You are on page 1of 2

Jen Corporal Saman

8 - Tactful

Ang relihiyon ay organisadong


sistema ng pagsamba. Isang
kalipunan ng paniniwala. May
kinikilalang Diyos na
makapangyarihan sa lahat.

Ang mga kilalang pangunahing relihiyon sa daigdig ay ang mga


sumusunod:
o Kristiyanismo
Ang Kristiyanismo ay isang Abrahamikong monoteistikong relihiyon batay sa
buhay at mga turo ni Hesus Nazareth. Ang mga tagasunod nito, na kilala bilang
mga Kristiyano, ay naniniwala na si Jesus ay ang Kristo, na ang pagdating bilang
Mesiyas ay ipinropesiya sa Bibliyang Hebreo, tinawag na Lumang Tipan sa
Kristiyanismo, at isinulat sa Bagong Tipan.

o Islam
Ang Islam ay isang Abrahamikong monoteistikong relihiyon na nagtuturo na si
Muhammad ay isang sugo ng Diyos. Ito ang pangalawang pinakamalaking relihiyon
sa mundo. Ang kanilang propeta ay si Mohammed at ang kanilang kinikilalang
Diyos ay si Allah. Muslim ang tawag sa mga tagasunod ng Islam.

o Hinduismo
Hinduismo ang pinakalumang relihiyon at pinakamatandang relihiyon sa buong
mundo. Sila ay sumasamba sa iisang Diyos na kung tawagin nating “Brahman”. Ang
kanilang bathalang si Brahman ay kilala sa tatlong katauhan, ito ay sila Brahma,
Vishnu, at Shiva.
Jen Corporal Saman
8 - Tactful

o Judaismo
Ito ang relihiyon ng mga Hudyo o mga Israelita. Isa ito sa Abramikong relihiyon na
kinabibilangan ng mga Kristiyanismo. Naniniwala ang mga Hudyo na ang Diyos
ang lumikha ng lahat ng nandito sa daigdig.

o Budismo
Ang Budismo ay isang pananampalataya na itinatag ni Siddhartha Gautama ("the
Buddha") mahigit 2,500 taon na ang nakalilipas sa India. Sa humigit-kumulang 470
milyong tagasunod, itinuturing ng mga iskolar na ang Budismo ay isa sa mga
pangunahing relihiyon sa daigdig. Ang pagsasagawa nito sa kasaysayan ay naging
pinakatanyag sa Silangan at Timog Silangang Asya.

Kristiyanismo Islam Judaismo

Hinduismo Budismo

You might also like