You are on page 1of 14

11

KOMUNIKASYON
AT PANANALIKSIK SA WIKA
AT KULTURANG PILIPINO
1
Kwarter II – Linggo 1
Mga Sitwasyong Pangwika
sa Pilipinas
(Radyo, Telebisyon, Blog at Social Media Post)

CONTEXTUALIZED LEARNING ACTIVITY SHEETS


SCHOOLS DIVISION OF PUERTO PRINCESA CITY
Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino - Baitang 11
Contextualized Learning Activity Sheets (CLAS)
Kwarter II – Linggo 1: Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas (Radyo, Telebisyon, Blog
at Social Media Post)
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng pamahalaan o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda
kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.) na ginamit sa CLAS na
ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban
sa CLAS na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito. Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot ng Kagawaran.

Inilathala ng Dibisyon ng Lungsod ng Puerto Princesa


Bumuo sa Pagsusulat ng Contextualized Learning Activity Sheets

Manunulat: Marichel V. Miraflores, Angie Lyka L. Galaroza


Pangnilalamang Patnugot: Enrile O. Abrigo Jr.
Editor: Angie Lyka L. Galaroza
Tagawasto: Enrile O. Abrigo Jr.
Tagasuri: Luis R. Mationg
Tagaguhit: Angie Lyka L. Galaroza
Tagalapat: Angie Lyka L. Galaroza
Tagapamahala: Servillano A. Arzaga, CESO V, SDS
Loida P. Adornado, PhD, ASDS
Cyril C. Serador, PhD, CID Chief
Ronald S. Brillantes, EPS-LRMS Manager
Luis R. Mationg, EPS-Filipino
Eva Joyce C. Presto, PDO II
Rhea Ann A. Navilla, Librarian II

Pandibisyong Tagasuri ng LR:


Ronald B. Brillantes
Mary Jane J. Parcon
Ronald N. Fragata
Joseph D. Aurello

Division of Puerto Princesa City-Learning Resource Management Section (LRMS)


Sta. Monica Heights, Brgy. Sta. Monica, Puerto Princesa City
Telephone No.: (048) 434 9438
Email Address: puertoprincesa@deped.gov.ph
Pangalan: Strand/Baitang at Seksyon:

Aralin 1
Mga Sitwasyong Pangwika sa Pilipinas
(Radyo, Telebisyon, Blog at Social Media Post)

MELC: Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa mga napakinggang pahayag mula
sa mga panayam at balita sa radyo at telebisyon (F11PN – IIa 88).
Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag mula sa mga
blog, blog, social media posts at iba pa (F11PB – IIa – 96).
Mga Layunin:
1. Naiisa-isa ang kahulugan ng mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas.
2. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa napakinggang pahayag sa radyo
at telebisyon.
3. Natutukoy ang iba’t ibang paggamit ng wika sa nabasang pahayag sa blog at social
media post.

Ating Alamin at Tuklasin


Ang Wikang Pambansa ay dumaan sa iba’t ibang yugto ng panahon: Panahon ng
katutubo, Panahon ng Espanyol, Panahon ng Rebolusyong Pilipino, Panahon ng
Amerikano, Panahon ng Hapon, Panahon ng Pagsasarili at Panahon ng Kasalukuyan.
Sa kasalukuyan, ang kinikilalang wikang pambansa ng
Pilipinas ay wikang Filipino ayon sa Saligang Batas 1987
Binhi artiukulo XIV seksyon 6.
ng
Kaalaman Ang Broadcasting (radyo at telebisyon), blog at
social media ay mga sitwasyong pangwika na
Ang DYPR ng
Palawan Broadcasting nagpapakilala ng mga tunay na sitwasyon ng buhay sa isang
Corporation, ang kauna- lipunan kasabay ang kulturang kaugnay nito. Ito ay bahagi
unahang istasyon ng na ng ating buhay sapagkat naimpluwensyahan nang
radyo sa Palawan.
Itinayo ito noong 1966 makabagong teknolohiya sa pagpapahayag ang iba’t ibang
ngunit nagsara na ito paggamit ng wika ng mga mamamayan.
noong 2010. Maliban sa
DYPR, ang DWMR-
Radyo Pilipinas ang
pinakamatandang
istasyon ng radyo sa
Palawan na operational.
Dati itong DWRM-Radyo
ng Bayan, Palawan,
isang government radio
station sa ilalim ng
pangangasiwa ng
Philippine Broadcasting
Service na itinayo noong
1991.
(Pinagkunan: Orlan C.
Jabagat, Tagalog News:
Pagdiriwang ng ‘World
Radio Day’ sa Palawan Ang mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas ay nagiging
gaganapin sa Pebrero, daluyan ng mga mahahalagang pangyayari sa lipunan tulad
February 7,2020, ng paggamit ng radyo, telebisyon, blog at social media na
https://pia.gov.ph/news/
articles/1034117) tatalakayin sa araling ito.

1
Ang Telebisyon. Ito ang nangunguna na pinagkukunan ng mga impormasyon at
pinakamaimpluwensiyang midya. Marami sa mga palabas sa telebisyon ay gumagamit ng
wikang Filipino tulad ng mga teleserye, mga pantanghaling programa, mga balita at iba pa.
May iilan ding programa sa telebisyon na gumagamit ng wikang banyaga lalo na sa
mayroong cable o satellite connection. Ilan sa mga kilalang programang pantelebisyon na
gumagamit ng wikang Filipino ay ang It’s Showtime, Kapuso Mo Jessica Soho, Raffy Tulfo in
Action, Cinemo at PBO.

Ang Radyo. Ito ang pangalawa sa pinagkukunan ng mga impormasyon mula sa


pinapakinggang AM at FM. Madalas marinig sa AM ang mga programang may kinalaman
sa pagbibigay ng impormasyon samantalang sa FM ay mga awitin at dulang panradyo.
Katulad ng telebisyon, wikang Filipino rin ang ginagamit na midyum sa pagpapahayag ng
mga impormasyon at balita.

Naglalarawan ng mga kasalukuyang pangyayari sa loob at labas ng bansa ang isang


balita. Anumang pangyayaring di-karaniwan ay balita. Tinatawag ding ulat ang balita.
Sinasabing ito ay mga pangyayari sa lipunan at sa mga taong nabibilang sa nasabing
lipunan. Hinihintay, inaalam at nagiging libangan.

(Pinagkunan: Magdalena O. Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino-


Batayang Aklat, Quezon City: Department of Education-Vibal Group, 2016, 145,153.)

Ang radyo at telebisyon ay isa sa mga paraan para malaman ng mga mamamayan ang
mga kasalukuyang pangyayari sa loob at labas ng bansa. Panoorin mo ang balita na
”SUBARAW FESTIVAL 2019” mula sa TV Patrol Palawan sa link na
https://www.youtube.com/watch?v=S-KOnxd8r-8&t=22s. Maaari mo rin basahin sa
kasunod na pahina ang iskrip ng video kung sakaling hindi mo mabuksan ang link.

Ang blog ay isang website na binubuo ng sariling karanasan ng manunulat o grupo,


mga obserbasyon, opinyon at kadalasang may mga imahe.

Ang social media ay interaksyon ng mga tao gamit ang teknolohiyang web at mobile
phone sa paglikha, pamamahagi, at/o pagpapalitan ng mga impormasyon at ideya sa mga
komunidad at indibidwal; halimbawa internet, Facebook, Wiki, Twitter, Youtube, at iba pa.

(Pinagkunan: Corazon L. Santos at Chuckberry J. Pascual, Filipino sa Piling-Larang: Sining at


Disenyo, Pasig City: Department of Education-Bureau of Learning Resources, 2016, viii,ix.)

Ang blog at social media ay isa sa mga paraan para maipabatid sa ibang tao ang iba’t
ibang impormasyon, ideya, saloobin at opinyon sa pamamagitan ng teknolohiya. Basahin
mo ang blog na pinamagatang “Pangko” sa kasunod na pahina para magkaroon ka ng ideya
kung ano ang nilalaman ng isang blog.

2
SUBARAW FESTIVAL 2019
TV Patrol Palawan

Boses ni Rex Ruta (Tagapagbalita):


“UNESCO World Heritage Site, Man and
Biosphere Reserve at isa sa New 7
Wonders of Nature, mga pagkilala para sa
Puerto Princesa Subterranian River
National Park o mas kilala bilang
Underground River. Kaya sa ikalawang
taon ng Subaraw Biodervisty Festival, mas
makulay at mas engrande ang
pagsisimula ng selebrasyon. May mga
pagpipilian ding mga agricultural products
at handicrafts na puwedeng bilihin sa
murang presyo. Yaman ng flora at fauna
ang tampok naman sa kanilang photo and
video exhibit. ”

Boses ni Beth Maclang (Park


Superintendent, PPSRNP):
“Sa ngayon, ‘yung mga activities natin ng
limang araw na’to ay punong-puno ng
pagmamahal sa kalikasan at saka doon sa
ating mga kababayan na nakatira dito at
gusto nating ipakita ‘yung sinasabi nga na
ang pagmamahal sa kalikasan ang kapalit
nito ay kabuhayan at saka karangyaan
dahil aalagaan natin ang World Heritage
site natin ”

(Pinagkunan:“Opisyal na Pagsisimula ng Subaraw Biodiversity Festival 2019”. TV Patrol


Palawan, November 5, 2019, https://www.youtube.com/
watch?v=S-KOnxd8r-8&t=22s.)

Pangko
Ang Pangko ay ang tradisyonal na sasakyang pandagat ng mga Cuyonon, isang
pangkat-etniko na nakatira sa Cuyo, Palawan. Hindi lang pangkultura ang halaga ng
pangko kundi pangkasaysayan din dahil ito ang nagdala sa Cuyonon sa Paragua, ang
pulo ng Palawan noong Panahon ng mga Espanyol.
Unti-unting naglaho sa lalawigan ng Palawan ang pangko sa paglipas ng mga
panahon. Wala na ito sa kaalaman ng kabataang Cuyunon.
Napag-alaman sa matatanda ng Sibaltan na ginagamit ang pangko sa palitan ng
kalakal sa pagitan ng Sibaltan at Cuyo noong 50’s hanggang 70’s. Iisa na lamang ang
karpinterong nakaalam sa paggawa ng pangko at siya ay 68 taong gulang na.
(Pinagkunan: Magdalena O. Jocson, Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at
Kulturang Pilipino, Quezon City: Department of Education-Vibal
Group, 2016, 150.)

3
Tayo’y Magsanay

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga tanong. Piliin ang sagot sa kahon na
Panuto:
nasa ibaba. Isulat ang titik na katumbas ng iyong sagot sa patlang bago ang bilang.

A. Radyo C. Blog E. Balita


B. Telebisyon D. Social Media

______ 1. Ito ay interaksyon ng mga tao gamit ang teknolohiyanng web at mobile phone
sa paglikha, pamamahagi, at/o pagpapalitan ng mga impormasyon at
ideya sa mga komunidad at indibidwal.
______ 2. Tinatawag din itong ulat na naglalarawan ng mga kasalukuyang pangyayari
sa loob at labas ng bansa.
______ 3. Pangalawa ito sa pinagkukunan ng impormasyon ng mga mamamayan na
mula sa pinapakinggang AM at FM.
______ 4. Isa itong website na binubuo ng sariling karanasan ng manunulat o grupo,
mga obserbasyon, opinyon, at kadalasang may mga imahe.
______ 5. Ito ang pinakamaimpluwensyang midya at ang nangunguna sa pinagkukunan
ng impormasyon ng mga mamamayan.

Panuto: Pagsunod-sunurin ang mga pahayag ayon sa pagkakalahad ng balita tungkol


sa Subaraw Biodiversity Festival 2019 at lagyan ng bilang 1 hanggang 5 samantalang
Ang Pangko, bilang 6 hanggang 10. Isulat sa patlang ang bilang bago ang titik.

Subaraw Biodiversity Festival


_______ A. May mga pagpipilian ding mga agricultural products at handicrafts na
puwedeng bilihin sa murang presyo.
_______ B. UNESCO World Heritage Site, Man and Biosphere Reserve at isa sa New 7
Wonders of Nature, mga pagkilala para sa Puerto Princesa Subterranian
River National Park o mas kilala bilang Underground River.
_______ C. Gusto nating ipakita ‘yung sinasabi nga na ang pagmamahal sa kalikasan ang
kapalit nito ay kabuhayan at saka karangyaan dahil aalagaan natin ang
World Heritage site natin.
_______ D. Yaman ng flora at fauna ang tampok naman sa kanilang photo and video
exhibit.
_______ E. Kaya sa ikalawang taon ng Subaraw Biodervisty Festival, mas makulay at mas
engrande ang pagsisimula ng selebrasyon.

4
Ang Pangko

_______ A. Hindi lang pangkultura ang halaga ng pangko kundi pangkasaysayan din
dahil ito ang nagdala sa Cuyonon sa Paragua, ang pulo ng Palawan noong
Panahon ng mga Espanyol.

_______ B. Napag-alaman sa matatanda ng Sibaltan na ginagamit ang pangko sa palitan


ng kalakal sa pagitan ng Sibaltan at Cuyo noong 50’s hanggang 70’s.

_______ C. Ang Pangko ay ang tradisyonal na sasakyang pandagat ng mga Cuyonon,


isang pangkat-etniko na nakatira sa Cuyo, Palawan.

_______ D. Iisa na lamang ang karpinterong nakaalam sa paggawa ng pangko at siya ay


68 taong gulang na.

_______ E. Unti-unting naglaho sa lalawigan ng Palawan ang pangko sa paglipas ng


mga panahon. Wala na ito sa kaalaman ng kabataang Cuyunon.

5
Ating Pagyamanin
Natutuhan mo na marahil kung ano ang sitwasyong pangwika natin sa radyo,
telebisyon, blog at social media posts. Ngayon, gawin mo ang sumusunod na gawain batay
sa mga ito.

Radyo at Telebisyon
Panuto: Makinig o manood ng balita sa radyo o telebisyon. Punan ng kaukulang
impormasyon ang talahanayan na nasa ibaba mula sa napakinggan o napanood na
balita. Pumili lamang ng isa.

RADYO
Istasyon:
Wikang Ginamit:
Pangalan ng Tagapagbalita:
Paksa:
Maikling Nilalaman ng Balita:

TELEBISYON
Istasyon:
Wikang Ginamit:
Pangalan ng Tagapagbalita:
Paksa:
Maikling Nilalaman ng Balita:

6
BLOG at SOCIAL MEDIA POSTS
Panuto: Basahin ang halimbawa ng blog at social media posts sa ibaba at punan ng
kaukulang impormasyon ang talahanayan na nasa ibaba nito.

BLOG

Bakit kailangan ang Maka-Filipinong BAYANIHAN?

Ang BAYANIHAN ay tatak Filipino na malawakang nauunawaan at nagpapatatag sa mga


lokal na komunidad sa buóng bansa. Pagbabantayog itó sa kahalagahan ng paggamit ng
Filipino at katutubong wika sa pagpapalaganap ng impormasyon sa panahon ng pag-iral
ng kuwarentena o quarantine upang bigyang-daan ang pagsibol ng BAYANIHAN. Maging
sa Cebu o buong Kabisayaan hanggang Mindanao ay malaganap na ginagamit ang
BAYANIHAN sa mga kampanya kontra COVID-19. Pagpupugay din itó sa mga frontliners
na itinuturing nating BAYANI sa panahon ng pandemya.

Binibigyang-pansin ng BAYANIHAN ang idea ng pagbibigay ng impormasyon na naaayon


sa wika ng pamayanan. Patunay dito ang isinagawang malawakang pagsasalin sa mga
katutubong wika sa bansa bílang paunang inisyatiba ng Kagawaran ng Kalusugan
kaugnay ng mga bagay na mahalagang mabatid ng publiko ukol sa COVID-19. Itó rin ang
itinatagubilin ng Senate Bill No. 1539 (Language Accessibility of Public Information on
Disasters Act) na isinusulong ni Sen. Manuel “Lito” M. Lapid upang higit na mapalakas
ang mga pagsisikap na pahalagahan ang Filipino at mga katutubong wika ng pamayanan
dahil madali at mabilis nitóng naitatawid ang mensahe ng pamahalaan tungo sa
komunidad.

Ang BAYANÍHAN ay para sa lahat, itó ang pagkakaisang lubhang kailangan upang
mapagtagumpayan ang pandemya sa pamamagitan ng pagdadamayan.

(Pinagkunan: “Bakit Kailangan ang Maka-Filipinong Bayanihan?”. Department of Foreign


Affairs, December 11, 2020, https://ankarape.dfa.gov.ph.)

Website:
May-ari ng Post:
Wikang Ginamit:
Pamagat ng Blog:
Paksa:

7
SOCIAL MEDIA POSTS

Wika at Edukasyon sa Panahon ng Pandemya


Kakaiba ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa taong ito dahil nakatuon ito
sa pagtataguyod ng wikang Filipino at mga katutubong wika sa Pilipinas bilang
pangunahing instrumento sa pagsugpo sa mapanganib na virus na COVID-19. Sa
halip na makukulay na banderitas, masisiglang awitan at sayawan, sabayang
pagbigkas, mga natatanging pagsulat at pagguhit, at iba pang katulad na masasaya
at nakasasabik na timpalak sa mga paaralan ay mas binigyang tuon sa taong ito
ang pagpapalakas ng paggamit ng wika sa pagpapabatid-publiko tungo sa
kaligtasang panlahat.

Kaugnay nito, magkatuwang ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) at ang


Kagawaran ng Edukasyon sa pagsasagawa ng mga birtwal na pagdiriwang bilang
pagtatanghal sa ambag ng wika sa panahon ng pandemya. Gayundin, patuloy ang
paglulunsad ng mga paaralan ng iba’t ibang pamamaraan upang pagpugayan ang
wikang Filipino at mga katutubong wika bilang mahalagang behikulo tungo sa
maka-Filipinong bayanihan kontra pandemya.
#BuwanNgWika #DepEdBW2020 #SulongEduKalidad #DepEdPhilippines #DepEdTayo

(Pinagkunan: “Wika at Edukasyon sa Panahon ng Pandemya”. Department of Education,


December 11, 2020, https://web.facebook.com/DepartmentOfEducation.PH.)

May-ari ng Post:
Petsa:
Wikang Ginamit:
Paksa:

Saloobin/Opinyon sa Post:

8
Ang Aking Natutuhan

Dudugtungan Ko

Hindi maitatangging malaki ang papel na ginagampanan sa lipunan ng

(1)___________________ at (2)__________________. Ito ay sitwasyong pangwika na

nagbibigay ng mga impormasyon ng mahahalagang pangyayari sa lipunan. Ang

paghahatid ng mga impormasyon sa mamamayan sa pamamagitan ng radyo at

telebisyon ay maituturing na (3)____________________.

Bukod dito, nagkaroon din ng malaking pagbabago sa kulturang Pilipino ang

pag-unlad ng teknolohiya sa buong mundo maging sa ating bansa tulad ng

paglaganap ng (4)__________________ at paglabas ng iba’t ibang

(5)_________________________________________. Ang tradisyonal na paraan ng

pagpapahayag ng mga personal na opinyon, mga gawain, at mga karanasan ay

nagkaroon ng pagbabago dahil dito.

Bunga nito, ang Broadcasting (radyo at telebisyon), (6)_________________ at

(7)_______________________ ay mga (8)______________________________ na

nagpapakilala ng mga tunay na sitwasyon ng buhay ng isang lipunan kasabay ang

kulturang kaugnay nito. Ito ay bahagi na ng ating buhay sapagkat

naimpluwensyahan na ng makabagong (9)__________________ ang iba’t ibang

paggamit ng (10)___________________ ng mga mamamayan sa pagpapahayag.

9
Ating Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat pahayag. Isulat sa patlang ang titik na katumbas
ng iyong napiling sagot. Ang mga pagpipilian ay nasa loob ng kasunod na kahon.

A- Kung TAMA ang dalawang pahayag.


B- Kung MALI ang dalawang pahayag.
C- Kung TAMA ang una at MALI ang ikalawang pahayag.
D- Kung MALI ang una at TAMA ang ikalawang pahayag.

_____ 1. -Ang blog at social media ay isa sa mga paraan para maipabatid sa ibang tao ang
iba’t ibang impormasyon, ideya, saloobin at opinyon sa pamamagitan ng teknolohiya.
-Ang radyo at telebisyon ay isa sa mga paraan para malaman ng mga mamamayan
ang mga kasalukuyang pangyayari sa loob at labas ng bansa.

_____ 2. -Ang mga sitwasyong pangwika sa Pilipinas ay nagiging daluyan ng mga


mahahalagang pangyayari sa lipunan.
-Ang balita ay binubuo ng sariling karanasan ng manunulat o grupo, mga
obserbasyon, opinyon, at kadalasang may mga imahe.

_____ 3. – Ang DWRM ang kauna-unahang istasyon ng radyo sa Palawan na itinayo noong
1966.
- Ang DYPR ay isang government radio station sa ilalim ng pangangasiwa ng
Philippine Broadcasting Service na itinayo noong 1991.

_____ 4. -Marami sa mga palabas sa telebisyon ay gumagamit ng wikang Filipino.


-Wikang Filipino ang ginagamit na midyum sa pagpapahayag ng mga impormasyon
at balita sa radyo.

_____ 5. - Anumang pangyayaring pangkaraniwan ay tinatawag na balita.


-Ang balita ay mga pangyayari sa lipunan at sa mga taong nabibilang sa nasabing
lipunan.

Panuto: Hanapin sa Hanay B ang tinutukoy ng mga pangungusap sa Hanay A. Isulat ang
titik ng iyong napiling sagot sa patlang bago ang bilang.

A B
_____ 6. Nagiging daluyan ito ng mga mahahalagang A. Radyo
pangyayari sa lipunan.
_____ 7. Dahil dito, ang mga tao ay nagkakaroon ng B. Sitwasyong Pangwika
interaksyon gamit ang teknolohiyang web
at mobile phone. C. Blog
_____ 8. Ito ay paghahatid ng mga impormasyon
sa mamamayan sa pamamagitan ng radyo D. Telebisyon
at telebisyon.
_____ 9. AM at FM ang pinagkukunan ng mga mamamayan E. Social Media
ng impormasyon sa pakikinig sa dito.
_____ 10. Ito ang maituturing na pinakamaimpluwensyang F. Broadcast Media
midya sa kasalukuyan.

10
Sanggunian
Aklat
Jocson, Magdalena O. Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Pilipino. Quezon
City: Department of Education-Vibal Group, Inc., 2016.

Website
Jabagat, Orlan C., Tagalog News: Pagdiriwang ng ‘World Radio Day’ sa Palawan gaganapin
sa Pebrero, February 7, 2020, https://pia.gov.ph/news/articles/1034117.

“Opisyal na Pagsisimula ng Subaraw Biodiversity Festival 2019”. TV Patrol Palawan,


November 5, 2019, https://www.youtube.com/watch?v=S-KOnxd8r-8&t=22s.

Department of Education. ““Wika at Edukasyon sa Panahon ng Pandemya.” December 11,


2020. https://web.facebook.com/DepartmentOfEducation.PH.

Department of Foreign Affairs. “Bakit Kailangan ang Maka-Filipinong Bayanihan?.”


December 11, 2020. https://ankarape.dfa.gov.ph.

11
FEEDBACK SLIP

A. PARA SA MAG-AARAL
Maraming salamat sa paggamit ng CLAS na ito. Hangarin nito
ang iyong lubusang pagkatuto sa tulong ng iyong kapamilya. OPO HINDI
1. Kontento at masaya ka bang natuto gamit ang CLAS na ito?

2. Nasunod at nagawa mo ba ang mga proseso at pamamaraang


nakasaad para sa iba’t ibang gawain para sa iyong pagkatuto?

3. Ikaw ba ay ginabayan o sinamahan ng sinuman sa iyong


kapamilya para sa pag-aaral gamit ang CLAS na ito?

4. Mayroon bang bahagi sa CLAS na ito na ikaw ay nahirapan


(kung Opo, ano ito at bakit?)

B. PARA SA MAGULANG O TAGAPATNUBAY


Suhestiyon o Rekomendasyon para sa mas maayos na serbisyo
at pagkatuto ng inyong anak gamit ang CLAS na ito?

Mayroon (Pakisulat sa nakalaang guhit)

Wala

Numero ng Telepono : __________________________________

PANGALAN NG MAG-AARAL:

Lagda ng Magulang o Tagapatnubay:

Petsa ng Pagtanggap ng CLAS:

Petsa ng Pagbalik ng CLAS:

Lagda ng Guro:

12

You might also like