You are on page 1of 1

KASULATAN NG PAGSANLA NG PAUPAHAN

ALAMIN NG LAHAT SA PAMAMAGITAN NITO:

Ang KASULATANG ito ay pinagkasunduan at isinagawa sa pagitan nina:

______, nasa hustong gulang, may-asawa at nakatira sa Isla De Cainta, Brgy. San Andres,
Cainta, Rizal na sa kasulatang ito ay tinaguriang NAGSANGLA;

at

_______, nasa hustong gulang, may asawa, at nakatira sa Isla De Cainta, Brgy. San Andres,
Cainta, Rizal na sa kasulatang ito ay tinaguriang PINAGSANGLAAN;

NAGPAPATUNAY

Na ang NAGSANGLA ay humiram sa PINAGSANGLAAN ng halagang LABING LIMANG LIBO


PISO LAMANG ( PHP 15,000.00 ) na tinanggap at sumakamay ng NAGSANGLA ngayong ika-13
ng Hunyo 2021 na pinapatunayan ng kanyang lagda dito. Ang nasabing pagkakautang ay
babayaran pagkatapos ng anim na buwan o sa ika Disyembre 2021.

Bilang panagot sa nasabing pagkakautang, isinasangla ng NAGSANGLA ang isang apartment


unit na may tatlong pinto na sarili niyang pag-aari na matatagpuan sa Isla De Cainta, San
Andres, Cainta, Rizal.

Bilang interes sa nasabing pagkakautang, pinapahintulutan ng NAGSANGLA ang


PINAGSANLAAN na singilin o kolektahin ang buwanang upa ng mga nakatira sa nasabing
apartment unit tuwing ika-4 ng buwan sa halagang ISANG LIBONG PISO ( PHP 1,000.00) kada
pinto sa loob ng anim na buwan o hanggang ika Disyembre 2021.

Ang nasabing apartment ay tunay na pagmamay-ari ng NAGSANGLA at walang ibang


utang o sanlang pinanagutan.

Sakaling mabayaran ng NAGSANGLA ang nasabing pagkakautang na halagang LABING


LIMANG LIBONG PISO LAMANG (PHP 15,000.00) sa itinakdang panahon, ang kasulatang ito ay
mawawalan ng bisa at saysay. Subalit kung hindi naman niya ito magawang bayaran, ang
Kasulatang ito ay iiral at ipapatupad sa kaparaanang itinatakda ng batas.

Maaaring i-renew ang kasulatang ito ng naaayon sa mapagkasunduan ng NAGSANGLA AT


PINAGSANGLAAN.

SA KATUNAYAN NG LAHAT, ang magkabilang panig ay lumagda sa kasulatang ito ngayong


ika-13 ng Hunyo 2021 sa Lungsod ng Cainta, Rizal.

MGA UMUUPA: LAGDA

1. _________________

2. _________________

3. _________________

Nagsangla Pinagsanglaan

Saksi Saksi

You might also like