You are on page 1of 1

Ang mga laro ay isang halimbawa ng komunikasyon kung saan ang mga manlalaro ay

nagkakaroon kooperasyon at pagkakaisa. Iba’t-ibang laro ang aming nilaro sa klase gaya na lamang ng
calamansi relay, hanapan ng barya sa harina, at saluhan ng itlog at talong. Sa bawat laro na ito nalilinang
din ang aming kaalaman tungkol sa mga malalim na salitang tagalog. Sa bawat laro ay may matatalo na
kupunan at may kaakibat ito na parusa. Gayunpaman, bukal sa loob na tinatanggap ng bawat ang isa ang
pagkatalo at ang kaakibat na parusa. Sa laro na ito ako ay lubos na nagayak at nakalinang ng bagong
kaalaman.

Lubos akong na-eganyo sa larong saluhan ng itlog at talong sapagkat kailangan mong maging
pokus at alerto sa laro na ito dahil sa laro na ito kailangan masalo at maiwasan na mabasag ang itlog. Sa
larong hanapan ng barya sa harina naman paunahan mahanap ang barya gamit lamang ang mukha sa
pagtaboy ng mga harina upang mahanap ang barya. Ang larong calamansi relay naman ay
nangangailangan ng galing sa pagbabalanse dahil sa laro na ito  kailangan magbalanse ang kutsara na
nasa sa iyong bibig at nakalagay ang isang kalamansi.  Ang bawat isa sa aking mga kamag-aral ay
mapusok na lumahok sa bawat laro na nagpapakita ng kooperasyon, at pagkakaisa.

Sa buong laro na ito aking natutunan na sa isang laro ay mahalaga ang komunikasyon at
kooperasyon dahil ito magsisilbing susi upang magkaintindihan ang mga manlalaro at kung paano ang
gagawin estratehiya sa laro na nagbubuklod tungo sa pagkapanalo. Sinisimbolo ng aktibidad na ito ang
pagkakaroon ng kooperasyon, pagkakaisa, at pagtutulungan tungo sa isang mithiin kung saan ay ang
magwagi sa laro.

You might also like