You are on page 1of 2

Ang Nobela

Ang nobela ay isang mahabang kathang pampanitikan na naglalahad ng mga pangyayari na pinaghahabi
sa isang mahusay na pagbabalangkas na ang pinakapangunahing sangkap ay ang pagkakalabas ng hangarin ng
bayani sa dako at ng hangarin ng katunggali sa kabila - isang makasining na pagsasalaysay ng maraming
pangyayaring magkasunod at magkakaugnay.

Kasaysayan ng Nobela

Nalalaman ang kahulugan ng nobela at ang mga elemento nito; naiisaisa at napapahalagahan ang mga
sikat na manunulat ng nobela; at nakakagawa ng nobela na isusulat sa drawing book. SIMULA Ian Watt Ayon
sa kanyang aklat na “The Rise of the Novel (1957), nagsimula ang pagkakaroon ng nobela sa ika 18 siglo sa
kontinente ng Europa. Ang mga naisulat dito ay nababase sa makasaysayang pangyayari at patungkol na rin sa
teoryang romanitisismo. Isang nobelistang espanyol, na sikat sa kanyang isinulat na Don Quixote na kung saan
ito ay ang pinakauna-unahang modernong nobelang naisulat sa Europa. Tumutukoy ang nobelang ito sa isang
taong lubos na umiikot ang kanyang numdo sa pagiging “knighthood”. Miguel de Cervantes William
Shakespeare Isang Engles na manunulat, na sikat sa kanyang dulang isinulat: Hamlet, Othello, Romeo and Juliet
atpb. Tinatawag ding akdang-buhay o kathambuhay Isang mahabang piksyon na binubuo ng iba’t ibang
kabanata Kadalasang hango sa mga tunay na pangyayari sa buhay ng tao, ang isang nobela ay sumasakop sa
mahabang panahon. Kinabibilangan ng maraming tauhan, mahusay na pagbabalangkas ng banghay, at kawing-
kawing na mga tunggaliang humahantong sa isang mabisang wakas.

-Ang mga pangyayaring ito ay may kanya-kanyang tungkuling ginagampanan sa pagbuo ng isang matibay at
kawili-wiling balangkas na siyang pinakabuod ng nobela.
-Naglalahad o naglalarawan ng mga pangyayaring nagaganap sa Panitikan.
-Umiikot ayon sa karanasan ng tao sa kanyang sarili at sa kanyang buhay.
-Kapaligiran.

KATANGIAN ng NOBELA

-Maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan


-Pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay
-Dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad
-Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili
-Kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan
-Maraming ligaw na tagpo at kaganapan
-Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari
-Malinis at maayos ang pagkakasulat
-Maganda
-Maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan

Layunin ng Nobela:

A. Gumising sa diwa at damdamin


B. Nananawagan sa talino ng guni-guni
C. Mapukaw ang damdamin ng mambabasa
D. Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan
E. Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan
F. Nagbibigay inspirasyon sa mambabasa
G. Napupukas nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela
Bahagi ng Nobela:

 Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan


 Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela
 Banghay - pagkakasunud-sunod ng mga pangyayari sa nobela
 Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda
a. una - kapag kasali ang may-akda sa kwento
b. pangalawa - ang may-akda ay nakikipag-usap
c. pangatlo - batay sa nakikita o obserbasyon ng may- akda
 Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela
 Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari
 Pamamaraan - istilo ng manunulat
 Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela
 Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan

Mga Uri ng Nobela:

1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan


2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng mga
mambabasa
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunud-sunod ng pangyayari ang ikinawiwili ng mga
mambabasa.
5. Layunin - mga layunin at mga simulan, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga hangarin,
kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema

Balangkas ng Nobela:

Kumbensyunal
Linear
Gumagamit ng mga tekniko
 Paikot-ikot
Circular
SIMULA-GITNA-WAKAS WAKAS- GITNA-SIMULA

You might also like