You are on page 1of 1

MGA GAWAING PAGKATUTO

MATEMATIKA 2
First Quarter/Unang Markahan, Ika-3 Linggo

Pangalan:____________________________________________________________Iskor:____________

Baitang at Seksyon:________________________________________Petsa:______________________

Pagsulat ng mga Bilang sa Expanded Form at Paghahambing ng mga Numero

I.Learning Competency/Kasanayang Pampagkatuto

Nababasa at naisusulat ang 3 - digit na bilang sa expanded form.


CODE: M2NS-Ic-14
Naihahambing ang mga numero gamit ang simbolong >,
CODE:M2NS-Id-12.2
II.Panimula (Susing Konsepto)

Pagsulat ng mga Bilang sa Expanded Form

Ang mga expanded form ay nakatutulong sa atin upang mas mabilis na matukoy ang mga bilang.
Ang kabuuan ng mag-aaral sa ikalawang baitang ngayong taon sa Paaralang Elementarya ng Covidlandia ay 752.
Ang mga lalaki ay 351 at 401 ay mga babae. Lahat ng mag-aaral ay masipag at magalang.
Tandaan na ang expanded form ay pagsulat ng mga bilang sa mahabang paraan.
Sa ating kwento ang bilang ng mga lalaki ay 3 5 1 = 3 hundreds + 5 tens + 1 ones
Expanded form: 300 + 50 + 1
Ang mga babae ay 4 0 1 = 4 hundreds + 0 tens + 1 ones
Expanded form: 400 + 0 + 1
Ang kabuuan ay 7 5 2 = 7 hundreds + 5 tens + 2 ones
Expanded form: 700 + 50 +2

Ang 3-digit na bilang ay maaring isulat sa expanded form. Sa pagsulat ng expanded form ipinakikita ang halaga ng mga bilang batay
sa posisyon nito.

Paghahambing ng mga Numero


Ang mga simbolong >, < at = ay nakatutulong sa pagtukoy sa maliliit at malalaking numero.

Sa paghahambing ng mga bilang,

a. ginagamit ang simbolong greater than, (>)kapag ang unang bilang ay mas mataas kaysa sa pangalawa.

b. Ginagamit ang simbolong less than (<) kapag ang unang bilang ay mas mababa kaysa sa pangalawa.

c. at equal (=) kapag ang 2 bilang ay pareho ng sa halaga.

III. MGA GAWAIN

GAWAIN 1: Isulat ang expanded form ng sumusunod na bilang.

1. 800= _______________________________________ 4. 353 =__________________________________________

2. 905 =_______________________________________ 5. 196 =___________________________________________

3. 543 =_______________________________________

GAWAIN 2: Punan ang mga patlang ng tamang bilang.

1. 904 = _______ + 0 +_______ 4. 499= 400 + ______+ 9

2. 479 = 400 + ______+ 9 5. ________= 800 + 30 + 1

3. 912 = ______+ 10 _______

GAWAIN 3: Paghambingin gamit ang >, < at =.


1. 506 ___ 517 4. 117 ___ 117
2. 640 ___ 633 5. 290 ___ 390
3. 606 ___ 609

You might also like