You are on page 1of 60

Gabay sa Pagpapasuso at Pagpapakain

ng Sanggol at Bata
(Infant and Young Child Feeding)

1
IYCF counselling card_december3.indd 1 12/3/2015 3:53:26 PM
IYCF counselling card_december3.indd 2 12/3/2015 3:53:26 PM
This material is an adaptation of the original version produced by
UNICEF New York and University Research Co., LLC (URC/CHS)

Any part of this publication may be printed, reproduced, and adapted for local needs, with proper acknowledgment.

Copyright 2012

Department of Health, San Lazaro Compound, Rizal Avenue, Sta. Cruz, Manila, Philippines
National Nutrition Council, 2332 Chino Roces Avenue Extension, Taguig City, Philippines
United Nations Children’s Fund, 31/F Yuchengco Tower RCBC Plaza, 6819 Ayala Ave., Makati City, Philippines

Produced
Producedwith
withassistance
assistancefrom
fromthe
theEuropean
EuropeanUnion
Unionand
andGovernment
MDGF-2030 of Spain
joint through MDG-F
programme 2030:
for nutrition
Ensuring Food Security and Nutrition for Children 0-24 Months in the Philippines.

3
IYCF counselling card_december3.indd 3 12/3/2015 3:53:26 PM
4
IYCF counselling card_december3.indd 4 12/3/2015 3:53:26 PM
Gabay sa Tamang Pagpapayo
Ang mga tarheta (counselling cards) na ito ay kalusugan ng bata o ina (o tagapag-
ginawa upang gabayan kayo sa pagpapayo alaga), bigyang prayoridad ang higit na
ng mga ina at tagapag-alaga ng bata ukol mabigat na problema.
sa wastong pagpapasuso at pagpapakain sa • Sagutin ang anumang tanong.
mga sanggol at maliliit na bata. Mahalaga ang
mga kasanayang ito upang matagumpay ang 3. Kumilos: pag-usapan, magbigay
pagpapayo. ng ilang naaangkop na mungkahi,
magkasundo sa mga kakayaning gawin
Pakikinig at pakikitungo sa pinapayuhan: • Batay sa inyong pag-uusap, piliin ang
• Sabayan ang pagsasalita ng kumpas ilang naaangkop na impormasyon na
o galaw upang higit kang maintindihan. maaring ipamahagi sa kanya.
• Tiyaking magkalebel ang pagkakaupo ninyo • Piliin din ang naaangkop na tarheta
ng iyong pinapayuhan. para sa pagpapaliwanag.
• Bigyang pansin ang mga sinasabi ng Tatlong Hakbang sa Pagpapayo • Purihin siya sa mga wastong ginagawa
kausap. 1. Alamin: magtanong, makinig, niya.
• Iwasang magkaroon ng mga bagay sa magmasid • Magmungkahi ng mga bagay na
pagitan ninyo. • Batiin ang papayuhan sa pamamagitan madaling gawin upang lutasin ang
• Maglaan ng sapat na oras. ng paggamit ng magigiliw na pananalita problema.
• Hawakan ang pinapayuhan kung nararapat o galaw. Ipaalam kung kailan dapat gawin ang
lamang. • Magbigay ng mga paunang tanong na mga ito, halimbawa, sa mga susunod
• Gumamit ng mga tanong na di lamang maghihikayat sa kanya na magsalita. na araw, o (ilang) linggo.
nasasagot ng “oo” o “hindi”. • Makinig sa kanyang mga sinasabi. • Gabayan siya sa pagpili ng nais at
• Ipakitang interesado ka sa iyong kausap. Magmasid. Alamin ang paraan ng kaya niyang gawin upang malutas ang
• Balikan ang mga sinabi ng kausap bilang pagpapasuso o pagpapakain na angkop problema.
gabay sa pagpapatuloy ng talakayan. sa edad ng sanggol o bata at ang • Imungkahi kung saan pa maaaring
• Iwasang gumamit ng mga salitang kondisyon nito, maging ng kanyang makahanap ng karagdagang gabay
mapanghusga. ina. o impormasyon. Ituro siya sa
pinakamalapit na klinik, center o ospital
Pagsuporta at pagpapalakas ng loob 2. Suriin: kilalanin ang problema; kung naaayon. Hikayatin din siyang
1. Bukas loob na tanggapin ang mga pananaw kung higit sa isa, bunuin mula sa sumali sa mga seminar o dumulog sa
at saloobin ng kausap. Hayaang ihayag niya pinakamabigat mga support group ukol sa usaping ito
ang mga ito bago iwasto ang mga maaaring • Tiyakin kung ang pagpapasuso o sa kanilang komunidad.
maling ideya o kaalaman niya. pagpapakain sa sanggol o bata ay • Tiyaking alam niya kung paano
2. Makinig nang mabuti sa mga agam-agam naaangkop sa edad nito; tiyakin din makipag-ugnayan sa mga health
niya. kung ang kalusugan ng sanggol o bata volunteer o worker sa kanilang
3. Purihin ang mga wastong ginagawa niya. at ina o tagapag-alaga ay mabuti. komunidad.
4. Magbigay ng praktikal na payo. • Kung walang problema, purihin ang • Pasalamatan ang pinapayuhan sa
5. Magbigay ng mga detalye nang paunti-unti ina o tagapag-alaga; ituon ang pansin panahong inilaan sa pagdulog sa inyo.
at hindi sabay-sabay. sa mga kaalamang magagamit niya sa • Magkasundo kung kailan kayo muling
6. Gumamit ng mga salitang naiintindihan susunod na yugto ng paglaki ng bata. magkikita, kung kinakailangan.
niya. • Kung mayroong isa o higit pang
7. Magbigay ng isa o dalawang mungkahi at problema ukol sa pagpapakain o sa
hindi pautos.

5
IYCF counselling card_december3.indd 5 12/3/2015 3:53:27 PM
Intro Card: Sanlibong Araw Tungo sa Magandang Kinabukasan

Ang unang isang libong araw ng buhay ay mula sa unang araw ng pagbubuntis hanggang bago sa ikalawang taon
ng bata. Para sa kalusugan at kinabukasan ng bata, mahalaga na magampanan ang mga sumusunod:

• Wastong nutrisyon ng buntis.

• Ekslusibong pagpapasuso sa sanggol sa unang 6 na buwan. Huwag magbigay ng ibang pagkain, tubig o ibang
uri ng inumin upang makaiwas sa malubhang sakit.

• Pagbibigay ng karagdagang pagkain sa bata pag-abot niya ng 6 na buwan habang patuloy pa rin ang
pagpapasuso hanggang 2 taon o higit pa.

MAHALAGA!
Ang pagbigay natin ng wastong nutrisyon ng mag-ina sa loob nitong sanlibong araw
ay:
- Makapagliligtas sa buhay ni Nanay at ni Baby
- Makapagbibigay kay Nanay at Baby ng proteksiyon laban sa mga nakamamatay
na sakit
- Makakatiyak sa kalusugan at talino ni Baby sa kaniyang paglaki
- Makapagtataguyod sa kinabukasan at kakayahan ni Baby kumita nang mas
malaki hanggang 50% sa pagtanda

6
IYCF counselling card_december3.indd 6 12/3/2015 3:53:27 PM
Sanlibong Araw Para Sa Magandang Kinabukasan
270 araw
+ 180 araw
+ 550 araw
= 1,000 araw

Tamang nutrisyon Ekslusibong pagpapasuso Malinis, sapat, angkop at de kalidad na pagkain para sa bata
para sa buntis sa unang 6 na buwan mula 6 na buwan hanggang 2 taon gulang HABANG tuluyang
nagpapasuso.

Maiiwasan ang pagkamatay ni Nanay at Baby. Magiging mas malusog, mas matangkad at mas matalino ang anak niyo. At mas malaki ang kikitain paglaki niya!

7
IYCF counselling card_december3.indd 7 12/3/2015 3:53:27 PM
Card 1. Wastong nutrisyon para sa mga buntis at nagpapasusong ina

• Kung ikaw ay buntis o nagpapasuso, ang iyong katawan ay nangangailangan ng


karagdagang pagkain (kumain nang higit sa karaniwan) sa bawat araw dahil ikaw ay
nagbibigay ng nutrisyon para sa iyong lumalaking sanggol.

Tandaan: Sa mga batang ina: kailangan mo ng dagdag na pangangalaga at mas


maraming pagkain at pahinga kaysa sa isang mas may edad na ina. Kailangan mong
alagaan ang iyong katawan na patuloy na lumalaki, pati na rin ang iyong lumalaking
sanggol.

• Kumain ng masustansiyang pagkain tulad ng gatas, sariwang prutas at gulay, karne,


isda, itlog (na tama ang pagkakaluto), at mga butil tulad ng kanin o mais. Lahat ng
mga pagkaing ito ay akma para sa mga buntis at nagpapasuso.

• Uminom ng iron supplement na may folate habang nagbubuntis at sa loob ng 3 buwan


o higit pa pagkatapos manganak upang maiwasan ang anemya.

• Habang nagbubuntis, dagdagan ang dami ng kinakain kada araw. Habang


nagpapasuso, magmeryenda ng dalawang beses kada araw. Uminom ng maraming
tubig.

8
IYCF counselling card_december3.indd 8 12/3/2015 3:53:27 PM
CARD 1
9
IYCF counselling card_december3.indd 9 12/3/2015 3:53:28 PM
Card 2. Panganganak sa ospital o klinik

• Tiyaking nakalapat ang iyong bagong panganak na sanggol sa iyong dibdib


(balat-sa-balat o skin-to-skin contact). Makatutulong itong panatilihin ang
tamang temperatura ng katawan ng sanggol pati na rin ang tamang paghinga
niya.

Makatutulong din ito para maging malapit kayo sa isa’t isa. Madali ring maaabot
ng sanggol ang dibdib mo at magsimulang sumuso kung handa na.

• Simulan ang pagpapasuso sa unang oras pagkapanganak. Ang maagang


pagpapasuso ay tumutulong sa sanggol na matutunan ito habang malambot pa
ang suso; tumutulong din ito upang mabawasan ang pagdurugo ng ina.

• Ang colostrum ay ang malapot at manilaw-nilaw na gatas ng ina. Mabuti ito para
sa iyong sanggol at tumutulong para protektahan siya laban sa sakit. Kaunti
lang nito ay sapat na upang punuan ang tiyan ng sanggol at makatutulong
upang mailabas niya ang kanyang unang dumi.

• Huwag patikimin ang iyong sanggol ng ibang mga pagkaing tulad ng katas ng
ampalaya, tubig na may asukal, o taba ng baboy dahil pwedeng makasama ang
mga ito sa kanyang kalusugan.

10
IYCF counselling card_december3.indd 10 12/3/2015 3:53:28 PM
CARD 2
11
IYCF counselling card_december3.indd 11 12/3/2015 3:53:29 PM
Card 3. Sa kanyang unang 6 na buwan, ang iyong sanggol ay
nangangailangan lamang ng gatas ng ina

• Ang gatas ng ina ay may sapat na pagkain at tubig na kinakailangan ng sanggol


sa kanyang unang 6 na buwan.

• Huwag magbigay ng anumang pagkain, maging tubig o ibang uri ng inumin.


Ang gatas ng ina ay sapat na para punuan ang pagkauhaw at gutom ng isang
sanggol sa kanyang unang 6 na buwan. Ang pagbibigay ng anumang pagkain o
inumin sa iyong sanggol ay maaaring maging sanhi ng paghina ng pagsuso nito
at pagbawas sa dami ng gatas na lumalabas mula sa suso ng ina.

• Kung ikaw ay nababahala sa dami ng iyong gatas o mayroong anumang pag-


aalala tungkol sa pagpapasuso, humingi ng tulong sa health at nutrition workers
o mga peer counselors.

12
IYCF counselling card_december3.indd 12 12/3/2015 3:53:29 PM
Sa unang anim na buwan

CARD 3
13
IYCF counselling card_december3.indd 13 12/3/2015 3:53:30 PM
Card 4. Kahalagahan ng eksklusibong pagpapasuso sa sanggol sa
kanyang unang anim na buwan

• Ang eksklusibong pagpapasuso ay ang pagbibigay sa sanggol ng gatas ng ina


lamang sa unang 6 na buwan nito. Sapat ang gatas ng ina para tugunan ang
lahat ng pagkain at tubig na kinakailangan ng sanggol sa unang 6 na buwan ng
kanyang buhay.

• Ang gatas ng ina ang pinakamahusay na pagkain para sa sanggol. Ito ay ligtas,
malinis, madaling tunawin at laging mayroon. Tumutulong ito sa maayos na
paglaki ng iyong sanggol, maging sa pisikal man o mental na aspeto.

• Ang eksklusibong pagpapasuso sa sanggol sa unang 6 na buwan ay proteksiyon


din laban sa mga sakit, tulad ng pagtatae at impeksyon sa respiratory system
tulad ng ubo, sipon, o pulmunya. Mas malusog at matibay sa sakit ang batang
napasuso ng gatas ng ina lamang sa unang 6 na buwan.

14
IYCF counselling card_december3.indd 14 12/3/2015 3:53:30 PM
Kabutihang dulot ng eksklusibong pagpapasuso
sa unang 6 na buwan ng sanggol

CARD 4
15
IYCF counselling card_december3.indd 15 12/3/2015 3:53:31 PM
Card 5. Magpasuso tuwing kinakailangan, umaga at gabi (8-12 beses)
upang patuloy ang pagdaloy ng gatas ng ina

• Pasusuhin ang iyong sanggol sa araw at gabi, hangga’t gusto niya. Ang sanggol
ay dapat pinapasuso ng hindi bababa sa 8-12 beses sa isang araw upang
patuloy din ang pagdaloy ng gatas ng ina.

Kapag nasanay na, magpasuso ng 8 o higit pang beses kada araw. Ang
palagiang pagpapasuso ay nakakapagparami rin ng gatas mula sa ina.

• Ang pag-iyak ng sanggol ang pinakahuling senyales ng gutom. Ilan sa mga


maagang palatandaan na gutom ang sanggol ay:

1. Hindi mapakali

2. Pagbukas ng bibig at pagpaling ng ulo sa magkabilang gilid

3. Labas-pasok ang dila

4. Pagsipsip sa kanyang daliri at kamao

Para sa counselor: Kung ang ina ay nababahala kung ang kanyang sanggol
ay nakakakuha ng sapat na gatas, hikayatin at buuin ang kanyang loob sa
pamamagitan ng muling pagpapaliwanag ng tamang paglapat ng bibig ng
sanggol sa suso at ang tamang posisyon ng sanggol.

• Ang sanggol ay nakakakuha ng sapat na gatas kung hindi siya payat (o kung
tumataba o nadaragdagan ang timbang niya kung siya ay dating payat) at kung
aktibo siya na angkop para sa kanyang edad.

16
IYCF counselling card_december3.indd 16 12/3/2015 3:53:31 PM
CARD 5
17
IYCF counselling card_december3.indd 17 12/3/2015 3:53:32 PM
Card 6. Tamang paghakab
• Ang tamang paghakab ng bibig ng sanggol sa suso ng ina ay nakatutulong sa kapwa ina at
sanggol.

Ang tamang paghakab ay nakatutulong sa maayos na pagsuso ng sanggol at sa patuloy na
pagdaloy ng gatas. Nakatutulong din ito para maiwasan ang mga sugat at bitak-bitak sa
utong ng ina. Hindi dapat masakit ang pagpapasuso.

• Apat na palatandaan ng magandang paghakab:

1. Malawak ang bukas ng bibig ng sanggol.

2. Makikita ang higit na maitim na balat (areola ng suso) sa itaas ng bibig ng sanggol
kaysa sa ibaba.

3. Ang ibabang labi ng sanggol ay naka-palabas.

4. Nakadikit ang baba ng sanggol sa suso ng ina.

• Kung ang sanggol ay maayos na nakalapat sa suso ng ina at madali niyang makuha ang
gatas, ito ay senyales ng maayos na pagsuso. Ang ilan pang mga senyales ay:

1. Mabagal ngunit malalim, at minsan pahintu-hinto, na pagsuso ng sanggol. Maaaring


makita o marinig siyang lumulunok pagkatapos ng isa o dalawang pagsuso.

2. Ang pagpapasuso ay kumportable at walang sakit para sa ina.

3. Pagkatapos ng pagsuso, kusang bumibitiw ang sanggol sa suso at mababakas na


siya ay kuntento at kalmado.

4. Ang suso ay mas malambot pagkatapos ng pagpapasuso.

18
IYCF counselling card_december3.indd 18 12/3/2015 3:53:32 PM
Paghakab

Mali Tama
CARD 6
19
IYCF counselling card_december3.indd 19 12/3/2015 3:53:33 PM
Card 7. Iba’t-ibang posisyon sa pagpapasuso

• Ang wastong posisyon ng pagpapasuso ay nakatutulong para matiyak na ang


sanggol ay nakakasuso nang maayos at tumutulong para patuloy ang daloy ng
gatas ng ina. Ang magandang posisyon ay tumutulong din na maiwasan ang
sugat at bitak-bitak sa utong.

• Apat na mahahalagang punto upang matiyak na wasto ang posisyon ng iyong


sanggol: tuwid, malapit, suportado at nakaharap sa iyo;

Ang katawan niya ay tuwid, hindi nakabaluktot o nakapilipit; ang ulo ay


bahagyang nakaurong.

Ang katawan niya ay nakaharap sa iyo; siya ay nakatingin sa iyong mukha.

• May mga iba’t-ibang posisyon ng pagpapasuso:

1. Cradle Position (pinakakaraniwang posisyon)

2. Cross-Cradle Position (mabuti para sa maliliit na sanggol)

3. Side-Lying Position (maaaring magamit sa pamamahinga habang


nagpapasuso at sa gabi.)

4. Underarm Position (magandang gamitin ng mga nagkaroon ng caesarean


operation, kung ang utong ay makirot o kung nagpapasuso ng kambal o
maliit na sanggol).

20
IYCF counselling card_december3.indd 20 12/3/2015 3:53:33 PM
Cradle Cross-Cradle Hold Twin Cross-Cradle

Side-Lying Under-arm Under-arm


(Clutch) (Twin Clutch)

CARD 7
21
IYCF counselling card_december3.indd 21 12/3/2015 3:53:34 PM
Card 8. Pagpapasuso sa sanggol na kulang ang timbang

• Ang cross-cradle at underarm position ay magagandang posisyon sa


pagpapasuso ng sanggol na kulang ang timbang noong pinanganak. Sa
posisyong ito, higit na makokontrol ng ina ang paglapat ng bibig ng sanggol sa
utong.

• Kangaroo Mother Care: ang hubad na sanggol (maliban sa sapin at kalo) ay


dapat nakalapat sa suso ng ina (balat-sa-balat o skin-to-skin contact). Ang binti
ng sanggol ay dapat nakabaluktot at ang sanggol ay nasusuportahan ng tela na
nakatali sa katawan ng ina.

• Ang posisyong ito ay balat-sa-balat, nagbibigay ng init, at inilalapit ang


bata sa suso ng ina. Ito ay tumutulong sa maayos na paghinga at tibok ng
puso ng sanggol. Ang amoy, haplos, init, boses at lasa ng gatas ng ina ay
nakatutulong upang pasiglahin ang sanggol tungo sa matatag at matagumpay
na pagpapasuso.

22
IYCF counselling card_december3.indd 22 12/3/2015 3:53:34 PM
Sanggol na kulang ang timbang

CARD 8
23
IYCF counselling card_december3.indd 23 12/3/2015 3:53:35 PM
Card 9. Pagkolekta ng gatas

• Siguraduhin na ang iyong kamay at kagamitan ay malinis. Hugasan ang iyong


mga kamay gamit ang sabon at tubig. Linisin ang lalagyan na gagamitin para sa
pagpiga ng gatas.

• Maging komportable. Umupo o tumayo sa isang komportableng posisyon, sa


isang tahimik na lugar. Minsan, nakatutulong ang pagmamasahe sa iyong suso.
Ang paglapat ng maligamgam na tela sa suso ay maaaring makatulong sa
pagdaloy ng gatas.

• Ilagay ang iyong hinlalaki sa itaas ng maitim na bahagi ng suso (areola) at ang
ibang mga daliri sa ilalim ng suso o sa baba ng areola.

• Gamit ang iyong hinlalaki at unang dalawang daliri, itulak papasok patungo sa
dibdib pagkatapos pindutin patungo sa areola.

• Pihitin ang hinlalaki at mga daliri at pindutin/siksikin at bitawan ang buong


areola. Baguhin ang posisyon ng daliri minu-minuto, gamit ang posisyon na “C”
at “U”.

• Imbakin ang gatas sa isang malinis at selyadong lalagyan. Mananatili itong


sariwa mula 6 hanggang 8 oras kapag itinabi sa preskong lugar at hanggang 72
oras kapag sa pridyeder.

• Isalin lamang ang nararapat na sukat ng gatas sa inuman ng sanggol. Dagdagan


ito kapag gusto pa niya. Huwag ibigay pa ang ‘di naubos na gatas sa inuman
dahil makasasama sa kanya ito.

24
IYCF counselling card_december3.indd 24 12/3/2015 3:53:35 PM
CARD 9
25
IYCF counselling card_december3.indd 25 12/3/2015 3:53:35 PM
Card 10. Para sa mga nagtatrabaho sa opisina, pagawaan o lugar
paggawa

• Sa mga nagtatrabahong kababaihan na buntis at kapapanganak lamang,


maaring magtanong sa kanilang Human Resources (HR) o Personnel tungkol sa
mga polisiya, programa, at serbisyo ng kumpanya tungkol sa lugar kung saan
sila pwedeng magpasuso habang nasa trabaho.

• Itinatakda ng Republic Act 10028 sa mga kumpanya ang pagbibigay


ng 40-minutong lactation break, pagtatalaga ng lugar at pagbibigay ng
impormasyon tungkol sa mga manggagawang nagpapasuso.

• Itinalaga ng batas and pagkakaroon ng lugar o espasyo sa lugar paggawa kung


saan pwedeng magkolekta o pansamantalang mag-imbak ng gatas ng ina ang
empleyado o kliyente.

• Kung walang lugar pasusuhan o lactation station, maaari pa ring gamitin ang
dagdag na 40-minutong pahinga para sa mga nagpapasusong empleyadong ina.

1. Markahan ng pangalan at oras ang mga bote ng nakolektang gatas mula


sa ina;

2. Gumamit ng magkakaibang sisidlan sa bawat nakolektang gatas ng ina;

3. Iwasang gumamit ng boteng may tsupon dahil hindi ito akma bilang
sisidlan ng mga nakolektang gatas ng ina.

26
IYCF counselling card_december3.indd 26 12/3/2015 3:53:35 PM
CARD 10
27
IYCF counselling card_december3.indd 27 12/3/2015 3:53:36 PM
Card 11. Para sa mga nagtatrabaho sa impormal na sektor

• Itinatakda ng Republic Act 10028 ang pagtatayo o paglalagay ng mga lugar para
sa mga nagpapasusong ina at ang pagbibigay ng 40-minutong lactation break
para sa mga kababaihang manggagawa mula sa impormal na sektor.

• Ang mga sumusunod ay halimbawa ng mga trabaho o gawain na nabibilang sa


impormal na sektor:

a. Tindera at mangangalakal sa palengke

b. Manggagawa sa bahay na nasa produksyon o industrial home workers

c. Labandera

d. Manikurista

e. Drayber o tsuper

f. Magsasaka

g. Mangingisda

h. Kasambahay

i. At iba pa

• Kung wala ang nasabing lugar kung saan pwedeng magpasuso, maaari pa ring
gamitin ang lactation break upang magkolekta ng gatas ng ina.

28
IYCF counselling card_december3.indd 28 12/3/2015 3:53:36 PM
CARD 11
29
IYCF counselling card_december3.indd 29 12/3/2015 3:53:37 PM
Card 12. Expanded Breastfeeding Promotion Act (RA 10028)

• Itinatakda ng Republic Act 10028 ang pagbibigay ng karagdagang oras, na hindi


bababa sa 40 minuto sa mga babaeng manggagawa na nagnanais magkolekta o
mag-imbak ng kanilang gatas sa oras ng trabaho.

• Ang itinakdang oras ng pahinga ay isang uri ng dagdag benepisyo sa mga


manggagawa. Ito ay hiwalay at hindi napapaloob sa mga regular na pahinga na
ibinibigay ng kompanya sa mga manggagawa gaya ng oras ng pananghalian,
oras ng meryenda, at iba pa.

• Sino mang babaeng manggagawa na gagamit ng 40-minutong pahinga upang


mangolekta ng gatas sa lugar paggawa ay di dapat kaltasan ng suweldo dahil
dito.

30
IYCF counselling card_december3.indd 30 12/3/2015 3:53:37 PM
CARD 12
31
IYCF counselling card_december3.indd 31 12/3/2015 3:53:38 PM
Card 13. Malinis na pangangatawan

• Ang malinis na pangangatawan ay mahalaga upang maiwasan ang pagtatae at


iba pang mga sakit.

• Hugasan ang iyong mga kamay gamit ang sabon at tubig bago maghanda
ng pagkain, bago pakainin ang sanggol, pagkatapos gumamit ng banyo, at
pagkatapos linisin ang puwet ng bata. Hugasan din ang kamay ng sanggol bago
pakainin.

• Maaari ring pag-usapan ang mga sumusunod:

- Wastong gamit ng palikuran o banyo at ‘di kung saan-saan lamang ang


pagdumi.

- Pagtakip sa mga pagkain upang hindi dapuan ng langaw.

- Paggamit ng malinis na lalagyan ng tubig-inumin at siguraduhing ito ay


may takip.

32
IYCF counselling card_december3.indd 32 12/3/2015 3:53:38 PM
CARD 13
33
IYCF counselling card_december3.indd 33 12/3/2015 3:53:39 PM
Card 14. Pagbibigay ng karagdagang pagkain sa bata pag-abot niya ng
6 na buwan

• Mula 6 na buwan, kailangan na ng iyong sanggol ng iba pang mga pagkain maliban sa gatas
ng ina.

• Ipagpatuloy ang pagpapasuso, araw at gabi, hangga’t gusto ng bata. Ito ang magpapanatili
ng kanyang kalusugan at lakas dahil ang gatas ng ina ay ang pinakamahalagang bahagi ng
pagkain niya.

• Laging unahin ang pagpapasuso sa sanggol bago siya bigyan ng iba pang pagkain.

• Sundin ang mga sumusunod na katangian kapag nagbibigay ng pagkain sa iyong sanggol:

1. Dalas: Pakainin ang iyong sanggol 2 beses sa isang araw.

2. Dami: Bigyan ang 2-3 kutsarang pagkain sa tuwing papakainin ang sanggol.
Sa ika-6 na buwan ng sanggol, ang mga pagkaing ito ay parang tikim lamang.

3. Lapot: ang pagkain ay dapat malapot at dumidikit sa kutsara.

4. Uri: simulan sa lugaw (mais, bigas at patatas), minasang saging o patatas.

5. Aktibong pagpapakain: Sa simula, maaaring tumanggi ang sanggol na kumain


dahil sanay siya sa gatas ng ina. Maging mapagpasensiya at maging aktibo sa
paghikayat sa iyong sanggol upang kumain. Gumamit ng hiwalay na plato ng
sanggol upang tiyakin na naubos ang pagkain na ibinigay na sa kanya.

• Hugasang mabuti ang iyong mga kamay at ang kamay ng iyong sanggol gamit ang sabon at
tubig bago kumain.

• Tiyaking malinis ang mga kagamitan sa paghahanda ng pagkain at pagpapakain ng sanggol.

34
IYCF counselling card_december3.indd 34 12/3/2015 3:53:39 PM
Simulan ang pagpapakain
sa ika-6 na buwan

CARD 14
35
IYCF counselling card_december3.indd 35 12/3/2015 3:53:40 PM
Card 15. VITAMIX Dagdag na 15 bitamina at mineral sa pagkain ng inyong
anak!

1. Maghugas ng kamay bago magpakain ng bata.

2. Kumuha ng tamang dami ng pagkain para sa isang kainan ng bata.

3. Siguraduhing hindi na gaanong mainit ang pagkain bago ibudbud ang lahat ng laman
ng pakete sa pagkain. Maaring maiba ang lasa ng pagkain kapag masyadong mainit
ito at hindi magustuhan ng bata.

4. Haluin nang mabuti ang pagkain.

5. Ipakain ito at tiyaking kumportable ang bata habang kumakain.

36
IYCF counselling card_december3.indd 36 12/3/2015 3:53:40 PM
CARD 15
37
IYCF counselling card_december3.indd 37 12/3/2015 3:53:41 PM
Card 16. Pagbibigay ng karagdagang pagkain sa bata mula 6 hanggang
9 na buwan
• Ipagpatuloy ang pagpapasuso, araw at gabi, hangga’t gusto ng bata. Ito ang magpapanatili ng
kanyang kalusugan at lakas dahil ang gatas ng ina ang pinakamahalagang bahagi ng pagkain niya.

• Laging unahin ang pagpapasuso sa sanggol bago siya bigyan ng iba pang pagkain.

• Sundin ang mga sumusunod na katangian bago magbigay ng mga pagkain sa iyong sanggol:

1. Dalas: Pakainin ang iyong sanggol 3 beses sa isang araw.

2. Dami: Unti-unting damihan ang pagkain hanggang ½ tasa (250 ml tasa). Gumamit ng
hiwalay na plato na para lamang sa sanggol upang tiyakin na naubos niya lahat ng pagkain
na ibinigay sa kanya.

3. Lapot: Bigyan ng minasang patatas o lugaw. Sa ika-8 buwan, ang iyong sanggol ay maaari
nang bigyan ng finger foods.

4. Iba’t-ibang uri ng pagkain: Subukan ang iba’t-ibang uri ng pagkain: (a) mga butil at
rootcrop tulad ng kanin, mais, patatas, atbp. (b) prutas at gulay na mayaman sa bitamina
(c) karne, isda, manok at itlog, at (d) butong gulay gaya ng sitaw, bataw, patani at mani.

• Hugasang mabuti ang iyong mga kamay at ang kamay ng iyong sanggol gamit ang sabon at tubig
bago kumain.

• Ang mga pagkaing mula sa hayop tulad ng karne at itlog ay mahalaga sa bata: lutuing mabuti at
hiwain nang pino bago ibigay sa bata.

Bigyan din ng masustansiyang meryenda tulad ng prutas o tinapay. Puwedeng bigyan ang bata ng
meryenda dalawang beses sa isang araw kung nanaisin.

• Gumamit ng asin na may yodo (iodized salt).

38
IYCF counselling card_december3.indd 38 12/3/2015 3:53:41 PM
Mula 6 hanggang 9 na buwan

CARD 16
39
IYCF counselling card_december3.indd 39 12/3/2015 3:53:42 PM
Card 17. Pagbibigay ng karagdagang pagkain sa bata mula 9 hanggang
12 na buwan
• Ipagpatuloy ang pagpapasuso, araw at gabi, hangga’t gusto ng bata. Ito ang magpapanatili ng
kanyang kalusugan at lakas dahil ang gatas ng ina ang pinakamahalagang bahagi ng pagkain niya.

• Laging unahin ang pagpapasuso sa sanggol bago siya bigyan ng iba pang pagkain.

• Sundin ang mga sumusunod na katangian kapag nagbibigay ng mga pagkain sa iyong sanggol:

1. Dalas: Pakainin ang iyong sanggol 4 na beses sa isang araw.

2. Dami: Unti-unting damihan ang pagkain hanggang ½ tasa (250 ml tasa). Gumamit ng
hiwalay na plato ng sanggol upang tiyakin na kinain niya lahat ng pagkain na ibinigay sa
kanya.

3. Lapot: Bigyan ng pagkain na tinadtad nang pinung-pino.

4. Iba’t-ibang uri ng pagkain: Subukan ang iba’t-ibang uri ng pagkain: (a) mga butil at
rootcrop tulad ng kanin, mais, patatas, atbp. (b) prutas at gulay na mayaman sa bitamina
(c) karne, isda, itlog at manok, at (d) butong gulay gaya ng sitaw, bataw, patani at mani.

• Hugasang mabuti ang iyong mga kamay at ang kamay ng iyong sanggol gamit ang sabon at tubig
bago kumain.

• Ang mga pagkaing mula sa hayop tulad ng karne at itlog ay mahalaga sa bata: lutuing mabuti at
hiwain nang pino bago ibigay sa bata. Bigyan din ng masustansiyang meryenda tulad ng prutas o
tinapay.

Puwedeng bigyan ang bata ng meryenda 2 beses sa isang araw. Piliin ang mga pagkain na madaling
ihanda, malinis at ligtas, karaniwan sa inyong lugar, at madaling hawakan ng bata: hiniwang
manggang hinog, papaya, saging, abokado, iba pang mga prutas at gulay, malambot na tinapay o
mga biskwit, at nilagang patatas at kamote.

• Gumamit ng asin na may yodo (iodized salt).

40
IYCF counselling card_december3.indd 40 12/3/2015 3:53:42 PM
Mula 9 hanggang
12 na buwan

CARD 17
41
IYCF counselling card_december3.indd 41 12/3/2015 3:53:42 PM
Card 18. Pagbibigay ng karagdagang pagkain mula 12 hanggang 24 na
buwan
• Ipagpatuloy ang pagpapasuso sa sanggol, araw at gabi. Napapanatili nito ang kalusugan at lakas ng
sanggol.

• Ang mga pagkaing mula sa hayop tulad ng karne at itlog ay mahalaga sa mga bata: lutuing mabuti
at hiwain nang pino bago ibigay sa bata.

Puwedeng bigyan ang bata ng meryenda 2 beses sa isang araw. Piliin ang mga pagkain na madaling
ihanda, malinis at ligtas, karaniwan sa inyong lugar, at madaling hawakan ng bata: hiniwang
manggang hinog, papaya, saging, abokado, iba pang mga prutas at gulay, malambot na tinapay o
mga biskwit, at nilagang patatas at kamote.

• Sundin ang mga sumusunod tungkol sa pagbibigay at paghahanda ng meryenda ng bata:

1. Dalas: Pakainin ang bata hanggang 5 beses sa isang araw.

2. Dami: Dagdagan ang dami hanggang ¾ tasa or 1 tasa (gumamit ng panukat na tasa).
Gumamit ng hiwalay na plato para sa bata upang malaman kung nauubos niya ang pagkain
na ibinibigay sa kanya.

3. Lapot: Puwede nang kainin ng bata ang kung ano man ang kinakain ng pamilya basta ito
ay hiniwa nang maliit para madali niyang makain.

4. Iba’t-ibang uri ng pagkain: Subukan ang iba’t-ibang uri ng pagkain: (a) mga butil at
rootcrop tulad ng kanin, mais, patatas, atbp. (b) prutas at gulay na mayaman sa bitamina
(c) karne, isda, manok at itlog, (d) butong gulay gaya ng sitaw, bataw, patani, at mani.
Iwasan ang softdrinks at mga pagkaing sobrang tamis.

• Hugasang mabuti ang iyong mga kamay at ang kamay ng iyong sanggol gamit ang sabon at tubig
bago kumain.

• Gumamit ng asin na may yodo (iodized salt).

42
IYCF counselling card_december3.indd 42 12/3/2015 3:53:42 PM
Mula 12 hanggang
24 na buwan

CARD 18
43
IYCF counselling card_december3.indd 43 12/3/2015 3:53:43 PM
Card 19. Iba’t–ibang pagkain
• Habang patuloy ang pagpapasuso sa bata hanggang 2 taong gulang o higit pa, bigyan siya araw-araw ng
karagdagang pagkain mula sa apat o higit pa sa mga sumusunod na grupo ng pagkain:

1. Pangunahing pagkain tulad ng kanin, mais, kamote at patatas.

2. Pagkaing butong gulay gaya ng sitaw, bataw, patani at mani.

3. Mga pagkain mula sa hayop gaya ng karne, manok, isda at mga lamang loob gaya ng atay.

4. Itlog.

5. Pagkaing mayaman sa bitamina A na prutas (mangga, papaya, dalandan) at gulay (berde at madahong
gulay, karot at kalabasa).

6. Iba pang prutas at gulay (saging, pinya, kamatis, abokado, talong at repolyo).

• Mahalagang pakainin ng karne at iba pang pagkaing mula sa hayop ang mga sanggol at bata. Mainam na
ibigay ang mga ito habang maaga at gawin nang mas madalas. Lutuing mabuti at hiwain nang pino.

• Bigyan ng meryenda ang sanggol o bata 2 beses sa isang araw. Puwedeng bigyan siya ng manggang hinog,
saging, abokado, papaya, o iba pang prutas at gulay, at malambot na tinapay, nilagang patatas at kamote.

• Gumamit ng asin na may yodo (iodized salt).

Para sa counselor: Minsan may mga maling paniniwala ang mga ina tungkol sa kung ano ang dapat at
hindi dapat ipakain sa bata. Mahalagang maitama ang mga ito kung kaya’t kailangang ituro sa kanila ang
kahalagahan ng pagbibigay sa bata ng iba’t ibang uri ng pagkain at ang sustansiyang makukuha mula sa mga
ito. Ilan sa mga maling paniniwala:

- Ang atay ng manok ay nakaka-ketong.

- Ang isda ay nakakabulate.

- Hindi matutunawan ang bata kung papakainin ito ng mga madahong gulay.

44
IYCF counselling card_december3.indd 44 12/3/2015 3:53:43 PM
Tamang nutrisyon para sa sanggol

CARD 19
45
IYCF counselling card_december3.indd 45 12/3/2015 3:53:44 PM
Card 20. Lalong-lalo na kung may kalamidad:

1. Magpasuso kaagad pagkapanganak.

2. Magpasuso nang madalas upang dumami ang inyong gatas.

3. Ang inyong gatas ay pagkain at panlaban sa sakit kaya tanging gatas ng ina lamang
ang ibigay sa sanggol mula pagkasilang hangang anim na buwan.

4. Masama sa kalusugan ni baby ang formula milk at iba pang gatas, iba pang pagkain at
inumin, pati na rin feeding bottles.

5. Nakaka-relax sa iyo at sa iyong sanggol ang pagpapasuso.

6. Kailangan mo ang support ng lahat upang maging matagaumpay sa pagpapasuso.

46
IYCF counselling card_december3.indd 46 12/3/2015 3:53:44 PM
CARD 20
47
IYCF counselling card_december3.indd 47 12/3/2015 3:53:45 PM
Card 21. Pagtatanim ng gulay sa paligid

• Ang home gardening o pagtatanim ng sari-saring gulay sa paligid ay


makatutulong upang masigurong may pagkukuhanan ng masustansiyang
pagkain para sa pamilya, lalo na sa mga bata at mga buntis at nagpapasusong
ina.

• Kung may malawak na matatamnan, makatutulong din ito upang magkaroon ng


dagdag na pagkakakitaan ang pamilya.

• Magtanong sa inyong lokal na tanggapan ng agrikultura o sa municipal


agriculturist tungkol sa tamang pag-aalaga ng mga pananim at kung may mga
libreng buto o punla.

• Maari ding mag-alaga ng mga maliliit na hayop gaya ng manok na maaring


mapagkunan ng itlog.

48
IYCF counselling card_december3.indd 48 12/3/2015 3:53:45 PM
CARD 21
49
IYCF counselling card_december3.indd 49 12/3/2015 3:53:46 PM
Card 22. Kung may sakit ang sanggol

• Para sa sanggol na hanggang 6 na buwan, pasusuhin nang mas madalas


kung may karamdaman, kabilang na ang pagtatae. Ito ay upang higit niyang
malabanan ang sakit, maiwasan ang pagbaba ng timbang, at mabilis na
bumalik ang dating sigla. Ang pagpapasuso ay nagbibigay din ng magandang
pakiramdam sa bata. Kung ayaw sumuso, sikaping hikayatin siyang sumuso.

• Ang sanggol na higit sa 6 na buwan ay nangangailangan ng sapat na pagkain


bukod sa gatas ng ina. Kung mawalan ng ganang kumain, hikayatin siyang
kumain kahit paunti-unti lang pero madalas.

Bigyan siya ng mga pagkaing madaling matunaw, tulad ng mga lugaw at iwasan
ang mga matataba at maaanghang na pagkain. Kung nagtatae ang bata, mas
mainam kung siya ay kumakain.

• Kung ang sanggol ay sobrang hina upang makasuso, maglabas ng gatas mula
sa suso at ibigay ito sa bata gamit ang maliit na baso o kutsara. Makatutulong
din ito sa ina upang patuloy ang daloy ng gatas at maiiwasang magkaroon ng
problema sa suso.

• Bigyan lamang ang sanggol ng gatas ng ina at gamot na rekomendado ng


doktor o health worker.

• Lalong padalasin ang pagpapasuso sa sanggol pagkatapos nitong gumaling sa


sakit upang mabilis nitong mabawi ang dating sigla at timbang.

Kung ang bata ay higit 6 na buwan, hikayatin siyang kumain ng higit sa normal
niyang kain sa loob ng 2 linggo.

50
IYCF counselling card_december3.indd 50 12/3/2015 3:53:46 PM
Kung may sakit ang sanggol

Pasusuhin nang Kung mahina ang


madalas pagsuso

CARD 22
51
IYCF counselling card_december3.indd 51 12/3/2015 3:53:47 PM
Card 23. Pagpaplano ng pamilya

• Ang ekslusibong pagpapasuso o pagbibigay ng gatas ng ina lamang sa unang 6


na buwan ng sanggol ay nakatutulong sa iyo at iyong sanggol.

• Kung ikaw ay eksklusibong nagpapasuso, maiiwasan lamang ang muling


pagbubuntis kung:

1. Eksklusibo ang pagpapasuso sa araw at gabi

2. Ang sanggol ay wala pang 6 na buwan

3. Hindi pa bumalik ang menstruation o buwanang dalaw

• Ang tamang agwat ng panganganak ay mula 3 hanggang 5 taon. Mainam na


maghintay hanggang ang iyong anak ay mag-2 or -3 taon bago ito sundan.
Mainam ding maghintay ng 6 na buwan pagkatapos ng pagpapasuso bago
muling magbuntis.

• Mahalagang humingi ng payo sa pinakamalapit na klinik tungkol sa mga


makabagong pamamaraan sa pagpaplano ng pamilya at kung kailan at paano
gagamitin ang mga ito.

52
IYCF counselling card_december3.indd 52 12/3/2015 3:53:47 PM
Lactational Amenorrhea Condom Calendar Method
Method (LAM)

Injectables Birth Control Pills Implants

Bilateral Tubal Ligation No-Scalpel Vasectomy Intra-uterine device


(BTL) (NSV) (IUD)

CARD 23
53
IYCF counselling card_december3.indd 53 12/3/2015 3:53:47 PM
Card 24. Pagsubaybay sa kalusugan ng bata

• Ang malusog na bata ay patuloy na tumataas ang timbang at tangkad kada


buwan. Kung hindi tumataas o bumababa pa ang timbang at laki ng bata,
mayroong problema.

• Palagiang dumalo sa mga growth monitoring and promotion (GMP) sessions


upang masigurado ang kalusugan ng sanggol at bata.

• Dalhin ang sanggol sa growth monitoring and promotion session kada buwan
sa loob ng 2 taon at sundin ang mga payo ng health at nutrition worker para sa
patuloy na pagsubaybay sa kalusugan ng bata hanggang sa ikatlong taon nito at
higit pa.

54
IYCF counselling card_december3.indd 54 12/3/2015 3:53:47 PM
CARD 24
55
IYCF counselling card_december3.indd 55 12/3/2015 3:53:49 PM
Card 25. Kailan dapat dalhin sa pagamutan ang sanggol o bata?

• Dalhin agad sa health worker o health center ang sanggol o bata kung
nararanasan ang kahit isa sa mga sumusunod:

1. Ayaw kumain at patuloy na nanghihina

2. Nagsusuka

3. Kinukombulsyon o tumataas ang temperatura

4. Mabilis at hindi normal ang paghinga

5. Nahihirapang huminga

6. Parang hinihigop ang ibabang bahagi ng dibdib kapag humihinga, o ang


tiyan ay taas-baba

7. Nagtatae (mahigit 3 beses sa isang araw sa loob ng 2 araw, at may


kasamang dugo ang tae); lubog ang mga mata

8. Mataas ang lagnat



9. Malnourished (bumaba ang timbang o namamaga ang katawan)

10. Nanghihina at walang sigla

56
IYCF counselling card_december3.indd 56 12/3/2015 3:53:49 PM
CARD 25
57
IYCF counselling card_december3.indd 57 12/3/2015 3:53:49 PM
NOTES:

58
IYCF counselling card_december3.indd 58 12/3/2015 3:53:49 PM
59
IYCF counselling card_december3.indd 59 12/3/2015 3:53:49 PM
June 2015

60
IYCF counselling card_december3.indd 60 12/3/2015 3:53:50 PM

You might also like