Professional Documents
Culture Documents
10-Silver Arriba Sa Pagbasa Narrative Report
10-Silver Arriba Sa Pagbasa Narrative Report
Department of Education
Region III – CENTRAL LUZON
CITY OF BALANGA NATIONAL HIGH SCHOOL
SY 2021-2022
NARRATIVE REPORT
BRIGADA PAGBASA
ARRIBA SA PAGBASA
(Grade 10)
Inihanda ni:
AILEEN A. BAUTISTA
Teacher III
Ipinasa kay:
VERONICA G. VILLEZA
HT-III
Itinala ni:
VIOLETA M. MENA
Principal IV
I. Panimula:
Phase III, Doña Francisca Subdivision Talisay Balanga
City, Bataan
School ID: 322901
Email Address: cobhs@ymail.com
Tel. No.: (047) 237-7360
Sa pakikipagtalastasan ng isang tao sa paraang berbal o di-berbal man ay
napakahalaga ng kasanayan sa paraan ng pagpapahayag. Ito ay magiging
tuntungan natin sa isang maayos na pakikipagtalastan. Isa ang pagbasa sa limang
makrong kasanayan na kailangan nating paunlarin tungo sa isang mabisang
pakikipagkomunikasyon.
Ayon kay G. James Lee Valentine (2000), ang pagbasa ay pinakapagkain ng
ating utak. Sa pamamagitan nito ay nadaragdagan ang ating kalaaman,
napapayaman at napapalawak nito ang ating talasalitaan, nakararating tayo sa mga
lugar na hindi pa natin napupuntahan at nakakuha tayo ng mga mahahalagang
impormasyon. Nangangahulugan lamang ito na ang pagbasa ay lubhang
napakahalaga bilang isang kasanayan na kailangan nating hubugin at pagyamanin.
Sa inilabas na Regional Memorandum No. 289, s. 2021, Implementation
Guidelines of DepEd Memorandum Number 173, s. 2019, Bawat Bata Bumabasa
(3Bs Initiative) na naglalayong panatilihin at itaguyod ang kultura ng pagbasa sa
lahat ng mga mag-aaral sa Elementarya at Sekondarya.
Seksyon: 10-Silver