You are on page 1of 2

Ligtas para sa bagong bukas

Coronavirus.
Ano nga ba ang Coronavirus?
Ang Covid-19 ay naging sanhi ng madaming pagkamatay at kahirapan sa buong mundo lalo’t
na sa Pilipinas na aking mahal na bansa
Ayon sa Ministry of Health Ang Coronavirus o mas kilala bilang Covid-19 ay isang
nakakahawang sakit na delikado sa tao.
Ang mga Coronaviruses ay isang tipo ng mga viruses na nagdudulot ng lagnat, at sa ilang kaso,
nagiging sanhi ng malalang sakit sa baga o paghinga at ibang
mga viral infections na nagkakaroon ng mataas na init sa katawan, pagkakasakit ng
katawan, sore throat, malalang pagsipon at pagubo. Sa halos lahat ng kaso, tumatagal ito ng
ilang araw bago nawawala.

Sa patuloy na pagkalat ng Covid-19, mas madaming nahahawaan na tao.


Bakit ba ito patuloy na kumakalat at paano ba natin ito maiiwasan?
Ang pinakaimportante sa lahat ay manatili sa tahanan. Sa pananatili sa sariling tahanan, hindi
mo lang maliligtas ang sarili mo kundi maliligtas mo din ang ibang tao.
Maiiwasan ang pagkalat ng sakit kung una pa lang ay hindi tayo magpapahawa.
Mas mapapadali ang pag bawas ng Covid-19 cases kung susundin at lilimitahan natin ang
paglabas sa bahay.
Susunod ay ang social distancing. Na maaring makatulong mabawasan ang pagkalat

May pagkakataon talaga na kakailanganin lumabas para makabili ng mga pagkain at medikal
na pangangailangan sa ating tahanan.
Mababawasan ang pagkakataon na kumalat ang virus kung susundin natin ang Social
distancing.
Pangatlo ay ang pag sanitize sa bawat oras.
Makakatulong din ito dahil mas makakasiguro tayo na malinis at ligtas ang mga hinahawakan
nating gamit.
Panghuli naman ay ang pag aksyon agad kung may nararamdamang sakit o symptomas.
Mas makakabuti sa mga kasama at sa sarili ang pag akyson agad dahil maaagapan agad ang
sakit at maiiwasan pa itong kumalat sa mga kasama.
Sa pagsunod sa mga importanteng paraan sa pagiwas sa Coronavirus, mas mapapanatili
tayong maging ligtas.
Ang pagiging ligtas at makakatulong din sa ibang tao dahil maiiwasan nating maikalat pa ang
virus. Ang Covid-19 ay isang sakuna na kailangang seryosohin ng lahat. Sa pagtutulong tulong
natin maging ligtas, mapipigilan natin ang pagkalat ang matatapos din ang sakunang
nangyayari.
Manatili sa bahay.
Mag ingat sa lahat ng oras.
Dahil mahalaga ang bawat buhay.

You might also like