You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Victoria East District
MASALASA ELEMENTARY SCHOOL
Victoria Tarlac

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 4

Pangalan__________________________________________ Iskor________________

A.Panuto: Basahin ang mga pangungusap sa ibaba. Ibigay ang kahulugan ng salitang may
salungguhit. Bilugan ang letra ng tamang sagot.
1. Naaliw sila sa magagandang tanawin sa bukid.
A. nabigla B. nalibang C. nainis D. napagod
2. Malamig ang simoy ng hangin sa batis.
A. amoy B. hampas C. hagupit D. ihip
3. Malugod silang sinalubong ng mga magulang ni Eula.
A. inaantok B. tuwang tuwa C. malungkot D. tawa nang tawa
4.. Masaya si Ramon nang isilang ni Lanie ang panganay nilang supling.
A. anak B. pamangkin C. kapatid D. pinsan
5. Inaruga si Jaime ng kanyang lola hanggang sa kanyang paglaki.
A. inalagaan B. pinasyal C. inutusan D. pinatulog
6. Takipsilim na nang umuwi si Mang Lito galing sa gubat.
A. magdidilim na B. may araw pa C. maliwanag pa D. may buwan na
7. Dapat sundin ang mga alituntunin sa iyong paaralan.
A. lagusan B. panuto C.pakiusap D. paunawa
8. Ang kanilang bahay ay maagang nawalan ng suhay dahil sa pagkamatay ng kanilang ama.
A. duyan B. ilaw C. haligi D. kawayan
9. Natuklasan ni Nena ang tinatagong sikreto ni Lupe.
A. nakita B. narinig C. nalaman D. nabasa
10. Maligaya ako sa pangangalap ng dugo upang madugtungan ang buhay ng tao.
A. pagbibigay B. pangongolekta C. pagbili D. pagpapahiram

B.Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Piliin sa kahon ang magagalang na pananalita na
angkop sa bawat sitwasyon at isulat ang letra pagkatpos ng pangungusap.
A. Tuloy po kayo D. Magandang hapon. G.Pacensya kana
B. Paumanhin po. E. Magandang umaga. H.Magandang gabi po
C. Walang anoman. F. Maraming salamat po.
I.Patawarin nyo ako,hindi n po mauulit
1. nakakasakit ng ibang tao.
2. kung may biglaang panauhin sa bahay.
3. kung may nagbigay ng regalo sa kaarawan.
4. magalang na pagbati kung 9:00 ng umaga.
5. sagot kapag may nagpapasalamat sa iyo.
6.Naapakan moa ng paa ng kaibigan mo.
7.Binigyan ka ng pagkain ng ate mo.
8.nakasalubong moa ng iyong guro ng alas dos ng hapon.
9.Dumating ang iyong lolo ng gabi.Ano ang sasabihin mo?
10.nagagalit ang tatay mo dahil gabi kna nakauwi.
C.Panuto: Kilalanin ang uri ng mga sumusunod na pangungusap.
Isulat sa iyong sagutang papel kung ito ay Pasalaysay, Pautos, Pakiusap, Padamdam at
Pananong.
_________1. Nasusunog ang bahay namin!
_________2. Dalhin mo ang bag ko bukas.
_________3. Magkano ang isang kilong bigas?
_________4. Pakisabi sa akin kung saan ka nakatira.
_________5. Ako ay nasa ikaapat na baitang.
_________6. Naku! Nakalimutan ko ang ID ko.
_________7. Ang bahay ng dating pangulong Ramon Magsaysay ay matatagpuan sa bayan ng
Castillejos, Zambales.
_________8. Aray! Naipit ang kamay ko sa pinto!
_________9. Pakiabot ang papel na nasa mesa.
_________10. Anak, pakikuha ang bag ko sa ibabaw ng mesa.

D.Panuto: Isulat ang opinyon kung ang pangungusap ay nagpapahayag ng pananaw, paniniwala
o paninindigan at naman kung nagpapahayag ng damdamin, saloobin o
emosyon. Isulat ang iyong sagot sa patlang.
______________1. Naniniwala ako na mas makabubuti kung lahatbay matututo at
makapagbabasa nang sabay-bsabay.
______________2. Labis ang aking kasiyahan sa ipinakikita ninyong pagmamalasakit sa ating
mga kabarangay.
______________3. Hindi ako sumasang-ayon sa inyong iminungkahi sapagkat lalabag kayo sa
batas kung itutuloy ninyo ang inyong plano.
______________4. Ako ay natutuwa sapagkat naisip ninyo ang mga bagay na iyan!
______________5. Hindi totoong walang magagawa ang isang kabataang tulad mo. Malaki ang
maitutulong mo sa pag-unlad ng ating bayan.
______________6. Nakalulungkot ang nangyari sa aking kaibigan.
______________7. Nakatatakot ang bagong strain ng COVID-19.
______________8. Dapat maging masipag upang magtagumpay sa buhay.
______________9. Masayang-masaya ako para sa iyo!
_____________10. Naniniwala ako na malalampasan din natin ang pandemyang ito.

Inihanda ni :

SACHA CHRISTIANA G.PALISOC


Guro Sa Filipino

Iwinasto ni:

JULIANA G.JULIANO,Ed.D.
ESHT-III
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Victoria East District
MASALASA ELEMENTARY SCHOOL
Victoria Tarlac

LAGUMANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 5

Pangalan__________________________________________ Iskor________________

A.Panuto: Tukuyin ang uri ng mga pangungusap.


1. Ana, pakikuha ang plorera sa mesa.
2. Itapon mo ang mga kalat sa tamang basurahan.
3. Napakagandang pagmasdan ang takipsilim sa baybayin ng San Miguel, San Antonio, Zambales.
4. Ang mga guro ay abala sa paghahanda ng mga modyul para sa mga mag- aaral.
5. Kailan inilunsad ng pamahalaan ang Programang Pantawid Pamilyang Pilipino?
6. Kunin mo ang lapis sa kahon.
7. Aray! Napaso ang aking daliri.
8. Sino ang ating kalahok sa paligsahan sa pagguhit?
9. Ano ang naidulot ng pandemya sa ating buhay?
10. Marami ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa pandemya.

B.Panuto: Basahin ang bawat sitwasyon. Magbigay ng dalawang (2) maaaring solusyon
sa suliraning binanggit. Isulat ang iyong mga sagot sa patlang.
1. Isang araw, nagpasama sa iyo ang iyong nanay papuntang Iba, Zambales. Bibili siya ng mga
kagamitang pangkusina. Sa inyong paglalakad papunta sa sakayan ng bus, nakita mong nagsusunog ng
mga plastik at tuyong dahoon ang inyong kapitbahay.
Solusyon 1: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Solusyon 2: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
2. Habang naghihintay kayo ng bus, napalingon ka sa parke ng inyong bayan.Nakita mong punong-puno
ang basurahan at nagkalat ang ibang mga basura.
Solusyon 1: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Solusyon 2: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
3. Nang may dumating na bus, ang mga pasahero ay dali-daling pumila. Dahil dito, natanaw mo ang isang
matanda na maraming bitbit at nabitawan nito ang isang supot na may lamang mga gulay. Napansin mong
walang nais tumulong sa kaniya.
Solusyon 1: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Solusyon 2: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
4. Habang namimili ang iyong nanay sa pamilihan, may narinig kang umiiyak. Sa iyong paglingon, nakita
mo ang isang batang nakaupo, umiiyak at palingon-lingon sa kaniyang paligid. Naisipan mo siyang
lapitan at tanungin.Napag-alaman mong siya ay nawawala dahil nakabitaw siya sapagkakahawak ng
kaniyang ina.
Solusyon 1: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Solusyon 2: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
5. Patungo na kayo ng iyong nanay sa himpilan ng bus upang umuwi. Habang kayo ay naglalakad,
napansin mo ang dalawang bata na namamalimos.Napakadumi ng kanilang mga mukha at batid mong sila
ay hindi pa kumakain.
Solusyon 1: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Solusyon 2: _______________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Tukuyin ang kahulugan ng mga sumusunod na
nasalungguhitang salita ayon sa gamit nito sa pangungusap. Isulat ang letra ng tamang sagot .
1. Maituturing na isa sa mga pinakamaganda kong karanasan ay ang pagpunta sa Namatacan, San
Narciso, Zambales.
A. Alaala B, Pagpunta C. Makuha D. Gustong maabot
2. Maraming dayuhan ang nais makarating dito.
A. Bata B. Dayo C. Bayan D. Pumunta
3. Nais kong marating ang Paper Tree.
A. Ayaw B. Makamit C. Gusto D. Mithiin
4. Nasilayan kong muli ang ganda ng paligid.
A. Gusto B. Masaya C. Natuwa D. Nakita
5. Tumambad sa akin ang likas na yamang taglay ng kapaligiran.
A. Dayo B. Ito nga C. Nakita D. Yan nga
6. Nakapapawi ng pagod ang lugar na ito, higit sa lahat ay nagkaroon ng isang magandang samahan ang
pamilya.A. Nakababawas B. Nakawawala C. Nagkakaroon D. Umunti
7. Labis ang aking kagalakan nang ako ay hagkan ng aking ina.
A. Kalungkutan B. Malambing C. Kasiyahan D. Takot
8. Batid sa aking mga larawan ang lubos na kagalakan sa pangyayaring ito sa aking buhay.
A. Alam B. Larawan C. Gusto D. Nais
9. Nag-uumapaw ang aking kasiyahan sa karanasang ito.
A. Labis B. Kunti C. Kulang D. Puno
10.Magandang masilayan ang bukang-liwayway.
A. Pagsikat ng araw B. Paglubog ng araw C. Pagsikat ng buwan D. Paglubog ng buwan

D.Panuto:Gamit ang iba’t ibang pangungusap,sumulat ng isang talata tungkol sa pandemyang nararanasan
natin sa kasalukuyan.(10Puntos)

E.Panuto:Kumopya sa pahayagan o dyaryo ng isang halimbawa ng editoryal.(10 puntos)

Inihanda ni:

SACHA CHRISTIANA G.PALISOC


Guro sa Filipino

Iniwasto ni:

JULIANA G.JULIANO,Ed.D.
ESHT-III
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region III – Central Luzon
Schools Division of Tarlac Province
Victoria East District
MASALASA ELEMENTARY SCHOOL
Victoria Tarlac

LAGUMANG PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 5

Pangalan__________________________________________ Iskor________________A.
A.FACT O BLUFF. Basahin ang mga pangungusap o parirala sa bawat bilang isulat
sa patlang ang FACT kung ito ay salik o pangyayaring nagbigay-daan
sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino at BLUFF naman kung hindi.
________1. Pagpapairal ng patakarang Merkantilismo sa Pilipinas.
________2. Pamamalakad sa pamahalaan ng Pilipinas sa pamamagitan
ng Pamahalaang Liberal.
________3. Pagwawakas ng Kalakalang Galyon sa Pilipinas.
________4. Pagbubukas ng Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan.
________5. Pagkakaroon ng mga edukadong Pilipinong nakapag-aral sa ibang bansa
o mga Illustrado.
________6. Pagtatatag ng Republika ng Malolos
________7. Pagtatatag ng mga kilusang Sekularisasyon
________8. Pagkakaroon ng Kalakalang Galyon
________9. Pagbitay sa Tatlong Paring Martir sa pamamagitan ng paggarote.
________10. Pagbubukas ng Suez Canal na matatagpuan sa Egypt.

B. Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat bilang. Bilugan ang iyong sagot.
1. Ito ay mailalarawan sa pamamagitan ng maalab, marubdob, at matinding pagmamahal sa
lupang sinilangan.
A. bayaning Pilipino B. pag-ibig C. pakikiisa D. nasyonalismo
2. Ano ang tawag sa mga edukadong Pilipino na nakapag-aral at mula sa pamilyang maykaya?
A. insulares B. peninsulares C. illustrado D. pensinado
3. Isa sa mga mahahalagang pandaigdigang pangyayari ay ang pagwawakas ng Kalakalang
Galyon. Anong uri ng kalakalan ang ipinatupad sa Pilipinas matapos magwakas ng Kalakalang
Galyon?
A. Kalakalang Komersiyal C. Kalakalang Acapulco Pilipinas
B. Kalakalang Pambarangay D. Malayang Kalakan
4. Alin sa mga sumusunod ang naging epekto ng pagbubukas ng Suez Canal?
A. Naging mas matagal ang paglalakbay mula Pilipinas patungong Europa.
B. Naging mabilis ang paglalakbay mula Pilipinas patungong Europa.
C. Mahigpit ang pagpasok ng malayang kaisipan sa Pilipinas mula Europa.
D. Nahirapan ang mga dayuhang manlalakbay sa pagtungo sa Pilipinas.
5. Bakit maituturing na mahalagang salik sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino ang pagbitay sa tatlong paring martir?
A. Dahil ito ay naging susi upang mas lalong sumunod at matakot ang mga Pilipino sa mga
Espanyol.
B. Dahil ito ay nag-ugat ng matinding takot at pangamba sa mga Pilipinong
tumataliwas sa mga Espanyol.
C. Dahil ito ang naging daan upang umalab ang damdamin ng mga Pilipino
at magsimulang tumindi ang pagnanais na lumaban sa mga Espanyol
D. Dahil ito ang naging daan upang matakot at mamundok ang mga Pilipino.
6. Base sa karanasan ng mga bansang napasailalim sa sistemang merkantilismo kagaya ng
Pilipinas, ano ang naging epekto nito sa katayuan ng bansang nasakop?
A. Naging pahirap ito sa mga bansang sinakop at nagpaunlad naman sa bansang sumakop.
B. Naging maunlad ang katayuan ng pamahalaan ng mga bansang napasailalim dito.
C. Naging pahirap lamang ito sa mga bansang mananakop.
D. Wala itong epekto sa mga bansa.
7. Isa sa mga salik sa pag-usbong ng nasyonalismong Pilipino ay ang pagkakaroon ng liberal na
pamumuno. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang nagpapaliwanag ukol sa liberal na
pamumuno?
A. Mahigpit na pagpapatupad ng mga batas at patakaran sa mga
mamamayan.
B. Pagtanggal ng pagkakataon na makilahok ang mga mamamayan tungkol
sa usaping pampamahalaan.
C. Panghihikayat sa mga mamamayan na sumali at makiisa sa mga usaping
pulitikal at suliraning kinakaharap ng mga tao.
D. Paghihigpit sa mga mamamayan na ipahayag ang kanilang saloobin at
matamasa ang mga karapatan.
8. Paano nakatulong ang paglitaw ng panggitnang uri sa pag-usbong ng nasyonalismong
Pilipino?
A. Nakapaglakbay at nakapag-aral ang mga Pilipinong maykaya at nabuksan ang isipan nila sa
kaisipang liberal at mapang abusong pamamalakad ng mga Espanyol.
B. Humingi ang mga panggitnang uri ng pantay na karapatan ng mga paring regular at paring
sekular.
C. Nakiisa ang mga panggitnang uri upang mabuksan ang Pilipinas sa Pandaigdigang Kalakalan.
D. Ang mga panggitnang uri ang nagpasimula ng pamumunong liberal sa Pilipinas.
9. Ang mga sumusunod ay salik na nagbigay-daan sa pag-usbong ng
nasyonalismong Pilipino, maliban sa isa.
A. Pagbubukas ng Malayang Kalakalan B. Paglitaw ng Panggitnang uri
C. Pagbubukas ng Suez Canal D. Rebolusyon sa mga bansa
10. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa ginawang mga hakbang ng mga
Pilipino noon sa pagpapamalas ng kanilang pagmamahal sa bayan?
A. Mahihiya akong ipahayag sa mundo na ako ay kabilang sa lahing Pilipino.
B. Ipagpapalit ko ang aking pagiging Pilipino kapalit ng magandang buhay sa ibang bansa.
C. Pahahalagahan at gagamitin sa mabuti ang kalayaang tinatamasa na
ipinaglaban ng mga Pilipino noon.
D. Mabilis akong magtatago o lilikas sa ibang bansa sa oras ng pananakop
sa bansa upang mailigtas ang sarili.

C. Basahing mabuti ang mga pahayag sa bawat bilang. Iguhit s ang tsek ( ) kung ang pahayag ay
nagsasabi ng wastong impormasyon at ekis ( ) naman kung hindi.
_____1. Sa pagkakaroon ng malayang kalakalan umunlad ang industriya pati na rin
ang antas ng pamumuhay ng mga Pilipino.
_____2. Sa pagbubukas ng Suez Canal, iba’t ibang babasahin mula sa Europa at
Amerika na patungkol sa kaisipang liberal ang madaling naidala sa Pilipinas.
_____3. Lumitaw ang mga panggitnang uri o mga illustrado sa pagbubukas ng bansa
sa kalakalang galyon.
_____4. Ang Age of Enlightenment ay mahalagang panahon dahil nabuksan ang
isipan ng mga Pilipino na umalis na lamang sa bansa at manirahan sa mga
bansang bukas sa pagkakapantay-pantay at pagkakaisa.
____5. Ang pagtatanggol sa kalayaan at karapatan ng bansa ay pagpapakita ng
pagpapahalaga sa ipinakitang nasyonalismo ng mga Pilipinong lumaban sa
mga mananakop.

D.Basahing mabuti ang mga pangungusap. Gumuhit ng puso kung ito aybnagpapahayag ng
kahalagahan ng pagkakaroon ng kalayaan at gumuhit ng bituin kung hindi. Iguhit ang iyong
sagot pagkatapos ng pangungusap.
1. Maraming Pilipino ang sumali sa People Power Revolution noong 1986 upang
ipahayag ang kanilang naising makalaya sa diktaduryang Marcos.
2. Inihanda ng Tsina ang kanyang mga barkong pandigma sa malapit sa Scarborough Shoal.
3. Pumapasok ang Pilipinas sa mga kasunduang pangkapayapaan sa ibang pinuno ng mga bansa.
4. Nagkaroon ang mga Pilipino ng mga taglay na kalayaan at karapatan upangmamuhay nang
payapa at patas.
5. Nagpatupad ang Pilipinas ng mga batas at ordinansa na gagabay sa mga
mamamayan ng bansa para sa mapayapang pamumuhay.

E. Katotohanan ba o opinyon ang bawat pahayag? Isulat sa patlang ang K kung ang pahayag ay
isang katotohanan at O kung ito naman ay isang opinyon.
_____1. Bibihira lamang ang mga pag-aalsa ng mga Pilipino laban sa Espanyol.
_____2. Hangad n gating mga ninuno ang kalayaan noon pa mang panahon ng Espanyol
sabansa.
_____3. Nanguna si Lapu-Lapu sa unang paglaban.
_____4. Sina Lakandula at Raha Sulayman ay pawang mga pinuno sa Visayas.
_____5. Ibig ni Paring Tamblot na maging Katoliko ang lahat ng Pilipino.
_____6. Magkatulad ang hangarin nila Paring Tamblot at Bankaw hinggil sa
pagbabalik ng katutubong paniniwala
_____7. Nais ni Juan Sumuroy na ipadala ang mga Pilipino sa mga pagawaan sa Cavite
_____8. Tutol ang mga Kapampangan at Pangasinense sa pagtratrabaho sa mga galyon
_____9. Naging mapagsalamtala ang ilang mga Pilipino sa mga pinunong Espanyol
_____10. Nagtulungan ang mga Pilipino upang makamit ang ating kalayaan.

F.Bilang bahagi ng pamayanan na iyong kinabibilangan, paano mo maipakikita ang


pagpapahalaga mo sa kalayaan sa inyong pamayanan. Kumpletuhin ang pahayag (10 puntos)
Bilang bahagi ng aking pamayanan ay ipinapakita ko ang pagpapahalaga ko
sa kalayaan sa aming pamayanan sa pamamagitan ng ________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
ol.

Inihanda ni :

SACHA CHRISTIANA G.PALISOC


Guro sa Araling Panlipunan

Iwinasto ni:

JULIANA G.JULIANO,Ed.D.
ESHT-III

You might also like