluation, sure na 'yong scholarship."
Nagkatinginan sina Mama at Papa. Humilig naman sa'kin si Yanyan. Pinisil ang
pisngi ko.
"Galing-galing ng Mi namin, ah," sabi ni Yan.
Nag-congrats sina Mama at Papa kahit halatang hindi sila komportable.
"Aalis ka ba agad kapag na-approve 'yon?" si Mama.
"Hindi naman po dahil around September po ang start ng sem sa London," sagot
ko. Nag-inquire na kasi ako sa station via email kung anu-anong Universities ang
tie-up nila. Parehong nasa London ang universities para sa masteral sa broadcast at
sa film. "Maaabutan ko pa pong umuwi si Iya next year."

Tahimik sa table namin. Hindi ko tuloy alam kung masaya


sila o ano.
"Nag-apply rin ba si Warren sa scholarship?" tanong ni Kuya.
Umiling ako. "May ibang offer sa kanya sina Coach Richie eh. Sa tennis ang ipu-
pursue niya after graduation."
"Narinig ko nga kay Mona," sabi ni Mama. "Nagsabi na yata si Warren sa kanila
ni Juan."
"Uh... Pumayag po si Uncle Juan?"
"Papayag naman 'yon, lalo't desidido si Warren," sabi ni Papa. "Magaling pati
talaga sa sports ang batang 'yon. Elementary kayo ay sa basketball iyon, ano?"
"Opo, Papa." Seryoso akong tumingin sa kanila. "Eh kayo po? Payag naman po kayo
kung sa London ako mag-Masteral, 'di ba?"
Hindi agad nakakibo sina Mama at Papa. Nakailang tanong na 'ko sa kanila noon
pero ang sabi nila ay pag-usapan na lang kapag pumasa ako. Ngumiti ako sa kanilang
dalawa.
Mahigpit sa bahay namin, kumpara kina Iya o kina Warren. May sinusunod kaming
schedule. May mga batas at tradisyon na bawal baliin. At alam kong kung papipiliin
sina Mama at Papa, mas gusto nilang mag-aral ako nang hindi nalalayo sa kanila.
Pero...
"Libre na po 'yon na study," sabi ko. "Tapos sa ibang bansa pa." Parang hindi
sila kumbinsido talag. "At gusto ko po talaga 'yon."
"Eh..." Bumuntonghininga si Mama. "Kung gusto mo naman, eh."
"Gusto ko po talaga," diin ko. Alam kong papayagan nila 'ko dahil alam nilang
pangarap ko talagang maging magaling na anchor. "Gusto ko po na pagbalik ko, anchor
material na 'ko talaga. At hindi mahihirapan ang kahit na anong station na i-hire
ako dahil may pangalan ang school na panggagalingan ko."
"Right. Kasi alam n'yo naman sa'tin, kahit na matalino o magaling, titingnan pa
rin ang school. Sa requirements pa lang ng employment, naka-indicate minsan na must
come from a prominent school," dagdag ni Yanyan. "Ang galing nga ni Mi, eh. Nag-
qualify siya sa gano'ng scholarship."
"Saka may libreng lodging na po ro'n," ani ko pa. "Sa iba pang gastusin, puwede
akong mag-part time job."
"Hindi na. Kaya natin 'yon," sabi ni Kuya. " 'Pag sigurado na 'yan, kakayanin
natin 'yan."
Hala. Sure na sure si Kuya. Eh, sa compute kong gastusin sa school, sobrang
laki. Baka hindi siya makapag-asawa kung magtatrabaho siya para sa Masteral ko.
"Ba't ganyan tingin mo?" untag ni Kuya sa'kin.
"Eh kasi... mahal pa rin expenses no'n, Kuya. May mga part-time jobs naman—"
"Kaya ko 'yon," aniya.
Nakatingin pa rin ako.
"May work na rin ako no'n, tutulong ako," sabi ni Yanyan. "Makakapag-asawa 'yan
si Kuya. Kailangan lang muna niyang humanap ng babaeng magiging girlfriend."
Nailing si Kuya nang mabuko ang concern namin. "Pa'no n'yo naman naisip na wala
akong babaeng puwedeng gawing girlfriend?"
"Oo nga naman. Fckboy yata itong si Ivan, eh," natatawang singit ni Papa.
Mahina kaming tumawa ni Yanyan. Hindi na nawala sa isip ni Papa 'yong term na
turo ni Kuya.
"Hindi 'yon, Pa!" si Kuya.
"Pero meron ka ngang igi-girlfriend, Kuya?" ani ko. Pero mas malamang na wala
talaga.
Sumimangot siya. Uminom ng tubig. Nagtinginan tuloy kami ni Yanyan.
"See? Wala siyang masabing girl," si Yanyan.
" 'Wag n'yong ibahin ang usapan," si Kuya.
Tapos sumingit si Mama. "Virgin ka pa ba, anak?"

Malaki ang mata naming lahat. Umingay sa mesa. Puro kami


Hala. Si Kuya naman, napapa-Ano ba yan.
"Buong-buo pa ang pagkalalaki ko, Ma. Iaalay ko lang 'to sa tamang babae,"
nakatawang sabi ni Kuya. "Hindi puwedeng titikman lang ako."
Puro naman kami Kadiri ni Yanyan. Sina Papa at Mama, naiiling na natatawa na
rin. Hindi pa raw puwedeng ialay ni Kuya ang pagkalalaki niya kahit na kanino
hangga't hindi ako guma-graduate. Kawawa talaga siya.
Nang matapos ang agahan namin at ilan pang pagbibilin, sakay ng van ay dumaan
kami sa compound at sinundo si Warren. By seven-forty, sakay na kami ng van papunta
sa Vigan.
***
"May papasok na bagyo at sabi sa forecast, sa mga susunod na araw, baka umulan
sa North including Vigan. Para hindi masagasaan ang project natin, we'll change our
original schedule. We're going to shoot by pairs," panimula ni Libby. Nakalingon
siya sa'min sa pagkakaupo sa middle seat ng van, katabi sina Gwen at Eula. Si Pen
na nakakaalam ng address ng transient house sa Vigan ang nasa tabi ng driver. Kami
naman nina Warren ang nasa likod. At naiipit ang van sa traffic sa highway. "Since
tatlo naman ang camera na dala natin, we're covered. Kunan muna natin lahat ng
outdoor shots at establishing shots na kailangan habang okay pa ang weather. Maaga
tayong magsimula bukas para mahaba ang oras."
Tumango kami.
"Sina Warren at Mi ang magkasama mula Burgos Museum hanggang Syquia Mansion.
Tagusin n'yo na rin 'yong Bell Tower kung kaya pa," dagdag ni Libby. "Sina Gwen at
Pen sa shots mula sa Pagburnayan hanggang sa Arce Mansion. Kung kaya nang daanan
ang Hidden Garden, tagusin n'yo na rin. Kami ni Eula sa Baluarte hanggang Mindoro
beach."
"Kung maaga tayo bukas, sa labas na tayo mag-aagahan?" tanong ni Pen.
"Marami namang kainan do'n for sure, so sa labas na lang, no?" si Gwen.
" 'Oy, saka, sino'ng magluluto kung sakali? Ako, I don't know how to cook," si
Eula.
Nagkatinginan kami ni Warren.
"Hindi rin ako marunong, eh," sabi ni Libby na nahihiyang ngumiti. "Ikaw, Pen?
Gwen?"
Umiling ang dalawa. Napatingin ako kay Warren bago, "Si Warren lang ang
marunong magluto sa'tin. Hindi rin ako marunong."
Nag-iwas sila ng tingin kay Warren.
"Puwede namang sa labas kumain," ulit lang ni Gwen.
"Since naghahabol tayo ng magandang panahon, sa labas na lang tayo kumain," si
Libby.
"Or magpa-deliver tayo!" si Eula.
Ang mahal ng mga gusto nila. Wala sa budget ko ang puro kain sa labas at pa-
deliver. Baka mag-short ako. Hindi ko alam kung may extra money si Warren na puwede
kong utangin.
"Kapag may oras naman at nasa bahay lang tayo, magluluto na lang ako. Mas tipid
'yon. Madali lang naman," salo ni Warren. "Anim lang tayo."
Hindi sila makakibo.
"Marunong akong maghiwa ng kahit ano," sabi ko. "Tulungan kita. Saka, marunong
akong magprito."
"Alam ko," baling sa'kin ni Warren at ipinatong ang kamay niya sa ulo ko.
Tapos, ibinalik niya ang atensyon kina Libby. "Continue with the planning."
"Uh... Then, alinman sa second o third day ang good day for shoot, do'n natin
kunan ang iba pang outdoor shots na kailangan o posible nating na-miss. Pati 'yong
shots na kailangang may host," patuloy ni Libby na tumingin sa'kin. "Kayo ni Gwen
'yon. Make sure to visualize your actions in front of the camera para hindi
masyadong maraming takes. Baka maingay ang area. Kapag alanganin ang weather o ang
ilaw, indoor tayo."

Nagtanguan kami.
"But before all that... mga ano'ng oras po tayo makakarating sa Vigan, Manong?"
untag ni Libby sa driver.
"Ma-traffic po, eh. Baka alas-nueve na tayo makarating nito, Ma'am."
Napabuntonghininga kami. Alas-tres pa lang ng hapon. Sabi ni google, nasa seven
hours lang by private car mula Manila to Vigan. Pero walang counted na traffic
do'n. With the traffic, ayon sa research namin ay umaabot ng fourteen hours.
Para makatipid sa oras, sa sasakyan na kami nananghalian. Dumaan lang kami sa
drive-through at umorder. Do'n na rin pala kami magdi-dinner.
"Sana pala, hatinggabi tayo bumiyahe, 'no?" sabi ko sa kanila.
" 'Yong pabalik natin, hatinggabi na lang siguro," sabi ni Libby. "Since stuck
tayo rito sa van, pag-aralan na lang natin 'yong mga shot list at script. If you
have better ideas para bumilis ang shoot natin at makapag-enjoy pa nang kaunti
before umuwi after the shoot, sabihin lang sa buong group."
"Or matulog tayo kasi nakakaantok," ani ni Eula.
"Right. Or matulog," si Libby.
That's what we did after. Pinag-aralan ko ang script. Pinag-aralan naman ni
Warren ang shot list. Nang ma-bore sina Eula at Gwen, nanood sila ng koreanovela sa
tablet na dala nila. Gusto ko sanang makinood pero mahirap dumukwang sa seat nila.
At naka-earphones sila. Ayokong manood na puro basa lang sa subtitle pero hindi
naririnig ang scoring. Si Libby, nag-music. At si Pen, nasa social media yata.
Nang dumilim na, dumaan kami sa isa pang drive-through at umorder ng pagkain.
Pagkatapos, nakakaantok na talaga. Iniisip ko pa naman kung pa'no sasabihin kay
Warren 'yong pagkakapasa ko sa first sem evaluation ng scholarship. Kahit na ini-
expect na niya 'yon, alam kong iba pa rin kapag confirmed na.
"Antok ka na?" untag niya sa'kin.
Tumango ako. Humilig sa bintana ng van. Bakit kaya nakakapagod bumiyahe kahit
na nakaupo lang naman sa loob ng sasakyan?
"Mauuntog ka diyan. 'Wag ka diyan sumandal," aniya. Mahina rin ang boses niya
dahil natutulog ang mga kasama namin.
Umalis ako sa pagkakasandig sa salaming bintana at sumandal sa headrest ng
upuan. Komportable naman 'yon pero maliit. Salo ang ulo ko pero siguradong isang
maling preno, susubsob ako o ano. Buti pa sina Gwen, Eula, at Libby, naka-cuddle sa
upuan nila.
Pumikit ako nang mariin bago kusutin ang mata ko. Alas-otso na. Isang oras na
lang siguro, nasa transient house na kami. Hindi na siguro ako iidlip.
Pero iginiya ni Warren ang ulo ko sa balikat niya, bago sumandal nang maayos sa
upuan. Nanlaki ang mata ko. Tulog naman ang mga kasama namin pero kasi, baka
magising sila tapos makita nila kami.
"Dito ka sa'kin matulog," sabi niya.
"Eh..." Sinubukan kong umalis sa pagkakahilig pero ibinalik niya lang ako uli
sa pagkakasandal sa kanya.
"November na, Mi. May nine months na lang tayong magkasama or less," aniya.
Patapik ang paghagod niya sa tagiliran ng ulo ko. "Dito ka na sa'kin matulog."
"Alam mo na," bulong ko, "na pasado ako sa evaluation?"
"Alam kong pasado ka kahit wala pa 'yong result, 'di ba?"
Lumabi ako. "Eh ikaw? Sinabi mo na kina Auntie 'yong sa tennis mo?"
"Oo. Kinausap na rin sila ni Coach. Pumayag naman. Sabi ni Coach, bandang
November next year ang unang training camp."
September ako kailangan sa London kung sakali. November naman siya sa
Singapore. Maikli na nga ang panahon naming magkasama.
Umayos ako ng sandal sa kanya.

"Bandang August ka aalis? O September?" untag ko.


"August."
"Hala. Ako rin. Kung sakali."
"Sure 'yon."
Na ibig sabihin, sure din na hindi nga kami magkikita ng ilang taon. Pa'no kung
may magbago sa loob ng panahon na 'yon? Pa'no kung hindi na kami maging tulad nito
pagkatapos no'n? Masyadong catch si Warren. Malamang, may magkakagusto sa kanyang
iba. Puwede ring may magustuhan siyang iba. Ano'ng gagawin ko 'pag nangyari 'yon?
Hindi ko namalayan kung gaano katagal kaming natahimik. Nang iangat ko ang ulo
ko para tumingala sa kanya, nagkasalubong ang mga mata namin. Nakabaling siya
sa'kin at ako sa kanya. Kaunting-kaunti ang distansiya ng mukha namin sa isa't isa.
Napalunok ako nang bumaba ang mata niya sa labi ko. Mula no'ng gabi sa gazebo,
hindi pa uli nasundan 'yong ano... Napatingin din ako sa labi niya. 'Wag mong
sabihing dito...
Ngumiti siya at ibinalik ang ulo ko sa pagkakasandal sa balikat niya.
Pagkatapos, magaan niya 'kong hinalikan sa noo. Napapikit ako nang mariin.
"Matulog ka muna. Tingin ko, malayo pa tayo," malumanay na sabi niya.
Huminga ako nang malalim para kalmahin ang mabilis na tibok ng puso ko. Sa noo
niya lang ako hinalikan pero may epekto sa buong katawan ko ang init ng labi niya.
Pa'no kung hindi do'n lumapat ang halik niya? Pa'no kung sa labi ko? Siguradong
malulusaw ako.
"Idlip ka rin," mahinang sabi ko.
"Oo."
Sumiksik ako sa kanya at natulog.
***
Alas-dies na ng gabi nang makarating kami sa transient house.
Simple lang ang bahay. Nadidibisyunan ng malaking platera at kabinet ang kusina
at salas. Iisa ang banyo. May loft na eksakto sa apat na higaan pero ipinilit na
malagyan ng panglima. Doon kaming mga babae. Si Warren, sa sala ng bahay matutulog.
May higaan lang siyang iniayos sa sahig dahil hindi siya kasya sa sofa.
Kahit pagod, pumila kaming mga babae sa banyo para maglinis ng katawan. Para
kasing ang lagkit namin kahit na de-aircon naman ang van. Nagpahuli na 'ko dahil
sigurado akong magpapahuli si Warren.
Nang makapaglinis ako ng sarili ko at nasa banyo na si Warren, kinapa ko ang
nakalatag na higaan niya sa sahig. Kutson naman iyon pero manipis. Malamig ang
sahig na lalong pinalalamig ng aircon ng bahay. Samantalang ang kumot niya,
manipis. Atubili ako nang umakyat sa loft para mahiga.
Narinig ko pa nang lumabas si Warren sa banyo. Pinakinggan ko ang footsteps
niya. Nang mamatay ang ilaw sa kusina at sala, sumilip ako mula sa loft. Sa tulong
ng bukas na ilaw sa likod-bahay, nakita kong nakadapa si Warren sa hihigan niya.
Nakakumot.
Naghintay ako nang ilang minuto pa bago bumaba bitbit ang kumot ko. Patingkayad
ako nang lumakad palapit sa kanya. Pati paghinga, pinigilan ko para hindi siya
magising.
Iniayos ko sa kanya ang kumot para hindi siya lamigin. Ako kasi, talagang hindi
ako lamigin. May bitbit pati akong fleece blanket. Pabaon ni Mama.
Babalik na dapat ako sa tulugan ko pero tumagilid ng higa si Warren patalikod
sa'kin. Akala ko, nagising siya pero parang hindi naman.
Tumalungko ako sa tagiliran niya at maingat na pinadaan ang daliri ko sa buhok
niya. Napagod siguro siya. Parang hindi kasi siya natulog dahil natutulog ako sa
balikat niya. Sa miminsang pagkakataon na naalimpungatan ako sa padaskol na galaw
ng van, nararamdaman ko ang kamay niyang nakaalalay sa ulo ko para hindi maalis sa
balikat niya.
I know, even before, that he always take care of me. Pero mas malinaw kong
nakikita lately. Hindi ko maalala kung kailan ang mga pagkakataong hindi niya ako
iniingatan o inaalagaan. Ang amazing nga, eh. Kasi pa'no naging posible na bukod
kina Kuya, Yanyan, Mama, at Papa, ay may isang tao pa na mahal ako nang gano'n?
Hindi naman ako special.
"Tulog kang mabuti," bulong ko sa kanya at napalunok. "I love you, Warren."
Kumislot siya kaya sinilip ko ang mukha niya. Hala! Nakangiti ba siya?
"Teka, gising ka ba?" muntik mapalakas ang boses na tanong ko.
May narinig akong mahinang click at mahinang pagtikhim. Nararamdaman kong
tumatawa siya nang mahina.
"Hoy, Warren..."
"Tulog ako, Mi," sabi niya, halatadong nagpipigil ng tawa. "Wala akong
narinig."
"May narinig ka nga!"
"Oh? May sinabi ka ba?" aniya. "Ano?"
Mahina akong umangil. "May narinig din akong click ah. Ano 'yon?"
"Oh? Ano kaya 'yon?"
Dumukwang uli ako at nakitang mabilis niyang isinilid sa ilalim ng unan niya
ang cellphone niya. Anong ginawa niya? Hindi kaya... Ni-record niya ba 'ko? Ako?!
"Hoy, Warren..."
"Hey, Amethyst..." makulit na sabi niya at tumihaya. Hinuli niya ang mga mata
ko. "Gusto mong matulog dito sa tabi ko? Kasi kung hindi naman, bumalik ka na sa
higaan mo bago kita hindi pakawalan."
Nag-attempt akong magsalita pero walang lumabas sa bibig ko.
Hinawakan niya ang pulsuhan ko. "Ano? Dito ka matutulog?"
Alam kong tinutukso niya lang ako pero... "Hindi, 'no! Lagot ka kay Kuya!"
Nag-Shhh siya sa'kin at mahinang tumawa. "Tulog na, Mi. Umakyat ka na sa higaan
mo."
"Bitiwan mo muna ako," sabi kong tumingin sa kamay niya sa pulsuhan ko.
"Bakit?"
"Para makaakyat ako sa higaan ko," ani ko.
"Ah." Pero hindi niya pa rin ako binibitiwan.
"Hoy, Warren..."
Ngumisi siya. "Kulit mo kasi."
"Ako pa ang makulit? Wala naman akong ginawa."
Nakagat niya ang lower lip niya. "Oo nga pala. Wala kang ginawa. Kaso, wala ka
naman talagang kailangang gawin."
"Bitiwan mo na 'ko. Matutulog na 'ko."
"Sige." Pero nakahawak pa rin siya.
"Sumbong kita kay Kuya talaga."
Lumapad lang ang ngiti niya. "Sige."
Nanlaki ang mata ko sa masiglang sige niya. Mahina naman siyang tumawa. At
hello, hirap na po akong huminga. Kailangan na niya kong bitiwan. 
"Sige na nga," aniya at naupo. Nakatingin pa rin siya sa'kin. "Goodnight,
Amethyst. I love you."
Nakatanga ako sa kanya habang hindi makahinga. At nang akala ko, tapos na,
sinapo niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa tungki ng ilong bago ako
bitiwan.
"Tulog na," aniya pa at bumalik sa pagkakahiga.
Noon lang ako nakagalaw. Inirapan ko siya bago ako lumakad pabalik sa loft.
Tulog na? Sino'ng makakatulog sa ginawa niya? #0645g / 02072018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 17: Beautiful sunsets part 2

***
Umulan sa first day ng shoot namin. Para magamit ang oras, puro indoor at
interviews ang kinunan namin. Naghanap pa kami ng marerentahang ilaw para hindi
makulimlim ang video.
Sa ikalawang araw, babahagya ang ulan pero maghapong makulimlim. Kapag maayos
ang natural light, nagso-shoot kami outdoors. Kapag masyadong madilim, indoor.
Sa ikatlong araw, mas maganda na ang panahon kaya nagpares-pares kami para sa
mga outdoor shots. Maaga kaming nagsimula. Bandang hapon ay nag-shoot naman kami ng
may host.
At sa ikaapat na araw, last day namin, ay kumukuha pa rin kami ng kulang sa
shot list. Naisipan na rin naming mag-record ng extra shots na bakasakaling magamit
sa editing. Pares-pares uli kami.
Ang usapan, sa gabi ay babiyahe na kami pauwi. Kinausap ni Libby ang contact
naming van. Ang supplement shots na kinukuha namin, dapat na tapos na bago o
pagkatapos ng tanghalian. Bandang hapon, depende sa ma-accomplish ng bawat pares,
magkita-kita kami sa Bell Tower o sa Plaza.
Gaya ng dati, kami ni Warren ang magkapares. Lumibot lang kami sa Calle
Crisologo at kumuha ng kung anu-anong interesting—kalesa na dumaraan, mga antique
sa antique shops, nilulutong empanada, crack sa mga bahay na bato, gagamba sa mga
bintanang tisa, atbp.
Ang lakas maka-throwback ng lungsod ng Vigan. Kung wala lang ang mga foreigner
na nakakasalubong namin at kung hindi lang moderno ang suot ng mga tao, para talaga
kaming dumalaw sa lumang panahon. Napreserba ang itsura ng makalumang mga bahay at
establishments. Nakaka-off lang sa vibe ng lugar ang ilang makalat at malalaking
signages.
Mula sa Calle Crisologo, kumuha kami ng shots sa mga koleksyon sa pamosong
museo ng Vigan. Pagkatanghalian, kumuha naman kami ng shots habang sakay ng kalesa
papunta sa Bell Tower. Kukunan namin ang simbahan at ang mismong tore.
Tagaturo lang ako kay Warren ng kung ano ang tingin ko ay magandang kunan.
Lumang camera kasi ang gamit namin. Buhat-buhat niya ang bakal na tripod. Kung
sumasakit man ang braso niya sa mabigat na dala, hindi ko mahalata. Lagi kasi
siyang masigla.
Sa totoo lang, sa grupo namin ay si Warren lang ang masigla umulan man o
umaraw. Sina Libby kasi, gusto nang umuwi dahil bukod sa hinahanap na rin sila ng
mga pamilya nila gaya ko, tingin ko ay nahihiya na rin sila kay Warren. Si Warren
kasi ang cook namin.
Ang naitutulong ko lang kay Warren ay samahan siya sa kusina kapag nagluluto
siya. Pinapa-assist niya 'ko sa kanya. Minsan, tagahiwa ako ng ingredients.
Madalas, tagatikim. Kapag shoot naman, wala talaga 'kong maitulong. Siya lagi ang
may bitbit ng mabigat na tripod o ng ilaw. Siya rin ang may hawak ng camera namin.
Nag-text ako kina Libby nang makarating kami sa simbahan sa Bantay.
Amethyst De Vera:
Nasa Bell Tower na kami.
Tapos na kami sa ibang
shots. Kayo?
Libby:
Good job. Patapos na rin. :)
Nilinga ko si Warren na nakatayo sa harap ng malaking simbahan. Pinasandal niya
sa tagiliran niya ang tripod na dating buhat.
"Patapos na rin daw sina Libby sa shoot nila," sabi ko sa kanya.
Tumango lang siya bago dukutin sa bulsa niya ang sariling cellphone.
Amethyst De Vera:
Pupunta na rin kayo rito
pagkatapos?
Matagal na natahimik ang cellphone ko bago pumasok ang reply ni Libby.
Libby:
Hindi pa. May isa pa kaming
kukunan.
Nangunot ang noo ko. Akala ko ba, patapos na sila? Ah. Baka nagkamali lang siya
ng sagot kanina.

Amethyst De Vera:
Ah. Kukuha kami ng
sunset shot mula sa tore.
Libby:
Please do.
Amethyst De Vera:
Habol kayo para mapanood
ang sunset.
Libby:
Sige, subukan namin. Pag
hindi kami umabot, sa
Plaza na lang tayo magkita.
Amethyst De Vera:
Mahaba pa naman ang oras.
Aabot pa kayo.
Libby:
Basta pag hindi kami umabot
sa plaza na lang. :)
Parang sure siya na hindi sila aabot ah. Hanggang alas-siete naman kami ro'n.
Mahaba pa ang oras nila para humabol.
Karaniwan, bawal na ang bisita sa tore pagdating ng alas-sais. Pero may permit
kami ng shooting galing sa Munisipyo kaya pumayag na extended kami.
Amethyst De Vera:
Okay, sige. Ingat ~
Libby:
Okay. Enjoy kayo. :)
Ngumuso ako sa text nito. Enjoy talaga? Hindi ba dapat, good luck ang text para
sa shoot?
"Sa'n na tayo? Mataas pa ang araw," untag ni Warren sa'kin.
Humarap ako sa kanya. "Sabi nina Libby, may isa pa raw silang kukunan. 'Pag 'di
raw sila nakaabot dito sa tore, sa plaza na lang daw tayo makipagkita."
"Ah. May dancing fountain daw do'n eh. Kapag gabi."
"Oo nga raw."
"Bukod sa simbahan at sunset mamaya sa tore, ano pang gusto mong kunan natin?"
Nag-isip ako sandali. Alas-tres pa lang. Maganda pa ang ilaw namin.
"Kumuha tayo ng shot sa loob. Saka may open-aired shrine daw sa likod. Kunan
din natin."
"Tara."
Pumasok kami sa loob ng simbahan.
***
Pagkatapos makunan ang lahat ng anggulo ng simbahan, naupo kami ni Warren sa
shrine. Nagpapatay ng oras habang matao pa sa Bell tower. Ang presko ro'n dahil sa
nakapalibot na puno at halaman. Tumawag sa'kin sina Mama at Papa at kinumusta ang
shoot. Ibinalita kong sasakay kami pauwi kinagabihan.
Bandang alas-sinco, lumakad na kami ni Warren papunta sa tore. Marami-rami pa
ring tao sa mismong tore kaya kumuha muna kami ng shots mula sa labas. Nang mas
maespasyo na sa lugar ng kampana, umakyat na kami.
Napahinga ako nang malalim nang nasa itaas na kami. Makulay ang langit sa
papahingang araw. Papatingkad iyon habang paalis ang liwanag. Tanaw sa tore ang
buong bayan ng Vigan at ang bulubundukin sa 'di-kalayuan.
"Ang ganda..." sabi ko at bumaling kay Warren. "Ang ganda, 'no?"
Tumango siya sa'kin at ngumiti.
"Kukunan mo na?" tanong ko. Nakaposisyon na kasi ang tripod at camera sa
tinitingnan ko.
"Kukunan ko ang buong duration. Baka puwede nating ilagay ang buong sunset sa
documentary," aniya.
"Oo nga. Naka-fast forward lang. Tamang-tama lang dahil kumuha ka ring sunrise,
'di ba?" Siya kasi ang pinakamaagang nagigising sa'min. Unang araw pa lang, umakyat
siya sa bubong ng transient house at nag-capture ng isang buong duration ng
sunrise.
"Oo. Kaya 'wag mo nang isipin 'yong shot. I-enjoy mo ang sunset," aniya.
"Eh ikaw?" tanong ko.
"Nag-e-enjoy rin ako sa pinanonood ko."

Napatitig ako sa kanya. "Na?"


" 'Yong sunset," aniya at ngumiti nang malaki.
Napailing ako. Ang dali kay Warren magpahaging ng mga gano'n. Na parang ako ang
pinanood niya.
"Panoorin mo ang sunset kasama ko," sabi ko sa kanya. "Iba 'to sa personal at
iba rin sa camera."
"Alam ko," aniya.
Ngumiti ako at pinanood ang papatingkad na kulay ng langit. Tahimik kami pareho
sa sari-sarili naming iniisip. Ano kayang iniisip ni Warren kapag ganito?
"Alam mo ba..." sabay naming banggit at nagkatinginan.
"May sasabihin ka?" ani ko.
Pero kumumpas lang siya. "Ikaw? Ano'ng sasabihin mo?"
"Uhm... Naisip ko lang kasi..."
"Ano?"
"Bakit kaya, 'no? Sa koreanovela, napansin mo ba, ang ginagamit nilang setting
sa mga eksena, 'yong magagandang lugar sa kanila? Ang dami tuloy gustong pumunta ng
Jeju at Seoul," sabi ko. "No'ng nag-research naman ako ng mga blogs tungkol sa
travel do'n, kakaunti lang ang tourist spots talaga nila. Mas marami tayong
cinematic na lugar dito sa Pilipinas. Pero mas magaling silang mag-incorporate ng
kung ano ang maganda sa bansa nila kaysa sa'tin."
Malapad ang ngiti ni Warren sa'kin. "Ah. Oo, mas maraming magandang lugar
sa'tin."
"Tapos kapag bumisita ka halimbawa ng Seoul, sabi ro'n sa mga blogs, ang option
ay tatatlo lang: shopping, historical tour, o food trip. Dito sa'tin, kahit na
North lang o Luzon lang ang libutin mo, magagawa mong mamili between the mountains,
the sea, the city, or the flatlands. All-in."  Nakikinig lang sa'kin si Warren.
"Ano kaya kung 'yon na lang ang i-thesis natin? Comparative analysis ng local
teleserye versus koreanovelas, mainly, cinematography?"
Mahinang tumawa si Warren. "Maganda 'yong topic. Siguradong mai-enjoy mo."
Napangiti rin ako. Alam niyang adik ako sa mga koreanovela.
"Pero maganda talagang topic, 'di ba? Relatable at trendy rin."
Tumango siya.
"Isa-suggest ko na kay Prof. 'yong topic natin."
"Okay, Mi."
Nakangiti na 'ko uli nang ibalik ang mata ko sa sunset. May anino na ng dilim
sa langit, tanda ng paglatag ng gabi.
"Ay, ikaw pala? Ano'ng sasabihin mo dapat?"
Nakangiti lang siya sa'kin. "Wala."
"Sigurado ka? May sasabihin ka kanina, 'di ba?"
Pero parang ayaw na niyang magsalita. Natanaw ko sa kabayanan ang pagbukas ng
ilang ilaw. Sa langit naman, kumukutitap na ang ilang bituin.
"Ang ganda talaga..." sabi ko at napabuntonghininga. "Sayang. Isang beses lang
natin 'tong makikita."
"Puwede naman tayong bumalik," sabi ni Warren. Tumabi siya sa'kin.
"Babalik tayo rito? Busy na tayo hanggang graduation," ani ko.
"Not anytime soon." Tumingin siya sa'kin. "Pagkatapos ng masteral mo at
training ko, balik tayo rito."
Lumunok ako. Humina ang boses. "Matagal pa 'yon."
"Ano naman?" aniya.
Tiningala ko siya. May lambong na ng dilim ang mukha niya. May mapula ring
liwanag galing sa natitirang kulay ng paglubog ng araw. Papabilis ang tibok ng puso
ko dahil lang ang ganda niyang tingnan.

Noon pa man, madalas kong makita at makasama si Warren.


Nakita ko na siya sa liwanag ng umaga, sa init o kulimlim ng tanghali, at sa dilim
ng gabi. Noon pa man, ilang ulit ko na siyang natitigan. Pero ngayon lang paulit-
ulit na bumibilis nang ganito ang tibok ng puso ko—dahil malapit siya, dahil mahal
ko siya.
"Bakit?" untag niya sa pagkakatitig ko. "Ayaw mong bumalik dito kasama ako?"
Huminga ako nang malalim para kalmahin ang tibok ng puso ko.
"Siyempre, gusto ko. Kung gusto mo pa rin ako no'n—"
"Gusto pa rin kita no'n."
Nailing ako. "Gusto ko. Gusto kong bumalik dito kasama ka."
Ngumiti siya. " 'Yon ang gusto kong sabihin kanina."
Napatungo ako. Baka makita niyang masyado akong masaya sa narinig ko.
"Saka, gusto ko ring ibigay 'to," aniya at namulsa. Hinila niya mula ro'n ang
isang... kuwintas?
Chain necklace niya 'yon. 'Yong nag-iisang accessory niya. Tapos, may nakasabit
na singsing. Kaya... kuwintas ba 'yon o singsing?
Atubili kong inabot ang ibinibigay niya.
Plain ang singsing maliban sa heartbeat streak sa ilalim na nagigitnaan ng pink
na bato. Naka-engrave din ang WT to ADV.
"Uhm... Ano 'to?" tanong kong nagtaas ng tingin sa kanya.
"Kuwintas muna ngayon. Singsing pagbalik natin dito," seryosong sabi niya.
Hindi ako makapagsalita.
"May kapares 'yan sa'kin," dagdag niya at malumanay na ngumiti. "Okay lang?"
Tumitig ako sa mga mata niya. Parang siguradong-sigurado talaga siya sa
panahong lilipas; na babalik kami rito; na pareho pa rin kami ng dati.
Lumalatag na ang dilim sa labas pero parang nakikita ko pa rin siya sa
magagandang kulay ng paglubog ng araw. Mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. At wala
akong ibang kayang gawin kundi ang bumuntonghininga.
Masaya ako.
"Okay lang," sabi ko.
"Hindi mo naman kailangang isuot agad 'yan. Kung gusto mo lang," sabi pa niya.
Inabot ko sa kanya ang kuwintas."Isuot mo na sa'kin."
"Okay."
Kinamal ko lang ang buhok ko at tumingala sa kanya. Ayokong tumalikod kagaya sa
mga pelikula. Gusto kong panoorin siya kapag isinuot niya sa'kin ang kuwintas.
Seryoso ang mukha niya nang isuot niya sa'kin iyon. Halos hindi lumapat ang
daliri niya sa balat ko. Nalaman ko lang na nakakabit na nang maayos ang kuwintas
nang tuluyang dumikit sa'kin ang malamig na bakal ng singsing.
Ikinulong ko sa kamay ko ang singsing. Para uminit. Para maramdaman kong akin.
Pero masyado yata akong masaya. O natutunaw. O umaasa. Apaw sa pakiramdam ang
puso ko. Parang sasabog. Naiiyak din ako.
Nang tumingin si Warren sa mga mata ko, wala akong maisip sabihin. Kahit thank
you, hindi ko naalala.
"Bagay sa'yo," mahinang sabi niya.
Tumango ako at mainit ang mata nang ngumiti. Wala akong ibang alam sabihin
kundi, "Mahal kita."
Maamo ang naging ngiti niya sa'kin. Pagkatapos, humawak siya sa magkabilang
balikat ko. Bago pa lumapat ang labi niya sa'kin ay nakapikit na 'ko. Maingay ang
tibok ng puso ko sa init ng labi niya. Nakatigil ang mundo. Nakumos ko ang harapan
ng kamiseta niya sa kawalan ng gagawin. 
Nang ihiwalay niya ang labi niya sa'kin, abot-abot pa rin ng tibok ng puso ko.
Nagkatinginan pa kami sandali bago bumaling sa dilim ng kalangitan sa labas.
Sabay kaming huminga nang malalim.
"We should head out," aniya.
"Uh... Oo."
Inayos niya ang camera at ang tripod. Pagkatapos, hawak niya 'ko sa kamay nang
nang lumabas kami sa Bell Tower.
***
Tinagpo namin ang buong grupo sa Plaza at nag-picture sa dancing fountain. May
group pictures kami, mayroon namang dalawa lang kami ni Warren. Doon na rin kami
kumain ng hapunan bago bumalik sa transient house.
Kinagabihan, sumakay kami sa van pabalik sa Maynila. Suot ko ang kuwintas pero
nakatago sa ilalim ng kamiseta ko. Nang antukin kami sa biyahe, humilig uli ako kay
Warren.
Mabilis na lumipas ang araw pagkatapos no'n. Dumaan lang ang ilan pang video
projects at thesis. Dumating ang graduation.
At gaya ng sabi ni Warren, nakakuha ako ng scholarship mula sa station.
Ilang buwan pa nga, dumating ang araw ng pag-alis. #800u / 02172018
-----
TCWDM: Sorry, unedited ito dahil isiningit ko lang isulat sa magdamag at antok na
antok na ko ngayon. Baka poor ang pagkakasulat o sagana sa typo. Anyway ~

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 18: Wishes

***
"Happy graduation, happy birthday, at congratulations!"
Ipinatong ni Iya sa mesa ang tatlong magkakaibang balot na regalo niya sa'kin.
Tatlo kaming nasa kusina sa bahay. Kumakain ng ice cream na natripan naming
budburan ng sprinkles, chocolate drops, at banana slices. Makiki-overnight daw si
Iya kasabay ng pagbitbit ng mga na-delay niyang regalo sa'min. Mag-iisang buwan na
kasi siyang nakauwi sa Pilipinas pero kararating lang ng balikbayan box na
ipinadala niya kung saan nakalagay ang gifts. Last bonding din daw namin bago ang
flight ko kinabukasan.
Nasa mesa rin ang mga regalong para kay Yanyan.
"Thank you," sabi ko sa kanya at ngumiti. Nakakahiya. May mga gifts siya sa'kin
samantalang ako, walang naihanda sa kanya. "Buksan na ba namin?"
"Yes. Para makita n'yo na."
Sabay kami ni Yanyan na nagbukas ng mga regalo. May dress at purse si Yanyan.
Ako naman, dress, heels, at passport holder. US brand lahat.
"Hala, branded," ani ko.
"Naka-sale lang 'yan no'ng binili ko no'ng spring," sabi ni Iya na
bumungisngis. " 'Yong purse nga ni Yanyan, buy one take one pa. Kamukha rin nang
kanya 'yong pinili ko na para sa'kin." Nang mapatingin siya sa passport holder,
"Ah, pero itong holder, hindi sale. Wala nang sale no'ng ibinalita mo na pupunta ka
sa London."
Nag-thank you ako uli. Nakakatuwang makita na masigla na uli si Iya. No'ng
unang linggo kasi ng pag-uwi niya, nag-away sila ni Jacob. Hindi niya pinapansin
pero iniiyakan naman niya. Buti na lang, okay na sila ngayon. No'ng huling outing
namin no'ng isang linggo para sa birthday ni Yanyan, halos hindi sila mapaghiwalay.
Kahit 'yong alam kong gusto niyang pag-interrogate kay Yanyan bilang hipag niya,
nawala sa isip niya.
Napatingin ako sa kanilang dalawa na inuusisa ang purse ni Yan. Naiisip kaya
nila ngayon na dahil girlfriend na ni Jepoy si Yanyan, magiging maghipag sila sa
future?
Magtatanong sana ako tungkol sa kanya at kay Jacob pero sumilip si Kuya sa
kusina. Sa'kin nakatingin.
"Gusto mong ice cream, Kuya?" untag ni Yan dito at tumayo.
"Mamaya na. Basta tirhan n'yo 'ko," anito. "Okay na ba'ng maleta at hand-carry
mo?"
"Oo, Kuya. Kaninang umaga pa 'ko nakaimpake. Tinulungan ako ni Yanyan," sagot
ko.
Tumango ito. "Ano'ng oras tayo bukas?"
"Eleven ang flight ko eh. Mga six siguro, alis na tayo."
"Five-thirty na," sabi ni Kuya. "Para sigurado. Baka ma-traffic pa-NAIA."
Sumang-ayon ako.
"Maaga ang almusal bukas, Yan. Bumangon ka nang maaga," sabi ni Kuya.
"Alam ko naman, Kuya," sabi ni Yan. "Nag-request pa nga ng tapa 'to si Mi."
Ngumiti lang ako. Huling lambing ko naman na 'yon. Matagal pa kasi uli bago ako
makakain ng luto ni Yan.
Pagkatapos magbilin ni Kuya, umalis na rin sa kusina. Nakanguso si Iya.
"Si Ivan, wala pa bang girlfriend?" ungot ni Iya. "Parang sumusungit siya
lately, 'no?"
Natawa lang kami ni Yan. Hindi namin alam kung ano'ng status talaga ng love
life ni Kuya. Minsan, naririnig namin sina Jepoy at Jacob na itinutukso si Kuya kay
Pfifer, lower classmen nila sa Engineering dati. Pero parang ayaw naman ni Kuya
kasi grabe 'yong simangot tuwing mababanggit si Donya Pipa.
"Ikaw naman, lalong sumisigla," sabi ko kay Iya. "Pareho kayo ni Yanyan."
"Ikaw rin naman," salo ni Yan at bumaling sa'kin.

Pagkatapos, dalawa sila ni Iya na tumitig sa'kin. Hala ka.


"Uh... Bakit?" napapakurap kong tanong.
"Ang sexy mo na eh. Kung nag-swimsuit ka nga no'ng huli nating outing,
siguradong maraming lalapit sa'yo," sabi ni Yan.
Napalunok ako. Hala. Alam naman nilang wala akong interes magsuot ng swimsuit
kahit mag-swimsuit sila. Saka ano... baka pagalitan ako ni Warren. Minsan ngang
umalis kami na naka-sleeveless ako, sumimangot agad 'yon.
"Oo nga," sang-ayon ni Iya. "Saka, mukha ka ring masaya."
"Siyempre... ano kasi, umuwi ka na," sabi ko.
Tumaas ang kilay ni Yan. Kinakabahan ako. Parang may alam silang hindi nila
dapat alam.
"Saka, may nakita ako..." pasakalye ni Yan. "Accessory."
Namilog ang mata ko. Bakit? Kailan? Pa'no? Masyado akong maingat do'n sa
kuwintas na bigay ni Warren. Hindi ko nga isinusuot 'pag nasa bahay lang ako para
hindi mabuking. Pa'nong nakita? "Hala! Hindi 'yon singsing! Kuwintas lang 'yon!"
Tumawa si Yan. "Ah. Eh 'di may singsing ka nga? Sino'ng nagbigay?"
Napakurap ako. Bakit parang hindi siya sure?
"May boyfriend ka na, Mi?" susog ni Iya na malaki rin ang ngiti.
Hinuhuli lang ba nila 'ko? At... nahuli lang ako agad?
"W-wala, ah," sabi ko.
"Lagot ka, dini-deny mo. Magagalit 'yon sa'yo," si Yan.
Ngumuso ako. Hindi naman kaya magagalit si Warren dahil alam naman niyang hindi
pa talaga kami official. "Wala nga."
"Sino'ng boyfriend mo?" si Iya.
"Wala nga. Wala pa. Mag-aaral pa muna ako sa London. Pagbalik ko, ipapakilala
ko agad sa inyo."
Matagal silang tumingin sa'kin. Parang ayaw nila no'ng sinabi ko.
"Hindi ko pa talaga boyfriend," pilit ko na umiiling. "Hindi talaga."
"Pero mutual ang feelings n'yo?" si Yan.
Tumango ako.
"Eh pa'no 'yon? Aalis ka," si Iya. "Mahirap ang long distance. O... kasama mo
siya sa scholarship?"
"Hindi. Iba ang ipu-pursue niya."
"Ano?" si Iya pa rin.
Lumunok ako. Hindi ko puwedeng sabihing tennis. "Basta."
Nag-tsk si Iya. "Ang damot mo, ah. Mag-share ka naman."
"Pagbalik ko, ipapakilala ko agad sa inyo, okay?" sabi ko na lang. Cute ng
tampo niya eh. Nakaingos. "Pero ikaw, ha?" baling ko kay Yan. "Hinuhuli mo 'ko?"
"Eh madalas kasi kitang mahuli na may kabulungan sa cellphone sa gabi eh. Hindi
mo naman sinasabi kung sino," anito.
Mahirap kayang sabihin. Siya nga na naging girlfriend ni Jepoy, hindi rin
nakapagsabi agad kahit na boto naman ang buong compound. Kung nagsabi nga sila nang
mas maaga, baka nagpa-fiesta pa sina Tito Louie dahil gustong-gusto siya no'n.
"Eh pa'no 'yon? Ano'ng usapan n'yo ng soon-to-be boyfriend mo?" si Iya.
Nagkibit-balikat ako. "Wala. Basta kung gusto pa rin namin ang isa't isa
pagbalik namin, eh 'di kami."
"Pa'no kung magbago ang feelings niya?" si Yan. "Naisip mo ba 'yon? Feelings
change."
Bumaba ang mata ko sa natutunaw nang ice cream sa bowl at sa lumulubog na
makukulay na sprinkles. "Eh 'di wala akong boyfriend."

Nailing silang dalawa. Pagkatapos, nangulit uli na sabihin


ko na kung sino ang nagbigay ng singsing. Buti na lang, hindi talaga nila nakita
ang singsing o ang initials. Kasi kung nagkataon, siguradong madali lang sa
kanilang hulaan na si Warren ang nagbigay no'n.
***
Mahimbing na ang tulog nina Iya at Yanyan sa kuwarto ko pero ako, mulat na
mulat pa. Madaling-araw. Nakamata ako sa madilim na kisame at nagbibilang ng oras.
May tatlong oras na lang akong ilalagi sa bahay. Pagpunta ko sa airport at paglipad
ng eroplano, ilang taon akong mahihiwalay sa pamilya ko, sa mga taga-compound, at
kay Warren.
Inilapat ko ang palad ko sa dibdib ko. May tahimik at mabigat na kaba ro'n.
Hindi naman mabigat ang pakiramdam ko noong plano pa lang ang lahat. Nang malaman
kong tanggap ako sa scholarship, masaya ako sa libreng Masteral. In-assure ko pa
sina Mama at Papa na mabilis akong makakapag-adjust sa London, na pagbubutihin ko
ang pag-aaral ko, at na lagi akong magbi-video call gaya ng ginagawa ni Iya. Parang
madali lang ang mahiwalay.
Pero ngayong nakaimpake na ang mga gamit ko sa maleta at nasa maliit na bag ko
na ang plane ticket, tumatamlay ako sa paglayo.
Magandang opportunity sa akin at sa pamilya ko ang makapag-aral ako sa ibang
bansa. Gaganda ang credentials ko. Sigurado ang trabaho ko pagbalik. I should be
elated but...
Mahinang nag-beep ang cellphone ko sa isang text message.
Warren >_<:
Mi?
Napadilat lalo ang mga mata ko. 2:23 na. Bakit gising pa rin siya? Hindi rin ba
siya makatulog gaya ko? O natulog na siya at maagang nagising?
Amethyst De Vera:
Hello. Nakatulog ka na?
Bakit gising ka na agad?
Warren >_<:
Di ako makatulog nang
maayos.
Amethyst De Vera:
Ah. Ako rin. :(
Warren >_<:
Di ka makatulog nang
maayos o di talaga makatulog?
Amethyst De Vera:
Di makatulog. :(
Warren >_<:
Nandyan sa inyo sina Iya?
Amethyst De Vera:
Oo. Katabi ko si Iya sa kama.
Dito nga rin natulog si Yanyan
pero sa sahig.
Warren >_<:
Ah.
Warren >_<:
May mainit na pandesal na
sa bakery mamayang 4am.
Amethyst De Vera:
Bakit? Gutom ka na?
Matagal pa ang 4am.
Warren >_<:
Matagal pa nga.
Nangunot ang noo ko. Bakit pandesal ang pinag-uusapan namin kaysa pag-alis ko?
Warren >_<:
Pero may na-bake na
kong mainit na muffins
ngayon. Kain tayo.
Nag-bake siya nang madaling-araw at nagyayayang kumain?
Amethyst De Vera:
Nang ganitong oras? O_O
Warren >_<:
Haha. Oo. Sa park para malapit
lang sayo. :>
'Ayun na naman ang emoticon niya. Ginagamit niya lang 'yon 'pag ano eh... 'pag
naglalambing. Tsk.
Amethyst De Vera:
Anong muffins 'yan?
Warren >_<:
Chocolate chip. :>
Napairap ako. Favorite ko 'yon.
Amethyst De Vera:
Okay. Anong dadalhin ko sa park?

Warren >_<:
Wala na. May cocoa drink na kong
dala sa thermos.
Nilingon ko si Iya na katabi ko sa kama at si Yanyan na nasa kutson sa lapag.
Tulog na tulog sila. Hindi naman siguro nila mamamalayan kapag umalis ako sandali,
'di ba? Halos 12 na rin kami nahiga, eh.
Warren >_<:
Mi?
Amethyst De Vera:
Okay. Punta ko sa park. :)
Warren >_<:
Hintayin kita sa labas ng bahay nyo.
Amethyst De Vera:
Hala! Bakit pa?
Warren >_<:
Madaling-araw na. Delikado.
May bike ako.
Amethyst De Vera:
Okay. :)
Warren >_<:
Mag-jacket ka. Medyo malamig.
Amethyst De Vera:
Okay. Text ka pag nasa labas ka
na.
Warren >_<:
Nasa labas na ko. :>
Amethyst De Vera:
Hala!
Warren >_<:
Haha. Bilis na, Mi.
Sayang time. Kaunti na lang. :>
Amethyst De Vera:
Sandali!
Mabilis na uli ang tibok ng puso ko nang i-lock ko ang phone ko. Nakiramdam ako
sandali. Baka kasi nagising si Iya sa liwanag o hindi naman kaya ay sa typing ko.
Pero malalim ang paghinga ni Iya sa pagtulog. Nakatalikod sa'kin sa pagkakatagilid.
Maingat kong tinanggal ang kumot sa katawan ko. Maingat din nang bumaba ako sa
kama. Nanggilid ako sa kutson ni Yanyan para lumapit sa kabinet at kumuha ng
pamalit na damit.
Pinalitan ko ng pants at kamiseta ang pajamas ko. Wala akong nahagilap na
jacket na hindi pa nakaimpake kaya isinuot ko na lang ang university jacket na
gagamitin ko sana sa eroplano. Nakatingkayad ako nang lumabas.
Namataan ko agad si Warren pagbukas ko pa lang ng pinto ng bahay. Nakasandal sa
bakod namin ang bike niya. May basket sa unahan niyon na kinalalagyan ng bag ng
pagkain.
Kumaway agad ako. Itinaas naman niya ang isang kamay niya bilang sagot. Halos
patakbo akong lumapit nang maisara ko nang maayos ang pinto.
"Kanina ka pa?" tanong ko agad. "Nandito ka na no'ng unang pag-text mo pa
lang?"
Ngumiti lang siya kaysa sagutin ang tanong ko. Pagkatapos, hinawakan niya ang
isang kamay ko at iginiya ako para umupo sa likuran ng bike. Iniyakap niya ang mga
braso ko sa baywang niya.
Tahimik akong kumapit sa kanya nang magsimula siyang pumedal. Mainit siya laban
sa lamig ng madaling-araw kaya humilig ako sa likod niya. Parang masarap nang
matulog nang nakadikit sa kanya pero gusto ko ring namnamin kung gaano siya kalapit
sa'kin. Nararamdaman ko ang paghinga niya. Nararamdaman ko rin ang tensyon sa
katawan niya sa tuwing papadyak siya.
Ilang taon akong hindi makakalapit nang ganito sa kanya. Nakakabisado kaya ang
paghinga ng tao? O ang amoy? O ang init ng katawan? Gusto ko kasing makabisado si
Warren.
Sa langit, bilog na bilog ang buwan na lalong nagpapaliwanag sa kalsada. Malayo
sa daan papunta sa park ang ilang convenience stores na bukas bente-kuwatro oras,
kaya bukod sa iilang sasakyan na bumabiyahe pa, andar lang ng bike namin ang
maririnig. Gusto ko pang magtagal kami sa kalsada na nakasakay sa bike pero hindi
naman gano'n kalayo ang park.
Ipinarada ni Warren ang bike sa isang naliliwanagang bench bago kami umupo.
Ibinaba niya rin ang lunch bag na may lamang food container ng muffins at maliit na
thermos. Kumaway kami sa security guard na nagbabantay roon. Kumaway lang din ito
pabalik.

Nagkatinginan kami ni Warren pagkatapos.


"Muffins?" alok niya at binuksan ang food container. Inilapit sa'kin.
Umiling ako. "Mamaya na lang siguro."
Pero ang totoo, hindi naman ako gutom o nagke-crave sa chocolate chip muffin.
Gusto ko lang talaga siyang makita kahit alanganing oras. Hindi na kasi halos kami
nagkaoras nitong huling dalawang linggo bago ako umalis. Si Mama o Yanyan o Kuya
ang nakakasama ko sa pag-aasikaso ng requirements at iba pang kailangan ko sa pag-
alis.
"Okay." Ibinaba niya ang lalagyan ng muffins sa tabi niya pero hindi tinakpan
nang tuluyan. Mainit pa siguro ang pagkain. "Cocoa?"
"Sige."
Ipinagsalin niya 'ko ng mainit na inumin sa takip ng thermos. Iniabot sa'kin.
"Ikaw? Pa'nong cocoa mo? May dala kang lagayan?"
"Wala."
Nangunot ang noo ko. Hindi siya iinom ng cocoa. Parang wala rin siyang balak
kumain ng muffins na dala niya. "Pa'no ka kakain?"
"Hindi naman talaga ako nagugutom," sabi ni Warren. "Gusto lang kitang makita."
Parehas kami.
Humigpit ang hawak ko sa mainit na inumin.
"Bakit hindi ka makatulog? Maaga ang alis natin para sa flight, 'di ba? Nagsabi
si Ivan sa'min kagabi," aniya.
Bumuntonghininga ako. "Nalulungkot lang. Ngayon ko lang talaga naramdaman na
aalis na talaga ako, eh."
"Ah."
Binalot kami ng lamig ng gabi at ng huni ng mga panggabing insekto.
"Sa isang araw, maaga rin ang flight mo, 'di ba?" ani ko sa kanya.
"Oo. Ready na nga ang maleta ko ngayon pa lang. Dadalaw raw si Mama sa compound
bukas kasama si Carter at Kelsey. Nag-off din si Jacob."
"Ah."
Sabi nina Mama, magluluto sila nang kaunti sa compound para kina Auntie Delia.
Hindi na 'ko makakasama sa salusalong 'yon.
Bumuntonghininga uli ako. Hindi ko na alam ang sasabihin ko. Siguro, hindi rin
niya alam ang sasabihin niya.
"Okay ka lang ba?" sabay naming tanong sa isa't isa.
Napatungo ako. Ibinaba ko ang cocoa sa tagiliran ko at atubiling hinawakan ang
libreng kamay niya. Mabilis niyong sinakop ang mas maliit na palad ko.
"Ano... tatlong taon din 'yong alis ko. Gano'n din 'yong sa'yo, 'di ba?"
"Tatlong taon lang 'yon. Sa'kin ka naman babalik."
Lumunok ako. Naalala ko 'yong sinabi ni Yanyan: feelings change. He's entitled
to it. Alam ko 'yon kahit dati pa. Kaya nga ayoko pang tawagin ang sarili kong
girlfriend ni Warren hangga't alam kong marami pang pagkakataon para baliin 'yon.
Kaya ayoko pang mag-commit kung 'di ko pa mapapangatawanan. Kaya gusto ko pa siyang
bigyan ng panahon.
Kasi ang relasyon, bukod sa feelings ay oras, commitment, at tamang panahon. It
won't work unless it's the right time. Hangga't hindi pa namin nagagawa man lang
ang mga unang responsibilidad namin sa pamilya at sarili namin—ang magkaroon ng
edukasyon—alam kong mahihirapan kaming magtagal. At kung hindi rin lang kami
tatagal, bakit pa namin papasukin?
Gusto kong maging understanding. Dapat akong maging understanding. Deserve ni
Warren 'yon, 'di ba?
"Ano kasi..." papahina ang boses ko sa pagsasalita, "kung sa loob ng tatlong
taon, may magustuhan kang iba, hindi ako magagalit. Basta sasabihin mo lang agad
sa'kin."
Hindi siya umimik pero ramdam kong nakatingin siya sa'kin. Nanatili akong sa
mga kamay namin nakatingin.
"Tapos... kahit wala kang magustuhang iba, halimbawa, mawala lang 'yong
nararamdaman mo sa'kin... hindi pa rin ako magagalit," patuloy ko. Lumunok ako.
"Basta, sabihin mo lang sa'kin. Alam ko, nagbabago ang feelings. Nawawala rin.
Hindi kita itatali sa'kin samantalang wala pa naman talagang tayo."
Nag-hm lang siya. Nag-angat naman ako ng tingin.
" 'Yon na ba 'yong bilin mo?" aniya.
Tumango ako. Lalo naman siyang tumitig.
"Ako naman." Huminga siya nang malalim. "Ayokong magmahal ka ng iba o mawala
ang nararamdaman mo para sa'kin. Magagalit ako. 'Pag sinabi mo sa'king nangyari
'yon, pupunta 'ko sa London."
Natigilan ako at nanlaki ang mga mata. Napangiti naman siya.
"Lagi tayong magtawagan at mag-usap, Mi," masuyong sabi niya. "Mabilis ang
internet sa London at Singapore. Nag-check ako."
Nakagat ko ang labi ko.
"May email kapag hindi natin maabutang online ang isa't isa. I'll send you
pictures. Send me yours, too. Ayoko nang gaya nina Iya at Jacob na hindi nag-usap
nang ilang taon. Hindi ko kaya 'yon. Matatalo ako lagi sa tennis."
"Hala..."
Ikinulong niya sa dalawang kamay niya ang kamay ko.
"Hindi ko kayang wala ka talaga," aniya. "Hindi ako matiyaga gaya ni Jacob.
Guguluhin kita sa masteral mo kapag kinalimutan mo 'ko. Guguluhin ko rin ang
compound. Magugulo rin ang tennis. Kailangan kitang masulyapan o marinig o
mabalitaan kahit isang beses lang isang linggo. Kaya lagi pa rin tayong mag-usap,
okay? At kada panalo ko, date 'yon."
Nakatitig ako sa kanya.
"Ano... hindi 'yon girlfriend duties," dagdag niya. "Pero... basta."
"Nakakainis ka..." mahina ang boses na sabi ko. Kagat-kagat ko ang labi ko.
Nag-init ang mata ko sa luha na hindi ko inakalang maiipon. Ang totoo, ayoko rin
no'ng mga sinabi ko. Kapag nagkagusto siya sa iba habang magkalayo kami, magagalit
talaga ako. Hindi ko lang planong ipahalata. Pero dahil ganito siya... "Kapag ikaw
nagkagusto ka talaga sa iba... kapag biglang hindi mo na 'ko mahal talaga pagbalik
ko..."
Mahina siyang tumawa at hinila ako palapit sa kanya. Ikinulong niya 'ko sa
yakap niya.
"Pa'nong mangyayari 'yon, Mi?" mahinang sabi niya. Kasabay ng lumanay niya ang
lamig ng madaling-araw. "Matagal na 'kong sa'yo at hindi na 'yon magbabago. Matagal
na matagal na matagal na kitang mahal. Lahat ng ginawa at ginagawa ko para sa'yo,
dahil 'yon matagal na kitang mahal. Kaya mag-aral kang mabuti sa London at bumalik
ka agad sa'kin. Ako ang susundo sa'yo sa airport pagbalik mo. At pagbalik mo..."
Hindi niya itinuloy agad ang sasabihin niya. Inihiwalay niya 'ko sandali sa
katawan niya, sinapo ang mukha ko, at tinitigan. Noon ko lang nakita ang mga mata
niya na gano'n kaamo sa'kin.
"Pagbalik mo, sa'kin ka na rin," aniya. "Ha?"
Lumunok ako at tumango. Ako naman ang yumakap sa kanya.
"Okay. Promise."
Mahaba lang siyang nagbuga ng hangin at hinalikan ang tuktok ng ulo ko.
Humigpit ang braso niya sa'kin. "Lagi kitang mami-miss, Mi."
"Ako rin..."
Nagtagal kami nang kaunti sa park at bumalik lang sa bahay bago mag-alas-
kuwatro. Bumili ako ng pandesal sa bakery para may maidahilan sa bahay halimbawang
gising na sila. Ibinaon ko na lang ang muffins na bake ni Warren. Hiniram ko rin
sandali ang cellphone niya at nag-record ng voice messages para sa kanya.
Nang mag-umaga, halos buong compound ang nagpunta sa bahay para magbigay ng
well-wishes nila. Bukod sa pamilya namin, sumama hanggang sa airport sina Iya,
Warren, at Auntie Mona.
Lumipad ang eroplano ko sa NAIA eksaktong 11:05 ng umaga. Ang gamit ko laban sa
lamig ay ang jacket na suot ni Warren nang madaling-araw. Ang university jacket ko,
nasa kanya naman. At bago pa lumapag ang eroplano sa England, nagmamadali na 'ko sa
paglipas ng taon. #0142ma / 03072018
_____
TCWDM: Last Chapter 'yong next, Chapter 19. Then, Epilogue ~

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Chapter 19: Clueless

***
Pusang Mamon updated How To Become A Perfect Wife Chapter 1: The heart no one
can hold.
Muntik akong mapatili sa lumitaw na notif ng wattpad sa phone ko pero may
kausap ako.
"Ano'ng oras ang flight mo? Nasa airport ka na?"
Tumikhim ako sa pagpipigil na pindutin ang notif ng story update. Hininaan ko
na lang ang volume ng cellphone ko dahil ang lakas ng boses ni Yanyan sa linya. At
parang nasa compound siya dahil naririnig kong tumatahol si Koko.
"Kararating pa lang sa airport," sabi ko. Nag-abot ako ng bills sa driver bago
bumaba ng cab bitbit ang maleta. Itinaas ko ang handle niyon at hinila kasabay ng
hakbang ko. Mahaba ang pila papasok sa terminal.  Buti na lang pala, maaga ako.
"Kayo nina Kuya? Paalis na kayo?"
"Hindi kami magkakasabay nina Kuya papunta sa resort. Mamayang gabi pa raw
sila," sabi ni Yanyan. "Sina Iya at Jacob naman, male-late din. Naipit si Iya sa
trabaho. Si Jacob naman, hindi aalis nang hindi kasama si Iya. Bukas na raw sila
susunod.
"Kami lang ni Jesuah ang aalis mayamaya. Hinihintay ko lang siya ngayon. Tuloy
na 'yang flight mo, ha? Baka may delay or aberya na naman."
Mahina akong natawa. "No. Sure na 'to. We're advised to check by this hour."
"Buti naman."
Nangiti ako. I originally booked a direct flight from London to Manila pero
nagkaproblema sa carrier namin. Inilipat kami sa flight from London to Hong Kong,
sinagot ang hotel accommodation namin for an overnight stay, bago pinalipat sa
connecting flight from HK to Manila. Sa lahat ng hassle simula kahapon, totoo na
talaga 'to. Pauwi na talaga 'ko. I'm both nervous and excited to see everyone
again.
I was away for three years. Sa loob ng tatlong taon, pag-aaral at exercise ang
umukopa ng karamihan ng oras ko. Sideline ang K-drama, K-Pop, at wattpad. I grew my
hair. I learned how to paint my nails alone. I made friends. I worn out five high-
heeled shoes and three running shoes. And I finally got my Masteral. May job offer
na rin sa station sa pag-uwi ko.
Mas nagkaroon ako ng confidence na dalhin ang sarili ko at humarap sa ibang tao
as their equal. I stammer less when I speak and I exchange compliments when
necessary. I think I've matured enough to be someone my family would be proud of.
Sigurado akong marami ring nagbago kina Yanyan, Iya, at iba pang nasa compound.
Some changes were noticeable sa mga video calls pa lang namin. Some, I know, I'll
discover pa pagbalik ko.
But our love for summer didn't change. Just now, 'yon ang pinag-uusapan namin
ni Yanyan.
I'm actually really late para sa in-schedule naming summer getaway sa
Pangasinan. It's Yanyan and Iya's idea to spend the summer north. Pero umatras ang
ibang nasa compound dahil malayo raw. Kami na lang daw na mga bata pa ang tumuloy.
Ineksakto pa sa pag-uwi ko, ni Warren, at ni Jacob.
"The plan is falling apart dahil sa mga schedules n'yo, my God," litanya ni
Yanyan. "Napaaga nga ang uwi ni Jacob from Japan sa project niya ro'n, na-late
naman ang sa'yo. At itong si Warren, hindi pa rin nagpaparamdam simula kahapon. Na-
out of coverage."
Napalunok ako at napakagat sa labi ko. Out of coverage si Warren? Si Warren?
"Pero... nakauwi na siya, 'di ba? Dapat..?" ani ko. Warren's flight back to
Manila was a day ago. Kahapon pa dapat siya nasa compound.
"Sabi no'n kahapon, pauwi na siya. Tapos, biglang na-delay raw flight niya.
Hindi ba napa-text sa'yo? O tumawag?"
"Uhm... Hindi." Pa naman. Uli.

"Anyway, ang sabi no'n kahapon, kasabay niyang uuwi ang


girlfriend niya. Ipapakilala na lang daw niya pagdating niya."
Lalo akong napalunok. I think I'm hyperventilating, too. Ito talagang Warren
Tejeron na 'to...
"Kilala mo'ng girlfriend niya?" untag ni Yanyan.
"Hala, Yanyan, ako na ang gigisahin—uhm, i-scan pala. I'll text 'pag boarding
na kami."
"Wait! Parinig muna ng boses ng kasama mo! Sabi mo, may ipapakilala ka rin
sa'min pag-uwi mo, 'di ba?"
"Uhm... later. May babasahin akong update!"
Pinutol ko ang tawag at huminga nang malalim. Pamilyar ang bilis ng tibok ng
puso ko.
I think I know kung bakit na-delay ang flight ni Warren.
***
"You are undefeated since you turned pro in tennis a year ago. It's such a feat
even for long-time players. What keeps you winning all these tournaments?" tanong
ng isang half-Filipino at half-American na AVN Sports correspondent kay Warren.
They filmed near a grassy tennis field. Naka-tennis uniform pa si Warren sa
pagkakaupo. The camera was softly and swooningly roaming the angles and details of
his face. Kung hindi ang camera, ang cameraman ang siguradong may crush sa kanya.
"Someone promised me a date with every victory," kalmadong sagot niya.
Interesanteng ngumiti ang correspondent sa narinig. Namula naman ang mukha ko
kahit nanonood lang ako ng interview sa eroplano. Tinanggal ko sa pagkakaipit sa
tainga ko ang buhok ko at nilaro-laro ang alon-along dulo niyon.
"Oh. This someone is special to you," sabi ng correspondent.
I almost bit my nails. Pero napigilan ko ang sarili ko nang makita ang bagong
polish niyon. I worked hard in painting it in pink-pearl and designing the tip with
little studs. Nagpatulong pa 'ko sa roommate kong si Yuriel. I can't just ruin it.
"She's my girlfriend," direktang sabi ni Warren sa camera at maluwang na
ngumiti. "It's been three years, so yeah, she's my girlfriend. By now."
Napabuga ako ng hangin bago mapasulyap sa katabi ko sa eroplano na nanonood
naman ng pelikula. Apologetic akong ngumiti sa kunot-noo nito.
Inayos ko sa tainga ko ang earphones bago ibalik ang mata ko sa laptop.
Malaki na rin ang ngiti ng interviewer. Nakakagat ko naman ang labi ko. Are
they going to keep on talking about that? Hindi ba dapat ay mas interesado ang
correspondent sa accomplishments ni Warren? She did well in pointing out that he's
undefeated in matches ever since he became a pro. Dapat pinoint-out na rin niya
'yong pagkapanalo ni Warren sa nagdaang triathlon challenge. He beat players who
are pro on other fields.
At bakit tungkol sa date ang isinagot nito ni Warren sa nag-i-interview? He
could have said something more inspiring para maging inspirasyon sa mga nangangarap
ding maging tennis players. Why the date or someone special?
"Oh. This girl is making us curious."
Oh no. They're still at it.
"I'm sure your admirers and fans are curious, too. Who is—"
"I think she'll come to watch and cheer me on, on future plays. You'll meet her
one day."
Nakahinga ako nang maluwag.
"Okay. But before I let this pass, any message for your source of inspiration?"
Titig na titig ako sa screen, lalo na nang tumutok sa mukha ni Warren ang
camera. Malamlam ang mga mata niya at maamo ang ekspresyon. It felt like he was
really looking at me.
"It's been three years. I'm coming home to play in the
country and I'm arranging my schedule to meet yours."
Napatango ako.
"I don't know when you will get to watch this..."
I'm watching this for the first time since it came out yesterday. Late kong
nabalitaang na-feature siya sa AVN Sports. Buti na lang, na-download ko ang video
bago pa mag-check out sa hotel namin.
"But just so you know," patuloy ni Warren, "you owe me 43 dates."
I bit my lip. Bilang na bilang niya talaga.
"The first thing I'm going to do when I see you is to date you. Be ready."
I think, someone squealed on the background. Muntik akong mapagaya.
Nang mapunta na sa papalapit na Philippine tournament ang usapan, do'n lang ako
nakahinga nang maluwag.
A few hours more, the Captain announced our arrival in Manila.
***
Nasa conveyor belt na 'ko at hinihintay ang maleta ko nang tumunog ang cellphone
ko. Unregistered ang number pero abot-abot ang pitik ng puso ko.
"Hello?" mahina ang boses na sagot ko.
"Hello, Mi."
Humigpit ang hawak ko sa cellphone ko kasabay ng paggapang ng tensyon sa
katawan ko. I'm happy just hearing his voice. Nakakatakot na saya.
"Uh... N-na-saan ka? Sabi ni Yanyan kanina, ano... nagsabi ka raw na na-delay
ang flight mo..." Hala, 'oy, nauutal ako. Wala na dapat ganito.
Warren chuckled. Inipit ko naman sa likod ng tainga ko ang mga takas na hibla
ng buhok ko.
"On-time naman ang flight ko pero na-delay ang sa'yo kaya nagpa-rebook na lang
ako. Sabi ko, ako ang susundo sa'yo pagbalik mo, 'di ba? Gusto kitang unang makita
bago tayo umuwi sa compound."
Fire crept on my face. Dala ng saya 'yon. At habang lalo akong sumasaya, lalo
yata akong namumula.
"Ah..."
"Yeah."
"Uh... Bale, nasa'n ka na?"
He chuckled again.
"Warren?"
"Yes?"
"Nasa'n ka?"
There was a pause. Tapos, mahina uli siyang tumawa.
"Ito na."
Napalingon na 'ko sa presensiyang naramdaman kong palapit bago pa 'ko
makapagsalita. He strode easily towards me, nakangiti nang maluwang, na parang
walang lumipas na taon ng paghihiwalay sa pagitan namin. Naka-kamiseta lang siya at
cargo shorts. Naka-flats. Nakasumbrero. Sumisigaw ang tikas ng katawan sa kaswal na
damit. May sukbit siyang travel bag. Habang palapit siya, papatingala ako, na para
bang mas tumangkad pa siya kaysa ng huli kaming magkasama. I felt small even in my
4-inches heels. I felt weak when he finally got closer.
Ni hindi yata ako makahinga sa ngiti niya. It was so unfair. I worked out for
three years against the weather and the desire to sleep, just to stun him. I keep
my shape. I wore a dress and heels today. I even decorated my nails. Pero wala
akong laban sa Warren na 'to na parang sa tatlong taon ay nililok pa para maging
perpekto.
He brought the sun inside the airport. Umuurong ang dila ko. Kumakabog ang
dibdib. At nararamdaman kong tumitingin sa'min ang mga taong nasa paligid.
"Hinihintay mo na lang 'yong maleta mo?" aniya.
Tumango ako at pasimpleng lumunok. Na-off ko rin ang cellphone ko kahit na ang
gagawin ko lang dapat ay mag-lock. Hala ka. Ba't kasi ang guwapo niya, hoy!
Nagpapalitan naman kami madalas ng messages pero dahil sa time difference,
bibihira 'yong actual chats at actual video calls. No'ng nag-pro rin siya sa
tennis, ako na mismo ang nag-schedule kung kailan lang kami mag-uusap para makapag-
focus siya sa practice niya at ako naman, sa thesis ko. Abot-abot tuloy ang kaba ko
ngayon.
Wala akong practice.
Tumikhim siya nang mapansing nakikipagtitigan lang ako sa conveyor.
"Mi? Okay ka lang?" untag niya.
Tumango ako. I heard his hmm.
" 'Yong maleta..." nasabi ko nang mahina.
He easily picked up my brown suitcase. "Ito lang ang gamit mo?"
"Naka-box 'yong iba kong gamit," halos pabulong na sabi ko. "Next month pa
siguro darating."
Ngumiti siya. Nalilito naman ako kung ano ang dapat kong maging concern.
Nawawala ang kabuoan ng thoughts ko. Parang puro cue words ang natira: Warren.
Tennis. Masteral. Warren. Pangasinan. Warren. Resort. Warren. Warren. Warren.
Oh, God, help me.
"Ay! Sila Yanyan, 'di ko pa nasabihan!" Kinuha ko ang cellphone ko sa shoulder
bag na kibit ko pero mabilis niyang naagaw. "Sandali! Magte-text..."
Kusa akong napatigil sa sasabihin ko dahil sa naging ngiti niya.
"I had an interview with AVN. Napanood mo?" tanong niya.
"Uh... Kanina. Sa plane."
"Good."
Help! Nawawala ang thoughts ko!
Nakamata lang ako sa likod niya habang medyo nauuna siyang maglakad. OA sa
pakikipaghabulan sa hininga ko ang puso ko. At nang huminto siya at lumingon
sa'kin, halos mulagat yata ako.
"Uh..." Napahawak siya sandali sa cap niya sa ulo. "Dahil nakabalik na tayo...
uh..."
Lumunok ako. Lumunok din siya. Mayamaya, bumaba ang mata niya sa leeg ko.
Tapos, nangunot ang noo niya.
"You're not wearing it," sabi ni Warren.
Not wearing what? Napakapa ako sa leeg ko. Oh.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya bago huminga nang malalim.
"Uh... Actually kasi..." Nakuyom ko ang skirt ng dress ko bago alanganing
ipinakita sa kanya ang suot ko sa daliri ko. "Ito... 'yon. Suot ko na 'to no'ng
ano... no'ng nakuha ko 'yong cert ko sa Masteral."
Ngumiti siya nang malaki at iniangat din ang kamay niya. He was wearing his
ring on his finger, too.
Hindi ko na rin napigilang ngumiti nang tuluyan. Inabot niya ang kamay ko at
pinagbuhol ang mga daliri namin. Sabay kaming naglakad palapit sa exit ng terminal.
"Uh... didiretso ba tayo sa resort gaya nina Yanyan?" untag ko kay Warren.
"Papunta na raw sila nina Jesuah ro'n eh."
"Yes. Pero sa Vigan tayo."
"Huh?"
"May 43 dates kang utang. Magbawas ka na ngayon."
"Hala..."
"Nasabi ko na rin kina Tito Herbert na dumating nang maayos ang flight mo. Na
ako ang susundo sa'yo. Na pupunta tayo ng Vigan. At na maninilbihan ako nang maayos
sa bahay n'yo pag-uwi natin bilang boyfriend mo."
Ilang segundong nakaawang ang labi ko bago lumabas ang, "Hala siya..."
Mahina siyang tumawa at hinigit ako palapit. I landed on the broad of his
chest, assaulted by his heat and his scent. Kusang yumakap ang mga braso ko sa
katawan niya. Hindi man lang nahiya na matao ro'n.
Bumuntonghininga siya at inihilig ang pisngi niya sa ulo ko. Dinig ko naman ang
tibok ng puso niya. Kasingbilis 'yon ng tibok ng puso ko para sa kanya.
"Hala talaga," he said playfully. "Akala ko, maling nanguna ako sa'yo sa
pagsasabi kina Tito. Hindi ako nakahinga kanina."
Sumiksik ako sa kanya. I miss his arms around me. Puwede kaya kaming maglakad
nang magkayakap?
"Welcome home, girlfriend," bulong niya.
Nangingiti kong hinigpitan ang braso ko sa kanya. I'll find a way to keep
hugging like this with him.
"Welcome home... boyfriend."
#0958g / 03302018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Epilogue

(Part 1)
***
Nine years old ako nang iwan kami ni Mama. Mag-iisang taon pa lang kaming
nakatira noon sa iisang bubong kasama sina Auntie Mona at Jacob. Ni wala pa 'kong
lakas ng loob na mag-Kuya kay Jacob. Ni hindi pa 'ko mag-isang makapunta ng kusina
kapag nasa sala si Auntie Mona at nanonood ng tv. It was an awkward phase living
with strangers who are family.
The adults—sina Auntie Mona at Papa—made leaving sound subtle. Hindi kasi kami
magkasundo ni Delia sa maraming bagay kaya umalis, sasabihin ni Papa. Mas
importante kasi ang ginhawa kay Ate Delia, sasabihin ni Auntie. I couldn't grasp
the whole idea of a broken family at that time. Nor the idea of differences in
marriage. Nor the idea of greener pastures. Ang malinaw sa'kin, umalis si Mama at
iniwan kami ni Maxwell. Ipinagpalit kami sa isang foreigner at paninirahan sa ibang
bansa.
I was angry but I didn't know how to handle or express it. Samantalang si Max,
araw-araw ang paghahanap kay Mama at ang pag-iyak. Nawawala minsan sa bahay dahil
pupunta raw kay Mama. Sumasakay mag-isa sa tricycle. Minsan, nakikisakay sa jeep.
Kahit ilang ulit kong sabihin sa kanya na hindi niya basta mapupuntahan si Mama,
hindi nakikinig. Sa kanya pa lang, pagod na sina Auntie Mona at si Jacob. Mahirap
dumagdag sa iintindihin nila. Ayokong magalit si Jacob o si Auntie sa biglang
pagdating namin sa pamilya nila.
Everyday, I was angry. Everyday, I asked myself: Bakit naiwan kami ro'n? Kung
may kailangan lang gawin si Mama, bakit hindi na lang kami isinama? Bakit hindi ko
maintindihan basta ang rason na parang naiintindihan ng mga matatanda?
With all my bottled up anger, I resorted to being alone by the tree house.
Kapag wala nang nakatambay sa kubo sa likod-bahay, umaakyat ako ro'n. Nauupo ako at
tumititig sa kawalan. I would scream in my head. I would wreck things in my head. I
would curse in my head. I would hate my mother in my head.
Gano'n lang lagi, bawat araw, hanggang may makatuklas sa pag-iisa ko.
"Hello."
Nakangiti ang batang babaeng bumungad sa tree house. Si Amethyst. Mimi ang
tawag sa kanya sa compound pero nahihiya akong tawagin siya no'n. Gaya ng nahihiya
akong mag-Kuya kay Jacob. Isang taon na silang nakatira sa paupahan nina Ninang
Norma.
Mataba si Amethyst. Maputi. Maumbok ang pisngi. Madalas naka-pigtails daw 'yon.
Madalas naka-shorts. Manipis pero magaan ang boses.
"Hinahanap ka ni Auntie Mona, nandito ka lang pala," dagdag niya.
Bakit ka nandito? gusto kong itanong pero 'wag na lang. Hindi naman importante.
Matataba ang daliri niyang kumapit sa entrada ng kubo. Hirap siyang iangat ang
sarili niya mula ro'n. Maliit kasi siya. Parang si Iya. Hindi nga dapat siya
umaakyat sa kubo. Baka mamaya, mahulog siya, kasalanan ko pa.
Pero nagpipilit siya at ayokong magsalita. Nanood lang ako sa kanya.
Una niyang isinampa ang kaliwang paa niya sa sahig, bago ngumiwi, bago magpilit
na umangat uli, bago maisampa ang kanang paa. Maingay siya gumalaw. Naghi-hiyaah pa
siya kahit wala naman siyang puwersa. Halos pagpawisan siya sa pag-akyat lang.
Malaki ang mata niya sa'kin nang nasa kubo na siya.
Ano na naman kaya? Istorbo.
"Nakalimutan ko 'yong pagkain sa baba!" gusot ang mukhang sabi niya. Parang
iiyak. "Pagkain mo 'yon eh."
"Hindi ako gutom..." sabi ko para hindi siya umiyak.
"May pagkain rin ako ro'n, eh." Namumula ang mata niya. Namumula na rin ang
ilong.

"Pagkain lang 'yon."


"Pagkain 'yon!" diin niya na parang importante ang sinabi niya.
"Bumaba ka na," sabi ko.
Napahawak siya sa shorts niya at napatungo. "Mahirap umakyat dito eh.
Nakakapagod."
"Eh 'di 'wag kang umakyat uli."
"Eh 'yong pagkain mo..."
"Hindi nga ako gutom."
"Eh..."
Ang dami niyang 'eh'. Hindi nga ako gutom. Hindi nga importante 'yong pagkain.
Hindi nga dapat siya nasa tree house kung hirap siyang umakyat.
Suminghot siya kahit wala pa naman siyang luha. "Galit ka?"
Hindi ako umimik.
" 'Yong mata mo eh. Parang galit eh."
"Bumaba ka na sa pagkain mo," sabi ko. Para maiwan akong mag-isa rito.
"Eh..."
Mas mahaba at matagal ang 'eh' na 'yon. Pero itinikom din niya ang bibig niya,
tumalikod, at bumaba ng kubo.
Nainis akong lalo nang wala na siya. Hindi ko alam kung bakit. Basta
nakakainis.
Tumitig ako uli sa kawalan. Hindi ko alam kung ga'no katagal akong tahimik bago
may tunog ng plastik akong marinig mula sa entrada ng kubo.
Pinanood ko uli ang matatabang daliri na kumapit sa pasukan. Bumungad uli si
Amethyst na nakangiti sa'kin. Hirap uli siyang sumampa sa kubo, una ang kaliwang
paa sa pag-akyat bago ang kanan. Muntik uli siyang pagpawisan nang makaakyat. May
plastic bag na nakatali sa kamay niya. Bumubungisngis siya nang umupo sa tabi ko.
"Nakuha ko na 'yong pagkain natin," sabi niya na parang importante ang ginawa
niya.
"Hindi ako gutom."
Parang hindi niya 'ko narinig dahil nakangiti lang siya nang kagat-kagatin ang
pagkakatali ng plastik sa kanang kamay niya. "Pinatali ko 'to kay Yanyan, eh. Wait
lang."
Hindi ko maintindihan kung ano'ng ipinaghihirap niya ro'n. Dapat, kumain na
lang siya sa ibaba ng kubo.
Pinagtiyagaan niyang kagatin ang pagkakabuhol ng plastik hanggang sa makalas sa
kamay niya. At sumimangot siya nang makitang durog ang cupcake sa loob. Namumula
ang mata niya nang tumingin sa'kin.
"Hala... 'Yong pagkain natin..."
Durog ang dalawang cupcake. Nakahalo sa durog ang plastik ng gummy candies at
dalawang lollipop. May nakataling plastik ng yelo na may lamang orange juice yata.
"Hindi nga ako—"
Pumatak ang luha niya sa plastik. Mahina siyang suminghot, nakatungo.
"Hindi naman kasi importante 'yan. Dapat sa baba ka na lang kumain para hindi
nasira ang pagkain mo," naiinis na sabi ko. Iiyak pa siya rito na nakikita ko.
Hindi ko naman kasalanang nasira ang pagkain niya.
"Wala ka kasing kasama rito..." sabi niya. "Hindi ka lagi nakakameryenda kasi
lagi kang nandito tapos mag-isa ka. Kawawa ka naman."
"Ano'ng kawawa..."
"Iniwan ka ng Mama mo. Narinig ko, sabi ni Auntie Mona."
Hindi ako nakapagsalita. Ang daldal niya.
"Malungkot maiwan ng Mama. Tapos, hindi ka pa nakakameryenda dahil nandito ka.
Tapos, mag-isa ka pa." Pinahid niya ang luha niya bago tumingin sa'kin. "Sorry,
Warren. Nadurog 'yong cupcake mo. Hindi kasi ako magaling umakyat dito sa kubo.
Maliit kasi ako. Tapos, mataba ako. Pero kapag lagi akong aakyat dito, gagaling din
ako, 'di ba? Tapos, hindi na madudurog ang pagkain."

Naiinis ako. Nakakainis siya.


"Ayoko ng cupcake," sabi ko at bumaba ng kubo.
Ang unang beses, naging dalawa, tatlo, apat... hanggang lagi nang nasa kubo si
Amethyst sa tuwing nando'n ako. Tumatabi siya sa'kin. May dala siyang kung ano-
anong meryenda, candies, lollipop, chocolates. Lagi akong inaalok. Lagi akong
tumatanggi.
Madaldal siya.
"Nakagawa ka na ng assignment mo para bukas? Kami nina Yanyan, nakagawa na,
kasama si Iya. Gusto mong makiaral sa'ming tatlo? Do'n kami kina Iya naggagawa ng
assignment eh. Tinutulungan kami ni Jepoy minsan. Minsan, si Jacob. Mas masaya
gumawa ng assignment nang may kasama."
Nakagawa na 'ko ng assignment ko kahit hindi ko sila kasama. At maingay siya.
Umisod ako sa pagkakaupo sa kubo. Umisod lang din siya palapit.
"Sasama ka sa iskul trip natin? Marami raw pupuntahan. May pupuntahan daw
mushido na may mga katawan ng tao."
Museum.
"Tapos, sa Doshen Part na may mga isda."
Ocean Park.
"Tapos... nakalimutan ko na kung saan pa eh. Sa may Payong Pilipino?"
Nayong Pilipino.
Naaasar akong tumingin sa kanya. "Ang daldal mo."
Itinikom niya ang bibig niya. Pero sandali lang. "Hindi ka kasi nagsasalita."
Hindi ako nagsasalita dahil wala akong sasabihin sa kanya.
Pero patuloy pa rin siya. "Sasama ka nga sa iskul trip?"
"Bumaba ka na ng kubo."
Kumurap muna siya sa'kin. "Bakit?"
"Maingay ka."
Itinago niya sandali ang labi niya. "Tatahimik na 'ko."
Kahit tumahimik siya, ayoko. Ayokong nando'n siya. Hindi ako makasigaw sa isip
ko. Kailangan ko ng sasabihin para umalis siya ro'n.
"Ayoko sa'yo."
Lumunok siya. "Bakit? Mabait naman ako. Lagi kitang dinadalhan ng pagkain. Ayaw
mo lang kainin 'yong meryenda."
"Ayoko sa mataba."
Umawang ang labi niya at napatitig siya sa'kin bago siya tumungo. Nakita kong
pumatak ang luha niya.
"Ah, gano'n..."
Mahina ang boses niya. Napalunok ako. Hindi ko alam kung pa'no ko babawiin ang
nasabi ko na. Nasabi ko lang 'yon para umalis siya. Hindi ko alam na iiyak agad
siya.
"Sabi rin no'ng mga kaklase natin eh. Ayaw nila sa'kin kasi mataba ako.
Nagkakalindol daw 'pag naglalakad ako kahit hindi naman. Mabait naman ako sa
kanila..."
Gusto kong may gawin para hindi siya umiyak pero wala akong alam. Suminghot
siya. Nakatungo pa rin nang tumayo.
"Sige, bababa na 'ko," sabi niya.
" 'Wag."
Nagulat ako sa sinabi ko. Kinabahan nang lumingon siya sa'kin. Gusot ang mukha
niya. Namumula ang ilong at ang mata. Umiiyak pa rin.
"Sorry..." mahinang sabi ko.
Lalo siyang umiyak.
"Bakit? Sorry talaga. Bakit ka lalong umiiyak?"
Umiling siya.
"Sorry na talaga. Hindi ko naman ayaw sa'yo dahil mataba ka."
"Sabi mo eh... tapos babawiin mo."
"Hindi talaga 'yon totoo," pilit ko.
"Ayaw rin sa'kin ng mga kaklase natin eh," sabi niya. "Ang pangit ko raw."
Kumunot ang noo ko. May nagsabi sa kanyang pangit siya? Bakit?
"Cute ka," naunang sabi ko.
Kumurap siya. Tumitig sa'kin. "Ano 'yon?"
"Sabi ko, cute ka."
Kumunot ang noo niya. "Hindi kaya."
"Oo kaya."
"Mataba ako eh."
"Oo nga. Pero cute ka pa rin."
Parang pinag-isipan niya ang sinabi ko dahil matagal siyang tumingin sa'kin.
"Ayaw mo lang akong umiyak eh."
Ako naman ang napaisip. Ayoko lang ba siyang umiyak kaya sinabi kong cute siya?
Pero... may pigtails siya at maumbok ang pisngi niya. At kapag ngumingiti siya o
kahit kapag hindi... cute siya.
Napakamot ako sa ulo ko. Pa'no 'ko sasabihin 'yon? Bakit mahirap makipag-usap?
Pinahid niya ang luha niya at tumingin uli sa'kin. Nakatayo pa rin siya.
Nakatingala naman ako sa kanya sa pagkakaupo ko.
Nakaharap siya sa bintana kaya naliliwanagan siya ng pababang araw sa labas ng
kubo. Marami nang tumakas na hibla ng buhok niya sa pigtails niya. Maumbok pa rin
ang pisngi niya. Maliit pa rin siya at mataba. Pero nang ngumiti siya... nakahinga
ako nang maluwag.
"Sige na nga. Hindi na nga ako bababa," sabi niya at umupo uli sa tabi ko.
"Hindi na 'ko masyadong magdadaldal para hindi ka magalit."
Tumango ako.
Tahimik kami pagkatapos no'n. Napapatingin ako sa kanya dahil hindi talaga siya
nagsasalita. Tumitingin lang din siya pabalik. Ngumingiti.
"Bakit?" tanong ko.
"Ano 'yon?"
"Bakit ka ba kasi talaga nandito?"
Tumingin siya nang tuwid sa'kin. "Para may kasama ka. Para hindi ka malungkot
mag-isa."
Ngumiti siya nang malaki pagkatapos.
Ako naman ang napatungo. Mas cute siya 'pag nakangiti.
I never get to understand kung pa'no o kung bakit... pero gumaan ang pakiramdam
ko magmula no'n. Nakasanayan ko nang nakasunod si Amethyst sa'kin sa tree house.
Tinutulungan ko na siya sa pag-akyat sa kubo at pagdadala ng meryenda. Sabay na
kaming kumakain. Nakikinig na 'ko sa mga kuwento niya. At napapakuwento na rin niya
'ko.
Gaya ng sabi niya, it was a lot less lonely with her around. Hindi ko
namalayang gusto ko nang nasa malapit siya lagi. Ang naisip ko lang noon, kung
totoong may anghel kagaya sa mga kuwento, siguradong kagaya niya.
She's my angel. And I want to protect her at all cost. #0853g / 04012018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Cont... part 2

(Part 2)
***
Magkakaklase kami nina Yanyan, Iya, at Mi mula elementary. At mula elementary,
ang trabaho ko ay bantayan si Mi.
"Ma'am, baka puwede po akong magpalipat ng upuan."
Matagal na tumingin sa'kin si Mrs. Romila, class adviser namin. Tumatalas na
naman ang mata. Nakakatakot pero...
"Bakit? Nag-aaway kayo ni Amethyst?"
Umiling ako. Hindi naman si Mi ang problema kundi ang mga kaklase namin. Tuwing
magkatabi kami, laging may nang-aasar. Payat kasi ako at mataba si Mi. Mukha kaming
nagsisiksikan sa desk. Madalas umiiyak si Mi kapag pauwi kami.
Hindi naman ako puwedeng makipag-away lagi. Ipapatawag si Papa. Pero laging
nasa barko si Papa kaya si Auntie ang pupunta. At 'pag nalaman ni Jacob, baka
magalit sa'kin at kay Max.
Tama nang may sinuntok ako no'ng nakaraan. Buti nga, hindi nagsumbong kay Mrs.
Romila.
"Hindi po 'yon. Nalilikutan kasi si Iya sa katabi niya, si Omel. Kina-crush pa
siya no'ng mga lalaki sa likuran. Baka mas okay kapag kami na lang ni Omel ang
magkatabi," dire-diretsong sabi ko.
Matagal tumingin sa'kin si Mrs. Romila. Nginitian ko na lang. Gumalaw-galaw ang
kilay niya. Parang delikado 'yong request ko.
"Please po, Ma'am."
"Baka naman mag-ingay lang kayo lagi ni Omel."
"Hindi po. Tahimik naman po ako."
Napansin kong parang pinag-isipan ni Mrs. Romila ang sinabi ko. Totoo naman
kasi 'yon. Nakakatamad makipag-usap sa mga kaklase kong lalaki. Lagi silang may
crush o pinagtitripang babae. Kung hindi si Iya, si Yanyan. O 'yong isa pa naming
kaklase na maganda rin. Kapag hindi crush, inaasar naman nila si Mi. O 'yong iba pa
naming kaklase. Ang sarap lang nilang sapakin isa-isa hanggang tumahimik.
"Okay, sige. Lumipat ka bukas."
Gumaan pati ang bag na bitbit ko dahil sa narinig ko. Dadalhan ko ng cake bukas
si Ma'am para hindi magbago ang isip.
"Thank you po."
Hindi lang yata isang beses akong nakipagpalit ng upuan para kay Mi. Mas madali
kasi siyang protektahan nang hindi nakadikit sa kanya. Mas naririnig ko ang
sinasabi ng mga tao tungkol sa kanya. Mas alam ko kung sino-sino ang may planong
mang-trip o mag-prank sa kanya. Mas kaya kong gumawa ng paraan.
Pagka-graduate namin sa elementary, magkakaklase rin kami sa high school. Akala
ko no'n, puwede na uli akong tumabi sa kanya. Hiramin siya minsan kina Yanyan at
Iya na lagi niyang kadikit. Pero first year pa lang kami, pinasabugan ako ng
pimples. Gano'n din siya.
Tinatawag kaming pangit ng mga kaklase namin. Hindi ako makalapit sa kanya
kapag nasa school. Sa compound naman, silang mga babae pa rin ang magkakasama.
Nakakapagkuwentuhan na lang kami kapag nagbe-bake si Auntie at tumatambay siya sa
bahay para makitikim.
Dalawang taon kong itinatanong kung kani-kanino kung ano'ng gamot sa
taghiyawat. Iba-iba naman ang sagot. Tulog daw. 'Wag daw kumain ng mani. 'Wag daw
magpuyat. 'Wag daw magka-crush. 'Wag daw manood ng porn. 'Wag daw magtagal ng pag-
aano sa banyo. Mula wirdo hanggang kabastusan, narinig ko na. Si Auntie Mona, lagi
akong pinagagalitan kapag napapahawak ako sa mukha ko. 'Wag ko raw titirisin ang
taghiyawat o kakamutin. Magkakabutas-butas daw ang mukha ko. Ayoko namang mabutas
ang mukha ko. Nagpupudpod ako ng kuko para safe.

Bandang third year, kusa na lang nawala ang mga taghiyawat


sa mukha ko. Nasa track and field ako no'n at badminton. Nasa swimming din.
Nabalitaan kong mayro'ng may mga crush daw sa'kin. Si Iya, gusto nang pakasalan si
Jacob. Si Yanyan, minsan, parang may crush kay Jepoy. Si Mi... wala. Inosente ang
anghel ko sa maraming bagay.
Concern pa rin niya ang mga madadaldal na babaeng payat na lagi siyang
sinasabihan na mataba siya. Akala pa rin niya, kapag mataba, pangit na agad. Hindi
naman parehas 'yon. Tingin pa rin niya sa sarili niya, third best lang kay Yanyan
at Iya. Ibinubunton pa rin niya sa ice cream ang lahat ng sama ng loob niya.
Nang fourth year na kami, nalaman kong may crush daw si Mi. Kay Robin na hindi
naman gano'n kaguwapo, katalino, o ka-talented. Maputi lang at may brace. Magaling
magdala ng damit. Wala nga yatang muscle sa katawan 'yon. Puwedeng yupiin.
Pero maraming babae ang may crush do'n. Wala akong pakialam sa ibang babae.
Pero bakit may crush do'n si Mi? Hindi ko maintindihan. Hindi ko rin maintindihan
kung bakit nainis ako kay Mi no'n. Pipili na lang kasi ng crush, si Robin pa. Hindi
naman sila bagay.
Sumali sila sa teatro no'n na ako ang nagiging taga-record sa camera. Bago kami
gumadweyt, nagkaro'n ng grad ball pero hindi ako um-attend. Gusto ko sanang partner
si Mi no'n pero inaya niya agad si Ivan. Akala niya kasi, walang may gustong ka-
partner siya. Hindi rin naman ako agad nakapagtanong.
Sayang tuloy.
At nang akala ko, magkakahiwalay na kami pagdating ng college, mali ako.
"Eh 'di paano 'yon? Magkakahiwalay ng school sina Yanyan at Mimi?"
Napatigil ako sa pagbungad sana sa kusina nang marinig ang boses ni Auntie. Ang
kasunod na boses ay kay Tita Judy.
"Oo. Napunta sa waiting list si Mimi do'n sa school ni Yanyan. Medyo malabo na
'yon. Magte-test daw si Mi do'n sa college no'ng artista ba 'yon na paborito no'ng
dalawa."
Ah. Sa Xavier.
"Ano ba'ng course ang gusto ni Mimi? Bakit napunta sa waiting list?" tanong ni
Auntie.
Broadcasting ang gusto no'n ni Mi dahil pangarap niyang maging news anchor o
talk show host. Hindi ko alam na na-waiting list siya sa school nina Yanyan. Ang
saya pa naman niyang magkakasama sila ni Yanyan sa college. Nag-New York kasi si
Iya.
"Broadcast daw. Si Warren ba, saan nag-apply?"
"Hindi pa nga nagsasabi sa'kin, eh. Pinaalalahanan na nga namin ni Jacob na
mag-entrance exam na. Iba-iba naman ang course na gusto no'n."
Kahit ano naman kasi ang maging course ko, walang kaso, dahil sa sports team
din ng school ang bagsak ko. Pero kung hindi magkakasama sina Yanyan at Mi sa
college, pa'no si Mi? Lagi pa namang napagdidiskitahan 'yon. Madalas ma-bully.
Walang magtatanggol sa kanya kung hindi sila magkasama ni Yanyan.
Mabuti kung magkasama kami ng school.
Teka. Tama. Dapat, magkasama kami sa iisang school. No. Dapat, iisang course at
iisang block.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Dumadalas na ganito.
Huminga ako nang malalim bago pumasok sa kusina. Kaswal lang dapat ako.
"Nandito pala kayo, Tita," bati ko kay Tita Judy.
Ngumiti si Tita at tinapik ako sa braso. Kumakain sila ng cake ni Auntie.
"Gusto mo ng cake, anak?" tanong ni Auntie. "Kumuha ka na ng platito mo habang
nasa mesa pa itong hiniwaan namin. May kape sa coffee-maker."
Ngumiti ako at umikot para kumuha ng platito. Nakihiwa ako ng cake kahit na
hindi ako gutom.
"Si Max, nasaan?" tanong ni Auntie.
"Isinama sa park si Koko, Auntie."
"Nadadalas 'yon doon nitong mga nakaraan. Binibitbit si Koko."
May babae kasing sinusulyapan 'yon do'n, Auntie.
Pero tikom ang labi ko. Tinanong ko na kay Max ang obvious pero tumatawa lang
nang tumanggi. Halatadong kinikilig, sus.
Tumikhim ako nang sumulyap kay Tita Judy. "Tanggap na po si Mi sa university?"
Casual lang ako dapat dahil dapat casual lang talaga.
"Hindi nga, anak," sagot ni Tita. "Napunta sa waiting list. Marami raw kasi
talagang nag-a-apply ng do'n. Nagkain na naman nga ng ice cream no'ng nakaraan. Si
Yanyan sana, tanggap na. Inaprub na rin ng scholarship ni Yanyan 'yong school
niya."
"Ah. Okay lang po 'yon. May iba pa namang school."
"Ikaw ba? Saan ka mag-a-apply? Hindi ka pa nagte-test kahit saan," si Auntie.
"Sa Xavier po sana, Auntie. May schedule ng entrance exam do'n sa isang linggo.
Kukuha ako ng Broadcast Communication do'n."
Gumaan ang mukha ni Tita Judy nang marinig ang sinabi ko. "Totoo? Parehas yata
kayo ng course ni Mimi."
"Talaga po? Magbo-Broad Comm din siya? Magte-test din po ba siya ro'n? Sabay na
lang kami," ani ko.
"Mabuti pa. Sabihan mo nga kung kailan para kayo na ang mag-usap. Naku, sana,
matanggap kayo para may kasama si Mimi sa college. Alam mo naman 'yon, hirap mag-
adjust sa bagong tao."
Sasamahan ko siya para hindi siya mahirapan.
"Matatanggap po si Mi. Samahan ko siyang magrebyu," dugtong ko.
"Salamat, Warren."
Kahit si Auntie, maganda ang ngiti sa'kin. Lumabas ako ng kusina bago bumigay
ang ngiti ko.
Natanggap kami ni Mi sa iisang college. Pareho ng course at block. Hindi
suwertehan 'yon. Kinausap ko specifically ang Dean namin para maging blockmates
kami nang kunin akong player ng school. Pumayag naman.
Mula entrance exam, magkasama kami ni Mi. We celebrated the first day of school
by watching a movie together. Masayang-masaya siya na nakuha siya sa course na
gusto niya. Masaya naman ako na masaya siya.
I always want her happy. I always want her smiling. Gagawin ko lahat para sa
ngiti at saya niya. Akala ko noon, dahil pa rin 'yon sa importante siya sa'kin.
That she's an angel to me and it's a part of my childhood promise to always protect
her.
But I already outgrew that childhood promise. I'm feeling something else.
Something less chivalrous and more romantic. Something I couldn't let her know.
Yet. #1120g / 04012018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Cont... part 3

(Part 3: Sa pagpapatuloy ng pagdaldal ni Warren...)


***

College were classes together, eating lunch together, going home together,
projects together, sleeping in one room together (sa studio), and movie dates (na
hindi alam ni Mi). Kapag may showing ng pelikula at may allowance ako galing kay
Papa, o kay Jacob, o kay Auntie, o sa Sports team, inililibre ko siya ng movies.
Madali namang gumawa ng dahilan: bored ako, paborito ko 'yong movie, paborito niya
ang movie, gusto ko o niya 'yong actors o actresses o movie house o direktor, may
movie review para sa kung anong subject, curious ako, celebration para sa project o
birthday o magandang grades, maraming time, etc. Kapag kapos ang allowance ko, mas
masipag akong mag-deliver ng baked goods ni Auntie sa mga kliyente. May mga tipper
kasi sa clients niya kapag natutuwa sa'kin.
Kapag may projects na puwedeng pandalawahan lang, partners kami ni Mi.
Nagpagawa kami ng maliit na recording studio sa bahay para sa audio productions.
Nag-ipon ako ng pambili ng laptop (humati si Jacob) para may magamit kami sa
recording at editing. Sa audio projects, madalas na ako ang editor at direktor, si
Mi naman ang scriptwriter at talent. Sa video projects, madalas na ako ang
cameraman pero si Mi ang direktor, scriptwriter, at host.
Amethyst genuinely loves the camera. Mapupuyat siya sa pagsulat ng script pero
hindi mauubos ang energy niya hanggang sa shooting. Mapupuyat siya sa kabibilin
sa'kin kung pa'no ko siya dapat kunan pero hindi siya papalya sa retakes kapag
kailangan. Kapag nasa studio kami, praktis siya nang praktis sa pag-a-anchor.
Bukod sa course namin, adik siya sa wattpad, sa k-drama, at sa k-pop. Lahat ng
crushes niya, korean superstars. Lahat ng kilig niya sa binabasa niya, inihahampas
niya sa'kin. Okay lang naman sa'kin 'yon dahil nasa Korea lahat ng oppa niya at
fictional lang 'yong mga asawa niya sa wattpad. Kaysa naman kiligin siya sa mga
kagaya ni Robin.
Madaling mahalin anumang mahal ni Mi basta nakangiti siya kung pa'no siya
ngumingiti. Her real smiles are as precious and as warm as sunlight in the rain.
Kahit nasaan kami at kahit anong kailangan naming gawin, basta nakangiti siya nang
gano'n, okay lang ako.
Pero tumatagal kami sa college, dumadalang ang ngiti niya. Dala ng puyat at
insecurities na idinadaan niya sa kain (stress-eater siya), mas lalo siyang
tumataba. Walang kaso sa'kin 'yon pero pinoproblema niya. Iniiyakan niya. Ikinakain
ng ice cream.
Akala pa rin niya, kapag mataba siya, ibig sabihin ay pangit na siya. She
doesn't realize how precious, how amazing, and how beautiful she is. Laging ang
tingin niya sa sarili niya, kapos sa itsura at sa talent. Mali. Hindi ko naman
masabi lahat ng iniisip ko sa kanya nang hindi kami magiging awkward pagkatapos.
"Anong problema?" tanong ko kay Mi pagbalik niya sa studio.
Halatang naghilamos siya dahil nawala 'yong pulbo niya sa mukha. Namumula rin
nang kaunti ang ilong niya. Nangyayari lang 'yon kapag umiyak siya, umiiyak siya, o
iiyak siya.
She chose to look unaffected. Ayaw pang magsabi. "Ha? Anong 'anong problema'?"
She busied herself in her phone. Itinuloy ko naman ang pag-ikot sa balikat ko.
May tennis practice ako pero hindi pa 'ko makapunta sa gym para mag-warm up. Hindi
pa hangga't hindi pa okay si Mi.
"Pangit update sa binabasa mo?" kaswal na tanong ko.
"Hindi ko pa nga nababasa ang update. Magbabasa pa lang sana ako."
If it's not the update... "Ba't ganyan mukha mo?"
"Ano?"
She raised her eyes on me. Nakipagtitigan sa'kin para ipa-obvious na wala
siyang problema kahit alam kong meron. Habang lalong magkahinang ang mata namin,
tinutukso ako ng kalabog sa dibdib ko. Kamote.

"Wala na pala sila," sabi ko na lang, tinutukoy ang mga


kaklase namin.
Nakasimangot si Mi sa'kin. Ang tulis ng nguso, parang tuka ng ibon. Floor
director daw ako sa live broadcast namin. Alam ko naman 'yon dahil hindi naman
talaga ako tulog no'ng nakasubsob ako sa desk. Pa'no 'kong makakatulog kung
dumidikit siya sa'kin at bumubulong sa tainga ko? Tinitigan ko na lang siya kapag
busy siyang nakikinig kay Libby. Cute niya kasi kapag seryoso siya.
"Nagugutom ka? Kain tayo," yaya ko.
Lalo siyang sumimangot. May nagsabi na naman siguro sa kanyang—
"Ang taba ko na," aniya.
May nagsabi ngang mataba siya. Madalas talaga, ang kulit ng mga tao. Wala
namang point na sabihin sa isang tao kapag mataba sila. Nakikita naman 'yon sa
salamin. Nararamdaman naman 'yon 'pag naglalakad. Hindi rin naman bawal tumaba.
Sakit sa ulo.
"Anong problema ro'n? May nagsabi uli sa'yong mataba ka?"
Nanulis ang nguso ni Mi. Parang tuka talaga ng ibon. Ang cute, eh.
"Wala. Anong kakainin natin?" aniya.
"Wala ka naman yatang gana."
"Lilibre mo 'ko?"
"Oo." Siya lang naman ang ayaw magpalibre lagi.
"Wala kang dalang cake ni Auntie Mona?"
"Wala eh."
Mukhang masama ang loob niya dahil cake ni Auntie ang hinahanap niya.
Pinagdidiskitahan niya lang 'yon 'pag nasasaktan talaga siya. Sino kayang nagsabing
mataba siya? Si Libby? Si Roxie? Si Pen? Si Gwen?
"Magdadala ako bukas," sabi ko. Magpapa-bake ako kay Auntie ng cake. Buti na
lang, kapapadala lang ni Papa ng allowance ko.
Nawala nang bahagya ang bakas ng kunsumisyon niya. May magic talaga kay Mi ang
pagkain mula bata pa kami.
"Totoo?" aniya.
"Oo."
Ngumiti siya nang kaunti. "Sige. Dala akong lemonade bukas?"
"Sige."
Naalala niya ang tennis practice ko. Time na at tumatawag na rin si Coach pero
hindi pa 'ko puwedeng pumunta sa gym. Kailangan munang ma-settle ang panonood namin
ng sine. Baka mayaya si Mi ninuman sa mga kaklase namin bukas, tapos mataong may
pera siya. Yari ako. Kami lang dapat dalawa ang manonood.
"Hihintayin kita? O mauna na 'kong umuwi?" tanong niya habang nag-aayos ng
gamit.
Chance nang magtanong pero hindi puwedeng magmadali. "Nood tayo no'ng movie na
assign sa Humanities pagkatapos ng tennis ko."
"Hahabol tayo kina Libby?"
Bakit kami hahabol kina Libby? Pakialam ko kina Libby.
"Wala na 'kong pera, eh," dagdag niya pa.
"May pera ako. Libre kita."
'Yong sine ngayon at cake para bukas equals malapit nang manganib ang budget
ko. May two weeks pa bago 'yong allowance sa tennis. Ibig sabihin, kailangan kong
mag-deliver maghapon para kay Auntie pagdating ng Linggo.
"Eh..."
Eh means kailangan ko ng dahilan para pumayag siya. Madali lang naman gumawa.
"Gawan mo na lang ako ng paper sa Humanities. Magbibigay ako ng input sa'yo
pero ikaw magsulat. Katamad eh," sabi ko.
"Ah... Sige. Ako na lang magsusulat para sa'yo."

"Nood din tayo bukas no'ng isa pang showing din ngayon.
Gusto kong panoorin 'yon, eh."
Animated film 'yon. Gusto niya 'yon. Dalawang sine plus cake para bukas equals
magtrabaho ka, Tejeron. Kamote.
"Bagong padala ba ng allowance sa'yo si Uncle Juan?" aniya.
Ngumiti lang ako para hindi siya mag-alala. Madali lang maghanap ng pera. Mas
mahirap magpangiti.
"Nagbigay rin kasi si Jacob." Pero magbibigay pa lang talaga. "Si Auntie,
nagbigay rin para sa delivery ko ng bakes niya. Okay na? Hintayin mo 'kong matapos
sa practice. Magpapaalam ako agad kina Coach, tapos nood tayong sine bago umuwi."
"Ite-text ko na lang sina Mama na gagabihin tayo. Hiramin ko rin laptop mo, ah.
Titingin na 'ko ng reviews no'ng movie."
Sa kanya naman 'yong laptop ko. Kaya ko nga binili.
Tumayo kami sa desk at naglakad palabas ng performance studio. Hindi na
nakasimangot si Mi.
"Pero kain muna tayo bago ako mag-practice," sabi ko. Papasermon na lang ako
kay Coach mamaya. "Kagutom."
"Ano'ng kakainin?"
Cake lang naman ang magpapagaan lalo sa mood niya. "Cake."
"Cake talaga?" Nagpigil pa siyang ngumiti. Madamot.
"Oo. Ayaw mo ba?"
Kinagat niya ang labi niya bago ngumiti nang tuluyan. "Gusto ko."
Gusto ko rin ang nakikita ko. " 'Yan. 'Wag kang sisimangot."
"May nagsabi kasing ang taba ko, eh."
Sabi na, eh. "Sino?"
" 'Wag na nating pangalanan."
Ah, kaklase namin.
Nakatungo siyang maglakad sa tabi ko. Kumapit ako sa strap ng gym bag ko para
pigilan ang braso kong umakbay sa kanya.
Lumiko kami papunta sa restroom para makapagpalit ako ng damit sa practice.
"Pangit ba 'ko?" mahinang tanong niya, nakatingin sa sapatos niya.
Sumulyap ako sa kanya.
'Mahal kita. Hindi ka magiging pangit sa'kin kahit ga'no ka kapangit tingnan ng
iba.'
Pero kung 'yon ang sasabihin ko, malamang na tumakbo si Mi mula rito sa school
hanggang sa bahay nila at magtago nang ilang linggo sa'kin.
"Hindi. May nagsabi ring pangit ka?" ani ko.
"Wala naman."
Pero matamlay uli siya. Dapat yata, sinabi kong maganda siya. Pero baka madulas
ang dila ko at 'yong 'maganda' maging 'mahal kita'.
"Warren..."
Lumunok ako. 'Ayan na ang tukso sa lahat ng pagpipigil na meron ako.
Nahihirapan ako kapag tinatawag niya 'ko sa pangalan ko tapos malumanay ang boses
niya. Ang sarap niyang abutin at yakapin at sabihin na mahal ko siya.
Kumapit ako sa strap ng gym bag ko. Pinanatili ang distansiya sa pagitan namin.
"Kung magpapapayat ako, tingin mo, may pag-asa?" tanong ko.
"Oo naman. Ano bang iniisip mo?"
Makikitakbo ba siya sa'kin? Sa umaga? Ilang ulit na niyang natatanong 'yon eh.
Naghihintay lang akong magkusa siyang sumama.

"Lagi kang nag-e-exercise sa umaga, 'di ba? Bago pumasok?"


Shit. Ito na 'yon.
"Oo. Tumatakbo ako 'pag madaling-araw."
"Papayat kaya ako kapag tumakbo ako kasama mo?"
Ang hirap magpigil ng ngiti. Ang hirap kumalma.
"Tingin ko naman."
"Makikitakbo ako kasabay mo. Ano'ng oras ka tumatakbo?"
"Five."
Natigilan siya. Magba-back out 'to kapag mabagal ako.
"Dadaanan kita ng four sa bahay n'yo para matulungan kitang mag-warm up. We
start tomorrow."
"Teka lang..."
'Ayun. Halatadong nagdadalawang-isip siya agad. Kahit naman kapusin ang tulog
niya sa madaling-araw, may mahahabang breaks kami in-between classes para mag-nap
at mag-recuperate. Madalas akong umidlip sa breaks namin dahil sa exercise sa
madaling-araw at tennis practice sa hapon.
"Magpapaalam ako agad kay Coach mamaya para maaga rin tayong makauwi from the
movies."
"Sandali lang naman..."
Ngumiti ako sa kanya. Akala niya ba, patatakasin ko siya sa'kin nang gano'n
lang? May sets na 'ko ng exercises para sa kanya dahil alam kong kalaunan,
magyayaya siya nang ganito.
"Kaya mo 'yon," sabi ko. "Just own it."
"Pa'no 'pag 'di ko pala kaya?"
Cute niya lalo kapag undecided siya, eh.
"Kakayanin mo. Kasama mo 'ko."
Kahit buhatin pa kita araw-araw kapag 'di ka na makatakbo.
Ngumiti siya uli, kahit alanganin. Pero hindi na tumutol.
We ran and exercised together every morning. Alas-kuwatro pa lang ng madaling-
araw, magkasama na kami sa warm-up. Tumatakbo kami mula sa bahay nila, paikot sa
park sa malapit, pabalik sa bahay namin. Sa bahay na namin siya nakikiplantsa ng
uniform, nakikiligo, at nakikialmusal. Wala namang kaso kay Auntie, kay Jacob, o
kay Max. Magkakalapit lahat ng families na tumira sa compound.
Sabay kaming pumapasok sa school sakay sa kotse ni Jacob. Sabay kumakain ng
lunch. Sabay umuuwi. Na-miss niya ang cake kaya nagpapa-bake ako ng low-fat na
fruit cakes kay Auntie.
Nino-note ko ang body changes niya. Pati ang moods at pag-idlip. Mabagal kasi
siyang mag-lose no'ng una, no'ng hindi pa sanay ang katawan niya. Ayoko naman
siyang mabigla.
She would call me Coach playfully.
"Warren—"
I hushed Roxie. Tumahimik naman ito habang palapit.
Nag-check ako ng oras sa wristwatch ko at isinulat ang nap time ni Mi sa
notebook.
"What's that?" tanong ni Roxie.
"Wala." Isinara ko ang notebook ko. "Ano'ng problema?"
"Pinapakuha ni Libby 'yong copy ng script na sinulat ni Amy."
Si Mi ay si Amy sa mga kaklase namin. Ayaw ni Mi na tinatawag ko siyang Mi sa
school dahil masyado raw pamilyar. At parang endearment daw. Sinusunod ko siya
minsan. Pero madalas...
"Tulog pa si Mi."
Nangunot ang noo ni Roxie. Hindi alam ng mga kaklase namin na 'yong Mi ay Mimi
na palayaw ni Amethyst sa compound. I like it that they didn't know. I like
familiarity and endearments.
"Uh..."
"Hanapin ko sa bag niya," sabi ko para makaalis na si Roxie.
Maingat kong kinuha ang bag na nasasandalan nang kaunti ni Mi. Naistorbo yata
siya dahil gumalaw siya nang kaunti. Nalaglag ang buhok niya sa mukha niya.
Natakpan ang view ko.
Hindi siya puwedeng maistorbo sa pag-idlip dahil sumusungit siya 'pag gano'n.
Iniiyakan kahit pagkain.
Maingat kong pinulot ang buhok ni Mi at ibinalik sa likod ng tainga niya.
Kumibot siya sandali. I tapped her head gently.
"Tulog lang, Mi."
She nibbled on her lips. Mukhang hindi naman magigising.
Pag-angat ng mata ko kay Roxie, nag-iwas ito ng tingin. Hinanap ko sa bag ni Mi
ang printed copy ng script para sa performance namin. Ibinigay ko kay Roxie nang
makita ko.
Akala ko, aalis na ito agad kapag nakuha ang script. But Roxie stayed. She was
staring.
"You like... You are..." Mahina ang boses nito.
Alam ko kung ano'ng gusto nitong itanong. Pero kahit magtanong sinuman, hindi
ako puwedeng sumagot. Kailangan na si Mi ang unang makaalam sa sagot sa tanong na
'yon.
Ngumiti lang ako kay Roxie at itinabi sa'kin ang bag ni Mi. Pagkatapos,
nangalumbaba ako sa desk at pinanood si Mi sa pagtulog.
Kontento akong gano'n lang kami ni Mi. We're familiar and close. We're always
together. Alam kong wala pa sa isip niya ang mga bagay na matagal nang nasa isip
ko. She's pure and precious. Naive and lovely. Madali namang maghintay kung kailan
siya magkakainteres at mag-abang kung kailan siya magkakagusto.
Bawat araw na magkasama kami, nananalangin akong sana, sapat 'yong oras para
kung mahuhulog siya, sa akin lang. Akala ko, inevitable na mahulog siya sa'kin,
gaya sa mga kuwentong binabasa niya. Akala ko, inevitable na sasaluhin ko na lang
siya kapag kailangan.
Pero mahirap ang puro akala. #1250h / 04022018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Cont... part 4
(Part 4: Sa pagpapatuloy ng nobela ni Warren... please send helppp)
***
Tatlong kilo pa lang ang nababawas kay Mi, may nanghihingi na ng number niya.
Publicly pa nag-announce sa araw ng live broadcast namin. She was dolled up that
day. Basketball player sa school ang nanghihingi—si Ybarraz. Bago ko pa mapigilan
ang sarili ko, nag-No na 'ko para kay Mi.
Akala ko, mahahalata na 'ko ro'n kahit alam kong unassuming si Mi sa mga
gano'ng bagay. Lalo na no'ng tinopak ako pagkatapos. But Mi is Mi. She won't assume
that there would be guys like me and Ybarraz who would like her. Nor fight over
her.
Mali siya ng akala.

"Bad mood ka ba?" concerned na tanong ni Mi sa'kin sa pagitan ng pagsubo ng


fries. Nasa mall kami, nagmemeryenda ng shawarma at fries.
Iba ang bad mood sa gigil. "Hindi."
"Gutom?"
Mahirap i-explain sa kanya kung bakit ako naiinis. Umiling na lang ako.
"Uhm... Pagod?"
"Medyo."
Akala ko, tanggap na 'yong sagot ko dahil hindi agad siya nagtanong. Kaso,
hindi nga nagdagdag ng tanong, tumitig naman sa'kin. Hindi niya alam kung ga'no
kabilis kong maramdaman kapag nasa akin ang mga mata niya. Inuunahan akong bigyan
ng warning ng kalabog sa dibdib ko.
Her eyes on me robs my breath and makes me weak.
"Amethyst, 'wag mo 'kong titigan." Tinotopak ako. Kasalanan ang biglang
manlambot o magpigil na hawakan ang kamay niya o magtimpi na ako na lang ang
magsubo sa kanya ng fries. Nagbaling ako ng tingin sa ibang direksyon. She's not
good for my sanity when I'm barely sane.
Pero kamote, talagang tumititig pa rin siya. Walang hustisya.
"Mauubos ko na 'tong fries. Kain ka pa." Naghalukay siya sa paper bowl ng fries
bago, "Bigay ko sa'yo 'tong malaking fries." Inilapit niya sa labi ko ang mahabang
piraso ng pagkain. Magaan ang mukha sa paghihintay na isubo ko 'yon.
Gusto ko siyang subuan ng pagkain pero heto siya, sinusubuan ako. Sinusubukan
ang pasensiya ko. Galing. Pinapakumplikado ng babaeng 'to ang topak ko.
I nipped the fries between my lips. Nginuya ko na parang rabbit. Ngumiti siya.
Ngumingiti na naman siya. Damn that smile.
"Gusto mo pa? Marami pang mahabang fries." Seryoso siyang naghalukay sa bowl
habang seryoso akong nakatingin sa kanya.
Bakit kasi hindi pa 'ko puwedeng magsabi sa kanya ng nararamdaman ko?
"Gusto mo ba 'yong maraming barbecue powder? O mas gusto mo ang cheddar
cheese?"
'Gusto kita. Gusto ko, akin ka lang. Kung hindi puwede 'yon, sa'yo na lang
ako.'
' 'Wag kang magkagusto sa iba.'
" 'Yong lalaki kanina..."
Tumingin si Mi sa'kin. Maamo ang mukha. Walang alam sa lahat ng confession ko
kapag hindi siya nakatingin. "Alin do'n? Maraming lalaki kanina."
I nibbled on my lips. Bumaba ang mata niya ro'n. Nagtagal do'n bago mamula nang
bahagya ang pisngi niya.
Napalunok ako. Nagba-blush ba siya habang... nakatingin sa labi ko?

Kamote. Mabilis akong magmalisya.


" 'Wag mong ibibigay ang number mo kahit mangulit," sabi ko at nag-iwas ng
tingin.
"Ah... Hindi naman talaga. Magagalit si Kuya. Pagalitan pa 'ko."
"Tama." Parang magagalit din ako.
"Saka, hindi naman siguro 'yun mangungulit. Nag-thank you naman na 'ko kanina
sa compliment niya. He's just being kind."
Muntik akong mapailing. Pa'no ko ba nakakalimutan na hindi papasok sa kukote ng
babaeng 'to na hindi lahat ng compliment sa kanya ay dala lang ng kabaitan? May mga
lalaking may malisya. Gaya ko.
"He's not just being kind," sabi ko. Tumitig ako sa mga mata niya habang
complicated lahat ng pakiramdam ko. "Totoo ang sinabi niya."
Namilog ang mata ni Mi. "Talaga?"
"Oo."
"Talaga nga? Totoo 'yun sa tingin mo?"
"Oo. Totoo."
And I'm hating on a man like that just because he has 20/20 vision. Hindi naman
kasalanan na makita nito kung ano'ng nakikita ko. Ayoko lang na magkaro'n ito ng
puwang sa isip ni Mi. Kahit kaunti.
"Wow."
Wow. Parang natuwa pa si Amethyst. 'Oo. Maganda ka lagi.'
"Eh 'di anchor-material nga ako?" excited na sabi niya. "Totoo?"
Ano?
Umaasa ang mukha ni Mi sa sagot ko. Napahawak ako sa tainga ko. Hindi talaga
rerehistro sa babaeng 'to na maganda siya? Na talented siya? Na may kukuha ng
number niya dahil maganda siya? Na may kukuha ng number niya dahil mayro'ng
lalaking may crush sa kanya? Anak ng kamote si Amethyst.
"Oo. Anchor-material ka," sabi ko na lang.
Ang laki ng ngiti niya bago dumaldal. "Sabi ko na, eh. Lagi kaya akong nagpa-
practice para sa diction at sa delivery ko. Pati 'yong paghinga. Pati kung pa'no
hindi ma-conscious kapag nakatitig sa camera lens. Nag-pay off naman pala lahat ng
practice ko."
At nawala na si Mi sa mall. Napunta na siya uli sa live broadcast namin kanina
kung saan masuwerte ang lahat ng camera na nagre-record sa kanya at masuwerte akong
mapanood siya nang aktuwal.
Nangalumbaba ako at pinanood siya sa pagdaldal.
Okay lang sa'kin na ibang bagay ang mahal niya. 'Wag lang ibang lalaki. Nandito
naman ako. Ako na lang.
"Tapos ang init din ng spotlight kanina. Akala ko, malulusaw 'yong make-up na
ginamit sa'kin ni Pen. Mamahalin siguro 'yon. Parang gano'n 'yung make-up sa'min
nina Iya no'ng graduation natin no'ng high school, eh. No'ng nag-hire kami ng
stylist?" aniya pa.
Tumango ako. 'Oo. No'ng specially kang maganda pero hindi kita partner at hindi
kita naisayaw.'
"Buti talaga hindi ako nabulol o nagkamali kanina. May isang camera naman tayo
na nagre-record, 'no? Makakakuha naman tayo ng kopya kapag in-edit na?"
Mahina akong natawa. Kung ako nga, hindi makasingit sa isip ni Mi against her
love for broadcast, mas lalo naman sigurong walang pag-asa si Ybarraz. "Kukuha tayo
ng kopya ng live kanina. Don't worry."
" 'Oy. Hindi ka na bad mood?"
"Hindi naman ako bad mood kanina." Selos 'yon.
We dismissed the topic and talked about something else: OJT sa summer,
remaining projects, outing. Hanggang may mag-text.

Sabi niya, si Yanyan 'yon. Pero iba ang mga facial


expressions niya sa mga text messages na binabasa niya. Kinukutuban ako.
"Si Yanyan 'yon?" I asked.
Lumikot ang mata ni Mi sa'kin. "Uh... oo."
She was lying.

Nalaman kong nakuha ni Ybarraz 'yong number ni Mi kay Gwen. Alam kong nagkaka-
text sila dahil naro-wrong sent minsan sa'kin si Mi. Alam kong sinisilip siya
minsan ni Ybarraz sa studio dahil lagi akong humaharang. Alam kong gusto siyang
pormahan.
Nakakapagngitngit dahil kahit ako 'yong laging kasama, ako 'yong threatened.
Ako 'yong hindi puwedeng pumigil nang lantaran na magkalapit sila kaya puro patago
ang diskarte ko. Muntik silang maging magkapareho ni Mi ng schedule sa OJT. Buti na
lang, naagapan ko.
"Bakit tingin ka nang tingin? May problema ka sa'kin?" untag ko kay Ybarraz na
ka-shift ko sa OJT. Nasa technical room kami. Boring na nagpe-play sa monitor do'n
ang programang umeere. Ang trabaho ko, mag-feed at mag-log ng commercials. Ang
trabaho niya, asarin ako.
Nakakaantok ang shift sa madaling-araw. Nagigising lang ako sa asar.
"Ikaw? May problema ka ba sa'kin?" flat na tanong niya rin.
Napailing na lang ako. Siya ang tingin nang tingin na parang may crush siya
sa'kin pero ako ang may problema? Bigyan ko kaya siya ng problema?
"Si Amethyst..."
Matalas ang mata ko sa kanya nang bumaling ako. "Ano si Amethyst?"
"Girlfriend mo?"
Ang sarap isigaw na 'Oo' pero 'hindi' ang sagot. Trabaho talaga nitong asarin
ako.
"Bakit ka nagtatanong? Kursunada mo?" malamig na balik ko.
"Mukhang importante ka sa kanya dahil lagi kang nababanggit," anito.
Hinayaan ko lang na magtagis ang mga ngipin ko. Pinapamukha pa nitong nag-uusap
sila ni Mi.
Huminga ako nang malalim. Nagpaalala sa sarili kong magtimpi.
Nasa station ako. Bawal makipagsuntukan. Hindi na rin naman ako bata. Pero ang
sarap sapakin nito. Kahit isa lang.
"Gusto ko siya," sabi ni Ybarraz.
Gusto mo? "Mahal ko siya. Mula elementary."
Natigilan ito. Nagngitngit naman ako. Shit kasi. Hindi si Mi ang unang nakaalam
ng nararamdaman ko kundi ang lalaking 'to.
"Alam niya?"
"Kung alam niya, tingin mo, nag-uusap lang tayo ngayon?"
Gusto ko sanang magsabi kay Mi kapag handa na siya. O kapag may feelings na
siya sa'kin. O kapag mas nag-mature pa kami. Pero wala na. Sira na ang plano ko.
"May the best man wins," anito.
"I don't take competitions," seryosong sabi ko. "Akin siya."
Sumeryoso rin si Ybarraz. "Si Amethyst lang ang makakapagsabi niyan."
Tama siya kaya lalong nakakagalit. Nagngitngit ako nang tahimik.

Dumalas ang topak ko dahil kay Ybarraz pero hindi nahahalata ni Mi. She was
always bubbly and friendly. Regular ang reports sa'kin sa pag-e-exercise niya.
Nagpupunta minsan sa bahay pero natataong tulog ako. Ni hindi ko tuloy siya
nasusulyapan. Madaya.

Na-paranoid ako na baka mas dumadalas silang magkausap ni


Ybarraz, pero hindi ko naman maimbestigahan. Hindi rin puwedeng magtanong nang
direkta.

"Don't worry, kasama mo 'ko," sabi ko kay Mi habang nasa dagat kami. Tinuturuan
ko sana siyang lumangoy. Pero umabante lang kami nang kaunti at tumaas lang nang
ilang pulgada ang tubig sa katawan niya, nagpa-panic na siya.
Kailangan niyang maging pamilyar sa tubig para hindi siya matakot. Mahirap
matutong lumangoy nang takot sa tubig.
"Baka kasi ano... 'di ba, tumataas bigla ang tubig?" aniya. Hanggang kili-kili
na niya ang puwesto namin.
"Nag-check ako kanina. 6:28 pa ang high tide."
"Nag-check ka talaga?"
Hindi lang 'yon. Nag-check ako ng sunset dahil bakasakaling magkaoras kaming
dalawa bago magdilim. Nag-check ng sunrise dahil bakasakaling magkaoras kami
pagdating ng madaling-araw. Umupa ng kickboard dahil bakasakaling gusto niyang
paturong lumangoy. Kumausap ng bangka dahil bakasakaling gusto niyang mag-boating.
Kaso 'yon. Itong madaling-araw lang ang naging oras para sa'min. Kapos na kapos
para mabawi 'yong pagka-miss ko sa kanya.
Hindi niya lang alam lahat.
"Kaya 'wag ka nang masyadong matakot. Ako'ng bahala sa'yo. Magaling akong
lumangoy," sabi ko.
"Kahit naman magaling kang lumangoy, mabigat ako," pilit niya. "Mahihirapan ka
sa'kin."
"Kaya kitang buhatin. Kaya ko ring lumangoy kasama ka," sabi ko.
"Ang bigat ko kaya..."
'Ayan na naman siya sa weight niya. "Kaya kita. Hindi ka naniniwala?"
"Eh kasi nga, mabigat ako."
Binuhat ko siya sa tubig. Napayakap siya sa magkabilang balikat ko. Malaki ang
mga mata. Lalong nag-panic. Nanghampas sa balikat.
"Hoy, Warren Tejeron! Ibaba mo 'ko!"
Puwede naman siyang hindi na lang bumaba.
Nahihirapan ako dahil na-miss ko siya. Gusto ko siyang yakapin ngayon pero
kailangang magtiis.
"Kaya kita, 'di ba?" ani ko.
"Madali raw magbuhat ng tao kapag nasa tubig!"
Kahit mag-usap na lang kami hanggang mamayang umaga nang buhat ko siya sa
tubig, basta ganito siya kalapit, okay lang. "Alam mo, ang kulit mo."
"Ibaba mo na 'ko."
"Ayoko."
"Ibaba mo ko..."
I teased her more. Nagpunta ako sa mas malalim na parte ng dagat. Hanggang leeg
ko na ibig sabihin, lampas na niya. "Ibaba kita?"
Yumakap siya lalo sa leeg ko. Halos tumitili habang kunsumido. Hampas nang
hampas sa braso ko. "Malalim na rito! Bahala ka diyan! Bumalik ka sa pampang! Ayoko
na sa'yong Warren ka! 'Pag ako nalunod, ah. 'Pag ako, namatay, mumultuhin kita!"
Natawa ako sa kaba niya. "As if I'd let you. Hangga't buhay ako, buhay ka."
Hindi ako mabubiyudo nang maaga.
"Ang yabang mo! Bumalik ka sa mababaw! Ayoko na talaga! 'Kala mo, ayoko na
talaga."
Parang iiyak na siya pero natatawa pa rin ako. Nababaliw na 'ko dahil hindi ko
magawa ang gusto ko. 'Pag nagalit siya, kailangan kong manuyo. Gusto ko siyang
suyuin.

Nang ibaba ko siya sa hanggang tuhod na tubig, matalas ang


mata niyang hinampas ako sa balikat at dibdib.
"Ayoko na!"
Hinawakan ko ang dalawang kamay niya. Nagpipigil na hilahin pa siya palapit.
Nagpipigil na yakapin siya bigla.
"Sorry. Hindi naman totoo 'yon. Hindi naman kita bibitawan sa malalim."
Pero mukhang nagagalit talaga siya. "Natakot talaga 'ko!"
"Oo nga. Kaya nga sorry na. Hindi ko na siguro uulitin..."
"Siguro? Siguro? Hindi na siguro?"
Agitated talaga siya. Nakailang sorry ako. Nakailang hampas siya.
Hay. Kailan ako puwedeng magsabi sa babaeng 'to? Mauubos na ang pasensiya ko.
" 'Wag ka na kasing makulit. Hindi kita pababayaang malunod o tangayin ng alon
o kung ano pang pangit na nai-imagine mo. Kung sa mababaw nga, hindi kita
binitawan. Lalo na kung nasa malalim tayo."
'Hindi kita bibitawan kahit na kailan. Hindi, kahit na gusto mo. Hindi, kahit
na mapagod ako.'
Lumingon ako kay Mi. Mukhang dinamdam talaga 'yong pagdala ko sa kanya sa
malalim.
" 'Pag kalmado ka na, balik na tayo?" tanong ko.
Gusto ko pang bumalik dahil gusto ko pa siyang makasama.
Nang magtanong siya kung ano'ng gagawin, alam kong okay na kami. We went back
to the water. I tried with all my might to keep it casual.

Sa pagitan ng pagtuturo ko sa kanyang lumangoy, napunta ang usapan namin sa


story raw na binabasa niya sa wattpad. I let Mi talk para mawala ang isip niya sa
distansiya na kailangan niyang languyin palapit sa akin. Umuurong ako kapag
napapalapit siya sa'kin para ma-build ang stamina niya sa pagsikad at masanay
siyang lumutang.
"Nagbasa ako ng mga comments do'n kanina eh," aniya, sige ang kampay. "Naiinis
'yong ibang readers do'n sa bidang babae kasi ang manhid-manhid daw. Hindi raw
maramdaman 'yong feelings no'ng bidang lalaki. Sana raw kahit mag-assume lang."
"Aling story ba 'yan sa binabasa mo?" tanong ko.
" 'Yong Clueless. 'Yong magkakabata 'yong mga bida. Ano kasi 'yon... sa
chapters ngayon, parang may feelings na talaga 'yong bidang lalaki do'n sa babae.
Attentive kasi siya at maalaga. Tapos, ang sweet kasi."
Ah, parang ako. "May feelings ba talaga?"
"Parang meron kasi eh. Pero puwede rin kasing sanay at komportable na sila sa
isa't isa kasi nga, mula pagkabata, magkakilala na sila. Kaya rin tingin ko, hindi
sila mag-a-assume kasi sanay nga sila sa isa't isa."
Masaklap 'yong perspective ni Mi. Tinandaan ko 'yong title para mabasa rin
'yong kuwento: Clueless.
"Puwede. 'Yong babae, may feelings na rin?"
"Eh... parang. Pero tingin ko, hindi pa nare-realize no'ng babae. Ano kasi
'yong babae.... parang kagaya ko. Kaya nga naiintindihan ko 'yong sinasabi nila na
manhid-manhid."
Napatitig ako sa kanya. Kagaya niya?
"Anong kagaya mo?" ani ko.
"Ano... na hindi bida ang tingin niya sa sarili niya. Kaya hindi siya nag-a-
assume na may lalaki na magtuturing sa kanya as special or anything. Alam mo 'yong
gano'n? Hindi kasi siya leading girl material."

Parang siya nga 'yon. Hindi rumirehistro sa isip niya na


gusto siya ni Ybarraz. At kahit ga'no ako ka-attentive sa kanya, hindi niya
mamalisyahan na gusto ko siya.
"Kahit sa sarili niyang story, feeling pa rin niya, supporting lang siya,"
dagdag ni Mi. "Saka ano, hindi naman niya priority ang love. Kaya tingin ko, kahit
mag-confess 'yong lalaki, walang mangyayari. Kasi, hindi pa iniisip ng bidang babae
'yon."
Tumatalas lalo ang pandinig ko. "Gano'n ka rin? Hindi mo priority?"
"Hindi. Hindi naman kasi lahat ng babae, concern ang love. 'Yong iba siguro.
Pero ako? Hindi ko pa iniisip 'yon. Gusto ko munang maka-graduate tapos maging
anchor para tutulong ako kina Papa at Kuya."
Na ibig sabihin, kahit mag-confess ako o si Ybarraz, walang magbabago.
Napangiti ako. 'Di bale nang wala akong pag-asa, basta wala ring pag-asa 'yong iba.
"Ah. Pa'no kung may magkagusto sa'yo?" usisa ko.
"Sa'kin?" Humihingal na siya. "Walang magkakagusto sa'kin."
Do'n siya mali. Dalawa kami. Baka nga may iba pa. "Pa'no nga kung meron?"
"Wala nga."
"Pa'no kung may magustuhan ka?"
"Ako? Wala nga akong crush!"
Nakalimutan niya 'yong Robin niya. "Crush mo si Robin no'ng high school."
Tumigil siya sa paglangoy. Nakahalata na yata na panay ang urong ko. Humihingal
siya. Hinahawi ng basa niyang kamay ang basa niyang buhok. "Hala. Pa'no mo nalaman
'yan?"
Kasi mahal kita at sa'yo lang ako lagi nakatingin. "Nalaman naman ng buong
section natin dati."
"Uhm... Hindi ko talaga crush si Robin no'n. Sinabi ko lang kina Iya at Yan na
crush ko, kasi may mga crushes sila na ikinukuweno sa'kin. Dahil maraming may gusto
kay Robin, naki-crush na lang ako."
Naki-crush. Lang.
Wala pang naging crush ang Mi ko kahit na sino?
I nibbled on my lips. Kailangan kong magpigil ng ngiti sa ganito. Buti na lang,
medyo madilim pa.
"Naki-crush ka?" tanong ko.
"Oo. Wala akong mai-share sa kanilang dalawa eh."
She looked so honest while looking at me. Mahina akong natawa. Napalapit ako sa
kanya at inabot ang gulo sa buhok niya. I tried fixing it—gently, smoothly—so her
hair would frame her face perfectly.
Ako, sigurado akong hindi ako naki-crush lang sa kanya. Yari ako 'pag nalaman
nito lahat.
"Kaya wala akong magugustuhan," sabi niya.
Ayoko no'n. Gusto kong may magustuhan siya kalaunan. At gusto kong ako 'yon.

Bago kami bumalik sa pampang no'n, nagtanong siya kung may nagugustuhan na 'ko.
Maingat ang bawat salita niya. Parang nahihiya. I told her na mayro'n na. She
probed. I gave her clues about herself, na siyempre, hindi niya naisip na siya nga.
I tried checking the story she was reading in wattpad. At tama nga siya. Parang
siya 'yong bidang babae—clueless, unassuming, naive, innocent. Iba ang focus. Hindi
maisip na mahal na siya no'ng lalaking lagi niyang kasama.
Hindi alam na hindi siya kaibigan lang kahit na kailan do'n sa bidang lalaki.
She was always a girlfriend, a bride, a wife.

"Ano'ng hinahanap n'yo, Sir?"


Ilang ulit ko nang narinig ang tanong na 'yon sa mga saleslady. Hindi ko naman
masagot na naghahanap ako ng sapatos na magugustuhan ni Mi.
I gave her running shoes as birthday present pero hindi niya nagustuhan. Parang
nalungkot pa nga. She said that she wanted heels.
Napansin ko rin namang mahilig siya sa heels. Pero sa unang araw ng pagtakbo
namin nang magkasama, I checked her shoes thoroughly at alam kong 'yon ang klase na
katagalan, ninipis ang suwelas. Masasaktan siya kalaunan. Mamamaltos. Kaya running
shoes ang binili ko.
Mukhang mas sasaya siya sa heels kaya napatakbo ako sa mall na bukas pa para
maghanap. Kaso, ang dami palang klase ng heels. May open-toe. May itinatali. Hindi
ko matandaan lahat ng pangalan. Basta lahat, heels.
Ang payo sa'kin no'ng huling saleslady na napagtanungan ko, maghanap na lang
daw ako ng design na gusto kong iregalo ro'n sa reregaluhan ko.
Mahirap humanap nang pinakabagay kay Mi mula sa maraming siguradong bagay sa
kanya. Baka magtampo pa 'yon kapag na-late ako sa pag-blow niya ng cake. I should
pick something appropriate for her.
Nahihilo na 'kong tumitig sa mga heels nang may naka-display na design na
makakuha sa atensyon ko. It's glittering from afar. Nang lapitan ko, gray pala
talaga ang kulay. Akala ko no'ng una, silver. May mga silver domes lang pala na
nakakabit. May jewels, bulaklak, at ribbons.
"Sir, gusto n'yo 'yan?" tanong sa'kin ng saleslady.
Parang bagay 'yon kay Mi.
"Kasama n'yo po 'yong magsusukat, Sir?" dagdag nito.
"Hindi, eh. Pero alam ko naman ang shoe size niya," ani ko. Kapag kinuha ko
'yong sapatos, lagayan na lang ang kailangan kong hanapin. Ayokong nakalagay sa
shoebox 'yon 'pag ibinigay ko. Although Mi wouldn't assume that I bought her a new
pair of shoes that was more to her taste, ayoko pa ring may chance na maisip niyang
sapatos ang regalo. It would lessen the excitement of getting it.
"I like this for her," sabi ko sa saleslady.
"Ah, Sir, bridal shoes po 'yan. Naka-feature 'yan sa brand namin ngayon. Baka
mamaling akala ang pagbibigyan n'yo," nakangiting sabi nito.
"Ah, bridal shoes." Napangiti ako lalo. "Then, it's perfect."
Ilang sandaling napatingin pa sa'kin ang babae bago itanong ang shoe size na
kailangang hanapin. Nababataan siguro sa'kin.
But it didn't matter to me. Hindi nito alam kung ga'no katagal ko nang gusto
ang babaeng gusto ko.
Nang makuha ko ang sapatos, naghanap naman ako ng lagayan. Sinuwerte naman na
may nakita ako sa arts and crafts store. I propped the shoes inside the box as if
it was still on display. Pinabalutan ko.
Pero pag-uwi ko ng bahay, late na 'ko. Akala ko, wala na si Mi sa bahay. Nasa
kuwarto ko lang pala. Nakasimangot pagbungad ko pa lang.
"Bakit ngayon ka lang nakabalik?" tanong niya.
Ang tulis na naman ng nguso niya sa'kin. Hindi naman mawala ang ngiti ko. I was
excited to see her reaction when she opens the gift.
"Sorry. Nahirapan akong hanapin 'to, eh." Iniabot ko sa kanya ang regalo ko.
"Happy birthday, Mi."
She looked surprised. "Ano 'yan?"
"Birthday gift uli."
"Ibinigay mo na ang birthday gift ko, ah."

Inilagay ko sa kamay niya ang paperbag. Pinanood ko siyang


tanggalin ang box mula sa loob at pilasin ang wrapper niyon bago buksan. Pinanood
ko siyang matigilan sa pagtitig sa sapatos sa loob.
Nakatitig naman ako sa mukha niya, sa reaksyon niya. Hindi ko mabasa.
"Mi? Gusto mo na 'yan?" untag ko.
Blangko pa rin ang mukha niya nang mag-angat ng mata sa'kin. Did I do something
wrong? Hindi niya ba uli gusto 'yong regalo? Was it too decorated?
"Ano?"
Kinakabahan na 'ko. Pero sumulyap lang siya sandali sa sapatos at sa'kin, bago
yumakap. Tumalon-talon siya kasabay ng pagte-thank you.
Nakahinga ako nang maluwag.
"Gusto mo nga ang high heels."
Mahigpit ang yakap niya sa'kin kaya alam kong bibitaw na siya nang lumuwag
'yon. I was dumbfounded when I felt her teeth sank into my jaw.
Hindi masakit ang kagat niya. Pero eksakto ang diin para kuryentehin ako.
Nakuyom ko ang kamao ko.
Pagkalas niya sa'kin, parang mas gulat pa siya kahit siya ang may ginawa.
Malaki ang mata niya sa'kin. Napatutop sa bibig niya.
Galing ni Amethyst.
"Hala... Ano, sorry... 'Di ko alam kung ano..." Nabubuhol ang bawat salita
niya. Kasinggulo niya at ng pagpipigil ko. "Hahalikan dapat kita, eh. Hindi ko alam
kung bakit ano... bakit nakagat kita."
Huminto na ang pandinig ko do'n sa parteng sinabi niyang hahalikan niya dapat
ako. Kamoteng Amethyst. Nangangagat nang wala akong laban. Hindi puwedeng lumaban.
Bakit hindi puwedeng lumaban?
Kiniskis ko ang panga ko. Ano'ng gagawin ko sa babaeng 'to at sa sarili ko kung
bigla akong nawala sa sarili ko dahil nangangagat siya habang nasa loob kami ng
iisang kuwarto? Saklap.
"Binilhan kita ng sapatos, kinagat mo 'ko," sabi ko.
"Hindi ko naman sinasadya kasi. Promise."
Galing ni Amethyst. Puwede niyang gawin ang mga hindi niya sinasadya. Pero
'yong mga gusto kong sadyain, hindi ko puwedeng gawin.
Anak ng kamote.
"Totoo talaga. Hindi ko sinadya," dagdag niya.
Nauutal pa rin siya habang namumula. Agitated. Gusto ko ang nakikita ko.
"Paganti," sabi ko.
Nanlaki ang mata niya. Lalong namula. "Ha? Ano?"
"Paganti," ulit ko.
"Ano'ng paganti? Kakagatin mo rin ako?" Lalong natutuliro ang salita niya.
Magalaw na rin siya kahit nakatayo lang siya.
Nakakatawa tuloy. She was really nervous. Ano kaya'ng iniisip niya?
"Hindi siguro," magaang sabi ko.
"Anong siguro? Teka. Hindi ba puwedeng palampasin mo na 'yong kagat ko kasi
birthday ko naman?"
Unfortunately, hindi puwedeng palampasin ko lang 'yon.
"No."
Humakbang ako palapit. Paatras naman siya. Hinawakan ko siya sa dalawang kamay
niya para hindi siya makaiwas. Malamig ang palad niya.
"Umaatras ka, eh."
"Ano ba kasi..." Hindi siya makatingin nang diretso sa'kin. Ang cute niya mag-
panic.
Akala ko, kontrolado ko naman lahat. Pero pagtitig ko sa kanya, sinalubong niya
ang mga mata ko. Mahirap ngumiti kung parang tatalon palabas ang puso ko. Pagbaba
ng mata ko sa labi niya, hindi ako makahinga.
Napisil ko ang kamay niya bago ko siya halikan. Pero umilag ako nang ilang
hibla sa labi niya kahit gustong-gusto kong lumapat do'n.
I couldn't give her a meaningless first kiss. Sabi ni Jacob sa'kin no'ng
minsang malasing, ang shitty raw sa pakiramdam magbigay ng meaningless na halik sa
babaeng mahal mo.
Nang bawiin ko ang labi ko kay Mi, pareho kaming tumingin lang sa isa't isa.
Hindi pa 'ko makahinga. Hindi naman siya makagalaw.
Quits na siguro 'yon.
"Sorry. Kakagatin talaga dapat kita pero iba ang nagawa ko." Sinungaling na
kamote. "Labas muna 'ko."
Hindi pa rin gumalaw si Mi. But her face was full-on red, na siguradong hindi
dahil sa galit. I should probably leave her to her thoughts.
Kunwari, kalmado akong lumabas ng kuwarto ko kahit na gusto ng paa kong
tumakbo.
Paglabas ko ng kuwarto, napakapit ako sa pader.

I thought, something was going on, then. Something na pabor sa'kin.


Pero malabo. #0834g / 04022o18

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Cont... part 5

(Part 5: Send more helpppp)


***

I used to believe that I was reasonable. Na ako 'yong klase na babalanse muna
sa rason at consequences bago magalit o gumawa ng bagay na pagsisisihan ko.
Pero mahirap maging reasonable kapag maraming itinatagong pakiramdam o
pinipigilang confession. Mahirap kumalma kapag nalusutan lahat ng harang at bakod
na ginawa ko para protektahan si Mi.
Isang araw, nakalusot si Ybarraz at nai-date siya. Hindi ko pa malalaman kung
hindi maagang natapos ang tennis practice ko at nadatnan si Yanyan sa bahay na
nagsasabi kay Auntie tungkol sa date ni Mi. Nangulit ako hanggang sabihin sa'kin
kung nasaan sila.
Tumakbo ako no'n papunta sa mall nang walang ideya sa sarili kong boundaries.
Kung may limit ba 'ko o linyang hindi dapat lagpasan. Kung may binabali akong batas
o expectations o ilusyon. Kung mali ako. Kung makakasakit ako.
Nag-text ako kay Mi para magtanong kung nasaan siya kahit nakikita ko na talaga
sila ng date niya. She lied. Hindi ko alam no'n kung ano ang mas masakit at
nakakawala ng huwisyo: 'Yong may kasama siyang iba o 'yong nagsinungaling siya para
sa taong kasama niya.
Hinila ko siya no'n pauwi, hindi napag-iisipan kung ga'no kahigpit ang braso ko
sa kanya. Iniuwi ko siya nang hindi alam kung nasasaktan ko siya.
Nagtikisan kami hanggang sa oras ng recording ng project namin. Nag-lock siya
ng studio. I stayed away.
It was my way of trying to be reasonable. Sinusubukan kong alisin ang isip ko
sa mga nakita ko, sa pagsisinungaling niya, at sa pangamba na baka nagkakagusto na
siya kay Ybarraz.
I was barely holding onto my sanity. Pero pag-check ko ng records niya, may
audio feedbacks galing sa cellphone. Alam kong may ka-text siya. Hindi ako, kaya si
Ybarraz.

"Chineck mo ba 'yong ni-record mo?" tanong ko pagkatapos magtanggal ng


headphones.
"Kung may problema, sabihin mo na lang agad."
Seryoso ang mukha ni Mi. Dismissive ang tono. Noon ko lang siya narinig nang
gano'n.
"May audio feedback sa mga records mo."
Pinakinggan niya sa headphones ang tinutukoy ko.
"Hindi mo chineck. Sino na namang ka-text mo kanina?" The words slipped before
I could grit them. I meant to apologize—agad—pero matalas ang sagot ni Mi sa'kin.
"Pati ba naman kung sinong ite-text ko, sisitahin mo?"
Nakuyom ko ang kamao ko. Ayokong mag-away kami sa ganito lang pero—
"Narinig kasi sa recording. Puwede ka namang mag-text bago ka mag-record o
pagkatapos. Kailangan mong ulitin lahat ngayon."
"Eh 'di uulitin ko! Ano ba'ng big deal do'n?"
Tumingin ako sa wristwatch ko. Late na. Kapag hindi siya nag-record agad, hindi
na siya makakatulog nang maayos. "Sige. Ulitin mo na ngayon."
Palabas na 'ko uli sa studio nang magpahabol ng salita si Mi. Her voice was
breaking, frustrated. Nagpapatining sa magkakahalong pakiramdam ng asar, inggit, at
guilt ko.
"Ano ba'ng problema mo talaga?" sabi niya.
I turned towards her. Namumula na agad ang mata niya. Namumuo ang luha.
Nanghihina akong harapin ang luha niya pero nandito na eh. Mali na 'ko at mali rin
siya.

"Sita ka nang sita!"


I know and I was sorry. Pero hindi ko alam kung pa'no sisingit mag-sorry kung
asar na asar pa 'ko.
"At hindi ka pa nagso-sorry sa'kin sa ginawa mo kanina," tuloy niya. "Mali
'yon! Binastos mo 'yong kasama ko."
It was dumbfounding.
Tangina. Si Ybarraz pa rin 'yong issue niya.
"Mali ang ginawa ko?" Alam ko. Nakakawala ka kasi sa huwisyo. "Bakit 'yong
ginawa mo, tama ba? Nagsinungaling ka sa'kin!"
"Hindi ko gustong magsinungaling!"
"Pero nagsinungaling ka pa rin!"
"O sige na, nagsinungaling na! Pero kailangan ko bang sabihin lahat ng bagay
sa'yo?!"
Hindi. At 'yon ang nakakaasar. Alam kong hindi ko dapat pakialaman kung magde-
date siya pero nakakabaliw dahil ayokong mag-date siya ng iba. Alam kong wala akong
karapatan at nakakabaliw dahil bakit wala?
Mahal na mahal ko siya. Pero may distansiya lagi sa pagitan namin kahit bente
kuwatro oras pa kaming magsama. May salita na laging hindi ko puwedeng isaboses.
May yakap na laging hindi ko puwedeng ibigay. May lambing na laging hindi ko
puwedeng ilusot.
Sa kanya at sa lahat ng makikilala namin, laging hanggang childhood friend lang
ako gaya ng sinabi niya kay Anya.
"Hindi mo kailangang sabihin lahat sa'kin. Pero 'yong nakipag-date ka? Alam ba
nina Tita Judy at Tito Herbert 'yong kanina? O si Yanyan lang ang may alam?"
"Ano'ng masama sa date? Bakit ka ba galit na galit?"
"Masama! Dahil sabi mo, hindi ka pa handa sa gano'n! Sabi mo, hindi mo
priority! Pero tumakas ka at nakipag-date! Kasama 'yong lalaking 'yon!
Nagsinungaling ka pa para sa kanya! Ano? Gano'n mo ba siya kagusto?!"
Lumipad na lahat ng salita bago ko mapigilan. Bawat isa, sumusugat sa'kin at
kumakaba sa isasagot niya. Bawat isa, alam kong sumusugat din sa kanya dahil
papaiyak na siya.
"Gusto ka rin ba niya?!" mataas ang tonong tanong ko.
"Oo! Gusto ko siya!"
Her words rung inside the studio. Hindi nilamon ng pader kahit na soundproof
'yon. Matunog na matunog sa tainga ko.
Namatay na 'ko sa iilang salita lang. Nothing else matters. Not me, nor what we
shared since childhood, nor what I kept precious.
Umiyak si Mi. Pinaiyak ko.
Tangina.
"Gustong-gusto ko siya at nahihirapan ako! Gusto ko siyang laging kasama. Gusto
ko, sa'kin lang siya nakatingin. Gusto ko, ako lang ang bigyan niya ng lahat ng
atensyon niya. Nagseselos ako sa babaeng lagi niyang kasama. Nagagalit ako na may
ibang mas bagay sa kanya kaysa sa'kin!"
Gusto kong takpan ang tainga ko pero hindi ko magawa. Gusto ko siyang marinig
kahit bawat salita niya, pinapatay ako. Gusto ko ring 'wag siyang tingnan. Pero
kailangan ko siyang makita kahit bawat patak ng luha niya, pinapatay ako.
Her love for another and her tears are my death.
"Hindi ko naman gustong maramdaman lahat 'to! Ayoko naman talaga eh. Kung
pipili ako, hindi ko na lang siya gugustuhin dahil okay naman kami nang platonic.
Maraming mas bagay kaysa sa kanya. Maraming may gusto sa kanya. Pero wala."
Nanginginig siya at hindi ko magawang humakbang para abutin at aluin siya. She
seemed so far away. Somewhere I wouldn't reach no matter how long I stayed beside
her or how far I ran after her.

"Ano'ng magagawa ko? Bago ko pa mapigilan ang sarili ko,


nahulog na 'ko. Gustong-gusto ko siya! Hirap na hirap na 'ko kaya 'wag mo na 'kong
pakialaman..."
Itinakip niya ang mga palad niya sa mukha niya habang nanginginig sa pag-iyak.
I was in disbelief. Ngayon ko lang nakita si Mi na sumasabog sa emosyon. Ngayon
lang din siya nagalit talaga sa'kin.
I was wrong. And she loved someone else.
May mas malala pa bang araw kaysa ngayon?
I stared at her until her shivering subsided. Hanggang sa tanggalin niya ang
palad sa mukha niya at pahirin niya ang mga luha niya.
Nang mag-angat uli siya ng mata sa'kin, talong-talo na 'ko.
"Ah. Gusto mo siya." Masakit ang lalamunan ko sa sinabi ko. Humahapdi rin ang
mata ko kaya nagbaba ako ng tingin sa sahig.
Malinaw ang sinabi ni Mi: may gusto siyang iba, 'wag akong makialam.
I was wrong.
"Sorry sa ginawa ko kanina sa date mo," mababa ang boses na sabi ko. "I was
wrong."
Pagtingin ko sa kanya, papaiyak na uli siya. Dahil sa'kin. Ang shit ko.
" 'Wag kang masyadong umiyak. Hindi bagay sa'yo."
I couldn't force a smile. Nagbilin ako sa kanya sa recording at nag-isip ng
ibang bagay. There was nothing left to feel.
I was just that: dead.

Kinuwestyon ko no'n kung totoong pagmamahal ang nararamdaman ko at hindi


obsession. Baka kasi sa isip ko, mahal ko siya mula no'ng mga bata pa kami pero
unhealthy obsession lang pala 'yon. Baka kasi sa kanya na lang ako nag-focus kaysa
magalit nang magalit kay Mama. Baka sa kanya ko ibinahala ang mga bagay na mahalaga
dahil nawalan ako ng mahalagang tao.
Kasi kung mahal ko siya, bakit nagagalit ako na hindi niya 'ko mahal? Bakit
parang mino-monopolize ko pala siya? Bakit hindi ko magawang maging masaya kahit
nagmamahal siya?
Gusto ko siyang ingatan pero hindi ko siya magawang protektahan mula sa sarili
ko. Inaangkin ko siya kahit hindi dapat. Sinasakal ko siya kahit hindi tama.
Sinasaktan ko siya kahit sinasabi kong ang gusto ko lang ay mahalin siya.
Pagmamahal ba 'yon?
Pagdating sa kanya, mabilis palang maubos ang tino ko. Mabilis pala akong
magalit kapag may iba siyang kasama. Masyado pala akong mahigpit.
I don't deserve her at all.
Pero hindi ko rin mapaniwala ang sarili kong obsession lang si Mi o na hindi ko
siya totoong minamahal. Hindi magkasundo ang puso at isip ko kaya namili na lang
ako: to love her unconditionally the way she should be loved or to forget that I
even feel something for her.
Hindi ko kayang makalimot na lang sa nararamdaman ko para sa kanya. Kaya
sinubukan kong mahalin na lang siya kahit na at kahit pa hindi ako ang mahal niya.

"Ano'ng problema?" untag ni Ybarraz nang lapitan ako sa bench sa gym. Naka-
basketball jersey pa siya. Galing sa practice. "Hinahanap mo raw ako sabi ni
Coach."
Kuyom ang kamao ko at matigas ang panga ko sa pagpipigil ng ngitngit. Pero
nagtanong ako kay Coach tungkol kay Ybarraz at ayon sa mga sinabi sa'kin, mukhang
hindi naman siya tarantado. Wala rin akong nababalitaang masama tungkol sa kanya
pagdating sa babae.
"Tungkol kay Mi," sabi ko. Pakiramdam ko, mamamaga ang lalamunan ko pagkatapos
ng gusto kong sabihin.
Kumunot lang ang noo ng gago.
"What about her?"
Huminga ako nang malalim. "Bago 'yon... Sorry sa ginawa ko no'ng nag-date kayo.
You know what I feel for her. Kahit hindi rason 'yon para maging gago ako, rason
'yon para kapusin ako sa katinuan."
Tumango siya. "Naiintindihan ko, dude."
Nanigas na ang dila ko pagkatapos. Pa'no 'ko sasabihin ang sasabihin ko kung
ayaw lumabas ng salita.
"Tapos?" aniya. "Ano pa?"
Matagal akong hindi nakapagsalita. But to hell with it. Mas importanteng alam
niyang may bubugbog sa kanya kapag nasaktan si Mi.
"Si Mi..."
"Ano? Kayo na kaya lumayo na 'ko?"
"Ano?" Kunot ang noo ko.
"Ah, hindi pa."
Natawa pa ang gago.
"Hindi 'yon. 'Wag kang tumawa, Ybarraz, susuntukin kita rito."
Pero lalo lang itong tumawa. Ito ba ang klase na gusto ni Amethyst? Walang
joke, tumatawa? Gago.
"Kung may problema kayo ni Amethyst, maaayos din 'yan," aniya.
Napailing ako. "Nag-away kami dahil sa date n'yo no'ng nakaraan."
"Ah."
"Be kind to her," sabi ko at tumingin sa sahig ng gym. "A lot of people weren't
kind to her. She's not used to being liked romantically. She doubts herself too
much. Kaya umayos ka."
Natahimik kami nang ilang sandali. Naupo naman siya sa bench.
"Tingin ko nga. 'Wag kang mag-alala, Tejeron."
Do'n lang ako nakahinga. "Kayo raw ang date sa ball."
"Oo."
"Ingatan mo siya. Anghel ko 'yon. Babanatan kita 'pag nasaktan siya. Isasama ko
Kuya niya sa pagresbak sa'yo."
Natawa lang si Ybarraz sa'kin. Hindi yata naniniwalang seryoso ako. Kasalanan
niya kapag hindi siya naniwala at nagulpi namin siya ni Ivan.
"Okay."
Tumayo ako sa bench na hindi naiintindihan ang nararamdaman ko.

Nang araw na 'yon, nakontento akong isipin na babalik ako sa pagsiguro na


mapoprotektahan ko si Mimi. Kahit knight lang niya na sisigurong hindi na siya uli
iiyak gaya ng pagpapaiyak na nagawa ko, magkakaroon na uli ang kabuluhan ang lahat
ng nararamdaman ko.
That was something I could live for. #1053g / 04022018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Cont... part 6

(Part 6: Baka last part na 'yong kasunod ~)


***
Naging okay kami ni Mi kahit alam kong sapilitan. Bumalik kami sa dating set-up
at routine. Lagi pa rin kaming magkasama. Pero bawat araw, alam kong may
nakapagitan sa'min na 'di ko mapangalanan. Para kaming nanunulay sa alambre, na
isang maling galaw, mag-aaway kami kahit sa napakaliit na bagay lang.
Kung alam ko ang problema, aayusin ko. But she wouldn't tell me even when I
asked.
Ilang beses kong pinagbantaan si Ybarraz dahil baka may ginagawang nagpapahirap
kay Mi, pero tinatawanan lang ako. Gagong 'yon.
Papaiksi ang pasensiya ko habang papalapit ang Grand Ball, dahil hindi kami ni
Mimi ang magkapareha. Sayang kasi. Kung hindi ako masyadong nag-ingat at
nagmabagal, apat na taon ko sana siyang maisasayaw. But even if I beat myself up,
huli na.
Nagpaka-busy na lang ako sa tennis practice at pagtulong kay Auntie sa bahay.
Kahit sa mismong araw ng ball, maghapon akong nasa labas at nag-deliver ng baked
goods. Ang balak ko, matulog nang alanganing oras para kahit gisingin ako ni Auntie
at paalalahanang magbihis, hindi ako babangon.
Wala namang silbing pumunta ng ball para lang makita si Mi at si Ybarraz na
magsayaw. Baka mawala ako sa sarili ko at mabuhat ko si Mi para solohin. Niyaya ako
ni Anya dahil wala rin daw siyang partner pero tumanggi ako.
Kaliligo ko lang para 'aksidenteng' makatulog nang tumawag si Ybarraz. Puntahan
ko raw si Mi sa ball dahil hindi siya makakapunta. May emergency raw siya na 'di ko
na naintindihan kung ano kasi pinatayan ko siya ng cellphone.
Wala pang five minutes, nakabihis na 'ko. Ni hindi ako nakapagpaayos ng kurbata
kay Auntie Mona.
Pagdating ko sa ball, muntik pa kaming magkasalisi ni Mi sa pinto. Papaalis
siya.
Itim ang dress niya. Lace. Pormal naman pero hubog na hubog ang katawan niya
ro'n. Suot niya rin ang sapatos na binili ko. Kahit na wala siyang ideya kung ga'no
siya kaganda, mabuti pa ring nakarating ako agad bago may magsayaw na iba sa kanya.
Dinala ko agad siya sa dancefloor. Kaso, ilang sayaw pa lang, parang ayaw na
niya.

"Upo muna tayo," sabi ni Mi sa'kin. "Magsayaw ka ng iba."


Humigpit ang hawak ko sa kanya. Hindi naman ako pumunta sa ball para
makipagsayaw sa iba. Isa pa, " 'Pag nagsayaw ako ng iba, may magsasayaw sa'yong
iba."
"Wala kaya. Bakit naman nila 'ko isasayaw?"
Napailing ako. Ilang kilo na lang ang kailangan niyang i-lose pero wala pa rin
siyang malay kung ga'no na karami ang matang hinahabol siya ng tingin kapag
magkasama kami. Akala niya siguro, laging ako lang ang tinitingnan.
"Walang makikipagsayaw sa'kin," dagdag niya. "Para kang si Kuya. Pero hindi
ikaw si Kuya kaya hindi mo kailangang maging protective sa'kin lagi."
"I'm not protective," una ko.
"Hindi? Eh ano pala?"
Mahal lang kita.
Pero 'di ko masabi kaya tahimik na lang. Huminga na lang ako nang malalim.
Basta, ayoko siyang bitawan.
"Magre-restroom muna ako," hirit niya. Lumuluwag na ang kapit sa'kin. "Ang dami
kong ininom na juice kanina, eh."
Alam kong tumatakas lang si Amethyst sa'kin. Ganito na lang lagi. Umiiwas siya
na parang may ginagawa akong mali. Parang inconvenient 'pag nakadikit ako sa kanya.

Masaya naman na kami lang ang magsayaw.


"Isayaw mo rin si Anya. Kawawa siya ro'n sa table, o. Wala siyang kasama."
Nilingon niya ang table kung nasa'n si Anya kaya nilingon ko rin. Nag-iisa nga
si Anya sa pagkakaupo. Nagsasayaw siguro 'yong ibang kasama.
"Sa restroom muna ako. Isayaw mo si Anya, ha?" seryosong bilin niya.
Wala akong choice kundi pumayag kapag gano'n siya sa'kin.
Ngumiti siya bago siya umalis pero ang bilis ng pagbitaw niya. Nilapitan ko
naman si Anya.
"Warren! Akala ko, hindi ka pupunta?" sabi nito.
"Walang partner si Mi, eh. Wala si Ybarraz," sagot ko. "Ikaw? Hindi ka talaga
humanap ng partner?"
Ngumiti lang si Anya.
"Ang daming nagyaya sa'yo, wala kang sinagot?" dagdag ko.
"Akala ko kasi, puwede ka eh."
Nailing ako. Sinabi ko naman na sa kanya na si Mi lagi ang kaparehas ko.
"Isayaw raw kita sabi ni Mi. Tara."
Nauna akong tumayo, kasunod siyang natatawa. "Ang daya mo. Kung hindi sinabi ni
Amethyst, hindi mo 'ko isasayaw?"
Ngumiti na lang ako kaysa sumagot.
Nagsayaw kami ni Anya habang nagkukuwento siya. Pero ramdam kong may mali sa
paligid at hindi na babalik si Mi. Kaya isang sayaw pa lang, nagpaalam na 'ko.
May magic sa'kin si Amethyst na hindi ko alam kung pa'no gumagana. Alam ko ang
maraming bagay sa kanya—likes, dislikes, quirks, mannerisms, habits—dahil sa haba
ng panahong magkasama kami, siya lang ang tinitingnan at binabantayan ko. Laging
siya ang iniisip ko. Understandable 'yon. Logical. Pero 'yong alam ko kung kailan
may mali sa kanya? Hindi ko alam kung parte 'yon ng sobrang tagal naming
pinagsamahan o parte 'yon ng tadhanang nagbubuhol sa aming dalawa.
That night, I knew something was terribly wrong. Again.
Pero ang labo-labo na. Uuwi ba siya dahil lang wala si Ybarraz? Kahit nando'n
ako? Tatlong taon na wala namang problema kahit kami lang lagi ang magkasayaw.
Kahit wala 'yong gusto niya, hindi pa rin ba ako puwedeng substitute?
Saklap.
Lumabas ako sa garden no'n at hinanap siya. Madali lang makita dahil kilalang-
kilala siya ng mga mata ko. When I saw her, her back was turned against me but I
knew she was crying.
I hated it.

"Bakit ka umiiyak?"
Umiiling si Mimi habang nakapikit. Kagat-kagat ang labi niya. Parang hindi na
naman magsasabi.
Nakita ko pa lang na hawak niya ang cellphone niya. May kausap ba siya ro'n? Si
Ybarraz na naman? Pinaiyak siya?
"Mi, bakit ka umiiyak? Sino'ng nagpaiyak sa'yo?" mas madiing tanong ko.
"Wala."
Wala. Wala na naman kahit halatadong meron.
"Ano'ng wala? Hindi ka iiyak nang ganyan kung wala." Nanginginig siya at walang
tigil ang luha niya. Halos hindi rin siya makatingin sa'kin. Alam kong ayaw niyang
nasisira ang make-up niya sa mga ganitong okasyon na bihira siyang maayusan. Hindi
niya isasabak ang make-up niya sa iyak kung wala talagang problema. "Dahil ba wala
si Jeron? Nag-text ba uli sa'yo? Ano'ng sabi?"

"Hindi. Hindi siya."


"Eh bakit ka nga umiiyak? Tumingin ka sa'kin."
"Ayoko," sabi niya at lalong nag-iwas ng mata.
"Bakit?"
"Ayoko lang."
"Hindi puwedeng ayaw mo lang. Ano bang problema?"
Kung hindi si Ybarraz ang iniiyakan niya, ano pa? Hindi ko naman siya inaway.
Maayos naman kanina. Ang labo na talaga.
Ano pa ba'ng kailangan kong gawin para dumepende uli siya sa'kin? Dati naman,
madali lang sa kanyang ipaubaya sa'kin ang mga iniisip niya. Magkakampi kami sa
maraming bagay. Lagi akong nasa tabi niya. Kaya ano'ng hindi niya masabi? Bakit
hindi niya masabi?
Pagmulat niya, tumingala siya sa'kin. Tumitig. Lalo siyang umiyak, as if I'm
someone painful to see. Nagtagis ang bagang ko. Bakit niya 'ko tinitingnan na
parang nasasaktan siya?
Bakit siya nasasaktan? Saan siya nasasaktan? If I knew, I would fix it for her.
Kahit ga'no kahirap.
"Wala ngang problema!" sigaw niya, halos pumiyok.
Shit. Nagagalit na naman siya sa'kin? Ano na namang kasalanan ko?
"Bakit ka sumisigaw?!" balik ko.
"Dahil ang kulit mo! Wala nga akong problema!"
Ipipilit niya talagang okay siya sa lagay na 'yan? Sa iyak niyang pinapatay at
pinapahirapan ako?
Tangina. Ang labo.
"May problema ka! Ayaw mo lang sabihin! Matagal ka nang may pinoproblema nang
mag-isa pero hindi ka nagsasabi sa'kin kahit lagi akong nasa tabi mo! Dahil na
naman ba ro'n sa gusto mo?!"
"Oo! Dahil do'n!" Pumipiyok siya sa pagsigaw niya. "Dahil do'n..."
Tahimik akong nagngitngit sa sagot niya.
"Akala ko kasi, okay lang na makita ko silang nagsasayaw no'ng babaeng gusto
niya," sabi niya sa pagitan ng pagsasalita at pagsigok. Matalas ang mata niya sa
emosyon. "Bagay sila, eh. Wala akong panama... Eh, ang petty ko. Selos na selos ako
hanggang sa point na gusto ko na lang umuwi nang mag-isa."
Ang labo. Pa'no siyang magseselos samantalang ako ang kasama niya?
"Ano'ng sinasabi mo? Wala naman rito si..."
Binundol ako ng logic. Wala na 'kong hangin nang mapatingin kay Mi.
Sinalubong niya ang mata ko habang kagat-kagat ang labi niya. She was still
crying with fear in her eyes. Fear of being found out.
By me.
Napalunok ako. Shit.
"Uuwi ako," matigas na sabi niya. "Magsayaw na kayo ni Anya mo! Siya naman ang
gusto mong ka-partner, 'di ba? Ayokong sumawsaw!"
Tinalikuran niya 'ko pero mabilis ko siyang nahawakan sa braso.
Nakipagmatigasan siya sa'kin at wala akong lakas na hatakin siya paharap. Hindi ako
humihinga. Hindi makakahinga hangga't nakabitin sa ere ang lahat ng gusto kong
maintindihan. Dahil ayaw niyang pumihit, humarang ako sa daraanan niya.
"Linawin mo ang sinasabi mo kaysa sumisigaw ka," sabi ko.
Nagsalita siya pero tuloy-tuloy. Sunod-sunod. Mabilis. Hindi ako makasingit
kahit agaran akong makasagot sa isip ko.
"Gusto mo si Anya, 'di ba?"
Hindi.
"Alam ko. Siya 'yong sinasabi mong Broad Comm na maganda at matalino."

Ikaw 'yon. Kahit kailan, hindi magiging siya 'yon.


"Ipinakilala mo siya kina Auntie Mona no'ng birthday mo."
Kasama ang buong team sa ipinakilala ko.
"Nagustuhan mo 'yong iniregalo niyang shortcake sa'yo."
Recipe 'yon na hinihingi ko para i-bake para sa'yo.
"Dinala mo pa siya sa kuwarto mo!"
Kailangan niyang magpalit ng damit no'n. Sira ang banyo ni Auntie.
"Tapos siya ang gusto mong ka-partner sa ball ngayon kaya niyaya ko si Jeron!"
Ikaw! Shit! Ikaw lang ang gusto ko!
Hindi ako makagalaw kahit nang umiyak uli si Mimi. Masama ang loob niya. At ang
gago ko dahil masaya ako sa naririnig ko.
"Alam kong gusto mo si Anya." Tuloy pa rin siya. Lunod sa lahat ng akala niya.
"Ayokong humadlang sa inyo. Kaya uuwi na 'ko para masolo n'yo ang isa't isa.
Ayokong maging third party."
Akala ko rin, ako ang third party sa kanila ni Ybarraz. Pero tangina, ako ang
mahal niya!
Huminga ako nang malalim para makalma.
"Sino'ng nagsabi na gusto ko si Anya?" tanong ko.
Nagbaling lang ng tingin si Mi sa tagiliran.
"Tumingin ka sa'kin, Amethyst. Sino'ng nagsabi na gusto ko si Anya o na gusto
ko siyang ka-partner sa Grand Ball ngayon?"
Matalas pa rin ang mata ni Mi nang sumagot. "Si Anya!"
Si Anya.
Si Anya na kahit hindi ko tuwirang sinabi, alam na si Mi ang gusto ko mula high
school. Bakit nito gagawin 'yon?
"'Yon ang sabi niya?"
"Oo. Bakit?!"
Hindi sinungaling si Anya sa pagkakaalam ko. Pero mas lalong hindi sinungaling
si Mi.
"Dito ka lang sa punong 'to," sabi ko kay Mi. "Hintayin mo 'ko. 'Wag kang
aalis."
"Ayoko! Aa—"
Matalas ang mata kong nagbanta sa kanya. Hindi pa kami tapos mag-usap kaya
hindi pa siya puwedeng umalis. "Kapag bumalik ako rito na wala ka, ipamamalita ko
sa compound na may gusto ka sa'kin."
Malaki ang mata niya sa'kin nang matigilan. "Ano?! Ang sama mo, ah! Hindi ko pa
naman sinasabi talaga na ano ah..."
Pero pulang-pula na ang mukha niya sa'kin. Ang sarap niyang kargahin at itago
sa braso ko.
"Maghintay ka rito. Kapag bumalik akong wala ka, bago ka pa makauwi sa inyo,
malalaman na ng buong compound na may gusto ka sa'kin."
Napaurong si Mi. "Seryoso ka?"
Nag-iwan na lang ako ng nagbabantang tingin bago tumalikod. Seryoso ako. My
urge to confess was too strong, siguradong hahabulin ko siya ngayong gabi kahit
saan kami makarating. Baka mahalikan ko siya 'pag do'n pa kami sa compound
naghabulan. Yari ako sa lahat ng pamilya namin. Kaya hindi siya puwedeng umalis.
Ilang malalaking hakbang lang, nasa ballroom na 'ko. Napalingon agad sa'kin si
Anya bago pa 'ko makalapit.
"Warren! Akala ko, sabi mo..."
Kusa siyang natigil sa anumang sasabihin niya nang tuluyan akong makalapit.
She looked like the same girl who's sweet and kind to Coach and the team. I
used to believe that she's confident, not proud. She's kind, not just nice. Kaya
ano'ng ginawa niya?

"Warren?"
Hinila ko siya. Itinayo. "Come with me."
"Ha? Saan?"
"Kay Amethyst."
"Warren—"
Matiim ang pagkakalapat ng labi ko nang lumingon sa kanya. "Alam mong mahal ko
si Amethyst, 'di ba?"
Lumunok siya. Lumikot ang mata. "O-o. Bakit... ganyan ka? Ano'ng problema?"
Natatakot siya. Halata sa kilos niya at paglikot ng mata niya. She was aware
that she did something wrong.
"Bakit mo sinabi sa kanyang gusto kita?" ani ko.
Umiling siya. "No... I... I didn't tell her na gusto mo 'ko."
"Then what did you do?"
Tumungo siya. Halos itago ang mukha sa nakaayos na buhok niya.
"I... I just..."
"You suggested it, then?"
Nagtaas ng mata si Anya sa'kin, hindi pa rin makapagsalita. But I saw in her
eyes that she was guilty.
"I like you," sabi niya kapagdaka. "Since high school. No'ng sinabi mo dating
may nagugustuhan ka, akala ko talaga no'ng una, ako 'yon. No'ng nag-transfer na 'ko
rito at nalaman kong si Amethyst 'yon... hindi ko na kayang tanggapin."
Napailing ako.
"Warren... I'm sorry. Don't be mad at me."
Tumalas ang mata ko sa kamay niyang humawak sa braso ko. "If you're really
sorry, come with me."
"Warren..."
"Panagutan mo ang ginawa mo."
Nagpatiuna akong lumakad. Nakatungo naman siya sa pagsunod.

May panic agad sa mata ni Mi nang makitang kasunod ko si Anya pabalik sa kanya.
"Bakit dinala mo pa si Anya rito?" tanong niya.
Napahid na niya ang mga luha niya pero namumula pa rin siya.
"Tell us right now kung kailan ko sinabi na gusto kitang maka-partner sa ball,"
baling ko kay Anya.
Nakatungo ito. Hindi makatingin sa akin o kay Mi.
"Ano'ng ginagawa mo?" may panic na tanong ni Mi. There was pity in her eyes for
the girl who lied to her. Kahit kailan talaga 'tong babaeng 'to, mabait.
"Bakit mo sinabi kay Mi 'yon?" ulit ko.
Anya was shaking. Naaawa ako sa panginginig niya pero mali ang ginawa niya. If
she would risk a lie that would soon be found out, she should have prepared herself
for an outcome like this. Dahil kapag pinatawad ko lang siya agad, hindi niya
malalaman kung gaano siya kamali. Nakasakit siya. Nakagulo. Posibleng ulitin niya
ang ganitong bagay, kung hindi sa akin at kay Mi, sa iba pa.
"Let me go back to the ball," she pleaded. "Please, Warren."
She was too proud to even cry. It was hard to see.
"Go."
Pag-alis ni Anya, naiwan kaming tahimik ni Mi. She was searching for something
in my face. Kumikibot ang labi pero hindi naman nagsasalita.

"Bakit ka nakatingin nang ganyan?" untag ko. "May itatanong


ka?"
"Ikaw at si Anya... I mean... Ano'ng nangyari?"
A friend of mine did her wrong. Pero 'pag 'yon ang sinabi ko, hindi niya
maiintindihan sa paraang gusto kong maintindihan niya.
"Tinanggal ko 'yong third party, Amethyst."
She stared into a galaxy of confusion. Hay. Bakit mahal na mahal ko 'tong
lituhing babae na 'to?
"Hindi ko sinabi sa kanyang gusto ko siyang maka-partner sa ball," sabi ko.
"Tayo ang magka-date mula first year. Gusto kong tayo pa rin hanggang fourth year.
In-invite ko siya sa birthday ko dahil invited din sina Coach. Nagbe-bake siya at
sabi niya, gusto niyang makilala si Auntie Mona."
"Eh 'di, ibig sabihin... Ibig sabihin..."
Hindi alam ni Mi ang ibig sabihin. Dahil akala niya, sa kuwento naming dalawa,
hindi siya 'yong bida. Minabuti niyang isipin na protective lang akong kababata na
humaharang sa lahat ng lalaking posibleng lumapit sa kanya. Dahil hindi niya alam
kung ga'no kalalim na 'kong nagpapakalunod sa kanya.
Hindi niya alam kaya kailangan kong sabihin.
"Hindi si Anya ang gusto ko, Mi. Hindi siya 'yong Broad Comm student na maganda
at matalino na gusto kong malaman kung may gusto rin sa'kin," sabi ko.
Tuwid na tuwid ang pagkakatayo at pagkakatingala niya sa'kin. Papahina rin ang
boses niya.
" 'Yong gusto mo... alam mo na kung may... gusto sa'yo?" aniya.
This annoyingly clueless girl... I'm drowning in the waves of this one girl.
And I meant to drown forever.
"Hindi mo pa rin naiintindihan, 'no?"
Namumula siya. Halatado mula sa ilaw ng puno na nakatanglaw sa kanya. At hindi
ko na mapigil ang sarili kong hindi siya hawakan o itago sa ibang matang posibleng
tumingin sa kanya. Hinawakan ko siya sa kamay at hinila palayo sa ilaw, palayo sa
daraanang nakikita ng mga tao.
My mouth was dry and my chest was pounding so hard, it hurts. But it hurts so
good, I didn't mind.
Lumiko kami sa parte ng hardin na mahina ang ilaw. May gazebo ro'n pero bago
kami pumasok, nagbago ang isip ko.
Mahina ang protesta ni Mimi nang isandal ko siya sa column ng gazebo. Nang
ibubuka niya uli ang bibig niya, sinapo ko ang mukha niya at pinigil ang protesta
niya sa labi ko. Her lips perfectly fitted with mine—sweet and soft and responsive—
I was drowning by the first taste.
She kisses like she wants to own my whole life by her lips. I could breathe her
breath forever.
Nang ihiwalay ko ang labi ko sa kanya, conscious niyang tinakpan niya ang sa
kanya ng dalawang kamay niya.
In case she didn't know how she owns me, I told her, "Ikaw ang gusto ko. Ikaw
ang mahal ko. Ikaw ang kailangan ko. Ikaw lang. Lagi."
Pero nakamata lang siya sa'kin.
"Sa'yo ako. Malinaw na ba?"
Palitan ang tango at iling niya. Nasa kalawakan pa rin siya na puro tanong at
gulo at pagdadalawang-isip. She just wouldn't understand that I love her, no?
Nailing ako at niluwangan ang kurbata ko. I have to breathe properly now so I
can breathe improperly after. Nang magkatinginan kami, bahagya siyang napalingon sa
likuran niya, humakbang paatras, at lalong napasandal sa gazebo.
I smirked. Inilagay ko siya ro'n para wala siyang atrasan. Dahil abante lang
papunta sa'kin ang tatanggapin ko mula sa kanya.
"Hoy, Warren... teka lang..."
Her voice was shaking. She was shaking and panicky yet she kisses me like a
possessive missus. Walang hustisya. Bakit ako lang ang aangkinin niya nang gano'n?
I have to own her kisses, too.
Paghawak ko sa dalawang kamay niya, malalim siyang huminga. Iniyakap ko ang
braso niya sa leeg ko at hinapit siya sa baywang. She was already closing her eyes
before I fully closed the gap between our lips.
Nagpatangay ako sa nakababaliw na bugso ng alon ng halik namin. She pressed her
body on me. Yakap ko naman siya nang mahigpit. We were deep into a sea of emotions
we were trying to survive from. I possessed and tasted her lips for as long as my
lack of breath would allow. 
And I'm a good swimmer.

When I let her go after the kiss, she collapsed in my arms. Naghabol ng
hininga. Umiyak. Pinigilan ko ang sarili kong umulit agad uli.
Nakontento muna akong alam kong mahal namin ang isa't isa.
That night, umuwi kami ni Mi na halos magkayakap sa loob ng taxi. Lalong kapos
ang oras nang maghiwalay kami. Lalo ko siyang hinahanap at nami-miss. At gusto kong
marinig na mahal niya 'ko.
Narinig ko naman ang gusto ko nang tawagan ko siya bago kami matulog. I heard
it the first time she said it but I made her repeat it para mai-record ko. She was
shy and nervous, I was sure she wouldn't be able to say it often. Samantalang ako,
kahit ilang ulit ko ulitin bawat araw sa kanya na mahal ko siya, okay lang.
I know she wasn't ready for a relationship, yet. Sinabi niya 'yon no'ng nagsi-
swimming kami at alam kong hindi gano'n kabilis na magbago ang isip niya. She asked
me for more time before we enter into a serious relationship. I agreed.
Alam kong masuwerte na 'ko na bago pa siya maging handa, nauna na niya 'kong
mahalin. Ang unang papel ko naman sa buhay niya ay maging tagapagtanggol niya.
Tagasuporta sa lahat ng gusto niyang gawin. Tagasiguro na masaya siya.
We made plenty of moments before we graduated. She flew to a scholarship for a
masteral in London after. I flew for a career in tennis.
I missed her and longed for her and rooted for her while she was away. We
talked thru video calls, emails, social networks, and text messages. We talked thru
timezones and time differences. Habang papatagal kaming magkahiwalay, papadalang
kaming mag-usap dahil sa mas busy na schedule. But I held onto my promise—kahit na
'di niya narinig—na hindi ako bibitaw.
Letting go is never an option. Alam kong pagbalik niya, sa'kin na siya.
#1039g / 04032018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Cont... part 7
(Part 7: END)
***
"Nasa'n si Mimi?" tanong ni Tito Herbert na kausap ko sa cellphone.
Maingat akong tumikhim para hindi magising si Mi na natutulog habang nakayakap
sa'kin. Sampung oras na kaming nasa bus pa-Vigan.
"Tulog po, Tito," sagot ko. "Gisingin ko po ba?"
"Ah, gano'n ba? Hindi na. Naghapunan na ba kayo? Malayo pa yata kayo sa Vigan?"
"Kumain naman na po. Nag-stopover kanina lang itong bus. By midnight po, nasa
Vigan na siguro kami."
"Ah. Mabuti."
Natahimik si Tito sa cellphone. Nangiti naman ako. Parang si Tito pa ang nao-
awkward sa'kin. Kung si Kuya Ivan siguro ang kausap ko, ang dami nang banta no'n.
Buti na lang, nasa biyahe rin pa-Pangasinan.
Kanina lang, nagtadtad na ng text 'yon, nagbabantang babanatan ako 'pag
nagkamali ako. Nag-text na rin ang buong compound para pagsabihan ako. Kahit si
Papa, tumawag. Baby kasi nila si Mi. Baby ko rin naman. Kahit pa 'di nila ko
pagsabihan, pinag-isipan ko nang mabuti ang mga dapat at 'di ko dapat gawin.
Si Mi rin yata, natadtad ng texts bukod sa tawag.
Kaya tama lang talaga na itinakas ko siya, eh. Kung nagkataong umuwi muna kami,
kasabay ng pagsasabi, makukuyog kami ng usisa, bilin, at pagpapakuwento. Hindi ko
siya made-date agad.
Tumikhim si Tito. Naalerto naman ako.
"Ano po 'yon, Tito?" una ko.
" 'Yong kuwarto sa resort... Ilang kuwarto ang kinuha mo?"
Ah, 'yon pala. Yari ako. "Isa lang po."
"Dalawa ang kama?"
Yari talaga ako, pero hindi ko mapigilang ngumiti lang. "Isa lang po, Tito.
King-sized po."
Matagal natahimik ang linya namin.
"Pero hindi po sadya 'yon. 'Yon lang po kasi ang natitirang kuwarto kaya ko
kinuha. Hindi po kami magtatabi sa pagtulog ni Mi. Nagpadagdag po ako ng extra
bedding para sa'kin," dagdag ko.
"Ah."
Halatadong nakahinga nang maluwag si Tito. Mukhang walang susugod na De Vera sa
Vigan.
"Pinapakaba mo naman ako anak. Kauuwi n'yo pa lang ni Mimi. Kailangan mo pang
pumunta muna rito sa bahay at humarap sa amin ni Judy. Kung kaya ko lang kayo hindi
kinagagalitan ngayon ay dahil kilala naman kita. Alam kong maayos ang pagpapalaki
sa'yo ni Mona."
"At mahal ko po si Mimi, Tito," paalala ko.
"Alam ko, anak. Ilang ulit mo nang nasabi sa'kin at kay Ivan."
Gumalaw nang kaunti si Mi. Niluwagan ko ang braso ko sa kanya dahil akala ko,
bibitaw siya sa'kin at aayos ng sandal sa upuan niya. Naghawi lang naman ng buhok
bago yumakap uli.
Kanina no'ng kasasakay pa lang namin sa bus, nahihiya pa siyang sumandal
sa'kin. No'ng nakatulog naman, ang higpit yumakap. Mahihiya 'to 'pag biglang
nagising.
" 'Wag po kayong mag-alala, Tito, alam ko po ang limitasyon ko. Babalikan lang
po talaga namin ni Mi 'yong mga lugar na pinuntahan namin sa Vigan. Usapan po namin
'yon bago siya umalis. Kung sa Pangasinan po kasi kami sasama, hindi ako
makakasingit kay Yanyan o kay Iya," ani ko.
Mahinang tumawa si Tito. "Ewan ko lang din. Kanina lang ay nagrereklamo si
Yanyan dahil hindi raw makasingit kay Jacob eh. Sila namang dalawa ni Jesuah ay
hindi rin mapaghiwalay. Hay naku."
Naiintindihan ko si Jacob. Dalawang taon itong nawala para
sa isang project sa Japan. Nag-iipon dahil magpo-propose na 'yon at magpapagawa ng
bahay. Natural lang na laging dikitan si Iya pag-uwi. Nasa dugo nga yata ng Tejeron
ang laging nakadikit.
Saka hindi ba normal 'yon 'pag mahal mo ang isang tao? Why would you want to
keep a certain distance when there's a chance to be nearer?
"Ang lalaki n'yo na," magaang sabi ni Tito. "Sa susunod, kasal na ang ise-
celebrate natin sa compound."
"Sigurado po 'yon."
"Pa'no, anak. Nangumusta lang naman ako. Mag-text kayo kapag nasa resort na
kayo. Lalo na kay Ivan. Baka biglang lumitaw 'yon diyan."
Posible 'yon, pero sigurado akong hindi rin gagawin. Nagpaalam din naman ako
nang maayos kay Kuya Ivan.
"Mag-a-update po kami lagi," ani ko.
Pagkatapos ng ilan pang bilin, ibinaba ko ang cellphone ko. Tumahimik uli.
Tulog ang karamihan ng mga nasa bus. Ilan-ilan lang ang kumikilos at
nagkakalikot sa cellphone.
Sa labas, maliwanag ang ilaw ng mga establishments na nadadaanan namin sa
pagragasa ng bus. Malalaki at makukulay ang mga sign boards. Nakasalabid ang mga
linya ng kuryente sa isa't isa. May mga tambay.
Nasa Pilipinas na nga ako. And I'm finally with her.
Pag-uga ng bus, kumapit sa braso ko si Mi pero hindi naman nagising. I hushed
her bago ako mapatingin sa kamay niya.
She did her nails. Inabot ko ang kamay niya at pinag-aralan ang mga kuko.
Mahahaba iyon. Frozen pink. May dekorasyon ng makikintab na studs sa tip. Wala 'yon
sa huling video call namin no'ng nasa London siya. It's a mystery kung pa'nong
nailalagay ng sinuman ang gano'ng kaliliit na bagay sa kuko. It looked complicated.
Kailangan ko rin bang matutunan kung pa'no gawin 'yon para kay Mi? Si Jacob,
naglalagay minsan ng nail polish ni Iya.
Hinalikan kong isa-isa ang dulo ng mga daliri niya. Pagkatapos, ibinalik ko ang
braso niya sa pagkakayakap at iniayos ang pagkakasubsob niya sa'kin.
Kailangan niyang maging komportable sa pagtulog.
London is hard work for Mi. Nahirapan siyang mag-adjust dahil bukod sa accent,
puro bagong kakilala ang mga Filipino na nakasama niya. Mas mabuti ang naging lagay
ko sa Singapore dahil bukod sa kasama ko sina Coach, pamilyar na rin sa'kin ang iba
pang players na na-scout para i-training.
Mi studied well and exercised despite the changing seasons. Isang beses lang
siyang nag-gain ng weight sa London, umiyak agad sa'kin dahil nag-fail daw siya sa
routine namin. She did not just maintain her ideal weight. She sculpted her body
into something worthy of envy. Mabuti na lang at hindi ko naman kailangang
paalalahanan siya sa damit dahil mahahaba talaga siya magdamit. Mahilig pa sa
malalaking kamiseta at collared shirt na uso sa Korea. Isang beses, may nag-alok sa
kanyang mag-model. Takot na takot siya nang ibalita sa'kin dahil akala niya, scam.
Nang ma-check naming legit, she turned it down. I guess in her eyes, she always
sees herself as a fat girl.
But God, she's so small in my arms right now. Hinigpitan ko ang braso kong
nakasalo sa likod niya at inihilig ang pisngi ko sa ulo niya. Huminga ako nang
malalim.
Then I froze when her scent assaulted my nostrils. Napatuwid ako ng upo.
I smelled something... dangerous to my sanity.
Maingat ako nang amuyin uli ang buhok niya. There's shampoo and that mind-
blurring perfume. Matamis at delikadong amoy.
I casually touched her hair and felt each silky strand clung to my fingers.
Hinawi ko ang buhok niya at iniayos para hindi tumabing sa mukha niya.
Kanina ko pang napansin kung pa'no siyang nakaayos ngayong
araw. The pictures she sent me wouldn't compare to how soft and feminine she
actually was.
Ang dating mahaba at straight lang na buhok ay may bahagyang alon sa dulo niyon
—malambot at eksaktong ikinukulong ang mukha niya. She wore a soft dress. She wore
heels. She painted her lips pink.
And her heat and scent were seeping through me dangerously, teasing my senses,
my heart lost its beat. Walang hustisya sa ganito. Natutulog lang siya. How could
she stir me up kahit tulog lang siya?
Napalunok ako.
Kailangan ko ba ng ibang kuwarto mamaya? Shit. Lagot ako.
Mi stiffened in my arms. Gising na siguro.
"Mi?"
Lumuwag ang braso niya sa'kin kasabay ng pagluwag ng paghinga ko. Akala ko,
bibitaw siya pero tumingala lang sa'kin.
"Warren?"
Her voice was deep with sleep. Her eyes were half-awake as she stared at me.
Nangingilala.
"Gising ka na?" mahinang tanong ko. "Malayo pa tayo."
"Ah." She swallowed. Nakiramdam. Mukhang naghahanap ng paraan kung pa'no
kakalas ng yakap sa'kin.
Hm. Patatakasin ko? O hindi?
Hinigpitan ko ang braso ko sa kanya. "Ano'ng problema?"
"Ha? W-wala." Pero sumusulyap siya sa tagiliran at likuran niya.
"Sure?" Hinaplos ko ang buhok at likod niya. I don't need to see her that
clearly to realize she was blushing.
"Uh... sure," she said beneath her breath.
Huminga siya nang malalim bago mag-angat ng tingin sa'kin. Nagsalubong ang mga
mata namin. I suddenly became aware how her hair clung to my fingers. Again.
Those were soft, like her. Fragrant, like her. Near. Like her.
Nang lumunok siya, napalunok din ako.
This is wrong. I shouldn't tease her dahil magba-backfire sa'kin. My mind's
already hazy with my heartbeat racing.
Nang gumalaw ang labi niya habang nakatingin sa'kin, kusang kumilos ang katawan
ko palapit pa. I meant to be gentle, but I kissed fire in her lips. Ang hirap
tumigil dahil gustong-gusto ko siyang hinahalikan.
Pinilit kong bumitaw at niyakap siya nang mahigpit. I was out of breath, sa
iilang sandali pa lang. Sumubsob lang din siya sa katawan ko.
Nang humupa ang kalabog sa dibdib ko, mabagal at malalim akong huminga.
She's grown into a woman fatal against my sanity and self-control. I have to
protect her now, more than ever. Lalo na sa'kin.
"Matulog ka pa," mahinang bulong ko at magaan siyang hinawakan sa likod. Too
much will burn me. I have to learn how to be calm near her again. "Malayo pa."
Nakumos niya ang tagiliran ng jacket kong nahahawakan niya. I can sense her
trembling and her labored breathing.
"Okay. Tulog ka rin."
Humugong na lang ako.
I didn't get to sleep a wink on the bus. Hindi rin ako nakatulog nang nasa
resort na kami sa Vigan at wala akong nakuhang kuwarto na para sa'kin.
***
"Warren? Inaantok ka pa?" usisa ni Mi sa'kin.
Magkaharap kami sa libreng almusal sa resort kung saan panay ang hikab ko.
Naka-collared shirt si Mi at shorts. May nakasabit na camera sa leeg. Handang-handa
na para sa pag-iikot namin sa Vigan.

"Hindi lang nakatulog nang maayos kagabi," sabi ko.


"Bakit? Nahirapan kang makatulog sa kutson na binigay nila, 'no?" aniya. "Sabi
ko naman kasi sa'yo, malaki naman 'yong kama. Dapat, do'n ka na lang din natulog.
Marami namang unan na puwede nating iharang."
She was this carefree, too, when she suggested the same thing last night. Hindi
niya alam ang sinasabi niya. Her power over me is absolute, tulog man siya o
gising, may malay man siya sa ginagawa niya o wala. If a separate bed couldn't do a
thing about her driving me crazy, more so a pillow fort. Hangga't hindi ko uli
natututunan kung paanong kontrolin nang matindi ang sarili ko sa tuwing nasa
malapit siya, kailangan kong maging mas maingat.
"Hindi 'yong kutson ang problema," sabi ko.
"Ano?"
Ikaw. Kasi, gusto kitang yakapin at halikan magdamag.
Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at lumagok ng kape kahit mainit. Para kabahan
naman ako para sa sarili kong pagkabugbog.
"Wala," sabi ko na lang.
"Ano nga?"
Tumingin ako sa kanya at napailing. I wonder if I have the same effect on her.
Kasi, parang mahimbing ang tulog niya nang gabing nagdaan. Hinawakan ko ang isang
kamay ni Mi at pinisil. "Na-miss kasi kita nang sobra," sabi ko. Napakurap siya
bago namula. I guess, may epekto ako. "Saka, sinabi ko kay Tito na hindi kita
tatabihan sa iisang higaan. I should be true to my words."
Lumabi siya. "Pagkatapos ng lakad natin ngayon, hahabol tayo sa Pangasinan?"
Bakit kami hahabol sa Pangasinan kung itinatakas ko nga siya kina Yanyan at
Iya?
"Hindi."
Lumiit ang mata niya sa'kin. "Madamot," pakantang sabi niya.
Wala akong laban sa kagustuhang ipagdamot siya. Basta akin siya sa Vigan.
"Makikita mo naman sina Iya at Yanyan pagbalik natin sa compound."
Pinisil niya lang din ang kamay ko. "Ang dami na nga nilang texts eh. Si Mama,
tinawagan ko kanina pagkagising. Pati sina Auntie at Tita Rose."
"Ano'ng sabi?"
"Wala. Enjoy raw tayo. Tapos, sabi ni Auntie, lagot ka raw sa kanya."
Mahina akong natawa. Alam kong lagot ako dahil imbes na umuwi ako agad no'ng
puwede na, hinintay ko pa rin si Mi. Pero alam kong maiintindihan ni Auntie dahil
gusto niyang maging legal na pamangkin si Mi.
"Tapos?"
"Wala na," aniya. Tumungo siya sa pagkain niya para sumubo at hinawi ang buhok
niyang muntik bumagsak sa mukha niya.
Ngumiti siya habang ngumunguya.
All these damn simple ways to assault me in daylight. Galing ni Amethyst.
Lumagok uli ako ng kape.
***
Umikot kami sa mga kalye ng Vigan, pumasok sa museums, bumili ng souvenirs,
kumain, at sumakay ng kalesa. We took pictures and uploaded them on social media.
Akala ko, mag-iingay sina Iya at Yanyan do'n pero wala. Tahimik naman. Sina Max at
Auntie ang nag-comment agad.
Pahapon na nang umakyat kami uli sa Bell Tower. Manonood sana kami ng sunset
do'n pero may repairs sila. Hindi puwedeng mag-stay.
Bumalik kami sa resort sa Mindoro beach saktong papalubog ang araw. Sa kuwarto,
lumalagos sa bintana ang mapupulang silahis na nagsisimulang lumatag sa labas.
Nagmamadali si Mi sa paghalukay sa maleta niya para kumuha ng shawl.
Nakatingin lang ako. Pinanonood siya sa magulong buhok niya at sa pagmamadali.
Sa miminsang paglingon niya sa'kin.
She could mesmerize me any time of the day just like this. Kahit wala siyang
gawin.

"Warren! Palubog na'ng araw! Sayang naman. Mas masarap


panoorin 'yon sa baba," sabi niya. "Jacket mo?" Nasulyapan niya ang jacket ko
malapit sa bag ko sa couch. Siya na rin ang kumuha no'n, bago lumapit at ibigay
sa'kin, bago ako hawakan sa kamay, at hilahin palabas. "Tara, dali!"
Natatawa akong nagpahila hanggang sa tabing-dagat.
Mindoro beach is a stretch of black sand facing the West Philippine Sea.
Maingay ang malalaking alon na kinokontrol ng malalaki ring breakwaters. Jackstone
ang tawag ni Mi dahil mukha raw jackstones na inilagay ro'n. Bahagyang may kinang
ang itim at pinong buhangin niyon. Open sa public pero iilan ang taong nakakalat.
Mostly, locals.
"Ang ganda..." napapabuntonghiningang sabi ni Mi habang nakatanaw sa mapulang
langit at papalubog na araw sa dagat. Napapahawak siya sa buhok niyang nililipad ng
malakas na hangin habang sinusubukan ding iayos ang shawl sa katawan niya. Reddish
streaks of light played on her face.
I stared at her perfection by my side. I could watch the sunset on her face.
"Ang ganda, 'di ba?" sabi niyang nagbabaling ng tingin sa langit para tumingin
din ako ro'n.
Yes. She is always this soft and beautiful to me. Pinanood ko rin ang langit
habang bumubuntonghininga.
This is my best day in the last three years.
Pagsulyap ko uli kay Mi, hirap pa rin siyang hawakan ang shawl niya at
kontrolin ang mahabang buhok niya. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang alampay.
"Ayusin mo muna ang buhok mo," sabi ko.
Hinawi niya at inipon sa tagiliran ng leeg niya ang mahabang buhok niya.
"Okay na?" tanong ko.
Tumango siya. "Akin na'ng shawl."
"Let me," sabi ko at ibinuka ang panapis. Tumayo ako sa likod niya at yumakap
kasama ang shawl. "Okay na?"
Napahigit siya ng hangin. Nangiti naman ako. She's so small in my arms, I want
to keep her forever in my embrace.
"Okay na..." mahinang sabi niya at humilig sa braso kong nakayakap sa kanya.
We watched the sunset burned into fiery colors. Malamig ang hangin pero
komportable kami sa init ng isa't isa.
"Ano'ng oras tayo uuwi bukas?" aniya.
"Mga three sana. Pero puwede rin tayong mag-stay pa rito at mag-side trip sa
Laoag at Pagudpud," sabi ko. "I checked and there are tons of things to see."
Mahina siyang tumawa. "Na-check mo na uli at napaghandaan."
"Siyempre."
"Bawas na ba 'yon sa 43 dates? Bale, 40 na lang 'pag nag-Laoag at Pagudpud
tayo?"
Pagbibigyan ko? O hindi? Parang...
"Isang date lang 'to. Vigan-Laoag-Pagudpud. May 42 ka pang babawiin."
She clicked her tongue. "Ang daya."
"Mahirap manalo lagi, Mi. Mahigpit sa training sina Coach. Tapos 'yong mga talo
ko, hindi ko makalimutan."
"Oo na. Sige, punta pa tayo ro'n, tutal, nandito na rin lang tayo. Magsasabi
lang ako uli kina Mama at Papa mamaya."
"Magsasabi rin ako."
"Pero okay pa 'yon sa schedule mo? Kailan uli training n'yo nina Coach para sa
tournament?" usisa niya.
"May isang linggong break ako bago kami mag-train."
"Ah. Tapos, puro Pilipinas lang 'yon? May Asian tour ka, 'di ba?"
"Dalawa ang Philippine tournament na sasalihan ng team dito. Pagkatapos, sa
Asian circuit naman. Kapag nag-qualify kami ngayong year sa International,
Australian open at US open naman."

"Woah."
Humigpit ang yakap ko sa kanya. "Pero dito naman sa Pilipinas ang majority ng
training no'n. Nakita ko na 'yong calendar namin ni Coach. Aalis lang 'pag
tournament na."
"May one week lang din akong libre bago ako pumunta sa station eh. Pag-uusapan
namin 'yong job offer at 'yong program kung saan ako ilalagay."
"We're going to be busy, then," ani ko.
"Oo."
"Kaya magla-Laoag at Pagudpud tayo."
"Oo."
"Tapos, movie date pag-uwi sa compound."
"Oo."
"Tapos, sasamahan kita sa station kapag libre ako no'n."
"Oo. Ihahatid mo 'ko at susunduin. Tapos, kakain tayo sa labas at tatambay sa
park bago umuwi."
Mahina kaming tumawa. Mukhang pareho naman kami ng mga naiisip para masulit
lagi ang oras.
Huminga siya nang malalim.
"Warren..."
"Hm?"
"Masaya ako."
Lumunok ako. Masaya rin ako.
"Gusto ko na ngang magpalit ng status sa facebook, eh," aniya. "Kaso, 'pag
inilagay ko 'yong in a relationship, tutuksuin ako nina Yanyan at Iya. Akala ko nga
kanina, mag-iingay sila sa pictures natin, eh. Pero, busy rin yata sila. Nakita mo
'yong mga comments nina Libby at Roxie at Gwen? Nanunukso sila sa'tin."
Mas nauna ko pang napansin 'yong reaction ni Ybarraz na nag-heart sa lahat ng
pictures niya. May crush pa rin siguro 'yon kay Mi. Lagot 'yon sa girlfriend niya.
"Nahihiya ka pa rin?" sabi ko kay Mi.
"Uhm... Hindi. Buti nga 'yon, eh, na nakita nila. Sa compound lang... ano,
medyo."
Si Max ang siguradong tutukso sa'min dahil noon pa, tinutukso na 'ko no'n kada
nakikita akong nakatingin kay Mi. Pero 'di ko na lang siguro babanggitin ngayon.
"Hanggang do'n lang naman puwede nilang gawin: manukso. Sabi ni Auntie Mona,
magbe-bake siya ng cake para sa'ting dalawa pag-uwi natin sa compound."
"Hala..."
Mahina akong tumawa. "Okay lang 'yon."
Huminga siya nang malalim. Gano'n din ako.
Sa langit, maliit na ang araw sa paghimlay sa dagat. Napakatingkad ng mga kulay
ng apoy roon. Malamig pa rin ang hampas ng hangin. Marahan pa rin ang ingay ng
alon. At sa bisig ko, yakap ko ang babaeng lagi kong hinihintay.
It has always been magic to me how Amethyst can make me perfectly happy with
little moments like this. Noon pa, hindi ko naiintindihan ang mahika niya sa'kin.
Noon pa, kahit wala akong maintindihan, nagpapakalunod na ako sa kanya. I know then
as I know now, that I will always love and drown with love for her; sa maliliit at
malalaking pagkakataon; sa maliliit at malalaking bagay.
In movies, this is the perfect moment to tell her how much I love her before
taking out the ring that is always in my pocket. Nakakatuksong ilabas na 'yon at
isuot sa kanya. Pero sa tingin ko, kailangan pa muna naming umuwi, humarap sa mga
pamilya namin, tumanggap ng tukso at blessing, at magplano kasama ang buong
compound. Kailangan din muna sigurong mauna si Jacob na mag-propose kay Iya.
I have only one chance to do this right. Hindi puwedeng sayangin.
I love Amethyst my whole life before I knew what love is, what love meant, and
what love requires. I have my whole life to love her, the same way I have my whole
life to wait for our time.
Nang tuluyang lumubog ang araw at nagsimula nang kuminang ang mga unang bituin
sa langit, hawak ko siya sa kamay pabalik sa hotel. Nararamdaman ko sa daliri ko
ang singsing na una kong ibinigay sa kanya at suot-suot niya.
Nilingon ko sandali si Mi, ang buong dagat at langit sa likod niya.
"Huh? Ano 'yon?" nakangiting tanong niya sa'kin.
Humarap ako nang tuluyan sa kanya. "Sinabi ko na ba uli sa'yong mahal kita?"
Nakagat niya ang labi niya. Umiling.
Ah. I'm used to saying it in my head all the time, na nakakalimutan ko kung
alin ang aktuwal kong sinabi at alin ang hindi.
"Mahal kita," sabi ko sa kanya.
Gumaan lalo ang ngiti niya. "Alam ko naman. Mahal din kita."
"Pakakasalan kita isang araw."
Natigilan siya sa sinabi ko. Ako rin. It's supposed to be just in my head pero
nalagyan ko ng boses.
"Alam ko," malumanay na sabi niya.
Natawa ako nang mahina bago siya marahang hilahin palapit. Itinaas ko ang kamay
niyang may singsing sa labi ko at hinalikan.
No. She didn't know I'm close to asking formally for her hand. She didn't know
I have another ring with me for this very finger I'm kissing.
She will wear that ring soon enough.
Soon enough.
Kaunting hintay na lang uli sa panahong para na lang sa amin. # 1026g /
04042018

- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -

Writer's Page

***
I've finished writing Clueless, story nina kamoteng Warren at kamoteng
Amethyst, kaninang 10:26 ng gabi, April 4 year 2018 na may habang 100, 426 words. 
This story is the third installment of Candy Stories o kuwento ng Dalisay Boys
o Compound Boys, o Doraemon Gang, o anupaman ang mabuong bansag kalaunan.
Excited akong tapusin ito nitong nakaraang tatlong araw, pero ngayong tapos ko
na, nalulungkot naman ako. Hays. Sana, tumatak uli sa inyo sina Mi at Warren kahit
sa maikling panahon ng pagbabasa ninyo. 
Sa gitna ng pagsusulat ng kuwentong ito naging opisyal ang APM. Sa gitna ng
kuwentong ito, nagpumilit at nangonsensiya si Maxwell kaya may kuwento na rin
siya. 
Candy stories are:
Kiss You (1st installment)
Secretly (2nd installment)
Clueless (3rd installment)
TOTGA (4th installment)
Cliche (5th installment) <--- this is Maxwell's story
At isa pang secret book na kung um-attend ka no'ng event no'ng March 25 o kung
nasa Kuta ka ng APMs at napanood ang live ng event, alam mo na kung ano (dahil in-
spoil ko run). Ayun.
Sorry. Malungkot 'yong tono ko (di ko alam kung dama n'yo) kasi medyo malungkot
akong natapos ko na 'tong kuwento. Masaya ako pero malungkot, lam n'yo 'yon?
Anyways, si Doraemon aka Ivan (Ay-ban) ang kasunod sa series. Salamat sa inyong
lahat na nagbasa, nagbabasa, at magbabasa pa lang ng mga kuwento ko. Salamat sa
pagsama uli sa'king tapusin ang kuwentong ito. 
You've been my strength and konswelo while writing this story kahit sa gitna ng
hectic schedules.
Labyu, APMs ~
- Pusang Mamon

You might also like