You are on page 1of 6

CENTRALIAN FM RADIO

NOBYEMBRE 3, 2021
PAGE 1 OF 5

Title: Radyo Kaalaman para sa Unang Baitang


Topic:
Format: School-on-the-air
Length: 15 minutes
Scriptwriter:  Rose May B. Tacorda and John David R. Ansoc (Dasmarinas II Central School)
Objectives: Magagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay ng pangalan ng tao, lugar,
hayop, bagay at pangyayari

1 BIZ: INSERT ZOA PROGRAM ID

2 BIZ: MUSIC FADE UP FOR 6 SECS AND FADE UNDER FOR

3 ANAROSE: Magandang Araw! Kamusta mga bata? Excited na ba kayo para sa bagong paksa sa

araw na ito? (PAUSE)

4 Kayo ay nakikinig sa CENTRALIAN FM Radio (PAUSE)

5 Ang programang panradyo na maghahatid sa inyo ng mga kaalaman

6 BIZ: MUSIC FADE UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER FOR

7 ANAROSE: Ako si Teacher Anarose Malibiran mula sa Dasmarinas II Central School at ako ang

makakasama ninyo sa araw na ito. Tayo ay nasa Ikalawang Markahan Ikatlong linggo, sa

asignaturang FILIPINO sa Unang Baitang. (PAUSE)

8 BIZ: MUSIC FADE UP FOR 6 SECS AND FADE UNDER FOR

9 ANAROSE: Tara na mga bata! (PAUSE) Ating tuklasin ang paksa sa asignaturang FIL

I. (PAUSE)

10 Sa ating talakayan, (PAUSE) Magagamit nang wasto ang pangngalan sa pagbibigay

ng pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari. (PAUSE)

11. Ang layunin ng ating talakayan ay Makagagamit nang wastong pangngalan sa pagbibigay ng

pangalan ng tao, lugar, hayop, bagay at pangyayari. (PAUSE)


CENTRALIAN FM RADIO
NOBYEMBRE 3, 2021
PAGE 2 OF 5

12 Ngunit bago natin simulan ang ating paksa, tayo muna ay magbalik aral tungkol sa

paggamit ng magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon. (PAUSE)

13 Magbigay ng mga magalang na pananalita sa angkop na sitwasyon? (PAUSE)

14 Magaling! Ilan dito ay ang ‘Magandang Umaga po! (PAUSE) Magandang hapon po

(PAUSE) Magandang gabi po (PAUSE) at Magandang araw po! (PAUSE)

15 BIZ: SFX CLAPPING HANDS/ APPLAUSE

16 Mukhang handa na nga kayo sa ating bagong tatalakayin? (PAUSE)

17 BIZ: MUSIC FADE UP FOR 6 SECS AND FADE UNDER FOR

18. Siguraduhing handa na din ang mga kagamitan sa ating pag-aaral sa araw na ito.

(PAUSE)

19 BIZ: MUSIC FADE UP FOR 6 SECS AND FADE UNDER FOR

20 Halina at makinig mabuti sa ating talakayan. (PAUSE)

21 Unahin natin sa pagbibigay kahulugan kung ano ba ang pangngalan? (PAUSE)

22 Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, lugar, hayop, at pangyayari.

(PAUSE) Ito ay may dami o bilang na tinatawag na Kailanan. (PAUSE)

23 Ilan sa halimbawa ng pangngalan na tumutukoy sa tao ay Juan, Maria Ginoo at

Doktor (PAUSE)

24 Ilan sa halimbawa ng pangngalan na tumutukoy sa lugar ay Boracay, Parke at

Paaralan. (PAUSE)

25 Para nman sa halimbawa ng pangngalan na tumutukoy sa hayop ito ay Kalabaw,

Ahas at Kambing. (PAUSE)


CENTRALIAN FM RADIO
NOBYEMBRE 3, 2021
PAGE 3 OF 5

26 Ang halimbawa nman ng pangngalan na tumutukoy sa pangyayari ay Bagong Taon,

Buwan ng Wika at Pasko (PAUSE).

27 BIZ: MUSIC FADE UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR (Animal sound)

28 ANAROSE Natandaan mo ba ang ating tinalakay tungkol sa pangngalan? (PAUSE)

29 Magaling! (PAUSE) Tara at ating sabay sabay na sagutan ang mga

sumusunod.

30 BIZ: MUSIC FADE UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER FOR ( Clap

31 ANAROSE: Pakinggan natin si Sarah sa kanyang pagpapakilala na may maiksing kwento

at ating tukuyin ang mga pangngalan na ginamit niya.

32 Magandang araw sa inyong lahat! Ako nga pala si Sarah isang mag-aaral ng

Paaralang Central ng Dasmarinas na nasa Unang Baitang. Ang aking guro ay si Gng. Santos. Ang

aking mga magulang ay sina Pedro at Maria, sila Buknoy, Tommy at Aby naman ay aking mga

kapatid, mga katulad ko ding mag-aaral sa Central. Mayroon din kaming mga alagang hayop tulad

ng aso, pusa at ibon na lubhang mababait at masasayang kasama sa bahay.

Isang umaga inutusan ako ng aking ina na bumili ng pandesal at keso sa Bakery, paglabas

ko ng bahay nakita ko sa gate ang aming aso, siya ay sinama ko sa pagbili upang ako ay may

kasama, Habang naglalakad patungo sa Bakery, nakakita kami ng mga nag-paparadang aso, na

may mga suot na makukulay na costume, Ako ay namangha dahil ang mga asong ito ay lubhang

nakakatuwa. May nakasuot ng pang prinsesa, mayroon ding parang mga superheroes, Kami ay

labis na natuwa ng aming aso sa panunood hanggang sa umabot na kami sa Bakery. Ako ay bumili

na ng pandesal na inutos sa akin ng aking ina. Ngunit bago kami bumalik sa aming bahay ng aming
CENTRALIAN FM RADIO
NOBYEMBRE 3, 2021
PAGE 4 OF 5

aso. TInanong ko ang tindera, “Ate bakit po may parada ng mga aso?”. “Ngayon ay Fiesta ng ating

Baranggay, isa ito sa kanilang programa para buong lingo ng pagdiriwang.”, masayang tugon nito.

“Ah ganoon po ba? Mukhang masaya ang buong linggo ng ating Baranggay dahil sa Fiestang ito,’

Maraming salamat po! Sagot ko naman sa tindera at kami ay bumalik na sa aming bahay ng alaga

naming aso.

33 BIZ: MUSIC FADE UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER FOR ( Clap)

34 ANAROSE Nagustuhan ba ninyo ang pagpapakilala ni Sarah? (PAUSE)

35  BIZ: MUSIC FADE UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR (Animal sound)

36 ANAROSE: Mabuti naman! (PAUSE) Tingnan nga nating kung matutukoy ninyo ang mga

pangngalan sa Pagpapakilala at Kwento ni Sarah. (PAUSE)

37 BIZ: MUSIC FADE UP FOR 3 SECS AND FADE UNDER FOR

38 ANAROSE: Ano-anong pangngalan na tumutukoy sa tao ang mga nabanggit sa Pagpapakilala at

Kwento ni Sarah? (PAUSE)

39 BIZ: MUSIC FADE UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER FOR (clock) 

40 Kung ang sagot mo ay (PAUSE)….Sarah, Pedro, Maria, Gng. Santos, Buknoy,

Tommy at Aby

41 Mahusay kung ganun

42  BIZ: SFX CLAPPING HANDS/ APPLAUSE

43 ANAROSE: Ano-anong pangngalan na tumutukoy sa hayop ang mga nabanggit sa Pagpapakilala

at Kwento ni Sarah?

44 Kung ang sagot mo ay (PAUSE)…. Aso, pusa at ibon  

45 BIZ: MUSIC FADE UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER FOR (clock) !

46. Mahusay ka! (PAUSE)


CENTRALIAN FM RADIO
NOBYEMBRE 3, 2021
PAGE 5 OF 5

47 BIZ: SFX CLAPPING HANDS/ APPLAUSE

48. Ano-anong pangngalan na tumutukoy sa bagay ang mga nabanggit sa Pagpapakilala at

Kwento ni Sarah?

49 . Tama! (PAUSE) ….. pandesal, keso at costume ang sagot…

50 BIZ: SFX CLAPPING HANDS/ APPLAUSE

51 Ano-anong pangngalan na tumutukoy sa pangyayar ang mga nabanggit sa Pagpapakilala at

Kwento ni Sarah?

52 Magaling! (PAUSE)…. Fiesta ng Barangay ang tamang sagot..

53 BIZ: SFX CLAPPING HANDS/ APPLAUSE !

54 At dahil nasagot mo ng tama ang mga tanong….

55 BIZ: SFX CLAPPING HANDS/ APPLAUSE 

56. ANAROSE: Ikaw ay may Malinaw na Pandinig at Mahusay na Pang unawa.. (PAUSE)

57 Kaya nararapat lamang na bigyan mo ang iyong sarili ng sampung palakpak..

58 BIZ: MUSIC FADE UP FOR 5 SECS AND FADE UNDER FOR (clock)

59 Ang Pakikinig ng maayos at wastong pang unawa ay susi upang lubos mong

maintindihan ang mga aralin.

60 BIZ: SFX CLAPPING HANDS/ APPLAUSE

61 Mga bata mahalagang maunawaan mo kung paano ang wastong pag gamit ng

pangngalan sa pagbibigay ng pangngalan ng tao, hayop, bagay at pangyayari. Para Mapaunlad mo

ang iyong kakayahan sanayin ang sarili sa laging pagbabasa at pakikipag usap sa kapwa.

62 BIZ: SFX CLAPPING HANDS/ APPLAUSE


CENTRALIAN FM RADIO
NOBYEMBRE 3, 2021
PAGE 6 OF 5

63 ANAROSE: Binabati kita! Batid kong ginawa mo ang iyong magagawa upang masagutan

ang mga katanungan. Ating tandaan na ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay,

lugar, hayop, at pangyayari

64 ANAROSE: Ako ay nasisiyahan dahil nakasama ko kayo sa araw na ito. .

65 Sana ay palaging tatandaan ang inyong natutunan.

66 BIZ: SFX THUNDER

67 ANAROSE:. Muli maraming Salamat sa pakikinig!

You might also like