You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
ALTERNATIVE DELIVERY BUREAU-STUDENT INCLUSION DIVISION
Division of Butuan City
CENTRAL BUTUAN DISTRICT 1
Butuan Central Elementary School
Butuan City
Periodical Test in
LEARNING STRAND IV- Life and Career Skills
Pangalan: _____________________________ Petsa: ____________________ MARKA
Kurso/Program: _______________________ Guro: __________________

Direction: Encircle the letter of the correct answer.

1. Pangarap ni Mandy ang maging arkitekto sa kanilang lugar. Sa susunod na pasukan ay mag-aaral na siya ng
Senior High School. Anong track ang dapat niyang kunin?
A. Academic C. Technical-Vocational-Livelihood D. Arts
B. B. Sports & Design
2 Mag-aaral ng Senior High School si Maricar at kasalukuyang nakatala sa Academic Track ng kanilang paaralan. Dahil
hindi pa niya alam ang kursong kukunin sa kolehiyo ay kinuha niya ang ABM strand. Tama ba ang kaniyang naging
desisyon?
A. Oo, dahil mataas ang sahod ng isang CPA.
B. Oo, dahil baka magustuhan niya ang maging CPA, magtrabaho sa banko o mahilig sa
pagnenegosyo.
C. Mali, dahil dapat ay General Academic ang kinuha niyang strand.
D. Mali, dahil hindi ito kaya ng kanyang utak.
3. Ano ang hindi mo dapat isaalang-alang kung papasok ka bilang isang empleyado o trabahador sa unang pagkakataon?
A. kakayahan at kasanayan C. sahod at layo ng papasukan
B. limitasyon, kahinaan, at kapansanan D. hirap ng trabaho
4. Nagtapos ng inhenyeriya si Reycar at nagbabalak na pumasok ng trabaho. Ano ang una niyang dapat gawin?
A. Gumawa ng liham sa pag-aaplay
B. Bumili ng pahayagan at tumingin ng bakanteng trabaho sa anunsyo-klasikipikado
C. Gumawa ng bio-data o resume
D. Maghanda sa interbyu
5. Upang makapagpatayo ng isang negosyo, anong dokumento ang unang dapat kunin?
A. barangay clearance
B. cedula
C. pangalan ng negosyo (business name) mula sa DTI
D. permiso mula sa munisiplyo o mayor's permit
6. Hinihikayat ka ng iyong kasamahan sa trabaho na sumapi sa isang unyon. Ano ang dapat mong gawin?
A. Agad itong tanggihan upang hindi ka mapag-initan ng may-ari.
B. Sumapi ng may pag-aalinlangan upang hindi layuan ng mga katrabaho.
C. Alamin ang mga adhikain, responsibilidad at benepisyo ng unyon bago sumapio tumanggi.
D. Huwag sumapi dahil labag ito sa batas sa paggawa.
7. Napansin mong nilalayuan ka ng mga dati mong kasamahan magmula ng itaas ka ng posisyon sa kumpanya.
Paano mo ito bibigyan ng solusyon?
A. Huwag silang pansinin.
B. Dapat lamang na iba na ang turing nila sa iyo.
C. Lumipat ng trabaho.
D. Kausapin sila at alamin ang dahilan.
8. Mula sa paisa-isang bilao ng puto at kutsinta ay naragdagan ang bilang ng order ni Aling Lucy mula sa isang
pamosong kainan. Ano ang maimumungkahi mo sa kanya?
A. Dagdagan ang pampaalsa upang lumaki ang nilulutong produkto.
B. Magdagdag ng tauhan upang matugunan ang order.
C. Bawasan ang mga sangkap upang lumaki ang tubo.
D. Humango ng puto at kutsinta sa mga kakumpetensiya upang matugunan ang order.
9. Sa pagtatayo ng negosyo sa isang pamayanan, ano ang unang dapat isaalang-alang?
A. Ang produkto at ang pangangailangan nito ng komunidad
B. Ang suplay ng mga materyales na gagamitin
C. Ang puhunan at ang tagal ng pagbalik nito
D. Ang tutubuin sa pagnenegosyo
10. Isang uri ng pangangalakal kung saan hindi alintana ang pagbabayad ng buwis sa pamahalaan.
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
ALTERNATIVE DELIVERY BUREAU-STUDENT INCLUSION DIVISION
Division of Butuan City
CENTRAL BUTUAN DISTRICT 1
Butuan Central Elementary School
Butuan City
A. nag-iisang pagmamay-ari B. sosyohan C. korporasyon D. kooperatiba
11. Natuklasan mo sa pinapasukang kumpanya na hindi ito sumusunod sa tamang timpla ng produkto na itinalaga
ng batas. Ano ang una mong dapat gawin?
A. Ipaalam sa iyong asawa ang iyong natuklasan.
B. Ipaalam sa DTI ang iyong natuklasan.
C. Hingan ng paliwanag ang iyong superbisor bago gumawa ng susunod na aksyon.
D. Magsawalang-kibo nang hindi mawalan ng trabaho.
12. Bilang isang may-ari ng negosyo, ano ang iyong gagawin kay Marciano na masipag subali't malimit na
magkamali sa paggawa ng produkto?
A. Bigyan ng huling abiso at sisantihan kapag umulit.
B. Sanayin siyang muli.
C. Huwag nang pansinin dahil sa kanyang kasipagan.
D. Ibawas sa kanyang sahod ang bawat maling produkto.
13. Bagong lipat ka sa pamayanan at napansin mong maraming puno ng sasa o nipa ang tumutubo sa gilid ng ilog.
Anong negosyo ang HINDI angkop sa lugar na iyon? Paggawa ng _______________.
A. kulambo B. suka C. tuba D. pawid
14. Ipinaalam ni Mang Damian sa pinapasukang kumpanya na siya ay may malubhang karamdaman. Binigyan ng
karampatang benebisyo si Mang Damian at saka tinanggal sa trabaho. Tama ba ang naging desisyon ng
kumpanya?
A. Oo, kung papayag si Mang Damian.
B. Oo, kung ang kanyang karamdaman ay lalampas ng anim na buwan na gamutan at/o wala ng
lunas.
C. Hindi, dahil labag ito sa batas sa paggawa.
D. Hindi, dahil maraming umaasa kay Mang Damian.
15. Tumaas ang palitan ng piso sa dolyar. Ano ang HINDI magandang magiging epekto nito?
A. Madaragdagan ang ipinadadalang pera ng mga OFW.
B. Tataas ang ating importasyon ng mga produkto mula sa ibang bansa.
C. Tataas ang eksportasyon ng ating mga produkto sa ibang bansa.
D. Tataas ang halaga ng ating utang-panlabas.
16. Para maiwasan ang anumang sakuna sa isang pagawaan, ang nangangasiwa ay dapat na
__________.
A. isara ang pagawaan
B. magtanggal ng ilang manggagawa
C. regular na siyasatin ang mga makina, pasilidad, at kagamitan
D. bigyan ng karagdagang sahod ang mga trabahador
17. Magiging mas produktibo ang isang manggagawa kung _____. 
A. ipagbabawal ang breaktime upang mas maraming produkto ang magawa
B. hahayaang magpahinga ang mga manggagawa hanggang gusto
C. babawasan o lilimitahan ang oras ng trabaho
D. bibigyan ng nararapat na benepisyo
18. Ang kalusugan, kaligtasan at kapakanan ng mga manggagawa ay tungkulin ng mga nangangasiwa. Ano ang
ibig sabihin nito?
A. Magsagawa ang mga may-ari ng kumpanya ng mga pagsasanay sa mga empleyado upang
higit silang maging produktibo
B. Magpagawa ang nangangasiwa ng klinika sa loob ng pagawaan
C. Kumuha ng serbisyo ng abogado upang protektahan ang kumpanya
D. Tiyaking ligtas sa anumang kapahamakan ang mga trabahador sa kanilang
Pinagtatrabahuhan
19. Sinasabing nakapapatay ng ibang kabuhayan ang iresponsableng pagmimina. Ang patotoo nito ay ______. 
A. hindi binigyan ng may-ari ng minahan na magkaroon ng ibang hanapbuhay ang mga taong
nakapaligid sa minahan
B. nasisira nito ang ilan sa mga likas na yaman na pinakikinabangan ng ibang tao
C. kinukuha ng mga minero ang lahat na likas na yaman na nakapaligid sa lugar na
kanilang pinagmiminahan
D. direkta nitong pinapatay ang mga hayop na nakatira sa kagubatan
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
ALTERNATIVE DELIVERY BUREAU-STUDENT INCLUSION DIVISION
Division of Butuan City
CENTRAL BUTUAN DISTRICT 1
Butuan Central Elementary School
Butuan City
20. Ilan sa mga suliraning pagkalusugan sa urban na lugar ay ang bronchitis, hika, at sinusitis. HINDI
makalulutas sa sitwasyong ito ang _____.
A. paggamit ng leaded na gasolina na nagtataglay ng carbon monoxide
B. pagsusunog ng mga basura para kumaunti ang kokolektahin
C. pagreresiklo ng mga plastic at di nabubulok na mga bagay
D. regular na pagtsek sa mga sasakyan
21. Upang lumago ang produksyon ng panamim, gumanda ang kita, at mabayaran ang kapital na inutang,
nararapat na ang isang magsasaka ay ________.
A. bilhin lahat ang nagustuhang pataba
B. komunsulta sa eksperto sa pagsasaka
C. dagdagan ang inutang na kapital
D. sumubok ng iba’t ibang pestisidy.
22. Ang malakas at malawak na kapangyarihan sa pamilihan ng mga prodyuser sa monopolyong anyo ng
negosyo ay nangangahulugan na ______.
A. may pagsasabwatan sa presyo ng produkto ang mga negosyante
B. mataas ang presyo sa magkauring produkto
C. limitado lamang ang suplay na ipinagbibili sa pamilihan
D. malakas ang control ng mga negosyante sa suplay ng produkto
23. Ang mga babala na nakapaskel sa mga pinagtatrabahuhang lugar ay nagsisilbing _____. 
A. kasangkapan
B. kagamitan
C. paalala na mag-ingat sa bawat sandali
D. dekorasyon sa mga dingding at pasilya
24. Isa sa mabuting epekto ng teknolohiya sa pamumuhay ng mga tao ay _____.
A. naiimpluwensiyahan nito ang pag-uugali ng mga tao
B. nakapagpadala ito ng mataas na pamantayan sa ating buhay
C. nakapagpadala ito ng mababang pamantayan sa ating buhay
D. lumikha ito ng hindi sapat sa trabaho
25. Pagkatapos ng Super Typhoon Ulysses, tumaas ang presyo ng mga agrikultura na produkto. Ito ay sanhi ng
_____. 
A. pagtaas ng presyo sa pandaigdigang merkado
B. sadyang tumataas ang presyo ng mga produktong agrikultural tueing buwan ng Oktubre
C. nasira ang mga pananim at bumaba ang suplay
D. nasira ang mga taniman subali’t hindi naapektuhan ang suplay
26. Ano ang pangunahing katangian ng isang negosyante?
A. maraming koneksyon sa gobyerno
B. malaki ang kapital
C. risk-taker o hindi takot makipagsapalaran
D. ang tumubo ng Malaki
27. Upang lumaki ang ani, ang lupang pinagtataniman ay nararapat na may sapat na mineral. Ano ang gagawin
kung kulang ng mineral ang iyong taniman? 
A. pumili ng magandang binhi
B. lagyan ng pataba ang lupa
C. siguruhing may suplay ng tubig o irigasyon
D. magpapalit-palit ng tanim
28. Hindi makatutulong ang nasa ibaba upang mahikayat ang mga trabahador na magtrabaho nang magaling at
mahusay.
A. Pagiging parehas at tapat ang kumpanya sa mga empleyado nito
B. Binibigyan sila ng karampatang sahod, benebisyo at insentibo
C. Minamatyagan ng may-ari ang bawa’t kilos at galaw ng manggagawa
D. Binibigyan sila ng sapat na pahinga

29. Alin sa mga sumusunod ang karapatan ng isang manggagawa? 


A. Pumasok sa takdang oras
B. Magbayad ng tamang buwis
C. Tumanggap ng Christmas bonus
D. Tumanggap ng karampatang sahod
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
ALTERNATIVE DELIVERY BUREAU-STUDENT INCLUSION DIVISION
Division of Butuan City
CENTRAL BUTUAN DISTRICT 1
Butuan Central Elementary School
Butuan City
30. Anong benepisyo ang hindi saklaw ng Batas Paggawa ng Pilipinas? 
A. araw ng pahinga
B. vacation leave
C. transportation allowance
D. regional minimum wage
31. Alin sa mga pangungusap ang TAMA?
A. Kailangang magpasyang mag-isa ang isang pinuno nang walang sinasangguning iba kundi mga lider
lamang.
B. Sinuman ay maaaring maging lider.
C. Lagi nang epektibong pinuno ang mga kilalang tao.
D. Hindi kailangang tumanggap ng mungkahi ang isang lider mula sa isang tauhan lamang.
32. Gustong maging pinuno ni Maricar sa kanilang klase. Anong katangian ang HINDI niya dapat tanglayin?
A. Ipagpilitan ang sariling pasya
B. May kumpiyansa sa sarili
C. Laging positibo
D. Nakikibagay
33. Alin sa mga sumusunod ang HINDI katangian ng isang pinunong awtoritaryan?
A. Bagay sa panahong kailangan ang madaliang desisyon o yaong may dedlayn
B. Kadalasang umaasa lamang sa kanyang sariling pasya
C. Nagpapaliwanag kung bakit ang kanyang desisyon ay para sa interes ng lahat
D. Nagtatalaga kung anong papel ang dapat gampanan ng mga tauhan
34. Anong uri ng pinuno ang nagbibigay ng gabay at hindi utos?
A. Awtoritaryan B. Nanghihikayat
C. Sumasangguni D. Nakikilahok
35. Alin sa mga sumusunod ang TAMA?
A. Isa lamang na uring pamumuno ang dapat gamitin sa lahat ng oras at sitwasyon para hindi malito ang
mga tauhan.
B. Dapat gumamit ng awtoritaryan na pamumuno lalo na't kailangan ang madaliang pagpapasiya at pasibo
ang mga kasamahan.
C. Lagi nang mahusay ang pamumunong nakikilahok sa lahat ng panahon at sitwasyon.
D. Ang nanghihikayat na lider ay kumukunsulta sa grupo.
36. May bagong sistema sa paggawa ang ipinaliwanag ni G. Ramos sa kanyang mga tauhan. Ano ang dapat
niyang gawin matapos ang pulong?
A. Hayaang magtanong ang mga tagapakinig upang matalakay pa ang Sistema.
B. Bigyan ng pagsusulit ang grupo upang malaman kung sino ang nakikinig.
C. Ihanda ang isang masaganang pagsasalo para sa grupo upang masiyahan ang mga ito.
D. Pauwiin nang maaga ang mga tauhan upang makapagpahinga.
37. Para maging matagumpay ang isang grupo, ano ang nararapat?
A. Ipakita ang kanya-kanyang husay at galling
B. Gawin ng mga kasapi ang diskarte ng bawa't isa
C. Ipasa sa iba ang gawaing nakaatang kung hindi kayang gawin
D. Magkaroon ng iisa at malinaw na layunin
38. Ano ang tamang pagkakasunod-sunod ng mga hakbang sa paglutas ng isang problema?
1. Pagpili at pagsagawa ng solusyon
II. Pagsuri sa solusyon
III. Pagkalap ng mga ideya kung paano lutasin ang problema
IV. Pagkilala sa problema at pagkalap ng mas maraming impormasyon
A. III, IV, II, at I B. IV, III, II at 1 C. IV, III, I, at 11 D. III, IV, I at 11
39. Sa anong sitwasyon makikita ang pakikiisa at pakikipagtulungan?
A. Bayanihan B. Kapistahan C. Prusisyon D. Halalan
40. Sa anong grupo ng mga hayop mapagmamasdan ang mabuting pamumuno, pagkakaisa, at pagtutulungan?
A. Talangka B. Langgam C. Paruparo D. Palaka
41. Nais ni Mando na makahanap ng trabaho. Aling parte ng pahayagan ang dapat niyang basahin?
A. Lathalain B. Pangulong-tudling C. Anunsyo-klasipikado D. Orbitwaryo
42. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang MALI?
A. Magkaiba ang bio-data/resume at cover letter ng aplikasyon
B. Magkaiba ang tagapanayam sa isang job at informational interview
C. Magkaiba ang pagsusulat ng bio-data at resume
Republic of the Philippines
Department of Education
CARAGA ADMINISTRATIVE REGION
ALTERNATIVE DELIVERY BUREAU-STUDENT INCLUSION DIVISION
Division of Butuan City
CENTRAL BUTUAN DISTRICT 1
Butuan Central Elementary School
Butuan City
D. Magkaiba ang layunin ng isang job at information interview
43. Isa sa mga dahilan kung bakit hindi natatapos ni Elisa ang kanyang gawain sa oras ng trabaho ay dahil tawag
nang tawag sa telepono ang kanyang mga kapamilya. Ano ang nararapat niyang gawin?
A. Patayin ang kanyang cell phone sa oras ng trabaho.
B. Abisuhan ang kanilang sekretarya na huwag ipasa sa kanya kapag kaanak ang tumatawag.
C. Talakayin at ipaliwanag sa mga kapamilya ang mga tuntunin o regulasyon ng kumpanyang
pinapasukan.
D. Huwag ibigay sa mga kapamilya ang numero ng kanyang cell phone at telepono ng kumpanya.
44. Bago ang superbisor ni Tomas sa pinapasukang talyer. Maliban sa taas ng pinag-aralan, batid niya na mas
marami siyang kaalaman at karanasan sa kanyang amo. Madalas ay hindi niya pinakikinggan ang mga ideya ng
kanyang boss. Kung magkaminsan ay hindi rin niya sinusunod ang ipinag-uutos nito. Isang araw ay ipinatawag si
Tomas ng may-ari ng talyer at binigyan ng babala. Ano sa palagay mo ang katangiang kulang kay Tomas bilang
trabahador?
A. Pakikiisa at pakikipagtulungan
B. Pagsunod at pagrespeto sa nakatataas
C. Pakikisama
D. Aktibong pakikipag-usap
45. Alin ang HINDI nakagagambala sa isang layunin o gawain?
A. Pagtuon sa iskedyul
B. Maingay na kapaligiran
C. Pagpapaliban ng mga dapat tapusin
D. Ituring na magkakapareho ang bawa't gawain
46. Dahil sa layo ng nabiling bahay sa kumpanyang pinagtatrabahuhan, palaging huli sa pagpasok si Adela. Ano
ang maipapayo mo sa kanya?
A. Humanap ng ibang trabaho at kumpanyang malapit sa tinitirhan
B. Umuwi nang huli sa hapon para punan ang nahuling oras sa umaga
C. Pumasok nang mas maaga kaysa sa nakaugalian
D. Lumipat ng tirahan na mas malapit sa pinapasukan
47. Mapapangasiwaan nang tama ang oras sa bahay at/o trabaho kung WALA nito:
A. Planning B. Prioritizing C. Procrastinating D. Organizing
48. Ano ang resulta ng hindi pagsunod sa mga panuntunan o regulasyon sa pinagtatrabahuhan?
A. Babala B. Parusa C. Pagkawala ng trabaho D. Lahat ng nabanggit
49. Alin ang HINDI bentahe ng tamang pangangasiwa sa oras sa iyong pansariling buhay?
A. bawas utang at tensyon
B. promosyon sa trabaho
C. maraming oras sa pamilya at kaibigan
D. mas mainam na buhay-mag-asawa
50. Alin ang HINDI magandang pag-uugali at asal sa pinagtatrabahuhan?
A. Kausapin ng positibo at may respeto ang namumuno at kapwa kawani.
B. Iwasang pag-usapan ang mga isyung pampamilya hangga't maaari.
C. Balewalain ang mga puna o feedback ng mga namumuno at kapwa kawani.
D. Maging matapat upang makuha ang respeto ng namumuno at kapwa kawani.

You might also like