You are on page 1of 20

Government Property

NOT FOR SALE

NOT
9
11
Filipino
Ikalawang Markahan - Modyul10
Paggamit ng Iba’t ibang Ekspresyon sa
Pagpapahayag ng Damdamin

Department of Education ● Republic of the Philippines


Filipino- Grade 9
Alternative Delivery Mode
Quarter 2,Wk.3 - Module 10: Paggamit ng Iba’t Ibang Ekspresyon sa
Pagpapahayag ng Damdamin
First Edition, 2020
Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in
anywork of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalty.
Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand
names, trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective
copyright holders. Every effort has been exerted to locate and seek permission to
use these materials from their respective copyright owners. The publisher and
authors do not represent nor claim ownership over them.
Published by the Department of Education – Division of Cagayan de
OroSchools Division Superintendent: Roy AngeloL. Gazo, PhD.,CESO V

Development Team of the Module

Author: Sylvia Ll. Abejo


Evaluators/Editors: Ginalyn A. Kiamko, Perlita T. Monterola
Illustrator and Layout Artist: Irish S. Habagat
Management Team
Chairperson: Roy Angelo E. Gazo, PhD, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairpersons: Nimfa R. Lago, PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintende

Members: Henry B. Abueva, OIC-CI


Levi M. Coronel, PhD., EPS-Filipino
Sherlita L. Daguisonan, EPS-LRMS
Meriam S. Otarra, PDO II
Charlotte D. Quidlat, Librarian II

Printed in the Philippines by


Department of Education – Division of Iligan City
Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

i
Filipino
9
Ikalawang Markahan- Modyul 10
Paggamit ng Iba’t ibang
Ekspresyon sa Pagpapahayag ng
Damdamin

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by educators from public and private schools, colleges, and or/universities.
We encourage teachers and other education stakeholders to email their
feedback, comments, and recommendations to the Department of Education
at action@ deped.gov.ph.

We value your feedback and recommendations.

Department of Education ● Republic of the Philippines

ii
For inquiries and feedback, please write or call:

DepEd Division of Iligan City


Office Address: General Aguinaldo, St., Iligan City
Telefax: (063)221-6069
E-mail Address: iligan.city@deped.gov.ph

This page is intentionally blank

iii
Talaan ng Nilalaman

Mga Pahina

Pangkalahatang Ideya ……………………………… 1


Nilalaman ng Modyul ……………………………… 1
Alamin ……………………………… 1
Pangkalahatang Panuto ……………………………… 2
Subukin ……………………………… 3
Balikan ……………………………… 4
Aralin 1 ……………………………… 4
Tuklasin ……………………………… 4
Suriin ……………………………… 6
Pagyamanin ……………………………… 7
Isaisip ……………………………… 8
Isagawa ……………………………… 9
Tayahin ……………………………… 10
Buod ……………………………… 11
Susi ng Pagwawasto ……………………………… 11
Sanggunian ……………………………… 12

iv
This page is intentionally blank

v
Modyul 10
Paggamit ng Iba’t Ibang Ekspresyon
sa Pagpapahayag ng Damdamin

Pangkalahatang Ideya

Ang modyul na ito ay nagpapamalas ng pag-unawa at pagpapahalaga sa


mga damdamin at emosyon sa pamamagitan ng iba’t ibang ekspresyon upang sa
anumang sandali ay agarang mauunawaan ng mga mag-aaral ang mga pagbabago-
bago ng damdamin ng sinumang tao na kanilang makakasalamuha o makatagpo sa
araw-araw na buhay.

Nilalaman ng Modyul
Ang nilalaman ng modyul na ito ayang pagtalakay sa gamit ng iba’t ibang
ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin o emosyon.Kalakip din ang mga
gawaing inihanda na siyang lilinang sa kasanayan ng mga mag-aaral sa pag-unawa
at pagpapahalaga sa naturang gawain at paksain.

Alamin

Sa pag-aaral ng nilalaman ng modyul na ito,inaasahan na


ang mga mag-aaral ay :

1. Naipapaliwanag ang mga salitang nagpapahiwatig ng matindingdamdamin at


emosyon.
2 Naiisa-isa ang iba’t ibang damdamin at emosyon sa pagpapahayag.
3.Nagagamit ang iba’t ibang ekspresyonsa pagpapahayag ng damdamin
sa paggawa ng sariling diyalogo.(F9WG-llc-48)

1
Pangkalahatang Panuto
Paano mo Matututunan?
Upang makamit ang mga inaasahan, gawin ang mga sumusunod:
 Basahin at unawain nang mabuti ang mga konseptong pangwika.
 Sundin ang bawat panutong ibinigay sa bawat gawain at pagsasanay.
 Sagutin ang lahat ng mga ibinigay na gawain at pagsasanay.

Icons na Ginagamit sa Modyul

Alamin Ito ay ang bahaging naglalahad ng mga layunin o


mithiing dapat matamo sa pag-aaral mo sa modyul
na ito.

Ito ay pagtatasa sa antas ng iyong kaalaman sa


Subukin tatalakaying aralin. Sa pamamagitan nito
masususuri kung ano na ang iyong natutunan
kaugnay sa bagong tatalakaying aralin.

Ito ay ang pagtatatag ng ugnayan sa


Balikan pamamagitan ng pagtatalakay sa mga
mahahalaga mong natutunan sa nagdaang aralin
na may koneksiyon sa tatalakaying bagong aralin.

Ito ay paglalahad sa bagong aralin sa


Tuklasin pamamagitan ng iba’t ibang gawain

Suriin Ito ay ang pagtatalakay sa mga mahahalaga at


nararapat mong matutunan upang malinang ang
pokus na kompetensi.

Pagyamani Ito ay ang mga gawain na magpapalawak sa iyong


n natutunan at magbibigay pagkakataong mahasa
ang kasanayang nililinang.

Isaisip Ito ay mga gawaing magpoproseso sa iyong


mahahalagang natutunan sa aralin.

Isagawa Ito ay ang mga gawain na gagawin mo upang


mailapat ang iyong mahahalagang natutunan sa
mga pangyayari o sitwasyon sa totoong buhay.

2
Subukin

Isulat ang titik ng inyong sagotsa sagutang papel.

____1. Paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin na hindi lantad na sinabi


ang mensahe.
a. nagpapahiwatig b. sambitla c. diretsaha d. padamdam
____2. Ito ay pangungusap na walang paksa na nagpapahayag ng matinding
damdamin.
a. padamdam b. ekspresyon c. sambitla d. nagpapahiwatig
____3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap sa ibaba ang nagpapahayag ng
tiyak na emosyon o damdamin?
a. Mag-isip muna bago mo gawin. c. Ipasa ang mga takdang aralin.
b. Sayang! Di ako umabot sa 75% Sale. d. Hala, Nahulog ang bata.
____4.Marahil nakakita na kayo ng kahindik-hindik na pagmamalupit sa mga walang
kalaban-labang mga hayop. Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap?
a. pagkalungkot c. pagkatuwa
b. pagkamangha d. pagkagalit
____5.Sa pangungusap sa itaas ano ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit.
a. pagmamahal b. pagkakagusto c. pagkakainis d. pag-aabuso

Para sa bilang 6-15:


Tukuyin kung anong damdamin at paraan ng pagpapahayag ang ginamit sa
bawat pangungusap. Piliin lamang sa loob ng kahon ang inyong sagot at isulat ito sa
patlang.

Nagsasalaysay Pagkagalit Pagkamangha


Pagkalungkot Pagkatuwa Nasaktan
Paghanga Pagkatakot Pagkaiinis
Pagkadismaya
_______________6.Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap.
_______________7. Wow! May pag-asa pa tayong umunlad!
_______________8. Talagang galit na galit ang makata nang isulat niya ang tula.
_______________9. Ang galing-galing mong magsaulo ng tula.
_______________10. Sobrang sipag ng mga magsasaka sa ating bansa!
_______________11. Grabe! Nahilo ako sa dami ng mga taong dumating upang
tumanggapng SAP. Sanahindi na lang ako pumunta.
_______________12. Aw! Napakaganda ng kanyang ginawa.
_______________13. Yehey! Nanalo ako sa palighasan sa pagsayaw.
_______________14. Ngek, hindi iyan ang pinabibili ko.
_______________15. Aray, Natapakan ang paa ko! May sugat pa naman ako.

3
Paggamit ng Iba’ t ibang
Ekspresyon sa Pagpapahayag
Aralin ng Damdamin
1
Balikan

Naalala ba ninyo ang pabulang inyong isinulat na binago ninyo ang mga
tauhan o karakter? Isulat ang tauhang na pinili mong baguhin ang mga katangian at
ipaliwanag kung bakit ganoon ang gusto mong mangyari. Maari kang gumamit ng
iba’t ibang ekspresyon ng damdamin na iyong natutunan sa mga nakaraang aralin.

Tuklasin

Gawain 1 :

Mula sa mga tauhan ng mga pabulang nabasa mo gumuhit ng isang hayop na


sumisimbolo sa iyong pagkatao. Ipaliwanag kung bakit ito ang napili mong hayop.

Ang iginuhit mong hayop ay may kinalaman sa susunod na aralin na iyong


babasahin.

4
Gawain 2:

Handa ka na ba?
Simulan mo na.

Marahil nakakita na kayo ng kahindik-hindik na pagmamalupit sa mga


walang kalaban-labang mga hayop. Katulad ng mga asong pinapalo ng tubo
hanggang mamatay, asong kinakaladkad ng motor at marami pang paraan
ng pagmamalupit. Ay, naku! Talaga namang, nakadidismaya.
Ano naman ang naramdaman ninyo noong nakita ninyo si Kabang na
natapyasan ng mukha dahil sa pagtatanggol niya sa anak ng kanyang amo?
Siguro ay napabuntonghininga kayo at nagsabing: Yehey! Mayroon na
tayong asong bayani. O kaya naman ay: Grabe. Nakalulungkot ang nagyari
sa kanya, nakaaawa.
Ano naman kaya ang mararamdaman ninyo kapag nakakita kayo ng
mga asong nakadamit at nakaayos na parang mga laruan, katulad ng mga
toy poodle, Shitzu, at iba pa? Tiyak na mapabibigkas kayo ng: Aw, Nakagigil
sila sa tuwa!
Iyan at marami pang uri ng hayop ang nagbibigay sa atin ng iba’t
ibang emosyon o damdamin. Nagpapasalamat na lang ako dahil sa
kasalukuyan, malawak na ang kamalayan ng mga tao tungkol sa dapat sanay
tamang pagturing natin sa mga alaga nating Diyos ang maylalang.

Gawain 3: Paglinang ng Talasalitaan:

Bigyang kahulugan ang mga salitang nakahilig mula sa binasang bahagi


ng akda.

1. Marahil nakakita na kayo ng kahindik-hindik na pangyayari.


______________________
2. Ang pagmamalupit sa mga walang kalaban-labang mga hayop.
______________________
3. Asong kinakaladkad ng motor. _______________________
4. Ay, naku! Talaga namang, nakadidismaya. ___________________
5. Natapyasan ang mukha. __________________
Gawain 4 :
Ang mga sumusunod na katanungan ay magpapabatid
kung gaano mo naunawaan ang iyong binasa.

1. Ano ang kalagayan ng ibang hayop sa ating lipunan?


2. Ano ang nararamdaman mo para sa mga ito?
3. Paano mo mapalawak ang kamalayan ng ibang tao tungkol sa
tamang paraan ng pag-aalaga ng hayop?
4. Bakit may mga taong nahuhumaling sa pag-aalaga ng mga hayop
tulad ng aso?
5. Sa tingin mo, posible kayang maparusahan ang mga taong
nagmamalupit at nagbebenta ng mga hayop?
5
Suriin
Nagustuhan mo ba ang akdang binasa? May napapansin ka bang mga
salitang ginamit na nagpapahayag ng damdamin at emosyon?Paano
nababago ng matinding emosyon ang isang pahayag o pangungusap?

Mga paraan ng pagpapahayag ng emosyon/damdamin:

1. Mga pangungusap na padamdam – nagsasaad ng matinding


damdamin o emosyon, may bantas na panandang padamdam.
Halimbawa
Ay! Andiyan na ang mabangis na Leon.
2. Maikling sambitla – ito ay mga sambitlang iisahin o dadalawahing
pantig na nagpapahayag ng matinding damdamin.
Halimbawa
Yehey!
Naku!
Huwag!
Lagot!
3. Mga pangungusap na nagsasaad ng tiyak na damdamin o emosyon
ng isang tao kadalasan, ito’y mga pangungusap na may anyong
pasalaysay kaya’t mahihinuhang hindi gaanong matindi ang
damdaming ipinahahayag subalit maaari din itong maging
pangungusap na padamdam na nagsasad naman ng matinding
damdamin.
Halimbawa
a. Kasiyahan: Natutuwa ako sa pagdating ng binatang
sumalba ng buhay ko.
b. Pagtataka: Bakit hindi siya nagsasawang tumulong sa iba?
c. Pagkalungkot : Ikinalulungkot ko ang ginawa ng mabangis
na tigre.
d. Pagkagalit : Galit ako sa pagmamalupit ng tao sa mahihirap.
e. Pagsang-ayon : Tunay ngang nakabubuti ang
pagtutulungan.
f. Pagpapasalamat : Samalamat sa iyongtulong.
4. Mga pangungusap na nagpapahiwatig ng damdamin sa hindi
tuwirang paraan.
Halimbawa
Nakalulungkot isipin ang tauhan ay sumakabilang buhay na.
Kahulugan : pumanaw

6
Pagyamanin
Gawain 5 :
Narito ang ilang tanyag na mga linya mula sa mga pelikulang tagalog.
Basahin at unawaing mabuti kung anong damdamin o emosyon angisinasaad
nito.

1. “Walang himala! Ang himala ay nasa puso ng tao, nasa puso nating lahat,
tayo ang gumagawa ng mga sumpa at ng mga Diyos, walang himala!”
____________________

2. ”My brother is not a pig! Ang kapatid ko’ y tao hindi baboy damo! Hindi
baboy damo ang kapatid ko!______________________

3. ”Ayaw ko ng tinatapakan ako! Ayaw ko ng masikip, ayaw ko ng mainit!


Ayaw ko ng walang tubig! Ayaw ko ng mabaho! ______________

4. ”Hoy, babae hindi pa tayo tapos! “ Kung saan, kailan at sa paanong


paraan . Magpasabi ka lang, hindi kita uurungan._________________

Gawain 6:
Tukuyin ang emosyon o damdaming ipinahayag. Piliin lamang ang
sagot sa loob ng kahon at isulat sa patlang.

Paghanga Galit Pagtataka


Pagkagulat Kasiyahan Pag-asa

______________1. Naku! Nasusunog ang bahay nila


______________2. Wow! Ang ganda ng dagat
______________3.Sana nga magkatotoo ang sinabi mong iyan.
______________4. Talaga, sasama ka sa amin?
______________5.Salamat naman at nakarating ka.

Magaling! Tama lahat ang iyong mga sagot. Ngayon subukin

7
Isaisip

Gawain 7 :

Magbigay ng limang halimbawa na nalilinang ang pagpapahayag ng damadamin


at emosyon sa loob ng tahanan.

1. ___________________________________________________________
2. ___________________________________________________________
3. ___________________________________________________________
4. ___________________________________________________________
5. ___________________________________________________________

Gawain 8:
Gamitin ang mga nakalaang emosyon o damdamin sa pagsulat ng mga
pangungusap tunkol sa sumusunod na sitwasyon

Kung naaliw tayo sa mga hayop bilang tauhan sa pabula, mayroon ding
mga hayop na nagdaranas ng mga pagmamalupit sa kamay ng taong dapat
mag-alaga sa kanila. Sa isang video presentation na kumakalat sa You Tube
na tinaguriaang crush video ay may ilang kababaihang walang awang
tinapak-tapakan ang isang tuta hanggang ito ay mamatay. Ano ang masasabi
mo hinggil dito?

1. Damdamin : galit
_______________________________________________________
_______________________________________________________
2. Damdamin : lungkot
________________________________________________________
________________________________________________________
3. Damdamin : pagkadismaya
________________________________________________________
________________________________________________________

8
Isagawa

Gawain 9:

Sa loob ng kahon sa ibaba, sumulat ng isang diyalogo sa pagitan ng


dalawang hayop na nag-uusap tungkol sa kanilang kalagayan bilang mga alaga sa
bahay. Gagamit ang mga tauhan ng mga pahayag na nagpapakita ng iba’ t ibang
ekspresyon sa pagpapahayag ng damdamin o emosyon.

Gawain10 :
Paggawa ng panawagan/anunsiyo.

Sitwasyon:

Kunwari ikaw ay isang purok lider. Gamit ang iba’t ibang ekspresyon na
nagpapahayag ng damdamin at emosyon hikayatin ang iyong kapitbahay na sundin
ang panawagan ng pamahalaan na lahat ng mga mamamayan ay dapat manatili sa
kani-kanilang tahanan.

9
Tayahin
Binabati kita sa iyong bagong natutunan at upang mapaunlad pa ito
gawin mo ang panghuling pagtataya :

Isulat ang titik ng inyong sagot sa sagutang papel.

____1. Paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin na hindi lantad na


sinabi ang mensahe.
a. nagpapahiwatig b. sambitla c. diretsahan d. padamdam
____2.Ito ay pangungusap na walang paksa na nagpapahayag ng matinding
damdamin?
a.padamdam b. ekspresyon c. sambitla d. nagpapahiwatig
____3. Alin sa mga sumusunod na pangungusap sa ibaba ang nagpapahayag ng
tiyak na emosyon o damdamin?
a.Mag-isip muna bago mo gawin. c. Ipasa ang mga takdang aralin.
b.Sayang! Di ako umabot sa 75% Sale. d. Hala, Nahulog ang bata.
____4.Marahil nakakita na kayo ng kahindik-hindik na pagmamalupit sa mga
walang kalaban-labang mga hayop.Ano ang ipinahihiwatig ng pangungusap?
a. pagkalungkot c. pagkatuwa
b. pagkamangha d. pagkagalit
____5.Sa pangungusap sa itaas, ano ang kasingkahulugan ng salitang may
salungguhit.
a. pagmamahal b. pagkagusto c. pagkainis d. pag-aabuso

Para sa bilang 6-15:

Tukuyin kung anong damdamin at paraan ng pagpapahayag ang ginamit sa


bawat pangungusap. Piliin lamang sa loob ng kahon ang inyong sagot at isulat ito sa
patlang.

Nagsasalaysay Pagkagalit Pagkamangha


Pagkalungkot Pagkatuwa Nasaktan
Paghanga Pagkatakot Pagkaiinis
Pagkadismaya

______________6.Humimbing kang mapayapa, mabuhay kang nangangarap.


______________7. Wow! May pag-asa pa tayong umunlad!
______________8. Talagang galit na galit ang makata nang isulat niya ang tula.
______________9. Ang galing-galing mong magsaulo ng tula.
______________10. Sobrang sipag ng mga magsasaka sa ating bansa.
______________11. Grabe! Nahilo ako sa dami ng mga taong dumating upang
tumanggap ng SAP. Sana hindi na lang ako pumunta.
______________12. Aw! Napakaganda ng kanyang ginawa.
______________13. Yehey! Nanalo ako sa palighasan sa pagsayaw.
______________14. Ngek, hindi iyan ang pinabibili ko.
______________15. Aray, Natapakan ang paa ko! May sugat pa naman ako.

10
Buod :

Ang emosyon o damdamin ay ang pakiramdam ng isang tao na hindi nagagawa ng


pisikal kundi ng mental at sikolohikal na gawain na makikita sa kilos, gawa, o sa
ugali ng isang indibidwal. Iba- iba ang emosyon na mararamdaman sa buhay tulad
ng saya, lungkot, pagsisisi, pagkagalit, tuwa at iba pa. Lahat ng tao ay may
emosyon, maaaring manhid ang isang tao na minsan makaramdam kung siya ay
hindi mapag-bigay at mapagpatawad. Maaari rin na ang emosyon ng isang tao ay
dulot ng pag-ibig o pagmamahal.
Sa panahon ngayon na laganap ang paggamit ng social media networking
sites, nabibigyang-kalayaan ang kabataang ipahayag ang kanilang damdamin o
emosyon, ngunit kailangan ding malaman ng kabataan o kahit ang mga matatanda
na ang kalayaang kanilang tinatamasa ay may kaakibat na responsilbilidad.
Gayunpaman, may iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng emosyon o damdamin
na kailangan nating isaisip bago ito gagamitin .

Susi ng Pagwawasto

1. a
2. c
3. d
4. a
5. d
6. pagkalungkot
7. pagkatuwa
8. pagkagalit
9. pagkamangha
10. paghanga
11. pagkainis
12. paghanga
13. pagkatuwa
14. pagkadismaya
15.nasaktan

11
Sanggunian :

https://fdocument.pub/document/modyul-2-pagsusuri-ng-akda-batay-sa-teoryang-romantisismo-
565c5e6b7c508.html

https://www.google.com/search?
q=modyul+tungkol+sa+sanaysay&tbm=isch&ved=2ahUKEwjTopK0-
N3pAhUHgpQKHUuJA_sQ2-

Panitikang Asyano 9 pp. 192-195.

https://sigmafourblog.wordpress.com/2016/05/03/pagpapahayag-ng-damdamin/

https://tl.wikipedia.org/wiki/Damdamin

Mga Sanggunian

 Included all third party materials or sources in developing the material

 Follows the Chicago Manual of Style 17th edition

For your guide,

https://owl.purdue.edu/owl/research_and_citation/chicago_manual_17th_edition/cmos_formatting_an
d_style_guide/chicago_manual_of_style_17th_edition.html,

you can also use citation machine generators: citethisforme.com and citefast.com

12
For inquiries and feedback, please write or call:

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

DepEd Division of Cagayan de Oro City


Fr. William F. Masterson Ave Upper BalulangCagayan de Oro
Telefax: ((08822)855-0048
E-mail Address: cagayandeoro.city@deped.gov.ph

13

You might also like