You are on page 1of 2

HALAW SA KATITIKAN NG KARANIWANG PULONG NG KAGALANG-GALANG NA SANGGUNIANG

BARANGAY NG ZABALI NA GINANAP NOONG IKA-___ NG ______, 2021 SA BAHAY PULUNGAN NG


BARANGAY.

MGA DUMALO

LIBAN

KAPASIYAHAN BILANG ___ 2021

“KAPASIYAHANG TUMUTUGON SA LIHAM KAHILINGAN NI GNG. ANDREA V. FRANCISCO NA MAY PETSA


HUNYO 19, 2021 PARA SA PAGPAPATUNAY NA ANG KANIYANG LUPANG PAG-AARI NA NASA LOOB NG
BARANGAY ZABALI AT SAKOP NG TITULO BILANG T-051-2017000180 NA MAY LAWAK NA 9,858 METRO
PARISUKAT NA KINATITIRIKAN NG MGA GUSALI NG TESDA AT NG NASA 60 INPORMAL NA RESIDENTE AY
HINDI NA GINAGAMIT NA LUPANG PANSAKAHAN (TINATANIMAN NG NIPA) SA HALIP ITO AY GAMIT
NANG PANGRESIDENSIYAL AT INSTITUSYUNAL”

SAPAGKAT, ang Kagalang galang na Sangguniang Barangay ng Zabali ay nakatanggap ng isang


liham kahilingan mula kay Gng. Andrea V. Francisco para sa isang kapasiyahan ng Sanggunian na
magpapatunay na ang kaniyang lupaing sakop ng Titulo Bilang T-051-2017000180 ay hindi na ginagamit
na taniman ng Nipa at sa halip ito ay ginagamit nang residensiyal at institusyonal;

SAPAGKAT, ang kapasiyahan ng Kagalang-galang na Sangguniang Barangay ng Zabali ay lubhang


mahalaga at kailangan para sa pagsunod sa prosesong itinatadhana sa pag pagpapatibay ng plano ng
lupa ng Sangay ng Lupain ng Kagawaran ng Kapaligiran at Likas na Yaman at maging sa pagpapasa ng
Kagalang-galang na Sangguniang Bayan ng Baler ng kapasiyahan para sa reklasipikasyon;

SAPAGKAT, isang katotohanan na ang lupang sakop ng titulo bilang T-051-2017000180 na


nasasakupang ng Barangay ng Zabali ay siyang tunay na lupang kinatitirikan ng mga gusali ng TESDA at
ng nasa 60 inpormal na residente at hindi ginagamit na lupang pansakahan na tinataniman ng Nipa;

DAHIL DITO, sa mungkahi ni Kgg.________________na pinangalawahan ni Kgg. _____________,


na pasiyahn gaya ng dito ay pinagpasiyahan na patunayan na ang lupang pag-aari ni Gng. Andrea V.
Francisco na sakop ng titulo bilang T-051-2017000180 at nasasakupan ng Barangay Zabali ay hindi na
ginagamit na lupang pansakahan na tinataniman ng Nipa at sa halip ito ay ginagamit nang Residensiyal
at Institusyonal;

PINAGPASIYAHAN PA na bigyan ng sipi ng kapasiyahang ito ang Kagalang-galang na Sangguniang


Bayan ng Baler upang kanilang maging batayan sa pagpapasa ng isang kapasiyahang nagbabago ng
kalsipikasyon ng lupang dito ay binabanggit.

PINAGTIBAY, ngayong ika-____ ng ___________, 2021.


PINATUTUNAYAN KO ANG KATUMPAKAN NG KAPASIYAHANG ITO.

Kalihim ng Barangay

PINAGTIBAY

Punong Barangay

You might also like