You are on page 1of 2

Ang 

Bulka
n

Mayon ay isang aktibong bulkan sa lalawigan ng Albay, sa pulo ng Luzon sa Pilipinas. Bantog


ang bulkan dahil sa halos "perpektong hugis apa" nito. Ang Mayon ang naging hilagang
hangganan ng Lungsod ng Legazpi, ang pinakamataong lungsod sa Kabikulan. Unang hinihayag
bilang isang pambansang liwasan at isang nakaprotektang lupain ng bansa noong 20 Hulyo
1938. Inuri itong muli at pinangalanang Mayon Volcano Natural Park noong 2000.
MANILA, Philippines — Naitala ng Philippine Institute of Volcanology (Phivolcs) na nasa limang
kilometrong taas ang  ibinugang makapal na abo ng bulkang Mayon na tumagal ng walong
minuto batay sa seismic record na nakuha sa naturang bulkan sa nakalipas na 24 oras.
Ang nasabing pagsabog ay nagdulot ng pyroclastic density currents (PDCs)  sa  gullies at
barrancos papuntang  Miisi, Bonga, Buyuan, Basud, San Andres, Buang, Anoling at iba pang
maliliit na ilog na nasa may  4  kilometers ng  summit vent sa loob ng walong kilometrong 
Permanent Danger Zone (PDZ). 
Naitala din ang pagbuga ng abo sa kanlurang bahagi ng bulkan na bumagsak sa mga bayan ng 
Guinobatan, Camalig, Oas, Polangui at Iriga City na sinundan ng pagkakaroon ng may  500
meter-high ash plume. 
Nakapagtala din ang bulkan ng limang  episodes ng  lava fountaining mula sa  summit crater ng
bulkan ng tatlong beses na nagtagal ng 30 minuto.

You might also like