You are on page 1of 1

Laban Virus

Magandang Hapon mga kaibigan at kabaranggay.Marahil ang iba sainyo ay kilala na ako. Ako nga pala
ang inyong lingcod SK chairman ng ating barangay, Paul Vincent Laureta. Ipinatawag ko kayo upang aitng
pagusapan at solusyunan ang lumalalang problema ng covid 19 sa ating barangay. Ipinnatawa ko kayo
dahil nakasalalay ang ating buhay dito, kung hindi natin ito maaagapan nang lalong madaling panahon
ay baka huli na ang lahat.

Ngayon, alam naman na tin na napakalaki na ng itinass ng bilang ng mga covid 19 cases dito sa ating
barangay kumpara sa nakaraang mga linggo. Mga kabataan, mga kaibigan tulong tulong tayong
magsugpo ang virus at maging mabuting halimbawa sa bawat isa. Sab inga ni Jose Rizal, “Ang kabataan
ang pag-asa ng bayan”. Kung tayo ay mawawala, kung tayo ay papanaw, ano nang mangyayari sa ating
bayan. Tayo na ang susunod na henerasyon. Tayo ang susunod sa mga yapak ng ating mga lider at
nakatatanda. Kaya’t ang virus na yan wala lang iyan kung tayo ay magtutulong tulong.

Ano nga ba ang ating magagawa bilang kabataan? Ayon nga sa DOH, ay kailangan nating sumunod sa
mga patakaran ng gobyerno. Magsuot tayo ng facemask, faceshield kung sakaling lumabas ng bahay.
Maging mabuting halimbawa ttayo sa bawat isa lalo na sa mga nakapaligid satin.

Mas mabuti nang maglaro tayo ng ML, kaysa lumabas ng bahay. Mas mabuti nang manuod tayo ng mga
movie o videos kaysa gumala sa labas. Iwasan nating lumabas ng ating bahay. Iwasan natin sa mga
mataaong lugar.

Alam ko rin na karamihan sa inyo ay mahilig sa mga social media. Kaya’t pwede naitn ipost ang
#LabanCovid. Ipost natin kung gaano kahalaga ang pagsunod sa mga protocols ng pamahalaan. Hikayatin
natin ang ibang tao na sumunod kahit walang nakakakita o nanghuhuli. Sa ganitong paraan
mababawasan ang kaso hindi lang sa ting barangay kundi sa uong bansa.

Bukag pagtatapos, napakahalaga ng isang buhay. Huwag natin itong sayangin at pasukan lamang ng
Covid 19 virus. Magingat tayo. Isipin natin ang pangarap natin balang araw. Isipin natin ang magiging
pamilya o anak nating balang araw. Isispin natin kung ano gusto natin paglaki balang araw. Lahat iyan
mababalewa kung hindi tayo susunod sa mga protocols ng pamahalaan at magkakaroon ng Covid 19
virus. Kung sangayon kayo sa mga sinabi ko sabihin ang “Laban Virus”.

You might also like