You are on page 1of 16

Republic of the Philippines

Department of Education
Regional Office IX, Zamboanga Peninsula

10 Zest for Progress


Z Peal of artnership

Edukasyon Sa Pagpapakatao
Ika-apat na Markahan: Modyul 6
Paggalang sa Katotohanan :Pahalagahan!

Pangalan ng Mag-aaral:__________________________
Baitang at Seksyon:_____________________________
Paaralan:______________________________________
Alamin

Sa Modyul na ito, tatalakayin ang mga isyung moral hinggil sa


kawalan ng paggalang sa katotohanan, dito kinakailangan ang
makapagmunimuni at makapagbigay ng tamang pasiya o resolusyon sa
bawat sitwasyon at isyung nagaganap na nararanasan ng bawat tao.
Ang pagbibigay ng mga opinion at pasiya at saloobin sa bawat isyung
mababasa ay nararapat upang sa gayon magkaroon ng ideya sa mga
kasalukuyang nangyayari at mapapanatili ang pagiging matapat sa lahat ng
pagkakataon at manindigan sa katotohanan upang makamit ang
kabutihang panlahat.

Inaasahang malilinang sa iyo ang kaalaman, kakayahan at pag-unawa


ng mga sumusunod:

Layunin:

1. Natutukoy ang mga sitwasyong nagpapakita ng kawalan ng


paggalang sa katotohanan.
2. Napahahalagahan ang mga isyung may kinalaman sa paggalang sa
katotohanan.
3. Nakapagsusulat ng tamang resolusyon sa bawat kaso/ isyung
may kinalaman sa mga kawalan sa paggalang sa katotohanan.

Learning Competency:
Nasusuri ang mga isyung may kinalaman sa kawalan ng
paggalang sa katotohanan.

Competency Code:
EsP10PI-IVc-14.2

Subukin

Bago magsisimula ang pagtatalakay sa mga paksang hinggil sa mga


isyung may kinalaman sa kawalan ng paggalang sa katotohanan, mabuting
sagutin ang maikling pagtataya bilang sukatan ng iyong mga kaalamaan.
Handa ka na ba?
Panuto: Basahin at intindihing mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang
titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong kwaderno.

1.Ano ang tawag sa pagnanakaw ng impormasyon o akda ng isang


manunulat na maituturing na kawalan ng paggalang sa katotohanan

1
A. Pandaraya B. Pangongopya C. Katiwalian D. Korupsiyon
2. Ito ay kadaalasang mangyayari sa mga taong may kapangyarihan sa
pamahalaan kung saan ginagamit ang kanilang kapangyarihan para sa
sariling interes na magkamkam ng pera.
A. Pandaraya B. Pangongopya C. Katiwalian D. Korupsiyon

3.Ito ay isa sa mga isyu sa kawalan ng paggalang sa katotohanan sapagkat


pinaiiral nito ang mga impormasyon na sisira sa paniniwala ng mga
mamamayan.
A. Pagpapalaganaap ng maling balita
B. Pagpapaliwanag ng tamang balita
C. Pagsasabi ng detalyadong pangyayari
D. Lahat ng nabanggit

4. Sa palagay mo, kinakailangan ba nating malaman ang ibat-ibang isyu ng


kawalan ng paggalang sa katotohanan?
A. Oo, upang mayroon tayong sapat na kaalaman at matutong
maghanap ng solusyon.
B. Oo, dahil nararapat na may alam tayo sa mga ibat-ibang isyu at
maging aktibo sa pag-aalsa.
C. Hindi, dahil wala naman tayong kapangyarihan
D. Hindi, dahil maragdagan lang ang mga suliraning hinaharap

5. Ang isyu ng kawalan ng paggalang sa katotohanan ay patuloy na


lumalaganap lalo na sa sitwasyon ng ating lipunan sanhi ito ng ___________?
A. Personal na interes at kagustuhan ng tao na maging
makapangyarihan.
B. May malakas na impluwensiya at puwersa ng nagpapairal ng mga
Batas.
C. Mahinang pamamalakad ng namumuno sa Pamahalaan.
D. May matibay na panunungkulan sa pamahalaan ang mga
mamayan.

Kumusta? Naging madali ba ang pagsagot sa mga katanungan? Sa


susunod na gawain maglalakbay tayo tungo sa kaalaman hinggil
sa mga isyung moral tungkol sa kawalan ng paggalang sa
katotohanan. Simulan na natin!

Modyul Paggalang sa Katotohanan:


6 Pahalagahan!

2
Balikan

Gawain 1: Paghambingin
Ang gawaing ito ay magbibigay sa iyo ng pagkakataon na balikan ang
natutuhan sa nakaraang leksiyon.
Panuto: Paghambingin ang Hanay A sa Hanay B isulat ang titik ng tamaong
sagot sa kwaderno.
Hanay A Hanay B
1. Ang paglabag sa karapatang-
ari (copyright infringement) ay
naipapakita sa paggamit nang A. Pagsisinungaling
walang pahintulot sa mga
orihinal na gawa ng isang B. Intellectual Piracy
taong pinoprotektahan ng
Law on Copyright mula C. Plagirism
Intellectual Property code of
the Philippines 1987.
2. Ay isang paglabag sa D. Prinsipyo ng Confidentiality
Intellectual Honesty, ito ay
isyu na may kaugnayan sa E. Whistleblowing
pananagutan sa
pagpapahayag ng
katotohanan at katapatan sa
F. Paglilihim
mga datos, mga ideya, mga
pangungusap, buod at
balangkas ng isang akda,
programa, himig at iba pa.
3. Ang maingat na paggamit ng
mga salita sa pagpapaliwanag
na kung saan ay walang
ibinigay na tiyak na
impormasyon sa nakikinig
kung may katotohanan nga
ito.
4. Isang akto o hayagang kilos
ng pagsisiwalat mula sa tao
na karaniwan ay empleyado
ng gobyerno o pribadong
organisasyon /korporasyn.
5. Ang pagsasabi ng totoo ay
hindi lamang pagpapahayag
nang ayon sa isip. Ito rin ay

3
maipahayag sa mas malalim
na pag-iisip,pananalita. At
pagkilos bilang isang taong
nagpapahalaga sa
katotohanan

Tuklasin

Sa bahaging ito, pag-uusapan natin ang mga iba’t-ibang isyu o kaso


sa lipunan na nagpapakita ng kawalan ng paggalang sa katotohanan.

Panuto: Gamit ang bawat kahon ng mga kaso o isyu na kinakailangan ng


resolusyon o katwiran upang mabigyan ng kaliwanagan ang isyu. Isulat ang
sagot sa nakalaang patlang.

Gawain 2: Mga kaso ng Lipunan, Resolusyunan!

Unang kaso

Dahil sa takot na maparusahan ng kaniyang ama ang isang


mag-aaral sa kolehiyo na nakakuha ng lagpak na marka sa isa niyang
asignatura, ay gumawa ng isang pandaraya na gawin itong mga
pasado.
Tanong:
a. Nabigyan ba ng sapat na katwiran ng mag aaral ang kaniyang
ginawang pandaraya? Bakit?

A. Mungkahing resolusyon sa kaso


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

B. Katwiran/Paliwanag
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

Dahil sa mababang presyo ng mga pirated cd, mas gusto pa ng


ilan na tangkilikin ito kaysa sa bumili ng orihinal o di kaya ay pumila pa
at manood sa mga cinema theater.

4
Tanong:

a. Makatuwiran ba ang pahayag sa itaas? Paano ito nakaapekto sa taong


lumikha nito?

Ikalawang kaso
Mungkahing resolusyon sa kaso

A. Mungkahing resolusyon sa kaso


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
B. Katwiran/ Paliwanag
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
Ikatlong kaso

Dahil sa kakulangan ng mapagkukunang datos sa pananaliksik


na ginagawa ng isang gurong-mananaliksik sa kaniyang pag-aaral,
minabuti ng guro na gamitin ang isang pribadong dokumento nang
walang pahintulot sa gumawa.

Tanong:
Mayroon bang sapat na kondisyon na naglilimita sa paggamit ng
lihim na dokumento tulad ng kaso sa itaas? Pangatwiranan.

A. Mungkahing resolusyon sa kaso


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
B. Katwiran/Paliwanag
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
Rubriko sa pagsusulat ng Resolusyon
Kraytirya 5 Puntos 3 Puntos 2 Puntos
Makahulugan at puno ng May 1-2 salita na Malayo ang
impormasyon ang hindi naipaliwanag paliwanag sa kaso
pagkakalahad ng nang klaro at at walang klarong
resolusyon sa bawat kaso. malabo ang tunay na resolusyong
Nilalaman
resolusyon sa bawat nabanggit
kaso.

Pamprosesong Tanong:

1. Nahirapan ka ba sa pagsulat ng resolusyon sa bawat kaso?


2. Anong nahihinuha mo mula sa gawain? Ipaliwanag.

5
Rubriko sa Paglalahad ng Paliwanag sa Pamprosesong Tanong
Pamantayan 10 Puntos 7 Puntos 5 Puntos
Maayong at Di-gaanong Di-maayos ang
Nilalaman mahusay ang mahusay at pagpaliwanag ng
pagpaliwanagng maayos ang impormasyon.
impormasyon. pagpaliwanag ng
impormasyon.

Suriin

Ang Paggalang sa katotohanan ay naging gabay natin sa ating mga


kilos upang magkaroon ng kapayapaan sa buhay, kung pinapakinggan lang
natin ang dikta ng ating budhi o saloobin ay madali nating matutunan at
maintindihan ang bawat nangyayari lalo na sa mga Isyung kawalan ng
paggalang sa katotohanan na nagpapatuloy na lumalaganap sa ating
lipunang ginagalawan, sanhi ng mga personal na interes at kagustuhan ng
isang tao na magkaroon ng kapangyarihan na mahahawakan. Ang mga
sumusunod ay iilan lamang sa Isyung kawalan ng paggalang sa
katotohanan;
Una, ang pagpapalaganap ng maling balita, ito ay tumutukoy sa
kawalan ng paggalang sa katotohanan sapagkat pinaiiral nito ang mga
maling impormasyon na sisira sa paniniwala ng mga mamamayan at isa sa
mga dahilan na mawalan ng kompiyansa sa mga nanunungkulan at
namamahala ng ating pamahalaan. Ang ganitong balita ay lubos na
nakapagpapahirap ng sitwasyon ng bansa dahil sa ideya na nabuo ng mga
tao na maaaring ikapahamaak o kahina ng kanilang estado ng pamumuhay
Pangalawa, ang pangongopya na isang uri ng pagnanakaw ng
impormasyon o akda ng isang manunulat na maituturing na kawalan ng
galang sa katotohanan dito kinakailangan na ang bawat isa ay
magkakaroon ng sariling kakayahan na bumuo at magpakilala ng sariling
pagkakakilanlan.
Pangatlo, ang katiwalian at korupsiyon isa sa malaking problemang
kinakaharap ng ating lipunan. Ilan ito sa paglalarawan sa korupsyong
nagaganap sa pamahalaan dahil sa personal na interes gamit ang kanilang
mga kapangyarihan.
Pang-apat, pambubuska ito ay agresibong presyon o pananakot o
pang-iinis at isa pang paraan ng pananakit sa pisikal o emosyonal na parte
ng isang indibidwal o grupo ng mga tao, kadalasan sa paaralan nangyayari
ang pambubuska o “pambubully”. Maraming epekto ang maaaring idudulot
nito sa isang tao dahil dito kinakailangan ang respito sa bawat isa.

6
Panglima, ang pandaraya ito ay isang gawain na ginagawa ng mga tao
upang makamit o makuha ang isang kagustuhan, isang ugali na makikita
na hindi gusto malalamangan ng iba. Maraming mga kaso ang pinagtuunan
ng pansin ng mga mambabatas ngayon dahil mismo sa ating pamahalaan
ang nangyayaring pandaraya.
Pang-anim, ay ang pagsisinungaling na masasabi nating isa ring
kasalan, Ngunit nakadepende rinito sa mga sitwasyon, kung kinakailangan.
Marahil ay may pinoproteksiyon ka lang. May hindi dapat muna malaman
at ibaon na lang muna sa kasinungalingan para hindi magkagulo.

Dahil dito madaling malaman kung ang isang gawain ay may isyung
kawalan ng paggalang sa katotohanan at kung mayroon ba itong nilabag na
batas o alituntunin. Gamit ang ating puso at isipan gagabayan tayo na hindi
natin magagawa ang mga isyung kawalan ng paggalang sa katotohanan.

Pagyamanin

Sa bahaging ito, suriin natin kung mayroon na ba kayong natutuhan sa


mga isyu na nangyayari sa ating lipunan na nagpapakita ng kawalan ng
paggalang sa katotohanan

Gawain 3. Mukha ng pagpapahalaga sa katotohanan

Sa gawaing ito, hinihingi ang pagiging bukas ng isip at malawak na


pag-unawa upang lubos nating maintindihan at mapanindigan ang tunay na
paggalang at pagpapahalaga sa katotohanan.

Basahin at unawain ang mga sumusunod na pahayag. Lagyan ng


tsek ang kahon ng M kung ang pahayag ay mahalaga, HM kung hindi
mahalaga ang pahayag.

PAHAYAG M HM
1. Marangal na hanapbuhay at walang pandaraya

2. Ipagtatanggol ang kaibigan kahit sa maling paraan sa


ngalan ng pagkakaibigan.
3. Pagtulong sa mamamayan dulot ng nalalapit na halalan
lamang.
4. Umangkat ng mga materyales galing sa ibang bansa sa
mababang halaga na walang kompletong dokumento para
makatulong sa ating ekonomiya ng bansa.

7
5. Ipaglalaban ang napiling desisyon kahit na may kapalit na
kaparusahan.
6. Palaging magsasagawa ng palihim na mga aksiyon kontra
sa Batas ng pamahalaan.
7. Pangongopya ng mga lathalain na walang pag-papaalam sa
mga may akda
8. Pangongopya sa kaklase na mga takdang aralin sa panahon
ng kagipitan
9. Pagbibigay halaga sa isang lihim bilang pundasyon ng
magandang samahan ng pagkakaibigan.

10 . Pagpapatupad ng pamahalaan sa pagsugpo ng


ipinagbabawal na gamot sa isang illegal na pamamaraan.

Rubriko:
Pamantayan 5 Puntos 3 Puntos 2 Puntos
Mahusay at maayos Di-gaanong mahusay Hindi mahusay at
1. Nilalaman ang pagpapaliwanag ang pagpapaliwanag maayos ang
ng impormasyon ng impormasyon pagpapaliwanag ng
impormasyon

Isaisip

Sa gawaing ito, inaasahan na maipamamalas ang naging lawak ng


kaalaman at pag-unawa sa paksa.
Gawain: 4. Hanapan mo ako ng Kahulugan!
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Hanapan ng katapat na
kahulugan ang Hanay A sa Hanay B at isulat ang titik ng tamang sagot.

Hanay A Hanay B
1. Pag tatago ng mga impormasyon o sekreto A. Pandaraya

2. Bumabagabag na damdamin dahilan sa may B. lihim


ginawang kamalian.

3. Nagbibigay ng salungat na impormasyon C. Panlilibak


upang igiit na tama ang ginagawa.

4. Katangiang negatibo na gustong umangat D. konsensiya


sa lahat.

8
5. Dito madalas magkamali ang mga taong isasa E. Korupsiyon
publikokaagad ang mga hinanaing kahit
nakasisira ng reputasyon

6. Isa sa mga moral na obligasyon ng mga taga F. Pangongopya


Media.

7. Madalas na mangyari sa loob ng paaralan G. Pagpahayag


habang wala ang guro. ng katotohanan

8. Kadalasan ginagawa ng ibang negosyante H. Pambubuska


upang malaki ang kanilang kita.

9. Pagnanakaw ng impormasyon o akda ng I. Social Media


manunulat

10. Isang uri ng katiwalian na ginagawa ng J. Mapagmataas


ilang may mataas na tungkulin sa pamahalaan
upang makalikom ng maraming salapi.

Gawain 4.1
Panuto: Suriing mabuti ang mga salita sa ibaba kung ito ba ay isyu
ng kawalan ng paggalang sa katotohanan. Bilugan ang tamang salita.

Pagsisinungaling Pakikipagsapalaran Pandaraya Panlilinlang

Pagtataksil Pagtitiis Pagpapakumbaba Pangongopya

Isagawa

Gawain 5. Saloobin mo; Ipahayag mo!


Sa gawaing ito, maipapakita ang husay ng mag-aaral hindi lamang sa
tamang pagsusuri ng mga larawang may kinalaman sa walang paggalang sa
katotohanan kundi sa pagbuo din ng angkop na ideya sa paksa.

Panuto: Ipahayag ang tunay na saloobin na makikita mo sa mga


sumusunod na larawan. Isulat ang pahayag at gawing gabay ang rubriks na
isasagawa.

9
Mga Mga hindi Mga dapat gawin
Mga Larawan magagandang magagandang upang maiwasan
maidudulot sa maidudulot sa ang mga
tao tao negatibong
resulta

1.

2.

3.

4.

Rubriko:
10 puntos 5puntos 3 puntos
1. Nilalaman Naibigay nang buo Di-gaanong buo Nakapagbibigay
ang ideya at ang ilang ilang ng ideya kahit
angkop ang mga bahagi ng ideya papaano pero
salitang ginamit at ang iilang mga hindi maliwanag
sa pangungusap. salita ay di- ang mga salitang
gaanong angkop ginamit at
sa pangungusap. malayo sa paksa.

10
O, kumusta? Nagawa mo ba nang maayos ang mga Gawain?
Sana maraming kang natutunan at nahasa ang kaalaman mo sa pagbigay
ng sariling opinyon sa paksang ito

Tayahin

Sa gawaing ito malalaman natin kung mayroon bang natutunan sa paksang


tinatalakay ang mga mag-aaral.

Panuto: A. Basahin at intindihing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik
ng tamang sagot.

1. Ang mga sumusunod ay mga isyung kawalan sa paggalang sa katotohanan


maliban sa __________?
A. Pangongopya ng akda
B. Katiwalian o Korupsiyon
C. Pagpalaganap ng maling balita
D. Pagsasabi ng katotohanan

2. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang tamang kahulugan ng katotohanan?


A. Nagbibigay kaalaaman sa mga maling paniniwala.
B. Nagsisilbing ilaw ng tao sa paghahanap ng kaalaman at layunin.
C. Naghahanap ng katibayan upang ilayo ang tunay na pangyayari.
D.Nagpapahayag ng kuro-kuro o opinyon sa mga isyu

3. Paano dapat harapin ng isang tao ang hamon para sa marangal na hanapbuhay
sa kabila ng matinding kahirapan?
A. Harapin ang hamon sa buhay, sikap at tiyaga ang kailangan.
B. Maghintay sa mga biyaya bigay ng pamahalaan
C. Maghanap ng taong makakatulong sa kahirapan na hinaharap
D. Manghingi ng mga kakailanganin sa mga kapamilya at kaibigan

11
4. Ano ang gagawin mo kung ikaw ay sinisiraan ng kaibigan mo gamit ang social
media?
A. Awayin siya at hanapan ng paraan upang bawiin ang kanyang mga
sinabi sa social media.
B. Huwag na lang pansinin, dahil masisira lang ang relasyon ninyo
bilang kaibigan.
C. Kasuhan ang kaibigan dahil baka sa susunod sobra pa ang gagawin
niya.
D. Kakausapin siya ng masinsinan at komprontahin kung bakit nagawa
niyang siraan ka.

5. Bilang isang mamamayan paano ka makakatulong upang maibsan ang mga


isyung kawalan sa paggalang sa katotohanan?
A. Susunod sa mga alituntunin at mga batas na pinaiiral sa ating bansa.
B. Susunod sa mga piling alituntunin at batas na pinaiiral sa ating
bansa.
C. Tulungan ang pamahalaan na maipapatupad ang mga batas na
D. Tulungan ang pamahalaan na maibsan ang mga kaso na
nararanasan ng mga mamamayan.

Karagdagang Gawain

Pagsusuri ng Piling lathalain (clipping)


Ang mga sumusunod na lathalain ay maging aktibo at magkakaroon ng kamalayan sa
pagsisiwalat ng katototohanan at pagsasabi ng totoo para sa kabutihan.

Panuto: Basahin at Suriin ang lathalain at pagkatapos ay sagutin ang bawat


nakasaad na katanungan.

12
Lathalain 1
Ang ‘Think Before You Click’ campaign ng GMA Network

Published July 16, 2011 12:07am


Dahil sa mabilis na pagdami ng mga Pinoy na nahuhumaling sa mga social
networking site gaya ng Facebook at Twitter, inilunsad ng GMA Network ang
kampanyang, ‘Think Before You Click.’ Sa ulat ng GMA News TV State of the
Nation nitong Biyernes, sinabing pampito na ngayon ang Pilipinas sa buong mundo
na may pinakamaraming gumagamit ng Facebook. Bukod dito, mabilis din ang
pagdami ng mga Pinoy na nagbubukas ng kanilang mga Twitter account.
Kaya naman bilang bahagi ng “Serbisyong Totoo" ng GMA Network,
inilunsad ang kampanyang ‘Think Before You Click,’ para paalalahanan ang mga
Kapusong Pinoy tungkol sa responsabilidad sa paggamit ng mga social networking
site. “Sometime we forget that what we post online stays there foreverparang, I can
delete it tapos mawawala na, hindi ganun ang Internet di ba?" pahayag ni Sheila
Paras, News Creative Imaging Head, GMA Network, sa ulat ni GMA news reporter
Dano Tingcungco.

Tanong:
1. Paano magagamit ang social media network sa pagpapatupad ng katotohanan?

13
Rubriko:
Pamantayan 5 Puntos 3 Puntos 2 Puntos
Mahusay at maayos Maligoy ang daloy ng Hindi maayos at
1. Nilalaman ang pagpaliwanag ng pagpaliwanag ng bagkos malayo sa
impormasyon. impormasyon. paksaang
ipinaliwanag na
impormasyon.

Sanggunian:

Edukasyon sa Pagpapakatao 10 Modyul para sa Mag-aaral


Artikulo,Archimedes C.et.al (2003 ) Values and Work Ethics,Trinita
Publishing,Inc.Meycauyan,Bulacan
Quito,Emirita S.1989.Fundamentals of Ethics.De La Salle University
Press.pp72-185
Sambajon Jr.,Marvin Julian L.(2011)Ethics for Edducators: A College
Textbook for Teacher Education and Educators in All Areas of Discipline
C&E Publishing.Inc.pp252-273
Timbreza,FlorentinoT.et.al.(1982) Pilosopiyang Pilipino.Rex Bookstore
Recto Avenue Manila
Intellectual Property Code of the Phillipines and Related Laws.27th Edition
(1989)Central Book Supply.Inc.Manila Phils.
Perspective:Current Issues in Values Education Book 4 Values Education
Series for Fourth Year High School.(1992) Sinag-Tala Publishers,Inc.,
Manila
KAISIPAN(Ang Opisyal na Dyornal ng Isabuhay,Saliksikin,Ibigin ang Pilosopiya o Isip)
Vol.1No.1 ISSN-2350-6601 PP18-19

14
Mga bumubuo ng Modyul para sa Mag-aaral

Mga Manunulat: Norivil D. Oclaret, MAED


Editor/s: Cheryl marie R. Quezada, Ed. D
Tagasuri: Mona Lisa M. Babiera, Ed.D - EPS
Education Program Supervisor

Tagapamahala:
Evelyn F. Importante
OIC-CID Chief EPS

Aurelio A. Santisas
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Jerry C. Bokingkito
OIC-Assistant Schools Division Superintendent

Dr. Jeanelyn A. Aleman, CESO VI


OIC-Schools Division Superintendent

15

You might also like