You are on page 1of 115

Republic of the Philippines

Commission on Higher Education


Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

VISION I. KURSO: L 105 – PANUNURING PAMPANITIKAN


II. PAKSANG ARALIN : Kabanata 2- Mga Saligan ng Panunuring
A center of human Pampanitikan
development committed to the
pursuit of wisdom, truth, justice,
pride, dignity, and local/global PAKSA Time –Frame
competitiveness via a quality but 21. Mga Piling mga Akda at
affordable education for all
qualified clients.III. Pagkikritika
LAYUNIN: 2.2. Ang Dagli at Maikling
MISSION 6 na oras
Establish and maintain an Kwento
academic environment promoting 2.3 Ang Dula
the pursuit of excellence and the
total development of its students 2.4 Ang Talumpati
as human beings, with fear of God
and love of country and
2.5 Ang Tula
fellowmen.
a. Nakapagtatalakay ng mga akdang Pampanitikan
GOALS
na sumasalamin sa iba’t ibang aspekto ng
Kolehiyo ng Lungsod ng Lipa
aims to: pamumuhay, kultura, lipunan, pamahalaan at
1. foster the spiritual, intellectual, kasaysayan ng sambayanang Pilipino.
social, moral, and creative life of
b. Nakapagpapahayag ng may kabisaan ukol sa
its client via affordable but quality
tertiary education; pasalita at pasulat na tradisyon ng panitikang
Pilipino.
2. provide the clients with reach
and substantial, relevant, wide c. Nagiging kasangkapan sa pagpapalaganap ng
range of academic disciplines,
expose them to varied curricular pambansang wika
and co-curricular experiences
which nurture and enhance their d. Nakapag-uugnay ng mga kasanayan mula sa iba’t
personal dedications and ibang larang at disiplina tungo sa pagsusuri at pag-
commitments to social, moral,
cultural, and economic unawa sa iba’t ibang akdang pampanitikan.
transformations. e. Nakapagsusuri at analisa ng mga akdang
pampanitikang likha ng mga manunulat na Pilipino
3. work with the government and
the community and the pursuit of
mula sa iba’t ibang wika – Filipino, Banyaga at
achieving national developmental Bernakular tungo sa kaisipang Filipinolohiya.
goals; and f. Nakababasa at nakauunawa ng mga
kontemporaryong akdang pampanitikan tangan
4. develop deserving and qualified
clients with different skills of life ang Malaya at progresibong kaisipan.
existence and prepare them for
local and global competitiveness. g. Kritikal na nakapagsusuri ng mga akdang
pampanitikan gamit ang lente ng maka-Pilipinong
pananaw. CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

IV. PAKIKIPAGPALIHAN

Ang Sanaysay

Ano nga ba ang sanaysay?

Ayon sa makatang si Alejandro G. Abadilla ang sanaysay ay hango sa pahayag na


“Pagsasalaysay ng isang sanay” kung saan ito ay kakikitaan ng dalawang sangkap ang
“Salaysay” at “Sanay” – dalawang salita na pinaghanguan ng salitang sanaysay. Marahil, ito ay
bunga na rin ng pagkahilig ng mga Pilipino sa pagsasalaysay bilang isang anyo ng
pagpapahayag, samantalang ang sanay naman na binanggit sa aklat ni
Lilia Antonio, ay maiuugnay sa ‘pagiging sanay ng mananaysay sa paksang tinatalakay, lalo na,
ang paggamit ng kasanayan sa wika at gamit ng wika.

Tinalakay ni Lilia Santiago (2006), malimit na narration sa Ingles ang itinutumbas natin sa
salitang pagsasalaysay, subalit napakalawak kung susuriin ang sakop ng salitang ito kung
isasama o iuugnay sa iba pang uri ng pagpapahayag. Isang halimbawa nito ang salitang
kasaysayan na binigyan ng depinsyong “mga salaysay na may saysay.”Sa kabilang banda, ang
sanaysay ay may paglilinaw ng mga bagaybagay, paglalatag ng paninindigan upang humikayat
o kumunbinsi sa iba ukol sa isang punto. Maaring maglaman ito ng pagsusuri at pagmumuni,
pag-uulat at pagpapaliwanag o pangangaral o sermon.

Ang sanaysay ay isang uri ng akda na nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang


pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang kinapupulutan ng ng aral
at aliw ng mga mambabasa. Komposisyon itong taglay ang tatak ng panlasa at hilig, reaksyon
at palagay, saloobin at paniniwala, kalagayan at katauhan, karanasan at kaalaman ng bawat
may-akda (Arrogante, 2007).

Taliwas ang depinisyon ni Abadilla sa isang naunang tradisyon ng essay, na siyang


madalas na itinutumbas natin sa sanaysay. Sa tradisyong Europeo, na pinagmulan ng anyo ng
pagsulat ng essay, “pagtatangka” o attempts o eksplorasyon ang unang nagging ibig sabihin
nito. Ayon ito sa French writer ng 1500s na si Montaigne na gumamit ng katagang “Essais”
bilang pamagat ng kaniyang mga sulatin tungkol sa mga personal at trivial na danas sa bias ng
impormal; na wika at asta (Santiago, 2006).
Dagdag pa niya, si Francis Bacon, manunulat sa Ingles ang nagpasimuno sa mapanuring
pagmumuni, analitikal, pilosopikal at impersonal na gamit ng essay. Magmula kay Bacon,
CTE
magagamit ang essay upang magpamansag ng malalim na kabatiran, palaisipan at katuturan
ng pag-iral. Kaya, sumulat ng mga pormal/impersonal na essay ang mga makatang John Milton
at Alexander Pope. Sa America, nakilala bilang bihasang essayilst sina Oliver Wendell Homes.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Ralph Waldo Emerson, si Samuel Clemens o Mark Twain, na nagpatampok sa political satire
bilang instrumento upang labanan ang imperyalistang pananakop ng Estados Unidos sa
Pilipinas. Sa deakada 60 naman nakilala si Susan Sontag bilang essayist na nagpanukala ng
kakaibang pagsipat sa sining sa kaniyang akdang “Against Interpretation” (1964).

Mga Uri ng Sanaysay

May dalawang uri ng sanaysay:

Ang sanaysay na pormal o maanyo - sanaysay na tinatawag


din na impersonal kung ito'y maimpormasyon. Naghahatid ng mahahalagang kaisipan o
kaalaman sa pamamagitan ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales
tungo sa ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Maayon rin ito kung turingan sapagkat
ito'y talgang pinag-aaralan. Maingat na pinili ang pananalita kaya mabigat basahin.
Pampanitikan kasi kaya makahulugan, matalinhaga , at matayutay. Mapitagan ang tono dahil
bukod sa ikatlong panauhan ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-
akda. Ang tono nito ay seryoso, paintelektuwal, at walang halong pagbibiro.

Ang sanaysay na pamilyar o palagayan ay mapang-aliw, nagbibigay-lugod sa


pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksaing karaniwan, pang araw-araw at personal.
Idinidiin nito dito ang mga bagay-bagay ,mga karanasan ,at mga isyung bukod sa kababakasan
ng personalidad ng may-akda ay maaaring empatihayan o kasangkutan ng mambabasang
medya. Ang pananalita ay parang pinaguusapan lamang, parang usapan lamang ng
magkakaibigan ang may-akda, ang tagapagsalita at mga mambabasa at ang tagapakinig , kaya
magaan at madaling maintindihan. Palakaibigan ang tono nito kaya pamilyar ang tono dahil ang
paunahing gamit ay unang panauhan. Subhetibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at
paniniwala ng may-akda ang pananaw.

Sa websayt naman na purdue.edu inuri sa apat ang pagsulat ng sanaysay:

1. Sanaysay na naglalahad – isang uri ng sanaysay na nangangailangan ng pagsusuri sa


ideya, pagtataya ng mga patunay, pagpapalawak ng kaisipan, at pagtakda ng
pangangatuwiran ukol sa ideya o kaisipan sa malinaw at tiyak na paraan. Ito ay ginagamitan
ng paghahambing at pagkokontrast, paglalahad, pagbibigay ng halimbawa, pag-aanalisa ng
sanhi at bunga at iba pa.

2. Sanaysay na naglalarawan – sanasay na ginagamit sa paglalarawan ng isang tao, bagay,


lugar, pangyayari, damdamin, sitwasyon at iba pa. Ito ay uri ng sanaysay na CTE
humihimok sa
kakayahan ng mga mag-aaral na sumulat batay sa partrikular na karanasan. Higit pa rito,

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

hinahayaang ang mga manunulat na gamitin ang kalayaan sa paglikha, layunin nitong
magkintal ng imahe sa isip ng mga mambabasa.

3. Sanaysay na nagsasalaysay – Maaaring isipin na ito ay isang uri ng pagkukuwento, ang


ganitong uri ng sanaysay ay malimit na gumagamit ng anekdota, karanasan at may
pagkapersonal – hinahayaan nitong ang mga magaaral na ihayag ang kanilang saloobin
gamit ang pagiging malikhain.

4. Sanaysay na nangangatwiran – isang uri ng sanaysay na matamang nagsusuri sa isang


paksa, nangongolekta ng datos, nakalilikha at nakapagsusuri ng mga ebidensya at
nakapagpapatibay ng tindig o panig ng isang paksa sa tiyak na paraan sa pagbuo ng
argumento o pangangatwiran.

Katangian ng Mahusay na Sanaysay

Ang isang mahusay na sanaysay ay may mga sumusunod na katangian


(Santiago, 2006):

1. Kailangang may mahusay na ideya. Ang ideya pa rin ang nagdadala ng sanaysay.Kahit
napakapino ng wika, kahit napakabongga ng estilo kung hungkag ang ideya, hindi pa rin
magiging mahusay ang sanaysay.

2. Kailangang masinop at organisado. Dito magagamit ang mga kasangkapang panretorika sa


pamamahayag. matapos matiyak ang sentral na ideya, piliin din ang sentral na layon at
paraan ng pagpapalawig ng ideya. Ang pagsinop ay nangangailangan ng disiplina. piliin
lamang yaong mga ideya na isasangkot sa talakay at iwasan ang pagpapahayag sa kung
saan-saang paksain at pagkakaroon ng maraming pag-iiba ng focus ng sanysay. Gayundin,
mainam kung manatili sa isa o dalawang paraan ng pamamahayag ang mga ideya.

3. Litaw ang sariling tinig. Isang napakahirap na hamon ito pero ang totoo, sa sanaysay
nasusubok kung mayroon ngang sariling estilo o tinig ang isang manunulat.

4. Dapat may sariwang pagtingin o perspektibang inihaharap. Iba na ang sariwa. hindi
kinakaingang bago kundi sariwa. Tulad n g isda, makikilatis ang sariwa sa bilasa at kahit
paulit-ulit na tinatalakay ang ideya kung may panibagong pagtingin o perspektiba mas
katakamtakam ito.

5. Maging bukas sa mga pagbabago o puna. Ang kahingiang ito ay isang tatak ng pagiging
mahusay na manunulat. Bigotry ang tawag doon sa ayawa tumanggapCTE ng puna at
posibilidad ng pagbabago sa pagtingin man o sa sinisiyasat, inihaharap na sanaysay.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Ito’y malalagom gamit ang katagang MASIGABU, na tulad ng masigabo ang palakpak sa isang
sanaysay kung ito ay (Santiago, 2006):

MA May mahusay at sariwang ideya.


SI Masinop ang organisasyon at pagkakalahad.
GA Gamit ang sariling estilo at tinig.
BU Bukas sa mga posibilidad ng pagbabago.

Sa aklat naman ni Arrogante (2007), nagbigay rin siya ng mga katangiang dapat taglayin
ng isang mananaysay. Ito ay ang mga sumusunod:

• mabilis ang utak


• sensitibo sa kapaligiran
• may lagging tugon at hinuha sa interes ng buhay, ng tao, at ng mga bagay-bagay
• may kakayahang manuklas ng mga bagay-bagay na hindi nakikita ang panlabas lamang
• malikhain at orihinal sa isip
• may mapiling panlasa
• may kalugurang mapagkakatiwalaan
• may kabatiran sa mga kaalamang makabago hinggil sa makataong kapakanan
• pamilyar sa mga mabubuting panitikan at iba pang sining.

Mga Halimbawa at Panimulang Pagsusuri ng Sanaysay

TULA: KAISAHAN NG KALAMNAN AT KAANYUAN Alejandro G.


Abadilla

ANG SANAYSAY, o makurong lathalain, ng kasamang Iñigo Ed Regalado, sana ay


nagbunga ng pagkikibit na lamang ng balikat (na madalas kong ginagawa mula sa kamakailan)
kundi sa ilang katangiang hindi bihirang taglayin ng isang karaniwang lathalain, sanaysay, o
anumang babasahing pampanitikan. Samakatuwid, mahihinuha ninyo agad, hindi pa man na
hindi ko tangkang sumagot sa kasamang Regalado, ni makipagtalo kaya sa kanya sa isang
paksang mandin ay siya ang may karapatang sumarili (maliban kung anng kasamang Amado
V. Hernandez na katulad din niyang Makata ng Pamahalaan at lawriyado ay makihati sa kanya.
CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Datapwa, sa kabila ng kamalayang iyan, na maaga pa’y nais ko nang matalos ninyo, ay
hindi ko rin napaglabanan ang tukso, wika nga, at ito’y upang masabi ko lamang naman marahil
sa inyo ang mahalagang katotohanang tao lamang ako at isang taong nabubuhay sa ilalim ng
di-pangkaraniwang kalagayang dulot sa atin ng digmaan sa bahaging ito ng daigdig. Ngayon
pa’y inyo nang makukuro, sa gayon, na ang paglabas kong ito (kung palabas nga) sa
mapanganib na larangan ay dulot hindi ng likas na sarili kundi manapa’y bunga ng di-
pangkaraniwang kalagayan ng panahong ginagalawan nating lahat.

Isa sa ilang katangiang nakatawag ng aking pansin ay ang mahalagang pahayag ng


kasamang Regalado na diumano, sa kanyang pakiwari ang puntahin ngayon ng itinuturing na
mga makabago ay ibagsak at lansaging ganap ang katutubong balangkas ng Tulang Tagalog at
palitan ng balangkas ng Tulang Inggles na hatid at naiwan sa atin ng mga Amerikano. Sa di
iilang pagkakataon, ang balangkas na tinutukoy at sinasabing katutubo ay ang tugma at sukat,
na mandin kung wala ang mga ito ang isang akda ay hindi matatawag na tula sang-ayon sa
wastong pagkilala ng sining.

Ang palagay ng kasamang Regalado, sa unang malas, di maikakait ay hindi matututulan,


sapagkat ako man naman ay naniniwalang panahon nla ito upang makilala natin ang sarili at
mga katangiang katutubo nating mga Pilipino. Subalit ang paratang niyang diumano’y hangad
ng mga makabagong lansaging ganap ang katutubong balangkas ng Tulang Tagalog ay hindi
ganap na totoo, kung totoo mang masasabi.

Hindi totoo, ang wika ko: una, sapagkat ang sinasabing katutubong balangkas sa bisa ng
tugma at sukat ay hindi sarili ng Tulang Tagalog kundi ng lahat nan g panulaan sa daigdig.
Kung tunay na ang mga makabago, sa kanilang kalayaan ay walang hangad kundi lansagin
ang katutubong balangkas ng panulaang pandaigdig, ay ano’t ang mga makabago lamang ng
panulaang Tagalog ang siyang pananagutin sa pagkakasala, kung pagkakasala nga? Ang
kapinsalaan, ng sinasabing pagkakasala, ay pandaigdig: bakit ang mga makabagong makatang
Tagalog lamang ang ibig panagutin? Kung ang kabuuan ng mga mambabasa ay hukuman, ang
hukumang ibig pahatulin ng kasamang Regalado, sa malas ko’y walang kapangyarihang
makapaglitis, kaya walang karapatang makahatol, sapagkat maliwanag na lumalabas na ang
usalin ay malaki kaysa larangan ng kapangyarihan ng hukuman. Ikalawa: sapagkat ang
sinasabing katutubong balangkas ng Tulang Tagalog, sa bisa ng tugma at sukat, ay hindi
kabuuan ng mga katutubong balangkas ng Tulang Tagalog at ito’y sa katotohanang ang
panulaan natin, ayon sa patotoo ng mga mananalaysay, ay mayroon ding malayang taludturan
na siya ngayong kinagigiliwang gawin ng mga makabago. Kung ang ikalawang matuwid na ito
ay totoo, ay ano’t masasabing ganap na palgansag ang ginagawang pagbuhay lamang sa mga
katangiang katutubo n gating panulaan.
CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Hindi nagkakamali ang kasamang Regalado nang siya na rin ang magsabng “ ako’y
sadyang naniniwala na ang kabaguhan ay isang bagay na di maiiwasan sa mabilis na takbo ng
pagkasulong.” Kung ang malayanng taludturan ay maipalalagay na kabaguhan sa tulang
Tagalog, ayon na rin sa pagtanggap ng kasamang Regalado, at siya naman ay naniniwala na
iyan ay isang bagay na hindi maiiwasan, ay ano pa kaya ang pagtatalunan sa bagay naito?
Hindi kaya maliwanag na hindi paglansag nni pagwasak sa katutubong balangkas angn
ginagawa ng mga makabago, lalo pa nga kung isasaalang-alang ang katotohanang iyan man
naman palang sinasabing malayang taludturan ay hindi narin bago at bahagi pa nga ng
katutubong balangkas ng Tulang Tagalog.

TANGGAPIN NAMAN natin, alang-alang man lamang sa usapan, na ang ginagawa ng mga
makabago ay pagwawasak nga ng katutubong balangkas n gating panulaan, at ang tinurang
pagwawasak ay isinasakatuparan sa pamamagitan ng pagiwas sa tugma at sukat. Subalit nais
ko naming sabihin sa inyo, na ang pagwawasak na ito ng mga makabago ay makabuluhan,
kaya mapaglikha at sapagkat mapaglikha, kaya dakilang pagwawasak.

Ang balangkas, ang pamamaraan, o ang kaanyuan, kung baga sa tao, ay damit lamang ng
tula. Ano kaya ang masama sa isang taong nagbabagong-bihis lamang sa kanyang
kapamuhayan? Ang pagbabagong-bihis sa malas ko, ay kailangan: una pagbagay marahil sa
sumisibol niyang kamalayan; at ikalawa, pagkatakot marahil mangamoy ang katawan na
maaaring likhain ng basahan na niyang damit na nagpuputik na sa dumi. At ang damit, sa
kaisipan ng isanng taong umuunlad, kahit gaano kamahal o kaganda ay nawaw;alan ng bisa sa
mata ng ibang nagmamalas kung iyon at iyon din ang nakikitang isinusuot araw-araw. At ang
makata, palibhasa’y tao, ay hindi makaiwas sa di-maiwasang katotohanang iyan sa kanyang
buhay at pakikipamuhay. Di natangi sa ibang kaguro, ang makabagong Makatang Tagalog, ay
ganyang isang nilikhang tumatangging maiwan ng panahon, isang kaluluwang aayaw
mangamoy dahil sa iyon at iyon ding damit na naluma na sa katawan.

Sa katotohanan, ang mga makabago ay wala naming ginagawang katampalasanan sa sarili


sa pagsusuot ng bagong damit. Ang ginagawa lang naman ng mga makabago ay halinhan ang
luma at marumi na, sa hangad marahil na ito ay palabhan lamang at hindi upang was akin o
ilagay kaya sa basurahan. Hindi nga kaya ganyan lamang ang dapat gawin ng isang mai
sumisibol na pag-iisip – magbago? Hindi kaya ang pagbabagong ganito, kung pagwawasak ay
makabuluhang pagwawasak? At sapagkat makabuluhan, kaya mapaglikha at dakilang
pagwawasak.

Ang isa pang bagay na nais kong ipatlig sa inyo ay ito: na pagwawasak manCTE
ang pag-iwas
sa sukat at tugma sa pagtula ay pagwawasak na mabuti sapagkat may bagong balangkas na
ibig itayo. Ang isang tunay na mamamayan ng daigdig ay may katwirang huwag masiyahang

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

mamahay sa luma’t sira-sira na niyang kubo kung may kaya rin lamang siyang makapagtayo ng
ibang naiiba at nababago. Ano ang masama kung pagkatapos maigiba ang giring-giring na
niyang kubong pawid at kawayan ay makapagtayo siya ng isang bahay na kongkreto at
maaliwalas pang pamahayan? Ano, sa malas ninyo, hindi kaya mabuting di palak ang ganitong
pagwawasak kaysa pagbubuong walang kapara-pararakan, sapagkat walang binubuo kundi
ang buo na?

Hindi ako salungat sa damdaming makalahi subalit nakalulungkot makitang ito’y


ginagawang luhuran lamang ng ibang tumatangging magpakilala ng kanyang matatag na
katauhan sa pagharap sa buhay.

SA AKING PAKIWARI, ang balangkas o pamamaraan sa tula ay hindi mahalaga. Sa


papatayin mang hayop, ang mahalaga ay ang kalamnan, at ito sa tula ay ang damdaming
matulain – yaong damdaming may hubog, may kulay at may tinig. Datapwa’t higit sa damdamin
ay ang makata sa kanyang sarili niyang kakanyahan na iba sa lalong malapit niyang katulad.
Ang makata, sa kanyang sarili, ay nag-iisang batayan, nag-iisang balangkas at nag-iisang
pamamaraan ng paglikha. At sa mga sandaling siya’y nasa ilalim ng kapangyarihan ng
damdaming ayaw nang magpatantan, ang makata, ang tunay na makata ay may ganap na
kalayaan sa pagpili ng mga balangkas at pamamaraang naaangkop sa pagsasakatuparan ng
lunggati sapagpapahayag. Sa ang maibigan man niya sa mga sandaling yaon ng paglikha ay
angn luma o bagong pamamaraan bilang kasangkapan, ito’y hindi gaanong mahalaga. Sapat
na sa kanya ang damdaming nag-uumapaw sa puso at di masayod na damdamin sa kaluluwa
upang sa pamamagitan niya, ng sariling di hawa sa iba, ay makalikha pagkatapos ng isang
munting tula, isang tulang iba kaysa kapangalang nalikha sa bisa ng mababaw na kapormalan
ng kombensiyon.

Hindi kailangang hadlangan ang makata sa kalayaang dapat lubusang pagpasasaan. Kung
ang damdamin ng makata, samantalang hindi pa naibubulalas, ay mayroon ng sukat at tugma,
ay ano ang makahahadlangn sa kanya upang ibulalas na may sukat at patugma? Datapwa,
kung ang damdaming iyang nasa makata ay lalong mabuting pahayag, sa ngalan ng guniguni,
sa pamamagitan ng pag-iwas sa sukat at tugma ng pinagkagawiang pagtula, ay ano ang
makahahadlang sa kanya upang siya’y magpahayag ng damdamin sa pamamagitan ng
malayang taludturan?

Diyan ay maliwanag na ang tula ay wala sa pagkakaroon ng sukat at tugma, at wala rin sa
pag-abuso ng kakawag-kawag na damdamin sa kalayaan ng pagpapahayag. Ang tugma at
sukat ay hindi garantiya sa mabuting tula, at ang paagbakli-bakli ng mga taludtod ay hindi rin
katibayan ng mabuting malayang taludturan. Ang tula ay tula sa anumang sukat ang ginagamit
ng diumano’y makabago o makaluma. CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Bago ako magwakas ay nais ko paring sabihin sa inyo na ang daloy o ritmo, sa tula ay
siyang mahalaga – hindi yaong daloy na panlabas kundi yaong daloy na panloob. At ang daloy
na panloob ay ang pagkakaisa at natural na pagkaksundo ng kulay, tinig at hubog ng
damdamin ng makata, sa isang dako, at ng mga salita bilang sangkap o mabisang sangkap sa
pagpapahayag ng kagandahan sa kabila tungo sa ikapagkakahulugan nito sa damdamin ng
mambabasa.

Tula: Kaisahan ng Kalamnan at Kaanyuan ni

Alejandro G. Abadilla

(Panimulang Pagsusuri ni Jomar G. Adaya)

Mapagbuong Pagwasak

Ang sanaysay na ito ni Alejandro G. Abadilla ay lumabas sa Liwayway noong Hulyo 8,


1944 bilang tugon sa kritisismo ni Iñigo Ed Regalado. Kilala si Abadilla bilang modernista ng
panulaan sa kanyang panahon kaya masisilayan sa sanaysay ang pinanananigan niyang ideya
sa pagsulat ng tula. Ang layunin niya’y magkaroon ng kalayaan ang makata sa pagpili ng
balangkas at paraan sa pagtula na nang mga panahong iyon ay hindi maunawaan ng mga
manunulat na itinuturing na haligi ng panitikang Tagalog. Winika niya:

Ang makata, sa kanyang sarili, ay nag-iisang batayan, nagiisang balangkas at nag-


iisang pamamaraan ng paglikha. At sa mga sandaling siya’y nasa ilalim
ng kapangyarihan ng damdaming ayaw nang magpatantan, ang makata,
ang tunay na makata ay may ganap na kalayaan sa pagpili ng mga
balangkas at pamamaraang naaangkop sa pagsasakatuparan ng lunggati
sa pagpapahayag… Hindi dapat hadlangan ang makata sa kalayaang
dapat lubusang pagpasasaan..

Malinaw sa pahayag ni Abadilla mula sa kanyang sanaysay na ang makata ay sentral ang
ginagampanan sa malayang pagpapahayag ng mga sangkap at balangkas ng tula. Hindi
marapat pigilan ng sinuman, kahit pa ng mga maituturing na establisyamento ng panulaan ang
pagbabago ng mundo na kailan man ay hindi tumigil sa pag-ikot upang higit pang
CTEmatuklasan
ang mga kalinangang sarili at pambansa. Ang sanaysay na ito ay isang testamento ng
paghuhugis sa bagong mukha ng panulaan nang panahong iyon at pagpipinta ng tunay na

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

kahulugan ng modernistang paniniwala ni Alejandro G. Abadilla. Nilinaw niya na mali ang


paniniwala ng mga kritiko na ang makabago ay may layuning ibagsak at lansaging ganap ang
katutubong balangkas ng Tulang Tagalog at palitan ng Tulang Inggles na mula sa mga
Amerikano. Ang tinutukoy na balangkas at katutubo ng tula ay ang sukat at tugma na siyang
batayan ng pagiging tula ng isang tula sa pagkilala ng sining. Itinuturing noon na sagrado ang
pagkakaroon ng sukat at tugma ng tula kaya walang maaaring bumali lalo pa’t ang
establisyamento ng panulaan ay binalangkas ng mga matatandang makata na sumamba sa
sagradong katutubong balangkas.

Ipinaliwanag sa sanaysay na ang pagbabagong hangad ay hindi isang pagwasak. Ikinumpara


ni Abadilla ang usaping ito sa damit na kumakatawan sa balangkas, pamamaraan o anyo kung
saan ang pagbabago ay parang paglalaba ng damit na luma at marumi na. Hindi nito hangad
ang lapastanganin ang damit dahil kung gayon nga, ang nilalapastangan ng mga makabago ay
ang mga sarili rin nila. Kaya bakit sila gagawa ng bagay na wawasak din sa damit na kanilang
inalayan ng panata sa mahabang panahon? Dagdag pa niya, ang isang mamamayan ay may
katwirang huwag masiyahang tumira sa luma’t sira-sirang kubo kung may kakayahan naman
siyang makabuo ng ibang naiiba at nababago.

Kung gayon, maaari nating sabihing mapagbuo ang pagwasak na ito, kung pagwasak ngang
maituturing. Mapagbuo sapagkat ang hangaring pagbabago ay hindi upang burahin ang isang
balangkas at anyo kundi pintahan ng bagong kulay at himig tungo sa isang malayang
pagpapahayag.

Ang Laman at Anyo

Nais linawin ni Abadilla na ang balangkas o pamamaraan sa tula ay hindi mahalaga. Sa halip,
ang kalamnan nito na tumutukoy sa damdaming matulain, yaong damdaming may hubog, may
kulay at may tinig. Gayondin ang halaga ng ritmo o daloy na panloob na kabuuan ng
pagkakaisa at pagkakasundo ng kulay, tinig at hubog ng damdamin ng makata. Hiramin din
natin ang pahayag ni Clodualdo Del Mundo sa pagsusuri niya sa “Ako ang Daigdig” ni Alejandro
G. Abadilla:

Ang tunay na tula ay kailangang matigib sa damdamin, kinakailangang managano sa


kabuuan nito sapagkat kung hindi mapupuno sa damdamin, kailanma’y hindi
maaaring mabitag sa mga taludtod nito ang isang kagandahan. At ang
gandang kinakailangang mabihag ng mga taludtod at mga parirala saCTE
isang
tula’y yaong nakapupukaw sa isang banal na damdamin. Iyan ang tunay na

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

tula: nananagano sa masisidhing damdaming gumigising sa kabanalan ng


isang panimdim.

Ang tinutukoy na damdamin ni Del Mundo ay uusbong sa kapangyarihan sa pagpapahayag ng


isang makata. Sa kanyang sariling sumpa nakasalalay ang matigib na damdaming
mangingibabaw sa isang obra upang tiyak na lumambong sa puso ng mga mambabasa.

Malaki kung gayon ang papel na ginagampanan ng makata sa pagbuo ng damdamin at


balangkas ng anyo. Tulad ng nabanggit sa bandang unahan, ang makata ay sentral ang
gampanin sapagkat sa kanyang namumukod-tanging kakanyahan, batayan, balangkas at
pamamaraan ng paglikha, bumubukal ang tunay na anyo ng isang makata. Ang makatang
bukas ang kamalayan, maramdamin sa kanyang mundong ginagalawan at makapangyarihan
sa pagpapahayag ng mga kaisipang kayang damhin ng lahat, subalit hindi kayang ipahayag ng
pangkaraniwang tao.

Sa pagniniig ng mga nabanggit, tiyak na matitigib ang laman at makukulayan ang anyo
na magpapasilay sa tunay na kahulugan ng tula sa mundo ng panitikan. Ayon kay
Abadilla “Ang tula ay tula sa harap ng anumang sukat ang ginagamit ng diumano’y makabago o
makaluma.”

Ang Kamao ng Panulat ni AGA

Taong 1940 nang lumabas sa magasin na Liwayway ang tula niyang “Ako ang Daigdig” na
gumimbal sa panulaang Tagalog. Ang tulang iyon ay isang manipesto ng kanyang paglihis sa
tradisyon ng pagtula at pagkilos para sa pagbabanyuhay ng mukha ng panulaan. Walang takot
ang kanyang mga pahiwatig sa pag-alpas sa pagkakatali sa sukat at tugma. Gayonman
itinuring siya ni Clodualdo Del Mundo na namimilosopiya sa anyong paberso sa kanyang tula.
Isang pilosopo sapagkat hindi niya naipahayag ng matapat at taimtim ang damdamin na
katangian ng isang tula.

Ang paglaban sa sariling mundo ng sining ni Abadilla ay itinuturing niyang


CTE sining ng
pagpapatiwakal. Ito’y sa kadahilanang sa pagsuong sa disyerto, dadating ang panahon ng pag-
iisa at mauubos ang katas ng katawan hanggang sa lamunin ng alikabok at manatili na lamang

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

sa kasaysayan. Ayon kay Virgilio Almario sa kanyang aklat na Pitong Bundok ng Haraya
(2010), napakahirap maging dakila. Uulitin ko ang wika ni Abadilla, sining ito ng
“pagpapatiwakal”; isang “panata” para sa kalayaan para kay Ka Amado at malimit na sinusukat
ang katapatan at konsistensi pagkaraan ng kamatayan. Kaya higit na dumarating ang mga
gantimpala’t parangal kapag siguradong hindi ka na makapagbabagong-loob (sapagkat patay
ka na o ulyanin) para maging inconsistent.

Hindi matatawaran ang halos 30 taong krusada ni Alejandro G. Abadilla tungo sa paggiba sa
tinatawag niyang “kastilyong-moog ng lumang institusyon” (Almario, 2010). Subalit
nakalulungkot isipin ang katotohanang, ang pagtanggap sa mga kaisipan ng isang tao ay
kinikilala na lamang kapag siya’y patay na. Ang mga naiwan niyang kasaysayan ay buhay na
patunay ng pagsusulong ng kamulatan sa anumang sistemang umiiral. At ang lahat ng iyan ay
makikita sa mga obra niyang bumalangkas at bumago sa tradisyon ng panulaan.

Sa kabuuan, hindi pagsunod sa tradisyon ang mahihiwatigang tinig ng sanaysay, kundi


pagtatakwil sa sistema ng panulaan na hindi nagbigay ng sapat na kalayaan sa makata upang
lumikha.

Mga Gabay na Tanong sa Sanaysay ni Alejandro G. Abadilla

1. Ano ang nais patunayan ng argumento ni Alejandro G. Abadilla sa sanaysay?


2. Ano ang tinutukoy na kalamnan at kaanyuan ng tula?
3. Makatwiran ba ang ipinaglalabang pagbabago sa panulaan ng may-akda? Ipaliwanag.
4. Sa kabuuan ng sanaysay, anong makabuluhang ideya ang nais ikintal sa mga
mambabasa?
5. Ano ang diskurso ni Alejandro G. Abadilla? Naglalahad ba siya? Naglalarawan?
Nagsasalaysay? Nanghihikayat? Ipaliwanag?

SULYAP SA TULA NG PANGASINAN Renato R. Santillan

Isa sa matandang uri ng panitikan sa Pangasinan ay ang Anlong. Salitang mula sa wika
ng Pangasinan na ang ibig sabihin ay tula. Katulad din ng ibang tula sa wika ng Filipinas
nagsimula itong nagpasalin-salin sa bibig ng mga ninuno ng mga Pangasinan. Gaya ng tula sa
Tagalog, ang anlong ay may sukat at tugma rin. Gayundin, ang mga paksain ay CTE
karaniwang
pang-araw-araw na buhay ng isang taga-Pangasinan. Pansinin ang halimbawa sa ibaba:

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Walay manok kon taras


Bagsit a melamelag,
Bangno manongtongtong ak Siber
siber ed arap.

Kung susuriin ang sukat ng anlong sa itaas may pito itong pantig sa bawat taludtod.
Kung papansinin naman ang tugma nito, ang taras, melamelag, ak at arap sang-ayon kay Dr.
Jose Rizal ay nasa anyong malakas na katinig ang tugmaan. Malinaw sa halimbawang ito na
ang anlong ng Pangasinan ay walang pinagkaiba sa tugmaan ng tula sa Tagalog. Gaya ng
ibang wika sa Filipinas, umusbong ang panulaan ng Pangasinan bago pa dumating ang mga
Kastila. Subalit habang nasasakop ang bansa ng mga dayuhan unti-unting napag-iwanan at
naglalaho ang panulaan ng Pangasinan sa iba pang wika ng Filipinas. Ito ang malaking
paniniwala ni F. Sionel Jose, Pambansang Alagad ng Sining sa Literatura. Ayon sa kanya:
“Pangasinan as a literary language is waning.”

Nitong mga nakaraang taon, marami ang nagsasabing namamatay na ang wikang
Pangasinan. Isa na rito si Armando Ravanzo sa kanyang sanaysay nagtanong siya: Is a
Pangasinan A Dying Diealect? Ang tanong na ito ni Ravanzo ay bunga ito ng madalang na ang
nagsusulat sa wikang Pangasinan. Gayundin, ang mga bagong henerasyon ng mga taga-
Pangasinan ay hindi marunong magsalita sa nasabing wika. Ni ang kanilang alam na pangalan
ng kanilang wika ay panggalatok na hindi naman dapat. Ang panggalatok ay galing sa
dalawang salita na pinagsama: Pangasinan at Katok. Kaya kung bibigyan ng kahulugan ang
panggalatok – “Pangasinan na may sira ulo.” Kaya buong tutol si Santiago Villafania na hindi
namamatay ang wikang Pangasinan. Wika niya:

“Maksil so pananisiak tan amtak ya dakel so onabobon ya ag empapatey sa


salita tayo. Balbaleg labat so impanguman na salitan Pangasinan no ikumpara nen antis
ya sinmakbit iray Kastila ed pampang na Caboloan.”

Sa pahayag na ito ni Villafania naniniwala siya na hindi namamatay ang wika ng


Pangasinan. Ang kaibhan lang ay hindi na nagagamit ang mga salitang luma sa halip ay
nanghihiram sila ng mga salita mula Ingles. Kung papansinin ang salita ng mga kabataang
Pangasinan, may halong wikang Filipino at kung minsan ay Ingles. Kaya hindi siya pumayag na
mabaon sa wala ang mga salitang nalilimutan na ng mga bagong usbong na Pangasinan.
Bunga nito, nabuo ang Malagilion bilang patunay na hindi namamatay ang wikang kanyang
nakagisnan, gaya ng nasasabi ng ilan. Isang koleksyon ng tula (Soneto at Villanelle) na
nasusulat sa Pangasinan ang kanyang ginawa upang patunayan ang kanyang sinasabi.
Nakuha ng aking atensyon ang aklat na ito ni Villafania lalo na’t nasusulat ito sa Pangasinan
dahil ako mismo ay nakaiintindi ng Pangasinan.
CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Sulyap sa Anyo ng Malagilion

Ang aklat ni Villafania ay may pamagat na “Malagilion Sonnets tan


Villanelles.” Kung bubuklatin ang aklat na ito, naglalaman ng tatlong daang (300) soneto.
Pansinin ang soneto na nakapaloob sa Malagilion. Ayon sa UP Diksyonaryong Filipino ang
soneto ay tula na nagpapahayag ng isahan at kompletong ideya o damdamin sa loob ng labing-
apat (14) na taludtod na may mga tugmang naayon sa sinusunod na modelo, gaya ng
modelong Italyano na nahahati sa pangkat ng oktaba at sinusundan ng sestet, o ng modelong
Ingles na karaniwang binubuo ng tatlong quartet at sinusundan ng isang couplet. Ang
pamantayang ito ng soneto ay mahigpit na sinusunod. Kung hindi man o sumunod sa dalawang
anyo, naroon at naroon pa rin itong tugmaan basta’t naroon pa rin ang labing-apat na taludtod.
Alin man sa anyo ng tulang soneto na walang tugma at hindi labing-apat ang taludtod hindi ito
matatawag na soneto. Ngayon pansinin ang isa sa soneto ni Villafania:

Sonito 1

(1) kawalaan mo natan Urduja? (a)


(2) anggapo’y makaamta no iner (b)
(3) so angisinopan da ed sika (a)

(4) say linget tan dala’n impaterter (b)


(5) tinmubo iran dika na dalin (c)
(6) pian nasakuban so angarian (d)

(7) agko amta no aya so bilin (c)


(8) bilang prinsisa na Caboloan (d)

(9) nabilang so istoryan nisulat (e)


(10) istoryan mangipakabat komun (f)
(11) no sika et tua o mito (g)

(12) bonga’y kanonotan na totoon (f)


(13) pinabli ran maong so luyag da (a)
(14) kanian say ngaran mo inako ra (a)

Sa sonetong ito ni Villafania, mapapansin na ang bawat taludtod ay mayroon itong


limang saknong at labing-apat na taludtod. Ang bawat taludtod nito ay may CTE
tigsasampung
pantig. Mayroon itong saknungan na 3, 3, 2, 3 at 3. Kung papansinin naman ang unang
taludtod kawalaan mo/ natan Urduja? mayroon itong limahing sesura. Sa ikalawang taludtod
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

kung susundin ang unang sesura ay mahahati ang tula sa maka/amta para maging limahin ang
sesura anggapo’y maka/amta no iner. Lumalabas na mali ang hati ng ikalawang taludtod.
Kung paghihiwalayin ang tula sa sesura lalabas na ang ikalawang taludtod nito ay magiging
ganito: Anggapo’y maka/ amta no iner. Lumalabas na ang unang sesura nito ay nagtatapos
sa maka at ang ikalawang sesura ay nagsisimula sa amta. Gayundin ang ikatlong taludtod ng
tula. Pansinin ang taludtod: so angisinopan da ed sika. Kung susuriin ang sesura ng ikatlong
taludtod lalabas ang ganitong hati: so angisino/pan da ed sika. Nahati ang taludtod sa pagitan
ng salitang angisino? at pan? Pansinin din natin ang tugmaan ng tula. Mayroon itong ganitong
tugmaan na a, b, a/ b, c, d/ c, d/ e, f, g/ f, a, a/ lumalabas sa tula na walang tugmaan ang sonito
1. Kung titingnan mabuti, tama na sana ang tugmaan ng unang saknong dahil ang unang
taludtod nito ay tugma sa ikatlong taludtod. Subalit sa ikalawang saknong hindi naman tugma
ang mga taludtod nito. Hindi naman ito tugmaang Italyano o Ingles at lalong hindi naman ito
mono rhyme. Para lalong mapagtibay ang aking mga pinagsasabi-sabi sa artikulong ito,
pansinin pa natin ang isa pang soneto ni Villafania:

Sonito 64

(1) wala’y no anton kebiew ed pagew (a)


(2) sanlabi lan ag pakaugipay (b)
(3) pannunnonot ko’d isabi’y agew (a)
(4) a pangikban yo’d lobir na bilay (b)

(5) asingger lan onselek so banwa (c)


(6) magano lan onkupit so matak (d)
(7) ompawil ak la’d podir a panggia (c)
(8) pamatanir yo’d bugtong ya anak (d)

(9) dia ed yarap yo’d say Makauley (a)


(10) piaet kon nagamoran yo’y tawen (a) (11) anggan say pusok et
mantagleey (a)
(12) maliket kon abete’y arapen (a)

(13) ta amtak wala kila’d akualan (e)


(14) na Impiniton Sankatageyan (e)

Sa sonetong ito ni Villafania, mayroon itong labing-apat na taludtod. Ang bawat taludtod
nito ay may tigsasampung pantig. Sa tulang ito ni Villafania ay may tugmaang masasabi dahil
sa unang saknong may tugmaan itong /a, b, a, b/, sa ikalawa ay may tugmaang CTE /c, d, c, d/. Sa
ikatlong saknong ay may tugmaang /a, a, a, a/ at ang huling saknong nito ay /e, e/ Kung
susuriin naman ang sesura nito sa una hanggang ikaapat na taludtod sa unang saknong

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

mayroon itong limahing sesura. Samantala ang ikalimang taludtod sa ikalawang saknong
kapansin-pansin na nahati ang tula sa salitang onselek. Kaya lalabas ang taludtod na ganito:
asingger lan on/selek so banwa. Ganoon din ang ikaanim na taludtod sa ikalawang saknong
ng tula. Nahahati ang taludtod sa salitang onkupit. Kaya ang magiging kalalabasan ng ikaanim
na tulodtod ay magano lan on/kupit so matak. Kung papansinin pa ang sesura ng natitirang
taludtod ng tula, ang ikasampu at ikalabindalawang taludtod ay walang sesura. Sa kabuuan ng
tula wala itong iisang sesura.

Hindi iisa o dadalawang ulit na nangyari na walang sesura ang tula ni Villafania. Upang
mapatotohanan ang aking sinasabi. Narito ang ilang mga halimbawang tula:

sonito 180

karaklan ed sa/ray kaugawan


ya agla ‘ra kab/kabat ed ngaran

sonito 181

aminsan mabo/lik ed dila yo ira’y


talurtur/ ya imbalikas agay la’y
bulas/las na ilalam ed saray
inko/rit yoran libro

sonito 165

si Arin Kasi/kis tan Alaos si


Arin Kasi/lag tan Dalisay

Hindi ko alam kung ano ang layunin ng may-akda sa ginawa niyang mga sonetong walang
sesura.Sadya bang hindi niya nilagyan ng sesura ang lahat ng koleksyon niya ng soneto at
villanelle? Kung papansinin naman ang ibang taludtod ng kanyang tula ay may sesura naman
ito.
May mga tugmaan sa soneto niya ay sumablay gaya ng halimbawa sa ibaba:

Sonito 158

CTE
panon takan aroen Pinabli? (a) ipetek
ko man ira’y sonata (b) anlongen ko man
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

ira’y sonito (c) ag iraya onkana


anganko (c)
ed puson agto amta’y ondengel (d) ed
saray dangoan na panangaro (c)

panoon takan pablien Inaro? (c)


yalay ko man ed sika ya’y egpang (e)
tan sinonito iran pilalek (f) ag iraya
onkana anganko (c) ed puson anggapo’y
pililikna (b) tan sagiat ed sayan
manangaro (c)

balet ta lapu’d sika so musia (g) ligliwak


lawas ya anlongen ka (g)

Sa unang saknong, hindi nagtugmaan ang mga huling salita ng mga taludtod nito.
Gayundin ang ikalawang saknong maliban sa ikatlong saknong na nasa tugmaang /g, g/. Para
lalong mapatunayan ang aking sinasabi basahin ang ilang soneto niya at husgahan niyo kung
tama an gang aking sinasabi. Isa sa mga tulang nakapaloob sa Malagilion ni Villafania ay ang
villanelle. Ang villanelle ay tulang liriko na may labinsiyam na taludtod, may dalawang tugma
lamang at inuulit ang ilang linya. Ang una ay nauulit sa ikaanim, at ikalabindalawang taludtod.
Samantala ang ikatlong taludtod nito ay nauulit sa ikasiyam at ikalabinlimang taludtod. Sa
huling dalawang taludtod, pinagsasama ang una at ikatlong taludtod. Sa aklat ni Villafania
mayroon siyang koleksyon na limampu (50). Pansin ang halimbawa sa ibaba:

Villanelle 1: Talabay
“Education’s only,the Envelope –
Give,me,the,Letter.” – Jose Garcia Villa

(1) say talabay et sobri lambengat (A1)


(2) ya anggapo’y iyan ono karga (b)
(3) iter o yawat yo’d siak so sulat (A2)

(4) no iner inkorit ira’y bangat (a)


(5) pangoliran tan saray simbawa (b)

(6) say talabay et sobri lambengat (A1)


CTE

(7) anggapo’y balor a singa galat (a)


(8) singa dunong ya ag ikakana (b)
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

(9) iter o yawat yo’d siak so sulat (A2)

(10) tapian nagamoran so pirawat (a)


(11) a pangiwanwan ed inkapalsa (b)

(12) say talabay et sobri lambengat (A1)

(13) aya et nayarin naandipat (a)


(14) no ag niubol ono nilikna (b)
(15) iter o yawat yo’d siak so sulat (A2)

(16) ta wadtan ira’y tepet tan ebat (a)


(17) ed dorongawa’y bilay dia’d talba (b)

(18) say talabay et sobri lambengat (A1)


(19) iter o yawat yo’d siak so sulat (A2)

Sa halimbawang ito na villanelle mapapansin na ginamitan ni Villafania ng epigraph ang


tula na kinuha niya sa tula ni Jose Garcia Villa. Mayroon itong labinsiyam na taludtod. Kung
titingnan ang tula, nasunod ni Villafania ang tuntunin ng villanelle. Gaundin mayroon itong
tugmaang /a, b, a/ mula sa unang saknong hanggang ikalimang saknong. Sa ikaanim na
saknong ay /a, b, a, b/. Ang bawat taludtod nito ay may tigsasampong pantig. Pansinin naman
ang sesura nito. Sa unang taludtod ganito ang hati: say talabay et/ sobri lambengat. Nahati
ang taludtod sa pagitan ng salitang et at sobri. Sa ikalawang taludtod nito ganito ang hati ng
taludtod: ya anggapo’y i/yan ono karga. Nahati ang taludtod sa pagitan ng salitang iyan.
Tama ang sesura ng unang taludtod subalit mali naman ang sesura ng ikalawang taludtod. Sa
ikatlong taludtod tama ang sesura samantala ang sesura ng ikaapat na taludtod ay
mapapansing nahati sapagitan ng salitang inkorit. Kaya ang magiging kalalabasan ng inkorit
ay inko? at rit? Lumalabas na mali ang sesura nito. Tingnan pa ang mga sumunod na taludtod
saka husgahan sang-ayon sa alituntunin ng pagsulat ng tulang may sukat at tugma lalo’t
villanelle ang anyo nito. Magbigay pa tayo ng villanelle na makikita sa Malagilion ni Villafania.
Pansinin ang villanelle 4 na may pamagat na Urduja. Kinuha ko ang anim na taludtod nito:

(1) agay la’y binta na impanlupam (a)


(2) postura ka na kinalakian (a)

(3) aya so ipapatnag na matam (a)

(4) dia ed ritmo na sayiao ya tagam (a)


(5) tewek ira’y amin ya talawan (a) CTE

(6) agay la’y binta na impanlupam (a)

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Sulyap sa Nilalaman Kung susuriin ang tugmaan ng villanelle 4 nasa iisang tugmaan ito.
Mayroon itong sampung pantig sa bawat taludtod. Sa una at ikalawang taludtod, tama ang
sesura nito dahil sa unang taludtod nahahati ito sa pagitan ng salitang binta at na. Gayundin sa
ikalawang taludtod nasa pagitan ng salitang ka at na. Mali naman ang sesura ng ikatlong
taludtod dahil nahahati ito sa salitang ipapatnag (ipa/patnag). Sa ikalawang saknong, may
tamang sesura ang ikaapat na taludtod at ikaanim na taludtod. Samantalang ang ikalimang
taludtod ay mali ang sesura nito. Dahil nahati ang taludtod sa salitang amin (a/min). Sa
kabuuan, karamihan sa villanelle sa Malagilion ay walang sesura ngunit natupad nito ang pag-
uulit-ulit na taludtod na kailangan sa isang villanelle.

ng Malagilion

Isa sa kapansin-pansing nilalaman ng aklat ni Villafania na Malagilion ay ang mga hinaing niya
sa mga kapwa Pangasinan. Sabi niya, wala ng nagmamalasakit sa wikang Pangasinan.
Pansinin ang soneto 136

singa bukbukor ko’y mibabakal


ed saray kailalaka’y biklat ya
angakamo’y dila’y Pangasinan.

Kung susuriing mabuti ang saknong ang tinitukoy na personang ko’y sa taludtod na:
singa bukbukor ko’y mibabakal ay dalawa ang pakahulugan una ay ang taong taga-
Pangasinan na nagmamalasakit sa wikang Pangsinan at ang pangalawa ay ang may-akda. Sa
tingin ng may-akda ay nag-iisa siyang nagmamalasakit sa wikang Pangasinan. Bunga nito,
lalong humihina ang wikang Pangasinan dahil sa impluwensiya ng mga wikang Ingles at
Filipino. Kaya nga wika niya sa soneto 128:

dia’d inkasil da ra’y dayon musia


kinmuyep so masnag a liwawa
ed muling na musia’y Pangasinan

Sa saknong na ito, ang liwawa na tinutukoy rito ng may akda ay pag-asang babangon ang
wikang Pangasinan. Ayon sa kanya nawala ang pag-asang ito ng dumating ang mga dayo at
ang pag-iisip ng mga taga-Pangasinan ay pinalitan ng kanilang mga paniniwala at kultura .Sa
soneto 114, mapapansin na ang mga bagong henerasyon, lalo na sa mga lungsod ay Tagalog
ang kanilang gamit.

balet saray tobun-balo natan


CTE
dia ed binmungayabong ya siudad dinmalin
tan binmato’y dila ra

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

salitan Tagala’y pilatek da

Ayon pa sa kanya ay nakalimutan hindi lang ang wika ng Pangasinan kundi ang lumang
pangalan nito. Mapapansin ito sa soneto 104. Ang tinutukoy niya ritong lumang pangalan ay
Caboloan.

agko la namngel irama’y dangoan


tan simponia na kakawayanan
nen alingwanan da lan bitlaan so
daan ya ngaran mo pinabli.

Bunga nito, ang mga tulang nalikha bago dumating ang mga Kastila ay tuluyan ng nawala.
Gayundin ang mga tumutula ay kasabay na naglaho ng Caboloan. Makikita ito sa soneto 94 at
villanelle 23.

Sonito 94

amigmig la’ra’y egpang na anlong


tan saray tekep na pangoliran
da’ra’y sinaunan umaanlong a
simmulming dia ed Caboloan

villanelle 23

naandi la’ra’y anlong a ditso


tan saray tagaumen a daan
aborak la’ra’d egpang a nitso

Magkagayon man, malakas pa rin ang loob ni Villafania na muling babangon ang wikang
Pangasinan dahil naniniwala siya na buhay pa rin ang panitikan ng Pangasinan. Naniniwala
siya na ang magpapabangon ay ang kagaya niya manunulat. Hanggat may nagsusulat sa
wikang Pangasinan na gaya niya hindi kailan man mamatay ang wika ng Pangasinan Ito ang
kanyang sinabi sa villanelle 46 at soneto 248

Villanelle 46
CTE

say bilay na tawir a salita

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

say pansiansia’y dilan Pangasinan


wala’d mabunan litirarura

sonito 248

inmalagey so balon awiran


ya amasimbalo ed ulupan
ya natogiop ed panaon aman

Malakas ang kaniyang loob na ibigay ang mga aklat na bunga ng mga reklamasyon ng
pag-iisip na nagpapatunay na buhay ang panulaan ng Pangasinan sa kaniyang pangunahing
kritiko na si Virgilio Almario. Makikita ito sa soneto 164.

Sonito 164
(para ed si Virgilio S. Almario)

anlemlemew so liknaa’d pagew nen


yawat ko’d sikayo so libron Pinabli tan
arum ni’ran anlong

anggano wala so panduarua


ompano gaygayen yo’d palian
ta nidatek lanti’d Pangasinan

anggaman ontan emben yo natan so


balikas na musian abangonan
ed abayag ya impakalingwan

aya met so ebat ko ed kuanyo ya


riklamasion na kanonotan
para ed saya’y lapag a nasion

ta say litiraturan panrihion


wala la’d tambib na ibolusion CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Ang hinaing na ito ni Villafania ang siyang manggigising sa mga natutulog na mga kababayan
niyang may pagmamalasakit sa wikang Pangasinan. Kaya isang malaking hamon sa mga taga-
Pangasinan lalo na sa mga manunulat na kailangan nilang kumilos para sa muling pagbuhay
ng panitikan ng Pangasinan.

Sa kabuuan ang Malagilion ni Villafania ay sumasalamin sa kung ano ang mayroon ang
tula ng Pangasinan. Nahusgahan ko na ang anyo ng Malagilion at ang nilalaman nito. Maaring
ang aking paghuhusga ay may kulang pa subalit pinapangatawanan ko ang aking mga
binitiwang paghuhusga batay sa abot ng aking kaalaman at natutuhan sa panuluaan. Maaring
may mga hindi pa ako nakikita sa aklat ni Villafania. Para lalong masuri ang aklat niya,
hinahamon ko mga kapwa ko Pangasinan na kritiko. Suriin ang aklat ng Malagilion at husgahan
niyo sang-ayon sa inyong kaalaman sa panitikan ng Pangasinan.

Sulyap sa Tula ng Pangasinan ni Renato R. Santillan


(Panimulang Pagsusuri ni Karen G. San Diego)

Ang muling pagtingin sa tula ng Pangasinan ay nagpapakita ng pagtindig sa pinaniniwalaan na


ang wikang Pangsinan ay hindi namamatay bagkus ito ay dumaraan sa pagsubok nang
pagbabago at pagiging malikhain na siyang pangunahing katangian ng wika. Nagbabago sa
aspetong kaalinsabay ng pamamayagpag ng teknolohiya at pandaigdigang wika ay hindi
maiiwasang masanggi ang wika at kultura ng Pangasinan. Nariyan na ang mga lumang salita
ay nalilimutan na dahil sa hindi ginagamit gayundin na ang mga lumang salita ay inaangkupan
ng bagong bihis upang iakma sa kasalukuyang panahon na nasa katangian ng pagiging
malikhain.

Ang mga anlong o tula ng Pangsinan ay nagpapatunay na mayaman ito sa karanasan at buhay
na buhay ang kahusayan sa pagpapabatid ng kultura at mga ideyang kanilang kinagisnan.

Isang patunay na patuloy na pamamayagpag ng tula ng Pangasinan ay ang koleksyon ng


tatlong daan (300)soneto at villanelle. Maihahalintulad din ang Magalion sa anyo at estilo ng
mga tula sa Tagalog.

Ang pagiging mahusay ni Santillan sa wikang Pangasinan ay walang pinapanigan sa pagtingin.


Ito pa nga ang nagtutulak sa kaniyang mapatunayan sa mga mambabasa lalo na ang kaniya
niya taga-Pangasinan na buhay na buhay at patuloy na pumapaimbulog na wikang sinuso at
namana pa nila sa kanilangninuno. Isa rin siya sa nagsusulong ng adhikaing muling patatagin
at pausbungin ang wikang nagpaging tao sa kanila. Bilang patunay, inilahad niya ang soneto at
villanelle ni Santiago Villafania na siksik sa mga tulang magpapabangon muli CTE sa wikang
anaakala ng karamihan na patay na at nabaon na sa limot.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Sa anyo ng Malagilion, sinikap ipaliwanag ang pisikal na aspeto nito. Na tulad sa wikang
Tagalog na may tugmaan, mga saknong at mga taludtod na nagpapakita ng kagandahan ng
kultura ng mga taga-Pangasinan. Pagpapatunay lamang na sa pagtahak sa tuwid na landas ng
tula ay hindi lamang sa Tagalog makikita ang itinatagong yaman at husay ng mga may-akda.
Bagkus, lutang na lutang ito sa mga anlong.

Lutang na lutang sa akdang ito ang pagpapatunay na buhay ang wika ng Pangasinan.

Sa pagtingin ng awdyens, hindi maiwasang makita ng mga bukas na mata ang pag-aangat ng
may-akda sa wika at kultura ng Pangasinan lalo na sa larangan ng tula. Higit sanang
mauunawaan ang nais ipahayag ng mga tula kung ito ay naisalin sa Tagalog dahil kung ang
babasa nito ay mga hindi taga-Pangasinan ay tiyak na hindi babasahin ang bahagi ng akdang
ito. Binibigyang puwang din ng may-akda ang lalim ng kaniyang pagnanais na itama ang mga
maling akala sa pagbulusok ng wikang Pangasinan. Bagkus, ito ay kaniyang itinataas sa
paglalayong ipabatid na ang wikang kabilang sa pangunahing wika sa Pilipinas ay hindi
kailanman mamamatay. Kaalinsabay nito, tila mo ang wikang Pangasinan ay napagod sa
paglipad na ibon kaya naman ito ay namahinga sa pamamayagpag at naghanap ng
mapagkakanlungan at mag-aalaga sa kaniya. Kumbaga, sandaling nagpahinga pero hindi
nawala. Maiuugnay din natin ito sa showbiz, ang mga artistang sumikat at nakilala sa kanilang
kahusayan sa pagganap at pag-arte ay namahinga muna sa pagtatrabaho. May mga balitang
lumabas na kesyo sila ay nabuntis, nanganak, nangibang-bansa na at marami pang iba. Pero
kung susumahin, namahinga lamang sila sa gulo ng mundong ginagalawan nila. At
muli,magbabalik sila sa kanilang kinagisnang mundo upang ipakita na sila ay ang mga bago
(refreshed) at handa na uling suungin ang mundong minsan na nilang iniwan. Hindi mo
kailanman mauunawaan ang hatid na nilalamn ng mga tula kung hindi mo ganap na batid ang
wikang ginagamit.

Hindi naman porke wala ng nagsusulat sa wikang ito ay patay na ito. Lalo na at sa
kasalukyang panahon ay ipinapatupad ang K-12 kung saan gagamitin ang wikang bernakular
sa pakikipagtalastasan sa antas ng elementarya kaya naman ito ang magbibigay daan upang
mahalin at tangkilikin hindi lamang ng mga Pangasinense gayundin ang iba pang nagsasalita
ng bernakular na wika ang wika at panitikan ng Pangasinan. Ito ang magtutulak sa lalong
pagpapaunlad ng kulturang kinagisnan ng mga Pangasinense. Kaya naman, hindi na
masasabing namamatay na wika ito kundi ito ay pagpupursigeng mapalawak pa at muling
maitayo ang bandera ng panitikang kikilalanin pa ng mga kaapu-apuhan ng mga ninunong
nagsikap mapaunlad at mapayabong ang kulturang kinasanayan.
Ang pinakalayunin ng akdang ito ay himukin ang mga Pangasinense na ibanyuhay ang
panitikan at kulturang Pangasinan hindi lamang sa kanilang sariling bayan bagkus kahit saang
lupalop/bahagi ng mundo. Kumbaga, huwag kalimutan ang wikang siyang bumuhay sa kanila
na dapat alagaan hindi lamang sa isip, sa salita at sa gawa. Naglalayon itong gisingin ang mga
nahihimlay na diwa ng mga taong sangkot sa o silang tinatawag na tagapagsulong CTE ng
kahusayan at kadakilaan ng wika. Panahon na upang higit na tutukang mabuti at hagurin ng
watsong kakinisan ang panitikan. Kung maibabalik lang ang dating bugso ng interes sa
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

pagsulat ng mga tula, awit, sanaysay sa ay tiyak na mayamn na mayamn na ang wikang
inaakala ng karamihan na nawala na sa sirkulasyon ng bansa. Nakapanghihinayang na ang
panitikang nagbuklod sa mamamayan nito ay mawawala na parang bula nang hindi man lang
nakikilala ng mga taong taal na taga-Pangasinan. Hiramin natin ang kantang, “Kung
maibababalik ko lang, ang dati mong pagmamahal pakaiingatan ko at aalagaan pa, ganiyan
sana ang maging perspektibo ng mga nilalang sa tabi-tabi.

Ang pagsasawika ng ideya ay sing tatag ng kaniyang pananamplataya na ang wikang


Pangasinan ay patuloy na nabubuhay sa paarang tahimik at bigla na lang sasamulat na tulad
ng bulkanm na tahimik sa umpisa ngunit unti-unting nag-iipon ng lakas upang ipabatid ang
kalakasan ng wika. Alalaong-baga, nagpapakita lamang ito ng pangungumbinseng ipagpatuloy
ang naudlot na pagpapalaganap ng wika. Kung mahihikayat lamang natin ang mga bata na
pag-aralan at linangin pa ang kaalaman sa Pangasinan, tiyak na mag-uumalpas ang kahusayan
ng Pangasinense. Hindi ba at uliran at dakila ang kilala mo kung saan at anong uri ng panitikan
mayroon ka? Kaysa mag-aral ng banyagang wika na hilaw sa iyong puso’t damdamin. Natural
na natural sa may-akda ang paglalabas ng hinaing sa kinahantungan ng wikang Pangasinense
na noon ay tinitingala ngunit ngayon at tinutudla. Hindi ko rin naman mauunawaan kung bakit
kailangan ng sesura gayong kung ang titingnan ay may tigsasampung (10) pantig. Kumbaga,
ang sesura ay nagpapakita ng pahilis na paghahati ng pantay na bilang ng pantig.

Nawa’y ang akdang ito ang magpanibago sa pananaw ng mga taong pilit na ibinabaon sa limot
at huwisyo ang literaturang nagpaging sa atin. Literaturang kung ako ang tatanungin ay
magiging sandata sa pakikipagsapalaran sa daigdig ng katotohanan at pag-asa.

Ang pag-ibig sa sariling dugo’t laman ng buhay ang siyang instrumento sa pagunlad hindi
lamang ng iyong bayan kundi ng iyong sarili. Bago mo pag-aralan ang panitikan ng iba, pag-
aralan mo muna ang panitikan mo upang hindi ka maging mangmang sa sarili mong teritoryo at
sa sarili mong kaligiran. Amayamay so ibabagak diad salita, iner so mansimula? Sa
pinanggalingan natin, hindi masamang lumingon dahil ang paglingon ay tanda ng paggalang sa
pinagmulan.

Kultura ko, pag-aaralan at pakamamahalin ko!

Kumbaga sa multo, unti-unti itong susulpot hindi para takutin ka kundi upang ipaaalala sa iyo
na “Hoy, buhay ko yang kinakalimutan mo”. Patuloy kitang mumultuhin at uusigin hanggang sa
ikaw ang magsawa at lumingon sa iyong pinanggalingan.

Ang kultura ng tao ay dumaraan sa dilim ngunit unti-unting mahahawi ito tulad ng lunar eclipse
na sandaling iimbulog sa iyong kinang subalit aalpas pa din ang awit ng buhay CTEna puno ng
pagbabanyuhay sa soneto at villanelle.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Mga Gabay na Tanong sa Sanaysay ni Renato R. Santillan:

1. Sa tingin mo, anong nais ipabatid ng may-akda?


2. Masasabi mo bang namamatay o patuloy na yumayabong ang wikang Pangasinan lalo
na sa larangan ng panitikan? Ipaliwanag.
3. May mga bagong kaisipan bang inilatag tungkol sa tulang Pangasinense ang sanaysay
ni Santillan?
4. Paano nilinang ng may-akda ang kaniyang argumento sa sanaysay?
5. Ano ang himig o estilo ng sanaysay?

ANG DAGLI AT MAIKLING KUWENTO

Ang Dagli

Ano ba ang dagli? Para kay Agoncillo, ang dagli ay sumulpot noong 1902 sa
pagkakalathala ng pahayagang Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos at
namayani hanggang 1930. Maikli ang dagli, “hindi lalampas sa tatlong papel” pero “hindi taal na
maikling kwento”. Tila ang pinupunto ni Agoncillo ay ang mababang katangian ng dagli sa
usapin ng kasiningan, dahil ito’y pumapaksa “sa tahasang nanunuligsa, lantarang pangangaral,
karanasan sa pag-ibig at mga akdang inihahandog sa mga paraluman.” Masalita ang mga
dagli, na nagbigay-kongklusyon para kay Agoncillo na isipin na bahagi lamang ito ng natural na
ebolusyon tungo sa “taal na maikling kwento.” Batay sa mga konteksto ng dagli, ito ang mga
katangian ito ay ang mga sumusunod (Tolentino at Atienza, 2007):

1. Maikli dahil nakabatay sa domestiko at politikal na realidad; kinakailangang makaagapay,


para rin sa mas sustenidong interes sa pagbabasa at pakikinig.
2. Temporal o may panahon lamang ang halaga, kadalasan sa kagyat na panahong may
mainit na balita mula sunog hanggang sa mga patakaran ng Amerikanong opisyal.
3. Kinathang realidad, bilang subersyon sa matinding sensura sa panahon; gayunpaman, may
mimetikong katangian pa rin sa kaganapan kahit pa parodya ang marami sa mga dagli.
4. Gumagamit ng mga editoryal na interbensyon sa pagsulat. Binibigyang direksyon tungo sa
papuri (kung romantikong dagli) o panlalait (makabayan); may target itong layunin sa
pagkakasulat, kadalasan ay pagdadambana sa napupusuan o kritisismo sa CTEkapaligiran;

masasabi na madiskurso ang dagli dahil sa paghalaw nito ng mga iba’t ibang bagay sa
puntong nais ipaliwanag; nabibigyang-diin ang manunulat bilang panlipunang kritiko.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

5. Partisano, may kinikilingan, kadalasan, pag-ibig ng lalakeng may-akda sa babae o ang tapat
sa sarili sa nagbabagong kaayusan.
6. Moderno sa reperensiyang ginagamit at sa wika. Ikinatutuwa ng mga lingguwista at
ikalulungkot ng mga purista sa wika.

Ang Maikling Kuwento

Ano nga ba ang maikling kuwento? Maraming kahulugan ang maikling kuwento batay
sa iba’t ibang ibinigay ng mga kilalang tao. Ito ang ilan sa mga sumusunod.

Ayon sa aklat ni Herbert Montgomery na pinamagatang “Plot To Sell” na ito’y isang


namumukud-tanging karakter na nakaharap sa isang suliraning tila imposibleng malutas ngunit
makahahanap din ng solusyon at malulutas iyon ayon sa kanyang sariling kaparaanan. Batay
naman sa ama ng maikling kuwento si Edgar Allan Poe, ito’y isang akdang pampanitikan na
likha ng guniguni at salamisim na nakasalig sa buhay na totoong naganap o kaya’y magaganap
pa (Duque, 2004).

Kung pag-uugnayin dalawang kahulugang ibinigay ng piling manunulat, ang maikling


kuwento ay isang akdang pampanitikan likha ng masining na pag-iisip na may namumukod-
tanging karakter na haharap sa isang suliraning kailangang hanapan ng solusyon na nakasalig
sa realidad buhay. Bagamat ang maikling kuwento ay isang likhang-isip tiinitiyak naman nito na
magbibigay larawan sa totoong buhay ng ating lipunang ginagalawan. Ikinikintal sa isip ng
mambabasa ang maikling kuwento ng karanasan na maaaring naganap na, magaganap at
ginaganap pa lamang. Madalas na mapagkamalan na ang maikling kuwento ay nagbibigay
lamang ng kaaliwan sa mambabasa upang magpalipas ng oras ngunit higit pa sa mang-aliw
ang naibibigay nito. Nag-iiwan dapat ng aral sa mambabasa ang maikling kuwento upang ang
sinomang makabasa ay magkaroon ng kamalayang-panlipunan.

Mga Mahahalagang Sangkap ng Maikling Kuwento

Ayon kay Reynaldo Duque (2004), ang maikling kuwento ay may mga mahahalagang
sangkap upang masabing ang isang akda ay maikling kuwento. Ang mga mahahalagang
sangkap ay ang mga sumusunod:

1. TAUHAN (Character): Nalalaman sa sangkap na ito kung ano ang ginagampanang papel
ng bawat tauhan kung isa sa mga ito ay protagonista (bida) at antagonista (kontrabida). Dito
rin malalaman kung sino-sino ang magsisiganap sa kuwento upang maipamalas at
maipadama ang ipinapahiwatig na mensahe o kaisipan na nais iparating ng akda.
CTE

2. TAGPUAN (Setting): Dito nakasaad ang lugar at panahon ng pinangyayarihan ng mga


mahahalagang aksyon o mga pangyayari kung kailan at saan naganap ang kuwento.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

3. BANGHAY (Plot): Tumutukoy sa pagkakasunud-sunod na mga pangyayari ng isang


kuwento. Ang pagkakasunud-sunod na mga pangyayari ay mahalaga sapagkat ito ang
magsisilbing gulugod na magbibigay buhay sa isang maikling kuwento o anupamang mga
akdang pampanitikan.

Ang banghay ay may bumubuong mga elemento:

a. Panimulang Galaw: Dito na nakasalalay ang interes ng mambabasa kung ito ba’y
kailangang pagbuhusan ng panahon na basahin. Dapat na ang panimula ng maikling
kuwento ay nakapagbibigay agad ng hikayat sa tao upang maging kawili-wiling basahin
at matiyak na tatapusin ng mambabasa na basahin ang kuwento.

b. Umiigting na galaw: Ang interes ng mga mambabasa ay dapat na mapanatili ng


manunulat. Sa bahaging ito'y paiigtingin pa lalo ang damdamin ng mga mambabasa
upang madala sila sa higit na mataas na antas ng pananabik.

c. Krisis: Ito ang pinakatampok o pinakamadulang bahagi ng kuwento. Nahahaplos ang


damdamin ng mambabasa dahil krisis na daranasin o dinadaranas ng tauhan sa
kuwento. Sa bahaging ito nagiging mabilis ang galaw ng mga tauhan at nagiging mabilis
ang aksyon ng kuwento.

d. Kasukdulan: Ito ang pinakamatinding bahagi ng akda, tumataas ang kapanabikan kapag
nasa bahagi na nito ng kuwento ang mambabasa. Mababasa sa kuwento na ang
pangunahing tauhan, ay malalagay sa panganib o sitwasyong kailangan na niyang
kumilos upang bigyan ng solusyon ang kinakaharap na suliranin.

e. Realisasyon o Wakas - Ito ang huling bahagi ng banghay ng kuwento. Dito malalaman
ng mambabasa na lubusan nang naisakatuparan ng pangunahing tauhan ang solusyon
sa kinaharap na suliranin. Samakatwid nabigyang linaw na ang mga suliraning
naisalaysay sa ilang bahagi ng kuwento.

4. TEMA (Theme): Ang tema ang pangkalahatang kaisipang o lagom na nais palutangin ng
may-akda sa isang maikling kuwento. At ang kaisipang ito ang binibigyan ng layang
maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging tema ang mga sumusunod:

a. palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan


b. obserbasyon ng may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao
c. paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa
lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-akda. CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Mga Uri ng Maikling Kuwento

Ang mga sumusunod ay ang mga uri ng maikling kuwento (Duque, 2004):

1. Kuwento ng Romatikong Pakikipagsapalaran (story of romantic adventure) – kuwento ng


pag-ibig at romansa na kinasasangkutan ng mapanaganib na pakikipagtunggali. Sa
ganitong KUWENTO, ang pagkawili ay nasa balangkas sa halip na sa mga tauhan.

2. Kuwento ng Madulang Pangyayari (story of dramatic event) – sa uring ito, ang


pangyayari ay totoong kapuna-puna at makabuluhan at nagbubunga ng isang kakaibang
pagbabago sa kapalaran ng mga taong nasasangkot. Sa ganitong kuwento higit na
nakatuon ito sa mahahalagang pangyayari kaysa sa tauhan at banghay.

3. Kuwento ng Kababalaghan (horror story) – nabubuo ang ganitong uri ng kuwento dahil sa
paniniwala ng mga tao sa mg bagay-bagay na kataka-taka. Kadalasan pumapaksa ang mga
kuwentong ito sa mga lamang lupa tulad ng aswang, multo at iba pa.

4. Kuwentong Pangkatauhan (character story) – ang nangingibabaw sa kuwentong ito ay


ang katauhan ng pangunahing tauhan tulad ng aksiyon, pananalita, pag-iisip o kasinuhan
ng pangunahing karakter ng kuwento.

5. Kuwento ng Katutubong Kulay (story of local color) – ang binibigyang diin ng manunulat
sa ganitong uri ng kuwento ay ang tagpuan, kaugalian, paniniwala at gawi ng mga tao sa
isang tiyak na pook, gayundin ang pananalita o ginagamit na wika.

6. Kuwento ng Tagumpay (success story) – Pinapakasa nito ang naranasang hirap,


pagdurusa at pagtitiis ng protagonista (bida) patungo sa tagumapay. Samakatwid
nagwawkjas ang kuwento sa masaya o maligayang tagpo.

7. Kuwento ng Trahedya (story of tragedy) – kabaligtaran ito kuwento ng tagumpay.


Nagwawakas ito sa malungkot na wakas dala ng masalimuot karanasan.

Mga Halimbawa ng Dagli at Panimulang Pagsusuri

PAGSASAMANTALA Isaias G. Estrella

Takang-taka ang maraming nakakikilala kay Manuel kung bakit siya ay naibig CTE
ni Tonia!
Manghang-mangha rin naman ang mga kaibigan ni Tonia kung bakit niya naibig si Manuel! At
ang lahat ng nakakikilala sa dalawang ito, mula nga noong umabot sa kanilang pandinig ang

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

gayong pagkakaibigan ay sino ang hindi mapapalatak at di matatawa? Si Tonia ay maganda at


kaipala ay wala nang tatalo sa kanyang kagandahan sa kanilang pook na tinitirahan, at bukod
sa riyan ay totoong mapanghamak lalo at nakikilala niyang isang hamak na empleyado lamang
ang liligaw sa kanya. Nais niyang ang kanyang maging kaisangpalad ay isang doktor o kaya’y
isang abogado, at sa naggagandahang lalaki na nagsisiligaw sa kanya ay wala man lamang
mapili, paano’y ang mga ito’y walang maipagmamalaking kayamanan bagang sukat sagisagin
sa karangyaan upang kagandahan ni Tonia ay makamit ng isa man lamang sa kanila.

Ngayo’y sa dakong huli ay kabala-balita na lamang na sila ni Manuel ay malapit nang pag-
isahing palad sa darating na mga araw. Ngunit bakit naibigan si Manuel ng ating mapanghamak
na dalaga, gayong kung sa kapangitang lalaki ay wala nang tatalo kay Manuel. Si Manuel ay
bulutonggo, pilas ang labi, harang ang tainga, sulipat ang mata, at sarat ang ilong na walang-
walang kagandahang maipagmamalaki sa ibang nagsisiligaw kay Tonia. Bakit nga nagustuhan
ni Tonia si Manuel? Ah, si Manuel ay abogado at mayaman at iyan ang naging pangunang
dahilan kung bakit naibig nga ni Tonia. Si Tonia ay hindi tumatanaw sa kagandahan, hindi siya
tumatanaw sa kadakilaan ng isang pag-ibig kundi siya nasisilaw sa salapi at sa katangian ng
isang namimintuho.

Hoy, Igno tingnan mo nga iyang anak ni Aling Tumasa, malapit na palang ikasal kay Manuel na
bulutong. Sukat ba namang maibig ni Tonia ang tinamaan ng hanging Manuel na iyan!

“Bah, ngayon pag di ka marunong magsamantala ay mamatay ka ng gutom. Tama ang ginawa
ni Tonia na ibigin si Manuel, sapagkat bubuhayin siya sa karangyaan at kasaganaan.” Ang
usapan ng dalawang magkaibigan na nakakikilala sa dalawang paksa ng usapan natin.

“Ngunit isang mahiwagang paraan lamang ang ginawa ng ina ni Tonia kung bakit naibig ng
kanyang anak ang bulutongtong iyan.”

“At ano ang ginawa?” tanong ng isa sa nag-uusap.

“Sapagkat si Manuel ay mayaman ay kung ano-ano ang hinihiling ng ina ni Tonia sa binata.
Sapagkat nalalaman ni Manuel na walang makaiibig sa kanya ay paunlak naman ng paunlak
hanggang mabundat niya ang mag-ina sa pagsasamantala nito sa kanyang bulsa. At ang
ganyang mga ina ay dapat sumpain. Dapat silang sumpain sa kanilang pagsasamantala at labis
na pag-iimbot sa mga magsisiligaw sa kani-kanilang anak.

Pagsasamantala ni Isaias G. Estrella CTE


(Panimulang Pagsusuri ni Arvie DC. Tolentino)

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Pinapaksa ng dagling ito ang pagkasilaw ng tao sa karangyaan kahit pa ang maging
kapalit nito ay huwad na pag-ibig. Dahil na rin sa kahirapan ng buhay kumakapit sa patalim ang
sinomang tao upang sila’y makaranas ng magandang buhay. Sa akdang ito kitang-kita ang
pagiging mapagsamantala ng ina at ng anak na si Tonia. Dahil nga sa kagandahang pisikal ni
Tonia at hindi sa ugali, marami ang nagkakagusto sa kanya kung kaya ang kagandahang iyon
ang ginagamit niya upang manamantala. Sa paanong paraan niya ito ginagawa? Kapag isang
ordinaryong lalake ang nanligaw rito o isang lalakeng walang maipagmamalaking yaman tiyak
ang katakut-takot na panghahamak at panlalait nito. Dahil ang nais niyang lalake ay may
propesyon o isang edukadong mayaman. Masasabing ang pinag-ugatan ng ugaling
mapagsamantala ni Tonia ay galing sa ina nito, sa madaling sabi namana niya ang ugali ng ina
o naimpluwensiyahan na. Tila ibinebenta niya ang kanyang anak sa isang lalakeng magbibigay
ng kanilang kasaganahan sa buhay. Si Manuel na isang abugado na mayaman subalit dahil sa
pisikal nitong kakulangan ay sinamantala lalo ng ina ni Tonia na mahuthutan ito. Sapagkat
nalalaman ni Manuel na walang magkakagusto sa kanyang babae ay siya namang
panghuhuthot ng ina ng babae sa bulsa ng lalake. Hanggang sa nalaman na lamang ng ibang
tao na ikakasal na pala si Tonia kay Manuel na ikinagulat naman ng iilan sapagkat alam ng mga
ito ang pag-uugali ng mag-ina na hindi basta-basta papatol sa isang lalakeng hindi naman
makapagbibigay ng kanilang karangyaan kasama pa ang ugali nilang mapanlait sa kapwa. Sa
katapusan ng akda nabuo ang kongklusyon nang pagkasuklam ng mga tao sa mag-ina dahil sa
pagsasamantala sa kahinaan ng tao. At naging paksang diwa pa rito na ang isang taong
nagigipit ay natutong magsamantala.

Kapansin-pansin agad ang nais ipahiwatig ng dagli, na hindi sapat na dahilan ang
pagsamantalahan ang tao sa kahinaan nito upang makamit lamang ang magandang buhay na
hinahangad. Nais ng may-akda na imulat ang tao sa kagandahang-asal ng pagiging tapat o
pagkakaroon ng kadakilaan sa pag-ibig at hindi dapat masilaw sa pera o anomang yaman kung
ang magiging bunga ay may nasasaktang tao. Kung kaya sa akdang ito pinapalutang din na
dapat magkaroon ang tao ng magandang pananaw sa buhay.

Dahil ang akda ay panahon pa ng hindi tayo ipinapanganak (1930) kakikitaan ng ilang
pagkapuristang tagalog na mga salita. Masasabing madali pa ring maunawaan ang akda dahil
popular pa rin naman ang pagsasawika ng mga ideya. Naisawika ng maaayos ang mga ideya
upang mailahad ang mga kaisipang kailangang matanggap ng mambabasa. Ang mambabasa
na siyang magiging tagatanggap ng mga ideya ay maiuugnay puso’t diwa ang usaping
panlipunan tungkol sa akda kahit ang taong nakapagitan ay magkalayo subalit napaglalapit pa
rin ang konteksto nito dahil nangyayari pa rin hanggang sa kasalukuyang panahon ang akdang
ito.

Mga Gabay na Tanong sa Dagling Pagsasamantala ni Isaias G. Estrella:

CTE
1. Ano ang pinapaksa ng dagling pinamagatang Pagsasamantala?
2. Paano inilarawan ang mga tauhan sa dagli?
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

a. Kalagayan sa buhay
b. Paniniwala
c. Ugali
3. Paano ipinahayag ang mga kulturang Pilipino na nakapaloob sa akda?
4. Paano sumasalamin sa ating lipunan ang akda?
5. Ano-anong mga suliraning panlipunan ang nakapaloob sa akda at paano ito
mabibigyang solusyon?

KARERA Jomar G. Adaya

Kumakaripas ang mga paa, nag-uunahan ang hininga sa pagsuot sa makitid at liko-
likong eskinita. Pinapatag ng mga mabibigat ngunit mabibilis na yabag, ang bakobakong daan
marating lang ang labasan. Tangan ng kamay ang hinihingal na manlalakbay. Mahigpit ang
pagkakahawak ng mananakbo, sa swerteng pambato ng looban. Sa kanilang husay kasi
nakasalalay ang pusta ng buong barangay. Pustang panawid-gutom. Pustang pambayad-
utang. Pustang inaasam na dumoble, panawid hanggang gabi. Pustang tinayaan ng dasal nang
sila’y pagkalooban.

Kunsabagay, walang dapat ipangamba. Kabisado na niya ang kalangitan ng Maynila.


Tunay na batser itong alaga. Kumbaga sa yoyo, bumabalik sa palad. Balikin kung tawagin ng
mga paslit na madalas sa bubungan. Yun nga lang, ang yoyo may pisi, makokontrol mo
anumang sandali.

Ito kasing si manlalakbay, isang buwan munang sinanay. Inihagis sa kanto, hanggang
makarating sa Quiapo. May swerte nga talaga’t may husay. Ni minsan hindi nadagit o naligaw.
Muli’t muling bumabalik sa tahanan niyang maliit, sa ibabaw ng kalawanging bubong ng
kapitbahay.

Kumakaripas ang mga paa. Nag-uunahan ang hininga. Ilang lundag at hakbang na lang. Heto
na ang pinish layn sa tapat ng opisina ng barangay. CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Kumakabog ang dibdib ng mga tagalooban. May tumitili. May humihiyaw. May
nagmumura. May mga kaluluwang pigil ang paghinga.

Hinto. Saglit na sandali!

Manhid na pala’t nanginginig ang pawisang kamay nitong mananakbo. Hindi inaasahang
dumulas si manlalakbay sa kanyang kamay. Patay! Hayun! Malayang ikinampay ang pakpak
patungo sa kalangitang inari niyang tunay. Lumipad papalayo sa mundong puno ng sigalot.
Kasamang nilipad ang pag-asang makaramdam ng langit, ang mga kaluluwang ipinusta ang
huling sentimo ng paghinga.

Hinto. Saglit na sandali!

May bumasag ng trip.

“Malas lang! Bawi na lang neks taym!”

Karera ni Jomar G. Adaya


(Panimulang Pagsusuri ni Andremel King S. Tolentino)

Ang dagling ito ay tumatalakay sa simple ngunit maaksyon na pakikipagsapalaran na


may halong konting drama at pangarap ng isang mananakbo o “runner” – sila ang mga
nagpapakawala at humahabol sa mga pangarerang kalapati na minsan ay nanggagaling pa sa
malalayong pook ng Pilipinas upang ilaban ng pustahan. Masasabing simple sapagkat mga
pangunahing pangangailangan lamang ang nais mabigyan ng pansamantalang solusyon ng
mga taong dito’y umaasa tulad ng pagkain sa buong araw (at sa susunod pa), pambayad sa
utang, pamasahe o kaya’y dagdagpuhunan upang makapusta ng mas malaki sa susunod na
pakikipagkarera at maraming nakasalalay pang iba.

Mahirap ang maging isang “runner” ng mga nagkakarerahang kalapati. Porsyento


lamang ang kanilang nakukuha sa tuwing mayroong magpupustahan, mapalad kung alaga niya
mismo dahil buo nitong maiuuwi ang premyo kung sakaling manalo . Nasa bigkas na ng
kanilang mga labi ang salitang “h’wag mo akong ipahiya, manalo ka” at “bigyan mo naman ako
CTE ang buhay
ng swerte” habang hinihimas-himas ang paliliparing kalapati. Laging nasa panganib
sa paghahabol at pagsubaybay sa nagaganap na hagaran at ungusan sa himpapawid. Ang

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

drama ay kumporme sa pagkapanalo o pagkatalo…walang kasiguraduhan, nasa pagpagaspas


ng mga pakpak ng kalapati lagi ang kasagutan.

Layunin ng manunulat sa dagling ito ang paglalagay ng puwang sa mga isipan ng


mambabasa ng buhay ng mga “runner” o mananakbo. Na tulad ng kalapati ay nagnanais din
silang makalaya May mga nag-aakala na ang pag-aalaga ng kalapati ay isa lamang payak na
libangan at sinasabing para lamang sa walang hanapbuhay…kung minsan kaakibat nito ang
kasabihang “malas” daw ang mag-alaga ng kalapati, dahil nakababagal daw ito sa pagpasok ng
swerte. Subalit, pinasubalian ang maling kaisipan na ito gamit ang malinaw na paggamit at
pagpili ng mga salitang angkop upang matapat na itampok ang kanyang mga “bida” sa obra.

Bagamat may paggamit ng code o simbolismo sa pagtukoy ng mga kasangkot ay madali


lamang maunawaan ang daloy at gaya ng kahulugang taglay ng dagli, hindi nakababagot
basahin at makakaramdam ang babasa nito ng pananabik at interes sa susunod na
magaganap. Payak ang mga salitang ginamit subalit hindi kumawala sa pagtalakay sa isyung
panlipunan na hindi minsan nabibigkas ng mga tagapagbalita sa dyaryo, radyo o telebisyon
man. Umaangkop ang dagli sa kapanahunan natin na kahit sa paanong paraan, sa hindi
tradisyonal na paraan ng paghahanap-buhay basta makagawa lang ng paraan na malamanan
ang kumakalam na sikmura.

Minsan maihahalintulad natin sa mga kalapati ang pag-abot natin sa ating mga mithiin
sa buhay. Sinisimbolo rin nito ang kalayaan, ang kalayaan na makalipad at magampanan ang
papel nito sa kalikasan bilang ibon. Ganito rin ang mga mananakbo, umaasam din sila na
makalaya o makatakbo papalayo sa kasalakuyang estado kahit minsan lang, na makapamuhay
man lang ng hindi sumasala sa pagkain at sa pamamagitan ng paglasap ng katiting na
tagumpay bunga ng masugid na pagsubaybay at paghabol sa kalapating may dala ng kanilang
kapalaran.

Mga Gabay na Tanong sa Dagling Karera ni Jomar G. Adaya:

1. Ano ang pangunahing konsepto o kaisipan ng dagli?


2. Paano nakaimpluwensiya ang pamagat ng akda sa nilalaman nito?
3. Iugnay ang dagli sa mga sumusunod:
a. Lipunan
b. Sosyo-ekonomiko CTE
c. Politika

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

4. Batay sa nabasang dagli, ipaliwanag ang pagkakapareho ng mananakbo at ng


manlalakbay.
5. Paano ginamit ang wika sa ganito kaiksing akda? Ipaliwanag.

Mga Halimbawa ng Maikling Kuwento at

Panimulang Pagsusuri

HANDOG SA KANYANG INA Rogelio R. Sicat

TREINTA SENTIMOS. Tatlong maliliit at bilog na sensilyo. Iyon din ang halagang sa loob ng
nakaraang linggo’y kumakala-kalansing sa kanyang bulsa. Ano ang mabibili ng treinta sentimos
na iyon?

Halos nakadikit ang kanyang mukha sa salaming eskaparate ng bazaar. Nakatutok ang
kanyang tingin sa isang pamaypay. Nakabihadhad iyon, marikit ang disenyo, isang babaeng
nakabalintawak. Sa lahat ng panghandog na nakikita niya – lighter, bag, losyon, pitaka, huwego
ng kagamitang pampaganda – iyon lang ang pinakamura: P3.50. Binura ang dating P5.00 sa
tag na nakatali sa puluhan ng pamaypay. Baratilyo ang sinasabi ng malalaki at mapupulang titik
sa kartelong nasa ulunan niya.

Mura, naisip niya. At maganda pa. Tiyak na magugustuhan ni Inay. Ngunit treinta sentimos nga
lamang ang kanyang pera, at bukod sa sabon, mumurahing pabango, polbo o suklay, ano pa
ang mabibili niya?

Muli niyang pinagmasdan ang pamaypay. Mukhang matibay ang tela. At pino ang pagkakayari.
May panghihinayang siyang lumayo, nakadukot ang kanang kamay sa bulsa ng pantalon, kipkip
ng kaliwa ang dalawang walang takip na notebook at isang manipis na libro.

Siguro, kung uumpisahan ko ng mag-ipon, naisip niya. Tumingin siya sa ibayo ng lansangan.
Mayroon nang nagtitimpalakang neon ang karatula ng mga tindahan, na kung pumikit o dumilat
ay waring naghahagaran sa pagtuturo sa pangalan ng bazaar.

Noong isang taon, isang dosenang panyo ang ibinigay ko sa kanya. Limang piso yata.
Ang ganda, Ben! Saan ka kumuha ng – sa’n mo nga pala nabili? Sa Avenida. Iyong pera,
ibinigay po ng Itay. Ibili raw ng regalo para sa iyo. Natuwa ang Inay. At ang Itay.
CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Nakatungo siya habang naglalakad. Ngayon niya higit na dapat na bigyan ng handog ang
kanyang ina. Hindi lamang dahil kaarawan nito. May sakit ang kanyang ina at pihong matutuwa
ito kapag binigyan niya ng handog. Nais niyang makitang muli na natutuwa ang kanyang ina.
Katulad noong bigyan niya ito ng panyo.
Kamakailan lamang inilabas ng ospital ang kanyang ina. May isang buwang tumigil doon dahil
sa pulmonya. At nang dumating ang kanyang ina, halos pangkuhin na ito ng kanyang ama nang
ipanhik sa bahay.

Payat at maputla ang kanyang ina. Malalim ang dati-rati’y laging nagniningning na mata.
Mahaba an gang nakalugay at walang kintab na buhok. Ibig niyang maiyak.

“Payat ang Inay, ano Ate?” tanong niya sa nakatatandang kapatid. Apat sila. Siya lang ang
lalaki at bunso pa. Labing-apat na taon.

“Kaya magpakabait ka.” Bahagya na niyang narinig ang sinabi ng kapatid.

Nakarating siya sa dulo ng Avenida. Nagtatawiran ang mga tao at tumawid siya.

Tumigil ang kanyang mga hakbang sa tapat ng isang tindahan ng alahas. At dahil gabi na, ang
mga nakatanghal na mga relo, singsing, pulseras, kuwintas at iba pa ay tila lalong gumaganda
at nagiging mamahalin sa tama ng ilaw. Palipat-lipat ang kanyang tingin, hindi mapagwari kung
alin ang pinakamaganda at pinakamahal.

Sana’y mayaman ako, nasabi niya tuloy sa sarili. Bibilhin ko’ng lahat ito. Ipababalot ko nang
maganda. At pag-uwi ko, gugulatin ko ang Inay.

Happy birthday, Inay, sasabihin niya at hahawakan ang ina.


Handog ko sa iyo. At ilalabas niya ang isang napakalaking kahon.
Bakit kay laki naman yata, Ben? Ano ba ito?
Buksan mo.
Dahan-dahang bubuksan ng kanyang ina ang kahon. Siya naman ay magmamasidmasid
lamang, tila nagwawalang-bahala. Walang ano-ano, pagkabukas ng kahon, titingalain siya ng
ina. Hindi makapaniwala.
Sa’n mo kinuha ito, Ben? Ang dami, Ben! Ang gaganda!

Ang ligayang idinudulot ng pangarap na yao’y kagyat na naputol nang masalat niya ang tatlong
CTE
diyes sentimos sa bulsa. At di niya namamalayan, napahakbang siya palayo sa eskaparate.
Nanlabo ang kanyang paningin. Nakabingit at nagbabantang malaglag ang luha sa kanyang
pilikmata.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Ayaw niyang umuwi hangga’t wala siyang maiuuwing handog. Kahit paano, makakikita siya.
Kailangan niyang makapagbigay. Walang maibigay ang kanyang mga kapatid. Sinabi ng
kanyang Ate na naubos na ang naipon ng kanyang ama sa pagpapagamot sa kanyang ina. At
ang kanyang ama, makapagbigay man ito, ay hindi marahil lalabis sa isang supot ng kahel, sa
isang kahong biskwit – at sangsupot ding gamot.

Naglakad pa siya ng naglakad, nagyo’y hindi na tumitingin sa mga eskaparate. Ayaw na niyang
tumingin. Nahahabag lamang siya sa kanyang sarili – sa kanyang sarili.

Pasado alas otso na nang maisipan niyang umuwi. Hahanapin siya – o maaaring hinahanap na
– ng kanyang ama. Ngunit naisip niya, madali na ang magdahilan. Kahit ngayon lamang siya
uuwi sa gayong oras. Madaling gumawa ng dahilan.

Naglakad lamang siya pauwi. Wala siyang naramdamang pagod. Mabagal ang kanyang mga
hakbang ngunit iyo’y hindi sa hapo. Tuwing makalalampas siya sa isang kanto, habang
nalalapit na sa inuuwiang apartment, ang nadarama niya’y pagbabantulot. Uuwi siya ngayon,
walang dalang ano mang handog.

Happy birthday, Inay. Tila hindi pa niya masasabi iyon. At nasa isip niya, pararaanin na lamang
niya ang araw na iyon, ang gabing iyon na tila pangkaraniwang araw at gabi.

Nang kumaliwa na siya sa kantong kinatitirikan ng kanilang apartment, ay pinukaw siya ng


isang tinig na kung gabi’y madalas niyang naririnig: Baluuuut!

Saglit siyang napahinto. Muli niyang kinapa ang kaliwang kamay ang treinta sentimos. At
sinalubong niya ang magbabalot.

“Ilan?”
“Balot sa puti?”
“Balot sa puti.Ilan?”
“Isa.”
Naghalungkat sa basket ang magbabalot. Inabot sa kanya ang isa.
“Ang asin?” “Siyenga
nga pala.”
“Pahingi ng supot.
Tiningnan siya ng matagal ng kausap. CTE
“Isa lang ang bibilhin mo’y -”
“Pahingi ng supot.”
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Pagkabayad ay lumakad na siya. Kaiba kaysa kangina, sinaniban na siya ng kaunting ligaya.
Hawak-hawak niya ang supot. Mainit pa ang laman niyon at naisip niyang iyo’y magugustuhan
ng kanyang ina.

Ngayo’y hindi na niya naiisip ang napipitang pamaypay o ang napapangarap niyang
hiyas. Isang balot: sapat na iyon.

Ang kanyang ama ang nagbukas ng apartment nang kumatok siya. Kaagad itong tumingin sa
orasang pandingding pagkakita sa kanya. Alas otso’y medya na.

“Sa’n ka nanggaling?” tanong ng kanyang ama.


“May basketbol sa eskuwela, Itay. Nanood ako.”

Hindi niya pinansin ang nag-uusisang titig ng ama. Halos hindi rin niya narinig ang pagtatanong
nito kung kumain na siya. Pagkababa ng mga gamit, pumanhik siya. Dahan-dahan.

Pagdating sa itaas, nakita niyang nakaawang ang pinto. Naaamoy niya ang gamot. Patiyad
siyang lumapit at sumilip. Nakita niyang nakatagilid ang ina, nakaharap sa dingding, ang suot
na putting pantulog ay pinapaninilaw ng lampshade sa ulunan.

Patiyad siyang lumapit sa kama. Tulog ang kanyang ina. Matagal niyang natitigan ang hapis na
mukha nito. Nakaumbok ang buto sa pisngi. Maputla ang labi, tila mabagal ang paghinga.
Idinampi niya ang labi sa buhok ng ina. Pagkaraan, maingat niyang inilagay sa tabi ng unan nito
ang maliit na supot.

Nanaog siya. Nag-iinit ang kanyang katawan. Maya-maya lamang, makikita ng kanyang ina
ang balot kung sino ang naglagay ng naroong supot. Hindi siya kikibo.
Tatahimik lamang siya, maligayang matutulog. Kahit papaano, nabigyan na din niya ng handog
ang ina.

Nakahiga na siya nang marinig niya ang pagulat na pag-uusap sa kuwarto ng mga magulang.
Nabigla ang tinig ng kanyang ina at siya’y nagtaka. Nakarinig siya ng yabag na papalapit sa
silid. Bumukas ang pinto at sumungaw ang mukha ng kanyang ama. Nakangiting kinawayan
siya nito.

“Ben, halika,” anito CTE

Nag-alangan siyang bumangon. Pagdating sa pinto, inakbayan siya ng ama.


visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Pumasok sila sa silid ng ina. Nakaupo ito sa kama at pinupunasan ang ibaba ng unan. Hawak
ng kaliwang kamay ang napisang balot.
“Ikaw ba, Ben, ang naglagay rito ng balot?” tanong ng kanyang ina. Hindi siya nakakibo.

“Tingnan mo nga’ng ginawa mo. Nabasa tuloy ang likod ko!”

Hawak ang nabasang supot, pinupunasan ngayon ng kanyang ina ang kama. Parang
may naaagnas sa kanyang dibdib.

“Ikaw raw ang huling pumasok dito,” patuloy ng kanyang ina. “Bakit hindi mo na lang ipinatong
dito?” At itinuro ang kalapit na mesita. Nagpatuloy ito sa pagbulong-bulong.

Tingnan mo nga’ng ginawa mo. Nabasa tuloy ang likod ko.

Ibig maiyak ni Ben. “Ako nga po ang naglagay diyan,” amin niya. “Kasi po, wala akong
maibigay sa inyo nagayon.”

Natigil sa pagpupunas ang kanyang ina. Napatingin ito sa kanya. Nakita niya ang biglang
pagbabago ng mukha nito. Umurong siya, ibig maiyak. Ngayo’y nakita niyang nakatingin ang
ina sa basing supot at nakaakma ang daliring piliin ang makakain doon.

Handog sa Kanyang Ina ni Rogelio R. Sicat


(Panimulang Pagsusuri ni Andremel King S. Tolentino)

Sa akdang Handog sa Kanyang Ina na obra ng tanyag na manunulat na si Rogelio R.


Sicat tumatampok sa payak na hangarin ng isang anak sa kanyang magulang- ang kanyang
ina. Si Ben, katulad ng mga batang mapangarapin na may dalisay na pagmamahal sa puso ay
kapapansinan na hindi alintana ang kanyang edad sa pag-asam na makagawa ng paraan
upang mapasaya ang ina…ang mabigyan ito ng handog, ang sa palagay niya ay ang tanging
paraan upang mapasaya ang kanyang ina na dumaranas ng sakit. Subalit, kulang ang kanyang
dalang pera para maibili ng kanyang nagugustuhan para sa kanyang ina. Dahil dito, nawawalan
na siya ng pag-asa. Kaya sa halip na marangyang pamaypay o mamahaling palamuti sa
katawan ay 1 pirasong balot ang tanging nabili ng treinta sentimos na laman ng kanyang bulsa.
Karaniwan na ang ganitong uri ng kuwento sa iba pang akdaing nailathala sa panahong
kinabibilangan nito at sa kasalukuyang panahon. Ngunit kaiba sa laging inaasahan na
“happy ending” na istorya, sa huling bahagi ng kuwento ay makikita na imbes na matuwa ay
CTE
nagalit pa ang kanyang ina na ikinabasag ng kanyang puso sa pagkakabigla.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Layunin ng akdaing ito na ilahad ang bahaging hindi napapansin ng marami, na may mga
magulang na “bulag” sa maliliit na ginawang kabutihan ng kanilang (mga) anak. Bagamat hindi
sinasaktan ng pisikal, ang damdamin at isipan ang nakakadama ng hapdi. Totoo na ang
pagmamahal ng magulang sa kanilang (mga) anak ay hindi mapapantayan at walang hindi
sasang-ayon sa katagang ito. Pinapatunayan ito ng nakasanayan na daloy ng unibersal na
relasyon ng magulang sa anak o anak sa magulang…ang hindi mapuputol at matibay na
ugnayan nila sa isa’t isa. Walang duda na nang dahil sa pagmamahal ng magulang sa (mga)
anak ay nagagawa nito ang imposibleng bagay kabilang na rito ang paglabag sa kung ano
tama at dapat. Idagdag din rito ang pagbibigay agad ng paghuhusga na hindi man lamang
inalam ang tunay na motibo tulad ng paglalagay ni Ben ng supot na naglalaman ng balot sa
ulunan ng kanyang ina bilang pasalubong at laking gulat na lamang niya ng kagalitan siya nito
sa kabila ng pag-alala niya rito at pag-iisip sa kung anong bagay ang maaari niyang maibigay
man lang at magpasaya sa kaarawan nito.

Hindi mahirap basahin at unawain ang maikling kuwento na ito sapagkat ang bawat isa sa atin
ay madaling makakaugnay (makaka-relate) sa sitwasyon at pagkilos na ginagawa ng bawat
tauhan. Nabigyang linaw ang mga ideya na nais ilahad at maayos na nabalangkas ang daloy
ng mga kaganapan. Kung iuugnay ito sa ating kasalukuyang panahon ay malaki ang
pagkakahawig nito sa maraming pamilya na dumadaan sa ganitong uri ng relasyon.

Ang “domestic” na pananakit ay hindi lang natin maikukulong sa konteksto ng pisikal na


pananakit o pang-aabuso. Minsan ay mas masakit pa ang berbal na pananakit at mas matagal
itong maghilom kaysa pangkaraniwang pasa o sugat. Ang epektong dulot nito ay walang
sinoman ang makakasukat. Gamit ang mga ideyang taglay ng maikling kwentong ito,
inimumulat ang mga mambabasa na magkaroon ng sensitibong pananaw sa bawat aksyon at
salitang binibitawan.

Mga Gabay na Tanong sa Maikling Kuwentong Handog sa Kanyang Ina:

1. Anong pagkamulat ang ibinigay ng teksto sa iyo?


2. Ano ang pangunahing konsepto okaisipan ng maikling kwento?
3. Paano nakaimpluwensiya ang pamagat ng akda sa nilalaman nito?
4. Iugnay ang maikling kwento sa mga sumusunod:
d. Lipunan
e. Sosyo-ekonomiko
f. Politika
5. Paano binuo ng may-akda ang bawat pahayag sa kuwento? Ipaliwanag.

CTE
MULTO NG ISANG TRAHEDYA Arlan M. Camba

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

“Coed, HINOLDAP… PATAY!”

Gumimbal sa buong kampus ang masamang balitang ito. Naging laman ng maraming
pahayagan ang krimen at naging usap-usapan ang brutal na kinasapitan ng naturang
estudyante sa kamay ng mga holdaper.

Isang working student, patungong eskwelahan galing sa pinapasukang trabaho ang naturang
biktima. Sumakay ito ng FX taxi at bumagtas sa kahabaan ng Ortigas Extension. Hindi pa
nakakalayo ang sasakyan ay sumakay ang tatlong kalalakihan. Isa sa harapan, katabi ng
drayber, isa sa panggitnang upuan at ang isa ay sa hulihan. Mag-aalasais na ng hapon ang
mga oras na ‘yon. Manaka-nakang binabalutan na ng dilim ang buong kalangitan. Hindi pa
man kumakanan ang FX taxi patungong Imelda Avenue ay nagdeklara na ng holdap ang mga
salarin. Agad-agad na nilimas ng mga holdaper ang mga pera, relo at cellphone ng mga
biktima. Mabilis na tumakas ang mga salarin ngunit bago lubusang makaalis, nagpakawala ang
mga ito ng isang putok mula sa isang 9 mm kalibre ng baril. Tumama ang bala sa katawan ng
biktima. Tinamaan ang atay na naglagos hanggang sa kanyang baga. Dinala ito sa
pinakamalapit na ospital ngunit hindi pinalad na maisalba pa ang kanyang buhay.

Binalot nang pagkabigla, lungkot at panghihinayang ang iniwan ng naturang trahedya.


Pagkabigla sa walang saysay na pagkamatay ng biktima, lungkot sa napakaaga at walang
katuturang pagkitil sa kanyang buhay at panghihinayang sapagkat ang kanyang kasawian ay
nangangahulugan din ng kamatayan ng kanyang mga pangarap.

Nang pumasok ako ng araw na iyon ay nagimbal ako sa katahimikan sa loob ng silid-aralan.
Bakas sa mukha ng aking mga estudyante ang matinding pagdadalamhati. Ang iba ay
kababakasan ng matinding kalungkutan, ang ilan ay hindi mapigilan ang maiyak at maluha sa
pagkawala ng isang kaklase na itinuring na rin nilang kaibigan, kaharutan at kakulitan sa mga
panahong sila ay magkakasama.

“Sir, patay na po si Shiela… hinoldap po at saka binaril!” “Sino…?”


Tanong kong may halong pagkabigla.

“Sir, si Shiela… si Shiela Buenafe… ‘yung klasmeyt naming laging late sa sa klase natin…”

May kung anong bumara sa aking lalamunan. Hindi ko magawang


makapagsalita. Parang may kung anong bagay na nagpapaimpis sa aking sikmura.
Nakapanlalambot ng pakiramdam. Sandali akong lumabas ng silid para makalanghap ng
hangin. Mabigat ang hakbang ng aking paa papalabas. Lumilipad ang aking isip, patda at
halos hindi makapaniwala.
CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Paisa-isang nagsingit-singit sa sulok-sulok ng aking gunita ang malinaw na larawang iyon.


Hindi kataasang babae, hindi kaputian at hindi rin kahabaan ng buhok; ngunit kapansin-pansin
sa kanya ang mga matang punong-puno ng pag-asa at pangarap; kababanaagan ng
kasiglahan, pagpupursige at determinasyon.

Estudyante ko siya sa panggabing iskedyul sa dalawang Major Subject ng kursong Edukasyon.


At dahil nga isang working student, madalas siyang ma-late. Kung kailan nasa kalagitnaan ako
ng paglelektyur ay saka siya papasok ng silid na hindi lang miminsang nagiging dahilan ng
pagkaantala ng aming liksyon.

“Ms. Buenafe… late ka na naman…!” Ang madalas kong paninita sa kanya. Pamumulahan
siya ng mukha. Waring nahihiya at ang tanging itutugon niya sa akin ay isang matipid na ngiti
kasabay ng sabing; “sir, hindi na po mauulit…”

Ngunit ang mga pangako ay hindi lang tatlo o ilang beses pa na napako. Naging kalakaran na
sa loob ng klase ang pagiging late ni Ms. Buenafe. Kung baga, nasanay na kami. Minsan,
inaantabayanan pa namin ang kanyang pagdating. At madalas ang kanyang pagiging late ang
nagiging sentro ng katatawanan. Siya ang aming nagiging object of laughter. Kapag
nararamdaman naming paparating na siya at papasok na ng silid, papalakpak nang malakas
ang buong klase. Magugulat at mabibigla si Ms. Buenafe. Para siyang isang artistang binigyan
ng standing ovation matapos ang isang matinding performance. Pero sa kanya, wala lang…
deadma lang… kakaway pa ang ale at saka magba-bow…!

Ngunit kahit anong tindi ng pagiging late ni Shiela, kailanman ay hindi siya umabsent. Kahit 15
minutes na lang before the bell, papasok pa rin siya at ako ay kakausapin.

“Sir, pasensya na, late na naman ako.” “Oo nga


eh, dapat dropped ka na!” Tugon ko.
“Wag naman sir. Hindi po ako makakapag-aral kung hindi po ako magtatrabaho… sir,
please…!

“Aba’y dapat matuto kang mag-prioritized…! Ano bang mas uunahin mo, ang mag-aral o
magtrabaho? Hindi pwedeng laging ganyan! Lagi mo na lang sinasakripisyo ang subject ko…
ano ang tingin mo sa klase natin… bakasyunan?!” ang mariin ngunit mahinahon kong sabi sa
kanya.

Iyuyuko lamang ni Shiela ang kanyang ulo. Mananahimik. Pinakikinggan lamang ang sermon
ko. At pagkatapos, buong pagpapakumbabang hihingi siya ng sorry kasabay ng pagsasabing
CTE
“sir, babawi po ako…”

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Ewan, pero kailanman ay hindi ako nakaramdam ng galit sa kanya. Siguro ay dahil may
bahagi sa kanya na nakikita ko ang aking sarili, o marahil ay dahil sa angkin nitong likas na
talino at abilidad. Hindi man siya nakakapasok ng tamang oras sa klase ko, sinisigurado naman
ni Shiela na nagagawa niya ang lahat ng assignments at requirements sa aking subject.
Nagagawa niyang maipasa ang mga quizzes at exams. Nakakasagot sa mga graded
recitations; bagaman pumapalya sa ilang group work at class discussion; dama mo ang
kanyang pagpupursige, makikita mo ang kanyang determinasyon. Sa kanyang maliit na paraan
pinagsusumikapan niyang punan ang kanyang mga pagkukulang. At sa kabila ng pagbabanat
ng buto upang makapag-aral, tiyak kong isa siyang taong punong-puno ng pangarap.

Gabi, nagpasya akong sadyain ang kinaroroonan ng lamayan. Matarik ang lugar na aking
tinalunton. Malayo pa lang ay nakikita ko na ang kulumpon ng mga taong naglalamay. Nasa
dulo ng putol na daan ang kinaroroonan ng lugar. Nagtutumpukan ang mga tao, kanya-
kanyang umpukan sa bawat mesa habang abala sa paglalaro, panonood at “pagmimiron” sa
mga nagsusugal. Sa isang panig ay makikita ang ilang grupo ng mga kabataang
nagkakatuwaan at nagkakantahan. Ngunit ang mas nakakatawag pansin ay ang manaka-
nakang bulong-bulungan at alingasngas ng mga makakati ang dilang pinagpipiyestahan ang
tunay na kinasapitan ng kaawa-awang biktima.

Dahop ang lugar, walang rangyang maipagmamalaki. Sabihin pa ngang ito nga ay isang
iskwater. Ang mga nakatira dito ay umaasa sa awa ng gobyernong ipagkaloob sa kanila ang
kapirasong lupang kinatitirikan ng kanilang tirahan. Ang kabuuan ng lamayan ay
niyuyungyungan ng malaking tolda na sadyang inilagay upang pananggalang sa init ng araw at
kung sakaling bumuhos ang malakas na ulan. Salamat sa kapitan ng baranggay (na ang
pangalan ay nakasulat pa sa malapad na tolda) na matatakbuhan at mahihingan ng tulong sa
mga pagkakataong katulad nito.

Pasintabi akong pumasok ng bahay. Nabungaran ko ang isang babaeng namumugto ang
mata at halos napabayaan ang sarili simula nang mangyari ang trahedya. Tantiya kong siya
ang ina. Humigit kumulang sa apatnapu at limang taon ang edad na lalo pang pinatanda ng
mga gatlang makikita sa kanyang mukha. Kapansin-pansin ang nanunuyo at nangunguluntoy
na balat, ang naghuhumindig na ugat sa bisig at kamay na tanda nang matagal-tagal na ring
pakikipagbuno sa mga labada. Sinalubong niya ako ng isang “pilit na ngiti” kasabay ng
mahinang anas na “tuloy po kayo,” pinaupo niya ako at pagkatapos ay inalok ng biskwit at
malabnaw na kape.

Hindi ko maiwasang igala ang paningin sa loob ng kabahayan. Sa harap ay naroroon ang
puting kabaong. Kapansin-pansin ang tatlong sisiw na nanginginain sa ibabaw nito. Sinasabi
at pinaniniwalaang ito daw ang uusig sa mga budhi ng sinumang responsable sa krimen.
Umaasa na makonsensya at sumuko sa batas upang mapanagot sa ginawang
CTEbombilyang
kawalanghiyaan. Sa magkabilang dulo ng ataul ay nakatambad ang ilang piraso ng
nagbibigay ng liwanag at tila mga gwardyang nagbabantay sa katawang nakahimlay sa loob ng

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

ataul. Mayayabong at makukulay ang mga “korona.” Koronang hindi ipinuputong sa mga hari
at reyna kundi koronang nakalaan lamang para sa mga patay.

Sa gitnang bahagi ng ataul ay nakapatong ang isang larawan. Kuha ito sa kanyang
pagtatapos sa hayskul. Litaw na litaw ang kanyang ganda sa suot niyang puting-puting toga.
Ngunit ang nakakatawag pansin ay ang kanyang matipid na ngiti na pinaningning ng kanyang
matang punong-puno ng pag-asa at pangarap ngunit ngayon ay dinupilas ng malagim na
karahasan.

Tumambad sa may pintuan ang isang lalaki. Matangkad ngunit may kapayatan.
Nakasumbrero ito. Nangungupas ang suot na polo. Nagnanasnas ang kupasing maong na pilit
binagayan ng de-gomang sapatos. At ang braso’y nangingintab sa pawis na tinatamaan nang
malamlam na sinag buhat sa liwanag ng bombilya. Humpak ang pisngi na ang mukha’y
pinagiging barumbado ng makapal na tubo ng balbas at bigote. Ang mga mata’y tigib ng
malalim na damdamin. Panatag ang kaanyuan ngunit naroon ang tinitimping galit na anumang
oras ay maaaring magsilakbo, maaaring kumulo at sumambulat.

Agad nitong binungaran ang bangkay ng anak. Hinimas-himas pa ang puting kabaong.
Animo’y kinakausap at inaalo ang nakahimlay na katawan ng anak. Mayamaya’y naulinigan ko
ang hikbi at hibik ng pinipigilang damdamin; hanggang ang damdami’y kumawala sa
pagpalahaw. Bumulanghit sa pagnguyngoy ang amang ninakawan ng pag-asa, ang anak na
katuparan ng kanyang pangarap, ang anak na kahulugan ng kanyang buhay at ang sumatutal
nang lahat-lahat niyang pagsisikap. Humahagulgol ang ama sa kapaitang sinapit nang walang
kalaban-labang anak sa mga kamay ng mga buhong na kriminal. Anong klaseng damdamin
ang umaalimpuyos sa kanyang pagkatao?

Ang kakarampot na kinikita mula sa pag-eekstra bilang tagahalo ng semento sa isang


konstruksyon at ang araw-araw na pagtanggap ng mga labada ng kanyang maybahay ay
kanilang tinitiis at binabata upang igapang ito sa pag-aaral, upang maging bahagi sila ng
pagsasakatuparan ng mga pangarap ng anak, upang kahit papaano’y makapagtapos ito;
magkaroon ng pag-asa at mabigyan ng kahit kaunting dangal ang kanilang pagkabusabos at
paghihirap. Ngunit ngayo’y nagsaklob ang langit at lupa. Wala nang natira ni katiting na pag-
asa, wala nang nalabi kundi karahasan at pagdurusa.

Matagal-tagal din bago napahupa ang eksenang iyon. Dama ang lungkot at paghihinagpis ng
isang pamilyang naghahanap ng katarungan sa tinamong trahedya.

Nagpasya na akong umuwi, ngunit bago tuluyang magpaalam, makailang ulit ko pang sinilip
ang bangkay ng aking estudyante. Wala na ang mga tingin, wala na rin ang mga ngiti at ang
CTE
naroon ay ang kalunos-lunos na kaanyuan ng isang biktimang hindi matanggap ang tinamong
napakaagang kamatayan. Waring naghahanap ng hustisya sa walang saysay at walang
kapararakang pagkamatay. At naitanong ko sa aking sarili;
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

“may kahulugan pa ba ang budhi at konsensya sa katuturan ng buhay kung ang pumatay ang
magiging kasagutan sa nararamdamang kagutuman?”

Umalis akong halos nagugulumihanan. Sa daan papauwi, nagsusumiksik pa rin sa utak ang
katanungang iyon. Sa sulok ng isip ay naroroon ang agam-agam at pagkatakot.
Nangangamba na wala nang kaligtasan ang mga oras at sandali ng pagiisa. Walang pinipiling
oras ang karahasan. Ang masamang elemento ay naririyan lamang, naghahanap nang tamang
pagkakataon upang sumalakay, sumila ng mabibiktima at isakatuparan ang masamang balakin
hanggang magwakas sa nakapanlulumong trahedya.
Hindi ako nakatulog ng gabing ‘yon. Pabiling-biling ako sa higaan. Maging sa pagtulog ay
naroon ang takot na baka bukas ay hindi na magising. Bumangon ako sa pagkakahiga, ayaw
akong dalawin ng antok. Kinuha ko mula sa ibabaw ng tokador ang aking cellphone. Binuksan
iyon sa pag-aakalang baka may matanggap na message. Pagkatapos ay binuksan ko ang
phonebook; ini-scroll ito pababa. Hindi nakaligtas sa aking paningin ang pangalang SHIELA
B., nakarehistro rin ang numero ng kanyang cellphone. Hindi ako maaaring magkamali, ito ang
cellphone number ni Shiela Buenafe; ang aking estudyante, ang walang iba kundi ang nag-
iisang biktima ng madugong holdapan. Naalala kong ibinigay niya sa akin ang kanyang numero
isang buwan bago maganap ang nasabing insidente; at ang sim card kung saan nakarehistro
ang numerong iyon ay kasama sa mga cellphone na nilimas ng mga holdaper.

May kung anong bagay na pumasok sa aking isip. Hindi ko namalayan ang pagpindot ng mga
daliri sa cellphone patungong create message. Nag-text ako ng mensahe at isinend sa numero
ni Sheila. Bahala na kung may mag-reply, hindi ako umaasa. Ang mahalaga ay nasabi ko ang
mensaheng gusto kong sabihin. Ngunit sa isang saglit lang ay nag-ring ang cellphone.
Binuksan ko ito at nag-appear ang pangalang SHIELA B.. May bahagyang takot akong
naramdaman. Pinindot kong muli ang cellphone; binasa ang message at agad akong nag-
reply. Hindi ko inaasahang ang sasagot sa akin ay ang mismong mga holdaper na may tangan
sa cellphone ni Sheila. Ilang beses pa kaming nagpalitan ng mensahe. Maiksi, ngunit
malaman ang kabuuang takbo ng aming pag-uusap…

AKO: d’re bkt nman ganun? hinoldap mo n nga, bkt nman pinatay mo pa?!!!

HOLDAPER: SORI N LANG BAY… GNUN TLGA ANG BUHAY… WG KNG MG-ALA2… IKW
NMAN ANG ISU2NOD KO!

AKO: ikw ang bhla… syang lng tlga ung bata, estudyante un! mraming pngarap tpos pinatay
mo lang!

HOLDAPER: BAGAY LNG UN SA KNYA…IKW…PNAPAHANAP N KTA…CTE


KW N ANG
ISU2NOD KO…!

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

AKO: gnun b? nsa syo yn, cguro nman may konsensya kp… pro bago un gusto kong
mgpkila2 syo… ako nga pla si SHIELA BUENAFE…ung hinoldap at pnatay mo nung isang
araw!!!

Wala akong alam kung anong klaseng takbo ng pag-iisip meron ang katulad nilang mga
kriminal. Iniisip ko tuloy kung meron pa bang takot na natitira sa kanilang katawan o may
sumbat pa ba ang kanilang budhi o talagang wala na silang mga konsensya. Ngunit nang
magpakilala akong ako si Sheila Buenafe na hinoldap nila at pinatay, hindi na sila nagtangkang
sumagot o mag-reply man lang!

Matapos ang pangyayaring iyon ay pinilit kong maging normal ang lahat. Maging sa loob ng
eskwelahang pinapasukan ay minabuti ko at ng aking mga estudyante na iwasang pag-usapan
ang mga bagay na patungkol sa naturang trahedya. Ngunit ilang linggo lamang ang nakalipas,
nakatanggap ako ng balita na isa sa tatlong suspek ang nasukol sa isinagawang follow-up
operation ng mga operatiba.

Isang lalaki na nasa pagitan ng dalawampu’t walo hanggang tatlumpu’t limang taong gulang
ang nadakip ng mga pulis. Nutoryus ito sa kanilang lugar sa kasong pagnanakaw at patung-
patong ang kinakaharap na kasong robbery at hold-up w/ homicide. Ayon sa paunang
imbestigasyon, siya ang primary suspect. Siya rin ang trigger man; ang kumalabit ng gatilyo ng
9mm na kalibre ng baril na umutas sa buhay ng kaawa-awang biktima.

Magandang balita ito para sa lahat sapagkat magkakaroon na rin ng hustisya ang pagkamatay
ni Sheila. At ang pagkadakip sa naturang salarin ang magiging daan sa tiyak na pagkahuli sa
dalawa pang natitirang suspek.

Masaya ako sa tinatakbo ng kaso ngunit mayroong bagay na nagpapabagabag sa akin. At


ang pagkabagabag na ito ay naramdaman ko simula ng madakip ang pangunahing suspek na
kinilala lamang sa alyas na Bong Baho.

Ang alyas na Bong Baho ay hindi na naiiba sa akin. Ito ang alyas ng isang kababata at
kakilala na kapanabayang nagtutulak ng kariton sa pagdyadyaryo at pagbobote. Noon ay laman
kami ng mga kalsada. Magkakasama kaming naghahanap ng mga tumpok ng basura na aming
kakalkalin upang mamulot ng plastik, bakal, bote, garapa, karton at tanso na aming ipagbibili sa
junk shop ni Tambong. Libot namin ang kalsada ng buong Rosario, De Castro, St. Joseph,
Junction, Manggahan, Santolan, Ugong at ilang kalye sa Marikina. Laman kami ng mga
subdibisyon ng mga lugar na ito sa pag-aakalang makaka-jackpot ng “mina” sa basura na
kadalasang ang kinauuwian ay ang pakikipaghabulan sa mga gwardya at kung minsan ay
pinapahabol kami sa naglalakihang mga aso. Nakita ko pa nga kung paano CTE sagpangin ng
police dog ang binti ni Bong habang palundag na umaakyat ng pader. Sa halip na bigyan ng

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

paunang lunas ang tinamong pinsala ng mga gwardyang nakahuli sa kanya; pinagsusuntok pa
nila ito at pinaggugulpi.

Naging tampulan ng tukso kay Bong ang karanasang iyon. Malimit na ito ang dahilan ng
kanyang pakikipagbabag at pakikipag-away sa pang-aalaska at pang-aasar ng kanyang mga
kababata. Simula noon ay naging palaiwas si Bong. Hindi na siya sumasama sa amin at
madalas ay gumagawa siya ng sariling “diskarte” sa pamumulot ng basura.

May kakatuwang ugali itong si Bong; tuwing hapon bago ibenta sa junk shop ang mga napulot
na plastik at bote ay ugali niya na maligo at sumisid sa mabaho at kulay itim na tubig ng
Manggahan Floodway saka didiretso sa junk shop ni Tambong na basang-basa at nakakapit sa
katawan ang mabaho at masangsang na amoy ng pinagpaliguan. “Bong Baho” ang naging
palasak na tawag sa kanya simula noon.

Naging mahigpit hanggang sa ipagbawal na sa mga magbobote ang pumasok sa loob ng mga
subdibisyon. Naging todo-bantay ang mga gwardya dahil sa mga napabalitang nakawan kung
katanghaliang tapat at patay ang oras at ang mga kasambahay ay kasalukuyang
nagpapahinga. Hindi naman kalakihan at mamahalin ang mga nawawala at ninanakaw na
bagay; ‘ika nga ay small time lang. Kakatuwang isipin na ang mga butas na kaldero, kaserola,
kawali, sandok at takure ang pinagdidiskitahang “pitikin” at “umitin” ng sinasabing magnanakaw.

Hanggang isang araw, naging usap-usapan sa junk shop ni Tambong ang pagkakahuli kay
Bong Baho habang papatalon sa isang pader ng niloobang bahay bitbit ang isang sandok at
takip ng kaldero. Sa mga gwardya pa lang ng subdibisyon ay katakut-takot na na panggugulpi
at pambubugbog ang kanyang naranasan. Hanggang sa Barangay Hall ay pilit na pinaamin
kay Bong Baho na siya ang responsible sa iba pang nangyaring nakawan. Hindi naman niya
itinanggi ang gayung mga akusasyon. At nang tanungin kung bakit niya ginagawa ang gayung
bagay; walang kagatul-gatol na sinabi niyang kailangan niya ng pera. Ang bawat kilo ng
napagbentahang aluminum na kaldero, kaserola, kawali, sandok at takure ay malaking tulong
para ipanustos sa gamot ng inang may tuberkulosis.

Batay sa pagsisiyasat ng mga nag-imbestiga, hindi nagawang ibenta ni Bong Baho ang lahat
ng mga ninakaw na bagay. Ang mga ito ay kanyang itinago at tinipon. Isinilid sa mga sako na
nakatali sa kung tawagin ay mga “taeng-bakal” (palasak na tawag sa namuong pinagtunawan
ng bakal) na nasa ilalim ng mabaho at maitim na tubig ng Manggahan Floodway.

Pinagdusahan ni Bong Baho ang krimeng iyon. Isang linggo matapos makalaya, namatay ang
kanyang ina sanhi ng maraming komplikasyon. Magmula noon ay hindi na siya napagkakakita
sa aming lugar. Hindi na rin siya naglalabas ng kariton sa pagbobote. Hanggang lisanin ko
CTE
ang lugar na iyon, lumipat ng matitirhan at makapagturo; wala na akong balita sa kanya na
naging kababata at kakilala.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Batbat pa rin ng pagkabagabag ang aking nararamdaman. Mabilis ang tibok ng aking puso.
Nagsasala-salabat ang mga katanungang naghahanap ng kasagutan. May gustong maapuhap
sa buong pagkatao ng naturang suspek. Binabagabag ako ng kasalukuyan. Gusto kong
bumalik sa nakaraan nang sa gayu’y ‘wag akong sumbatan ng aking hinaharap.

Dali-dali akong nagtungo sa istasyon ng pulis. Sa may information desk, nagusisa ako sa
kalagayan ng suspek. Ipinabasa sa akin ang isang log book na naglalaman ng impormasyon
ng naturang kriminal: DOGOMEO BAUI Y BAUTISTA
a.k.a “BONG BAHO”: CASE # 4283030, ROBBERY, HOLDAP W/ HOMICIDE.

Lalo akong kinabahan. Parang binabayo nang makailang ulit ang aking dibdib. May kung
anong damdamin ang lumulukso sa aking pagkatao. Agad itinuro sa akin ang kinaroroonan ng
selda. Sinamahan ako ng isang unipormadong pulis. Parang may tumutulak sa akin ngunit
mabigat ang mga paa sa paghakbang.

Patuloy ang pagkabog ng dibdib. Habang papalapit ay nakaramdam ako ng pagkaalinsangan.


Namumutil-mutil ang aking pawis. Sumasalubong ang masangsang na amoy mula sa selda.
Kumakapit sa ilong ang amoy ng pawisang katawang nakukulob sa maalinsangang kulungan.
Sa tantya ko ay may isa’t kalahating metro ang lapad nito na may habang lima hanggang
walong metro ang sukat. Isa itong malaking nitso. Humigit-kumulang sa dalawampung preso
ang nagsisiksikan sa loob ng kulungan. Ang iba ay nakahiga, ang iba ay nakatayo at ang
karamihan ay nakasalagmak sa sahig habang hubad ang damit pantaas. Pinagtitiyagaan ang
hanging pumapasok sa siwang ng tarangkahan ng selda.

“Bong Baho, may dalaw ka!”

Pabulyaw ang pagkakasabi ng pulis. Ang mga preso ay parang mga dagang nagpulasan
kasabay nang pagbaling ng tingin sa pulis na hindi naman katabaan ngunit nakausli ang
malaking tiyan.

Sandali ko munang ikinubli ang sarili sa gilid ng pader. Kahit paano ay may tensyon akong
nararamdaman. May namumuong takot sa dibdib na ang haharapin ay isang mamamatay tao;
isang magnanakaw, isang kriminal. Ngunit ang kadahupan sa sagot sa mga tanong ng
nakaraan ay tila mga barenang nagpaparindi sa aking sintido. Bumabaon sa isip ang mga
larawang iyon. Nakapagpapangilo ang mga eksenang nagpapaalala ng aking nakaraan.

Huminga ako nang malalim. Humugot ng lakas ng loob. Humakbang akong paharap sa selda.
Nabungaran ang isang lalaking nakayuko; hawak sa magkabilang kamay ang rehas CTE
na bakal.
May kapayatan ngunit namimintog ang mga masel. Kapansin-pansin ang mga tattoo na
nakaguhit sa braso, binti at sa hubad na katawan. May mahabang peklat sa kaliwang bahagi ng

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

tagiliran. Bagaman nakayuko, aninag ang bukol at pasa sa kanyang kanang pisngi. May
sariwang sugat siya sa ibabaw ng kaliwang kilay.

Iniangat niya ang kanyang ulo. Nagtama ang aming paningin. Hindi ito nagbitaw.
Nagtatanong ang aking mata. Nag-uusisa. Hinahanap sa kanyang tingin ang kasagutan.
Walang pagdadamot na nagpaubaya siya ng mga ganting titig. Malalim at matalim ang
kanyang mga titig; at hindi ko man lamang siya kinakitaan ng pagkabigla. Walang katinag-tinag.
Nananatili siyang kalmado. Ngunit sa kanyang balintataw ay masasalamin ang matinding poot
na ikinikimkim. Nag-aapoy ang kanyang mga mata. Nag-aalab. Naglalagablab ang damdaming
ikinukubli nang matagal na panahon. Napapaso ako sa kanyang tingin. At bago tuluyang
matupok ng kanyang mga titig; ako na ang bumasag ng katahimikan.

“Kamusta Bong?” Ang halos pabulong at banayad na tanong ko sa kanya.

Patuloy pa rin ang pagkabog ng aking dibdib. Nag-aabang ng maaari niyang isagot.
Sumandaling katahimikan. Bahagya siyang yumuko. Iniwas ang mata sa akin. At ang
inaasahang tugon sa ipinukol kong tanong ay sinagot nang marahan ngunit pikitmatang pag-
iling. Nagngangalit ang kanyang panga. Nagtitiim ang kanyang bagang. Muli niya akong
tinitigan. Mata sa mata. Sabay hagod nang mapanukat na tingin sa aking kabuuan; “mula ulo
hanggang paa, mula paa hanggang ulo.” Umatras siyang papalayo sa selda. Bumitaw ang
dalawang kamay sa pagkakahawak sa rehas na bakal. At sa ikalawang pagkakataon ay muli
niya akong hinagod ng tingin ngunit ngayon ay mas mapang-usig; “mula paa hanggang ulo,
mula ulo hanggang paa…!”

“Boss, Tsip… hindi ko kilala ‘yan… pwde n’yo na ‘yang pauwiin!”

Matigas ang kanyang pagtanggi. Nakakarindi sa pandinig na lalo pang nagpabilis sa pintig ng
aking puso. Bumaling ako ng tingin sa pulis; kapwa kami nabigla. Muli kong itinapon ang tingin
kay Bong. Ngayon ay mapanudyo ang kanyang ngiti… hindi ngiti kundi ngisi ng isang taong
nanunukso, nanunuya, nang-aasar.
Tumalikod siyang tinalunton ang dulo ng selda at hindi na muling lumingon pa. Halos patakbo
akong napakapit sa selda. Dalawang kamay na napahawak sa rehas na bakal. Gusto ko
siyang pigilan ngunit naumid ang aking labi. Hindi ako nakapagsalita. May kung anong bagay
na humarang sa aking lalamunan. Nakaramdam ako nang matinding kahihiyan sa buong
pagkatao. At habang sinusundan ko ng tingin ang papalayong kababata’t kakilala ay nakita ko
ang sariling ibinilanggo sa mga sumbat ng mga multo ng isang trahedya.

CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Multo ng Isang Trahedya ni Arlan M. Camba


(Panimulang Pagsusuri ni Arvie DC. Tolentino)

Bawat tao ay may kanya-kanyang multo sa buhay. Marami ang hindi maaaring ibaon sa
limot kung kaya nagiging sugat na ito ng alaala. Ang kwento’y pumapaksa sa isang taong
minumulto pa rin ng kahapon. Marami sa kanyang alaala ang hindi pa rin mawaglit sa isipan
dahil sa trahedyang dinanas ng pangunahing tauhan sa kwento.

Isang guro ang pangunahing tauhan sa kwento. Nagimbal siya sa isang balita tungkol sa
trahedyang sinapit ng kanyang estudyante. Pinatay pagkatapos pagnakawan ang kaawa-awang
estudyante. Ang estudyante niyang iyon ay isang working student na kadalasan ay tampulan ng
tukso o sentro ng atraksyon dahil sa madalas nitong pagkahuli sa klase. Hindi inakala ng
pangunahing tauhan na ang kumitil sa buhay ng kanyang estudyante ay isang kababata na
naging kasakasama niya sa kanyang kabataan. Nasukol naman ng awtoridad ang kababata ng
pangunahing tauhan at nagkaroon siya ng pagkakataon na ito’y sadyain sa piitang
kinalalagyan. Subalit hindi siya kinilala bilang isang kababata nito kung kaya’t humantong iyon
sa pagiging bilanggo ng trahedya.

Kung palulutangin ang paksang diwa ng kwentong ito kababakasan ito ng iba’t ibang multo
trahedya na na nakaangkla sa mga tauhan ng akda. Trahedya ang maging biktima sa krimen
na humantong sa kamatayan hindi lamang ng katawang-lupa kundi kamatayan rin ng pangarap
upang maiahon sa kahirapan ang sarili kasama ang mga mahal sa buhay. Patuloy na
magmumulto ang pangarap na iyon sa mga naiwang mahal sa buhay ng estudyante. Ang
krimen na kinasangkutan ng isang tauhan sa kwento ay nagdulot din ng trahedya sa buhay nito,
dahil ang pangyayaring iyon ang magpapaalala sa tauhan na isa siyang kriminal na kumitil sa
isang kaawa-awang estudyante. Dahil sa ginawang krimen na iyon magiging tatak na nito ang
panghuhusga sa kanya ng lipunan bilang isang masamang indibidwal. Isang malaking trahedya
sa buhay ng pangunahing tauhan ang malaman na ang mga taong naging bahagi ng kanyang
buhay ay bumuo ng isang di malilimutang tagpo na magpapaalala sa kanya upang multuhin pa
lalo ng kahapon. Mapapansin ang kabalintunaan sa buhay ng tao na sa dinami-dami ng taong
magiging biktima ng krimen ay ang kanyang estudyante na madalas pa niyang mapagalitan at
sa dinami-dami ng gagawa ng krimen ay ang dati niya pang kababata.

Bawat akdain ay may mga layunin na nakapaloob. Sa akdang pinamagatang “Multo ng


Trahedya” layunin sa akdang ito na masalamin ang realismo o tunay na kalagayan ng ating
lipunan. Pinadadama sa mambabasa ang malungkot para sa ibang tao, pinapakita sa
mambabasa kung ano ang hindi nakikita ng kanilang mata at hindi kayang ipaliwanag ng
kanilang isip. Samakatwid ang kalungkutan ay natural na nangyayari sa tao dahil sa
kalungkutang iyon ay magkaroon ng malaking dagok sa damdamin ng mambabasa na
magpahalaga sa mga tao habang ito’y nabubuhay pa. Layunin din ng akda na bigyan ng babala
ang mambabasa na mag-ingat sa panahong ito dahil hindi natin hawak ang bawat sandali dahil
CTE
sa patuloy na pagdarahop ng lipunan ay nakakagawa ng kasamaan ang mga indibidwal na
bumubuo sa lipunan.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Kung babasahin ang akdang ito kakikitaan ng magaan na paggamit ng Wikang Filipino. Ang
dayalogo ng bawat tauhan ay akma sa kanilang pananalita batay sa kalagayang panlipunang
nailarawan ng may-akda. Mas magaan ang paglalarawan ng mga tagpo, pangyayari at kilos ng
mga tauhan dahil ang mga katagang ginamit ay karaniwang ginagamit sa diskurso ng
nakararaming tao.

Kung sakaling mabasa ito ng isang mambabasa na panatiko ng iba’t ibang akdang
pampanitikan lulutang ang iba’t ibang tugon o reaksyon ng mga ito. Karaniwan ang tugon ay
sasabihing ay makapagdamdamin ang kabuuan sapagkat hanggang sa dulo ng akda ay
kakikitaan ng pagdurusa ng lahat ng tauhan. Lutang na lutang rin ang tiyak na tugon na may
suliraning panlipunan ang akda na kadalasan ay nasaksihan na ng mambabasa o nabalitaan sa
iba’t ibang kaparaanan. Tiyak din na ang pagtanggap ng mambabasa ng panitikan sa akdang
ito ay magsasabing ang estilo ng pagkukuwento ay may mabilis na daloy ng mga pangyayari at
hindi paliguy-ligoy. Maaaring mayroon ding kaayawan ang mambabasa sa akdang ito o
maaaring magkaroon ng sariling kuru-kuro kung paano ba dapat ang naging takbo ng kwento.
Kadalasan ang wakas ng kwento ang nakikita na nais na mabago. Ang mga bitin na tagpo sa
pagwawakas sa kwento ay kinaaayawan ng nakararami sapagkat nais nilang matapos ang
kwento na may tiyak na wakas. Ang ilan naming mambabasa ay kinahihiligan ang nabibitin na
kwento o sa Ingles kung tawagin ay “open ended.” Sa pagwawakas ng kwento nabibigyang
pagkakataon ang mambabasa na maghinuha ng mga posibilidad na mangyayari na ibinitin ang
wakas ng may-akda.

Mga Gabay na Tanong sa Maikling Kuwentong Multo ng Isang Trahedya:

1. Naging matagumpay ba ang paggamit ng wika ng may-akda sa paglikha ng mga


diyalogo sa kuwento? Ipaliwanag.
2. Ano ang pinapaksa ng maikling kuwento?
3. Paano inilarawan ang mga tauhan sa kuwento?
a. Kalalagayan sa Buhay
b. Paniniwala
c. Ugali
4. Paano sumasalamin sa ating lipunan ang maikling kuwento?
5. Sang-ayon ka ba sa naging wakas ng kuwento?

CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

ANG DULA

Ang dula ayon sa batikang manunulat na si Rene O. Villanueva (2006) ay “Isang anyo ng
malikhaing pahayag.” Ibig sabihin, sumusulat tayo ng dula para magpahayag; o dahil may ibig
tayong sabihin. Hindi kinakailangang mahalaga, dakila, napapanahon o monumental ang gusto
nating sabihin. Ang mahalaga, malinaw sa atin na meron tayong gustong sabihin, ano man
iyon. Sa dula ang pangunahing kailangan ay aksyon at usapan.

Bukod sa ang dula ay isang pahayag, pansinin na ang dula ay isang malikhaing pahayag. Ano
ba ang tinatawag na malikhain? Malikhain ang isang pahayag kunmg ito ay makintal at
mapagparanas. Sa Ingles, impressive and evocative. Makintal: tumitimo, bumabaon sa
sinumang makaranas ng pahayag. Mapagparanas: may kakayahang magpadama, maranasan
ng nakakita o nakarinig. Magagawa ito sa pamamagitan ng paggamit sa ilang batayang
sangkap ng dula: tauhan, banghay, o tema.

Sa dula, kailangang maipakita ang nagaganap o pangyayari na parang nagaganap ito sa


unang pagkakataon. Dula ang tanging anyo na hindi nanganagilanagn ng pananaw (point of
view) o tagapagsalaysay. Bagaman may mga dualng gumagamit ng narrator, lalo na sa mga
dulang pambata, may kakayahan ang dula (na siyang ikinatatangi nito sa ibang anyo ng
malikhaing pagsulat) na ipahayag ang karanasan nang walang nagsasalaysay. Sinasabing ang
dulang kailangang gumamit ng ng tagapagsalaysay, karaniwan, ay itinuturing na mahina ang
pagsasadula.

Inilahad naman sa websayt na wikipilipinas.org na ang dula ay isang uri ng panitikang ang
pinakalayunin ay itanghal sa tanghalan. Mauunawaan at matutuhan ng isang manunuri ng
panitikan ang ukol sa isang dula sa pamamagitan ng panonood.
………………………………………………

Gaya ng ibang panitikan, ang karamihan sa mga dulang itinatanghal ay hango sa


totoong buhay maliban na lamang sa iilang dulang likha ng malikhain at malayang kaisipan.

Lahat ng itinatanghal na dula ay naaayon sa isang nakasulat na dula na tinatawag na iskrip.


Ang iskrip ng isang dula ay iskrip lamang at hindi dula, sapagkat ang tunay na dula ay yaong
pinanonood na sa isang tanghalan na pinaghahandaan at batay sa isang iskrip.

Batayang Sangkap ng Dula CTE

Tinukoy ni Villanueva (2006) ang ilang batayang sangkap ng isang dula:


visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

1. Tauhan (Character) – siya ang kumikilos sa dula. Kapag may tauhan, may pangyayari. May
magaganap na pagbabago.

2. Banghay (Plot) – ito ang estruktura o kabuuan ng mga pangyayari sa dula; ang kabuuan
ng pagkilos ng isang tauhan mula simula hanggang katapusan ng dula.

3. Tema (Theme) – ito ay may kaugnayan din sa pahayag (kaya napakaimportante ng gusting
sabihin sa dula!) pero ispesipiko at mas tiyak ang anyo kaysa pahayag. ang tema ay
maaaring moral lesson, premise o insight.

a. Ang tema bilang moral lesson ay may kinalaman sa paghuhusga sa gawi, ugali, o
halagahan: maaaring tama o mali o tamang ugali o halagahan.
b. Ang premise naman ay isang kaisipang kailangang patotohanan ng mga pangyayari sa
dula. Hindi kailangang patotohanan ay isang katotohanang unibersal. Ang dula mismo
ang magpapatotoo sa piniling premise.
c. Ang insight ay isang kagyat na pagkatanto tungkol sa isang pangyayari o tauhan.

Iba pang sangkap ng dula ayon sa websayt na wikipilipinas.org:

a. Tagpuan – panahon at pook kung saan naganap ang mga pangyayaring isinaad sa dula

b. Sulyap sa suliranin – bawat dula ay may suliranin, walang dulang walang suliranin;
mawawalan ng saysay ang dula kung wala itong suliranin; maaaring mabatid ito sa simula o
kalagitnaan ng dula na nagsasadya sa mga pangyayari; maaaring magkaroon ng higit na
isang suliranin ang isang dula

c. Saglit na kasiglahan – saglit na paglayo o pagtakas ng mga tauhan sa suliraning


nararanasan

d. Tunggalian – ang tunggalian ay maaaring sa pagitan ng mga tauhan, tauhan laban sa


kanyang paligid, at tauhan laban sa kanyang sarili; maaaring magkaroon ng higit sa isa o
patung-patong na tunggalian ang isang dula

e. Kasukdulan – climax sa Ingles; dito nasusubok ang katatagan ng tauhan; sa sangkap na


ito ng dula tunay na pinakamatindi o pinakamabugso ang damdamin o kaya’y sa
pinakakasukdulan ang tunggalian
CTE
f. Kakalasan – ang unti-unting pagtukoy sa kalutasan sa mga suliranin at pag-ayos sa mga
tunggalian
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

g. Kalutasan – sa sangkap na ito nalulutas, nawawaksi at natatapos ang mga suliranin at


tunggalian sa dula; ngunit maaari ring magpakilala ng panibagong mga suliranin at
tunggalian sa panig ng mga manonood

Para kay Rene Villanueva (2006), mahalaga ang tauhan bilang sangkap ng dula. Isinaad
nga sa itaas na ang tauhan ang siyang kumikilos sa dula, kapag may tauhan may pangyayari at
may magagnap na pagbabago. Para makalikha ng isang tauhan, talong bagay ang
kinakailangan: pangalan, edad at kalagayan sa buhay. Matapos tukuyin ang tatlong katangian
na magbibigay ng indibidwalidad sa tauhan, kailangang gawing dramatiko ang tauhan. Isunod
naman ang kaniyang mithi, balakid at kapalaran.

Ang mithi ay isang kongkretong bagay na gustong makamit ng tauhan. maaring ito’y isang
makapagtapos ng pag-aaral, maghiganti atbp. Kailangang maging kongkreto ang mithi
sapagkat ang pagtukoy sa tunay na mithi ng tauhan sa dula ay kaakibat ng pagtukoy sa kung
ano ang magpapaligaya sa tauhan.
Pagkatapos nito’y isunod ang kapalaran, ditto pagpapasiyahan ng manunulat kung ano ang
kahihinatnaty ng mga tauhan sa dula.

May apat na kapalaran ang maaaring kahantungan ng tauhan. Maaring makamit niya ang
minimithi at lumigaya; Hindi makamit ang mithi at hindi lumigaya; Makamit ang kanyang mithi
ngunit hindi liligaya; o Hindi makamit ang mithi pero magiging maligaya.

At ang huli, ang pagtukoy sa balakid o anumang bagay na hadlang sa minimithi ng tauhan.
Karaniwan, tatlo ang uri ng balakid: Panloob, Panlabas o Pangkapaligiran. Psychological.
Physical. Social. Environmental. Ang nasabing mga balakid ay kakatawanin ng isa pang tauhan
sa dula.

Isa sa pinakamahalagang aspekto sa poagmumuni ng dula - ang pagbabago ng tauhan.


Sapagkat ang dula, higit sa anupaman, ay tungkol sa pagbabago. Mula sa isang pananaw,
pagpapahalaga o attitude ng tauhan tungo sa panibagong pananaw, pagpapahalaga o attitude.

CTE
Mga Halimbawa at Panimulang Pagsusuri ng Dula

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

ISANG DAKILANG MAMAMAYAN NG REPUBLIKA


Rene O. Villanueva

MGA TAUHAN:
LOLA, 76 anyos, maitim, tindera ng turon at banana cue
ELSA, estudyante
MANGGAGAWA 1
MANGGAGAWA 2

TAGPUAN:

Gabi, kasalukuyan. Sa isang maliit na puwesto ng banana cue sa may Recto.Ilang hakbang
mula sa panulukan ng Recto at Bilibid Viejo, katapat ng terminal ng Victory Liner, may maliit na
pondahan ng banana cue at turon. Sa bukana ng tindahan na hindi hihigit sa dalawang dipa
ang lapad at luwang, maymahabang lutuan ng turon at banana cue. Nakapastong ditto ang
isang kusinilya at nagtambak ang mga dahon ng saging at piling-piling na binalatang saging na
saba. Hindi kailangang makita o maaninag ng manonood ang mga ito sa pagsisimula ng dula.
May gaserang ilawan sa isang tabi.Nakaupo sa harap ng pondahan ang matabang matanda.
Maaaring may mga taong nagdaraan sa harapan, pero walang pumapansin sa kanya. Gabi na.
Sa simula, tila wala sa sariling nilalapirot ng LOLA ang isang maliit, parihabang tuwalyang puti,
na halos kulay-libag na sa pawis at alikabok; habang panay ang pahid niya sahumuhulas na
pawis sa mukha’t leeg. Kausap ang manonood.

LOLA:
Wala pa ba? (Hawak ang gasera, sisilip siya sa magkabilang tabi.) Lintek! ang tagal naman.
Sibsib na ang dilim a. Sigurado namang me nagreport na sa kanila.Me nalilihim ba sa Maynila?
Lalo dito sa kahabaan ng Recto. Dito pa sa terminal! Kahit kulay at amoy ng utot mo, ke
gumagapang pa ‘yan o nagririnyego; siguradong bistado ng lahat, mula Avenida hanggang
simbahan ng Santa Cruz. E wala naman akong balak magtago. Ano, bale? Hindi naman ako
naghahanap ng sakit ng ulo ni katawan. Mamaya tugisin pa ako ng mga parak. E di
natelebisyon pa ako. Mas malaking iskandalo, ‘pag nagkataon! Gaya nung tarantadong
umakyat diyan sa poste ng koryente sa may Quezon Blvd. Unti-unting liliwanag ang entablado.
Makikita natin ang isang LALAKI na tumatawid sa mga kawad ng koryente. Halatang
kinakabahan o natatakot. O weno? E di pinagpistahan siya ng mga usyoso. Kaya iniligpit ko
ang mga paninda ko para makiusyoso. Ay, mali! Dinala ko pala ang mga paninda ko, at doon
ako sa mismong tapat niya naglako ng turon at banana cue. ‘Daming tao e! Tatayo ang LOLA.
May dalang basket na pupunta sa tapat ng LALAKI tumatawid sa mga kawad ng koryente.
Lilinga-linga na parang sinisino ang mga mamimili habang pasigaw-sigaw ng kanyang inilalako.
Turon! Turon! Bagong luto, may langka! Banana cue kayo riyan!
(Titingala at mapapapalatak.) …………………………………………………………
CTE
Siyempre, hindi tuloy nakatalon-talon ‘yung gago. Nalito sa sobrang dami ng matang nakatutok
sa kanya. Nahiya siguro sa dami ng bungangang nang-uudyok sa kanya. (Sisigaw.) “Tarantado,
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

talon!” Isa-isang darami ang mga usyoso. May istambay. May galing sa opisina. May
makikisigaw. Lahat ay nakatingala. Makakarating sa dulo ang LALAKI, tatalungko. Kung ano-
ano ang isinisigaw ng mga usisero para tuluyang tumalon ang tarantado: (Sisigaw ang LOLA na
tila iba-ibang tao ang humihiyaw.)

“Ano pang hinihintay mo? ‘Yung mga kamera? Si Mike Enriquez?”


“Hindi na darating ‘yon! Nasapawan ka ng coup!”
“Me malaking rali sa Mendiola, tanga!”
“Siyempre, uunahin nilang tutukan ang Malacanang.” “Lundag na!”

“Talon!” (Papalakpak.) Pero hindi nakatalon ang tarantado, hanggang sa halos maging sindami
na ang mga usyoso ng tao kung pista ng Nazareno. Hanggang sa abutan na siya ng ambon.
Itatalukbong ng LALAKI ang dalawang kamay sa kanyang ulo. Saka magsisimula uling tumawid
sa kawead ng koryente. Hanggang sa magdatingan na nga ‘yung mga taga-radyo at telebisyon.
E di lalong nangatog ang gago. Lalong napahiya ang walanghiya! Talagang hindi mo
magagawang magpakamatay kung halos ang buong Maynila ang nakatingala at naghihintay sa
paglundag mo. Sigurado merong pang nagdarasal na madulas ka sana, para sulit naman ang
pamimitig ng leeg nila. Walang puso ang mga tao e. Kaya hindi ako naniniwalang talagang
magpapakamatay ‘yung gago. Kung magpapakamatay ka, magpapakahirap ka pa bang
umakyat sa poste ng koryente? Ang kamatayan,kailangang madali. Hindi pinagtatagal, para
walang hirap. – Turon! Turon! Banana cue, bagong luto! Maninimbang ka pa ba sa mga kable?
Kung magpapakamatay ka, bakit do’n pa? Mas madaling lumundag sa overpass, di ba?
Semento din naman ang babagsakan mo. Kung hindi mabagok ang ulo mo sa semento, tiyak
na wala kang ligtas sa mga dumarating na sasakyan. (Hahagikhik.)

Pero … hindi rin nga pala; dahil wala sa tiyempo ang pag-akyat sa poste ng tarantado.Hapon
na. Paano kang lulundag sa oras na ‘yon, e hapon na nga? Di hindi ka nga masasagasaan!
Kapag gano’ng oras, mas mabagal pa sa pagong ang usad ng mga sasakyan. Hindi ka rin
puwedeng mabagok sa semento. Wala kang puwang na makikita sa sobrang dami ng dikit-dikit
na sasakyan. Bamper to bamper! (Hahalakhak.)
Pinakamasuwerte na ‘yung bumagsak ka sa salamin sa harap ng isang sasakyan.- Turon! May
langka, mainit pa! - Puwedeng madurog ‘yung salamin at matusok ka ng matutulis at matatalim
na bubog. ‘Yon e kung masasalalak ka. Pero dahil yayatot-yatot, singnipis ng istik ng banana
cue ang parilya ng gusgusing tarantado, mabuti kung lumusot siya sa salamin! Baka damputin
lang siya sa kandungan ng drayber o pasahero sa unahan. E di ba mas napakalaking malas
naman! Hayun, nakumbinsi ring bumaba ng mga pulis. Sayang! ‘Buti na lang naubos ang turon
ko.
……………………………………………………………………………………………

Isang pulis ang aakyat sa hagdan ng bumbero at aabutin ang kamay ng LALAKI. Bababa ang
CTE ag-aalisan
LALAKI. Saglit na magdidilim. May kukuha sa roller sa puwesto habang malilinis ang
ang mga usyoso. Babalik si LOLA sa tindahan niya. Muling uupo at hahawakan ang gasera.
Palinga-linga.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Kaya plis, plis lang… Pakiabatan nga ninyo ‘yung mga parak ‘pag dumating. Sandali na lang.
Baka makalingatan ko at hindi mapansin. Magliligpit-ligpit muna ‘ko. Tatayo para magligpit,
pagkuwan ay magbabago ang isip. Babalik sa pagkakaupo. Sabagay hindi naman ako aalis
dito. Wala naman akong gagawin. Wala akong pupuntahan. Sa loob ng halos dalawampung
taon mula nang mabili ko kay Tandang Kanor ang puwestong ito nandito lang ako lagi. Mula
madaling araw. Ni hindi pa sumisikat ang araw, ni hindi pa nakapaghihilamos ‘yung dispatcher
diyan sa Victory. Maririnig ang ingay ng mga bus sa terminal habang inaayos ang puwesto.
Aalis at LOLA, pagbalik may bitbit na pilingpiling na saging na saba.

Tuloy-tuloy ‘yong busina, ungol ng makina hanggang hatinggabi, matapos linisin at igarahe ang
pinakahuling bus na galing sa Baguio o Bataan, narito lang ako sa tapat ng terminal.
Magbabalat ng mga saging. Bobombahin ang kusinilya. Maghahanda sa pagluluto ng turon at
banana cue.Nagbabalat ng saba. Nagbobomba ng kalan para maisalang ang kawali.
Nagpapainit ng Minola. Nagbubuhos ng kalahating kilong asukal na pula sa mainit na mainit,
halos kumukulong cooking oil. Hanggang sa mag-arnibal ang asukal. Hanggang sa maglubid-
lubid ang arnibal na pula. Saka ko ibubuhos isa-isa ang piraso ng saba. Saka ko hahaluin ko
nang hahaluin ang arnibal para bumalot sa bawat piraso ng saging. Kapag naluto, hahanguin
kong lahat sa planggana. Bahagyang palalamigin. Saka tuhuging tatlo-tatlo sa istik na kawayan,
Sa matulis, makinis na istik ng kawayan.

Isa o dalawang MANGGAGAWA ang bibili ng turon. Kakainin ang binili sa puwesto. Makaraang
makakain, aalis ang dalawa.

MANGGAGAWA 1:
‘La, me luto ka na?

MANGGAGAWA 2:
Lumiliit yata ang saging n’yo ‘La.

LOLA:
Bakit? Kaninong saging ba ang hindi lumiliit? Kung ayaw mo, mag-Jolibee ka! At may
malalantakan na kahit sinong humihilab ang tiyan. Ayaw n’yo pa ba no’n, sa halagang limang
piso, makakaraos na kayo? (Muling mauupo.)

Kaso, kahit anong sikap ang gawin ko, kahit anong sipag, mula noong mabili ko ang puwestong
ito kay Tandang Kanor, hindi ako makaraos. Panahon pa ni Marcos ‘yon! Tuwing magbabago
ang administrasyon, umaasa kaming bubuti ang buhay kahit paano, kahit katiting. Pero
nagdaan si Marcos, si Cory, si Ramos, si Erap, hanggang sa tukayo ko, gano’n pa rin. Konting
mabusog, problema na naman kung saan dudukot ng susunod na isusubo. Ganon nang ganon;
kahit bago pa maging presidente si Marcos, gano’n na. Hindi nga lang dito ang puwesto ko
CTE
noon. Sa tirahan namin sa may Gastambide, malapit sa eskwelahan. Katulong ko pa si Elsa,
ang panganay ko.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

LOLA:
Kung saan-saan ka na naman siguro dumaan, ano? Ba’t tanghali ka na?
ELSA:
Me pinagawa pong project ‘yung adviser namin e.

LOLA:
Sige, balutin mo na ‘yang mga turon. Mayamaya lang may maghahanap na riyan.

LOLA:
Pangarap ko sanang maging titser si Elsa. Pero hayun, sa tarantadong kapitbahay lang
namin bumagsak.…………………………………………………………

LOLA:
Kaso, hindi lang matigas ang buto no’ng Erning na ‘yon; yayatot-yatot e saksakan ng kati. Sabi
ko na kasi sa anak ko, ‘wag mong patulan ‘yan. May mukha nga, pero libag lang sa uten ang
kayamanan. Makati pa sa gabi, maniwala kayo!

LOLA:
Kabi-kabila ang kabit. Me weytres, me modista, pumatol pa pati sa tisika na nasa Saudi ang
asawa. Sabi ako nang sabi kay Elsa na mag-iingat siya, dahil baka kamukat-mukat e uubo-ubo
na rin siya at kapag dumura e meron nang kimpal-kimpal na dugo. Pero alam n’yo ‘yang anak
ko, kundi saksakan ng bingi, saksakan ng tanga o saksakan ng tigas ang bao! Wala pang
sambuwang pinayagan ko siyang tumao sa pondahan, ayun, nasungkit na ni Payayot.
Sanlinggong dinala sa Laguna, nang bumalik buntis na. Naku! Maisusumpa mo talaga kahit me
Santo Kristo ka sa dibdib! At hindi pa nagkasya na magkaasawa ng batugan. Sampu! Sampung
sunod-sunod ang pagbubuntis. Isip mo, mga namamanata sa Nazareno kung gumawa ng bata.
Buti na lang at sa sampung apo kong iniluwal sa Dr. Reyes, anim lang ang nabuhay. At sa
anim, tatlo naman ang
tinamaan ng peste. ‘Yung dalawa e tinigdas o tinamaan yata ng brongkitis kaya bago pa
magtatlong taon e salamat-sa-Diyos, natepok agad. Bakit naman kayo napaSusmaryosep? Dib
a talaga naming mas masuwerte sila kung tutuusin? Maikling panahon lang ang tiniis na hirap,
e ako? Ni parehong hindi pa nga nakakalakad nang matatag ang dalawa; ‘yon naman lalaki,
nasilat sa manhole, minsang malakas ang ulan. Sabi ko na kasi, huwag pinalalabas ang bata
sa gabi, ang titigas ng kukote! Nagmamarakulyo pa kapag sinasabihan, kaya hayun, sabi ng
kapitbahay na huling nakakita, nadupilas sa manhole na me nakatusok lang na bakal. Baha na
kasi, hindi siguro napansin ng bata ‘yung bakal na nakatusok sa butas. Ano naman ang
maaasahan ninyo sa batang lilimang taon? Lalo kung nakatakas lang para maglaro. Siyempre,
nagtatampisaw ‘yon sa tubig. Iisipin pa ba no’n kung ang tinatapakan niya’y me disgrasyang
naghihintay? Hayun, kinabukasan na napulot sa dulo ng imburnal.
Akala n’yo ba porke tatlo lang ang mga anak nila e bumuti-buti sila? Hesus! (Luluhod saka
nakadipang lalakad nang paluhod sa palibot ng tindahan.) CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Panguinoon! Kung hindi ka pa nagsasawang tumunghay sa suson-susong kamalasan namin, di


sana’y hindi mo hinayaan ang lahat nang ito? Ano ba’ng problema? Lingolingo naman akong
nagsisimba. Kung Pista ng Quiapo, oo nga at hindi ako nakikihila sa ipinuprusisyong Poong
Nazareno. Nakikipunas lang ako ng panyo sa mga paa ng Mahal na Hesuskristo; pero hindi ako
pumapalya, kahit anong lagay ko, sa unang misa sa araw ng pista, kahit saksakan ang dami ng
tao sa loob ng simbahan. Bukod sa lagi kong hinihintay ko ang pagdaraan sa gabi ng
prusisyon, ha! Sa dulo ng tanghalan, lalabas ang NAZARENO na may pasan-pasang krus
hanggang sa tuluyang lumabas.

LOLA:
Nagsasakripisyo nga ako sa paghihintay sa mga deboto mo, baka akala mo? O di ba,
‘pag Pista ng Quiapo, mga alas-kuwatro pa lang tumitigil na akong magluto ng turon at
bababana cue. Baka sabihin mo naman, puro pagkita na lamang ng pera ang nasa tuktok ko.
Kahit natitiyak kong mabiling-mabili ang turon at banana cue sa oras na ‘yon. Alam mo bang
‘yon ang paraan ng pagtitika ko para sa iyo, Mahal na Nazareno, para kapag dumaaan ang
prusisyon, walang laman ang isip ko kundi sana ay matanaw ang Poon, na tulad naming ay
nakabayubay sa krus. Hinuhubad ko ang aking delantar at tinitipon ang lahat ng barya ko’t
perang papel sa isang boteng plastik, para maluwag akong makatayo sa gilid ng daan, hindi
nag-aalalang baka ako madukutan o masalisihan ng mga mapagsamantala; para maluwag
akong makakaway sa Kanya, sa Nazarenong nasa itaas ng platapormang kinukuyog ng mga
nagmamamakaawang
sindami ng langgam. Kuyog ng mga langgam, gaya ng mga mumo ng namuong arnibal, na
natapon sa lupa!
Hindi pa ba sapat na sakripisyo ‘yon? Alam n’yo ba kung magkano ang kitang nawawala sa
akin sa pag-aantabay sa prusisyon? Halos dos siyentos pesos din, Mahal na Poong Nazareno!
Pero naiintindihan ko, kahit hindi mo kami iniibsan ng bigat. Kahit natutunghayan mo, ngunit
hindi pinapatid ang lubid-lubid naming hirap. Lubhang marami kang inaalala. Ako man ang nasa
lagay mo, matuturete rin ako sa dami ng nagsusumamo sa iyo. Saka sabi mo nga, hindi laging
dapat naming iasa ang lahat sa iyo. Malapit man ang Quiapo, masyadong malayo ang langit
para sa aming mga daing.
Pero sino’ng aasahan naming mag-aangat at hahango sa amin sa aming kapalaran? Ang
gobyerno? Mas malayo sa Quiapot ang Malakanyang. Asa kami nang asa sa tuwing magpapalit
ng presidente. Asa kami ng asa sa mga bagong pangako. Bababa ang presyo ng galunggong.
Tataas ang kita. Minsan nangyayari, pansamantala; pero dimagtatagal, balik uli sa dati ang
lahat. Balik sa lagpas-ngusong tubig ng hirap. Kaya wala na kaming ginawa kundi ang
suminghap-singhap. Kaya nagpapasalamat na rin ako sa iyo, Mahal na Poon. Mapalad kaming
biniyayaan mo ng dalawang malalakas na braso. Patunay ang mga bisig na ito, na hindi mo ako
pinababayaan dahil binigyan mo ako mga kamay, para huwag nang umasa sa iba, para tubusin
ang aming mga sarili.Para makakawag-kawag upang manatiling nakalulutang sa malawak na
dagat ng buhay. Maglalatag ng patung-patong na diyaryo si LOLA sa lupa, mahihiga. Kahit
sisinghap-singhap. Kahit mahigit sitenta anyos na ako, at ang totoo’y hapo na. AtCTE
ang talagang
gusto ko’y umidlip kahit man lang isang oras lang tuwing hapon, sa halip na magtalop ng

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

bunton-buntong piling ng saging na saba, at masalab sa init ng apoy ng kalan at kumukulong


mantika. Naniniwala ako - mapalad ako. Mapalad kami!.……………..………………….................

Mayroong mga taong walang paa. May mga tigmak sa sakit kaya di-nakakilos at
makapaghanap-buhay. May mga naputulan ng braso; may kulang-kulang ang daliri; ang iba’y
dahil sa walang kabagay-bagay na dahilan. Pero ako, ang iyong pinagpalang si Lola Goya; sa
kabila ng walang katapusang paghilab ng mga taon ay hindi mo hinayaang mapigtaan ng lakas.
Malalakas pa rin ang aking mga bisig. Salamat, Panginoon! Kaya lang, di mo naman siguro
ikagagalit kung aamining kong paminsanminsan, naiisip kong nang wisikan mo ako ng grasya,
sana’y nilubos-lubos mo na. O kahit idinawit mo na rin sa grasyang basbas mo sa akin ang
kaisa-isa kong anak na Elsa. Si Elsa ko na pinagsikapang huwag matulad sa akin sa masadlak
ang buong buhay sa pagtatalop ng saging na saba at patutuhog ng banana cue. Hindi na
baleng hindi ko siya napagtapos na high school kaya hindi siya naging titser (tanggap ko
namang medyo bopol ang anak kong iyon); hindi baleng hindi mo siya inagaw sa kamay ng
Erning na ‘yon (matigas talaga ang uilo ng batang ‘yan; kaya kahit anong pangaral labas-masok
lang sa tenga). Pero sana (masama bang isipin, Diyos ko?) na nang kinuha mo ang tatlong
anak nila, bakit hindi mo pa nilubos at kinuhang lahat?

Bakit may tatlo ka pang itinira?

Hindi. Huwag po ninyong isiping sinasabi ko ito para usigin kayo. Hindi ko kayo sinisisi. Kita
naman ninyo, ano bang ginawa ko nang maghiwalay si Elsa at ang asawa niyang si Erning?
Nang iwanan ng anak ko ang tatlong nilang anak sa poder ko? Kahit lagpas ng sitenta ang
edad ko, at walang sinomang katuwang sa buhay. Oo nga, namura ko si Elsa nang itambak
ang tatlong bata sa bahay dahil hahanapin daw si Erning, pero tinanggap ko rin ang tatlo kong
apo. Hindi lang sa naaawa ako at wala namang ibang mag-aaruga sa tatlong bata. Ang totoo,
tuwing makikita ko ang aking mga apo, lalo ang bunsong si Edita, na kamukha-kamukha ng ina
noong maliit pa, naiibsan ako ng pagod. At kahit tila lagging nilalagnat ang katawan ko at
namimigat ang mga pang di ko na halos maihakbang gustiog-gusto kong haplusin ang kulot na
buhok ng pinakabunso kong apo, ng aking apo na magtatatlong taon, at hindi pa nakatatayo
nang matatag, ni hindi pa nga nakapagsasalita nang diretso. Pautal-utal lang; pero tuwing
darating ako ay sinasalubong ako ng “Yoya, Yoya.”
……………………………………………………………………………………………
At totoong luwalhati ang mga salitang iyon para sa akin. Kaya kahit humuhulas ako sa pawis,
kakargahin ko ang bunso kong apo. At ilalapat ko ang ulo niya na tila nakapatong sa laging
nanlalambot na leeg (kaya siya madalas tinutuksong Engot ng mga walang pusong kapitbahay
namin). At hahaplusin ko ang ulo niya at likuran, hanggang sa humimlay siya sa malapad,
nagmamantika, ngunit amoy-arnibal kong dibdib.…………………………

Si Edita, ang bunso kong apong si Edita. Ang sakitin kong apo.Magdadalawang lingo na siyang
paulit-ulit na inuubo at nilalagnat. Madalas ko namang pinaiinom ng am. Binabanyusan ng
malamig na tubig para bumaba ang lagnat. Hinihilot ko ng manzanilla, o ng Minola
CTE na may
dinikdik na luya, ang katawan at mga biyas, gabi-gabi bago matulog. Pero lagi pa ring
nilalagnat. Minsa’y mainit na mainit, parang sinisilaban ang buong katawan. Kaya magdamag
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

na ingit nang ingit. Kahit ipaghele ko. Kahit yugyugin habang karga ko. Kahit kantahan pa ng
pampatulog. “Ili-ili, tulog anay; wala diri imo nanay …”

Pero ingit pa rin nang ingit, anoman ang gawin ko. Hanggang sa hindi ko na magawang iwanan
sa bahay, dahil sino ang mag-aasikaso sa kanya? Ni hindi ko naman alam kung saan
hahagilapin ang ina niya. Wala akong kahit kapirasong balita kay Elsa. Nasaan na kaya ang
batang iyon?
Kaya kahit malaking istorbo si Edita sa pagtitinda ko, napilitan ako isama siya sa puwesto. Kahit
na dahil sa kanya ay malaki ang ibinagal ng kilos ko at malaki ang nawala sa araw-araw na kita
ko. Paano ako makapagtatrabaho nang maayos samantalang may ingit nang ingit sa tabi ko.
Kahit pasusuhin ko ng am, na minsa’y hinahaluan ko ng pulang asukal para tumamis o kaunting
asin para maiba ang lasa. Ingit nang ingit. Kung medyo malakas-lakas at hindi gaanong mataas
ang lagnat, wala namang nasasabi kundi “Yoya, Yoya.” Hindi rin siya umiiyak kahit anong taas
ng lagnat.. O baka sa sobrang hina niya, ni hindi na makuha ng mga mata niya ang umiyak.
Ingit lang nang ingit. Alam kong dapat noon ko pa siya dinala sa ospital. Pero kailangan ng pera
‘pag dinala ang maysakit sa ospital; ‘pag niresetahan ng gamot…
Pero, nasaan ang pera?..............................................................................................

Kaya pinagtiisan ko na lang kahit hindi ako makakilos nang maayos ‘pag kasama siya. Hindi
ako makapagtalop ng saging nang tuloy-tuloy. Minsan, kumukulo na ‘yung mantika, hindi ko pa
maibuhos ‘yung asukal. O lumamig na yung mga naipritong saging pero di ko pa rin sila
maituhog sa istik. Minsan, may mga drayber o pasaherong bumibili pero hindi ko agad
maasikaso. Hanggang kaninang tanghali, nakasalang pa naman
‘yung mga turon. Biglang umiyak. Sabi ko “Sandali lang apo. Teka, hahanguin ko lang ang
turon. Madaling masunong ‘yung wrapper ng lumpia e. ‘Pag nasunog e malaki ang malulugi sa
atin.” At hinango ko nga ang mga turon, hinango ko at inilagay sa planggana. Saka isa-isa
pinagpatong-patong sa bilaong may saping dahon ng saging para maihanda sa pagbebenta.
Nang makita ko ang bunso kong apo, tumitirik ba naman ang mata! Diyos ko po, Panginoon!
Nang hawakan ko, nanlalamig ang buo niyang katawan. Ano’ng gagawin ko? Hindi ko naman
maisusugod sa ospital. Pa’no ko iiwanan ang tindahan? Diyos ko, Diyos ko! Mabilis akong nag-
apuhap ng solusyon.
Walang aasahan kundi ang sariling mga kamay, Panginoon!
………………………………………………

Hinawakan ko siya sa dalawang paa. Hinablot sa higaan ng pinagsapin-saping dahon ng


saging, na sinapnan ko ng maruming daster. Hinawakan ko siya sa dalawang paa saka
inihampas ang ulo sa gilid ng daan, sa sementadong gilid ng daan. Ni hindi ko narinig na
umingit ang apo ko. Wala, kahit munting pagibik… Sigurado akong may nakakita o nakapansin.
Sa dami ba naman ng nagdaraan? Tiyak, darating ang mga pulis. Kundi magmilagro at
mismong ang Nazareno ang sumundo sa akin.…………………………………………
CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Makaraan ang ilang sandali, sisilbato ang sirena mula sa sasakyan ng mga pulis at isang puting
liwanag ang tututok sa tindahan at kay LOLA. Tatayo siya, pasalubong sa liwanag habang
hawak ang nanlilimahid na puting tuwalya parang ihinahaplos sa di natin nakikitang Poon. Saka
pupulutin sa bandang likuran,at kakargahin, yayapusin ang bangkay ng batang tatatlong taon,
basag ang bungo, at naliligo sa natuyong
dugo.……………………………

TELON
Enero 26, 2006.

Isang Dakilang Mamamayan ng Republika ni Rene


O. Villanueva
(Panimulang Pagsusuri ni Mayluck A. Malaga)

Ang dulang “Isang Dakilang Mamamayan ng Republika” ni Rene O. Villanueva ay


umiikot sa buhay ng pangunahing karakter na kilala sa tawag na Lola Goya, isinalaysay niya
ang kanyang naging buhay bilang isang tindera, ina, lola at bilang isang simpleng mamamayan.

Nagsimula ang kanyang kuwento habang animo’y batang di mapakali at naiinip at tila
may hinihintay.

Ikinuwento niya ang kanyang buhay at karanasan habang nagtitinda ng banana cue at
turon sa kanyang puwesto na nabili niya kay Mang Kanor, mula sa pagkukuwento sa tangkang
pagpapakamatay ng lalaki na umakyat sa poste ng koryente subalit hindi rin natuloy dahil na rin
sa mga usisero’t usisera. Ang pag-aasawa ng kanyang anak na si Elsa labag man sa kanyang
kalooban, ang pagkakaroon niya ng sampung apo subalit sa kasamaang palad ay tatlo lamang
ang nabuhay at ang pagiwan ni Elsa ng kanyang tatlong anak upang hanapin ang kanyang
asawang si Erning.

Kasabay ng pagsasalaysay ng bida sa kanyang buhay, sinalamin din ng kuwento ang


mga problemang kinahaharap ng isang simpleng mamamayan na nakikibaka sa kahirapan ng
buhay, isyung politikal, pag-uugali, paniniwala at kulturang Filipino.

Ang buhay ni Lola Goya, sa edad na mahigit sitenta ay walang ipinagbago.


CTE Halos 20
taon nang nagtitinda ng banana cue, ang pakamatay ng kanyang mga apo dahil na rin sa
walang pambili ng gamot at pampaospital. Patunay lamang sa lumalalang problema ng lipunan

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

na hanggang ngayon ay wala pang matibay na solusyon. Pagdating naman sa isyung politikal
nariyan ang hinaing ni Lola Goya sa pamahalaan, magpalit man ng administrasyon ay wala pa
ring ipinagbago ang takbo ng kanyang pamumuhay. Isa rin sa itinampok sa dula ay ang
kultura nating mga Pilipino; ang pagmamahal sa kapamilya at ang “strong family ties” na
ipinakita sa pagtanggap at pagkupkop ni Lola Goya sa kanyang mga apo bagama’t hindi siya
pabor sa kinahinatnan ng kanyang anak na si Elsa. Ang pagiging positibo nating mga Pilipino at
ang pagsandig sa Panginoon anuman ang dumating na pagsubok sa buhay. Ang pagkahilig
natin sa pakikiusyoso sa mga nangyayari sa ating paligid at ang kaisipan na panlalamang sa
kapwa at ang pangungurakot para mapabuti ang buhay ay ilan lamang sa mga inilarawang
masamang katangian ng ilang Pilipino.

Gamit ang pinagsamang “satire” at trahedya nilayon ng dulang ito pagsuriin ang mga
manonood ukol sa buhay nang hindi nakatitisod ng damdamin. Maging ang pananalitang
ginamit ay magagaan at madaling maintindihan. Nakatulong din nang malaki ang ang mga
karanasan sa buhay ni Lola na isinalaysay sa kuwento upang mas maging kapanipaniwala at
epektibo ang paghahatid ng mensahe sa mga manonood.

Sa pamamagitan din ng monologo at “soliloquy” naipakita ang tunggalian ng tauhan


laban sa kanyang sarili tulad ng desisyon ni Lola Goya na ihampas ang ulo ng kanyang apo sa
semento bilang agarang solusyon sa problema sa halip na isugod ang sa ospital. Ito ang lalong
nagpamulat sa kaisipan ng mambabasa sa kahirapang dinaranas ng marami sa mga Pilipino
hanggang ngayon at upang matakasan ang problemang ito, gumagawa tayo ng mga bagay na
labag sa ating kalooban.

Ang “Isang Dakilang Mamamayan ng Republika” ay isang dulang nag-ugat sa


karanasan at buhay ng simpleng mamamayan na araw-araw ay nakikibaka para magtamasa ng
kaginhawaan sa buhay. Dakilang maituturing ang sakripisyong ibinigay ng pangunahing tauhan
para sa kanyang mga minamahal. Malungkot man ang naging katapusan ng dula, nagtagumpay
naman ito sa pagkikintal sa isipan ng mga mambabasa o manonood ng aral ukol sa
pagmamahal, pagpapakumbaba, at pananalig sa Maykapal na ipinakita ni Lola Goya – isang
dakilang mamamayan ng republika.

Mga Gabay na Tanong sa Dula ni Rene O. Villanueva:

1. Ano-ano ang iba’t ibang suliraning kinaharap ng pangunahing tauhan?


2. Sumasang-ayon ka ba sa ginawang solusyon ng pangunahing tauhan sa kanyang mga
suliranin? Bakit?
3. Ano ang ideya ng may-akda hinggil sa pagiging isang dakilang mamamayan?
4. Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang dula? Ipaliwanag. CTE
5. Ano ang iplikasyon ng dulang ito sa iyo bilang isang Pilipino, bilang isang mamamayang
naninirahan sa Republika ng Pilipinas?

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

ANG MGA PILIPINO SA SANDWICH ISLANDS


(Prize Winner, Filipino Migration to Hawaii Centenial Literary Prize 2006)

Romeo P. Peña

MGA TAUHAN
PIKAKE, isa sa mga sakada noong 1906 na bumalik sa kasalukuyan
MIULANG, estudyante sa kolehiyo
DOC, isang Pilipino na ipinanganak sa Hawaii
PINAKBOY, Pilipinong naninirahan sa Honolulu kasama ang asawang Filipina CEZANNE, anak
ng isang Hawaiian-born Filipina

GLEN, isang Filipino-American citizen sa Hawaii

Si Pikake ay naglilibang ng sarili sa makasaysayang Puuhonua O Honaunau Park na kung


saan itinayo noong 1550 na nagsilbing lugar ng mga talunang mandirigmang Hawaiian at ang
mga lumabag sa sagradong tuntunin sa Sandwich Islands.

(KAKANTA)

Filipino at Hawaiian

Kay tagal kong hinahanap


Ang bayang pinapangarap
Para sa aki’y isang biyaya (glorya)
Dito’y may kaligayahan
At may kasaganahan
Napansing may paraiso

Ngunit parang ‘di mawari


Ang lumbay ay ‘di mapawi
CTE
Dahil malayo sa pamilya
Di ko sukat akalaing
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Magiging kaibigan pala natin


Ang mga islang Sandwich

Filipino at Hawaiian
Ipinagpala ng Maykapal Filipino
at Hawaiian
Akin ngang pinakamamahal….

Ang mga magiging kaututang dila ni Pikake ay magsisirating na. Mauuna si Pinakboy at
pagkaraan ay si Doc at si Cezanne. Kasunod ay ang estudyanteng si Miulang pati si Glen
Kanaohi.

(MAGSISIMULA NANG MAGSALITA SI PIKAKE)

PIKAKE: Hay buhay! Ako si Pikake! Ang ganda ng pangalan ko no?


LAHAT: Owws?
PINAKBOY: Pikake ano?
PIKAKE: Ahh? Wala! Basta Pikake.
LAHAT: Nge! Walang apelyido?
PIKAKE: Hindi ko na kasi matandaan kasi biruin mo noong Disyembre 20, 2006? Tama
ba? Ay mali! 1906 pala. Isa ako sa labinlimang unang dumating dito sa mga
islang Sandwich.
LAHAT: Sandwich???
DOC: Teka! Teka! Alam ko ‘yan ahh? Parang nabasa ko na ‘yan sa Honolulu
Star-Bulletin noon, Sandwich Islands ba kamo?
PIKAKE: Sandwich Islands! Sanwits sa tagalog at emparadados sa malalim na tagalog.

DOC: Teka alalahanin kong mabuti! Bago pa mang tawaging Hawaii ang mga islang
ito, noong 1778 dumating ang British explorer na si Captain James Cook at siya
ang nakatuklas dito. Dahil sa kanya, nabalangkas at nailahathala ang heograpiya
ng mga islang ito at tinawag niyang Sandwich Islands bilang parangal sa
padrinong si John Montagu, 4th Earl of Sandwich.

PIKAKE: Magaling! Detalyado at mismong mismo.


PINAKBOY: Ano naman ang ginawa mo at ang mga kasama mo dito sa Sandwich Islands
noong 1906, aber?
PIKAKE: Hmmm…(MAGPIPIHIT NG LEEG AT ITO’Y LALAGUTOK) Aray! CTE Ang

sakit ng leeg ko, lumagutok! Tila lanai ito.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

LAHAT: Lanai???
PIKAKE: It means stiff-necked! Ano ba kayo? Naturingang naninirahan sa Sandwich Islands,
simpleng salita hindi alam ang kahulugan. CEZANNE: Malay namin, tse! Yabang!
PIKAKE: Sa’n na ba ‘ko? Nandirito pa rin pala ako! Eto hirap eh, balikan ba daw ang past?
Basta isang pangkat kami noon galing sa Pilipinas…..
(KAKANTA)
Ang bayan kong Pilipinas
Lupain ng ginto’t bulaklak
Pag-ibig ang sa kanyang palad
Nag-alay ng ganda’t dilag.
At sa kanyang yumi at ganda
Dayuhan ay nahalina
Bayan ko, binihag ka
Nasadlak sa dusa….

…..at alam n’yo kung ano ang tawag sa amin? Kami’y mga sakada!
MIULANG: Eh ano naman ‘yun?
PIKAKE: In long! Kami’y mga magsasaka at mambubukid. In other words, kami’y
nagtatanim at nag-aani ng mga tubong ginagawang asukal! Gets?
MIULANG: Gets, gets ko na!
PIKAKE: Hindi lang ‘yan! Hindi lang ang kayumangging kagaya ko ang nagsimigrate sa
Sandwich Islands para magtrabaho sa bukirin ng tubo. Take note! Nandyan din
ang mga Portuges, Tsino, Hapon at Koreano, pero aminin? Mas cute ang mga
kayumangging gaya ko kaysa sa kanila.
GLEN: Kaya pala! Sabi mo may Portuges, Tsino, Hapon, Koreano at kayo, ibig sabihin sa inyo
nagmula ang wikang Hawaiian Pidgin?
PIKAKE: Tumpak! Mismo! Dahil bilang mga manggagawang nagmula sa iba’t ibang lahi ay
umisip kami ng paraan kung paano mauunawaan ang isa’t isa.
Kaya hindi dedmahan to the max, slight lang!
CEZANNE: Slight lang pala ha!?
PIKAKE: As in slight lang, okay? Kaya nag-imbento kami ng wika base sa aming wikang
kinagisnan na madaling maunawaan ng marami. At siyempre isinama namin ang
wikang Hawaiian at Hawaiian English.
MIULANG: Naks naman! Kahit pala may amnesia ay tanda pa rin ang iba. Ayos!
PIKAKE: Hep, hep, hep! Wala akong amnesia, short term memory lang naman! CEZANNE:
Ganun din ‘yun!
CTE
GLEN: Sa ngayon talagang Hawaiian at Hawaiian English ang opisyal na wika dito sa
sinasabing Sandwich Islands.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

PIKAKE: Oh yes! Totoo nga ‘yan, hindi na ako kokontra, mahirap na baka mabodyak pa
ako dito. Pero in fairness! Nabalitaan ko lang sa KITV na Tagalog ang
pumapangatlong wikang sinasalita dito sa Sandwich Islands at pang-apat ang
Japanese. Sa’n ka pa? Todo na ‘to, to the highest level.

MIULANG: Marami na rin pala tayong mga Pilipino rito, biruin mo! Todo na talaga ito!
PIKAKE: Ang balita ko pa, nabasa ko lang ito sa dyaryong Hawaii Filipino Chronicle kailan
lang. Aba, talagang tayong mga Pilipino mahilig sa pulitika kasi sa natandaan ng
utak ko ay tatlumpu’t pitong tupa, este Pilipino pala ang kandidato kasama na
ang kasalukuyang nakaupo noon sa puwesto ang tumakbo sa nakaraang 2002
Primary Election.

MIULANG: Ha? Ganun na kadami? Hanga talaga ako sa’ting mga Pilipino, malalakas ang
loob!
PIKAKE: Teka, teka, teka! May napapansin ako! Tila mula sa umpisa ako na ang
nagsasalita, hindi ata pwede ‘yan! Kayo naman! Kwento n’yo buhay n’yo!
LAHAT: Hay!!! Nakahalata rin.
MIULANG: Sige ako muna!
CEZANNE: Gusto ko ako muna!
PINAKBOY: Ako na lang!
DOC: Nag-aaway pa, me first!
GLEN: Ako huling nagsalita, kaya ako muna!
MIULANG: Ako na sinabi! Wala kayong magagawa sisimulan ko na.
LAHAT: (MALIBAN KAY PIKAKE) Naku naman….
PIKAKE: Sige nga, mabuti pa simulan mo na! Lights, camera, action!
MIULANG: Ah ganito kasi, noong bata pa ako dito na ako pinag-aral sa Hawaii, doon sa
Punahou School. Nagtiyagang magtrabaho sa tubuhan ang aking mga magulang
para makapag-aral ako. At ngayon, yehey! Nasa ikaapat na
taon na ako sa University of Hawaii System, West O’ahu campus at
ipinagmamalaki kong Pilipino ang mga magulang ko at Pinoy ako! LAHAT: Pinoy tayo!

(KAKANTA ANG LAHAT)


Pinoy ikaw ay pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang pinoy
Wag kang matatakot
CTE
Ipagmalaki mo Pinoy
ako

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Pinoy tayo…

MIULANG: At ang ikinatutuwa ko ay? Ipinagdiriwang kahit dito sa Sandwich Islands ang Araw
ng Kalayaan ng Pilipinas at mga pestibidad tuwing bakasyon! Hooray!!!
PIKAKE: Bongga! Encantadia, ay mali Etheria, este Pilipinas pala!
DOC: It’s my turn! Cezanne ako muna ha?
CEZANNE: O sige, sige ikaw muna!
PINAKBOY: Sinong nagbigay ng pahintulot na siya na?
CEZANNE: Hayaan mo na, pagbigyan na natin siya. PINAKBOY: Okay
fine! Whatever!
DOC: Papayag ka rin pala, sige simulan ko na. Tayong mga Pilipino kapag may
pagkakataon ay ‘di talaga natin pinapalampas. Like my Dad, na pumunta dito 60
years ago na kabilang sa tinawag nilang sakada ’46 kasi dumating noong 1946.
Nakapagpundar ng dalawang palapag na bahay dahil sa pagsusumikap sa
tubuhan. Dinala niya si Mommy dito at hayun na!

LAHAT: Anong hayun na???


DOC: Hayun na, atlast nabuo ako!
LAHAT: (TAWANAN) Hahahaha….
DOC: Anong nakakatawa?
PINAKBOY: Wala lang! Nag-eexercise lang ng bibig.
DOC: Nakilala namin ang mga kapitbahay at natutunan naming makisalamuha
sa kanila kahit iba’t ibang lahi sila. And “we live happily ever after.” PINAKBOY:
Ano kayo! Kinasal magkakapitbahay?
DOC: Tao lang! Ang sasabihin ko sana’y “we all stay and live together.” PINAKBOY: Kala
ko kasi hayop ka, joke lang! Peace!
DOC: May the peace of the Lord may also with you!
PINAKBOY: Okay!

(KAKANTA)
It’s my turn to make it now Just
relax, listen carefully
We’re still young “hindi supot”
There so much we need to know….

LAHAT: Ohh, common! CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

PINAKBOY: I should note that, ang aking asawa ay one hundred percent na Filipina, galing
siyempre sa Pilipinas at nanirahan kami doon limang taon ng nakakaraan. At
ngayon kami ay lumipat na sa Honolulu. Inggit ka Miulang no?
MIULANG: Hindi ako naiinggit no! ‘Di maghahanap ako ng Filipina, alam ko naman na marami
rito sa mga islang Sandwich.
PINAKBOY: Aminin, inggit siya?
MIULANG: Hindi kaya, sabi nga Pinoy ako kaya hindi ako maiinggit.

(KAKANTA)
Hoy!
Pinoy ako
Buo ang aking loob
May agimat ang dugo ko
Hoy!
Oh! Pinoy ako May agimat
ang dugo ko
Oh….

PINAKBOY: Tuloy ko na nga, masasabi ko ang karamihang dumarating dito sa Sandwich


Islands ay mga ilokano na mula sa hilagang bahagi ng Luzon at mga bisaya sa
timog na bahagi ng arkipelago. Tulad ng mga lolo at lola na kasama ko na
ngayon. Katatawag nga lang sa akin, kumakain sila sa restoran.
GLEN: Sosyal! Nabanggit mo na rin ang restoran, alam n’yo ba na dahil sa husay nating mga
Pilipino ay mayroon na rin ditong Goldilocks, Red Ribbon at Jollibee? Sa Jollibee
bida ang saya! Kaya doon mo na sila pakainin.
PINAKBOY: Oo nga noh, bright idea! Dahil dyan isang palakpak paikot para sa iyo.
(PAPALAKPAK PAIKOT)
CEZANNE: Singitan na lang, e di pasingit na rin! Kasi si Mega nagconcert-tour noong nakaraan
at sinamahan pa nga siya ni Sen. Pangilinan, nakakakilig!
Binisita nga tayong mga kababayan dito sa Hawaii.
PIKAKE: Ayy! Kelan ‘yon? Sayang di ko napanood. Miss na miss ko pa naman si Mega.
CEZANNE: Ako nga rin e! Sobra as in!
PIKAKE: Di bale na lang, marami pa namang ibang sikat na mang-aawit, musician at artistang
CTE
Pilipino ang nagko-concert-tour dito sa Sandwich Islands. Aabangan ko na lang!

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

CEZANNE: Oo sige abangan natin, sabay tayo manood ha? Para libre ako sa pamasahe…
yes, yes, yow!
PIKAKE: Yes, yes, yow ka dyan! Mag-isa ka!
CEZANNE: Naman e…
PIKAKE: Sige na nga, kiss muna!?
CEZANNE: Wag na lang, sa tv na lang ako manonood!
PIKAKE: Joke lang ‘yon, eto naman hindi na mabiro.
PINAKBOY: Hmm… Hmm… Hindi pa nga ako tapos e! LAHAT:
Sige tuloy!
PINAKBOY: Nalaman kasi ng mahal kong asawa na dito sa Sandwich Islands kapag may
nakilala siyang mga kapwa Pilipino ay kadalasang ilokano o bisaya ang mga ito.
Kaya wikang Filipino ang sinasalita niya.
MIULANG: Hanga na ako sa asawa mo!
PINAKBOY: Salamat! Pero mananatili siyang asawa ko, walang sulutan ha? Kasi mas bata ka
baka patulan ka niya.
MIULANG: Sinabi mo pa! Pero hindi ko magagawa ‘yon, ang sagwa! PINAKBOY: Haay!
Nakakagutom!
GLEN: Nabanggit mo ang pagkain, karamihang tao dito sa Sandwich Islands ay alam ang
lutong ilokano dahil sa mga maliliit na restorans ng mga ilokano ngunit hindi pa
nila alam ang tunay na lutong Pilipino.
PINAKBOY: Sana matikman rin nila ‘yong mga luto natin, di ba?
GLEN: Mas maganda! Alam n’yo bang kumain ako noong nakaraan sa Golden Coin Restaurant
dito sa Hawaii, tinulad sa Goldilocks Bakery and Restaurants. Masarap ang mga
pagkain pero may pagkakaiba pa rin kung pagkukumparahin.
PINAKBOY: Lalo mo akong ginugutom!
LAHAT: Gutom na rin kami!
PINAKBOY: Sarap ding magpalamig noh?
LAHAT: Saan naman?
PINAKBOY: Sa mall ang naiisip ko, noong nandun pa kasi kami ng asawa ko sa Pilipinas ay
madalas kaming pumunta sa SM, Gateway, Robinson at minsan sa Shang-rila.
LAHAT: Talaga???
MIULANG: Wala ka na bang maikwento, puro na lang sa asawa mo?
PINAKBOY: Galit ka?
CTE
MIULANG: Hindi, nagtatanong lang naman. (MAHINAHON)

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

GLEN: Wala rin namang halos ipinagkaiba, dito sa Sandwich Islands may mga mall din,
nandyan ang Ala Moana, Pearlridge at Kahala Malls.
PINAKBOY: Kung sabagay, ayos na rin. Mayaya nga si sweetheart mag-mall mamaya.
CEZANNE: Idea lang ‘yan ng maraming pera!
PINAKBOY: Eh di mag-iipon!
CEZANNE: Akala ko ba ngayon ka magyaya para mag-mall?
PINAKBOY: I changed my mind!
CEZANNE: Akala ko ba tatlo o higit pa ang pinagtatrabahuhan mo?
PINAKBOY: Mismo! Oo! Alam mo namang wala para sa akin ang pagsasakripipisyong tulad
no’n at lagi pa akong nagpapadala sa mga kamag-anak ko sa
Pilipinas.
CEZANNE: Oo nga noh…
PINAKBOY: Kaya nga dakilang lugar ang Sandwich Islands para tirhan kahit medyo
mahal mamuhay dito ay masaya naman! CEZANNE: Oo
naman!
GLEN: Aba! Ako naman ang magkukwento. Walang kokontra, walang aangal.
Ang umangal….
LAHAT: Eh ano?
GLEN: Wala lang! Kasi dati nakatira pa ako sa San Francisco. Marami nang Jollibee
Filipino fast-food restaurants doon, nagulat nga ako dahil napasok na pala ng
bubuyog na happy ang Sandwich Islands at pati Filipino Channel meron na rin .
Natutuwa rin ako na mga ilokano ang nakararami dito sa Islands of Aloha.

MIULANG: Islands of Aloha?


GLEN: Tawag din ‘yan sa Hawaii, minsan pa nga State of Aloha.
MIULANG: Aba! Aba! Aba! Daming alam nitong Hawaiian na si Glen Kanaohi!
GLEN: Hoy! Hindi lang ako Hawaiian, Pilipino rin ako!
MIULANG: Okay! Pilipino rin pala!
GLEN: Tuloy nawala na ako! Ah! Nakararami nga ang mga ilokano, natatandaan ko pa
nga ‘yung mga kaibigan ng girlfriend ko mga ilokano. Pero kahit puro ilokano
sila ay hindi niya nakakalimutan ang tagalog at marunong pa rin siyang mag-
bisaya. Natutunan niya rin mag-ilokano dahil sa kanila.

MIULANG: Nagbabakasyon ka rin sa Pilipinas?


GLEN: Aba! Oo naman! Maayos na rin ang mga highways at natatanaw din ang
naglalakihang shopping malls na parang nagpapakilala na mayaman pa rin ang
CTE
Pilipinas.
MIULANG: Kung tunay ka ngang Pilipino, pwes sagutin mo ito! Si Marcos ba ay

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

kapampangan, bisaya o ilokano?


GLEN: Ha? Ang dali naman!
LAHAT: Yabang!
MIULANG: Ano sagot?
GLEN: Ewan? Malay ko kay Marcos?
LAHAT: Hindi pala alam!
PIKAKE: Teka, teka, teka! Ako ang nakakaalam kasi nandito na ako nang nabalitaan kong
umiskapo si Pangulong Marcos sa Pilipinas at dito sa Sandwich Islands nagtago
ang lolo mo. Saan ba naman siya pupunta e di sa tinitirhan ng kapwa ilokano
niya! Samakatuwid, siya’y isang loko-loko, este ilokano pala.

MIULANG: Alam mo na ngayon?


GLEN: Now I know!
DOC: Teka lang, duda talaga ako sa’yo kung Pilipino ka rin.
GLEN: Pagdudahan daw ba?
DOC: Dito ka sa Sandwich Islands lumaki?
GLEN: Oo!
DOC: Bumibisita ka lang sa Pilipinas?
GLEN: Oo!
DOC: E di hindi ka Pilipino?
GLEN: Eto na sinasabi ko eh, pagdudahan na lahat ‘wag lang ako. Ano gusto mong
gawin ko para mapatunayan ko?
DOC: Ahmm….
GLEN: Gusto mo kantahin ko ng mala-Victor Wood o Eddie Perigrina ‘yung Lupang
Hinirang na Pambansang Awit natin?
DOC: Baka mapahiya ka lang?
GLEN: Pwes! Manood ka’t makinig, in english watch and learn este listen pala.
(KAKANTA)
Bayang magiliw
Perlas ng silanganan
Alab ng puso sa dibdib mo’y buhay
Lupang Hinirang, duyan ka ng magiting
Sa manlulupig, di ka pasisiil….

PIKAKE: Mahusay! Kahit huwag mo ng ituloy dahil napatunayan mo ng Pilipino ka talaga.


Ayos, mala-Victor Wood ang dating.
GLEN: Salamat! Salamat! Ano Doc, hanga ka no? Naniniwala ka na?
DOC: I’m not convinced! Kung masasabi mo kung sino ang sumulat n’yanCTE
maaaring
Pilipino ka nga.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

GLEN: Aba! Ang dali-dali, si Julian Felipe ang sumulat niyan!


DOC: Tama! Ngayon masasabi kong Pilipino ka rin.
GLEN: Pahiya kunti, bukas bawi!
LAHAT: Hahahaha…. (MAGTATAWANAN LAHAT MALIBAN KAY CEZANNE AT DOC)

DOC: Pahiya ka dyan!


PINAKBOY: (MAPAPANSIN NI PINAKBOY NA TAHIMIK AT TULALA SI CEZANNE) Cezanne!
Galaw-galaw baka ma-stroke!
MIULANG: (SUSUNDAN ANG PANG-AASAR NI PINAKBOY) Oo nga galaw-galaw baka ma-
stroke, nagbreak kayo ng boyfriend mo noh?
CEZANNE: Kapal nitong Miulang na ‘to! Mula pagkabata daw nandito na sa Hawaii pero ‘nung
kelan lang hindi makanta-kanta ang state song.
MIULANG: Aba! Aba! Aba! Hinahamon ako, nag-voice lesson na ata ako. Ibahin mo ako
ngayon. Dati ang alam ko lang ay ang Lupang Hinirang na kahit nandito na ako
sa Hawaii, ‘yon ang itinuro sa akin ng magulang ko. Ngayon sisiw na sa akin
ang Hawai’i Pono’i, gusto mo mala-Raymond Kane pa e?
CEZANNE: Raymond Kane?
MIULANG: Wala ka na ‘don, idol ko ‘yon!
CEZANNE: Tama na satsat, nagmamayabang baka ‘di naman kaya?
MIULANG: Okay! Makinig kang mabuti dahil baka ma-inlove ka sa boses ko!
CEZANNE: (MAGSASALITA SANA NG “KAPAL” PERO MAPIPIGILAN NI MIULANG) Kap….
MIULANG: (IDADAMPI ANG HINTUTURO SA LABI NI CEZANNE) Oops! Wag na mag-react!
Sisimulan ko nang kantahin ang Hawai’i Pono’i na isinulat noong 1874 ni King
David Kalākaua at nilapatan ng musika ni Captain Henri Berger.

(KAKANTA)

Hawai‘i pono‘ī
Nānā i kou mō‘ī
Ka lani Ali‘i,
Ke Ali‘i

Hawai‘i's own true sons


Be loyal to your chief
Your country's liege and lord The
chief

Hui: CTE
Makua lani ē
Kamehameha ē
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Nā kaua e pale
Me ka ihe Chorus:
Father above us all
Kamehameha
We shall defend in war
With spears

PINAKBOY: Galing mo dude! Mabuhay ka!


MULANG: (SISIGAW) Mabuhay ako! I’m a proud Filipino-American citizen dito sa Hawaii!
CEZANNE: Parang senior citizen lang kung umasta!
PINAKBOY: Umiinit ata ulo natin Cezanne ha? Yelo gusto mo?
CEZANNE: He! Tumahimik ka Pinakboy, pangalan pa lang pinagsamang pinakbet at baboy.
LAHAT: (TAWANAN) Hahahaha….
PINAKBOY: Oohh! Ms. Beautiful, kahit tunog Pinoy ang pangalan ko, ipinagmamalaki ko rin na
Filipino-American citizen din ako dito sa Hawaii.
CEZANNE: Owws!
PINAKBOY: Baka gusto mo, ako naman ang kumanta? Baka matanggal ang sungit mo kapag
marinig mo golden voice ko?
CEZANNE: Isa ring mayabang!
PINAKBOY: Hindi ako mayabang, Pilipino ako kaya hindi ako ganun. Sabi nga ni idol Mike
Enriquez, pawang katotohanan lamang, walang kasinungalingan, hindi kita
tatantanan!
CEZANNE: Ewan! May nalalaman ka pang ganyan!
PINAKBOY: Hawai’i Aloha o kung tawagin ng iba dito sa Sandwich Islands ay Ku’u One Hanaui
na kinakanta ng mga katutubong Hawaiian pati na rin ang mga nakatira dito.
Pagkakaalam ko isinulat ito ni Lorenzo Lyon na isang Christian minister. Eto na,
umpisahan ko na para mawala init ng ulo ng isa dyan. Mala-Bobby Moderow
itong style ko.
CEZANNE: Bobby Moderow ka pang nalalaman!
PINAKBOY: Tahimik na!

(KAKANTA)

CTE
E Hawai‘i e ku‘u one hānau e
Ku‘u home kulaīwi nei

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

‘Oli nō au i nā pono lani e


E Hawai‘i, aloha ē
O Hawai‘i, O sands of my birth
My native home
I rejoice in the blessings of heaven O
Hawai‘i, aloha.

Hui:
E hau‘oli nā ‘ōpio o Hawai‘i nei ‘Oli ē!
‘Oli ē!
Mai nā aheahe makani e pā mai nei Mau ke
aloha, no Hawai‘i

Chorus:
Happy youth of Hawai‘i Rejoice!
Rejoice!
Gentle breezes blow
Love always for Hawai‘i.
LAHAT: (MALIBAN KAY CEZANNE) Pang-Pinoy Pop Superstar ang boses,
walastik!
PINAKBOY: Anong masasabi mo sa akin Cezanne?
CEZANNE: (MAHINAHON AT HINDI NA PAGALIT) Oo na, magaling ka kumanta pati na rin si
Miulang.
PINAKBOY: Dahil dyan, salamat!
MIULANG: Thank you very much also!
PIKAKE: Bakit ba kasi mainit ang ulo mo?
CEZANNE: Hindi pa kasi ako nakakapagkwento e! Kanina pa, lagi na lang sila. LAHAT:
Kaya pala!
CEZANNE: Hayan! Magkukwento na ‘ko! Naniniwala talaga ako na masisipag magtrabaho ang
mga Pilipino dito sa Hawaii.
LAHAT: Talaga?!
CEZANNE: Oo naman! Ang dad ko ay Pilipino at ang mom ko ay Hawaii-born Filipina. Kinikilig
nga ako sa love life nila kasi ayaw ng nanay ni mom o ni lola kay dad kasi
mambobola lang daw. Kaya ‘yun nagtanan sila at napilitan silang ipakasal dito sa
Hawaii, mahal na mahal kasi nila ang isa’t isa.
PIKAKE: How sweet naman! CTE

DOC: Anong sweet dun Pikake?


PIKAKE: Basta! Sweet ‘n sour gusto mo?
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

DOC: Ayoko nga!


PIKAKE: Hay! Ang buhay kong si Pikake dito sa Sandwich Islands, bilang isang sakada,
matuwid, masaya at naging masagana. Totoo nga, “Ua Mau ke Ea o ka ‘Āina i
ka Pono”.
GLEN: Aba motto ‘yan dito sa Sandwich Islands ha! In english, “ The Life of the
Land is Perpetuated in righteousness.”
LAHAT: Correct!
PINAKBOY: Hep! Hep! Hep! ‘Di ata patatalo ang motto ng ating lupang pinagmulan,
“Maka-Diyos, Makatao, Makakalikasan at Makabansa, parang tayo!
LAHAT: Tama ka dyan, walang mintis, sakto!
MIULANG: Sa ingles, “For the Love of God, People, Nature and Country.”
LAHAT: Mahusay!
MIULANG: Parang tayo nga, naninirahan dito sa Hawaii pero pusong Pilipino pa rin tayo dahil
lumililingon pa rin tayo sa bansang ating pinagmulan.
PIKAKE: Tama ka dyan Miulang! Kahit maituturing na natin na “Hawaiian Land in Asian
Hands,” Hindi pa rin natin dapat kalimutan ang ating Pambansang Bayaning si
Dr. Jose Rizal!

W A K A S

Ang Mga Pilipino sa Sandwich Islands ni ni Romeo P. Peña


(Panimulang Pagsusuri ni Mayluck A. Malaga)

“Sandwich Islands” o “State of Aloha,” malimit na inuugnay sa naggagandahang


beaches, maririkit na dilag at siyempre sa mas kilalang tawag – Hawaii.

Ang dulang may isang yugto na pinamagatang “Ang mga Pilipino sa Sandwich
Islands” ay nagpapakita ng magandang relasyon ng mga Pilipino sa ibang nasyon, partikular ng
Pilipinas at Hawaii. Nagsimula ang kuwento sa pag-uugnay ng nakaraan sa kasalukuyan na
ipinakita sa pakikipagsapalaran ni Pikake isa sa mga sakada na dumating sa Hawaii noong
1906 na bumalik sa kasalukuyang panahon. Kasabay ng kanyang pagbabalik ay baon niya
ang mga alaala nang nakalipas na kanyang inilahad sa dula.

Mapapansin na umikot ang dula sa mga bagay-bagay tungkol sa Hawaii at maging sa Pilipinas
dahil ang mga tauhan sa kuwento ay mga Pilipinong naninirahan sa Hawaii. Isinalaysay ang
kasaysayan, kultura ng Hawaii na hindi maihihwalay sa kasaysayan at kulturang Pilipino. Pati
ang tungkol sa politika, edukasyon, ekonomiya ay tinalakay rin. CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Magpatawa, manlibang at manghikayat ang pangunahing layunin ng dula habang ipinasisilip


sa mga manonood ang buhay ng mga Pilipinong naninirahan sa Hawaii.

Kaiba sa tradisyonal na paraan ng pagsulat ng panitikan ang estilong ginamit sa dula,


“conversational” ang daloy ng pananalitang ginamit, kaya magaan at madaling maintindihan ng
manonood. Hinaluan din ito ng musika o mga tugtuging kilala pa rin hanggang sa kasalukuyan
upang magbigay sigla sa dula, pati ang kilos at pananalita ng mga tauhan ay kakikitaan din ng
komedya na nagpasigla sa paglalahad ng dula.

Gumamit ang may-akda ng higit sa isang wika (wikang Filipino, Ingles, wika sa Hawaii) para
mas lalong maging epektibo at kapani-paniwalang nasa Hawaii mismo ang atmosperang hatid
ng dula sa manonood.

Masasabing ang dulang ito ay magiging daan upang mas maunawaan at mapahalagahan ng
mga manonood hindi lamang ang kultura ng Hawaii pati na rin ang kultura ng Pilipinas at
mapagtibay ang pundasyon ng ating gunita sa pinagmulan ng ating bayan. At higit na
maipagmalaki ang pagka-Pilipino.

Mga Gabay na Tanong sa Dula ni Romeo P. Peña:

1. Sa ano-anong katangian nagkakatulad at nagkakaiba ang Hawaii sa Pilipinas?


2. Bakit mahalaga na hindi makalimutan ang nakaraan o ang pinamulang lugar ng isang
tao katulad ng inilahad ng mga pangunahing tauhan sa kuwento?
3. Nagtagumpay ba ang may-akda na ihatid ang mensaheng nais niyang iparating sa
mambabasa? Sa paanong paraan?
4. Ano ang kahalagahan ng dulang ito sa tulad mong Pilipino?
5. Bilang isang Pilipino paano mo maipagmamalaki ang iyong lahi?

CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

ANG TALUMPATI

Sa mga taong may katungkulan mababa man o mataas ay hindi naiiwasan mahilingang
magbigay o bumigkas ng isang talumpati. Sa mga dinadaluhang okasyon o mga pagtitipon
kailanman at saan man ay maaaring hingan ng talumpati ang dumadalo.

Ano ang Pananalumpati?

Ayon kay Jose Villa Panganiban, ang pananalumpati ay magalang na pagsasalita sa harap ng
isang publiko hinggil sa isang mahalaga at napapanahong paksa. Malimit gamitin ang salitang
pagdidiskurso bilang kasingkahulugan. Mga kauri, ngunit hindi kasingkahulugan ng
pananalumpati ang pagpapanayam, pagbigkas o pamimigkas, pakikipagtalo o debate at
pakikipag-usap.

Mga Hangarin ng Pananalumpati

a. Magbigay-kabatiran - kabatiran sa mga bagay na hindi pa alam ng publiko


b. Magturo - ituro sa publiko ang nararapat na paraan o paniwala hinggil sa isang kaisipan
c. Manghikayat - hikayatin ang publiko sa katotohanan at kabutihan ng isang kaisipan
d. Magpaganap o Magpatupad - ng nararapat na ganapin o tuparin, gaya ng pagpapaboto sa
isang kandidato, pagpapaambag sa isang kawanggawa, pagpapagawa ng isang bagay na
mabuti at kailangan, at iba pa
e. Manlibang - hangaring dapat maging laging kakambal ng unang apat sapagkat ang bawat
talumpati, anuman ang hangarin, ay dapat makawili

Tatlong Bagay ang Dapat Isaalang-alang sa Pananalumpati:

a. Ang mananalumpati na dapat maghanda ng mabisang


b. talumpati na bibigkasin sa at dapat kalugdan ng
c. publiko na dapat pakinggan at bagayan sa sandali ng pagtatalumpati.

Mga Uri ng Talumpati

a. Dagliaan o Biglaan (impromptu). Ang mananalumpati ay di binibigyan ng pagkakataong


makapaghanda. Kabud na lamang tinatawagan.

CTE
b. Maluwag (extemporaneous). Ang mananalumpati ay may inihandang sasabihin at may
panahong mapag-aralan ang publiko at makagawa ng balangkas ng talumpati, ngunit hindi
nagsasaulo.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

c. Handa (prepared set). Sadyang inihanda at sinulat ang talumpati upang basahin o sauluhin
sa pagbigkas.

Mga Dapat Tandaan Upang Maging Kaakit-akit ang Pagbigkas ng Talumpati

a. Kasiglahan ng mananalumpati sa kaniyang pagbigkas


b. Kasanayan sa pagharap sa publiko; kasanayan sa pagbigkas ng talumpati
c. Pagpapalagay na ang pagtatalumpati ay isa lamang pakikipag-usap
d. Pagsupil sa nerbiyos - ang mananalumpating ninenerbiyos ay dapat munang magalis ng
nerbiyos
e. Masidhing hangad na maiparating ang kahulugan ng sinasabi sa pang-unawa ng nakikinig.

Tatlong Katangiang Dapat Taglayin ng Paksa ng Talumpati:

a. Napapanahon - maaaring hinggil sa isang kasalukuyang pangyayari, o sa


hinaharap na may kabuluhan sa publiko

b. Kapaki-pakinabang sa publiko - dapat pag-aralan ang mga katangian at pangangailangan


ng publiko

c. Katugon ng layon ng talumpati - laging alalahanin ang limang layunin. Dapat magbihasa sa
pagpili ng wasto at bagay ng paksa ang mananalumpati. Magmasid at magsuri sa
pananalumpati ng mga kinikilala at batayog na orador.

Pagyayari ng Talumpati:

a. May simula sa dapat kahalataan ng hangarin ng mananalumpati.


b. May katawan, na nagtataglay ng kalamnan ng talumpati.
c. May pangwakas na nagpapakilala ng kaganapan ng talumpati.

Mga Hakbangin sa Pagbabalak sa Pagsulat ng Talumpati:

a. Paghinang ng tiyak na layunin


b. Paghinang ng panggitang diwa
c. Pagbabanghay (outlining)
CTE
d. Pag-uugnay-ugnay ng mga sangkap
e. Pag-aayos

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Mga Sangkap ng Talumpati:

a. Mga katunayan (facts)


b. Mga kuru-kuro (ideas)
c. Mga damdamin (feelings)

Pamamaraang Ginagamit sa Pagwawakas ng Talumpati

a. Paglalagom (summarizing)
b. Pagdiriin (emphasis)
c. Pamumukaw ng damdamin (arousing of emotion)

Mga Halimbawa at Panimulang Pagsusuri ng Talumpati

PASINAYANG TALUMPATI SA BANSA NI PANGULONG JOSEPH EJERCITO ESTRADA Quirino


Grandstand, Rizal Park, Manila Hunyo 30, 1998

Magandang hapon sa inyong lahat.

Papalubog na ang liwanag, at malapit nang kumagat ang dilim. Gayunpaman, ngayong hapon
ay nagsisimula na ang isang bagong araw. Ang araw ng lahing Pilipino. Ang araw ng masang
Pilipino.

Sa wakas, mamumuno na sa ating masa ang isang gaya nila, isang kaibigan at kapatid, isang
kapwa --- na alam kung ano ang ibig sabihin ng maging maka-masa.

Noong huling tumindig ako dito sa Quirino Grandstand, kasama ko sina Pangulong Cory Aquino
at Cardinal Sin, at napakarami ng nanindigan para sa demokrasya. Nakapiling ko rin kayo, at
tayong lahat ay napabilang sa mga tunay na kaibigan ng demokrasya. Kaya papaano masasabi
na ako raw ay mala-diktador? Noong huli akong tumindig doon sa lumang gusali ng Senado,
labindalawa lamang kami.

CTE
Nguni't ---

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Labindalawa na lumalaban sa mala-higante at makapangyarihang bansa; Labindalawa na


lumaban sa pamahalaang patuloy na nagpa-alila sa banyagang kapangyarihan; Labindalawa
na lumaban sa public opinion;

Subali't labindalawa na nanindigan para sa kalayaan at dangal ng ating bansa.

Pero mayroon pa ring nangahas na pagdudahan ang ating prinsipyo!

Marahil, ninais kong tapusin sa lalong madaling panahon, ang ilang isyu na matagal nang
bumubulabog sa bayan.

Bakit? Upang wakasan na ang lahat ng bagay na dapat nating ilibing sa limot ng kasaysayan.

Sa aking pagmamadali, maaring hindi ko na inisip, na kailangan pang lumipas ang mahaba-
habang panahon upang maghilom ang sugat ng ilan, at ang sugat ng bayan.

Tanong ko ngayon: mayroon pa ba kayang sinaktan at nilait nang higit pa sa akin?


Mayroon pa ba kayang binastos sa peryodiko o sa radyo o sa telebisyon ng higit? Huwag na
lang ako: kahit ang aking ina ay lubhang nasaktan dahil sa mga insultong ipinukol sa kanyang
anak.

Ako ay tao lamang, at hindi po madaling magsabi --- forgive and forget, kalimutan na lang.
Nguni't kailangan kong tapusin ang yugtong ito; at sa akin ay tapos na, nasa likod na natin, at
hindi na dapat pag-usapan.
Pagkat dapat lamang na ako ay makisama sa lahat ng ating mamamayan, kasangga man o
katunggali, kaibigan o kalaban.

Bakit? Sapagka't iisa lamang ang ating bayan, iisa lang ang ating landas, at kung hindi tayo
magsasama-sama sa isang tunay na bukluran, kanino pa kaya, at kailan pa, kundi ngayon?

Ngayon na --- sapagka't ang hinaharap ng bansang Pilipino ay lubhang mabigat, lubhang
malalim. Ang regional currency crisis ay paghamon hindi lang sa ating mga bangko o mga
negosyante, kundi sa bawa't pangkaraniwang mamamayan.

Kaya sasabihin ko sa inyo ngayon, at sa buong mundo: Hindi tayo nag-aalinlangan, at hindi
tayo nakakalimot. CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

If I have seemed impatient, it was because you and I wanted peace, and only peace. We must
put yesterday behind us, so that we can work for a better tomorrow. I do not say: let us forget
the past. No, I don't. But I ask that we should not let the past get in the way of a future that
requires cooperation to achieve peace and prosperity for the least of us.

Matagal nang naghihintay ang lahat para sa isang bagong umaga. Heto na, ngayon na, ang
panahon ng masang Pilipino.

Panahon na upang mapabilis ang pag-angat sa kabuhayan ng masang Pilipino.

Panahon na upang magkaroon ng lalong malaking bahagi, sa yaman ng ating bansa, ang
masang Pilipino.

Panahon na upang sabihin: isang daang taon pagkatapos ng Kawit, limampung taon
pagkatapos na kilalanin ang ating kasarinlan sa panahon ni Presidente Roxas, pitong taon
pagkatapos tayong tumalikod sa foreign bases, eto na, narito na, araw na natin ngayon.

Alam nating hindi ito madaling gawin. Malubha ang lagay ng ekonomiya. Dapat lamang
pagtuunan ng matagalang pansin ang pagsasa-ayos sa pambansang kabuhayan.

May mga nagsasabi: hindi raw maaaring madaliin ang mga gawaing ito. Unahin daw muna ang
ekonomiya. Wala akong reklamo diyan, pero ang tanong ko: Mayroon pa bang ibang paraan
upang mai-angat ang kabuhayan ng mga mamamayan? Hindi ba puwedeng sabay-sabay?Bakit
ang masa ang laging huli at laging nalalamangan, kapag ang pinag-uusapan ay ang kaunlaran
ng ekonomiya?

Noong tinatalakay ang mga reporma na ikabubuti ng mga negosyante, halos wala tayong
narinig na nagreklamo sa kanila, na masyadong mabilis at malupit ang mga pagbabago.
Gayunpaman, hindi ba pawang katotohanan lamang na ang pangkaraniwang mamamayan ang
pumasan sa malulupit na epekto ng liberalization at globalization?

Gustuhin natin o dili, ang hamon ng kompetisyon ay kailangan nating tugunan.Ituturing natin
itong pagkakataon, nguni't kailangang palakasin ang pambansang ekonomiya at palawakin ang
pakinabang ng nakararami.

Sa anim na taon ng pamamahala ni Pangulong Cory Aquino, naitatag ang pundasyon upang
muling lumakas ang ating ekonomiya. Sa pangangasiwa ni Pangulong Ramos, nagsimulang
magluwal ng dibidendo ang ekonomiya para sa malalaking negosyante. CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Ngayon naman, ang maliliit ay dapat makinabang sa ating pagsisikap. Sana, sila rin.Sana, sila
naman ay maka-bahagi.

Progress must not be measured by the number of vacation houses of the rich.

Huwag naman sanang masamain, ng ilan sa ating mga mayayaman ang mensaheng ito. Mula't
sapul, sila ang nakinabang --- at hanggang sa ngayon ay makikinabang pa rin, sapagka't
gagawin natin ang lahat upang maibalik ang katahimikan sa ating bayan, ang katahimikan na
kailangan upang umunlad ang ating kalakalan.
Kaya sa ating mga maliliit at mahihirap, narito ang pangako ni Erap: kayo ang unang
makikibahagi sa biyaya mula sa ekonomiya, at mula sa pamahalaan.

Sa abot ng aking makakaya, bibigyan natin ang masa ng disenteng tahanan, sapat na pagkain,
at pag-asa sa hinaharap. Pag-aaralin natin ang kanilang mga anak, at aalagaan natin ang
kanilang kalusugan.Sa kanilang mga pamilya, ihahandog natin ang katahimikan, hanapbuhay at
dangal sa araw-araw.

Sa kasawiang palad, dumating ang panahon ng masang Pilipino habang ang ekonomiya ng
buong Asya ay bumabagsak. Wala tayong magagawa. Kailangan nating maghigpit ng sinturon,
at ipagpaliban muna ang sapat at maagang gantimpala sa ating pagsisikap.

Sa aking mga kababayan, ito ang aking masasabi: sa inyong pagsasakripisyo, ako ang mau-
una, at ako ang inyong kasama. At sa paglasap sa mga gantimpala ng ating pagsisikap, hindi
kayo mahuhuli.

While I ask you to share these sacrifices with me, I will not impose any more on you when it
comes to meeting my duties and responsibilities as president. It is my job now, and I will do it.

Walang dahilan upang lumaganap ang krimen sa ating lipunan; mangyayari lang ito kung ang
gobyerno mismo ay kumukupkop sa mga kriminal. Walang organisasyon o gawaing kriminal na
kayang lumaban sa pamahalaan, kung ang pamahalaan ay tapat sa pagnanasang durugin ang
kriminalidad.

We know that the major crimes in this country are committed by hoodlums in uniforms. We
know they are protected by hoodlums in barong tagalog, and acquitted by hoodlums in robes.
We know that the most damaging crimes against society are not those of petty thieves in rags,
but those of economic saboteurs in business suits; the dishonest stockbrokers, the wheeling-
CTE
dealing businessmen, influence-peddlers, price-padders and other crooks in government.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Ipinangangako ko ngayon: gagamitin natin ang buong kapangyarihan ng pamahalaan upang


labanan ang krimen --- maliit man o malaki. Walang makalulusot.Walang itatangi. I will use all
the powers of government to stamp out crime, big and small.

There will be no excuses, and there will be no exceptions. I have sent friends to jail before, and
I can send them again.
No government is so powerless that it cannot protect its citizens, especially when they are
victimized by government agents.

No government is so helpless that it cannot prosecute criminals, especially when the officials
are criminals operating in the open.

Hindi makatarungan na sa isang bansang karamihan ay nagugutom at walang hanapbuhay,


ang kaban ng bayan ay winawaldas at ninanakaw. Ang likas-yaman ay pinaghahati-hatian ng
malalakas sa gobyerno.

So let me tell you today: There are things that a real government, even in the worst economic
conditions, can do.

This government will do it.

Kaya nating sugpuin ang lumalaganap na krimen. Ginawa ko ang magagawa ko noong ako ang
tagapangulo ng PACC. Gagawin ko ngayon ang lahat, ngayong Pangulo na ako. At walang
sinumang makapipigil sa akin.

What I did in PACC, I will now do, and more, as President of the Philippines. And when I
succeed this time, nobody, nobody, nobody can clip my powers!

Kaya pa rin ng pamahalaan ang magbigay ng mahahalagang serbisyo: mga lansangan, mga
paaralan, mga health centers, sapat na bilang ng mga pulis at sandatahang lakas na sadyang
katahimikan ang likha at alaga. Gagawin natin ito.Magagawa ng gobyerno ang lahat ng ito,
huwag lamang saksakan ng nakawan at pork barrel.

Hindi mapapakain ng pamunuan ang lahat ng mga nagugutom sa ating bansa. Pero uusigin
natin ang sinumang kukupit sa pondo na nakalaan sa pagbili ng pagkain.

Hindi kaya ng gobyerno na pagbigyan ang lahat ng mga lugar na nangangailangan ng


kalsadang konkreto at aspaltado. Pero hindi natin palalampasin ang sinumang magnanakaw ng
perang nakalaan sa paglikha ng mga tulay at kalsada. CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Hindi kaya ng pamahalaan na agad pabalikin ang milyun-milyong overseas contract workers, at
bigyan sila ng hanap-buhay sa ating bayan. 'Ramdam natin ang kalungkutan at pighating dala
ng paghihiwalay, subali't pangako natin sa kanila na 'di pababayaan ang pamilya at mga anak
nila rito.At lalong 'di natin kaliligtaan ang kapakanan nila sa ibang bansa.
Hindi kayang bigyan ng sapat na edukasyon ang lahat ng mga kabataang Pilipino, tulad nang
itinadhana ng Saligang-Batas. Pero hindi natin palalampasin ang sinumang magwawaldas sa
pondong nakalaan para sa mga libro at paaralan.

I appeal to the coming Congress to search its conscience for a way to stand behind me, rather
than against me, on the pork barrel issue. I appeal to every legislator: Let us find a way to
convert pork into tuition subsidies in both public and private schools. Let us use it to better the
lives of our people, rather than to improve our chances of re-election.

There are crimes that I will make my personal apostolate to punish:


--- low crimes in the streets, by rich and poor alike;
--- high crimes on Ayala Avenue and Binondo;
--- graft and corruption throughout the government, whether in the executive, the legislative or
the judiciary.

Ngayon pa lamang, ang mga kamag-anak ko ay nilalapitan na ng kung sinu-sino. Kung anu-
anong deal at kickback ang ipinangangako.

Binabalaan ko sila: ang kanilang inilalapit ay ebidensiyang gagamitin ko sa pag-usig sa kanila,


kapag itinuloy nila ang kanilang maruming balakin. Tandaan nila ito.Lalong mabuti, maghanda
sila. Huwag nila akong subukan!

Sa aking administrasyon, walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak.

Hindi naman napakabigat ng mga ipinangako ko. Simple lang ang aking hinahangad. At simple
rin ang ating hinahangad, subali't pagkatagal-tagal nang hindi natutupad. Nais kong maihatid
ang kapayapaan sa ating buhay, at katiwasayan sa ating lipunan.

Nais kong isa-ayos ang gulo sa ating mga lansangan, at itatag ang katarungan sa ating mga
institusyon.

Nais kong bigyan ng bagong lakas ang ating ekonomiya, at patas na pagsasabahagi
CTE ng mga
bunga nito.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Nais kong isipin ng bawa't Pilipino, mahirap man o mayaman, na ang pinakaligtas na lugar sa
buong mundo, ay ang kanyang lupang tinubuan.

I want every Filipino, rich or poor, to feel, that the safest place in the world for him, is his own
country.
At sa dakong huli, umaasa akong mapagsasama-sama ko ang lahat ng mga Pilipino, upang
matamo nila ang kapangyarihan na buhat sa nagkakaisang hangarin. Sa ganitong pagkakaisa,
maiiwasan natin ang krisis sa ating rehiyon, at makakamit natin ang pangarap ng ating
sentenyal.

Kalayaan.

Kalayaan sa isang mapang-aping kahirapan.

Isang bayang ligtas sa takot, at ang lahat ay pantay-pantay sa pagkakataon.

Nasa diwa at puso ng bawa't Pilipino ang kalayaan. Sa bansang ito, isang daang taon na ang
nakararaan, nasulyapan sa Asya ang unang liwanag ng kalayaan.

Samahan ninyo si Erap, upang bigyan natin ng kakaibang ningning ang kalayaan sa buhay ng
masang Pilipino.

Nitong huling labindalawang taon, malimit tayong nanawagan sa kapangyarihan ng


sambayanan, sa people power, alang-alang sa demokrasya, at sa kaunlaran, at sa iba't ibang
bagay.

Ngayon, ang kapangyarihan ay nasa kamay na ng bayan. Wala nang dahilan upang ipagkait pa
sa nakararami at sa maliliit --- ang magandang kinabukasan.

Sa wakas, bayan ko, atin na ang tagumpay. Isa sa inyo ang ngayon ay Pangulo na.

Ito na ang hinihintay na bagong umaga. Narito na ang ating panahon.

Walang tutulong sa Pilipino, kundi kapwa Pilipino.


CTE

Maraming salamat po.


visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Pasinayang Talumpati sa Bansa ni Pangulong


Joseph Ejercito Estrada (Panimulang Pagsusuri
ni Mayluck A. Malaga)

“Huwag ninyo akong susubukan!”

“Walang kaibigan, walang kumpare, walang kamag-anak,”

Ilan lamang ang mga pahayag na iyan ni Pangulong Joseph Ejercito Estrada sa kanyang
Pasinayang Talumpati na tumatak sa isipan ng madlang Pilipino. Talumpating gumamit ng
pangangatwirang umaapela sa emosyon at isipan ng nakikinig kung kaya makailang beses ding
pinalakpakan, pinag-usapan at hinangaan ng mga tao.

Nagsimula ang kanyang talumpati sa kanyang pagsasalaysay sa nakaraang pangyayari sa


kanyang buhay na nagpapakita ng kanyang paninindigan at kababaang loob. At mga
karanasan na sasalamin sa kung ano at paano siya bilang isang indibidwal at bilang pinuno ay
naghahangad ng kapayapaan para sa nasasakupan. Ilan dito ang pagtindig niya kasama ang
dating Pangulong Cory Aquino at Kardinal Sin para sa demokrasya, ang pagtanggap niya sa
hamon bilang Senador at Pangalawang Pangulo para ipaglaban ang pagkakapantay-pantay,
karapatang-pantao, pagsugpo sa kahirapan at iba pa.

Tinalakay rin ang kanyang mga plataporma at gagawin bilang Pangulo ng Pilipinas, ang
pagpokus sa edukasyon, pabahay at trabaho para sa mahihirap at pangakong laging uunahin
ang kapakanan ng masang Pilipino.

Makikita sa kanyang talumpati ang layunin nitong mapaniwala at mabigyan ng bagong pag-
asa ang mga nakikinig sa pamamagitan ng bagong pamunuan – sa kanyang pamumuno.
Maging ang tono, pagpili ng mga salita at paggamit ng wikang Filipino ay naging lakas ng
talumpati upang maabot ang nasabing layunin.

Hindi maikakaila na ang mga linya sa itaas ang naging kasukdulan ng talumpati ni
Pangulong Estrada, kung susuriin ang pahayag na ito na kanyang binanggit sa kanyang
talumpati ang tumatak at naging simbolo ng kanyang magiging pamunuan. Sa pamamagitan ng
“pagbibigay babala” para magsilbing motibasyon sa madla. Lumikha ito ng patunay na ang
mananalumapati ay may katatagan at kalakasan na magawa ang lahat ng kanyang mga sinabi
at ipinangako. Naging mabisa rin upang makuha ang loob at magkaroon ng pag-asa ang mga
tao na sawa na sa bulok na sistema ng pamahalaan. CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Bilang kongklusyon, masasabing malaki ang naging papel ng tamang pagpili ng mga salita
at wika upang mapagtagumpayang bulabugin ang isipan at haplusin ang damdamin ng mga
tagapakinig.

Mga Gabay na Tanong sa Talumpati ni Pangulong Pangulong Joseph Ejercito Estrada:

1. Ano-ano ang mga suliraning binanggit ng Pangulo sa kaniyang talumpati?


2. Paano inilatag ni Pangulong Estrada ang kanyang mga plataporma sa kanyang
talumpati?
3. Ano ang reaksyon mo hinggil sa mga platapormang ipinahayag sa talumpati?
4. Ano ang mahalagang bagay na natutuhan mo sa talumpati? Bakit?
5. Nakatulong ba ng malaki ang mga pananalitang ginamit sa talumpati upang mahikayat
ang mga nakikinig o mambabasa?

PASINAYANG TALUMPATI SA BANSA NI PANGULONG BENIGNO SIMEON C.

AQUINO III Quirino Grandstand, Rizal Park, Manila Hunyo 30, 2010

Ang pagtayo ko dito ngayon ay patunay na kayo ang aking tunay na lakas. Hindi ko inakala na
darating tayo sa puntong ito, na ako'y manunumpa sa harap ninyo bilang inyong Pangulo. Hindi
ko pinangarap maging tagapagtaguyod ng pag-asa at tagapagmana ng mga suliranin ng ating
bayan.

Ang layunin ko sa buhay ay simple lang: maging tapat sa aking mga magulang at sa bayan
bilang isang marangal na anak, mabait na kuya, at mabuting mamamayan.

Nilabanan ng aking ama ang diktadurya at ibinuwis niya ang kanyang buhay para tubusin ang
ating demokrasya. Inalay ng aking ina ang kanyang buhay upang pangalagaan ang
demokrasyang ito. Ilalaan ko ang aking buhay para siguraduhin na ang ating demokrasya ay
kapaki-pakinabang sa bawat isa. Namuhunan na po kami ng dugo at handa kong gawin ito
kung muling kinakailangan.

Tanyag man ang aking mga magulang at ang kanilang mga nagawa, alam ko rin ang problema
ng ordinaryong mamamayan. Alam nating lahat ang pakiramdam na magkaroon ng
pamahalaang bulag at bingi. Alam natin ang pakiramdam na mapagkaitan ng hustisya, na
mabalewala ng mga taong pinagkatiwalaan at inatasan nating maging ating tagapagtanggol.

Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto? Ako rin. Kayo
ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang naghaharihariang de-wangwang
sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-sawa na sa pamahalaang sa halip na magsilbi sa
CTE
taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako rin.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Katulad ninyo ako. Marami na sa atin ang bumoto gamit ang kanilang paa - nilisan na nila ang
ating bansa sa kanilang paghahanap ng pagbabago at katahimikan. Tiniis nila ang hirap,
sinugod ang panganib sa ibang bansa dahil doon may pag-asa kahit kaunti na dito sa atin ay
hindi nila nakikita. Sa iilang sandali na sarili ko lang ang aking inaalala, pati ako ay napag-isip
din - talaga bang hindi na mababago ang pamamahala natin dito? Hindi kaya nasa ibang bansa
ang katahimikang hinahanap ko? Saan ba nakasulat na kailangang puro pagtitiis ang tadhana
ng Pilipino?
……………………………………

Ngayon, sa araw na ito - dito magwawakas ang pamumunong manhid sa mga daing ng
taumbayan. Hindi si Noynoy ang gumawa ng paraan, kayo ang dahilan kung bakit ngayon,
magtatapos na ang pagtitiis ng sambayanan. Ito naman po ang umpisa ng kalbaryo ko, ngunit
kung marami tayong magpapasan ng krus ay kakayanin natin ito, gaano man kabigat.

Sa tulong ng wastong pamamahala sa mga darating na taon, maiibsan din ang marami nating
problema. Ang tadhana ng Pilipino ay babalik sa tamang kalagayan, na sa bawat taon pabawas
ng pabawas ang problema ng Pinoy na nagsusumikap at may kasiguruhan sila na magiging
tuloy-tuloy na ang pagbuti ng kanilang sitwasyon.

Kami ay narito para magsilbi at hindi para maghari. Ang mandato ninyo sa amin ay pagbabago
- isang malinaw na utos para ayusin ang gobyerno at lipunan mula sa pamahalaang iilan
lamang ang nakikinabang tungo sa isang pamahalaang kabutihan ng mamamayan ang
pinangangalagaan.

Ang mandatong ito ay isa kung saan kayo at ang inyong pangulo ay nagkasundo para sa
pagbabago - isang paninindigan na ipinangako ko noong kampanya at tinanggap ninyo noong
araw ng halalan.

Sigaw natin noong kampanya: "Kung walang corrupt, walang mahirap." Hindi lamang ito pang
slogan o pang poster - ito ang mga prinsipyong tinatayuan at nagsisilbing batayan ng ating
administrasyon.

Ang ating pangunahing tungkulin ay ang magsikap na maiangat ang bansa mula sa kahirapan,
sa pamamagitan ng pagpapairal ng katapatan at mabuting pamamalakad sa pamahalaan.

Ang unang hakbang ay ang pagkakaroon ng tuwid at tapat na hanay ng mga pinuno.
Magsisimula ito sa akin. Sisikapin kong maging isang mabuting ehemplo. Hinding hindi ko
sasayangin ang tiwalang ipinagkaloob ninyo sa akin.Sisiguraduhin ko na ganito rin ang adhikain
ng aking Gabinete at ng mga magiging kasama sa ating pamahalaan.
………………………………………...

CTE
Naniniwala akong hindi lahat ng nagsisilbi sa gobyerno ay corrupt. Sa katunayan, mas marami
sa kanila ay tapat. Pinili nilang maglingkod sa gobyerno upang gumawa ng kabutihan. Ngayon,

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

magkakaroon na sila ng pagkakataong magpakitang-gilas. Inaasahan natin sila sa pagsupil ng


korapsyon sa loob mismo ng burukrasya.

Sa mga itinalaga sa paraang labag sa batas, ito ang aking babala: sisimulan natin ang
pagbabalik ng tiwala sa pamamagitan ng pag-usisa sa mga "midnight appointments." Sana ay
magsilbi itong babala sa mga nag-iisip na ipagpatuloy ang baluktot na kalakarang nakasanayan
na ng marami.

Sa mga kapuspalad nating mga kababayan, ngayon, ang pamahalaan ang inyong kampeon.
……………………………………………………………………………………….

Hindi natin ipagpapaliban ang mga pangangailangan ng ating mga estudyante, kaya't sisikapin
nating punan ang kakulangan sa ating mga silid-aralan.

Unti-unti din nating babawasan ang mga kakulangan sa imprastraktura para sa transportasyon,
turismo at pangangalakal. Mula ngayon, hindi na puwede ang "puwede na" pagdating sa mga
kalye, tulay at gusali dahil magiging responsibilidad ng mga kontratista ang panatilihing nasa
mabuting kalagayan ang mga proyekto nila.

Bubuhayin natin ang programang "emergency employment" ng dating pangulong Corazon


Aquino sa pagtatayo ng mga bagong imprastraktura na ito. Ito ay magbibigay ng trabaho sa
mga local na komunidad at makakatulong sa pagpapalago ng kanila at ng ating ekonomiya.

Hindi kami magiging sanhi ng inyong pasakit at perwisyo. Palalakasin natin ang koleksyon at
pupuksain natin ang korapsyon sa Kawanihan ng Rentas Internas at Bureau of Customs para
mapondohan natin ang ating mga hinahangad para sa lahat, tulad ng:

· dekalidad na edukasyon, kabilang ang edukasyong bokasyonal para makapaghanap ng


marangal na trabaho ang hindi makapag-kolehiyo; · serbisyong pangkalusugan, tulad ng
Philhealth para sa lahat sa loob ng tatlongtaon; · tirahan sa loob ng mga ligtas na komunidad.

Palalakasin at palalaguin natin ang bilang ng ating kasundaluhan at kapulisan, hindi para
tugunan ang interes ng mga naghahari-harian, ngunit para proteksyunan ang mamamayan.
Itinataya nila ang kanilang buhay para mayroong pagkakataon sa katahimikan at kapayapaan
sa sambayanan. Dumoble na ang populasyong kanilang binabantayan, nanatili naman sila sa
bilang. Hindi tama na ang nagmamalasakit ay kinakawawa.

Kung dati ay may fertilizer scam, ngayon ay may kalinga ng tunay para sa mga magsasaka.
Tutulungan natin sila sa irigasyon, extension services, at sa pagbenta ng kanilang produkto sa
pinakamataas na presyong maaari.

Inaatasan natin na ang papasok na Secretary Alcala ay magtayo ng mga trading centers kung
saan diretso na ang magsasaka sa mamimili - lalaktawan natin ang gitna, kasama
CTE na ang
kotong cop. Sa ganitong paraan, ang dating napupunta sa gitna ay maari nang paghatian ng
magsasaka at mamimili.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Gagawin nating kaaya-aya sa negosyante ang ating bansa. We will cut red tape dramatically
and implement stable economic policies. We will level the playing field for investors and make
government an enabler, not a hindrance, to business. Sa ganitong paraan lamang natin
mapupunan ang kakulangan ng trabaho para sa ating mga mamamayan.

Layunin nating paramihin ang trabaho dito sa ating bansa upang hindi na kailanganin ang
mangibang-bansa para makahanap lamang ng trabaho. Ngunit habang ito ay hindi pa natin
naaabot, inaatasan ko ang mga kawani ng DFA, POEA at ng OWWA at iba pang mga
kinauukulang ahensiya na mas lalo pang paigtingin ang pagtugon sa mga hinaing at
pangangailangan ng ating mga overseas Filipino workers.

Papaigtingin namin ang proceso ng konsultasyon at pag-uulat sa taumbayan. Sisikapin naming


isakatuparan ang nakasaad sa ating Konstitusiyon na kinikilala ang karapatan ng mamamayaan
na magkaroon ng kaalaman ukol sa mga pampublikong alintana.
…………………………………………………………………

Binuhay natin ang diwa ng people power noong kampanya. Ipagpatuloy natin ito tungo sa tuwid
at tapat na pamamahala. Ang naniniwala sa people power ay nakatuon sa kapwa at hindi sa
sarili. …………………………………………

Sa mga nang-api sa akin, kaya ko kayong patawarin at pinapatawad ko na kayo. Sa mga nang-
api sa sambayanan, wala akong karapatan na limutin ang inyong mga kasalanan.

To those who are talking about reconciliation, if they mean that they would like us to simply
forget about the wrongs that they have committed in the past, we have this to say: there can be
no reconciliation without justice. Sa paglimot ng pagkakasala, sinisigurado mong maulit muli
ang mga pagkakasalang ito. Secretary de Lima, you have your marching orders. Begin the
process of providing true and complete justice for all.

Ikinagagalak din naming ibahagi sa inyo ang pagtanggap ni dating Chief Justice Hilario Davide
Jr. sa hamon ng pagtatatag at pamumuno sa isang Truth Commission na magbibigay linaw sa
maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay walang kasagutan at resolusyon.

Ang sinumang nagkamali ay kailangang humarap sa hustisya. Hindi maaaring patuloy ang
kalakaran ng walang pananagutan at tuloy na pang-aapi.

My government will be sincere in dealing with all the peoples of Mindanao. We are
committed to a peaceful and just settlement of conflicts, inclusive of the interests of all - may
they be Lumads, Bangsamoro or Christian.

CTE
We shall defeat the enemy by wielding the tools of justice, social reform, and equitable
governance leading to a better life. Sa tamang pamamahala gaganda ang buhay ng lahat, at sa
buhay na maganda, sino pa ang gugustuhing bumalik sa panahon ng pangaapi?
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Kung kasama ko kayo, maitataguyod natin ang isang bayan kung saan pantay-pantay ang
pagkakataon, dahil pantay-pantay nating ginagampanan ang ating mga pananagutan.
………………………………………………………………………

Kamakailan lamang, ang bawat isa sa atin ay nanindigan sa presinto. Bumoto tayo ayon sa
ating karapatan at konsensiya. Hindi tayo umatras sa tungkulin nating ipaglaban ang karapatan
na ito. ………………………………………………………

Pagkatapos ng bilangan, pinatunayan ninyo na ang tao ang tunay na lakas ng bayan.

Ito ang kahalagahan ng ating demokrasya.Ito ang pundasyon ng ating pagkakaisa.


Nangampanya tayo para sa pagbabago. Dahil dito taas-noo muli ang Pilipino. Tayong lahat ay
kabilang sa isang bansa kung saan maaari nang mangarap muli.
………………………………………………………………………………………….

To our friends and neighbors around the world, we are ready to take our place as a reliable
member of the community of nations, a nation serious about its commitments and which
harmonizes its national interests with its international responsibilities.

We will be a predictable and consistent place for investment, a nation where everyone will say,
"it all works." ………………………………………………………………… Inaanyayahan ko kayo
ngayon na manumpa sa ating mga sarili, sa sambayanan,
WALANG MAIIWAN. ……………………………………………………………...

Walang pangingibang-bayan at gastusan na walang wastong dahilan. Walang pagtalikod sa


mga salitang binitawan noong kampanya, ngayon at hanggang sa mga susunod pang
pagsubok na pagdadaanan sa loob ng anim na taon.

Walang lamangan, walang padrino at walang pagnanakaw.Walang wang-wang, walang


counterflow, walang tong. Panahon na upang tayo ay muling magkawanggawa.

Nandito tayo ngayon dahil sama-sama tayong nanindigan at nagtiwala na may pag-asa.

The people who are behind us dared to dream. Today, the dream starts to become a reality. Sa
inyong mga nag-iisip pa kung tutulong kayo sa pagpasan ng ating krus, isa lang ang aking
tanong - kung kailan tayo nanalo, saka pa ba kayo susuko?

Kayo ang boss ko, kaya't hindi maaaring hindi ako makinig sa mga utos ninyo. We will design
and implement an interaction and feedback mechanism that can effectively respond
CTE to the
people's needs and aspirations.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Kayo ang nagdala sa akin sa puntong ito - ang ating mga volunteers - matanda, bata, celebrity,
ordinaryong tao, na umikot sa Pilipinas para ikampanya ang pagbabago; ang aking mga
kasambahay, na nag-asikaso ng lahat ng aking mga personal na pangangailangan; ang aking
pamilya, kaibigan at katrabaho, na dumamay, nag-alaga at nagbigay ng suporta sa akin; ang
ating mga abogado, na nagpuyat para bantayan ang ating mga boto at siguraduhing mabilang
ang bawat isa; ang aking mga kapartido at kaalyado na kasama kong nangahas mangarap; at
ang milyun-milyong Pilipinong nagkaisa, nagtiwala at hindi nawalan ng pag-asa - nasa inyo ang
aking taos-pusong pasasalamat.

Hindi ko makakayang harapin ang aking mga magulang, at kayong mga nagdala sa akin sa
yugto ng buhay kong ito, kung hindi ko maisasakatuparan ang aking mga binitawang salita sa
araw na ito.

My parents sought nothing less and died for nothing less than democracy, peace and
prosperity. I am blessed by this legacy. I shall carry the torch forward.

Layunin ko na sa pagbaba ko sa katungkulan, masasabi ng lahat na malayo na ang narating


natin sa pagtahak ng tuwid na landas at mas maganda na ang kinabukasang ipapamana natin
sa susunod na henerasyon. Samahan ninyo ako sa pagtatapos ng laban na ito. Tayo na sa
tuwid na landas.

Maraming salamat po at mabuhay ang sambayanang Pilipino!

Pasinayang Talumpati sa Bansa ni Pangulong


Benigno Simeon C. Aquino III
(Panimulang Pagsusuri ni Mayluck A. Malaga)

Ang pasinayang talumpati ay isang uri ng talumpati na ginagawa ng pinuno ng isang


samahan o ng isang bansa kapag naluklok sa mataas na posisyon tulad ng Pangulo ng
Pilipinas. Dalawang taon na ang nakalilipas nang gawin ito ni Pangulong Benigno Simeon C.
Aquino III matapos na mahalal bilang pangulo ng bansa.

Nilaman ng kanyang talumpati ang mga pagbabagong nais niyang gawin sa pamahalaan.
Nagsimula siya sa pagbibigay parangal sa kanyang magulang na sina dating Senador Benigno
Aquino Jr. at Dating Pangulong Corazon C. Aquino na nagbuwis ng buhay para sa demokrasya
ng bansa kasunod ang pangakong magiging tapat sa paglilingkod sa bayan.
CTE

Pinaksa rin ng kanyang talumpati ang kanyang mga plataporma tulad ng pagbuo ng tinatawag
na “Truth Commission” sa pangunguna ni dating Punong Hukom Hilario Davide Jr. na
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

magbibigay linaw sa maraming kahinahinalang isyu na hanggang ngayon ay wala pa ring


kasagutan. Ang pag-uutos kay Kalihim Leila de Lima, Kagawaran ng Hustisya para umpisahan
ang proseso ng makatotohanan at nararapat na hustisya para sa lahat. Ang pagpapalakas ng
turismo, pagsasaayos ng imprastraktura, edukasyon, sandatahang lakas at pabahay sa mga
Pilipino ay tinalakay rin sa kanyang talumpati.

Ang talumpati ni Pangulong Aquino ay may layuning himuking mapanumbalik ang pagtitiwala
ng mga tao sa pamahalaan na halos nagsawa na rin sa paulit-ulit na pangangako. Ang mga
sitwasyong ibinigay na halimbawa sa talumpati ay tulad ng pahayag na:

“Kayo ba ay minsan ring nalimutan ng pamahalaang inyong iniluklok sa puwesto?


Ako rin. Kayo ba ay nagtiis na sa trapiko para lamang masingitan ng isang
naghahari-hariang de-wangwang sa kalsada? Ako rin. Kayo ba ay sawang-
sawa na sa pamahalaang sa halip na
magsilbi sa taumbayan ay kailangan pa nila itong pagpasensiyahan at tiisin? Ako
rin.”
Nagpapakita ang pahayag ng pakikiisa ng mananalumpati sa hinaing na nararanasan ng mga
ordinaryong Pilipino. Ginamit niya bilang isang motibasyon ang mga nasabing karanasan
upang maging palatandaan na siya ay magiging iba sa mga nagdaang Pangulo ng bansa.
Naging instrumento ang pagpapatawa bilang paraan ng paghahatid ng mensahe sa madla,
nagpapatawa subalit may himig na panunudyo, pananakot upang gisingin ang kaisipan ng mga
nakikinig. Kakikitaan din ng paggamit ng simbolismo ang mga pahayag na ginamit sa talumpati
gaya ng “Walang wangwang” na lagi nating maririnig sa kalye kapag may dumadaan ang
sasakyan ng taong may mataas na katungkulan. Maaaring iugnay ito sa pagkakapantay-pantay
ng lahat sa paningin ng batas; walang mayaman, walang mahirap, walang special treatment.

Pagdating naman sa pagpili ng mga salita, matatamis na pananalita at magaan ang mga salita
na tila ikaw ay nakikipag-usap sa isang kaibigan. Sa wikang ginamit naman, mapapansin na
katulad ni dating Pangulong Estrada ang mananalumpati ay gumamit ng wikang Filipino upang
higit na maintindihan ng mas nakararami ang kanyang talumpati, ito rin ay nagpapahiwatig na
ang mga platapormang inihain ng Pangulo ay para sa masang Pilipino.

Sa katapusan, hindi nga malayong mangyari na marami ang humanga sa nasabing talumpati.
Paghanga na makikita sa dami ng palakpak na naibigay rito at paggising sa kaisipan dahil
umani ng iba’t ibang tugon. Ano nga ba ang hatid ng bagong pamunuan - pagkakaroon ng pag-
asa at kaginhawaan o isa na namang pangako na lilipad sa kawalan?

Mga Gabay na Tanong sa Talumpati ni Pangulong Benigno Simeon C. Aquino III:

CTE
1. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang wikang ginamit ng may-akda upang ipahayag
nang malinaw ang mensahe ng talumpati?

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

2. Ano ang pagkakatulad o pagkakaiba ng talumpati sa naunang talumpating binasa?


3. Paano ipinakita ng may-akda ang kanyang ideya ukol sa pagbabagong hatid ng bagong
pamunuan?
4. Paano nagpahayag ang mananalumpati? Naglahad ba siya? Nagsalaysay?
Naglarawan? Nanghikat? Nangatuwiran? Ipaliwanag.

5. Ano ang epekto sa iyo ng talumpating iyong binasa? Bakit?

ANG TULA

Hindi mapapasubalian na marami nang tao o kilalang manunulat ang tumalaky at nagbigay ng
kahulugan tungkol sa tula. Kung kaya patuloy pa rin ang tao sa pagbibigay ng sariling
pagpapakahulugan sa tula na batay sa abot ng kanilang kaalaman ukol dito. Madalas na
kahulugan ng nakararami sa tula ay isang anyo ng panitikan na nagpapahayag ng damdamin
ng isang tao. Ito ay binubuo ng mga saknong, ang mga saknong ay binubuo ng mga taludtod.

Ayon kay Eugene Evasco at Will Ortiz (2008), ang tula ay sinasabi ring uri ng sining na
may wikang nagsasaad ng higit pa kaysa sa ordinaryong pamamahayag. Karaniwang paraan
ng pagsasabi nito ay sa higit na kaunting salita at higit na kaunting espasyo. Pinayayabong ang
anyo ng tula sa pamamagitan ng paggamit ng talinghaga. Nagpapahayag ang tula ng isang
ideya o damdamin sa isang wikang matalinghaga. Kapag sinabing matalinghaga, may higit
itong kahulugan kaysa sa literal nitong sinasabi. Halimbawa, sa pahayag na “kumukulo ang
dugo,” hindi ito literal na nangangahulugang nakikita ng nagsabi ang pagkulo ng dugo. Ibig
nitong sabihin na nagagalit ang isang tao, o di kaya’y nawawala ang pasensiya, maaaring
kaugnay nga ito sa literal na pagtaas ng presyon ngunit sa matalinghagang pakahulugan.

Nagbigay din ng kahulugan si Rufino Alejandro at ito ang kaniyang pagpapakahulugan. “Ang
tula ay nangangahulugang likha at ang makata ay tinatawag na manlilikha.” Sinabi naman ni
Amado V. Hernandez na ang tula ay hindi pulos na pangarap at salamisim, hindi pawang
halimuyak, silahis, aliw-iw at taginting. Ang tula ay walang di nagagawang paksain.

Mga Bahagi ng Tula

Narito ang mga bahagi ng tula ayon kina Evasco at Ortiz (2008):

1. Talinghaga – “kung walang talinghaga, walang tula.” Karaniwang binabanggit ang ganitong
CTE
pahayag ng mga guro ng panitikan. Sinabi ni Virgilio Almario na ang talinghaga ay ang buod
ng pagtula. Ito ang utak ng paglikha at disiplinang pumapatnubay sa haraya at sa pagpili ng

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

salita habang isinasagawa ang tula. Ipinakakahulugan nito na may mga karanasan
(panlabas) ang isang tao o manlilikha ng tula na kailangan nitong iproseso sa kaniyang sarili
(panloob) upang magamit sa kaniyang paghaharaya o paggamit ng imahinasyon.
Kailangang pandayin ang anumang panlabas na karanasan tungo sa loob (utak at
damdamin) upang maihayag ang talinghaga. Dito makikita na sa pagtula at paggamit ng
talinghaga, hindi lamang damdamin ang ginagamit kundi isip at kamalayan upang
mapahusay ang pagtula.

2. Persona – ang tawag sa nagsasalita sa loob ng tula. Maaaring ang makata rin ang persona
subalit maaaring maging magkaiba ang dalawa. Sa loob ng tula, maaaring lumikha ng iba’t
ibang persona ang makata. Maaaring ang makata ay lalaki subalit ang kaniyang persona ay
isang babae. Maaaring may gulang o edad na ang makata subalit ang persona na
nagsasalita sa kaniyang tula ay isang bata. Maaaring walang asawa ang makata subalit ang
persona sa loob ng kaniyang tula ay isang taong may asawa’t anak. Maaari rin namang
maging sahig ang persona ng tula o iba pang mga bagay na walang buhay na bibigyang-
buhay ng makata sa pamamagitan ng kaniyang imahinasyon.

3. Tugma – pagkakapare-pareho ng dulong tunog ng dalawa o higit pang taludtod sa isang


saknong ng tula. Pag-uulit ang namamayaning prinsipyo sa pagtutugma. Nauulit ang dulong
tunog ng panghuling salita ng sinundang taludtod. Tandaan: tunog o ponema ang inuulit,
hindo titik. Sa mas payak na pagsasabi, mga salita (sa dulo ng dalawa o higit pang taludtod)
ang pinagtutugma. Magkatugma ang anumang dalawa o higit pang salita kung ang mga ito
ay nagtatapos sa iisa o magkapamilyang tunog o ponema.

4. Sukat – pagkakapare-pareho ng bilang ng pantig ng dalawa o higit pang taludtod sa isang


saknong ng tula. Tulad sa pagtutugma, pag-uulit ang namamayaning prinsipyo sa
pagsusukat. Bilang ng pantig na inuulit.

5. Imahen – hindi lamang ang detalye ng larawan sa loob ng isang tula kundi ito ay anumang
pandamang pisikal. Inilalarawan nito ang mga pandamdam tulad ng pandinig, pandama,
pang-amoy, biswal, panlasa na bumubuo ng isang imahen. Sa pagtula, mahalaga ang
pagpapakita at hindi paglalahad lamang. Ito ang panuntunan ng makata na show, don’t tell.
Kapag nais ipadama ng makata ang kalungkutan ng tauhan o persona ng tula, hindi niya
sasabihing “malungkot ang persona.” Bagkus, iisip siya ng paraan kung paanong ipadarama
sa pamamagitan ng imahen ang karanasan ng kalungkutan ng tauhan o ng persona.
Kailangang kongkretong madama ng mambabasa ang isinusulat ng makata. Tingnan ang
ilang halimbawa ng pagpapakita at hindi paglalahad lamang.

6. Tono – Hindi lamang awitin ang may tono o himig. Maging ang ating paraan ng pagsasalita
ay mayroon ding tono. Maaaring ang tono ng pagsasalita ng isang tao ay galit, nanunuya,
sarkastiko, tapat, nagmumuni, o dili kaya nama’y masaya. Ang tono ng tula
CTEang siyang
nagpapakita ng emosyon o damdamin ng persona sa tula. Makatutulong ang pagbabasa
nang malakas upang marinig ang tono ng persona.
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Mga Uri ng Tula

1. Tulang Liriko o Tulang Damdamin (Lyric Poetry) – ito ay nagpapahayag ng damdamin ng


makata batay sa kanyang karanasan o likha ng malikhaing guniguni. Nauuri ito sa soneto,
elehiya, oda, pastoral at dalit.

2. Tulang Pasalaysay (Narrative Poetry) – naglalarawan ng mahahalagang tagpo o


pangyayari sa buhay tulad ng kabayanihan o kagitingan, panganib sa pakikidigma,
kabiguan o suliranin partikular sa pag-ibig at suliraning pantahanan. Ang mga uri nito ay
epiko, awit , balad at korido.

3. Tulang Pandulaan (Theater Poetry) – itinatanghal ito sa entablado. Saklaw ng uring ito ang
komedya, trahedya, monologo, sarswela, melodramang tula at iba pa.

4. Tulang Patnigan (Joustic Poetry) – Ang tulang patnigan ay isang uri ng pagtatalong patula
na ginagamitan ng pangagatwiran at matalas na pag-iisip. Kabilang sa uring ito ang
karagatan, duplo at balagtasan.

Mga Halimbawa at Panimulang Pagsusuri ng Tula


NAPAGAWI AKO SA MABABANG PAARALAN
Lamberto E. Antonio

Napagawi ako sa mababang paaralan


Na dating karnabal ng kambing, baboy at kalabaw, At
dating kubeta ng ilang kababaryo
Pag bakasyon grande o Sabado’t Linggo.
Di na ito ang ilang tiwangwang na kuwartong may tapal 5
Na sawali’t atip na kugong butas-butas, na ang klaseng
Nagdidiskas ng Pepe en Pilar at gudmaners
Ay tanaw na tanaw ng mga sabungerong naglalakad.
Ngayon, may arko nang bakal at alambre ang geyt;
May bakod na pader, magarang plagpol, entablado’t 10
Basketbolkort na kinauukitan ng nagdudumilat na
“Donated by Gov. Mokong delos Oros” at ng
“Alay nina Don at Doňa Pilipito Palpatok.”
Sa sementadong saydwok, sa pasimano’t haligi ng munting pasilyo
At ibabang panig ng kongkretong dingding, kundi nakapila 15 CTE

Ay nagsisiksikan ang mga pangalang karamiha’y

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Patrong taga-ibang bayan: ilan dito’y mga nakaklaseng


Kabisote, mapangopya, tugain, nakalasprend o naiihi
Sa salawal sa pagkuha ng test —
Kundi may DR. o ENGR., may ATTY. 20
Bawat pinto, may karatula ng ngalan ng guro — Narito pa
rin si Mrs. Monay na mahilig manghinuli, Si Mr. Pangan
na laging ngumangata ng babolgam. Sa likod ng gusali,
ang marikotitos na lettering

Ng pagdiskarte sa babae’y nabasa ko sa haligi ng wari’y 25


Narseri; sa mga puno ng payapang bunga’y tambulukan; Sa
tambak ng retasong mga tablang may bakas ng anay.
Komo nabakante ako sa pandadayuhan bilang karpintero,
Naawitan akong gumawi sa mababang paaralang
Nagpautang sa akin noon ng musmos na karanasan; 30
Kasama ang aking martilyo, lagari’t radela’y nagpaunlak ako:
Wika nga’y ito lang ang kaya kong paraan ng paglingon
Sa pinanggalingan (na di ko napuspos nang mahinto ako’t
Maulila sa mga magulang). Gumawi ako
Rito para atipan at palitadahan ang mga komportrum, 35 Dahil
nakabingit na naman ang pasukan — at para maiyukit ko, Kahit papa’no,
ang aking pangalan.

Napagawi Ako sa Mababang Paaralan ni


Lamberto E. Antonio
(Panimulang Pagsusuri ni Romeo P. Peña)

Resureksiyon ng gunita ang ibinubukal ng tulang Napagawi Ako sa Mababang Paaralan


ng tanyag na makatang si Lamberto E. Antonio. Resureksiyon sapagkat nanumbalik sa
personang karpintero-kantero ang mga gunita nang muli siyang bumalik sa kaniyang
pinanggalingang mababang paaralan. Masasabing kantero/mason rin ang gawain ng persona
pagkat may gawain ang persona na isa sa tiyak na gawain ng mason sa larang ng masoneriya
—ito ang pagpapalitada. Taluntunin ang buong tula:

Mahahalatang tunay ang laman ng puso’t isip ng persona nang isaad niya ang mga
naalala niya sa kaligiran ng kaniyang dating paaralan, na ito raw noong una ay dating
tubugan/koral/ulahan ng mga alagang hayop at nagsilbi ring pusali ng kaniyang ilang
kababaryo.

CTE
Ang lugar mula sa kalagayang pusali na tinukoy ng persona ay ginawang paaralan.
Napansin ng persona ang pagbabago sa dating tagpi-tagpi at sirang mga silid base sa ilang

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

taludtod ng tula. Ganito pa ang ilang nangyari—ang pagbabagong pisikal sa ilang bagay sa
paaralan: una, pagkakaroon/pagbabago sa tarangkahan, bakod, flag pole, entablado at
basketball court. Mahihinuha ang mga ito sa taludtod 9, 10, 11, “Ngayon, may arko nang bakal
at alambre ang geyt; / May bakod na pader, magarang plagpol, entablado’t/ Basketbolkort…..”
At ikalawa, ang pagkakaayos/pagkakaroon ng side walk, pasilyo at dingding. Masisipat ito sa
taludtod 14 at 15 “Sa sementadong saydwok, sa pasimano’t haligi ng munting pasilyo / At
ibabang panig ng kongkretong dingding,….” At ang huli ay ang pagkakaroon ng pangalan ng
guro sa bawat silidaralan. Mababasa ito sa taludtod 21 “Bawat pinto, may karatula ng ngalan ng
guro —“ Hindi naman malinaw ang senyales sa tula kung nasiyahan o hindi ang persona sa
mga naganap na pagbabago. Sapat kaya o hindi ang pagbabago para kaniya lalo na’t
napakahabang panahon ang lumipas na hindi siya nakabisita/napagawi sa paaaralan?

Sa mga namasdan at nabasa ng persona, nagbigay naman ito ng malinaw na dastô


kung bakit naganap ang mga pagbabago/pagkakaayos ng ilang bagay sa paaralan. Una, bakit
nagbago/nagkaroon ng tarangkahan, bakod, flag pole, entablado at basketball court?
Mababatid ang sagot sa taludtod 12 at 13 “Donated by Gov. Mokong delos Oros” at ng / “Alay
nina Don at Doňa Pilipito Palpatok.” At pangalawa bakit nagbago/nagkaroon ng side walk,
pasilyo at dingding? Mahihinuha naman ang sagot sa taludtod 17 at 20 “Patrong taga-ibang
bayan: ilan dito’y mga nakaklaseng….” / Kundi may DR. o ENGR., may ATTY.” Marahil ang
pagkakaroon ng pangalan ng mga guro sa mga pinto ay nagmula sa gayunding pagkakataon.
Sa puntong ito, ang lugar kung saan hinuhulma ang musmos na isipan ay nagkaroon ng
pagbabago dahil sa ilang politiko at padrino na tinukoy ng persona. At ang kabilang sa mga
padrino ay ang ilang naging kamag-aral niya na ayon sa kaniyang paglalarawan na nasa
taludtod 18 at 19
“Kabisote, mapangopya, tugain, nakalasprend o naiihi / Sa salawal sa pagkuha ng test —”
Ngunit sa kabila ng pagiging kabisote at ilan pang hindi kalugod-lugod na katangian ng ilang
naging kamag-aral ng persona na binanggit sa taludtod 18 at 19, mababasa naman sa taludtod
20 ang kanilang karerang natapos. Isang bagay na kung lilimiin nang husto, maaaring mula sa
hindi kalugod-lugod na katangian dati, sila’y nagbago. Maaari rin naman na ang ilan ay may
maunlad na pamumuhay at may sapat na salaping panustos sa pag-aaral.

Ngunit iba ang sinapit ng persona na hindi gaya ng sinapit na kapalaran kaniyang mga
kamag-aral. Masaklap ang dinanas niya na mababatid sa taludtod 33 hanggang 34 “….(na di ko
napuspos nang mahinto ako’t / Maulila sa mga magulang)….” Ang pangyayaring ito ang naging
mitsa kung bakit hindi niya naipagpatuloy ang pag-aaral. Naisip niya siguro, kung hindi lamang
naganap ang mga bagay na iyon disin sana’y nagawa niya ring tapusin ang gusto niyang
karera. Masakit ito para sa persona at ito na siguro ang bagay na ayaw niyang magunitang
muli.

Ang tula ay malungkot na resureksiyon—muling paggunita ng persona sa dating


paaaralang itinuturing niyang nagpautang sa kaniya ng musmos na karanasan naCTE
mababasa sa
talutod 30. Napagawi lamang siya rito pagkat napaki-usapan na kumpunihin ang mga palikuran.
Pinaunlakan niya ito para kahit papaano ay magantihan niya ng kawanggawa ang nagpautang
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

sa kaniya ng karanasan at higit sa lahat, kahit papaano ay maiyukit niya ang kaniyang pangalan
sa palikuran man lamang ng paaaralan na nakasaad sa dalawang huling taludtod.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Napagawi Ako sa Mababang Paaralan:

1. Ano ang paksa ng tula?


2. Ang pagkakasulat ba nito ay ginamitan lamang ng mga salitang may literal na
kahulugan? Ipaliwanag.
3. Anong imahen ang ipinakita ng tula? Bakit?
4. Sa iyong palagay, sinunod ba ng manunulat ang proseso ng pagsusulat kaya siya
nakabuo ng ganitong uri ng tula? Ipaliwanag.
5. Sa iyong pananaw, ano ang kahalagahan ng pagsulat ng tula sa kasalukuyang
panahon?

IN MEMORIAM Jose F. Lacaba


I
Dumadapa ang talahib sa hampas ng
hangin at ulan, nanginginig ang
dahon ng kamyas.
Masuwerte ako’t may bubong sa aking ulunan
at masasarhan ko ang bintana 5 kung
ako’y maanggihan.
Masuwerte, di tulad ng puno ng bayabas na
susuray-suray, parang babagsak;
di tulad ng mga hinahaplit ng lamig
sa bangketa, sa ilalim ng tulay, 10
sa loob ng mga dingding na yero’t karton, o sawali’t
kugon, sa tubuhan at talahiban, sa gubat, bundok at
parang.

Masuwerte ako’t nararamdaman ko pa ang lamig.


Marami na ang nilagom ng lamig, at ang 15
akingdibdib
ay parang niyog na pinupukpok ng mapurol na itak
ngayon, habang ginugunita silang wala na sa ating CTE
piling:

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Emmanuel, kapatid; 20
Leo, bayaw;
Dodong, inaanak;
Eugene, Tony, Lorena, Lerry,
Charlie, Caloy, Henry, Jun,
pati si Edjop na aking tinuya, 25
oo, pati na rin si Ninoy na pinagdamutan ko ng tiwala,
silang hindi lamang mga pangalan sa lapida kundikakilala,
kaibigan, kasama sa litanya ng aking lumbay.

Hindi ko iniluluha ang kanilang pagkamatay 30


Ang kamatayan para sa layuning wagas ay
bulaklak ng tagumpay, tanglaw sa
mabatong landas.

II
Nagiging sentimental ba ako?

Pasensiya, ginoo, ganito siguro ang minumulto. 35


Ganito ang nangyayari kapag bumabagyo sa labas at
walang magawa sa loob ng bahay, at sa kalooban ay dalawang
bato ang nag-uumpugan:
tungkulin at hangarin,
hangarin at tungkulin. 40
O sabihin nating tungkulin sa
iba at tungkulin sa sarili. O
sabihin nating hangaring
maging langgam, nangangalap ng makain 45
para sa kapwa langgam, at hangaring
maging tipaklong, salaginto, kumakanta,
nagniningning.

Marami na akong narating

CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

sa mga oras na gising, 50


kung minsan ay nakikihalo
sa mga mano-mano at labulabo, kahit nangangalog ang
tuhod, at kung minsan, namumulot ng lumot sa mga
nalimutang ilog.

Kung saan-saan na ako nahiga’t natulog: 55


damuhan, batuhan, matigas na lupa,
makitid na bangko, malapad na mesa, sahig na tabla,
may banig, walang banig, sahig na semento,
natatakpan lamang ng diyaryo,

silat-silat na sahig na kawayan, 60


tinatagos ng alimuom, kinakalawang na tarima sa
seldang wala pang isang dipa ang bintana.
Ngayon ay nakalatag ako sa kutson,

Nababalot ng kumot, nangangarap nang gising. 65

Hinahalinhan ng hininga
ang haginit ng hangin habang
ginugunita silang wala na sa
ating piling:

Emmanuel, kapatid; 70
Leo, bayaw;
Dodong, inaanak;
Eugene, Tony, Lorena, Lerry,
Charlie, Caloy, Henry, Jun,
pati si Edjop na aking tinuya, 75
oo, pati na rin si Ninoy na pinagdamutan ko ng tiwala.
Sila’y nangarap din nang gising subalit ang mga
pangarap nila’y matalim na bituin. Ang mga berdugo’t
panginoon
ay natakot sa kanilang mga pangarap. 80
Natakot na baka ang kanilang mga pangarap ay
magkatotoo.
At dahil dito sila’y wala na sa ating piling.

III
Alang-alang sa masaganang dugo CTE

na bumulwak sa batok na pinasok ng punglo, 85

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

kaawaan, patawarin, Panginoon, ang mga


berdugo’t nagsasawalang-kibo.

Alang-alang sa sampal, suntok, dagok, kulata,


pangunguryente ng bayag,
kaawaan, patawarin, Panginoon, 90 ang mga berdugo’t nagkikibit-
balikat.

Alang-alang sa masakit na hampas


ng batuta sa likod at tubo sa balakang,
kaawaan, patawarin, Panginoon,
ang mga berdugo’t nagtutulug-tulugan. 95

Alang-alang sa alambreng tinik na


iginapos nang mahigpit sa tuhod at hita,
kaawaan, patawarin, Panginoon, ang mga
berdugo’t nagwawalang-bahala.
Alang-alang sa pagkaladkad sa lansangan 100
ng bangkay na inihulog nang walang kabaong sa hukay,
kaawaan, patawarin, Panginoon, ang mga berdugo’t walang
pakialam.

Alang-alang sa nagitlang mukha


ng buntis na tinadtad ng bala ang tiyan, 105
kaawaan, patawarin, Panginoon, ang mga
berdugo’t nagmamaang-maangan.

Alang-alang sa damit na natigmak ng dugo at


pinaknit sa katawan ng ginahasang puri,
kaawaan, patawarin, Panginoon, 110 ang mga berdugo’t nagtataingan-
kawali.

Alang-alang sa nilalangaw na katawan at


pugot na ulong itinulos sa libis ng nayon,
kaawaan, patawarin, Panginoon,
ang mga berdugo’t nag-uurong-sulong. 115

CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Alang-alang sa mga kamay na pinutol para hindi


na kailanman makapagpaawit ng gitara, kaawaan,
patawarin, Panginoon,
ang mga berdugo’t nagtatakip ng mata.

Alang-alang sa tagilirang binuksan 120


at pinagpasakan ng utak mula sa biniyak na bungo,
kaawaan, patawarin, Panginoon, ang mga berdugo’t
nakahalukipkip, nakayuko.

Kaawaan, patawarin, Panginoon,


ang mga berdugo’t lahat kaming 125
naglalambitin sa balag ng alanganin, sapagkat ang
bayang naghahangad ng katarungan, pagdating ng
panahon ng paniningil ng utang,
pagdating ng panahong uulan ng luha at dugo,
ay baka hindi na marunong 130 maawa’t magpatawad, baka hindi na
marunong maawa’t magpatawad.

In Memoriam ni Jose F. Lacaba


(Panimulang Pagsusuri ni Romeo P. Peña)

Kakaiba naman ang pagtahak ng tulang In Memoriam ng makatang si Pete Lacaba na


umabot ng 132 ang bilang ng taludtod na hinati sa tatlong (3) bahagi.

Una nang sinabi ng isang historyador ng panitikan na si Elmer A. Ordoňez na tungkol sa


state repression ang tulang ito ni Lacaba.i Hindi na bago ang ganitong tula ni Lacaba na may
kinalaman sa isyung panlipunan, ayon nga sa premyadong manunulat na si Edgar B.
Maranan,“Pete Lacaba's contributions to journalism, poetry, and scriptwriting have become
identified with both literary excellence as well as social relevance (another pivotal phrase in the
canon of protest literature).”ii

Paggunita ang tula sa mga taong sinasabing nasawi bunga ng pampolitikang


pamamaslang. Tila epitapyo ang tulang ito sa mga taong tinutukoy sa taludtod 27-29 na,“silang
hindi lamang mga pangalan sa lapida/ kundikakilala, kaibigan, kasama/ sa litanya ng aking
CTE
lumbay.”Sa taludtod 20-26 at 70-76 inilagda ni Lacaba ang mga taong iyon na sina,“Emmanuel,
kapatid;/ Leo, bayaw;/ Dodong, inaanak;/ Eugene, Tony, Lorena, Lerry,/ Charlie, Caloy, Henry,
Jun,/ pati si Edjop na aking tinuya,/ oo, pati na rin si Ninoy na pinagdamutan ko ng tiwala.”
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Sa malayang taludturang tulang ito ni Lacaba, ang persona mismo ang gumugunita sa
kaniyang kakilala, kasama at kaibigan na sumakabilang buhay. Subalit dama ng persona na
may saysay ang pagkamatay ng kaniyang binanggit na mga pangalan dahil sa pagsasabi niya
ng ganito sa taludtod 30-34 “Hindi ko iniluluha ang kanilang pagkamatay/ Ang kamatayan para
sa layuning wagas/ ay bulaklak ng tagumpay,/ tanglaw sa mabatong landas.” Itinuturing ng
persona na tagumpay ang pagkamatay ng mga tao na binanggit sa taludtod 20-26 at 70-76, na
maaaring ang naging utak sa pagkamatay ng mga taong ito ay ang ipinasilip sa atin sa taludtod
79-80, ang tinatawag ng personang “berdugo’t panginoon” na ang maaaring maging katangian
ng berdugo ay ang pagiging malupit, at ang panginoon naman ay makapangyarihan—
maimpluwensiya.

Binigyang linaw naman sa ikatlong bahagi ang mga karaniwang kasapakat ng


berdugong nabanggit, sila ang mga nagsasawalang-kibo, nagkikibit-balikat, nagtutulug-
tulugan, nagwawalang-bahala, walang pakialam, nagmamaang-maangan, nagtataingan-kawali,
nag-uurong-sulong, nagtatakip ng mata, nakahalukipkip at nakayuko.Ngunit takot ang
berdugong ito sa mga pangarap ng mga pinangalanang napaslang pagkat ganito ang sinasabi
sa taludtod 79-82, “Ang mga berdugo’t panginoon/ ay natakot sa kanilang mga pangarap./
Natakot na baka ang kanilang mga pangarap/ ay magkatotoo.” Dahil sa mga pangarap, ito rin
ang naging mitsa kung bakit sila napaslang gaya ng nasabi ng persona sa taludtod 83 na, “At
dahil dito sila’y wala na sa ating piling.”

Nagtampok din ng anapora ang pangatlong bahagi ng tula dahil sa pag-uulit ng


salitang“alang-alang” sa simula ng magkakasunod na saknong. Anaporang tila paggunita sa
malupit, masakit at masaklap na maaaring sapitin sa buhay gaya siguro ng sinapit ng mga
pinangalanan ng makata na ito ay ang: masaganang dugo na bumulwak sa batok na pinasok
ng punglo, sampal, suntok, dagok, kulata, pangunguryente ng bayag, masakit na hampas ng
batuta sa likod at tubo sa balakang, alambreng tinik na iginapos nang mahigpit sa tuhod at hita,
pagkaladkad sa lansangan ng bangkay na inihulog nang walang kabaong sa hukay, nagitlang
mukha ng buntis na tinadtad ng bala ang tiyan, damit na natigmak ng dugo at pinaknit sa
katawan ng ginahasang puri, nilalangaw na katawan at pugot na ulong itinulos sa libis ng
nayon, mga kamay na pinutol para hindi na kailanman makapagpaawit ng gitara, tagilirang
binuksan at pinagpasakan ng utak mula sa biniyak na bungo. Ang mga pangyayaring ito ang
hinihingan ng persona ng awa at tawad sa Panginoon—sa lumikha.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang In Memoriam:

1. Ano ang paksa ng tula?


2. Ang ang layunin ng may-akda? Naglalahad ba siya? Naglalarawan?
Nagsasalaysay? Nanghihikayat? Ipaliwanag. CTE

3. Sino ang persona sa tula? Bakit?


visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

4. Paano nilinang ng may-akda ang ideya niya sa kabuuan ng tula?


5. Paano ginamit ang wika? May mga hindi karaniwang paggamit ba ng mga salita? May
mga naitanghal bang kahulugan na lampas sa literal na antas? Ipaliwanag.

GUNITA Mike L. Bigornia

Siyang namumutla sa gunita Walang


ugat, supling, aklat.

Siyang pumupusyaw sa gunita Walang


lawrel o palaspas.

Siyang lumalamlam sa gunita Walang


dila ni danas.

Siyang dumidilim sa gunita Walang


istorya, walang alamat.

Gunita ni Mike L. Bigornia


(Panimulang Pagsusuri ni Romeo P. Peña)

Sa tula ng premyadong makatang si Mike L. Bigornia na Gunita mismo ang pamagat,


naghahain ito ng mga nagiging kakulangan ng nilalang na dapat punan para sa gunita.

Tila mahirap ngang galugarin ang laman ng mga tula ni Bigornia gaya nito. Hindi na
dapat itong pagtakhan, pagkat sabi nga ng isa ring premyadong makatang si Roberto T.
Añonuevo na kaibigan ng makata: “Mahirap na masarap ang pagtuklas sa mga hiyas na tula ni
Mike. Parang paggalugad yaon sa karimlan—kung karimlan ngang maituturing ang lahat sa
panitikang Filipino—na ang pinakapusod at esensiya ay pagsisilang ng silahis na
magpapamalay sa sarili at sa panulaang Filipinas.” Kung mahirap man, susubukan namang
lasapin ang sarap ng pagtuklas sa tulang nasa itaas lalo na’t malinaw na kinakikitaan ito ng
pagpapahalaga sa gunita.
Mayroong apat na saknong ang tula ng makata, ang bawat saknong ay may dalawang
taludtod at ang unang taludtod sa bawat saknong ay tigsasampu ang sukat. Ang unang
CTE
saknong ang naglatag ng unang maaaring kakulangan para sa gunita at nagtampok at
nagpakilala ng kawalan. Sa unang taludtod na ganito ang isinasaad: Siyang namumutla sa
gunita. Mapapansin na ang pamumutla na maaaring ang sanhi ay ang kakulangan sa dugo ang
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

unang kakulangan para sa gunita, na ang itatampok naman na kawalan mula sa kakulangan ay
nasa taludtod 2 na ganito: Walang ugat, supling, aklat. Maituturing na ang kawalan ng una: ugat
ay kawalan ng buhay, walang pagdadaluyan ng anumang likidong hatid ay buhay. Ang kawalan
ng pangalawa: supling ay kawalan naman ng susunod na buhay, pagkaputol ng henerasyon. At
ang kawalan ng pangatlo: aklat ay kawalan ng kaalaman, pagdarahop sa karunungan para
mabuhay.

Sa pangalawang saknong nalaman ang pangalawang kakulangan para sa gunita,


masisilayan ito sa taludtod 3 na ganito: Siyang pumupusyaw sa gunita. Ang kakulangan sa
tingkad ng kulay na nagbubunsod ng pagiging mapusyaw ang pangalawang kakulangan para
sa gunita. Kulang ang tingkad at kintab ng gunita dahil sa pagpapakilala ng kawalan ng lawrel
at palaspas gaya ng nakasaad sa taludtod 4. Kapagnawala ang lawrel gayundin ang palaspas
namga bagay na nagtataglay ng luntiang kulay at kakintaban, at kung ilalapat ito sa gunita,
kulang sa kulay ang gunita— walang tingkad at kintab o walang kabuluhan.

Hindi maaaring itatwa na may kinalaman sa liwanag ang pangatlong kakulangan na


nasa taludtod 5 na ganito ang pagkakakasabi: Siyang lumalamlam sa gunita. Paghina ng
liwanag o gaya ng pagbahid ng ulap sa araw ang paglamlam, na kung pakasusuriing mabuti,
ang mga lumalamlam o ang nagkukulang sa liwanag ang pangatlong kakulangan para sa
gunita. Matamlay kung kulang ang liwanag para sa gunita malabo ang gunita kung lumalamlam
ang nangangailangan nito, ibinabandila lamang nito ang kawalan ng dila at danas gaya ng
banggit sa taludtod 6. Ang kawalan ng dila ay kawalan rin ng pagkakataong maayos na
makapagsalita at lumasa, at kung walang danas ay hindi nagkaroon ng pagkakataong tumikim
sa anumang kaganapan sa buhay.

Mas malupit ang kakulangan sa huling saknong. Kakulangan na nagsilbing kawalan


gaya ng nakasaad sa taludtod 7. Pagdilim ang kakulangan na kung tatahaki’y ang dilim ay
lambong na nagsasaklob ng laksang panimdim. Subukin mang umalala o gumunita sa dilim
kahit na ito pa’y taimtim, siguro’y kahit salamisim handa nitong saiirin at burahin. Kaya tuwirang
maipahahayag na kung ang pagdilim ay pagsaid at pagbura, tumpak ang huling taludtod bilang
kawalan, gaya ng banggit: Walang istorya, walang alamat. Gunita na burado kung walang
kakakayahang magtaglay ng liwanag para panatilihin, alalahanin at pahalagahan ang nakalipas
tulad ng istorya’t alamat.

Ang tula ng makata’y maaaring nagsiwalat ng mga nagiging kakulangan para sa ating
gunita at nagpakilala ng nagiging kawalan ng nilalang. Hindi man sinasabi sa tula na punan ang
kakulangan at lagyan ang kawalan, isa na sigurong gampanin iyon upang lubos na
mapahalagahan ang ating gunita.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Gunita: CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

1. Ano ang paksa ng tula?


2. Sa paanong paraan ipinahayag ng may-akda ang temang nais niyang iparating sa
mambabasa?
3. Sa anong akda mo maiuugnay ang tulang nabasa?
4. Anong uri ng tula ang “Gunita” ni Mike L. Bigornia?
5. Ano ang tono ng tula? Ipaliwanag.

MAKAPILI Gandhi G. Cardenas

Noong panahon ng Hapon


Nagsuot siya ng bayong

Noong panahon ng liberasyon


Hindi siya naipakulong

Doon sa isang nayon


May –ari siya niyon

Doon sa sabungan
Bantog siya sa pustahan.

Makapili ni Gandhi G. Cardenas


(Panimulang Pagsusuri ni Mayluck A. Malaga)

Ang “Makapili” ni Gandhi Cardenas ay isang tula na nagpapakita at nag-uugnay ng pag-uugali


ng Pilipino at ang pag-iral ng problemang panlipunan sa mga nakalipas na panahon hanggang
sa kasalukuyan.
Ang salitang “makapili” ay nagkaroon ng iba’t ibang pakahulugan, maaaring ito ay maiugnay sa
pagiging “doble-kara” o pagiging balimbing ng mga Pilipino na sa umpisa’y nagpapakita ng
pagiging makabansa o “maka-Pilipino” sa harap ng iba subalit ang totoo ay pilit na itinatago
ang pagiging gahaman sa kapangyarihan at kayamanan, ito ay ipinakita sa unang saknong,
kung saan tinutukoy na “makapili” ang mga taong naging ‘asset’ o tagaturo sa mgaCTE Pilipinong
kabilang sa kalaban ng mga Hapon kapalit nang kakarampot na salapi. Sa ikalawang saknong
naman ang salitang “makapili” ay umangkla sa mga Pilipino, na dala ng kayamanan at

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

koneksyon ay hindi naparusahan ng pagtataksil sa bayan noong panahon ng liberasyon –


piniling ikanlong sa halip na isakdal. Pinaksa naman ng ikatlong saknong ang pagkakaroon ng
makauring lipunan o di lebel na estado ng pamumuhay, mapapansin ito sa paggamit ng ‘nayon’
at ‘may-ari siya niyon’. Ang ‘nayon’ na nagbibigay ng imahe ng simpleng pamumuhay, at
kahirapan at ang pahayag na ‘may-ari siya niyon’, nagpapahiwatig ng pagka-mayroon;
maaaring nagsasaad ng isang estruktura e.g malaking bahay, komersyo o negosyo. Kung
paguugnayin ay nagkaroon ng tinatawag na ‘paradox’ upang mapalitaw ang ideyang siya ay pili
o kaiba sa karamihan na nasa nayon dala ng pagkakaroon niya ng higit na karangyaan o
kayamanan. Ang huling saknong, ay nakapokus naman sa pag-uugali ng mga Pilipino sa
pagkahilig sa sugal partikular sa sabong at pustahan. Maaaring ang pahayag na ‘bantog siya
sa pustahan’ ay nagpapahayag ng kanyang kasikatan sa dami ng perang kanyang ipinupusta o
siya mismo mo ang paksa ng pustahan.

Maikli ngunit malaman ang pagtalakay ng manunulat sa pamamagitan ng piling mga salita
subalit ito ay naglalaman ng iba’t ibang imahe na madaling maunawaan ng mambabasa.
Nilayon ng may-akda na ilahad ang problemang panlipunan at pag-uugali ng mga Pilipino gamit
ang simbolismo at imaheng nabubuo sa pagbabasa ng tula. Naging mabisa rin ang pag-uugnay
ng mga pangyayari sa kasaysayan upang mas lalong tumibay ang pundasyon ng tula sa
pagtukoy sa suliraning panlipunan.

Tiyak na mamamangha at maaliw ang mga babasa ng tula sa kagalingan ng may-akda sa


paggamit ng wika bilang midyum sa paglalahad ng kaisipang ginamit sa tula.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Makapili:

1. Para sa iyo, ano o sino ang tinutukoy na “Mapakali” sa tula?


2. Ano ang mensaheng nais ihatid ng tula?
3. Sang-ayon ka ba sa ideya o kaisipang inihatid ng may-akda?
4. Maiuugnay ba sa kasalukuyang panahon ang kaisipang inilahad sa tula? Magbigay ng
mga patunay.
5. Naging mabisa ba ang mga salitang ginamit sa tula?

MGA LIPAKING PALAD Gandhi G. Cardenas

SILA, mga lipaking palad at likod na siningawan ng pawis-asin mga


manlilikha na inilibing sa limot.
CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Noon pa man sa matandang sibilisasyon, sila ang sama-samang bisig na


nagtayo ng Dakilang Piramide, Parola ng Alexandria, Halamanan
ng Babilonia, Musoleo sa Halicarnasus, Templo ni Diana sa Ephesus, Istatwa ni 5
Zeus sa Olympia, gayon din kay Helios sa Rhodes.

Sa makabagong sibilisasyon, sila pa rin ang sanlaksang kamao


Na nagtayo ng sementado’t bakal na mga kagubatan.

Sila, mga kalyo at balikat ng paggawa. Uring alipin na nagtayo


Maging sa pamantasang iyon sa burol 10

Sa simula, pinatag ng dambuhalang makinang may malapad na pansuro sa


unahan at may pangil sa puwitan ang dibdib ng mala-adobeng lupa.
Pagkaraan, nakahilerang mga pala’t piko ang ipinanghukay sa sinukat na
pundasyon. Nasundan ng pagtirik ng

matatabang kabilya hanggang sa humugis ang anino nagmamapuring 15


kalansay. Sa mga araw na nakapapaso at mga gabing sinlamig ng lumot,
walang patumangga ang makinang tila bibig na umiikot sa pagnguya at
paggaralgal. Hinahalo ang semento, buhangin, graba at tubig upang
palamnan ang balangkas. Dinamitan iyon pagkaraan na masilya’t pinturang
ipinahid ng masisikhay na mga kamay. 20

Sila, mga lipaking palad,


Di man lang napasalamatan ni naalaala nang
bendisyunan ang kanilang obra-maestra.

Sila, mga likod na siningawan ng pawis-asin,


gumagawa pa rin ng sanlibo’t isang obra-maestra 25
nang kahit walang papuring ipinatutungkol para sa kanila.

Mga Lipaking Palad ni Gandhi G. Cardenas


(Panimulang Pagsusuri ni Mayluck A. Malaga)

Tula para sa masa, mahihirap, at manggagawa ang karamihan ng mga tulang nasulat ni Prop.
Gandhi Cardenas, isa na nga sa halimbawa nito ay ang tulang “Mga Lipaking Palad” na iniaalay
niya sa mga manggagawa. Pagpupugay at pag-alala sa kabayanihan ng mga ordinaryong
manggagawa ang tema ng nasabing tula, na kung tutuusin ay limot o hindi pinahahalagahan
CTE
ng karamihan sa atin. Marahil ang karanasan bilang isang manggagawa ng persona ang
nagbunsod sa kanya upang isulat ang tula, makikita ito sa husay ng kanyang paglalarawan sa
mga Gawain ng isang manggagawa na mababakas sa taludtod 11 hanggang 20 ng tula. “Sa
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

simula, pinatag ng dambuhalang makinang may malapad na /pansuro sa unahan at may pangil
sa puwitan ang dibdib ng/ mala-adobeng lupa. Pagkaraan, nakahilerang mga pala’t piko
ang/ipinanghukay sa sinukat na pundasyon. Nasundan ng pagtirik ng’ matatabang kabilya
hanggang sa humugis ang anino nagmamapuring kalansay.

Isinalaysay rin ng persona ang mga kahangahangang gawa ng mga manggagawa na noon pa
mang sinaunang panahon ay sama-samang nagtayo ng mga hinahangaang mga edipisyo,
templo, kastilyo tulad ng Dakilang Piramide, Templo ni Diana sa Ephesus, Istatwa ni Zeus at
iba pa na naging simbolo ng kapangyarihan at karangyaan ng bawat bansa at pinuno nito. Sa
kasalukuyang panahon sila ay samasama pa rin na nagtatayo ng mga gusali, ospital, kalsada
maging paaralan subalit nakalulungkot isipin na ang manggagawang ito ay kabilang pa rin sa
mga mababanguri, may mababang pasahod, mababang pamumuhay at may mababang
pagtingin sa lipunang makauri na kanilang kinabibilangan.

Masisilat din ang kalungkutan sa himig na ginamit ng persona ukol sa kalagayang sinapit ng
ordinaryong manggagawa na mababakas sa kabuuan ng tula. Ang mga pinagdadaanang
paghihirap ng isang manggagawa sa kanyang trabaho na makikita mula sa taludtod 16
hanggang 18 “Sa mga araw na nakapapaso at mga gabing sinlamig ng lumot, walang
patumangga ang makinang tila bibig na umiikot sa pagnguya at paggaralgal. ang antas ng
pagtingin sa mga manggagawa. Subalit hindi naman siya ng solusyon sa problemang
kinahaharap ng mga manggagawa.

Ginamit ng persona ang tula upang ilahad ang kabayanihang ginawa ng mga ordinaryong
manggagawa na hindi man maalala ni mapasalamatan o papurihan ay patuloy pa ring
gumagawa ng sanlibong obra na isinaad sa huling saknong ng tula.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Mga Lipaking Palad:

1. Bakit iniugnay ng may-akda sa lipaking palad ang mga manggagawa?


2. Ano ang naramdaman mo matapos mabasa ang tula?
3. Nagtagumpay ba ang may-akda na ihatid ang mensaheng nais niyang iparating sa
mambabasa? Sa paanong paraan?
4. Ano ang implikasyon ng tula sa pagtingin sa mga manggagawa ng mga mambabasa?
5. Magbigay ng limang problema na kinakaharap ng mga ordinaryong manggagawa sa
kasalukuyan.

AWIT NG MALILIIT Gandhi G. Cardenas


CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Tayong maliliit kumakalantog


ang pinggan kumakalam ang
sikmura.

Tayong maliliit
namimilipit 5
sa sakit

Tayong maliliit unti-unting


pinapatay kumakalantog ang
pinggan kumakalam ang
sikmura.

Tinig na aalingawngaw 10
tayong maliliit
kung sabay-sabay sa lahatang panig
kumakalantog ang pinggan kumakalam
ang sikmura.

Sige, sukdulang walang patlang 15


kumakalantog ang pinggan kumakalam
ang sikmura: oras ng pagtutuos!

Awit ng Maliliit ni Gandhi G. Cardenas


(Panimulang Pagsusuri ni Mayluck A. Malaga)
Awit para sa paglaya ang ipinakikita ng tulang “Awit ng Maliliit” ni Gandhi Cardenas.
Paglaya sapagkat mahihinuha sa kabuuan ng tula ang pagtitimpi at pagtitiis na ginawa ng mga
maliliit sa kanilang kalagayan at sa katapusan nito’y hindi masasawata ang pagnanais na
makalaya o makaalpas sa pagpapahirap na kanilang nararanasan. Inilarawan sa tula ang
kanilang mga pagtitiis na makikita mula sa una hanggang sa ikalabinlimang taludtod ng tula.
Pansinin din na halos makatulad na pahayag ang isinasaad ng tula, na animo’y sumisimbolo sa
paulit-ulit na pinagdadaanang kapalaran ng persona.

Ang tula ay kakikitaan din ng mga pagbabago sa galaw ng pangyayari sa buhay ng persona.
Sa una hanggang sa ikaltong saknong ito ay nagpapahayag na kaya pang magtiis ng persona
sa paghihirap na kanyang nararanasan. “Tayong maliliit kumakalantog ang pinggan kumakalam
ang sikmura./ Tayong maliliit namimilipit sa sakit. / Tayong maliliit untiunting pinapatay
kumakalantog ang pinggan kumakalam ang sikmura/ Pagdating naman sa ikaapatCTE na saknong,
dala ng patuloy na kahirapang nadarama, kinakitaan ng puwersa at pagkakaisa ang hatid ng
tula. “Tinig na aalingawngaw tayong maliliit kung sabay-sabay sa lahatang panig . . .) At ang

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

huling saknong ay nagbigay sulyap sa hakbanging nabuo ng pagsasama-sama ng maliliit at


api. Malaki ang naging epekto ng huling taludtod; “oras ng pagtutuos” para limiin kung ano ang
susunod na mangyayari sa tula.

Mahahalata na pagtitimpi at poot ang tunay na damdamin ng persona na kalauna’y napalitan


ng paghahangad sa paglaya at pagkakaisa upang solusyunan at para wakasan ang
pagpapahirap.

Mga Gabay na Tanong sa Tulang Awit ng Maliliit:

1. Ano-ano ang mga hinaing ng mga maliliit ang inilahad sa tula?


2. Paano nasolusyonan ng persona ang kanyang hinaing na isinaad sa tula?
3. Bilang isang mag-aaral, ano ang nakikita mong kasagutan na maaring gawin para sa
paglutas ng problemang inilahad sa tula.
4. Anong mensahe ang inilahad ng tula para sa mambabasa?
5. Ano ang implikasyon ng tulang ito sa iyo bilang isang mamamayang kabilang sa isang
lipunan?

VI. AWTPUT:

Isumite ang hard copy sa dropbox o soft copy sa aking personal na account;

Messenger: Jean Del Mundo


Gmail : jeandelmundo10@gmail.com
VII. EBALWASYON:

Pagsasanay 1:
Nilalaman …………………………………….2 puntos
Gramatika……………………………………..2 puntos
Kaayusan ……………………………………..1 puntos
_____________
Kabuuan ………………………………………5 puntos
CTE

5 aytem na may kabuuan na 25 puntos.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Pagsasanay 2:

Ang bawat bilang ay bibigyan ng 1 puntos sa bawat tamang kasagutan .

15 aytem na may katumbas na 15 puntos

Pagsasanay 3:
Pamantayan sa pagmamarka:
Nilalaman …………………………………….2 puntos
Gramatika……………………………………..2 puntos
Kaayusan ……………………………………..1 puntos
_____________
Kabuuan ………………………………………5 puntos

Pagsasanay 4:
A. Pamantayan sa pagmamarka:
Pakikipanayam………………………………….20 puntos
Pagsasalaysay
Nilalaman ……………………………….20 puntos
Gramatika………………………………..5puntos
Kaayusan ……………………………….. 5 puntos
_____________
Kabuuan ………………………………………50 puntos

B. Pamantayan sa pagmamarka:

Pagsusuri at Pagsasalaysay
Nilalaman ……………………………….20 puntos
Gramatika………………………………..5puntos
Kaayusan ……………………………….. 5 puntos
_____________
Kabuuan ………………………………………30 puntos
MGA SANGGUNIAN:

1. Almario, Virgilio S., Pagpaplanong wika at Filipino, Manila: Komisyon sa Wikang


Filipino, c2015.
2. Alcaraz, Cid V., et.al. Komunikasyon sa Akademikong Filipino. 2005. Metro Manila:
Lorimar Publishing Co., Inc.
3. Arthur P. Casanova at Ligaya Tiamson Rubin. Retorikang Pangkolehiyo. 2001.
Maynila: Rex Book Store, Inc.
4. Bagsit-Macaraig. Pagpapahayg, Retorika at Bigkasan. 1999. Maynila: Rex Book Store,
CTE
Inc.

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education


Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

5. Bernales, Rolando T., et.al : Akademikong Filipino Tungo sa Epektibong


Komunikasyon. 2009. Malabon City: Mutya Publishing House, Inc.

6. Marquez, Jr. Servillano T., Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino,


Karapatang-ari 2017 ng Sibs Publishing House, Inc.

7. Merlinda Cueto-Cantre at Reynaldo J. Cruz. Ang Masining na Pagpapahayag. 2013.


Metro Manila: Lorimar Publishing, Inc.
8. Pagkalinawan, Leticia C., et.al. Sanayang-Aklat sa Sining ng Komunikasyong
Pantersarya. 2004. Valenzuela City: Mutya Publishing House, Inc.
9. Tumangan, Alcomtiser P., et.al. Sining ng Pakikipagtalastasan. 2000. Valenzuela City:
Mutya Publishinh House, Inc.
10. Internet.org
11. http://www.google.com.ph//

12. Elmer A. Ordoñez, “Protest Literature” nasa Manila Standard Today, Pebero 3, 2007.

13. Edgardo B. Maranan, “Against the Dying of the Light: The Filipino Writer and Martial
Law” binasa ng may-akda sa mga estudyante at mga guro sa University of London’s
School of Oriental and African Studies noong Setyembre 1999 na inilagay sa website
na, http://www.oovrag.com/essays/essay2007b-1.shtml.

Inihanda ni:
CTE

BB. JEAN D. DEL MUNDO, MAED


Instruktor 1
visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education
Republic of the Philippines
Commission on Higher Education
Region IV – A CALABARZON
Municipality of Lipa
KOLEHIYO NG LUNGSOD NG LIPA

COLLEGE OF TEACHER EDUCATION Captivating knowledge Through Education

Iniwasto:

Department Module Editing Committees

Binigyang Pansin nina:.

DR. BIBIANA JOCELYN D. CUASAY


Pinuno, Editing ng Module

DR. AQUILINO D. ARELLANO


Pangalawang Pangulo, Ugnayang Pang-Akademiko

Pinagtibay ni:

MARIO CARMELO A. PESA, CPA


Pangulo ng Dalubhasaan

CTE

visit us at: www.facebook.com/College-of-Teacher-Education

You might also like