You are on page 1of 41

Our Lady of The Pillar College – San Manuel, Inc

District No. 3, San Manuel, Isabela

SENIOR HIGH SCHOOL DEPARTMENT


School Year 2020-2021
First Quarter Period

FILIPINO 12
Modyul 1
Komunikasyon sa Piling Larang (Akademik)

Inihanda ni:

JOSEPH ALFONSO M. ARQUERO, LPT


Guro sa Filipino
arquerooteptotep@gmail.com
09554134005

Page 1
PANIMULA
OLPCC VISION:
OLPC-C, a Catholic College, as an evangelizing arm of the
Local Church, envisions a totally transform Christian
Community.
OLPCC MISSION:
Thus, OLPCC as a sharer in the life and mission of the local
church commits to:

a. Provide equal opportunity and access to quality education


integrating Gospel and Filipino cultural values, respective
and relevant to the needs of times.
b. Create in the school community an atmosphere and
opportunities for individual transformation that lead to
Christian Community living.
c. Reach out to people to people enriching their faith- life
experience needed in building just and humane society.
PILLARICAN PHILOSOPHY OF EDUCATION:

Pillarican education is a life long journey towards the total


human transformation through integral Evangelization so that
everyone will become a pillar of peace, justice, love of
humanity with preferential option for the poor and deep
concern for the environment.

Core Values: P –People oriented with preferential option for the poor
I – Insistent passion for excellence
L- loyal to the school and teamwork oriented
L- life long learners
A- Accountable and Christ- oriented and
R- Responsible Filipino citizen with social and environmental consciousness

Tala ng Guro:
1. Ang modyul ng pagkatuto na ito ay idinisenyo at hinihikayat ka na gawin ang independent at self-
regulated na pag-aaral at bubuo sa kasanayan sa ika-21 siglo.
2. Iskedyul at pamahalaan ang iyong oras upang mabasa at maunawaan ang bawat bahagi ng modyul.
Basahin ito nang paulit-ulit hanggang sa maunawaan mo ang punto.
3. Pag-aralan kung paano mo mapamamahalaan upang gawin ang mga aktibidad ng paksang ito bilang
pagsasaalang-alang sa iyong iba pang mga module mula sa ibang mga paksa. Maging mahusay sa
kamalayan sa iskedyul ng pag-aaral.
4. Bago mo simulang gawin ang iyong gawain, basahin at unawain ang mga tool sa pagtatasa na
ibinigay. Huwag pumalagi sa mababang mga pamantayan, i-target ang pinakamataas na satandard sa
paggawa ng iyong gawain. Alam kong kaya mo.
5. Malaya kang mag-browse at magbasa ng iba't ibang mga materyales kahit bago gawin ang gawain sa
bawat yunit ng modyul. Gayunpaman, kailangan mong tiyakin na hindi mo makaligtaan ang anumang
bahagi ng modyul at bawat aktibidades sa bawat yunit. Para sa mga tanong sa sanaysay, huwag
mangopya at huwag mag-patch sumulat. “Patch Plagiaraizing”. Isulat nang maayos at mahusay.
6. Gumamit ng rubrics upang gabayan ka sa paghahanda at pagsusuri ng mga output.
7. Sundin nang mahigpit ang naibigay na oras ng mga aktibidad. Laging paalalahanan ang iyong sarili sa
mga huling oras. Basahin nang maaga. Subukang asahan ang posibleng mga salungatan sa pagitan ng
iyong personal na iskedyul at aming iskedyul.
8. Ang mga pagsusuri ng Summative Assessment tulad ng unit test, pagsusulit, ay isasagawa gamit ang
aming Learning Management System (Aralinks). Ito ay i-e-iskedyul ng isang linggo bago upang magkaroon
ka ng oras upang magrebyu.
9. Anumang mga query at puna tungkol sa ating mga paksa ay mabibigyang pansin sa oras ng
konsultasyon sa pamamagitan ng google meet o zoom, Lunes at Biyernes, 2; 30-3; 30 PM. para sa kagyat
na tugon, maaari kang magpadala ng mensahe sa akin sa pamamagitan ng numero ng telepono na
ibinigay sa takdang pahina.

Page 2
10. Sa huli, ikaw ang mag-aaral; samakatuwid, gagawin mo mismo ang modyul. Susuportahan ka ng iyong
mga miyembro ng pamilya at mga kaibigan sa bahay ngunit dapat mong gawin ang mga aktibidad.
bilang Pillarican, we always demonstrate our core values of Insitent Passion for Excellence, Life Long
Learners and Accountable and Christ-Orriented.

Page 3
Modyul 1: Pagsulat sa Filipino
sa Piling LarangAkademik

Ang modyul na ito ay tungkol sa Kahalagahan ng Pagsusulat at Ang Akademikong Pagsulat na


inihanda para sa pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang. Ito ay
naglalayong sanayin ang mga mag-aaral sa pagsulat ng iba‟t ibang sulating lilinang sa mga kakayahang
magpahayag tungo sa mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling larangan. Tatalakayin sa
modyul na ito ang mga katuturan ,layunin, ,kahalagahan ,uri at gamit ng pagsusulat at ng iba‟t ibang
katangian at uri ng akademikong sulatin. Hahasain ka sa pagsusulat ng iba‟t ibang akademikong sulatin sa
pamamagitan ng maayos na pagsunod sa mga panuntunan upang matamo ang mga kasanayang
hinahangad. Ang mga paksa,babasahin,gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa
kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan , napapanahon,
kawili-wili ,nakalilinang ng kritikal at mapanuring na pag-iisip .

Aralin 1: Ang Kahalagahan Ng Pagsulat At Ang Akademikong Pagsulat


Gawain 1
Sagutin ng tama o mali ang sumusunod na mga pahayag tungkol sa pagsulat. Sa nakalaang linya ay
magbigay ng maikling paliwanag kaugnay ng iyong sagot.
_____1. Ang wikang Filipino ay isang wika ng intelektuwalisasyon.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
_____2. Ayon sa Konstitusyon ng Pilipina, ang Filipino ay isa sa mga opisyal na wikang panturo sa
mga paaralan.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
_____3. Ang malikhaing pagsulat at teknikal na pagsulat ay kapwa maituturing na akademikong
pagsulat.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
_____4. Ang paggamit ng salitang kolokyal o balbal ay mahalagang bigyang-pansin sa pormal
na pagsulat ng pananaliksik.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
_____5. Mahalagang isaalang-alang ang wika, paksa, at layunin sa anumang uri ng pagsulat.
Paliwanag:__________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
Gawain 2
Panuto: Sagutin nang may katotohanan, wasto, mabisa at kawili-wili ang katanungan na may
kaugnayan na pagsusulat. Kailan ka pinakahuling sumulat? Anong uri ng sulatin ito ? Bakit nagustuhan mo
ito sulatin? Ano-anong kabutihang: dulot sa pagsusulat ? Ilahad mo ito sa kahon.

Page 4
LAYUNIN: Pagkatapos basahin at pag-aralan ang modyul na ito, kayo ay inaasahang:
a. Nabibigyang-kahulugan ang akademikong pagsulat;
b. Nakikilala ang iba‟t ibang akademikong sulatin ayon sa; (a) Layunin (b) Gamit (c)
Katangian (d) Anyo
c. Nakapagsasagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan, kalikasan,
at katangian ng iba‟t ibang anyo ng sulating akademiko
d. Nakikilala ang mga katangian ng mahusay na sulating akademiko sa pamamagitan
ng mga binasang halimbawa

ANG PAGSUSULAT
Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa
mga mag-aaral. Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2009) ang pagsusulat ay isang kasanayang
naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng tao gamit ang
pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Ayon naman kay
Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong
Filipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa
pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan
ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa
pamamagitan ng pagsusulat, maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin ,
paniniwala , at layunin ng tao sa tulong ng mga salita ,ayos ng pangungusap sa mga
talata hanggang sa mabuo ang isang akda o sulatin.
May iba‟t ibang dahilan ang tao sa pagsusulat. Para sa iba ,ito ay nagsisilbing libangan
sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa iba ang kanilang mga ideya at
kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-siya para sa kanila. Anuman ang dahilan ng
pagsusulat , ito ay nagdudulot ng malaking tulong sa nagsusulat,sa mga taong
nakabasa nito,at maging sa lipunan sa pangkalahatan sapagkat ang kanilang mga
sinulat ay magiging dokumento ng nakalipas na pangyayari o panahon na magsisilbing
tulay para sa kabatiran ng susunod na henerasyon.Ayon kay Mabilin (2012) ang
2pagsusulat ay isang pagpapahayag ng kaalamang kailanman ay hindi naglalaho sa
isipan ng mga bumasa at babasa sapagkat ito ay maaaring magpasalin-salin sa bawat
panahon.Maaaring mawala ang alaala ng sumulat ngunit ang kaalamang kanyang
ibinahagi ay manatiling kaalaman.
Kaya naman,sa limang makrong kasanayang pangwika , ang pagsusulat ay isa
rin sa mga dapat pagtuunan ng pansin na malinang at mahubog sa mga mag-aaral
sapagkat dito masusukat ang kanilang kahandaan at kagalingan sa iba‟t ibang
disiplina. Sa mga makrong kasanayang tulad ng pakikinig ,pagbabasa,
panonood,madalas ang isang indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o
nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan. Subalit sa pagsasalita at
pagsusulat ang taong nagsagawa nito ay nagbabahagi ng kanyang mga kaisipan at
nalalaman tungkol sa isang tiyak na paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi at
isinulat.
Layunin at Kahalagahan ng Pagsulat
Ayon kay Royo , na nasulat sa aklat ni Dr. Eriberto Astorga ,Jr. na Pagbasa ,
Pagsulat at Pananaliksik (2001), malaki ang naitutulong ng pagsulat sa
paghubog ng damdamin at isipan ng tao. Sa pamamagitan nito, naipahahayag niya
ang kanyang damdamin, mithiin ,pangarap , agam-agam, bungang-isip at mga
pagdaramdam. Dahil din sa pagsulat , nakikilala ng tao ang kanyang sarili,ang
kanyang mga kahinaan at kalakasan, ang lawak at tayog ng kanyang isipan ,at ang
mga naaabot ng kanyang kamalayan. Ang pangunahing layunin ng pagsulat ay ang
mapabatid sa mga tao o lipunan ang paniniwala, kaalaman at mga karanasan ng taong
sumusulat. Kaya naman , napakahalaga na bukod sa mensaheng taglay ng akdang
susulatin, kailangan ang katangiang mapanghikayat upang mapaniwala at makuha
ang atensyon ng mga mambabasa. Mahalagang isaalang-alang ang layuning ito
sapagkat masasayang ang mga isinulat kung hindi ito magdudulot ng kabatiran at
pagbabago sa pananaw ,pag-iisip at damdamin ng makababasa nito.

Page 5
Ayon naman kay Mabilin ,sa kanyang aklat na Transpormatibong
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng
pagsulat ay maaaring mahati sa dalawang bahagi. Una ,ito ay maaaring personal o
ekspresibo kung saan ang layunin ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling
pananaw,karanasan,naiisip o nadarama ng manunulat.Ang ganitong paraan ng
pagsulat ay maaaring magdulot sa bumabasa ng kasiyahan,kalungkutan , pagkatakot
, o pagkainis depende sa layunin ng taong sumusulat. Ang karaniwang halimbawa nito
ay ang ginagawa ng mga manunulat ng sanaysay ,maikling kwento , tula , dula ,awit
at iba pang akdang pampanitikan. Pangalawa, ito ay maaari namang maging
panlipunan o sosyal kung saan ang layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa
ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat
ay transaksiyonal. Ang mga halimbawa nito ay ang pagsulat ng liham ,balita,
korespondensya , pananaliksik ,sulating panteknikal ,tesis, disertasyon at iba pa.
Ginagawa ang mga sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba
kundi ang layuning makipag-ugnayan sa tao o sa lipunan. Sa kabilang dako, maaari
rin naming magkasabay na maisagawa ang layuning personal at panlipunan partikular
sa mga akdang pampanitikang naisulat bunga ng sariilng pananaw ng may-akda na
maaaring magkaroon ng tiyak na kaugnayan sa lipunan tulad halimbawa ng talumpati
na karaniwang binibigkas sa harap ng madla upang maghatid ng mensahe at
manghikayat sa mga nakikinig .
Sa pangkalahatan, narito ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat.
1.Masasanay ang kakayahang mag-organisa ng mga kaisipan at maisulat ito sa pamamagitan ng
obhetibong paraan.
2.Malilinang ang kasanayan sa pagsusuri ng mga datos na kakailanganin sa isinasagawang imbestigasyon
o pananaliksik.
3. Mahuhubog ang isipan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa pamamagitan ng pagiging
obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa mga nakalap
na impormasyon.
4.Mahihikayat at mapauunlad ang kakayahan sa matalinong paggamit ng aklatan sa paghahanap ng
mga materyales at mahahalagang datos na kakailanganin sa
pagsulat.
5. Magdudulot ito ng kasiyahan sa pagtuklas ng mga bagong kaalaman at pagkakaroon ng
pagkakataong makapag-ambag ng kaalaman sa lipunan.
6. Mahuhubog ang pagpapahalaga sa paggalang at pagkilala sa mga gawa at akda ng kanilang pag-
aaral at akademikong pagsisikap.
7. Malilinang ang kasanayan sa pangangalap ng mga impormasyong mula sa iba‟tibang batis ng
kaalaman para sa akademikong pagsusulat.

Gawain 3
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN: Batay sa nabasa at napag-aralang
katuturan,layunin at kahalagahan ng pagsulat. Sagutin ang mga katanungan sa tulong
ng wastong paggamit ng wika.
1.Ano ang kahulugan ng pagsusulat batay sa iyong binasa?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________________.
2. Sa mga makrong kasanayang pangwika, alin dito ang kailangang linangin at
hubuging lubos ? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_____________________________________________________________.
3. Ano-ano ang mga bagay na dapat taglayin sa akdang susulatin?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
__________________________________________________________.
4. Anong akdang pampanitikan ang maaaring magkasamang maisagawa ang
layuning personal at panlipunan? Bakit?
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Page 6
_______________________________________________________.
5. Naniniwala ka bang dapat ngang kunin ng lahat ng kurso ang asignaturang ito?
Ipaliwanag ang iyong sagot
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Gawain 4
Panuto: PAGTUKOY SA AKADEMIKONG SULATIN: Kilalanin ang mga halimbawa
ng akademikong sulatin upang magkaroon nang mas malinaw na konsepto at
kaalaman ukol dito. Piliin ang titik ng tamang sagot sa kahon.
A.Panunuring Pampanitikan
B.Bibliyogarapiya
C.Tesis
D.Artikulo
E.Konseptong papel
F.Pamanahong papel
G.Disertasyon
H.Pagsasaling-wika
I.Aklat
J.Abstrak
___1. Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo. May
ilang nasa sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring makagawa ng
ganitong sulatin. Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-akademiko.
___2. Panimulang pag-aaral o proposal, ito ay kabuuan ng ideyang nabuo mula sa
isang balangkas o framework.
___3.Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat.
Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o
propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer at
Masterado.
___4.Isang pormal na sulatin ukol sa isang paksa na ginagawa para sa titulong doktor.
___5. Pagsusuri ng isang panitikan sa mas malalim na ideyang nais ihatid ng
manunulat.
___6. Mga pahayag, ideya, o ilang uri ng panitikang na sa isang wika ay ihahayag sa
ibang anyo ng wika.
___7.Kalipunan ng mga kaalaman para sa kapaki-pakinabang paghahatid ng
karunungan
(Maaaring pahayagan, magasin, at iba pa).
___8. Ito ay sulating naghahatid ng iba‟t ibang impormasyon na may kinalaman sa
iba‟t ibang paksa gaya ng mga nangyayari sa ating lipunan, kalusugan, isports,
negosyo, at iba pa.
___9.Ang kasaysayan, pagkilala o paglalarawan ng mga nasulat o sulatin o
pablikasyon. Kasama rin ang posisyong papel, sintesis, bionote, panukalang proyekto,
talumpati, katitikan ng pulong, replektibong sanaysay, agenda, pictorial essay, lakbaysanaysay at
abstrak.
___10.Uri ng paglalagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga akademikong
papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko at teknikal ,lektyur, at mga report.

Gawain 5
Panuto: PAGPAPATUNAY SA KASAGUTAN: Sagutin ng TAMA
o MALI ang sumusunod na pahayag tungkol sa pagsulat sa nakalaang linya ay
magbigay ng malikling paliwanag kaugnay sa iyong sagot.
_________1. Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong
Komunikasyon sa Akademikong Filipino (2012), Ang Pagsulat ay isang pambihirang
gawaing pisikal at mental dahil sa pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais
niyang ipahayag sa pamamagitan ng paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang
kagamitang maaaring pagsulatan.
Paliwanag:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
Page 7
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________
_________2.Ito ang kahalagahan o benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat
na mahuhubog ang katawan ng mga mag-aaral sa mapanuring pagbasa sa
pamamagitan ng pagiging obhetibo sa paglalatag ng mga kaisipang isusulat batay sa
mga nakalap na impormasyon.
Paliwanag:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________
_________3. Anuman ang dahilan ng pagsusulat , ito ay nagdudulot ng malaking
tulong sa nagsusulat,sa mga taong nakabasa nito,at maging sa lipunan sa
pangkalahatan.
Paliwanag:
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
_____________________

Mga Gamit at Pangangailangan sa Pagsulat


Masasabing ang pagsulat ay isang talento dahil hindi lahat ng tao ay
may kakayahang lumikha ng isang makabuluhang akda o komposisyon. Kaya
naman upang makabuo tayo ng isang magandang sulatin ay kailangang
mapukaw ang ating interes. Kailangan nating mabatid ang mga dapat tandaan
sa pagsusulat partikular ng akademikong pagsulat. Narito ang mga iilan:
1. Wika- Nagsisilbing behikulo para maisatitik ang mga kaisipan, kaalaman,
damdamin, karanasan, impormasyon, at iba pang nais ipabatid ng taong nais
sumulat. Dapat matiyak kung anong uri ng wika ang gagamitin upang madaling
maunawaan sa uri ng taong babasa ng akda. Nararapat magamit ang wika sa
malinaw, masining, tiyak, at payak na paraan.
2. Paksa- Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay
isang magandang simula dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na
magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang isusulat upang maging
makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong
susulatin.
3. Layunin- Ang layunin ang magsisilbing gabay sa paghabi ng mga datos o
nilalaman ng iyong isusulat.
4.Pamaraan ng Pagsulat- May limang paraan ng pagsulat upang mailahad ang
kaalaman at kaisipan ng manunulat batay na rin sa layunin o pakay sa
pagsusulat.
a. Paraang Impormatibo- Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong
impormasyon o kabatiran sa mga mambabasa.
b. Paraang Ekspresibo- Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling
opinyon, paniniwala, ideya, obserbasyon, at kaalaman hingil sa isang tiyak na
paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag-aaral.
c. Pamaraang Naratibo- Ang pangunahing layunin nito ay magkuwento o
magsalaysay ng mga pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na
pagkakasunod-sunod.
d. Pamaraang Deskriptibo- Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng
katangian, anyo, hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa mga nakikita,
naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.Ito‟y maaaring obhitibo at
subhetibo.

Page 8
e. Pamaraang Argumentatibo- Naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa mga
mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng mga isyu ng argumentong dapat
pagtalunan o pag-usapan.
5. Kasanayang Pampag-iisip- Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang
masuri ang mga datos na mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat.
Kailangang makatuwiran ang paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang
pagpapaliwanag at maging obhetibo sa sulating ilalahad.
6. Kaalaman sa Wastong Pamamaraan ng Pagsulat- Dapat ding isaalang-alang sa pagsulat
ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa wika at retorika partikular sa wastong paggamit
ng malaki at maliit na titik, wastong pagbaybay, paggamit ng batas, pagbuo ng talata, at
masining at obhetibong paghabi ng mga kaisipan upang makabuo ng isang mahusay na
sulatin.
7. Kasanayan sa Paghahabi ng Buong Sulatin- Ito ay tumutukoy sa kakayahang mailatag ang
mga kaisipan at impormasyon mula sa panimula hanggang sa wakas na maayos, organisado,
obhetibo, at masining na pamamaraan ang isang komposisyon.
Uri ng Pagsulat
1. Teknikal na Pagsulat – Layunin nitong pag-aralan ang isang proyekto o kaya naman
bumuo ng isang pag-aaral na kailangang para lutasin ang isang problema o suliranin sa isang
tiyak na disiplina o larangan . Isang praktikal na komunikasyong ginagamit sa pangangalakal
at ng mga propesyonal na tao upang maihatid ang teknikal na impormasyon sa iba‟t ibang uri
ng mambabasa.
Karaniwang nagtataglay ito ng mga paksang teknikal. Halimbawa: Feasibility Study ,manwal,
Proyekto sa pag-aayos ng kompyuter, at iba pa.
2. Reperensyal na Pagsulat – Layunin ng sulating ito na bigyang-pagkilala ang mga
pinagkunang kaalaman o impormasyon sa paggawa ng konseptong papel, tesis, at
disertasyon at mairekomenda sa iba ang mga sangguniang maaaring mapagkunan ng
mayamang kaalaman hinggil sa isang tiyak na paksa.Karaniwang
makikita ito sa huling bahagi ng isinagawang pananaliksik o kaya naman ay sa kabanatang
naglalaman ng Review of Related Literature (RRL) na pinaghanguan ng mga prinsipyo at
batayan upang makapagbalangkas ng mga konsepto sa pagbuo ng isinagawang
pananaliksik.
3. Dyornalistik na Pagsulat – May kinalaman ito sa mga sulating may kaugnayan sa
pamamahayag tulad ng pagsulat ng balita ,editoryal, lathalain,artikulo at iba pa . Ito ay
isinusulat ng mga mamamahayag, journalist, reporter at iba pang bihasa sa pangangalap ng
mga totoo, obhetibo, at makabuluhang mga balita at isyung
nagaganap sa lipunan sa kasalukuyan na kanilang isinusulat sa mga pahayagan , magasin,
o kaya‟y iniuulat sa radyo at telebisyon.
4. Akademikong Pagsulat – Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay
nakakatulong sa pagpapataas ng kaalaman ng isang indibidwal sa iba‟t ibang larangan. Ayong
kay Carmelita Alejo et.al. Layunin nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang
ginawang pananaliksik.
5. Malikhaing Pagsulat – Layunin nitong maghatid ng aliw,makapukaw ng damdamin
at makaantig sa imahinasyon at isipan ng mga mambabasa. Mabibilang sa uring ito
13 ang maikling kwento , dula, tula, malikhaing sanaysay, gayundin ang mga komiks
,iskrip ng teleserye ,kalyeserye, musika ,pelikula at iba pa.
6. Propesyonal na Pagsulat - Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang
natutuhan sa akademya o paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o
bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at
pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars – paggawa ng medical report , narrative
report tungkol sa physical examination sa pasyente at iba pa.

Pagyamanin
Gawain 6
Panuto: PAGSUSUSULAT AYON SA LAYUNIN: Basahin ang panuto sa bawat bilang. Sundin ang bawat isa
upang makasulat ng mga halimbawang pamamaraan ng pagsulat ayon sa layunin.
1. Sa halip na sabihing masaya si Len dahil nakapasa siya sa board exam ay gawin
mong mas mabisang ang paglalarawan sa damdamin. Bumuo ka ng diyalogo ni
Len na nagsasaad ng nararamdaman niya. Isulat ang diyalogo sa patlang.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

Page 9
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
______________________________________________________

2. Labis ang pagtatampo ni Ken sa kanyang ama dahil nakalimutan nito ang kanyang
kaarawan. Ilarawan mo ang damdamin ni Ken sa pamamagitan ng kanyang
ginawa na nagpapakita ng labis na pagtatampo.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_________________________________________________________________
3. Walang patid ang pagluha ni Bea dahil sa pagkabigo ng kanyang unang pag-ibig.
May mahal palang iba ang taong pinakamamahal niya. Gumamit ng tayutay o
matatalinghagang pananalita sa paglalarawan sa damdamin o emosyon ni Bea.
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
_______________________________________
Isagawa
Pag-aralan ang mga katangian ng Tekstong Impormatibo:

-sunod at inilalahad nang buong diwa at may kaisahan.

pangkalahatang sanggunian.
Elemento ng Tekstong Impormatibo:
-akda-Layunin nitong maglahad o magbigay ng impormasyon.
-Ito ay dagliang inilalahad ang mga pangunahing ideya sa mambabasa.
Nagagawa ito sa paglalagay ng pamagat sa bahagi –tinatawag din itong organizational markers
na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng
babasahin.
ng na kaisipan-Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan
o mga detalye upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang pangunahing ideyang
nais niyang matanim o maiwan sa kanila.
gtatampok sa mga bagay na binibigyangdiin
Makatutulong sa mga mag-aaral na magkaroon ng mga malawak na pag-unawa sa
binabasang tekstong impormatibo ang paggamit ng mga estilo o kagamitan/sangguniang
magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi tulad ng sumusunod:

-diin sa mahahalagang salita sa teksto (pagsulat ng nakadiin, nakahilis,


nakapanipi
ba pa)

Gawain 7
Panuto: PAGSULAT NG TEKSTO: Batay sa katangian at elemento ng teksto,sa itaas, sumulat
ka isang tekstong impormatibo batay sa salitang nasa loob ng kahon sa ibaba. Sundin ang wastong
pamantayan ng
pagsulat nito. Salungguhitan ang pangunahing ideya o paksang pangungusap, Isulat ito sa
bondpaper.

COVID - 19
Page 10
KRAYTIRYA SA PAGSULAT NG TEKSTO
KRAYTIRYA Napakahusay Mahusay Mahusay-husay Umuunlad KABUUA
5 puntos 4 puntos 3 puntos 2 puntos N
20
puntos
NilalamanKaangkup May higit na May May kaunting Hindi angkop
an ng kaalaman kaalaman sa kaalaman ang teksto sa
Paksa sa paksa at paksa at at di-gaanong pamagat
angkop ang angkop ang angkop
teksto sa teksto sa ang teksto sa
pamagat pamagat pamagat
Gamit ng Wasto lahat ang Nakapagsulat Nakapagsulat ng Nakapagsulat
Gramatika pagkakabaybay ng teksto ngunit may ng teksto
at at teksto ngunit anim ngunit
BantasPagkabayba pagbabantas ng may isa hanggang may labing isa
y mga hanggang sampung o higit pang
Pagbabantas salita sa limang mali mali sa mali sa
pangungusap sa pagkakabaybay pagkakabayb
pagkakabayb o pagbabantas ay o
ay o ng mga pagbabantas
pagbabantas salita sa ng mga salita
ng mga pangungusap sa
salita sa pangungusap
pangungusap
Organisasyon ng Maganda at Tama ang May kaunting Hindi
Ideya tama lahat pagkakasuno kamalian organisado
- Panimula ang d-sunod sa ang mga
- Katawan pagkakasunodsun ng ideya may pagkakasunodsun ideyang
- Konklusyon od ng ideya, may panimula, od ideya naisulat.
panimula, katawan at
katawan at konklusyon.
konklusyon.
Bilang ng mga salita Nakapagsulat ng Nakapagsulat Nakapagsulat ng Nakapagsulat
100-200 tekstong binubuo ng tekstong binubuo ng tekstong
na salita ng tekstong ng binubuo ng
500 o higit pang binubuo ng 300 hanggang 399 200 hanggang
salita 400 hanggang na 299
499 na salita na salita
Salita

Page 11
Gawain 8
Magsagawa ng panimulang pananaliksik kaugnay ng kahulugan at katangian ng napiling tatlong
uri ng akademikong sulatin sa tulong ng graphic organizer.

Uri ng akademikong Sulatin:

Nasaliksik

Kahulugan:

Katangian:

Sanggunian:

Uri ng akademikong Sulatin:

Nasaliksik

Kahulugan:

Katangian:

Sanggunian:

Page 12
Uri ng akademikong Sulatin:

Nasaliksik
Katangian:

Katangian:

Sanggunian:

TUKLASIN
Pagsulat ng Abstrak
Isa sa mga dapat matutunan ng bawat mag-aaral ay ang kakayahang bumuo ng
isang paglalagom o buod. Ang lagom ay ang pinasimple at pinaikling bersyon ng isang
sulatin o akda. Mahalagang makuha ng sinumang nagbabasa o nakikinig ang kabuuang
kaisipang nakapaloob sa paksang nilalaman ng sulatin o akda. Bukod sa nahuhubog ang
mga kasanayang maunawaan at makuha ang pinakanilalaman ng isang teksto ay
marami pang ibang kasanayan ang nahuhubog sa mga mag-aaral habang nagsasagawa
ng paglalagom. Una, natututunan ang pagtitimbang-timbang ng mga kaisipang
nakapaloob sa binabasa. Natutukoy niya kung ano ang pinakamahalagang kaisipang
nakapaloob dito gayundin ang mga pantulong na kaisipan. Tandaan na sa pagsulat ng
lagom, mahalagang matukoy ang pinakasentro o pinakadiwa ng akda o teksto.
Pangalawa, natututunan niyang sumuri ng nilalaman ng kanyang binabasa. Natutukoy
niya kung alin ang mga kaisipan o mga detalye ang dapat bigyan ng malalim na pansin
ng pagsusulat ng lagom at kung alin naman ang hindi gaanong importante. Pangatlo,
nahuhubog ang kasanayan ng mag-aaral sa pagsulat ng partikular na ideya at ang
tamang paghabi ng mga pangungusap sa talata sapagkat sa pagsulat ng lagom,
mahalagang ito ay mailahad nang malinaw, hindi maligoy o paulit-ulit. Pang-apat, ito rin
ay nakatutulong sa pagpapaunlad o pagpapayaman ng bokabularyo sapagkat sa
pagsulat nito ay importanteng makagamit ng mga salitang angkop sa nilalaman ng
tekstong binubuod.
Bukod sa ang kasanayang ito ay kapaki-pakinabang sa mga mag-aaral, ito rin ay
nakatutulong nang malaki sa larangan ng edukasyon, negosyo, at propesyon. Dahil sa
mabilis na takbo ng buhay sa kasalukuyan,at ang marami ay parang nagmamadali sa
mga gawaing dapat tapusin o puntahan, nakatutulong nang malaki ang pagbabasa ng
maiikling sulatin na kalimitang naglalaman ng pinakabuod ng isang mahabang
babasahin, teksto o pag-aaral. Bilang paghahanda sa totoong buhay ng propesyon at

Page 13
pagtatrabaho, mahalagang matutunan mo ang paggawa ng iba‟t ibang uri ng lagom na
madalas gamitin sa mga pag-aaral, negosyo at sa iba‟t ibang uri ng propesyon. Kaya
naman, sa arling ito ay lubos mong matututunan ang pagsulat ng ilang uri ng lagom o
buod – ang abstrak, synopsis o buod at bionote.
Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat ng mga
akademikong papel tulad ng tesis, papel siyentipiko at teknikal, lektyur at mga report. Ito
ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik
pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Ito ay naglalaman ng pinakabuod ng
akdang akademiko o ulat.
Ayon kay Philip Koopman sa kanyang aklat na How to Write an Abstract(1997),
bagama‟t ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay nito ang mahahalagang elemento o
bahagi ng sulating akademiko tulad ng Rasyunali / Introduksyon, metodolohiya, saklaw
at delimitasyon, resulta at konklusyon. Naiiba nito ang kongklusyon sapagkat ito ay
naglalaman ng pinakabuod ng bawat bahagi ng sulatin o ulat.
1. Pamagat - Pinakapaksa o tema ng isang akda/sulatin.
2. Introduksyon o Panimula - nagpapakita ng malinaw na pakay o layunin,
mapanghikayat ang bahaging ito upang makapukaw ng interes sa mambabasa at sa
manunulat.
3. Kaugnay na literatura - Batayan upang makapagbibigay ng malinaw na
kasagutan o tugon sa para sa mga mambabasa.
4. Metodolohiya - Isang plano o sistema para matapos ang isang gawain.
5. Resulta - Sagot o tugon para mapunan ang kabuuan ng nasabing sulatin.10
6. Konklusyon.- Panapos na pahayag na naglalaman ng ideya o opinyon na mag-iiwan
ng pala-isipan kaugnay sa paksa.
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Abstrak
1.Bilang bahagi ng alituntunin ng pagsulat ng mga akdang pang-akademiko, lahat ng mga
detalye o kaisipang ilalagay rito ay dapat na makikita sa kabuoan ng papel ; ibig sabihin,
hindi maaaring maglagay ng mga kaisipan o datos na hindi binanggit sa ginawang pagaaral o sulatin.
2.Iwasan din ang paglalagay ng mga statistical figures o table sa abstrak sapagkat hindi ito
nangangailangan ng detalyadong pagpapaliwanag na magiging dahilan para humaba ito.
3.Gumamit ng mga simple ,malinaw at direktang mga pangungusap. Huwag maging
maligoy sa pagsulat nito.
4.Maging obhetibo sa pagsulat. Ilahad lamang ang mga pangunahing kaisipan at hindi
dapat ipaliwanag ang mga ito.
5.Higit sa lahat ay gawin lamang itong maikli ngunit komprehensibo kung saan mauunawaan
ng babasa ang pangkalahatang nilalaman at nilalayon ng pag-aaral ng ginawa.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Abstrak
Ang Abstrak ang bahagi ng akademikong papel o ulat na pinakahuling isinusulat
ngunit kadalasang unang binabasa ng mga propesor o mga eksaminer ng panel.Kaya
naman, nakapahalagang maging maingat sa pagsulat nito. Narito ang mga hakbang na
maaaring gamitin sa pagsulat ng Abstrak.
1. Basahing mabuti at pag-aralan ang papel o akademikong sulatin na gagawan ng Abstrak.
2. Hanapin at isulat ang mga pangunahing kaisipan o ideya ng bawat bahagi ng sulatin
mula sa introduksyon ,kaugnay na literatura, metodolohiya resulta at kongklusyon.
3. Buuin gamit ang mga talata, ang mga pangunahing kaisipang taglay ng bawat bahagi ng
sulatin.Isulat ito ayon sa pagkakasunod-sunod ng mga bahaging ito sa kabuoan ng papel .
4. Iwasang maglagay ng ilustrasyon, graph, table at iba pa. Maliban na lamang kung
sagyang kinakailangan .
5. Basahing muli ang ginawang Abstrak. Suriin kung may nakaligtaang mahalagang
kaisipang dapat isama rito mabuti ang abstrak.
6. Isulat ang pinal na sipi nito.

Page 14
ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang halimbawa ng abstrak at suriin natin ang elemento nito.
KARANASAN NG ISANG BATANG INA: ISANG PANANALIKSIK
Gisella Mari A. Averion, Florentino L. Elic at Fernando A. Garcia BS in Psychology
Abstrak
Ang layunin ng pananaliksik na ito ay ang malaman at mabatid kung ano ang mga
pinagdadaan ng mga batang ina sa anim na aspeto: emosyonal, espiritwal, mental, pinansyal,
relasyonal at sosyal. Ang sinabing pananaliksik ay sumailalaim sa quantitative method at
ginamitan ng nonrandom convenient sampling, kung saan ang mga respondente ay pinili ng
mga mananaliksik base sa “convenience”. Ang bilang ng mga respondente ay tatlumpo‟t lima
(35) na batang ina na may edad na labing-dalawa hanggang labing-walo na naninirahan sa Sta.
Rosa Alaminos, Laguna. Ang lumabas na resulta ay walang pagkakaiba ang mean score ng
anim na salik kapag grinupo sa antas ng huling pag-pasok, edad ng unang panganganak at
kapag igrinupo sa pagkakakilanlan; kung ito ay tumigil o ipinag patuloy ang kanilang pag-aaral
at mayroong pagkakaiba sa mean score sa emosyonal at sosyal na salik kapag igrinupo sa
estadong marital.
Source: LPU Laguna Journal of Arts and Sciences Psychological Research Vol. 2 No.2 September 2015

Narito ang mga elemento ng abstrak batay sa nakatalagang kulay


Luntian: Rasyunal
Asul : Metodolohiya
Itim : Saklaw at Delimitasyon
Pula : Resulta ng Pananaliksik

Gawain 9
Panuto :PAGSUSURI SA ELEMENTO NG ABSTRAK: Basahin ang abstrak at suriin ang
elemento nito gamit ang matrix.

Kasanayan sa Pagsasalita ng Mga Mag-Aaral sa Ikaapat na Taon


Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral
sa ika-apat na taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija.
Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga
mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento,
pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing
limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa
kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at
talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas
ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang
diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa
pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global
Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang
tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa
pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa
pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila‟y nabalitaan na kakulangan
sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na
kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral.
http://filipinosapilinglaranggroup2.blogspot.com/2018/03/halimbawa-ng-abstrak.html

Kasanayan sa Pagsasalita ng mga Magaaral sa Ikaapat na Taon


1.Introduksyon/Rasyunal

Page 15
2.Saklaw At Delimitasyon

3.Metodolohiya

4.Resulta

Gawain 10
Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG ABSTRAK: Suriin ang kahulugan, kalikasan , mga katangian ,layunin
, gamit , anyo (porma) ng Abstrak . Isulat ito sa tasrt.
ABSTRAK
Kahulugan

Kalikasan

Katangian

Layunin

Gamit

Anyo (Porma)

Gawain 11
Panuto: PAGSULAT NG ABSTRAK: Sumulat ng abstrak sa isang bondpaper mula sa iyong sariling pananaliksik
noong ikalawang semestre sa nagdaang taong-panuruan bilang tugon sa pangangailangan ng
asignaturang “Pagbasa at Pagsusuri ng Iba‟t ibang Teksto Tungosa Pananaliksik”. Sundin ang mga
panuntunan sa pagbuo nito.

Karagdagang Gawain
Panuto: PAG-ARALAN ANG GINAWANG PANIMULANG PANANALIKSIK
SA URI NG PAGLALAGOM: Sa iyong nagawang panimulang pananaliksik tungkol sa mga
uri ng paglalagom . Alin dito ang sa palagay imong kadalasang ginagawa ng mga mag-aaral.
Bakit?
Lagom
Ang pagsusulat ay isa sa mga makrong kasanayang dapat mahubog sa mga mag-aaral.
Ayon kay Cecilia Austera et al. (2009), may-akda ng Komunikasyon sa Akademikong Filipino
(2009) ang pagsusulat ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais
ipahayag ng tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika.
Ayon naman kay Edwin Mabilin et al. sa aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ito ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa
pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng

Page 16
paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan. Sa
pamamagitan ng pagsusulat , maisatitik ang nilalaman ng isipan, damdamin , paniniwala ,
at layunin ng tao sa tulong ng mga salita ,ayos ng pangungusap sa mga talata hanggang
sa mabuo ang isang akda o sulatin.
Ayon naman kay Mabilin ,sa kanyang aklat na Transpormatibong Komunikasyon sa
Akademikong Filipino (2012), ang layunin sa pagsasagawa ng pagsulat ay maaaring mahati
sa dalawang bahagi. Una ,ito ay maaaring personal o ekspresibo kung saan ang layunin
ng pagsulat ay nakabatay sa pansariling pananaw,karanasan,naiisip o nadarama ng
manunulat. Pangalawa, ito ay maaari namang maging panlipunan o sosyal kung saan ang
layunin ng pagsulat ay ang makipag-ugnayan sa ibang tao o sa lipunang ginagalawan. Ang
ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal.
Totoong hindi madali ang pagsusulat para sa maraming tao ,ngunit ito ay maaaring
mahubog at malinang.Upang mangyari ito ,mahalaga ang pagkakaroon ng interes at ng
wastong kaalaman kung paano magiging isang mahusay na manunulat. Kaya‟t maaari
mong alamin ang kahalagahan o ang mga benepisyo na maaaring makuha sa pagsusulat
. Upang mabatid ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa pagsusulat ,nairyan ang mga
gamit at uri ng pagsusulat na makatulong sa bawat mag-aaral.
Kung ihahambing sa malikhaing pagsulat, ang akademikong pagsulat
ay nangangailangan ng mas mahigpit na tuntunin sa pagbuo ng sulatin. Mayroon itong
isang paksa na may magkakaugnay na mensahe. Maayos na inihahanay ang mga
pangungusap, talata, upang maging malinaw ang pagkakabuo ng mga ideya at paliwanag
ng mga ito. Ang karaniwang estruktura ng isang akademikong sulatin ay may simula na
karaniwang nilalaman ng introduksiyon, gitna na nilalaman ng mga paliwanag, at wakas na
nilalaman ng resolusyon, kongklusyon, at rekomendasyon. Ilan sa mga halimbawa ng
akademikong teksto ang abstrak, bionote, talumpati, panukalang proyekto, replektibong
sanaysay, sintesis, lakbay-sanaysay, synopsis, at iba pa.
Ang pagbuo ng akademikong sulatin ay nakadepende sa kritikal na pagbasa ng
isang indibidwal (Arrogante et al. 2007). Kinikilala sa ganitong uri ng pagsulat ang husay
ng manunulat dahil may kakayahan siyang mangalap ng mahahalagang datos, magorganisa ng
mga ideya, lohikal mag-isip, mahusay magsuri, marunong magpahalaga sa
29orihinalidad ng gawa, at may inobasyon at kakayahang gumawa ng sintesis. Sa pagsulat
ng sulating pang-akademiko, gumagamit ng piling-piling salita at isinasaalang-alang ang
target na mambabasa. Mahigpit din sa paggamit ng tamang bantas at baybay ng salita
dahil ang mga sulating ito ay nakatuon sa pagbibigay ng kaalaman.

Pangwakas na Pagtataya
Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito.
Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang letra ng tamang sagot.
____1.Alin sa mga makrong kasanayang ang hindi kapangkat;/kasama na madalas ang isang
indibidwal na gumagawa nito ay kumukuha o nagdaragdag ng mga kaalaman sa kanyang isipan.
A.Pakikinig B.Pagbabasa, C.Panonood D.Pagsulat
____2.Ang ibang tawag sa layuning ito ng pagsusulat ay transaksiyonal. Ginagawa ang mga
sulating ito taglay ang isang tiyak na layunin at ito ay walang iba kundi ang layuning
makipagugnayan sa tao o sa lipunan. Alin sa mga halimbawa ang hindi kapangkat/kasama ng
transakyonal?
A.kwento B.pananaliksik C.sulating panteknikal D.balita
____3.Isa itong intelektwal na pagsulat . Ang gawaing ito ay nakakatulong sa pagpapataas ng
kaalaman ng isang indibidwal sa iba‟t ibang larangan. Ayong kay Carmelita Alejo et.al. Layunin
nitong ipakita ang resulta sa pagsisiyasat o ng isang ginawang pananaliksik.
A.Malikhain B.Teknikal C.Akademiko D.Reperensyal
____4.Sulating may kinalaman sa isang tiyak na larangang natutuhan sa akademya o
paaralan. Sulatin ito hinggil sa napiling propesyon o bokasyon ng isang tao. Halimbawa sa

Page 17
guro , pagsulat ng lesson plan , paggawa at pagsusuri ng kurikulum, para sa doctor o nars
paggawa ng medical report , narrative report tungkol sa physical examination sa pasyente at
iba pa.
A.Malikhain B. PropesyonalC.Dyornalistik D. Teknikal
____5Ang pagkakaroon ng isang tiyak at maganda na tema ng isusulat ay isang magandang
simula
dahil dito iikut ang buong sulatin. Kailangan na magkaroon ng sapat na kaalaman sa paksang
isusulat upang maging makabuluhan, at wasto ang mga datos na ilalagay sa akda o komposisyong
susulatin.
A.Paksa B Wika C.Layunin D.Pamamaraan ng Pagsulat
____6.Taglay ng manunulat ang kakayahang mag-analisa upang masuri ang mga datos na
mahalaga o hindi na impormasyon na ilalapat sa pagsulat. Kailangang makatuwiran ang
paghahatol upang makabuo ng malinaw at mabisang pagpapaliwanag at maging obhetibo sa
sulating ilalahad.
A.Paksa B Wika C.Layunin D.Kasanayang Pampag-iisip
____7.Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng bagong impormasyon o kabatiran sa mga
mambabasa.
A.Naratibo B.Ekspresibo C.Impormatibo D.Argumentatibo
____8.Ang pangunahing pakay ng pagsulat ay maglarawan ng katangian, anyo, hugis ng mga
bagay o pangyayari batay sa mga nakikita, naririnig, natunghayan, naranasan at nasaksihan.Ito‟y
maaaring obhitibo at subhetibo.
A.Argumentatibo B.Naratibo C.Ekspresibo D.Deskriptibo
____9.Nililinang dito ang mga kasanayan at natutuhan ang mga kaalamang kaugnay ng larangang
pinagkakadulubhasaan . Kasanayan sa pagbasa ,pakikinig, pagsasalita ,panonood ,at pagsulat
ang
napauunlad sa pagsasagawa ng mga gawain sa larangan. Analisis ,panunuring kritikal ,
pananaliksik , at eksperimentasyon ang mga isinasagawa rito.
A.opisina B.akademiya C.librari D.entablado
____10.Mahalaga ang tunay at pawang katotohanan na mga impormasyon. Iwasan ang mga
pahayag na batay sa aking pananaw o ayon sa aming haka-haka o opinyon.
A.Obhetibo B.Pormal C.Maliwanag at Organisado D.May Paninindigan
____11.Ito ay isang kasanayang naglulundo ng kaisipan at damdaming nais ipahayag ng
tao gamit ang pinakaepektibong midyum ng paghahatid ng mensahe ,ang wika.
A.Pakikinig B.Pagbabasa C.Pagsasalita D.Pagsusulat
____12..Ayon sa kanya sa kanyang aklat na “Transpormatibong Komunikasyon sa Akademikong
Filipino ”(2012) ,Ang Pagsusulat ay isang pambihirang gawaing pisikal at mental dahil sa
pamamagitan nito ay naipapahayag ng tao ang nais niyang ipahayag sa pamamagitan ng
paglilipat
ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
A.Cecilia Austera et.al. B.Royo C.Dr.Eriberto Astorga Jr. D.Edwin Mabilin et al.
30____13.Sa Ingles ay tinatawag na term paper na karaniwang ginagawa sa kolehiyo. May ilang
nasa sekondaryang antas ang maaaring nakaranas na ring makagawa ng ganitong sulatin.
Ginagawa ito para sa pangangailangang pang-akademiko.
A.Pamanahong papel B.Tesis C.Konseptong papel D. Artikulo
____14.Ito ay sulating may kinalaman sa pananaliksik at pagtuklas ng isang manunulat.
Ginagawa ito ng isang indibidwal bilang pangangailangan sa kursong pinag-aaralan o
propesiyonal na kwalipikasyon. Ito ay ginagamit na bahagi ng kursong Batsilyer at
Masterado.
A.Posisyong Papel B.Tesis C.Konseptong papel D. Artikulo

Page 18
____15. Ang paglalarawan kung ang manunulat ay maglalarawan ng napakalinaw at halos
madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang
mayamang imahinasyon at hindi nakabatay sa isang katotohanan sa totoong buhay.
A.Obhetibo B.Estruktura C.Subhetibo D.Anyo

Page 19
Aralin 2 Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Iba’t Ibang Uri ng Paglalagom

Ang modyul na ito ay tungkol sa akademikong sulatin: Uri ng paglalagom na inihanda para sa
pag-aaral ng Filipino sa unang semestre ng ikalabindalawang baitang. Ito ay naglalayong sanayin ang
mga mag-aaral sa pagsulat ng iba‟t ibang sulating lilinang sa mga kakayahang magpahayag tungo sa
mabisa, mapanuri at masinop na pagsusulat sa piniling larangan.
Tatalakayin sa modyul na ito ang iba‟t ibang uri ng paglalagom at ang kahulugan katangian, layunin at
gamit ng bawat isa. Hahasain ka sa pagsulat ng iba‟t ibang akademikong sulatin sa pamamagitan nang
maayos na pagsunod sa mga panuntunan upang matamo ang mga kasanayang hinahangad.
Ang mga paksa, babasahin, gawain at mga pagsasanay ay sadyang iniaangkop sa
kakayahan at interes ng mga mag-aaral upang ang pagkatuto ay maging makabuluhan,
napapanahon, kawili-wili, nakalilinang ng kritikal at mapanuring na pag-iisip.

Gawain 1
Panuto: PAGTUKOY SA PAKSA: Kilalanin ang tamang sagot sa mga
katanungan. Isulat ang titik ng tamang sagot.
____1.Maraming gawain dito ang nangangailangan ng masusing pagbasa.panunuod ,
pagsasalita, pakikinig at pagsusulat.
A. akademiya B.opisina C.kantina D.librai
____2. Ito ay isang siksik at pinaikling bersyon ng isang teksto. Pinipili rito ang
pinakamahalagang ideya at sumusuportang ideya o datos.
A.Abstrak B.Bionote C.Sinopsis D.Hawig
____3.Tinutukoy agad ang pangunahing ideya o punto kaugnay ng paksa . Ito ay :
A. Gamit B. Katangian C.Kahulugan D.Anyo
____4. Sa pagbubuod, basahin, panuorin o pakinggan muna ang buong teksto. Ito ay ;
A. Paraan B. Kalikasan C.Kahulugan D.Anyo
_____5. Ito ay panauhan ng panghalip na gamitin sa pagsulat ng sinopsis .
A. una B.ikalawa C.ikatlo D.ikaapat
_____6.Gamitin ito sa paghahabi ng mga pangyayari sa kwentong binubuod lalo na
kung ang sinopsis na ginawa ay binubuo ng dalawa o higit pang talata.
A.Pangngalan B.Pang-ugnay C.Pandiwa D.Pang-ukol
_____7. Mahalagang isulat ito kung saan hinango o kinuha ang orihinal na sipi ng akda.
A.sanggunian B. akda C.pamagat D. may-akda
_____8.Ito ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di
tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuuan nito.
A.buod B.abstrak C. tesis D. pahayag ng tesis
_____9. Batayan sa pagsulat nito mula orihinal na sipi . Kung ang damdaming
naghahari sa akda ay malungkot dapat na maramdaman din ito sa buod na
gagawin.
A. damdamin B.larawan C.tono D.salita
_____10. Katangian ng gamiting salita sa pagbubuod o pagsulat ng sinopsis upang
makamtan ang layuning makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng
seleksyon o akda.
A. matalinghaga B.payak C.tayutay D.idyoma

Page 20
LAYUNIN: Pagkatapos basahin at pag-aralan ang modyul na ito, kayo ay inaasahang:
a. Nakasusulat nang maayos na akademikong sulatin
b. Nakikilala ang iba‟t ibang akademikong sulatin ayon sa; (a) Layunin (b) Gamit (c)
Katangian (d) Anyo
c. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin

TUKLASIN

PAGSULAT NG BIONOTE
Ang Bionote ay maituturing ding isang uri ng lagom na ginagamit sa pagsulat ng personal profile
ng isang tao. Marahil ay nakasulat ka na ng iyong talambuhay o tinatawag sa Ingles na autobiography o
kaya ng kathambuhay o katha sa buhay ng isang tao o biography. Parang ganito rin ang bionote ngunit
ito ay higit na maikli kompara sa mga ito. Ayon kay Duenas at Sanz (2012) sa kanilang aklat na Academic
Writing for Health Sciences, ang bionote ay tala sa buhay ng isang tao na naglalaman ng buod ng
kanyang academic career na madalas ay makikita o mababasa sa mga journal, aklat, abstrak ng mga
sulating papel, websites, at iba pa.
Kadalasan, ito ay ginagamit sa paggawa ng bio-data, resume, o anumang kagaya ng mga ito upang
ipakilala ang sarili para sa isang propesyonal na layunin. Ito rin ang madalas na mababasa sa bahaging
“Tungkol sa Iyong Sarili” na makikita sa mga social network o digital communication sites. Layunin din ng
bionote na maipakilala ang sarili sa madla sa pamamagitan ng pagbanggit ng mga personal na
impormasyon tungkol sa sarili at maging ng mga nagawa o ginagawa sa buhay.
Mga Dapat tandaan sa Pagsulat ng Bionote:
1. Sikaping maisulat lamang ito nang maikli. Kung ito ay gagamitin sa resume,
kailangang maisulat ito gamit ang 200 salita. Kung ito naman ay gagamitin para sa
networking site, sikaping maisulat ito sa loob ng lima (5) hanggang anim (6) na
pangungusap.
2. Magsimula sa pagbanggit ng mga personal na impormasyon o detalye tungkol
sa iyong buhay. Maglagay rin ng mga detalye tungkol sa iyong mga interes. Itala rin
ang iyong mga tagumpay na nakamit, gayunman, kung ito ay marami, piliin lamang
ang dalawa (2) o tatlong (3) na pinakamahalaga.
3. Isulat ito gamit ang ikatlong panauhan upang maging litaw na obhetibo ang
pagkakasulat nito.
4. Gawing simple ang pagkakasulat nito. Gumamit ng mga payak na salita upang
madali itong maunawaan at makamit ang totoong layunin nitong maipakilala ang iyong
sarili sa iba sa maikli at tuwirang paraan.
5. May ibang gumagamit ng kaunting pagpapatawa para higit na maging kawiliwili ito sa mga babasa,
gayunman iwasang maging labis sa paggamit nito. Tandaan na
ito ang mismong maglalarawan kung ano at sino ka.
6. Basahing muli at muling isulat ang pinal na sipi ng iyong bionote. Maaring
ipabasa muna ito sa iba bago tuluyan itong gamitin upang matiyak ang katumpakan at
kaayusan nito.

Tunghayan ang isang halimbawa ng Bionote hinggil sa buhay ni Gng. Alma Dayag
,koordineytor at may-akda ng aklat “Pinagyamang Pluma”
Si Alma M. Dayag ay nagtapos ng Bachelor of Science in Elementary and Secondary Education magna
cum laude at ng Master of Arts in Teaching Filipino Language and Literature sa Philippine Normal University .
Nakapagturo siya ng Filipino sa loob ng dalawampu‟t limang taon at nakapanglingkod bilang homeroom
chairman , koordineytor ng Filipino at Sibika / HeKaSi at Assistant principal for Academics sa St. Paul
College Pasig. Nakadalo na rin siya sa iba‟t ibang kumperensyang pangguro sa iba‟t ibang bansa tulad ng
Amerika , Singapore ,China ( Macau) at Thailand. Ang mga makabagong kaalamang natutuhan niya sa
mga kumperensyang ito ay nakatulong nang malaki sa kanyang pagbabahagi ng kaalaman at

Page 21
kasanayan sa pagiging trainer-facilitator ng mga seminar-workshop na pangguro sa iba‟t ibang panig ng
bansa. Siya ay accreditor din ng Philippine Accrediting Association of Schools , Colleges
, and Universities o PAASCU. Kontribyutor din siya sa ilang magasing pambata gayundin sa mga magasin at
journal na pangguro. Subalit ang itinuturing niyang pinakamahalagang katungkulan at biyaya mula sa
Maykapal ay ang pagiging simpleng maybahay at ina ng tatlong supling siya niyang inspirasyon sa
pagsulat ng mga aklat na kanyang iniaalay sa lahat ng mga batang Pilipino.
Pansinin: Nilalaman ng bionote ni Alma M. Dayag ang mga sumusunod:
Pangalan ng may-akda , kursong natapos (graduate at post-graduate) ,karangalang makamit, trabaho
bilang guro, mga tungkulin sa paaralan, mga kumperensyang nadaluhan,kontibyutor ,angkop na
kasanayan , akreditor , manunulat at iba pa.
Katangian ng Bionote
1.Maikli ang nilalaman -Sikaping paikliin ang iyong bionote at isulat lamang ang mahahalagang
impormasyon,
2.Gumagamit ng ikatlong panauhang pananaw – Tandaan ,laging gumagamit ng pangatlong
panauhang pananaw kahit na ito pa ay tungkol sa sarili.
Halimbawa: Si Juan dela Cruz ay nagtapos ng BA at MA Economics sa UP-Diliman. Siya
ay kasalukuyang nagtuturo ng Macroeconomic Theory sa parehong pamantasan .
3.Kinikilala ang mga mambabasa o ang target market - kailangang isaalang-alang ang mambabasa sa
pagsulat ng bionote. Kung ang target na mambabasa ay mga administrador ng paaralan , kailangang
hulmahin ang bionote ayon sa kung ano ang hinahanap nila.
4.Gumagamit ito ng baligtad na tatsulok - tulad sa pagsulat ng balita at iba pang obhetibong sulatin,
talagang inuuna ang pinakamahalagang impormasyon sa bionote
PINAKAMAHALAGANG
IMPORMASYON

MAHALAGANG IMPORMASYON

DI-GAANONG MAHALAGANG
IMPORMASYON

MAHALAGANG
5.Nakatuon lamang sa mga angkop na kasanayan o katangian - mamili lamang ng mga kasanayan o
katangian na angkop sa layunin ng bionote.
IMPORMASYON
Halimbawa: “Si Pedro ay guro, manunulat , negosyante ,environmentalist at chef “.
Kung ibig pumasok bilang guro sa panitikan , halimbawa hindi na kailangan
banggitin sa bionote ang pagiging negosyante at chef.
6.Binabanggit ang degree o tinapos kung kinakailangan - Kung may PhD halimbawa at nagsusulat ng
artikulo tungkol sa kultura ng Ibanag sa
Cagayan,mahalagang isulat sa bionote ang kredensyal na ito.
7. Maging matapat sa pagbabahagi ng impormasyon – Walang masama kung paminsan-minsa ay
magbubuhat ka ng sariling bangko kung ito naman ay kailangan upang matanggap sa inaplayan o
upang ipakita sa iba ang kakayahan. Siguruhin lamang na tama o totoo ang impormasyon.

Page 22
Hal:
BIONOTE NI GALILEO S. ZAFRA
➢ Dito rin siya kasalukuyang nagtuturo ng mga kurso sa panitikan,wika at araling Filipino.
➢ Aktibo rin siyang kontribyutor sa mga akademikong journal sa iba‟t ibang pamatasan at
institusyong pangkultura.
➢ Nagtapos siya ng kanyang doktorado sa larangan ng Panitikan ng Pilipinas sa
Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas sa University of the Philippines -
Diliman.
➢ Si Galileo S. Zafra ay isang propesor, mananaliksik, manunulat at tagasalin.
➢ Nakapaglathala na siya ng mga aklat tulad ng Balagtasan: Kasaysayan at Antolohiya
(1999) ,at nakapag-edit ng serye ng Sawikaan: Mga Salita ng Taon at Ambagan : Mga
Salita Mula sa Iba‟t ibang Wika sa Filipinas na kapwa proyekto ng Filipinas Institute of
Translation sa UP Press.

Gawain 2
Panuto: PAKIKIPANAYAM SA GURO : Kapanayamin /interbyuhin mo ang isa sa iyong mga guro sa Senior
High School tungkol sa kanyang Bionote. Maghanda ng mga makabuluhang tanong na may kaugnayan
sa kanyang propesyon bilang guro. Sundin ang mga pamantayan wastong pakikipanayam at sa wastong
pagsulat ng bionote . Isulat ito sa bondpaper at sikaping lakipan ito ng larawan ng kinakapanayam.

Gawain 3
Panuto :PAGTUKOY SA KATANGIAN NG BIONOTE : Suriin ang kahulugan, kalikasan, mga katangian ,
layunin , gamit , anyo (porma) ng Sinopsis. Isulat ito sa tsart.
BIONOTE
Kahulugan

Kalikasan

Katangian

Gamit

Layunin

Anyo(POrma)

Gawain 4
Panuto: PAGSUSURI NG ELEMENTO NG ABSTRAK : Batay sa iyong
nagawang Abstrak mula sa dati mong pananaliksik sa baitang 11 sa asignaturang
“Pagbasa at Pagsusuri ng Iba‟t ibang Teksto Tungo sa Pananaliksik” suriin ang mga
elemento nito. Isulat sa tsart ang sagot.

Page 23
Pamagat at Mananaliksik
Elemento ng Abstrak
Introduksyon/Rasyunal

Metodolohiya

Saklaw at Delimitasyon

Resulta

Tuklasin
Pagsulat ng Sinopsis/Pagbubuod
Ang sinopsis o buod ay isang uri ng lagom na kalimitang ginagamit sa mga akdang nasa tekstong naratibo
tulad ng kwento ,salaysay ,nobela , dula ,parabula, pelikula, video,pangyayari ,at talumpati iba pang anyo
ng panitikan. Ito ay maaaring buoin ng isang talata o higit pa o maging ng ilang pangungusap lamang.
Maaaring 1/3 ng pahina lamang ng buong nabasang teksto o mas maikli pa nito ang sinopsis o buod. Sa
pagsulat nito, mahalagang maibuod ang nilalaman ng binasang akda gamit ang sariling salita. Ang
pagbubuod o pagsulat ng sinopsis ay naglalayong makatulong sa madaling pag-unawa sa diwa ng
seleksyon o akda, kung kaya‟t nararapat na maging payak ang mga salitang gagamitin. Layunin din
nitong maisulat ang pangunahing kaisipang taglay ng akda sa pamamagitan ng pagtukoy sa pahayag ng
tesis nito. Ang pahayag ng tesis ay maaaring lantad na makikita sa akda o minsan naman, ito ay di-
tuwirang nakalahad kaya mahalagang basahing mabuti ang kabuoan nito. Sa pagkuha ng
mahahalagang detalye ng akda, mahalagang matukoy ang sagot sa sumusunod: Sino? Ano? Kailan?
Saan? Bakit? Paano? Sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong na ito, magiging madali ang pagsulat
ng buod. Sa pagsulat ng sinopsis o buod ,mahalagang maipakilala sa mga babasa nito kung anong akda
ang iyong ginawan ng buod sa pamamagitan ng pagbanggit sa pamagat at pinanggalingan ng akda .
Makatutulong ito upang maipaunawa sa mga mambabasa na ang mga kaisipang iyong inilahad ay hindi
galing sa iyo kundi ito ay buod lamang ng akdang iyong nabasa. Iwasan din ang magbigay ng iyong
sariling pananaw o paliwanag tungkol sa akda at kailangang maging obhetibo sa pagsulat nito .
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Sinopsis o Buod
1. Gumamit ng ikatlong panauhang panghalip na (isahan o maramihan) sa pagsulat nito.
2. Isulat ito batay sa tono ng pagkasulat ng orihinal na sipi nito. Kung ang damdaming
naghahari sa akda ay malungkot ,dapat na maramdaman din ito sa buod na gagawin.
3. Kailangang mailahad o maisama rito ang mga pangunahing tauhan maging ang
kanilang mga gampanin at mga suliranin kanilang kinakaharap.
4. Gumamit ng mga angkop na pang-ugnay ( gayunpaman,kung gayon,
samakatuwid,gayundin, sa kabilang daku ,bilang kongklusyon) sa paghabi ng mga
pangyayari sa kwentong binubuod lalo na kung ang sinopsis ay ginawa ay binubuo ng
dalawa o higit pang talata.
5. Tiyaking wasto ang gramatika, pagbabaybay,at mga bantas na ginamit sa pagsulat.
6. Huwag kalimutang isulat ang sangguniang ginamit kung saan hinango o kinuha ang
Page 24
orihinal na sipi ng akda.
Mga hakbang sa Pagsulat ng Sinopsis
1. Basahin ang buong seleksyon o akda at unawaing mabuti hanggang makuha ang buong
kaisipan o paksa ng diwa nito.
2. Suriin at hanapin ang pangunahin at di pangunahing kaisipan.
3. Habang nagbabasa,magtala kung maaari ay magbalangkas.
4. Isulat sa sariling pangungusap at huwag lagyan ng sariling opinyon o kuro-kuro ang
isinusulat.
5. Ihanay ang ideya sang-ayon sa orihinal na pagkakasunod-sunod. Laging sa
pangkasalukuyan ang gamit ng pandiwa. Gamitan din ng malaking titik ang pangalan
ng karakter sa unang pagbanggit nito.Tiyakin ang pananaw o punto de vista kung sino
ang nagkukwento.
6. Basahin ang unang ginawa, suriin at kung mapaikli pa ito nang hindi mababawasan
ang kaisipan ay lalong magiging mabisa ang isinusulat na buod.

Narito ang halimbawa ng sinopsis o lagom


Ang Alamat ng Ko So Thah
ni : Joaquin Sy
May isang bundok sa Tsina na pinangalanang Bundok ng Pao Kai. Naninirahan
sa paanan niyon si HAI SENG at kanyang asawa at kapatid. Bagamat mahirap,may
paggalang at pagmamahal sila sa isa‟t isa kung kaya‟t kuntento at masaya silang
namumuhay.Ngunit heto‟t dumating ang matinding tagtuyot hindi lamang sa bukirin
kundi pati sa karagatan. “Wari‟y bigla ring naglaho ang isda sa dagat!” Dahil sa pagaalala sa kanilang
kahihinatnan, matatag ang pagpapasya ni Hai Seng na humanap ng
ikabubuhay sa ibayong dagat. Sumakay siya bangkang may layag.Humayo siya
habang hinahatid ng tanaw ang maghipag. Narating niya ang isang napakalayong pulo
ngunit tila mailap ang kapalaran. Ilang taon na siyang namalagi roon kahit nangungulila
sa asawa at kapatid.
Nasasabik at naiinip ang maghipag sa tagal ng panahong hindi bumalik si Hai
Seng. Umakyat sila sa tuktok ng bundok para maghintay . Araw-araw nila itong
gagawin.Sa bawat akyat nila, may dala silang mga batong isinasalansan nila pataas para
lalo nilang matanaw ang kalawakan ng karagatan pero wala pa rin ang hinihintay. ,kayat
sumulat ng liham ang asawa sa pamamagitan ng dugong dumaloy sa kinagat na daliri. 18
Ikinabit ang liham sa isang ginawang saranggola at ipinailanlang ito sa kalawakan upang
tangayin ng hangin.
Sa ibayong dagat, nakita ng Hai Seng ang saranggola habang nangungulila itong
nakatanaw sa dalampasigan. Nagpasya itong umuwi sakay ng bangkang may layag na
gawa ng mga kasamahan sa pulo.Laking tuwa niya nang matanaw ang tuktok ng bundok
at makita ang asawa at hipag. Nagkawayan sila ngunit biglang sinalpok ng malaking alon
ang kanyang sinasakyan at tinangay siya ng alon. Nakita ito ng maghipag. Agad silang
bumaba ng bundok at tinangka siyang sagipin ngunit pati sila‟y nilamon ng mabagsik na
karagatan.Nalungkot ang buong nayon. Dahil dito , nagtayo sila ng pagoda sa salansan
ng mga bato sa tuktok ng bundok. Tinatawag nila ito ngayong Pagoda ng Maghipag o Ko
So Thah.

Gawain 4
Panuto: PAGBUBUOD SA PARABULA: Basahin ang parabula at gumawa ng sinopsis o buod sa tulong ng
pagsunod NG mga hakbang sa pagsulat nito . Isulat ito sa bondpaper.

Page 25
Ang Alibughang Anak
Lukas 15:11-32
Sinabi pa ni Jesus, “May isang tao na may dalawang anak na lalaki. Sinabi sa kanya ng bunso, “Ama,
ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.” At hinati nga ng ama ang kanyang ari-arian. Pagkalipas
ng ilang araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang bahagi at nagpunta sa malayong lupain. Nilustay niya
roon sa mga bisyo ang lahat niyang kayamanan. Nang maubos na ito, nagkaroon ng matinding
taggutom sa lupaing iyon, kaya't siya'y nagsimulang maghirap. Namasukan siya sa isang tagaroon, at
siya'y pinagtrabaho nito sa isang babuyan. Sa tindi ng kanyang gutom, at dahil sa wala namang
nagbibigay sa kanya ng pagkain, halos kainin na niya ang mga pinagbalatan ng mga bungangkahoy na
pinapakain sa mga baboy. Ngunit napag-isip-isip niya ang kanyang ginawa at nasabi niya sa sarili, „Labis-
labis ang pagkain ng mga alila ng aking ama, samantalang ako'y namamatay dito sa gutom! Babalik ako
sa aking ama at sasabihin ko sa kanya, “Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako
karapat-dapat na tawaging anak ninyo; ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.”‟ At siya'y
nagpasyang umuwi sa kanila. “Malayo pa'y natanaw na siya ng kanyang ama, at dahil sa matinding awa
ay patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. Sinabi ng anak, „Ama, nagkasala po ako sa
Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawaging anak ninyo.‟ Ngunit tinawag ng ama ang
kanyang mga alila, „Dali! Kunin ninyo ang pinakamagandang damit at bihisan ninyo siya! Suotan ninyo siya
ng singsing at ng sandalyas. Katayin ninyo ang pinatabang guya at tayo'y kumain at magdiwang.
Sapagkat ang anak kong ito ay namatay na, ngunit siya ay nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.‟
At sila nga'y nagdiwang. “Nasa bukid noon ang anak na panganay. Nang umuwi siya at malapit na sa
bahay, narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isang utusan at tinanong, „Bakit? Ano'ng
mayroon sa atin?‟ „Dumating po ang inyong kapatid!‟ sagot ng alila. „Ipinapatay po ng
inyong ama ang pinatabang guya dahil ang inyong kapatid ay nakabalik nang buháy at
walang sakit.‟ Nagalit ang panganay at ayaw niyang pumasok sa bahay. Pinuntahan siya ng kanyang
ama at pinakiusapan. Ngunit sumagot siya, „Pinaglingkuran ko kayo sa loob ng maraming taon at
kailanma'y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa'y hindi ninyo ako binigyan ng kahit isang maliit na
kambing para magkasayahan kami ng aking mga kaibigan.

Subalit nang dumating ng anak ninyong ito, na lumustay ng inyong kayamanan sa masasamang babae,
ipinagpatay pa ninyo siya ng pinatabang guya!‟ Sumagot ang ama, „Anak, lagi kitang kapiling at ang
lahat ng aking ari-arian ay sa iyo. Nararapat lang na tayo'y magsaya at magdiwang, sapagkat namatay
na ang kapatid mo, ngunit nabuhay; nawala, ngunit muling natagpuan.‟

Gawain 6
Panuto: PAGTUKOY SA KATANGIAN NG SINOPSIS: Suriin ang kahulugan, kalikasan , mga katangian , layunin
, gamit , anyo (porma) ng Sinopsis. Isulat ito sa tsart.
Sinopsis
Kahulugan

Kalikasan

Katangian

Layunin

Page 26
Gamit

Anyo(porma)

Karagdagang Gawain
Gawain 7
Panuto: PAGSULAT NG KWENTO SA BUHAY: Ang isa sa katangian ang tekstong naratibo ay ang
pagkakaroon ng maayos na banghay na magpapakita sa pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari.
Gamitin ang bondpaper at sundin ang proseso ng mga pangyayaring bubuo sa banghay ng
akdang “KWENTO AKING BUHAY. Isulat ang pamagat at may-akda nito.

SIMULA:

SAGLIT NA KASIGLAHAN:

KASUKDULAN:

KAKALASAN:

WAKAS:

TUKLASIN (Pagsulat ng Adyenda, Memorandum, at Katitikan ng Pulong)


Pagsulat ng Adyenda
Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang tatalakayin sa pulong. Ang
pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga susi ng matagumpay na pulong.
Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid sa mga taong kabahagi bago isagawa
ang pulong.

Narito ang ilang kahalagahan ng pagkakaroon ng adyenda ng pulong.


1.Ito ay nagsasad ng sumusunod na mga impormasyon:
a.mga paksang tatalakayin
b.mga taong tatalakay o magpaliwanag ng mga paksa

Page 27
c.oras na itinakda para sa bawat paksa
2.Ito rin ang nagtatakda ng balangkas ng pulong tulad ng pagkakasunod-sunod ng mga paksang
tatalakayin at kung gaano katagal pag-uusapan ang mga ito.
3.Ito ay nagsisilbing talaan o tseklist na lubhang mahalaga upang matiyak na ang lahat ng paksang
tatalakayin ay kasama sa talaan.
4.Ito ay nagbibigay rin ng pagkakataon sa mga kasapi sa pulong na maging handa sa mga paksang
tatalakayin o pagdedesisyunan.
5.Ito ay nakakatulong nang malaki upang manatiling nakapokus sa mga paksang tatalakayin sa
pulong.
Mga Hakbang sa Pagsulat ng Adyenda:
1. Magpadala ng memo na maaaring nakasulat sa papel o kaya naman ay isang e-mail na
nagsasaad na magkakaroon ng pulong tungkol sa isang tiyak na paksa o layunin sa ganitong araw,
oras at lugar.
2.Ilahad sa memo na kailangan nilang lagdaan ito bilang katibayan ng kanilang pagdalo o kung email
naman kung kinakailangang magpadala sila ng kanilang tugon.Ipaliwanag din sa memo nasa
mga dadalo ,mangayaring ipadala o ibigay sa gagawa ng adyenda ang kanilang concerns o paksang
tatalakayin at maging ang bilang ng minuto na kanilang kailangan upang pag-usapan ito.
3.Gumawa ng balangkas ng mga paksang tatalakayin kapag ang lahat ng mga adyenda o paksa ay
napadala na o nalikom na. Higit na maging sistematiko kung ang talaan ng agenda ay nakalatag sa
talahanayan o naka-table format kung saan makikita ang adyenda o paksa,
taong magpaliwanang at oras kung gaano katagal pag-uusapan. Ang taong naatasang
gumawa ng adyenda ay kailangang maging matalino at mapanuri kung ang mga isinumeting agenda
ay may kaugnayan sa layunin ng pulong.
4.Ipadala ang sipi ng adyenda sa mga taong dadalo mga dalawa o isang araw bago ang pulong.
Bilang paalala ay muling ilagay rito ang layunin ng pulong at kung kailang at saan ito gaganapin.
5.Sundin ang nasabing adyenda sa pagsasagawa ng pulong.

Gawain 8
Panuto: PAGSAGOT SA KATANUNGAN :Batay sa binasang paksa .Sagutin ang mga
katanungan ukol dito.
1.Ano ang Adyenda ?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________.
2.Ano-ano ang layunin nito?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.
3.Bakit mahalaga ang paggamit ng adyenda sa isang pulong ?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________.
4.Ano-ano ang bunga/resulta sa isang pagpupulong kung walang inihahandang Adyenda ?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________.

Page 28
Gawain 9
Panuto: PAGSUSURI SA ADYENDA :Basahin ang buong halimbawa ng adyenda at sagutin ang
mga tanong.

Petsa: Disyembre 5,2015 Oras: 9:00- 11:00n.u.


Lugar: Academy of Saint John (Conference Room )
Paksa/Layunin: Preparasyon Para sa Senior High School
Mga Dadalo:
1.Daisy Romero (Prinsipal) 9.Gemma Abriza (Guro-Senior High School)
2.Nestor Lontoc ( Registrar) 10.Joel Ceniza (Guro -Senior High School)
3.Joselito Pascual (Finance Head) 11.Sherlyn Fercia (Guro -Senior High School)
4.Atty. Ez Pascual ( Physical Resource Head) 12.Evangeline Sipat(Guro -Senior High School)
5. Engr. Ricardo Martinez (Engineer) 13.Ailene Posadas(Guro -Senior High School)
6.Vicky Gallardo (Academic Coordinator) 14.Vivin Abundo(Guro -Senior High School)
7. Rubie Manguera ( Academic Coordinator) 15.Onie Ison (Guro -Senior High School)
8. Richard Pineda (Academic Coordinator)
Mga Paksa o Adyenda Taong Oras
Tatalakay
1.Badget sa pagpapatayo ng mga gusali para sa senior high Pascual 20 minuto
School
2.Loteng kailangan sa pagpapatayo ng gusali Atty. Pascual 20 minuto
3. Feedback mula sa mga magulang hinggil sa SHS ng ASJ Romero 10 minuto
4. Kurikulum/Track na ibibigay sa ASJ Romero 20 minuto
5.Pagkukuha at Pagsasanay ng mga guro para sa SHS Lontoc 15 minuto
6. Pag-iiskedyul ng mga asignatura Pineda 15 minuto
7. Estratehiya para mahikayat ang mga mag-aaral na kumuha Gallardo 10 minuto
ng SHS sa ASJ

Mga Katanungan:
1.Bakit magkaroon ng pagpupulong ang mga kawani sa paaralan? Mahalaga ba at napapanahon
ito ? Bakit?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
2.Pansinin ang nakatakdang oras/ minutong gugugulin na nakabatay sa Adyenda . Ano ang
naobserbahan mo rito at ano kaya ang maaaring paliwanag mo?
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________

Gawain 10
Panuto: PAGBIBIGAY KAHULUGAN: Ilapat ang Hanay A- Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng
Adyenda sa Hanay B . Isulat ang ng tamang sagot sa patlang .
A-Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Adyenda B- Paliwanag
1.____ Tiyaking ang bawat dadalo sa pulong ay A.Tiyakin na nasusunod ang itinakdang
nakatanggap ng sipi ng mga adyenda. oras para sa mga adyenda o paksang
tatalakayin.
2.____ Talakayin sa unang bahagi ng pulong ang B.Ang pagsunod sa oras ay
higit nagngangahulugan ng pagrespeto sa
na mahahalagang paksa. oras ng iyong mga kasama .
3.____ Manatili sa iskedyul ng agenda ngunit maging C.Ginagawa ito upang matiyak na kung
flexible kung kinakailangan. kulangin man ang oras para sa
Page 29
pagpupulong ay natalakay na ang
importanting paksa.
4.____ Magsimula at magwakas sa itinakdang oras D.Makatutulong nang malaki kung
na nakahanda na rin kasama ng adyenda ang
nakalagay sa sipin ng Adyenda. mga kakailanganing dokumento para sa
mga paksang nangangailangan ng
estadistika at kompyutasyon upang mas
madali itong maunawaan ng lahat at
walang masayan na oras.
5.____ Ihanda ang mga kakailanganing dokumento E.Ginagawa ito upang matiyak na ang
kasama ng adyenda . bawat taong dadalo sa pulong ay may
sapat na kaalaman hinggil sa mga
paksang pag-uusapan.

ISAGAWA:
Gawain 11
Panuto : PAGSULAT NG ADYENDA: Alinsunod sa iyong nabuong memorandum sa nakaraang
aralin , sumulat ka ng Adyenda para sa gagawing pulong sa bondpaper.

TUKLASIN
Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan o
napagkasunduan Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong.
Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at
komprehensibo o nagtataglayng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong.
Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong ,ito ay nagsisilbing opisyal
at legal na kasulatan ng samahan ,kompanya , o organisasyon na maaaring magamit bilang
prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na pagpaplano
at pagkilos.
Mahahalagang Bahagi ng Katitikan ng Pulong
(1)Heading- Ito ay naglalaman ng pangalan ng kompanya,samahan, organisasyon,o
kagawaran. Makikita ang petsa ,lokasyon , at maging ang oras ng pagsisimula ng pulong.
(2) Mga Kalahok o dumalo- Dito nakalagay kung sino ang nanguna sa tagapagdaloy ng pulong
gayundin ang pangalan ng lahat ng mga dumalo kasama ang mga panauhin. Maging ang
pangalan ng mga liban o hindi nakadalo ay nakatala rin dito.
(3) Pagbasa at Pagpapatibay ng nagdaang katitikan ng pulong-Dito makikita kung ang nakalipas
na katitikan ng pulong ay napagtibay o may pagbabagong isinagawa sa mga ito.
(4) Action items o usaping napagkasunduan- Dito makikita ang mahahalagang tala hinggil sa
mga paksang tinalakay . Inilalagay rin sa bahaging ito kung sino ang taong manguna sa
pagtalakay ng isyu at maging ang desisyong nabuo ukol dito.
(5) Pabalita o patalastas- Hindi ito laging makikita sa katitikan ng pulong ngunit kung mayroon
mang pabalita o patalastas mula sa mga dumalo ay tulad halimbawa ng mga suhestiyong
agenda para sa susunod na pulong ay maaaring ilagay sa bahaging ito .
(6) Iskedyul ng susunod na pulong – Itinatala sa bahaging ito kung kailan at saan gaganapin
ang susunod na pulong.
(7) Pagtatapos- Inilalagay sa bahaging ito kung anong oras nagwakas ang pulong
(8)Lagda – Mahalagang ilagay sa bahaging ito ang pangalan ng taong kumuha ng katitikan ng
pulong at kung kailan ito isinumite.
Mga Dapat Gawin ng Taong Naatasang kumuha ng Katitikan ng Pulong
Ayon kay Bargo (2014) dapat tandaan ng sinumang kumuha ng katitikan ng pulong na
hindi niya trabahong ipaliwanag o bigyang -interpretasyon ang mga napag-usapan sa pulong.
Page 30
Sa halip, ang kanyang tanging gawain ay itala at iulat lamang ito. Napakahalaga na siya ay
maging obhetibo at organisado sa pagsasagawa nito.
Ayon kay Sudaprasert sa kanyang aklat ng English for the Workplace 3 (2014), ang
kumukuha ng katitikan ng pulong ay kinakailangang :
1.Hangga‟t maaari ay hindi participant sa nasabing pulong
2.Umupo malapit sa tagapanguna o presider ng pulong
3. May sipi ng mga pangalan ng mga taong dadalo sa pulong
4.Handa sa mga sipi ng adyenda at katitikan ng nakaraang pulong
5.Nakapokus o natuon lamang sa nakatalang adyenda ng pangkat
6.Tiyaking ang katitikang ng pulong na ginagawa ay nagtataglay ng tumpak at kompletong
heading
7.Gumamit ng recorder kung kinakailangan
8. Itala ang mga mosyon o pormal na suhestiyon nang maayos
9.Itala ang lahat ng paksa at isyung napagdesisyunan ng koponan
10. Isulat o isaayos agad ang mga datos ng katitikan ng pulong pagkatapos ng pulong
Tatlong Uri/ Estilo ng Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
1.Ulat ng katitikan – ang lahat ng detalyeng napag-usapan sa pulong ay nakatala. Maging ang
pangalan ng mga taong nagsalita o tumalakay sa paksa kasama ang pangalan ng mga taong
sumang-ayon sa mosyong isinagawa.
2.Salaysay ng katitikan – isinalaysay lamang ang mahahalagang ng detalye ng pulong.Ang
ganitong uri ay maituturing na isang legal na dokumento.
3.Resolusyon ng katitikan -Nakasaad lamang sa katitikan na ito ang lahat ng isyung
napagkasunduan ng samahan.Hindi na itinatala ang pangalan ng mga taong tumalakay nito
at maging ang mga sumang-ayon dito .Kadalasan mababasa ang mga katagang “
Napagkasunduan na … Napagtibay na..
Mga Dapat Tandaan sa Pagsulat ng Katitikan ng Pulong
Ayon kay Dawn Rosenberg McKay , isang editor at may-akda ng “The Everything
Practice Interview Book at The Everything Get-a-job Book, sa pagkuha ng katitikan ng pulong
mahalagang maunawaan ang mga bagay na dapat gawin bago ang pulong, habang isinagawa
ang pulong at pagkatapos ng pulong .
Bago ang Pulong –

notbuk, papel ,bolpen , lapatop ,recorder


an
ngpulong. Maglaan ng sapat na espasyo para sa bawat paksa.
Habang Isinagawa ang Pulong

ta sa pulong.

gayundin ang mga sumang-ayon ,at ang naging resulta ng botohan.


-pansin ang mga mosyon na pagbobotohan at pagdedesisyunan pa sa
susunod na pulong.

Pagkatapos ng Pulong
p
ang lahat ng mga tinalakay.

ng pulong (buwanan , lingguhan), at maging ang layunin nito.

g mga dumalo at maging ang pangalan ng nanguna sa pagpapadaloy

Page 31
ng pulong. Lagyan ng “Isinumite ni” kasunod ng iyong pangalan.

pagwawasto nito,
atitikan ng pulong sa kinauukulan o sa taong nanguna sa pagpapadaloy nito.

Gawain 12
Panuto: KATITIKAN NG PULONG :Basahin at unawain ang halimbawa ng katitikan ng
pulong at sagutin ang mga katanungan.

Academy of Saint John


La Salle Green Hills Supervised
Generel Trias, Cavite
Buwanang Pulong ng mga Tagapanguna ng Bawat Kagawaran
Disyembre 5,2015
Conference Room,Academy of Saint John
Layunin ng Pulong: Preparasyon Para sa Senior High School
Petsa/Oras: Disyembre 5, 2015 sa ganap ng ika-9:00 n.u.
Tagapanguna: Daisy T. Romero (Prinsipal)
Bilang ng mga Taong Dumalo
Mga Dumalo:(11) Daisy Romero, Joselito Pascual, Atty.Ez Pascual, Nestor Lontoc, Victoria
Gallardo, Rubirosa Manguera, Richard Pineda, Ailene Posadas, Gemma Abriza, Evangeline
Sipat ,Ricardo Martinez
Mga Liban (4), Joel Ceniza, Vivin Abundo, Sherlyn Fercie, Onie Ison
I.Call to order:
Sa ganap na alas 9:00 n.u. ay pinasimulan ni Gng. Romero ang pulong sa pamamagitan ng
pagtawag sa atensyon ng lahat.
II.Panalangin:
Ang panalangin ay pinangunahan ni Bb. Evangeline Sipat
III.Pananalita ng Pagtanggap :Ang bawat isa ay malugod na tinanggap ni Gng. Daisy Romero bilang
tagapanguna ng
pulong.
IV.Pagbasa at Pagpapatibay ng Nagdaang Katitikan ng Pulong:
Ang nagdaang katitikan ng pulong na ginawa noong Nobyembre 7,2015 ay binasa ni Gng. Victoria
Gallardo . Ang mosyon ng pagpapatibay ay pinangunahan ni G. Richard Pineda at ito ay sinangayunan
ni G. Nestor S. Lontoc.
V. Pagtalakay sa Adyenda ng Pulong:
Ang sumusunod ay ang mga adyenda ng paksang tinalakay sa pulong:
Paksa Talakayan Aksyon Taong
Magsasagawa
1.Badget sa Tinalakay ni G. Joselito Magsagawa ng isang G.
pagpapatayo ng mga Pascual ang halagang pulong kasama ang Joselito
gusali para sa Senior gugugulin para sa mga inhenyero at Pascual
High School pagpapatayo ng mga arkitekto para sa
gusali para sa Senior pagpaplano ng Martinez
High School .Ayon sa proyekto
kanya ,mga 10 milyong Monton
piso ang kakailanganin
para mabuo ang
karagdagang silid-
aralan.
2.Loteng kailangan sa
pagpapatayo ng gusali
3. Feedback mula sa
mga

Page 32
magulang hinggil sa
SHS ng ASJ
4. Kurikulum/Track na
ibibigay sa ASJ
5.Pagkukuha at
Pagsasanay ng mga
guro para sa SHS
6. Pag-iiskedyul ng
mga asignatura
7. Estratehiya para
mahikayat ang mga
mag-aaral na kumuha
ng SHS sa ASJ

Mga Katanungan:
1.Anong uri/ estilo ng pagsulat ng katitikan ng pulong ang nabasang
halimbawa?____________________________________________________________________________________
2. Ang katitikan ng pulong na iyong nabasa ay naisulat nang obhetibo, organisado at sistematiko?
Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
3. Nasunod ba ang mga pamatnubay at paraan ng pagsagawa ng pulong ayon sa ginamit na
adyenda?Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________.

Gawaing 13
Panuto: PANONOOD NG SA ISANG PAGPUPULONG SA YOUTUBE :
Ihanda ang lahat ng bagay na kakailanganin sa pagsulat ng katitikan ng pulong sapagkat ikaw
ay nataasang kumuha ng katitikan ng pulong sa panoorin mong video . Pagkatapos ay bumuo ng isang
sintesis/katitikan ng pulong batay sa PULONG na napanood . Isaalang-alang sa paggawa ang lahat ng
bagay na natutunan sa arling ito gayundin ang pamantayan na makikita sa ibaba. Isulat sa bondpaper.
Pamantayan Puntos
Naisasagawa nang mataman ang mga hakbang sa pagsulat ng katitikan ng 10
pulong at sintesis. CS-FA11/12PU-Od-f-92
Kompleto ang bahagi ng katitikan ng pulong na nabuo at nakapagbibigay ng 10
komprehensibong sintesis tungkol dito.
Nakakasulat ng katitikan ng pulong at sintesis nang maingst,wasto at angkop 10
ang paggamit ng wika. CS-FA11/12WG-Op-r-93
Wasto ang mga naitalang impormasyon sa katitikan ng pulong at angkop ang 10
sintesis na nabuo.
Kabuoang puntos 40

Gawain 14
Panuto : KATANGIAN NG KATITiKAN NG PULONG : Suriin ang kahulugan ,kalikasan , mga katangian ,
layunin , gamit , anyo (porma) ng Katitikan ng Pulong. Isulat sa papel / bondpaper. Sundin ang tsart
Katitikan ng Pulong
Kahulugan

Kalikasan

Page 33
Katangian

Layunin

Gamit

Anyo (Porma)

LAGOM:
Madalas marinig na ang mabisang komunikasyon ang buhay ng isang samahan o
organisasyon. Kung walang maayos na daloy ng komunikasyon sa loob ng isang samahan,
kadalasan ito ay walang kaayusan. Gayundin naman, kung ang komunikasyon ang buhay ng
samahan, itinuturing namang pinakapuso at isip nito ay ang pagpupulong. Sa pamamagitan ng
epektibong pagpupulong nauunawaan at nadarama ng bawat bahagi ng samahan ang mga
lithiin at nais tahakin nito. Kaya naman, napakahalagang maisagawa ang isang maayos,
organisado , at sistematikong pagpupulong ito man ay isang business meeting ,one-on-one
meeting , o company or school meeting.
Memorandum 0 Memo
Ayon kay Prof. Ma Rovilla Sudaprasert, sa kanyang aklat na English for the Workplace 3
(2014), ang memorandum o memo ay isang kasulatang nagbibigay kabatiran tungkol sa
gagawing pulong o paalala tungkol sa isang mahalagang impormasyon, gawain, tungkulin, o
utos. Sa memo nakasaad ang layunin o pakay ng gagawing miting. Sa pamamagitan nito
,naging malinaw sa mga dadalo ng pulong kung ano ang inaasahan mula sa kanila. Kung ang
layunin ng pulong na nakatala sa memo ay upang ipabatid lamang sa kanila ang isang
mahalagang desisyon o proyekto ng kompanya o oraganisasyon ,magiging malinaw para sa
lahat na hindi na kailangan ang kanilang ideya o suhestiyon sapagkat pinal na ang nasabing
desisyon o proyekto.
Ang pagsulat ng memo ay maituturing ding isang sining .Dapat tandaan na ang memo
ay hindi isang liham. Kadalasang ito ay maikli lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang
tao sa isang tiyak na alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa
ng pagdalo sa isang pulong , pagsasagawa , o pagsunod sa bagong sistema ng produksyon
o kompanya. Ito rin ay maaaring maglahad ng isang impormasyon tungkol sa isang
mahalagang balita o pangyayari at pagbabago sa mga polisiya.

Pagsulat ng Adyenda
Ayon kay Sudaprasert (2014), ang Adyenda ang nagtatakda ng mga paksang
tatalakayin sa pulong. Ang pagkakaroon ng maayos at sistematikong adyenda ay isa sa mga
susi ng matagumpay na pulong. Napakahalagang maisagawa ito nang maayos at maipabatid
sa mga taong kabahagi bago isagawa ang pulong.

Pagsulat ng Katitikan ng Pulong


Ang pulong ay mababalewala kung hindi maitala ang mga napag-usapan o
napagkasunduan . Ang opisyal na tala ng isang pulong ay tinatawag na katitikan ng pulong.
Ito ay kalimitang isinasagawa nang pormal, obhetibo, organisado, sistematiko at
komprehensibo o nagtataglay ng lahat ng mahahalagang detalyeng tinalakay sa pulong.
Matapos itong maisulat at mapagtibay sa susunod na pagpupulong ,ito ay nagsisilbing opisyal
at legal na kasulatan ng samahan ,kompanya , o organisasyon na maaaring magamit bilang
prima facie evidence sa mga legal na usapin o sanggunian para sa susunod na pagpaplano
Page 34
at pagkilos.

Pangwakas Pagtataya
Panuto: PAGLALARAWAN SA SULATIN: Alamin natin kung gaano na ang lawak ng iyong
kaalaman sa nilalaman ng modyul na ito. Sagutin mo ang lahat ng aytem. Piliin ang salita ng
tamang sagot.
( Memorandum, Adyenda , Katitikan ng Pulong )
______________1.Ang pagbasa at pagpapatibay nito ay bahagi ng isang pagpupulong.
______________2.Isinasaad dito ang pakay o layunin sa gagawing pulong.
______________3.Kapag napagtibay ay nagsisilbi itong opisyal at legal na kasulatan.
______________4.Makikita rito ang pagkakasunod-sunod ng mga paksang tatalayin sa pulong.
______________5.Nagbibigay ito ng impormasyon tungkol sa gagawing pulong.
______________6.Nagiging daan ito upang manatiling nakapokus sa mga bagay na
tatalakayin sa pulong.
______________7.Nagsisilbi itong talaan ng mga pag-uusapan sa pulong mula sa
pinakamahalaga hanggang sa simpleng usapin.
______________8.Nagtatakda sa mga paksang tatalakayin sa pulong.
______________9.Pangunahing layunin nito na pakilusin ang mga tao sa tiyak na alituntunin.
_____________10.Tinatawag din itong opisyal na tala ng isang pulong.
_____________11.Dapat tandaan sa sulating ito na, talakayin sa unang bahagi ng pulong ang
higit na mahalagang paksa._____________12. Isang paalaala sa sulating ito na, bago ang pulong ,
magpasiya
kung anong paraan ng pagtatala ng katitikan ang iyong gagamitin.
----------------------13. Isang paalaala na ito ay hindi isang liham .Kadalasang ito ay maikli
lamang na ang pangunahing layunin ay pakilusin ang isang tao sa isang tiyak na
alituntunin na dapat isakatuparan gaya halimbawa sa pagdalo sa isang pulong.
_____________14. Isang paalaala na ito ay dapat manatili sa iskedyul ng adyenda ngunit
maging flexible kung kinakailangan .
_____________15. Buoin agad ito pagkatapos na pagkatapos ng pulong habang sariwa
pa sa isip ang lahat ng mga tinalakay

Page 35
Aralin 3: Ang Akademikong Sulatin: Pagsulat ng Talumpati

Ang modyul na ito ay tungkol sa pagpapakahulugan ng talumpati, mga uri ng talumpati, mga
dapat isaalang alang sa pagsulat ng talumpati, ang mga dapat tandaan sa pagsulat ng isang talumpati
at ang huwaran sa pagbuo nito. Sadyang inihanda ang modyul na ito upang makatuklas ng mga bagong
kaalaman sa pagsulat ng talumpati. Ang mga gawain ay maingat na inihanda upang lubos na malinang
ang kakayahan sa pakikinig, pagsasalita, pagbabasa, pagsusulat at panonood. Tutulungan ka ng
modyul na ito na matukoy ang kahulugan at kabuluhan ng mga konsepto sa huwaran na pagbuo ng
talumpati.
Sa araling ito, binigyang-pansin ang kahalagahan ng pakininig at pagsusuri ng isang talumpati.

Gawain 1

Piliin ang tamang sagot sa mga huwarang maaaring gamitin sa pagbuo ng talumpati. Isulat sa
patlang ang A kung ang pahayag ay nasa kronolohikal na
huwaran, B kung topikal na huwaran at C kung huwarang problema-solusyon.
________1. Kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpati na ito.
________2. Ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa pangunahing paksa.
________3. Ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunodsunod ng
pangyayari o panahon.
________4. Kalimitang ginagamit ang huwarang ito sa mga uri ng talumpating manghihikayat o
nagpapakilos.
________5. Mainam na gamitin ito upang buo at malinaw at nauunawaan ng mga nakikinig ang
tinatalakay ng paksa.

Gawain 1.1. PAGBUBUO NG KONSEPTO. Gumuhit ng larawan sa loob ng kahon hinggil sa iyong ideya
tungkol sa pagtatalumpati.

Page 36
Gawain 1.2.
Bakit kailangang matutuhan ang pagsusulat ng talumpati?

________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________

Gawain 1.3
PAGPAPAHALAGA SA PAKIKINIG NG TALUMPATI. Mula sa napakinggang
talumpati ng Pangulong Duterte. Iisulat sa kahon ang kahalagahan at katangian ng isang
talumpati.

TALUMPATI

LAYUNIN: Pagkatapos basahin at pag-aralan ang modyul na ito, kayo ay inaasahang:


1. Nakasusulat ng talumpati batay sa napakinggang halimbawa.

Page 37
SURIIN

Ang pagtatalumpati ay isang uri ng sining.Maipapakita rito ang katatasan at kahusayan ng


tagapagsalita sa panghihikayat upang paniwalaan ang kanyang paniniwala,pananaw at
pangangatwiran sa isang partikular na paksang pinag-uusapan. Ang talumpati ay kadalasang
pinaghahandaan bago bigkasin sa harapan ng tao kahit pa man ito‟y biglaan.Ang pagsulat ng talumpati
ang susi sa mabisang pagtatalumpati.

Ang Pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang


pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa. Ang isang talumpating isinulat ay hindi magiging
ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla.
Mga uri ng Talumpati
1. Biglaang Talumpati -Ito ay ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda, kaagad na ibinibigay ang
paksa sa oras ng pagsasalita.
2. Maluwag na talumpati –Isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda. Nagbibigay ng ilang minuto
para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan.
3. Manuskrito-Ang talumpating ito ay ginagamit sa mga kumbesyon seminar o programa sa pagsasaliksik
kaya pinag-aaralan itong mabuti at dapat na nakasulat.
4. Isinaulong Talumpati-Ito ay kagaya rin ng manuskrito sapagkat ito ay mahusay ding pinag-aralan at
hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
Huwaran sa Pagbuo ng Talumpati
1. Kronolohikal na Huwaran - ang mga detalye o nilalaman ng talumpati ay nakasalalay sa pagkakasunod-
sunod ng pangyayari o panahon.
2. Topikal na Huwaran - ang paghahanay ng mga materyales ng talumpati ay nakabatay sa panguanhing
paksa.
3. Huwarang Problema-Solusyon - kalimitang nahahati sa dalawang bahagi ang pagkakahabi ng talumpat
gamit ang huwarang ito.
Kasanayan sa paghabi ng mga bahagi ng Talumpati - ang paghahabi o pagsulat ng
nilalaman ng talumpati mula sa umpisa hanggang sa matapos ito ay napakahalaga ring
isaalang-alang upang higit na mahusay, komprehensibo at organisado ang bibigkasing
talumpati.
1.. Introduksyon - ito ang pinakapanimula. Ito ay naghahanda sa mga nakikinig para sa nilalaman ng
talumpati kaya naman dapat angkop ang pambungad sa katawan ng talumpati. Ang mga sumusunod
na katangian sa isang mahusay na panimula:
- mapukaw ang kaisipan at damdamin ng mga makikinig.
- maihanda ang mga tagapakinig sa gaganaping pagtalakay sa paksa.
- maipaliwanag ang paksa
2. Diskusyon o Katawan - dito makikita ang pinakamahalagang bahagi ng talumpati sapagkat dito
tinatalakay ang mahahalgang punto o kaisipang nais ibahagi sa mga nakikinig. Ito ang pinakakaluluwa
ng talumpati.
Mga Katangiang Taglayin ng Katawan sa Talumpati
a. Kawastuhan - tiyaking wasto at maayos ang nilalaman ng talumpati. Dapat na totoo
at maliwanag nang mabisa ang lahat ng detalye.
b. Kalinawan -kailangang maliwanag ang pagkakasulat at pagkakabigkas ng talumpati
upang maunawaan ng mga nakikinig.
c. Kaakit-akit - gawing kawili-wili ang paglalahad ng mga katwiran o paliwanag para
sa paksa.
3. Katapusan o Kongklusyon - dito nakasaad ang pinaka kongklusyon mg talumpati.
Dito kalimitang nilalagom ang mga patunay at argumentong inilahad sa katawan ng
talumpati.
4. Haba ng Talumpati - nakasalalay kung ilang minuto o oras ang inilaan para sa
pagbigkas. Malaking tulong sa pagbuo ng nilalaman nito ang pagtiyak sa nilaang oras.

Page 38
Gawain 1.4
PAGSAGOT SA KATANUNGAN. Sagutin ang sumusunod na katanungan.
1. Bakit mahalagang matutuhan ang pagsulat ng talumpati?
________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
____________________________
2. Para sa iyo, saan ka mas komportableng gawin batay sa mga uri ng talumpati? Ipaliwanag.
________________________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
____________________________

Gawain 1.5
PAGSULAT NG TALATA. Panuto: Sumulat ng talata kung bakit mahalagang maging palabasa at magsaliksik
sa pagbuo ng talumpati.
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________________________

Gawain 2
PAGPAPAHALAGA SA LARAWAN. Gumawa ng talumpati batay sa larawang makikita sa ibaba. Isulat ito sa
nakalaang espasyo.

________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________________________________
____
Page 39
Gawain 2.1

PAGREKORD NG PAGTATALUMPATI. Mula sa ginawang pagtatalumpati sa larawan na makikita sa itaas na


pagsasanay. Bigkasin at I rekord ito Magkaroon ng sariling pagtataya gamit ang kasunod na kraytirya.
Gawin sa sagutang papel.
Kraytirya Ganap na Bahagyang Hindi
Naisagawa Naisagawa Naisagawa
1. Orinalihidad
2. Kaugnayan sa paksa
3. Kawastuhan ng mga pahayag
4. Kalinawan sa pagbigkas

LAGOM
Ayon sa aklat ni Ailene Baisa Julian, et. al sa Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larang (Akademik),
na ang pagtatalumpati ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang
pasalitang tumatalakay sa isang partikular na paksa.
Ito ay karaniwang isinusulat upang bigkasin sa harap ng mga tagapakinig. Ang isang talumpating
isinulat ay hindi magiging ganap na talumpati kung ito ay hindi mabibigkas sa harap ng madla.Sa
pangkalahatan,may apat na uri ng talumpati batay sa kung paano ito binibigkas sa harap nga
tagapakinig.
Sipi sa aklat na Pinagyamang Pluma: Filipino sa
Piling Larang ni Ailene Baisa-Julian

Pangwakas na Pagtataya
1. Ito ay isang proseso o paraan ng pagpapahayag ng ideya o kaisipan sa paraang pasalitang
tumatalakay sa isang partikular na paksa __________.
a. sanaysay b. talumpati c. debate d. pagpapahayag
2. Isang uri ng talumpati na kung saan ang layunin ay ipabatid sa mga nakikinig ang tungkol sa isang
paksa, isyu o pangyayari.
a. pagbibigay-galang b. panlibang c. panghikayat d. kabatiran
3. Ito ay isang uri ng talumpati na ang pangunahing layunin ay hikayatin ang mga tagapakinig na
tanggapin ang paniniwala ng mananalumpati sa pammaagitan ng pagbibigay-katwiran at mga patunay.
a. panghikayat b. pampasigla c. papuri d. pagbibigay-galang.
4. Ang layunin ng talumpating ito ay na magbigay ng pagkilala o pagpupugay sa isang tao o
samahan___________.
a. pampasigla b. papuri c. panghikayat d. panlibang
5. Ito ang uri ng talumpati na magbibigay ng kasiyahan sa mga nakikinig.
a. pagbibigay-galang b. kabatiran c. pampasigla d. papuri
6. Ang layunin ng talumpating ito ay tanggapin ang bagong kasapi ng samahan o organisasyon.
a. pampasigla b. panghikayat c. kabatiran d. pagbibigay-galang
7. Isang uri ng talumpati na kung saan ay isinasagawa nang biglaan o walang paghahanda nagbibigay
ng ilang minuto para sa pagbuo ng ipahahayag na kaisipan __________.
a. maluwag na talumpati c. biglaang talumpati
b. manuskrito na talumpati d. isinaulong talumpati
8. Ito ay mahusay ding pinag-aralan at hinabi nang maayos bago bigkasin sa harap ng mga tagapakinig.
a. biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati
b. isinaulong talumpati d. maluwag na talumpati

Page 40
9. Ito ay ginagamit sa mga kumbensiyon, seminar o programa sa pagsasaliksik kaya pinag- aralan itong
mabuti at dapat na nakasulat___.
a. maluwag na talumpati c. biglaang talumpati
b. manuskrito na talumpati d. isinaulong talumpati
10. Isang uri ng talumpati na kung saan ibinibigay nang biglaan o walang paghahanda na kaagad
ibinibigay ang paksa sa oras ng pagsasalita__________.
a. biglaang talumpati c. manuskrito na talumpati
b. isinaulong talumpati d. maluwag na talumpati

Mahusay! Natapos mo na ang unang modyul. Ihanda


ang sarili para sa susunod namodyul na iyong aaralin.

MGA SANGGUNIAN
Ailene Baisa-Julian et.al. Pinagyamang Pluma: Filipino sa Piling Larang (Akademik). Phoenix
Publishing. 2016.
Pamela C. Constantino et.al. Filipino sa Piling Larangan (Akademik). Rex Book Store. 2016
Edition.
Dayag, Alma M., et al. Pinagyamang Pluma Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino. Quezon City, Phoenix Publishing House, Inc. 2016.
Corazon L. Santos, PhD., et.al. Filipino sa Piling Larang (Akademik) Kagamitan ng Mag-aaral.
Kagawaran ng Edukasyon Republika ng Pilipinas.

Internet Sites
https://www.google.com/search?q=poor+students+in+philippines+images&oq=poo&aqs=chrome.0.
69i59l2j0j69i57j46j0l3.6424j0j8&sourceid=chrome&ie=UTF-814
https://www.shutterstock.com/image-vector/set-corona-virus-covid19-safety-measures-
16779865
https://www.academia.edu/10450127/KABANATA_2_Mga_Kaugnay_na_Literatura_at_Pag-aaral
ttps://buzzflare.com/ph/2019/10/24/sana-all-preskripsyon-ng-doktor-na-may-magandangpenmanship-
hinangaan-ng-marami
https://www.studocu.com/ph/document/university-of-the-cordilleras/komunikasyon-saakademikong-
filipino/mandatory-assignments/karanasan-ng-isang-batang-ina-isangpananaliksik/5585821/view
https://covid19.healthypilipinas.ph/faqs/treatment-of-symptoms-and-recovery-from-covid-
19?topic=paano-gamutin-ang-covid-19&lang=tl

Page 41

You might also like