You are on page 1of 2

Kabanata 3: Ang Hapunan

Isa-isang nagtungo ang mga panauhin sa harap ng hapagkainan. Sa anyo ng kanilang mga mukha,
mahahalata ang kanilang pakiramdam. Siyang-siya si Padre Sibyla samantalang banas na banas
naman si Padre Damaso. Sinisikaran niya ang lahat ng madaanan hanggang sa masiko niya ang
isang kadete. Hindi naman umiimik ang tenyente. Ang ibang bisita naman ay magiliw na nag-uusap
at pinupuri ang masarap na handa ni Kapitan Tiyago. Nainis naman si Donya Victorina sa tenyente
sapagkat natapakan ang kola ng kaniyang sáya habang tinitignan nito ang pagkakulot ng kaniyang
buhok.
Sa may kabisera umupo si Ibarra. Ang magkabilang dulo naman ay pinagtatalunan ng dalawang pari
kung sino sa kanila ang dapat na lumikmo roon.
Sa tingin ni Padre Sibyla, si Padre Damaso ang dapat umupo roon dahil siya ang padre kumpesor
ng pamilya ni Kapitan Tiyago. Pero, si Padre Sibyla naman ang iginigiit ng Paring Pransiskano. Si
Sibyla ang kura sa lugar na iyon, kung kaya’t siya ang karapat-dapat na umupo.
Anyong uupo na si Sibyla, napansin niya ang tenyente at nagkunwaring iaalok ang upuan. Pero,
tumanggi ang tenyente sapagkat umiiwas siyang mapagitnaan ng dalawang pari.
Sa mga panauhin, tanging si Ibarra lámang ang nakaisip na anyayahan si Kapitan Tiyago. Pero,
kagaya ng may karaniwang may pahanda, magalang na tumaggi ang kapitan sabay sabing “Huwag
mo akóng alalahanin.”
Sinimulan ng idulot ang pagkain. Naragdagan ang pagpupuyos ng damdamin ni Padre Damaso, ang
ihain ang tinola. Paano puro úpo, leeg at pakpak ng manok ang napunta sa kaniya. Ang kay Ibarra
ay puro masasarap na bahagi ng tinola. Hindi alam ng pari, sadyang ipinaluto ng kapitán ang manok
para kay Ibarra.
Habang kumakain, nakipag-usap si Ibarra sa mga ibang panauhin na malápit sa kinaroroonan niya.
Batay sa sagot ng binata sa tanong ni Laruja, siya ay mayroon ding pitóng taóng nawala sa
Pilipinas. Bagama't, wala siya sa bansa, hindi niya nakakalimutan ang kaniyang bayan. At sa halip,
siya ang nakakalimutan ng bayan sapagkat ni wala man lang isang táong nakapagbalita tungkol sa
masaklap na sinapit ng kaniyang ama. Dahil sa pahayag na ito ni Ibarra, nagtumibay ang paniniwala
ng tenyente na talagang walang alam ang binata sa tunay na dahilan ng pagkamatay ng kaniyang
amang si Don Rafael.
Tinanong ni Donya Victorina si Ibarra na bakit hindi man lang ito nagpadala ng hatid-kawad, na
kagaya ng ginawa ni Don Tiburcio nang sila ay magtaling-puso.
"Nasa ibang bayan ako nitong mga huling dalawang taon," tugon naman ni Ibarra.
Nalaman ng mga kausap ni Ibarra na maraming bansa ang napuntahan nito at maraming wika ang
kaniyang alam. Ang katutubong wikang natutuhan niya sa mga bansang pinupuntahan niya ang
ginagamit niya sa pakikipagtalastasan. Bukod sa wika, pinag-aaralan din niya ang kasaysayan ng
bansang kaniyang pinupuntahan partikular na ang tungkol sa Exodo o hinay-hinay na pagbabago sa
kaunlaran.
Ipinaliwanag ni Ibarra na halos magkakatulad ang mga bansang napuntahan niya sa tema ng
kabuhayan, politika at relihiyon. Pero, nangingibabaw ang katotohanang nababatay sa kalayaan at
kagipitan ng bayan. Gayundin ang tungkol sa ikaaalwan at ikapaghihirap nito.
Naudlot ang pagpapaliwanag ni Ibarra sapagkat biglang sumabad si Padre Damaso. Walang
pakundangan ininsulto niya ang binata. Sinabi niyang kung iyon lámang ang nakita o natutuhan ni
Ibarra, siya ay nag-aksaya lámang ng pera sapagkat kahit na bata ay alam ang mga sinabi nito.
Nabigla ang lahat sa diretsang pagsasalita ng pari.
Kalmado lámang si Ibarra, ipinaliwanag niyang sinasariwa lámang niya ang mga sandaling madalas
na pumunta sa kanila si Padre Damaso noong maliit pa siya upang makisalo sa kanilang hapag-
kainan. Ni gaputok ay hindi nakaimik ang nangangatal na si Damaso.
Nagpaalam na si Ibarra. Pinigil siya ni Kapitan Tiago sapagkat darating si Maria Clara at ang bagong
kura paroko ng San Diego. Hindi rin napigil sa pag-alis si Ibarra. Pero, nangako siyang babalik
kinabukasan din.
Ngumakngak naman si Padre Damaso, nang umalis si Ibarra. Binigyang-diin niya na ang gayong
pagkilos ng binata ay tanda ng kaniyang pagiging mapagmataas. Dahil dito, aniya, dapat na
ipagbawal ng pamahalaang kastila ang pagkakaloob ng pahintulot sa sinumang Indio na makapag-
aral sa Espanya.
Nang gabíng iyon, sinulat ng binata sa kolum ng Estudios Coloniales ang tungkol sa isang pakpak at
leeg ng manok na naging sanhi ng alitan sa salusalo; ang may handa ay walang silbi sa isang piging
at ang hindi dapat pagpapaaral ng isang Indio sa ibang lupain

You might also like