You are on page 1of 18

1. Si Ferdinand Magellan ay unang dumating sa pulo ng Homonhon sa Timog-Silangang Samar.

Kailan dumating si Magellan sa Pilipinas?


Sagot: Marso 16, 1521

2. Ilang barko ang sinakyan nina Ferdinand Magellan sa kanilang paglalayag kasama ang 264 na mga
tauhang mandaragat?
Sagot: 5 barko (San Antonio, Santiago, Concepcion, Victoria, Trinidad)

3. Sa paglalayag ni Magellan at ng kanyang mga kasamahan ay may dala silang limang barko. Ilang
barko ang nakabalik sa Espanya na may natitirang 18 na mga tauhan sa paglalayag na ito?
Sagot: 1 (Victoria)

4. Pumalaot si Magellan sa pulo ng Cebu at inangkin ito para sa Espanya at binigyan ng bagong
pangalan sa ilalim ng hari ng Espanya na si Haring Charles I. Ano ang pangalan na ibinigay sa
Cebu?
Sagot: Islas de San Lazaro

5. Sino ang pinuno ng Cebu ng dumating ang pangkat ni Magellan sa Cebu?


Sagot: Raha Humabon

6. Sino-sino ang tumanggap ni Magellan at ng kanyang mga kasamahan ng dumating sila sa Cebu?
Sagot: Raha Kolambu at Raha Siagu

7. Si Ferdinand Magellan ay nanghamon ng isang laban upang ipakita kung paano lumaban ang mga
Europa na siyang dahilan ng kanyang kamatayan noong Abril 27, 1521. Sino ang Pilipinong magiting
na nakipaglaban at pumatay kay Magellan?
Sagot: Lapu-lapu

8. Sino ang manlalayag o kaninong ekspidisyon ang nakarating sa Pilipinas kung saan siya ang
nagbigay pangalan sa mga pulo ng Samar at Leyte ng Las Islas Felipinas na hango sa pangalan ni
Felipe II ng Espanya at siyang naging kauna-unahang pangalan ng Pilipinas?
Sagot: Ruy Lopez de Villalobos

9. Si Miguel Lopez de Legazpi ay inutusan ni Haring Felipe ng isang ekspidisyon na ang layon ay
makatuklas ng daan pabalik sa Espanya mula sa Pilipinas. Sa kanyang paglalakbay ay mga paring
Agustino siyang kasama na nagsilbing pangunahing nabigante at tagapayong ispiritwal. Sino ang
paring ito?
Sagot : Andres de Urdaneta

10. Hindi tinanggap ng mga Pilipino sa Cebu sina Lepazpi kaya lumipat sila sa karatig pook, sa Bohol.
Dito naganap ang sanduguan nina Legazpi at Sikatuna na siyang pinuno sa Bohol. Kailan
naganap ang sanduguang ito?
Sagot: Marso 16, 1565

11. Ano ang nagging unang pamayanang kastila at syudad ng Pilipinas?


Sagot: Xebu/Cebu

12. Sino ang pinuno sa hilagang-Luzon ng dumating ang mga Kastila sa Pilipinas?
Sagot: Raha Sulayman

13. Nagsimulang mag-ekspidisyon ang pangkat ni de Legazpi sa Pilipinas kasama ang 4 na barko at 380
na tauhan. Nakatanggap si Legazpi ng isang selyadong sulat mula sa hari ng Espanya at sinabing
bubuksan lamang ito kung sila ay nasa laot na. Ano ang nakasulat sa selyadong sulat na ito?
Sagot: “Sakupin ang Pilipinas”

14. Ang Pilipinas ay nasakop na ng Espanya at naging lalawigan ng Nueva Espanya noong 1565 kung
saan ang unang gobernador-heneral ng kapuluan ay si Miguel Lopez de Legaspi. Ano ang
kabisera ng Pilipinas sa panahon na ito?
Sagot: Maynila

15. Kaninong pag-aalsa ang itinuturing na pinakamahabang himagsik/rebelyon laban sa mga Espanyol
mula 1744 hanggang 1829 sa kadahilanang hindi binasbasan ng kura ang bangkay ng kanyang
kapatid sa simbahan?
Sagot: Francisco Dagohoy

16. Ano ang tinaguriang national gem ng bansa ayon sa Republic Act 8491?
Sagot: Philippine Pearl
17. Ilang pulo mayroon ang Pilipinas?
Sagot : 7, 107 islands

18. Anong painting na kilalang-kilala na gawa ni Juan Luna?


Sagot: Spolarium

19. Ano ang makabagong katipunan ng mga kamaradang aktibong umuusig sa prinsipyong pangpulitika
at iba pa?
Sagot: arawkrus

20. Ano ang unang paaralan ng mga kababaihan ang tinatag sa Pilipinas?
Sagot: Santa Potenciana

21. Ano ang pinakamaliit na isda sa Pilipinas?


Sagot: Pandaca Pygmea

22. Ano ang kauna-unahang aklat na inilathala sa Pilipinas?


SAGOT: Doctrina Christiana

23. Ano ang kabuuang lawak ng lupain ng Pilipinas?


Sagot: 300,000 kilometro kwadrado

24. Ano ang lawak ng Pilipinas kasama ang lupain at 12 milyang teritoryal na karagatan?
Sagot: 538,564 kilometro kwadrado

25. Ano ang kabuuang lawak ng lupa at Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas?
Sagot: 1, 208, 986 kilometro kwadrado

26. Nagkarron ng kasunduan ang Espanya at Estados Unidos na tinatawag na KASUNDUAN SA PARIS
kung saan ipinagkaloob ng Espanya sa Estados Unidos ang Pilipinas sa halagang dalawampung
milyong dolyar (20,000,000 dollar). Kailan nangyari ang kasunduan ito?
Sagot: Disyembre 10, 1898

27. Nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos noong Nobyembre 7, 1990
kung saan idinagdag sa sakop ng teritoryo ng Pilipinas ang mga lugar ng Cagayan, Sulu at Sibutu.
Saan nangyari ang kasunduang ito?
Sagot: Washington DC, USA

28. Noong Enero 2, 1930, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Estados Unidos at Gran Britanya
kung saan ipinahayag dito ang mga hangganang sakop ng Pilipinas kaugnay ng hangganan ng
Hilgang Borneo. Ano-anong pulo ang ipinahayag sa kasunduang ito na sakop sa kapuluan ng
Pilipinas?
Sagot: Mangsee at Turtle Islands

29. Ang atas ng pangulo Blg. 1596 na nilagdaan noong Hunyo 11, 1978 ay nag-angkin sa Kalayaan o
Spratly Islands bilang bagong pulo na sakop sa teritoryo ng bansa. Sino ang pangulo ng Pilipinas na
lumagda nito?
Sagot: Ferdinand Marcos

30. Ang pulo ng Batanes ay hindi sakop sa teritoryo ng Pilipinas sa Kasunduan sa Paris ngunit sa
kadahilanang marami ang Pilipino naninirahan dito, pinagtibay sas batas na ang pulo ng Batanes ay
sakop sa teritoryo ng Pilipinas. Anong batas ang nagpapabitay sa pagdekarang ito?
Sagot: Saligang Batas ng 1935

31. Ang United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS ay nagkaroon ng mahalagang
pulong higgil sa mga batas na may kinalaman sa teritoryong pantubig ng mga bansa noong
Disyembre 10, 1982 sa Jamaica. Ilang bansa ang sumali sa mahalagang puolong na ito?
Sagot: 130 bansa

32. Noong 1868, binuksan ang Suez Canal na nagdurugtong sa Mediterranean Sea at Red Sea kung
saan ito ang naging ruta upang umikli ang byahe mula Pilipinas papuntang Europa at siya ring naging
daan upang mabuksan ang kaisipang liberal ng mga Pilipino. Sinong inhenyerong Pranses ang
namuno sa paggawa ng Suez Canal?
Sagot: Ferdinand de Lesseps
33. Sa ilalim ng pamahalaang Espanyol, maraming hindi kanais-nais na karanasan ang mga Pilipino.
Ngunit sa pag-usbong ng kaisipang liberal sa mga Pilipino at maraming liberal ang namamahala sa
bansa may isang bagong gobernador heneral na nanungkulan noong Hulyo 23, 1869 na nagbibigay
ng ilang prebiliyo at magandang turing sa mga Pilipino bilang bahagi ng lipunan. Sino ang Espanyol
na ito?
Sagot: Carlos Maria dela Torre

34. Ano ang tawag sa mga Pilipinong mayayaman na nakapag-aaral sa Espanya at naging daan upang
mabuksan ang kaisipang liberal nga mga Pilipino?
Sagot: Ilustrado

35. Ano ang pinagtibay sa panahon ng mga Espanyol kung saan nagkaroon ng karapatan ang mga
Pilipino na makapag-aral sa paaralang Espanyol?
Sagot: Dekretong Edukasyon ng 1863

36. Sa panahon ng Espanyol, nagkaroon ng kilusan para sa sekularisasyon ng mga parokya ang mga
Pilipino. May mga paring regular na nagpapalaganap ng kristiyanismo at namuno sa mga parokya
ngunit hindi ito sapat kaya nagsanay sila ng mga Pilipinong paring nag-aaral at tinawag na paring
sekular. Anong konseho ang nagtadhana ng mga paring regular ay mamuno ng mga misyon at
maglaganap ng kristiyanismo habang ang mga paring regular ay mamahala sa kongreso ng bansa?
Sagot: Konseho ng Trent

37. Bumuo ng Kilusang Sekularisasyon ang mga Paring Pilipino na humiling ng pantay na karapatan ng
mga paring secular at regular. Sino ang namuno sa kilusang ito?
Sagot: Pedro Pelaez

38. Ang mga manggagawa at kawal noon ay walang buwis na pinapataw sa kanilang mga sahod. Ngunit
sa kanyang pamumuno ay nagsimulang patawan ang mga manggagawang Pilipino ng buwis at
magbibigay ng polo y servicio o sapilitang trabaho. Ang pangyayaring ito ang dahilan sa pag-aalsa sa
Cavite o Cavite Mutiny sa pamumuno ni Fernando La Madrid. Sino ang gobernador-heneral na
nagpapataw ng buwis?
Sagot: Gobernador Heneral Rafael de Izquierdo

39. Napaslang ang 11 na Espanyol na opisyal matapos nkubkub ng grupo ni Fernando La Madrid ang
Fuerza San Felipe sa pag-aalsa sa Cavite. Ito rin ang pangyayaring naging dahilan ng pagkamatay
ng GOMBURZA ng mapagbintangan sila. Kailan napatay ang 11 na opisyal?
Sagot: Enero 20, 1972

40. Dahil sa napangbintangan ang GOMBURZA sila ay ginarote sa Rizal Park. Ang pangyayaring ito ay
nagbigay daan upang lalong sumidhi ang galit ng mga Pilipino. Kailan ginarote ang tatlong pari?
Sagot: Pebrero 17, 1872

41. Sinong paring martyr ang sumulat ng manifesto kung saan inilahad niya kung bakit dapat manatli pa
rin sa mga paring Pilipino ang pamamahala sa mga parokya? Tinagurian din siyang Kampeon para
sa mga Karapatan ng mga Pilipinong Pari.
Sagot: Padre Jose Burgos

42. Ano ang opisyal na pahayagan ng Kilusang Propaganda?


Sagot: La Solidaridad

43. Nang magbalik si Jose Rizal noong Hulyo 3, 1892, nagtatag siya ng isang mapayapang samahan na
naglalayong ng pag-iisahin ang mga Pilipino upang tulong-tulong na maipangtanggol ang sarili laban
sa karahasan at reporma sa mapayapang paraan. Ano ang samahang ito?
Sagot: La Liga Filipina

44. Ano ang motto ng La Liga Filipina?


Sagot: Unus Instar Omnium o Isa Para sa Lahat

45. Propgandista na gumamit ng sagisag na Dimasalang at Laong Laan?


Sagot: Jose P. Rizal

46. Ano ang buong pangalan ni Jose Rizal na siyang ating pambansang bayani?
Sagot: Jose Protacio Rizal Mercado y Alonso

47. Sino ang tinaguriang “Prinsipe ng Mananalumpating Pilipino”?


Sagot: Graciano Lopez Jaena
48. Isinulat ni Graciano Lopez Jaena kung saan ang paksa ay tungkol sa isang prayleng malaki ang tiyan
na ganid sa pagkain, maging sa pag-aabuso, kasakiman at kalupitan sa mga Pilipino. An gang
pamagat sa sulating ito?
Sagot: Fray Botod

49. Ano ang nobelang inihandog ni Rizal sa tatlong paring martyr na sina GomBurZa?
Sagot: El Filibusterismo

50. Siya ang tagamasid sa samahang La Liga Filipina?


Sagot: Andres Bonifacio

51. Ang La Liga Filipina na isang samahang itinatag ni Jose Rizal ay hindi nagtagal dahil ipinahuli si
Rizal at ipinatapon sa Dapitan noong Hulyo 7, 1897. Sino ang gobernador-heneral na nagpatapon
kay Rizal?
Sagot: Eulogio Despujol

52. Siya ang nagtatag ng Dyaryong Tagalog na isang pang-araw-araw na pahayagan.


Sagot: Marcelo H. Del Pilar

53. Isang propagandista na gumamit ng sagisag na Plaridel at Piping Dilat


Sagot: Marcelo H. Del Pilar

54. Manunulat na gumamit ng sagisag na Pingkian


Sagot: Emilio Jacinto

55. Manunulat na gumamit ng sagisag na Tagailog


Sagot: Antonio Luna

56. Manunulat na gumamit ng sagisag na Tikbalang, Naning at Kalipulako


Sagot: Mariano Ponce

57. Ang kumbensiyon na nangyari sa Casa Hacienda de Tejeros sa San Francisco de Malabon noong
Marso 22, 1897 ay naglalayon na pagkasunduin ang dalawang paksiyon ng Katipunero at
magkaroon ng halalan upang pormal na ideklara ang Katipunan. Sino ang nahalal na pangulo sa
halalan?
Sagot: Emilo Aguinaldo
Pangalawang Pangulo: Mariano Trias
Kalihim ng Banyagang Kapakanan: Antonio Montenegro
Kalihim sa Pandirigma: Emiliano Reigode Dios
Kalihim sa Panloob: Isabelo Ortacho
Kalihim sa Pananalapi: Baldomero Aguinaldo

58. Ano ang ibig sabihin ng KKK?


Sagot: Kataas-taasan, Kagalang-galangang Katipunan ng Anak ng Bayan

59. Ano ang lihim na samahan na binuo ni Supremo Andres Bonifacio matapos nabigo ang kilusang
propaganda?
Sagot: KKK

60. Ano ang tawag sa mga kasapi ng KKK?


Sagot: katipunero

61. Ano ang nagsilbing isa sa mga gabay na aral ng KKK o katipunan na isinulat ni Andres Bonidacio?
Sagot: Dekalogo ng Katipunan

62. Sino ang Utak ng Katipunan at nagsilbing tagapayo ng KKK?


Sagot: Emilio Jacinto

63. Ano ang isinulat ni Emilio Jacinto kung saan nakapaloob dito ang mga aral ng katipunan?
Sagot: Kartilya ng Katipunan

64. Ano ang opisyal na pahayag ng Katipunan kung saan ang patnugot ay si Emilio Jacinto?
Sagot: Kalayaan
65. Ano ang dalawang paksyon ng Katipunan?
Sagot: Magdalo (pinamumunuan ni Baldomero Aguinaldo) at Magiwang (pinamumunuan ni
Mariano Alvarez)

66. Ano ang hudyat (password) sa pinakamataas na miyembro ng katipunan?


Sagot: RIZAL

67. Ano ang hudyat sa ikalawang kawal na miyembro ng katipunan?


Sagot: GOMBURZA

68. Ano ang hudyat sa mga ng mga Anak na Bayan na kasapi sa Katipunan?
Sagot: Katipon

69. Sino ang nagsabi na kapag hindi papatayin si Andres Bonifacio at Procopio ay patuloy na mahahati
ang kilusan at ito ang dahilan kung bakit piñata ang magkapatid sa Bundok Buntis Maragondon,
Cavite noong Mayo 10, 1897?
Sagot: Heneral Noriel

70. Sino ang nagbunyag sa samahang KKK o Katipunan?


Sagot: Teodoro Patińo

71. Noong Ika-23 ng Agosto, 1896, naganap ang pangyayaring tinawag na “Sigaw sa Pugadlawin”
kung saan saba-sabay na pinunit ng mga kawal ang kanilang cedula at sumigaw bilang tanda nang
pagsisimula ng himagsikan. Ano ang isinigaw ng mga Pilipino sa Sigaw sa Pugadlawin?
Sagot: “Mabuhay ang Pilipinas”

72. Sino ang namagitan sa dalawang panig nina Aguinaldo at Gobernador-heneral Primo de Rivera
tungkol sa mga Kasunduan sa Biak-na-Bato?
Sagot: Pedro A. Paterno

73. Magkaano ang napagkasunduang halaga ang ibibigay ni Primo de Rivera sa mga rebolusyonaryo
kapalit ng pag-alis ni Aguinaldo papuntang Hongkong at pagtigil ng himagsikan?
Sagot: 8000,000 dolyar

74. Sino ang pinakabatang heneral na tinaguriang Heneral Miong?


Sagot: Emilio Aguinaldo

75. Sa kumbensiyon sa Tejeros ay naitatag ang Rebolusyonaryong pamahalaan at nahalal si Aguinaldo


bilang pangulo at Direktor ng Interyor ni Andres Bonifacio subalit ito ay tinutulan sa kadahilanang
hindi abogado si Andres Bonifacio. Sino ang tumutol sa pagdeklarang ito?
Sagot: Daniel Tirona

76. Bilang pagtupad sa kasunduan sa Biak-na-Bato, nilisan nina Aguinaldo at iba pang rebolusyonaryo
ang Pilipinas noong Disyembre 27, 1897 at nagtungong Hongkong. Ilang rebolusyonaryo ang
kasama ni Aguinaldo sa Hongkong?
Sagot: 36

77. Noong Mayo 19, 1898, dumating si Aguinaldo sa Pilipinas mula Hongkong sakay ng bapor ng mga
Amerikano ayon sa utos ni Komodor George Dewey na siyang pinuno ng plota ng mga Amerikano
sa silangan. Ano ang pangalan ng bapor na sinakyan ni Aguinaldo?
Sagot: McCulloch

78. Sina Emilio Aguinaldo at George Dewey ng Amerika ay nagpulong sa layuning tulungan ang
Pilipinas makalaya sa Espanyol. Naniwala si Aguinaldo na maganda ang layunin ng Amerika kaya
nagtatag siya ng pamahalaang diktatoryal na ang layunin ay muling magkaisa ang mga
rebulosyonaryo sa ilalim ng isang pamahalaan. Kailan itinatag ni Aguinaldo ang pamahalaang
Diktatoryal?
Sagot: Mayo 24, 1898

79. Sino ang taga-payo ni Aguinaldo at tinaguriang “Utak ng Himagsikan?


Sagot: Apolinario Mabini

80. Kailan pinasiyaan ang pagtatag ng Unang Republika ng Pilipinas na higit na kilala sa pangalang
Republika ng Malolos?
Sagot: Enero 23, 1899

81. Saan itinatag ang unang Republika ng Pilipinas?


Sagot: Simbahan ng Barasoain sa Malolos, Bulacan

82. Sino ang namumuno sa gabinete sa unang Republika ng Pilipinas?


SAGOT: Apolinario Mabini
ANG PANGULO: Emilio Aguinaldo
83. Kailan nadakip si Emilio Aguinaldo sa Palanan, Isabela?
Sagot: Marso 23, 1901

84. Sino ang humalili kay Emilio Aguinaldo bilang pangulo ng unang Republika ng Pilipinas nang siya ay
nadakip ng mga Amerikano?
Sagot: Heneral Miguel Malvar

85. Kailan ipinahayag ang kasarinlan ng Pilipinas at ang unang pagwagayway ng watawat ng Pilipinas?
Sagot: Hunyo 12, 1898
Saan? Kawit, Cavite
Sino: Heneral Emilio Aguinaldo

86. Ano ang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas na uang pinatugtog ng iwinawagayway ang
pambansang watawat ng Pilipinas sa Kawit, Cavite?
Sagot: Marcha Nacional Filipina

87. Sino ang gumawa ng musika ng pambansang awit ng Pilipinas?


Sagot: Julian Felipe

88. Ano ang unang pamagat ng pambansang awit ng Pilipinas bago ito naging Marcha Nacional Filipina?
Sagot: Marcha Filipina Magdalo

89. Anong banda ang unang tumugtug ng pambansang awit ng Pilipinas?


Sagot: Banda ng San Francisco de Malabon / Banda Matanda

90. Ang pambansang awit ng Pilipinas ay walang liriko kaya hindi ito maawit ng mga kawal na Pilipino.
Noong 1899, isang kawal na makata ang sumulat ng tulang Espanyol na “Filipinas” at dahil sa
mensahi ng bawat taludtod ay ginawa itong liriko ng pambansang awit ng Pilipinas. Sino ang kawal
na ito na siyang lumikha sa liriko n gating pambansang awit?
Sagot: Jose Palma

91. Ang watawat ng Pilipinas ay dinisenyo ni Aguinaldo sa Hongkong. Sino ang namuno sa paggawa sa
disenyo nito?
Sagot: Marcela Agoncillo

92. Ang deklarasyon ng Kalayaan ng Pilipinas ay binasa at isinulat sa wikang Espanyol. Ang
makasaysayang dokumento ay nilagdaan ng 98 katao sa pamumuno ni Aguinaldo. Sino ang bumasa
at sumulat sa wikang Espanyol ng Deklarasyon ng Kalayaan?
Sagot: Ambrosio Rianzares Bautista

93. Sino ang isang koronel na mula sa hukbong Amerikano ang nakalagda sa deklarasyon ng Kalayaan
ng Pilipinas?
Sagot: L.M. Johnson

94. Napakalaki ang ambag nga mga kababaihan sa panahon ng himagsika. Sino ang natatanging
babaeng heneral ng himagsikan?
Sagot: Agueda Kahabagan

95. Sino ang ipinatapon ng mga Espanyol sa Marianas dahil sa pagtulong niya sa mga katipunero kung
saan kinupkop at pinakain niya ang maraming katipuneri sa kanilang bahay?
Sagot: Melchora Aquino o Tandang Sora

96. Sino ang tinaguriang Ina ng Biak-na Bato?


Sagot: Trinidad Tecson

97. Siya ang katuwang ng mga Katipunero sa pag-iingat ng mga papeles ng Katipunan at tinaguriang
Lakambini ng Katipunan. Siya ang asawa ni Andres Bonifacio.
Sagot: Gregoria de Jesus

98. Ano ang hudyat ng bayani ng Katipunan?


Sagot: Rizal

99. Ano ang pamahalaang itinatag ni Aguinaldo pagkagaling niya ng Hongkong?


Sagot: Pamahalaang Rebolusyonaryo

100. Ano ang kauna-unahang banko na naitatag sa Pilipinas noong 1851?


Sagot: Bank of the Philippine Islands
101. Kauna-unhang Pilipinong Olympian.
Sagot: David Nepomuceno

102. Sino ang nagdesinyo ng Rizal Monument?


SAGOT: Richard Kissling

103. Sino ang kauna-unhang Pilipino na recording artist?


Sagot: Maria Carpena

104. Sino ang tinaguriang “Matapang na Pilipinong Heneral” nag-iwan ng katagang “Paalam!
Mabuhay ang Republika at maaring ipanganak ang ating kalayaan sa hinaharap! Mabuhay ang
Pilipinas!
Sagot: Macario Sakay

105. Ano ang itinuturing na pinakaunang anyo/alpabeto ng pagsusulat sa Pilipinas at ito ay binubuo
ng 17 na titik, 3 katinig at 14 na patinig?
Sagot: Baybayin

106. Sino ang nagdala ng relihiyong Islam sa Pilipinas bago pa dumating ang mga dayuhang
mananakop sa Pilipinas?
Sagot: Makhdum

107. Sino ang pinaniniwalaan ng mga Pilipino na Siyang may pinakamataas na kapangyarihan at
may likha ng mundo o ano ang tawag ng mga sinaunang Pilipino sa kanilang panginoon?
Sagot: Bathala

108. Ang mga kabataang Pilipino noon ay kadalsan lamang nag-aaral. May isang pormal na
paaralan na matatagpuan sa Pulo ng Panay sa Visayas. Ano ang tawag ng kanilang paaralan?
Sagot: Bothoan

109. Pagkatapos ng mga Negritos, ano ang pangalawang pangkat ng tao na dumating sa Pilipinas
sa pamamagitan nang paglalakbay sa dagat. Mga 3000-8000 na taon na ang nakalipas?
Sagot: Indonesians / Indians

110. Ano ang tawag sa tradisyon, paniniwala at relihiyon ng tao?


Sagot: Kultura
1. Nagsimula ang sigalot sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos ng lumubog ang bapor ng Estados
Unidos habang ito ay nahimpil sa Look ng Havana, Cuba. Dito pinagbintangan ng mga Amerikano ang mga
Espanyol ang dahilan ng pagkalubog nito. Nagalit ang mga Espanyol at dito nagsimula ang digmaang
Espanyol – Amerikano. Anong barko ng Estados Unidos ang lumubog?
Sagot: USS Maine

2. Dahil sa alitan sa pagitan ng Espanya at Estados Unidos inutusan si Komodor George Dewey na
hanapin at was akin ang mga plota ng Espanya sa Pilipinas. Sino ang nag-utos nito?
Sagot: John Long

3. Ang plota na pinamumunuan ni Admiral Patricio Montojo ang unang sinalakay at winasak ng grupo ni
George Dewey. Habang naganap ang pangyayaring ito, saan lugar lumusob ang pangkat ni Emilio
Aguinaldo?
Sagot: Intramuros

4. Ang kasunduang ito ay tanging sina Heneral Wesley Merritt, Komodor George Dewey at Gobernador-
heneral Fermin Gaudenes ang nakakaalam kung saan ang sundalng Amerikano at Espanyol ay
maglababan para dayain si Aguinaldo. Ano ang pangyayaring ito?
Sagot: Mock Battle of Manila

5. Ano ang dahilan ng pagbagsak ng Maynila sa kamay ng mga Amerikano na nangyari noong Agosto 13,
1898?
Sagot: Mock Battle of Manila

6. Ilang taon ang pananakop ng Espanya sa Pilipinas?


Sagot: 333 na taon (1565-1898)

7. Ano ang patakarang nagsasaad na ang mga Amerikano ay magsisilbing kaibigang mangangalaga sa
kaligtasan, kapayapaan at kaunlaran ng mga mamamayang Pilipino?
Sagot: Benevolent Assimilation

8. Sinong pangulo ng Amerika ang nagpapahayag ng patakarang Benevolent Assimilation noong Disyembre
21, 1898?
Sagot: William McKinley

9. Sino ang Pilipinong lumahok sa Kasunduan sa Paris noong ika 10 ng Disyembre, 1898 kung saan
nabunyag ang tunay na layunin ng mga Amerikano sa Pilipinas?
Sagot: Felipe Agoncillo

10. Kung ang mga Kastila ay may layuning palaganapin ang Kristyanismo sa Pilipinas, ano naman ang
relihiyon na gusting palaganapin ng mga Amerikano sa bansa?
SAGOT: Protestantismo

11. Nagalit ang mga Pilipino sa tunay na layunin ng mga Amerikano sa bansa. Sa tingin ng mga Pilipino ay
nadaya kaya sumiklab ang digmaang Amerikano-Pilipino. Kailan sumiklab ang digmaan sa pagitan ng
Amerikano at Pilipino?
Sagot: Pebrero 4, 1899

12. Sino ang Amerikanong sundalo na nagpaputok sa dalawang Pilipino habang nagpapatrolya sa Sampaloc
na siyang naging daan sa pagsisimula ng maraming labanan laban sa Amerikano at Pilipino.
Sagot: William Walter Grayson

13. Dahil sa lakas ng pwersa ng mga Amerikano, nagpalipat-lipat ang pangkat nina Aguinaldo at noong
Setyembre 6, 1900 dumating sila sa Palanan, Isabela kung saan nakilala niyang ang isang batang heneral
na ipinagtanggol siya. Sino ang batang heneral na ito?
Sagot: Gregorio del Pilar

14. Siya ang bayani sa Pasong Tirad na humarang sa mga Amerikano na naghahabol kay Aguinaldo noong
Disyembre 2, 1900?
Sagot: Gregorio del Pilar

15. Nakakita ng isang lihim na daan patungo sa tuktok ng paso sa tulong ng isang Igorot na nagngangalang
Januario Galot na siyang dahilan ng pagkagapi ng mga sundalong Pilipino at pagkamatay ni Gregorio del
Pilar. Sino ang namuno sa grupo ng mga Amerikano na sumalakay sa Tirad Pass?
Sagot: Major Peyton March
16. Sino ang nakahuli kay Emilio Aguinaldo noong Abril 1, 1901?
Sagot: Koronel Frederick Funston

17. Isa sa pinakatanyag na labanan sa panahon ng Amerikano ay ang labanan sa Balangiga Massacre
noong Setyembre 28, 1901 sa Samar kung saan napatay ang 40 na mga sundalong Amerikano. Sino ang
namuno sa labanang ito?
Sagot: Heneral Vicente Lukban

18. Bilang ganti ng mga Amerikano sa ginawa sa Balangiga Massacre, humawa ng kontra-opensiba ang
mga Amerikano kung saan pinapatay nilang lahat ng batang lalaking gulang sampu pataas na may
kakayahang humawak ng baril. Sino ang namuno sa kontra-opensiba na ito?
Sagot; Koronel Jacob Smith

19. Tumagal ng mahigit apat na taon ang digmaang Pilipino-Amerikano. Nagwakas lamang ang digmaan ng
sumuko ang isang Pilipinong heneral sa mga Amerikano noong Abril 16, 1902. Sino ang heneral na ito?
Sagot: Heneral Miguel Malvar

20. Ito ay kasunduang nilagdaan noong Agosto 20,1898 kung saan nakasaad na igagalang ng mga
Amerikano ang pangongolekta ng buwis ng Sultan ng Jolo at kilalanin ang kapangyarihan ng Amerika sa
kapuluan. Ano ang kasunduang ito sa pagitan ng Sultan ng Jolo at ni Heneral John Bates?
Sagot: Kasunduang Bates

21. Ilang taon ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas?


Sagot: 48 taon

22. Ano ang tawag sa mga matatalinong Pilipino na pinadala sa Amerika at nakapag-aral ng libre?
Sagot: Pensiyonado o Pensiyonadong Iskolar

23. Anong hospital ang ipinatayo ng mga Amerikano noong 1901 na nakatulong ng Malaki sa pagsugpo ng
mga nakakahawang sakit dahil sa makabagong medisina?
Sagot: Philippine General Hospital

24. Ang mga Amerikano ay naghatid ng kaunlaran sa transportasyon at kmunikasyon ng bansa tulad ng
sasakyang pamhimpapawid. Anong kompanya ang unang nagpalipad na komersyo?
Sagot: Philippine Aerial Taxi Company

25. Dahil sa matinding impluwensiya ng mga Amerikano sa mga Pilipino ay unti-unting nabago ang anyo,
hilig at pamumuhay ng mga Pilipino. Dahil dito binansagan tayo ng mga Amerikano ng _____________.
Sagot: Little Brown Americans

26. Anong pamahalaan ang itinatag ng mga Amerikano sa bansa na pinamumunuan ng mga gobernador-
heneral simula Agosto 14, 1898 hanggang Hulyo 4, 1901?
Sagot: Pamahalaang Militar

27. Isa sa mga kiols na nagpapakit ng kalupitan ng mga Amerikano ay ang ginawang pagpapatapon sa
Guam noong Enero 1901 sa mga kilalang Pilipino na patuloy na nakikipaglaban para sa kalayaan ng bansa
tulad nina Apolinario Mabini, Artemio Ricarte, Pablo Ocampo at Melchora Aquino. Ang tawag ng mga
Amerikano sa mga ipinatapon sa Guam?
Sagot: irreconcilables

28. Saan nangyari ang unang halalang idinaraos para sa pinunong pambayan?
SAGOT: Bulacan

29. Sino ang unang naging gobernador-heneral sa pamahalaang military na ipinatupad ng mga Amerikano
sa bansa?
Sagot: Wesley Merritt

30. Sino ang huling goberndaor-heneral sa pamahalaang military na ipinatupad sa Pilipinas na nag-iwan ng
mga katagang “I shall return”?
Sagot: General Arthur MacArthur

31. Ano ang tawag sa halalan kung saan ipinahahayag ng mga mamamayan ang kanilang desisyon hinggil
sa isang isyung kalimitang sinasagot ng oo o hindi lamang?
Sagot: Referendum
32. Ano ang tawag sa mga gurong Amerikano sa dumatig sa Pilipinas sakay ng barkong SS Thomas upang
turuan ang mga Pilipino?
Sagot: Thomasites
33. Upang matiyak na maayos at magkaroon ng gabay ang pamahalaang Amerikano sa bansa, bumuo si
Pangulong McKinley ng mga pangkat na magmamasid, magsisiyasat at mag-uulat tunngkol sa Pilipinas.
Ano ang tawag sa pangkat na ito?
Sagot: Komisyon ng Pilipinas

34. Kailan itinatag ang Komisyon ng Pilipinas na siyang pinakaunang komisyon ng Pilipinas?
Sagot: Enero 20, 1899

35. Sino ang namuno sa unang komisyon ng Pilipinas o tinatawag na Komisyong Schurman kung saan ang
layunin ay siyasatin ang kalagayan ng bansa at magrekomenda ng pamahalaan na angkop sa bansa?
Sagot: Jacob G. Schurman

36. Ano ang pangalawang komisyon na binuo sa bansa?


Sagot: Komisyong Taft

37. Sino ang namuno sa pangalawang komisyon na binuo sa bansa?


SAGOT: William H. Taft

38. Anong komisyon na inatas ni Pangulong McKinley na paunlarin ang kabuhayan ng mga Pilipino at ituro
ang Wikang Ingles sa mga paaralan. Nakagawa rin ito ng mga batas hinggil sa pagkakaroon ng serbisyo
sibil, pagtatag ng pamahalaang panlalawigan at pambayan at ang pagpapatayo ng mga paaralang
pampubliko.
Sagot: Komisyong Taft

39. Anong susog (amendment) ang nagmungkahi na dapat palitan ang pamahalaang military ng isang
pamahalaang sibil na inamindahan ni Senador John Spooner?
Sagot: Spooner Amendment

40. Kailan pinasiyaan sa Maynila ang unang pamahalaang sibil ng Pilipinas?


Sagot: Hulyo 4, 1901

41. Sino ang unang gobernador-sibil sa pamahalaang sibil sa Pilipinas?


Sagot: William H. Taft

42. Dahil sa pagbabago ng pamahalaang unang military sa pagiging pamahalaang sibil, ang gobernador
heneral ay napalitan ng gobernador sibil. Kailan nangyari ang pagpapalit na ito?
Sagot: Pebrero 6, 1905

43. Anong batas ang naaprobahan noong 1902 na nagbigay ng sandigan sa Pilipinas at nagkaroon ng
dalawang kinatawang Pilipino sa kongreso ng Estados Unidos bilang paghahanda sa pagsasarili ng bansa?
Sagot: Batas Cooper o Batas Pilipinas

44. Sino ang unang punong mahistrado ng Pilipinas?


Sagot: Cayetano Arellano

45. Sino ang unang Kalihim ng Pananalapi at Katarungan sa ilalim ng pamahalaang sibil?
Sagot: Gregorio Araneta

46. Anong department ang nalikha sa panahon ng pamahalaang sibil ng Pilipinas na nagbibigay halaga sa
kalinisan ng kapaligiran lao na sa lungsod ng Maynila?
Sagot: Department of Sanitation and Transportation

47. Ano ang patakaran ni William Taft na nagging dahilan ng pagiging malapit nito sa mga Pilippino at
nagpatibay na kanyang katapatang matulungan ang mga Pilipino?
Sagot: “Ang Pilipinas ay para sa Pilipino”

48. Sino ang huling namuno sa pamahalaang sibil sa Pilipinas?


Sagot: William C. Forbes

49. Anong kilalang parke na ipinangalan kay William C. Forbes kung saan ito ay isa ng komunidad ngayon
sa Lungsod ng Maynila na tinitirhan ng mga pinakamayamang tao?
Sago: Forbes Park

50. Kailan idinaos ang unang pambansang halalan sa Pilipinas para sa mga kinatawan ng Pambansang
Asemblea?
Sagot: Hulyo 30, 1907
51. Sino ang nahalal na ispiker sa unang pambansang halalan ng Pilipinas?
Sagot: Sergio Osmena

52. Sino ang nahalal bilang lider ng mayorya sa unang pambansang halalan?
Sagot: Manuel L. Quezon

53. Ano ang unang batas na nagpatibay ng Asemblea na naglaan ng pondo para sa pagpapatayo ng mga
paaralan sa Pilipinas.
Sagot: Batas Gabaldon

54. Anong batas ang binuo noong Agosto 16, 1916 na naglalayong mabigyan ng kasarinlan ang Pilipinas sa
sandaling magkaroon ng matatag na pamahalaan ang bansa?
Sagot: Batas Jones

55. Sa Batas Jones, nagkaroon ng kapulungan o senado at mababang kapulungan ang pamahalaan ng
Pilipinas. Pinagtibay rin ditto ang pagkakaroon ng tatlong sangay ng pamahalaan, ehekutibo, lehislatibo at
hudikatura. Ilang senador ang bumubuo sa mataas na kapulungan na inihalal ng mga Pilipino?
Sagot: 24 senador

56. Kailan ang unang halalan para sa 24 na senador?


Sagot: Octubre 3, 1916

57. Sino ang kauna-unahang nahal na pangulo ng senado?


Sagot: Manuel L. Quezon

58. Sino ang kauna-unahang nahalal na ispiker sa kongreso ng Pilipinas?


SAGOT: Sergio Osmeña

59. Anong misyon ang pinamumunuan nina Sergio Osmena at Manuel Roxas noong 1931 na nagpatibay ng
Hare-Hawes-Cutting Bill kung saan ipinagkaloob sa Pilipinas ang kalayaan matapos ang 10 taong
paghahanda, pagtatag ng base military ng Estados Unidos sa bansa at pagtatakda ng bilang ng mga
Pilipinong dayuhan sa Estados Unidos?
Sagot: Misyong OsRox

60. BATAS TYDINGS-McDUFFIE- nilagdaan ni Pangulong Franklin D. Roosevelt noong Marso 24, 1934
 Layunin: pagtatag ng sampung taong pamahalaang Commonwealth sa Pilipinas bilang paghahanda
 Pagkakaroon ng kumbensiyong gagawa ng Saligang Batas
 Pagdaraos ng halalan ng magpapatibay ng saligang Batas
 Pagkilala ng kasarinlan ng Pilipinas sa ika-4 ng Hulyo

61. Sino ang nanguna sa Constitutional Convention o ConCon noong Hulyo 10, 1939 matapos
tinanggap at pinagtibay ang Asamblea ng Pilipinas ang Batas Tydings-McDuffie?
Sagot: Claro M. Recto

62. Sinong pangulo ng Amerika ang lumagda sa isinulat na saligang batas na pinagtibay noong Pebrero 8,
1935?
Sagot: Franklin Roosevelt

63. Ano ang tawag sa Saligang Batas na inaaprubahan matapos ang halalan noong Mayo 14, 1935 at
ipinatupad hanggang taong 1971?
Sagot: Saligang Batas ng 1939

64. Anong Batas ang nagpapatibay sa hindi pagbabayad ng buwis ang mga produktong nanggaling sa
Pilipinas ngunit may takdang dami ang pagluwas nito sa Estados Unidos?
Sagot: Batas Payne-Aldrich

65. Anong batas ang nag-alis ng quota ng pagluwas ng produktong tulad ng abaka at tabako na nagging
dahilan ng mas mataas na kita ng bansa?
Sagot: Batas Underwood-Simmons

66. Isang samahan ng mga negosyanteng Pilipino na nanguna sa programang “Made in the Philippines
Week” upang higit na mahikayat ang mga Pilipino na tangkilikin ang sariling produkto.
Sagot: Philippine Chamber of Commerce

67. Ano ang itinatuguyod ng pamahalaan upang mahikayat ang mga Pilipino na tangkilikin ang sariling
produkto sa panahon ng mga Amerikano at magsuot nga barong tagalog at saya; at nagging bantog ang
slogan na “Buy Philippines”?
Sagot: NEPA (National Economic Protectionism Association)
PAMAHALAANG KOMONWELT
1. Ano ang tawag sa pamahaan kung saan ang layunin ay sanayin ang mga Pilipino na mamahala sa bansa
sa loob ng sampung taon?
Sagot: Pamahalaang Komonwelt

2. Kailan naganap ang halalan para sa pamahalang Komonwelt kung saan ang nanalong pangulo ay si
Manuel L. Quezon at pangalawang pangulo si Sergio Osmeña?
SAGOT: Setyembre 17, 1935

3. Kailan itinaas ang bandila ng Estados Unidos at Pilipinas sa labas ng Legislative Building sa Luneta
bilang hudyat ng pagsisimula ng pamahalaang Komonwelt?
Sagot: Nobyembre 15, 1935

4. Sino ang Arsobispo na taga Cebu ang nanguna sa panalangin sa pagtatalaga ng pamahalaang
Komonwelt?
Sagot: Arsobispo Gabriel M. Reyes

5. Ano ang kauna-unahang batas na pinagtibay ng pambansang Asemblea sa pamahalaang Komonwelt


kung saan ang layunin ay bubuo ng sandatang lakas na siyang mangangalaga sa kapayapaan at kaligtasan
ng bansa mula sa loob at labas nito?
Sagot: Batas ng Tanggulang Pambansa

6. Sino ang hinirang ni Manuel L. Quezon bilang tagapayong military ng bansa?


Sagot: Heneral Douglas MacArthur

7. Siya ang “Ama ng Wikang Pambansa”?


Sagot: Manuel L. Quezon

8. Ilang pangunahing wika sa bansa ang pinagpilian na maging Pambansang Wika?


Sagot: 8 wika

9. Saan nakapaloob sa Konstitusyon ng bansa ang pagkakaroon ng Pambansang Wika?


Sagot:Artikulo XIII ng Konstitusyon

10. Ano ang batas o tawag sa surian ng Wikang pambansa?


Sagot: Komonwelt Act Bilang 184

11. Sino ang nagging pangulo sa surian na naatasang mag-aral at magsiyasat ng isang wikang pambansa?
Sagot: Jaime C. de Veyra

12. Anong kautusan kung saan pormal na inilabas ag wikang tagalog na pambansang wika
Sagot: Kautusan Blg. 134

13. Ano ang pambansang wika ng Pilipinas?


SAGOT: Wikang Filipino

14. Ang mga babae noong una ay walang karapatan bumoto. Sa panahon na pamahalaang Komonwelt ay
nabigyan ang mga babae ng karapatan na bumoto. Kailan nangyari ang unang pagboto ng mga kababaihan
upang malaman ang kanilang saloobin?
Sagot: Abril 30, 1937

15. Siya ang nanguna sa kampanya ukol sa pagbibigay ng karapatan nsa mga kababaihang makaboto?
Sagot: Dr. Maria Paz Mendoza

16. Sino ang kauna-unahang babaeng konsehal ng bansa?


SAGOT: Carmen Planas

17. Siya ang kauna-unahang babaeng nahalal sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.


Sagot: Elisa Ochoa

18. Siya ang kauna-unahang babaeng pangalawang pangulo.


Sagot: Gloria Macapagal Arroyo

19. Siya ang kauna-unahang babaeng pangulo.


SAGOT: Corazon Aquino
Mga Komisyon sa Panahon ng mga Amerikano
1. Komisyong Schurman

2. Komisyong Taft

Mga Batas sa Panahon ng mga Amerikano


1. Batas Gabaldon

2. Batas Jones

3. Batas Hare-Hawes-Cutting

4. Batas Tydings –McFuffie

5. Batas Payne-Aldrich

6. Batas Underwood-Simmons

7. Batas Pilipinas 1902

Pamahalaang Ipinatupad sa Panahon ng mga Amerikano


1. Pamahalaang Militar

2. Pamahalaang Sibil

TIMELINE SA PAGKAKAROON NG PAMAHALAANG KOMONWELT

1. Pamahalaang Militar (1898)


2. Komisyong Schurman (1899)
3. Komisyong Taft (1900)
4. Susog Spooner (Marso, 1901)
5. Pamahalaang Sibil (Hunyo, 1901)
6. Batas Pilipinas (1902)
7. Philippine Assembly (1907)
8. Batas Jones (1916)
9. Unang Misyong Pangkalayaan ni Quezon (1919)
10. Misyong OsRox (1931)
11. Batas Hare-Hawes-Cutting (1932)
12. Ikalawang Misyong Pangkapayapaan ni Quezon (1933)
13. Batas Tydings Mcduffie (1934)
14. Constitutional Convention/Pagbuo ng Saligang Batas (1935)
15. Pamahalaang Komonwelt
PANANAKOP NG MGA HAPONES

1. Ano ang pamahalaang binubuo ng mga Hapones sa bansa na tinatawag ng Central Administrative
Organization na binubuo ng 6 na kagawaran?
Sagot: Pamahalaang Sentralisado

2. Anong batas ang nabuo na nagtadhana ng 3 sangay ng kapangyarihan sa pamahalaan sa panahon ng


mga Hapon?
Sagot: Saligang Batas ng 1943

3. Pinangakuan ng mga Hapones ang Pilipinas na bibigyan ng kalayaan kung ito ay makikiisa sa isang
patakaran. Ano ang patakarang ito?
Sagot: Greater East Asia Co-Prosperity Sphere

4. Nang sumunod ang Pilipinas sa patakaran ng Hapon ay agarang binuwag ang partidong political ng
Pilipinas at itinatag ang isang kapinsanan na siyang nagmaniobra sa pangyayaring political ng bansa. Ano
ang kapinsanan na ito?
Sagot: KALIBAPI (Kapinsanan sa Paglilingkod sa Bagong Pilipinas)

5. Isang komisyon na itinatag noong Hunyo 20, 1943 na inatasang maghanda ng Saligang Batas para sa
Republikang tatangkilikin ng mga Pilipino sa pamumuno ng Hapon.
Sagot: Preparatory Commission for Philippine Independence

6. Sino ang naging pangulo ng Preparatory Commission for Philippine Independence?


Sagot: Jose P. Laurel
Pangalawang Pangulo: Ramon Avanceña at Benigno Aquino Sr.

7. Ano ang SALIGANG BATAS na pinairal sa panahon ng pananakop ng mga Hapones sa bansa?
Sagot: Saligang Batas ng 1943

8. Sino ang unang pangulo sa Ikalawang Republika ng Pilipinas?


Sagot: Jose P. Laurel
Pangalawang Pangulo: Benigno Aquino Sr.

9. Dahil sa naging sunud-sunuran lamang si Pangulong Jose Laurel sa mga Hapon, ano ang tawag ng
kanyang pamahalaan?
Sagot: Republikang Puppet

10. Ano ang tawag sa mga pinunong Pilipino na sumusuporta sa mga gawaing pampulitika ng mga
Hapones?
Sagot: Kolaboreytor

11. Ano ang tinawag sa mga Pilipinong nagkanulo sa kanilang kapwa Pilipinong tiyak na makukulong o
mapapatay sa oras na sila ay maiturong lumalaban sa mga Hapones?
Sagot: Makapili

12. Sino ang pangulong hinirang sa Komisyong Tagapagpaganap nang tulyuan ng masakop ng mga
Hapones ang Maynila?
Sagot: Jorge B. Vargas

13. Ano ang tinawag ng mga Pilipino sa salaping Papel ng mga Hapones ns itinuring walang kwenta dahil ito
ay nagpasindi lamang ng kahirapan ng mga Pilipino?
Sagot: Mickey Mouse Money

14. Ano ang kulisang gerulya na itinuturing na pinakamatagumpay na nakipaglaban sa mga Hapones. Sila ay
mga magsasakang nagsasamang mag-alsa upang protektahan ang kanilang mga sakahan.
Sagot: HUKBALAHAP (Hukbong Bayan Laban sa mga Hapon)

15. Sino ang namuno sa HUKBALAHAP?


Sagot: Luis Taruc

16. Ano ang tawag sa mga miyembro ng USAFFE at sibilyang namundok upang makibaka para sa kalayaan
laban sa mga Hapon?
Sagot: Gerilya
17. Ang ahensiyang ipinatayo ni Jose P. Laurel upang maging maays ang distribusyon at pagbebenta ng
pagkaig butil gaya ng bigas?
Sagot: BIBA (Bigasang Bayan)

18. Ito ay binuo sa pangunguna ni Douglas MacArthur kung saan pinagsamang lakas ng mga hukbong
Pilippino at Amerikanong magiting na lumaban sa pwersa ng Hapon?
Sagot: USAFFE

19. Ano ang idineklara ni Heneral Douglas MacArthur upang mailigtas ang Maynila sa trahedya ng digmaan
kung saan walang sundalo na magtatangol sa lungsod?
Sagot: Open City

20. Sino ang humalili kay General MacArthur nang siya ay tumungo sa Australia upang pamunuan ang
pwersang Amerikano sa Timog Kanlurang Pasipiko noong panahon ng digmaan laban sa Hapon?
Sagot: Hen. Jonathan Wainright

21. Kailan sinalakay ang Pearl Harbor?


Sagot: Disyembre 3, 1941

22. Ano ang tawag sa ikalawang republika ng Pilipinas kung saan ang pangulo ay napasailalim ng
kapangyarihan ng mga Hapones?
Sagot: Puppet Republic

23. Ano ang tawag sa pulis military ng mga Hapones na nagpapahirap sa mga gerilya?
Sagot: Kempei-tai

24. Natapos ang labanan ng mga Pilipino at Hapones ng bumagsak ang Corregidor at Bataan. Kailan ito
nangyari?
Sagot: Mayo 6, 1942

25. Anong kilusan ang binubuo ng mga sundalong Pilipino na namundok para ipaglaban ang bansa laban sa
mga Hapones?
Sagot: Kilusang Gerilya

26. Anong panahon ang tawag ng Pilipino sa panahon ng pananakop ng mga Hapones dahil sa kawalan ng
seguridad at katiyakan ng buhay ng mga mamamayan?
Sagot: Panahon ng Kadiliman

27. Ano ang tawag ng mga Hapon sa mga Pilipinong babae na kanilang ginagamit at inaabuso?
Sagot? Comfort Women

28. Anong Batas ang nagbigay daan sa pagtatag ng Unibersidad ng Pilipinas?


Sagot: RA Act No. 1870

29. Kailan sinalakay mga Hapon ang Pilipinas kung saan may layuning kontrolin ang ekonomiya ng
Pilipinas?
Sagot: Disyembre 7, 1941

30. Isa sa pangyayari noong panahon ng Hapon ay ang pagpapamartsa ng mga sundalong Pilipino at
Amerikano mula Bataan hanggang Pampangga kung saan pinalakad sila ng mga Hapon ng walang pagkain
at maiinum na tubig at marami ang namatay sa daan. Ano ang tawag sa pangyayaring ito?
Sagot: Death March

31. Ilang taon ang pananakop ng mga Hapones sa bansa?


Sagot: 3 taon
IKATLONG REPUBLIKA NG PILIPINAS

1. Sino ang unang pangulo sa Ikatlong Republika ng Pilipinas?


Sagot: Manuel A. Roxas

2. Anong batas sa pamumuno ni Pangulong Roxas na nagtadhana sa paglalaan ng 100 milyong dolyar para
sa kagamitang military ng mga Amerikano na ilipat sa Pilipinas at 150 milyon dolyar para sa pagpapatayo ng
mga gusali, daungan at paliparan sa Pilipinas?
Sagot: Batas sa Rehabilitasyon ng Pilipinas

3. Ano ang itinatag ni Pangulong Roxas para mabigyan ng puhunan para sa rehabilitasyong pang-
agrikultura?
Sagot: Rehabilitation Finance Corporation (RFC)

4. Ano ang tawag sa pagtatangkilik ng mga Pilipino sa mga produktong gawa sa ibang bansa maging sa
kultura ng ibang bansa?
Sagot: Colonial Mentality

5. Anong kasunduan ng Amerika at Pilipinas na nagsasabing ang sundalong Pilipino ay maaring maglingkod
sa base ng Amerika at ganun din ang mga Amerikano sa Pilipinas?
Sagot: Military Bases Agreement

6. Sino ang lumagda sa Military Bases Agreement noong Marso 14, 1947?
Sagot: Manuel A. Roxas (Pilipino) at Ambassador Paul MacNutt (Amerikano)

7. Namatay si Manuel Roxas sa atake sa puso matapos ng kanayng talumpati noong Abril 15, 1948. Saan
siya nagbigay ng talumpati at namatay?
Sagot: Clark Air Base, Angles City Pampanga

8. Anong batas ang pinagtibay noong panahon ni Roxas na nagsasabing ang Amerika ang kokontrol sa
pagpapanatili ng halaga ng pananalapi ng Pilipinas?
Sagot: Philippine Currency Act

9. Anong batas ang nagtadhana ng pagtanggap ng Pilipinas ng 629 milyong dolyar mula sa Amerika upang
maipagawa ang mga napinsala ng digmaan at maibalik muli ang palingkurang bayan ng Pilipinas?
Sagot: Tydings Rehabilitation Act of 1946

10. Sino ang pangalawang pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?


Sagot: Elpidio R. Quirino

11. Anong bangko ang itinatag ni Pangulong Quirino noong Enero 3, 1949 upang pagtibayin ang
pananalapi ng Pilipinas?
Sagot: Central Bank of the Philippines

12. Sino ang ikatlong pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?


Sagot: Ramon Magsaysay

13. Sino ang pangulong tinaguriang “Kampiyon ng Masang Pilipino at Kampiyon ng Demokrasya”?
SAGOT: Ramon Magsaysay

14. Anong patakaran ang pinagtibay sa pamumuno ni Pangulong Magsaysay kung saan itinidhana ang
paghahati-hati ng malalaking asyendang bibilhin ng pamahalaan upang maipamahagi sa mga magsasaka.
Sagot: Land Tenure Reform

15. Sino ang nagtatag ng Social Security System Act (SSS) kung saan tumutulong sa pagpapabuti ng
kalagayan ng pangkaraniwang tao?
Sagot: Ramon Magsaysay

16. Ano ang pangalan ng eroplanong sinakyan ni pangulong Magsaysay na bumagsak sa Mount Manunggol
sa Cebu na siyang dahilan ng kanyang kamatayan noong Marso 17, 1957?
Sagot: Mt. Pinatubo

17. Sino ang pangulo na may programang “Pilipino Muna”?


Sagot: Carlos P. Garcia
18. Sino ang ika-anim na pangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas?
Sagot: Diosdado Macapagal

19. Ito ang isinagawang hakbang ni Pangulong Marcos upang maiwasan ang nagbabantang panganib sa
pamahalaan dahil sa mga paghihimagsik, rebelyon at karahasang nangyayari sa bansa.
Sagot: Batas Militar

20. Sa Bagong Republika na itinatag ni Pangulong Marcos, sino ang inihalal ng Batasang Pambansa bilang
punong ministro ng bansa?
Sagot: Cesar A. Virata

21. Anong grupo ang naatasang magbgay ng proteksyon kay Ninoy Aquino Sr. mula sa panganib?
Sagot: AVESCOM

22. Isang miyembro ng NPA na inakalang pumatay kay Ninoy Aquino Sr.?
Sagot: Rolando Galman

23. Ano ang tawag sa pagbibigay ng pabor sa mga kaibigan at mag-anak na siyang talamak sa panahon ng
panunungkulan ni Marcos?
Sagot: Nepotismo

24. Kailan ipinahayag ni Pangulong Marcos ang “Bagong Republika” sa Pilipinas?


Sagot: Hunyo 30, 1981

25. Ilang taon tumagal ang batas militar ni Marcos?


Sagot: 8 taon

26. Anong uri nga pamahalaan ang ipinatupad ni Marcos sa Bagong Republika na kanyang itinatag?
Sagot: Pamahalaang Parlamentaryo

27. Noong Hunyo 16, 1981 nagkaroon ng pampanguluhan ng halalan para sa normalisasyon ng bansa. Sino
ang kalaban ni pangulong Marcos mula sa partidong Nacionalista sa pagkapangulo?
Sagot: Alejo Santos

28. Anong proklamasyon noong Setyembre 21, 1972 kung saan ipinahayag ni Pangulong Marcos ang
pagsailalim ng Pilipinas sa Batas Militar?
Sagot: Proklamasyon 1081

29. Ano ang nagbigay pagkakataon ng mga magsasaka sa panahon ni Pangulong Marcos na magkaroon ng
sariling lupang sasakahin sa halip na habambuhay na mangupahan?
Sagot: Atas ng Pangulo Blg. 2

30. Anong rebolusyon ang ipinatupad ni Pangulong Marcos upanng magkaroon ng sapat na suplay ng bigas
ang Pilipinas?
Sagot: Green Revolution

31. Ito ay samahan ng mga magsasakang nakikipaglaban dahil sa di kanais-nais na Gawain ng may-ari ng
lupang kanilang sinasaka?
Sagot: NPA (New People Army)

32. Isang pangkat na nakikipaglaban sa pamamagitan ng dahas spangkat naniniwala silang pag-aaklas ang
solusyon sa suliranin ng bansa.
Sagot: CPP (Communists Party of the Philippines)

33. Sino ang nagtatag o namuno ng CPP?


Sagot: Jose Maria Sison

34. Ito ay binubuo ng mga Muslin na nais magtatag ng hiwalay na pamahalaang tinatawag na Republika ng
Bangsamoro?
Sagot: MNLF (Moro Nation Lliberation Front)

35. Sino ang nagtatag ng MNLF noong Marso 18, 1968?


Sagot: Nur Misuari

36. Anong partidong pulitikal ang nagpahayag ng kandidato sa Plaza Miranda sa Quiapo, Maynila kung
saan binomba at dahilan ng maraming tao ang nasugatan at namatay? Ito ay nangyari noong Agosto 21,
1971.
Sagot: Partido Liberal

37. Ano ang isinususpinde ni Pangulong Marcos kung saan ito ang nagbibigay karapatan sa mga
mamamayan na sumailalim sa tamang proseso ng paglilitis? Ginawa niya ito sa Proklamasyon Blg. 889.
Sagot: Writ of Habeas Corpus

38. Si Ninoy Aquino ay itinuturing na pinakamahigpit na kalaban ni Marcos. Kailan nangyari ang di
makatarungang pagpatay kay Ninoy Aquino nang siya ay bumaba ng Eroplano galling Estados Unidos?
Sagot: Agosto 21, 1983

39. Ano ang pangalang ginamit ni Benigno Aquino upang ipalala na minsan ang Pilipinas ay sumailalim
sa batas military?
Sagot: Marcial Bonifacio

40. Ilang taon nanungkulan si Marcos bilang pangulo ng Pilipinas?


Sagot: 21 taon

41. Kailan nangyari ang People Power sa EDSA?


Sagot: Pebrero 22-25, 1986

You might also like