You are on page 1of 2

Republic of the Philippines

Department of Labor and Employment


NATIONAL LABOR RELATIONS COMMISSION
National Capital Region
Quezon City

ANTHONY ROBERT N. MARTINEZ,


Plaintiff,

- versus - NLRC-NCR CASE NO. 10-00459-10

ZUBU FOODS/ZUBUCHON, et al
Respondents .
x __________________________________x

AFFIDAVIT
(SINUMPAANG SALAYSAY)

AKO po SI ANTHONY ROBERT MARTINEZ, may sapat na gulang , biyudo,


Pilipino, at kasalukuyang nakatira sa # 3635 Dahlias St., Napico, Manggahan,
Pasig City, matapos makapanumpa ng naaayon sa batas ay nagsasaysay ng mga
sumusunod:

1. Ako po ay nagtaatrabaho sa ZUBUFOODS Company, Na-hire po ako


noong April 2018, nagging regular employee po ako sa nasabing company;

2. Sa unang taon ko pong pagtatrabaho sa nasabing company nagging


maayos naman ang sweldo ko na ang ibinabayad nila sa akin at sinusuklian ko
naman ng sipag at pagmamahal sa trabaho. Sa katunayan po nakatanggap po
akio ng CONGRATULATIONS- MEMORANDUM buhat sa HR Manager Maria Liza
T.Visande (copy hereto attached as Annex “A” dated November 23, 2018);

3. Kaya po ako nagtataka kong bakit ako tinanggal sa trabaho. Pinatawag


nila ako sa SM Megamall Branch doon ako kinausap ni Ma’m IRENE ang HR namin
meron siyang inabot na papel na pirmahan ko daw pagkatapos kung basahin.
Nang mabasa ko ang mga Violation ko na hindi ko alam at nakalagay pa don na
parang binibigyan nalang nila ako ng pagkakataon . Ni hindi ko po alam ang mga
ibang Violation na nilagay nila , kaya lang sabi ko “Ma’m hindi ko alam itong ibang
violation na inilagay ninyo dito, nI hindi ako na inform sa mga yon. Wala akong
Verbal Warning at written warning, tapos sasabihin nila na last chance ko na lang.
Pwede na nila akong tanggalin na kahit na maliit na pagkakamali?. Kaya ang sabi
ko Ma’m pwede po ba akong hindi pumirma” Sinabi ko po yon ng mahinahon at
may paggalang.
4. At sinabi SA AKIN NG PASIGAW na “hindi pwede at PAG DI KA PUMIRMA
TERMINATE KA NA”

5. Napahiya po ako sa nangyari sa ginawa niya kasi po kinausap niya ako sa


harap ng mga katrabaho ko at may mga ilang customer na kumakain. Kaya
talagang napahiya po ako. Kaya po akio naglakas ng loob na magcompalin sa
DOLE. Hindi kami nagkasundo sa Unang hearing dahil gusto ko talaga ilaban ang
kaso ko upang makakuha ng Hustisya. (copy of the Minutes hereto attached as
Annex “B”).

Sa katunayan ng lahat ng ito ako ay lumagda ngayong ika-


_____________dito sa ________________.

ANTHONY ROBERT MARTINEZ


Complainant/Affiant

SUBSCRIBED AND SWOR to before me this _______________ at Pasig City,

Affiant exhibiting to me his company ID No. 706.

Doc. No.
Page No.
Book No.
Series of 2019.

You might also like