You are on page 1of 4

PETSA: Setyembre 11, 2018

IKALAWANG ARAW: (LINANGIN- PANITIKAN)


I. Layunin

1. Naipaliliwanag ang mga kaisipan, layunin at paraan ng pagkakabuo ng


sanaysay.
2. Naipapahayag ang sariling saloobin batay sa mga larawan.
3. Nakikilahok sa isasagawang pangkatang gawain ukol sa paksa sa
pamamagitan ng ibat-ibang estratehiya.

II. Nilalaman

Aralin 2.3
A. Panitikan : Ang Kababaihan ng Taiwan: Ngayon at Noong
Nakalipas na 50 taon Sanaysay – Taiwan
(Isinalin sa Filipino ni Shiela C. Molina)

B. Gramatika / Retorika : Mga Pangatnig na Nag-uugnay ng Magkatimbang na


Yunit ( at, pati, saka, o, ni, maging, ngunit, subalit)
at Di-Magkatimbang na Yunit ( kung, nang, bago,
upang, kapag o “pag, dahil sa, sapagkat, palibhasa,
kaya, kung gayon, sana)

C. Uri ng Teksto : Naglalahad

Sanggunian : Panitikang Asyano


Mga Pahina sa Gabay ng Guro : pahina 119-120
Mga Pahina sa Gabay ng Mag-aaral : pahina 120-121
Mga Pahina sa Teksbuk : wala
Karagdagang Kagamitan mula sa Portal ng Learning Resources :
www.google.com
Iba pang Kagamitang Panturo : biswal, powerpoint presentation

III. Pamamaraan
Pang-araw-araw na Gawain
1. Panalangin

2. Pagsasaayos ng silid-aralan

3. Pagtatala ng liban sa pamamagitan ng isang pag-awit.


“Halina’t tumingin sa kanan, Halina’t tumingin sa kaliwa at sabihin kung
sino ang wala”. (3x)

A. Balik-aral sa nakaraang aralin

1. Ilarawan ang kababaihan noon at ngayon.


B. Paghahabi sa layunin ng aralin
Pagpapakita ng mga larawan ng kilalang kababaihan sa ating lipunan.

C. Pag- uugnay ng
mga halimbawa sa bagong aralin
1. Mula sa larawan, ano ang ipinahihiwatig nito?
2. Mayroon bang pantay na karapatan ang mga kababaihan at kalalakihan sa
ating bansa? Ipaliwanag.

D. Pagtatalakay sa bagong konsepto at paglalahad ng bagong kasanayan


Kasanayan # 1
(Pagtalakay ng guro tungkol sa “Ang Kababaihan ng Taiwan, Ngayon at Noong
Nakaraang 50 taon” sa pamamagitan ng power point presentation.)
Kasanayan # 2
(Pagtalakay ng guro tungkol sa sanaysay)
E. Paglinang sa kabihasnan
Pangkatang Gawain
Pangkat 1

Sa pamamagitan ng paggawa ng islogan tungkol sa Pagbabago sa Kalagayan


at Karapatan ng mga Babaeng Taiwanese.

Pangkat 2

Magbigay ng mga patunay na nagbago na ang kalagayan ng mga kababaihan sa


Taiwan ngayon at noong nakaraang 50 taon sa pamamagitan ng pagbabalita o
broadcasting.
Pangkat 3

Lumikha ng isang awitin na tungkol sa mga kababaihan. Maaaring ilapat ito sa


makabagong awitin ngayon.

Pangkat 4

Sa pamamagitan ng isang Talk Show, tatalakayin ang pantay na karapatan ng


mga kababaihan at kalalakihan ngayon.

Pangkat 5

Isang maikling presentasyon o Role Play na nagpapakita ng pagkakaiba at


pagkakatulad ng pamumuhay ng mga kababaihan noon at ngayon.

F. Paglalapat ng aralin sa pang-araw-araw na buhay


Sa inyong palagay, gaano kahalaga ang pagkakaroon ng pantay na pagtingin sa
mga kababaihan at kalalakihan ngayon ?
G. Paglalahat ng Aralin
Magbigay ng mga patunay na nagbago na ang kalagayan ng kababaihan sa Taiwan
ngayon at noong nakaraang 50 taon.
H. Pagtataya ng Aralin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Pagkatapos ay piliin ang titik ng
tamang sagot.

_____ 1. Isang kathang naglalahad ng mga kuro-kuro at damdamin ng


isang tao hinggil sa isang paksa.

a. paksa b. pangungusap c. sanaysay d. talata

_____ 2. Ayon sa manunulat, ang sanaysay ay nakasulat sa karanasan


ng isang sanay sa pagsasalaysay.

a. Amado V. Hernandez c. Deogracias A. Rosario


b. Alejandro G. Abadilla d. Virgilio Almario

_____3. Ano ang unang kalagayan noong nakalipas na 50 taon sa mga babaeng
Taiwanese.
a. alipin c. kusinera
b. kasambahay d. tindera
_____4. Upang maging mahusay na manunulat ng sanaysay nangangailangang ang
sumusulat ay

a. may malawak na karanasan c.may pinag-aralan


b. may paninindigan d.may respeto

_____5. Ang bilang ng populasyon ng kababaihan sa mundo ay may kabuuang ilang


porsyento.
a. 43% b. 50% c. 51% d. 61%
I. Takdang-aralin

1. Basahin ang sanaysay tungkol sa Pagbibigay Kapangyarihan sa


Kababaihang Pilipino sa Pamamagitan ng Estadistikang Kasarian.

Sanggunian: Panitikang Asyano


Pahina: 123-124

You might also like