You are on page 1of 3

Ang Konstitusyon ng Pilipinas ay parang kopya ng Konstitusyon ng Amerika.

  Pareho po
itong may Katipunan ng mga Karapatang Pangtao (Bill of Rights). Ang Bill of Rights ng
Amerika ay inilakip sa inamyendahang Konstitusyon noong 1791. Sa Pilipinas,
ang  Konstitusyon na sinulat ni Apolinario Mabini at ng kanyang mga Konsehal nuong 1899
sa Malolos, Bulacan ay may Titulo IV na tungkol sa karapatan ng bawat mamamayang
Filipino.  Hindi ito naratipika dahil sa digmaan laban sa mga Amerikano na nagsimula noong
1899 hanggang 1902.  Pagkatapos ng digmaan, ang unang Lupong Konstitusyon nuong
1934 ang kumopya sa Konstitusyon ng Amerika upang tumupad ang mga Amerikano sa
kanilang pangako na ibibigay ang kalayaan ng Pilipinas kung maiipakita ng mga Filipino na
handa na sila sa pamamalakad ng sariling gobyerno.  Inaprubahan ng Gobyernong Sibil ng
Pilipinas ang Konstitusyon nuong 1935.   Ang Artikulo III ng 1935 Konstitusyon ay ang
pinangalingan ng mga katipunan ng karapatang pantao na hanggang ngayon ay parte ng
Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas. Ang 1973 Konstitusyon ay ang ipinalit ni Presidente
Marcos sa 1935 Konstitusyon.  Ito rin ay may katipunan ng karapatang pantao at idinagdag
dito and Artikulo V na naglalaman ng katungkulan at obligasyon ng mga mamamayan.
Isinalin ko sa Tagalog ang nasabing artikulo:

KATUNGKULAN AT OBLIGASYON NG MAMAMAYAN


Seksyon 1. Tungkulin ng bawat mamamayan ang maging tapat sa Republika at respetuhin
ang watawat, ipagtangol ang gobyerno at umambag sa kaunlaran at kapakanan nito,
itaguyod ang Konstitusyon at sumunod sa batas, at tulungan ang mga autoridad para
makamit at mapanatili ang makatarungan at maayos na lipunan.
Seksyon 2. Ang karapatan ng bawat tao ay may katumbas na katungkulan  na maging
responsable at may respeto sa  karapatan ng iba.
Seksyon 3. Katungkulan ng bawat mamamayan na magtrabaho para makamtam para sarili
at pamilya  ang buhay na may dignidad.
Seksyon 4. Obligasyon ng bawat mamamayan na kwalipikadong bumoto ang
magparehistro at bumoto.
Bagamat meron pa ring karapatan ang mga mamamayan na itinakda sa 1987 Konstitusyon
ng Pilipinas, ang artikulo tungkol sa katungkulan at obligasyon ay inalis ng mga nag-
amyenda.  Ibinalik nila ang Konstitusyon na mala-1935  na walang  katipunan  ng mga
responsibilidad at tungkulin ng mga mamamayan.

Responsibilidad ng Mamamayan ng Pilipinas


1.  Ipagtangol at suportahan ang Konstitusyon.
2.  Gumalang sa watawat at iba pang simbolo ng Bayan.
3.  Ipagtangol ang soberenya ng Bayan.
4.  Magbayad ng tamang buwis.
5.  Maging tapat at matalino sa pagboto.
6.  Maging aktibo sa pananalakay sa mga isyung lokal at pambansa.
7.  Irespeto ang mga batas at ang kapwa tao.
8. Makipagtulungan para sa pag-unlad ng bayan.

Tungkulin nilang maging makatao sa pamamagitan ng pagtulong sa kapwa.Sa


pamamagitan ng pagtuturo nila kung paano mamuhay hindi kung paano umasa sa iba.Ang
pakikiisa sa mabuting bagay na makakabuti hindi lang sayo kung hindi sa na kararami. 
Mga tungkulin ng mga mamamayan ay ang mga sumusunod:
1. Pagiging tapat sa Pilipinas 
2. Pagtatangol ng bansa 
3. paggalang sa karapatan ng iba 
4. pagsunod sa mga batas 
5. pagboto nang malaya at matalino 
6. Maagap at tapat na pagbabayad ng buwis 
7. pagkakaroon ng marangal at kapaki-pakinabang na gawain 
8. pangangalaga at pagpapaunlad sa kultrang Pilipino 
9. pagtangkilik sa mga produkto ng bansa 
10. Pangangalaga at pagpapaunlad ng kapaligiran 

You might also like