You are on page 1of 9

Banghay-Aralin sa Filipino III

“Ang Kasaysayan ng Noli Me Tangere”

March 4, 2013

A. Mga Kasanayan
1. Pagsusuring Pampanitikan
Napalalawak ang kahulugan ng mga di-familyar na salitang nakapaloob sa paksa.
2. Pagsusuring Pangnilalaman
Nabibigyang-tibay ang Mensaheng nais ipabatid ng paksa sa pamamagitan ng pagbabahagi ng
opinyon.
3. Pagsusuring Pampanitikan
Napahahalagahan ang kabuuan ng paksa.

B. Mga Layunin
Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahan na;
1. Nabibigyang-kahulugan ang mga di-familyar na salitang nakapaloob sa paksa
2. Naiisa-isa ang mga mahahalagang tauhan sa paksa gayundin ang mga katangian nito
3. Nakalalahok sa talakayan nang may kawilihan at may kaakibat na malawak na pag-unawa
4. Natutukoy ang bisang pangkaisipan gayundin ang talinghagang nakapaloob sa pamagat ng paksa
5. Napahahalagahan ang kabuuan ng paksa.

C. Mga Nilalaman
Ang seleksyong ito ay tumatalakay sa kaligirang kasaysayan ng Noli Me Tangere. Pinahahalagahan nito
ang pagkakalikha ng nobelang ito at ang mahalagang papel nito sa ating lipunan. Ito ay isang nobelang
panlipunan na tumutukoy sa mga kabuktutan ng rehimeng Kastila na maituturing na kanser ng lipunan.
Sa seleksyon ding ito ay matatalakay ang ilan sa mga mahahalagang tauhan sa nobela.

D. Esensyal na Pag-unawa
Ang Noli Me Tangere ay isang nobelang panlipunan na tumatalakay sa mga depekto at kabuktutan ng
mga Kastila.

E. Dating Kaalaman
Ito ay hango sa ebanghelyo ni Juan na nangangahulugang “Huwag mo Akong Salingin”.

F. Bagong Kaalaman
Ang nobelang ito ang susi sa kalayaan ng ating bansa at susi para magising ang diwang nasyonalismo
nating mga Pilipino. Dahil dito, nagkaroon ng pambansang pagkakakilanlan ang ating bansa.

G. Mga Kagamitan
Teksto: “Kasaysayan ng Noli Me Tangere”
Pah. 9 at 19
Kagamitan: larawan, biswal eyds, chalk
Sanggunian: Obra Maestra (Noli Me Tangere)
H. Proseso

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral


A. Introduksiyon
1. Panimula
Magandang umaga sa inyo! Magandang umaga rin po G. Saudan, magandang
umaga po mga Guro, ikinagagalak po naming kayong
makitang muli.
Bago tayo dumako sa ating aralin, sumandali
muna tayong tumahimik para sa isang
panalangin.
(Mananalangin ang guro…)
… AMEN … …AMEN…
Bago kayo umupo, pakiayos muna ng
inyong mga upuan. (aayusin ng mga bata ang upuan)
Makakaupo na kayo.
Sino ang liban ngayon? Wala po!
Mabuti kung ganun.

2. Pagtalakay sa Aralin
a. Pagganyak
Ngayon klas, bago tayo tumungo sa
ating aralin, may nais muna akong
ibahaging “Trivia” para sa inyo. Kung
sino man ang makakuha o
makapagbigay ng tamang sagot ay
makatatanggap ng gantimpala.
Handa na ba kayo? Opo!
Sino sa inyo ang nakaaalam ng
kumpletong pangalan ni Rizal? Ako po!
Ikaw Ginoo, maaari mo bang isulat
sa pisara ang iyong sagot? José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Okay maraming salamat!
Alam ko namang iyan ang
nalalaman ninyong kumpletong
pangalan ni Rizal pero ayon sa tour
guide namin, mayroon pang kadugsong
ang kaniyang apelyido. Mayroon bang Wala po.
nakaaalam dito?
Kung gayon ay bibigyan ko kayo
clue. Ito ay nagsisimula sa Q at
nagtatapos sa S.
Okay klas, ito ay Quintos na
nagmula sa bahagi ng kaniyang Ina.
Ang kaniyang ama ay may pangalang
Francisco Engracio Rizal Mercado y
Alejandro at ang kaniyang ina naman ay
Teodora Morales Alonso Realonda y
Quintos. Sa madaling salita, siya ay may
pangalang? José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
Quintos po.
Magaling!
B. Interaksyon
A. Paghahawan ng Sagabal
Bago tayo tuluyang dumako sa ating
aralin ay atin munang bigyan ng
kahulugan ang mga di-familyar na
salitang nakapaloob sa paksa. Gagawin
natin ito sa pamamagitan ng laro.
Pamilyar ba kayo sa larong Bring Me? Opo!
Para mas maging malinaw, narito ang
Mekaniks.
*Ang mga mag-aaral ay mahahati sa
apat na pangkat. Paunahan ang bawat
pangkat na maibigay sa guro ang
anumang bagay na sasabihin nito at ang
unang pangkat na makapagdadala ang
siyang may pagkakataong sumagot.
Kapag hindi naibigay ng naunang
pangkat ang sagot, magkakaroon lamang
sila ng 1 puntos at may pagkakataon
ang ibang pangkat na sagutin ito at sila rin
ay mabibigyan ng 1 puntos.
Maliwanag ba?

Panuto: ibigay ang kahulugan ng mga Sagot:


salita sa ibaba.
Napatanyag/nakilala
1. Napabantog
2. Ibinuhos ang kaluluwa at diwa Ibinigay ang lahat ng makakaya
3. Magugugol Magagamit
4. Nababalam Maaantala
5. Noli Me Tangere “Huwag mo akong Salingin”

*Matapos maibigay ang kahulugan ng


bawat salita, ito ay gagamitin ng mga
mag-aaral sa pangungusap.

B. Talakayan
Ngayon naman ay dumako na tayo
sa pagtalakay sa ating paksa.
Ngayon ay babalik tayo sa nakaraan
at tutuklasin natin ang katangi-tanging
kasaysayan ng Noli Me Tangere.
Sino sa inyo ang may librong ito sa
kanilang tahanan? Ako po!
Okay, Ginoo, nabasa mo na ba Opo!
ang librong ito?
Ano ang mga nalalaman mo
Ito po ay isang nobelang panlipunan na isinulat ng
tungkol sa nobelang ito?
ating Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal.
Maraming Salamat! Sino pa ang
may nalalaman tungkol dito? Ang pamagat po nito ay nangangahulungang “Huwag
mo akong Salingin” na hango sa Bibliya.
Si Rizal po ay 24 na taong gulang nang sulatin ito.
Siya noon ay nasa Madrid. Ang unang kalahati ay
isinulat niya dito, ang ikaapat na bahagi ay sa Paris at
ang natitirang ikaapat na bahagi ay sa Germany .
Natapos ang nobelang ito noong ika-21 ng Pebrero,
1887.
Okay. Maraming Salamat! Iyan nga ang
naging kasaysayan kung saan at kailan
nalikha ang Noli Me Tangere. Ngayon
naman ay tuklasin natin kung paano ito
nalikha. Siyempre, bago tayo makasulat
ay kailangan na mayroon tayong
inspirasyon o pinaghuhugutan. Ano ang
nagtulak sa kanya para sulatin ito? Hindi po orihinal na ideya ni Rizal ang pagsulat nito
kundi pumasok lamang ito sa kaniyang isip matapos
niyang basahin ang “The Wandering Jew” o “Ang
Hudyong Lagalag” ni Eugenio Sue. Siya ay
nakipagtulungan kay Lopez Jaena at ilang kababayan
sa Madrid subalit hindi nila binigyang –halaga ang
hangarin niyang iyon.
Magaling! Ayon sa aking napanuod, mas
gusto ng mga kababayang iyon ni Rizal
na sumulat tungkol sa babae, sugal, bisyo
at kung anuman ang kanilang
kinahihiligan dahil ayon sa kanila, mas
gusto nila ang mga ganoong uri ng paksa.
At nang dahil nga sa hindi niya matiis na
Makita ang kaniyang mga kababayan sa
sarili nitong bayan, naisipan niyang isulat
ito nang mag-isa. Sa pagkakasulat nito,
ano ang naging epekto nito sa mg Pilipino
Nagising po ang diwang Nasyonalismo ng mga
maging sa mga Kastila?
Pilipino, sila’y namulat sa katotohanang sila ay alipin
sa sarili nilang bayan. Sa kanilang banda po ay naging
maisinit naman ang tainga at mata ng mga Kastila
Tama! Naging madali ba ang kay Rizal.
pagkakalathala nito?
Hindi po dahil sobrang pagtitipid po at hirap ang
naranasan ni Rizal para lang dito. Naranasan po
niyang 2 beses lang kumain sa buong maghapon sa
isang maliit na restawran sa kagustuhan niyang
makaipon ng perang magagamit sa pagpapalimbag
nito. Dito pa lang po ay matatatanto na natin kung
gaano ang paghahangad niya na ito ay malathala
dahil alam po niyang ito ang susi para sa isang
Magaling! At mayroong sinasabi na mapayapang paraan ng pagkakamit ng nakaraan.
naging tagapagligtas ng nobleng ito. Sino
siya at ano ang kaniyang nagawa?
Siya po si Dr. Maximo Viola na nagpahiram ng 300
piso kay Rizal na ginamit niya sa pagpapalimbag nito.
Ngunit hindi naman po nagtagal at nabayaran din
niya ito nang magpadala ang kaniyang kapatid na si
Mabuti na lang talaga at may mga Paciano ng 1,000 piso.
mabubuting tao na nagmimistulang anghel
at sobrang laki ng pasasalamat natin sa
kanila dahil kung wala siya, marahil ay
alipin pa rin tayo sa ating sariling bayan at
walang naglalakas-loob na isigaw ang
kanilang mga naghihimagsik na damdamin
para sa kalayaan.
Naging matagumpay ba ang
pagkakalimbag nito?
Opo. Ito po ay natapos ilimbag sa Imprenta Lette sa
Berlin ng mga 2,000 sipi at natapos noong Marso,
Okay. Maraming salamat! Ano naman 1887.
ang naging bunga ng pagkakalikha nito?
Sa isang di-tuwirang paraan, ito po ay
nakaimpluwensiya sa rebolusyon at napukaw ang
damdamin ng mga Pilipino na lumaban bagamat
nananalig pa rin siya na sana’y sa isang mapayapang
pagkilos makamit ang kalayaan.
Tama! Ngayon klas, paano nailigtas ang
manuskritong ito sa panahon ng paglalaban
ng mga Amerikano at Hapones sa Maynila
noong 1945? Itinago po ito sa isang pader na tinapakan ng
semento. Nabili po ito ng pamahalaan ng Pilipinas sa
halagang 25,000 piso ayon na rin sa kapasyahan ng
Batasan ng Pilipinas at sa pagmamalasakit nina
Speaker Osmena at Vice Gov. Gilbert at sa ngayon,
ito po ay nasa pag-iingat ng The National Library.
Maraming salamat! Talaga naming
napakamakasaysayan ng pagkakalimbag ng
nobelang ito. Ngayon klas, bakit mahalaga na
pag-aralan ang kasaysayan ng Noli Me
Tangere? Dahil mahalaga po na lumingon tayo sa nakaraan at
malaman kung gaano kaigting ang pagnanais ni Rizal
na mailathala ito. Dahil po dito, namulat po tayo sa
katotohanang dapat po tayong magsilbi at tumulong
sa ating bayan sa simpleng bagay at paraan na alam
natin.
Tumpak! Magaling! Ngayon naman klas,
ngayong nabigyang linaw na ang ating isip
tungkol sa nobelang ito, maaari na nating
tanggalin ang mga tanong sa ibabaw at
tunghayan natin kung sino ang natatakpan
nito.
*(tatanggalin ng guro ang mga tanong at
malalantad ang larawan ni Rizal.)
Ngayon klas ay makikita ninyo ang
larawan ni Rizal. Buung-buo at tila walang
pagsisisi. Kanina klas, kung hindi nasagot ang
tanong na ano, marahil ay walang ulo si Rizal.
Kung gayon, mawawalan siya ng utak at hindi
rin niya maisusulat ang Noli. Kung hindi
naman nasagot ang gitnang bahagi, marahil ay
walang bituka si Rizal at tiyak na mamamatay
siya. At kung hindi naman nasagot ang tanong
na Bakit, marahil ay wala siyang paa. Ibig
sabihin lang nito ay hindi niya malalakbay ang
daigidig at hindi siya makakukuha ng mga
kaalaman buhat dito.
Ngayon klas, ano ang nais niyong sabihin
sa kanya ngayong kaharap na ninyo siya. Nais ko pong sabihin sa kanya na Maraming salamat
dahil kung hindi dahil sa kanya, hindi tayo Malaya
ngayon.
Sino pa? Ako po, nais kong sabihin sa kanya na ako man po ay
tutulong sa bansa sa simpleng paraan na kapaki-
pakinabang na alam ko.
Maraming salamat! Ngayong natuklasan
na natin ang kasaysayan ng Noli Me Tangere,
sana ay maisabuhay natin ang mensaheng
nais ipaabot ni Rizal sa atin na dapat ay
pahalagahan at magmalasakit tayo sa ating
bayan.
Ngayon naman ay pahapyawan naman
natin ang ilang mahahalagang tauhan sa
nobelang ito na nag-iwan nga marka sa
kanilang papel na ginampanan.
Hahatiin ko kayo ngayon sa dalawang
pangkat. Mayroon akong dalawang larawan
dito at kailangan ninyong ilagay sa katapat
nito ang pangalan nila. Ngayon ay kailangan
ko ng tig-aanim na kinatawan sa bawat
pangkat.
Maliwanag ba? Opo.
*(isasagawa ng bawat pangkat ang
Gawain)
Natapos nyo na ba? Opo.
Magaling! Ngayon naman ay kailangan
ninyong ipakilala sa klase ang mga tauhan.
Ang unang pangkat na matatapos ang siyang
mananalo at magkakaroon ng pagkakataong
ipakilala ang mga tauhan.
Mga tauhan sa larawan:
1. Maria Clara -Si Maria Clara de los Santos y Alba o Maria Clara,
ay ang mayuming kasintahan ni Crisostomo; mutya
ng San Diego na inihimatong anak ng kanyang ina na
si Doña Pia Alba kay Padre Damaso.
2. Ibarra
-Si Juan Crisostomo Ibarra y
Magsalin o Crisostomo o Ibarra, ay isang binatang
nag-aral sa Europa; nangarap na makapagpatayo ng
paaralan upang matiyak ang magandang
kinabukasan ng mga kabataan ng San Diego.
3. Linares - malayong pamangkin ni Don Tiburcio at pinsan ng
inaanak ni Padre Damaso na napili niya para
mapangasawa ni Maria Clara.
-Si Elias ay isang bangkero at magsasakang
4. Elias
tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang
bayan at ang mga suliranin nito.
5. Padre Salvi -o Bernardo Salvi, kurang pumalit kay Padre
Damaso, nagkaroon ng lihim na pagtatangi kay Maria
Clara.
6. Padre Damaso -Si Damaso Verdolagas o Padre Damaso, ay isang
kurang Pransiskano na napalipat ng ibang parokya
matapos maglingkod ng matagal na panahon sa San
Diego; tunay na ama ni Maria Clara.
7. Kapitan Tiago - Si Don Santiago de los Santos o Kapitan Tiago,
ay isang mangangalakal na tiga-Binondo; ama-
amahan ni Maria Clara.
8. Donya Victorina -Si Donya Victorina de los Reyes de
Espadanya o Donya Victorina, ay isang babaing
nagpapanggap na mestisang Kastila kung kaya abut-
abot ang kolorete sa mukha at maling pangangastila.
-isang matapat na tinyente ng mga guwardiya sibil na
9. Tinyente Guevara nagsalaysay kay Ibarra ng tungkol sa kasawiang
sinapit ng kanyang ama.
-Si Narcisa o Sisa, ay isang masintahing ina na ang
10. Sisa, Basilio at Crispin
tanging kasalanan ay ang pagkakaroon ng asawang
pabaya at malupit. Si Basilio at Crispin ay mga
magkapatid na anak ni Sisa; sila ang sakristan at
tagatugtog ng kampana sa simbahan ng San Diego.

Maraming Salamat! Ang unang pangkat


ang nagwagi.

C. INTEGRASYON
a. Gawain/Laro

Ngayon naman klas, magkakaroon


tayo ng isang laro. Mayroon akong
tinipon na mga tanong na mula sa
ating paksa.
Mekaniks:
Mahahati kayong muli sa dalawang
pangkat. Sa bawat tanong ay
paunahang sumagot ang bawat
kinatawan sa pamamagitan ng
pagsusulat sa pisara. Matapos na
maibigay ang tamang sagot, pipili ang
kinatawan ng lobo at ito’y kaniyang
papuputukin. Sa loob ng lobo ay
mayroong puntos at premyo para Opo.
pangkat.
Naunawaan n’yo ba?

Mga Puntos at Sorpresa:


1. Lobo1 = 3 puntos at dalawang katol
2. Lobo2 = 5 puntos at 3 pack na suka
3. Lobo3 = 2 puntos at 3 pirasong
Saging
4. Lobo4= 4 na puntos at dalawang
Kape
5. Lobo5= 5 puntos at 3 lolipop
6. Lobo6= 4 na puntos at isang
Mansanas
7. Lobo7= 3 puntos at isang balot na
Mani
Panuto: Ibigay ang tamang sagot sa bawat tanong.
Sagot:
1. Ano ang nabasa ni Rizal at naisulat niya ang
Nobelang Noli Me Tangere? The Wandering Jew ni Eugenio Sue
2. Ano ang ikapitong apelyido ni Rizal? Quintos
3. Kailan natapos ang pagpapalimbag sa Noli Me
Tangere? Marso, 1887
4. Siya ang itinuturing na tagapagligtas ng Noli Me
Tangere. Dr. Maximo Viola
5. Siya ay isang bangkero at magsasakang
tumulong kay Ibarra para makilala ang kanyang
bayan at ang mga suliranin nito. Elias
6. Saang ebanghelyo ng bibliya kinuha ni Rizal ang
pamagat ng kaniyang nobela? Ebanghelyo ni Juan
7. Siya ay isang binatang nag-aral sa Europa;
nangarap na makapagpatayo ng paaralan upang
matiyak ang magandang kinabukasan ng mga
Crisostomo Ibarra
kabataan ng San Diego.
b. Paglalahat
Muli, ano nga ulit ang kahulugan ng
Noli Me Tangere? Huwag mo akong salingin
Bakit mahalaga na pag-aralan ang
nobelang ito? Upang malaman natin ang hirap na naranasan ni
Rizal para lang maipalimbag ito at maipamulat sa atin
na mahalaga ang pagmamalasakit at pagtulong sa
ating Inangbayan.
c. Paglalapat
Kung ikaw si Rizal, ipipilit mo rin
bang maipalimbag ang nobelang ito? Opo, dahil alam kong ito ang susi para sa kalayaan
ng ating bansa.
Bilang isang kabataan, paano ka
Sa pamamagitan ng pagiging mabuting huwaran sa
makakatulong sa ating bayan? iba at paggawa ng mga bagay na makabubuti sa
lahat.
d. Pagtataya
Ngayon klas, pakitabi na ng inyong
mga gamit at tumahimik para sa isang
maikling pagsusulit.

Panuto: Ibigay ang hinihingi ng mga


sumusunod.

1. Magbigay ng 5 pangunahing
tauhan sa nobela.

6-7. Ano ang naging bunga ng


nobelang ito sa ating lipunan?

8-10. kung hindi naipalimbag ang


nobelang ito, ano sa palagay mo ang
kalagayan ng ating bansa?

e. Takdang aralin

Ibuod ang Kabanata 1-5 ng Noli Me


Tangere. Kilalanin ang mga tauhan at
itala ang mga mahahalagang
pangyayari sa bawat kabanata.
MICHAEL D. SAUDAN
BSED-IV (Filipino)
Inihanda ni:

You might also like