You are on page 1of 4

Uri ng mga Anyong Lupa

ANYONG LUPA – Narito ang iba’t ibang uri ng mga Anyong Lupa kabilang na ang Kapatagan, Bundok, Bulubundukin,
Bulkan, Burol, Lambak, Talampas, at Tangway.

1. Kapatagan

Maraming kapatagan sa Pilipinas lalong-lalo na sa Luzon. Ito ang uri


ng lupa na walang pagtaas at pagbaba. Patag ang lupain na ito at
malawak. Mainam itong tamnan ng iba’t ibang pananim katulad ng
gulay dahil madali itong linangin.

2. Bundok

Ang isa pang kilala na anyong lupa ay ang bundok. Maraming bundok
sa iba’t ibang dako ng mundo. Ito ay makikilala dahil sa mataas na
pagtaas ng lupa.

3. Bulubundukin

Ang bulubundukin ay binubuo ng maraming magkakahanay na


bundok o pagtaas ng lupa ng daigdig. Mas matataas at matatarik ito
kaysa sa bundok.

4. Bulkan

Ang bulkan ay isa ring uri ng bundok. Subalit, malaki ang ipinagkakaiba
nila dahil ang bulkan ay maaring maglabas ng “lava” o mga tunaw na
bato. May mga bulkan na aktibo at mayroon din namang hindi aktibo.

5. Burol

Bukod sa bulkan, may isa pang uri ng anyong lupa na malapit rin sa
bundok. Ito ay ang burol na parang maliliit na bundok ngunit higit na
mas mahaba ito at pabilog.

Kadalasan, ang burol ay kulay luntian tuwing tag-ulan at kulay


tsokolate tuwing tag-araw. Ang isa sa pinakatanyag na burol ay
ang Chocolate Hills sa Bohol.
6. Lambak

Ang Lambak ay isang patag na lupa na nasa gitna ng mga bundok.


Katulad ng kapatagan, mainam rin itong taniman ng mga mais,
gulay, at iba pang pananim dahil mabilis itong linangin.

7. Talampas

Ang Talampas ay medyo malapit sa Lambak. Madali rin itong linangin


at patag rin. Ang ipinagkakaiba nila ay sa lokasyon.

Ang Talampas ay makikita sa isang mataas na lugar habang ang Lambk


naman ay kadalasan sa mga mababang lugar napapalibutan ng
bundok.

8. Tangway

Isa sa mga anyong lupa ay ang Tangway. Ito ay lupa na nakausli ng


pahaba at may tubig sa paligid ng tatlong sulok nito.

Mga Anyong Tubig

Anyong Tubig
Ang bansang Pilipinas ay nagtataglay ng likas na yaman, isa na dito ang mga Anyong Tubig

Ang anyong tubig ay parte ng mundo na nagtataglay ng tubig,


kadalasang tinatakpan nito and Daigdig. Ito ay binubuo ng:

1. Dagat
Ang Dagat ay isang malaking lawas ng tubig-alat na nakadugtong sa
isang karagatan, o ng isang malaking lawang-alat na walang likas na
lagusan gaya ng Dagat Caspian at Dagat Patay (Dead Sea). Ang
Dagat ng Galilee (Sea of Galilee) ay isang maliit na lawang-tabang na
may likas na lagusan, ngunit ang katawagan ay ginamit pa rin para
dito. Sa kolokyal na gamit, singkahulugan ng katawagan ang
karagatan. "DAGAT" isang bahaging likido/fluido o agos sa ating
daigdig na malawak na bahagi ng tubig na may alat o
asin.Tinatayang ikatlong bahagi ng daigdig ay karagatan kung saan duon nanahan ang napakaraming uri ng hayop gaya
ng mga isda,balyena o butanding,pawikan,page,pating at iba pa.Ang tubig dagat ay may maraming uri ng mineral na
siyang naging dahilan ng napakayamang bilang ng kaurian ng mga buhay na nilalang dito.Sa katutubong salita ito ay
"Atab" na pinagmulan naman ng salitang "taib" o high tide.samantala ang low tide naman ay tinawag na "hibas" sa
tagalog, bikol at bisaya.
2. Karagatan
Ang karagatan ay ang pangunahing bahagi ng anyong tubig, at
prinsipal na bahagi ng kalawakan ng tubig o hidrospera. Tinatayang
nasa 72% ng ibabaw ng Daigdig (isang lawak ng mga 361 kilometro
kwadrado) ang natatakpan ng karagatan, isang patuloy na bahagi ng
tubig na nakaugaliang hinahati sa ilang mga pangunahing mga
karagatan at maliliit na mga dagat. Ang World Oceans Day ay
ipinagdiriwang taon-taon tuwing Hunyo 8

3. Ilog
Ang ilog ay isang malaking likas na daanang tubig. Maaaring
pinagkukunan nito ang isang lawa, isang bukal o pagtitipon ng maliit
na mga batis, kilala bilang agos. Mula sa pinagkukunan, dumadaloy
pababa ng isang burol ang lahat ng mga ilog, na kadalasang tumitigil
sa mga karagatan. Ang mga ilog, dahil ito ay nagbibigay ng inumin sa
mga tao noong prehistoriko, ay itinuturing pinagmumulan ng mga
kabihasnan.

4. Look
Ang look (Ingles: gulf, bay, harbor, sound, inlet) ay isang baiya na
maaaring gamitin bilang kanlungan ng sasakyang pandagat,katulad ng
mga bapor, partikular na kung may malalakas na mga bagyo. Ito ang
tinatawag na "braso" ng isang dagat. Golpo ang tawag sa malalaking
look. Kaugnay nito, tinaguriang kalookan ang pinakapanloob at
kurbadang rehiyon ng isang golpo. Isang halimbawa nito ang look ng
Maynila.

5. Lawa
Ang lawa ay isang anyong tubig na pinapalibutan ng lupain. Karamihan
sa mga lawa sa daigdig ay tubig tabang, at halos lahat ay matatagpuan
sa Hilagang Hemispero. Tinatawag namang mga panloob na dagat ang
mga malalaking lawa.

6. Bukal
Ang bukal ay ang anyo ng tubig na sumusulpot sa mga siwang ng bato.
Kadalasang matatagpuan ang mga ito sa dalisdis ng bundok o sa mga
lugar na may bulkan. Malamig ang tubig ng mga bukal, samantalang
mainit naman ang tubig ng bukal na malapit sa bulkan. May mineral
ang tubig dito kaya nakagagamot ng rayuma at mga sakit sa balat.
7. Kipot
Ang kipot o kakiputan ay Isang makitid na lagusan ng tubig sa
pagitan ng dalawang mga pulo. Isang halimbawa ang Kipot ng San
Bernardino na matatagpuan sa pagitan ng kapuluan ng samar at
sorsogon (bikol).

8. Talon
Ang talon ay mga daloy ng tubig mula sa isang mataas hanggang sa
mababang bahagi ng isang pook. Nabubuo ang mga ito kapag
dumadaloy ang tubig mula sa isang lugar na may matitigas na mga
batuhan patungo sa mas mabubuwag o mahihinang uri ng lupa, yelo
o bato.

9. Tangway
Ang tangway o peninsula ay isang makitid at mahabang anyong lupa
na nakaungos sa dagat o iba pang bahaging tubig. Nagmula ang
salitang peninsula sa dalawang salitang Latin na paene na
nangangahulugang halos at insula na ang ibig sabihin ay pulo.

10. Sapa
Ang sapa ay maliit na anyong tubig at kadalasang natutuyo kapag tag-
init..
Ang heograpiya ay tumutukoy sa mga katangian at tekstura ng isang
bansa.Maaari din itong tumutukoy sa iba’t ibang klima,aspeto ng
kalikasan at kapaligiran,mga anyong lupa at anyong tubig ,at iba pang
pagsasalarawan sa isang bansa ayon sa kanyang pisikal na katangian..

You might also like