You are on page 1of 1

Paul Vincent Laureta

10 Aristotle
“Alitan”
MAY plano si Utak na hindi isinangguni kay Puso kaya nagkaroon ng alitan ang dalawa.
Nakisimpatiya kay Puso si Atay, Apdo, Lapay, Pantog at Baga. Pumanig naman kay Utak
si Mata, Tenga, Ilong, Kilay, Kamay at si Paa. Nagkaroon ng hatian ng teritoryo. Tumigil
sa paglikha at paggawa ang mga kumampi kay Puso. At gustuhin man ng mga pumanig
kay Utak na patuloy na gumawa, nawalan na rin ng saysay sa paghina ng katawang
kinalalagyan nila. Hindi nagtagal, silang lahat na nag-aalitan ay naglaho sa mundo.

Ang plano sana ni Utak na hindi isinangguni kay Puso: UMINOM NG BITAMINA.

“Isang mukha ng Kapayapaan”


Bitbit ang tapang, nakakuyom ang kamao, at handang makidigmang kakatukin ko sana ang geyt ng
kapitbahay na nagbibidyuoke sa gitna ng gabi. Dangan lamang at nadaanan ko ang isang matandang
pusa at dalawang malalaking daga na nagpapatintero sa kalye. Nabuhusan bigla ang ulo ko ng tubig na
may yelo.

[isang kisap]

You might also like